November
01, 2014
Saturday
(All Saint's Day)
Year II-305
Saturday
(All Saint's Day)
Year II-305
5d-x. Espesyal na araw upang gunitain ang lahat ng namayapang mahal natin sa
buhay subalit nagtataka lamang ako kung bakit sa halip na mga santo ang
pag-ukulan natin ay mga patay pa samantalang nakasulat sa kalendaryo ay All
Saint's Day? Hindi ba ibig sabihin ay araw ng mga santo hindi mga
patay? Hindi ko lubos malaman kung bakit tayo napunta sa ganung kaugalian, sa
halip na mga santo ang gayahin ng mga bata tuwing ganitong panahon ay mga patay
pa't nilalagyan pa ng sungay sa ulo na akala mo'y kampon ni Satanas, namulat
na nga sila sa ganoong gawi na dapat baguhin upang di makalimutan ang ating
pananalig sa Diyos. Kahit ano namang relihiyon ay di sang-ayon sa pinag-gagawa
natin pagkat tinutularan natin ang katunggali ng Diyos at dapat ay mamulat na
tayo na di tinutularan ang demonyo.
5d-y. Mga dakong ikawalo na ng umaga nagising at kay sigla ng araw ko subalit
napalitan ng pagka-badtrip ng pagalitan ni ina at ate dahil sa di
lamang nagustuhan ang biro ko at masyado silang insensitive sa
'kin. Sa inis ay nilisan
ko muna ang tahanan at naisipang magtungo kina Regine upang
magpalamig. Panay ang pambabara sa 'kin nila Annie na halos
ikabasag ko na habang nagsasalita kaya di mapigilan ang tumawa, buti pa sila at
nagagawa pa rin ilabas ang ngipin kahit tila masasakit na ang biro at parating
napapansin ang 'yong kapintasan. Ang kaninang yamot sa dibdib ay napalitan ng
saya dahil sa kanila. Habang nagkukwentuhan kami ang di inasahang pagdating ni
Mama kasama si Kuya Al, iyon pala'y hinahanap pala nila ako at
pinapauwi subalit ayaw ko pa at mas piniling manatili muna pagkat mainit pa ang
ulo ko.
5d-z. Si Kuya Jun naman, parang buwang kausap at halos
ikasakit ng ulo ko ang mga ipinapaliwanag niya, tawa na lamang ako ng tawa
kahit di nauunawaan. Maya-maya, basaan kami ng tubig nina Annie at Gelyn gamit
ang pinaglalabhan ni Regine na animoy mga bata kung magkulitan at halos magmukhang basang
sisiw na Dakong Alas-dyis ko na naisipang umuwi't pagdating ay may nilutong Spaghetti pala
ang Mama at iyon ang naging tanghalian ko. Mga dakong hapon ng muling
maisipang magtungo sa Computer Shop. Nakaka-stress lamang
at di maiwasang manlumo pagkat corrupted lahat ng Files ko
dahil sa lintik na Virus, bago umuwi ay naisipan ko pang puntahan
si Kuya Dever upang i-repair ang mga pinaghirapang
mga Documents subalit wala ito. Pagkauwi, saya muli ang umiral
sa dibdib ng makitang nakahain angPancit Bihon sa mesa
at iyon naman ang naging meryenda ko, sa dami ng nakain ay halos di makakilos
gawa ng kabusugan.
5e-a. Pagkatapos ay nagtungo muli ako sa bahay nina Regine at
inaya nila Annie na umakyat sa kanilang bubong. Habang
nasa rooftop ay tanaw na tanaw ko ang ganda ng View at
naglalakihang mga kabahayan sa subdivision. Maya-maya'y bumaba na
kami't kila Ate Ging naman sunod naisipang bumisita at
abalang-abala sila sa pag-iihaw ng Barbeque at Betamax,
inabot na ko ng gabi sa kanila at kasabay ng pagsapit ng gabi ay ang
pagsisimula ng pagtitirik ng kandila sa bawat kabahayan maliban sa kanila
pagkat sa kanilang paniniwalang Kristiyano ay masama raw iyon
at nagtatawag daw ng patay. Ni si Jaka nga'y di pinapayagan na
sumali sa trick or treat ng mga bata pagkat ginagaya raw
si Satanas at malugod kong nirerespeto kung anuman ang
paniniwala nila.
5e-b. Hindi na ko nagtagal pa sa kanila at sa halip na umuwi'y nagtungo pa ko
kina Regine, habang naglalakad ay dami ng mga batang naka-make up ng
pampatay at nakasuot ng maskara sabay limos ng kendi at pera sa bawat bahay na
mapuntahan. Tamang katatakutan lang din kami nina Annie at Gelyn
bilang katuwaan at ang ligaya ng gabi ko. Maya-maya'y naglibot-libot kami't
kaliwa't kanan na ang Trick or treat subalit pagdaan sa bahay
ay naisipan ko ng pumasok. Kakila-kilabot ang naging palabas sa MMK pagkat
walang konsensiya nilang ipinapalaglag ang bata at kay bigat ng kanilang
kasalanan. Ng mamatay ang ina ng batang ipinalaglag nila'y naghiganti ito't di
pinatahimik ang Aborsiyonista. Sa huli'y pinagsisihan ng Aborsiyonista ang
kanyang mga nagawa at nagbalik loob sa Diyos. Kahit aborsiyonista ay nagawa pa
rin nitong buhayin ang bata sa kanyang sinapupunan at prinotektahan kahit
tinatangka ng patayin ng multo. Kahit nakakakilabot ang Genre ng
palabas, may aral pa ring napulot at iyon ay bigyan ng karapatan ang mga batang
mabuhay, kahit ano pa ang maging kapalaran nila.
61 | 54 Limang pu't apat araw na lamang bago magpasko at Scary Halloween!
November 02, 2014
Sunday
(All Souls Day)
Year II-306
5e-c. Nabasag ang mahimbing at masarap kong tulog dahil sa dagundong ng
tugtog na pagkalakas-lakas, umaga na pala at mataas na rin ang sikat ng araw
kung kaya di na ko nagpatumpik-tumpik pa sa pagbangon. Kaarawan din ngayon ng
kapatid kong si Kuya Al at magkahalong sabik at saya ang
umiiral sa dibdib pagkat sa muling pagkakataon ay magkakaroon muli ng
kami Family Bonding at naisipang idaos sa SM North
EDSA. Habang humihigop ng mainit-init na kape'y bigla kong nadama ang
pagsakit ng teynga subalit di naman gasino. Gayunpaman ay ipinagsawalang bahala
ko na lamang ang pananakit ng teynga at marahil ay may naipon lamang na sipon
na kailangang ilabas. Matapos mag-almusa'y nagtungo na ko sa bahay nila Kuya
Denver, nagbabakasakaling may panahon na itong asikasuhin ang problema sa
mga Files ko subalit abala ito.
5e-d. Parating may paraan kapag gusto kaya kina Auntie Caling naman
ako nagtungo upang ipaayos kay Kuya Boyet ang Files subalit
di nanaman ako pinalad at umuwing nakabusangot ang mukha. Maya-maya pa'y
nagbihis na kami magpapamilya at mabilis na nakarating sa SM North EDSA.
Pagdako sa Cabalen, napiling restaurant kung saan
kami kakain magkasama'y sumalubong ang napakaraming tao at singhaba ng buhok
ni Rapunzel ang haba ng pila. Mga Dakong Alas-kwatro pa raw
ang Dinner time para sa 'min kaya naisipan munang mamasyal. Habang
kami'y naglilibot-libot ay pansamantala akong tumigil pagdaan sa bilihan ng mga
Libro at pumasok. Medyo nawili ako sa patingin-tingin at pagbabasa kaya di ko
napansing nakalayo na sila. Hinanap ko na sila kung saan-saang lupalop ng Mall subalit
di ko masumpungan at di na maitago sa dibdib ang pag-aalala.
5e-e. Bumalik ako sa Cabalen at nanatili, nagbabakasakaleng
pumaroon na sila. Mahigit sa trenta minutos na kong nakatayo't ngawit na ang
kalis sa kakaabang subalit di naman sila nagpapakita,
naglakad muli ako't hinanap sila.
Maya-maya pa, sa wakas at natagpuan ko na rin sila at kanina pa raw ako
hininhintay. Sadyang napakarami ng Costumer sa Cabalen at
sa kadahilanang Alas-kwatro pa kami makakakain at di na makatiis ang sikmura sa
pagkain, nagpasyang sa ibang restaurant na lang kumain.
Sa Barrio Fiesta namin naisipang magtungo't di hamak na
manaka-naka ang pagdagsa ng mgaCostumer kaya agad kaming nakaupo,
iyon nga lamang ay di eat all you can di katulad sa Cabalen.
5e-f. Ilang saglit pa, nagsalo-salo na kami sa kainan at sa tana ng buhay
ko'y First time ko lamang nakakain ng Kare-kare at
halos di na maawat ang sarili sa pagbanat, bukod sa Kare-kare'y may
iba pang putaheng nakahain sa mesang matitikman at sa dami ng nakain, labis akong
nabusog. Pagkatapos ay
nagtungo naman kami sa Skygarden at panay kuha ng litrato
kasama ng mga nakatanghal na Effigee. Sa SM Annex naman
kami sunod na nagtungo't di hamak na mas malamig kung ikukumpara sa main kaya
ngatog na ngatog ako sa ginaw. Dami ring mga bilihing mukhang ginto ang presyo
at naggagandahang damit at bag ang makikita, sa totoo lamang
ay Feelkong suutin ang mga iyon at nagmumukha akong prinsesa kaso
walang layang gawin iyon sa takot na itakwil.
5e-g. Maya-maya pa'y sa The Block naman kami namasyal at
nagtungo kung saan namamasukan si Ate Yayi. Pagkarating ay halos di ko na
ito makilala pagkat laki ng kanyang pinagbago subalit di nagbago ang Height nito.
Dahil masyadong abala sa trabaho, saglit lang namin itong nakausap at agad na umalis.
Sumakit muli ang teynga ko habang nasa biyahe pauwi't nangangamba ako na baka
may tumubo ng tumor sa loob nito at mauwi sa pagkabingi.
Hangga't di pa malala, inabisuhan na ko nila Mama na ipatingin na sa Doktor ang
teynga bukas. Malabo na nga ang paningin ko tapos may sakit pa sa baga, pati sa
teynga'y nagkaroon pa ng problema't pakiramdam ko'y nagiging pabigat na ko sa
kanila. Sa pagod ay diretso higa ako sa kama at natulog.
60 | 53 Limang pu't tatlong araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
November 03, 2014
Monday
Year II-307
5e-h. Lugmok pa rin ang mga mata ko sa antok subalit kailangan ko ng awatin
ang sarili sa higaan upang hindi mahuli sa Enrollment. Kasabay ng
aking pagbangon ay ramdam ko pa rin ang pananakit ng teynga na kahapon pa iniinda
at pangamba na sa dibdib ang aking nadarama. Natatakot ako na baka mauwi sa
pagkabingi na huwag naman sana mangyari. Mga dakong Alas-sais ako nakatungo sa
eskwela, wala pang gaanong tao at ako pa lamang marahil ang estudyante. Kaagad
na kong dumeretso kung saan ang Enrollment area subalit maging
doon ay wala pang tao at sarado pa. Ilang minuto ako nanatili roon at
maya-maya'y naglakad-lakad muna. Habang ako'y matiwasay na naglalakad ay
saktong nakitang paparating si Sir Marvin. Galit pa
naman ito sa mga estudyanteng pakalatkalat at sinisita niya talaga ito,
dali-dali ako sa pagkilos pabalik at nagtago upang di mamataan. Saka pa lamang
ako lumabas sa 'king pinagtataguan ng makalayo si Sir Marvin.
Habang tumatagal ang unti-unting pagdagsa ng mga estudyante at lumipas ang
isang oras ay nagsimula na nga ang enrollment. Laking tuwa ko
sapagkat ako ang kauna-unahang nakapag-enroll para sa araw na ito.
5e-i. Habang ako'y nasa proseso ng Enrollment ay hiniling ko
sa Coordinator na magpalipat ng ibang Dash, para
maiba naman ang kamag-aral ko't bagong kakilala at kaibiga, agad naman niya ako
pinahintulutan. Goodluck na lamang sa bagong kamag-aral ko
sa Dash 2 para sa pagbubukas ng klase at nawa'y di ako
mahirapan sa panibagong adjustment. Habang naglalakad paalis ay
saktong nakita ko sila Colene, ipinabatid niya sa 'kin na di na raw
siya makakapag-aral sa darating na semester at umiral agad ang
lungkot sa dibdib. Matapos naming mag-usap ay kaagad na akong nagtungo sa Commonwealth General
Hospital upang magpa-check-up. Unang beses ko pa lamang
magtungo roon at medyo nagugulahimanan pa kung ano ang gagawin kaya
nagtanong-tanong pa.
5e-j. Nang mabatid ang gagawin ay nagtungo pa ko sa Health medical
organization upang ipa-activate ang Intellecard.
Hinintay ko pa ang feedback ng itinalagang Doctorpara
sa 'kin at ilang saglit pa'y pinapunta na ko ng OIC sa clinic.
Buti na lamang at mayroon akong Intellecard dahil kay ate kung
kaya nakalibre ako sa bayarin para sa konsultasyon subalit medyo may
pagkamasungit ang doctor na nagngangalang Malahito habang
kami'y nag-uusap. Gamit ang instrumento na ipinasok ni Doctor Malahito sa
teynga'y pagkadungo agad ang namutawi sa dibdib pagkat kita ko sa monitor kung
gaano kakapal at kaitim ng tutuling bumabara sa teynga at dahil doon kaya di pa
matukoy kung ano ang sanhi ng pagsakit at kailangan pang alisin ang tutuli.
5e-k. Nang maresetahan ay diretso uwi na ko't patuloy ko pa ring iniinda ang
hapdi at sakit sa teynga na tila namamaga. Kaagad akong nakapagpananghalian
pagdating sa bahay at matapos ay nag-Siyesta. Hindi naman makatulog ng
maayos dahil sa patuloy na pagsakit, bumangon na lamang ako. Kinahapunan ay
nagtungo ako sa bahay nina Kuya Denver upang ipa-repair ang corrupted
kong mga files dahil sa lintik na virus,
saktong wala itong ginagawa kung kaya kaagad niyang naasikaso ang memory
card ko at bilib ako sa ginagawa nito. Ipapa-repair ko pa
sana ang isa pang memory card na-infected din
ng virus, subalit ay nahihiya na ko't ako na ang bahala sa isa.
Kinagabihan ay halos mawala ang pandinig ko ng lapatan ni Mama ng Otosol ang
teynga ko na pangtanggal sa tutuli't tila tubig lamang ang laman subalit
katangap-tangap ang amoy. Matapos manood ng paboritong programa, di ko na
pinalipas pa ang oras upang matulog.
59 | 52 Limang pu't dalawang araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 04, 2014
Tuesday
Year II-308
5e-l. Hindi naging maaliwalas ang panahon at may pagbabadya pa nga ng
pag-ulan na siyang nagbigay lamig sa aming pakiramdam at tila nahihiyang
magpakita ang araw. Sa aking paggisi'y nanatili pa rin ang sakit sa teynga at
parang nag-iba ang pandinig ko simula ng malagyan ng gamot, tanda na marahil na
malapit na kong mabingi subalit positibo pa rin ang pananaw ko't umaasang
malalampasan ang ganitong suliranib. Bukod pa roon ay pinoproblema rin ng aking
buhay ang mga corrupted kong important files.
Diretso tungo ako sa computer shop matapos mag-almusal. Umisip
na ko ng paraan, maibalik lamang sa dati ang mga files ko't
sinubukang gawin kung anuman ang nakita sa ginagawa ni Kuya Denver subalit
ng masubuka'y nalintikan na't pambihirang patis naman sapagkat nabura ang
mga files ko, abot hanggang kaibuturan ng lupa ang
panghihinayang ko at kaagad muling nagtungo sa bahay nila Kuya Denver,
subalit ipinabatid sa akin na tulog pa raw ito. Naghintay ako ng ilang oras at
pagkabalik ay kapareho pa rin ng kanina ang ipinabatid sa 'kin, marahil ay
nakukulitan na ang katulong dahil dinig ko kung paano ito magtaas ng boses
sabay lisan.
5e-m. Mga dakong hapon na ko bumalik sa kanila't saktong nakita kong gising
na ito subalit may ginagawa, ayaw ko ng magsisi muli dahil palaging pinapairal
ang hiya kaya lakas loob akong lumapit sa kanya at kinausap. Hindi naman siya
mahirap kausap at kaagad na inaksyunan ang mga files ko na
kahapon pa pinoproblema, iyon nga lang sa halip na mabunutan ako ng tinik ay
tila pinagsakluban ako ng langit at lupa ng sabihin niyang hindi na maibabalik
ang files na nabura kahit i-recover pa sapagkat
may virus na't kailangan ng i-delete ang iba
pang corrupted files. Umuwi akong lugmok na lugmok ang
mukha't labis ang panghihinayang. Sa totoo lamang ay di ko matanggap ang
kanyang sinabi subalit wala akong magagawa. Bakit pa kasi maging sa teknolohiya
ay namiminsala ang virus, di lamang sa katawan ng tao. Tuloy ay
uulitin ko muli ang paggawa ng kwento't pinaghirapan ko iyon! Matapos manood ng
telebisyon ay iyon ang inatupag ko bago matulog.
58 | 51 Limang pu't isang araw na lamang bago magpasko.
November 05, 2014
Wednesday
Year II-309
5e-n. Hindi naman gasinong katindi ang nararanasang sakit sa loob ng teynga
kumpara sa nakalipas na mga araw subalit tila humihina naman ang pandinig ko.
Tirik na ang araw sa labas ng ako'y magising at kaagad na nag-almusal upang
malamnan ang sikmurang magdamag na walang laman. Sa sarap ng almusal at
mainit-init pa'y nabusog ako sa dami ng kinain at tila di na kakain ng
pananghalian mamaya. Pagkatapos ay gawaing bahay ang inatupag ko, gabundok ang
hugasin sa lababo't tila di kakayanin ng powers ko subalit
dahil sa sinisipag ay nagampanan pa rin at daglian itong natapos. Maging ang sahig, balot ng alikabok at halos pwede ng isulat ang
pangalan sa kapal nito, dibdiban kong winalisan mula harap hanggang likod at
walang ligtas sa mahusay kong pagwawalis maging sa ilalim, makasampung tasa ng
nalikom na alikabok sa dami at bahagya akong binahing at sinipon pa matapos
magwalis. Naupo ako saglit at maya-maya'y ipinagpatuloy ang paglikha ng kwento.
5e-o. Sa sobrang abala ko'y di namalayang sumapit na ang Alas-onse at sadyang
kay tulin talaga ng takbo ng oras.
Maya-maya pa, tanghalian na't pagkatapos at dahil walang maisipang
mapaglibangan, panonood ng telebisyon ang inatupag ko. Napakarami kong halakhak
habang pinapanood ng nakakatawang pelikula na Petrang Kabayo. Ang
akto ni Vice Ganda, ang kukulit at tila tinakasan ng bait but
I like her as a comedianne and also want to idolize her because she makes our
life happy despite of being homosexual. Bukod sa nakakatawa, may aral din
akong natutuhan at iyon ay huwag maging malupit sa kapwa mo at parating
mapagpasensiya. Matapos manood, ipinagpatuloy ko ang paglikha ng kwento at sa
wakas ay natapos din kinalaunan. Hinintay ko munang lumilim sa labas bago
magtungo sa computer shop.
5e-p. Kahit sa palagay ko'y napakaingay sa shop na pinasukan
ay tila di ako naririndi, dala na marahil na humina na ang pandinig ko dahil sa
gamot na inilalagay. Tamang online lamang ako sa Facebook and also
chatting with my some friends. Labis ang aking humaling sa Facebook at
di namalayang pumikit na ang liwanag, kailangan ko ng umuwi. Nang ako'y
magbabayad na, laking gulat na lamanh sa sinabi ng nagbabantay at medyo
kinulang ng dalang pera, kinailangan ko pang mangutang at kaagad naman siya
napakiusapan. Habang naglalakad
sa lugar na balot ng kaingayan at walang kapayapaang masusumpunga'y tila kay
tahimik ng mundo ko't ayaw ko ng ganito na di nakakarinig ng maayos.
5e-q. Pagkarating sa bahay at siyempre ay gutom ako kaya diretso lantak ng
nalutong ulam. Si Mama na di naman inaano, bigla muling inatake ng init ng dugo
at katakot takot na sermon ang ipinamalas sa akin. Hindi ko na matanggap pa ang
mga sinasambit niya at gusto ko na siyang tapatan ng nakakapasong kataga
subalit pagiging pasensosyo ang pinairal ko't hinayaan ko na lang ito
magbunganga na di maglalaon ay mahahapo rin. Kahit na negatibo sa atin na
pangarapin ang mabingi, nagpapasalamat pa rin ako sapagkat di naman ako
narindi, iyon nga lang nahiwa ang dibdib ko sa matatalim na salita ni ina. Gawa
na hindi pa ko dinadalaw ng antok, nakinig muna ako ng musika. Mga dakong
Alas-onse na ng maisipang mahimlay sa kama.
57 | 50 Eksaktong limang pung araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 06, 2014
Thursday
Year II-310
5e-r. Hirap pa ring pakinggan ang mga tunog at ingay na umiiral sa
kapaligiran, marahil ay malapit ng mangyari ang pinangangambahan ko, ang
tuluyan ng mabingi na huwag naman sanang mangyari. Kahit mahina ang pandinig ay
pakiwaring kay kulay pa rin ng umaga ko at nagpapasalamat pa rin sapagkat
maayos akong nakakain, may damit na masusuot at pangsangga sa lamig at higit sa
lahat ay buo pa rin ang pamilya ko. Marahil hangga't humihinga tayo sa mundong
ibabaw ay may mga pagsubok tayong kinakaharap, iba-iba nga lamang at sa oras ng
pagsubok ay kailangang magpakatatag at huwag susuko kailanman
sapagkat lahat ng iyon ay may hangganan. Hindi man ako makarinig ng maayos at
isama na rin na malabo ang paningin at mahina ang baga, umaasa pa rin ako na
balang araw malalampasan ko ito't magiging normal ang pamumuhay na gaya ng iba.
5e-s. Matapos kong mag-almusal at dahil nakakabato ang buhay kapag
pakuyakuyakoy lamang ang paa, naisipan kong maglaba. Sa dami ng kailangang
labhan ay halos matalupan ang balat ng aking palad sa kakakusot, pumuti at
luminis lamang ang mga damit. Ng ako nagbabanlaw na'y lahat ng init at
hinanakit ko sa kapwa, ibinuhos sa pamamagitan ng pagkusot, pagpiga at
paglublob ng mga damit. Lahat ng iyon ay ginawa ko't kay gaan ng pakiramdam
kapag nailabas lahat ng galit. Kapag may galit sa aking dibdib, doon ko na
lamang idadaan upang maiwasang makapanakit at makasakit ng damdamin ng kapwa.
Labis ang aking pagkahapo matapos maglaba at pansamantalang nagpahinga.
5e-t. Habang nakaupo'y libangan ko ang magbasa ng aklat at maya-maya pa, oras
na upang mananghalian. Dala ng matinding gutom ay naparami ng husto ang nilamong
ulam, kaya ang tiyan ko'y parang puputok na sa kaumbukan. Matapos kumain ay
panonood muli ng telebisyon ang inatupag ko't ng antukin ay natulog. Ganito
pala kapag mahina ang pandinig mo, tila walang ingay na bumabagabag sayo at kay
sarap matulog kapag tahimik. Sa sarap ng tulog ko, malapit ng kumagat ang dilim
ng ako'y magising at marami na ring mga batang pakalat-kalat sa labas subalit
di ko gasinong dinig ang ingay nila. Maaga pa ko magigising bukas upang dumalo
sa follow up check up kaya matapos manood ng telebisyon ay
kaagad na kong natulog.
56 | 49 Apat na pu't siyam na araw na lamang bago sumapit ang Pasko at sana bago magpasko ay bumalik sa dati ang pandinig ko.
November
07, 2014
Friday
Year II-311
Friday
Year II-311
5e-u. Nakakasilaw na ang kislap ng liwanag mula sa labas kaya hindi na ako
nagpatumpik-tumpik pa sa pagbangon. Pagkatingin sa malaking orasan ay Alas-sais
pa lamang pala't tila ibig ko pang mahiga ng matagal sa kama at balutin ang
sarili sa napakakapal na kumot sapagkat malamig. Ngayong araw kami ni Mama
tutungo sa hospital para sa follow up check up subalit
di pa dumarating sila Papa at ate, hinintay muna namin sila't walang
magbabantay kay Kuya Al. Ilang saglit pa'y dumating na
si Papa maging si Ate at saka pa lamang kami nag-ayos. Hindi gasinong kabigat
ang daloy ng trapiko kaya mabilis kaming nakarating sa Hospital.
Habang hinihintay ang pagdating ni Doctor Malahito ay nagbasa
muna ako. Lumipas ang isang oras ay dumating na ang doktor ko. Kaagad kong
itinanong kay Doctor Malahito kung bakit sa tuwing gumagamit
ng gamot na inireseta niya'y nag-iiba ang pandinig ko. Itinugon naman nito na
natural lamang daw iyon sapagkat pinapaalsa ng gamot ang tutuling mahigpit na
nakakapit sa teynga.
5e-v. Nawala ang pangamba ko sa mga sinabi niya subalit sa madiin-diin nitong
pananalita ay nasusungitan ako sa kanya, nagawa ko pa rin makisama sa kanya
kahit ganoon ang ugali nito.
Matapos naming mag-usap ay nilinis na niya ang teynga ko't
nakakapanghilakbot sa dibdib ng makita ang napakatulis na instrumentong
ipapasok sa teynga ko na panglinis. Kita sa monitor ang mga
lima-limahid ng tutuli at halos ikarindi ko ang ingay ng instrumento subalit di
naman masakit. Nang laliman pa'y doon na nakita ang infection na
siyang sanhi ng pagsakit kaya panibagong gamot muli ang inireseta sa akin. Tila
nabunutan ako ng napakalaking tinik sa lalamunan ng mabatid na walang tumor na
nakita at nanumbalik na sa dati ang pandinig ko subalit pumalit naman ang
sakit.
5e-w. Pagkatapos ay nagtungo muna kami ni Mama sa SM Fairview at
doon na nananghalian. Sa tindi ng gutom ay nakadalawang takal ako ng kanin
samantalang panay kuha ng litrato si ina sa mga putaheng nakahain sa mesa na
tila sumasabay sa gawain ng kabataan at dinaig pa ko. Sumunod ay nagtungo naman
kami sa bookstore at nagbasa-basa kung anumang libro ang
makapa. Labis na naenganyo ang aking isipan sa pagbabasa kaya di naming
namalayang Ala-una na. Sumasakit na ang teynga ko nun at tila ibig ng umuwi
subalit nais pa ni ina na mamasyal pa kami at katwiran niyang mainit pa raw sa
labas, pinagbigyan ko ang kanyang kahilingan. Bago umuwi, bumili muna kami
ng grocery items at maging gamot. Pagkalabas
sa grocery ay iba't ibang palamuting pampasko ang bumungad sa
amin at kahali-halina ang rikit ng mga Christmas tree.
5e-x. Mayroon pa lang Christmas program at
nahumaling kami sa panonood kaya nanatili pa kami. Ibig ko sanang makilahok sa
kanilang palaro, subalit pinangunahan ako ng hiya. Maya-maya pa'y naisipan na
namin ni Mama na umuwi at pagkarating sa bahay, diretso himlay ako sa kama. Hindi
maawat ang sarili sa pagtulog, kung kaya malapit ng magtakip silim ng ako'y
dumilat at diretso lamon ng nalutong ulam. Matapos kumain ay panonood ng
telebisyon ang agad na inatupag hanggang sa sumapit ang ikasiyam ng gabi. Medyo
ako'y nagagalak at nagpapasalamat sapagkat nanumbalik na sa dati ang pandinig
ko, iyon nga lamang ay may panibago akong ipapatak sa teynga na Candiva at
bahagyang kumati na tila kay sarap kamutin subalit di ko ginawa at baka ma-infection.
Gawa na di pa ko nakakaramdam ng antok, naisipang mag-surf muna
sa internet gamit ang cellphone by
connecting Wi-fi pocket broad. Malapit ng gumitna
ang gabi ng maisipang matulog.
55 | 48 Apat na pu't walong araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 08, 2014
Saturday
Year II-312
5e-y. Isang taon na pala ang nakakaraan mula ng humagupit ang pinakamalakas
at matinding unos na kumitil ng libo-libong katao at puminsala sa napakaraming
ari-arian, ang Bagyong Yolanda. Marahil ay natuto na tayo sa
daluyong na hatid ng bagyo upang maagang mapaghandaan sapagkat dahil dun, kaya
kay daming buhay ang nasayang. Kahit na minsan ay hikahos kami sa pumumuhay at
kung ano-anong suliranin ang dumarating ay nagpapasalamat pa rin kami sapagkat
nakaligtas kami sa napakatinding delubyo at walang ni isa sa amin ang nawala ng
manalasa ang Bagyong Glenda at Mario ngayong
taon. Pagkadilat ng mata'y gawaing bahay agad ang inatupag ko at upang lalo
pang ganahan, naisipan kong magpatugtog. Pakiramdam ko, ang taas ng energy at
sana parating ganito upang makayang gampanan ang lahat ng responsibilidad,
gaano man kabigat at karami.
5e-z. Matapos ang gawaing bahay at sa takot na ma-principal office dahil
sa haba ng buhok kapag pumasok na, ipinihit ko na ang aking yapak
patungong barber shop. Habang malumanay na ginugupitan ay di ko
maiwasang ilabas ang ngipin kahit naninilaw sa dami ng kwento ni Mang
Usman na nakakatawa. Di lamang sa barber shop nababagay
si Mang Usman kundi sa comedy bar pagkat
batikan siya sa pagpapatawa. Matapos magpagupit at bago ipihit ang paa pabalik
ng tahanan, sumagi sa isipan ko na magkumpyuter muna. Naenganyo muli ako sa
pakikipag-chat at post ng kung ano-ano huwag
lamang malaswa sa Facebook at di namalayang dalawang oras na ang
nakalipas at kailangan ng mag-log-out.
5f-a. Nang ako'y pababa ay may isang lalaking bigla na lamang dinakma ng diin
ang aking pang-ibaba, nagliyab agad ang galit sa puso. Makangiti'y akala mag-close kami
at singkapal ng libro ng dictionary ang mukha niya. Sa halip
na idaan sa pisikalan ang inis, hiniritan ko na lamang siya't tameme ito pagkat
parang salamin kung ito'y nabasag. Umuwi akong may inis sa dibdib at di na
talagang magdadalawang isip na ipamalas ang kulo kapag umulit pa ang malibog at
hambog na iyon!
5f-b. Kinahapunan, batong bato muling manatili sa bahay at napapanis na ang
laway dahil walang kausap, naisipan kong magtungo kina Cathy. Abala
ang Cathy sa pagtitiklop ng mga damit ng aking datnan at kami ay
nagkwentuhang mag-friendship. Maya-maya'y pumasok na si Ate Ging mula
sa pag-iihaw at ipinabatid na magkakaroon daw ng anim na araw na kadiliman
sa December. Nauna ko na iyong narinig sa balita subalit di naman
ako naniniwala sapagkat wala silang basehan, Nang taong 2012 ay may naglahad na magugunaw daw ang mundo sa taong iyon
subalit di naman naganap, iyan pa kaya. Takot ang umiral sa dibdib ng
ipaliwanag iyon sa akin ni Ate Ging at sinabing iyon na raw
ang senyales na malapit ng bumaba ang panginoon at habang di pa iyon nagaganap
ay kailangang pagsisihan na ang nagawang kasalanan. Sa mga sinabi niya'y doon
ako namulat na magsisi at kailangang magbago subalit tila kay hirap at di
basta-basta. May iba pa kaming napag-usapan na nakatuon lamang sa bibliya
subalit may ilan lamang sa sinabi niya na di ko sang-ayunan.
5f-c. Sa dami ng napag-usapan ay di namalayang sumapit na ang gabi at kasabay
nun ay nagtungo na kami sa JOLIA Christian church.
Pagkarating ay mainit na pagtanggap nila ang sumalubong sa amin at napaka-friendly nila
na kahit sino'y magagawang i-entertain. May ilan sa sinabi ni Ate
Ging ang talagang naguguluhan ako kaya ng dumating ang Pastora
Anna ay agad ko siyang kinausap. Katoliko ang
relihiyon ko kaya di magawang maunawaan kahit si Pastora Anna na
ang nagsasalita at nakulitan marahil sa dami ng tanong ko. Nang sumapit ang
ikawalo'y kinailangan na namin ni Cathy magpaalam. Saka lamang ako
kumain ng hapunan pagkarating sa bahay at sermon agad nila Mama ang sumalubong
sa aking pagbabalik subalit hinayaan ko na lamang sila't magsasawa rin. Matapos
kumain at dala na inaantok na, kaagad na akong natulog.
54 | 47 Apat na pu't pitong araw na lamang bago sumapit ang Pasko at sa lahat ng mamamayan na lubhang sinalanta ng Bagyong Yolanda, nawa'y tuluyan ng nakabangon.
November 09, 2014
Sunday
Year II-313
5f-d. Magdamag na inulan ang Kalakhang Maynila na nagpasarap
sa aming pagtulog subalit tumila naman pagsapit ng umaga. Mga dakong Alas-siete
pa lamang ay bumangon na ko, kahit makulimlim ay kay aliwalas pa rin ng umaga
at wala sanang bagay ang makakapagpabago nito. Bago magtungo sa Church,
gawaing bahay muna ang inatupag ko't salamat sa maykapal sapagkat pinagkalooban
niya ko ng kasipagan. Mga dakong Alas-nuebe na ng magsimula akong magbihis.
Matagal ko ng ginagawa ang magsimba sa ibang relihiyon subalit may takot pa rin
sa dibdib na sabihin sa tuwing tatanungin ako ni Mama at nag-aalangan pa.
Maging kay Auntie Caling ay nag-aalangang sabihin ang totoo ng
kami'y magkasalubong at tanungin, sa totoo lang ay kay bigat ng nasa iyong
kalooban kapag marami kang inililihim at gustuhin ko mang aminin sa kanila na
isa akong ganito subalit parating takot ang nangingibabaw at baka di nila ako
matanggap. Pagkarating ay umaawit pa lamang sila ng Christian song,
wala pa roon sila Ate Ging kaya walang kabuhay-buhay ang aking
pag-indak.
5f-e. Maya-maya pa, sa wakas at dumating na rin sila at doon lamang ako
ginanahan. Nagkaroon pa ng ilang testamento upang ihayag ang pasasalamat sa
Diyos bago magsalita ang Pastora. Hindi ako nakapag-almusal kaya dama na sa
sarili ang kagutuman subalit kahit na ganoon ay nagawa ko pa rin mag-enjoy sa
pakikinig sa Pastora at may panibagong aral muli akong kinapulutan. Dati-rati,
napapansin kong ang unti lamang ng nagsisipagdalo tuwing Sunday Mass at
nakakawalang gana kung ganoon subalit ngayon ay hindi na ko tumitingin sa kung
gaano karami ang dumadalo pagkat napili raw kami ng panginoon. Habang kami'y
naglalakad pauwi ay kita ko ang dagsa ng mga kaanib sa Iglesia ni
Cristo at ang kanilang kasuotan, sadyang kay gagara na akala'y lahat
sa kanila ay mayayaman, pero ang totoo ay may naghihikahos na di makayang
bilhin ang ganung kasuotan at di pinapayagang sumamba kung sinuman ang di
magsuot nun, napipilitan na lamang bilhin kahit di swak sa bulsa.
5f-f. Ang ayaw ko lamang sa Iglesia ni Cristo ay kung bakit
kailangang magara pa ang kasuotan, yung tipong hapit na hapit at akala'y dadalo
sa formal partysamantalang pwede naman simple basta
presintableng tingnan. Buti pa sa kanila, marami ang nagsisimba samantalang ang
unti sa amin, paano'y sapilitan sa kanila ang sumamba at ang higpit talaga ng
kalagayan mo kapag nasaIglesia ni Cristo ka. Kanina pa namimilipit
sa gutom ang aking bituka kaya diretso lamon pagkarating sa bahay ng
pagkarami-rami at matapos ay nag-siyesta.
5f-g. Pagkagising, nagtungo muli ako sa Computer shop. Ang hirap
ng buhay kapag umuupa ka lamang at sa kadahilanang di na masikmura ang ingay at
baho, hindi na ko nagtagal pa. Pagkagaling sa Computer shop ay
bumisita muli ako kila Cathy, actually ay di na
bisita ang turing nila sa akin kundi kapamilya na at kay sarap pakinggan. Maski
ako'y parang pamilya na rin ang turing ko sa kanila at parang gusto ko ng
manatili sa kanila ng matagal subalit may bahay akong kailangang uwian. Lumagom
na ang dilim sa kapaligiran ng mapagpasyahang umuwi. May pasok na kami
kinabukasan kaya maaga akong natulog. Hindi naman makatulog, dahil sa
magkahalong sabik at kaba.
53 | 46 Mayroon na lamang apat na pu't anim na araw, bago sumapit ang Pasko.
November 10, 2014
Monday
Year II-314
5f-h. Mga bandang Alas-kwatro ng madaling araw ako'y nagising. Sobrang
inaantok pa talaga ako dahilan kung bakit hirap idilat ang mga mata, first
day of classes at di ko nais ang lumiban kaya pinilit ko pa ring
ibangon ang sarili. Sa antok ay tila di ako nasasabik sa pagbabalik eskwela't
nakakatamad subalit nilabanan ko ang aking katamaran. Pagkaalis, naku at ang
haba ng pila sa mayterminal ng tricycle at tila
mahuhuli na nga ako. Habang papalapit ang yapak sa eskwelahan ang unti-unting
pagsidhi ng kaba sa dibdib, di ko batid kung bakit. Nang makarating ay saktong
nakita ko ang mga dating kamag-aral sa Dash 1. Bakit ganito ang
nararamdaman ko na kung kailan hindi ko na sila kaklase, nagugustuha naman sila
at nagsisisi akong lumipat subalit desisyon ko ito at kailangang panindigan. Sa
sobrang pagka-miss ko sa kanila, nakisalamuha muna ako sa kanila
habang di pa nagsisumula ang klase. Maya-maya pa'y nagpaalam na kami sa isa't
isa.
5f-i. Pagkarating sa silid, labis ang paninibago ko sa bagong mga kamag-aral
at iniisip kung makakaya bang pakitunguhan sila lalo na't ako lamang mag-isa
ang nalipat sa Dash 2, tinatagan ko ang loob ko. Doble ang galak ko
sa dibdib pagkat di akalain na magiging kaklase ko muli si Anne Rose at
kahit may di magandang nangyari sa aming dalawa nung nasa Dash 1, nagawa
pa rin magpansinan at kami-kami lamang ang nag-uusap habang wala pang professor. Ilang sandali pa'y
dumating na ang aming professor at si Ma'am Ria ang
naging professor sa Human Development. Sa unang
tingin ay may pagka-istrikto ito subalit mabait naman ng magsalita at
parang Krissy ang tono ng pananalita. Isa-isa niya kaming
tinawag upang sumagot at kaba agad sa dibdib ang umiral. Sumunod naman na
asignatura ay Mental Hygiene at si Ma'am Trisha ang
naging professor namin. Singbilis ng takbo ng tren kung ito'y
magsalita subalit mukha naman itong mabait, sana nga. Bukod pa roon ay
nakakatuwa siyang maging guro. Sa bait, ang nalalabing oras ay ibinigay niya sa
amin upang kumain.
5f-j. Si Anne Rose lamang ang nakasama kong kumain at
matapos ay agad na kaming umakyat. Wala pang guro kaya nanatili muna kami sa
labas at sa oras na dumadaan ang mga professor ay labas-masok
kami sa silid hanggang sa pumasok na nga ang tunay na professor.
Si Ma'am Domingo ang naging teacher namin
sa Math at medyo may edad na subalit di pa kailangang maglapel.
Iyon nga lang ay mahigpit ito sa amin at ayaw niya ng nahuhuli o lumiliban sa
kanyang klase.
Matapos ang oras ng Math, lunch time na at
sa wakas ay nadagdagan na rin kami ni Anne Rose ng kasama at
kapwa rin silang nanggaling ng ibang Dash atSchool.
Sadyang kay tahimik nila at marahil sa aming lima na magkakasama, kami lamang
ang bukod tangi. Sa Hilltop square naming
naisipang magpalipas ng oras at kwentuhan na rin, maya-maya pa'y bumalik na
kami. Pagkabalik ay saktong nakita ko muli ang dating mga kamag-aral, pumasok
ako upang makipagkamustahan, wala pa ring pagbabago sa kanila pagkat
napakaingay nila.
5f-k. Pagkapasok ng professor nila na si Ma'am
Domingo, lumabas na ko. Balak ko sanang mag-sit-in subalit
kinakatakot ko ang katarayan ni Ma'am. Lumipas ang mahigit sa isang oras,
pumasok na kami. Si Sir Pablito ang naging guro namin para
sa Filipino, sa laki ng kanyang boses ay halos lamunin ka na niya
subalit ito'y masaya maging teacher lalo na kapag binibigyan
niya ng kulay ang pagbigkas ng mga salita. Sumakit ang sikmura ko sa kakatawa. Sa lamig ay medyo
nakakaramdam na ng pagsakit ng ulo, nanatili muna ako sa labas.
5f-l. Pagkapasok ay laking gulat namin ni Anne Rose sapagkat
si Sir Marvin pa rin ang teacher namin
sa Social Science. Malinaw at magaling nga siya
magturo, subalit wala pa ring pagbabago sa kanya pagkat puro patawa pa rin
habang nagtuturo at ang ingay tuloy ng klase, sa kakatawa'y bahagyang naibsan
ang pagsakit ng ulo ko. Sumunod na asignatura ay English at
si Sir Ubenia naman ang professor namin.
Sa tana ng buhay ko bilang estudyante ay first time ko lamang
magkaroon ng teacher na lalaki sa English. Medyo
nakakatakot siya at istrikto pa, sa lahat ng na-meet namin na teacher ay
bukod tanging siya ang kinatatakutan. Ilang saglit pa, uwian na at natutuwa ako
sapagkat may kasama ako sa pag-uwi. Sakit talaga ng aking ulo gawa na maghapon
sa eskwelahan at matagal na babad ang sarili sa aircon, agad na
kong natulog matapos maghapunan.
52 | 45 Apat na pu't limang araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November
11, 2014
Tuesday
Year II-315
Tuesday
Year II-315
5f-m. Panibagong araw muli ng pagpasok sa eskwela, gawa na nanatili pa rin
ang antok sa buo kong pagkatao ay kinailangan ko pang sampal sampalin ang
mukha, magising lamang. Maging sa pagkain ng almusal ay tila kakarampot lang
ang kayang ubusin subalit dinamihan ko pa rin upang di dalawin ng gutom habang
may klase. Laking pasalamat ko pagkat di gasinong kahaba ang pila, kaagad akong
umalis at ako pa lamang mag-isa na estudyante pagkapasok sa silid, lumabas muna
at saktong nakatambay ang iba kong kamag-aral na masayang nag-uusap. Hindi ko
man sila lubos na kilala'y nakisama pa rin ako. Maya-maya'y pumasok na kami sa
silid, wala pang guro kaya hala sige sa paglikha ng kaingayan. Naghari bigla
ang kapayapaan ng pumasok na ang Professor at si Ma'am
Eloisa ang naging guro namin sa General Zoology.
May hitsura at maganda ang hubog ng pangangatawan nito kung pagmamasdan.
5f-n. Sa buong oras niya'y nagkaroon lamang kami ng orientation at
mukhang magiginginteresting at madali lamang ang lesson sa Zoology dahil
sa halip na animalsang tatalakayin ay Human anatomy sapagkat Psychologist kami
hindi raw Biologist. Lumipas na ang isang oras, walang kapaguran
si Ma'am Eloisa sa pagsasalita pagkat dire-diretso,
maya-maya'y lumabas na kami. Habang kami ay nagpapalipas ng oras sa may Hilltop
square ay saktong nakita namin sina Jaimarri, Cathlyn at Hanna na
kakabaeng tao ay panay hithit buga ng sigarilyo, sa halip na lapitan ay
nag-aalangan na tuloy kami. Okey naman sila maging kasama subalit kailangang
iwasan ang paninigarilyo o palalaklak pagkat nakakawala ng respeto.
5f-o. Maya-maya'y tumungo na kami sa laboratory at si Ma'am
Eloisa muli ang professor namin para sa General
Zoology laboratory. Kahit first day pa lamang
ng aming klase para sa subject na iyon ay nagkaroon agad kami
ng activity at iyon ay iguhit ang Compound Microscope.
Hindi naging biro sa akin ang mag-drawing sapagkat napakakomplikado
ng bawat detalye na nasa larawang ginagayaan at halos mamaltos na ang daliri sa
kakabura, ang tsaka tuloy ng aking output. Wala pang Alas-onse y
medya ay pinalabas na kami ni Ma'am Eloisa at lunch
break na. Hindi gasino ang aking gutom kung kaya shake lamang
ang naging panglaman tiyan.
Matapos kumain ay tumungo na kami sa may harap ng Covered Court at
muna tumambay. Tinamaan muli ng hyperactivity ang
malokang Anne Rose at panay ang harot sa 'kin, nambabara pa
nga kapag may sinasabi ako sa kausap.
5f-p. Sa halip na mapikon ay natatawa na lamang ako't kami na nga lang
magkakilala tapos mag-aaway pa kaya sumasakay na lamang sa mga biro niya.
Maya-maya pa'y pumasok na kami sa Covered court at
habang kami'y nakaupo magkakaklase'y ang biglang paglapit ni Sir Anton at
nagtanong. Akala ko, si Sir Anton muli ang magiging guro
sa PE subalit nagkakamali at iba. Sa buong oras ay wala kaming
ibang inatupag kundi magsulat ng personal background saindex card,
pinapaulit ni Sir kahit kaunting pagkakamali lamang sa format atstyle ng
sulat at nakakaubos ng pasensiya. Akala ko, matatapos na ko sa gawain subalit
pinaulit muli ako pagkat kinulang sa sulat at napakaarte niya. Tao lang naman kami kaya di maiiwasan ang pagkakamali't buti pa si Sir
Anton na kahit may sumpong paminsan minsan ay may konsiderasyon pa rin
siya. Kaming dalawa na lamang ni Anne Rose ang nagsusulat kaya
napi-pressure na ko at tinanggap naman ni Sir ang index
card pagkapasa muli, grabe at labis angstress-out ko sa
kanya.
5f-q. Pagkauwi at pagkabihis ay agad akong nagtungo sa computer shop upang
gumawa ng takdang-aralin sa Filipino. Kung kailan malapit ng matapos ay
saka naman kusang nag-shutdown, napunta lamang sa wala ang napaghirapan
ko. Dahil nagloloko, nagpasyang sa iba na lamang magkumpyuter at sa Computer
shop naman nina Giselle ako nagtungo. Matagumpay ko
naman natapos ang pag-research ng assignment at
ipapa-print na lang. Habang ako'y naglalakad pauwi, nadiskubre kong
wala angcellphone sa aking bulsa, bumalik ako kila Giselle,
nagbabakasakaling naiwan lamang ang Cellphone subalit di ko na
ito nakita o nahanap.
5f-r. Sa pagkawala ngcellphone ay tila namatayan ako't
napakaburara ko talaga, patay ako nito kila ina kapag nalaman nila at
paniguradong makakatikim ng masasakit na salita. Labis ang panghihinayang ko
subalit di ako nawawalan ng pag-asa na mahahanap ko ang Cellphone,
sana nga. Sa takot na mabungangaan ay tikom ang bibig ko't palihim akong
gumagawa ng paraan.
Tinawagan ko ang sim card na naka-attach sa
nawawalang selepono, nagbabakasakaling may nakapulot at ibalik sa akin
subalit unattended, marahil ay napunta na sa masamang kamay
ang Cellphone ko. Kahit na ganoon ang nasa isip ay buo pa rin
ang pag-asa ko. Sa sobrang bigat ng problemang aking dinadala ay itinulog ko na
lamang iyon at nawa'y masumpungan ko na agad ang aking pinakamamahal na Cellphone.
51 | 44 Apat na pu't apat na araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
November 12, 2014
Wednesday
Year II-316
5f-s. Hindi pa rin mawaglit-waglit sa isipan ang tungkol sa pagkawala ng
aking Cellphone at anung bigat ng nasa dibdib sa aking paggising at
tila di ko ibig pumasok. Ayaw ko naman maapektuhan ang pag-aaral dahil sa aking
pinagdaraanan kaya pinili ko pa ring pumasok. Kahit itago ko pa ito'y di rin
magtatagal ay malalaman nila Mama ang inililihim ko kaya binalak ko ng isiwalat
sa kanya subalit pinanghinaan ako ng loob at nananatiling nakatikom ang bibig.
Pumasok akong hindi matagpuan ang ngiti sa mukha at habang wala pang guro,
gumawa ako ng assignment sa Filipino. Sabay tago
ng ginagawang takdang-aralin pagkapasok ni Ma'am Ria. Nagsimula na
siyang magturo sa amin tungkol sa Human Development subalit
hirap kong ituon ang pakikinig dahil di ko maiwasang damdamin ang problema.
Matapos niyang magturo, nagkaroon kami ng recitation at ng
tawagin niya ang katabi ko na baguhan lamang sa paningin, natigilan ang lahat
at napabuka ng laki ang bibig ng ito'y sumagot at grabe, ang galing niya mag-English.
5f-t. Kinilala ko kung sino siya at Karl Ferdinand ang pangalan
nito. Medyo weirdow lamang ito kausap subalit sa angkin niyang
talino ay tila professional ang kausap ko, di estudyante. Magaling
din siyang magpayo at nakakabilib. Maya-maya'y Mental Hygiene na,
medyo may pagkaloka-loka lamang magturo si Ma'am Trisha at
kung ano-ano ang nasasambit subalit nakakatuwa at mahusay pa rin. Sa oras
ng Math ay di dumating ang guro namin, kaya mistulang palengke
ang silid sa ingay. Habang kami'y nag-uusap ni Anne Rose at
ni Enzo ay may isang kamag-aral ko ang bigla na lamang lumapit
at Allysa ang pakilala niya sa amin. Hindi ko pa naman ito
lubos na kilala subalit parang feeling close na
siya kung makipag-usap at ang bilis niya naman. Bukod pa roon ay
parang Chola ito kumilos at kahit ganun ang kanyang attitude,
gusto ko pa rin siya maging kaibigan pagkat masayahin ito.
5f-u. Maya-maya pa'y lumabas kami at inilaan ang bakanteng oras upang gumawa
ng assignment sa Filipino. Sa kadaldalan ni Allysa na
tila unlimited sa sasabihin ay nawala na ang pokus ko sa
paggawa, si Jed (Cajolo) at Enzo naman, walang kaimik-imik
kahit kibuin. Mga dakong Ala-una na kami tumungo sa silid. Dahil sa mali-mali
kong paggamit ng mga salita ay panay ang tawanan namin at ang saya kahit parang
nabubuwang na. Tila limot ko na ang problema dahil sa kanila. Maya-maya pa'y
pumasok na si Sir Pablito, napakasining ng kanyang pananalita kaya
di namin lubos maunawaan. Nagkaroon kami ng seatwork matapos ng
kanyang pagtuturo subalit kinapos na sa oras, kaya naging takdang-aralin na
ito. Sa oras naman ng Social Science ay nagturo lamang
si Sir Marvin about sa Society, bakit
ganun ang kanyang pagtuturo, parating kinasasangkapan ng katatawanan kaya
naantala ang dapat ituro. Sinabi niyang inaatake raw ng high blood subalit
nagawa pang magpatawa sa lagay na iyan. Sumunod ay English time na
at habang di pa dumarating si Sir Ubenia, dinig ko na ang kanilang
usap-usapan tungkol kay Sir at kita ko sa mukha nila ang hilakbot. Nginig sila
sa takot at balikan sa kanya-kanyang upuan pagkapasok ni Sir Ubenia at
nag-lecture lamang ito. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng Diagnostic
test, medyo mas mahirap ang English ngayong semesterkaysa
sa nakaraan kaya halos mangamote ako sa pagsagot.
5f-v. Matapos magsagot ay kanya-kanya na kami sa paglabas. Si Allysa lamang
ang nakasabay ko sa pag-uwi at bago tuluyang magtungo sa tahanan ay nagtungo
muna ako kila Giselle, nagbabakasakaling nahanap na nila ang Cellphone, nalukot
ang mukha ng ipabatid nilang di nahanap. Tanggap ko ng di na mahahanap pa
ang cellphone at hayain na subalit di ko pa rin maiwasang
manlumo at kinakabahan pa rin. Hindi ko dapat ito gagawin subalit katakot takot
na pagalit ang aabutin kapag sinabing ang nakawala ng cellphone at
ayaw ko iyon mangyari kaya pagkarating sa bahay ay nag-imbento ako kila Mama ng
kwento at paniwalang-paniwala naman sila. Batid kong makasalanan at mali ang
ginawa ko subalit wala akong maisip na paraan upang mailigtas ang sarili sa
nagliliyab na galit at baka itakwil nila ako dahil lamang sa kahangalan ko.
Sana ay maunawaan ng maykapal ang pagsisinungaling ko't patawarin nawa niya
ako. Hindi naman sila nagalit, bagkus ay pinagsabihan lamang at mukhang
epektibo ang Defense mechanism ko subalit ayaw ko ng ulitin
pa.
50 | 43 Apat na pu't tatlong araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
November 13, 2014
Thursday
Year II-317
5f-w. Kahit tanggap ko na sa sarili ang naging kapalaran ng aking Cellphone,
nanatiling mabigat pa rin ang kalooban ko at marahil ay parusa na ng maykapal
dahil pagsisinungaling ko. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi kagabi subalit
ayos na ang lahat kaya di ko na ginawa. Mag-iimpok na lamang ako pambili ng
bagong Cellphone at kapag nakabili, pangako mas magiging
masinop at maingat na ko upang di parating nawawalhan. Dahil sa kaburarahan ko
kaya naiwala ang Cellphone at nagawa pang magsinungaling. Wala
kaming klase para sa araw na ito kaya di ako maagang nagising at pagkabango'y
nakahaing pagkain agad sa mesa ang nilantakan ko't nag-uumapaw ang aking
pagkaumay. Ang dami muling hugasin sa lababo at makapal na rin ang alikabok sa
sahig, iyon ang inatupag ko habang walang pasok.
5f-x. Si Mama naman maaga pa lamang, abala na sa pagbabantay ng negosyo na
ilang araw na niyang pinagkakaabalahan, nasa eskwelahan ang mga bata at nasa
trabaho naman ang matatanda kaya kay tumal ng pagdating ng mga mamimili. Ibig
ko sanang libangin ang sarili sa pagtitinda subalit di ako pinayagan ni Mama at
pag-aaral na lang daw ang atupagin.
Batong-bato talaga ako ng umagang iyon, lalo na't tapos na ang gawaing
bahay, nag-relax na lamang ako sabay kinig ng mga awitin sa radyo,
hindi naman marahil masama kung lumalasap ng buhay alamang basta't
responsibilidad ay nagampanang lubos. Medyo napasarap ang paghiga kaya di
namalayang tanghaling tapat na't dama na ang init sa labas. Maya-maya'y
bumangon na ko at naisipang manood ng telebisyon. Makapagbagbag damdamin ang
napanood kong pelikulang Abakada Ina pagkat tungkol iyon sa
isang ina na kahit mangmang at di marunong bumasa, naging ulirang ina pa rin
ito sa mga anak at nakakapagbigay ng inspirasyon para sa lahat ng matatandang
tumandang ilitereda't gustong makapag-aral kahit may edad na.
5f-y. Ang edukasyon ay susi upang maiahon tayo sa kamang-mangan at makakalap
ng mga kaalaman na siyang magpapaunlad sa ating pamumuhay at hatid nito ang
magandang kinabukasan, bukod pa roon ay di lamang para sa mga bata ang
Edukasyon kundi sa lahat ng gustong matuto. Kaya kahit sabihing mahirap,
napakahalaga sa pamumuhay ng Edukasyon. Sa haba ng istorya, di namalayang
sumapit pala ang ikatlo ng hapon, di na lamang ako nagsiyesta. Pagsapit ng gabi
ay anung ingay muli sa labas, palibhasa'y nanumbalik na ang liwanag sa kalye
kaya ang mga mahilig tumambay, nagkukuta muli sa mismong harapan ng bahay
namin, kami naman itong nagtatiyaga. Maingay na nga ang kapaligiran, tapos ay
umaalingasaw pa ang baho't halos maduwal na ko. Puro na lamang polusyon ang
umiiral sa aming kapaligiran at kailan kaya matatamo ang kaginhawaan at
kapayapaan ng pangmatagalan o magpakailanman? May pasok nanaman kinabukasan,
kaya maaga akong natulog.
49 | 42 Apat na pu't dalawang araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 14, 2014
Friday
Year II-318
5f-z. Thank God it’s Friday again at wala muling pasok
kinabukasan. Kahit hirap pang idilat ng maigi ang mga mata sa sobrang antok at
tinatamad pa, daig pa ng masipag ang matalino kaya bumangon pa rin ako't kumain
ng agahan kahit di nagugutom. Pagkarating ay medyo napaaga marahil ako ng
dating at kami-kami pa lamang nasa silid, kwentuhan muna habang wala pang guro.
Maya-maya pa'y pumasok na si Ma'am Eloisa. Hindi pa man
siya nakakapagturo'yrecitation na agad, kaya kami ay
kabadong-kabado subalit madadali lamang ang katanungan ni Ma'am kaya
nakakasagot naman at isa pa, pinag-aralan ko na yan nung Elementary at High school at stock
knowledge na lamang ang kakailanganin. Matapos ang recitation ay
saka pa lamang sinimulan ni Ma'am ang pagtuturo tungkol sa introduction ng Human
Anatomy. Sa bawat pagtuturo'y sinisingitan niya ng kwento at hinahaluan ng
katatawanan kaya di maiwasang ilabas ang pangil, may pagkakomedyante rin pala
si Ma'am Eloisa kahit kita sa mukha ang pagiging seryosa at
okey ito maging guro, Enjoyable.
5g-a. Pagkatapos ay lumabas na kami, wala si Enzo, absent sina Ella at Allysa
samantalang Alas-nuebe pa ang pasok ni Jed pagkat
ito'y irregular kaya kaming dalawa lang ni Anne Rose ang
magkasama. Nakakapanibago lamang sa kanya pagkat tahimik ito at di gaanong ka-hyper,
iyon pala'y may kinikimkim na sama ng loob at agad naman niyang ipinabatid sa
akin. Ilang saglit pa, nagtungo na kami sa may Laboratory. Sarado
ang pintuan kaya nanatili muna kami sa labas at unti-unti kaming naiipon habang
tumatagal. Mga dakong Alas-dyis na ng dumating si Ma'am Eloisa at
binuksan. Tungkol sa Compound microscope ang kanyang itinuro,
siya lamang ang may microscope at walang kanya-kanyang hawak
kaya hirap makasunod sa Demo at medyo nangangapa kami.
5g-b. Pagkatapos ay recitation muli, buti na lamang at di
ako tinawag ni Ma'am, hindi ko pa naman kabisado ang bawat parte ng Microscope.
Maya-maya, sa wakas at uwian na. May Follow up check up muli
ako ngayong araw kaya nagtungo muna sa Commonwealth General hospital,
kaba at takot muli sa dibdib ang umiiral pagkat makakaharap ko muli ang
masungit na si Doctor Malahito pero di naman pala't medyo
bumabait pa ito. Nagloloko ang computer kaya di ko nakita ang
kaloob looban ng teynga at sinabi ng Doctor na may natira
pang infection, ipapagpatuloy ko pa ang paggamit ng Candiva.
Anu ba 'yan at babalik pa ko sa susunod na linggo. Balak ko pa sanang gumala
sa SM subalit kalam na ang sikmura at isa pa'y nagtitipid ako,
piniling umuwi na lang.
5g-c. Pagkasakay ko ng tricycle, sa kasamaang palad ay bastos
na tricycle driver ang nasakyan at lakas loob ba
naman akong tarayan, hindi na sana ako sasakay dahil napaka-walang modo niya
subalit pinakiusapan ako't laking gulat pagkat nanay iyon ng ex-crush ko,
sa hiya'y agad akong napakiusapan at sinikmura ko na lamang ang sumakay. Sa gutom ay diretso
lantak ako ng nalutong ulam pagkarating sa bahay, matapos ay nag-siyesta.
Napasarap ng husto ang aking siyesta kaya madilim na sa labas
ng ako'y magising, sayang at di pa nagtuloy tuloy at para umaga na ko
magigising. Hindi pa man nakakapagmumog ay diretso tutok agad ang mga mata sa
telebisyon, sinusubaybayan ang pagtatapos ng Pure love at
nakakaiyak na may halong sincerity ang ending.
Hindi pa makatulog, kaya text-text muna gamit ang isa ko
pang cellphone na sa katagalan ay umaandap andap na, buti na
lamang at gumagana pa kaya may pakinabang pa ito sa akin.
48 | 41 Apat na pu't isang araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 15, 2014
Saturday
Year II-319
5g-d. Kay lamig at halos ikangatog ko na ang ginaw. Pagkadilat ay tila gabi
sa dilim ng kalangitan kahit sumapit na ang ikapito ng umaga at may unos
marahil na darating, bumuhos nanaman ang ulan. Sa kabila na kay sungit ng
panahon ay di pa rin nahadlangan ang lakad ko na magtungo sa UST
Hospital upang humingi kay Doctora Dacayan ng medical certificate,
bilang patunay na di ako maaring sumali sa anumang aktibidad sa PE.
Medyo tinatamad pa ko at di ko dapat ito gawin subalit kailangan, alang-alang
sa ikagaganda ng kalusugan at makaiwas sa gastos. Kung hindi lamang ako namuhay
na ganito ang baga, sana'y hindi nalilimitahan ang gawain katulad ng pagtratrabaho
ng mabibigat, igalaw ng tindi ang katawan at sumali sa palarong pampalakasan,
lahat ng iyon ay iniiwasan kong gawin upang di mahapo at atakihin ng hika. Buti
pa ang iba, nagagawa nila kung anuman ang naisin sa buhay na walang
sinasaalang-alang na sakit sapagkat taglay nila ang malakas na resistenya at
walang problema sa anumang parte ng katawan, nakakainggit hindi ba? Kahit di pa
ibig ng sikmura na mapunan ng pagkain ay kinailangan pa rin kumain upang di
gutumin mamaya.
Mga dakong ikasiyam ko na nilisan ang tahanan at muntik muntikan ng
maging basang sisiw sa lakas ng ulan.
5g-e. Habang nasa biyahe'y lintik na uhog na iyan at wrong timing ang
kanyang pagdalaw, walang humpay tuloy ang pagsinga ko't marahil ay banas at
nandidiri na ang mga katabi ko sa kakasinga. Mga dakong ikasampo ng marating ko
ang UST at agad ng nagpalista sa sekretarya, wala pa si Doctora
Dacayan at habang nag-aabang ay nilibang ko muna ang sarili sa
pakikinig ng musika. Wala pa ring puknat ang pagtulo ng aking sipon at naku
patay ako kay Doctora Dacayan kapag nalaman niyang sinisipon
ako, paniguradong magagalit iyon pagkat di ako naglalagay ng gamot sa ilong.
Paano ako hindi tatamaring maglagay, isang spray pa lamang ay nakakaluha sa mata at masakit pa sa ilong, yang dalawang beses pa
kaya na ibinilin sa 'kin ng doktora araw-araw.
5g-f. Lumipas ang mahigit sa isang oras na paghihintay at pagtitiyaga, sa
wakas at natawag na rin ako. Todo pagpipigil ako ng sipon habang kausap at
kaharap ang Doctora sabay singa kapag umaalis ito, nalaman naman ng Doctora na
may sipon ng silipin niya ang ilong ko't dungo ang namayani sa dibdib ng
mabatid na may nakausling kulangot. Saglit lamang ang pag-uusap namin at
pagkabigay ng Medical Certificate ay agad na kong umalis.
Medyo nakakaramdam na ng gutom at tuksong-tukso ng gastahin ang pera pang-restaurant subalit
di ko ginawa pagkat ako'y naghihigpit ng sinturon. Diretso kain at tulog
ako pagdating ng bahay.
5g-g. Napakasungit talaga ng pakiramdam ko na tila lalagnatin at sumasakit na
rin ang ulo subalit tikom ang bibig na ipabatid kay ina ang kalagayan sa takot na
maulanan ng sandamukal na sermon, nanatili na lamang ako sa bahay at tamang
dutdot ng selepono bilang pampalipas oras. Pagsapit ng gabi at dahil may Disco doon
sa may covered court ay anung ingay sa aming kapaligiran dahil
sa ugong ng tugtog na ang gugulo ng melodya at sakit sa teynga. Bukod pa roon
ay maraming mga kabataan ang nagkalat sa lansangan at walang humpay ang
pagtitili na animoy tinutuhog ang butas, nagtiyaga na lamang kami sa ingay at di
maglalaon ay tatahimik rin subalit sumapit na ang ikasampo na dapat sana'y
tahimik na dahil sa curfew ay nagkakamali't lalo pa ngang
lumala. Sa ingay ay hindi kami makatulog at tila di sila marunong makiramdam sa
mga matutulog.
47 | 40 Apat na pung araw na lamang at Pasko na, malapit ng sumapit ang Disyembre pero kung pagmamasdan ay walang kabuhay buhay ang tahanan sa kawalan ng Christmas decor and lights.
November 16, 2014
Sunday
Year II-320
5g-h. Sumapit na ang ikaapat ng madaling araw ng ako'y magising at dinig pa
rin ang nakakasulasok sa pandinig na tugtog mula sa covered court at
magdamag na naging maingay ang kapaligiran. Yamot lamang ako sa mga kabataan
dito sa amin pagkat sa halip na matulog ay pinupuyat pa ang sarili sa isang
walang kwentang bagay at nakakapaghasik pa ng kaingayan dahil panay ang tilian
at takbuhan. Kaya kaming himbing sa pagtulog ay labis na naapektuhan at
nakakaperwisyo sila. Sa ingay, marami ng nagrereklamong kapitbahay at isa na
roon si Mama na nanggagalaiti sa galit habang sinisita ang mga kabataang dumadaan na nag-iingay. Saka lamang tumigil ang Disco
party pagsapit ng Alas-singko, tinatamad pang bumangon kaya dakong
Alas-sais ng bumangon at diretso lamon agad ng agahan. Naging kabato-bato at
wala pang buhay ang umaga, naisipan kong magpatugtog at kahit malakas na halos
ikayanig na ng tahanan, kaaya-aya naman pakinggan dahil sa banayad nitong tunog
at may maririnig mensahe sa bawat liriko.
5g-i. Tamang walis at punas lamang ako habang nakikinig ng musika't lalo
akong naeenganyo. Napakarami ko na marahil mga nagawang kasalanan sa mundong
ito kaya matapos ang gawaing bahay, naisipan kong magsimba, sa ibang relihiyon nga lang subalit di iyon mahalaga, basta nagagawa mong
magbalik loob sa panginoon at natututong magsisi. Umaawit pa lamang sila
ng awiting makalangit pagkarating sa JOLIA Christian church subalit
saglit na lamang at nakapagsalita agad ang Pastora Anna sa
aming harapan at may bagong kaalaman muli akong natutuhan sa kanya at iyon ay
matutong makinig sa sinasabi ng Diyos at parating buksan ang isipan, dahil
malay natin pagkatapos ng anim na araw ng kadiliman, dumating na ang Panginoon.
Iyon nga lang ay nagulat ako ng biglang napataas ang boses ng pastora habang
nagsasalita at napakatindi ng debosyon niya sa
panginoon ng makitang tumatangis ito.
5g-j. Matapos ang Sunday mass at sa halip na dumeretso sa
bahay ay naisipan ko pang magkumpyuter. Kanina pa kumakalam ang sikmura at sa
gutom ay nakahaing ulam agad ang hinalungkat ko kahit di pa nagpapalit at sabay
subo ng dami sa bibig, kahit ganito ako umasta ay laking pasalamat ko kay God dahil
di niya hinahayaang kapusin kami sa pagkain. Mga dakong hapon ng magtungo ako
kina Regine subalit wala sila ng datnan ko kundi sila Kuya
Jun na masayang nanonood habang hithit buga ng sigarilyo. Sa totoo lamang ay
niliyo ako sa amoy ng sigarilyo, di na ako nagtagal at sa bahay nila Cathy sunod na nagtungo.
5g-k. Si Jaka ang nadatnang gising kasama ang kalaro niya sa
bahay samantalang himbing naman sa pagtulog si Cathy. Pagkagising
ay agad niyang sinuway si Jaka at pinaalis ang kalaro, di ito
masabihan kaya pinalo niya ito't mangiyangiyak si Jaka, ibig ko
sanang pigilan si Cathy sa pamamalo kay Jaka dahil
nahahabag ako subalit di ko ginawa pagkat binibigyan ko ng pagkakataon si Cathy na
disiplinahin ang kapatid, ang tapang pala niyang maging ate sa mga kapatid.
Maya-maya'y dumating na sina Ate Ging at Kuya Wilson na
may dalang maraming pasalubong at sa kanila na ko nagmeryenda, bait talaga
ni Ate Ging.
5g-l. Kahit dalaga't binata na kami ni Cathy ay sarap bumalik sa
pagkabata lalo na ng maglaro kami ng larong pambata at labis akong nag-enjoy,
may konting asaran lamang paminsan minsan subalit di umiiral ang pagiging
pikunin at nailalabas pa nga ang pangil. Sa saya, nanatili ako sa kanila
hanggang gabi at kay gaan at punong puno ng ligaya ang kalooban pagkauwi.
Kinabukasan ay Lunes nanaman at kasabay nito ang pagbabalik eskwela, kaya di pa
man inaantok ay kinailangan ko ng ihimlay ang sarili sa kama at matulog.
Saksakan muli ng ingay sa kapaligiran, kaya di makatulog ng maayos.
46 | 39 Tatlumput siyam na araw na lamang bago sumapit ang Pasko, lapit na!
November 17, 2014
Monday
Year II-321
5g-m. Kay tulin talaga ng usad ng panahon at nakakabitin ang weekends.
Nakakatamad pang bumangon at sarap pang humilata sa kama gawa na inaantok pa subalit
kailangan ko ng awatin ang sarili sa kama. Umaga pa lamang at habang nasa
biyahe, naku at trapik at tila mahuhuli ako sa pagpasok subalit wala pang guro
ng ako'y makarating. Hindi pa natatapos ang aalalahanin sapagkat ipinabatid na
magkakaroon ng oral recitation sa Human
Development. Panay ang aming pagrerepaso habang wala pa si Ma'am
Ria at ng ito'y dumating, namayani agad ang kaba sa dibdib at
isa-isang tinawag subalit di lahat ay natawag. Laking pasalamat ko pagkat
nakaligtas sa recitation, wala pa naman pumapasok sa isipan habang
nagrerepaso. May nalalabi pang oras kaya nakapagturo pa si Ma'am. Sa oras naman
ng Mental Hygiene, nagturo lamang si Ma'am Trisha about
preventive and curative measures at matapos ay nagkaroon kami ng activity.
Medyo natatagalan ako sapagkat walang ka-ide-ideya kung ano ang iguguhit
subalit nakapagsimula naman kinalaunan.
5g-n. Kaba muli sa dibdib ang umiral ng tawagin ni Ma'am upang ipaliwanag
ang drawing at naipaliwanag ko naman ito ng maayos. Sa oras ng Math,
di muling pumasok si Ma'am Domingo subalit nagkaroon pa rin
ng seatwork, magaling ako
sa Math subalit sa Trigonometry marahil ay
mahina ang kukote at halos mangamote sa pagsagot, bukod pa roon ay ang ingay pa
ni Allysa kaya nawala ako sa konsentrasyon, kila Anne Rose ako
tumabi. Maya-maya at sa wakas ay lunch break na, dahil sa
nagtitipid ay biscuitat cupcake lamang ang
pananghalian ko. Si Anne Rose naman, kanina pa di maipinta ang
mukha at mukhang may pinagdaraanan, inalam ko kung ano ang dahilan at
ipinabatid na ayaw niyang makihalubilo kay Allysa. Pinayuhan ko
siya subalit talagang malabong makakasundo niya iyon.
5g-o. Maski ako'y di gusto ang ipinapakitang ugali ni Allysa subalit
binibigyan ko ito ng pagkakataon upang patunayan ang sarili at mas makilala pa ito.
Matapos lumantak, nagtungo kami sa Library at doon gumawa
ng assignment sa Filipino. Ilang saglit pa'y
nagtungo na kami sa silid at tamang tsika-tsika habang wala pang guro. Tungkol
sa modelo ng pagbasa ang itinuro sa amin ni Sir Pablito at di
maiwasang humalakhak sa tuwing nag-iiba ang intonasyon ng kanyang pagbigkas.
Buti pa si Sir Pablito, kahit may konting kabastusan sa pagtuturo,
may natutunan pa rin kami na tama. Sa oras ng Social Science, hayan
muli ang komedyante naming guro at puro patawa habang nagtuturo, halos mapunit
na nga ang ngalangala ko sa kakatawa't parang wala akong matutuhan sa kanya, tapos ang talim pa manalita,
kabwisit.
5g-p. Maya-maya, English time na kaya ang iba
kong kamag-aral, kabadong-kabado na pagkat makakaharap muli ang istrikto na
guro subalit sintaas ng gusali ang kanilang paglundag dahil sa tuwa ng ipabatid
na di makakarating si Sir Ubenia. Kahit na walang guro,
nagkaroon pa rin kami ng Activity, di naman makatarungan ang
ipinapasagot na activity sapagkat di pa naituturo't nahirapan kami
ng husto. Sa hirap, tinamad
na kaming sumagot at piniling magkwentuhan na lamang, ang daldal ni Czarina subalit
may sense ang kanyang sinasabi at tutok ang teynga sa kanya.
Maya-maya, tinawag ako ni Enzo at may ipinakilalang bagong
kaklase, agad akong nabighani sa kanya pagkat bukod sa matangkad, ibang-iba ang
kanyang kagwapuhan subalit di ko na naitanong ang kanyang pangalan pagkat
maingay.
5g-q. Maya-maya pa, uwian na at tamang kwentuhan muli habang nasa biyahe.
Pagkababa ng dyip ay saktong nakita namin ang iba pang kamag-aral na may
kasamang isang paslit, ipinabatid nila sa amin na nawawala raw ito at sa
may Freedom park daw nakatira. Sa awa
at kahit hindi ko kadugo, tinulungan ko ito kung paano makauwi sa kanila
subalit nagpupumiglas ito ng isasakay na sa tricycle, humingi na ko
ng tulong sa mga saksi pagkat di na alam ang gagawin.
Balak ko sanang ihatid ang bata sa kanilang bahay pagkat batid kong mag-isa
lamang ito at delikado subalit hindi na ko pinayagan ng barangay tanod, sana ligtas
na makauwi ang batang iyon. Sa halip na Alas-siete ay mga dakong Alas-otso na
ko nakarating sa bahay, medyo pagod na at matapos kumain ay diretso tulog ako.
45 | 38 Tatlumput walong araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 18, 2014
Tuesday
Year II-322
5g-r. Malapit ng mag-ikalima ng umaga ng ako'y magising subalit sa antok at
gawa na rin na malamig ang panahon, hirap pang bumangon at medyo pupungas
pungas pa habang kumakain ng agahan. Hirap talaga ng buhay estudyante kapag pang-umaga
ang pasok, daming struggle na makakaharap. Bago pumasok,
humingi muna ako kay Mama ng pera upang bumili ng libro at langit ang nadama ko
ng bigyan ng tumatanginting na isang libo, diretso tungo ako sa Books and
Everything pagkarating sa eskwela at halos malula ako sa taas ng
presyo ng ipinapabiling libro at tila di magkakasya ang isang libo. Sa bandang huli, dalawang aklat lamang ang nabili sapagkat out
of stock ang iba. Maya-maya'y dumako na ko sa silid at
nagrepaso sapagkat magkakaroon ng maikling pagsusulit sa General
Zoology, sabay tago ng pinamiling textbook ng pumasok
si Ma'am Eloisa at anatomical terms and
body regions ang kanyang itinuro, mukhang madali lamang ang Lesson kung
makikinig ka, nakakabanas lamang ang katabi ko pagkat sa halip na makinig ay
panay buka ang bibig, pinagsabihan ko nga subalit hala sige pa rin sa tsika
kahit di makabuluhan.
5g-s. Ilang saglit pa, lumabas na kami at sa Hilltop square nagpalipas
ng oras. Walang maisipang gawin, kaya tsika-tsika muli subalit kita ko sa mukha
ni Anne Rose ang pagkamuhi habang kinakausap ni Allysa at
nakakainis lamang sa kanya pagkat sabat ng sabat sa usapan kahit di siya involve.
Maging sa paglalakad at makipag-holding arms sa akin ay
tila magkasintahan kami, pinagtitinginan tuloy kami ng mga dumadaan at ang kiri
pa, kahit na ganun siya'y pinakitunguhan ko pa rin ito. Pagdating sa laboratory,
sarado pa ang pintuan kaya nanatili muna kami sa labas, saka pa lamang
nakapasok ng dumating si Ma'am Eloisa at inutusan kaming
kumuha ng Microscope. Nakakatakot hawakan ang microscope sapagkat
kaunting pagkakamali lamang, baka mabagsak dahil sa bigat. Pagkakuha,
pinag-aralan namin ang bawat parte at inalam ang functions,
maya-maya'y pinalabas na kami upang bigyan ng panahon si Ma'am na ilagay sa
kanya-kanyang istasyon ang mga microscope.
5g-t. Panay ako sa pagrerepaso habang di pa nagsisimula ang Practical examsubalit
bigla naman ako inantok at pansamantalang umidlip. Ng kami na ang pumasok at
sumalang sa Practical test ay may kung anong kaba
na ang kumukurot sa dibdib at dahil may time limit, tarantang
taranta ako sa pagsagot at na-mental block pa, buti na
lamang at binigyan pa kami ni Ma'am ng pagkakataon upang balikan ang aytem na
di nasagutan subalit wala ng maisagot. Pumalit ang kagaanan sa dibdib matapos
ang Practical exam at sana'y singtayog ng Bundok Apo ang
matamong marka. Lunch break na at nagkaroon lamang ng kaunting
tampuhan dahil sa biro subalit agad rin naman naayos. Di sana kakain pagkat
ako'y nagtitipid subalit sa gutom, di ko na napigilan ang sariling bumili.
Matapos mananghalian ay agad na kaming tumungo sa Coverd court at
doon nagpalipas ng oras. Lumipas ang dalawang oras, PE time na
at sa halip na sa covered court ganapin ang klase ay sa Athletic
Center, sa pangalawang beses na nakipagkita sa Professor ay
saka pa lamang nagpakilala at siya si Sir Bermundo,
medyo mahigpit ito at kakikitaan ng pagka-terror subalit laking
nganga ng bibig ng ipagyabang ang kanyang mga Achievements.
5g-u. Sa kadahilanang nakakapagod at nakakapagbigay ng sakit sa katawan ang
magiging karanasan dahil sa dibdibang sayaw, ngayon pa lamang ay nagpasya na
kong ibigay ang Medical certificate subalit kailangan pa raw
ipa-verify ngClinic at Guidance. Agad akong
tumungo sa Clinic subalit di agad na-verify angMedical
Certificate pagkat wala pang doctor, naghintay pa ko ng
ilang sandali at pagsapit ng Alas-tres ay dumating na ang Doctor.
Sunod ay tumungo naman saGuidance upang humingi ng Excuse letter slip at
agad naman nabigyan. Halos maubos ang lakas ko sa kakaduli at masyadong
matrabaho ang pinapagawa ni Sir. Kaagad naman niyang tinanggap ang Excuse
letter ko ng ibigay at kinausap, nginig ako sa takot habang kinakausap
at madiin-diin ito magsalita. Ilang sandali pa, uwian na at ng ako'y pasakay
na, naalala kong di pala dala ang pinaghubaran na uniporme, dali-dali akong
bumalik sa Athletic center, agad ko naman iyon nakita at binitbit.
Anu bang mayroon sa utak at napakaburara ko? Diretso kain ng hapunan pagdating
sa bahay at sa pagod, diretso tulog ako.
44 | 37 Tatlumput pitong araw na lamang, bago sumapit ang pasko.
November 19, 2014
Wednesday
Year II-323
5g-v. Hindi pa man nawawala ang antok sa buong pagkatao at tinatamad pang
bumangon dahil sa lamig, hindi ko na ibig pang lumiban dahil lamang diyan kaya labag
man sa kalooban ay bumangon pa rin ako. Si Mama naman, kahapon pa atat tingnan
kung magkano ang natira sa ibinigay niyang isang libo sa akin, siyempre ako
naman itong panatag na paniguradong di kulang ang sukli, ipinakita ko sa kanya
bago umalis. Laking gulat ko ng bigla itong nagpasiklab ng galit, kulang pala
at nakumpirma ko iyon ng bilangin, naku at patay ako ngayon kay ina't
nag-uumapoy talaga ang kanyang galit, di ko na
lang ito pinansin. Nagtataka ako kung bakit ganun na lamang natira sa pitaka.
Oo, inaamin kong may kinupit ako upang ihulog sa aking ipon subalit kahit na
gawin ko iyon, di naman mahahalata ni Mama sapagkat di naman gasinong karami at
kaya kong maglaan ng natitira pambili ng iba pang libro, nabuko tuloy ako't di
inaasahang mangyayari ang bagay na iyon. Panay ang paliwanag ko subalit
nag-uumapaw na sa galit si ina.
5g-w. Pumasok akong may kabigatan sa kalooban at problemado subalit di ko ininda
at ipinokus ang sarili sa pag-aaral, iyon nga lang ay di ako kakain pagkat di
nabigyan ng allowance ni ina at pambili na lamang ng aklat ang
natitira pang pera. Grabe naman naging
reaksyon ni ina sa akin, akala'y iniisahan ko siya sa pera. Kahit may guro na,
nanatili pa rin akong nagmumukmok at tila walang ka-amor-amor subalit
dahil very interesting ang topic ni Ma'am
Ria, nagawa ko pa rin makinig at parang ka-level lang namin ito
kung magsalita.
Sa oras naman ng Mental Hygiene, hindi nakasipot
sa klase si Ma'am Trisha subalit may iniwan itong activity.
Himala pagkat naging payapa ang buong silid at di ako nagkamali sa pagpili
ng Dash, sana nga. Matapos ang ilang sesyon na walang guro sa Math,
sa wakas at pumasok na rin si Ma'am Domingo at nagturo lamang
ito. Medyo nauunawaan ko sa una subalit
ng dumako sa ibang lesson, doon na ko nahirapan at di biro ang
pagso-solve.
5g-x. Maya-maya pa, lunch break na at kumakalam na ang
sikmura ko, balak ko sanang umuwi na at huwag ng siputin ang mga susunod pang
asignatura subalit pinigilan ako nina Anne Rose at kinumbinsi.
Laking tuwa ko ng magpresinta silang ililibre ako. Ambagan sila ng pera sa akin
at todo pasalamat ako sa kanila, tunay silang kaibigan at pagpalain nawa sila
ng maykapal. Nakakain pa rin ako ng walang inilalabas na pera subalit sa bawat
subo'y tumintindi ang hiya sa dibdib, tamang kwentuhan lang habang kumakain at
pagkatapos ay tumungo na kami sa silid. Magkakaroon pala ng maikling
pagsusulit sa Filipino at medyo natataranta sa pagkakabisado
kung anuman ang napag-aralan dahil mukhang kapos ang panahon at natatakot akong
bumagsak. Hindi naman gasinong kahirap ang naging pagsusulit sa Filipino subalit
name-mental block ako kaya natitigilan na siyang
nagpapatagal.
5g-y. Nang tseking na at kahit di katayugan ang natamong marka, nanatili pa
rin ang galak sa dibdib pagkat nakapasa ako at pag-iigihan ko pa sa susunod.
May nalalabi pang oras kaya nakapagturo pa si Sir Pablito ng
panibagong lesson. Maya-maya pa, Social Science na
at tiyak na hahalakhak muli ng bongang-bongga, di nga ko nagkamali sa iniisip
at puro patawa talaga si Sir Marvin kapag nagtuturo, mistulan
tuloy comedy bar ang silid-aralan at mamatay-matay kami sa
kakatawa, dapat nagkomedyante na lamang si Sir Marvin sa halip
na Professor pagkat dinaig pa niya si Ai ai at Dolphy kung
magpatawa. Nang oras na ng English, lundagan kami sa tuwa ng
inanunsyo na di muli makakarating si Sir Ubenia,
inilista na lamang namin ang kanya-kanyang pangalan sa Attendance at
matapos ay kanya-kanyang labas na kami. Sa halip na dumeretso sa tahanan ay
nagtungo muna ako sa SM kasama ang iba kong kamag-aral upang
magbenta ng libro.
5g-z. Pagkadako namin sa mismong bentahan ng libro, sa halip na tuwa ay
pagkadismaya ang naramdaman ko ng di tanggapin ang libro ko, tumungo pa kami
sa Robinson Novaliches, nagbabakasakaling maibebenta na ang libro
subalit maging doon ay di tinanggap. Unfair lamang para sa
akin pagkat lahat ng nakatanghal na libro ay pawang mga segunda mano. Ano bang
mayroon sa libro ko at di nila kayang tanggapin? Bago umuwi, nagtungo pa kami
nina Mitche sa Fairview Terraces at kumain
ng Ice Cream. Laking pasalamat ko kina Mitche ng
ilibre nila ako ng ice cream at kay bubuti nila. Mga dakong
Alas-sais na ng maisipang umuwi at pagkarating sa bahay, diretso kain ako
pagkat namimilipit na sa gutom ang sikmura. Pagkatapos ay panonood ng
telebisyon ang inatupag ko. Habang sarap na sarap ang mata sa panonood ng
pelikula ng bigla itong namatay, tinamaan nanaman ng brownout at
balot muli sa kadiliman ang buong kapaligiran. Sa halip na maupo at magmukmok,
pinili ko ng matulog. Buti na lamang at umuulan kaya di maalinsangan ang
pakiramdam.
43 | 36 Mayroon na lamang tatlumput anim na araw, bago sumapit ang Pasko.
November 20, 2014
Thursday
Year II-324
5h-a. Today is our free day again at matapos ang
tatlong sunod-sunod na araw na may pasok ay ngayon lamang magkakaroon ng
panahon upang makapaghinga at gawin ang ibig gawin. Medyo nakakapagod lamang
ang itinakdang schedule para sa amin nitong semester sapagkat
maghapong babad ang sarili sa tinuturan ng guro ng walang Siyesta, struggle pa
naman sa akin ang mag-aral kapag walang Siyesta at nakakawala
ng excitement na makinig kapag sumapit ang hapon. Mapalad pa
nung nakaraang semester, salit-salitan ang araw na may pasok. Kalat
na ang liwanag sa labas ng ako'y magising at diretso kain ng agahan. Pagkatapos at dahil nakakabato ang buhay kapag
hinahayaan lamang ang sarili na lamunin ng pagkabukbok, naisipan kong maglaba
at malapit ng tumanghali ng ako'y matapos. Pangamba ko lamang na baka hindi
agad matuyo ang sinampay sapagkat di kagandahan ang sikat ng araw.
5h-b. Hindi pa man sumasapit ang tamang oras upang mananghalian ay agad ko ng
nilamnan ang sikmura kahit di pa nakadarama ng gutom pagkat may lakad pa ako at
iyon ay magtungo sa Recto upang magbenta ng mga libro, batid
kong hindi nila ako pahihintulutan sa aking binabalak kaya kinailangan ko pang
maglihim sa kanila at idinahilan na may pagpupulong sa eskwela ang aking
pag-alis. Iyan ang hirap sa kanila, nasa husto na kong edad subalit parang
paslit pa rin ang turing nila at di man lang ibigay ang buong pagtitiwala sa
akin, hanggang kailan ganito ang turing nila sa akin, kapag lagpas na sa
kalendaryo ang edad ko?
5h-c. Wala naman kaso sa akin kung pinoprotektahan nila ako, ang kinakaayawan
ko lamang ay kung bakit di nilang magawang magtiwala sa akin, kaya nga ako na
mismo ang gumagawa ng paraan ng di nila nalalaman upang patunayan ang sarili.
Huwag nila akong sanayin na maging independent child dahil
sila ang mahihirapan sa huli. Pagsapit sa España ay
naging napakabigat ng daloy ng trapiko kaya ako natagalan sa biyahe, ang isyu
tungkol sa problema sa trapiko dito sa Kalakhang Maynila,
di masugpo-sugpo at kailan kaya tayo matutulad sa ibang bansa na walang trapik.
Bahain pa kapag bumuhos ang ulan.
5h-d. Malapit ng mag-ikalawa ng makarating ako sa Recto at
naging sapalaran sa akin ang magbenta ng mga libro. Bigat na bigat na ko sa
pagbitbit ng mga libro subalit wala pang bumibili at ang hirap nilang
kumbinsihin, karamihan kasi sa ibinebentang libro, puro kinakailangan ng mga
estudyante at di yung story bookkaya hirap akong makabenta. Hindi
ako sumuko at kahit parang tanga na'y ipinagpatuloy ko ang paglalako.
Maya-maya at sa wakas ay may nabenta rin ako, sa mababang halaga nga lang at
lugi pa rin ako. Kung sino-sino ng mgabook vendor ang napag-alukang
bumili ng libro subalit hirap nilang pakiusapan at tinataasan pa ko ng boses,
sa puntong iyon ay itinigil ko na ang paglalako at kala kung sino sila
makapagsalita. Nasayang lamang ang pagod at pagpupursigi ko at di man lang
dumampi sa palad ang kinita dahil sa mahal ang pasahe. Umuwi akong dismayado sa
sarili at itinulog na lamang ang naturang nararamdaman. Madilim na sa labas ng
ako'y magising at diretso kain ng hapunan.
Pagkatapos ay nanood ng telebisyon, nagbasa muna ng pinamiling libro at mga
dakong ikasiyam na ng maisipang matulog.
42 | 35 Tatlumput limang araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 21, 2014
Friday
Year II-325
5h-e. Kakamulat pa lamang ng mata mula sa himbing ay tila hirap buhatin ang
sarili sa bigat ng aking nadarama na malasakong bigat at parang gusto kong
magwala sa inis, subalit takot ang pumipigil. Bakit ganito parati ang karanasan
ko, laging nabibigo at kailanman ay di man lang lumasap ng katagumpayan. Ano ba
ang pagkukulang ko? Sa bigat ng dinaramdam, tila tinatamad na akong pumasok at
gusto na lamang matulog ng matagal. Sayang ang ipon at panibagong kaalamang
makakalap kaya bumangon pa rin ako. Habang kumakain ng agahan ay nakiusap ako
kay mama na kung pwede ay bigyan ngpera pambili ng libro subalit ito'y nagmatigas
at iniisip pa rin na baka kupitin ko ang ibinigay na pera, naging pahirapan sa
akin ang kumbinsihin siya at halos magmalik luhod na ko. Nakiusapan naman ito
sa huli subalit binawasan niya ang pagbibigay ng allowance, tila
lumuwag ang paghinga ko at pakiramdang nagtagumpay matapos ang pag-uusap namin
ni Mama.
5h-f. Bago tumungo sa silid ay bumili muna ako ng libro sa Books and
Everything subalit ipinabatid sa akin na out of stock,
nasayang lamang ang pagpunta ko't baka matuksong gastahin ang pinamigay na
pera. Magkakaroon pala ng maikling pagsusulit sa General Zoology at
gulatkaagad ang umiral sa dibdib ng ipabatid kaya habang wala pang guro,
inapura ko ang sarili sa pagrerepaso. Samu't saring bibig ang aking mauulinig
na siyang sumisira sa konsentrasyon ko, hirap tuloy ipasok sa utak ang
kinakabisado at kinakabahan na ko. Maya-maya pa'y dumating na si Ma'am
Eloisa at nagsimula na ang pagsusulit. Kahit kaunting oras lamang ang
naigugol sa pagrerepaso ay naging napakadali ng pagsusulit at nare-recall ko
ang mga sagot, medyo nahirapan lamang pagdating sa huling bahagi at sagabal
talaga sa pagsagot ang pagkakaroon ng Mental block, naghula-hula na
lamang ako at sana'y mataas pa rin ang makuha kong marka.
5h-g. May panibagong lecture pang ituturo si Ma'am Eloisa,
hindi naman gumagana ang Screen Projector kaya naudlot ito at
maaga kaming pinalabas. Habang humihinga ang oras ay sinamantala ko iyon upang
bumili ng mga libro at saktong pagkatungo sa bookstore ay
may stock na sila, sa kapal at dami ng pinamiling libro ay
tila parusa sa akin ang pasanin angbag sa bigat. Pagkabili ay kaagad
ng nagtungo sa Laboratory subalit wala pa si Ma'am
Eloisa. Ilang saglit pa, dumating na si Ma'am at tinuruan niya lamang kami
kung paano gumamit ng Compound Microscope. First time pa
lamang namin gumamit ng Microscope at medyo nangangapa-ngapa pa sa pagsilip ng object, tila wala
naman makita kundi itim na guhit sa gitna subalit nakuha naman ang tamang
paggamit kinalaunan at ang galing, kitang-kita kahit gaano pa ito kaliit. Sige
ang kalikot namin sa Microscope at madami pa kaming
natutuklasan.
5h-h. Maya-maya'y uwian na, nayamot lamang ako sa Bus na
sinakyan pagkat sa bilis nito magpatakbo, lumagpas na ko ng Sandigan at
nagpasyang sa Ever Gotesco mall bumaba, mamasahe pa tuloy ako.
Hindi pa natapos ang yamot sa dibdib pagkat halos isang oras ng nasa Dyip pero
di pa bumibiyahe at kailangang punuin pa, sa pagkainip ay marami ng pasahero ang nagsibabaan, balak ko na rin sanang bumaba subalit di ko na
itinuloy pagkat umarangkada na agad. Umuwi akong iritableng-iritable tapos
kakarampot na ulam na lamang ang nakahain at ang lamig pa, lalo pang sumidhi
ang inis sa kalooban.
5h-i. Kinailangan pa tuloy magluto para may makain at matapos mananghalian ay
kaagad akong nag-siyesta. Pagkadilat ng mata at dahil wala si Mama,
naisipan kong magbantay sa aming tindahan. Sa bawat sentimong humahaplos sa
aking palad ay tuksong tukso kong umitin, di ko nga napigilan at sa kagustuhang
lumago ang ipon ay nangupit ako pero kakarampot lamang at inuusig ngkonsensiya
kapag nilalakihan, nagbantay ako hanggang sa dumating si Ina. Batid kong mali
ang mangupit subalit wala akong maisip na paraan at isa pa'y nagtitinda rin
naman ako. Lumalalim na ang gabi subalit di pa dinadalaw ng antok, naisipan ko
pang manood ng telebisyon. Malapit ng maghating-gabi ng maisipang matulog.
41 | 34 Tatlumput apat na araw na lamang, Bago sumapit ang Pasko.
November 22, 2014
Saturday
Year II-326
5h-j. Sabado nanaman at sumikat na ang haring araw ng ako'y magising. Madami
akong gagawin na dapat tapusin kaya di na nagpatumpik-tumpik pa sa pagbangon.
Pagkatapos humigop ng kape ay sinimulan ko ng mag-cover ng mga
pinamiling libro. Kinulang lamang ako sa Plastic Cover kaya
kinailangan ko pang bumili. Sa muling pagkakataon ay di nanaman kami magkasundo
ni Mama ng kumuha ako ng pera mula sa kanyang tindahan at kung makapag-react ito,
akala'y laki ng pagkakasala ko sa kanya samantalang nagpaalam naman ako habang
kumukuha. Sinabihan pa niya ko na ibalik ang kinuhang pera subalit di ko ginawa at dire-diretso akong lumakad. Maanghang na
sermon ang sinalubong niya sa aking pag-uwi at iniisip na nilalamangan ko raw
siya. Di katanggap-tanggap sa akin ang kanyang mga paratang lalo na't wala
akong ginagawang masama kaya lakas loob ko siyang sinagot. Kung makapagmaktol
ay dinaig pa ang bata at nasira ang araw ko dahil sa kanya.
5h-k. Hindi naman tumagal ang aming sagutan subalit naiwan ang sama ng loob
ko sa kanya. Kay simple lamang ng hinihingi ko, ipinagkakait pa niya! Sa dami
ng librong kailangang balutin ng Plastic Cover ay inabot na ko
hanggang Alas-dyis at kay sarap tingnan ang
mga aklat kapag may Cover. Sumunod ay nilagyan ko ng pangalan ang
bawat libro, naubusan ng tinta ang ballpen kaya bumili pa ko
subalit di na sa tindahan ni Mama kumuha kundi sa sariling ipon, kakaunti pa
lamang ang naiipon ko tapos mababawasan pa at sa sobrang sama ng loob kay ina,
di ko ito pinansin habang kinakausap. Nang malagyan ng pangalan ang mga aklat,
panonood ng telebisyon ang sunod kong inatupag. Habang nanonood ay di ko
inasahan na bibigyan ako ni Mama ng pera at parang bulang naglaho ang sama ng
loob sa kanya, marahil ay nahalata niya na nagtatanim ako ng galit kaya binigyan niya ko.
5h-l. Kinahapunan ay nagtungo ako sa Computer shop upang mag-research ng assignment sa General
Zoology. Habang tumutulak ay kita ko kung gaano kadilim ang kalangitan at
nagbabadyang bumuhos ang ulan. Anong ingay at baho ang naranasan ko habang
nasa shop at panay pa ang sigawan na halos ikabingi ko na. Garapalan pa sila
kung manalita at sinlutong ng Chicharon kung
magmura na akala'y walang pinag-aralan. Sa totoo lamang, lahat ng adik sa DOTA ay
ang papangit ng ugali at ang yayabang pa, ano bang mayroon sa larong iyan at di
nila maiwan-iwanan? Bato-bato sa langit, tamaan huwag magalit. Kahit balot sa
kaingayan ang buong shop, nagtiyaga na lamang ako.
5h-m. Maya-maya pa'y bumuhos na ang napakalakas na ulan at nagdulot ito ng
pagbaha, muntik-muntikan na ngang abutin ang shop ng baha
subalit pasalamat kami at di nangyari. Umaambon na lamang ng ako'y lumabas
subalit nakakalat ang makakapal na mga burak at putik sa daanan na kapag
naapakan ay tiyak na bibigat ang tsinelas mo. Pagkarating sa bahay at dahil
ako'y nababato, panonood muli ng telebisyon ang aking inatupag. Nakakasindak
lamang ang napanood kong pelikula sapagkat iba't ibang engkanto ang
sumasambulat habang sila'y naglalakbay sa kagubatan. Kahit mahirap paniwalaan
ang sabi-sabi sa probinsya, dapat pa rin pakinggan upang di malagay sa
kapahamakan. Malapit ng mag-ikasampo ng maisipan kong matulog.
40 | 33 Mayroon na lamang Tatlumput tatlong araw bago sumapit ang Pasko.
November 23, 2014
Sunday
Year II-327
5h-n. Pag-uusap nila Mama at Papa ang gumising sa akin na mukhang may
pinagkakaabalahan sa kusina. Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw at medyo
inaantok pa kaya muli kong ipinikit ang mata at ibinalot ang buong katawan sa
kumot pagkat maginaw. Nakakasilaw na ang liwanag sa labas ng muling nagising.
Tirik na ang haring araw sa labas subalit nanatili pa ring malamig at bilang
pampainit ng sikmura ay humigop ako ng mainit na kape. Pagkatapos ay sinimulan
ko ng gawin ang assignment sa General Zoology, sa
dami ng kailangang sulatin ay inabot na ko ng Alas-dyis sa pagsusulat at
halosmamaltos na ang daliri. Gawa na dumalo ng meeting ang
bantay sa tindihan, naisipan kong magbantay at sa totoo lamang ay tuksong tukso
akong umitin ang perang binibigay ng mamimili, di ko lang magawa dahil
nakokonsensiya ako.
5h-o. Pagsapit ng tanghaling tapat ay nakakatusta ang init sa labas at
nakakabigay pa ng sakit sa ulo, buti na lamang at mahangin kaya di naman
gaanong damang-dama. Saka ko pa lamang itinigil ang pagbabantay pagkauwi ni
Mama at natulog. Habang natutulog ang pagdating naman ni Ate Cecile at
nasira ang tulog ko dahil sa pag-uusap nila, di ko naman maunawaan pagkat Ilocano. Napawi
na ang antok ko kaya bumangon na lamang at nagmeryenda. Hinintay ko munang lumililim
sa labas at ng lumilim, naisipan kong magtungo kila Auntie Cleng.
Sa bahay na pinag-alisan nina Tito Elbong na sila nanunuluyan
at nakakapanibago lamang pagkat iba na ang mga kagamitan at di na tulad ng dati
ang mga laman.
5h-p. Habang ipinapasyal ko ang paningin ay sumasagi sa aking isipan ang
kanilang ala-ala at nami-miss ko sila lalong lalo na ang kakulitan
nina Amihan at Habagat. Tamang kwentuhan lamang
kami ng Auntie Cleng at sayang, wala si Samantha at
may ituturo pa naman ako sa kanya. Maya-maya'y biglang nag-iba ang ihip ng
hangin at di ko mawari ang dahilan, may nasabi siguro ako na di nagustuhan
ni Auntie Cleng at di ko mabatid kung ano. Simula noon ay
parang di ito umiingli sa tuwing may sinasabi ako't sa kadahilanang di na
magkapalagayan ng loob, umalis na ko. Sumunod ay sa bahay naman nila Cathy ako
nagtungo. Wala si Cathy ng datnan ko at sayang pagkat marami
pa naman kaming pag-uusapan, magandang balita agad ang ipinabatid sa akin
ni Ate Ging sa aking pagtungo at iyon ay First honor raw
si Cathy sa kanilang klase at kita ko sa mukha niya ang tuwa't
sabik na ipamalandakan ang natamong karangalan ng kanyang anak.
5h-q. Mapalad na anak si Cathy pagkat nag-aaral ito ng mabuti at sa kabila ng pagiging Top
1 niya, nagawa pa rin nitong magpakumbaba at hanga ako sa kanyang
ipinapakita. Tama lamang na nagkaroon ako ng responsableng kaibigan na katulad
niya. Abala si Ate Ging sa kanilang negosyo, nakakahiya naman
kung ginagambala ko siya sa kanyang ginagawa, umalis muna ako at tumungo kina Angelica.
Hindi nanaman mapigilan ang bibig sa halakhakan dahil nakakatawa talagang
magkwento si Angelica at beteranang-beterana kung magpatawa,
maging sa kinikilos ay napakakulit. Dahil sa sayang natagpuan, nanatili pa ko
sa kanila hanggang sa gumabi at non-stop ang aming kwentuhan.
Habang Masaya kaming nagkukwentuhan ay biglang lumapit sa amin si Aling
Mila, ipapa-tutor niya pala sa akin si Marvin at
dahil sa opurtunidad na lalago ang ipon, agad akong pumayag. Maya-maya pa'y
nagpaalam na ko sa kanila.Sa halip na dumeretso sa bahay ay naisipan ko pang
bumalik kina Cathy, nagbabakasakaling nandoon na siya subalit wala
pa rin at nadatnang abala si Ate Ging sa paggawa ng parol,
tinulungan ko siya.
5h-r. Kuminam ang mata ko sa gawa niyang parol at kahit recycle lamang,
maganda at malikhain. Ilang sandali pa makalipas, dumating na si Cathy at
tamang tsikahan lamang sa isa't isa kahit pagod na ito. Sinamahan ko pa siya sa
may Computer shop upang magpa-burn ng CD at
habang naglalakad ay inglesan kaming dalawa, grabe pagkat ang galing niya
sa English speaking at parang Foreigner ang
kausap ko. Malalim na ang gabi kaya ng makapag-burn, umuwi na ko. Malapit ng mag-ikasiyam ng makarating
sa bahay at saka lamang naghapunan. Matapos maghapunan ay diretso hilata na ko
sa kama at natulog.
37 | 32 Tatlumput dalawang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
November 24, 2014
Monday
Year II-328
5h-s. Dakong ikaapat pa lamang
ng madaling araw ng ako'y magising subalit mga Ikalima na ng magpasyang
bumangon. Pagkarating sa unibersidad ay agad akong tumungo sa bilihan ng mga
libro subalit ipinabatid sa akin na out of stockpa rin ang mga ito,
nadismaya ako sapagkat ilang araw na kong pabalik-balik, wala namang napapala.
Pagkapasok sa silid, laking taka ko kung bakit nagrerepaso ang mga kamag-aral
ko, magkakaroon nanaman pala ng maikling pagsusulit sa Human Development kaya
dali-dali ako sa paghalungkat at buklat ng aklat. Medyo nahihirapan lamang
itatak sa isipan pagkat nuknukan sa kaingayan ang
buong silid, lumabas muna ako at doon ipinagpatuloy ang pagrerepaso. Maya-maya
pa, dumating na si Ma'am Ria at nagsimula na ang pagsusulit.
Hindi naging madali sa akin ang pagsusulit pagkat karamihan sa lumabas, hindi
ko pa narerepaso. Nang maiwasto, hindi ako nagagalak sa naging resulta ng
pagsusulit at hangga't may pagkakataon ay babawi ako.
5h-t. May nalalabi pang oras kaya nakapagturo pa si Ma'am Ria tungkol
sa pagbubuntis at kahit kailangan ay matured ang pag-iisip, di
naming mapigilang tumawa. Sa oras naman ng Mental Hygiene, wala
muling guro maging sa oras ng Math. Kayaang mga kamag-aral ko,
nagbubunyi at party-party sa galak. Habang walang guro ay
sinamantala ko ang oras upang gumawa ng assignment sa English at
Filipino.
Maya-maya'y lumabas na kami at tumungo sa Canteen. Balak ko
sanang hindi kumain pagkat ako'y nagtitipid subalit inanyayahan ako ni Czarina na
kumuha sa kanyang baon, hiya agad ang umiral sa dibdib at tumanggi ako. Todo
pangungulit ito sa akin at kinalaunan dahil sa gutom na rin, pumayag na ko't di
inasahang pag-aambagan nila ako sa pagkain. Doon ko naramdaman na maraming
nagmamahal sa akin at nagpapasalamat sa Diyos pagkat di ako nagkamali sa naging desisyon ko na lumipat ng seksyon. Bukod sa busilak ang kanilang
kalooban ay masusumpungan din ang kaligayahan sa kanila. Matapos kumain ay
nagtungo naman kami sa Library at doon nagpalipas ng oras.
Ipinagpatuloy kong gawin ang assignment sa English at Filipino subalit
di matapos-tapos pagkat kay haharot ng katabi ko, hindi ko na lang tinapos.
5h-u. Pagsapit ng Ala-una, tumungo na kami sa silid. Nangangalahati na ang
oras pero di pa dumarating si Sir Pablito at marahil ay wala
muli kaming Professor. Pumasok naman siya kinalaunan at nagturo.
Matapos niyang magturo ay nagkaroon kami ng biglaang pagsusulit at naging sisiw lamang sa akin ang mga katanungan. Kumpiyansa na ko sa sarili na mape-perpect ang
pagsusulit subalit hindi sa kadahilanang mali-mali ang baybayin at
nagkapalit-palit ang sagot, nadismaya muli ako sa naging resulta at malapit na
kong ma-depressed. Nang Social Science na ay nanonood
lamang kami ng film showing na pinamagatang The God
must be crazy.
5h-v. Daming akward moments ang nasubaybayan
namin sa pelikula at halos mapigtal na ang ngala-ngala sa kakatawa. Hindi nga
lamang namin tinapos pagkat kapos sa oras at labis akong nabitin. Sa oras naman
ng English, ano ba 'to at wala muli kaming professor subalit
nag-iwan siya ng Activity, hirap naman makapag-concentrate pagkat
nuknukan sa ingay at panay patugtog ang isa kong kaklase. Huwag sanang parating
ganoon ang maging sitwasyon pagkat sayang lamang ang pinasok namin at walang
panibagong kaalamang matutuhan. Ilang sandali pa ang makalipas, sa wakas at
uwian na at ako'y nagagalak pagkat may karamay muli sa pag-uwi. Pagkarating sa
bahay, pagkain agad ang nasa utak at diretso lantak ng nakahaing ulam. Kahit
hindi nakakain ng maigi kapag nasa school, bumabawi na lamang kapag
sa bahay at sige ako sa banat hangga't may mahihita. Pagod na rin ako at medyo inaantok kaya kaagad ng natulog.
Tatlumput isang araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 25, 2014
Tuesday
Year II-329
5h-w. Madilim-dilim pa lamang ng ako'y magising, nanatili pa ang antok sa
pagkatao kaya di agad nakabangon at pilit mang idilat ang mga mata'y
napapapikit pa rin. Medyo tinamaan pa ng pagkapungas habang kumakain ng agahan
subalit nawala naman kinalaunan. Ganyan talaga ang buhay estudyante, dapat ng
sanayin ang sariling bumangon ng maaga at labanan ang antok, kahit gaano pa
kahirap. Mga dakong Alas-sais na ng lisanin ko ang tahanan at pagkarating mismo
sa may hintayan ng tricycle, parang eksena lamang sa pila ng MRT ang
aking nadatnan at tila mahuhuli pa ko. Habang lulannaman ng dyip at dahil nasa
harap, rinding-rindi na ko sa kakasigaw ng manong driver habang
nagtatawag ng pasahero at di ako komportable sa aking kinauupuan pagkat bukod
sa maligalig ay masyado pa silang palalo sa dinaraanan, inunawa ko na lamang
sila at marahil ganoon ang magiging ugali kapag di nakapag-tapos sa pag-aaral,
di naman lahat.
5h-x. Eksakto lamang ang dating ko sa eskwela at agad na bumili ng glass
slide na gagamitin para sa Experimentation sa General
Zoology, nasayang lamang ang binili naming glass slide ng
ianunsyo ni Ma'am Eloisa di na matutuloy ang experiment at
di rin siya makakapagklase pagkat may mahalaga silang pagpupulong. Sabay-sabay agad na
nagsibukasan ang mga bibig matapos makapag-anunsyo si Ma'am at umalis. Gawa na
wala namang gagawin sa loob ng silid, naisipan na namin nina Anne Rose na
lumabas at kumain, laking pasalamat at tuwa ko kay Anne Rose sapagkat
kahit di nagde-demand sa kanya, nanglilibre pa rin ito at nalamnan
ang sikmura ng walang nilalabas na pera.
5h-y. Matapos kumain ay tumungo kami sa Library at nag-drawing ng Cells na
siyang activity sa General Zoology. Masyadong
kumplikado ang bawat parts ng Cell picture na aking
ginagayahan tapos ang tsaka pa ng pagkakaguhit, umayaw na ko at di na tinapos
pa. Saktong naroroon sina Nikko na dati kong kamag-aral at mahina
kaming nag-usap. Maya-maya pa'y dumating naman sila Marla, lalo
pang lumaki ang aming samahan. Buti pa si Marla pagkat tapos
na niyang i-drawingang Cells at maganda pa kung
pagmamasdan. Ng ipapa-zerox ko ang kanyangdrawing, didiretso
sana ako palabas subalit natigilan ng makita si Mama na papasok, dali-dali
akong bumalik sa library.
5h-z. Tumambay pa kami sa library at nagtsikahan hanggang sa
sumapit ang Alas-onse. Hindi ko na ibig pang daluhan ang PE pagkat
tutunganga lamang ako kapag naroroon at gusto ko ng umuwi. Medyo inaantok na
rin kaya nakatulog sa biyahe, sa sarap ng
tulog ay mismong ale na ang gumising sa akin at nasa Sandigan na
pala kami. Halos mayupi na ng maigi ang bituka sa tindi ng gutom kaya diretso
kain ako ng makarating sa bahay at nag-siyesta. Pagkagising ay
pakiwaring nahihilo at di malaman ang dahilan, nahiga na lamang ako at hinintay
na gumabi. Bahagyang napawi ang hilo ng makapaghapunan at sabay nuod ng Bagito.
Nagugustuhan ko lamang ang naturang palabas pagkat sinasalamin nito ang mga
kabataang maagang nagiging magulang at nagsisilbing babala sa buhay na maari
nilang kaharapin kapag inuna ang landi kaysa mag-aral. Mga dakong ikasiyam na
ng maisipang matulog.
37 | 30 Eksaktong tatlumpung araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 26, 2014
Wednesday
Year II-330
5i-a. Panibagong pakikibaka muli sa buhay bilang estudyante ngayong araw at
kahit ibig pang ihimlay ang sarili sa kama ay kailangan ko ng bumangon at
lamnan ang sikmurang magdamag na walang laman. Naging napakalamig muli ng umaga
kaya naging usad pagong ako sa pagkilos at kakatamad pang pumasok. Habang
papasakay ng jeep ay saktong nagkita kami ni Andrea at
siya ang nakasabay ko sa pagpasok. Pagkatungo sa silid, wala pang guro subalit
nadatnan kong abala sa pag-aaral ang mga kamag-aral, iyon pala'y magkakaroon
muli ng Oral recitation sa Human Development. Sa
takot na di makasagot kapag tinawag ay dibdiban ako sa pagrerepaso. Nang
dumating si Ma'am Ria ay parang gulok ang kaba kung makataga sa
dibdib at ipinapanalangin na huwag matawag subalit halos atakihin ako sa puso
sa nerbiyos nang tawagin ni Ma'am. Naging madali lamang ang kanyang katanungan
kaya agad akong nakasagot at pumalit ang tuwa sa dibdib.
5i-b. Madami-dami pa ang natawag bukod sa akin at nang matapos ang oral
recitation ay nagturo pa si Ma'am. Maya-maya'y Mental Hygiene na
at sa wakas, pumasok na si Ma'am Trisha at pangalan ko pa ang
ginawa niyang example habang nagtuturo at sana mangyari
sa Future ko ang kanyang sinasabi na ako'y maging isang Registered Psychology at abot langit ang
tuwa kapag magkakatotoo iyon. Maging sa oras ng Math ay
pumasok na rin si Ma'am Domingo at hinggil
sa Measurments ng degrees ang kanyang itinuro,
akala'y madali habang itinuturo pero ng subukan, doon ako nahirapan at labis
ang pagkalito. Nakuha ko naman ang tamang pagso-solve kinalaunanan.
5i-c. Maya-maya pa, Lunch break na at ang baon nabiscuit lamang
ang naging panglaman tiyan ko. Pagkatapos kumain ay dumako na kami sa may labas
ng silid at sinamantala ang mahabang oras upang gumawa ng takdang-aralin
sa Filipino. Hirap kong ituon ang sarili sa paggawa ng
takdang-aralin dahil sa kaharutan ng dating kamag-aral na si Precious maging
si Anne Rose at panay papansin kay Jed na
akala'y sa unang pagpapakita ay agad na maakit, manigas siya sa
kakaasa! Ilang sandali pa ang lumipas, pumasok na kami sa silid. Sa di
inaasahang pangyayari ay pinapunta kaming lahat ni Sir Pablito sa Admission
Office at pagkarating ay hinihingi pala nila ang aming Form 137,
buti na lamang at naipasa ko na iyon kaya wala ng poproblemahin pa. Agad naman
pinabalik ang walang kulang sa requirements kabilang na ako at
nagkaroon kami ng biglaangrecitation.
5i-d. Dali-dali ako sa pagbuklat ng libro at repaso habang di pa natatawag at
di ko na maiwasan pang kabahan. Sa hirap ng katanungan ni Sir Pablito,
madami-dami na rin ang di nakakasagot kaya lalo pang sumidhi ang kaba sa dibdib
at ng ako'y matawag, swerteng nakaimbak na sa aking isipan ang kasagutan kaya
nakasagot agad at tuwa sa dibdib ang pumalit ng magkaroon ng puntos subalit
panandalian lamang ng ipabatid ng kamag-aral na mali ang sagot ko at agad na
binawi ang puntos. Sayang naman at ano ba ito, ginto na nga, naging bato pa at
kakadismaya.
5i-e. Maya-maya pa'y Social Science na, sabik agad ang
namayani sa dibdib pagkat iniisip na itutuloy ang Film showing subalit nagkamali ako sa aking akala at nagturo lamang si Sir
Marvin, habang nagtatalakay ay bigla akong tinamaan ng antok at may minuto
na nakakaidlip subalit nilabanan ko iyon sa takot na malingilan ng guro at
ipadala sa Dean's office. Bahagya naman naparam ang pagkapungas
kinalaunan. Sa oras naman ng English, matapos ang tatlong sesyon na
walang guro, sa wakas at pumasok na at nagtsek lamang kami Diagnostic test.
Hindi ko ikinagalak ang markang aking natamo subalit nanatiling positibo pa rin
ang pananaw. Ilang saglit pa, uwian na at sa tindi ng gutom na nadarama sa
sikmura ay diretso lamon ako at naparami ng husto ang nailagay na pagkain. Matapos
kumain, panonood ng telebisyon agad ang inatupag. Hindi pa lugmok ang mga mata
sa antok kaya naisipan pang makinig ng musika bilang pampaantok. Dakong Alas-onse
na ko natulog.
36 | 29 Dalawang pu't siyam na araw na lamang, bago sumapit ang Pasko.
November 27, 2014
Thursday
Year II-331
5i-f. Hinayaan ko munang mawala ang antok bago bumangon at sa pagbangon, kay
sarap at sigla ng naging umaga pagkat kaginhawaan agad ang nadarama. Pagkatapos
mag-almusal ay kaagad ko ng sinimulang gumuhit ng mga Cells.
Napakakumplikado talaga ng bawat detalye sa larawan, hindi pa naman ako bihasa
sa pagguhit kaya labis akong nahihirapan subalit itinuloy pa rin kahit wala sa
ayos. Hindi naging biro para sa akin ang gumuhit ng Cells kaya
malapit ng sumapit ang ikasampo ng ako'y matapos sa aking gawain. Ang kaninang
umagang napakaaliwalas, kasalungat naman ngayon na bigla na lamang kumulimlim hanggang sa bumuhos ang ulan, balak ko pa sanang
maglaba ng pinagsuotang uniporme subalit naudlot dahil sa ulan, nanood na
lamang ng telebisyon. Pagkadinig sa balita, malapit ng magpasko pero may bagyo
pala at patuloy itong nanalanta sa Kabisayaan.
5i-g. Lungkot agad ang nadarama sa dibdib pagkat taon-taon na lamang di
masaya ang pagdiriwang ng Pasko dahil sa mga bagyong biglaan na lang
humahagupit kung kailan patapos na ang taon. Sa antok ay di ko ipinagpatuloy
pang manood at natulog. Pagkagising at gawa na ako'y batong-bato, naisipan kong
itulak ang sarili sa Computer Shop. Pagkatapos ay may isang paslit sanang tuturan upang sa ganon ay madagdagan ang laman
ng alkansiya kahit walang pasok, ngunit biglang naghari ang katamaran at isa
pa'y nagbabadya muling umulan, umuwi na lamang ako at itinuon ang mga oras sa
pagbabasa. Kinagabihan, pakikinig muli ng magagandang awitin ang inatupag ko at
mga dakong ikasiyam na natulog.
35 | 28 Mayroon na lamang Dalawang pu't walong araw bago sumapit ang Pasko. Nawa'y wala ng unos pang dumatal sa ating buhay mga Pilipino paramerry ang ating Christmas.
November 28, 2014
Friday
Year II-332
5i-h. Hindi naging kaaya-aya ang salubong ng umaga sa aking pagmulat pagkat
muli akong sinisipon at mukhang magkakasakit subalit pinilit ko pa rin bumangon
at mag-almusal. Kay aga-aga pero tila di ko gusto ang nangyayari at pagkainis
agad ang umiral sa dibdib. Sa sobrang pagkaaburido ko, maging si ina'y
napagbuntunan ko sa di sinasadyang pagkakataon dahilan kung bakit nagkaroon ng
alitan. Hindi ko na dapat siya tatapatan subalit di ko maiwasang magpaapekto sa
kanyang sinasabi kaya nasasagot ko pa rin at lalo pang sumahol ang araw ko.
Bahagya naman nawala ang pagka-badtrip pagkarating sa eskwelahan at ngiti agad ng kamag-aral ang bumungad sa
akin. Masyado pang maaga kaya naisipan pa naming magpagala-gala at maya-maya'y
dumako na sa silid. Mistulang palengke ang silid sa ingay ng kamag-aral subalit
parang bulang naparam ng pumasok si Ma'am Eloisa at may
mahalagang inanunsyo bago magturo.
5i-i. Pagkatapos ay nagturo na ito at hinggil sa Cells ang
kanyang tinalakay. Very interesting ang Lesson kung
kaya todo pakikinig ako sa kanya at daming bagay na natutuhan. Napakabilis ng
takbo ng oras at sayang napakaganda pa naman ng lesson at gustuhin
pa man huwag paalisin si Ma'am Eloisa at magturo pa ng matagal
subalit wala kaming magagawa. Habang bakante ang oras ay inilaan namin ito
upang kumain at bumili na rin ng mga materials na gagamitin
mamaya sa experimentation. Habang hinihintay na magbukas ang pintuan
ng laboratory, sumakit ng husto ang sikmura sa kakatawa dahil sa
mga jokes ni Ella, si Anne Rose naman,
walang kapaguran sa kakatawa at ang saya nilang kasama.
5i-j. Maya-maya pa'y binuksan na ang pintuan at pumasok na kami. Bago
magsimula ang experimentation ay tinuruan muna kami ni Ma'am
kung ano ang gagawin at halos mandiri ako ng ilagay ang sariling laway sa glass
slide sabay tatapalan ng Cover slip at ilalagak sa stage clip ng Compound
microscope upang masuri kung anong hitsura ng Cells. Sa unang silip ay
parang wala namang makita pero ng i-adjust ng maigi ang Microscope,
halos ikahalina ko ang kakaibang structures ng Cell.
Nang mapalitaw ang cells, kanya-kanyang kuha ng litrato at wala
kaming ibang inatupag kundi ang mag-experiment ng laway maging
balat ng sibuyas at sa oras na masisilayan, di mapigilang bumigkas ng "Wow".
Maya-maya pa'y uwian na.
5i-k. Halos sumakit ang ulo sa tindi ng alinsangan sa labas at pagkarating ay
di panatatapos ang kalbaryo pagkat pagbubunganga muli ni ina ang sumalubong, hinayaan
ko na lamang siya at stressful talaga ako kaya matapos kumain
ay diretso Siyesta na. Pagkagising ay tumulo muli ang uhog ko
at panay pa ang pagsinga, magtu-tutor sana subalit sa muling
pagkakataon ay di natuloy pagkat masama naman ang pakiramdam ko, nanatili na
lamang sa bahay, upang malibang ay naisipan munang manood ng telebisyon.
Paglagom ng dilim ay naging napakakulay ng kapaligiran dahil sa iba't
ibang Christmas lights na nakasabit sa mga bahay-bahay at buti
pa sila pagkat maliwanag at maningning ang kanilang Pasko, kinain ko na lamang
ang aking inggit. Sa sobrang wili ko sa panonood, mga dakong Alas-dyis na
naisipang matulog.
34 | 27 Dalawang pu't pitong araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
November
29, 2014
Saturday
Year II-333
Saturday
Year II-333
5i-l. Eksakto Alas-siete na pala ng umaga ng ako'y magising at bumangon.
Mahina na ang baterya ng selepono at ng ito'y ilalagak ko sa Universal
charger, biglang nadiskubre na nawawala pala ito at di ko mabatid kung sino
ang kumuha. Saang lupalop na ng tahanan ko na ito hinanap subalit di pa rin
masumpungan at halos mabuwang na sa kakahanap. Dahil diyan, naging imbyerna ang
araw ko't kakapagtaka lamang sapagkat nilagay ko naman sa tamang lalagyanan. Ng
isang araw, charger ni Papa ang nawawala tapos di na mahanap, ngayon
naman ay charger ko. Wala namang pumapasok na magnanakaw at
kami-kami lamang ang naninirahan o sadyang may makulit na kamay at
kating-kating mang-umit ng di sa kanya. Sa panahon ngayon ay mahirap mambintang
kung sino ang salarin. Nagsasayang lamang ng oras sa paghahanap, itinigil ko na
lang at nag-almusal. Sa totoo lamang ay di ko tanggap ang pagkawala ng charger subalit
wala akong ibang magagawa kundi manghiram muna labag man sa kalooban.
5i-m. Nang malamnan ang kaninang kumakalam na sikmura, nagtungo na ko
kila Aling Mila ang turuan ang kanyang anak na si Marvin.
Naging hamon sa akin ang turuan ito kung paano sumulat pagkat ito'y may
kapansanan at pagiging matiyaga ang pinairal ko,
kumita lamang.
Anumang pilit ituwid ang kanyang daliri ay kusa itong namamaluktot kapag
binibitawan at madalas pang naglalaway dahil sa siya'y may Cerebral Palsy.
Sa halip na uminit ang ulo dahil hirap niyang turuan ay pagkahabag ang umiral
sa dibdib at umaasa balang araw na matuto rin si Marvin, sa kabila
ng kanyang kapansanan. Inaamin ko na naging malupit din ako sa isa kong kapatid
na may kapansanan paminsan-minsan at marahil ay napakasama kong nilalang at di
ko dapat nagagawa sa kanya bagkus ay tinutulungan, nauunawaan ko kung anuman
ang kalagayan ng kanilang pamilya pagkat pinagdaraanan rin namin iyon.
5i-n. Tama si Ate Ging, kung sino pa ang di normal ay
siya pa ang di makasalanan at napakapalad nila. Matapos ang tutorial ko
kay Marvin at sa halip na umuwi ay nagtungo muna ako
kaya Ate Ging. Hindi ko dapat ito gagawin subalit kinapalan ko na
ang mukha na manghiram sa kanya ng Universal charger, madali naman itong
kausap at kaagad na pinahiram ngcharger. Diretso salpak ng charger pagkarating
sa bahay at nuod ng telebisyon.
Kinahapunan ay nagtungo muli ako sa Computer shop.
Labis ang pagkawili ko sa pag-upa kaya pagkasilip sa labas, madilim-dilim na
pala at kailangan ng umuwi. Habang naglalakad ay kita ko ang mga palarang bituin na kumukutitap at halos ikasilaw ng mata
sa liwanag nito. Sumapit nanaman ang Sabado kaya ang kapaligiran, muli nanamang
maingay dahil sa disco party doon sa mayCovered court at
sa totoo lamang ay di ako makatulog.
5i-o. Buti na lamang at umulan kaya walang gasinong pakalat-kalat na mga
kabataan sa daan na siyang naghahasik ng kaingayan at sana'y magdamag na umulan
upang matigil ang sayawan. Bitter na kung bitter basta
walang madidisturbo sa tulog. Hindi pa inaantok ng lagay kaya naisipan ko pang
magbasa. Malapit ng sumapit ang ikasampo ng gabi subalit ni katiting na antok
ay di pa sumasakop sa buo kong pagkatao.
Bilang pampalibang ay nanood muna ako ng telebisyon at di ko mapigilang
humagalpak habang pinapanood ang Momzilla at parang dinaig pa
ang aso't pusa kung sila ay mag-away. Sa kakatawa, nagising tuloy si ina at
katakot-takot na sermon ang inabot ko. Nasira tuloy ang masaya kong panonood
dahil sa kanya. Sumapit na ang Alas-onse at di ko pa sana ibig ang matulog
subalit kailangan na at kay lamig ng gabi dahil sa umuulan.
31 | 26 Dalawang pu't anim na araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
November 30, 2014
Sunday
(Bonifacio Day)
Year II-334
5i-p. Matinding sipon muli ang tumibag sa masarap kong tulog at hirap huminga
dahil sa baradong ilong. Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ng ako'y
magising at tumulog muna. Sumikat na ang haring araw sa labas ng muling
magising at sa wakas, naparam na ang pagkakaroon ng sipon at bumalik na sa
dating ayos ang paghinga. Matapos kumain ng agahan at kahit di pa gasinong
karami ang nakatambak na tubal ay naisipan kong maglaba. Kainamang panahon
naman at kung kailan malapit ng magsampay ay saka naman nagtago ang haring araw
at nagbabadya pang umulan. Nang makapag-sampay ay kaagad na akong nagbihis upang dumalo sa Sunday mass.
Bago magtungo sa church, naisipan ko munang gumawi kina Cathy at
sila'y matiyaga kong hinintay subalit di makakasama si Ate Ging.
5i-q. Si Jaka naman, tinamaan ng pagkasumpong at di ibig ang
magsimba bagkus ay maglaro, pikit mata na nga lang habang pinipilit ni Cathy na
sumama ito sa pamamagitan ng palo't ibig kong pigilan ang pananakit niya sa
kapatid subalit di ko ginawa.
Maging sa Church ay walang humpay ang pagmamaktol
ni Jaka at sa halip na ituon ang pakikinig sa Pastora ay sa
kanilang dalawa ko naibubuhos ang atensyon pagkat kanina pa pinapatahan ni Cathy. Kahit di buo ang kamalayan ko'y may
natutuhan pa rin naman. Hindi ko na hinintay pang magtapos ang pagsamba't agad
ng nagtungo sa bahay ni Aling Mila upang mag-tutor at
maningil na rin ng paunang bayad subalit ipinabatid sa akin na nasa meeting
raw ito, sayang lamang at di ko matuturuan si Marvin na
pursigido talagang matuto. Umuwi na lamang ako at mga dakong hapon na ng
magtungo muli sa kanila.
5i-r. Sa wakas at nakadaupang palad ko na si Aling Mila at
saya agad ang namayani sa dibdib, biglang pumalit ang panghihinayang sa dibdib
ng ituran na sa ibang araw na lamang ko siya tuturuan pagkat may nag-iinuman, maging ang ipangbabayad ay ipinangakong ibibigay
mamaya. Nagtiwala naman ako sa kanya at nawa'y tuparin ang kanyang pangako.
Inabangan ko ito sa labas, umaasang dadampi na sa palad ang trentang kusing
subalit malapit ng lumagom ang dilim ay di pa dumarating at marahil ay
binibilog niya ang aking pag-iisip. Upang di maiinip ay nilibang ko ang sarili
sa paglalaro at habang ako'y nahuhumaling ang biglang pagdating ni Cathy at
inayang sumama sa Youth Fellowship study.
5i-s. Pagkadako, manamis-namis na ngiti nila ang isinalubong sa amin at bago
pa man magsimula ay may ipinakitang magic Trick sa akin si Kuya John Paul. Itinarak niya sa
aking sintido ang barya at sa di malamang dahilan ay nawawala na lamang ito
kapag inaalis niya ang kamay. Nang una'y hindi ko magawang maniwala at
pinaulit-ulit ang tricks, nagbabakasakaling mahuhuli ang behind
the scene niyang magic pero ang hirap bukuhin pagkat
napakabilis ng kanyang kamay at pinahanga niya ako ng husto. Bukod pa roon ay
may iba pang magic trick siyang ipinakita't bumuka ng maigi
ang aking bibig sa labis na mangha. Maya-maya pa'y nagsimula na ang bible
study at habang iyon ay idinaraos, naging malaking palaisipan sa akin
kung paano niya nagagawa ang ganoong bagay at di malaman kung lahing Christian ba sila o Magician?
5i-t. Sa kakaisip, di ko namalayang tapos na ang bible study at
pumili kami ngverse at isa-isang nagpaliwanag. Tila oral
recitation lamang ang nagaganap at di ko naihanda ang sarili,
pinahintulan naman nila ako na sa next week na lang aking
testimonya. Bago umuwi'y nagtungo muna kami ni Cathy sa computer
shop, madilim-dilim na ng makarating sa bahay at agad na inalam kay ina
kung dumating ba si Aling Mila at hindi ko ikinatuwa ang aking
nalaman. Wala pala siyang isang salita at mukhang naglolokohan lamang, naku at
hayaan na pagkat iyon na ang una at huling beses na magtuturo ako sa kanyang anak at sinayang niya lamang ang tiwala ko.
Sa totoo lamang ay napakahangal ko talaga at wala ng mas mahihigit pa dun,
bakit nagpapaniwala agad samantalang di mo pa nga masyadong kilala ang tao! May
pasok muli kinabukasan kaya mga dakong ikasiyam pa lamang ng maisipang matulog.
32 | 25 Dalawang pu't limang araw na lamang bago sumapit ang Pasko at bukas, December na.