June 01, 2014
Sunday
Year II-152
Sunday
Year II-152
4g-f. Boses nina Mama na
masayang nag-uusap ang gumising sa nahihimbing kong pagtulog. Kahit naibuhos ko
na ang nararamdaman kagabi'y di ko pa rin mapigilang magdamdam ng maulinig na
nag-uusap si Mama at ate, parang nagseselos ako't gusto ko kung ano ang trato
niya sa kanya, gayun rin sa akin. Tuloy ay naging malungkot ang umaga ko't
napaluha muli. Pinipilit kong huwag ng isipin iyon upang di masaktan pero
bumabalik pa rin sa isipan. Wala akong nagawa sa buong umaga kundi ang
magmukmok at parang nade-depress sa pangyayari. Hindi pupwedeng
ganito na lamang ako na ibibilanggo ang sarili sa masaklap na pangyayari't
kailangan ko ng iwaksi sa isipan, masisira lamang ang buhay kapag patuloy iyong
sinasaisip. Upang mabawasan ang kalungkutang nadarama, naisipan kong magtungo
sa bahay nina Cathy.
4g-g. Ang pagkamasiyahan
nila ang nagtanggal sa aking pagkalumbay at mapalad ang pamilya ni Cathy na
kahit may iringan sa kanilang magkakapatid, nagkakasundo kaagad sila't hindi
umaabot sa puntong kailangan ng magkasakitan. Naging makwento sa akin ang Cathy at
kinalabutan ako sa kanyang mga sinasabi. Di ko akalain na karamihan sa mga
artista maging sa ibang bansa na ating kinahuhumalinga'y may pagka-Illuminati raw
at di raw tinatangap sa langit ang mga Illuminati kundi sa
impyerno ang bagsak. Maging ang iniidolo ko, kabilang rin sa mga Illuminati at
di ako makapaniwala. Ibang iba nga ang paniniwala ng relihiyon nila sa
relihiyon namin at wala akong magagawa kung paniniwala na nila iyon, ang sa
akin lamang ay di naman masama kung may taong iniidolo ka basta't numero uno pa
rin ang Panginoon sa isip, parang ipinaparating nilang makasalanan sa diyos ang
idolohin ang mga sikat na personel pagkat seloso para sa kanila ang Diyos,
seloso ang panginoon kapag may ibang diyos tayong sinasamba pero di
nangangahulugan na ang pagkahumaling sa artista, parang sinasamba mo na din.
4g-h. Di ako sang-ayon
sa sinabi ni Cathy at mukhang di kami magkakasundo pero di ko
inilabas ang opinyon ko't mauwi lamang sa pagtatalo. Mayroon pa silang Fellowship Bible study at
dahil malulungkot lamang ako kapag manatili sa bahay, sinamahan ko si Cathy.
Si Sister Malou ang nanguna sa bible study,
maganda ang turo niya pero may mga ilang bagay lang na di ko maitatak sa isipan
pagkat paniniwala na nila iyon at labas na iyon sa ipinangakong salita lamang
ng Diyos ang ipinunta ko. Matapos ang aming bible study ay
nagkumpyuter pa ako. Malapit ng dumilim ng matapos ang upa ko sa computer shop.
Hindi ko pa ibig umuwi't nagtungo muli ako sa bahay nila Cathy.
Kakisigan agad ni Daniel ang sumambulat sa pagparoon ko sa
kanila't lumilitaw pa lalo ang gandang lalaki niya kapag nakasuot ng formal
attire, dinaig pa si Daniel Padilla sa kanyang
kakisigan.
4g-i. Maya-maya pa'y
nagtungo kaming tatlo ni Cathy sa computer shop upang
ipa-develop ang litrato ni Daniel. Ilang shop na
ang napuntahan namin subalit puro wala kaya napalayo pa kami't inabot na ng
gabi. Sa layo ng aming nilakad, sumakit ang paa ko pagbalik namin sa bahay
nila't nanatili pa ng ilang saglit. Sarap ng aming kwentuhan na may kasamang
hagalpakan, hindi ko namalayang ikasiyam na't nagmamadali na akong nagpaalam.
Sa sakit ng paa na mukhang nirayuma, matapos kumain ng hapunan ay diretso
hilata na ako hanggang sa makatulog. May pasok na bukas ang Elementary at High
School subalit sa Public school lamang at
sa 16 pa kami, may nalalabi pang dalawang linggo para masulit ang bakasyon.
June 02, 2014
Monday
Year II-153
Monday
Year II-153
4g-j. Tapos na ang
maliligayang araw ng mga estudyanteng dalawang buwang babad at nagpakasarap sa
mahabang bakasyon sapagkat ngayong araw ang pagbabalik eskwela't kahit
nabibitin pa, kailangan ng pumasok ng sa gano'y makamit ang kinabukasang kay
ganda't di mauwi sa patapong pamumuhay. Kahit may klase na sa lahat ng
pampublikong paaralan, hindi pa rin ako maagang nagising at laking tuwa ko
pagkat bukod sa may dalawang linggo pa ang bakasyon, nagpapasalamat ako pagkat
nalagpasan ko ang malaking unos na dumatal sa buhay ko, ang mag-away kami't
iyon ang dahilan ng paglalayas ko. Naiiyak pa rin at madalas tumitingala sa
kawalan sa tuwing sinasariwa ang napakapait na pangyayari pero mukhang bumabawi
naman sa akin si ina't habang lumilipas ang unti-unting paghilom ng sugat sa
dibdib. Upang hindi maging bugnutin sa kalungkuta'y naisipan kong magbasa
ng Dictionary.
4g-k. Habang tutok ang
mata sa pagbabasa'y biglang umalingawngaw sa aking pandinig ang malakas na
pagsabog at kumabog ng husto ang dibdib ko. Ang inakalang may naghagis ng
granada'y nagkakamali, kumukulog lamang pala't marahil ay uulan. Nasundan pa ng mga
pagkulog at sa takot, muli kong tinakpan ang teynga subalit di tumuloy ang
ulan. Dahil sa pagkulog, di tuloy nakanood ng telebisyon at pinalipas muna.
Nang wala ng pagkulog, saka lamang ako nanuod. Sa tuwing magbubukas ang klase,
wala pa ring pagbabago sa sitwasyon sa Batasan Hills National High School,
napakakapal ng bulto ng estudyante kung pagmamasdan at nagsusumiksik sila sa
limitadong espasyo, marahil nga'y isa sa dadanasin ng buhay estudyante ang siksikan,
walang maupuhan at halos hindi ka na makahinga sa init kaysa sa ipataw sayo ang
sangkaterbang takdang-aralin at ramdam ko iyon pagkat dinanas ko rin iyon nung
estudyante pa sa eskwelahang iyon. Buti na lamang at nakaraos rin ako sa high
school, iyon nga lang ay panibagong kabanata nanaman ang bubunuin ko bilang
buhay estudyante pa rin.
4g-l. Maging mga guro,
di sinanto ng napakalaking suliranin at ginawa na nilang Faculty room ang Comport room gawa
na siksikan na rin. Hindi nalalayo ang Batasan Hills
National High School sa problemang kinakaharap ng maraming eskwelahan
lalo na yung hinagupit ng Bagyo. Kalungkot isipin na nagtatyaga lamang sa
sira-sirang pasilidad at sikat ng araw, makapag-aral lang, kaawa-awa ang
sinasapit nila sa bakas na dulot ng napakatinding kalamidad. Sa dami ng
mag-aaral, mistulang call center agent na ang mga panghapon,
kahit magkagayon ay suwerte pa rin sila dahil nakakakita ng mga sikat na reporter tulad
nina Mike Enriquez, sayang at di na ako nag-aaral doon
sa eskwela, panibagong experience muli.
4g-m. Kinagabihan,
naging maingay ang kapaligiran di dahil sa mga tambay kundi sa mga estudyanteng
nagsisiuwian. Mainit sa bahay kaya nanatili muna ako sa labas at nagpahangin.
Habang nakaupo'y may biglang sumutsot, luminga ako't si Cathy pala
iyon. Bukod sa kanya, may kasama pa siyang babae't nagpakilalang Jonabelle,
kahit lumagom na ang dilim, sinamahan ko sina Cathy hanggang
sa makarating sa kanilang bahay. Baguhan lamang sa aking paningin si Jonabelle at
kinilala ko siya ng husto, maya-maya'y nauwi sa tawanan at panay udyok
ang Cathy kay Daniel na ligawan si Jonabelle.
Kinikilig kami kapag sila'y palitan ng kuro kuro't kita ko kay Jonabelle ang
pamumula ng mukha. Sino ba namang babaeng hindi magkakagusto sa lalaking bukod
sa makisig, maginoo pa't tiyak di magsisi si Jonabelle kapag
maging sila depende kung anong nasa kalooban niya. Wala kaming ginawang mga
kabataan kundi ang biruan at tawanan kaya ang saya-saya.
June 03, 2014
Tuesday
Year II-154
Tuesday
Year II-154
4g-n. Panibagong araw
para sa bagong gising lamang. Hindi na sinlungkot at bigat ng kalooban ang
aking nararanasan sa tuwing magigising nitong mga huling araw at upang lubusan
ng maka-move on, nilibang ko ang sarili sa gawaing bahay. Kaya lamang
bumabalik muli ang hapdi ng nakaraan kapag makikitang nag-uusap si Mama't Ate,
parang nagseselos ako sa mali't di ko batid kung bakit iyon ang nararanasan ko.
Batid kong pinagsisihan na ni Ina ang pagsalitaan ako ng masasakit kaya
siya humingi ng tawad pero parang bumabaon muli sa dibdib ang mga sinabi niya,
dala na sigurong dadalhin ko na ito sa pagtanda.
Ang dapat ko lang marahil gawin ay magpakaayos na't huwag ng gagawa ng bagay na
ikakagalit ni Ina upang sa ganon ay hindi na niya ako madalas pagsalitaan ng di
magaganda. Ayos lamang sa akin na magalit siya, pero di ko kakayanin kapag may
mga salita siyang nabibitawang tagus-tagusan sa dibdib at doon ko siya
nasasagot.
4g-o. Nilalawakan ko ang
pag-unawa pero ako naman ang nasasaktan at marahil ay maramdamin akong
nilalang. Kaagad kong nilibang ang sarili sa paglalaro ng Tablet matapos
ang gawaing bahay, si Mama na ang bahala sa kung anong mararamdaman niya ng
gampanan ko ang gawaing bahay at pipilitin kong unawain kung anong reaksyon
niya. Ibig ko sana siyang yakapin, paraan ng paglalambing ko sa kanya pero
bakit napipigilan ako't batid kong tapos na ang nangyari sa amin. Sa totoo lang
ay nami-miss ko na iyon. Maya-maya’y tanghalian time na,
sa takot na sumakit ang ngipin, ilang linggo ko ng hindi ma-enjoy ang
kumain at palaging nag-iingat sa pagnguya. Sunod ay nag-Siyesta ako
matapos lumamon ng pagkarami-rami, bilang na ang araw ng aking bakasyon kaya
dapat ng sulitin. Bahagya muling dumilim ang kalangitan na sinabayan pa ng
pagkulog kinahapunan subalit ni isang butil ng ulan ay di pumatak, marahil
nga'y wala ng tag-ulan at tuloy ang pinangangambahang El Niño.
4g-p. Mukhang di naman
uulan at unti-unti ng numinipis ang kaulupan kaya naisipan kong lumabas at
magkumpyuter. Naging maganda naman ang usad ng Internet sa una
subalit sinbagal na ng pagong kinalaunan na aking kinayamot at sarap sipain,
bakit kaya ang Internet rito sa Pinas, sadyang
mabagal samantalang mabilis raw sa ibang bansa. Marahil ay isa sa dapat tutukan
ng pamahalaan ang Internet connection. Napakarami
talagang pangangailangan ang dapat aksyunan ng pamahalaan tulad ng pagpapaluwag
ng daloy ng trapiko, pagdaragdag ng silid-aralan at bangko, at pagpapabilis
ng Internet connection, kung di lamang corrupt ang
marami sa mga mambabatas, lahat ng perang kinulimbat nila'y magagamit sana para
doon at asensado pa ang bansang Pilipinas. Sa bagal ng Internet,
umuwi na ko't diretso lamon ng hapunan pagdating sa bahay.
June 04, 2014
Wednesday
Year II-155
4g-q. Medyo hinihikab pa
ng lagay sa kaantukan subalit kailangan ng bumangon at may dapat pa kong gawin.
