September 01, 2016
Thursday
Year IV-245
Thursday
Year IV-245
8x-e. Sa dami ng ginagawa at inaalala sa buhay, hindi mo
namamalayan ang paglipas ng panahon at ngayon ay sumapit nanaman ang Ber
Months, hudyat ng pagsisimula ng Kapaskuhan at abot kamay muli ang
araw ng pinakahihintay nating Pinoy. Saktong maliwanag na sa labas
ng magmulat ang mga mata. Pagkadako sa paaralan at papasok na sana ng silid
subalit nakasalubong ang mga kamag-aral at ipinabatid na wala raw klase
sa Group Dynamics. Kasama sina Joy, Abby at Rodrigo ay
tumungo kami ng Library para mapagpausapan ang gagawing Conduction sa
laro. Dala ng kinikimkim na gutom pagkat hindi nakapag-agahan sa pagmamadali,
pahirapan sa akin ang mag-isip ng tanong at pakiwaring nabablangko. Buti pa
si Rodrigo, madaming alam maging sa kalokohan kaya kahit nasa library,
napapalakas na ang paghagalpal.
8x-f. Ang kaninang nakakaramdam ng pagkalam, naibsan
dahil sa kakatawa. Napasarap ang kwentuhan sa kanila kaya hindi namamalayan ang
oras at kailangan ng pumasok. Sa oras ng Genetics ay
tungkol sa DNA Analysis at Sex
Linkage ang itinuro sa amin ni Ma'am Zandra kaya ang
mga kaklase ko lalong lalo na ang malilibog, buhay na buhay at may nabubuo agad
sa isipan samantala ako, tahimik lamang. Kahit kakapirambot lamang ang DNA sample,
aabutin pa rin ng matagal bago makuha ang resulta pagkat hindi basta-basta ang
pagsusuri at kailangan isa-isa. Ngayon ko lamang nabatid na hindi biro
ang ganong test kaya pala may kamahalan.
8x-g. Sa oras naman ng Physics,
panibagong lesson muli na magbibigay sakit sa ulo sa kakaisip
ang kakaharapin at matapos magturo ni Ma'am Pebenito, nagkaroon muli
kami ng seatwork. Heto muli ako na mahina ang kukote at
umaasa sa sagot ng kamag-aral. Pagkalabas
at kahit Setyembre na dapat sana mararanasan na ang malamig na panahon,
kasalungat ngayong hapon na maalinsangan at aakalaing Summer
Season kaya ang resulta'y sumakit-sakit ang ulo pagdating ng bahay at
parang naduduwal. Maging sa gabi'y iniinda pa rin ang pananakit ng ulo kaya
hindi na ibinabad pa ng magdamag ang mata sa panonood at maagang natulog.
September 02, 2016
Friday
Year IV-246
8x-h. Wala muling klase kapag ganitong araw kaya
napasarap muli ang tulog at tinanghali na ng gising. Dahil nalalapit nanaman
ang aming pagsusulit para sa Midterm ay dibdibang pagrerepaso muli
ang sasagupain para makapasa. Matapos magkape'y agaran ng nagrepaso. Ang
mithiing makakuha ng magandang marka, gaya rin sa pag-ibig na kailangan sakto
lamang ang iyong inasaahan at hindi dapat sobra-sobra para hindi masakit kapag
nabigo. Kapag magsusunog-kilay ka, hindi mo dapat hangarin na kailangang ikaw
ang pinakamataas sa klase kundi makakuha lang ng mataas na marka o makapasa at
hayaang aliwin ang sarili kapag nag-aaral. Ayos lang sa akin kung hindihighest sa
aming klase, ang mahalaga'y makapasa. Sa sobrang
abala sa pag-aaral, hindi namalayan ang paglipas ng mga oras at tanghaling
tapat na. Kinahapunan, time out muna sa pag-aaral at panonood
ng pelikula ang siyang pampalipas oras.
8x-i. Ang kulit at kakaiba ang natunghayang palabas na
pinamagatang Furry Vengeance sapagkat sa unang eksena ay
naging malupit sa hayop si Dan at ipinagtatabuyan nito kapag
umaaligid. Nagalit ang mga hayop sa kanya kaya nagtulong-tulong sila para
gawing miserable ang buhay niya at nakakatawa dahil ang awkward nito
kapag napapahamak. Sa huli,
nagbago siya at hindi malupit ang mga hayop, bagkus ay ipinagtanggol pa niya sa
mga taong mapagmalupit. Dami kang aral na matutuhan at iyon ay kahit mga hayop
lamang sila, may mga damdamin at hindi dapat pinagmamalupitan sapagkat hindi mo
nanaisin ang buhay kapag maghigante sila. Pagpatak ng gabi at gustuhin ko man
subaybayan ang paboritong programang inaabangan gabi-gabi ay kailangan munang
magsakripisyo para bigyan ng panahon ang sarili na mag-aral. Malapit na ring
lumalim ang gabi ng mapagpasyahang matulog.
September 03, 2016
Saturday
Year IV-247
Saturday
Year IV-247
8x-j. Malapit ng pumatak ang Alas-siete ng umaga ng
magising at medyo nagmamadali pagkat pakiwaring mahuhuli na sa pagpasok.
Kaaga-aga pero matindi na ang nararanasang stress sapagkat bukod sa nangangamba
sa kung anong pwedeng mangyari kapag nahuli, nawawala pa ang salamin ko at di
malaman kung saan nailagay. Walang mangyayaring maganda kung hinahayaang ma-stress ang
sarili kaya stay happy and relax ako. Hindi nga
nagkamali sa iniisip at pagkatungtong sa paaralan ay saktong nagtuturo na
si Ma'am Ria. Nang sandaling iyon ay dinadaga na ng kaba ang nasa
dibdib habang kumikilos papasok subalit di naman naganap ang pangamba at
hinayaan niya lamang ako na magpatuloy. Matapos magturo ni Ma'am, nagkaroon
kami ng Meeting kasama siya.
8x-k. Sa tulin ng takbo ng panahon, masaya nanaman kaming
mga Psychology student sapagkat nalalapit muli ang
Psychology week at aabangan muli ang Pageant kaya
ngayon pa lamang, may kanya-kanya ng pinipiling pambato sa bawat seksyon. May klase pa ko sa Genetics kaya
hindi ko natapos pa ang aming meeting. Nangangalahati na ang oras
subalit hindi pa dumarating si Ma'am Zandra, karamihan sa amin ay
kating-kati ng umalis pero dumating ito kinalaunan at may pinasagot lamang sa
amin. Hindi naging madali ang activity namin kaya kinailangan
pang magpatulong sa kamag-aral. Mabuti na lang at alam ni Karl ang
gagawin kaya sa tulong niya ay nakakasagot na subalit hindi na natapos pa dahil
sa kakapusan ng oras. Sa oras ng Physics at dahil ini-excuse na
kami ni Ma'am Ria kay Ma'am Pebenito para manuod
ng Sport fest, wala ng klase. Hindi naman ako interesado diyan kaya
sa halip na makisama sa mga kamag-aral para manuod, umuwi na lamang ako.
8x-l. Kinahapunan at gawa na nababagot manatili sa bahay
at walang ginagawa, naisipan kong magtungo sa bahay nila Regine
(Miano) subalit sina Ate Bing lamang ang nadatnan. Kahit
ilang buwan ng hindi nakakadalaw sa kanila, tila malapit pa rin ang loob sa
isa't isa kung mag-usap. Napasarap ang kwentuhan naming dalawa kaya hindi
namamalayan ang pagdating ng gabi. Wala pang balak umuwi kaya kina Angelica naman
sunod na nagtungo. Sa tagal ba naman ng panahon ay ngayon lamang nakadalaw sa
kanila kaya marami-raming baon na kwento pero kasalungat sa inaakala pagkat
tahimik ito at di naimik habang kinakausap, marahil ay may pinagdadaanan.
8x-m. Lumalalim na ang gabi kaya hindi na ko nagtagal pa
sa kanila. Hindi pa makatulog at bilang libangan ay naisipang manuod ng Telebisyon. Nakakapanggigil sa dibdib ang natunghayang kwento
sa Magpakailanman sapagkat may kapansanan na nga sa pag-iisip ang
babae na si Rosie, pinagtulong-tulungan pa itong halayin ng apat na
kalalakihan. Napakasaklap ng naging karanasan para isang kagaya niyang
may Disabilities at sa ngitngit, parang ibig ko ng batuhin ang
telebisyon. Gumaan ang kalooban ko ng sa wakas ay mahuli din ang bumaboy sa
kanya at dapat sa mga lalaking nag-uumapaw ang init sa katawan, tinatagpas ang
pag-aari. Matapos ay agaran ng natulog.
September 04, 2016
Sunday
Year IV-248
Sunday
Year IV-248
8x-n. Nawasak ang masarap na pagtulog dahil sa malakas na
kalansing ng bubong, bumubuhos nanaman pala ang malakas na ulan subalit hindi
naman nagtagal at dumaan lamang. Umaga na pala at papasapit na rin ang
Alas-nuebe kaya agaran ng bumangon. Matapos mag-almusal, pamamalantsa ng
uniporme ang siyang inatupag. Sa dami ng dapat plantsahin at kailangan tanggal
lahat ng gusot, abutin ng isang oras bago iyon matapos. Maya-maya pa'y
sinimulan ng asikasuhin ang Thesis. Hindi na nga biro ang mag-isip
ng isusulat sa Thesis, dinagdagdagan pa ng Statistics kaya heto ako
at halos lumuwa na ang mata habang abala sa paggawa ng Thesis. Wala
na, tapos na sa buhay ko bilang estusdyante ang Statistics pero
bakit kailangan pang balikan at tila di ka nito tatantanan hangga't hindi ka
nakakapagtapos.
8x-o. Kahit na ganon kahirap, sana malampasan ito at
makapagtapos pa rin. Huwag sana ako pabayaan ng maykapal sa daanang tinatahak
ko ngayon at kung piliin man ang daang tatahakin, sana patungo ito sa magandang
kinabukasan. Pagpatak ng tanghaling tapat, biglang bumuhos ang napakalakas na
ulan at sinabayan pa ng pag-ihip ng hangin kaya animoy bumabagyo na ang
sitwasyon sa labas. Balak sanang makisabay sa mga kabataang aliw na aliw sa
paliligo sa ulan, kaso baka sakit ang kahinatnan at kakambal pa nito makabutas
bulsang gastos. Sa buong maghapon, walang ginawa kundi asikasuhin ang Thesis at
pag-aaralan ang Statistics na kakailanganin para sa research.
Sa sobrang hirap maghanap ng Statistical tool, inabot na ko
ng gabi. Nang matapos ko ang Thesis, Goodbye stress muna
at hello Relaxing feelings. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit
ganon kahirap at kaseryoso ang isang bagay na dumarating sa'yo, hindi pa rin
nawawalan ng kumpyinsa sa sarili at sana manatili iyon hanggang sa huling
hininga.
September 05, 2016
Monday
Year IV-249
8x-p. Tinanghali na ng gising at huling araw ng klase
para sa Midterm period. Wala ng gaanong gagawin sa Eskwela sapagkat
tapos na ang aming mga lecturekaya napagpasyahang huwag ng pumasok
at ilaan ang buong araw na ito sa pagrerepaso. Matapos lamnan ang sikmurang
magdamag na walang laman, sinimulan na ang pagrerepaso. Anong hirap talaga ang
mag-aral at sakit lamang ng ulo ang kahihinatnan subalit kakayanin sapagkat
determinadong makapasa. Dakong tanghali ng maisipang isantabi muna ang
pag-aaral para mananghalian. Pumatak na ang hapon at balak sanang ilaan ang
oras sa pagrerepaso kaso inaantok na't gusto na marahil ng sariling magpahinga
muna. Sa sarap ng Siyesta, pahupa na ang
liwanag ng magmulat ang mga mata't hapunan na rin. Kinagabihan at matapos
ibabad ang mata sa panonood ng telebisyon, ipinagpatuloy ko ang pagrerepaso.
