March 01, 2015
Sunday
Year III-060
Sunday
Year III-060
5x-o. Mataas-taas
na ang sikat ng araw ng ako'y magkamalay. Marso na't panahon nanaman pala upang
magtapos sa eskwela ang mga mag-aaral at panibagong Batch muli
ang masasabitan ng medal at ribbon na siyang
tanda ng natamong karangalan sa buong taong-pampaaralan. Kay sarap sa
pakiramdam at nakakataba ng puso marahil kapag nakamit mo ang mga awards at
bukod sa masaya ka, ipagmamalaki ka pa ng magulang mo. Kung gustong makamit ang
minimithing tagumpay, nangangailangan muna ng pagsisikap at tiyaga. Ni
kailama'y walang mararating ang mga taong tatamad-tamad at naghihintay lamang
na malaglag ang bunga. Kahit puro di magaganda ang mga napagdaanan ko't
nangyari sa buhay, nanatili pa ring nakatindig at ipinagpapalagay na maayos din
ang lahat. Walang permanente sa mundo, lahat ay may hangganan.
5x-p. Matapos
mag-almusal, diretso gawaing bahay agad ang inatupag. Naisipan kong magpatugtog
upang lalo pang ganahan sa gawain at umigiigi ang takbo ng buhay. Kapag
naghahari ang kasiglahan sa dibdib, pakiramdam mo'y makakayang gawin ang lahat,
kahit gaano pa ito kahirap at sa tingin mo'y nakakapagod. Lalo pang sumisigla
ang buhay kapag naiisip ko siya't ano ba ito, isang buwan na ang lumipas
subalit nakakapit pa rin siya sa isipan at maging sa puso. Tama si Ate
Ging, marahil ay umiibig na ko sa kanya sa halip na Crush lamang
at nahihirapan ng pigilan ang nararamdaman.
5x-q. Matapos ang
gawaing bahay, pagbabantay muli sa tindahan ang inatupag ko. Mahirap man gawin
pagkat inuusig nang konsensiya, kailangang gawin at sa kada baryang dumadapo sa
palad ay diretso agad sa bulsa, di naman lahat. Pagsapit ng tanghaling tapat,
malapugon muli ang init ng panahon at muntikan ng matunaw ang kandila sa tindi
ng init, wala kaming magawa kundi magtiis at magpaypay. Bahagya naman nabawasan
ang nararamdamang init pagsapit ng gabi subalit pumalit naman ang ingay mula sa
labas at nakakaasiwa sa pandinig. Sa ingay, mas mabilis pa sa guhit ng kidlat
ang pag-init ng ulo't tila di sila marunong makiramdam, nag-uusap na nga lang,
pasigaw pa't tila nakikipag-away. Naging payapa naman ang kapaligiran pagsapit
ng ikasampo't salamat pagkat may Curfew na umiiral. Gawa na di
pa dinadalaw ng antok kaya pag-online sa Facebook ang
inatupag ko. Mga dakong Alas-onse na ng maisipang matulog.
March 02, 2015
Monday
Year III-061
Monday
Year III-061
5x-r. Naghahari pa
yaring antok ng magising ako't pakiwaring di sapat ang oras ng pagtulog ko. Sa
antok, pahirapan sa akin tuloy ang mag-almusal at di maiwasang mapapikit ang
mata at mapayuko. Iba talaga ang naitulong kapag may nagpapatibok ng puso't
siya ang pumaram sa aking antok. Pagdating sa Eskwela, mangilan-ngilang
kamag-aral pa lamang ang nasa silid ng aking datnan. Laking gulat ko na nga
lamang ng ipabatid na magkakaroon muli ng maikling pagsusulit sa Human
Development at patay, di pa ko nakapagrepaso. Dibdiban akong nagrepaso
habang di pa dumarating si Ma'am Ria. Malapit ng mag-ikawalo, wala
pa si Ma'am at marahil ay di na ito makakadalo subalit nagkamali kami sa akala.
Kahit anong pakiusap namin kay Ma'am Ria, di na magbabago ang isip
nito at natuloy pa rin ang pagsusulit. Labis ang pangangamote ko habang
isinasagawa ang pagsusulit at sa hirap, isa lamang ang nakapasa sa amin.
Nagkaroon pa ng pangkatang pag-uulat matapos ang pagsusulit.
5x-s. Sa oras
naman ng Mental Hygiene, nagkaroon kami ng Pinoy Henyo't di
akalaing ako ang mapipili ni Ma'am Trisha bilang player.
Magkahalong kaba at sabik ang umiiral sa dibdib habang may pinapahula't sa
sobrang taas ng tensyon, mapunit na ang lalamunan sa kakasigaw. Mabuti na
lamang at may nahulaan ako't sobrang saya ng araw ko. Sa oras naman ng Math,
laking gulat at taka namin pagkat ibang professor ang pumasok
at nagturo, di naman nagpakilala. May hitsura ito, subalit kakikitaan ng
pagkapaminta't mas gusto ko na siyang maging guro kung ikukumpara kay Ma'am
Domingo. Bukod sa mahusay magturo, mabait at di kakikitaan ng
pagkaistrikto. Nagkaroon pa kami ng Activity matapos nitong
magturo at maya-maya, Lunch Break na. Gawa na
naghihigpit talaga ng sinturon, di na ko kumain pa at nilibang ang sarili sa
paglalaro ng Android Phone.
5x-t. Matapos
nilang kumain, tumungo kami sa Library subalit punuan na roon, sa
harap na lamang ng Registrar naisipang tumambay at kay sarap
langhapin ang Preskong hangin. Lumipas ang ilang sandali, lumakad na kami
patungong silid. Sa oras ng Filipino, nabulaga kami ng ianunsyo
ni Sir Pablito na magkakaroon kami ng pagsusulit at
pabigla-bigla naman siya, di man lang kami binigyan ng panahong
makapaghanda. Todo ang pagmamakaawa namin na huwag ng ituloy ang
pagsusulit subalit bigong mabago ang pasya. Sa halip na sumulat ay wala akong
ginawa kundi ngumanga't anong isasagot kung wala namang naipasok sa utak.
Ngayong araw pala ang pag-uulat namin sa Social Science at
nakikihiya man gawin, nagtungo kami ni Anne Rose sa Mercury
Drugs upang bumili ng Condom. Sa hiya, pabalik-balik kami
ni Anne Rose at nag-aya pa ng kasama.
5x-u. Sa
pangalawang pagkakataon, nilabanan ko na ang hiya't sa wakas ay nakabili na rin
ng Condom. Sasagarin ko na ang kahihiyan para lang sa report namin.
Nagsimula na ang pag-uulat ng makabalik sa silid at dobleng kaba na ang umiiral
sa dibdib. Ng kami na ni Joseph ang nasa harapan, di
mapigilang tumawa habang dini-demo nito kung paano gamitin
ang Condom at daliri ko pa ang ginawang Model. Mga
buwang talaga ang mga kamag-aral ko't may gana pang tumili habang inilalagay
ni Joseph ang Condom sa daliri't di ko ma-imagine.
Lumuwag ang paghinga ko matapos mag-ulat at sa tana ng buhay ay unang beses ko
pa lamang ito ginawa. Maaga ang pag-uwi namin sapagkat walang guro sa English at
sa tindi ng gutom na kanina pa tinitiis, di na pinatagal pa ang pagkain. Sa
dami ng kinain, mukhang di kinayang tunawin ng tiyan kaya ang resulta,
makailang beses akong pabalik-balik ng banyo, malatubig lang naman
ang nailalabas at marahil ay tinamaan ako ng Diarrhea. Mukhang
makakaliban muli ako sa klase bukas dahil sa diyan.
March 03, 2015
Tuesday
Year III-062
5x-v. Malakas na
alarma ng Cellphone muli ang bumarag sa mahimbing kong
pagtulog. Pagkatingin sa orasan, Alas-singko na pala. Mabuti na lamang at
humupa na ang pagdurumi ko na kagabi pa nararanasan kung kaya tuloy pa rin ang
pagpasok ko. Malapit ng sumapit ang Alas-siete y medya ng makaalpas ako sa
eskwela't pahirapan at nakakapagod sa akin ang pag-akyat sa dami ng dala't
animoy tutungo ako sa probinsya sa halip na sa eskwela. Mistulang palengke muli
ang silid dahil samu't saring boses muli ang dumadampi sa pandinig at tila di
maubusan ng sasabihin. Iritableng-iritable ako ng mga oras na iyon at
pakiramdam ko, wala akong karapatang gawin kung anuman ang ginagawa nila. Sa
totoo lamang ay naiinis talaga ako sa mga taong mahilig kang pagbawalan sa
bagay na ginagawa din naman nila. Sa init ng ulo ko, muntik-muntikan ko ng
masigawan si Anne Rose ng ako'y kanyang kibuin subalit
pinigilan ko't maayos pa ring nakipag-usap sa kanya.
5x-w. Ilang
sandali makalipas, pumasok na si Ma'am Eloisa. Tungkol sa Digestive
system ang itinuro nito. Matapos ang klase at gawa na kanina pa
kumakalam ang tiyan sa gutom, naisipan munang kumain. Ano ba 'to, minsan ko na
nga lang i-share ang gustong sabihin, minasama pa't nilalagyan ng
malisya. Sa halip na nagpapaliwanag ako sa tindera, ang labas ay nagrereklamo
pa't labis akong napahiya sa ginawa ni Anne Rose ng ako'y
kanyang sigawan. Di muna kasi hinayaang magsalita't ibinulalas niya kaagad ang
kanyang reaksyon sa mga sinabi ko, wala naman akong intensyong insultuhin ang
tindera kundi ipahayag ang aking opinyon. Akala ko ba, tunay silang kaibigan,
bakit parang ipinagkait nila sa akin ang pagkakataong makapaglahad kung anuman
ang kaalaman?
5x-x. Iyan ang
hirap sa mga taong nakakasalamuha ko, impresyon agad nila sa'yo parati ang
paniniwalaan at binibigyan agad ng masamang kahulugan samantalang di muna
iniisip kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan. Nasaktan ako sa mga sinabi
nila't tila walang pinagkaiba sa iba. Buong akala
ko, tanging sila lamang ang makakaunawa sa akin, nagkamali pala ako. Sa yamot,
di ko na nagawa pang makisama sa kanila't labis kong kinimkim ang sama ng loob.
Mabuti na lamang at may nangahas sa akin na kumausap at sila ang naging tulay
upang ilabas ang hinanakit. Porket na ganito ako'y may damdamin din naman na
maaring masaktan. Kinausap din naman ako nila Anne Rose kinaulanan
at kahit labag man sa kalooban na pakinggan sila dahil sa sama ng loob,
pinakinggan ko pa rin.
5x-y. Hindi ko na
ibig pang patagalan ang hidwaan namin dahil lamang sa kakarampot na bagay kung
kaya pinatawad ko na sila't nakipag-ayos. Maya-maya'y dumating na si Ma'am
Eloisa at nagkaroon muli ng dissection sa Palaka. Sa
husay at tiyaga namin sa pag-dissect, maaga kaming natapos at pinalabas.
Tuwa ang pumalit sa kaninang damdaming yamot na yamot pagkat ayos na kami sa
isa't isa at nakayang lampasan ang hamon na muntikan ng sumira sa aming
pagkakaibigan. Madaling humanap ng kaibigan subalit kapag tunay ay kay hirap
nga, gayunpaman ay di na iyon mahalaga.
5x-z. Sa halip na
mananghalian, diretso tungo kami sa harap ng Athletic Center at
doon na nanatili hanggang sa sumapit ang oras ng PE. Sa oras na
ito, nag-ensayo muli sila ng sayaw samantalang nakaupo lamang kami ni Enzo at
kakabato. Paglalaro na lang ng Cellphone ang inatupag ko upang
di na lamunin pa ng pagkabato. Makalipas ang mahigit sa dalawang oras, sa wakas
at uwian na rin. Habang kumakain ng Street Foods, may gusgusing
bata ang lumapit at nanghingi ng limos. Hindi ko na dapat bibigyan pagkat
kakaunti na lang ang dalang pera subalit sa habag, naiabot ko pa rin sa kanya
ang pera. Tila sing gaan ng papel ang pakiramdam ko ng magmagandang loob sa
bata at mas maigi na ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Pagsapit ng gabi,
umatake nanaman ang aking LBM at halos manakawan na ng lakas
sa dami ng tubig na nailabas. Humupa naman ang pagdurumi kinalaunan at marahil
ay may problema na sa aking Digestive System?
March 04, 2015
Wednesday
Year III-063
5y-a. Nakakaramdam
pa rin ako ng pagkulo ng tiyan subalit hindi na madalas ang pagdumi't
nanumbalik na rin ang dati kong lakas. Mga dakong ikaapat na ng madaling-araw
ako nagising subalit sa kadahilanang di maawat ang sarili sa pagtulog, mga
dakong ikalima na nagpasyang bumangon. Inagahan ko ang pagpasok upang magkaroon
ng sapat na panahong makapagrepaso sa Human Development. Gumuhit
agad ang kaba sa kanya-kanyang mga dibdib ng pumasok si Ma'am Ria.
Sa bait ni Ma'am, binigyan niya pa kami ng isa pang pagkakataon upang
makapagrepaso. Maya-maya pa'y nagsimula na ang maikling pagsusulit at walang
pinagkaiba ang hirap sa nauna. Nang maiwasto, labis kong ikinadismaya ang
naging resulta. Ginagawan ko na nga ng paraan upang makapasa, di pa rin epektibo.
Nagkaroon pa ng pangkatang pag-uulat matapos ang pagsusulit at pahirapan sa
akin ang makinig dahil biglang umiral ang antok. Pilit kong nilalabanan ang
antok subalit di ko maiwasang mailapat ang mukha sa bangko't todo sampal sa
sarili, magising lamang. Di naman kinulang sa pagtulog subalit bakit inaantok
pa rin?
5y-b. Maging sa
oras ng Mental Hygiene ay naghahari pa rin ang antok. Naparam
naman ang antok kinalauna't nanood lamang kami ng Video sa
oras na ito. Kaawa-awa talaga ang sinasapit ng mga taong may sakit sa pag-iisip
at tila di ko na ibig pang manood habang sumasailalim sila sa Electric
shock therapy at kakahilakbot kung iisipin. Habang nanood,
laking hanga ko Kay Carl Ferdinandpagkat dami niyang nalalaman
tungkol sa aming pinapanood, kaso may ilan lamang sa kanyang mga sinasabi ang
di ko lubos maunawaan. Kahit mabigat silang kasama, dahil sa Psychology Student ay
kailangan ng malalim na pag-unawa sa kanila. Sa oras naman ng Mathematics,
di pa rin si Ma'am Domingoang naging guro't nagturo lamang ang
humalili sa kanya. Matapos ang kanyang pagtuturo, nagkaroon kami ng Activity.
Hirap naman makapag-Concentrate pagkat maingay at ang daldal pa ni Anne Rose,
tinamad na ko sa pagsagot.
5y-c. Maya-maya
pa'y lunch Break na. Matapos naming kumain, sa library muli
dapat naisipang manatili kaso walang bakanteng maupuan, humanap kami ng
mapagtatambayan. Sa harap muli ng Registrar Office naisipang
tumambay at kay sarap langhapin ang preskong hangin. Lumipas ang halos dalawang
oras, lumakad na kami patungong silid. Lundagan kami sa tuwa ng ianunsyo
ni Sir Pablito na wala kaming klase sa oras ng Filipino sapagkat
may dadaluhan itong pagpupulong subalit binilinan niya kami na igugol ang
panahon sa paggawa ng Thesis. Bago siya tuluyang umalis, inihabol
pa niya na sa Lunes na gaganapin ang Depensa't tila napanghihinaan na ng loob
pagkat kinukulang na sa panahon upang makapaghanda.
5y-d. Matapos ang
anunsyo, batalyunan kaming tumungo sa Library at pinag-usapan
ang gagawin sa Thesis. Ang kaninang seryosong pag-uusap sa Thesis nauwi
na sa kwentuhan at maya-maya pa, lumapit si Jed at laking tuwa
namin sa kanyang ibinalita pagkat walang klase sa Social Science maging
sa English. Pasalamat na lamang kami, dahil abala ngayon ang
mga Professor para sa gaganaping program at
naging maaga ang aming pag-uwi. Tamang kwentuhan muli habang lulan ng dyip at
mistulan akong komedyante pagkat natatawa sila sa kada may sabihin ako, ang
ingay tuloy namin. Kinagabihan at gawa na walang pasok kinabukasan, nilibang ko
ang sarili sa paglalaro ng Android Phone at nakakaadik na
halos di mo na maawat ang sarili at mata. Sumapit na ang Alas-dyis ng maisipang
matulog.
March 05, 2015
Thursday
Year III-064
5y-e. Kasing init
muli ng nagliliyab na apoy ang ulo ni ina pagkat walang humpay ito sa
pagbubunganga't tila napakarami niyang problema sa buhay. Ang masarap kong
tulog, nawasak dahil sa nalilikha niyang ingay at nakakarindi. Hindi ko mabatid
kung ano ang nagtulak sa kanya kung bakit ganoon na lamang kainit ang ulo
ngayong umaga. Nang una'y iniisip ko na baka Menopause ang
siyang dahilan kung bakit madaling uminit ang ulo niya't nagiging bugnutin
subalit ng mapagtantong may dalaw ito, di pa pala. Iyan ang hirap sa mga
kababaihan, kailangan ng ibayong pag-iingat sa bawat kinikilos kapag may dalaw
sapagkat madaling uminit ang ulo't biglang nagbabago ang Attitude.
Rinding-rindi na talaga ako sa kakaputak ni ina subalit di magawang pigilan at
baka lalo pang magalit, hinayaan ko na lamang ito.
5y-f. Humupa naman
ang kanyang pagputak kinalaunan. Nang malamnan ang sikmurang magdamag na walang
laman, gawaing bahay muli ang inatupag ko. Tamang tsikahan lang Kay Aling
Juliet habang isinasagawa ang kanya-kanyang tungkulin. Matapos ang gawaing bahay, nagtungo naman ako
sa Computer shop at anong init ang naramdaman ko habang
naglalakad. Mabuti na lamang, bahagyang kumulimlim ng ako'y papauwi't di
umuwing pawisan. Hindi ko ibig ang matulog subalit nakakaramdam na ng antok,
gumawa ako ng paraan upang di antukin at iyon ay magbantay sa tindahan at
magbasa. Naging epektibo naman ang aking naisip at naparam naman ang antok. May
nakapagsabi na di biro ang kumuha ng BS Psychology pero para
sa akin, di ko ito pinagsisihan bagkus ay enjoyable pa nga
pagkat kakaiba ang mga Topic na tanging kami lamang ang
maaring makaalam.
5y-g. Kaso
kailangan na malawak ang iyong pag-unawa't matalas ang pag-iisip sapagkat more
on memorizing and understanding the information base from the book that you
have read and studied. Matapos magbasa, pamamalantsa muli ng uniporme
ang inatupag ko. Sa dami ng pinaplantsa, naghihingalo na ang liwanag ng ako'y
matapos. Maya-maya'y nanood na ko ng telebisyon. Matinding galit ang siyang
umiral sa dibdib ng mapanood sa balita ang tungkol sa pananakit ng isang yaya
sa bata't kaawa-awa ang kanyang sinasapit. Bukod sa pinaghahataw ng stick,
inihagis pa niya ito at walang awang pinag-aapak, sa halip na tao'y tila hayop
ang turing nito sa bata't demonyo siya! Dapat sa yayang iyan, hinahatulan ng
kamatayan kaysa makulong! Dapat sa mga bata, minamahal hindi pinagmamalupitan.
Sa poot, di maiwasang makapagbitaw ng di magagandang salita. Maaga muling
magigising bukas kaya di na pinatagal pa ang oras sa pagtulog.
March 06, 2015
Friday
Year III-065
5y-h. Namamayani
pa ang antok sa buo kong pagkatao at sa antok, di ko muli maawat ang sarili sa
pagbangon subalit kailangan ng bumangon at baka mahuli sa pagpasok. Pahirapan
muli sa akin ang pumasok sapagkat napakaraming bitbit na kagamitan at todo
pag-iingat sa bawat kinikilos at baka mamaya'y matapon muli ang Formalin,
di naman natuloy ang pinangangambahan ko. Wala pang guro pagdating ng yapak sa
silid kaya naisipan muna naming lumabas at mag-almusal. Pagkabalik sa silid,
naroroon na si Ma'am Eloisa, palihim tuloy kami sa pagkilos upang
di masita. Magkakaroon pala mamaya ng Practical Test sa may Laboratory kaya
pagrerepaso ang inatupag ko habang nagtuturo si Ma'am. Panay ang aking
pagkakabisado, hindi naman tumatatak sa isipan at gawa na tinatamad na, nakinig
na lamang ako. Grabe si Ma'am Eloisa sa akin at paspasan niya
akong pinaulanan ng tanong, di naman ako makasagot sa takot na mapahiya at
pagtawanan, wala naman akong ibang magawa, kaya kahit di sigurado sa sagot,
sumagot pa rin at tawanan na may kasamang hiyawan silang lahat.
5y-i. Makatawa,
akala alam ang sagot. Nagatungan tuloy ni Ma'am at sinabing nasobrahan raw sa
pagnguya. Makapagsalita si Ma'am Eloisa, parating pailalim ang
banat at kawawa ang mga Slow sa kanya.Maya-maya, may biglang
pumasok na estudyante't inanunsyo na magkakaroon ng Misa. Hindi maitago ang
tuwa ng marinig iyon pagkat di matutuloy ang Practical Test.
Matapos magturo ni Maam, dumeretso na kami sa may Auditorium.
Nagkaroon lamang ng kaunting inis kay Ella sapagkat bakit sa
iba, nasasabi ang napagdaraanan samantalang di magawang sabihin sa akin, para
tuloy di kaibigan ang turing sa akin pagkat di man lang maibigay ang tiwala.
Lumipas ang ilang sandali, nagsimula na ang Misa.
5y-j. Bakit ganoon, kapag
sa Katoliko ako nagsisimba, gusto sa Born-again samantalang
sa Katoliko naman kapag sa Born-again nagsisimba?
Hindi ko lubos malaman kung bakit at litong-lito ang kalooban. Iyan ang hirap
sa akin, parating saya ang pinapanguna kaya madaling mahikayat, pero di naman
kayang kaharapin ang mga commitments na nakaatang kapag pinili
ang ganong relihiyon. Malapit ng
sumapit ang Alas-onse ng matapos ang misa't dahil kapos na sa oras, di na raw
tuloy ang practical test at uwian na.
Nagbayad muna ako ng pangmatrikula bago umuwi. Kinagabihan at gawa na di pa
madalaw ng antok, naisipan munang manood ng Video na
pinamagatang The Haunted. Horror movie ito kaya di
maitago ang takot habang nanonood at may oras na napapatili't muntikan ng
mapaihi. Mas maganda sana ang magiging istorya kung magkakatuluyan si Rehan at Meera,
kaso hindi at di ako na-satisfy sa palabas.
March 07, 2015
Saturday
Year III-066
5y-k. Pagkadilat
ng dalawang mata, maliwanag na sa labas at sumapit na pala ang Alas-Siete. May
ipapagawa pala sa amin Sir Bermundo ngayong araw at
magsisimula mga dakong ikawalo kaya kailangan ko ng magmadali. Kahit medyo
tinatamad na, kailangan ko itong gawin sapagkat opurtunidad na iyon upang
pumasa sa PE kahit di nakakasali sa mga Aktibidad.
Nagkukumahog ako sa pagmamadali sa takot na mahuli at makarinig ng maanghang na
salita. Habang lulan ng dyip, bigla na lamang pinigilan ng Traffic
Enforcer ang Driver at ito'y sinita. May nagawa pala
itong Violation at di ko mabatid kung ano iyon. Humahaba at
tumatagal na ang usapan nila at patay, pagkat mahuhuli na ko sa pagdating. Ano
ba 'to at masyado naman silang nakakaabala sa mga pasahero't di na maitago sa
mukha ang pagkairita. Pinayagan naman ng Traffic Enforcerang Driver na
bumiyahe kinalaunan.
5y-l. Pagdaan
sa Litex, matinding trapik ang sumalubong sa amin at mistulang usad
pagong ang daloy ng mga sasakyan. Dahilan ng pagbibigat ng trapiko ang
isinasagawang Re-blocking at nakakaperwisyo ito para sa mga
biyahero. Wala akong magawa kundi magtiyaga at pinaghahandaan
na ang posibilidad na pagalitan ni Sir pagkat ako'y nahuli na. Bumilis naman
ang biyahe paglagpas ng Commonwealth Avenue at pagdating sa
may Athletic Center, ako pa lamang pala ang naroroon at di pa
dumarating si Enzo. Saka pa lamang sinimulang ipagawa ni Sir
Bermundo ang misyon ng dumating si Enzo at iyon ay
magtsek ng Test paper. Madaling gawin subalit nakakapagod kapag
marami at dahil sa pagtutulungan namin, kaagad din naman natapos ang gawain.
5y-m. Pagkukumpyut
naman ng Grade sa bawat Course ang sunod na
pinagtuunan ng pansin at nakakaduling. Psychology Student ako
subalit mistulang teachersa aking ginagawa't pahirapan ang
mag-kompyut kung walang Calculator. Mabuti na lamang at dala ko
ang Cellphone, kaso hiniram naman ng Enzo na iyan. Sa sobrang abala namin sa pagkompyut na sangkatutak
ang dami, di namalayang sumapit na ang Ala-una. Kumakalam na ang sikmura ko nun
kaya nagpaalam muna kay Sir Bermundo. Mabuti na lamang at pumayag
ito. Pagkabalik ko sa Athletic Center, nagkakulay muli ang araw ko
ng masilayan siya't di akalaing sa mismong harapan pa namin ito umupo. Kahit
tipong nakakabigay Stress ang gawain kung naririyan naman
siya'y balewala iyon at mistulang magnet ang mata pagkat di ko
maialis ang tumitig sa kanya habang inaasikaso ang pagre-record ng
grado at pag-aayos ng Index Card.
5y-n. Dahil sa
presensiya niya kaya lalo pa akong ginaganahan sa ginagawa. Gusto ko na sanang
lapitan at tabihan ito, kaso may dapat akong asikasuhin. Sa tuwa, ibig ko
sanang ibahagi kay Enzo ang nadaramang ligaya, kaso masyado
itong abala't di ko naman makausap ng matino pagkat tila may pader na
humaharang sa pagitan namin at parating lutang ang utak. Nawalan na ko ng gana
sa ginagawa ng umalis ito't mahigit sa isang oras ko rin siyang nakita at tinitigan. Maya-maya pa'y natapos na sa gawain ang iba pa
naming kasama at kaming dalawa na lamang ang naiwan.
5y-o. Nang may
tanungin ako kay Enzo, hindi ko inakalang magiging ganoon ang
kanyang reaksyon at bigla na lamang ako pinagtaasan ng boses sabay nagdabog. Sa
halip na patulan ay pinalagpas ko na lamang at umalis. Sa totoo lamang, di ko
nagugustuhan ang ipinapakita niya magmula pa kanina at yamot na yamot ako sa
kanya, masyadong bida-bida. Ano bang problema niya sa ’kin! Hindi ko batid sa
kanya kung bakit ganon siya makitungo't hirap niyang pakisamahan, parang may
sariling mundo! Hindi ko pa ibig ang umuwi kaya naisipan munang magtungo sa
bahay ng matalik na kaibigan na si Anne Rose. Tamang kwentuhan
lamang kaming dalawa at may oras na nagtatawanan, sa saya’y nagtanggal ang
aking pagkabanas na likha ni Enzo. Madilim-dilim na ng magpasyang
magpaalam sa kanila't matinding gutom ang abot ko pagdating ng bahay. Sa pagod,
diretso tulog ako matapos manood ng paboritong programa.
March 08, 2015
Sunday
Year III-067
5y-p. Tumirik na
ang haring araw ng ako'y dumilat at ito rin ang araw ng mga kababaihan.
Dati-rati, napakababa ng tingin sa mga kababaihan at sunod-sunuran lamang sa
mga kalalakihan. Idagdag pa ang di pantay-pantay na pagtrato sa kanila't
madalas ipagkait ang karapatan na makapag-aral o sumabak sa trabaho at sa bahay
lamang nababagay. Tinanggalan na nga sila ng karapatan, tapos sinasamantala pa
ng ibang kalalakihan ang kanilang kahinaan at inaalila. Grabe ang
diskriminasyon sa mga kababaihan ng mga panahong iyon at di man lang nila
magawang lumaban. Pero ibahin naman natin ngayon, tila bumabaligtad na't mas
angat na nga sila kaysa sa mga kalalakihan at bukod pa dun, ginagalang at
pinapauna parati sa lahat ng bagay.
5y-q. Isa pa'y
palaban rin at kaya ng ipagtanggol ang sarili. Mapalad ang mga kababaihang
nabubuhay sa panahon ngayon sapagkat tinatamasa na nila ang karapatan kung
anuman ang mayroon sa mga kalalakihan at pwede ng sumali sa iba't ibang
larangan. Kung kaya ng lalaki, kaya din siyempre ng mga babae't di basehan ang
kasarian sa pagtamo ng tagumpay. Matapos
mag-almusal, pagbabantay muli sa tindahan ang inatupag ko hanggang sa sumapit
ang tanghaling tapat. Kahit di pa deklaradong Summer season, tila
nagaganap na dahil sa tindi ng init at halos maliyo na ako. Kumulimlim naman
pagsapit ng hapon at nawa'y magsabog kahit babahagya ang panginoon ng tubig ng
sa gano'y maibsan ang init.
5y-r. Nang matapos
ako sa pag-siyesta, pamamalantsa muli ang inatupag ko't kahit paano'y
natututo ng mamalantsa. Maging nga sa hapuna'y ako na mismo ang nagluto ng ulam
at sana'y magustuhan nila. Pagsapit ng gabi't gawa na di pa nakakaramdam
ng antok, nilibang ko muli ang sarili sa panonood ng Video at
hindi maiwasang ilabas ang ngipin sa kakatawa, ang kukulit ng bawat eksena't ang
husay magpatawa ng mga komedyante. Sa sobrang humaling ko sa panonood, di
namalayang sumapit na ang ikasampo ng gabi. Maaga pa magigising bukas kaya
kailangan ko ng ihimlay ang sarili sa kama. Anong sigla't ligaya muli ng gabi
ko't lalo pang umiigting kapag pumapasok siya sa isipan ko. Sana nga'y magkita
kami sa Dreamland, para doon man lang ay maipadama kung gaano kainit ang
pag-ibig ko sa kanya. Marahil ay tinamaan na nga ako.
March 09, 2015
Monday
Year III-068
5y-s. Sumapit muli
ang araw ng Lunes, araw ng pagsisimula ng klase para sa buong linggong
ito, kaya naman maaga muli ako magigising. Nanatili pa rin ang sigla sa dibdib
ng ako'y magising at pakiwaring walang problemang daratal. Pagkatingin sa
orasan, ikalima na pala ng umaga't may pagmamadali ako sa pagkilos.
Mangilan-ngilan pa lamang kamag-aral ang naroroon ng ako'y dumating at di pa
dumarating si Ma'am Ria, nakipagkwentuhan muna ako Kay Ella.
Ang kaninang makulay kong umaga na siyang namamayani sa dibdib, napalitan ng
pagkamuhi ng magpakita si Enzo at di pa rin mawaglit sa isipan
ang tungkol sa nangyari nung isang araw kapag nasisilayan ko ito. Hindi batid
ng dibdib kung bakit iba ang pakiramdam sa kanya magmula't sapol at kumukulo
talaga ang dugo ko. Masyadong bida-bida't sipsip pa't maraming bagay akong
kinaaayawan sa kanya. Wala naman akong magawa kundi itikom ang bibig at
nagkibit balikat habang naririyan ang presensiya niya.
5y-t. Ilang
sandali pa, laking gulat namin pagkat ibang guro ang pumasok sa oras ng Human
Development. Tuloy pa rin ang pag-uulat kahit ibang guro ang nagbabantay sa
amin. Si Anne Rose naman, di na maitago ang kaba
sapagkat napipinto na ang kanyang pag-uulat subalit kay palad niya pagkat di
natuloy. Sa oras naman ng Mental Hygiene, nagkaroon
kami ng Logical test, sumakit ang ulo ko sa kakaintindi't masyadong
kritikal ang bawat katanungan. Maya-maya, biglang lumapit sa Adrian at
kinausap si Anne Rose. Di ko mawari kung bakit biglang
nag-iba ang timpla ni Anne Rose matapos kausapin ni Adrian at
nakakapagbitaw na ng matatalim na salita. Inalam ko kung bakit at ikinagalit ng
puso ang aking mga nalaman.
5y-u. Kami lang
pala ni Anne Rose ang tunay na magkaibigan at
magkakampi sa aming magkakasama't mga huwad silang kaibigan! Nagsasalita sila
ng patalikod sa aming dalawa't muntikan ko na silang masapok sa tindi ng galit.
Napaluha na lamang ako sa labis na sakit at makapagsalita, akala kay
linis-linis ng budhi, mga hipokrita sila! Nang lunch timena, kaming
dalawa lamang ni Anne Rose ang nagsama't maging siya'y
nag-uumapaw sa galit. Kung tunay
silang kaibigan, magagawang magtapat kung anuman ang nasa loob at di palihim.
Ayos lang naman sa akin kung may kinakaayawan sila sa amin sapagkat di kami
perpekto, basta't huwag magsalita ng patalikod!
5y-v. Habang
naglalakad kami patungong Canteen ay saktong nakasalubong
namin sila. Iiwas sana kami subalit biglang lumapit si Enzo at
nagliwanag ang kalooban ko ng humingi ito nang tawad sa akin. Hindi ko na ibig
pang pahabain ang alitan naming dalawa kaya pinatawad ko na siya, kaso di ko
magawang mapatawad ang kasamahan niya dahil sa paglilihim nila. Nailahad naman
namin ni Anne Rose ang nararamdamang sama ng loob kina Jed at Ella at
todo paliwanag sila sa amin. Naliwanagan naman at gumaan ang kalooban kinalaunan
at humingi ng tawad subalit nanatili pa ring di maganda ang nararamdaman ko
lalong-lalo na kay Jed na labis na ikinasakit ng loob ang mga
sinabi nito, kaya di muna nakisama sa kanila't napagpasiyahan namin ni Anne
rose na umuwi na lamang. Pagkauwi sa bahay, matutulog na sana ako nang
biglang lumapit si Aling Pamy at ako'y kanyang kinausap.
5y-w. Sa kanyang
mga sinambit, awang-awa ako sa kalagayan nito sapagkat tila di matapos-tapos
ang kanyang problema at tila nalulunod ito sa matinding depresyon. Mistulan
tuloy akong guidance Councilor habang pinapayuhan
siya't napawi naman ang lungkot nito kinalaunan. Naging makuwento pa ito't sa
dami, inabot kami ng halos isang oras na nag-uusap. Dahil sa kanya, nakaligtaan
ko ang ukol sa nangyari kanina't tila umayos na ang lahat. Batid kong may
pagkakamali din ako kaya marahil nasabi nila iyon. Bukas na bukas din,
makikipag-ayos na ko sa kanila't patatawarin. Labis akong na-guilty pagkat
bugso agad ng damdamin ang nanguna at nahusgahan ko sila ng husto. Naiinis lang
ako sapagkat naglihim pa sila.
March 10, 2015
Tuesday
Year III-069
5y-x. Sa sarap
muli ng tulog ko, malapit ng mag-ikalima ng ako'y magising. Sa tindi ng
nadaramang antok, medyo tinatamad pang bumangon kaya napagpasyahang ipagpatuloy
na lamang ang pagtulog at mamaya na lang pumasok. Mga dakong ikapito na ng
maisipang iangat ang sarili't nanamlay ako sa tuwing maaalala ang mga nasabi
nila kahapon. Wala naman magagawa kung magmumukmok lang at lumiban sa klase
dahil lamang dun kaya nilabanan ko kung anuman ang nasa dibdib at pumasok pa
rin. Pagkarating sa Eskwela, saktong nagkita kami ni Patricia.
Matagal-tagal na rin siyang di nakakadalo sa klase at ito'y aking kinamusta.
Nalungkot at nabigla ako sa kanyang mga inilahad at ang drama ng
kanyang mga napagdaanan. Gusto ko pang alamin ang maraming bagay ukol sa kanya,
subalit kailangan ko ng umalis. Habang naglalakad ay nakasalubong naman
sila Ella.
5y-y. Nagagalak
ako sapagkat napatawad na ni Anne Rose sila Ella at
umayos na ang pakikipagkaibigan namin. Nagawa man ni Anne Rose na
patawarin sila, di pa rin nawawala ang hinanakit kay Jed at di
muna ibig na makita ang pagmumukha nito. Gayunpaman ay masaya pa rin at gusto
kong sumigaw at lumundag subalit itinago ko na lamang. Sana'y ito na ang huling
pagkakataon na magkakaroon kami ng tampuhan sa isa't isa at ayaw ko ng mangyari
iyon muli. Gusto ko'y magkakaayos kami parati at nagkakasundo sa lahat ng
bagay. Laking gulat at lalo pa kong natuwa ng ipabatid nila Ella na
di tuloy ang susunod na Dissection sa Palaka pagkat wala
si Ma'am Eloisa. Maya-maya pa'y umakyat na kami sa Laboratory at
pagkarating, may isang guro ang sumalubong at binigyan niya kami ng Gawain.
5y-z. Pagdo-drawing ng Respiratory
System ang naging aktibidad namin at sa dali, kaagad din naman
natapos. Matapos ang gawain ay tumungo na kami sa tapat ng Athletic Center at
doon naisipang tumambay habang bakante ang oras. Wala kaming ibang inatupag
kundi ang magpalitan ng kuro-kuro at may mga oras na pinapasukan ng kalokohan
kaya di maiwasan ang humalakhak. Dahil sa kanila, sumaya ang araw ko. Makalipas ang halos dalawang oras, pumasok na kami
at sa Covered Court idinaraos ang oras ng PE sa
halip na sa Athletic Center. Sa tindi ng init at idagdag pa ang
magkahalong amoy, nakakahilo't muntikan ng maduwal subalit tiniis ko ang lahat.
Kaming dalawa muli ni Enzo ang nakaupo samantalang halos
magkandahapo na ang mga kamag-aral dahil sa paspasang pag-eensayo. Maya-maya'y
may dalawang babae ang lumapit at tinanong ko sila.
5z-a. Ang ayos ng
tanong ko sa kanila, makapasong salita ang itinugon sa akin at kung
makapagsalita, tila langgam lang kami sa paningin nila. Nairita ako sa
kanilang ipinakita't makataray kala'y magkakandarapa ang lahat ng lalaki sa
ganda nila, nagkakamali sila! Wala marahil makakatiis sa pag-uugali nila at
nanaisin pang magbigti. Maging si Enzo'y yamot na yamot sa
dalawa, may problema pa naman ito sa puso kaya gumawa ng paraan upang huminahon
ito't di atakihin. Sa tagal ng pag-aabang namin, nakaramdam ako ng gutom at
biglang humilab ang tiyan. Bago umuwi sa kanya-kanyang mga tahanan, may
mahalagang inanunsyo si Sir.
5z-b. Usap-usap
sila matapos ang announcement ni Sir at sa aking palagay, tila
di nila matatapos ang sayaw para sa Free Final pagkat kapos na
sa oras at malapit ng magtapos ang klase. Diretso kulwit agad ng Selepono ang
inatupag ko pagdating sa bahay. Napakainit talaga ng panahon habang ako'y
papauwi, iyon pala'y idineklara ng PAGASA na nagsimula ng
maranasan ang mahinang El Niño at maaring tumagal hanggang sa
katapusan ng taon. Pagsapit naman ng gabi at bago pa man matulog, namalantsa
muna ako ng uniporme. Saka pa lamang naisipang matulog matapos magplantsa.
March 11, 2015
Wednesday
Year III-070
5z-c. Nakakatamad
pa talagang bumangon gawa na ako’y inaantok pa subalit kailangan ng awatin ang
sarili sa kama. Ang lamig, parang rumeresbak muli't wala pang balak lisanin
ng Hanging Amihan ang bansang Pilipinas, kakatamad
tuloy maligo. Pagdating sa hintayan ng Tricycle, sing haba ng buhok
ni Rapunzel ang haba ng pila't idagdag pa ang matagal na
pagdating ng mga toda, mukhang mahuhuli na ko sa pagpasok. Mangilan-ngilan pa
lamang ang kamag-aral ng datnan ko't kakikitaang may kanya-kanya silang
pinagkakaabalahan. Ilang sandali makalipas, pumasok na si Ma'am Ria.
Kita na sa mukha ni Anne Rose ang pagkabalisa't sing pula na
ng mansanas ang kanyang mukha, ngayon ba naman ang kanilang pag-uulat. Medyo
may pagkamataray pa naman si Ma'am pagdating diyan. Bilang suporta'y naupo ako
malapit sa kanya habang nag-uulat at di niyq maiwasang mautal, kaya ang
resulta'y di nito maayos na nailalahad ang dapat iulat.
5z-d. Habang
nakaupo si Ma'am at sa nakikita ko sa kanya'y tila di na niya naiibigan ang
kanilang pag-uulat, malamang ay lagagpak na grado na ang igagawad sa kanila.
Nang magtanong si Ma'am, lalong kinabahan si Anne Rose at di
na halos makapagsalita. Kung ako ang nasa katayuan niya'y malamang mapapaihi na
sa sobrang kaba. Maya-maya'y
pinaupo na ni Ma'am ang mga nag-uulat at paspasan kaming pinaulanan ng sermon.
Di pa raw siya galit tsika sa akin ni Ate Cherylyn subalit ang
dating ay tila dinaig pa ang Dinosaur at tila ayaw ko na
siyang maging guro pagkat masyado itong terror at iisiping
kaanib ng Isis. Siya na ang nagtalakay ng lesson matapos
makarinig ng mabibigat na salita. Saka lamang lumuwag ang aming paghinga
ng Mental Hygiene na't nagturo lamang si Ma'am Trisha.
5z-e. Sa oras
naman ng Math, biglang may pumasok na Psychology Students at
inanunsyo na magkakaroon ng Film Showing, di na natuloy pa ang klase
sa Math at tumungo sa Auditorium. Nagkaroon lamang ako
ng kaunting inis kay Anne Rose pagkat habang kinakausap ay sa Cellphone nakatutok
ang atensyon sa halip na makinig at tila wala akong kausap, nagmimistulan tuloy
tanga sa ginagawa. Ang pinakakaayawan
ko sa mga tao, parating teyngang kawali kapag kausap at gusto ko'y ipamukha
nila na nakikinig kahit walang imik. Humupa naman ang inis ko kinalaunan.
Matapos ang Film, tumungo na kami sa Canteensubalit di
muli kumain pagkat di pa naman nagugutom.
5z-f. Ngayon araw
din pala ang pagsisimula ng depensa sa Thesis kaya di
maiwasang kumabog ang kaba subalit ipinabatid sa akin ni Enzo na
sa Lunes pa raw kami, naparam ang kaba sa dibdib. Lumipas ang ilang sandali,
pumasok na kami sa silid. Todo paghahanda na ang ilang kamag-aral na sasabak
ngayon sa depensa't hiyawan kami ng pumasok si Sir Pablito subalit
umalis din ito kaagad matapos ang kanyang mga sasabihin. Sa pag-alis ni Sir
Pablito ang pagsisimula ng depensa't ibang guro ang naging hurado. Habang
isinasagawa ang depensa ang biglang paghilab ng tiyan at ako'y nagugutom.
Pagkalabas, natuklasang nawawala pala ang pera sa bulsa't patay, pagkat walang
pamasahe mamaya. Minalas
nanaman ng lagay at napakaburara ko talagang nilalang. Hindi ko na ibig pang
mangutang sa mga kaibigan pagkat nakakahiya at naisipan ko na lamang maglakad
kahit gaano man ito kalayo.
5z-g. Sa lalim ng
iniisip, di namalayang tapos na ang depensa't tila kay tulin naman. Sa oras
ng Social Science, nagturo lamang si Sir Marvin at
bawat sasabihi'y nilalagyan ng biro. Iniisip kong may kalayuan ang lalakarin at
baka mahalata ng magulang kapag inabot ng gabi sa pag-uwi kaya matapos
ang Social Science, lihim na akong umalis at di na binalak pang
dumalo sa English. Magmula Lagro hanggang Batasan
Hills, lakas loob kong ginamit ang mahabang biyas at sa layo'y inabot na ng
mahigit sa dalawang oras na naglalakad. Sa isang buwan pa ang mahal na araw
subalit tila nag-alay lakad na ako't matinding pagod at gutom ang inabot
pagdating ng tahanan. Sa tindi ng gutom, halos makatatlong plato ako sa
paglantak at grabe, buwis buhay ang ginawa ko kanina't mabuti na lamang at
nakaya iyon. Sa pagod, kaagad akong natulog matapos libangin ang sarili sa
pagkulwit ng Selepono. Hindi ko na uulitin pa ang ginawa kanina't magiging
maingat na upang di mawalhan.
March 12, 2015
Thursday
Year III-071
5z-h. Nagising na
lamang ako dahil sa malakas na boses nila Mama. Pagkadungaw sa bintana,
maliwanag na't kaagad na akong bumangon. Ang panahon na kahapong tila nanamlay
ay kasalungat naman na ngayo'y maaliwalas. Balak ko sanang maglaba, subalit
naglalaba na si Ama. Wala akong maisipang gawin ngayong walang klase at upang
di tuluyang malubog sa pagkabato, naisipan kong magpatugtog. Labis ang kilig ko
habang nakikinig ng awiting pag-ibig at nakaka-relate pa rin kahit
na di ko pa pinapasok ng husto ang buhay pag-ibig. Hindi ko lang alam kung ano
ba ito ang nararamdaman ko sa kanya, pag-ibig na ba o Crush lamang.
Habang nakikinig ng tugtog ay sige lamang sa pagwawalis at singbilis ng takbo
ng sasakyan ang paa kung kumilos.
5z-i. Matapos ang
gawaing bahay, pagbabantay muli sa tindahan ang inatupag ko. Batong-bato
talagang manatili sa bahay at gusto ko sanang gumala ngunit kinakatakot ko ang
mapupusok na sambit ni ina kapag bumalik. Habang nagbabantay, nilibang na
lamang ang sarili sa pagbabasa, kaso parating naantala sa oras na may bumibili,
karaniwang mga bata't puro piso lang naman ang binibigay. Maya-maya ay
tanghalian na't kanina pa nakakaranas ng gutom kung kaya daglian akong tumungo
sa mesa. Ng maumay sa pagkain, panonood ng Video ang sunod na
inatupag. May kaugnayan muli ang pelikula sa aking kursong kinukuha sa
natunghayang pelikulang pinamagatang A Beautiful Mind. Siya
si John Nash na isang mahusay na professor na
nagkaroon ng Schizophrenia dahil sa sinapit na trauma nung
sila’y pinagtangkaang patayin habang nasa biyahe.
5z-j. Hirap din pala ng kalagayan kapag may sakit na Schizophrenia at
di ka matahimik dahil sa nararanasang hallucinations subalit
gumaling naman ito makalipas ang maraming taon na sumasailalim sa Therapy at
gamut. Sobrang ganda talaga ng istorya't maraming nadagdag sa aking kaalaman
bilang sikolohista. Wala na akong ibang inatupag sa maghapon kundi kumulwit ng Android
phone. Pagsapit ng gabi, dinig muli ang ingay sa labas at mas malakas pa
ang kanilang boses kaysa sa aming pinapanood, tila wala na marahil kapayapaan
ang mundong ginagalawan ko, nagtiis na lamang kami. Bago matulog, namalantsa
muna ako't tila bumalik ako sa pagigigng bata pagkat tila naglalaro lamang ng
sasakyan habang inilalapat pahilis ang plantsa. Saka lamang natulog matapos
mamalantsa.
March 13, 2015
Friday
Year III-072
5z-k. Another
Friday the 13th for this year, kung kaya
kailangan muli ng ibayong ingat upang maiwasan ang kamalasan at kapahamakan
para sa lahat ng mga naniniwala sa pamihiin. Wala naman marahil malas kung
parating sinasaisip ang bawat gagawin at sinasamahan din ng pag-iingat. Di pa
man umaakyat ang haring araw ng ako'y magising. Pagdating sa eskwelahan, labis
na naubos ang lakas ko dahil sa dami ng dalahin. Laking gulat ko ng ipabatid ng
mga kamag-aral na di matutuloy ang Dissection ng palaka,
nagdala pa ko't ang shunga ko talaga. Medyo naninibago lamang ng lagay pagkat
wala si Anne Rose, nalumbay tuloy ang diwa ko't walang taong
nagpapaligaya sa akin sa pang-araw-araw. Mistulang palengke na ang silid dahil
sa samu't saring boses na mauulinig at sakit na ng teynga ko. Ilang saglit pa,
tumaimtim ang silid ng pumasok si Ma'am Eloisa.
5z-l. Inanunsyo ni
Ma'am na manonood lamang kami ng Film sa Auditorium at
ako ang kanyang inatasan upang mangolekta ng bayarin. Nang makapagbayad ang
lahat, saka lamang tumungo sa Auditorium. Kanya-kanyang kwentuhan
habang di pa nagsisimula ang Film. Sa tagal at gawa na di pa nakapag-almusal,
bahagyang nakaramdam ng gutom. Nagsimula naman ang Film kinalaunan
subalit pinutol mga dakong ikasampo upang bigyang daan ang gaganapin na Symposium.
Nagsilabasan kami ng putulin ang Film subalit pinigilan kami
ng isang mataray na Professor at pinabalik. Inis ang namayani
sa aming dibdib at tila preso kaming kinukulong sa Auditorium.
Gutom na ko't ibig ng lumabas subalit di maaari. Pinayagan naman kaming
lumabas, iyon nga lamang ay iiwan ang bag maging ang ID sa Auditorium.
5z-m. Pagkabalik,
pormal ng nagsimula ang Symposium at tungkol sa Ebola
Virus ang topic. Medyo interesting ang
talakayan kaya todo pakikinig ako't upang magkaroon na rin ng kaalaman para
maiwasan ang nakakamatay at nakakahawang sakit. Umulan agad ng sangkatutak na
katanungan matapos magsalita ng Professor, kaya lalo pang lumawig
ang Symposium at atat na ang karamihan sa kamag-aral na
lumabas. Sumapit na ang kalagitnaan ng araw ng kami'y payagang lumabas at sa
gutom, kumain muna ako bago umuwi. Habang nakaupo'y halos lamunin na sa tindi
ng kilig ng makitang papalapit si Timothy James at saktong sa
mismong kantinang aking inuupuan ito kakain. Grabe at nag-uumapaw na ligaya
muli ang naghari sa dibdib at kisap-matang tumititig sa kanya. Balak na sanang
kibuin pagkat abot kamay ko na ang presensiya nito subalit nandiyan ang
kasintahan nito't halos guyamin na sila sa sobrang sweet.
5z-n. Batid sa
sariling walang karapatang maramdaman iyon subalit di ko maiwasan. Hindi na
maganda ang lagay ng nasa loob kaya umalis muna, pagkabalik ay di ko na ito
nakita pa. Ano ba ito't pinangunahan muli ng hiya't pagkakataon ko na,
pinakawalan pa. Magkakagusto na lamang ako, iyon sa taong may kasintahan na’t
sa kapwa lalaki pa, tila pinapahiwatig na maraming di pwede sa amin. Sobrang trapik
sa lansangan kaya malapit ng mag-ikalawa ng ako'y makarating sa bahay.
Diretso Siyesta ako matapos magbihis at malapit ng
magtakip-silim ng magising.
5z-o. Kinagabihan, panonood muli ng Video ang inatupag
ko, dahil Comedy, di ko muli mapigilang humalakhak subalit nagpuyos
ang galit sa dibdib ng makita sa eksena na tinatangkang halayin ng tatlong
lalaki si Trixie at labis ang takam nila nito. Nagpumiglas
naman si Trixie, makawala lamang sa kamay ng tatlong manyakis
subalit sa kasamaang palad, nahulog ito't namatay. Bilang paghihiganti,
nagpakita si Trixie sa kanila bilang multo't inisa-isa subalit
natauhan din kinalauna't nagpakasal sa lalaking kanyang tinatangi-tangi na
buhay pa kahit na kaluluwa na lamang ito. Kahit puro tawa'y naiyak ako pagdating
sa huli ng magpaalam si Trixie kay Alvin at
sayang, di sila naging para sa isa't isa at nagbago ang kapalaran niya dahil sa
tatlong manyakis. Sobrang nahumaling ako sa palabas at ang husay magpatawa
ni Ruffa Mae.
March 14, 2015
Saturday
Year III-073
5z-p. Sumapit muli
ang panibagong araw na punong-puno ng pag-asa at saya, may matamo nawang aral
bago magtapos ang araw na ito. Kay ginhawa't sigla pa rin ang nararamdaman ko't
sana'y parating ganito upang sa gano'y makayang kaharapin kung anuman ang hamong
maaring dumatal sa buhay. Gawa na Sabado muli at walang pasok, tanghali na
napagpasyahang bumango. Nang malamnan ang sikmura mula sa pag-aalmusal, diretso
pagbabantay kaagad sa tindahan ang naisipang asikasuhin. Habang di ako
makapirmi sa pagbabantay ay siyang biglang utos ni ina. Medyo nakakapanibago
lamang pagkat unang beses ko pa lamang bumili ng paninda na dati nama'y di
ginagawa. Muntikan ng sumakit ang ulo pagkat pagkarami-rami ng
pinapabili. Kahit medyo natatanga'y di naman pumalpak at maayos kong naiangkat
ang mga pinamili.
5z-q. Mayroon
palang project sa Human Development na dapat
asikasuhin ngayong bakante ang panahon kung kaya diretso tungo sa palengke at
naghanap ng Scrapbook. Matinding
pagkahapo ang inabot ko sa kakahanap ng Scrapbook at nagpursigi
pa rin sa paghahanap hanggang sa may makita. Halos maligo na sa sariling pawis
pagkauwi't kaagad ko ng sinimulang gawin ang project sa Human
Development at itinigil pagsapit ng tanghali. Matapos mananghalian at
kahit anong tindi ng init sa labas ay tumungo pa rin ako sa Computer Shop upang
magpa-develop ng litrato.
5z-r. Makasunog
balat ang init ng panahon na sumalubong sa akin ng lumabas at nakakapagbigay pa
ng sakit sa ulo. Pagkauwi, di na mapigilang mag-Siyesta. Naghihingalo na
ang liwanag ng ako'y magising at sa aking pagmulat, sinimulan ko ng gawin
ang Project sa Human Development at naglalaro
ang isipan ko sa oras na tumatama ang tingin sa litrato. Napalaki na nga ng pinagbago ko magmula ng maliit
at di rin akalain na ganoon na kalayo ang nalakad ko't narating. Nakakagalak
isipin na nakaya kong lampasan lahat ng pagsubok sa buhay kaya nakaabot ako sa
ganitong edad at di marahil magagawa iyon kung wala ang panginoon, na siyang
nagbibigay ng lakas ng loob at tumutulong sa ating tinatahak. Sabi nga nila,
nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa kaya huwag parating iasa sa kapangyarihan
ng panginoon ang iyong kagustuhan at sinasamahan din ng pagsisikap. Malapit ng
mag-ikasampo ng magpasyang matulog at nawa'y di bangungutin, bagkus ay
masilayan ko siya sa panaginip.
March 15, 2015
Sunday
Year III-074
5z-s. Sa kasarapan
muli ng tulog na kasing sarap ng pagkaing pangmayama'y sumikat na ang
bukangliwayway ng ako'y dumilat at bumangon. Matapos malamnan ang sikmurang
magdamag na pipi, daglian kong ipinagpatuloy angProject sa Human
Development at ito'y di biro pagkat gagawan mo ng sanaysay ang bawat
litratong nakadikit sa Scrapbook in English,
kaya halos balinguynguyin ako habang inaatupag ang project at
madalas ay natatameme. Habang abala ako sa pagdidikit ng aking lumang larawan
ng ako'y bata pa, tila ibig ng galawin ang takbo ng panahon at ibalik sa dati,
yung tipong pwedeng maglaro anumang oras kasama ang 'yong mga kaibigan at
masaya kung parating Enjoyable ang buhay at walang inaalala
subalit napakaimposible ng aking iniisip at di ko na maaring gawin iyon pagkat
nasa hustong edad na ko.
5z-t. Tama
si Ma'am Ria, minsan lang maging bata at habang tumatanda ka,
unti-unting nagbabago ang takbo ng iyong buhay at di mo iyon namamalayan. Kung
aking iisipin, magmula ng ipinanganak ako hanggang ngayo'y napakarami na palang
nagagawa at napagdaanan sa mundong ibabaw sa edad ko lamang ito at umaasang
malalampasan pa ang lahat ng pagsubok na maari pang dumatal hangga't nabubuhay
basta't naririyan ang panginoon. Hiling ko
lang, magara't marangyang buhay ang kaharapin ko at kapag natupad iyon,
makakamit ko na kung ano ang pangarap sa buhay, sana nga. Sa lalim ng iniisip
ko, di namalayang tanghaling tapat na't di pa natatapos gawin ang proyekto.
Labis na akong nai-stress sa paggawa ng project at
gusto ko ng matulog subalit di maari pagkat maaksaya lamang ang oras, nilabanan
ko ang antok at katamaran, matapos lamang ang proyekto subalit sa dami, bigo ko
itong matapos. Grabe si Ma'am at wala siyang kasing tindi sa lahat ng naging Professor ko.
5z-u. Mayroon
ding project sa Math at iyon muna ang
inatupag ko. Hindi na nga ako binabalingoyngoy sa kakaisip ng sentence,
pumalit naman ang pagsakit ng ulo habang binabasa ang World Problem at
tila di makakayang resulbahin sa hirap. Hindi ko na ibig pang pwersahin ang
sarili sa bagay na nagbibigay dusa subalit kailangan ko itong gawin,
alang-alang sa matatamong marka't makapasa lamang. Mas tumitindi ang dadanasing hirap kapag nasa kolehiyo ka na't yung
tipong di mo na magawang ilaan ang oras sa pagpapahinga dahil sa sangkatutak na
gawain. Di ko naman masisi ang mga Professor na garapalan kung
magbigay ng project pagkat gampanin nila iyon at magalit ka
man o magreklamo, walang magbabagot't kailangang gawin at tanggapin na lamang.
Marahil sa lahat ng pagkakataon o oras, parati kang tumanggap at umiintindi
kung anuman ang ibigay nila sayo upang makapasa't matuto. Hirap talaga ng
buhay College at wala na sanang ititindi pa.
March 16, 2015
Monday
Year III-075
5z-v. Naghahari pa
ang matinding antok sa buo kong katawan at Lunes nanaman, kung kaya maaga
muling magigising subalit medyo tinatamad pa ko't naisipang sa ikalawang Subject na
lamang dumalo, madaling araw na ng nagising subalit mga dakong ikapito na
naisipang bumangon. Pagkadako sa eskwela ay umalis na si Ma'am Ria subalit
di pa dumarating si Ma'am Trisha, pansamantala muna kaming lumabas.
Pagkabalik ay saktong nasa harapan na si Ma'am Trisha at ito'y
nagturo lamang. Habang tutok ang mata sa pakikinig ay bigla na lamang
naramdaman na tila sumasakit ang tagiliran at di pangkaraniwan ang kirot nito
subalit ipinagsawalang bahala na lamang at baka nangangawit.
5z-w. Pagkatapos
magturo ni Ma'am Trisha at ng kami'y tumungo sa Registrar ay
sumidhi pa lalo ang pananakit nito't di ko malaman kung sa Appendix ba
o sa Kidney ang may problema. Sa sakit ng tagiliran ay halos di ako makakilos ng maigi't may oras na
napapahinto. Sa tindi ng sakit, muntikan ng mamilipit at di ko maiwasang
indahin iyon. Sila Anne Rose naman, todo udyok sa akin na
magtungo na sa Clinic, sa katunaya'y di ko na ibig pang tumungo doon
pagkat di makakaramdam ng komportable subalit di ko maaring sundin ang
kagustuhan kung nakasalalay naman ang kahihinatnan ng katawan, wala akong
magagawa kundi sundin sila. Inalalayan nila ako hanggang Clinic at
ano ba ito, di pala naka-save sa phonebook ang
numero ng magulang ko, pahirapan tuloy sa akin ang kontakin sila.
5z-x. Ang
nakakatawa pa, number ng Crush ko ang naka-save.
Mabuti na lamang, may number ako ng Tita Susan at
siya ang tinawagan namin. Sumagot naman ito't laking tuwa ko dahil mayroon
siyang number nila Mama't may pag-asang matatawagan. Nanatili
muna ako sa Clinic hangga't di pa humuhupa ang pagkirot ng
tagiliran. Maya-maya, may biglang tumawag sa telepono ko't si
Ate pala. Ipinabatid niya sa akin na di masusundo ni Mama gawa na kagagaling
lamang nito sa palengke. Nauunawaan ko kung di nila ako masusundo subalit di ko
maiwasang magtanim ng inggit sa kasamahang mga pasyente, mabuti pa sila't
napupuntahan ng magulang kahit di naman malala ang kalagayan at di hamak na
malalayo pa ang tirahan.
5z-y. Nang
makaramdam na bahagyang naibsan ang sakit, saka lamang naisipang umuwi't
pahirapan ang kumilos pagkat patuloy pa ring nararanasan ang pagkirot ng
tagiliran. Sa halip na pag-aalala'y sermon ang inabot ko at pawang mga sumbat
ang bitaw. Tama naman sila't gastos nanaman dahil sa panibagong sakit na dumapo
sa akin. Kaagad akong nag-siyesta matapos kumain at sa aking pagmulat,
tuwa ang naghari sa dibdib pagkat naparam ang sakit subalit di ako pakampante't
kailangan pa ring magpakonsulta. Pagsapit ng gabi, ipinagpatuloy ko ang paggawa
ng project saMath, subalit ito'y naantala gawa na
nahuhumaling sa pakikipag-chat, doon ko na iginugol ang nalalabing oras
at naudlot tuloy ang balakin ko. Sa sarap makipag-chat, di napansing
Alas-dyis na pala't kailangan ng ihimlay ang sarili.
March 17, 2015
Tuesday
Year III-076
5z-z. Hindi na
nanumbalik pa ang pagkirot ng tagiliran ko kung kaya tuloy pa rin ang pagpasok
at walang balak lumiban sa klase. Punong-puno pa nga ng sigla ang umaga ko kung
tutuusin na tila walang iniindang karamdaman. Pagdako sa eskwelahan,
mangilan-ngilang kamag-aral pa lamang ang nasa silid ng datnan ko. Napapansin kong
tila kakaunti lamang kami't may kutob na marami ang di magsisipagdalo sa General
Zoology. Maya-maya, biglang nagsipag-alisan ang iba kong kamag-aral,
ilalaan pala nila ang oras na ito upang mag-ensayo, lalo pa tuloy kaming
kumaunti. Sumapit na ang Alas-otso subalit di pa dumarating si Ma'am Eloisa at
pakiwaring di kami nadadagdagan. Ilang sandali pa, biglang inanunsyo ng isa
naming kamag-aral na mamaya na raw magklaklase si Ma'am sa kadahilanang
pinagbigyan nito ang kamag-aral para mag-ensayo. Mapagbigay na guro si Ma'am,
ang problema'y tila naabuso ang kabaitan niya.
6a-a. Gawa na
nakaupo lamang at walang magawa, saglit akong lumabas kasama sina Anne
Rose. Sa paglabas namin, langit muli ang siyang umiral sa dibdib ng muli
siyang masilayan at habang may pagkakatao'y nilubos-lubos ko na ang tumititig
sa kanya't napakakisig nito't pamatay pa ang ngiti. Sa tuwa, ibig kong
maglulundag-lundag at sumigaw subalit hiya ang pumigil. Dahil atat nang bumalik ng silid ang mga kasamahan
ko, panandalian ko lamang ito nakita't masyado silang KJ sa
akin. Tamang kwentuhan lang kami ni Ingrid habang abala sa
pag-eensayo ang kamag-aral ko. Lumipas ang isang oras, lumipat na kami sa ibang
silid at doon nanatili. Malaki ang tiyansang di muli matutuloy ang klase ni
Ma'am pagkat nabibilang lamang kami.
6a-b. Pagkapasok ni Ma'am
Eloisa, kakikitaang mabigat ang mukha't yamot na yamot ito. Paano, kakaunti
lamang ang nagsipasok at ang karamihan ay nasa Practice. Grabe at
di hamak na mas mababa ang PE sa Zoology kung
yunit ang pag-uusapan subalit mas pinagtutuunan nila ng pansin ang PE na
iyan, lalo pang uminit ang ulo ni Ma'am. Dapat sa subject na
iyan, tanggalin na sa Curriculum at nang-aagaw lamang ito ng
oras sa ibang subject. Magkakaroon sana kami ng Dissection subalit
di natuloy dahil sa pesteng PEna iyan at nagsayang lamang ako ng
lakas sa pagbitbit ng specimen. Sa halip na magturo, napakwento na
lamang si Ma'am. Saka lamang ako Tumungo sa Commonwealth General Hospital pagkaalis
ni Ma'am Eloisa upang magpa-check-up. Akala ko ng
una, hindi ako aabutin ng hapon sa Hospital subalit sa dami ng
mga pasyenteng nakatoka sa Check-up, Ala-una na subalit di pa ako
natatawag at mukhang mahuhuli na sa pagpasok sa PE.
6a-c. Habang
napipinto ang oras ng aking check-up ang pagsidhi ng kaba sa
dibdib at kinakatakot na baka may kumplikasyon na sa bato, huwag naman sana.
Makalipas ang ilang oras na paghihintay, sa wakas at tinawag na rin ako. Hindi
pa matukoy ang dahilan ng pagsakit ng tagiliran at binilinan na kailangang
sumailalim sa urinalysis. Gagawin ko sana ang ibinilin ng Doctor subalit
kailangan ko ng bumalik sa eskwela't mahuhuli na. Pagkabalik sa eskwela, nagsimula ng mag-perform ang mga
kamag-aral ko para sa Free Finals. Nang makapag-perform ang
lahat ng kamag-aral, kami'y pinagtipon-tipon ni Sir at may mahalagang inanunsyo.
6a-d. Sa kanyang
naging komento'y halatang di naibigan ang ipinakitang performance at
kailangan pa tuloy ulitin at paghusayan upang masali sa Finals.
Kahit di ako kasali sa sayaw, dama ko ang hirap at pagod na binubuno ng
kamag-aral at di mahanap sa mukha nila ang kasiglahan kundi matinding Stress.
Pambihirang PE na iyan talaga, tila walang pakundangan sa
pagsamsam ng oras sa ibang subject at iniisip na baka kakaunti
muli ang magsisipagdalo sa oras ng General Zoologydahil mas priority nila
ang practice, kawawa naman si Ma'am at siya nanaman ang mag-a-adjust.
Maya-maya pa'y umalis na kami. Bago umuwi, nagtungo muli ako sa Commonwealth
General Hospital upang magpa-urinalysis subalit sa haba ng
pila't gawa na rin na naiinip, hindi ko na itinuloy pa't mas piniling umuwi na
lamang. Malapit nanaman ang Final Exam kaya
pagsusunog-kilay ang inatupag ko pagsapit ng gabi at mga dakong ikasampo na ng
maisipang matulog.
March 18, 2015
Wednesday
Year III-077
6a-e. Sa tindi ng
namamayaning antok sa buong katauha'y halos di na maawat ang sarili sa pagtulog
at nahihirapang gumising ng maaga. Mga dakong ikalima ng mapagsyahang bumangon
at kasing-kulay ng bahaghari ang umaga ko na tila walang unos na daratal, sana
nga. Medyo maaga pa, kaya naisipan ko munang manatili sa Canteen at
nakipagkwentuhan kay Jaimarri maging kay Aling Nicks Saya
nilang kausap at lalo pang lumigaya ang araw ko dahil sa kanila. Sa sarap ng
aming usapan, di napansing malapit ng mag-ikawalo't kailangan ko ng pumasok.
Naroroon na si Ma'am Ria pagkarating sa silid at humambalos
ang gulat sa dibdib ng ipabatid na magkakaroon ng maikling pagsusulit sa Mental
Hygiene, nagrepaso muna ako habang nagtuturo si Ma'am.
6a-f. Maya-maya
pa, Mental Hygiene na't lalo ko pang ibinuhos ang atensiyon sa
pagrerepaso, makapasa lang. Binigyan pa kami ni Ma'am Trisha ng
oras upang makapagrepaso at makalipas ang sampung minuto, nagsimula na ang
pagsusulit. Naging sisiw lamang para sa akin ang pagsusulit kaya kaagad ko
itong natapos, sana'y nagniningning na marka ang matamo ko. Sa oras naman
ng Math, nagkaroon kami ng Activity. Dati, hilig ko
ang Math Subject at magaling ako diyan subalit
tila humihina na ang kukote't madalas ay natutulala kapag itinuturo. Trigonometry ba
naman kasi ang topic at sa lahat ng subtopicng Mathematics ay
iyon ang lubhang nahihirapan ako. Sa hirap, nawalan na ng gana sa pagsagot at
piniling makipagpalitan ng salita sa katabi. Daming alam na kalokohan
nila Anne Rose kaya di maiwasang ilabas ang manilaw na pangil,
bawal naman ang mag-ingay kaya umungis na lamang.
6a-g. Maya-maya'y Lunch
Break na. Sa oras ng Filipino, nagkaroon muli ng depensa
sa Thesis at ibang guro muli ang naging panalista.
Napakaraming tanong ng panalista't masyadong binubusisi
ang gawang thesis kung kaya napatagal at di na
inabot ang sumunod na grupo. Maya-maya, Social Science na't dahil
magkakaroon ng oral recitation mamaya, nagbasa ako subalit
hindi makapag-concentrate pagkat maingay at magulo. Namayani ang
kaba sa dibdib pagkapasok ni Sir Marvin at ng ako ang tawagin,
laking gulat ko na lamang ng ipa-recite kung saang rehiyon
nabibilang ang bawat probinsiya't kahit walang kaugnayan sa lesson,
sinagot ko pa rin at ang dali naman ng tanong sa 'kin ni Sir Marvin.
6a-h. Mabuti na
lamang, magaling ako sa Geography kaya nakayang sagutin. Iyon
pala'y nadinig niya habang ipinapakita ang angking galing sa Geography kina Jaimarri.
Di ko akalain na may pagkatsismoso ang teynga ni Sir. Sa oras naman ng English, nagkaroon kami ng mahabang
pagsusulit at sa tagal na di kami nagkikita ni Sir Ubenia, tila na-miss niya
ko kaya pinaulanan ng tanong in English. Di na halos
ako makasagot pagkat dumadanak na ang dugo. Naging napakahirap ng pagsusulit
kung kaya ng malapit ng matapos ang oras, minani-mani ko na ito. Kanina pa
nanglilimos ng pagkain ang sikmura kaya pagdating sa bahay ay ulam agad ang
binanatan ko. Ang sarap ng hapunan namin at sa sarap, naparami ng huto sa
paglantak. Medyo dama ko na ang pagod at antok kung kaya kaagad ng tumulog.
March 19, 2015
Thursday
Year III-078
6a-i. Nagising ako
ng may kasiglahan sa dibdib at punong-puno ng pag-asa sa buhay. Isang linggo na
lamang ang nalalabi't malapit na kaming magtapos sa pag-aaral at bago iyan,
kakaharapin muna ang pagsusulit na magbibigay sakit sa ulo subalit marami ka
namang matutuhan. Matapos mag-almusal, ipinagpatuloy ko ng gawin ang Project sa Math.
Kahit di kailangang paganahin ang utak at kokopyahin lamang ang nakatala
sa internet ay pahirapan pa rin sa akin ang maghanap at di
pala biro ang pinapagawa ng aming guro. Nagpatuloy pa rin ako sa pagsusulat
kahit nangangayayat na ang daliri sa dami ng sinusulat. Kapag pursigido ka
talagang makamit ang isang bagay, gagawin pa rin kahit gaano man ito kahirap. Sa sobrang
abala ko, di napansing tanghaling tapat na. Nagugutom na rin kung kaya
pansamantalang itinigil ang gawain at kumain. Dahil sa Project sa Math,
isasakripisyo ko ang Siyesta time at walang ibang
inatupag sa maghapon kundi iyon. Idagdag pa ang maalinsangang panahon kaya
labis kong binubuno ang hirap at pagod. Malapit ng mag-ikaanim, sa wakas at
natapos ko rin ang project at makakapagpahinga na. Sa
kadahilanang wala ng ginagawa, nalibang ko ang sarili sa panonood ng telebisyon
at habang ako'y humaling na humaling ang biglang pagkawala ng kuryente.
6a-j. Saktong
kumagat na ang gabi ng maganap ang Black-out kaya balot sa
dilim ang buong Sitio Talanay. Sa halip na tumaimtim ay sumidhi pa
lalo ang ingay sa labas dahil sa mga taong nagsisilabasan upang marahil
magpahangin. Ano ba ito, halos ikatupok ko na ang maalinsangang
panahon, nawalan pa ng kuryente't todo paypay tuloy kami. Gawa na naiinitan,
naisipang lumabas at humanap ng lugar kung saan may kuryente. Pagkadako sa
kabilang Sitio ay saktong nadatnang nagkakagulo, may nagaganap
palang away at dinaig pa ang nagsasabong na manok kung magsabunutan, nakiusyoso
muna ako. Madilim na nga sa lugar namin, tapos nagkaroon pa ng alitan at wala
na marahil ititindi pa ito.
6a-k. Maya-maya'y
humupa naman ang away at ako'y bumalik na sa bahay. Sumapit na ang ikawalo, di
pa naibabalik ang kuryente't halos maubusan na ng tubig sa dami ng pawis na
nailabas, nanatili muna sa labas at nagpahangin. Habang nagpapahangi'y nilibang
ko ang sarili sa pakikinig ng musika't animo'y limot ng isip kung anuman ang
nagaganap kapag dumadapo sa pandinig ang magagandang awitin. Lumipas ang
ilang sandali, naisipan ko ng mahimlay sa kama. Hirap akong makatulog pagkat
matinding init ng panahon ang siyang nadarama at idagdag pa ang nagliliparang
lamok na walang habas kung ako'y atakihin kaya wala ring humpay ang pagkamot na
halos magkasugat ang balat. Malapit ng lumalim ang gabi subalit mababaw pa din
ang tulog ko't marahil ay tinamaan na ng Insomnia.
March 20, 2015
Friday
Year III-079
6a-l. Sumapit na
ang panibagong araw, pero di pa rin ako makatulog at di pa naibabalik ang
kuryente, tila kakapusin marahil ako sa oras upang matulog. Nakatulog naman ako
subalit madaling araw na't mga dakong ikalima na nagising. Antok na antok
talaga ako nun na siyang nagbigay katamaran sa akin at kahit kailangan ng
bumangon, gusto ko pang matulog. Gawa na tinatamad pang bumangon, Mga dakong
Alas-siete na ng ako’y magising at bumangon. May pagmamadali ako sa pagkilos
pagkat late na't pagkarating sa eskwela, saktong nagtuturo na
si Ma'am Eloisa. Nasa eskwela na ko subalit pakiwaring nasa bahay
pa rin pagkat may oras na napapayukod sa antok. Kahit nanatili pa rin ang
antok, lakas loob kong nilabanan, may matutuhan lamang. Tungkol saReproductive
system ang tinatalakay ni Ma'am kaya kapansin-pansing buhay na buhay
ang kamag-aral at may nabubuo agad sa isipan sa oras na may banggitin si Ma'am.
Matapos magturo at dahil last dissection na
para sa palaka, puspusan kong inihanda ang sarili sa mga posibilidad na
mangyayari habang iyon ay isinasagawa't iniisip na di ito basta-basta. Kukuhain
ba naman ang utak ng palaka. Nang makabili ng kakailanganin para sa Dissection ay
umakyat na kami patungong laboratory at nagbihis. Ilang
sandali makalipas, nagsimula na ang last dissection at iyon ay
ilalagay sa Vial ang utak ng Palaka. Kahit wala ng buhay ay
gumuhit ang habag sa dibdib habang ginugutay-gutay ang katawan ng Palaka't
masyadong matrabaho ang pinapagawa ni Ma'am. Bukod sa habag ay nandidiri din
ako't di na ibig titigan habang tinatanggal ang lamang loob nito subalit kinaya
pa rin.
6a-m. Pagkatanggal
ng lamang loob ay mistulan kaming karpintero ng walang humpay pinupukpok ang
buto ng Palaka't kailangan ay matiyaga at maingat pagkat maaring madurog o
maputol ang utak kapag binarabara. Pagkabiyak ng buto, kinailangan ko pang
gumamit ng magnifying glass sa liit ng utak nito. Saktong
pagkapasa kay Ma'am ay di pinalad makatamo ng magandang marka pagkat
putol. Ikinalungkot ko ang natamong marka’t nagpakahirap ako, tapos
kakarampot lamang ang makukuha. Natanggap ko naman ang naging hatol ni Ma'am
kinalaunan pagkat wala ng magagawa. Dahil huling araw na ng pagkikita namin kay
Ma'am, taus-puso kaming nagpaalam sa kanya. Pasalamat na lamang at sa wakas,
nakaraos din sa Dissection at sa amoy ng Formalin.
Sa halip na umuwi'y nanatili muna kami sa tapat ng Athletic Center at
pinanood ang ensayo ng kamag-aral.
6a-n. Sa oras na
magkamali sa step, asahan ang malakas na halakhakan na tipong
kayang yanigin ang buong Campus. Mabuti na lamang, di kami nasita
ng mga residenteng naninirahan o binato. Sa kabila na makatupok balat ang sinag
ng araw at halos maglantang gulay na sa tindi ng hapo, nagpatuloy pa rin sa
pag-eensayo ang kamag-aral at pursigidong-pursigidong pumasa. Sa tagal ng kanilang performance at
sa inip na din, nagpasyang umuwi na lamang. Habang lulan ng bus ay
labis nadurog ang puso ko ng mapanood saVideo ang tungkol sa mga
alilang labis at walang habas kung pahirapan at mga halang ang kaluluwa nila.
Sa sobrang humaling sa panonood na makapukaw damdamin, di namalayang nasa Sandigang
Bayan na't kailangan ko ng bumaba. Sayang, ang ganda pa naman ng
Istorya. Kinagabihan at gawa na bagsak na ang mga mata sa antok at may lakad pa
kinabukasan, di ko na hinintay pang lumalim ang gabi sa pagtulog.
March 21, 2015
Saturday
Year III-080
6a-o. Pumatak muli
ang araw ng Sabado, araw muli ng pagpapahinga mula sa pagsusunog kilay at
makapagpapahinga maging ang utak. Sa himbing ng tulog ko, pumutok na ang
liwanag ng ako'y magising. May lakad ako ngayong araw kung kaya di na
nagpatumpik-tumpik pa sa pagbangon at kaagad na nag-agahan. Matapos mag-agahan,
kaagad ng naligo at nagbihis. Batong-bato talagang manatili sa bahay kaya gusto
kong aliwin ang sarili sa paglalakwatsa. Sa bahay ng matalik kong kaibigan na
si Anne Rose naisipang gumawi't tulog pa ito ng datnan ko
subalit ginising na ito ng kanyang ina. Pagkabangon ay kita sa mukha niya ang
matinding pagod mula sa pag-eensayo nito kahapon at tila di sapat ang oras ng
kanyang pagtulog. Na-guilty tuloy ako sa kanya. Kahit halatang
pagod, nagawa pa rin nitong makipagkwentuhan sa akin. Habang di mapigilan ang
kanya-kanyang bibig sa pagbulalas ang biglang pagdating ng isa pa naming
kamag-aral na si Catherine. Umigting pa lalo ang ligaya sa dibdib
dahil sa kanila't pakiramdam ko'y napakainit ng pakikitungo sa akin lalo na ang
kanyang nanay.
6a-p. Maya-maya,
kasama si Catherine ay naisipang tumungo sa bayan upang
magkumpyuter. Habang ipinipihit ang yapak patungo doon ay halos mawakwak na ang
lalamunan sa kakatawa’t. Sa sobrang humaling sa pakikinig, di ko namalayang
sumapit na pala ang Alas-onse't kailangan ko ng magpaalam sa kanila. Sa bahay
naman nila Ate Anne ko sana balak tumungo subalit habang nasa
biyahe'y biglang nagbago ang isip at naisipang magtungo muna sa Starmall at
kumain. Sa haba ng biyahe at dala na rin na napakabigat ng daloy ng trapiko,
malapit ng pumatak ang Ala-una ng makarating ako sa Starmall San Jose
Del Monte. Sa unang tingin, mandidilat ng maigi ang mata mo sa sobrang laki
ng mall pero di pala malawak kapag ito'y pinasok mo na't
kakaunti lamang ang mapapasyalan. Naglibot-libot muna ako bago kumain at kahit
di gasinong kalawak ang mall ay maraming makikitang
magagandang pasyalan at sarap manatili pagkat malamig doon. Ng di na matiis ang
nararanasang gutom, kumain muna ako.
6a-q. Matapos
kumain ay ipinagpatuloy ko ang paglibot-libot at di inalintana kahit mag-isa
lamang na naglalakad. Pagdaan sa may Activity Center ay
saktong nadatnan kong may magaganap na pageant, huminto muna ako't
sinubaybayan ang programa. Habang isa-isa kong tinitingnan ang litrato ng bawat
mga kalahok ay biglang umapaw ang tuwa sa dibdib pagkat di makapaniwala na
kalahok pala si Timothy sa patimpalak. Parang may kola sa
paanan ko na di maalis sa kinalalagyan sa tindi ng ligaya at ramdam na ramdam
ko na ang pananabik na makita ito. Hindi ko inasahan na mangyayari ang ganong
pagkakataon at muntikan ng sumigaw sa sobrang saya.
6a-r. Ilang
sandali pa, nagsimula na ang programa at iba't ibang naggagwapuhang kalahok ang
nagpakitang gilas sa talento. Natawa lamang sa unang kalahok ng aksidente itong
mahubuan. Nang mga sumunod na kalahok, lalo pang sumidhi ang ingay dahil sa
tilian ng pakitaan ng magandang hubog ng katawan at yung iba, halos tumulo na
ang laway, maski nga ako'y muntikan na. Pinagpala nga sila pagdating sa
kakisigan pero karamihan sa kanila'y Waley ang ipinapakitangperformance. Gulat na lamang ako ng mag-perform ang
isang kalahok at biglang hinagis ang tsitserya, dami niyang pasabog at kinabog
nito ang mga naunang kalahok. Ang gwapo ni Christian De Guzman at
marahil ay siya na ang pinakamahusay sa lahat ng mga kalahok.
6a-s. Sa kasamaang
palad, di ako pinalad na makuha ang Tsitserya. Nang si Timothy na
ang nakasalang sa Stage at nag-perform, halos di ko na
maikurap ang mata sa kakatitig at mistulang istatwa kung makatulala, grabe at
iba ang dating ng kakisigan nito at lalo pang lumakas ang hiyawan na halos
ikabingi ko na. Pagtatambol pala ang kanyang talento't tila may pinagdaraanan
habang hinahataw ang mga tambol. Tamang kuha lang ng litrato sa kanya at halos
sumabog na ang Gallery sa dami ng kanyang litrato sabay
titilian. Isa ang araw na ito sa di ko malilimutan at di ko inasahang
matutunghayan ang kanyang talento. Balak sanang magpakuha ng litrato kasama
niya, subalit hiya muli ang pumigil. Pagkatingin sa relo, di napansing
Alas-kwatro na't tila di na ako matutuloy na magtungo kila Ate Anne at
baka gabihin, umuwi na lamang ako. Sa layo ng biyahe, naghihingalo na ang
liwanag ng makarating sa bahay. Sana'y dumating pa ang maraming pagkakataon na
magkita kami. Hindi ko alam sa sarili kung bakit napakatindi ng humaling sa
kanya samantalang may nagmamay-ari na sa puso nito.
March 22, 2015
Sunday
Year III-081
6a-t. Hindi pa rin
malimot ng isipan ang nagdaang kahapon at patuloy pa rin siyang nakatatak sa
utak. Mistulang tinta ito sa utak pagkat pilit mang tinatanggal, naririyan pa
din at nakaka-inspire talaga siya. Tumatamis ang umaga ko sa tuwing
sumasagi ito sa isipan at tila ramdam ko ang presensiya niya kahit ilang milya
ang layo namin sa isa't isa. Aywan ko ba sa sarili at parang di na Crush ang
tingin ko sa kanya, kundi mas higit pa dun at ngayon ko lang na-realize.
Lahat ng patungkol sa kanya, parating naiisip at labis na ang paghahangad na
maging akin siya, tinamaan na marahil ako ng lintik. Malapit ng sumapit ang
ikapito ng umaga ng ako'y magising at gawa na buong magdamag na walang laman
ang sikmura, naisipan ko munang mag-almusal. Matapos mag-agahan, sinimulan
ko ng tapusin ang project sa Human Development at
sa kagustuhang makabingwit ng magandang marka, taus-puso kong pinagkaabalahan
at matiyagang nilagyan ng palamuti.
6a-u. Grabe at
hindi biro ang gumawa ng Scrapbook at halos magkaroon na
ng Stiffneck dahil sa ilang oras na nakayuko. Malapit ng
maghapon ng ganap kong matapos ang projectsa Human
Development at makakapagpahinga na muli. Malapit na ang Final
exam kung kaya ako'y nagrepaso. Malaking tukso talaga ang gadget sayo't
di matiis ang sarili na kulwitin ito, di tuloy ako makapagrepaso ng ayos at
naitutuon ang pokus sa pagpe-Facebook na dapat sana'y pagsusunog
kilay. Nilabanan ko ang tukso't nagpatuloy sa pagrerepaso, kaso'y di naman
pumapasok sa utak ang binabasa at nabablangko ako. Kinagabihan, panonood naman
ng telebisyon ang inatupag ko't masaya muli ang gabi dahil sa
nakakatawang showat halos mapunit na ang panga sa kakahalakhak.
Malapit ng mag-ikasampo ng maisipang ihimlay ang sarili sa kama.
March 23, 2015
Monday
Year III-082
6a-v. Mga dakong
Alas-singko na ng ako'y magising. Huling araw na ng aming lecture at Final
exam na kinabukasan kung kaya mami-miss ko ang naging professor nitong semester na
nagpakita ng kabaitan at kahusayan sa amin sa pagtuturo at di iwawaksi sa
isipan ang kanilang ala-ala. Sa sobrang bagal ko sa pagkilos, malapit ng mag-ikapito
ng lisanin ko ang balay. Wala pa si Ma'am Ria pagkarating sa
unibersidad, kaya sinamantala ang oras upang tingnan ang kanya-kanyang Scrapbook.
Kung ikukumpara'y walang sinabi ang Scrapbook ko sa Scrapbook ng
mga kamag-aral at napakamalikhain ng project nila. Ilang
sandali pa, pumasok na si Ma'am Ria at tungkol sa Death ang
kanyang itinuro. Balak sana namin magsagawa ng Eulogy, kaso todo
ang tutol namin na huwag ng ituloy at baka maging emosyonal lamang.
6a-w. Matapos
magturo ni Ma'am, tumungo na kami sa Faculty upang ilagay ang
kanya-kanyang Scrapbook. Habang nasa Faculty,
tulong-tulong kaming dalhin ang Photo frame patungong
silid at nakakataba ng puso ang nakuhang Score. Maya-maya pa,
pumasok na si Ma'am Trisha at sa halip na magturo'y binalik tanaw
lamang niya ang mga panahong kasama namin ito at nakakaiyak ang kanyang mga
sinabi. Di pa man nangangalahati ang oras, umalis na ito at sana ay dumating
ang pagkakataong maging guro ulit siya. Sa oras naman ng Math,
nagpasa lamang ng kanya-kanyang project at nagtsek si Ma'am
Domingo. Walang magawa at napapanis ang laway kung kaya daldalan ang
inatupag namin. Matapos
magtsek ni Ma'am ay kaagad na itong umalis. Tila ibig ko ng umuwi sapagkat wala
na kaming gaanong ginagawa.
6a-x. Habang
kami'y patungo ngCanteen, bigla kong naramdaman ang pananakit ng tiyan
na tila naglalaro ang hangin sa loob nito at pahirapang ilabas ang masamang
hangin. Hindi naman gasinong kasakit kung kaya nagagawa ko pang kumilos subalit
pagkabalik namin sa silid, lalong umigting ang sakit at yung tipong di na ko
makakilos. Hindi ko batid kung anong nakain ko't biglang sumama ang lagay ng
sikmura. Ilang sandali pa, pumasok na si Sir Pablito at may
inanunsyo. Umalis din naman ito kaagad matapos mag-anunsyo. Sa sobrang sakit,
halos mangisay na ko't walang ginawa sa buong oras kundi yumukod sa bangko.
Uuwi na sana ako subalit pinigilan ni Ella at ipinabatid na
magkakaroon ng pagsusulit sa Social Science. Sumapit na ang oras
ng Social Science subalit di pa dumarating si Sir Marvin.
6a-y. Nang
bahagyang mabawasan ang sakit, nagawa kong samahan sila Anne Rose at
habang kami'y naglalakad, saktong nakasalubong si Sir Marvin.
Lundagan kami sa tuwa ng ipabatid na di matutuloy ang Quiz sapagkat
may mahalaga itong lakad. Hindi nga makakadalo si Sir sa klase subalit di muna
kami kaagad umuwi't tumungo sa Faculty upang alamin kung di
rin ba makakadalo si Sir Ubenia. Pagkatungo sa Faculty,
di namin nadatnan si Sir Ubenia at ipinabatid na may
pinuntahan ito. Tuwa ang umiral sa dibdib ng mabatid namin iyon pagkat maaga
ang uwian. Nanatiling masama ang lagay ng tiyan ko kung kaya diretso hilata
pagdating sa bahay at dagliang natulog. Naibsan naman ang sakit pagkadilat ko.
6a-z. Kinagabihan
at habang tutok ang mata ko sa pag-aaral ay may bigla na lamang naulinig na
putok at ito'y malakas at sunod-sunod. Matapos ang putok, sitakbuhan ang mga
kapitbahay. Akala ko'y Fireworks lamang ito, iyon pala'y may
naganap ng barilan at di ko mabatid kung sino, nakiusyoso ako. Pagdating sa
mismong pinangyarihan ng insidente, bangkay na ito ng datnan ko't kilabot ang
namutawi sa dibdib ng makitang dumanak ang dugo't halos di na makilala dahil
tadtad ito ng bala. Hindi ako makapaniwala sa aking nasilayan at kalunos-lunos
ang sinapit nito. Tinambangan daw ito ayon sa nasagap ko't nakakatakot na tuloy
manirahan sa amin pagkat sunod-sunod na ang patayan. Swerteng wala namang
nadamay at panalanging huwag ng maulit ito. Grabe ang mga taong gumagawa ng
krimen, sukdulan ang kasamaan at dapat sa kanila, ipataw ang kaparusahang
walang kamatayan. Sa labis na hilakbot ay di na tuloy makapag-aral ng maayos at
nahihirapan din sa pagtulog.
March 24, 2015
Tuesday
Year III-083
6b-a. Tila
malatinta ang bakas ng kagabi pagkat kahit anong gawin kong limot, di pa rin
mabura sa isipan. Natatakot na tuloy akong lumabas pagkat di na ligtas at baka
biglang tambangan subalit walang magagawa kung parating takot ang pinapairal sa
dibdib, kung kaya lakas loob akong pumasok. Isa pa'y may pagsusulit kami ngayon
at di ako maaring lumiban. Mga bandang ikapito na ng makarating sa eskwela't
diretso tungo sa library upang magrepaso. Dibdiban ko ng
sinasapuso ang inaaral pero bakit ganon at tila di maipasok sa utak at
nakakaligtaan, oras na ito'y malampasan ng mata. Ano bang mayroon sa utak at
sadyang napakapurol at kailangan pa marahil hasain. Maya-maya pa'y tumungo na kami sa silid. Ipinagpatuloy ko ang
pagrerepaso habang wala pang guro, kaso lalong nawawaglit sa isipan ang inaaral
pagkat maingay. Lumipas ang ilang minuto, pumasok na ang amingproctor at Human
Development ang naging pagsusulit.
6b-b. Madali
lamang sa una at Common sense ang kailangan gamitin subalit
anong hirap pagdating sa bandang huli, nag-Madam Auring na lamang
ako't ayaw ng mag-isip pa ng malalim pagkat sumasakit ang bungo. Sumunod na
asignatura na aming kinuha'y General Zoology. Mabuti na lamang at
may tumatak sa isipan ko na information kung kaya di nangangamote
subalit tila di ako sigurado sa sinasagot at nalilito. Ng makitang kakaunti na
lamang kaming sumasagot, inapura ko na ang pagsagot. Mga dakong tanghali na ng
matapos kami sa pagsusulit at maipagpapahinga ko muna pansamantala ang utak.
Dahil may performance pa ang mga kamag-aral ko sa PE,
di muna ako umuwi't sinamahan sila patungo sa Athletic Center. Nang kami
lang ni Anne Rose at Ella ang magkasama'y
dinig ko sa kanila ang balak na lumipat ng ibang Dash.
6b-c Nabigla ako
sa kanilang pasya at todo kumbinsi na huwag ng ituloy subalit buo na ang
kanilang desisyon. Masaya na ko
sa Dash 2 at pahirapan sa akin ang magdesisyon ngayon. Tila
napapagitnaan ako ng dalawang nag-uumpugang bato at kailangang mamili. Kung
sasama ako sa kanila, another adjustment muli sa bagong
kamag-aral at kung hindi naman, mawawalan ako ng kaibigan at tanging sila
lamang ang malapit sa akin. Ng makapagbihis, pumasok na kami sa Covered
Court at doon nanatili. Dalawang oras na ang nakakaraan subalit di pa
dumarating si Sir Bermundo at di pa nagsisimula ang performance.
6b-d. Gawa na
naiinip at nakadarama na rin ng antok kaya di ko na sila hinintay pang mag-perform at
piniling umuwi na. Diretso kulwit agad ang inatupag ko pagkarating sa bahay at
balak sanang mag-aral pero nauudlot sa tuwing nahahagip ng paningin anggadget at
tuksong-tuksong dutdutin. Naawat naman ako sa pagpe-Facebook kinalaunan
at puspusang nagsunog-kilay. Marahil nga ay kailangan ko ng gumamit ng Memo-plus
gold upang tumalas ang memorya at di mahirapan sa pagrerepaso. Sa
halip na pumasok sa isipan ay inaantok lamang ako't tinatamad nang mag-aral. Ng
hindi ko na makaya pa ang antok, nagpasyang matulog na lamang. Study
hard put my life into calvary.
March 25, 2015
Wednesday
Year III-084
6b-e. Kahit labis
ang puyat na tinamasa ko kagabi sa kakasunog kilay ay kakaibang sigla pa rin
ang naghari sa dibdib sa aking pagmulat, dahilan kung bakit ganadong-ganado sa
pagpasok at buhay na buhay ang umaga ko. Gawa na wala pang laman ang lalagyanan
ng pagkain ay naisipan ko munang kumain bago pumasok sa silid. Habang
nasa Canteen ang biglang pagdating nina Jaimarri. Banas
lamang ako kay Jhanina ng mga oras na iyon pagkat
ipinagkatiwala ko sa kanya ang sikreto ko, tapos ipagkakalat niya lamang.
Sadyang napakatabil ng bibig at marami na tuloy nakakaalam na may gusto ako sa
kanya. Dapat sa kanyang bibig, pinapasakan ng Cork para
tumahimik. Hiling ko lang na huwag makarating sa kanya. Ang kaninang umagang
napakadalisay, napalitan ng pagkaimbyerna ng magkita kami.
6b-f. Kaya minsan,
di mo malaman kung sinong nilalang ang maaring mapagkatiwalaan at tama lang na
kumuha ng kursong Psychology para matutuhang mabasa kung
anuman ang takbo ng kanilang isipan at malaman kung sino ang dapat
pagkatiwalaan, iyan ang hirap sa akin, basta-basta nagtitiwala kaya
napapahamak. May inis akong pumasok sa silid. Maya-maya pa, nagsimula na ang aming pagsusulit. English ang
naging pagsusulit at medyo may pagka-istrikto ang proctor namin
na tipong bawat galaw ay de numero sa kanya't kaunting palya mo lang,
paniguradong paspasang sermon ang aabutin mula sa kanya. Makapigil hininga
tuloy kami dahil sa kanya at nahihirapang sumagot. Sa hirap, muntikan na kong
abutin ng siyam-siyam sa pagsagot. No choice ako kundi
manghula-hula at bahala na sa magiging resulta ng pagsusulit.
6b-g. Matapos kumuha ng pagsusulit, lumabas muna
kami at nagpa-book-bind ng Thesis subalit sa haba
ng pila, napagpasyahang mamaya na lang ituloy ang balak. Pagkabalik sa silid,
ipinagpatuloy ko ang pagrerepaso. Dinaig pa ang bentahan sa palengke sa sobrang
ingay sa silid kung kaya hindi ako makapag-concentrate sa
pagrerepaso, lumabas muna ako. Maging sa labas ay mauulinig pa rin ang ingay at
tila di ko na masumpungan ang kapayapaan sa mundo. Ilang saglit pa, mayroon na kaming proctor at
asignaturang Filipino ang sunod naming pagsusulit. Kakaunti
lamang ang aytem na kailangang sagutan at napakadali pa kung kaya kaagad naming
natapos. Pagkatingin sa bag, saktong natuklasang nawawala ang test paper sa Social
Science. Bago umuwi, dali-dali akong tumungo sa Faculty upang
bumili ng test paper.
6b-h. Abalang-abala
si Sir Marvin ng datnan ko kung kaya di ko halos makausap,
lakas loob ko na itong kinibo. Abot langit ang tuwa ko ng sabihing exempted na
raw ako sa pagsusulit subalit may hinihinging kapalit. Sa dami ng ipinagawa,
natagalan tuloy ako subalit ayos lang kung exempted naman. Matapos
naming magpa-book bind ngThesis, saka pa lamang naisipang
umuwi. Pagsagot agad ng sangkaterbang Activity sa Social
Science ang inatupag ko pagdating sa tahanan at sa dami, buong
maghapon ko iyon inatupag. Pagsapit ng gabi, ang dapat sanang matiwasay na
pag-aaral ay di naisakatuparan pagkat ang ingay sa labas at daming disturbo sa
buhay. Tinamad na ko't sa paggamit na lang ng Android phone ko
itinuon ang maraming oras. Hindi ko batid sa sarili kung bakit mas binibigyan
ko ng pansin ang pag-online sa Social Media kaysa
mag-aral at napakahirap labanan ang tukso.
March 26, 2015
Thursday
Year III-085
6b-i. Lugmok na
lugmok pa rin ang mga mata sa antok at ibig ko pang palawigin ang oras sa
pagtulog subalit kailangan ng awatin ang sarili. Pagkatitig sa orasan, halos malapit
ng mag-ikalima. Kahit di gutom, kailangang piliting lamnam ang sikmura upang di
gutumin mamaya. Bago pumasok, Namalantsa muna ako ng uniporme. Tamang
pagrerepaso lang ang inatupag ko habang nasa biyahe at pagdating ng yapak sa
eskwela, mangilan-ngilang kamag-aral pa lamang ang naroroon ng datnan ko't
sinamantala ang payapang kapaligiran sa pagrerepaso. Kasabay ng pagdami ng
kamag-aral ang pag-igting ng ingay, hirap na tuloy makapag-aral ng ayos.
Lumabas na muna ako't doon ipinagpatuloy ang pagrerepaso. Maya-maya pa'y pumasok na ang aming Proctor at
asignaturang Social Science ang naging pagsusulit namin.
Puro True or False ang uri ng exam kung
kaya hula-hula na lamang ako't kumpiyansang makakatsamba sa mga sagot.
6b-j. Habang abala
pa lamang sa pagsagot ay sunod-sunod ng nagpapasa ng test paper ang
mga kamag-aral at laking taka ko pagkat ang bibilis nilang sumagot. Batid ng
isip na mahihirapan ako sa pagsusulit sa Math, kaya matapos ko pa
lamang sagutan ang pagsusulit ay dibdiban na agad akong nagrepaso. Pilit
isinusuksok sa isipan ang bawat Formula subalit nawawaglit pa
rin. Mukhang malabong maipasa ko ang pagsusulit pagkat tila napipisil na
magiging mahirap subalit di ako pinanghinaan ng loob at ipinagpatuloy ang
pagrerepaso. Kahit saan itutok ang teynga, kaliwa man o kanan ay dinig ang
ingay at ibig kong takpan ito ng sa ganon ay di na makarinig, ang problema
lamang ay di tatatak sa isipan ang inaaral ko.
6b-k. Ilang
sandali pa, pumasok na ang kasunod na Proctor. Medyo may edad na
ito at Istrikto. Kung tutuusi'y di niya pinahintulutang kumuha ng pagsusulit
ang mga walang dalang Calculator at pinapalabas. Mabuti na
lamang at may nahiraman ako. Kahit may kahirapan, may napag-aralan naman ako
kung kaya di na nangamote sa pagsagot subalit pagdating sa huling bahagi, doon
na nagsimulang sumakit ang ulo. Nakahinga din ng maluwag matapos ang
pagsusulit. May babayaran pa ko kay Sir Bermundo para sa Bingo
Card at sa halip na umuwi, tumungo muna ako sa kanyang Faculty.
Wala ito ng datnan ko pagkat Day-off niya raw at sinabing sa
isang PE teacher ko na lamang ibigay ang bayad.
Si Sir Cleofe ang inirekomenda sa akin at pagdating ko sa
silid kung saan ito nagbabantay, nabulaga ako pagkat saktong naroroon si Timothy
pagkabukas ng pintuan at hindi ako makapaniwala sa nakita. Magkahalong tuwa
at hiya agad ang naramdaman sa dibdib ng masilayan ito at gulo ang isip kung
ano ang gagawin.
6b-l. Sa labis na
hiya, sa kabilang pintuan na ako kumatok at nagtanong. Hindi ko na makaya pa
ang nararanasang hiya kung kaya nagpasama na ako kay Anne Rose,
pumayag naman ito't bahagya niyang pinawi ang hiya ko sa dibdib. Kahit medyo
nahihiya, lakas loob pa ring kumatok kung saan siya naroroon at hinarap
si Sir Cleofe. Pagkabigay ng bayad, daglian kaming umalis ni Anne
Rose. Tila marahil pinagtatagpo kami ng tadhana ni Special Someone pagkat
ilang pagkakataon ng nagkrus ang aming landas. Nag-uumapaw ng husto ang
kaligayahan sa dibdib at lalo pang tumingkad ang nararamdaman ko sa kanya. Sana
ay may pagkakataon pa na magkita kaming muli. Sa tuwa, mistulan na kong buwang
sa aking kinikilos at di maka-get-over ang isip. Maski sa pagsapit
ng gabi’y hindi siya maburabura sa utak at patuloy niyang binibigyang kulay ang
buhay ko.
March 27, 2015
Friday
Year III-086
6b-m. Kumagat na
ang hating-gabi pero hirap pa ring makatulog ng ayos pagkat mainit at idagdag
pa ang pag-atake ng mga lamok. Kainis naman itong nararanasang sitwasyon at
gusto kong makawala. Gumawa ako ng paraan para maging komportable ang pagtulog.
Kinaumagahan at pagdilat ng mata, ang umaga na dapat sana'y maginhawa't
masigla'y nasira dahil sa mabibigat na sermon mula kay ina ang kinaharap ko. Di
ko mabatid kung bakit ganoon na lang ang reaksyon sa akin ni ina. Iyon pala,
nakaligtaan kong isara ang pintuan sa may tindahan kagabi at iyon ang
ikinapupuyos ng damdamin. Mapalad pa rin at di pinasok ng magnanakaw. Batid ng
isip na may pagkukulang kaya di na nagawa pang sumagot.
6b-n. Labis kong
sinisisi ang sarili sa pangyayaring di ko lubos inasahan at di batid kung bakit
ako nagkakaganito. Tumahimik naman si ina kinalaunan. Gawaing bahay kaagad ang
inatupag ko matapos mag-almusal. Pagsapit ng
tanghali, Summer na talaga dahil kakaibang init ang nadarama,
nagtiyaga na lamang at kanya-kayang gimik upang malamigan. Gawa na
batong-batong manatili sa tahanan at napapanis ang laway, naisipan kong lumabas
at nagkumpyuter. Pagbalik sa bahay, inis ang umiral sa dibdib pagkat di man
lang tinirahan ng pasalubong ni Ama. Nagugutom pa man din ako kung kaya di
maiwasang magtanim ng sama ng loob at magmaktol subalit di na maibabalik kahit
magmaktol ako, kung kaya tinanggap ko na lamang ang naging kinahinatnan.
6b-o. Kinagabihan,
mag-aaral sana ako subalit sa tuwing tatama ang paningin sa Gadget,
di matiis na kulwitin at paglaruan. Mabuti na lamang at kinaya kong labanan ang
tukso at nagsunog kilay. Hindi pa dinadalaw ng antok kung kaya naisipan munang
manood ng pelikula. Hindi ko mapigilan ang bibig sa pagtawa subalit mahina
lamang at baka may magising. Sa sobrang humaling at tutok ng mata sa panonood,
di namalayang Alas-dose na pala. Sa ganda'y ibig ko pang tapusin ang programa
subalit inaantok na't kailangan ng matulog.
March 28, 2015
Saturday
Year III-087
6b-p. Masarap muli
ang tulog ko't tila di na nga maawat ang sarili sa kama't tirik na ang haring
araw ng bumangon. Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng mga nagawang kasalanan
nitong nagdaang araw, hindi pa rin ako pinapabayaan ng Panginoon at parati niya
akong pinapatnubayan. Siya ang dahilan kung bakit naririyan pa rin ako at di
pinahihintulutang may mangyaring masama sa magdamag at patuloy na
pinoprotektahan, sadyang napakadakila niya. Matapos mag-almusal, gawaing bahay
agad ang inatupag ko. Sa kabila na sangkaterba na ang aking ginawa ay di man
lang nakaranas ni katiting na pagkahapo at ang sigla-sigla ko pa rin. Matapos
magwalis at magpunas, pamamalantsa naman ng uniporme ang sunod kong inatupag.
6b-q. Mga dakong
tanghali na ng tumungo ako sa unibersidad. Bago pumasok sa silid ay nagtungo
muna sa Cashier at nagbayad ng pangmatrikula para sa NSTP.
Sadyang napakahaba ng pila kung kaya natagalan pa bago makapagbayad subalit di
naman tinamaan ng pagkainip. Matapos
magbayad at habang patungo na ko sa silid ay saktong nakasalubong sila Jaimarri.
Labis na ang pagka-miss sa kanila kaya nakisama muna ako. Dami
nilang naikwento sa akin kung kaya tutok na tutok ang teynga ko't sa labis na
humaling sa pakikinig, walang kamalay-malay na malapit ng magsimula ang pagsusulit
at kailangan ko ng pumasok. Habang may nalalabi pang oras ay nagrepaso muna
sa Mental Hygiene.
6b-r. Maya-maya
pa, pumasok na ang aming proctor at nagsimula na ang
pagsusulit. Tila marahil na-mental block pagkat di maalala ang
sagot subalit naging napakadali naman sa pangkalahatan. Sa dali, kaagad kong
natapos ang pagsusulit at nawa'y naipasa ko lahat. Habang naglalakad patungo sa
sakayan ay saktong nakita si Rhica kasama ang kanyang mga
kamag-aral. Nakakalibang silang kasama at hindi maiwasang ilabas ang ngipin.
Dami nilang alam na kalokohan, ang lalakas pa man din mang-trip. Sa
kakatawa na halos ikasira na ng panga, muntikan ng sumakit ang tiyan ko. Dahil
sa kanila kaya napakaligaya ng araw ko't sana'y magkita-kita kaming muli.
6b-s. Bago tumungo
sa sailing tahanan ay naisipan munang magkumpyuter. Naghihingalo na ang liwanag
ng makarating ako sa bahay. Kanina pa nakakaramdam ng gutom kung kaya kaagad
akong kumain. Habang di maawat ang bibig sa pagnguya ng biglang tumawag
si Tita Susan. Magkahalong tuwa at sabik agad ang naramdaman ko ng
ipabatid nitong magkakaroon muli ng Reunion ang aming angkan
at iyon ay gaganapin sa susunod na Linggo doon sa Batangas. Kaagad
naman naparam ang tuwa ng sabihin ni Papa na di siya makakasama at tila
kandilang unti-unting nauupos ang sabik sa dibdib. Sa kagustuhan ko talagang
sumama'y di pa rin nagbabago ang isip kahit naging ganoon ang desisyon ni ama.
Matapos manood ng paboritong programa at gawa na rin na mugtong-mugto ang mga
mata sa antok ay kaagad na kong natulog.
March 29, 2015
Sunday
(Palm Sunday)
Year III-088
6b-t. Linggo ng
palaspas, hudyat na pumasok na tayo sa panahon upang magnilay. Umaga pa lamang
at sa aking paggising ay dinig ko na kaagad ang himig ng nagpapasyon at
pagkadungaw sa bintana, madami ng deboto ang nagkumpulan sa iisang umupukan na
may kanya-kanyang hawak na palaspas. Maya-maya pa'y pila-pila silang
nagsialisan at tumungo sa Simbahan. Sa bilis ng panahon ay di namalayang Mahal
na araw nanaman at kailangan muling pagnilayan ang mga nagawang kasalanan. Sa
isang taong makalipas ay marahil ay wala ng mapaglagyan sa dami ng kasalanan ko
at nawa'y mapatawad pa ako ng panginoon kung sakaling ganon nga karami. Naghari
muli ang pagkabato ko kaya binalak na maglakwatsa subalit pinigilan ako ni Mama
at inatasang ako muna pansamantalang magbantay sa tindahan pagkat may
pupuntahan daw ito.
6b-u. Pumayag
naman ako't idinaan na lamang sa pagpapatugtog upang maaliw. Naaliw naman ako
at sa sobrang aliw ay di mapigilan ang sariling umindak at ang sigla-sigla muli
ng araw ko na tila walang dusang dinadanas.Malapit ng magtanghali ng dumating
si ina subalit di ko pa rin maituloy ang balakin pagkat makasunog balat na ang
init sa labas at kakatamad ng lumabas, nanatili na lamang ako't patuloy na
nilibang ang sarili sa pakikinig ng awitin. Maya-maya pa'y tanghalian na't lalo
pang uminit ang Summer ko dahil sa mainit-init na Sinabawang
karne't sa linamnam ay napasubo ako ng dami't di na nga makakilos sa labis na
kabusugan. Kating-kati na ang paang lumayas kaya ng mapansing bahagyang lumilim
ay naisipan kong lumabas.
6b-v. Sa bahay nina
Angelica ako tumungo't tila may nag-iba sa pananamit nito ng datnan
ko, inalam ko kung bakit at kakilakilabot ang naging katugunan nito na hirap
paniwalaan. Sa dami ng aming napag-usapan na puro pawang kababalaghan lamang,
di namalayang dalawang oras na ko sa kanila. Maya-maya pa'y nagpaalam na ko sa kanila't nagtungo sa Computer
Shop. Matapos magkumpyuter at kahit lumagom na ang gabi ay di ko pa ibig
umuwi. Sa bahay naman nila Cathy ako sunod na nagtungo't sa
isang buwan na di ko pagbisita sa kanila'y napakarami nilang naikwento sa akin.
Sa kakadalda'y di na nga halos makakain. Ang kaninang matino't maayos na usapan
ay nauwi sa biruan at daming pahirit na Jokes ni Cathy maging
ni Kuya Wilson kaya makapunit panga na ang aming pagtawa at
ang kukulit pa.
6b-w. Sa saya,
ibig ko pa sanang manatili ng matagal sa kanila subalit kailangan ko ng umuwi.
Dakong Alas-nuebe na ng dumating ako sa bahay at mapupusok na sermon muli ni
ina ang sumalubong sa akin na halos lumunin na ang sarili sa ngitngit.
Napakasensitibo ng kanyang reaksyon at kung makapagalit akala'y puro bulakbol
ang inuuna kaysa makatulong. Nakakapaso man ang kanyang mga salita subalit di
ko na sinagot pa't baka umigting pa ang hidwaan. Minsan na nga lang lumayas,
may naririnig pa ko at gusto niya marahil, nakakulong lang ako sa bahay.
Natulog akong may sama ng loob sa kanya't takot ang umiral sa dibdib na
kaharapin ang bukas dahil baka makatikim ako ng latay ni ama.
March 30, 2015
Monday
Year III-089
6b-x. Lunes Santo
at nagising na lamang dahil sa matinis na himig ng nagpapasyon at kay sarap
dinggin. Pagkaangat ng sarili'y nag-almusal na agad ako. Habang lumilipas ang
bawat sandali ang unti-unting pagsidhi ng kaba sa dibdib at pinaghahandaan ko
na ang ngitngit ni ama't tatanggapin ko kung anuman ang kanyang sasabihin. Tila
nabunutan ako ng malaking tinik pagkat di nangyari ang pinangangambahan ko at
pinagsabihan niya lamang ako. Si ina naman, mistulang bulkan kung mag-alburoto,
di ko alam kung bakit mainit muli ang ulo't kung ano-ano ng salita ang nabibitawan
at wala siyang pasintabi. Maging tindaha'y idinawit na sa kanyang galit at kung
makapagsalita, parang di na pamilya ang turing sa amin. Si ate naman, na
mapigilang mabanas kay ina't sagutan silang dalawa. Di naman kasi tama ang
kanyang mga sinasabi at tila di siya marunong makiramdam. Humupa naman ang
hidwaan nila kinalaunan.
6b-y. Pagsapit ng
tanghaling tapat, anong init muli sa labas. Ngayong oras ko na sanang balak
tumungo kila Tita Cleo subalit biglang napagtanto na di pa
pala nalalabhan ang mga damit ko at walang maisusuot, di ko muna itinuloy at
naglaba sa kabila na mataas ang sikat ng araw. Mabuti na lamang at maaliwalas
ang lagay ng panahon kung kaya may posibilidad na matuyo kaagad. Kinahapunan,
at dahil may kahabaan na ang buhok, nagtungo muna ako sa barber shop at
nagpagupit. Matapos magpagupit ay tumungo naman kina Cathy. Tamang Selfie lamang
kaming dalawa. Ang ligaya, nahanap ko muli habang nanatili sa kanila.
6b-z. Maya-maya
pa'y kinailangan ko ng magpaalam sa kanila. Kumagat na ang gabi ng ako'y
makarating sa tahanan. Gawa na nasasabik ang sarili na magbakasyon sa
probinsya, kaagad na kong nag-impake at ito'y paspasan. Sa dami ng inimpake, tila isang buwan akong
mamamalagi roon at kay bigat ng aking dalahin. Matapos mag-impake'y umalis na
ko. Malapit ng mag-ikasampo ng gabi ng makatungtong sa bahay ng Tita
Cleo at tinadtad niya kaagad ako ng katanungan. Sa dami ng katanungan,
sa halip na ipagpahinga na ang sarili'y nakipagdaldalan pa sa kanila. Matapos
ang aming usapan at gawa na kanina pa hapo ang katawan, kaagad na kong natulog.
Kahit komportable at napakalambot ng higaan kung di mo naman sariling bahay ay
di ka pa rin makatulog ng maayos.
March 31, 2015
Tuesday
Year III-090
6c-a. Martes
Santo, sa sarap ng tulog ko ay mga dakong Alas-sais na bumangon. Hinintay pang
bumangon ang mga pinsan ko bago mag-agahan. Sa kadahilanang may kanya-kanyang
lakad sila Tita Cleo, maya-maya pa'y nagsialisan na sila't kaming
dalawa na lamang ng Tita Susan ang naiwan. May trabaho pa ito
ngayon kung kaya bago umalis ay todo bilin ito sa akin at laking tuwa ko naman
pagkat nagawa niya akong pagkatiwalaan. Ako na lamang ang mag-isa sa bahay at
nag-isip ng paraan upang malibang. Habang ako lamang mag-isa'y walang ibang
inatupag kundi magkulwit ng Android phone at nagpahangin sa
labas. Bantay sarado sa mga mata ko ang pintuan sa takot na malooban at
malingilan ng may-ari. Mga dakong
tanghali na ng dumating si Harvey maging ang Tito Lito.
Habag ang umiral sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang Tito Lito na
tila may malubhang karamdaman at iniinda ang rayuma't marahil ay di matutuloy
ang pagtungo namin sa probinsya dahil may sakit ang taga-maneho.
6c-b. Wala pang
maulam at sa gutom na din ay lakas loob akong gumawa ng paraan. Kahit di
sariling pamamahay ay may pagkukumahog pa ring nagsaing at nagluto ng
kakainin. Todo aya sa kanilang kumain subalit di naman naingli, ako na lamang
kumain ng niluto. Matapos kumain, tumungo ako sa panahian kung saan
nagtatrabaho ang Tita Susan. Kahit di na makapirmi ang paningin sa
makina sa dami ng dapat tahiin ay nagawa pa rin niya akong kausapin maging ang
kanyang mga kasamahan. Bukod sa
nakakalibang manatili'y may naibahagi din sila ukol sa paraan ng pananahi, may
natutuhan naman kahit paano subalit sa aking pakiwari'y di basta-basta ang
kanilang ginagawa at masyadong mabusisi ang pagtatrabaho.
6c-c. Gayunpaman,
nag-enjoy ako ng subukan ang kanilang ginagawa. Habang nanatili'y
ako ang tagawalis ng nilikha nilang kalat. Kahit puro kabalbalan ang lumalabas
sa bibig ay dami kong halakhak sa kasamahan nilang bata't kay husay managot.
Kaso, may pagkatopak ito at nandudura pa kapag kinukulit. Gayunpama’y ni
katiting na pagkairita'y di gumuhit sa dibdib dahil sa malabalon kong pag-unawa
sa kanya. Lumagom na ang dilim ng matapos ang Tita sa kanyang ginagawa't nag-shopping muna
kami bago umuwi. Pagkarating sa bahay ng Tita Cleo, kaagad na
kaming naghapunan. Maaga pa ang aming gayak patungong Batangas kung
kaya maaga akong natulog. Sa tindi ng aking pagkasabik, di naman makatulog ng sarap
at tila ibig ng pumatak ang bukas.