Matapos humigop ng mainit na kape, paghuhugas ng sangkaterbang hugasin ang
sunod kong inatupag at pagwawalis sa sahig. Bilang na ang nalalabing araw ng
bakasyon kaya gawin na kung anong ibig hangga't may oras pa. Diretso kulwit ako
ng Tablet matapos ang gawaing bahay at tamang online sa Facebook and Twitter, then
downloading the games upang maiba naman ang aking libangan sa
araw-araw. Halos ikaadik ko ang paglalaro ng games kaya halos
mamugto na ang mata. Nang ma-tegi ang aking Tablet,
panonood naman de-cable na telebisyon ang aking inatupag, kaso
biglang kumulog kaya panandalian lamang ang libangan ko.
4g-r. Hindi baleng
ganito ang ginagawa sa araw-araw, basta hindi ikakapahamak at mabilanggo sa
piitin. Karamihan kasi rito sa lugar namin, tanging Cara y cruz at Jueteng ang
siyang libangan kaya walang kaase-asenso sa buhay. Sa halip na ipanggastos ang kinitang
pera, gagamitin lamang sa sugal. Sa totoo lamang, madaming sugalero rito
sa Sitio Taniman, marahil iyon na ang kanilang ikinabubuhay
sa halip na magbanat ng buto. Ang masaya't masarap sanang panonood ng
telebisyon, pansamantalang nahinto dahil sa lintik na kulog. Puro pagkulog naman ang nagaganap at di pa umulan.
Maya-maya’y bumuhos na nga ang ulan, subalit panandalian lamang. Bago mag-Siyesta,
nilibang ko muna ang sarili sa paglalaro ng Tablet at bilang
pampaantok na rin. Naging kasing sarap ng sorbetes ang pagtulog ko at sa di
namalayang oras, malapit ng mag-ikalima ako nagising. Sa aking pagdilat ay
animoy gabi na sa labas sa dilim ng kalangitan at mukhang nagbabadyang umulan.
4g-s. Ilang sandali pa'y
bumuhos muli ang ulan na di hamak na mas malakas kanina. Ibig ko sanang
makipagsabayan sa mga kabataang sayang-saya sa buhos ng ulan subalit baka sipon
ang abutin ko. Maya-maya pa'y biglang kumislap ang kidlat ng
pagkaliwa-liwanag na sinundan ng malagranadang pagkulog. Sa lakas ng kulog,
halos ikabiyak na ng pandinig at labis akong nasindak. Tumagal ang pagkulog at
pagkidlat hanggang sa kumagat ang gabi, dahilan kung bakit di ko na
nasubaybayan pa ang paboritong programa gabi-gabi. Hindi ko pa ibig matulog at
nagkumpyuter pa ko. Malapit ng maghating-gabi ng ako'y matulog.
June 05, 2014
Thursday
Year II-156
Thursday
Year II-156
4g-t. Naging kasarapan
muli ang tulog ko dahilan kung bakit tinanghali muli ng gising. Matapos humigop
ng mapait pero nagbibigay ganang kape, hindi na ako nagpaligoy pa sa gawaing
bahay. Sunod ay pagkukumpyuter naman ang inatupag ko subalit hindi man
lang enjoyable ang paglalaro gawa na malabo ang screen,
di na ako nagtagal pa. Ngayong araw rin ang Medical examination ko
sa OLFU, kaya mga dakong Alas-dose na ako nagbihis at umalis.
Naging mabigat ang daloy ng trapiko kaya mahigit sa isang oras ng nasa biyahe.
Pagtigil ng SM Fairview ang
pag-akyat ng mga batang lansangan at humihingi ng limos. Labis akong nahabag sa kanila kaya balak sanang bigyan kahit
kaunting sentimo subalit wala akong barya. Kahit madalas di kami magkasundo't
madalas bungangaan ni Ina, mapalad pa rin ako pagkat di namuhay na kapos sa
maraming pangangailangan at kailangan pang mamalimos upang matugunan iyon.
4g-u. Isa pa, lahat ng
pangangailangan ko'y natutugunan ng wasto't malimit, iyon nga lang minsanan
lang dumating sa buhay ang pagkakataong makamit ang kagustuhan. Malapit ng
mag-ikalawa ng marating ko ang unibersidad at naging mahaba ang pila. Nang ako
na ang nakasalang, kinulang ako sa requirements at binigyan ng form upang punan, tuloy ay bukas pa
ko pwedeng magpa-medical examination pagkat wala pang lagda ng
magulang. Kakayamot lang pagkat nagpunta muli ako sa wala't kakapagod na ang
aking ginagawa. Naglibot libot pa ko sa buong Campus at
naiilang ako pagkat halos lahat ng estudyanteng magte-take ng medical examination,
may kasamang magulang o di kaya kapatid. I’m always lonely kasi.
Matapos maglibot at dala na di pa nais umuwi, naisipan ko pang magkumpyuter.
Kahit may kamahalan ang renta, sige pa rin ako sa pag-upa't umaasang mabilis
ang Internet connection pero di naman pala. Hindi tuloy
nasulit ang pinangbayad ko't sa kabagalan, log-out agad ako.
4g-v. Di bale ang Net sa Batasan Hills,
mura na nga at mabilis pa, di tulad sa Lagro na halatang
pinatungan ang presyo pero usad pagong naman. Nahapo ako pagdating ng bahay at
gutom kaya diretso lamon ako. Matapos kumain ay ipinagpahinga ko ang
sarili. Hindi nga lang makatulog sa ingay ng mga kabataan at parang ulagang
nasigaw, hindi na siguro tatahimik ang sitio Taniman. Kaagad akong
naglaro ng Tablet sa aking pagdilat na siyang libangan ko
hanggang sa dumilim. Wala ng Thunderstorm kaya malaya ko ng
mapapanood ang paboritong programa. Sa kakanuod ng mga teleserye, maging sa
pagtulog ko'y nakakintal sa isipan ang pagmumukha ng mga artista. Marahil ay hobby ko ng
manood ng drama gabi-gabi at iyon lamang kumukumpleto sa gabi
ko.
June 06, 2014
Friday
Year II-157
4g-w. Nanatili pa rin
ang masarap na tulog, sinsarap ng pinakamasarap na pagkain sa daigdig kaya
naman may kasiglahan sa dibdib akong bumangon. Gawaing bahay muli ang
ginampanan matapos humigop ng kape at pansin ko lang pagkat araw-araw akong
nagwawalis subalit may nalilikom pa ring dumi sa panibagong araw ng pagwawalis.
Tila walang katapusan ang pag-imis sa bahay. Mapalad pa ang bahay na maliit at
yari lamang sa patpat ang sahig at pundasyon, atlis di na kailangang walisan
kundi pupunasan na lamang kung marumi, palibhasa'y tiles ang
sahig namin. Diretso bukas ng computer ang ginawa ko matapos
gampanan ang responsibilidad. Pagdating ni ama, masamang balita agad ang
pasalubong niya sa halip na pagkain pagkat nadukot daw sa kanya ang cellphone,
kung may bad news ay good news rin naman
siyang ipinahayag at buti na lamang at may nagmalasakit kaya naibalik naman
ang cellphone.
4g-x. Panay pangaral si
ina sa kanya maging sa amin. Kahit di ko pa naranasang madukutan, ibayong ingat
pa rin ang kailangan ng di mabiktima at kawawa sa huli. Kahit tinatamad na,
nagawa ko pa rin magtungo sa Our Lady of Fatima University para
sa medical examination. Labis akong nailalang kapag mag-isang
palakadlakad kaya kahit nasa husto na ang edad ay
nagpasama ako kay Mama. Takot ang gumuhit sa dibdib ng tuturukan ako ng matulis
na injection para kuhaan ng dugo pero kaginhawaan ang nadama
ng matapos iyon. Sumunod ay nagpa-dental examination naman ako
at pagkadungo ang aking naramdaman habang bunubusisi ng dentista ang ngipin
maging sa kasingit-singitan nito pagkat batid kong may sira ang ngipin at
nabubulok na nga.
4g-y. Labis akong na-shock sa
sinabi ng dentista na karamihan daw sa ngipin ko'y sira na't kailangan ng
ipa-pasta. Matapos ang Medical examination at dala ng gutom,
kumain pa kami ni ina sa Chowking bago umuwi. Sa hinaba ng
biyahe, matinding pagkahapo ang aking nadama't diretso hilata sa kama pagdating
ng bahay. Pagkagising at dahil tinamaan muli ng pagkabato, naisipan kong mag-Facebook o Youtube.
Hindi ko na ibig pang maglabas ng pera at naisipang makikikonekta ng Wi-fi kila Tita Haydee.
Dugo't laman ang mayroon sila sa akin kaya walang hiya akong pumasok at
nakikabit ng Wi-Fi subalit naging usad pagong ang Internet.
Sa kabagala'y nahirapan ako sa pagkonekta't naisipang huwag ng ipagpatuloy kung
ayaw talaga. Umuwi akong lugmok ang mukha't nauwi lamang sa wala ang
pagbabakasakali ko. Habang sayang-saya sa pagkulwit ng Tablet ang
biglang pag-alingawngaw ng sirena ng pulis, marahil ay may nahuling butangero.
4g-z. Lumabas ako't
nakikiusyoso subalit wala naman akong nakita datnan. Ayon sa narinig ko, may
bata raw na nasagaan at nangisay muna raw ito bago bawian ng buhay.
Kagimbal-gimbal ang pangyayari sa araw na ito, una'y nadukutan si ama ng
Cellphone, tapos may nasagasaang bata. Pasalamat ako pagkat di iyon nangyayari
sa akin at sa pamilya. Matapos makiusyoso, nagtungo pa ako sa bahay nila Tita Jean.
Gulat na gulat na may halong hilakbo ang nadama nila ng ipamalita ko ang
pangyayari kanina. Madilim-dilim na ng ako'y umuwi, todo ingat na ako sa aking
kinikilos at baka ako na ang sumunod. Gawa na di pa dinadalaw ng antok, matapos
manood ng telebisyon ay nakinig muna ako ng musika. Lagpas Alas-dose nq marahil
ng ako'y makatulog at nawa'y kasing ganda ng nag-gagandahang dilag ang
mapaginipan ko.
June 07, 2014
Saturday
Year II-158
4h-a. Malapit ng sumapit
ang ikapito ng umaga ng dumilat ang dalawang mata subalit mga ikawalo na ako
bumangon. Balak sanang maglaba ngayong weekend subalit
naunahan muli ako ni Ina na nagkukusot na, pagwawalis at pagpupunas ng sahig na
lamang ang aking pinagkaabalahan. Tila di talaga maubos ang dumi sa loob ng
bahay pero ayos lamang iyan upang mabigyan ako ng gawain, masaya ako kapag may
ginagawa't hulog ng langit ang mga dumi. Ng masiguradong malinis na ang bahay
ay saka lamang ako naupo, magiging marumi uli iyan bukas. Maya-maya'y
nagkumpyuter muli ako. Halos ikayamot ko ang kalabuan ng monitor pero
wala ako ibang magawa kundi ang magtiyaga't umaasang lilinaw pa.
4h-b. Nang di na talaga
luminaw, nagpasya ng patayin na. Bahagya akong nakaramdam ng antok, di pa man
sumasapit ang tanghaling tapat kaya matapos kumain ay diretso tulog ako. Hindi
naging kagandahan ang panaginip ko't nakitang nahimlay si ina sa kabaong
samantalang panay ang aming panaghoy, di ko batid kung anong ibig nitong
ipakahulugan. Akala ko'y totoong
pumanaw na si ina pero laking pasalamat ko pagkat panaginip lamang iyon. Hindi
ko kakayaning mabuhay kapag isa sa pamilya ko ang mawala. Dahil sa
napanaginipan, maluha-luha ako ng magising. Hindi ko na nasabi pa kay Mama ang tungkol sa napaginipan ko.
Nahimasmasan naman ako sa napaginipan kinalaunan at sana'y di na maulit iyon
pagkat nakakatakot. Matapos kumain ng meryenda, nagtungo ako sa computer
shop upang mag-download ng mga kanta. Daming mga
nagkukumpyuter, napalayo pa ako't sa computer shop nila Giselle ako
umupa. habang abala sa pag-download ang biglang pagdating ni Jayson na
may kasamang di kilalang lalaki ngunit ako'y kanyang kilala,
sinabing naging classmate ko raw siya dati. Kinalala ko
ito ng husto't siya pala si Bryan June. Panay panggap
pa siya na di raw siya si Bryan pero sa hitsura niya'y di ako
maloloko.