Kahit ibig ng isipang mag-aral, hindi mapigilan ang sariling gumamit ng Social
Media at nakakatukso, tuloy sa halip na igugol ang sarili sa
pag-aaral, napunta sa pagpe-Facebook at Instagram. Laki
talaga ng impluwensya nila sa akin at naapektuhan na ang pag-aaral. Hating-gabi
na subalit heto pa rin ako na nanatiling dilat ang mata at tutok sa
pagrerepaso.
September 06, 2016
Tuesday
Year IV-250
8x-q. Sa sobrang abala ko sa pag-aaral ay hindi
namamalayan ang oras at Ala-una na pala. Masyado ng mahaba ang gabi para sa
akin kaya kinailangan ng matulog. Saktong maliwanag na sa labas ng magmulat ang
mga mata sa aking pagbangon na kahit lubusan ang pagpupuyat kagabi ay kakaibang
sigla pa rin ang nadarama, kinakabahan nga lang sapagkat ngayong araw ang
simula ng aming pagsusulit at dalangin ko lang na may maisagot. Mga dakong
Alas-dyis na ng mapagpasyahang umalis sa bahay at bago tumungo sa paaralan,
naisipan ko munang magpunta sa Simbahan para magdasal. Diyos na ang bahala sa
akin at batid kong hindi pababayaan kaya tiwalang makakapasa. Pagkadako sa paaralan at habang hindi pa
nagsisimula ang pagsusulit, sinamantala ang nalalabing oras para mag-aral.
Hindi nga lang makapag-aral ng maigi sapagkat ang ingay nina Jhanine
(Agsaoay) at panay ang tsikahang wala namang kwenta.
8x-r. Yaman at di ko na marinig ang aking binabasa sa
ingay nila, ginamit na ang bibig sa pag-aaral at aba naman, siya pa ang may
ganang sawayin ako samantalang siya itong maingay. Ayaw kong magalit sapagkat
kagagaling lamang ng Simbahan pero nakakaubos siya ng pasensiya. Mabuti na
lamang at hindi nagtuloy-tuloy ang pagkaimbyerna ko kaya di ipinatikim ang
maanghang na salita pero malapit na talaga. Ang pinakaaayawan at kinaiinisan ko sa mga tao ay yung pagsasabihan at
pagbabawalan ka sa bagay na ginagawa din naman nila. Ilang sandali pa'y tumungo
na kami sa silid. Genetics ang una namin naging pagsusulit.
Dahil nakapag-aral, kahit ganun kaseryoso ang isang asignatura ay sisiw lamang
iyon para sa akin at kumpiyansang makakatamo ng mataas na marka. Sa dali,
kaagad ko din itong natapos. Medyo gutom na ang sikmura kaya nakisabay muna kina Eloisa sa
pagkain. Napakaikli ng oras kaya hindi na nagpakahinay pa sa pagkain. Education
3 ang sunod naming pagsusulit at si Sir Ronan angproctor.
8x-s. Nakapagrepaso ako subalit anong hirap pa rin ng
pagsusulit at karamihan ng lumabas ay nung prelim pa. Sa hirap at sa halip na seryosohin ay minani-mani
na lamang. Experimental Psychology ang sumunod na pagsusulit
at nakakatuwa dahil si Ma'am Joyce ang proctor.
Kakaunti lamang ang aytem at iniisip na matatapos subalit nagkamali ako pagkat
may kahirapan at sa kakaisip ng isasagot ay doon ka magtatagal. Kahit na medyo
mahirap ay tiwalang makakakuha ng maayos na marka. Pagkatapos at sa wakas,
uwian na rin. Habang kasama sila Limboc ay magkandaumay sa
kanilang sinasabi pero masaya at nakakaaliw kasama. Sa gutom na kanina pa
tinataglay, diretso ako sa paglamon pagkatungtong sa tahanan. Pagkagat ng gabi
at dahil may nalalabi pang pagsusulit, heto muli ako at magpapakapuyat sa
pagsusunog kilay, makapasa lamang.
September 07, 2016
Wednesday
Year IV-251
8x-t. Sa sobrang abala ko sa pag-aaral, inabutan nanaman
ng madaling araw na dilat pa ang mata. Dakong Alas-otso na ng magmulat ang mga
mata at dahil may nalalabi pang pagsusulit, tahasan muli sa pagrerepaso matapos
mag-almusal. Pagpatak ng tanghaling tapat at dahil may isasagawa pa kaming experimental research para
sa thesis, ako'y naghanda-handa na. Sa hindi inaasahan ay minalas
lamang ng lagay sapagkat sa naipit sa napakabigat na trapiko, nasiraan pa ng
gulong ang sinasakyan. Kahit nakapagbayad na kung malayo na ang narating ay
walang magagawa kundi maghanap muli ng masasakyan, kaya ang resulta'y nahuli na
ng dating at nandoon na ang lahat ng kagrupo.
8x-u. Kumabog bigla ang kaba ng mabatid na mag-uulat pala
kami sa napiling klase na pagdadausan ng Experimental Research at
habang hindi pa sumasapit ang oras na iyon ay inihanda ko na ang sarili. Kahit
na mga Senior high school lamang sila hindi ko maiwasang kabahan at
mahiya. Nasira lamang ang pagrerepaso pagkat ang harot at nuknukan pa sa ingay
si Anne Rose at daming alam na kalokohan. Pagpatak ng
Alas-kwatro, dumako na kami sa silid at lalo pang sinilaban ng hiya ng
makaharap ang mga Senior High School at kinakabahan ako sa
kung anuman ang sasabihin nila oras na kami'y mag-ulat subalit kailangan
labanan kung anuman ang bumabagabag alang-alang sa aming thesis.
Sinigurado muna namin kumpleto sila bago simulan ang lecture at
ng ako na ang nakatoka, lakas loob na nagsalita sa harapan at inisip ang aking
inspirasyon. Kahit hindi biro ang aming ginagawa, masaya naman sapagkat
naranasan maging guro kahit isang saglit.
8x-v. Matapos mag-ulat, tumaba ng husto ang puso ko ng
sabihin nila na magaling daw ako magturo at iyon ang nagtaas ng tingin sa
sarili. Nagpalaro pa kami matapos ang Lecture at bago
magpaalam, Selfie muna kasama sila. Inabot na ko ng gabi sa
pag-uwi at tinamaan muli ng kamalasan sapagkat nakisabay pa ang ulan. Sinamahan
pa ng nagtatalimang kidlat at nakayayanig sa dibdib na kulog kaya
manginig-nginig sa takot habang naglalakad pauwi. Mistulang basang sisiw
pagkarating ng bahay. Bago matulog, nagpakapuyat nanaman ako sa pagrerepaso.
September 08, 2016
Thursday
Year IV-252
8x-w. Tinanghali muli ng gising gawa na nagpuyat kagabi
sa kakasunog kilay. Kahi mugto pa ang mga sa antok kung tirik na ang araw na
tila hinihintay akong bumangon. Gawaing bahay ang siyang pinag-ukulan ng oras
matapos mag-agahan at matapos ay pagrerepaso. Mukhang marami-rami na rin ang
naaaral at sana'y lahat ng iyon ay maiimbak sa utak ng sa ganon ay hindi
magawang mangamote. Pagpatak ng tanghali ng mapagpasyahang maghanda-handa para
sa pagpasok at kung kailan paalis ng bahay ay saka bumuhos ang ulan. Sa takot
na hindi makaalis pagkat babaha na, kahit may kalakasan ang ulan at batid na
mababasa'y buong tapang na sinagupa. Pasalamat na lamang at hindi nagtagal ang
ulan.
8x-x. Dakong Ala-una ako nakarating ng eskwela't
mahabahaba pa ang oras bago magsimula ang pagsusulit kaya walang ginawa kundi
ang magrepaso. Medyo nakakabato kung mag-isa ka lamang, lalo na't mamayang
Alas-singko pa ang aking pagsusulit at Alas-tres sa mga kamag-aral na Dash
2 kaya naisipan kong maki-sit-in. Habang hindi pa nagsisimula
ang pagsusulit at sa halip na gugulin ang oras sa pagrerepaso'y walang ginawa
ang mga kamag-aral ko lalong-lalo na sina Limboc kundi makipaglampungan
ng walang patid. Hindi tuloy makapag-aral ng maigi dahil sa kanila't nuknukan
sa ingay ang buong silid. Si Anne
Rose naman, akala napipikon pero gusto rin kapag nahihiritan ni Limboc at
parang may namumuo sa kanila kaya panay ang tilian.
8x-y. Saka lamang ako lumabas ng dumating ang
kanilang Proctor at habang hinihintay silang matapos sa
pagsusulit ay nagkaroon muli ng panahong makapag-aral. Makaraan ang higit sa
isang oras ay lumabas na ang mga kamag-aral ko at kakikitaang hindi maipinta ang
mga mukha. Iyon pala'y hindi lumabas sa pagsusulit ang kanilang inaral kaya
imbyernang-imbyerna't tila magkakaroon ng kilos protesta sa loob ng Campus.
Maging ako kung nasa kalagayan lamang nila'y magiging ganon din ang reaksyon at
nakaka-disappoint na ang bagay na pinaghirapan mo, mauuwi lamang sa
wala. Pagpatak ng Alas-singko ay nagsimula na ang pagsusulit para sa Group
Dynamics at saktong si Sir Juangco ang Proctor,
may naaral ako sa asignaturang iyon pero kung puro situational ang
lumabas, anong hirap pa rin at mapapakamot ka ng ulo sa kakaanalisa. Sa hirap
ay nagtagal tuloy ako't sana'y makapasa pa rin. Maya-maya pa at sa wakas, uwian
na rin. Kinagabihan at matapos manuod ng telebisyon, nagrepaso muli ako. Dakong
hating-gabi na ng mapagpasyahang matulog.
September 09, 2016
Friday
Year IV-253
8x-z. Nakakagalak lamang sa dibdib sapagkat ito na ang
huling araw ng aming pagsusulit at nawa'y sa pagtatapos nito'y maipasa ko
lahat. Hindi ko naman ito magagawa kung wala ang maykapal na walang sawang nakaantabay
at gumagabay sa lahat ng nangangailangan. Saktong nakaangat na ang araw sa
kalawakan ng magmulat ang mga mata. Huling araw na ng aming pagsusulit kaya
todo-todo na ang aking pagrerepaso sa kagustuhang makatamo ng nagnining na
grado. Pagpatak ng tanghaling tapat ng magtungo ako sa eskwelahan. May nalalabi
pang panahon kaya ipinagpatuloy ko ang pag-aaral. Ilang sandali pa'y nagsimula na ang aming pagsusulit. Asignaturang Physics ang
naging pagsusulit namin ngayong oras at sa dami pa ng pwedeng maging proctor,
bakit siya pa, ang kinasusuklamang si Sir Barrion.
8y-a. Bukod sa nai-stress ako'y pakiwaring
may kadenang sumasakal sa leeg pagkat napakahigpit niya, terror pa
man din at dinaig pa ang babaeng may dalaw. Dahil walang gaanong naaral, nanghula-hula
na lamang ako't sa kagustuhang makahinga mula sa nakakasakal na si Sir
Barrion. Hindi ko mabatid kung bakit kulong-kulo ang dugo kapag nasisilayan
siya. Guidance and Counselling ang sunod naming pagsusulit at
si Sir Juangco muli ang proctor. Kahit ganon
kaseryoso ang isang subject kung nakapag-aral ka naman ay
sisiw lamang at kumpiyansang makakakuha ng mataas na marka at makakatikim ng
papuri ni Sir Jigo. Sa dali ng pagsusulit, kaagad ko rin naman natapos
ang pagsusulit. May isa pa
kong subject na kukuhain sa pagsusulit subalit tinatamad na at
ibig ng umuwi.
8y-b. Tinatamad man, kailangan kong pigilan sapagkat
determinadong makapasa. Habang pasakay kami ni Ate Micah sa elevator ay
laking tuwa ng biglang kibuin ni Sir Jigo. Akala ko tapos na, pero
hindi ko mabatid sa sarili kung bakit bumabalik ang nararamdaman sa kanya at
habang tumatagal na kaharap siya'y mabilis pa sa guhit ng kidlat ang
pagkakahulog ng loob sa kanya. Marahil ay napadaan lamang ito at mawawala din
kaagad. Social Psychology ang sunod naming pagsusulit at gaya
lamang ng Prelim ang kinalabasan ng pagsusulit at basic pa
kaya kahit hindi nakapagrepaso kung ginagamit naman ang Common sense ay
madali lamang subalit may essay at mapapasabak nanaman
sa Writing Skills. Maya-maya pa at sa wakas natapos din ang lahat
ng pagsusulit at pwede na muling magbuhay alamang. Kinagabihan at matapos ang
ilang gabi na pagpupuyat sa pagrerepaso ay ngayon lamang makakatulog ng maaga
at mahimbing.
September 10, 2016
Saturday
Year IV-254
8y-c. Pumatak nanaman ang weekends at
nagkataong wala ng pagsusulit ngayong araw kaya napasarap ang aking tulog at
dakong Alas-otso na nagising. Magkakaroon pala kami ng research conduct ngayon
para sa Thesis at tinatamad man pumunta dahil ibig ko ng
magpahinga at namamaga pa ang sugat sa paa ay tumungo pa rin alang-alang sa
magandang grado at sa takot na rin na itakwil ng mga kagrupo. Mahuhuli na ko
sapagkat ganitong oras lamang naabisuhan kaya paspasan na ang pagkilos subalit
pagdating sa paaralan, nakakabwisit sapagkat mamayang Alas-tres pa raw
ang Research Conduct at maghihintay pa ng matagal. Dapat ay
hindi muna ako nagpunta kung ganong oras pa pala isasagawa ang Experimental
research at ang gulo nila kausap. Para iwas bagot sa kakahintay,
nagkumpyuter muna ako.
8y-d. Pagpatak ng Alas-tres ng pumasok na kami sa isa
napiling klase ng Senior high school at sa muling pagkakataon
ay mag-uulat kami. Kanina'y ang sigla-sigla ko pero ng mag-ulat ay tila nag-iba
ang timpla at nanamlay ako. Dahil sa may nararamdaman, hindi kasing husay gaya
ng nakaraan naming Research Conduct ang aking pag-uulat.
Nawalan na rin ng ganang makipag-usap at hindi mabatid kung bakit
nagkakaganito. Matapos ang pag-uulat, nagpalaro pa kami subalit hirap ng
makipagtulungan sapagkat masama ang pakiramdam. Sa sama ng pakiramdam, diretso
hilata ako sa kama pagdating ng bahay at parang lalagnatin. Kinagabihan at oras
na para maghapunan subalit walang ganang kumain at parang isusuka lamang kung
kakain. Ayaw kong makatikim ng maanghang na salita mula kila ina kaya tikom
muna ang bibig tungkol sa aking nararamdaman.
September 11, 2016
Sunday
Year IV-255
8y-e. Pagpatak ng madaling araw ay nagising ako na ginaw
na ginaw at ibig ibalot ang buong katawan sa napakakapal na kumot. Iyon pala'y inaapoy
na ng lagnat at lalo pang lumubha ang pagsama ng pakiramdam. Humupa naman ang
lagnat pagputok ng liwanag subalit nanatili pa ring matamlay. Kahit
nanghihina'y sinubukan kong bumangon para mag-almusal. Kakapirambot lamang ang
aking nalalamon subalit tila naduduwal at walang kagana-ganang kumain. Balak ko
sanang tulungan si Mama sa pagtitinda sapagkat marami itong inaasikaso subalit
mahinang-mahina ako. Diretso ako sa paghiga matapos mag-almusal,
nagbabakasakaling manumbalik ang lakas. Pagpatak ng tanghaling tapat at sa
alinsangan ng panahon, magkandaliyo-liyo ako. Saka lamang napagpasyahang
bumangon ng makaramdam ng gutom at kumain.
8y-f. Pakiwaring nakaramdam ako ng bahagyang sigla
matapos kumain subalit maya-maya'y bigla na lamang nagsuka. Hindi lang isang
beses kundi nasundan pa ang aking pagsusuka at dahil sa patuloy kong pagsusuka
ay lalo pang nanghina. Wala akong ginawa sa buong maghapon kundi iratay ang
sarili sa kama. Hindi ko ibig ang ganito sapagkat gastos muli ang kakaharapin
at paniguradong mapupunta nanaman sa akin ang kwarta, magiging pabigat nanaman.
Napakasakitin ko talaga at marahil ay buwan-buwan na lamang kung dapuan.
Kinagabihan, hindi ako makatulog sapagkat nananakit ang ulo't pamaya-maya din
ang pagsusuka. Ano kayang pagkain ang nakadisgrasya sa sikmura ko't ngayon ay
nagkakaganito.
September 12, 2016
Monday
Year IV-256
8y-g. Walang pasok sapagkat ngayong araw ipinagdiriwang
ng kapatid nating mga Muslim na kung tawagin ay Edil Adha.
Nanatili pa ring masama ang pakiramdam subalit hindi na gaya ng nagdaang gabi
ang sakit ng ulo na tipong ikabaliw ko na't hindi na rin madalas ang pagsusuka.
Maigi na lamang at walang pasok at may panahon pa para makapagpahinga at galing
ng sa gano'y kapag dumating ang araw na may pasok ay hindi ko na kakailanganin
pang lumiban. Umaga na at gising ang lahat sa aking kasamahan pero heto pa rin
ako na nakahandusay at iniinda ang panghihina. Pakiramdam ko'y parang ninakawan
ng lakas at hindi magawang iangat ng husay ang katawan. Kahit nanghihina at
hindi ibig ang bumangon ay bumangon pa rin ako para mag-almusal at para lamnan
ang sikmura na halos buong araw na walang laman dahil sa kakasuka.
8y-h. Dahil walang
ganang kumain, mistulan akong sanggol kung sumubo pagkat kakapirambot at ayaw
kong pakaramihan sa takot na magsuka muli. Balik muli ako sa higaan matapos
mag-almusal. Saka lamang muling bumangon ng tanghaling tapat
para mananghalian naman at kahit paano'y nakabawi-bawi din ng lakas matapos
kumain subalit hindi lubusang gumagaling kaya kailangan ko pang magpahinga.
Pagpatak ng hapon at habang sarap sa pagtulog ay nagising ako sa lakas ng ulan.
Sinabayan pa ng pagkulog at kidlat kaya muling umiral ang takot sa dibdib.
Tuloy ay maligo na ng husto sa pawis pagkat balisang-balisa. Tumagal ng isang oras
bago humupa ang Thunderstorm at kasabay ng paghupa niyon ay
napalitan ng kaginhawaan ang nasa loob. Kinagabihan, muling umatake ang
pananakit ng ulo at idagdag pa ang pagkahilo kaya nagsuka nanaman ako. Palalim
na ang gabi subalit hindi pa rin makatulog pagkat tila tinutuhog ng karayom ng
paulit-ulit ang ulo.
September 13, 2016
Tuesday
Year IV-257
8y-i. Sumapit na ang panibagong araw subalit hindi pa rin
makatulog sapagkat patuloy kong iniinda ang pananakit ng ulo at pamaya't maya
pa ang suka. Dahil magdamagan ang pagsusuka, hindi na halos makatindig pagkat
hinang-hina na. Samantalang si Mama na sa halip mag-alala, panay ang paulan ng
mabibigat na salita at puro panunumbat ang nilalaman. Ganyan naman siya tuwing
may magkakasakit sa amin at ano pa nga ba ang bago. Kinalaunan at sa hindi
namamalayan ay nakatulog ng mahimbing. Pagpatak ng umaga ay nakakapasong salita
ni Mama ang tumapos sa nahihimbing kong pagtulog at nakakairita na dahil kagabi
pa ito kuda ng kuda, maigi sana kung kada salitang bitawan niya ay
ikakagagaling ko, matatanggap ko pa kahit masakit basta gumaling lamang.
8y-j. Maya-maya pa, inudyok na niya kong magpa-check
up subalit umalma ako. Para saan pa ang pagpapa-check up kung
bukod sa gastos, makakatikim ka pa ng makatagos dibdib na panunumbat at
gagaling pa rin naman kahit wala ngCheck up basta idaan lang sa
pahinga at pagdadasal. Nagpatuloy si Mama sa pagbubunganga subalit hindi na
lamang siya inalintana. Naibsan na ang pananakit ng ulo at hindi na rin
nagsusuka kaya bumangon na ko para mag-almusal. Matapos at sa halip na
asikasuhin ang gawaing bahay ay balik muli sa kama para magpahinga. Nakakabato
kung parating ganito na nakahiga ka kahit hindi naman pagod kaya gumawa ng
paraan para malibang.
8y-k. Hindi pa nakuntento ang Mama at nagawa pa niyang
isumbong sa Ate ang tungkol sa hindi ko pagpapa-check up. Kahit pinapagsabihan ng ate, nagmatigas pa rin ako,
tuloy ay nagawa ko na siyang pagtaasan ng boses, paano ay mapilit at ang ayaw
ko sa lahat ng tao ay pinipilit sa bagay na hindi ibig pagkat lalo lamang
magagalit. Tumigil naman sila sa pagpilit sa akin sa akin ng makitang nagsisili
na ang mukha. Kinahapunan ng makaramdam ako na tila nilalagnat subalit hindi
nagpahalata sa takot na mabungangaan muli ng walang puknat. Walang ginawa kundi
magpahinga. Humupa naman ang lagnat pagpatak ng gabi. Masama pa rin ang aking
pakiramdam at tila malabo pang makapasok bukas.
September 14, 2016
Wednesday
Year IV-258
8y-l. Hindi pa tuluyang umiigi ang pakiramdam ko kaya
napagpasyahan huwag munang pumasok at ilaan ang araw na ito para magpahinga.
Sayang ang araw na ito na dapat sana ay may panibagong kaalamang masasagap
subalit hindi talaga makakapasok dahil sa karamdaman at sa takot na rin na
lumubha. Nawala-wala na ang lagnat kaya bumangon na ko. Naisipan kong maupo sa
labas para lumanghap ng preskong hangin at sarap sa pakiramdam. Makaraan pa ang
ilang sandali ng pumasok sa bahay. Walang magawa at malakas-lakas na ako kaya
naisipang pagkaabalahan ang pagpaplantsa. Pagsapit naman ng tanghali ay panood
ng Telebisyon ang inatupag ko. Kung kailan tutok at aliw ang mata sa panonood
ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan, tuloy ay hindi na maulinig ang
pinapanood. Matapos ay maghapon muling magpapahinga. Ganito ako
ngayong may sakit, kain, tulog at nuod ng Telebisyon at nakakabukbok ang aking
ginagawa. Kinagabihan, hindi na nga nagsusuka o nilalagnat pa subalit pumalit
naman ang ubo at napakakati ng lalamunan. Mistulan akong Asong ulol pagkat
parang nakahol kung umubo. Malapit na sa kailaliman ng gabi subalit hindi pa
rin makamtan ang masarap na tulog dahil sa ubo. Mukhang matatagalan pa bago
gumaling, gumaling na tipong hindi na magkakasakit pa panghabang buhay.
September 15, 2016
Thursday
Year IV-259
8y-m. Nanatili pa ring inuubo at sumasakit na rin ang Lalamunan subalit kahit
hindi pa lubusang gumagaling kung marami na ang araw ng aking pagliban ay
kailangan ng pumasok. Isa pa'y sayang ang pangmatrikula kung mauuwi lamang
sa drop ang lahat ng Subject kinukuha dahil
sa dami ng Absent. Napasarap ang tulog ko na tila hindi
maawat ang sarili kaya dakong Alas-otso na nagising. Mukhang mahuhuli na ko sa
pagpasok sa oras ng aking First Subject kaya napagpasyahang sa
susunod na Subject na lamang daluhan. Pagdating ko sa paaralan
at pagkadaan sa may Quadrangle, may nakatatag na mga Booth at
takang-taka ang isipin kung bakit mga kamag-aral sa iba't ibang Seksyon ang
namamahala. Iyon pala'y napagtanto ko na Psychology Week at
malamang ay wala kaming klase sa lahat ng asignatura dahil sa mga Events.
8y-n. Pumasok ako sa isa sa limang booth at
na-tense ako habang ilulublob ang kamay sa maliit na timba at
palaisipan sa'yo kung ano ang makakapa sa loob niyon kaya kakabahan ka. Nang
may makapa, akala ko kung ano at di naman siya harmful. Matapos ay
hinanap ko na ang sarili naming Booth. Picture taking ang tema ng
aming Booth at isusulat o ididikit lahat sa Bulletin
Board ang naisip na hugot lines. Mukhang interesting ang
naisip na paandar na mga kamag-aral sa Dash 2 subalit mas
gusto ko yung sa Dash 1 dahil may thrill habang
inilulublob ang mo ang kamay sa timba. Habang hindi pa bukas ang mga Boothay
libot-libot muna ako.
8y-o. Ilang sandali pa'y namataan ko na sina Anne
Rose, nakisama ako sa kanila at maya-maya pa'y umakyat na kami sa Library para
pag-usapan at gawin angCostume ng aming pambato sa Psychology Pageant na
si James (Virrey). Talagang pinag-iisipan bawat detalye at disenyo
nito at hindi pala biro ang maging Fashion Designer pagkat
kailangan may taste ka sa pananamit. Habang sila sa pag-uusap,
ako naman itong nga-nga at ibig kong tumulong pero wala akong maisip at kung
may maisip man ay mukhang makakasira lamang sa halip na ikaganda. Ilang sandali
pa'y sinimulan na ang paggawa't doon lamang ako nakatulong. Masarap sa pakiramdam
kapag tumutulong ka dahil naipapakita mo ang iyong silbi. Habang abala sa
paggawa'y tamang kwentuhan at minsan ay tawanan kami.
8y-p. Dakong Alas-onse ng magbukas ang mga Booth at
ng mapansin namin ni Limboc na matumal ang dating ng mga estudyante
sa aming Booth ay naisipan namin manghikayat. Mahiyain akong
nilalang subalit lakas-loob na nakipag-usap kahkt hindi kilala alang-alang sa
aming booth. Nakakapagod ang magsalita pero ayos lang sapagkat
tumutulong ka at nagiging bahagi ng Booth. Nang makita naming
dumarami na ang nagpupuntang estudyante sa aming booth ay saka lamang tumigil. Sa kakasigaw at salita, lalo pang
sumama ang ubo ko. Masama-sama nanaman ang pakiramdam ko at mukhang bininat sa
ginawa kaya hindi na nagpaabot hanggang hapon at napagpasyahan ng umuwi.
Pagdating ng bahay ay kaagad na kong nagpahinga. Kinagabihan, lalo pang lumala
ang ubo ko at para siyang lintang hirap alisin sa pagkakakapit ang Plema. Dahil
sa aking nararanasan, tila matutulak na ko para kainin ang sinabi kila Mama na
hindi magpa-check-up.
September 16, 2016
Friday
Year IV-260
8y-q. Kakasikat pa lamang ng bukangliwayway ng magmulat
ang mga Mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nilulubayan ng ubo at tila
lumalala pa nga. Kahit sunod-sunod ang dumarating na sakit, nagpapakatatag pa
rin sapagkat umaasang malalampasan ang ganitong kalagayan. Ganito man ako
ngayon na sakitin at mahina, darating ang panahon na magbabago iyon at
kailanman ay hindi na magiging pabigat. Bago pa man magtanghali ng magpaalam na
sa amin si Mama sapagkat tutulak daw sila ng Ate sa Hong Kong.
Mabuti pa ang Mama na bago maging takip-silim ang buhay ay makakaapak na sa
ibang bansa maging ang kapatid ko na pangatlong bansa na ang mapapasyalan. Sana
ay maging ganon din ang aking kinabukasan, ang matupad ang pangarap na
makapunta sa ibang bansa.
8y-r. Saya marahil ng buhay kapag nagagawa mong
makapamasyal sa ibang bansa at makasalamuha ang iba't ibang mga Banyaga.
Pagkaalis ni Mama ay ako muli ang namahala sa aming negosyo. Kinahapunan at kahit hindi maganda ang pakiramdam
at panay pa ang pag-ubo ay nagtungo pa rin ng paaralan para manuod ng Pageant at
suportahan na rin ang aming pambato. Pagdating, dagsaan ang mga estudyante
sa booth. Hindi pa nagsisimula ang pageant kaya
nakiisa muna sa pamamahala sa amingbooth. Napakatumal ng dumadating na
mga estudyante sa amin kaya heto muli ako at manghihikayat. Kahit sumasakit na
ang lalamunan dahil panay ang pag-ubo ay hindi iyon hadlang para ipakilala sa
mga magsisipagdating ang aming booth.
8y-s. Nakakapagod man dahil para kang sirang plaka sa
kakasalita ng paulit-ulit ay masaya naman nagagawa kong tumulong at mang-aliw.
Hindi ko lamang maiwasang mabuwisit kapag naiisnab at may nagsusuplada, parang
sarap hatawin ng banner o sigawan. Kahit maubusan
ng boses sa kakasigaw ay halabira pa rin ako at kahit paano'y may napuntahan
ang aking pagkukumahog. Bago pa man pumatak ang Alas-singko ng magsara ang
mga Booth at tulong-tulong kami sa pagliligpit at paglilinis. Nakaraos din at bukas ulit. Nang makapagligpit ay
dumako na kami sa Auditorium para manuod ng pageant.
Pagkatungo ay nanlaki ang mata ko sapagkat singhaba ng buhok ni Rapunzel ang
haba ng pila at abot hanggang ikalawang palapag. Kahit maiinip ka ay walang
magagawa kundi maghintay, tapos ang iingay pa ng mga kasamahan ko na akala'y
sila lamang ang tao lalong-lalo na si James (Malilin) na siya
ang pinakamatanda sa aming magkakasama, siya pa ang puno't dulo.
8y-t. Gusto kong magsaway pagkat nakakahiya na ang
kanilang ginagawa pero wala ng boses. Pagsapit ng Alas-sais, saka lamang kami
nakapasok ng Auditorium. Hindi na magkandamayaw kaming manunuod ng
magsimula ang program at halos ikawasak na ng pandinig pagkat
kaliwa't kanan ang hiyawan at sigawan at wala ka ng ibang marinig. Maging ako
ay ibig kong makipagsabayan kaso masakit ang lalamunan ko at baka mawalan pa ng
ginintuang tinig. Ilang sandali pa, rumampa na ang iba't ibang kandidato at ng
si James (Virrey) at Angela na, marindi ako
ng labis sa aking kasamahan pagkat sigawan at akala mo'y hindi mapupunitan ng
lalamunan.
8y-u. Patalbugan at pabonggahan ang bawat kalahok
sa Evening Costume at di mapigilang mapa-wow. Bago ang
rampa para sa Formal wear, nagkaroon muna ng Singing Show at
karamihan sa mga kalahok, nagkikinaman ang mga tinig. Nang si Kalvin na,
dami kong tawa pagkat nakuha pang humilata sa entablado habang nabirit at tila
nagtatawag ng simpatya ng manunuod. Lakas ng epekto sa akin ni Kalvin at
kung ako sa kanya, magwo-Walling na lamang ako. Masama na ang aking
ubo at lumalalim na rin ang gabi kung kaya hindi na natapos pa ang pageant.
Sayang at hindi ko na-enjoy ang pageant pagkat hindi ako
nakatili at isigaw kung ano ang nasa loob. Dakong Alas-nuebe na ng makarating
sa bahay at kaagad ng nagpahinga.
100 Isang daang araw na lamang at Pasko nanaman.
September 17, 2016
Saturday
Year IV-261
8y-v. Habang lumilipas ang mga araw ay mukhang lumalala
na ang aking ubo kung kaya minabuting magpakonsulta na sa Doctor,
kahit labag ito sa kalooban alang-alang sa kalusugan. Pagkagising ay daglian ng
nagbihis, malapit ng sumapit ang Alas-nuebe ng lisanin ko ang tahanan. Sa
muling pagkakataon ay makakaapak muli ng UST para lamang
magpa-check up at panibagong gastos nanaman. Makaraang ang halos
dalawang oras ng makarating sa UST Hospital at naghintay pa ko.
Hindi naman nagtagal ang aking paghihintay at agarang tinawag. Sinabi ng Doctora
Dacayan na wala naman problema sa aking baga maliban sa daluyan ng
hangin na kinakapitan ng plema kaya sangkatutak muli na gamot ang iniresata.
Matapos ang Check-up, tumungo pa ko ng Mercury Drugs.
Medyo malayo-layo ang Mercury Drugs kaya pagpawisan ako sa
paglalakad pagkarating doon pagkat maalinsangan.
8y-w. Makabutas bulsa ang presyo ng mga gamot kaya hindi
lahat ay nabili ko at nakaka-guilty lamang dahil kailangan nanaman
gumastos sa halip na ipangtustos na lang sa pangangailangan sa araw-araw.
Pasalamat na lamang sa Maykapal at hindi kami hikahos sa buhay subalit kahit
hindi hikahos ay kailangan pa rin mag-ingat. Balak ko pa sanang magtungo sa
eskwelahan para tumulong sa booth subalit paubos na ang pera
pamasahe dahil sa gintong gamot na inireseta. Bago umuwi ay nagtungo pa
ko sa Computer shop. Dakong Alas-dos na ng makarating ng bahay at
agad na ipinagpahinga ang sarili. Pagkagising,
pagbabantay sa tindahan ang aking inatupag hanggang sa dumilim. Hapunan na
pala, kalam na rin ang sikmura subalit wala pang nalulutong ulam kaya pagluluto
ang aking pinagkaabalahan. Tila nasasanay na kong magluto at pwede ng
mag-asawa, kung papalarin. Kinagabihan at gawa na hindi pa madalaw ng antok,
nagmuni-muni muna sa panonood ng Video. Sa sobrang sarap at
humaling sa panonood, hindi namamalayang hating-gabi na at kailangan ng
matulog.
99 Ninety-nine days to go before the coming of Christmas.
September 18, 2016
Sunday
Year IV-262
8y-x. Napakatulin ng pagdaan ng gabi at umagan nanaman
pala, kabitin tuloy matulog at ibig pang humilata ng tagal sa kama pero
gayunpaman, kailangan ng bumangon. Nang makapag-agahan, hindi ako nag-aksaya ng
oras para magtinda. Hindi gasino ang mga bumibili kaya nagawang pagsabayin ang
pagtitinda at gawaing bahay. Sa dami ng aking ginawa, maubusan halos ng lakas
at lalo pang inubo. Sa sobrang abala sa pagtitinda, hindi na makalayas-layas.
Ako ang namahala ng aming negosyo hanggang sa magtanghaling-tapat. Sa buong
oras na aking pagtitinda, pinakapatok talaga ang sigarilyo lalong-lalo na sa
mga kabataan. Hindi ba sila naawa sa sarili na araw-araw na lamang ay
nilulustay ang pera sa paninigarilyo.
8y-y. Darating ang araw ay may kalalagyan din sila at
kapag nangyari iyon ay doon lamang nila matutuhan na mali ang ginagawa. Kahit
labag sa kalooban ay ipinagpatuloy pa rin ang pagbebenta ng sigarilyo
alang-alang sa aming negosyo. Kinagabihan
ng mag-usap kami ng Ate at Mama na nasa Hong Kong ngayon at
magkahalong tuwa at inggit ang namayani sa loob ng ipakita ng Ate
Leslie sa pamamagitan ng Live chat ang mga
magagandang tanawin sa Hong Kong lamang matatagpuan at
nakakahalina pagmasdan. Mabuti pa sila at sulit na sulit ang pag-unwind sa Abroad samantalang
kami ay dito lamang sa bahay at hindi makalabas-labas sa dami ng gawain.
8y-z. Marahil ay isa sa pinakamasayang karanasan sa buhay
ang makapunta ka ng ibang bansa dahil minsan mo lang masisilayan ang bagay na
hindi mo pa nasisilayan at minsan lang dumating sa buhay, maliban na lamang
kung mapera. Bukod kina Mama ay laking gulat ko pagkat kasama din ang Tita
Angie na magmula pa lamang maliliit sila Ate Anne ay
naninilbihan na ito roon. Nagpatuloy
ang aming pag-uusap at habang naglilibot sila ate ay para na rin ako namamasyal
sa Hong Kong at kung titingnan ay napakaasensado na bansang iyon
at tila maraming bawal dahil malinis. Pagpatak ng Alas-nuebe ng mapagpasyahan
ko na isara ang tindahan. Hindi pa madalaw ng antok kaya naisipan ko munang
manuod ng pelikula.
98 Siyam na pu't
walong araw na lamang at Pasko na.
September 19, 2016
Monday
Year IV-263
8z-a. Sumapit nanaman ang araw ng Lunes at balik-eskwela
muli ang mga estudyanteng gaya ko subalit napagpasyahan na huwag munang pumasok
sapagkat nasa abroad pa si Mama at walang makakatulong ang
Papa sa gawaing bahay. Isa pa'y hindi pa maayos ang kalagayan pagkat masama pa
rin ang ubo at kailangan magpahinga. Pagbabantay agad sa tindahan ang aking
inatupag matapos mag-almusal. Napakatumal ng bumibili kaya hindi maiwasang
mabagot at para tanggal bato, naisipan kong magbasa ng Bibliya. Pakiramdam ko,
gumagaan ang nasa loob kapag nagbabasa ng Bibliya at may panibagong kaalaman
muling natutuhan. Kapag kaiisa mo ang Diyos, lumalakas ang loob mo na kaharapin
kahit anumang problema at di magagawang sumuko kaya ipaniwala natin ang ating
sarili na parating nandiyan ang Diyos na nakaantabay sa atin at hindi
pababayaan kailanman.
8z-b. Kung tutok ang mata sa pagbabasa ng Bibliya, saka
naman sunod-sunod ang bumibili at ang nakakainis pa'y yung mga adik sa
Sigarilyo. Nagbabasa ng Bibliya tapos nagtitinda ng Sigarilyo,
patawarin nawa ng Maykapal sa ginagawa. Kung hindi lamang nakasalalay sa mga
Sigarilyo ang ikakaasenso ng buhay ay di ko ito gagawin. Medyo lugmok na ang
mata sa antok at balak sanang magbantay sa tindahan sa maghapon kaso hindi na
mapigilan ang matulog. Kinagabihan, anong lakas ng buhos ng ulan at tila
babaha na kung magtutuloy-tuloy ito. Napagpasyahan na namin magsara ng maaga
dahil sa masungit na panahon. Humupa naman ang ulan bago lumalim ang gabi na
siyang nagpanatag sa aming pagtulog.
97 Siyam na pu't
pitong araw na lamang pala at Pasko nanaman.
September 20, 2016
Tuesday
Year IV-264
8z-c. May Follow-up Check up ngayong araw at tinatamad man ay
kailangan kong magpunta alang-alang sa aking kalusugan at para hindi na rin
lumaki ang gastos kapag lumala ang sakit. Napasarap muli ang tulog ko kaya
dakong Alas-siete na nagising at kaagad na naghanda-handa. Naging napakatrapik
sa lansangan at ikauubos ng 'yong pasensiya kapag ganito ang biyahe kaya mga
bandang Alas-dyis na nakarating ng UST. Saktong naroroon na
ang Doctora Dacayan subalit marami ng pasyente ang nauna sa
akin kaya maghihintay pa. Makaraan ang isang oras ay natawag na rin ako at
pagkasuri, may panibagong gamot nanaman inireseta sa akin at lubhang mahal kaya
magdadalawang isip ka kung susundin mo ba siya o hindi. Marami na rin ang araw
ng aking pagliban dahil sa sakit kaya napagpasyahan ng magpagawa ng Medical
Letter. Sana ito ang solusyon para kahit maraming absent, hindi
pa rin mada-drop. Sa halip na diretso sa pag-uwi ay tumungo pa ko sa
aming Eskwelahan para ipasa at ipapirma ang Medical Letter.
8z-d. Pagkarating at ng maipakita kay Doctor
Fontalerra, laking gulat ko sapagkat hindi niya ko pinayagang makapasok
bukas sa kadahilanang hindi nakalagay sa letter na magsasabing
pinapayagan ng pumasok. Ikinadismaya ko ang kanyang mga payo't kainis sapagkat
kailangan pang bumalik para ipapalit ang letter. Kung hindi lamang
marami ang aking absent, hindi ko na ito kailangan pang gawin at
bukod pa dun ay hindi kailangan pang hintayin ang abiso ng Clinic para
pumasok. Nasayang lamang ang pagpunta ko sa Paaralan at kainis, bakit
nangyayari ang ganito sa akin. Gumagawa ako ng paraan para hindi
magkandaletse-letse ang pag-aaral pero may mga bagay na dumarating ang hindi ko
inaasahan kaya hindi napaghahandaan. Kahit kailan talaga, may mga hadlang sa
mga hakbangin ko. Umalis ako na balot ang mukha sa pagkadismaya. Maayos na ko
at ibig na ngang pumasok bukas subalit hindi maaari dahil sa lintik na medical
letter na iyan na hindi valid. Ayaw ko pang umuwi kaya
naisipan pang magkumpyuter.
8z-e. Dakong Alas-singko na ng makarating sa bahay at
kinagabihan, muli kong nakausap sila Mama na ngayon ay namamasyal sa Disney
Land. Hindi nga lang makita ng maayos pagkat hindi maganda ang lagay
ng Signal at pahinto-hinto, sayang at hindi ko makikita ang
natatanging ganda sa Disney Land. Maya-maya pa'y nagsimula na
ang Fireworks Display sa kanila at mapa-wowako ng labis
dahil sinabayan pa ng Classical music. Nagkataon kaarawan pa ng ate
kaya malamang ay iyon ang pinakamasayang kaarawan sa kasaysayan ng buhay niya
at kahit naman sino ay magiging maligaya ang pagdaraos ng kaarawan kapag
kumpleto at nasa lugar na madalas ay napapanuod mo lamang. Kahit ganito ang
buhay na tila paikot-ikot lamang, umaasa pa rin na matatamasa ko din kung
anuman ang kanilang tinatamasa at higit pa.
96 Siyam na pu't
anim na araw na lamang at Pasko na.
September 21, 2016
Wednesday
Year IV-265
8z-f. Ibig ko na talagang pumasok ngayon
pagkat nabubukbok na ang kalis sa bahay subalit hindi maaari at kailangan
muling tumungo sa UST para palitan ang medical letter.
Kahit sapalaran muli ito sa akin at gastos pa sa pamasahe, kailangan itong
gawin. Maaga-aga ako bumangon subalit naipit muli sa mabigat na trapiko kaya
dakong Alas-nuebe na nakaalpas. Saktong wala pa sina Doctora Dacayan at
sarado din ang Clinic kaya maghihintay nanaman. Pumatak na ang
Alas-dyis subalit wala pa sila at pagkarating ng Assistant nito,
sinabi nito na mamayang Alas-dos pa raw ang Doctora Dacayan. Sa
kanyang sinabi ang nagpatanto sa akin na Alas-dos pala ang duty ni Doctora
Dacayantuwing Miyerkules sa UST Hospital, kainis at hindi ko
naisip iyon, dapat sana ay hindi pa ko nagpunta. Nakakainip kung maghihintay pa
kaya napagpasyahang umalis na lamang at sa ibang araw bumalik.
8z-g. Nasayang nanaman ang pagpunta at parating palyado
ang plano. Hindi pa ko umuwi at tumungo pa sa Sangandaan para
magpagupit. Pagdating ng bahay at sa hinabahaba ng biyahe, napagod ako kaya
kaagad na natulog. Pagkamulat ng mata at dahil nababagot, pagbabantay sa
tindahan ang inatupag hanggang sa sumapit ang gabi. Kinagabihan ng makauwi na
si Mama buhat sa Hong Kong bitbit ang samu't saring karanasan
habang ito ay nasa abroad. Malalim na ang gabi at lugmok na lugmok
na rin ang mata sa antok kaya hindi magawang manalubong at makipag-usap sa
kanya at tanging kinig-kinig na lamang nakakakuha ng impormasyon hinggil sa
buhay doon sa Hong Kong at lubhang malaki ang pagkakaiba dito
sa Pilipinas.
95 Siyam na pu't
limang araw na lamang at Pasko na.
September 22, 2016
Thursday
Year IV-266
8z-h. Masyado na kong maraming absent at
magaling-galing na rin kahit wala pa ang pahintulot ng aming Clinic ay
pumasok pa rin ako. Pagkarating ay wala pa si Ma'am Ria subalit
pumasok na ito makaraan ang ilang saglit. Nagpakonsulta lamang kami kay Ma'am
para sa isasagawang palaro sa Senior high school. Maya-maya pa,
isa-isa ng ibinigay ang resulta ng aming pagsusulit at hindi ako nagalak pagkat
lubhang mababa. Maigi pa ng dati na hindi ako palaaral sapagkat kahit mabababa
o bagsak pa nga, ayos lang pero kapag nag-aaral na tipong pinagpupuyatan pa,
hindi mo maiwasang madismaya kapag nakakuha ng mababa at kapanlumo sapagkat
nasayang lamang ang iyong paghihirap. Marami pang pagkakataon kaya pwede pa
bumawi, marahil ay kulang pa ito kaya ganito ang kinalabasan.
8z-i. Sa oras ng Genetics, isa-isa din
ibinigay ni Ma'am Zandra ang resulta ng pagsusulit at
katamtaman ang naramdaman ko sapagkat hindi kataasan, hindi din naman kababaan
at pwede na. Biglang sumipa ang kaba sa dibdib ng isa-isa kaming tawagin ni
Ma'am para ipakita ang grado nitong Midterm. Kahit hindi kataasan,
nanatili pa ring masaya sapagkat pasado, sa hirap ba naman ng asignaturang iyon
na aakalain mong major subject na, mapalad ka na kahit pasang
awa lang. Pagkatapos ay nagturo pa si Ma'am. Naging interesting ang
9lesson sapagkat nilahukan ng Math at madali pa
subalit nakakalito kung hindi mo susundan. Ilang sandali pa, dismissal
time na.
8z-j. Sa oras naman ng Physics, nagturo
lamang si Ma'am Pebenito. Medyo nakakaramdam na ng antok at nataon
pang natapat sa oras ng pamamahinga ang oras sa Physics kaya
nakakawalang ganang makinig at gusto na ng katawang matulog. Bukod sa akin ay
halata rin sa karamihan sa mga kamag-aral na lutang. Pagkatapos ay nagkaroon
kami ng activity at kahit lipad ang isipan, may naisagot naman
ako. Pagkatapos ay dismissal time na at sa halip na umuwi,
nagpulong pa kami para sa Thesis. Marami talagang nasisira ang
pakikipagkaibigan dahil sa Thesis at hindi na malayong
mangyari na sa amin iyon sapagkat nagtatalo na subalit hindi naman lumala. Ang
kaninang seryosong-seryoso sa pag-uusap sa Thesis, nauwi sa
kwentuhan ng kung ano-anong maisip. Napasarap ang usapan namin kaya napatagal
ako at inabot na ng takip-silim sa pag-uwi. Kinagabihan at gawa na hindi pa
dinadapuan ng antok, tamang pakikinig muli ako ng musika. Saka lamang
napagpasyahang matulog ng mapansing malalim na ang gabi.
94 Siyam na pu't
apat na lang bago sumapit ang Pasko.
September 23, 2016
Friday
Year IV-267
8z-k. Naging matakaw muli sa pagtulog kaya tinanghali na
ng gising. Ngayong araw pala kami magsasagawa ng palaro sa Senior high
school para sa Group Dynamics at mga dakong Alas-otso
iyon kaya paspasan na ang pagkilos sa takot na mahuli at maudlot ang plano
dahil sa akin. Sa sobrang pagmamadali at pagkarating sa may terminal ng Batoda,
nadiskubre ko na hindi pala dala ang Wallet. Maaga pa lamang subalit
matindi na ang nararanasang Stress
sapagkat late na nga, kailangan pang bumalik ng bahay para kuhain ang
pitaka. Kung hindi nga lang tanga-tanga, hindi sana ito dadanasin. Mukhang
mauudlot na ang pagtungo ko at patawarin nawa nila. Pagkarating sa bahay,
biglang nag-text si Joy at laking tuwa sapagkat hindi
na matutuloy ang palaro namin. Sa kabila na imbyernang-imbyerna na sa sarili,
may napatunguhan din ang aking katangahan at maigi na nangyari ito sapagkat
kung hindi, walang madadatnan sa paaralan.
8z-l. Nagbago ang lakad ko at sinamantala na ang
pagkakataon para magtungo sa UST. Sa sobrang trapik, dakong
Alas-dyis na nakarating doon at saktong naroroon na ang Doctora Dacayan.
Kaagad naman niya pinalitan ang issue sa aking medical
letter at namayani muli ang tuwa sapagkat walang bayad at may
ipapakita na sa mga professor para hindi ma-drop. Hindi
ko pa ibig ang umuwi kaya tumungo pa sa Computer shop. Pagsapit ng
gabi, biglang sumakit ang ngipin ko sa di malamang dahilan. Sa sobrang sakit,
mangiwi-ngiwi na ko't muntikan ng masiraan ng bait. Hindi tuloy makatulog
pagkat patuloy na iniinda ang pananakit ng ngipin. Matapos ang ubo't lagnat,
ngipin naman ngayon ang pinoproblema at lapitin talaga ng kung ano-anong sakit.
100 | 93 Siyam na pu't tatlong araw na lamang at Pasko na.
September 24, 2016
Saturday
Year IV-268
8z-m. Naparam na ang pananakit ng ngipin kaya wala ng
dahilan para lumiban muli sa klase. Hirap pang idilat ang mga mata dala ng
namamayaning antok at pahirapan sa akin ang bumangon subalit pinilit pa rin.
Malapit ng pumatak ang Alas-otso kaya paspasan na sa pagkilos, sa takot na
mahuli subalit bigo pa rin ako at nahuli na nga sa pagpasok, ang resulta'y
ikinonsidera na ni Ma'am Ria na absent. Sayang
ang pagpasok ko at sana'y hindi na lamang tumuloy kung malalagyan din ng absent.
Kahit nandoon ang presensiya ni Ma'am, wala kaming ibang ginawa kundi gawin ang
ibig. Ang iba kong kamag-aral, hala ang sige sa pagpapatugtog ng gitara at yung
iba'y umaawit. Mukhang nalilibang si Ma'am Ria kaya hindi nito
magawang sawayin. Sa lahat ng subject na naging professor si
Ma'am, sa ganitong subject lamang pa-chill pagkat
walang ginagawa.
8z-n. Maya-maya pa'y lumabas na kami. Nakaligtaan ko
palang gawin ang takdang aralin sa Genetics kaya sa halip na
makisabay sa kasamahan na kumain ay iyon ang inatupag ko. Sa dami ng kailangang
sagutan ay mukhang kakapusin sa oras kaya kapit sa patalim at naging kopyador
na ko. Ilang sandali pa'y dumako na kami sa silid. Habang hindi pa dumarating
si Ma'am Zandra, naging abala ako sa pagsagot. Maya-maya, biglang
may pumasok na Professor at umaliwalas ang mga pagmumukha ng
ipabatid na di makakapasok si Ma'am subalit nagkaroon kami ng activity.
Matapos gawin at ng makapagpasa'y kaagad na kaming lumabas. Mahaba pa ang
bakanteng oras at gawa na kumakalam na ang sikmura, sinamantala ang
pagkakataong kumain.
8z-o. Matapos ay tumungo pa ako kay Ma'am Trisha para
magpakonsulta ng Statistical treatment na gagamitin sa data ng Thesis.
Hiya ang umiiral habang papatungo sa kanya, lalo na't mag-isa pero nilabanan ko
alang-alang sa ikakaayos ng thesis. Ang bait talaga ni Ma'am at
kahit busy ay di nito ipinagkait ang oras para tulungan kami.
Balak sana namin nila Anne Rose na huwag ng pumasok sa klase
ng Physics para gumawa ng Thesis subalit ng
ipabatid na kakaunti lang ang pumasok at magkakaroon pa ng activity,
nagbago ang isip namin. Dama ko nanaman ang pananakit ng ngipin kaya ibig ng
umuwi pero dami ko ng absent, walang ginawa kundi tiisin kaysa
naman bumagsak. Matapos ang activity, saka lamang nagturo si Ma'am
Pebenito.
8z-p. Mahusay magturo si Ma'am pero bakit ganon, parang
di ko ma-absorb at inaantok pa, idagdag pa ang pananakit ng ngipin
kaya lalo pang tinatamad makinig. Yung mga kagrupo sa Thesis,
nakakairita sapagkat biglang nawala, iyon pala'y nagpakonsulta na kay Sir
Jigo na wala akong kaalam-alam. Paano ako nito makakatulong kung bawat
kilos nila, hindi pinapabatid sa akin at kapag inaalam ko naman ang gagawin,
nagtataray pa. Kaya minsan, nagsisisi akong naging kagrupo sila't tingin ko
kung parating ganito na nagkakanya-kanya, mauuwi sa wala ang pinaghirapan
sa Thesis, tapos sila pang may ganang magsabing wala akong
naitutulong at parang ipinapamukha na walang silbi. Sa inis at ng pagkabalik
nila, ibig kong manumbat at manigaw, kaso di magawa dahil nandoon si Ma'am.
8z-q. Maigi pa sina Mary na kapangkat
sa thesis sa Sikolohiyang Pilipino, kusang loob na
lumalapit para sabihan ako sa gagawin at pakiramdam ko ay kabahagi sa thesis,
samantalang sila, hindi't ikaw pa mismo ang mag-a-adjust na nakakapagod
na pagkat kahit paulit-ulit ay parang wala naman nangyayari! Bukod pa dun ay
pinapakinggan nila kung ano ang suggestion ko at nagkakasundo
kami. Ayaw ko pa man sa lahat ng tao ay hindi ako binibigyan ng pagkakataon
para ibahagi ang ideya at pinapakinggan at ganun sila. Dapat man lang ay
inaabisuhan nila ako upang sa gano'y hindi mangapa-ngapa pagdating ng defense.
Ilang sandali pa, sa wakas at uwian na at makakapagpahinga na rin sa sama ng
loob.
8z-r. Kinagabihan, panonood ng telebisyon ang inatupag.
Napaka-tragic ng kwento ng isang babae sa Magpakailanman sapagkat
nawalan na nga ng ina dahil sa Droga, kung kailan nagbago na ang kanyang ama,
iniwan ang pagtutulak ng Droga at nagkabati sila mag-ama, saka naman ito
inatake sa puso. Yung anak naman sa kagustuhang ipagamot ang ama at dahil
walang-wala sila, napilitin itong magtulak ng droga kahit labag sa kalooban
nito. Matapos ang Magpakailanman, doon ko napagtanto na hindi dapat
natin husgahan ang mga nagtutulak ng droga sapagkat naniniwala ako na karamihan
sa kanila, kaya lamang nagagawa iyon dahil sa pangangailangan at kumakapit sa
patalim. Kung maayos lamang ang trabaho dito sa Pilipinas at
asensado, hindi sana hahantong sa ganito na marami ang nagtutulak ng droga
dahil walang mapanghanap-buhay, kaya itong si President Duterte,
nahihirapan ng sugpuin ang droga at tumawad pa ng anim na buwan. Hindi solusyon
ang pagpatay para mapuksa ang Droga kundi dapat ay bigyan sila ng trabaho para
hindi bumalik pa sa iligal na gawain.
99 | 92 Siyam na pu't dalawang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
September 25, 2016
Sunday
Year IV-269
8z-s. Nagniningning na ang liwanag sa labas at umaga na
kung kaya mugto pa man ang mata sa antok ay kailangan ng bumangon pagkat
maraming gagawin. Matapos mag-agahan, pagiging labandero ang iginugol ko. Sa
dami ng nilabhan na tipong gabundok ang labada, magkandaubos ang lakas, gutom
at pagod ang inabot pagkatapos maglaba. Wala pa palang nalulutong ulam pagkat
abala sa gawain sina Mama at Papa. Gutom na gutom na ko kaya napilitan ng
magluto kahit labag man sa kalooban pagkat batid sa sarili na hindi basta-basta
ang lulutuin. Sa tana ng buhay ko ay unang beses pa lamang gawin ang pagma-marinate ng
manok. Medyo nangangapangapa pa sa ginagawa kaya nagpatulong kay ate at
kinakabahan ako dahil baka pumalpak.
8z-t. Maging sa pagluluto ng manok ay naging katulong ang
ate at kahit paano'y natututo na ko. Habang abala sa pagluluto, nagkwento si
ate tungkol sa naging karanasan nila Mama sa Hong Kong at sa
aking nadinig ay tila walang sinabi ang kinalakihang bansa sa halos lahat ng
bagay. Kung hindi lamang corrupt ang karamihan sa mga
politiko, malamang ay kagaya natin ang Hong Kong o ibang bansa
na mauulad. Marahil ay karma na ito kaya ganitong pamumuhay ang kinasasadlakan
nating mga Pilipino. Umaasa ako na balang araw, matatamasa din ng
ating bansa kung anuman ang tinatamasa ng mauulad na bansa sapagkat naniniwala
ako na hindi habang-buhay, masasadlak tayo sa mababang uri ng pamumuhay at may
panahong aangat.
8z-u. Bukod pa dun ay maglalahong parang bula ang kanser
ng lipunan na matagal ng sumasakop sa atin. Naiingit tuloy ako sa kanya at sana maranasan ko rin iyon. Matapos
magluto, mawawakasan na rin ang gutom na bumibihag sa sikmura ko. Habang sarap
na sarap at halabira sa pagbanat ng pagkain ay may kung anong sigawan mula sa
labas ang sumipa sa aking pandinig. May nanaganap nanaman palang away at hindi
lamang malulutong na mura ang nagaganap kundi halos magpatayan na. Ang gulo
talaga sa lugar namin pagkat may mga araw na nagkakaroon ng hidwaan sa
kapit-bahay at akala'y ang tatapang. Maigi na lamang kami na kahit minsan hindi
nagkakasundo at nagkakasagutan pa, hindi naman humahantong sa ganon at
nangingibabaw pa rin ang respeto sa isa't isa.
8z-v. Tumagal pa bago humupa ang kanilang hidwaan at
halos mabingi na sa nakakarinding sigawan. Pagpatak ng hapon at dahil nababagot, naisipang magtungo sa labas at
magkumpyuter. Habang nasa Computer shop ang kasagsagan ng
malakas na buhos ng ulan at umiral ang pangamba na baka hindi makauwi dahil sa
baha. Sinabayan pa ng hangin, kulog at kidlat kaya animoy hinahagupit na ng
bagyo. Maigi na lamang at humupa ang Thunderstorm kaya ligtas
akong nakarating ng bahay. Kinagabihan ay panonood ng telebisyon ang inatupag
ko. May pasok nanaman kinabukasan kaya agarang natulog.
98 | 91 Siyam na pu't isang araw na lamang at Pasko na.
September 26, 2016
Monday
Year IV-270
8z-w. Nagliliwanag na sa labas ng ako'y magising.
Pagkatingin sa orasan, namayani ang gulat sapagkat Alas-siete na pala at
kailangan ng magmadali para hindi mahuli. Naipit ako sa napakabigat na trapik
na tipong ikaiirita mo sa kabagalan kaya lagpas Alas-otso y medya na nakarating
ng paaralan. Umiiral ang takot sa dibdib pagkat mukhang nahuli na sa pagpasok
kaya hindi nagdirediretso at sumilip lamang. Pagkasilip, saktong nakapasok na
si Sir Jigo at nagtuturo. Nakakahiya naman sa kanya kung tutuloy pa
ko at isa pa, baka maisturbo ko ang kanyang pagtuturo kaya napagpasyahang huwag
ng pumasok. Mukhang dami ko ng absent sa kanyang subject at
bahala na kung makakapasa o hindi. Naghintay pa ko hanggang sa sumapit ang oras
ng Social Psychology. Wala muling ibang topic si Sir
Ronan kundi kay Duterte at talagang tinutuligsa niya
ang paraan ng pamumuno ng ating Pangulo sapagkat hindi tama at marami ng
namamatay.
8z-x. Bukod pa dun ay napakawala pang modo kung magsalita
pagkat kung sino-sino ang minumura na siya namang totoo. Sabihin nating matapang si Duterte at
palaban subalit hindi naman tama kung haharap siya sa press-conference tapos
maya't maya ang maririnig na mura at bukod pa dun ay kung sino-sinong politiko ang
binabangga niya, kahit wala naman siyang basehan at kung mayroon man ay
nakakapangduda dahil para siya naghahabi-habi. Sa mga naging pahayag ni Sir
Ronan ay mukhanganti-Duterte ito. Balak ko sanang
huwag na ring pumasok sa sumunod na asignatura para tulungan ang mga kagrupo
sa Thesis kaso marami na kong absent. Sa oras ng Education
3 ay wala kaming ibang ginawa kundi take-down notes at
nakakatamad. Matapos ay labasan na at kaagad na pinuntahan sina Anne Rose sa library subalit
hindi mamataan. Piping-pipi na ang bituka sa gutom kaya sa halip na
ipagsapalaran ang sarili sa paghahanap sa kanila'y mas pinili kong kumain.
8z-y. Pagkabalik ng Library ay saktong
naroroon na sila at kanina pa raw abala sa pagkompyut ng demographic
profile sa thesis. Ibig kong tumulong subalit hindi alam kung paano at saan magsisimula at
kailangan pa magpaturo. Maya-maya, inutusan ako ni Ella na
ipakonsulta ang Statistic formula at kay Sir Jigo pa.
Simpleng utos pero naging mahirap sa akin sapagkat nahihiya akong makipag-usap
sa kanya, lalo na't may nararamdaman pa rin ang dibdib. Habang palakad-lakad ay
hindi naman pinagkaitan ng pagkakataong makasalubong at masilayan siya subalit
nangingibabaw talaga ang hiya kaya hindi ito magawang lapitan. Dahil sa hiya'y
sinasayang ko ang pagkakataon. Pagkasalubong kay Ma'am Joyce,
laking tuwa namin ng sabihin nitong wala ng klase sa Experimental
Psychology at itutuon lamang ang buong oras sa paggawa ng thesis.
8z-z. Binalikan ko sina Ella sa Library ng
wala man lang napala at pagod na pagod pagkat kanina pa palakad-lakad. Nang
makabawi ng lakas, kumilos muli ako kasama si Catherine para
magpakonsulta. Kay Ma'am Trisha sana, kaso may ginagawa ito, no
choice kundi kay Sir Barrion na lang kahit labag sa
kaloobang makausap ito kaso nagtuturo ito. Kasalanan ko ito at kundi lamang nagpanaig sa hiya, hindi sana tapos na
at hindi na hahantong sa ganito na naghahabol kami ng makakausap. Napakawalang
kwenta ko talagang nilalang at patawarin nawa nila ako. Naging paspasan at
abala kami sa paggawa ng Thesis sapagkat sa Miyerkules na ang
pasahan kaya hindi maramdaman ang paghampas ng gabi.
9a-a. Masyado ng alanganin ang pag-uwi kung magtatagal pa
kami kaya kahit hindi pa tapos ay napagpasyahan ng lumisan. Sa tindi ng
namamayaning gutom, diretso ako sa paglantak ng ulam pagkaalpas ng bahay. Kahit
bagsak na ang mata sa pagod dahil maghapong palakad-lakad ay kailangang labanan
para tapusin ang Thesis. Natapos ko naman ang pagkompyut ng datos, ang
problema'y hindi sigurado kung tama ba ang ginawa kaya kahit walang pasok
kinabukasan ay kailangan pa rin magtungo sa Paaralan para magpakonsulta sa
aming Statistic Professor.
97 | 90 Siyam na pung araw na lamang bago sumapit ang Pasko. Umaasa ako na kahit
gaano man kaseryoso ang isang bagay ay malalampasan pa rin.
September 27, 2016
Tuesday
Year IV-271
9a-b. Gabing-gabi na nakatulog para tapusin ang
pagkompyut ng datos sa Thesiskaya tinanghali muli ng gising.
Mamayang tanghali pa ang balak ko na pagtungo sa School kaya
naisipang magbantay sa tindahan. Pagpatak ng Alas-dyis ng magsimula na kong
magbihis at pinagsamang hiya at kaba muli ang namamayani sa dibdib sapagkat
hindi basta-basta ang aking gagawin sa isang katulad na mahiyain. Habang lulan
ng Jeep ay may isang Ale na nakasabay at ito'y nanggagalaiti
sa galit habang may kausap sa telepono, katindi rin pala ng lalaking iyon
sapagkat apat na babae ang pinakasalan nito. Ang masakit pa sa tagal ng panahon
na sila'y magkasama at nagkaanak pa nga ay ngayon lang natuklasan na may iba
pala itong asawa at tatlo pa. Kalandi rin ng lalaking iyon at kung ako sa
kanyang kalagayan, baka mapatay ko siya pagkat grabe ang panlolokong ginawa at
dapat sa ganong tao'y hindi binibigyan ng karapatang mabuhay.
9a-c. Maigi sana kung Muslim siya,
pwedeng mag-asawa ng higit sa isa at di madarama ang sakit. Dakong Alas-onse ng
makarating sa unibersidad. Saktong
nagklaklase pa si Ma'am Trisha kaya naghintay pa ko. Makaraan
ang isang oras na pag-aabang, sa wakas ay lumabas na rin siya at lakas loob na
nilapitan ito subalit ikinadismaya ko ang kanyang tinuran na hindi matutulungan
sapagkat may susunod pa raw itong klase. Inintindi ko na lamang siya at kahit
na ganon ay hindi pa rin napanghinaan ng loob at umaasang may mapapala ang
pagpunta ko. Kahit dinadaga ng hiya, naisipang kay Sir Jigo na
lamang magpatulong. Hindi naman ako nabigong makausap ito at tinuruan ng
gagawin kaso sadyang mapagkait ang pagkakataon sapagkat saglit lamang ang aming
pag-uusap at may klase pa ito.
9a-d. Tingnan mo nga naman, si Ma'am Trisha ang
sadya ko pero kay Sir Jigo ang bagsak subalit ayos na yun
kaysa walang malapitan, isa pa ay pagkakataon na rin para masilayan ito at
makausap pa ng harapan at ang saya ng araw ko kahit stressful na
ang utak sa Statistics. Lalo pa lumigaya ang araw ko ng
sabihing matutulungan niya ko mamaya. Bukod sa nag-uumapaw ang kakisigan ay ang
bait pa niya kaya lalo pa ito tumitingkad ang nararamdaman sa kanya na tipong
kaunting kembot na lang ay mahuhulog na. Medyo ikababagot ko ang paghihintay
sapagkat matagal-tagal kaya naisipang magkumpyuter muna. Makalipas ang dalawang
oras at pagkatungo kung nasaan ito, nagklaklase pala't another paghihintay
nanaman ang gagawin. Mabuti na lamang at nandiyan ang kamag-aral na si Nadia at
tsikahan kami habang hinihintay lumabas si Sir.
9a-e. Ilang sandali pa, lumabas na si Sir Jigo subalit
di naman makalapit, ni makausap sapagkat bukod sa akin ay may iba pang
nagpapatulong sa kana. Kita ko sa kanyang mukha na nai-stress na, sa
dami ba naman ng lumalapit at nagpapatulong sa kanya ng Statistics kaya
napanghinaan na ng loob na lapitan ito subalit ayaw kong mapunta sa wala ang
pagpunta at sayangin ang pagkakataon kaya nilabanan ko ang hiya. Ang problema, hindi na niya ko maasikaso pa pagkat
marami ang nagpapatulong dito at nagagawa ng ireto sa kanyang estudyante ang computation ko.
Marunong naman ako makiramdam kaya kahit hindi kumpleto ang ibinibigay na
detalye para makatulong sa pagkompyut ay napagpasyahan ng umuwi na lang. Naging
maulan ang panahon ngayong hapon kaya kahit may baong payong ay mistulang
basang sisiw pagkauwi. Kinagabihan at matapos manuod ng telebisyon at dahil
bukas na ang pasahan ng Thesis at hindi pa kumpleto ang table,
puyatan muli sa pagkompyut ng sangkaterbang datos at ikakabaliw mo pagkat di
basta-basta pag-aralan ang Statistics. Suko na ko kaya kahit hindi
pa tapos, napagpasyahang ipagpabukas na lamang.
96 | 89 Walong pu't siyam na araw na lamang, Pasko na.
September 28, 2016
Wednesday
Year IV-272
9a-f. Magdamag na bumuhos ang malakas na ulan dulot
ng Hanging Habagat kaya napapaisip na kung may pasok ba o wala at
katamad bumangon pagkat malamig. Humina naman ang ulan pagkagat ng liwanag kaya
nanatiling may pasok at kailangan ng magmadali pagkat hindi ibig na mahuli muli.
Naipit muli sa mabigat na trapiko kaya ang resulta, Alas-otso y medya ng
makarating sa paaralan at sa sobrang pagmamadali ay halos tumakbo na, makaabot
lang. Laking tuwa ko sapagkat saktong wala pa si Sir Jigo pagkapasok
ng silid. Ilang sandali pa, dumating na si Sir at may inanunsyo. Matapos ay
mistulang Group Dynamics ang kaganapan sa oras ng Guidance
and Counseling pagkat nagpalaro si Sir sa amin at ang saya-saya. Sa
huli, nakakagalak sa dibdib pagkat pangkat namin ang nanalo. Bago umalis ay
sinamantala na ang pagkakataon para ipakonsulta kay Sir Jigo ang computation ng Statistics.
Sobrang dungong-dungo na ng oras na iyon at parang matutunaw na sa kilig kaya
hindi rin nagtagal ang pagpapaturo sa kanya.
9a-g. Naiinis ako sa sarili pagkat hinahayaang magpanaig
sa hiya, nagsisisi tuloy pagkalabas. Kaagad kong
pinuntahan ang mga kagrupo sa Library at sa sobrang abala sa
pagkompyut ng data na hindi sigurado sa ginagawa,
napagpasyahan ng huwag ng pumasok sa klase ng Social Psychology.
Habang ako na aligaga at halos ikasira na ng tuktok sa pag-aaral ng Statistics at
pagkompyut ng mga datos, yung mga kagrupo naman, hala ang sige sa tsikahan at
tawanan na akala'y wala sa library, hindi tuloy makapag-concentrate.
Maya-maya, laking tuwa namin ng ipabatid ng ibang kamag-aral na walang klase
sa Education 3. Lalo pa nagkaroon ng oras para tapusin ang ginagawa
na hindi matapos-tapos. Kanina pa ramdam ng Sinapupunan ang gutom kaya ng breaktime,
kung makasubo parang isang buwang hindi kumakain. Matapos mananghalian at
kasama si Catherine ay tumungo kami ng Faculty para
magpatulong kay Sir Jigo ng Statistics.
9a-h. Habang papalapit sa kanya ay umiral muli ang
pagkamahiyain. Marahil ay
nakukulitan na sa amin si Sir pagkat makailang ulit ng lumalapit at
nagtatanong. Kung di lamang nawaglit sa isipan ang mga itinuro sa Statistics,
hindi na ito kailangang gawin, ang maghabol. Landi kasi ng nasa dibdib at mas
nakatuon pa ang atensyon sa kanyang cute na mukha kaysa sa
itinuturo nito ng panahong iyon. Tinuruan niya naman kami subalit madami talaga
itong inaasikaso kaya hindi din natapos at nanatili pa ring nangangapa.
Gayunpama'y nag-uumapaw ang ligaya ngayong araw pagkat nakausap ito at hindi
maiwasang kiligin. Habang hinihintay matapos si Sir sa pagtuturo, tamang
tsikahan lamang kay Bessa Cruz. Maya-maya pa'y lumabas na si Sir
Jigo at mistulan itong bata pagkat nakikipagharutan sa mga estudyante
lumalapit dito at masyadong magalaw. Gusto kong makisali pagkat pagkakataon na
iyon pero humadlang ang hiya.
9a-i. Magkahalong tuwa at gulat ang sumagupa sa loob ng
bigla kaming lapitin ni Sir at tipong ibig makipagkulitan sa amin kaso kung
kailan kikibuin na, saka naman ito umalis. Approachable si Sir
at ibig makipagkaibigan sa kanya kaso di magawa. Mukhang napapatagal na ang
pananatili sa harap ng Faculty dahil minamasdan-masdan ang
presensiya ni Sir Jigo at di nakakasawang tingnan ang
kagwapuhan nito. Pumatak na ang Alas-tres kaya kinailangan ng umalis.
Pagkatungo sa silid, nadatnang kausap ng ilang kamag-aral si Ma'am
Joyce at laking tuwa namin ng sabihin wala muling klase sa Experimental
Psychology at bukod pa dun, naurong ang pasahan ng thesis.
Napakabait ni Ma'am Joyce at hindi ito malupit sa pagbibigay ng
palugid, mapalad ang maging guro siya gaya namin. Matapos ang announcement,
karakaraka ng umuwi. Kinagabihan, sumakit ang ulo ko't epekto na marahil ng
kakaaral at kakaintindi ng Statistics, idinaan na lang sa pagtulog.
95 | 88 Walong pu't walong araw na lamang at Pasko na.
September 29, 2016
Thursday
Year IV-273
9a-j. Muling nagbuhos ng ulan ang Hanging Habagat kaya
ang resulta, basang-basa ang kapaligiran at dama ang malamig na panahon,
pahirapan tuloy ang bumangon ng maaga at katamad pumasok. Medyo mahuhuli na sa
pagpasok kaya may pagmamadali na sa pagkilos. Pagkarating, wala palang klase sa
Group Dynamics pagkat inaayos ang silid. Kasama ang mga kagrupo'y
sinamantala ang oras para pag-usapan ang gagawin sa pagka-conduct ng
palaro. Maya-maya ay sumama ang loob ko ng matuklasang tinanggal ni Ella sa
aming group chat, isinantabi ko muna ang yamot at inalam ang
dahilan. Iyon pala, may pinag-usapan silang bagay na hindi ko dapat malaman.
Pilit kong inunawa ang ginawa nila subalit patuloy na sumasama ang loob. Ano
bang problema nila sa akin at bakit hindi magawang pagkatiwalaan.
9a-k. Napapaisip ako tuloy kung kaibigan ba ang turing sa
akin o baka pinagsisiksikan lamang ang sarili sa mga taong di ka naman tanggap
at parating binabalewala. Bumibigat na
ang pasan-pasan ng kalooban kaya gusto kong ilabas o magwala, kaso walang
mapagsabihan at ang hirap kapag kinikimkim ang nararamdaman. Maigi na lamang at
dumating si Mara, sa kanya ko lahat ibinuhos ang hinanakit sa
kanila. Pinayuhan niya ko at ng mahimasmasan ang loob, hinanap ko sila. Pagkakita
sa kanila, daglian kong ibinulalas ang nasa loob. Humingi naman si Ella ng
tawad sa akin at nagpaliwanag. Mistulang bulang naglaho ang hinanakit matapos
nilang magpaliwanag at nagsisisi sa mga nabitawang salita. Hindi ko na ibig
pang tumagal at lumala pa ito kaya tinanggap ko kaagad ang kanilang paumanhin.
Napalitan ng tuwa ang kaninang nagliliyab na dibdib sapagkat agad na nagkaayos.
9a-l. Pagkatapos kumain ay tumungo kami sa Library para
asikasuhin ang di matapos-tapos na Thesis dahil sa pesteng Statistics.
Sa daldal kong ito, napasarap ang usapan at di namamalayan ang oras na
kailangan ng pumasok sa silid. Sa oras ng Genetics, nagsimula na
ang isahang pag-uulat. Dama na dama ko na ang pananakit ng sugat sa Paa kaya
nawawalan ng konsentrasyon sa pakikinig at pakiwaring lalagnatin. Sumasama na
ang pakiramdam ko dahil sa iniindang sugat kaya napagpasyahang huwag ng pumasok
sa klase ng Physics, isa pa'y tinamaan na ng pagkabatugan. Diretso tulog
ako pagdating ng tahanan. Kinagabihan,
nakakalungkot na balita ang aking nabatid sapagkat sumakabilang buhay na ang
isa sa pinamahusay, matapang at mapagkakatiwalaang mambabatas at politiko na
si Miriam Santiago.
9a-m. Nakakapanghinayang lang sapagkat kung sino pa ang
tapat at walang bahid ng korapsyon habang nasa politika, siya pa ang kinuha
ni Lord samantala yung ibang politiko na bilyon-bilyon ang
nakukulimbat sa kaban ng bayan at napakaraming ginawang anomalya, tipong
masamang damo ang buhay. Hinahangaan ko siya sapagkat matapang nitong nilabanan
ang mga tiwali't marami ding naipatupad na batas na siyang nakatulong sa ating
bansa at pamumuhay. Bukod pa dun ay napapasaya niya ang mga tagapakinig sa
tuwing magtatalumpati dahil mahilig itong magbitaw ng mga Pick up lines.
Para sa akin ay isa siyang huwaran at sana may mga politiko pang gaya niya na
tapat at hindi sakim sa kapangyarihan.
94 | 87 Walong pu't pitong araw na lamang at Pasko na.
September 30, 2016
Friday
Year IV-274
9a-n. Ngayong araw na ang aming conduction ng palaro sa Group
Dynamics at iyon ay tuloy na tuloy na kaya kahit hindi pa tuluyang
sumisikat ang araw at kukurap-kurap pa ang mata sa antok, kailangan ng bumangon
ng maaga. Dakong Alas-otso ng makarating sa paaralan at sina Joy at Abby pa
lamang ang nadadatnan na abala sa paghahanda ng materials na
gagamitin sa palaro. Ilang sandali pa, dumating na rin si Rodrigo at
habang hindi pa pinapapasok ni Ma'am Cole, tulong-tulong kaming
inasikaso ang mga gagamitin. Habang lumilipas ang sandali, patindi ng patindi
ang kaba kaya lalo pang inigtingan ang paghahanda. Pagpatak ng Alas-nuebe,
tinawag na kami ni Ma'am Cole at sumidhi pa lalo ang kabang
nararanasan ng humarap sa mga Senior high school. Kahit
namamayani ang hiya sa bawat isa sa amin ay nilakasan ang loob na magsalita at nagpakilala.
9a-o. Hindi pala biro ang maging Facilitator sapagkat
bukod sa sasabihin mo ang Mechanics ng laro ay magsasaway ka pa,
ang gugulo pa naman nila kaya mauubusan ka ng pasensiya pero kailangang
magtimpi alang-alang sa aming performance. Bukod sa hindi masaway, ang
iingay pa at sakit sa teynga ang mga boses. Kahit na ganon ay pinakitunguhan pa
rin sila ng maayos at halatang nag-enjoy sa aming palaro. Bago kami
magpaalam, Groupie kasama si Ma'am Cole at sa
kabila na halos mapunitan na ng ngala-ngala sa kakasigaw at salita, may
napatunguhan naman dahil nakakuha ng mataas marka mula kay Ma'am at ang bait
pa. Hindi pa ko umuwi sapagkat kakatagpuin pa namin si Sir Jigo para
sa magpaturo sa statistics. Bago pa man sumapit ang Alas-onse,
dumating na si Catherine at habang wala pa sa faculty si Sir
Jigo, pinagplanuhan namin kung ano-ano ang ipapakain sa kanya.
9a-p. Hindi naman basta-basta ang taste niya
at siyempre pagkakataon ko na ito para ma-impress ang taong
nagbibigay kulay sa araw ko kaya nahirapang magdesisyon. Maigi na lamang at ka-chat ko si Ma'am
Joyce at nakatulong iyon sa amin para makapagdesisyon. Sa huli, Crispy
Cream Doughnut ang nais namin ibigay sa kanya at kahit may kamahalan
at lagas ng husto ang kwarta sa pitaka, ang mahalaga'y masiyahan at mabusog
siya sa kabila na nakukulitan na sa ilang araw na pang-aabala sa kanya.
Maya-maya pa'y tumungo na kami ng Faculty subalit wala ito, iyon
pala malaman-laman namin kay Sir Juangco na nagpa-panel ito.
Tumungo kami ni Catherine kung saan isinasagawa angdefense at
inabangan.
9a-q. Pagkalabas ni Sir, wala ng hiya-hiya pang lumapit
at tahasang ipinaliwanag ang computation. Naturuan niya naman kami
kaya lang, sobrang busy ito sa pagpa-panel kaya
muli niya kaming isinantabi at maghihintay nanaman ng matagal. Napapaisip na ko
kung may patutunguhan pa ba ang aming ginagawa, lalo na't tila napakailap ni
Sir sa amin subalit hindi pa rin nawalan ng pag-asa. Naghintay pa kami hanggang Alas-tres at ng makaharap namin itong muli,
laking gulat at tuwa sapagkat pinapadalo niya kami sa kanyang klase ng Statistics at
doon daw niya ituturo kung paano yan. Tila nabuhayan ng loob sa kanyang sinabi
at nasasabik dahil may pagkakataon para masilayan ito ng matagalan.
9a-r. Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay, sa wakas
at may result table na kami at siya mismo ang gumawa. Recommendation at Conclusion na
lamang ang kulang. Hindi na kami nagtagal pa pagkabigay ng table at
nakakatuwa sapagkat matapos ay paghihintay ay may napatunguhan rin. Sa halip na
umuwi ay tumungo pa ng computer shop para gawin ang report
presentation sa Genetics. Inabot na ko ng gabi sa pag-uwi
at sa di inaasahan ay bigla na lamang sumikip ang paghinga ko. Inaatake na pala
ng hika kaya kaagad na gumamit ng inhaler. Sa maghapon ba naman
dilat ang mata at kakaikot-lakad sa paghahanap kay Sir Jigo ay
malamang ganito ang kahihinatnan. Kinalaunan ay bumalik sa dating ayos ang
paghinga at kailangan ko ng pag-ibayuhin ang pag-iingat sapagkat gastos nanaman
ito.
93 | 86 Walong pu't anim na araw na lamang bago sumapit ang Pasko.