September 01, 2017
Friday
Year V-244
Friday
Year V-244
10P-N. Hindi naging pangkaraniwan ang napaginipan pagkat putol daw ang aking leeg at nakahiwalay sa katawan subalit buhay pa at nakakapagsalita. Hindi ko mawari kung para saan ang panaginip na iyon at tila may ibig sabihin. Kung may pahiwatig man iyon, sana'y hindi kalagim-lagim. Hindi maganda ang umaga dahil sa napaginipan. Holiday nanaman sapagkat ngayong araw naman pinagdiriwang ng kapatid nating mga Muslim ang Edil Adha. Kahit walang pasok, kailangan ko munang isantabi ang pagpapakasarap ng buhay dahil nahaharap sa seryosong bagay na kailangang paghandaan, ang pagsali sapageant. Unang beses ko lamang sumali sa patimpalak sa tana ng buhay kaya kinakabahan, lalo na't wala pang maisip kung anong ipapakitang talent subalit kakayanin ito. May naisip namang talentong ipapakita oras na sumalang sa entablado at iyon ay pagtugtog ng Piano sapagkat dati ko nang ginagawa iyon at may alam kahit paano. Subalit wala kaming Piano sa bahay kaya naisipang manghiram-hiram.
10P-O. Mabuti na lamang, may Piano sina Cathy at laking tuwa sapagkat pinayagang hiramin ang kanilang Piano subalit sa araw lamang ng Lunes hanggang Biyernes dahil kakailanganin din nila. Pagkatapos at sa halip na umuwi, nanatili muna ako sa kanila para makipagkamusta at dami ng nagbago sa kanila sa tagal ng panahong hindi nakakagawi. Kahit na marami ang nagbago, hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin lalo na si Ate Ging. Makailang sandali pa, nagpaalam na sa kanila at umuwing baon ang kasiglahan ng loob at pag-asa. Kahit magpa-piano na lamang oras na ipamalas ang talentsa entablado ay hindi pa rin siguradong ma-master ang pagtugtog nito, lalo't hindi rin biro kaya may second plan ako't iyon ay kumanta. Kahit alam kong kasumpa-sumpa ang boses at nakakarimarim pa kung pumiyok, mapapakinam din kung idadaan sa pagsasanay kaya nag-ensayo ako, habang hindi pa pwedeng makahiram ng Piano kina Cathy.
10P-P. Kinahapunan, nababagot muli ng lagay sa bahay at walang makausap kaya tumungo ng computer shop. Dala na nasarapan, saktong naghihingalo na ang liwanag nang makauwi. Pagsapit ng gabi, inutusan ako ng ate na bumili ng Ice cream. Dahil may pagkapihikan sa pagbili ng Ice cream at gusto ay mamahalin dahil maraming dala-dalang anda, lumayo pa ko, makabili lang kanilang gusto subalit walang mabili ng ganung klaseng Ice cream kaya dismayado ang ate pagkabalik. Kahit na ganoon ay pinagsalu-saluhan pa rin ang biniling sorbetes at mabusog nang husto pagkat wala nang bukas kung makabanat, samahan pa ng buns. Matapos kumain, heto muli ako sa pag-eensayo sa pag-awit, maging kaaya-aya lang ang tinig at iwas kahihiyan. Bandang Alas-dyis nang mapagpasyahang matulog.
September 02, 2017
Saturday
Year V-245
Saturday
Year V-245
10P-Q. May araw na sa labas nang ako'y magising at kaagad na bumangon. Sayang lamang dahil hindi pa nataon sa Sabado ang holiday para sunod-sunod ang araw na walang pasok subalit ayos lamang. Masaya nga ko dahil may pagkakataon para masilayan siyang muli. Pagkabangon at sa halip na mag-almusal ay kaagad na nagsanay sa pagkanta. Ilang sandali pa'y bumangon na rin ang mga kapatid ko. Hindi ko nagustuhan ang sinabi ng ate pagkat kung makapagsalita ito, parang walang karapatang kumanta, samantalang siya naman kapag kumakanta, hinahayaan lamang kahit hindi na makatulog dala na naiingayan. Sa sama ng loob, hindi na mapigilan ang sariling makipagsagutan sa kanya. Sabihin na niyang walang modong kapatid at bastos, ganyan din naman makitungo't simula nang may maabot ito, nag-iba na talaga siya't parang ang taas ng tingin sa sarili, nahihirapan na tuloy makisama sa kanya.
10P-R. Hindi tulad dati, komportableng makitungo sa kanya't nagagawa pa ngang magkitian o harutan. Gayunpaman at kahit masama ang loob, kailangan na lang intindihin. Ganoon talaga ang karamihan sa mga tao kapag may narating na, wala nang pagpapahalaga sa pinanggalingan. Kahit nasabihan, ipinagpatuloy pa rin ang pagkanta habang aligaga sa gawaing bahay. Pagpatak ng Alas-onse, tumungo na ng School. Sa oras ng Current Issue at habang wala pa si Ma'am Trisha, itong si Kuya Ralph, panay ang trip sa akin. Mukhang wala itong magawa't kahit bahagyang napipikon, nakisakay pa rin sa mga patutsada nito. Nagkaroon pa ng kakampi si Kuya Ralph at hindi akalaing siJed (Cajolo). Ang kaninang naiinis, napalitan ng tuwa't ganadong-ganadong makipaglokohan sa kanila dahil sa kanya. Kahit hindi ito madalas nakakasama, sapat na ang sandaling nakausap siya at nakabiruan.
10P-S. Habang tuwang-tuwa ako sa pakikipagbiruan sa kanila, biglang pumasok si Kalvin. Tinawag pa ni Jed kaya ito lumapit at balak yatang pagsabungin kaming dalawa. Sa halip patulan ang mga pahirit sa akin niKalvin, mas piniling manahimik na lamang, wala ring patutunguhan, baka mauwi lang sa sabunutan o sampalan. Natigil ang katuwaan nang dumating na si Ma'am Trisha. Nanood lamang kami ng video tungkol sa EMDR. Sa halip na sa Video nakatitig ay sa kanya't nakakaakit talaga ang kakisigan nito, lalo na kapag nakasibilyan. Pagkatapos ng klase, sinamahan ko pa namin si Ma'am Trisha sa RDIC para sa questionaire.
10P-T. Nakakatuwa dahil wala itong ni-reject sa aming questionaire at may ilan lamang na babaguhin. Sa oras ng Education 2, wala muli si Ma'am Risilsubalit may ipinagawa sa akin si Sir Esguerra at iyon ay magpamudmod ngreviewer. Matapos asikasuhin ang reviewer, naisipan kong maki-sit-in sa klase nito. Habang nakiki-sit-in, biglang uminit ang ulo ni Sir. Kahit batid na mabait ito, ibang klase kung ito'y magalit. Sa takot, dahan-dahan akong lumabas. Dahil wala naman klase sa Education 2, nagtungo kami ni Sarlyn sa library. Laking pasalamat sa kanya dahil nilibre ng halo-halo't dala na napasarap ang kwentuhan sa kanya, hindi namamalayang Alas-singko na't kailangan nang pumasok sa silid. Saktong wala pa si Ma'am Trisha subalit ilang saglit pa nang pumasok ito. Nanood lamang kami ng Video sa buong oras ng klase. Inabot na ko ng gabi sa pag-uwi at dala ng gutom ay dagliang kumain. Hindi pa makatulog kaya nag-ensayo muna sa pagkanta. Bandang Alas-onse nang mapagpasyahang matulog.
September 03, 2017
Sunday
Year V-246
Sunday
Year V-246
10P-U. Maliwanag na sa labas nang magising na may kasiglahan sa dibdib at sana'y palaging ganito ang pakiramdam kahit na may kinakaharap na problema. Gawaing bahay ang iginugol nang umagang iyon at dahil balak kong magsamba sa Church nina Mara, bandang Alas-nuebe nang maghanda-handa't umalis. Pagkarating sa kanilang church, saktong nagsimula na ang worship. Medyo nakakahiya kung papasok kaya hindi muna tumuloy at naghintay hanggang sa isa sa kanilang kaanib ang lumabas at sinamahan ako papasok. Pagkapasok, saktong wala pa pala si Mara subalit dumating din kinalaunan. Walang ginawa ng mga oras na iyon kundi awitin ang Christian song at maglulundag-lundag. Pagkatapos ng worship, saka lamang nagsimulang magsimula ang kanilang Pastor. Kung pagmamasdan at pakikinggan, parang gaya ko rin itong paminta't malamya ang pananalita subalit mahusay mangaral. Bukod pa dun ay medyo bata-bata pa't hindi aakalaing siya ang kanilang leader. Iyon nga lang, mas feel ko ang pagtuturo ni Pastora Anna kung ikukumpara sa kanya'y may ilan sa sinasabi nito na lubos hindi maunawaan pagkat napakateknikal.
10P-V. Laking gulat nang ipabatid ni Mara na isa itong Psychologist gaya namin. Bukod sa hindi feel at maunawaan ang tinuturan nito, wala rin sense of humor kaya nakakabagot makinig subalit nakinig pa rin para may matutuhan. Matapos ang kanilang bible study, nagkaroon pa ng group session. May ilan akong sa mga kaanib ni Mara ang nakilala't mababait naman, subalit nahihirapang makitungo sapagkat marahil ay naninibago't nami-miss ang mga dating nakasama sa Christian Community tuwing youth service, kamusta na kaya sila lalo na sina Kuya John Paul at Ate Gemma? Sa tagal ng panahong hindi na nakakadalo sa kanilang sunday mass, makilala't matanggap pa kaya nila ako? Mga kaanib ni Pastora Anna ang sumisipa sa ala-ala ko habang kasama sila't umabot ng halos isang oras ang aming group session. Bandang Ala-unang makauwi sa bahay at saktong nagkakaraoke muli sina Mama kaya mukhang hindi makakatulog.
10P-W. Medyo napapagod ng lagay sa nilayo ng nilakad kaya nagpahinga pa rin sa kabila na maingay sa bahay. Sa ingay ng karaoke, hindi na nga makatulog ng maayos kaya bumangon na lamang. Kahit batid na medyo sintunado kung madadaan naman sa practice ang pagkanta, nakisali ako sa karaoke. Sa una ay nahihiyang iparinig ang tinataglay na tinig pero ginaganahan naman kinalaunan at napapabirit pa nga. Hindi man kaaya-aya ang boses sa pandinig, umaasang mababago iyon. Matapos makipagkaraoke, nagtungo ako ng computer shop. Kinagabihan at dahil walang magawa, nagsanay ako sa pag-awit para gumanda-ganda ang tinig at hindi makatikim ng pangungutya oras na sumalang ang sarili sa Talent show ng pageant. Hindi ko pa alam kung makakarampa ba't kinakabahan kapag naiisip iyon. Sana kayanin ko ang mga hamong nakaamba sa buhay at tiwalang hindi pababayaan ng Diyos at naririyan lamang ito parati.
September 04, 2017
MondayYear V-247
MondayYear V-247
10P-X. Balik muli sa dating gawi dahil Lunes nanaman. Dahil may aasikasuhing Thesis sa School, bandang Alas-nuebe nang ako'y umalis sa bahay. Nakasagupa muli ang matinding trapik sa lansangan gawa ng itinatayongMRT 7 kaya bandang Alas-onse na nakarating ng paaralan at magkanda-hingal-hingal sa sobrang pagmamadali. Pagkatungtong sa Library, saktong naroroon na si Myrrh at kanina pa raw ito. Pinag-usapan namin kung ano ang gagawin at maya-maya, dahil kapwa nagugutom na, nananghalian muna kami. Matapos kumain, pinuntahan namin si Ma'am Joyce para sa questionaire subalit sinabing mamaya pa raw pagkat may inaasikaso pa ito. Pumasok kami ni Myrrhsa classroom kung saan magklaklase si Ma'am Joyce at doon ito hinintay. Habang hinihintay ang pagdating ni Ma'am, tamang kwentuhan lang kina Davidat sila ang nag-alis ng aking pagkainip. Sa tagal dumating ni Ma'am Joyce, hindi na nahintay pa ni Myrrh at nagpaalam na ito. Mukhang hindi na marahil darating si Ma'am subalit nagkakamali at agad ko siyang nilapitan.
10P-Y. Bahagya lamang namayani ang takot pagkat biglang nagalit si Ma'am sa kadahilanang may estudyante itong marami nang absent. Nakiusyoso muna ako't iba talaga kapag si Ma'am Joyce ang magalit, nakakanginig ng buto pero kasalanan din naman kasi nila. Pagkakuha ng questionaire at sa halip na umuwi, tumungo pa ng library. Saktong namataan ko sina Jona Vee kaya naki-join muna sa kanila at kwentuhan. Ilang sandali pa, magkasamang tuwa at kilig ang umiral sa loob-loob nang biglang dumating si Jed. Nahihiya man ay lakas-loob itong kinausap at sadyang maloko ito, yung tipong malakas mambara.
10P-Z. Umigting pa lalo ang kilig nang ipagyabang kung gaano siya kagwapo at hindi malaman kung bakit nito ginagawa sa akin hanggang sa mapagtanto na marahil, nahalata na nito na nagkakagusto sa kanya. Malaman man niya ay ayos lang sa akin, hindi ako mangangamba. Gusto kong sulitin nang husto ang oras habang kasama ito subalit mas pinili pang bigyan ng pagkakataon si Jona Vee na makipagsuyuan sa kanya at parang lalanggamin ang mga ito sa sobrangsweet. Maya-maya pa, umalis na sila't naiwan na lamang mag-isa. Dahil nasilayan ito, kahit saglitan lamang ay masaya akong umuwi. Kinagabihan, pag-eensayo sa pagkanta muli ang inatupag. Medyo may nag-improve naman sa boses at sana'y magtuloy-tuloy na ito.
September 05, 2017
TuesdayYear V-248
TuesdayYear V-248
10Q-A. Ang bilis talaga ng panahon at sa sobrang dami ng naglalaro sa isipan, nakaligtaang exam pala ngayon para sa Midterm. Bandang Alas-siete na nagising at pagkaalmusal, pamamalantsa ng uniporme ang inatupag. Pagsapit ng Alas-nuebe at kahit mamayang hapon pa magsisimula ang pagsusulit, pumasok na ko. Kaagad na nagtungo sa library at pagsapit ng Alas-onse, umalis muna ng library para manghalian. Pagkabalik ay saktong namataan siNikki at kasama nito si Jona Vee. Sa halip na mag-aral at dahil kapwa tinatamad ng lagay, nakipagkwentuhan na lamang. Ilang sandali pa, nagpaalam na kami ni Nikki sa kanya. Education 2 ang naging pagsusulit sa araw na ito at saktong si Ma'am Joyce ang aming proctor kaya hindi nakakasakal at nagpapapasok pa nga ito kahit late na. Hindi ako nakapagrepaso subalit hindi naman gasinong nahirapan.
10Q-B. Makalipas ang halos isang oras nang matapos ang pagsusulit at sa halip na umuwi, sinamahan ko pa si Nikki sa pagtungo sa library. Namataan naman namin kaagad sina Sarlyn at Nadia at habang naghahanap kami niSarlyn ng mauupuan, hindi akalaing magkukrus ang landas namin ni Jed at saktong nasa likuran ko lang pala ito kaya na-shock ng bahagya nang makaharap ito. Halo-halo ang emosyon ko nang sandaling makaharap ito, nahihiya na kinikilig na natutuwa na naiilang. Medyo naiilang man, nagawa pa rin itong kausapin. Mukhang wala ito sa mood at bakas sa mukha ang pagkapagod na tipong sabog kaya hindi ko gaanong kinausap at hinayaan na lamang umalis. Mukhang pinagtatagpo kami ng pagkakataon subalit ayaw kong umasang magiging kami balang-araw.
10Q-C. Pagpatak ng Alas-dos, tumungo na kami ng silid. Habang kukwentuhan sila, itong si Sarlyn, inaya kami ni Nadia na sumali sa Campus Ministry. Sa una ay nag-aalangan talaga ako pero dahil sa pangungulit, bumigay na kaya napapayag. Ako lamang ang napakilala ni Sarlyn sa mga misyunaryo pagkat umayaw si Nadia. Hindi akalaing mga Ecuadorian sila kaya napa-English muli nang wala sa oras habang kausap ang mga ito. Doon ko nakilala sina Sister Maryuksi, Sister Jessica at iba pang misyunaryo. Kahit Englishang palitan ng kuro-kuro, nakakatuwang kausap at marami kang matutuhang magagandang bagay mula sa kanila. Nang makapag-fill-up sa form, sinama nila ako sa gaganaping seminar.
10Q-D. Pagkapasok, laking gulat pagkat puro mga Senior High at nakaramdam ng hiya dahil hindi akalaing ako lamang ang bukod tangingCollege. Saktong naroroon din si Sir Gelo kaya lalong sumidhi ang hiya. Nahihiya man, nakihalubilo pa rin at nakinig sa kanilang teachings na patungkol sa forgiveness. Kinabahan lamang dahil nagtatawag pala sila't kailanganEnglish ang isasagot para maintindihan ka ng mga banyagang misyunaryo. Nang isang oras na ang nakakalipas, lumabas muna ako't pinuntahan kung nag-e-exam sina Sarlyn. Pagkatingin, saktong wala na ang mga ito at marahil ay umuwi na.
10Q-E. Nakaramdam tuloy ng inis pagkat iniwan nila ako. Batid kong masama ito subalit sa kagustuhan nang umalis, nagsinungaling ako kina SisterCathy habang nagpapaalam para payagang makaalis at patawarin nawa ng maykapal sa ginawa. Pagkababa at ang kaninang nayayamot, napalitan ng tuwa nang mamataan sina Sarlyn sa may lobby. Kapwa wala pang balak umuwi kaya tumungo muna ng SM at naggala-gala magkakasama. Nakaramdam ako ng saya habang kapiling ang mga ito sa pamamasyal at nanlibre pa ang Nikking tokneneng na presyong pang-mall. Inabot na ko ng gabi sa pag-uwi. Matatapos nanaman pala ang araw na ito at natutuwa dahil may katuturan ang mga nangyari sa akin.
September 06, 2017
Wednesday
Year V-249
Wednesday
Year V-249
10Q-F. Nakakatuwa dahil wala akong exam ngayong araw kaya may oras para makapagrepaso. Napasarap nang husto ang pagtulog kaya tinanghali na sa paggising. Pagkaalmusal at dala na sinisipag-sipag, gawaing bahay ang napagkaabalahan. Nang makapaglinis-linis, tumungo ako ng computer shop. Medyo nalibang-libang ako sa panonood ng programa lalo na't suspense at dinadala ang loob mo kaya hindi namamalayang tanghaling tapat na. Habang naglalakad ay halos maliyo ako sa tindi ng sikat ng araw at nakakatigang kaya pawisang nakarating ng bahay. Maging sa hapon ay dama pa rin ang maalinsangang panahon at tila tag-init muli. Hindi makalabas-labas ng bahay kaya paggawa ng reflection sa Current issue ang inatupag. Pagkatapos, nagrepaso ako. Balak sanang gugulin lamang ang oras sa pagrerepaso subalit hindi maiwasang mag-browse sa Social Media hanggang laking gulat na lamang nang malamang nakuha ako bilang candidate para sa Mr. and Ms. Psychology 2017.
10Q-G. Magkahalong kaba at tuwa ang aking naramdaman pagkat hindi inakalang makakasali pa. Ngayong nandito na ko na napipintong rumampa sa maraming madla'y lakas na lamang ng loob ang kailangan at naniniwalang hindi pababayaan ng Diyos. Sa tuwa, halos hindi na makapag-aral ng maayos at kahit sa susunod na linggo pa ang Pageant ay pinoproblema na kung ano ang susuotin, sino-sino ang susuporta sa akin, hindi mapigilan ang mangamba. Nawa'y malampasan ko lahat ng ito at huwag panghinaan ng loob. Kahit tingin ko na hindi ito magiging madali ang kakaharaping mga hamon sa pagsali sapageant ay kakayanin dahil tiwalang hindi pababayaan ng maykapal. Sana kayanin ang magiging gastos. Hangga't may nakikitang paraan, walang dahilan para umurong at tuloy lang ang laban.
September 07, 2017
Thursday
Year V-250
Thursday
Year V-250
10Q-H. Hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib pagkat hindi makapaniwalang mapapabilang sa pageant. Namamayani man ang kaba, kailangan kong magpakatatag dahil lahat ng bagay sa mundo, may hangganan at lilipas din ito. Hindi na baleng kabahan kaysa manghinayang naman at susi na ito para tumaas ang kumpiyansa sa sarili. Alas-nuebe pa lamang nang magtungo ako ng School. Nanatili ako ng library at doon nagrepaso. Kahit sabihing kakayanin at malalampasan ko ito, hindi pa rin maiwasang kabahan at napapaisip kung tama ba ang desisyon sa pagsali. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kung anong dash ang susuporta sa akin pagdating ng pageant. Maya-maya, nakita ko sina Janet, nagkaroon ako ng pagkakataon para manghikayat. Payag naman ito na suportahan ako ng ka-blockmate nito subalit hindi na matutulungan pagdating sa kung anong susuotin pagkat una, irregular studentako't mas focus ang kanilang pambato.
10Q-I. Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Janet at napanghihinaan na ng loob kung itutuloy pa ba ang pagsali, lalo na't hindi basta-basta ang susuotin at palaisipan kung kanino at saan kukuha ng ganong kasuotan. Kahit napanghihinaan na ng loob, nag-isip pa rin ng paraan. Hindi maglalaon ay masusulusyunan din lahat ng aking pinoproblema subalit na-stress na lamang kakaisip ng paraan. Pagpatak ng Ala-una, pumasok na ng silid. Habang hindi pa nagsisimula ang pagsusulit, tinulungan ako ni Janet para humingi ng tulong saDash 3 at manghikayat ng supporters. Kinakabahan man, nilakasan ko ang loob na magsalita sa harapan nila't hindi akalaing nagpresinta sina Anne Rose. Nang makapag-anunsyo, saktong may proctor na kaya kaagad nang nagsimula ang pagsusulit. Clinical Psychology ang unang pagsusulit para sa araw na ito. Dahil walang gaanong narepaso, medyo nahirapan kaya nanghula-hula na lamang hanggang sa matapos.
10Q-J. May natitira pang exam, kaya hindi muna umuwi't tumungo kami niNikki sa library. Walang ginawa kundi magkwentuhan at pagplanuhan ang gagawin sa pageant. Napanghihinaan na talaga ng loob at nawawalan na rin ng pag-asa subalit mabuti na lamang, nandiyan si Nikki para palakasin ang loob. Kahit mukhang hindi magiging madali dahil iniisip ang gastos, hindi ako uurong, nandito na. Nang Alas-singko na'y pumasok na ko ng silid. Physio Psychologyang sumunod na pagsusulit, wala talaga akong na-review kaya nahirapan. Gawa na sumasakit naman ang ulo sa kakaunawa, hinula-hulaan na lamang nang matapos na. Maya-maya, sa wakas ay natapos na din ako't kaagad nang umuwi. Kinagabihan, paggawa ng Reflection ang pinagkaabalahan. Balak sanang magpuyat sa magdamag, matapos lamang iyon subalit mukhang hindi kakayanin at kahit hindi pa kalaliman ng gabi, natulog na.
September 08, 2017
Friday
Year V-251
Friday
Year V-251
10Q-K. Kahit na wala nang natitirang exam ngayong araw ay kailangan pa rin magtungo ng School para magpasa ng reflection at dumalo na rin sa misa. Pagkarating ng school, saktong nagsimula na ang misa sa may Auditoriumkaya hindi na pumasok pa. Tinapos ko na lamang gawin ang reflection. Maya-maya'y tumungo ako ng computer shop. Tumagal ng halos dalawang oras na babad ang mata sa kumpyuteran kaya malagas nang husto ang dalang kwarta. Pagkatapos, tumungo ako ng library. Habang hinihintay ang pagdating ni Nikkiay hindi naman nabagot pagkat kasama si Jep at kakwentuhan. Maya-maya dumating na si Nikki at tumungo kung saan ang office ni Ma'am Trisha. Habang papunta'y nakasalubong si Dianne, isa sa officer ng Psychology society at sinabi nito ang tungkol sa susuotin sa pageant. Umigting pa lalo ang pamomoblema pagkat ang tema ng susuotin ay pang-hollywood at ibabase saoutfit ng mga Iconic Stars. Saan kaya kukuha ng ganong klaseng suot at tingin ko, mapapagastos talaga kaya parang ibig nang umurong.
10Q-L. Pagkapasa ng reflection paper, kasama naman si Myrrh ay tumungo kami ng faculty para magpasa ng Status Report kay Sir Jigo. Ang kaninang napanghihinaan na ng loob kung itutuloy pa ba ang pagsali sa Pageant, ngayong namomoblema na matapos ang nalaman, biglang nagbago dahil sa sinabi ni Sir Jigo at pinapalakas niya ang loob ko. Nanghinayang lamang pagkat sa pre-pageant lamang ito makakanuod pagkat lilipad siya sa abroad. Gayunpaman ay nagpapasalamat pa rin at natutuwa dahil susuportahan niya ko. Wala man si Sir Jigo sa oras ng aking pagrampa na kabog na kabog, ayos lang basta nandoon ang taong nagpapatibok ng puso, sana nga.
10Q-M. Sa kabila na na-inspired sa sinabi ni Sir, gulong-gulo ang isip kung itutuloy pa ba ang pagsali at nahihirapang makapagdesisyon. Bago umuwi at dala na nagugulahiman na, nagtungo muna ng simbahan doon sa Novaliches Bayan para humingi ng sign kay God bilang gabay sa magiging desisyon. Kung anumang sign ang ibibigay ng Diyos sa akin, tatanggapin ng buong loob kung ikakabuti naman ng buhay. Matapos magdasal at pagkamulat, crown na kulay pula na malapit sa altar kaagad ang nakita at dalawa pa ito. Hindi ko malaman kung iyon na ba ang sign ng Diyos sa akin subalit kung iyon, lingid sa kaalaman kung anong ibig ipahiwatig nun.
10Q-N. Kahit hindi ko pa talaga nakikita kung ano talaga ang sign, hindi pa rin makapagdesisyon at gustong mag-isip-isip muna. Nang makapagmuni-muni, napag-isip-isip na marahil ay hindi ko na kailangan pa ng sign kung gusto naman at may paraan pa. Marahil kung uurong ako't magpapanaig sa kaba, parang sinabing napakahina. Kaya hangga't may nakikitang paraan, tuloy ang laban at kailangan ko na lamang mag-enjoy sa halip na mag-alala ng husto habang kinakaharap ang pagsubok sa buhay kaya Think Positive na lang. Mairaos lamang itong pageant kahit hindi manalo, sapat nang maranasan iyon na kailanman ay hindi malilimutan.
September 09, 2017
Saturday Year V-252
Saturday Year V-252
10Q-O. Dahil sa sobrang stress kahapon sa kakaisip ng isusuot at mga taong maaring sumuporta sa akin, kahit magdamag nang nagpahinga, pakiwaring pagod pa rin at gustong matulog subalit kailangan nang bumangon pagkat madami pang aasikasuhin para sa pagsali sa pageant. Kahit kinakabahan, walang mangyayari kung uupo lamang kaya ginawa ang lahat ng naisip na paraan para hindi magkaaberya. Nawa'y tama itong hakbang na aking ginagawa at hindi mauwi sa wala. Maya-maya pa at dala na nababagot, gawaing bahay ang pinagkaabalahan. Bandang tanghali nang magtungo ng School pagkat maymeeting kaming mga kasali sa pageant. Pagkatungtong, hinarang kaagad ng gwardiya pagkat hindi nakapagdala ng ID, pinapunta niya pa ko sa discipline office para manghingi ng gate pass. Hindi kaagad ako naasikaso ng tagapangasiwa doon pagkat may kausap ito't maya-maya, nairita sa ginawa nito pagkat tinarayan ba naman ako, samantalang ang ayos-ayos ng usap sa kanya. Kahit nayayamot na, nagawa pa ring makipag-usap ng maayos.
10Q-P. Hindi rin ako nakakuha ng Gate pass pagkat busy talaga ito't napakaarogante talaga. Ngayong hindi nakakuha ng Gate pass, minabuting huwag na lang lumabas-labas ng campus hangga't hindi natatapos angmeeting. Ilang sandali pa, tumungo na ng Quadrangle. Marami kaming mgaCandidates sa pageant subalit mangilan-ngilan lamang ang pumunta at napapaisip na marahil, umatras na ang karamihan. Nawawalan na tuloy ng ganang sumali pagkat kakaunti lamang kami subalit kailangan nang panindigan. Kasama ang mga officer ay pinag-usapan lamang kung ano-ano ang susuotin. Kahit nawawalan na ng gana'y nabunutan naman ng tinik dahil pinadali na nila't hindi ganon kagarbo subalit Hollywood Theme pa rin pagdating sa Creative wear. Pagkatapos ng meeting at dahil wala pang balak umuwi, tumungo pa ngAdmission Office para humingi ng tulong kina Sarlyn.
10Q-Q. Napasarap ang pakikipagkwentuhan sa kanila at idagdag pa na malamig ang kapaligiran kaya halos dalawang oras din ako nanatili roon. Tumungo pa ko sa bahay nina Tita Joy para manghiram ng isusuot subalit wala ang mga ito. Nakakahiya naman sa kanila kung iyon lamang ang ipinunta kaya nangamusta na rin at nakipagkwentuhan. Inabot na ko ng gabi sa pag-uwi't nadatnang nagtatalo si Mama at Papa. Stress na nga mula sa paghahanap ng isusuot, ganoong klaseng sitwasyon pa ang madadatnan at sana kayanin ko ito. Napalitan ng tuwa at hindi akalaing susuportahan na ni Mama sa pageant at tutulungang maghanap ng isusuot. Sa tuwa, muntikan nang yakapin si Mama at kahit naiirita dahil halos araw-araw na lang kung pagbungangaan, mabait na ina pa rin ito sa akin. Namamayani na ng husto ang pagod kaya maagang natulog.
September 10, 2017
Sunday
Year V-253
Sunday
Year V-253
10Q-R. Araw ng Linggo at ang dapat sana ilaan ang araw sa pagpapahinga, mapupurnada dahil ngayon araw ang simula ng aming rehearsal ng pageant. Bago magtungo ng school, nahihiya man ay kinapalan na ang mukhang manghiram kina Auntie Caling. Gumaan-gaan ang pakiramdam ko nang pahiramin ng Long sleeve na gagamitin sa Photoshoot bukas, kahit sa kabila na nakakaligtaang isauli ang damit na hiniram sa kanila. Bandang Alas-nuebe na nakarating ng school at ang inakalang nahuli na, nagkakamali pagkat kami-kami pa lamang at hindi pa nagsisimula ang practice. Isang oras na ang nakakaraan subalit tila hindi kami nadadagdagang mga kalahok sa patimpalak. Habang hinihintay na dumating ang iba at dala na kumakalam na ang sikmura, kasama si April maging si Kalvin, kumain muna kami. Kahit naiirita ay isinantabi muna iyon at nakisama sa kanya ng maayos.
10Q-S. Sa Chowking namin naisipang kumain at kahit ganon kalaki ang dalang kwarta, nagawa pa rin bumili pagkat napipilitan. Anong alinsangan ng panahon nang kami ay pabalik at sakit sa ulo. Tanghaling-tapat na subalit hindi pa nagsisimula ang aming rehearsal, palaisipan na kung matutuloy pa ba o hindi. Parang ibig ko nang umuwi ng mga oras na iyon pagkat wala namang nangyayari kundi maghintay. Nababagot na rin ng lagay kaya nilibang na lang ang sarili sa panonood ng rehearsals ng mga Fresh students. Ang gugwapo't magaganda ang mga kalahok subalit mukhang di na mga fresh pagkat kita sa mukha ang pagka-haggard. Dahil walang magawa, umidlip muna ako. Pagkagising, saktong wala na ang mga kasamahan, iyon pala'y pumasok na ang mga ito sa silid.
10Q-T. Papasok sana ako, kaso nandoon si Sir Laus, kasama ang mga kandidato ng Mr. and Ms. Fresh at nagme-meeting, hinintay ko munang matapos. Ilang sandali pa nang ako'y makapasok. Bandang Alas-dos nang magsimula ang practice para sa production number. Kahit kailan talaga, parehas kaliwa ang paa at nahihirapang makasunod sa Steps subalit kahit na ganon, hindi iyon dahilan para umayaw at matututo din ako basta idaan lang sa tiyaga. Bukod sa steps, tinuruan din kami kung paano ang tamang pagrampa at sa totoo lamang, nahihirapan sa rampa ng lalaki, sa kadahilanang mas feel ko ang babae at kailangan ay may eye contact sa mga Audience. Tumagal ang aming rehearsal hanggang Alas-kwatro at pagkauwi ng bahay, kaagad na sinanay ang sarili sa paraan ng pagsayaw. Sa una, nahihirapan subalit nang maglaon ay may improvements naman. Kinagabihan, tamang higa at relax muna sa panonood ng Telebisyon matapos ang Stress out sa practice and rampage. Dahil bukas na ang aming Photoshoot, naging abala sa pamamalantsa ng susuotin. Sa kagustuhang maging presintableng tingnan, inigihan ko ang pamamalantsa at siniguradong hindi gusot-gusot. Bandang Alas-onse na rin nang maisipang matulog.
September 11, 2017
Monday
Year V-254
Monday
Year V-254
10Q-U. Maaga akong nagising pagkat marami pang dapat asikasuhin ngayong nalalapit ang pageant. Kinakabahan man sa anumang mangyayari, nagpakatatag pa rin ako't wala na itong urungan. Bago tumungo ng School, nagpunta muna ako sa bahay ng Ninang Edith para manghiram ng isusuot naTuxedo para sa Evening Wear. Pagkaalpas doon, wala ang ninang maging siTito Noel. Bandang Alas-nuebe na nakarating ng School at kaagad na dumeretso sa Discussion Area para hintayin ang mga kaklaseng tutulong at gagawa sa akin ng Creative Wear. Isang oras na ang nakakalipas, wala pa rin sila, mukhang di na marahil sisiputin. Gawa na naiinip na't nayayamot pagkat parang naghihintay lamang sa wala, umalis na ko. Bakit kaya may mga taong sadyang malabong kausap at walang isang salita? Tumungo ako ng Admission office subalit wala roon si Sarlyn, kumain na muna ako't nagkumpyuter.
10Q-V. Ilang sandali pa, dumating na ang kasamahan ko sa pageant at inaayang magtungo na ng Athletic Center pagkat may rehearsal. Kahit lagpas Ala-una na, oras kung kailan magsisimula ang rehearsal, hindi pa ko tumungo roon at hinintay si Mara. Nang magkita kami, kaagad nang nagtungo saAthletic Center. Ang inakalang nagsimula na ay nagkakamali pagkat wala pa ang Choreographer. Lumipas ang halos tatlong oras, walang ibang nangyari kundi umupo't ngumanga lang. May pictorial pa kami ng Alas-kwatro kaya ilang minuto bago iyon magsimula, tumungo na ng Auditorium. Mukhang na marahil pagkat bukod sa pinagpapawisan dahil maalinsangan, umuulan pa, kaya ang resulta, mistulang mga lusyang pagdating doon.
10Q-W. Habang hindi pa nagsisimula ang photoshoot, nag-ayos-ayos na kami't make up. May yamot pa rin sa dibdib sa tuwing nakikita si Kalvin subalit biglang lumambot ang puso nang siya ang nag-make-up sa akin. Para tuloy nagsisisi sa ginawa sa kanya at doon ko lamang ito tuluyang napatawad at ibinaon sa limot lahat ng ginawa nito. Pagpatak ng Alas-singko, pinapunta na kami ni Emicka sa harapan ng Auditorium para sa photoshoot. Habang hindi pa nakasalang, ipinagpatuloy ko ang pag-aayos at Goodluck na lang. Nang ako at namamayagpag man ang kaba, lakas-loob na humarap sa Camera at tamangposting lang, ginalingan ko na rin para uwian na pagkat gabi na. Kahit umuulan at naiwan pa ang payong sa School, dumaan pa sa bahay ng Auntie Caling. Basaan akong nakarating ng bahay. Iyon pala, may bagyo na pinangalanang"Maring" at nagbabantang manalasa bukas sa Kalakhang Maynila kaya suspendido na ang klase bukas. Naging maulan ang magdamag at sarap matulog kapag ganitong panahon.
September 12, 2017
TuesdayYear V-255
TuesdayYear V-255
10Q-X. Kahit nagbabantang manalasa ang Bagyong Maring mamayang hapon at kitang kita na parang nagluluksa ang panahon, hindi mag-aaksaya ng oras para lang manatili sa bahay at kailangan ko pa rin kumilos para walang aberya. Pagsapit ng Alas-nuebe, nagbihis-bihis na ko pagkat may lakad subalit hindi maituloy pagkat tumututol na sina Mama sa pagsali ko sa pageant. Bakit ganyan sila, mga magulang ko sila subalit sila pa ang nagtatanggal ng kumpiyansa sa sarili. Alam kong magastos ito at hindi madali ang pagsali sa ganitong patimpalak subalit may paraan naman kaya walang dahilan para umayaw. Iyan ang hirap kay Mama, masyadong pessimistic at palaging pinapangunahan ng pag-aalala sa halip na mag-isip ng paraan. Nakiusap ako sa kanila at nagpaliwanag. Kinalaunan, napapayag ko rin si Mama na suportahan sa pageant at sinamahan pa nga para manghiram ng Tuxedo atCasual.
10Q-Y. Saktong may kakilala si Mama na mayroon nun kaya nakahiram kami at nabuhay ang loob ko. May kalakasan na ang hangin dahil sa paparating na bagyo subalit tumuloy pa rin ng Novaliches Bayan para bumili ng Hat. Sa tiyaga kong ito, nakahanap naman kaagad ng Hat na gagamitin naman saCasual Wear. Habang nasa bayan, nalaman-laman ko na magkakaroon kami ngRehearsal sa kabila na may bagyo. Hindi ko ibig na maudlot ang balakin kaya hindi muna tumuloy. Bago magtungo kina Tita Cleo, nagpunta muna ako sa SM Novaliches at naghanap-hanap ng isusuot. Sadyang mahal at pangmayaman ang presyo kaya umalis ako na walang dala-dala. Pagkatungo sa kanila ay saktong naroroon ang Tita Cleo at kinapalan ang mukha sa panghihiram ng kakailanganing suot. Nang makahiram, hindi na rin nagtagal sa kanila.
10Q-Z. Damang-dama na ang bagsik ng Bagyong Maring kaya nagdadalawang isip kung tutuloy pa ba sa School para dumalo sa rehearsal. Ilang sandali ang makalipas, lalo pang lumakas ang hangin at ulan kaya halos hindi na makakilos. Humanap ako ng masisilungan para magpalipas ng bagyo. Nang mapansing tila lumalala na ang sitwasyon at mukhang mai-stranded na, kahit bumabayo ang malakas na hangin at ulan, buong tapang na sinagupa at wala nang pakialam kung magmukhang basang sisiw. Pagdating ng Tandang Sora, nadatnang baha na. Hindi naman gasinong kalalim kaya sinuong ko iyon hanggang sa makatuntong ng Jeep.
10R-A. Sa tana ng buhay ay unang beses ko lamang ito maranasan na maabutan ng bagyo habang nasa lansangan at napaka-struggle. Dahil sa lakas ng ulan, maraming kalsada ang binaha kaya nag-iba ng ruta ang sinasakyan, napalayo pa tuloy. Saktong humupa na ang bagyo pagkarating ng bahay at mangatog-ngatog sa ginaw. Sa nangyaring ito ay mukhang magkakasakit na huwag sanang maganap pagkat may kinakaharap ako. Kinagabihan at pagkapanood sa balita, maraming lugar ang nakaranas ng matinding baha dahil sa Bagyong Maring, ang iba pa nga, bubong na lamang ang naaaninag at may naguhuan pa. Kahit hindi biro ang nangyari sa akin na muntikan ng mapahamak habang sinasagupa ang bagsik ng bagyo, nagpapasalamat pagkat ligtas na nakauwi.
September 13, 2017
Wednesday
Year V-256
Wednesday
Year V-256
10R-B. Maaliwalas na ang panahon matapos ang dalawang araw na nag-uulan-ulan. Dahil may AVP Photoshoot ngayong araw, Alas-siete pa lamang ay umalis na ko ng bahay. Pagkatungtong sa Quadrangle. Kami-kami pa lamang ni Kalvin ang naroroon at hindi pa nagsidimula ang photoshoot. Dahil Psych Week ngayong Linggo, abala sa pagtatayo ng booth ang karamihan sa mga kamag-aral. Isang oras na ang nakakalipas, iilan pa lamang kami at kahit hindi pa kumpleto, nagsimula na ang photoshoot. Nang ako na'y parang sisilaban sa pwet habang kinukuhaan at sa totoo lamang, ang hirap magpakamaton na post, ang resulta at pagkatingin sa Video, ang lambot ng posting at halatang napipilitan. Gusto ko ng perfect shut kaya pinaulit pa. Matapos ang Video andPhotoshoot, kasama si Catherine ay nagtungo kami ng library para pag-usapan ang sa Creative Wear. Naiilang lamang ako na magbahagi ng ideya pagkat naroroon si Jed na dating Mr. Psych at natitipuhan pa ng loob.
10R-C. Gayunpaman ay ipinagpatuloy namin ang pag-uusap at hindi ito inalintana, subalit nadi-distract sa tuwing magtatanong ito at may sinasabi. Maya-maya pa, dumating na si Anne Rose at natutuwa ako dahil sila na ang bahala sa materials. Dahil naroroon ang presensiya ni Jed, sa halip na ituon ang mata sa kanilang sinasabi ay di mapigilang mapunta sa mukha nito at lalo itong kumikisig kapag nakangiti. Matapos pag-usapan kung anong gagawin, nagpaalam na sa kanila. Pagkatingin sa bag, natuklasang nawawala ang pitaka. Hinalughog ko nang maigi subalit di masumpungan at nai-stress na ng lagay. Mabuti na lamang, pera lamang ang laman nun at hindi nailagay ang Cellphonesubalit namomoblema kung saan kukuha ng pangkain at pamasahe.
10R-D. Nang magkita kami ni Sarlyn, nilakasan ang loob na mangutang sa kanya. Sa bait nito, pinautang naman niya ko. Matapos kumain ay nagtungo kami ng Lost and Found, nagbabakasakaling may nagsuko ng wallet subalit hindi nasumpungan. Sobrang sinisisi ang sarili sa nangyari at napakaburara ko talaga. Pagpatak ng Ala-una at kasama si Mara, pumasok na kami ng silid para sa rehearsal. Mangilan-ngilan lamang kami't ang dami wala subalit nakapag-practice pa rin. Naiinis na nga pagkat palagi na lamang nagkakamali sa pagrampa at blockings. Isang oras na ang nakakaraan, kami-kami pa rin at yung iba, hindi nagpa-participate at nangangapa sa steps. Sa nangyayari na kulang-kulang kami, mukhang maraming magaganap na aberya pagdating na mismo ng pageant.
10R-E. Maya-maya pa, may inanunsyo sa amin si Emicka patungkol sa magiging flow ng pageant. Kinakabahan lamang pagkat ako ang unang rarampa sa entablado't sana hindi ako magkamali, bagkus ay maipakita kung ano ang kaya. Matapos ang rehearsal, pinuntahan ko pa sina Nikki at Myrrh sa mayAuditorium. Abala ang mga ito sa pangongolekta at pagbibigay ng ticket para sa Film showing. Yaman na naroroon na rin, tumulong na ko sa kanila. Pagsapit ng Alas-singko nang matapos ang Film showing at tumungo pa ng Athletic Center para ibigay ang nakolektang pera sa treasurer. Damang-dama ko ang pagkahapo pagkauwi ng bahay at dahil sa isang araw na gaganapin ang pageant, nag-practice ako. Batid kong kasumpa-sumpa ang tinig kaya naisipang umakting na lamang. Sana mapabilib ko ang mga manonood sa gagawing ito't bahala na sa magiging resulta, sana kayanin ko.
September 14, 2017
Thursday
Year V-257
Thursday
Year V-257
10R-F. Kinakabahan na ng lagay at pasidhi nang pasidhi habang papalapit na ang pageant. Dahil bukas na gaganapin ang patimpalak, habang may oras pa'y naging puspusan ang aking paghahanda. Matapos mag-agahan, sinimulan ko nang mag-practice para sa talent. Hindi ako makapag-akting pagkat nakakahiya at isipin ng mga nakakarinig, takas sa mental hospital. Kinakabahan man pagkat matindihang acting ang ipapakita sa stage at sa madla pa, kakayanin basta nandiyan ang maykapal at siya ang magpapalakas ng loob. Ilang sandali pa, paghahanap ng mananahi ang pinagkaabalahan ko. Saktong may nahanap naman at laking tuwa pagkat may isusuot na para sa creative wear. Pagsapit ng tanghali at kahit walang rehearsal, tumungo pa rin ng schoolpagkat nababagot sa bahay. Tinulungan ko sina Myrrh sa pagpapamudmod ngTicket para sa Film showing.
10R-G. May klase pa kami ng Current Issue kaya umalis muna saAuditorium. Habang papatungo'y saktong nakasalubong namin si Ma'am Risil. Parang mapapalundag sa tuwa nang sabihin ni Ma'am na hindi matutuloy ang klase ngayong araw maging sa Sabado. Matapos makausap si Ma'am Risil, pumasok na ng silid. Nahihiya lamang akong makisama sa mga Dash 1 pagkat panay kantiyaw sa akin, porket kalahok lang sa pageant, nakaka-overwhelm din kapag tinatawag na Mr. Psych. Gayunpaman, ngumiti na lamang at ang sarap sa pakinggan kapag tinatawag ka ng ganun kahit hindi pa nananalo. Itong siKuya Ralph na halatang bagot, ako muli ang napagdiskitahan at pinagrarampa pa. Sa una, hindi nila ako mapilit sa pagrampa subalit kung kailan ibabandera ko na ang makinis na talampakan sa harapan nila, napigilan nang pumasok siJed.
10R-H. Naroroon ito at gawa na nahihiya, panay ang aking tanggi sa requestnila subalit nang ito na ang mag-request, parang gustong-gusto ko nang ipamalas sa kanya ang pagrampa, kaso pumipigil ang hiya, lalo na't napagdaanan niya ang kinakaharap ko't takot na makarinig ng hindi maganda mula sa kanya. Saka lang lumakas ang loob nang pumasok si Kalvin at talagang pinagsasabong kaming dalawa sa pagrampa. Mahusay na si Kalvin sa pagrampa't dala na hindi ibig matalbugan, ginalingan ko na. Lalabas na dapat ako, nang biglang hiniram ni Jed ang phone ko. Kinurot sa kilig ang dibdib ko kaya kahit hindi basta-basta pinapahiram kahit kanino ang phone, naging malambot sa kanya. Sa halip na naiirita, natutuwa pa nga ako habang hawak-hawak niya ang cellphone ko at nakuha pang mag-Facebook na tipong ubusan na ang internet ko. Medyo natagalan din bago mabawi ang Cellphone at ibang klase din siya gumamit, garapalan!
10R-I. Malapit nang sumapit ang Alas-tres, wala pa rin si Ma'am Trishakaya napagpasyahan nang umalis. Nagbantay muli kami sa Auditorium para sa Film showing. Ilang sandali pa, kasama sina Sarlyn at Nadia, naghanap kami ng silid na walang nagklaklase para doon isagawa ang rehearsal para saacting. Saktong nakahanap naman kami kaagad at kahit sila lang ang kasama, nahihiya pa rin subalit nagawa pa ring mag-practice at kailangan kong masanay, lalo na't bukas na ang Talent portion. Halos mamaos ako sa kakasigaw habang umaakto't huwag sanang mawalan ng boses bukas. Bago umuwi, tumungo pa kaming limang magkakaibigan sa SM para bumili ng materials sa Creative Wear. Natutuwa ako at nagpapasalamat pagkat nakilala ko ang mga tao gaya nila na handang tumulong at magmalasakit sa akin. Kahit nalalapit na ang aming pagtatapos, nawa'y hindi malimutan ang isa't isa. Tumungo pa ko ngSaint Peter Church para dumulog sa Diyos ng lakas ng loob at siya na ang bahala sa akin bukas. Inabot na ng gabi nang makarating sa bahay.
September 15, 2017
Friday
Year V-258
10R-I. Bahagyang naibsan ang dala-dalang kaba dahil naudlot ngayong araw ang dapat sana ay Pre-pageant subalit kailangan pa rin manatiling handa. Bandang Alas-siete na ko nagising at sa halip na paghagilap ng mga kasuotan ang pagkaabalahan ay nagtinda-tinda ako. Bago pa man magtanghali, pumasok na ko. Kaagad na nagtungo sa Auditorium kung saan nagbabantay sina Nikki. Habang naroroon ay walang ibang ginawa kundi makipagkwentuhan sa kanila. Maligaya muli ang araw dahil sa kanila't hindi napapanis ang laway. Maya't maya rin ang tawanan. Ito namang si Eloisa, walang ginawa kundi asarin ako subalit hindi naman napipikon pagkat batid na katuwaan lamang. Pagpatak ng Ala-una at dahil may klase marahil sa Clinical Psychology sa kabila ng mgaevents, pagkasilip ay saktong naroroon na si Sir Juangco at ang iba pang kamag-aral.
10R-J. Kahit nahuli na'y pumasok pa rin ako. Nag-attendance lamang si Sir at pagkatapos ay may inanunsyo. Lalabas na dapat kami nang pigilan ni Janetpagkat may sasabihin ito. Ilang sandali pa, lumabas na ko't bumalik saAuditorium. Bandang Alas-kwatro nang magkaroon ng cut-off para sa film showing at sa halip na umuwi, tumungo kami nina Myrrh sa library pagkat sisimulan na ang paggawa ng Creative wear. Hindi nga lang makapagsimula dahil sa lintik na Glue gun na 'yan na nakaligtaang dalhin, naghanap-hanap pa tuloy ako kung kani-kanino't saan-saan. Kung kailan magsasara na ang library, saka pa may nahanap at madilim na sa labas kaya napagpasyahan na namin na ituloy sa ibang araw. Ginabi muli sa pag-uwi. Natapos nanaman ang araw na maghapong aligaga't balik panaog kaya tamang relax lang sa paghiga't panonood ng telebisyon.
September 16, 2017
Saturday
Year V-259
10R-K. Sa sobrang dami ng inaalala, hindi namamalayang Sabado na. Inabot na ko ng liwanag sa paggising. Matapos mag-almusal, heto muli ako sa pagtitinda. Maya-maya pa, inensayo ko na ang pagrampa. Madali lamang ang rampa sa lalaki kung ikukumpara sa babae subalit kailangan matigas at maangas at doon ako nahirapan. Sa kaka-chest out, sumakit na ang likuran ko. Pagpatak ng tanghali at kahit wala pa ring klase dulot ng Psych Week, pumasok pa rin ako. Tumungo muna ako ng library at maya-maya pa ay saAuditorium na. Sina Eloisa lamang ang nadatnan ko na nagbabantay doon at wala sina Myrrh. Pagkababa at tungtong sa booth, saktong naroroon sina Nikkina abala sa pagbabantay sa registration pagkat sila ang naatasan. Nanatili muna ako't tamang pakikipagkwentuhan sa kanila.
10R-L. Habang katsikahan ang mga kaamiga, nagkakulay muli ang araw nang masilayan ang presensiya niya, kaya sina Nikki, panay kantiyaw at todo udyok na lumapit na kung saang booth nagbabantay si Jed. Bumibihag talaga ang hiya sa dibdib kaya hindi ko sila magawang pagbigyan. Habang inaasar nila, patuloy na sumisipa ang kilig at umigting pa nga nang ito'y papalapit. Abot-langit ang aking pagkailang kaya hindi alam kung anong sasabihin habang ito'y papalapit. May pagkakataon na sanang makausap ito, makabiruan o kahit ano para lalo pang umigting ang dala-dalang ligaya sa dibdib at masulit ang sandali kahit paano, nahiya lang.
10R-M. Bakit ba parati na lang nahihiya't naduduwag, kailan kaya ako magiging malakas at matapang. Hanggang sulyap na lamang ako sa kanya. Madaldal akong nilalang subalit umuurong ang dila ko sa tuwing lumalapit siya't kaharap. Pumasok ako sa mga booth at sinubukan kung ano ang ginagawa. Dahil pang-horror ang tema lahat ng mga booth, mistulang haunted house at ang aga naman ng Halloween. Tumagal ang mga booth hanggang Alas-singko't ang pagsasara nito ang pagsisimula namin para magbilang ng kinita't balutan ngScatch tape. Nakakalungkot lang dahil tapos na ang maliligayang araw naming mga Psychology Student at ang bilis naman. Gayunpaman, marami pang darating na masasayang araw na higit pa dun.
10R-N. Pagkauwi ng bahay at dala na abot-abot ang pagkalam ng kalamnan, ulam kaagad ang binanatan ko. Tamang panonood rin ng Telebisyon at napukaw ang dibdib nang matunghayan ang kwento ng isang retiradong guro sa Maala-ala mo kaya. Dahil sa natanggap nitong retirement fee, namuhay siyang marangya at naging mapagbigay pa sa kapwa subalit mayroon itong suwail na anak na walang ginawa kundi gugulin ang sarili sa masamang bisyo at sakit pa ng ulo. Dumating ang panahon nang sila'y masunugan at lahat ng pera ng matanda mula sa natanggap nito't kinita sa pagkokopra, nawalang parang bula, doon na nagsimula ang kanyang paghihirap hanggang sa magkasakit na nag-iisa na lamang. Muntik-muntikan nang dumaloy ang luha habang nagdurusa ang matanda't nag-iisa na lamang dahil nakakulong ang suwail nitong anak. Sa huli, nagbago ang anak nito't nang makalaya'y inalagaan niya ang may sakit na ina. Nakakaawa ang sinapit ng matanda't sana hindi iyon danasin ng magulang ko, oras na matatanda na sila't may pamilya na kaming mga anak.
107 | 100 Isang daang araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
September 17, 2017
Sunday
Year V-260
10R-O. Bandang Alas-sais nang ako ay magising, masyado pang maaga at sarap ding matulog kaya umidlip muna ako. Sa muling pagmulat ng mata, malapit na palang sumapit ang Alas-nuebe kaya agad-agad nang bumangon. Sa halos dalawang linggo na sunod-sunod akong umaalis ng bahay dahil sa may inaasikaso, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa wakas ay dumating ang araw na ito para makapagpahinga naman subalit parang hinahanap-hanap ng sarili ang gumala. Dahil walang magawa, pagtitinda ang pinagkaabalahan ko. Ang ganda-ganda't napakadalisay pa ng araw ko, nasira dahil sa buwisit naCostumer na walang modong makipag-usap habang bumibili at akala pa kung sino makaasta. Sina Ate naman, sa halip na pagsabihan ay nasermunan pa ko't lumalabas na napaka-sensitive ko raw. Kahit naman sino na ganyang kausapin, mayayamot at hindi rin nila ako masisisi dahil may damdamin din ako. Dahil doon, nagtalo na kami ng ate't di na lamang ito dapat magsalita.
10R-P. Kung gusto naman pala nilang makipagkaibigan, hindi dapat ganoon ang approach na makikipaglokohan, lalo na't hindi mo ka-close. Humapa naman ang yamot na namamayani sa dibdib kinalaunan. Naiinis lang ako sa mga taong wala sa lugar kung makipaglokohan at hindi iniisip ang magiging damdamin ng iba basta masaya lang sila sa ginagawa. Ipinagpatuloy ko ang pagtitinda't kinahapunan, bumuhos nanaman ang ulan. Sinabayan pa ng pagkulog at kidlat kaya ang resulta't ano pa nga ba, balot muli sa takot ang dibdib. Kinagabihan at dahil nababagot ng lagay ang lola niyong bigay todo ang ganda, heto muli na nagpapakasarap sa panonood ng telebisyon. May kalaliman na ang gabi nang maisipang matulog.
106 | 99 Mayroon na lamang Siyam na pu't siyam na araw at Pasko na!
September 18, 2017
MondayYear V-261
10R-Q. Sumabog nanaman ang liwanag sa labas, hudyat ng panibagong araw na kakaharapin na may sigla. Singsarap ng pagkaing mayaman ang tulog ko kaya tinanghali na ng gising at pagbangon. Pagkaagahan, daglian akong namalantsa ng uniporme. Nakakalungkot lamang dahil balik na sa dating gawi bukas matapos ang aming Psych Week subalit naniniwalang marami pang darating na masasaya na mas higit pa dun. Nang makapagplantsa at kahit naurong sa susunod na buwan ang pageant, naghanda-handa na ng isusuot at nagsukat-sukat. Habang isa-isang sinusukat ang mga hiniram na damit para saCasual wear, pakiwaring isang model at ang sarap nga naman ng pakiramdam kapag sumasali sa patimpalak dahil naipamamalas mo ang 'yong taglay na kagandahan at kahusayan sa pananamit. Sana ay dati ko pa ito ginawa na sumasali sa pageant subalit ang pagsali ko sa Mr. and Ms. Psychology ay isa lamang paghahanda para sa darating pang pageant na tiyak na maipapakita kung sino't ano ako ng walang agam-agam sa loob.
10R-R. Kahit ganito lamang na isang hamak na bakla, naniniwalang may ibubuga sa kahit na anong larangan, kaya walang dahilan para panghinaam ng loob at umurong. Habang nagsusukat ay bigay-todo rin sa pag-post na akala'y isang batikanang model at sarap mangabog. Sa kakasukat ng sangkatutak na mga casual, inabot na ng tanghali. Matapos mananghalian, oras nanaman para gugulin ang sarili sa beauty rest. Pagkamulat ng mata, anong dilim ng kalangitan na aakalaing pagabi na subalit Alas-dos pa lamang ng hapon. Wala na ring puknat ang pagdagundong ng takot dahil sa kulog at maya-maya pa, bumuhos na ang napakalakas na ulan. Nang tumila ang Thunderstorm, lumabas ako't nagkumpyuter. Kinagabihan, wala muling magawa't gawa na nakakatamad mag-aral, tamang tutok muli ang mata sa panonood ng drama at balita.
10R-S. Kagimbal-gimbal na balita ang yumanig sa dibdib nang malaman ang tungkol sa sinapit ng isang UST Law Student mula sa Hazing dahil sa pagsali nito sa Fraternity. Walang ibang makita kundi mga pasa na nangingitim na't namamaga't mga malalalim na sugat, na tila sinasabing dumaan ang biktima sa agaw-buhay na bugbugan. Dapat sa ganyang mga organisasyon na may hazing, binubuwag upang hindi na sila makabiktima pa ng iba't wala nang buhay ang malagutan ng hininga dahil sa kanila! Kasalanan din naman ng biktima't kung hindi sana sumasali sa mga Fraternity na may kaakibat na gulo't pananakit, sa halip na tulungan ka sa pag-aaral, buhay pa marahil ito. Para sa akin, hindi naman masama ang Fraternity o Sorority o iba pang kapatiran, nagiging masama lamang dahil may hazing at kinukonsinti ang mga miyembro nito sa kasalanang ginagawa nila sa lipunan.
105 | 98 Siyam na pu't walong araw na lamang ang hinihintay, Pasko nanaman.
September 19, 2017
Tuesday
Year V-262
10R-T. May pasok nanaman ngayong araw kaya balik muli sa maghapong pagsusunog-kilay habang nagle-lecture ang professor. Bandang tanghali nang makarating ako ng school. Nagtataka lamang dahil parang iilan lamang kaming mga estudyanteng sikolohista't tila hindi nadadagdagan. Iyon pala, AccreditationWeek ng mga Professor at ang ilan sa bilang namin ay inabisuhang huwag nang pumasok hanggang Biyernes. Habang hindi pa pumapasok si Sir Juangco at gawa na nababagot ng lagay, tamang pakikipagkwentuhan lang kina Nikki atJona Vee. Saya nilang kausap, lalo na si Jona Vee na walang ibang bukambibig kundi si Jed na tinatangi-tangi niya rin at nakakakilig kapag pinag-uusapan siya. Tigil ang lokohan at masaya naming kwentuhan nang pumasok siSir Juangco.
10R-U. Sa halip na magklase ay nag-attendance lamang ito. Nang makapag-attendance ay tumungo kami ni Nikki sa Library para doon magpalipas ng oras. Balak na sana naming simulan ang paggawa ng Creative wear, ang kaso ay wala pa si Myrrh. Ilang sandali pa nang mamataan namin siMyrrh at dahil kapwa nagugutom na, kumain muna kami. Pagkatapos kumain, inasikaso muna namin ang Thesis. Bandang Alas-kwatro nang makapagsimula sa paggawa ng Creative wear. Lalo pang bumilis ang paggawa nang dumating si Hannah (Bernardino) at tulong-tulong kami. Kahit hindi mapasali sa Top 5 Finalist, magkaroon lang ng award ay sapat na sa akin subalit hindi ako umaasa't may dahilan ang Diyos sa kung anuman ang mangyayari.
10R-V. Sana man lamang ay tanggapin ng loob kung ano ang magiging kapalaran sa pageant. Hindi man ako tanghaling panalo, nangangahulugan lamang na may darating pang bagay na mas higit pa doon nang hindi inaasahan. Sa sobrang abala namin, hindi namamalayang gabi na. Kahit nasa ibang bansa si Sir Jigo at may professor na hahalili sa kanya, pumasok pa rin kami sa Psychological Research. Pagkatungtong ng silid, iilan lamang kami't nang makapag-attendance ay umalis na kami't balik sa paggawa ng creative wear. Pagsapit ng Alas-siete nang itigil namin ang paggawa't umuwi na. Kanina pa nadarama ang kagutuman sa tiyan kaya pagkain agad ang hanap-hanap. Dahil maghapong naging abala't maaga pa magigising kinabukasan, hindi na ko nagpakapuyat pa.
104 | 97 Siyam na pu't pitong araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
September 20, 2017
Wednesday
Year V-263
10R-W. Inabot na ng Alas-siete nang magmulat ang mga mata at dahil marami pang dapat asikasuhin ngayong araw, medyo nagmamadali na. Matapos mag-almusal, dali-dali nang inihanda lahat ng gagamitin para sacreative wear. Sa totoo lamang ay sobra akong na-hassle pagkat maraming dala't di na halos magkandaugaga. Nahihirapan man sa kalagayan, sige pa rin sa pagkilos pagkat walang magagawa ang pagrereklamo't determinadong may makamit. Naipit lamang sa napakabigat na trapiko kaya malapit nang sumapit ang Alas-dyis nang makarating sa Unibersidad. Hindi ko na naabutan pa siNikki subalit may iniwan naman itong materials para sa akin. Naawa naman ako sa kanya dahil nabatid na namayapa na ang pinakamamahal niyang lola, kaya hindi muna umalis at isa-isang sinabihan ang mga professor niya na hindi ito makakapasok ng dalawang linggo.
10R-X. Nang masabihan, saka lamang umalis. Dahil hindi ko pa alam ang patungo sa kanila, hinintay ko pa si Myrrh. Ilang sandali pa nang mag-text siMyrrh at nagbigay ng impormasyon kung paano ang patungo sa kanila. Saktong pagkababa ng toda, nagtagpo na kami nito't nakatira pala ito saCompound Unit. Siya lamang ang nakatira sa unit at wala ang kanyang mga magulang. Nang makapag-ayos-ayos ay sinimulan na namin ang paggawa nghat para sa Creative wear. Laking pasalamat ko talaga sa panginoon dahil nakilala ko si Myrrh na isang kaibigan na bukod sa mabait, matulungin at may malasakit pa sa kapwa.
10R-Y. Kahit itong semester lamang kami nagkakilala na kung kailan patapos na sa pag-aaral at ilang hakbang na lamang bago ang graduation, sana ay dumating pa ang pagkakataon na magkita kami. Pagsapit ng hapon, madilim nanaman ang kalangitan na animoy gabi't nagbabadya muli ang ulan. Ilang sandali pa, bumuhos na nga ang malakas na ulan. Dalawang oras na ang nakakaraan, wala pa ring patid ang ulan at tila hindi humihina. Nangangamba na tuloy na baka hindi makauwi pagkat wala pa namang dalang payong. Mabuti na lamang, masayang kausap si Myrrh kaya napalitan ng aliw ang dibdib na nababalutan ng takot at pangamba dulot ng unos. Bandang Alas-singko nang tuluyang humupa ang ulan at nagpaalam sa kanya. Naghihingalo na ang liwanag nang makarating sa bahay. Sana, lahat ng pagkukumahog ko't pagsasakripisyo, may matunguhan at huwag mauwi sa wala.
103 | 96 Siyam na pu't anim na araw na lamang, Pasko nanaman.
September 21, 2017
Thursday
Year V-264
10R-Z. Ika-aapat na pu't limang anibersaryo magmula nang ideklara ng dating pangulo't diktador na si Ferdinand Marcos ang Martial law. Kahit hindi deklaradong holiday kung suspendido naman ang mga klase at opisina dahil apektado ng isinasagawang National Protest Day, namamayani ang galak sa kalooban dahil walang pasok at may oras para ituloy ang lahat ng balakin. Sa kabila ng mga hindi magagandang dumarating sa buhay, mapalad pa rin tayong mga Millennial sapagkat hindi namuhay nung ipinatupad ang Nationwide Martial law na kung saan naging napakahigpit ng pamahalaan at labis-labis ang hirap at pasakit na tinamo mula sa pang-aabuso ng Rehimeng Marcos. Apat na pu't taon na nga ang nakakalipas, subalit tila bumabalik ang karanasan nung Martial law sapagkat marami na ang namamatay at naabusong karapatan dahil saExtra-Judicial Killings. Maging mga inosente at hindi naman sangkot sa droga, napapatay at parang maihahalintulad na ang kasalukuyang administrasyon sa administrasyong Marcos.
10S-A. Magmula sa pagpapatupad ng Martial law sa Mindanao, iisiping hindi magtatagal ay buong bansa na ang mapasailalim ng nasabing batas at maulit ang mapait na nakaraan na huwag naman sanang humantong sa ganon. Tunay ngang walang pinagkaiba si Duterte kay Marcos subalit umaasa pa rin nasa kabila na hindi maiwasang ihalintulad silang dalawa dahil sa mga pangyayari, may maganda pa rin siyang maidudulot sa bansa at hindi matulad sa pamumuno ng malupit na mga pinuno gaya ni Adolf Hitler. Tinanghali na ng gising at dahil walang pasok, naisipan kong magtinda. Pagpatak ng tanghali't dala na mababagot lang kung mananatili sa bahay, naisipang maglakwatsa.
10S-B. Sa kabila na National Protest Day ngayong araw at inaasahang maapektuhan ang trapiko dahil sa kaliwa't kanang kilos-protesta, swerteng maayos naman ang trapiko kaya hindi nagkaaberya ang lakad ko. Bago bumisita kina Annie, namasyal-masyal muna ako sa Circle C. Nawili ako sa pamamasyal kahit mag-isa lang kaya hindi namamalayan ang paglipas ng mga oras. Bandang Alas-dos nang magtungo ako sa kanila't si Gelyn lamang ang nadatnan ko't wala si Annie. Habang nasa kanila ay walang ginawa kundi makipagkwentuhan. Bandang takip-silim nang dumating si Annie at lalo pang sumaya habang nasa puder nila. Dahil kasali ako sa pageant, naisipan kong mag-ensayo ng pagrampa't daming tawa habang ginagawa iyon. Sa kakatawa ng walang puknat, halos manakit na ang Sikmura't mistulan nang nakawala saMental Hospital. Gayunpaman na kahit mukhang loka-loka na sa pinaggagawa, masaya pa rin at isa ang araw na ito sa hindi malilimutan pagkat labis na nalibang. Bandang gabi nang magpaalam sa kanila't sa nilayo ng biniyahe, pagod ang aking inabot.
102 | 95 Siyam na pu't limang araw na lamang, Pasko na.
September 22, 2017
Friday Year V-265
10S-C. Nagniningning na ang liwanag sa labas at nakakasilaw na ang liwanag sa labas nang magkamalay. Gusto ko pang matulog pagkat nanatili pa ang antok sa mga mata subalit tanghali na't kailangan ko nang bumangon. Pagkaalmusal, sinimulan ko na ang pag-eensayo sa pagrampa. Habang rumarampa, pakiwaring isang beauty queen at sana magkatotoo ang nasa isip. Matapos ang aking rehearsal sa pagrampa, pag-akting naman ang inensayo. Sa totoo lamang, hindi biro ang maging artista't kailangan nadadala ka sa senaryo na kinalalagyan para magmukhang totoo't kapukaw-pukaw sa damdamin ng manunuod. Mistulan akong loka-loka habang umaakting ng mag-isa't isa pa sa kalaban bilang artista ang pagiging mahiyain subalit mawawala rin kung masasanay. Sana maging matagumpay ang gagawing pag-akting sa entablado't mapa-standing ovation ang mga manunuod.
10S-D. Sa kakadrama ko na pwede nang ipasok sa Soap opera, hindi namalayang magtatanghali na't kailangan nang maghanda-handa para sa pagpasok. Pagkatungtong sa unibersidad, saktong wala pa si Sir Juangco kaya nakipaglokohan muna kina Jona Vee. Sabay pasok nang dumating si Sir. Sa oras ng Clinical Psychology, balik muli sa Class reporting matapos ang ilang araw. Gawa na nababagot at nayayamot pa kay Anne Rose pagkat panay halungkat sa Phone ko, lumabas muna ako't tumungo ng computer shop. Halos isang oras ang nakakaraan at pagkabalik ng silid, wala si Sir Juangco at mga kamag-aral ko na lamang ang nadadatnan. Saktong may isinasagawangevaluation subalit hindi na ko nakakuha pa pagkat nahuli na't patapos na rin. Maya-maya pa at kasama si Myrrh, tumungo kami ng library at ipinagpatuloy ang paggawa ng aking creative wear.
10S-E. Ilang sandali pa nang dumating na rin si Hannah at habang aligaga sa paggawa't paglalatag ng mga plano ang pagdating ni Kalvin. Hindi lamang ako ang nairita maging sina Myrrh at Hannah pagkat sadyang pakilamero nito't hindi makapag-decide ng maayos dahil sa kanya. Sa yamot, napagpasyahan na naming lumipat ng pwesto kung saan malayo kay Kalvin at hindi nito matutunton. Makapagsalita pa, akala siya ang gagamit ng Creative wear. Sa Hilltop Square namin naisipang ipagpatuloy gawin ang creative wearsubalit hindi makapag-umpisa dahil hindi naman pinayagang magsaksak ngGlue Gun. May klase pa kami sa Psychological Research kaya pagpatak ng Alas-sais, dumako na kami ng silid. Habang wala pa si Sir Jigo, tumungo muna ng Admission office kung saan nag-i-intern si Sarlyn. Halos isang oras na ang nakakalipas at pagkabalik ng silid, nanatiling wala si Sir Jigo, kaya napagpasyahan nang sumabay kay Sarlyn sa pag-uwi. Pagdating ng bahay, tamang hilata muli habang nagpapakasasa sa panonood ng telebisyon at ang sarap damhin ang pagiging buhay alamang kapag nalampasan lahat ng hirap at pait at pinaghirapan para makamit iyon.
101 | 94 Siyam na pu't apat na araw lamang bago ang Pasko.
September 23, 2017
Saturday
Year V-266
10S-F. Nakakainis pagkat napasarap ang tulog ko kaya tinanghali na sa paggising. Dahil may usapan kami nina Myrrh at Hannah, Alas-dyis pa lamang ay tumungo na ko ng school. Pagkatungtong, wala pa sila kaya nagkumpyuter muna ako. Alas-onse na, lagpas na sa isang oras na pinag-usapan, wala pa rin sila subalit nilabanan ko ang pagkainip at hinabaan ang pasensiya. Bandang Alas-dose, nang sa wakas ay dumating na rin sila at saka lamang nakapagsimula sa paggawa ng Creative wear. Pagpatak ng Ala-una at kahit batid ng isip na nag-out of town si Ma'am Trisha, tumungo pa rin ng silid, nagbabakasakaling may humalili sa kanya't may klase pa rin subalit iilang kamag-aral lamang ang nadatnan. Marahil ay wala nga kaming klase kaya bumalik ako ng Discussion Area at tumulong kina Myrrh sa paggawa ngCreative wear. Sa sobrang abala, nakaligtaan ko nang pumasok sa klase ng Education 2 kahit umalis na sina Myrrh at Hannah.
10S-G. Ilang minuto bago ang Alas-kwatro, inabisuhan na kami ng Janitorna magligpit-ligpit na pagkat magsasara na ang Discussion area. Dahil mag-isa lamang ako't may ibang pinagkakaabalahan sina Eloisa at Abby, naging aligaga't paspasan ako sa pag-aayos at ligpit ng materials. Maya-maya pa, pinuntahan ko si Myrrh kung saan ang klase nito't saktong kakatapos lamang ng kanilang klase't dali-daling tumungo ng library. Nang mailigpit at kuha lahat ng kakailanganing materials, hindi na rin nagtagal pa at dagliang umuwi. Kinagabihan, napukaw muli ang natutulog na loob nang matunghayan sa Maala-ala mo Kaya ang kwento ng isang lalaki na magmula sanggol, hindi na nito nakasama ang tunay na ina pagkat ipinabigay ito't lumaki sa pamilyang hindi naman nito kadugo.
10S-H. Kahit hindi niya sila kamag-anak, hindi naman siya pinagkaitan ng pagmamahal at ipinaramdam na tunay siyang kapamilya. Kinalaunan at nang siya ay nagbinata, nakilala nito ang tunay na ina subalit malayo ang loob nito sa anak sa hindi maintindihan at parang hindi niya ito anak. Baligtad lamang dahil kung sino pa ang hindi niya tunay na ina't nagpalaki lamang sa kanya, siya pa ang nagmahal ng tunay sa kanya, samantalang ang inang nagluwal mismo sa kanya, walang pakialam at anong klaseng ina ang ganon, hindi siya nararapat na pagkalooban ng anak! Mugtong-mugto na ang mga mata sa antok kaya matapos manuod, kaagad nang natulog.
100 | 93 Siyam na pu't tatlong araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
September 24, 2017
Sunday
Year V-267
September 25, 2017
Monday
Year V-268
September 26, 2017
Tuesday
Year V-269
September 27, 2017
Wednesday
Year V-270
September 28, 2017
Thursday
Year V-271
September 29, 2017
Friday
Year V-272
September 30, 2017
Saturday
Year V-273
September 24, 2017
Sunday
Year V-267
10S-I. Maliwanag na sa labas at tuluyan
nang sumikat ang araw subalit sarap pang humilata ng lagay sa kama at matulog.
Gising na ang lahat ng mga kasamahan sa bahay kahit nanatili man na namumugto
ang antok sa mga mata ay bumangon na't nag-almusal. Korean Pancit
Canton na pasalubong ng ate ang naging agahan at iba ang taglay nitong
anghang, hindi pangkaraniwan at parang tinutupok ang mukha habang iyon ay
nilalantakan. Masarap sana, kaso sa sobrang anghang, hindi makain at walang
ginawa kundi mapangiwi. Kahit nakailang basong tubig na malamig na, hindi pa
rin napaparam ang anghang at unang beses lamang makatikim ng Pancit Canton
na to the highest level ang anghang. Bukod sa napapangiwi, pinagpawisan
na rin sa tindi ng anghang. Matapos mag-almusal, naglaba-laba ako. Hindi naman
gasino karami ang nilabhan kaya hindi inabot ng isang oras.
10S-J. Pagsapit ng hapon, paggawa ng creative
wear ang aking inasikaso. Medyo kulang sa mga materyales, hindi ko naman
ibig ang gumastos kaya naisipang ipagpatuloy na lamang sa ibang araw. Walang
magawa at para iwas-bagot, naisipan nang samantalahin ang oras sa pagre-remix
ng background music na gagamitin sa performance. Dahil first
time pa lamang na gagawin iyon sa tana ng buhay, medyo nangangapa-ngapa ako
subalit hangga't tumatagal ay padagdag nang padagdag ang aking nadidiskubre. Sa
sobrang abala sa pagre-remix ng kanta at hindi pa basta-basta pagkat
kailangan nasa tamang timing ang transition ng track sa kasunod pa
nitong track, inabot na ng gabi. Maya-maya pa, sa wakas ay nakumpleto ko
na ang background music, ang ganda sa pandinig at bagay na bagay isabay
habang nagda-drama. Sumunod ay nilibang ko naman ang sarili sa panonood
ng telebisyon. Ilang sandali pa't dahil lumalalim na ang gabi't mataimtim na
ang kapaligiran, hindi na nagpatumpik-tumpik pa sa pagtulog.
99 | 92 Siyam na pu't dalawang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
September 25, 2017
Monday
Year V-268
10S-K. May araw na sa labas nang
magmulat ang mga mata na may namamayaning sigla sa dibdib kaya makulay na umaga
ang sumalubong sa aking pagbangon. Dahil sa susunod na Linggo na gaganapin ang Pre-pageant,
bilang paghahanda'y nag-rehearse ako ng pag-acting. Kahit
mistulan nang tinakasan ng bait sa ginagawa habang inuusal ang ginawang dialogue,
tuloy pa rin ako't wala nang hiya-hiya lalo na kapag nasa entablado na't
haharap sa maraming manunuod kasama pa ang taong bumubuhay sa loob ko. Pagsapit
ng Alas-dyis at dahil may practice pa kami mamayang Alas-dose, tumungo
na ng school. Habang wala pang tanghaling tapat ay tumungo muna sa Accountant
Area para magbayad ng pangmatrikula. Saktong manaka-naka ang mga dumarating
kaya hindi ito lumikha ng mahabang pila't kaagad na nakapagbayad. Alas-dose
na't malapit na rin sumapit ang Ala-una, wala pa rin ang mga co-candidate
ko at para hindi tumirik ang mata sa kahihintay sa Quadrangle, nanatili
na lamang sa Admission Office at nakipagtsikahan kina Sarlyn.
10S-L. Maya-maya pa, tinawag na ko ni Princess
at tumungo kami kung nasaan ang mga ka-pageant. Mangilan-ngilan pa
lamang kaming naroroon kaya hindi muna agad na umalis para hintayin ang iba.
Isang oras makalipas at nang mawaring hindi na darating ang iba, tumungo na
kami ng silid. Dahil higit isang linggo natigil ang rehearsal, hindi na
gasinong saulado ang mga blockings subalit kabisado pa ang step
ng sayaw subalit hindi naman sabay-sabay kundi sabaw-sabaw kung sumayaw kaya
makailang beses din pinaulit. Kulang-kulang kami't marami ang wala kaya
kawalang ganang makipag-cooperate, idagdag pa na puro hindi ka-close
ang mga kasamahan at may kanya-kanya silang mundo subalit pinipilit na lang ang
sarili na makisama alang-alang sa pageant. Nang rehearsal break
at gawa na naliliyo pagkat panay lakad si Kalvin na hindi mapakali sa
iisang sulok, lumabas muna ako't tumungo ng Admission office.
10S-M. Pagkabalik, saktong rumarampa na
ang mga co-candidate at palong-palo yung ilan. Nang ako na'y hinusayan
sa pagrampa ang kaso ay hindi ma-achieve kung paano ang rampa ng
lalaki't malamya na malambot talaga ako. Bandang Alas-singko nang matapos ang
aming rehearsal. Wala pang balak umuwi at kasama si April,
tumungo kami sa admission office. Laking gulat subalit hindi
nakakapagtaka nang may aminin sa amin si April. Akalain nga naman, ang
iisang tao lang din ang pinipintig ng aming puso't kahit nasa Admission
office kung usapang pag-ibig ay wala na kaming pakialam basta
makapagkwento. Ilang beses ko nang umibig subalit kailan naman kaya magkakaroon
ng kasintahan. Napasarap ang pananatili sa Admission Office dahil
nakakatuwang kakwentuhan sina Sarlyn kaya hindi namamalayang gabi na
pala. Pagkauwi't matapos maghapunan, paggawa ng creative wear ang aking
inasikaso. Bandang Alas-dyis nang mapagpasyahang matulog.
98 | 91 Siyam na pu't isang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
September 26, 2017
Tuesday
Year V-269
10S-N. Sa bilis nga naman ng takbo ng
panahon ay hindi akalaing eksakto walong taon na pala ang nakakaraan magmula
nang humambalos ang Bagyong Ondoy. Nang panahong iyon ay unang beses
lamang namin ang magpanik, magmula sa dali-daling itinataas ang mga kagamitan
sa kisame para hindi abutin ng baha at nakitang nalubog na nang husto sa baha
ang ilan naming kapitbahay na katabi lamang sapa. Kahit halos mapahamak na
habang bumabayo ang bagyo sa aking gunita, pasalamat talaga sa panginoon dahil
nakaligtas kami't hindi dinanas ang delubyo na humambalos sa mga nabiktima ng
bagyo. Batid ko na hangga't nabubuhay ay marami pang unos ang kakaharapin at
kailangang manatiling matatag at may pag-asa. Tinanghali muli sa paggising at
matapos mag-agahan, pagtitinda ang aking inatupag. Maya-maya pa, tumungo na ko
ng School.
10S-O. Pagkatungtong at daan sa may Quadrangle,
may ginaganap na program na kung saan isa-isang magtatanghal sa pag-arte
ang mga kalahok sa entablado. Habang pinapanood ay nagkaroon ako ng inspirasyon
at ginaganahan nang umakting sa pre-pageant. Bukod pa doon ay ang
huhusay nilang gumanap at nakakadala ng emosyon dahil sa intonasyon ng kanilang
deliberasyon. Habang hindi pa nagsisimula ang klase, nanatili muna sa library.
Ilang sandali pa, tumungo na ko ng silid. Wala pa si Sir Juangco kaya
kasama sina Kim at Myrrh ay tumungo kami ng RDIC.
Nakakadismaya lamang pagkat hindi pa kami pwede magsagawa ng Data Gathering
at may ipinapabago pa si Ma'am Trisha subalit kaunting-kaunti na lang.
10S-P. Pagkabalik, saktong naroroon na
si Sir Juangco at class reporting na. Ang seryoso't mataimtim na
pag-uulat, nauwi sa debatehan at sabat nang sabat itong si Kalvin, ayaw
na lamang manahimik at makinig sa nag-uulat. Bukod pa dun ay hindi
nagpapatalo't muntikan na silang magpang-abot ni Anne Rose. Naiinis na
ko kay Kalvin kaya gusto ko sanang depensahan ang opinyon ni Anne
Rose, mas pinili na lamang manahimik pagkat hindi ako gaya niya na
padalos-dalos at hindi nag-iisip, marunong akong makiramdam sa nakapaligid.
Nag-sit-in muli ako sa kanilang Social Psychology. May class
reporting din subalit hindi na sila pinatapos pa ni Ma'am Joyce
pagkat di nito naibigan at nanermon.
10S-Q. Takot ang nadarama sa
kanya-kanyang mga dibdib at mapapaihi pa habang nanenermon si Ma'am subalit
hindi naman nagtagal at nakapagturo pa na kakikitaang may ngiti na tila walang
nangyari. Matapos ang kanilang klase at kasama si Myrrh ay inasikaso
namin ang Thesis. Pagsapit ng Alas-sais, tumungo na kami ng silid. Gawa
na wala naman si Sir Jigo at medyo nababagot ako, walang hiyang nagtungo
sa Admission office. Mabuti na lamang, mababait ang mga Staff
doon lalo na si Ma'am Cha kaya anumang oras ay pwede maglabas-masok doon
at makipagkwentuhan kina Sarlyn. Pumasok naman si Sir Jigo
subalit may inanunsyo lamang ito't pagkaalis niya, nagkanya-kanya na kami sa
pag-uwi.
97 | 90 Siyam na pung araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
September 27, 2017
Wednesday
Year V-270
10S-R. Inabot nanaman ako ng
pagninigning ng bintana sa paggising. Kahit walang pasok ngayong araw kung may
ipapasa naman na Consent Form o iba pang requirements sa RDIC
para bigyan na ng pahintulot na magsagawa ng Data Gathering, kailangang
magtungo ng School, tinatamad man ng lagay. Bandang Alas-nuebe nang
makatungtong ang balingkinitang yapak sa unibersidad kaagad tumungo sa Library.
Habang wala pa ang mga kagrupo, pagpipinta ng gagamiting props sa Creative
wear ang aking pinagkaabalahan. Habang aligaga ng husay sa pagpipinta ang
pagdating ni Jona Vee na kita sa mukha ang pagka-beast mood.
Hindi pa sila magkasintahan subalit abot-langit na ang pagseselos nito habang
nagkukwento sa akin at mabuti na lamang ako, hindi ganon katindi ang
nararamdaman sa kanya kaya walang dahilan para maramdaman ang pagseselos.
10S-S. Kung kailan umalis si Jona Vee
ang pagdating naman ni Jed kaya lalo pang ginanahan sa pagpipinta't
nakaw-tingin sa kanya. Gustong-gusto ko siyang lapitan, kausapin o
makipagbiruan, kaso wala si Jona Vee na siyang magiging dahilan ko para
gawin ang bagay na naisin sa kanya. Ilang sandali pa, bumalik si Jona Vee
at hindi ako makapaniwala pagkat hindi ito tumabi kina Jed kundi sa
akin. Inalam ko ang dahilan at apektadong-apektado siya. Kainis pagkat sadyang
mailap ang pagkakataon, akala ko mangyayari ang aking inaasahan subalit
maligaya pa rin dahil nasilayan naman ito. Bandang Alas-dose nang dumating si Myrrh
at daglian na kaming tumungo sa RDIC. Saktong naroroon na si Kim
at halos mapalundag sa tuwa sapagkat pinayagan na ni Ma'am Trisha na
magsagawa ng Data Gathering kahit wala pang natatanggap na Ethics
Certificate.
10S-T. Matapos ang consultation
kay Ma'am Trisha, kaagad kaming tumungo ng library at
nag-usap-usap. Maya-maya pa, nagpaalam na kami sa isa't isa. Wala pang balak
umuwi kaya heto muli ako't tumungo sa Admission Office. Sa daldal kong
ito'y napasarap ang usapan namin ni Sarlyn. Pagsapit ng Alas-kwatro,
saka ko lamang napagpasyahang umuwi. Pagkauwi ay walang ibang inatupag kundi
asikasuhin ang pagbili ng mga materials para sa creative wear.
Sana man lang ay may mapuntahan ang pagkukumahog kong ito at Diyos na ang
bahala sa ginagawa kong ito. Napagod ako sa kakahanap ng kakailanganing materials
kaya napagpasyahang mamayang gabi na lamang ipagpatuloy ang Creative wear.
Pagsapit ng gabi, saka ko lamang iyon sinimulan. Halos pagpawisan at di na rin
magkandaugaga pagkat naging aligaga sa paggawa. Kinulang muli sa materials
pagkat sadyang kinakapos sa pondo kaya naisipang ipagpabukas na lamang kung may
sapat nang pera.
96 | 89 Walong pu’t siyam na araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
September 28, 2017
Thursday
Year V-271
10S-U. Kainis lamang pagkat tinanghali
muli sa paggising, marami pa kong dapat gawin. Bandang Alas-nuebe nang lisanin
ko ang payak ngunit dalisay na tahanan. Bago gomora sa School, nagtungo
muna ako sa Novaliches Bayan para bumili ng kakailanganing materials.
Inakala kong lahat ng bagay na kakailanganin ay mabibili na doon subalit
nagkamali ako ang iilap nilang hanapin, naging pahirapan tuloy ang pagbili't
magkandapagod-pagod sa kakalakad at hanap. Kahit mukhang malabo nang makabili
lahat ng materials, hindi ako tumigil kahit halos buong bayan na ang
aking nasuyod at kung saan-saan na rin nakakarating. Nagkabunga naman ang aking
pagkukumahog at pagpapakapawis pagkat sa wakas, may nahanap din kinalaunan at
tiyaga lang ang kailangan. Nang mabili lahat ng kakailanganing materials,
saka lamang tumungo ng School at nakakapagod din ang aking ginawa
subalit ayos lang kung may patutunguhan din naman. Kahit mag-isa na lamang sa
paggawa ng Creative wear ay kaya naman.
10S-V. Habang aligaga sa paggawa ang
pagdating ng mga Criminology Students kasama ang isang Psychology
Student. Hindi na makomportable pa sa aking kinalalagyan pagkat ang
iingay nila't ibig nang umalis subalit nakihalubilo pa rin hanggang sa kausapin
nila ako. Hindi ako makapaniwala na ang babae na natatanging Psychology Student
sa kanilang magkakasama ay kapatid pala ni Kalvin nang magpakilala ito
sa akin at siya si Cathy (Gonzaga). Bukod sa hindi makapaniwala ay
laking gulat rin nang magkwento ito patungkol sa kanyang kapatid at grabe naman
pala itong si Kalvin, walang awa't napakabayolente palang kapatid pagkat
nambubugbog raw ito't ilang beses na raw siya sinasaktan.
10S-W. May hindi magandang napagsamahan
kami ni Kalvin kaya kahit kapatid niya ito, hindi na napigilan ang
sariling magkwento. Maliit nga ang mundo't hindi inasahang makakadaupang palad
ang kapatid ni Kalvin na abot-langit ang pagkamuhi sa kanya dahil sa
pananakit diumano raw nito. Sa mga nalaman ko kay Cathy habang ito ay
nagkukwento, tama ang tingin ko na agresibo't bayolenteng nilalang si Kalvin,
bukod pa dun ay hindi pa marunong magpahalaga sa damdamin ng may damdamin at
ayaw pa magpatalo subalit hindi rin ako nakasisiguro sa side ng kapatid
niya at mas maiging mangilatis muna bago husgahan si Kalvin. Kaya pala
ganon siya makitungo lalo na sa akin, bayolente pala itong kapatid at marami
raw nakakaaway.
10S-X. Maya-maya pa, nagpaalam na ko sa
kanila. Pagkapasok ng silid, saktong naroroon na si Ma'am Trisha. May
pinapagawa ito sa amin at iyon ay Genogram na kagaya lamang ng Family
Tree subalit ang pinagkaiba, lalagyan ng label base on emotional
relationship each of your relatives. Naging pahirapan sa akin ang paggawa
pagkat malaki ang kinabibilangang angkan at masyadong complex. Dahil
magle-lecture pa si Ma'am Trisha, humiyaw ang kanya-kanyang mga
dibdib sa tuwa nang gawin na lamang assignment. Habang nagtuturo ay
bigla na lamang ako tinawag ni Ma'am at tinanong. Sasagot sana ako, kaso ay
napaurong ang dila pagkat nakatitig si Jed. Mabuti na lamang, hindi
pinilit ni Ma'am Trisha na sumagot. Matapos ang klase at dahil may rehearsal
kami ngayon sa pageant, hindi na dumalo pa sa klase ng Education 2.
Saktong hindi pa nagsisimula ang rehearsal pagkatungo kaya kumain muna
ako. Pagkabalik, heto muli ang mga co-candidate na palong-palo sa
pagrampa. Nang magkaroon kami ng rehearsal break, lumabas muna ako't
tumungo kung saan nagklaklase sina Janet para kausapin ito.
10S-Y. Muntikan ko na siyang
komprontahin nang sabihin nitong hindi na nila ako matutulungan sa gastusin sa Creative
wear sapagkat marami ang ayaw mag-ambag. Nadismaya ako't namomoblema na
sapagkat hindi alam kung saan na kukuha ng panggastos. Napapaisip na tuloy kung
dapat pa bang ituloy ang pagsali't tila nagsisisi na subalit hindi ako
napanghinaan ng loob at umisip na lamang ng paraan. Hangga't may buhay nga
naman, may pag-asa't walang dahilan para sumuko. Pagkabalik, saktong rumarampa
muli ang mga kasamahan. Malapit nang sumapit ang Alas-singko nang matapos ang rehearsal.
Dahil may klase pa sa Biopsychology, pumasok pa ko. Tungkol sa Sex
ang laman ng discussion ni Ma'am Trisha kaya ang mga kamag-aral,
ganadong-ganadong makinig at buhay na buhay ultimo mga tulog-mantika sa klase.
Ilang sandali pa, masaya nanaman ako dahil uwian na at muling makakapagbuhay
alamang mula sa gawaing bigay pasakit sa katawan.
95 | 88 Walong pu't walong araw na lamang, Pasko nanaman.
September 29, 2017
Friday
Year V-272
10S-Z. Tatlong araw pa bago ang
pinakaaabang na pageant subalit ngayon pa lamang, namamayani na ang kaba
at hindi ito mapigilan. Kinakabahan man ay think positive pa rin at
mairaraos din ito ng maayos. Walang magawa kaya inasikaso ko ang aking creative
wear hangga' t may oras pa. Bago magtanghali, tumungo na ko ng school.
Isang oras pa bago magsimula ang klase kaya nanatili muna sa library at
umidlip. Medyo naiingayan ako't parang mga bubuyog kung mag-usap-usap kaya
hindi makatulog ng maayos. Pagsapit ng Ala-una, tumungo na ko ng silid. Sa oras
ng Clinical Psychology, class reporting muli. Matapos mag-ulat ng
isang pangkat, biglang nagtanong sa amin si Sir Juangco. Dahil karamihan
ay mga lutang kabilang na ko, wala halos makasagot. Tumadyak ang kaba sa dibdib
nang tawagin ako ni Sir. Wala akong maisagot kaya nga-nga, mabuti na lamang at
mabait si Sir kaya hindi pinahiya. Nang magsimulang mag-ulat ang kasunod na
pangkat, todo pakinig na ko pagkat magkakaroon na ng graded recitation
pagkatapos.
10T-A. Habang tutok ang teynga sa mga reporter
ang biglang pagpasok ni Stephen, isa
sa mga co-candidate ko at kinausap si Sir Juangco. May rehearsal
raw kami ngayong araw at pinapapapunta na kaming lahat na mga kandidato.
Tinatamad pa ko ng lagay kaya sa halip na umalis ay nanatili muna ako't
hinintay na matapos ang klase bago tumungo subalit nang si President Venus
na ang magpapunta sa amin at masermunan, hindi na nagmatigas pa. Sa totoo lang
ay tinatamad ako subalit kailangang pilitin ang sarili para sa ikaaayos ng
pagrampa sa pageant. Saktong hindi pa pala nagsisimula ang rehearsal
kaya bumalik ako sa klase subalit sa takot na may magsumbong, hindi rin ako
nagtagal. Hindi pa talaga nagsisimula ang rehearsal kaya heto muli ako
na bagot at walang makakwentuhan.
10T-B. Saka lamang nagsimula ang rehearsal
nang dumating ang Dance Instructor na si Kuya Rael. Tinuruan niya
kami ng step sa sayaw kasama na rin ang blockings. Dahil hindi
basta-basta ang flow and blockings, madalas ay nangangapa't nalilito. Candidate
No. 1 pa man din ako sa mga lalaki kaya bigay-todo ang aking pressure
habang tini-train pagkat susundan nila ako at kailangan hindi magkamali
dahil maaring masira ang kabuuan ng Flow and Blockings. Sa dinarami-rami
naming mga Candidate ay bakit ako pa ang Number 1. Kinalaunan, sa
wakas ay nakuha rin ang tamang Flow and Blockings at hindi na
nangangapa-ngapa pa kahit ulitin subalit nahirapan naman sa panibagong step
ng sayaw at hindi makasunod.
10T-C. Gayunpaman, kumpiyansa pa rin sa
sarili na magiging maganda pa rin ang aming production number sa kabila
na parehas kaliwa ang paa, tiwala lang. Bandang Alas-singko nang matapos ang
aming rehearsal. Sa halip na umuwi, tumungo pa sa Engineering Office
para manghiram ng lapel na gagamitin sa aking performance subalit sarado
ito. May natitira pa kong klase subalit sa halip na pasukan gawa na tinatamad
na talaga, mas piniling umuwi na lamang. Kinagabihan, pag-asikaso sa mga props
ang aking inatupag. Sa una, nakaka-stress pagkat wala halos mahiraman subalit
di ako sumuko hanggang sa magkabunga ang aking pagkukumahog. Ang gaan sa
kalooban na ang bagay na iyong pinaghirapan, nakakamit.
94 | 87 Walong pu't pitong araw na lamang, Pasko na.
September 30, 2017
Saturday
Year V-273
10T-D. Sabado na pala't huling araw na
para sa buwan na ito. Mamayang hapon pa ang klase subalit madami pang dapat
asikasuhin kaya Alas-nuebe pa lamang, nasa paaralan na ang aking yapak. Kaagad
na inasikaso ang paghahanap ng gagamiting lapel subalit may mga bagay talagang
humahadlang at nakaka-challenge. Hindi ko na mapigilan ang ma-stress
pagkat sa Lunes na ang Pre-pageant subalit hindi pa halos kumpleto sa
mga equipment. Sa takot na magkaaberya sa mismong araw ng pageant,
nagpatuloy ako sa pagkukumahog at sinubukan lahat ng naisip na paraan. Mahaba
pa ang oras bago magsimula ang aking klase kaya paggawa ng Genogram ang
pinagkaabalahan. Maya-maya pa, nag-text ang mga kapangkat sa Thesis
at nang mabatid na nasa SM Fairview sila, dali-daling tumungo roon. Gawa
na nagtitipid at kahit tirik nang husto ang haring araw, pinili pa ring
maglakad kaysa sumakay.
10T-E. Pagkarating sa lugar na kanilang
sinasabi, hindi ko mamataan ang mga ito, naglibot-libot muna ako't dinamhin ang
malamig na Ambiance. Ilang sandali pa, nagkita-kita na kami't nang
maipamudmod ang mga questionnaire sa bawat isa sa amin, kaagad nang
umalis. Pagkabalik ng school ay umidlip muna ako. Sa dami ng ginagawa na
nagkasabay-sabay, mukhang magkakasakit na marahil. Namamayani na ang katamaran
sa buong pagkatao kaya ibig ko nang umuwi't humilata sa kama sa maghapon nang
maibsan naman ang dala-dalang Stress subalit hindi ako nagpanaig at
pumasok pa rin. Sa oras ng Current Issue, nagpasa lamang kami ng
ginawang Genogram.
10T-F. Labis na natawa si Ma'am
Trisha sapagkat kung ano-ano ang aking inilagay at may pa-code pa
kasing nalalaman. Matapos ang katuwaan, nagturo na ito. Sa dami naming mga
estudyante nito, nakakatuwa dahil ako madalas ang natatawag at napapansin.
Hindi ko malaman kung bakit parang ang gaan ng loob sa akin ni Ma'am Trisha.
Sa oras ng Education 2, simula na ng Demo-teaching. Si Abella
ang unang sumalang sa Demo-teaching at nang mga sumunod sa kanya lalo na
sina Anika at Rachel (Adarayan), nahalina pagkat napakahusay
nila't parang mga professor na ang nagtuturo. Palakpakan ng malakas
matapos nila at nakaka-pressure tuloy para sa mga susunod na sasalang sa
Demo-teaching pagkat ang gagaling nila't na-exempted pa sa Final
Exam. Kahit hindi pa dismissal time, pinalabas na kami ni Ma'am
Risil.
10T-G. Habang bakante ang oras, tumungo
sa Guidance office para kausapin si Sir Laus tungkol sa lapel
subalit nang makitang may pinagkakabalahan ito, biglang namayani ang hiya kaya
hindi na malapitan pa. Nakakainis pagkat nagpauna sa hiya't maaring mapunta sa
wala ang pagkukumahog. Inihanda ko muna ang sarili at nang handa na, bumalik
ako sa Guidance Office subalit may pinuntahan daw ito, naghintay muna
ako. Habang naghihintay ay nilapitan ako ni Jasmin at inabisuhang
magtungo na raw sa Athletic Center pagkat may rehearsal kami. Sa
kabila na sinabihan, nanatili pa rin ng Guidance office at hindi aalis
hangga't hindi nakakausap si Sir. Si Sir Laus na nga lang ang sa tingin
ko ay pag-asa kaya hindi na ibig pang pakawalan ang pagkakataon at maulit ang
kanina. May klase pa ko sa Biopsychology kaya kahit hindi pa natutupad
ang kagustuhang makausap si Sir Laus, napagpasyahan munang umalis.
10T-H. Pagkapasok, saktong nagtuturo na
si Ma'am Trisha at tungkol pa rin sa Sex ang laman ng discussion
kaya buhay na buhay pa rin ang pandinig ng bawat isa. Maya-maya pa'y bumalik
ako ng Guidance Office at pagkatungo roon, laking tuwa nang sabihin ni Jasmin
nakausap na nito si Sir Laus at nakahiram na ng lapel. Bago tumungo ng Athletic
Center, nagpaalam muna ako kay Ma'am Trisha. Bukod sa pumayag ay
nakuha pa nitong makipagbiruan, kaya ang buong klase, lalo pa naging buhay na
buhay. Pagkatungtong sa Athletic Center, nagsimula na nga ang rehearsal.
Dahil kanina pa nagsimula ang rehearsal, nahuli lang ako ng dating at
gabi na rin, hindi rin ako nagtagal at pinauwi na kami ni Kuya Rael. Sa
gutom at pagod ay diretso lamon pagkatungtong sa bahay at nilibang ang sarili
sa panonood ng telebisyon. Mahirap man ang mga bagay-bagay na tingin mo ay
napakaimposibleng makamit, basta may tiwala't pananalig ay magiging
posible.
93 | 86 Walong pu't anim na araw na lamang, Pasko
na.