May 01, 2017
Monday
(Labor Day)
Year V-121
Monday
(Labor Day)
Year V-121
10B-J. Holiday nanaman pala upang idaos ang
araw ng paggawa kayaday-off pa rin para sa Internship at
pwedeng gumising, anumang oras ang nanaisin. Dakong Alas-otso nang
mapagpasyahang bumangon. Matapos mag-almusal at gaya ng mga nakalipas na araw
kapag walang ginagawa, gawaing bahay muli ang siyang inatupag. Animoy hindi
nauubusan ng alikabok sa sahig at araw-araw na lang may nawawalisan. Ilang
sandali pa at dahil may pinuntahan si Mama, ako ang nagbantay sa tindahan.
Madalang lamang ang bumibili kaya nakakapagliwaliw pa sa Social Media.
Pagpatak ng tanghali nang inihinto ko ang pagtitinda para mananghalian. Hindi
ko man ibig ang mag-Siyesta subalit nakakaramdam na ng antok,
pansamantalang umidlip.
10B-K. Pagsapit ng hapon at gawa na hindi makalabas
ng bahay, pagtitinda muli ang inatupag. Malapit nang gumabi subalit hindi pa
rin dumarating si Mama, hindi na tuloy namin maiwasan ni Papa na mag-alala,
pagkat ang sabi nito, saglit lamang siya. Umigting pa lalo ang pag-aalala nang
hindi ito sumasagot kapag tinatawagan at ano kayang nangyari sa kanya, sana'y
wala. Madilim-dilim na nang makauwi si Mama at parang nabunutan ng tinik sa
lalamunan at pasalamat sa maykapal. Kahit na matalak na ina si Mama at
nakakainis dahil madaling uminit ang ulo, mahal pa rin siya dahil siya ang
nagluwal at bumuhay sa akin. Kinagabihan, biglang bumuhos ang ulan. Tinatawag
na Agua de Mayo ang unang buhos ng ulan sa buwan ng Mayo at
pinaniniwalaang gagaling daw kapag napatakan nito. Gusto kong maligo sa ulan,
kaso gabi na kasi bumuhos kaya huwag na lang. May pasok nanaman pala bukas para
sa Internship kaya maagang natulog.
May 02, 2017
Tuesday
Year V-122
Tuesday
Year V-122
10B-L. Tapos na ang maliligayang araw buhat ng mga
nagdaang Holidaypagkat balik muli sa dating gawi ang lahat. Heto
muli ako na gigising ng maaga pagkat may duty nanaman kami.
Ganap ng sumapit ang Alas-otso nang makatungtong sa TAHANAN.
Mangilan-ngilang kasamahan ko pa lamang ang nadadatnan roon. Ilang sandali pa
nang dumating na rin si Sarlyn maging si Mary. Wala
kaming magawa ng mga oras na iyon kundi umupo kaya naisipang magkwentuhan.
Pagpatak ng Alas-dyis, nanatiling free ang aming internship at
kapansin-pansing iilang lamang ang dumarating na staff. Medyo
nakakabagot na at batid kong walking distance lamang ang bahay
ng dating mga kamag-aral na sina Jenny Mae at Jessa
(Bohol) mula sa rehab kaya pinuntahan ko muna sila. May kalayuan din
ang nilakad ko kaya nang makarating ng Santa Veronica, pagpawisan
ng labis. Una kong pinuntahan ang bahay ni Jessa. Nasa Pangasinan na
raw ito sabi ng nakausap ko. Wala naman si Jessa kaya
kina Jenny Mae sunod na nagtungo. Saktong doon pa rin sila
nakatira subalit nanay lamang nito ang nadatnan at gaya ko, nasa intern raw
ito sabi ng kanyang nanay.
10B-M. Laking gulat ko nang mabalitaang nag-asawa na
si Jessasamantalang nakapagtapos na si Jenny Mae sa
pag-aaral. Sa loob ng halos apat na taong hindi ko sila nakikita't
nakakasalamuha magmula ng makapagtapos sa High School, marami-rami
ng nangyari at marahil tingin ko, kinalimutan na nila ako. Naalala ko tuloy ang
mga pinagsamaha namin at nakaka-miss sila. Hindi na rin ako
nagtagal sa kanila. Bago bumalik ngTAHANAN at dahil dinatnan na ng
gutom, tumigil muna sa may karinderya para mananghalian. Abot-langit ang
nararanasang pagod pagkabalik roon at maligo na sa sariling pawis. Pagpatak ng
tanghali at dahil wala naman ginagawa, naisipan namin maglaro. Bahay,
Baboy, Bagyo ang nilaro namin at nakaka-tense dahil
paunahang makabuo ng dalawang bahay at isang baboy sa maikling oras at kung
sino ang mahuli ay matatanggal.
10B-N. Naging Interesting ang laro't
labis akong naaliw kaso hindi rin nagtagal pagkat dami agad natanggal. Sa mga
oras na iyon, kung ano-ano nang kabalbalan ang pinaggagawa namin at daming tawa
sa kanila. Ilang sandali pa'y dumating na ang mga kliyente at nagsimula nang
magturo kung sino ang mga nakatoka. Matapos ang kanilang pagtuturo, nagkaroon
ng palaro't isinali nila ako, labag man sa kalooban. Patibayan at pagandahan ng
pagtatayo ng bahay ang naging palaro nila at tanging mga palito't lagayan ng
posporo't chewing gum lamang ang materials at
nandiri lamang dahil kailangang nguyain ang Chewing gum, parang
hindi ko na tuloy ibig ang sumali sa laro.
10B-O. Ako ang tumayong leader sa
grupong kinabibilangan, may naisip naman taktika kung paano mapapatibay ang
bahay, kaso binigyan ko ng pagkakataon para ipakita't gawin kung ano ang
kanilang taktika. Sa huli at dahil walang pagkakaisa, hindi rin nakabuo ng
bahay pagkat gumuho ito. Ang hirap kasi sa ilang mga kasamahan, masyadong
nagmamarunong. Sa halip na aliw, nayamot lamang ako't nanlagkit ang kamay.
Halos maglulundag sa tuwa pagkat maaga muli kaming pinauwi. Naglakad lamang ako
pauwi kaya pagkatungtong ng bahay, sakit ng paa ang inabot at nahihilo ako.
Kinagabihan at dahil hindi pa madalaw ng antok, nakinig muna ng musika. Ang
sarap makinig ng awiting makadiyos at pakiwaring nasa langit ka. Dakong
Alas-onse na nang mapagpasyahan kong matulog.
May 03, 2017
Wednesday
Year V-123
Wednesday
Year V-123
10B-P. Umaga na't sumikat na ang araw pero hindi pa rin
magawang bumangon gawa na namamayani ang antok. Dakong Alas-siete na nang
mapagpasyahang iangat ang sarili mula sa higaan. Pagkatungtong sa rehab,
mangilan-mangilan kasamahan ko pa lamang ang nadatnan at lahat sila, nasa
labas. Hindi pa pala dumarating ang mga Staff. Nang dumating ang
isa sa mgastaff, saka lamang kami nakapasok ng QCCADAC Office.
Pangkat namin ngayon ang nakatoka sa mga kliyente para sa Counseling kaya
bumabalot ang kaba sa dibdib. Sa halip na makipagpalitan ng kuro-kuro, inaaral
ko kung ano ang iuulat mamaya't pinaghahandaan ang sasabihin. Nasira ang
seryoso kong pag-aaral dahil kina Maan na saksakan ng kulit at
walang ginawa kundi biruin ako. Ayaw ko sanang makipagbiruan sa kanila pagkat
inaaral ko ang aking iuulat, kaso pinangunahan ako ng aliw kaya ang atensyon
ko, napadako na sa kanila.
10B-Q. Halatang walang magawa't tungkol sa pakikipagtalik
ang nagingTopic. Yung ilang kasamahan na tahimik at nakatingin sa
kawalan, naki-join sa usapan namin at ganadong-ganado sa paglalahad
kung ano ang kaalaman. Kung makapagsabi sila, aakalaing nakaranas na ng
matinding kaligayahan, di lang isa kundi paulit-ulit. Naiba naman ang usapan
kinalaunan kaya hindi natuloy ang pag-iinit ng pakiramdam at dami muling halakhak
sa kanila. Pagpatak ng Alas-onse, lumabas na kami para kumain. Wala akong balak
kumain pagkat nagtitipid at may pinag-iipunan, kaso mapilit ang kasamahan ko
kaya nasira ang pagtitipid ko. Gutom na rin ako nun kaya naparami ng kinain.
Dakong Alas-dos na nang dumating ang aming kliyente at kakagulat lamang pagkat
aapat lamang sila.
10B-R. Palibhasa'y umulan kaya marahil tinatamad ng
pumunta ang karamihan sa kanila't nakakatamad nga naman pumunta kapag umuulan
kaya nauunawaan ko sila. Hinintay pa namin dumating ang iba kaso wala nang
pag-asang madagdagan pa sila kaya nagsimula na kami. Si Louie ang
unang nagsalita sa harapan nila at nakakabilib pagkat ang husay nitong magpayo.
Habang kaharap si Louie na nagpapayo, naiisip ko si Sir
Jigo at kahawig nito ang paraan ng pagsasalita ni Sir. Hindi ko
maunawaan kung bakit nangyayari ito o marahil kasing husay lang ni Louie si Sir Jigo pagdating
sa pagpapayo. Sa kanilang apat na magkakasama, tanging si Gabriel lamang
ang bukas at activepagkat mahiyain ang tatlo.
10B-S. Naawa ako sa naging kalagayan niya habang
nagkukwento pagkat masalimuot at pinabayaan ng magulang, dahilan kung bakit
nalulong ito sa ipinagbabawal na gamot. Nakakatuwa lamang sa kanya dahil kahit
mahirap ay sinusubukan niyang magbago't iwasan ang paggamit ng illegal
drugs. Ibig ko din mag-discuss, kaso pinangunahan na ng hiya't
kakaunti lamang sila kaya katamad magturo, tapos mahiyain pa ang tatlo. Paano
ko palalakasin ang loob ng tatlo kung ako ay isang mahiyain din at parang
kakainin ko lang ang sasabihin kapag ginawa iyon kaya nang ako na ang
mag-uulat, naging matipid sa pagsasalita. Tumagal ang Counseling ng
higit isang oras at nagpapasalamat ako dahil hindi naging ganon ang landas na
tinahak at nawa'y mapunta na sila sa tamang landas. Wala nanaman nagawa kaya
pakikipagkwentuhan ang inatupag.
10B-T. Si Jacqueline (Cervantes) ang
kahuntahan ko ng mga sandaling iyon at kahit magkaiba kami ng unibersidad na
pinapasukan, sa aking pakiwari ay madali itong kaibiganin at na-attain niya
ang mga ganong klaseng tao na ibig kong kausapin o kakwentuhan. Napasarap ang
usapan naming dalawa kaya hindi namamalayang dismissal time na.
Damang-dama ko na ang gutom sa Sikmura kaya diretso lantak ng nakahaing hapunan
pagkatungtong ng bahay. Kinagabihan, tamang kinig muli ako ng awiting
makalangit. Sa mga taong nasasadlak sa masamang gawain gaya ng paggamit ng
droga, isa ang awiting makalangit na makakatulong sa kanila para talikdan ang
ginagawa pagkat naniniwala ako na kapag si God, pinapasok at
dinamhin sa ating kalooban, ilalayo ka sa masamang gawain at gagawing mabuting
tao.
May 04, 2017
Thursday
Year V-124
Thursday
Year V-124
10B-U. Alas-sais ng umaga nang ako'y magising. Nagsisi lamang ako sapagkat pakiwaring maling site ang
napasukan para sa Intern. Paano'y buong maghapon ng aming OJT,
walang ibang gagawin kundi umupo lamang o matulog. Kaya ka nga sumasailalim sa
Internship nang sa gano'y maging pamilyar na sa'yo ang mga pasikot-sikot oras
na pumasok sa trabaho't hindi na mangangapa-ngapa pa sa mga gagawin. Sa
nangyayari sa amin, tila walang natutuhan at papasok ka lamang doon para
tumambay, hindi may asikasuhin. Tinatamad na tuloy akong pumasok at dapat sa
rehab na lamang napunta, hindi sa QCADAAC na may gagawin lang
kapag kayo ang nakatoka sa araw na ito para asikasuhin ang mga kliyente pero
kapag hindi, nganga't nakatingin sa kawalan. Paniguradong marami kang gagawin
kapag doon napunta't magigingproductive. Dahil hindi kami nakatoka
ngayong araw at wala namang gagawin, sinadya kong magpahuli. Dakong Alas-nuebe
na ko nakarating doon at nagsimula na ang sesyon para sa Counseling ng
mga Client. Dahil nahuli ng pasok, sinita ako ni Sir Jarren.
Hindi naman ako natakot pagkat nakukuha niyang magbiro.
10B-V. Gawa na walang inaasikaso, heto at
nakipagkwentuhan ako kinaSarlyn. Dapat pala'y hindi na lang ako sa QCADAAC kung
ganito naman parati't parang wala kang natutuhan. Yung iba, sa sobrang
pagkabagot, nanood na lamang ng Video at marahil, kailangan
may isipin kang maaring pagkalibingan kapag papasok sa duty.
Pagpatak ng Alas-dyis at sa gutom, kumain na kami. Matapos ay balak ko sanang
magkumpyuter pagkat wala namang gagawin, kaso pinigilan nina Sarlyn.
Pagkatungtong sa office ngQCADAAC, walang ginawa kundi
tumulog. Napapasarap na sana ang tulog ko kaso ang ingay nina Precious at
maging si Sir Jarren na nakikipag-usap sa kanila. Dahil
kaharap lamang nila ako, naki-join na ko sa kanila.
10B-W. May pagkamakisig din si Sir, may karisma dahil sa
balbas nito at bata-bata pa kaya hindi maglaong ilan sa kasamahang intern ay
matipuhan siya. Hindi pa kami lubos na magkakilala ni Sir Jarren kaya
naging matanong siya sa akin. Sina Limboc naman at habang
kausap si Sir, nilalagyan ng malisya't panay link sa kanya. Gwapo si Sir
Jarren, kaso ni katiting na spark ay hindi masilayan sa mukha nito't may
nagmamay-ari na ng puso ko. Nababagot na ko at gawa wala naman talagang
gagawin, napagpasyahang mag-log-out ng maaga. Hindi naging
basta-basta ang pag-log-out pagkat inalam ni Sir Jarrenang
dahilan. Ibig ko na talagang umuwi nun kaya nagdahilan at iyon ay mayCheck-up sa
Ngipin. Pinayagan naman niya kong umalis, kaso problemado ako pagkat kailangang
may maipakita akong Medical Certificate bukas. Hindi ko alam
ang gagawing kung paano magkakaroon ng medical certificate at
dahil walang maisip na paraan, kahit batid na masama ito, pagdating ng bahay ay
nagpanggap akong masakit ang Ngipin.
10B-X. Ang laki kong inutil pagkat sa dami ng maaaring
idahilan, iyon pa't mukhang magiging totohanan ang pagpapa-check-up ko.
Panay pilit ako kina Mama na magpa-check-up na para makakuha ng Medical
Certificate, kaso nakatikim ng maanghang na salita mula sa kanila't panay
ang paninisi. Umurong na ang dila ko pagkat may punto sila't mukhang may
kalalagyan ako sa pagsisinungaling. Hanggang sa maisipang ipabunot na lamang
ang Ngipin, hindi ko man nais pagkat hindi pa handa pero panahon na marahil
para gawin iyon. Pumayag naman sina Mama at dali-dali kaming tumungo sa Dental
Clinic.Namamayani ang takot sa dibdib pagkat unang beses pa lamang sa tana
ng buhay magpapabunot ng Ngipin.
10B-Y. Umigting pa lalo ang takot nang ako na ang
nakasalang at nginig na nginig pero nilakasan ang loob at inihanda ang sarili
sa posibleng mangyari na sa aking isip. Hinintay munang tumalab ng husto
ang Anesthesia, habang unti-unting tumatalab, pakiramdam ko'y
lumulobo ang mukha, kumakapal ang labi na parang kinagat ng ipis at namamanhid
ang mga Ngipin. Maya-maya pa'y binuka ko na ang bibig at nginig sa takot habang
hinuhugot ng dentista ang sirang Ngipin kahit hindi nararamdaman ang sakit at
sa bawat kalikot, pakiramdam ko'y masasaktan ako. Kaagad din naman natanggal
ang Ngipin at para akong tinuli sa lagay. Dahil bagong bunot, noodles lamang
ang naging hapunan ko. Kinagabihan at dahil unti-unti nang naiibsan ang bisa ngAnesthesia,
nararamdaman na ang kirot ng gilagid na inalisan ng Ngipin, walang ginawa kundi
magtiis at wala pa rin humpay ang pagdurugo. Normal lamang ito kaya hindi ako
nangamba.
May 05, 2017
Friday
Year V-125
Friday
Year V-125
10B-Z. Naibsan na ang pananakit ng Gilagid at kahit hindi
pa iyon magaling ay pumasok pa rin ako pagkat sayang rin ang mapupunang oras ngIntern.
Pagkatungtong sa Rehab, kaagad kong ibinigay kay Sir Jarren angMedical
Certificate. Sa muling pagkakataon, nailabas ko ang pangil pagkat palabiro
ito. Ang sabi nila, lahat raw ng mga taong pinagpala ang hitsura, walang sense
of humor pero sa nakikita ko sa kanya, bukod sa makisig, maysense
of humor din at malamang ay kakabagin ka sa tawa kapag naging
kasintahan mo ito. Dahil walang ginagawa, sinamantala namin nina Erik
(Sabio) upang pagpulungan ang isasagawang counseling para
sa mga taga-Balingasa sa Martes. Nang una'y nagtalo-talo kami pero
hindi naman nauwi sa away pagkat kaagad naman nabuo ang kasunduan.
10C-A. Matapos at dahil walang magawa, pakikipagkwentuhan
ang inatupag. Habang kausap sina Ate Jen at maya-maya,
napadako tungkol sa Saligang Batas ang usapan namin. Nga-nga ako sa kanya
pagkat dami nitong alam tungkol doon, mistulan kaming mga abugado habang
pinag-uusapan ang batas at gusto kong kausap ang ganong klaseng tao pagkat
bukod sa nalilibang ay may natutuhan ka pa, hindi yaong puro kalokohan.
Pagpatak ng Alas-onse, kumain na kami. Hindi pa gasinong naghihilom ang gilagid
ko kaya sabaw lamang ang ulam. Nakaramdam ako ng kaba habang ngumunguya sa
takot na matamaan ang gilagid at dumugo. Sa sobrang kaba ko, nawalan na ng gana
sa pagkain. Para mabusog, idinaan na lamang sa pagkain ng Ice cream.
10C-B. Maya-maya pa'y muling kumikirot ang gilagid ko't
sa sakit, parang ibig ko ng umuwi. Uminom na ng gamot, ang kaso'y hindi
nawawala ang sakit. Nang mapansin nina Sir Jarren na iniinda
ko ang sakit, pinauwi na nila ako. Pagkauwi'y diretso ako sa pagpapahinga.
Nawala naman ang sakit nang ako'y magising. Kaunti lamang ang kinain nang
mananghalian kaya halos sumakit ang sikmura sa tindi ng gutom at hindi na
makapaghintay pa sa hapunan. Gaya ng kahapon, kanin na may sabaw lamang ang
naging pagkain. Kinagabihan, hindi pa makaramdam ng antok kaya inaliw muna ang
sarili sa saliw ng musika. Sa sobrang pagpupuyat, may kalaliman na ang gabi
nang mapagpasyahang matulog.
May 06, 2017
Saturday
Year V-126
10C-C. Araw muli ng Sabado at Thank God pagkat
wala kaming duty at araw ng pahinga. Dahil walang pasok,
tinanghali na ko sa paggising. Hindi pa tuluyang naghihilom ang Gilagid kaya
kape lamang ang naging agahan. Nang makapag-agahan at dahil nababagot, naging
libangan ko ang pagtitinda. May pinag-iipunan ako kaya heto muli sa kulimbat ng
pera subalit nilagyan ko ng porsiyento para hindi mahalata. May kalakasan naman
ang benta kaya nakakarami ng ipon. Hanggang tanghali, pagtitinda lamang ang
inatupag. Medyo nakakaramdam ng antok sa mga Mata kaya tumulog muna ako.
Kinahapunan, paggawa ng report para sa Counseling ang
pinagkaabalahan ko. Sa sobrang abala'y hindi namamalayang gumagabi na.
Maghahapunan na rin at sa gutom, on the go agad sa mesa.
Nababagot talaga ako kaya naisipang manuod ng dokumentaryo sa Laptop.
Karamihan sa ating Pilipino na kayumanggi ang kulay ng balat,
ninanais na pumuti sapagkat kaaya-kaayang pagmasdan subalit taliwas ang nakita
ko sa isang bata na may Albinism sapagkat bawal itong mainitan mula
sa araw at napaka-sensitive ng balat nito. Bulaw ang
tawag sa kanya sapagkat napakaputi nito't anak ng araw.
10C-D. Kaawa-awa lamang ang kalagayan ng mga taong
may Albinism sapagkat wala pang gamot para doon at matinding
pag-iingat ang kailangan para hindi mamatay. Ang kanyang nag-uumapaw na
kaputian, may kaakibat palang panganib sa kalusugan. May isa naman akong
dokumentaryong natunghayan na taliwas sa hitsura ni Bulaw sapagkat
ipinanganak naman siyang may maitim na balat sa mukha at halos sakupin na ang
buong mukha nito. Hindi ko lamang malaman kung naoperahan na ito sapagkat
tumanggi ang bata nang tanungin ng Dermatologist at kung
matuloy man ang operasyon, sana ay naging matagumpay nang sa ganon ay
gumaan-gaan ang kinakaharap na buhay ng bata maging normal gaya natin. Biglang
sumama ang pakiramdam ko kaya maagang natulog.
May 07, 2017
Sunday
Year V-127
10C-E. Umigi na ang pakiramdam ko kaya naging maganda ang
salubong ng umaga sa aking pagmulat. Pagkaagahan at para may mapagkaabalahan,
gawaing bahay muli ang inatupag ko. Sumanib ang kasiglahan sa buo kong katauhan
kaya sinisipag-sipag sa paglilinis sa loob ng bahay. Matapos ibuhos halos lahat
ng enerhiya sa katawan sa pagwawalis, pagtitinda ang sunod na inatupag.
Manaka-naka lamang talaga ang bumibili kahit Linggo kaya hindi magawang lumago
ang ipon ko. Maya-maya pa, oras na para mananghalian. Nanatiling hindi pa
naghihilom ang Gilagid ko kaya hindi magawang mag-enjoysa kung anong
nginunguya't nangangambang sa kaunting pagkakamali'y makaranas ng katakot-takot
na sakit kaya nag-ingat ako. Walang magawa ang lola niyo kaya heto't magsi-siyesta muli.
Sa sarap ng tulog, bandang hapon na nagising. Paggawa ng report ang inatupag ko
at paghahanda na rin para sa napipinto naming pagsasagawa ng Spiritual
Counseling sa Barangay Balingasa. Kinagabihan, ikinagulat
ko nang matunghayan ang isang pelikulang pinamagatang Shame pagkat
kakaiba ang takbo't tungkol ito sa isang tao na may matinding Sexual
urges at maraming beses itong nagma-masturbate sa loob ng
isang araw, mapabahay man o kahit saan. Hindi ako makapaniwalang may ganong
tao't yari ang mapunta sa kanya dahil tiyak na wakwak ang puri mo. Balak pa
sanang magpuyat at magbasa ng kwento, kaso sinasabi ng utak na matulog na't
sumasakit-sakit na ang ulo ko.
May 08, 2017
Monday
Year V-128
10C-F. Lunes nanaman pala subalit day-off pa
rin namin sapagkat walangduty ng ganitong araw. Dahil araw pa rin
ng pahinga, tinanghali na ko sa paggising. Nang makapag-almusal, pagtitinda
muli ang inatupag ko. Maya-maya pa't dahil bukas na ang aming Spiritual
counseling sa mga taga-Balingasa, tumungo ako ng Novaliches
Bayan para bumili ng paprempyo. Upang may mapagkalibangan habang
walang ginagawa sa oras ng aming OJT at usong-uso sa panahon
ngayon, naisipan kong bumili ng Rubics Cube. Marunong na ko sa
pagbuo ng tatluhan o Ordinary Rubics Cube kaya limahan ang
naisipang bilhin pagkat gusto kong may mapagkaabalahan at matutuhan kung paano
ang bumuo nun, kaso hindi naging madali sa akin ang makabili nun pagkat
bibihira at karamihan ay puro tatluhan ang ibinebenta.
10C-G. Kahit mukhang malabo na ang makahanap ng
ganung uri ngRubics Cube, naging matiyaga ako. Nagkabunga naman ang
aking pagtatiyaga sapagkat sa wakas, nasumpungan din ang ninanais na laruan.
Nang makabili ng Rubics Cube maging paprempyo, tumungo muna
ako ng School para magpa-develop ng litrato.
Mabutas halos ang bulsa pagkat mahal ang magpa-develop ng litrato
subalit itinuloy pa rin para magkaroon na ng ID sa Intern.
Papauwi na sana ako nang saktong magkita kami ni Sarlyn. Heto
at non-stopmuli kami sa tsikahan at tawanan. Pinuntahan pa namin
si Sir Ronan sa mayfaculty para magtanong tungkol
sa review.
10C-H. Wala na kong nararamdaman kay Sir Jigo subalit
hindi maipaliwanag kung bakit nag-uumapaw pa rin ang hiya sa tuwing masisilayan
ito. Naroroon siya kaya hindi kami agad makapasok ni Sarlyn sa faculty subalit
nilakasan na lamang ang loob. Nang makakuha ng sapat na impormasyon sa kanya,
saka lamang umuwi. Habang nasa bahay ay walang ibang inatupag kundi tuklasin
kung paano buuin ang limahang Rubics Cube. Nakakaya naman buuin ang
isa kaso kapag lahatan, nahihirapan ako. Umaasa akong balang araw ay matututo
rin basta idaan sa tiyaga at paspasan. Lahat ng bagay na tingin natin
imposibleng makamit, makakamit basta samahan ng tiyaga.
May 09, 2017
Tuesday
Year V-129
10C-I. Magigising nanaman ng maaga para sa pagpasok
sa Duty. Pagkatungtong ng TAHANAN, hindi pa bukas
ang office. Bandang Alas-nuebe nang makarating sina Ma'am
Thaline at saka lamang kami nakapasok. Walang kaming inaasikaso kaya
pagbuo ng Rubics Cube ang inatupag ko. May guidena
ko at sinusundan pero anong hirap pa rin at hindi makuha. Kahit na ganoon ay
nagtiyaga pa rin ako sa kagustuhang matuto. Sa buong umaga'y iyon lamang ang
pinag-ukulan ng oras. Pagpatak ng Alas-onse't kasama sina Eloisa,
nananghalian na kami. Kanina pa nakakaramdam ng gutom at kahit ibig maghigpit
ng sinturon ngayon ay hindi ko na nagawa't naparami ang order ko.
Pagkabalik ng TAHANAN at dahil walang magawa,
pakikipagkwentuhan ang pampalipas oras namin. Natutuwa ako sa mga taong
pinapahalagahan at inuunawa ang bawat sasabihin ko't iyon ang nagtutulak sa
akin para mas lalo pang maging confident sa paglalahad ng kung
ano ang nasa loob.
10C-J. Balak ko sanang matulog, kaso hindi magawa pagkat
ang iingay ng mga kasamahan. Lalo pang umingay ang kapaligiran nang dumating
ang mga kliyente't nagsimula ang Spiritual Counseling. Nakakatuwa
ang palaro nila subalit hindi ibig ang sumali pagkat wala sa mood.
Wala na nga ako sa mood nang panahong iyon, itong sina Precious,
nagawa pa akong biru-biruin at sa halip na matuwa, napikon ako. Open sa
akin ang makipagbiruan kaso kailangan ay nasa timing at huwag sosobra na halos below
the belt na ang puntirya. Sa yamot ko sa kanila, nagpamalas ako ng
maanghang na salita kahit nandoon ang presensiya nina Sir Jarren.
10C-K. Namayani ang kaba sa dibdib nang tawagin nina Sir
subalit hindi upang sitahin sa ipinakita ko kundi kapanayamin. Nagpakilala ako
sa kanila subalit hindi lubos pagkat naaantala. Ilang sandali pa, binigyan kami
ng gawain ni Sir Jarren at iyon ay mag-i-interview ng
isang taong gumagamit o lulong sa ipinagbabawal na gamot. Petioner muna
ang nakapanayam ko at nang makakuha ng sapat na datos patungkol sa aking
kliyente, nakaharap ko na siya. Nanlaki ang mata ko nang makaharap ito pagkat
may mga bulitas at hitsurang adik. Kahit na ganon ang nakita ko, nakipag-usap
pa rin ng maayos sa kanya kaso hindi raw dapat ganon sabi ni Maan at kailangan
asintahin nang sa ganon ay hindi ito magsinungaling.
10C-L. Dahil malambot ako't hindi pa bihasa sa
pakikipagpanayam sa ganong klaseng tao, sa halip na ako ay si Maan na
ang kumapanayam sa kanya at talagang sinindak-sindak nito. Maiinis na dapat ako
kay Maan pagkat masyadong bida-bida at pakilamera kaso
nagpasalamat pa rin kanya't tinulungan niya ko para sa aming Case Study.
Sa mura nitong edad na hindi hamak na mas bata pa sa akin, natuto nang gumamit
ng ipinagbabawal na gamot at pasalamat na lamang siya dahil hindi ito nadawit
sa kampanya ng ating pangulo kontra-droga. Nagpapasalamat ako sapagkat kahit
batid kong nakakagawa ng masasamang bagay gaya ng pagsisinungaling at
pangungupit, hindi ako pinabayaan ng Diyos na matulad sa kanila at mapunta sa
ganong pamumuhay. Bata pa siya at sa nakikita ko ay may pag-asa pa siyang
magbagong buhay at talikdan ang drogang maaring ikasira ng kanyang buhay.
10C-M. Tumagal nang tumagal ang assestment ko
sa kanya pagkat hindi malinaw ang naibibigay niyang impormasyon at kita sa
mukhang nagsisinungaling. Dahil may pinagkaabalahan pa kami, dakong Alas-singko
na pinalabas. Habang kasama si Maan pauwi'y nagulat ako nang
aminin nitong dati rin siyang gumagamit ng droga. Sa halip na bumaba ang tingin
sa kanya, humanga ako sapagkat nakaya niyang labanan ang tukso at nalampasan
ang pagkahumaling sa Droga. Kaya heto siya't kasabay kong magtatapos ng
kolehiyo sa susunod na taon. Gaanoman katindi at kasalimuot ang kinakaharap na
buhay, kung gusto mong kumawala'y makakawala ka basta may determinasyon at
isama ang pananalig sa
Diyos.
May 10, 2017
Wednesday
Year V-130
10C-N. Nakakawalang gana nang pumasok sa aming duty pagkat
wala naman ginagawa kundi umupo lamang at walang natutuhan, kaya ibig na huwag
ng pumasok, kaso batid kong hindi papayagan nina Mama sa aking pagliban. Umalis
pa rin ako ng bahay subalit ang hindi alam nina Mama, sa halip na pumasok
sa TAHANAN, naglakwatsa ako. Sa Robinson Montalban ko
naisipang magtungo at habang nanatili doon, pagbabasa ang inatupag ko.
Maya-maya'y pagbuo ng Rubics Cube ang pinagkakaabalahan ko't
habang aligaga sa pag-master nito, nailang ako pagkat tinginan ang
mga taong dumaraan hanggang sa may mga paslit na ang rurusing ng hitsura ang
lumapit sa akin. Humaling na humaling sila sa dala kong laruan kaya lumalapit
at kahit hindi kilala, pinahiram ko pa rin. Tiwala naman hindi tatangayin
pagkat sa mura nilang isipan ay hindi pa makakagawa ng masasamang bagay at kung
sakali man ay bantay-sarado ang seguridad.
10C-O. Ilang sandali pa'y may binatilyong lumapit sa akin
at ipinakita ang angking gilas sa pagbuo ng Rubics Cube, kaso
tatluhan lamang. Nanlaki ang mata ko sa pagkabilib pagkat wala pa sa minuto ay
kaya niyang buuin kahit lahatan. Ituturo niya dapat sa akin kung paano ang
limahan, kaso kaagad din siyang umalis. Naiirita na ko sa mga batang lapit nang
lapit at naiisturbo kaya umalis na ko. Wala pa kong balak lisanin ang Robinson kaya
tumungo muna ngNational Bookstore at nagbasa-basa. Sa totoo lamang
ay gaganahan ka sa pagbabasa kapag maraming aklat na naglalaman ng iba't ibang
impormasyon at kwento ang nakatanghal sa iyong paningin at malilibang oras na
basahin mo ito.
10C-P. Pagpatak ng tanghali, tumungo ako sa Waiting
area at doon tumambay hanggang Ala-una. Sa takot na mahalata nina Mama
kapag umuwi ng umaga, nagbalak pang magtungo sa SM San Mateo.
Nakasagupa ko ang matinding trapik kaya isang oras din ang nakalipas bago ako
makarating doon. Habang naroroon, walang ginawa kundi mamasyal-masyal at libutin
ang buongmall. Hindi rin ako nagtagal doon. Matapos ang pamamasyal sa
mga Mall, tumungo pa ng Computer shop. Bandang
Alas-singko nang makauwi ako ng bahay at sa layo ng nirating ko, nakaramdam ng
pagod. Hapong-hapo sa pagod kaya kinagabihan ay maaga akong natulog.
May 11, 2017
Thursday
Year V-131
10C-Q. Umaga nanaman pala't tinatamad muling pumasok sa duty kaya
gumawa ng paraan para payagan nina Mama. Batid kong masama itong gagawin pero
wala akong maisip na paraan at nagpanggap na may sakit. Hindi tumalab sa kanila
ang paraan ko't pumasok pa rin. Nagpatuloy ako sa pagpapanggap at kunwa-kunwari
ay nagsusuka at nahihilo, nang sa ganon ay pauwiin nila ako. Kung kailan
naghihilo-hilohan ay may biglang nagpakain sa amin na isang kliyente na
magtatapos na sa Counseling nito. Sarap na sarap sila sa
pagkain ng Sopas at Palabok at tuksong-tuksong bumanat nang marami, kaso hindi
magawa pagkat batid kong magtataka sila. Napansin naman nina Ma'am Thaline na
hindi maganda ang pakiramdam ko kaya matapos ang kainan, pinauwi na nila ako.
Pagkarating sa bahay, saktong naroroon ang Tita Susan, kaso hindi
ko makausap pagkat nanghihina na sa kakasuka, nagpahinga muna ako. Napasarap
ang tulog ko kaya dakong Alas-singko na nagising. Nakokonsensiya ako sa aking
ginawa subalit hindi na maibabalik iyon, sana ay hindi ko na ito ulitin. Maaga
pa magigising bukas para sa pagpasok kaya maagang natulog.
May 12, 2017
Friday
Year V-132
10C-Q. Dakong Alas-otso nang makarating sa TAHANAN. Dahil wala muli
kaming inaasikaso, pakikipagkwentuhan na lamang ang inatupag, yung panonood
ng Video. Hindi mo masabi kung ikakatuwa ba o nakakabagot ang
aming internship, pagkat araw-araw ganito kami, nakaupo lamang at
nakatingin sa kawalan. Kaya ayaw kong pumasok pagkat wala namang gagawin subalit
kailangan para mabawas-bawasan ang Clinical Hours. Makalipas ang
tatlong oras na walang ibang inatupag kundi magkwentuhan at manood ng Video,
kumain na kami. Sina Sarlyn at Kim lamang ang
nakasabay ko para mananghalian. Matapos kumain at kahit katirikan ng araw,
namasyal-masyal kami. Pagkabalik sa rehab at dahil walang magawa, umidlip muna
ako. Hindi naman makapagpahinga gawa na maingay at panay ang tawanan nila
habang kahuntahan sina Ma'am Thaline at Sir Jarren.
10C-R. Walang magawa nang mga oras ding iyon kaya nakipagkwentuhan na lamang
kina Sarlyn. Tungkol sa paggawa ng kwento ang pinag-usapan namin at
nang mabasa ang gawang kwento ni Emilyn, ang husay-husay at pwedeng
ihalintulad sa mga batikanong writer. Pinabasa ko rin sa kanila ang
gawa kong kwento. Nahumaling kami sa pagbabasa kaya iyon na lamang ang naging
libangan. Masarap gumawa ng kwento pagkat naglalakbay ang iyong isipan sa mga
sitwasyon at nakakapagpaigting pa sa Excitement kapag inlove
ka. Sa sobrang abala na humaling na humaling sa pagbabasa, hindi napansing dismissal
time na. Balak sanang maglakad pauwi, kaso biglang sumama ang lagay ng
tiyan ko. Pagkauwi'y napadiretso tuloy sa banyo. Kinagabihan, pagtutok sa
telebisyon ang pinagkalibangan ko. Bandang Alas-dyis nang mapagpasyahang
matulog.
May 13, 2017
Saturday
Year V-133
10C-S. Muling sumapit ang araw ng Sabado at dahil walang pasok
ng ganitong araw, hinayaan ko munang mawala ang antok sa mga Mata bago
maisipang bumangon. Wala muling magawa kaya naging pagkakataon iyon sa akin
para simulan ang paglikha ng kwento. Medyo refreshing ang
kapaligiran kaya nakakapag-isip-isip ng mabilis at maayos kung anong serye ang
idudugtong. Nawalan lamang ako sa pokus nang may maulinig na isang boses na
tila nanggagalaiti sa galit at pamilyar sa pandinig ko. Nandito pala ang Auntie
Andrea na nakikitawag sa Cellphone ng Mama. Natutuwa
ako pagkat makaraan ang dalawang taon, sa wakas ay nagkaayos na sila subalit
hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang awayan tungkol sa lupa doon sa Cagayan.
Talagang pinaulanan ni Auntie ng maanghang na salita ang
kausap nito sa telepono at halos atakihin na ang puso sa tindi ng galit. Tila
ipinaggigiitan na siya ang nagmamay-ari ng lupa, kahit naririnig ko sa
pag-uusap nina Mama na ibinenta na raw iyon ng Auntie Andrea sa
kanila.
10C-T. Sa lakas ng boses ni Auntie na
nag-aapoy ang mga binibitawang salita, halos hindi na ko makapag-concentrate sa
ginagawa. Hindi rin ako makapaniwala sa kanyang mga sinasambit at kahit Ilocano ang
pagkakabigkas, alam kong pinagsasalitaan niya ng mabibigat na salita ang kausap
sa telepono. Matindi na talaga ang awayan nila sa lupa. Nagpatuloy ako sa
paggawa ng kwento hanggang tanghali. Sinaniban nanaman ng antok sa mga mata
pagkat Siyesta Time kaya pansamantalang umidlip.
Pagkagising, paggawa muli ng kwento ang inatupag ko't sarap maging writer at
parang gusto mong may matamong karangalan. Maging sa gabi ay tanging pagsusulat
lamang ng kwento ang inasikaso ko. Sa sobrang aligaga ko't dahil nasarapan, di
namamalayang malalim na ang gabi at kailangan nang matulong.
May 14, 2017
Sunday
(Mother's Day)
Year V-134
10C-U. Araw nanaman ng mga ina na walang sawang nag-aaruga sa
pamilya nito sa araw-araw at ipinapakita ang walang hanggang pagmamahal sa anak
nito. Tunay ngang hindi matatawarang ang kanilang pagmamahal. Araw ngayon ng
mga ina subalit ang Mama, sumisiklab muli ang butsi sa hindi malamang dahilan
at panay ang pagbubunganga, hindi ko malaman kung init-init muli ng ulo niya.
Walang magawa at dahil maraming ginagawa si Mama na halos hindi na
magkandaugaga, ako muna ang namahala sa pagtitinda at buhay tindera muli ang
lola niyo. Ilang sandali pa at sa wakas, tanghalian na at malalamnan muli ang
sikmurang kanina pa kumakalam. Sumapit nanaman ang tanghali kaya tinamaan muli
ng antok sa mga Mata. Wala naman gagawin kundi tumunganga't napapanis ang laway
kaya nag-siyesta ako.
10C-V. Pagkagising, pagsusulat muli ng kwento ang
pinagkaabalahan. Sa sipag ko na ganadong-ganado sa pagsusulat pagkat may
pinipintig ang Puso at nangangarap na maging kami balang araw, inabot na ng
gabi. Kinagabihan at habang nanonood ng isang tampok na programa sa Kapuso
mo, Jessica Soho, nakakapagtaka pagkat magmula pagkabata pa lamang, alam
nang ito ay isang bakla at nagagawa nang magbihis babae subalit mahuhulog ang
kanyang puso, sa babae. Hindi talaga ako makapaniwala na maaring ma-inlove ang
bakla sa babae. Bukod sa nahulog ang kanyang puso sa babae, naging sila pa at
nakakakilig.
10C-W. Mabuti pa siya, nagawang patibukin ang Puso sa isang
babae kahit bakla ito, samantala ako, sa lalaki talaga naaakit at never kong
makaramdam ng pagtingin sa babae. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pakiramdam
kapag nagkakagusto ka sa babae. Gayunpaman ay hindi ako nagsisisi na ganito ang
puso ko, ang sa akin lamang ay masaya ako at walang ginagawang masama.
Matutulog na sana ako, kaso nuknukan ng ingay sa labas gawa na may naglalamay.
Mga tao talaga dito sa amin, basta may burol, dadagsain hindi upang makiramay
sa mga naulila ng namayapa kundi libangin ang sarili sa pagsusugal, hindi na
binigyan ng respeto ang mga namatayan!
May 15, 2017
Monday
Year V-135
10C-X. Wala pa rin kaming pasok sa kabila na balik opisina na ngayong
Lunes maging sa eskwelahan ng mga kumukuha ng Summer Class, kaya
tinanghali na ng gising. Pagkabangon at matapos mag-almusal at dahil
nakakabagot manatili sa bahay, naisipan kong magtungo sa eskwela. Bandang
Alas-dyis nang makarating sa Unibersidad at sinadyang magtungo sa library.
Habang nasa library, tanging paggawa lamang ng kwento ang inatupag ko. Saktong
walang gasinong estudyante kaya tahimik na siyang naging magandang pagkakataon
para makapag-isip ng maayos. Naging abala ako sa pagsusulat kaya hindi
namamalayang tanghali na. Nakakaramdam na ng gutom kaya itinigil muna ang
paggawa ng kwento para kumain. Balak pa sanang manatili sa School at
ipagpatuloy ang paggawa ng kwento, kaso ibig na ng isipang umuwi. Sa tindi ng
nararanasang init na halos ikatupok na ng balat kapag ibilad, nahilo ako kaya
diretso pahinga pagkauwi. Maging sa gabi ay dama pa rin ang maalinsangang
panahon at tila iba ang init kumpara nitong mga nakalipas na araw. Hindi pa
makatulog kaya sinamantala ang oras sa pagsusulat ng kwento. May kalaliman na
ang gabi nang mapagpasyahang matulog.
May 16, 2017
Tuesday
Year V-136
Tuesday
Year V-136
10C-y. Pagkabangon ay kaagad na kong
nag-almusal. Ilang sandali pa, umalis na ko ng bahay. Bandang Alas-otso na ko
nakatungtong sa TAHANAN. Wala muling magawa kaya sinamantala ang oras sa
paggawa ng kwento. Medyo nalibang-libang ako sa aking nobela kaya hindi
namalayang Alas-onse na't kainan na. Dahil may pinag-iipunan, balak sanang
maghigpit muli ng sinturon, kaso ay naudlot dahil sadyang mapilit ang mga
kasama. Pagkabalik ng rehab, kwentuhang walang hanggang kami nina Sarlyn.
Maya-maya, bigla kaming tinawag ni Sir Jarren at binigyan ng gawain.
Pagtitsek muli ng Progress report ng mga kliyente sa bawat barangay sa Quezon
City ang inatupag namin. Habang aligaga sa ginagawang pag-aasikaso sa mga
sangkatutak na papeles, biglang nagloko ang aking Sikmura. Hindi na makaya pang
tiisin ang sakit at kating-kati ng ilabas ang masamang laman kaya dali-daling
tumungo ng banyo para magbawas.
10C-z. Mukhang tinamaan muli ng Diarrhea
pagkat hindi maayos ang labas at iba ang sakit kaya binalak na umuwi ng maaga,
kaso ay may inaasikaso ako't nakakahiya sa kanila kung gagawin ito. Lumuwag din
ang pakiramdam matapos dumumi subalit maya't maya ay sumasakit. Kahit nasakit
ang Tiyan, tiniis ko na lamang. Ilang sandali pa, dumating na ang mga Kliyente
at nagsimula ang Spiritual Counseling. Mga bandang Alas-singko na
nakarating ng bahay at dagliang naghapunan. Kinagabihan, pagsusulat muli ng
pagkahaba-habang kwento ang inatupag. Nakakatulong talaga kapag may
nagpapatibok ng puso dahil lalo kang gaganahan sa paggawa. Inabot na ko ng
Alas-onse bago ko mapagpasyahang matulog.
May 17, 2017
Wednesday
Year V-137
Wednesday
Year V-137
10D-A. Panibagong araw ng aming duty
na halos mag-iisang buwan na. Alas-sais na subalit hirap pa ring awatin ang
Mata sa pagtulog at ibig pang ihalata ang sarili sa kama. Malapit ng sumapit
ang Alas-nuebe nang makatungtong ako sa TAHANAN subalit mangilan-ngilang
kasamahan pa lamang sa Intern ang nadadatnan at wala pa sina Eloisa.
Gaya ng mga nakalipas na araw at dahil walang magawa, pagsusulat muli ng kwento
ang inatupag. Kung ano na nga ang ikinabato ng aming buhay sa Internship,
ganon rin kakulimlim ang panahon na tila nagbabadyang umulan, nalulungkot tuloy
sa hindi maipaliwanag na dahilan. Habang dumarami kami ay naghahari rin ang
kaingayan, dumating na rin sina Eloisa kaya sa wakas, may katsikahan na
rin ako. Kinatanghalian, nag-aya silang magtungo kami sa bilihan ng halo-halo.
Sina Eloisa, Hanna (Berrameda), Kuya Ralph, Erik
(Pascual) at Jacqueline (Cervantes) ang nakasama sa pagkain ng
halo-halo. Sa laki ng binili at dami ng sangkap, busog ka na pero hindi pa
nauubos ang halo-halo. Wala pa kaming balak bumalik sa rehab kaya naisipang
magtungo sa bahay ni Kuya Ralph.
10D-b. Nangungupahan lamang siya sa
bahay at bukod pa roon ay mag-isa lamang siyang nakatira. Nakakabilib sa kanya
dahil marunong na itong tumayo sa sariling paa at siya na ang nagpapaaral sa
sarili. Ngayong araw pala kami mamahala sa Spiritual Counseling ng mga
kliyente kaya hindi na kami nagtagal pa. Pagkabalik sa rehab, nakahanda na ang
mga upuan at nandoon na rin ang mga kliyente. Kakaunti pa sila at inaasahan
namin na may darating pa kaya hindi muna agad na nagsimula. Ilang sandali pa at
kahit marami pang wala, sinimulan na namin ang Counseling subalit bago iyon, nagkaroon muna ng palaro at ako ang
namahala.
10D-c. Hindi naging madali sa akin
ang mag-instruct dahil sa namamayaning hiya subalit nilakasan ko ang
loob at ginawa ang lahat para mag-enjoy sila. Matapos ang palaro,
nagsimula na ang counseling na pinangunahan muli ni Louie.
Sadyang mahusay magpayo si Louie kaya hindi ako makaentra sa sasabihin,
bukod pa dun ay kakaunti lamang sila kaya kawalang gana ang mag-discuss.
Matapos ang Spiritual Counseling, bigla kaming pinatawag ni Ma'am
Thaline lahat. Kaba ang namamayani sa dibdib, lalo na't palaisipan kung ano
ang meron. Iyon pala'y nagkaroon ng hidwaan ang ilan sa kasamahang Intern
at nagpahayag. Parang recollection lamang habang isinasagawa ang sharing
ng sama ng loob sa isa't isa.
10D-d. Maya-maya, bigla akong
napansin nina Ma'am Thaline at isinailalim sa interview. Napakwento tuloy ako sa harapan nila at ang
kaninang seryosong interview, nauwi sa lokohan dahil sa mga tanungan ni Limboc
at sabat nang sabat. Isiniwalat din niya ang tungkol sa pagiging Writer
ko kaya hiningi nina Sir Jarren ang gawa kong kwento. Ayaw ko man
ipabasa sa kanila pagkat confidential at nakakahiya, bilang pakikisama
ay ibinigay ko sa kanila ang isa kong kwento. Sana tamarin si Sir Jarren
sa pagbabasa ng aking kwento't bukod pa dun ay panay nila akong inuugnay sa
kanya. May hitsura si Sir Jarren, iyon nga lang ay loko-loko kausap
subalit walang maramdamang spark sa kanya, marahil sa kadahilanang may
pinipintig ang puso at nami-miss ko na siya. Napasarap ang kwentuhan
namin kina Ma'am Thaline kaya hindi namamalayang dismissal time na.
Kinagabihan, ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng kwento. Halos malapit ng
maghating-gabi nang mapagpasyahang matulog.
May 18, 2017
Thursday
Year V-138
Thursday
Year V-138
10D-e. Kakasikat pa lamang ng haring
araw ako nagising. Pagkatungtong sa TAHANAN, sarado pa ang office
at hindi pa dumarating sina Ma'am Thaline. Ilang minuto pa ang
makalipas, dumating na si Sir Jarren at saka lamang kami nakapasok.
Dahil walang ibang pinagkakaabalahan, paggawa muli ng kwento ang inatupag at
pakikipagkwentuhan sa mga kasamahang intern. Maya-maya, tinawag muli
kaming lahat ni Ma'am Thaline. May mahalaga pala itong anunsyo sa amin
at tungkol sa pagdi-discuss ng modules. Bukod sa mga modules na
idi-discuss namin sa mga kliyente oras na magbara-baranggay, itinuro rin
niya ang iba't ibang uri ng mga droga at kung anong epekto nito sa ating
katawan. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman pagkat nakakadiri ang mga
sangkap sa paggawa ng Illegal drugs. Sa halip na kainisan ang mga
gumagamit ng mga droga, dapat kaawaan at tulungan dahil biktima lamang sila ng
ipinagbabawal ng gamot at nag-iiba-iba ang pananaw sa buhay.
10D-f. Pagkatapos magturo ni Ma'am
Thaline, oras na para kumain. Halos manlupaypay na ko sa tindi ng gutom
kaya naparami ng husto ang kinain. Pagkabalik sa TAHANAN at dahil
nababato, sa halip na makipagdaldalan ay natulog ako. Pagkagising at dahil
nakalikom na ng enerhiya sa katawan, ganadong-ganadong nang makipagkwentuhan
kina Sarlyn at daming tawa sa kanila lalo nang nagre-rehearse ng Job
Interview at kung ano-ano ang nasasabi. Pagpatak ng Alas-kwatro at kahit
Alas-singko pa ang out, pinauwi na kami nina Sir Jarren. Bago
umuwi, naisipan ko munang puntahan ang Batasan Hills National High School
na dating pinapasukang paaralan. Saktong walang nagbabantay na gwardiya kaya
malayang nakapasok.
10D-g. Habang namamasyal ay manlaki
ang mata pagkat ang laki na ng pinagbago, tatlong taon na ang nakakaraan simula
nang makapagtapos ako sa High school at nadadagdagan na ang mga tayong
gusali. Bukod pa roon ay inilipat na rin ang Covered Court. Sumaglit
lamang ako doon at sa layo ng nilakad, magkanda-hitik-hitik ako sa pawis
pagkatungtong ng bahay. Manlupaypay na nga sa pagod, nagkaproblema pa pagkat
nawawala ang Sapatos. Si Mama naman, galit na galit dahil libo rin ang
naigastos niya pambili ng Sapatos na iyon, kaya paspasan ako sa paghahanap.
Parang nabunutan ng malaking tinik sa Lalamunan nang masumpungan ang sinasabing
sapatos at Thank God. Kinagabihan at bago matulog, gaya ng mga nagdaang
gabi kapag magpupuyat, pagsusulat muli ng kwento ang pinagkaabalahan. Hinintay
ko munang dalawin ng antok bago maisipang matulog.
May 19, 2017
Friday
Year V-139
Friday
Year V-139
10D-h. Batid kong tutunganga lang sa
oras ng aming Duty na tila walang napapala kaya ibig kong huwag na lang
pumasok, subalit hindi papayag sina Mama. Umalis pa rin ng bahay kahit medyo
tinatamad at sa halip na pumasok ng OJT, naisipan ko na lang
maglakwatsa. Nung una'y nagtatalo sa aking isipan kung sa Bulacan ba o Montalban
tutungo subalit hindi rin nagtagal nang ako ay makapagpasya. Bandang Alas-nuebe
nang makatungtong ako sa Starmall SJDM. Sarado pa ang mall kaya
nanatili muna sa labas at tanging paggawa ng kwento ang pinagkaabalahan.
Makaraan ang isang oras, pumasok na ko sa loob. Kalam na ang tiyan ko sa gutom
pagkat hindi nakapag-agahan nang umalis kaya kumain muna. Dakong Ala-una na
nang lisanin ko ang mall at tumungo sa bahay nina Nikki.
10D-i. Pagkatungtong sa Sapang
Palay ay medyo naligaw lamang ako pagkat hindi na alam ang patungo sa
kanila. Nahihirapan man at pinagpapawisan na sa paghahanap subalit nagkumahog
pa rin hanggang sa matunton ang kinaroroonan ng bahay ni Nikki. Bukod sa
kanya at nandoon rin ang nanay at tatay nito. Pinilit pa ko ng nanay niya na
magkarooke at kahit hindi ko trip ang kumanta ngayon, bilang respeto sa
nanay ni Nikki dahil nasa puder nila ako, napakanta nang wala sa oras.
Saktong habang kumakanta ay biglang sumungit ang kaninang maaliwalas na lagay
ng panahon. Sinabayan pa ng pagkidlat at kulog ang pag-ulan kaya hindi ko
mapigilan ipakita kina Nikki ang takot.
10D-j. Mukhang hindi nagustuhan ng
panahon ang boses ko't kung di lamang kumanta ay marahil maayos pa rin ang
panahon. Dahil sa nadaramang takot, napagpasyahan namin ni Nikki na
pumasok na ng kanilang bahay. Abalang-abala ang magulang nito sa paglilinis ng
bahay kaya pala di kami pinapapasok. Nang humupa ang masamang panahon at kahit
Alas-kwatro pa lamang ay nagpaalam na sa kanila. Wala pang balak umuwi kaya
nagtungo muna ng Computer shop at nanood. Inabot na ko ng gabi sa
pag-uwi na basang-basa dahil inabutan ng ulan. Hindi pa madalaw ng antok kaya
heto muli ako sa pagsusulat ng kwento na feeling writer. Bandang
Alas-dose na nang maisipang matulog.
May 20, 2017
Saturday
Year V-140
Saturday
Year V-140
10D-K. Sa sarap ng tulog ngayong
pagsisimula muli ng long-weekend, inabutan na ng liwanag sa labas nang
magmulat ang mga Mata. Dahil may lakad sina Mama at Papa at nasa trabaho naman
ang ate, ako muna ang namahala sa tindahan. Pinagsabahay ko ang pagtitinda at
paggawa ng kwento at kahit naha-hassle kapag bumibili dahil naaantala
ako sa pagsusulat, enjoy naman ang mag-multi-tasking. Pagpatak ng
tanghali ay nakauwi na rin sina Mama na may dalang ulam. Chicken Inasal
ang dala nila at sa sarap, naparami ang aking nakain. Matapos kumain at dala na
inaantok, nag-siyesta muna ako. Bandang hapon nang magising ako. Wala
muling maisipang gawin kaya bilang libangan ay pagsusulat ng kwento ang
inatupag ko. Kinagabihan, tagaktak ng husto ang pawis dahil sa alinsangan ng
panahon. Kahit may kaalinsangan ang panahon, hindi ako sumuko sa pagsusulat ng
kwento, iba talaga kapag inspired ka, ginaganahan ka kahit tingin mo
magiging mahirap. Sa sobrang abala sa paggawa ng kwento, inabot na ko ng
hating-gabi bago maisipang matulog.
May 21, 2017
Sunday
Year V-141
Sunday
Year V-141
10D-l. Dahil malalim-lalim na ang
gabi na nakatulog, tinanghali na sa paggising. Pagkaalmusal at dahil walang
magawa, naisipang maglinis-linis sa loob ng bahay. Matapos ang gawaing bahay,
sinimulan ko na ang paggawa ng kwento. Medyo makadamdamin ang naisipang takbo
ng kwento kaya ganadong-ganado sa pagsusulat at nadadala ka sa sitwasyon nito
na parang kabahagi ka. Pagpatak ng tanghali at matapos kumain, tulog nanaman
ako. Kinagabihan, nganga ako at hindi makapaniwala ng mapanood ang isang tampok
na programa. Tungkol ito sa isang babae na magmula pagkabata pa lamang, maluho
na dahil namulat sa marangyang buhay at labis-labis ang kanyang paggasta
hanggang dumating ang panahon, naisipan niyang mag-ipon sa pamamagitan ng
pangongolekta ng Singkwenta Pesos. Sa loob lamang ng limang buwan, ang
Singkwenta pesos na iniipon niya, umabot na sa apat na pung libong piso kung
susumahin. Nakakabilib ang ipinakita niya dahil kahit na maluho siya, nakaya
niyang mag-ipon ng ganong kalaki. Patunay nga na may mga tao na kahit na
imposibleng maging sila, dahil sa pamamaraan ng buhay ng kanilang
kinasasadlakan, maaring magbago basta't may pagsusumikap at disiplina sa
sarili. Hindi pa makatulog kaya pagsusulat muli ng kwento ang inatupag.
May 22, 2017
Monday
Year V-142
Monday
Year V-142
10D-m. Ang bilis talaga ng takbo ng
panahon at Lunes nanaman pala subalit buhay hayahay pa rin dahil walang pasok.
Matapos mag-almusal, nagtinda-tinda ako. May kadalangan ang bumibili kaya
ginamit ko na rin ang oras para magsulat ng nobela. Medyo ginaganahan
pagsusulat pagkat nasa suspense na ang plot ng kwento. Maya-maya
pa, dumating nanaman ang oras na pinakahihintay ko, ang tanghalian. Matapos
kumain ay ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng kwento at sarap talagang maging Writer,
pagkat pwede kang maglakbay kahit kathang isip lamang. Balak ko sanang atupagin
ito sa maghapon, kaso umiral nanaman ang aking kaantukan.
10D-n. Kung kailan ako ay natutulog,
ang pagdating naman ni Ate Cecile galing Dubai. Batid kong may
dala itong pasalubong at sa takaw kong ito ay ibig kong manalubong, kaso
inaantok talaga ako. Sa takaw ko maging sa pagtulog, bandang malapit nang
gumabi ako nagising. Kung kailan nasa kalagitnaan ng paggawa ng kwento, biglang
bumuhos ang ulan na sinabayan pa ng pagkulog at kidlat, kaya namayani muli ang
takot sa dibdib. Malapit nanaman pala ang Tag-ulan kaya madalas nanaman akong
magtatago at magtatakip ng Teynga dahil sa Thunderstorm at ang hirap nga
naman kapag may Phobia ka, nagiging kakaiba ka oras na umiral ito.
Hanggang gabi ay wala pa ring tila ang ulan, kaya ang sarap matulog at ibalot ang
katawan sa kumot.
May 23, 2017
Tuesday
Year V-143
Tuesday
Year V-143
10D-o. Bandang madaling araw na ko
nagising. Katamad bumangon gawa na umuulan subalit humupa naman pagputok ng
liwanag. Dahil nakadestino kami ngayon sa Barangay Balingasa para sa Spiritual
Counseling at may kalayuan ang lugar na iyon sa amin kaya Alas-sais pa
lamang, umalis na ko ng bahay. Nanatili muna ako ng SM North EDSA para
hintayin ang mga makakasabayan ko. Ilang sandali pa, sa wakas ay dumating na
rin sina Erik at Kim. Hindi namin masyadong alam ang patungo roon
kaya naligaw kami at nakaabot na ng Caloocan. Buti na lamang at may
napagtanong-tanungan kami kaya hindi na nangangapa-ngapa pa sa pagtungo roon.
Sa sobrang trapik sa lansangan, bandang Alas-nuebe na kami nakarating ng Balingasa
Barangay Hall. Saktong si Eloisa pa lamang ang nadadatnan namin at
maya-maya pa'y dumating na rin sina Mary at Louie at sumunod si Sarlyn.
Walang ginawa kundi maglampungan habang hindi pa dumarating ang mga Client.
Bandang Alas-dyis nang dumating ang mga Client at kahit dalawa lamang
sila, nagsimula na kami.
10D-P. Bago ang Counseling ay
Ice Breaker muna na pinangunahan ko at daming tawa habang tinuturo sa
kanila ang Making Melodies at sinasayaw, para akong may sapi. Kahit
nagmumukha nang katawa-tawa sa harapan nila ay masaya naman at naaliw ng husto.
Si Erik ang nangasiwa sa Counseling at dahil dalawa lamang sila
at kakarating lamang ng isa, hindi na kami nagpalaro pa't umalis na. Wala pang
balak umuwi kaya kasama sina Sarlyn ay nagtungo pa ng School.
Halos mamipi na ang Sikmura sa tindi ng gutom kaya kumain muna kami. Pagpatak
ng Ala-una, sinamahan ko si Sarlyn sa kanyang klase at naki-sit-in,
kahit si Ma'am Ria pa ang kanilang professor.
10D-q. Pumayag naman si Ma'am sa
aking pag-sit-in basta makikilahok ako sa kanilang exercises. Statistical
Science ang asignatura nila at nagulat ako sa paraan ng pagtuturo ni Ma'am
Ria dahil sinasabayan ng Exercises at bawal ang spoon feeding
sa kanya, kailangan, ikaw mismo ang dumiskubre ng lesson.
Nakakapanghinayang na hindi ko naging professor si Ma'am Ria
pagkat may matutuhan ka talaga sa kanya, iyon nga lang ay sasakit ang bungo sa
kaka-solve at kahit hindi ako nagso-solve at pinagmamasdan lamang
sila, ramdam ko ang hirap. Si Sarlyn nga, halos sumuko na sa dami ng
ipinapa-solve na hindi na halos magkandaugaga. Tumagal ang Statistical Science
hanggang Alas-kwatro. Wala pa talagang balak umuwi kaya hinintay ko pa matapos
ang klase nina Eloisa.
10D-r. Isang oras makalipas nang sa
wakas ay lumabas na sila. Laking gulat ko nang sabihin niya na dinugas ko raw
ang attendance sheet sa aming OJT, bagay na hindi ko ginawa kaya
takang-taka kung paano nangyari iyon. Palaisipan sa akin kung sino ang gumawa
niyon ay o marahil ay naisulat ko nga subalit nagkamali sa lagay ng petsa.
Maigi na lamang at hindi pa nakakarating kina Ma'am Thaline at
usap-usapan pa lamang kaya napatag ang loob ko nang mabatid iyon. Atlis ay
magagawan pa rin ng paraan para maresolba ang nagbabadyang problema na siya pa
ang maging mitsa para umulit ako ng OJT, bagay na hindi ko papayagang
mangyari. Kinagabihan, hindi talaga ako halos makatulog dahil sa sinabi sa akin
ni Eloisa. Nakakainis lang dahil sa katangahan, nagiging isang
kasalanan.
May 24, 2017
Wednesday
Year V-144
Wednesday
Year V-144
10D-s. Inagahan ko sa paggising para
maaga akong makapasok ng office at magawan ng paraan ang problema sa attendance
sheet. Pagkatungtong ng Litex, nadatnang may bumagsak na isang
malaking poste at nakahambalang sa daanan. Dahil kinokompuni ang poste, nag-iba
ng way ang sinasakyang dyip kaya napalayo sa TAHANAN at kailangan
pa maglakad. Alas-otso na at mukhang mahuhuli na ko at hindi na mapapalitan ang
attendance sheet subalit ako pa lamang ang naroroon at wala pa ang mga
kasamahan pagkarating. Ilang sandali pa nang dumating ang ilan kong kasamahan
sa intern. Hindi pa dumarating sina Ma'am Thaline subalit pumasok
na kami ng office. Agad kong tiningnan ang attendance sheet at
totoo nga, nakalista ang pangalan ko sa petsa kung kailan wala ako.
10D-t. Para hindi malintikan kina Sir
Jarren at hindi mauwi sa wala ang binunong mga panahon sa OJT,
binura ko ang aking pangalan. Nakahinga-hinga na ng maluwag dahil nasolusyunan
ang problema at wala nang dapat ipangamba pa. Maya-maya, may ipinagawa sa amin
sina Sir Jarren at iyon ay mag-puncher at stapler ng mga
sangkatutak na papeles. Sa sobra dami ng kailangang asikasuhing papeles ng
bawat kliyente, lunch time na subalit hindi pa kami natatapos sa
ginagawa. Labis na ang nararanasang gutom sa Tiyan kaya napagpasyahang kumain
muna. Sina Sarlyn at Kim lamang ang nakasabay ko at matapos, nagtungo
kami kung saan ang bilihan ng Halo-halo.
10D-u. Habang sarap na sarap sa
paglantak ng Halo-halo ang biglang buhos ng ulan at mukhang mai-stranded
sa pagbalik. Tumila naman ang ulan kaya maayos pa rin kaming nakabalik sa
Rehab. Bigla akong tinanong nina Ma'am Thaline at ang seryosong
pag-uusap, nauwi sa batuhan ng biruan. Wala silang ginawa kundi iugnay ako nang
iugnay kay Sir Jarren, porket bata-bata ito at makisig. Ito namang si
Sir, lakas mang-trip sa akin at nag-a-assume na may gusto sa
kanya. Ang ingay tuloy ng buong office dahil sa asaran kasama ang mga staff. Gwapo si Sir Jarren, ang kaso ay wala
akong makitang spark at kahit hindi siya taken, wala akong balak
sulutin. Kami ngayon ang nakatoka sa Spiritual Counseling ng ganitong
araw at kahit nahihiya akong makiharap sa kanila, hindi na ko tumanggi pa na
ako ang magdi-discuss.
10D-v. Ilang sandali pa nang
magsimula ang Counseling at kahit kinakabahan at nahihiya, lakas loob ang
nagsalita. Iyon nga lang ay nawawalan sa sasabihin at tinulungan naman nina Mary
at Louie sa pagtatalakay. Nang patapos na kami sa Counseling,
itong sina Eloisa, naisipang gawan ako ng banner para sa
nalalapit kong kaarawan at ipinaskil pa sa bulletin board, dami na tuloy
nakakaalam kung kailan ang kaarawan ko't kahit hindi ko pa kaarawan ngayong
araw, parang nagdidiwang na ng kantahan nila ako at patay nga lang, dahil
magpapakain ako sa kanila. Matapos ang katuwaan, kasama sina Sir Jarren
ay nanood kami ng Video. Horror movie na pinamagatang The Meat
Grinder ang tinunghayang pelikula at bukod sa nakakatakot ay nakakadiri pa
dahil may isang babae na ang tanging negosyo ay pumatay ng tao at ihahalo sa
sangkap ng paggawa ng Noodles ang kanilang mga lamang loob.
10D-w. Parang hayop lang kung
pagpapatayin niya ang mga mabibiktima at grabe, napakasadista niya at halang na
halang ang kaluluwa. Halos masuka na habang tinatabas niya ang katawan at
lamang loob ng mga napatay at karumaldumal. Iyon pala, napakasalimuot ng
kanyang napagdaanan na puro pagmamalupit at ginahasa pa, kaya naging ganoon
siya na manhid ang puso at mistulan nang Psychopath. Sa sobrang tutok ng
mata sa panonood, dismissal time na. Pagkauwi ng bahay at kahit labis
ang pandidiri sa napanood na pelikula, pagkain pa rin ang hanap-hanap ko.
Kinagabihan, paggawa muli ng nobela ang pinagkaabalahan ko. Matapos ay natulog
na.
May 25, 2017
Thursday
Year V-145
Thursday
Year V-145
10D-x. Dakong Alas-otso na
nakarating ng TAHANAN subalit tanging si Precious pa lamang ang
nadadatnan at hindi pa bukas ang QCADAAC Office. Ilang sandali pa ay
dumating na si Ma'am Thaline at saka lamang nakapasok. Hindi pa
dumarating ang iba pang kasamahan, walang ginawa kundi magwalis-walis. Habang
lumilipas ang mga sandali, unti-unti nang nagsisidatingan ang mga kasamahan ko,
kaya unti-unti nang nagiging maingay. Tanging pagtitsek muli ng sangkatutak na
mga papeles ng mga Kliyente ang pinagkaabalahan namin at dahil aligaga, di
namamalayan ang pagtakbo ng oras at oras na para mananghalian. Sina Eloisa
ang nakasabay sa pagkain at kung kailan pabalik na kami, biglang bumuhos ang
napakalakas na ulan. Sinabayan pa ng pagkulog at kidlat kaya atakihin sa takot
at nagmamadaling makaratin ng rehab. Pagkabalik, may kaganapan pala't daming
tawa sa pinaggagawa ni Maan habang suot ang Wig at sumasayaw.
10D-y. Habang pinagmamasdan ay para
siyang baklang pokpok sa bar. Maya-maya, ako nanaman ang napagdiskitahan
nila at ipinapasuot ang Wig. Umariba nanaman sila sa pagli-link
sa akin kay Sir Jarren, si Sir naman ay muli akong napagtripan at
nasaktan ako dahil ang lakas niya manghampas, damang-dama ko ang tigas ng kamao
nito. Balik sa gawain matapos ang katuwaang walang hanggan. Sana ganito na
lamang ang OJT, masaya at may mga oras na nakakapag-enjoy dahil
sa lokohan. Nang matapos sa pag-asikaso ng mga papeles, sumali ako kina Ma'am
Thaline sa panonood ng Pelikula. Kabagin na halos ang sikmura pagkat dami
muling tawa at puro kabalbalan ang ganap. Wala talagang magawa at dala na
nababagot, pakikipagkwentuhan ang inatupag. Maya-maya pa at kahit Alas-tres pa
lamang at dahil wala naman ginagawa, napagpasyahan ko ng magpaalam sa kanila.
Naglakad lamang ako pauwi at sa layo, pagpawisan ng todo pagkarating ng bahay.
10D-z. Kinagabihan at pagkapanood ng
balita, gulantang ang loob ko nang malaman na idinilekra na ng Pangulo ang Martial
Law sa buong Mindanao dahil sa nangyayaring kaguluhan at patuloy na
pagsalakay ng mga Maute Group. Sinasabi ko na nga ba at hindi magtatagal
ay malalagay muli sa Martial Law ang Pilipinas sa pamumuno ni Duterte
subalit salamat sa mga batas na nakapaloob sa pinakabagong Saligang Batas
at hindi magiging singlupit ng rehimeng Marcos ang takbo ng Martial
Law at sana man lang, ipatupad iyon upang protektahan ang nakararami mula
sa Terorismo, hindi upang mang-abuso at gamitin iyon para lumawig ang
kapangyarihan.
May 26, 2017
Friday
Year V-146
Friday
Year V-146
10e-a. Bandang Alas-otso na ko
nakarating ng rehab at saktong naroroon na ang karamihan sa mga kasamahan
maging sina Ma'am Thaline. Sa umagang iyon ay paglilinis at pag-aayos sa
buong office ang pinagkaabalahan namin at iyon ay tulong-tulong. Sa dami
ng dapat ayusin at linisan, iisiping nakakapagod at maaring hingalin ng husto
subalit kakayanin naman at ang sarap kapag may ginagawa at nakakatulong ka
kahit mahirap. Dahil sa mga nalalanghap na alikabok habang nagwawalis at pulot
ng mga kalat, sinipon na ko. Matapos ang halos tatlong oras na paglilinis,
pagsasaayos at paglalagay ng kung ano-anong palamuti, bagong bihis ang aming office
at nakakapanibago. Maya-maya pa, sa wakas ay kainan na at sa labis na gutom
dala na nagpakasubsob sa gawain, tumindi ang gutom sa Sikmura kaya napasubo ng
husto sa pagkain. Kami ang naka-assign ngayong araw para mamahala sa SSDD
doon sa City Hall.
10e-b. Sina Ate Jen at Emilyn
lamang ang nakasama ko sa pagtungo roon at sa sama ng init, pagpawisan kami ng
todo. Medyo kinakabahan lamang sapagkat anumang oras, sasalang ako sa mga
bagong mukha subalit nagpakatatag ako at nilabanan ang kaba. Habang wala pa
sina Ma'am Cherry at Ma'am Queenie ay pinag-aralan namin ang idi-discuss
sa mga drug user. Bandang Alas-dos nang dumating sila at
nakapasok sa Molave Youth Rehabilatation Welfare Center. Pagkatungtong
doon, nanlaki ang mga Mata ko dahil hindi ko inasahan na ganun sila karami at
puro kabataan na ang iba ay halos kasing-gulang ko lamang ang ika-council
namin kaya lalong umigting ang kaba sa dibdib. Nagpakilala muna kami sa kanila
at matapos ay lakas-loob nang nagsalita.
10e-c. Kahit mga dating gumagamit ng
droga sa mura nilang edad at alam ko, ang ilan sa kanila ay makakaya akong i-tolerate
ay hindi ako nagpanaig sa takot at kailangan kong maging matapang at matigas.
Sa una, medyo kinakabahan pa pero nang kalagitnaan na, nae-enjoy ko na
ang pagtuturo. Bukod pa dun ay hindi ko inasahan na mga disiplinado sila at
iilan lamang ang hindi nakikinig. Matapos namin magturo, nagpalaro kami. Bago
kami magpaalam sa kanila ay nagpa-ice breaker muna ako at iyon ay
ituturo sa kanila ang Making Melodies. Mukha nanaman ako tanga sa
lagay na iyon pero ang mahalaga kahit katawa-tawa, napasaya ko sila.
10e-d. Hindi baleng nakakatawa ka,
atlis napapasaya mo ang mga taong nakapaligid sa'yo kaya huwag mahihiyang
pagtawanan. Tingin ko sa rehab na kinalalagyan nila, masaya pagkat marami at
nagkakasundo-sundo sila. Sa saya, parang gusto ko munang manatili roon at maki-join
sa kanila. Kung ganon lang ang magiging kalagayan ng rehab na masaya at hindi
nakakabagot, parang gusto mo nang ma-rehab. Ang babait pa nila at sa katunayan
ay binigyan pa kami ng gawa nilang bulaklak. Bago lisanin ang City Hall,
tamang Selfie lang kami. May galak sa dibdib akong nakauwi dahil ang
inakalang bagay na tingin ko na hindi kaya, kaya pala at sarap sa pakiramdam
kapag may na-achieve ka.
May 27, 2017
Saturday
Year V-147
Saturday
Year V-147
10e-e. Ngayong araw ang aming Comprehensive
Exam na bahagi ng Psychological Board Exam at sa takot na mahuli sa
pagdalo, Alas-sais pa lamang ay gumising na ko at bumangon. Naipit ako sa
napakabigat na trapik dahil sa itinatayong MRT 7 kaya bandang Alas-otso
na ko nakatungtong sa Unibersidad. Saktong hindi pa nagsisimula ang Comprehensive
exam kaya napanatag ang loob ko at mangilan-ngilan pa lamang na kakilala
ang nakikita maging si Nikki. Pagkatungtong ng Second Floor ay
biglang gumanda ang umaga ko nang masilayan si Special Someone. Laki ng
pinagbago niya at ang look, bagong gupit kaya lalong nakikita ang
kakisigan. Bukod sa masaya ay hindi ko mapigilang kiligin, iyon nga lang ay
naiilang, lalo na't nang magkasalubong kami. Humanap pa kami nina Sarlyn
ng silid na mapapasukan at kinalaunan ay nakahanap din.
10e-f. Ilang sandali pa ay may
pumasok na sa amin na taga-Top Rank at siya si Ma'am Jobelle.
Nagbigay siya ng tip kung ano ang mga maaaring lumabas sa board exam
at sa kanyang mga sinasabi, mapapaiyak ka talaga dahil mahirap at dumaan sa
maraming proseso bago iyon mabuo ang board exam. Kailangan nauunawaan mo
ang bawat detalye ng lesson, hindi kinakabisado dahil kapag nawala o
magkamali, sira na ang tiyansang makakapasa ka pa. Grabe dahil ganon kaseryoso
ang kakaharaping board exam at wala kang ibang sasabihin kundi Goodluck.
Itunuro niya sa amin ang Psychological Assestment at matapos ay Theories
of Personality. Sa loob ng halos dalawang oras na kanyang pagtuturo,
nakakabilib dahil tuloy-tuloy siyang magsalita at walang kodigo, talagang gamay
na gamay.
10e-g. Marami pa dapat siyang
ituturo sa amin patungkol sa Board Exam, kaso kapos na sa oras at sana
may review pa sa susunod na linggo. Bandang Alas-onse nang matapos ang
kanyang lecture at lumabas muna kami para kumain. Kasama sina Eloisa
at dahil mga Rich Kid ay sa Chowking namin naisipang
mananghalian. Nainis lamang ako ng bahagya dahil ang tagal i-serve ang aming
order at kung kailan patapos na sina Eloisa ay saka lamang kami
nakakain. Pagkabalik ng School, laking taka pagkat nagsisialisan na ang
mga kasamahan naming Psychology Student, iyon pala'y wala nang magaganap
na Comprehensive exam at ang saya-saya. Wala pang balak umuwi kaya
tumungo muna kami ng SM Fairview at namasyal-masyal.
10e-h. Saya at aliw ang namamayani
habang kasama ko ang mga taong malalapit sa loob ko't bukod sa nagkukwentuhan
ay minsan ay nagtatawanan. Sa sipag ng aming mga biyas, sa Fairview Terraces
naman sunod na nagtungo. Sa kakagala ay medyo nagutom na kami kaya pagdating ng
Food Court, kumain kami. French Fries with Coke Float ang
napagsalu-saluhan namin. Bukod sa masaya at dami ng nilantakang fries,
nabusog ako. Pagpatak ng Alas-tres, napagpasyahan na namin nina Sarlyn
na magpaalam kina Eloisa. Wala pa talagang balak umuwi kaya tumungo pa
kami ni Sarlyn sa Robinson Novaliches. Naghihingalo na ang
liwanag nang makarating sa bahay. Kinagabihan, ibig sanang manuod ng
telebisyon, ang kaso ay malakas ang ulan sa labas. Dahil maulan ang gabi,
naging masarap ang aking pagtulog.
May 28, 2017
Sunday
Year V-148
Sunday
Year V-148
10e-i. Bisperas ng aking kaarawan.
Napasarap ang pagtulog kaya maliwanag na sa labas at tirik na ng husto ang araw
nang magising at bumangon. Anong ganda't sigla ng salubong sa akin ng umaga at
sana manatiling ganito. Pagkaalmusal at dahil walang gagawin, pagtitinda ang
inatupag ko. Malakas ang benta ngayong araw kaya maya't maya ako kung tumindig
at nakakahingal. Pagpatak ng tanghali, saka ko lamang itinigil ang pagtitinda
para mananghalian na. Sumapit nanaman ang hapon kaya ang antok sa aking mga
mata, muling bumibisita. Nakakabagot ang oras na iyon kaya nag-beauty rest
na lamang ang lola niyo. Sa katakawang matulog, malapit nang sumapit ang Alas-singko
ako nagising at anong sigla sa katawan kapag bagong gising at nakakapagpahinga.
Kinagabihan at bilang libangan, panonood ng telebisyon ang inatupag ko.
10e-j. Parang kinurot ang loob ko
nang matunghayan ang isang tampok na programa sa Kapuso mo, Jessica Soho
ang kwento ng magkasintahang Lance at Ella na kamakailan lang ay
nag-viral dahil sincere ang kanilang pagmamahalan. Sa kabila na
hindi makapaglakad si Ella dahil sa Polio at madalas nasa Wheel
Chair, buong tiyaga pa rin siyang inaakay at binubuhat ni Lance sa
araw-araw na pagpasok nito sa eskwela at nakakabilib pagkat bibihira lang ang
ganong lalaki na matiyaga at makakaya kang mahalin, kahit ano pa man ang
kondinsyon mo. Tumututol man ang kani-kanilang mga magulang dahil
napakaalanganin kung iisipin subalit ipinaglaban pa rin nila ang pagmamahal.
10e-k. Bukod sa kanila, naantig
naman ang damdamin ko sa isa pang kwento at baligtad pagkat lalaki naman ang
inaalagaan. Kahit hindi makatayo ang lalaki dahil sa naaksidente ito, dalawang
taon na ang nakakaaran, itinuloy pa rin nila ang pagmamahalan hanggang sa
magpakasal. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig at kahit tingin mo magiging
pabigat siya sa buhay mo, magagawa mo pa rin siyang tanggapin, kahit sino pa
siya sa ngalan ng pag-ibig. Sa panahon na laganap ang kasamaan, nakakatuwa
dahil may mga tao pa ring may mabubuting loob na ikabibilib mo. Hindi pa
makatulog kaya nagsulat-sulat muna ng kwento. Habang aligaga sa pagsusulat,
umiral ang sindak sa dibdib nang makarinig ng dagundong ng kulog. Maya-maya pa,
bumuhos na ang napakalakas na ulan. Sinabayan pa ng nagtatalimang kidlat at
malagranadang tunog ng kulog kaya nag-uumapaw ang takot ko. Alas-onse na, hindi
pa rin makatulog dahil sa Thunderstorms. Sa tindi ng takot na halos
pagpawisan na, napatalukbong na ko't nahuli ni Mama.
May 29, 2017
Monday
Year V-149
May 30, 2017
Tuesday
Year V-150
May 31, 2017
Wednesday
Year V-151
May 29, 2017
Monday
Year V-149
10E-L. Ganap nang sumapit
ang Alas-dose ng hating-gabi, hindi pa rin makatulog dahil sa lakas ng ulan at
sa lakas nito, hindi na malayong bumaha na. Malapit ng sumapit ang Ala-una ng
humupa ang Thunderstorms. Dakong umaga na nang magising at masaya ako,
dahil ngayon ang aking kaarawan. Muli akong nagpapasalamat sa maykapal sapagkat
kahit marami akong napagdaanan nitong dalawang-pung taong gulang pa lamang ako,
lahat ng iyon ay nalampasan ko kahit mabibigat. Ngayong dadako na ko sa edad
dalawang pu't isa, natutuwa ako na nakaabot pa sa ganong edad at sana kayanin
pa ang mga nakaambang pang pagsubok. Kahit walang mga handa, basta ang mahalaga
buhay ay masaya na ko. Dahil may pinuntahan si Mama para mamili ng ipanghahanda
sa aking kaarawan, ako muna ang namahala sa tindahan. Birthday na birthday
ko subalit walang pinagkaiba ang araw na ito sa mga ordinaryong araw pagkat
abalang-abala sa pag-aasikaso ng mga mamimili.
10E-m. Madalas ay puro sigarilyo ang nabebenta't hindi ko sukat
malaman kung bakit kailangan pa nilang magsunog ng baga kapag may mabibigat na
ginagawa gaya ng pagiging Constraction Worker. Sabi ng mga gumagamit, lumalakas
daw sila kapag naninigarilyo, bagay na hirap paniwalaan at hindi lang marahil
kuntento ang bawat araw na dumadaan sa kanila kapag hindi nakakahithit ng
sigarilyo. Bukod sa paggamit ng Droga ay dapat din ipagbawal ang Sigarilyo pagkat
nakakasama sa kalusugan. Hindi ko maintidihan sa sarili kung bakit inis na inis
sa mga taong adik dito. Bago pa man magtanghali nang dumating na si Mama bitbit
ang pinamaling pagkain at saka lamang kami nagkainan. Kahit hindi namin ugali
na magdaos ng piging kapag may espesyal na okasyon, basta sama-sama ay masaya
pa rin at makulay. Mararanasan mo parati ang kasarapan ng buhay kapag natututong
makuntento.
10E-n. Matapos kumain, paggawa muli ng kwento ang inatupag ko.
Doble ang tuwang namamayani sa dibdib pagkat bukod sa kaarawan ko, natapos ko
na rin ang kwento na ilang linggo nang sinusulat at parang nagwagi. Walang
magawa kaya nag-siyesta muna ako. Kinagabihan at bilang libangan, panonood
ng Comedy show ang inatupag ko. Dami kong halakhak sa pelikulang Mang
Kepweng Returns at bawat eksena, ang kukulit. Kahit halos kabagan na ang
sikmura sa walang humpay na pagtawa, nakaramdam ng gigil ang dibdib ko nang
makipaglaban ang bida sa mga kalaban at kampon ng kasamaan. Sa sarap ng panonood,
inabot na ko ng Alas-onse bago matulog. Sana parating ganito ang darating na
kaarawan, masaya kahit simple lang at hindi magarbo gaya ng kaugalian ng mga mayayaman.
May 30, 2017
Tuesday
Year V-150
10E-o. Nairaos din ang aking kaarawan at balak sana namin ngayon
ni Mama na magpakain sa mga kasamahan ko sa OJT bilang pagdiriwang sa
aking kaarawan, kaso hindi matutuloy dahil sa hindi inaasahang mga bagay.
Naging kayamot-yamot ang umaga ko pagkat bakit parating may mga hadlang sa
pagkamit ng bagay na gusto mo. Bandang Alas-otso na ko nakarating sa TAHANAN
at naroroon na ang karamihan sa mga kasamahan. Dahil walang magawa ng mga oras
na iyon, pakikipagtsikahan at lokohan ang naging pampalipas oras namin. Hindi
naman kabagot-bagot pagkat nakakatuwa silang kausap. Iyon nga lang ay mga
sandaling nagkakapikunan dahil sa mga tuksuhan, lalo na kapag inuugnay ka sa
taong hindi mo naman gusto. Lupaypay na ang Sikmura sa tindi ng gutom pagkat
hindi nakapag-agahan kaya pagpatak ng Alas-onse, mabilis pa sa guhit ng kidlat
ang pagpayag nang ayain. Sina Sarlyn at Kim muli ang nakasabay ko
sa pagkain.
10E-p. Pagkabalik ng rehab, kwentuhan muli ang libangan namin.
Habang napapasarap na ang kwentuhan namin magkakasama, kumabog ang kaba sa
dibdib nang tawagin nina Ma'am Thaline. Akala ko kung ano subalit may
itatanong lamang sila sa akin at kakatuwang mga staff pagkat nagawa pang
makipagbiruan sa akin lalo na si Ma'am Thaline na ang lakas mang-trip.
Panay ugnay din sila sa akin kay Sir Jarren. Kahit nandoon ang girlfriend
nito, nakisakay pa rin sa mga patutsada nila. Pagpatak ng Alas-dos nang
dumating ang mga kliyente at mapapasabak nanaman sa pagsayaw ng Making
Melodies. Kahit labag sa kalooban ang turuan sila ng ganong sayaw, pumayag
pa rin bilang pakikisama. Sa bait ng mga staff, maaga kaming pinauwi.
10E-q. Pagkauwi ng bahay at dahil walang magawa, panonood ng
telebisyon ang napagkalibangan. Habang tutok ang mata sa panonood, biglang may
kumislap sa labas ng pagkaliwa-liwanag, kumikidlat na pala at nagulantang ng
husto ang dibdib ko nang sinundan ng malabombang kulog. Sumipa bigla ang takot
ko kaya daglian nagtago sa kwarto. Sa labis na takot, pagpawisan na ko't kahit
takip na takip na halos mapunit na ang teynga, dinig pa rin ang dagundong ng
kulog. Ilang sandali pa, bumuhos ang napakalas na ulan. Hindi naman inabot ng
isang oras ang ulan subalit sa lakas nito, tila nagdulot ito ng baha. Nang
magwakas ang unos, saka lamang guminhawa ang pakiramdam. Hindi pa makatulog
kaya pagsusulat ng panibagong kwento ang pinagkaabalahan ko. Bandang Alas-dyis
na nang maisipan kong matulog.
May 31, 2017
Wednesday
Year V-151
10E-r. Huling araw na para sa buwang ito. Malapit ng pumatak ang Alas-otso
ako nakaalis ng bahay at dahil batid na mahuhuli na, nagmamadali na sa
pagkilos. Pagkatungtong sa TAHANAN, sarado pa ang office at sina Tin
pa lamang ang nadadatnan ko. Habang wala pa ang aming mga staff, sinamantala
ang oras sa pagsusulat ng kwento. Halos kalahating oras din ang nagdaan bago
kami nakapasok ng office. Pagsapit ng Alas-nuebe at habang aligaga sa
ginagawa, biglang tumawag sa akin si Mama. Nasa Litex na raw ito dala
ang mga handang ipapakain sa mga staff at kasamahan sa intern at
dali-dali nang nagtungo roon. Minamalas lamang ng lagay pagkat naipit sa trapik
kaya natagalan bago ako makatungtong sa kinaroroonan ni Mama. Bukod kay Mama,
kasama rin nito si Ate Vanessa na tumulong sa kanya na magbitbit
ng mga pagkain.
10E-s. Pagkabalik sa rehab, hindi kami agad na pinapasok at
ininspeksyon muna ng gwardiya ang dalang pagkain. Nakalusot naman ang pagkain,
iyon nga lang ay hindi pinayagang makapasok sina Mama dahil sa suot nila. Nang
maipasok lahat ng dalang pagkain, kaagad din umalis sina Mama. Palabok,
Pitsi-pitsi at Biko, iyon ang napagsalo-saluhan namin at kahit hindi ko na kaarawan
ay masaya pa rin pagkat sulit na sulit. Habang nagkakainan kaming magkakasama,
walang ginawa kundi magkuhaan ng litrato at pukpukan. Natutuwa ako dahil
napaligaya ko sila sa inihandang mga pagkain at busog na busog ang sikmura.
Nang maubos ang mga pagkain, balik sa normal ang kaninang malapiging na
kaganapan.
10E-t. Pagpatak ng Alas-dos, dumating na ang mga kliyente at dahil
pangkat namin ang nakatoka para sa counseling, kami ang nag-asikaso sa
kanila. Habang nakikilahok sa session, bigla akong tinawag nina Ma'am
Thaline. Sobrang hindi makapaniwala sa nakita pagkat ginawan nila ako ng birthday
cake kahit mini lamang at may pa-candle pa. Ilang sandali pa,
inawitan na nila ako at sabay hinipan na ang kandila. Nag-uumapaw ang
nadaramang saya ko ngayong araw dahil sa kanila at isa ito sa hindi ko
malilimutan. Pagpatak ng Alas-kwatro, sa wakas ay uwian na. Masyado pang maaga
kaya tumungo muna ng Computer shop. Hinintay ko munang maghingalo ang
liwanag bago maisipang umuwi. Kinagabihan, pagsusulat muli ng kwento ang
napagkaabalahan ko. Bandang Alas-dyis nang maisipang matulog.