4h-c. Nasira tuloy ang
pagda-download ko dahil sa kakulitan nila, umalis naman sila kinalaunan
at si Roxie pala ang pakay. Matapos magkumpyuter, sa halip na
umuwi'y dumaan pa ko sa JOLIA church, nagbabakasakaling naroroon
si Cathy pero sila Ate Gemma lamang ang
naroroon na masayang nag-uusap. Ayaw ko pang umalis at nakipagtsikahan pa sa
kanila.Maya-maya'y dumating na si Cathy. Ang kaninang seryosong
kwentuhan naming mgaYouth Christian, nauwi sa tawanan at biruan at ako
pa ang ginawang payaso nila. Iba ang mararanasang saya sa dibdib kapag kasama
ko sila, marahil ay makadiyos sila't masayang kasama ang taong may pananalig sa
Diyos kahit minsan, puro pagsubok ang mararanasan. Mapupunta rin sa tama ang
landas ko kaya tama lang na makisalamuha ako sa kanila, they are good
influence.
4h-d. Naging napakaingay
ng JOLIA Church dahil sa aming tawanan at hiyawan. Sa saya,
napatagal pa ko sa kanila pero umuwi na rin ako ng magsimula na ang practice nila
sa banda. Diretso nuod ako ng telebisyon pagdating ng bahay subalit sa ingay ng
mga tambay, di ko maulinig ang aking pinapanood. Alas-dyis na pero patuloy
pa rin sa pag-iingay ang mga tambay at parang di natitinag sacurfew.
Pinagsabihan ko sila, pero parang teyngang kawali kung makaasta, na-badtrip na
tuloy ako. Sakit pa man din sa pandinig ang
ingay nila't tila wala ng katahimikan sa Taniman. Nang si Ate Melon na
ang nagsaway, pulasan sila sa takbo't naging mataimtim na ang kapaligiran,
dahilan kung bakit naging panatag ang aming pagtulog na walang gumagambala.
June 08, 2014
Sunday
Year II-159
4h-e. Kaarawan ng aking
butihing ina at nagpapasalamat ako sa maykapal dahil binigyan pa niya ng
pagkakataong mabuhay si ina upang makapiling pa namin siya ng mahabang panahon.
Masaya ako pagkat nakaabot pa si Mama sa ganung edad sa kabila na maraming
beses kaming di nagkaunawaan at nagkasamaan ng loob. Ang mahalaga'y naririyan
pa rin siya't handa naming patnubayan ang isa't isa sa mga landas na aming
tinatahak. Bilang pasasalamat sa maykapal ay nagbihis ako upang magsimba,
iyon nga lang ay sa ibang relihiyon, di na mahalaga iyon pagkat iba-iba man ang
paraan ng pagsamba, nagkakaisa pa rin pagdating sa Diyos. Nagsimula na
silang umawit ng palundag-lundag pagdating sa JOLIA Christian Church at
kasabay ng pag-awit ang pagdarasal ko sa Diyos, ipinagpapasalamat ang matagumpay
na pakikibaka sa loob ng apat na pu't walong taon na may pagsubok ng aking ina
at mabiyayaan nawa kami ng walang hanggang pagpapala sa mga darating na araw.
4h-f. Habang naawit ay
may isang binatilyong dumating at tumabi mismo sa akin. Di ko ibig ang
manghusga ng kapwa pero di ko pa rin maiwasang maghinala, sa galaw pa lang ng
mata niya maging sa bahagyang kilos, nagdududa na ko't mukhang may binabalak na
masama. Nanghihilakbo ako't di na nagawa pang tabihan siya pero nagkamali ako
ng batiin siya ni Ate Mykee. Katabi ko nun si Niknik at
habang nagsasalita ang Pastora Anna sa harapan ay
may bagay siyang itinuro sa akin ukol sa bibliya, may natutuhan naman ako kahit
may ilan lang sa sinabi niya na hirap kong paniwalaan. Dahil sa kanya, di ko na
alam ang topic ng Pastora sa amin. Bago tuluyang magsiuwian ay
dinasalan pa kami ng Pastora Anna maging siya at
si Ate Ging ang tagapagsalita. Si Cathy at Jaka lamang
ang nakasabay ko sa pag-uwi't sayang pagkat wala si Daniel, di
tuloy masaya kahit di palaimik.
4h-g. Mayroon pa
kaming fellowship bible study at bago magtungo'y
kumain muna ako ng handa sa kaarawan ni ina upang di gutumin. Pagdating sa
kanila, sayang lamang ang ibinihis ko't umalis pala sila Cathy. Sa
halip na dumeretso sa fellowship ay kila Regine naisipang
magtungo. Nandoon din sila Gelyn at sila'y masayang
nagkakantahan, marahil ay may nagdiriwang ng kaarawan pero libangan lang pala
nila iyon. Panay udyok sa akin si Annie na kumanta sa kabila
na may pagkasintunado kung ako'y umawit. Di ko ibig maging pamatay saya sa
kanila kaya nahihiya man ay umawit pa rin ako. Wala kaming ibang ginawa kundi
ang magkasiyahan sa kantahan at medyo nababawasan na ang hiya. Habang ako'y
birit na birit sa pag-awit ang biglang pagsiklab ng kaguluhan at malubha na
ito. Nalasing pala ang Kuya Putot at sa sobrang
pagkalasing, dinaig pa niya ang mababangis na hayop kung magwala't
nanggagalaiti sa galit.
4h-h. Panay ang awat sa
kanya nina Kuya Eric sa pangambang may mabalingan
subalit pilit itong nagpupumiglas at lumala ng husto ang sitwasyon. Bukod sa
nagwawala'y nakakapagsalita rin ng di kanais nais na kataga ang lasinggero't
mangiyak ngiyak na si Ate Ajhing pagkat di na alam
ang gagawin sa kanya. Grabe pala malasing ang Kuya Putot,
sagaran sa buto kung magwala't kinakailangan ng turukan ng pampakalma. Malala na ang sitwasyon sa bahay nila't sa takot na madamay ay umalis na
ko. Balak pa sanang magkumpyuter subalit nagbabadya na ang ulan, minabuting
umuwi na lang. Diretso ako sa paglalaro ng Tablet pagdating sa
bahay, ng ma-lowbatt, saka pa lamang nag-atubiling maghapunan. Kahit sa
susunod na linggo pa ang pasok namin, pakiwaring may pasok na bukas at Goodluck sa
buhay estudyante bilang kolehiyo.
June 09, 2014
Monday
Year II-160
4h-i. Huling linggo ng
pananatili sa bahay ng matagal ngayong bakasyong grande't may pananabik sa
dibdib akong nadarama sa nalalapit na araw ng pagpasok bilang Kolehiyo. Sana'y
maging mababait ang magiging kamag-aral ko't magkaroon nawa ng kaibigan,
kaibigang handa kang damayan sa lahat ng oras di lamang sa sarili niyang
pangangailangan. Sumikat na ang haring araw ng ako'y nagising at dahil ngayong
araw kami tutungo ni ina sa Barkeley square upang
magpalinis at pasta ng nabubulok na ngipin, di pa man kumakalam ang sikmura'y
kailangan ko ng kumain. Maayos at pantay-pantay pa naman ang porma ng ngipin ko
ng ito'y tingnan sa salamin, kaso sindilaw ng hinog na Mangga ang kulay ng
ngipin at siksik, liglig at umaapaw ang pagdikit ng ngima. Laking pagsisi ko na
di na-alagaan ng husto ang ipinagkaloob na magandang ngipin at hinayaang
lamunin ng cavities kaya heto, nabubulok na't sumasakit.
4h-j. Matapos
mag-almusal at sa kadahilanang ikasiyam pa ang alis namin, gabundok ang hugasin
sa lababo't iyon ang inatupag ko. Maya-maya pa'y nagbihis na kami't umalis.
Habang nasa biyahe, di na mapigilang kabahaan sa napipintong sakit na aking
madarama kung sakaling bubunutin na ang sirang ngipin, bilang paghahanda sa
matinding sakit, nagbaon na ako ng gamot pampakalma. Wala pang gasinong tao
pagdating namin sa Barkeley Square at hinanap pa
ang klinika para sa dental. Sumidhi pa lalo ang kaba at tila ayaw
ko ng magpalinis pag-apak namin roon ngunit kailangan pa ng appointment at
sa Huwebes pa ang balik namin. Parang bulang naglaho ang kaba ng di natuloy ang
pagpapalinis ng ngipin.
4h-k. Sa halip na
lisanin na ang plasa'y nagtungo pa kami sa bookstore at bumili
ng gamit pang-eskwela. Ng mabili ang lahat ng kakailanganin, sa Ever Gotesco mall naman
kami nagtungo't nagpatingin ng mata. Laking gulat matapos magpa-check-up ng
mata pagkat malaki ang itinaas ng grado ko, magpapasadya na sana kami ng
salamin subalit malaginto ang presyo't naisipang sa iba na lang magpasukat.
Kahit kumain sa bahay, kumakalam pa rin ang sikmura't nagtungo kami ni Mama
sa restaurant. Sizzling Sisig ang aming
napagsaluhan at labis akong naumay matapos lumamon.
4h-l. Patak-patak
Ala-una na kami nakarating sa bahay, sa wakas at nakaraos rin sa maraming gastusin
kahit para rin sa akin iyon at sila ang gumagastos. Daming dapat ipagamot sa
akin, mata, ngipin at baga na mukhang nagkakasabay pa't marahil ay masyado na
akong pabigat. Naglaro muna ako ng Tablet bago matulog.
Malakas na buhos ng ulan ang gumising sa akin subalit iyon ay panandalian
lamang. Medyo nababato ako sa bahay at kakasawa na ring Tablet ang
nasa palad na parang nililinis sa kakakulwit kaya naisipan kong magkumpyuter sa
labas. Panonood ng nakakatawang parodya ang naging libangan ko't Facebook,
sa kasarapang itutok ang mata sa Computer, malapit ng dumilim ng
ako'y makauwi sa bahay at panonood naman ng telebisyon ang inatupag ko. kahit
sabihing kailangan ng iwasan iyan dahil iyan ang dahilan ng paglabo ng
paningin, di ko pa rin maiwan pagkat kinagisnan ko na iyon. Hirap talagang
makawala sa isang bagay na kinasanayan mo, kahit mali at masama. Ganda na sana
ng panonood ko sa The Legal Wife ng
biglang kumalugkog ang kalawakan, marahil ay uulan muli.
June 10, 2014
Tuesday
Year II-161
4h-m. Pananakit ng
sikmura ang tumapos sa masarap kong tulog ng madaling araw at dali-daling
sumugod sa banyo. Kaginhawaan ang nadamhin ko matapos ilabas ang masamang laman
at diretso idlip. Hindi pa man lubusang nahihimbing, malakas na pagkulog naman
ang gumimbal sa aking pagtulog. Sa takot, nagtaklob ako ng teynga't di
makatulog. Maya-maya pa'y bumuhos na ang napakalakas na ulan. Hindi lamang ako
nagising maging si ina't binantayan ang kapaligiran. Sa lakas ng ulan, di na
malayong bumaha pero bahagyang humina naman kinalaunan. Marahil, panahon
na ng tag-ulan at umiiral muli ang Hanging Habagat. Tumila naman ang thunderstorm pagsapit
ng Alas-kwatro at saka lamang nakatulog. Sakto ikasiyam na ng umaga ako
nagising at gustuhin pa man matulog gawa na inaantok pa subalit kailangan ko ng
bumangon.
4h-n. Hindi naging
maaliwalas ang lagay ng panahon at madalas pa nga ang pag-ulan. Kasabay ng
pagsungit ng panahon ang pag-aalburoto ng tiyan at makailang ulit na akong
dumudumi, malatubig naman kung ilabas. Hindi ko batid kung ano ang nakain ko't
nagkakaganito ang tiyan. Masyado na akong nakakaabala kila Mama kung sasabihin
ang nararanasan ko at di na nais pang dagdagan ang kanilang alalahanin kaya
tikom ang bibig. Pagkabukas ng telebisyon, may panibago palang bagyo na nagngangalang Ester at
idineklara na rin ng PAGASA na
opisyal ng nagsimula ang tag-ulan, kaya pala ganito ang lagay ng panahon.
4h-o. Maghapong naging
maulan subalit ito'y pabugso-bugso at sinasabayan pa ng hangin. Bumuti-buti
naman ang lagay ng tiyan ko ng ako'y makapagpahinga, di ako masyadong nagkakain
sa takot na muling masira ang tiyan. Pagkagat ng dilim, bumuhos muli ang
napakalakas na ulan na sinabayan pa ng malalakas na hangin. Animoy bagyo ang
sitwasyon ngayon at kawawa ang mga panghapong nagkataong sinagupa ang ulan sa
pag-uwi pagkat basang sisiw sila. Muling umiral
ang sindak sa dibdib sa biglaang pagkulog na malabomba sa lakas at nagtaklob ng
teynga. Tumila naman ang ulan pagsapit ng ikasiyam at nakanood pa ako ng
sinusubaybayang The Legal Wife. Nakinig
muna ako ng awiting romantiko bago matulog.
