October 01,
2017
Sunday
Year V-274
Sunday
Year V-274
10T-I. Madami pang dapat asikasuhin ngayong unang araw para sa buwang ito kaya
kahit nanatiling mugto ang mga mata sa antok, bumangon na't nag-almusal.
Mukhang nagbabadya ang masamang pakiramdam pagkat parang sisipunin at bahagyang
sumasakit ang lalamunan na huwag sanang maganap, ngayong nahaharap ako sa
napakaseryosong bagay. Dahil tuloy na tuloy na bukas ang Pre-pageant, pagsapit ng tanghali ay
tumungo na ng School kahit
Linggo at araw ng pagpapahinga. Kaagad akong dumeretso sa Athletic
Center. Hindi pa pala nagsisimula ang rehearsal subalit nadatnang abalang-abala na ang mga Design Team sa pag-aayos
ng stage. Walang magawa
kaya nakipagkwentuhan at hagalpakan muna kina Jona Vee.
10T-J. Dalawang oras na ang nakakaraan, hindi pa nagsisimula angrehearsal at marami pa ang wala
sa amin, mukhang nagsasayang lamang ng oras. Dala na inaantok sa kakahintay,
umidlip muna ako. Hindi naman makatulog ng maayos pagkat maingay at ang
daming distraction, sira
angbeauty rest ko. Maya-maya pa'y bumangon
na ko mula sa pagkakahilata sa hagdanan at naisipang kumain. Kung kailan nasa
karinderya na ko at hindi pa nakakain, saka nagsimula ang rehearsal kaya dali-dali ang
yapak sa pagbalik sa Athletic Center. Saktong nakaposisyon na ang
mga Co-candidate ko
sa stage. Tumagal
ang rehearsal ng
halos isang oras at saka lamang nakakain nang magkaroon ng break. Tamang nuod lang sa mga Senior High School na kalahok
sa Mr. and Ms. Fresh at nakakatakam dahil ang daming mga
gwapo.
10T-K. Sa halip na moves ang
pagmasdan habang rehearsal ng
kanilang sayaw ay ang looks nila. Ilang sandali pa, back to rehearsal kami. Inabot
na ng gabi nang tuluyang matapos ang rehearsal at bago umalis, kinausap muna kami ni Kuya
Rael. Kinakabahan man dahil bukas na ang pre-pageant, lumalakas ang loob dahil sa kanya. Kahit dis-oras
na ng gabi, nagtungo muna ako sa Simbahan at nagdasal. Diyos na ang bahala sa
akin bukas at sana kayanin ko ang mga bagay na posibleng mangyari. Tiwala akong
hindi pababayaan ng panginoon sa laban na ito. Kahit anong mangyari, laging
tatandaan na maging positibo't huwag magpaapekto. Hindi lang ako makapaniwala
na mapapabilang sa ganung klaseng patimpalak kaya ganon na lamang ang
pagkukumahog at paghahanda.
92 | 85 Walong pu't limang araw na
lamang, Pasko na.
October 02,
2017
Monday
Year V-275
Monday
Year V-275
10T-L. Magkahalong sabik at kaba ang umiiral sa dibdib kaya halos hindi na
makatulog sa magdamag. Hindi pa man sumisikat ang araw, bumangon na ko't
naghanda-handa. Sa dami ng mga dapat dalhin, animo'y magbabakasyon sa
probinsya. Kahit napaka-hassle dahil
maraming dalahin, kinakaya pa rin dahilI
enjoy and accept those challenges. Kahit aligagang-aligaga na halos
hindi na magkandaugaga, kailangang panatilihin ang ngiti sa mukha. Bandang
Alas-siete nang makaalis sa bahay. Pagkatungtong sa Athletic Center,
problema kaagad ang bumungad pagkat hindi gumagana ang hiniram na lapel. Akala
ko, ayos na ang lahat subalit hindi pa pala't nakaka-stress. Namomoblema man, hindi ko hinayaang panghinaan ng loob
at gumawa ng paraan. Habang may nalalabi pang oras bago magsimula ang program ay inasikaso na ang
lapel. Laking tuwa pagkat may mahihiraman na subalit hinahanap pa.
10T-M. Tumatakbo ang oras at anumang sandali ay maaari nang magsimula ang Pageant kaya hindi na nahintay
pa't ipinasuyo na lamang sa ilang Committee.
Hapong-hapo akong nakabalik sa Athletic Center. Minuto na lang ang
nalalabi bago magsimula ang Program kaya
aligaga nang nagtutulong sa pag-aayos at paglalagay ng kolerete sa mukha. Maigi
na lamang at mga lalaki kami kaya hindi ganon katagal ang pagme-make up at good-looking na. Pagsapit ng
Alas-dyis nang magsimula ang program at
bago umapak sa entablado't magpakita sa mga manunuod, nagdasal muna kami at
humingi ng lakas ng loob sa maykapal.
10T-N. Ilang sandali pa, humarap na kami't nag-uumapaw na hiyawan na may
kasamang palakpak ang isinalubong sa amin ng mga manunuod lalo na ang aking mga
kaseksyon kaya lalo pang lumakas ang loob at nagpakitang gilas sa pagsasayaw.
Matapos ang production number ay
isa-isa kaming nagpakilala't naririto na ko kaya buong loob na nagsalita. Nang
magpakilala ang lahat sa amin, kaagad nang nagtungo sa dressing room para paghandaan
naman ang Casual Wear. Ganito
pala ang buhay kapag kalahok ka sa isang patimpalak, stressful at nakaka-rush ang
dumadaan na bawat sandali. Habang intermission
number pa lamang, sobrang aligaga ang bawat isa sa amin sa
pagbibihis at sa kabila na napakaikli ng oras, kailangan na-achieve mo na ang kung ano ang
dapat makita sa'yo.
10T-O. Nang magsimula na ang Casual
Wear, ginalingan ko nang husto sa pagrampa't lahat ng naisipang post, ipinamalas ko na. Wala nang
pakialam kung anong sasabihin ng mga manunuod basta nakapagrampa ako ng
bigay-todo. May kalabuan ang paningin pagkat hindi nakasuot ng salamin subalit
nagulat nang makitang isa pala sa mga Judge ang Former Mr. Psychology na
si Jed. Dahil diyan kaya lalo pang ginanahan na ipakita kung ano
ang natatagong galing. Pagkatapos ng Casual Wear, Talent
portion na kaya ang kaba, mas malala kung ikukumpara kanina subalit
pinipigilan ko. Todo ang aking paghahanda habang hindi pa nakasalang at
napanghihinaan na ng loob pagkat ang huhusay nila. Nang ako na, lahat na
marahil ng Confident at
kawalang hiya, inalabas ko na, maging maayos lamang ang performance. Talagang hinusayan ko sa
pag-acting kahit hindi na
lapel ang ginagamit para lang ma-impress ng
sobra ang mga manunuod.
10T-P. Matapos ang aking Performance,
hindi makapaniwala pagkat napapalakpak ang halos lahat ng manunuod maging
si Jed at iba pang mga Judges at
nakakataba ng loob. Gayunpaman, ayaw kong mag-expect na ako ang makakasungkit ng Best in Talent sapagkat madami
talaga ang magagaling at very
impressive ang performance kahit
nararamdaman ko na. Magkakaroon pa kami ng Final look kaya heto muli sa paspasang transformation at pagrampa.
Bandang Ala-una nang ganap na matapos ang Pre-pageant at nakaraos din kahit papaano, kahit may
kasunod pang Coronation.
Sa pagod ay diretso pahinga ako pagdating ng bahay. Bandang Alas-kwatro na ko
nagising at dahil nababagot, naisipan kong magkumpyuter. Kinagabihan at matapos
ang mgastress mula sa
pukpukang gawain gaya ng rehearsal,
ngayon lamang muli makakapag-buhay
alamang.
91 | 84 Walong pu't apat na araw na
lamang, Pasko na.
October 03,
2017
Tuesday
Year V-276
Tuesday
Year V-276
10T-Q. Nawala na ang antok sa mga mata kaya kaagad nang bumangon at nag-agahan.
Matapos ang agahan at dahil nakakabagot talaga kung walang ginagawa,
sinamantala ko ang oras para ensayuhin ang pagrampa. Ilang araw ko na itong
ginagawa subalit hindi pa rin makuha ang tamang pagrampa sa lalaki at parang
mas madali sa babae dahil feel ko.
Nahihirapan man ako, hindi umayaw at ipinagpatuloy sa ginagawa pagkat
determinadong magingsuccessful ang
pagrampa kahit hindi manalo. Ilang sandali pa, medyo napagod na kaya itinigil
ko muna ang rehearsal.
Gawa na ngayong araw ko aasikasuhin ang Creative wear, napagpasyahan nang lumiban sa klase para
magkaroon ng sapat na oras na tapusin ang Creative wear.
10T-R. Kahit mag-isa lamang at wala nang katulong, kakayanin dahil may tiwala
ako sa aking sarili at makakayang lampasan at tapusin kahit gaano pa yan
kaseryo. Walang ibang ginawa sa maghapon kundi maging abala sa akingCreative Wear at nawa'y
magkabunga ang aking pagkukumahog. Maging sa gabi'y iyon lamang ang inatupag
ko. Balak ko na sanang magpuyat nang sa ganon ay matapos na't wala nang
alalahanin pa subalit mugto na ang mga mata sa antok kaya naisipang ipagpabukas
na lamang.
90 | 83 Walong pu't tatlong na araw
na lamang, Pasko na.
October 04,
2017
Wednesday
Year V-277
Wednesday
Year V-277
10T-S. Tinanghali na ng gising. Pagkaalmusal, diretso kaagad sa paggawa
ng creative wear. Kahit
nakaka-hassle dahil
daming materials na
kailangang gamitin at lagyan, naaliw naman ako sa ginagawa pagkat nagiging productive. Sa sipag kong ito, buong
umaga ay paggawa lamang ng Creative
wear ang inasikaso hanggang sa wakas, natapos din ito. Kahit pagod
ang inabot sa pukpukang paggawa, masaya naman dahil natapos din. Ang sarap sa
pakiramdam kapag ang bagay na iyong pinaghihirapan, nakakamtam kaysa idaan sa
santong paspasan. Dahil tutungo pa ko ngayon sa opisina ng ate para kuhain ang
hiniram nitong Tuxedo,
nang makalikom ng sapat na lakas sa pagpapahinga, naghanda-handa na ko. Kahit
nagbabadya muli ang masamang pakiramdam at tinatamad pa ng lagay, sa
kagustuhang presintable't matino-tino ang isusuot sa mismong Coronation, itinuloy ko pa rin ang
lakad. Dahil dumaan ng EDSA na madalas ay traffic, bandang Alas-tres na
nakatungtong ng Ayala. Sa layo ng biniyahe, nakaramdam ng pagkalam
ng sikmura kaya kumain muna ako.
10T-T. Pagkatapos, tumungo na ng Bonifacio Global City.
Pagkatungtong doon ay para ka talagang nasa ibang bansa pagkat walang ibang
makita kundi mga nagtatayugang gusali. Ibang-iba rin ang kanilang bus pagkat
pagilid ang upuan gaya sa Jeep sa
halip na paharap na gaya sa mgaPublic
bus. Pagkaalpas kung saan nag-oopisina ang ate, hindi agad pinapasok at
napakahigpit. Saka lamang malayang nakakilos nang makuha ang kailangan sa akin.
Pagkaharap sa ate, nakakainggit lamang pagkat ang layo na nga ng narating nito
at maayos na ang buhay na tipong kaya nang tumayo sa sariling paa.
10T-U. Gayunpaman, naniniwala ako na makakamtan din kung anuman ang tinatamasa
niya ngayon pagkat ang anumang pangarap, posibleng matupad basta may
pagsusumikap at huwag hayaang manaig sa loob ang salitang pagsuko. Namayani ang
tuwa nang makuha ang Tuxedo at
napakaganda. Kahit pusong babae ako'y gustong-gusto nang angkinin. Sa halip na
umuwi, nagtungo pa ng Market Market para bumili ng Bowtie. Sadyang kay mamahal ng Bowtie kapag primera klase ang
dating at pangpormahan talaga, gustuhin man bilhin, kakapusin naman sa bulsa't
pamasahe. Naging matiyaga ako hanggang sa may napili na bukod sa abot-kaya ng
bulsa, swak na swak na para sa Tuxedo at
di na kailangan pang manghiram ng kurbata. Balak pa sanang gumala maging
sa SM Aura, kaso pagabi na kaya napagpasyahan nang umuwi. Minalas
lamang ng lagay pagkat inabot ako ng rush hour, kaya ang resulta, wala halos masakyan pagkat punuan
na't nagkakaubusan na ng masasakyan.
10T-V. Malapit nang sumapit ang Alas-siete nang makasakay ako ng bus, iyon nga lang ay papunta
ng San Mateo at hindi mismo dadaan ng Sandigan.
Halos mairita na sa usad-pagong na traffic at
halos wala nang galawan pagkatbumper
to bumper ang mga sasakyan. Sa nangyayaring ito, sasapit na ang
madaling araw na hindi pa nakakauwi. Walang ginawa kundi magtiyaga at hindi
inalis ang pag-asang makakauwi ng maaga. Pagkalampas ng EDSA at
ang inakalang bibilis na ang takbo ng bus, nagkakamali pagkat mas grabe pa angtraffic na dinanas. Ang resulta,
halos tatlong oras nang nakatengga sa bus at sumasakit na ang mga kasu-kasuan pagkat malamig.
Bukod sa nahaharap sa napakabigat na trapiko, ang ingay pa ng mga kasamahang
pasahero, wala na marahil ititindi pa ang nararanasang hassle.
10T-W. Naubusan pa ng baterya ang telepono kaya hindi ma- contactsina Mama na marahil ay
nag-aalala na ng mga oras na iyon, dis-oras na ng gabi subalit heto pa rin
ako't nasa lansangan. Sa sobrang traffic na
hindi inaasahan, bandang Alas-onse nang sa wakas ay nakaalpas din sa sariling
tahanan at nagpapasalamat pagkat walang nangyaring masama sa akin sa pag-uwi na
kalaliman na ng gabi't tulog na ang karamihan. Sana hindi na maulit ang
ganito't masolusyunan na ang traffic sa
bansa na araw-araw na lang kinakaharap ng maraming commuter.
89 | 82 Walong pu't dalawang araw
na lamang, Pasko na.
October 05,
2017
Thursday
Year V-278
Thursday
Year V-278
10T-X. Nagising ako dahil sa lakas ng ulan. Medyo maaga pa kaya umidlip muna
ako. Ilang sandali pa, nabasag ang tulog ko nang dumagundong ang kulog.
Namayani na ang takot kaya nagtalukbong na ko. Alas-otso na ng umaga, animoy
madaling araw pa rin pagkat madilim ang papawirin at patuloy ang mga pagkulog
at pagkidlat. Humupa naman ang Thunderstorm kinalaunan
at lumiwanag ang papawirin. Habang may oras at dahil maraming nahiramang Tuxedo, nagsukat-sukat ako para
makapili. Kahit tingin ko na hindi pinagpala ang hitsura, lumilitaw pa rin ang
kakisigan kapag nakasuot ng Formal at
para kang susyalin. Nagandahan ako sa lahat ng hiniram na Tuxedo at ang lakas makapogi
kaya medyo nahirapan sa pagpili. Tamang kuha lang ng litrato habang suot-suot
ang Tuxedo at nakaka-overwhelm dahil unang beses
lamang magsuot ng ganung kasuotan at nagiging tunay kang lalaki kung
pagmamasdan.
10T-Y. Ilang sandali pa, umalis na ko ng bahay. Bago magtungo ngSchool, naisipan munang dumaan sa
Simbahan at nagdasal. Bukas na ang aming Coronation at sana kayanin ng loob kung anuman ang magiging
resulta. Manalo o matalo, ang mahalaga'y naranasan kong sumali sa ganyang
patimpalak at binigyan ang pagkakataon ang sarili para may mapatunayan. Matapos
dumulog sa Poong Maykapal, nagtungo pa ng Mall pagkat may bibilhin pa. Habang nasa biyahe
patungong school, naipit
nanaman sa napakabigat na trapiko. Kahit kailan nga naman, isa sa suliranin ng
bansa ang trapik at lubha itong nakakaabala. Sa sobrang trapik, muntikan nang
magpamalas ng langitngit sa yamot. Nahuli na ko ng dating kaya hindi na pumasok
pa sa klase ng Current Issue.
10T-Z. Magkakaroon din kami ng rehearsal ngayong
araw kaya hindi na rin pumasok sa klase ng Education 2. Habang
hindi pa nagsismula angrehearsal,
kasama sina Nikki at Sarlyn ay natungo muna
kami kung saan ang klase ni Hannah. Pagkatungtong ay saktong
si Sir Nebres ang professor nila.
Sa halip na palabasin niya si Hannah, nagulat na lamang ako nang
papasukin pa ni Sir kaya ang buong klase, hiyawan at napagkamalan pang
manliligaw nito. Binalewala ko na lamang ang mga patutsada nila. May maikling
pagsusulit pala sila kaya naisipang mamaya na lang mag-usap pagkatapos ng
kanilang klase.
10U-A. Hinintay pa namin matapos ang klase nito't makaraan ang higit isang
oras, nang matapos ang klase nila't saka lamang ito nakausap. Maya-maya pa,
pumunta na ko ng silid kung saan isasagawa ang rehearsal. Alas-singko na subalit hindi pa nagsisimula ang rehearsal, marami pa ang wala sa amin
kaya nakakawalang gana na. Ilang sandali pa, dumating na si Kuya Rael at
kahit kulang-kulang kami, natuloy pa rin ang rehearsal. Habang rehearsal,
dami naming halakhak pagkat ang kulit ni Kuya Rael at panay
ang trip kay Kalvin.
Sa halip na nakaka-stress dahil more on work out, nakaramdam ng
saya't daming pakwela ni Kuya Rael. Dakong Alas-otso nang matapos
angrehearsal at makauwi.
Bukas na ang Coronation kaya
hindi na mapigilan pa ang kaba't sana kayanin ng loob ang anumang
pangyayari.
88 | 81 Walong pu't isang na araw
na lamang, Pasko na.
October 06,
2017
Friday
Year V-279
Friday
Year V-279
10U-B. Magkahalong sabik at kaba ang namamayani sa dibdib pagkat ngayong araw
na kokoronahan at malalaman kung sino ang magiging Mr. and Ms.
Psychology 2017 at sasalang sa engrandeng rampahan na unang beses lang
maganap sa buhay. Kinakabahan sa magiging resulta ng patimpalak at nawa'y
tanggapin ng loob kung anuman ang magiging hatol. Kahit hindi man akong tanghaling Mister
Psychology sa taong ito, basta ligtas ang bawat isa sa amin mula sa
mga panganib at walang kapahamakang maganap, iyon na ang mahalaga. Nagsisimula
pa lang naman ako kaya ayos lang kung hindi palarin subalit ipapakita ko pa rin
ang aking galing. Kahit mamayang hapon pa gaganapin ang Coronation, umaga pa lamang ay
nagising na't sinimulan nang ihanda lahat ng kakailanganin. Talagang aligaga
kami ni Mama sa paghahanda ng mga isusuot at siniguradong walang malilimutan.
10U-C. Nang masigurong ayos na ang lahat ng kakailanganin, kasama si Mama ay
tumungo na kami ng School.
Kung ikukumpara ay mas marami pang dala kaysa nung nagdaang Pre-pageant at para kaming
tutungo sa Abroad. Ganito
pala ang pakiramdam kapag kasali ka sa isang patimpalak, ang inakalang masaya
pagkat ibibida mo sa maraming madla ang sarili mo, nagkakamali pagkat hirap at
pagod ang dadanasin subalit ayos lang at kailangan sa buhay ang mga challenge para tumatag ka.
Bandang Alas-dyis na kami nakarating ni Mama sa School at magkandapagod-pagod sa dami ng dala. Pagkatapos
kumain, nagpaalam muna kami ni Mama sa isa't isa at tumungo sa Auditorium.
May isinasagawa pala roon na quiz
bee ng mga Senior
high. Habang may nalalabi pang oras, walang ginawa kundi patatagin ang
loob at maghanda pagkat batid kong napakaseryoso ng magaganap mamaya. Tumagal
ang quiz bee hanggang
Alas-dos at bago magsimula ang program,
nagkaroon pa kami ng rehearsal.
10U-D. Dalawang oras pa bago ang Program subalit
hindi pa kami kumpleto kaya itong si Kuya Rael, sinaniban na ng
pagkayamot at kita na sa mukha nito ang langitngit. Maski ako't kung nasa
katayuan lamang ni Kuya Rael ay ganon din ang magiging reaksyon.
Nakilahok sila, nararapat lamang na maging responsable sa pagdalo. Itinuro niya
ang tamang blockings at
pagrampa. Hindi ko lamang mapigilan ang masabik pagkat heto na. Dati,
tagapanuod lamang ako't sigaw sa mga kandidatong sinusuportahan sa tuwing
may pageant taon-taon
subalit ngayon, ako naman itsi-cheer at
gagawan ng banner para
ipakita ang pagsuporta't nakaka-overwhelm. Hindi
lamang makapaniwala pagkat nakarating ako sa ganitong sitwasyon. Dahil
kailangan pa ng make over ng
bawat isa sa aming mga kandidato, hindi na pinatagal pa ang rehearsal para magkaroon ng
oras.
10U-E. Problemado ako pagkat hindi pa dumarating si Joshua, ang
aking make-up artist subalit
laking pasalamat nang magpresinta sina Elora at tulong-tulong
silang apat sa pagpapagwapo sa akin at pag-aayos. Matapos ayusan, ang resulta
ay para na kong prinsipe sa hitsura kahit pusong prinsesa't malayong-malayo
mula sa ordinaryong hitsura. Ilang sandali pa nang magsimula na ang program at bago kami magtanghal
sa entablado, nagdasal muna. Nang buksan na ang pintuan ay lakas-loob nang
rumampa't sumayaw at itinapon ang anumang kaba. Para akong nananaginip nang
panahong iyon pagkat kaliwa't kanan ang hiyawan at sigawan habang aming production number. Matapos ang production number, naghanda-handa
naman para irampa ang kanya-kanyang Creative
Wear. Napakaikli na ibinigay na palugid kaya aligaga ng husto sa pagbibihis.
Si Willy Wonka ang napili kong inspirational character para sa Creative wear at nang magsimula
at dahil Candidate No. 1,
ako ang kauna-unahang rumampa. Nakakaba na masaya subalit walang ginawa kundi
magbigay kwela sa mga audience at
pabilibin ang mga hurado.
10U-F. Nang makarampa ang lahat sa amin, sumunod ay Evening Wear na kung saan isusuot na
ang Tuxedo sa lalaki
at gown sa babae.
Kung kalian Evening Wear na,
saka pa nahulas ang inilagay na make-up kaya
umiral muli ang kaba subalit nagpakatatag ako't ginalingan sa pagrampa't posting. Bukod sa hiyawan ay tilian
na rin habang ibinibida ang magarbong kasuotan at rumarampa sa maraming
manunuod at naranasan kong maging tunay na lalaki kahit sa gabi lamang iyon.
Nagkaroon pa ng ilang intermission
number matapos ang presentation
of candidates. Habang nasa backstage ay
umigting pa lalo ang kaba na halos mapaihi na nga pagkat anumang sandali ay
malalaman na kung sino-sino ang mga makakapasok sa Top 5, magkakamit ng parangal at mag-uuwi ng korona. Ilang sandali
pa, tinawag na kaming lahat ng Candidate at
isa-isa nang ibinigay ang mga award.
Karamihan ng award ay
si Rocher ang nagkamit at parang pinakyaw na nga nito.
10U-G. Laking tuwa at gulat pagkat hindi inakalang magkakaroon din ako ng award at iyon ay Best in Talent. Matapos
ang awarding, isa-isa nang
tinawag kung sino-sino ang mga pasok sa Top 5 at lalo pang natuwa pagkat isa ako. Natutuwa man at
nagpapasalamat dahil nakapasok, kinakabahan naman pagkat sasabak pa sa Question and Answer portion. Ilang sandali
pa, tinawag na kaming lahat na kasali sa Top 5 para humarap sa Question and Answer. Walang ibang maramdaman kundi kaba't
manginig na halos at nang ako na'y piniga nang husto ang utak, maging maganda
lang ang isasagot. Pagkatapos ng Question
and Answer, Coronation na't
laking tuwa pagkat hindi akalaing Third
Runner up ako. Sa huli, si Rocher ang hinirang
na Mr. Psychology 2017 samantalang ang ka-partner naman na si Sarah sa Ms.
Psychology 2017. Lubos ang pasasalamat sa panginoon dahil siya ang dahilan
kung bakit may naiuwi ako nang hindi inaakala. Umuwi kaming napupuno ng saya
ang dibdib.
87 | 80 Walongpung araw na lamang,
Pasko na.
October 07,
2017
Saturday
Year V-280
Saturday
Year V-280
10U-H. Parang nasa alapaap ang pakiramdam sa paggising matapos
tanghaling Third Runner-up sa
kakatapos lamang na Mr. and Ms. Psychology 2017 at Best in Talent pa. Hindi ko
akalain na makakamit ang ganung parangal at sa sinalihan pang Pageant na hindi basta-basta't
napakailap kaya abot langit ang pasasalamat sa maykapal. Nagkabunga rin lahat
ng hirap, pagod at sakripisyo na binubuno habang sumasalang sa rehearsal at aligaga sa
paghahanap ng isusuot. Ang sarap sa pakiramdam na ang lahat ng pinagpaguran,
nalampasan at may pinatunguhan pa. Ngayon nakaraos din sa Pageant, panahon naman para
magpahinga kahit may klase ngayong Sabado't may demo-teaching pa sa Education 2. Gusto ko
munang makapagpahinga't relax sapagkat
nagtagumpay ako kahit hindi man hinirang na Mr. Psych.
10U-I. Dahil araw naman para magpahinga, walang ginawa sa buong umaga kundi
humilata't pakasasa sa pagkulwit ng Cellphone.
Pagpatak ng tanghali't matapos ang halos dalawang linggo, ngayon lamang muli
makakapag-Siyesta ng matiwasay. Pakiwaring ang ganda-ganda ng taon
sa akin at sana magtuloy-tuloy ang ganito. Kinahapunan at dahil walang magawa,
naisipang magkumpyuter. Dami kong halakhak habang pinapanood and Ms.
Q&A na segment sa Showtime.
Puro kabalbalan at kalokohan ang mga katanungan ni Vice Ganda subalit
nakakayang sagutin ng mga kandidatang bakla't ang gagaling nila kahit ginagawa
nang hangal sa mga katanungan. Medyo nasarapan sa panonood kaya hindi
namalayang sumipa na ang dilim.
10U-J. Kinagabihan, makapukaw-damdamin ang natunghayang kwento sa Magpakailanman pagkat
tungkol ito sa isang binata na nung bata'y naghiwa-hiwalay na sila magkakapatid
pagkat napariwara ang ama matapos pumanaw ang kanilang ina hanggang sa dumating
ang panahon na may kumupkop sa kanya na isang bading. Kahit hindi nito tunay na
anak, nagawa pa rin niyang iparamdam ang pagmamahal at pinalaki. Nakakainggit
na nakakatuwa dahil sa kabila na bakla ito, nagkaroon ito ng anak na itinuring
na tunay na pamilya at hindi siya iniwan hanggang sa huli kahit na kumpleto na
sila magkakapatid at nahanap na rin nito ang tunay na ama. Sa buhay natin,
hindi makikita sa dugo para masabing ganung kasidhi't kalapot ang pagmamahal na
ipalalasap dahil kung sino pa ang hindi kadugo, sila pa ang handang alagaan
ka't mahalin.
86 | 79 Pitong pu't siyam na araw
na lamang, Pasko na.
October 08,
2017
Sunday
Year V-281
Sunday
Year V-281
10U-K. Panibagong umaga muli na napakadalisay sa pakiramdam sa paggising pagkat
hindi pa rin mawaglit sa isipan ang pagkapanalo't sarap balikan ang sandali
habang pinaparangalan. Sadyang kay buti ng maykapal at hindi habang buhay,
ipalalasap niya sa'yo ang kapighatian at pagdurusa dahil binibigyan ka niya ng
karapatan upang lumigaya. Pagkabangon at almusal, sinimulan ko nang gawin report presentation para
sa Demo-teaching. Natapos
man ang Pageant subalit
may kakaharapin pa't iyon ay Demo-Teaching at
Defense. Sa panahong
nagkasunod-sunod ang mga bagay na dapat paghandaan, kailangan maging matatag at
palaban para makayang lampasan ang mga hamon sa buhay. Sa dami ng dapat ilagay,
bandang tanghali nang matapos sa paggawa ng report presentation. Sa pagod, matapos mananghalian ay kaagad
akong nag-Siyesta.
10U-L. Pagsapit ng hapon at bilang pasasalamat sa maykapal, naisipan kong
magsimba. Hindi lamang magpapasalamat dahil may nauwi nitong Pageant kundi nagpapasalamat na
rin sa lahat ng biyayang nakakamtan sa pang-araw-araw gaya ng pagkain at maayos
na ugnayan sa pamilya. Laging tatandaan na anumang biyayang dumating, maliit
man o malaki ay huwag magdalawang-isip na magpasalamat sa Diyos. Saktong
kakatapos lamang ng misa pagkatungtong sa Saint Peter Church at
nagsisialisan na ang mga deboto kaya nakaupo din.
10U-M. Matapos ang misa’t sa halip na umuwi, tumungo pa ko sa Ever
Gotesco Mall at nilibang ang sarili sa pamamasyal. Ilang sandali pa’t
pagkarating sa Activity Center,
nadatnang ang daming taong nagsisiksikan, may nagaganap pa lang Singing Contest kaya nanatili
muna roon at nanood. Habang tinutunghayan ang bawat mang-aawit ay mahalina nang
labis sa kinam ng kanilang tinig at nakakabilib ang kapag bumibirit. Nang
paakyat ako’y laking gulat nang makita na isa sa mga hurado si Jolina
Magdangal. Nakakatuwa dahil sa muling pagkakataon, nakakita muli ng Bituin
sa personal. May kalayuan kung saan nakaupo si Jolina Magdangal kaya
hirap kuhaan ng litrato’t marami pang tao. Gumagabi na kaya gustuhin mang
tapusin ang panonood ng Singing
Contest, kailangan ko nang umuwi.
85 | 78 Pitong pu't walong araw na
lamang, Pasko na.
October 09,
2017
Monday
Year V-282
Monday
Year V-282
10U-N. Walang akong klase ng ganitong araw subalit kailangan pa ring tumungo
ng School para asikasuhin
ang Data Gathering,
tinatamad man ng lagay. Pagkatungtong sa paraalan, kaagad na tumungo sa Discussion Area at hinintay ang
pagdating ni Nikki. Tatlong oras na ang nakakaraan, wala pa ito
kaya darating na sa puntong ibig nang umalis subalit dumating din ito’t
nagkataong kasama pa si Sarlyn. Pagkabigay ng materials sa kanya ay sinimulan
na ang Data Gathering.
Tinatamad talagang magsagawa ng Survey
kaya mas piniling makipagkwentuhan at asaran na lamang kina Nikki.
Ilang sandali pa, bumaba na kami para mananghalian. Sumapit na ang hapon
subalit wala pang balak umuwi kaya nanatili muna ng Library at nagmuni-muni.
Maya-maya pa, sinamahan ko sina Sarlyn na mag-asikaso ng requirements para sa Graduation.
10U-O. Nakakainggit lamang pagkat magtatapos na sila ngayong buwan, samantala
kami ay susunod na taon pa at mami-miss ko
ng sobra si Sarlyn pagkat isa siya sa mga taong nagpapaligaya sa
akin at nagbibigay kulay sa buhay, bukod pa dun ay matulungin itong kaibigan at
maintindihin pa. Sana ay dumating pa ang pagkakataon na magkita muli kami’t
magkasama. Hindi pala biro ang pagdadaanan bago ka maka-graduate pagkat maraming proseso at aligaga sila,
nakaka-stress kahit hindi ko pinagdaraanan ang kinakaharap nila. Pagsapit ng
Alas-kwatro, saka ko lamang napagpasyahang umuwi’t hindi na natuloy pa ang
dapat sana ay Data Gathering pagkat
nakakatamad. Pagdating sa bahay, diretso sa panonood ng telebisyon hanggang
gabi at matapos ay matutulog.
84 | 77 Pitong pu't pitong araw na
lamang, Pasko na.
October 10,
2017
Tuesday
Year V-283
Tuesday
Year V-283
10U-P. Araw para magpahinga pagkat suspendido ang klase namin ngayon upang
magbigay daan sa isasagawang National Achievement Test ng
mga Senior High. Wala man
pasok ngayong araw, wala naman pagkakataon para magpahinga pagkat ilalaan ko
ang araw na ito para mag-survey.
Bandang Alas-nuebe nang simula ko ang pagde-data gathering ng mga Millennial Leadership magmula sa Chowking Lagro.
Sa unang beses, natuwa ako pagkat pumayag ang Manager ng Chowking na magpa-survey, iyon nga lang ay iiwan
ang questionnaire at
bukas pa makukuha subalit nahirapan na nang sumunod pagkat karamihan, lubhang
abala sa trabaho at walang panahon para sagutan ang questionnaire. Kahit nahihirapan na
pagkat ang iilap nila’t yung iba ay kailangan pa ng Letter, hindi nagawang sumuko’t
ipinagpatuloy pa rin ang pagsu-survey alang-alang
sa Thesis.
10U-Q. Halos dalawang oras na ko nagsu-survey subalit hindi pa nakakarami
ng respondent at ang
hirap, kaya sa puntong iyon ay hindi mapigilang sisihin ang aming Adviser pagkat pinalitan nito
ang respondent namin na
mula Working Millennials,
ginawang Millennial Leadership. Hindi naman mahirap
maghanap ng ganung klaseng respondente pagkat kahit saan, kaliwa’t kanan ay
may manager, supervisor o kahit ano
pang position na
pang-leader, kaso ang problema
ay mga busy sila at
nakakahiya naman kung makakaabala. Sa kagustuhang maubos ang questionnaire, maging sa mgarestaurant at departamento
ng SM, isinagawa na rin ang survey at kinapalan na lang ang mukha habang isa-isang
pinapasok ang bawat restaurant at
kinakausap ang mga manager.
10U-R. May iba ay pumapayag subalit nakakainis ang ilan pagkat mukhang
nagdadahilan lamang. Kung wala silang balak magpa-survey, dapat ay magsabi ng totoo, hindi yung gagawin kang tanga
at bibilugin pa ang ulo. Nauunawaan ko naman kung ayaw nila! Nauubusan man ng
pasensiya at napanghihinaan na rin ng loob, nagkumahog pa rin ako, masagutan
lamang lahat ng questionnaire.
Nang makitang malabo ko nang matapos ang Data Gathering ngayong araw pagkat sadyang mailap ang
mga respondent, saka ko na
itinigil. Nagpagod lamang ako, wala naman halos napala. Sa halip na umuwi,
nagtungo pa ko kina Tita Cleo para isauli ang hiniram na damit
doon sa Talipapa, Novaliches.
10U-S. Pagkatungtong, si Harvey lamang ang nadatnan ko’t nang
maiabot sa kanya, tumungo ako kung saan nananahi ang Tita Susan.
Kahit abalang-abala ito sa pagtatahi ng tsinelas, nagawa pa ring
makipagkwentuhan sa akin. Bandang Alas-singko nang bumalik sa bahay kasama siya
at inabot na ng gabi sa kanila. Balak ko sanang sa kanila na magpalipas ng
gabi, kaso nakakahiya kahit kamag-anak mo pa kaya kahit dis-oras na ng gabi ay
umuwi pa rin ako. Pagkauwi’t hapunan, sinimulan ko nang asikasuhin ang pag-encode ng data na nakuha mula sa Survey. Namamayani na ang antok sa
mga mata at pagod sa katawan gawa na maghapong aligaga sa pagsu-survey, kahit hindi pa natatapos ay
humilata na ko sa kama at ang sarap matulog.
83 | 76 Pitong pu't anim na araw na
lamang, Pasko na.
October 11,
2017
Wednesday
Year V-284
Wednesday
Year V-284
10U-T. Maliwanag na sa labas at maiingay na rin ang mga kapitbahay na tsismis
ang agahan kaya kahit hindi pa nilulubayan ng antok ay bumangon na ko’t
nilamnan ang sikmurang magdamag na walang laman. Dahil hindi pa natatapos ang
aking data gathering at
may babalikan pa sa ilang restaurant at
department kung saan
isinagawa ang Survey,
tinatamad man ay kailangan kong kumilos. Dakong Alas-nuebe nang dumating ako sa
unibersidad at kaagad na inasikaso ang pag-encode ng data.
Tatlong araw na lamang ang nalalabi bago ang Final Defense kaya aligaga ako nang husto sa pag-e-encode. Kahit nara-rush na sa sangkatutak na numero
na kailangang ilagay sa Excel, tinatagan ko ang aking loob, huwag
lang umayaw. Ilang sandali pa, tumungo ako ng library. Namayani muli ang tuwa pagkat naroroon sina Nikki at Sarlyn na
may pinagkakaabalahan. May events pala
sila na kung tawagin ay Discrimination Free na project sa kanilang subject kaya ganun na lamang
sila kaabala pagkat anumang sandali ay magsisimula na.
10U-U. Gustuhin ko man silang tulungan sa pagbabalot ng papremyo at
pagpapalobo, hindi magawa pagkat may ibang dapat asikasuhin at iyon ay
paghandaan ang Demo-teaching bukas.
Mukhang magiging abala ngayong linggo pagkat bukod sa thesis ay gagawa pa ng lesson plan. Pagsapit ng tanghali at dahil
pawang mga gutom na ang bawat isa sa amin, nananghalian muna. Nang
makapagpananghalian ang pagsisimula ng events at bumarikada na ang dalawa sa kanilang booth. Ang saya ng kanilang events at nakakaaliw pagkat
puputukin ang lobo na nakakabit sa dingding sa pamamagitan ng paghagis ng Dart at kapag napaputok,
magkakamit ng premyo at iyon ay Candy
at marami pang iba. Gusto ko sanang subukan, nahiya ako pagkat mga Senior high school ang kalahok
at nakakahiya naman kung nag-iisa lang na college. May iba namang booth na kukuhaan ka ng litrato at marami pang activity. Habang abala sina Nikki at Sarlyn sa
pagbabantay sa booth,
umalis muna’t isinagawa ang Data
Gathering. Medyo nahihirapan na talaga sa pagde-data gathering pagkat masyadong limitado ang hinahanap na respondent kaya naisipan nang
isali ang mga kaklase sa survey,
maubos lang ang dala-dalang questionnaire at
matapos ang data gathering.
10U-V. Pagkatapos ay naghanap ako ng Classroom para roon naman isagawa ang pagta-tally ng nakuhang datos. Habang
aligaga sa pagta-tally ng data na halos masiraan na ng
tuktok pagkat nakakaduling ang mga numero, nawala ang lahat ng iyon nang
pumasok si Jed at ginanahan sa ginagawa. Ginamit kong
pampalakas ng loob si Jed para matapos ang ginagawa subalit
nadi-distract naman pagkat
hindi mapigilang kiligin lalo na nang kausapin nito. Lalo pa ko hindi makapag-concentrate pagkat nuknukan sa
ingay ang silid at panay pa ang pag-iinarte ni Jona Vee na
pulang-pula ang mukha sa pagkakilig nang masilayan ang kanyang mahal.
10U-W. Dala na nawawalan na ng konsentrasyon, hindi na halos matapos-tapos sa
ginagawa, idagdag pa ang pagiging madaldal ni Jed na aakalaing
may pinaglalaban, katabi ko pa man din subalit ayos lang basta siya. Ilang
sandali pa, dali-dali na kong tumungo ng SM para kuhain angquestionnaire sa mga manager. May nakuha naman ako subalit
karamihan, bigong makaharap. Bumalik pa ko ng School para ipagpatuloy ang pagsu-survey at nakaka-stress.
Maya-maya pa at dala ng pinagsamang pagod at antok, umuwi na ko kahit hindi pa
lubusang natatapos ang survey.
Kinagabihan, pagta-tally at encode ng data ang pinagkaabalahan ko at
paggawa ng lesson plan.
Pagpatak ng Alas-onse, napagpasyahan ko nang matulog.
82 | 75 Pitong pu't limang araw na
lamang, Pasko na.
October 12,
2017
Thursday
Year V-285
Thursday
Year V-285
10U-X. Dahil may seminar kami
ngayong araw at magkikita pa ng kapangkat sa Thesis, maaga akong nagtungo ng School. Wala pa ang aking mga kagrupo kaya tumungo muna sa Auditorium.
Pagkatungtong, saktong hindi pa nagsisimula ang seminar at kakaunti pa ang mga nagsisipagdalo. Pagpatak ng
ikasiyam ng umaga, nagsimula ang seminar na
pinangunahan ni Sir Jigo. Nag-back out daw ang guest speaker kaya mga Psychology Professor na ang magiging Speaker. Tungkol sa Millennial Relationship ang tinalakay
ni Sir Jigo kaya marami ang nakaka-relate maliban marahil sa akin na hanggang ngayon ay single. Walang puknat ang hiyawan sa
oras na humuhugot si Sir. Sumunod na Speaker ay si Sir Laus at Laughter Therapy ang kanyang
tinalakay. Ang saya ng kanyang topic pagkat dami naming tawa habang nagsasalita
at pwede ka magbahagi ng mga nakakatawang kwento.
10U-Y. Lalo pang sumaya ang kaloob-looban ng Auditorium nang
may pinanood siya Funny Video sa
amin at halos mag-crack na
ang ngala-ngala sa kakahalakhak at nabuhay nang husto ang natutulog kong
katawang lupa. Sumunod ay si Ma’am Joyce na patungkol sa Clay Therapy ang topic na sinundan naman ni Ma’am
Ria na patungkol sa Drug
Abuse. Nang makapagsalita ang apat na Speaker, binigyan kami ng pagkakataon para magtanong. Maraming
katanungan ang naglalaro sa utak at ibig sanang magtanong, kaso pinangunahan ng
hiya. Isa pa ay umalis na si Sir Jigo, may kinalaman pa naman
sa topic nito ang
tanong ko at ibig na siya ang sumagot. Sumipa bigla ang kaba sa dibdib nang tawagin
ng Hosts. Umiiral man ang
hiya sa dibdib ay nilakasan ko na ang loob na magtanong pagkat nandito na ko!
Dahil wala si Sir Jigo, si Sir Ronan ang sumagot
sa katanungan ko’t mawindang nang husto nang sabihing bakit di raw ako mag-Fubu.
10U-Z. Lingid sa kaalaman ko ang ganung term kaya ginawa ko siyang Follow-up question at tawanan ang halos lahat nang tanungin
iyon. Naloka ako nang malaman na usaping pakikipagtalik pala iyon at ano ba
‘yan, sa dami kasi ng pwedeng isagot, iyon pa kaya nakakatawa na nakakahiya.
Kahit kailan talaga, may pagkamalibog itong si Sir Ronan.
Katawa-tawa na tuloy ako sa maraming manonood at nakakaloka! Tumagal ang seminar hanggang Alas-dose at
hindi mawaglit sa isipan ang katagang “Fubu”. Matapos mananghalian,
tumungo na ko kung saan ang mga kagrupo sa Thesis. Si Kim lamang ang nadatnan ko at wala
pa si Myrrh subalit sinimulan na naming ang pagta-tally atencode ng data.
May klase pa ko kaya hindi na natulungan pa si Kim. Pagkapasok ng
silid, saktong naroroon na si Ma’am Trisha at nagtuturo. Dahil
di ko alam ang Fubu at nahuli pa ng dating, napagkatuwaan ni
Ma’am.
10V-A. Laking gulat nang ini-orient sa
akin ni Ma’am ang patungkol dun kahit walang kinalaman sa lesson niya ngayong araw at dami
naming tawa. Mabuti na lamang, hindi ko alam ang Fubu kaya
paniwalang-paniwala sila na Virgin pa
ko, although mature na
mag-isip at aware na
hinggil sa Sex. Lintik
lamang si Sir Ronan, dahil sa kanya, mukhang magti-trending ako. Sa oras ng Education
2, kinakabahan pagkat Demo-teaching ko
na at nang sumalang na, nilakasan ang loob na mag-discuss at ginalingan para dismissal time na. Kaagad din ako natapos sa Demo-teaching at pumalit ang
kagaanan sa kalooban.
10V-B. Masaya ako pagkat sa wakas, nairaos ko na ang Demo-teachingat Defense na lang ang paghahandaan.
Dahil magta-tally pa kami
nina Kim ngData,
hindi na nakapasok pa sa klase ng Physio Psychology. Saktong may
isasagawang role playing sa
klase nina Kim na Rizal kaya nakapanuod ako
habang gumagawa ng Thesis at
ang husay ng pagkakagawa, aakalaing nasa Theater ka
kahit karamihan sa Dialogue nila,
binabasa lamang sa piyesa at makapukaw-damdamin ang bawat kaganapan. Matapos
ang kanilang stage play at
dahil wala nang kasunod pang klase, umuwi na ko. Kinagabihan, pagta-tally muli ng Data ang inatupag. Dalawang araw
bago ang aming Defensesubalit
marami pa ang kailangang tapusin at mukhang nga-nga kami kapag dumating ang
araw na iyon subalit mananatiling positibo pa rin.
81 | 74 Pitong pu't apat na araw na
lamang, Pasko na.
October 13,
2017
Friday
Year V-286
Friday
Year V-286
10V-C. Friday the thirteenth at kahit may hindi magandang mangyayari sa tuwing ganitong araw
ayon sa pamahiin at kailangan nasa bahay lamang upang makaiwas sa kapahamakan,
walang masama kung aalis pagkat naniniwala ako na tayo ang may hawak ng
kapalaran at hindi pababayaan ng Diyos sa anumang sakuna. Hindi masamang
maniwala sa pamahiin subalit hindi rin maganda kung hinahayaang
maimpluwensyahan ng pamahiin ang paniniwala mo parati pagkat magmumukhang
kakaiba at maari pa magdulot ng sigalot at hindi pagkakaunawaan, lalo na’t
bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pananaw at kailangan ng respeto sa isa’t
isa. Kahit mamayang hapon pa ang klase, maaga pa lamang ay nagtungo na sa School. Pagkatungtong, kaagad kong
hinanap si Kim. Saktong nag-eensayo sila ng Role playing pagkarating kung
nasaan ito. Maya-maya pa, biglang umulan kaya ang ilan sa amin na walang baong
payong kabilang ako, nabasa.
10V-D. Hindi na napigilan pang mabanas ng ilan kong kamag-aral pagkat ang
laki-laki ng binabayaran namin sa pangmatrikula, tapos hindi ipapagamit
ang Athletic Center para doon sumilong at ipagpatuloy
ang rehearsal. Grabe sila,
mga walang konsiderasyon at pinahihirapan kami, walang silang pakialam kung
magkasakit kami! May nasilungan naman kami, ang kaso ay lubhang limitado ang
espasyo kaya tiis-tiis na lang ang ilan na mabasa ng ulan. Dahil naantala ang
kanilang rehearsal,
nagkaroon kami ng oras ni Kim na tapusin ang pagta-tally ng Data. Ilang sandali pa, laking ngiti
sa mukha pagkat natapos din kami sa pagta-tally at ipapa-consult na
lamang sa Statistic Professor para
magawan na ng Statistics.
Kaagad na kong umalis at nagtungo ng library. Saktong naroroon na si Myrrh at
naghanap kami ng Statistic
Professor.
10V-E. Si Ma’am Trisha sana, ang kaso ay may nauna sa kanya
para magpa-stats ng data at mukhang matatagalan kung
hihintayin pa ito matapos kaya napagpasyahang kay Sir Jigo na
lamang. Nakakainis lamang pagkat hindi ito mahagilap at aksaya sa oras ang
paghahanap sa kanya, lalo na’t tuloy na ang defense bukas. Nasumpungan naman namin ito subalit may
nauna ulit, kinailangan pang maghintay. Habang maghihintay, tulong-tulong namin
inasikaso ang Data at
walang ibang maramdaman kundi stress at pressure. May klase pa kami sa Clinical
Psychology subalit hindi na nakapasok pagkat abalang-abala sa Thesis. Dahil sa Thesis na major pa, magkakasakit na
marahil. Kulang-kulang dalawang oras ang nakakalipas nang sa wakas ay makausap
na namin si Sir Jigo.
10V-F. Mapalundag kami sa tuwa nang sabihing siya na ang bahalang gagawa
ng result subalit
parang bulang naglaho pagkabalik namin pagkat kinain nito ang sinabi niya.
Nakakapanggigil si Sir Jigo at ang labo kausap. Wala kaming
ginawa sa maghapon kundi asikasuhin ang mga sangkatutak na datos at numero
gamit ang SPSS at kahit medyo nangangapa-ngapa pa sa paggamit
nun ay napagtuloy pa rin. Ilang sandali pa at sa dami namin na magpapa-statssa kanya, nagturo na ito sa
amin. Isa pa sa kinaiinis ko sa kanya ay bakit ngayon lamang nito itinuro
ang SPSS, samantalang napakaraming sesyon sa klase ng Psychological
Research, hindi siya nagturo at nakaupo lamang kaya heto kami’t gahol na
gahol.
10V-G. Sa sobrang aligaga namin, inabot na ng gabi. Sumasakit na rin ang bungo
pagkat ilang oras nang tutok ang mata sa Computer habang kinokompyut ang mga datos at ginagawan
ng demographic table. Inabot na kami ng gabi subalit
nanatiling abala sa pagkompyut ng mga datos at mukhang malabong matapos ngayong
araw at makapag-defense bukas.
Kahit garalgal na kami, hindi sinayang ang mga nalalabing oras para tapusin ang
kabuuan ng Thesis.
Pagsapit ng Alas-otso at dahil magsasara na ang paaralan, umalis na kami. Balak
sanang mag-overnight sa
bahay nina Myrrh, kaso kinulang na sa pamasahe. Bukod sa masakit
ang ulo’t hapong hapo, umuulan pa’t walang dalang payong kaya napaka-struggle para sa akin ang
pag-uwi subalit kinaya pa rin kahit nababasa na. Pagkauwi’t kain, kaagad na
inasikaso ang Thesis.
Balak sanang magpuyat, matapos lang ito subalit hindi ko na kaya pagkat
inaantok na’t masakit din ang ulo kaya hindi na napigilan pang matulog.
80 | 73 Pitong pu't tatlong araw na
lamang, Pasko na.
October 14, 2017
Saturday
Year V-287
Saturday
Year V-287
10V-H. Kahit hindi biro ang bagay na kinakaharap sa
panahong ito na pawang nakakapagod at napakabigat ay kakayanin pagkat pagsubok
ito na kailangang kaharapin at huwag susuko pagkat malalampasan din iyon.
Nahihirapan man ako ngayon, iniisip na lamang na kasama ko ang Diyos sa
pagsubok na ito’t siya ang nagpapalakas ng loob. Bandang Alas-kwatro nang
magising ako. Mugtong-mugto talaga ang mata sa antok kaya umidlip muna.
Pagkagising, Alas-siete na pala’t karakaraka nang kumilos pagkat mamayang
Alas-dyis na magsisimula ang defense at kailangan na naming matapos ang Thesis.
Dahil malabo talagang makapag-defense ngayong araw pagkat kung iisipin ay
marami pang dapat gawin at ilagay kaya napagpasyahang huwag nang tumuloy sa
defense. Isa pa ay hindi kami gaanong handa’t baka ngumanga sa harapan ng mga
panelista. Namamayani pa ang antok sa mga mata pagkat kulang na kulang sa tulog
subalit sinikap pa ring pumasok. Bandang Alas-dyis na nakatungtong sa School at
kahit nagsimula na raw ang defense, aligagang-aligaga kami ni Kim sa
pagkompyut ng mga datos at paggawa ng table.
10V-I. Bukod sa amin, mistulan nang mga Zombie ang
kamag-aral pagkat karamihan sa kanila, magdamag na nagpakapuyat, matapos lamang
ang thesis. Yung ilan, pupungas-pungas na’t hindi mapigilang humikab. Ganito
kami nang panahong iyon na super-pressure nandahil sa major thesis,
makapag-defense lamang ngayong araw pagkat hindi na pwede sa ibang araw.
Aandap-andap na ang mata ko sa antok subalit pinilit pa ring magkompyut ng
sangkaterbang datos. Ganap nang sumapit ang Alas-dose subalit hindi pa kami
natatapos kahit nagtutulungan na’t malabo na talagang makapag-defense. Abot-langit
na ang aming stress pagkat kanina pa abala sa pagkompyut ng mga Data, kaya
hindi na maiwasang bara-barahin. May klase pa ko ng Current Issue at
ngayong araw din ang pasahan ng reflection subalit hindi pa nakakagawa, hindi
na rin nakapasok pagkat lubhang abala sa Thesis.
10V-J. Ilang sandali pa, pumasok si Sir Jigo at may
inanunsyo. Naghari ang tuwa sa kanya-kanyang mga dibdib sapagkat binigyan pa ng
pagkakataong makapag-defense sa susunod na linggo subalit ang problema,
maghahagilap pa ng professor na maaring maging panel at idadaan sa letter.
Gayunpaman ay natutuwa pa rin at sadyang mabuti ang Maykapal at hindi ka
pinababayaan. Kasama si Myrrh at habang patungo ng silid ay saktong
nakasalubong si Ma’am Trisha. Daglian akong humingi ng paumanhin sa hindi
pagdalo sa kanyang klase subalit sinabi nitong FDA na raw ako. Batid
kong nagbibiro lamang ito kaya nakisakay na lamang sa kanyang mga pahirit
subalit nang mapansing seryoso nga ito, puspusan ang pakiusap ko at paghingi ng
paumanhin, bawiin lang ang hatol nito sa akin. Sa pakiwari ko’y mukhang
na-dissapoint si Ma’am Trisha pagkat hindi nakapasok sa huling araw ng
kanyang klase at kailangan kong bumawi mamaya sa isa pa nitong subject.
10V-K. Sumidhi pa lalo ang stress pagkat panibagong
problema muli ang kakaharapin subalit mananatiling positibo. Magkakaroon pala
ng maikling pagsusulit sa Education 2 maging sa Physio Psychology
subalit hindi marahil makakapagrepaso dala na umiiral ang antok at gusto kong
magpahinga. Maya-maya pa, pumasok na si Ma’am Risil at nagsimula na ang
quiz. Dala na namumugto ang mata sa antok, nahirapan ako sa pagsagot at
nakakawalang ganang magbasa. Kahit labis ang aking pagkapungas, hindi hinayaang
magpanaig at nagpatuloy sa pagsagot. Nang checking na’y ikinahina ko pa lalo
ang nakuhang resulta pagkat bagsak. Dahil diyan ay nawala na exemption ko na
kumuha ng pasusulit sa darating na final period. Nagkaroon pa ng Demo Teaching
subalit hindi rin nagtagal at kaagad na nagpa-dismiss si Ma’am. Habang may
nalalabi pang oras at sa kabila na lugmok ang mga mata at nahihilo dulot ng
Thesis ay gumawa ako ng Reflection sa Current Issue nang sa gano’y
makahabol.
10V-L. Napakaikli ng oras kaya mukhang hindi kakayaning
makakapagpasa ngayong araw at bumabalakid pa ang pagkapungas. Physio
Psychology ang sumunod kong klase at nagkaroon kami ng Comprehensive exam
at long test. Dulot pa rin ng pamamayani ng antok, nahirapan ako sa pagsagot at
hindi maiwasang mapaidlip. Nang matapos sa pagsusulit, lakas-loob kong kinausap
si Ma’am Trisha. Nabuhayan ako ng loob at gumaan-gaan nang bigyan pa
nito ng pagkakataon at sinabing hindi nito tinotohanan ang pag-FDA sa
akin. Walang ibang maramdamanan nang panahong iyon kundi labis na tuwa’t
napakabuti ni Ma’am, wala itong kasing tulad.
