June 01, 2016
Wednesday
Year IV-153
Year IV-153
8K-A. Unang araw para sa buwang ito. Matapos ang ilang araw na pakikibaka ng
katawan mula sa karamdaman maging ang bulsa, pagkamulat ng mga mata'y
maginhawa na ang pakiramdam. Bukod pa dun ay nanumbalik na din ang dating
sigla't tila makakaya ng makakilos. Kahit dahil sa pagpapahinga ay abot-abot pa
rin ang pasasalamat sa maykapal at hindi niya hinayaang lumubha ang aking
karamdaman, bagkus ay pinabilis pa niya ang aking paggaling. Kahit
magaling-galing na kung hindi pa naman tuluyan ay di pa rin maaaring gampanan
ang gawaing bahay sa takot na mabinat. Para hindi lamunin ng pagkabato'y
naisipang magbasa-basa. Pagpatak ng Alas-dyis, bahagyang nakakaranas na ng
gutom kaya pagkaluto ng ulam, minabuting kumain na. Habang sarap na sarap sa paglantak ng
pananghalian ang biglang pagsilang ng dilim sa kalangitan, marahil nagbabadya
muli ang pagbuhos ng ulan.
8K-b. Biglang umiral ang takot ko ng makarinig ng kulog at dali-daling
nagtago sa kwarto. Ilang sandali pa'y bumuhos na ang napakalakas na ulan na
sinabayan pa ng malabombang lakas ng kulog kaya abot-abot na ang pagkasindak.
Sa bawat pagdagundong ng kulog ang pag-igting pa lalo ng namamayaning takot at
muntikan ng mapawiwi. Saka lamang lumabas ng kwarto matapos ang unos. Maya-maya pa'y
nagtungo ako ng Computer shop. Nuknakan sa ingay ang mga kasamahang
nakikiupa kaya di na nagawa pang magtagal. Pagkauwi ay kaagad akong natulog.
Medyo napasarap sa pagtulog kaya malapit na pala ang oras para maghapunan ng
magkamalay. Matapos maghapunan at gawa na nakakabato kapag walang ginagawa,
panonood ng telebisyon ang naging libangan. Mga dakong Alas-onse na ng
mapagpasyahang matulog.
June 02, 2016
Thursday
Year IV-154
8K-c. Ngayong araw na pala
ang luwas ng aking pinsan na si Arjay dito sa Maynila buhat
sa Cagayan at sa halip na pananabik ay hiya ang siyang
nangingibabaw at di ko alam kung paano makiharap sa kanya, lalo na't
nakapagtapos na ito at mas mataas ang pinag-aralan sa akin. Hindi ko maunawaan
kung bakit ganito na lamang ang hiya, basta wala pang lakas ng loob na humarap
sa kanya. Pagkagising at habang di pa siya dumarating, kaagad akong umalis ng
bahay pagkaagahan. Sa bahay ng Auntie Andrea ko naisipang
magtungo at manatili pansamantala. Dahil masyado pang maaga, saktong kagigising
pa lamang nito pagkarating sa kanila at kaagad kaming nag-usap. Kahit nalalayo
ang edad sa isa't isa ay parang ang lapit ng loob kung kami ay mag-usap, sayang
lamang at tulog pa ang mga pinsan ko, di man lang masulyapan at makausap.
Napahimbing ang huntahan naming magtiyahin kaya nagtagal pa ko sa kanila
hanggang Alas-nuebe.
8K-d. Hindi pa tuluyang lumalakas ang loob ko subalit kinailangan ng umuwi at
makipagkilala sa aking pinsan subalit tulog na ito ng datnan ko. Nakakaranas na
rin ng pagkalam sa sikmura kaya pagkaluto ng ulam, agaran ako sa paghahain at
paglantak ng pagkain.
Matapos kumain ay muli kong nilisan ang tahanan. Sa bahay nina Cathy ako
tumungo at bukod sa akin ay nandoon rin ang kanilang bisita na si Kenneth.
Abala sila sa pagluluto ng Ginataang halo-halo at kasing tamis ng ginataan kung
magsama ang dalawa, marahil ay may namamagitan na sa kanila pagkat masyado ng
halata. Husto na ang edad ni Cathy para makipagrelasyon
subalit ang dapat lang bantayan ang baka mauwi sa maagang pagiging magulang.
Kahit magkaibigan kami, walang karapatang panghimasukan ang buhay niya, basta
doon siya magiging maligaya.
8K-e. Sina Jaka naman, napakakulit at masyadong makwela kaya
sa halip na mairita'y naaliw ako. Ilang sandali pa at ng maluto ang Ginataang
halo-halo, masaya namin iyong pinagsalu-saluhan at kinapalan na ang mukha sa
pagsalok. Labis ang aking pagkaumay pagkat matamis, hinaluan ba naman ng
paglalambing at lasap na lasap ang tunay na pagkaing pangpinoy. Nanatili pa ko
sa kanila hanggang sa sumapit ang Alas-tres at sa halip na umuwi, naisipan ko
pang magkumpyuter. Dakong Alas-kwatro na ng makarauwi't tanging si Papa lamang
na abala sa pagtitinda ang nadatnan at may pinuntahan sila Mama at Arjay.
Dahil may iba pang aasikasuhin si Ama, ako muna ang namahala sa tindahan.
8K-f. Habang papalapit ang paglatag ng gabi ang unti-unti muling pagbabadya
ng pagsungit ng panahon. Wala na ring patid ang mga pagkulog kaya umiral muli
ang takot sa dibdib. Lalo pang kumapal ang mga kaulapan pagsapit ng takipsilim
at sa itim na malauling, marami-raming marahil na ulan na maibubuhos. Sumidhi
pa ang takot pagkagat ng dilim at kitang-kita sa kalawakan kung gaano katalim
ang pagguhit ng kidlat kaya labis na ang pagkasindak. Sa kabila na nginig na sa
takot ay buong tapang iyong nilabanan at nagpatuloy pa rin sa pagtitinda. Para
namang bulang naparam ang takot kinalaunan at kahit mapanganib at mapaminsala'y
kay ganda pa ring pagmasdan sa kalangitan ang mga kidlat na animoy maliksing
sumasayaw.
8K-g. Ibig pa ngang kuhaan ng litrato kaso baka ako'y tamaan. Makalipas ang
ilang sandali, bumuhos na ang ulan subalit di naman kalakasan. Pagpatak ng
Alas-otso, napagpasyahan na namin ni ama na magsara. Maaga pa naman kaya
naisipan pang ibabad ang mata sa telebisyon. Bago pumatak ang Alas-dyis ang
siya namang pagdating nila Mama at Arjay. Tulug-tulugan ako habang
pinakikinggan sila at sa boses pa lamang na malaki na may pagkabilugan, tila
malamaton ang pangangatawan ng pinsan ko. Medyo naiintriga na ko subalit
pinangungunahan ng hiya kaya mas pinili pang matulog na lamang kaysa alamin ang
kanyang hitsura.
June 03, 2016
Friday
Year IV-155
8K-h. Pag-uusap nina Mama, Papa at maging ni Arjay ang tumapos
sa nahihimbing kong tulog. Maliwanag na pala sa labas at kahit di pa ibig ang
lumabas ng kwarto pagkat nanatiling nahihiya ang loob ay nilakasan ko ng loob
at pagkakita sa kanya'y nabighani ng gusto sapagkat napakatangkad at bukod pa
dun ay nag-uumapaw sa kakisigan. Halos hindi na nga makapagsalita dahil gulat
na gulat at marahil ay maraming kababaihan na sa probinsyang pinanggalingan
nito ang agad na napasagot at giliw na galiw pa dahil sa artistahin nitong
hitsura. Kahit nakapangdamit at di pa nasisilayan ay marahil ay may maganda din
ang hubog ng pangangatawan. Sa wakas ay nag-usap na rin kami at naipakilala ko
na ang sarili subalit saglit lamang siyang nasilayan dahil may mahalaga itong
lakad. Matapos mag-almusal ay sinimulan ko na ang gawaing bahay at habang abala
sa pagwawalis at punas ng sahig ang biglang pagsugod ni Aling Pammy.
8K-i. Nagdurumi pala ang anak nito at humihingi ng gamot kay Mama subalit
tumanggi ito. Nahabag ako sa kanyang mga sinambit kaya nagawa ng magmagandang
loob subalit pinigilan ni Mama.
Hindi ko maintindihan sa kanya at sa halip na maipagmalaki at purihin sa
tuwing tutulong sa kapwa ay minamasama pa niya. Iyan ang hirap sa kanya,
iniisip niya kung ano ang mawawala kapag magbabahagi kung anong mayroon kami at
takot maghirap, ang di niya alam ang pagtulong ay may karampatang gantimpala,
hangarin mo man o hindi at dapat iyon ang isipin niya. Nagawa ko pang
makipagtalo sa kanya, makatulong lang kay Aling Pammy subalit
kagustuhan pa rin niya ang nasunod. Pagpatak ng hapon at pagkagaling sa Siyesta ay
naisipan ko muling magtungo kina Cathy. Abalang abala si Cathy sa
ginagawa kasama si Kenneth kaya di gasinong makausap at dahil nababagot,
napagdiskitahan namin ni Jaka ang Xylophone nito.
8K-j. Sa una, madalas magkamali at di makuha ang tamang melody ng
kanta, gayunpaman ay nakakalibang at natututo ka kung paano ang tumugtog. Kinalaunan ay
nakukuha na ang tamang nota kaya lalo pa kong natuwa at nalibang. Natagpuan ko
muli ang saya sa piling nina Cathy kaya nagtagal pa sa kanila hanggang
sa dumilim. Hindi ko pa ibig ang umuwi kaya naisipan naman kina Angelica magtungo subalit may
kinakaharap itong problema at wala siyang panahong makipagtalastasan sa akin.
Baka makadagdag pa ko kung mananatili sa kanila at walang maisip na paraan kung
paano siya matutulungan kaya umalis na. Pagkauwi at dala ng gutom, pagkain agad
napagbalingan at sa siba'y labis na kabusugan ang nakamtan ko. Masyado pang
mababaw ang gabi kaya naisipang manuod ng Video.
8K-k. Napakagandang panoorin ang I Witness dahil pinapakita
nito ang iba't ibang paraan ng pamumuhay ng bawat mamamayan sa ating bansa
maging ang kanilang kalagayan. Bukod pa dun ay nalalaman mo rin ang kakaibang
kultura ng mga katutubong kanilang pinupuntahan na malayong-malayo sa ating
kinagisnan. Naghari bigla ang
kahabagan sa dibdib ng matunghayan ang isang bata na isinugod sa Emergency
room na nag-aagaw buhay dahil sa ilang araw na pagdudumi. Ginampanan
lahat ng Doktor ang paraan para masalba ang bata subalit sa huli, binawian ito
ng buhay at abot-abot ang paghihinagpis ng magulang na kanyang inulila. Naalala
ko tuloy ang tungkol sa kanina at dapat ay di ako nagpatalo kay Mama, di sana
natulungan ko si Aling Pammy ng sa gano'y maagapan ang kanyang
anak. Hiling ko lang na nasa maayos ng kalagayan ang anak niya at di matulad sa
sinapit ng batang aking napanood.
June 04, 2016
Saturday
Year IV-156
8K-l. Namamayagpag na ang kaingayan sa labas maging sa loob ng bahay
pagkagising kaya hindi na nagpaligoy-ligoy pa sa pagbangon. Gabundok ang tambak
ng hugasin sa lababo kaya iyong ang unang pinag-ukulan ng panahon matapos
mag-almusal. Habang abala sa paghuhugas ay saka lamang nagising ang pinsang
si Arjay at pagpuri agad ang siyang ibinungad sa akin na lubos
kong ikinatuwa. Maya-maya pa'y nagtungo na sa tindahan para magtinda. Sa una ay
nahihiyang makipagkwentuhan sa kanya at nauutal sa tuwing may sasabihin pero ng
masanay na, doon na nawala ang hiya't napaparami na ang mga nasasabi ko sa
kanya. Nakakausap naman siya ng maayos at doon ko pa lalo ito nakikilala.
Maya-maya, tanghalian na pala kaya itinigil muna ang pagtitinda upang kumain.
8K-m. Bigla akong nakaramdam ng antok sa katawan kaya matapos tsumibog ng
husay ay daglian akong natulog. Saktong kakauwi pa lang ng ate galing Taguig ng
muling magmulat ang mga mata at masayang pinaglalantakan ang dala nitong
pasalubong. Ilang sandali pa, naging abala na kami sa paghahanda at bihis na
sabik na sabik sapagkat tutungo na ng Mall. Kasama si Arjay ay
sa Trinoma ng ate naisipan upang kami ay mag-bondingmagpapamilya.
Bago kumain sa isang susyaling restaurant na iprinesenta ng
ate, tumungo muna kami sa isang palaruan na Time Zone. Maraming
pwedeng mapaglibangan kaso kailangan may dala kang limpak limpak na pera para
masulit mo ang paglalaro.
8K-n. Mabuti na lamang at inilibre kami ng ate kaya nakapaglaro at labis ang
akingenjoyment kasama ang pamilya kahit kulang ng isa dahil wala si
Papa. Pagsapit ng Alas-kwatro ay itinigil na namin ang paglilwaliw sa paglalaro
at nag-abang na sa labas ng Restaurant na kung tawagin
ay Yaki Micks. Sa sobrang sabik na matikman ang iba't ibang
nakahaing putahe na ngayon lamang malalasap, hindi na makapaghintay pa ang
sikmura at natatakam na ang aking dila. Naghintay pa kami ng isang oras bago
magbukas ang Restaurant at pagkapasok, tumambad ang samu't
saring mga pagkain. Dahil buffet ang set up ng
pinasukang Restaurant, eat all you can muli gaya
ng sa Vikings at one to sawa sa pagkain.
