Martes, Pebrero 28, 2017

50. February 2017 Journal (Day 1493-1520)

February 01, 2017
Wednesday

Year V-032

9q-x.  Alas-kwatro pa lamang ng umaga, nagmulat na ang mga Mata at kaagad ng bumangon. Dahil naatasan kami ni Sir Laus na mag-assist sa gaganaping Seminar ngayong araw, inagahan ko sa pagpasok. Unang beses kong sasalang sa pagiging Usher kaya magkahalong sabik at kaba ang nasa dibdib. Malapit ng sumapit ang Alas-siete nang makatungtong ng paaralan at agarang tumungo sa Auditorium. Pagkatungo, iilang kamag-aral pa lamang ang nadadatnan at wala pa si Sir Laus subalit habang tumatakbo ang sandali'y unti-unti na silang nagsisidatingan. Makaraan ang ilang sandali'y binuksan na ang Auditorium at kasabay niyon ang pagsisimula ng tungkulin namin bilang usher. Dahil first timer, hindi naging biro sa akin ang mag-assist ng upuan sa mga attendee at kailangan ay may authority para sundin ka nila't di kayan-kayanin. Natatanga man, ginampanan ko pa rin.

9q-y.  May ipinagawa pa sa akin si Sir Laus kaya makailang ulit ng pabalik-balik at magkandahapo na subalit ayos lamang kung naipapakita sa kanya na dapat akong pagkatiwalaan. Pagpatak ng Alas-otso nang magsimula ang program sa pangunguna ni Sir Laus. Matapos magsalita ni Sir ang pagsisimula ng Seminar at nakakatuwa dahil tungkol sa napiling topic namin sa Thesis ang tampok kaya todo pakinig ako. Tumagal ang Seminar hanggang Alas-dose't bago lisanin ang Auditorium, pukpukan Picture taking kasama si Sir Laus maging ang mga panauhing galing ibang unibersidad at ang saya lalo nang magpasalamat sa 'kin si Sir, nakakataba ng puso. Pagkatapos at kasama sila Mara, nagtungo sa canteenpara mananghalian. Wala halos laman ang pitaka't pangpamasahe na lamang kaya binalak ng hindi kumain subalit pinilit nila Mara't inilibre nila ako.

9q-z.  Pagkatapos kumain at dahil mahaba-haba ang Vacant time ko, naisipan muling maki-sit-in sa klase ni Ma'am Joyce. Nangangalahati na ang oras subalit hindi pa dumarating si Ma'am Joyce kaya tuloy ang kwentuhan namin ni Nikki at kaingayan sa buong silid. Magkakaroon pala ng pagsusulit sa Literature kaya sinamantala ang panahong makapagrepaso. Pagpatak ng Alas-tres, pumasok na si Sir Nebres at nagturo. Habang aligaga sa pagrerepaso'y tila tinadyakan ng kaba ang dibdib ko nang bigla niyang tawagin at halos hindi makasagot gawa na hindi alam ang aralin, nanghula-hula na lamang ako. Sa labis na kaba, muntikan nang mapaihi.

9r-a.  Matapos ang klase sa Economics, kasama si Phane ay tumungo kami sa silid kung saan walang nagklaklase't doon muna nanatili. Balak sanang gugulin ang oras sa pagrerepaso subalit nauwi sa pakikipagkwentuhan. Napasarap ang usapan namin kaya di namamalayang Literature time na. Pagkapasok ng silid, nandoon na ang lahat ng kamag-aral maging si Ma'am Zabala at abala na sila sa pagsagot ng pagsusulit. Hindi man gasinong nakapagrepaso, hindi naman ganong kahirap ang pagsusulit. Sabay-sabay na nagsitayuan at nagpasa ng Test paper nang pahintulutan ni Ma'am na umalis ang mga tapos na. May kaginhawaan akong umuwi sapagkat nairaos ng matiwasay ang araw na ito.               


February 02, 2017
Thursday

Year V-033

9r-b.  Nagising ako sa sobrang sakit ng Ngipin at muntikan ng lagnatin. Sa tindi ng sakit, maging ulo ko'y apektado. Naibsan naman ang sakit kinalaunan. Dakong Alas-singko nang magising muli ako't parang ibig pang humilata sa kama subalit kailangan ng bumangon para sa muling pagpasok. Minalas lamang ng lagay sapagkat habang lulan ng tricycle ay biglang pumutok ang gulong. Kinailangan pa namin maghintay ng panibagong tricycle na magsasakay. Nakasakay naman kinalaunan at pagkatungtong ng unibersidad, naroroon na ang karamihan sa mga kamag-aral maging si Sir Jigo. Hindi nanaman nagturo si Sir at nakaupo lamang kaya sa buong oras ng Psychological Research ay magagawa kung ano ang ibig gaya ng pakikipagdaldalan.

9r-c.  Sayang-saya sa pag-iingay ang mga kamag-aral, samantalang ako'y iniinda muli ang pagsakit ng Ngipin. Sa labis na kirot, nagawa ng lunukin ang dalawang Mefenamic Acid, maibsan lang ang kirot. Ilang sandali pa'y dismissal time na't lumipat sa kabilang silid. Saka lamang nakaraos sa sakit nang tumalab ang gamot. Sa oras ng Humanities, kahit namamalat ang boses ni Sir Esguerra ay nakapagturo pa rin ito. Ang kaninang mahusay na pagtuturo, nauwi na sa pagkukwento't hindi namin maiwasang ilahad ang reaksyon nang ikwento ni Sir ang tungkol sa paraan ng paggawa ng pagkain ng mga Intsik at hindi halos ma-imagine pagkat nakakasuka, nakakadiri. Sa halip na umuwi, nakipagkita muli kay Nadia sa library. Nakisama pa ko sa kanila para mananghalian.

9r-d.  Pagpatak ng Alas-dose, nagpaalam na ko sa kanila. Medyo mugto na ang mga Mata sa pagod kaya diretso tulog pagdating ng bahay. Sa sarap ng aking tulog, dakong Alas-singko na ng hapon nagising. Naging maulan ang panahon kaya nakakatamad bumangon at kay sarap matulog o humigop ng mainit na sabaw kapag ganito ang lagay ng panahon. Kinagabihan at bago matulog, pamamalantsa ng uniporme ang inatupag. Hindi pa gasinong dama ang antok kaya gumawa pa ng assignment sa Industrial Psychology. Maya-maya pa'y natulog na ko.  


February 03, 2017
Friday
Year V-034

9r-e.  Hirap pang idilat ang mga Mata gawa na inaantok subalit malapit ng sumapit ang Alas-sais at kailangan ng bumangon. Anong lamig ng panahon na tila yelo kaya pahirapan sa 'kin ang kumilos. Pagkatungtong ng paaralan, laking gulat at taka ko pagkat walang nadatnang kamag-aral sa silid. Inisip ko na baka sa ibang silid gaganapin ang klase sa Psychological Testing kaya pinuntahan pa si Sir Laus sa Guidance Office. Nang sabihin nilang may pinuntahan ito, doon napag-isip-isip na marahil ay hindi tuloy ang klase ngayon subalit ako nakumbinsi. Saka ko lamang nakumpirma ng ipabatid ng kamag-aral sa ibang seksyon na nag-post si Sir sa Social Media tungkol sa class cancellationngayon. Nakakainis lamang sapagkat pumasok pa ng maaga, wala namang klase, palibhasa'y di na-update dahil ilang araw ng nagloloko ang aming Wi-Ficonnection. Sinamantala ko ang oras para kumuha ng permit at matapos ay nagtungo sa Library. Magkakaroon kami ng pagsusulit sa Humanities bukas kaya pagrerepaso ang inatupag habang nasa library.

9r-f.  Pagpatak ng Alas-dyis at dahil tinamaan na ng katamaran, kahit may natitira pang klase'y umalis na ko. Habang lulan ng Dyip ay maasiwa ako ng labis pagkat kung magpatugtog, ang gugulo't lakas-lakas at hindi inisip na naririndi na ang mga pasahero, bukod pa dun ay ang bilis pa niyang magmaneho na tila hari ng lansangan at walang pakialam kung malagay sa kapahamakan. Tila mali ang nasakyan ko't ibig ng bumaba pagkat iritang-irita na. Dapat sa ganong klaseng tsuper, tinatanggalan ng lisensya kung delikado naman ang mamasada. Saka lamang natamo ang kaginhawaan ng pakiramdam nang makababa. Wala pang balak umuwi kaya tumungo pa sa Computer shop. Dakong Ala-una nang makauwi't diretso Siyesta ako. Pagkagising, pagrerepaso agad ang inatupag maging sa gabi. Pagpatak ng Alas-dyis, saka lamang napagpasyahang matulog.       


February 04, 2017
Saturday
Year V-035

9r-g.  Lalo pang lumamig ang panahon kaya pahirapan sa 'kin ang bumangon ng maaga. Nakakatamad man, nagawa pa ring iangat ang sarili. Dakong Alas-sais nang makatungtong ng paaralan at dahil maaga pa, di muna pumasok ng silid at sinamantala ang oras sa pagrerepaso sa Humanities. Habang panay ang aking pagsusunog-kilay ang biglang pagdaan ni Sir Jigo at tila nakaramdam ng tuwa nang ito'y batiin. Akala ko talaga, tuluyan ng nawala ang nararamdaman sa kanya subalit tila nagkakamali pagkat nanunumbalik. Nginitian pa niya ko kaya kilig ang dibdib. Ilang sandali pa makalipas, pumasok na ng silid. Sa oras ng Psychological Research, pag-asikaso lamang ng thesis ang siyang inatupag. Humanities ang sumunod na asignatura at habang wala pa si Sir Esguerra, tuloy-tuloy ang aking pagrerepaso. Laking galak namin nang ianunsyo ni Sir na walang pagsusulit ngayong araw kundi magkakaroon lamang ng artwork activity at iyon ay Clay modeling. Naging madali lamang ang ipinapagawa kaya kaagad na natapos at ipinatingin kay Sir Esguerra.

9r-h.  Wala pang balak umuwi kaya pinuntahan pa si Nadia sa library subalit sina Nikki at Ate Charm ang nadatnan ko. Saka lamang namin napagpasyahang kumain ng dumating si Nadia at saya muli ng araw ko dahil sa kanila. Makaraan ang isang oras na tsikahan at tawanan, dumako naman kami sa Quadrangle. Habang nakatambay kami ni Nikki doon, umiral ang kaba sa dibdib nang biglang tawagin ni Ma'am Ria, iyon pala'y may ipag-uutos lamang at mahapo ng labis sa dami't bigat ng pinamili habang ito'y dala-dala. In fairness at habang kasama si Ma'am Ria, nagagawa na nitong nguminiti't may kulay pa na dati'y namamait ang mukha sa katarayan, palibhasa'y nahanap na nito ang forever subalit intimidate pa rin sa kanya kaya hirap kibuin. Sinamahan ko pa si Nikki sa klase nito ng Psychological Testing at ngayong araw ang kanilang assestment sa napiling client. May kasama ng kliyente ang halos lahat sa mga kamag-aral ni Nikki at malapit ng magsimula ang kanilang assestment maliban sa kanya na wala pa kaya kita ko sa mukha nito ang pagkabalisa. Nangangamba lamang ako sapagkat baka mangyari sa akin ang nangyayari sa kanya oras na isagawa na ang aming assestment na huwag naman sana. Ganap ng nagsimula ang assestment subalit wala pa rin ang kliyente ni Nikki at nagmumukhang tanga lamang sa kakahintay, napagpasyahan nang puntahan si Ma'am Joyce para kausapin. Hindi ako makapaniwala nang ako ang kuhaing kliyente ni Ma'am Joyce para kay Nikki, sa kabila na iyon ay ipinagbabawal pagkat isa akong Psychology Student.

