Miyerkules, Hulyo 31, 2013

07. July 2013 Journal (Day 182-212)

July 01, 2013
Monday

Year I-182

 2F-T. Ang takbo talaga ng panahon ay sadyang napakatulin at sa totoo lang kapag sumapit ang buwan ng Hulyo, nangangahulugang nangangahalati na tayo sa taon at malapit nanaman sumapit ang panahon ng kapaskuhan. Sa buwan ring ito ipinagdiriwang ang buwan ng nutrisyon. Dahil first day of July ay mukhang ginaganahan akong pumasok. Kasabay ko muli si Regine (Cebrero) sa pagpasok at naging napakaaliwalas ng panahon. Habang nasa tricycle kaming dalawa ay biglang nabasag ang salamin sa aming harapan, ipinagpapasalamat at hindi yari sa stain glass kaya di ako nasugatan kahit natamaan. Ang bilis kasi magpatakbo ng tsuper at alam na nga niyang may isang nauunang tricycle ang maaring mabangga, bakit di agad nagpreno. Pagdating namin sa eskwela ay madami ng estudyante ang pumipila papasok. Flag ceremony na at pansamantalang tumigil habang inaawit ang Lupang Hinirang.

 2F-U. Matapos ang flag ceremony ay saka pa lamang kami pumasok sa kanya-kanyang silid. Kaagad na pumasok si Ma'am Fabiana at nag-discuss, matapos mag-discuss ay nag-ulat sila Cynt at Huelar pero puro tawanan lamang at kakikitaang hindi siniseryoso ang pag-uulat, laking nganga ng bibig ng tanungin ni Ma'am na may kaugnayan sa kanilang pag-uulat. Sa oras naman ng TLE, nagbunyi ng husto ang buong section Apacible ng sabihin ni Sir na di tuloy ang recitation at nag-discuss lamang ito. Sa oras ng MAPEH ay nag-ulat rin ang aking kamag-aral na sila Charlotte at Mandy. Nang si Mandy na ay kinailangan pa namin humarap sa likod dahil gumamit ito ng Projector sa pag-uulat. Bago pa man umalis si Ma'am Mina ay inanunsyo niya na magkakaroon kami ng presentation sa Miyerkules at iyon ay rap. Another pagbubunyi nanaman sa oras ng Filipino ng sabihin ni Sir Velarde na hindi tuloy ang long test at bukas pa daw.

 2F-V. Matapos niyang mag-discuss ay recess na pala, dahil may dalang baon ay hindi na ko pumayag sa pagyaya nila Jobil na bumili sa canteen, mahirap na at baka mapagalitan ni Ma'am Miranda kapag nahuli sa klase subalit si Ma'am Templanza pa rin ang guro namin sa English, mabuting si Ma'am Templanza, atlis hinayaan niya muna kaming ubusin ang snacks bago magturo at maunawain pa. Nakalapel na si Ma'am ng mag-discuss subalit di naman marinig sa malakas na ingay ng nagtatambol mula labas, marahil ay may parade. Sa oras naman ng Math, inanunsyo ni Mandy sa amin na hindi na maaring mag-recite ang mga lalaki o tumayo. Grabe ang parusa ni Sir at damay-damay talaga. Medyo excitement sana ang oras ng Math dahil marami pang mga games ang maari namin gawin subali hindi na maari, marahil ay may kinalaman ang nakawan noong huling Linggo kaya nag-iba na ang trato ni Sir Harren sa mga lalaki, very boring na tuloy.

 2F-W. Sa oras naman ng Physics ay nagtsek lamang kami ng papel ng long test at medyo kinakabahan sapagkat hindi ko alam kung magkano ang markang makukuha ko, napalitan ng saya ang kaninang kabado sapagkat isa ako sa anim lang na nakapasa. Puring-puri kami ni Sir Martin at hirap akong makakatitig ng diretso sa kanya sapagkat kakasilaw ang kakisigan niya. Nakakainis naman pagkauwi ko sapagkat nawawala ang aklat ng El Filibusterismo ko, saanman hanapin pero di pa rin masumpungan at sobrang stress na ko. Sa tindi ng antok ay nag-siyesta ako. Kakaurat ang napakainit na panahon at sa katakawang matulog ay Alas-kwatro na dumilat ang mata. Ka-boring sa bahay pagkat bawal kang maglakwatsa kaya nagkumpyuter na lang ako at tamang chitchat sa mga friends.

 2F-X. Matapos magkumpyuter ay gumawa ako ng assignment sa Physics, seryoso ako sa subject na iyon di dahil nagkakagusto ako kay Sir Martin kundi gusto kong makapasa, kailangan ipasa ang Physics dahil major subject ito at malaking yunit ang mawawala kapag bumagsak. Kinagabihan at sa halip na magbabad ang mata sa telebisyon ay nagsimula na akong mag-ensayo sa pagra-rap. Hilig kong kumanta pero wala sa kakayahan ko ang mag-rap subalit grado ko ang nakakasasalay kaya susubukan ko. Isa pa ay inuubo pa ko at natatakot na mamaos sa mismong araw ng pagra-rap. Nawa’y maykapal na ang bahala sa ginintuang tinig ko.


July 02, 2013
Tuesday

Year I-183

 2F-Y. Hindi pa man lubusang napaparam ang antok na bumabalot sa aking katauhan ay pilit ng idinidilat ang mata, gayon talaga kapag pang-umaga ka at kailangan pairalin ang pagiging masipag at dapat na kong masanay, tatlong taon ba naman akong nasa panghapon at ngayon lamang naging pang-umaga. Mapalad pa rin ang panghapon dahil masigla na silang nakakapasok at natutugunan ng husto ang oras sa pagtulog depende kung palatulog ka. Kahit nasa paaralan na ay dama pa rin ang antok at habang wala pang teacher ay todo sampal sa mukha ng tuluyang magising. Nawala naman ang antok ko ng mag-discuss si Sir Arnulfo at marami akong nakalap na kaalaman ukol sa Ekonomiks, yung sa tabi ay panay tsikahan na parang di alintana na may Teacher sa harapan. Gusto ko silang pagsabihan pero naisip kong di naman sila masasabihan, bahala sila at sila-sila rin ang mahihirapan sa huli.

 2F-Z. Sa oras naman ng TLE at dahil month of TLE ay inanunsyo sa amin ni Sir Balbin ang lahat ng aktibidad na maari naming salihan, todo anyaya sila Jenny mae sa akin pero hindi ko hilig ang sumali sa mga ganyan unless kung magaling ako diyan. Maya-maya’y nagtungo kaming lahat sa computer laboratory at isa-isang kinuhaan ni Sir Balbin ng litrato. Nang makabalik ay nadatnan namin si Ma'am Mina sa may pisara. Nagpatuloy ang pag-uulat kung sino ang naatasan at nag-discuss, panibagong kaalaman nanaman ang naipasok sa utak ko. Sa oras ng Filipino ay tuloy ang long test, buti na lang at hindi ko pa nakakalimutan ang tinalakay ni Sir Velarde kaya kahit di nakapagrepaso ay nasagutan ko pa rin ng tama, ang iba kong kamag-aral ay nangangamote na at hala sa pangongopya. Hindi na talaga nila maiwasang mangopya sa katabi tuwing may pagsusulit.

2G-A. Sa oras ng English ay si Ma'am Templanza pa rin ang guro namin, sana nga ay siya ulit sapagkat kahit nagdi-discuss ay nagagawa pa rin niyang makipag-communicate sa amin at palakwento siya although slang ang accent nito pagsasalita ng English ay naiintindihan pa rin naman. Sa oras ng Math, pinaka-boring na subject ay wala kaming ginawa kundi mag-solve at ng ako ang sumagot ng equation na mukhang hindi sigurado kung paano i-solve sa pisara, laking tuwa ko ng tumumpak ang sagot at palakpakan na may kasamang hiyawan ang ipinakita sa akin ng mga kamag-aral. Sa oras ng Physics, nag-discuss lamang si Sir Pogi, lahat ng atensyon ay nakatutok sa kanyang kakisigan at mahusay rin siyang magturo. Iba na ang nakikita kong kapogihan kay sir kapag nakangiti kaya naman kilig na kilig ang mga kaklase kong babae sa kanya lalong-lalo na si Mandy na mukhang patay na patay na.

2G-B. Habang mag-isang naglalakad pauwi ay may biglang tumawag sa akin, grupo pala iyon nila Mothy at kasama si Jessa. Didiretso sana ako sa terminal ng tricycle subalit naudlot ng kulitin ni Jessa na sumama sa kanila sa praktis ngrap. Pumayag naman ako pero ng pagdating at makitang puro text text at kwentuhan na walang kakwenkwenta, umuwi na lamang ako at isa pa hirap akong pakisamahan ang bagong kaibigan ni Jessa. Ayos lang na mag-isa mag-perform atlis naipapakita kong kaya ko. Pagdating sa bahay ay sinimulan ko ng mag-ensayo, nakaligtaan ng kumain dahil sa kakaensayo. Kahit nabubulol sa mabilis na pagbigkas ay pilit ko pa rin itinuwid. Matapos mag-ensayo ay nagtungo ako kila Regine (Miano) upang manghiram ng sumbrero at kwintas na gagawing costume sa performance.

2G-C. Saktong andun si Berna kaya sa kanya na nakahiram, sa tagal kong di nakakagawi sa kanila ay sobrang na-miss nila ako subalit di ako gaanong nagtagal. Nang makahiram ay ipinagpatuloy ko ang pagprapraktis, maya-maya'y paggawa ng project sa AP ang sunod kong napagkaabalahan at lumagom na ang kadiliman ng matapos ko iyon. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla akong inubo ng sunod sunod, marahil ay hinihika nanaman ako. Naging masikip ang paghinga at pakiramdam ko ay parang maraming plemang bumabalot sa aking baga, sa tindi ng atake ng hika ay hindi na ko nakapagpraktis pa at natulog na lamang. Hindi ko sinabi kay Mama ang kalagayan ko sapagkat gastos nanaman pambili ng gamot at baka madakdakan pa.


July 03, 2013
Wednesday

Year I-184

2G-D. Maginhawa na ang aking pakiramdam kaya di na ko papaos-paos kung magsalita subalit dinig ko ang halakhak ng dibdib at sana di ako hingalin mamaya kapag nag-rap. Bago pa man magtungo sa eskwela ay inihanda ko na ang lahat ng kakailanganing costume na aakma bilang rapper at nagsanay pa ako ng nagsanay. Maliwanag na ng makaalis ng bahay at hindi nagpakita ang haring araw, nagbabadya pa ngang umulan. Mamaya na ang performance namin para sa rap kaya puspusang ensayo na ang ginawa ng aking kamag-aral habang wala pang guro, palakas ng palakas ang kaba sa dibdib habang papalapit ang oras sa MAPEH. Sa oras ng AP ay nag-discuss si Sir Arnulfo at matapos iyan ay nagkaroon kami ng seatwork. Dahil limitado lamang ang ibinigay na oras, sobrang na-pressure ako sa paghahanap ng sagot.

2G-E. Sa oras ng TLE ay nag-longtest kami, nakikinig ako sa lahat ng tinuturo ni sir subalit parang walang pumapasok o naalala man lang upang makasagot, sa awa ng Diyos ay hindi naman kababaan ang nakuha ko. Napakadilim sa labas na animoy gabi at habang wala pa si Ma'am Mina ay nagbihis na kami ng costume. Iba’t ibang costume ng aking kamag-aral ang nakita ko na pang-rap at karamihan sa amin ay nagmukhang mga gangster. Sa katunayan masasabing mas magaling ang mga lalaki sa pagdating sa rap pero mas malinaw kung mag-rap ang mga babae sapagkat hindi nila dinadaan sa bilis kundi sa angas. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang performance. Karamihan sa nag-perform ay may Ka-partner at lalaki ang taga-rap samantalang featuring ang mga babae.

2G-F. Nang ako na ang sumalang ay kaba sa dibdib ang naramdaman ko, iniisip na mahihigitan pa ba kung ano ang ipinakitang performance ng nauna. Kahit medyo nahuhuli at napipiyok ay ipinagpatuloy ko pa rin, wala akong pakialam kung ano ang sasabihin nila basta may grade kaso pakiramdam ko ay napahiya ako sapagkat hindi ako hinayaan ni Ma'am na matapos, iniisip kong hindi satisfied si Ma'am o dili kaya baka out of time na pero nag-aalala na pala sa akin. Hinihingal raw kasi ako at tinanong kung kaya ko pa raw, sa puntong iyon maalalahanin si Ma'am sa kung ano ang aking kondisyon at kaya ako pinatigil. Sa halip na magtampo ay nagpasalamat pa ko sa kanya dahil sa Concern. Sa oras naman ng Filipino ay nagtsek kami ng long test, natutuwa ako sapagkat kahit hindi nakapagrepaso ay nakakuha pa rin ng mataas. Sa oras ng recess ay saka pa lamang kami nagpalit ng costume, sa lakas ng ulan ay kinailangan pang magpayong patungo sa kabilang gusali. Sa oras ng English ay si Ma'am Templanza pa rin ang aming guro, iniisip ng iilan kong kaklase kung siya na muli ang guro namin pero baka next week daw ay babalik na si Ma'am Miranda.

2G-G. Sa oras ng Math, puring-puri kami at hiya naman kami sa kanya ng sabihin ni si Sir Harren na ang babaho raw namin at di daw naligo, excuse me, naligo kami at nagpabango pa nga, sa puntong iyon wala siyang karapatan mamintas sapagkat below the belt iyon bilang teacher, isa pa ay diinan at harapan pang sinabi. Sa oras ng Physics ay nag-discusslamang si Sir Martin. Buti pa si Sir Martin na kahit minsan ay masungit, hindi niya nagawang pagsabihan kami ng katulad kay Sir Harren at very close pa sa amin. Kapag nagtuturo siya ay talagan nakatutok kami at walang sinuman ang nakikipagdaldalan sa katabi. Pagkauwi ay yamot ang naramdaman ko dahil sa sinabi ni Sir Harren sa amin, mababaw man pero dapat hindi niya iyon sinabi at isa pa ay siya pa mismo ang nang-bully. Matapos kumain ay natulog ako, mga Alas-kwatro na ako gumising at isinauli na ang kwintas at sumbrero na hiniram kay Berna. Nakaraos rin sa pinakaaayawan kong uri ng kanta at iyon ay mag-rap. Kinagabihan, dahil sa pananakit ng ngipin ko ay hindi ako ako makatulog ng mahimbing.


July 04, 2013
Thursday

Year I-185

2G-H. Kinaulang ako sa oras ng pagtulog dahil sa napakasakit na ngipin na iniinda. Medyo bumabagsak pa ang mata sa tindi ng antok pero nilabanan ko iyon. Kahit nakakaramdam ng pagkirot ng ngipin ay nagawa ko pa rin pumasok. Pagdating sa terminal ay maraming pasahero na karamihan ay estudyante ang nag-aabang ng masasakyan. Sa tuwing dumarating ang tricycle ay paunahan kami sa pagsakay, hindi ako pinalad makasakay ng una pero nakatiyempo sa pangalawa. Pagdating sa eskwela ay wala pa si Sir Arnulfo, inutil na Jenny Mae na yan sapagkat sinadya niyang di pumasok para lang di maisuli ang panyo. Manghihiram na nga lang ay siya pa ang swapang. Makalipas ang ilang ulit na pagpapalit ng minuto, dumating na si Sir Arnulfo.

2G-I. Ipinagpatuloy namin sagutan ang gawaing upuan subalit tatlong minuto lamang ang ibinigay, sobrang na-pressure nanaman ako at hinula-hulaan na lamang. Ng tsekan ay di katayugan ang nakuha ko, ayos lang at babawi na lang sa susunod. Bago pa man umalis si Sir ay inanunsyo niya na magkakaroon kami ng long test bukas, kahit paano'y may tiyansang makabawi bukas. Sa oras ng TLE ay may poster making kami, dahil sa kakulangan ng materials ay kinailangan pa namin bumili. Ng makabili ay saka pa lamang ako nagsimula subalit hirap akong gumuhit ng mga gulay at prutas ng walang gayaan. Buti na lamang atassignment na iyon kaya may tiyansang mapaganda ko pa.