10V-M. Sa halip na umuwi at kahit ganap nang sumapit ang
gabi’t pagod na rin ay tumungo ako kina Tita Cleo para kuhain ang
payong. Pagkatungtong sa Novaliches Bayan, hindi ko inaasahan ang pangyayari
pagkat naging pahirapan ang pagsakay at walang halos Jeep na patungo sa kanila
kaya halos mairita na subalit hindi pinanghinaan ng loob at nagpatuloy sa
paghihintay hanggang sa may nasakyan naman ako. Pagkatungtong ng Talipapa,
sina Kuya Darrel at Angelle lamang ang nadatnan. Malalim na ang
gabi kaya binalak na sa kanila na magpalipas ng gabi subalit dala na rin ng
hiya, mas piniling umuwi na lamang. Isa pa’y hindi magiging komportable ang
pagtulog kapag sa ibang bahay.
79 | 72 Pitong pu't dalawang araw
na lamang bago sumapit ang Pasko.
October 15, 2017
Sunday
Year V-288
Sunday
Year V-288
10V-N. Sumapit
nanaman ang araw ng Linggo at kahit nanatili ang antok sa mga mata ay kailangan
nang bumangon pagkat umaga na’t kaharapin ang panibagong araw nang may sigla at
saya. Pagkatapos mag-agahan, heto muli ako na gagamitin ang malaking biyas at
katawan sa gawaing bahay. Ilang oras pa ang nakakalipas at sa bilis, tanghali
na’t kailangan nang mananghalian. Gawa na wala naman gagawin at katamad ang
magkikilos-kilos at gala, pagkatapos lumamon ay direstso hilata ako sa katre at
nag-Siyesta. Medyo napasarap ang
aking tulog kaya hindi namalayang Alas-tres na ng hapon at para akong baterya
na bagong charge nang panahong iyon. Sa kasiglahan, ganadong-ganadong gawin ang
mga balakin sa buhay. Kaagad ko nang sinimulan ang paggawa ng Reflection. Sa
una ay nahihirapan pagkat aandap-andap ang utak at hindi makapag-isip ng maayos
dulot ng ingay subalit kinalaunan ay para nang batikano pagkat walang
katigil-tigil sa pagsusulat at daming bagay ang pumapasok sa isipan. Dahil sa
pagsusumikap ko, inabot ng dalawang oras nang tuluyan ko ng natapos ang reflection.
10V-O. Kinagabihan
at nang matunghayan ang isang programa na tampok sa Kapuso mo, Jessica Soho ay labis ang aking pagkagulat, pagtataka at
hindi pa nga makapaniwala pagkat may isang lalaki ang nanirahan sa tuktok ng puno
ng niyog sa loob ng tatlong taon. Kung iisipin ay napakaimposibleng tumagal ka
sa puno nang walang babaan at nakakatawa subalit pumalit ang awa nang mabatid
na may problema pala ito sa pag-iisip. Bilang Sikolohista at tao na rin na
walang depekto sa pag-iisip ay nangibabaw ang pag-unawa’t kailangan talaga nito
ng karampatang tulong mula sa mga may mabubuting puso. Ibig sanang tumulong
pagkat tagos sa dibdib ang kwento nito’t hindi biro ang kalagayan maging ang
pamilya nito subalit hindi alam kung paano kaya umaasa na lamang sa mga taong
may malasakit. Diretso ako sa pagtulog matapos manuod ng telebisyon.
79 | 72 Pitong pu't dalawang araw
na lamang bago sumapit ang Pasko.
October 16, 2017
Monday
Year V-289
Monday
Year V-289
10V-P. Suspendido
ang klase maging sa mga tanggapan sa gobyerno pagkat ngayong araw gaganapin ang
Nationwide Transport Strike para
tutulan ang modernisasyon ng mga pampublikong jeepney. Maganda itong
pagkakataon pagkat magkakaroon ng panahon para gawin ang Thesis subalit dahil
dito ay mawawalan na marahil ng Sembreak. Nauunawaan ko ang mga hinaing ng mga
Jeepney Driver pagkat iyon lamang ang kanilang ikinahahanap-buhay, tapos
mawawalan pa oras na isagawa na ang modernisayon subalit para rin naman sa
ikabubuti ng lahat bukod sa kanila pagkat bukod sa iwas-polusyon ay marami
itong benepisyong hatid sa transportasyon. Kahit ano pang sabihin at gawin
nila, kahit makailang ulit pang magsagawa ng tigil-pasada, wala nang magagawa
pagkat sinang-ayunan na iyon ng makapangyarihan at sila rin naman ang malulugi sa
bandang huli, sarili lamang nila ang iniisip at ng pamilya, hindi yung
nakararami! Dahil walang pasok kahit wala naman talagang pasok ng ganitong
araw, tinanghali na ko sa paggising.
10V-Q. Matapos
mag-almusal at dahil walang magawa, heto muli ako na nagpapakaadik sa mga
Social Media. Hindi baleng ganito ang kaadikan, huwag lang mga masasamang bisyo
gaya ng sigarilyo lalong-lalo na ang droga. Pagsapit ng tanghali at kahit batid
ko na mahihirapan sa pagsakay pagkat ayon sa balita ay iilan lamang daw ang pumapasada,
nagtungo pa rin ako ng School. Pagkaalpas sa highway ay nagkamali ako sa
inaakala pagkat marami mga Jeep ang naarangkada sa lansangan at
kapansin-pansing normal ang sitwasyon. Hindi ako nahirapan sa pagsakay kaya
kaagad na nakarating sa paaralan. Pagkatungtong ay mistulang Ghostown ang
Campus pagkat walang gaanong tao. Kahit na walang pasok ay tuloy pa rin ang
operasyon ng School. Kahit bukas ang paaralan ay sarado naman ang mga Canteen
maging mga Computer shop kaya pahirapan sa akin ang magpa-print ng reflection.
10V-R. Sa kabila
na tirik nang husto ang haring araw at pinagpapawisan na ng todo-todo ay
nagkumahog pa rin sa paghahanap at hindi sumuko. May nahanap naman ako
kinalaunan at pagka-print, dali-dali nang tumungo sa RDIC. Pagkatungo ay saktong sarado ito kaya naisipang magpunta sa
faculty, nagbabakasakaling nandoon si Ma’am
Trisha. Habang papatungo’y saktong namataan ko si Ma’am Trisha at agad nang sinunggaban ang pagkakataon na lapitan
ito. Halos mapalundag at sigaw na sa sobrang tuwa matapos makapagpasa ng
reflection at para nang lilipad sa gaan ng kalooban. Bago umuwi, tumungo muna
ako sa Accountant Area upang kumuha ng permit. Pagkakuha at pagkatingin sa bag,
natuklasang nawawala ang Cellphone.
10V-S. Napalitan
ng pagkabalisa na halos pagpawisan na ang kaninang tuwang-tuwa sa galak at
naisip na naiwan ito marahil kung saan ako nagpalimbag. Pagkatungo sa Computer
shop, hindi nga ko nagkamali’t naiwan nga roon ang Cellphone at dali-daling inumit.
Laking pasalamat ko sa Diyos at muntikan nanaman mawalan ng Cellphone. Pagkauwi
ay kaagad akong nagpahinga. Bukas na magsisimula ang Final Examination subalit
umiiral ang katamaran sa pagkatao kaya mas piniling libangin na lang sarili sa
panonood ng telebisyon kaysa magsunog-kilay, Hindi naman marahil masama kung
maglibang-libang at iwaksi sa isipan ang mga bagay na nagdudulot sa’yo ng
stress. KInagabihan, hindi halos makatulog dahil sa ingay ng Karaoke ng
kapit-bahay at parang wala nang bukas kung makabirit, nakakarindi. Tumaimtim
naman ang kapaligiran pagpatak ng Alas-dyis at saka nakatulog ng matiwasay.
78 | 71 Pitong pu't isang araw na lamang,
Pasko na.
October 17, 2017
Tuesday
Year V-290
Tuesday
Year V-290
10V-T. Wala
muling pasok dahil patuloy pa rin ang Nationwide
Transport Strike at masyado nang nakakaabala ang mga Tsuper para sa mga
magsisipagpasok. Sa ipinapakita nila’y tila hindi matanggap ang mga pagbabago
at masyadong itinatali ang sarili sa nakaraan. Sa kabila na nayayamot na ay
masaya pa rin sapagkat hindi napurnada rin ang Final Exam na dapat sana ay
magsisimula na ngayong araw at may panahon para magrepaso subalit hindi magawa
pagkat tinatamad at nakakawalang gana. Pagkaalmusal, kaagad nang sinimulan ang
pamamalantsa ng uniporme. Kay bilis nga ang takbo ng panahon, parang kailan
lang ng kakapasok pa lamang sa college, tapos hindi namamalayang ilang buwan na
lamang pala ang nalalabi at magtatapos na. Nalulungkot lamang ako pagkat
mami-miss ang mga taong naging parte ng buhay ko at nakasama habang nasa
kolehiyo lalong-lalo na ang mga naging malapit sa loob at sana dumating pa ang
pagkakataon na magkita-kita pa kami.
10V-U. Sa tana
ng buhay ko bilang mag-aaral, College ang pinakamasayang bahagi ng pag-aaral
pagkat doon ko naramdaman na may kaibigan at nagmamalasakit sa akin, kung
ikukumpara nung nasa Elementarya at Sekondarya at iba-iba ang mga karanasan na
nagpatibay pa lalo sa loob. Lubos kong mami-miss ang aking college life at
parang ayaw pang dumating ang panahon na magpapaalam na kami sa isa’t isa ng
mga kamag-aral at professor at lilisanin ang ikalawang tahanan, ang Our Lady of Fatima University,
mami-miss ko ang paaralan na ‘yon. Nalulungkot man, masaya dahil magtatapos na
sa pag-aaral na halos dalawang dekada nang ginugugol sa buhay. Panibagong yugto
muli ang kakaharapin at sa yugtong iyon, nawa’y maging kalugod-lugod sa akin
ang mga karanasan at nandoon pa ang mga taong napamahal sa akin nung nasa
kolehiyo lalong-lalo na ang taong nagpapakilig sa aking puso. Sana magkita pa
kami at makatrabaho pa.
10V-V. Nanghihinayang
lamang pagkat hindi nasulit ang panahong kasama siya at ibig balikan ang
panahon nang sa ganon ay magawa pa ang ninanais ng loob sa kanya subalit
napakaimposible. Gayunpaman at kahit magpaalam na kami sa isa’t isa, umaasang
darating pa rin ang panahon na aking ninanais, ang magkita muli kami’t
magkasama. Kung hindi man, makilala ang taong mas higit pa sa kanya at tama sa
akin. Walang magawa kaya matapos mananghalian, natulog ako. Kinahapunan,
pag-awit ang aking naging libangan. Kahit paano’y may nag-improve na sa boses
at hindi na gaya dati na napakasintunado subalit kailangan pa nang ibayong
ensayo nang sa gano’y ma-achieve ang minimithi na magkaroon ng kumikinam na
boses, gaya ng mga Popular Singer. Walang ibang ginawa sa maghapon kundi umawit
at bumirit at iparinig sa kapit-bahay ang natatagong tinig. Pagsapit naman ng
gabi at gaya nang nakagawian ay panonood ng telebisyon ang inatupag. Ilang
sandali pa, kailangan nang humilata sa kama.
77 | 70 Pitong pung araw na lamang, Pasko na.
October 18, 2017
Wednesday
Year V-291
Wednesday
Year V-291
10V-W. Sa wakas at may pasok na. Kahit walang pagsusulit ngayong araw,
kailangan pa rin magtungo ng School upang asikasuhin ang Thesis. Sa sobrang
trapik dulot nang itinatayong MRT 7,
Isang oras din nasa biyahe. Kaagad akong tumungo kung saan kumukuha ng pagsusulit
sina Kim at Myrrh. Pagkatungtong, wala na sila at si Nikki na lamang ang nadatnan. Nabatid kong hindi raw nakapasok si Myrrh samantalang umuwi na si Kim pagkat wala na itong nalalabing
pagsusulit. Nakakayamot pagkat nasayang lamang ang aking pagpunta. Kahit
nabatid na wala na ang aking mga kagrupo sa Thesis ay nanatili pa sa School
hanggang sa sumunod nilang pagsusulit. Ilang sandali pa nang magkaroon sila ng
Proctor at nang makapirma ang lahat at payagang lumabas, tumungo kami ni Nikki sa Canteen at nananghalian.
Namamayani ang antok sa mga mata at ibig na ng loob na umuwi kaya matapos
mananghalian ay nagpaalam na sa kanya. Pagkatungtong sa tahanan at dulot ng
pinagsamang pagod at antok ay kaagad na natulog. Kinagabihan, pakikinig ng
musika ang naging libangan at pampalipas oras. Sarap making ng Love song at
nadadala ang puso mo kahit hindi ka naman kabahagi sa kwento lalo na kapag
makahugot-damdamin ang mensahe. Sa sobrang wili ko sa pagsa-soundtrip, hindi
namalayang lumalalim na ang gabi’t kailangan nang matulog.
76 | 69 Anim na pu't siyam araw na
lamang, Pasko na.
October 19, 2017
Thursday
Year V-292
Thursday
Year V-292
10V-X. Lahat ng
bagay sa Mundo ay may hangganan, nararanasan ko man ang ganito ay umaasang
malalampasan ito. Huwag hayaang panghinaan ng loob na harapin ang mga
bagay-bagay at igtingan lamang ang pananalig sa Diyos. Kahit mamayang hapon pa
magsisimula ang pagsusulit, umaga pa lamang ay nagising na ko’t umalis ng bahay
Bago magtungo sa unibersidad, nagtungo muna ng Simbahan at nagdasal para gabayan
ng maykapal sa pang-araw-araw na pamumuhay at mabawasan na rin ang kasalanan na
sa tingin ko’y malabuhangin na. Pagkalabas ng simbahan ay sumambulat sa akin
ang mga taong walang ibang hanap-buhay kundi ang mamalimos. Bukod sa
namamalimos ng grasya ay wala rin silang tirahan at yung iba’y natutulog sa
papag na nakalatag lamang sa tabi ng kalsada. Habang sila ay pinagmamasdan,
sumagi sa isipan na mapalad pa pala ako sapagkat kahit hindi magaganda ang
nangyayari sa buhay na pakiwaring ang malas-malas ko, nakakain pa rin ng
tatlong beses sa isang araw na hindi na nangangailangan ng limos,
nakakapag-aral at may permanenteng tahanan.
10V-Y. Mapalad
ako dahil hindi gaya nila ang kalagayan subalit hindi naman pababayaan ng
maykapal pagkat batid kong maawain siya at ibibigay kung anuman ang
pangangalangan ng kanyang mga anak, tayo. Hindi bale at kapag ako may narating
at umasenso, una kong mithiin ay tulungan ang mga kapos-palad na makaahon sa
kanilang kinasasadlakan. Bandang Alas-nuebe na nakatungtong sa Unibersidad at
saktong wala pa ang mga kagrupo. Nandoon si Jona Vee kaya hindi naman nabato sa kakahintay sa kanila. Ilang
sandali pa nang dumating si Kim at
sumunod si Myrrh at saka lamang
nakapagsimula sa Thesis. Medyo nanahirapan na’t nalilito kaya hindi mapigilan
ang magtalo-talo at sakit sa ulo ang Thesis. Dahil sa sangkatutak na Demographic Table na
kailangang ilagay, inabot na ng tanghali subalit hindi pa natatapos.
10V-Z. Nahihirapan man at gulong-gulo ang mga kukote sa
kakakompyut, hindi umayaw, matapos lamang. Dahil may pagsusulit kami ngayong
araw, tumungo na ng silid. Clinical
Psychology ang unang pagsusulit at dala na hindi nakapagrepaso, anong hirap
kaya nanghula-hula na lamang at bahala na sa magiging resulta. Dahil karamihan
sa amin ay halatang nanghula-hula lamang, mabils pa sa Alas-kwatro kung magpasa
ang mga mag-aaral. Ilang sandali pa nang matapos sa pagsusulit. Ibig ko nang
umuwi subalit hindi magawa pagkat may nalalabi pang pagsusulit. Kasama sina Myrrh at Nikki, kumain kami at walang ibang ginawa kundi tumawa habang
nagpapalitan ng kuro-kuro, ang sarap nilang kasama. Pagpatak ng Alas-tres,
tumungo na kami ng Auditorium pagkat
magkakaroon ng Seminar.
10W-A. Eksakto Alas-kwatro nang magsimula ang Seminar na
pinangunahan ni Sir Laus. Si Ma’am Joyce ang naging speaker at
tungkol sa Sexual Harrassment ang kanyang topic. Sa mga inilahad ni Ma’am ay
laganap na nga ang mga manyakis at kailangan nang ingat upang maiwasan ang
mabastos. Aminado ako na isa rin sa nakaranas ng Sexual Harrassment nung bata
pa kaya ganun na lamang kainit ang dugo sa mga ganung klaseng tao’t dapat sa
kanila’y tinuturuan ng leksyon. Naalala ko tuloy ang naging karanasan nung bata
pa habang pinagtutulungang hipo-hipuin ang maseselang katawan ng mga taong
walang magawa sa buhay habang nagsasalita si Ma’am Joyce. Mabuti na lamang, marami ang nakakakita kaya hindi
nagahasa.
10W-B. Sumunod na Speaker ay si Sir Jigo at patungkol sa Anti-bullying ang kanyang tinalakay. May
pagsusulit pa ko sa Physio Psychology
kaya hindi na tinapos pa ang kanyang Seminar. Saktong wala pang proctor at
mangilan-ngilang kamag-aral pa lamang ang nadadatnan pagkatungtong ng silid.
Balak ko sanang samantalahin ang nalalabing oras sa pagrerepaso, subalit wala
akong reviewer. Ilang sandali pa nang may pumasok na proctor at nagsimula na
ang exam. Medyo nahirapan ako’t halos mapaiyak na rin kaya heto muli sa
panghuhula. Inabot na ko ng gabi sa pag-uwi’t paglantak kaagad ng hapunan ang
ginawa.
75 | 68 Anim na pu't walong araw na
lamang, Pasko na.
October 20, 2017
Friday
Year V-293
Friday
Year V-293
10W-C. Nakakasisilaw
na sa mata ang sinag ng araw nang magising at kahit walang pagsusulit ngayon ay
kailangan pa rin tumungo ng School dahil sa lintik na Thesis na ‘yan na halos
hindi matapos-tapos. Bandang Alas-dyis nang makatungtong ang balingkinitang
yapak sa paaralan. Wala pa ang mga kagrupo kaya tumungo muna sa Computer shop.
Makalipas ang isang oras nang magtungo naman sa Library at saktong naroroon na
sina Kim at Myrrh na abala sa pagkokompyut ng datos. Nakakatuwa dahil nagawa na
lahat ng table, ang problema ay hindi pa tapos ang Interpretation kaya ako na
ang umasikaso at anong hirap. Maya-maya pa, tinamaan na ng antok kaya umidlip
muna pansamantala, para makapag-refresh.
10W-D. Pagkamulat
ay ipinagpatuloy ang paggawa ng Interpretation. Sa totoo lamang ay mahirap
gawin ang isang bagay kapag walang gabay gaya ng Interpretation subalit sa
kagustuhan matapos ngayong araw, hindi ako umayaw at nagpatuloy. Dahil sa
pagtitiyaga, sa wakas ay natapos na rin at Conclusion na lamang ang kulang.
Pagpatak ng Alas-kwatro, napagpasyahan na naming umuwi. Pagkaapak ng Tahanan at
dala na nababagot pagkat walang makahuntahan, nilibang na lamang ang sarili sa
panonood ng paboritong programa at pakikipag-chat sa mga kaibigan. Abot-abot
ang aking pagkahumaling kaya hindi namamalayang malalim na ang gabi’t awatin
ang sarili sa Social media para matulog.
73 | 66 Anim na pu't anim araw na
lamang, Pasko na.
October 21, 2017
Saturday
Year V-294
Saturday
Year V-294
10W-E. Thank God it’s Saturday again and I’m glad cause I have
time to get rest and with my family too after doing stressful Thesis. Saktong
maliwaliwanag na sa labas nang magising ako’t kakaibang sigla muli ang
namamayani sa dibdib na para bang nasa alapaap ang pakiramdam at gustong
maglulundag. Dahil Sabado at walang magawa, naisipan kong magtinda-tinda bilang
pampalipas oras. Ilang sandali pa, namayani muli ang ingay sa aming kapaligiran
dahil sa Karaoke ng kapit-bahay na may nagdiriwang ng kaarawan. Saktong
nakaharap pa ang Karaoke sa harapan ng bahay kaya sapul-sapul ng kanilang mga
nag-uumupugang tinig at halos marindi na. Sa halip na magreklamo dala na
naiingayan, nag-enjoy na lamang ako’t nakisabay sa pagbirit. Animo’y batikanong
mang-aawit habang bumibirit kahit napipiyok na, ayos lamang.
10W-F. Dulot na malapit lamang sa amin ang nagdiriwang ng
Birthday, naging malakas ang bentahan ng Sigarilyo at alak at nagkataong
sunod-sunod kaya halos hindi na magkandaugaga sa pagbebenta. Nakakabulahaw pa
rin ang tunog ng Karaoke at sa pagsapit ng Siyesta Time, hindi makatulog.
Walang magawa kundi magtiis sa ingay, pasasaan pa’t lilipas din iyan. Pagpatak
ng hapon at gawa na suyang-suya na ang pandinig sa mga mang-aawit na kung
pakikinggan ay basag naman ang tinig at tipong nakainom, nanatili ako sa
kusina. Walang magawa kaya nasipang umawit at mag-ensayo. Batid sa sarili na
isa akong sintunado subalit nadaan naman sa ensayo at tiyaga para maging
mahusay na mang-aawit. Walang ginawa sa maghapon kundi bumirit at sabayan ang
mga nagkakaraoke sa pag-awit. Maging sa pagsapit ng gabi ay wala pa ring humpay
ang kantahan lalo na si Ate Mimi na wala nang bukas kung makabirit at
pwede na isabak sa I can see your Voice. Kapag si Junjie naman at
dahil sa taglay nitong boses na kumikinam, pang-Tawag ng Tanghalan ang
labanan.
10W-G. Ayos sana kung mala-broadway ang tinig at
kumikinam-kinam, kahit ilang kanta pa’y di nakakasuyang pakinggan at pwede pang
ipang-soundtrip subalit kung ibong piririt naman, nakakasira ng araw at
iisiping babagyo. Nanatiling maingay ang kapaligiran hanggang sa pagsapit ng
gabi. Sa kabila na nuknukan sa ingay, naisipan pa ring manuod ng Telebisyon.
Napukaw nang husto ang damdamin nang matunghayan sa Magpakailanman ang
kwento ng isang guro na puro trahedya ang dumatal sa buhay na siyang nagtulak
sa kanya para mawalan ng pag-asa at nauwi sa matinding depresyon. Dulot nang
kawalang pag-asa, nagawa na nitong sisihin ang Diyos at iniisip na
pinaparusahan ito kahit ang totoo’y binibigyan lamang ng pagsubok.
10W-H. Bawat pangyayari sa ating buhay ay may katumbas na dahilan
ang panginoon at hindi siya sadista para ipalasap sa buong buhay natin ang
kapighatian at pagdurusa. Nauunawaan ko ang kalagayan ni Luzviminda
subalit hindi rin tama na lahat ng problema at trahedya sa buhay, sa maykapal
isisisi. Sa huli at dahil nagkaroon ito ng estudyanteng mababait at hindi
nakalimot sa kanya, sila ang nag-ahon sa kanya hanggang sa makabangon.
Nakakatuwa na nakakaiyak sapagkat sa kabila na napakadilim ng pinagdadaanan ni Luzviminda,
may mga tao pa ring nagsilbi niyang liwanag. Sa kabila ng mga pagsubok natin sa
buhay, laging iisipin na hindi pababayaan ng Maykapal at gagawa ito ng paraan
para tulungan tayong malampasan.
72 | 65 Anim na pu't anim araw na lamang, Pasko na.
October 22, 2017
Sunday
Year V-295
Sunday
Year V-295
10W-I. Tinanghali
muli sa paggising at pagkaalmusal, pagtitinda muli ang inatupag. Ang kahapong
nuknukan sa ingay at hindi na halos magkarinigan, kasalungat naman ngayon na
mataimtim at tila nasa loob ka ng sementeryo, na siyang ikinalulugod at
makakapag-isip ng maayos. Matapos magtinda’y paglalaba naman ang aking
inatupag. Mukhang umaayon sa akin ang panahon pagkat maaliwalas, magandang
pagkakataon sa isang gaya ko na magsasampay. Kinahapunan at dahil Linggo,
naisipan kong magsimba. Naging pahirapan lamang sa pagbiyahe dulot ng
itinatayong MRT 7 subalit dahil sa
aking pagkukumahog, nakarating ng matiwasay sa Simbahan. Pagkatungtong, saktong
tapos na ang Homily ni Father. Matapos magsimba at bago umalis ay nagdasal
muna.
10W-J. Gusto ko
na ng pagbabago sa sarili at iwaksi ang mga bagay na hindi maganda at
nakakatulong sa buhay, bagkus ay humahadlang lamang para sa aking kaunlaran.
Batid kong hindi ganon kadali ang magbago subalit sa tulong ng Maykapal ay
makakaya ko at makakawala sa bagay na aking kinasasadlakan. Wala pang balak
umuwi kaya naisipang magtungo kina Tita
Cleo. Saktong naroroon ito maging ang Tita
Susan at mga pinsan at walang ginawa kundi makipagkwentuhan. Inabot na ko
ng gabi sa kanila at salamat sa Diyos dahil ligtas na nakauwi. Pagkatungtong ng
tahanan, pagkain kaagad ang hanap-hanap ng katawan. Nakakayamot pagkat walang
lutong ulam subalit sa kagustuhan nang magbago, sinimulan ko sa hindi
pagrereklamo at gumawa ng paraan. Matapos manuod ng telebisyon at gawa na hindi
pa makatulog, naisipan muling umawit, kahit himbing na sa pagtulog ang mga
kapit-bahay. Nang mamaos na sa kakabirit, saka lamang tumigil at natulog.
71 | 64 Anim na pu't apat na araw
na lamang, Pasko na.
October 23, 2017
Monday
Year V-296
Monday
Year V-296
10W-K. Nagising
na lamang dulot ng tunog ng alarma ng Cellphone subalit gawa na maaga pa,
pansamantala munang umidlip. Pagkagising, ganap na palang sumapit ang
Alas-otso. Gaya ng mga nakalipas na araw at sa tuwing nababagot, gawaing bahay
ang aking inatupag. Kahit mabigat ang isang gawain at nakakapagod, mas mainam
na kaysa walang ginagawa’t nabubukbok lamang, bukod pa roon ay nakakalibang
kapag may ginagawa, nahahasa ang ‘yong kakayahan at may bagong bagay na
natututuhan. Matapos magpakapagod sa gawaing bahay, nilibang naman ang sarili
sa Social Media at dala na walang pagsusulit ngayong araw, mukhang maghapon
ito. Kinatanghalian, pag-awit muli ang inatupag ko.
10W-L. Naisipan
na rin mag-recording artist habang umaawit. Nakakaaliw ang kumanta subalit
hindi rin biro kapag mataas at madalas ay napapapiyok. Sa kabila na ako’y
sintunado, hindi nawawalan ng pag-asa na kikinam ang tinig balang araw at
titingalain ng mga makakarinig. Dahil nasarapan, walang ginawa sa maghapon
kundi umawit at habang tumatagal ay napag-iibayo na rin ang boses. Kung may
isang bagay na ibig abutin, huwag matatakot na abutin pagkat tutulungan ka ng
Maykapal at hindi pababayaan. Kinagabihan at bago matulog, pag-awit muli ang
aking inatupag. Animoy isa na akong Singer habang umaawit. Hilig ko ang makinig
ng mga musika, bakit hindi subukang maging Singer. Bukas na pala isasagawa ang
aming Defense kaya maagang natulog.
70 | 63 Anim na pu't tatlong araw na lamang, Pasko na.
October 24, 2017
Tuesday
Year V-297
Tuesday
Year V-297
10W-M. Ngayong
araw na isasagawa ang aming Final Defense subalit kataka-taka sapagkat hindi ng
mga nakalipas na Defense, ni katiting na kaba’y hindi humahaplos sa dibdib at
nasasabik pa nga. Bandang Alas-siete na nagising at bandang Alas-otso ang
pagsisimula ng Defense kaya may pagmamadali sa pagkilos para hindi mahuli.
Pagkatungtong ng yapak sa paaralan, laking tuwa pagkat hindi pa nagsisimula at
marami pa ang wala. Habang may nalalabi pang oras, aligaga kami sa pagsasaayos
ng Thesis at pinaghandaan na rin ang posibleng itatanong ng mga panel at mga
sasabihin. Sumapit na ang Alas-otso subalit hindi pa nagsisimula ang Defense.
Ayos na ang lahat at handing-handa na talaga kaya hindi na mapigilan mainip
subalit walang ginawa kundi maghintay. Habang naghihintay at para iwas
pagkabagot, palitan muna ng kuro-kuro sa isa’t isa at tawanan. Ganap nang
sumapit ang Alas-nuebe, hindi pa rin nagsisimula ang Defense, pakiwaring hindi
na matutuloy pagkat hindi pa natatapos ang Exam Week at napakaalanganin para sa
aming mga Professor na kinuhang panel pagkat magpo-proctor sila. Bago sumapit
ang Alas-dyis nang sa wakas, nagsimula na ang Defense. Hindi ako kinakabahan
kanina at sabik na sabik pa nga subalit biglang namayani ang kaba nang makita
na isa si Ma’am Ria sa magiging
panel.
10W-N. Nagpakatatag
kami’t nilakasan ang loob na humarap sa kanila at magsalita. Habang
nagpi-present ay sumipa pa lalo ang kaba nang magtanong si Sir Ronan. Masyadong Firm ang pagkakatanong nito kaya tameme kami’t
hindi na halos makasagot. Nagbigay pa ng komento si Ma’am Ria at hindi ko ikinalugod ang sinabi nito pagkat marami
siyang nakitang mintis. Bukod pa roon ay marami pa raw kailangang ayusin at
baguhin. Tama ang mga nakausap ko na dumaan sa ganyan, sadyang mapangmata si Ma’am Ria at tibay ng loob ang
kailangan oras na magtatanong ito. Ikinadismaya man ang naging komento ni
Ma’am, nagagalak pa rin pagkat nakaraos din sa Defense at mistulan kaming
nagdidiwang tatlo. Nagpapasalamat ng lubos sa maykapal pagkat nakayang lampasan
lahat ng hamon sa buhay gaya ng Pageant, Demo-teaching at Final Defense. Hindi ko
ito magagawa kundi dahil sa panginoon.
10W-O. Dalawang
oras pa bago ang pagsusulit kaya kasama sina Nikki, Myrrh at Kim, kumain muna kami’t kwentuhan na
rin. Ito na ang huling araw ng aming pagkikita para sa Semester na ito kaya
mami-miss sila ng sobra at sana dumating pa ang panahon na magkita-kita pa
kami. Dahil sa kanila, maligaya muli ang araw at halos kabagan sa kakahagalpak
habang nagkukwentuhan. Nang malapit ng sumapit ang Ala-una, naghiwa-hiwalay na
kami’t tumungo sa kanya-kanyang silid. Masyado nang maikli ang oras kaya hindi
na nakapagrepaso pa’t ilang saglit pa, nagkaroon na ng proctor. Education 2 ang pagsusulit ngayong araw
at dala na hindi nakapagrepaso, nanghula-hula na lamang hanggang sa matapos.
Bahala na sa magiging resulta at nawa’y maipasa lahat ng asignatura nitong
semester, nang sa gano’y maka-graduate.
10W-P. Nakakatuwa
at hindi makapaniwala pagkat natapos na ang pag-aaral at puro OJT na lang pagdating ng susunod na
semester at malapit nang magtrabaho, kung papalarin. Wala pang balak umuwi kaya
tumungo muna ako sa SM San Jose Del
Monte at nagliwa-liwaliw sa pamamasyal. Makalipas ang halos dalawang oras
na pagtambay, saka pa lamang naisipang umuwi at umuwi na may saya sa dibdib
pagkat natapos din sa pag-aaral na halos labing-walong taon din ang lumipas.
Ma-miss ko ang mag-aral at makasalamuha ang mga kamag-aral at guro sa
pang-araw-araw. Napipinto na ang pagharap sa panibagong yugto ng buhay at
nawa’y kayanin ko. Naniniwala naman ako na kakayanin sapagkat tiwalang hindi
pababayaan ng Diyos at siya na ang bahala sa magiging takbo ng buhay ko.
69 | 62 Anim na pu't dalawang araw
na lamang, Pasko na.
October 25, 2017
Wednesday
Year V-298
Wednesday
Year V-298
10W-Q. Namamayani
ang galak sa kalooban sapagkat simula na ng bakasyon grande at ngayon lamang
makakapagpahinga’t relax matapos ang stressful na gawain habang nag-aaral na
tipong magkakasakit sa pagod at hirap. May oras na rin upang libangin ang
sarili at gawin ang mga bagay na ibig. Pagkaalmusal at dala na nababato,
naisipan namang sayawin ang patok na patok na sayaw sa panahon ngayon, ang Baby Shark. Madali lamang ito sayawin
at nakakaaliw, bukod sa nakakaaliw ay pwede rin gawing pang-exercise at
nakakabigay ng sigla sa katawan kapag sinasayaw ang Baby Shark. Maliban sa sinasayaw ay naisipan na rin i-video at sabay
ia-upload sa Facebook. Matapos
maaliw sa pagsayaw ng Baby Shark ay
saka lamang sinimulan ang gawaing bahay. Nang makapagwalis at masigurong
malinis na ang bawat kasulok-sulukan, pagtitinda ang sunod na inatupag at
pampalipas oras. Kinahapunan, pag-awit ang naging libangan ko’t pakiwaring
isang Songbird habang bumibirit. Pagpatak naman ng gabi, nanood naman ako ng
Telebisyon.
10W-R. Sa totoo
lamang at sa panahon ngayon, laganap na ang kasamaan, hindi lamang sa dito sa Pilipinas maging sa buong Mundo. Tila
wala nang kaluluwa ang mga masasamang loob pagkat bukod sa nagnanakaw at
manloob, nagagawa na ring pumatay at karumaldumal pa na tipong gawain ng isang
demonyo. Pasalamat na lamang sa maykapal sapagkat kahit batid ko na nakakagawa
ng masama at kasalanan, hindi naman kagaya nila na napakalaki’t maari nang
ihalintulad kay Satanas. Kailangan
na rin mag-ingat saanman at kailanman pagkat anumang lugar o oras ay maaring
mabiktima ng mga masasamang loob. Laganap man ang kasamaan sa Mundo, parating
kabutihan ang mananaig. Matapos manuod at dala na hindi pa madalaw ng antok,
naisipang magbasa-basa. Nang antukin ay saka lamang naisipang matulog.
71 | 61 Anim na pu't isang araw na
lamang, Pasko na.
October 26, 2017
Thursday
Year V-299
Thursday
Year V-299
10W-S. Maaga pa
lamang ay gising na ang katawang lupa at nag-almusal. Kahit wala nang pasok
pagkat Sembreak na’y tumungo pa rin ng School para kuhain kay Rhica ang Certificate sa Seminar.
Pagkatungtong muli sa paaralan, hindi inasahan na ganon pa rin karami ang mga
estudyanteng pakalat-kalat at aakalaing may pasok pa rin. Hindi ko kaagad ito
namataan kaya nagtiyaga sa paghihintay. Makalipas ang halos dalawang oras na
paghihintay nang makadaupang palad ito’t kaagad na nakuha ang Certificate.
Bukod sa kanya ay tumungo rin ng Guidance Office para kuhain na rin ang
Certificate na award ko naman nung Pageant subalit nasa Officer daw sabi ni Sir Ben. Nakakatawa lamang pagkat
masyadong big deal ang Certificate, kung hindi lamang sinabi ng kaibigan na isa
iyon sa magiging requirements sa paghahanap ng trabaho. Bandang tanghali nang
lisanin ko ang paaralan at dala na wala pang balak umuwi, naispang bumisita sa TAHANAN upang mangamusta sa mga
nakasamang Staff nung aking Internship. Pagkatungtong ay laking gulat pagkat
marami na ang nangyari at nagbago nang makausap ang gwardiya.
10W-T. Bukod pa
roon, sinabi nito na nag-resign na sina Ma’am
Thaline at iba pa nitong kasama’t si Doctor
Abay na lamang ang namamahala sa QCADACC.
Sayang pagkat hindi nabigyan ng pagkakataon na makita muli sila at makamusta. Sa
liit ba naman ng sweldo at hindi pa maayos ang lokasyon ay hindi
nakakapagtakang walang magtatagal. Matapos ang mga nalaman ay umalis na ko.
Bago umuwi, tumungo muna ng Computer shop at nanood ng Comedy Show. Daming
halakhak at hindi na inalintana pa ang mga kasamahang umuupa habang pinapanood
ang palabas na pinamagatang Bakit lahat
ng Gwapo ay may Boyfriend. Tungkol ito sa isang babae na nagngangalang Kylie na sa pakiwari nito ay isinumpa
pagkat lahat ng naging Boyfriend niya, puro mga bakla. Dahil sa karanasan nito,
natakot na itong magmahal muli at naging mapaghinala hanggang sa dumating ang
lalaki na muling nagpatibok sa kanyang puso, si Diego.
10W-U. Sa kabila
na nag-uumapaw ang kakisigan nito’t talagang mag-iinit ka dahil sa kanyang mga
Tattoo, pinaghinalaan din ni Kylie
na isa itong bakla subalit sa huli, straight ito at nakakakilig na nakakaloko
ang palabas. Sabi nga nila, Don’t judge the book by its cover at naging
mapanghusga si Kylie kaya laking
pagsisisi nito sa nagawa. Labis ang pagkahumaling ko sa panonood kaya hindi
namalayang Alas-tres na. Pagkatungtong sa bahay, kaagad na nagpahinga. Eksakto
naghihingalo na ang liwanag nang magising at diretso sa panonood ng telebisyon.
Kinagabihan, heto muli sa pag-awit sa kagustuhang mahasa pa ang tinig at
mapalitaw ang kinam nito. Nang lumalalim na ang gabi’t umiral ang antok, saka
lamang inihimlay ang sarili.
67 | 60 Anim na pung araw na
lamang, Pasko na.
October 27, 2017
Friday
Year V-300
Friday
Year V-300
10W-V. Masarap
pang humilata ng lagay sa kama subalit umaga na’t maliwanag na rin sa labas
kaya kahit medyo inaantok pa’y bumangon na’t dagliang nag-agahan. Matapos
mag-almusal at dahil walang magawa, naisipang maglaba-laba. Kahit paano’y
nalilibang ako habang nagkukusot kahit hirap na hirap tanggalin ang mga mantsa.
Ang kaninang maaliwalas na panahon at animo’y nakangiti ang araw sa’yo ay
biglang lumumbay kung kailan magsasampay na, nagbabadya pang umulan.
Madami-dami ring nilabhan kaya sumipa na ang gutom sa Sikmura’t diretso lantak
nang may malutong ulam. Maya-maya ay laking tuwa ko’t hindi makapaniwala nang
malamang naipasa lahat ng asignatura nitong semester sa pamamagitan ng School Automate. Abot-langit ang
pasasalamat sa Diyos sapagkat sa kabila na hindi biro ang pinagdaanan at
nakakapagod pa’y nalampasan iyon.
10W-W. Kinahapunan,
heto muli ako sa pagbirit nang walang puknat at hindi alintana ang mga
naninirahan sa kalapit-bahay na marahil ay naririndi’t naasiwa na. Be proud of
yourself and don’t mind what the other people told about you, they really don’t
know who you are because only you will get your self-identity. Mga pagsubok
lamang sila na kailangang harapin sa pagkamit ng pangarap at talo ka kung
hahayaang magpaapekto. Hindi ko inintindi ang sasabihin ng kapitbahay basta
masaya sa ginagawa’t walang niyuyurakang dignidad. Kinagabihan naman at habang
sarap-buhay sa paghilata sa duyan ay bigla na lamang tumawag ang Tita Susan.
10W-X. Nagitla
ako ng labis nang sabihin nito na bukas na ng umaga ang tulak nila patungong Quezon sa halip na bukas na gabi, sa
kadahilanang may isang kaanak ang binawian ang buhay. Sa kagustuhang makaabot
ay dali-dali nang nag-impake. Babalakin na dapat tumungo kina Tita Cleo, ang kaso ay dis-oras na ng
gabi, delikado na rin sa daan pagkat batid ng isip na sa mga oras na iyon ay
naglipana na ang mga masasamang loob kaya minabuting bukas na lamang ng
madaling araw magtungo sa kanila. Nakaramdam lamang na yamot pagkat ang labo
kausap at pabago-bago ang pasya, hindi marunong sa kung ano ang napag-usapan.
Nang makapag-impake ay kaagad nang tumulog.
66 | 59 Limangpu't siyam na araw na
lamang, Pasko na.
October 28, 2017
Saturday
Year V-301
Saturday
Year V-301
10W-Y. Dakong Alas-tres nang ako’y magising. Nagitla muli
ang kalooban nang mabatid sa Text ng Tita Susan na nakagayak na sila ng
mga oras na iyon. Bukod sa nagitla ay namayani na rin ang inis sa kalooban
pagkat hindi man lamang nila hinintay. Gustong-gusto ko magbakasyon sa
probinsya sa halip na sa bahay subalit palaisipan na kung matutuloy pa ba ang
balakin, ngayong iniwan na nila. Sa kagustuhang makapagbakasyon, naisipang
mag-commute na lamang patungo sa Quezon, tutal ay nasa hustong gulang
na’t kaya na ang sarili subalit hindi pumayag sina Papa at ikinatwiran ang
pagiging burara ko. Nagpaliwanag ako subalit kahit anong paliwanag ay di magawang
magpakumbinsi sa kanila’t masyado silang nagdududa. Bente-uno anyos na ko’t may
hustong isip na subalit parang isang paslit na kailangan pang alalayan at
samahan ang tingin nila sa akin kaya hindi mapigilan ang magdamdam. Paano ako
matututo niyan kung sila na magulang ko ay pinipigilan ako.
10W-Z. Nauunawaan ko ang kanilang
pag-aalala sapagkat hindi iyon maiaalis bilang magulang subalit unawain rin
nila ang aking pagma-mature! Hanggang kinalaunan, napagpasyahang bukas na
lamang ako magtungo subalit hindi na tutuloy pa sa Quezon kundi sa Batangas
na lang. Pumayag naman ako sa naging pasya pagkat ang mahalaga’y
makapagbakasyon. May lakad pa ko ngayong araw at iyon ay tutungo kina Nikki
upang dumalo sa ika-40 araw na pagkamatay ng kanyang butihing lola kaya
dagliang nagbihis matapos mag-almusal. Dala ng trapik at haba ng biyahe ay
bandang tanghaling-tapat na nakatungtong sa Sapang Palay, Bulacan.
10X-A. Bago ipihit ang yapak sa
kanila at dala tumataginting na sa gutom ang sikmura ay kumain muna. Pagkatapos
ay tumungo na sa kanila subalit nalimutan na ng isip kung papaano kaya nanghintay
na lamang at nag-text. Ilang beses ko nang kino-contact, hindi naman sumasagot,
maging sa chat ay wala rin kaya unti-unti nang nauubusan ng pasensiya subalit naghintay
pa rin, nagbabakasakaling puntahan ako. Dalawang oras na ang nakakaraan, hindi
pa rin ito dumarating, nagmumukha na lamang tanga sa kakahintay kaya
napagpasyahang umalis na. Nagsayang lamang ng pamasahe pagkat nagpunta sa wala,
nakakainis siya at tila hindi pinapahalagahan ang pakikipagkaibigan namin.
Umuwi akong nababanas ang loob.
10X-B. Dala na nahihilo dulot ng
maalinsangang panahon at mahabang biyahe, nagpahinga muna ako. Kinagabihan,
panonood muli ng telebisyon ang pinagkaabalahan. Nagimbal ang kalooban ko nang
matunghayan sa kwento ng Maala-ala Mo Kaya ang patungkol sa sinapit ng
babaeng si Cecile. Bukod sa pinagpala ang mukha ay biniyayaan din ito ng
katalinuhan at madalas ay pinapalad pa kaya marami ang humaling at hanga sa
kanya subalit sa kabilang banda ay may naiinggit. Dala ng inggit, nagawa nitong
kulamin si Cecile kaya naging miserable ang buhay nito hanggang sa
muntikan nang mamatay subalit dahil sa matindi nitong pananalig at tulong ng
nagmamahal sa kanya, hindi nagtagumpay ang kumulam sa kanya hanggang sa lubayan
na ito. Tunay ngang walang magandang idudulot ang inggit sa kapwa pagkat ito ay
makasalanan at kailangang iwaksi nang sa gano’y hindi magdulot ng hidwaan at
mauwi pa sa kamatayan.
65 | 58 Limangpu't walong araw na
lamang, Pasko na.
October 29, 2017
Sunday
Year V-302
Sunday
Year V-302
10X-C. Ngayong
araw ang tulak ko sa Batangas kaya
madaling araw pa lamang ay gumising na ko kahit namamayani pa ang antok sa
katawan. Gawa na nakapag-impake na’y diretso ligo at bihis na ang ginawa. Sina
Papa at Mama naman, todo pagpapayo sa akin na tila ba ipinapamukha na hindi pa
ako marunong pagdating sa biyahe. Sa halip na matuwa, nayayamot lamang ako
sapagkat ilang taong na, bini-baby pa rin at masyadong nagdududa sa aking
kakayahan. Mga bandang Alas-sais nang lisanin ko ang tahanan at dahil unang
beses ko pa lamang bumiyahe ng mag-isa at batid na anumang oras ay maaaring may
mangyaring hindi kanais-nais pagkat naglipana ang masasamang loob, nagtungo ako
sa simbahan para humingi ng proteksyon sa Diyos, hindi lamang sa akin maging sa
pamilya habang wala ako. Matapos ang magdasal ay tumungo na sa Terminal.
10X-D.
Pagkatungtong at sa kabila na inaasahang hindi magiging madali ang pagsakay
dulot na Peak Season, nakakagalak pagkat manaka-naka lamang ang dating ng
pasahero kaya kaagad na nakasakay. Habang nasa biyahe, walang ginawa kundi
igtingan ang pag-iingat at maging Vigilant sa mga katabi. Wala ring gaanong
traffic at sa bilis ng biyahe, bandang Alas-nuebe nang makatungtong na sa Lipa, Batangas. Sa halip na dumeretso sa bukid ay tumungo muna sa SM Lipa para kumain. Matapos kumain ay
namasyal-masyal muna ako’t nag-shopping na rin. Makalipas ang isang oras nang
lisanin ko ang SM at tumungo na sa San Juan.
10X-E. Mga
bandang Alas-dose nang makarating ako roon at saktong pagkababa, namataan ang Tita Susan kaya hindi na naghanap-hanap
pa at kaagad na sumakay patungong bukid. Makalipas ang halos tatlong taon ay
ngayon lamang muli nakatungtong sa bahay ng lolo’t lola. Walang ginawa ng mga
oras na iyon kundi mangamusta sa mga kaanak at makipagtawanan. Habang
kasagsagan ng pakikipagkamustahan ay natuwa ako sa mga bata na sina Lorraine Jane at Vincent. Napakabibong mga bata at sila ang nagbigay kwela at aliw
ng mga oras na iyon. Nandoon din sina Butchok
at Lyka at iba pang mga pinsan na
ngayon lamang nakita’t nakilala. Dulot ng saya na aking nararanasan habang
kapiling sila’y hindi namamalayang napapatagal na. Maya-maya pa at para
malibang-libang pa lalo, naisipang magtungo sa dagat.
10X-F. Habang
papunta’y nakita na lamang ng kaanak at pinigilan, hindi itinuloy pa ang
balakin sa takot na baka mawala at mapahamak. Pagkatungo muli sa bahay nina Butchok ay saktong may handaang
nagaganap. Nagdiriwang pala ng kaarawan ang mga pinsan ko’t dala na kanina pa
nagugutom ay wala nang hiya-hiya pang nakisalo sa kanila. Sa dami ng kinain na
nagkahalo-halo na’y labis ang aking pagkabusog, kaya ang resulta at kinagabihan
ay humilab na lamang ang Sikmura. Masakit subalit hindi naman mapadumi’t puro
masasamang hangin lamang ang nailalabas. Gumawa ako ng paraan para maibsan ang
pananakit ng Tiyan subalit hindi naging epektibo. Itinulog ko na lamang ang
pananakit ng Tiyan.
64 | 57 Limampu't pitong araw na
lamang, Pasko na.
October 30, 2017
Monday
Year V-303
Monday
Year V-303
10X-G. Nagising
na lamang ako sa lakas ng pag-uusap ng aking mga Tiyahing Sultera. Pagkamulat
ng mga mata, umaga na pala kaya daglian nang bumangon at nag-aagahan. Matapos
mag-agahan at para may mapaglibangan, naisipang magsulat ng kwento. Habang
mataimtim na nagsusulat ng kwento ang pagdating ng Tita Mildred at inaya. Ngayong araw pala gaganapin ang laban ni Vincent sa Mr. and Ms. United Nation sa kanilang eskwelahan at sa kagustuhang
matunghayan ang pagrampa ng aking makisig na pinsan, dagliang pumayag at
dali-dali nang nagbihis. Nakakatuwa lamang dahil maliban sa akin ay kasali rin
pala sa patimpalak ang aking pinsan kaya may pagkakataon muling makapanuod at
dalanging palarin o kung hindi man, makasungkit ng parangal kahit papaano. Bandang
Alas-dyis nang makatungtong sa Barualte
Elementary School, kung saan nag-aaral si Vincent maging ang aking ama at iba pang mga kaanak. Saktong hindi
pa nagsisimula ang program at mangilan-ngilang kalahok pa lamang ang nadadatnan
na may dalang kanya-kanyang Costume. Tatlong oras pa ang hihintayin bago
magsimula ang programa at gawa na nababagot, naglibot-libot ako.
10X-H. Hindi
naman gasino kalawak ang paaralan kaya hindi rin nasulit ang pamamasyal. Ilang
sandali pa at dahil matagal pa naman, naisipang bumalik sa bukid. Nang
makarating ay saktong naroroon na sina Angelle
galing Lucena. Inaya ko siya na
sumama sa akin para manuod ng pageant subalit tumanggi ito. Malapit nang
sumapit ang Alas-dos nang magsimula ang program at laking tuwa pagkat host ang
isa sa mga kamag-anak na isang maestro sa nasabing paaralan. Mukhang sikat sa Barangay Barualte ang angkan namin.
Nagkaroon muna ng Production Number at sa hindi inaasahan, nagkaroon ng aberya.
Medyo natagalan pa bago maayos at nang matapos, awarding ceremony kaagad.
Maglulundag kami sa tuwa nang makuha bilang Mister Photogenic si Vincent subalit hindi nilubos-lubos
pagkat hindi pa tapos ang laban at nagkaroon pa ng Uniform suit competition.
10X-I. Naghuhumiyaw
ang kalooban sa tuwing nakikitang rumarampa sa entablado ang pambato ng aming
angkan na si Vincent, ibig ko sanang
sumigaw para ipakita ang pagsuporta sa kanya, kaso hindi uso sa kanila ang
magtitili-tili at kapansin-pansing tahimik. Nang Second set ng awarding
ceremony, bigo nang makasungkit si Vincent
subalit hindi nawalan ng pag-asa at buo ang pananalig. Nang Costume competition
na, saka lamang nagkakulay ang program at bawat kalahok na itinatanghal ang
kanilang kasuotan na hango sa kultura ng bansang kanilang nire-represent ay
kanya-kanyang bigay ng halina. Yung ilan, masyadong ginalingan at kabog na
kabog ang kasuotan lalo na si Miss
Nicaragua at Miss Cuba subalit
panalo rin naman ang kasuotan ni Mister
Spain na si Vincent. Nang last
set of awarding ceremony na, lundagan muli sa tuwa nang makahakot muli ng
awards si Vincent bilang Mister Aquamarine and Platinum.
10X-J. Sa
puntong iyon ay napipisil na ng dibdib na malaki ang tiyansang siya na ang
hiranging Mister United Nation 2017
subalit ayaw munang magpakasiguro. Sumiklab na ang kaba nang isa-isang tawagin
ang mga nakapasok sa Top 5 at parangalan at habang inaanunsyo’y kapit-tuko
akong nagdasal. Inanunsyo na kung sino-sino ang Fourth to First Runner up
subalit hindi pa natatawag ang pangalan ng pambato. Umigting pa lalo ang kaba
nang hirangin na kung sino ang Champion at ang kaninang dibdib na
masiglang-masigla ay parang gulay na unti-unting nalalanta pagkat hindi si
Vincent ang hinirang na Mr. UN.
Gayunpaman ay masaya pa rin pagkat nasungkit siya at tatlo pa. Naghihingalo na
ang liwanag nang makabalik kami sa bukid. Nabigo man sa unang pagkakataon,
hangga’t may pagkakataon ay may pag-asa. Kinagabihan, tamang kwentuhan at
tawanan na rin kami nina Angelle. Sa
kakahalakhak ng wagas, ang ingay tuloy naming magpipinsan at ang saya kahit
marahil ay rinding-rindi na ang mga kasamahang matatanda. Nang makaramdam ng
antok, saka lamang kami nagsitulog.
63 | 56 Limampu't anim na araw na lamang, Pasko na.
October 31, 2017
Tuesday
Year V-304
Tuesday
Year V-304
10X-K. Bisperas
ng Undas at kahit bukas pa talaga ang araw ng pagdalaw sa mga namayapa na, sa
takot na maipit sa bulto ng mga magsisipagdalaw, umaga pa lamang ay
naghanda-handa na kami magkakamag-anak upang dumalaw sa puntod ng Lolo’t lola. Sa
sobrang agap nila, Alas-sais pa lamang nang kami ay gumayak na sa sementeryo.
Pagkatungtong sa sementeryo ay manaka-naka pa lamang ang dating ng mga
magsisipagdalaw, kaya hindi kami nahirapan sa pagtungo sa puntod ng mga
namayapang kaanak. Nang makatungtong kung saan nakahimlay sina Lola Trining at Lolo Hilarion ang biglang pagpatak ng ulan. Sa kabila na umuulan ay
nagawa pa ring pagtirikan ng kandila, alayan ng bulaklak at papinturahan na rin
ang kanilang puntod. Nang makapagtirik ng kandila at mapinturahan, umalis na
kami.
10X-L. Nawa’y
manahimik na nga ng tuluyan ang kanilang kaluluwa at maging payapa ang buhay sa
langit kapiling ang Diyos. Kahit namayapa na ang mga mahal sa buhay at hindi na
nakakasama pa, basta’t sa puso at isip ay mananatili pa ring buhay ang kanilang
ala-ala. Bago bumalik sa bukid ay kumain muna kami. Habang kumakain ay lalo
pang sumungit ang lagay ng panahon at aakalaing binabayo ng bagyo. Tila
nakikisabay ang panahon sa pagdadalamhati ng bawat isa sa atin habang
ginugunita ang mga namayapang kaanak. Bandang Alas-nuebe nang makabalik kami sa
bukid. Dala na maulan ang panahon at hindi makagala-gala, nanatili na lamang at
natulog. Kinahapunan, lalo pang lumakas ang ulan. Sa kabila na may kalakasan
ang ulan at wala pang tigil ay pasalamat sa Maykapal at hindi bumabaha.
10X-M. Maganda
rin palang nasa probinsya ka na mapuno at walang gaanong nakatayong
establishment pagkat nakakatulong ang mga puno sa pagpigil ng baha. Marahil at
kung sa Maynila lamang maganap ang
ganong kalakas na ulan, wala pang isang oras ay lubog na sa baha at mapalad ang
mga taga-probinsya sa mga taga-siyudad sa oras na darating ang malakas na ulan.
Bukod pa roon ay mananatiling panatag ang kalooban mo kahit parang Bagyong Ondoy na ang ulan. Nagpatuloy
ang pag-ulan hanggang gabi na siyang nagbigay sa malamig at maginaw na
pakiramdam. Dala na walang puknat ang pag-ulan, hindi na ko nagpuyat pa at
sarap matulog at ibalot ang buong katawan sa kumot.
62 | 55 Limampu't limang araw na
lamang, Pasko na.