June 11, 2014
Wednesday
Year II-162
4h-p. Kahit sabihing
panahon na ng tag-ulan ay nagpakita pa rin ang haring araw pagsapit ng umaga,
magandang pagkakataon upang makapagpatuyo ng sinampay subalit asahan pa rin ang
pag-ulan. Sa aking paggising, anung sigla't ginhawa ang naramdaman sa kalooban,
dahilan kung bakit kay rikit ng umaga ko sa kabila na di magaganda ang
kaganapan sa buhay ko. Sabi nga ni Kuya Kim, weather
weather lang iyan at papasaan pa, lumilipas ang anumang pinagdaraanan.
Matapos humigop ng mainit na kape, diretso hugas ng plato ang inatupag ko't
pagwawalis ng sahig. Inigihan ko ng husto ang paglilinis ng sa gano'y luminis ang
bahay, maging mga dumi't alikabok na nagsusumiksik at nagtatago sa
kasuluk-suluka'y walang ligtas sa mahusay kong pagwawalis.
4h-q. Pansamantala akong
naupo't naging libangan muli ang paglalaro ng Tablet matapos
ang gawaing bahay.
Maya-maya pa'y sa labas naman ako naupo't nilanghap ang sariwang hangin.
Ang kaninang banayad ang takbo ng hangin, biglang napalakas ang hampas at
animoy bumabagyo na, marahil ay uulan muli. Bahagyang dumilim ang kalangitan
hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan. Balak ko sanang maligo sa malakas
na buhos ng ulan ngunit sinasaalang-alang ko ang
magiging kalusugan. Sa lakas ng ulan na sinabayan pa ng hangin, tila bumabagyo
na nga kahit Habagat lang ang umiiral at nag-zero visibility na
ang kapaligiran. Saglit lamang ang pag-ulan at tumila kaagad.
4h-r. Maya't maya ang
buhos ng ulan sa maghapon kaya di ko magawang lumabas. Upang hindi mabato, wala
akong ibang pinagkaabalahan kundi maglaro ng Tablet at magbasa
ng dictionary.Tumila naman ang mga pag-ulan pagsapit ng gabi't
pumalit naman ang ingay ng mga kabataang lango sa paglalaro ng Cara y
cruz, dami talagang sugalero rito. Kapag may natalo, ang talo'y aalma't di
matanggap ang naging kapalaran niya kaya nagkakagulo na siya pa lalong
nagbibigay ingay. Sa ingay, naku't kailangan kong lakihan ang teynga sa
panonood ng mga programang patok sa masang Pilipino.
June 12, 2014
Thursday
(Independence day)
Year II-162
4h-s. Ito ang araw ng
paggunita sa kasarinlan mula sa malulupit at mapang-aping mga Espanyol,
sa tagal ba naman ng panahon magmula ng tayo'y lumaya, karamihan sa atin ay
tila ordinaryong araw lamang ito't madalas iwaglit sa isipan ang tunay na
kasaysayan nito pero para sa akin, di man kami maghanda para sa araw na ito ay
makasaysayan at makabuluhan pa rin dahil ipinapakita rito na naging magigiting
ang mga bayani, mapalaya lamang ang ating bansa. Kung wala ang matatapang na
bayani, malamang hanggang ngayon ay sakop pa rin tayo ng mga kastila't
patuloy na inaalipin. Mayroon pa akong nakatalagang appointment ng
Alas-nuebe para sa pagpapalinis at pasta ng ngipin kaya Alas-siete pa lang ng
ako'y gumising. Nakakaramdam muli ako ng kaba sa dibdib pagkat baka kung anong
gawin sa ngipin na siyang maaring ikirot ng husto.
4h-t. Nabubuwang pa
naman ako kapag ang ngipin ay sumasakit. Mga ikawalo na kami nakaalis ni Mama
at habang naglalakad ang nagbabantang buhos ng ulan. Sa takot na maabuta'y
binilisan namin ang paglalakad marating lang ang paradahan ng Jeep.
Bumuhos na ang napakalakas na ulan kung kailan nakasakay na kami subalit
panandalian lamang. Hindi pa nagbubukas ang Barkeley square pagdating
namin roon at matiyaga kaming naghintay. Sa sobrang katagalan ay labis na
kaming naiinip at humanap kami ng lagusan papasok. Kami-kami pa lang ang
nandoon at naupo muna pansamantala.
4h-u. Maya-maya'y
nagtungo na kami sa Total Care at ang kabang kanina pa
umiiral, lalo pang sumidhi subalit may isa pa silang pasyente bago ako. Ng ako
na ang nakasalang, tinatagan ko na ang aking loob. Sa kabutihang palad, wala
naman akong naramdaman ni isang pagkirot habang sinasagawa ang paglilinis sa
ngipin ko. Ganda rin ng Dentista, maganda ang pangangatawan at mukhang
susyalin, marahil ay diring diri na ito habang nililinis ang napakarumi kong
ngipin. Balak na sanang ipabunot ang sirang ngipin subalit pinangunahan ako ng
takot at ayos na sa pasta. Kung maari lamang ay ipa-root canal ko
na. Kaagad kaming namili ng Grocery items matapos magpapasta
at tila luminis at pumuti ang ngipin ko kung titingnan.
4h-v. Matapos mag-grocery at
dala na rin na kanina pa gutom ay sa Chowking naman kami
nagtungo. Masasarap at malinamnam na putahe ang hinahain kaya naparami ako ng
kain at solve na ang matinding gutom.Nagpatingin pa ako ng
mata para sa salamin bago kami umuwi't labis na akong guilty pagkat
marami ng nagastos si ina, tapos nasasagot ko pa minsan at may gana pang sumama ang loob sa kanya kapag pinagsasabihan. Nakakalula
ang presyo ng frame pagkat malaginto, paano na kapag may lente
na di maladiyamante ang presyo. Saka lamang kami umuwi matapos magpasukat ng
salamin at diretso tulog ako.
4h-w. Pagkadilat ng
mata, diretso tungo ako kina Tita Haydee at walang
hiyang nakikabit ng Wi-Fi upang makapag-download ng games,
paano kasi palaging walang Wi-fi sa bahay kaya
nadudungo man ay pinipilit ko pa rin makikabit. Ng ipabatid sa akin na wala
silang Wi-fi, mabilis pa sa Alas-kwatro ang aking pag-alis. Sumunod
ay kila Cathy naman ako gumawi't pagdating ay may dalawa
silang bisita, isang babae at lalaki na
kapwa kaklase pala ni Cathy. Ibang iba sila kay Jonabelle,
pagkat tahimik at mahiyain. nakipagkilala ako sa kanila't Ivy ang
pagpapakilala niya sa akin kaso di nakipagkilala ang lalaki, marahil ay
nahihiya at sayang, may ibubuga pa naman ang kanyang kakisigan. Kaagad na sila
namaalam kila Cathy. Nagtagal pa ko sa kanila't nakipagpalitan ng
kuro-kuro hanggang sa dumilim. Binilisan ko ng umuwi pagkat paparating nanaman
ang malakas na ulan subalit mahina lamang ang bagsak at matapos ay sumilip pa
ang buwan. Gawa na di pa dinadalaw ng antok, nagawa munang makinig ng musika.
June 13, 2014
Friday
Year II-164
4h-x. Malakas na pagaspas
ng bubong dahil sa muling buhos ng ulan kinamadaling araw ang gumising sa akin.
Hindi naman nagtuloy ang ulan at kaagad itong tumila, kaya naman napanatag ang
loob ko na di na babaha't saka lamang nakatulog. Maliwanag na sa labas ng ako'y
dumilat. Friday the thirteenth ngayon kaya ayon sa pamihiin ay
kailangan ng ibayong pag-iingat upang di malagay sa peligro ang buhay. Anong
sigla't ginhawa ang aking nadarama sa aking pagbangon at diretso hugas ako ng
plato matapos magkape. Ang kagabing maulan, kabaligtaran naman ng umagang kay
aliwalas at tila nagbabalik ang Summer season. Isang
araw lamang di nakapagwalis, dami na kaagad akong nalikom na alikabok, luminis
naman ang buong bahay matapos kong magwalis. Gawa na batong-bato, naisipan kong
libangin ang sarili sa computer, kaso anung labo ng monitor at
di ko maaninag ang mga programs, pinagtiyagaan ko na lang, umaasang
lilinaw pa.
4h-y. Dalawang oras ng
bukas ang computer, wala pa ring pagbabago't minabuting patayin na
lang. Bahagya akong
sinipon habang kumakain ng tanghalian kaya matapos lumantak, inom kaagad ako
ng Calamansi Juice. Ang inakalang simpleng sipon lang, nagkakamali
pagkat biglang sumama ng husto ang pakiramdam ko, dahilan kung bakit di na
makaligo. Maayos-ayos pa ang pakiramdam ko kanina pero anung sungit ng timpla
sa ngayon at mukhang lalagnatin ako. Maya-maya pa'y nakaramdam ako na tila
giniginaw at nagkumot. Ano ba 'to at kung kailan malapit na akong pumasok, saka
pa nagkasakit. Hindi lamang ordinaryo ang aking lagnat kundi halos ikatupok ko
na sa taas nito at ngatog ng husto sa ginaw.
4h-z. Bahagyang bumaba
ang lagnat ko pagsapit ng dilim kaya nakakain pa ko't nakanuod ng telebisyon
pero ng kinalaunan ay muling bumalik ang lagnat ko. Sa sama ng pakiramdam, tila
di ko mapapanood ang ending ng The legal Wife.
Makalipas ang isang oras, bumaba naman ang lagnat ko. Bumangon ako, lumanghap
ng mainit na tubig na may Yee tin at nagmumog ng
maligamgam na tubig na may asin, lahat ay ginawa ko mailabas lamang ang lintik
na sipon na nagpapalagnat. Sa kabila na napakasama ng pakiramdam, nakanood pa
rin ako ng The legal Wife pero di ko
na natapos at kaagad ng nahiga. Hindi naman ako makatulog pagkat nananakit ang
buong katawan ko, marahil ay trangkaso ang dumali sa akin. Bukod sa masakit ang
pangangatawan, wala rin akong lakas at pasuray-suray kung maglakad, anu kaya
ang dumaling sakit sa akin at marahil ay hinawaan ako ni ama na ngayon ay may
sipon at ubo din?
June 14, 2014
Saturday
Year II-165
4i-a. Sumapit na ang
hating-gabi subalit di pa rin ako mahimbing-himbing sa pagtulog gawa na
sumasakit ang buo kong katawan. Sa sakit, di ako makomportableng manatili sa
iisang posisyon at galaw pa ng galaw. Bukod sa masakit ang katawan, nakaramdam
din ako ng hilo kaya maya’t maya ang aking pagsusuka, ang sipon ko naman, lalo
pang lumala't hirap ako sa paghinga dahil barado ang ilong. Si Mama naman,
nagising na't marahil ay nagambala ko sa pabalik-balik sa kama. Panay ang
kanyang sermon sa akin pero kahit ganyan siya, ikinuha pa niya ko ng gamot at
ipinainom. Nagpatuloy ako sa pagsusuka hanggang sa sumapit ang ikatlo ng
madaling araw. Pakiramdam ko, tila umiinog ang paningin at sa oras na tumayo,
nabubuwal ako. Sa kakasuka, nanghina ako't idinaan sa pagtulog ang panghihina.
4i-b. Mga ikawalo na ng
umaga ako nagising, wala pa ring pagbabago sa nararamdaman na masakit ang
katawan subalit naibsan na ang pagkahilo. Dahil sa pamimilit ni ina na bumangon
na't kumain, kahit ako'y tinakasan ng lakas, nagawa pa ring tumayo't
nag-almusal ng sa gayon ay manumbalik ang lakas. Kakatapos lang kumain at
kaunting dighay ko lamang, bigla akong napasuka't saktong nakaupo pa 'ko nun.
Nasukaan ko ang damit kaya nagpalit ako't matapos ay nahiga. Di lang ako
maysakit sa aming magpapamilya maging ang haligi ng tahanan na masama rin ang
pakiramdam kaya madalas nakahiga't di magawang gampanan ang responsibilidad.