 2G-J. Habang wala pa si Ma'am Mina ay puspusang pagrerepaso ang ginawa namin sa takot na bumagsak subalit hindi tuloy ang long test at sinabing sa Tuesday pa, lagi na lang nabibiyan ng tyansang mag-aral kapag long test. Sa oras ng Physics, sa halip na magturo ay komopya lamang kami sa harapan ng pisara ng lecture, bawal kasing magsulat kapag nagtuturo si Sir Martin. Ang iingay ng aking mga kamag-aral lalo na sila Cynt na kala mo'y palalo kung magpatugtug sa telepono, naririndi na ko kaya lumipat ng ibang upuan. Sa dami ng dapat kopyahin ay hindi ko na natapos pa ang pagsusulat. Humiram na lamang ako ng kwaderno sa aking kamag-aral at sinamantala ang oras ng recess sa pagkopya.

2G-K Itinigil ko ang pagkopya ng English na at hindi na ko nakakain pa. Biglaan kaming nagkaroon ng group Performance na kahit hindi nakapag-ensayo ay nagawa pa rin namin ng mahusay. Sa oras ng Math, andiyan nanaman si sir na mahilig manlait at manghusga, di pa nakuntento at inulit pa ang sinabi, sa totoo lamang ay siyang tanging guro ang nagsasabi sa amin iyan at alam ko na bwisit na ang aking kaklase kahit nakangiti lang. Naging plastik na rin ako, mahirap na at baka mangbagsak atsumpain ko yang hambog na iyan kapag ibinagsak ako. Sa oras muli ng Physics ay nag-discuss si Sir Martin, matapos magturo ay nagkaroon kami ng activity.

2G-L. Matapos tsekan ay napalitan ng saya ang kaninang banas na banas sapagkat pasado ako. Sa halip na dumeretso sa tahanan ay nagtungo pa ko kila Jenny Mae upang bawiin ang panyo. Kaya pala di nakapasok sapagkat may sakit ito, talagang di pinamalasakitan ang panyo at hinayaang matambak sa labahan, dahil di pa nalalabhan ay napagkasunduang namin na isauli ito bukas. Sunod ay tumungo ako kila Jessa, doon na rin ako nananghalian sa kanila. Nagpakilala ako sa nanay at ate ni Jessa at masarap silang kakwentuhan kaso lamang ang Jessa masyadong paepal at pinapatigil ako kapag nagkwekwento tungkol sa pinaggagawa niya. Hindi na ako nagtagal pa at umuwi na. Sumakay ako subalit pagdating sa Batasan ay naglakad na lamang ako hanggang makarating sa bahay. Alas-dos na pala at tagaktak ng husto ang pawis ko. Dahil may poster na kailangang ipasa ay bumili ako ng bagong oslo paper at sinimulan ang pagguhit, masakit ang ngipin ko subalit hindi ko iyon ininda. Sa sobrang abala sa pagguhit at paglalagay ng desenyo upang maging kaaya-ayang tingnan, inabot na ko ng gabi, magrerepaso pa sana sa AP subalit dala ng matinding antok ay nakatulog na ko.


July 05, 2013
Friday

Year I-186

2G-M. Nagising ako dahil sa malakas na buhos ng ulan kinamadaling araw, Alas-dos pa lang pagtingin sa telepono kaya natulog muna ako. Alas-tres y medya na ng muling magising at todo pagmamadali ako sa pagluluto ng makakain, tumila naman ang ulan dahilan kung bakit tuloy pa rin ang klase. Bahagyang umambon pagtungo ng eskwela at nakasuot lamang ng PE uniform. Pagdating sa eskwelahan ay kakaunting kamag-aral ang aking nadatnan at mukhang maraming hindi papasok. Hindi gasinong kaingay ang silid-aralan kapag kakaunti ang estudyante o lalo na kung wala ang katropa ni Cynt, kabawisit kasing hindurukot na yun at ako ang madalas pagtripan kapag wala silang magawa. Hindi pa dumadating si Sir Arnulfo kaya nagrepaso muna ako ng sa gayo'y mataas ang makuha.

2G-N. Maya-maya’y dumating na si Sir Arnulfo at nag-umpisa na ang mahabang pagsusulit. Naging mahirap sa akin ang long test dahilan kung bakit hindi kataasan ang nakuha ko. Hindi ako insecure kay Leonardo pero base sa aking obserbasyon ay lagi siya ang highest pagdating ng mga pagsusulit, mukhang malabong ako ang manguna sa klase sapagkat mas nakakaangat siya at gwapo pa. Tatahimik tahimik pero matinik pagdating ng exam at quizzes. Sa oras naman ng Values ay nadismaya ang lahat ng nagbayad maski ako sapagkat hindi raw tuloy ang theatre play bukas at ibabalik na raw ang pera. Naiintindihan ko kung hindi matutuloy ang play at walang magagawa kundi tanggapin ang desisyon.

2G-O. Sa oras ng MAPEH, sa halip na magkaroon ng aktibidad para sa PEay nanatili lamang kami sa classroom sapagkat umuulan. Hindi naman makapag-lesson si Ma'am kaya idinaan na lamang sa pakikipagdebate sa pagitan ng boys and girls ang buong oras at ang pinag-aawayan kung sino ang mapagmahal, lalaki o babae? Anu ba yang pinag-aawayan nila at tungkol kay Girlfriend at Boyfriend, tuloy ay hindi ako maka-relate sa sinasabi nila. Para sa akin, naranasan kong magmahal at iyon ay sa mga magulang ko at kapatid subalit ang makaranas ng pagmamahal sa isang taong walang kaugnayan sa'yo, never pa. Alam kong masarap magmahal pero may time na maaring masaktan. Maya-maya ang naglalagablab na debatehan ay nauwi sa masinsinang kwentuhan.
2G-P. Ilang sandali pa ay Filipino na at nagkaroon kami ng bagong pagpapangkat sa pamamagitan ng pagbibilang, matapos ang pagpapangkat ay sa grupo nila Mary Joy ako napabilang, dahil magkakaroon kami ng pangkatang pag-uulat sa susunod na Linggo, ang buong oras na para sana sa pagtuturo ay nailaan sa pag-uusap. Ng sumunod na oras ay breaktime na at sa halip na lumabas ay nanatili lamang ako sa silid at kumopya ng lecture. Sa oras ng English ay nagkaroon kami nglong test, sa kagustuhang makakuha ng mataas ay buong tiyaga kong initindi ang tanong bago sumagot hanggang sa magtseking. Tumaba ang puso ko dahil kahit paano ay naipasa ko ang exam. Sa oras ng Math ay may bagong lesson na itinuro sa amin ni Sir Harren. Sa kanyang lesson ay halos mawasak ang utak sa kakaintindi at kahit anong pilit intindihin ay nalilito pa rin, sumakit tuloy ulo namin. Magaling ako sa Math pero ngayon lang ako naka-encounter ng ganong kahirap na lesson.

2G-Q. Windang ako dun grabe at ng Physics na, todo paghahanda na may konting pananabik ang aking kamag-aral na babae sapagkat makikita nanaman nila ang kanilang pinapantasyang si Ser Chief ng buhay nila. Nang dumating ay to the highest levelkung makatili na kala mo'y kinikiliti sa sobrang kilig at todo kinig kami kay SirMartin. Hala at di pa makuntento ng tanunging kung saan nakatira o kung may asawa na raw, tuloy mukhang mga ignorante sila sa buhay ni Sir at sarap batukan sapagkat ang lalandi. Sakit ng ngipin ang nadama ko pagkauwi na halos mamilipit kaya minabuting bumili ng Mefenamic acid. Nawala naman ang sakit ng makapagpahinga subalit nanumbalik ang sakit kinagabihan. Tiis sakit tuloy ako at hindi makakain ng tsokolateng pinamili ng ate na sarap na sarap sa pagnguya. Dahil Sabado kinabukasan ay nagkumpyuter ako at siya at dakong Alas-onse na natulog.


July 06, 2013
Saturday

Year I-187

2G-R. Kahit araw ng Sabado ay nagising pa rin ang katawang lupa ng maaga subalit sa sobrang kabitinan ng tuloy ay umidlip pa ako. Nanaginip ako at sa sobrang ganda ng napaginipan ay napatagal ang tulog ko. Hindi na gasinong kasakit ang ngipin kaya malaya ng makakain ng matamis na dala ng ate na nanggaling sa Quezon. Matamistamis na buko pie at Kalamay ang naging agahan na sobrang kinaumay ng sikmura. Matapos lumamon ng pagkadami-dami ay naupo ako upang matunawan. Walang mga takdang aralin kaya gawaing tahanan ang inatupag ko. Sa sobrang abala sa gawaing bahay ay napagod ako subalit ako'y nagagalak sapagkat malinis na ang bahay.

2G-S. Nagpahinga saglit at ng makalikom ng konting lakas ay paghuhugas ng tambak na plato ang sunod kong inatupag, hugas-hugas rin kapag may time. May balak pa sanang tulungan ang Mama sa paglalaba subalit tumanggi ito at sinabing kaya na raw. Alas-dyis na ng umaga at malapit ng mananghalian subalit hindi pa tapos ang mama sa paglalaba kaya naisipan kong magsaing na. May natirang bahaw at kung titingnan ay marami pa kaya hindi na ako nagdagdag ng bigas, kahit hindi alam ang gagawin ay patuloy ako sa pag-try, malay ko madiskubre at sa sobrang abala ni Mama sa pakikipagkwentuhan kay Auntie Andrea ay hindi ko na siya natanong pa. Ng maluto ang sinaing sa rice cooker at dahil walang maisipang ibang gagawin ay naglaro ako ng games sa computer pampalipas oras at para malibang naman ako.

2G-T. Sa sobrang kaadikan sa paglalaro nakaligtaang oras na ng tanghalian. Mga Alas-dose ko na naisipang patayin ang computer at kumain na ng tanghalian. Sa dami ng kinain ay sobrang nabusog ako at ng makaramdam ng antok ay di na paligoy-ligoy pang natulog. Hindi naging maganda ang gising ko sapagkat muling kumikirot ang ngipin ko, uminom ako ng Mefanamic. Hindi pa nagkakabisa ang gamot kaya tiis-tiis ako sa sakit at dahil walang magawa ay nagkumpyuter muli ako. Matapos magkumpyuter ay nanood ako ng telebisyon, sa sobrang kawilihan sa panonod ay napawi ang pananakit ng ngipin ko at marahil ay umeepekto na ang gamot. Bago mahiga sa napakalambot na foam upang matulog ay nagsipilyo muna. Mahirap na at baka madamay pa ang katabing ngipin ng nabubulok na ngipin. Sayang at isa pa naman sa Personal asset ko ang ngipin subalit maari nang mangupas dahil sa patuloy na pagkabulok nito at hindi ako makakapayag na mangyari iyon.


July 07, 2013
Sunday

Year I-188

2G-U. Bandang Alas-sais ng magising ako mula sa Dreamland at dahil hinihikab pa sa kaantukan ay hindi pa ako bumangon at pinalawig pa ang pagtulog. Sa katakawang matulog ay Alas-siete na ako muling nagising at naupo sa mesa. Ang Hamon na isinalang sa hurno ng Mama ang naging agahan ko at sa kasarapan ay halos di na ako maawat sa paglamon, tuloy ay naparami ng kain. Nabusog ako kaya naupo ako saglit upang matunawan at ng makaramdam ng paggaan ng sikmura ay saka pa lamang ako kumilos para gampanan ang gawaing bahay. kahit maraming ginagawa ay masaya pa rin ako sapagkat mas maigi pa ang may ginagawa kaysa wala na halos ikabato mo na. Isa pa ay pakiramdam mo'y wala kang pakinabang kapag naka-relax ka lamang.

2G-V. Mula harap hanggang likod ng sala ay siniguradong malinis upang maging kasiyasiya kay Mudra at ng matapos ang gawaing bahay ay saka pa lamang ako Nag-relax, mas masarap mag-relax kapag malinis ang bahay at tapos na ang gawain. Maya-maya’y nagkumpyuter muli ako at naadik nanaman sa paglalaro ng games. Nang magsawa ay si Mama naman ang pinagamit ko. Tila di tumatanda pagkat panay post ng kanyang larawan sa Facebook with caption pa. Tanghali nanaman kaya lalamon muli ng pagkarami-rami at pagkatapos ay siyempre matutulog, ganon ang gawain ko kapag walang pasok na naituring ko ng kaugalian. Inaantok ako sa tuwing sasapit ang hapon at kahit anong pagpipigil ay napapapikit pa rin.

2G-W. Buti na lamang at magaganda ang napapaginipan ko kaya paggising ay nalawayan na pala ang unan. Alas-tres na ako nagising at sa haba ng buhok ko abot hanggang balikat ay nagpagupit na ko, baka kasi maging otso kapag sapilitang magupitan sa eskwela. Habang nasa barber shop ay namalik mata ako at in fairness nag-expand ang barber shop ni Mang Usman at animo’y Parlor sa sobrang ayos nang nasa loob, isa pa ay may blower na sila, mukhang lume-level up na siya. Nang makapagpagupit ay diretso uwi na ko sa halip na maglakwatsa. Kakapagod maglakad kaya nag-abangan muna ng tricycle at ng paparating ay walang anu-anong sumigaw ako at sa bait ng manong ay hindi nagdalawang isip na pasakayin ako. Hanggang ngayon, di ko pa pala nasauli ang sumbrerong hiniram kay Berna kaya nagtungo ako sa kanila subalit wala ito ng madatnan. Dumeretso ako kila Regine nagbabakasakaling nandun si Berna subalit wala rin doon at ibang kamag-anakan nila ang nandoon na masayang nag-uusap, dahil ayaw ko pang umuwi ay nanatili ako sa kanila ng halos isang oras at nakipagkwentuhan, talagang tinutuon ang sariling teynga kung anuman ang sinasabi ko at iyon ang masarap kausap.

2G-X. Kahit na nakatatak sa isipan na may pagkamaldita si Cathy ay sige ako sa paggawi sa kanila, masama naman kung huhusgahan ko siya ng gayon at di kikilalanin ng lubos. Isa pa, kailangan ko ng kalimutan iyon. Di pa nga nakakaapak ang paa sa sarili nilang tahanan ay mainit na ang pagbati at pagtanggap sa akin lalo na si Cathy. Kaarawan pala ni Ate Ging at abala sila sa pagluluto samantalang nakapang-alis si Cathy na kala may lakad kasama ang lalaki subalit kagagaling lamang sa bible study. Nakakausap ko naman ang Cathy ng maayos subalit sa pakiwari ko ay tama ang kutob ko na ganon si Cathy sapagkat panay ang pagsusungit nito kay Jaka at binantaang sasampalin kapag di tumimo kaya parang mahirap ng pakisamahan si Cathy at naisipan kong huwag ng manatili sa kanila. Mukhang intrimitida at suplada si Cathy at tama ng kilalanin ko pa siya. Nababato nanaman ako kaya nagkumpyuter ako, pinatay ko naman pagsapit ng dilim at nahiga sa duyan.

2G-Y. Maya-maya ay biglang bumisita si Tita Susan kasama ang Tita Dinya at may dala pang pasalubong. Saka pa lamang kami kumain ng hapunan pagdating nila at naging makwento ang Tita Susan na bagay na todo kinig kami. Patuloy sila Mama sa pag-uusap at dahil hindi ko sila kasing edad ay di na nakisali pa at naupo sa isang tabi. Hinayaang busugin ang sarili at nagpapakasarap sa tamis ng tsokolateng nilalasap sa dila. Sarap na sarap ako sa panghimagas kaya maya-maya'y sumakit muli ang ngipin ko, nagsisi ako. Dahil di pa makatulog ay nanood muna ng telebisyon at ng antukin ay saka pa ko natulog. Sakit talaga ng ngipin ko at parang tinutusok ng karayom na siyang nagbigay pait sa pagtulog ko.


