Lunes, Pebrero 29, 2016

38. February 2016 Journal (Day 1127-1155)

February 01, 2016
Monday

Year IV-032

7t-r. Unang araw para sa ikalawang buwan ng taon at nagkataong pumatak sa Lunes kaya labis ang sabik ko sa pagpasok. Sa sabik, Alas-singko pa lamang ng magising at dagliang nag-almusal. Naging maaliwalas ang panahon kaya umalis na may kasiglahan ang kalooban. Habang nag-aabang ng masasakyan ay biglang nagningning ang mga mata at nagkakulay ang umaga sapagkat di inakalang magaganap ang pagkakataong masilayan siyang muli't malapitan pa. Magkahalong tuwa at hiya ang naghahari sa dibdib ng panahong iyon at sa labis na sabik, ibig siyang lapitan at batiin subalit pumipigil ang hiya. Nilakasan ko ang loob at buong tapang siyang hinarap. Hindi ko ibig na palampasin ang pagkakataon kaya sumabay na kay Sir Jigo. Hindi ko siya makibo-kibo ng lubusan pagkat patuloy na umiiral ang hiya at idagdag pa ang di pagiging palaimik nito kaya labis ang pagkailang subalit masayang-masaya naman pagkat kapiling siya.

7t-s. Mabuti na lamang, sumakay si James (Malilin) at siya ang nagsagip sa akin para mailang kay Sir Jigo. Tuloy ay naging madaldal na ko at kumapal ang mukha, nakaligtaang isang professor ang kausap ko. Mahinahon lamang siyang magsalita pero nakakatawa't tumingkad ang tuwa ng purihin niya't itinatak ko talaga sa isipan ang sinabi niya, magdilang anghel siya sana. Pagdating namin sa Unibersidad at sa halip na magtungo sa silid, tumungo na lamang ng Library at nakisama kina Neville at Bessa Cruz. Nag-uumapaw talaga ang kaligayahan sa dibdib sa tuwing sumasagi sa isipan ang sandaling kasama siya't nakatanim pa rin ang makisig at maamo niyang mukha sa utak ko. Sana maulit muli ang pagkakataong iyon. Makalipas ang dalawang oras, nagpaalam na sa kanila't tumungo na ng silid.

7t-t. Oras na pala ng Sikolohiyang Pilipino pagdating ko subalit di raw makakapasok si Sir Barrion dala na ito'y may karamdaman. Dahil walang guro't di tuloy ang klase, sinamantala ang panahon sa paggawa ng Thesis. Hirap talagang mag-isip ng tanong at kailangan tiyak na tiyak at mapapaisip talaga ng husto si Sir. Ngayong buwan na ang aming defense subalit wala pa sa kalahati ang gawa't naggagahol at nahihirapan na kami. Sana magkatotoo ang sinabi ni Sir Jigo na makakayang lampasan ang thesis, kahit gaano pa kahirap at kaseryoso. Gusto kong patunayan ang sinabi ni Sir kaya kahit mahirap, makakayang tapusin. Maya-maya'y tumungo na kami ng library at doon ipinagpatuloy ang Thesis. Habang abala sa paggawa ng Thesis ang pagdating ng kaibigan ni Mary at Gin Rhead na mga Korean student.  

7t-u. Gwapo't maganda sila't ang puti pa, kahit dinudugo na'y nakipag-usap pa rin sa kanila't nakakawili at nahahasa ako. Hindi ako gasinong bihasang mag-ingles kaya kung ano-ano ang nasasambit at natatawa na lamang. Maya-maya'y nagpaalam na kami sa kanila. Magkakaroon pala ng maikling pagsusulit sa Computer Science subalit naging madali lamang iyon sapagkat more on computation, iyon nga lang ay kumakain ng maraming oras pagkat maraming dapat kompyutin. Sa kakakompyut ay halos dinaig pa ang Math at nakakaliyo. Pagkatapos ay kanya-kanya na kami sa pag-uwi. Saktong may dalang pasalubong si Ama pagdating ng bahay at tamang-tama sa Sikmurang piping-pipi na sa gutom. Sa tindi ng gutom ay di na nagpakahinay pa sa paglantak at halos ikabundat ang kabusugan. Pagkagat ng gabi at dala na mabigat ang Sikmura'y di na ko naghapunan pa't iginugol na lamang ang oras sa panonood ng Telebisyon. Matapos at sa antok ay kaagad ng natulog.


February 02, 2016
Tuesday
Year IV-033

7t-v. Muling nagpaparamdam ang malamig na panahon na siyang pumipigil upang bumangon ng maaga at ibig pang palawigin ang pagtulog at ibalot ang katawan sa makapal na kumot. Tuluyan ng naghahari ang liwanag ng muling magising. Nanatiling masaya at masigla ang nasa dibdib sapagkat di pa rin mawaglit ng isipan ang sandaling kasama at kausap siya't sarap alalahanin at balik-balikan. Mukhang tinamaan na marahil ng lintik sa kanya pagkat bigay todo ang pagkabaliw at matatagalan pa bago mapawi ang pagnanasa. Dahil sa kanya kaya lalo pang ginaganahan at sinisipag sa pag-aaral. Matapos mag-agahan, sinimulan ko ng gumawa ng tanong para sa Thesis at di iyon naging madali't kailangan maingat at makakayang sagutin ng taong kakapanayamin. Kahit hirap na hirap ay di magawang sumuko't ginawang inspirasyon ang sinabi niya. Maya-maya pa'y inihanda na ang sarili para sa pagpasok. Habang patungo ng Eskwela'y sumakit-sakit ang bungo sa tindi ng init at para akong nasa loob ng pugon.

7t-w. Pawisan tuloy ako pagdating ng eskwela't lusaw na lusaw na ang Beauty at bango. Pagkadako ng silid ay ipinabatid sa akin ng kamag-aral na di raw makakapasok si Ma'am Joyce (Lardizabal), sa kadahilanang nagkasakit ang anak nito. Mukhang uso ang sakit ngayon dala ng pabago-bagong lagay ng panahon at malakas na resistensya ang kailangan upang labanan ang sakit na pasakit pa sa bulsa. Nang makapagsulat kami sa attendance, di na pinatagal pa ang paglabas. Sa halip na umuwi'y tumungo pa ng Computer shop upang gumawa ng Thesis at Case Study. Sa totoo lamang ay di biro ang paggawa ng Thesis at masyadong matrabaho. Kundi lamang ito kailangan, di sana nagdurusa ang utak sa pag-iisip ng malalim at sana ay malampasan ito at makapasa. Sa sobrang abala ko'y inabot na ng tatlong oras na babad ang mata't lupaypay na sa labis na pagod.

7t-x. Malapit ng gumabi kaya di na natulog pa't namahala sa tindahan. Habang nagtitinda'y may isang batang loko-loko't ako pa ang nais pagkatuwaan. Nabuwisit ako sa kanya't muntikan ng sabuyan ng tubig subalit naisip kong mali iyon kaya di na itinuloy ang balak at hinayaan na lamang siya. Nang makitang di ko na pinapansin at nagmumukha ng tanga, saka lamang niya ko tinigilan. Mabuti't nakayanang pigilan ang bugso ng damdamin at di nagsilang ng away. Kinagabihan at matapos ang dibdiban at seryosong paggawa ng Thesis at Case Study ay ngayon lamang nakapag-relax at tamang panood ng paboritong programa. Pagkatapos at gawa na maaga pa ang pasok bukas, di na nagpatumpik-tumpik pa sa pagtulog.


February 03, 2016
Wednesday

Year IV-034

7t-y. Dama muli ang malapaskong panahon kaya nahirapan ako sa pagbangon at nakakatamad. Tinatamad man ay nilabanan ko iyon at bumangon upang hindi mahuli sa pagpasok. Pagkapihit ng yapak sa eskwela, wala pang guro at nagtataka ako sapagkat sadyang kay unti namin, nagsisisi tuloy pagkat sumipot pa ko. Ilang sandali pa'y dumating na si Sir Lanuncia. Wala kaming ginawa sa buong oras na iyon kundi repasuhin ni Sir at kahit paano'y nahahasa ang isipan at nagiging madali ang Logic kahit batid na namin na may kahirapan ang pagsusulit. May kadalian ang Logic kapag taglay mo ang katalasan ng isip at nag-iisip palagi ng malalim subalit anong hirap kapag ito'y di gumagana at tulog-tulog. Sikolohiyang Pilipino ang sumunod naming asignatura't dahil wala si Sir Barrion, sa halip na dumalo kami ay nagtungo na lamang sa Library at pinag-usapan ang tungkol sa Thesis.

7t-z. Lumipas pa ang ilang sandali ay biglang nagsidatingan ang mga kaibigan ni Mary na mga Foreigner student, duduguin muli ang ilong pagkat mapapasabak sa English speaking. Di talaga ako mahusay kaya madalas ay tameme at panis kina Mary. Hindi ko naman ibig na ganito lang kaya sinubukang makipagtalastasan sa kanila kahit hirap na hirap. Hindi baleng English Carabao, The Important is I'd tried. Kahit paano'y naeensayo akong magsalita ng English at maging Korean at Spanish sapagkat iba't ibang lahi ang kasama namin. Habang kabiruan si Gin Rhead, may sinabi ito na di ko nagustuhan. Batid kong di naman nito ibig saktan ang damdamin pero di mapigilang magdamdam at mainsulto. Simula nun, parang lumayo ng kaunti ang loob sa kanya. Sa tinagal ng aming pinagsamahan, ngayon ko lamang nababatid ang totoong kulay ni Gin Rhead.

7u-a. Ang hirap sa kanya, parating binibigyan ng kahulugan ang mga sinasabi't napakaseryoso. Hindi ko nais masira ang pakikipagkaibigan namin dahil lamang dun kaya nagkunwaring parang ayos lang. Makalipas ang dalawang oras ay tumungo na kami ng Computer Laboratory. Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit subalit madali lamang pagkat open notes. Pagkatapos ay tumungo naman sa Covered Court. Wala pa ang presensiya ni Ma'am Cariza kaya tamang nuod lamang ng mga estudyanteng nasayaw ng Folk dance. Kabighani-bighaning panoorin ang performance nila't sabay-sabay pa. Bukod pa roon ay akmang-akma ang kasuotan para sa uri ng sayaw at makulay na makulay. Sa totoo lamang ay mas nakakawiling panoorin ang sinaunang sayaw kaysa sa moderno.

7u-b. Maya-maya'y nagkampo na kami at tinuro ni Ma'am ng tamang paghagis at hawak ng bola, nagkaroon muna ng try outbago ang practical test. Sa kakasalo't kakasalag ng bola'y nanakit ang daliri ko, mabuti't naigagalaw pa. Nang practical test na't kahit sumasakit ang kamay, nagawa pa rin isabak ang sarili alang-alang sa matatamong grado. Madilim-dilim na ng matapos ang Practical test at uwian na. Sa kadahilanang magkakaroon muli ng isang linggong pagsusulit para sa Midterm sa susunod na linggo, bago matulog ay nagsunog-kilay ako. Walang pinagbago sa utak at kahit anong pagpupursigi't dibdib sa pag-aaral ay tila walang pumapasok na impormasyon. Kaya ko ito kaya hinding-hindi susuko kahit halos lumuwa na ang mata. Ng makaramdam ng pagkamugto ng mata, saka lamang ako natulog.


February 04, 2016
Thursday
Year IV-035

7u-c. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng daliri at lalo pang sumasakit kapag naigagalaw subalit di iyon ang naging dahilan upang lumiban ng klase. Medyo mahuhuli na kaya may pagmamadali sa pagkilos subalit wala pang guro pagdating ng eskwela. Lumipas ang ilang sandali ng dumating si Ma'am Anna Marie, magkakaroon sana ng pag-uulat subalit naudlot dahil sa isinagawangevaluation at sa dami ng kailangang punan, kinain na nito ang oras para sa Exceptional Psychology. Nanatiling may hinanakit ang loob ko kay Gin Rhead dahil sa binitawang salita kahapon kaya habang kaming dalawa lamang ni Eloisa ang magkasama'y nagkaroon ng pagkakataong ilabas ang saloobin. Sa kanyang paliwanag ay tila di niya ko nauunawaan subalit gumaan naman ang kalooban ng makapagpahayag. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito subalit ibig ng magwakas at bumalik sa dati.

7u-d. Sa oras ng Education 5, pangkat nila Karen ang nakasalang ngayon para sa Demo teaching, at bago sila magsimula, nagkaroon muna ng palaro. Naging magulo at maingay pa ang kanilang palaro at gawa na litong-lito kung anong gagawin, di na lamang ako sumali't nanood na lang. Hindi rin nakakaaliw pagkat sila-sila lamang ang kumikilos at ang ilan, masyadong pabida't di binibigyan ng pagkakataon ang kagrupong pakinggan ang naisip na taktika. Sa aking pakiwari, ang palaro nila ang pinakamagulo't saksakan pa sa ingay. Sa huli, pangkat nila David ang nagwagi't nganga kami sa papremyo. Pagkatapos ay nag-ulat na sila. Habang may nalalabi pang oras, nagbigay muna kami ng kanya-kanyang komento maging si Ma'am Joyce (Geronimo). Karamihan sa mga Feedback, pawang mga negatibo't kung ano ang nakikita ko'y sinasabi nila.

7u-e. Maging si Ma'am Joyce ay di nasiyahan sa kanilang palaro pero nagustuhan ang pag-uulat. Sa oras naman ng Educational Psychology, hindi pa rin pumasok si Sir Barrion, kaya ang buong silid ay saksakan muli sa ingay. Hindi pa pala ako nakakakuha ng pagsusulit sa Exceptional Psychology. Hindi ko ibig na may isang asignatura ang lumagapak kaya lakas loob na tumungo ng Guidance kahit malabo ng payagang makakuha ng pagsusulit subalit wala roon si Ma'am Anna Marie. Habang hinihintay si Ma'am at upang di mainip, tamang kwentuhan lamang kina Glenn at Trisha Jane. Napasarap at lalim ang aming pag-uusap kaya walang malay na sumapit na ang Ala-una ng hapon.

7u-f. Saktong naroroon na si Ma'am pagkapasok muli ng Guidance. Hindi naman naging mahirap sa akin na kausapin si Ma'am kaya mabilis pa sa guhit ng kidlat ng bigyan ng pagsusulit. Sa hirap ng pagsusulit, labis akong nangangamote subalit di umayaw at nagpabara-bara sa pagsagot. Pigang-piga na ang utak sa kakaisip ng tamang sagot kaya di ko man ito nais gawin ay nanghula-hula na. Halos abutin na ng dalawang oras ng matapos ang pagsusulit. Sa pagod ay diretso kain at tulog ako pagdating ng bahay at takip-silim na ng magising. Kinagabihan at matapos manuod ng telebisyon, pagrerepaso muli ang inatupag ko. Sa kagustuhang makakuha ng magandang marka, kahit hirap na hirap na ang utak sa dami ng ipinapasok na impormasyon ay nagpatuloy pa rin. Mabuti na lamang at di nabuwang sa dami ng naglalaro at nakatanim sa isipan.


February 05, 2016
Friday

Year IV-036

7u-g. Sa ganda ng napaginipan ko, sumikat na ang bukangliwayway ng magising ang diwa't namamayani muli ang kaginhawaan at sigla sa kalooban sa halip na kutob na di kaaya-aya. Sana'y parating ganoon ang nararamdaman upang di kakaba-kabang kaharapin ang mamaya o bukas. Nang makapag-almusal, diretso muli ako sa pagrerepaso. Asignaturang Logic ang nirerepaso ko. Madali ang Logic sa taong may malawak at matalas na isipan at bukod pa roon ay gumagana ng maayos ang utak subalit anong hirap kapag ang utak ay walang laman at pulpol. Natutuwa ako sapagkat gumagana ng maayos ang utak at nagiging madali upang ipasok ang mga impormasyon na kailangan sa darating na pagsusulit at hindi nawawaglit. Saglit lamang ang aking pagsusunog-kilay at gawaing bahay naman ang siyang inatupag.

7u-h. Maya-maya pa'y inihanda na ang sarili para sa muling pagpasok. Medyo napaaga ang pagdating ko sa unibersidad kaya nanatili muna sa Lobby ang naglaro ng Color Switch. Very challenging ang bagong laro't di mapigilang mabuwisit kapag namamatay o nababasag ang pamato subalit nakakabigay ng saya at aliw. Sa labis na humaling at pagkaadik sa paglalaro ng Color Switch ay di namalayang Alas-dose pasado na't kailangan ng pumasok ng silid. Tungkol sa Disrupted Behavior Disorder ang itinuro sa amin ni Ma'am Joyce (Lardizabal) at napakainteresado ng aralin kaya todo pakinig kami. Kaawa-awa ang mga taong namumuhay sa ganong uri ng sakit at kahit delikado sa lipunan sapagkat nakakapanakit at nakakagawa ng krimen, mahirap man ay kailangan silang unawain at tulungan.

7u-i. Ganyan talaga ang buhay kapag isa kang Psychologist, kailangan lawakan ang pag-unawa bukod ang isipan at palawigin ang pasensiya. Sumunod ay Elimination disorder ang itinuro ni Ma'am at para silang hayop sapagkat kung saan-saan dumudumi at umiihi. Ilang saglit pa, sa wakas at uwian na rin at sa pagod ay diretso Siyesta pagkadako ng bahay. Pagsapit ng gabi at habang nanonood ng Telebisyon ay kinurot ang damdamin ko sa nasubaybayang eksena sa Pangako Sa'yo sapagkat matapos ang dalawang dekada'y nalaman na rin ni Amor na si Yna ang nawawala niyang anak subalit sa halip na tuwa'y nasaktan ito sa natuklasang katotohanan na magkapatid sila ni Angelo. Ang sakit sa dibdib kung malalim na ang pagmamahalan ninyo at kailangan pigilan at iwaksi ang nararamdaman dahil magkadugo kayo. Sa ganda ng palabas, halos matunaw na ang telebisyon pagkat tutok na tutok ang mata. Ilang sandali pa'y natulog na ko.


February 06, 2016
Saturday

Year IV-037

7u-j. Masarap pa sana ang tulog subalit nagisin dahil sa malakas na alarma ng aking selepono. Pagkatingin sa mahiwagang oras, ganap ng pumatak ang ikaanim ng umaga. Pakiwaring mahuhuli na sa pagpasok kaya may pagmamadali na sa pagkilos. Ang kahapong maaliwalas ay kasalungat ngayon na makulimlim at tila nalulumbay ang kalangitan, marahil ay bubuhos ang milagrong tubig. Naging mahangin ang panahon kaya halos liparin na ang mga dala't ang lamig. Mahuhuli na talaga sa pagpasok kaya sa halip na dumeretso sa silid ay tumungo ng library. Kung kailan patungo'y biglang napagtanto na mag-uulat pala ako ngayon sa Exceptional Psychology at iyon ang nagpabago sa isipan. Pagkatungo ng silid, walang katao-tao at madilim subalit nasa labas ang iilang kamag-aral. Ipinabatid nila na di tuloy ang klase sapagkat may pinuntahan si Ma'am Anna Marie, magkahalong saya at hinayang ang naramdaman ko.

7u-k. Kung kailan paalis ako, saktong namataan si Eloisa at tumungo muna ng Library at doon nananatili. Laughtrip kaming dalawa at lalo pang sumaya ang pag-uusap ng dumating si Christian (Rivera). Tila tinakasan na ng bait pagkat di mapigilang matawa habang nagkukwentuhan at puro hangin na ang nasa tiyan. Dahil sa kanila, sumaya ang araw ko't titingkad ang saya kapag masisilayan siya. Makalipas ang dalawang oras na tawanan at pananatili sa Library, bumalik na ng silid. Pangkat nina Ate Venus ang nakasalang para sa Demo teaching sa Education 5 at kita sa mukha niya ang kaba. Katulad ng mga nauna sa Demo Teaching, nagpalaro muna sila at iyon ay paramihang makabuo ng salita sa salitang ipinaskil nila sa Pisara. Dahil may time limit, halos lahat sa amin ay naging tensyonado sa pagsusulat at natataranta na. Laking tuwa sapagkat pangkat namin ang hinirang na panalo't salo-salo sa natanggap na premyo.

7u-l. Pagkatapos ay nag-ulat na sila at kahit mga Student teacher lamang, parang totoong guro na ang kaharap sapagkat malakas ang boses at may kakayahang ilagay ang atensyon namin sa kanila't maging ang mga lutang. Bukod pa roon ay napakadisente ng kasuotan at bagay na bagay. Nang magbigay ng komento si Ma'am Joyce (Geronimo), nakakaiingit pagkat puro positive at kakaunti lamang ang nakitang butas. Sila na raw ang pinakamahusay sa ngayon sabi ni Ma'am. Sumisidhi na ang kaba sa dibdib sapagkat kami na ang susunod sa Demo Teaching at nakaka-pressure. Sa oras ng Educational Psychology at dahil wala muli si Sir Barrion, nagsilabasan na kami. Pagkadating ng bahay at gawa na piping-pipi na ang Sikmura dahil sa kalam, kaagad ng kumain.

7u-m. Nakaramdam bigla ako ng pagkahilo at sa halip na gugulin ang oras na ito upang magrepaso ay nagpahinga muna. Parang bulang nawala ang pagkahilo pagkagising at malapit ng lumagom ang dilim at maghahapunan na rin. Kinagabihan, walang ibang inatupag kundi mag-aral at ito'y dibdiban. Kahit dibdiban na'y nahihirapan pa rin ang utak na itatak ang mga ipinapasok na impormasyon at nakakaligtaan talaga sa tuwing naiiwanan ng paningin. Sadyang kay purol ng utak ay may tiyansa pa bang tumalas? Idagdag pa ang ingay na nagmumula sa labas kaya lalo pang di makapag-aral ng maayos at kung makipagtalastasan ay tila nasa bundok at magpapatayan na. Ibig kong sawayin kaso baka di pakinggan pagkat nasa talampakan ang utak at sarado ang teynga, nagtiyaga na lamang. Makalipas ang Alas-onse'y natulog na ko.


February 07, 2016
Sunday
Year IV-038

7u-n. May kalamigan muli ang panahon na siyang nagbigay sarap pa lalo sa pagtulog at nagpahirap na bumangon ng maaga. Alas-siete na't kahit mugtong-mugto pa ang mata sa antok ay bumangon na ko't nag-agahan. Ng makapag-almusal, saka lamang nakapagsimula sa pagrerepaso. Sumakit halos ang daliri ko sa kakasulat ng reviewer at maging tuktok ay sumakit na din sa dami ng isinusuksok subalit ayos lamang kung ang kapalit ng aking pagsusumikap ay mataas na marka at katabaan ng loob. Habang abala sa pagrerepaso ay narinig ko ang ingay ng mga bata subalit di paglalaro ang inaatupag kundi tinuturuan silang bumasa at magbilang. Biglang sumagi ang ala-ala ng bata ako na sandaling tinuturuan magbasa at hirap na hirap ako't madalas ay nagagatungan ng kamay ni ina.

7u-o. Gusto ko nga, mas gugulin ang oras sa paglalaro at ayaw na ayaw ang pinagbabasa subalit nagagalak sapagkat kahit di nagtagal ay natuto akong magbasa at maging magbilang at dahil mas inuna ang tiyaga kaysa libang. Magmula pagkabata hanggang ngayon ay napakarami ng napagdaanan at iyon ang naging tulay upang may matutuhan pa lalo. Hindi ko akalain na lahat ng iyon ay nalampasan at nakaka-overwhelm. Dahil dun kaya lalo pang nagpursigi at ginanahan sa pag-aaral at iniisip na malalampasan ito. Sa kakarepaso'y ginutom na ko't pansamantalang inihinto upang mananghalian. Sa sipag kong ito'y balak sanang buong maghapong gugulin ang pag-aaral kaso tinamaan muli ang antok, pansamantalang nag-siyesta.

7u-p. Pagsapit ng gabi at kating-kati man ang matang manuod ng telebisyon ay pinigilan iyon at isinantabi upang bigyan ng panahon ang pag-aaral. Kanina pa ko nag-aaral subalit di talaga pumapasok sa utak at nahihirapang itatak. Bukod pa roon ay nahihirapan din unawain ang binabasa't sakit ng bungo ang abot kapag sinusubukang intindihin. Habang lumalalim ang gabi ang unti-unting pamamayani ng lamig subalit di iyon naging hadlang upang pigilan ang pag-aaral. Sa sobrang abala ko sa pag-aaral, di namalayang kalagitnaan na ng gabi at gawa na mugto na sa pagod, napagpasyahan ng ipagpabukas at matulog.


February 08, 2016
Monday
Year IV-039

7u-q. Ngayon ay ipinagdiriwang ng mga Tsino ang Chinese New Year kung kaya walang pasok muli, sa opisina man o sa eskwelahan. Dahil walang pasok, maliwa-liwanag na sa labas ng ako’y magising. Walang magawa at gawa na nababato, naisipan kong magtinda. Habang tutok ang mata sa pagtitinda at maya-maya’y umating na sina Ate Wenang at Habang nangunguha sila ng Mangga ay siya namang dagsa ng mga Tsikiting. Kung makasigaw ay akalang sabik na sabik na sunggaban ang Mangga. Ang ingay na tuloy ng kapaligiran dahil sa ingay nila't nagkakagulo na rin. Naimbyerna na ko kaya pinagsisigawan sila. Sadyang kay tigas ng kanilang tuktok at patuloy pa ring humihingi ng Mangga. Bibigyan na sana sila upang tumigil kaso baka magkaroon ng sagupaan kapag di napagbigyan ang lahat, hinayaan na lamang sila.

7u-r. Saka tumahimik ng matapos sina Ate Wenang sa pangunguha ng Mangga at humahalimuyak ang amoy na tila nagsasabing hinog na hinog na ito. Maging ako'y ibig iyon lasubin ng bibig kaso takot ko lang pagkat sakit ng sikmura ang aabutin. Pagsapit ng hapon at dahil walang magawa, pamamalantsa ang siyang inatupag. Sa dami ng pinalantsang uniporme'y inabot ng isang oras at maging pagod. Pagkatapos, sinimulan ko na ang pagrerepaso at iyon ang inatupag hanggang sa gumabi. Sa kakaaral ko ng walang humpay at kakaintindi kung ano ang binabasa, tuluyan ng sumakit ang ulo ko. Ibig ko pang mag-aral hanggang madaling araw, kaso di ko na kaya pagkat masakit na masakit na ulo't pagod na ang utak na paganahin, natulog na lamang ako. Bukas na ang pagsusulit at Goodluck sa akin.


February 09, 2016
Tuesday

Year IV-040

7u-s. Pagpatak ng madaling araw ay nagising ako dahil sa pag-atake muli ng uhog. Naparam nga ang pananakit ng ulo subalit pumalit naman ang Sipon at marahil iyon ang dahilan kung bakit nararanasan ito. Nawala na rin ang antok ko kaya sinamantala ang oras sa pagrerepaso. Maya-maya'y bigla na lamang inantok hanggang sa makatulog. Dakong ikapito na ng umaga nagising at sa lamig ng panahon, pahirapan sa akin ang bumangon. Patuloy pa rin akong sinisipon kaya di halos makapag-aral ng maayos. Kung kailan ngayong panahon ang aming pagsusulit, saka naman magkakasakit at Wrong timing talaga. Marahil ay di makakapasok mamayang hapon pagkat napakasungit ng aking timpla't mukhang lalagnatin.

7u-t. Pagsapit ng tanghali'y nananghalian na ko, bahagya naman umigi ang pakiramdam ko't nawala ang posibilidad na ako'y magkakasakit kaya tumungo na ng Eskwela. Diretso ang yapak ko sa Library at saktong namataan sina Gin Rhead at Christian (Rivera), nakisalamuha muna sa kanila. Balak ko sanang ituon ang oras sa pagrerepaso kaso di naman magagawa iyon kung panay ang daldalan at lampungan ng mga kasamahan, nakipagtalastasan na din sa kanila. Tagisan kami ni Christian sa paglalaro ng Color Switch at kainis, hindi ko siya maungus-ungusan at nakakapagbitaw ng mura sa tuwing natatalo. Naadik na sa paglalaro nun kaya di na talaga makapag-aral. Malapit ng mag-ikaapat ng tumungo kami sa silid.

7u-v. Wala pang proctor at habang may nalalabi pang oras ay nagrepaso kami. Ilang sandali pa ng pumasok ang Proctor at nagsimula na ang pagsusulit.Computer Science ang pagsusulit namin ngayon. May kasisiwan ang pagsusulit subalit pagod ng utak ang kahihinatnan sapagkat more on computation, at dinaig pa ang Mathematics. Makailang papel na nga ako sa kaka-compute pero natapos din naman. Matapos kumuha ng pagsusulit, di na nagpatumpik-tumpik pa sa pag-uwi. Kinagabihan, walang ibang inatupag kundi ang magrepaso. Sadyang kay purol ng aking kukote sapagkat kahit ilang ulit basahin ang aralin, wala talagang pumapasok at di ko alam kung bakit. Ng makaramdam ng antok, natulog na ko.


February 10, 2016
Wednesday

Year IV-041

7u-w. Kasing sarap ng Tsokolate at putaheng pangmayaman ang tulog ko kaya malapit ng pumatak ang ikawalo ng magising at bumangon. Matapos mag-almusal, pagrerepaso muli ang inatupag ko. Kahit nahihirapan sa pag-intindi kung ibig naman makakuha ng matayog na marka at makapasa'y walang ginawa kundi magtiyaga. Kaso sa tuwing mapapasakamay ang Gadget, tuksong-tuksong kulwitin at mag-online sa Social Media. Iyan na nga at di nagpapigil ang sarili ko't sa halip na ituon ang sarili sa pag-aaral ay naadik na sa Facebook at Instagram. Hindi ko maipaliwanag na oras na nalibang sa mga iyan, hindi makayang awatin ang sarili't babad na babad na ang mata saRadiation. Nang mawalan ng baterya ang aking Selepono, doon lamang nanumbalik ang atensyon ko sa pag-aaral. Sa labas ko naisipang magrepaso't halos liparin na ang binabasa maging ako pagkat mahangin. Kay sarap mag-aral kapag mahangin at tahimik at nakakapag-isip ka ng maayos.

7u-x. Maya-maya'y tanghalian na't dala na kumakalam na ang Sikmura pagkat kanina pa walang laman, itinigil ko muna ang pag-aaral at kumain. Matapos mananghalian ay balak sanang ipagpatuloy ang pag-aaral kaso biglang namayani ang antok at ibig marahil ng katawan na mag-siyesta muna, pinagbigyan ko nga. Pagsapit ng gabi at dahil pagod na ang utak na mag-isip at unawain ang binabasa, tinamad na ko't mas piniling libangin ang sarili sa Panonood ng Telebisyon. Kay ganda muli ang eksenang nasubaybayan sa Pangako Sa'yo sapagkat natuklasan ni Angelo na hindi sila magkapatid ni Yna at si Simon at tunay niyang ama sa halip na si Eduardo. Grabe at muntikan ng magpatayan ang mag-ama kung di lang nalaman na magkadugo sila't namuhay sila sa kasinungalingan ng mahabang panahon dahil kay Claudia. Matapos munod ng telebisyon at dala na di pa inaantok, hindi ko man ibig ay nagrepaso muna. Dakong Alas-onse na ng mapagpasyahang matulog.


February 11, 2016
Thursday
Year IV-042

7u-y. Mataas-taas na ang sikat ng araw sa kalawakan ng magising at mapagpasyahang bumangon. Hindi pa nagwawakas ang aming pagsusulit kaya matapos mag-agahan ay pagsusunog-kilay muli ang siyang inatupag. May kadalian lamang ang mga asignaturang kukuhain para sa pagsusulit kaya madali din naisusuksok sa isipan at daglian lamang nagrepaso. Malapit ng magtanghali ng magbihis ako't tumungo sa Eskwelahan. Pagkadako't di pa man nakakarating ng silid ay saktong namataan sina Eloisa kasama si Erik at inanyayahang bumili ng ticket para sa Concert. Sa una'y tumanggi ako pagkat biglaan at bukas na iyon gaganapin at nagtitipid ako subalit biglang nagbago ang isip ng makaramdam ng pananabik at todo ang pangugulit nila sa akin. Minsan lamang ito mangyari sa buhay ko't para madagdagan ang karanasa'y kumagat na sa kanilang alok.

7u-z. Ilang sandali pa'y tumungo na kami ng silid. Asignaturang Logic ang naging pagsusulit namin ngayon. Kahit May kasisiwan ang pagsusulit ay di pa rin nagpakakampanteng tama ang sinasagot at inigtingin ang pag-iisip pagkat nakakalito't halos ikakabuwang. Naging madali sa pangkahalatan kaya wala pa sa isang oras ng matapos ko ang pagsusulit. Education 5 ang sunod namin naging pagsusulit at saktong si Sir Esguerra ang aming Proctor. Ibang-iba si Sir sa nakilala ko ng una na mabait sapagkat ito'y mahigpit at may pagkamasungit. Nakaramdam tuloy ng kaunting takot sa kanya subalit kahit na ganon ang kanyang ipinapakita'y hindi pa rin nagbabago ang tingin sa kanya pagkat ginagawa lamang nito ang tungkuling nararapat para mapaayos ang pagdaraos ng pagsusulit.

7v-a. Nakapagrepaso ako subalit tila may kahirapan ang pagsusulit, nanghula-hula na lamang, nagbabakasakaling makatsamba't tumumpak ang mga sagot. Pagkatapos ay tumungo na ko sa Conflict room upang kunin naman ang pagsusulit para sa Abnormal Psychology. Di pa raw dumarating ang testquestioner para doon sabi ng Coordinator, naghintay muna ako't sinamantala ang oras sa pagrerepaso. Sumapit na ang Alas-kwatro, oras na itinakda kung kailan darating ang Test Questioner subalit wala pa talaga't sinabing baka ini-hoard na ng may hawak, tumungo na ko ng Faculty at magkahalong inis at kaba na ang nadarama. Wala akong nadatnan ni isang Professor pagkatungo roon, bumalik na ko.

7v-b. Saktong kakababa pa lamang ni Ma'am Joyce (Lardizabal) pagkabalik bitbit ang Test Questioner at saka lamang nakapagsimula sa pagsusulit. Akala ko talaga, hindi na makakakuha ng Exam at muntikan ng mawalan ng pag-asa. Ilang araw akong nagrepaso sa asignaturang iyon at dibdiban pa nga subalit di ko inasahan na ganoon pala kahirap at halos sumakit na ang bungo sa kakaintindi, mukhang mababalewala ang inaral ko pagkat nahihirapang ipasa't pangmatalino lamang ang mga katanungan. Kawawa ako na di biniyayaan ng katalinuhan pagkat labis na ang pangangamote. Ilang sandali pa, sa wakas at natapos ko din ang pagsusulit at makakapagpahinga na rin ang kukote sa pag-iisip ng paspasan. Pagsapit ng gabi, bigla muli akong tinamaan ng Sipon, hindi tuloy makatulog at nahihirapang huminga. Hindi pupwedeng magkasakit ako ngayon pagkat manonood kami ng Concert bukas.


February 12, 2016
Friday
Year IV-043

7v-c. Dakong ikapito na ng magmulat ang aking mga mata, hindi pa rin natatanggal ang Sipon ko't nanatiling masama ang timpla subalit di naman nito napigilan ang aking pagpasok at isa pa, may pagsusulit pa kami. Mahuhuli na ko sa pagpasok kaya may pagmamadali sa pagkilos subalit di naman pagkadako ng Unibersidad, Bahagyang naging maigi ang pakiramdam pagkatungo at tuluyan ng nanumbalik ang dati kong sigla. Wala pang dumarating na Proctor kaya nanatili muna sa labas at nakipagdaldalan kina Mika. Hindi ko siya maunawaan at bawat sambitin ko'y hahagalhal ito ng malakas. Ilang sandali pa'y nagsipasukan na kami sa kanya-kanyang mga silid. Asignaturang Sikolohiyang Pilipino ang pagsusulit namin ngayon. Hindi ako nakapagrepaso kaya labis-labis ang aking paghihirap, hindi ko na ibig pang sumakit ang ulo sa kakaisip, hinula-hulaan na lamang. Dahil sa panghuhula'y kaagad kong natapos ang pagsusulit. Hindi muna kaagad umuwi at kasama si Hilary ay hinanap pa namin si Ma'am Joyce (Geronimo) upang magpapirma ng Request Form.

7v-d. Hindi namin siya agad mahagilap kaya nagsuyuran pa pero di nasayang ang pagod pagkat nasumpungan naman ito kinalaunan. Ayaw ko pang umuwi kaya tumungo muna sa Computer shop. Hindi na rin ako nagtagal pa at dahil manonood pa ng Concert mamaya, walang ginawa kundi magpahinga pagkauwi. Dakong Alas-tres na ng ako’y umalis at magkahalong tuwa at sabik na ang nadarama pagkat sa pagkakataong ito'y mapapanood ang Concert ng sikat na bandang Hale at Silent Sanctuary. Hindi nila ako tagahanga pero sa ganda ng mga kanta nila at hugot na hugot pa'y ibig pa ring manood. Pagdating ng SM Fairview ay nandoon na sina Ate Venus, Eloisa at Gin Rhead at tumungo na kami sa Parking Area kung saan gaganapin ang Concert na kung tawagin ay Love beats musical Festival. Wala kaming ibang makita roon kundi mga kabataang pakalat-kalat at kabilaan na ang kuhaan ng litrato. Medyo nagkaproblema lamang kami sapagkat di pa pala nakakabili ng Ticket si Gin Rhead, naghiwalay tuloy kami pagkapasok.

7v-e. Papasok pa lamang ay hindi na mahulugang karayom ang dami ng nagsipagdalo't siksikan na't minsan ay tulakan at gitgitan. Muntikan na ngang ma-suffocate pagkat samu't saring amoy na ang nalalanghap. Kahit na ganoon ang nararanasang sitwasyon, sa kagustuhang masubaybayan ang Concert ay di ako umayaw. Madilim-dilim na ng sa wakas ay makapasok kami subalit si Christian at Eloisa na lamang ang nakasama ko. Habang napipinto na ang Concert ay di na magkandamayaw ang libo-libong mga kabataan at walang ibang marinig kundi tilian at malakas na dagundong ng tugtog. Dakong Alas-siete na ng magsimula ang Concert at kauna-unahang sumalang sa Concert Stage si Meg Fernandez.

7v-f. Hindi pa siya gaanong sikat kaya di din gaano kalakas ang maririnig na hiyawan subalit appreciated ko ang mga kanta niya't pwede ng ipanghugot. Sumunod ay Never The Stranger at si Ebe Dancel at ng sila na ang mag-perform ay doon na nagsimula ang malalakas na hiyawan at kanyang-kanyang wagayway ng kamay na naka-rock sign pa subalit di ko iyon magawa't tila may pumipigil sa akin. Simula ng makita ang mga kabataang naka-rock sign, biglang nabawasan ang enjoyment ko't nakaramdam na ng takot. Ibig ko na ngang umuwi subalit di magawa pagkat di pa nasusubaybayan ang Concert ng Silent Sanctuary at Hale. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon ang pakiramdam at tila may ibig ipahiwatig na di maganda. Maya-maya pa'y bandang Hale na ang sumalang at masigabong hiyawan at kawayan ang sinalubong sa kanila.

7v-g. Halos maubusan na nga ang baterya ng Selepono sa kakakuha ng Video sa kanila at ng Silent Sanctuary na, halos lahat ng manonood ay sigawan na tila na di napupunitan ng lalamunan at halos marindi na ko sa tindi ng ingay. Kada pag-awit nila'y sinasabayan ng libo-libong manonood at ang lakas ng dating nila. Matapos ang Concert ng Silent Sanctuary at dahil Kanina pa nakatindig ay tila nararayuma na amg paa sa sakit at ibig ng umuwi subalit ayaw paawat nila Eloisa at gusto pang sumali sa Disco Party. Nang makitang iniinda ko na talaga ang pananakit ng paa't di na makalundag ay saka lamang nakumbinsi ang dalawa. Malalim na ang gabi ng ako'y makauwi. Sa tindi ng namamayaning pagod ay diretso na sa paghilata sa kama pagkabihis. Kahit nakita ko sila ng personal na minsan lamang mangyari, parang may iba talaga sa pakiramdam ko't di magawang maging maligaya.


February 13, 2016
Saturday
Year IV-044

7v-h. Dakong madaling araw pa lamang ng ako'y magising at kahit ilang oras ng nakatulog ay di pa rin matanggal ang nararanasang pagod buhat ng dumalo kagabi sa Concert. Nuknukan din sa lamig ang panahon at sinisipon pa kaya tinatamad ng bumangon. Mayroon pa kaming pagsusulit ngayon kaya kahit hapong-hapo't masama ang pakiramdam, napilitang pumasok. Mangilan-ngilang kamag-aral ko pa lamang ang naroroon pagkadako sa Eskwela't habang wala pang proctor ay nagrepaso muna ako. Sa napapansin ko'y tila kakaunti lamang ang nagsipasok, marahil ay dumalo din sa Concert ang ilan kong kamag-aral at di na nagising ng maaga sa tindi ng pagod. Maging sina Eloisa at Gin Rhead ay wala pa't kahit maraming minuto na ang lumipas ay parang di nadadagdagan. Ang kaninang ako na tahimik at iniinda ang masamang pakiramdam, naging masigla at maligalig ng pumasok ang dalawa at non-stop kami sa kwentuhan.

7v-i. Mahigit sa isang oras na ang nakakaraan pero wala pang dumarating na Proctor, mukhang mauudlot ang natitira naming pagsusulit ngayon at sayang, dapat di na lamang pumasok. Lumipas pa ang ilang sandali't ng masiguradong malabo ng matuloy ang pagsusulit, napagpasyahan na naming lumabas. Hindi muna ako umuwi pagkat may pulong pa kami para sa Demo teaching. Sumapit na ang Alas-nuebe y medya, oras na dapat sana'y magkikita-kita't magsisimula na ang pagpupulong subalit di pa nasipot ang isa pang kapangkat na si Beverly. Medyo nainip na rin kami ni Hilary kaya di na ito nahintay pa't umuwi na lamang. Pagkadating ng bahay at dala na napakasungit ng pakiramdam, kaagad akong nagpahinga. Dakong hapon na ko nagising, bahagyang umigi-igi ang pakiramdam at nawala na rin ang Sipon kaya sinamantala ang oras upang paghandaan ang nalalapit na demo teaching. Tumungo ako kina Auntie Caling upang manghiram ng isusuot subalit si Uncle William lamang ang nakaharap at di nito alam kung saan nakalagay ang isusuot ko, umalis na lamang.

7v-j. Sumunod ay kina Cathy ko naisipang manghiram subalit wala ang may-ari at di niya ko mapapahiram. Ano ba 'to at tila kay ilap sa aking makamtan kung ano ang minimithi. Napasarap ang usapan namin ni Cathy kaya nanatili pa sa kanila hanggang gabi. Pagdating ng bahay at gawa na nababagot, naisipang libangin ang sarili sa panonood ng Telebisyon. Tungkol muli sa pagkatao ko ang nasubaybayang kwento sa MMK sapagkat may isang binabae na nagngangalang Ernesto na umibig sa isang babae't nakipagtipan pa nga pero naghiwalay din at magmula noon ay lumadlad na ito't nagbihis babae.

7v-k.  Ang saklap ng naging kapalaran niya sapagkat bukod sa ipinagtabuyan ng mahal sa buhay, niloko pa siya ng lalaking iniibig niya. Sa huli at ng makita ni Ernesto ang dating kasintahan ay bumalik ito sa dating katauhan at naging sila pa ngang muli. Akala ko ng una, isa siyang Bakla pero Silahis pala. Mabuti pa siya na kahit di malaman kung anong kasarian ang kinasasadlakan ay may tao pa ring handa siyang tanggapin at ibigin. Matutulog na sana ako subalit ingay na nagmumula sa labas ang pumigil kahit kalaliman na ng gabi. Valentine's nanaman pala kinabukasan subalit hanggang ngayon ay I'm still single.


February 14, 2016
Sunday

(Valentine's Day)

Year IV-045

7v-l. Araw ng mga Puso at ito din ang araw upang ibigay ang pagmamahal, di lamang sa taong iyong tinatangi-tangi o asawa kundi sa lahat ng taong malapit sa buhay at nagmamahal ng lubos at walang hanggan. Pagdating kay Girlfriend o Boyfriend, ang dali sa kanilang ibigay ang pagbati at minsan ay may pa-flying kiss pa o di kaya pinagkakagastusan ng regalo pero ang taong nagpalaki't kumumpleto sa pagkatao nila, tila nababalewala na't kapag babati'y nagdadalawang isip pa. Habang tumatagal at dumadaan ang panahon, unti-unti ng kumukupas ang tunay na diwa't kahulugan ng Valentines at napapalitan ito ng makabagong kaugalian.

7v-m. Kahit single kang ipagdiriwang ang araw na ito'y huwag malulungkot sapagkat di naman mahalaga kung may kinakasama ka o wala, ang mahalaga'y may mga taong handang ipakita ang pagmamahal sa'yo, magulang mo man o kaibigan. Kaya para sa akin, kahit nanatiling single ay makabuluhan pa rin ang araw na ito. Lahat ng tao, mag-isa man o may kasintahan, may karapatang lumigaya ngayong araw. Hindi ko pa ibig idilat ang mga mata pagkat namamayani pa ang antok subalit umaga na't gising na ang lahat ng kasamahan sa bahay kaya bumangon na. Matapos ang mag-almusal at dahil nababagot, gawaing bahay ang inatupag ko. Linis dito, linis doon, kahit saang lupalop ng sahig ay buong tiyagang winalisan, matanggal lamang ang mga naglilimahid na alikabok. Nang makapaglinis sa bahay, pagkulwit naman ng Cellphone ang sunod na pinagkaabalahan at naging pampalipas oras.

7v-n. Pagsapit ng hapon, naisipan kong tumungo sa Computer shop, saktong walang gaanong gumagamit at tahimik kaya maayos kong nagagawa ang ibig gawin at nakakapag-isip-isip, kaso ng ako na lamang mag-isa'y di mapigilang mailang at matakot. May iba na sa nararamdaman ko na hirap ipaliwanag kung anong dahilan kaya nagpasya ng umalis. Bago umuwi'y tumungo muna ako sa bahay ng Auntie Caling upang manghiram ng Polo. Sa muling pagkakataon ay si Uncle William ang nadatnan ko kaya bigo muling makahiram. Sa Huwebes na ang Demo Teaching namin subalit wala pang nahihiraman at labis ang pamomoblema ko. Mabuti na lamang, mayroon sa bahay at nakahanap si Mama, tamang sukat lamang ang ginawa ko't tingin sa salamin.

7v-o. Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin ay sobrang na-overwhelm ako pagkat di akalaing malapit ng dumating ang panahon na pinapangarap na maging Teacher o Professor at kahit Student Teacher pa lamang ay di mapigilang kumabog ang dibdib sa kaba. Kinalaunan ay nakahanap din ng babagay talaga sa akin at natutuwa naman ako dun sapagkat sa wakas, may maisusuot na din. Tamang kuha lamang ng litrato habang suot ang damit na pang-guro't parang Principal o Dean ang dating. Pangarap ko rin maging professor balang araw at makapagturo sa mga eklusibo't tanyag na paaralan, sana'y matupad iyon. Kahit maghapon kang dumada, kung mataas naman ang sahod at maraming masisilayang magagandang tanawin ay ayos lamang sa kagaya kong nangangarap. Kinagabihan at dahil tinamaan muli ng pagkabato, walang ibang ginawa kundi manood ng Telebisyon. Matapos manood ay kaagad ng natulog.


February 15, 2016
Monday

Year IV-046

 7v-p. Kakatapos lamang ng pagdiriwang ng araw ng mga puso't balik muli sa dating gawi ang mga magsing-irog. Lunes nanaman pala, may pasok muli at dala na tinatamad pagkat isang araw lamang na walang pasok at upang bigyan ng sapat na panahon ang sarili na makapagpahinga matapos ang isang linggong puyatan at dibdibang pagsusunog-kilay, napagpasyahang lumiban muna ng klase. Dakong ikapito na ng umaga ako nagising at nag-almusal. Nang makapag-agaha'y gawaing bahay muli ang pinagkaabalahan. Matapos ang pagpapalayas ng mga alikabok sa loob ng bahay at paghuhugas ng mga platong magdamag na nakatambak, tumungo muli ako ng Computer Shop upang gumawa ng Report para sa Demo Teaching.

7v-q. Hindi naging biro ang gumawa ng report sapagkat sadyang kakaunti't kailangan pang humanap para madagdagan, inabot na tuloy ng dalawang oras na babad ang mata. Dakong tanghaling tapat na din ng makarating ang yapak sa tahanan. Sobra ang gutom na nararanasan ko sa Sikmura kaya diretso lamon na tila wala ng bukas. Matapos kumain at gawa na naliligo ang may-ari ng tindahan ay nagbantay muna ako. Maya-maya'y may aleng bumili sa akin at sa di sinasadya'y napagbentahan sa maling presyo, muli ay nabungangaan ni ina't dinaig pa ang bulkan kung ito'y mag-alburoto. Hindi ko na nga pinapansin ang mga sinasabi niya't nanahimik na lamang subalit patuloy ito sa pagkuda't tila walang kapaguran.

7v-r. Habang tumatagal ay unti-unting naiipon ang galit sa dibdib at darating na sa puntong ibig ko ng magpamalas ng di magagandang salita subalit napigilan sa takot na lumala't mauwi sa sakitan. Kinalauna'y huminto naman siya sa pagdada't tumahik ang kapaligiran na siya namang ipinagpapasalamat ko. Pagkatapos ay inasikaso ko ng gawin ang mga gagamitin para sa palaro't sa dami ng kakailanganin, inabot na ng Alas-dos ng matapos ang lahat ng iyon. Kinagabihan ay anong lamig muli ang nararanasang panahon kaya di mapigilang mamaluktot. Dala na wala muling magawa, panonood muli ng paboritong programa ang inatupag. Ilang sandali pa, natulog na ko.


February 16, 2016
Tuesday

Year IV-047

7v-s. Pumutok na ang liwanag sa kalawakan subalit lugmok pa rin ang mga mata sa antok. Kahit inaantok pa't ibig pa talagang maglupasay sa kama, kailangan ng bumangon pagkat marami pang gagawin. Kay sigla muli ng umaga at makulay pa kaya matapos mag-almusal, diretso gawaing bahay ang siyang inatupag. Sumunod ay pamamalantsa naman ang inatupag ko. Sa sobrang abala ko sa pamamalantsa at tulin ng oras di namalayang pumatak na ang Alas-dyis, mahuhuli na ko sa pagpasok at nakakahiya naman kay Ma'am Joyce kung magkataong mangyari iyon kaya napagpasyahang lumiban muli ng klase, isa pa'y tinamaan muli ng katamaran dahil sa oras ng pagpasok at nakakaantok kaya hirap labanan. Pagsapit ng hapon at dala na nababato't di makalabas ng bahay, pakikipag-chatmate ang inatupag ko.

 7v-t. Sa totoo lamang ay masarap katiktikan ang mga taong agad-agad ay respond at di mahilig mang-Seenzoned at nakakabuo kayo ng Conversation sa isa't isa kahit di verbal. Medyo nawili ako sa pakikipagtiktikan sa mga chatmate kaya di namamalayan ang oras at gabi na pala, kasabay ng pagsapit ng gabi'y sasabak muli ang mga bibig para sa hapunan. Matapos maghapunan, panonood ng telebisyon ang inatupag ko. Nagimbal lamang ako at di makapaniwala sa naging pahayag ni Manny Pacquiao pagkat sinabi nitong mas masahol pa raw sa mga hayop ang mga taong nakikipagtipan sa kapareho nilang kasarian at maging kaming mga baklang nananahimik at walang kamalay-malay, nadamay. Hindi ibig intindihin ang sinabi niya pagkat opinyon niya lamang iyon subalit di maiwasang mainsulto at masaktan at dinaig pa niya ang Judge kung makapanghusga.

7v-u. Sabihin na nating galit ang Diyos sa mga taong talipa ang kasarian at gumagawa ng Same Sex marriage na ,mahigpit na ipinagbabawal kung babasahin sa Bibliya subalit di tamang sabihin na ang mga bakla o tomboy, salot sa lipunan at wala ng karapatang makatungo sa kaharian ng Diyos kahit banal at di nakakagawa ng kasalanan, dahil lamang sa kasarian. Mapagmahal at mabait ang Diyos at wala sa kanya kung ano ka basta patuloy kang sumasampalataya sa kanya't nakakagawa ng mabubuting bagay. Simula nun, nasira na ang paghanga at ayaw ko na sa kanya!


February 17, 2016
Wednesday

Year IV-048

7v-v. Kahit di naging maganda ang pakiramdam kagabi dahil sa napakinggan sa balita'y nananatiling maginhawa at masigla ang umaga, dahilan kung bakit ganadong-ganadong magising ng maaga't pumasok. Tanging mga kamag-aral ko pa lamang ang naroroon pagkatungo sa Eskwela't ilang sandali pa, dumating na si Sir Lanuncia. Sa oras ng Logic ay nagkaroon kami ng Activity at habang isinasagawa iyon ay isa-isa ng ibinigay ni Sir ang resulta ng pagsusulit. Sa pagkakataong iyon ay di mapigilang kabahan subalit pumalit ang saya at parang nasa alapaap ang pakiramdam ng makita ang resulta pagkat may katayugan ang natamong marka. Anong hirap ng aming Activity ngayon at medyo nangangapa-ngapa pa kaya panay ang tanong sa kamag-aral. Sa una'y halos sumakit ang ulo sa kakaunawa pagkat nakakalito pero naging maayos at dumali ang buhay ng ituro ni Sir.

7v-w. Maya-maya'y dismissal time na at dahil bumalik na raw si Sir Barrion at magkakaroon daw ng pagsusulit sa Sikolohiyang Pilipino, sinamantala ang oras sa pagrerepaso. Hindi naman makapagrepaso pagkat maingay, hindi na lamang itinuloy at pinag-ukulan ang oras sa paggawa ng Thesis. Pagkapasok ni Sir Barrion, laking gulat ko sa nasilayan at malaki ang pinagbago niya pagkat di na ito ang dating may hitsura at makinis ang mukha na sa unang tingin ay artistahin ang dating at di mapigilang matawa pagkat kamukha na niya si Sun Goku. At para siyang batik na tinubuan ng mukha pagkat kita pa ang bakas ng bulutong. Sa pagpasok ni Sir ang pagsisimula ng pagsusulit at anong hirap pa rin, kaya ang resulta, di man lamang nangalahati ang nakuhang marka't umiral ang pagkadimasya sa dibdib.

7v-x. Nang mairekord ni Sir Sun Goku ang lahat ng aming marka, isa-isa na niyang binanggit ang pangalan ng mga nakapasa at bagsak. Akala ko'y mapapabilang sa mga bagsak pero laking tuwa pagkat pasado naman pala. Hindi balak kumain ngayon gawa na nagtitipid kaya naisipang maki-sit-in sa klase nina Ate Venus subalit pinalabas ni Sir Barrion. Pahiya talaga ako ng gawin niya iyon at maging sa pag-uugali'y nag-iba na rin. Tumungo na lamang sa Library at saktong nadatnang naroroon sina EloisaGin Rhead at Christian at non-stop muli sa tsikahan. Sa saya nila kakwentuha'y nawaglit sa isipan ang di katanggap-tanggap na pangyayari kanina. Ilang sandali pa'y tumungo na kami ng Computer Laboratory. Tungkol naman sa Microsoft Powerpoint ang itinuro sa amin ni Sir Ferdinand at nakakamangha sapagkat marami kang pwedeng gawin na presentasyon na kakaiba at parang mahika.

7v-y. Daming alam na kabalbalan nina Ate Venus kaya di mapigilang tumawa, ang ingay tuloy namin. Makalipas ang dalawang oras na tutok ang mata sa Microsoft Powerpoint, lumabas na kami. Nakaligtaan palang dalhin ang PE Uniform at di pa naman nagpapasok si Ma'am Cariza kapag di iyon suot kaya sa halip na tumungo ng Atlethic Center, sa Library na lamang tumungo. Saktong naroroon sina Ate Venus at Emicka at naisipang maglaro ng PANTS. Kolehiyo na kami subalit parang bumalik sa High School at Elementary sa pinaggagawa at ang saya. Gawa na walang maisip na isusulat na aangkop sa Kategorya, nag-imbento ako ng pangalan at tawa kami ng tawa. Halos sumakit na ang dibdib at sikmura sa kakatawa't muntikan ng atakihin ng hika pero ayos lamang pagkat masaya. Dahil may klase pa sila, umalis na ang mga ito at kami na lamang ni Gin Rhead ang natira.

7v-z. Tamang kwentuhan lang kay Kalvin at kaumay siya pagkat puro kalandian ang inilalahad, gusto ko sanang ibahin ang usapan kaso'y sadyang madaldal ito't di makasingit. Dakong Alas-sais na ng lisanin namin ang Library. Kahit di ko ibig ang maglakad kung masaya naman silang kasama'y nakisama pa rin ako sa paglalakad kaso ng makarating sa mall ay doon biglang nakaramdam ng pananakit ng Sikmura. Mukhang matatagalan pa sila sapagkat may mahalagang napag-uusapan ang kasamahan nila at gawa na di na matiis ang sakit, di ko na nakasabay pa sila sa pag-uwi. Sa tindi ng namamayaning gutom, diretso lamon ang ginawa pagkauwi't matapos ay panonood ng telebisyon. Dama na ng buong katawan ang matinding kapaguran kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa sa pagtulog.


February 18, 2016
Thursday

Year IV-049

7w-a. Masarap matulog kung may kalamigan ang panahon at nakakatamad mang idilat ang mga mata dala na namamayani pa ang antok, kailangan ng awatin ang sarili sa kama at mag-almusal. Ang saya at siglang kahapon pa nararanasan ay nanatiling nasa kalooban at sana walang makapagpabago nito. Sa sobrang ganado sa pagpasok ay napaaga ako ng dating at wala pang guro ni kamag-aral ang nadatnan pagkadako ng silid. Sa paglipas ng mga sandali ang unti-unting pagdating ng aking mga kamag-aral at kasabay nito ang papasidhing ingay. Magkakaroon pala ng pagsusulit sa Exceptional Psychology kaya habang wala pa si Ma'am ay nagrepaso kami. Ilang sandali pa, may isang estudyante ang biglang pumasok at lundagan sa tuwa ng ianunsyong hindi matutuloy ang pagsusulit ngayon. Dahil wala ring klase, Non-stop muli sa tsikahan.

7w-b. Si John Ray lamang ang kakwentuhan ko ng mga oras na iyon at mistulan itong komedyante sa harapan ko pagkat nakakatuwa. Hindi ko mamataan sila Mary kaya kina Ate Cherylyn ako nakisabay sa pagkain. Matapos kumain ay bumalik na ko ng silid. Sa oras ng Education 5 ay isa-isa kaming tinawag ni Ma'am Joyce (Geronimo) upang ipakita ang aming grado ngayong Midterm at di ko na maiwasang kabahan, at iniisip na baka bagsak subalit di naman naganap ang aking pangamba pagkat pasado, iyon nga lang ay kailangang bumili ng ticket pagkat may kababaan ang natamong marka. Kahit gagamitin ang natitirang pera pambayad sa Seminar mamaya'y ipinangbili na ng Ticket alang-alang sa aking marka. Umangat naman ang grado subalit babahagya lamang pero ayos na rin, ang mahalaga'y di bagsak.

7w-c. Sa oras ng Educational Psychology at dahil wala muli si Sir Barrion, party-party muli ang mga kamag-aral sa pag-iingay samantalang kami ay tumungo na ng Auditorium upang dumalo ng Seminar subalit kung kailan naroroon na'y biglang nagbago ang isip. Hindi pa kami kaagad umuwi at sinamahan si Christian sa kanyang Audition upang suportahan. Nang makapasok na ito'y saka lamang kami umalis at Goodluck sa kanya. Hindi ko pa talaga ibig ang umuwi pagkat nakakabato kaya kahit may kalayuan, tumungo pa ng Cubao. Habang mag-isang nililibot ang mga mall roon ay naisipan na ring bumili ng papremyo para sa Demo teaching. 

7w-d. Kagustuhan kong magbigay saya sa mga kamag-aral sa pamamagitan ng papremyo kaya kahit may kamahalan kung suwak naman sa panlasa'y sinunggaban ng bilhin at wala ng pakialam kung gumastos ng todo-todo. Magkandaubos halos ang hawak na pera pagkat puro mamahalin at Sosyaling tsokolate ang binili tulad ng Hershey, sana matuwa't maibigan nila ang aking papremyo. Dahil dun ay lalo pang nasasabik para sa napipintong Demo Teaching. Sa layo at dami ng aking nilibot sa Mall, labis ang natamong pagod pagkadating ng bahay. Ibig ko sanang matulog kaso malapit ng gumabi't maghahapunan na din. Saka lamang ako nakapagpahinga ng lubusan matapos manood ng telebisyon.


February 19, 2016
Friday
Year IV-050

7w-e. Magdamag na naranasang muli ang malamig na panahon, dahilan kung bakit napasarap ang tulog at pahirapang magising ng maaga. Tirik na ng husto ang haring araw ng mapagpasyahan ng isip na bumangon. Pagkabango'y gawaing bahay agad ang siyang inatupag. Ilang sandali pa, kumain na ko at nag-ayos-ayos upang sa muling pagpasok. Saktong nakapasok na si Ma'am Joyce (Lardizabal) pagkaalpas ng yapak ng silid at tungkol naman sa Schizophrenia ang tinalakay niya sa amin ngayon. Napakainterasado talaga ng aralin kaya walang ibang itinutok ang pandinig kundi kay Ma'am lamang at marami pang natutuhan hinggil doon. Namayani bigla ang takot ng mabatid na mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng ganun uri ng sakit ang mga taong madalas magbabad sa stressful na gawain at mga taong may malawak ang kaalaman at kung ano-ano ang naipapasok sa isipan. Isa sa mga Sintomas ng Schizophrenia ang pagkakaroon ng Delusion at Hallucination na kung saan nakikita at naririnig mo ang di nagagawa ng iba. Hirap din pala ang magkaroon ng Schizoprenia pagkat di matatahimik ang buhay mo't di namamalayan na nakakagawa o nakakapagsalita ka na ng kakaiba't mas malala pa sa baliw. Dahil may pagpupulong kami ngayon upang gumawa ng Thesis, hindi muna ako umuwi't tumungo ng Library upang hintayin sila Mary.

7w-f. Kay tulin nga naman ng takbo ng panahon sapagkat eksakto isang taon na pala ang nakakalipas magmula ng gumawa kami ng Thesis doon sa bahay ni Jed, tapos ito muli ang pagkakataon at magiging abala't paspasan sa paggawa't sana kayanin namin. Nami-miss ko tuloy ang mga dating kaibigan na sina EllaAnne Rose at Enzo at gusto ko na silang makapiling muli kahit na may di magandang naganap sa aming pagsasama na siyang nagpabago sa kapalarang tinatahak ngayon. Habang mag-isang nagmumukmok at nag-iisip ng malalim ang pagdating naman ni Mateo at siya ang nakasama ko ng mga oras na inaantabayanan sina Mary. Ang kisig niya talaga't maabilidad pa subalit sayang lamang pagkat dinaig pa ang mga bebot sa kalambutan kung kumilos at masyado pang pakwela, nalibang at naalis tuloy ang pagkainip ko dahil sa kanya. Makalipas ang ilang sandali ng dumating si Mary at sumunod naman sila Ate Venus at Janna. Sa bahay nila Ate Venus namin napagpasyahang gumawa ng Thesis at sa paggawa pa lamang ng literatura, pagal na pagal na sa hirap hanggang sa mapagtanto ng aming pinuno na baguhin ang topic at metodo. 

7w-g. Ang nakaka-pressure pa pagkat sa susunod na linggo na ang pasahan, iisa lamang ang laptop kaya iisa din ang kumikilos at kailangan matapos ng isa bago ang kasunod. Iba na talaga ang makakamtang buhay kapag kolehiyo ka't kailangan ihanda ang sarili sa puyat at pagod na sasagupain at bawal muna ang relax. Nang ako na ang nakasalang sa paggawa ng literatura ay nang-udyok bigla si Ate Venus kina Mary na sumayaw. Habang abala ako sa pag-research ng literatura'y tila wala ng bukas kung makasayaw ang mga kasamahan at dami kong halakhak sa kanilang galaw. Parehas kaliwa ang paa ko't di ibig ang sumayaw subalit dahil panay ang pangungulit nila, napasubo na din sa sayawan.

7w-h. Habang naindak sa pagsayaw ay di ko alam kung anong dapat na maramdaman, kung mahihiya ba o maaliw. Ang huhusay nilang sumayaw at nakukuha ang moves subalit pagdating sa akin ay madalas ay palya. Sa kakasayaw, halos manlupaypay na sa tindi ng pagod. Sa katulinan ng oras ay di namalayang inabot na ng gabi sa kanila't kailangan ng magpaalam. Malapit ng ikasiyam ng makarating sa bahay at kahit lugmok na ang mata sa tindi ng pagod, kailangan ko pang asikasuhin ang kakailanganin para sa Demo teaching. Bukas na ang aming demo teaching at todo-todo na ang paghahanda sa kagustuhang maging maayos ito't walang makitang butas.Goodluck sa akin at Diyos na ang bahala.


February 20, 2016
Saturday
Year IV-051

7w-i. Ngayong araw na ang aming Demo Teaching at ito ay tuloy na tuloy kaya ang kabang kagabi pa nararanasa'y papasidhi na habang lumilipas ang mga oras. Kinakabahan man pagkat naiiba ito sa reporting, may pagkasabik naman sa kalooban pagkat magpapalaro ako at mamahagi ng papremyo kaya pagkagising, ang isusuot agad ang hanap at inasikaso. Patuloy na umiiral ang kasabikan kung kaya may kasiglahan akong umalis ng bahay. Sa sobrang pagmamadali't dami ng naglalaro sa isipan ay biglang sumagi sa isipan na nakaligtaan palang dalhin ang lesson plan kung kailan nasa biyahe na. Napalitan ng pangamba't pagkabahala ang kaninang loob na nag-uumapaw sa kasiglahan, problemadong-problemado na ko ng panahong iyon at di na alam ang gagawin. Ang tanga ko talaga't dahil diyan ay mukhang magkakaaberya ang aming demo teaching at bahala na mamaya. Hindi pa din naka-save sa Cellphone ang ginawang presentasyon kung kaya tumungo muna ng Computer shop upang i-save subalit nagkaproblema pagkat nagloloko ang aking Cellphone.

7w-j. Labis-labis na ang pagkabalisa pagkat nagkasabay-sabay ang pagdating ng mga problema at mukhang makakasagabal iyon sa aming Demo teaching, hindi naman makakapayag na maganap iyon kaya gumawa ng paraan. Kaunting oras na lamang ang hinihintay bago magsimula ang Demo teaching kaya natataranta na. Saka lamang nakahinga ng maluwag ng makagawa ng paraan at nawa'y maging maayos at maganda ang aming pag-uulat. Habang wala pa si Ma'am Joyce (Geronimo) ay paspasan kami sa paghahanda't sasamantalahin hangga't may natitira pang oras. Kumabog ng husto ang kaba sa dibdib sa pagpasok ni Ma'am at parang nahaharap ako sa kaparusahang bitay. Bago kami magsimulang mag-ulat, nagpalaro muna sina Hilary at Beverly. Naging masaya naman ang palaro nila't nakakaaliw pa subalit may kahirapan at di nakakasunod ang iba. Ng ako na at dinadaga man ng kaba'y nilakasan ang loob na magsalita upang sabihin ang Mekanismo ng ipapalaro.

7w-k. Habang nagsasalita'y tila kakaunti lamang ang nakikinig at karamihan sa kanila, may kanya-kanyang pinagkakaabalahan na siyang ikinayamot ko. Lalo pang sumidhi ang nadaramang inis sa kalooban ng magpalaro na't kakaunti lamang ang nakikipagpartisipasyon at di ko maintindihan kung bakit ganun sila. Buong akala ko, magiging masaya't maaaliw sila sa aking palaro, nagkamali ako at ang ilan naman na nakiki-cooperate, halatang napipilitan. Sa kanilang mga ipinapakita'y ipinapamukha sa akin na di interesado ang aking palaro at ramdam ko na iyon kaya darating na sa puntong ibig ng mag-walk-out subalit magawa pagkat nakasalalay ang matatamong grado. Natapos ang palaro ko na tila wala man lang nangyari at di nag-enjoy ang lahat.

7w-l. Ang kinapupuyos pa ng damdamin ko, kung sino pa ang di nakipag-participate, sila pa ang malakas lamamon ng ipinamahagi kong papremyo at magaling lang sila pagdating sa diyan. Mabigat at masama na ang loob ko at parang ayaw ko ng mag-ulat pagkat pakiramdam ko'y di naman sila makikinig at wala pang mga modo ang iba subalit nag-ulat pa rin. Nagniningas na ang mga mata sa tindi ng galit subalit ginawa pa ring maging mahinahon sa pagsasalita. Matapos ang pag-uulat, nagbigay ng kanya-kanyang Feedback ang mga kamag-aral maging si Ma'am Joyce. Lalo pang ikinadismaya ng dibdib pagkat puro negatibo ang mapapakinggang komento't napapayuko na lamang ako. Natapos nga angDemo teaching, nag-iwan naman ito ng bigat at kasawian sa kalooban.

7w-m. Ang sakit sa dibdib kapag may bagay kang pinaghandaan at pinaghirapan, tapos mauuwi lamang sa wala't ganon na ganon ang nangyari sa akin ngayon. Dala-dala ko na nga ang bigat ng kalooban, sa di inasahan ay nawalan pa ngwallet. Puro marahil di magaganda ang nangyayari sa akin ngayong araw at minalas naman ng lagay. Sa oras ng Education Psychology, nagkaroon kami ng pagsusulit para sa Midterm,  hindi naman ako makapagsagot at isip ng maayos dala na may dinaramdam at may pinoproblema pa, nanghula-hula na lamang. Pagdating ng bahay, lahat ng pagkadismaya at sama ng loob, itinulog na lamang. I'm so disappointed at di ko naiibigan ang mga nangyayari ngayon, subalit makakayang lampasan ito. Nabigo man ako sa panahong ito, sisiguraduhing makakalasap na ng pagkapanalo sa susunod. Malapit ng gumabi ng ako'y magising at kahit paano, nabawasan ang kabigatan ng kalooban. Wala akong ginawa ng gabing iyon kundi magpakasasa sa panonood ng telebisyon upang makaligtaan ang mga di kanais-nais na pangyayari kanina na tila bangungot na ang dating sa akin.


February 21, 2016
Sunday

Year IV-052

7w-n. Nanatili pa ring mabigat ang kalooban buhat ng kahapong nalugmok ang sarili sa pagkadismaya. Pilit kong inaalis sa isipan ang mga pangyayaring di katanggap-tanggap para maibsan ang sakit kaso hindi madali at basta-basta't marahil ay nangangailangan ito na palipasin ng ilang araw. Sa sama ng loob ay ibig na itong ilabas kaso di ko alam kung sino ang pagbubuhusan. Labis akong nagugulahimanan at di alam kung anong gagawin. May mga teynga nga ang mga taong nakapaligid sa akin, wala naman handang magbukas para dinggin ang hinanakit ng kalooban kaya huwag na lang at baka masaktan pa lalo ako kapag nakaramdam muli ng pagkadismaya. Pagkagising ay gawaing bahay agad ang siyang inatupag, lahat ng natitirang hinanakit, sa pagwawalis at papunas-punas ibinuhos. Bakit ganyan sila sa akin, sa iba ayos at nakikinig pero pagdating sa akin ay parang teyngang kawali at madalas ay binabalewala ang mga sinasabi. Pakiramdam ko, balewala sa kanila't parang walang puwang sa buhay nila! Ayos lang sa akin kung mangyari ito sa unang pagkakataon, kaso paulit-ulit na.

7w-o. Ang sakit isipin na maraming tao ang may ayaw sa'yo at di interesado sa mga sinasabi mo kaya di magawang makinig. Pilit kong iwinawaksi ang mga naglalaro sa isipan kaso di mapigilan ng loob na magdamdam. Balak ko sanang ilahad kila ina ang nasa saloobin, kaso baka di nila maunawaan kung anong pinagdaraanan, huwag na lamang. Marahil ay may nakikita silang kakaiba sa akin kaya di nila ako magawang tanggapin. Matapos mananghalian, walang ginawa sa maghapon kundi matulog at minsan ay magmukmok. Habang lumilipas ang mga sandali'y unti-unti ng nababawasan ang dala-dalang hinanakit sa dibdib, kaso mukhang di pa ko handang kaharapin muli at makita ang pagmumukha ng mga kamag-aral bukas kaya tila di ko ibig ang pumasok at pahupain muna ng lubos ang init ng nadarama.


February 22, 2016
Monday

Year IV-053

7w-p. Dalawang oras na ang nakakalipas magmula ng mangyari ang bagay na di katanggap-tanggap subalit nanatiling nadarama ang kabigatan ng loob, parang di ko ibig ngayon ang pumasok pagkat ayaw pang makita ang pagmumukha nila't makahalubilo. Marahil ay kailangan munang palamigin ang nasa loob upang sa gano'y pagdating ng panahon na haharap muli sa kanila'y wala ng hinanakit pa sa dibdib at makakaya na. Hanggang ngayon ay di pa rin maka-get over at hinggil pa rin doon ang laman ng isip.  Dakong ikapito na ng nagising ako't nag-almusal. Nakakabato sa bahay at ng mapagtantong magiging ganoon ang aking kasasapitan, binago ang isip at napagpasyahang pumasok na. Kinamumuhian pa ng loob ang mga kamag-aral sa Dash 3 kaya naisipan kong maki-sit-in sa Dash 2.

7w-q. Habang wala pa silang guro, tamang kwentuhan at kamustahan muna at na-miss ko sila. Maingay nga ang Dash 2 at magugulo subalit nasasabihan naman, di gaya ng Dash 3 na tila walang pakialam at disiplinado pa sila. Ilang saglit pa'y pumasok na ang kanilang guro na si Sir Jigo, tila mistulan akong Sorbetes na unti-unting natutunaw habang kanya'y nilalapitan at bumilis ang tibok ng puso ng bigla niyang tapikin ang likod ko't kinamusta. Napakabusilak talaga ng kalooban ni Sir Jigo at kahit ilang buwan ko na siyang di professor, di niya kinalimutan ang pinagsamahan namin at Welcome na Welcome ako sa kanya sa pag-sit-in. May pagkakataon na dapat akong aminin sa kanya ang nadarama kaso, nahihiya ako't huwag muna sa ngayon. Nabigyang kulay at saya ang araw ko ng gawin niya iyon at siya ang nag-alis ng kabigatan ng loob. Hindi sila nagklase kundi inasikaso lamang ang paggawa ng Theory at habang siya'y pinagmamasdan ay ugali na niya ang makihalubilo sa mga Estudyante at sa kanyang tingin ay kapantay niya lamang kami sa katayuan.

7w-r. Ilang sandali pa, lumabas na kami ni Ava at tumungo sa Canteen. Pagkadako ng Canteen ay saktong naroroon sina EloisaChristianKalvin at Gin Rhead, walang humpay muli kami sa kwentuhan at lokohan. Matapos kumain at dahil balak muling maki-sit-in sa Dash 2, tumungo na kami ni Eloisa ng silid. General Botany ang asignatura nila ngayon at si Sir Abastillas ang kanilang guro, medyo may edad na't nangungulubot na rin ang mga balat pero di pa mahina ang kanyang tinig at nadidinig kahit may kaingayan ang buong silid. Maya-maya at sa ingay ng mga kamag-aral sa Dash 2, nagulantang ang dibdib ng biglang sumigaw si Sir at di ako makapaniwalang ganon siya ka-terror. Umiral ang takot ko't pakiwaring papatayin niya kami habang pasigaw na sinesermunan at parang lilipad ang mga upuan at mesa.

7w-s. Ang kaninang nuknukan sa ingay, tila dinaig pa ang sementeryo sa katahimikan ng magpakita ng bangis si Sir Abastillas. Ilang sandali pa'y nagsilabasan na kami't nanguha ng mga dahon. Hindi pala biro ang binubuno nila araw-araw sa asignaturang ito pagkat kukuha sila ng mga dahon kung anuman ang isinulat sa papel at iyon ang magmimistulan nilang maikling pagsusulit. Saktong tanghaling tapat pa ang kuhaan ng mga dahon kaya halos maligo na sa Sariling pawis at matigang. Kahit di naman ako kabahagi sa kanilang pagsusulit, tumulong na rin sa pamimitas ng mga ipinapakuhang dahon at ako ang tagabitbit ng lagayan.

7w-t. Mabuti na lamang, di ko kinuha ang asignaturang iyon pagkat nakakapagod at nakakauhaw ang paghahanap at pangunguha ng dahon. Makalipas ang higit sa dalawang oras na pakikibaka sa arawan, sa wakas nakumpleto na rin ang hinihinging dahon at tumungo na ng Faculty. Parang di na kami kolehiyo pagkat amoy araw na at ang iba, lusyang na ang kagandahan. Matapos ang kanilang asignatura't sa halip na umuwi, tumungo pa kami sa SM Fairview at nagpalipa-lipa. Hindi ko lamang magustuhan ang ipinapakita nila sa akin lalong lalo na si Christian na napakasagwa't kung makaakbay kay Eloisa ng matagal at yakap, akala'y sila na, di na siya nahiya. Masakit-sakit na rin ang paa ko sa kakalakad at mukhang wala pa silang balak umuwi, humiwalay na ko. Sa gutom ay diretso lamon ako pagdating ng bahay at matapos ay itututok ang mata sa panonood ng telebisyon. Kahit paano'y may magaganda ding nangyari sa araw na ito na nagtanggal ng kabigatan ng loob. Pasalamat na lamang at nakaya itong lampasan.


February 23, 2016
Tuesday
Year IV-054

7w-u. May kasiglahan at ganda ang salubong ng umaga sa aking paggising at animoy bahaghari ang hinihigaan ko kasama siya. Pagkabagon, kaagad ay nag-almusal na ko't inasikaso ang gawaing bahay. Pagsapit ng Alas-dyis ay inihanda ko na ang sarili para sa pagpasok muli. Magkakaroon pala kami ng pagsusulit sa Abnormal Psychology kaya habang may oras pa'y nanatili muna sa Lobby at nagrepaso. Makalipas ang ilang sandali, tumungo na ko ng silid. Sa pagpasok ni Ma'am Joyce (Lardizabal) ay umiral ang kaba sa kanya-kanyang mga dibdib. Wala pa halos narerepaso kaya todo welgang ipagpaliban na lamang ang pagsusulit subalit di nabakli ang paninindigan ni Ma'am at tuloy na tuloy pa rin. Nangamote ako ng lubusan sa hirap ng pagsusulit at kainis pagkat madalas ay name-mental block, ang resulta'y di ako nakapasa't nanumbalik muli ang kabigatan ng loob.

7w-v. Tanggap ng loob ang natamong marka, siyempre kinulang sa panahon upang magrepaso, ang di matanggap ay lagi na lamang ako nabibigo't di man lamang makalasap ng kabiktoryahan. Hindi pa ko umuwi at tumungo ng Library pagkat may pulong muli pa sa paggawa ng Thesis. Habang patungo'y saktong namataan amg kagrupong silaAte Venus at Vladimir at maya-maya'y dumating na sina MaryEloisa at Gin Rhead. Minalas lamang ng lagay pagkat di pa nakakagawa ng Dayagram at ngayon na deadline upang ipatingin kay Sir Barrion, may pagmamadali tuloy kaming kumilos sa paggawa niyon. Bawat oras o kahit minuto lamang ay mahalaga habang nagkukumahog na tapusin iyon sa kagustuhang makahabol. Nang iyon ay matapos, dumako na kami kung saan naroroon si Sir Barrion. Marami itong inaasikaso kaya di namin agad naipa-check, naghintay muna kami. Ng maipatingin ay laking tuwa namin pagkat naaprubahan din sa wakas. Pagkatapos ay tumungo na kami ni Vladimir sa bahay ni Ate Venus.

7w-w. Pagkatungo namin ni Vladimir sa Capitol kung saan naninirahan si Ate Venusay halos maligaw na pagkat di kabisado ang patungo sa kanila. May kainiitan pa naman ang panahon kaya labis ang pagod at tagaktak ng pawis habang naglalakad at hinahanap ang bahay nila. Kahit malabo ng matunton at ibig ng isip na umuwi na, nagpatuloy pa rin sa paghahanap hanggang sa wakas ay natunton din ito. Wala kaming ibang ginawa kundi pag-usapan ang hakbang sa paggawa ng Thesis at gumawa ng mga tanong. Habang abala sa paggawa ng mga tanong ang paglagok nila ng alak. Si Mary na tahimik at babaeng-babae kung kumilos ay di akalaing marunong palang lumagok ng alak at dinaig pa ang barako. Sa aming magkakasama, kami lamang ni Vladimir ang bukod tanging di umiinom at di ko talaga hilig ang uminom ng niyan.

7w-x. Maya-maya pa'y biglang nalasing si Gin Rhead at grabe pala ito malasing pagkat nagiging iba ang kanyang mga kinikilos at kung ano-ano ang lumalabas sa bibig na di niya pinag-iisipan. Habang sinusumpong ng kalasingan si Gin Rhead, hindi namin mapigilan ang humalakhak at halos sumakit na nga ang sikmura. Tuluyan ng nalasing si Gin Rhead kaya nawala na ang pokus sa paggawa ng Thesis at sumayaw na lamang kami. Kahit parehas kaliwa ang paa'y napasubo pa rin sa pagsayaw at kakapagod subalit enjoy naman at masaya. Dakong gabi na ng magpaalam kami kina Ate Venus at habang nasa biyahe'y bigla kong naranasan ang pananakit ng Tiyan. Sa sakit ng tiyan ay ibig na talagang umuwi subalit sinamahan pa sina Eloisa sa Fairview Terraces upang bumili ng pangpahimasmas kay Gin Rhead. Bahagya naman nabawasan ang pananakit ng Tiyan pagdating sa bahay at sa tindi ng pagod, kaagad ng natulog.


February 24, 2016
Wednesday
Year IV-055

7w-y. Maliwanag na sa labas ng magising at bumangon. Bago pumasok at dahil ilang araw akong mawawala sa bahay upang gumawa ng Case Study, ako'y nag-impake muna. Sa dami ng inimpake'y anong bigat ng aking dalahin sa pagpasok. Pagkaalpas ng silid ay laking gulat pagkat wala halos katao-tao subalit naroroon si Sir Lanuncia. Dahil sadyang napakaunti lang namin, hindi na nagturo pa si Sir at nagpasagot lamang ng activity. Maya-maya'y nagkaroon kami ng Oral Recitation at patay, wala akong gaanong alam! Sikolohiyang Pilipino ang sumunod naming asignatura't dala ng gutom at habang wala pa si Sir Barrion ay kumain muna kami.

7w-z. Pagkatapos ay bumalik na ng silid at saktong naroroon na si Sir. Nagpatsek lamang kami ng kanya-kanyang ginawang Questionaire. Nang makapagkonsulta ang lahat, saka lamang nagsimulang magturo si Sir Barrion. Busog at buhay na buhay nanaman ang karamihan sa mga kamag-aral pagkat tungkol muli sa pakikipagtalik ang laman ng usapan at Call boy.

7x-a. Inosente ang isip sa kanilang mga kuro-kuro kaya nanahimik na lang at nakikinig pero itong si Sir, daming alam hinggil dun at tila naranasan na niyang maglabas, gumulong at mapatungan, sa mura nitong edad at nakakapangduda siya. Minsan ay natatawa na lamang kapag may nababanggit na salitang di dapat bigkasin at may bagong terminong pumapasok sa isipan. Basta usapin hinggil diyan ay magaling si Sir Barrion at naumay ako sa mga pinagsasabi niya kaya ng kainan, hindi na makakain pa at nawawalan na rin ng gana.

7x-b. Matapos kumain ay tumungo na ng Computer Laboratory. Paggawa lamang ng Powerpoint presentation ang siya naming inatupag sa buong oras na iyon at ito'y di biro pagkat kailangan presintable't di nakakalula sa mga manonood. Ilang sandali pa'y tumungo na kami ng Covered Court. Sa oras ng PE, itinuro ni Ma'am Cariza ang bagong skills sa paglalaro ng Basketball at ilang saglit pa'y inensayo namin ang sinabi niya. Madilim-dilim na ng matapos ang aming PE Class at sinamahan si Beatriz sa pag-iimpake pagkat ngayon na ang tulak namin sa kanila sa Taguig.

7w-c. Wala pa si Eloisa ng mga oras na iyon at palagay ko hindi matutuloy ang aming gayak. Medyo tinatamad na rin ako kaya di na ibig ang sumama pa subalit kailangan itong gawin alang-alang sa aming Case Study. Habang papalabas kami ng Campus, sa wakas ay namataan na rin si Eloisa at kumain muna kami bago bumiyahe. Sa layo ng aming biniyahe ay dakong Ikasampo na namin narating ang Taguig.

7x-d. Ang ganda't lawak ng bahay nina Beatriz at aakalaing nakatira ka sa Mansyon. Saktong naroroon ang nanay nito at itinuro niya sa amin kung paano pakitunguhan ang mga batang ia-assest namin sa Case Study at iyon ay di basta-basta pagkat kailangan laliman ang pag-unawa habang sila'y kinakausap. Mabuti na lamang at guro ng Special Education ang ina ni Beatriz kaya mukhang mapapadali ang amimg assesment.

7x-e. Pagkatapos ay sinimulan namin pag-usapan kung anong gagawin at maglatag ng mga kakailanganing kagamitan at katanungan. Malalim-lalim na ang gabi at mugtong-mugto na ang mga mata na tila ibig ng pumikit subalit di maari pagkat marami kaming inaasikaso at di pwedeng paabuting ng bukas. Balak sanang magpuyat subalit di ko na kinaya pa ang namamayaning antok, nakatulog na ko. Iba pa rin ang sarap at komportableng pakiramdam na higaan kapag na nasa sarili kang bahay.


February 25, 2016
Thursday
(People Power Revolution)
Year IV-056

7x-f. Napasarap ang aming pagtulog kaya dakong Ikapito na pala ng umaga ng kami ay magsigising. Pagkagising ay diretso na ko sa pagligo. Habang naliligo at sa di sinasadya'y nasira ko ang bathroom Shower nila. Anumang pihit o paraan upang mapatahan sa pagbuhos ang kanilang Shower ay wala pa rin at nakakataranta. Gulong-gulo na ko at di na alam ang gagawin kaya kahit di sariling pamanahay ay napasigaw na ko. Mabuti na lamang at naayos kaagad ng kanyang kapatid kaya di nagbaha at nawala ang pangamba sa dibdib. Trip ko pa naman ang gumamit ng Shower pero di na maaari at baka masira ko muli. Pagkabihis at handa ng lahat ng kakailanganing kagamitan, tumulak na kami sa East Rembo, Makati, napiling lugar kung saan namin isasagawa ang Assessment. Bago namin simulan ang assessment, tumuloy muna sa bahay ng Lolo't Lola ni Beatriz at nakipagkilala sa kanila. Nakakatuwa silang dalawa at kahit matatanda na'y nagagawa pa ring maglambingan sa isa't isa at kakakilig. Ilang sandali pa'y tumungo na kami sa bahay ng unang batang aming isasailalim sa Assessment.  Darrel ang pangalan ng bata at sila Beatriz at Janna muna ang nag-assest sa kanya.

7x-g. Siya ay mayroong Learning Disabilities at nahihirapang magsulat at magbasa ng maayos subalit sa kabila na may ganoong uri ng kapansanan, mahusay siya pagdating sa Matematika at ang nakakabilibib pa'y marami na siyang naiuwing karangalan at nakakapagbigay ng inspirasyon. May angking talino si Darrel pagdating sa ibang bagay subalit tahimik lamang ito at mahiyain. Habang ina-assess nina Beatriz ang bata, kami naman ni Eloisa ay nakikipagkwentuhan sa kanyang ina at katuwang kausap. Medyo kalam na ang aming mga Sikmura at tanghaling tapat na kaya matapos ang Assessment kay Darrel, kumain muna kami. Nang makapagpananghalian ay dumako naman kami sa bahay ng susunod na batang aming isasailalim sa Assessment at siya si Mariyeth.

7x-h. Siya ay mayroong Down Syndrome at Learning Disabilities at hindi siya katulad ni Darrel na may kakaibang talino pagkat nahihirapan siya sa lahat ng bagay, magsulat, magbasa at magbilang subalit nakakapagsalita. Nahihirapan din siyang unawain kung ano ang sinasabi namin at di tugma ang kanyang mga tinutugon subalit makwela at nakakatuwa. Sa katunayan ay mahilig siyang makipag-selfie sa amin at nakakatawa siya kapag magre-react. Dahil nakakatuwa at makulit ay tumagal ang aming Assessment kay Mariyeth. Pagkatapos ay laking tuwa ng loob pagkat tapos na ang mabibigat na problema sa Case Study at paper works at Documentary na lamang ang kakailanganing tapusin.

7x-i. Sa halip na umuwi na ay tumungo pa kami sa Market Market at SM Aura at namasyal-masyal. Pagkadako namin sa may Skygarden ay mahalina ng labis ang mga mata pagkat maraming makikitang magagandang tanawin. Wala kaming ibang ginawa kundi magkuhaan ng litrato sa isa't isa maging sa mga nagtatayugang mga gusali. Sa tayog ng aming kinalalagyan ay kitang-kita ang buong Bonifacio Global City maging mga kabahayan at Establishimento sa Taguig at nakakaaliw pagmasdan. Sa kakapamasyal at gala, inabot na kami ng gabi sa pag-uwi at sumakit ng husto ang paa subalit ayos lamang pagkat maraming naranasang magaganda at masasaya at isa ang araw na ito sa di malilimutan. Matapos namin kumain ay sinimulan na ang paggawa ng Paper works sa Case Study at ito'y puyatan muli.


February 26, 2016
Friday
Year IV-057

7x-j. Sumapit na ang kalagitnaan ng gabi at ibig na ng matang pumikit pagkat namumugto na sa antok subalit hindi pa maari't kailangan tapusin ang Paper Works. Sa dami ng dapat gawin ay nai-stress na ko at di na nakakapag-isip ng maayos at kahit  madaling araw na ay wala pa ring tulugan. Pagsapit ng Alas-dos at sa tindi na rin ng namamayaning antok, kahit di pa tapos ang Paper works ay di na napigilan ang sariling matulog. Kahit labis-labis ang pagpupuyat ay huwag naman sanang magkasakit. Dakong Alas-sais na ng magising at kahit inaantok pa'y kailangan ng bumangon at mag-ayos-ayos pagkat ngayon na ang alis namin pabalik. Nag-almusal muna kami at matapos ay sinimulan na ang pag-iimpake at pagbibihis. Sa dami ng nagasta kahapon ay pakiwaring kukulangin na sa pamasahe at lubhang kakaunti na lamang ang natira sa pitaka.

7x-k. Di ko naman ibig ang mangutang sa kanila pagkat nakakahiya at isa pa ay malapit lamang ang Condo kung saan nakatira ang ate kaya naisipang sa kanya na lamang manghingi ng pera. Humiwalay na ko sa kanila pagkadaan ng Bonifacio Global City at makalipas ang ilang buwan ay di akalaing makakatungtong muli ako sa ganong kagandang lugar at laki na din ng pinagbago kaya mukhang maliligaw ako. Pagkadating ko ng Forbeswood Heights kung saan nangungupahan ang ate, siya na lamang ang nadatnan ko at nagbibihis pa lamang para sa pagpasok nito. Magkalapit ang Dugo namin subalit nakaka-intimidate siya lalo na nung bigla akong tarayan at nakakasakal pagkat ang higpit niya sa akin. Nawala na tuloy ng lakas ng loob na manghingi ng pera subalit pinakitunguhan pa rin ito ng maayos at sinamahan sa kanyang pag-aalmusal. Matapos mag-almusal at pagkabigay niya ng pera ay wala ng ano-ano pa kong umalis. Sa layo ng aking biniyahe, malapit ng sumapit ang Alas-onse ng makarating sa bahay, sa wakas at nakauwi din.

7x-l. Matapos mananghalian ay dahil pagod ay diretso ako sa pagtulog at bandang hapon na nagising. Pagkagising ay tumungo ako ng Computer Shopupang ipaimprinta ang Questionaire para sa interview. Unang  beses ko pa lamang ito gagawin na makikiharap sa ibang tao para kapanayamin kaya di maiwasang kabahan at mahiya. Pagkalimbag ay at kahit nahihiya man, alang-alang sa Thesis ay sinimulan ko ng mag-interview ng mga Waray. Mabuti na lamang, marami akong kakilalang Waray kaya di nahirapan sa paghahanap at isa na roon ang Nanay ni Regine (Cebrero) at Poypoy. Sa dami ng aming napag-usapan at napasarap ay inabot na ko ng gabi sa pakikipagpanayam. Pagkatapos at ng makaramdam na ng gutom ay saka lamang iyon itinigil at kumain. Lumalalim na ang gabi kaya di na itinuloy pa ang pakikipagpanayam at naisipang ipagpabukas na lamang.


February 27, 2016
Saturday
Year IV-058

7x-m. Inagahan ko sa paggising sapagkat marami pa kong dapat interbyuhin para sa aming Thesis. Nanay naman ni Myca ang una kong nakapanayam at kay titipid ng kanyang kasagutan. Sumunod ay si Ate Mimi, natutuwa naman ako pagkat napakaraming impormasyong nakuha sa kanya hinggil sa kultura nila bilang Waray at talagang bukas na bukas siya sa akin. Sa kanyang mga isinasalaysay, hindi lamang sa kanilang kultura maging sa buhay niya ay napakabait nito at matulungin. Sa katunayan ay tulungan pa kong maghanap ng mga Waray upang kapanayamin at napadali ang gawain ko dahil sa kanya. Matapos kong kapanayamin ang mga WarayBulakenyo naman at tumulak na sa Bulacan.

7x-n. Kahit may kalayuan mula sa amin ay sa Norzagaray, Bulacan ko naisipang isagawa ang pakikipagpanayam. Hindi naman ako nahirapan na makahanap ng taong kakapanayamin subalit di pala biro ang buhay mananaliksik sapagkat hiya ang pangunahing kalaban at kailangang labanan iyon, idagdag pa ang init ng panahon at gastos sa pamasahe. Kasapi ng Iglesia ni Cristo ang kauna-unahang respondenteng aking kinapanayam at maayos naman ang pakikitungo gaya kung paano siya pinakitunguhan subalit nahirapang makakalap ng impormasyon hinggil sa pamahiin sapagkat di sila naniniwala roon. Ang sumunod naman ay matanda na at halata sa kanyang walang ganang sumagot subalit napipilitan dahil kaharap ako. Sa kakalakad ko, makahanap lamang ng taong kakapanayamin at kakasulat ng kanilang mga katugunan ay pagod at gutom ang inabot ko.

7x-o. Maya-maya may isang matandang babae naman akong kinapanayam at nakakalibang siya pagkat nakakatuwang kausap at kahit matanda na at ulyanin ay nagagawa pa ring magpasaya ng tao. Laking tuwa ko ng magmagandang loob ito sa akin at tamang-tama pagkat kanina pa kumakalam ang sikmura. Siya ang nagtanggal ng pagod na aking taglay at labis ang pasasalamat sa kabutihang loob na ipinakita sa akin. Sa damu ng Bulakenyo na aking kinapanayam ay inabot na ng dapit-hapon doon. Mukhang gagabihin ako kung ipapagpatuloy pa kaya minabuting huwag ng tapusin at umuwi na. Medyo malayo talaga ang Biyahe at trapik pa kaya ginabi na nga ako sa pag-uwi. Matapos manood ng Telebisyon at dala na hapong-hapo na sa pagod ay kaagad ng natulog. Hindi ko akalain na nakakapagod ang ginagawa ng isang mananaliksik.


February 28, 2016
Sunday
Year IV-059

7x-p. Bagsak na bagsak kagabi ang buong katawan kaya tinanghali na ng gising. Matapos mag-almusal at bilang libangan ay pagtitinda muna ang inatupag ko. Kahit sa panahon ngayon ay napakarami naming gawain pagkat bukas na ang pasahan ng Thesis sa Sikolohiyang Pilipino at itong Linggo na rin ang pasahan ng Case study sa Exceptional Psychology ay nagagawa pa ring mag-relax at di rin maganda kung puro Stress ang pinapairal. Matapos ang obligasyon sa pagtitinda, gawaing bahay muli ang siyang inatupag ko.Pagsapit ng hapon at tinatamad man akong tumungo sa bahay nina Ate Venus pagkat parati na lamang umaalis ay walang magagawa at kailangang gawin para makapagpasa ng papeles ng aking mga Interviewers.

7x-q. Mukhang matatagalan pa marahil bago makapaghinga ng lubusan. Saktong naabutan ko pa si Ate Venus at nadatnang nagbibihis. Dahil may pupuntahan siya, pagkabigay ng Interview paper ay di na ko nagtagal pa sa kanila at kaagad ng umalis. Hindi ko pa ibig ang umuwi at tumungo muna sa Novaliches Bayan upang magsimba. Pagkasimba sa Our Lady of Mercy Parish ay biglang sumagi sa aking isipan ang mga ala-ala nung panahon na bata pa ako at doon kami parati nagsisimba ng Tita Susan tuwing Linggo at kapag Semana Santa at madalas ay ginagawa ko yung playground.

7x-r. Makalipas ang Sampung Taon ay di akalaing makakaalpas muli ako sa Simbahang iyon at bukod pa roon ay maraming ala-ala ang biglang naglaro sa isipan. Nagdasal muna ako matapos ang misa at maya-maya'y umuwi na. Kinagabihan ay umiral ang kaba sa dibdib sapagkat bukas na ang Pasahan ng Thesis at huwag sana maganap ang bagay na pinakamasaklap, ang i-reject ang Thesis at back to Zero kaming lahat. Pasasaan pa't matatapos din ito at sa susunod na pasukan ay gagawa na lamang ng paraan upang iwasan yang si Sir Barrion. Nakakaantok na ngang magturo, akala pa kung sino magbigay ng Thesis na pagkahirap-hirap at di man lamang inisip ang gastos. Akala ko, masaya siyang magturo subalit nagkamali ako.


February 29, 2016
Monday

Year IV-060

7x-s. Sumapit nanaman ang araw ng Lunes kaya maaga muli ang aking gising para pumasok sa Eskwela. Sa halip na sigla ang siyang sumalubong sa umaga ko ay kaba't unti-unti itong sumisidhi habang lumilipas ang mga oras. Pakiramdam ko ay parang may mangyayaring di maganda at di lamang tungkol sa Thesis ang dahilan kundi iba pa. Sinubukan kong ipanatag ang kalooban at di na nag-isip pa na kung ano-ano. Saktong naroroon na si Sir Lanuncia pagkapasok ko ng silid at nagtuturo. Hindi pa pala ako nakakagawa ng paglalagom para sa Interview sa Thesis, kaya habang may nalalabi pang panahon ay sinimulan ko na't ito ay paspasan at nakaka-pressure. Wala na tuloy akong natututunan sa itinuturo ni Sir sapagkat lahat ng atensyon ay nakatuon sa pagbubuod. Nang magpa-activity si Sir ay lumabas muna upang maipagpatuloy ang pagbubuod at natataranta na ko.

7x-t. Maya-maya'y Sikolohiyang Pilipino na at dahil masyadong kapos ang oras kung itutuloy ngayon ang pasahan ng Thesis ay karamihan sa amin ay di pa iyon natatapos. Nabulaga kami ng biglang sabihin ng ilang kamag-aral na kailangan pa gumawa ng Reflection at ngayon din ang pasahan nun. Nakakainis at di man lamang kami nasabihan na gagawa pa pala ng Reflection at labis talaga akong nabulaga. Sa puntong iyon ay di na maiwasan ng ilan kong kamag-aral na mag-init ang loob kay Sir Barrion lalong lalo na si Ate Venus at Mary. May punto sila at mali naman talaga si Sir, dapat sinabi niya agad sa aming lahat ng sa ganon lahat ay nakakaalam hindi iyon ipapasuyo pa, isa pa'y paano kami makakagawa ng Reflection samantalang ngayon lamang nabatid at di pa naming natatapos ng lubusan ang Thesis! Dami niya talagang alam at may nalalaman pang ganon kaya ang Dugo ko'y di na rin mapigilang kumulo't nakakapagpuyos siya ng damdamin.

7x-u. Pagkapasok ni Sir Barrion at kahit anong pakiusap namin sa kanya na sa ibang araw na lang ipasa ang Reflection ay tila di na mababago ang pasya nito at nagmamatigas, kaya itong si Ate Venus, lakas loob na kinompronta si Sir. Tanging mga mapupusok na salita lamang ni Ate Venus ang nagkumbinsi kay Sir Barrion at inurong sa Miyerkules ang pasahan ng Thesis at Reflection subalit kailangan niyang makita ang Paper Works namin ng Alas-tres. Pagkatapos at kasama sina Gin Rhead at Janna ay tumungo pa kami ng Caloocan upang kahain ang Laptop ni Ate Venus. Saktong kumakain na sila pagkabalik namin sa Unibersidad at matapos ay sinimulan ng asikasuhin ang Thesis hanggang sa sumapit ang Alas-tres.

7x-v. Nang maipakita kay Sir Barrion ang Paper Works ay saka lamang kami nagsiuwian. Gagawa pa pala ng Reflection at iyon ay madami-dami sapagkat hindi bababa sa Limang pahina kaya pagkauwi at matapos maghapunan ay sinimulan ko na. Kating-kati ang mata kong subaybayan ang mga paboritong programa tuwing gabi subalit kailangan munang magsakripisyo. Dalawang pahina pa lamang ang aking nagagawa subalit nauubusan na ng sasabihin at talagang pasakit siya sa amin, tapos ang yabang pa magsalita at akala kung sinong gwapong makaasta. Sumasakit na din ang ulo kaya lalo pang nabablangko ang isip. Isinusumpa ko at kapag ako ang naging dean, may kalalagyan din yan si Sir Barrion. Kahit pigain ang utak at ng wala na talagang maisip at makaramdam ng antok, natulog na ko.