Ilaw ng tahanan na lamang ang kumikilos kaso mag-isa siya, gusto sanang
makatulong pero limitado ang aking kakayahan pagkat may sakit. Wala akong
ginawa kundi ang humiga at magpahinga, umaasang pagdating ng Lunes ay lubusan
na akong magaling at makakapasok pa.
4i-c. Maya-maya’y
tanghalian na, kahit anong sarap ng ulam ay kakapirambot lamang ang aking
kinakain pagkat ako'y hinang hina't baka magsuka. Ni pamlasa't pang-amoy ko'y
naparam dahil sa matinding sipon kaya di ko malasahan ang kinakain. Matapos
mananghalian, balik muli ako sa kama't maghapong natulog. Kahit tulog ako ng
tulog at kumakain, parang mahina pa rin ako. Upang mapunan ang aking
pananamlay, naisipan kong manood ng telebisyon hanggang sa dumilim. Masamang
masama pa rin ang pakiramdam ko't panay ang aking pagsinga kaya ikasiyam pa
lang ng ako'y matulog. Ang pananakit naman ng katawan, bahagyang naibsan kaya
maayos na akong nakakatulog at walang ibang gagawin kundi magpahinga't
magpalakas upang gumaling kaagad.
June 15, 2014
Sunday
(Father's day)
Year II-166
4i-d. Espesyal na araw
para sa lahat ng ulirang ama sa buong mundo na walang kapagurang naghahanap
buhay upang matustusan ang lahat ng pangangailangan sa bahay, gaano man ito
kahirap o mabigat. Araw ngayon ng mga ama subalit ang haligi ng tahanan, di pa
gumagaling maski ako na hinang-hina pa rin, sa panghihina, ni makapagsalita'y
di ko magawa. Hindi ko na nga nabati si Papa dahil madalas ay nasa kama ako
pagkat ako'y may sakit. Di pa nga ako lubusang gumagaling at marahil bukas,
bigong magbalik eskwela. Sayang, nasasabik pa naman ako sa bagong kamag-aral
at guro na makakasalamuha pero pipilitin kong magpagaling. Wrong
timing talaga ang pagkakasakit ko. Wala man lakas ang buong katawan,
bumangon pa rin ako't naupo sa mesa. Mainit-init na lugaw ang naging agahan
ko't habang ninanamnam ay wala pa rin akong panlasa.
4i-e. Kahit kakapirambot
lamang ang subo, kaagad na akong sumusuko pagkat duwal na duwal na, hindi ko na
inubos pa. Di ko makayang maupo kahit isang saglit at gusto palagi nakahiga
kaya matapos kumain, diretso agad ako sa kama. Kakagaling ko lamang sa tulog
subalit ako'y natulog muli, malapit ng mag-ikasampo ng magising at nakaramdam
ako kahit katiting na lakas kaya bumangon kaagad. Saktong nakabukas ang
telebisyon at iyon ang naging pampalipas oras ko. Bahagya man ang aking
paglakas pero di pa rin mawala ang sipon at ubo. Tamang nuod lang ako ng foreign
movies na Mars needs Moms at may aral kang matutuhan
sa kwentong iyon.
Hangga’t naririyan ang nanay mo, dapat ipakita mo kung gaano natin siya
kamahal at di sinasagot sagot kapag pinagsasabihan pagkat habang buhay mong
pagdurusahan ang pagsisi kapag nawala siya.
4i-f. Bukod sa may aral
akong natutuhan, hanga rin ako sa ipinakita ng batang tauhan pagkat kahit bata
lamang siya, nagawa niyang iligtas ang kanyang mommy mula sa
mga Alien. Patunay nga na kapag ang nanay at tatay ay nagmamahal sa
supling, masasabing wagas ito't walang sinuman ang makakahigit. Matapos ang
palabas, ako'y nananghalian. Kahit ako'y nagsusuka kapag nalagyan ang sikmura,
kailangan ko 'tong gawin upang gumaling, ganun pa rin at kakapirambot pa rin
ang kinakain. Matapos kong
kumain, ako'y natulog muli. Hindi naman ako makalabas ng bahay kaya paglalaro
ng Tablet ang inatupag ko sa maghapon. Gawa na di pa lubusang
gumagaling at sa takot na binatin kapag nagpumilit pumasok, pinagsabihan ako ni
Ina na huwag munang pumasok bukas hangga't di pa nagaling. Pangit lamang pagkat
sa mismong first day pa 'ko lumiban. Bahagya na ang aking
paggaling subalit ang ilaw ng tahanan naman ang nakaranas ng pagsungit ng
pakiramdam, marahil ay may Virus na tumitira sa aming
magpapamilya na kailangan ng puksain.
June 16, 2014
Monday
Year II-167
4i-g. Sa halip na
madaling araw magising ay sumikat na ang bukangliwayway ng ako'y dumilat.
Nanumbalik na ang dati kong lakas at di ko na gasinong dama ang pananakit ng
katawan pero minabuti munang lumiban sa klase, labag man sa aking kalooban
upang sa ganon ay makapagpahinga pa't gumaling ng husto. Magaling na nga ako
subalit patuloy pa rin ang pagtulo ng aking uhog at wala pa ring patid ang
pag-ubo. Maginhawa na rin ang pakiramdam ng haligi ng tahanan subalit ang ilaw
ng tahanan, nakahiga't kagabi pa raw masama ang pakiramdam. Hindi naman
makakilos si Mama dahil sa iniindang karamdaman at tambak na ang hugasin sa
lababo kaya nagpresintang ako ang maghuhugas subalit pinigilan ako ni ama't
sinabing siya na lang daw. Hindi naman ako pupwede pa sa gawaing bahay kaya
naupo na lamang ako.
4i-h. Maya-maya’y
naisipan kong maglaro ng Tablet at iyon ang naging pampalipas
oras ko. Sa tagal kong maglaro, mukhang nilalamon na 'ko ng pagkaadik pagkat
labis ang humaling sa paglalaro. Pansamantala kong itinigil ang paglalaro ng
buksan ang telebisyon at nanood ng NBA finals.
Sa huling pagkakataon, nilampaso muli ng San Antonio Spurs ang Miami Heat at
talagang tinambakan sila kung titingnan sa score, marami pa naman
ang pambato ay Miami Heat at isa na kami roon kaso
talo naman at marami marahil ang talo sa pustahan, ang mga Pinoy talaga
kapag may mga labanan, mapaboksing o basketball ay di uurungan ang
pustahan at swerte ang manalo pagkat tiba-tiba ang mapapalanunang kwarta pero
sugal naman.
4i-i. Balik paglalaro
ako ng Tablet matapos manood ng NBA finals at iyon
ang pinaglibangan ko hanggang sa magtanghali. Hindi na ko nakakaramdam na tila
nasusuka kapag nakain kaya naman balik muli ako sa katakawan. Diretso Siyesta ako
matapos lumamon. Hindi muli naging kagandahan ang napaginipan ko pagkat may mga
pagsabog daw na nagaganap at isa ang bahay namin sa nadamay, buti na lamang at
panaginip lamang iyon. Nanghihilakbo ako sa aking paggising at labis ang aking
pagkabalisa. Kaagad naman akong naka-get over sa malabangungot na
panaginip ng malibang muli sa paglalaro ng Tablet, kala ko di na
ako magigising pa. Kinagabihan naman, kabwisit sa kapaligiran namin pagkat
ang ingay, napakanuknukan at halos di namin mapakinggan ang pinapanood. Kapag
sinasaway, hindi naman masabihan at tila lalo pa gagawin ang pag-iingay kaya
hinayaan na lang namin sila. Bahagyang tumahimik ang kapaligiran pagsapit ng
Alas-dyis na siyang aming ipinapagpapasalamat. Ang gabi bukod sa madilim, ang
pagiging payapa nito ang nagbigay panatag sa aking pagtulog. Masarap matulog sa
gabing mapayapa.
June 17, 2014
Tuesday
Year II-168
4i-j. Pareho pa rin ang
oras ng ako'y dumilat at bumangon. Anung sigla ang aking nadarama sa umagang
kay aliwalas at animoy pinapahiwatig nito na darating sa buhay ko ang
masasayang araw, sana nga. Mahirap mamuhay kung puro dusa na lang ang
pinagdaraanan at di mo man lang malasap ang kaginhawan sa buhay. Hindi baleng
palaging dumarating ang problema, basta't may ligaya ang buhay at di puro
lumbay. Sa nadaramang sigla ng kalooban, gusto ko sanang gamitin ang katawan sa
gawaing bahay o di kaya lumabas labas subalit baka ako'y binatin at lumiban
nanaman sa klase na ayaw ko ng mangyari. Upang matanggal ang aking pagkabato, paglalaro muli ng Tablet ang
aking pinaglibangan. Wala akong ibang inatupag sa umagang ito hanggang sa
sumapit ang tanghaling tapat kundi humiga't maglaro ng Tablet,
huling araw na ito ng aking bakasyon kaya sarap buhay na ang Peg.
4i-k. Pagsapit ng
tanghaling tapat, anung alinsangan ang nadarama at animoy tag-init muli. Wala
naman akong ibang gagawin kaya matapos mananghalian ay diretso tulog ako, Sa
aking pagpikit ay may kung anong takot ang kumurot sa dibdib at kinakatakot ko
ang napaginipan kahapon. Nagkatotoo nga't malalakas na dagundong ng pagsabog muli
ang napaginipan ko pero ng ako'y dumilat, kumukulog na pala. Sa takot, hindi na
'ko umidlip pa't nagtakip ng teynga. Maya-maya pa'y animoy hatinggabi na sa
itim ng kalangitan hanggang sa bumuhos ang napakalakas na ulan na sinabayan pa
ng hangin. Sa dami ng ulang bumabagsak, marami ang nagsiliguan na lalo ko pang
ikinaiingit pero walang magagawa ang inggit kundi ang kumitil ng buhay kaya
pinigilan ko iyon.
4i-l. Maya-maya’y
biglang gumuhit ang napakatalim na kidlat sa kalangitan na sinundan ng pagkulog
na malagranada sa lakas, gulantang kaming naririto sa bahay at tilian ang mga
nagsisiliguan. Tumagal ang thunderstorm hanggang sa dumilim.
Tumila naman ang ulan kinagabihan kaya nakanood pa ko ng paboritong drama pero
pagsapit ng ikasiyam ay kailangan ng matulog upang di pupungas pungas sa
pagpasok bukas. May halong kaba't sabik ang nadarama ko sa magiging kamag-aral
at nawa'y maging mabait sila sa akin at magkaroon nawa ng kaibigan, kaibigang
handa akong samahan saanman ako naroroon at dadamayan sa oras ng problema.
Maging sa magiging Professor ko'y di sana maging terror sa
amin at makayanan sanang pakitunguhan sila. Nagdasal pa 'ko sa maykapal bago
tuluyang makatulog at hiniling ko sa kanya na gabayan ako sa apat na taong
bubunuin sa pag-aaral, batid kong mahirap rin itong kursong napili ko subalit
kakayanin sa tulong ng maykapal.
June 18, 2014
Wednesday
Year II-169
4i-m. Unang beses ko sa
pagpasok bilang kolehiyo at di pa man sumisikat ang araw ng ako'y gisingin ni
ina. First timer ko bilang college student kaya
hinahanda ko ng husto ang aking sarili sa school, sa kaklaseng
aking makakasalamuha't sa katarayan ng magiging professor.
Nagsibilyan lamang ako sa aking pagpasok at mga bandang ikaanim na umalis. Buti
na lamang at di naging pahirapan ang pag-abang ng masasakyan at di rin naging
mabigat ang daloy ng trapiko kaya kaagad akong nakarating sa Our Lady of
Fatima University, medyo nagmamadali na rin ako sa paglalakad
sa takot na mahuli sa klase. Pagdating mismo sa silid, walang ni isang
kamag-aral akong nadatnan kaya inakalang maling classroom ang
napuntahan. Pagdaan ng isang estudyante, nagtanong ako sa kanya. Di ko akalain
na kaklase ko pala siya't nagpakilalang Cathlyn sa akin.
4i-n. Kaming dalawa pa
lang ang naroroon sa silid at kahit baguhan lang siya sa paningin, nagawa ko pa
rin itong kausapin. Sana nga siya na ang maging kaibigan ko. Sinabi niya sa
akin na may takdang-aralin sila sa General Psychology kaya
gawa agad ako habang wala pang guro.