July 08, 2013
Monday

Year I-189

2G-Z. Sa ingay ng mga naglalamay sa burol ng namayapang kapitbahay, Ala-una pa lamang ng madaling araw ay nagising na ako. Nawala na ang antok kaya nahiga ako subalit nakatulog pa rin. Matinding antok tuloy ang naramdaman ng gisingin ni Mama at hindi maiwasang mapayuko ang mukha sa harap ng mesa, nilabanan ko ng husto ang antok. Naging malamig ang umaga kaya nagpunas lang ako. Inabutan na ko ng liwanag ng umalis ng bahay at sa dami ng magsisipasukang pasahero sa kanyang-kanyang opisina at eskwelahan ay kaagad na nakaalis kaso lang ay takot ang ramdam ko sa dibdib pagkat napakabilis magpatakbo ng tsuper, paano nakikipagkarera sa isa pang tsuper.

2H-A. Sa susunod na araw at nakita ko ang tsuper na iyon ay hindi na ko sasakay pa sa kanya at baka mapahamak pa. Pagdating sa eskwela ay halos di na mahulugang karayom sa dami ng estudyante subalit mabagal na umuusad papasok. Naisip kong ngayon pala ang report namin sa Values kaya todo tanung ako kay Denzel, buti na lamang at may gawang biswal ang Denzel kaya hindi na ko nag-alala pa at di malilintikan mamaya. Ilang minuto ang lumipas subalit di pa dumadating si Ma'am Fabiana at mukhang di na papasok, sa kawalan ng guro ay mistulang palengke ang classroom sa ingay ng aking kamag-aral lalo na ang magpinsang Bohol at Jobil na walang ibang inatupag kundi pag-usapan ang tungkol kay crush, palibhasa mga malalantod at dahil tahimik ako, nagawa nila akong pagtripan, wala ako sa mood makipagharutan sa kanila kaya lumayo ako at naupo katabi ni Patrick. Pumayapa lamang angclassroom ng dumating si Sir Balbin.

2H-B. Nagturo lamang siya tungkol sa parts of mother board and pentium. Sa oras ng MAPEH at habang may nag-uulat sa harapan ay panay kopya kami sa kanilang biswal ng sa gayon ay may marepaso mamaya sapagkat may long testmuli bukas. Sa oras ng Filipino ay nagsimula na ang pangkatang pag-uulat at dahil sa kamalisyahan ni Mandy, tawanan sila at ang babaw ng kaligayahan nila, buti na lamang at mabait si sir kaya nakikisakay na lang sa pabiro nila. Sa oras ng English, kakalito sa paulit-ulit na papalit palit sapagkat iba nanaman ang guro namin at nagpakilalang Ma'am Fujin, masyadong strikto subalit marunong umunawa kahit kausapin ng English na wrong grammar, kamusta na kaya si Ma'am Miranda at isang Linggo na siyang wala.

2H-C. Ilang minuto pa ay umalis na si Ma'am Fujin at oras na ng Math, nagkaroon kami ng long test at sa dali ay kaagad kong natapos subalit nangamote ng husto ng huling equation na sapagkat dibdibang pag-iisip ang kinailangan. Maya-maya’y masaya nanaman ang mga kaklase ko di dahil sa nalalapit nadismissal time kundi makikita nanaman nila ang Ser Chief ng buhay nila. Malakaslakas na tili ang sinalubong ng mga kaklase ko sa pagkapasok pa lang ni Sir Martin pero parang balewala lang sa kanya. Nagkaroon kami ng quiz at ng tseking na, kasamaang palad ay si Leonardo lang ang pasado at mayremedial pa kaming lahat.

2H-D. Talino talaga ng Leonardo na iyan at siguro ay may pinanghuhugutan, ako kaya iyon? Naging maalinsangan ang panahon kaya umuwi akong pawisan. Dahil may long test sa MAPEH bukas ay hindi ako natulog at nag-research ng mairerepaso. Bahagyang dumilim ng magpapa-printat bumuhos ang ulan, nasa computer shop ako ng bumuhos ang malakas na ulan at tumila naman kung kailan ako lumabas, mukhang nakikisama sa akin ang panahon. Inantok ako pagdating ng tahanan kaya nakatulog ako. Madilim-dilim ng magising ako at todo taranta ako sa pagrerepaso. Sumakit nanaman ang ngipin ko subalit kaagad naparam ng uminom ng Mefanic Acid. Nakakawalang gana magrepaso kapag iniinda ang pagsakit ng ngipin kaya panonood ng telebisyon ang inatupag ko. Naging napakaingay ng gabi dahil pa rin sa naglalamay.


July 09, 2013
Tuesday

Year I-190

2H-E. Sumapit nanaman ang bagong umaga kaya gigising nanaman ako kahit inaantok pa. Masakit pa rin ang ngipin ko at parang tinatamad ng pumasok subalit may long test kami sa MAPEH kaya nagawa ko pa rin pumasok, mahirap na at baka iyon pa ang mitsa ng pagbaba ng grade ko at tiis-tiis muna sa masakit na ngipin kapag may time. Kakaunti pa lamang ang kamag-aral na nasa classroom kaya naging matiwasay ang aking pagrerepaso kaso itong si Jessa na saksakan ng kulit at panay kuha sa pina-print ko, parang akala mong walang modo at nagrerepaso pa nga ako ay bigla niyang kunin, napakabastos naman niya at di siya karapatdapat pahiramin subalit napakakulit ng Jessa kaya pinahiram ko na.

2H-F. Ipinatago ko lamang sa kanya upang di kumpiskahin ni Sir Arnulfo. Nagtsek lamang kami sa buong oras ng AP. Sa oras ng TLE ay nagkaroon kami ng nutri quiz, di naman ako nutrionist kaya kahit di alam ang isasagot ay halabira pa rin sa pagsagot, malay natin at makatsamba. Nang tseking na ay ang saya ko sapagkat umabot sa kalahati ng bilang ng aytem ang nakuha ko. Maya-maya’y MAPEH na at puspusang pagrerepaso na ang ginawa namin sa takot na mapagalitan at patamblingin sa hagdanan kapag bumagsak. Nagsitigil ang lahat ng dumating si Ma'am Mina at kanya-kanyang tago ng reviewer.

2H-G. Kahit palabiro ay naging mahigpit si Ma'am pagdating sa exam at isa-isa niya tsinekan ang amin kwaderno, sa taas ng kilay ni Ma'am ay walang mangahas makipag-usap sa katabi bagay na ginagawa ng kamag-aral ko kahit may guro. Kahit nakapagrepaso ay naging mahirap sa akin ang sumagot at nanghulahula na lang nagbabakasakaling tsumamba, buti na lang may National anthem na kailangan i-recite kaya dagdag points sa test. Maging maganda sana ang makuha ko kaso nahihirapan na ko bumigkas dahil kanina ko pa nararamdaman ang pananakit ng ngipin at sobrang sakit talaga. Nang dumating si Sir Velarde ay humingi ako ng pabor na hayaan muna ako mag-nap sapagkat nahihirapan akong mag-concentrate sa pakikinig sa guro kung nanakit ang ngipin.

2H-H. Sa oras ng Recess dahil matindi na ang sakit ng ngipin na halos mangiyak na ay minabuting magtungo na ko sa clinic. Buti na lang at nandun si Jayvie ann sa clinic kaya may kakilala ako, masakit raw kasi ang puson niya dahilan kung bakit nasa clinic din ito. Binigyan ako ng gamot ng teacher na nagbabantay dun upang kumalma ang sakit. Dalawang oras ako sa clinic kaya dalawang asignatura ang hindi napasukan. Tulog na tulog ang Jayvie Ann sa kama kaya di ko na ito ginising pa at iniwan ko na. Saktong papaalis si Sir Harren ng makabalik ako at nakapasok pa rin sa oras ng Physics. Naibsan ang pananakit ng ngipin subalit ng pagkauwi ay nanumbalik muli ang sakit kaya sobrang hirap ako sa pagnguya, bukod pa dun ay tinatamad na kong magsalita at gusto laging nakahiga.
2H-I. Grabe ang sakit ng ngipin ko mas masakit kaysa sa mga naranasan kong pananakit ng ngipin nung bata pa ko. Pagtingin sa salamin ay kita ko na nabubutas na ang ngipin sa pagkabulok at parang gusto ko ng ipabunot pero masyadong alanganin habang sumasakit at hayaan mawala. Kinahapunan hindi na ko nakagawa pa ng takdang aralin sapagkat gusto kong laging nakahiga at nakadampi ang kamay sa pisnging magang maga epekto ng pananakit ng ngipin. Maski pag-inom ng Mefenamic ay di na tumatalab at masakit pa rin. Kinagabihan ay lalo pang sumidhi ang pagsakit ng ngipin ko at di lang mapaiyak kundi mapayuko ng husto sa sobrang sakit. Iba talaga kapag ngipin ang sumakit sapagkat hindi ka makakatulog sa magdamag, hindi ka makapagsalita at hindi makanguya ng ayos, mabuti pang sumakit ang tiyan, ilalabas mo lang ang dumi, sumakit ang ulo sapagkat itulog mo lang pero walang solusyon sa ngipin kundi tiisin. Nagsisi ako pagkat hindi ako palasipilyo at mahilig pa sa matatamis na pagkain kaya iyan ang kinahinatnan ko.


July 10, 2013
Wednesday

Year I-191

2H-J. Dahil hindi makatulog sa gabi gawa ng pananakit ng ngipin ay Alas-singko na ko nagising. Batid ng Mama kung ano ang nararamdaman ko kaya hindi na niya ako ginising pa at sinabing huwag piliting pumasok kung di na kaya, ayaw ko ng lumiban pa sa klase sapagkat maraming lesson akong mami-miss pero dala ng napakasakit ng ngipin mukhang tatamarin ako. Masakit pa rin ang ngipin ko kaya hindi talaga makanguya ng ayos habang nag-aagahan at panay ang aking daing. Kaunti lang ang kinain ko at kahit nagugutom pa ay parang hindi ko na ibig pang kumain. Nagmumug ng maligamgam na tubig na may asin, iyon raw ang alternatibong paraan upang patayin ang bakteryang nakasingit sa butas ng ngipin na siyang nagpapasakit sabi ni Papa.

2H-K. Sunod ay pinasakan ng bulak ng may Yee tin sa may butas ng sa ganon ay ma-absorb ang gamot at maparam ang sakit, sinunod ko ang payo ni Papa at ginawa ko nga at sana maibsan na ang sakit sapagkat hindi ko na kayang tiisin pa. Kahit masakit ang ngipin ay nagawa ko pa rin magwalis at maghugas ng plato, ayaw ko kasing isipin nilang wala akong pakinabang pero bigo akong matapos at nahiga muli sa kama sapagkat umaatake nanaman ang pananakit ng ngipin. Naibsan naman pagsapit ng Alas-nuebe at dahil nababato nanaman ay nagkumpyuter ako. Nilibang ko ang sarili sa paglalaro upang makalimutan ang sakit. Habang enjoy sa paglalaro ay saktong dumalaw sila Tita Arlene at Jaypee at tinanong kung bakit di daw ako pumasok. Sinabi ko sa kanila ang totoong dahilan at nagulat sila sapagkat maayos pa raw ang ngipin ko. Sa sobrang sakit ay di ko na nakayanan pang magbabad sa Computer at nahiga muli sa kama.

2H-L. Habang abala ang Mama at Tita Arlene sa pakikipag-usap ay inalok ko si Jaypee na magkumpyuter, wala na kong pakialam kung anong gusto niyang gawin basta gusto ko ng humiga at wala ako sa modang kausapin siya. Ng tanghalian na ay saka pa lamang ako bumangon at dahan-dahan sa pagnguya sapagkat lalong sumasakit ang ngipin ko kapag binibigla ang ngumuya, tahong pa man din ang ulam na pagkakunat-kunat kaya nakakakonsumo ng maraming oras sa kakanguya. Hindi tuloy ako sanay kumain ng dahan dahan at kalbaryo nga naman kapag masakit ang ngipin. Matapos kumain ay nagsipilyo muli ako at nagmumug ng maligamgam na tubig na may asin.

2H-M. Nang makapagmumug ay kumuha ako ng Yee Tin, pinatulo sa bulak at ipinasak sa butas ng ngiping kinakain ng pagkabulok. Maya-maya’y nanood ako ng telebisyon upang malibang, gusto kong tumawa subalit sa hirap bumuka ng laki ng bibig ay pigil ang tawa ko sa Baliwan cinema, ni hindi ako makapag-react at makapagsalita. Masamang-masama na ang lagay ko kaya nahiga muli sa kama hanggang sa makaidlip. Alas-tres na ko nagising at ang sana’y oras ng pagmemeryenda ay tila nabalewala gawa ng hirap ngumuya. Ayaw ko na at gusto ko ng ipabunot ang ngipin ng sa ganon ay matuldukan na ang hapdi at sakit na nararanasan ko subalit di pa maari. Nagkumpyuter muli ako upang makalimutan ang sakit kapag malibang subalit sa tindi ay di ko pa rin maiwasang dumaing ng dumaing, ni Mefenamic acid ay mukhang di tinatablan ng bisa nito sa tindi ng sakit. Sa halip na magtagal manood sa telebisyon dala ng masakit ang ngipin ay natulog na ko. Mukhang liliban muli ako sa klase bukas sapagkat di pa humuhupa ang sakit.


July 11, 2013
Thursday

Year I-192

2H-N. Ang hapdi at kirot sa ngipin ay hindi pa rin naiibsan at umaaray pa sa sakit. Ang aking karanasan kahapon ay daig pa ang sakit kapag ang tao ay masaktan dahil sa pag-ibig. Inaamin kong hindi ko pa naranasang masaktan dahil sa pag-ibig subalit batid ko kung paano makaramdam ang sakit at siyempre for me mas masakit kapag ngipin ang sumasakit kaysa sa puso, hindi ko sinasabi na puso ang nakakaranas ng sakit kundi pakiramdam mo'y parang kakaiba at mabigat, di patay ka na nun kung sumakit ang puso mo at base sa mga napag-aralan ko, traydor na sakit raw ang heart attack. Bukod sa masakit ang ngipin ay sumisikip nanaman ang aking paghinga, yun pala ang plemang kailangang ilabas. Dami ko naman karamdaman at kahit masakit pa rin ang ngipin ay pumasok pa rin ako, natatakot akong bumaba ang grade dahil sa madalas na pag-absent at ang goal ko ngayong Fourth year ay walang ni isang subject ang malagyan ng palakol sapagkat mahihirapan akong makatungtong sa kolehiyo pag nangyari yun.

2H-O. Pagdating sa eskwela ay nagsimula na ang flag ceremony, may assignment pala sa MAPEH kaya habang wala pa si Sir Arnulfo ay dali-dali ako sa paggawa. Ayaw kong walang matutuhan pag-alis ni Sir Arnulfo kaya itinigil ko ang gawain at nakinig sa kanyang tinuturo. Sa oras ng TLE may long test pala kami at halos mangamote sa kakaisip ng isasagot, paano hindi ako nakapagrepaso at walang nagpabatid sa akin na may long test pala, mukhang bokya tuloy ang makukuha na huwag sanang mangyari. Masaya ang buong kamag-aral ko ng mabalitaang wala si Ma'am Mina subalit ang pagbubunyi ay panandalian ng ianunsyo ni Bacsal na may gagawin kaming art.

2H-P. Di pa nga ako nangangalahati sa paggawa ng art ay di namalayang andiyan na sa harapan si Sir Martin. Kahit puspusang pakikinig ay di ko makuha anglesson niya at di makuha sa santuhang pag-iintindi, tumpak ang nagsabing mas mahirap ang Physics kaysa Chemistry but I want Physics because of Sir Martin. Maya-maya’y Recess na at sa sakit ba naman ng ngipin na halos ikaiyak ko na'y di ko na kinain ang snacks. Sa oras ng English nagtataka ako kung bakit si Ma'am Templanza pa rin ang teacher namin, masaya ako sa sinabi ng classmate pagkat hanggang Marso na namin siya magiging teacher, nahihiya pa naman ako kapag may class recitation kay Ma’am Miranda atterror pa. Sa oras naman ng Math ay nag-discuss muna si Sir Harren at pagkatapos ay nag-recitation kami, dahil di pa lubusang nakukuha ay puro pagkakamali ang naisasagot sa pisara, si Melarion todo pagtuturo ang ginawa at halos haybladin na sa kakaturo, paano madiin at malakas ang boses na halos ikarindi ko na.