Hangga't may maaninag ay sige lamang sa pagkuha sabay lalantakan.
8K-o. Sulit na sulit ang araw na ito dahil natikman ang mga putaheng wala
dito sa Pinas at naghalo-halo na nga ang kinain. Kahit halos
mabundat na sa labis na kabusugan, sige pa rin sa pagkuha at hindi na magawa
pang magpakahinay.Maya-maya'y nilapitan na kami ng Service Crew at
kahit anim na araw ng nakakalipas matapos ang kaarawan ko at apat na araw pa
bago kay Mama, inawitan kaming dalawa for b irthday treat.
Pakiramdam ko, ang saya-saya ng naging kaarawan ngayong taon at labis labis ang
pasasalamat sa nagingbirthday gift ng ate na nagawa pang manglibre
kahit minsan ay di kami nagkakasundo. Nang wala ng mapaglagyan pa ang sikmura
at babagsak na sa labis na kabusugan, saka lamang kami tumigil sa pagkain.
Inabot na kami ng gabi sa pag-uwi na baon ang masasayang ala-ala habang isa-isang
tinitikman at nilalantakan ang mga putahe at isa ang araw na ito sa
pinakamaligayang dumating sa buhay at kailanman ay di mawawaglit sa isipan.
June 05, 2016
Sunday
Year IV-157
8K-p. Araw nanaman ng Linggo at sa sandamakmak na kinain kahapon ay mukhang
aabutin ng isang buwan na di kakain dala ng kabusugan. Medyo mugto pa ang mga
mata sa antok subalit kailangan ng bumangon pagkat maaga na at ako na lamang
ang tulog. Medyo nababato muli kung mananatili sa bahay na parang nabubukbok
kaya naisipang magtungo sa labas upang magpahangin. Saktong abala sa
pag-iimpake ang Aling Pammy katulong ang anak nitong si Trisha at
sila ang naging libangan habang nagkukwentuhan. Habang kalagitnaan ng aming
pag-uusap ang biglang pagsabat ni Mama at lantarang sinabing napakadaldal ko
raw, bagay na ikinasama ng loob at kung makapagsalita, akala'y napakatahimik
samantalang uma-umaga, almusal ang pakikipagtsismisan at marami siyang
naikukwento.
8K-q. Sumakit man ang loob at napahiya pa, di ko siya inalintana at
ipinagpatuloy ang pakikipag-usap kina Aling Pammy. Ganyan talaga
kung nagkakaedad na, hindi pinag-iisipan kung ano ang sinasabi't masyado man
silang mapupusok at masasakit magsalita, kailangan na lang unawain. Maya-maya
pa'y biglang nagkagulo sa labas, may matanda palang nabanlian ng tubig at
masyado na silang natataranta. Habang pinagmamasdan ang matanda na ginagamot na
lapnos ang balat ay iniisip ko ang sakit at hapdi. Ilang sandali pa, tanghalian
na at dala ng gutom ay kaagad ng sumandok ng ulam at kumain. Pagsapit ng hapon,
lakwatsa muli ako at patungo sana sa bahay nila Shiela subalit
biglang nagbago ng tawagin ni Angelica.
8K-r. Wala kaming ginawang magkumare kundi magkwentuhan ng magkwentuhan at
natutuwa ako dahil nasasabi ang gustong sabihin. Napasarap ang kwentuhan namin
kaya di namalayang dumidilim na pala't kailangan na niyang maghanda para sa
kanilang hapunan. Dahil inabot na ng gabi, sa kanila na ko naghapunan at
matapos, naglaro kami ng baraha. Labis ang pagkabilib ko kay Rachid dahil
marami itong alam na magic trick sa baraha at di mapigilang
magsabi ng Wow. Malapit na palang sumapit ang Alas-nuebe at kahit
isang oras pa bago ang Curfew time, kinailangan ko ng magpaalam. Hindi
naman naulanan ng sermon pagkauwi sapagkat himbing na sa pagtulog ang bungangera.
June 06, 2016
Monday
Year IV-158
8K-s. Maaga pa lamang ng ako'y magising at kaagad ng nag-almusal kasama ang
pinsan na si Arjay. Matapos mag-almusal, gatambak muli ang hugasin
sa lababo at dahil wala naman ginagawa, iyon ang pinag-ukulan ng oras. Habang
abala sa paghuhugas ay di naibigan ng loob ang pinakawalang salita ni Mama.
Sabihan ba naman niyang kaya ko raw ito ginagawa dahil nagpapasikat lamang ako.
Biglang nagliyab ang damdaming nasaktan at gawa na di makayaning tanggapin, di
na mapigilang sagut-sagutin ito. Sa galit, nagawa ko na siyang mura-murahin at
talagang na-down ako ng sabihin niya iyon. Nawalan na ko ng gana
kaya di na nagawa pang tapusin ang paghuhugas at nahiga sa kwarto, kinikimkim
ang mga sinabi niya. May damdamin din ako at di naman magandang katwiran na
porket tumatanda na siya, intindihan na lamang kahit masasakit na ang
nabibitawang salita. Kahit maintindihin ako, may hangganan din ito. Sa bigat na
dala-dala ng kalooban, hindi ko na itinuloy pa ang pagtungo sa eskwela at nagmukmok
sa kwarto.
8K-t. Sa halip na pagtulong ay pagpapasikat lamang pala ang dating sa kanya
ang mga ginagawa ko. Saka lamang ako lumabas ng kwarto ng bahagyang naibsan ang
nararanasang hinanakit at dahil masyado pang mainit ang sitwasyon sa bahay,
naisipang lumabas-labas.
Sa bahay ng Ate Bing ako tumungo subalit sarado ang
bahay nito, kina Auntie Andrea ako nagtungo. Gusto ko sanang
sabihin sa kanya kung ano ang nasa saloobin subalit di magawa sa takot na
lumaki at sinarili na lamang. May mga bagay kaming napag-usupan na siyang
unti-unting bumubura tungkol sa kanina subalit di rin nagtagal pagkat
magpapahinga ito. Nawili ako kahit nakikinuod lamang ng Pelikula kila Ate
Bulehn kaya nagawang magtagal sa kanila subalit hindi na natapos pa.
Ilang sandali pa'y lumisan na sa kanila. Wala pang balak umuwi kaya kila Cathy naman
sunod na nagtungo.
8K-u. Naiingit ako sa pamilyang mayroon si Cathy dahil kahit
minsan ay napapagalitan ni Ate Ging ang mga ito at napagsasalitaan
ng masasakit, nagagawa pa nitong ipaintindi sa mga anak pagkatapos at
nilalambing-lambing pa niya. Sa totoo lang ay masuwerte si Cathy dahil
ipinadarama talaga ng magulang nito ang pagmamahal. Mahal naman ako ni Mama
dahil walang magulang na di kayang mahalin ang anak pero ang problema, di ko
maramdaman at kung makapagsalita at pagalit sa akin, parang ibang tao ang
turing. Kuntento na ko sa
pamilyang kinalakihan kahit di man maibigay ang lahat ng gusto kung maiparamdam
niya kung gaano ako kamahal at halaga sa kanya. Napapahiling na nga ako minsan,
sana naging pamilya ko na lang sina Cathy, Angelica o Annie sapagkat
nakikita ko ang mainit nilang pagpapahalaga at kalinga sa isa't isa, sa kabila
na di marangya ang pamumuhay.
8K-v. Kung
tutuusin, mas marangya pa kami sa kanila subalit mas masaya naman ang pagsasama
nila at nagkakasundo pa sa lahat ng oras, bagay na gusto ko sa isang pamilya.
Inabot na ng gabi kaya sa kanila na naghapunan pa. Medyo minalas lamang dahil
biglang bumuhos ang ulan, nanatili muna ako sa kanila para magpatila. Naglalatag na sila
para sa pagtulog, hindi pa rin makaalis pagkat walang patid ang malakas na ulan
at mukhang sa kanila na magagawang magpalipas ng gabi. Ng bahagyang humina ang
ulan, saka lamang nakaalis at kahit may kalakasan pa ang buhos ay buong
tiyagang sinagupa kaya ang resulta, basang-basang umuwi ng bahay. Di naman
napagalitan ni ina, marahil ay napapansin na niyang lumalayo ang loob ko o baka
nahihiya lang magpakita ng bangis sa harapan ni Arjay. Nanatili pa
ring masama ang loob sa kanya at mukhang aabutin pa ng ilang araw bago maghilom
ang sugat sa dibdib.
June 07, 2016
Tuesday
Year IV-159
8K-w. Pagkasikat pa lang ng araw ng ako'y magising at kaagad ng nag-agahan.
Hindi na mapigilan pang kabahan dahil ngayon ko na kukunin ang grade ng
mga asignaturang kinuha nitong summer class at dalangin ko
lang na naipasa lahat. Matapos mag-agahan at dahil ito na ang huling
pagkakataon na pagkikita namin ni Arjay dahil uuwi na ito
sa Cagayan, bago umalis ng bahay at nagpaalam na sa kanya. Sana ay
bumalik pa siya dito at marami pang bagay na ikukwento sa kanya. Nanghihinayang
ako dahil di man lamang naipasyal sa mga kamag-anak namin dito. Bitbit ko pa
rin ang umaalab na kaba pagdating ng Unibersidad, gayunpaman ay handa ng
malaman kung ano ang resulta at sana kayanin ko. Dala ng kaba ay dahan-dahan
akong dumako sa Admission office at ng maibigay, magkahalong
tuwa at dismaya ang naramdaman sapagkat naipasa ko ang dalawang subject na Social
Science subalit lagagpak naman sa Industrial Psychology.
8K-x. Inatubili pa ko ng professor na namamahala ng grade na
kausapin si Ma'am Ria subalit tumanggi na ko pagkat alam na
alam ang aking pagkukulang. Mahirap na at baka pahiyain pa niya ko kapag
makikiusap sapagkat ugali niya iyon. Bawi na lang sa susunod na pagkakataon at
sisiguraduhing makakapasa na. Hindi pa ko handang ipakita ang natamong marka sa
magulang kaya sa halip na umuwi, nagtungo pa ko kina Anne Rose.
Kahit nagkaroon ng sigalot sa pagitan naming dalawa dahil sa bagay na di
napagkaintindihan nitong nakaraang taon ay tila limot ang nangyari kung ako'y
kanyang patuluyin at kausapin. Natutuwa ako sapagkat matagal na niya kong
napatawad at di akalaing babalik sa dating ayos ang aming pakikipagkaibigan.
8K-y. Ang kaninang nababalutan ng
pagkadismaya ang dibdin ay napalitan ng tuwa dahil dun at ang mahalaga'y
nagkapatawaran na kami. Tila na-miss ko ang dating pagsasamahan
namin ni Anne Rose na ngayon ay ninamnam muli at gustuhin pa
man magtagal sa kanila hanggang hapon, kailangan ko ng magpaalam. Wala pa kong
balak umuwi kaya kina Annie naman doon sa Tandang Sora naisipang
magtungo. Bago magtungo sa
kanila ay tumungo muna sa Circle C para kumain at saktong
papaakyat, minamalas ng lagay dahil natuklasang nawawala angCellphone.
Panay ang aking halungkat sa bag, nagbabakasakaling baka saan lang
nailagay subalit hindi masumpungan. Iniisip ko na marahil ay nahulog habang
naglalakad pagkat bukas ang bulsa kaya humingi na ng tulong sa awtoridad.
8K-z. Saksakan talaga ako sa kaburaraan at nakalimang Cellphone ng
naiwawala sa tana ng buhay. Kahit sabi nila na malabo ng mahanap ang Cellphone,
hindi pa rin nawawalan ng pag-asa at patuloy na gumawa ng paraan, mahirap at
sapalaran man. Makalipas ang tatlong oras at sa huli, wala na talaga silang
magagawa at kahit masakit at nakakapanghinayang, kailangan ng tanggapin na di
na iyon maibabalik. Panigarudong papatayin na nila ina sa galit kapag nalamang
nakawala muli ako ng Cellphone at binabagabag man ng
Konsensiya pagkat makasalanan sa Diyos, kailangan kong magpanggap para di
mangyari ang pangamba at patawarin nawa sa aking gagawin.
8l-A. Dahil pagod na sa labis na pag-aalala, hindi ko na itinuloy pa ang
balak na pagtungo kina Annie at napagpasyahang umuwi na
lamang. Pagkauwi, inamin ko kay Mama nawalan ng Cellphone sa
dahilan na-holdap at lakas loob na naghabi-habi ng kwento. Gulat ako sa naging
reaksyon nito pagkat sa halip na mag-alala, nagalit pa ito at napaulanan ng
mabibigat na salita. Nasasaktan ako sa kanyang mga naipakita sapagkat kung
sakaling totoong naholdap nga ako'y ganun pala siya na walang makita kahit ni
katiting na pag-alala sa mukha. Hindi ko naman siya masisi pagkat kasalanan ko
at di marahil ito dadanasin kung naging maingat lang
ako. Pinagsamang panghihinayang, pagkabagabag ng konsensiya at hinanakit
ng kalooban ang siyang nararanasan ko ngayon at di na alam ang gagawin kung
paano ito malalampasan. Gayunpaman ay may natutuhan din ako sa aking sinapit.
June 08, 2016
Wednesday
Year IV-160
8l-b. Nanatiling kasing bigat ng naglalakihang bato ang nararanasan ng loob
at di makapaniwalang mangyayari muli iyon sa akin. Ang masaklap pa, nawalan na
nga ng bagay na napakaimportante sa akin, nagawa pang magsinungaling sa
magulang. Labis akong nababagabag ng konsensiya sa ginawa. Lintik na buhay ito
at nagkasabay-sabay pa ang mga pangyayaring dumarating. Hindi ko alam kung
malalampasan pa ba ito at makakabangon, halos masiraan na ng bait sa kakaisip.
Pagkagising, bibig agad ni Mama ang sumambulat sa pandinig na sinusuplong kay
Papa ang tungkol sa naganap sa akin kahapon. Mukhang napaniwala ko nga siya sa
aking kasinungalingan subalit tila takot ng bumangon at lumabas ng kwarto
pagkat sa reaksyon pa lang ni Ama, mukhang magagawa na niya kong itakwil.
Abot-abot ang aking panghihinayang at patuloy na kinikimkim ang kabigatan ng
loob kaya di agad bumangon at gusto parati ay nakahiga.
8l-c. Mukhang nakaka-depress ang mga nangyayaring
nagkasabay-sabay, bagsak na nga sa isang asignatura, nawalan ng Cellphone at
matapos ay nagawa pang magsinungaling, tapos kahaharapin naman ang ngitngit ni
Ama. Batid na kasalanan ito at di ko alam na mangyayari ang ganito at labis ang
aking pagsisisi. Pagpatak ng Alas-otso ng mapagpasyahang bumangon para
mag-almusal. Nangyari nga ang aking pangamba dahil pagkaharap kay Ama, pinaulanan
ng katakot-takot na salita subalit di naman napagbuhatan ng kamay at matapos ay
nagtanong ito tungkol sa nangyari sa akin. Sa muling pagkakataon ay nagawa kong
magsinungaling at naghabi-habi ng kwento. Tanggap ko na, isa na sa
pinakamakasalanang nilalang at batid na galit na galit na ang maykapal sa mga
nagawa. Kahit mapagpatawad ang Diyos, mukhang mahihirapang ibigay iyon sa akin,
sa laki ba naman ng pagkakasala.
8l-d. Matapos namin
mag-usap ni ama, kaagad akong nahiga sa kwarto at ninamnam ang pagkabagabag ng
konsensiya. Saka lamang ako bumangon muli ng makaramdam ng gutom at saktong may
nakahaing Fried Chicken at Pizza sa mesa. Sa
dami ng naglalaro sa isipan na pawang mabibigat at masasakit, nakaligtaan kong
kaarawan pala ngayon ni ina. Di ko lang mabati pagkat may samaan ng loob sa
isa't isa. Matapos kumain ay parang nabuhayan ng loob natuklasang may
naka-stock na Cellphone sa kwarto ng ate. Kahit paano'y
gumagaan-gaan ang aking pakiramdam subalit ayaw munang lunurin ang sarili sa
saya dahil di sigurado kung mapapasaakin na ba iyon at kailangan pa ng kanyang
pahintulot. Wala akong ginawa sa maghapon kundi matulog at mahiga. Pagsapit ng
gabi at para malimutan ang mga masasaklap na pangyayaring di inasahang
mangyayari, nilibang ang sarili sa panonood ng telebisyon. Dakong Alas-dyis na
ng mapagpasyahang matulog.
June 09, 2016
Thursday
Year IV-161
8l-e. Sa bilis ng panahon ay dalawang araw na ang nakakalipas subalit patuloy
pa ring sinasariwa ang bagay na hindi inasahang mangyayari at tila nahihirapang
bumangon. Kahit nanatiling mabigat ang kalooban, hindi na ito ininda pa at
hindi na nagpatumpik-tumpik pa sa pagbangon. Hanggang ngayon, binabagabag pa
rin ng konsensiya sa ginawa at di mapigilang mangamba dahil baka dumating ang
araw, pagbayaran ko ito. Handa na ako kung anumang parusang nakaatang sa
pagkakasalang nagawa't nawa kayanin itong malampasan at may aral na
kapupulutang maaring dalhin hanggang sa susunod na pagkakataon. Matapos kong
mag-agahan at dahil nababagot, paglalaro ng bagong selepono ang napagkaabalahan.
Tuwang-tuwa ako dahil sa kabila na nawalan ng Cellphone, may nakita
namang panibago na mukhang mapapakinabangan pa naman at tiyaga-tiyaga na lang
dahil luma. Sana ito na ang huling pagkakataon na mawalan, di lamang Cellphone maging
mga mahahalagang bagay na mayroon ako.
8l-f. Maya-maya, biglang tumawag ang ate at tila binawi ang sayang namamayani
sa dibdib ng pagbawalang gamitan ang luma nitong Cellphone, sa
kadahilanang delakado na ito at maari pang sumabog kapag isinaksak. Hindi ako
naniwala sa kanyang babala at nakiusap na ipaubaya na sa akin subalit patuloy
itong nagmatigas hanggang sa matapos ang aming pag-uusap na may kinikimkim na
panghihinayang. Ganda-ganda pa naman at mukhang mamahalin tapos itatapon lang,
sayang naman. Marahil ay ito na ang kaparusahang naghihintay sa akin kaya
ipinagkait ang bagay na nagpapaligaya sa aking buhay subalit ayaw kong maniwala
at gusto kong mag-isip ng paraan para di mabawi ang Cellphone.
Sinakop ng kalungkutan ang kaninang mukhang nababanaag ng kaligayahan at muli
ay nagmukmok mag-isa sa kwarto, humihikbi gaya ng nakaraang araw at para akong
nangungulila.
8l-g. Si Mama naman, sa halip na damayan at pahupain ang nadaramang bigat ng
kalooban, pinaulanan pa ng nag-aapoy na sermon at patuloy na sinisisi kaya
umigting pa lalo ang pagsama ng kalooban sa kanya. Nagpanaig ako sa bugso ng
damdamin kaya nagawa ng sigawan si Mama. Sa puntong iyon, mukhang matatagalan
pa bago kami magkaayos at tila lumalala pa ngayon ang hidwaan naming dalawa.
Hindi ko maintindihan sa kanya, anak niya ko subalit bakit ganito ang
pakikitungo, parang ibang tao at di makita ang awa o pag-aalala sa mukha. Kung
pagalitan niya ko, parang napakalaki ng kasalanan ko. Pakiramdam ko tuloy, di
kami magkadugo at ibang tao ang nag-uugnay sa akin, sana mali ang aking hinala
at dala lamang ng hinanakit kaya ito naiisip. Matapos niyon ay nahiga sa kwarto
at tila walang ganang bumangon at para ng mababaliw sa pinagdadaanan dahil di
alam kung paano malalampasan. Kahit mukhang mahirap para sa akin, susubukan
kong magpakatatag.
8l-h. Dakong tanghaling tapat ng umalis ang Mama patungong Cagayan at
dahil may sama ng loob ay di na nagawang makapagpaalam sa isa't isa. Wala ng
magbabantay pa sa tindahan kaya kahit nahihirapan ay bumangon pa rin ako para magtinda. Sa kagustuhang
magkaroon agad ng bagong Cellphone at dahil desperado na,
magagawa muling kulimbatin ang kinikita ng tindahan. Kahit panay ang pag-iral
ng konsensiya at iniisip na maling gawain iyon, wala pa ring kapagal-pagal sa
pagkupit. Pagbabantay sa tindahan ang napagkaabalahan ko maghapon. Pagpatak ng
hapon ang pagpatak muli ng malakas na ulan at nakakainggit dahil marami-rami
ang nagsiliguan at parang gustong kong makisali pero may obligasyon akong di
dapat pabayaan. Mukhang limpak limpak na ang nakukulimbat na pera subalit sa
halip na tuwa, binabagabag talaga ng konsensiya. Dakong Alas-nuebe na ng gabi
ng mapagpasyahan naming magsara at matapos ay kaagad ng natulog.
June 10, 2016
Friday
Year IV-162
8l-i. Nakangiting liwanag mula sa labas ang bumungad sa aking paggising na
parang hinuhudyat na kailangan ng pakawalan ang sarili mula sa di magagandang
pangyayaring gumagapos sa buhay at magsimula ng panibago na malinis at
punong-puno ng pag-asa subalit mukhang hindi ko pa magagawa iyon sapagkat
napakarami pang bagay na dapat ayusin. Pagkabangon ay pagtitinda agad ang
inatupag ko at sa muling pagkakataon, ang bawat kinikita ay sa halip na sa
pangpondo, napupunta sa bulsa. Hindi ko naman ito gagawin kung may naisip lang
na paraan para makuha ang gusto at habang lumalaki ang nakukupit ang pag-igting
pa lalo ng aking konsensiya. Mukhang nasasanay na sa ganitong masama't maling
gawain subalit sana ito na ang huling beses na gagawin ito.
8l-j. Mga dakong tanghaling tapat na ng pansamantalang itigil ang pagtitinda
para mananghalian. Siyesta Time at dahil
mugtong-mugto na ang mata sa antok at mukhang hindi na magagawang magbantay sa
tindahan, ang haligi muna ng tahanan ang nagbantay at ako ay natulog. Pagkagising ay saka
ako bumalik sa pagtitinda at dahil sobrang abala sa negosyo, wala ng oras para
makapaglakwatsa. Kating-kati na ko at gusto ng makipagtsikahan sa mga kaibigan
sapagkat bagot na bagot na subalit mas uunahin pang tumulong kahit napupunta sa
bulsa ang kinikita kaysa punan ang pagkainip. Lumakas ang benta kung kailan
palapit na ang gabi kaya lalo pang nadagdagan ang nalilikom na pera subalit
hindi pa sapat para makabili ngCellphone. Pagsapit ng gabi at manakanaka
na lamang ang bumibili, saka lamang napagpasyahang magsara.
June 11, 2016
Saturday
Year IV-163
8l-k. Kakaharapin nanaman ang panibagong umagang kararating lang at kahit
nanatiling mugto pa ang mata sa antok, kailangan ng awatin ang sa kama at
bumangon. Pagkaalmusal, pagbabantay agad sa tindahan ang siyang napagkaabalahan
at pampalipas oras. Nakakabagot magbantay sapagkat napakatumal ng bumibili at
kung may bumili man, mga bata na puro tigpipiso lang ang natatamo. Hindi pa
sapat ang nalilikom na pera pambili ng Cellphone kaya kinalaban
muli ang konsensiya at nagawang mangulimbat. Hindi ko naman inigtingan ang
pangungupit at naghuhulog din sa pondo para di mahalata. Habang lumalaki ang
laman ng alkansya, palala rin ng palala ang pag-usig ng konsensiya. Bago pa man
magtanghaling tapat ng lisanin ni Papa ang bahay pagkat may trabaho ito at kami
na lamang ng kuya ang naiwan kaya mas lalo pa kong nagpatuloy sa pagtitinda.
8l-l. Anumang oras ay maaring mabawi sa akin ang bagong Cellphone kapag
dumating naman ang ate at nangangamba ako sa anumang posilidad na magaganap
mamaya kaya abot-abot na ang aking paghahanda. Bahala na kung mag-away kaming
dalawa basta di ko ibibigay ang Cellphone at di basta-basta
magpapasindak sa kanya. Iyon na nga lang ang tanging kaligayahan ko matapos
mawala ang lahat sa akin, kukunin pa niya, aba'y grabe naman pala siya!
Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang ate, kaya sumidhi pa lalo ang
pangamba sa dibdib subalit di naman niya binawi, bagkus ay hinaram lamang nito
at ng makita nitong gumagana ng maayos, isinauli na niya sa akin na para bang
ipinamimigay. Napalitan ng tuwa
ang kaninang loob na punong-puno ng pangamba at sa wakas, may bago na ring
selepono, iyon nga lang ay luma at paminsan-minsan ay nagloloko pero pwede na
rin.
8l-m. Wala akong ginawa sa maghapon kundi ang magtinda at nakakabagot pagkat
walang kausap. Mabuti na lamang at dumating si Aling Pammy, siya
ang nakakwentuhan ng oras na iyon at nalibang-libang kahit papaano. Bago pa man
sumapit ang gabi ang pagbabadya muli ng pagbuhos ng ulan at di na mapigilang
matakot sapagkat matatalim na ang mga kidlat at nakayayanig ang lakas ng kulog.
Kahit takot na takot na at ibig ng magtago, ipinagpatuloy ko pa ring asikasuhin
ang negosyo. Ilang sandali pa,
bumuhos na ang napakalakas na ulan at biglang naging maingay ang buong
kapaligiran dahil sa mga batang nagliliwaliw. Dakong Alas-nuebe na ng
mapagpasyahan kong isara ang tindahan at matapos ay panonood naman ng
telebisyon ang napaglibangan. Ang ganda at makasaysayan ang kwento sa Heneral
Luna dahil ipinapakita nito kung gaano siya katapang at kung paano
ipinagtanggol ang ating bayan laban sa mga Amerikano. Hindi ko
lamang natapos ang palabas dahil malalim na ang gabi at mugto na ang mata sa
antok na kating-kati ng matulog.
June 12, 2016
Sunday
(Independence Day)
Year IV-164
8l-n. Paggunita sa isang makasaysayang naganap sa ating bansa at iyon ay
paglaya mula sa mga Kastila na daang taon ng nananakop.
Pasalamat na lamang at di nabuhay sa ganung panahon, kundi ay walang ibang
masilayan kundi himagsikan at bulok na sistema ng pamahalaan na kung tawagin ay
sakit ng lipunan. Napakahalagang pag-aralan ang naging kasaysayan ng ating
bansa sapagkat binubuksan ang ating isip para malaman kung ano ang kalagayan ng
bawat mamamayan sa panahon iyon at mapagtagpi-tagpi sa kasalukuyang pamumuhay.
Nakakatuwang isipin na maraming maiisog na Pilipino ang
nagbuwis ng buhay, makamtan lang natin ang kasarinlan at hindi matatawarang ang
ipinakitang kabayanihan. Maaga na pala kaya bumangon na ko at nag-almusal.
Matapos ay pagbabantay muli sa tindahan ang siyang inatupag.
8l-o. Walang magawa at para iwas inip habang naghihintay ng mamimili,
naisipang maglaro games sa Cellphone. Nakakalibang
at aliw pero di mo mapigilang mairita kapag natatalo at minsan, nakakabigkas na
ng mura. Pagkatapos at dahil
may pasok na kinabukasan at bukas na rin balak mag-enroll, namalantsa
ako ng uniporme. Balik ako sa pagtitinda matapos mamalantsa. Pagsapit ng hapon,
sinaniban na ko ng antok subalit di naman maaring matulog pagkat walang
maasahang magbabantay sa tindahan. Sinubukan kong huwag matulog at ngayon, alam
ko na ang nararanasang hirap ni Mama sa tuwing nagtitinda na kahit namumugto na
ang mata sa antok, sinisikap pa rin pigilang pumikit, makapaghanap-buhay lang
sa maghapon. Hindi na mapigilan pa ang nararanasang antok kaya napaidlip na
subalit nasisira dahil maya't maya ang bumibili.
8l-p. Nawala naman ang antok kinalaunan kaya nakakapamahala na ng maayos sa
tindahan. Bago pa man pumatak ang gabi, umalis na ang ate at kaming dalawa muli
ng kuya ang natira. Pagkaalis ng ate, dali-daling kinuha ang pinaglagyan ng
pera at binilang kung magkano ang nalilikom. Natutuwa ako sapagkat umabot na sa
dalawang libo subalit biglang nagbago ang balak sa pera at inisip na ipambibili
na lamang ng kagamitang kailangan sa eskwela at saka na lang ang sariling
kagustuhan. Pagpatak ng Alas-nuebe at dahil wala ng gasinong bumibili,
napagpasyahan magsara. Hindi pa naman kalaliman ang gabi kaya nagawa pang
ibabad ang mata sa telebisyon. Bandang Alas-onse na ng mapagpasyahang ihimlay
ang sarili sa kama.
June 13, 2016
Monday
Year IV-165
8l-q. Ngayong araw na ang balik ng Mama galing Cagayan subalit
wala pa ito pagkamulat ng mga mata. Dahil mag-e-enroll din ngayong
unang araw ng pasukan, maaga akong nagising. Habang nag-aalmusal ang pag-uwi ni
Papa kasama si Mama at sa halip na matuwa sa kanyang pagbabalik, tila
naninibago ako at hindi siya magawang lapitan o kausapin. Humupa na ang sama ng
loob sa kanya makalipas ang ilang araw at nawaglit na rin sa isipan ang mga mabibigat
nitong sinabi pero di mawari kung bakit ganito ang nararamdaman. Maging sa
pagtungo sa eskwela ay naninibago ako, matapos ba naman ang tatlong linggong
bakasyon. Bandang Alas-otso na ng marating ang unibersidad at kaagad na tumungo
sa Accountant Area para maghulog ng pangmatrikula. Naging
napakahaba ng pila at idagdag pa ang mabagal na pag-usad nito kaya inabot na ng
halos isang oras bago marating ang Window.
8l-r. Pagkabayad ay kaagad ng nagtungo kung saan ang Enrollment Area at
sa tayog ng inakyat, magkandasakit-sakit ang paa ko. Pagkatungo at usap sa mgacoordinator,
sa halip na i-enroll ay kailangan ko pa raw magpa-advice,
isa sa mga Psychology Professor at kahit bababa
nanaman at malayo pa, buong tiyagang pinuntahan at di ininda ang pananakit ng
kasukasuan. Ganito pala ang kahahantungan kapag irregular student,
may patong na proseso bago ka maging officially enrolled. Kahit na
ganun, basta may tiyaga ka lang ay madali pa ring malulusutan. Pagdating
sa Testing Room kung saan magpapa-advice, saktong
bumungad agad ang mukha ni Ma'am Ria na tila namamait kaya di
agad ako makapasok at pumasok pa sa kabilang silid pagkat magkahalong hiya at
takot ang namamayani sa dibdib.
8l-s. Nang matalo ang takot ay saka lamang nagkaroon ng lakas ng loob na pumasok
at saktong si Sir Juangco na lang ang nadatnan. Nakakatuwang
kausap talaga si Sir Juangco at nakakagaan pa ng loob pero
habang abala sa pagpunan ng Advising Form ang biglang pagpasok
ni Ma'am Ria at tila nagpaparinggan ito sa akin at may pataas
pa ng kilay, akala naman kagandahan samantalang tumatanda namang dalaga. Sa
halip na tapatan ay sinasakyan ko na lang ang sinasabi nito. Maya-maya ay
tumungo muli ako sa Enrollment Area para i-submit
ang Advising Form. Sa kagustuhan kong iwasan ang bwisit na Sir
Barrion na iyan, inalam ko kung sino ang mga magiging Professor subalit
di pa raw naka-set. Nag-isip-isip ako at kinalaunan ay napagpasyahan na
huwag munang mag-enroll. Tumungo pa ng kabilang silid at nag-isip ng
paraan para iwasan ang kupal na gurong iyon.
8l-t. Nang makapag-isip ng strategy ay saka lamang ako
umalis. Goodluck at sana maging epektibo ang naisip na paraan
at di papayag na pumalpak. Kung matino-tino lang siya at di sakit ng ulo, di
ito mangangahas na gawin. Bago umuwi ay nagtungo pa ng SM para
bumili ng gamit pang-eskwela. Dakong Alas-dos na ng makarating sa bahay at
kaagad na nagpahinga. Pagpatak ng gabi, sakit sa teynga ang ingay sa labas.
Maingay na nga ang karaoke ng kapitbahay na halos di na magkaintindihan,
sasabayan pa ng mga batang pasaway. Saka lamang nakamtan ang minimithing
kapayapaan pagpatak ng Alas-dyis. Maigi ng ipinapatupad ang Curfew para
sa ganon ay iwas ingay at distorbo sa mga matutulog na.
June 14, 2016
Tuesday
Year IV-166
8l-u. Sa sinarapsarap ng aking tulog, malapit na palang mag-ikawalo ng
magising at may pagmamadali sa pagkilos pagkat tutungo pa sa eskwelahan.
Pagkarating ay kaagad akong tumungo sa Enrollment Area. Medyo
nagdadalawang isip pa ko kung ngayon na ba balak i-enroll ang mga
kinuhangsubject, lalo na't nahihirapang makakuha ng impormasyon hinggil
kung sino ang mga professor. Kahit nag-aalinlangan, tahasan na kong
nag-enroll. Hiling ko lang na mapunta ang mga mababait na guro at hindi
yung pasakit sa estudyante na parang trip lang lalong-lalo na ang Sir
Barrion na iyan. Sa tuwing sumasagi siya sa isipan ko, mas lalo akong
naiimbyerna at nakakarumi ang mga inaasta niya! Bago umuwi, tumungo pa ko sa
bahay ng Anne Rose para kuhain ang naiwan na ID at
Bimpo.
8l-v. Namayani ang tuwa ng maibalik iyon sa akin at kailangan na talaga ng
ingat para di na maulit ang mawalan. Hindi ko malaman sa sarili kung bakit
saksakan ng kaburaraan. Pagkauwi sa bahay, kaagad akong nag-siyesta.
Anong alinsangan ng panahon kahit tag-ulan na, hindi tuloy makatulog ng
masarap. Pagkabangon at habang tinitingnan ang School Automate,
dumapo bigla ang kaba sa dibdib at pagkatingin, lintik at kung sino pa ang
pinakaaayawan ko, siya pa ang magiging teacher sa isang Subject
at mukhang ayaw niya kong tantanan, bwisit! Kahit pumalpak ang mga naisagawang
plano, hindi ako titigil sa pakikipagsapalaran, maiwasan lang siya. Nadapa man
ngayon, may natutuhan naman ako at iyon ay huwag maging padalos-dalos. Subukan
niya lang paglaruan kami, baka di ko na siya masanto! Pinakaayawan ko sa isang
tao ay yung mayabang, bastos at may kinikilingan. Pagsapit ng gabi at gawa na
nababagot, panonood ng telebisyon ang inatupag ko. May pasok na pala
kinabukasan kaya hindi nagpaligoy-ligoy pa sa pagtulog.
June 15, 2016
Wednesday
Year IV-167
8l-w. Ngayong araw na ang simula ng aming pagbabalik eskwela bilang kolehiyo
subalit bandang magtatanghali pa ang pasok. Sino-sino nanaman kaya ang mga bago
kong kamag-aral na makikilala at sana magkaroon ng bagong kaibigan. Bukod pa
dun ay maging mababait at responsable sa pagtuturo ang magiging guro sa bawat
asignatura. Sa halip na masabik sa unang araw ng eskwela ay para akong
kinukutuban ng di maganda. Habang may oras pa, tinulungan ko muna si Mama sa
pagtitinda. Dakong Alas-dyis na ng naghanda-handa para sa pagpasok. Pagkapihit
ng yapak sa unibersidad ay sumalubong ang bulto-bultong dami ng estudyante.
Nagsimula na palang umiral ang Senior High school ng K
to 12 Program at dahil isa ang aming Unibersidad sa papasukan ng mga Senior High, ganun na karami na
tipong overcrowded na at mukhang kailangan ng magtayo ng
panibagong gusali pagkat kukulangin na.
8l-x. Masyado pang maaga kaya naupo muna sa may Lobby at
habang lumilipas ang mga sandali ay unti-unti ng nasisilayan ang mga kamag-aral
sa Dash 2. Maya-maya pa, nagsipasok na kami. Dahil sa Dash
2 ako papasok para sa Subject na Education 3,
naging kamag-aral ko sina Anne Rose, maingay nanaman tuloy kami at
palitan minsan ng asaran sa isa't isa pero biglang tumamlay ang pakikitungo
nito sa akin kinalaunan sa di malaman ang dahilan. Si Sir Ronan ang
naging teacher namin para sa subject na ito
at nakakalibang siyang magturo dahil makwela at panay pa ang pagpapatawa. Sa
tingin pa lamang, mukhang sakto lang ang kanyang kabaitan at pakiramdam ko,
magiging Hayahay Mood kami sa klaseng ito. Bago ang Dismissal
time, isa-isa niya kaming tinawag at kinabahan nanaman dahil di alam ang
sasabihin subalit naipakilala naman ng maayos ang sarili.
8l-y. Matapos ay lumabas na kami. HabangVacant Time at kasama
sila Anne Rose, nanatili muna kami ng Library.
Hagalpakan sila ng hagalpakan habang nag-uusap habang ako ay tuliro at parang
nagiging mailap na sila sa akin. Kahit ganun na ang aking nararamdaman, nagawa
pa ring makisama sa kanila at marahil ay di lang ako sanay at naninibago pa. Habang nagmumukmok
at walang kaimik-imik, biglang sumagi sa aking ala-ala ang mga mga masasayang
pinagsamahan namin magkakaibigan ng nasaDash 3 pa ko. Sobrang nami-miss ko
na sina Mary (Galo), Gin Rhead, Eloisa,Vladimir, Janna, Beatriz, Ate
Venus, Mateo, Kalvin at Christian. Ngayon ko lang
napagtanto kung gaano pala sila kasaya kasama at sana, may pagkakataon pa na
magkita-kita kami at maging magkaklase muli. Lalo pa kong nalungkot habang
iniisip sila samantala sina Anne Rose, Ella, Catherine, Faye
at Hazel, parang wala ng bukas kung makatawa at di man lang ako
magawang kibuin. Pagpatak ng Alas-tres, tumungo na kami ng silid.
8l-z. Experimental Psychology ang sunod naming asignatura at
saktong si Ma'am Joyce (Llardizabal) ang aming Professor.
Tinalakay lang niya sa amin ang tungkol sa research study at mga
dapat ipasa. Matapos ay nagpangkat-pangkat na kami at sina Anne
Rose ang naging kagrupo ko. Kahit ano pa ang patumanggi, saktong ako
ang ginawang leader. Maya-maya ay nagpalabunutan na kami at
minalas-malas lamang ng lagay dahil kami ang mauunang magre-report.
Sa bait ni Ma'am, sa halip na una ay pangatlo na kami sa mag-uulat. Lundagan
kami pagkat maagang pinauwi ni Ma'am Joyce. Pagkarating sa bahay at dala
na kumakalam na ang sikmura sa gutom, daglian ng naghapunan. Pagsapit ng gabi,
napurnada ang panonood ng telebisyon sapagkat kumukulog-kidlat at namayani muli
ang takot sa dibdib. Sa tagal ng ulan, lumamig na ang panahon na siyang
nagpasarap sa aming tulog.
June 16, 2016
Thursday
Year IV-168
8m-A. Alas-sais pa lamang, mulat na ang mga mata ko at sa halip na diretso
agad ng silid ay tumungo pa ng Dean's Registrar office pala
magpapalit ng Schedulesa isang Subject at mag-add
and droping subalit sinabi ng coordinator na wala pa
si Sir Max, umalis na ako. Hindi dapat ako papasok ng Physio
Psychology dahil ang lintik na Sir Barrion ang professor at
balak na iyon i-drop subalit inaya ako ni Limboc,
nagawa pa ring pumasok kahit tutol na tutol ang kalooban ko. Pagkapasok ay
saktong nagsasalita na ito at dahil hindi pa ibinibigay kay Sir ang master
list, nagpanggap na nakaka-sit in lang at pinawalang-pinawala
naman siya. Dahil nahuli si Limboc, nakatikim ito ng paninita kay
Sir at ganun na pala siya kahigpit pagdating ng Third year tapos
balak nanaman niyang lagyan ng Thesis ang subject na
iyon, maawa naman siya at may thesis pa kami sa Experimental
Psychology.
8m-b. Malas ko talaga at naging professor muli siya kaya
lalo pang natutulak para i-drop ang Subject na
iyon o kung may paraan, iwasan siya. Group Dynamics ang
sumunod naming asignatura at saktong si Ma'am Ria muli ang
naging Professor.
Nagkaroon lang kami ng orientation at mukhang interesting at
masaya ang subject na ito pagkat puro palaro, bukod pa dun ay
madali pa. Kahit kailan ay di nauubusan ng Tsika si Ma'am Ria kaya
minsan ay windang na windang na kami. Matapos ay lumabas na kami at biglang
nanumbalik ang kaligayahan sa dibdib na kahapon ay namamanglaw ng makita
sina Eloisa at sa sobrang pagka-miss, sa kanila na
nagawang makisama sa halip kina Anne Rose. Dahil na-miss ang
isa't isa, makulit at maingay nanaman kaming magkakasama at bumabalik sa isipan
ang mga pinagsamahan namin.
8m-c. Sayang lamang at kulang kami pagkat wala sina Gin Rhead,
Vladimir at Ate Venus subalit may bago namang
kasamang si Jed. Masaya at maganda silang kasama dahil
naiintindihan ang isa't isa at nagiging bukas kahit ano ang usapan. Sa saya, sa
piling nila, naki-sit-in na ko sa klase nila na Genetics subalit
pinalabas ng kanilang professor. Saka lang muling naka-sit-in ng
sumunod nilang asignatura at saktong siMa'am Ria ang professor kaya
muntikan na din palabasin pero napakiusapan naman at mukhang tanggap niya ko
bilang supervisor ng klase. Dahil may klase pa ko, kinailangan
ng humiwalay sa kanila. Physics ang asignatura ng ganung oras
subalit di nadatnan pa ang mga kamag-aral sa Dash 2 pagkaakyat
ng Laboratory. Balak ko sanang maki-sit-in muli kina Eloisa subalit
pumigil ang hiya pagkat si Sir Jigo pala ang kanilang professor,
nanatili pa sa labas at hinintay ang kanilang paglabas.
8m-d. Makaraan ang isang oras na paghihintay, sa wakas lumabas na din sila at
tamang bonding muli sa tsibugan habang breaktime.
Wala kaming ginawa kundi magkamustahan at kwentuhan, minsan ay nagkakatuwaan
kaya lalo ko pa silang nami-miss. Dahil bakante ang oras, nagawa muling
maki-sit-in sa sumunod nilang klase. Experimental
Psychologyang asignatura nila ng ganitong oras at habang wala pang professor,
nagkaroon pa ng pagkakataon para sulitin ang makasama sila at dahil kapalagayan
na din ng loob, naging madaldal na ko. Maya-maya pa'y pumasok na ang
kanilang professor na si Ma'am Trisha. Kung
ikukumpara, mas magaan maging guro si Ma'am Trisha kay sa kay Ma'am
Joyce dahil parang walang gaanong gagawin sa kanilang Subject at
kailangan ay relax at chill lang sa kanya.
8m-e. Bukod pa dun ay tinutulungan niya sila para makaintindi at gumagawa ng
paraan, maging madali lang para sa estudyante ang asignaturang iyon subalit
ayos pa rin kung si Ma'am Joyce dahil binibigyan ng pagkatataon
upang makaghanda-handa ng maigi sa gagawin at naiintindihan niya ang paghihirap
ng estudyante. Bukod pa dun aywiling din siyang makatulong at
ipaintindi sa amin, kahit nakakaubos na minsan ng pasensiya. Ilang sandali pa,
kinailangan ko na talagang magpaalam sa kanila maging kay Ma'am Trisha na
tuwang-tuwa dahil nakasama ako kahit saglit. Genetics ang
sumunod kong asignatura at si Ma'am Zandra ang professor.
Sa pagsasalita pa lamang na mahinahon, mukhang mabait ito at may konsiderasyon.
Nagsabi lang ito kung ano ang mga pag-aaralan at dapat ipasa sa subject na
ito. Kahit minor lamang ay parang pang-major na
ang dating dahil may kahirapan, sana makapasa pa rin. Inabot na kami ng
gabi sa pag-uwi at diretso hapunan pagdating ng bahay.
June 17, 2016
Friday
Year IV-169
8m-f. Kahit mamayang hapon pa ang klase sa iisang subject ngayong
araw, minabuti ng pumasok ng maaga para maasikaso ang pagpapalipat ng Schedule.
Hindi nanaman ako pinalad na makausap si Sir Max dahil mamaya
pa raw Ala-una ang pasok nito. Napunta lang sa wala ang pagtungo ng maaga sa
eskwelahan at nabubwisit na ko. Sa halip patirikin ang mata sa kakahintay at
dahil masyado pang matagal kung maghihintay, napagpasyahan munang bumalik ng
bahay. Para wala ng aberya at upang makasiguro, ayaw ko man sa sabihin kay Mama
ang mga balakin, kailangan ng humingi ng tulong sa kanya. Kinumbinsi ko siya na
gumawa ng request letter. Nakatikim pa ko ng nagliliyab na sermon
bago ito pumayag.
8m-g. Kahit nakakababa ng tingin sa sarili at nakakapanghina ng kalooban ang
mga sinasabi ni Mama, hindi na lamang inintindi pa, ang mahalaga'y may
maipapasang requirements para sa changing of Schedule.
Sana hindi mapunta sa wala ang aking pakikipagsapalarang mapadali at di
alanganin ang buhay bilang estudyante. Nang makapagpananghalian at kahit
tinatamad na dahil babalik nanaman sa eskwela, kailangan itong gawin dahil
pinili ang ganito. Laking tuwa ko ng sa wakas ay nakadaupang palad na rin
si Sir Max at pagkabasa ay walang anu-anong nilagdaan
ang request letter. Dahil naging guro na ito at may napagsamahaan,
kamustahan kaming dalawa at tumuba ng husto ang puso ko ng purihin niya ng
lubos at parang biglang na-inspire.
8m-h. Matapos ang pag-uusap namin ni Sir Max, tumungo na sa
aking Evaluator. Pinayagan naman akong ilipat ang Genetics sa
mas maagang oras sa Dash 3 subalit pagdating sa Guidance
and Counseling ay hindi na napagbigyan pa ang kahilingang ilipat
sa Dash 1 dahil close na ito. Ikinalumo ko
ang naging pasya ng aking evaluator subalit di pa rin
nawawalan ng pag-asa dahil may naiisip akong panibagong paraan at sana ay
tumalab. Dahil may klase pa ng ganitong araw, hindi muna ako umuwi. Guidance
and Counseling ang subject ng ganitong araw at sa Dash
4 ako nailagay kaya bagong kamag-aral muli ang makakasalamuha subalit
di naman nakakailang dahil nandun sina Kalvin at Eric at
iba pang nakilala ko na. Hindi na mapigilan pa ng loob na masabik dahil
masisilayan muli ang taong nagbibigay kulay at sigla sa araw at palakas na ng
palakas ang kilig sa puso. Ilang sandali pa, pumasok na si Sir Jigo.
Wala pa ring pagbabago sa kanya dahil mahilig itong makipagkapwa at kulitan sa
mga estudyante at palabiro pa. Habang di pa siya nagtuturo, balak na dapat
kausapin subalit nahihiya dahil may nararamdaman ang kalooban at halos mag-blush na
ang mukha habang siya'y pinagmamasdan.
8m-i. Sinabi lang nito ang mga gagawin sa subject na iyon at
mga dapat ipasa. Kahit kailan, para kang nasa langit kapag siya ang
maging professor at tiba-tiba pa kami sa mga puntos. Sa bait
ni Sir Jigo at maawain pa, marahil ay bibihira lang ang mga
bumabagsak sa kanya. Kahit di pa nangangahalati ang oras at ng wala ng masabi,
kaagad na niya kaming pinalabas. Bago umalis ay nilakasan ko na ang loob na
makipag-usap sa kanya at mabilis pa sa guhit ng kidlat ang pagpayag nito na
ilagay ako ng Dash 1. Tila dinaig pa ng Anghel ang kabaitan ni Sir
kaya lalo ko pa siyang nagugustuhan at sa galak na abot langit, napalakas na
ang pagkakatapik sa kanya.
8m-j. Likas talaga kay Sir Jigo ang pagiging mabait at
mapagbigay bukod sa nag-uumapaw ang kakisigan, iyon nga lang ay huwag nilang
aabusuhin. Pagkalabas ay saktong namataan sina Joan. Ayaw ko pang
umuwi kaya nakisama muna sa kanila at kwentuhan. May kagalakan akong umuwi ng
bahay dahil bukod sa nagkaroon ng pagkakataon na masilayan siya at makausap,
nagkabunga din ang aking pagkukumahog. Kinagabihan ng dumating naman si Papa
galing Batangas at naparami ang kain ko sa dala nitong
pasalubong. Matutulog na sana ako subalit hindi naman makatulog ng maayos dahil
may laman ang isipan at parang nasasabik ako sa darating na bukas.
June 18, 2016
Saturday
Year IV-170
8m-k. Kasing lalim na ng balon ang gabi pero mababaw pa rin ang tulog ko at
ano ba 'yan, katok siya ng katok sa isipan ko at tila ayaw akong patulugin.
Halos mag-iisang taon na pala pero matindi pa rin ang pagtatangi sa kanya at
parang nasa alapaap ang buhay kapag ito ay nasisilayan o nasusulyapan. Dahil di
makatulog sa gabi sa kakaisip sa kanya, kalat na kalat na ang liwanag ng
magising. Physio Psychology ang subject ng
ganitong oras at araw at dahil si Sir Barrion ang professor,
di ko na pinasukan pa, ida-drop din naman. Kung ikukumpara si Sir
Barrion kay Sir Jigo, napakaraming bagay ang pagkakaiba
nila. Si Sir
Barrion, istrikto maging guro, stressful dahil puro bigay
ng thesis at maraming pinapagawa at nambabagsak pa, parang
nasa impyerno ang buhay kapag siya ang naging professor mo at
malas ang mapunta sa kanya, isa pa ay marami akong kinaaayawan sa kanya tulad
ng pagiging mapagmataas at malibog, samantala kay Sir Jigo,
napakaluwag, relax dahil walang gasinong ginagawa, kung
tutuusin pwede pa ngang magpabandying-bandying, hindi malupit sa pagbibigay
ng grade, parang nasa langit ang buhay kapag siya ang professor mo
at mapalad ang mapunta sa kanya.
8m-l. Bukod pa dun ay maraming magagandang bagay ang kakikitaan sa kanya
tulad ng pagiging mapagkumbaba at makwela. I extremely hate Sir
Barrion but I extremely like Sir Jigo. Para silang puti
at itim, asul at pula kung titingnan. Makaraan ang isang oras ay saka lamang
ako pumasok ng silid.
Sa oras ng Group Dynamics, wala si Ma'am Ria subalit
may pansamantala namang humalili sa kanya na isang Student Teacher at
nagpa-group activity lamang ito. Matapos at dahil bata-bata pa, sa halip
na magturo, nakipagkwentuhan lamang ito sa amin. Maya-maya pa'y lumabas na
kami. Dahil inilipat na sa mas maaga ang Schedule ng Genetics,
sa Dash 3, tuwang-tuwa ako dahil lalo pa nagkaroon ng pagkakataon
para makasama ang mga kaibigan na kahit kamakailan lang nakilala ay napamahal
na sa akin.
8m-m. Si Ma'am Zandra pa rin ang professor sa subject na
iyon at nagsimula ng magtalakay. Hindi siya nakaka-intimidate maging
guro kaya nawawalan ng hiya sa pagtatanong at bukod pa dun ay siya pa mismo
lalapit para kausapin ka at mukhang makakasundo ito. Matapos ang klase, labag
man sa kalooban ay kailangan ko ng magpaalam at humiwalay kina Eloisa pagkat
may klase pa sa Physics. Saktong si Ma'am Pebenito ang
guro sa subject na iyon at may nagbago sa kanya dahil di na
ito mabilis magsalita, iyon nga lang may kaartehan ang accent nito.
8m-n. Matapos niyang magturo, nagkaroon kami ng activity. Bahagya lamang
nairita, paano ay tanong ng tanong sina Anne Rose at mukhang
di matatapos sa gawain dahil sila ang mas inuunang asikasuhin. Di ko naman
magawang tumanggi dahil ayaw kong masira muli ang aming pakikipagkaibigan at
nakitungo pa rin ng maayos. Labis akong naguguluhan sa Instruction ni
Ma'am kaya maya't maya ang tanong at ng tseking na, kahit sisiw lamang kung
nakakalito, di pa rin katayugan ang nakuha. Hindi pa dismissal time subalit
maaga na niya kaming pinalabas. Wala na kong kasunod pang asignatura kaya agad
ng umuwi. Pagdating sa bahay, sinimulan na agad gawin ang takdang aralin
sa Guidance and Counseling.
8m-o. Sa dami ng kailangang isulat sa papel, tila dadatnan na ng gabi at
halos sumakit na nga kamay sa kakasulat pero nagtiyaga pa rin, maipakita ko
lang sa kanya na ganon ako kasipag na estudyante at maging kalugod-lugod sa
kanya. Iba talaga ang magagawa kapag Inspired ka. Sumapit na
ang gabi subalit di pa tapos ang assignment. Medyo pagod na ang mga kamay kaya
napagpasyahang bukas na lang tapusin. Hindi pa ko madalaw-dalaw ng antok kaya
paglalaro ng Cellphone ang napaglibangan bilang pampaantok.
Dumating pa ang hating-gabi bago ako makatulog.
June 19, 2016
Sunday
(Father's Day)
Year IV-171
8m-p. Araw ng mga ulirang ama sa buong mundo na handang magsakripisyo,
mahirap man o minsan ay buwis buhay pa, mabigyan lang ng magandang kinabukasan
ang kanilang pamilya at maipatikim ang pagmamahal na nag-uumapaw at isa
na roon si Papa. Napakapalad ko dahil bukod sa may ilaw ng tahanan, may haligi
rin ng tahanan at kumpleto ang pamilya. Huwag sana baliin ng hindi magagandang
pangyayaring dumarating ang samahan naming magpapamilya. Bukod sa araw ng mga
ama, ginugunita rin ang kapanganakan ng ating pambansang bayani na si Jose
Rizal. Kahanga-hanga ang ipinakita niyang katapangan at katatagan,
maipagtanggol lang tayo sa mga mananakop at bukod sa nagpakabayani, para na rin
siyang nagpakaama sa ating bansa dahil marami na itong natulungan at naibigay
na pagmamahal sa ating bayan. Kaya napakaespesyal ang araw na ito dahil
dalawang ama ang ating ipinagdiriwang, ama ng ating bansa at ama ng ating
buhay.
8m-q. Lagpas Alas-siete na pala ng umaga ako nagising. Walang magawa kaya
pagbabantay agad sa tindahan ang siyang inatupag at nagagalak pa rin kahit
batid ng kukote na mali ang ginagawa dahil tiba-tiba sa pagkupit kapag
sunod-sunod ang nabili at ingat-ingat din para iwas bisto. Matapos ang
pagbabantay sa tindahan, paglalabada naman ang napagkaabalahan. Pahirapan
talaga ang pupitiin ang uniporme kahit anong kusot pa ng maiigi. Sa kakakusot
ng walang patid, halos magkandaubos na ang lakas. Natapos nga ang paglalaba,
hindi pa natatapos ang gawain dahil marami pang dapat gawin ngayong araw. Sa
dami ng ginawa, gawaing bahay, paggawa ng takdang aralin at pamamalantsa,
dinagok ako ng matinding pagod, pansamantala munang namahinga. Pagpatak ng
hapon, nagtungo sa labas para magkumpyuter, malapit-lapit-lapit na rin pumikit
ang liwanag ng makauwi. Oras na pala ng hapunan kaya diretso na agad sa
paghahapunan at panonood ng telebisyon. Maaga nanaman magigising kinabukasan
kaya agaran ng natulog.
June 20, 2016
Monday
Year IV-172
8m-r. Parang kasing bilis lamang ng takbo ng tren o guhit ng kidlat ang
pagdaan ng Weekend na tila di man lang naramdaman at may pasok
nanaman. Maaga pa lamang at kahit hindi pa napaparam ang antok sa mga mata ay
kailangan ng idilat at awatin ang sarili sa napakakomportableng kama. Dahil
nailipat ng ganitong oras at araw, Guidance and Counseling ang
asignatura ngayon at sa klase ng Dash 1 ang aking pasok.
Natutuwa ako dahil matapos ang halos dalawang taon, sa wakas at nakabalik na
rin ng Dash 1 at kamag-aral muli ang mga naging kamag-aral
nung First Year. Mainit naman ang pagtanggap nila sa akin, sa
katunayan ay na-miss raw nila ako at na-miss ko din
sila habang magkasama sa lahat ng klase at di pa rin nagkakalimutan kahit
marami na ang nangyari at matagal-tagal na din Pakikipagkamusta ang inatupag ko
habang wala pa ang presensiya ni Sir Jigo.
8m-s. Minuto lang ang lumipas ng pumasok na si Sir Jigo at
gulat ang kalooban dahil nagkaroon ng oral Recitation. Sa
kagustuhan na may maisagot at hindi mapahiya sa kanyang harapan kapag tinawag,
puspusan akong nagbasa at nagkabisado. Hindi ko malaman kung kailan tatawagin
kaya di na maiwasang kabahan at nakaka-pressure. Halos atakihin na sa
puso ng biglang banggitin ang pangalan ko, iyon pala'y may iuutos lang at
tumaas ang tensyon ko sa dibdib. Ngayon ko lang napansin na nakaka-tense magtanong
si Sir Jigo pero di naman mapanggisa at okey sa kanya kahit
opinyon mo lang. Saksakan talaga sa kagwapuhan si Sir, sarap kuhaan ng litrato
sabay gagawing wallpaper ng Phone at titig-titigan
kapag nababagot. Ilang sandali pa, breaktime na at kina Joan ako
nakisabay.
8m-t. Habang sarap ang bibig sa pagnguya at lasap ng pagkain ay naging
napakaingay ng buong Canteen dahil naglalaban ang Golden
State Warriors at Cleaveland Caveliers sa last
game ng Basketball. Talagang dikdikan ang puntos ng bawat isa
kaya panay ang aming subaybay kung kanino mapupunta ang kampeonato. Balak
sanang tapusin ang panonood ng Basketball dahil nakakasabik, kaso
kailangan ng umalis.
Dahil bakante ang oras ng mahigit isang oras, naki-sit-in muna
ako sa klase nina Beatriz at saktong si Ma'am Eloisa ang
kanilang professor. Ang bait talaga ni Ma'am at payag siyang maki-sit-in ako
kahit every meeting pa at na-miss ko ang mga panahon na naging
guro siya, sana dumating pa ang ganung pagkakataon.
8m-u. Makaraan ang isang oras, kinailangan ko ng magpaalam sa kanila
lalong-lalo na kay Ma'am Eloisa. Sa oras ng Education 3,
nagtalakay lamang sa amin si Sir Ronan. Pagkalabas ng silid,
nabulaga kami dahil hindi inasahan ang dagsa ng mga estudyanteng papalabas na
rin at di na makakilos sa sobrang siksikan at gitgitan. Mukhang hindi
napaghandaan ng school namin ang epekto ng implementasyon
ng K to 12 program at mukhang araw-araw itong kalbaryo sa
amin. Sa oras ng Experimental Psychology, lundagan kami sa tuwa ng
ianunsyong hindi makakapasok si Ma'am Joyce at dahil hindi na
din tuloy ang klase, maaga kaming umuwi. Pagkauwi at kahit nagbabadyang umulan,
tumungo pa rin ng Computer Shop upang gumawa ng assignment.
Dakong madilim-dilim na rin nakabalik ng bahay at agarang naghapunan.
June 21, 2016
Tuesday
Year IV-173
8m-v. Nakakatuwa dahil ngayon lamang muli magkakaroon ng panahon para
makapagpahinga at para gawin ang ibig gawin na mahahalaga at kapupulutan ng
kaalaman. Pagkalamnan ng sikmura, sinimulan ko na ang gawaing bahay. Medyo
sinisipag-sipag ngayon at dahil wala naman ibang gagawin, mukhang malilinis ko
ang buong bahay. Matapos ay nagbantay muli ako sa tindahan at sa kagustuhang
makabili ng panibagong cellphone, nilakasan ko ang loob sa
pangungupit. Mukhang kailangan ko ng magsimba sa Linggo at magbalik-loob sa
pamginoon dahil sindami na ng buhangin ang nagagawang kasalanan. Kahit na
ganun, may awa ang Diyos at kaya niyang magpatawad kahit gaano pa kalaki at
kabigat ang 'yong kasalanan. Nakokonsensiya na ko dahil nagagawa ng lokohin ang
pamilya dahil lang sa sariling kagustuhan.
8m-w. Pagpatak ng hapon at gawa na nababatong manatili sa bahay at walang
makapalitan ng salita, naisipang lumabas at magkumpyuter. Medyo nahumaling ako
sa paggamit ng Facebook at Youtube kaya di
namamalayang nakakadalawang oras na sa Shop. Pagdating ng bahay at dahil
pansamantalang magpapahinga si Mama, namayagpag muli ang saya dahil ako muli
ang magtitinda at tiba-tiba nanaman ang bulsa. Hindi na rin nagtagal, nahuli na
ko ni Mama na nangungupit. Sa una ay panay ang aking tanggi at pagsisinungaling
subalit bukong-buko na at mukhang mahirap ng bilugin ang ulo, tahasan na kong
umamin at sinabi ang dahilan.
8m-x. Hindi naman gasinong nagalit si Mama at sa katunayan, hindi akalain na
bibigyan ng Cellphone at isang buwan na raw iyon nakatago. Nag-uumapaw
ang tuwa sa dibdib kahit mababaw lang dahil sa wakas, may bago ng Cellphone.
Sa labis na tuwa at pasasalamat, lahat ng perang inumit ng nakaraang
nagtitinda, ibinalik ko na sa kaban. Magaan sa pakiramdam kapag naitama mo ang
'yong pagkakamali at wala kang bagay na naililihim. Kung alam ko lang na
mangyayari ang ganito, di na dapat iyon ginawa. Ang mahalaga ay natuto at
nagsisi sa mga pagkakamali at iyon ang magbibigay aral sa'yo para hindi na
magkamali sa susunod. Ayos lang ang magkamali, ang hindi lang maganda ay parati
at parang wala ka ng magagawa para itama dahil iniisip na tao ka lang.
June 22, 2016
Wednesday
Year IV-174
8m-y. Napasarap muli ang tulog ko kaya nakakasilaw na ang liwanag sa labas ng
magmulat ang mga mata at bumangon. Saktong naroroon na ang presensiya niSir
Jigo pagkatungtong ng eskwela at kaagad napagkatuwaan nina Neville at
Rickclyde. Sa halip na tuwa ay banas ako sa dalawa't akala pinagpala ang
hitsura, parehas namang sinto-sinto. Hindi ko na dapat sila papatulan pero itong
si Sir Jigo, sa halip na ipagtanggol ay kinampihan pa ang dalawa at
sinabing nagkakagusto raw sila sa akin. Kung pagtripan ko rin kaya siya ng
maramdam niya na may pagtingin ako sa kanya. Kahit kailan, game na game makisawsaw
si Sir sa lokohan at siya pa ang konsintidor. Dahil nahuli ng dating, naghanap
pa ko ng mauupuan kaya lalo pang napagtripan at nagtulong-tulong na ang tatlo. Gayunpaman ay
natutuwa ako dahil nagagawa niya iyon, which means na may
pagtingin rin siya sa akin kaso ayaw kong mag-assume. Sa halip na
magkaroon muli ng oral recitation, nagturo lamang siya. Ilang
saglit pa, lumabas na kami at sa halip na maki-sit-in, sinamantala ang
oras para asikasuhin ang pagpapa-adding and dropping ng Subject.
8m-z. Saksakan sa haba ng pila kaya mahigit isang oras na rin bago makapasok
ng Registrar office at makausap ang evaluator.
Matapos ay kailangan pa raw papirmahan sa mismong professor ang
dropped subject, ano ba 'yan at kakaharapin ko pa pala ang mokong na
gurong iyon. Mabuti na lang at pinayagan ako na kay Sir Ronan na
papirmahan ang form sa halip na kay Sir Barrion.
Maya-maya'y tumungo na ng silid at kaagad ng ipinalagda pagkakita kay Sir
Ronan at mabilis pa sa alas-kwatro ang pagpirma nito. Sa oras ng Education
3 ay nagturo lang si Sir Ronan. Kanya-kanya kaming taking
notes habang siya ay nagtuturo at hirap ipasok sa isipan ang lesson kapag
may iba kang napagkakaabalahan.
8n-A. Bumalik ako ng Registrar Office matapos ang aming
klase. Nagkabunga din ang pakikipagsapalaran ko at sa wakas, nakawala na rin sa
kamay ng pasakit at kalbaryong guro at para akong nakalaya. Social
Psychology ang ipinalit ko saDropped Subject na Physio
Psychology subalit palaisipan kung sino angprofessor, Wish ko
lang na di siya at kung hindi, dapat ng tanggapin na may pagkakataon na
magkikita't makakatagpo kami. Sa oras ng Experimental Psychology,
hindi agad nakarating si Ma'am Joyce dahil biglang sumungit
ang panahon subalit tuloy pa rin ang pa-activity sa amin sina Jed at
iyon ay isusulat mo ang letra ng pabaligtad sa loob ng tatlumpung minuto at
iyon ay limang trial.
8n-b. Dahil may time limit ay nakaka-pressure ang
magsulat at minsan ay name-mental block at hindi maiwasang
magkamali pero nakakalibang naman at nahahasa ang utak mo mula sa mapurol.
Matapos ay natutuwa ako dahil matataas ang mga achievements, ibig
sabihin na matalas ang memorya at may kakayahang makipagsabayan kahit mabilis.
Saka lamang nakapasok si Ma'am Joyce na halatang biktima ng
masungit na panahon kung kailan patapos na angactivity at
nagsalita. Maya-maya pa'y tuwa ang buong klase dahil binigyan kami ng rest
period at habang breaktime, tamang tsikahan lang kay
Ma'am. Yung pakiramdam na sa sobrang bait ng tao sa'yo, parang ibig mo na
siyang sambahin at paglingkuran at ganun si Ma'am Joyce.
8n-c. Parang gusto mo siyang maging nanay at swerte marahil ang mga anak nito
dahil napakabusilak ng loob ng kanilang ina. Makalipas ang ilang sandali, balik sa
pagtuturo si Ma'am at sarap makinig kapag si Ma'am Joyce ang professor.
Madilim-dilim na rin ng matapos ang aming klase. Kasabay ko nanaman sina Anne
Rose pauwi at kahit may kalayuan ang nilalakad, di naman iyon ininda
dahil masaya silang kasama. Akala ko, hindi na babalik sa dati ang masaya
naming pagsasama dahil matagal-tagal na rin at marami na ang nagbago subalit
nagkamali ako at sana ay magtuloy-tuloy ito. Kahit ano pa sila, basta nahahanap
ang saya at ipinaparamdam na belong ako, doon ako. Sa tindi ng
dala-dalang gutom sa sinapupunan, diretso ako sa paghahapunan.
June 23, 2016
Thursday
Year IV-175
8n-d. May pasok pa rin kaya maaga muling ididilat ang mga matang namumugto pa
sa antok. Medyo napupungas pa ko kaya naging mabagal sa pagkilos, ang resulta
ay nahuli na ng dating at saktong nagtuturo na si Ma'am Ria. Maigi
na lamang at hindi nasita o napagalitan. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng
loob ni Ma'am sa akin sa kabila na ugali nitong magtaas ng kilay. Matapos ang
klase ay muli kaming nagkita nina Gin Rhead, Eloisa at Mary at
sa kanila nakisabay. Nakakapanibago kina Gin Rhead at Eloisa dahil
ang tahimik na dati naman ay makwela at minsan ay naglolokohan kapag kasama,
marahil ay may pinagdaraanan at inalam ko. Tumumpak ang hinala ko at may
kanya-kanya silang hinaharap kaya di na nagawang magtanong. Ilang sandali pa'y
tumungo na ng silid. Sa oras ng Genetics at bago magsimulang
magturo si Ma'am Zandra ay nagkaroon kami ng Pre-test.
Tungkol sa Cells ang coverage ng exam
at kahit ilang ulit ng pinag-aralan kung nakakaligtaan naman, wala rin
halos maisagot. Sa sampung aytem ay dalawa lang ang nakuha pero ayos na rin
kaysa itlog.
8n-e. Pagkatapos ay saka lamang nakapagturo si Ma'am. Medyo nagugulahimanan
ako sa lecture kaya di maiwasang magtanong. Sa oras naman
ng Physics, pagguhit ng iba't ibang Laboratory apparatus ang
aming iginugol at hindi talaga biro para sa akin ang mag-drawing.
Maya-maya pa'y lumipat na kami ng kabilang silid at nagturo si Ma'am
Pebenito. Dahil wala pang balak umuwi, tumungo pa ko kung saan nagklaklase
sila Mary at hinintay. Sa tagal, nainip na ko kaya binalak ng
maki-sit-in muli subalit pumigil ang hiya dahil ayaw magpakita
kay Special someone. Makalipas ang tatlumpung paghihintay, sa wakas
at lumabas na rin sila. Dahil wala pang balak ang bawat isa sa amin na umuwi,
naisipang maglakwatsa sa Fairview Terraces.
8n-f. Masaya nanaman ako dahil magkakasama muli kami kahit hindi kumpleto. Sa
kakalakwatsa, kumalam bigla ang mga sikmura, napilitan kaming mag-shopping. Pagkatapos
magsalo-salo sa pagkain, tumungo naman kami ng Rooftop para doon
tumambay. Habang nakatambay ay biglang napag-usapan ang tungkol sa
kanya-kanyang pag-uugali. Magkahalong tuwa at inis ang naramdaman ng ilahad
ni Mary ang impresyon niya sa akin. Natutuwa ako dahil
sinasabi niya kung ano ang nakikitang mali sa akin at nagpapakatotoo lamang
ito, ang naiinis lang ako ay sabihin nitong di ko raw pinapahalagahan ang
damdamin ng nakapaligid sa akin at mababa raw ang aking intellectual
environment, bagay na di ko matanggap kaya dumepensa ako. Kung tutuusin,
palagi kong inuunang isipin ang mararamdaman ng kapwa bago gawin kung anuman
ang naisin.
8n-g. Hindi ko magawang magsaya kung alam ng isip na may taong nasasaktan at
naaapakan dahil sa akin at hindi ako komportable kapag pakiramdam ko, may galit
sa akin. Tapos, iyon pala ang nakikita sa akin kaya di mapigilang maghinanakit
ang loob kahit hindi naman intensyon ni Mary na saktan ang
damdamin ko at tinutulungan lang para baguhin kung ano ang mali sa ugali.
Pakiramdam ko, matapos ang lahat lahat na ginawa, di pala nila ma-appreciate iyon
at nakakainsulto iyon para sa akin.
Simula ng sabihin iyon ni Mary, parang biglang nanamlay ang
pakikitungo sa kanila pero di ako pahalatang naapektuhan at nagawa pa ring
makihalubilo. Napasarap ng husto ang aming usapan kaya inabutan na ng dilim.
Mukhang wala pa talaga silang balak umuwi ng udyukin ko kaya di na sumabay pa.
Sobrang nahusgahan ako sa sinabi niya subalit di naman ito masisisi't ginusto
ko rin naman malaman. Akala ko, hindi masasaktan kapag inunawa ang mga sinasabi
pero nagkamali ako at hindi iyon inasahan.
June 24, 2016
Friday
Year IV-176
8n-h. Araw ng Maynila at pista naman sa San Juan at
kahit hindi holiday dito sa Quezon City, maligaya pa
rin dahil walang klase ngayong araw at nakakapaso na sa balat ang sinag ng araw
ng magising. Pagkatapos mag-almusal at para iwas bato, naisipang magbasa-basa.
Matagal ko ng kinuha ang subject naTheories of Personality pero
ngayon lang na-realize na maganda iyong basahin at pag-aralan.
Nalalaman mo kung kaninong tanyag na Psychologists gaya ni Sigmund
Freud pasok ang iyong personality sa kanilang theory at
nabibigyang kasagutan kung bakit nagagawa natin ang bagay na mahirap
ipaliwanag. Sa pagbabasa, natuklasan ko na possesses pala ng
pagiging Introvert ang personality na kung
saan inward ang aking Psychic energy sa halip
na outward. Kaya pala madalas makaranas ng pagkamahiyain at hindi
ko ugaling magkwento ng kung ano-ano, sa takot na i-reject ng
kausap ang sinasabi, maliban na lamang kung malapit at kapalagayan ng loob,
hindi rin ibig ang mabalewala dahil madalas masaktan.
8n-i. Hindi rin madalas makipagkapwa dahil iniisip na baka mahusgahan agad at
di matanggap kung sino ako.
Ganun pala ang pagiging Introvert, para kang nasa madilim na
mundo dahil madalas mapag-isa, malungkot at di magawa ang ibig dahil balakid
ang hiya. Hanggang kailan kaya iintindihin ang mga sinasabi ng ibang tao laban
sa akin na magpapababa ng tingin sa sarili. Hanggang kailan kaya magkakaroon ng
kakayahang labanan ang mga hadlang para makamit ang kagustuhan at pangarap sa
buhay? Marahil ay habang buhay ng ganito pero di pa rin nawawalan ng pag-asang
darating ang panahon, mababago ang pananaw sa buhay at maaalis ang takot na
ilang taon ng dala-dala't hadlang sa mga kagustuhan. Sa kakabasa, di napansing
Alas-dyis pasado na't kailangan ng maghanda para sa pananghalian.
8n-j. Pagpatak ng hapon, naisipan kong magtungo ng Computer Shop. Napasarap ang aking
pagkukumpyuter kaya di namalayang nakakaisang oras na. Balak pa sanang tumungo
sa bahay ni Angelica o ni Cathy o ni Shiela
pero pinangunahan ng hiya. Dahil sa pamamayani ng hiya, hindi natuloy ang
balak at hadlang talaga ang hiya sa buhay. Kahit sabihin at isipin na walang
mali sa ginagawa, di pa rin magawang kontrolin ang hiya at likas na marahil
iyon sa akin. Pakiramdam ko, dahil sa hiya ay madaling manipulahin ng taong
nakapaligid at walang sariling paninindigan dahil mahina ang loob. Subukan ko
kayang kapalan ang mukha paminsan-minsan, ano kayang mangyayari, kaso natatakot
ako sa kung anong mangyayari at magiging reaksyon ng kapwa.
June 25, 2016
Saturday
Year IV-177
8n-k. Sumapit nanaman ang Weekend at ang araw na ito na
dapat sana ay walang pasok, may pasok at kailangan nanaman magising ng maaga at
makipagsapalaran ang matang nababalutan ng antok. Hindi naman nahuli ng dating
sa eskwela at saktong wala pa si Ma'am Ria kaya ang mga
kamag-aral, sinulit na ang nalalabing minuto para makipagdaldalan. Ibig ko rin
makipagkwentuhan pero pinangunahan ng hiya. Kahit nahihiya, sinubukan pa rin
para masanay kaso nauutal ako. Hirap makipagpalitan ng kuro-kuro kung ang taong
kausap ay di malapit sa'yo. Ilang sandali pa ng pumasok si Ma'am Ria at
sa pagpasok nito, hindi akalaing magagawa pa kong kamustahin. Tama ang nasa
loob, pagdating sa akin ay magaan ang loob ni Ma'am pero ayaw kong mag-assume na
nagugustuhan bilang estudyante. Matapos naming makipagkamustahan ni Ma'am, saka
lang ito nagsimulang magturo. Pagkatapos, nagpangkat-pangkat na kami para
sa group activity. Kinapos na sa oras kaya hindi na
natuloy pa. Sa oras naman ng Genetics, tungkol pa rin sa Cells at
sa Chromosome ang itinuro sa amin ni Ma'am Zandra.
8n-l. Napakabusilak talaga ng loob ni Ma'am dahil gumawa pa ito ng paraan
para mai-save sa aking Cellphone ang lecture kahit
napakaimposible na at malabo. Sa bait ni Ma'am Zandra, unti-unting
napapalapit ang loob sa kanya at mukhang magkakasundo kami. Naiyak ako dahil
sobrang appreciated ang kabaitan ni Ma'am at pagpalain nawa
siya ng maykapal. Sa tagal ng pagsi-save, nahuli na ng dating sa Physics
class subalit di naman nasita ni Ma'am Pebenito.
Nagturo lamang ito at matapos ay nagkaroon kami ng activity.
Pagkatapos at sa halip na umuwi, nagpulong-pulo muna kami nina Anne
Rose para pag-usapan ang gagawing thesis sa Experimental
Psychology. Title pa lamang,
hirap na hirap na kami't hindi na pala basta-basta dahil kailangang makita
ang Independent and Dependent variables para hindi ma-reject.
8n-m. Sa kakaisip, makagawa lang ng title na aangkop sa experimental
research, sumakisakit na ang bungo. Ilang sandali pa, napagpasyahan ng magpaalam
sa kanila. Kinagabihan, naantig ang kalooban ko sa natunghayang kwento sa Maala-ala
mo kaya. Kahanga-hanga ang ipinakitang katapangan ng isang batang may
malubhang karamdaman na si Catie at nakakabilib dahil di ito
umiiyak kapag tiniturukan ng injection. Sayang lamang at binawian
ng buhay, ang cute pa naman at sarap alagaan. Kung sino pa
yung kaaya-ayang tao, siya pa ang maagang kinukuha ng panginoon. Pagkatapos
manuod, agad ng inihimlay ang katawan sa kamang kay lambot.
June 26, 2016
Sunday
Year IV-178
8n-n. Anong ginhawa muli ang siyang namamayani sa matang kakamulat pa lamang.
May kaaliwalasan ang pakiramdam ko subalit kabaligtaran ng panahong makulimlim
at tila nagbabadyang umulan. Matapos mag-agahan at dahil walang magawa,
pagbabantay sa tindahan ang napagkaabalahan. Bukod sa pagtitinda, naisipan ko
ring magbasa-basa. Ang ganda na sana ng binabasa ko at napapasarap, nagagambala
lamang dahil maya't maya ang bumibili. Kalagitnaan ng araw at kasabay ng
pagbuhos ng ulan ang biglang pagkaripas ng takbo ng mga kapitbahay sa di
malamang dahilan. Inalam ko kung ano ang nagaganap at magkahalong gulat at
takot ang tumama sa dibdib ng mabalitaang may nag-away at nauwi sa saksakan.
Kaagad akong umuwi at hindi na nakiusyoso pa, sa takot na madamay sa gulo.
Ganito na sa lugar namin, pangkaraniwan na ang nararanasang away at ang
kadalasang pinagmumulan, paglalaro ng sugal. Pagsapit ng hapon at dahil may
bagyo, naging maulan ang panahon, hindi tuloy makapaglakwatsa. Walang magawa at
bilang pampalipas oras, pamamalantsa at pagluluto na rin ng hapunan ang
inatupag ko. Sa sungit ng panahon, mukhang mawawalan ng pasok bukas.
June 27, 2016
Monday
Year IV-179
8n-o. Sa kabila na maulan sa magdamag dahil sa Bagyong Ambo ay
humupa naman ito pagputok ng liwanag at sumilip pa rin haring araw kaya tuloy
pa rin ang klase ngayong Lunes. Napasarap-sarap ang tulog kaya malapit ng
sumapit ang Alas-siete ng bumangon. Pagkasakay ng Jeep, laking
gulat ko dahil ang mahal sumingil ng Driver, sinabi ko ang tamang
singil ng pamasahe pero pilit pa rin hinihingan ng karagdagan dahil kulang.
Sadyang napakagulang niya kaya nakipagtalo pa ko. Maya-maya at upang di na
lumala pa ang gulo, napagpasyahan ko ng bumaba. May mga tao talagang mahilig
manlamang ng kapwa para lang sa sarili nilang kagustuhan at subukan lang nila
dahil hindi ako papayag na magpaloko. Hindi porket na mukhang bagong salta sa
paningin nila, magagawa ng linlangin, diyan sila nagkakamali! Naghanap pa tuloy
ako ng masasakyan at dakong Alas-nuebe na nakarating ng eskwela. Kahit nahuli
na ng dating, itinuloy ko pa rin ang pagpasok.
8n-p. Pagkapasok na pagkapasok ng silid, laking gulat ko dahil ang tahimik
maging si Sir Jigo na nakaupo lang at tila nanalangin sila.
Ayaw ko naman basagin ang bumabalot na katahimikan kaya di agad makapagtanong
at di na mapigilang kabahan dahil pinagtitinginan. Kahit gumagapang na ang
hiya'y tuloy pa rin sa paghahanap ng mauupuan at ng batiin si Sir Jigo,
laking taka dahil bigla silang nagsitawa. Pagkatanong, doon ko nalaman na
nagku-quiz na pala sila't agaw attention na pala ako.
Laking pahiya ko dahil ang awkward ko't kahit hindi
nakapagsimula ay nag-quiz pa rin ako. Nang tseking at maibigay, sa
halip na ipasa ay parang gusto ko ng lukutin at itapon pagkat ang baba. Kahit
na ganon ang resulta ay hindi naman masakit sa loob. Hindi naman ako
nakapag-aral at nahuli pa ng dating kaya nararapat lang na tamuin ang ganong
marka.
8n-q. Bawi na lang sa susunod maging kay Sir Jigo na mukhang
sagwang-sagwa sa aking kapangahasan. Pagkatapos ay lumabas na ko at dahil may
klase pa sa Social Psychology, sa halip na maki-sit-in ay
diretso pasok na ko. Si Sir Ronan din ang professor para
sa asignaturang iyon at nagturo lamang ito. Ilang sandali pa ay lumabas kami.
Habang hindi pa ka nakakapasok para sa susunod na asignatura, bigla akong
nilapitan ni Anne Rose at harap-harapang kinompronta.
Sinubukan kong magpaliwanag pero panay ang kanyang pagbubunganga. Iyan ang
hirap sa kanila, pinili-pili akong leader tapos kapag
nabulilyaso, sa akin lahat isisisi. Naiintindihan ko kung gaano naghirap at
nagpagod si Anne Rose sa ginagawa, pero naiinis pagkat ayaw niya
kong pakinggan.
8n-r. Huwag nilang masabi-sabi na wala akong kwentang leader dahil
una pa lang, tumanggi na ko, sila lang ang mapilit. Muntikan na kaming magpang-abot
dalawa subalit naayos at naging mahinahon naman ang pag-uusap namin ni Anne
Rose kinalaunan. Hindi natuloy ang klase sa Education 3 dahil
may mahalagang inaasikaso si Sir Ronan, nagtungo kami ng library at
sinamantala ang oras sa paggawa ng assignment sa Experimental
Psychology. Makalipas ang mahigit sa tatlong oras, tumungo na kami ng laboratory.
Sa oras ng Experimental Psychology, nagturo lamang si Ma'am
Joyce tungkol sa Independent and dependent variables. Medyo
nagugulahimanan ako sa lesson at nasakit ang bungo kapag inuunawa
kaya ng magkaroon ng activity, mangamote ng husto sa pagsagot at di
mapigilan ang bibig na magtanong. Nang tseking na, tawang-tawa ako dahil kung
ano-ano na lang ang isinasagot pero ang mahalaga, nag-try ako.
Inabot na kami ng gabi sa pag-uwi.
June 28, 2016
Tuesday
Year IV-180
8n-s. Wala nanaman pasok ngayong araw kaya one to sawa muli
sa pagtulog. Tinanghali na ko ng gising at animo'y kay ganda at aliwalas ang
pagbati ng umaga sa akin. Matapos mag-almusal, sinimulan ko ng mag-isip at
gumawa ngtitle para sa aming experimental research.
Hindi pala basta-basta at biro ang bumuo ng title dahil nangangailangang makita
ang Independent and dependendent variables at pang-experiment ang
konsepto nito. Nakakaisang oras ng nakaupo at nag-iisip, nakakatatlo pa lamang
at kahit nahihirapan, isama pa ang napi-pressure ay nagpatuloy pa
rin sa pag-iisip. Walang ibang inatupag sa buong umaga kundi gumawa ng title sa Experimental
Psychology. Medyo tinamad-tamad na din at masisiraan na ng bait sa kakaisip
kaya kahit hindi nakumpleto ang bilang na hinihinging title,
itinigil ko na. Goodluck sa defense namin sa
susunod na Linggo at bigyan nawa ng maykapal ng katalinuhan ng isip at lakas ng
loob para makayanang harapin ang mga pihikang panelista.
8n-t. Sumunod ay paggawa naman ng Assignment at pagrerepaso
ng lecture sa Genetics ang napagkaabalahan ko.
Medyo nakakaasar lang dahil panay at dibdiban na kong nag-aaral, wala pa ring
pumapasok sa utak at paano kaya ako makakapasa o makakabawi kung ipinagkaloob
ang mahinang kukote. Kinahapunan, tumungo ako ng Computer shop para
mag-research. Dakong Alas-singko na rin ng makauwi. Ang kaninang
maginhawa't maayos na pakiramdam, sa hindi inaasahan ay biglang nagbago ang
timpla. Kasing lalim na ng balon ang gabi pero di pa rin magawang makatulog ng
maayos pagkat sinisipon. Marahil ay sasamain nanaman ako na huwag sanang
maganap.
June 29, 2016
Wednesday
Year IV-181
8n-u. Lalo pang lumala ang pagsama ng pakiramdam dahil bukod sa walang puknat
ang pagsinga, sumasakit na rin ang lalamunan na tila namamaga. Mukhang hindi
kagandahan ang kalagayan ngayon at magkakasakit ng abot-abot. Kahit masama ang
pakiramdam at dahil kaya ko pa naman, nagawa pa ring pumasok. Pagkarating, wala
pa si Sir Jigo at sa halip na makipagpalitan ng kuro-kuro
dahil masakit ang lalamunan at wala sa mood makipagkwentuhan,
gumawa na lang ng mapagkakaabalahan. Saka lamang itinigil ang ginagawa ng
pumasok si Sir. Sa oras na ito ay nagkaroon kami ng Individual
evaluation na kung saan isusulat mo sa papel ng Classmate na
natapat sa'yo ang nakikita mo sa kanya, negatibo man o positibo. Pagkatapos sabihin
ni Sir Jigo ang gagawin at ng makapagbilog na kami, saka na
nagsimula ang evaluation at kada minuto nagpapasa-pasa ng
papel. Habang papalapit ang pagtatapos ng evaluation ang pasidhi ng kaba sa
dibdib dahil baka maulit ang nangyari nung First year ako na
nasa ganung Dash ding iyon na lubos na ikinadismaya ang
nabasang komento pagkat puro negatibo.
8n-v. Kung may negatibo man, malugod iyong tatanggapin at sana kayanin ng
loob. Pagkatapos ay ibinalik na ang kanya-kanyang papel at magkahalong tuwa at
kaunting inis ang nadarama ng mabasa ang komento sa akin. Natutuwa ako dahil
maraming nakaka-appreciate na mabuti akong kamag-aral at masaya raw
kasama subalit ang kinaiinis ko, puro below the belt ang mga
negatibong komento, nada-down tuloy ako, wala kasing advice kung negative. Bukod pa dun ay
napaka-judgmental nila at akala kung sinong walang kapintasan.
Gustuhin man magwala sa inis, hindi magawa dahil di naman alam kung sino ang
nagsulat. Nakapagturo pa si Sir matapos niyon at dahil patuloy na iniinda ang
masamang pakiramdam, nawalan na ng ganang makinig sa kanya at gusto parating
nakayuko.
8n-w. Maging kaloob-looban ng puso, naapektuhan na din dahil nanamlay ang
pagtingin sa kanya at parang di lumalakas kahit kaharap na ito. Ubod ng sakit
ang aking lalamunan kaya matapos ang klase sa Guidance and Counseling,
minabuti ng magtungo sa Clinic para humingi ng gamot at
magpatingin. Sa dami ng kliyenteng inaasikaso ni Doctora Ronquillo,
naghintay-hintay pa ko.
Matapos payuhan kung anong ilulunas, dumeretso na agad silid. Saktong
nasa may pisara na si Sir Ronan pagkapasok at abala sa
pagrerepaso ang mga kamag-aral. Magkakaroon pala kami ng maikling pagsusulit
subalit hindi makapagrepaso ng maayos sa dahilang masamang-masama ang
pakiramdam. Ilang sandali pa, nagsimula na ang pagsusulit. Halos walang
maisagot sapagkat hindi nakapagrepaso at isa pa, hindi naabutan ang lesson na
lumabas sa pagsusulit kaya labis na nahihirap, lalo pa tuloy sumama ang
pakiramdam ko at parang trinatrangkaso dahil nagsisimula ng sumakit ang
katawan.
8n-x. Mukhang hindi ko na kaya pa kaya napagpasyahang huwag ng dumalo sa
susunod pang klase at umuwi na lang. Lintik na sakit na ito at magagawa ko
nanaman lumiban kung kailan pinakakailangan. Sa sama ng pakiramdam, wala ng
ano-ano pang nagpahinga.
Maya-maya, nakaramdam na ng pangangatog at kahit balot na ng makapal na
kumot, giniginaw pa rin. Inaapoy na pala ng lagnat ng panahong iyon at lalo
pang sumakit ang katawan. Humupa naman ang lagnat bago dumilim at kaagad na
bumangon kahit nanamlay para kumain. Kailangan kong kumain ng marami para lumakas
at gumaling subalit hindi magawa sapagkat parang masusuka kapag dinamihan.
Dahil may iniindang karamdaman, hanggang gabi na akong nakaratay sa kama at
iniinda ang pamamaga ng Lalamunan at hirap sa paghinga dahil sa baradong Ilong.
June 30, 2016
Thursday
(New President's Day)
Year IV-182
8n-y. Araw ng panunumpa, araw ng pag-upo ng bagong halal na pinuno ng ating
bansa. Sa pagpasok ng panibagong administrasyon, makamit kaya ng bansa
malawakang kapayaan at puksain ang mga kriminalidad at korapsyon, sana hanggang
doon na lang ang kayang ipatupad ng ating bagong pangulo at nawa'y manalaytay
pa rin ang demokrasya sa ilalim ng pamumuno ni Duterte. Tuparin
niya ang mga binitawang salita ng ito pa'y nangangampanya ng sa ganon ay
makamtan ng lubos ang minimithing pagbabago. Marahil hindi sa Presidente
magsisimula ang pagbabago, kundi nasa kamay din natin at hindi iyon makakamit
kung puro paninisi sa halip na tumulong. Nagbago na ang administrasyon, sana
tayo ring mga Pilipino, magbago na din. Ako, hindi alam kung kailan balak
magbago pero susubukan kahit mahirap at maraming balakid. Nanatili pa ring
masama ang pakiramdam kaya napagpasyahang huwag munang pumasok at ilaan ang
araw na ito para magpagaling.
8n-z. Kasabay ng pagpapalit ng Pangulo ay ang pagsungit ng panahon at sa
dilim ng kalangitan, tila nagdadalamhati ito sa pagbaba ni Pnoy.
Walang magawa at kahit may karamdaman, nagawa pa ring manuod ng balita. Pagpatak ng
Alas-nuebe at bukod kay Duterte, pormal na rin nanumpa bilang bagong Bise Presidente
si Madam Leni Robredo at nagagalak ako dahil ganap na niyang
nakuha ang pangalawang pinakamataas na kapangyarihan. Simple, mapagkumbaba, may
sinseridad at matapat, kaya karapatdapat na siya ang maluklok sa ganung pwesto
o kung tumakbo man, pwede rin sa Presidente.
8o-A. Parang nabuhay si Cory Aquino sa katauhan ni Leni
Robredo dahil marami ang pagkakapareho sa kanila, isa na roon na
nakilala lang ang dalawa magmula ng mamatayan ng asawa, matapos ay pumasok sa
politika, lumaban at nanalo. Kung nakaamba man ang Diktadorya sa pamumuno
ni Duterte, tingin ko si Leni Robredo ang
magbabalik ng demokrasya ng ating bansa gaya ng ginawa ni Cory Aquino ng
mapatalsik ang Diktador na si Ferdinand Marcos. Nararamdaman ko,
kung anuman ang nangyari nung panahon ni Marcos, tila mauulit
ngayon na huwag naman sanang mangyari. Malaki ang tiwala ko sa bago nating bise
Presidente at siya ang pag-asa ng bayan. Muntikan na kong mapaluha sa naging
talumpati ng ating Vice President.
8o-b. Eksakto Alas-dose naman ng bumaba na sa pwesto si Noynoy at
kasabay niyon ang panunumpa naman ni Rodrigo Duterte bilang
bagong Pangulo ng republika ng Pilipinas. Puro tuligsa sa mga
kriminalidad at Corrupt na mga Politika ang naging laman ng
kanyang talumpati at sa tono ng pananatila, nakakatakot siyang maging lider ng
bansa. Ayaw kong manghusga at abangan na lang natin kung ano ang magiging takbo
ng bansa sa ilalim ng Duterte Administration sa loob ng
anim na taon. Matapos manuod ng Inagaural Speech ng ating bagong
pangulo, kaagad na kong nagpahinga. Walang magawa kaya maghapong natulog.
Pagsapit ng gabi, nawala nga parang bula ang Sore Throat, pumalit
naman ang pananakit ng ulo at halos mabaliw sa sakit. Hindi tuloy makatulog
pagkat parang tinituhog ng karayom ang kaloob-looban ng ulo, wala akong magawa
kundi tiisin.