November 01, 2018
Thursday
(All Saint’s Day)
Year VI-305
Thursday
(All Saint’s Day)
Year VI-305
12U-D. Araw ng paggunita sa mga namayapa nating
mahal sa buhay na ngayon ay patuloy pa ring nakaantabay sa atin kahit wala na
sila sa mundong ibabaw. Kahit na wala ang mahal natin sa buhay, hindi
nangangahulugang patay na pagkat hangga’t nasa puso’t alaala natin sila,
nanatiling buhay hanggang sa ating huling hininga. Napasarap nanaman ang tulog
ko kaya ganap nang sumikat ang araw nang magising at napagpasyahan na ring
bumangon. Yung tipong araw ng Undas at dapat sana ay payapa ang paligid namin
pagkat araw ng pagluluksa at para magbigay daan na rin sa mga namayapa na
subalit walang pinagbago ang lagay ng aming lugar sa mga ordinaryong araw
pagkat nag-uumapaw ang kaingayan at lakas pa man din magpatugtog ang
kapit-bahay, tila walang pakialam sa mga nakapaligid sa kanya’t sa yamot ko,
muntikan nang isumpang sana dalawin ito ng mga multo nang patayin nito ang
tugtog kaso kapalaran na ang bahala sa kanya at sa mga taong walang respeto sa
bawat bagay dito sa mundo.
12U-E.Medyo nababagot ako ng lagay at para
magkaroon naman ng kwenta ang bawat oras na lumilipas, pagsusulat ng kwento ang
aking pinagkaabalahan. Bukod sa pagsusulat ng kwento’y naisipan ko rin maglinis
sa loob ng bahay. Parang dinaig pa sa guhit ng kidlat ang takbo ng panahon
pagkat hindi namamalayang tanghaling tapat na’t kailangan nanaman lamnan ang
Sikmurang kating-kati nang makalasap ng grasya kahit sa panahon ngayon ay tila
naghihikahos na kami. Hindi man ikinagagalak ng puso ang mga kinakaharap sa
buhay, dapat pa rin maging masaya at huwag hayaang tuluyang lamunin ng
kalungkutan.
12U-F.Kahit Undas ay naging maligaya pa rin
ang araw ko lalo nang manuod ng Showtime
at sa tuwing nanunuod ka nun, lahat ng problema at stress na dala-dala ng loob
ay kusang nawawala dahil nakakatawa ang bawat Host, lalo na ang aking idolo na
si Vice Ganda na ilang taong nang
namamayagpag sa Showbiz, di pa rin nawawala ang pagkakengkay at kwela nito,
bukod pa roon ay mabait pa at matulungin sa mga kapwa. Kinahapunan, naisipan
kong maglaba. Matapos maglaba, naisipan ko muling magsulat ng kwento. Habang
abala sa pagsusulat ng kwento ang pag-utos naman sa akin ni ate na bumili ng
Mineral water. Saktong wala si Mama para makahingi ng perang pambili kaya
hinahanap pa ito’t saktong naroroon lamang ito kina Auntie Caling kasama si Anya.
Masayang manatili sa kanila dahil maraming mga bata na kahit lubhang makukulit
ay mapapasaya ka talaga’t makwento pa ang Auntie
Caling kaya pagkaigib ng tubig ay bumalik ako sa kanila.
12U-G.Napasarap ang pananatili namin doon sa
kanila kaya di namamalayang Alas-sais na pala’t kailangan nang iuwi si Anya. Hindi pa nakakalapag ang yapak
namin sa bahay, sa hindi inaasahan at na-shock pa nga ako’y biglang sinigawan
ng ate habang ito’y nasa tindahan at sinabing butas daw ang biniling gallon ng
tubig. Napahiya ako sa ginawa nito, sigawan at pagsalitaan ba naman ako sa
labas at marami pang taong dumaraan, sa halip na kausapin na lang ng maayos
kaya mistulan akong sinindihang posporo’t pagkauwi, dulot ng galit ay nagawa ko
nang magdabog. Palitan muli kami ng maanghang at nakakapaso pang salita’t sa
tindi ng namamayaning galit, nakapagwala na ko’t pinaghahagis kung anumang
bagay ang mahawakan. Maya-maya, biglang parang tumitigas ang aking mga daliri’t
nakakaranas na kinukuryente, inatake nanaman pala ako ng Hyperventilation at kahit naglulumiyab pa ang aking dibdib at
masamang-masama ang loob, sinubukang pahupain ang emosyon sa takot na lumala’t
kung ano pa ang kauwian.
12U-H.Si Papa naman, panay ang pagpapakalma sa
amin at sa totoo lamang ay naawa na ko sa kanya pagkat problemado na nga ito sa
buhay, nag-aaway pa kami magkapatid. Kung inayos-ayos lamang kasi nito ang
pakikitungo sa akin, di sana hahantong sa ganito na halos magpalitan na kami ng
lakas. Marahil ay sakit ko na talaga ang pagiging magagalitin pagkat simula pa
lamang nang elementary, sa aking pagkakatanda’y ganito na ko, yung tipong
masaktan lang sa sinasabi ng kapwa, parang bulkan na kung mag-alburoto’t
nahihirapan akong kontrolin ang galit sa loob-loob at isa pa iyon sa nagtulak
sa akin para kumuha ng Psychology
pagkat nakikitang may mali sa aking emosyon. Ngayong nakapagtapos na ko,
nauunawaan ko na at alam na rin kung anong mayroon sa aking sarili.
12U-I.Pasalamat na lamang ako sa taas dahil
kahit tingin ko’y mayroong Intermittent
Explosive Disorder na kung saan bigla-bigla na lamang bumubulusok ang galit
at nagiging agresibo ang isang tao gaya ko, di naman humantong na nakapatay
na’t sisiguraduhing hinding-hindi iyon gagawin. Humupa naman ang alitan namin
magkapatid at para mahimasmasan naman kahit paano ang loob ay nilibang na
lamang ang sarili sa panunuod ng telebisyon. Sa tuluyang pagkagat ng dilim ang
kabi-kabilaang Trick or Treat at
katatakutan na rin ng mga Tskiting kaya naman ang kapaligiran na bukod sa balot
ng katatakutan ay balot na rin ng kaingayan at wala kang ibang makikita kundi
mga nakatirik na kandila sa bawat kabahayan. Hinintay ko munang tumaimtim ang
kapaligiran at lumalim ang gabi bago mapagpasyahang matulog.
November 02, 2018
Friday
(All Soul’s Day)
Year VI-306
Friday
(All Soul’s Day)
Year VI-306
12U-J.Araw ng mga kaluluwa at kaarawan pa ng
aking kapatid na si Kuya Al kaya
bwenas nanaman ang sikmura sa kainan mamaya. Sa kabila na hindi kagandahan ang
naganap kahapon ay may kaginhawaan pa ring nagising at bumangon, na tila walang
kinakaharap na problema kahit ang totoo’y naghihikahos kami’t di pa malaman
kung saan kukuha ng pampagamot kay Papa. Kahit na maraming problema ang
dumarating, basta positibo ka lang at nananalig ay makakayang lampasan.
Pagkaalmusal at dahil abala si Mama sa pagluluto ng panghanda, ako muna at muli
ang umasikaso sa gawaing bahay. Sa sipag kong ito, maging kaloob-looban ng
tindahan na balot na sa alikabok dala na ilang araw nang hindi nabubuksan,
nagawa nang linisan. Sa dami ng dapat linisan at nakakalanghap pa ng
sandamakmak na alikabok, magkandahapo ako’t sinisipon na nga subalit masaya
naman dahil may nagawa ako ngayong araw at naipakita ang silbi, kaysa naman
magmukmok buong maghapon at kimkimin ang problema. Laging tatandaan na hindi
problema ang kokontrol sa’yo na tipong hindi mo na nagagawang lumabas ng bahay,
kundi ikaw ang kokontrol sa kanya hanggang sa maglaho itong parang bula.
12U-K.Kasabay ng pagtatapos ko sa paglilinis
ng tindahan at bahay ay saktong may naluto nang ulam, tamang-tamang sa
Sikmurang kumakalam dulot na marami akong ginawa, walang ano-ano pang lumantak.
Dahil birthday ng aking kapatid at sa dami na rin ng nilutong handa ni Mama,
maya’t maya ako kung bumirada ng pagkain at sa kabila na nagkahalo-halo na nga
ang kinain, di naman nagpupururot at sige sa pagbanat hangga’t makikita. Thank
God dahil ibinigay niya ang araw na ito para maging masagana’t sulit na sulit
ang aking araw. Kinahapunan muli, dala na nababagot ng lagay, naisipan kong
magkumpyuter.
12U-L.Saktong madilim-dilim nang matapos ako
sa pagkukumpyuter at dahil wala pang balak umuwi, naisipan ko pang maglamyerda
sa Recrap. Pagkatungo’y namayani ang
tuwa pagkat naroroon sina Annie at Gelyn at dahil ngayon lamang muli
nagkita-kita matapos ang halos anim na buwan, kamustahan kami at lokohan na rin
sa isa’t isa. Sayang lamang dahil kung kailan lamang ako nagkaroon ng panahong
makabisita sa kanila, saka naman sila naghahanda na para umalis. Saglit ko
lamang nakasama sina Annie at
nagpaalam na sa kanila. Gayunpaman ay maraming pagkakataon para magkita-kita
ulit kami. Kahit dis-oras na ng gabi kung wala pang balak umuwi’y naisipan ko
pang bumisita kina Ate Bing. Dahil
kapwa magsisipagtulog na sila, di rin ako nagtagal sa kanila. Pagkauwi ng
bahay, saktong tulog na ang aking mga kasamahan. Hindi pa dumadapo ang antok sa
mga mata kaya tamang libang lang sa panunuod ng Telebisyon.
November 03, 2018
Saturday
Year VI-307
Saturday
Year VI-307
12U-M.Panibagong araw at pangyayari muli ang
kakaharapin sa buhay na hindi mo malaman kung matatanggap pa ba ng loob ang
bawat problemang pumapasok sa aming buhay. Dahil nasarapan ang pagiging tulog
prinsesa’t ganda na rin ng napagnipan, tinanghali muli sa paggising.
Pagkaalmusal, gawaing bahay muli ang aking inatupag. Matapos ang maglinis sa
loob ng bahay at para iwas pagkabato’y naisipan ko muling magsulat ng kwentong
dinaig pa ang Noli Me Tanggere at El Filibusterismo sa haba na hindi pa
matapos-tapos. Maya-maya pa, naglamyerda muli ang lola niyo’t sa bahay naman ni
Cathy naisipang idako ang
nagkikinisang yapak subalit si Jaka
lamang ang nadatnan ko na mag-isa’t abala sa paglilinis ng bahay. Sinamahan
niya ko kung nasaan ang nanay nitong si Ate
Ging at pagkatungo sa bahay ng kanyang lola, naroroon nga ito. Wala kaming
ginawa kundi magkwentuhan na akala mo’y magkasing-edad lamang at nakakatuwang
bata ang aking inaanak na si John Paul.
12U-N.Wala pa sa isang taon ang gulang ay
kakikitaang may potensyal na ito’t lumalabas na rin ang pagkabibo. Dahil
relihiyosong nilalang si Ate Ging,
pinangaralan niya muli ako ng salita ng Diyos at mas nanaisin ko pa ang ganung
kausap, kaysa naman sa mga taong puro pakikipaglandian at laplapan ang palitan
ng litanya’t bukod sa may kapupulutan kang aral, napapagaan pa ang iyong loob
subalit ibang usapan na kung tuligsain niya ang paraan ng pananampalataya
naming mga Katoliko pagkat di na
magdadalawang isip na isarado ang teynga’t di naman iyon naganap kaya nanatili
pa rin kaming magkasundo. Hanggang sa makarating kami sa sarili nilang bahay,
tuloy pa rin ang kwentuhan namin ni Ate
Ging at sa kanila na rin nakapagpananghalian, nakakahiya man kung welcome
naman ako sa kanila.
12U-O.Nakakatuwa dahil masyado silang
hospitable sa mga bisita’t parang prinsesa o Haciendera ang turing nila sa’yo. Dahil hinahanap na marahil sa
bahay, nagpaalam na ko sa kanila. Kinahapunan at habang sarap na sarap sa
pagnguya ng meryenda ang biglang pagpunta ng kaibigan ni Mama at Aling Pammy sa kanilang Church at inaya
akong dumalo sa worship. Sa una’y medyo nag-aalangan akong sumama, lalo na’t
hindi ko pa sila gasinong kilala subalit dahil relihoyoso sila, tiwala akong
wala naman gagawing masama kaya sumama na ko, isa pa’y wala naman gagawin at
para malibang-libang naman at may matutuhan pa. Pagkarating ng kanilang
kapilya’y saktong nagsimula na ang Bible Study.
12U-P.Hindi ko lamang maiwasan ang mailang
pagkat bukod sa iilan lamang kami’y puro matatandang may edad na ang kasama ko.
May mga bata nga silang dala, ang kaso’y maliliit pa’t sa halip na lumahok sa
Bible study ay pakikipaglaro ang kanilang inaatupag kaya hindi na halos marinig
ang itinuturo ng kanilang Pastora dulot ng kakulitan ng mga bata. Dahil first
timer pa lamang, matapos ang kanilang worship ay naiwan muna kami’t dinasalan.
Natuwa ako pagkat matapos dasalan at kausapin ng kanilang Pastora’y binigyan pa
kami ng bigas kasama ang sardinas at tamang-tama pagkat may pang-ulam na. May
kaginhawaan muli akong nakabalik ng bahay baon ang binigay na pagkain.
Kinagabihan, tamang libang muli sa panunuod ng Telebisyon at matutulog kapag
sumanib na ang antok sa mga mata. Hindi nga lang makatulog dahil sa pagdaing ni
Papa dulot na inaatake muli ito ng rayuma’t wala muling ibang maramdaman kundi
habag habang pinagmamasdan kung paano ito pinahihirapan ng sakit.
November 04, 2018
Sunday
Year VI-308
Sunday
Year VI-308
12U-Q.Sa kasibaan ko talagang matulog, inabot
nanaman ng Bukangliwayway sa paggising. Hindi lamang naging maganda ang dating
umaga sapagkat patuloy na inaatake ng Arthritis
si Papa at kahit wala kami sa kalagayan nito, ramdam namin ang hirap na
dinaranas nito’t kitang-kitang namamaga ang Paa nito, dahilan kung bakit hirap
na hirap ito sa paglakad at kailangan ay may aalalay talaga sa kanya. Sa kabila
na may kinakaharap na problema na hindi malaman kung kailan magwawakas, tuloy
pa rin ang buhay at pana-panahon lang itong nangyayari sa amin. Pagkaalmusal ay
gawaing bahay muli ang inatupag at habang abala sa pagpupunas at walis sa loob
ng tindahan, bigla akong sinabihan ni Mama na magtungo kina Tita Cleo upang kuhain ang mga gulay at
prutas na ibibigay nila sa amin galing Batangas.
12U-R.Gusto kong makatulong sa kanila lalo na
kay Papa kaya kahit tinatamad ng lagay, nagtungo pa rin ako. Bago ako magpunta
sa kanila’t dahil Linggo muli, naisipan ko munang magsimba. Diyos na talaga ang
bahala sa amin na ngayon ay nahaharap sa mga suliranin lalong lalo na kay Papa,
tiwala akong hindi nito pababayaan. Sa sobrang trapik sa lansangan, halos
dalawang oras din ang binuno bago ako makarating sa kanila’t sina Harvey at Angelle lamang ang nadatnan ko na may kanya-kanyang
pinagkakalibangan. Abala pala sa paglalaba ang Tita Cleo at kaagad na namin inilagay sa lalagyanan ang
sangkaterbang iba’t ibang mga gulay at sa laki at dami, tila di kakayanin ng
aking Powers ang magbitbit subalit tiyaga-tiyaga para may makakain nang hindi
naglalabas ng pera at tiba-tiba ang Sikmura.
12U-S.Nanatili pa ko kina Tita Cleo hanggang hapon at nakakahiya man itong aking gagawin,
lakas loob nang nangutang sa kanya ng perang panggastos sa paghahanap ko ng
trabaho pagkat gipit na gipit talaga kami. Sa una’y tila nag-aalangan itong
bigyan ako ng pera kaya napanghihinaan na ng loob na manghingi sa kanya, lalo
na’t dinadagsa pa ng hiya subalit kalaunan, bago ako umalis ay mangislap nang
husto ang mata sa tuwa nang bigyan ako ng pera at higit pa sa aking inaasahan
kaya abot langit ang pasasalamat sa kanya’t pagpalain nawa ito lagi ng maykapal.
Kahit tila magiging kalbaryo sa akin ang pagbitbit ng mga gulay at prutas sa
bigat, nilakad ko pa rin mula Talipapa
hanggang sa terminal ng Jeep doon sa Sangandaan
kaya ang resulta’y mangaubos ang lakas ko’t manakitnakit na rin ang likuran. Sa
layo ng binayahe’t trapik pa, inabot na ng gabi sa pag-uwi’t kaagad na
naghapunan.
November 05, 2018
Monday
Year VI-309
Monday
Year VI-309
12U-T.Nagising ako dahil sa pag-atungal ni
Papa. Patuloy pa rin pala nitong iniinda ang pananakit ng kasu-kasuan dulot ng Arthritis at sa totoo lamang ay
awang-awa na kay Papa kaya di na mapigilang ipanalangin sa Diyos na sana’y
gumaling na ito. Bukod sa nanakit ang Paa ay inaapoy din ito ng lagnat at
nanghihina kaya napapaisip na kaming dalhin ito sa Hospital. Sobrang ikinababahala
na namin ang nangyayari kay Papa at sa kagustuhang gumaling na ito’t makasama
pa namin ng matagal, hindi na nagdalawang-isip si Mama na magtungo kay Aling Tisay kahit pinipigilan ito ni
Papa para kumuha ng Ambulansya ng Barangay pagkat hindi talaga makalakad si
Papa subalit sinabi nito na kailangan pang gumawa ng Request Letter at
makipag-usap sa kapitan bago sila makapagdala ng Ambulance Service sapagkat di
naman daw ganun kalala ang nangyayari kay Papa’t may iba pang paraan.
12U-U.Nang una’y medyo nag-aalangang kumuha ng
ambulansya’t iniisip na baka abutin lamang ng siyam-siyam sa kakahintay pagkat
naniniwalang mabagal ang kanilang serbisyo subalit dahil no choice na kami at
sa halip na si Mama ay ako na ang tumungo sa barangay hall. Pagkatungo’y lakas
loob akong nakipag-ugnayan sa mga Medic at pinagawa pa ng letter. Nang maipasa
ang request letter sa kanilang Secretary at maaprubahan, agad-agad nang
naghanda ng mga kakailanganin ang mga Medical Team at nagtungo sa bahay lulan
ng Ambulance. Dahil sa kakulangan ng mga Medical Team, nanghingi pa kami ng
tulong sa kapit-bahay at tulong-tulong na dinala si Papa sa Ambulansya. Sa layo
kung saan nakahimpil ang Ambulansya, mistulang hari si Papa habang kapit-bisig
nilang binubuhat ang upuan kasama siya’t biglang dumami ang mga tao na tila
ngayon lamang nakakita ng ganung kaganapan at masyadong ignorante!
12U-V.Karamihan talaga dito sa amin ay ugali
na ang makiusyoso at di ko akalain na mauuwi sa ganito ang buhay namin ngayong
taon na dalawang beses nang naisusugod sa ospital gamit ang ambulansya. Ako at
si Mama lamang ang sumama at sa Veterans
Medical Hospital namin naisipang dalhin si Papa. Nang maipasok na ito sa
Emergency Room, naghintay-hintay pa ko sa labas pagkat isa lamang sa amin ang
maaaring sumama kay Papa sa loob. Gawa na nababagot, namasyal-masyal muna ako’t
napakalawak ng Veterans Hospital,
pwedeng pwedeng humilata at gawin ang naisin sa Field. Nakapasok din naman ako
ng Emergency room nang hindi namamalayan ng gwardiyang nagbabantay sa labas pagkat
sa iba dumaan at hinintay si Papa.
12U-W.Maya-maya pa nang makita ko na sila at
habang nag-aabang ng resulta at mga gagawin pa kay Papa ang pagdating naman ni Tita Cleo. Saktong doon din
nagtatrabaho ang pinsan ko na si Kuya
Darrel bilang Radiologist kaya
napadali ang proseso. Sinabi ng doctor na hindi na raw kailangang i-admit pa si
Papa sapagkat natural lamang ang Arthritis
sa mga tumatanda’t nirestahan lamang ito ng gamot. Nang makapagbayad ng bill si
Mama ay kaagad na kaming umalis. Sa layo ng biyahe’t kakapagod pa ang ginawa ko
kanina, dagliang nagpahinga pagkatungtong ng tahanan at nawa’y tuluyan nang
gumaling si Papa nang sa ganon ay hindi na kami mamoblema pa. Sa kabila ng
aming mga kinakaharap na pagsubok na pawang mabibigat, may Diyos na mahabagin
at naniniwalang makakayang lampasan ito. Walang pagsubok na ibinibigay ang
Diyos nang hindi kakayanin.
November 06, 2018
Tuesday
Year VI-310
Tuesday
Year VI-310
12U-X.Hindi man magaganda ang dumarating na
pangyayari sa buhay, nanatili pa ring positibo at matatag, umaasa na balang
araw ay malalampasan naming ang ganitong pagsubok, laban lang at huwag susuko.
Dumadaan man kami sa napakadilim na kweba, masisilayan din ang liwanag at
mararating ang hangganan nito basta manalig lamang at magtiwala. Kinaumagahan
at pagkamulat ng mga mata, pagdaing pa rin ni Papa ang bumungad sa aking
pandinig. Iniinda pa rin nito ang kanyang rayuma kaya muling sumasanib ang awa
sa kaloob-looban. Sa kabila na di pa gumagaling si Papa mula sa Arthritis ay nakakalakad na ito kahit
papaano. Dala na walang magawa pagkat nanatiling nakatengga lamang sa bahay,
naisipan ko na lamang magsulat muli ng kwento, bilang libangan at mapalawak pa
ang aking kakayahan sa pagsusulat.
12U-Y.Nang kalagitnaan na ng aking pagsusulat
na tipong sarap na sarap at ganadong-ganado pa ay inutusan ni Papa na tulungan
si Mama sa paglalaba subalit sinabi ko munang saglit lamang. Balak ko naman
sanang tumulong kay Papa kaso biglang umentra ang ate’t bukod sa pinagsalitaan
muli, nagawa pa niya kong pagbagsakan ng pintuan. Nagising nanaman ang galit sa
dibdib at sa yamot ko, nagawa muling makipagsagutan sa kanya. Palitan kami ng
maanghang at makatagos-dibdib na pananalita’t talagang hindi ito magpapatalo’t
sadyang mapagmataas pa. Iyana ng hirap sa kapatid ko, sarili lamang nito ang
pinakikinggan kaya hindi ako nauunawaan at nahuhusgahan pa. Nakakalungkot at
dismaya lamang dahil naghihikahos na nga kami sa buhay, may karamdaman pa ang
haligi ng tahanan na di na alam kung saan kukuha ng pampagamot sa kanya, tapos
nag-away pa kami magkapatid.
12U-Z.Hindi ko naman talaga ibig na mag-away
kami sapagkat sa panahong nahaharap kami sa mga suliranin, marapat lamang na
nagdadamayan at nagtutulungan, kaso di ko napigilan ang emosyon at nakadagdag
pa patuloy sa pasanin nina Mama at Papa kaya itong si Papa, halatang
nababalisa. Abot-langit na ang pagkahabag ko kay Papa kaya kahit may nanatili
pang galit sa loob-loob at di matanggap ang mga sinasabi ng ate’y mas piniling tumigil
na lamang, baka lumaki pa ang gulo’t kasalanan pa namin kung sakaling may
mangyari sa kanya. Napapaiyak na lamang ako nang panahong iyon at iniisip kung
hanggang kailan ganito ang buhay namin na punong-puno ng kalungkutan at di
masumpungan ang kaligayahan.
12V-A.Tutulungan ko sana si Mama sa paglalaba
nang wala nang masabi pa ang ate, kaso tapos na ito’t kahit mabigat na mabigat
pa ang kalooban, naipagpatuloy ko pa rin ang naantalang pagsusulat ng kwento.
Matapos magsulat ng kwento, paghuhugas ng mga plato’t walis ng sahig naman ang
aking inatupag nang sa ganon ay mapatunayan ko sa aking ate na mali siya sa
kanyang inaakala. Walang magawa at para hindi tuluyang lamunin ng kalungkutan,
naisipan ko na lamang manuod ng Showtime.
Ang kaninang ako na nababalutan ng lungkot at pananamlay, parang bulaklak na
unti-unting sumisibol ang pakiramdam dahil dami muling tawa sa mga pahirit ni Vice Ganda at ibang klase ito,
pampatanggal talaga ng stress at nakaka-Goodvibes. Dahil walang magawa sa
maghapon, tamang hilata lamang ako sa kama’t kulwit ng Android Phone, stalk na rin sa Facebook
acoount ng taong natitipuhan dulot na di mapigilan ang aking pagkakiri.
12V-B.Kinagabihan at gawa na nababagot talaga
at namamanglaw pa, nuod muli ako ng telebisyon. Bahagyang sumama ang loob ko
kay Papa, paano masyado itong napaka-negative, iniisip na wala nang pag-asa’t
ganyan na lamang siya habang-buhay. Hindi ko dapat ito maramdaman sa kanya kaso
nakakapuno na pagkat paulit-ulit na lang namomoblema, tapos Kill Joy pa sa panunuod ko ng
telebisyon kaya pinatay na lamang at nag-walk out, dulot na nangingibabaw ang
sama ng loob. Di ko na talaga maintindihan kung bakit nagkakanganyan si Papa na
dati naman ay hindi, tipong nagiging kakaiba na ang kinikilos at di na nga
halos makilala. Nawa’y kayanin ko pa talaga itong mga kinaharap naming
problema.
November 07, 2018
Wednesday
Year VI-311
Wednesday
Year VI-311
12V-C.Parang gulong ang kaba na niraragasa ang
aking dibdib sapagkat mamayang gabi na malalaman ang resulta ng Board Exam. Sa
kabang namamayani sa dibdib, hindi na nga ako makakilos at gusto’y nakahiga na
lamang, dibdibin itong nararamdaman subalit di ako nagpanaig at ginampanan ang
mga dapat gampanan. Para mabawasan kahit papaano ang kaba, walang ginawa kundi
magdasal-dasal at Diyos na ang bahala. Kung hindi man ako papalaring makapasa,
hindi na manghihinayang pa dahil naniniwala akong may darating na bagay na mas
higit pa diyan pero sana makapasa nang sa ganon ay tumaas ang tiyansang
makahanap ng trabaho. Wala akong ginawa sa buong umaga kundi mag-astang
katulong muli’t kahit paano’y naiibsan na ang aking kaba’t nagagawa nang
ipanatag ang kalooban pagkat anumang hatol ang igawad sa akin ay buong loob
nang matatanggap.
12V-D.Matapos mananghalian at dahil medyo
nababagot ako ng lagay, nag-Siyesta
na lamang ako. Pagkagising at bilang libangan ay paglalaro ng Games sa
Cellphone ang aking inatupag at nakakawala ng stress maging pangamba kapag may
bagay kang pinagkakalibangan. Kinagabihan at dahil hindi pa umuuwi ang ate,
paspasan muli kami ni Mama sa pag-aalaga kay Anya at lubhang napakaligalig nito na di malaman kung paano
mapatahan at natutuliro na ng lagay. Nagwakas lamang ang obligasyon namin sa
pag-aalaga kay Anya nang dumating
ang Mama nito. Dahil may lakad pa ko kinabukasan, maaga akong natulog.
November 08, 2018
Thursday
Year VI-312
Thursday
Year VI-312
12V-E.Dahil may lakad at may kakatagpuin ko pa si Nikki sa School upang kuhain ang title ng mga Seminar na dinaluhan
namin na ilalagay sa aking Resume, maaga akong nagising. Mga bandang Alas-nuebe
nang makatungtong sa paaralan at halos dalawang buwan pa lamang ang nakakalipas
magmula nang huling magtungo roon subalit may pinagbago naman at talaga nga
namang paganda nang paganda ang Our Lady
of Fatima University at parang sarap tuloy mag-aral doon o magtrabaho.
Halos isang oras din ang aking hinintay nang sa wakas ay nakatagpo na si Nikki. Non-stop muli ang kwentuhan
naming dalawa’t kasarapan ng aming palitan ng kuro-kuro sa isa’t isa, sa hindi
inaasahan at minamalas lamang ng lagay nang biglang umusbong sa sakit ang
Sikmura. Dala na hindi na matiis ang masamang laman na nagsusumamo nang
lumabas, hindi na nagdalawang isip pang napasugod sa banyo kahit batid ko na
pagtatawanan ni Nikki o pandidirihan
pa.
12V-F.Ginhawa ang aking natamo matapos makapagbawas at wrong timing
nga naman at sa school pa ko dinatnan. Nang mailagay sa Resume ang mga Title ng
Seminar ay aalis na sana ako subalit pinigilan ni Nikki, humihingi ng pabor na tulungan ko sila sa Thesis. Hindi ko
naman magawang tumanggi gawa na tinulungan niya ko sa paggawa ng Resume kaya
nanatili muna ako’t hinintay ang iba pa nitong kagrupo. Ilang sandali pa nang
dumating si Nathalia. Dahil naging
kaklase ko rin ito’t kaibigan pa, sa halip na ituon ang atensyon at simulant na
nila ang mga dapat ayusin sa Thesis ay mas piniling makipagdaldalan pa at
kamustahan na rin. Nakaka-miss talaga ang College Life maging ang mga naging
kamag-aral ko na hanggang ngayon ay di pa nakakapagtapos. Maya-maya at dahil
kapwa gutom na, umalis muna kami ng Library para kumain. Balak ko sanang
maghigpit ng sinturon kaso gawa ng matinding gutom na namamayagpag, hindi na
nagawa pang makapagtipid.
12V-G.Habang abala sina Nikki
sa pag-asikaso ng Thesis ay inasikaso ko naman pagpapalimbag ng sangkatutak na
mga Resume at sa totoo lamang ay medyo na-hassle ako pagkat bukod sa mahaba ang
pila’y maalinsangan pa ang panahon, sakit sa ulo’t ikaliliyo mo subalit walang
ginawa kundi magtiis. Pagkabalik kung nasaan sina Nikki at Nathalia ay
saktong may kasama na silang lalaki na bago lamang sa aking paningin at never
ko itong naging kaklase subalit parang kilalang-kilala niya ko kung ito’y
makitungo, kaya naman laking taka ko. Romeo
ang pakilala nila sa akin at saka ko lamang napagtanto na Friend ko pala ito sa
Facebook at naka-chat na rin
patungkol sa mga bagay-bagay. Kahit hindi ito nakasalamin, ramdam ko na
matalino ito’t maabilidad pa, lalo nang turuan nito sina Nathalia sa Thesis at talagang gamay na gamay.
12V-H.Sige lamang ako sa pagsasaayos ng mga Resume habang sila’y
aligagang-aligaga sa Thesis na halos mawala na sa katinuan dulot ng
pagkabalisa. Iyon pala, ganap nang Psychometrician
si Romeo kaya ganon na lamang
kalawak ang kaalaman nito pagdating sa Thesis at Statistic at di mon a
kailangan pang kumuha nang Statistician.
Pagpadyak ng Alas-tres nang magtungo kaming lahat sa RDIC. Saktong naroroon si Ma’am
Trisha at bukod sa pakikipagkamusta ang ginawa nito sa akin na dati nitong
estudyante’t paborito pa’y nagawa din nitong makipaglokohan at biruan sa akin
kaya ako na mahiyaing nilalang, nakaligtaan nang isang professor ang aking
kausap. Dahil napakaraming dapat ayusin sa kanilang Thesis, inabot na kami ng
takip-silim sa RDIC subalit di pa
sila natatapos sa paggawa ng Demographic Table. Itong si Ma’am Trisha, sadyang napakalakas ng trip sa akin at nakuha pa kong
batiin sa pagiging Psychometrician
samantalang wala pa namang resulta.
12V-I.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung matutuwa ba o
mahihiya nang i-post pa nila sa Facebook
ang tungkol sa pagkakapasa ko. Sana nga magkatotoo ang mga pambibirada nila sa
akin na maging ganap na Psychometrician.
Di pa natapos ang lahat at tulong-tulong silang ipinalandakan kina Sir Laus na Registered Psychometrician na ko. Yung pakiramdam na hindi pa
lumalabas ang resulta subalit overwhelm na dahil sa mga pinaggagawa nila’t
grabe talaga sila. Matapos ang katuwaan, nagpaalam na kami kay Ma’am Trisha at isa ang araw na ito sa
hindi ko malilimutan. Dahil wala pang balak umuwi ang ni isa sa amin, naisipan
pang maglakwatsa sa SM Fairview
kahit gabi na. Maya-maya, itong si Romeo,
nag-ayang kumain kami sa Restaurant. Nung una’y panay ang aking tanggi pagkat
nagtitipid subalit nang sinabing sagot nito ang lahat ng aming lalamunin ay
hindi na nakahindi pa.
12V-J.Manlaki ang mata ko sa iba’t ibang putaheng inihahain sa mesa’t
nang makumpleto na ang bawat set ay tsibugan na kami magkakabarkda. Kung anuman
ang tinatamasa ngayon ni Romeo ay
sana matamasa ko rin at nakakabigay ng inspirasyon ang mga pinagdaanan nito sa
buhay dahil bago ito naging Psychometrician ay naranasan muna nitong bumagsak
at dami pa nitong ikinukwento sa amin kaya napapasarap ang usapan habang
nagkakainan. Matapos ang kainan ay nagpaalam na kami sa isa’t isa at halos di
na makakilos dulot ng kabusugan, mukhang di na magagawa pang maghapunan sa
bahay. Bago umuwi ay tumungo muna ako sa Simbahan para magdasal pagkat anumang
sandali o araw ay lalabas na ang resulta, humingi na rin ako ng Sign sa
Panginoon nang sa ganon ay magkaroon ng ideya kung makakapasa ba o hindi. Kahit
ano ang kinalabasan, basta sama-sama’t ligtas kami magkakapamilya, tatanggapin
ko.
November 09, 2018
Friday
Year VI-313
Friday
Year VI-313
12V-K.Yung nag-uumapaw ang kaligayahan ko at pakiramdam na nanalo sa
Lotto sapagkat nakapasa sa Board Exam, ang kaso ay panaginip lamang pala,
kainis. Marahil ay iyon na ang senyales na ibinigay sa akin ng Diyos at dahil
may nakakapagsabi na kung ano ang napaganipan, kasalungat na mangyayari sa
totoong buhay, napapaisip na baka nga hindi ako makakapasa subalit mas nanaig
pa rin ang pananalig kaysa paniwalaan ang mga sabi-sabi patungkol sa panaginip.
Sana nga’y magkatotoo ang nasa panaginip at kung hindi man matupad, buong
pusong tatanggapin dahil handa na ko. Gawaing bahay kaagad ang aking inatupag
matapos mag-almusal at hanggang sa mga oras na iyon ay namamayani pa rin ang
kaba’t pasidhi pa nga nang dahil napipinto na ang paglabas ng resulta.
Maya-maya pa, inutusan ako nina Mama na magtungo sa opisina ng Tita Cleo pagkat may ibibigay itong
gamot sa amin na pangontra sa Arthritis
ni Papa.
12V-L.Mga bandang tanghali ako nagtungo roon at ilang minute pa
naghintay bago makadaupang palad si Tita
Cleo. Hindi na rin ako nagtagal at pagkabigay ng gamot ay daglian din akong
umalis. Wala pang balak ang isipang umuwi kaya tamang lakwatsa lang ang ginawa
ko sa Trinoma at SM North EDSA. Sa tikas ng aking biyas,
kahit halos dalawang oras nang palakad-lakad ay hindi naman napagod o nabawasan
man lang ang lakas. Dahil may kahabaan na rin ang aking buhok, labag man sa
kalooban pagkat feel na feel ko ang pagiging long hair at nagmumukha pang
Prinsesa’y nagpagupit pa rin ako. Matapos magpagupit, sugod naman ako sa
Computer Shop. Saktong naghihingalo na ang liwanag nang makauwi. Kinagabihan at
dahil walang magawa’y panunuod ng Telebisyon ang aking inatupag at
pinagkalibangan. Nang tamaan ng antok sa mga mata’y daglian na kong
natulog.
November 10, 2018
Saturday
Year VI-314
Saturday
Year VI-314
12V-M.Hindi naging kalugodlugod ang dumating
na araw na ito para sa akin na kakagising lamang sapagkat ganap nang lumabas
ang resulta ng Board Exam kaninang madaling-araw lamang at nalaman ko lamang
iyon kina Mama. Nakakadismaya sapagkat matapos ang halos limang buwang
pagpapakahirap sa pagrerepaso, halos lahat na ng sariling kaligayahan, nagawa
nang isakripisyo maging paghahanap ng trabaho, mabigyan lamang ng oras ang
sarili na makapag-aral at makapaghanda sa darating na Board Exam, tapos ganito
ang magiging resulta na lagagpak. Nakakalungkot na may halong panghihinayang
sapagkat napunta sa wala ang lahat ng aking pinaghirapan at pagsasakripisyo
tapos hindi pinalad na makuha ang lisenya. Sa kabila na ako'y lumagagpak, hindi
nangangahulugang dito na magtatapos ang laban at mga pangarap sa buhay sapagkat
marami pang pagkakataon upang lumaban at mapatunayang mas angat ka.
12V-N.Hindi man napasaakin ang lisensya sa
pagiging Psychometrician, isa lamang
ang ibig sabihin niyon, may darating pang bagay na mas higit pa diyan at iyon
ang aking inaasahan kaya walang dahilan upang mawalan ng pag-asa at panghinaan
ng loob, laban lang at huwag hayaang lamunin ng pagkadismaya at depression.
Marahil ay may inilaan pang bagay sa akin ang Panginoon kaya hindi pinalad na
makapasa at alam niyang hindi pa ko handa sa responsibilidad at commitment ng
isang Psychometrician. Naniniwala
naman akong may Purpose si God kung bakit nangyayari ang bagay na ito’t walang
dapat gagawin kundi maghintay, kung anuman iyon. Sa kabila ng aking pagiging
positibo at tanggap na ng loob ang pagkakabagsak sa Board Exam, sa totoo lamang
ay hindi pa rin maiwasan ang malungkot at manghinayang subalit ganon talaga,
may mga panahon na papalarin ka, may mga panahon naman na halos isumpa mo na
ang araw.
12V-O.Para maibsan kahit papaano ang lungkot
na nadarama'y idinaan na lamang sa paglalaro ng games sa Cellphone at tamang
online sa mga Social Media, nang sa ganon ay mailihis ang isipan patungkol sa
Board Exam. Para hindi ako ma-depress ng tuluyan, kinahapunan at matapos
bumanat ng meryenda'y naisipan muling maglakwatsa. Sa bahay ng kaibigan si Shiela
ko naisipang magtungo't napagkatuwaan muli ng anak nitong si Valerie
kasama pa ang kanyang mga pinsan pagkat nilapatan nila ako ng kolerete sa
mukha't lip stick. Lubhang napakabata pa ni Valerie subalit mahusay na
itong mag-make up at pinasaya nila ang araw ko. Bukod sa tulong-tulong nilang
pinagdiskitahan pero pinapaganda ang aking mukha, kahit lagpas na sa itinakdang
hustong edad ay nakipaglaro pa rin at parang bumabalik sa pagiging bata.
Sumunod ay kina Ate Bing naman ako nagtungo.
12V-P.Masyado itong abala kaya hindi gasinong
nakakausap subalit sinusubukan pa rin nitong hatiin ang oras upang makausap ako
kaya hindi naman kabagot-bagot ang aming jamming dalawa. Medyo nasarapan ako sa
pananatili sa kanila kaya inabot na ng gabi't kahit paano, sa kabila na hindi
kanais-nais ang naganap na halos ma-down na'y naging masaya pa rin ang araw
dahil may mga taong nagmamahal at nagpapaligaya sa akin gaya ng mga kaibigan,
iyon ang mahalaga at naramdaman kong hindi nag-iisa. Pagkauwi'y diretso libang
muli ako sa panunuod ng telebisyon. Isa nanaman kwento ang natunghayan sa Maala-ala
Mo Kaya ang nakakapagbigay ng inspirasyon sa akin at nagpalakas pa ng loob
pagkat patungkol ito sa isang lalaki na nagngangalang Ceejay ang
ipinanganak na bingi.
12V-Q.Sa kabila na ito'y may kapansanan sa
pandinig na kailangan pang gamitan ng Sign language upang maunawaan nito ang
iyong sinasabi ay naging gaya pa rin natin ang kanyang pamumuhay na normal at
nakapag-aral. Iyon nga lang ay naging miserable't masalimuot ang buhay nung
tumungtong sa College dahil nahirapan ito sa mga taong nakapaligid sa kanya na
normal subalit hindi ito sumuko o napanghinaan ng loob hanggang sa makapagtapos
ito bilang Cum Laude at nakaka-inspired talaga sa mga gaya nitong may
kapansanan at sa mga taong iniisip na may kakulangan sa kanila. Patunay ngang
hindi hadlang ang pagiging bulag o bingi sa pagkamit ng mga pangarap sa buhay
at kagaya nito si Hellen Keller na kahit isang Deafblind ay nagkaroon pa
rin ng maraming karangalan sa buhay. Bumagsak o mabigo man sa buhay na kahit
ilang ulit pa, laban lang hanggang sa magtagumpay dahil naniniwala ako na ang
mga taong may pagkukumahog at tiwala sa sarili ay nararapat lang na pagkalooban
ng katagumpayan sa buhay.
November 11, 2018
Sunday
Year VI-315
Sunday
Year VI-315
12V-R.Balak ko sanang sumama sa mga kaklase ko
na ngayon ay mamumundok at makipag-bonding sa kanila para hindi tuluyang
lamunin ng Depress subalit mas piniling manatili na lamang sa bahay pagkat
walang perang maibibigay sina Mama at isa pa, para lang sa pamasahe sa
paghahanap ng trabaho ang ibinigay sa akin ni Tita Cleo. Sa panahon ngayon na nahaharap kami sa mga suliranin,
kailangan munang isakripisyo ang kasiyahan at tiis-tiis. Hindi man naging
maganda ang nangyari kahapon matapos malaman ang resulta sa Board Exam ay
nanatili pa ring positibo at punong-puno ng pag-asang magiging maganda ang
buhay sa kabila ng aming mga kinakaharap. Marahil itong taon na ang
pinakamlungkot at saklap para sa akin subalit pana-panahon lang ito’t may
purpose si God kung bakit nangyayari ang ganito.
12V-S.Basta panatilihin lamang ang pananalig,
wala dapat ipangamba. Dahil move on na ko sa pagkakabigo sa Board Exam at
nakalipas na, itinuon na lamang ang sarili sa ibang bagay at iyon ay asikasuhin
ang gawaing bahay at maglibang sa paglalaro. Kahit paano’y naging kaaliw-aliw
ang umaga ko’t sana ganito parati ang buhay nasa kabila ng di magagandang
pangyayari na iniisip mong may sumpa ang araw, nagagawa pa ring ipakitang ayos
lang ang lahat at nagpapakatatag. Kay bilis nga naman ng oras at hindi
namamalayang tanghaling tapat nanaman, lalamnan muli ang Sikmurang naghihintay
ng grasya’t pagkatapos ay ihihimlay muli ang sarili sa katreng kay tigas para
magpahinga’t magpalaki na rin ng biyas kung kinakailangan.
12V-T.Pagkagising ang pagbisita muli ng Tita Susan dala ang samu’t saring
pasalubong kaya naging bwenas na bwenas ang meryenda ko. Wala dapat akong balak
sabihin sa kanya na bumagsak ako sa Board Exam pagkat simula pa lamang ng bata
ako, ramdam ko na mataas ang tingin niya sa akin at madalas pinupuri’t
kinukumpara pa nga sa iba nitong pamangkin subalit kusang naisiwalat sa kanya
dulot ng kadaldalan ni Mama. Wala akong maramdaman kundi pagkapahiya’t
pinapangamba ang magiging reaksyon nito subalit di naman naganap at nanatili pa
rin itong nakangiti sa aking harapan pagkat nagpaliwanag ako. Matapos lumamon
ng sangkatutak na pasalubong, naglakwatsa muli ako sa Recrap. Saktong naroroon sina Regine
(Miano) at iba pa nitong mga kapatid maging mga bata subalit umalis din
agad sila pagkat tutungo sa Birthday party ng kanilang kaanak.
12V-U.Ibig ko sanang sumama kaso mas ibig ko
pang hindi sumama dulot ng hiya, nagtungo na lamang ako kina Angelica at saktong wala naman itong
inaasikaso sa buhay kundi makipagtsismisan sa kapit-bahay kaya nagkaroon na rin
ng pagkakataong makakwentuhan ito. Nakipagkulitan na rin ako sa kanyang Junakis at bakas nab akas ang pagiging
mahiyain nito pagkat kada kibo’y walang pag-iingling ipinapakita, marahil ay
naninibago lamang. Hindi ko na mahanap ang pagkalibang sa puder nina Angelica kaya bumalik na lamang sa
bahay nina Regine at saktong
nakabalik na sila. Sa tikas ng aking talampakan kahit balingkinitan at
makinis-kinis, isa-isa kong dinayo ang kanila-kanilang tirahan at una kong
pinuntahan si Shiela. Abala ito sa
panunuod ng telebisyon subalit di naman ipinagkait ang oras na makakwentuhan
ako, sumunod ay si Ate Bing na kita
na sa mukha ang pagkabalisa dulot ng kakasaway sa napakalikot nitong anak
subalit sila naman ang nagbigay saya. Dahil medyo nasarapan ako’t masaya din
naman kasi, inabot na ko ng gabi sa pananatili sa kanila’t ramdam ko na parang
kapamilya na rin sila. Sa takot na masaraduhan at magsilang muli ng alitan,
kahit kakapikit pa lamang ng liwanag ay napagpasyahan ko nang umuwi. Dahil may
lakad muli kinabukasan, hindi na nagpakapuyat pa matapos manuod ng
Telebisyon.
November 12, 2018
Monday
Year VI-316
Monday
Year VI-316
12V-V.Matapos ang mahaba-haba ring panahong
pagkakatengga sa bahay dulot na walang trabaho, oras na marahil para
maghanap-hanap ako nang sa ganon ay makatulong na sa pamilya’t di naman
masayang ang pagpapaaral nila sa akin sa loob ng Eighteen Years. Maaga akong nagising
at walang ibang maramdaman kundi kaba sa posibleng mangyari. Nawa’y walang
mangyaring aberya habang ako ay nag-a-apply at Diyos na ang bahala sa aking
Journey. Habang naghahanda’t bihis, paganda na rin para impressive naman sa
taong mag-i-interview sa akin, ang pag-uusap naman nina Mama at Tita Susan at sumama ang loob ko kay
Tita, paano’y napakatabil ng dila’t ibunyag ba naman kina Mama ang tungkol sa
pangungutang ko kay Tita Cleo.
12V-W.Labis ang pangamba ko sa posibleng
magiging reaksyon nina Mama kaya todo paghahanda ang ginawa ko’t nagpaliwanag
subalit di naman sila nagalit sa akin, bagkus ay natuwa pa nga sila at hindi
akalaing maiintindihan ako, marahil ay iniisip nila na wala na silang maibigay
sa akin gawa na may problema sa pinansyal na pangangailangan subalit hindi
dapat iyon ginawa ng Tita Susan.
Balak ko naman sabihin sa kanila ang patungkol sa ginawa ko, naghahanap lamang
ako ng tamang panahon at tiyempo. Ayaw na ayaw ko talaga sa mga taong
pinangungunahan ako’t masyadong nangingialam. Sa may bandang Lagro ako nagsimulang mag-apply at
nakakaba man pagkat naninibago sa ginagawa, nilalakasan ang loob at kinakaya na
rin.
12V-X.Sa kakabalik-panaog ko habang isa-isang
pinupuntahan ang iba’t ibang paaralan upang aplayan ay napagod ako subalit
babahagya lamang pagkat may baon namang pampalakas, iyon ay isipin ang mga
taong nagbibigay inspirasyon sa akin. Matapos sa Lagro ay sunod kong pinuntahan ang NCBA, FEU-NRMF at Good Shepherd School. Pagdating sa Good Shepherd School, sinabi nilang sa
susunod na taon pa tumatanggap subalit nag-iwan pa rin ako ng Resume. Dahil
puro pagpapasa lang naman ng Resume sa Guard o sa HR Department ang naganap at sa mga susunod pang araw ang
Interview, kahit marami-rami na kong school ang napuntahan sa sipag kong ito,
hindi akalaing dalawang oras pa lamang pala ang nakakalipas at dahil masyado
pang maaga at wala pang balak umuwi, kahit may kalayuan ay sa Collegio de San Lorenzo ako sunod na
nagtungo. Bago ako mag-apply doon at dahil inabot na ng tanghaling tapat, naglakwatsa
muna ako sa Northridge Plaza at
naghanap na rin ng mga poging papa pagkat di na mapigilan ang pagkakiri.
12V-Y.Habang nakatambay ako upang magpahinga’t
tamang surf sa internet ay natuwa ako at nabuhayan pa nga ng loob nang makita
sa PRC Website ang aking rating at
sayang lamang pagkat kaunting-kaunting puntos na lamang pala ang kailangan,
papasa na. Kinulang lang talaga ako sa pag-aaral kaya bumagsak subalit
sisiguraduhing makakapasa na sa susunod na pagkuha pagkat malaki na ang tiyansa’t
kaunting aral na lang ang kailangan. Gayunpaman, ayaw ko munang makampante’t
pakasiguro, kailangan pa ring maghanda ng todo’t bonggang bongga. Ayos lang
talaga sa akin ang bumagsak, kung di pa naman para sa akin ang lisensya subalit
ang ikinadidismaya ko lamang, kung sino pa talaga ang hindi nag-aaral at puro
bandying lamang ang ganap sa buha, nakapasa pa subalit yung tipong dugo’t pawis
na ang inalay mo habang nag-aaral, tapos sa bandang huli bumagsak pa.
12V-Z.Lalo pa tuloy ako nakukumbinsi na may
mga tao talagang deserving na pumasa ngayon at nagkakaroon na ng pag-asa pagkat
naniniwalang deserving ko nang pumasa sa susunod na pagkakataon, magtiwala
lamang sa maykapal at sa sarili. Pagpatak ng Ala-una nang maisipan kong
mag-apply sa Collegio de San Lorenzo.
Pagkabigay ng Resume at dahil malapit lamang doon ang bahay nina Annie, sa halip na ipihit na ang yapak
pauwi’y ipinihit koi to patungo sa kanila. Aalis na sana ako pagkat ilang ulit
nang kumakatok na kulang na lamang ay sipain at sumigaw subalit wala pa rin
nagbubukas hanggang sa pagbuksan ako ni Ate
Ajhing.
12W-A.Saktong naroroon si Annie at Jovan subalit
nasa School pa si Gelyn. Tamang
kwentuhan at lokohan muli kami magkakasama’t lalo pang sumaya nang makauwi na
si Gelyn at ang bahay nilang nuknukan
sa tahimik dala na sila-sila na lamang ang nakatira, umingay dahil panay ang
tawanan at harutan na rin kahit nasa hustong edad na, sarap nga naman bumalik
sa pagkabata kahit paminsan-minsan lamang. Balak ko sanang manatili sa kanila
hanggang gabi subalit iniisip ang kalagayan ng kapamilya’t baka kailangan kung
sakaling may maganap na hindi inaasahan kaya isinantabi ko muna ang sariling
kaligayahan kapiling ang mga kaibigan. Saktong pahingalo na ang liwanag nang
makarating sa bahay at pasalamat sa Diyos dahil walang nangyaring masama sa
pamilya habang wala ako’t ligtas din akong nakauwi. Dala ng gutom, diretso ako
sa paghahapunan nang makapagbihis.
November 13, 2018
Tuesday
Year VI-317
Tuesday
Year VI-317
12W-B.Inabot nanaman ng pagsikat ng araw sa
labas nang magising ang prinsesang himbing na himbing sa pagtulog at gawaing
bahay agad ang siyang inatupag matapos mag-almusal. Balak ko sanang mag-apply
muli at maghanap ng trabaho, kaso aalis ang ate upang puntahan nito ang mga
kliyente’t walang makakatuwang ang Mama sa pag-aalaga at bantay kay Anya pagkat nanatiling hindi makalakad
si Papa kaya napagpasyahang ipagpalibang muna ang mga balakin. Ganito naman
parati’t magsasakripisyo muli ako, mas inuuna’t iniisip ang kapakanan ng iba
kaysa sa sarili subalit ayos lamang kung may patutunguhan at magandang matatamo
sa bandang huli. Sana man lang bago matapos ang taon na ito’y magkaroon na
talaga ng trabaho’t kung hindi man nawa’y kayanin ang mga susunod pang araw na
kinakaharap ang Financial Problem dulot na wala nang nagtataguyod sa amin.
12W-C.Nilibang ko na lamang ang sarili sa
panunuod ng Telebisyon at tinulungan na rin si Mama sa pag-aaruga kay Anya, kahit masyado itong iyakin kung
napalapit naman sa loob at mahal na mahal. Kinahapunan at habang tulog ang
aking pamangkin at kayang-kaya nang alagaan ni Mama ay naisipang magtungo ng
Computer Shop. Habang naglalakad ako patungong shop ay saktong nakasalubong
sina Annie. Kaarawan pala ngayon ni Gelyn at sa bahay ng mga kapatid nila
doon sa Recrap naisipang ipagdiwang
ang birthday nito. Medyo nagmamadali ako kaya saglit lamang sila nakausap.
Matapos magkumpyuter at kahit pahingalo na ang liwanag ay tumungo pa ko kung
nasaan sina Annie.
12W-D.Pagkarating ay nadatnang masaya silang
nagkakainang magkakapatid at naiingit talaga ako sa pamilya nila dahil bukod sa
malaki ang pamilya, nagkakasundo pa’t usap-usap ng mga bagay na pumapasok sa
isipin, samantalang kaming dalawa na lamang ang normal at maasahan, di pa
magkasundo’t madalas pang mag-away. Dami talagang kulang sa buhay ko subalit
ano pa nga ba ang magagawa kundi tanggapin at makuntento. May tamang panahon
talaga para makamit kung ano ang inaasam sa buhay, magtiyaga lamang. Dahil
naranasan kong maging masaya habang nasa puder nila’y inabot nanaman ako ng
gabi, kaya ang resulta pagkaalpas muli sa sariling tahanan ay sermon nina ina
ang aking inabot.
12W-E.Sumama lamang ang loob ko kay Papa
pagkat minsan na nga lang ako maging maligaya at makasama ang mga kaibigan,
parang pinagkakait pa nito at parang ipinapalabas na hindi ko sila iniintindi.
Hindi ko lubos matanggap ang mga sinabi ni Papa kaya lakas-loob nang
nangatwiran sa kanya at tinuligsa ang mga sinasabi nito, sa kabila na may
karamdaman pa rin ito. Talaga bang ganito na ang pamilya namin, hindi na
nagkakasundo-sundo’t unuwaan, nagkakasamaan na ng loob. Ayaw kong isipin
subalit itong taon na marahil ang pinakamalungkot na kabanata ng aking buhay
pagkat puro sakit at hindi magaganda ang mga dumaan sa buhay, sa taong ito
lamang naganap. Sa mga kinakaharap namin ay kailangan ko talagang magpakatatag
at kaunting lakas ng loob para makayang lampasan ang lahat ng ito.
November 14, 2018
Wednesday
Year VI-318
Wednesday
Year VI-318
12W-F.Sa
kabila na puro masasakit at kabiguan ang mga dinanas ko sa nakalipas na mga
araw, walang mangyayari kung panghihinaan lamang ng loob at susuko kaya tuloy
ang laban at darating ang panahon na makakalasap din ng katagumpayan at
karangyaan ng buhay, tiis-tiis lang at huwag mawawalan ng pag-asa. Pagsubok
lamang itong aming kinakaharap na kalaunan ay malalampasan din. Bumagsak man
ako sa Board Exam, hindi pa ito ang katapusan ng laban at ipapakita na kaya
kong magwagi sa bawat hamon ng buhay. Dahil positibo akong nilalang at inaalis
lahat ng Nega sa isipan, may
kasiglahan pa ring nagising at bumangon sa kabila na hindi kanais-nais ang
naganap kahapon. Nakaya ko man kaharapin at lampasan ang mga problema sa buhay,
nawa’y kayanin pa sa mga susunod. Balak ko sanang ituloy ang paghahanap ng
trabaho, kaso napurnada nang utusan nina Papa na kailangan ko magtungo sa Court of Appeals upang ipasa ang Birth
Certificate nito sa Personnel Office na kinuha sa NSO.
12W-G.Walang
ibang maramdaman kundi tuwa sa halip na pagkadismaya dahil makikita ko ulit ang
mga kaibigan doon. Pagkatungtong ng Court
of Appeals ay mainit na pagbati kaagad ang isinalubong nila sa akin at
ginawaran pa nga ng Special Treatment kaya agad-agad akong nakapasok. Sa
pagpasok ko sa Personnel office, presensiya kaagad ni Ma’am Carmen ang bumungad sa akin at dahil napalapit ang loob sa
kanya nung panahong may OJT ako
doon, batiin at kamustahan ang ginawa namin at tila na-miss ang isa’t isa.
Maliban kay Ma’am Carmen, kinamusta
ko rin si Ma’am Rowenna at iba pa
nitong kasamahang Personnel at nakakatuwa dahil masyado silang Hospitable, kaya
bwenas na bwenas pa rin ang Sikmura kahit di pa naglalabas ng pera.
12W-H.Sa
pakikipagkamusta’t kwentuhan ko sa kanila, nakaligtaang pagpapasa ng Birth
Certificate ni Papa ang ipinunta.’t sobrang na-miss ko sila. Dahil wala pa si Sir Dino, nanatili muna ako roon at
yamang naroroon na rin ako, naisipan nang mag-apply kahit Utility Worker lamang pagkat wala pang Civil Service Exam at hindi
pa nakapasa sa Board Exam. Pag-fill-up sa Personal Data Sheet ang inatupag ko’t
napakakengkoy talaga ni Sir Francis,
kahit matanda na’t malapit na rin mag-retire ay kaya pa rin nitong
makipagsabayan sa mga kabataan pagdating sa kalokohan, kaya sa halip na mabagot
sa kahihintay ay nag-enjoy ako. Dahil mamayang hapon pa raw darating si Sir Dino, napagpasyahang ipasuyo na
lamang kay Sir Melvin ang Birth
Certificate at nagtanong na rin patungkol sa proseso ng Retirement Fee ni Papa
na hanggang sa mga panahong iyon ay hindi pa natatanggap.
12W-I.Nang
sabihin ni Ma’am Lea, nakakatuwa
dahil kaunti na lamang pala ang kailangan, magtutuloy-tuloy na ang paggulong ng
proseso at posibleng bago matapos ang taong ito’y makukuha na subalit nilinaw
nito na possible din na abutin ng susunod na taon kaya nagkakaroon man ng
pag-asa subalit di pa rin umaasa’t kailangan pa rin makasiguro. Nang malinawan
ako sa mga ipinapaliwanag nila, nagpunta pa ko sa opisina ni Attorney Marigomen upang ipanotaryo ang
Personal Data Sheet subalit sinabi ng mga staff nito na hindi raw sila
nagpapanotaryo ng PDS kapag
aplikante pa lamang at kinabahan ako bigla nang tawagan nila ang Personnel
Office. Manginig-nginig ako sa takot sa posibleng maging reaksyon nila habang
papalapit ang yapak ko sa Personnel Office na kasalanan din naman kasi nila
subalit nakitungo naman ng maayos kahit napapansin kong tila nanamlay ang pakikitungo
sa akin ni Sir Francis at di na
gasinong kinikibo-kibo.
12W-J.Nang
maasikaso ang mga dapat asikasuhin, nagpaalam na ko sa kanila. Sa halip na
umuwi at dahil isinilang akong isang pangahas, nagtungo pa ko sa Intramuros, kahit tirik na tirik ang araw
at nilakad kahit may kalayuan, makapag-apply lamang. Sa Letran ko naisipang mag-apply, kung saan nagtatrabaho si Romeo at nang makapagpasa ng Resume ay
tinangka kong makipagkita sa kanya’t humingi na rin ng tulong dahil nakita kong
matulungin ito sa kapwa subalit sinabing nakaalis na ito. Sumasakit na ang ulo
ko dulot ng gutom kaya hindi na nagawa pang mag-apply sa iba’t umuwi na.
Pagkatungtong sa sariling tahanan at dahil nag-uumapaw na sa gutom ang
Sikmura’y diretso ako sa paglamon at nagpahinga na rin. Sana lahat ng
pagkukumahog na aking ginagawa’y may mapatunguhan at hindi mapunta sa wala.
Kinagabihan at dahil bagot na bagot muli ang lola niyo, heto muli’t ibababad
ang mata sa panunuod ng Telebisyon at matutulog kung makaramdam ng antok sa mga
mata. Matagal akong tamaan ng antok kaya inaabot ng hating-gabi sa pagtulog.
November 15, 2018
Thursday
Year VI-319
Thursday
Year VI-319
12W-K.Tunay ngang hindi kami pinababayaan ng Diyos dahil sa kabila
hindi pa rin nakukuha ni Papa ang retirement fee at wala nang ni isa sa amin
ang kumakayod pagkat wala pa rin akong trabaho ay nairaraos pa rin ang mga
pang-araw-araw na pangangailangan at hindi nalilipas ng pagkalam ng Sikmura
kaya may dahilan pa rin upang magpasalamat. Bukod pa roon ay nakakalakad na rin
si Papa matapos ang halos dalawang linggo nang nakahilata sa maghapon dulot ng
kanyang rayuma, nawa’y magtuloy-tuloy na ang paggaling nito. Kung anuman ang
tinataglay nitong sakit ay nawa’y maibsan na. Sa ngalan ng Diyos, malalampasan
namin ang lahat ng ito’t makakaahon sa buhay, manalig at magtiwala lamang.
Tinanghali na ko sa paggising kaya hindi na nakapag-apply pa sa trabaho at mas
piniling manatili na lamang sa buhay at gawin kung anuman ang mga naisin.
12W-L.Pagkaalmusal, pagsusulat ng kwento ang aking inatupag. Sa
sobrang abala ko ulit sa pagsusulat ng kwento, hindi napansin ng aking ulirat
na tanghaling tapat na’t oras nanaman upang tsumibog ng husay at paumbukin ang
Sikmura. Matapos lumamon, panunuod naman ng Telebisyon ang aking inatupag at
ang sarap talaga manuod, nakakaalis ng mga stress at alalahanin sa buhay. Dahil
wala naman gagawin, naisipan ko munang mag-beauty rest matapos manuod. Kung
kailan natutulog ako, itong si Ate, inutusan akong bumili ng Mineral Water.
Sobrang antok ko nang panahong iyon kaya nakiusap kung pwede mamaya na lamang
subalit di niya ko inintindi't talagang iginiit na kailangan ko nang bumili. Sa
halip na sundin siya dahil antok na antok, mas piniling ipagpapatuloy na lamang
ang pagtulog. Pwede naman kasing mamaya, bakit kailangang ipagpilitang ngayon
at nauutusan naman ako.
12W-M.Sadyang napakasama ng ugali nito't pagkabili nito ng Mineral
water ay nagawa pa kong pagbawalang uminom. Siya ang panganay sa aming
magkakapatid subalit mas makitid pa ang utak nito kumpara sa isa ko pang
kapatid na may kapansanan at dami nitong dama sa buhay. Yung yamot na yamot na
ko ng mga oras na iyon na tipong ibig nang salagin ang mga sinasabi nito pagkat
masasakit at nanunumpa pa subalit mas piniling huwag na lamang itong patulan
pagkat ayaw ko ng gulo't ma-stress si Papa. Iyan ang hirap sa kapatid ko,
sarili lamang nito ang iniintindi, hindi ibang tao't walang pagpapahalaga sa mga
nagawa ko sa kanya't sa pamilya na mabubuti, ikanga'y hindi marunong
mag-appreciate. Natutuwa naman ako dahil nagawang pigilan ang emosyon kaya
hindi naman kami nagpang-abot. Kinagabihan ay pagsusulat ng kwento ang aking
inatupag. Dahil may lakad ulit kinabukasan, maaga akong natulog.
November 16, 2018
Friday
Year VI-320
Friday
Year VI-320
12W-N.Panibagong umaga at
araw nanaman ang kakaharapin sa buhay na may pakikibaka. Pagkadilat ng mga
mata’y saktong kakasikat pa lamang ng araw. Dahil may lakad ngayong araw, wala
nang inaksaya pang panahong at kaagad na nagbihis at handa matapos mag-almusal
para sa muling paghahanap ng trabaho. Nakasama ko si Abbie sa pag-a-apply at sa may Saint
Peter, doon sa harapan ng SM North
EDSA namin unang naisipang mag-apply. Pagkapasa ng Resume at dahil batid
namin na marami raw opportunity sa Technohub,
nagtungo agad kami doon. Pagkatungtong ay mga nag-aabang na Head Hunters kaagad
ang sumalubong sa amin at panay hikayat sila sa amin na mag-apply sa kanilang
Company bilang Call Center Agent. Dahil may mga kumpanya pa kaming balak
pasukan para sa pag-apply, di muna namin sila inalintana kahit maganda at
mataas pa ang sahod ng trabahong kanilang inaalok at nangangailangan pa sila ng
aplikanteng nakapagtapos sa kursong Psychology
dahil medical ang kanilang services.
12W-O.Sa Manulife namin unang naisipang
mag-apply. Hindi gaya nung nakaraan nang huli akong mag-apply doon kasama si Myrrh ay manaka-naka lamang ang dating
ng mga aplikante’t tahimik pa. Kahit batid kong aabutin ng siyam-siyam doon
pagkat matagal ang proseso ng pag-a-apply ay hindi naman nabagot sa kahihintay
pagkat kakwentuhan ang iba pang applicant, sa katunayan ay nagkaroon pa nga
kami ng kaibigan at dahil inabot na kami ng lunch break sa paghihintay,
naisipang sa ibang kumpanya muna mag-apply. Kasama ang bago naming kaibigan na
si Cristina (Kura) na nakilala lang
sa Manulife, nagtungo naman kami sa Concentrix. Nakakatuwa dahil hindi
akalaing makakapag-apply muli roon at sana palarin nang makuha. Nag-fill up
muna kami ng mga sangkatutak na form at nag-register.
12W-P.Sa totoo lamang ay
medyo nakakatanga talaga ang pinapagawa nila sa amin at dahil doon, nagkaroon
ng kaunting aberya’t nakaka-stress. Di ko na tuloy nakasabay sina Abbie sa pagtungo sa Testing room at
nang maayos ang gusot sa pag-register ay pinapunta na nila ako sa Testing room.
Nakakagitla lamang at hindi ko naihanda ang sarili pagkat halos dalawang buwan
pa lamang ang nakakaraan magmula nang huling mag-apply doon subalit dami ng
pinagbago sa proseso ng kanilang pag-a-apply at kailangan mo munang dumaan sa
Testing room at maipasa iyon bago ka isalang sa Initial interiview. May
kaibahan lamang ang kanilang Test pagkat sa halip na sasagot ka through
computer at multiple choice, kailangan mo gumamit ng Telepono at iyon ay
verbally form sa halip na written form pagkat pakikinggan mo ang mga sinasabi
doon at pasalita ang paraan ng pagsagot.
12W-Q.Dahil ngayon lamang
ako naka-encounter ng ganung uri ng Test na kung tawagin ay SVARTest, nahirapan ako’t kung
ikukumpara’y mas mahirapan ito sa Board Exam pagkat bukod sa pag-unawa,
kailangan matalas ang iyong pandinig at memoryado agad. Masyadong slang pagkakasabi
at mabilis pa kaya nahirapan ako sa pag-unawa. Dahil medyo nahihirapan ako’t
nalilito pa, hindi na maiwasan ang manghula-hula ng sagot at kailangan fluent
pa sa English. Grabe at ganito pala
ang kanilang exam, napakahirap at mga magagaling lamang magsalita ng English ang makakapasa. Saktong
kinakausap na si Abbie patungkol sa
naging resulta ng kanilang SVARTest
at sa kanilang dalawa, si Cristina
lamang ang nakapasa, lalo tuloy akong kinabahan at napapaisip na baka
lumagagpak din pagkat labis na nahirapan.
12W-R.Sa halip na umalis
na’y hinintay muna namin ang resulta ng aking SVARTest subalit sa sobrang tagal at gawa na naiinip na ang mga
kasamahan, napagpasyahang huwag nang hintayin pagkat siguradong bagsak na. Sa
paglabas namin, nakaabang na kaagad ang mga Head Hunters at dahil desperado
nang magkatrabaho ang bawat isa sa amin, hindi na nagdalawang isip na sumama sa
kanila. Sa Optum Health Care kami
dinala ng mga Head Hunters na doon lamang din sa Technohub at may pinagawa pa sila sa amin bago sumalang sa
Interview. Dahil nakakatuwang kahuntahan ang kasamahan naming si Cristina, nawala kahit paano ang
dala-dalang kaba subalit biglang nagising nang tawagin na para sa Initial
Interview.
12W-S.Saktong sa Our Lady of Fatima University din
nakapagtapos ang aking Interviewer kaya gumaan-gaan kahit paano ang loob
subalit masyado itong arogante’t mataas pa ang standard kaya na-intimidate na
ko, hindi na rin nakasagot ng maayos. Karamihan pa naman sa mga tanong na
ibinabato sa akin, patungkol sa kanilang company samantalang ngayon ko nga lang
narinig at nalaman ang Optum kaya
ang resulta, nga-nga at hindi ako pinalad na makapasa, masyado kasing mataas
ang expectation at medyo mayabang pa! Dahil parehas kami ni Abbie na hindi pinalad at si Cristina lamang muli ang nakapasa,
umalis na lamang kami at umuwi pagkat pagabi na. Hindi man ako pinalad na
magkaroon ng trabaho, walang dahilan upang sumuko at panghinaan ng loob pagkat
naniniwala akong marami pang opurtunidad ang nakalaan para sa akin, di pa
nahahanap. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa’t pasasaan pa’t magkakatrabaho
rin ako, tiwala lang!
November 17, 2018
Saturday
Year VI-321
Saturday
Year VI-321
12W-T.Dahil
medyo napagod sa kakabalik-panaod kakahanap ng trabaho, kumikislap na ang
liwanag sa labas nang ako’y magising at bumangon na rin. Dahil hindi naman ako
makapag-apply pagkat nataong Sabado, buhay katulong muli ang aking ganap at
linis dito, linis ang doon ang napag-ukulan ng panahon habang walang ibang
pinagkakaabalahan. Nang matapos sa gawaing bahay, saka lamang nilibang ang
sarili sa mga naising gawin. Kinahapunan at dala na nababagot muli ng lagay,
naisipan kong magkumpyuter. Wala pang balak ang isipang umuwi kaya tumungo pa
ko sa bagong tirahan nina Cathy
subalit tulog ito at sina Jaka
lamang ang aking nadatnan. Wala rin si Ate
Ging at hindi man lamang pinapatuloy ni Jaka kaya napagpasyahang umalis na lamang.
12W-U.Saktong
naghihingalo na rin ang liwanag nang makauwi ako’t dala ng kagutuman ay diretso
kaagad sa paglamon ng nakahaing hapunan. Maya-maya pa at dahil nababagot ng
lagay at madilim-dilim na sa labas, napagpasyahang manatili na lamang sa bahay
at manuod ng Telebisyon. Habang sarap na sarap sa panunuod ay nayamot ng husto
pagkat lubhang napakaligalig ni Kuya Al at
sigaw pa nang sigaw. Ito namang sina Papa, pinapapatay na ang Telebisyon pagkat
naiisturbo na si Mama sa pagtulog, kahit Alas-siete pa lamang. Nung una’y
binalewala ko lamang ang kanilang sinasabi pagkat gusto kong mag-enjoy at
naiintindihan naman ni Mama na maingay pa ng ganung oras subalit sadyang
mapilit sina Papa.
12W-V.Ayaw
ko naman magalit sa akin si Papa at makadagdag pa sa kanyang konsumisyon kaya
sumunod na lamang ako, kahit labag sa kalooban. Sobrang dismaya ko nang
panahong iyon pagkat ngayon lamang muli ako nakanuod ng Telebisyon, hindi pa
nila mapagbigyan at kinaiinis ko pa ang aking kapatid na saksakan sa ligalig
kaya usok na usok ang ilong nang panahong iyon. Sa yamot ko, kahit dis-oras na
ng gabi’y umalis muna ng bahay at nagtungo sa bahay ng kaibigan. Sa bahay nina Ate Bing ako nagtungo at kahit ugali
nilang matulog ng maaga, saktong hindi pa sila nagsisipagtulog pagkatungtong
ko’t tutok na tutok ang mata sa panunuod ng Telebisyon kaya nakinuod na ko.
12W-W.Bukod
sa amin ay may bisita pa ito at lubhang makulit ang mga anak nitong maliliit pa
lamang kaya magulo ngunit masaya ang kanilang bahay. Maya-maya pa, itong si Ate Bing ay nag-ayang magbuo ng Jigsaw
Puzzle. Batid kong mahina ang kukote sa paglalaro niyon subalit sumali pa rin
ako sa pagbuo at anong hirap nga naman kahit may guide na. Nung una’y
ganadong-ganado ako sa pagbuo subalit kalaunan ay umayaw na ko hanggang si Ate Bing na lamang ang mag-isang
nagbubuo ng Puzzle at ang tiyaga nito. Elementary pa lamang ako nang huling
nilaro iyon at sa tagal ba naman, nakaligtaan na ang technique sa pagbuo niyon
kaya panis na panis kay Ate Bing.
Napasarap ang pananatili ko sa kanila at panunuod na rin kaya hindi namalayang
Alas-dyis na’t hindi na nahintay pang matapos ni Ate Bing ang pagbuo sa Jigsaw Puzzle. Pagkauwi’y hindi naman
nakastigo nina Mama pagkat tulog na ang mga ito, buti na lamang.
November 18, 2018
Sunday
Year VI-322
Sunday
Year VI-322
12W-X.Inabot
nanaman ng pagputok ng liwanag nang ako’y magising na may saya’t nanatiling
positibo sa kabila na puro kasawiang palad ang dumarating sa buhay. Pagkabangon
at almusal ay gawaing bahay kaagad ang aking napagkaabalahan. Sa dami ng
nawalisang alikabok na nagliliparan pa’y bahingin ako ng lubusan hanggang sa
tumulo nanaman ang uhog. Bahagyang nabawasan ang tinataglay kong lakas matapos
ang gawaing bahay kaya nagpahinga muna ako. Kinahapunan nang ayain ako ni Aling Pammy, kasama pa ang mga kaanib
nito na sumama sa kanilang Church. Nang una’y medyo nag-aalangan akong sumama’t
tinatamad pa pagkat maalinsangan ang panahon subalit patungkol naman sa
Panginoon ang pupuntahan namin kaya sumama na ko.
12W-Y.Bukod
sa akin ay may inakay pang mga itong iba kaya marami kami, wala pang service
kaya nahirapan halos sa pagsakay ng Tricycle. Nakaalis din naman kaagad kami at
pagkarating sa Church na sinasabi nila, manlaki ang mata ko pagkat matayog at
malaki at may beranda pa sa bandang gilid. Gaya nina Pastora Anna, mga Born-Again
din sila at magkahalong tuwa at gulat ang aking natamo pagkat marami-rami ang
mga nagsipagdalo at may dumarating pa habang hindi pa nagsisimula ang kanilang
Worship. Sa aking pakiwari, tila dumarami na nga ang mga taong umaanib sa Born-Again at parami na rin nang parami
ang mga kaibigan na sumasali sa ganong relihiyon kaya naeenganyo nang umanib at
maging active participant sa nasabing relihiyon.
12W-Z.Masaya
naman kasi sa Born-Again pagkat
malaya kang nakakasigaw kung ano ang nasa loob at maglulundag-palakpak sa
tuwing Worship at bukod pa roon, binibigyan ka nila ng pagkakataong upang
magsalita at ibahagi ang mga karanasan mo at magpasalamat na rin sa maykapal,
hindi tulad sa Katoliko na pari lang ang magsasalita’t maayos naman ang mga
awitin subalit boring at aantukin ka pa, sa Born-again, very live ang kanilang awitin. Nagsisisi talaga ako
kung bakit hindi ito itinuloy, di sana’y limang taon na kong nasa ganung
relihiyon. Kung tutuusin nga’y ayaw nilang matawag na relihiyon ang
kinabibilangan nilang Born-Again
pagkat sa Diyos lamang sila naniniwala sa halip na sa mga relihiyon. Ilang
sandali pa nang magsimula ang Worship at grabe, para lang akong nanunuod ng
Concert habang sabay-sabay na umaawit at umiindayog.
12X-A.Ang
saya-saya talaga at damang-dama mo pa ang debosyon sa pagsamba sa panginoon at
pakiwaring naririyan lamang siya. Matapos ang malakonsiyerto na Worship, saka
pa lamang nagsimulang magsalita ang kanilang Pastor. Bago magtapos ang kanilang
Sunday Mass, nagkaroon muna ng selebrasyon dahil kaarawan ng kanilang Pastor.
Saktong kumagat na ang dilim kaya hindi ko na nahintay pang matapos ang
kanilang Birthday Party at napagpasyahang umuwi na. Umuwi akong may kagaanan
ang kalooban at marahil ay ganito ang magiging pakiramdam kapag inilalapit mo
ang loob sa panginoon. Sa gutom ay diretso ako sa paglamon pagkauwi’t nuod ng
telebisyon. May kalaliman na rin ang gabi nang mapagpasyahang matulog.
November 19, 2018
Monday
Year VI-323
Monday
Year VI-323
12X-B.Gugulin
nanaman ang itong panibagong araw na dumating para maghanap ng trabaho’t
nananalig na nawa’y magkaroon na ng trabaho, nang sa ganon ay magkaroon na ng
kakayanang makatindig sa sariling paa’t makatulong pa sa pamilya. Dahil sa may EDSA-Centris kami magtatagpo-tagpo,
dakong Alas-nuebe nang dumako ako roon. Saktong wala pa sina Abbie pagkatungo roon kaya as usual,
maghihintay nanaman ako at baka matagal-tagal pa nga pagkat may kabagalan pa
naman ang mga iyon sa pagkilos. Habang bantay-sarado ako sa pag-aabang sa
kanila na halos mainip na nga, may isang estrangherang biglang lumapit sa akin
at kinausap. Head Hunter pala ito’t panay udyok sa akin na sumama sa kanilang
kumpanya upang mag-apply subalit tumanggi ako pagkat may hinihintay kasi’t
mahirap na rin, baka sindikato pala ito ng masasamang loob.
12X-C.Isang
oras na ang nakakaraan subalit wala pa rin sila, hindi naman ako naiinip pagkat
panay entertain at alok sa akin ang Head Hunters at sa mga sinasabi nito, mukhang
maganda ngang magtrabaho sa kanilang kumpanya’t may training pa kahit bumagsak
ka sa mga interview subalit di ako pasilaw at kailangan talagang maging
Vigilant. Ilang sandali pa nang sa wakas ay dumating na rin sina Abbie at sa halip na si Gem ay ang kaibigan nitongLhea ang kasama at kaagad na kaming
dumeretso sa sinasabing kumpanya na aming aaplayan. Laking gulat ko pagkat sa Alorica pala kami mag-a-apply at hindi
ko akalaing makakatungtong muli roon. Sa pangalawang pagkakataon na pag-a-apply
ko roon ay nawa’y palarin na.
12X-D.May
pinagawa pa sila sa amin at maya-maya pa, tinawag na kami para sa Job
Interview. Wala pa ring pagbabago pagkat Group Interview pa rin ang uri ng
kanilang initial interview kaya dumadagundong muli ang kaba sa dibdib. Sa totoo
lamang ay hindi ako makasagot ng maayos kapag may kasama pang iba dulot ng
pagkailang at iyon ang pinakaayawan ko sa Interview subalit ano pa nga ba ang
magagawa. Kung sino ang nag-interview sa akin nung nakaraan, siya pa rin an
gaming Interviewer kaya laking gulat ko pagkat natatandaan pa niya ko, sa
kabila na marami nang applicant itong nakakasalamuha. Dahil hirap akong
magsalita ng English at idagdag pa
ang pagkailang sa mga kasamahan, ang resulta’y ligwak ako sa Initial Interview
maging si Abbie at Lhea, paano naman din kasi ang mga
tanungan, parang Miss Q and A na’t
aakalaing sumasalang ka na sa Final Interview, kainis ang din ang mga sagot ko.
12X-E.Pagkalabas
namin ay saktong naroroon na si Gem
na nakapila. Ayaw namin masayang ang oras kaya sa halip na hintayin pa itong
matapos sa Initial Interview, tumungo na kami sa ibang company. Sa Convergys naman kami sunod na
nagtungo’t biglang umurong sina Abbie
nang malamang wala palang Non-Voice o Chat Support sa kanilang Call Center,
paano bukod sa akin ay hirap din silang magsalita ng English at tipong mano-nosebleed ka talaga. Ayos lang naman sa akin
kung wala silang Non-Voice, mahahasa naman ang Communication Skills ko kapag
tumaga-tagal subalit umayaw na rin pagkat wala nang kasama’t bumaba na rin ang
kumpiyansa sa sarili.
12X-F.Dahil
kapwa gutom na ang isa’t isa sa amin, kumain muna kami. Hindi sana ako kakain
pagkat nagtitpid subalit hindi na kaya ang gutom at nahihilo na rin kaya hindi
na nakatiis pang tsumibog at sa susyaling restaurant pa. Balak pa sana namin
mag-apply sa iba subalit dahil pagod na ang mga kasama, umalis na kami. Bago
umuwi ay naisipan ko munang mag-apply sa iba’t ibang schools. Kung kailan pauwi
na ko’y saktong nakasalubong si Ate
Charm bitbit ang supling nito. Dahil matagal nang hindi nagkikita
magkaklase’t kaibigan, napatigil muna sa paglalakad at kamustahan kaming
dalawa. Napapasarap an gaming usapan kaya di namamalayang maraming minute na
pala ang nakakaraan. Kinagabihan ay biglang namayani ang tuwa sa dibdib nang
biglang may tumawag at nag-text sa akin na taga-Concentrix at sinabing magkakaroon raw kami ng Training bukas.
Mukhang unti-unti nang nagkakabunga ang pagkukumahog ko na makahanap ng trabaho
at nabubuhayan ng loob. Dulot ng pagkasabik, hindi tuloy ako makatulog.
November 20, 2018
Tuesday
Year VI-324
Tuesday
Year VI-324
12X-G.Dahil
bandang madaling-araw na nakatulog, tinanghali na sa paggising. Maigi na
lamang, mga bandang Alas-dose pa ang aming training kaya hindi ko naman
kinailangan magmadali at dahil mag-a-apply pa ko, bandang Alas-nuebe nang
umalis na ko ng bahay. Sa FEU-Diliman
ko naisipang mag-apply at pagkalapag ng aking yapak ay manlaki ang mata sa
gulat pagkat napakalakawak ng kanilang field at aakalain mong hindi ito isang
unibersidad kundi Golf-area at walang gaanong katao-tao. Habang papalapit ako
sa Campus ay doon pa lamang tumambad ang mga estudyante’t kaagad nang tinungo
ang kanilang HR Department upang
magpasa ng Resume. Dahil malapit nang sumapit ang Alas-onse nang makaapak doon
at medyo nagmamadali rin ako, nang makapagpasa ng resume at makausap ang
kanilang HR, mabilis pa sa guhit ng
kidlat ang pag-alis ko roon.
12X-H.Minalas
lamang ng lagay pagkat nagmamadali na nga, huwag lang mahuli sa aming training,
hindi inasahang maiipit pa sa trapik at pambihirang buhay naman ito, masyadong
pahamak ang trapik para sa mga taong may mahalagang lakad kaya ang resulta,
minuto na lamang ang bibilangin bago sumapit ang Alas-dose nang makarating ako
saEmerson Building na katapat lamang
ng SM North EDSA. Sa kagustuhang
makahabol sa training, paspasan na sa paglalakad na halos tumakbo na nga at
magkandahingal-hingal na dulot ng pagmamadali. Dahil hindi ko gasinong kabisado
ang patungo sa Concentrix Center,
lagpas Alas-dose nang makatungtong ako kung saan isasagawa ang aming training
subalit mga kapwa ko trainee pa lamang ang nadatnan at saktong wala pa an
gaming trainor kaya nakahinga ng maluwag at tamang kwentuhan at pakilala muna
sa isa’t isa an gaming ginawa.
12X-I.Ilang
sandali pa nang dumating ang aming trainor na si Sir Paolo at saka pa lamang nagsimula ang aming training. Kahit English ang gamit nitong salita pagkat
Call Center an gaming pinapasukan, hindi naman dinudugo ang ilong sa kakaunawa
pagkat malinaw at simple lamang ang mga words na kanyang ginagamit, hindi tulad
ng iba na pagkahusay-husay ngang magsalita ng English, wala naman substance ang nilalaman ng kanilang sentence at
napapakunot ka na lamang ng noo sa mga ganung klaseng tao. Bukod pa roon ay
ramdam ko na mabait ito at maunawain kaya hindi nakaka-intimidate habang
kaharap ito. Itinuro niya sa amin ang policy ng kanilang Company at matapos ay
paraan ngpaggamit ng kanilang assessment na SVAR at kung paano sumagot nito.
12X-J.Habang
itinuturo ni Sir Paolo ang patungkol
sa SVAR ay napapaisip na hindi nga
ganung kadali sumagot doon pagkat bukod sa kailangang malinaw at malakas ang
iyong boses, kailangan ay confident rin at hindi tunog kabado para makasungkit
ng nagningning na marka at makapasa. Bukod pa roon ay kailangan pa fluent na
fluent magsalita ng English at
walang hinto-hinto. Nakakatuwa magturo si Sir
Paolo kaya enjoyable naman kahit papaano ang aming training at nakakabawas
din ng kaba para sa nalalapit naming assessment. Matapos ituro ng aming trainor
ang pagkahirap-hirap na SVAR,
nagkaroon kami ng exercises at isa-isang tinawag upang sumubok. Sa unang
bahagi, madali lamang pagkat babasahin mo lang naman ang mga nakapresintang
sentence at mataas ang kumpiyansang makakakuha ng mataas subalit pagdating sa
pangalawang bahagi, ito na yung uulitin moa ng bawat pangungusap na bibigkasin.
12X-K.May
pagka-slang pa naman ang pagkakasabi at masyado pang mahaba kaya hindi magawa
ng lubusan at ang ilang sa amin, kundi mag-iimbento sa hindi sinasadya,
nabubulol na. Lalo pang humirap pagdating na sa kahuli-hulihang bahagi pagkat
required ka na magsalita at ipapaliwanag ang topic na naibigay sa’yo sa loob
lamang ng humigit kumulang isang minute at iyon ay English pa na kailangang ay walang Dead Air kaya umiral na ang kaba
sa dibdib. Karamihan sa amin, halos duguin na ang ilong habang nagsasalita’t
kanda-utal-utal na rin at nang ako na’y lakas loob na ipinaliwanag kung anuman topic
ang na-assign, kahit hirap na hirap at wala nang pakialam kung pagtawanan at
anumang sabihin nila basta may nasasabi ako. Sa una. Ayos pa’t nakakaya kong
magsalita ng Straight English
subalit nang kalaunan ay bigla na lamang ako nablangko hanggang sa wala nang
masabi’t natapos ang binigay na oras.
12X-L.Sa
pangkalahatan ay naging napasaya ng aming training at bukod sa marami kaming
natutuhan, di lamang patungkol sa paggamit ng SVAR, nagkaroon din ng bagong kaibigan. Tamang kwentuhan at
pakilala na rin sa mga kasamahang trainee habang di pa kami natatawag para sa
assessment. Sa dami ng aplikanteng kailangan sumailalim sa kanilang SVAR Assessment, inabot na kami ng gabi
sa paghihintay. Maigi na lamang, masayang kausap sina Ate Rochelle, Flor, Grace (Correa) at Abbie na kapwa aplikante kaya di naman nainip sa kahihintay, iyon
nga lang ay kumakalam na ang Sikmura pagkat kanina pa walang kain. Ganito pala
sa kanilang company, masyadong matagal ang proseso. Bandang Alas-otso na ng
gabi kami natawag para assessment at kahit dumaan na sa training ay nahirapan
pa rin sa pagsagot at nagkaroon pa ng aberya bago magsimula ang assessment
pagkat di gumagana ang telepono na aking gagamitin kaya ang resulta’y tumugal
pa ko.
12X-M.Matapos
ang SVAR Assessment ay tumatadyak na
ang kaba’t pasidhi pa nang pasighi habang napipinto nang lumabas ang resulta’t
nang tawagin kami, pagkadismaya ang aking tinamo pagkat hindi nakapasa sa
assessment at isa lamang sa aming mga trainee ang nakapasa kaya hindi nakaabot
pa para sa Final Interview. Sadyang napakailap ngang magkaroon ng trabaho
subalit hindi naman nalulungkot at nawawalan ng pag-asa pagkat mahabagin ang
panginoon at makakamit ang trabahong nararapat sa akin. Naging masaya pa rin
naman ang araw na ito dahil maraming nakasama sa pag-uwi’t nagkaroon ng bagong
kaibigan na ramdam ng sarili na tanggap bilang ako. Isa na marahil ang araw na
ito sa hindi malilimutan.
November 21, 2018
Wednesday
Year VI-325
Wednesday
Year VI-325
12X-N.Dulot
ng matinding pagod na tinamo kahapon sa pag-a-apply at training sa Concentrix na hindi naman pinalad na
makuha, kahit buong magdamag nang natulog ay pakiwaring pagod pa rin at
tinanghali na sa paggising. Balak ko sanang ilaan muli ang araw na ito sa
paghahanap ng trabaho, kaso pagkahapo ang pumipigil at baka magkasakit kung
patuloy na inabuso ang katawan kaya pahinga muna ako. Pagkaalmusal at kahit
pagod kung simpleng gawaing lang naman, gawaing bahay ang aking inatupag. Nang
makapagwalis-walis at punas ng sahig na nanggigitata sa kaitiman, pagsusulat
naman ng kwento ang sunod na pinagkaabalahan para tanggal pagkabagot. Hanggang
kailan kaya iikot ang buhay ko na nasa bahay lamang at naghihintay ng grasya na
hindi naman galing sa sariling pawis.
12X-O.Sana
nga’y dumating na ang panahon na ako naman ang maghahatid ng grasya sa pamilya
sa pang-araw-araw at hindi na kailangang umasa sa kanila, bukod pa roon ay may
kakayahan nang tumintig sa sariling paa’t natutugunan ang sariling
pangangailangan nang galing sa sariling pagsiskap. Kay ilap nga naman ng
trabaho sa akin na tipong wala naman nangyayari sa kabila ng iyong pagkukumahog
subalit naniniwala akong tiyaga lamang ang kailangan at lakas ng loob. Tama ang
kasabihang, hanggang may buhay, may pag-asa at iyon ang pinanghahawakan ko sa
ngayon kaya walang dahilan upang panghinaan ng loob at sumuko.
12X-P.Nang
magsawa’t wala na rin maisip na idudugtong sa kwento, tutok muli ang mata sa
panunuod ng telebisyon at masaya’t naging kakwela-kwela pa ang araw dahil sa Showtime. Dahil pagod at wala pang
gagawin, diretso beauty rest ako matapos manuod ng telebisyon at sarap nga
matulog sa panahong napakalibre sa’yo ng bawat oras na dumarating pagkat wala
nang poproblemahin pa. Kinagabihan, pagsusulat muli ng kwento ang aking inatupag.
Nang tamaan ng antok sa mga mata, ano pa nga ba ang gagawin kundi ihimlay ang
sarili sa kama.
November 22, 2018
Thursday
Year VI-326
Thursday
Year VI-326
12X-Q.Gising na ang lahat sa
mga kasamahan sa bahay maliban sa akin na hanggang sa mga oras na iyon ay sarap
na sarap pa rin sa paghilata pagkat may kalamigan ang panahon at sa katunayan
nga’y katamad ang bumangon subalit umaga na’t kailangan nang awatin ang sarili
sa paghilata pagkat may may mga bagay pang dapat asikasuhin. Pagkabangon at
lamon ng agahan, sa bait kong anak ay tinulungan ko muna sina Mama sa paglalaba
bago atupagin ang sariling naisin at halos mabalatan na ang palad sa kakakuskos
ng sangkatutak na damit. Nang matapos sina Mama sa paglalaba, ako naman ang
naglaba. Matapos maglaba, pagsusulat muli ng nobela ang aking inatupag.
12X-R.Wala talaga akong
magawa’t napapanis lamang ang laway pagkat wala namang kumakausap kaya itinuon
na lamang ang sarili sa pagsusulat at sarap nga naman magsulat pagkat lahat ng
iyong saloobin at pananaw sa buhay ay malayang nailalabas. Maya-maya pa, tamang
tutok muli ang mata sa panunuod ng telebisyon. Kinahapunan at dahil nababagot
ng lagay, paglalakwatsa muli ang aking inatupag at sa bahay ng Auntie Cleng naisipang dumayo. Sa tagal
kong di nakakapunta sa kanila na halos apat na taon na rin, ang dami nang pinagbago
sa kanila sapagkat mas malawak ang kanilang bakuran maging tirahan at bukod pa
roon, anim na ang supling ng Auntie
Cleng kaya maging ang pamilya’y lubhang malawak at ang saya marahil nina Samantha pagkat maraming silang
magkakapatid. Tamang kwentuhan at usap lamang kami ng Tita’t nakakalibang itong
kausap.
12X-S.Kung kailan paalis na
ko ang pagdating naman ni Addie at
nakakatuwang bata pagkat nakuha pang magmano sa akin, samantalang magpinsan
lamang kami’t sa kabila na madaming anak si Tita Cleng, maayos pa rin nitong natutukan at napapalaki ang mga
anak nang may magandang asal at katuwa ang ganung klaseng ina na hindi pabaya
sa mga anak. Wala pang balak ang isipang umuwi kaya nagtungo muna sa Computer
shop. Dahil medyo nasarap-sarapan ako kahit wala naman kasama, inabot na ng
pagkagat ng dilim sa pag-uwi’t diretso lamon ng nakahaing hapunan. Hanggang
kailan kaya ako mananatiling palamunin at nawa’y dumating ang panahon na ako
naman ang magpapalamon sa kanila at higit pa sa pagkaing aking nilalasap sa
pang-araw-araw. Dahil may lakad muli kinabukasan, maaga akong natulog.
November 23, 2018
Friday
Year VI-327
Friday
Year VI-327
12X-T.Kahit
ibig kong maagang magising na tipong tulog pa ang lahat maging ang
bukangliwayway ay inabutan pa rin ng liwanag sa paggising pagkat nasarapan sa
pagtulog. Saktong
wala na sina Mama at Papa pagkabangon ko’t wala naman silang iniwang pera
panggastos sa pag-a-apply kaya nag-aalangan na tuloy ako. Hanggang kalaunan ay
nahagip ng aking paningin ang perang nakatambad sa may divider at nagningning
agad ang mata ko. Sa una’y medyo nag-aalangang dekwatin pagkat batid na hindi
sa akin iyon subalit sobrang nangangailangan ako kaya lakas loob nang inumit at
ibabalik naman mamaya kapag nakahingi na ng pera kina Mama. Habang abala ako sa
pamamalantsa’y bigla na lamang nag-react ang ate’t sinabing nawawala ang pera
niya. Gulat ang namayani sa dibdib pagkat di akalaing siya pala ang
nagmamay-ari ng perang aking inumit at sa takot na magkaroon muli ng alitan sa
pagitan naming, tikom ang aking bibig.
12X-U.Batid
ko ang ugali nun at katakot-takot na katarayan ang ipapamalas kapag nalaman
nitong ako ang kumuha ng pera na siyang hindi ibig maganap pagkat ayaw kong
masira ang magandang araw na aking iniingat-ingatan. Kung kailan paalis na ko
ang pagdating naman ni Mama at kaagad akong tinanong kung ako baa ng kumuha ng
pera ng ate. Ayaw ko nang magsinungaling pa kaya kahit batid ang magiging
reaksyon ng ate’y lakas loob nang umamin. Hindi nga ko nagkamali sa inaakala’t
harapang kinompronta ng ate. Kung hindi lamang nila nakalimutang mag-iwan ng
perang bigay ng Tita Susan para sa
akin, hindi ko naman gagawin iyon at hindi hahantong sa ganun. Ayaw ko nang
lumaki pa ang gulo kaya itinigil na ang paninisi’t itinuon ang sarili sa
pagbibihis pagkat wala naman magandang patutunguhan ang pag-uusap na nagbabadya
nang umatikabo.
12X-V.Kung
kailan paalis na talaga ako ng bahay ay biglang napurnada ang lakad nang
tumawag ang taga-Court of Appealskay
Papa at sinabing kailangan nitong magtungo roon. Dahil nahihirapan nang
makakita si Papa dulot na lumalala na ang kanyang Katarata’y isinantabi muna
ang balaking sumama kina Abbie sa
paghahanap ng trabaho upang samahan ito. Kainis lamang pagkat kung kailan
nakapagpasya na ko’t nakapagpaalam na rin kina Abbie ay biglang sinabi ni Papa na sa Lunes na lamang ito pupunta.
Sa totoo lamang ay labis akong nalalabuan sa kanilang desisyon pagkat magulo na
tila dinaig pa ang diresksyon ng bagyo subalit ano pa nga bang gagawin kundi
unawain at respetuhin ang desisyon ni Papa pagkat kakagaling lamang nila ng
Hospital at pagod.
12X-W.Sa
halip na manatili na lamang sa bahay ay itinuloy ko pa rin ang lakad subalit
naiba na ang balak at sa halip na magtungo ako ng Cubao upang katagpuin ang mga kasamahan sa pag-a-apply ay nagtungo
na lamang ako ng School upang kumuha ng panibagong Transcript of Record.
Pagkatungtong sa may Registrar ay namutawi ang tuwa mukha pagkat hindi gasinong
kahaba ang pila subalit dahil sa Sistema nila, ianabot na ng isang oras subalit
hindi pa nakakapasok ng Registrar at abot-langit ang aking pagtataka. Iyon
pala, umalis ang aking Evaluator at nang mabatid ay hindi na nag-aksaya pa ng
oras sa paghihintay at naisipang mamaya na lamang pumila. Nagtungo muna ako sa SM Fairview at doon na rin naisipang
mananghalian.
12X-X.Matapos
tsumibog ay tamang paglilibot lamang ako’t habang mag-isang paduli-duli sa mall
ay may isang estrangherang biglang lumapit sa akin. Isa pala itong head hunters
at inaalok ng trabaho. Sasama na sana ako subalit nang malamang Call Center
muli ang kanilang inaalok, nawalan na ko ng gana. Nagdahilan ako para tantanan
na nila subalit sadya silang mapilit kaya pinagbigyan ko na lamang at nang
makapag-register sa kanilang form, tahasan ko silang tinakasan pagkat wala pa
naman talaga akong balak mag-apply as Call Center. Hindi ko talaga pangarap
pumasok sa ganung klaseng trabaho subalit dahil sa hirap nga namang makahanap
ng trabaho, mukhang mapipilitan ako. Pagkauwi ng bahay at sa pagod, diretso
pahinga ako. Pagsapit muli ng gabi ay panunuod ng telebisyon ang aking
pinagkalibangan at nang tamaan ng antok ay wala nang ano-ano pang natulog.
November 24, 2018
Saturday
Year VI-328
Saturday
Year VI-328
12X-Y.Ang
bilis nga naman ng panahon pagkat Sabado nanaman pala’t nasa huling buwan na ng
taon sa susunod na linggo. Namamayani na ang kaingayan sa labas dulot ng
kapit-bahay naming Tsismosa na hindi mabilang-bilang sa dami’t mga tsikiting na
kaaga-aga’y aktibo na sa paglalaro. Ibig ko pa talagang matulog pagkat maaga pa
subalit hindi naman magawa kaya napagpasyahan nang bumangon at mag-almusal.
Dala na nababagot muli ng lagay, pagsusulat ng kwento ang aking inatupag.
Habang abala ako sa pagsusulat ng hindi matapos-tapos na nobela ang pagdating
naman ni Auntie Andrea kaya ang
bahay na taimtim at payapa, biglang nagkabuhay dahil sa kanya’t hindi pa
maubus-ubusan ng istorya. Tuloy lamang ako sa pagsusulat habang natalak ang Auntie Andrea at sa totoo lamang ay di
maiwasan ang mabulahaw, hirap tuloy makapag-concentrate sa ginagawa.
12X-Z.Buong
umaga’y tanging pagsusulat lamang ng kwento ang inatupag at hindi ko malaman sa
sarili kung bakit simula pagkabata’y mas mahilig ako magsulat kaysa magbasa.
Sana, sa bawat pagsulat ko ng mga letra at salita ang magdala sa akin sa
katagumpayan. Sa panahong nananatiling walang trabaho, sa hirap ba naman kasi’t
hindi pa basta-basta, napapaisip na kung pasukin ko na lamang kaya ang larangan
ng mga manunulat pagkat batid kong may umaasenso sa pagiging JournalistoWriter, kaso di ko naman alam kung papaano at saan magsisimula.
Kung anumang landas ang napili ng puso para tahakin, Diyos na ang bahala sa
akin at tiwalang patuloy na gagabayan sa aking mga hakbangin.
12Y-A.Sa
sobrang abala ko sa pagsusulat kapag medyo sinisipag at ginaganahan pa ng
lagay, walang kamalay-malay ang ulirat na tanghaling tapat na pala, nanalaytay
muli ang kaligayahan ng Sikmura pagkat malalamnan muli ng pagkain. Matapos
mananghalian, pokus naman ako sa panunuod ng telebisyon at labis talagang naaaliw
sa bawat kandidatang kabaro ko na sumasali sa patimpalak na kung tawagin ay Miss Q and A pagkat kabog na kabog ang
kanilang mga Intro at palong-palo ang bawat kasuotan na tila ayaw magpatalo’t
patalbugan ang bawat isa sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasan ang mainggit at
ma-inspired na rin at kung saanman sila ngayon, nawa’y marating ko kung anuman
ang kanilang kinatatayuan at sarap marahil sa buhay kapag nanalo ka’t
hinihirang na reyna.
12Y-B.Paghataw
ng hapon, ibig ng isip na ako’y maglakwatsa’t bumisita sa mga kaibigan subalit
pumipigil ang katamaran sa dibdib. Ganoon naman palagi, ako madalas ang
dumadalaw kahit ni minsan ay di nila magawang bisitahin subalit ayos lamang at
mas maigi nang ako ang bumibisita pagkat walang maipapakain kung sakaling bumisita
sila’t nakakahiya. Mabuti pa ang mga kaibigan ko, sa bawat gawi sa kanilang
bahay ay may pagkaing handang ialay sa akin, kaya naman pagkabusog ang tinatamo
sa tuwing napapagawi. Pagkagat ng gabi ang pamamayani muli ng kaingayan sa
labas dulot naman ng mga tambay at ang nakakainis pa sa kanila, mag-uusap na
lamang, kailangan malakas at pasigaw pa, may kalakip pang mura sa bawat simula
ng kanilang pagsasalita kaya naman yamot na yamot ako’t ibig silang palayasin.
12Y-C.Sinisikap
ko na ngang huwag silang ialintana, kaso sa lakas ng kanilang mga boses, di
maiwasan marinig ang pagiging ugaling kanto nila. Sa totoo lamang, karamihan
talaga sa mga taong hindi o mababa ang napag-aralan, mga bastos at walang modo,
samantalang ang mga taong nakapagtapos o mataas ang napag-aralan, mayayabang at
hindi na marunong lumingon sa mga taong nagpaaral sa kanila pagkat masyado nang
mapagmataas, nagagawa na ring mang-alipusta ng kapwa na akala’y malayo na ang
narating. Pagpalain nawa ng Diyos ang mga taong bukod sa nakapagtapos, may
ginintuang kalooban sa mga kapwa, maging sa mga taong patuloy na nagsusumikap
kahit pakiwari ng kanilang isipan na imposible dulot ng kahirapan.
November 25, 2018
Sunday
Year VI-329
Sunday
Year VI-329
12Y-D. Inabot
nanaman ako ng liwanag sa paggising, sa lamig ba naman kasi ng panahon na kahit
sino’y mapapasarap ang tulog at tatamarin pang bumangon. Nakakatamad man
bumangon at gustuhin na lamang na matulog at humilata sa maghapon, kaso
kailangan ko nang bumangon pagkat may nakalaan pang mga bagay na dapat
asikasuhin. Pagkaalmusal, diretso muli ako sa gawaing bahay. Habang wala pang
trabaho, heto muna ako na astang yaya, sanay naman ako sa ganitong gawain at
naniniwala ako na ang mga taong binababa ang sarili’t marunong mapagkumbaba, iniaangat
ng Diyos kaya huwag mahiya kung isa ka lamang hamak na Yaya o Janitor pagkat
darating ang panahon na kayo naman ang angat at mamayagpag sa kanila.
12Y-E. Kaya
ayos lamang kung ganito muna ako sa ngayon pagkat tiwalang may patutunguhan ang
lahat ng aking pagtitiis. Nang makapagwalis-walis at punas sa loob ng bahay at
dahil tapos na ang responsibilidad bilang Yaya na mukha nang buwaya dulot ng
Stress, pagsusulat naman ng kwento ang aking inasikaso. Anong ingay sa labas at
mas maingay pa kahapon pagkat may kapit-bahay na nagdiriwang ng kaarawan at
kung sila’y magpatugtog, parang sila lamang ang tao’t hindi na inalintana ang
mga taong rinding-rindi na gaya namin. Hindi mo naman sila maaaring pagsabihan
pagkat ayaw mo namang makasira sa kanila selebrasyon at happiness kaya
tiis-tiis na lamang at gumawa ng paraan upang hindi tuluyang mabingi dulot ng
pagkarindi.
12Y-F. Ugali
talaga ng aming kapit-bahay na idaos ang kaarawan sa pagpapatugtong,
pagkakaraoke at pag-imbita ng mga bisita maging mga kalapit nilang bahay samantalang
kami, simple lamang at sa paghahanda na lamang idinadaan ang pagdaraos ng
kaarawan. Nakakainggit man kung iisipin subalit sila ang dapat maiingit sa amin
pagkat may ugali kami ng pagiging matipid at hindi basta-basta nilulustay ang
kwarta. Wala naman masama sa paggasta ng pera para sa pagsasaya subalit dapat
din isipin ang para sa pangangailangan nila kinabukasan. Karamihan pa naman
dito sa amin at hindi naman din sa nagmamayabang, mas may kaya pa kami kumpara
sa kanila subalit sila pa ang mahilig mag-celebrate at bongga pa, nakukuha pang
mag-inom-inom kaya ang Ending kapag nasobrahan, rambol.
12Y-G. Hindi
ko talaga lubusang mawari ang lugar na aming kinabibilangan pagkat maingay na
nga, magulo pa’t dinaig pa ang Squatters
Area. Kinahapunan at dahil hindi ko na matiis pa ang namamayaning ingay
dulot ng Birthday Party kuno ng aming kapit-bahay, umalis muna ako’t naisipang
magkumpyuter. Pahingalo na ang gabi nang makauwi ako’t wala pa ring pagbabago
sa lugar naming napakaingay kanina pang umaga’t sumidhi pa nga pagkat kanina,
karaoke lamang, subalit sa mga oras na iyon ay Disco na’t nagkakasiyahan na
nila sa saliw ng musika. Hindi na tuloy maulinig ang aking pinapanuod dulot na
namamayagpag ang ingay at sa totoo lamang, kaunting-kaunti na lamang ay mawawasak
na ang Eardrum ko, paano ba naman kasi ang Sound System nila, nakaharap sa amin
kaya naman dinig na dinig at dama mo ang pagdagundong ng dibdib sa lakas ng
ugong ng tugtog. Saka lamang tuluyang tumahimik ang Mundo namin pagsapit ng
Alas-dyis at maigi na lamang, may ganon kaming ordinansa dahil kung hindi,
malamang ay magdamag na hindi makakatulog pagkat karamihan pa naman sa aming
mga kapit-bahay ay walang pakundangan sa pagpapatugtog.
November 26, 2018
Monday
Year VI-330
Monday
Year VI-330
12Y-H.Gustong-gusto
ko pa talagang matulog at ihalata ng husay ang sarili sa kama pagkat antok na
antok pa subalit kailangan ko nang bumangon pagkat sasamahan pa si Papa sa
pagtungo sa Court of Appeals. Sa
kabila na tila malabo pang makuha ni Papa ang Retirement Fee sa ngayon ay
natutuwa pa rin at dapat na may ipagpasalamat pagkat may matatanggap na siyang
pera mula saVoucher. Sa pangyayaring iyon ay tila nagpaparamdam na ang grasya
sa amin at nawa’y magtuloy-tuloy na nga ito. Mga bandang Alas-dyis nang
makarating kami ni Papa sa Court of
Appeals at hindi akalaing makakatungtong muli sa Personnel Office kaya
mainit nila akong sinalubong at kinamusta na rin. Sayang nga lang pagkat wala
roon si Ma’am Carmen, wala tuloy
kapalitan ng kuro-kuro habang aligaga si Papa sa pag-asikaso ng mga papeles.
Nagkaroon lamang ng kaunting problema pagkat nagkaiba-iba raw ang pirma ni Papa
at kailangan magkakapareho ito para ma-verify ng Landbank na sa kanya nga ang
dokumentong ito.
12Y-I.Dahil
hirap nang makapirma si Papa dulot na patuloy ang paglabo ng mata nito, ako na
ang pinagpirma ni Ma’am Weng. Hindi
ko agad makuha-kuha ang pirma ni Papa kaya natagalan pa ko’t nakailang ulit
nang subok hanggang si Ma’am Weng na
lamang ang magpirma gamit ang pirma ni Papa pagkat gayang-gaya nito ang paraan
ng pagpirma ni Papa at nakakamangha. Matapos pirmahan ni Ma’am Weng ang papeles ni Papa, tumungo naman kami sa Accounting
Area. Marami pang pinagdaanan ang papeles bago namin ipapirma sa Budget
Division subalit kung kailan malapit na kaming matapos sa pagpapapirma, bigla
naman umalis si Attorney Marigomen,
kaya kinailangan pa tuloy namin maghintay para mapirmahan nito.
12Y-J.Saktong
inabot na kami ng Lunch Break at gutom na rin ang bawat isa kaya kumain muna
kami. Sa Goldilucks, doon sa Robinson Galleria namin naisipan
mananghalian at nakakatuwa dahil hindi akalaing makaka-bonding muli si Papa sa
kainan at sa kabila na marami na itong taglay na sakit, hiling ko lang sa
darating na Pasko na makasama pa naming siya ng matagal o di kaya mas mauna na
lamang sa kanya. Sa tindi ng namamayaning gutom at masibang nilalang pa,
nakaapat na buong kanin ako’t halos di na makakilos dulot ng kabusugan matapos
lumamon ng sandamukal. Pagkabalik namin ng Court
of Appeals ay saktong nakasalubong namin ang isang staff na taga-Budget
Division at laking tuwa na siya nang bahalang umasikaso hanggang sa tuluyan na
nga itong nalagdaan ni Attorney
Marigomen at pagpoproseso na lamang mula sa Budget Division ang kailangan.
12Y-K.Ilang
sandali pa’t nang maibigay na kay Papa ang tseke mula sa Voucher, kaagad na kaming umalis. Bago umuwi’y tumungo muna kami ng
Landbank upang i-claim ang pera’t nakakatuwa dahil may gastusin na sa
pang-araw-araw na hindi na kailangan ng tulong ng kahit sinong kamag-anak
subalit panandalian lamang iyon at nagpapasalamat sa maykapal sa biyayang
nakamtan namin ngayong araw. Dahil limpak-limpak ang natamong kwarta, walang
ano-anong nag-grocery pagkakuha ng pera’t ugali talaga nating mga pinoy na
gumastos sa tuwing sumesweldo o nakakatanggap sa halip na ipunin. Sa pagod ay
diretso pahinga ako pagkatungtong muli ng tahahan. Kinagabihan ay nag-umapaw
ang pagkayamot sa kapatid kong may kapansanan pagkat lubhang maligalig habang
humaling sa panunuod ng Telebisyon.
12Y-L.Ang
ganda pa naman ng aking pinapanuod subalit napupurnada dulot ng pagkasumpong ng
kapatid at naiisturbo na sina Mama sa pagtulog. Ayaw ko nang sumiklab muli ang
gulo at magkaproblema pagkat hanggang ngayon ay hirap pa rin makuha ni Mama ang
pagtulog kaya minabuting patayin na lamang ang pinapanuod, labag man sa
kalooban. Pinatay ko na ang Telebisyon subalit nanatiling maligalig ang Kuya Al at nakukuha pang
magsisigaw-sigaw. Hindi namin malaman ang ibig nito at dala na todo na ang init
ng ulo, nagawa na itong pagbuhatan ng kamay at nahataw ng walis sa mismong
maselang katawan.
12Y-M.Mangiwi-ngiwi
ito sa sakit na tinamo’t laking pagsisi sa nagawa kaya gumawa ng paraan para
maibsan ang sakit na aking likha. Si Mama naman patulog na sana, bigla akong
kinompronta’t sa totoo lamang, ang gulo-gulo naming magpapamilya pagkat may mga
araw na namumuo ang tensyon. Napaiyak na lamang ako pagkat nakakapagod nang
umunawa, mag-adjust sa mga kapwang hindi ka naman maunawaan at ma-appreciate.
Hanggang kailan kaya ako makakapag-adjust at minsan, iniisip na gusto na lamang
mawala sa Mundong ito subalit heto pa rin, kailangan magpakatatag at lumaban
pagkat naniniwalang may inilaan na panahon para sa akin. Dahil may kalaliman na
ang gani, itinulog ko na lamang ang naturang sama ng loob at sana sa muling
pagdilat ng mata, bumalik sa dati na kung saan maayos ang lahat.
November 27, 2018
Tuesday
Year VI-331
Tuesday
Year VI-331
12Y-N.Nakakatamad pang bumangon at ibig
na lamang humilata sa maghapon subalit walang mangyayari at hindi makakamtam
ang ninanais na buhay kung habang buhay na magmumukmok at hayaang lamunin ng
kalungkutin kaya kailangan ko pa rin kumilos sa kabila na walang kagana-gana
ang loob. Dahil may lakad muli ngayong araw, pagkaalmusal ay daglian na kong
nagbihis at handa-handa upang mag-apply muli. Bago magtungo sa aming tagpuan sa
SM Fairview, napiling lugar kung
saan kami mag-a-apply ay nanatili muna sa Sandigan
upang hintayin si Flor. Isang oras
din ang aking hinintay nang magtagpo kami ni Flor at daglian nang tumungo sa SM. Nanatili muna kami sa Food Court at tamang usap-usap lang.
Kahit kamakailan lamang kami nagkakilalang dalawan, tila malapit na sa isa’t
isa at may malalim nang pinagsamahan kung magturingan at ramdam ko na tanggap
niya ko’t nauunawaan. Ilang sandali pa nang dumating na rin si Abbie at sumunod si Gem.
12Y-O.Hindi na kami nagpatumpik-tumpik
pa’t kaagad nang ipinihit ang mga nagkikinisang yapak sa Teleperformance upang mag-apply. Ni hindi pa nga kami
nakakatungtong doon ay sinalubong na ng mga Head Hunters at saktong galing sila
sa kumpanyang aming pupuntahan kaya sumama na kami sa kanila’t nagpa-orient na
rin para hindi aanga-anga. Sa tuluyang pagpasok namin sa Teleperformance ay napapaisip kung abot-kamay na baa ng trabaho o
kailangan pa maghintay ng kaunting panahon at tiyaga bago ito makuha, basta ang
sa akin lamang ay umaasang makakapaghanap-buhay sa kabila na pakiwaring mailap
ang trabaho.
12Y-P.Sa tagal at dami na rin ng mga
magsisipag-apply, dalawang oras ang hinintay bago kami matawag para sa initial
interview. Pambihira lamang pagkat group interview ang aming kakaharapin kaya
muling sumanib na ang kaba sa dibdib subalit kaya koi to basta manalig lamang.
Pagkapasok namin sa Assessment Room ay anong lamig at manginig-nginig na ako,
lalo pa tuloy umarangkada ang kaba’t nakakababa ng kumpiyansa sa sarili ang
lamig. Hindi na rin nagtagal ay isa-isa na kaming tinawag ng Interviewer at
madali lamang pagkat ipapakilala mo ang sarili sa kanila, sasabihin ang mga
Hobbies at mga naingkwentrong negatibong bagay bago mag-apply sa kanilang
kumpanya in English.
12Y-Q.Bahagyang naibsan ang kaba ko nang
makita’t marinig na karamihan sa amin, hirap magsalita ng English at yung ilan pa nga, halos mag-nosebleed na. Dahil ako yung
kahuli-hulihang tinawag sa aming mga magkakasama, over-confident na sa pagsagot
at wish ko lang na sana’y ma-impress ang Interviewer sa kabila na tingin ko’y
mataas ang standard nito’t metikuluso pa. Nang bigayan na ng resulta, tila
dinaig pa ang nalalantang gulay an gaming mga kalooban pagkat hindi kaming
nakapasa lahat sa Initial Interview. Sa kabila na hindi nakuha, hindi kami
nawalan ng pag-asa pagkat may iba pa naman. Bago magtungo sa susunod na
kumpanyang aming papasukan, nananghalian muna kami pagkat nakakagutom at ubos
pa ng lakas ang paghihintay ng matagal. Pagkatapos ay sa Teletech doon sa Robinson
naman kami nag-apply at bago sumalang sa Initial Interview ang bawat isa sa
amin, dumaan pa kami sa kanilang assessment at napakadali dahil magta-type ka
lang at kailangang mabilis para makapasa. Nang makapagrehistro at matapos
sumalang sa assessment, naghintay pa kami para sa initial interview. Hindi na
sintindi gaya ng dati ang nararanasang kaba sa tuwing haharap sa interview
pagkat nagagawa nang ipanatag ang kalooban at wala nang pakialam kung may
makita siyang mali sa aking sinasabi o kung ano ang magiging komento ng taong
makikipagpanayam sa akin basta makasagot lamang.
12Y-R.Sa kabila na hindi nakakapasa, sa
bawat pagharap ko sa interview ay unti-unti nang lumalakas ang loob at may
natutuhan. Sa tagal, saktong naghihingalo na ang liwanag ng matawag sa
interview at nakakatuwa dahil simple lamang ang mga katanungan kaya agad-agad na
nakakasagot at idagdag pa ang dala-dalang kumpiyansa sa sarili. Nang tawagin
kami para sa resulta, bukod sa dinaig pa ang nalalantang gulay ay tila
ninakawan na rin ng lakas dulot ng pagkadismaya pagkat sa muling pagkakataon ay
bigo nanaman kaming magkaroon ng trabaho. Gayunpaman, hindi naman ako
napu-frustrate pagkat mailap man ang trabaho, umaasang makakamtan pa rin ito sa
takdang panahon, basta magtiwala lamang.
12Y-S.Ibig pa sana namin puntahan ang Telstra subalit mga Hagardo Versoza na ang bawat isa sa
amin at gabi na rin kaya napagpasyahang sa ibang araw na lamang. Kahit hindi
ako kinalugdan ng araw na ito sa paghahanap ng trabaho, naging makabulahan at
masaya pa rin dahil nagkaroon muli ng pagkakataon para makasama ang mga
kaibigan at tamang sulit lamang kami sa pagba-bonding habang kumakain bago
magpaalam sa isa’t isa. Mga bandang Alas-siete na nakauwi ng bahay na may ngiti
at ligaya sa kabila na wala pa ring trabaho, iyon ang mahalaga. Matuto pa rin
maging maligaya sa kabila ng mga hindi kanais-nais ang mga kinakaharap sa buhay
at huwag hayaang magpaapekto sa mga pangyayari.
November 28, 2018
Wednesday
Year VI-332
Wednesday
Year VI-332
12Y-T.Balak
ko sanang ilaan ang araw na ito para maghanap muli ng trabaho’t maging
opurtunidad na mag-aahon sa amin subalit napurnada dahil umalis nanaman sina
Mama at Papa at kailangan na kailangan ako sa bahay. Pagkalamnan ng Sikmurang
magdamag na walang laman at dahil di naman kasundo ang ate na kasama sa bahay
dala na hindi naiibigan ang pag-uugali nito’y nagsulat na lamang ng kwento sa
halip na makipagpalitan ng kuro-kuro sa kanya. Nung bata pa lamang kami, malapit
talaga ang loob ko kay ate at parang kaibigan na nga ang turingan namin kung mag-usap
at minsan ay may katuwaan pa lalo na kapag nagbibiruan at kitian pa, madalas ay
siya rin ang nagtatanggol sa akin nung mga panahong napapagalitan ni Mama at
magkakampi kaming dalawa subalit ngayon ay nag-iba na siya’t laki na ng
pinagbago. Siya yung tipong sa sobrang mapagmataas magmula nang magkaroon ng
Career, hindi ko na maabot. Inuunawa ko na lamang siya’t nakikisama kahit sa
totoo lamang ay madalas na nasasaktan dahil sa ginagawa nito. Kailan kaya
babalik ang dating siya na mabait at maunawang kapatid sa akin.
12Y-U.Sa
sobrang abala sa pagsusulat ng kwento, hindi namamalayang Alas-dyis na pala’t
kailangan ko pa magsaing at magdelihensya ng ulam pagkat ako lamang maasahan sa
aming magkakapatid, lalo na’t abala ang ate sa pag-aalaga kay Anya at kailangan ko pa rin tumulong sa
kanya sa kabila na naiirita sa kanya. Lalo pa kong nairita nang tanungin kung
anong gusto nitong ulam at ang sagot pa naman ay ayaw daw niya magpabili sa
akin. Tinanong ko siya kung anong problema sa akin pagkat pansin na pansin na
mailap ang pakikitungo nito’t tila iniiwasan niya ko, subalit tumanggi ito.
12Y-V.Kahit
nayamot sa sinabi nito’y itinago ko na lamang ang nararamdaman pagkat kami-kami
na lamang ang magkakasama’t ayaw kong madagdagan ang alalahanin ni Papa kapag
nalaman nitong nag-away muli kami. Hindi pa iyon natatapos pagkat nadagdagan pa
ang bigat na dala-dala ng loob at nasaktan ako nang marinig mula sa kanyang
bibig na wala raw silang maasahan habang pinapakain at kinakausap si Anya. Hindi ko lubos mawari kung bakit
ganyan siya sa akin at malabo na talagang magkaayos at sundo kami magkapatid
pagkat kung ano ang gusto niya’y kasalungat sa mga kagustuhan ko, in short ay
magkaiba kami ng pananaw at kagustuhan sa buhay. Wala akong ginawa kundi
magtimpi hangga’t kaya pa’t iniwasang dibdibin ang mga sinabi nito sa akin.
12Y-W.Mga
bandang hapon nang dumating sina Mama at Papa galing ospital at hindi
kagandahang balita ang hatid nila sa amin at laking gulat at taka na rin nang
ipabatid na na-diagnosed na may Tuberculosis
si Papa. Nagulat man ay hindi ko maiwasang magtaka pagkat hindi naman ito
inuubo o sinisipon at may inuubo pa nga ako kumpara sa kanya. Gayunpaman ay
Diyos na ang bahala sa kanya’t nawa’y mawala ang lahat ng tinataglay nitong
sakit. Nawa’y kayanin pa ang panibagong hamon na aming kakaharapin. Napapaisip
na tuloy kung saan nakuha ni Papa ang ganung sakit at marahil ay nahawaan ito
pagkat sa aming magpapamilya, ako ang madalas atakihin ng ubo’t sipon at
nagkaroon na rin ng Tuberculosis
nung bata pa lamang. Kinagabihan, bukod sa masama ang loob ko kay Ate ay
nakaalitan pa ang Mama dahil lamang sa paghuhugas ng plato.
12Y-X.Hindi
naman ako magkakaganon dahil lamang sa mga plato pagkat napakaliit na bagay
kung iisipin subalit ang dami pa nitong sinasabi’t ang hilig pa rin mangdawit
at ungkat ng mga kamalian ko sa buhay, tila ipinaparating na walang kwentang
anak sa kabila ng mga nagawa ko kaya hindi na naiwasang sagut-sagutin ito’t
komprontahin, kahit batid ng isip na may Psychological
Condition pa rin ito’t maaaring bumalik ang kanyang sakit. Naiyak na lamang ako
pagkat labis na nasaktan sa mga sinabi nito’t hindi ma-appreciate ang mga
nagawa kong magaganda, puro masasama’t kamalian ang mga nakikita niya sa akin.
Gumaan-gaan naman ang loob ko dahil kay Papa’t lahat ng hinanakit kay Mama pati
na rin kay ate, sa kanya ko ibinuhos kahit batid ko na baka ika-stress lamang
ni Papa iyon pagkat gusto niyang magkakasundo kaming lahat. Maya-maya pa at
nang antukin ay natulog na ako. Hindi man magaganda ang dumarating na bagay at
nagkasunod-sunod pa ang problema, think positive lamang parati’t manalig sa
Diyos.
November 29, 2018
Thursday
Year VI-333
Thursday
Year VI-333
12Y-Y.Haharapin ko nanaman
ang panibagong araw ng buhay at iniisip kung ano pa ang mangyayari. Sa halip na
kabahan ay nasasabik pa nga ako’t nawa’y ganoon parati ang pakiramdam. Sa halip
na kabahan at isipin kung anong mangyayari sa mga darating pang araw, buwan o
taon ay dapat kasabikan mo pa nga ito upang laging enjoy ang buhay at hindi
gapos-gapos ng Anxiety sa araw-araw
na siyang pipigl ng Mundo mo. Saktong pumutok na ang liwanag nang ako’y
magising at bumangon. Pagkaalmusal at dahil walang magawa, bilang libangan ay
pagwawalis ang aking inatupag. Matapos ang gawaing bahay, heto muli ako’t
aligaga sa pag-e-edit at sulat ng kwento. Maya-maya pa’t nang magsawa sa
pagsusulat ng kwento’y heto muli ang matang tututok sa panunuod ng Telebisyon.
Hindi baleng ganito ang gawain sa araw-araw, wala naman ginagawang masama’t
nasasaktang damdamin ng iba.
12Y-Z.Hindi masama ang
mag-relax at sarap buhay basta siguraduhing tapos na ang mga responsibilidad na
nakaatang sa’yo. Habang tinutunghuyan ang palabas na The Greatest Love ay bigla na lamang ako naka-relate at ganoon
naman parati, parating bunso ang magpaparaya’t uunawa sa mga kapatid niya kahit
ni minsan ay hindi siyang magawang unawain at parating sila ang masusunod.
Samantala ang panganay, parating gusto siya ay tama at masyadong ma-pride kaya
ang bawat kaganapan sa The Greatest Love
ay totoong nangyayari sa buhay ng magkakapatid at magpamilya’t naiiyak ako sa
bawat kaganapan pagkat sa kabila na suwail at madalas ay nagkakaroon ng rambol
sa mga magkakapatid, gagawin pa rin lahat ng ina para magkaayos-ayos sila bago
pa ito tuluyang makalimot pagkat na-diagnosed ito na may Alzheimer Disease.
12Z-A.Nasarapan ako sa
panunuod kaya inabot nanaman ng hapon bago ito patayin at diretso Siyesta ako para gandang dyosa pa rin
sa kabila ng mga pangyayaring nakakapagbigay stress sa’yo ng husto.
Kinagabihan, umarangkada nanaman ang kaingayan sa kapaligiran dulot ng mga
tambay at malalantod na mga dalagita’t sa kabila na kinayayamutan mo sila, may
dapat pa ring kainggitan dahil malaya nilang nagagawa ang lahat ng naisin sa
buhay at hindi pa napapagalitan ng magulang kahit magdamag pang makipaglanturan
sa mga tambay, samantalang ako, minsan na nga lang lumayas at kahit di naman gabing-gabi sa pag-uwi, napapagalitan pa’t
pinapamukhang pariwarang anak.
12Z-B.Yung pakiramdam na
kaunting pagkakamali mo lang, may nasasabi sila’t halinhinan pang binabatikos
sa halip na unawain ka lamang at itama kung anuman ang mali mo. Bakit ganon ang
buhay na aking kinagisnan, kapag sa iba, ayos lamang kahit hindi na tama, uunawain
pa rin sila at ipagtatanggol pa nga, samantalang sa akin na kahit kaunting
pagkakamali’t minsanan pa, nagagawa nang pagalitan at husgahan. Sadyang hindi
patas ang Mundo subalit ano pa nga ba ang magagawa kundi magtiyaga’t huwag nang
ipagpilitan ang sarili sa mga taong ayaw talaga sa’yo dahil may mga tao pa rin
naman handa kang tanggapin, maging sino ka man. Mapalad pa rin nga ako dahil
ayaw nina Mama na matulad ako sa kanila na patapon ang buhay at napapabayaan na
ng magulang, ang kaso’y nasobrahan naman sila’t yung tipong sakal na sakal at
kontrolado ka nila.
November 30, 2018
Friday
(Bonifacio Day)
Year VI-334
Friday
(Bonifacio Day)
Year VI-334
12Z-C.Ganap na nga akong
hindi estudyante subalit dama pa rin ang saya’t tuwa pagkat dumaan nanaman ang
araw na ito na walang pasok, upang magbigay daan sa pagdiriwang ng isa sa ating
mga bayani na si Gat Andres Bonifacioang
kanyang kaarawan. Sa kabila na lumaki ito sa hirap na hindi gaya ni Jose Rizal ay nakaya pa rin nitong
makipagsabayan sa ibang mga bayaning mas angat sa kanya’t hindi matatawaran ang
ipinakita nitong kabayanihan kaya nararapat lamang na igawad sa kanya ang
pagkilala bilang bayani o kung maari, pambansang bayani. Nagningning na ang
liwanag sa labas nang ako’y magising at napagpasyahang bumangon. Nakakatuwa
dahil hindi akalaing nasa huling araw na buwan at December na pala kinabukasan,
nangangahulugang magpapasko na talaga.
12Z-D.Sa kabila na hikahos
kami’t puro hindi magaganda ang mga dumarating na pangyayari’y umaasang
magiging maligaya pa rin ang darating na Pasko at magiging masagana’t
punong-puno ng pag-asa ang darating na taon. Pagkaalmusal, pagsusulat muli ng
kwento ang aking inatupag. Kinahapunan at gawa na nababagot ng lagay sa bahay
pagkat wala naman kapalitan ng dila, naisipan muling magkumpyuter. Tumungo pa
ko sa may Batoda Terminal doon sa
tapat ng Sandigangbayan upang bumili
ng panibagong Sim Card pagkat biglang na-deactivate ang gamit na Sim Card sa
hindi malamang dahilan at kakainis dahil paniguradong mahihirapang kontakin ng
mga eskwelahan at kumpanyang pinagpasahan ng Resume. Dahil naubos na ang perang
ibinigay sa akin ng Tita Cleo, hindi
ko man ito gagawin pagkat nakakahiya subalit kailangan para hindi na manghingi
pa ng pera kina Papa panggastos sa paghahanap ng trabaho. Dahil malapit-lapit
lamang, kina Ninang Edith ako
nagtungo. Nadismaya ako pagkat wala ito nang aking puntahan kundi si Tita Dinya lamang.
12Z-E.Aalis na sana dapat ako,
kaso ayaw kong isipin ng Tita Dinya
na siNinang Edith at pera lamang ang
ipinunta kaya nanatili muna ako’t nakipagtsikahan sa kanya. Ibig ko talagang
mangutang para hindi naman masayang ang ipinunta ko, kaso pumipigil talaga ang
hiya, lalo na’t hindi ko pa ito Ninang at iniisip na may sarili itong
kailangang pagkagastusan kaya tikom ang aking bibig sa paghingi. Sa aking
pag-alis ay binigyan naman niya ko ng pera kahit papaano, iyon nga lang ay
pamasahe pauwi’t sa kagustuhang may maipanggastos, magmula Commonwealth kung saan sila nanunuluyan hanggang sa amin ay
tahasang nilakad, kaya ang resulta’y magkandahapo-hapo pagdating ng bahay at
tila isang buwan nang hindi kumakain kung lumamon. Hindi ko makamtankamtan ang
lahat ng kagustuhan at inaasahan sa buhay, umaasa pa ring magiging mapalad na
ang mga susunod na araw, magtiwala lang!