2H-Q. Di naman ako makapagsalita gawa ng ngiping sumasakit. Ng Physics na ay nagkaroon kami ng seatwork, kahit anong intindi ay di ko pa rin makuha kaya nahirapan ako, yung mga kaklase ko especially sila Cynt ay walang humpay kung magnakaw ng sagot sa katropa at parang team work na ang ginawa nila kahit pang-indibidwal lamang, tuksong-tukso na kong mangopya pero nakokonsensya ako kaya di ko ginawa. Natapos rin at lumuwag ang aking paghinga pagkauwi, naku at may remedial pa kami kinabukasan na lahat ng bagsak, dibdibang pag-iisip nanaman ang gagawin. Hirap pa rin ako sa pagnguya kaya kakaunti lamang ang nakain. Pagkagising ay matinding pananakit nanaman ng ngipin ang naramdaman ko kaya uminom ako ng Mefenamic acid, naibsan naman habang adik na adik sa paglalaro sacomputer. Kinagabihan ay tuluyan ng nawala ang sakit kaya ganado ako sa paggawa ng assignment. Matapos manood ng telebisyon ay natulog na ko.


July 12, 2013
Friday

Year I-193

2H-R. Masakit pa rin ang ngipin subalit di na kasing sakit katulad ng nagdaang araw. Noong huling linggo pa masakit ang Ngipin subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala. Marahil nga'y sinisira na ng bakterya ang ngipin ko at kapag di na sumakit ay di na magdadalawang isip na ipabunot ng sa ganon ay hindi mahawaan ang katabi pa nitong ngipin. Hindi namang gasinong kasakit kaya tuloy na tuloy pa rin ang aking pagpasok, may PE pala ngayon kaya nakapang PE uniform ako. Wala pa si Sir Arnulfo pagkadating sa eskwela at grabe ang ingay ng aking kamag-aral na sumalubong sa teynga lalo na sina Rommel at Ibarra na kung makipag-usap kala mo'y nag-aaway. Sakit sa teynga at sana dumating na si sir pagkat rinding-rindi na ko.

2H-S. Salamat naman at mabilis pa sa Alas-kwatro kung dumating si Sir, ang nakakabulahaw na ingay mistulang bulang naglaho. Population ang topic na isa sa aking kinahihiligan kaya nung magtanong si sir ay ako parati ang nakakasagot at parang ang active ko ngayon. Kaso ng oras na ng Values ay kaba sa dibdib ang pumalit na kaninang bilib na bilib sa sarili sapagkat reportnamin ngayon. Hindi ako nakapaghanda kaya kung ano-ano na ang nasasabi ko, tapang pa man din ni Ma'am Fabiana at gigisahin ka ng husto. Sa oras naman ng MAPEH ay nagtungo lahat ng kabilang na seksyon Apacible sacovered court upang ganapin ang aktibidad sa PE, dahil sa aking kalagayan ay pinagbawalan ako ni Ma'am Mina na sumali sa aktibidad at hinayaang maupo sa tabi.

2H-T. Ilang sandali pa ay lumabas na kami ng eskwela at doon ginanap ang 40 meters sprint at 1 kilometer run. Kakapagod ang ginagawa nila at di kailangang magsabay sapagkat iisipin ni Ma'am Mina na naghihintayan at dun siya magagalit. Inggit ang naramdaman ko dahil enjoy sila sa pagtakbo samantalang nakaupo lang ako at tagabantay ng kanilang gamit. Nang hapong-hapo na sila sa kakatakbo ay parang nagi-guilty na ko sapagkat nakaupo lang ako, naka-relax samantalang hinahabol na nila ang hininga sa kakatakbo. Kung di lang ako hikain ay makakasali pa rin ako sa pagtakbo. Naliligo na sila sa sariling pawis pagkapasok sa silid kaya naghubad na. Si Cynt naman, naku at napakahambog, pano binibida ba naman ang katawang hitik sa pawis at masyadong pasilaw sa mga babae, sila naman tong kahit hingal ay tumitili pa rin.

2H-U. Sakit rin magsalita ng hambog na iyon kahit pabiro sapagkat kamatayan raw ang abot ko kapag tumakbo raw ako. Pailing-iling na lang ako at sinakyan ang sinabi niya pero sa loob loob ko ay hindi magandang biro ang sinabi niya. Ang inakalang di dadating na si Sir Velarde ay dumating nga kung kailan malapit na ang recess. Bago pa man umalis ay inanunsyo ni sir na magkakaroon kami ngstage play pero sa Agosto pa at nakakatuwa pang isipin sapagkat libre at pamasahe na lang iintidihin. Hindi ako nagugutom kaya di na ko kumain pa. Sa oras ng English, may project nanaman pero sa katapusan pa naman nitong buwan ang pasahan at nagkaroon kami ng quiz matapos ianunsyo ni Ma'am Templanza tungkol sa project.

2H-V. Masaya nanaman ako sapagkat nakakuha nanaman ako ng mataas na marka. Habang di pa umaalis si Sir Harren at di pa sumasapit ang oras ng Physics ay nagrepaso muna ako, pilit kong isinusuksok sa kokote ang itinuro ni Sir Martin pero wala pa rin. Paano ang hirap ba naman ng lesson niya at tuloy ay kapit sa patalim ang ginawa ko at iyon ay mangopya sa katabi habang ginaganap ang quiz. Maraming bumagsak at isa na ko dun pero dahil mabait si Sir Martin, may remedial kami sa Lunes at sana makabawi ako. Yun na nga ang pagkakataon kaya di ko na palalampasin pa. Pagkauwi at matapos kumain ay natulog ako. Sabado bukas kaya hinayaan ko ang sarili magpahinga at bukas na lang gawin ang takdang aralin. Computerang inatupag ko pagkagising at heto nanaman sapagkat naadik nanaman sa laro. Maski matapos manood ng telebisyon ay hindi muna natulog at nakipag-text pa sa textmate. Minsan lang mag-enjoy at pwedeng mag-hayahay angmood kaya sinusulit ko na.


July 13, 2013
Saturday

Year I-194

2H-W. Kahit Alas-onse na natulog kagabi bunsod ng pagpupuyat sa pagte-text, nagising pa rin ako ng maaga. Kakabato ang naging umaga ko at upang magingenjoy ay nagpatugtog ako kaso andiyan ang ate at nililipat niya ang kantang di maibigan. Tagal naman niya umalis at halatang enjoy rin sa pakikinig ng music subalit mahuhuli na siya sa review kaya umalis na ito. Nagpatuloy ako sa pagpapatugtog at iyon ang nagpagana upang gampanan ang gawaing bahay ng maayos. Kahit marami ng nagagawa ay sige go pa rin ako basta may tugtog subalit natigil ang saya ng dumating si Mama at hindi raw naiibigan ang tugtog ko. Inintindi ko na lamang at marahil ay naiingayan at pinatay ko, tapos na kong maghugas ng plato, magwalis, magpunas lahat ng kagamitan sa bahay at nag-floorwax ng sahig subalit di man lang ako nakakaramdam ng pagod at gusto ko pang may gawin kaso wala ng maisip pwedeng gawin kaya nagkompyuter na lang ako.

2H-X. Habang nagkukumpyuter ay bigla na lamang dumilim hanggang sa bumuhos na ang ulan subalit saglit lamang. Nang magsawa sa kompyuter at nakaluto na si Mama ay nananghalian na ko, hinayaan ko si Papa gumamit ng computerupang matuto siya. Sa kagustuhang luminaw ang mata ay nag-search ako sainternet ng pagkaing mayaman sa Vitamin A tulad ng Kalabasa, Kamatis, Papaya at Karot lang pala ang dapat kainin subalit hindi ko hilig kumain ng Kamatis. Kalabasa at Papaya na lang ang kakainin ko kaso wala kaming tanim nun at kailangang bumili pa. Matapos lumamon ay nahiga ako sa kama hanggang sa makatulog. Alas-tres na ko nagising, sa kadahilanang gagawa pa ng portfolio sa Physics, nagtungo ako sa taas upang bumili ng materials. Saktong naglalakad ay may kasabay ako at kausap kaya naging confident ako kaso hanggang computer shop lang siya at mag-isa nanaman ako sa paglalakad.

2H-Y. Sa layo ng nilakad ay pawisan akong umuwi kaya umupo muna. Kakatamad gumawa at naisip kong mamayang gabi na lang ako gagawa. Gusto ko pa sanang gumala at magbahay-bahay subalit di maari sapagkat bawal at baka dapuan muli ng sakit. Nanatili na lang sa bahay at nilibang ang sarili sa panonood ng telebisyon. Ang ganda ng istorya sa Maala-ala mo Kaya at matapos manood ay saka ko pa lamang sinimulang gawin ang portfolio sa Physics. Alas-dose na ng gabi at sa kadahilanang nasa kalagitnaan ng gabi ay natulog na ko, si Mama naman ay nasa upuan pa at hindi raw makatulog, hinayaan ko na lang siya at antok na antok na ko.


July 14, 2013
Sunday

Year I-195

2H-Z. Kahit medyo inaantok na ay hindi naman ako makatulog dahil sa ingay ng alaga naming aso, si Mama na on duty ay todo saway sa dalawa. Nanahimik rin sila kaya naging panatag na ang pagtulog ko. Alas-singko ng umaga ng magising subalit dala ng napakalamig na panahon kaya natulog muli ako. Gising na ang halos lahat ng kasamahan ko maliban sa akin na nanatiling nakahandusay sa malambot ng kama. Katamad bumangon subalit kailangan para makagawa ng marami. Daming tambak na hugasin at para di masermunan ay naghugas na ko ng plato. Hindi pa ko nakakapag-almusal kaya gutom na gutom na ko.

2I-A. Buti na lang at nakuluto na si Papa ng Sinangag kaya kaagad akong nakakain. Hinayaan ko munang matunawan ang tiyan bago umpisahang magwalis. Ng maipagpalagay na magaan ang sikmura ay nagsimula na kong magwalis. Ipinagpatuloy kong tapusin ang Portfolio sa Physics subalit walang plastic cover kaya kinailangan pang magtungo sa taas. Sa tindahan sana nila crush subalit hiya ang ramdam sa dibdib na may halong kilig. Sa tindi ng sikat ng araw ay tumagaktak ang pawis ko kaya nag-abang ako ng masasakyan upang di na magbilad sa arawan. Saktong kasabay ko si Ate Mercy at nag-usap kami. Amoy araw ako samantalang napakabango niya kaya di ko maiwasang maging kimi. Pagdating sa bahay ay pagbabalot ng Portfolio ang kailangang tapusin kaso biglang dumating sila Tita Arlene kasama ang iba pang kaanak kaya tigil muna.

2I-B. Nakakahiya sa kanila sapagkat napakakalat sa bahay at todo pagliligpit at paglilinis ng kalat ang ginawa ko. Dala ng matinding gutom ay di na ko nagdalawang isip na makisabay sa kainan at matapos ay naligo na ko. Feeling fresh sa pakiramdam at parang di na ko nahihiyang kaharapin sila at kausapin sapagkat ang bango ko na. Ala-una ng umalis sila Tita Arlene at ang bahay na punong-puno ng sigla ay biglang tumamlay, antok na ko kaya natulog ako. Tulog na lahat ng miyembro sa pamilya maliban sa akin at tinapos ko ng gawin ang portfolio. Gandang-ganda ako at di maalis ang pagkakatitig sa finished porfolio, wala nanaman gagawin at kakabaliw kapag nakaupo lang kaya naisipan kong magkumpyuter, nag-online sa Facebook, copy paste ng article galing sa Wikipedia at tamang kinig ng music sa Youtube, iyon ang ginawa ko sa maghapon. Ang ate naman, umuwing sobrang stress at kapag kinausap ay laki ng galit sayo paano dami niyang ie-edit, ipinaubaya ko na lang sa kanya ang Computer kahit di pa nagsasawa.

2I-C. Alam kong bawal sa akin ang gumala subalit dala ng di matiis ay lumabas na ko. Nagtungo ako sa bahay nila Tita Cleng, dami niyang kwinento sa akin at nagkwento rin ako about my experience in my life. Ang pag-uusap namin, paputol-putol at pano ang kukulit ng mga pinsan ko at panay ang saway nito. Sa kabibuhan nina Samantha at Adie ay hindi ako nabwisit sa kanila, sa katunayan ay natutuwa pa nga ako sapagkat puro paggawa ng kwento, pagbabasa ang inaatupag nila sa halip na magpakapagod sa paglalaro ng gadgets, mga bata pa man din sila pero marunong ng magpahalaga. Sa dami ng napag-usapan naming dalawa ni Auntie ay walang kamalay-malay na sumapit na ang gabi at nagpaalam na ko. Ako na lang pala di nakakakain ng hapunan pagdating ng bahay. Sa dami ng nalamon ay napagod ako sa kabusugan kaya napaaga ang tulog ko, sa awa ng Diyos ay di naman ako binangungot at naging maganda ang panaginip.


July 15, 2013
Monday

Year I-196

2I-D. Nananitili pa ang antok sa mga mata subalit pinilit ko pa rin idilat at ibangon ang sarili. Malamig ang umaga na labis kong ikinangatog subalit napawi naman sa mainit na kapeng aking hinihigop, si Mama na kanina pang gising upang maghanda ng almusal ay walang kapaguran kung kumilos. Bilib na bilib tuloy ako sa kanya. Alas-singko na subalit di pa maliwanag sa labas, yun pala maulap ang kalangitan at bahagyang umambon. Pagdating sa eskwelahan ay marami pa ang wala kaya tahimik subalit umingay ang mundo ko ng dumating ang magpinsang Bohol na napapagitnaan ako at panay tsikahan tungkol sa ka-textmate. Ilang minuto pa ang lumipas at sa halip si Ma'am Fabiana ang dumating ay si Sir Arnulfo at inutusan niya kaming maglinis. Nagtulong-tulong kami sa paglilinis ng silid, ako ang tagapunas ng bintana at sa pisara naman ang kababaihan samantalang tagalapat ng floorwax sa sahig at lampaso ang kalalakihan, naging abala kaming lahat sa paglilinis ng silid.

2I-E. Natigil lang ng dumating si Ma'am Fabiana at nagbalik aral kami, hindi ako makasagot ng tuwid sa mga katanungang ibinabato sa akin sapagkat di ako nakapaghanda. Sa oras naman ng TLE ay wala pa si Sir Balbin kaya mistulang palengke nanaman ang classroom, sa halip na makipagdaldalan ay pinag-aralan ko anglesson sa Physics na di ko makuha. Sa oras ng MAPEH ay gumawa nanaman kami ng art at bago simulan ay itinuro ni Ma'am Mina ang gagawin, exciting siyang gawin subalit parang mahirap ipaliwanag kung ano ang ginagawa. Kahit Filipino na at sa bait ni Sir Velarde ay hinayaan niyang tapusin namin ang art. Matapos gawin ang art ay nagsagot ako sa Batikan workbook. Sa oras naman ng recess, hindi ako nagugutom kaya di ako kumain ng binaon na snacks at habang wala pa si Ma'am Templanza ay gumawa muna ng assignment sa Math.

2I-F. Maya-maya’y nakaramdam nanaman ng pananakit ng ngipin subalit di ako pahalata hanggang dumating sa puntong namimilipit na sa labis na sakit. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pakikinig lalo na ng ianunsyo ni Sir Harren tungkol sa magigingproject namin sa Math. Nakayukod ako parati at napapaiyak na sa sakit ng Ngipin. Gusto ko sanang makinig sa lesson ni Sir Martin subalit sinabihan akong magtungo na sa clinic kung di na kaya, bait talaga ni Sir Martin. Habang nasa klinika ay sinabi ko sa gurong nagbabantay ang aking nararamdaman at walang hiyang ipinakita na nabubulok na ang ngipin ko. Nawala ng bahagya ang sakit dahil sa gamot ng Eugenol na ipinasak sa butas.

2I-G. Nang bahagyang naibsan ang sakit, bumalik ako ng silid. Maya-maya'y uwian na't pagkauwi, sinimulan ko na ang paggawa ngart. Naging abala ako sa paggawa ng art buong hapon at nagrolyo naman ako ng pinaggupitang papel kinagabihan upang may magamit bukas para sa art. Puro related sa MAPEH subject talaga ang iniintindi ko, pano ay terror si Ma'am at nangbabagsak pa. Sa dami ng ginagawa, tinamad na ko at nagutom kaya hindi ko na natapos ang pagrolyo, natuon na ang isipan sa panonood ng telebisyon. Pagdating ng ate ay laking nganga ng bibig, may bili siyang cellphone android pero kay Mama yun at di sa akin, sa kaantukan ay di na ko nagpakaignorante pa sa bagong biling cellphone at natulog na. Uso ngayon ang mga cellphone android at balang araw magkakaroon rin ako niyan, tiwala lang.


July 16, 2013
Tuesday

Year I-197

2I-H. Malamig ang umaga at sarap pang humilata sa foam na kay lambot subalit kailangan ko ng bumangon at pigilan ang antok upang di mahuli sa klase. Si Mama at matapos magluto para sa aking agahan ay sayang-saya sa bagong biling cellphone, parang bata habang naglalaro subalit hindi naman masama kung mag-enjoy siya at natural lamang iyon. Maliwaliwanag na ng makapagbihis at umalis ng bahay. Kasabay ko muli si Regine sa pagpasok sa eskwela at daming pasaherong naghihintay ng masasakyan kaya halos mag-aalas-sais na kami nakaalis. Buti na lamang at kasagsagan ng flag ceremony kaya di ako mahuhuli. Bago pa man magsimula ang oras ng klase ay naglinis muna kami at ng masiguradong wala ng kalat at maayos na ang lahat ay saka pa lamang nakapagturo si Sir. Nagkaroon rin ng isahang pag-uulat at sa lahat ng nag-ulat, mukhang di nakapaghanda at di alam ang sasabihin.

2I-I. Nagalit tuloy si Sir at pinagdiinang ang tatamad daw namin, totoo naman at kung ako sa katayuan niya ay ganon rin sasabihin ko kapag iresponsable sila. Sa oras naman ng TLE ay nagturo lamang si Sir Balbin tungkol sa components of CPU, ang katabi ko nuknukan sa ingay at di maiwasang magkwentuhan kahit may titser, nagsutsot ako subalit nadaldal pa rin makalipas ang ilang sandali, hinayaan ko na lang sila. Si Jessa naman, kanina pa masama ang pakiramdam at tinubuan pa ng batik batik na pula, may tigdas na marahil siya. Bukod kay Jessa ay nagkaroon rin ng tigdas si Nathaniel at sa pangambang may mahawaan ay pinauwi na sila. Nang MAPEH na ay nagsimula na kaming gumawa ng art ng Quiling, hirap magkweyling at di ako sanay. Sa oras naman ng Filipino, nag-ulat ang ilan kong kagrupo. Samu’t saring katanungan ang ibinato sa kanila matapos mag-ulat.

2I-J. Hindi ako ginugutom kaya di nanaman ako nag-snack. Sa oras ng Englishay nag-discuss lamang si Ma'am Templanza about god and godesses. Hindi pa man sumasapit ang Math time ay hindi mapakali si Ibarra, yun pala nawawala na ang scientific calculator at hindi malaman kung ninakaw ba o na-misplace lang niya. Buti na lang at wala si Sir Harren kaya di madadagdagan ang pagkamuhi sa amin subalit may gurong pansamantalang humalili sa kanya at nagpakilalang Ma'am Vina. Maski pala si Sir Harren ay may sakit kaya di nakapasok at uso talaga ngayong panahon ang sakit. sa oras ng Physics ay nag-discuss lamang si Sir at matapos ay nagkaroon kami ng gawaing upuan. Saya ang naramdaman ko pagkat naperpekto ko ang seatwork. Naging maulan ang uwian. Bago tumungo sa bahay bumababa pa ako sa may palengke upang bumili ng materials. Habang mag-isang nagalalakad dala ang materials ay may boses na tumatawag sa akin. Si Merry Grace pala iyon at sa tagal ng panahon na di kami nagkikita ay nagkamustahan kami.

2I-K. Sa eskwelahang pinapasukan din pala siya nag-aaral subalit nasa HSP siya kaya may tiyansang magkita kaming muli sapagkat may klase rin sila tuwing Martes. Pagdating sa bahay at dala ng antok ay natulog muna ako. Lalo pang lumakas ang ulan na sinabayan pa ng pagkulog at pagkagising ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng Quiling, ang tsaka ng gawa ko at wala ng ganang ipasa pa, di na ko gumawa at itinapon na lang sa basurahan. Kinagabihan, di naman kami makanood ng telebisyon dahil malakas ang ulan. May bagyo pala at maaring tumama bukas kaya magdamag ang ulan at mukhang masususpinde ang klase bukas dala ng napakasungit na panahon.


July 17, 2013
Wednesday

Year I-198

2I-L. Tumila na ang ulan kaya tuloy pa rin ang pasok. Kakaines at di pa bumagyo ng sa ganon ay masuspinde ang klase at may time pa para mapaganda angQuiling, ano ba 'tong panahon na ito at pabago-bago subalit mainam na rin iyon sapagkat may mapapahamak at maraming ari-ariang mapipinsala dahil sa bagyo. Napupungas pa subalit nagpatuloy ako sa pagkilos. Kahit nasa eskwelahan na'y parang inaantok ako at gustong ipikit ang mata. Nawala tuloy ang konsentrasyon sa pakikinig sapagkat inaantok talaga. Oras na ng TLE ay di pa rin maibsan ang antok, di naman nagpuyat kagabi at sa takot masita'y nilabanan ko ang antok. Nawala nung MAPEH kaso hindi na ko nakapagpasa pa ng Quiling, sayang ang grade pero di bale at makakabawi pa naman.

2I-M. Nag-art nanaman kami. Di pa nga nakita ang calculator ni Ibarra ay may isa nanaman akong kamag-aral na nawawalan ng pera na nagkakahalaga ng kulang-kulang dalawang daan. Sino kaya ang makulit ang kamay at nakakapagtaka sapagkat sunod-sunod na ang nakawan. Sa halip na sermunan ay nangaral lamang si Sir Velarde sa harapan at panay pagpapabagabag sa konsensiya kung sinuman ang nagnakaw. Matauhan sana ang magnanakaw sa sinabi ni Sir. Sa halip na kumain ay inilaan ko ang oras ng recess sa pagbabasa ng worbook. Maraming matutunan ang taong palabasa, itinigil ko ang pagbabasa ng dumating si Ma'am Templanza, teacher na napaka-slang magsalita ng Ingles. Sa oras naman ng Math ay iba nanaman ang guro namin subalit hindi niya binanggit ang tunay niyang pangalan, sa takot na isapubliko pagkat sagrado raw ang pangalan nito. Maya-maya’y tumunog na ang bell hudyat na uwian na.

2I-N. Ang aga ng uwian namin at kasabay ko sa pag-uwi si Serena, may katsikahan nanaman ako sa tricycle. Pagdating sa bahay, matapos kumain ay natulog ako. Sa katakawang matulog ay Alas-kwatro na ko nagising. Sinimulan ko ng maggupit ng folder upang gawing strip na gagamitin sa art sa MAPEH. Buong maghapon ay iyon ang pinagkaabalahan ko at kahit ginabi na sa dami ng kailangang gawin ay hindi ko naman natapos. Katamad ng gumawa kaya naisipang bukas na lang ipagpatuloy. Nanood ng telebisyon at matapos manood ng paboritong palabas ay natulog na ko. Ang daming lamok sa kwarto at pinapapak ang dugo ko kaya kamot ng kamot at di makatulog.


July 18, 2013
Thursday

Year I-199

2I-O. Nakakatamad bumangon at sarap pang matulog subalit ginigising na ko ni Mama upang bumangon. Pupungas-pungas tuloy ako habang kumakain subalit nawala naman kinalaunan, ang kahapong matamlay ay naging maaliwalas naman, marahil ay lumayas na ang bagyo. Buti na lamang at kasabay ko si Regine (Cebrero) kaya di ako masyadong napanghihinaan ng loob pumasok at open siya kapag nagkwekwento ako. Pagdating sa eskwelahan ay abala ang mga kamag-aral ko sa paggawa ng strip. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ngpaper strip subalit itinigil ng dumating si Sir Arnulfo. Matapos ang kanyang discussion hinggil sa Population and labor force ay nagkaroon kami ng maikling pagsusulit.

2I-P. Medyo may kataasan ang nakuha ko kaya siglang-sigla ako at pag-iigihan ko pa sa susunod. Sa oras ng TLE ay sa computer room kami nag-lesson. Pagkalabas sa computer laboratory, kasama si Allaine ay bumili kami ng folder bilang karagdagan sa paggawa ng strips. Nandoon na si Ma'am Mina pagdating ng classroom at sinimulan na namin ang paggawa ng paper flower chain. Sa kakapusan ng oras at dahil may PE bukas at SONA naman sa Lunes, laking tuwa namim sapagkat sa Martes pa namin ipapasa ang art. Sa oras ng Physics ay nagturo lamang si Sir Martin at ang galing niya talaga magturo, lahat ng mga classmate ko ay nganga at nakikinig at kilig sa kanya, nagugustuhan ko na siya at parang nahahatak ako palapit sa kanya.

 2I-Q. Porket ba na may hitsura lamang siya ay siya lang naiisip kong magaling magturo kaysa ibang guro kahit magagaling rin naman. Di ako pahalata sapagkat batid kong malalakas ang pang-amoy nila. Kapag nagalit naman hindi ako natatakot at mas pomopogi pa ngang tingnan. Sa oras naman ng recess ay di nanaman ako kumain subalit sa bait ng maykapal, hindi man lang ako nagutom. Sa oras ng English, about God and Godesses pa rin ang tinuro ni Ma'am Templanza. Si Jobil at Noemi, panay ang daldalan sa isa't isa at parang walang teacher, wala na kong pake kung bumagsak nanaman sila at huwag aasa-asa sa akin kapag maghahabol sila sapagkat di ko sila tutulungan. Sa oras naman ng Math, si Sir Harren na muli ang guro namin. Medyo inuubo pa siya at masama pa raw pakiramdam subalit pinilit pa ring magturo.

2I-R. Sa oras naman ng Physics, gumamit ng projector si sir sa pagtuturo at ang ganda ng lesson pagkat tungkol sa mata ang topic, pinag-aralan rin namin ang vision defect at doon ko nalaman na Myopia pala ang sakit ng mata ko at diverging lens ang gamit ko sa salamin. Ilang sandali pa'y uwian na, ayaw ko na walang kasabay umuwi kaya nagtungo ako sa room nila Gwen. Hinintay ko muna siya at sa wakas natapos rin ang paghihintay sapagkat nakalabas na si Gwen. Masarap kaming nagkwentuhan habang nakasakay satricycle at pinag-usapan namin ang tungkol sa karanasan naming dalawa ng magkaklase pa't kay sarap balikan kapag masasaya.

2I-S. Pagkababa naman ay saktong nakita ko sina Charmlie at Elisa na naka-uniform pangkolehiyo, may kasabay muli ako sa pag-uwi at nagkamustahan kami, no time no see kasi kami. Sa di inaasahan habang sarap na sarap sa pagnguya ay muling sumakit ang ngipin ko dahilan kung bakit tinamad akong gumawa ng takdang-aralin. Idinaan ko na lang sa pagbabasa ng kwento sa Batikan upang makalimutan ang sakit subalit dama pa rin at kahit gabi na, masakit pa rin at lalo pang sumasakit. Ilang ulit ng nagmumug ng maligamgam na tubig na may asin pero sa tindi ng sakit mukhang di mawawala. Hirap tuloy ako sa pagkain at hindi din makatulog.


July 19, 2013
Friday

Year I-200

2I-T. Ginising ako ni Mama kinamadaling araw at pananakit ng ngipin agad ang una kong naramdaman sa aking pagdilat, hindi pa rin nawawala ang sakit kaya hindi na ko pumasok. Kinulang rin ako sa pagtulog kaya ipinagpatuloy ko ang pagtulog. Alas-sais na ng muling gumising, masakit pa rin pero di na kasing sakit ng kahapon at kanina. Sayang ang araw ng pagpasok ko sana sa eskwela at absent nanaman ako, bakit pa ba kasi sumasakit pa ang ngipin, nagsisilpilyo naman ako araw-araw. Matapos kumain ng agahan ay nagwalis-walis ako at ng masiguradong malinis ay ipinagpatuloy ko ang paggupit ng folder na gagawing paper strip. Sira ang wall clock namin dahilan kung bakit hindi malaman ang tamang oras. Sa sobrang abala ko sa paggawa ng paper chain flower nq halos magkandakuba na sa kakadikit isa-isa ng strips sa illustration board.

2I-U. Nagkulang pa sa materials kaya nagtungo pa ko sa taas, tagaktak ng pawis ang inabot ko pagdating doon at ng makabili, sa halip na maglakad ng napakalayo'y sumakay na ko. Ipinagpatuloy ko ang pagdidikit ng strip at mukhang korteng bulaklak na siya dahil sa tinupi-tuping strips na hugis oblong at minsan ay hugis bilog na kapag nakadikit. Kumakain na sila Mama at inaalok na kong kumain na rin subalit hindi ko pa tapos gawin ang art sa MAPEH, pagkatingin sa telepono ay Alas-onse na pala, pano di gumagalaw ang orasan sa dingding kaya di namin malaman ang tamang oras. Kumain muna ako at ipinagpatuloy pagkatapos, doble pagod at hirap ang iginugol ko matapos lang ang art pero sa dami ng kailangang idikit ay mukhang aabutin pa hanggang bukas.

2I-V. Inaantok na ko kaya hindi ko mapigilang matulog, bakit pa ko natulog? Tuloy ay inabot na naman ng Alas-kwatro sa paggising, sayang tuloy ang oras sa paggawa ng art. Sumasakit nanaman ang ngipin ko kaya uminom ng Mefenamic acid. Hirap tuloy sa pagnguya at matapos ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng art. Naging matiyaga ako sa paggupit at pagdikit ng strips kahit masakit ang ngipin. Sa sobrang abala ko'y inabot na ko ng hating gabi subalit hindi pa rin tapos, naabutan na nga ako ni Papa at Ate na kagagaling lamang sa trabaho at nakatulog na rin si Mama na nagising na. Sa puntong iyon ay ramdam ko na ang matinding pagpupuyat at dahil bawal ako magpuyat sa magdamag ay natulog na ko, ayos lang abutan ako ng umaga na dilat ang mata matapos lang ang art pero hindi maari at baka dapuan muli ng sakit.


July 20, 2013
Saturday

Year I-201

2I-W. Sa kasarapan tumulog na halos di na maawat ang sarili at lagi na lang nasa Dreamland, tinanghali nanaman ako ng gising. Hindi ako kumain ng agahan kahit nakahain sa mesa sapagkat busog ang sikmura ko. Diretso gawa ako ngart sa MAPEH ng Paper flower chain at much effort talaga ako sa pagdidikit ng tinuping strips gamit ang glue stick kahit nauusukan na at tagaktak nanaman ang pawis. Sa dami ng kailangang idikit sa one-fourth illustration board, kinulang nanaman sa materials kaya nagtungo nanaman sa Taas. gagawa pa ko ng Repetition art gamit ang yarn kaya isinabay ko na, kukonti lang kailangan ko sayarn at para Menos gastos ay tiningi ko na lamang, madali naman kausap si Aling Nenita kaya kaagad niya akong binigyan ng tininging yarn at may dagdag pa.

2I-X. Ang bait talaga ni Aling Nenita kapag ako bumibili sa kanya, laging maydiscount, paano suki na niya ko at mangyaring bumibili ako sa kanila dahil mura at matibay pa. Naging sapalaran sa akin ang paglalakad sa initan kaya tagaktak nanaman ang pawis pagkauwi, sa sobrang alala ni Mama na baka bumalik ang sakit ko ay siya na ang nag-atubiling punasan ang likod ko, bait talaga ng nanay ko na kahit minsan ay bungangera. Ng masiguradong wala ng pawis ang nasasayang ay saka pa lamang ipinagpatuloy ang paggawa ng art, Alas-dyis ko na iyon natapos at hindi ko maalis ang tingin sa aking ginawa sapagkat gandang-ganda ako at gusto ko pa ngang itanghal sa dingding para attractive sa mga bisitang darating. Sunod ay sinimulan ko ng gawin ang repetition, tiyaga ang pinairal ko sa pagdidikit ng yarn at ito'y maingat sapagkat maaring magulo ang pagkakalagay sa konting pagkakamali lamang.

2I-Y. Dalawang oras ko iyon ginawa at sa wakas ay natapos din. Gutom na ako kaya napasobra ang dami ng kinain at matapos mananghalian ay natulog ako. Balak ko sanang magising bago mag-Alas-kwatro subalit lagpas Alas-kwatro na ko nagising, tagal ko rin matulog at inabot pa ng apat na oras. Naupo saglit at ng mainip ay nagkumpyuter ako. Nakipag-chat ako sa Facebook at maski si Sir Sellona ay naging ka chatmate ko rin kaso ng si Sir Martin ay masyadong isnabero kahit sabihing busy pa, naiintindihan kong siguro ay maraming ka-chatat di ako maasikasong replayan kaso iba ang pakiramdam ko't parang ayaw niya kong kausap, bakit kaya? Nakaka-turn off tuloy siya. Buti pa si Sir Sellona, ang sarap ka-chat at di pa ko Seenzoned sa kanya. Sa kasarapan mag-chat ay di namalayang Alas-sais na pala.

2I-Z. Napapansin ko lang na mas maganda kausap ang mga panget at katamtaman unlike kapag pogi at maganda sapagkat may hiya pang nararamdaman kapag kausap mo sila, buti sana kung kasing ganda't gwapo mo sila, doon ay mawawala ang hiya, feeling ko lang. Isa pa kailangang maingat ka sa pananalita at hindi mo hahayaang may masabi kang maari nilang ikasakit, daming kaartehan, kapag panget ayos lang kahit anong sabihin mo pero alam natin kahit sino may damdamin rin, masasaktan rin sila kapag masasakit ang salita mo sapagkat tao rin sila. Maigi minsan pinanganak kang panget sapagkat safe ka sa maaring gumahasa sayo kapag dumaan ka sa madilim o kumpol na kalalakihan. Parating tandaan, magaganda lamang ang ginagahasa at di ligtas sa maiinit na mata ng mga manyak. Kaya kayo, ang ganda niyo naman kapag ginahasa at di dapat gawing katatawanan ang tungkol sa rape. Matapos manood ng telebisyon ay muli nanaman akong natulog.


July 21, 2013
Sunday

Year I-202

2J-A. Nagising ako dakong Alas-singko subalit dala na inaantok pa'y umidlip muna ako at malapit ng sumapit ang Alas-Siete ng maisipang bumangon. Matapos mag-almusal ay nagtungo ako sa bahay nina Ate Ging upang manghiram ng libro, hahanapin ko kung may comics strip na maaring gayahin sa paggawa ng Project sa English. Nahihiya man ay lakas loob akong naghalungkat nagbabakasakaling may makita subalit hindi matagpuan ang aking hinahanap. Sina Cathy at Ate Ging ay todo udyok sa akin na dumalo mamaya sa kanilang simba, di ako makatanggi sa pang-uudyok nila sapagkat pinagbigyan nila akong pahalungkatin at pinahiram pa nga. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanila ay pumayag na ko na dadalo mamaya sa samba. Pagadating sa JOLIA Church ay hindi kagandahang balita agad ang sumalubong sa aming bagong dating sapagkat nanakawan sila Pastora Anna ng Gitara at Amplier kagabi.

2J-B. Ang tapang ng magnanakaw at kila Pastora pa naglakas-loob na sumalakay. Kahit nanakawan sila Pastora ay nagpapasalamat pa rin dahil walang ni isa sa kanila ang napahamak. Buti na lamang at may taong nagpahiram ng gitara kaya tuloy pa rin ang Worship, lahat ng masasamang nangyayari sa kanila o sa atin ay isinisisi kay Satanas. Matapos ang Worship ay may testimony muna, sa hinaba-haba ng ibinahaging kwento ni Sister Lilia ay inabutan na kami ng Alas-onse at saka pa lamang nagsimula ang bible study. Kaarawan rin pala ng Pastora nitong Biyernes at maligaya namin itong binati. Ang ganda ng kwento ng Pastora at may natutuhan kami sa kanya. Kung kaarawan mo at sabihin mong bahala na, sa di inaasahan ay may darating palang biyayang magpapasaya sa iyong kaarawan, bukod pa dun ay itinuro rin sa amin ang tungkol sa Precious Blood.

2J-C. Habang sinasagawa ang bible study ay binahing na ko ng sunod-sunod at sinipon. Mukhang sumasama nanaman ang pakiramdam ko at sa takot na makahawa ay hindi ako nakipag-shake hands pagkatapos ng bible study. Kasabay ko sa pag-uwi sila Sister Malou at Sister Minerva. Saka pa lamang nananghalian pagdating sa bahay at pagkatapos kumain ay nagkumpyuter ako. Gumawa ako ng Project sa Math at kahit hirap sa pag-research ay sinubukan ko pa rin at di sumuko. Nang makahanap sa Google ng article ay nag-Facebook ako kaso sa kabagalan ng Internet connection ay hindi ko mai-save ang ginawang Files sa Yahoo Mail. Patuloy na mabagal ang Internet at sa inip ko'y natulog na lamang. Sa kasarapang matulog ay Alas-kwatro muli ako nagising, dahil walang maisipang gawin ay sinimulan ko ng sagutan ang Batikan ng sa gayo'y may maipasa bukas.

2J-D. Inabot na ko ng gabi at sa dami ng kailangang sagutan ay hindi ko ito natapos. Kakabato kapag sa loob ka lang ng bahay, may balak sanang magkumpyuter subalit batid kong dagdag gastos na sa bayaran sa kuryente kaya naisipan kong sa labas na lang. Total may pera naman at para maiba naman ang environment. Sa Computer shop nila Giselle ako nagkumpyuter at napakaingay ng mga kalalakihang nagdo-DOTA, parang nagsisisi ako at dapat ay sa bahay na lang, isa pa ay amoy araw doon pagkat kulob. Sa di matiis na kaingayan ay di na ko nagtagal pa. Wala namang pasok kinabukasan kaya nanood pa ko ng Gandang Gabi Vice. Tawa much kami sa makukulit at pahirit na joke na ibinabato ni Vice Ganda at guess rin niya si Miss Lea Salonga. Sa kakatawa ay tanggal sa buong katawan ang stress at kakatuwang kausap kapag siguro may kaibigan kang katulad ni Vice Ganda. Alas-onse na ng matulog at walang pasok bukas sapagkat ng SONA ni Pangulong Noynoy.



July 22, 2013
Monday

Year I-203

2J-E. Today is the State of the nation address of our beloved President Benigno Aquino the third, anu-ano kayang panukala niya ang ipapatupad sa tatlong taong natitira at ano na ang naiambag niya sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng kanyang panunungkulan? Abangan ang lahat ng katanungang namumuo sa isipan ng masang Pilipino mamaya, as usual ay ibibida niya ang magandang paglago ng Ekonomiya subalit parang di pa rin nababawasan ang kahirapan. Alas-siete ng ako'y muling dumilat at sarado na ang lansangan sa Commonwealth sapagkat sinasakop na ng mga ralihista. Kung nagkataong lagpas ng Sandigan ako nag-aaral at may pasok, siguradong pahirapan sa pag-aabang ng masasakyan at sapalaran pa sa pakikipagsabayan sa mga nagwewelga. Matapos manood ng telebisyon ay ipinagpatuloy kong sagutan ang Batikan, bukas na ang tseking nito kaya sobrang Pressure ako sa pagsagot at kailangan bago sumapit ang dilim ay tapos ko na. Isa pa ay may Project pa sa English at Math na kailangang tapusin, dami ko talagang gagawin at di na alam kung anong uunahin.

2J-F. Nagtungo ako kila Cathy upang isauli ang hiniram na book, umaambon na at balak ko pang magtungo kina Tita Jean subalit ang maganda, habang naglalakad ay saktong nakitang may kakwentuhan ang Tita Jean dala ang malusog na sanggol niyang anak. Pauwi nun siya kaya sumabay na ko. Pagkapasok sa kanilang bahay ay tinanung ko si Amihan na tutok ang paningin sa telebisyon kanyang kinahuhumalingan kung nasaan ang libro niya. Ng malaman ay sinimulan ko ng maghalungkat, nahihihya man ay kinapalan ko na ang mukha alang-alang sa Project sa English. Wala akong makitang posibleng gayaan ng comics strip kaya sige pa rin ako sa paghahanap at nagbabakasakaling may mahanap subalit wala. Gusto ko pa sanang manatili sa kanila subalit iniisip ko ang kalusugan ko kapag inabot ng tanghali kaya kinailangan ng umuwi. Halos maligo na sa sariling pawis pagdating sa bahay at sa bait ni Mama na takot matuyuan ng pawis ay siya na mismo ang nagpunas ng likuran. Gustuhin man niyang gawing sapin sa likuran ang diyaryo subalit hindi ako pumayag.

2J-G. Matapos kumain at maligo ay oras nanaman ng pagtulog, tulog na lahat ng kasamahan ko pero heto ako na abala sa pagsagot ng Batikan. Nang makaramdam ng antok ay natulog na rin ako, makapagpapahinga nanaman ng matagal at mukhang makakalikom ako ng lakas sa katawan. Super high ako pagkagising at pagkatingin sa orasan, malapit ng mag-Alas kwatro, hudyat na malapit ng magsimula ang SONA ng Pangulo at habang nagtatalumpati ang pangulo ay take down notes ako ng lahat ng mga pamamalakad at proyektong kanyang binabanggit na naisagawa na at tamang kutkot rin ng kinayod na abokado. Sa sobrang sarap kumain, ayun at sakit ng tiyan ang abot. Napakarami ng sinabi ng pangulo na halos di na magkasya sa kwaderno ang isinulat at inabot pa ng halos dalawang oras.

2J-H. Sana naman sa lahat ng sinabi ng pangulo ay di laging napapako sapagkat marami ang umaako sa kanyang mga plano para sa ikagaganda ng ating pamumuhay at bansa. Matapos manood ng telebisyon ay ipinagpatuloy kong sagutan ang Batikan at nagkumpyuter, selos ako kay mudrang sayang-saya sa bagong cellphone at nakakapag-Facebook pa, sa halip sa sariling computer ako nag-internet ay nakigamit ako sa cellphone ni Mama kaso ang bagal. Bumilis lang kung kailan tulugan na, tuloy ay di na nakapag-internet. May pasok na bukas. Hindi naman ako makatulog ng maayos at nakadagdag pa kung bakit hindi kasarapan ang tulog dahil sa walang katapusang pag-uusap nila.


July 23, 2013
Tuesday

Year I-204

2J-I. Apat na araw rin nasa bahay at hindi pumasok kasama na dun ang pagliban sa klase gawa ng pananakit ng ngipin. Kahit medyo inaantok pa gawa na hindi makatulog kagabi ay nagpatuloy pa rin ako sa pagbangon at kumain ng agahan. Inuubo nanaman ako at sa takot na baka sumama ang pakiramdam ay nagpunas lamang ako. Dami kong dala pag-alis ng bahay kaya hindi naging komportable para sa akin ang sumakay sa tricycle. Kakaunti pa lang ang estudyante na aking nadatnan pagdating sa eskwela. Ilang sandali pa'y flag ceremony na at sunod ay dumating na ang aming gurong tagapayo. Bago mag-lesson ay naglinis muna kami sa loob ng silid, maglilinis na nga lang ay gagamitin pa ang bibig kaya mistulang palengke ang classroom at nasita tuloy kaming lahat ni Sir Arnulfo.

2J-J. Nang malinis na ang lahat ng sulok ay saka pa lamang nagsimulang magtalakay si Sir. pagkatapos ng AP at habang wala pa si Sir Balbin ay nagsagut muna kami ng take home long test, kopyahan ang lahat ng aking kamag-aral sa sagot ng iba at dahil wala pang sagot ay nangopya na rin ako. Kahit andun na si Sir Balbin ay talamak pa rin ang kopyahan. Ang masaklap pa'y di na nga ako pahalata ay nahuli pa ako at nasita tuloy ni sir, binantaan ba namang ibabagsak niya at kung ibabagsak niya ko ay dapat sila rin sapagkat nangongopya rin sila. Grabe pala magalit si Sir at masasakit ang sinabi niya na halos ikadurog ng puso ko, hindi na ko nakaamik pagkat ako rin ang lalabas na mali.

2J-K. Tanggap ko ang aking pagkakamali subalit naramdaman kong di pantay ang trato niya sa amin, nakaligtas ang di pahalata sa pangongopya at ibabagsak kung sinuman ang nahuli. Kung mambabagsak lang siya di dapat lahat na kami, pangongopya lang naman ang ginawa ng halos lahat sa amin. Favoritism kasi! Kahit panay patawa si Ma'am Mina at tawanan na ang halos sa kamag-aral ko, heto ako na nanatiling tulala at nilalamon ng lungkot at dismaya ang buo kong pagkatao sapagkat hindi pa rin mabura sa aking isipan ang masasakit na salitang binitawan ni Sir Balbin. Sa oras ng Filipino kahit sa Lunes na ang tseking ay hindi pa rin ako nasiyahan, parang napakalaki ng kasalanan ginawa ko para sabihin iyon sa akin. Gusto kong magsalita at ilabas kung anong nararamdaman subalit walang ni isang teynga ang handang magbukas upang pakinggan ako, kawawa naman ako.

2J-L. Nang uwian na ay parang lantang gulay akong palakad-lakad, gusto ko sanang ikwento kay Mama ang lahat ng maanghang na salitang sinabi ni SirBalbin subalit baka pagmulan pa ng gera sa bahay kaya tikom ang bibig. Idinaan ko na lang sa tulog ang lahat aking nararamdaman. Sana sa aking paggising ay parang kasing bilis ng kidlat kung maglaho sa isipan ang mga katagang nakakapaso sa loob ng dibdib subalit nanatiling nakatanim pa rin sa isipan at napapayuko ako kapag naalala iyon, sobrang nadismaya ako at hindi magawang ipagtanggol ang sarili. Naging napakalakas ng ulan sa labas na sinabayan pa ng hangin na animoy bagyo, gusto sanang maligo sa ulan subalit hindi maari sapagkat baka sipunin muli. Naging maulan ang buong gabi dahilan kung bakit balot ang buong katawan sa kumot gawa ng lamig. Mukhang di naman ako inaantok at hindi rin makatulog. Pilit man binubura sa isipan ang sinabi ng guro subalit parang lintang nakakapit na mahirap tanggalin. Nawawalan na tuloy ng ganang pumasok bukas.


July 24, 2013
Wednesday

Year I-205

2J-M. Pagkagising ay ang kabigatan ng loob ang kaagad kong naramdaman, para bang sampung hollow block na pinagpatung-patung na aking pasan sa likuran, ganong kabigat ang pakiramdam ko at dahil iyon sa pait ng kahapong patuloy pa ring namamayani sa kasalukuyan. Tinatamad na tuloy akong pumasok subalit batid kong kinabukasang kay ganda ang kapalit kapag lumiban nanaman sa klase kaya tinatagan ang kalooban at nagawa pa rin pumasok. Wala iyong sinabi ni Sir at hindi dapat ako magpaapekto sa kanya. Nakatulala at napakalalim ng aking isip habang nakasakay sa tricycle, ni di na nga namalayang nasa eskwela na pala ako kaya bumaba na. Mukhang napaaga ako sa pagdating at banayad ang silid kapag iilan lamang kami. Umingay lang ng dumating ang mga kaklase kong luklukan ng ingay lalo na sina Rommel at Ibarra, kala mo nasa gubat kung magtalastasan, mga officer pa man din sila.

2J-N. Ilang sandali pa'y dumating na si Sir Arnulfo at nag-discuss, marami nanaman matutuhan sa kanya at matapos ay nagkaroon kami ng maikling pagsusulit. Naging kasing laki ng teynga ng elepante ang teynga ko nang magturo si sir kaya mas maliit pa sa sisiw para sa akin ang mga katanungan. Sayang at di ko pa naperpekto. Sa oras naman ng TLE ay tila ala-ala ng kahapon ang namutawi sa aking isipan at may kaba sa dibdib dahil baka masermunan muli ni sir subalit akala ko lang iyon pagkat hindi na siya galit at nakapagturo pa nga, mukhang limot na ang kahapon at kailangan ko ng isipin na ang nakalipas ay di na dapat balikan sapagkat wala ka ng magagawa.

2J-O. Nagbunyi ang mga kamag-aral ko ng ianunsyo ni Ma'am Mina na maaga ang uwian sapagkat may Earthquake drill kami. Kahit kailan talaga ay malakomedyante kung magturo si Ma'am Mina, halos mamatay-matay kami sa kakatawa. Sa oras naman ng Filipino ay nagsagot lang kami sa Batikan. Sa halip kamay ang gamitin ay bibig pa ang ginagamit sa pagsasagot. Ang daming lumalabas sa bibig nila bagay na walang kakwenta kwenta kung mapag-usapan man, ako na siguro ang pinakatahimik na estudyante kung susuriin at sinasabayan pa ng pagtaas ng boses kahit may guro sa harapan, sa puntong iyon ay wala na silang respeto at kailangan ng disiplinahin. Ng breaktime na ay nagsilabasan na ang maiingay sa klase, sa sakit ng ngipin na kumikirot nanaman ay hindi ako makakain.

2J-P. Hindi naman ako gutom kaya isinantabi ko ang dalang baon at nagpatuloy sa pagsagot ng Batikan. Lalo pang sumakit ng English na kaya hirap akong makapag-concentrate sa pakikinig. Sa oras ng Math ay tumunog na ang mahabang sirena ng bell hudyat ng pagsisimula ng drill para sa preparation sa lindol subalit first year ang nauna. Habang hinihintay ang susunod na bell para sa Fourth year ay hala sige sa palitan ng salita na akala'y di maawat at matikom man lang ang bibig. Naiingayan na ko sa kanila at lalo pang lumalala na kala nakawala sa kulungan ng kami na ang nakasalang sa earthquake drill.
2J-Q. May tawanan, may natataranta at may nakikipag-unahan pa sa paglabas, iyon ang ginawa namin. Nang makarating sa Station 6 ay nagkampo kaming mga Apacible at di alintana ang takot na mapunitan ng lalamunan sa kakasigaw at hiyawan. Wala namang importanteng gagawin at masakit ang ngipin ko kaya naisipang umuwi na lang. Gutom na ko ng umuwi ng bahay kaya walang pasubali sa paglamon ng ulam. Matapos kumain ay natulog na ko. Bahagyang naibsan ang pananakit ng ngipin ko pagkagising at malapit na palang sumapit ang dilim. Muli nanamang umulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat kaya hindi muling nakanood ng telebisyon. Dahil maaga pa ang gising kinabukasan ay hindi na ko patumpik-tumpik karakarakang natulog.


July 25, 2013
Thursday

Year I-206

2J-R. Hindi na nakakaramdam ng antok pagkagising ng madaling araw at mukhang nasasabik sa muling pagpasok, marahil nga'y nalampasan ko na ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko. Sa sobrang kasabikan, napaaga ang dating ko at iilan-ilang estudyante pa lamang ang napasok. Tahimik ang silid ng datnan ko at asahang magiging maingay nanaman kapag dumami muli kami, as usual. Nabali lamang ang katahimikang umiiral sa buong silid ng dumating ang magpinsang Bohol at sina Ibarra, nabwibwisit na ko sa kanila at parang inahing manok kung dumadada. Bago pa man magsimula ang klase ay pinakintab muna namin ang sahig, lagay nga ng lagay ng floorwax kung di naman nagsusuot ng shoerug, balewala rin at dudumi muli. Ng matapos ang paglilinis ay ang akalang regular class ay nagkakamali pagkat may pre-test kami para sa NAT

2J-S. Ang hihirap ng katanungan at talagang nangamote ako, idagdag pa ang kakapusan sa oras na ibinigay, sobrang na-pressure ako sa pagsagot subalit hula-hula na lang ng magbilang si Sir. Sa oras ng TLE ay nagkaroon kami ngexhibition. Tingin-tingin rin sa lahat ng invention na gawa sa patapong materialsat mapapanganga ka sa sobrang creative nila. MAPEH time ng makabalik kami sa classroom, isang CAT student ang nasa pisara at nagturo sa amin. Tungkol sa CAT ang topic sa MAPEH at itinuro niya iyon. Mukhang hindi ako pwede sa CAT sapagkat sinabi niya na ibibilad ka sa arawan at ang masaklap pa kahit nangangati ay hindi ka pwedeng gumalaw at kung nagkataong mahimatay, amonyang kasulasulasok sa pang-amoy ang ipapaamoy sayo upang magkamalay ka.

2J-T. Isa pa ay compulsory ang CAT at hiwalay iyon sa grade sa MAPEH, parang kamatayan ang abot ko kapag sumali sa CAT. Kailangan talaga bago ka magtapos ay dadanas at dadanas muna ng hirap. Sa oras ng Physics ay maypretest muli, ayan nanaman itong si pahirap at sasakit muli ang ulo ko. Asa pa kong makakakuha ng mataas kung nahihirapan ako. Sa oras ng recess ay nagtungo ako sa MAPEH department upang bumili ng PE uniform kaso out of stock ngayon, balik pa tuloy ako bukas. Sa oras naman ng English ay nagkaroon rin kami ng pretest maging sa oras ng Math. Sa oras ng Physics muli ay inilaan ang oras sa pag-uusap tungkol sa project, buti na lang at may ideya na ko kaya bago umuwi ay bumili ako ng materyales, maging ang patapon ay naging sangkap sa paggawa, ni hindi na nga ako natulog dahil abala ako sa paggawa ng project. Sa hirap mag-isip ng maimbento ay inabot na ko ng gabi sa paggawa.

2J-U. Maingay sa labas at may nagkakahiyawan pa, yun pala ay may dalawang babaeng nagsasabunutan na halos ikabruha na ng buhok nila sa isa’t isa. Kung magsampalan at magtalakan ay parang daig pa ang nag-aaway sa Face to Face at Personalan, Kahit tigasing lalaki na ang naawat ay di pa rin sila papigil at sige pa rin sa sampalan. Bukod sa nag-aaway ay palitan rin sila ng maanghang na murahan. Kaagad naman natigil ang hidwaan ng dalawa at ang kaninang ako na nakikiusyoso ay balik muli sa paggawa. Alas-otso na subalit di pa rin natatapos kaya naisipan ipagpatuloy na lamang bukas. Dala ng pagod, sobrang bagsak ako sa higaan.


July 26, 2013
Friday

Year I-207

2J-V. Alas-tres pa lamang at di pa nga natunog ang alarm clock sa cellphone ay gumising na ko subalit muli akong umidlip. Alas-kwatro ng muling magising ng gisingin ni Mama. Inuubo ako nun at sumisipol pa ang dibdib kapag nahinga, marahil ay may nasagap nanamang sakit at kahit nasakit ang ulo ay pumasok pa rin ako, sayang ang lesson kung di papasok. Habang wala pang guro ay kanya-kanya kaming gawa ng takdang-aralin. May ibang kamag-aral na kusang nagwawalis kahit di cleaners na animoy may malasakit sa kalinisan di lamang sa silid maging sa paaralan, tumigil at nanahimik lang ang mundo ng lahat ng dumating si Sir Arnulfo, inanunsyo niya kung sino ang mag-uulat sa susunod na linggo at isa ako sa natawag, Merkantilismo ang aking iuulat. Bukod pa dun ay may iba pang mahalagang inanunsyo si Sir Arnulfo at matapos ay tsinekan na namin ang test paper sa pre-test, kahit mababa ay ayos lang sa akin, pre-test lang iyan at kahit mababa ang nakuha ay di naman maapektuhan ang grademo.

2J-W. Sa oras naman ng Values ay nagkaroon naman kami ng long test, sa tagal sumagot ng ilan kong kamag-aral at dahil marunong maghintay si Ma'am Fabiana ay inabutan na kami ng oras sa MAPEH. Sa katunayan ay humingi na nga ng tawad si Ma'am Fabiana kay Ma'am Mina. Long test nanaman na may kinalaman sa PE, kahit di lumulahok sa aktibidad ng PE dahil sa aking karamdaman ay hindi naging hadlang sa akin upang mahirapang sagutan ang exam, first year pa yan ginagawa at alam ko na ang tawag sa bawat aktibiting nakaguhit sa papel dahil sa stock knowledge. Sa oras naman ng Filipino, walang kamatayang pre-test nanaman. Kahit Tagalog basta di alam ang isasagot ay nanghula-hula na lamang ako. Nang breaktime na ay nagtungo ako sa kubo kung saan ang bilihan ng PE uniform. Napakahaba ng pila at sa takot mahuli sa pagpasok sa English period, naisipan kong mamayang uwian na lang ako bumili. Wala pa nun si Ma'am Templanza pagkabalik kaya nakakain pa ko.

2J-X. Ilang sandali pa ay dumating na si Ma'am Templanza at nagkaroon kami nglong test. Ang kaninang tahimik ay umingay nanaman, anong klase silang estudyante at panay ang harutan at hagikhikan sa harapan kahit na mayteacher sa harapan, di lang nagsasalita si Ma'am Templanza subalit bwisit na marahil siya sa amin at umalis ng di man lang nagpapaalam. Sa oras ng Math, wala si Sir Harren subalit si Bacsal at Leonardo ang namahala sa amin at si Leonardo ang nagturo sa amin ng lesson. Sa oras naman ng Physics ay nagtsek lang kami ng test paper sa pretest, sobrang hiya sa sarili ang naramdaman ko pagkat ang mababang markang nakuha ay siyang pinakamababa sa lahat. Out of 50 ay nine lang ang nakuha at iyon ang pinakamababang nakuha ko sa tana ng buhay ko kapag may exam.

2J-Y. Bago pa man umuwi ay tumungo pa ko sa kubo upang bumili ng PE kaso ay napakahaba ng pila at dagdag pahirap pa ang sikat ng araw. Umalis na ko at naisipang babalik mamaya. Dumaan pa ko kina Jayvie ann at ibinigay sa kanya ang Worksheet, ilang araw na itong wala sa klase kaya kamustahan kami, nagkwentuhan at sa kasarapan ng kwento ay inabot na ko ng Alas-dos. Naglakad kahit nagugutom na at nabibigatan sa dalang gamit. Hapong-hapo akong umuwi ng bahay at agad humilata sa kama matapos kumain. Alas-kwatro na ko nagising at ipinagpatuloy ang paggawa ng project sa Physics, sa sobrang tiyagang aking pinairal ay sa wakas at natapos rin. Nakahinga rin ng maluwag at nakanood pa ng telebisyon. Matapos manood ay matutulog nanaman ako.


July 27, 2013
Saturday

Year I-208

2J-Z. Maaliwalas ang lagay ng panahon sa labas na tila bagang hinudyat nito ang wakas ng kalungkutan tulad ng ulan at mukhang magiging maaraw sa maghapon. Sarap pang humilata sa kamang kay lambot at parang tinatamad pang bumangon, maingay na sa labas ng kwarto dahil sa pag-uusap ni Mama at Ate na paalis patungong review. Hindi pa man nakakalamon ng agahan ay kaagad kong inintindi ang project sa Physics na imbensyon, kahit yari na ay di pa rin ako makuntento at pinaganda pa ng husto. Sa kadahilanang nagkulang sa materyales, kahit batid na mapapagod ay lakas loob akong naglakad sa ilalim ng sikat ng araw upang bumili ng kakailanganing materials. Sa layo ng nilakad na halos ilang kilometro rin ay hapong-hapo akong umuwi at pinagpawisan ng labis.

2K-A. Kahit nagkaganon ang nararamdaman ay desido pa ring pagandahing ang project upang maging karapatdapat bigyan ng magandang marka sa pasahan. Malapit ng sumapit ang tanghaling tapat ng matapos ko iyon. Nalipasan na nga ako ng gutom at matapos ay nagkumpyuter ako. Habang adik na adik at sayang-sayang sa panonood sa Youtube, napansin kong tila pigil ang paghinga ko. Sa kadahilanang nahihirapang huminga ay di ko na tinagalan pa ang pagbabad sa computer. Hindi ko malaman kung bakit ganon na lang ako hikain na dati naman hindi at sobrang nahihirapan na ko sa paghinga na halos ikamatay ko na. Parang may sumasakal sa aking leeg ng mahigpit at ganun-ganun ang pakiramdam ko. Maya-maya'y inubo na ko ng sunod-sunod, plema pa lang dumigkit sa baga ang dahilan kung bakit hinika ako ng ganon, bumalik naman sa normal ang paghinga ko pagkatapos ubuhin at laking pasasalamat sa panginoon sapagkat binigyan niya pa ako ng tyansang mabuhay.

2K-B. Habang nakahiga at nagpapahinga ay dumilim na ang kalangitan na animoy gabi sa sobrang itim. Mukhang uulan siguro ng malakas at ang inasahan ng karamihan kasama ako'y nagkatotoo. Umulan nga ng pagkalakas-lakas na sinabayan pa ng matatalim na kidlat at malalakas na kulog. Marami ang nagsiluguan na karamihan ay mga kabataang masayang nagliliwaliw sa ulan samantalang nasa loob lang ako ng bahay at malungkot ko silang pinagmamasdan, kung wala lang akong karamdaman di sana masayang nag-e-enjoy sa malakas na buhos na ulan. Para di lalo mainggit ay itinigil ko ang panonood sa kanila at natulog na lamang. Dahil patuloy ang pagbuhos ng ulan, kaagad na tumaas ang lebel ng tubig sa Sapa na nagresulta ng gabundok at garapal na basurang naiwan sa tabi nito.

2K-C. Parang dinaanan ng malakas na bagyo pagkatila ng ulan dahil maraming sanga ang nakahambalang sa daan at may mga punong napayuko talaga sa lakas ng hangin. Buti na lang at walang nasawi o nasaktan. Wala nanamang maisipang gawin kaya nagkompyuter na ko, matapos magkompyuter ay panood ng telebisyon ang sunod kong inatupag. Hindi naman masama kung minsan ay maglibang ka basta siguraduhing tapos na ang lahat ng pinapagawa at Time management lang ang kailangan. Kahit tambak ang gawain basta marunong kang humawak ng time management, kaagad mo itong matatapos at makakapag-relax ka. Isa pa ay hindi mo magagawang mataranta kapag marami kang ginagawa. Relax-relax din kapag may time at bisibisihan rin paminsan-minsan.


July 28, 2013
Sunday

Year I-209

2K-D. It is Sunday again, the day that we have served to God. Mukhang malabong makakadalo ako sa aming sunday church mamaya sapagkat may gagawin pa ko sa English. Naku at mabibigo ko nanaman ang pangako kay God pati kay Pastora Anna, hindi bale at babawi na lang sa susunod. Alas-siete na ng umaga ako nagising at ako na lang palang hinihintay magising. Diretso gawa ako ng project sa English at sa sobrang abala ay di namalayang Alas-onse na pala. Umalis sila Mama at Papa at kaming dalawa lang ng kuya ang naiwan at bibili raw sila ng Washing Machine. Kakabato kapag sa loob ka lang ng bahay at naisipan kong magkumpyuter upang sa ganon ay makaramdam ng pagkalibang, habang nagkukumpyuter ay muli nanaman dumilim ang kalangitan na animo'y gabi, ilang sandaling makalipas ay bumuhos nanaman ang malakas na ulan sa labas.

2K-E. Ang mga kabataan at bata ay masayang naliligo sa ulan. Idinaan ko na lang sa paglalaro ng games sa computer ang inggit na nadarama. Ng magsawa sa paglalaro ay inumpisahan ko ng mag-research sa Internet ang iuulat. Hirap akong hanapin ang tungkol sa Merkantilismo kaya naisipang manghiram kaso naulan kaya di makalabas. Saktong kasagsagan ng ulan ng dumating sila Mama bitbit ang Washing machine. Mukhang di na kailangan ni Mama ang pagkukusot habang naglalaba at di na rin sasakit ang balikat sapagkat may Washing Machine ng tutulong sa kanya upang mapabilis ang gawaing paglalaba maski ako.

2K-F. Nang tuluyang humina ang ulan ay saka lamang ako nagtungo kilaRhea upang hiramin ang textbook. Sa bait ni Rhea ay kaagad akong nakahiram ng textbook niya at karakaraka na kong nagpa-zerox. Madulas ang daan at maputik pa kaya naisipan ko ng sumakay pagkauwi. Pinag-aralan ko ang aking iuulat kahit sa Martes pa ng sa ganon ay hindi magkalat at maging maayos kapag nag-ulat. Kinagabihan, nabwisit ako ng husto sa alaga naming aso sapagkat ang Project na ginawa sa Physics na aking lubhang pinaghirapan ay sinabutahe at niratrat. Uulit tuloy ako at sobrang ngitngit ako sa galit habang inaayos ang project. Nang maayos at dahil inaantok na ay napaaga ang tulog ko.


July 29, 2013
Monday

Year I-210

2K-G. Malakas na buhos ng ulan kinamadaling araw ang gumising sa diwa ko, inakala kong Alas-kwatro na subalit Alas-dos pa lamang. Sa sobrang lakas ng ulan ay mukhang masususpinde na ang klase mamaya. Kasabay ng pag-ulan ang paninikip muli ng aking hininga at inuubo pa. Sa aking pakiwari'y hinihika nanaman ako. Ang ipinagtataka ko lang nitong huling mga araw ay parang dumadalas na ang pagkakaroon ng ubo at nahihirapan na ko sa paghinga, marahil ay may diperensya na ang baga. Alas-kwatro ng gumising si Mama at nagluto ng agahan, malakas pa rin ang buhos ng ulan na mukhang masususpinde na ang klase, inuubo pa ko at mababasa pa sa ulan kapag tinangkang pumasok kaya naisipang huwag ng tumuloy at baka lalo pang magkasakit. Tumila naman ang ulan pagputok ng liwanag, ang inakalang walang pasok ay may pasok pala at tuloy ay absent nanaman ako. Sa kasarapan ng tulog at dahil maaga pa ako nagising, halos mag-aalas-otso na ng magising muli.

2K-H. Hindi na inuubo at balik muli sa dating ginhawa ang paghinga. Sa dalas ng pagkakaroon ko ng ubo at sipon na sinabayan pa ng hirap sa paghinga ay naisipan na namin na magpakonsult sa Doctor. Sa doctor ng ate doon sa UST kami magpapakonsulta at wala anu-ano pa'y naligo at nagbihis na kami, Hanggang ala-una lang daw nandoon sa clinic ang Pulmonologist at baka di namin maabutan kaya may pagmamadali sa pagkilos. Dakong mga Alas-nuebe ng makaalis kami ng ate sa bahay. Habang nakasakay sa tricycle ay may isang estranghera ang nginitian ako at kinausap pa. Kahit di kakilala basta mabait at mukhang mapagkakatiwalaan nakipag-usap pa rin ako sa kanya at parang gusto ko siyang kaibiganin dahil masarap kakwentuhan. Nawalan lang ng kausap ng bumaba ang istranghera at sana ay muli pa kaming magkita.

2K-I. Pagdating doon sa may Sandigan ay pahirapan sa amin ng ate na mag-abang ng masasakyan at kahit batid naming hindi makakalusot ang bus sa Maynila dahil sa ordinansang ipinatupad ni Erap ay no choice kami at bus pa rin ang sinakyan. Hanggang sa Mabuhay Rotonda lang kami binaba na sana'y sa harap pa ng UST at sumakay pa ng Jeep, mukhang dagdag gastos pa sa pamasahe. Pagdating ng UST ay nandilat ang mata ko ng pagkalakilaki sapagkat napakalawak pala ng unibersidad na iyon. Hindi lang kolehiyala at kolehiyo ang madadatnan dun dahil may madre, may mga doctor at iba-iba pang ordinaryong tao, pasyente man o hindi ang makikita sa UST. Ang inakalang eskwelahan lang ay may hospital din pala, may simbahan at nandoon rin ang restaurant na di na kakailanganing pang lumabas kapag Lunch time ng mga mag-aaral doon. Parang gusto kong mag-aral sa UST kaso kakayanin ko bang pumasok dun, talino at yaman ang kailangan. Kung sa bagay ay walang imposible sa pangarap kung pagsusumikapan mong abutin.

2K-J. Nagpatuloy kami ng Ate sa paglalakad hanggang sa marating ang Clinic kung nasaan ang doktor niya. Si Doctora Dacayan ang naging espasyalista ko sa baga. Inilahad ko sa kanya kung ano ang nararamdaman nitong nakalipas na araw at sinabi niyang sumisikip raw ang daanan ng hangin dahilan kung bakit nahihirapan sa paghinga. Nag-advice pa siya sa akin at sinuri pa ang ilang parte ng aking katawan. Ni bibig ko nga at teynga ay di pinalagpas mula sa suri at nahihiya ako sapagkat hindi ako nakapaglinis ng teynga. Matapos suriin ay may inireseta sa aking gamot kaso Inhaler at hindi tablet upang paluwagin ang daanan ng hangin, natutuwa ako sa sinabi ng doktora dahil wala siyang nakikitang indikasyon na may problema ako sa baga kundi airways lamang raw. Napakalaki ng tiyansang gumaling basta ipagpatuloy lang ang paglanghap ng inhaler.

2K-K. Matapos ang check-up at dala ba nagugutom na ay kumain kami ng Ate sa may restaurant. Daming mga estudyanteng costumer at ang matikulusong-matikuloso sa pagkilos kaya di maiwasang mailang. Ang iingay pa nila at panay pa ang higikhikan. Kahit nahihiya dahil kami lamang ang di estudyante ay lakas loob ko pa rin silang pinakisamahan at lumamon ng kinakain. Habang kumakain kami ay saktong dumating ang kasintahan ng ate na si Kuya Michael at may dala pang napakabigat na atlas, ibinigay niya iyon sa akin at laking pasasalamat ko sa kanya. May babasahin nanaman ako sa bahay naworld atlas at para sa akin ay boto na ako sa kanya para kay Ate. Bago umuwi ay nagtungo pa kami sa Mercury drugs upang bumili ng gamot.

2K-L. Sobrang guilty ako sa gastusin sa gamot sapagkat tagos sa bulsa ang presyo. Ganon talaga kapag may sakit, magastos at sana'y huwag ng muling magkasakit. Kasama pa namin ang Kuya Michael sa paglalakad at kaagad na itong nagpaalam dahil may aasikasuhin pa. Mga Ala-una na kami nakauwi sa bahay at dala ng pagod sa hinaba ng biyahe ay mabilis pa sa Alas-kwatro kung ako'y matulog. Pagkagising, ang binigay na World atlas ng Kuya Michael ang agad kong binasa at sayang-saya ako sapagkat daming makikitang iba't ibang map. Matapos ay gumawa naman ako ng biswal sa AP. Sa dami ng kailangang sulatin ay inabot na ko ng gabi. Bago pa man muling matulog ay naglanghap muna ng inhaler, baka nanaman kasi mahirapan sa paghinga kinaumagahan at hindi muling makapasok.


July 30, 2013
Tuesday

Year I-211

2K-M. Napakakalmado ng kapaligiran na mukhang nagpapanatag sa kalooban at malinis rin ang kalangitan na tanging maliliit na kumikinam na bituin ang matatanaw, mukhang magiging maaliwalas ang panahon mamaya. Dahil di na inaantok ay gumising na ko. Maluwag naman ang paghinga ko at hindi na nasipol pa ang dibdib, epekto na siguro ng gamot na aking nilalanghap, sana'y ganito na lang akong masigla at walang nararamdamang sakit, masakit sa bulsa kapag may pinangangapitan ka. Mga Alas-singko na ko nakaalis ng bahay bitbit ang pinaghirapang project sa Physics. Naabutan na ko ng flag ceremony kaya hindi na kami pinapasok pa at naipon ang mga estudyante sa labas hanggang sa lumiit ang espasyo sa bawat isa. Parang mistulang malakas na agos ng tubig ang pagbulwak papasok sa eskwela ng buksan ang gate at grabe sapagkat nagkakagitgitan na kami.

2K-N. Wala si Sir Arnulfo subalit tuloy pa rin ang pag-uulat ng bawat isa. Nang ako na ang nakasalang ay nilakasan ko ang boses ng husto at kahit binabasa lamang ay binigyan ko pa rin ng paliwanag. Mukhang nanamlay nanaman ako matapos mag-ulat. Naupo na lang ako sa tabi at nagpahinga, sinisinat siguro ako at sa kadahilanang sumasama ang pakiramdam ay nahihirapan akong mag-concentrate sa pakikinig kay Sir Balbin, nagrerepaso pa man din kami para sa nalalapit na Periodical test. Sa oras ng MAPEH at kahit masama ang pakiramdam ay pinilit ko pa rin tumayo at nagtungo kami sa covered court, may quiz bee pala kami at lingid iyon sa aking kaalaman.

2K-O. Hindi ako nakapagrepaso kaya laging nakadepende sa mga kagrupo ko ang isasagot at madalas ay yung mga may alam lang ang paunahang nakakapunta sa harapan at nakakasagot, nakaka-tense talaga ang bawat eksena at hiyawan kami kapag nakakakuha ng puntos. Sa huli kami ang nangunguna at masaya ako doon subalit di ako pakampante dahil di pa tapos ang laban at maari pang magbago. Sa kakatakbo at kakasulat ng mabilis, maipanalo lamang ang kagrupo ay napagod ako kaya nag-inhaler muli. Masama pa rin ang pakiramdam ko kaya sa halip na ituon sa pakikipagdaldalan na wala namang importanteng pag-uusapan ay nag-nap na lamang ako. Hindi ako makapagpahinga sapagkat ang iingay ng kamag-aral ko na parang bubuyog na nagbubulungan.

2K-P. Nanahimik lang ng dumating si Sir Velarde. Bumuti-buti naman ang aking pakiramdam ng English na at pakiramdam ko'y babagsak ako sa English sapagkat hindi ako nakapagpasa ng project, binawi ko na lang sa behavior sapagkat kasali rin iyon sa grading system subalit bwisit ako kay Mothy na walang ginawa kundi inisin ako, hindi ko na nakontrol ang damdamin ko at nasigawan siya. Nang mapawi ang galit, sising-sisi ako kung bakit nagpadala ako sa aking emosyon subalit humingi naman ng tawad si Mothy sa akin na tinanggap ko naman at lumuwag ang kalooban ko, basta’t huwag lang niyang uulitin sa susunod. Sa oras naman ng Math nag-discuss lamang si Sir Harren at ang natitirang oras niya ang aming ginamit para sagutan ang gawaing upuan.

2K-Q. Sa dali ng pinapasagutan ay kaagad namin iyon natapos. Sa oras naman ng Physics, dahil malapit na ang Periodical test ay nagrepaso kami, mukhang magaan magturo si Sir at lahat sa amin ay talagang nakikinig sa kanya, marahil ay may nagpapasaya sa kanya o talagang goodvibes lamang ito. Nang tumunog ang bell ay hindi muna ako umuwi at nagtungo kami ni Mary Joy at Jobil sa Science Department upang ipasa ang project kaso wala si sir. Umuwi na lang kami at iniwan sa silid ang ginawang project. Dadalo pa sana ako sa aming pulong mamaya kaso dahil sinisinat ako ay malabong makakapunta. Matapos kumain ay ipinagpahinga ko ang aking sarili, mukhang lalagnatin nanaman ako. Sumigla naman ako pagkagising at gumawa ng takdang aralin. Pagkatapos gumawa ng takdang aralin ay isinantabi muna ang panonood ng telebisyon at nagrepaso muna ako. Dakong Alas-nuebe na ko natulog.

July 31, 2013
Wednesday

Year I-212

2K-R. Alas-kwatro na ng madaling araw ng gisingin ako ni Mama. Parang sumisigla ako at ginaganahang pumasok kaya ginaganahan rin kumain ng almusal na nakahain sa mesa. Sa dami ng kailangang dalhin ay inabot na ko ng liwanag ng umalis. Pagdating sa eskwela ay siksikan nanaman sa labas at ang dami ng estudyanteng panay ang kwentuhan sa isa't isa, tuloy ay napakaingay na sa silid. Matapos ang flag ceremony ay binuksan na ang gate. Dagsaan ang estudyante na parang malakas na bulwak ng tubig kung magsipasok. Kahit kailan talaga kahit hatiin sa dalawang shift ang bilang ng estudyante sa Batasan ay di pa rin maiwasan ang siksikan.

2K-S. Madami-dami na rin ang kamag-aral ko pagkapasok sa silid subalit wala pa si sir kaya dali-dali kaming gumagawa ng takdang aralin. Nagsipulasan ng takbo ang lahat pabalik sa kanya-kanyang tamang upuan pagkadating ni Sir Arnulfo at nagturo lamang siya hinggil sa alokasyon. Kahit di maglapel ay malinaw at malakas pa rin ang boses ni sir na kahit sa likuran ay madidinig. Habang may makakalap na impormasyon na isinusulat sa pisara ay panay kopya kami ng sa ganon ay may marepaso sa bahay at gumanda ang marka. Sa oras naman ng TLE, tuloy pa rin kami sa pagrerepaso. Habang nagsasalita sa harapan si Sir ay palihim kong binubuklat ang kwaderno sa MAPEH at nagrepaso, hindi ako pahalata at baka masampulan ng init ng ulo kapag nahuli. Nang oras na ng MAPEH ay naghahanda na ang lahat para sa competition at dumating nga si Ma'am Mina, sa halip na sa covered court ganapin ang competition ay minabuting sa loob na lang ng silid.

2K-T.  Kanya-kanyang sagot at paunahan sa pagtaas ng illustration board ang bawat grupo sa bawat katanungang ibabato ni Ma'am. Ang kaninang masayang laban ay nauwi na sa sigawan sapagkat may nandurugas. Wala na kong alam isagot kaya naupo na lang ako, ng matatalo na ang kagrupo ko ay idinaan ko sa santuhang dasal subalit di pa rin kami pinalad manalo. Kahit hindi tinupad ng Diyos ang aking dalangin, alam kong may mas maganda pang kapalaran ang darating sa amin. Natalo man kami ngayon pero babawi kami sa susunod na laban. Nakakadismaya lang pagkat kami ang nangunguna kahapon tapos biglang kulelat. Sa oras naman ng Filipino ay nagpasagot lang si Sir Velarde ng Batikan, habang nakapaikot ang bangko ay nag-usap na lamang kami, ni hindi ko na nga nasagutan ang Batikan sapagkat dinadaldal nila ako lalo na si Reynald. Kahit paano ay nasasabi ko rin ang gustong sabihin.

2K-U. Sa oras ng English ay nagtsek lamang si Ma'am Templanzang kwaderno at kahit maingay sa loob ng silid ay hindi ko binubuksan ang bibig upang mataas ang makuha sa behaviour. Sa oras naman ng Math, wala pa si Sir Harren at si Mandy at Bacsal ang namahala sa amin at nagpa-seatwork. Hindi lang natuloy sapagkat nagpamudmod sila Charlotte ng ID, buti pa sila at may ID na pero ako wala pa. Ng sumunod na period ay nag-disscuss lamang si Sir Martin at pagkatapos ay nag-seatwork kami. Habang magkasama kaming magkakagrupo, pinag-usapan na namin ang gagawing invention sa Physics, nakagawa na ko ng inventionkaso kailangan pang patibayan at pagandahin sabi ni Mary Joy.

2K-V. Akay-akay ko tuloy ang ginawang project sa tricycle at dahil napakaalanganin ng oras para magkita-kita ay napagkasunduan namin na ako na lang gagawa at bayaran na lang daw. Pagdating sa bahay at matapos kumain ay sinimulan ko ng ayusin at pagandahin ang project. Puspusang pag-iisip ang ginawa ko kung paano mapapaikot ang plastic cup ng di babalebalentong, ng makaisip ng tamang gagawin ay sinubukan ko, success at Alas-singko ko na natapos ang invention. Halos magkandahirap ako sa paggawa, may maipasa lang at sana'y ma-satisfied na sila sa gawa ko. Parang nabunutan ako ng tinik pagkatapos gawin ang project at pwede ng mag-relax. Nagbasa ako ng World atlas at nanood ng telebisyon. Dahil hindi nakatulog nang hapon, matinding pagod at antok ang inabot ko. Ang bilis rin ng araw at August na pala bukas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento