October
01, 2014
Wednesday
Year II-274
Wednesday
Year II-274
4z-l. May kung anong bigat muli sa kalooban ang agad kong naramdaman sa
muling pagdilat na tila pinapahiwatig na may di talagang magandang magaganap sa
mga susunod na oras, subalit binalewala ko lamang iyon. Medyo nakakatamad pang
bumangon ng maaga lalo na kung malamig at inaantok subalit di na ibig pang
lumiban at mahuli kaya di ako panaig sa aking katamaran. Gaano man naging
kabagal ang takbo ng sasakyan, di naman ako nahuli sa pagpasok at manakanaka pa
lamang ang pagdating ng mga estudyante ng aking datnan. Ilang sandali pa'y
dumating na si Sir Dalope, hindi ako gasinong nakapaghanda't nabulaga pa pagkat magkakaroon pala kami ng Long test.
Dahil may angking talino ang isipan pagdating sa Matematika, inakalang magiging
madali ang lahat subalit halos mangamote ako sa kakaintindi ng Worded problem,
minani-mani ko na lang ang pagsagot.
4z-m. Nakahinga rin ng maluwag matapos ang pagsusulit at sa pag-alis ni Sir
Dalope ang pagsiklab ng kaingayan sa silid na tila dinaig pa ang Squatters
area. Kahit na nasa harapan na si Ma'am Joyce,
tuloy pa rin sa palitan ng salita ang mga kamag-aral ko't di marunong
makiramdam. Bilang bise presidente, sinaway ko sila subalit hinitsapwera lang
nila ako. Maya-maya, dali-daling lumabas si Ma'am Joyce at
pagkaraan sa pintuan ay biglang sinaklob niya ito, nagsitigil ang lahat at
mukhang nagalit na nga si Ma'am Joyce, paano'y sukdulan sa ingay.
Halos lamunin kami ng takot ng sumigaw si Ma'am Joyce pagkabalik
nito at kita sa mata ang panlilisik. Di naman nagtagal ang sermon sa 'min
ni Ma'am Joyce at nakapagturo pa siya.
4z-n. Sa
bawat may maikwento si Ma'am, palitan sila ng bibig samantalang hirap akong
iugnay ang kanilang turan at nakatunganga, di ko maipaliwanag kung bakit
madalas ay parating naba-blangko ang utak. Maya-maya'y lunch break na't
kina Stella ako sumabay. Di pa kumakalam ang sikmura Kaya naupo lamang ako't pinagmamasdan silang kumakain, hindi sana ako
kakain subalit panay ang pilit nila sa akin at pananakot, nag-order na
ko. Diretso Computer shop kami matapos kumain.
Habang nagkukumpyuter ay panay ang hagikhikan namin ng pagtripan ang
kanya-kanyang Photos at grabe, ang saya nilang kasama. Nawalan
man ako ng kaibigan, nakatagpo naman ako ng mas higit sa kanila. Ang ingay
tuloy namin.
4z-o. Pagkabalik sa silid, di pa dumarating si Sir Marvin.
Wala akong magawa't walang sino ang mangahas na kumausap sa 'kin, nilibang ko
ang sarili sa pakikinig ng musika. Ilang sandali pa'y pumasok na si Sir
Marvin at ipinagpatuloy ang Group performance.
Maya-maya'y lumabas na kami. Dahil puro ensayo lang naman ang gagawin sa oras
ng PE para sa gaganaping Cheerdance competition at
medyo nababato at di ko ibig ang nakatunganga lang at nagmumukmok sa iisang
tabi, naisipan ko ng umuwi na lang.
Bago ako tumuloy sa bahay, naisipan ko munang libutin ang buong Lagro
Village at kay gaganda ng mga kabahayan. Nang makaramdam ng pagod,
saka pa lamang nagpasyang umuwi. Diretso tulog pagkarating sa bahay, masarap na
sana ang tulog ko ng biglang kumalugkog ng malakas.
4z-p. Umiral muli ang takot sa dibdib kaya di ko ipinagpatuloy ang pagtulog
at nagtakip ng teynga. Napakadilim sa labas at uulan nanaman. May gagawin pa
kong proyekto sa Social Science na napurnada kahapon at
na dapat tapusin kaya kahit namumutawi ang sindak sa dibdib dahil sa mga
pagkulog, nilabanan ko iyon. Habang ako'y naglalakad, kita ko ang matatalim na
kidlat na maaring tumama sa kahit na sinuman kaya lalo pang sumidhi ang takot.
Kung kailan na Computer shop na, saka pa lamang
bumuhos ang napakalakas na ulan. Ipinagpatuloy kong gawin ang project.
Sa dami ng kailangang gawin, inabot na ko ng gabi subalit di pa natatapos,
napagpasyahang ipagpatuloy na lang sa mga susunod na araw. Diretso hapunan ako pagdating sa tahanan at matapos ay nanood ng
paboritong programa na sinusubaybayan gabi-gabi.
92 | 85 Walong pu't limang araw na lang at Pasko na.
October
02, 2014
Thursday
Year II-275
Thursday
Year II-275
4z-q. Pagkagising pagsapit ng madaling araw ay kakaibang bigat muli sa dibdib
ang agad kong naramdaman at tila pinapahiwatig muli na huwag na raw ako pumasok
pagkat di raw magugustuhan ang mangyayari. Di ko pinakinggan ang aking kutob,
bagkus ay bumangon pa rin ako't nag-almusal. Nayayamot lang ako habang
sinasariwa sa isip ang mga taong una ko ng nakasalamuha maging ngayon pagkat
hirap nilang pakibagayan, pilit ko silang inuunawa pero sila pa yung may ganang
magalit kapag nawala ang pag-unawa mo sa kanila. Sila ba, nakakaunawa ba sa
kin? Isa pa sa kinakainisan ko'y yung taong pinagsasabihan ka sa bagay na iyong
ginagawa pero ginagawa rin niya pala, that is unfair. Minsan na nga lang
ako maging maligaya pero may pilit na humahadlang at nagagalit. Simula
nang ako'y nasa elementarya hanggang sa kasalukuyan, may iba sa pagitan ko at
sa kapwa ko.
4z-r. Ano bang pagkukulang ko't bakit ganoon sila makitungo sa 'kin. Sa totoo
ay aboridong-aborido na ko sa mga nakapaligid sa 'kin at ibig ko ng magwala
pero di ko magawa.
Pumasok naman akong may hinanakit sa dibdib at sa di sinasadya,
napagtaasan ko ng boses si Rhica habang kausap, aminado akong
mali iyon kaya humingi ako ng tawad sa kanya. Aboridong-aborido talaga ako ng
mga oras na iyon at gustong mapag-isa. Nawala lang ang hinanakit sa dibdib ng English time na
subalit ipinabatid ng aming presidente na wala raw kaming klase pagkat
may Film Showing muli. Naglulundag sa tuwa ang mga kamag-aral
ko.
4z-s. Ang kaninang yamot sa dibdib,
tuluyan ng nawala ng makakwentuhan si John Ray at siya
lang bukod tanging kausap ko hanggang Auditorium at di out
of this world ang kanyang isip kapag may naikukwento ako. Maya-maya
pa'y nagsimula na ang Movie Marathon na
pinamagatang Twelve Years of Slave. Magkahalong yamot at awa ang
naramdaman ko't dapat sa mga taong mahilig manakit ng kapwang walang kalaban-laban,
hinahatulan ng kaparusahan.
4z-t. Sa haba ng Movie, inabot na hanggang Ala-una't di ko na
tinapos pang panoorin. Kahit di ko pa ibig kumain at tiisin na lang ang
kumakalam na sikmura, iba talaga ang mararamdaman kapag gutom ka na't
sinamantala ko ang nalalabing oras sa pagkain. Matapos ay nagtungo na ko
sa Laboratory. Magkakaroon pala kami ng Quiz sa Chemistry pero
bago iyon, binigyan kami ni Sir ng sapat na panahon upang makapagrepaso, ilang
sandali pa'y nagsimula na ang pagsusulit at halos ikabuwang ng bungo ang hirap ng Problem
solving. Lumipas na ang halos tatlong oras, kakaunti pa lamang ang
nasasagutan ko, no choice ako kundi mangopya na sa kamag-aral,
pero maging sila'y walang kasagot-sagot ang papel. Nang maglaon, tumungo na
kami sa silid at laking mangha namin sa ipinakitang experiment ni Sir
Jasper pagkat sa bawat Chemicals na ihahalo sa other Chemicals,
nagbabago ang kulay nito at kakaiba ang kanilang reaction, parang
nakikita ko lang sa Chemistry Exhibition nung High
school.
4z-u. Habang nanonood, bigla na lamang ako tinabig ni Clark Haven ng
walang kadahilanan, di ko mapalagpas ang ginawa niya kaya gumanti ako. Nang
makaganti, patakbo akong lumabas at pagkalabas, kita kong nakahandusay si Hanna sa
may hagdanan. Itinulak pala siya ng isa naming kamag-aral at dahil may
iniindang Scoliosis, nalumpo ito't hirap tumayo. Naging paspasan
kami sa pagtawag ng Medic at bayanihan siyang binuhat.
Nakiusyoso pa kami hanggang sa dalhin ito sa clinic at ng
madala, kusang loob na kaming nagsiuwian. Pagdating sa may Terminal ng Tricycle ay
saktong nagkita kami ni Oliver, kinamusta ko siya't di akalaing
nag-aaral pala siya sa eklusibong unibersidad dito sa Pilipinas at
nararapat na mag-aral siya sa ganung eskwelahan dahil may angking talino ito.
Matapos ang aming pag-uusap, saka pa lamang naisipang sumakay at diretso lamon
pagdating ng bahay. Medyo dama ko na ang pagod sa buo kong pagkatao kaya di na
nagpatumpik-tumpik pa sa pagtulog.
91 | 84 Walong pu't apat na araw na lang, bago sumapit ang Kapaskuhan.
October 03, 2014
Friday
Year II-276
4z-v. Wala muling pasok kaya putok na ang liwanag sa labas ng ako'y magising,
sa halip na bigat sa kalooban ang agad na maramdaman tulad ng nakalipas na araw
ay ginhawa sa dibdib na siyang nagpasigla't nagbigay kulay sa umaga ko. Animoy
langit ang pakiramdam ko't nawa'y parating ganoon, di iyong laging may kaba sa
dibdib at iniisip ang masamang pangyayari. Matapos mag-almusal, sinamantala ko
ang araw na walang pasok upang tapusin ang Project sa Social
Science, medyo nagkaproblema lang sa sariling Computer pagkat
nagloloko, kinailangan ko pang lumabas at sa Computer Shop gawin.
Hirap naman maipokus ang isipan sa gawain pagkat maingay at idagdag pa ang
gulo, nagtiis na lamang ako't pasasaan pa'y matatapos ko rin ito. Makalipas ang
isa't kalahating oras, abot langit ang tuwa sa dibdib pagkat natapos ko rin
gawin ang Proyekto sa Social Science at may napuntahan rin ang
pinaghirapan ko. Bago umuwi'y dumaan muna ako sa bahay nina Tita Arlene at
di kagandahang balita agad ang ikinuwento niya sa 'kin.
4z-w. Ipinabatid niya sa 'kin na nasuntok daw si Jaypee ng
kanyang kaeskwela ng walang dahilan, iyon pala'y napagkamalan lang si Jaypee na
kaaway ng sumuntok sa kanya kaya ito napagbalingan. Magang-maga ang kanyang
mata ng masilayan ko, pasalamat na lamang at nakakakita pa siya. Dapat sa
gumawa niyon sa kanya, mapatalsik upang magtanda't di na muli pang makapanakit
ng mas mahina sa kanya o walang laban, kaso nagdadalawang isip si Tita't mas
pinapairal ang konsensiya. Kung ako sa kalagayan ni Tita, magagalit ako kaso
makokonsensiya kapag nagpasyang patalsikin ang taong umagrabyado sa anak ko.
Lintik lang ang walang ganti. Nanatili pa ko sa kanila hanggang magtanghali't
maya-maya'y kinailangan ko ng umuwi. Ako na lang pala ang di
nakakapagpananghalian kaya diretso lamon ako pagkauwi't tila huling lamon na
kung ako'y sumubo.
4z-x. Matapos kumain, ako'y nag-Siyesta, hirap naman makapag-Siyesta ng
ayos pagkat maalinsangan ang panahon, bumangon na lamang at sinimulan ng gawin
ang proyekto sa Math. Dinig ko muli ang pagkulog, marahil ay
bubuhos muli ang milagrong tubig. Di ko lang maiwasang matakot sa tuwing
kumukulog at kidlat kaya itinigil ko muna ang aking gawain at nagtakip. Panay
ang pagkulog subalit ni gabutil ng ulan, di man lang pumatak. Pagkanood ng balita,
labis-labis ang ibinuhos na ulan sa ibang lugar samantalang tigang na tigang na
kami sa alinsangan ng panahon, bakit ipinagdadamot sa amin ang milagrong tubig
na siyang mag-aahon sa init na aming nadarama. Bumuhos naman ang ulan
kinagabihan na siyang aming ipinagpapasalamat at lumamig-lamig rin ang aming
pakiramdam. Ipinagpatuloy kong gawin ang proyekto sa Math matapos
manood at mga ikasampo ko na naisipang matulog.
90 | 83 Walong pu't tatlong araw na lang ang nalalabi, bago sumapit ang Pasko.
October 04, 2014
Saturday
Year II-277
4z-y. Nakakatamad pang bumangon dala na nanatili pa rin ang antok ngunit
kailangan ng iangat ang sarili at mag-almusal upang kaharapin muli ang
panibagong araw. Ni katiting na pagkain ay di pa nga magawang isubo't bigla na
lamang umusbong ang aking sikumura't dali-daling nagtungo sa banyo. Inakalang
dumi lang na kailangang ilabas sa katawan ay nagkakamali't nakailang balik na
ko sa banyo, tinamaan muli ako ng aking LBM at tila di ako
makakapasok, sinubukan ko pa rin magbihis, bahagya naman nawala ang pananakit
ng tiyan kung kailan paalis na ko na siyang aking ipinagpapasalamat. Habang
papasakay ng Jeep ay saktong nagkita kami ng dati kong
kamag-aral na si Andrea at kamustahan kami. May konting
pagbabago lang sa hugis ng pangangatawan ni Andrea pagkat
bahagyang naging balingkinitan ito. Wala pa si Sir Arnold pagdating
sa eskwela't pagkaraan ng ilang minuto'y saka pa lamang ito dumating. Nagkaroon
kami ng Activity at iyon ay makikipagpanayam sa
itinakdang Partner para sayo. Saktong si Precious ang
napili ni Sir na maging partner ko at kakainis lamang pagkat
sa dami ng pwedeng i-partner ay si Precious pa?
4z-z. Naging mahirap sa 'kin ang pakisamahan siya pagkat di kami magkasundo't
di pa rin mawaglit sa isipan ang ginawa nilang pag-iwan sa akin. Labag man sa
kalooban na kausapin ko, wala akong magagawa pagkat nakasalalay ang markang
makukuha. Sa bawat katanungang ibabato ko sa kanya'y naging matipid ang kanyang
katuguna't tila kay ilap niya sa 'kin. Kahit naroroon ang presensiya ni Sir,
mistulang palengke ang silid kaya di kami magkaintindihan. Kahit paano'y may
nakalap naman akong impormasyon mula sa kanya. Parang natanggalan ako ng tinik
sa lalamunan at gumaan ang paghinga ko matapos makipagpanayam kay Precious.
Maya-maya'y English time na subalit wala pa
si Ma'am Mactal, nanatili muna kami sa labas, biglang umiral sa
'kin ang katamaran at pilit mang labanan, bigo ko itong magapi't tila ibig ko
ng umuwi.
5a-a. Batid kong wala namang gagawin sa Chemistry pagkat sa nakikita
ko ay nakikipagkwentuhan lang si Sir Jasper sa mga
kamag-aral ko, nagpanggap akong nasiraan ng tiyan upang pagtakpan ang aking
kamalian at ikinakatakot ko na baka isumbong nila ako na nag-cutting classes ng
walang sapat na dahilan.
Aminadong mali at masama ang ginawa subalit iyon lang ang naiisip kong
paraan upang makauwi ng matiwasay at walang pangamba sa dibdib. Pagkauwi'y
lakas loob akong nagdahilan kina Ina na sumakit ang tiyan, sa halip na
mag-alala'y naglalagablab na sermon ang inabot ko't mabuti ng ganun ang sabihin
nila kaysa malaman nila ang ginawa ko.
5a-b. Diretso tulog ako matapos kumain
at animoy malapit ng gumabi ng ako'y magising, pagkatingin sa malaking orasan,
Alas-dos pasado pa lang. Ibig sanang lumantak ng pagkain mula sa pridyider
subalit ako'y pinagbawalan nila, upang di mabato'y maghapon akong nakinig ng
musikang nagbibgay ligaya sa dibdib. Kinagabihan, halos sumakit ang sikmura ko
sa kakatawa habang nanonood ng Yaya and Angelina, sa kakulitan na
ipinapakita ng mga Character, mistulan silang tinakasan ng bait at
bagay na bagay itanghal sa Metro Manila Film Festival sapagkat
bukod sa nakakatawa'y nakakapagbigay din ito ng kwela sa mga manonood. Naging
napakasaya ng gabi ko dahil sa palabas na iyon. Matapos manood ng nakakabigay
sakit tiyan na komedya, ako'y natulog na.
89 | 82 Walong pu't dalawang araw na lang bago sumapit ang Pasko.
October 05, 2014
Sunday
Year II-278
5a-c. Kay tulin ng usad ng panahon at di namalayang sumapit muli ang araw ng
Linggo, araw upang ilaan ang oras sa dakilang maylikha. Matagal-tagal na rin
akong di nakakadalo sa Sunday Mass nina Pastota Anna o
nakakapagsimba sa Simbahang Katolika, marahil ay naipon na ang mga
kasalanan ko't isa na sa makasalanang nilalang at dapat na akong magsimba upang
mahugasan ang mga pagkakasala sa Daigdig. Kahit malabong makakapagsimba ngayon,
sapat na marahil na pagsisihan kung anuman ang mga kasalanang nagawa. Tirik na
ang haring araw sa labas ng ako'y dumilat at sa 'king pagdilat ay ipinabatid
agad nila Mama ang kanilang lakad na gumawi kila Ate Anne. Ibig ko
sanang sumama sa kanilang lakad subalit may Project pa ko
sa Math na dapat tapusin sa lalong madaling panahon, kaya di
ako makakasama.
5a-d. Matapos kumain ng agahan, agaran ko ng sinimulan ang paggawa ng Project sa Math.
Hindi naging madali sa 'kin ang naturang proyekto sapagkat kailangan ay
kakaiba't gayang-gaya kung anuman ang nakalimbag sa Libro. Ilang taon na kong
gumagamit ng Microsoft Office subalit di ko pa alam kung paano
I-type ang Fraction Bar at kung ano-anong key Shortcut na
ang sinubukan ko. Sa dami ng dapat i-type, inabot ako ng apat na oras na
tutok ang mata sa Computer at dahil oras na ng tanghalian,
naisipan ko munang ipagpaliban at ituloy na lang mamaya. Di ko sana ibig
matulog at samantalahin ang libreng oras sa paggawa ng project,
subalit di ko napigilang antukin at nakatulog. Pagkagising ay pagkahilo agad
ang naramdaman ko't di ko batid ang tunay na dahilan, lalo na't di naman
maalinsangan, nanatili akong nakahiga. Nang bahagyang naibsan ang hilo,
binuksan ko ang Computer. Di ko lang mapigilang mainis sapagkat
ayaw nito bumukas, naisipang gawin na lang sa labas subalit batid kong
mahihirapan akong mag-concentrate pagkat maingay at siksikan pa.
5a-e. Mga bandang gabi na ng dumating sila Mama galing kina Ate Anne at
bukod sa pasalubong na pagkain ay may baon rin silang kwento ukol kay Ate
Anne. Dahil kanina pa kumakalam ang sikmura, pagkain agad ang nasa
isip ko't diretso kuha ng dala nilang pasalubong. Buenas na buenas ang naging
hapunan namin pagkat Lechong manok ang ulam at sa sobrang takam, naparami ako
ng subo. Holiday nanaman bukas upang makiisa sa pagdiriwang
ng Edil Adha ng mga Muslim, kaya nagpuyat pa ko sa
kaka-Facebook at Youtube Through my Phone connected
by Wi-Fi. Malapit ng gumitna ang gabi ng maisipang
matulog, di naman makatulog pagkat malamok at nakakairita sa pandinig ang
kanilang tunog.
88 | 81 Walong pu't isang araw na lang, bago sumapit ang Pasko.
October 06, 2014
Monday
Year II-279
5a-f. Pagdiriwang ng Edil Adha o Feast of Sacrifice ng
mga Muslim, laking pasalamat ko lang sapagkat kung di dahil sa
maraming pagdiriwang ng mga Muslim, may mga araw na nagkakaroon tayo ng
bakasyon. Kahit ang Muslim ay dumaranas ng Diskriminasyon mula sa
atin dahil sa kakaiba nilang kaugalian katulad ng kumitil ng tao kapag may
kasalanan itong nagawa sa kanila, naniniwala akong marami pa rin sa kanila ang
mabait at palakaibigan. Wala muling klase ngayong Lunes, kung kaya putok na ang
liwanag ng ako'y magising at nag-almusal. Medyo mataas na ang aking Energy at
nasa mood kaya diretso gawa ng Project sa Math matapos
kumain. Makalipas ang dalawang oras, laking tuwa ko pagkat natapos na rin sa
wakas ang Project at Front page na lamang ang
kailangang tapusin. Alas-dyis y medya na pala pagkatingin sa orasan at sadyang
kay bilis ng oras. Balak ko na sanang ilimbag ang pinaghirapang Project subalit
matinding init ang pumigil sa akin, nanatili muna ako sa bahay at nanood ng
Telebisyon.
5a-g. Kinahapunan at dahil sa makapal na ang buhok, naisipan ko ng magtungo
sa Barber Shop. Habang patungo sa Barber shop ay
saktong nakita ko si Crislyn na nakatambay habang bitbit ang
sanggol pa lamang nitong anak, kinamusta ko siya. Kung di lamang maagang
nag-asawa't nag-anak, malamang ay makakapag-aral siya sa kolehiyo't mas
makakamit pa ang magandang kinabukasan. Masarap din magkaroon ng anak pero
dapat sa tamang panahon at kung kailan may kakayahan ka ng buhayin ito. Matapos
makipagtsikahan kay Crislyn, dumeretso na ko sa Barber shop ni Mang
Usman at nagpagupit.
5a-h. Tamang kwentuhan lang sa kanya habang ginugupitan at napakarami niyang
biro sa 'kin kaya walang puknat ang aking pagtawa. Nang magupitan, gulat ako sa
sarili ko pagkat laki ng pinagbago ng hitsura ko't ang kisig ko pala kapag nagugupitan. Bago
umuwi'y tumungo muna ako sa Computer shop at nag-make-over ng Project.
Naging mabusisi ako sa pagpili ng disenyong ilalakip sa Project kaya di ko namalayang kumagat na ang dilim. Pagdating sa
bahay, malapit na palang mag-ikawalo at diretso hapunan ako. Matapos
maghapuna'y panonood ng telebisyon ang sunod na inatupag subalit naudlot pagkat
biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na sinabayan pa ng pagkulog, tuloy ay
labis muli akong nasisindak. Di pa dinadalaw ng antok kaya nag-surfing muna
ako sa Internet. Mga dakong Alas-onse ko na naisipang matulog.
87 | 80 Walong pung araw na lang, bago sumapit ang Pasko.
October 07, 2014
Tuesday
Year II-280
5a-i. Pumatak na ang ikaanim ng umaga ng magising ang katawang lupa ko, medyo
inaantok pa't idagdag pa ang malamig na panahon na patuloy na umiiral kaya
ipinagpatuloy ko ang pag-idlip. Sa pagdilat muli ng mata, kay bilis ng oras
pagkat malapit ng mag-ikawalo't gising na ang lahat ng kasamahan ko. Kaagad
kong binuksan ang Computer subalit ito'y nagloloko muli. Kahit
di ibig gawin ang Front page ng project sa labas
ay wala akong magagawa. Kaagad ko rin natapos ang Front page at
ipinalimbag. Kahit wala pang tanghaling tapat, dama na ang matinding init sa
labas habang ako'y naglalakad pauwi't tila di mo maramdaman na magpapasko na
nga, halos maligo na ko sa sariling pawis pagkauwi't kaagad nagpahangin.
Gayunpaman ang naging kinahinatnan ko, abot langit ang aking saya pagkat wala
na kong aalalahanin pa sa mga subject at pwede ng maging Hayahay
ang buhay.
5a-j. Habang nakaupo'y ang pagdating ni Ate galing Sagada at
may dala itong mga pasalubong, di pa ko gutom subalit gusto kong matikman ang
Produkto ng mga Igorot kaya tinikman ko't iba ang sarap. Sa
sarap, naparami ako sa pagkutkot at labis ang aking pagkaumay. Sa kabusuga'y
kakaunti na lamang ang kinain ko pagdating ng tanghalian. Matapos
makapanghalian, pansamantala akong nagbasa ng World Atlas upang
antukin at maya-maya'y nag-siyesta. Pagkagising, animo'y gabi na sa
dilim ng kalangitan, dinig ko na ang mga pagkulog na siyang nagpaigting muli sa
takot ko. Ilang sandali pa'y bumuhos na ang ulan subalit daglian lamang.
Batong-bato ako ng hapong iyon kaya naisipan kong makinig ng Musika't
pagkasalpak sa Phone, hindi ma-play ang mga kanta't di
rin mabuksan ang ilan kong mga Files.
5a-k. Napag-isip isip ko na baka may Virus ang aking Memory
system at nangangambang madamay ang ilan ko pang importanteng Files kaya
naisipan kong ipasuri kay Kuya Denver subalit hiya ang pumigil
sa akin.Nilabanan ko ang hiya't naglakas loob akong pumasok at nakiusap sa
kanya. Sa bait, agad niyang pinagbigyan ang kahilingan ko't laking nga-nga ng
bibig habang kinukumpuni niya ang mga corrupted files sa
pamamagitan ng Programming at masyado akong nagiging ignorante sa
ginagawa niya. First time ko lang makapasok sa bahay nila kaya
halos mahalina ako sa gara't laki ng malamansyon nilang bahay. Pati mga Appliances at Gadget,
tila ginto ang halaga. Ibig ko pang manatili sa bahay nila pero agad na kong
umalis ng matapos niyang ayusin ang mga Files ko.
5a-l. Kinagabihan at habang sarap na sarap ang mata sa pagtutok ng Telebisyon
ay bigla na lamang nawalan ng Kuryente. Sayang at ang ganda pa naman ng eksena
sa Ikaw Lamang at As usual, pumutok muli ang poste
ng kuryente kaya nagdulot ito ng brownout. Kahit nagloloko na ang
pipitsugin kong telepono, may pakinabang rin naman ito pagkat may TV at
doon ko ipinagpatuloy ang pagsubaybay at kaunting tiyaga na lamang sa malabo't
wating-wating na Reception. Hindi ko na kinakayang panoorin ang palabas
sapagkat labis-labis ang pagmamalupit ni Franco sa kanyang
mag-ina't dinaig pa niya ang pinakamasamang nilalang sa kanyang pag-asta't
nakakapang-gigil panoorin. Matutulog na sana ako ng madiskubre ni Ina na di ko
pa pala naidiin ang Doorknob, sumiklan muli ang pag-aaway tuloy namin ni
Mama't di ko maunawaan sa kanya kung bakit ganong na lamang siya magalit
samantalang kay simpleng bagay lang iyon. Ginawa ko na ang pinapagawa niya
subalit nagpatuloy pa rin sa pagdakdak, pinabayaan ko na lamang siya't natulog.
86 | 79 Pitong pu't siyam na araw na lang, bago sumapit ang Pasko at nawa'y may dumating pa ang magagandang pangyayari bago magtapos ang Taon.
October 08, 2014
Wednesday
Year II-281
5a-m. Dalawang Linggo na lamang ang nalalabi bago magtapos ang semester at
parang kay bilis naman ng takbo ng panahon kung iisipin. Parang kailan lang ng
makasama ko ang bagong kamag-aral at guro, ngayon malapit na kaming
maghiwa-hiwalay at Mami-miss ko ang mga naging Guro ko lalong-lalo
na si Ma'am Joyce. Pagdilat ng mata, sumapit na pala ang Alas-singko't
kahit ibig pang matulog ay agaran ako sa pagbangon. Malapit ng Mag-ikapito, di
pa ko nakakaalis ng bahay at mukhang mahuhuli na ako. Nandoon na si Sir
Dalope pagdating sa Unibersidad subalit kakaunti pa lamang ang mga
kamag-aral ko.Sa buong oras ng Math ay wala kaming ibang
inatupag kundi asikasuhin angProject maging sa Social
Science. Nang ipapasa ko na ang Project ay biglang di
tinanggap ni Sir, kailangan pa raw may software copy na
nakalagay sa bala. Nabulaga ako sa sinabi ni Sir samantalang pagkakaalam
ko'y Optional ang pagpapasa ng Project kaya
di ko kinailangan pang magpa-burn ng CD.
5a-n. Maging ang iba kong kamag-ara'y di makapaniwala sa sinabi ni Sir.
Nakiusap kami sa kanya kung pwede pa bukas subalit nagmatigas ito, kaya may
pagmamadali kaming nagtungo sa Computer shop upang magpa-burn ng CD.
Ako naman, tarantang-taranta't di na alam ang gagawin sapagkat di naka-save sa Memorycard ko
ang Files ng project. Naisipan ko pang umuwi upang kuhain
ang isa pang memory card subalit nagbago ang isip
at ginawan na lang ng paraan. Naging maluwag na ang paghinga ko ng makapag-burn ng CD at
pagkabalik, paalis na si Sir Dalope't binigyan pa kami ng
pagkakataon upang magpasa ng Project hanggang Alas-onse. Grabe
ang professor namin at labis akong na-rush. Sa oras
ng General Psychology, nagkaroon lamang kami ng Class
Orientation at bago umalis si Ma'am Joyce, siya'y kinausap ko
upang sabihin ang lahat ng nasa loob subalit may klase pa siya't sinabing
mamaya na lang kami mag-usap at pumunta na lamang daw sa Faculty.
5a-o. Matagal ko na itong pinagpapalanuhan na sabihin kay Ma'am ang tunay na
nasa loob ko sapagkat batid kong siya lamang ang makakaunawa pero sayang at
mamaya pa. Mag-isa lamang akong nagtungo sa Karinderya't kumain, buti na lamang
at nandoon sina Jaimarri at kahit may nangyaring di maganda
nung nakaraang nagpunta kami sa MOA, nakisama pa rin ako sa kanila. Matapos
mananghalian, ako'y nagkabisado ng Script sapagkat mamaya na
ang Performance namin sa Social Science. Nang
sumapit ang Alas-onse, nagtungo na ko sa Math Department,
saktong nakita ko sila Arnulfo na magpapasa rin ng Project at
sumabay ako sa kanila. Habang umaakyat ay bigla na lamang natapilok ang isa pa
naming kasamahan at nakakatawa pa pagkatslow motion, walang humpay tuloy
ang aming pagtawa. Pagkapasa ng Project, nagtungo kami sa
Karinderya subalit sila lamang ang kumain.
5a-p. Maya-maya pa, nagtungo na kami sa silid at habang di pa dumarating
si Sir Marvin, nagpatuloy ako sa pagkakabisado. Di pa nga lumalayo
ang oras ng matapilok ang isa kong kamag-aral ay may panibagong insidente
muli't bigla na lamang nabuwal ang tangkay ng upuan ni Manelle kaya
ito napadausdos, sa halip na pagtawana'y nag-alala kami sa kanya't
mangiyak-ngiyak ito sa sakit.
Lumipas ang tatlumpong minuto, dumating na si Sir Marvin at
nagsimula na ang Group Performance, habang iyon ay sinasagawa'y
lihim akong nagkakabisado. Dahil kinapos sa oras, laking tuwa namin pagkat sa
Lunes pa kami magpe-perform. Agad akong dumeretso sa Computer
shop paglabas ng silid. Matapos magkumpyuter, nagtungo na ko sa
may Psychology departmentsubalit wala pa roon si Ma'am
Joyce ng datnan ko, nanatili muna ako sa labas at hinintay siya.
Makalipas ang halos isang oras, di ko pa nakikitang pumapasok si Ma'am kaya
Nagpasya akong huwag ng ituloy ang balak at umuwi na lamang subalit determinado
akong makausap si Ma'am Joyce at makahingi ng payo mula sa kanya
kaya naisipan kong pumasok muli sa may Faculty.
5a-q. Pagkapasok, saktong naroroon na si Ma'am Joyce. Sasabihin
ko na nga sa kanya ang ibig sabihin subalit walang panahon ito na pakinggan ako
at sinabing bukas na lang. Inirerespeto ko kung anuman ang naging pasya niya
subalit di ko maiwasang manghinayang. Umuwi akong lugmok na lugmok at
idinaan na lamang sa tulog ang naturang nadarama. Malapit ng gumabi ng ako'y
magising at may magaganap pa lang Lunar Eclipse ngayong gabi,
sinubaybayan ko ito. Hindi naman matanaw ng ayos sapagkat maulap. Bahagyang
numipis ang kaulapan kinalaunan at nasilayan na nga ng maigi ang ganda ng Lunar
Eclipse. May kaibahan lamang sa Eclipse pagkat kulay
dugo ang Buwan at habang tumatagal ay may lumilitaw na liwanag. Maya-maya pa'y
pumasok na ko sa bahay at nanood ng Telebisyon.
85 | 78 Pitong pu't walong araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
October 09, 2014
Thursday
Year II-282
5a-r. Malapit ng sumapit ang ikapito ng nagmamadaling umaga ng ako'y magising
at kakaibang bigat ng kalooban ang agad namutawi't ibig ko na itong ilabas
subalit wala naman teyngang handang makinig maliban na lamang kay Ma'am
Joyce. Agaran akong dumeretso sa may Faculty pagkarating
sa Eskwela, subalit di ako pumasok pagkat baka magkaroon kami ng pagsusulit
sa Filipino't baka
di ako makadalo kapag nag-usap na kami ni Ma'am Joyce. Habang
naglalakad patungong silid ay saktong nakita ko sina Stella. Medyo
di ko naibigan ang naging komento ni Jhanina at sinabing
panget daw ako kasama dahil sa taglay kong hininga at labis akong nainsulto,
kahit sabihin nagpakatotoo siya, di ko pa rin maiwasang masaktan at
nagsisipilyo naman ako. Iyan ang hirap sa halos lahat ng kamag-aral ko, hirap
nilang pakibagayan at ano bang problema nila sa 'kin? Nandoon na si Sir
Arnold pagkapasok. Naging kapanapanabik ang gawain namin sa Filipino pagkat
lahat ng Impresyon o saloobin sa bawat kamag-aral ay maibubuhos sa pamamagitan
ng pagsulat sa papel ng may-ari at iyon na ang pagkakataon upang maipahayag ko
ang saloobin sa kapwa kamag-aral.
5a-s. Tila gumaan ng bahagya ang kalooban ko ng mailabas ang lahat ng
hinanakit, hinaing at reaksyon sa ilan kong kamag-aral subalit di pa rin iyon
naging sapat dahil limitado lamang ang pwedeng isulat at matatambakan kapag
nagtagal. Pagkabalik ng papel sa 'kin ay magkahalong tuwa at pagkadismaya ang
naramdaman ng mabasa ang mga reaksyon nila sa 'kin at tama ang sinabi ni Sir
Arnold, may sarili akong mundo na siyang nagpaunawa sa pinagdaraanan ko
ngayon. Sa totoo lang ay nagpupumilit akong makawala sa mundong ginagalawan
subalit ang hirap at parang nakabilanggo ako sa selda. Bago umalis ay inanunsyo
ni Sir Arnold na sa Sabado raw kami magkakaroon ng pagsusulit.
5a-t. Sa oras naman ng English, nagturo lamang si Ma'am Mactal at tila napakakomplikado
ng naging Lesson namin. Maya-maya pa'y lumabas na ko't sa muling
pagkakataon ay wala muling nakasabay sa pagtungo sa Canteen at
kay dilim ng aking buhay kapag parating ganito. Saktong nakita ko sina Rhica at
sa kanila ako nakisabay sa pagkain. Maya-maya pa'y nagtungo na kami sa Laboratory.
Ikinalulungkot ko ang naging pasya ni Eric pagkat lilipat na
siya ng ibang Seksyon sa susunod nasemester. Kinumbinsi ko siya na huwag
ng lumipat subalit buo na ang desisyon nito, sa kadahilanang puro negatibo ang
naging komento ng kamag-aral sa papel niya't labis niya iyon dinamdam.
5a-u. Kahit kakaunti lamang kaming mag-aaral at naroroon ang presensiya
ni Sir Jasper, naghari pa rin ang ingay na labis ikinairita ng
pandinig kaya lumabas ako. Ilalaan lamang ang oras upang kami'y magrepaso
sa Chemistry subalit sinabi ni Sir Jasper na
di na kami magkakaroon ng klase. Laking tuwa namin ng sabihin niya iyon at ang
aga ng uwian namin. Bago umuwi, kasama sila Arnulfo at Hanna'y nagtungo muna kami sa Covered
court upang humingi ng Special Project kay Sir
Anton. Medyo magastos ang ibinigay niyang project sa amin
na bumili ng Score card at daan-daang piso ang kailangang
ilabas. Matapos kausapin si Sir Anton ay kaagad namin siyang
nilisan. Sa halip na dumeretso ako sa pag-uwi'y naisipan ko pang puntahan
si Ma'am Joyce. Ng makaharap siya'y pagkadismaya muli ang namutawi
sa dibdib pagkat wala itong panahon upang kausapin ako't talagang abala ito.
5a-v. Gayunpaman ang mangyari, di pa rin ako nawawalan ng pag-asa na balang
araw ay masasabi ko kay Ma'am Joyce ang lahat ng saloobin ko't
hanggang may nakikitang pagkakataon ay di ko iyon palalagpasin. Paglabas ay
hindi naging kanais-nais ang alinsangan ng panahon, pagkauwi'y naligo ako.
Bahagya naman naramdaman ang lamig pagsapit ng gabi at animo'y magpapasko na
nga. Nanatiling mabigat pa rin ang kalooban ko na siyang nagbigay pait sa
pagtulog ko. Sana maging maginhawa na ang pakiramdam ko sa aking paggising at
nakalaya na mula sa mundong aking ginagalawan sa kasalukuyan. I'm so
depressed talaga.
84 | 77 Pitong pu't pitong araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
October 10, 2014
Friday
Year II-283
5a-w. Kahit nakatulog na ko ng sapat sa oras ay di pa rin mapawi ang bigat na
aking nararamdaman. Bakit ganito ang pakiramdam ko, parang kay dilim at walang
masilayang liwanag at di ko batid kung paano ako napunta sa ganong Mundo. Ibig
ko sanang ilahad kila Mama ang nasa loob nito subalit batid kong di nila ako
mauunawaan lalo na't malalim na malalim ang pinagdaraanan ko't tanging ako lang
ang nakakaalam. Di ko nga rin alam kung pati si Ma'am Joyce ay baka
di rin ako maunawaan at basta, bahala na kung ano ang magiging reaksyon niya sa
mga sasabihin ko. Tama lang na BS Psychology ang kuhain kong
kurso upang lubos na maunawaan kung anuman ang pinagdaraanan ko ngayon. Kahit
may dinaramdam, ginampanan ko pa rin ang responsibilidad at iyon ay tagawalis
at punas ng sahig.
5a-x. Matapos ang gawaing bahay, ako'y nakinig ng musika bilang pampaaliw,
nagbabakasakaling mabawasan ang bigat na nararamdaman. Bahagyang gumaan ang
loob subalit bumabalik ang dati nitong bigat kapag naalala't di ako matatahimik
hangga't di ko nasasabi ito kay Ma'am Joyce o sumailalim saCouncelling.
Ano bang nangyayari sa 'kin at bakit ako nagkakaganito? Buong akala ko'y normal
ang pamumuhay gaya ng iba subalit ako'y nagkamali't dapat ko ng tanggapin na
may kakaiba sa 'kin. Hindi na baleng sabihin na may iba sa kinikilos ko, huwag
lang masiraan ng bait. Sa sobrang wili ko sa pakikinig ng musika, di ko
namalayang malapit ng magtanghaling tapat at oras na upang mananghalian.
5a-y. Matapos mananghalian, sinimulan ko ng magrepaso sa Filipino.
Hindi naging madali ang pagbabalik aral pagkat kinailangan ko pang kabisaduhin
ang bawat kahulugan ng termino't parang walang pumapasok sa isip ko. Idagdag pa
ang antok na nadarama't sa totoo lang, nakakatamad mag-aral kapag Siyesta time subalit
iyon ay nilabanan ko, alang-alang sa matatamong marka sa pagsusulit bukas.
Ako'y inaantok na talaga't di ko na napigilan pa ang sarili sa pagtulog. May
pagbabadya muli ng pag-ulan sa aking paggising at sumasayaw ang mga puno sa
lakas ng ihip ng hangin. Kahit madilim na ang kalangitan at nagbabadyang
umulan, itinuloy ko pa rin ang balak at iyon ay magkumpyuter.
5a-z. Matapos magkumpyuter, di ko pang ibig umuwi't kahit ipinangako ko sa
sarili na di na gagawi pa sa kanila, di nangangahulugan na kaliligtaan ko na
ang mga pinagsamahan namin, nagtungo nga ko sa bahay nila Cathy.
Pagkatungo, kita kong abala si Cathy sa pag-iihaw ng Barbeque,
inakalang hapunan lang nila pero negosyo pala. Silang tatlong magkakapatid
lamang ang nadatnan ko't wala si Ate Ging, sayang at marami pa
naman akong ikikuwento sa kanya. Habang nasa puder nila'y tamang tsikahan lang
kay Cathy, kaso'y naantala ang pag-uusap namin dahil sa kakulitan
ni Jaka na mukhang na-miss ako. Madilim na sa
labas ng magpaalam na ko sa kanila. Sa pagkamatay ng Street light na
ilang araw ng di nasosolusyunan, naging napakadilim ng kapaligiran na
nagpahirap sa paglakad ko. Natatakot tuloy ako't baka may mangahas na bumaboy
sa pagkatao ko subalit umuwi naman akong ligtas. Sa kabila na kapahamakan sa
mga dumaraan ang maaaring idulot ng kawalan ng ilaw sa kalye, natutuwa pa rin
kami pagkat walang sinuman ang mangahas tumambay at nananaig ang katahimikan.
83 | 76 Pitong pu't anim na araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
October 11, 2014
Saturday
Year II-284
5b-a. Hindi ko pa ibig ang bumangon pagkat nanatili pa rin ang antok subalit
kailangan na upang di mahuli sa pagpasok. Naging napakaaliwalas ng panahon at
animoy nakangiti ang araw sa iyo kapag ito'y pagmamasdan na siyang nagbibigay
sigla sa umaga ko, kaya ganadong-ganado ako sa pagpasok. Habang nasa dyip ay
may gusgusing paslit ang umakyat at humingi ng limos. Di ko batid kong bibigyan
ko ba ito ng pera o baka naman nagpapanggap lamang itong dukha upang mahikayat
kaming magbigay, sa totoo lang ay nahabag ako sa kanya't dudukutin ko na sana
ang pera sa bulsa at iaabot sa kanya subalit bigla itong umalis. Pagdating sa
eskwela, kamag-aral ko pa lamang ang naroroon at sinamantala ko ang oras na
wala si Sir Arnold sa pagrerepaso. Hirap naman ipasok sa
isipan ang inaaral pagkat napakaingay nila't sakit sa teynga.
5b-b. Kasabay ng pagpasok ni Sir Arnold ang paghahari ng
katahimikan at nagsimula na ang pagsusulit. Nagrepaso ako't naghanda subalit di
ko napaghandaan ang lumabas sa exam na nagpatagal sa akin
upang sumagot. Nang matsekan, kahit maraming mali'y ikinagagalak ko ang
natamong marka pagkat ito'y pasado. Dahil ito na ang huling araw ng pagkikita
namin kay Sir Arnold, naging malugod ang pamamaalam namin sa kanya. Maya-maya'y lumipat
na kami sa silid at maging sa English ay magkakaroon rin pala
ng pagsusulit kaya paspasan ako sa pagrerepaso. Saka pa lamang nagsimula ang
pagsusulit ng dumating si Ma'am Mactal. Hindi ko inasahan na
magiging madali ang pagsusulit, mas madali kung ikukumpara kanina kaya agad ko
itong natapos. Muli kong ikinatuwa ang naging resulta ng pagsusulit at
nangangako sa sariling mas pag-iigihan pa sa darating na Final Exam.
5b-c. Maya-maya'y lumabas na kami, ayaw ko ng mapag-isa pa't lunurin ang
sarili sa kalungkutan kaya nakisama ako kina Erik. Medyo nakakabato
silang kasama subalit pinakitunguhan ko pa rin, ang lalo pang mahirap ay kasama
nila si Clark Haven at panay ang pang-aasar nito sa 'kin, di
ko na lang ito pinansin kaso sadyang mapupusok ang binibitiwan niyang salita na
di ko matanggap at nakakasakit pa sa dibdib, di ko na kaya pang makisama na
kasama ang lokong iyon, nag-walk-out ako upang iwasan siya. Bago
magtungo sa laboratory, ako'y nagkumpyuter. Parang sasabog na ko
talaga kapag patuloy na kinimkim ang sama ng loob na ilang taon ko ng dinaranas
kaya di na nagpaligoy-ligoy pang sabihin kay Ma'am Joyce sa
pamamagitan ng Facebook. Tuluyan na ngang lumuwag ang kalooban ko
ng mailabas ang hinanakit at nawa'y mabasa ni Ma'am Joyce ang lahat
ng sinabi ko, upang sa gayo'y matulungan niya kong kumawala sa mundong ito.
5b-d. Agad na akong dumeretso sa Laboratory matapos
magkumpyuter. Kakaunti lamang kaming nagsipagdalo't marahil ay nagsiuwian na
ang iba pagkat wala ng gagawin. Medyo nakakabato't tamad tuwing Chemistry time na't
idagdag pa ang maalinsangang panahon, nagpasyang umuwi na lang. Habang nasa biyahe,
minamalas nga lang ng lagay pagkat uulan muli't di ako nakapagdala ng payong.
Madilim-dilim na ang kalangitan na anumang minuto'y bubuhos na ang ulan kaya sa
halip na sa Sandigan bumaba, naisipan ko munang magtungo
ng Ever Gotesco Mall upang magpatila ng Ulan. Tamang pasyal
lang ako sa kahit saang panig ng Mall at kay lungkot ng buhay
kapag mag-isa ka lang na namamasyal at kailan kaya ako makakahanap ng lugar na
makakapagpaligaya sa akin? Maya-maya pa'y lumabas na ko't saktong ambon na lang
pala. Pagdating sa bahay at gawa na ako'y inaantok na, diretso tulog ako't
malapit ng sumapit ang gabi ng magising. Kahit ganito ang dinadaranas ko sa
kasalukuyang ito, nagpapasalamat pa rin ako pagkat nakakain ako ng sapat at buo
ang Pamilya.
82 | 75 Pitong pu't limang araw na lang, bago sumapit ang Pasko.
October
12, 2014
Sunday
Year II-285
Sunday
Year II-285
5b-e. Sumilip pa rin ang Haring Araw na tila nakangiti habang ito'y iyong
pinagmamasdan, sa kabila ng naranasang masungit na panahon kagabi. Sa muli kong
paggising, kasiglahan na ng kalooban ang nadarama sa halip na bigat at lungkot
at nagagawa ko na rin ngumiti paminsan-minsan subalit di pa rin mapanatag ang
loob hangga't di nababatid ng isipan na nabasa na ba ni Ma'am Joyce ang
damdaming aking inilahad. Matapos mag-agahan, ako'y naglaba't naging magandang
pagkakataon talaga ang maaliwalas na panahon upang makapagpatuyo ng sinampay at
di man lang nakadama ng pagod kahit may karamihan ang nilabhan. Pakiramdam ko'y
mataas ang Energy ngayong araw at sana'y magtuloy-tuloy
hanggang gabi upang stress ay maiwasan. More Energy,
mas happy.
5b-f. Dahil magsisimula na ang Final Test sa
darating na Martes at sa takot na rin na lumagapak at makastigo ng magulang,
diretso sunog kilay ako matapos magsampay. Hindi naman ako makapagrepaso ng
ayos pagkat ang ingay sa Labas at may mga sitwasyong talagang hirap kontrolin. Pansamantala kong
itinigil ang pagrerepaso ng oras na ng tanghalian. Nang makapananghalia'y
ipinagpatuloy ko ang pagrerepaso't walang exam na mahirap sa
taong palaaral. Ang kanina na maaliwalas na panahon, bigla naman kumulimlim
pagsapit ng tanghali't animoy nagbabadya muli ang pagbuhos ng ulan. Di nga ko
nagkamali sa aking pagtaya't umulan na nga ng malakas. Habang bumubuhos ang
ulan ay lalo pa kong ginanahan sa pagrerepaso subalit di naging biro ang
pagrerepaso sapagkat kailangan isaulo ang lahat ng termino na aming
pinag-aralan.
5b-g. Tumagal ang malakas na ulan hanggang Alas-kwatro't pagkalabas ay kita
muli ang pag-agos ng baha. Sa kagustuhang makatamo ng mataas na marka, wala
akong ibang inatupag kundi magrepaso. Kaso ng sumapit na ang gabi, naghari muli
ang kaingayan, pinagsabihan ko
sila subalit di nila ako pinakinggan, lumipat ako sa lugar na makakapagrepaso
ng matiwasay. Bakit halos lahat ng tao rito sa daigdig, ipinanganak na may
teynga pero di naman ito ginagamit at iniintindi ang sinasabi. Kung minsan,
kapag nakasalamuha ako ng ganong klaseng tao, pinapairal ko na lang ang
pagiging matiyaga't di ko maintindihan ang bawat kinikilos nila. Maaga pa
magigising bukas, kaya Alas-nuebe pa lang ng ako'y matulog.
81 | 74 Pitong pu't apat araw na lang, bago sumapit ang Pasko.
October 13, 2014
Monday
Year II-286
5b-h. Nanatili pa ring mabigat ang dibdib sa aking paggising at tila tinatamad
akong bumangon at gustong ipagpatuloy ang pagtulog. Pagkabangon, Alas-singko y
medya na pala't kailangan ko ng dalian sa pagpasok. Kahit pakiramdam na Isolated ako
sa mga kamag-aral at di nila ako pinapansin, di iyon dahilan upang lumiban sa
klase't ipapagpatuloy ko pa rin ang pakikisalamuha sa kanila. Nang huling
Linggo ko pa ito pinag-iisipan kung lilipat ng ibang Dash sa
susunod na Semester. Pagdating sa eskwela, tila kay dalang ng mga
estudyanteng naglalakad at aga naman yata ng kanilang Sembreak.
Kahit Last day na ng pagkikita namin kay Sir Dalope,
nagturo pa rin ito't matapos ay isinulat namin lahat ng naging Impresyon
kay Sir Dalope at grabe, sobrang mami-miss ko
siya. Sana maging guro ko pa siya sa Next Semester at kung di
naman, maging gaya niya ang magiging guro ko sa Math. Oras na ng Psychology subalit
di pa pumapasok si Ma'am Joyce at nawawalan ng pag-asa na
matutulungan pa ko ni Ma'am. Sana nga'y nabasa niya ang ipinaskil ko sa Facebook.
5b-i. Maya-maya'y bigla akong nabuhayan ng loob ng pumasok si Ma'am Joyce subalit
di kami nakapag-usap ng masinsinan pagkat may lesson pa siyang
kailangan i-discuss.
Habang nagtuturo si Ma'am Joyce ay unti-unti ng
nabibigyang kasagutan ang mga suliranin ko't sinabi niyang “Challenge yourself” para
makawala sa mundong iyong ginagalawan at matutong makipagkapwa-tao upang
mapaunlad ang Socio-cognitive. Nagagalak naman ako pagkat nabasa
ni Ma'am Joyce ang sulat ko't dahil iyon na
marahil ang huling pagkikita namin, masigabo kaming nagpaalam sa isa't isa at sobrang
mami-miss ko siya. Sinubukan ko ang sinabi ni Ma'am Joyce at
nakipaghalubilo ako sa kanila, subalit di naman ako pinapansin at nagmumukha
lamang tanga kapag ipinagsisiksikan ang sarili, humiwalay na ko sa kanila't
mag-isa nanaman akong kumain, ang hirap pala ng pinapagawa ni Ma'am Joyce at
di basta-basta.
5b-j. Ngayon na pala ang pag-uulat namin sa Social Science at
di ko pa alam ang sasabihin, nag-research ako sa internet ng
paksang aking iuulat at matapos ay ipapa-print. Sa dami ng mga nakapila, di ako agad
nakapagpa-print at idagdag pa ang init dahil siksikan. Ng ako
magpapa-print, biglang sinabi ng Operator na di sila
nagpapa-print mula sa Yahoo, nadismaya lang ako't
sayang ang pagpila ng matagal. Lumipat ako sa ibang shop at
kahit mahaba rin ang pila, nagtiyaga ako sa pagpila. Sumapit na ang Alas-dose
subalit di ko pa naipapa-print ang iuulat ko't dami kasing ipinapa-print ng
nauna sa akin. Napag-isip ko na takasan na lamang ang kahihiyan maari kong
danasin mamaya sa pag-uulat at binalak ko ng umuwi.
5b-k. Kung kailan papalabas na ko ng Campus ay biglang
nakita ako ni Rickclyde at binalaang isusumbong kapag itinuloy ko
ang aking balak, no choice ako kundi sumama sa kanya sa
pagpasok at goodluck na lang sa 'kin mamaya. Habang nag-uulat
ang ibang grupo'y damang-dama ko na ang kaba. Walang magagawa ang kaba kaya
umisip ako ng paraan at ng kami na ang mag-uulat, nilakasan ko ang loob sa
pagsasalita't nag-adlib na lamang.
Pumalit ang tuwa sa dibdib at nabunutan ng
tinik matapos mag-ulat. Sa halip na umuwi, nagtungo muna kami kay Sir
Anton pagkat di pa pala nakakabili ng Score Card. Silang dalawa
lamang ni Hanna ang nagpunta't hinintay ko sila sa may Hilltop
Square. Pagkabalik ng dalawa, sinabing hanggang Alas-Singko na lang ang
pasahan at sa mga oras na ito'y kailangan ay nakabili na.
5b-l. May kamahalan ang ipinapabili ni Sir kaya halos maubos ang pera ko sa
ambagan. Inuudyok sana ako nina Colene na sumama sa kanila sa
inuman subalit di ko iyon ugali't mas pinili kong umuwi. Dala na ako'y inaantok
na, diretso tulog ako pagdating sa tahanan. Pagkagising, biglang naging matanong sa 'kin si Ina tungkol sa ginagawa
ko sa eskwela't di ko maunawaan ang reaksyon niya. Wala pala akong kaalam-alam
na nabasa na pala niya ang mga sinulat ng kamag-aral ko sa papel at di niya
naiibigan ang mga komento kaya walang humpay na sermon ang abot ko sa kanya.
Nakakainis lang pagkat itinago ko iyon, tapos nabasa pa nila't di dapat nila
malaman ang tungkol sa nakasulat. Labis ang aking pagkayamot sa pangingialam ni
Ina, kaya nagpakita ako ng bangis at sige, ako parati ang mali't wala ng
ginawang kabutihan sa mundo! Sobrang ikinababa ko ng tingin sa sarili ang mga
sinabi nila't di ko iyon matanggap. Kahit natapos na ang panenermon nila, labis
kong dinibdib ang mga sinabi at nadismaya ako ng husto sa sarili pagkat
napakatanga ko. Magrerepaso sana ako ngayong gabi subalit nawalan na ko ng
gana't itinulog na lamang ang naturang nadarama.
October 14, 2014
Tuesday
Year II-287
5b-m. Dibdib ko'y naghihingalo't nanlulupaypay bunsod ng natamong salitang
tagos sa dibdib kagabi. Sinusubukan kong kaligtaan kung anuman ang sinambit
nila ngunit paulit-ulit ko iyon naalala't sa tuwing mangyayari iyon ay
paulit-ulit akong nasasaktan. Parang ipinamukha nila sa 'kin na wala akong
karapatang magsalita't di ko lubos mabatid kung bakit gusto nilang mangyari sa
'kin iyon. Kung di lang pinakelaman ni ina ang sulat at malaman nila, di sana
ganito ang mangyayari sa 'kin at mararamdaman. Hindi ko naman masisi si Ina
kundi ang sarili't dapat itinago ko ng maigi upang di matuklasan at napakatanga
ko talaga. Kahit kinikimkim ko pa rin ang sinabi nila, di ako nagpalunod sa
nararamdaman at nagawa pang bumangon.
5b-n. Mamaya na ang Final exam namin kaya todo repaso ako.
Hirap talagang magsunog kilay kapag may iba kang iniisip lalo na't sariwa pa sa
isipan ang mga nangyari sayo’t nakaka-depressed, di mo man
gustuhin, kailangan ay tanggapin ang kapalaran at mag-ingat na lamang upang di
na maulit. Wala akong ginawa sa buong umaga kundi magbasa't kahit paano'y
nalilibang ako sa pagbabalik aral.
Mga dakong Alas-onse ng lisanin ko ang tahanan at pagdating sa eskwela,
di pa nagsisimula ang exam, sinamantala ko ang nalalabing oras sa
pagrerepaso. Gawa na napakaingay muli sa silid at samu't saring bibig ang madidinig,
nawala na ko sa konsentrasyon at itinigil na lamang. Lumipas ang ilang sandali,
pumasok na ang proctor at ganap ng nagsimula ang Exam.
5b-o. Asignaturang English ang una naming pagsusulit at
naging sisiw lamang ang pagsusulit sa pangkalahatan kaya agad ko itong natapos.
Matapos ang pagsusulit ay pansamantala kaming lumabas at pagkalabas, may sinabi
sa 'kin si Arnulfo tungkol sa pinapabili ni Sir at iyon ay
Pito na mabibili pa raw sa SM. Isang oras na lang ang nalalabi bago
magsimula ang sumunod na Pagsusulit, kung
kaya dali-dali akong nagtungo sa SM at hinanap kung saan ang
bilihan ng Pito. Sa unang store, bibili sana ako ng Pito, kaso may
kamahalan at di abot ng ibinigay na badyet, nagtungo pa ko sa ibang store at
saktong nakahanap ng mas mura-mura subalit kulang pa rin ang pera, inabuluhan
ko na lang, may maipasa lang kay Sir.
5b-p. Pagkatingin sa pitaka, kakarampot na lang ang natira't mukhang
kukulangin ako sa pamasahe, wala akong maisip na paraan kaya pagbalik,
kinapalan ko ang mukha sa pangungutang at agaran naman akong pinautang. Malapit
ng magsimula ang pagsusulit kaya dinalian na namin sa pagkilos. Asignaturang Filipino ang
sunod naming pagsusulit at ako'y nagagalak pagkat lahat ng nirepaso ko, lumabas
kaya ako'y nadalian. Naging madadali lang ang mga naging pagsusulit namin
ngayon at sana di maging mahirap ang mga susunod pang pagsusulit upang iwas
kamote. Mga dakong Alas-singko na ko nakarating sa bahay at diretso nuod ng
telebisyon pagkat walang maisipang gawin. Matapos manood at dahil walang
naitakdang pagsusulit para bukas, nagpuyat ako sa pagrerepaso't malapit ng
kumalahati ang gabi ng maisipang matulog.
79 | 72 Pitong pu't dalawang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
October
15, 2014
Wednesday
Year II-288
Wednesday
Year II-288
5b-q. Magdamag na inulan ang buong ka-Maynilaan na nagbigay lamig
sa aming pagtulog at marahil ay umiiral muli ang Hanging Amihan.
Dahil nasarapan sa pagtulog, malapit ng sumapit ang Alas-otso ng ako'y magising
at diretso higop ng mainit na kape bilang pampainit. Matapos magkape, gawaing
bahay ang sunod kong inatupag at sa aking pagwawalis, napakaraming alikabok
muli ang nalikom ng Dustpan at kay kapal ng bulto nito,
bahagya akong sinipon matapos magwalis, naupo muna ako't hinayaang guminhawa
ang pakiramdam. Kay sungit ng panahon at walang humpay ang pagbuhos ng ulan,
tuloy ang pangamba sa dibdib ay muling nanumbalik. Maya-maya'y sinimulan ko ng
gawin ang Takdang-aralin sa Social Science. Sa dami ng kailangang
sagutan, mukhang malabong matatapos ngayon at isang oras ng nakaupo sa may mesa
subalit kakaunti pa lang ang nasasagutan at medyo nakakatamad ng maghanap ng
isasagot.
5b-r. Di pa rin ako sumuko't nagpatuloy pa rin sa pagbabasa,
nagbabakasakaling mahahanap ang sagot subalit ang hirap at suko na ko. Gawa na
kanina pa kumakalam ang sikmura, pansamantala kong itinigil ang gawain at
nananghalian. Ipapagpatuloy ko sanang gawin ang takdang-aralin subalit bigla
akong inantok at nakatulog. Sa totoo lang ay katamaran ang umiiral kapag oras ng Siyesta't
kailangan ay isa sa dapat pigilan upang ang natitirang oras ay di masayang.
Ipinangako sa sarili na saglit lang tutulog pero nabali't sumapit na ang ikatlo
ng ako'y magising. Habang kumakain ng Meryenda, biglang dumating si Tita
Susan at ipinabatid na kakagaling lang daw ng Batangas.
Ibig ko pa sanang lantakan ang dala niyang pasalubong, kaso'y wala ng
mapaglagyan ang sikmura.
5b-s. Maghapon kaming nagkwentuhan ni Tita Susan at halos
matuyuan ng laway sa kakasalita pero ayos lang iyon kaysa naman mapanis. Habang kami'y
nagkukwentuhan, may ikinomento ang ate ko na
sadyang di katanggap-tanggap sa 'kin at kung makapagsalita'y kala'y
napakalinis, hinayaan ko na lang siya't di inintindi ang sinabi. Sa totoo lang
ay gusto kong ilabas ang emosyon, kaso di ko magawa pagkat inisanasaalang-alang
ko ang presensiya ng bisita't ayaw kong magkairingan kami sa harap ni Tita
Susan. Maya-maya'y pansamantala kaming lumabas ni Tita at nagtingin-tingin
ng yaring bag. Napawi naman ang inis sa dibdib pagkauwi't
nagpapasalamat ako pagkat nakaya kong kontrolin ang damdamin at di nagpadala.
May balak sanang magrepaso, kaso ang ingay ng mga bata't medyo nakakatamad na
rin, panonood ng telebisyon ang inatupag ko. Di makukumpleto ang gabi kapag di
nakanuod ng paboritong drama. Maaga pa magigising bukas kaya di na ko
nagpatumpik-tumpik pa sa pagtulog.
78 | 71 Pitong pu't isang araw na lang, bago sumapit ang Pasko.
October
16, 2014
Thursday
Year II-289
Thursday
Year II-289
5b-t. Ako'y nasasabik sa nalalapit na Sembreak at sana'y
naipasa ko ang lahat ng asignatura upang iwas pagdurusa sa darating na Next
Semester. Alas-singko pa lamang at di pa sumisikat ang haring araw ng ako'y
magising at diretso bangon. Sa aking pagbango'y malamig na klima agad ang
nadama't tila nakakatamad maligo pero naligo pa rin ako. Pagdating sa School ay
may tatlumpung minuto pa ang nalalabi bago magsimula ang pagsusulit,
sinamantala ko ang oras sa pagrerepaso't paggawa ng Assignment sa Social Science.
Nawala ang pokus ko sa pagrerepaso ng dumating si Hanna at Jaimarri at
maya-maya pa, may pagmamadali kaming nagtungo sa silid. Laking gulat namin
pagkat si Sir Anton ang Proctor namin
sa Math at bigla niyang tinuran na Singko raw ako sa PE,
halos malanta ako sa sobrang panlulumo't takang-taka pagkat nagpasa naman
ng Special Project, iyon pala'y nag-iinaso lang sa 'kin ang baklang
hampi damping iyon at parang sira ulong natawa sa tuwa.
5b-u. Sa una'y naging madali lamang ang Math exam pero
humirap sa mga sumunod na parte't di ako makapag-concentrate pagkat
panay hirit ng Jokes si Sir at nakaka-distract siya.
Isang oras ng lumilipas, wala pa sa kalahati ang nasagutan ko, kung kaya
nanghula-hula na lamang at di ko inasahang ganung kahirap ang pagsusulit sa Math.
Sa halip na dumeretso sa itinalagang silid, nanatili muna kami sa may koridor
at habang nakatitig sa malayo'y bigla akong nilapitan ni Clark Haven at
tahasang tinukso, nilayuan ko siya subalit nasunod ito saanman ako magpunta't
ipinagpatuloy ang panunukso. Ayaw ko siyang patulan pero nakakabanas na, nagawa
ko siyang hampasin at aksidenteng nasundot ng daliri ang mata niya.
5b-v. Nang masundot, bigla niyang hinampas ang ulo ko't saktong tumama ito sa
pader, nakaramdam ako ng sakit at di ko inakalang magagawa niya iyon. Tumigil
ito sa panunukso pero sakit naman ang pumalit at mananagot siya sa ginawa sa
'kin. Buti na lamang at di gasinong katindi ang pagkauntog at bahagyang may
umimpis na bukol.
Maya-maya'y nagtungo na kami sa sumunod na silid at General
Psychology ang sunod naming pagsusulit. Kahit may iniindang sakit,
nagawa ko pa ring magbasa ng husay at sumagot, medyo nahirapan lang ako pagkat
may ilan doon na lumabas na di pa naituturo. Habang isinasagawa ang pagsusulit
ang biglang pagpasok ni Ma'am Joyce at nagpamudmod ng Answer
sheet, sa muling pagkatatao'y nagkita kami ni Ma'am at kamustahan. Saglit
lamang ito at agad na umalis.
5b-w. Sumasakit talaga ang ulo ko nun at namamaga ang bukol kaya diretso
tungo ako sa Clinic matapos ang pagsusulit upang humingi
ng Pain reliever at magpatingin. Kahit na malokong tao
si Clark Haven at siya ang dahilan kung bakit dinadaranas ko ito,
nagawa ko pa rin ito pagtakpan ng magtanong ang Doktora't kaya ko nagawa iyon
pagkat ayaw kong lumaki ang gulo't kawawa naman siya kapag mapapatalsik,
pasalamat na lamang ang mokong na iyon at di ko siya isinumbong maging kay Mama
at kapakanan pa rin niya ang nanguna sa 'kin. Agad na nakarating kay Mama ang
nangyari sa 'kin kaya naging matanong ito't maalalahanin pag-uwi ko sa bahay at
di ko sinabi ang tunay na dahilan, sa takot na ito'y magalit.
5b-x. Ipinag-giitan ni Mama na ipatingin ko na raw ang ulo sa Doctor subalit
tumanggi ako't ayaw ko ng gumastos pa sila ng malaki. Ipinagpahinga ko ang
sarili matapos mananghalian at pagkagising, kaagad kong ginawa ang
Takdang-aralin sa Social Science at take home quiz.
Habang abala sa pagsagot na halos di na magkandaugaga, ipinabatid sa 'kin si
Ina na may mahalaga itong lakad mamayang gabi't ibinilin na bantayan ng maigi
ang kuya. Sa kadahilanang umalis si Mama samantalang nasa trabaho si Ate at
Papa, kaming dalawa lamang ni Kuya ang naiwan sa bahay at nakakalungkot na may
halong takot. Matapos maghapuna'y agad kong binuklat ang libro sa Chemistry at
nagrepaso. Ilang ulit ko ng inintindi ang Lesson subalit di pa
rin makuha't mukhang mahihirapan ako sa pagsusulit bukas. Malalim na ang gabi
subalit di pa bumabalik si Ina't halos mamugto na ang mata sa kakahintay. Gawa
na inaantok na kung kaya di ko na napigilan ang sarili sa pagtulog.
77 | 70 Pitong pung araw na lang, bago sumapit ang Pasko.
October
17, 2014
Friday
Year II-290
Friday
Year II-290
5b-y. Mga dakong Alas-kwatro ng maramdaman ko ang pagdating ni Mama subalit
sa antok ay pinili ko pang matulog kaysa alamin ang tungkol sa napuntahan niya.
Sadyang kay bilis ng oras at di namalayang Alas-Siete na ng muling magising
kaya agad na kong bumangon. May balak akong puntahan matapos ang mga pagsusulit
kaya bago pumasok, dali-dali kong inihanda ang susuotin at lingid iyon sa
kaalaman nila Mama. Pagdating sa eskwela, mga kamag-aral ko pa lamang ang
nadadatnan habang di pa dumarating ang Proctor, ipinagpatuloy ko
ang pagrerepaso sa Chemistry at halos mabuwang na ko sa
kakaintindi ng Lesson. Ngayong araw din ang pasahan ng Take home
quiz sa Social Science at di ko pa iyon natatapos, kumapit
na ko sa patalim at iyon ay mangopya.
5b-z. Sa pagdating ng Proctor ay kanya-kanya kaming balik sa
upuan at nagsimula na ang pagsusulit. Social Science ang aming
pagsusulit. Kahit di nakapagrepaso, naging madali pa rin naman ang pagsusulit
dahil sa Stock knowledge at isa pa'y itinuro na iyan ng Elementary at High
School. Nang Chronological Arrange na, doon na ako
nahirapan at naghula-hula na lamang.
Matapos ang pagsusulit sa Social Science at sa halip na
lumabas, nanatili lamang ako sa silid at nagrepaso sa Chemistry.
Labis akong nahihirapan sa pagrerepaso't nakakalito ang bawat paraan ng pag-solve,
nagpaturo na ko kay Nikko at di sana ako mangamote mamaya.
Maya-maya'y pumasok na ang panibagong Proctor at nagsimula na
ang pagsusulit. Di talaga kaya ng utak ang naging pagsusulit sa Chemistry kahit
nagrepaso na't nganga ako. Sa hirap, nanghula-hula na lamang ako't maliit ang
tiyansang maipapasa ang pagsusulit.
5c-a. Sa buong semester na ito, Chemistry subject ang
pinakamahirap at nakakapagbigay pa ng sakit sa ulo. Last day na
ng pagkikita namin for this semester kaya panay ang
pagpapaalam ng iba kong Kamag-aral na balak lumipat ng kurso o Seksyon. Ang sa
'kin lang, hiling ko na magkaklase pa rin kami sa susunod na Semester at
walang mabawasan. Pagkalabas, agad na kong nagtungo sa banyo upang magpalit
pagkat gagawi ako kina Tita Cleo. Hindi pa nga nakakarating sa
kanila, stressful na ko dahil sa tindi ng trapik at mga dakong
Alas-dos na ko nakarating sa lugar nila. Sa halip na dumeretso sa bahay
nina Tita Cleo, naisipan ko pang magpunta kung saan nagtatrabaho
si Tita Susan at pagkarating, nadatnan kong abala ito sa
pagtatahi ng sapatos at kami'y nagkwentuhang magtita. Bukod sa pagkukwentuha'y
ipinakilala rin ako ni Tita sa mga kasamahan nito't labis nilang pinasaya ang
araw ko pagkat nakakatuwa silang kausap kahit abalang-abala sa pagtatahi.
Habang sila'y nagtatahi, panay ang tingin ko sa bawat ginagawa nila't kahit
paano'y may nalalaman din ako sa paraan ng paggawa ng sapatos.
5c-b. Kahit halos mapagod ang paa sa pagpa-andar ng makina, Enjoyable ang
kanilang trabaho at di nakakabato. Mga bandang Alas-sais ng matapos ang gawain
ni Tita Susan at saka pa lamang kami nagtungo sa Bahay nila Tita
Cleo, abala ang dalawa kong pinsan sa pagkukumpyuter ng datnan namin at
saka lamang naghapunan. Habang ako'y nagkukumpyuter ang biglang pagdating naman
nila Tita Cleo at Tito Lito't tawang-tawa ako sa kanya
pagkat pagkamalan ba naman ni tita na ako raw si Darrel. Naging
matanong sa 'kin ang Tita Cleo maging ang Tito Lito kaya
di ko magawang itikom ang bibig. Habang ako'y nakahiga sa kama, dinig ko ang
mga kwento ni Tita Cleo sa mga anak at grabe, di ako makatulog
pagkat nakakakilabot ang mga kwinikwento niya't lalo pang sumidhi ng patayin
ang ilaw. Malapit nanaman palang sumapit ang Halloween, kaya uso
nanaman ang katatakutan.
76 | 69 Anim na pu't siyam na araw na lang, Bago sumapit ang Pasko.
October
18, 2014
Saturday
Year II-291
Saturday
Year II-291
5c-c. Habang himbing ang mata sa pagtulog ay naramdaman kong biglang may
nagkumot sa 'kin. Pagkadilat, di ko naman nakita't tulog silang lahat at
nagtataka ako kung sino ang nagkumot. Doon ay umigting na ang aking takot at
iniisip na baka may multo subalit ipinagsawalang bahala ko iyon at ipinagpatuloy
ang pagtulog. Malapit ng lumiwanag ng ako'y magising muli't agad na bumangon.
Pagsilip sa labas, umuulan pala't patay, di ako nakapagdala ng payong. Medyo
maaga pa kung kaya ako pa lamang ang dilat ang mata't nagpahangin sa labas.
Maya-maya'y gumising na si Tita Cleo at nagluto ng agahan.
Habang kumakain ng almusal, nagkwento ito sa akin ng nakakatakot pero
nakakatawa sa huli. Dahil sa mga kwento ni Tita, sa halip na takot ang umiral
sa dibdib ay tuwa. Ibig ko pa sanang manatili sa kanila pagkat masaya subalit kailangan
ko ng umuwi't baka hinahanap na.
5c-d. Mga bandang Alas-onse na ko nakauwi't agad na nananghalian. Habang
nagkukwento kay Mama ay bigla akong kinompronta ni Ate. Hindi pala niya
naibigin ang mga kwinento ko kina Tita Cleo tungkol sa kanya at
parang ipinapalabas niyang di na dapat ako nagsalita. Hindi ko siya maunawaan at bakit
kailangan pang itago, kung wala naman dapat ikatakot sa maaring mangyari,
masyado siyang mapaglihim at kahit ikwento ang simpleng bagay na tungkol sa
kanya, nagagalit ito. Maligaya ang araw ko't kahit di katanggap-tanggap sa 'kin
ang mga binibigkas niya, di ko na lang ito pinatulan at baka maulit muli ang
nangyari nung nakaraan. Matapos kumain ng pananghalian, agad akong nanood ng
Telebisyon at saktong maraming nag-gwapuhang kalalakihan ang nasubaybayan ko
sa Showtime na rumarampa't ang lalakas ng dating.
5c-e. Ngayon pala ang Grand Finals at upang tanghalin kung
sino ang Gandang Lalaki para sa taong ito. Bukod sa pinagpala ang kanilang
mukha'y ang gaganda rin ng hubog ng kanilang pangangatawan at mapababae o
binabae, di na maawat sa pagtili lalo na kapag nilalapitan. Sa antok, di ko na
naipagpatuloy pang manood ng patimpalak at nag-Siyesta. Pagkagising ay
agad akong nagtungo sa Computer shop at tamangPost lang
ng mga Quotes and photos sa Facebook at
hiling ko na maraming mag-like. Sa sobrang humaling sa Facebook,
inabot ako ng dalawang oras na tutok ang mata sa monitor at
lumaki ang bayarin ko sa upa.
5c-f. Kinagabihan, halos tumulo ang luha ko habang nanonood ng kwento
sa MMK pagkat kahit mahina na't malubha na ang karamdaman ng
tatay, di pa rin ito nagawang iwan ng kanyang anak at patuloy na inalagaan,
kaso binawian ito ng buhay sa bandang huli at kakalungkot isipin na kapag
inaalala mo ang maliligayang sandali na kasama siya't ibinuhos ang pagmamahal
sayo pero sa bandang huli, mawawala rin siya sa 'yong piling. Hindi pa ko
dinadalaw ng antok, kaya naisipan ko munang makinig ng musika bilang pampa-relax at
pampaantok. Sa tuwing nakikinig ng awitin, nababago nito ang pakiramdam ko't
kahit wala naman dapat ikasaya, nagiging masaya pa rin dahil sa musika.
Maya-maya pa'y naisipan ko ng matulog.
75 | 68Anim na pu't walong araw na lang, bago sumapit ang araw ng Pasko.
October
19, 2014
Sunday
Year II-292
Sunday
Year II-292
5c-g. Sa sarap at himbing ng pagtulog ko, nagnunumingning na ang sinag ng
araw sa may bintana ng ako'y magising at agad ng bumangon. Sumapit nanaman ang
araw ng Linggo at ito ang araw upang ilaan natin ang oras sa dakilang maylikha.
Medyo matagal-tagal na rin akong di nakakadalo sa Sunday Mass nina
Pastora Anna at kamusta na kaya ang lagay nila, may nadagdag kaya
sa kasapi nila? Matapos mag-almusa'y agad kong ginampanan ang gawaing bahay,
bakasyon grande nanaman kaya may oras muli upang maglinis sa loob ng bahay at
siyempre, maglakwatsa paminsan-minsan. Ng matapos ako sa pagwawalis,
pagkukumpyuter ang sunod kong inatupag. Naging napakaingay ng kapaligiran sa
labas dahil sa ganda ng boses ng kapit-bahay at akala'y sila-sila lang ang tao
sa daigdig.
5c-h. Sa ingay, di na tuloy kami magkaintidihan habang nag-uusap maging ang
pinapanood at di na talaga maiiwasan sa lugar namin ang Noise Pollution.
Di ko na matiis pang pakinggan ang nakakarinding ingay, naisipan ko munang
umalis at magtungo sa bahay nila Cathy. Saktong nadatnan ko
si Ate Ging na naggigitara pagkatungo ko't ipinabatid niya sa
'kin na Anniversary ng kanilang Church sa
susunod na Linggo't panay ang imbita sa 'kin na ikinagagalak ko naman. Himbing
sa pagtulog ang Cathy ng datnan ko't maya-maya'y ginising na
ito ni Ate Ging pagkat may ensayo pala sila para
sa Intermission Number. Sinamahan ko si Cathy sa
pagtungo sa may JOLIA Church at pagkarating ay ang
mainit nilang pagtanggap ang siyang isinalubong sa 'kin at nakakatuwa lang
pagkat sa kabila na halos tatlong buwan na kong di nakakapagsimba o bumibisita
sa kanila, di nila ako binura sa puso't isipan.
5c-i. Tamang kwentuhan na may kasamang tawanan kaming mga Youth
Fellowship at na-realize ko na sa kanila ko mahahanap ang
saya pagkat sila'y palabiro't di nawa ako magkamali sa aking iniisip. Iba
talaga ang mararamdaman mo kapag kasama mo ang mga taong malapit sa Diyos.
Maya-maya pa, nagtungo na kami sa Taas upang bumili ng props na
gagamitin sa kanilang Intermission number. Kahit magaan lamang ang
bitbit na karton kung malapad ito, naubos pa rin ang lakas ko't parang alila
nila ako, pero ayos lang basta't may maitutulong sa kanila at iyon ang paraan
upang lalo pang mapalapit ang loob. Pagkabalik sa Church ay
agad na namin sinimulan ang paggawa ng Props, medyo dumidilim at
matatagalan pa si Cathy na manatili roon, umuwi na ko subalit
biglang nagbago ang isip ko habang naglalakad at naisipan magtungo kina Regine.
5c-j. Ilang buwan na kong di nakakadalaw sa kanila't laking gulat ko pagkat
may Sari-sari store na sila. Bukod sa may tindahan sila, ang
laki rin ng pinagbago ng bahay at umayos at gumanda, mas maganda kung
ikukumpara sa 'min. Napag-alaman ko na si Ate Ajhing ang may
ari ng tindahan at sina Shiela lamang ang nagbabantay. Pumasok
ako sa tindahan at si Gelyn ang naatasang magbantay. Dati,
mahina ang ulo ni Gelyn pagdating sa Math nung
ito'y estudyante ko pa, pero marunong ng maghawak ng pera habang
nakikipagtransaksyon sa mga mamimili't di ko batid kung sa 'kin ba siya natuto
o sa iba? Kaso naloko ang Gelyn ng maibenta niya ng piso sa halip
na kwatro ang Mari Biscuit, nalugi tuloy sila ng bahagya. Bukod
kay Gelyn ay nandoon din si Annie maging sila
Aling Gina't kami'y
nagtsikahan. Nagtagal pa ko sa kanila hanggang Alas-siete't pagkauwi'y wala pa
ring katahimikan ang kapaligiran dahil sa Bidyooke. Tumahimik lang ng sumapit
ang Alas-dyis na aming ipinagpapasalamat at nakatulog ng matiwasay.
74 | 67 Anim na pu't pitong araw na lamang at bukas ay Pasko na.
October
20, 2014
Monday
Year II-293
Monday
Year II-293
5c-k. Dati kapag ganitong araw, kahit bitin pa ang aking pagtulog at medyo
inaantok pa, kailangan ng mag-utay-utay sa pagbangon upang ihanda ang sarili sa
panibagong araw ng pagpasok sa eskwela, subalit ay nagagalak ako pagkat
nagsimula na ang bakasyon at goodluck na lamang sa magiging
resulta ng mga pagsusulit at nawa'y naipasa ko ang lahat ng kinukuhang
asignatura. Maganda ang init sa labas kaya matapos mag-almusal, naisipan kong
labhan ang uniporme. Nakaramdam lamang ako ng konting yamot sapagkat ang
pinakamamahal at iingatan kong bag, walang kaalam-alam na isinilid
sa basurahan at sinabing bumili na raw ng bago pagkat sira na't samantalang sa
aking paningin ay ayos pa ito't dekalidad ang tibay. Isinalba ko ang bag mula
sa basurahang nilalangaw at nilabhan kasama ng mga uniporme.
5c-l. Matapos maglaba't magsampay, pagbabasa naman ng libro ang inatupag ko't
yamot muli sa sarili ang namutawi pagkat di ako matuto-tutong makaunawa
ng English at sa halip na matuto'y inaantok lamang ako. Interesting pa
naman ang binabasa pagkat tungkol sa pag-uugali ng tao ang nakatala't gusto ko
iyon maunawaan upang maging mahusay na Psychologist balang
araw at marunong kumilatis ng taong aking makakasalamuha. Pansamantala kong
initigil ang pagbabasa ng Psychology book ng
tanghalian at matapos ay ipinagpatuloy ko subalit di nagtagal pagkat di ko na
nakayang pigilan ang antok, nag-Siyesta ako. Pagkadilat ng mata,
bumuhos muli ang malakas na ulan at sinabayan pa ng pagkulog at kidlat kaya
labis ang aking takot.
5c-m. Kaagad naman tumila ang ulan, balak sanang gamitin ang paa sa paggala't
magtungo sa bahay ng kaanak o kaibigan subalit wala si ina't walang magbabantay
kay Kuya Al. Upang di lamunin ng pagkabato'y pagbabasa muli ang
inatupag ko't kahit paano'y nauunawaan ko na ang binasa't nangangahulugan na
nag-improve na ang kaalaman sa pag-unawa't sana'y
magtuloy-tuloy. Pagsapit ng gabi, anung dilim sa aming kapaligiran pagkat
di pa rin nanunumbalik ang Street lights at magdulot ng
peligro sa mga dumaraan kapag iyon ay magpatuloy, kahit na di maganda ang
maaring mangyari kapag madilim, natutuwa ako pagkat tahimik at maayos kong
napapakinggan ang pinapanood at maayos na makakapag-isip-isip tungkol sa
hakbang na isasagawa para bukas. Mugto na ang mga mata ko dala ng antok, kaya
diretso himlay na sa kamang kay lambot matapos manood ng paboritong programa.
73 | 66 Anim na pu't anim na tulog na lang, at pagkagising ay Pasko na.
October
21, 2014
Tuesday
Year II-294
Tuesday
Year II-294
5c-n. Medyo napasarap muli ang tulog ko kung kaya malapit ng mag-ikawalo ng
ako'y magising at ginhawa muli sa dibdib ang naramdaman na nagbigay gana upang
samantalahin ang mahabang bakasyon na gawin ang mga bagay-bagay. Gawa na ako'y
nababato, naisipan kong magbasa muli ng Psychology book at
ngayon ko lang nadiskubre't nalaman na Food Brain ang
pagbabasa pagkat kung ihahalintulad sa katawang nagugutom at nangangailangan ng
pagkain, sa oras na iyon, siyempre kailangan nating kumain ng sa ganon ay
mapawi ang gutom at nakakalikom pa ng sapat na bitamina, ganon din sa pagbabasa
na habang ikaw ay nagbabasa, bukod sa pinapawi nito ang iyong kamang-manga'y
nakakalikom ka pa ng mga kaalaman at lumalawak ang iyong kaisipan. Kaya sa mga
taong di sapat ang kanilang kaalaman upang gawin ang isang bagay, mahalaga ang
pagbabasa't isa ito sa pinakakailangan natin sa pag-aaral.
5c-o. Habang tutok ang mata sa kakabasa'y biglang nabali ang konsentrasyon ko
ng maulinig ang sigawan mula sa labas. Sumilip ako't mayroon palang di
nagkakaunawaan at palitan pa sila ng maanghang na salita. Ipinagpatuloy ko ang
pagbabasa matapos makiusyoso.
Maya-maya'y umalis na si Mama't kaming dalawa na lamang ni Kuya
Al ang naiwan. Grabe ang init sa labas at kaya nitong tustahin ang
balat kapag ibinilad kaya buong maghapong nasa bahay. Malapit ng mag-ikaapat
subalit di pa bumabalik si ina't mukhang di matutuloy ang balak ko't ano kaya
ang nangyari sa kanya? Lumipas ang ilang sandali ng dumating si Mama't tamang
lantak lang kami sa dala nitong pasalubong.
5c-p. Matapos kumain, naisipan kong magtungo sa computer shop at
muling nagkumpyuter. Malapit ng dumilim ng matapos ako sa pagkukumpyuter
subalit di ko pa ibig umuwi pagkat nakakabato kaya naisipan kong magtungo
kina Regine. Saktong nandoon sina Gelyn ng ako’y
tumungo't maging si Aling Gina. Habang nakaupo'y nakalibre ako sa
hapunan dahil sa nakahaing cake at kahit anung tanggi ko dahil
sa nararamdamang dungo, binigyan pa rin nila ako't halos maumay ako sa dami ng
kinain at ramdam ko ang kabaitan nila sa 'kin. Maya-maya'y nakipagkwentuhan ako
kay Annie at kakatuwa lamang siyang kausap pagkat nakikinig
ito't interesado sa mga sinasabi ko.
5c-q. Sa sarap ng aming kwentuhan, di
ko namalayang Alas-otso na't kinailangan ko ng umuwi. Habang naglalakad ay
takot sa dibdib muli ang nadarama ko di dahil sa madilim kundi baka mapagalitan
ni ina sa 'king pag-uwi subalit di naman natuloy ang aking pangamba. Medyo
busog na ang sikmura kaya kakarampot lamang ang nilamon ko't sabay nuod ng
telebisyon. Nakakapanggigil sobra na may halong tensyon sa napanood na eksena
sa Ikaw lamang ng itakas ni Natalia si Isabelle mula
sa kamay ni Franco at nagtagumpay nga sila. Natutuwa ako
pagkat nagkaayos na silang mag-ina at namulat na si Natalia sa
katotohanan na demonyo ang tatay niya. Gawa na di pa bagsak ang mata, naisipan
ko munang mag-soundtripat maya-maya'y natulog na ko.
72 | 65 Mayroon na lamang na Anim na pu't limang araw bago sumapit ang Pasko.
October
22, 2014
Wednesday
Year II-295
Wednesday
Year II-295
5c-r. Habang ako'y himbing sa pagtulog ay nagising na lamang bigla dahil sa
pananakit ng tiyan, pagkatutok ng mata sa orasan, Alas-dose pa lamang. Di
pangkaraniwan ang sakit ng tiyan na naranasan ko't marahil ay maraming hangin
ang pumasok habang ako'y tulog, iyon pala'y kailangan ko lang ilabas ang
masamang laman at nakailang-ulit ng balik sa banyo, tinamaan nanaman marahil
ng LBM. Saka pa lamang nakatulog ng huminto ang aking pagdurumi't
nanghina ako. Alas-siete na pala ng muling magising at sa paggising, nanumbalik
na ang aking lakas at animoy walang nangyari. Upang lalo pang lumakas, mainit
na kape ang naging agahan ko. Matapos humigop ng kape, ako'y nagbihis na pagkat
ako'y tutungo sa School upang kumuha ng gradong natamo para
sa First Semester.
5c-s. Habang papatungo'y wala ng patid ang kabang nadarama't iniisip na baka
may isang asignaturang tagilid ang grado subalit nanatili pa rin ang tiwalang
makakapasa. Pagkatungo sa may Registrar ay ipinabatid sa 'kin na
sa Lunes pa makukuha ang grade maging Enrollment,
parang bulang nawala ang kaba ng madinig ko 'yon at agad na umalis. Di ko pa
ibig ang umuwi't naisipan pang magtungo sa Fairview Terraces at
namasyal-masyal. Sa aking pamamasyal ay manakanaka pa lamang ang dagsa ng mga
madla't marahil ay maaga pa. Kung ikukumpara'y di hamak na mas maayos ang
posisyon ng mga bawat himpilan ng mga bilihin sa Fairview terraces kaysa
sa SM at kay kintab pa ng palapag. Ipinagpatuloy ko ang paglilibot
hanggang sa mahagip ng aking tingin ang mamahalin at magagarang relo.
5c-t. Nakakaakit ang ganda ng mga relo't ibig itong bilhin at ariin subalit
wala akong sapat na pera pagkat maladyamante ang presyo. Habang ako'y nakatitig
ay may isang lalaking lumapit. Sa unang tingin ay aakalaing banyaga dahil sa
hitsura nito pero laking gulat ko pagkat nakakapagtagalog ng alukin niya
ko.Pang-akit ang kaputian at kakisigan niya't tila nahi-hypnotize ako
subalit tumanggi pa rin ako sa kanyang alok pagkat di kaya ng bulsa't agad
akong umalis. Kahit nakalayo na, nakatatak pa rin siya sa isipan. Mga bandang
Alas-dose ako nakauwi't sa gutom ay agad akong nananghalian. Matapos ay nag-Siyesta na
ko. Mga bandang Alas-dos ng magising ako't malakas muli ang buhos ng ulan sa
labas subalit agad din tumila.
5c-u. Sa pagtila ng ulan, agad akong lumabas upang magkumpyuter at
ipagpatuloy ang gawain. Naging napakaabala ko sa 'king gawain kung kaya di
namalayang nakakadalawang oras na sa renta't lumalaki na ang bayarin,
kinailangan ko ng mag-log-out. Hirap talaga ng buhay kapag parati kang
rumerenta, sakit sa bulsa. Sa halip na diretso uwi, naisipan ko pang
bumisita kila Auntie Cleng at nakipagkwentuhan. Sa sarap at
saya ng aming mga napag-usapan, hindi namalayang madilim na sa labas at
kailangan ko ng magpaalam. Naging pahirapan sa akin ang bagtasin ang daanan
pagkat bukod sa madilim ay takot at kaba ang namutawi sa dibdib pagkat daming
naglipanang loko-lokong maaring samantalahin ang dilim upang makapangbiktima.
Buti na lamang at ligtas akong nakauwi't diretso lamon ng nalutong ulam at nuod
ng paboritong programa. Sa antok ay agaran akong nahiga't ipinikit ang mata
matapos manood atnawa'y wala mangyaring masama sa magdamag.
71 | 64 Anim na pu't apat na araw na lamang ang nalalabi bago sumapit ang Pasko.
October
23, 2014
Thursday
Year II-296
Thursday
Year II-296
5c-v. Kalat na ang liwanag sa labas ng ako'y magising at animoy kay kulay ng
umaga ko na nagbigay gana upang gawin ang naising gawin ngayong bakasyon
grande. Matapos kumain ng agahan ay gawaing bahay agad ang inatupag ko't
nakakalibang sa pakiramdam kapag may ginagawa kaysa sa pakuya-kuyakoy lamang
ang Paa na wala naman mangyayari. Pagbabasa ang sunod kong inatupag matapos ang
gawaing bahay at medyo nawiwili na rin kahit di pa lubos maunawaan ng isip kung
ano ang binabasa't umaasang balang araw ay uunlad rin ang aking pag-unawa't
magiging malawak ang isip. Sa sobrang abala sa pagbabasa'y di ko namalayang
oras na upang lumantak. Kanina pa kumakalam ang sikmura kaya diretso tungo ako
sa mesa at banat ng nakahaing pagkain.
5c-w. Naging napakaalinsangan ng lagay ng panahon kinatanghalian kaya hirap
akong mag-Siyesta, bilang
pampalibang ay naisipan kong manood ng Telebisyon at sa lahat ng naunang nag-perform na
kasapi ng Showtime Familyay sa Performance nina Vice Ganda at Ryan Bang ako
naantig at kinabog nito ang natutulog kong damdamin pagkat si Vice
Ganda na isang batikang Komedyante ay First time lang
magpa-iyak ng madlang People. Makabagbag damdamin ang ipinakita
nilang performance sa mga manonood pagkat ang bida sa kanilang intermission number ay
ang mga may kapansanan at kakaiba sa Mundo't nakaka-touch ang
mensaheng kanilang inawit na mismong si Vice Ganda pa ang
lumikha. Ipinapahiwatig nito na di dapat natin kutsain ang mga taong kakaiba
bagkus ay tulungan natin sila at iparamdam kung gaano natin sila kamahal, sa
totoo lamang ay di ko mapigilang maluha.
5c-x. Matapos manood ng telebisyon at gawa na medyo nababagot ng lagay kapag
walang bagay na pinagkakaabalahan, naisipan kong linisan ang palikuran. Halos
mangaubos ang taglay na lakas sa kakakuskos ng pader na nanggigitata sa kapal ng lumot at halos maubos na rin ang Kloroks sa
kakasaboy nito subalit di ako sumuko't ipinagpatuloy ang pagkukuskos. Nang
makitang maputi na ang pader, saka pa lamang ako huminto't sana'y ikatuwa ni
Mama ang ginawa ko.
Kinagabihan ay naging kaabang-abang muli ang eksena sa Ikaw Lamangpagkat
malapit ng magtuos si Gabriel at Franco subalit
di natuloy dahil sa napakatuso ni Franco at nagtanim pa ng
bomba sa mismong harapan niGabriel at ito nga'y sumabog. Mukhang di
ko na gugustuhin pang manood ng Ending ng Ikaw Lamang pagkat
mamatay pala si Gabriel sa bandang huli at di ko mapigilan ang
sariling mangigil sa tuwing masisilayan ang mukha ni Franco. Kaagad
na akong humiga sa kama matapos manood ng paboritong programa.
70 | 63 Anim na pu't tatlong araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
October 24, 2014
Friday
Year II-297
5c-y. Dakong Alas-tres ng madaling araw ng magising ang natutulog kong
katawang lupa, gawa na di na nakakaramdam ng antok ay kaagad na akong bumangon
kahit medyo maaga pa't naisipang magbasa. Di pa man sumasapit ang buwan ng
Disyembre'y dama na ng katawan ko ang lamig na siyang nagpangatog at
nagpaigting sa aking katamaran subalit nilabanan ko iyon at ipinagpatuloy ang
pagbabasa. Sobrang ginaw talaga at di na kaya pa ng katawan ang tiisin ang
lamig na bitbit ng Hanging Amihan kaya itinigil ko
na ang pagbabasa at muling natulog. Boses agad nila Mama at Papa na halatang
may pinagtatalunan ang naulinig ko sa muling pagdilat ng mata, umaga na pala't
tirik na ang haring araw sa labas kaya agad ng bumangon at nag-almusal. Matapos
kumain ng agahan ay kaagad kong ipinagpatuloy ang pagbabasa at inis ang
namayani sa dibdib pagkat sa halip na pumasok sa utak ang binabasa'y inaantok
lamang ako subalit di ako panaig sa katamaran at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
5c-z. Tutok na tutok ng husto ang mga mata sa napakakapal na aklat na tila
malabong matapos sa dami ng nakasulat kung patigil-tigil at di namalayang
sumapit na ang Alas-Onse. Sa kakabasa'y mugto na ang aking mga mata kung kaya
nagpasyang ipagpahinga muna. Maya-maya'y bigla akong inutusan ni Papa na lagyan
ng karga ang Wi-Fi broadband at umiral agad ang
sabik sa dibdib kaya di ko na nagawa pang tumanggi. Nang malagyan ng
karga'y one to sawa ako sa kaka-surf ng Internet by
the use of my Phone at nakaligtaan ko na ngang kumain dahil diyan.
Kami talagang mga kabataan, di maawat na itutok ang mata sa Internet at
kamay na mag-click ng kung-ano-ano kaya madalas ay napapahamak,
sabi nga nila Think before you click at huwag magpadalos-dalos
upang ang life ay still alright. Hindi ako nag-Siyesta at
buong maghapong tutok ang mata sa kakapanood ng video sa Youtube.
5d-a. Nakakaenganyong manood ng Fantasy movie pagkat
kahit kathang isip lamang ang mga Magic ay di mo mapigilan ang
sariling mahalina. Sana'y katulad ng sa atin ang mundo nila na Wonderful at
napapadali ang pamumuhay nila dahil saMagic. Kung pwede lamang madyikin
ang mga konkretong bagay at gawing pera, di na sana tayo gumagapang sa hirap at
mapapasakamay ang ibig subalit napakalabong mangyari iyon pagkat
napakaimposible at mananatiling kathang isip lamang ang Magic. Ano
kaya ang purpose ni God kung bakit binuhay
niya tayo na walang taglay na kapangyarihan gaya niya?
5d-b. Kinagabihan at kahit di ko na ibig pang abangan ang Ending ng Ikaw
Lamang ay sinubaybayan ko pa rin ito at laking gulat ko ng biglang
lumitaw si Gabriel at itangkang itakas si Andrea subalit
nahuli ito ng tauhan ni Franco at sukdulan na ang pagkademonyo
niya na dinaig pa si Satanas. Kawawa si Gabriel kay Franco pagkat
parang insekto lamang kung apak-apakan at dumanak ang dugo mula sa kanyang
katawan subalit lumaban pa rin ito. Sa huli'y natuldukan din ang kasamaan
ni Franco at naipagpatuloy nina Andrea at Gabriel ang
kanilang pag-iibigan na naudlot nina Samuel at Isabelle.
Sa tana ng buhay ko bilang isang manonood ay isa na angIkaw Lamang sa The Best
teledrama Series at di maiwawaglit
sa isipan.
69 | 62 Anim na pu't dalawang araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
October 25, 2014
Saturday
Year II-298
5d-c. Pakiwaring ako'y nakahilata sa ulap ng magising ang nahihimbing kong
pagkatao't kasingkulay ng bahaghari ang aking pakiramdam na nagbibigay buhay at
sigla sa umaga ko, hinihiling na nawa'y parating ganito't di puro bigat at
negatibo ang nasa isip. Upang lalo pang sumidhi ang siglang namamayani sa
dibdib ay naisipan kong magpatugtog ng awitin. Singtaas ng sikat ng araw ang Energy ko
kaya ganadong-ganado sa gawaing bahay at nagagawa pang sumayaw kahit di na
magkandaugaga sa dami ng gawain. Hindi man lang lumasap ni gahibla ng pagkahapo
matapos ang gawaing bahay at naisipan ko pang ituon ang mata sa pagbabasa.
Gaano man kaaliwalas ang panahon kaninang umaga'y ganoon naman katindi ang
alinsangan pagsapit ng tanghali na halos ikatupok ko na't matutusta ang
sinumang magbilad, ibig sanang igala ang sarili sa labas subalit mainit na
panahon ang pumigil sa aking naisin. Naipagpatuloy lamang ang naudlot na balak
pagsapit ng hapon at naisipang ilaan ang oras sa pagkukumpyuter.
5d-d. Matapos magkumpyuter at sa halip na idako ang yapak sa sariling tahanan
ay naisipan pa nitong tumbukin ang bahay nila Regine. Habang ako'y
papatungo ay saktong nakasalubong ko si Angelica, masaya itong kausap kaya sa kanila na ako tumungo't mamatay-matay ako sa kakatawa
pagkat daming alam na kabalbalan itong si Angelica. Maya-maya'y
kila Ate Kris ako nagtungo't sa halip na mairita'y nalibang
ako sa kaharutan ni Christian at namumutiktik ang buong
katawan nito sa katisuyan at marahil ay Gandang lalaki paglaki. Di na ko
nagtagal pa kina Ate Kris at sumunod ay sa bahay naman
nila Cathy ako dumako't nadatnang abala silang magpapamilya sa
pag-iimbak ng mga pagkain pagkat tutungo sila sa JOLIA Church.
5d-e. Namayani agad ang hiya ko sa dibdib ng alukin ni Ate Ging na
sa kanila na maghapunan subalit sa gutom ay di na
ko nakahindi pa't kinapalan ang mukha sa paglantak. Matapos namin maghapunan ay
agad ng nagtungo sa JOLIA Church. Bukas na idaraos ang anibersaryo
ng pagkatatag ng kanilang Church kaya kita ko kung gaano sila
kaabala sa paghahanda lalong-lalo na si Pastora Anna na Double
time sa pagkilos at pagsasaayos ng kubyertos. Tumulong pa ko sa
kanilang magbuhat ng mga Mesa at ng sumapit ang ikasiyam ng gabi, kinailangan
ko ng magpaalam sa kanila, sa takot na masaraduhan ng pintuan. Malapit ng
mag-ikasampo subalit naglipana pa rin ang mga bulakbol sa lansangan at patuloy
na naghahasik ng kaingayan, bahagyang naging payapa ng may sumita sa kanila't maya-maya pa'y naisipan ko ng matulog.
68 | 61 Anim na pu't isang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
October 26, 2014
Sunday
Year II-299
5d-f. Mga dakong ikawalo pa magsisimula ang program kung
kaya Alas-sais pa lamang ay gumising na ko at magkahalong tuwa at sabik agad
ang umiral sa dibdib. Di pa man ramdam ang gutom sa sikmura subalit nag-agahan
pa rin upang di magutom mamaya. Matapos kumain, mas maaga pa sa Alas-kwatro ng
ako'y magbihis at ng makabihis ay lumakad na ko subalit sa halip na dumeretso
sa Church ay naisipan ko pang magtungo sa bahay nina Sister
Minerva. Nagbibihis pa lamang sila ng mga oras ding iyon at maya-maya'y
tumulak na ang aming yapak patungong JOLIA Church.
Napalitan ng hiya ang kaninang sabik sa dibdib pagkat pakiramdam ko'y di ako
kabilang sa kanila at marahil ay iniisip nila na kaya lamang ako dumalo dahil
may okasyon pero kapag ordinaryong pagtitipon ay di man lang maisipang tumungo
subalit ipinagsawalang bahala ko ang nasa isip.
5d-g. Ilang saglit pa'y nagsimula na ang Programa na pinagunahan
ni Sister Malou at kami'y matiim na nanalangin. Pagkatapos ay worship na
at kita ko sa kanila ang kagalakan habang umaawit sabay umiindak. Sumunod ay
nagsalita na ang Pastora Anna sa harapan upang ihayag ang
naging history ng pagkakatatag ng kanilang Church.
Nang si Pastor Rick Katipunan na ang magsalita, bukod sa
maraming aral kaming napulot ay panay ang hagikhikan dahil hinahaluan niya ng
katatawanan, tumagal ng halos dalawang oras ang pagsasalita niya sa dami ng
sinasabi. Maya-maya'y nagkaroon na ng intermission number at
ang huhusay ng ipinakita nilang gilas sa pagsasayaw at sabay-sabay pa. Malapit
ng sumapit ang Ala-una ng matapos ang programa't kami ay nagsikainan na. Iba't
ibang putahe ang nakahain sa mesa't labis ang aking pagkabusog sa dami ng
kinain. Kahit kakaunti lamang ang dumalo sa pagdiriwang ng Anibersaryo'y masaya
pa rin naman.
5d-h. Matapos kumain ay umuwi na kami't agad na nag-Siyesta pagdating
sa bahay. Medyo nasarapan ako sa pagtulog kaya di namalayang Alas-kwatro na't di
pa man naaalis ang muta'y agaran ng nagtungo sa Computer shop. Habang abala ako sa
'king gawain ay may isang lalaking lumapit at pinakiusapan akong lumipat, sa
unang tingin ay aakalaing butangero ito sa hitsura subalit magalangin naman at
mabait kaya agad akong pumayag. Nalintikan lang ako pagkat di supported ng Microsoft
Office ang mga Files ko't di pala ito naka-install ng
ako'y lumipat, ilang PC na ang nalipatan ko subalit ganun pa
rin at nagpasyang lumipat ng ibang shop. Laking pagsisisi ko sa
aking pagpayag at naantala tuloy ng tagal ang aking gawain. Nabuksan naman ang
mga Files ko ng lumipat at naipagpatuloy ang gawain, iyon nga
lang ay mabagal mag-respond ang Computer at
kinailangan pang magtiyaga.
5d-i. Pagkatapos ay nagtungo pa ako sa bahay nila Angelica upang
makipagkwentuhan subalit ipinabatid sa 'kin ng kanyang Mudra na
nasa Subdivision ito, ayaw ko pang umuwi't kina Ate
Bing naman ako tumungo. Wala pa ring pagbabago sa sitwasyon at
kaharutan ni Aira ang siyang isinalubong sa 'kin at idagdag pa
si Baby Clarence samantalang panay ang pagsasaway ni Ate
Bing sa kanila. Lumagom na ang kadiliman sa labas kaya kinailangan ko
ng magpaalam. Maaga pa magigising kinabukasan
upang kuhain ang Grade para sa First Semester kaya
maaga akong natulog. Sa kabang nadarama, hindi naman ako makatulog at iniisip
paano kung may tagilid ako?
67 | 60 Anim na pung araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
October 27, 2014
Monday
Year II-300
5d-j. Di pa man dumidilat ang liwanag sa labas ng ako'y magising at kahit
nanalaytay pa ang antok sa pagkatao'y kailangan ko ng bumangon at mag-utay-utay
sa pagkilos upang di maabutan ng mahabang pila sa Tricycle. Mga
dakong Alas-sais pa lamang ako nakaalis at pagdating sa eskwela'y manaka-naka
pa lamang ang pagdating ng mga estudyante. Kaagad na akong nagtungo sa pila
kung saan ang kuhaan ng marka at pati na rin Enrollment. Kakaunti
pa lamang kaming naroroon subalit habang tumatagal ang unti-unting pagdami ng
mga Estudyante't sakit sa pandinig ang kaingayan nila subalit wala akong
magagawa kundi magtiis. Maya-maya pa'y nagsimula na ang bigayan ng Grade at
halos magkaroon na ng Rayuma sa tagal na nakatayo. Habang papalapit ang oras
upang malaman ang naging resulta'y balot na ng kaba ang aking dibdib subalit
napalitan ng pagkadismaya ng di ako payagan ng gwardiyang kumuha pagkat ako'y
nakasibilyan.
5d-k. Nakakainis at nasayang lamang ang pagpunta ko. Hindi ko pa ibig umuwi
kaya naisipan pang magtungo sa Bulacan upang dalawin
sina Ate Anne subalit pagkarating ay di ko na kabisado ang
patungo sa kanila. Nilibot ko na ang buong komunidad subalit di ko pa rin
masumpungan kung saang lokasyon nakatirik ang kanilang bahay, nagpasyang umuwi
na lamang. Habang ako'y nasa biyahe'y natuklasan kong naubos na ang allowance na
ibinigay ni ina, kinailangan ko tuloy gamitin ang pambayad sa pangmatrikula
upang may maipangbayad sa pamasahe. Pagdating sa bahay ay naglalagablab na
sermon ni ina maging ni ate ang inabot ko dahil lamang sa kinaltasan ko ang
pambayad sa Tuition Fee. Batid kong may pagkakamali ako't
sising-sisi pa nga sa katunayan kaya tikom ang bibig ko't di ipinabatid na
nagtungo kina Ate Anne sa takot na umatikabo ang kanilang
galit.
5d-l. Matapos mananghalian ay agad na kong nagsiyesta. Pagkagising ay naisipan kong magtungo kina Angelica subalit sa
muling pagkakataon ay wala ito, sa bahay nina Ate Kris na
lamang nagtungo't busy sa kakadutdot ng Selepono kaya di
makausap ng matino. Hindi na ko nagtagal pa sa kanila. Buti pa si Ate
Leleng na kahit di na magkandaugaga sa dami ng nilalabhan ay
nangingiming kausapin ako. Naghihingalo na ang liwanag ng maisipang umuwi't
diretso lantak ng nilutong ulam, kaya itong si ina'y muling nagpamalas ng
matatalim na salita subalit pinabayaan ko na lamang siya't di na tinapatan pa.
Maaga nanaman akong magigising bukas kaya kaagad akong natulog matapos manood
ng Telebisyon.
66 | 59 Limang pu't siyam na araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
October 28, 2014
Tuesday
Year II-301
5d-m. Kung nagsuot lamang ako ng uniporme kahapon, di sana'y tapos na ang
obligasyon kong magtungo sa paaralan upang kumuha ng Marka at medyo tinatamad
na ring bumangon subalit nilabanan ko iyon at karakarakang nagtungo sa
paaralan. Napaaga naman marahil ako't wala pang katao-tao ng makarating. Kaagad
na kong nagtungo kung saan ang kuhaan ng grade at kasabay ng
pagtungo roon ang panunumbalik ng kaba sa dibdib at di ako nasasabik na
masilayan ang resulta ng aking pag-aaral. Ilang saglit ang lumipas, nagsimula
na ang bigayan ng grade at di akalaing nasa pangatlong pila
ako kaya kaagad naman nakapasok. Pagkatingin
ng Grade ay umaapaw ang aking ligaya sapagkat naipasa ko ang
lahat ng Asignatura't abot langit ang pagpapasalamat sa Maykapal. Habang ako'y
papauwi ay saktong nakasalubong sina Jhanina at kahit na di
naging katanggap-tanggap sa aking pandinig ang mga sinabi niya ng nakaraan,
kinalimutan ko na 'yun at nagawa pa rin makisama sa kanila subalit di ko na
nagawa pang samahan ng sila'y pipila na't mas piniling umuwi na lamang.
5d-n. Sa katunaya'y hindi ko pa ibig ang umuwi at naisipang magkumpyuter
muna, labis ang pagkaenganyo ko sa kaka-online sa Facebook at
di namalayang sumapit na ang tanghaling tapat. Pagkauwi'y may sabik sa dibdib kong ipinakita kay Mama ang natamong marka. Maya-maya pa'y
nananghalian na ko't pagkatapos ay muling nag-Siyesta. Hindi naman
makatulog gawa na napakaalinsangan sa labas kaya bumangon na ko't nanood ng
Telebisyon. Matapos manood ng programang aking kinababaliwan at gawa na walang
maisipang gawin, pagbabasa ang inatupag ko sa maghapon. Kinagabihan naman at
gawa na di pa dinadalaw ng antok, naisipan kong magsulat ng kwento. Doon ko
lamang nadiskubre na madaling paganahin ang isip tuwing gabi, bandang
hating-gabi na ko natulog.
65 | 58 Limang pu't walong araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
October 29, 2014
Wednesday
Year II-302
5d-o. Magdamag na bumuhos ang malakas na ulan na nagbigay lamig sa umaga't
nagpasarap pa lalo sa 'king tulog. Inaakalang sisikat pa lamang ang haring araw
sa dilim ng kalangitan subalit nagkakamali't sumapit na ang ikapito ng umaga.
Kaagad kong ipinagpatuloy ang paglikha ng kwento matapos mag-almusal at di pala
basta-basta maging Writer ng mga kwento sapagkat
nangangailangan na may malawak kang pag-iisip, kung ipinanganak ako na may
ganung abalidad ay di sana ako mahihirapan sa paggawa ng kwento subalit di ako
umayaw at ipinagpatuloy ang gawain. Sa sobrang abala'y di ko na namamalayan ang
oras at sumapit na pala ang tanghali, hudyat na oras na upang kumain. Itinigil
ko muna ang paglikha ng kwento't kumain.
5d-p. Matapos ay nagpatuloy ako sa paglikha ng kwento subalit naudlot ang
aking naisin pagkat nakakaramdam na ko ng antok, nag-Siyesta muna
ako. Pagkadilat ng mata'y saka pa lamang ipinagpatuloy ang paglikha ng kwento
at maghapon ko iyon pinagkaabalahan. Naging maulan ang panahon na siyang lalo
pang nagpagana sa 'kin na gawin ang nasimulan. Sadyang kay tulin ng oras at di
napansing gumagabi na't kailangan ng lagyan ang sikmura para sa hapunan subalit
di pa nakakaranas ng gutom, sige ako sa pagsusulat na tilawalang kapaguran ang
kamay at kahit ito’y namamaltos na. Maya-maya pa'y nagtungo na ko sa mesa't
naghapunan. Sa kada nguya’y matindi ang aking paglasap at ninanamnam ang bawat
kurit ng piniritong isda. Hindi pa talaga ako inaantok nun kaya matapos manood
ng telebisyon, paggawa muli ng kwento ang inatupag ko't dibdiban iyon
pinagpuyatan.
64 | 57 Limang pu't pitong araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
October 30, 2014
Thursday
Year II-303
5d-q. Anung lamig muli ang aming naranasan nitong umaga na animoy
malapridyider ang lamig at halos mamaluktot na kahit balot ang katawan sa
makapal na kumot, di pa man sumasapit ang buwan ng Disyembre ay dama na ang
lamig at kita ko na nababalot ng napakakapal na hamog ang kapaligiran. Bilang
pampawi ng lamig, humigop ako ng mainit na kape at matapos ay agad kong
inatupag ang gawaing bahay, kahit nauupos ang lakas sa dami ng ginagawa,
nagagawa pa rin ng sarili na maglibang at sa sipag ay agad ko naman natapos.
Paglikha ng kwento ang sunod kong inatupag at nakakairita lamang pagkat hirap
mag-isip ng mga seryeng idudugtong upang maging angkop ang takbo ng kwento.
Doon ko naisip na di biro ang maging Writer ng kwento at
kailangan ay may malawak kang pag-iisip, kahit nahihirapa'y ipinagpatuloy ko pa
rin ang paglikha ng kwento, nagbabakasakaling mapapagana ng maayos ang isip
subalit sa halip na mangyari ay sumasakit lamang ang ulo ko.
5d-r. Maya-maya at dala na di pa kumakain, pansamantala kong itinigil ang
paggawa ng kwento at nananghalian. Medyo nakakaranas ng init pagsapit ng
tanghali kung kaya nawalan na ko ng sipag sa paggawa ng kwento at umidlip
pansamantala. Pagkagising ay saka ko pa lamang ipinagpatuloy ang paggawa ng
kwento at maghapon ko iyon inatupag hanggang sa sumapit ang gabi. Kasabay ng
pagsapit ng gabi ang mauulinig na ingay mula sa labas at nakakawala ng
konsentrasyon sa kung ano ang 'yong pinagkakaabalahan. Bakit ganito parati sa
paligid namin na tila walang katahimikan at nakakarindi pa sa pandinig. Habang
tutok ang mata sa panonood ng telebisyon ay may kung anong sigawang nadinig at
tila may kaguluhang nagaganap, lumabas ako't nakiusyoso.
5d-s. Sa totoo lamang ay di na bago sa lugar namin ang pagkakaroon ng hidwaan
at di na marahil maiiwasan. Dapat ay tanggapin na lamang kung anuman ang
sitwasyon sa aming lugar at matututo na lamang makihalubilo sa kanila. Sa halip
na matulog ay nagpuyat pa ko sa paggawa ng kwento at sa dami ng naiisip ay tila
di ko matapos-tapos. Ako na lamang pala ang gising sa amin at gumuguhit na ang
takot ko sa dibdib dahil sa aking palagay ay naglipana na ang ligaw na mga
kaluluwa ng ganoong oras na maaring magpakita sa iyo at manakot subalit
ipinagsawalang bahala ko na lamang ang aking imahinasyon at ipinagpatuloy ang
pagsulat ng kwento. Maya-maya pa'y naisipan ko ng matulog at may panghihilakbot
akong nagtungo sa kwarto pagkat madilim.
63 | 56 Limang pu't anim na araw na lamang bago magpasko.
October 31, 2014
Friday
Year II-304
5d-t. Huling hirit na sa buwan ng Oktubre at bisperas ng Undas kung kaya kaliwa't
kanan na ang katatakutan kapag kumagat ang gabi at pagdaraos ng Halloween
party. Ang mga Pilipino talaga, basta't sumapit ang
ganitong panahon ay di mapipigilan ang sarili na bumisita sa kanya-kanyang
kaanak na nakahimlay sa mga sementeryo at likas sa atin ang pagiging mapagmahal
kahit wala na siya sa Mundo. Buti pa ang patay, ginagalang at pinapahalagahan
samantalang yung mga taong nabubuhay pa, hindi makita kung gaano sila kahalaga
at madalas ay hinuhusgahan pa. Medyo napasarap ang tulog ko, singsarap ng pagkaing pangmayaman kaya mga dakong ikawalo na nagising.
5d-u. Matapos kumain ng agahan ay agad akong naghugas ng mga plato at sa
dami'y halos abutin ako ng isang oras na babad ang kamay. Sunod ay pagwawalis
at pagpupunas naman ng sahig ang sunod na inatupag. Simpleng gawaing bahay
lamang iyan kung kaya di man lang nabawasan ang enerhiyang taglay ko't naisipan
pang maglaba ngunit wala namang nakatambak na labada, paggawa na lamang ng
kwento ang muli kong inatupag.
Naging abala ako sa paggawa ng kwento kaya di namalaya ang oras at
Alas-onse na pala. Bukas pa gugunitain ang Undas subalit dagsaan na ang madlang
bumibisita sa kanya-kanyang puntod ng kaanak at kabi-kabila na rin ang
pagsusuot ng horror costume at paglalagay ng make-up sa
mukha upang lumabas na nakakatakot, kaugalian na nga ng mga Pinoy ang
ganitong aktibidad taun-taon.
5d-v. Diretso Siyesta ako matapos manood, hindi naman
makatulog pagkat dama ng katawan ang init sa labas. Bumangon na lamang ako't
naupo. Ng mapansing bahagya ang paglilim sa labas ay naisipan kong
magkumpyuter. Kabaligtaran naman ang nangyayari sa tuwing ako'y nasa shoppagkat
sa halip na madinig ang ingay mula sa umuupa ay sa nagbabantay ko iyon nadinig
at nakakairita sa pandinig ang wagas nitong pagtawa
na animoy huling araw na ng buhay, nagtiyaga na lamang ako sa ingay niya at di
naglaon ay naisipan ko ng umalis.
Dumeretso pa ko sa bahay nina Regine (Miano) at
si Annie lamang ang nadatnan ko na abalang-abala sa pagdutdot
ng selepono, hirap tuloy hulihin ang atensyon niya habang ito'y kinakausap at
nagiging matipid ang pagsasalita. Sumunod naisipan ko naman magtungo sa bahay
nina Cathy at nadatnang tutok ang kanilang mata sa panonood
ng Horror Movie kaya panay ang aming sigawan
subalit ay may aral akong natutuhan at iyon ay huwag basta-basta manghusga ng
kapwa.
5d-w. Di ko lang lubos malaman kung bakit may mga ipinanganak na tao na mas
uunahing tingnan ang kaanyuhan ng iba kaysa sa sarili nila. Ang kaninang takot
na namumutawi sa dibdib ay napalitan ng saya ng magkwento si Kuya
Wilson at grabe ang pagtawa namin. Pakiramdam ko, ang saya-saya ng
araw ko dahil sa kanila at doon ko nahanap ang saya. Buti pa ang pamilya
nina Cathy, kahit minsan di nagkakasundo-sundo, nakikita ko kung
paano ang kanilang lambingan at lubos ko 'yun kinakainggit. Gumuhit agad ang
hiya sa dibdib ng alukin ako ni Ate Ging na sa kanila na
maghapunan at todo tanggi ako subalit kagustuhan pa rin niya ang nasunod at sa kanila na nga ako naghapunan. Madilim-dilim na sa labas at sa
takot na sumambulat sa harapan ang nakakahindik na elemento, kinailangan ko ng
magpaalam sa kanila habang di pa lumalalim ang gabi. Malapit ng sumapit ang
Alas-dyis subalit maingay pa rin ang kapaligiran at rinding-rindi na ko, tila
wala ng katahimikan talaga sa Mundo. Bago matulog ay sumulat muli ako ng
kwento't mga dakong Alas-onse na naisipang matulog at di na binalak pang
salubungin ang Undas.
62 | 55 Limang pu't limang araw na lamang bago sumapit ang Pasko, pero bago iyan ay gugunitain muna ang Pista ng mga taong namayapa na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento