Linggo, Hunyo 30, 2013

06. June 2013 Journal (Day 152-181)

June 01, 2013
Saturday

Year I-152 


2B-A. Napakabilis talaga ng takbo ng panahon sapagkat Hunyo na at malapit na talaga ang pasukan, nasasabik na ko. Ang paggising ko sa umaga ay napakarikit subalit anong kinaganda sa singaw na patuloy na nararanasan ang kirot. Sa pagmumug pa lamang ay dama ko na ang sakit na dulot ng singaw na para bang namamaga ito. Kahit na hindi makapagsalita ng ayos dahil sa singaw ay nagampanan ko pa rin ang gawaing bahay. Napagod ako ng husto at naubos ang lakas subalit ayos lang sapagkat natapos ko naman iyon ng mahusay. Nagpahinga saglit at maya-maya'y nagkumpyuter ako. Mga Alas-onse na ng tumigil sa pagko-Computer at nakaramdam na ng gutom kaya ako'y nananghalian muna kahit hindi kasing dami pampatawid gutom lamang. Matapos lumamon ay binuksan ko ang telebisyon at nanood ng Kalokalike sa Showtime. Ang gagaling nilang gayahin ang mga sikat na artista at 100 percent certified star na kahit imitator lang.

2B-B. Hanggang sampung kalahok lamang ang napanood ko sa labing siyam na nagpakitang kinam at katanyagan sapagkat inaantok na. Dumilim nanaman ang kalangitan at mukhang uulan muli. Maya-maya’y nakarinig na ko ng mga pagkulog kaya umiral muli ang takot at nagtakip ng teynga. Nagkataong nasa palengke ang Mama at kaming dalawa lamang ang nasa bahay kaya lubusan ang aking sindak. Kinalaunan ay hindi na ko natakot sapagkat nasanay na ang pandinig sa kulog. Walang mameryenda kaya naisipan kong ipangmeryenda ang tsitsiryang at pinaghatian naming dalawa. Habang sarap na sarap sa kakakutkot ay siyang dating naman ni Mama. Maya-maya’y bumuhos na ang malakas na ulan at hindi na magkandamayaw ang mga tsikiting na magliwaliw at magtampisaw sa ulan. Nang bahagyang tumila ay naisipan kong gumawi kila Regine (Miano).

2B-C. Si Shiela ang una kong pinuntahan at nagkwentuhan kami. Dahil sa hinaba ng kanilang biyahe ay napaaga ang tulog ng mag-ina kaya umalis na ko at nagpaalam. Si Reginenaman ang sunod kong pinuntahan at nakipagkwentuhan. Abala ito sa pagpapatulog kay Baby Gian kaya mahina lamang ang aming pag-uusap. Ng mapansing kumagat na ng lubusan ang dilim ay kinailangan ko ng magpaalam. Saka pa lamang naghapunan pagkauwi at binuksan muli ang telebisyon. Sobrang naka-relate ako sa Maala-ala mo kaya sapagkat ang tema ng istorya ay tungkol sa pagkakaroon ng crush. Talagang tuwang-tuwa at patay na patay ang babae ng makita ang crushniya at abot langit ang kilig na gabi-gabi niya pinapantasiyahan subalit sa huli ay nasaktan lamang siya at napaluha ng labis ng malamang may Girlfriend na ang kanyang crush. Sobrang na-touch ako sa nangyari sa kanya at kung anuman ang naramdaman niya ns magkaroon ng crush ay naramdaman ko rin iyon sapagkat nagka-crush rin ako.

2B-D. Sa katunayan habang nakahiga sa katre at hindi pa makatulog ay binalik tanaw ko kung sino na ang mga naging Crush at talagang kinikilig alalahanin ang mga sandaling kapiling ko sila, iyon nga lamang ay di ko nabingwit ang puso nila. Ang crush ay paghanga lamang sa tao pero diyan nagsisimula ang love sapagkat kapag crush mo na ang isang tao, parang mag-iiba ang pakiramdam mo sa kanya at tingin mo, espesyal siya sa'yo. Minsan ay parang gusto mo rin siyang tulungan at nasasaktan ka kapag nakikitang napapahamak si Crush. Ganon talaga ang mararamdaman kapag may crush ka at maganda rin ito sapagkat ini-inspire ka nito upang di panghinaan ng loob at lalo pa maging masikap. Para sa akin masarap ang buhay kapag may Crush. 


June 02, 2013
Sunday

Year I-153

2B-E. Tinanghali muli ng gising at ramdam ko pa rin ang pananakit ng singaw. Kahit medyo inaantok pa'y bumangon na ko. Kumain ng almusal at maya-maya'y tinanong muli ni Mama kung disidido na ba raw ako sa kursong Education. 100 percent sure na at hindi na magbabago pa subalit biglang nag-alinlangan ng sabihin ng Ate na hindi maganda ang maging teacher at mababa lang ang suswelduhin mo. Marami pa naman raw ibang course na maari kong pasukan subalit hindi iyon fit sa kakayahan ko. Marami pa silang sinabi tungkol sa Teacher at puro pangit ang naririnig tungkol roon. May punto naman sila, wala raw Teacher na umaasenso dahil sa mababang sweldo at wala pa raw benefits maliban sa Christmas bonus pero pag-iisipan ko pa at maari pa naman magbago ang pasya, dapat ko rin siguro silang sundin kung ang mithiin ay para sa ikakabuti ko hindi pagsisihan balang araw.

2B-F. Matapos ang mga napag-usapan ay nagsimula na kong kumilos para sa gawaing bahay. Talagang iniinda ko pa rin ang sakit ng singaw at ng magampanan ang gawaing bahay kutulong ang Ate, itinutok muli ang mata sa Computer. Siya muna ang unang gumamit at matapos ay ako naman. Si Mama naman nagre-relax sa massage therapy ni Aling Belen. Gusto ko rin sanang magpahilot subalit may kamahalan ang singil at walang pambayad.  Nang makaramdam ng matinding gutom ay nauna na kong lumamon. May pasok na bukas at maagang magigising kaya sinasamantala ko ang nalalabing oras sa pagpapahinga. Nabitin lamang at nagambala dahil sa bwisit na kulog, mukhang uulan nanaman at nagtawag pa ng kakampi si kalikasan at iyon ay buhawi. Sa lakas ng hangin na halos ikabuwal ng mga puno ay aakalaing may buhawing dumaraan.

2B-G. Maya-maya’y bumuhos na ang ulan subalit tikatik lang. muntikan ko ng mabitawan ang hawak na Lucky me supreme cup ng magulat sa malabombang kulog. Nagpakita naman ang haring araw matapos umulan kaya nakagora pa ko kina Gwen subalit di ko siya nadatnan at sinabi ng nanay na ito ay nasa Ever ito. Kina Aldrian ako nagtungo subalit bigo makausap pagkat tulog naman, mukhang mapagkait sa akin si kasiyahan. Sinubukan ko kay Shiela subalit tulog rin ito at ng kay Regine (Miano) sa wakas at nagkaroon rin ako ng kakwentuhan. Ka-boring sa bahay at walang makausap kaya naghahanap na lang ako. Si Aling Gina naman ay abala sa pamamalantsa ng uniporme ng mga anak samantalang nag-aayos na sila Jovan at Jomer ng gamit pang-eskwela, mukhang sabik na sa unang araw sa eskwela bukas. Nanatili ako dun sa kanila hanggang sa sumapit ang dilim. Pagkauwi'y samu't saring pasalubong ang nadatnan ko sapagkat dumating na ang papa galing Batangas. Iyon ang naging hapunan namin at sa dami ng nilamon ay nabusog ako ng husto. Inihanda ko na rin ang mga kagamitang pang eskwela sapagkat may pasok na bukas. Kahit Alas-nuebe pa lamang at di pa dinadalaw ng antok ay nahiga na ko sa kama. Sa sobrang sabik ko sa pasukan ay hindi ako makatulog ng ayos kahit Alas-onse na.


June 03, 2013
Monday

Year I-154

2B-H. Sa halip na Alas-kwatro pa ang gising, Alas-dos pa lamang ay nagising na ang katawang lupa ko di dahil sabik sa pagbabalik eskwela kundi sinumpong nanaman ako ng sipon. Napapansin kong mukhang dumadalas na ang pagkakaroon ko ng sipon at minsan ay ubo, marahil senyales na kailangan ng mag-ingat lalo't panahon na ng tag-ulan. Ako at si Papa pa lamang ang gising sa umagang iyon at dineretso ko ng mag-almusal kahit wala pa ang Alas-kwatro. Maya-maya’y gumising na si Mama at todo ito sa pagpapayo sa akin. Patuloy pa rin akong sinisipon kaya nagpainit ako ng pampaligo. Matapos maligo at magsipilyo ay nagsuot na ko ng uniporme. Pasukan nanaman kaya masusuot ko muli ang puting uniporme, asul na pantalon at itim na sapatos matapos ang mahabang bakasyon na nakatengga ito.

2B-I. Nang makapagbihis, ayon at gora na ko patungong eskwela. Magkasabay sana kami ni Regine Cebrero subalit sa tagal niya'y nauna na ko. Pagdating sa eskwela, di pa gaanong madami ang mga estudyante ang pumapasok subalit marami ng media sa iba't ibang TV Station ang nakaantabay para sa ulat ukol sa pagbubukas ng klase. Pumila ako at naghintay saglit, maya-maya'y binuksan na ng gwardiya ang gate. Sa halip na pumasok sa kanya-kanyang classroom ay sa school ground kami dumeretso dahil may flag ceremony. Nandoon na si Jonathan at nag-usap kami, nadagdagan pa ang aking kausap ng may isang baklang dinaldal ako at nagpakilalang Francis. Dahil magkabaro kami'y naging madali sa akin ang kaibiganin siya. Classmate pala iyon ni Jonathan si Francis at nasa section Zamora sila.

2B-J. Matapos ang flag ceremony ay nagpaalam na ko kay Francis. Pagkapasok sa sariling silid-aralan ay doon na namin nakita sa personal si Sir Arnulfo Alonzo, medyo may pagka-istrikto subalit nakakatawa at marami siyang alituntunin na ipinatupad sa klase at guro namin ito sa Araling Panlipunan. Sumunod naman sa AP ay TLE at si Sir Balbin ang guro nito, halos tahimik kung magturo pero istrikto rin. Ng sumunod pang asignatura at iyon ay MAPEH, halos tawanan ang buong klase sapagkat palabiro ang guro at puro patawa, katulad siya ni Ma'am Petty pero siya si Ma'am Mina at may pagkaistrikto rin at astig kung umasta. Sa oras naman ng Filipino ay si Ma'am Elises ang guro namin, mabait at pormal kung magsalita, kinakikitaang maari siyang maging kaibigan sapagkat malapit ito sa mga estudyante.

2B-K. Matapos ang Filipino ay Recess na, dahil may dalang baon ay di na ko lumabas pa. Makalipas ang ilang minuto ay English na at si Ma'am Templanza ang guro namin, inglesera sapagkat English subject subalit napakai-slang at maarte kung manalita, bukod pa dun ay mukhang mabait rin siya at di gasinong istrikto pero kailangang normal Voice pag na-greet kami. Maya-maya’y Math na at si Sir Harren ang guro namin, sa lahat ng naunang Teacher ay siya ang pinakaistrikto pero kakikitaang mahusay siya sa pagtuturo, may itsura rin naman. Ang sumunod at huling subject ay Physics at si Sir Martin ang guro nito, may lahing Pangsinense pala ito ng magpakilala at malakas at malaki ang kanyang boses na kahit sa likuran ay dinig. Kalagitnaan ng kanyang discussion ng biglang tumunog ang bell. Pagkalabas ay bulto-bultong dami ng estudyante ang sumalubong sa amin at nahirapan pang kumilos dahil siksikan na, nagkasabay kasi ang papasok at palabas kaya nagkagayun ang sitwasyon.

2B-L. Pasado Ala-una na ng makarating sa bahay at sobrang napagod ako, matapos kumain ay diretso tulog ako subalit nasira sapagkat nakakabulabog nanaman ang kulog. Maya-maya pa'y bumuhos na ang ulan, sangkatutak ang takdang-aralin kaya double time ako sa pag-research sa Internet at paggawa, sa takot na kapusin sa oras. Buti na lamang bago sumapit ang dilim ay agad ko iyon natapos kaya nakanood pa ng telebisyon. Sana’y di ako ningas kugon kundi maging masipag hanggang katapusan. Matapos manood ng Ina Kapatid Anak ay dumeretso na ko sa kama at natulog, naging mahangin ang gabi at may pagkidlat lamang walang kasamang kulog na nagpagaan sa tulog ko.



June 04, 2013
Tuesday

Year I-155

2B-M Pangalawang araw ng aming klase at maaga muli akong nagising, di pa man tumutunog ang alarm sa Cellphone ay Alas-tres pa lang ay gising na ko, gising na rin si Papa kaya sabay kaming nag-almusal. Di gasinong kalamigan ang umaga at ramdam pa nga ang init kaya di ako gininaw sa pagligo. Alas-singko na ng umalis ako ng bahay at kasama ko si Regine (Cebrero) at Angelica subalit mas nauna sa amin ang Angelica sa pagbaba sapagkat sa San Diego ang kanyang paaralan. Pagdating sa silid-aralan ay wala pa si Sir Arnulfo at nadatnan kong abala sa pagkopya ng takdang aralin ang aking kamag-aral. Buti na lamang at natapos ako sa takdang-aralin kaya Naupo na lamang at nanahimik, maya-maya pa'y dumating na si Sir Arnulfo at kami'y nagdasal muna. Sa di inaasahan ay nagkaroon kami ng Diagnostic Test at sana'y makakuha ako ng mataas. Nang umalis si Sir Arnulfo ay si Sir Balbin na Teacher namin sa TLE ang humalili, nag-discuss lamang ito at ang topic ay tungkol sa Computer hardware, mahilig rin itong magpatawa sa amin at mukhang nagkamali ako sapagkat di na siya kinakikitaan ng pagka-terror.

2B-N Gayon rin kay Ma'am Mina na puro pakwela na halos ikamatay na namin subalit ang lahat ng kanyang sinasabi ay may kaugnayan sa lesson at magaling siyang magturo. Ang nasa likuran, puro daldal at parang walang Teacher sa kanila. Sa naman oras ng Filipino ay nagkaroon kami ng pangkatan at napabilang ako kila Ibarra, medyo minamalas nga naman sapagkat ako ang piniling leader, dagdag pasakit at pamatay pa ang mga gawain. Matapos ang Filipino ay breaktime na, sa halip na lumamon ay abala ako sa pagtatala ng kagrupo sa index card. Nang English na, pinakamatahimik na subject at maririnig muli ang slang na boses, parang boses ni Ma'am Julie ang boses ni Ma'am Templanza subalit malaman ito at makinis ang balat, nagkaroon rin ng pangkatan at kila Mandy naman ako napabilang.

2B-O. Matapos ang English ay di na maiwasan ang kaba sa aking mga kamag-aral sapagkat mame-meet muli namin ang terror teacher na si Sir Harren. Sa kanyang time ay nagkaroon kami ng quiz at ako'y nagagalak sa aking nakuha sapagkat ako'y naka-perpect, ang mga di pasado ay katakottakot na sermon ang ibinato sa kanila. Nang sumunod na subject ay Physics, nag-discuss lamang si Sir Martin at marami kaming natutuhan mula sa kanya. Matapos ang discussion ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain at sila Jessa at Jenny Mae ang kagrupo ko. Bayanihan kaming tatlo sa paggawa ng seatwork hanggang sa ito'y matapos. Maya-maya’y uwian na at kasabay ko muli si Regine (Cebrero), buti na lamang at kakaunti na lang ang estudyanteng papasok kaya malaya kaming nakakakilos. Ang akala sanang maulan na ay tilaSummer pa rin sapagkat maalinsangan muli at tagaktak ang pawis sa pag-uwi ng bahay.

2B-P. Kumain ako ng pananghalian at ng mabusog ay hinintay ko munang matunawan bago matulog. Sa katakawan matulog ay dakong Alas-kwatro na nagising at naku pagkat di pa ko nakakagawa ng takdang-aralin, kaya may pagmamadali akong nag-research at nagpa-print. Sa haba ng pila sa Computer shop, inabot ako ng isang oras sa paggawa at inabot na rin ako ng dilim sa pag-uwi. Ngayon pa lamang gagawa at mukhang malabong matapos iyon. Inisip ko kapag di natapos ay sa school na lang gawin. Ka-haggard at ng lubusang mapagod ay tinamad na ko at nanood na lang ng telebisyon. Ang nakakapangigil ng eksena sa Ina Kapatid Anak ng kidnapin ni Mio si Celyn at pahirapan ng labis, sobrang nakakaawa tuloy si Celyn. Matapos panoorin ang paboritong programa ay natulog na ko. Maaga nanaman magigising bukas upang may matutuhan at ma-expose muli sa maraming gawain.


June 05, 2013
Wednesday

Year I-156

2B-Q. Ramdam pa rin ang pananakit ng namamagang singaw na nagpahirap sa akin upang ngumuya ng pagkain ng almusal. Kahit masakit na mukhang namamaga na ay di ko ininda alang-alang sa bagong kaalaaman na aking makalap. Matapos maligo at magsipilyo ay saglit akong naupo sapagkat masyado pang maaga. Hinintay munang sumapit ang Alas-singko at saka lamang umalis ng bahay bitbit ang Bag na naglalaman ng walong kwaderno at sariling baon. Maliwaliwanag na ang kapaligiran ng ako'y makarating sa eskwela samantalang ang aking mga kaklase, abala pa rin sa paggawa ng takdang aralin habang wala si Sir Arnulfo. May pagmamadaling nagsibalikan sa upuan ng pumasok si Sir Arnulfo at kanya-kanyang tago ng kagamitan, ang kaninang saksakan ng ingay ay biglang kumalma. Nagtsek lamang kami ng test paper sa Diagnostic test at matapos ay nag-item analysis kami. Di man katayugan ng Bundok Apo ang natamo ko ay nanatili pa rin ang galak ko dahil pasado pa rin at lubos ang pasasalamat kay God.

2B-R. Bago pa man umalis si Sir Arnulfo ay nagkaroon kami ng Sitting arangement at nagkataong katabi ko ang magpinsang Bohol, maingay nanaman kaming tatlo. Sa oras naman ng TLE ay nagkaroon rin kami ng Diagnostic test, ang kaninang seryosong sagutan ay nauwi sa pangti-trip, yang kasi silang nasa likuran ay panay kalabit sa akin na ikinayamot ko, sa bait ko naman ay di ko sila nagawang kutongan at idinaan na lang sa punch line, basag sila sa mga pahirit ko at tawanan ang mga kaklase pati si Sir Balbin. Nang sumunod na minuto ay bumanat pa ko at di sila nakokornihan, galak ang naramdaman ko dahil napatawa ko sila. Nang item analysis na ay kabwisit ang Jessa, paano bago ipasa ay iipunin muna, tuloy ay nalito ako sa pagbibilang at di na magkandaugaga.

2B-S. Sa oras ng MAPEH, ang sariling tawa ay di magkandaawat, ang lakas kasi magpatawa ni Ma'am Mina at dami niyang satsat pero related naman lahat salesson, ginawa lang niyang kakatawanan ang klase. Sa oras naman ng Filipino, may nakaambang nanamang proyekto pero sa August pa ang pasahan at nag-discuss si Ma'am Elises. Sa sakit ng singaw ay kakaunti lamang ang nilamon ko. Sa oras ng English ay nag-discuss rin si Ma'am Templanza at malaislang-slang na accent niya ang iniintindi ko sa halip na nilalaman ng sinasabi. Nang mag-uusap tungkol sa presentation ay nagkandaduguan ang ilong pagkat kailangang English ang wika kapag may pinag-uusapan, may ilang hirap pa rin umingles.

2B-T. Di pa nga lubusang nakakabangon sa nosebleed ay dumating pa ang kaba sapagkat may recetation sa Math at kung sino di makasagot ay patatayuin, madali lamang iyon para sa akin pagkat integers. Napakabilis ng oras at akalaing huling period na namin, nag-discuss si Sir Martin at ng mapagod ay nagpa-activity ito. Ilang saglit pa ng tumunog ang bell at uwian na, nakakapasong init ng araw ang sumalubong sa akin. Si Ma'am Jamero ng makasalubong ay palong-palo ang suot na shade at kamustahan kami. Pagdating sa bahay ay sobrang lupaypay na ang mood ko kaya ako'y natulog. Buti na lamang at walang takdang-aralin sa anumang asignatura kaya hayahay ang buhay. Pagkagising ay naghugas muli ako ng plato at matapos ay nag-Facebook, grabe at daming ka-chat kaya ganado ako sa pag-type.

2B-U. Nanood rin ako ng Missing You at A thousand days of a promise. Habang nasa bahay at nanood ng telebisyon ay may tumawag sa akin at iyon ay si Melanie, tinanong kung pwede raw ba ako mamaya sa bible study, sinabi kong depende pero ng dumating ang takdang oras ay di na ako binalikan kaya di na lamang ako sumipot. Pagkagat ng dilim ay tutok ang mata ko sa Ina Kapatid Anak, paano ibibigay na ni Mio si Celyn kay Theresa pero kapalit ang ransom, ulagang mga pulis na kaagad pinaputukan ng makatyempo kaya lalo pang nanganib ang buhay ni Celyn. Sa sobrang lalim ng iniisip di namalayang Alas-nuebe na kaya natulog na ko.


June 06, 2013
Thursday

Year I-157

2B-V. Di na gasinong masakit ang iniindang singaw kaya naging madali na sa akin ang ngumuya ng agahan. Matapos maligo at magsipilyo ay nagbihis na ako at inihanda ang lahat ng kagamitang pang-eskwela. Bago pa man umalis ay sinigurado ko munang walang naiwan ni isa at maliwaliwanag na ng umalis. Pagdating sa eskwela ay wala pa ang aming adviser kaya mistulang palengke ang Classroom sa ingay, sa halip na makipagtsikahan ay nagbasa na lamang ako ng diksyonaryo upang matuto sa Ingles. Biglang nanahimik at nagsibalikan sa kanya-kanyang upuan ng dumating si Sir Arnulfo. May inanunsyo muna ito bago magturo at iyon ay magkakaroon ng distribution ng aklat agad-agad. Maya-maya’y nag-discuss na siya at tungkol iyon sa Ekonomiks, kaba ang nadarama ng bawat isa ng magkaroon ng recitation subalit di ako panaig at nagawa pa rin sumagot.

2B-W. Naibsan naman ang kabang iniwan ng nagdaangsubject ng TLE na pagkat may halong katatawanan ang pagtuturo sa amin ni Sir Balbin, ang mga adik sa social network tulad ng Facebook, naku at di maipinta ang mukha ng matamaan sila sa sinasabi ni Sir. Sa oras naman ng MAPEH, ang pinakamasayang subject ay nag-discuss lamang si Ma'am Mina subalit natatawa pa rin kami dahil sa kinikilos niya at ayan nanaman ang walang kamatayang assignment. Sa oras ng Physics ay nagkaroon kami ng games at iyon ay magtatayo ng shoe tower, kailangang pataasan ang bawat kagrupo ng tore sa pamamagitan ng sapatos, si Cynt na kahit maloko sa klase ay may utak rin pala kung paano mapapataas ang tore ng di natutumba at nagawa namin iyon dahil sa kanya subalit talo sa huli.

2B-X. Maya-maya'y breaktime na at sinamantala ko ang nakalaang oras sa paggawa ng group record sa index card, yun ngalang at naudlot dahil sa kakakulit ni Jessa na samahan sa canteen, kilala ko naman ang Jessa basta't walang kasama ay di papayag na lumabas. Di ko siya matiis kaya sinamahan ko siya. Sa oras naman ng English ay nagkaroon kami ng diagnostic test at halos malabas na ang katas ng utak sa hirap ng exam. Hayahay sa pasakit ng exam ng matapos ito subalit may kasunod pang kalbaryo at sakit rin ng ulo pagkat may Diagnostic test rin sa Math, ang hihirap ng pinapasagutang equation at talagang wala akong alam diyan.

2B-Y. Maya-maya’y uwian na at wala muli akong kasabay, ang saya-saya. Taimtim na sana ang diwa at malalim na ang isip subalit sa ingay ng dalawa kong kasamahan sa tricycle ay tila nabali iyon. Bagsak ako pagdating sa bahay kaya ako'y natulog agad. Mga Alas-dos na ko nagising at ipinagpatuloy ang paggawa ng group record sa index card at pinaganda ko ng husto ng sa gayo'y ma-impress si Sir Harren. Matapos iyon ay naghugas ako ng plato at nagkumpyuter. Maya-maya’y dumating na si Mama galing Novaliches at may dalang pasalubong pero masama ang timpla nito. Sa di malamang dahilan ay nagkaroon ng konting alitan si Mama at Papa, di ko sila sinita pagkat batid kong mas lalala pa. Matapos magkumpyuter at mag-research ay lihim akong lumuha sapagkat ayaw kong nag-aaway sila at ako yung unang maapektuhan pag nagpatayan sila ng kandila. Kinagabihan ay talagang naantig ako ng husto sa Ina Kapatid Anak pagkat malalang-malala na ang bawat kaganapan at may puntong nagkakagulo na sila. Nakaligtas naman si Celyn at nahuli si Mio subalit nakatakas si Diego, ang ganda talaga ng palabas na iyon at kapukaw-pukaw sa damdamin subalit dalawang linggo na lamang ang itatagal nun.


June 07, 2013
Friday

Year I-158

2B-Z. Ala-una pa lamang ng madaling araw ay gising na ako dahil muling umatake ang sipon, hirap akong huminga pagkat barado ang ilong kaya naisipang uminom ng gamot. Nawala naman ang sipon pagkagising muli dakong Alas-kwatro at medyo inaantok pa, sa halip na maligo ay nagpunas lamang ako. Mga Alas-singko na ko nakaalis ng bahay at maliwaliwanag na sa labas. Wala pa si Sir Arnulfo pagdating sa eskwelahan kaya isa-isa kami binigyan ni acting President Mary Joy ng permit bilang katibayan na nakahiram kami ng aklat. Maya-maya’y dumating na si Sir Arnulfo at tapos na namin i-fill up ang permit. Nag-discuss muna si sir at matapos ay pinag-partner kami para sa presentasyon sa Martes. Si Jobil at Mary Joy ang naging ka-partner ko at tungkol sa Agham Pampulitika ang topic namin, matapos mapag-usapan ang gagawin ay bumalik na kami sa kanya-kanyang pwesto.

2C-A. Nakahanda na rin ang mga libro sa pisara at tulong-tulong ang lahat ngacting officer sa pamumudmod ng mga libro. Ilang saglit ay may isang babaeng may edad na ang pumasok sa aming silid, siya pala ang aming guro sa Values at nagpakilalang Ma'am Fabiana, may pagkarelihiyoso ito't kahit matanda na'y dinig pa rin ang boses. Matapos niyang magpakilala ay inumpisahan na namin sulatin ang anumang nakapaskil sa pisara. Sa oras ng MAPEH ay nag-discuss lamang si Ma'am Mina tungkol sa Mental disorder pero bago iyan ay nag-exercise muna kami, kapagod sapagkat niyugyog namin ng bongang-bongga ang hands and feet ng mabilisan. Nagkaroon pa lalo kami ng energy matapos ang exercise.

2C-B. Maya-maya’y Recess na at ibinigay ni Mandy sa akin ang script at habang may natitira pang oras ay kinabisado ko iyon. Bago pa man ang group presentation sa English ay nagtsek muna kami ng Diagnostic test, di kataasan ang nakuha ko subalit di naman ako nadismaya. Maya-maya’y nag-perform na kami at di ako gasinong kabado dahil lakas ng loob ang pinairal ko. Nakahinga ako ng malalim matapos ang aming presentasyon. Sa oras ng Math ay ipinagpatuloy namin sagutan ang naantalang Diagnostic test kahapon, ilang minuto pa'y nag-self checking kami't di makikipagpalit sa katabi, mamatay na raw ang maduga sambit ni Sir Harren na may pagka Ma'am Ramos kung manalita. Di rin kataasan ang nakuha ko at nag-item analysis kami matapos ang self-checking.

2C-C. Sa oras naman ng Physics ay nagkaroon rin kami ng dayagnostikong pagsusulit, garapal na pagkahirap hirap na katanungan ang sumagupa sa aming mata at halos mangamote na. Diagnostic lang iyan kaya huwag muna magpakaseryoso. Ilang sandali'y tumunog na ang bell, hudyat na uwian na, sobrang bigat ng aking dalahin dahil sa kapal ng aklat at dagdag pahirap pa ang init ng panahon. Pagdating sa bahay ay sinipon nanaman ako, humigop ako ng mainit na sabaw ng karne at matapos ay nagpahinga. Sa katakawang matulog ay dakong Alas-singko na ko nagising, Alas-sais na subalit maliwanag pa rin sa labas at papalubog pa lamang ang araw, nagbabadya rin ang pag-ulan at lalo pang sumama ang timpla ko.

2C-D. Sa katunayan ay hirap na kong huminga ng sandaling iyon pero di ko masabi kila Mama dahil makakadagdag lamang sa iintindihin. Maya-maya’y bumuhos na ang ulan na sinabayan pa ng kidlat at kulog, may Phobia ako sa ganung elemento kaya todo pagtatakip ng teynga ang ginawa ko. Di tuloy nakanuod ng telebisyon dahil nakidlat at tumataas na rin ang agos sa sapa dahil napakalakas talaga ng ulan. Matapos ang thunderstorm at sa kadahilanang di pa inaantok ay pagko-cover ng mga hiniram na textbook ang inatupag ko, ng may balat na ang lahat ng textbook ay saka ko pa lamang naisipang matulog, di pa rin makatulog pagkat patuloy akong sinisipon, ano na kaya ang nangyayari sa akin? Mukhang bumabalik ang sakit ko.


June 08, 2013
Saturday

Year I-159

2C-E. Ngayong ipinagdiriwang ng aking dakilang ina ang kanyang kaarawan. Kahit na walang regalo ay ayos lamang sa kanya sapagkat nakaabot siya sa ganong edad at patuloy pa rin ang pagmamahal namin sa kanya katulad ng pagmamahal niya sa amin. Hindi kagandahan ang umaga ko dahil sinisipon pa rin. Uminom ako ng gamot na sinabayan pa ng mainit na kape at kahit masama ang aking timpla ay nagawa ko pa rin magtungo sa Taas upang bumili ng Materials para sa assignment, kakapagod ang umakyat pero kinaya ko pa rin. Lalo pa akong sinipon pagkauwi kaya uminom ako ng maraming tubig. Nang bahagyang guminhawa ay sinimulan ko ng lagyan ng palamuti ang lahat ng aking kwaderno at ginandahan ng husto sa lettering upang presintable tingnan at ma-impress ang aking mga guro. Wala kasing magawa kaya sinamantala ko ang oras sa pag-make-over ng kwaderno, hindi pa man natatapos ay nakaramdam na ko ng gutom. Buti na lamang at may naluto na si Mama kaya nakakain ako at iyon ay mainit na sopas.

2C-F. Maya-maya’y gumawi na sina Auntie Andrea at iba pa niyang kasama at nakikain sa pagkaing inihanda ni mama, binati rin nila si Mama at sarap na sarap sa kainan habang nagkukwentuhan. Matapos kumain ay inimis ko ang nilikhang kalat at nagpahinga. Pagkagising ay ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng palamuti sa kwaderno at ng matapos ay halos di maalis ang pagkakatitig sa sobrang ganda. May nakahandang Spaghetti sa mesa at Kaldera na tanging si Mama lang ang nagluto at parang makulay ang kaarawan niya dahil nabusog kami ng husto. Ni kapitbahay namin ay nagawa niyang ipamudmod ang kanyang handa at maraming bumati sa kanya at isa na ko dun.

2C-G. Sa sobrang kabusugan ay di na ko nakapaghapunan pa. Pagkagat ng dilim ay hindi kami nakanuod ng telebisyon gawa na kumikidlat. Putakting kidlat na iyan at di pa naglaho tuloy ay di ako nakanuod ng Maala-ala mo kaya. Ilang saglit pa'y bumuhos na ang malakas na ulan, kahit gabi ay marami pa rin ang nagsiliguan at kung di lang sisipunan ay nasa ulanan na ko at nagliliwaliw. Sa kasagsagan ng ulan ang pagdating naman ng ate at may dala itong cake, pa-birthday kay Mama at pinagsalu-saluhan namin sa mesa. Hindi ako makakain ng may kapanatagan gawa ng nakidlat at nakulog na siyang aking kinakatakutan. Nagtungo ako sa kwarto at nagtaklob dahil ng oras na iyon ay sintalim na ng espada ang kidlat at sinlakas naman ng granada ang kulog, takot na takot na ko nun. Nagtagal pa ang pananalasa ng thunderstorm hanggang Alas-dyis, marahil ay Rainy season na at mataas nanaman ang agos sa sapa. Kinabahan kami at baka matulad sa Bagyong Ondoy. Salamat sa Diyos dahil humina naman ang ulan ng magtulugan na.


June 09, 2013
Sunday

Year I-160

2C-H. Sa kasarapan ng tulog na halos di na maawat ang sarili ay Alas-otso na ko bumangon. Ang kagabing maladelubyo na ang dating ay malayo sa umangang kay aliwalas at araw na kay sigla, mainit nanaman pala. Ang Ate naman ay inirekomenda sa akin na mag-take ng UPCAT na gaganapin sa August, duda ako sa aking sarili na makakapasa pero dahil positive thinker ako, I will try. Ithink I can past the exam because it deserves to me and God never let me failed. Matapos ang napag-usapan ay uminom muna ako ng Kalamansi Juice to protect my body against sickness and to prevent my colds, pahinga lamang at gawa ng assignment hanggang humihinga ang oras. Malas nga naman at biglang natanggal ang lente ng aking salamin subalit dahil mapamaraan ako, naibalik ko naman iyon sa dati at nagamit muli, mighty band contaning very sticky substance is my solution.

2C-I. Sa halip na mag-chat kay friend and chatmate ay nag-research ako sa Google ng assignment, be serious na kasi at bawal ng magpabandying-bandying. Maya-maya’y sinimulan ko ng magsulat at natapos ng dakong Alas-dose. Kahit makulimlim ay mainit pa rin sa labas, matapos lumamon ng tanghalian ay ginawa ko pa ang iba kong assignment at matapos ang assignment ay nagbasa naman ako ng diksyonaryo, hindi ako natulog sa sobrang abala sa pagbabasa at sa kagustuhang matuto. Nang magutom ay nakisabay ako kila Papa na lumalantak ng cake, binahagian ko ang kuya ng cake subalit sa kainamang pangyayari ay nabitawan niya ito at nabasag.

2C-J. Nadakdakan tuloy ako ng Mama at daming satsat na ikinasakit ng teynga ko, ayaw kong mag-awak kami subalit sa tindi ng bugso ng damdamin ay nasagot-sagot ko na siya. Ganyan talaga kami mag-ina na minsan ay close at may time na nagkakainitan but we still love each one. Kahit mainit ang aming bangayan ay natapos rin naman at ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. Habang tutok ang mata sa pocket dictionary ay biglang may tumawag sa aking pangalan. Sila Cathy pala at inuudyok na sumama sa bible study, nandiyan si Cathy kaya tinatamad na sumama subalit sa hiya ko kay God ay sumama pa rin ako. Walang pagbabago ang Cathy dahil maarte, madaldal at kung sino ang mang-trip sa kanya ay pinapatulan ito at napakapalaaway niya talaga, pa-text text kuno na may pagtawang tila nawawala sa sarili.

2C-K. Habang naglalakad ay saktong nakita ko muli si Crush, nakasalubong namin na nakahubad, si Cathy porket nakikilig ako ay panay kantiyaw, ang lakas pa man din ng hiyaw at tiyak ay mahahalata na niyang may gusto ako sa kanya. Pagdating sa JOLIA church ay saka pa lamang nagsimula ang bible study, mainit ang pagsalubong nila sa akin at sa dalawang buwang di pagkikita ay na-miss nila ako ng husto at ramdam ko iyon. Dalawa lang ang nagbahagi ng nalalaman sa bibliya kaya saglit lang ang bible study subalit may natutuhan rin naman. Nandoon rin si Ate Ging na nagpaikli ng buhok maging si Jaka na kinukulit ako ng husto sa sobrang pagka-miss, di muna ako umuwi at tinulungan sila Pastora Anna sa paglilinis dahil may pasok na sila bukas.

2C-L. Matapos ang paglilinis ay nagtungo ako sa Computer shop, ang iingay at ang babaho ang sumalubong sa akin pero tiyaga ang pinairal ko. Ng makapag-print ay dumeretso ako kina Aldrian upang tanungin kung anong saktong petsa angexam sa UPCAT, sinabi ng Ate Delfa na August 3 and 4 the day of taking the test at talagang kabado na ko. Nagbabadya nanamang umulan kaya dinalian ko sa pag-uwi hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan na at sinabayan pa ng kidlat na ang tatalim. Natakot ako at todo takip sa teynga, tumagal hanggang Alas-nuebe ang ulan at mukhang Rainy Season na. Bago magtungo sa kama at matulog ay nagbasa muna ng dictionary. Sana makapasa ako Lord.


June 10, 2013
Monday

Year I-161

2C-M. Lunes nanaman at Alas-kwatro pa lamang ng umaga ay gising na ko, nag-almusal at matapos kumain ay nagpainit ako ng tubig pampaligo. Alas-singko na ko nakabihis at nakahanda na rin ang lahat ng gamit pang-eskwela. Kasabay ko muli si Regine sa pagpasok at marami ng estudyante ang naghihintay ng tricycle. Wala pa ang Teacher namin sa Values kaya sinamantala ko ang oras sa paggawa ng assignment sa Math. Maya-maya pa ay pumasok sa classroom namin ang principal na si DR. Diego Amid at ito'y nagtalumpati tungkol sa kaayusan at kalinisan ng classroom, na-late si Ma'am Fabiana ng dating kaya nasita ito ng husto ni DR. Diego Amid. Nagkaroon kami ng diagnostic test at bilang reviewer ay lihim kong itinago ang test questioner. Di kataasan ang nakuha kong marka. Sa oras naman ng MAPEH ay nagkaroon rin kami ng diagnostic test, kalahati lamang ang nakuha ko sa itinakdang bilang ng aytem at nakakadismaya na.

2C-N. Sa oras ng Filipino ay isa-isang ibinigay ni Ma'am Elises ang pangkatang gawain sa bawat grupo at nagkaroon rin kami ng recitation, marami ang tumayo dahil di makasagot. Nang recess na ay sinamantala ko ang oras sa paggawa ng takdang aralin sa Physics, maya-maya pa'y dumating na si Ma'am Templanza at nagkaroon kami ng pinoy henyo, hindi pinalad ang grupo naming makuha ng tamang sagot pero dahil very confident kami ay may karagdagan kaming limang puntos. May karagdagang kaalaman rin akong natutuhan at yun ay Siesta, isang pagpapahinga o pagtulog tuwing hapon dahil sa impluwensya ng espansyol, hinuhuli nila kung sinuman ang hindi matulog ng hapon. Bago pa man umalis si Ma'am Templanza ay sinabi niyang hindi na siya ang English teacher namin simula bukas, mami-miss ko siya dahil bukod sa mahusay magturo ay naging mabait rin siya sa amin. Sino naman kaya ang bago naming guro, sana'y si Ma'am Miranda at huwag si Ma'am Ramos ang pumalit.

2C-O. Sa oras ng Math, si Sir Harren ay biglang nagalit sa mga hindi gumawa ng assignment, buti na lang at nakagawa ako bago sumapit ang Math, sa tingin ko ay mas terror pa kay Sir Sellona si Sir Harren, masyadong umaapaw kung magalit at hate niya ang mga panget, di naman siya kapogihan. Isa-isa rin niya tsinek ang index card at kaba ang aking nadarama sa bawat may mintis o dumi. Ang bilis ng oras at Physics na, lapit na rin ang uwian. Nag-discuss lamang si Sir Martin tungkol sa fundamental and derive quantities at may pagkamakisig rin si sir bukod sa mahusay magturo at iyan ang tunay na gwapo, iyang si Sir Harren ay Waley naman at walang sinabi kay Sir Martin.

2C-P. Maya-maya’y uwian na at tagaktak muli ang pawis dahil sa sobrang init, kasabay ko sa tricycle ang Mama ni Gwen at kwentuhan kami. Pagkauwi ay sinipon nanaman ako kaya dinamihan ko ang inom ng tubig at nag-siyesta matapos mananghalian. Agad akong nagising dahil gagawa pa ng assignment at may pag-uulat rin kami sa Filipino, nagkumpyuter muna ako at matapos ay gumawa na ko ng biswal gamit ang Manila paper. Mga bandang Alas-sais ko natapos ang biswal at nagbabadya nanaman ang pag-ulan, habang nakatunganga sa may pintuan ay nagulat ako at natakot nanh biglaang gumuhit ang matalim na kidlat sa kalangitan, sinundan rin ito ng pagkulog at uulan nanaman. Sa halip na manood sa telebisyon ay nagradyo na lamang kami pagkat kumikidlat at sinabi ng PAGASA na opisyal ng nagsimula ang rainy season, naku at puro kalamidad nanaman ang kakaharapin sa panahong ito na huwag sanang mangyari. Ilang sandali ay bumuhos na ang ulan subalit tikatik lamang at di nagtagal. Nakanuod pa ko ng Ina kapatid anakat matapos ay natulog na rin.



June 11, 2013
Tuesday

Year I-162

2C-Q. Alas-tres palang ng umaga ng magising ang katawang lupa ko at medyo sinisipon muli ako, marahil may sakit na akong pinangangapitan sa dalas ng pagkakaroon ng sipon at kung anumang karamdamang aking taglay ay sana gumaling. Dagdag gastusin nanaman kapag nagkasakit at sa halip na maligo ay nagpunas lamang ako. Kahit masama ang timpla ay nagawa ko pa ring pumasok. Naabutan na ko ng liwanag ng makarating sa eskwela at ngayon ang performance sa AP, kinabahan ako pagkat wala pa kaming nagagawa. Maya-maya’y may pumasok na di kilalang guro at sinabihang lumabas lahat sapagkat may Flag ceremony, nakakapagtaka nga lang dahil Martes ngayon at dapat ay kahapon pa.

2C-R. Inanunsyo ni Ma'am Lintag na araw-araw ng isasagawa ang flag ceremony para mas lalong makabisado ang Lupang Hinirang subalit kada palapag ang dadalo at di kasali ang iba pang palapag dahil sa susunod na araw pa sila. Matapos ang flag ceremony, thank God because our performance was postponed at nagkaroon kami ng class election. Matapos ang Class Election ay may hinirang ng bagong presidente at yun ay si Mandysamantalang bise presidente naman si Bacsal. Dahil sa kakulangan ng oras ay sa Huwebes na itutuloy ang Performance. Nang TLE na ay lihim akong gumawa ng script para makapag-ulat kami sa Filipino mamaya at di alintana ang sinasabi ni Sir Balbin sa sobrang abala. Ng MAPEH na ay lalo pang sumidhi ang kaba sa dibdib at parang na-stress na ko, sana'y magawa namin ng maayos ang pag-uulat sa Filipino.

2C-S. Naalis naman ang stress ko dahil nakakatawang magturo si Ma'am Mina. Nang Filipino na, ayan na ang kaba at parang napanghihinaan na subalit lakas ng loob pa rin ang pinairal ko, dahil sa kakulangan ng oras ay dalawang pangkat lamang ang nakapag-ulat, nakahinga ako ng maluwag pagkat nakaligtas nanaman at may panahon pa upang mapaigting ang paghahanda. Sa oras ng English ay laking nganga ng bibig sa sobrang pagkagulat dahil ang pumalit na guro ay si Ma'am Miranda. Sa katunayan ay naging guro ko na si Ma'am Miranda nung nasa first year pa ko at di akalaing magiging Teacher namin siya muli. Ang dating pautal-utal kung umingles ay direderetso na at malinaw pakinggan subalit naging mahigpit na siya dahil siya na ang head Teacher ng English Department. Istrikto lamang siya kapag sa Classroom pero katulad pa rin ng dati ang trato niya sa amin kapag sa labas, laki talaga ng pinagbago ni Ma'am Miranda.

2C-T. Sa oras naman ng Math ay nag-discuss lang si Sir Harren tungkol sa factorial ganun rin sa Physics at ang ganda ng lesson na sarap pakinggan subalit ang iingay nina Mothy at Cynt sa likuran na halos ikabwisit ko at panay pa ang kalabit. Pinagsabihan ko sila pero parang teyngang kawaling umasta at nang-aasar pa, di ko na lang sila pinatulan. Maya-maya’y labasan na at mangilan-ngilang estudyante na lamang ang pumapasok dahil kanina pa nagsilabasan at nagsipasukan ang karamihan, naging madali sa akin ang makakilos. Nananghalian muna ng dumating sa bahay at natulog, kahit maraming nakatokang takdang aralin ay di ko muna ginawa at sinamantala ang pagpapahinga sapagkat holiday bukas para sa pagdiriwang ng Independence day. Sa katakawang matulog ay malapit ng mag-Alas-singko ng ako'y nagising, nakapag-internet pa ko subalit kairita ang mabagal na connection nito. Kinagabihan ay kumidlat at kumulog nanaman na nagresulta kung bakit di ako nakanood ng telebisyon, di tuloy nasubaybayan ang Ina Kapatid Anak at sayang pagkat umaatikabo at very suspense na ang eksena. Dahil umatake nanaman ang walang humpay na pagtulo ng uhog ay di ako nakatulog ng maayos, aywan ko kung bakit di ako nawawalan ng sipon.


June 12, 2013
Wednesday
(Independence Day) 
Year I-163

2C-U. Thank God because its holiday for celebrating our Independence day, hindi naging napakaaga ang gising ko na tulad sa araw na may pasok kaya masigla ang aking paggising. Marahil ay kinalimutan na ng karamihan sa atin ang tunay na diwa ng Independence Day sa tagal ba naman ng panahon pero para sa akin ang araw ng kalayaan ay araw kung kailan natin nakamit ang paglaya mula sa pananakop ng mga Espanyol sa loob ng daang taon at kalakip nito ang kapayapaan ng ating pamumuhay mula sa pagmamalupit at kaguluhang dulot ng pananakop. Kaya napakabuluhan sa kasaysayan ng Pilipinas ang araw na ito at salamat sa matalinong aklat pagkat siya ang dahilan ng pagkakaroon ko ng kaalaman ukol sa araw ng kalayaan.

2C-V. Malaya tayong lahat pero di ko ramdam ang diwa nito sa dami ba naman ng gawaing kailangang tapusin at halos di na magkandaugaga. Pagsapit ng Alas-siete ay sinimulan ko ng gawin ang takdang aralin sa Araling Panlipunan at pagkatapos ay nagkumpyuter ako upang mag-research at gawin naman ang Assignment sa MAPEH, stressful talaga ang araw na ito at kahit medyo sinisipon ay nagtungo pa rin ako sa computer shop upang magpa-print ng files. Pagdating sa bahay ay diretso gupit at dikit ng inilimbag na litrato at emoticons sa activity sheet pero dahil matiyaga ako ay walang reklamo iyong ginawa kahit gutom na. Kumain naman ako matapos ang assignment subalit gagawa pa ko ng script sa Filipino maging sa AP, I wish God will give me an extra energy to sucessfully accomplish all my task.

2C-W. I take a rest first then wake up at two, sinimulan ko ang paggawa ng script sa Filipino at Alas-kwatro na ko natapos, sumunod ay sa AP naman ako gumawa ng script ng sa gayo'y may iprepresenta kinabukasan at may balak pa kong magrepaso sa MAPEH sapagkat may quiz bukas subalit nailaan ko ang oras sa pagkakabisado ng Script, sa haba ng kakabisaduhin ay sobrang na-pressure ako at dagdag pahirap pa ang ingay ng kapaligiran. Nagkataong nagkasabay-sabay ang gagawin at di na malaman kung anong uunahin. Dumilim muli ang kalangitan na nagbabadyang umulan at maya-maya'y bumuhos na ang ulan. Tumigil naman ito ng dakong gabi kaya nakanuod pa ko ng Ina kapatid anak. Matapos ay maaga akong natulog pagkat may pasok na bukas and happy Independence Day.



June 13, 2013
Thursday

Year I-164

2C-X. Dala ng matinding antok, tinatamad pa akong pumasok at gusto pang matulog ng matagal subalit di ako padaig sa umiiral na katamaran at bumangon pa rin. Naging maulan ang madaling araw subalit tumila naman ito pagsikat ng bukangliwayway kaya tuloy pa rin ang klase at kung magpatuloy ang pag-ulan tiyak ay mapipilitang masuspinde ang klase at makakaligtas muli sa presentasyon sa AP at pag-uulat sa Filipino. Medyo naghanda naman ako subalit hindi maalis ang kaba lalo na nung nagsimula na ang presentasyon na may Kaugnayan sa Ekonomiks. Habang di pa natatawag ang pangalan ay patuloy ako sa pagkakabisado ng script, malas pa dahil lumiban pa ang Jobil kaya di ko na malaman kung anong dapat gawin subalit dahil sa matalinong pag-iisip ni Mary Joy ay naisagawa namin ng maayos ang aming presentasyon at nilabanan ko talaga ang kabang lumalagom sa dibdib at pinairal ang lakas ng loob kaya nakapag-perform kami ng mahusay at palakpakan sila.

2C-Y. Parang nabunutan ng tinik matapos ang presentasyon at maya-maya ay TLE na, nagpunta kaming lahat sa Computer laboratory at doon nag-discuss si Sir Balbin. Malamig na masarap sa pakiramdam dahil air condition at maraming iba't ibang computer ang nakatanghal sa anumang panig, masarap tuloy magkumpyuter pero ipinagbabawal ang mangialam at baka magkaroon ng babayarin sakaling masira. Sa oras naman ng MAPEH ay nagkaroon kami ng quiz, di ako nakapagrepaso kaya wala halos maisagot at blangko ang utak. Pilit mang alalahanin ang lahat ng itinuro ni Ma'am Mina pero Wa-effect talaga at baka may Amnesia na. Nang tseking na at pagkatapos ay kukonti lamang ang pumasa at sa di inaasahan ay walo lang ang mali ko sa 20 na katanungan kaya napasali ako sa pasado.

2C-Z. Di nagustuhan ni Ma'am ang naging resulta ng pagsusulit kaya nagalit ito. Katwiran niya, masyado niyang ng ibinuhos ang pagtuturo pero mababa naman ang nakuha. Naisip ko kay Ma'am Mina ay labis siyang na-disappoint dahil sa marami ang bumagsak. Talagang Perpectionist si Ma'am at gawa ng matinding galit kaya nagawang punitin ang lahat ng papel, nag-isip pa ko ng husto para may maisagot kung pupunitin naman pala. Maya-maya’y recess na, balewala rin ang effort. Sa halip na kumain ay nagbasa na lamang ng Dictionary at ilang minuto pa ay dumating na si Ma'am Miranda. Nag-discuss siya about source of information and after that all of us have group work.

2D-A. Sa oras ng naman ng Math ay nag-discuss din si Sir Harren at pagkatapos ay nagkaroon kami ng seatwork, yung nasa likuran ay napakaingay at nangangalabit pa, parang walang naririnig ng pagsabihan at nabibwisit na ko dahil kalabit sila ng kalabit. Sa oras ng Physics ay nagkaroon kami ng quiz, sa dali ng quiz ay kaagad ko naman itong natapos pero malapit ng mawala ang pagtitimpi ko kina Cynt at Poliquit. Kanina pa nangangalabit at nangsusumpak pa ng pinilot na papel sa ulo, nasaktan ako at sa sobrang yamot na kahit may Teacher ay napasigaw ako, umiinit na kasi ang dugo at talagang pikon na pikon na ko. Naiwan kaming tatlo ng uwian at kinausap ni Sir Martin. Napagalitan ang dalawa ng ilahad ko ang pambu-bully nila sa akin at huminging naman sila ng patawad sa akin.

2D-B. Dahil mapagmahal ako ay maluwag kong tinanggap ang sorrynila pero huwag lang uulitin dahil iba na ko sa inaasahan nila at baka magatungan na ng kamao. Kasabay ko muli sa pag-uwi si Gwen at nagkwentuhan kami, sa dami ng napag-usapan ay di namalayang nasa Taniman na. Kahit medyo niloloko at inaasar ay umuwi pa rin akong masaya dahil kakampi ko ang batas laban sa bullying. Kinahapunan ay bumuhos muli ang malakas na ulan na sinabayan pa ng hangin, pagkarinig sa balita ay marami ng eskwela ang nagsuspinde at mataas na raw ang baha sa kanila, pahirapan tuloy sa mga estudyante ang umuwi dahil lulusong pa sa baha.

2D-C. Kinagabihan na man ay biglang inatake ako ng hika, hirap akong huminga at panay pa ang pag-ubo, di ako pahalata kila Mama pero hindi ko na naitago pa sapagkat hindi ko na kaya. Nasermunan tuloy ako ng maraming at pawang mapupusok na salita ang aking narinig, di ako makapagsalita ng tuwid gawa ng kinakapos sa paghinga. Patuloy akong sinusumpong ng hika at tanging Diyos na lang ang magpapagaling sa karamdaman, marahil ay may pinangangapitan ng kaukulang karamdaman kaya madalas ng sipunin at ubuhin. Kung sakaling Tuberculosis o Pneumonia ang dinadalang sakit ay naisip ko munang isasakripisyo ang panggastos sa pag-aaral sa kolehiyo para lang may pangtustos sa gamot. Sana ay mali ako sa aking inaakala. Labag man sa kaloobang kailangan marahil huminto sa pag-aaral pagkatapos ng High school at saka na lang ipapagpatuloy kapag magaling na.



June 14, 2013
Friday

Year I-165

2D-D. Hindi na kasing sama katulad ng nagdaang gabi ang aking kalagayan, maginhawa at maluwag na rin ang paghinga ko na ipinagpapasalamat ko sa Diyos, tunay ngang napakabait niya at hindi niya ko hinayaang magdusa sa ganong sakit subalit kahit hindi ako sinisipon o inuubo ay di ako pakampanteng magaling na at baka bumalik nanaman ito. Sa kabila ng may pinangangapitang karamdaman ay masigla pa rin akong pumasok. Pagdating sa eskwela ay nadatnan kong may flag ceremony at bilang paggalang sa watawat ng Pilipinas ay tumigil muna ako at inilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib habang inaawit ang Lupang Hinirang, tumuloy lang ako at pumila pagkatapos ng awitin ang pambansang awit. Sa oras ng AP ay nagkaroon kami ng indibidwal na gawain, sa hilig ko tungkol sa Ekonomiks ay kaagad kong natapos ang ipinapagawa. 

2D-E. Maya-maya’y oras na ng Values, nagtalakay lamang si Ma'am Fabiana tungkol sa nakasulat sa bibliya at marami akong natutuhan sa kanya tungkol kay God kaso lang ay maiingay ang katabi ko na bulong ng bulong at may sariling pinag-uusapan. Sa oras naman ng MAPEH ay di na gasinong masungit si Ma'am Mina at nagpapatawa pa nga sa amin, itinuro niya sa amin ang tamang posture at galaw ng katawan sa PE, lalo pang sumidhi ang tawanan ng may naglakas loob na nag-volunteer at pabirong pinagtripan ni Ma'am. Maya-maya'y Filipino na pero wala pa si Ma'am Elises kaya nag-anunsyo muna ang Class President na si Mandy sa harapan, kaming magkakagrupo ay puspusan na ang paghahanda at pagkakabisado ng kanya-kanyang sasabihin para sa nalalapit na pag-uulat.

2D-F. Nang tumagal pa'y dumating na si Ma'am Elises at may importante itong Announcement sa amin, sinabing may hahalili ng guro sa Filipino sa Lunes at sa ibang eskwela na raw siya magtuturo, nalungkot kami sa sinabi niya sapagkat bagong guro nanaman ang kakaharapin at balik sa adjustment period. Matapos niyang makapagpaalam sa amin ay nagsimula na ang pangkatang pag-uulat. Habang di pa ako ang nakasalang sa pag-uulat ay pwersado akong nagkakabisado at nilakasan ang loob ng ako na ang magsalita, laking sigla sa dibdib ng maayos akong nakapag-ulat. Habang break time ay gumawa muna ako ng assignment sa Math at ilang sandali pa ay English time na, nagkaroon kami ng exam at puro Reading comprehension ang coverage nun, medyo mataas ang nakuha sa unang material pero ng sumunod pang dalawang material ay di na aabot sa lima ang nakakamtan ko, marahil ay mahina pa ang pang-intindi ko sa malalalim na English.

2D-G. Bago umalis si Ma'am Miranda ay nagbigay muna ito ng Project pero sa August pa ang deadline of passing. Sa oras naman ng Physics ay nagtsek kami ng aming long quiz kahapon at masaya nanaman ako sapagkat mataas ang nakuha ko, napakabait talaga ni God at patuloy akong ginagabayan sa pag-aaral at sana ay magpatuloy pa ang magandang nasimulan. Pagkauwi sa bahay ay natulog muna ako at mga bandang Alas-tres na ko nagising, mahangin sa labas at nagbabadya nanamang umulan hanggang sa umulan na nga subalit daglian lamang. Kinagabihan ng dumating si ate na masama ang pakiramdam, sinabi niyang epekto raw ng bakunang itinurok sa kanya at napagtanto kong bukas na pala kami ni mama tutungo sa Makati kung saan nagtratrabaho ang ate upang magpaturok ng bakuna, huwag sanang magaya sa kanya kapag naturukan. Matapos manood ng Ina kapatid anak na sinubaybayan hanggang pagwawakas nito ay natulog na ko.



June 15, 2013
Saturday

Year I-166

2D-H. Maaliwalas na ang umaga na kahapong may pagkasungit ang panahon at kumikinam na sinag ng araw ang sumalubong sa muling pagbubukas ng aking mga mata. Alas-siete na pala ng umaga at dahil walang makitang pagkaing nakahain sa mesa ay nagkape na lamang ako. Si Mama naman ay maagang naligo at sinabihang sumunod ng maligo sa kanya dahil may pupuntahan kami. Hindi namin alam kung paano pumunta sa Makati kaya nagtanung kami kay ate. Sa malinaw na detalye na kanyang isinalaysay ay mukhang di na kami maliligaw kahit walang dalang mapa. Matapos magkape ay naligo na ako at nagbihis, mga Alas-nuebe na kami nakaalis. Pagdating sa MRT doon sa EDSA ay tila may litong-lito ang isip ni Mama at hindi malaman kung saang stationsasakay kaya nagtanong siya sa akin. Kahit di ako sigurado ay lakas loob kaming nagpatuloy at sumunod sa mga sumasakay ng MRT hanggang sa makarating ng Quezon Avenue station. Daming mga pasahero kaya naging mahaba ang pila at dalawang tren na ang dumaan subalit gawa ng madaming sumasakay ay di kami makasingit sa pagsakay.

2D-I. Pangatlong tren na ng kami ay sumakay at halos di ako makahinga pagkat siksikan, naisip ko na ganun pala ang mararanasan mo kapag sasakay sa MRT, kahit air conditioner ay mainit, siksikan at halos di ka talaga makagalaw pero mabilis naman ang takbo at ligtas pa sa traffic. Sa kada station na madaanan ay takot na ang naramdaman ko sapagkat lalo pang nadaragdagan ang mgq pasahero na nagreresulta ng lalo pang siksikan at sa aircon na ko nakatingala makalanghap lang ng hangin. Nabawasan at lumuwag naman ito pagdating ng Guadalupe hanggang sa Buendia kung saan kami bumaba. Pagkababa ng Buendia station ay nasa lugar na kami ng Makati. Kay tatayog ng mga gusali at naglalakihang mga billboard rin ang makikitang nakatanghal saanman ikaw lumingon, ang mga taong makasalubong ay disenteng tingnan at walang ni isang pulubi o mga tambay na lango sa droga kang makikita, malinis rin ang kapaligiran na animoy nasa ibang bansa ka.

 2D-J. Ganoon pala sila sa lungsod ng Makati, sarap tumira dun at komportable ka. Pagdating sa Petron Mega Plaza, kung saan nagtratrabaho ang ate ay tahimik at bibihira lamang ang taong nalabas marahil ay Sabado at day-off ng karamihan sa empleyado. First time lang makapunta sa ganoong kasusyalinghotel kaya medyo nangangapangapa kami pagdating sa elevator dahil automatic ito once na i-touch mo ang button nito. Mabilis rin ang pag-andar nito at wala pa sa minuto ay nasa tatlumpong palapag na kami. Pagkalabas ng Elevator ay ibang tao na ang nakasalamuha namin at may pagkadungo pa ko kapag kinakausap sila, mabait ang trato sa akin ng Nurse at pwede ko siyang maging kaibigan pero yun na ang una't huling pagkikita namin.

2D-K. Di ko rin halos ramdam ng maturukan ng injection at pagkatapos ay medyo nag-aalangan pa kami kung paano bumaba kaya tanong sa gwardya. Paglabas sa hotel ay nagtungo kami sa MCdonalds at doon na nananghalian. Sasakay sana kami ng MRT pauwi pero ayaw ko ng maranasan pa ang siksikan kaya sumakay na lamang ng Bus. Hindi baleng matrapik o mabagal ang usad atlis nakakahinga ka ng maluwag at makakaupo pa. Sa tindi ng traffic sa EDSA ay Ala-una na kami nakauwi. Natulog muna ako at malapit ng dumilim ng gumising, kahit paano ay di pa nararanasan ang epekto sa akin ng gamot na itinurok pero masakit na ang braso ko, marahil ay tumatalab na.



June 16, 2013
Sunday
(Father’s day)
Year I-167

2D-L. Espesyal ang araw na ito para sa lahat ng mabubuti at mapagmahal na tatay sa buong mundo, pagkagising pa lamang at ng tiyempong makita si Papa ay binati ko kaagad siya. May pagkailang pa siya sa aking sinabi at kahit hindi nagsabi ng thank you ay kuntento pa rin ako dahil sa pamamagitan ng pagbati ay parang tinumbasan ko na ang pagmamahal ni Papa. Mula Lunes hanggang Biyernes ay buong tiyaga siyang nakayod para lang may makain sa pang-araw-araw at may maipangtustos sa pangpaaral ko kahit suwail akong anak na kala mo kung sino makaasta, kahit ganoon ang ipinapakita sa kanya, ni minsan ay di niya ko nagawang saktan, di tulad ng ibang tatay na bubugbugin ang anak kapag ganon ang ipinapakita nila.

2D-M. Maging kung anuman ang kasarian ko ay tanggap niya basta huwag lamang daw lumandi at maging seryoso sa pag-aaral, swerte ako na naging tatay ko siya. Kahit Father's day ay abala pa rin si Papa tulad ng pag-aalaga ng manok at pamamalengke, sipag talaga ng Papa ko at matapos mag-almusal ay nagbasa ako ng Dictionary. Mga Alas-dyis ng tumigil ako sa pagbabasa ng pocket dictionary dahil nanakit na ang braso ko marahil ay sanhi na ng bumibisa na ang gamot na itinurok sa akin kahapon. Sumapit pa ang kasunod na oras ay sumakit na rin ang ulo ko kaya matapos lumamon ay idinaan ko sa higa. Nawawala kapag nakahiga pero kumikirot ng pagkasakit sakit kapag nakaupo o nakatayo.

2D-N. Kinahapunan ay nagising na lamang ako dahil sa dagundong ng kulog at ilang saglit pa ay bumuhos na ang ulan na sinabayan pa ng hangin. Marami ang masayang naliligo sa ulan samantalang nanood lamang ako sa may bintana. Nawala ng bahagya ang sakit ng Alas-singko kaya nakagawa pa ko ng takdang-aralin. Dahil sa iniindang sakit ng ulo ay maaga akong natulog. Di lang ako ang may nararamdam maging si Mama na sumasakit ang kasu-kasuan niya at patuloy pa rin nilalagnat ang ate, puro na kami may sakit at uso na siguro dahil panahon na ng Tag-ulan. Kaso sa ingay na nanggaling sa labas na mukhang may nagkakagulo ay nasira ang tulog ko at dumungaw ng saglit sa bintana, may lalaking lasenggero ang nagwawala at lahat ng bagay na mahawakan ay ihahagis sa kagalit, natakot kami at panay tago kapag nariyan siya. Humupa naman ang away ng awatin ng mga barangay tanod ang lalaking lango sa alak.



June 17, 2013
Monday

Year I-168

2D-O. Alas-tres pa lamang ng madaling araw ng magising ang katawang lupa ko subalit nasa kalahati na ng ikatlong umaga ako bumangon, pananakit ng ulo na tila tinutusok ng karayom ng paulit-ulit ang naramdaman ko subalit pinilit ko pa rin mag-almusal. Bukod sa masakit ay masakit rin ang aking balikat na nagpahirap sa akin upang magkikilos, matindi talaga ang pananakit ng ulo at halos dumaing na ko kaya sinabi ni Papa na huwag muna akong pumasok at hayaang ipagpahinga ang sarili. Bumalik ako sa kama at muling tumulog, si Mama naman ay hindi magampanan ang obligasyon bilang ina sapagkat may karamdaman ito, talagang puro na kami may sakit marahil ay gawa ng pabago-bagong panahon. Nabawasan naman ang sakit ng ulo ng sumikat ang araw pero pumalit naman ang pagkakaroon ng sipon.

2D-P. Dahil may sakit ang ilaw ng tahanan pati ang nakakatanda kong kapatid ay ako muna ang umako sa gawaing bahay kahit may dinaramdam na sakit, kailangan kong kumilos sapagkat malakas pa naman ako at makakayang gawin ang lahat. Ako na mismo ang naghugas ng plato, nagwalis at nagsaing naman ng kinatanghalian. Matapos ang gawaing tahanan ay nagbasa ako ng Dictionary upang mapawi ang pagkabato, patuloy akong sinisipon at masakit pa rin ang ulo. Ilang saglit pa ay bumangon ang Ate at binuksan ang telebisyon upang manood ng video. Tingin ko sa kanya, magaling na ito. Itinigil ko ang pagbabasa nakinuod ng video. The mistress at A secret affair ang pinanuod na pelikula at iyon ang naging pampalipas oras ko. Magaganda ang pelikula at tungkol iyon sa mga babaeng walang ibang inatupag kundi kumabet.

 2D-Q. Matutulog na sana ako ng dumaing ang Mama ng pananakit ng katawan, bumili ako ng gamot para sa kanya at mukhang bubuhos nanaman ang ulan dahil napakiitim muli ng kalangitan at mukhang gabi na. Maya-maya ay gumuhit na ang nagtatalimang kidlat sa kalawakan at sinundan ito ng malalakas na kulog na malabomba kung dumagundong hanggang sa bumuhos na ang ulan. Sa sobrang lakas ng ulan ay nagdulot ito ng pagbaha at malakas na agos sa sapa. Kasagsagan ng ulan ng dumating ang Papa at may hatid itong pasalubong. Dahil KFC ang dala niya ay mabilis pa sa Alas-kwatro ang aming pagsulpot at lumantak ng imported at masarap na manok, sa sobrang dami ng kinain ay hindi na ko naghapunan pa. Tumagal ang pag-ulan hanggang sa gabi at sinabi ng PAGASA na dulot iyon ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Emong. Maaga akong natulog pagkat dama pa rin ang masakit na ulo.



June 18, 2013
Tuesday

Year I-169

2D-R. Nawala na ang sakit ng ulo ko paggising ng madaling araw subalit halakhak ng dibdib ang gumising sa natutulog na diwa ko. Sumisipol nanaman ang aking dibdib marahil ay gawa na ito ng plemang dumidigkit na sa baga. Bukod sa dinig ang pagsipol ng dibdib ay inuubo din ako at sa dalas kong ubuhin o sipunin na at napapansin na rin ng mga magulang ko ay minabuti ng marahil ang magpakunsulta sa Doctor mamaya. Kahit inuubong parang kahol ng aso ay dumalo pa rin ako ng klase. Pagdating sa eskwela, naging maingay angclassroom dahil sa ingay nina Jessa na mukhang na-miss ako, sa totoo lang ay parang kapatid na ang turing ko sa kanila pagkat sa tuwing nagkakaroon ng pagsusulit ay lihim kaming nagbibigayan ng sagot at nagdadamayan kapag may problemang kinakaharap.

2D-S. Maya-maya pa, pumasok na ang aming gurong tagapayo na si Sir Arnulfo. Naimbyerna ito sa lahat ng nakatalagang officer dahil hindi pa nakakagawa ng bulletin board, nagsitahimik ang mga kaklase ko at hindi maalis ang takot subalit ng humupa ang galit ay saka pa lamang nagsimulang mag-discuss si Sir Arnulfo. Nagkaroon din ng Class recitation at isa-isa kaming tinatawag. Sa oras naman ng MAPEH ay naibsan ang kaninang takot na takot sapagkat bukod sa mahusay magturo ay mahusay rin magpatawa si Ma'am Mina at tinalakay niya sa amin ang tungkol sa Mental Disorder. 

2D-T. Nang Filipino na, ang inakalang mabait raw na si Sir Velarde na humalili kay Ma'am Elises dahil sa mukha at postura ay kabiligtaran sa ipinapakita nito sapagkat napakasungit niya at galit sa lahat ng estudyanteng tamad magbasa, bukod pa dun ay may mga salitang nakakasakit sa damdamin ang ibinato sa amin, talagang super na-badtrip si Sir at nagsiulputan ang samu't saring komento ng aking kamag-aral paglisan ni Sir Velarde. Sa oras ng English at dahil nakaligtaang basahin ang kwentong pinamagatang The Diamond Necklace ay sobrang pressure ako sa pagbabasa at pag-intindi at kinakabahan na ng husto dahil isa-isa kaming tinatawag ni Ma'am Miranda pero nakawala ako sa mahigpit na pagkakasakal ng kaba nung hindi ako natawag at masaya ako dahil dalawang subject na lang bago ang uwian.

2D-U. Sa oras ng Math ay nagkaroon kami ng long test at naging sisiw lamang sa akin ang bawat katanungan. Nang Physics na ay kilig to the bones ang malalandi kong kamag-aral dahil magtuturo nanaman ang Ser Chief ng buhay nila, tiliin kami ng magsagot ang Mandy sa pisara at di makatitig ng diretso kay Sir Martin dahil ay crush niya ito. Magtatagal pa sana ako sa classroom hanggang hapon dahil gagawa kami ng bulletin board subalit may check-up pa kami mamaya. Dakong Alas-dos ng tumungo kami ni Papa sa hospital upang magpa-check up, di ako gasinong pawisan gawa na mahangin ang panahon. Sinabi ko sa doktora ang tunay na nararamdaman ko nitong nakalipas na araw at sa kadahilanang madalas ubuhin sa aking statement ay kinailangan kong isailalim sa X-ray, medyo may kamahalan pero sagot pa rin ni Papa at sangkatutak na banig ng gamot ang inireseta sa akin. 

2D-V. Matapos magpa-check up ay nagpunta kami sa Ever gotesco mall upang bumili ng gamot, nagtungo naman ako sa Expression upang bumili ng librong El Filibusterismo. Matapos ay nagpunta naman kami sa Puregold at bumili ng mga kakailanganin sa bahay at babaunin sa eskwela. Pagkauwi sa bahay ay nagkaroon ng diskusyon ang magulang ko at sa pakiwari ko ay ako ang dahilan kung bakit gumagastos na sila ng malaki, bakit pa kasi ako nagkakasakit? Upang may maisagot sa Recitation bukas sa Filipino ay binasa ko ang El filibusterismo. Pagsapit ng gabi ay bumuhos nanaman ang napakalakas na ulan subalit panandalian lamang iyon. Bago mahimbing sa pagkakatulog ay uminom muna ako ng gamot, parang di kagandahan ang timpla ko nitong gabi.



June 19, 2013
Wednesday

Year I-170

2D-W. Sa kadahilanang may kalakasan ang pagsipol ng aking dibdib ay Alas-dos ng madaling araw ay iyon ang mistulang alarm clock upang magising, mukhang dumadalas na talaga ang pag-atake ng hika ko at pigil muli ang aking hininga. Maya-maya'y inubo na ko ng sunod-sunod at narinig ko ang walang prenong sermon ni Mama na puro panunumbat na lang, maingay tuloy kami ngayong umaga. Hindi naman sapat na dahilan ang sinusumbat niya sa akin kung bakit nararanasan ko ito pero marahil ay may pagkukulang din naman ako. Ilang sandali pa at kahit umaga ay bumuhos nanaman ang ulan, binuksan ko ang telebisyon upang alamin kung suspendido ba ang klase subalit natuloy pa rin ang klase dahil tumigil naman ang ulan.

2D-X. Pagdating sa eskwela ay pansin kong kakaunti pa lang ang mga kaklase ko, saka pa lamang nagsidatingan ang karamihan kung kailan magsisimula na ang klase. Kami naman ay lihim na nagbabasa ng El filibusterismo sa takot na mapagalitan ni Sir Velarde mamaya kapag di nakasagot. Masama talaga ang pakiramdam ko at sunod-sunod na inuubo kaya hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral. Sa oras naman ng TLE at matapos mag-discuss ni Sir Balbin ay nagkaroon kami ng maikling pagsusulit, mahirap at parang hindi alam ang isasagot pero dahil sa pananalig ay nakakuha pa ko ng lagpas sa sampu, up to 20 kasi ang test. Nang MAPEH na, ang lahat ng atensyon ay napupunta kay Ma'am Mina maliban sa katabi kong may sariling pinag-uusapan, sinaway ko sila at sinabihang makinig sa guro pero parang teyngang kawali.

2D-Y. Ang kaba sa dibdib ay lalo pang lumalala habang papalapit ang Filipino. Habang di pa pumapasok si Sir Velarde ay puspusan na kami sa pagbabasa, dumilim ang kalangitan at bumuhos muli ang ulan kaya naiisip ng marami sa amin na sana ay masuspinde na ang klase para makaligtas sa recitation. Maski si Sir Velarde ay nais na ring masuspinde ang klase sapagkat tinatamad na raw magturo sa amin kapag tinatamad naman magbasa ang estudyante niya pero mukhang goodvibes na si sir. Natuwa ako sa kanyang sinabi hugis parisukat daw ang mukha ko at maganda raw ang pagkakahubog, namalik mata marahil si Sir at parang di naman. Sa oras naman ng English ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain at dahil may pagkakaisa ay nagawa namin iyon ng maayos.

2D-Z. Sa oras ng Math ay nagkaroon muli kami ng long test at sa dali ng test ay wala pa sa bente minutos ay tapos ka na pero yun nga lang ay gagamit ka pa ng scratch paper sa pag-compute kung walang scientific calculator. Maging sa Physics ay kailangan rin ang scientific calculator at habang nagtuturo si Sir Martin ay halos nakikinig ang lahat, ang ganda kasi ng Lesson na aming kinaaaliwan. Maya-maya’y uwian na at pagdating sa bahay ay di kagandahan talaga ang timpla ko kaya idinaan sa tulog. Alas-kwatro na ko nagising at talagang inuubo ako ng sunod-sunod. Bukod pa roon namamaga rin ang aking lalamunan, nahirapan tuloy akong lumunok ng kinakain nung hapunan. Sa halip na magtagal pa sa panonood ng telebisyon ay ipinagpahinga ko na ang sarili.



June 20, 2013
Thursday

Year I-171

2E-A. Sumisipol muli ang aking dibdib at kaalinsabay nito ang pagkirot ng aking lalamunan na parang may plemang nakadikit ng husto at di mailabas. Ayaw ko ng lumiban pa sa klase sa takot na bumaba ang mga marka subalit napakasama ng aking pakiramdam at mukhang di kakayaning pumasok. Sinabi ko kay Papa na di ako makakapasok sapagkat di ko na kaya at upang makapagpahinga. Si mama naman, panay sermon pa rin sa akin na para bang gustong palabasin na ako ang dahilan ng pagkakasakit ko, ayaw kong maniwala sa panunumbat niyang napakarami at iinisip na ang pagbabago ng panahon ang may pakana subalit siguro nga'y masyado akong nagpapagod sa bagay na walang kabuluhan kaya ako nagkakasakit.

2E-B. Maraming nasasabi ang Mama na parang pwet ng manok kung pumutak kaya sa halip na sumagot ay tinakpan ko na lang ang teynga ko, kakasawa na kasing pakinggan ang sinasabi niyang paulit-ulit at kapag magaling kang sumagot ay lalabas ka pang masama at bastos. Sa kada paglunok ay bugso ng kirot ng lalamunan ang aking nadarama at hirap ako sa paghinga, sunod-sunod na rin ang aking pag-ubo. Matapos mag-almusal ay dinamihan ko ang inom ng tubig kasama ang gamot. Dahil May karamdaman at sa halip na tumulong sa gawaing bahay ay pagbabasa na lang ng El Filibusterismo ang aking inatupag.

2E-C. Matapos ang ilang araw na nag-uulan-ulan ay nagpakita na ang haring araw subalit mahangin naman sa labas. Nanatili ako sa labas habang nagbabasa ng sa gayon ay makalanghap ng sapat na Oxygen. Matapos basahin ang dalawang kabanata ay nahiga ako saglit sa kama, parang gusto kong laging nakahiga. Bumangon lang ako ng nakapagluto na si Mama at sinabi ko sa kanyang sinigang na karne ang ulam ng sa gayon ay makahigop ako ng sabaw at mapunan ang kakulangan sa bitamina. Matapos kumain ay uminom ako ng gamot saka natulog. Habang himbing sa tulog ay bigla naman akong sinipon at sumasakit naman ang aking ilong kapag pinipigilang suminga, naupo ako sa upuan upang lumabas ang sipon at pagkasinga ay sandamakmak na sipong tubig ang lumalabas, binabahing pa ko ng sunod-sunod at sa oras na iyon ay lalo pang sumama ang pakiramdam ko.

2E-D. Nang wala ng maisinga ay natulog ako upang makapagpahinga. Maya-maya’y bumuhos muli ang ulan na sinabayan pa ng hangin kaya isinara ko ang mga bintana. Kahit masakit ang lalamunan, inuubo at sinisipon ay gumawa pa rin ako ng biswal sa Filipino sapagkat may pag-uulat kami bukas. Sa sama ng pakiramdam ay di ko iyon natapos kaya naupo ako at nanood ng telebisyon. Habang nakaupo ay bigla kong naramdaman ang pagyanig ng aking inuupuan, akala ko ay may nang-uuga pero lumilindol na pala. Segundo lang naramdaman ang lindol at mahina lamang ito. Maski si Mama ay naramdaman rin ang pagyanig at sinabing lumindol raw, saka lang naming nasiguradong lumindol ng ibalita sa TV patrol. Sa sama ng pakiramdam ay hindi na ko nagtagal pa sa pagtutok ng telebisyon at ako'y natulog na. Hindi naman makatulog sapagkat barado pa rin ang ilong at sinisipon.


June 21, 2013
Friday

Year I-172

2E-E. Masakit pa rin ang aking lalamunan at sa tuwing umaga ay nasipol pa rin ang aking dibdib. Bukod pa diyan ay malutong pa rin ang aking pag-ubo subalit humupa na ang aking sipon. Kahit di pa ko gumagaling ay bumangon pa rin ng maaga at pumasok alang-alang sa aming pag-uulat. Matapos kumain at magsipilyo at habang may natitira pang oras ay tinapos ko ang biswal. Di lang pagkain ang binaon ko kundi dalawang panyo baka sakaling sipunin muli. Pagdating sa eskwela, lahat sa aking mga kaklase ay nakasuot ng PE uniform maliban sa akin na nakasuot ng school uniform, naisip kong ako lang ang naiiba at ang awkward naman. Maya-maya at dahil flag ceremony ay lumabas kami at saglit lamang iyon. Sa oras ng AP ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain at matapos ang activity ay nagtsek kami, kasabay ng pananamlay ng katawan ko ang pananamlay rin ng markang nakuha ko.

2E-F. Wala talaga ako sa mood makinig sa guro at parang gusto ko laging naka-nap. Sumigla lang ako ng patugtugin ni Ma'am Fabiana ang christian song atenjoy siyang pakinggan, iba talaga ang mararamdaman mo kapag awit para kayGod ang naririnig mo, bukod sa magandang pakinggan ay pinapalakas nito ang loob mo at parang dama ko ang presensiya niya, tunay ngang makapangyarihan ang Diyos at may Diyos. Nanamlay muli ako ng MAPEH na at dahil PE nila ay lumabas silang lahat maliban sa akin na naiwang mag-isa sa Classroom. Habang sinasagawa nila ang PE ay sinamantala ko ang oras upang magpalakas. Isang oras makalipas ng magsidatingan sila at kahit napakasama ng aking pakiramdam ay nilabanan ko iyon upang maidikit ang biswal sa blackboard. Dahil namamaos ako ay nakiusap ako kila Bacsal at Ibarra na sila na ang mag-ulat, pumayag naman sila at maayos nilang nagampanan ang pag-uulat.

2E-G. Sinabi ni Sir Velarde na kami ng bahala kung tamad o masipag magbasa basta walang sisihan kapag kuhaan na ng Card, sa kanyang nasambit ay mukhang napagod ng magalit at anu ang magagawa niya kung tamad talaga ang mga estudyante. Sa sakit ng lalamunan ay kakaunti lamang ang nakain ko. Sa oras ng English ay nagkaroon kami ng verbal ability test at Plotting the point sa Mathematics. Sa oras ng Physics ay nagpunta kaming lahat sa Laboratory upang mag-experiment, exciting ang experiment sapagkat sa bawatstation ay kailangang sagutan ang mga katanungan sa pamamagitan ng pagsukat at pagtimbang sa loob lamang ng anim na minuto. Dahil may Mathematical Ability ay ako ang nagtantiya ng tamang sukat na papatak sa bawat numero at ako rin ang tagakompyut, parang nabigyang halaga ako sa kanila. Ng matapos ang experimentation ay uwian na. Umuwi akong hirap na hirap at hapong-hapo kaya pagdating sa bahay ay hindi na ko nananghalian pa at kaagad ng natulog. Malapit ng sumapit ang Alas kwatro ng ako'y magising at umuulan nanaman.

2E-H. Ngangatog ako sa ginaw na tila nagbabadyang lagnatin, pasado Alas-kwatro ng dumating si Papa at dala na rin niya ang result ng aking X-ray. Di pa final ang resulta at sinabing isasailalim muli ako sa X-ray sa Martes, ngayon pa lang ay kabado na ako kung may sakit ng nakakapit sa aking baga at sana ay wala dahil kung mayroon ay mapipilitan akong isantabi ang pagkokolehiyo upang magpagaling. Kinagabihan ay lalo pang sumama ang pakiramdam ko na tila inaapoy na ng lagnat, segundo lang ang pagitan ng pag-ubo ko at patuloy ang paglabas ng matubig na sipon sa aking ilong at masakit na rin ang ulo. Sa puntong iyon ay gusto ko ng magpahinga at nawalan na ko ng ganang manood. Dahil nilalagnat ako ay ibinalot ko ang buong katawan sa makapal na kumot ng sa gayo'y pawisan.



June 22, 2013
Saturday

Year I-173

2E-I. Humupa na ang lagnat ko subalit masakit pa rin ang aking lalamunan kapag ako ay lumulunok. Ang kahapong halos maglupasay na sa tindi ng sama ng pakiramdam ay nabawasan na ngayon. Ang kahapong malatubig na sipon kung ilalabas ngayon ay malakondensada na sa lapot at bibihira na lang akong ubuhin, siguro nga ganon kapag gumagaling ka na. Sa dami ng sipong kusang nalabas ay wala akong ginawa sa umagang iyon kundi suminga ng suminga. Kapag inubo ay mahahakot ang napakalapot na plema sa kailaliman ng lalamunan at gumiginhawa ang paghinga ko kapag nailalabas. Sa dami ng sipong nailabas ay wala ng mapagsidlan ng sipon ang panyong aking sinisingahan. Kakapagod ang suminga ng walang humpay kaya kahit naiipon na sa ilong ay tumigil muna ako, bawal naman sa akin ang gawaing bahay kaya nagbasa na lang ako ng diksyonaryo.

2E-J. Sa sobrang abala sa kakabasa ng diksyonaryo ay di ko namalayang sumapit na ang Alas-onse at oras na ng tanghalian. Matapos mananghalian ay uminom ako ng gamot at nagpalipas ng sandali bago matulog. Iba na talaga ang takbo ng buhay ko kapag may sakit sapagkat lahat ng gustong gawin ay napakalimitado at bawal akong gumala o magpagod, saka pasakit rin sa magulang ko ang sakit ko dahil gumagastos pa sila ng malaki upang ipagamot lang ako at batid kong wala na silang pahinga sa gastusin, bayarin sa tubig, kuryente at allowance ko pa sa araw-araw tapos sumabay pa ang pagkakasakit ko.

2E-K. Mukhang guilty ako sa nangyayari sa kanila at gusto ko ng gumaling at huwag ng magkasakit pa kaya todo sikap ako sa pagpapagaling. Matapos matulog ay uminom ako ng maraming tubig, kakabato kapag nasa loob ka lang ng bahay kaya nagkumpyuter ako. Matapos magkumpyuter ay nanood ako ng telebisyon, medyo sinisipon pa rin pero di na gasinong masama ang pakiramdam ko. Matapos kumain ng hapunan ay uminom ako ng gamot. Dahil masamang magpuyat sa magdamag ay di na ko patumpik-tumpik karakarakang natulog na.



June 23, 2013
Sunday

Year I-174

2E-L. Gising na ang lahat ng aking kasamahan sa bahay maliban sa akin na himbing pa sa pagtulog subalit gising na ang diwa. Alas-siete na ko nagising at sa aking pagmulat ay liwanag na nagmumula sa labas ang sumalubong sa akin at iyon ay kakasilaw. Kasabay ng maaliwalas na panahon ang pagbuti ng aking pakiramdam, inuubo pa rin ng malutong na kung idadahak ay malapot na plema ang nalabas at barado ang ilong ko kung di naman isisinga subalit gumiginhawa naman ang paghinga ko kapag nailabas. Hindi na gaya ng nakaraang araw ang pakiramdam ko subalit bawal pa rin sa akin ang gawaing bahay o mapagod ng husto sapagkat ang sakit ay babalik. naupo lamang ako at ako'y nagbasa ng El Filibusterismo, nang magsawa at sa kadahilanang may takdang aralin sa Values ay tiyagaan ko yun ginawa. Ginandahan ko ng husto at tiningkaran ang pagkukulay upang Impressive itong tingnan. Matapos ang takdang aralin sa Values ay nagkumpyuter ako, sa halip na mag-online sa social network ay pag-research ng ire-report sa AP ang inatupag ko.

2E-M. Kailangan ng magseryoso sa pag-aaral ng sa gayon ay matagumpay akong makapagtapos kaso malaki ang tiyansang isantabi ang pagkokolehiyo sapagkat kailangan ko pang magpagaling ng lubusan. Kung di lang nagdurusa sa sakit ay hindi ako titigil. Matapos magkumpyuter at kahit bawal sa akin ang lumabas pero kinakailangan upang makapagpa-print ay napalitan ako. Sa John Martin sana ako magpapalimbag subalit gawa ng maingay plus mabaho ay di na ko nakatiis at sa taas na nagpa-print. Ng makapaglimbag ay bumili ako ng Kartolina atcolored paper, ang kaninang kakulimliman ay sa isang iglap ay umaraw at tumatagaktak ang pawis ko. Habang mag-isang naglalakad ay saktong nakasalubong ang Pastora Anna, sa tinagal ng panahong di kami nagkikita ay nagkamustahan kami.

2E-N. Todo yaya sa akin ang Pastora na sumama sa Fellowship mamaya pero dahil may gagawin pa ay tumanggi ako, tila bagang Panginoon na ang tinatanggihan ko kaya kahit labag sa kalooban ay napaoo na ako. Tagaktak ang pawis ko ng umuwi sa bahay kaya panay punas ako sapagkat bawal akong matuyuan ng pawis at maya-maya'y natulog ako. Sa kasarapang matulog ay hindi na ko nakadalo sa Fellowship sapagkat Alas-singko na ko nagising at di na patumpik tumpik karakarakang gumawa ng biswal sa AP. Nilagyang ko lamang ng palamuti subalit wala pang sulat at matapos gawin ang biswal sa kartolina ay ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng El Filibusterismo, sa haba ng kwento ng kabanata ay nakakadalawang kabanata pa lamang ako para sa araw na ito. Sa kadahilanang may pasok nanaman kinabukasan ay kaagad na kong natulog.



June 24, 2013
Monday

Year I-175

2E-O. Pumatak muli ang araw ng Lunes, hudyat ng pagsisimula ng panibagong linggo na ating kakaharapin. Mapalad ang taga Maynila at San Juan sapagkat sa araw na ito ay Holiday sa kanila samantalang di pa nga nakakabawi sa puyatan ay heto muli ang matang pilit nanamang ididilat. Pupungas-pungas pa akong nakaupo sa mesa habang hinihintay ang nilulutong almusal. Matapos lumamon sa mainit-init pang Cornbeef at sa halip na maligo ay nagpunas lamang ako. Medyo may pag-ubo pa subalit manakanaka na lamang at malapot na ang plema kapag nailabas. Pagdating sa eskwelahan ay nadatnan kong sarado ang silid-aralan at may Flag ceremony, sumilip ako sa bintana at nakitang may iilan akong kamag-aral na nagtatago. Ako, si Patrick, si Jonalyn at si Jessa lamang ang nasa classroom at upang di mabuko sa pagtatago sa flag ceremony ay matahimik kaming nag-uusap at nakapatay rin ang ilaw.

2E-P. Umingay lamang ang classroom ng magsidatingan ang iba pa naming kamag-aral na dumalo sa Flag ceremony. Medyo natatanga nga naman sapagkat nakalimutan kong dalhin ang assignment sa Values, wala tuloy naipasa at upang makabawi ay nag-volunteer ako na iulat ang Lesson na nakatoka sa amin. Sigawan at abot langit ang tuwa ang naramdaman ng aking kamag-aral ng inanunsyo ni Ma'am Fabiana na may theatre play na gaganapin sa SM North EDSA pero sa susunod na buwan pa. Nag-aalinlangan na may halong saya sapagkat baka wala ng maibigay na pera sa akin sila Mama pambayad sa play dahil napupunta lamang sa gamot ko ang ginagastos nila.

2E-Q. Kung wala lamang akong sakit di sana ay makakasama ako at sayang naman talaga. Sa oras ng TLE, sa halip sa silid-aralan ganapin ang dicussionay doon kami sa computer laboratory nag-lesson. Sa oras ng MAPEH, ang mga kaklase ko na hindi gumawa ng assignment ay pinalabas at pinaglinis ni Ma'am Mina sa koridor at hagdanan. Isa sana ako sa kanila subalit dahil may karamdaman ako na bawal ang mapagod ay taimtim akong humingi ng pabor kay Ma'am. Naintindihan naman niya ang kalagayan ko kaya abswelto ako sa parusa at sumunod sa kanya sa pagpasok ng classroom. Kahit masayang magturo si Ma'am Mina ay iba pa rin kapag marami kami, paano kakaunti lang ang gumawa ng assignment kaya kakaunti lamang kaming natira at kahit anong pilit tumawa ay parang nakabaon pa rin ang kalungkutan, wala kasi ang mga kaibigan ko at hirap akong makisama sa iba kong kamag-aral.

2E-R. Saka pa lamang bumalik sa dating sigla ang classroom ng Filipino na at nagbuod lamang kami ng kabanata batay sa binasang kabanatang aming nauunawaan. Mukhang bumabait na si Sir Velarde at kinakausap niyang parang kasing edad kung sino ang matawag sa attendance. Sa oras ng English ay ibang Teacher ang nagturo sa amin sapagkat may sakit si Ma'am Miranda, nagpakilalang itong Ma'am Enriquez at mukhang mas gugustuhin ko pang siya ang maging guro namin sapagkat napakalapit niya sa amin. Sa oras ng Math, nandiyan nanaman si sir feeling pogi at terror Teacher pa, sa oras na ito wala kaming ginawa kundi mag-lesson at mag-seatwork. Sa oras naman ng Physics, ayan ang tunay na sir pogi at si Sir Martin iyon sapagkat mas litaw sa isipan ko ang kakisigan niya kaysa magaling magturo, nagkaroon rin kami ng quiz sa kanya.

2E-S. Hindi gasinong pinalad dahil hindi gasinong kataasan ang nakuha ko pero babawi na lang next quiz at ilang sandali pa ay uwian na. Dahil tambak ang mgaassignment ay kapos sa oras ang pagtulog ko at pagkatapos ay gumawa na ko ng assignment sa MAPEH at Physics. nakaranas ng pananakit ang mga daliri ko sa dami ng words na itina-type sa computer at ng masalba sa Yahoo ang documents ng assignment ay tumungo na ko sa computer shop. Nang makapaglimbag ng takdang aralin ay pagsusulat sa biswal sa AP ang sunod kong inatupag sapagkat may pangkatang pag-uulat kami bukas. Sa dami ng sinulat ay inabot na ko ng gabi. Sa dinami-rami ng kailangang tapusin ay nakaramdam na ko ng pagkahapo at sa antok ay bumagsak na ko sa kama at napaaga ang aking pagtulog.



June 25, 2013
Tuesday

Year I-176

2E-T. Magigising muli ng maaga na kahit hindi pa lubusang masigla ay kailangan ng bumangon, ayaw ko kasing mahuli sa pagpasok at baka masita ng baklitang guro namin sa AP. Maliwaliwanag na ng makaalis sa bahay at kasabay ko ang nanay ni Regine patungo ng eskwela. Habang nasa loob ng tricycle ay tamang pag-uusap kami, naputol ang masarap na pag-uusap namin ng makarating eskwelahan. Ngayon ang pangkatang pag-uulat at habang di pa dumadating si Sir Arnulfo ay puspusang pagbabasa sa pina-print na reference ang aming inaatupag. Lalong sumidhi ang kaba sa dibdib ng dumating si Sir at habang nagtatalakay ay pwersado na ko sa pagkakabisado ng sasabihin. Nakapag-ulat na ang ilang pangkat at halos lahat sa nakapag-ulat ay binabasa lamang ang kanilang Reference. Dahil lagpas na sa oras ay parang nabunutan ako ng tinik ng sabihin ni Sir Arnulfo na bukas na kami mag-uulat. Sa oras naman ng TLE ay itinuro sa amin ni Sir Balbin ang parts of mother board at ng may natitira pang oras ay nagkaroon kami ng snap quiz.

2E-U. Kahit nakikinig ay hirap pa rin ako sa pag-absorb ng information hinggil satopic kaya kakaunti lamang ang nakuha ko subalit dahil marami pang pagkakataon ay hindi ako dismayado sa natamong marka. Sa oras ng MAPEH ay walang pinalabas at pinaglinis dahil halos lahat sa amin ay gumawa ng assignment, nag-discuss lamang si Ma'am Mina tungkol sa Theories of aging. Kahit pangmatanda ang lesson ay parang masarap matuto at todo kinig talaga ako lalo na ng magkwento si Ma'am ukol sa kanyang buhay, tsismosa na siya ng ikwento ang buhay ng iba, may pagkaloka talaga si Ma'am at bawit sabihin niya'y nakakatawa. Sa oras ng Filipino ay muling nagpatuloy ang pangkatang pag-uulat, ang inakalang luklukan ng sungit at strikto na si Sir Velarde ay tila umaamo na at hindi na kakikitaan ng pagka-terror. Nang recess pa ay lumabas ng halos lahat sa aking kamag-aral at kami lamang ni Jenny Mae ang natira, habang ngumunguya ng snacks ay nagtsikahan kami. Nang dumating si Ma'am Miranda ay humiwalay na kay Jenny mae at umupo sa ibang upuan.

­2E-V. Nang mag-discuss ay hindi ako sang-ayon sa opinyon niya hinggil sa mgasuperstars sapagkat nadawit ang idolo ko na si Vice Ganda at sinabing dinadamay lang niya ang pangalan ng ibang tao upang makapagpatawa ngAudience, ganon talaga sa larangan ng komedya, nasa kanila naman kung paano nila tatanggapin ang mga joke o maiintindihan at sinabi iyon ni Vice nung mag-apologize siya. Kung sa bagay ay opinyon lang talaga ni Ma'am Miranda kay Vice Ganda at walang intensyong siraan ito. Maya-maya ay Math na at nag-discuss lamang si Sir Harren sa buong oras niya maging sa Physics. Sa lahat ng teacher ko nitong Fourth year ay kay Sir Martin talaga nakapokus ng husto ang attensyon ko at nakatuon lagi sa kung anong hitsura ang mayroon siya, ang pogi niya kasi at parang ang gaan niyang maging guro. Ilang saglit pa ay uwian na, sa tindi ng init ay pinagpawisan ako pagdating sa bahay. Medyo inuubo pa rin at sinisipon kaya matapos mananghalian ay tumulog ako.

2E-W. Masarap na ang tulog ko subalit ginising ako ng Mama dakong Alas-tres dahil may follow up check up pa ako. Ako lang mag-isa ang nagtungo sahospital. Bago magpakunsulta sa doctor ay hinintay ko munang dumating si Papa. Minuto ang nakalipas ng dumating si Papa at nagsimula na ko sa paglalahad hinggil sa pagkakaroon ng ubo at sipon at gaano ito kadalas. Sinabi ng doctor na kumplikado na ang baga ko ayon sa nakita niya sa X-ray resultsubalit hindi pa iyon final kaya isinailalim muli sa X-ray. Matapos ang X-ray ay kailangan ng gamutin sapagkat baka maaring mauwi sa Tubercolusis kapag di naagapan at kinakatakot ko iyon. Napagastos muli ang Papa sa dami ng gamot na kailangan kong inumin. Pagdating sa bahay at matapos maghapunan ay sinimulan ko ng uminom ng gamot. Sa dami ng gamot na may iba't ibang klase ay parang lumulunon ng maraming bato at kinakatakot ko na baka naman sa susunod na araw ay magkaroon ng ibang sakit dahil naman sa side effect. Matapos manood ng telebisyon ay agad ng natulog.



June 26, 2013
Wednesday

Year I-177

2E-X. Medyo nakakaramdam pa rin ng antok sa aking pagmulat at sa pakiwari ko ay nabitin ang pagtulog ko. Dahil pang-umaga ang duty ni Papa ay siya na ang nagluluto ng aalmusalin ko sa halip na si Mama. Matapos kumain ng almusal at dahil maaga pa naman ay nagrepaso muna ako sa MAPEH sapagkat mayroon muling Quiz. Maging sa eskwela habang wala pa si Sir Arnulfo ay nagkabisado ako ng sasabihin para sa pag-uulat mamaya, ng dumating si sir ay maanghang na sermon ang sinalubong sa amin ng umagang iyon ding iyon at bunsod ng pagkagalit niya ang hindi pa natatapos na bulletin board at maduming classroom. Mukhang mauubos ang oras niya sa pagtuturo dahil sa walang katapusang sermon subalit kumalma naman si sir kinalaunan.

2E-Y. Natuloy pa rin ang pag-uulat at ng ako na ang sumalang sa harapan ay lakas ng loob ang pinairal ko at buong tapang na nagsalita, kapag nauutal ay binabasa ko ang kodigo. Dahil sa pagtutulungan namin ni Kathy ay nasiayos namin ng husto ang pag-uulat. Sa oras ng TLE ay nagdiscuss lamang si SirBalbin, naging pagkakataon sa akin upang magrepaso sa MAPEH at palihim ko iyon ginawa. Kaba at may halong excitement ang naramdaman ko ng MAPEH na at dahil nakapagrepaso ay may naisagot naman naman sa test kahit paano. Nadismaya lamang sa aking natamong marka sapagkat hindi pa umabot sa passing score, bawi na lang next time. Matapos ang MAPEH ay Filipino na, sa oras na ito ay nag-ulat ang pangkat nina Mary Joy at isa-isa kaming tinanong. Kahit hindi sigurado sa mga sinasagot ay lakas loob pa rin ako, atlis pala-recite.

2E-Z. Sa oras ng naman English, matapos mag-discuss ni Ma'am Miranda ay nagkaroon kami ng maikling pagsusulit pero bago yan ay binigyan kami ni Ma'am Miranda ng ilang minuto upang magrepaso. Kahit anumang repasong gawin ko ay mukhang nanamlay ang nakukuha kong marka at sobrangfrustration na ko. Sana sa susunod na mga quizzes ay makatamo na ng magandang marka at huwag sanang mabali iyon. Sa oras ng Math, my favorite subject ay isa-isang pinag-recite ni Sir Harren ang aking mga kamag-aral tungkol sa integers. Pangit lang sa sistema ni Sir sa recitation na kahit gusto mo ng magtaas ng kamay kapag may alam kang sagot ay hindi ka niya tatawagin sapagkat kung sino ang matamaan ng mata sa attendance ay yun ang tatawagin niya, buti pa sa ibang subject teacher na kapag gusto mong mag-recite ay tatawagin ka nila.

 2F-A. Sa oras ng Physics ay muli ko nanaman nakita si sir pogi at lalo pang tumaas ang paghanga sa kanya sapagkat galing niyang magturo at nakikinig ang lahat. Matapos ang discussion ay nagkaroon kami ng seatwork, kahit ibinigay ko na ang lahat ng atensyon kay Sir Martin ay parang walang pumasok sa utak ko at hirap ako sa pagsagot. Di tuloy kataasan ang nakuha ko at umuwi akong sobrang frustrated dahil sa mga nakukuha kong marka, ang tatamlay at hindi ako makuntento kapag hindi highest, nagrerepaso naman ako ng mabuti at isantabi din ang pakikipagdaldalan sa katabi upang makinig sa guro, bakit gayon pa rin?

 2F-B. Pagkatapos kumain ay natulog ako at dahil may takdang aralin sa ibang subject ay inilaan ko ang oras sa paggawa. Kahit medyo pinapawisan sa alinsangan ng panahon ay talagang sunog-kilay ako. Sa takot na lumalala ang sakit na aking kinakapitan ay matapos maghapunan ay di na patumpik tumpik karakarakang uminom ng gamot at hindi nagpuyat matapos manood ng telebisyon. Hindi makatulog sa gabing madilim sa kagat ng nagliliparang lamok. Sa takot na dapuan ng Dengue ay pinagpapatay ko sila at saka pa lamang napanatag ang pagtulog ko ng ni isa sa kanila ay di nakaligtas, pesteng lamok at sana ay mawala na sila sapagkat matinding sakit lamang ang dulot nila.



June 27, 2013
Thursday

Year I-178

 2F-C. Alas-tres pa lamang ng madaling araw na kahit di pa tumutunog ang alarm clock ay nagising na ang katawang lupa ko. Sa sunod-sunod na natatamong di kagandahang marka, pakiramdam ko ay bigo ako at sawing-sawi. Medyo tinatamad na akong pumasok di dahil napupungas kundi frustrated ako ng husto. Buti pa si Leonardo laging highest kahit tahimik, sa likuran ko na kahit maloko at maingay ay mas mataas pa sa akin. Masamang magkaroon ng inggit sa kapwa pero di rin tama na mangyari sa akin ang mga ito. Malapit ng magbukangliwayway ng makarating ako sa eskwela at pagpasok pa lamang sa silid ay pangongopyang talamak sa assignment ng iba ang nadatnan ko at kahit assignment ko ay hindi nakaligtas. Ihing ihi na ko at habang wala pa si Sir Arnulfo ay lumabas ako at kasama si Jessa subalit walang ni isang palikuran ang di naka-padlock, tuloy ay walang mapag-ihian at tiis-tiis sa masakit na puson.

 2F-D. Kahit saang lupalop ng eskwelahan ay walang palikurang handang paihiin kami. Masarap sanang makinig sa itinuturo ni Sir Arnulfo sapagkat hinggil iyon sa Economics na aking kinakahiligan subalit di maiwasang maghirap sa taong may kinikimkim na ihi. Kahit naiihi na ay todo pagpipigil pa rin ang ginawa ko, huwag lang maihiin ang pantalon. Sa oras ng MAPEH lang ako nakaluwag luwag ng makaihi at sa dami ng naipong ihi ay halos aabutin ng sampung buong baso ang nailabas ko. Maya-maya’y sumapit na ang oras ng Physics, maayos na sana ang pagtuturo ni Sir Martin ukol sa energy ng mauwi sa di mapigilang tawa dahil kay Huelar.

 2F-E. Tawanan kaming mag-aaral at hindi makapagpatuloy si sir pagkat hindi siya maka-get-over sa sinabi ni Huelar at tawa ng tawa, nauwi tuloy sa activity sa halip na mag-lesson. Sa oras naman ng English at sa hindi inaasahan ay pinagalitan kami ni Ma'am Miranda dahil naapektuhan ang oras niya sa recess, kung tutuusin ay kulang talaga sa oras ang recess namin. Nakapag-discuss naman si Ma'am Miranda subalit naantala ang kanyang pagtuturo ng may isang gurong may kasamang lalaking estudyante ang pumasok at pinatawag sila Cynt. Doon ko nalaman na nakipagbasag-ulo sila dahil lamang sa pustahan sa DOTA, mayabang at sa katunayan ay dapat na silang patalsikin kung ang ipinasok lang ay pakikipag-away, tuloy ay muli kaming nasermunan ni Ma'am Miranda hanggang sa maubos ang oras niya, sila Cynt naman ay sakit talaga ng ulo sa klase.

 2F-F. Sa oras ng Math ay class recitation pa rin at kung sino ang natawag ay sasagot sa pisara, may bagong lesson rin naman kaming natutunan kay Sir Harren. Sa oras muli ng Physics ay binigyan kami ni Sir Martin ng pagkakataong kumopya ng lecture na nakapaskil sa pisara. Habang kumokopya ay mukhang di na makasulat ang iba dahil sa palakwento si sir, ang iba ko namang kamag-aral at dahil interesadong malaman ang buhay ni sir, sa halip na komopya ay nakinig na lamang. Sa sarap ng usapan nila at ni Sir Martin, nakaligtaang oras na ng uwian. Habang naghihintay umalis ang tricycle ay may isang manong na tinatawag ako na kung ano-anong pangalan, sinakyan ko na lamang ang bawat pahirit niyang salita sapagkat nasa katinuan ako at kung ako ay tinutopak tiyak na nasagot-sagot ko na siya, paano kay lakas mang-trip at naimbyerna ako ng labis pagkauwi ng bahay.

 2F-G. Nawala ang pagkamuhi sa aking dibdib ng malasakitan ako ni Mama na punasan ang likod kong hitik sa pawis kahit hindi ko gusto atlis appreciate kong may pagmamahal na umiiral sa kanya. Nagpahinga ako matapos kumain at dahil may long test kami bukas sa Physics, wala akong ginawa sa maghapon kundi magrepaso subalit nakakatanggal ng sipag ang init ng panahon, maya-maya ay biglang kumulog ng malakas at bumuhos na nga ang malakas na ulan. Malakas nga ang buhos ng ulan subalit di pa rin mapawi ang alinsangan pagsapit ng gabi. Bago matulog ay uminom ako ng bato-batong gamot.



June 28, 2013
Friday

Year I-179

 2F-H. Saya ang una kong naramdaman sa aking paggising sapagkat Biyernes na at sa malamang tuwing Biyernes ay masaya ang iba dahil walang pasok kinabukasan at magagawang maglakwatsa sa maghapon, gawain iyon ng iilan at bawal sa akin iyon dahil may sakit ako. Nakasuot ako nung ng PE uniform pagtungo sa eskwela subalit binilinan ako ni Mama na huwag sumali sa anumang aktibidad sa PE sapagkat mahahapo lamang daw. Medyo inuubo pa nga ako at halos mag-iisang Linggo ng ganito ang pakiramdam. Habang di pa dumadating si Sir Arnulfo ay naging pagkakataon sa akin upang makapagrepaso sa Physics. Kaso sa ingay ng kasamahan ko ay nahirapan akong mag-concentrate. Nang AP na ay nagkaroon kami ng maikling pagsusulit, kahit di ako nakapagrepaso ay sisiw sa akin ang bawat katanungan subalit di ako kampanteng mape-perfect iyon.

 2F-I. Sa oras naman ng Values ay pahinga muna si Ma'am Fabiana sa pagdi-discuss sapagkat ang aking kamag-aral ang nasa pisara upang mag-ulat. Madaming pumapasok sa aking utak kaya naging aktibo ako sa pag-recite. Nang oras na ng MAPEH, nag-Physical education sila maliban sa akin na nakatungangang nakaupo habang pinagmamasdan silang nageehersiso, naiingit ako sapagkat enjoy ang sumali sa PE at kung wala lang sakit, sasali talaga ako. Sa oras naman ng English ay laking gulat pagkat si Ma'am Templanza muli ang guro namin subalit pansamantala lamang siya at sinabing naisugod raw sa hospital si Ma'am Miranda dahil sa masama ang pakiramdam nito, kawawa naman si Ma’am Miranda at sana ay gumaling na siya. Sa oras ng Math ay walang kamatayang recitation muli at magso-solve sa blackboard kung sino ang matawag, lalo pang naging excitement ang Math nang magkaroon ng competition sa pagitan ng babae at lalaki.

  2F-J. Hiyawan ang magkabilang grupo o kami kapag nakakahigit sa katungali subalit ang paghihiyawan ay nauwi sa panghihinayang sapagkat may nanakawang naganap at nagkakahalaga ng limang daan ang nawala sa kanya. Iniisip kong baka na-misplace lang niya subalit pagkabalik raw nito sa upuan ay di na makita sa kalupi ang kwarta. Isa-isa kaming kinakapkapan at magingbag ay ininspeksyon rin subalit di pa rin matagpuan ang pera.  Nauwi sa mabagsik na panenermon at pangmamaliit ni Sir Harren ang masaya sanang kompetisyon at naputol na raw ang tiwala niya sa amin. Sa oras naman ng Physics ay todo paghahanda na para sa nalalapit na long test, binigyan pa kami ni Sir Martin ng pagkakataon upang magrepaso. Ilang saglit pa'y nagsimula na ang pagsusulit. Hindi naging madali sa akin ang test pero hindi rin naman mahirap at sana ay makakuha ako ng mataas na marka.

 2F-K. Dahil sa nanyaring insidente ng nakawan ay hindi muna kami pinayagan ni Sir Arnulfo na umuwi at sinermunan pa. Natapos ang panenermon ni sir pasado Ala-una na at makonsensiya na kung sinuman ang nagnakaw. Hindi pa natatapos ang pangyayari sapagkat pagkalabas ay nagkaroon rin ng rambulan sa labas ng silid, mukhang di na marahil maganda ang nangyayari sa eskwela at ang tatapang na ng mga estudyante ngayon na kulang na lang ay pumatay ng tao. Pagkagaling sa eskwela at matapos kumain ay natulog ako.

 2F-L. Hindi pa man nakakalapit ang Bagyo ay naging malakas na ang ulan subalit saglit lamang at nagpakita muli ang haring araw. Sa halip na lumabas at gumala dahil may sakit ay nagkumpyuter lamang sa loob ng bahay. Maya-maya’y hapunan na at dahil hindi pa kumakain sila Mama at gawa na gutom na ko ay ako na mismo ang naghain at nagpakain sa alagang hayop. Matapos kaming dalawa ng kuya kumain ay naghugas ako ng Plato, bago matulog ay naghilamos muna ako upang tanggal stress sa mukha at young looking pa rin tingnan. Naging kalmado ang gabi sa kabila na may paparating na Bagyo kaya naging panatag ang aming pagtulog.


June 29, 2013
Saturday

Year I-180

 2F-M. Alas-singko ng umaga ng ako'y nagising. Hindi na ko inaantok pa subalit ayaw ko pang bumangon. Binuksan ko kaagad. Pagkakinig ay laking gulat ko sapagkat Under storm signal number one na dito sa Metro Manila dahil sa paparating na Bagyo subalit kung titingnan ang kapaligiran ay kalmado at naging maaliwalas din ang panahon, mukhang di darating ang bagyo. Matapos mag-almusal at sa kadahilanang may Project sa MAPEH ay inumpisahan ko na. Sinamantala ko ang magandang panahon upang makabili ng materials. Naging abala ako sa paggawa ng crossworld puzzle gamit ang Computer at dakong Alas-dyis ko na iyon natapos. May pinuntahan pa si Mama kasama ang kumare niyang si Aling Aying kaya si Papa ang naglaba at nagluto.

 2F-N. Habang mag-isang nagmumukmok sa upuan ay biglang dumaan sila Sister Marlene at Sister Nancy, kinamusta nila ako at sa sobrang tagal ng panahong hindi nakakapagsimba, sinabi nilang marami raw ang nami-miss ako. Matagal na rin hindi nakakapagsimba kaya nangako akong susubukan bukas kung hindi babagayo. Bukod pa dun ay may bagay pa kaming napag-usapan at sa sarap ng usapan ay hindi ko namalayang sumapit na ang tanghaling tapat. Ang kaninang masiglang panahon ay tila nalulumbay na at nagbabadya na ang pag-ulan, hudyat na epekto na ng Bagyong Gorio. Napanood ko sa balita kung paano hagupitin ng Bagyo ang lugar ng Samar at Leyte. Kitang-kita ang bagsik nito. Sa taas ng baha ay halos bubong na lang ng bahay ang natira dahil sa malakas na ulan, mukha ngang mapaminsala ang bagyo kahit mababa lamang ang Maximum sustainwinds nito dahil sa dami ng ulan.

 2F-O. Maya-maya’y umulan na pero daglian lamang. Kasagsagan ng ulan ng dumating si Mama at may dala itong bagong foam, mukhang-relax ang pagtulog ko mamayang gabi at goodbye sa dati kong foam na gutay-gutay na sa tagal na nahihigaan. Matapos mananghalian ay natulog ako at dinamhin ko ang makinis at malambot na bagong foam. Pagkagising ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng project sa MAPEH. Kinagabihan ng magsimulang umulan ng malakas at sinabayan pa ng hangin subalit di pa naman kalakasan. Sa lakas ng pagbuhos ng ulan ay halos hindi na marinig ang pinapanood kaya minabuting patayin na lamang. Sinabi kasi ng PAGASA na bukas ng umaga maaring dumaan ang bagyo dito at nakataas na ang Signal number 2. Naging maulan sa magdamag at sa takot na mabahaan ay hindi ako makatulog ng masarap kahit komportable ang pakiramdam ko sa malambot na foam.



June 30, 2013
Sunday

Year I-181

 2F-P. Alas-tres ng madaling araw ng muli akong magising, humina na ang ulan subalit dinig ko sa kapaligiran ang malakas na ihip ng hangin. Dumungaw ako sa bintana at kitang-kitang sumasayaw ang mga puno sa lakas ng hampas ng hangin na halos mabuwal na rin. Inakala ko na hindi malakas ang paparating na bagyo ngunit nabulaga ako sa dala nitong napakalakas na hangin. Maya-maya’y bumuhos nanaman ang ulan at halos mag-zero visibility na ang kapaligiran sa sungit ng panahon. Sa lakas ng hangin, maraming mga prutas namin ang naglaglagan at isa na dun ang maladambuhalang langka. Nagkalat rin ang mga dahon-dahon. Tumagal ang pagbayo ng bagyo hanggang sa sumapit ang liwanag. Humina ng bahagya ang hangin at ulan kinaumagahan subalit kita naman ang bakas ng pinsalang dulot ng bagyo.

 2F-Q. Buti na lamang at kaagad umalis ang bagyo kaya di naman gaano kalaki ang pinsala at wala man lang puno ang nakitang napadaoa. Hindi rin naapektuhan ang linya ng kuryente kaya may ilaw pa rin at sinabi sa radyo na bukas ng umaga pa raw lalabas ang bagyo. Dahil sa masungit na panahon ay hindi ko na natupad ang pangako kila Sister Nancy na magsimba sa kanila at medyo may katagalan na rin akong hindi nakakadalo. Hindi naman pwedeng lumabas ng bahay sapagkat baka dapuanng kung ano-anong sakit kaya nanatili lamang ako sa loob at gumawa ng Portfolio sa Physics. Saktong habang gumagawa ng portfolio ang pagbuti ng panahon at sumilip na rin ang haring araw kinatanghalian. Dala ng antok kaya itinigil ko muna ang paggawa at ako'y natulog.

 2F-R. Pagkagising ay tumungo ako sa Taas upang ilimbag ang ginawang proyekto sa MAPEH. Kahit na dumaan ang bagyo ay tila walang nangyari sapagkat naging mainit talaga ang hapon at tagaktak ang pawis ko pagdating sacomputer shop. Matapos maglimbag ay bumili ako ng colored paper na panglagay bilang palamuti sa aking Portfolio. Dahil bawal sa akin ang mapawisan ng sobra-sobra ay naisipan ko ng sumakay sa tricycle. Pagdating sa bahay ay ipinagpatuloy ko ang pagpapaganda ng porfolio at inabot na ng gabi ng matapos ko iyon. Buti na lamang at nakaluto na ng hapunan si Mama kaya hindi na nagtiis pa sa kumakalam na sikmura. Dala ng matinding puyat sa dami ng kailangang tapusin ay napaaga ang tulog ko. Naging kalmado ang gabi subalit dinig ko ang pag-ugong ng nagliliparang pesteng lamok.

 2F-S. Hayan nanaman at nangbibiktima muli ng nilalang na maaring tamaan ng nakakamatay na sakit dahil sa kagat nila, panahon ng tag-ulan kaya uso na ang sakit na Dengue at iyong sakit ang kinakatakutan kong magkaroon sapagkat mas doble sakripisyo ang dadanasin kaysa dinadanas ko ngayon at isa pa baka ikamatay ko pa. Puro kasamaan lamang ang maidudulot ng Dengue sa buhay natin kaya kailangan ng ibayong pag-iingat. Bilang pag-iingat ay pinaslang ko ang mga lamok at ng masiguradong wala ng lamok ay saka pa lamang ako nahimlay, masarap matulog kapag walang pesteng lamok.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento