November 01, 2017
Wednesday
(All Saint's Day)
Year V-305
Wednesday
(All Saint's Day)
Year V-305
10X-N. Undas at ginugunita ngayong araw ang mga namayapa na sa Mundong ibabaw.
Kasabay ng pagluluksa habang ipinagdiriwang ang Undas ang pagluluksa ng panahon
pagkat maulan pa rin simula kahapon. Sa kabila na maulan ang panahon dulot
ng Bagyong Ramil ay hindi naman napigilan ang karamihan sa mga
kababayan na bumisita sa puntod ng kanya-kanyang mahal sa buhay. Pasalamat na
lamang at nakabisita na kami kahapon at hindi pa gaanong maulan, hindi tulad
ngayon na kasamaan. Umulan o umaraw, basta nakaugalian na’y hindi papatinag ang
mga Pinoy na isagawa iyon. Kahit nag-uulan-ulan dito sa Batangas ay
naisipan pa ring maglaba. Habang abala sa paglalaba ang pamamaalam naman
nina Tita Cleo pagkat babalik na sila saMaynila at
nakakalungkot lamang pagkat kami na lamang tatlo ang naiwan sa bahay. Pinili ko
ang magpaiwan kaya nararapat lamang panindigan kung anuman ang nararanasan.
10X-O. Maya-maya at habang nagsasampay ang biglang pagbuhos ng napakalakas na
ulan. Gawa na nanglalagkit na sa sarili ay naisipan nang maligo sa ulan at
magtampisaw. Sa sobrang lakas ng ulan, animo’y babaha na subalit imposibleng
maganap pagkat mapuno at mataas ang kinatitirikan. Nang humupa ang malakas na
ulan ay tumungo ako kina Butchok at doon tumambay hanggang sa
magtanghali. Pagkabalik sa bahay at gawa na masama ang pakiramdam ng Tita
Glo at wala naman ginagawa, nagpresinta nang maghugas ng mga platong
ilang araw nang nakatambak sa lababo. Sa dami, mukhang aabutin ng siyam-siyam,
bukod pa roon ay pahirapan ang pagbabanlaw pagkat limitado ang gamit ng tubig
at kailangang tipirin.
10X-P. Makalipas halos isang oras nang matapos din sa paghuhugas ng plato at
ngayon lamang napagod sa kasaysayan dahil sa paghuhugas ng plato. Pagkatapos ay
tumungo ako kina Aling Dalangin upang bumili ng
gamot subalit wala roon, kina Aling Nene na lamang. Hindi pa
nakakapananghalian kaya sa kanila na nananghalian at napagastos lamang ng husto
nang wala sa oras pagkat kasama si Vincent. Matapos lumamon ng
Tsitserya na suwak naman sa Sikmura ay saka lamang umuwi. Napagod ako sa aking
ginawa kaya naisipang umidlip. Dahil napasarap sa pagtulog, dakong Alas-kwatro
na ng hapon nagising at nakakaramdam ng pagkahilo. Marahil ay dala lamang ng
gutom kaya kaagad na kumain subalit hindi naibsan. Bukod sa nahihilo’y masakit
din ang ulo at hindi malaman kung bakit biglang sumama ang pakiramdam.
10X-Q. Palaisipan na baka raw ay nabati ako at kailangan nang magpalaway sa mga
taong nakasalamuha subalit malakas ang kutob na hindi iyon ang dahilan kundi
dala lamang ng pagod at gutom o baka may pinangangapitan. Ganyan talaga ang
paniniwala kapag nasa bukid ka, oras na ikaw ay magkasakit o may nararamdaman,
nabati kaagad subalit kapag nasaMaynila, hindi uso ang ganyang
paniniwala at pagpapa-check-up ang solusyon, hindi sumasangguni sa Albularyo.
Maging sa pagsapit ng gabi ay patuloy na nararanasan ang pinagsamang hilo at
pananakit ng ulo hanggang sa magsuka na. Sobrang sama na ng pakiramdam at
darating na sa puntong muntikan ng mahimatay subalit hindi naman naganap.
Napapaisip na tuloy na marahil ay nabati nga pagkat kakaiba ang nararanasan.
Idinaan ko na lamang sa pag-inum ng gamot at pagpapahinga ang naturang
nararanasan. Samantalang sina Tita Susan at Tita Glo ay
alalang-ala’t ibig nang ipatawas subalit hindi natuloy dala na umuulan.
61 | 54 Limampu't
apat araw na lamang, Pasko na.
November 02, 2017
Thursday
(All Soul's Day)
Year V-306
Thursday
(All Soul's Day)
Year V-306
10X-R. Malakas na buhos ng Ulan ang tumapos sa mahimbing naming pagtulog
kinamadaling araw at sinabayan pa ng malalakas na hangin. Hinahagupit na pala
ng Bagyong Ramil at sa dami ng buhos ng ulan, hindi malayong
bumaha na. Saka lamang nakatulog nang humina ang ulan at pagkagising
kinaumagahan, parang bulang naglaho ang pananakit ng ulo at pagkahilo.
Pasalamat sa maykapal pagkat walang nangyaring masama sa magdamag at
bumuti-buto na ang pakiramdam. Matapos mag-almusal ay paggawa ng kwento ang
inatupag ko. Sadyang kay bilis ng panahon, matapos ang pagdiriwang ng Undas ay
naghahanda naman para sa nalalapit muling Pasko at Bagong Taon. Nakakatuwang
isipin na sasapit nanaman pala sa panibagong taon, panibagong kabanata muli ng
buhay na punong-puno ng saya at pag-asa. Bago sumapit ang tanghali at dala na
nababagot manatili sa bahay dahil walang makahuntahan, naisipan muling gumawi
sa bahay ng Tita Mildred.
10X-S. Habang nakatambay ay tinuruan ko si Lorraine Jane na
magbilang at magbasa at kahit paano’y nalilibang sa ginagawa. Nakakalibang
kapag may bata kang tinuturuan at nakakagaan ng loob ang pagtulog dahil
pakiwaring ang bait-bait mo. Lalo pang nalibang nang matunghayan sa isang
segment ngShowtime ang Funny One at dami naming
halakhak. Masaya ako, hindi dahil sa palabas kundi sama-sama kaming
magpipinsang nanonood at nagtatawanan. Pagpatak ng Ala-una, saka lamang bumalik
ng bahay at nagpahinga. Pagkagising ay saktong pahingalo na ang liwanang.
Kinagabihan at dulot muli na nababagot, nagbasa-basa na lamang ako ng Jokes.
Halos kabagin na sa kakatawa at kahit mag-isa lang, masaya pa rin dahil may mga
bagay na nagpapaligaya sa’yo. Nang dalawin ng antok ay saka lamang
napagpasyahang matulog.
60 | 53 Limampu't
tatlong araw na lamang, Pasko na.
November 03, 2017
Friday
Year V-307
Friday
Year V-307
10X-T. Inabutan na ng liwanag sa paggising at matapos mag-agahan, naisipan ko
muling magsulat ng kwento. Matapos magsulat ng kwento, naisipang magtungo sa
gubat at nag-exercise. Ang sarap mag-ehersiso ng ikaw lamang, pakiramdam mo’y
iyong-iyo ang Mundo at magagawa kahit anong naisin. Ilang sandali pa’y tumungo
ako sa Ate Nene para bumili ng pagkain at makipagkwentuhan na
rin. Napasarap ang huntahan naming kaya hindi namamalayang tanghaling tapat na
at kailangan ko nang bumalik sa bahay. Nang makapagpananghalian, nagtungo muli
ako kina Tita Mildred at nakinuod ng Telebisyon sa kanila.
Ilang sandali pa at nang makaramdam ng antok, bumalik muna sa bahay. Pagsapit
ng hapon, kasama ang Tita Susan ay nagtungo kami sa Ilaya upang
magtabas ng mga damo. Habang binabagtas ang kagubatan at dala na masukal,
mangati-ngati ang aking paa hanggang sa magkasugat-sugat na. Katangahan ko
lamang pagkat hindi nakapangtalon para maiwasan ang pangangati dulot ng mga
damo.
10X-U. Bukod sa nagkakasugat-sugat na ang binti at paa sa kakamot, minalas
lamang ng lagay pagkat biglang bumuhos ang malakas na ulan. May baon namang
payong ang Tita Susan, ang problema ay maliit ito at hindi pa
magkasya sa iisang payong kaya nabasa pa rin. Malapit lamang ang bahay ng
kaanak naming sina Lola Monang kaya naisipang sumilong muna sa
kanila subalit habang pumapasok ay nahirapan kami dala na may dalang mga gulay
at sumuot lamang sa kanilang bakuran na may patusok-tusok pa. Napaka-struggle
ng dinadanas at animoy naligo na pagkatungtong sa kanila. Magpapatila lamang
kami subalit napatagal sapagkat napasarap ang huntahan. Biglang namayagpag ang
habag sa dibdib nang ipakita sa amin ni Lola Monang ang
kalagayan ng asawa nitong si Lolo Tansio at madalas daw ito
nakaratay at hindi na nakakakilos dulot ng Stroke.
10X-V. Habang pinagmamasdan ang Lolo Tansio, sumagi sa isip ko na oras
na ikaw ay nagkaedad, kailangan nang maging aware sa kinakain maging sa
ginagawa pagkat lapitin na ng sakit. Sa kabila na malubha na ang kalagayan
nito, mapalad pa rin ang Lolo Tansio dahil may taong
nagmamahal at nag-aalaga sa kanya at sana ganoon ang maging kapalaran sa aking
pagtanda. Inabot na kami ng gabi nang makabalik sa bukid at agad naghapunan.
Dulot na ako’y tinamaan muli ng pagkabagot, nilibang ang sarili sa pagbabasa ng
Jokes. Mistulan muli akong nakatakas sa Mental Hospital habang humahagalpak at
sumasaya kahit papaano ang gabi. Tahimik na ang kapaligiran at ganap nang
sumapit ang Alas-dyis kaya kahit hindi pa dinadalaw ng antok, kailangan nang
matulog.
59 | 52 Limampu't
dalawang araw na lamang, Pasko na.
November 04, 2017
Saturday
Year V-308
Saturday
Year V-308
10X-W. Muling bumuhos ang napakalakas na ulan kinamadaling-araw gaya ng isang
araw subalit sumikat naman ang araw kinaumagahan. Pagkaalmusal, gumawi muli ako
sa bahay nina Butchok at nilibang ang sarili habang nakikisalo
sa mga pinsang nanunuod ng Telebisyon. Maligaya nanaman ako habang pinapanuod
ang pelikulang pinamagatang Fight Back to Schoolsapagkat tawa kami
nang tawa’t ang kukulit ng bawat eksena. Kahit walang araw na kinapulutan
pagkat puro kalokohan ang ganap ay matino pa ring panoorin dahil nakakaaliw.
Maya-maya pa’y bumalik na ko sa bahay. Wala muling magawa at dala na ako’y
parang mababaliw dulot ng pagkabagot, naisipang sayawin ang patok na patok
na Baby Shark. Habang sumasayaw ang pagdating nina Vincent at Lorraine
Jane. Kahit nasira ang pagre-record ko sa pagsayaw dulot ng dalawa ay
masaya naman at nakisali pa nga ang mga ito. Parang bumalik sa pagkabata habang
kasama ang dalawa at kakulitan.
10X-X. Pakiramdam ko, parang hindi na-enjoy ang pagkabata pagkat mahiyain
subalit hindi pa huli ang lahat at maraming pagkakataon upang maging enjoyable
ang buhay. Kinahapunan ay nagtungo naman kami ni Vincentsa Ilaya.
Tamang kuhaan lamang ng litrato habang naglalakad at kahit may kakulitan at
halos mairita na sa kakasaway ay nalibang naman kahit papaano. Nasarapan ang
aming pamamasyal at Selfie kung saan-saan kaya halos dalawang
oras din nawala. Pagkabalik, dumeretso agad kami kina Butchok at
magpipinsan muling nanuod ng Telebisyon. Saka lamang napagpasyahang bumalik sa
bahay nang madilim-dilim na’t iba ang dilim sa probinsya pagkat walang maaninag
ni anumang bagay.
10X-Y. Kinagabihan ay isa muling kwento na tampok sa Magpakailanmanang
nagbigay habag sa aking loob. Tungkol iyon sa apat na magkakapatid na masayang
namumuhay pagkat sila ay magkasundong-magkasundo subalit sinira ng isang
karamdaman na dinaranas ng bunso nilang kapatid, si Arianne. Naging
malubha ang sakit nito at nagkaroon ng kumplikasyon subalit sa kabila niyon ay
lumaban ito, kahit na sa bingit na ng kamatayan hanggang sa siya ay
maka-survive sa tulong ng kapatid nito na nag-donate ng bato. Sadya ngang
maawain ang Diyos at kapag nakikita niyang pursigido ka’t lumalaban, tutulungan
ka niya upang magwagi kaya huwag sumuko.
58 | 51 Limampu't
isang araw na lamang, Pasko na.
November 05, 2017
Sunday
Year V-309
Sunday
Year V-309
10X-Z. Ganap na palang sumapit ang Alas-singko ng umaga at kahit namumugto pa
ang mata sa antok kung gising na ang mga kasamahan sa bahay, bumangon na ko.
Pagkaalmusal at dahil walang magawa, kasama muli si Vincent ay
tumungo kami sa Ilaya at naglakwatsa. Bago kami bumalik sa bukid, sinamahan ko
muna si Vincent sa bahay ng kanyang kaibigan subalit naudlot
ang pagtuloy nang makadaupang palad ang Ninong Abe.
Nakipagkamustahan at huntahan ako sa kanya maging sa mga kasamahan nitong
matatanda na kamag-anak din. Sa pakikitungo niya sa akin, mukhang nanabik ito
sa akin at nangakong hahandugan na ng pamasko pagkat maraming Pasko na ang
nagdaan nang hindi pa nakakapamasko sa kanya. Gayunpaman ay hindi naman
nagdamdam sa kanya pagkat maunawain akong inaanak at inilista na sa tubig ang
lahat ng utang nito. Napasarap ang pakikipagkwentuhan ko sa kanila kaya
tinanghali na nang makabalik sa bukid. Dulot ng gutom, kaagad nang
nananghalian. Kinahapunan at kahit mukhang delikado ang aking gagawin,
naisipang magtungo sa dagat nang mag-isa lang pagkat walang maayang mga pinsan.
10Y-A. Habang binabagtas ang daanan patungong dagat ay walang ibang maramdaman
kundi pangamba pagkat first time lamang ito gagawin, lalo na’t may kalayuan at
hindi pa nakapagpaalam kina Tita. Nangangamba man sa anumang maaaring mangyari,
nilakasan ang aking loob at humingi ng proteksyon sa maykapal para sa
kaligtasan. Sa layo ng dagat magmula sa amin, isang oras din nang matanaw ko
ang dagat at mahalina ng labis sa ganda, wala nang puknat sa pagkuha ng
litrato. Bukod sa dagat ay nasilayan rin ang mga resort na kung titingnan ay
bagong tayo lamang at sarap gawing bahay bakasyunan pagkat magara. Kung anuman
ang dinadanas ng mga bakasyunistang nasa resort na walang ginawa sa buong araw
kundi magpakasarap ay umaasang malalasap din pagdating ng araw. Ilang sandali
pa nang tuluyan na kong nakaapak sa pampang.
10Y-B. Kataka-taka pagkat walang ni isa ang naliligo sa dagat, balak sanang
magtampisaw. Hindi rin ako nagtagal at sa takot na gabihin, kaagad nang umalis.
Laking pasalamat ko sa maykapal pagkat sa kabila ng mga sabi-sabi ng mga
matatanda na maaaring makasalubong ng pugot na ulo kapag mag-isang naglalakad
at maari pang mawala ay hindi niya pinahintulutang mangyari iyon at ligtas na
nakabalik ng bukid. Nagpahinga muna ako at dahil inaya ni Vincent na
dumalo sa handaan doon kina Ara pagkat kaarawan nito, tumungo
na ko. Pagkatungtong, saktong hindi pa nagsisimula ang kainan at nagpe-prepare
pa lamang sila. Ilang sandali pa nang lumabas ang birthday girl na si Ara at
awitan.
10Y-C. Matapos hipan at makahiling, saka lamang nagsalo-salo sa kainan. Dulot
ng namamayaning hiya, kahit gutom na gutom at kating-kating lantakan lahat ng
kanilang handa, kaunti lamang ang aking kinain at bawi na lamang sa hapunan.
Matapos naming kumain at dahil padilim na, hindi na nagtagal pa’t umuwi. Ito na
ang huling sandali na maaaring makasama ang mga pinsan pagkat tutulak na
sa Maynila bukas kaya nanatili muna ako kina Butchok at
sinulit ang makasama sila. Kahit isang linggo lamang akong namalagi saBatangas ay
mami-miss pa rin ang aking mga pinsan lalo na sina Vincent atLorraine
Jane. Kinagabihan ay maaga akong natulog.
57 | 50 Limampung
araw na lamang, Pasko na.
November 06, 2017
Monday
Year V-310
Monday
Year V-310
10Y-D. Nakakalungkot pagkat ngayong araw ko na lilisanin ang Batangas at
kahit paano’y napamahal na ang mga taong aking nakasalamuha pagkat ibang-iba
sila kung ikukumpara sa mga Manilenyo na kahit mapunto ang
pananalita, masaya naman kahuntahan at hindi nakakapanis ng laway, mahilig din
makipagkapwa-tao at karamihan sa kanila ay palabiro, kaya mami-miss ng lubos.
Kahit Alas-dyis pa ang alis namin ng Tita Susan, umaga
pa lamang ay gising na ko. Pumasok na pala ang mga pinsan ko kaya wala nang
makahuntahan. Dala na walang magawa at kahapon pa nakapaghanda ng mga dadalhin
sa Maynila, naisipang mag-picture-picture. Mistulang model habang
umaawra sa mga post at nagkataong kami-kami lamang tatlo ang nasa bukid kaya
wala nang hiya-hiya pa sa pag-post at sinulit ang nalalabing sandali.
10Y-E. Pagsapit ng Alas-nuebe nang magpaalam na kami kay Tita Glo at
maggayak-gayak. Hindi lamang mapigilang maawa pagkat mag-isa na lamang
ang Tita Glo sa bahay at wala nanamang kasama sa pagtulog
tuwing gabi pagkat tumandang dalaga. Kung iisipin ay parang ang lungkot ng
buhay ng Tita Glo pagkat mag-isa ito palagi, walang katuwang
sa buhay at wala nang iba pang maasahan kundi ang mga kapatid niya. Kahit
nag-iisa lamang ang Tita Glo ay nawa’y maligaya pa rin siya at
tiwalang dadamayan ng maykapal anumang oras at ipaparamdam na hindi siya
nag-iisa. Bandang Alas-dyis nang makatungtong kami ng Tita Susan sa
bayan. May binili pa ito kaya hindi kaagad nakasakay.
10Y-F. Mga Alas-dose nang magsimulang bumiyahe ang bus patungongMaynila.
Sa layo ng biyahe at dulot na rin ng trapik sa lansangan, inabot na ng Alas-tres
nang sa wakas, nakatungtong muli sa Maynila. Nakakapanibago lamang
dahil mae-expose muli sa kapaligirang hindi matagpuan ang katahimikan. Sa halip
na ipihit ko na ang yapak sa amin ay naisipan munang manuluyan sa Novaliches.
Pagkatungtong kina Tita Cleo, tanging si Tito Litolamang
ang nadatnan na abala sa panonood. Ilang sandali pa nang dumating siAngelle at
sumunod naman ang Tita Cleo. Hindi ko akalain na masasabon niya ng
ganon-ganon na lamang nang malaman nito ang tungkol sa pagtungo ko sa dagat
kahapon nang mag-isa.
10Y-G. Balak ko sanang magpaliwanag at depensahan ang mga sinasabi nito subalit
wala sa sariling bahay at baka kung saan pa mapunta, mas piniling manahimik na
lamang. Hindi ko mawari kung bakit ganoon ang Tita Cleo na
masyadong straight to the point kung magsalita. Kay Tita Susan naman,
ayos lamang sa kanya basta magpapaalam at may kasama. Pakiramdam ko ng panahong
iyon, kakampi ko ang Tita Susan at nakakatuwa lamang sa kanya
dahil may tiwala ito sa akin, hindi gaya ng Tita Cleo na
parang nagdududa subalit hindi rin naman ito masisisi pagkat bilang tiyahin ay
mag-aalala ito at kargo pa nila kung sakaling may mangyari. Batid kong hindi
tama ang ginawa subalit hindi na rin tama na pandudahan ang aking kakayahan
pagkat parang ipinapamukha na wala pa sa hustong isip kahit nasa hustong edad
na nga. Kahit nai-intimidate na, nakisama pa rin ako sa kanya. Sa kanila na rin
ako nagpalipas ng gabi at iba pa rin ang pakiramdam sa tuwing matutulog kapag
nasa sarili kang bahay.
56 | 49 Apat
na pu't siyam na araw na lamang, Pasko na.
November 07, 2017
Tuesday
Year V-311
Year V-311
10Y-H. Malakas na pag-uusap nina Tita Cleo
ang tumapos sa masarap kong tulog. Madaling araw pa lamang pala kaya umidlip
muna. Saka lamang bumangon pagkaalis nila at sina Tita Susan na lamang ang naiwan. Nang makapag-agahan ay sinimulan
na ang paghahanda para sa pag-uwi ko sa amin matapos ang isang linggong
pamamalagi sa probinsya. Ilang sandali pa nang magpaalam na ko kay Tita Susan maging sa mga pinsan ko’t
mami-miss ng lubos ang tita. Bago umuwi, dumaan muna sa simbahan doon sa Novaliches Bayan at nagdasal upang magpasalamat. Matapos magdasal, balak pa
sanang magtungo sa Unibersidad subalit hindi na itinuloy pa pagkat magkandakuba
na sa dami ng dala. Dakong Alas-nuebe nang makarating sa sariling tahanan at
pasalamat sa Diyos dahil walang nangyaring hindi kaaya-aya habang nasa Batangas.
10Y-I. Matapos makipagkwentuhan kina
Mama at sa pagod ay kaagad na nagpahinga. Medyo naninibago sa aking kalagayan
kahit na nasa sariling bahay na subalit masasanay din. Bandang tanghali na ko
nagising at nananghalian. Kinahapunan, paglalaba ang inatupag ko. Naging
maaliwalas ang panahon at tila walang darating na unos kaya magandang
pagkakataon para makapagpatuyo. Sa dami ng nilabhan na pawang mga tubal na
buhat sa probisnya, abutin ng halos isang oras bago matapos at nakakaubos ng
lakas. Pagsapit ng gabi, marindi ako sa ingay ng mga bata maging mga tambay at
ganito talaga ang buhay kapag nasa siyudad ka, maingay at magulo pagkat matao,
hindi gaya sa probinsya na tahimik at makakapag-isip ng maayos at pwede pang
magnilay-nilay. Walang ginawa kundi magtiyaga. Dala na hindi pa makatulog,
naisipan kong magbasa-basa.
55 | 48 Apat na
pu't walong araw na lamang, Pasko na.
November 08, 2017
Wednesday
Year V-312
Wednesday
Year V-312
10Y-J. Eksakto apat na taon na rin pala ang nakakaraan magmula nang humambalos
ang pinakamalakas na Bagyong Yolanda
sa bansa at kay bilis nga naman ng takbo ng panahon. Sa loob ng apat na taon ay
nawa’y tuluyan nang nakabangon ang mga nasalantang kababayan mula sa bagyo. May
kasarapan muli ang tulog kaya bandang Alas-siete na nagising. Balak pa sanang
ihalata ng husay ang sarili sa kama pagkat namamayani pa ang antok subalit
kailangan nang bumangon pagkat tutungo ngayon sa Unibersidad. Pagkatungtong ay
sumambulat ang mahabang pila sa Registrar. Sa halip na pumila roon para
mag-enroll ay nagbayad muna ako. Saktong manaka-naka lamang ang dumarating kaya
kaagad na nakapagbayad ng pangmatrikula. Hindi pa nakakapag-almusal at dala na nagugutom
na, naisipan ko munang kumain. Dati ay puro academic subject ang aking
ini-enroll subalit ngayong semester ay puro pang-intern na lamang at hindi
makapaniwala na ilang hakbang na lang ay makakapagtapos na.
10Y-K. Pagkatapos at habang patungo ang yapak sa may registrar ay saktong
namataan ang ilang kamag-aral na nakatambay sa Quadrangle. Ayaw ko munang mapag-isa kaya nakisama muna sa kanila
at sa aking paglapit ay hindi akalaing magiging maligaya at magkakakulay ang
araw pagkat kasama nila si Jed. Dala
na nag-uumupaw ang kaligayan na dulot ni Jed
ay ganadong-ganadong makipagkwentuhan sa kanila at hindi akalaing masisilayan
siyang muli. Lalo pa kong natuwa nang makipagbiruan ito sa akin at ano pa nga
ba ang bago sa tuwing nagsasama kami. Dahil sa kanya, napasarap ang pananatili
ko sa puder nila, ni siya na nga nagpaalala na kailangan ko pang mag-enroll. Magkasama
kami ni Hannah (Bernardino) na
mag-enroll at sa haba ng pila at bagal pa ng usad, mukhang aabutin ng
dapit-hapon.
10Y-L. Pinalad lamang si Hannah nang
banggitin ang Initial letter ng kanyang apelyido kaya kaagad itong nakapasok.
Umaasa ako na baka tawagin din ang initial letter ng aking apelyido subalit
mukhang malabo pagkat kadalasan ay mga nasa unahan. Kahit may kalayuan ay
dali-dali na kong tumayo nang banggitin subalit sa dami ng mga
magsisipag-enroll at yung ilan ay may kanya-kanya pang problema at isyu sa
pag-aaral. Halos isang oras din ang nakakaraan ng sa wakas, nakapag-enroll na
ko ng tuluyan. Bago umuwi ay tumungo muna sa Computer shop. Bandang Alas-tres
na nakarating sa bahay at kaagad na natulog. Kinagabihan, pagsusulat muli ng
kwento ang aking pinagkaabalahan. Nang sumapit ang Alas-onse, saka lamang
naisipang natulog.
54 | 47 Apat na
pu't pitong araw na lamang, Pasko na.
November 09, 2017
Thursday
Year V-313
Thursday
Year V-313
10Y-M. Kahit nakapag-enroll na’y at tinatamad
pa ng lagay ay kailangan pang magtungo muli ng school para asikasuhin ang mga
requirements sa OJT. Habang
papatungo’y minamalas lamang ng lagay pagkat saktong inabutan ng malakas na
ulan at sinabayan pa ng hangin kaya muntikan ng mabasa kahit may baong payong.
Bandang Alas-dyis na nakaapak ang yapak sa paaralan at nanatili muna sa library
upang hintayin sina Hannah at Nikki. Ilang sandali pa nang dumating
si Hannah at kaagad nang pinuntahan
ang Head ng Psychology Department na
si Sir Ronan subalit wala raw ito at
hindi pa malaman kung kailan darating. Nakakadismaya man ang sinabi ng mga
Psych Professor, hindi nawalan ng loob at buong tiyagang hinintay si Sir.
Habang hinihintay naming si Sir Ronan
ang pagdating naman ni Nikki.
10Y-N. Matapos ang halos isang buwan ay
ngayon lamang nagkita kaya non-stop muli sa kwentuhang walang kasaysayan pero
nakakaaliw. Itinigil muna namin ang paghihintay kay Sir Ronan at nananghalian. Pagkabalik ng Faculty, nanatili itong
wala subalit nanatili pa rin kaming umaasa at tumungo muna ng Library.
Pagkatungo ng Library ay saktong naroroon sina Eloisa at Hannah (Berrameda) at sumaya ang barkadahan
dahil sa kanila. Sama-sama na naming hinintay si Sir Ronan. Ganap nang sumapit ang hapon, wala pa rin ito.
Napag-isip-isip namin na mukhang hindi na ito darating kaya napagpasyahan nang
umalis.
10Y-O. Sa halip na umuwi, tumungo muna
ako sa Neopolitan Clinic kung saan
nagpa-medical nung nakaraang Summer para kumuha ng Certificate subalit bigong
makakuha pagkat kinapos sa bulsa. Kahit sumasama na ang panahon hangga’t may
nalalabi pang enerhiya sa katawan ay tumungo pa ng Novaliches Bayan upang magpagupit. Bandang dapit-hapon nang
makarating sa bahay. Kinagabihan at dahil sa papalapit ng Bagyong Salome, lalo pang sumungit ang lagay ng panahon. Kahit maulan
na dapat sana ay masarap ang tulog, hindi nangyari pagkat iniisip kung ano ang
maaaring mangyari sa magdamag na huwag naman sana.
53 | 46 Apat na
pu't anim na araw na lamang, Pasko na.
November 10, 2017
Friday
Year V-314
Friday
Year V-314
10Y-P. Humupa na ang malakas na ulan at
umiigi-igi na rin ang lagay ng panahon, hudyat na nakalagpas na ang Bagyong Salome subalit suspendido naman
ang mga klase. Matapos mag-almusal at kahit walang pasok, kaagad nang
naghanda-handa para sa pagtungo sa Eskwela. Bago magtungo roon, pumunta muna sa
Neopolitan Clinic upang magpagawa ng
Medical Certificate. Mabilis pa sa guhit ng kidlat nang makakuha ng Medical
Certificate at pagkatapos ay tumungo na sa Unibersidad, nagbabakasakaling
naroroon si Sir Ronan subalit ibang
professor ang aking nadatnan. Kahit na walang pasok ay hindi naman nagmistulang
Ghostown ang buong Campus bunsod ng mga Senior High School na ngayon lamang
nagsisipag-enroll. Nananatili muna ako sa unibersidad ng isang oras at nang
pakiwaring hindi na talaga darating si Sir
Ronan, saka lamang napagpasyahang umuwi.
10Y-Q. Bigo man makadaupang-palad si Sir Ronan na palagi na lamang wala, may
napala pa rin kahit paano. Pagsapit ng hapon at para iwas pagkabagot, naisipan
muling magbasa-basa at magsulat ng kwento. Kung kailan naghihingalo na ang
liwanang ay bumuhos muli ang ulan at sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat kaya
niyayanig muli sa takot ang aking dibdib at pagpawisan na rin. Climate Change
na talaga dulot ng Global Warming na
tayo ang sanhi at kahit panahon na ng Hanging
Amihan, may mga Thunderstorm Activity pa rin at habang tumatagal ay patindi
nang patindi ang dumarating na bagyo. Kinagabihan, pagkanta muli ang inatupag
ko. Nang mapansing lumalalim na ang gabi at tumataimtim na rin ang kapaligiran,
saka lamang naisipang matulog.
52 | 45 Apat na pu't limang araw na lamang, Pasko na.
November 11, 2017
Saturday
Year V-315
Saturday
Year V-315
10Y-R. Inabot na ko ng pagsikat ng araw
nang magising. Sabado nanaman pala at kahit medyo tinatamad pa ng lagay ay
kailangang kumilos at magpursigi sa pag-asikaso ng aking Internship nang sa
gano’y daglian nang makapagsimula. Bago tumungo sa Our Lady of Fatima University upang katagpuan muli si Sir Ronan,
tumungo muna ako sa National College of
Business and Arts doon sa Fairview
upang mag-inquire. Pagkapasok ay wala halos katao-tao at sa totoo lamang, kung
ikukumpara ay mas maganda ang pasilad at gusali ng OLFU kung ikukumpara sa NCBA.
Bukod pa roon ay hindi rin gaano kalawak ang naturang paaralan na parang
ihahalintulad lamang Batasan Hills
National High School. Gayunpaman at tingin ko ay maganda at maayos ang
kalidad ng kanilang edukasyon. Pagkatungo sa may registrar ay nadismaya ang
kalooban nang sabihing hindi raw sila tumatanggap ng mga Intern Student subalit
nabuhayan ng loob nang papuntahin sa Guidance Office.
10Y-S. Pagkatungo, nadatnang sarado
subalit umaasang makakausap ang ilan sa Staff doon. Tumungo muna ako sa kanilang
Library at nagpalipas hanggang tanghali. Pagkabalik, nanatiling sarado ang
Guidance Office hanggang sa mabatid ko na nasa Testing room ang mga staff doon.
Walang hiya-hiya akong pumasok at kinausap ang staff. Matapos akong i-orient
tungkol sa mga requirements na dadalhin para makapagsimula ng OJT, hindi na rin ako nagtagal at
tumungo na sa sariling paaralan. Pagkatungtong ay saktong nagkita kami ni Nikki at kaagad na tumungo sa Faculty
room. As usual ay wala muli si Sir Ronan
at mukhang made-delay ang pagsisimula ng OJT
dahil hirap itong hagilapin at ASEAN
Week pa sa susunod na linggo na paniguradong magiging paralisado ang kilos.
10Y-T. Sa halip na panghinaan ng loob ay
patuloy kaming umaasa. Naniniwala naman ako na hindi lahat ng taong umaasa,
sakit at kabiguan ang kauuwian kaya walang masama kung umasa gaya lamang sa
pag-ibig. Malay mo at maging kayo at determinasyon lamang ang kailangan para
makamit ang minimithi sa buhay. Kapwa kumakalam na ang Sikmura ng bawat isa sa
amin kaya kumain muna. Pagkabalik ay laking tuwa pagkat naroroon na si Sir Ronan. Kaagad naibsan ang tuwang
nadarama nang sabihing hindi raw ito magre-release ng Endorsement Letter sa
ngayon subalit may ibinebenta itong ticket sa amin para sa Justice League. Sa una ay hindi ako pumayag pagkat 350 pesos ang
halaga at walang dalang ganong kalaking kwarta subalit nang sabihing bawas 20
hours iyon sa number of hours ng OJT
at pwedeng huwag muna magbayad, kumagat na ko, labag man sa kalooban.
10Y-U. Mukhang Good mood si Sir na dati
ay madalas kumukulo ang mga ugat-ugat pagkat kumikita ito mula sa Ticket.
Pagkatungo naming sa Canteen ay saktong naroroon sina Eloisa at Hannah (Berrameda & Bernardino). Masaya
silang kasama at kahuntahan kaya hindi na napigilang maki-join sa kanila.
Habang palitan ng kuro-kuro sa isa’t isa ay hindi maiwasang magtawanan at
masaya ang bawat sandaling dumarating. Dahil napasarap ang usapan, hindi na
namin namalayang Alas-kwatro na pala. Kapwa wala pang balak umuwi kaya naisipang
tumungo sa Fairview Terraces at
barkadahan sa pamamasyal. Bukod sa pamamasyal ay nagtingin-tingin din ng kung
ano-ano at nakakaaliw. Nang makaramdam ng gutom, saka lamang naisipang kumain.
Sa aming limang magkakasama, ako lamang ang bukod tanging kapos sa kwarta
pagkat ang kakapal ng bulsa nila’t sa mga susyaling restaurant pa nais kumain,
mga Rich Kid ikanga.
10Y-V. Sa huli, napagdesisyunan naming
sa Chowking na lamang maghapunan at sina Eloisa
at Nikki lamang ang nakasama ko.
Nagpapasalamat ako sa Diyos pagkat binigyan niya ko ng mababait na kaibigan at
hindi akalaing makikilala ang mga taong handang dumamay sa akin gaya nila.
Matapos kumain ay saka lamang muli nagsama-samang lima at nagpatuloy sa
paglalakwatsa kahit madilim na sa labas. Nang mapadako ang yapak sa Activity
Center ay hindi na mahulugang karayom ang dami ng tao na nag-aabang sa magaganap.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang programa. Nanatili muna kami roon at
sinubaybayan ang mga nagba-ballet. Lingid sa aming kaalaman kung para saan ang
programang iyon. Pagkatungtong sa Open Field at bukod sa Activity Center ay may
kaganapan din doon pagkat may mga taong nag-aabang. Nang mabatid ay magkakaroon
daw ng Christmas Lighting Ceremony at sa sabik, hindi na kami umalis doon at
inantabayanan ang bawat magaganap.
10Y-W. Maya-maya pa’y biglang umingay
ang Activity Center maging ang mga tao sa Open Field nang may lumabas na
personalidad sa entablado at umaawit. Laking gulat at hindi makapaniwala pagkat
si Sarah Geronimo iyon. May
pagkakataon sanang kuhaan ito ng litrato, subalit deadbatt ang cellphone.
Gayunpaman ay masaya ako dahil nakakita muli ng Bituin na sa Telebisyon lamang
madalas makita. Lalo pang kumapal ang tao sa Open Field at umingay nang
magtungo na ang mga Ballet Dancer and Children’s Choir kasama si Sarah Geronimo upang pasimulan ang
Christmas lighting Ceremony. Nagkaroon muna ng Countdown bago pindutin ni Sarah Geronimo ang button at kasabay ng
pagbubukas ng mga nagniningningang Christmas Lights ay sinabayan din ng
makukulay at engrandeng Fireworks Display.
10Y-X. Walang ibang maramdaman ng
sandaling iyon kundi saya at pagkamangha at isa ang araw na ito sa hindi
malilimutan. Ang bilis nga naman ng takbo ng panahon at magpapasko nanaman
pala. Tamang kuhaan lamang ng litrato matapos ang Christmas lightning Ceremony
Featuring Sarah Geronimo kasama ang
mga nagniningningang Christmas Lights. Bandang Alas-otso na ng gabi ako
nakauwi, kaya hetong si Mama, pinaulanan na ng nagbabagang salita. Hindi ko na
lamang inintindi pa at binalewala ang kanyang mga sinasabi basta ang sa akin ay
gusto ko lunurin ang sarili sa saya habang inaalala ang sandaling iyon.
51 | 44 Apat na
pu't apat na araw na lamang, Pasko na.
November 12, 2017
Sunday
Year V-316
10Y-Y. Patuloy pa rin sumasagi sa isipan ang karanasang hindi akalaing darating
kagabi at ang sarap alalahanin, parang nagbibigay kulay sa diwa at kailanman ay
hindi malilimutan. Tinanghali muli sa paggising at nang makapag-agahan,
pagtitinda ang naging pampalipas oras habang walang ibang bagay na
napagkakaabalahan. Walang gaanong bumibili kaya tamang online muli sa Social
Media at stalk sa Account ni Special Someone bilang pampagana at inspiration.
Iba talaga ang pakiramdam kapag inspirado ka't lalong umiigting ang motivation
para gawin ang bagay na plinano ng isip. Matapos magtinda, gawaing bahay naman
ang sunod na inatupag. Ganito ako sa tuwing walang pasok, tagalinis sa loob ng
bahay at hugas ng mga nakatambak na plato subalit ayos lamang basta may
ginagawa. Kinahapunan at dahil araw ng Linggo, naisipan kong magsimba.
10Y-Z. Sa totoo lamang ay tinatamad na magkikilos-kilos at gusto'y nasa bahay
lamang subalit hindi maunawaan sa sarili kung bakit gusto nang yapak na gumala
at dinala ako sa Simbahan na tila may ipinapahiwatig. Kung anuman iyon ay
nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi niya ko pinababayaan, kahit tingin sa
sarili na nakakagawa ng masama at nakakalimutan na rin ang magdasal dahil sa
mga makamundong bagay. Kahit mag-isa lamang ay pakiwaring hindi nag-iisa dahil
naniniwala ako na ang bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng Diyos ng anghel na
gagabay sa ating araw-araw na pamumuhay at poprotekta laban sa masasama.
10Z-A. Batid kong laganap na ang kasamaan sa Mundo at ang ilan, kasingsama na ni Satanas
subalit sa ngalan ng Diyos hindi niya hahayaang maging biktima tayo at sumakop
sa ating puso ang kasamaan basta panatilihin ang pananalig. Pagkatapos magsimba
ay tumungo muna ako sa Ever Gotesco Mall at namasyal-masyal. Hindi pa
man tuluyang namamayani ang dilim nang makarating sa bahay at nagpapasalamat
muli sa maykapal dahil ligtas na nakauwi. Maliit man o malaki ang biyayang
nakakamtan, huwag kalimutang magpasalamat. Kinagabihan, tamang relax at hilata
muli sa panonood ng Telebisyon. May kalaliman na rin ang gabi nang
mapagpasyahang ihimlay ang sarili sa kamang kay lambot.
50 | 43 Apat na pu't tatlong
araw na lamang, Pasko na.
November 13, 2017
Monday
Year V-317
Monday
Year V-317
10Z-B. Ngayong araw ang pagsisimula ng isang linggong ASEAN Summit. Pabor
man sa karamihan lalong lalo na sa mga Estudyante pagkat isang linggong walang
pasok at may kahabaan din ang oras ng pagbabakasyon, para sa akin ay isa itong
hadlang pagkat mahihirapang maghagilap ng mga site na pagdarausan ng practicum
dahil maraming School ang paniguradong sarado. Gayunpaman ang mangyari, hindi
iyon ang sapat na dahilan para panghinaan at hindi masama kung magbabakasali.
Inabot na ng pagsikat ng araw sa paggising at matapos mag-almusal at dala na
walang magawa ngayong bakasyon grande, gawaing bahay muli ang pinag-ukulan ng
oras. Sumunod at para maiba naman ang ganap sa buhay, naisipan kong magtahi.
Nakakatuwa pagkat marunong pang magtahi matapos ang ilang taon magmula nang
huli akong magtahi nung Elementarya pa lamang at maraming ala-ala ang sumasagi
sa isipan kasama ang mga kamag-aral sa Elementary.
10Z-C. Kay bilis talaga ng panahon, parang kailan lamang nang Elementary ako,
pagkatapos ngayon ay napipinto na ang pagtatapos sa kolehiyo at mababaligtad na
ang responsibilidad ko at nang mga magulang pagkat ako naman ang pupunan sa mga
pangangailangan at kagustuhan nila na dati sila ay gumagawa habang nag-aaral pa
lamang. Sana matupad iyon at palaring magkaroon ng trabaho oras na magtapos.
Pagpatak ng tanghali, panonood ng Telebisyon ang inatupag at inantabayanan ang
balita hinggil sa nagaganap na ASEAN Summit sa bansa. Matapos manuod at
dahil medyo nababagot at wala naman makahuntahan, mas piniling matulog na
lamang. Kinahapunan, pag-awit ang naging libangan ko.
10Z-D. Sa tagal ng panahon na ako ay pakanta-kanta kapag walang ginagawa,
nakikitang may improvement sa boses at kapag naiisip iyon, tumataas ang
kumpyansa sa sarili. Habang bumibirit kahit wala sa tono, itong si ina at sa
hindi inaasahan ay muling nagpamalas ng maaanghang na salita. Sa una ay
binabalewala lamang ang pagbubunganga nito subalit nang hindi maglaon at gawa
na hindi na makaya pa ng loob ang sinasabi nito, nasagot ko na siya. Sadyang
napakabungangera nito at ano pa nga ba, hindi pa nasanay at tanggap na ng loob
na ganung klase siyang ina, hangga't may nakikita't naiisip na butas ay ibabato
niya sa'yo.
10Z-E. Sa yamot ay muntikan ko nang murahin subalit nagawa namang pigilan ang
nagpupumiglas na emosyon. Kahit nakarinig ng hindi magagandang salita na puro
pawang pambabatikos ang laman, nagpatuloy pa rin sa pagkanta. Hindi ka man
tanggap ng iba bilang ikaw, hindi na mahalaga iyon. Ang importante ay naging
totoo ka at walang niyuyurakang damdamin ng iba. Ipagmalaki kung ano at sino ka
at huwag intindihin ang sasabihin ng iba kung hindi naman makakatulong at
magpapababa pa ng tingin sa sarili. Sa halip na panghinaan ng loob, gawing
instrumento ang mga kritisismo upang mas lalo pang mapabuti bilang tao.
Kinagabihan, panonood muli ng telebisyon ang naging libangan. Nang dapuan ng
antok, saka lamang napagpasyahang matulog.
49 | 42 Apat na pu't dalawang
araw na lamang, Pasko na.
November 14, 2017
Tuesday
Year V-318
Tuesday
Year V-318
10Z-F. Ikalawang araw ng ASEAN Summit sa bansa kaya nanatiling walang
pasok, mapaeskwela man o opisina. Sa kabila na dekleradong holiday, umalis pa
rin ng bahay upang asikasuhin ang Internship. Habang lulan ng Dyip, may isang
mama ang umakyat at nagsusumamong bilhin ang kanyang mga ballpen para may
maipangtustos sa pampaaral ng mga anak nito. Bukod sa nahahabag ay nakaramdam
din ng paghanga sapagkat determinado talaga itong matustusan lahat ng
pangangailangan ng anak at pag-aaral nila. Kahit hindi kailangan ang ballpen at
sa awa, napilitan nang bumili. Ang gaan sa pakiramdam kapag may tao kang
natutulungan at naipapakita ang kagandahang loob. Bago tumungo sa University
of Caloocan City upang mag-inquire, tumungo muna sa Simbahan doon sa Novaliches
Bayan at nagdasal. Bandang Alas-onse nang makatungtong sa UCC at
kaagad na pumasok subalit bigo na makapag-inquire pagkat sarado raw lahat ng
tanggapan dulot ng ASEAN Summit.
10Z-G. Gayunpaman at sa halip na panghinaan ng loob at umuwi, naisipan namang
magtungo sa Placido Del Mundo Elementary School, dating paaralan ng ate
ko maging mga pinsan sina Kuya Darrel doon sa Talipapa, Novaliches
subalit maging ito ay sarado. Walang ibang maramdaman nang panahong iyon kundi
kasuklaman ang nagaganap na ASEAN Summit pagkat pahirapan ang
mag-inquire. Dapat sa mga apektadong lugar lamang supendihin ang mga klase at
pasok sa trabaho, hindi buong Kalakhang Maynila at isinama pa ang mga
karatig probinsya. Sadyang hindi organisado ang pagdedeklara ng Holiday ng
gobyerno at kailangan damay lahat. Wala pang balak umuwi kaya naisipang
magtungo sa SM North EDSA. Natanga lamang sa pagbaba pagkat sa halip na
sa mismong mall ay sa Muñoz ako napababa, kinailangan pa maglakad at
tiyaga-tiyaga pagkat may kalayuan. Sa layo ng panahon, idagdag na rin ang
napakaalinsangang panahon at polusyon mula sa mga sasakyan, mukhang tinambutso
sa hitsura nang makatungtong sa mall.
10Z-H. Nakabawi naman at naibalik sa presko ang katawan pagkapasok pagkat malamig
at sarap tumambay. Walang ginawa kundi maglibot-libot at sa lawak ng mall,
inabot ng isang oras sa kakalakad. Nang mapadako ang yapak sa Accessories and
Furnitures ay kuminam ang mata pagkat napakakintab ng mga sahig at bawat closet
na madaanan na naglalaman ng mga Furnitures, napapawili pagkat napakailigante.
Kay sarap nga tumambay doon pagkat bukod sa pakiwaring nakatira ka sa mansyon
dahil sa mga mamahaling furnitures ay malamig pa at tahimik, parang nakaapak
ako sa alapaap. Pagpatak ng Alas-tres nang mapagpasyahang umalis. Sa halip na
umuwi, tumungo pa ng Computer shop at nilibang ang sarili sa panonood ng
nakakatawang programa.
10Z-I. Naghihingalo na ang liwanag nang makarating sa bahay, ang sarap humiga at
mag-relax matapos ang maghapon na kakauli subalit hindi iyon natuloy nang
matuklasang nawawala ang Cellphone. Sa halip na magpanik sa kakaalala at
kimkimin ang problema dulot ng kaburarahan, gumawa nang paraan at inisip na
marahil, naiwan ito kung saan nagkumpyuter kaya dali-daling tumungo ng Shop.
Parang nakalag ang kadenang gumagapos sa loob pagkat doon ko nga naiwan ang
Cellphone at naibalik. Sinabi ng nagbabantay na panglabing-lima na raw ako sa
insidente na naiwan ang Cellphone sa shop nila at sa mga insidenteng iyon ay
ako lamang ang mapalad na naibalik kaya abot-langit ang pasasalamat, hindi
lamang sa babae na nagmagandang loob at nagmalasakit maging sa Panginoon.
Nakabalik ako ng bahay na nag-uumapaw ang saya bitbit ang Cellphone na muntikan
nang mawala. Sumagi sa isipan ko ang kabutihang loob na ipinakita kanina sa
mama at tama ang sabi na kung ano ang ginawa sa kapwa ay babalik gaya ng
nangyayari sa akin kaya marapat lamang na gumawa tayo ng kabutihan upang sa
ganon ay palarin at pagpapalain pa ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya, sa
madaling sabi ay Good Karma.
48 | 41 Apat na pu't isang araw
na lamang, Pasko na.
November 15, 2017
Wednesday
Year V-319
Wednesday
Year V-319
10Z-J. Nanatiling walang pasok dulot ng ASEAN Summit. Malakas na pag-uusap
nina Mama at Papa ang bumarag sa masarap na tulog. Pagkasulyap sa bintana,
nagsisimula nang lumiwanag at umaga na. Mugto pa ang mata sa antok kaya
ipinagpatuloy ko ang pagtulog. Bandang Alas-siete nang maisipang awatin ang
sarili sa kama at nag-agahan. Walang magawa at bilang libangan, kumanta muli
ako. Hindi inalintana kung anuman ang mga bagay-bagay na umaaligid gaya ng
pagbubunganga ni Mama dahil marahil ay rinding rindi na ito, ang mahalaga'y
nalilibang sa ginagawa at hindi ikinahihiya ang tinig. Ipagmalaki kung ano at
sino ka man at huwag matakot na ipakita sa kanila dahil kung sino pa ang mga
nagpapakatotoo at determinado, sila pa ang madalas magtagumpay sa huli.
10Z-K. Nang magsawa na sa kakabirit at namimilipit na rin sa sakit ang lalamunan,
paglalaba naman ang sunod na inatupag. Natutuwa naman ako pagkat maaliwalas ang
panahon, magandang pagkakataon upang makapagpatuyo agad ng sinampay.
Kinatanghalian, panonood ng telebisyon ang siyang inatupag. Habang pinapanood
ang Tawag ng Tanghalan sa Showtime ay namangha ako sa bawat mga
mang-aawit pagkat nagniningning ang tinig at sarap damhin sa pandinig. Sana
balang araw ay maging gaya rin sila na isang magaling na mang-aawit at
magkaroon ng ginintuang tinig, walang imposible sa pangarap sa taong
nagsusumikap at may pananalig. Pagsapit ng hapon at dahil walang magawa,
nagbasa-basa ako. Kinagabihan naman, panonood ng nakakatawang programa ang
pampalipas at laugh trip ako sa kakulitan ng bawat komedyante, kabagin ng husto
ang Sikmura sa kakahalakhak ng walang humpay. Nang makaramdam ng antok, saka
lamang natulog.
47 | 40 Apat na pung araw na
lamang, Pasko na.
November 16, 2017
Thursday
Year V-320
Thursday
Year V-320
10Z-L. Dahil may lakad ngayong araw na
hindi ibig na tanghaliin at sa dami na rin ng dapat asikasuhin, Alas-siete pa
lamang ay bumangon na kahit nanatili pa ang antok sa mga Mata. Hindi lamang
basta-basta makaalis pagkat nirarayuma muli ang haligi ng tahanan na kagabi pa
iniinda ang pananakit ng kasu-kasuan. Humampas ang awa sa dibdib habang
pinagmamasdan si Papa na dumadaing sa sakit at hindi na halos makalakad. Habang
wala si Mama ay ako muna ang umaalalay kay Papa sa tuwing tatayo ito at iihi.
Kay hirap nga ng kalagayan ni ama at sa totoo lamang ay awang-awa sa kanya,
nawa'y hindi na lumubha pa. Sa kagustuhang gumaling si Papa, bukod sa
inaasikaso ang pampainom ng gamot nito, nanalangin din ako. Maging gawaing
bahay ay ako muli ang umako at inimis ang mga nagkalat na ihi sa sahig dulot ni
Papa na kung saan-saan na umiihi dala na hindi makatayo sa sakit.
10Z-M. Saka lamang nakaalis nang makauwi si
Mama at dalanging walang masamang mangyari kay Papa habang wala ako. Nang
makatungtong sa University of Caloocan, swerteng bukas na ito at marami
na ring mga estudyanteng pakalat-kalat ang magsisipag-enroll. Nang makarating
sa registrar office ay kaagad nang nag-inquire at nilakasan ang loob na
makipag-usap sa coordinator. Sa sinabi nito, mukhang malabong makapagsagawa
nang practicum doon subalit nasa head office pa rin ang desisyon kung
papayagang mag-intern, ang problema ay wala ito. Dulot ng namamayaning hiya,
hindi na tinagalan pang makipag-usap sa kanya. Pagkalabas ay kumain muna.
Maya-maya ay nag-chat sa akin si Ate Jen, sinabi nito na nasa Social
Hall sina Emelyn at sa sabik na makita muli sila at makakwentuhan, dali-dali
nang tumungo roon.
10Z-N. Pagkarating ay nandoon nga sila at
mainit at mahigpit na yapak ang isinalubong nila sa akin. Masaya ako dahil muli
kami nagkita-kita ng mga dating ka-intern at sobrang na-miss ang isa't isa.
Walang ginawa nang panahong iyon kundi magkamustahan. Sayang lamang at hindi
namin kasama sina Ate Jen at Jacqueline. Pagpatak ng tanghali,
nagpaalam na ko kina Emelyn at nakakabitin pagkat saglit lamang ang
aming pagkikita. Sa College of Saint Catherine doon sa Sangandaan,
Novaliches naman ako nagtungo para mag-inquire. Masyadong mahigpit doon
pagkat hindi basta-basta pinapapasok subalit pinahintulutan namang papasukin sa
kanilang registrar. Labis ang aking pagkagulat at kinabahan pagkat kaagad na
sumailalim sa interview. Ang hihirap pa naman ng katanungan at ang ilan doon ay
hindi ko maunawaan.
10Z-O. Kinakabahan man na nahihiya,
lakas-loob na sumagot at sinubukang panatilihin ang ngiti sa mukha kahit
nai-intimidate na. Iyon pala, hindi lamang basta coordinator ang nakausap ko
kundi siya na ang Dean ng naturang paaralan na iyon, kaya ganon na lamang
ka-professional ang tanungan nito na nakakatanga. Sa huli, tumanggi ang Dean na
kuhain ako para mag-intern sa kadahilanang bibihira lamang sa kanila ang
tumanggap kapag College at kalimitang mga Senior high. Saka lamang nakahinga ng
maluwag matapos makipag-usap sa Dean. Sumunod ay sa General Carlos Lantine
College naman ako nag-inquire, na bukod sa Paaralan ay isa rin itong
ospital kung saan ako ipinanganak subalit sarado ito dulot na holiday.
Napagsasarhan man ng pintuan, tiwalang may bintana namang magbubukas at
makakahanap din ng Site na maaring pagdausan ng OJT. Wala pang balak
umuwi kaya tumungo ako kung saan nagtatrabaho ang Tita Susan upang
kuhain ang langis na pangrayuma.
10Z-P. Hindi naman ako nabigo makaharap ang
Tita Susan at pagkabigay ng langis, sa halip na umalis ay dinala niya pa
ko sa Ceragem doon sa Talipapa, kung saan nagti-therapy ang
karamihan sa mga may karamdaman gaya kay Papa. Nang maipakilala ni Tita ang
sinasabi nitong Therapy Center, nagpaalam na sa kanya. Pagkarating sa amin ay
gulat na lamang ako nang madatnang pinaghuhuli ng barangay tanod ang mga aso't
pusang pagala-gala sa lansangan. Magkahalong awa at inis ang naramdaman ko
pagkat walang awa nilang kinakaladkad ang nahuling hayop kahit mangiyak-ngiyak
na. Tiningnan ko ang ward, baka sakaling isa ang aso at pusa namin sa nahuli
subalit wala ang mga ito na siyang aking ikinatutuwa. Pagdating sa bahay,
kaagad kong binalaan sina Mama na huwag palabasin ang mga alagang hayop. Nang
makapagbihis-bihis, nagluto ako ng panghapunan. Kinagabihan, tamang tutok muli
ang mata sa Social Media kahit nanlalabo na. Nang makaramdam ng antok, saka
lamang natulog.
46 | 39 Thirty-nine days to go
before we celebrating the birth of Christ.
November 17, 2017
Friday
Year
V-321
10Z-Q. Nagpapasalamat sa maykapal sapagkat
muling nagising ngayong umaga at walang nangyaring hindi kaaya-aya sa magdamag.
Matapos mag-almusal, pagtitinda ang aking inatupag. Walang gaanong bumibili
kaya naisipan kong magbasa-basa. Medyo nasarapan sa pagbabasa kaya hindi
namamalayang sumapit na ang ikasiyam ng umaga at kailangan nang mag-ayos-ayos
at handa pagkat may lakad. Nang makarating sa terminal ng tricycle,
nadiskubreng hindi pala nadala ang Phone, dali-daling bumalik ng bahay. Hindi
pa natapos ang pangyayaring hindi kaaya-aya pagkat habang naglalakad ay
inabutan ng malakas na ulan. Sa halip na sagupain ang nagngangalit na unos sa
takot na magkasakit ay sumilong muna ako.
10Z-R. Bandang Alas-onse nakarating ng
School at dala na walang pasok, mistulang ghost town ang buong campus at
manaka-naka lamang ang dating ng mga estudyante. Kaagad akong dumeretso sa
faculty upang kumuha ng Endorsement Letter at swerteng naroroon si Sir Ronan.
Akala ko, makakakuha na ng Endorsement Letter pagkapasa lahat ng requirements
subalit kailangan ko pa alamin kung ano ang pangalan ng mga coordinator para
mai-address sa letter. Nang makakuha ng impormasyon gamit ang internet ay
dali-daling bumalik ng faculty at grabe si Sir Ronan, hingalin sa
pinapagawa nito subalit ayos lamang alang-alang sa practicum at graduation.
Bumalot ang tuwa sa dibdib pagkat sa wakas ay nakakuha na rin ng Endorsement
Letter.
10Z-S. Dahil sa NCBA-Fairview ko
naisipang mag-conduct ng practicum para sa School setting, nagtungo muna roon.
Saktong sarado ito kaya bigong makapagpasa ng Endorsement Letter sa mga
kinauukulan, umuwi na lamang ako. Pagkauwi at dala na namamayani ang antok,
umidlip muna ako. Dahil nasarapan sa pagtulog at pagkagising, Alas-kwatro na
pala't dagliang nagkikilos-kilos pagkat tutungo naman sa SM Fairview
para manuod ng Film showing ng Justice League. Bandang Alas-singko ako
nakarating doon at saktong iilang Psychology Student pa lamang ang
namamataan at wala pa ang mga kaibigan. Ilang minuto ang lumipas na
paghihintay, unti-unti nang dumarami at nagsisidatingan ang iba pang Psychology
Student subalit wala pa sila, ang nakakainis pa'y hindi na makakapunta ang
ilan. Parang gusto ko nang umuwi pagkat mukhang hindi na sila darating pa at
nakakailang naman kung ikaw lamang mag-isa at hindi kakilala ang makakasama sa
sinehan, ang kaso sayang ang ibiniling ticket kaya tinatagan ang loob sa
kahihintay at umasa.
10Z-T. Ilang sandali pa, dumating na sina Anne
Rose at Precious at laking gulat ko pagkat kasama nila si Sir
Jarren, ang resulta ay muli nila akong inuugnay sa kanya. Ang kaninang ako
na tahimik at walang makausap, naging maligalig at hyper dahil sa kanila, ang
kulit tuloy namin at marahil pinagtitinginan na subalit ayos lamang basta
masaya at nasusulit ang bawat sandali. Sumapit na ang Alas-sais, hindi pa rin
dumarating sina Hannah (Bernardino) at dahil anumang minuto ay
magsisimula na ang Film, hindi ko na sila nahintay pa at pumasok. Bukod kay Sir
Jarren, kasama rin nila si Ma'am Thaline, habang hindi pa
nagsisimula ang Film ay nakipagkamustahan sa kanila at nakaka-miss ang
sandaling kasama sila nung OJT sa TAHANAN. Ilang sandali pa,
nagsimula na ang pelikula. Hindi lamang ako makapag-concentrate sa panonood
pagkat ang ingay nina Anne Rose at hindi na nahiya kung makipagharutan.
10Z-U. Nang malaman kung saan ang
kinaroroonan nina Hannah ay lumipat ako. Medyo suspense ang naturang
Movie at nakakaengganyo panoorin pagkat aakalain mong makatotohanan ang bawat
eksena at ang husay ng production, hindi iisiping edited. Tumagal ang Justice
League ng dalawang oras at hanggang ngayon ay windang kaming mga manunuod
lalo na ang kababaihan sa abs ni Superman. Kung ikukumpara ay mas
maganda ang Justice League kaysa sa The Avengers at makapanindig
balahibo at pigil hininga ang bawat kaganapan at labanan. Balak pa sana naming
gumala matapos ang panonood sa sinehan, kaso gabing-gabi na. Bandang Alas-nuebe
na nakauwi. Matapos maghapunan, kaagad nang natulog.
45 | 38 Thirty-eight
days to go before we celebrating the birth of Christ.
November 18, 2017
Saturday
Year V-322
Saturday
Year V-322
10Z-V. Tirik na ng husto ang haring araw
nang magising at bumangon. Walang maisipang gawin at para tanggal pagkabagot,
nagmistulan muling yaya sa lagay at inasikaso ang gawaing bahay. Sumunod ay
nagbasa-basa muli ako at kahit paano'y nalilibang. Matapos ang ilang araw na
paalis-alis ng bahay, ngayon lamang magkakaroon ng oras upang magpahinga.
Pagsapit ng tanghali at dahil wala nga talagang magawa, nag-beauty rest ako
para manatili ang taglay na ganda ng lola niyo kahit stressful ang mga
ipinapagawa. Nasarapan ako sa pagtulog kaya inabot na ng hapon sa paggising.
Walang ginawa ng mga oras na iyon kundi kumanta at maya-maya pa, biglang
nagkaraoke si Papa. Yaman at kanina pa ko bumibirit na tipong batuhin na ng kapit-bahay
pagkat naririndi na, nakikanta na. Sa una, nahihiyang iparinig ang natatanging
tinig subalit parang bulang naglaho kinalaunan kaya wala nang ano-ano sa
pagkanta't bigay na bigay ang pagbirit.
10Z-W. Nang magsawa sa karaoke, saka lamang
naghapunan. Kinagabihan, panonood ng telebisyon ang naging pampalipas oras ko.
Kaawa-awa ang sinapit ng babaeng nagngangalang Hazel sa Maala-ala mo
kaya pagkat bukod sa ginahasa ito nung bata pa, itinakwil pa ito ng nanay,
nabuntis ng maaga, naloko ng kasintahan at sinasaktan naman ng asawa na siyang
dahilan kung bakit pinasok nito ang maruming trabaho, ang prostitusyon. Kahit
lubhang masalimuot ang buhay niya na tipong nawala na ng pag-asang makakawala
pa sa mundong kinasasadlakan, may nakilala naman itong lalaki na nag-ahon mula
sa mundong kanyang ginagalawan at nagpabago kung ano siya subalit
sumakabilang-buhay naman ng bandang huli. Gayunpaman ang kanyang mga
napagdaanan, naging matatag ito at ngayon ay sinusubukan nang ayusin ang sarili
at tuluyan nang iwan ang prostitusyon.
44 | 37 Thirty-seven
days to go before we celebrating the birth of Christ.
November 19, 2017
Sunday
Year V-323
Sunday
Year V-323
10Z-X. May kasarapan muli ang aking
pagtulog kaya muling tinanghali sa paggising. Nang makapagkape, pagtitinda muli
ang inatupag ko. Ganoon pa rin ang siste na tuwing Linggo, malakas ang bentahan
at sunod-sunod ang dating ng mamimili subalit kung ano pa ang nakakasama sa
kalusugan, iyon pa ang mabenta gaya ng Sigarilyo. Labag man sa kalooban ang
magbenta, bilang tindero ay wala nang magagawa pagkat ang usapan ay kumita.
Maya-maya pa, oras na upang mananghalian. Kinahapunan at dahil hindi makalabas
ng bahay pagkat maya't maya ay kakailanganin ako ng kasamahan sa bahay, mas
piniling manatili at kumanta bilang libangan. Sa napapansin ko sa aking tinig,
may mga kanta na babagay sa boses ko subalit may mga kanta rin na nasisintunado
at napapapiyok pa nga kapag mataas. Kahit sintunado ka, may pag-asa pang
gumanda ang iyong pag-awit basta idaan lamang sa ensayo at may kinababagayan
ang boses, kung kaya hindi mo kailangan maging magaling na Singer para hindi
maging Sintunado.
10Z-Y. Bukod sa umaawit, kailangan ding
galing sa puso para ma-appreciate ng mga tagapakinig at gawaran pa ng standing
ovation. Napasarap ang aking pagbirit kaya hindi namamalayang kumagat na ang
gabi at oras na upang kumagat ng pagkain para sa hapunan. Kinagabihan, namayani
ang habag sa kalooban at muntikan na ngang mapaiyak nang matunghayan sa tampok
na programa sa Kapuso mo, Jessica Soho ang patungkol sa tatlong
magkakapatid na gwapo na nagkaroon ng Liver Cancer. Bukod sa pumanaw ang
dalawang nakakantandang kapatid na kung aking natatandaan ay itinampok din sa
nasabing programa nung April, ngayon maging bunso na kaisa-isa na lamang na
anak, pumanaw na rin dulot ng Liver Cancer.
10Z-Z. Bilang ina ay masakit iyon at
nakaka-depress pa na sunod-sunod na namatay ang mga anak mo at wala nang
itinira pa at hindi maiiwasang sisihin ang panginoon sa nangyayari pagkat
pakiramdam mo ay pinarurusahan ka niya o pinabayaan na subalit maling isipin
iyon sapagkat may purpose si God kung bakit lahat ng tatlong magkakapatid,
kinuha na niya. Madaling sabihin dahil hindi ko naman dinaranas kung anuman ang
dinaranas ng inang namatayan ng tatlong anak subalit nakasisigurong iyon ang
dahilan at kailangan magpakatatag kahit mahirap. Sayang lamang pagkat ang
gugwapo pa naman nilang tatlo, parehong namatay subalit kung iyon ang kapalaran
ay dapat nang tanggapin. Hindi ko ito sinasabi dahil ginusto ko ang sinapit ng
magkakapatid subalit maigi na rin iyon pagkat magkakasama na sila sa langit.
Nakakalungkot at kung ako sa kalagayan niya ay nakaka-depress talaga subalit
kailangan magpakatatag at manalig sa maykapal.
43 | 36 Thirty-six
days to go before we celebrating the birth of Christ.
November 20, 2017
Monday
Year V-324
Monday
Year V-324
11A-A. Sumapit na ang araw ng Lunes subalit
hanggang sa araw na ito ay hindi pa nakakapagsimula ng practicum, kahit kung
saan-saang eskwela na nagtungo at sinubukan. Sa panahong ito ay mukhang
matetengga muna ako na siyang hindi papayagang mangyari kaya gumawa ng paraan.
Tumungo ulit ako sa NCBA-Fairview,
nagbabakasakaling bukas na ang Guidance office. Saktong bukas na ito subalit
hindi muna kaagad pumasok at gumawa ng Resume. Nang makagawa ng resume, wala
nang ano-ano pang pumasok sa Guidance kahit kinakabahan at nahihiya,
alang-alang sa pagsisimula ng Intern. Nang makaharap ang kanilang Head
coordinator na si Ma’am Niera,
laking gulat at tawang-tawa nang magpasa ng Endorsement Letter pagkat hindi sa
campus nila naka-address ang pangalan sa Letter kundi sa NCBA-Cubao, pinapakuha pa tuloy nila ako ng panibagong Endorsement
Letter at kailangan magmadali pagkat nabibilang lamang ang maari nilang
tanggapin at para makaabot pa.
11A-B. Matapos makipag-usap kay Ma’am Niera at sa halip na tumungo sa OLFU, napagpasyahang tumungo na sa NCBA-Cubao, nagbabakasakaling tatanggapin doon pagkat sa Cubao branch naka-address ang Letter.
Dulot ng napakatinding trapik, abutin ng isang oras nang makarating sa Cubao at sa halip na sumakay patungo
roon, naglakad na lamang. Ang inakalang malapit lamang ay nagkakamali pagkat
abutin ako ng 30 Minutes bago makarating sa NCBA-Cubao. Sa layo ng nilakad ko’t idagdag pa ang maalinsangang
panahon at mapolusyong kapaligiran dulot ng mga nakakasalubong na sasakyan,
haggard na haggard na ng lagay nang makatungtong doon.
11A-C. Kahit haggardness na ang hitsura
dulot ng aking tiyaga, kaagad na dumeretso sa kanilang Guidance office at
hinarap ang Head Coordinator. Tinanggap naman ang Endorsement Letter maging
Resume subalit ang problema, hindi ako tinanggap pagkat may kalayuan daw ang
bahay mula sa kanila at inaalala nito na magiging hassle sa akin ang pagbiyahe.
Sinubukan kong makiusap subalit buo na ang desisyon nila. Umalis akong
nakabusangot ang pagmumukha at kitang-kita ang pagkadismaya. Nagtungo pa ko ng Cubao at matiyagang binagtas ang
kahabaan ng Aurora Boulevard kahit
masama ang init, wala ring napala kundi pagkabigo at nagsayang lamang ng pagod
at sakripisyo.
11A-D. Wala pang balak umuwi kaya
namasyal-masyal muna ako sa mga mall doon sa Cubao at pinalipas ang pagkadismaya. Kahit mukhang mailap sa akin
ang Eskwelahan para makapag-OJT ay
hindi pa rin nawawalan ng pag-asa at makakapagsimula rin. Bandang Alas-tres
nang makauwi ako. Kinagabihan, nakapagbitaw ako ng hindi magandang salita kay
Mama pagkat hindi ko naibigan ang sinabi nito habang kinukwestyon ang laman ng
resume ko. Batid na mali ang aking ginawa subalit hindi na nakapagpigil at kung
makapagsalita, parang minamaliit nito ang aking kakayahan at nakakainsulto!
Humupa naman ang yamot na dala-dala ng dibdib kinalaunan at idinaan na lamang
sa pakikinig ng musika. Dahil bagot na bagot ng lagay, naisipan kong
mag-record. Nang sumpungin ng antok, saka lamang napagpasyahang matulog.
42 | 35 Thirty-five
days to go before we celebrating the birth of Christ.
November 21, 2017
Tuesday
Year V-325
Tuesday
Year V-325
11A-E. Muling inabutan ng pagsikat ng araw
sa paggising sa kasarapan ng tulog. Matapos mag-almusal, nagtinda-tinda muna
ako. Maya-maya pa’y naghanda-handa’t bihis na pagkat mag-i-inquire naman sa
ibang School. Sa FEU-Fern ko
naisipang mag-inquire ngayong araw at pagkatungtong doon ay manlaki ang mata ko
pagkat napakalaki’t tayog ng unibersidad na iyon, bukod pa roon ay mas maganda
pa kung ikukumpara sa Our Lady of Fatima
University at may hospital din doon. Parang ang sarap doon, hindi dahil isa
ito sa exclusive school at eskwelahan ng mga susyal kundi malamig at
makakapag-isip ka ng maayos. Kaagad akong tumungo sa kanilang guidance office
at walang nang hiya-hiya pang kinausap ang mga coordinator. Para akong nilubayan
ng lakas ng sabihing hindi sila tumatanggap ng mga Intern Student. Sa halip na
ipagpilitan ang sarili’y umalis na lamang dala ang pagkadismaya subalit
nanatiling umaasa.
11A-F. Sa Good Sheperd School naman ako sunod na nag-inquire at nang makausap
ang mga tagapangasiwa ng naturang paaralan, ni-refer pa ko sa Collegio de San Bartolome doon sa Novaliches. Nahihirapan na ko’t pagod
na pagod na ng panahong iyon at hindi na alam kung saan pang school maaring
mag-inquire, napanghihinaan na rin ng loob pagkat ilang ulit nang tinanggihan.
Dahil katabi lamang ng School ang simbahan, wala ng ano-ano pang pumasok at
nagdasal para humingi ng tulong sa maykapal at palakasin ang loob, ngayon na
unti-unti nang nawawalan ng pag-asang makapag-intern pa ngayong taon. Matapos magdasal
at nang makapag-isip-isip, napagdesisyunang sa NCBA na isagawa ang practicum.
11A-G. Kaagad akong nagtungo roon at
nabuhayan ng loob nang tanggapin nina Ma’am
Niera basta magpasa lamang ng Endorsement Letter. Kahit sa susunod na taon
pa maaring magsimula pagkat nailagay na sa Second Batch, hindi na nagdalawang
isip pang tanggapin. Dali-dali akong tumungo ng School para humingi ng
Endorsement letter kay Sir Ronan at
swerteng nakaharap ito. Pagkakuha ng Endorsement Letter, tumungo naman ako sa
Dean’s office para ipalagda ang Letter. Minamalas lamang ng lagay pagkat wala
ang Dean at bukas pa makukuha ang letter kung ipapalagda sa kanya. Hindi ako
maaaring maghintay ng bukas pagkat anumang sandali o oras, baka may nakapagpasa
ulit at ayaw na ayaw nang mauunahan. Katiting na lamang ang pag-asa, mawawala
pa kaya gumawa ako ng paraan, nang sag anon ay makapagpasa pa rin.
11A-H. Batid kong pwedeng ipalagda sa mga Psychology Professor ang para sa Dean,
naisipang ipalagda kay Sir Jigo
subalit tumanggi ito. Maging kay Sir
Laus ay sinubukan ko rin subalit sinabi nito kay Dean raw dapat.
Abot-langit na ang aking pagka-stress pagkat hindi na alam ang gagawin at
naiinis sa mga pangyayaring pilit humahadlang sa aking balakin subalit stay
positive pa rin. Nang kay Ma’am Ria
na, nung una’y panay ang tanggi nito subalit nang kulitin ng todo-todo,
napalundag sa tuwa nang pirmahan na nito ang Endorsement Letter. Marahil ay
napansin nito na ganon ka-sincere ang aking effort para lamang makapag-intern
kaya naawa ito sa akin. Wala nang sinayang pang oras at kaagad na tumungo sa NCBA.
11A-I. Pagkarating ay nadatnang wala si Ma’am Niera at tanging sekretarya
lamang nito ang nadatnan, naghintay pa ko. Gawa na hindi pa
nakakapagpananghalian at nakakaramdam na ng gutom, kumain muna ako. Pagkabalik,
nandoon na si Ma’am Niera subalit
may estudyante naman itong sinasailalim sa Counseling, hinintay ko pang
matapos. Isang oras na ang nakakaraan, hindi pa natatapos ang kanilang
counseling kaya napagpasyahang iwan na lamang sa Assistant nito ang Endorsement
Letter. Inakalang ayos na subalit pagkabigay, ipinapabago pa pagkat hindi kay Ma’am Niera ia-address ang Letter kundi
sa kanilang HR Manager na si Ma’am Ester. Pagod na pagod na ng lagay
kaya sa halip na bumalik pa ng School ay mas pinili na lamang umuwi. Sa araw na
ito’y nauwi muli sa wala ang aking pagkukumahog at kahit nadidismaya na,
kailangan magpakatatag at magtiyaga. Kinagabihan at para iwas pagkabagot, pakikinig
ng musika ang napagkaabalahan. Ilang sandali pa’t nang makaramdam ng antok,
siyempre matutulog.
41 | 34 Thirty-four
days to go before we celebrating the birth of Christ.
November 22, 2017
Wednesday
Year V-326
Wednesday
Year V-326
11A-J. May
liwanag na sa labas nang magmulat ang mga mata at gawa na tuluyan nang naparam
ang antok, kaagad nang bumangon. Sa umagang iyon ay pagtitinda at gawaing bahay
ang inatupag. Pagpatak ng tanghali at tinatamad man dahil tila wala naman
napatutunguhan ang pagkukumahog na makahanap ng site para sa OJT, kailangan pa rin kumilos kaysa
magmukmok. Palapit na tayo sa kapaskuhan subalit pakiwaring nasa panahon ng
tag-init pagkat nuknukan sa alinsangan ang panahon na tipong makasunog sa balat
at magkanda-hilo na habang nasa biyahe. Sinubukan ko sa Collegio de San Bartolome subalit wala lahat ng pwedeng kausapin
para sa inquiry. Dahil malapit lamang ang QCPU-Novaliches,
doon ako sunod na nag-inquire. Pinayagan naman nila akong mag-intern doon
subalit maraming proseso ang pagdadaanan bago makapagsimula at mukhang mahihirapan
kung kakagatin kaya tinanggihan pa rin.
11A-K. Ilang
eskwelahan na ang napasukan at nasubukan ko subalit hanggang ngayon ay wala pa
ring mahanap na matinong site na pwedeng isagawa ang practicum. Hanggang sa
napagpasyahan na sa mismong school na lamang ako mag-intern. Kahit may kalayuan
at idagdag pa na usad-pagong na trapiko, hindi na sinayang ang oras na magtungo
sa OLFU. Pagkatungtong ay kaagad na
kinausap si Sir Laus. Mabilis pa sa
guhit ng kidlat ang pagpayag nito at hindi na kailangan pang dumaan sa butas ng
karayom pagkat maaari nang magsimula basta magpasa ng Resume kahit wala pang
Endorsement Letter, iyon nga lang ay sa Regalado
ako at walang kasamang ibang Intern student kundi si Ma’am Paula. Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa OLFU lang ang bagsak subalit ayos na, ang mahalaga’y makapagsimula
na at nagpapasalamat sa Diyos dahil nagkabunga rin ang aking pagsusumikap at
tiyaga.
11A-L. Matapos
ang pag-uusap namin ni Sir Laus at
sa halip na umuwi’y bumalik pa ko sa QCPU,
nagbabakasakaling payagan nila roon na mag-intern para sa Industrial Setting.
Hindi kagandahang balita ang nabatid mula sa kanila pagkat hindi tumatanggap ng
pang-industrial, sayang at gusto ko pa naman doon sunod na mag-intern.
Pagkababa ng SM Hypermarket sa Sangandaan ay saktong nahagip ng
humaharurot na motorsiklo, swerteng bag lamang ang nadali sa halip na buong
katawan kaya laking pasalamat pagkat humihinga pa rin at ligtas na nakauwi. Kailangan
ko pa ng ibayong ingat para hindi na maulit pa ang nangyari na kamuntikan nang
ikapahamak. Kinagabihan at dahil bukas na magsisimula sa OJT, maaga akong natulog.
40 | 33 Thirty-three
days to go before we celebrating the birth of Christ.
November 23, 2017
Thursday
Year V-327
Thursday
Year V-327
11A-M. Kinakabahan na masaya pagkat ngayong
araw na magsisimula sa OJT. Bandang
Alas-singko nang ako’y magising. Pupungas-pungas pa ng lagay at aandap-andap
ang mata sa antok na siyang nagpabagal sa pagkilos, idagdag pa na naipit sa
usad-pagong na trapiko kaya dakong Alas-siete na nakarating sa OLFU-Regalado. Dahil baguhan lamang
doon, hinanap ko pa kung saan ang office ni Ma’am Paula at magkanda-ligaw-ligaw ako. Iyon pala, malaman-laman
na nasa kabilang building pala at kaagad nang nagtungo. Pagkarating ng Guidance
Office, sarado ito, marahil ay hindi pa dumarating si Ma’am kaya naghintay
muna. Maya-maya pa, may tumawag sa akin at laking gulat pagkat nasa main si Ma’am Paula, dali-daling nagtungo roon.
Kainis at nagsayang lamang sa pamasahe. Pagkapasok sa Guidance Office, naroroon
nga si Ma’am Paula. Tinuruan niya ko
kung ano ang gagawin at paano makipag-usap sa mga estudyanteng may isyu sa
kanilang pag-aaral, nakakatanga man kung ano ang ipinapagawa, kakayanin.
11A-N. Sa una ay medyo natatanga at
mangapa-ngapa ng husto kaya hindi maiwasan ang magtanong subalit unti-unti rin
natututo. Dahil wala pang ID para sa
practicum at kailangan nang magkaroon niyon ngayon, tumungo muna sa Computer
shop para magpa-develop. Natagalan lamang ang pagpapa-develop pagkat nagkaroon
ng aberya subalit nakuha rin kinalaunan. Pagkabalik at sa dami naming mga
intern, kinulang na sa gagawin kaya naupo na lamang. Ilang sandali pa at dala
na nababagot pagkat hindi ka-close ang mga kasamahan at walang kahuntahan,
tumungo muna sa Admission Office kung saan nag-i-intern si Nikki.
11A-O. Saktong wala rin itong ginagawa
kundi pakuyakuyakoy ang paa kaya nagkaroon ng oras para makipagkwentuhan. Ilang
beses din akong nagpabalik-balik sa Admission Office pagkat walang gaanong
ginagawa sa Guidance Office. Ilang sandali pa, sa wakas ay lunch break na.
Matapos kumain at sa halip na sa Guidance ay Admission ako tumungo at
nakipagkwentuhan kay Nikki.
Pagkaapak muli sa Guidance, sa wakas ay nagkaroon na rin ng mapagkakaabalahan
at iyon ay magbantay at mag-entertain ng mga estudyante. Habang tumatagal ay
lumalakas ang loob na makipag-usap sa estudyante subalit hindi pa rin maiwasan
ang mangapa pagkat hindi pa gasinong saulado ang Policy.
11A-P. Nang wala muling magawa,
nakipagkwentuhan na lamang kina Nicole.
Ang lakas nilang mang-trip sa akin lalo na si Hannah (Ibay) na kababaeng tao, dinaig pa ang barako kung mambara,
laughtrip tuloy sila dahil walang habas kung ako’y pagkatuwaan at kahit
napipikon na tipong ibig nang pagsasampalin kaliwa’t kanan ay nagawa pa ring
ngumiti at sumasakay na lamang sa mga pahirit bilang pakikisama. Ang ingay
tuloy naming kahit na nasa loob ng Guidance at katabi lamang sa kwarto si Sir Laus. Bandang Alas-kwatro nang sa
wakas ay i-dismiss kami ni Ma’am Anna
Marie. Masyado pang maaga kaya naisipan munang dumaan sa NCBA. Saktong naroroon pa sina Eloisa at walang ginawa kundi
makipagkwentuhan.
11A-Q. Nandoon din si Erik (Pascual) kaya palitan muli ng asaran sa isa’t isa at
nakakabuwisit, walang araw o oras na magkikita kami na babarahin at aasarin
niya ko. Si Louie naman, ang daming
tanong at para itong pastor kung magsalita. Ang saya ng sandali ko habang
kasama sila kahit paulit-ulit na binabara ng walang hiyang Erik na iyan na walang ibang mapagtripan. Ilang sandali pa nang
dumating si Ma’am Niera, nakaramdam
ng kaba nang kausapin nito, akala’y sisitahin dahil hindi intern sa naturang
school subalit nakipagkamustahan lamang ito sa akin, sa bait nito ay agad
napapalapit ang loob sa kanya.
11A-R. Bandang Alas-sais nang mapagpasyahan
naming umalis. Kinagabihan, matutulog na sana ako nang umalingawngaw ang ingay
bunsod ng pagbubunganga ni Ate Lorlie
at walang habas kung paulanan ng mura ang mga anak nito. Naawa lamang ako sa
mga anak nito pagkat madalas silang makatikim ng malulutong na mura at
minomolestya pa, halos-halos araw naririnig ang kanilang hagulhol dahil pinagbubuhatan
ng kamay. Gustong-gusto ko nang ireklamo si Ate Lorlie nang hindi na nito saktan pa ang mga anak, kaso baka
lumaki pa pagkat hindi nagpapatalo at walang delikadesa sa binibitawang salita.
Nakatulog na lamang ako sa antok.
39 | 32 Thirty-two
days to go before we celebrating the birth of Christ.
November 24, 2017
Friday
Year V-328
Friday
Year V-328
11A-S. Nagising na lamang kinamadaling araw
dahil sa pagtatalak ni Ate Lorlie na
dinaig pa ang pumuputak na inahing manok. Iyon pala’y kaalitan nanaman nito si Kuya Junior at wala talagang pinipiling
oras ang kanilang away, himbing na sa pagtulog ang mga kapit-bahay pero yung
boses ni Ate Lorlie, namamayagpag pa
sa taimtim na kapaligiran na tila walang pakundangan. Panay pa ang bitaw ng
mura at ang tapang-tapang, walang sinisino kahit asawa at anak pa nito.
Naririndi man dahil nag-uumapaw ang pagbubunganga nito, walang ginawa kundi
magtiis. Nakatulog naman kinalaunan at bandang Alas-singko na nagising. Dahil
dakong Alas-siete magsisimula ang aking OJT,
nagmadali na sa pagkilos upang hindi mahuli. Gaano ko man binilisan sa pagkilos
kung lubha namang napakatrapik sa lansangan, walang kwenta at nahuli pa rin ng
dating.
11A-T. Pagkatungtong ng Guidance Office
doon sa OLFU-Regalado, naroroon na
si Ma’am Paula. Pagkalapag ng gamit
ay kaagad nitong sinabi ang gagawin at iyon ay maggugupit ng Testing Materials
na kung tawagin ay Gordon Emotional
Profile Test. Napakasimple ng pinapagawa ni Ma’am subalit marami at mukhang
hindi matatapos ng ngayon lang, idagdag pa na walang kasama kaya kailangang
tiyagain. Mas mainam na ang may ginagawa o pinagkakaabalahan kaysa nakatutunga
lamang at nakatingin sa kawalan. Habang aligaga sa paggugupit ng Testing
Materials, may ipinag-utos sa akin si Ma’am. Isa-isa kong pinuntahan ang room
kung nasaan ang mga awarding student upang mag-announce at kausapin sila. May
pagkamahiyain akong nilalang subalit lakas loob na pumasok at nakipag-usap sa
Professor.
11A-U. Ganito pala ang gawain kapag Intern
ka, nakakapagod subalit kinakaya alang-alang sa gradong ibibigay at makakaraos
din. Hindi lahat ng awarding student, nakausap ko pagkat ang ilan, kung hindi
absent ay walang klase ng ganitong araw. Nang mapuntahan lahat ng room na dapat
puntahan, balik sa paggugupit ng testing materials. Iyon lamang ang
napagkaabalahan sa buong umaga at kahit nakaupo lamang, nakakagutom. Kahit
sangkaterba ang dapat gupitin, walang ginawa kundi magtiyaga para matapos lang.
Bandang tanghali nang itinigil ko ang ginagawa at nananghalian. Heto muli ako
sa paggugupit ng sangkaterbang testing materials matapos mananghalian at iyon
lamang ang napagkaabalahan sa maghapon. Pagsapit ng Alas-kwatro y medya, sa
wakas ay dismissal time ko na rin at nairaos muli ang isang araw. Tumungo pa ko
sa Fairview Center Mall at
gumala-gala. Naghihingalo na ang liwanag nang makauwi ako na may gaan at saya
sa kalooban kahit maraming ginagawa.
38 | 31 Thirty-one
days to go before we celebrating the birth of Christ.
November 25, 2017
Saturday
Year V-329
Saturday
Year V-329
11A-W. Pangatlong araw ng aking OJT at tinatamad man bumangon at gusto
pang matulog pagkat inaantok ng lagay ay kailangan nang bumangon at kumilos. Dahil
sa main kami ngayon ni Ma’am Paula
nakadestino, sa Lagro ako tumuloy sa
halip na sa Regalado. Laking gulat
ko pagkat wala roon si Ma’am Paula
at ipinabatid na nasa Regalado raw
ito. Pambira talaga, nung una na sabing sa Regalado
at nang tumungo ako, nasa Lagro ito
pero nang sabihing sa Lagro at nang
tumungo ako, nasa Regalado naman,
ang labo kausap at hindi malaman ang pasya pagkat pabago-bago. Naiirita man
pagkat nasasayang lang ang pamasahe sa papunta’t parito, kailangan maging pasensiyoso
at matiyaga alang-alang sa gradong ibibigay. Wala na kong sinayang pang panahon
sa pagtungo roon at pagkarating, umigting pa lalo ang pagkayamot pagkat sarado
ang Guidance Office, sinubukan kong pumasok at saktong hindi ito naka-lock.
Hindi pa tapos ang pinapagawa sa akin ni Ma’am at iyon ang inasikaso ko.
11A-X. Sa dami, mukhang malabo pa ring
matapos. Dahil wala si Ma’am Paula
na hindi alam kung nasaan, solong-solo ko ang Guidance Office. Maya-maya pa,
nag-ikot-ikot ako at isa-isang pinasok ang bawat silid kung nasaan ang mga
awarding student upang mag-announce at kausapin sila. Pagkatapos ay bumalik ako
sa Guidance office at ipinagpatuloy ang paggugupit ng sangkaterbang testing
materials. Bandang Alas-dyis nang sa wakas, natapos din ang paggugupit ng
testing materials at saktong dumating si Ma’am
Paula. May ipinag-utos muli ito sa akin at iyon ay pinapapunta niya ko sa
Main upang i-surrender ang nakumpiskang ID
sa Disiplinary Office, nakakapagod man pagkat pamasahe nanaman na ibig nang
magreklamo, kailangan kong tanggapin ang ipinapagawa. Sa alinsangan ng panahon
at tayog kung nasaan ang Disiplinary office, pagpawisan ng husto nang
makarating doon.
11A-Y. Pagkabigay ng ID sa Disiplinary Office, nanatili muna ako sa Main Guidance Office
upang magpahinga. Bukod sa akin na practicumer ni Ma’am Paula, may kasama pang isang practicumer at iyon ay si Deby. Nakakagalak lamang pagkat may
kasama na ko. Magkasama kaming bumalik sa Regalado
at dahil breaktime, nanatili muna sa library at umidlip. Napasarap ang
pag-idlip ko kaya nang magising, Ala-una y medya na pala. Dahil ngayong araw
kami magpapa-test ng mga estudyante, tinuruan kami ni Ma’am Paula kung paano mag-administer at nakakaba. Kailangan iparamdam
mo sa kanila na expert ka sa Exam para hindi ma-tolerate. Sa umpisa lamang ito
at hindi maglalaon ay masasanay din sa ganito.
11A-Z. Ang seryosong pag-uusap namin ni Ma’am,
nauwi na sa lokohan at tawanan. Ang saya palang kasama ni Ma’am Paula pagkat inakala kong tahimik ito na medyo may
pagkamasungit subalit palatawa pala ito at malilibang ka talaga sa kanya. Sumapit
na ang Alas-tres y medya, hindi pa rin dumarating ang mga estudyanteng
pag-eeksamin namin, walang ginawa kundi mag-practice ng sasabihin at umasa.
Kung kailan malapit na ang dismissal time, saka sila nagsidatingan, kaya si Ma’am Paula, nag-uumusok ang ilong sa galit
at tahasang sinabon. Kung ako sa kalagayan ni Ma’am ay ganon rin ang
mararamdaman ko pagkat walang pagpapahalaga sa oras. Dahil masyado nang late,
hindi na nito pinayagan sila na kumuha ng examination.
11B-A. Balik sa pagiging kengkay ang
kaninang intrimitidang asta ni Ma’am matapos nitong makausap ang mga
estudyante. Napasarap ang kwentuhan namin at tawanang walang puknat kaya hindi
namamalayan ang oras. Wala pang balak umuwi kaya tumungo muna sa Computer shop.
Ganap nang lumagom ang dilim nang makatungtong ang balingkinitang yapak kahit
inaalikabok na sa tahanan. Pagkarating sa bahay, tumambad sa mata ang samu’t
saring mga pasalubong ng ate galing Korea.
Dahil sabik na makakain ng produkto sa Korea,
wala nang ano-ano pang pinaglalantakan at labis ang aking pagkabusog pagkat
nagkahalo-halo ang kinain. Natulog akong busog na busog dulot na naparami ang
nakain subalit huwag naman bangungutin.
37 | 30 Exactly
thirty days to go before we celebrating the birth of Christ.
November 28, 2017
Tuesday
Year V-332
November 30, 2017
Thursday
(Bonifacio Day)
Year V-334
November 26, 2017
Sunday
Year V-330
11B-B.Ngayong araw lamang makakapagpahinga
matapos ang sunod-sunod na araw na may pasok dahil sa Practicum. Dahil Linggo
at walang pasok, tinanghali na sa paggising. Wala muling magawa kaya pagsusulat
ng kwento ang napagkaabalahan. Maya-maya pa, namahala ako sa tindahan. Pagsapit
ng tanghali, oras na upang lamnan ang sikmura. Wala naman gagawin kaya
naisipang mag-siyesta. Matutulog sana ako, kaso hindi pagkat
nagkakaraoke sina Ate at ang ingay. Maya-maya pa'y bumangon na ko at kahit
nagtataglay ng malatinig palakang boses, nakisali pa rin sa pag-awit. Naiingit
lamang ako kay ate pagkat parang nagningning na bituin ang boses nito at pwede
nang isabak sa Singing Contest, samantala ako'y marahil nasusuya na ang mga
nakakarinig. Wala akong ginawa kundi magpakatatag at lakasan ang loob sapagkat
naniniwalang maitutuwid din ang aking pagkanta at ibig pang hasain ang boses.
\
11B-C.Kahit na hindi kagandahan ang boses,
basta naisasapuso ang pag-awit, ma-appreciate pa rin ng mga makakarinig.
Napasarap ang biritang pagkatayog-tayog kahit napipiyok na kaya inabot na ng
dapit-hapon sa pagkakaraoke. Kinagabihan, panonood ng telebisyon ang
napagkaabalahan. Naantig ang damdamin ko nang matunghayan ang tampok na programa
sa Kapuso mo, Jessica Soho ang buhay ng mga magkakapatid na inibanduna
at pinabayaan ng magulang kaya ngayon ay nakatira sa kural ng mga baboy. Grabe ang
kalagayan nila pagkat gabi-gabi ay nagtitiis sila sa ingay ng mga baboy, tapos
masangsang pa ang amoy. Dumagsa ang mga tulong nang mabalitaan ang kaawa-awang
kalagayan ng mga magkakapatid at kahit laganap ang kasamaan sa mundo, may mga
tao pa ring may mabubuting loob at handang tumulong sa mga nangangailangan.
Matapos manuod ng telebisyon at dahil maaga pa magigising bukas, kaagad nang
natulog.
36 | 29 Twenty-nine days to go
before we celebrating the birth of Christ.
November 27, 2017
Monday
Year V-331
Monday
Year V-331
11B-D.Bandang Alas-singko na nagising at
sa takot na mahuli ng dating pagkat lunes na lunes, naging paspasan ako sa
pagkilos. Inakala kong hindi mahuhuli sa pagpasok subalit nagkakamali dahil sa
letseng trapik na iyan na pasakit sa mga pasahero araw-araw. Saktong naroroon
na si Ma'am Paula maging si Deby pagkarating ng Guidance. Biglang
namayagpag ang kaba sa dibdib pagkat ngayong araw kami magpapa-test ng mga estudyante.
Kinakabahan man at hindi ito madali dahil unang beses na sasalang sa mga
estudyante na ibang kurso subalit kailangan lakasan ang loob. Ilang sandali
pa'y pumasok na ko sa room na itinalaga sa akin ni Ma'am Paula at
lakas-loob na hinarap ang mga estudyante ng BS Accountancy. Patuloy na
namamayani ang kaba habang nag-a-administer at pakiwaring bibitayin, maigi na
lamang at dumating ang katuwang na sa Deby, nabawasan kahit papaano ang
kaba pagkat siya na ang nag-instruct at ako ang tagabigay. Nang sumunod na
section at dahil mag-isa na lamang, buong tapang na hinarap ang mga estudyante
at nagsalita.
11B-E.Napalitan ng saya ang kaninang ako
na bihag ng kaba't takot pagkat nakakatuwa ang mga estudyante kahit ang ilan sa
kanila'y maloloko't may kahusayan sa pangti-trip. Tila natanggalan ng tinik sa dibdib
matapos kong mag-conduct ng examination subalit muling namayani ang kaba at mas
matindi pa kanina nang i-assign ni Ma'am na sa klase naman ni Ma'am Bobiz
ako sunod na magsasagawa ng test. Batid ng karamihan maging ako na isa siyang
terror professor at kinakatakutan dahil masyadong mataas ang kanyang boses na
akala'y galit at istrikto pa sa klase. Dala na nanginginig sa takot sa posibleng
maganap oras na makaharap si Ma'am Bobiz at ibig na pakiusapan si Ma'am
na ibigay na lang kay Deby ang gampanin para sa akin subalit walang
karapatang magreklamo at kailangan itong tanggapin dahil parte ito ng aking OJT.
11B-F. Dahil si Ma'am Bobiz ang
makakaharap, pinaghandaan ang mga sasabihin maging buong sarili, umihi na rin
para hindi na maihi mamaya. Kinalaunan, kumatok na ko sa silid kung saan nagklaklase
si Ma'am Bobiz. Pagkabukas ay langitngit na tinig ang isinalubong sa
akin ni Ma'am kaya lalo pang ninerbyos subalit nagpakatatag ako at kinausap
ito. Sa huli, bigo akong mapapayag ito at napahiya pa dahil pinagtaasan ng
boses sa marami nitong estudyante. Nayayamot ako sa professor na 'yon dahil masyado
nang polite ang approach ko sa kanya dala ng takot, nanlisik pa rin ang mga
mata't akala'y pinaglihi sa sama ng loob. Ayaw ko na talaga't nakaka-trauma si Ma'am
Bobiz, ibang klase siya! Ibigay na sa akin lahat ng professor, huwag lang
si Ma'am Bobiz dahil matinding intimidation ang aabutin mo sa kanya at
pagkahiya. Eksakto tanghali na kaya pinatagil muna kami ni Ma'am sa
pagpapa-exam. Dala na nagtitipid, tanging palabok lamang ang naging
pananghalian. Pagkabalik sa Guidance Office at dahil may natitira pang section
na naka-assign sa amin para magsagawa ng exam, walang ginawa kundi maghanda. Ilang
sandali pa, lumakad na kami at tumungo sa kanya-kanyang silid.
11B-G. May ilang professor ang hindi
pumayag dahil may quiz o di kaya'y may class reporting subalit nakapagpa-exam
naman sa ibang section. Ilang section na ang napasukan subalit hindi pa rin maiawasang
kabahan at nakakatensyon, kailangan expert sa pagsasalita't ipakitang may
kumpiyansa sa sarili habang kaharap ang mga estudyante. Marahil ay sa una lang
ito't masasanay din. Sa dami ng seksyon na pinasukan at maghapong kakasalita't
saway, napagod ako. Pagpatak ng Alas-kwatro, sa wakas ay dismissal time na.
Wala pang balak umuwi kaya pinuntahan ko pa sina Eloisa sa NCBA.
Saktong naroroon sila't masaya nanaman ang sandali habang kakwentuhan sila. Sa hindi
inaasahan, may bagay kaming napag-usapan na kinuwestyon ni Ma'am Niera.
May punto naman si Ma'am, hindi dapat ganon ang pamamalakad sa aming paaralan
pagkat kung iisipin ay parang hindi makatarungan subalit kinabahan ako dahil
baka kung ano ang mangyari.
11B-H. Pagkaalis ni Ma'am Niera, nagulat
na lamang ako't nagtaka dahil biglang lumayo sina Eloisa at sila-sila
lamang ang nag-uusap. Nung una, inunawa ko sila pagkat marahil ay personal subalit
nang mapansing hindi na iniimikan kapag kinikibo't may iba na sa pakikitungo
nila sa akin, nakaramdam na ng galit at hindi na napigilang pagtaasan sila ng
boses. Nainsulto ako sa ginawa nila kaya tahasang kinompronta. Dahil kanina pa
nagugutom at idagdag pa ang pagod at umaatikabong emosyon, biglang nanakit ang
ulo ko. Sa sakit, magkandahilo na't umiinog ang paningin subalit pinilit pa
ring tumindig at ipakitang ayos lang.
11B-I. Nang hindi na makaya pa, nahimatay
na lamang ako. Nang maibalik ang ulirat, laking gulat pagkat nasa Clinic na't
sinabi ng Doctor na tumaas daw ang blood pressure ko o sa madaling sabi, High
Blood. Nanatili muna sa Clinic upang magpahinga at nang umigi-igi na ang
pakiramdam, nagpaalam na ko sa kanila't nagpasalamat dahil inasikaso nang himatayin.
Kahit napagtaasan ko sila ng boses kanina, sinamahan pa rin ako nina Eloisa
at Hannah (Berrameda) hanggang sa makarating ng bahay. Nang makaalis ang
dalawa at makapaghapunan, kaagad na kong nagpahinga. Hindi ko akalaing
mangyayari ang bagay na ito at nakakagulat, kailangan nang mag-ingat at
pahalagahan ang kalusugan.
35 | 28 Twenty-eight days to go
before we celebrating the birth of Christ.
November 28, 2017
Tuesday
Year V-332
11B-J. Kahit hindi kagandahan ang nangyari
kahapon matapos himatayin nang hindi inaasahan dulot ng pananakit ng ulo at
stress na rin dahil maghapong subsob sa OJT at pagpapa-test ng mga
estudyante ay maayos na ang pakiramdam ngayong araw at masigla-sigla na tila
walang nangyari. Bandang Alas-sais nang ako magising at sa kabila na hindi
pinayagan ni Mama na pumasok sa OJT, pumasok pa rin ako. Bago magtungo ay
dumaan muna ako sa NCBA upang kuhain ang naiwan na bag kahapon. Saktong wala
sina Eloisa at sina Ma'am Jona lamang ang nadatnan doon. Pagkakuha,
tumungo muna ako sa Clinic upang magpa-blood pressure. Hindi na gaya ng kahapon
ang taas pagkat normal na ito. Alas-otso na pala at dahil masyado nang late,
napagpasyahang huwag nang pumasok at magpahinga na lamang. Pagkauwi, walang ginawa
sa buong umaga kundi matulog at magpalakas. Saka lamang nagising nang
tanghalian na't matapos kumain, balik hilata ako sa kama. Kakasawa na ang
matulog kaya nilibang ang sarili sa paglalaro ng Cellphone. Medyo nahumaling sa
paglalaro kaya hindi namamalayan ang oras at hapon na pala. Kinagabihan at dahil
pinagbawalan na magpuyat, maaga akong natulog.
34 | 27 Twenty-seven days to go
before we celebrating the birth of Christ.
November 29, 2017
Wednesday
Year V-333
Wednesday
Year V-333
11B-K. Pinilit kong gumising kahit hindi pa
sumisikat ang haring araw at namumugto pa ang mata sa antok para hindi muling
maipit sa napakabigat na trapiko na siyang magiging dahilan para mahuli sa
pagdating. Hindi naman gasino kabigat ang trapik kaya Alas-sais pa lamang,
nakarating na sa OLFU-Regalado. Saktong sarado pa ang Guidance Office at
wala pa si Ma'am Paula. Hindi naman nagtagal ang aking paghihintay at
ilang minuto lamang ang dumaan nang dumating si Ma'am. May ipinagawa kaagad ito
sa akin at iyon ay mag-check ng Psychological test ng mga estudyante. Sa dami,
naging aligaga ako sa pagti-check at nakakaduling. Tatlong oras nang nagti-check
subalit sa dami, wala pa ko sa kalahati. Nang makaramdam ng gutom, itinigil ko muna
ang pagti-check at kumain.
11B-L. Matapos kumain, naisipan kong tumungo
sa Guidance office doon sa kabilang gusali. Saktong naroroon si Sir Jansen
maging ang practicumer nitong si Joyce (Cusi). Saktong chill silang
pareho at matanong pa si Sir Jansen kaya napakwento ako. Sa dami ng
napag-usapan namin at dala na napasarap, hindi namamalayang mag-iisang oras na ko
sa kanila at marahil ay hinahanap na ni Ma'am Paula. Nakakalibang kausap
si Sir Jansen at pakiwaring madali itong lapitan. Ipinagpatuloy ko ang
pagti-check ng pagkarami-raming testing materials at sa sigasig, bago pa man
magtanghali'y natapos din. Sa takot maulit ang nangyari sa akin nung Lunes at magkasakit,
hindi na tinipid pa ang sarili sa pagkain. Matapos mananghalian, kaagad na bumalik
sa Guidance Office. Walang ginawa kundi mag-check ng sangkatutak na test papers
at pagpatak ng Ala-una y medya, tumungo na ng silid upang magpa-test.
11B-M. Napalitan ng tuwa ang kaninang ako
na kakaba-kaba pagkat si Ma'am Risil ang professor ng section na
ibinigay sa akin at dagliang pumasok. Sa bait ni Ma'am, tinulungan niya ko
mag-admister kaya hindi gasinong nahirapan. Sobrang na-miss ko si Ma'am
Risil kaya nakipagkamustahan at kwentuhan sa kanya habang sumasagot ang mga
estudyante, bukod sa mabait ay napapagaan nito ang kalooban mo dahil sa kanyang
mga sinasabi. Nang matapos lahat ng estudyante, gustuhin pa man manatili at makipagkwentuhan
kay Ma'am Risil subalit kailangan nang magpaalam pagkat may klase pa
ito. Umalis akong dala-dala ang saya at kagaanan ng loob dahil sa napag-usapan
namin ni Ma'am. May ipinagawa pa sa akin si Ma'am Paula at iyon ay
magta-tally ng Student Chat Program at Consent Form. Sa dami, naging abala ako.
Tamang kinig lamang ako ng mga kantang makabagbag-damdamin habang may
pinagkakaabalahan. Sa dami ng dapat naming asikasuhin, bandang Alas-singko na
nakaalis. Pagkarating ng bahay, diretso lamon at nuod ako ng telebisyon. Kinagabihan
at dahil walang pasok kinabukasan, heto muli't nagpapakapuyat sa paglalaro ng
larong kinaadikan at online sa mga social media.
33 | 26 Twenty-six days to go
before we celebrating the birth of Christ.
November 30, 2017
Thursday
(Bonifacio Day)
Year V-334
11B-N. Araw ng kapanganakan ng isa sa mga
bayaning nagsakripisyo at lumaban para makamit ang kasarinlan, si Gat Andres
Bonifacio. Hindi matatawaran ang katapangang ipinakita ni Bonifacio
at matatawag ngang tunay na bayani. Nakakatuwa dahil walang pasok at may
panahon upang magpahinga at gawin ang ibig sa buhay subalit wala namang baon at
hindi makakalikom ng oras para madaling matapos ang OJT. Gawa na nababagot,
pagsusulat ng kwento ang aking inatupag. Sa sobrang abala ko sa pagsusulat na
medyo sinisipag ng lagay, hindi namamalayang tanghali na. Nakakaramdam na rin ng
gutom kaya kumain muna ako. Sarap na sarap sa pagnguya at paglamon, biglang
natuldukan nang matinik at sa tuwing lumulunok ay parang tinutusok ang lalamunan
sa sakit. Sinubukan kong alisin ang tinik sa lalamunan, sa kapit nito'y
nahirapan ako.
11B-O. Abot-langit na ang aking pangamba't
pakiwaring katapusan na pagkat habang tumatagal ang pananatili ng tinik sa
lalamunan ay pasidhi nang pasidhi ang nararanasang hapdi. Saka lamang nakahinga
ng maluwag nang tuluyang maialis ang tinik, akala ko, mapapahamak na't
pasalamat sa maykapal. Kinahapunan, nagtungo ako sa hardware shop upang bumili ng
turnilyo na para sa Laptop na ilang araw nang hindi magamit dahil sa nagloloko.
Ilang hardware store na ang napuntahan subalit sa liit ng turnilyo na kailangan
sa Laptop, wala akong mahanap, napagpasyahang ipagawa na lamang. Kung kailan
pauwi na, biglang sumama ang pakiramdam at sinipon ng sunod-sunod. Mabuti na
lamang, hindi nagtuloy-tuloy at guminhawa naman pagsapit ng gabi. Hindi pa dinadapuan
ng antok kaya nilibang muna ang sarili sa paglalaro ng games sa Cellphone. May
kalaliman na ang gabi at kahit na hindi pa dama ang antok, kinailangan nang
matulog pagkat maaga pa magigising bukas.
32 | 25 Twenty-five days to go
before we celebrating the birth of Christ.