Sa una kong pagkakakilala sa kanya, mukha naman itong mabait at
pupwedeng kaibiganin. Habang lumilipas ang unti-unting naming pagdami hanggang
sa nagmistulang palengke na ang buong silid, buti pa sila't may kausap na
samantalang iisa pa lang ang kilala ko't kaya nahihiya pang makipag-usap. Kahit
sabihing ganito ang magiging kapalaran ko kapag tumungtong sa kolehiyo, di ko
pa rin maiwasang manibago't nami-miss ko ang dating kamag-aral nung
nasa sekondarya pa ko.
4i-o. Ilang sandali pa'y
pumasok na ang aming professor. Sir Dalope ang
pagpapakilala niya sa amin at professor namin ito sa College Algebra.
Sa halip na mag-lecture na ay nagkaroon lamang kami ng orientation sa
kanya. Sumunod naman na asignatura'y General Psychology at
si Ma'am Joyce (Lardizabal) ang professor namin,
mabait naman ito't di kakikitaan ng pagsusungit kailanman, bukod pa roon ay
pwede ring dumulog sa kanya kapag may problema ka, siyempre Psychology professor ito.
Nagtalakay lamang siya hinggil sa uri ng Psychology at sa una
pa lang ay mukhang interesting na ang lesson.
Lumabas na kaming lahat matapos ang General Psychology at
kakailang pagkat wala akong kakilala at kasama sa paglabas. Isang oras at
kalahati ang vacant time namin kaya labis ang aking pagkabato. Upang di mabato, naging libangan ko ang pagte-text, kaso wala
naman nagre-reply kaya wa-effect ang strategy ko,
naupo na lamang ako salobby hanggang sa sumapit ang Ala-una.
4i-p. Maya-maya pa'y
umakyat na ako't nadatnang naroroon na ang mga kamag-aral na masayang
nag-uusap. Naghanap ako ng taong makakausap at ng makita ang isang babaeng
walang imik, siya ang kinausap ko't Anika ang pakilala niya sa
'kin, madaldal ito kaya hanggang sa pagpasok namin sa silid, siya ang
kakwentuhan ko. Ilang sandali pa'y dumating na ang professor namin
sa Social Science, Sir Marvin ang
pangalan nito sabi sa 'kin ni Anika. Palabiro ito't maski ako’y
napagkatuwaan niya pero di naman ako napikon. Masaya ang klase kapag siya ang
nagtuturo. Si Anika lamang ang kasama ko sa muli naming
paglabas at naging malakas ang ulan sa labas. Bukod kay Anika,
nakilala ko rin sila Rachel, Jhanine (Navasca) at Joline at
masaya ako pagkat may kaibigan na ko. Tatlong oras ang vacant time namin
kaya walang ginawa kundi magkwentuhan at paglalakwatsa ang ginawa naming lima,
masaya't komportable silang kasama.
4i-q. Masaya’t panay na
nga ang hagikhikan namin habang nagkwekwentuhan pero itong si Joline,
walang kaimik-imik. Pagsapit ng Alas-kwatro, nagtungo na kami sa OLFU Athletic
Center para sa Physical Education at pagkapasok dun,
laking nganga ng bibig pagkat may swimming fool pala rito.
Bukod sa swimming pool na aming nadatnan ay naroon na rin
ang professor maging ang kamag-aral namin. Istrikto at
mukhang terror ang hampy dumpy naming professor subalit
palabiro rin ito pagkat siya'y binabae. Unang meet pa lamang
namin sa kanya pero sumakit na agad ang ulo ng pakabisaduhin niya kami ngVision and
Mission ng school, maikli naman ang talata kaya kaagad ko
itong naisaulo't nai-recite. Wala ng kasunod pang asignatura matapos
ang Physical Education kaya lumabas na kami sa
unibersidad.
4i-r. Sina Cathlyn ang
nagkasabay ko sa pag-uwi at bus ang aming sinakyan kaya labis
ang ngatog ko sa ginaw. Pagdaan ng SM Fairview ay bigla na lamang bumaba
sina Cathlyn at kaming dalawa na lang ni Eric ang
magkasama. Di pa namin lubusang kilala ang isa't isa kaya inalam namin ang
kanya kanyang buhay hanggang sa mauwi sa kwentuhan. Nanuyo ang labi ko sa dami
ng naikwento ko kay Eric at isa pa'y sa lamig ng bus.
Malapit ng mag-ikawalo ng makarating sa bahay at labis ang aking pagkahapo kaya
diretso tulog ako matapos manood ng telebisyon. Thank God sapagkat
di naging mahirap sa akin ang makisalamuha sa bagong kamag-aral at mukhang
makakapag-adjust ako.
June 19, 2014
Thursday
Year II-170
4i-s. Mga ikapito sana
ang gising ko subalit di pa nga nangangalahati ang Alas-sais ng gisingin ako ni
ina. Sapat naman ang oras ng pagtulog ko pero parang bagsak pa rin ang mata't
gusto ko pang matulog. Kahit maagang nagising, naging mabagal ang kilos ko kaya
ng isang oras na lamang ang nalalabi'y kinailangan ko ng magmadali. Medyo may
pagkailang ako sa kasuotang uniporme, dahil all white at
aakalaing nursing ang kinukuha ko't kailangan ng ibayong ingat
para iwas mantsa sa unipormeng nakakasilaw sa kaputian. Malapit ng mag-ikawalo
ng lisanin ko ang bahay. Habang nag-aabang ng masasakyan ay saktong nakita ko
si Peter kyle at kami'y nagkamustahan. Aalamin ko
pa sana ang iba pang detelye ukol sa kanya pero kinailangan ko ng sumakay.
4i-t. Pagdating sa
unibersidad, hinanap ko kaagad kung saan silid kami magklaklase. Medyo
nagugulihamanan ako subalit ipinagpatuloy pa rin ang paghahanap, sa kakahanap
ay napagod ako't kaagad ko rin naman iyon nahanap at nanatili pero ang
ipinapagtaka ko'y bakit wala ang mga kamag-aral ko. Inabot ako ng ilang minuto
sa paghihintay pero di pa dumadating ang mga kamag-aral hanggang sa may isang
estudyanteng nagsabing may orientation raw ang lahat ng BS Psychology at
sa Auditorium gaganapin. Dali-dali akong nagtungo roon at pagkatungo'y
napakalamig na singaw ng Air conditioner ang sumalubong sa
akin, sayang at wala akong dalang dyaket.
4i-u. Di pa nagsisimula
nun ang orientation at nanlaki ang mata ko sa lawak ng Auditorium,
kasing lawak kapag nasa sinehan ka. Ilang sandali pa'y nagsimula na ang orientation at
isa-isang nagpakilala ang mga professor staff maging
ang kagalang galang naming Dean na si Ramonita Salazar,
sa kanyang talumpati'y mukhang bukas siya sa lahat ng humihingi ng tulong.
Tumagal ang annual orientation hanggang sa magtanghali. Sa
tatlong oras naming pananatili sa auditorium, labis ang pagtulo ng
uhog ko sa sobrang lamig. Hinintay ko pang lumabas ang kamag-aral ko bago umalis.
Nang tiyempong makita sina Cathlyn, sa kanila ako sumabay at sila
ang nakasama ko sa oras ng lunch break.
4i-v. Masarap silang
kasama kaya lang itong si Arnulfo, masyadong pilosopo kapag
kinakausap ko siya, gayunpama'y di sapat ang dahilan para mapikon, bukod sa
kanila'y may bagong kamag-aral pa kong nakilala at 'yun ay sina Joshua at Jaimarri.
Kahit di pa nagpapakita ng angking galing itong si Joshua,
kinakatukan ko na pagkat sa UST siya
galing at pangalawang take na niya ang BS Psychology, sipag
din niya. Matapos namin tsumibog, kami'y umindak sa karaoke, inggit lang ako sa
boses ni Jaimarri pagkat kumikinam ang boses nito kung umawit.
4i-w. Kahit batid kong
di pinagpala ang boses, nag-set pa rin ako song number kaso
di ako nakakanta pagkat kailangan na naming pumasok, sayang ang inihulog ko.
Sa Science laboratory doon sa ikapitong palapag
kami magklaklase kaya sumakit ng husto ang paa ko sa tayog ng pag-akyat.
Pagtungo roon, wala pang professor at lumipas ang ilang saglit
bago siya pumasok. Sir Jasper Perez ang pagpapakilala niya sa
amin at sa lahat ng naging professor namin, siya lamang
ang simple kung manamit.
Nagkaroon kaagad kami ng pangkatan at kina Cathlyn ako
napabilang. Apat na oras at kalahati ang oras ng Chemistry, wala pa
naman importanteng gagawin dahil first day pa lang kaya
matapos ang groupings ay dissmissal time agad
namin.
4i-x. Habang bakante
muli ang oras, wala akong ibang inatupag kundi makipagkwentuhan kila Anika at
labis ang aming hagikhikan. Pagsapit ng Alas-kwatro ng pumasok na kami sa
silid. Chemistry pa rin ang aming asignatura at si Sir Jasper muli
ang professor, nagturo lamang siya tungkol sa measurements.
Mga bandang Alas-sais na ng natapos ang klase't sa wakas pagkat uwian na.
Sasabay sana ako kila Cathlyn sa pag-uwi, kaso di ko ibig
sumakay sa bus pagkat malamig. Di gasino karami ang
kinain ko nitong lunch time kaya ganun na lamang ang gutom ko
pagdating ng bahay at naparami ng husto ang kinain. Sa kadahilanang wala akong
pasok kinabukasan, naglaro muna ako ng Tablet bago matulog.
June 20, 2014
Friday
Year II-171
Friday
Year II-171
4i-y. Thank God it's
Friday and it's my day off also. Sa kabila na rest day ko
ngayon, dala na di na inaantok ay napaaga pa rin ang paggising ko. Wala akong
klase ngayon kaya may time para sa gawaing bahay. Matapos
magkape'y diretso hugas na ako ng plato at nagwalis walis. Maya-maya’y paggawa
naman ng takdang-aralin sa Chemistry ang inatupag ko. Naging
sisiw lamang sa akin ang world problem kaya hindi nagkandadugo
ang utak sa pag-solve at I want Chemistry more
than Physics. Diretso kulwit kaagad ako ng mumurahin pero swak
na Tablet ng tapusin ko ang sisiw na takdang-aralin. Ng ma-deadbatt ang
aking Tablet, panonood naman ng telebisyon ang sunod kong naging
libangan.
4i-z. Ngayong araw pala
haharap ang isang senador na sangkot sa Pork barrel scam na
si Bong Revilla sa Sandigang bayan upang
isuko ang sarili. Ang ipinagtataka ko lang, bakit siya lamang ang ikinulong
samantalang marami pang nahaharap sa kasong plunder na dapat
ring pagbayaran ang kasalanan sa pagkulimbat sa kaban ng bayan. Sa totoo
lamang, kahit nakulong na ang isang senador na sangkot sa Pork Barrel Scam ay
di pa rin masasabi na pantay ang hustisya dito sa Pilipinas pagkat
marami pa ring mambabatas ang malayang napapaikot ang perang di dapat sa
kanila, makamit lamang ang minimithing karangyaan samantalang tayong ordinaryong
tao ay naghihirap at tila pinapabayaan.
4j-a. Kung mapera ka
talaga, masasabing makapangyarihan ka na pagkat kaya mong lusutan ang lahat ng
kasong ipapataw sayo pero kapag dukha ka, wala kang laban at diretso piitin
kaagad na kahit ang inosente na napagbintangan lamang. Sa antok, kahit di ko pa
ibig matulog at gamitin ang maraming oras sa pagbabasa'y di ko pa rin napigilan
at nakatulog pa rin. Mga ikalawa na ng hapon ako nagising at nagbasa ng
diksyonaryo sa maghapon. Balak ko sanang lumabas, kaso baka makasagap ako ng
sakit at isa pa'y di maganda ang lagay ng panahon. Paghuhugas ng plato't
pagbabasa ng diksyonaryo ang napagkaabalahan ko. Kinagabihan, thank
God dahil di na maingay ang kapaligiran, marahil ay nadala na ang mga
tambay sa sermon ng purok leader kahapon. Masarap mamuhay sa
lugar na payapa pagkat nakakapag-isip ka ng maayos. Maaga pa ang gising ko
bukas kaya di na ako nagpuyat pa matapos manood ng telebisyon.
June 21, 2014
Saturday
Year II-172
4j-b. Malapit ng sumapit
ang ikapito ng umaga at kahit ano pang sarap humilata sa kama, kailangan ng
bumangon upang di mahuli sa pagpasok. Pagdating sa unibersidad ay kita kong
abala ang karamihan sa kamag-aral ko na ngayon pa lamang gumagawa ng
takdang-aralin sa Chemistry. Kolehiyo na kami pero kung magkopyahan
sa sagot ng iba'y parang walang pinagkalayo sa High school o Elementary.
Marahil ay sa level lang nagbago pero walang pinagkaiba
pagdating sa pag-iisip. Naging sisiw man ang world problem sa Chemistry,
may ilan akong kamag-aral na litong lito sa pag-solve. Si Joshua na
napakatalino, siya ang nagtuturo sa kanila kaso ay may nakita akong konting
pagkakamali at lakas loob kong itinama iyon, di ko intensyon na pahiyain siya't
ipakitang ako ang mas magaling kundi gusto ko lamang itumpak ang kanyang pagkakamali,
di ba mas masakit kung sila mismo ang makakadiskubre ng kamalian mo.
4j-c. Buti na lamang at
di siya naghinanakit at nagsanib pwersa pa kami upang tulungan ang iba kong
kamag-aral na mahinavang kukote sa Chemistry. Maya-maya pa'y
pumasok na kami sa silid subalit wala pang professor, habang wala
pang professor sa Filipino'y nagpatuloy kami
sa pagtuturo. Makailang saglit pa bago dumating ang professor namin
sa Filipino't siya si Sir Arnold.
Mukhang bata pa ito't may pagkaartistahin ang hitsura, hitsurang iisipin mong
di dumaranas ng hirap at lumilitaw pa ang katisuyan.
4j-d. Matapos niyang
magpakilala't ipaliwanag ang lahat ng regulasyon, nagkaroon kami ng pangkatan
na sinundan naman ng isa-isang pagpapakila. Habang nagpapakilala ang kamag-aral
ay heto muli ang pag-iral ng kaba sa dibdib at tila pinanghihinaan ako ng loob
na ipakilala ang sarili subalit di ako nagpanaig at nilakasan ang loob sa
pagpapakilala. Mukhang nakain ko marahil ang maraming minuto sa dami ng sinabi
ko, natutuwa naman ako sapagkat sa bawat sabihin ko, napapasaya ko sila't
mistulan akong payaso. Sumunod na asignatura'y English at sa
ibang silid na kami nagklase. Medyo may edad na rin ang professor namin
pero gayunpaman, kahit di gumamit ng lapel ay dinig pa rin ang boses nito.
4j-e. Matapos niyang
magpakilala't sabihin ang dapat gawin sa oras ng kanyang klase, nagkaroon kami
ng diagnostic test. Hindi naging pahirapan sa akin ang sumagot
subalit may ilang aytem na halos nangamote ako kaya ako'y napatagal. Matapos
ang Diagnostic test ay lunch break na namin
at sina Joshua ang nakasabay ko sa pagkain. May bago muli
akong kamag-aral na nakilala't nakausap at natutuwa ako pagkat dumarami na ang
kaibigan ko't natututo ng mag-adjust. Dala na di pa kumakalam ang
sikmura, Siopao lamang ang naging panglaman tiyan ko. Nagtungo
pa kami sa Admission upang samahan sila Joshua at Eric sa
pagpapakuha ng ID. Matapos magpakuha ng litrato ay diretso akyat na
kami sa laboratory. Habang nagtuturo si Sir Jasper ay
labis akong inaantok kaya hirap akong i-focus ang sarili sa
pakikinig. Nagtsek kami ng ginawang takdang-aralin matapos niya magturo at
nasisiyahan naman ako sa nakuhang marka, bagay kung bakit naalis ang antok ko.
4j-f. Tamang kwentuhan
lang kami habang bakante muli ang oras at may isa pa kong kamag-aral ang
nagpakilala't siya si Hanna (Ibay) na itong araw lamang pumasok,
di hamak na mas matanda sa amin kaya kapag kami'y magkakasama, parang matandang
kapatid na ang turing namin sa kanya. Naglibot-libot at maya-maya ang tsibugan
ng street foods. Pagsapit ng ikaapat ng hapon, nagtungo na kami sa
silid. Maging sa paglabas namin sa silid, sila Cathlyn lamang
ang kasama ko kaso itong si Arnulfo at Clark Haven,
palagi akong ginagawang laugh trip at sa halip na mapikon,
nakipaglokohan rin ako sa kanilang dalawa. Sarap lokohin ni Clark Haven at
lalong lumilitaw ang kikisigan niya kapag nagalit. Dahil naging mabigat
ang daloy ng trapiko sa Commonwealth, inabot na ako ng dilim sa
pag-uwi. Kanina pa 'ko pagod at nanlulupaypay na kaya matapos malamnan ang
kumakalam na sikmura'y diretso tulog na ko.
June 22, 2014
Sunday
Year II-173
4j-g. Sumapit muli ang
araw ng Linggo, araw upang alalahanin ang kadakilaan niya sa atin at ilaan ang
araw ng pagsamba sa ating maykapal at maylalang sa lahat ng bagay dito sa mundo
maging tayo, God is everything because if you wish
something then he gave it to you but in a proper time. Pray and pray until your
wish will be come true. May dapat akong ipagpasalamat sa Panginoon sa
lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko kaya matapos ang gawain
bahay, kaagad na akong naligo't nagbihis at nagtungo sa JOLIA Church. Hindi pa
nagsisimula ang pag-awit ng awiting makalangit ng datnan ko maging ang pamilya
ni Ate Ging ay di ko pa nasisilayan, marahil ay
may outing sila.
4j-h. Di lang talaga ako
sanay kung wala sila subalit pasasalamat sa panginoon ang pakay ko di yung
sariling kasiyahan.
Ilang sandali pa'y nagsimula na ang worship at habang
umaawit ay parang unti-unti ko ng niyayakap ang paraan ng kanilang pagsamba.
Hindi man kaaya-aya sa pandinig dahil maingay, basta tungkol sa panginoon ang
inaawit ay naiibigin mo, isa pa'y masarap sa pakiramdam kapag tinanggap mo
iyon. Habang umaawit, Thank God pagkat nakadalo sina Cathy na
buo ang pamilya. Matapos ang worship, nagtestimonya pa si Kuya Wilson at
di biro ang kanyang pinagdaanan pagkat siya'y naaksidente. Mula sa kanyang
galos sa katawan na namamaga, iisiping di mo makakayang tumindig at kailangan
ng isugod sa Hospital sa tindi ng kanyang tinamo subalit sa lakas
ng pananalig niya kay Lord, kahit malala man ang natamo mo, di mo
kailanman mararanasan ang sakit Because our God
is powerful and he will heal you.
4j-i. Magsasalita rin sana
ako sa harapan upang ihayag ang pasasalamat sa maykapal subalit pinangunahan
ako ng hiya, gayunpaman ay sa akin na lang marahil iyon. Naging emosyonal ang
Pastora habang nagsasalita sa harapan at lagpas Alas-onse na ng matapos ang
aming bible study. Si Cathy lamang ang
nakasabay ko sa pag-uwi't sa kamalas malasang pangyayari, naabutan kami ng
ulan. Minalas man ay biyaya pa rin maituturing ang ulan. Umuwi akong basang
sisiw at dali-daling nagbihis.
4j-j. Diretso Siyesta ako
matapos kumain ng tanghalian subalit ang kaninang maulan, kabaligtaran naman
ngayon na maalinsangan kaya hirap ako sa pagtulog. Mga bandang Alas-kwatro na
ko gumising at dahil may takdang-aralin pa sa Math, diretso tungo
ako sa computer shop upang mag-research. Matapos
mag-research, nagtungo muna ako kila Cathy kaso tulog
ito ng datnan ko kaya sina Jaka at Ate Ging lamang
ang kakwentuhan ko. Hindi na ako nagtagal pa sa kanila. Pagdating sa bahay ay
diretso gawa na ng assignment sa Math.
Ipinagpapasalamat ko naman sa maykapal pagkat kaagad kong natapos at nakanood
pa ng paboritong programa. Hindi pa man dinadalaw ng antok subalit kailangan ko
ng matulog at maaga pa magigising bukas.
June 23, 2014
Monday
Year II-174
4j-k. Sumapit nanaman
ang araw ng Lunes at panibagong linggo upang makapagsimula ng maayos. Medyo
bagsak pa ang mga mata subalit kailangan ng gumising ng maaga ng sa gano'y di
mahuli sa klase. Naging maaliwalas ang lagay ng panahon na siya pa lalong
nagpagana sa akin upang pumasok at mukhang ang ganda ng araw ko ngayon na aking
ipinapagpapasalamat sa maykapal. Isa pa sa ipinagpapasalamat ko ang bigyan pa
ko ng isa pang pagkakataon upang mabuhay pagkat batid nating may insidenteng
namamatay dahil sa bangungot, nangangahulugang oras mo na kapag ika'y
binangungot o di kaya mangyari sayo ang mga bagay na maaring ikamatay mo. Ang masaklap pa'y
namatay ka nga na di lamang pinagsisihan kung anong kasalanang nagawa. Hangga't
humihinga tayo, matutong magsisi at magpatawad. Mangilan-ngilan pa lamang na
kamag-aral ko ang naroroon pagdating sa eskwela. Tamang kwentuhan at kilatis sa
pagkatao ng isa't isa ang ginawa namin habang di pa dumarating si Sir Dalope.
4j-l. Makailang saglit
pa ng dumating si Sir Dalope at tinalakay niya sa
amin ang real numbers. Saka pa lamang ipinasa ang pinaghirapang
takdang-aralin matapos niyang magturo. Sa oras naman ng General Psychology,
itinuro muli sa amin ni Ma'am Joyce ang tungkol
sa Areas of Psychology. Bago pa man
siya umalis ay inanunsyo na magkakaroon kami ng maikling pagsusulit sa susunod
na aming pagkikita. Thank God pagkat lunch
time na at maiibsan na ang gutom na kanina ko pa tinitiis. Sa gutom ay
maaga pa sa Alas-kwatro kung ako'y magyaya kila Cathlyn na
kumain. Habang nagsasalo-salo kami sa hapagkainan, laking gulat ko sa aking
natuklasan pagkat marunong sila Cathlyn na maghithit buga ng
sigarilyo.
4j-m. Sa aming
magkakasamang lima, tanging kami lamang ni Ate Hanna ang
di marunong manigarilyo't kahit ganyan ang kasamahan ko, never akong
hihithit ng Yosi pagkat nakakasama iyon sa kalusugan. Parang nagbago na tuloy
ang tingin ko sa kanila. Gayunpama'y maigi munang kilalanin ko muna ang
pagkatao nila ng husto bago manghusga. Sa dami ng nakain ko, labis akong naumay
at nagtungo pa kami sa cashier pagkat magbabayad si Ate Hanna ng workbook.
Lumipas ang ilang sandali, nagtungo na kami sa silid. Habang di pa dumarating
si Sir Marvin, may paandar na pinagkakaabalahan ang
ilan kong kamag-aral at yun ay pagkuha ng litrato gamit ang Monopad.
Naki-join na rin kaming mga nakikiusyoso sa Monopad at
kanya-kanyang post. Naging maingay ang buong silid dahil sa
pinagkakatuwaang Monopad. Balikan kami sa
kanya-kanyang upuan ng pumasok si Sir Marvin.
4j-n. Itinuro sa amin
ni Sir Marvin ang Vision and mission ng
aming eskwelahan. Ang kaninang seryoso't tahimik na pagtuturo, nauwi sa malakas
na hagikhikan at daming alam na jokes ni sir, kahit
nagtuturo'y nagiging komedyante pa rin siya. Matapos ang Social Science,
uwian na't parang batang naglulundag sa tuwa ang kamag-aral ko. Parang di ako
pumasok sa kolehiyo. Hindi ko man ibig sumakay sa bus pagkat
malamig, kagustuhan pa rin nila Cathlyn ang nasunod at sumabay
pa rin ako sa kanila. Tirik ng husto ang haring araw kung kaya ang lamig na
dala ng aircon ay di naman gasino. Sa antok, diretso higa't
tulog ako sa kama pagdating ng bahay. Sa kasarapan ng tulog ko, malapit ng
dumilim ng ako'y magising. Wala naman takdang-aralin kundi may maikling
pagsusulit lamang sa General Psychology subalit di naman ako
makapagrepaso pagkat wala pa kong workbook. Panonood ng programa na
lamang ang inatupag ko. Di pa masyadong inaantok kung kaya nakinig muna ako ng
musika.