9r-i.  Naawa naman ako kay Nikki pagkat siya na lamang ang walang kliyente kaya dagliang pumayag, iyon nga lang ay iniisip ang maaring sabihin ng makakakita kaya nagagawa pang tumanggi sa alok ni Ma'am subalit ipinapanatag nito ang kalooban namin. Napasabak tuloy ako sa sangkatutak na ibinigay na pagsusulit subalit kahit nahihirapan, ang mahalaga'y nakakatulong ako. Pagkatapos ay inilibre ako ni Nikki ng pagkain sa Chowking at kasama pa namin si Ma'am Joyce. Ubod talaga ng bait si Ma'am sapagkat bukod sa tinulungan nito si Nikki, nakakatuwa siyang kasama pagkat willing itong makipagtsikahan sa amin, napakwento tuloy kaming dalawa. Sa totoo lamang ay kahanga-hanga ang kabutihang ipinapakita ni Ma'am Joyce at nakakagaan sa kalooban. Bukod pa dun ay pinayuhan niya pa kami't tinutulungang maging malakas ang loob. Sa maraming taon ko sa pag-aaral, tila wala ng katulad si Ma'am pagdating sa kabaitan. Maya-maya pa'y nagpaalam na kami sa isa't isa, yakapang beso-beso pa. Wala pang balak umuwi kaya dumako muna sa Computer shop. Inabot na ko ng gabi sa pag-uwi't sa pagod, matapos manuod ng telebisyon ay kaagad nang natulog.                         


February 05, 2017
Sunday
Year V-036

9r-j.  Masaya ako dahil dumating muli ang araw na pinakahihintay, ang araw ng Linggo at ngayong araw lamang makapagpapahinga mula sa anim na araw na sunod-sunod na may pasok. Nanatili pa ring magaan ang kalooban ko gawa ng kahapon kaya may siglang bumangon. Nang makapag-agahan, naisipang gugulin ang oras sa paglalaba. Nalalapit nanaman pala ang aming pagsusulit para sa Midterm Period kaya matapos maglaba'y nagrepaso ako. Masarap mag-aral, lalo na kapag may mga bagay ang nagpapasaya sa'yo tulad ni special someone at iyon ang nagsisilbing inspirasyon. Maya-maya pa'y oras na para mananghalian. Kinahapunan, naantig ang damdamin ko nang mapakinggan sa radyo ang kwento ang tungkol sa isang babae na magmula't sapol ay iniwan sila ng kanilang tatay dahil sa kerida nito.

9r-k.  Natanggap naman niya ang masaklap na pinagdaanan at kasundo't karamay nito ang kanyang kapatid hanggang sa isang araw ay naghidwaan sila dahil nahulog ang loob niya sa asawa ng kanyang kapatid at nahuling nagsusuyuan. Kagilagilalas naman pagkat kung sino pa yung asawa ng kanyang kapatid, siya pa yung ipinintig ng puso't hirap malagay sa ganung sitwasyon dahil kapalit ng pagmamahal mo sa kanya'y masisira naman ang relasyon ninyong magkapatid. Sa huli ay nagkaroon ito ng anak at lumayo sa kanila. Hindi masama ang magmahal, ang masama'y kaluntariin mo ang puso na may nagmamay-ari na. Matapos makinig ng dramang makabagbag damdamin at hugot na hugot, tumungo ako ng Computer shop. Pagkauwi't bilang pampalipas oras ay pamamalantsa ng uniporme ang inatupag ko. Kinagabihan at dahil may pagsusulit kami bukas sa General Botany, nagrepaso ako. Ilang sandali pa'y nahiga na ko.



February 06, 2017
Monday
Year V-037

9r-l.  Nasarapan muli sa pagtulog kaya Alas-singko na nagising at kahit namamayani ang malamig na panahon ay daglian pa ring bumangon. Saktong naroroon na si Ma'am Burabo nang makarating sa paaralan. Palaisipan sa 'kin ang pinagkakabalahan ng mga kamag-aral, iyon pala'y mayroong activity. Gawa na hindi nasimula at hindi alam ang gagawin, sa halip na makisabay ay iginugol ko na lamang ang sandaling makapagrepaso sa General Botany. Hirap itatak sa isipan ang inaaral at nawawala sa konsentrasyon dahil umaalingawngaw ang kaingayan, kahit may guro sa harapan. Ilang sandali pa'y umalis na kami't habang wala pa si Ma'am Eloisa, tuloy ang pagrerepaso. Pilit man itinatatak sa utak ang aralin, tila walang epekto't bahala na mamaya sa pagsusulit. Muntikan ng lumundag ng tayog nang ianunsyo ni Danica na hindi makakapunta si Ma'am ngayon at mamayang laboratory time na lamang isasagawa ang pagsusulit.

9r-m.  Sa halip na kumain ay nagtungo kami nina Phane sa Quadrangle para dumalo sa misa't bilang pakikiisa na rin sa pagdiriwang ng Golden anniversary na pagkakatatag ng aming Unibersidad, ang Our Lady of Fatima University. Samu't sari ang nagsipagdalo't sa dami'y hindi na kami nakaupo pa. Tumagal ang misa ng higit isang oras at sa halip na diretso ng Laboratory ay nanood pa kami ng Dance Festival. Nakakaaliw at sabay-sabay at malinis ang kanilang pagsayaw. Ibig pa namin manood pagkat nakakalibang, kaso kailangan ng pumasok.

9r-n.  Saktong wala pa si Ma'am kaya walang ginawa kundi mag-aral kaso nakakatamad at stress pagkat napakarami. Sumasakit lamang ang ulo sa halip na maipasok kaya tinamad na. Makaraan ang isang oras, dumating na si Ma'am Eloisa at nagsimula ang mahabang pagsusulit. Nakapag-aral ako pero anong hirap at halos wala ng maisagot. Gayunpaman ay nawa'y palaring makapasa. Kaagad ng umalis matapos ang sakit sa ulong pagsusulit. Mahaba pa ang aking vacant time kaya kinapalan ang mukha sa pag-sit-in sa klase ni Ma'am Joyce. Interesting muli ang lesson pagkat tungkol sa mga taong may Schizoprenia. Ibig sanang magtanong, kaso pinangunahan muli ng hiya. Kahit hindi pa dismissal time ay natapos na si Ma'am Joyce sa pagtuturo't nakipagtsikahan sa amin. Dahil wala ng klase sa Economics, napagpasyahan na namin ni Nikki na umuwi. Pag-aaral ang inatupag ko pagdating sa bahay maging sa gabi't sakripisyo muna sa panonood ng telebisyon. Maya-maya pa't nang makaramdam ng antok, daglian na kong natulog at goodluck para bukas, nawa'y may maisagot.        


February 07, 2017
Tuesday

Year V-038

9r-o.  Unang araw ng aming pagsusulit para sa Midterm period at gawa na nasasabik, Alas-sais pa lamang ay nasa paaralan na ko. Minalas lamang ng lagay dahil nakaligtaang dalhin ang permit, problemado tuloy ako. Nakakainis dahil kung kailan may pagsusulit kami't kailangan na kailangan ay saka naman ito nangyayari. Stress man ako gawa ng kinakaharap na problema, nagawa pa ring ipanatag ang kalooban at umisip ng paraan. Dakong Alas-siete nang pumasok ang proctor namin na si Ma'am Jerusalem, hudyat na pagsisimula ng pagsusulit at dagliang kinausap. Nayamot lamang ako sapagkat pinapapila sa may Registrar para kumuha ng panibagong permit, samantalang maaari naman isulat sa 'king answer sheet na "no permit".

9r-p.  Mukhang mauuwi sa special examang aking kapabayaan, na siyang di ko papayagang maganap pagkat di iyon makatarungan kaya nakiusap ako't nagpaliwanag kay Ma'am Jerusalem subalit buo na ang pasya nito. Wala na kong nagawa pa't kahit labag sa kalooban ay pumila pa rin. Umuusok ang dibdib ko habang nakapila't darating na sa puntong ibig ng sagutin pagkat wala siyang konsiderasyon at pwede naman iyon! Mag-iisang oras na ang nakakaraan nang makakuha ng permit at dagliang ipinakita kay Ma'am Jerusalem subalit hindi na ako pinayagan pang makakuha pagkat late na't inabisuhang magtungo kay Ma'am Burabo. Pagkatungo, kaagad akong nakiusap kay Ma'am subalit bigo akong makakuha ng pagsusulit sa Filipino't sinabing sa special exam na lamang. Pumayag naman akong mag-special exam sa kadahilanang hindi na ko pagbabayarin pa, iyon nga lang ay kailangang gumawa ng letter at mayayari ako nito kina Mama.

9r-q.  Gayunpaman, kailangang tanggapin ang aking kinasapitan, dahil naging tanga, ang di ko talaga matatanggap ay pinapila pa sa Registrar offfice, di tuloy na nakakuha ng pagsusulit ngayon. Matapos namin mag-usap at sermunan ng matatalinghaga ni Ma'am Burabo, daglian ng umalis. Hindi pa nagsisimula ang oras ng pagsusulit para sa susunod na asignatura kaya sinamantala ang oras sa pagrerepaso. Maya-maya pa'y pumasok na kami't Economics ang sumunod na pagsusulit. Kahit hindi gasinong nakapagrepaso'y naging madali lamang pagkat more on computation ang gagawin.

9r-r.  Maigi na lamang, kabisado ko ang mga Formula kaya kumpiyansang makakapasa subalit napalitan ng panghihinayang nang matuklasang mali ang computation ko. Nakakabuwisit ang araw na ito pagkat palyado nanaman ako dahil sa katangahan, idagdag pa ang pananakit ng Ngipin at wala na marahil mas sasahol pa. After taking the exam, kaagad na kaming umuwi ni Phane. Kahit paano'y unti-unting nawawala ang yamot na nunuot sa pagkatao gawa na masaya itong kahuntahan at open-minded pa. Sa gutom, diretso lamon ako pagkadating ng bahay at matapos ay nagpahinga. Kinahapunan, pagrerepaso muli ang inatupag ko't kahit sumasakit na ang ulo sa pagkakabisado, ipinagpatuloy pa rin, sa kagustuhang makapasa't makatamo ng nagniningning na marka. Ilang sandali pa'y nagluto na ko para sa hapunan. Kinagabihan, tuloy pa rin ang aking pagsusunog-kilay. Dakong Alas-onse nang maisipang matulog.            


February 08, 2017
Wednesday

Year V-039

9r-s.  Ganap ng pumatak ang ikapito ng umaga nang magmulat ang matang kakagaling lamang sa pagkahimbing. Pagkaalmusal, muli akong nagsunog-kilay. Psychological Testing ang nirepaso ko't anong hirap sa isang gaya na pulpol ang kukote. Nakakaranas na ng pagkairita pagkat pahirapan ang pagkakabisado, lalo na't nakakaligtaan parati't ibig ng iumpog sa pader ang tuktok nang sa ganon ay gumana ng maayos, pero di ko ginawa. Buong umaga, tanging pagsusunog-kilay lamang ang iginugol. Bahala na kapag sasalang na sa pagsusulit, nawa'y maalala ang mga sagot at makapasa. Maya-maya pa, tigil muna sa pukpukang pag-aaral para mananghalian. Pagkatapos, tuloy muli sa pagrerepaso. General Botany ang sunod na pinag-aralan at nakakatamad pagkat napakarami't tipong aabutin ng Pasko bago matapos. Gayunpaman, hindi ako napanghinaan ng loob at itinuloy ang pagrerepaso pagkat may mithiin ako't iyon ay makatamo ng nagningning na marka't makatikim ng papuri mula sa magulang.

9r-t.  Dapit-hapon na subalit heto pa rin ako na garalgal na ang mata sa maghapong pagsusunog-kilay at parang ibig ng umayaw. Ilang sandali pa't sa hindi inaasahan, biglang nagkaroon ng Blackout. Inabot ng gabi ang Blackout kaya ang resulta, balot sa kadiliman ang buong kapaligiran ngunit walang pagbabago sa mga tambay na walang habas kung maghasik ng kaingayan at kairita, parang ibig hagisan ng nagliliyab na kandila. Matapos maghapunan at kahit walang kuryente, hindi naman iyon naging hadlang para hindi makapag-aral. Pagpatak ng Alas-otso nang maibalik ang kuryente't animoy Piesta kung magbunyi ang mga kapit-bahay pagkat hiyawan. Kating-kati na kong manuod ng Telebisyon subalit mas pinili ko pa ring mag-aral. Aral ako nang aral subalit wala talagang pumapasok sa isipan, nawalan na tuloy ng gana. Nang talagang tinamad na ko, napagpasyahan ng matulog.  


February 09, 2017
Thursday
Year V-040

9r-u.  Sa sarap ng tulog, laking gulat ko pagkat malapit ng sumapit ang Alas-sais nang ako'y magising. Alas-siete na magsisimula ang pagsusulit ko at sa takot na kumuha ng special exam, karakaraka ng bumangon. Sa labis na pagmamadali'y ni hindi ko na nagawang mag-almusal at napilitang sumakay ng Ordinary bus kahit batid ng isip na biyaheng langit iyon, makarating lang ng maaga. Pinalad naman akong hindi mahuli't saktong wala pang proctor.  Wala akong ginawa ng panahong iyon kundi mag-aral, sa kabila na nuknukan sa ingay ang buong silid. Ilang sandali pa, may proctor na't ganap ng nagsimula ang pagsusulit. General Botany ang una kong pagsusulit ngayong araw at kahit nakapag-aral, nahirapan pa rin at muntikan ng lumuwa ang mata sa kakaisip ng isasagot at nakakalito. Karamihan ay hinula-hulaan na lamang kaya goodluck sa magiging resulta.

9r-v.  Matapos kumuha ng makapigil hiningang pagsusulit, saka lamang nakapag-almusal. Maya-maya'y pinuntahan ko si Mara para manghingi ng Reviewer sa Psychological Testing, hindi naman akong nabigong makita ito't nang makakuha'y agaran ng umalis. Mahaba pa ang oras bago ang susunod na pagsusulit kaya nagrepaso ako. Habang abala sa pagrerepaso ang biglang pagdating ni Eloisa. Sa halip na mag-aral, nakipagtsikahan na lamang sa kanya't siya ang nagtanggal ng stress na hatid ng pukpukang pag-aaral. Pagpatak ng Alas-dyis ay nagpaalam na kami sa isa't isa at dumako na ko ng silid. Tuloy ang pagrerepasong walang katapusan habang wala pang proctor at ilang sandali pumasok na ito. Medyo may katarayan, istrikto't tila pinaglihi sa sama ng loob kaya sindak kaming mga kukuha ng pagsusulit at nakakasakal. Humanities ang sumunod kong pagsusulit at sa dali, agaran ding natapos.

9r-w.  Wala ng susunod pang pagsusulit subalit wala pang balak umuwi kaya pinuntahan pa si Nadia sa Library. Wala kaming ginawang dalawa kundi magpalitan ng kuro-kuro kahit walang kwenta't hagikhikan kahit nasa library. Kapag labis nga ang saya, hindi mo na naiisip ang mga patakarang umiiral sa iisang lugar. Pagpatak ng Alas-dos, nagpaalam na ko sa kanya. Lugmok na ang mga mata sa pagod at kahit ibig samantalahin ang oras na ito para mag-aral ay mas pinili kong magpahinga. Naghihingalo na ang liwanag nang ako'y magising at diretso sa pagrerepaso. Psychological Testing ang nirepaso ko, asignatura na hindi basta-basta't napakabigat sa utak pagkat kailangan ay hindi mo lang basta inaaral o sinasaulo, dapat ay sinasapuso rin kung gustong makapasa. Kainis lamang pagkat madalas ay name-mental block ako't nahihirapan sa pagkakabisado, Diyos na ang bahala sa akin. Maging gabi'y nanatiling tutok ang mga Mata ko sa pag-aaral at sa dami'y mukhang magdamagan ito.       


February 10, 2017
Friday

Year V-041

9r-x.  Hating-gabi na subalit heto pa rin ako't aligaga't pagal na sa kakaaral ng sangkaterbang aralin sa Psychological Testing, huwag lamang maulit ang nangyari nung prelim, ang bumagsak. Kahit lumulubog na ang mata sa antok, sumasakit na ang ulo sa dami ng impormasyong ipinapasok at sinasabi ng isip na matulog ka na, nagpatuloy pa rin ako sa pagrerepaso. Sana'y magkabunga itong aking pagkukumahog. Malapit ng sumapit ang Alas-dos nang mapagpasyahang itigil ang pag-aaral at matulog. Pagkamulat ng mga Mata, Alas-sais na pala't kahit pakiwaring kulang sa tulog ay kinailangan ng bumangon pagkat marami pang balakin ngayong araw. Kahit mamayang hapon pa ang pagsusulit namin para sa Psychological Testing, matapos mag-agahan, daglian ng umalis ng bahay. Bumabalot ang kaba sa dibdib pagkat batid kong hindi biro ang kakaharaping pagsusulit at dito nakasalalay ang aking kinabukasan kaya bago magtungo ng paaralan, nagtungo muna ako ng Simbahan doon sa Novaliches Bayan para magdasal.

9r-y.  Batid kong maawain at dakila ang Diyos kaya siya na ang bahala sa akin, sana'y hindi ako mangamote oras na sumalang na sa pagsusulit. Pagkatungtong ng Unibersidad at hangga't may oras pa, daglian akong nagrepaso. Hindi lamang makapag-aral ng maigi pagkat ang ingay nina Charish at Arnel, panay ang kwentuhan at tanong sa akin kaya asiwa ako't labis na naiisturbo. Hinayaan ko na lamang sila pero nang lakasan ko ang boses, kahit babahagya lamang ay siya pa may ganang magsaway at pagsabihan ako. Sa halip na masabihan, nainis lamang ako kay Charish kaya sa halip na magpakita ng kagaspangan ng ugali sa kanila, mas pinili ko na lamang na umalis. Nasasabihan ako pero ang ayaw ko ay yung mga taong pinagsasabihan ako, pero ginagawa din naman nila't nakakaasar ang ganon.

9r-z.  Maigi na lamang at kaagad kong nakita sina Nikki at Nadia at sa kanila ko ibinuhos ang sama ng loob. Ang kaninang yamot na buhat-buhat ng dibdib, parang bulang nawala pagkat kaaliw kasama ang dalawa't nauunawaan ako sa aking sinasabi. Dahil magkakaroon kami ng Orientation para sa Psychological Testing, na pangungunahan ni Sir Laus, tumungo na kami ni Nikki sa Auditorium. Malapit ng sumapit ang Ala-una, itinakdang oras kung kailan magsisimula ang Lecture Orientation subalit nabibilang pa lamang ang dami namin. Marahil ay kakaunti lamang ang ibig na pumasa. Maya-maya pa, dumating na si Sir Laus at itinuro kung ano ang mga maaring lumabas sa exam. Sa estilo ng pagtuturo ni Sir, pakiwaring nagmamadali ito't ramdam ko ang kanyang pagod pagkat mahingal magsalita.

9s-a.  Nang maituro lahat ni Sir ang sangkatutak na aralin, nagpakain ito sa amin at tila takot maubusan pagkat dinumog at nagkakagulo. Sa dami ng pagkaing nakahain sa mesa, nagkahalo-halo ang nailagak sa Sikmura. Pagpatak ng Alas-tres, nilisan na namin ang Auditorium. Habang may nalalabi pang panahon, sige lamang sa pagrerepaso, kahit puputok na ang bungo sa sobrang dami ng sinasaulo. Wala na rin akong ibang maranasan kundi kaba't natatakot ako sa kung anong lalabas sa pagsusulit. Pagpatak ng Alas-singko nang ganap ng nagsimula ang pagsusulit sa Psychological Testing at kahit naging puspusan ang pag-aaral, nahirapan pa rin ako pagkat puro fill in the table, na-mental block pa kaya lalo pang nangamote't nakakapiga. Ibang klase gumawa ng pagsusulit si Sir Laus, walang patawad.

9s-b.  Nang wala ng maisagot, kahit hindi pa kumpleto'y ipinasa ko na't Goodluck!  Habang pauwi'y nadiskubreng nawawala pala ang wallet, kinabahan ako pagkat walang pamasahe, nang sa hindi inaasaha'y biglang nakasabay si Ma'am Trisha. Laking pasalamat sa kanya pagkat siya pa mismo ang sumagot ng pamasahe. Lamunin ako ng hiya habang kasama si Ma'am at marami akong ibig itanong sa kanya, pero hindi magawa dahil mistulang may stapler sa bibig ko. Nahihiya man, nilakasan ko ang loob na kausapin ito. Kung kailan malapit ng bumaba si Ma'am Trisha, saka napapasarap ang usapan namin at ang bait niya. Pagdating sa bahay at sa halip na mag-aral pa, pagod na ko't mas piniling matulog. 

February 11, 2017
Saturday
Year V-042

9s-c.  Anong ganda ng umaga sa aking paggising at sa aliwalas ng panahon ay tila nakangiti sa'yo ang araw kung pagmamasdan. Maginhawa man ang pakiramdam ko ngayon, hindi muna ibig magpakasaya dahil may nalalabi pang pagsusulit. Sa totoo lamang ay tinatamad na't ibig ng magpahinga subalit kailangan ko pa ring pumasok. Dakong Alas-dyis nang makarating ako ng paaralan, habang hindi pa nagsisimula ang pagsusulit, kahit batid na sasakit muli ang bungo'y nagrepaso pa rin ako. Pagpatak ng Alas-onse, nagsimula na ang exam. Industrial Psychology ang una kong pagsusulit at kahit hindi nakapagrepaso sa subject na 'yon, hindi gasinong nahirapan o nangamote, paano'y karamihan ng lumabas ay nung prelim pa't stock knowledge na lamang. Kaagad din akong natapos. Maya-maya'y umalis na ang mga kamag-aral ako sa Dash 3 at pumasok na ang mga taga-Dash 2. Asignaturang Literature ang sumunod na pagsusulit subalit wala pang proctor.

9s-d.  Mukhang mauudlot ngayon ang pagsusulit dahil tatlumpung minuto na ang nakakaraan mula sa oras na itinakda, hindi dumarating ang proctor at sa aming section na lamang ang bukod tangi kaya napagpasyahan ng magtungo sa coordinator room at makipag-ugnayan. Sa huli, si Ma'am Zabala na ang naging proctor namin at saka lamang nagsimula ang pagsusulit. May naaral naman ako pero anong hirap pagkat karamihan ay puro Vocabolary words ang lumabas at masusubukan ang galing mo sa English. Nang wala ng maisagot, minani-mani ko na lamang hanggang sa matapos. Naghihingalo na ang liwanag nang makarating sa bahay at sa pagod, dagliang nagpahinga. Kinagabihan, kahanga-hanga ang natunghayang palabas sa Magpakailanman pagkat tungkol muli sa kapiderasyon ko ang tampok na si Donita Nose.

9s-e.  Nakakainggit lamang dahil sa kabila na ito'y adan pero pusong eba, may lalaki pa ring nagmahal ng tunay sa kanya't dalawa pa, nakakakilig tuloy. Bukod pa dun ay nakaya nitong lampasan ang mga mabibigat na pagsubok na dumaan sa kanyang buhay at ngayon ay succesful comedian na't nagkapangalan maging sa Telebisyon. Kahanga-hanga't nakakapagbigay pa ng inspirasyon sa mga binabaeng gaya ko na kahit labas sa tunay na kasarian ay may pag-asang may magmamahal at tatanggap sa amin balang araw. Kahit never pang lumagay sa relasyon o magka-boyfriend, hindi pa naman nawawalan ng pag-asang may lalaking tatanggap at magmamahal sa akin sa kabila na ganito ako. Dahil sa kwento ni Donita Nose, nagkaroon ako ng pag-asa.              


February 12, 2017
Sunday
Year V-043

9s-f.  Maliwaliwanag na sa labas nang magmulat ang mga Mata. Linggo nanaman pala't dahil wala naman ibang pagkakaabalahan, matapos mag-almusal ay naisipang maglinis sa loob ng bahay. Mukhang sinaniban ako ng kasipagan ngayon kaya kahit magtagal ay kakayanin at hindi mapapagod. Paglalaba naman ang sunod kong inasikaso't maging pamamalantsa ng mga Uniporme. Madami-dami rin ang aking paplantsahin kaya abutin ng isang oras bago matapos. Maya-maya pa, oras na para mananghalian at sa labis na gutom, napalamon muli ng sandamakmak. Kinahapunan, nairita ako sa mga bata pagkat nuknukan sa ingay at dahil punong-puno na gawa na kanina pa naririndi sa ingay nila't napagsabihan na rin pero walang mga Teynga, nagawa ko ng magmura habang sinasaway sila. Batid kong mali ang aking ginawa't masama subalit talagang di na makapagtimpi't kahit naman sino'y magiging ganoon ang reaksyon. Palibhasa'y kulang sa pagbabantay ng mga magulang kaya lumalaking pasaway at walang modo. Nang humupa gumaan-gaan ang nararamdaman, tumungo ako ng computer shop para gumawa ng Report sa Economics. Naghihingalo na ang liwanag nang makatungtong sa bahay. May pasok nanaman kinabukasan kaya maagang natulog.  


February 13, 2017
Monday
Year V-044

9s-g.  Bisperas ng mga puso't kay tulin nga naman ng panahon pagkat Final periodna pala't nalalapit nanaman matapos ang semestreng ito. Dakong Alas-siete nang makatungtong sa paaralan at saktong wala pa si Ma'am Burabo. Gawa na nababato't walang magawa'y nakipagkwentuhan muna kay Nikki. Kumulo ang dugo ko nang ikwento niya sa akin ang tungkol sa pamamahiya di umano sa kanya ng gwardiya't akala naman kung sinong magsalita. Kung ako lamang sa katayuan ni Nikki, hindi na magdadalawang isip na ireklamo ito sa Guidance kaya panay udyok ako sa kanya na magsalita na, kaso napanghihinaan ng loob. Hindi nangyari sa 'kin ang dinanas ni Nikki pero nayayamot ako't di pupwede sa 'kin ang ganyan! Natigil ang usapan namin nang pumasok si Ma'am Burabo at sa halip na magturo, inasikaso lamang nito ang aming grade. Sa oras ng General Botany, sa halip na mag-lecture ay may inanunsyo lamang sa 'min si Ma'am Eloisa at animoy councilor ang kaharap kung magpayo sa 'min at napakaraming sinasabi.

9s-h.  Laking gulat nang sabihing magkakaroon ng practical exam mamaya kaya habang kumukuda ng walang humpay si Ma'am ay nagrepaso kami. Maaga kaming pinalabas ni Ma'am Eloisa at habang breaktime period, walang ibang inatupag kundi magrepaso't pakiwaring puputok na ang bungo pagkat napakarami ng kailangang aralin, hindi naman tumatatak sa isipan. Sa sobrang abala namin ni Phane sa pag-aaral, dakong Alas-onse na naming napagpasyahang pumasok ng laboratory class. Saktong hindi pa nagsisimula ang practical exam at naglalatag pa lamang ng set-up si Ma'am. Sa kagustuhang may maisagot at makapasa, wala kaming ibang ginawa kundi magrepaso kahit nasakit na ang ulo. Ilang sandali pa nang magsimula ang practical exam at tawagin kami. Nakapag-aral ako pero karamihan sa inaral, hindi lumabas kaya nga-nga't abot-abot ang pangangamote.

9s-i.  Habang nakasalang sa practical exam, bigla akong kinausap at sinermunan ni Ma'am Eloisa. Dumadalas na pagliban ko sa kanyang klase ang dahilan ng panenermon niya sa 'kin kaya panay ang paghingi ng paumanhin sa kanya subalit nang galak sa kalooban nang ipabatid nitong naipasa ko ang Midterm exam.  Pagkatapos ng practical exam, nagtsek naman kami ng long test. Lalo pang sumidhi ang nadaramang saya at pasalamat sa Diyos dahil pinalad muling makapasa. Bukod pa dun ay exempted pa sa magaganap na report. Mukhang nagkakabunga ang mga pinaghirapan ko at dahil iyon dininig ng maykapal ang mga dalangin ko. Economics ang sumunod na subject at saktong wala pa si Sir Nebres pagkapasok ng silid. Biglang kumurot ang kilig sa dibdib nang tawagin ni Jed at tila may sasabihin ito sa 'kin.

9s-j.  Batid kong makikipaglokohan lamang muli ito sa 'kin at unti-unting nahuhulog ang loob sa tuwing ginagawa niya iyon kaya mas piniling huwag na itong kausapin at umiwas ako. Ayaw ko kasi na dumating sa punto na balang araw ay aasang magiging kami at gusto ko'y hanggang crush lamang ang tingin sa kanya, na tipong nagbibigay inspirasyon at pampasaya ng araw. Nagawa ko man umiwas, di pa rin matiis ang sariling titig-titigan si Jed at tila naaakit sa kanya. Ilang sandali pa nang pumasok si Sir Nebres at hindi makapaniwala sa sinabi niya pagkat highest ako sa naging pagsusulit. Nang maibigay niya lahat ng resulta ng mga pagsusulit, nagturo ito. Naging maaga ang uwian namin pagkat walang klase sa Literature. Pagkauwi't gawa ng gutom, diretso hapunan ako't tila isang buwang hindi nakakakain kung makalamon. Matapos itutok ang Mata sa Telebisyon, kaagad na kong natulog.                   


February 14, 2017
Tuesday
(Valentine's Day)
Year V-045

9s-k.  Araw ng mga puso, araw din upang higit na ilaan ang pag-ibig sa kanya-kanyang minamahal, kasintahan mo man o kapamilya o kamag-anak o kaibigan. Ilang Valentine's na ang nagdaan subalit heto pa rin at nanatiling single. Kailan kaya darating ang panahon na idaraos ang araw ng mga puso ng mainit at punong-puno ng tamis kasama ang taong iniibig, malapit na kaya o matatagalan pa. Marahil ay nakilala ko na ang taong nakatakda para sa 'kin, di lamang masabi kung si Special someone ba o marahil ay makikilala pa ito sa takdang panahon. Lalo pang umigting ang nararanasang lamig ng panahon kaya umaga na subalit ibig pang humilata't ibalot ang buong katawan sa makapal na kumot. Tinatamad man pagkat nilalamig, nagawa pa ring pumasok. Mga kamag-aral ko pa lamang ang naroroon pagkatungtong ng paaralan at maya-maya pa, pumasok na si Sir Laus. Sa halip na magturo, nagkwento lamang ito sa amin tungkol sa kanyang karanasan at grabe, katitindi  pala ng aming mga officers, wala ng galang at mapagmataas.

9s-l.  Nanggagalaiti si Sir habang nagkukwento't kita sa mukha ang pagkamuhi. Kung ganyan lamang ang nanunungkulan sa amin, tiwali at mapagmataas pa, kailangan ng palitan. Hindi rin nagtagal at umalis si Sir Laus matapos magkwento. Kasama sina Mara ay sinamantala namin ang oras para kumain. Sa hindi inaasahan at habang hinihintay sila ay biglang nakatagpo si Sir Jigo at hindi akalaing siya pa ang unang babati sa akin ng Happy Valentine's at ang tamis ng pagkakasabi kaya parang liliparin sa tuwa't parang singbilis ng kabayo ang tibok ng puso. Dahil kay Sir Jigo, naging masaya ang  aking Valentine's at hindi maintindihan sa sarili kung bakit nakakaramdam ng ganito, samantalang batid ng isip at puso na si Jed na ang laman. Marahil ay may katiting pang pagtatangi kay Sir Jigo subalit ang sa 'kin lang ay matagal ko ng tanggap na imposibleng maging kami't mananatiling pangarap na lamang iyon.

9s-m.  Matapos ay tumungo kami nina Mara sa Quadrangle para manuod ng isinasagawang singing audition. Ibig sanang sumali't iparinig ang ginintuang tinig, kaso'y pinangunahan muli ang hiya. Natatakot ako na baka kapag kumanta, masuya lamang ang manunuod at pagtawanan. Hindi ko alam kung bakit ganon ang tingin sa sarili, pakiwaring walang tiwala. Makaraan ang ilang kaganapan, bumalik na kami ng silid at saktong naroroon si Sir Ronan at may inaanunsyo. Tungkol sa board exam ang laman ng meeting at nakakapa-pressure, kailangan expert ka bago sumalang para pumasa't taon ang bibilangin para maghanda.

9s-n.  Sa oras ng Industrial Psychology, ikinadismaya ko ang nakuhang resulta sa pagsusulit pagkat lubhang napakababa, mukhang kakailanganing bumawi. Matapos ang Checking, saka lamang nagsimula ang pangkatang pag-uulat at nagturo si Sir Juangco. Wala pang balak umuwi kaya nakipagkita kina Nadia at kwentuhan. Sumaya ang samahan nang dumating si Nikki at maya-maya pa, nagpaalam na ko sa kanila. Kinagabihan naman at gawa na nababagot, nilibang muli ang sarili sa panonood ng telebisyon. Grabe pala ang tumamang lindol sa may Surigao at sa lakas nito, marami ang lubhang napinsala. Kakatakot isipin na kung paano'y sa 'tin mangyari at kailangan na ng ibayong paghahanda pagkat anumang oras ay maaring dumating ang sinasabing The Big one. Sana'y walang mapahamak o masawi oras na iyon ay maganap kahit hindi maiiwasan ang malawakang pinsala.         


February 15, 2017
Wednesday

Year V-046

9s-o.  Malamig na panahon muli ang yumakap sa 'king paggising at gawa na nakakatamad bumangon ng maaga, dakong Alas-sais na naisipang bumangon. Dahil nahuli ng dating, napagpasyahang sa Second subject na lamang pumasok. Sa oras ng General Botany, simula na ng class reporting. Tungkol sa Photosynthesis ang laman ng report at naging maayos naman sa una't tuloy-tuloy ang pagpapaliwanag subalit nang magtanong si Ma'am Eloisa, kita ko sa mukha ng mga mag-uulat na bumabangon na ang kaba. Lupit din magtanong ni Ma'am, walang patawad at dinaig pa ang mga panel pagkat lubhang napakarami't sunod-sunod. Hindi na halos makapagsalita ang mga reporterpagkat daming kuda ni Ma'am Eloisa at di lamang manahimik muna't patapusin ang reporter. Kapag si Ma'am nga naman ang kaharap kapag mag-uulat, kailangan ay gamay na gamay ang topic na nakatoka sayo't bawal ang paligoy-ligoy, kailangan tumbok na tumbok. Ramdam ko ang pressure kahit di ako ang reporter at tipong mapapawiwi marahil sa kaba kung nasa katayuan lamang nila.

9s-p.  Nagpatuloy ang class reporting ng Photosynthesis hanggang laboratory time. Grabe si Ma'am Eloisa magtanong, talagang manggigisa hangga't hindi mo naibibigay ng malinaw ang paliwanag subalit kahit paano, may natutuhan naman sa kanya. Gayunpaman ay hindi ko gusto ang istilo ng kanyang pagpapaulat pagkat nakakaantala ang pagtatanong at hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga reporter na magpaliwanag ng maayos. Maigi pa kung si Ma'am Zandra, kahit hindi klaro ang pag-uulat mo, hinahayaan ka lamang niya magsalita, bukod pa dun ay nauunawaan ka niya.Miss ko na si Ma'am Zandra at sana siya na lamang ang naging professor. Matapos ang napakahabang oras ng pag-uulat at sangkaterbang kuda ni Ma'am Eloisa, nabigla ang loob nang magkaroon ng maikling pagsusulit.

9s-q.  Nakinig ako subalit gawa na wala halos maunawaan sa pag-uulat, nga-nga't kung ano-ano na lamang ang isinasagot. Minor Subject lamang ang General Botany pero pakiwaring pang-major dahil ang bibigat ng gawain at mahahasa talaga ang utak, kapag si Ma'am Eloisa ang professor. Pagkatapos at kasama si Phane ay kumain kami. Makaraan ang dalawang oras, pumasok na ng silid. Sa oras ng Economics, nagturo lamang si Sir Nebres. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sumasanib ang antok sa mga mata sa tuwing magtuturo ito't parang nakainom ang pamamaraan ng pananalita. Mabuti na lamang, kaharap ko si Jed at alindog niya ang nag-aalis ng antok ko't pasulyap-sulyap sa kanya. Laking tuwa namin pagkat wala muling klase sa Literature at nang makasulat sa attendance, kaagad nang umuwi. Kinagabihan at matapos magliwaliw sa panonood ng Telebisyon, kaagad ng natulog.                     


February 16, 2017
Thursday

Year V-047

9s-r.  Alas-kwatro ng madaling araw nagising at gawa na maaga pa't namumugto ang Mata sa antok, naisipan munang umidlip. Napasarap ang idlip kaya Alas-sais na pala nang muling magising. Nanatiling malamig ang panahon kaya pahirapan sa akin ang bumangon at animoy nasa loob ka ng refrigerator. Katamad din ang maligo pagkat maginaw pero pinilit lamang. Pagkatungo ng paaralan, iilang kamag-aral pa lamang ang nadadatnan at hindi aabot ng lima subalit naroroon na si Sir Jigo na pa-text-text. Dahil hindi kumpleto kaming magkakagrupo, sa halip na asikasuhin namin ni Kim ang Thesis ay pakikipagdaldalan ang inatupag. Saya din nitong kausap at pakiramdam ko, nauunawan niya ko't willing itong makinig sa 'kin. Ang swerte ko dahil siya ang naging kagrupo na bukod sa masipag at responsable, bukas ang loob.

9s-s.  Maraming minuto na ang lumipas subalit manaka-naka ang dumarating at maya-maya pa'y dismissal time na. Masyado pang maaga at gawa na namimipi na ang bituka sa gutom dahil hindi nakapag-agahan, sumama ako kina Nikki at Hanna para kumain. Pagkapasok, wala pa si Sir Esguerra subalit dumating din kaagad. Laking tuwa namin pagkat hindi tuloy ang aming mahabang pagsusulit at nang maibigay lahat ng resulta ng pagsusulit nitong Midterm exam, kaagad na niya kaming pinalabas. May Seminar pa palang dadaluhan mamaya kaya hindi muna umuwi't nakisama kina Nikki. Pagpatak ng Alas-onse, tumungo kami ng Quadrangle para manuod ng Singing Contest.  

9s-t.  Nakakaaliw ang ipinamalas na tinig ng mga mang-aawit at bawat sa kanila'y may kanya-kanyang taktika sa pag-awit, animoy kumikinam sa pandinig ang tinig ng bawat isa kanila. Isa sa mga Judges sina Sir Jigo at Sir Barrion at hango sa The Voice of the Philippines ang set-up ng program pagkat blind audition at haharap lamang ang mga nakatalikod na Judge oras na naibigan nito ang boses ng mang-aawit. Kapag higit sa isa o lahat ang umikot, mamimili kung sino sa kanila ang gustong maging team judge. Dahil dun kaya parang ibig kong sumali't si Sir Jigo ang pipiliin oras na umikot ito kaso huli na. Hiyawan kami nang si Jaimarri na ang kumanta't nakakainggit lang dahil kabilang ang crushniya sa umikot, dream come true tuloy ang lola mo. 

9s-u.  Nang si Mae na ang umawit, lalo namin inigtingan ang pagsigaw bilang suporta sa kanya kaso hindi pinalad na masungkit ang mailap na pag-ikot ng mga Judge, para din akong nalungkot sa nangyari sa kanya. Saktong Ala-una nang matapos ang Singing Contest at tumungo na kami ng Auditorium para saSeminar. Si Sir Laus ang nanguna sa Seminar at tungkol sa Clinical Interview at Psychological report ang tinalakay niya sa amin. Tumagal hanggang Alas-kwatro ang seminar at matapos, kasama sina Eloisa ay umuwi na kami. Maligaya muli ang araw ko't swak na swak dahil mabukang kakwentuhan si Eloisa at di ka mababagot at mapapanis ang laway. Pagkauwi't sa sipag kong ito, naisipang maglaba. Kinagabihan at gawa na adik manuod ng teledrama tuwing gabi, iyon ang inatupag ko. Matapos at sa pagod ay kaagad ng natulog.

February 17, 2017
Friday
Year V-048

9s-v.  Dahil wala kaming klase sa Psychological Testing, dakong Alas-siete na nagising. Kagabi pa masama ang lagay ng Sikmura ni ina't nanghihina na ito sa kakadumi at tamang-tama dahil walang klase ngayon, ako muna ang umako sa responsibilidad at hinayaan itong magpahinga. Matapos mag-agahan, diretso ako sa paglilinis ng bahay at para malibang sa ginagawa'y naisipang magpatugtog. Nakaramdam ako nang pagkayamot nang ipinapapatay nina Mama at Papa pagkat minsan na nga lang magpatugtog, nagagalit pa pero kung sila'y hinahayaan ko lang. Ang kaninang umagang napakadalisay mula sa pagbangon, napalitan ng ngitngit at hindi mapigil ang sariling sagutin sila ng pabalang. Batid kong sila ang nagpapaaral at nagpapakain sa 'kin pero sa yamot, lahat ng naitulong nila sa 'kin ay kusang nakalimutan. Ang ayaw ko lang sa mga tao'y pagsasabihan ka sa ginagawa mo pero ginagawa rin naman nila.

9s-w.  Bago ka magsaway, alamin mo muna kung kagaya ka rin nila pagkat di ka pakikinggan. Humupa naman ang sagutan namin nina ina subalit nanatiling nagniningas ang dibdib at ikinasugat ang kanilang sinabi. Matapos maglinis sa bahay, paglalaba ang inatupag ko't lahat ng hinanakit, sa pagkukusot ibinuhos at bakit ganito ang mga tao sa 'kin, pinapamukhang wala akong karapatan! Ilang sandali pa'y nagbihis na ko para sa pagpasok. Dakong Alas-onse nang makatungtong ang balingkinitang talampakan sa paaralan at saktong iilang kamag-aral pa lamang ang nadadatnan. Maraming minuto na ang nagdaan, tila hindi kami nadadagdagan at ang unti namin. Ilang sandali pa nang pumasok si Sir Juangco at nagsimula na ang pag-uulat.

9s-x.  Pagkatapos ay nagturo ito't isa-isa niya kaming tinawag para sabihin kung alin sa mga naging leader, bukod sa president ang the best para sa 'min. Kinabahan ang loob pagkat walang maisip kung sino ang the best para sa 'kin pero thank God dahil nakapag-recite ako. Hindi pa ibig ang umuwi sa kadahilanang mainit pa ang sitwasyon sa bahay kaya pinuntahan pa si Nadia sa library at muling nagkwentuhan. Matapos namin kumain, tumungo kami ng Quadrangle para manood ng Singing Contest. Dahil Grand Final na, bawat isa sa mga Finalist, ibinuhos na ang lahat ng angking galing sa pagbirit at nakakabilibib sa pandinig kaya maya't maya ang hiyawan at palakpakan oras na matapos sa pagkanta. Sa ganda ng kanilang tinig, tila ibig irekord sabay pakikinggan. Hindi ko na tinapos pa ang panonood ng Singing Contest. Wala pa talagang balak umuwi kaya tumungo ng Computer shop. Papagabi na't kahit mainit pa ang loob sa mga kasamahan sa bahay, hindi iyon dahilan para hindi umuwi.        


February 18, 2017
Saturday

Year V-049

9s-y.  Tinanghali na ng gising kaya napagpasyahang huwag ng pumasok. Matapos mag-agahan, sinimulan ko na ang gawaing bahay. Maya-maya pa, namahala ako sa tindahan. Habang abala sa pagbabantay sa tindahan ay banas ako sa isang bata pagkat napakabalasubas, ilagay ba naman niya ang mga kalat nito sa tindahan namin. Sa yamot, nagawa itong pagtaasan ng boses. Hindi pa natapos at bumalik pa ito't inasar-asar ako. Batid kong bata lamang iyon pero nababanas na talaga kaya darating na sa puntong ibig ng patulan subalit maigi na lamang, nakapagpigil ako. Marahil ay hindi masyadong natutukan ng magulan kaya umaastang salbahe. Sige lamang ako sa pagtitinda habang may ibang pinagkakaabalahan sina Mama at maya-maya, naglaba ako. Kung magsasampay na, saka naman biglang kumulimlim, may pangambang hindi matuyo ang sinampay at maulanan pa. Ilang sandali pa, oras na para mananghalian. Pagpatak ng Alas-dose't sa pagod, nag-siyesta ako. Sarap matulog kapag ganitong malamig at maulan ang panahon. Sa katakawang matulog, inabot ng apat na oras bago ako magising. Walang magawa sa bahay kaya naisipang magtungo ng computer shop. Kinagabihan, panonood muli ng telebisyon ang naging pampalipas oras ko't maya-maya pa'y matutulog.     


February 19, 2017
Sunday
Year V-050

9s-z.  Sa sarap muli ng aking pagtulog, maliwaliwanag na sa labas nang magising at bumangon. Sa halip na mag-almusal ay diretso ako sa pamamalantsa. Sa dami, halos abutin din ng isang oras bago matapos sa pamamalantsa't saka lamang nag-agahan. Dahil gagawa pa kami ng Thesis ngayong araw sa bahay muli nina Lexlie, maya-maya pa'y nagbihis na ko't inihanda ang mga kakailanganin. Napapansin ko lamang na tila sa tuwing sasapit ang ganitong araw, magiging abala sa paggawa ng Thesis sa ibang bahay at pangatlong taon na ito nangyayari. Nung 2015, sa bahay nina Jed, nung 2016 sa bahay nina Ate Venus at ngayong taon naman ay sa bahay nina Lexlie. Napakaraming ala-ala ang sumasagi sa aking isipan ngayong araw na patungkol sa Thesis at sarap balikan ang mga sandaling magkakasama kami dahil masaya.

9t-a.  Kamusta na kaya si Ate Venus at mga dating kagrupo na sina MaryVladimir at Gin Rhead, nasa mabuti kaya silang kalagayan? Sana dumating pa ang pagkakataon na maging magkakapangkat muli kami. Dakong Alas-onse nang makarating kina Lexlie at sa halip na magsimula, nakipagdaldalan pa ang mga kapangkat ko. May nasimulan naman kami, kaso ay parating naantala pagkat panay tsikahan sina Lexlie at Kim at kung alam lamang na magiging ganito ang kahihinatnan, di na lamang sana nagpunta. Hindi ko naman masaway ang dalawa dahil natatakot akong baka iyon pa ang maging mitsa para masira ang aming pagsasamahan at isa pa, wala ako sa sariling bahay para gawin iyon kaya kahit naiirita na, mas piniling itikom ang bibig.

9t-b.  Wala na talagang patutunguhan ang nangyayari sa amin at puro na kwentuhan ang dalawa't hindi halos matapos-tapos, napagpasyahan na lang naming umalis. Masyado pang maaga't wala pang balak umuwi kaya naisipang magtungo sa bahay nina Annie sa Tandang Sora. Nanatili ako sa kanila hanggang gabi. Balak sanang mag-overnight sa kanila pagkat dala-dala na ang uniporme't pantalon dahil inakalang matutuloy ang Overnight kina Lexlie, kaso nakaligtaan pala ang brief at sapatos, di rin itinuloy ang balakin at umuwi na lang. Bandang Alas-nuebe nang makarating sa bahay at dala ng matinding pagod, daglian nang natulog.       


February 20, 2017
Monday
Year V-051

9t-c.  Ang aga ng tulog ko kagabi subalit tinanghali na ng gising. Saktong wala pa si Ma'am Burabo pagkatungtong ng paaralan subalit ilang saglit din ang lumipas nang pumasok ito. Sa oras ng Filipino, nagkaroon kami ng Activity at iyon ay gagawa ng Commercial na mula sa Telebisyon. Si Limboc ang tumayo naming coach habang nag-eensayo't kahit maikli lamang ang production ay hindi pa rin madali't kailangan saulado ang sasabihin. Ilang sandali pa nang kami'y magtanghal at tawang-tawa kami sa aming ginagawa, makailang ulit ba naman pumapalya't ang saya ng klase. Kahit di gasinong kahusay, ang mahalaga'y may nasungkit na grado. Sa oras ng General Botany, class reporting pa rin tungkol sa Photosynthesis. Maya-maya pa at sa hindi inaasahan, biglang nagliyab si Ma'am Eloisa dahil sa kanina pa nito napapansing nakikipagdaldalan kami sa halip na makinig.

9t-d.  Napakarami ng kanyang mga sinasabi, kaya Dismissal Time na subalit di pa kami lumalabas. Kahit makudang nilalang si Ma'am, ramdam ko ang kanyang pagkukumahog, matulungan lamang kaming pumasa. Ibang-iba talaga si Ma'am Eloisa sa mga naging professor ko, dahil hindi lamang siya nagtuturo para maghanap-buhay kundi gusto niyang may matutuhan kaming mga estudyante sa kanya, doon pa lamang ay kuntento na ito. Hindi gaya ng ibang professor, magtuturo lamang, sa kagustuhang kumita't wala na sa kanila kung may natutuhan o wala ang estudyante. Yung ilan pa nga, hindi nagtuturo pero kumikita't basta-basta na lamang nagbibigay ng pagsusulit.

9t-e.  Ngayon ko lamang na-appreciate ang pagiging ulirang guro ni Ma'am Eloisa habang inilalahad ang saloobin at masasabing swerte ka kung siya ang maging professor dahil maraming matutuhan sa kanya, di lamang sa subject na hawak nito kundi paano maging better person at kung paano mamuhay ng maayos. Kung ibang guro lamang, marahil ay nag-walk-out na sa yamot pero hindi ginawa ni Ma'am. Ilang sandali pa'y lumabas na kami't nakokonsensiya sa mga sinabi ni Ma'am dahil labis namin itong nakunsumi. Nagpatuloy ang class reporting hanggang laboratory time at hindi gaya ng kanina ang mukha ni Ma'am nagngangalit at nagagawa na nitong nguminiti, ni nagagawa na nitong magbiro't bumalik sa dating saya ang klase.

9t-f.  Matapos ang pag-uulat, nagkaroon kami ng maikling pagsusulit. Dahil itinutok ang teynga sa mga mag-uulat, may naisagot naman ako at hindi nangamote. Sa oras ng Economics, sa halip na magturo si Sir Nebres, nagbigay ito ng Activity sa 'min. Mukhang tinatamad siya't kita sa mukha ang pagkabangag. Sa oras namang ng Literature, namayani ang kaba sa dibdib nang isa-isang banggitin ni Ma'am Zabala ang aming grado't napalitan ng tuwa pagkat pasado ako, kahit pasang-awa lamang. Pagkatapos ay nagsimula na ang Class reporting. Maya-maya pa'y uwian na rin at lamon agad ang inatupag pagkatungtong ng tahanan. Nanakit nanaman ang Ngipin ko kaya sa halip na magpuyat, kaagad ng natulog.            


February 21, 2017
Tuesday
Year V-052

9t-g.  Naibsan na rin ang pananakit ng Ngipin kagabi pa nanalaytay. Dakong Alas-singko na ko nagising at kahit tila pumipigil ang lamig ng panahon sa pagbangon, bumangon pa rin ako. Bago ako pumasok ay nanghingi muna ng pera kay Mama pambayad ng Special exam at kahit batid kong ikakapuyos ng damdamin ni Mama kapag nalaman ang tungkol doon, nilakas ko ang loob na magsabi. Hindi nga nagkamali sa magiging reaksyon ni Mama at nakatikim muli ng naglalagablab na pananalita mula sa kanya. Kasalanan ko ito kaya nararapat lamang mangyari sa 'kin. Sa huli, naisipan kong magpagawa ng letter sa kanya at pumayag ito. Napagalitan man ng husto, ang mahalaga'y hindi ako nagsinungaling at nawa'y magtuloy-tuloy na ito, nang sa gano'y hindi na madagdagan pa ang pagkakasala.

9t-h.  Dakong ikawalo na ng umaga ako nakarating ng paaralan at saktong naroroon na si Sir Laus. Nag-interpret lamang kami ng Sack Complete Sentence Test at habang abala sila, tumungo ako kung saan nagklaklase si Ma'am Burabo. Tahasan akong nakiusap sa kanya na kung pwede'y kumuha na ng special exam sa Filipino subalit hindi ako pinayagan pagkat abala ito. Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin. Panay ang halakhakan namin habang binabasa ng katuwang ang kanya-kanyang gawa. Nang sa 'kin na, animoy nilubayan ng bait ang mga kamag-aral sa kakatawa maging si Sir Laus habang binabasa ni Mara ang gawa. Matapos magturo ni Sir, kalakas ng kanyang trip sa 'kin pagkat panay link ito kay Serafin at naisipan pang kuhaan kami ng litrato magkasama.

9t-i.  Kahit labag sa kalooban ang pinapagawa ni Sir Laus, pinagbigyan na lamang sa kanyang trip at nakisakay. Iniisip ko na nga lang ang Crush ko habang kaganyanan si Serafin para iwas umay at kahit paano'y may hitsura ito, kaso ikaliyo ko ang pagiging amoy-sigarilyo niya. Yung mga kamag-aral naman, panay ang halakhakan habang pinagkakatuwaan kami ni Sir Laus. Matapos ang katuwaan, breaktime na't maumay ng labis sa pinagawa ni Sir, hindi ako makapaniwala! Nang makakain, kaagad kaming bumalik ng silid. Trenta minutos na ang nakakaraan, hindi pa dumarating si Sir Laus kaya lumabas muna't nakipagtsikahan kina Phane. Malapit na ang Dismissal time, wala pa rin si Sir Laus kaya napagpasyahan ng umalis.

9t-j.  Sa oras ng Industrial Psychology, class reporting pa rin. Nabuwisit lamang ng bahagya, paano'y hiniling ng mga kamag-aral kay Sir Juangco lalong-lalo na sina James (Malilin) at Potpot na banggitin kung sino ang mga tagilid ang grado, balak ko sanang tumutol pagkat batid na bagsak ngayong midterm, kaso baka mahalata nila. Napahiya tuloy ako't palibhasa'y mga pasado kasi kaya ang lakas ng loob! Pagkauwi, kaagad akong natulog. Kinagabihan, namayani ang habag sa dibdib nang mabalitaan ang tungkol sa sinapit ng Tourist bus ng mga taga-Bestlink College sa Tanay at labing-limang katao ang nasawi. Dahil sa nangyari, may pangambang baka sapitin namin ang sinapit nila pagkat may Field trip kami sa susunod na buwan na huwag naman sanang mangyari. Tila ayaw na tuloy akong pasamahin ni Mama sa aming lakbay-aral sa takot na mapahamak subalit di naman magaganap iyon kung may pag-iingat at kailangang manalig sa Diyos, nang sa gano'y mailayo tayo mula sa nakaambang panganib o kapahamakan.           


February 22, 2017
Wednesday
Year V-053

9t-k.  Bandang Alas-singko na ko nagising at dagliang bumangon. Saktong nakapasok na si Ma'am Burabo pagkatungtong ng paaralan. Balak na sana itong kausapin para humingi ng pahintulot na kumuha ng Special Exam, kaso ay abala ito at napangungunahan ng hiya. Kahit na ganoon, umaasang makakakuha pa rin at maipapasa ang asignaturang Filipino. Maya-maya'y nagturo si Ma'am at nagkaroon kami ng activity. Kinapos sa oras kaya naging takdang-aralin na lamang ang activity namin. Sa oras ng General Botany, nagturo lamang si Ma'am Eloisa, ilang sandali pa'y dismissal time na. Kasama sina Phane, sinamantala ang breaktime para kumain. Pagkatapos ay tumungo na kami ng Laboratory. Nagkaroon muli ng Class reporting na tungkol sa Cellular respiration at naging masiyasat muli si Ma'am sa pagtatanong kaya tumatagal at humahaba ang discussion. Sa halip na makinig, dala ng antok ay napapaidlip na lamang.

9t-l.  Nawala ang antok sa mga Mata nang magpakwela si Ma'am Eloisa at ang kaninang seryosong mga mukha habang nakikinig, kakikitaang naghahalakhakan. Napunta na tuloy sa katuwaan ang lesson subalit di rin naman nagtagal. Pagkatapos ng Class reporting, nagkaroon kami ng maikling pagsusulit. May naisagot naman ako, iyon nga lang ay hindi naibigan ang nakuhang resulta. Hinintay ko pa si Mara pagkat may gagawin kami. Mag-iisang oras nang naghihintay, wala pa ito. Iyon pala'y nalaman kong nasa library siya, daglian ko itong pinuntahan. Saktong himbing na himbing siya pagtulog nang aking datnan, naging pahirapan ang gisingin siya.

9t-m.  Kinalaunan ay nakapagsimula kami at iyon ay mag-take ng Draw a Person Test. Ibang-ibang ito sa kadalasang pagsusulit na kinukuha pagkat sa halip na may sinasagutan ka, may iguguhit ka at iyon ay tao. Si Mara ang pinauna ko sa pagdo-drawing at panis ako sa kanya dahil ang husay niyang gumuhit, detelyado kung pagmamasdan. Parang ayaw na tuloy mag-drawing pagkat hindi ako bihasa at kahit walang sinabi sa drawing niya, gumuhit pa rin ako para may maipasa. Matapos namin mag-drawing ng tao, tumungo na ko ng silid. Sa oras ng Economics, bahagya akong nakaramdam ng pagkabanas kay Sir Nebres pagkat sa dami namin, ako ang madalas niyang tawagin at mag-recite, marahil ay favorite student niya ko subalit di ako natutuwa.


9t-n.  Sa tikas ng kanyang pananalita na animoy nag-aamok ng away, di ako makapagsalita subalit may naisagot naman. Isa pa itong si Abella pagkat sabat nang sabat. Magkakaroon pala kami ng pagsusulit sa Literature kaya habang wala pa si Ma'am Zabala, nagrepaso kami. Ilang sandali pa nang pumasok ito at bago isagawa ang pagsusulit, nagkwento pa si Ma'am tungkol sa Like Water for the Chocolate. Napakaganda ng kwento at kakaiba pagkat bawal mag-asawa ang bunsong babae hangga't hindi namamatay ang nanay. Matapos ay nagsimula na ang pagsusulit at dahil nakikinig, may naisagot naman ako't namayani ang galak pagkat mataas ang nakuha. Sumasakit muli ang Ngipin ko't sa tindi, naisipan ng umuwi. Bago umuwi'y tumungo muna ng Clinic para humingi ng gamot. Pinapunta pa ko sa Dentista't sinabing namamaga na kaya sumasakit. Matapos ang aming pag-uusap at maabisuhan, kaagad ng umuwi. Dama pa rin ang pananakit ng Ngipin hanggang sa pag-uwi. 

February 23, 2017
Thursday

Year V-054

9t-o.  Sa labis na ganda ng napaginipan at sa labis na sarap ng tulog, malapit ng sumapit ang Alas-siete nang magising. Mahuhuli na sa pagpasok kaya napagpasyahang sa klase na lamang ng Humanities pumasok. Saktong wala pa si Sir Esguerra pagkarating at laking gulat nang mabatid na magkakaroon kami ng commercial play. Wala pa akong kagrupo kaya may pangambang hindi makapag-perform. Nakahanap naman kinalaunan at sina Kristel ang naging kapangkat. Mapapasabak muli ako sa acting at sinamantala ang nalalabing oras para mag-practice. Tumingkad pa lalo ang kabang nanalaytay sa dibdib nang dumating si Sir Esguerra subalit binigyan pa kami ng panahong makapaghanda. Ilang sandali pa, nagsimula na ang pagtatanghal ng Commercial  habang hindi pa nakasalang, walang ginawa kundi mag-isip at magsaulo ang sasabihin. Mistulang Comedy bar ang Classroom pagkat walang puknat ang tawanan habang nagtatanghal ang bawat pangkat at parang lumulobo ang Tiyan sa kakatawa.

9t-p.  Lalo pang umigting ang tawanan nang kami na't kahit maikling panahon lamang ang nailaan, maayos pa rin kaming nakapag-perform at pakiwaring mga Endorser ng Product sa patalastas. Sa halip na umuwi, tumungo pa ng Library para asikasuhin ang Testing materials sa Psychological Testing, sa dami'y naging aligaga ako ng husto. Nang matapos ay pinuntahan ko sina Nadia at kumain kami. Dami muling tawa habang kakwentuhan sila't maya-maya, nagpaalam na ko. Bago umuwi'y tumungo pa ng Carewell Dental Clinic para ipatingin ang Ngipin na matagal-tagal ng sumasakit pagkat nabubulok na. Sinabi ng dentista na kailangan ng ipabunot ang Ngipin para hindi na magpabalik-balik pa ang sakit. Ipapabunot ko na sana, kaso kulang ang dalang pera. Nang maabisuhan at maresatahan, kaagad na kong umuwi. Sa pagod ay diretso pahinga ako't dakong Alas-singko na nagising.           


February 24, 2017
Friday
Year V-055

9t-q.  Sa lamig ng panahon, hindi agad nagising at tinanghali na sa pagbangon. Dakong Alas-siete y medya na ko nakarating ng paaralan at saktong naroroon na si Sir Laus. Sa halip na kwela'y nadatnan kong banas na banas si Sir, inalam ko ang dahilan. Iyon pala'y napapansin niyang sarap buhay kami't walang pagkukusa, di tuloy ito makibo sa takot na mapagbuntunan ng init ng ulo. Humupa naman ang pagkayamot ni Sir kinalaunan at nagagawa na muling magbigay kwela sa klase habang nagtuturo. Dahil hindi na tuloy ang Field Trip sa susunod na buwan matapos ang nangyari sa Bestlink, sinabi niya ang mga requirements sa Psychological Testing. Grabe, kahit di pa ginagawa, nakaka-stress na kapag naiisip pagkat hindi basta-basta at lubhang napakarami, tapos sa March 10 na ang defense at lubhang maikli ang panahong ibinigay para tapusin ang mga Psychological and Case report. Maiiyak na lamang dahil bukod sa Psychological Testing, may iba pang asignatura na dapat pagtuunan ng pansin dahil sa hinihinging gawain.

9t-r.  Tila buwis-buhay ang sasagupain dahil nagkasabay-sabay ang gagawin pero kakayanin basta nananalig at may tiwala sa sariling malalampasan ang lahat ng iyon. Iyan ang napapala ng taong sarap-buhay at pabaya, natatambakan ng gawain sa huli't labis ang aking pagsisisi. Pinili ko ito kaya dapat lamang panindigan.  Maya-maya'y breaktime na't sa di malamang dahilan ay tila nanamlay ako, gawa marahil iniisip kung ano ang mga uunahin sa mga nakaatang na gawain o baka dala lamang ng gutom. Dahil sa pananamlay, nawalan na ng ganang kumain. Tungkol sa Draw a Person Test ang itinuro sa 'min ni Sir Laus at wala halos maunawaan pagkat matulin magsalita. Sa oras naman ng Industrial Psychology, nagkaroon kami ng panauhin at bago magsimula ang klase, nagsagawa muna sila ng Bible Study.

9t-s.  Gaya rin namin silang mga estudyante't halos kasing-gulang lamang pero kasing husay na ng mga Pastor kung magsalita't daming natutuhan sa kanila patungkol kay God. Matapos ang Bible study, saka lamang nagsimula ang Class reporting. Bago ang dismissal time ay nagbigay pa si Sir Juangco ng assignment sa amin. Dami na ngang gagawin na halos hindi na magkandaugaga lalong-lalo na sa Psychological Research and Testing,  sumabay pa ang Industrial Psychology. Tila wala ng ibibigat ito't sukdulang stress ang sasagupain sa panahong ito dahil magiging abala at wala munang relax-relax. Sa halip na umuwi, pinuntahan ko pa sina Nadia sa library. Ilang sandali pa, gala-gala muna kami't kahit paano'y napapawi ang Stress ko dulot ng kakaisip. Bandang Alas-singko nang mapagpasyahan kong umuwi. Kahit lubhang napakarami ng aking gagawin, dala ng pagod ay mas piniling matulog na lamang at naisipang bukas na lamang sisimulan lahat.       


February 25, 2017
Saturday

(People Power Revolution)

Year V-056

9t-t.  Mabuti na lamang, deklaradong holiday ngayong araw upang gunitain ang makasaysayang EDSA Revolution na tumapos sa pumumuno ng diktador, kung kaya may panahon para tapusin ang sangkatutak na gawain sa Eskwela. Pagkabangon at sa halip na mag-almusal, diretso na agad sa gawain. Paggawa ng Essay at Narrative muna sa Literature ang una kong inasikaso. Sa dami ng kailangan isulat, kahit lubhang abala'y malabong matapos ngayong araw. Magkikita pa kami ni Mara para asikasuhin ang project sa Psychological Testing kaya hindi ko muna tinapos ang gawain sa Literature at naghanda. Pagkadating ng SM North EDSA, napag-usapang lugar kung saan magtatagpo, wala pa ito, naghintay-hintay pa ko. Makaraan ang ilang saglit ng pag-aabang, dumating na ito.

9t-u.  Pagkarating sa kanilang bahay, nandilat nang husto ang mga Mata pagkatappartment at kahit napakalimitado lamang ng espasyo, parang sarap tirhan. Saktong naroroon din ang mga kamag-aral ko na sina Kathleen at Jen na kapangkat ni Mara sa Thesis at aligaga sila sa paggawa niyon. Naiingit lamang ako pagkat ang sisipag nila't nagawa pang mag-overnight, samantala ang kagrupo ko, puro pakikipagtsikahan lang at matatapos na sila. Hindi kami agad nakapagsimula ni Mara na gawin ang Psychological report pagkat kailangan pa nilang asikasuhin at tapusin ang Thesis. Ayaw ko naman masayang ang oras sa kakahintay kaya habang abala sila, sinimulan ko na. Ang kaninang may kanya-kanyang pinagkakaabalahan, makapasa lang, nauwi na sa tawanan at lokohan. Maya-maya, nakaramdam ng bahagyang inis kay Jen pagkat kada magsasalita ay pinapatahimik niya ko, tila nang-aasar.

9t-v.  Ayos sana kung tahimik ito, masasaway ako kaso dinaig pa ng palengkera ang bibig at sa inis, kahit nasa ibang bahay ay muntikan ng ipamalas ang bangis. Umamo naman ang nagwawalang kalooban nang kausapin ni Mara at nagkaayos naman kami ni Jen. Naging masaya muli ang sandali habang kasama sila't panay ang halakhakan kahit nasa ibang bahay. Pagpatak ng Alas-singko, nagpaalam na kami kina Mara. Sa halip na sumabay sa kanila sa pag-uwi, nagtungo pa ko ng SM para mamasyal. Pagkauwi ng bahay, kaagad kong inasikaso ang mga gagawin sa Psychological Testing at sa dami, mukhang magpupuyat ako. Pagsapit ng Alas-onse, balak pa sanang magpuyat para tapusin ang ginagawa, kaso bagsak na ang mga Mata sa antok at sinasabi ng isip na matulog ka na, natulog na ko. Kahit dibdiban ang gawain ay kayanin nawa ng katawan.         


February 26, 2017
Sunday
Year V-057

9t-w.  Kasing-sarap ng buhay mayaman ang pagtulog ko kaya tinanghali na ng gising. Sa Martes na pala gaganapin ang assestment ng Client para sa Psychological Testing subalit wala pang nakukuhang Client, nangangamba tuloy ako. Nang makapagkape, tumungo ako sa bahay nina Cathy para hikayatin itong maging Client ko, kaso tulog pa ang mga ito. Si Regine (Miano) sana, kaso may anak itong kailangang alagaan at bantayan, kina Kaka na lamang tumungo. Nabuhayan ako ng loob pagkat pumayag siya maging ang pamilya nito, kaso parang di ako kuntento kung si Kaka pagkat tingin ko'y mukhang mahihirapan ito sa ibibigay kong mga pagsusulit sa kanya. Binalikan ko si Cathy. Saktong gising na sina Ate Ging, kaso tulog pa si Cathy at kakikitaang himbing na himbing. Di rin ako nagtagal matapos humingi ng pahintulot kay Ate Ging.

9t-x.  Pagkauwi ng bahay, pamamalantsa ng uniporme ang inatupag ko't daming kailangang gawin ngayong araw, sana'y bigyan ng Diyos ng sapat na lakas para matapos lahat. Pagpatak ng tanghaling tapat at matapos mananghalian, tumungo ng Computer shop para gawin naman ang Portfolio sa Filipino. Inabot na ko ng halos apat na oras na tutok ang Mata sa Computer sa kakagawa subalit bigong matapos. Lumalaki na ang renta kaya napagpasyahang sa ibang pagkakataon na lamang tapusin ang sangkatutak na requirements, maging sa Literature, Psychological Research and Testing at Industrial Psychology. Kahit nara-rush na sa sobrang dami ng ginagawa't balik panaog na, sinusubukang magpakatatag.

9t-y.  Tumungo muli ako sa bahay ni Cathy at saktong gising na ito, saka lamang nagkaroon ng pagkakataong makipag-usap sa kanya at hikayatin. Pumayag naman itong maging Client ko kaso hindi siya pwede ng unang araw ng aming assestment kundi sa ibang araw. Kahit paano'y nabunutan ng tinik sa dibdib, kaso di ko batid kung papayag ba si Sir Laus at kailangan pang hingiin ang kanyang pahintulot. Matapos ang aming pag-uusap ni Cathy, kaagad na kong umuwi. Kinagabihan, paggawa ng Case and Psychological report ang inasikaso ko't hindi talaga biro, kailangan specific. Mugtong-mugto na ang mga Mata sa antok kaya naisipang ipagpabukas na lamang.            


February 27, 2017
Monday
Year V-058

9t-z.  Lunes nanaman pala't gawa na napasarap ang tulog, tinanghali muli ng gising. Kahit batid kong mai-stranded dahil sa isinasagawang tigil-pasada ng mga Jeepney Driver, sa kagustuhang may matutuhan ay pumasok pa rin ako. Pinalad naman agad ako na makahanap ng masasakyan at pagkatungtong ng unibersidad ay manlaki ang mata sa gulat dahil manaka-naka lamang ang dagsa ng mga Estudyante, marahil karamihan sa kanila'y naipit ng Strike at perwisyo talaga. Pinuntahan ko pa si Sir Laus para makiusap na ibang araw na lamang ang assestment ng aking Client. Daglian naman itong napakiusapan at maya-maya, tumungo na ng Laboratory. Habang wala pa si Ma'am Eloisa, sa halip na makipagpalitan ng kuro-kuro'y sinamantala ang oras para gawin ang Portfolio sa Filipino. Ilang sandali pa nang pumasok ito at nagsimula ang pag-uulat. Labis na ang pagkalam ng Sikmura kaya habang nakuda si Ma'am, bumaba muna ako para kumain. Bukod sa marami ang hindi pumasok, marami ring Canteen ang sarado kaya pahirapan sa 'kin makahanap ng makakainan.

9u-a.  Nakahanap naman kinalaunan at pagkabalik, saktong nagsasagot sila ng Activity. Medyo tinatamad ako't inaantok kaya sa halip na makisabay sa kanilang ginagawa, mas piniling umidlip. Napasarap ang idlip ko kaya saktong dismissal time nang magising. Wala sina Phane at gawa na walang makakasama para tumambay, naisipang maki-sit-in sa klase ni Ma'am Joyce. Habang wala pa si Ma'am at gawa na kumukurot ang kilig sa dibdib, hindi na napigilan ang sariling makipagbiruan kay Jed, paano'y panay ang sabat habang kausap si Christine Joy at lakas pa nito mang-trip, ang ingay tuloy namin habang asaran. Si Anne Rose naman, lapit nang lapit sa akin at tila nagpapansin kay Jed, paano'y hanggang ngayon ayinlove pa rin sa kanya at ayos lamang sa akin kung maging sila balang-araw at suportado ako sa nararamdaman ni Anne Rose. Crush lang naman ang tingin ko kay Jed at ayaw ko nang humigit pa dun. Parang bulang nawala ang kaingayan sa buong silid nang pumasok si Ma'am Joyce.

9u-b.  Tungkol sa Post-Traumatic Disorder ang kanyang itinuro, isang sakit na dinadanas ng isang tao dahil sa matinding trauma matapos ang hindi birong napagdaanan at kaawa-awa ang mga taong may ganun. Sa halip na daluhan pa ang klase sa Economics pagkat feeling ko'y napagkakatuwaan ni Sir Nebres, tumungo ng Guidance Office para tulungan si Sir Laus na mag-check ng mga Test Paper. Nakatulong ko sa pagtse-check sina Jona Vee at Abella at mangningning sa tuwa ang mukha nang malamang mataas ang nakuha sa exam, labis ang pasasalamat ko sa Maykapal. Pagpatak ng Alas-kwatro y medya, bumalik ako ng silid para kuhain ang bag.

9u-c.  Inakalang umalis na si Sir Nebres kaya walang ano-anong pumasok subalit nagkakamali, nasita tuloy ako't tawanan muli ang buong klase nang hiritan niya ko. Akala ko talaga, kakastiguhin niya ko pero nakuha pang makipagbiruan sa 'kin. Hindi ko mawari kung ang bait nito sa akin sa kabila na pasaway ako sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang pagtse-check ng mga Test paper at nakaka-stress dahil lubhang marami. Sa dami, hindi na natapos pa. Sa oras ng Literature, class reporting muli't ilang sandali'y uwian na rin. Kahit may Strike ngayong araw, hindi naman nagkaroon ng aberya sa pag-uwi't sa halip na dumeretso ng tahanan, kahit kumakagat na ang dilim ay tumungo sa bahay ni Cathy para kausapin ito. Di rin ako nagtagal sa kanila at nang masabi ang kailangang sabihin, umuwi din agad. Labis ang nararanasang gutom sa Sikmura kaya diretso ako sa paglantak. Matapos manuod ng Telebisyon, kaagad nang natulog.           


February 28, 2017
Tuesday
Year V-059

9u-d.  Huling araw na para sa buwang ito. Ngayong araw din ang assestment para sa kanya-kanyang mga Client, kaso hindi makakapunta sa kadahilanang may ibang pagkakaabalahan ang Client ko na si Cathy. Dakong Alas-nuebe nang makarating ako sa Unibersidad at sa halip na dumeretso ng silid, tumungo ako ng Library at inasikaso ang mga dapat ipasa. Hindi lamang makapagsimula sa kadahilanang nagloloko ang personal computer, naimbyerna lamang ako. Makailang ulit ng tinatawag ang librarian para solusyunan ang pagloloko ng Computer at nagawa na ngang lumipat, pero maging sa ibang computer ay nagkakaproblema rin. Medyo naiinis na ng lagay kaya ibig ng sipain ang Computer, wala rin nangyayari sa pagpunta ko't daming balak gugulin ngayong araw, pero hindi magawa.

9u-e.  Hindi ko malaman kung bakit nagkaganoon at dapat man lamang ay napagtutuunan nila ng pansin nang sa gano'y hindi nasasayang ang oras kapag gagamitin. Umalis na lamang ako't pagkatungo ng silid, nagsimula ng magpa-exam ang mga kamag-aral ko sa kanya-kanyang mga Client. Nakakainggit lamang pagkat ako lamang marahil ang bukod tanging walang Client at para may gawin, nagpresinta ako kay Sir Laus na mag-check ng mga Test paper. Maya-maya at habang aligaga sa pagsasagawa ng pagsusulit, may inanunsyo si Elora at halos ikapanlumo namin nang sabihin niyang hanggang ngayong araw na lamang ang pasahan ng Interpretation. Apat pa lamang ang nagagawa ko't kailangan ay sampu, karamihan sa amin ay hindi pa tapos at dahil batid nilang malakas ako kay Sir, nakiusap silang pakiusapan ko siya.

9u-f.  Ayaw ko man gawin pagkat walang husay makipag-usap pero hindi naman masama kung magbakasakali. Pagkatungo ng Guidance office ay halos luhuran na si Sir habang nakikiusap na kung pwede ay bigyan pa ng pagkakataong magpasa bukas subalit bigo itong mapakiusapan. Pinagsamang Stress at Pressure na ang nararanasan ko ngayong araw at para sa kagustuhang makapagpasa ngayong araw, napagpasyahan ng umuwi. Pagkauwi, kaagad kong inasikaso ang paggawa ng Interpretation sa bawat exam na ibinigay sa amin at hingalin ng husto pagkat nara-rush. Hapong-hapo na sa pagod kaya ibig man itong gugulin sa maghapon, naisipan munang magpahinga. Pagkagising, tumungo ako sa bahay nina Cathy subalit tulog daw ito nang aking datnan, umuwi muna ako.

9u-g.  Pagkabalik, saktong gising na ito't nakiusap na kung pwede'y bukas na siya kumuha ng pagsusulit subalit tumanggi ito at idinahilang may check-up daw ang kanyang lola. Naiinis lamang ako dahil sa ginagawa ni Cathy, pakiramdam ko'y nagdadahilan lamang ito't hindi ko masabi kung dapat bang paniwalaan ang kanyang sinasabi. Pwede namang sabihing maghanap na lamang ng ibang kliyente kung ayaw, hindi yung nagkukumahog na puntahan ito't kausapin! Sa huli'y napagkasunduang sa Huwebes ng umaga na lamang isagawa ang assestment sa kanya at muli akong nagtiwala kahit nakakapangduda na. Hindi ko batid kung ano ang masasabi sa kanya kapag tumanggi pa ito't bahala na. Kinagabihan, walang ginawa kundi atupagin ang sandamakmak na Interpretation at balak man magpuyat para tapusin, habang lumalalim ang gabi'y pasidhi nang pasidhi ang nadaramang antok sa mga Mata, hindi ko na tinapos pa. Batid kong may awa si Sir Laus kaya tatanggapin pa rin ang gawa sa kabila na late na at kulang pa.