April 01, 2018
Sunday
(Easter Sunday)
Year VI-091
Sunday
(Easter Sunday)
Year VI-091
11T-H. Pasko ng pagkabuhay ng ating Panginoong Diyos at
ang sarap sa pakiramdam na lahat ng mabibigat na pagsubok na iyong kinaharap,
nakayang lampasan gaya ni Jesus na
nagpakasakit sa krus. Kapag kinakaharap mo nga naman ang pagdurusa, kasunod
nito ang kaginhawaan ng buhay kaya huwag mawalan ng pag-asa at magpakatatag
kung anuman ang kinakaharap. Sarap pa sana ng tulog ko subalit nasira dahil
dinig na dinig ang pagtatalo ng aming kapit-bahay. Kapag dugo nga naman ang
nag-init, walang pinipiling araw ang pag-aaway kahit Easter Sunday pa’t bakit
hindi muna nila palampasin kahit isang araw lang para magbigay daan sa okasyon,
tila karamihan ng tao sa amin, mga walang respeto. Ang dapat sana ako na masaya
pagkat buhay na ang ating panginoon subalit kasalungat dulot ng iniindang
pananakit ng likod.
11T-I. Sumsakit man ang likuran sa hindi malamang
dahilan, kung kaya naman, naisipang magtungo sa labas at magkumpyuter bilang
libangan. Nanlumo lamang ako sapagkat sa hindi inaasahan, biglang nagloko ang
Personal Computer, back to zero tuloy sa pagsi-save ng mga pictures pagkat
kailangan daw i-restart. Nadidismaya na nga, naimbyerna pa ko sa nagbabantay
pagkat napakasungit at kung sinong magaling at gwapong makapagsalita, ibig ko
sanang tapatan at depensahan ang kanyang mga sinasabi subalit mahirap na, baka
magsilang ng alitan. Sa puntong iyon, napagpasyahang huwag nang magkumpyuter sa
kanila kung siya ang bantay pagkat nakakapag-init ng dugo’t hindi maayos ang
pakikitungo sa mga umuupa.
11T-J. Umuwi akong may pagkainis sa dibdib. Dahil
nababagot muli ng lagay, pag-e-edit ng mga pictures at photo ang aking
napagkaabalahan. Masakit-sakit talaga ang aking likuran kaya walang ginawa sa
maghapon kundi humilata ng lagay, ni hindi ko na nga naituloy ang balak na
magsimba’t patawaran nawa ng maykapal. Nakakabagot naman kung maghapong
igugugol ang sarili sa paghilata kaya naisipang magtinda, pagkat hindi naman
iyon mabigat na gawain at uupo lamang. Naibsan naman kahit papaano ang
pananakit ng likod kinagabihan at dulot lamang marahil na nangawit. Matatapos
nanaman ang araw na ito na aking ipinagpapasalamat pagkat walang nangyaring
malubha.
April 02, 2018
Monday
Year VI-092
Monday
Year VI-092
11T-K. Wala
akong masabi sa takbo ng panahon kundi matulin pagkat eksakto dalawang linggo
na lamang ang hihintayin at Graduation day ko na. Masaya man pagkat napipinto
na ang aking pagtatapos sa kolehiyo, nangangamba naman pagkat hindi alam kung
ano ang magiging aking kinabukasan at sana kanayanin ng loob kung ano ang aking
kahaharapin. Batid kong hindi pababayaan ng maykapal at tutulungan sa pagkamit
ng mga pangarap sa buhay. Bukod pa roon ay mapapahiwalay na ko sa aking mga
naging kaibigan sa College at sana dumating pa ang pagkakataon na magkita-kita
kaming muli. Kinamadaling araw, nagising na lamang ako dahil sa pag-uusap nina
Mama at Papa na umaalingawngaw sa lakas ng tinig. Medyo inaatok pa ng lagay
kaya ipinagpatuloy ko ang pagtulog.
11T-L. Pagkamulat
muli ng mata, eksakto Alas-otso na pala ng umaga. Dahil wala muling ginagawa’t
napaka-free ng aking oras pagkat ang tanging ginagawa na lamang ay hintayin ang
aking pagtatapos, pagsusulat ng kwento ang pinagkaabalahan at maya-maya pa’y
panunuod ng telebisyon. Kung kailan kalagitnaan at kasarapan ng aking panonood,
biglang nagloko ang telebisyon, kainis at nakakakilig pa naman ang kaganapan,
sayang! Matapos mananghalian at dahil walang muling gagawin, hilata muli sa
kama hanggang sa makatulog. Pagkabangon at dulot ng maalinsangang panahon,
nanakit na ang ulo ko.
11T-M. Bukod sa sumasakit ang ulo, sumabay pa ang
pananakit ng likod na kahapon pa iniinda, lalo pang sumakit nang pagbuhatin ng
mineral water nina Mama pagkat walang maasahang magdadala ng tubig kundi ako at
nasa trabaho ang haligi ng tahanan. Hirap din maging lalaki’t mas mabigat pa
ang responsibilidad na nakaatang sa kanila. Dulot ng pananakit ng likod,
maghapon na lamang akong nakahiga. Nabawasan naman kahit paano ang pananakit ng
likuran maging ulo na tuluyan nang naibsan pagpatak ng gabi na aking
ipinagpapasalamat at nawa’y makamtan na ang kaginhawaan ng buhay. Hindi pa muli
madalaw ng antok kaya photo-editing ang aking pinagkaabalahan. Saka lamang
napagpasyahang matulog nang tamaan ng antok sa katawan.
April 03, 2018
Tuesday
Year VI-093
Tuesday
Year VI-093
11T-N. Napasarap
nanaman ang aking pagtulog dulot ng napaginipang kasing ganda ng dilag gaya ko
kaya naghuhumiyaw na ang liwanag sa labas nang magising. Dahil balot muli sa
karamdaman ang ilaw ng tahanan na hindi mawari, ako muna ang namahala sa
tindahan habang walang ginagawa. Manaka-naka lamang ang bumibili kaya may oras
upang gawin ang ibig gaya ng pagsusulat ng kwento’t pag-online sa Social Media
na halos lunurin na ang sarili sa pagpapakaadik. Masarap ang dumarating na oras
kapag nalalabanan mo ang pagkabagot dahil sa libangan subalit kapag napatagal,
tila hindi mo na mapigilan ang sarili kahit ayaw mo na. Dala na walang gaanong
bumibili, nilibang muli ang sarili sa panonood ng telebisyon. Tila hindi
nakikiaayon ang pagkakataon sa akin sa tuwing manunuod pagkat bigla naman
bumuhos ang napakalakas na ulan, hindi na tuloy marinig ang tinutunghayang
programa, hindi man ibig ng kalooban, minabuting patayin muna’t hintaying
tumila ang ulan subalit sa dilim ng papawirin na tila namumugto, mukhang
magtatagal pa. Kung kalian pahapon na, lalo pang lumala ang kalagayan ni Mama
pagkat bukod sa nai-stress at nakakaranas ng Depression dulot ng ilang araw na
hindi nakakatulog, para itong kiti-kiting hindi mapakali. May pinuntahan ang
nakakantanda kong kapatid na siyang madalas asahan sa tuwing sinusumpong si
Mama kaya ako ang nag-alaga.
11T-O. Pinilit
kong pahabain ang pasensiya’t pakalmahin ang loob subalit dala na nahihirapan
na sa pag-aaruga kay Mama pagkat nahihirapang unawain ang kinikilos nito’t tila
may sumasanib sa kanya, nagagawa nang sigaw-sigawan ito. Paano makailang ulit
nang pinagsasabihan para umaayos-ayos ang kanyang pag-iisip, mukhang hindi
naman nito iniintindi ang sinasabi. Sukdulan na ang aking pagka-stress at
walang ginawa nang panahon iyon kundi magdasal, naniniwalang mapapagaling si
Mama ng pananalig. Lumipas ang ilang sandali at bukod sa nagsisigaw-sigaw at padyak
ito, nag-iiyak-iyak na ito, wala na kong ibang maramdaman kundi awa’t
pagkabahala pagkat kita ng dalawang mata na nahihirapan si Mama. Batid kong
pagsubok lamang ito o bagyo na kinakaharap ng aming pamilya’t huwag sana
panghinaan ng loob pagkat batid kong iyon pa lalo ang magpapalala sa
kinakaharap na sitwasyon.
11T-P. Nagpatuloy
si Mama sa pag-iyak samantalang patuloy akong gumawa ng paraan upang maibsan
kahit papaano ang kanyang pagdurusa dulot na marahil ng karamdaman sa pag-iisip
at hindi ito iniwan sa tabi, minasa-masahe nagbabakasakaling makakamtam nito
ang komportableng pakiramdam. Kinalaunan, umaayos-ayos naman ang kalagayan ni
Mama at nakuha pa nga nitong magluto ng aming hapunan. Akala ko’y ayos na
siya’t nakakausap na rin ng maayos subalit kasabay ng paghihingalo ng liwanag,
muli itong binisita ng kanyang pagkasumpong, mas masidhi kung ikukumpara kanina
kaya abot-abot na stress ang aking tinamo. Ang ate naman na kauuwi lamang mula sa
kanyang lakad, ganoong sitwasyon ang dinatnan at abot-langit na ang pagkabalisa
pagkat nauubusan na ng pasensiya, hindi na rin alam ang gagawin, wala na nga
siyang magawa kundi mapahibki.
11T-Q. Maging
ako’y hilong talilong na’t hindi na malaman ang gagawin, sumasakit na rin ang
ulo, hindi ko mapigilan pang umiyak. Sa totoo lamang, lubha na kaming
nai-stress dalawa’t napapaisip kung dapat na ba siyang isugod sa Mental
Hospital pagkat wala nang maisip na paraan upang kumalma ito, animo’y
sinasaniban na pagkat nagsisigaw-sigaw at padyak. Iyan kasi ang hirap kay Mama,
kung ano-ano ang pinapapasok sa isip sa tuwing hindi makatulog kaya
napu-frustrate, hindi na lamang hayaang mag-relax. Maging sa pagkagat ng dilim,
patuloy na sinusumpong si Mama ng kanyang pagkapraning kaya abot-langit ang
aming pag-aalala. Mabuti na lamang at bago tuluyang lumalim ang gabi,
kumalma-kalma ito’t nakatulog, saka rin kami nakatulog ng matiwasay.
April 04, 2018
Wednesday
Year VI-094
11T-R.
Hindi man biro ang
kinakaharap naming problema sapagkat may karamdaman ang ilaw ng tahanan, walang
dahilan upang sumuko’t tuloy lamang ang buhay hangga’t may hininga. Sabi nga
nila, lahat ng problema, may solusyon at hangganan at sa kabila na puro hindi
magaganda ang nangyayari, manatili pa ring positibo. Inabot muli ng liwanag sa
labas sa paggising at ang kahapong si Mama na balisang-balisa’t hindi makausap
ng maayos, ngayon ay masigla na’t nakakaya nang gampanan kung anuman ang
responsibilidad ang nakaatang sa kanya. Sa pangyayaring iyon ay humihiling na
nawa’y magtuloy-tuloy na. Sa halip na tumunganga ng bahay sa maghapon at dahil
napipinto na ang aking pagtatapos sa kolehiyo, naisipan kong samantalahin na
ang araw na ito upang maghanap ng trabaho para sa ganon ay hindi na mahirapan
pa pagkatapos ng aking Graduation. Bago magtungo sa iba’t ibang kumpanya upang
mag-apply, tumungo muna ako sa Saint
Peter Church para magdasal at humingi ng tulong sa maykapal. Hindi pa man
ako nakakaapak sa simabahan ay may mga babaeng biglang lumapit sa akin at
inaalok ng trabaho.
11T-S. Sa una’y nag-aalangan ako kaya panay ang
tanggi sa kanilang alok subalit nang mapagtanto na marahil ay kaloob na sa akin
ng panginoon dahil pakiwaring opurtunidad na ang lumalapit sa akin at hindi na
kailangan pang maghanap, kumagat na ko at sumama, kahit Call Center lamang ang
inaalok na trabaho nila sa akin. Ginagawa ko ito hindi upang maging Call Center
balang araw pagkat hindi ko pinangarap ang ganoon kundi maranasan kung paano’t
ano baa ng pakiramdam kapag nag-a-apply ka sa trabaho. Habang nakasakay sa Van
kasama ang mga nag-akay sa akin, walang ibang marananasan kundi kaba’t iniisip
na baka isa silang sindikato na kung saan aalukin ng trabaho kunwari, sasama ka
naman tapos may gagawin silang masama sa’yo subalit ipinapanatag ko ang aking
loob at ipinapasadyos na lamang kung anuman ang mangyayari.
11T-T. Pagkarating
sa mismong kumpanyang kanilang pinagtatrabahuan na kung tawagin ay Alorica na matatagpuan sa Cenris, EDSA, lalo pang umigting ang
kaba sa dibdib pagkat anumang oras, isasailalim na nila ako sa Job Interview.
Kinakabahan man, natutuwa naman ako pagkat abot kamay na ang pinapangarap, ang
magkaroon ng trabaho’t suklian lahat ng naitulong ng aking pamilya magmula nang
pinapag-aral pa lamang nila ako. May pinagawa pa sila sa akin at makalipas ang
halos dalawang oras na paghihintay, tinawag na ang aming batch for Job
Interview. Nadagdagan pa lalo ang kaba sa dibdib pagkat sa halip na one on one
interview ang gagawin, magkakasama kami kaya di mapigilan ang mahiya’t mailing,
iniisip na baka pagtawanan nila ako oras na ako’y sumagot subalit pinilit na
magpakatatag at smile lang. Parang tinadyakan sa kaba ang dibdib at halos
mapaihi na nga pagkat sa aming batch, ako ang kauna-unahang tinawag at
isinailalim sa interview.
11T-U. Kailangan
English Speaking kaya hindi alam
kung ano ang sasabihin subalit nakaya ko naman magsalita ng Straight English sa unang tanong na ibinato sa
akin. Akala ko, tuloy-tuloy na ang pagsasalita, maganda na sana subalit bigla
na lamang nautal hanggang sa hindi na makapagsalita’t nablangko na ang utak,
dulot ng kaba. Saka lamang ako nilubayan ng kaba matapos ang interview at
laking pasalamat pagkat hindi akalaing kakayanin. Para akong lilipad sa gaan ng
pakiramdam matapos ang Job Interview at sa halip na umuwi, pinuntahan ko pa
sina Mama sa SM Fairview. Habang
patungo roon, minamalas lamang ng lagay pagkat biglang bumuhos ang napakalakas
na ulan, wala pa naman dalang payong kaya pagkababa sa Novaliches Bayan, nagpatila muna ako ng ulan. Sa dilim ng
kalangitan, mukhang matatagalan pa bago humupa ang ulan kaya kahit may
kalakasan pa, sinagupa ko na’t wala nang pakialam kung mababasa. Mabuti na
lamang, may mga magagandang loob na pumapayag na makipayong sa kanila.
11T-V. Basaan
akong nakarating ng SM Fairview at
anong lamig sa pakiramdam na halos mangatog na pagkatungtong doon, mukhang
magkakasakit ako pagkat basaan tapos malalamigan. Saktong natagpuan ko naman
sina Mama at Ate sa may Department Store
at namili-mili ng damit na isusuot sa Graduation Day. Nang makapamili’t dala na
kumakalam na ang sikmura ng bawat isa sa amin, kumain muna kami. Sa Okonomiyaki Dohtonbori namin naisipang
kumain, isang Japanese Restaurant
bukod sa Tokyo Tokyo kaya puro
pagkaing Hapon ang kanilang inihahain, hindi lang yan at sa mismong cooking
table nila iniluluto ang mga putahe kaya hindi ko mapigilan ang mahalina’t alam
na alam mo kung paano’t anong mga ingredients ang inilalahok.
11T-W. Ilang
sandali pa, kumain na kami. Sa sarap at dahil ngayon lamang makatikim ng ganong
klaseng putahe na Authentic Japanese
Food, naparami ang aking kain. Bandang Alas-singko nang makauwi kami’t
saktong may bisita na si Tita Susan
kaya ang buong balay, balot muli sa kaingayan dahil sa pag-uusap nila ni Papa.
Kinagabihan, heto muli ako tutok ang mata sa panunuod ng Telebisyon. Matutulog
na sana ako subalit itong si Mama, muling sinumpong ng kanyang pagkapraning,
ilang ulit ko na siyang pinapayuhan upang kumalma ang kanyang loob subalit
maya’t maya itong bumabangon, tila nawawala muli sa sarili, hindi tuloy ako
makatulog dahil panay ang galaw nito sa akin.
April 05, 2018
Thursday
Year VI-095
Thursday
Year VI-095
11T-X. Madaling
araw na, na dapat sana’y nahihimbing na ko sa pagtulog subalit hindi magawa
pagkat patuloy na sinusumpong si Mama nang pagkabalisa’t sa totoo lamang,
nauubusan na ko ng pasensiya pagkat panay ang galaw nito sa akin sa tuwing may
mararamdaman itong kakaiba’t nakakaisturbo. Sa halip na awa, nangibabaw ang
pagkayamot sa dibdib kaya umalis muna ako sa kanyang tabi’t naghanap ng
matutulugan. Bandang Alas-dos nang kumalma si Mama hanggang sa ito’y makatulog
na. Nakatulog na si Mama subalit hindi pa rin ako makatulog, kahit malapit nang
pumutok ang liwanag, Pagpatak ng Alas-singko, muling dumadaing si Mama, sinabi
nitong hindi raw naging maganda ang kanyang gising at bakas pa rin sa kanyang
mukha ang pagkabalisa’t namumugto ang mata. May pagkakataon na sana akong
matulog, kaso ang ingay naman nina Papa at Tita
Susan na tila nasa bundok kung mag-usap. Dala na hindi makatulog at umaga
na rin, napagpasyahan nang bumangon at mag-almusal. Kahit may kinakaharap
kaming problema gawa na balot sa karamdaman ang ilaw ng tahanan, pasalamat pa
rin pagkat hindi naman nasakit ang ulo, sa kabila na magdamag na walang tulog
kakabantay kay Mama’t pangungulit nito.
11T-Y. Maya-maya
pa at bukod sa dumadaing si Mama pagkat nahihilo’t masakit daw ang ulo nito,
nagiging kakaiba na rin ang kanyang kinikilos pagkat nagsisigaw-sigaw at padyak
na ito. Labis na ang aming pagkabahala’t balisa nang mga oras na iyon pagkat
hindi na talaga alam ang gagawin, sinasabihan na namin na magpatingin ito sa Psychiatrist subalit matigas ang ulo,
wala na lang ibang ginawa kundi umiyak. Saktong nagdadalang tao pa ang ate na
ngayon ang kabuwanan at ilang araw nang nai-stress kaya hindi lang basta-basta
suliranin ang aming kinakaharap subalit kahit na hindi ito biro, kakayanin pa
rin. Hindi ko mawari kung bakit biglang nagkaganon si Mama, parang nawawala na
sa sariling katinuan na kulang na lang ay tawaging baliw pagkat nakakabaliw na
ang sitwasyon. Kahit mangiyak-ngiyak na ko, walang mangyayari kung magmumukmok lamang at kikimkimin ang problema, kaya nakuha pa rin gampanan kung ano ang
nakaatang.
11T-Z. Kinalaunan
ay bumalik naman sa dating ayos si Mama at kumalma-kalma. Sa kabila humupa ang
kanyang pagkapraning, ang hirap makampanteng ayos na ito kaya maigi talagang
magpakonsulta na. Pumayag naman ito na sumama sa amin sa Saint Lukes Hospital para magpa-ultrasound ang ate’t mapatingnan na
rin namin si Mama sa Psychiatrist.
Sa dami ng pasyente ng espesyalista ni Mama, naghintay pa kami ng halos
dalawang oras bago matawag. Nagkwento muna si Mama patungkol sa kanyang mga
naranasan at nakaka-out of place pagkat puro gamut ang kanilang pinag-uusapan
habang kasama ang Psychiatrist.
Sinabi ng Psychiatrist na bukod sa
mayroong Insomnia si Mama, may General Anxiety Disorder din ito na
kung saan nakakaranas ng matinding takot at pag-aalala ang isang tao, kahit
wala naman dapat ikatakot, kaya pala ganon na lamang kung makaramdam ng pangamba
si Mama sa tuwing hindi makatulog at nagiging Pessimistic sa kanyang hinaharap.
11U-A. Ang
maganda nga lang sa sinabi ng Psychiatrist,
nagamot na raw ang kanyang sakit na Adjustment
Disorder subalit naging mas Anxious naman daw siya. Dahil may alam ako
kahit papaano sa paliwanag ng Psychiatrist,
naging matanong ako’t humahaba ang usapan subalit may nadadagdagang kaalaman.
Sa kabila ng aming dinadanas, mapalad pa rin pagkat hindi Psychosis ang tumama sa kanya. Dala na pinagpapaplanuhan kung anong
gamut ang ipapainom sa kanya, tumagal ng halos isang oras ang konsultasyon.
Pagkatapos at dala na kanina pa tinitiis ang pagkalam ng sikmura, kumain na
kami. Sa Max Restaurant namin
naisipang kumain at mairita ako pagkat ang tagal ihain ang order. Na-serve na
kay ate subalit kami ni Mama hanggang ngayon ay nga-nga sa kakahintay, kaya
hindi mapigilang magpuyos ng damdamin.
11U-B. Kung kailan malapit na kong mag-alburoto sa
inis, saka naman nai-serve at naparami muli ng kain. Hindi muna kami umuwi
pagkat kailangan naman samahan ang ate sa Ultrasound. Gawa na nababagot sa
kahihintay, lumabas-labas muna ako’t nanginginain. Maya-maya at sa hindi
inaasahan, bigla na lamang nanakit ang aking Sikmura. Dahil hindi na mapigilan
ang pagbagsak ng masamang laman, magpanik ako sa kahahanap ng palikuran para
hindi maabutan at panay ang pagpipigil para hindi malagay sa kahihiyan ang
sarili. May nahanap namang palikuran kinalaunan at anong ginhawa sa pakiramdam
matapos magbawas, akala ko’y magkakalat na. Bandang Alas-singko nang matapos
ang ate sa Ultrasound at nagpa-blood test pa ito. Bandang Alas-sais nang
lubusang matapos lahat ng procedure sa kanya’t dahil inabutan ng rush hour,
naging pahirapan sa amin ang makahanap ng masasakyan. Dala na napakatrapik sa
lansangan, bandang Alas-otso na kami nakarating ng bahay. Manunuod ng
telebisyon upang kapag nalibang ay makalimutan kahit papaano ang problema at
pagkatapos ay matutulog oras na dapuan ng antok.
April 06, 2018
Friday
Year VI-096
Friday
Year VI-096
11U-C. Nagniningning
na ang liwanag sa labas nang magising at bumangon. Balot man sa katahimikan ang
buong bahay at idagdag pa ang makulimlim na panahon, walang dahilan upang
malumbay at walang mangyayari kung hahayaan lamang na magmukmok pagkat anuman
ang mangyari, tuloy pa rin ang buhay. Nasasadlak man kami sa ganitong
sitwasyon, naniniwalang makakawala basta’t may pagsisikap at kumahog. Dahil
nababagot, naisipan ko muling magtinda. Maya-maya’y panonood ng telebisyon ang
napaglibangan at pampalipas oras at ang kaninang ako na halos lamunin na ng
lungkot dala na may seryosong bagay na kinakaharap, biglang sumigla’t
nagkakulay ang araw pagkat daming halakhak habang tinutunghayan ang Showtime. Bukod sa pinapasaya ang araw mo,
nakakatanggal din ng stress at malilumutan kung anuman ang problemang namamayagpag
sa buhay. Napakakulit ng mga host lalong lalo na si Vice Ganda na hindi nauubusan ng patawa’t panalong-panalo pa rin
ang pagpapakwela kahit ilang taon na ang nakakaraan. Diretso ako sa pagtulog
matapos libangin ang sarili sa panunuod ng Telebisyon at saktong naghihingalo
na ang liwanag nang magising ang katawang lupa’t hapunan na rin kaya kain tulog
talaga ako ngayong bakasyong grande’t hinihintay na lamang ang pagtatapos.
April 07, 2018
Saturday
Year VI-097
Saturday
Year VI-097
11U-D. Maliwa-liwanag
na sa labas subalit nanatiling aandap-andap pa rin ang mata sa antok at sarap
pang matulog. Pagkaalmusal at dahil ayaw ko muling mabagot ng lagay, naisipang
maglinis sa loob ng bahay at magtinda. Napapansin ko lamang sa sarili na
sumisipag kapag walang ginagawa’t maigi na ang ganon upang may matutuhan and to
cultivate your abilities. Ilang sandali pa, naghanda-handa’t bihis na ko pagkat
matapos ang eksakto sa dalawang lingo, ngayon lamang muli makakapunta ng school
upang kuhain ang Souvenir na para sa Psych
Night. Pagkatungtong ng yapak sa unibersidad at dahil bakasyon na ng mga
estudyante, halos ghosttown ang buong campus at manaka-naka lamang ang dating
ng mga estudyante. Habang naglalakad ang yapak palapit sa Guidance Office ay
maraming ala-ala ang isa-isang sumasagi sa isipan at nakaka-miss ang mag-aral,
makakwentuhan at kasama ang mga kaklase, hindi ko akalaing mabilis at maikli
lamang pala ang apat na taon subalit napakaraming pangyayari.
11U-E. Parang
ang hirap tuloy iwan ang pagiging kolehiyo pagkat bukod sa nagkaroon ng
maraming kaibigan, naramdaman kong maging masaya’t enjoyable habang kapiling
ang mga kaklase. Kay sarap balik-balikan ang sandaling kasama ang mga kabigan
at sa napipinto naming pagtatapos, nawa’y hindi pa iyon ang huling pagkakataon.
Sa halip na si Sir Laus ang
makadaupang palad ay si Ma’am Lovely
at sinabi nitong sa susunod na linggo pa ipapamudmod ang mga Souvenir.
Nanghinayang ako sa kanyang sinabi’t nagsayang lamang ng pamasahe, dapat di na
lamang nagpunta. Hindi na rin ako nagtagal sa unibersidad at gawa na wala pang
balak ang isipang umuwi, tumungo pa ko sa SM
Fairview at doon na nananghalian.
11U-F. Matapos
mananghalian at dahil may kalamigan ang mall at kakaunti lamang ang tao, naging
pagkakataon iyon upang makapag-isip ng maayos at samantalahin ang oras sa
pagsusulat ng kwento. Maya-maya pa, tinamaan muli ako ng gutom at dahil
hinahanap-hanap ng katawan ko ang Bingsu,
sa halip na sa SM kumain ay sa Ever Gotesco Mall na pagkat wala roon Bon Chon. Kahit may kamahalan ang Bingsu, maigi na lamang at kaya pa ng
kwarta’t sulit na sulit ang lumilipas na sandali habang mag-isang nalantak at
ang sarap, nakakalamig ng ulo. Matapos kumain ng napakasarap na Bingsu subalit mahal, hindi na ko
nagpatumpik-tumpik pa sa pag-uwi. Umalis muli sina Mama kaya sa halip na
magpahinga, nagbantay ako sa tindahan hanggang kumagat ang kadiliman.
11U-G. Pagsapit
ng gabi at habang tutok ang mata sa panunuod ng telebisyon, bigla na lamang
naninikip ang dibdib ko’t parang hinahabol ang hininga, inatake nanaman pala
ako ng hika’t sunod-sunod ng inuubo. Habang lumilipas ang sandali, lalo pa kong
nahihirapan sa paghinga kaya walang ginawa kundi maglanghap ng Inhaler.
Pakiwari ko ng panahon iyon, matitigok na pagkat kinakapos na sa paghinga’t panay
din ang pag-ubo subalit lumuwag naman kinalaunan sa tulong na rin ng Inhaler.
Pasalamat ako sa Diyos pagkat hindi nito hinayaang lumubha ang aking kalagayan
at binigyan pa ng pagkakataong mabuhay, Sina Mama naman, labis ang pag-aalala’t
muntikan na kong mapaiyak dahil ramdam maging kaibuturan ng dibdib ang kanilang
pagmamahal. Ang hirap nga naman kapag may Asthma
ka, kailangang limitado ang kilos at buwan-buwan bibili ng Inhaler upang hindi
matigok oras na kapusin sa paghinga.
April 08, 2018
Sunday
Year VI-098
Sunday
Year VI-098
11U-H. Ang
kagabi na halos nasa bingit na kamatayan dulot na kinakapos sa paghinga at
muntikan na ngang isugod sa ospital, kasalungat ng umagang napakadalisay sa
aking paggising dahil sa ganda ng napaginipan. Pagkaalmusal, pagbabantay muli
sa aming nergosyo ang aking pinagkaabalahan. Maya-maya pa, ang ate ay biglang
nag-aya na magsimba kami sa Eastwood
pagkat may healing mass daw doon ng Alas-dose, sa sabik ay kaagad kaming
pumayag at upang tulungan nang makawala si Mama sa sakit na gumagapos sa kanya.
Ilang sandali pa, naghanda-handa’t bihis na kami. Dahil hindi gasinong katrapik
sa lansangan at hindi rin kalayuan, wala pang isang oras ay nakarating na kami
sa simbahan na sinasabi ng ate, ang Padre
Pio Shrine. Saktong patapos na ang misa kaya walang ginawa kundi maghintay
at bukod sa mga taong nagsisimba, nakakatuwa dahil may mga ibon din na tila
nakikisimba’t malayang nakakalipad at dapo kahit saan. Upang hindi mabagot sa
paghihintay, pinagmasdan ko ang mga ibon at parang sarap kuhain.
11U-I. Habang hindi pa nagsisimula ang Healing Mass
ay naglibot-libot muna kami’t kahit saan ka mapalingon, puro mga nakasabit na
Rosaryo ang masusumpungan. Maya-maya pa’y pumila na kami upang pumasok sa
Simbahan. Hindi hamak na mas maliit ang Padre
Pio Shrine kung ikukumpara sa Saint
Peter Church, maayos at malinis naman ito’t sa halip na bentilador ang
nagbibigay komportable sa katawan, aircon pa kaya sarap magsimba kahit ilang
beses pa. Natagalan pa bago magsimula ang misa’t habang umaawit, sinubukan kong
pumikit at pakiwaring nasa alapaap ako kasama ang mga anghel. Tila
makakalimutan mo kung anuman ang problemang gumagapos kapag nagsimba ka roon at
napapaigting ang pananampalataya mo sa Panginoon. Tumagal ng isang oras at
kalahati ang misa’t dahil sakto Ala-una na pala at kapwa gutom na ang bawat isa
sa amin, nananghalian muna kami.
11U-J. Sa
isang restaurant doon sa loob ng Eastwood
naming naisipang kumain bwena-mano muli ang Sikmura pagkat iba’t ibang putahe
muli ang matitikman at tila napakasarap ng buwang ito para sa akin pagkat
pangatlong beses na kami kumakain sa mga susyaling restaurant at sulit na
sulit. Nagpapasalamat ako sa maykapal pagkat nakakalasap ako ng ganito. Matapos
kumain at dahil wala pang balak umuwi, namasyal-masyal muna kami sa Eastwood. Bukod sa puro nagtatayugang
mga gusali ang makikita na animoy dinala ka sa ibang bansa, malakas din ang
ihip ng hangin kaya ang sarap sa pakiramdam at makakapag-isip ka ng maayos
pagkat tahimik, kahit marami ang namamasyal, perfect environment upang
magmuni-muni. Dahil ngayon lamang muli nakagal, walang ginawa kundi mag-Selfie.
11U-K. Habang
kasarapan ng bonding naming tatlo sa Eastwood,
itong si Mama, muling sinumpong ng pagka-depress at nakukuhang ngumawa na
parang timang. Kasabay na sinusumpong si Mama, sinumpong kami ng pagka-stress
pagkat hindi na alam ang gagawin. Balak pa sana namin mamasyal at kumain pa,
kaso dahil may dinadamdam si Mama na hirap ipaliwanag, minabuting umuwi na
lamang. Bukod kay Mama, naawa na rin ako kay Ate pagkat mag-isa na nga lang
nito palalakihin ang anak oras na magsilang ito, nawawala pa sa katinuan si
Mama. Lalo pang umigting ang nararanasan ni Mama pagkauwi’t para muli itong
sinasaniban. Mukhang sinusubok nanaman kami ng problema subalit hindi hahayaang
sumuko’t panghinaan ng loob. Kinagabihan at bukod sa inaatake ng Anxiety si Mama, nagsusuka’t dumi naman
ang kuya. Nahihirapan naman kaming painumin ito ng gamut dulot na may
kapansanan ito sa pag-iisip. Tila nagkasunod-sunod nga naman ang problema’t
mapapaiyak na lamang, dalanging kayanin pa. Batid kong mas matindi pa ang pinagdadaanan
ng iba subalit nakakaya nila, sana kayanin din namin. Kahit anumang problemang
dumating, happy pa rin.
April 09, 2018
Monday
(Araw ng Kagitingan)
Year VI-099
April 10, 2018
Tuesday
Year VI-100
April 11, 2018
Wednesday
Year VI-101
April 12, 2018
Thursday
Year VI-102
April 13, 2018
Friday
Year VI-103
April 14, 2018
Saturday
Year VI-104
April 15, 2018
Sunday
Year VI-105
April 16, 2018
Monday
Year VI-106
April 17, 2018
Tuesday
Year VI-107
April 18, 2018
Wednesday
Year VI-108
11V-W. Kasama
sina Maan at Faye ay pumasok pa kami ng Registrar Office upang kuhain ang
Certificate of Graduation. Saktong may kahabaan ang pila’t may kanya-kanya pang
Concerns ang mga nauna sa amin kaya mukhang matatagalan pa bago makausap ang
Evaluator subalit hindi naman naiinip pagkat nakakatuwang kausap sina Maan at panay pa ang trip, kaya di
mapigilang ma-miss sila. Pagkakuha ng Certificate of Graduation, nagpaalam na
kami sa isa’t isa. Wala pa kong balak umuwi kaya tumungo muna ako sa SM at doon na rin nananghalian.
Nanatili muna ako roon upang makapag-isip-isip at pagsapit ng Ala-una nang
mapagpasyahang umalis. Pagkatungtong ng sariling tahanan, diretso tulog ako.
Kinagabihan, pagbabantay sa tindahan ang aking pinagkaabalahan. Habang
nagtitinda at upang di mabaliw sa pagkabagot, naisipan kong manuod ng Comedy
Show. Bandang Alas-onse nang maisipan ng matang pumikit at ihandusay ang sarili
sa kamang kay tigas ngunit komportable sa pakiramdam.
April 19, 2018
Thursday
Year VI-109
April 20, 2018
Friday
Year VI-110
April 21, 2018
Saturday
Year VI-111
April 22, 2018
Sunday
Year VI-112
April 23, 2018
Monday
Year VI-113
April 24, 2018
Tuesday
Year VI-114
April 25, 2018
Wednesday
Year VI-115
April 26, 2018
Thursday
Year VI-116
April 27, 2018
Friday
Year VI-117
April 28, 2018
Saturday
Year VI-118
11X-B. Hindi ko ibig ang ma-stress kaya sa halip na makipagsabayan sa
pagpapangaral kay Mama, mas pinili ko na lamang ang magpahinga. Kinagabihan at
dahil may patay muli sa amin, hindi na halos makatulog dulot ng mga naglalamay.
Wala na lamang ibang ginawa kundi gumawa ng paraan na ikakaantok ko. Ano bang
klase ang mga tao dito sa amin, karamihan sa kanila'y adik sa sugal, mga walang
pagsusumikap at nakakabulahaw pa sa mga magsisipagtulog na! Tapos maya't maya
may nag-aaway, sa totoo lamang ay hindi na magandang tumira sa lugar namin sa
panahon ngayon pagkat bukod sa maingay na nakaka-stress, dumadalas na rin ang
pagkakaroon ng away at minsan, halos magpapatayan na.
April 29, 2018
Sunday
Year VI-119
April 30, 2018
Monday
Year VI-120
11X-K. Tumagal
ang therapy ng isang oras at pagpawisan ako ng todo, bukod pa roon ay
nakaramdam ng matinding pagkauhaw kaya halos makaisang baldeng lagok ng tubig
pagkarating namin ng bahay. Dahil kapwa bagot kaming mga magpipinsan, walang
ginawa kundi lunurin ang sarili sa paggamit ng kanya-kanyang Cellphone. Ilang
sandali pa nang umuwi ang Tita Cleo at naging matanong ito sa akin kaya
naging madaldal na. Ibig ko sanang sa kanila na magpalipas ng gabi pagkat may
kalaliman na ang gabi't masaya pa, kaso sasamahan ko pa ang ate sa pagtungo
namin ng Bonifacio Global City at iyon ay maaga na tipong kakasikat pa
lamang ng araw kaya kinailangan kong umuwi. Ganoon naman palagi't sa panahong
alanganin ang sitwasyon, parating ako ang uunawa't magpaparaya kahit masakit at
labag man sa kalooban. Bandang Alas-dyis nang makarating ako sa sariling
tahanan.
April 09, 2018
Monday
(Araw ng Kagitingan)
Year VI-099
11U-L. Paggunita sa katapangang ipinakita ng mga
bayani upang mapalaya ang bansa natin laban sa mga Hapon. Mahirap man at hindi basta-basta, sinubukan pa rin nila
dahil sa pagmamahal sa bansa at kung nakaya nila na hindi hamak na mas matindi
ang kinaharap na pagsubok, kung anuman ang kinakaharap naming ngayon ay
kayaning lampasan. Sa kabila na may suliranin at hindi maganda ang gising sa
umaga, sinusubukan pa ring masaya at balewalain ang pangyayari. Dahil ngayong
araw ang pagkikita namin para sa Down Payment ng Graduation Picture, matapos
ang gawaing bahay, naghanda-handa’t bihis na ko. Kung kailan paalis na ko,
itong si Mama ay muling sinumpong ng sakit na hirap ipaliwanag, tila bang
nawawala muli sa sarili. Naawa man ako sa kalagayan ni Mama subalit sumasakit
na ang ulo kung magpapadala muli sa stress at pag-aalala kaya itinuloy pa rin
ang lakad, nahihirapan man magdesisyon.
11U-M. Habang lulan ako ng toda, masuya’t rindi ako
sa kasamahang pasahero pagkat ang lakas ng kanilang pag-uusap, nagsisigawan at
hindi na inisip na sila lang ang nakasakay. Ibig ko sanang pagsabihan pagkat
rinding-rindi na, kaso baka sumama naman ang loob nila’t magsilang ng away kaya
hinayaan na lamang. Sadyang may mga tao talaga na hindi marunong makiramdam sa
mga nakapaligid sa kanila. Bandang Alas-onse nang makatungtong ako sa SM Fairview, lugar kung saan kami
magkikita-kita’t tagpo subalit wala pa ang aking mga kasamahan. Sa halip na
lunurin ang sarili sa pagmumukmok at hintay, sinamantala ang oras sa pamamasyal
at maghanap na rin ng poging mga Papa para may kapalit na siya sa Puso ko.
11U-N. Pagkabalik sa tagpuan, wala pa rin sila kaya
napapaisip na kung matutuloy pa ba subalit dumating naman ang ilang kasamahan.
Bago pumunta sa Great Image Photoshoot,
hinintay muna namin sina Hannah
(Bernardino) o Eloisa.
Nakakainip pagkat kay tatagal nila’t nasasayang ang oras kahihintay. Oras ang
hinintay ng dumating na ang mga ito’t may kasama pa kami kaya lalong sumaya ang
samahan. Sa halip na ngayong araw na ganapin ang Pictorial para sa Graduation
Picture, sa ibang araw pa pagkat kailangang lagyan ng Schedule for reservation
at marami ang nauna sa amin, naghulog lamang kami’t matapos ang mga
pag-uusap-usap at nang makapag-rehistro ay umalis na kami. Kapwa wala pang
balak umuwi ang bawat isa sa amin at dahil ngayon lamang muli nagkikita-kita’t
kwentuhan matapos ang mahabang panahon, naglamyerda muna kami’t namili ng mga
isususot na damit. Dahil puro babae ang kasama’t kahit pusong babae, hirap
makipagsabayan pagkat napakasupistikada nila sa pagpili ng isususot. Gawa na
out of place na ko sa kanila’t ang tatagal pumili, nagugutom na ko, humiwalay
na sa kanila.
11U-O. Bago umuwi, tumungo muna ako sa bayan upang
bumili ng pitaka. Pagkabili, sa simbahan naman ako sunod na nagtungo at nagdasal-dasal.
Diyos na ang bahala kay Mama at naniniwala akong gagaling ito, basta’t
magtiyaga’t hintay lamang. May awa ang Diyos at hindi niya ito ginagawa upang
pahirapan tayo kundi patatagin ang ating loob. Pagkauwi, diretso pahinga ako.
Kinagabihan, pagtitinda ang aking inatupag. Anong ingay sa labas dulot ng mga
tambay na bukod sa nagpapalaki ng biyas sa maghapon, naghahasik din ng
kaingayan at may kalandian pang mga babae kaya buwisit na buwisit ako, hindi na
sila nahiya’t kay sarap pag-uumpugin. Alas-dyis na subalit umaalingawngaw pa
rin sa kapaligiran ang kanilang ingay at tila walang pakialam sa mga
magsisipagtulog na, sa yamot ay lakas loob ko na silang pinagsabihan at
sinaway. Saka lamang napagpasyahang matulog nang tumaimtim na ang kapaligiran.
April 10, 2018
Tuesday
Year VI-100
11U-P. Naghahari na ang kaingayan sa labas nang
ako’y magising, di dahil sa mga kabataang tambay kundi mga Tsismosa naming
kapit-bahay na pakikipagtsismisan ang agahan. Wala muling magawa at upang
maipakita ang pakinabang, pagtitinda ang aking pinagkaabalahan. Habang
nagbabantay sa tindahan, may diskusyon akong narinig mula sa loob ng bahay at
habang tumatagal ay tila umaatikabo ito. Nagtatalo pala ang ate at mama dahil
sa ayaw nitong magpasama sa Albularyo. Bukod sa kanilang pagtatalo, muling
sinumpong si Mama nang pagkapraning at nawawala muli sa sarili kaya kaming mga
nagmamahal at malasakit sa kanya, nanunuot ang pagkabalisa’t bahala. Lalong
nagalit si ate at hindi ko siya masisisi pagkat napapagod na itong mag-alaga’t
pangaral kay Mama.
11U-Q. Kung iisipin, tila nagkasunod-sunod at sabay
nga naman ang dumating na problema sa taong ito, bukod sa balot ng karamdaman
sa pag-iisip ang ilaw ng tahanan, may sakit pa ang kuya pagkat hanggang sa araw
na ito, nagsusuka’t dumi pa rin ito, hirap naman siya painumin ng gamot dulot
na may kapansanan sa pag-iisip, tapos ang Ate na ngayon ay nagdadalang tao, di
na maiwasang ma-stress at kapangambang isipin na baka mapaanak na siya nang
wala sa oras kung magpatuloy ang ganito. Ngayong nalalapit na ang aming
Graduation Day, nag-aalangan na kung makakadalo pa ba’t sino kaya sa kanila ang
makakasama sa akin sa entablado upang kuhain ang minimithing Diploma. Masyadong
alanganin ang sitwasyon ngayon at bukod sa stress, nakaka-depress ang
pangyayari, parang gusto ko na lamang humiga at umiyak, hindi ko na alam kung
makakaya pa bang harapin ang lahat ng iyon. Hangad ko lamang na sana’y maging
maayos na ang lahat at kung matatagalan man bago mangyari iyon, bigyan ng Diyos
ng lakas ng loob pagkat sa totoo lamang, nahihirapan na ko.
11U-R. Wala na lamang akong ginawa kundi umiyak na
lamang, nang sa ganon ay gumaan-gaan kahit paano ang loob. Maya-maya pa at
dahil hindi ko ibig na lunurin ang sarili sa pag-iisip ng problema na
nakakabigat lamang lalo ng loob. Naisipan kong manuod ng Comedy Show. Dami kong
tawa habang nanunuod nun at kahit paano, lahat ng problema’y nakalimutan ng
isang iglap. Kahit madami mang kinakaharap na problema, walang dahilan upang
sumuko. Pagpatak ng tanghali, nuknukan sa alinsangan ang panahon kaya pagpatak
ng hapon, bumuhos ang napakalakas na ulan. Sinabayan pa ng pagkulog at kidlat
kaya gimbal muli ang dibdib sa takot at pagkabalisa.
11U-S. Kung kailan pasapit na ang gabi, sumagi
nanaman sa isipan ang mga problema kaya heto muli ako’t parang nade-depress,
iniisip kung hanggang kailan ganito ang buhay, kailan ito lilipas. Sa kabila na
nahihirapan na dahil sa pinag-dadaanan, mabuti na lamang at may mga kaibigan
akong handing damayan at pagaanin kahit papaano ang loob sa paraang alam nila
na siyang ipinagpapasalamat ko, kaya walang dahilan upang magpakatiwakal na.
Kinagabihan at para iwas depression at stress, nilabang muli ang sarili sa
panunuod ng Comedy show. Sumakit halos ang lalamunan ko sa kakatawa at nang dapuan
ng antok sa katawan, saka lamang napagpasyahang matulog.
April 11, 2018
Wednesday
Year VI-101
11U-T. Sa kadahilanang sasamahan ko pa si Mama sa
kanyang Follow up Check up para masuri muli ang estado ng kanyang pag-iisip at
mabigyan ng karagdagang advice para tuluyan nang tumino-tino, mugto pa man ang
mga mata sa antok ay kailangan nang gumising at bumangon. Kung kailan
naghahanda na kami ni Mama para magpakonsulta sa Psychiatrist, biglang nagising si Ate at halinhinang sinabi na
tumatagas na raw ang tubig mula sa kanyang pwerta, indikasyong pumuputok na ang
panubigan at anumang oras ay magsisilang na siya ng supling. Swerteng hindi pa
naman humihilab ang kanyang Tiyan subalit kailangan muna namin ipagpaliban ang
pagtungo sa Saints Luke Hospital
upang samahan ang ate sa kanyang panganganak. Habang aligaga kami sa paghahanda
ng mga kakailanganin, sa hindi inaasahan ay nahirapan muli ako sa paghinga,
inaatake nanaman pala ng hika. Hinihika man at magkandahapo-hapo sa paghinga,
dahil walang ibang maasahang makakatulong kay Mama ay sumama pa rin ako sa
pagtungo sa Hospital. Habang lumilipas ang sandali’y pasikip nang pasikip ang
aking dibdib at parang hinahabol na ang paghinga.
11U-U. Pinipilit ko man na magpanggap na parang ayos
lamang ay di magawa’t hirap na hirap na talaga ako. Napaka-wrong timing at kung
kailan manganganak na ang ate, saka naman ako inaatake ng hika. Pagkaalpas sa Commonwealth General Hospital at dala
na hirap na hirap na ko sa paghinga’t naninigas na ang mga kamay dulot na
marahil ng Hyperventilation, bukod
kay ate ay dinala rin ako sa Emergency Room at napagpasyahang i-admit. Ayaw ko
man magpa-admit pagkat dagdag gastusin pa at batid na madadaan lamang sa
inhaler subalit mukhang wala namang talab kaya hindi na nagmatigas pa sa
desisyon nina Mama. Pinausukan lamang nila ako ng Nebulizer at habang tumatagal
ay unti-tunti nang lumuluwag ang aking paghinga. Halos dalawang oras din akong
nakaratay sa Emergency Room at nang tuluyan ng bumuti-buti ang pakiramdam at
bumalik sa dating ayos ang paghinga, saka lamang ako pinayagang i-discharge.
11U-V. Makaramdam ako ng pagka-guilty pagkat umabot
sa dalawang libo ang nagastos sa pagpapa-admit ko pa lamang ng dalawang oras,
pambili n asana ng pagkain o mga kagamitang kakailanganin ng paparating na
anghel. Nang makapagbayad ay kaagad kaming natungo sa Operating Room kung saan
naroroon ang ate para sa napipinto na nitong panganganak. Wala kaming ibang
ginawa kundi maghintay at magkahalong sabik at kaba ang namamayani sa
kanya-kanyang mga dibdib. Makaraan ang isang oras, inanunsyo sa amin ng Nurse
na umiire na ang ate’t ng mga oras na iyon ay hindi mapigilan ang magdasal,
hinihiling sa maykapal na maging Success ang panganganak ng ate’t ligtas silang
pareho, lalo pa kaming nasabik.
11U-W. Ilang sandali pa nang pumasok si Mama sa
Operating Room, gustuhin ko man pumasok para masilayan ang aking bagong
pamangkin at alamin kung ano baa ng hitsura nito bukod sa sanggol, kaso wala
naman magbabantay sa dala naming mga bagahe. Pagkalabas ni Mama ay naghuhumiyaw
ang tuwa sa dibdib nang ilarawan nito ang tungkol sa anak ng ate’t parang
natutukso tuloy akong pumasok. Malapit nang kumagat ang gabi subalit heto pa
rin kami’t naghihintay at dahil may ginawa ang mga Nurse kay ate, aabutin pa ng
ilang araw bago ito makalabas kaya nang dumating si Papa, napagpasyahan ko ng
umuwi upang may makasama ang isa ko pang kapatid sa bahay. Inabot na ko ng gabi
sa pag-uwi’t saktong naroroon ang Tita
Susan. Pagkahapunan at dala ng pagod sa maghapong paghihintay at layo pa ng
biniyahe, daglian nang natulog.
April 12, 2018
Thursday
Year VI-102
11U-X. Kung
may hirap nga naman, may ginhawa at matapos ang mga unos sa buhay, tila
nasisilayan na ang bahaghari sa kalangitan at ganon nag anon ang aking
pakiramdam sa paggising, kaya tila nakakapanabik ang araw na ito maging mga
susunod pang araw para sa akin. Pagkaalmusal at dala na nababagot ng lagay,
nakipagkwentuhan na lamang kay Tita
Susan. Napakarami nitong baong kwento na iba-iba na tila hindi nauubusan
kaya sa halip na magsawa’y nalilibang ka pa. Ngayong araw din ang aming
Graduation Picture kaya naging abala ako sa mga isusuot. Nang matapos at dahil
kailangan ko pa dumaan sa ospital, kaagad nang nilisan ang tahanan.
Pagkatungtong kung saang kwarto naka-admit ang Ate Leslie, saktong kasama na nito ang kanyang anak at
tangan-tangan na nga. Anya ang
ipinangalan niya sa bata at kung titingnan, bukod sa cuteness at mukhang
malambing ito at maamo, tila lalaking mabait ay may respeto sa bawat nilalang
sa Mundo, sana nga. Wala akong ginawa kundi makipagkamusta’t pagmasdan ang
aking pamangkin.
11U-Y. Dahil
half-breed ito, medyo may pagka-mestisa ito’t namumula kapag naarawan. Sadyang
kay bilis ng takbo ng buhay at hindi mo ito namamalayan, si ate na nakakatanda
kong kapatid na dati’y kalaro ko pa’t pareho kaming inaalagaan ni Mama, ngayon
ay isa nang ganap na ina’t hindi ako makapaniwala. Habang pinagmamasdan na
tangan-tangan ng ate si Baby Anya,
napapaisip ako kung kailan kaya magkakaanak o di kaya paano magkakaanak?
Marahil ay hindi pa iyon ang tamang oras upang isipin ang ganon pagkat may mga
pangarap pa kong kailangang buuin at abutin sa buhay. May takdang panahon para
magkaanak at iyon ay kapag handa ka na’t kaya mo na siyang buhayin. Nang
makahingi ng pera kay Mama pambayad sa Graduation Picture, tumungo muna ako ng
School upang kumuha ng Toga.
11U-Z. Pagkadako
ng yapak, anong haba ng pila’t katamad pumila, mabuti na lamang at naroroon si Myrrh at dahil ngayon lamang muli
nagkatagpo, kamustahan at kwentuhan kami.
Dahil may Graduation Picture kami ng Alas-dos, napagpasyahang bukas na
lamang kumuha ng Toga at tumulak na ko ng SM
Fairview. Pagkarating ng Great Image,
saktong wala pa ang aking mga kasamahan, ayaw ko man gawin subalit kailangan ko
nanaman maghintay. Ilang sandali pa nang namataan ko sila subalit hindi pa kami
kumpleto’t marami pa ang wala sa mga magkakasama. Gayunpaman ay nagpalista na
kami’t pumila. Inabot pa ng higit isang oras na paghihintay nang simula kaming asikasuhin at isa-isang inayusan at nilapatan ng kolerete sa bawat
pagmumukha.
11V-A. Habang
hindi pa nakasalang upang ayusin at dahil nababagot ng lagay, hindi mapigilan
ang bibig na makipagkwentuhan at asaran. Hindi ko mawari sa sarili kung bakit
ang galling ko mang-asar at okray kaya madalas ay tampulan ng tuksuan subalit
sa halip na maghari ang pagkapikon ay tuwa ang namamayagpag. Maging mga Make-up
artist na aligaga sa pag-aayos ng kanilang kliyente, nakuha pa kong biru-biruin
at pagkatuwaan lalo na nang ako’y kanilang inaayusan na. Anong sarap sa
pakiramdam habang ikaw ay inaayusan at naramdaman ko maging isang Senyorita
kahit saglit lamang. Habang hindi pa nakasalang ang sarili sa Pictorial na
kahit umaapaw ang tuwa dahil sa mga kasamahang walang ginawa kundi
makipag-okrayan sa akin, yumayanig ang kaba sa dibdib, iniisip kung ano ang
ipapakitang pose na tipong bukod sa mapang-akit, pamatay din sa makakakita.
11V-B. Kahit
na ganon ay hindi ko hinayaang magpadala sa stress, mahirap na’t baka masira
ang aking beauty. Sumidhi pa lalo ang kaba sa dibdib nang papasukin na ko sa
Photoshoot Area. Nakaya ko naman ang pinapagawa habang kinukuhaan ng litrato
subalit hindi mapigilan ang ma-pressure, lalo na’t papalit-palit ng isusuot.
Saka lamang nakahinga ng maluwag matapos ang Pictorial at mamimili naman kung
anong photo ang iyong ipapa-develop. Napakalimitado pagkat sa dami ng kinuhang
capture sa’yo, tatlo o apat lamang ang iyon pipiliin depende sa Package, bukod
pa roon ay bawal pang kuhaan ng litrato habang namimili kaya nahirapan ako.
Mabuti na lamang, naroroon ang aking mga kaibigan maging ang nanay ni Hannah at tinulungan nila ako sa pagpili.
Dala na nahihirapan, abutin halos ng isang oras bago ako makapagdesisyon ng
buo’t matapos sa pagpili.
11V-C. Nanghinayang
lamang ako pagkat sa tatlong linggo pa ang hihintayin bago namin makuha ang
picture maging ang Soft Copy. Hindi ko tuloy maiwasang mayamot ng mga oras na
iyon at nagsisisi pagkat napakatagal pala kapag doon. Sa halip na umuwi,
tumungo pa ko sa Commonwealth General
Hospital. Nang bigyan ng pagkain ni Papa ng panghapunan, hindi na ko
nagtagal pa. Wala pang balak umuwi kaya bumalik ako ng SM at doon na naghapunan. Dakong Alas-otso nang makauwi na hapong
hapo’t lugmok na ang mukha sa pagod. Kahit nag-uumapaw na ang Sikmura sa
kabusugan, bilang pakikisama’y nakisalo pa rin ako kina Tita Susan sa hapunan, pagkatapos at dala na parang nilukuban ng
lakas ang pakiramdam, diretso ako sa pagtulog.
April 13, 2018
Friday
Year VI-103
11V-D. Hindi
naging maganda ang salubong ng araw na ito sa akin sapagkat nanamlay sa hindi
maipaliwanag na dahilan at bukod pa roon, humihilab ang aking sikmura. Gawa
marahil na labis akong napagod kahapon kaya nararanasan ang ganito. Kung kailan
kailangan ko magtungo ng School upang kuhain ang Toga, saka naman nanghihina’t
nagloloko pa ang aking Tiyan, makailang balik na sa banyo. Kahit nanghihina’t
pakiwaring pagod na gusto ay humiga lamang, kumilos pa rin ako’t ipinakitang
ayos lamang. Hinang-hina man at mukhang tinamaan pa ng Diarrhea, tumungo ako ng School upang kuhain na ang Toga. Naging
sapalaran sa akin ang pagkilos gawa na naghihina subalit hindi sumuko’t
nagpatuloy hanggang sa makarating kung saan ang Distribution ng mga Toga.
Saktong kakaunti na lamang ang kumukuha hindi gaya kahapon na talagang dinaig
pa ang pila sa sinehan sa haba ng pila kaya walang kahirap-hirap akong
nakakuha, iyon nga lang ay hindi naging suwak sa ulo ang Sumbrero kaya
kinailangan ko pang papalitan.
11V-E. Balak
ko pa sanang magtungo ng ospital upang tulungan sina Mama sa pag-iimpake ng mga
gamit pagkat ngayon na ang balik nila sa bahay matapos ang ilang araw na
na-admit ang ate dahil sa panganganak, kaso naghihina ako’t baka mauwi pa sa
pagkakasakit, lalo na’t nalalapit na ang aming Graduation kaya minabuting umuwi
na lamang. Pagkauwi’t dala na nanghihina, hindi na nagawa pang mananghalian at
kaagad na nahiga. Wala akong ginawa sa maghapon kundi humilata ng lagay at
magpahinga, nagbabakasakaling babalik ang dating lakas ng katawan. Mga dakong
Alas-tres ng dumating sina Mama galling ospital bitbit ang bagong miyembro ng
aming pamilya na si Baby Anya.
11V-F. Kahit
gusto ng katawan ko na humiga lamang, bumangon pa rin upang masilayan muli ang
munting anghel at nakakatuwa. Habang pinagmamasdan muli ang sanggol, sumasagi
sa isipan kung paano ako inilagaan ni Mama nung panahong sanggol pa lamang
ako’t kamusta kaya ang aking lagay. Sabi nga nila, minsan lamang maging bata
kaya hangga’t bata ka pa, kailangang sulitin na. Nalulungkot ako pagkat hindi ko
nasulit ng lubos ang pagiging bata subalit hangga’t nabubuhay sa mundong ito,
may pagkakataon pa para sulitin ang buhay at gawin ang mga naisin. Pagkatapos,
balik ako sa paghilata’t mukhang sasamain ng lagay na huwag naman sanang
maganap pagkat Graduation na namin sa Lunes at may Baccalaureate Mass pa bukas. Bukod sa nanghihina ng lagay,
sumasakit din ang ulo ko’t parang nasusuka. Sa takot na lumala ang kalagayan,
hindi ako nagkikilod-kilos. Pagsapit ng gabi’t gawa na nanamlay pa rin, maaga
akong natulog.
April 14, 2018
Saturday
Year VI-104
11V-G. Kahit paano’y bumabalik na ang aking lakas at
hindi na nahahapo kahit mga simpleng kilos lamang subalit panay pa rin ang
aking pagdumi’t patuloy sa pag-aalburoto ang Sikmura. Dahil ngayong araw
gaganapin ang aming Baccalaureate Mass, hindi
na ko naging maligoy pa sa pagkilos, sa takot na mahuli’t walang maupuan. Kahit
anuman ang aking pagmamadali kung talagang mahuhuli na, nahuli pa rin ako ng
dating at saktong nagsimula na ang misa pagkatungtong ng simbahan doon sa Lagro. Bukod sa nagsimula na ang Baccalaureate Mass, wala na rin
maupuan, sa dami ba naman naming magsisipagtapos at hindi kinaya ng kapasidad
ng Simbahan. Dahil malayo’t nakatayo pa
sa ilalim ng init ng araw, kawalan gana nang making sa homiliya ng Pari, wala
akong ginawa kundi hagilapin ang mga kaklase. Ilang sandali pa nang mamataan ko
sina Ate Charm at saktong walang
nakaupo sa kanilang tabi kaya naging pagkakataon na upang umupo.
11V-H. Himala lamang at sa kabila na may Diarrhea pa rin ako, hindi naman
humihilab ang sikmura habang kasagsagan ng misa subalit minamalas ng lagay
pagkat natuklasang hindi pala nadala ang pitaka, napapaisip na tuloy kung
kanino uutang ng pangkain o baka umuwi muna ako. Dahil sa pagiging inutil ko,
nagkakaaberya! Tumagal ang misa ng isang oras at kalahati at pagkatapos,
nagkaroon pa ng Awarding Ceremony at binigyan ng parangal ang mga ilang
estudyante na galing sa iba’t ibang kurso. Nang makaramdam ng pagkainip ay
napagpasyahan na naming umalis. Sa halip na magkanya-kanya na sa pag-uwi,
tumungo pa kami ng school upang i-claim ang ticket sa Registrar Office. Manlaki
ang mata namin sa gulat nang datnang napakahaba ng pila at hindi pa halos
umaandar. Dala na aabutin ng siyam-siyam bago makapasok sa Registrar at wala
pang dalang pera pambili ng pagkain, napagpasyahan ko munang mangutang ng
pamasahe kay Ate Charm at umuwi. Sa
tindi ng namamayaning alinsangan ng panahon habang nasa biyahe, sumakit bigla
ang ulo ko pagdating ng bahay. Nananghalian muna ako at nagpahinga pagkat
muling nilukuban ng lakas ang pakiramdam at sumasakit din ang ulo.
11V-I. Sa sakit ng ulo, mukhang tinatamad ng bumalik
ng paaralan at gusto’y gugulin ang oras sa pagpapahinga subalit kailangan gawin
alang-alang sa Ticket ng Graduation. Bandang Ala-una nang mag-utay-utay ako at
kahit may kainitan ang lagay ng panahon at masakit pa ang ulo, lakas loob pa
ring nagtungo sa School. Pagkatungtong at kasama sina Hannah, ang haba pa rin ng pila. Masakit ang ulo ko’t mukhang hindi
kakayaning tumayo ng matagal at baka matumba kaya natutukso nang sumingit.
Namataan ko naman ang ilang kaklase gaya nina Bonna na malapit sa may Registrar Office at pumayag naman ang mga
ito na pasingitin ako, sa kondisyong ibebenta ko sa kanya ang isa pang Ticket.
Bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagpapasingit nila sa akin, sa halip na
ibenta ay napagkasunduang ibigay na lang ang Ticket sa kanya. Hindi pa
nagbubukas ang Registrar Office upang kuhain ang Ticket kaya kahit
sasakit-sakit ang bungo ay nakuha pa rin makipagkwentuhan kina Mara.
11V-J. Hindi kalayuan mula sa kanilang pwesto ay
saktong naroroon si Jed, masaya
nanaman ang bawat sandali dahil sa kanya’t ibig sanang lapitan ito at
samantalahin ang marahil ay huling pagkakataon na masisilayan ito, nahiya lang
ako. Yung tipong masakit ang ulo ko na kanina pa iniinda, nakakalimutan dahil
sa presensiya niya. Saka lang ako nagkaroon na lumapit sa kanya nang tawagin
nina Neville, marahil ay
makikipag-asaran muli sa akin at kahit buwisit na buwisit ako sa lalaking iyon
dahil walang araw na sa tuwing nagkikita kami’y pinipintasan niya ko,
nakisama’t lokahan pa rin sa kanya, mapansin lang ni Jed. Hindi nga ko nabigo’t bukod sa napansin, pinagtitripan pa niya
ko’t gaya pa rin ito ng dati na kahit mahusay makipag-asaran, hindi ka
mapipikon.
11V-K. Kahit mukhang matatagalan pa bago magbukas
ang Registrar Office, hindi nakakainip ang maghintay. Bagkus ay nalilibang pa
nga ako pagkat kabiruan siya sa muling pagkakataon. Tigil ang pakikipaglokohan
sa kanila nang magbukas ang Registrar at umandar ang pila. Sa bilis ng usad ng
pila, wala pa sa trenta minutos ay nakakuha na ko ng Ticket, iyon nga lang ay
kailangan ibigay ang isa kay Bonna
pagkat isa lang ang sasama sa akin sa Graduation. Kinagabihan, sakrapisyo muna
sa panunuod ng Telebisyon pagkat may batang natutulog sa kwarto ng ate at baka
ito’y mapahagulhol kapag nagising. Walang magawa kaya pagsusulat mg kwento ang
aking napagkalibangan. Nang tamaan ng antok, saka lamang naisipang matulog.
April 15, 2018
Sunday
Year VI-105
11V-L. Namamayani ang kaunting pagkasabik sa dibdib
pagkat bukas na gaganapin ang aming Graduation Day sa Philippine
International Convention Center. Sa loob ng halos Labing walong taon na
kailangan pang gumising ng maaga kahit aandap-adap pa ang mga mata sa antok,
para lang makapasok sa eskwela at makakalap ng kaalaman ang isipan, hirap at
pagod na dinadanas habang nag-aaral, nakakatuwang isipin na lahat ng iyon ay
nalampasan at nagkabunga na, bunga na siyang matatamo kinabukasan kaya sobrang
nagpapasalamat sa Diyos pagkat bukod sa hindi niya ko pinabayaan habang
naglalakbay sa pag-aaral, binigyan niya ko ng lakas ng loob na harapin ang
lahat ng hamon bilang buhay estudyante.
11V-M. Ngayong matutuludukan na ang aking pagiging
estudyante, hiling na sana’y kayanin pa kung anuman ang mga panibagong
responsibilidad na aking kakaharapin. Batid ko na ang pagtatapos ay hudyat na
pagsisimula pa lamang ng panibagong laban at paglalakbay. Saktong maliwanag na
sa labas nang ako'y magising nang may kasiglahan at kaginhawaang nadarama
matapos ang ilang araw na may dinaramdam ang katawan. Dahil walang magawa't
nababagot ng lagay, paglilinis sa loob ng bahay ang aking inatupag. Pagpatak ng
tanghali, tumungo kami ni Mama sa Ever Gotesco Mall upang magpagupit at
paayos na rin ng buhok. Bukod sa ginugupitan ay binanlawan pa ang aking buhok
kaya ang sarap sa pakiramdam at para akong nagpapa-rebond sa isang susyaling
salon.
11V-N. Matapos gupitan, anong aliwalas kung
pagmamasdan ang aking mukha. Bago umuwi't dahil Linggo at para magpasalamat na
rin sa dakilang maykapal pagkat makakapagtapos na bukas, naisipan muna namin
magsimba. Saktong nagsisimula na ang misa pagkatungtong namin sa Saint
Peter's Church. Pagkauwi at gawa na pagod ng lagay, diretso pahinga muna
ako at kailangan mag-beauty rest para kikinam-kinam ang kagandahan bukas at
baka mabighani pa si Crush kapag nagkita kami't paalam na. Kinagabihan at gawa
na sumasanib ang pagkasabik sa dibdib, hindi na ako makatulog.
April 16, 2018
Monday
Year VI-106
11V-O. Yung
pakiramdam na matapos ang mahabang paglalakbay, mahirap man at nakakapagod, sa
wakas ay narating ko na ang pinakatuktok ng bundok. Nag-uumapaw ang galak sa
dibdib pagkat hindi akalaing makakarating ako sa ganito, ang makapagtapos ng
pag-aaral bilang kolehiyo. Gawa ng pagkasabik at magdamag na hindi makatulog,
maaga na kong bumangon. Dahil mamayang hapon pa gaganapin ang aming Graduation
Ceremony doon pa sa PICC, wala na kong ginawa kundi maghanda-handa't
paganda na rin. Kahit natutuwa man ako pagkat abot kamay na ang bituin,
nalulungkot pagkat mapapahiwalay na ko sa mga kaklase na naging malapit ang
loob sa akin. Nagkaroon lamang ng aberya pagkat sa hindi inaasahan, biglang
na-stress si Mama, sa kadahilanang hiniling ko sa kanya na magtungo muna kami
sa Simbahan bago magpunta ng PICC. Dahil may kondisyon si Mama at ayaw
kong masira ang araw na ito, hindi ko na pinilit pa ang kagustuhan. Bandang
Alas-nuebe nang magsimula na kaming magbihis at nang dumating ang maghahatid sa
amin, dumako na kami patungong PICC. Dahil nagkaroon ng problema si Papa
sa kanyang pagreretiro, si Mama lamang ang sumama sa akin sa PICC at
bandang tanghali nang makarating kami doon. Makalipas ang pitong taon magmula
nang huli akong mapadako roon, ang laki na ng pinagbago kaya maligaw-ligaw ako
halos at hindi na alam kung saan ang daan patungong Plenary Hall.
Karamihan sa aking mga namamataan, puro mga estudyanteng nakasuot ng itim na
Toga at hindi ko na maiwasang ma-overwhelm.
11V-P. Ilang
sandali pa nang mamataan ko ang ilang mga kamag-aral at habang hindi pa
pinapapasok sa Plenary Hall, walang ginawa kundi magkuhaan ng litrato at
sulitin ang natitirang sandali na magkakasama. Pagkapasok ng Plenary Hall,
anong lamig sa pakiramdam at ang lawak ng hall, mukhang kasyang-kasya kaming
lahat kahit isali pa ang ibang campus, baka nga sobra pa. Sige kami sa kuhaan
ng litrato at nakukuha pang mag-posing kung saan-saan habang nakapila pa lamang
at hindi pa nagsisimula ang Graduation Ceremony. Bandang Ala-una nang magsimula
ang Graduation Ceremony at isa-isa kaming kinuhaan ng Video kaya nang ako na'y
todo pagngiti ang aking ipinakita. Sa dami naming magsisipagtapos, kasama pa
ang mga taga-Pampanga, halos dalawang oras din ang lumipas nang makaupo
kaming lahat. Nagkaroon muna ng Introduction of Colors at isa-isang ipinakilala
ang mga Dean at Head ng bawat department.
11V-Q. Nang
maipakilala lahat ng Leaders, isa-isa na kaming pinapunta sa entablado upang
kuhain ang pinilot na papel na sa una'y akala ko ay Diploma, iyon pala'y
Message lamang mula sa may-ari ng unibersidad. Nang makakuha ang lahat sa amin,
nagkaroon pa ng ilang programa. Bandang Alas-kwatro nang matapos ang
Commencement Exercise at ang kaninang kami malabahaghari ang mukha sa tuwa,
nag-iiyakan na habang nagyayakapan at nagpapaalam. Ayaw ko man isipin na ito na
ang huling pagkakataon na makikita ang mga kaklase subalit hindi na rin
mapigilang maiyak. Nagtapos man kami, hindi nangangahulugang na iyon na ang
huling pagkakataong magkikita-kita kami at maghihiwa-hiwalay, friendship never
dies whatever happens. Sobrang ma-miss ko ang naging buhay sa college pagkat
para sa akin, iyon ang pinakamasayang bahagi ng aking pag-aaral, mas may masaya
pa kung ikukumpara nung Elementary at High School pa lamang ako.
11V-R. Sadyang
kay bilis ng panahon at hindi mo mapipigilan ang pagtakbo nito. Pagkalabas ng Plenary
Hall, nagkaroon muli ng problema pagkat hindi ko makita si Mama. Ilang
beses ko na itong tine-text, tinatawagan na nga subalit hindi naman ito
nasagot. Sa laki ng PICC, naging pahirapan sa akin ang mahanap ito't
masisiraan na halos ng tuktok pagkat nagpapanik na. Iyon pala, nasa labas na
ito't kanina pa raw naghihintay. Sa halip na umuwi na't dahil kapwa gutom na,
tumungo muna kami sa Mall of Asia para doon na maghapunan. Balak pa sana
namin mamasyal, kaso mga pagod na't gabi na rin. Inabutan na kami ng rush hour
kaya laking pangamba na baka maipit sa trapik subalit hindi naman naganap at
mabilis na nakakausad ang sinasakyang Bus, iyon nga lang ay daming mga
pasaherong nagsisipagsakay at punuan at siksikan na. May isa ngang babaeng
nagdadalang tao ang saktong napatapat sa akin.
11V-S. Sa
una'y medyo nag-aalangan akong paupuin ito pagkat mahirap makahanap ng
panibagong maupuan at may kasama pa ko, kaso dala na rin ng konsensiya at awa,
labag man sa kalooban ay pinaupo ko, tuloy ay isa na ko sa mga nakatayo't
kailangan ibalanse ang katawan para hindi matumba subalit ayos lamang pagkat ang
mahalaga, nakatulong ako sa kapwa at ang gaan sa pakiramdam kapag nagagawa
iyon. Bandang Alas-nuebe nang makarating kami sa bahay at dahil bagsak na ang
katawan sa pagod, diretso hilata na sa kama hanggang sa makatulog.
April 17, 2018
Tuesday
Year VI-107
11V-T. Gumising
akong balot sa kaginhawaan ang kalooban pagkat nairaos din ang labing walong
taong iginugol ang buhay sa pag-aaral. Problema ko naman ngayon kung saan
makakahanap ng trabaho at marahil ay kailangan ko munang bigyan ng sapat na panahon
ang sarili upang makapag-isip-isip at nilay kung ano ang balak sa buhay ngayong
nakapagtapos na ko. Balak ko sanang magpahinga muna ngayong araw subalit hindi
maaari pagkat kailangan ko samahan ang ate sa pagpapa-check up nito pagkat
nahihirapan daw maglakad dulot na namamaga pa ang kanyang Puerta dahil sa
panganganak. Kaagad naman kaming nakarating sa Commonwealth Hospital
subalit kinailangan pang maghintay pagkat wala pa ang Ob-gyn. Ilang
sandali pa nang dumating ang Doktora't pumasok na ang ate. Nang makapagpa-check
up, dumaan pa kami sa Pharmacy upang bumili ng gamot. Nang makita'y halos
ikalula ko ang presyo pagkat kay mamahal sa kabila na galanggam lamang ang laki
nito't pwede mo siyang lunukin kahit walang tubig.
11V-U. Pagkasakay
ng Taxi pauwi, mairita ako sa Driver pagkat panay labas ng reaksyon, wala naman
kinakausap at katabi ko pa man din, walang ginawa kundi magtiyaga na lamang.
Nang kibuin namin, daig pa ang taklesang mga babae pagkat napakadaldal at di
nauubusan ng sasabihin. Ayos sa akin na maging madaldal ang isang tao, basta
makabuluhan ang kanyang sinasabi't nakakalibang o interesting, huwag lang sa
taong parang elisi kung magsalita. Pagkarating ng bahay, saka lamang
nakapagpananghalian. Anong alinsangan ng panahon kaya hindi makapag-beauty rest
ng maigi. Gawa na nababagot ng lagay, maghapong tutok ang mata sa Social Media
at tamang stalk din sa account ng taong pinipintig ng puso. Kinagabihan,
panunuod naman ng Television ang napagkalibangan at talagang tutok ang mga mata
sa pagsubaybay sa mga drama. Nang dapuan ng antok, saka ko lamang
napagpasyahang matulog.
April 18, 2018
Wednesday
Year VI-108
11V-V. Inabutan
muli ako ng liwanag sa paggising dala na napasarap ang tulog dulot na
napakaganda ng aking napaginipan. Kung ganon lamang palagi ang aking
napapaginipan na napakakulay, nanaisin kong huwag nang magising pa at matulog
habambuhay. Pagkaalmusal at dahil walang magawa ngayong tapos na ang pagiging
buhay estudyante, gawaing bahay ang inatupag ko. Maya-maya pa ay tumungo na ko
ng School upang isauli ang Toga. Pagkatungtong, saktong iilan pa lamang ang
nakapila’t mukhang karamihan sa amin ay wala pang balak magsauli kaya kaagad
akong nakapagsauli ng Toga. Sa pagsasauli ko ng Toga na ilang araw din
nakasama, napapaisip kung sino kaya ang susunod na gagamit.
April 19, 2018
Thursday
Year VI-109
11V-X. Tatlong araw matapos ang aming Graduation Day subalit hanggang
ngayon ay wala pa ring trabaho. Kung ako ang tatanungin ay wala pa talaga akong
balak magtrabaho, gusto ko’y ituon ang panahon upang mag-review at ihanda ang
sarili sa Board Exam na gaganapin sa October. Nawa’y makapasa ako at bigyan ng
lakas ng loob ng panginoon na harapin ito at tulungan na rin. Nakaya kong lampasan
ang mga hamon sa buhay habang nag-aaral pa lamang, naniniwalang makakaya rin
itong lampasan kung may determinasyon at pananalig. Sana hindi mauwi sa wala
ang lahat ng sakripisyo at pagkukumahog na aking ginawa, kung hindi naman
papalarin, nawa’y maging madali sa akin na tanggapin iyon. Dala na nababagot ng
lagay ngayong isa nang Unemployment, pag-online sa Social Media ang naging
libangan at pampalipas oras ko.
11V-Y. Maya-maya pa'y naisipan kong maglaba. Habang aligaga't
ganadong-ganado sa paglalaba, inutusan ako ni Mama na kumuha ng tricycle pagkat
aalis sila ngayon ni Ate upang ipatingin si Baby Anya. Minamalas lamang
ng lagay pagkat sakto ang nakasagutang tricycle driver nung isang taon pa ang
kasunod at nakatokang maghatid kina Mama. Nag-uuminit man ang dugo ko't
nag-aalangan din pagkat hindi pa limot ng isipan ang nagawa nitong pambabastos
at pagwawalang hiya sa akin, no choice ako kundi kuhain siya't nakitungo pa rin
ng maayos. Sa dami pa naman ng Tricycle Driver na pwedeng magsakay kina Mama ay
bakit siya pa, isang tsuper na walang ayos sa pamamasada, wala pang modo kung
makitungo sa pasahero at subukan lang niyang magsalita kina Mama at siraan ako
dahil magkakasubukan kami't hindi na magdadalawang isip na ireklamo ito sa
barangay!
11V-Z. Nang makasakay sina Mama ay ipinagpatuloy ko ang pagiging labandera
at doon ibinuhos lahat ng inis. May kaaliwalasan ang panahon kaya perfect
timing para makapagpatuyo ng sinampay. Kinahapunan at nang pagkauwi nina Mama
galing Hospital, problema muli ang kinakaharap pagkat muli raw ito
nade-depress, hindi ko malaman kung dahilan ng kanyang nararanasan o marahil ay
likas na sa kanya iyon, yung tipong madaling ma-stress at depress. Maya-maya
pa, tumatawag na ito't marahil ay nararamdaman muling kakaiba na hirap
ipaliwanag. Hindi ko na alam ang gagawin at hindi ko ibig ang ma-stress sa
kakaisip ng paraan kaya hinayaan na lamang siya.
April 20, 2018
Friday
Year VI-110
11W-A. Sa sarap muli ng tulog, nagniningning na ang liwanag sa labas nang
ako'y magising. Si Mama na kahapong balisa't tila nawawala sa sarili,
maayos-ayos na, ni nakakausap na nga namin ito at kakwentuhan. Dahil may lakad
ako ngayong araw, matapos mag-agahan ay kaagad nang naghanda-handa. Bago
magtungo sa mga Review Center upang mag-inquire, dumako muna ako sa Saint Peter
Church upang magdasal at dumulog ng tulong sa maykapal. Matapos magdasal,
saka lamang tumungo sa Diliman Preparatory College. Nang makakuha ng
sapat na impormasyon at maliwanagan ang isip hinggil sa sistemang pinaiiral
nila sa pagre-review, tumungo naman ako sa Top Rank doon sa Lagro.
Mukhang matatagalan pa bago magsimula ang kanilang review session para sa Psychology
at hindi nakaka-satisfy kaya napag-isip-isip na mag-inquire pa sa iba.
11W-B. Sa Morayta, Manila ko naisipang magtungo't bago ipagpatuloy
ang pag-inquire at dala ng gutom, kumain muna ako. Pagkatapos ay on the go na
ko sa pag-inquire at sa Pentagon Review Center sunod na tumungo. Sinabi
ng nangangasiwa na nagsimula na ang kanilang review session subalit tinanggap
naman nila ako, iyon nga lang ay tuwing Linggo lamang ang review session at
kailangan ko maghabol sa mga na-miss na study. Kung iisipin ay mukhang magiging
pahirapan ang pagrerepaso kung doon kaya napagpasyahang huwag na lamang. Sa Top
Rank Morayta Branch naman ako sunod na nag-inquire at nang maliwanagan at
bigyan ng sapat na impormasyon, hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa sa pag-alis.
Balak ko pa sanang mag-inquire at hanap ng ibang review center, kaso pudpod na
ang lakas ko't idagdag pa ang maalinsangang panahon, sakit sa ulo. Halos naghihingalo
na ang liwanag nang ako'y makauwi nang may kaginhawaan sa dibdib.
11W-C. Kinagabihan at sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng hidwaan
sa pagitan namin ni Mama dahil lamang sa naisturbo ko ang kanyang pagtulog.
Kung makapag-react ito, parang sobrang panghihinayang niya na nasira ko ang
tulog na tipong pinagsakluban ng langit at lupa at ipinararamdam din na parang
ang laki ng nagawa kong kasalanan kaya hindi na napigilang mag-init ang dugo't
nasagot-sagot ito. Gaya ng dati, walang humpay ang kanyang pagbubunganga,
paulit-ulit lamang ang sinasabi. Gabi na at ibig ko na ring matulog kaya
hinayaan na lamang ito sa pagbubunganga't mapapagod din kapag kalaunan. Maliit
at simpleng bagay, masyadong pinalalaki't napakababaw niya!
April 21, 2018
Saturday
Year VI-111
11W-D. Mataas na ang sikat ng araw nang ako'y magising at sa kabila na may
nagyaring hindi kanais-nais kagabi, nanatiling maginhawa pa rin ang pakiramdam
sa aking paggising. Dahil kaarawan ngayon ng aking butihing ama't ipagdiriwang
din ang aking pagtatapos sa kolehiyo, naging abala sina Mama at Papa sa
paghahanda ng panghanda. Sa kabila na ako'y nakatulog, hindi mawari kung bakit
inaantok ngayong araw subalit dahil walang magawa, tumulong pa rin ako.
Pagtatanggal ng balat ng hipon ang aking pinagkaabalahan. Sa una'y medyo
nahihirapan ako't madalas ay nadudurog ang laman kapag nababalatan subalit
nakuha naman ang tamang pagbabalat kinalaunan at sa dami, abutin ako ng isang
oras bago matapos. Dala na aandap-andap talaga ang mata sa kaantukan, umidlip
muna ako. Bago magtanghali, dumating ang Tita Susan kasama pa ang mga
pinsan ko na sina Angelle, Butchok at Lyka. Habang hindi
pa naluluto ang ipapakain sa kanila, kamustahan at kwentuhan muna kami.
11W-E. Maya-maya pa'y oras na upang magkainan. Dahil may nagdiriwang din
ng Birthday sa aming kapit-bahay, naging napakaingay ng kapaligiran dahil sa
kanilang Videooke. Ni hindi na nga kami magkarinigan habang nag-uusap at sa
totoo lamang ay rinding-rindi na ng lagay subalit walang magagawa kundi
magtiis. Kapwa nababagot kami kaya naisipang tumambay sa labas magpipinsan at
doon tumambay. Pagsapit ng Alas-tres, naisipan kong ipasyal ang aking mga
pinsan. Sa sobrang alinsangan ng panahon na halos makatupok balat, napakain na
kami ng halo-halo. Walang ibang ginawa sa maghapon kundi lumantak ng lutong
panghanda't makipagkatuwaan sa mga pinsan. Ang saya ng araw ko dahil sa
kanila't parang mga kapatid na rin ang turingan sa isa't isa nung kami'y bata
pa.
11W-F. Bago gumabi nang magpaalam
na sa amin sina Tita Susan at inihatid ko sila hanggang sa sakayan. Dala
na wala pa kong balak umuwi pagkat nuknukan sa ingay ang lugar, naisipan kong
bumisita sa bahay ng aking kaibigan. Kina Shiela ko naisipang gumawi't
saktong naroroon ito maging ang kanyang asawa na si Kuya Erik. Dahil
ngayon lamang muli nakabisita sa kanila matapos ang mahabang panahon,
napakarami kong baon na kwento sa kanya kaya ang usapan naming magkumare,
napapasarap at nakakalibang ang bawat sandali. Bukod sa nakakalibang ay
nadagdagan pa ng pagkaaliw nang dumating ang anak nitong si Valerie at
ayos-ayusan ako. Halatang bagot ang bata kaya ako ang naisipan nitong
pagdiskitihan at kahit bata pa lamang, nakakatuwa dahil mahusay na siyang
maglapat ng kolerete sa mukha maging lipstick kaya ang resulta, mukha na kong
Beauty Queen at feel na feel ang pagiging gandang babae.
11W-G. Bukod sa nilagyan ng lipstick, tinali-tali pa nito ang buhok ko't
nakaka-relax. Napasaya ang pananatili ko kina Shiela dahil kay Valerie
na bukod sa marunong nang mag-make up, napakabibo pa kaya inabot na ng gabi sa
kanila. Kina Cathy ako sunod na bumisita't saktong may handaang
nagaganap sa kanila. Ipinabatid sa akin ni Ate Ging na Graduation Party
daw iyon ni Cathy at nakakatuwa dahil bukod sa akin, nakapagtapos na rin
siya ngayong taon, sa Senior High School nga lang. Tingin ko ay malayo ang
mararating ni Cathy pagkat kits sa kanya ang pagsusumikap at hindi ito
katulad ng karamihan sa mga kabataan ngayon na puro bulakbol at landian ang
inaatupag sa buhay kaya maagang napupunta sa responsibilidad bilang magulang.
11W-H. Gaanoman karami ang kanilang handa, naging mahinay pa rin sa
pagkain dulot ng hiya. Matapos kumain at dahil may delikadesa ako sa kanila,
nanatili muna't nakipagkamustahan. Lumalalim na ang gabi't sa takot na
mabagansiya at magahasa ng mga kalalakihan dahil sa ganda kong ito,
napagpasyahan ko nang magpaalam sa kanila. Pagkauwi, nakakarimarim pa rin ang
ingay dulot ng kapit-bahay naming walang puknat kung makabirit sa karaoke.
Nanalytay naman ang katahimikan pagsapit ng Alas-dyis at dala na aandap-andap na
ang mata sa antok, karaka-karaka nang inihimlay ang sarili sa kama.
April 22, 2018
Sunday
Year VI-112
11W-I. Naghahari na ang kaingayan sa labas nang ako'y magising at
bumangon. Dala na nababagot ng lagay pagkat walang magawa, pagtitinda ang aking
pinagkaabalahan. Gaya ng mga nakalipas na araw habang ako'y nagtitinda, kung
ano ang nakakasama sa kalusugan, iyon pa ang mabenta gaya ng alak at sigarilyo.
Habang bantay-sarado ang mata sa pagtitinda ang biglang pagbisita nina Tita
Jasmin kasama ang mga maliliit kong pinsan. Ang bahay na kanina'y
malabiyernes-santo sa katahimikan, umingay dahil sa kanila. Bago magtanghali
nang umalis ang aming mga bisita. Kinahapunan at dahil Linggo, naisipan kong
magsimba. Saktong magsisimula pa lamang ang misa pagkatungtong sa Saint
Peter Church kaya kaagad akong nakapasok at nakahanap ng mauupuan.
11W-J. Matapos ang misa at dahil
masyado pang maaga, naisipan kong magtungo sa Ever Gotesco Mall at doon
na rin kumain. Wala pa talagang balak umuwi kaya dumaan pa ko kina Shiela
subalit wala ang mga ito kundi sina Regine (Miano) lamang ang aking
nadatnan. Dahil matagal-tagal ko din itong hindi nadadalaw, naparami ang aming
kwentuhan. Madilim-dilim na sa labas nang ako'y makauwi't ulam agad ang
hanap-hanap ng isip. Kinagabihan ay yumanig muli ang pagkahabag sa dibdib nang
matunghayan ang kwento ng isang matandang babae na may tumor sa mukha sa isang
tampok na programa sa Kapuso mo Jessica Soho.
11W-K. Kaawa-awa ang kanyang kalagayan pagkat araw-araw ay may kinakaharap
siyang kalbaryo dahil sa bukol sa mukha na kasing laki na ng pakwan at
nahihirapan ito sa tuwing matutulog pagkat sumasakit kapag naiipit. Sa kabila
ng kanyang kinakaharap, nanatili pa rin itong matatag at dalanging marami ang
tumulong sa kanya maoperahan na ito't maging matagumpay ang kanyang operasyon.
Napagtanto ko may mga tao pa palang nahaharap sa mas matinding pagsubok kumpara
sa kinakaharap namin na marahil kung iisipin ay wala pa sa kalingkingin,
subalit nakakaya nila at hindi nawawalan ng pag-asa. Kasing lalim na ng balon
ang gabi nang mapagpasyahan kong matulog.
April 23, 2018
Monday
Year VI-113
11W-L. Dahil naging masarap ang tulog sa magdamag, may kasiglahang
nagising at bumangon. Sana ganito rin si Mama, nakukuha ang masarap na pagtulog
nang sa ganon ay mawala sa kanya ang pag-aalala't bumalik na sa dati ang mga
kinikilos niya. Nami-miss ko na ang dating si Mama na masiyahin at madaldal,
hindi katulad ngayon na may mga araw o oras na nagmumukmok ito't nababalisa ng
lagay. Pagkaalmusal, pagbabantay muli sa tindahan ang naging pampalipas oras ko
hanggang magtanghali. Matapos mananghalian at gawa na walang magawa, heto muli
ako't lulupasay sa kama hanggang makatulog. Matutulog sana ako subalit hindi
magawa dulot na napakaalinsangan ng panahon at halos maligo na sa sariling
pawis pagkat tagaktak. Kinagabihan, muling nawawala sa katinuan ang ilaw ng
tahanan kaya kaming mga nagmamahal sa kanya, nababahala't nababalisa na ng
lagay. Iyan ang hirap sa kanya, kung ano-anong mga bagay ang pinapapasok sa
isipan kaya ang resulta, mistulang nawawala sa sarili kapag nakakaramdam ng
matinding pag-aalala.
11W-M. Sa totoo lamang ay hindi na namin alam ang gagawin at nauubusan na ng pasensiya sa kanya. Ang ate naman, bakas sa kanyang mukha ang matinding stress, paano'y
bukod sa obligasyon niyang alagaan si Baby Anya, dumadagdag pa si Mama
sa aalalahanin, maging ako'y nakakaramdam na ng stress. Ngayong muli kaming
nahaharap sa problema, naniniwalang kakayanin hanggang sa malampasan ito. Dahil
nagkakaproblema na sa bahay, minabuting magsara na ko ng tindahan nang maaga.
Patuloy sa pagsigaw si Mama't galaw pa nang galaw na hindi na mawari kung ano
ang nangyari sa kanya. Medyo natagalan pa bago ito kumalma. Hindi ko talaga
sukat akalain kung bakit nagkaganoon si Mama.
April 24, 2018
Tuesday
Year VI-114
11W-N. Mabigat man ang dinadala ng kalooban dahil sa nangyari kagabi na
kung iisipin ay nakakapagbigay talaga ng stress subalit walang mangyayari kung
magpapadala lamang sa stress at panghihinaan ng loob, kailangan lumaban
hangga't nabubuhay. Dahil kailangan muli sumailalim ni Mama sa konsultasyon
pagkat muling nawawala sa sarili, maaga pa lamang ay bumangon na ko at
naghanda-handa para samahan ito. Saktong maayos-ayos si Mama hindi katulad
kagabi na mawindang kami halos sa pagka-paranoid nito kaya walang dahilan upang
hindi ituloy ang pagpapa-check up at sa agap namin, bandang Alas-otso nang
makatungtong sa Saint Luke Medical Hospital. Saktong naroroon na ang
doktor ni Mama na Psychiatrist subalit kinailangan pang maghintay pagkat
may naunang kliyente sa amin. Gawa na nababagot ng lagay at kahit nakakasawa na
pagkat paulit-ulit na lamang, nagawa pa ring makipag-usap kay Mama.
11W-O. Makaraan ang higit isang oras na paghihintay, sa wakas ay tinawag
na kami't pinapasok. Dahil Psychology lang ang tinapos at hindi Psychiatrist,
out of place pa rin ng lagay pagkat puro sa gamot ang laman ng kanilang usapan
subalit may nakukuha naman kahit paanong ideya. Medyo nalilito ako sa turan ng Psychiatrist
kaya di mapigilan ang magtanong. Hindi naman gasinong nagtagal ang konsultasyon
at pagkatapos, kaagad na kaming umuwi. Pagkauwi at dala na kanina pa kumakalam
ang sikmura, ulam agad ang hanap-hanap subalit kailangan pang magdelihensya.
Pagpatak ng hapon at sa kasarapan ng aking pagsi-Siyesta, yumanig muli
ang takot sa dibdib pagkat umuulan at sinabayan pa ng pagkulog at kidlat.
11W-P. Sa talim ng kidlat na tipong nag-aapoy at nakakamatay kapag
tinamaan, pagpawisan sa sobrang pagkabalisa. Sa kabila na bumuhos ang ulan,
nanatili pa ring maalinsangan ang panahon hanggang sa pagsapit ng gabi. Walang
magawa kaya heto muli ako't buhay tindero ng mga oras na iyon. Matutulog na
sana subalit hindi magawa pagkat namamayagpag muli ang kaingayan sa labas dulot
ng mga tambay at may kasama pang mga babaeng Pabebe kaya iritableng-iritable
ang pandinig, tapos kung makatili't halakhak, parang tinutuhog ng paulit-ulit
ang kipay, ang lalandi't sarap sampigain! Saka lamang nakatulog ng maayos nang
maglaho ang kaingayan.
April 25, 2018
Wednesday
Year VI-115
11W-Q. Nanatiling maginhawa na may sigla't kulay ang paggising ko sa
umaga't pagkaalmusal, pagtitinda muli ang inatupag ko. Sa kadahilanang
mag-i-inquire muli ako ngayong araw sa ibang review center, maya-maya pa'y
naghanda-handa na. Habang nasa biyahe at ang kaninang ako na banayad ang
pakiramdam ay biglang nagbago nang sumakay ang mga batang kung pagmamasdan ay
kay rurusing ng hitsura at umaalingasaw pa ang pagiging amoy araw nila. Kaya ko
naman silang pakisamahan sa kabila ng kanilang hitsura't amoy subalit kung
mag-usap-usap, parating nilalahukan ng mura't ang iingay pa, walang pasintabi
sa mga kasamahan nilang pasahero kaya di ko na mapigilan ang mabanas at parang
ibig nang bumaba pagkat nasusuya ng lagay, katabi ko pa man din. Kawawa naman
sila na hindi na pinag-aral ng magulang, lumalaking walang modo't sa lansangan
na lang umiikot ang mundo kasama ang mga taong sa halip na magpabuti sa kanila,
nakakasama pa.
11W-R. Sa totoo lamang ay hindi ako sanay makisama sa ganong klaseng tao
kaya kahit may kalayuan pa ang bababaan, bumaba na ko. Mas maigi na ang
maglakad kaysa makasalamuha ang mga taong ang dudungis na nga, pati
pag-uugali'y kasing dugyot ng mga batang pinabayaan ng magulang. Sa Top
Board Review Center ako nagtungo doon sa Fairview subalit sinabi ng
mga nangangasiwa na Nursing lang ang kanilang tinatanggap. Nadismaya man
sa sinabi, hindi naman ako nawawala ng pag-asa. May isa pa kong review center
na pinuntahan sa may Fairview din, ang kaso ay nahihirapan akong
matunton iyon dahil hindi kilala ng mga residenteng napagtatanungan ko.
Nauubusan na ko ng pasensiya sa kakahanap nun kaya napagpasyahang itigil na't
nakakapagod.
11W-S. Wala pang balak umuwi kaya naisipan ko pang magtungo sa Novaliches.
Kung kailan palapit na ang yapak ko kina Tita Cleo, biglang nagbabadya
ang pagbuhos ng ulan. Gumugulantang muli ang takot sa dibdib pagkat kumukulog
at kidlat at dala na tumitindi na ang namamayaning takot, di muna ako dumeretso
sa kanila kundi sa SM Hypermarket. Dahil malamig at marami pang tao,
naibsan ang nadaramang takot at nanatili muna ako roon hangga't hindi pa
nagwawakas ang Thunderstorm. Dala na kanina pa tinitiis ang gutom, doon na rin
ako nananghalian. Kung kailan umaayos na ang panahon, saka naman ako tinatamad
na magtungo kina Tita Cleo kaya
napagpasyahan nang umuwi.
11W-T. Pagkauwi at dala na napapagod ng lagay, diretso hilata ako sa kama.
Kinagabihan, heto muli ako't aligaga sa pagtitinda. Habang nagpapalipas ng oras
sa pagtitinda, itong si Mama'y muling nawawala ng bait sa sarili't nakukuhang
magsisigaw-sigaw at tawag. Nayayamot man pagkat nauubusan na ng pasensiya,
sinubukan pa rin magpakahinahon at pinangaralan ito. May problema na nga sa
bahay na tipong sakit sa ulo, maingay pa sa labas dulot ng mga tambay. Dala na
naiirita na ang teynga, lakas-loob ko na silang pinagsabihan subalit parang di
nila ako inaalintana't panay pa ang sigawan at tawanan. Nayayamot man ay
hinayaan ko lamang sila't magsasawa't pagod din ang mga 'yon.
April 26, 2018
Thursday
Year VI-116
11W-U. Nagkasunod-sunod man ang mga dumarating na problema, walang dahilan
upang sumuko't hayaan na lamang ang sarili na masadlak sa kalungkutan at
kailangan ay lumaban lang. May kataasan na ang sikat ng araw sa labas nang
ako'y magising at bumangon. Dahil nababagot muli ng lagay ngayong nanatiling
walang trabaho, pagtitinda ang aking inatupag. Gaya na pakiramdam mo'y matamlay
ang kaloob-looban ng bahay dahil sa kinakaharap na problema, naging matamlay
din ang bumibili, nakakawalang gana na tuloy ang magtinda. Upang hindi tuluyang
lamunin ng pagkalumbay, nagpatugtog na lamang ako. Kahit paano'y nawawala ang
lungkot na bumabalot sa katawan dulot ng problema habang nagliliwaliw sa saliw
ng musika't nakakabigay pa ng sigla. Medyo nalibang-libang ako kaya hindi
namamalayan ang pagsapit ng mga oras. Pagpatak ng tanghali't matapos
mananghalian, umidlip muna ako. Napasarap ang pagtulog ko kaya bandang
Alas-singko na nagising. Nababagot talaga ako ng lagay kaya nilibang muli ang
sarili sa panunuod ng Telebisyon hanggang sumapit ang gabi. Nang makaramdam ng
antok sa mga mata, napagpasyahan ko nang matulog.
April 27, 2018
Friday
Year VI-117
11W-V. Patuloy na sumasakop ang antok sa mga mata subalit kailangan nang
bumangon pagkat marami pang balakin ngayong araw. Pagkaalmusal at dahil ngayong
araw na ko mag-e-enroll para sa review, hihingi sana ng pangmatrikula kay Papa,
kaso napurnada dahil muling tinotopak si Mama. Dahil sa pangyayaring di
kanais-nais, napag-isip-isip na sa ibang araw na lamang mag-enroll, kung kailan
magaling na si Mama subalit di ko batid kung kailan magaganap iyon at sa totoo
lamang ay nakaka-frustrate na. Bukod sa nawawalan muli sa katinuan si Mama, ang
ate naman ay nanakit daw ang binti at kagabi pa raw nito iniinda. Pambihirang
naman itong nangyayari sa amin at nagkasabay-sabay ang dumarating na problema,
hanggang kailan naman ito mararanasan. Nauunawaan ko kung di muna mabibigyan ni
Papa ng pera pambayad sa enrollment kaso hindi ko lamang maiwasang magdamdam
pagkat kung kailan heto na ko't tinatahak na ang pangarap sa buhay matapos
maka-graduate, tapos dumating na ang mga pangyayaring humahadlang. Labis kong
ikinadidismaya ang pangyayari kaya tumungo na lamang sa kwarto, nagmukmok
hanggang sa mapahagulhol na.
11W-W. Ayaw kong ma-frustrate at depress pagkat kami na lamang inaasahan
ni Mama upang matulungang labanan ang kanyang sakit subalit mukhang mauuwi na
sa ganoon pagkat nahihirapan na. Sa kabila na kinakaharap naming sitwasyon,
pinilit pa rin ako nina Ate at Papa na mag-enroll na. Ayaw ko sanang tanggapin
ang kanilang alok pagkat iniisip ang pagpapagamot ni Mama, kaso sayang naman
kung pakakawalan at baka lumabas pang nag-iinarte. Ang kaninang pighating
bumabalot sa kalooban dahil sa pangyayari, napalitan ng kasiglahan nang bigyan
ni Papa ng pera. Dahil mamayang tanghali pa balak mag-enroll, nagtinda-tinda
muna ako. Ilang sandali pa'y tumungo na ko sa Diliman College para
mag-enroll. Laking gulat at tuwa ko pagkat bukod sa akin, nakita kong
nakapag-enroll ang ilan sa mga kaklase, may kakilala na ako sa pagrerepaso't
goodluck sa aming lahat, nawa'y magtagumpay kami.
11W-X. Naging madali lamang ang proseso ng pag-e-enroll kaya di rin
nagtagal. Sa halip na umuwi, tumungo pa ko sa Saint Peter Church at
nagdasal-dasal. Nang makapagdasal at dahil gusto ko pa maglakwatsa't ayaw
munang lunurin ang sarili sa stress sa bahay, naisipan kong tumungo sa SM
Fairview. Doon na rin ako nananghalian at dahil madaming dalang kwarta at
may kainitan ang panahon, naisipan ko pang kumain ng susyaling halo-halo na Bingsu
sa Bon Chon. Sa dami at lamig, halos hingalin habang nalantak at
pwedeng-pwedeng pangtanggal ng init sa katawan. Matapos lumantak ng Bingsu
at dahil walang kasama sina Ate sa bahay pagkat may pinuntahan ang aming mga
magulang, napagpasyahan ko nang umuwi.
11W-Y. Kinagabihan, pagtitinda muli ang inatupag ko. Para hindi tamaan ng
pagkabato sa paghihintay ng mga mamimili, naisipan kong magpatugtog. Habang
libang na libang sa pagpapatugtog, may isang lalaki na sa una'y akala ko ay
bibili, iyon pala'y makikipag-usap sa akin at di lang yan, di na nahiya't
nagawa pang pakelaman ang tugtog ko, feeling close! Nayayamot man ako dahil sa
pagiging pakilamero niya, nagawa pa ring makitungo sa kanya ng maayos at gumawa
na lamang ng paraan upang umalis ito. Saka lamang ako nakahinga ng malumanay
nang umalis ito't bakit may taong sadyang makakapal ang mukha, sarap talupan at
ipakain sa aso ang balat! Pagpatak ng Alas-nuebe nang mapagpasyahan kong
magsara. Hindi pa makatulog kaya tamang surf lang sa internet at online sa mga
Social Media. Nang dapuan ng antok, saka napagpasyahang matulog.
April 28, 2018
Saturday
Year VI-118
11W-Z. Mas maaga kumpara sa mga nakalipas na araw ang paggising ko pagkat
tutungo kami ngayon ng ate sa kanyang Condo doon sa Bonifacio Global City upang
tulungan ito sa pag-iimpake ng naiwan nitong gamit. Gawa na hindi gasinong
trapik sa lansangan, mabilis kaming nakarating doon at pagkatungtong sa Forbeswood
Height kung saan namamalagi ang ate tuwing may pasok ito sa opisina,
pakiramdam ko'y susyal ako't bukod sa mayayaman, ang didisente pa ng suot ng
aming nakakasalamuha, parang sarap tumira doon. Kung anuman ang natamasa ng ate
ay matamasa ko rin sana balang araw. Di ko lamang maiwasang mailang sa mga
kasamahan nito sa kwarto at nakaka-out of place din. Sa dami ng mga damit na
kailangang tiklupin at ilagak sa bag, mukhang kukulangin ang dala naming
lagayan at sa dami, hindi lahat ng mga damit ng ate'y naiimpake namin.
11X-A. Nang makapag-impake'y kaagad na kaming umalis. Pagkabalik ng bahay,
nadatnang naroroon ang Auntie Andrea. Dahil batid na nito ang patungkol
sa kalagayan ni Mama, mistulan itong pastora kung pangaralan si Mama. Hindi
lamang namin maiwasang mainis pagkat sa halip na masabihan at makuha sa
pagpapayo, lalo itong lumalala't sinumpong nanaman siya ng pagkapraning.
Kinalaunan ay nahimasmasan naman ito't bumalik sa katinuan. Nakakalungkot
isipin na tila lumalala na si Mama't wala nang pinipiling lugar at oras kung
atakihin ito, maski may bisita. Sa nangyayaring ito, nauubusan na talaga kami
ng paraan pagkat kahit na sino, hindi niya pinakikinggan.
April 29, 2018
Sunday
Year VI-119
11X-C. Panibagong
araw muli ang kakaharapin at sa aking paggising ay hindi naging maganda ang
salubong ng umaga pagkat tila may hidwaang nagaganap sa pagitan nina Mama at
Ate. Iyon pala, magdamag muling hindi makatulog si Mama kaya ito inaatake ng
stress at nawawala sa katinuan. Hindi ko naman masisisi ang ate pagkat kung ako
sa kanyang katayuan, magiging ganoon din ang reaksyon, ang maubusan ng
pasensiya. Hindi ko mawari kung ano ba talagang nangyayari kay Mama at hirap
nitong ispelengin, minsan maayos subalit may mga oras na tila nawawala ito ng
bait sa sarili. Humupa naman ang hidwaan nila kinalaunan at kahit paano,
nakakausap naman ng maayos si Mama. Kung anuman ang kalagayan ni Mama, sana
nga'y magtuloy-tuloy na't hindi na susumpong-sumpong pa subalit sa kabila ng
kanyang ipinapakita, hindi pa rin kumbinsidong magaling na nga ito.
11X-D. Maya-maya
pa, biglang sumanib ang pag-aalala sa dibdib pagkat nawawala si Mama.
Pinuntahan na namin kung saan ito imposibleng magtungo gaya kina Auntie Caling
at Auntie Andrea, kaso wala raw ito kaya sumidhi pa lalo ang pag-aalala
sa dibdib. Nabura lamang ang aming pag-aalala nang mabatid na nakipaglibing
lamang ito sa labi ni Uncle William. Paano, hindi nagpapaalam kaya hindi
talaga maiwasan ang pag-aalala. Ilang sandali pa't habang nagmumukmok dahil sa
mga pinagdadaanan, biglang bumisita si Tita Cleng. Kahit paano'y
nagkabuhay ang kaloob-looban ng bahay dahil sa kanya't natuon sa kanyang mga
kwento ang kaninang akong halos nakatingin sa kawalan. Bandang tanghali nang
makauwi si Mama galing sa pakikipaglibing at pasalamat sa Diyos dahil ligtas
ito. Gawa na walang magawa't tinatamad ng lagay, nag-siyesta na lamang ako.
Hindi lamang makuha-kuha ang pagtulog dahil maingay sa labas dulot ng mga
tambay na walang ginawa kundi maghasik ng kaingayan.
11X-E. Idagdag
pa na maalinsangan ang panahon kaya naisipang huwag na lang matulog at gumawa
ng mapagkakalibangan. Panonood ng comedy show ang naging libangan ko't kabagin
ng husto sa kakatawa. Dahil nahumaling sa panunuod, hindi namamalayang gumagabi
na pala. Kay bilis nga naman ng pagtakbo ng oras at hindi akalaing matatapos
nanaman ang araw. Kinagabihan ng dumating ang mga kaopisina ng ate. Bukod sa
humahalimuyak ang taglay nilang bango, napakadisente pa ng kasuotan, kaya di
mapigilan ang mailang at mahiya, madalas ay doon muna sa kwarto, muling
nagmumukmok.
11X-F. Kahit hirap makisalamuha sa mga kaopisina ng
ate dahil ramdam na hindi sila ka-level, natuwa naman sa dala nilang pasalubong
na Dairy Queen Cake. Sa sarap ng cake na tipong aakalain mong ice cream,
napadami ang aking lantak at di na nakapaghapunan pa. Bandang Alas-otso nang
sila'y magpaalam sa amin at sa kabila na pakiwaring mga anak ng aristokrasya,
ramdam kong marunong silang makisalamuha. Gawa na nababagot ng lagay, panonood
ng telebisyon ang aking naging pampalipas oras. Nang tamaan ng kaantukan sa mga
mata, saka lamang napagpasyahang matulog.
April 30, 2018
Monday
Year VI-120
11X-G. Lunes
nanaman pala subalit huling araw na para sa buwang ito. Maliwanag na sa labas
nang magising ang katawang lupa ko na kagagaling lamang mula sa masarap na
pagtulog na kasing sarap ng pagkaing pangmayaman. Pagkaalmusal at dala na
yumayanig muli ang pagkabagot sa sarili, naisip kong maglinis sa loob ng bahay.
Nang makapaglinis, heto muli ako't buhay tindero ng lagay. Bago sumapit ang
tanghali, tumungo ako sa SM Fairview upang kuhain ang ipinagawang
Graduation Picture. Bandang Alas-onse na ko nakaalpas ang nagkikinisan at
maputing yapak sa nagkikintabang sahig ng SM at damang-dama ang lamig
nito. Saktong bukas na ang Great Image nang ako'y magtungo't agad
nakapasok. Pagkakuha ng mga litrato, may galak sa dibdib akong lumabas at
habang pinagmamasdan ang litrato nakasuot ng toga with cap, di ko mapigilan ang
ma-overwhelm, para akong nagtagumpay sa isang laban na binuno ng mahabang
panahon at hindi malilimutan ang araw na ako'y nakapagtapos sa pag-aaral. Dala
na kanina pa nakakaramdam ng gutom, kumain muna ako sa Chowking.
11X-H. Kapag
marami ka talagang dalang pera, parang makakaya mong bilhin kung anuman ang
pagkaing iyong maiibigan, ang kaso napapatagal pagkat nagiging pihikan na. Nang
makapagpananghalian at dahil wala pang balak umuwi, naisipan ko pang puntahan
ang mga kaanak sa Novaliches. Pagkatungtong kina Tita Cleo,
tanging sina Butchok at Harvey lamang ang nadatnan na walang
ginawa kundi magkulwit ng Cellphone at itutok ang mata sa Computer. Kahit mga
pawang abala sa kanilang kinaaadikan, hindi naman nila pinagkait ang oras na
makakwentuhan ako't sumaya pa lalo ang samahan nang dumating ang dalawa ko pang
pinsan na sina Angelle at Lyka. Wala kaming ginawa magpipinsan
kundi magkatuwaan sa kwentuhan at naramdaman muli maging masaya habang kapiling
sila.
11X-I. Ilang
sandali pa, tumungo ako sa Computer shop upang mag-save ng Picture ng Great
Image sa Facebook. Ilang shop na ang napuntahan ko't nakaabot na nga
sa Sangandaan subalit bigong makapag-save pagkat karamihan sa mga
Computer shop doon, hindi pwedeng salpakan ng Bala ang kanilang CPU. Ano
ba ito't mukhang magiging pahirapan ang pagsi-save at di na mapigilan ang
ma-frustrate. Napu-frustrate man, nagpatuloy pa rin ako sa paghahalughog
hanggang sa may nakita akong shop na pwedeng magsalpak ng CD. Sa una'y
hindi pumayag ang may-ari subalit nadaan naman sa pakiusap. Nang makapag-save
at sa layo ng nilakad ko at idagdag pa ang maalinsangang panahon, pawisan akong
nakabalik ng bahay. Dahil sasama pa ko kay Tita Susan sa Therapy na kung
tawagin ay Ceragem, tumungo ako kung saan ito nagtatrabaho.
11X-J. Saktong nag-aabang na ito nang ako'y magtungo
sa kanilang panahian at kaagad nang umalis. Pagkatungo sa Ceragem Therapy
Center, saktong marami-rami nang mga kliyenteng sumasailalim sa therapy at
karamihan ay matatanda kaya di mapigilan ang mailang. Para lamang itong WAKI
Therapy ang Ceragem pagkat gagamit ng makina upang puksain kung
anumang sakit ang nanalaytay sa katawan subalit ang kinaibihan lamang, sa halip
na kuryente ang padaluyin sa katawan, init na nagmumula sa makina at ikaw ay
hihiga sa halip na nakaupo lamang. Bukod pa roon, kada limang minuto ay
ililipat ang makina sa iba't ibang parte ng katawan. Kailangan magkumot upang
mailabas ang pawis sa katawan habang sumasailalim sa therapy at nakaka-relax
naman siya subalit halos ikaliyo pagkat mainit, paano mainit na nga ang
kaloob-looban ng silid, ibabalot mo pa ang sarili sa kumot at bawal na bawal
ang mahanginan, idagdag pa na mainit ang nakalagay na machine at parang
mapapaso ka.