September
01, 2018
Saturday
Year VI-244
Saturday
Year VI-244
12N-X. Ber Months nanaman
pala, hudyat na nalalapit na ang Pasko at magtatapos na ang taon. Maaga pa
lamang nang ako’y magising at dahil may kakupadan sa pagkilos, saktong may
Instructor nang nagtuturo pagkadako ko ng Auditorium.
Psychological Assessment ang
asignaturang tinuturo sa amin at siya si Ma’am
Gessy. Wala itong pinagkaiba sa mga nauna naming Instructor pagkat
napakahusay nitong magturo’t kung pagmamasdan ay medyo bata-bata rin kahit
lagpas na raw sa kalendaryo ang kanyang edad. Bukod pa roon, sa estilo ng itong
pananalita, pakiwaring mabait at gagaan marahil ang loob mo kapag nakausap
siya. Sa una’y naeengganyo ako sa pakikinig pagkat kailangan at napakamabuluhan
ang sinasabi ni Ma’am, may sense ang bawat detalyeng inilalahad nito subalit
maya-maya, nawalan na ng ganang making pagkat sumasanib na ang antok,
nag-record na lamang ako para kahit paano’y makahabol sa itinuturo. Ang hirap
pa man din. Ilang sandali pa, lunch break na’t masaya muli ang bawat sandali
pagkat kalokohan sina Yvonne at
napaka-witty nilang kausap, yung tipong sa isang banatan lamang, basag ka na’t
kailangan ay hindi aanga-anga kung ayaw magmukhang kawawa.
12N-Y. Natigil ang
lokohan at tawanan naming magkakasama sa iisang table nang umarangkada muli sa
pagtuturo si Ma’am Gessy at
pinasayaw muna kami. Yung tipong ibig ng sariling making sa itinuturo ni Ma’am,
kaso humahadlang talaga ang antok at pilit kong nilabanan, pero bumibigay pa
rin ako. Pagpatak ng Alas-singko nang magtapos ang aming review at natutuwa
dahil nairaos muli ang araw na ito subalit kinakahaban pagkat maikli na lamang
pala ang panahon para paghandaan ang darating na Board Exam. Dahil maghapong
subsob sa pag-aaral, diretso lamon ako pagkatungtong ng bahay. Dahil lubhang
maingay sa lugar naming at mahilig pa sa puyatan ang mga tambay at tsismosa
naming kapitbahay, na sila ang nakakalikha ng kaingayan, may kalaliman na rin
ang gabi nang napagpasyahang matulog.
September
02, 2018
Sunday
Year VI-245
Sunday
Year VI-245
12N-Z. Hindi muli
naging maganda ang gising ko pagkat muling sinisipon at inuubo pa nga. Bukod pa
sa inuuhog ako ng lagay, sumisipol pa ang dibdib sa tuwing humihinga kaya
maingay at halatang-halata nina Papa na hinihika nanaman ako. Maigi na lamang,
may laman pa ang aking inhaler kaya hindi naman lumala ang aking hika. Si Mama
na kagigising lamang at dahil magaling na, muli ko nanaman narinig ang
nagbabaga nitong sermon at sige sa pagputak kahit hindi ko na pinapansin ang
sinasabi nito. Ganyan talaga si Mama, sadyang napakaraming sinasabi, ultimo nung
balot ito sa sikolohikal na karamdaman kaya nasanay na ko. Guminhawa naman ang
pakiramdam ko kinalaunan kaya wala nang dahilan pa upang lumiban at dahil
dinaig pa ang pagong sa pagkilos, nahuli muli ako ng dating at saktong
nagtuturo na si Ma’am Gessy. Tungkol
sa Code of Ethics ang kanyang tinuro at sa totoo lamang, di pala biro ang
maging Psychologist pagkat kailangan
maging pasensiyoso ka, kahit buwisit na buwisit na kliyente’t tuksong-tukso
nang sabunutan o umbagan.
12O-A. Hindi ko
mawari sa sarili kung bakit inaantok muli ng lagay habang nakikinig, kaya
maya’t maya akong napapaidlip. Makalipas ang halos apat na oras na pakikinig sa
Lecture, sa wakas ay Lunch Break na. Sa haba ng pila sa bilihan ng mga pagkain
doon sa Pure Gold na malapit sa amin
at usad pagong pa, malapit nang sumapit ang Ala-una nang makabili ng pagkain at
pagkabalik ng Auditorium, tapos nang kumain ang karamihan sa kasamahan kaya ang
resulta, kahit nagsimula nang mag-discuss si Ma’am Gessy ay saka lamang kami lumalamon. Dahil makikipagtagpo pa
ko kay Nikki at bibisita sa burol ng
namayapang ama ni Ma’am Trisha,
dakong Alas-tres pa lamang ay umalis na ko. Isang oras din ang aking hinintay
bago kami magkita ni Nikki na ngayon
lamang matapos ang ilang buwang hindi pagkikita at kung magkamustahan o usap ay
parang isang taong hindi nagkikita.
12O-B. Kaagad na
kaming dumako sa Saint Peter Chapel
at pagkatungtong sa mismong chapel na pinaglalagakan ng burol, saktong naroroon
si Ma’am Trisha at mainit niya
kaming sinalubong. Dahil naging mabait sa akin si Ma’am nung panahong Professor
pa ito at sumasaya ang araw dahil makwela magturo, abot-langit ang pagka-miss
sa kanya. Ibig sana namin itong kamustahin at makipagkwentuhan sa kanya dahil
kapwa nananabik, kaso abala ito sa pag-e-entertain ng mga bisitang mas mahalaga
pa sa amin at may ilan ding professor ang bumisita gaya ni Sir Marvin kaya di mapigilan ang mailang at nakaka-intimidate. Sayang lamang at wala si Ma’am Joyce, kung nagkataon sana, di
kami mistulang tanga sa burol pagkat kahit papano’y gagawa ito ng paraan para
makakwentuhan kami at magiging komportable pa ang lagay. Bukod kay Ma’am Trisha ay sobrang name-miss ko na
rin namin si Ma’am Joyce.
12O-C. Bandang Alas-sais nang mapagpasyahan na naming magpaalam kay Ma’am Trisha at bago umalis, nakipagbeso at yakapan muna kami, tanda na kahit hindi na ito professor at may kanya-kanya ng tahakin sa buhay, hindi naman lumalagnaw ang ugnayan naming sa isa’t isa. Dahil kapwa wala pang balak umuwi, laking tuwa nang ilibre ako ni Nikki at sa KFC pa naisipang kumain. Nagpapasalamat ako dahil dumating ang araw na ito na naging makabuluhan at maligaya kahit simple lamang. Bandang Alas-otso nang makauwi’t dahil wala pang balak matulog, tamang sulat lamang ako ng kwento. Kung kailan matutulog na ko, saka bumuhos ang ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat kaya muling umiiral ang takot, di na tuloy makatulog at balisang-balisa na.
September 03, 2018
Monday
Year VI-246
12O-D. Sumapit na
ang Alas-dose, hudyat na nasa kalaliman na ng gabi subalit hindi pa rin
magawang matulog dahil sa pamamayaning takot dulot ng Thunderstorm. Sa tagal ng
ulan at lakas, pakiwaring babagyo subalit humupa naman kinalaunan at sa paghupa
ng unos ang nagbigay ng opurtunidad sa akin para makatulog ng matiwasay.
Nagningning na ang liwanag sa labas nang magising at pagkaalmusal, pagtitinda
ang aking inatupag. Dahil ngayong araw ang aking appointment sa PRC para sa Registration, bago
magtanghali’y tumungo na ko sa Robinson
Novaliches. Pagkatungtong ng PRC
ay saktong kakaunti lamang ang pumipila kaya kumpiyansang hindi matatapos ang
araw na ito nang hindi nakakapag-file subalit sa hindi inaasahan, kung kailan
magpapa-print na ng Form, saka nagloko ang aking account pagkat hindi ito
mabuksan, kahit makailang ulit na, samantalang tama naman ang ini-insert na
E-mail at Password.
12O-E. Walang ibang
maramdam kundi pagkainis na halos maglangitngit na’t parang ibig kong magwala o
sumigaw nang mga oras iyon. Sinabi ng Staff na wala silang kakayahang
solusyunan ang aking kinakaharap na problema, kaya kinailangan pang magtungo sa
main office ng PRC doon pa sa Morayta. Kung kailan ayos na, malapit
na, saka pa nagkaaberya ng ganon kaya di mapigilan ang maimbyerna nang husto.
Pagkatungtong ng Morayta at bago
pumasok ng PRC Office, sinubukan
muling buksan ang account gamit ang mobile phone at sa halip na tuwa’y lalo
pang nayamot pagkat saktong nabubuksan na ito. Pambihira’t nagsayang pa ko ng
pamasahe at tila pinaglalaruan ako ng kapalaran. Para hindi naman masayang ang
pagpunta ko, doon na naisipang magpa-print ng Form.
12O-F. Habang
nagpa-print ay biglang may natuklasan nang sabihin ng lalaking nagpa-print na
hindi na raw kailangang magbayad ng dalawang daang piso para sa Stamp pagkat tanging
identification form lamang ang nilalagyan nun at hindi na kasali ang mga Good
Moral, samantalang sinisingil kami ng ganong halaga para sa Stamp. Muling
yumanig ang yamot nang mabatid iyon pagkat mga manloloko sila’t tekang mahirap
na nga ang buhay, nakuha pang makapangotong at maigi na lamang, nasabihan ako
subalit di muna nagpakasiguro sa mga narinig at tuluyan nang pinasok ang PRC Office para kumpirmahin kung may
nagaganap bang bayaran ng Stamp habang ikaw ay nagpa-file.
12O-G. Sa una,
mukhang tama nga ang sinasabi ng lalaki’t mahahalatang wala silang alam hinggil
sa ganung uri ng transaksyon habang nagtatanong at nagpapaliwanag subalit nang
malinawan sila sa mga paliwanag at katanungan ko, parang biglang nagbago ang
ihip ng hangin nang sabihing kailangan daw iyon, depende kung anong propesyon
ang iyong papasukan at nagkataong ganun ang kanilang Policy pagdating sa Psychometrician kaya sayang, maitatabi
ko na sana ang dalawang daang piso para sa sarili subalit di maaari. Sa halip
na bumalik pa ko sa Novaliches para
makapag-file na’t dulot na kinakapos na sa pera, napagpasyahang bukas na
lamang. Dahil sa pagloloko ng aking Account, napurnada ang dapat sana’y
nakapag-file na. Kinagabihan, anong ingay sa kapaligiran dulot ng aming
kapit-bahay na nagbibidyoke na birit na birit pa kahit kasumpa-kasumpa naman
ang boses kaya ang resulta, hirap makapag-concentrate sa pagrerepaso. Kahit
lubhang naiisturbo dulot ng kaingayan, nagpatuloy pa rin ako sa pagrerepaso. Tumaimtim
naman ang aming paligid pagsapit ng Alas-dyis at may kalaliman na rin ang gabi
nang mapagpasyahang ihimlay ang sarili sa kama.
September
04, 2018
Tuesday
Year VI-247
Tuesday
Year VI-247
12O-H. Umaga
nanaman pala at dulot na namamayani pa ang antok sa mga mata, tinatamad pang
bumangon at ibig pang lasapin ang pagiging buhay Senyorita o Prinsesa subalit
kailangan nang awatin ang sarili sa kama. Tanging kape lamang ang siyang agahan
ko’t pagkatapos, daglian nang nagtinda. Bago sumapit ang tanghali nang
mapagpasyahang magtungo sa Robinson Novaliches upang makapag-file na sa PRC. Saktong bukas na ito pagkatungtong
doon at hindi lamang iyan pagkat bukod sa akin, naroroon ang ilang kamag-aral
na sina Homer. Siyempre at dahil
ngayon lamang muli nagkita-kita nang hindi pa inaasahan, habang wala pang staff
ay nakipagtsikahan at tawanan muna ako sa kanila. Nang dumating ang staff ay
daglian na kong pumila. Sa muling pagkakataon ay mukhang hindi muli makakapag-file,
gawa na kailangan pa pala magpa-develop ng litrato na ilalagay sa
Identification Card. Sa una ay medyo nag-aalangan akong magpa-develop, lalo
na’t hindi sapat ang dalang pera at nangangambang baka kulangin subalit bahala
na’t sumugal na ko.
12O-I. Sapat pa
naman pala ang dalang pera matapos makapag-develop at nang maipasa lahat ng
Requirements, totally registered na ko’t nakakatuwa dahil nagkabunga rin ang
aking pagkukumahog at salamat sa Diyos. Nawa, maging ang pagkukumahog ko sa
pag-aaral, may puntahan din at iyon ay makapasa at maging ganap na Psychometrician nang sag anon ay
maipagmalaki ako ng aking mga magulang at magantipalaan ang lahat ng kanilang
pagsusumikap na mapag-aral ako sa loob ng Eighteen Years. Pagkauwi at dala na
napagod sa biyahe at magkandapipi na ang bituka sa gutom, diretso lantak ako ng
pagkain. Kinagabihan ay pagrerepaso ang aking inatupag. Balak ko pa sanang
magpuyat at gugulin ang mga oras sa pag-aaral, kaso lagagpak na ang mata’t
sinasabi ng isip na matulog na raw ako.
September
05, 2018
Wednesday
Year VI-248
Wednesday
Year VI-248
12O-J. Kumikislap-kislap
na ang liwanag sa labas nang magmulat ang mga mata’t pagkaalmusal ay daglian na
kong nagrepaso at tinda-tinda. Habang nirerepaso ko ang subject na Industrial Psychology at binabasa ang
bawat aralin nito, napapaisip na masarap siguro ang buhay kapag nasa trabaho ka
na pagkat bukod sa pumapasok ang pera sa iyong palad, marami pang matatanggap
na incentives at bonuses kapag ginagalingan mo sa pagtatatrabaho’t di absinero.
Batid kong hindi basta-basta ang makahanap ng trabaho subalit tulong ng
maykapal, magkakaroon din ng trabaho balang, trabahong tipong bukod sa
magtataguyod sa lahat ng aking pangangailangan, makakatulong din sa aking
pamilya at sa lahat ng mga nangangailangan. Dahil medyo sinisipag ng lagay ay
nagpatuloy ako sa pag-aaral hanggang tanghali. Matapos magpakabusog sa
pananghalian, balak sanang ipagpatuloy ang pagrerepaso, subalit napurnada dahil
balot muli sa takot ang dibdib dulot ng Thunderstorm at bukod sa takot ay
parang sumisikip ang aking dibdib, marahil ay inaatake na ng sinasabi nilang Panic Attack.
12O-K. Takot na
takot man dulot na may Astraphobia
ako, sinubukang labanan ang takot at ipinanatag ang kalooban kaya di naman
nauwi sa Nervous Breakdown. Habang
tumatanda ako, napapansing nagiging matatakutin na sa kulog at kidlat at may
pag-asa pa bang mawala ang aking Phobia? Saka lamang nakahinga ng maluwag nang
humupa ang unos at di na rin nakapagrepaso pa dahil napagod na dulot ng
naranasan tensyong habang umaatake ang aking Astraphobia at nakatulog. Kinagabihan at dahil napapanahon ang
balita patungkol sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, tila mapipilitang
magbanat ng buto upang makatipid at hindi maghikahos. Sa panahong nahaharap
tayo sa Inflation Rate ay kawawa naman ang mga mahihirap pagkat sila ang
pinakaapektado samantalang ang mga mayayaman, buhay hayahay pa rin kahit mauwi
pa sa Hyper Inflation at sana naman, sa mga taong nakakaangat-angat at luwag sa
buhay, huwag magdalawang isip na tumulong gaya ng mga politiko, oras na mauwi
na sa krisis ang ating bansa na huwag naman sanang maganap.
12O-L. Wala pang
balak matulog kaya tamang pagrerepaso lamang ang aking inatupag. Ang kaninang
ganadong-ganado’t mukhang makakayang matapos ang isang chapter, kinalaunan ay
biglang sumipa ang katamaran hanggang sa nilibang ko na lamang ang sarili sa
panunuod ng Comedy Show at dami muling halakhak, na mistulan na nga tinakasan
ng bait subalit ang punong-puno ng saya ang gabi. Dahil medyo nawili sa
panunuod ng Comedy Show ang lola niyong Lokaret,
hindi namamalayang Alas-dyis nap ala ng gabi’t kailangan nang magsara ng
tindahan. Habang aligaga si ako sa pagsasara ay biglang may naulinig na tila
may nagsisigawan mula sa labas. May nag-aamok nanaman pala ng away at sa tindi
ng kanyang kalasingan, kahit iilang katao na ang umaawat ay nagpupumiglas pa
rin at tila titigil lamang ito kapag nakapatay na kaya nakakatakot. Sadyang
magulo talaga sa lugar namin at di na ligtas kaya kapag nagkapera ng
limpak-limpak, di na magdadalawang isip na lumipat sa lugar na bukod sa
tahimik, marami pang mga Papang handa akong paligayahin gabi-gabi sa kabila na
kung sino pa ako.
September
06, 2018
Thursday
Year VI-249
Thursday
Year VI-249
12O-M. Nagpapasalamat
nang buong puso sa maykapal pagkat muling napasaakin ang araw na ito nang may
sigla’t punong-puno ng pag-asang magiging maganda ang darating na mga sandali
at sa mga susunod pang araw. Bukod pa roon ay hindi pinahintulutan ng Diyos na
may maganap na masama sa magdamag at patuloy niya kaming pinoprotektahan. Kahit
sabihing maliit at mababaw lamang ang isang bagay, basta ito’y kalugod-lugod ay
matuto pa ring magpasalamat pagkat maituturing pa rin na isang malaking biyaya.
Pagkaangat ng sarili’y diretso aral na ko nang sa ganon ay lumaki ang tiyansang
makapasa.
12O-N. Sabi nga
nila, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa’t nahihirapan ka man unawain ang
inaaral at sumasakit ang ulo na tipong nakakawalang gana, basta di sumusuko’t
nakikita ng Diyos na ikaw ay may pagsusumikap, makakapasa’t makakapasa pa rin,
kaya kapit lang sa pananalig kahit hirap na hirap itatak sa isipan ang inaaral.
Nagpatuloy ako sa pag-aaral hanggang sa magtanghali. Matapos mananghalian,
balak sanang ipagpatuloy ang pag-aaral, kaso tinamaan na ng katamaran at ibig
nang sariling humilata sa higaan, nakadagdag pa sa aking katamaran ang mauling
panahon. Nang manumbalik ang kasiglahan sa dibdib ay saka lamang muli nagkagana
sa pag-aaral. Maging sa pagsapit ng gabi, tanging pagsusunog-kilay lamang ang
inatupag ko. Kasing lalim na ng balon ang gabi nang mapagpasyahang ihilata ang
sarili sa kama.
September
07, 2018
Friday
Year VI-250
Friday
Year VI-250
12O-O. Dahil
may kasibaan sa pagtulog, muli akong tinanghali sa paggising at kahit medyo
namumugto pa ang mata dulot ng kaantukan kung gising na ang lahat sa kasamahan
ko sa bahay at nag-uumapaw na ang kaingayan sa labas dulot ng Tsismosa naming
kapitbahay ay inawat ko na ang sarili sa kama’t nagnilay-nilay bago magkape.
Biglang sumiklab ang kaba sa dibdib pagkat bukas na pala ang aming Pre-Board
Examination kaya lahat ng aking nirepaso magmula’t sapul, niratsadahan muna
pagkat sa dinami-rami ng inaral at tagal na rin ng panahon, limot na ng isipan
pagkat may pagkaulyanin. Sige lamang ako sa pagkakabisado’t unawa ng binabasa
kahit halos lumuwa na ang mata dulot na nahihirapan, may maisagot lamang sa
darating na aming Pre-Board Examination.
12O-P. Pinagsabay ko ang pag-aaral at pagtitinda na rin at dahil walang gaanong bumibili, naging maayos ang aking pag-aaral at sa totoo lamang, hindi biro ang aking inaaral at may kahirapan. Pagpatak ng tanghali nang ihinto ko ang pagsusunog-kilay para mananghalian at ipagpahinga muli ang sarili. Lugmok na lugmok nanaman ang mata sa kaantukan kaya nag-Siyesta muna ang lola niyo para stay pretty kahit subsob na subsob ang sa stress dulot ng katakot-takot na pagrerepaso. Pagkagising at bangon, sabak muli ako sa pagrerepaso’t masyado nang napi-pressure ng lagay. Kinagabihan, walang ibang maramdaman kundi kaba kahit hindi pa bukas ang aktwal ng aming Board Exam, hindi mawari kung bakit kinakabahan ng ganito, samantalang wala naman bearing kung bumagsak o pumasa. Marahil ay ayaw ko lamang mapahiya sa harapan ng mga kaklase kapag nakuha ng di magandang marka o bumagsak. Hindi man palaring makapasa, basta ginawa na ang lahat ng makakaya, iyon na ang mahalaga’t marami pang pag-asa upang makapasa.
September
08, 2018
Saturday
Year VI-251
Saturday
Year VI-251
12O-Q. Dulot ng
namamayaning kaba dahil sa napipinto naming Pre-Board Examination, halos
magdamag din akong hindi makatulog. Pilit akong nagiging positibo sa kung
anumang kalalabasan ng aming pagsusulat, di pa rin mapigilang kabahan. Dahil
hindi nakatulog ng maayos, maaga akong bumangon at bago pumasok, dumaan muna
ako sa Saint Peter Church upang
magdasal. Diyos na talaga ang bahala sa akin at tiwalang hindi pababayaan sa
laban na ito. Sa sobrang kaba ko’t desperado na rin, makapasa lamang ay nagawa
nang lagyan ng Holy Water ang tasa ng lapis, umaasang may maganap na milagro’t
anumang letra ang mataltusan ng lapis sa Answer Sheet ay makakabingwit ng
tumpak at di ligwak na sagot. Hindi ko mawari sa sarili kung bakit masyado
itong sineseryoso, samantalang di pa talaga ito ang Board Exam. Pagkatungtong ng
Diliman College, saktong hindi pa
nagsisimula ang pagsusulit kaya sinamantala ang oras sa pagrerepaso.
12O-R. Paano naman makakapagrepaso kung nuknukan sa ingay ang buong Auditorium kaya nawalan na ng ganang mag-aral at nakipagpalitan na lang ng kuro-kuro kina Yvonne na halos walang preno ang bibig kung maghuntahan. Nang magsimula ang pagsusulit ay biglang dumagundong ang kaba sa dibdib at heto na. Psychological Assestment ang una naming exam at dahil wala pang gaanong narerepaso sa asignaturang iyon, halos mangamote sa pagsagot at mapakamot na rin ng ulo. Masyado pang maikli ang ibinigay na oras sa pagsagot kaya nang kakapusin na sa oras, kumapit na ko sa kapangyarihan ni Madam Auring, makatsamba lang kahit papaano. Theories of Personality ang sumunod na subject ang aming kinuha.
12O-S. Marami-rami na kong inaral sa subject na iyon subalit dahil medyo may pagkatuso ang gumawa’t talagang pinahihirapan ang Test Taker, walang pagbabago’t nangangamote pa rin ng lagay, umaasang sa kabila na tipong buwis-buhay na ang bawat aytem sa hirap, makakatamo pa rin ng nagningning na marka. Dahil ngayong araw na namin isasagawa ang napag-usapang group study na sa mismong bahay pa namin napiling Venue, nakasabay ko si Hannah (Bernardino) at ang dalawa pang kaklase sa pag-uwi. Bago kami magsimula sa group study at dahil mga panauhin, inasikaso ko muna sila sa pagkain at halos mabaliw na dulot ng stress pagkat nagkapatong-patong ang gawain.
12O-T. Sa sobrang pagkataranta ko, di na alam kung saan nailagay ang Siento Benteng perang pambili ng ulam at nababahala na sa magiging reaksyon nina Papa. Hinanap ko kung saanman lupalop ng bahay pagkat pera din iyan at marami ka nang mabibili sa ganung halaga, kaso bigong masumpungan. Matapos naming mananghalian, on the go na sa group study at di akalaing gagawin nilang Lecturer. Dahil wala pa sila halos narerepaso pagkat may kanya-kanya nang trabaho’t nawawalan ng oras, kumagat ako sa kanilang kahilingan kahit batid sa sariling hindi mahusay magsalita’t baka di nila ako maunawaan.
12O-U. Nakakatuwa pagkat habang nagdi-discuss ako sa kanilang harapan, naipapamalas kung gaano kagaling at bukod pa roon ay narerepaso na rin ako. Dahil kita at ramdam ko sa kanila na matabang ang interest sa pag-aaral, hindi mapigilang magsingit ng bagay na hindi related sa inaaral hanggang sa kung saan-saan na napunta’t nauwi na sa masarap at masayang kausap. Mistulan akong payaso sa harapan nila pagkat bentang-benta ang mga pahirit na linya’t ngayon lamang napagtanto na maganda silang kasama dahil marunong sumakay sa bawat biro’t di sila kagaya ng iba na tipong kailangan mo muna lumuha ng dugo, bago makuha ang kanilang atensyon kapag makikipag-interact ka. Labis akong natuwa sa kanila kaya parang ayaw ko muna sila umuwi. Sumasaya ang loob ng bahay dahil sa kakulitan naming apat subalit biglang naglaho nang magpaalam na ang mga ito at sana maisipan nilang dumalaw sa amin.
12O-V. Kinagabihan at dahil medyo tinatamad sa pag-aaral, tutok ang mata ko sa panunuod ng Telebisyon. Muling naantig at napukaw ang natutulog na kalooban nang matunghayan ang isa nanamang kwento sa Maala-ala mo kaya pagkat tungkol ito sa isang ina na dulot ng matinding kahirapan, napilitan na itong magtrabaho sa Abroad, mabigyan lamang ng maganda’t matinong buhay ang mga anak subalit hindi naging maganda ang kanyang kapalaran pagkat bukod sa muntikan nang makulong dulot na ito’y napagbintangan na magnanakaw, nagahasa pa ito. Umuwi itong baon ay mapait na karanasan subalit sa kabila na ang batang dinadala sa Sinapupunan ang bunga ng paglapastangan sa kanya, nagawa pa rin nitong tanggapin at mahalin maging ang kanyang asawa, kahit di naman siya ang ama’t nakaka-touch, parang napakamakabuluhan ng kwento’t makakatulong para sa mga taong nawawalan na ng pag-asa. Sa pagod, diretso tulog na matapos manuod ng makabagbag-damdaming programa’t patunay nga na kahit sino ka pa o saan nanggaling, walang inang kayang tiisin ang ‘yong paghihirap.
September 09, 2018
Sunday
Year VI-252
12O-W. Second day
of our Pre-Board Examination at hindi na gaya ng kahapon ang nararanasang kaba
pagkat hindi pa ito ang magdidikta para masabing magiging Registered Psychometrician ka. Malapit nang sumapit ang Alas-otso
nang makatungtong sa Diliman College
at swerteng hindi pa nagsisimula ang pagsusulit. Habang hindi pa nagsismula ang
Exam, nagrepaso muna kami’t dahil wala pa gasinong naaaral ang mga kasamahan sa
table, ako muli ang ginawa nilang lecturer. Ilang minute pa ang lumipas nang
magsimula ang pagsusulit at Abnormal
Psychology ang una naming naging pagsusulit. Dahil sobra kong inaral at
minahal pa nga ang subject na iyon pagkat napaka-interesting ng mga lesson at
nakaka-relate, naging madali ito sa akin at Common Sense lang ang kailangan. Sa
dali ng pagsusulit, wala pang isang oras ay natapos ko na’t kumpiyansang
makakatamo ng mataas. Industrial
Psychology ang sumunod naming pagsusulit at kahit maraming nagsasabing iyon
ang pinakamadali sa apat na subject, anong hirap pa rin at medyo nalilito kaya
napatagal sa pagpili ng sagot.
12O-X. Bandang Alas-dose nang sa wakas ay natapos din ang aming pagsusulit at kahit nairaos na, may kaba pa ring nanunuot sa dibdib dahil sa susunod na linggo na malalaman ang resulta. Wala pang balak umuwi at dahil ngayong araw namin napag-usapan upang magkita-kita magkakaibigan, tumungo ako sa Manggahan upang doon salubungin si Nikki. Medyo minalas lamang ng lagay pagkat biglang naubusan ng baterya ang aking Android Phone, naputol tuloy ang komunikasyon namin at nangangambang baka di magkatagpo, sa laki ba naman ng Manggahan. Kinalaunan ay nagkabunga rin ang matiyagang paghihintay sa ilalim ng nakakapasong sinag ng araw pagkat nagkatagpo naman kami ni Nikki at daglian nang tumungo sa bahay nina Myrrh. Pagkaalpas ng yapak namin sa kanila, walang ibang maramdaman kundi galak pagkat muli kaming nagsama-samang tatlo at di makapaniwalang mangyayari ang ganitong pagkakataon.
12O-Y. Dahil ngayon lamang nagkita-kita magkakaibigan, marami kaming naikwento sa isa’t isa at nakakalibang. Lalo pa kong naaliw dahil sa anak ni Myrrh na napakakulit at bibo pa. Ang napakasaya naming kwentuhan, nauwi bigla sa usapang pamilya’t sa totoo lang, karaniwan nang nangyayari na magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng magkapatid at sobrang nakaka-relate sa ikinukwento ni Nikki pagkat gaya niya, hindi ko rin halos makasundo ang nakakatandang kapatid at madalas pa kaming mag-away. Gayunpaman ang mangyari, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal at pagtutulungan sa bandang huli at dahil kapwa mga seryoso na isa’t isa, inabot na kami ng Alas-singko ng hapon sa kanila. Bago kami magpaalam kina Myrrh, sinamahan muna naming silang magpamilya sa Simbahan at nagdasal. Isa ang araw na ito sa di ko malilimutan pagkat maligayang nakasama ang mga matatalik na kaibigan.
12O-Z. Inabot na ko ng gabi sa pag-uwi’t gawa na halos mamipi na ang bituka sa gutom, diretso banat ng nilutong ulam pagkabihis kaya ang resulta, medyo tumataba na ko. Dala na hindi pa dinadalaw ng antok sa aking nagmumuta ngunit magandang mata, nilibang ko muna ang sarili sa panunuod ng Telebisyon. Habang tinutunghayan ang isang tampok na programa sa Kapuso mo, Jessica Soho ay nakakayamot at lungkot isipin na talamak na talamak sa ating bansa ang Cyber Sex at mga bata pa mismo na halos wala pang muwang ang pangunahing biktima ng mga manyak na banyagang Pedopilya. Hindi rin naman natin sila masisisi kung nasabak sa ganung kalakaran dulot na marahil ng matinding kahirapan at siyempre, kapit sa patalim, patalim na mag-aahon sa kanila sa kahirapan subalit nagpaparumi naman sa pagkatao at isa pa sa dahilan kung bakit sila napapasabak ay kakulangan ng pagkalinga ng magulang.
12P-A. Kung sino pa yung mga magulang, sila pa mismo ang naglalapit sa anak para gawin ang bagay na hindi katanggap-tanggap sa mata ng lipunan maging sa kanilang sarili’t nararapat na sila’y parusahan at iligtas ang mga bata. Kahit kaliwa’t kanan ang sinasagawang raid, mailigtas lang ang mga batang biktima ng Cyber Sex at Human Trafficking ay di pa rin iyon sapat pagkat masyado matindi ang kahirapan sa bansa at ang tanging magagawa na lamang ay sugpuin iyon at ipaalam sa mga bata at magulang na hindi iyon ang solusyon sa kahirapan. Kasalanan ito ng mga politikong walang ginawa kundi mangulimbat ng pera sa kaban ng bayan kaya lulumala ang kahirapan at kapag may kahirapan, malaki ang tiyansang lumaki ang insidente ng krimen, paggamit at pagbebenta ng droga at Cyber Sex na mga bata pa ang kinasasangkapan kaya walang ibang dapat sisihin kundi mga politikong walang ginawa kundi magpayaman sa halip na tulungang makaahon ang mga maralita. Sana ganun ang ating pangulo, sa halip na pumatay ng mga libo-libong sangkot sa Droga, tulungan at bigyan sila ng opurtunidad upang umangat ang pamumuhay, sa paraang di na nila kailangang magbenta ng droga.
September
10, 2018
Monday
Year VI-253
Monday
Year VI-253
12P-B. Pagkagising
pa lamang, hindi kagandahang umaga ang sumalubong pagkat dinig na kagabi pa ang
hindi nakakatulog si Papa dulot na iniisip nito ang patungkol sa pagkuha ng
kanyang retirement fee na ilang araw nang pinoproblema at sa totoo lamang,
awang-awa na kay Papa, paano’y halatang nai-stress na ito at kita rin sa
mukhang nag-aalala. Dahil halos mag-iisang linggo nang nababalisa si Papa dulot
na iniisip nito ang pag-asikaso sa kanyang retirement fee, huwag sana ito
matulad kay Mama na dati ay nawawala sa sarili. Naganap na nga ang aking
pinapangamba at dahil tila nawawala na sa sarili si Papa dulot ng pagkabalisa’t
bahala sa kakaisip ng di maganda, nagawa nang samahan ni Mama sa pagtungo sa
Civil Service upang ilakad ang mga dapat ilakad at halos limang buwan na rin
kasi magmula nang magretiro si Papa, wala pa itong natatanggap dahil sadyang
mabagal ang proseso at nagkaroon pa ng problema sa mga papeles.
12P-C. Dalangin ko lang na huwag tuluyang panghinaan ng loob si Papa at makuha na niya ang retirement fee, nang sa ganon ay may maipangtustos sa pang-araw-araw pagkat wala ni isa pa sa amin ang may trabaho at umaasa na lamang muna tindahan. Sumabay pa ang napapanahong pagtaas ng mga bilihin dulot ng Infalation Rate kaya hindi malayong baka magkakrisis na sa pamilya namin na huwag naman sanang maganap. Kung iisipin, tila itong taon na mrahil ang pinakamaraming problemang dumating pagkat dati si Mama ang may sakit, tapos ngayon ay mukhang si Papa naman ang magkakasakit sa isip at paano na kaya kami kung nagkataong pati haligi ng tahanan, na siyang pinakaaasahan namin ang magkasakit.
12P-D. Nakaka-depress ang mga pangyayari subalit think positive pa rin at walang dahilan para sumuko. Ang anumang bagay ang maganap ay may hangganan at umaasang malalampasan naming ito. Sa kabila na may kinakaharap na problema, di naman nito napigilan ang kagustuhang makapag-aral at bukod sa panay ang pagsusunog-kilay ay nagtinda rin ako at nagwalis-walis pagkat parehong nasa lakad ang mga magulang namin. Tuloy lamang ako sa pagrerepaso at pagsapit ng Alas-dyis, dahil oras na upang kumain ay kailangan nang magsaing at bumili ng kakainin. Tila napakarami kong gawain ngayong araw subalit kinakaya’t sa panahong nahaharap sa maraming gawain ay kailangan ko ng matinding motivation.
12P-E. Bandang hapon nang makauwi sina Mama at Papa at di kagandahang balita ang pasalubong pagkat marami pang lalakaring dokumento bago makuha ang retirement fee, kaya ang resulta’y lalo pang nababalisa si Papa at nagiging Pessimistic. Upang di ma-depress si Papa, wala kaming ginawa kundi payuhan at patatagin ang kanyang loob. Mabuti na lamang, mas malakas-lakas si Papa kumpara kay Mama kaya tiwalang hindi mauuwi sa Depression ang mga pinoproblema niya. Tuloy ako sa pagrerepaso at kinagabihan, muling bumuhos ang napakalakas na ulan. Sinabahan pa ng pagkulog at may kataliman pa ang kidlat kaya niyayanig sa takot ang aking kalooban.
12P-F. Sa kabila na namamayani ang takot ay nagpatuloy pa rin ako sa pag-aaral pagkat determinadong makapasa, iyon nga lang ay hindi ako makapag-concentrate. Sa pagtila ng ulan ay lumabas ako upang magpa-print ng Resume at pagkatungtong sa may Ison Site ay tumambad ang baha. Maigi na lamang, pinagkalooban ako ng katangkaran kaya kahit may kalaliman ang baha’y walang takot na sinuong. Medyo may kasungitan ang panahon kaya di rin naituloy ang balak na magpa-print at na-stress pa ko pagkat nawawala ang Cellphone. Saang lupalop na ng bahay hinanap, di naman masumpungan, iyon pala’y naiwan ko ito sa tinadahan ng kapit-bahay at mabuti na lamang, busilak ang kalooban ng ale kaya muling napasakamay ang Cellphone na ilang beses nang muntikang nawala at abot-langit ang pagpapasalamat. Dahil may lakad pa bukas, maaga akong natulog.
September 11, 2018
Tuesday
Year VI-254
12P-G. Saktong
umaga na pala nang ako’y magising at kakarating pa lamang ni Ate Wenang galing Cagayan kaya ang bahay, muling naging maingay maging si Mama. Dahil
ngayong araw na kami nina Myrrh
maghahanap ng trabaho, matapos mag-agahan, daglian nang naghanda-handa’t bihis.
Kahit batid ng isip ang napipintong pagsalang sa mga Interview oras na
mag-apply, hindi naman ganon kasidhi ang kaba’t ayos lamang sa akin kung hindi
matanggap pagkat gagawin ko ito para ihanda ang sarili at magkaroon ng
karanasan, hindi magkaroon ng trabaho at wala pa talaga akong balak pagkat
hindi pa ito ang tamang panahon, ngayong kailangan ko ng maraming oras para
paghandaan ang darating na Board Exam. Kung sakaling matatanggap naman sa
trabaho ay mas maganda’t sana magawa kong hatiin ang oras para sa trabaho at
pagrerepaso. Dakong Alas-nuebe nang makatungtong ako sa UP Technohub, napili
naming lugar kung saan mag-a-apply at saktong wala pa sina Myrrh kaya di ko muna sinimulan ang pag-a-apply at hinintay sila.
12P-H. Tila kay sarap nga naman magtrabaho sa UP Technohub pagkat malinis at maganda ang bawat tanawin, iyon nga lang ay di mapigilan ang ma-intimidate sa mga nakakasalubong na empleyado pagkat bukod sa disente sila manamit, may pagka-Alta pa kung manalita’t mukhang mahihirapang makisama sa ganung klaseng tao pagkat di nakasanayan ang ganung pag-uugali’t may pagka-Jologs din ako. Isang oras nang naghihintay, wala pa sina Myrrh at habang mag-isang nakaupo sa lobby ay bigla na lamang nilapitan na kung tawagin nila’y Head Hunter at as usual, aalukin ka ng trabaho gaya nang nangyari sa akin sa Alorica at patuloy ka nilang hihikayatin at sisilawin pa hanggang sa sumama ka. Dahil may karanasan na sa mga ganyan ay ngiti lamang ang tugon ko sa kanila hanggang sa dagsain na ng iba pang mga Head Hunters at nakakaloka dahil pinagkakaguluhan na ko.
12P-I. Hilong talilong na ko pagkat di alam kung kanino sasama. Ibig ko sanang umalis, kaso di magawa dahil na-corner na hanggang sa napagpasyahan kong sumama na lamang sa kahit na sino sa kanila at sakyan ang ipapagawa kahit wala sa puso ang inaalok nilang trabaho, ang Call Center. Habang pinparehistro nila ako ang pagdating naman ni Myrrh kasama si Mark sa halip na si Nikki at kanya-kanyang gawa ng paraan para makawala sa kanila at nang makalayo ay saka lamang nakahinga ng maluwag. Bago naming simulan ang pag-a-apply, inensayo muna ako ni Myrrh sa Job Interview at sa totoo lamang, hirap talaga akong magsalita ng English at di mapigilan ang ma-nosebleed subalit kinakaya hanggang sa unti-unti ko nai-straight.
12P-J. Sa Manulife kami unang nag-apply at sa dami ng aplikante, mukhang aabutin ng siyam-siyam bago matawag kaya sinubukang mag-apply sa ibang company. Sa Concentrix kami sunod na nag-apply at parang tinadyakan sa kaba ang dibdib nang matawag at lakas loob na hinarap ang Interviewer. Napakasimple lamang ng kanyang katanungan subalit dulot ng kaba, di rin ako makasagot ng maayos at madalas ay nauutal. Nakaka-frustrate dahil di ko nagawang makipag-eye contact sa kanya subalit ayos lamang, ang mahalaga’y naging totoo ako’t naipakita kung anuman ang makakaya.
12P-K. Nag-apply pa kami sa ibang kumpanya gaya ng Nokia, Teletech, HSBC at Pointwest subalit karamihan talaga sa kanila, close ang position para sa Test Administrator o Human Resource at karamihan, in demand ang Call Center. Bago umalis ay bumalik pa kami sa Manulife. Sadyang napakatagal talaga doon at kahit isang oras nang naghihintay, di pa kami natatawag. Pakiwaring nagsasayang lamang ng oras kaya minabuting ipagpabukas na lamang ang pag-a-apply doon. Inabot na ko ng takip-silim sa pag-uwi at kinagabihan, pagrerepaso muli ang aking inatupag. Wala pa rin pagbabago sa lugar naming napakaingay dulot ng mga tambay at mga malalanding Pabebe at kahit umuulan, walang katinag-tinag at sige pa rin sa pag-iingay kaya medyo nadi-distract ako. May kalaliman na rin ang gabi nang mapagpasyahan kong matulog.
September 12, 2018
Wednesday
Year VI-255
12P-L. Hindi naging
maganda ang salubong ng umaga sa aking paggising pagkat kagabi pa raw masakit
ang tiyan ni Mama at makailang ulit nang dumudumi. Bukod kay Mama, dumadaing
din ng pananakit ng Tiyan ang ate kaya ang aming haligi ng tahanan na ilang
araw nang nababalisa, lalo pa naging problemado’t kita sa mukha nito na hindi
na alam ang gagawin. Maya-maya pa at habang ako’y nag-aalmusal, bigla na lamang
tumatawag si Mama na tila may sasabihin. Inakala kong may ipag-uutos lamang ito
pero bago lumapit, kung ano-ano ang mga sinasabi nito. Akala ko tapos na, ayos
na si Mama subalit hindi akalaing dinadalaw muli ito ng sakit kaya nawawala sa
katinuan. Bukod sa kung ano-ano ang lumalabas sa kanyang bibig,
nagsisigaw-sigaw pa ito na gaya ng dati kaya kaming mga kasamahan nito sa bahay
lalo na si Papa, muling natutuliro’t di mawari ang gagawin sa kanya. Palibhasa’y
itinigil nito ang pag-inom ng gamot kaya bumabalik ang sintomas ng sakit, napapaisip
na tuloy na baka dalhin muli namin siya sa ospital.
12P-M. Nagkakaproblema
na nga kami sa pang-araw-araw na pangangailangan gawa na tanging tindihan
lamang ang bumubuhay sa amin at napapanahon pa ang pagtaas ng mga bilihin,
sumasabay pa ang pagkasumpong ni Mama at di magtatagal, baka matulad na si Papa
kay Mama pagkat isip ito nang isip ng hindi maganda. Sa tana ng aking
pamumuhay, tila itong taon na marahil ang pinakamasaklap at malungkot pagkat
nagkasabay-sabay at sunod ang dumarating na problema, dalanging kayanin pa.
Dahil may kinakaharap na problema, napagpasyahang huwag munang ituloy ang
pag-a-apply namin ni Myrrh sa
trabaho. Wala pa talaga akong balak magkaroon ng trabaho subalit dahil
nagkakaproblema na siya pinansiyal, mukhang mapipilitan na kahit hindi pa ito
ang panahon pagkat pinaghahandaan ko pa ang darating na Board Exam.
12P-N. Nahimasmasan
naman kinalaunan si Mama at nang mapainom ng gamot ay bumalik ito sa katinuan
at nawa’y hindi na nga bumalik ang kanyang sakit pagkat kung nagkataong
magkasabay sila ni Papa na magkaroon ng diperensiya sa pag-iisip gawa na hindi
makayanang hawakan ang mga kinakaharap sa buhay, paano na kaya kami. Dahil
hindi na nga ako natuloy sa pag-a-apply, sinamantala na lamang ang oras sa
pagrerepaso. Habang tutok na tutok sa pag-aaral, parang kinabog sa takot ang
dibdib nang maulinig ang pagdagundong ng kulog. Dahil may Phobia ako sa kulog
at kidlat pagkat pakiwaring baka tamaan ako, di mapigilan ang pagyanig ng takot
subalit nagpatuloy pa rin sa pagrerepaso hanggang sa kinalaunan, nagtago na ko.
12P-O. Sa takot,
para na kong sira habang nakatakip ng teynga’t tumatalukbong at saka lamang
bumalik sa normal na gawain nang magwakas ang mga pagkulog at pagkidlat.
Kinahapunan at dahil muling bumabalik ang sakit ni Mama pagkat maghapon na
itong nakahilata’t dinadaing na hindi raw muli makatulog, napagpasyahan nang
papuntahin ang Tita Susan para may
makatulog kung sakaling lumala na ang problema. Dahil may dalawa kaming bisita,
muling umingay ang bahay kaya hirap ituon ang konsentrasyon sa pagrerepaso.
Dahil ugali ko ang magpuyat, may kalaliman na rin ang gabi nang mapagpasyahang
matulog. Kahit ano pang problema ang dumating na siyang sumusubok sa aming
katatagan, Diyos na ang bahala.
September 13, 2018
Thursday
Year VI-256
12P-P. Sa kabila na
may nagbabantang malakas na unos, nanatiling maaliwalas ang panahon at tila
nakangiti ang araw habang ito’y pinagmamasdan na siyang nagbigay gana sa akin
upang gawin ang mga bagay na karapat-dapat. Pagkaalmusal, gawaing bahay ang
aking inatupag. Matapos ang gawaing bahay, saka lamang sinimulan ang
pagrerepaso. Habang aligaga sa pagrerepaso at pagkatingin sa aking envelope na
kung saan nakalagay ang mga Test Drills at Reviewer, natuklasang nawawala ang
permit para sa Board Exam. Hinalughog at tiningnan ko ang mga kagamitan, baka
sakaling saan lamang ito nailagay subalit hindi ito masumpungan. Maigi na
lamang, hindi ko naiwala ang resibo kaya kumpiyansang makakakuha ng panibagong
permit sa PRC. Kinatanghalian at
pagkapananghalian, kaagad na kong dumako sa Robinson Novaliches. Pagkatungtong ng PRC ay kaagad akong humingi ng panibagong permit sa kanila subalit
hindi binigyan ng permisong makakuha’t sinabing kailangan ko pa raw magpagawa
ng Affidavit mula sa abugado.
12P-Q. Sinabi naman
nila kung saan ang pagawaan ng Affidavit, doon din mismo kung saan ang
nagpapanotaryo kaso sa haba ng pila, hindi ko na sila nakausap pa. Hanggang sa
napagtanto ko na marahil ay nailagay ang Permit sa ilang mga Test Drills na
ipinahiram ko kay Myrrh para
magkaroon ito ng Reviewer at bago magtungo sa kanila, nagpunta muna ako sa
simbahan doon sa Novaliches Bayan at
nagdasal. Dalanging kung anuman ang kinakaharap na problema, kayanin at
masolusyunan. Matapos ang mataimtim kong pagdadasal, wala nang sinayang pang
oras sa pagtungo sa bahay nina Myrrh,
nagbabakasakaling sa kanila ko nga naiwan ang permit nung panahong bumisita sa
kanila subalit sinabi ng mga ito na wala raw silang nakita.
12P-R. Walang ibang
maramdaman kundi panlulumo’t sa totoo lamang, napakaburara ko talaga subalit pinipilit
na huwag mawalan ng pag-asa hanggang sa tila nabuhayan ng loob nang sabihin ni Myrrh na marahil ay naiwan ko iyon sa Technohub kung saan kami huling kumain.
Kaagad din naman ako nakumbinsi sa hinala ni Myrrh dahil nagkakatugma-tugma ang mga paliwanag nito at dahil
disperadong mapasakamay muli ang permit, kahit pagabi na’y dali-daling tumungo
sa Technohub. Pagkatungtong sa isang
Food shop, walang hiya-hiya silang kinausap at tinanong. Lalo ko pang
ikinapanlumo’t tila mauubusan ng lakas nang sabihin ng mga nagbabantay na wala
raw silang nakitang ganung permit maging ang envelope. Humihiling ako sa kanila
na kung pwede pakitingnan ang CCTV
kaso tumanggi sila’t di basta-basta ang aking hinihingi.
12P-S. Dahil dun, mukhang
kakailangan ko talagang magpagawa nang Affidavit sa abugado. Saktong pahingalo
na ang liwanag nang makuwi na lukot na lukot ang mukha pagkat
problemadong-problemado sa pagkawala ng Permit. Maigi na lamang, abugado ang
tatay ni Kuya Denver kaya matapos
maghapunan, kaagad akong lumapit sa kanila at humingi ng tulong. Laking tuwa ko
sa sinabi ni Attorney Corpuz pagkat
bukod sa pumayag ito na siya ang aasikaso ng aking affidavit, wala pang bayad.
Sadyang napakabait ng panginoon at kapag may pananalig at tiwala ka sa kanya,
hindi ka niya pababayaan at parang ibig ko nang magdiwang sa tuwa. Kahit na pumayag
ito na siya ang gagawa ng affidavit ay hindi ko pa raw ito makukuha’t humiling
sa ibang araw na lang.
September 14, 2018
Friday
Year VI-257
12P-T. Sa sarap ng
tulog ay muli akong tinanghali sa paggising. Dahil sa paparating ang Bagyong Ompong na nagbabantang manalasa
sa Northern Luzon, naging makulimlim
ang panahon at tila nahihiyang magpakita ang haring araw. Sa kabila na
makulimlim ay hindi pa naman pumapatak ang ulan kaya sinamantala ang
pagkakataon upang maglaba. Matapos ang paglalaba at pagsasampay sa kabila na
mailap ang araw, gawaing bahay naman ang sunod na inatupag. Nang
makapaglinis-linis sa loob ng bahay, pagtitinda naman ang sunod na
pinagkabalahan. Kung ano pa ang paninda na wala sa amin, iyon pa ang mabili at
hinahanap-hanap kaya naging napakatumal nang pasok ng pera sa amin, idagdag pa
na panaka-nakang dating ng mga mamimili. Medyo nababagot na ko sa pagtitinda
kaya naisipang manuod na lamang ng Telebisyon. Tuloy pa rin ang buhay kahit may
nagbabantang unos o makapagdulot ito ng suliranin sa inyong pamumuhay oras na
manalasa ito pagkat mabait ang Diyos at di niya hahayaang magdusa at mapahamak
ang mga taong may matinding pananalig sa kanya.
12P-U. Dami ko
talagang tawa habang tinutunghayan ang Miss
Q and A Portion sa Showtime at
bigay todo ang kaganadahan ng bawat kandidata kahit may pag-aari sila na gaya
sa mga kelot at talagang dinaig pa ang mga bebot. Diretso Siyesta ako matapos manuod ng Telebisyon. Kinagabihan ang muling
pagsiklab ng bangayan namin ni Ate pagkat kung makapag-utos ito sa akin sa
pagpapa-inom ng gamot kay Mama, akala siya ang amo’y lalo pang naiirita pagkat
masyadong nagmamagaling. Panay ang palitan namin ng maanghang at di kagandahang
salita, kahit may bisita kami’t sa totoo lamang, simula’t sapul na magkaroon
ito ng trabaho hanggang ngayon ay di na matantsa ang pag-uugali’t masyado nang
mapagmataas at matapobre pa. Tapos kapag siya ang napagsasalitaan ng di
maganda, siya pa ang may ganang magmataray samantalang hindi nito iniisip ang
mga salitang binibitawang hindi nakakatuwa.
12P-V. Kung ayaw
niyang gawin ang mga bagay ng mga tao, huwag niyang gawin sa kanila! Humupa
naman ang bangayan naming at as usual, nakuha nanaman nitong magbanta sa akin
at nanunumpa pa. Bago maisipang magsara ng tindahan ay tumungo pa ko sa bahay
ni Attorney Corpuz upang humingi ng
update sa ipinapagawang Affidavit subalit sinabi nito na posibleng sa Lunes pa
makukuha. Gayunpaman ay hindi naman nawawalan ng pag-asa’t umaasa pa rin na
makakapag-take pa rin ng Board Exam sa kabila na laking burara. Matutulog na
sana ako nang biglang humilab ang sikmura. Muli nanaman pala akong tinamaan ng Diarrhea at makailang balik na sa
banyo. May kalaliman na ang gabi’t tulog na ang lahat sa mga kasamahan subalit
di pa rin makatulog pagkat patuloy na iniinda ang paghilab ng Sikmura’t mukhang
sasabay pa ito sa pananalasa ng Bagyo.
|September 15, 2018
Saturday
Year VI-258
12P-W. Hating-gabi
na’t sumusungit na rin ang panahon dahil sa paparating na Bagyong Ompong subalit di pa rin nilulubayan ng pananakit ng
Sinapupunang malaki at patuloy na nararanasan, patuloy din ang aking pagdumi.
Saktong gising pa si Papa ng mga oras na iyon at di ko man ibig ipaalam sa
kanya ang nararanasan pagkat ayaw ko nang makadagdag pa sa kanyang mga
alalahanin subalit di ko na nagawa pang maglihim nang mapansin nitong makailang
balik na sa banyo. Pinainom niya lamang ako ng maligamgam na tubig na may Yee Tin upang maialis ang lamig na
bumabalot sa Sikmura na siyang nagpapasakit. Maigi na lamang, may tira pang
gamot na Loperamide si Ate Wenang at pagkainom niyon,
unti-unti naman bumubuti ang lagay ng Tiyan hanggang sa ako’y makatulog.
12P-X. Kinaumagahan
at pagkagising, sa kabila na sa may bandang Cagayan at Isabela
tatami ang Bagyong Ompong, dahil
hagip naman ng buntot nito’y damang-dama pa rin ang malakas na hangin at ulan.
Sa lakas ng hangin, tila makakaya na nitong makatangay ng tao. Kahit bandang
Alas-nuebe na ko nagising, dulot na medyo tinatamad gawa na may kasungitan ang
panahon ay humiga ulit ako hanggang sa makatulog. Malapit nang sumapit ang
tanghali ako nagising at kahit paano, nabawas-bawasan na rin ang lakas ng
hangin subalit patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at sa lakas, hindi malayong
bumaha muli. Pagkapanuod ng balita, kalunos-lunos ang sinapit ng mga dinaanan
ng Bagyong Ompongpagkat bukod sa
napinsala nang husto ang kanilang tirahan, bubong na lamang ang maaninag sa
taas ng baha, may ilan ay natabunan pa ng pagguho ng mga lupa’t bundok.
12P-L. Sa lakas ng
bagyo na halos maihahaluntulad sa Bagyong
Yolanda at Lawin, nagdulot ito
ng malawakang pinsala sa lahat lugar na dinadaanan lalo na ang Cagayan na probinsiya pa naman namin at
kung mapapunta sa ganung lugar, nakaka-trauma. Sa kabila na nagkakaproblema na
kami sa pinansyal gawa na hindi pa nakukuha ni Papa ang kanyang retirement fee
at patuloy pa ang pagtaas ng mga bilihin, dapat pa rin magpasalamat sa Diyos
dahil di kami gaya nila na binagyo at nawalan ng bahay at walang ni isa man sa
amin ang napahamak. Sa lahat ng mga binagyo, nawa’y may mabubuting loob ang
hindi magdalawang isip na tumulong. Matapos manuod ng Telebisyon, balak ko
sanang magrepaso subalit tinatamad ako gawa na maulan. Bandang gabi nang tumila
ang ulan at hangin at sa pagtila ng ulan, muling nanunumbalik ang kaingayan sa
labas. Dahil medyo wala ako sa mood na di malaman ang dahilan, maaga akong
natulog.
September 16, 2018
Sunday
Year VI-259
12P-M. Kahit maaga
ang aking pagtulog kung napasarap naman ay tinanghali pa ring bumangon. Kahit
nakalabas na ang Bagyong Ompong na
nagdulot ng matinding pinsala sa mga nasalanta nitong mga lugar ay naging
maulan pa rin ang panahon, nakakatamad tuloy bumangon at parang ibig na lamang
humilata sa maghapon subalit hindi maaari’t ayaw ko maging batugang nilalang. Tinatamad
man ng lagay, pinilit ko pa rin kumilos at simulan ang pagrerepaso. Wala talaga
akong kagana-gana sa pag-aaral at kung ano-anong mga bagay ang naglalaro sa
isipan kaya hirap makapag-concentrate, hirap din ipasok ang mga inaaral at
nakaka-frustrate. Nung una’t kahit medyo napipilitan lang talaga akong
magsunog-kilay ay nag-aral pa rin subalit sa paglipas ng mga sandali’y
unti-unti nang nawawalan ng konsentrasyon hanggang sa mapagpasyahang itigil
muna’t magpahinga.
12P-N. Masyado
kasing boring ang inaaral kaya nakakawalang gana talaga subalit kailangan
repasuhin pagkat baka nga lumabas sa Board Exam. Sinubukan ko nang isipin ang
mga taong nagbibigay inspirasyon sa akin para magkaroon naman ng Motivation sa
pag-aaral subalit wala pa rin. Dahil medyo tinatamad talaga ako’t parang
depress sa hindi malamang dahilan, nahiga muna pansamantala. Sa sarap ng
pagkakahiga, hindi namamalayang tanghaling tapat na pala’t saka lamang
bumangon, para siyempre bumanat ng panaghalian. Mukhang mauuwi talaga sa kain
tulog ang araw na ito pagkat patuloy na umiiral ang katamaran at ang tanging
gusto ko lamang ay matulog. Matapos mananghalian, diretso tulog na ko’t mga
bandang Alas-kwatro na nagising. Medyo nanumbalik na ang kasiglahan sa dibdib
subalit wala pa talagamg balak mag-aral kaya pagtitinda lamang ang
pinagkaabalahan.
12P-O. Kinagabihan,
tutok muli ang mata sa panunuod ng Telebisyon at bumalani muli ang habag sa
tutulog-tulog na kalooban nang maitampok sa isang programasa Kapuso Mo Jessica Soho ang isang babae
na diumano’y pinagtatabuyan ng mga taumbayan dahil sa nakakahawa raw ang sakit
nito. Bukod sa pinagtabuyan ay binalak pa nila itong sunugin pagkat ang tingin
sa babae, salot sa lipunan sa halip na kaawaan at tulungan. Sa kabila na kinatatakutan
ang kanyang sakit, kahit hindi ito kadugo ay may mga tao pa ring kumupkop sa
kanya at nag-aruga. Sa sobrang awa ko sa babae pagkat naghihina ito at hirap
pang maglakad dulot na lumulobo ang mga paa nito’y ibig ko rin makatulong.
Patunay ngang kahit talamak ang mga masasama dito sa daigdig sa panahon ngayon,
may lumilitaw pa ring mabubuting loob na handang magmalasakit, kahit hindi nila
kaano-ano.
107 | 100 It’s time to start
countdown until the year has come to end, exactly One Hundred days
to go before Christmas.
September 17, 2018
Monday
Year VI-260
12P-P. Lunes
nanaman pala at mga bandang Alas-otso na nagising. Hindi gaya kahapon na
tinatamad talaga ako pagkat parang sumasanib ang kasipagan sa aking kalooban at
gawa na masiglang-masigla muli, diretso ako sa pag-aaral at pagtitinda matapos
magkape lang naman. Dahil medyo ginaganahan ako sa pag-aaral, madali naman
pumapasok sa isipan ang inaaral, kahit nakakabagot pag-aralan at sakit pa sa
ulo. Sana ganito palagi ang aking pakiramdam, punong-puno ng sigla’t
motivation, nang sa ganon makayang gampanan ang mga karapat-dapat sa buhay,
kahit mabibigat pa iyan, paghihirapan ko talaga basta nasa mood. Sa sipag kong
mag-aral, hindi namamalayang sumapit nanaman ang tanghaling tapat at matapos
lamnan ang Sikmura sa pananghalian, halabira muli ako sa pag-aaral.
12P-Q. Sa sobrang
abala sa pag-aaral, ni hindi ko na nga nagawang mag-siyesta kaso hindi lamang maiwasang sumakit ang bungo sa
kaka-compute ng sangkatutak na numero at datos habang pinag-aaralan ang Statistics at sa totoo lamang ay parang
ibig ko nang umayaw, subalit dahil determinado talagang makapasa’y sige pa rin
ako sa pag-aaral. Sa sobrang abala ko sa kaka-compute at kabisado ng
sangkatutak na Formula na animoy gawain lang ng isang Inhinyero ang lagay ay
inabot na ng takip-silim. Kahit sabihing simple lamang ang gawain ng isang Psychometrician pagkat mag-a-administer
at check lamang sila ng Test ng mga Client o Student ay di pa roon magtatapos
dahil magku-compute pa ng sangkatutak na nakalap na marka mula sa kanilang
kliyente’t gagawan mo pa siya ng interpretation base sa lumabas na resulta
gamit ang iba’t ibang Statistical Tool, depende kung applicable ba sila’t
napakakumplikado nga naman ng magiging trabaho subalit kakayanin, pinili at
ginusto koi to at wala nang urungan.
12P-R. Nagpapasalamat
na lamang ako sa maykapa dahil binigyan niya ko ng hilig sa Mathematics and I love numbers, kahit
dulot nito kapag nagsama-sama’y sakit sa ulo at ikababaliw mo pa. Kahit
nakapagtapos ako ng Psychology
Courses, still I need Math and
should deal with it, whether makes you get tired or not. Kinagabihan, lakas-loob muli akong nagtungo
sa bahay ni Attorney Corpuz,
nagbabakasakaling gawa na nito ang aking Affidavit subalit sinabi nito na hindi
naasikaso gawa na nagkaroon daw sila ng hearing. Sa mga ipinapakita nito sa
akin, tila ayaw ko nang umasang siya nga makakaresolba ng kinakaharap kong
problema’t kailangan na rin kumilos pagkat mahirap na, baka magsisi pa sa huli.
Dahil may lakad pa kinabukasan, maaga akong natulog.
106 | 99 Ninety-nine days to go
before Christmas.
September 18, 2018
Tuesday
Year VI-261
12P-S.Pagkabangon
at almusal, wala nang sinayang pang oras upang magrepaso. Ilang sandali pa at
dahil mag-a-apply muli kami ni Myrrh
sa Technohub, naghanda-handa’t bihis
na ko, nagpaganda na rin para kahit paano’y ma-impress sila sa look ko kahit
batid sa sariling hindi masasagot ng maayos ang mga ipupukol na question sa
akin. Muntikan lamang maudlot ang balak kong mag-apply dahil walang ginawa sina
Mama kundi pigilan ako’t idahilan na wala raw pera subalit sa kagustuhan ko
talagang tumaas ang kumpiyansa sa sarili at madagdagan ang karanasan at
kaalaman, panay ang pangungumbinsi ko sa kanila. Iyan nga kasi ang hirap kina
Mama at Papa, parehong Pessimistic
at di pa nga nangyayari, inuunahan na agad nila at sa totoo lamang, umiimpis na
ang pag-unawa ko sa kanila subalit sinusubukan pa rin panatilihin. Masyado
nilang ini-stress ang sarili sa mga bagay na hindi naman dapat pag-ukulan ng
pansin.
12P-T.Buo na
talaga ang Desisyon kaya kahit tutol na tutol sila na mag-apply ako o maghanap
ng trabaho, itinuloy ko pa rin dahil naniniwala akong ang lahat ng aking
pagkukumahog ay may patutunguhan nang hindi mo inaasahan. Bandang Alas-onse
nang makalipad muli ang yapak sa Technohub
at bago ko makaharap si Myrrh, naku
at diyos ko na rin dahil sinalubong muli ng mga Head Hunters upang alukin ako
ng trabaho, trabahong hindi ko balak pasukan. Hindi ko mawari kung kakagat ba
sa mga offer nila subalit hindi ko hinayaang mabali ang paninindigan na
makapag-apply nang hindi nakukuha sa hatakan. Saktong naroroon na si Myrrh pagkatungtong sa aming tagpuan na
kanina pa raw ako hinihintay at kaagad nang sinimulan ang pag-a-apply. Dahil
naudlot ang pag-a-apply naming sa Manulife
nung huling linggo, doon na namin naisipang mag-apply.
12P-U. Isang oras din
marahil ang hinintay bago kami isa-isang tawagin, di upang isailalim agad sa
Interview kundi magparehistro. Nang makapagrehistro ang lahat sa aming mga
Applicant, dinala kami ng isang staff sa Testing room upang isailalim sa
Assestment Test. Di ko akalaing sasabak pa kami sa Examination at habang aligaga
ang Staff pag-organize ng ipapa-test sa amin, unti-unti nang gumagapang ang
kaba’t sana makasagot ako ng maayos. Mabuti na lamang at kasama ko si Myrrh na walang ginawa kundi palakasin
ang loob ko kaya nababawasan naman kahit papaano ang kaba. Ilang sandali pa ng
isalang kami sa Assestment Examination. Sa una, medyo nadalian ako sa
pagsusulit pagkat masyadong basic at common sense lamang ang katapat, iyon nga
lang di mapigilan ang ma-pressure sa pagsagot pagkat may time limit.
Pagkatungtong ko sa Reading Comprehension Assestment Test, sumakit ang ulo ko,
di sa kakaunawa kundi sa kakabasa ng pagkahaba-habang talata’t may time limit
pa, tapos masyado pang technical ang bawat tatudtod kaya mangamote ng labis, di
tuloy mapigilan ang maghula-hula sa isasagot at bahala na sa magiging resulta.
12P-V. Dumali lang
ang buhay pagdating ko sa Mathematical Assestment Test subalit habang pataas
nang pataas ang Item, pahirap nang pahirap at napakaikli pa ng ibinigay na oras
upang masagutan lahat ng aytem kaya hula-hula muli ako. Matapos ang aming
Assestment Test, sinubukan naman ng Staff kung paano kami kabilis sa pagta-type
at sa sobrang pagmamadali ko dahil may time limit, maraming words akong
namintisan sa pagta-type. Tumagal din ng isang oras nanatili kami sa Testing Room
at sa halip na umalis, nanatili muna kami upang hintayin naman ang Interview.
Kahit hindi ko pa hinahangad sa ngayon ang magkatrabaho, hindi pa rin
mapigilang kabahan, idagdag pa ang kagutumang kanina pa namamayani sa sikmura
at sa totoo lamang, parang ibig munang kumain subalit hindi maaari at baka
bigla kaming tawagin. Lalo pang tumaas ang kabang bumabalot sa dibdib nang
malaman namin sa isa sa naunang applicant na hindi ito natanggap at kung ano
ang mga basehan nila para matanggap ka.
12P-W. Sa ikinukwento
pa lamang niya, parang ayaw ko nang sumalang pa sa interview at mukhang
mapapaihi na rin sa tindi ng nararasang kaba subalit nagpakatatag ako at
nilabanan ang kaba. Maya-maya pa, tinawag na kami at sa pagsalang naming tatlo
ni Myrrh sa interview, nanginginig
na ko sa kaba. Lalo pa kong kinabahan nang ako ang ininterbyu’t bukod sa kaba,
nagugutom pa ko at nauuhaw kaya ang resulta, hindi nakasagot pa ng maayos,
idagdag pa ang presensiya ng iba pang mga aplikante kaya lalo pang nahirapang
i-deliver ang mga sasabihin, kahit simple’t madali lamang ang katanungan at di
rin naman nakaka-intimidate ang Interviewer. Saka lamang nakahinga ng maluwag
matapos ang Group Interview at wala na sa akin kung matatanggap o hindi, basta
nagawa kong ipakita ang lahat ng abot ng makakaya, iyon ang mahalaga.
12P-X. Kahit
paano’y may nadagdag namang knowledge sa pagsalang ko sa Interview na magagamit
sa susunod na pag-a-apply ko muli sa trabaho. Isa-isa muli kaming tinawag ng
taong nag-interview upang ipaalam ang resulta at nang ako na, walang ginawa
kundi ihanda ang sarili sa magiging feedback ng Interviewer at matapos ang
aming pag-uusap, kaagad naman tinanggap ng loob kung anuman ang naging pasya
nang Interviewer at ganun talaga, di man ako pinalad ngayon subalit di
nangangahulugang wala nang pag-asa, laban lang! Inabot na ko ng gabi sa pag-uwi
na nanatiling nakangiti at maginhawa ang kalooban sa kabila na hindi natanggap.
Matapos maghapunan, nagrepaso muli ako. Nang medyo sumasakit na ang ulo ay saka
lamang napagpasyahang itigil ang pag-aaral. Hindi pa makatulog kaya may
pinagkalibangan muna ako. May kalaliman na rin ang gabi nang mapagpasyahang
matulog at nagpapasalamat dahil nairaos ko nanaman ang araw na ito kahit
nakaka-stress.
105 | 98 Ninety-eight days to go
before Christmas.
September 19, 2018
Wednesday
Year VI-262
12P-Y. Bigo man
akong matanggap sa trabaho kahapon ay may kakaibang sigla pa ring namamayani sa
dibdib kaya masaya akong bumangon. Sabi nga ng naging kasamahan ko habang
nag-a-apply, kung di ka matatanggap, hindi iyon para sa’yo at maglalaan ang
Diyos ng bagay na para sa’yo kaya hintay lang at huwag mawalan ng pag-asa.
Dahil may lakad ngayong araw, matapos mag-almusal, naghanda-handa’t bihis na
ko, paganda na rin para nga-nga ang mga taong makakakita’t di mapag-uusapan.
Alas-nuebe pa lamang at batid na sarado pa ang Robinson Novaliches nang ganitong oras kaya tumungo muna ako ng OLFU-Regalado at sinamantala ang oras
sa pagrerepaso. Dahil library at tahimik pa sa aking kinalalagyan, lalo pang
naengganyo sa pag-aaral at nauunawaan pa ng maayos ang binabasa. Idagdag pa ang
pagiging malamig ng Library kaya kahit maghapon pa isubsob ang mata sa
kakasunog-kilay ay di ka mapapagod o magsasawa.
12P-Z. Pagpatak ng
tanghali nang mapagpasyahang umalis ng library at bago lisanin ng aking
nagkikinisang yapak ang paaralan, ipinihit ko muna ang yapak sa Guidance Office
upang makipagkamusta kay Ma’am Paula.
Pagkatungtong ay laking gulat pagkat sa halip na si Ma’am Paula ang madatnan ay ibang counselor na ang nagbabantay na
dati’y kamag-aral ko lamang. Sinabi nitong nag-resign na raw si Ma’am Paula nung isang linggo lamang at
sayang, di ko pa siya naabutan, para makapagpaalam man lang. Bukod sa kanya,
nandoon din si Kalvin. Hindi ko
akalaing magkukrus muli ang landas namin ni Kalvin at kung sino nga naman ang taong kinabubwisitan at ayawan
mo, siya pa ang nagkakatagpo mo pero ang taong gustong-gusto mong makita gaya
ni Special Someone, tila napakailap ng pagkakataong magkita kayo. Dahil
kakilala ko naman ang humalili kay Ma’am
Paula, nananatili muna roon at nakipagkwentuhan at kamusta na rin.
12Q-A. Nang umalis
sina Kalvin, umalis na rin ako’t
tumungo naman sa Guidance office ni Sir
Jansen subalit sarado ito nang aking datnan. Saka lamang ako tumungo ng Robinson Novaliches upang magpagawa na
ng Affidavit subalit hindi ko muna itinuloy pagkat makabutas-bulsa ang singil
at baka mauwi sa Alay-lakad kung ipagpipilitang makakuha na ngayon ng Permit.
Wala pa talaga akong balak umuwi kaya matapos mananghalian ay tumungo muna sa Fairview Terraces at nagbasa-basa’t
tingin ng libro sa National Bookstore.
Dahil napasarap sa pagbabasa, halos dalawang oras din akong nanatili roon at
naghanap-hanap ng mapupwestuhan. Nang makahanap ng pwesto’y saka ko lamang
ipinagpatuloy ang pagrerepaso.
12Q-B. Hindi gaya
ng kanina ang aking nararanasan pagkat hirap nang ipasok sa isipan ang inaaral,
tapos ang iingay pa ng mga kasamahang nakikigamit din ng upuan at nang di na
matiis ang ingay, umalis na lamang ako. Wala pa talaga akong balak umuwi kaya
tumungo muna sa Computer Shop at tamang libang-libang lang sa pag-online sa Facebook at pakikipag-chat sa mga
kaibigan. Saktong nagbubuntong-hininga na ang liwanag, naghingalo na nga nang
makatungtong ang yapak sa tahanan at di naman sinalubong ng mapupusok at nag-iinit
na sermon ni ina kundi pagkaing nakahaing sa mesa’t diretso lamon talaga ako
pagkabihis. Bago matulog, heto muli ako’t ipagsasapalaran ang mata’t utak sa
pagrerepaso. Hindi ko na hinintay pang lumalim ang gabi para matulog.
104 | 97 Ninety-seven days to go
before Christmas.
September 20, 2018
Thursday
Year VI-263
12Q-C. Hanggang sa
panahong ito, hindi pa rin nagwawakas ang problema pagkat hindi pa rin makita
ang aking PRC Permit o nakakakuha ng
panibago kaya di maiwasang mangamba na baka di na makapag-exam sa susunod na
buwan subalit tiwala pa rin ako masusulusyunan ito, malalampasan pa nga.
Paano’y hanggang ngayon ay di pa ko nagagawan ng Affidavit ni Attorney Corpuz kaya patuloy na
dinadaga ng pamomoblema’t sa totoo lamang, parang gusto ko nang bumigay.
Nawawalan man ng ganang mag-aral pagkat napanghihinaan na ng loob, sinubukan
kong magpakatatag at itinuloy ang pag-aaral, iwinaksi ang mga bagay na
nagpapabagabag ng kaba sa dibdib. Walang ginawa sa buong umaga kundi mag-aral
at magtinda. Kinatanghalian at para malibang-libang naman ako’t maging maligaya
ang araw, naisipang manuod ng Telebisyon.
12Q-D. Yung ang
saya-saya ko at halos wala na ngang bukas kung makahalakhak habang nanunuod ng Miss Q and A sa Showtime pagkat nakakatuwa ang mga bawat kandidatang kasing ganda
ko habang kinakapanayam nina Vice Ganda,
biglang nagbago nang magkwento ang isang kandidata patungkol sa kinakaharap
nitong problema’t na-shock ako pagkat pareho kami ng problema, nawawalan din
ito ng PRC Permit. Parang dinagsa ng
kaba ang dibdib ko nang sabihin nitong hindi na siya pinayagan pang makakuha ng
Board Exam sa susunod na buwan dahil sa naiwala nito ang permit at nagbigay pa
ng advice na huwag maging burara kaya lalo pa ko nai-stress. Parang nawawalan
na tuloy ako ng pag-asa at iniisip na paano kung di na nila ako payagan pang
makakuha, sa kabila na may affidavit naman at marahil ay imposible nang
masolusyunan ang problema, dapat nang tanggapin ang magiging kapalaran na
posibleng sa susunod na taon pa ko makakapag-take ng Board Exam.
12Q-E.Bakit ko pa
kasi naiwala iyon at di talaga maiwasang sisihin ang sarili, ang pagiging
burara ko. Dala na parang nade-depress na ng lagay, diretso hilata ako sa kama
matapos manuod ng Telebisyon sa halip na mag-aral. Bakit ko pa sasayangin ang
buhay sa pagre-review kung di naman makakakuha ngayong taon! Saktong pahupa na
ang liwanag ng ako’y magising at kasabay ng aking paggising ay medyo natatauhan
na rin, iniisip na di dapat mawalan ng pag-asa’t bawat problemang dumarating sa
buhay, may solusyon. Hindi dapat ako nagpadala sa sinabi ng kandidata at inisip
na lamang dapat na hindi pa huli ang lahat, may pag-asa pa kung gugustuhin mo’t
may magagawa ka pa. Dahil kahit paano’y nahihimasmasan na ko, matapos
maghapunan ay muli akong nagrepaso at itinapon ang pagiging negatibo.
103 | 96 Ninety-six days to go
before Christmas.
September 21, 2018
Friday
Year VI-264
12Q-F.Kahit
sabihin at itanim sa isipan na may pag-asa pa, magagawan pa ito ng paraan ay di
pa rin maiwasan ang mangamba, iniisip na baka mabigo lang ako sa mga hakbang
tinatahak. Dulot na patuloy na umiiral ang kaba, hindi ako halos makatulog, ni
hindi rin naging maganda ang gising. Bukod sa akin na ilang linggo nang
pinoproblema ang pagkawala ng PRC
Permit, may kinakaharap ding problema si Papa pagkat nagkaloko-loko raw ang mga
papeles nito para makuha ang Retirement Fee at nababanaag ko sa kanyang mukha
ang pagkabalisa’t tila nawawalan na ng pag-asa. Sa totoo lamang ay awang-awa na
ko kay Papa pagkat pakiramdam nito’y napupunta lamang sa wala ang lahat ng
kanyang pagkukumahog subalit pinangaralan pa rin namin siya at sinabihang
pagsubok lamang ito na ibinigay ng Diyos na kailangan kaharapin at lampasan.
Patuloy sa pagtangis si Papa na tila nawawalan na ng bait sa sarili dahil sa
dinidibdib nito ng husto ang problema.
12Q-G.Dahil
nakikita kong balisang-balisa’t tila takot ang lagay ni Papa dulot ng
pagkapangamba, lalo pa umurong ang dila ko na sabihin sa kanila na may problema
din ako. Ang sa akin lamang kasi, ayaw ko nang makadagdag pa sa problema sa mga
alalahanin ni Papa at baka tuluyan na itong mawala sa sarili na huwag naman
sana. Diyos na ang bahala kay Papa at naniniwala akong makakaya niya ito.
Maya-maya nang biglang dumating ang asawa ni Attorney Corpuz. Ginagawa na pala nito ang aking affidavit at
sinabing makukuha ko na raw mamaya. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya
subalit habang nag-uusap kami ang pagtatapos ng paglilihim ko kina ina pagkat
nabunyag na nila ang patungkol sa pagkawala ng permit ko. Nagpaliwanag ako kina
Mama at ano pa nga ba ang kahihinatnan kundi pauulanan ako ng nagbabagang
salita’t sisisihin, nasanay na ko sa magiging reaksyon nila at di na magtataka
pa.
12Q-H.Iyon nga
lang, nakaka-guilty dahil lalo pang na-stress si Papa matapos na malaman nito
ang problema ko’t ayaw na ayaw ko ngang malalaman niya, kaso nangyari na’t
walang ginawa kundi ipanatag ang kanyang kalooban. May mga bagay talagang hindi
mo inaasahang mangyayari subalit nagpapasalamat dahil naihanda ko naman ang
sarili. Panay halughog si Mama sa mga gamit at envelope na nakalagak sa ibabaw
ng Drawer at habang ito’y naghahalughog, abot-langit ang tuwa pagkat natagpuan
na ang nawawala kong permit. Bukod sa permit, natuklasang nandoon lamang din pala
ang nawawala kong mga test drills at kainis at sayang, gumastospa ko, laking Shunga kasi! Hindi ko akalain at
inasahang may maganda palang patutunguhan ang pagkakabunyag nina Mama sa aking
problema dahil iyon pa ang naging tulay para matuldukan ang kinakaharap na
problema, kahit na kinatatakot ko na iyon pa ang magigng daan para lumalaang
dinadanas ni Papa.
12Q-I.Parang
nakalag ang kadenang gumagapos sa aking dibdib ang pakiramdam nang panahong
iyon at abot-langit ang pasasalamat kay Mama dahil siya pa mismo ang nakahanap,
lalo na rin sa Maykapal. Parang ibig ko nang lumundag o mag-split dulot ng tuwa
nang panahong iyon at sadyang napakabuti talaga ng maykapal. Sa mga napagdaanan
ko na bukod sa may leksyong akong kinapulutan, pinapatibay pa nito lalo ang
aking kalooban kaya keep fighting until you succeed, don’t give up!Kinahapunan
at dahil nakita na ang aking permit, ganadong-ganado na ko sa pag-aaral at may
kulay pa nga. Kinagabihan ay maaga akong natulog pagkat maaga pa magigising
kinabukasan.
102 | 95 Ninety-five days to go
before Christmas.
September 22, 2018
Saturday
Year VI-265
12Q-J. Maaga pa
lamang nang magmulat na ang mga mata dahil may Review Class muli ngayong araw.
Dahil mahuhuli na ko sa pagpasok, may pagmamadali na sa pagkilos. Pagkatungtong
ng Diliman College at kahit nahuli
na ng dating ay saktong wala pang Instructor maging sina Abbie o Yvonne. Ilang
sandali pa nang dumating sila’t tamang palitan muna ng kuro-kuro habang wala pa
ang presensiya ng magtuturo. Isang oras na ang nakakaraan, wala pa kaming
Instructor, napagpaplanuhan na tuloy namin ang umuwi subalit mas piniling
manatili muna, umaasang may panibagong bagay muling matutuhan. Ilang sandali pa
nang may isang Staff ang magsalita at inanunsyong mahuhuli ng dating ang aming
Instructor dahil sa ito’y may karamdaman. Parang gusto na talaga namin umuwi
pagkat baka hindi magustuhan ang paraan ng pagtuturo dahil sa ito’y may sakit.
Bandang Alas-dyis nang dumating ang magtuturo sa amin at parang nilalatigo sa
habag ang dibdib pagkat ang kitang-kitang nangangayayat ito’t bakas sa mukhang
pinipilit lamang nitong pumasok.
12Q-K. Siya si Sir Rod at kahit may sakit ito, nagawa
pa rin nitong magturo sa amin ng maayos at kasing husay pa ng mga nagdaang
instructor. Bukod pa roon ay mahusay din itong magpatawa kaya ang buong klaseng
walang kabuhay-buhay, naging makwela. Gulat lamang ako nang bigla nitong
tawagin at tungkol ba naman sa kung ano ang pinagkaiba ng Love and Sex ang
katanungan kaya nag-aalangang sumagot subalit sumagot pa rin ako kahit di
graded recitation, cause it’s my time to shine. Nakatamo ako ng
makapunit-ngalang tawanan mula sa mga kamag-aral matapos sumagot at yung iba,
halos mamatay-matay na sa kakatawa, nakakahiya. Sa dami kasi ng tanong ay iyon
pa ang mapapatapat, my goodness. Makwela siya magturo subalit kinalaunan ay
naging kabagot-bagot na kaya di na maiwasang antukin at mapaidlip.
12Q-L. Bandang
Alas-tres at kahit di pa tapos ang review class, napagpasyahan na namin ni Abbie na umalis. Bago umuwi, tumungo
muna ako sa bahay nina Myrrh para
kuhain ang mga ipinahiram na Reviewer at Test Drills subalit bigo koi tong
makuha. Dahil kaibigan at madaldal pa kong nilalang, nakipagkwentuhan muna sa
kanya kaya ang resulta, ginabi na ko sa pag-uwi. Sa halip na mag-aral dahil
ibig ko naman ipagpahinga ang utak mula sa maghapong subsob sa pag-aaral ay
iginugol naman ang oras sa panunuod ng telebisyon. Kakaiba lamang at
nakakagimbal pa ang natunghayang kwento sa Magpakailanman
pagkat ang bida na nagngangalang Raquel
ay namuhay sa pamilyang pinagmamalupitan ng ama dahil sa siya ang bunga ng
kataksilang ginawa ng kanyang nanay. Nagkaroon ng asawa si Raquel, iyon nga lang ay nangaliwa ito at di lamang isa kundi
dalawang beses pa kaya ang resulta, tatlo silang nagsasama-sama sa iisang
bubong ng lalaki’t walang hiya nga naman!
12Q-M.Nakakapangigil
ang ganung klaseng lalaki na ginagawa lamang parausan ang mga babae’t parang
inahing baboy ang turing, sarap gapasin ang kanyang pag-aari nang di na
makapaghanap pa! Bukod pa roon ay kinokonsinti pa ng magulang ang ginagawang
pangangaliwa ng lalaki, paano mana sa tatay na may marami ding asawa’t
nakakarumi ang pamilya nila, parang di na gawain ng isang normal na tao. Sa
huli at dahil sa malaimpyerno ang pakiramdam ni Raquel kasama ang mga kerida ng asawa, napagpasyahan na lamang ng
mag-inang lumayo. Pambihira ang ganung pamilya’t tila di sila natatakot sa
Diyos pagkat wala nang isasahol pa. Maigi sana kung naaayon iyon sa batas ng
tao maging sa Diyos, kaso Diyos na ang nagsabi na “Huwag kang makikiapid sa may
asawa.” Dinaig pa ang eksenang napanuod ko sa Ikaanim na utos.
101 | 94 Ninety-four days to go
before Christmas.
September 23, 2018
Sunday
Year VI-266
12Q-N.Namumugto pa
man ang mata sa kaantukan ay bumangon na ko’t nag-almusal. Dahil sa nahuli ng
dating, saktong may nagtuturo nang Instructor pagkatungtong ko sa Diliman College. Sa halip na si Sir Rod ay si Ma’am Riyan na ang nagtuturo at dahil sa pananamit nitong may
pagka-boyish at maikli pa ang buhok, aakalain mong siya si Aiza Seguerra na kulang na lang ay may Tattoo na sa katawan. Maging
sa intonasyon ng kanyang pananalita, boses talaga ni Aiza Seguerra pagkat may pagkaastig. Industrial Psychology ang subject na itinuro niya sa amin at dahil
makwela itong magturo bukod sa may pagkatigasin kung magsalita, makwela pa’t
napapatawa niya kami. Bago ang lunch break ay nagbigay muna ito ng tip sa amin
kung paano mag-take ng Board Exam at habang nagkukwento ito patungkol sa naging
karanasan niya nung kumukuha ito ng Board Exam, sa halip na kakabahan ka ay
mai-inspired ka pa nga at siya lamang ang katangi-tanging instructor na
nagmulat sa amin na kapag may gusto kang maabot, hindi kailangang pahirapan at
abusuin ang sarili, kailangang mahalin mo ito at alagaan.
12Q-O. Napakamakabuluhan
ng mensaheng binibitawan niya sa amin kaya todo pakinig ako’t makakatulong
talaga ang kanyang advice. Marahil at kung naging kaibigan mo si Ma’am Riyan, matutuhan mo kung paano
balansehin ang buhay dahil ang iba na sa sobrang abala sa pag-aaral, nawawalan
na ng oras sa kaibigan lalo na sa pamilya. Iwasan na ang expectation dahil
patuloy kang paniniwalain na ganun kabigat ang darating na Board Exam, alamin
mo lang kung ano ang limitasyon at hanggang saan lamang ang makakaya dahil
masakit sa loob kapag ang bagay na iyong inaasahan, di mo nakakamit.
12Q-P. Marami pang
naituro sa amin si Ma’am Riyan na
bukod sa makapukaw damdamin ay nakakapanlubag pa ng kalooban. Tama siya na wala
dapat tayong patunayan dahil sapat na tayo at higit pa sa nilalaman ng
pagsusulit sa Board Exam. Matapos ang magbigay ng Tip ni Ma’am, saka lamang
nagsipulasan palabras para kumain. Pagpatak ng Ala-una, nagkaroon kami ng pagsusulit
at may kakaiba lamang sa nilalaman ng exam dahil mahirap at nahihirapang
unawain ang nilalaman ng bawat aytem na dati naman ay alam na alam ang isasagot
pagkat common sense lang, ngayon ay nakakalito’t pipigain ka talaga kaya di
mapigilang mangamote. Inaantok pa kaya nawawalan na ng ganang magsagot hanggang
sa sumuko na’t di na natapos pa.
12Q-R. Ilang sandali
pa, Rationalization na ng Exam at dahil patuloy na namamayani ang antok,
nakakawalang gana na ring makinig. Bandang Alas-tres at dahil kapwa tinatamad
na kami magkakasama, kahit di pa tapos ang review class ay napagpasyahan nang
umuwi. Sa pagod ay diretso pahinga ako pagdating ng bahay at dahil nasarapan,
saktong madilim-dilim na sa labas nang ako’y magising. Dahil bagong gising at
kain ay medyo sinisipag-sipag ako sa pag-aaral. Bandang Alas-dyis nang
mapagpasyahan kong ihalata ang sarili sa kama.
100 | 93 Ninety-three days to go
before Christmas.
September 24, 2018
Monday
Year VI-267
12Q-S. Araw nanaman
ng Lunes at dahil wala muling pasok, tinanghali na sa paggising. Anong sigla’t
ganda muli ng aking umaga, nagbago lang nang marinig ang pag-uusap nina Mama at
Papa at sa araw-araw naming pamumuhay, walang ibang marinig kundi problema ni
Papa, lahat na lamang ay pinoproblema’t di mawari kung bakit siya
nagkakaganoon, tila napanghihinaan na ng loob at nawawalan ng pag-asa sa buhay.
Kahit ilang ulit nang payauhan, wala pa rin at tila di ito nakikinig sa
sinasabi. Kahit tila nalulugmok si Papa, pasalamat naman kami dahil matino-tino
pa rin ito, di gaya nung nangyari kay Mama at sana di mauwi sa ganon pagkat
kapag nagkataon ay paano na kaya kami. Diretso ako sa pagtitinda matapos
mag-agahan. Hindi tulad dati, kapansin-pansin wala nang gaanong laman ang aming
paninda, tapos wala na halos bumibili.
12Q-T. Nakakawalang
gana na tuloy ang magtinda’t tila nakatambay na lamang sa loob ng tindahan.
Kaya si Papa na kanina pa nababalisa dulot may kinakaharap na problema, lalo
pang namomoblema at maging tindahan ay pinoproblema rin niya. Gaya ng mga
sinabi ko, ganito man ang kinakaharap naming buhay, puro problema, umaasang may
naghihintay na magandang kinabukasan sa amin, tiis-tiis lang. Hindi sa habang
panahon ay puro pagdurusa ang dadanasin at di naman marahil sadista an gating
panginoon. Dahil walang gaanong bumibili, wala rin akong balak magrepaso kaya
nagsulat na lamang ng kwento. Sarap nga naman maging buhay Writer, lahat ng gusto mong ilabas, nailalahad mo at naisusulat
lahat ng mga pananaw na maaring makatulong sa buhay at magbibigay pa ito ng
gabay.
12Q-U. Kahit tila
naghihikahos na kami dahil sa taas ng mga bilihin, idagdag pa na di pa nakukuha
ni Papa ang kanyang Retirement Fee at wala pang trabaho ang ni isa sa amin,
pasalamat pa rin sa Panginoon dahil may malalamon pa rin ako ngayong
pananghalian at swak na swak pa sa Sikmura kahit di kasarapan. Pagsapit ng
hapon ay saka lamang ako nagkagana sa pag-aaral. Kung kailan ganadong-ganado si
ako sa pagsusunog-kilay ang pamamayani muli ng kaingayan sa kapaligiran namin
kaya ang kinahantungan ay hirap ituon ng ayos ang mata sa pagbabasa, hirap din
ipasok sa utak. Kahit hirap na hirap at halos isumpa mo na nga ang pag-aaral ay
kailangan talagang gawin pagkat iyon lamang ang mag-aahon sa atin mula sa
kamang-mangan at kahirapan na rin. Sige pa rin ako sa walang puknat na
pagrerepaso hanggang sa sumapit na ang gabi at sa pagod, maaga akong
natulog.
99 | 92 Ninety-two days to go
before Christmas.
September 25, 2018
Tuesday
Year VI-268
12Q-V. Dahil sa
ako’y tulog prinsesa subalit di pa nakakatagpo si Prince Charming, inabutan nanaman ng pagsikat ng araw sa paggising.
Pagkaalmusal, nag-ehersiso muna ako bago magtinda, para naman magising-gising
ang mga ugat-ugat sa katawan at maging Energetic at ganadong-ganado ang lola
niyo. Pagod at pawis ang tinamo ko matapos mag-exercise at saka lamang nagtinda
kahit wala nang gasinong laman ang tindahan. Nakakainis lamang pagkat kung ano
pa yung wala sa aming tindahan, iyon pa ang hinahanap-hanap ng mga mamimili,
gaya na lamang ng Sigarilyo. Ang resulta’y sayang ang dapat sana papasok ng
pera’t magtataguyod sa aming mga pangangailangan. Hindi tuloy maiwasang sumagi
sa isipang kung naghihirap na ba kami, pagkat panay-panay na ang pagtitipid at
tila natatakot nang gastusin ang perang nakaimbak sa lalagyanan, mabawasan lang
kahit singkong duling, nagsisitalakan na sina Mama.
12Q-W. Batid kong
may hangganan din ang lahat ng ito at di pababayaan ng maykapal kaya di ako
nangangamba. Wala akong ginawa sa buong araw kundi magbantay sa aming negosyo
na tila naghihingalo na’t nagrepaso rin. Kinatanghalian at matapos lamnan ang
Sinapupunang malaki sa pananghalian, sa halip na mag-aral dahil wala sa tipo,
naisipan ko na lang sumayaw-sayaw. Habang sumasayaw, pakiramdam ko’y isang
mahusay na Dancer kahit kasing tigas ng bato ang pag-indayog ng sayaw at
maihahalintulad sa Robot. Kahit may katigasan ang katawan, nagawa pa rin
sumayaw at nakuha pang kuhaan ng Video para matuwa naman ang makakakita oras na
i-post na ito sa mga Social Media.
12Q-X. Sa
kakasayaw, bukod sa hitik na hitik na pawis ang aking tinamo, tila ninakawan ng
lakas sa pagod, nagpahinga muna ako. Maya-maya, nakaramdam ng pananakit ng
katawan maging ulo, kaya ang resulta’y maghapon lamang nakahilata. Kinagabihan,
balak ko sanang magrepaso, kaso nag-uumapaw talaga ang ingay sa labas at panay
pa ang Vidooke ng aming kapit-bahay na akala’y pinagkalooban ng ginintuang
tinig kung makabirit, ibong piririt naman kung didinggin at halos ikarindi na.
Dahil walang kagana-gana sa pag-aaral, naisipang ipagbukas na lamang at
libangin ang sarili sa panunuod ng Telebisyon. Hindi naman marahil masama ang
maglibang, huwag lang sosobra dahil ang anumang sobra’y nakakasama na’t maaari
pang ikasira ng buhay kaya matutong magpahalaga sa oras.
98 | 91 Ninety-one days to go
before Christmas.
September 26, 2018
Wednesday
Year VI-269
12Q-Y. Tulog
Prinsesa muli ang aking lagay na pinapangarap makatagpo si Prince Charming sa totong buhay, kaya ang resulta, tinanghali muli
sa paggising. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, matapos lamnan ang sinapupunang
magdamag na naghihintay ng grasya, pagrerepaso at pagtitinda ang aking
nirepaso. Buong umaga, tanging iyon lamang ang inatupag at kainis pagkat hirap
ikintal sa isipan ang inaaral, para bang madaling malimutan ang mga impormasyong
pilit na iniimbak sa utak, di tuloy maiwasang kabahan at sana’y may maisagot pa
rin sa kabila na hindi talaga biro’t kailangan seryosohin ang darating na Board
Exam. Kinalaunan at dahil medyo sumasakit-sakit na bungo sa kakarepaso, tumigil
muna ako’t tamang lantak lang ng pagkain pagkat tanghalian na. Matapos
mananghalian, time out muna ako sa pag-aaral at tamang libang lang ng panunnuod
ng Telebisyon.
12Q-Z. Hindi ko
mapigilan ang ma-inspired habang tinutunghayan ang Miss Q and A sa Showtime,
di dahil sa kabaro ko lang sila kundi naipapakita’t pinapamukha na sa kabila na
taliwas ang kanilang kasarian, dapat pa rin bigyan ng parangal at pagkilala sa
halip na igawad ang Diskriminasyon at lubos akong humahanga sa bawat
kandidatang sumasali pagkat nagiging tulay sila sa mga bakla na nawawalan na ng
pag-asa. Bukod sa inspired, ang saya-saya rin ng bawat sandali pagkat
nakakapagbigay kwela. Kung kailan mag-aaral na ko, saka naman bumuhos ang ulan.
Mabuti sana kung umuulan lang, makakapag-aral pa ko pero yung sabayan pa ng
pagkulog at kidlat, ibang usapan na iyon pagkat nasisindak ako. Matapos ang
unos, saka lamang ako nagsunog-kilay maging sa gabi. May kalaliman na ang gabi
nang mapagpasyahan ng isip na maging tulog prinsesa muli’t nawa’y sa paggising
ay dumampi sa aking labi ang matamis na labi ni Special Someone at kay sarap
damhin kung makataon man.
97 | 90 Exactly Ninety days to go before
Christmas.
September 27, 2018
Thursday
Year VI-270
12R-A. Inabutan
muli ako ng liwanag sa paggising. Wala nang inaksaya pang panahon at dahil
isang buwan na lamang pala ang nalalabi bago ang Board Exam, nagrepaso agad
ako. Naisipan ko na rin magsagot ng mga ibinigal na Test Drills sa amin at
anong hirap ng bawat aytem na aking nadadaanan, pagnhenyo ang mga katanungan at
di basta-basta makakasagot pagkat mapapaisip ka talaga na halos pigain na ang
kukote. Ganoon pala kapag sasalang ka na sa Board Exam, di dapat
tatanga-tanga’t kailangan wais sa pagsagot. Inaamin ko na may pagkatanga rin
subalit naniniwala akong di iyon ang magiging dahilan para hindi makapasa kung
nagsusumikap naman at may pananalig pa sa maykapal kaya kapit lang at huwag
panghinaan ng loob. Sa kakasagot ng Test Drills na naglalaman ng sangkatutak na
katanungan, sumakit-sakit na ang bungo na halos ikabaliw mo na subalit
nagpatuloy pa rin dahil determinadong makapasa.
12R-B.Pagpatak ng
hapon, gusto ko pa sanang mag-aral kaso sumanib na ang antok sa mga mata at
sinasabing magpahinga muna. Pinagbigyan ko naman ang kahilingan ng sarili’t
nagpahinga muna ako, kaso napasobra naman kaya saktong pahingalo na ang liwanag
nang ako’y magising at diretso lantak na ng hapunan pagkat damang-dama na ang
kagutuman. Pagsapit ng gabi’y pagsusunog-kilay muli ang inatupag ko. Dahil
ugali ko ang magpuyat, may kalaliman muli ang gabi nang ako’y matulog nang may
kapanatagan pagkat tiwalang protektado ng maykapal sa magdamag laban sa mga
handang manakip.
96 | 89 Eighty-nine days to go
before Christmas.
September 28, 2018
Friday
Year VI-271
12R-C. Kay bilis
nga naman ng panahon at matatapos nanaman ang linggong ito’t may review class
nanaman kinabukasan. Dahil tuluyan nang napawi ang antok sa mga mata, maaga pa
lamang ay awat na ko sa paghilata sa kama na tila buhay prinsesa ang moda’t
bumangon. Bago gugulin ang mata sa muling pakikibaka sa duguang
pagsusunog-kilay, kahit prinsesa sa bahay ay nag-astang yaya pa rin para
gampanan ang gawaing bahay na nanggigitata na sa dumi maging kasulok-sulukan
dulot ng alikabok. Dahil medyo sinisipag-sipag ng lagay at nanalaytay ang
kasiglahan sa katawan, di man lang nakalasap ni katiting na pagod matapos
isubsob ang sarili sa gawaing bahay at saka lamang nagsunog-kilay.
12R-D. Pagsagot
muli ng Test Drills ang aking inatupag at medyo nahihirapan pa rin sa pagpili
ng sagot subalit di na mahalaga kung mahirapan o di kagandahang marka ang
matamo pagkat unti-unti akong nasasanay at may bagong kaalamang natutuhan, iyon
ang mahalaga. Ilang beses ka man nadadapa habang ikaw ay humahakbang, di
nangangahulugang isa kang mahina dahil iyon pa mismo ang nagpapatatag sa’yo at
nagpapatibay kaya huwag matakot na mabigo.
12R-E. Failure is
prerequisite of sweet success and don’t even think you are weak as experiencing
failure. Bumagsak man ako sa darating na Board Exam, isa lamang ang ibig
sabihin niyon, may darating na bagay na mas higit pa sa aking inaasahan subalit
mas maigi talaga kung makakapasa, kaya nga nag-aaral. Patuloy ako sa pag-aaral
at pagsagot na ng sangkatutak na mga Test Drills hanggang sa magtanghali.
Pagpatak ng hapon at dahil muling namamayani ang antok sa mga mata, lalo pang
nahirapang ibigay ang Focus sa sinasagutan. Pilit kong nilalabanan ang antok
subalit wala talaga’t hirap nga naman kapag kinakalaban mo ang iyong sarili.
Pahinga muna ako’t bandang gabi nang ipagpatuloy ko ang pagsagot ng mga Test
Drills at pagrerepaso. Saktong inabutan na ng hating-gabi sa pagtulog.
95 | 88 Eighty-eight days to go
before Christmas.
September 29, 2018
Saturday
Year VI-272
12R-F. May pasok
nanaman pala kami kaya Alas-singko pa lamang, mulat na ang mga mata’t kahit
namumugto pa sa kaantukan ay kailangan nang awatin ang sarili sa kama. Kay
bilis talaga ng panahon pagkat hindi mo namamalayan, eksakto isang buwan na
lamang pala ang hihintayin, bago ang araw na pinakahihintay subalit
kinatatakutan, ang board exam kaya bawal muna ang sarap buhay o Walwal, kailangan na ng puspusang
pag-aaral kung ibig talagang pumasa. Saktong wala pang Instructor pagkaapak sa Diliman College at sa halip na makipagpalitan
ng kuro-kuro kina Yvonne, ginamit na
lamang ang oras para mag-aral. Wala pa rin pagbabago sa akin pagkat hirap pa
rin makapag-concentrate sa lugar na maiingay. Ilang sandali pa nang dumating an
gaming Instructor para sa linggong ito at siya si Sir Jojo. Kung pagmamasdan, medyo bata-bata din ito at aakalaing
baguhan lamang siya sa propesyon pero nang magturo, magaling subalit hirap
naman unawain at ikintal sa isipan ang sinasabi nito, di dahil sa Inglesero kundi masyadong technical ang
pananalita na tipong kawawa ang mga tatanga-tanga pagkat hindi makaka-relate.
12R-G. Psychological Assestment ang subject
na itinuturo niya sa amin at dahil hindi ko talaga tipo ang subject na iyon
pagkat nakakabagot pag-aralan, kahit nakikinig ay di pa rin mapigilang maging
lutang at mas gusto pa rin ang paraan ng pagtuturo ni Ma’am Gessy pagkat kahit masyadong mabigat ang Psychological Assestment, parang napapadali kapag makikinig ka sa
kanya. Sa buong umaga ng Lecture, maya’t maya ang aming idilipan pagkat
nakakabagot talaga ang makinig at mistulang nang nakainom ang karamihan sa
amin. Saka lamang bumalik sa kasiglahan ang buong Auditorium nang lunch break na’t bago magpatuloy ang aming review
class ay nagbigay muna ng Ice breaker si Sir
Jojo.
12R-H. Medyo
nakaka-tense lamang ang Ice breaker pagkat kailangan na hindi mahawakan ng
katabi ang iyong kamay oras na sabihin na “Hold”. Hindi ko gasinong nakuha sa
una ang mechanics ng Ice Breaker kaya ang resulta ay hindi ako alerto sa mga
pangyayari’t dalawang beses na nahuli ng katabi ang kamay. Lahat ng nahuli
kabilang ako, nanatiling nakatayo at sinabihang may ipapagawa siya sa amin
bukas. Walang ibang maramdaman kundi kaba subalit napanatag naman ang kalooban
nang sabihing mag-e-entertain lang kami’t ang nakakatuwa pa, mabibigyan kami ng
Exclusive Test Drills and Hand Out na galing mismo sa RGO All Star, sa kaondisyon mapapasaya namin sila. Hindi ko akalain
na may magandang purpose pala ang pagkakataya sa Ice Breaker.
12R-I. Matapos ang
kasiyahan, balik na sa pagtuturo si Sir
Jojo at nagkaroon din ng Rationalization. Sa sobrang hirap ba naman ng
ibinigay nitong Test Drills at napakarami pa ng Items, hindi na nakakapagtakang
iilan lang ang nagtataas at sumasagot at naghihintay na lamang ng tamang sagot.
Hindi naman sila masisisi pagkat hirap nga naman pumili ng tamang sagot
pagdating sa Psychological Assestment
at dadaanan ka muna na tipong kailangang pigang-piga ang utak bago makapasa.
Wala pang Alas-singko nang matapos sa pagtuturo si Sir Jojo. Uuwi na sana kami nang biglang dumating ang may-ari ng RGO Review Center na si Ma’am Maeroll. May pagkalumba ito na
pakiwaring dumadagundong ang kapaligiran sa tuwing siya’y dadaan at matatas
magsalita.
12R-J. Habang ito’y
nagsasalita ay parang sumanib sa katauhan niya ang kaluluwa ni Miriam Santiago pagkat bukod sa parang Miriam ang intonasyon ng kanyang boses,
outspoken at may laman ang sinasabi, malilibang ka talaga at kung maging
Instructor lamang namin ito, kahit Alas-sais na ng gabi, mas nanaisin mo pa rin
makinig sa kanya kaysa umuwi pagkat nakakatuwa’t dami namin tawa. Bago umalis
ang bawat isa sa amin, buong loob muna naming isinigaw ang aming Chant na “I
can do it, I can make it and will passed the board exam and be the number one!”
at sana maging epektibo ang pinagsasabi namin na kinikilalang ritwal para
pumasa. Tulayan nang sumakop ang kadiliman sa kapaligiran nang makaapak ang
aking yapak sa aming tahanan at diretso lantak agad ng nakahaing ulam sa mesa
pagkat lagpas pa ng langit ang aking kagutuman. Matapos maghapunan, repaso ulit
ako. Mas malalim pa sa balon ang gabi nang maisipan kong matulog.
94 | 87 Eighty-seven days to go
before Christmas.
September 30, 2018
Sunday
Year VI-273
12R-K.Huling araw
na para sa buwang ito, nakakaba lamang pagkat paubos na nang paubos ang panahon
para paghandaan ang Board exam at palapit na kami ng palapit doon. Bago pumasok
ang pagdating ni Tita Nelly na
kapatid ni Mama galing Cagayan at
kasama pa nito ang mga pinsan ko na sina Arjay
at Ate Madelyn. Sobrang nagulat
lamang kami pagkat hindi man lamang silang nagpasabing pupunta, hindi tuloy
nakapaghanda ng pagkain. Sa halip na makipagkamustahan at kwentuhan sa kanila,
mas pinili ko na lang umalis pagkat nahihiya. Sakto wala pang Instructor
pagkarating ko subalit madami nang estudyante kaya ang resulta, nag-uumapaw na
ang kaingayan. Parang bulang nawala ang kaingayan nang umarangkanda sa
pagtuturo si Sir Jojo at kahit
anumang husay nito sa pagtuturo kung nakakabagot naman ang subject, wala pa rin
at tutulog-tulog mantika pa rin ang lagay. Kahit inaantok, pinilit ko pa rin
makinig nang sa ganon ay may panibagong kaalamang matutuhan.
12R-L.Ilang
sandali pa, sa wakas ay lunch break na. Bago magsimula ang aming Instructor
dahil ilang beses na nahuli ang kamay kahapon sa ibinigay nitong Ice Breaker,
lahat ng taya ay magpe-perform sa harapan. Mahiyain akong nilalang kaya kahit
panay ang udyok nina Yvonne, panay
ang aking pagtanggi. Idagdag pa na walang tumatayo ni isa kaya lalo pa kong
nahihiya hanggang sa magbilang na si Sir
Jojo. Saka lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob nang may nag-volunteer
na’t saktong mga naging kamag-aral ko pa nung College kaya lalo pang tumaas ang
kumpiyansa’t talagang kinapalan ang mukha sa pagsasalita sa harap ng daan-daang
madla. Dahil kapwa nabigla sa sitwasyong kinalalagyan, hindi kami
makapagdesisyon kung ano ang gagawin at naisipang ibigay na lang sa mga
audience ang desisyon. Nang maging sila’y hindi rin makapagdesisyon,
napagpasyahan na naming sumayaw na lang.
12R-M.Batid kong
malalagay muli sa kahihiyan subalit nilakasan ang loob, alang-alang sa
Exclusive Test Drills and Hand out na ibibigay sa amin ni Sir. Nang ako na ang
pinasayaw, talagang hinusayan ko na para uwian na kahit bato-bato ang pagsayaw
at bumabalik sa ala-ala nung panahong nagsasayaw-sayaw ako sa entablado nung Psych Night at di akalaing malalagay
muli sa ganung sitwasyon. Panay ang halakhakan habang naindayog sa pagsayaw at
wala nang pakialam kung anong sasabihin ng iba, basta nakapagpasaya ako ng mga
tao, iyon na ang mahalaga. Hindi pa sila nakuntento’t pinasayaw pa nila ako
habang kumakanta naman si Andrei at
doon lamang talaga ako nahiya ng tuluyan.
12R-N.Walang ibang
maramdaman kundi kaginhawaan ng kalooban matapos ang kahihiyang nagawa ko’t
sikat na tuloy sa buong Review Class subalit ayos lamang kung may mapapala
naman. Balik sa seryosong pag-aaral at pakikinig matapos ang mga katuwaan. Bandang
Alas-singko nang matapos ang Review Class at bago umalis, humingi muna kami ng
Hand out kay Sir Jojo. Akala namin,
ibibigay na nito at hiningi lang niya ang aming Email. Kahit pakiwaring
malabong ibigay ang Hand Out pagkat talamak na ang mga taong paasa, umaasa pa
rin akong makukuha ang bagay na magsasalba sa akin sa Board Exam. Wala pang
balak umuwi kaya nagtungo muna ako sa Simbahan at nagdasal. Pagkapauwi’t lamon
ng hapunan, diretso ako sa pagsusunog-kilay.
93 | 86 Eighty-six days to go
before Christmas.