June 24, 2014
Tuesday
Year II-175
4j-o. Gawa na araw
ng pahinga ko ngayon, kahit anong oras ay pwedeng magising. Medyo antok
pa't maaga pa naman kaya sinulit ko ang aking pagtulog. Alas-otso pasado na ng
ako'y magising. Medyo nakadarama ako ng pangangasim ng sikmura kaya tubig
lamang ang ininom ko sa halip na kape. Gabundok muli ang hugasin sa lababo kaya
kaagad ko iyong inaksyunan. Matapos ang pang-araw-araw na gawaing bahay,
naisipan kong magtungo sa computer shop, di upang punan ang
sariling kaligayahan kundi mag-research kung ano ang aming lesson sa
bawat asignatura. Nang isi-save ko na sa memory card,
di ko inaasahang magkakaroon ng aberya pagkat na-corrupt ang lahat
ng files.
4j-p. Sinubukan kong
magkumpyuter sa iba, baka sakaling sa personal computer lang
nila ang may problema. Nang masubukang ikabit sa CPU, corrupted nga
ang lahat ng files ko. Nanlumo ako ng husto sa pangyayaring
di ko napaghandaan. Maliit na bagay lamang iyan at maayos din kaya wala dapat
akong ikabahala. Mga tanghaling tapat na ng ako'y makauwi. Bigla akong nakadama
ng antok kung kaya napaidlip ako pansamantala. May balak sanang magtungo ako sa
eskwelahan upang bumili ng workbook subalit dala ng init ng
panahon, tinamad na ako. Kahit sabihin sa sarili na wala ng dapat ikabahala,
bakit ganun ang pakiramdam ko, yung tipong di pa rin maiwasang mangamba.
4j-q. Sa kadahilanang
nagkaroon ng problema sa system ng aking memory card at
sa takot na di na mapakinabangan kapag di kaagad maagapan, naisipan kong
ipaayos na ngayon sa computer technician.
Nagtungo ako sa bahay nila Auntie Caling upang ipaayos kay Kuya Boyet ang aking mahalagang memory card subalit ipinabatid sa akin na nasa trabaho ito. Nandoon pa naman naka-save ang lahat ng mahahalagang dokomento't di ako matatahimik kapag di iyon naayos sa lalong madaling panahon. Kila Aldrian ako nagtungo pagkat batid kong may kakilala siyang computer technician pero ipinabatid nito na nasa probinsya ito. Pagtatanong lang sana ang itinungo ko sa kanila subalit ay may bagay pa kaming napag-usapan ni Aldrian hanggang sa mapasarap kaya nanatili pa ko sa kanila hanggang sa sumapit ang dilim.
Nagtungo ako sa bahay nila Auntie Caling upang ipaayos kay Kuya Boyet ang aking mahalagang memory card subalit ipinabatid sa akin na nasa trabaho ito. Nandoon pa naman naka-save ang lahat ng mahahalagang dokomento't di ako matatahimik kapag di iyon naayos sa lalong madaling panahon. Kila Aldrian ako nagtungo pagkat batid kong may kakilala siyang computer technician pero ipinabatid nito na nasa probinsya ito. Pagtatanong lang sana ang itinungo ko sa kanila subalit ay may bagay pa kaming napag-usapan ni Aldrian hanggang sa mapasarap kaya nanatili pa ko sa kanila hanggang sa sumapit ang dilim.
4j-r. Sa hinaba-haba ng
aming kwentuhan, di ko na naasikaso pang maghanap ng computer
technician at naisip ko na ipapayos ko na lamang kay Kuya Boyet kapag
nandoon na siya, lintik na virus na iyan at di lamang sa
kalusugan ng tao dapat pag-ingatan kundi sa teknolohiyang nagpapagaan sa
araw-araw nating pamumuhay. Ginabi na ko ng uwi't gawa na piping pipi na
ang bituka sa gutom, diretso lamon ako. Matakaw akong nilalang subalit
malakalansay naman ang aking pangangatawan, ayos na marahil iyon kaysa matawag
kang Baboy! Kapag payat, masasabing sexy ka kaya huwag ikahiya
ang pagiging payatot maliban na lamang kung ikaw ay malnourish.
Maaga pa ang gising ko bukas kaya di pa man antok ay kinailangan ko ng matulog.
June 25, 2014
Wednesday
Year II-176
4j-s. Kailangan kong
pumasok ng maaga sapagkat bibili pa ko ng workbook. Mga ikaanim ng
makarating ako sa eskwela't di pa man ako nakakapasok sa gate ay
paninita kaagad ng gwardiya ang sumalubong sa akin pagkat ako'y nakasuot
ng PE Uniform at
isusuot lamang iyon kapag PE time.
Nagpaliwanag ako sa gwardiya't nagkaroon naman siya ng konsiderasyon sa akin.
Sayang lamang ang maagang pagtungo ko sa eskwela pagkat sarado pa pala ang
bayaran ng workbook. May maikling pagsusulit pa kami sa General
Psychology kaya habang di pa dumarating si Sir Dalope,
pagrerepaso ang aming pinagkaabalahan sa halip makipagpalitan ng salita.
Diretso tago ng hand out na kinakabisado pagdating ni Sir Dalope.
Sa takot na mangitlog, lihim akong nagkabisado ng lecture ng General Psychology sa
kabila ng pagtuturo ni Sir Dalope.
4j-t. Medyo interesting ang lesson sa Math kaya
nawala ang konsentrasyon ko sa pagrerepaso. Panay repaso't kabisado na ako sa
oras ng General Psychology, naging tensyonado ako kaya
agad-agad nakakaligtaan ang kinakabisado. Ilang sandali pa'y nagsimula na
ang preliminary quiz. Kahit di katayugan ang nakuha ko, nanatili pa
rin ang galak sa dibdib pagkat di ako nakakuha ng itlog, bawi na lamang next
time. Sa oras naman ng Social Science, ipinagpatuloy ni Sir Marvin ang
pagtuturo about geography kaya I like that
subject. Marami-rami pa sanang maipapasok na kaalaman sa utak kung di puro
pakwela't patawa si Sir, parang di sineseryoso ang pagtuturo at palaging
dinadaan sa biro, kahit gayun ang professor namin, gusto ko pa
rin siya pagkat napapaligaya niya kami't nakakawala ng pagkabagot.
4j-u. Sumakit nga ang
lalamunan ko sa kakahalakhak. Dahil tatlong oras pa ang hihintayin bago ang
sumunod na asignatura, ayaw ko man pagkat bitin ang allowance ko'y
sumama pa rin ako kina Cathlyn patungong SM. Tamangfoodtrip ang
ginawa namin doon sa Food court at ang perang ipangbabayad
sana pambili ng workbook ay nagasta ko na subalit kakarampot
lamang. Matapos tsumibog, laking pagsisi ko sa pagiging maluho ko. Sumunod ay
sa Fairview Terraces naman kami nagtungo. Wala
kaming ibang inatupag kundi ang maglibot-libot at maya't maya ang Selfie,
napapalakwatsa talaga ako kapag sila ang kasama. Sa kakalakad, pananakit ng paa
ang inabot ko't tila nirarayuma ako.
4j-v. Nakabalik na kami
sa eskwela bago pa man ang Physical Education at
sa covered court kami nagklase. Itinuro sa amin
ni Sir Anton ang Aerobic dance at
sa kilos pa lang ay mapaghahalatang siya'y isang Sirena. Nagkaroon kami ng
praktis ng Aerobics dance matapos niyang magturo
at sa kamalas malasan ay wala pa kaming nasisimulan, paano'y puro tawanan. Buti
na lamang at sa next week pa ang performance ng Aerobics
dance. Sa katunayan, Aerobics dance ang madaling sayawin
pagkat parang nag-eehersiso ka lamang. Maya-maya pa'y uwian na, heto muli sina Cathlyn at
todo udyok sa akin na sumakay sa bus. Kahit di ko talaga ibig
sumakay sa bus pagkat malamig, bilang pakikisma'y sa bus pa
rin ako sumakay. Halos ikangatog ko ang matinding ginaw kahit di itutok
ang aircon. Sa lahat ng pasaherong lulan ng busay kami
ang bukod tanging maingay lalo na si Gelo na mistulang
komedyante sa pagpapatawa, ito namang si Arnulfo ay walang
ginawa kundi pagkatuwaan ako pero batid kong biro lamang iyon kaya di ko
magawang mayamot.
4j-w. Maging sa pagbaba,
si Arnulfo ang nakasabay ko't sa kabila na palagi niya akong ginagawang
katatawanan, nagmagandang loob siya sa akin. Kung anuman ang pinagsamahan
naming magkaklase sa unang pagkakataon na magkakilala, sana di iyon magbago
hanggang sa kami'y magtapos. Gawa na sumasakit ang paa ko, diretso hilata ako
sa kama't nuod ng telebisyon. Kasarapan ng panonood ng programa ng biglang
nagkaroon ng blackout. Buti na lamang at umulan kaya di naging
mainit ang gabi sa kabila na walang kuryente kaso naging malamok naman kaya
hirap akong tumulog. Mga Alas-onse na ng maibalik ang kuryente.
June 26, 2014
Thursday
Year II-177
4j-x. Gawa na
hating-gabi na ko nakatulog ng lubusan dahil sa naranasang black-out,
tulog mantika pa rin ako kahit sumapit na ang ikapito ng umaga. Ibig ko pa
sanang palawigin ang oras ng pagtulog subalit may klase pa ko't batid na
mahuhuli kaya nilabanan ko ang antok. Sa antok na nadarama, naging mabagal ako
sa pagkilos at tila ibig ko pang mahimlay talaga sa kama. Naging mabilis ang
takbo ng oras at di namalayang ikawalo na ng umaga, Kailangan ko ng magmadali't
mukhang mahuhuli na. Hindi naging masigla ang araw ko't nakadagdag pa ang
makulimlim na panahon na animoy nalulumbay. Kahit paano'y sakto ang pagtungo ko
sa eskwela't may nalalabi pang oras bago magsimula ang Filipino.
May nakaligtaan akong dapat gawin at iyo'y magpa-develop ng
litrato, Naku at malilintikan ako kay Sir Arnold. Buti
na lamang at binigyan pa kami ng tiyansang magpa-develop ng one
by one photos kaya di niya inilapat sa index card na
kami'y may absent.
4j-y. Tungkol sa paaran
ng paggamit ng wika ang tinilakay sa amin ni Sir Arnold at
sa pananalita niya'y napakalinaw at masining managalog. Masasabing gandang
lalaki ang hitsura ni Sir Arnold kaso bawas
pogi points ang crater sa mukha. English ang
sumunod naming asignatura't nagtalakay lamang ang di nagpakilalang guro. Sa
lahat ng lesson sa English na naingkwentro ko
sa tana ng buhay estudyante, basic communication skills ang
madali't di dudugo ang utak sa kakaanalisa pagkat walang reading
comprehension, doon pa naman ako mahina. Dahil hi-tech na projector ang
gamit, lalo pa akong ginanahan sa pakikinig at mauunawaan mo talaga ang
tinuturan pagkat may figure na ipiprisinta. Susyal talaga ang
pagtuturo kapag sa OLFU ka nag-aral, lahat by using
projector ang pagtuturo't asensado na marahil ang edukasyon rito
sa Pilipinas. Todo udyok sa akin sina Cathlyn na
sa Chowking kami kumain, di naman ako makihinde at kahit di
naman kalakihan ang allowance, sige go pa rin kami
sa Chowking kaso di naman ako nabusog sa kinaing Chowpan,
bumunos pa ko ng Guchi at iyon lamang ang ikinabusog ko.
4j-z. Sa halip na ako'y
maghigpit ng sinturon, nagiging gastador na't maging ang perang ibinigay
pambili ng workbook, nagamit ko na. Kung tutuusin, maluhong kasama
sila Cathlyn. Matapos kumain sa Chowking, dumeretso na
kami sa cashier upang bumili ngworkbook. Ng makabili,
nagtungo na kami sa laboratory subalit wala pa roon si Sir
Jasper. Gawa na ako'y inaantok, pansamantala akong umidlip. Ang dapat sana
iidlip lamang, nauwi na sa pagkahimbing at nasa pisara na si Sir Jasper ng
ako'y gisingin. Nagkaroon kami ng activity at iyon ay iguguhit
ang lahat ng laboratory apparatus na nakatanghal.
Naging pahirapan sa akin ang mag-drawing pagkat actual na
kagamitan ang gayahan at kailangan ay detelyado pa.
4k-a. Laking gulat ko ng
purihin ng kahit na sinong kamag-aral ang aking output at
magaling daw akong mag-drawing kahit di naman. Di ko alam kung
namamalik mata lamang sila o ayaw lamang maging prangka sa komento nila
sa drawing ko. Dahil sa papuri nila, lalo ko pang pinag-igihan
ang pagguhit. Matapos ang activity ay nagkaroon ng pangkatang
pag-uulat. Mga Alas-kwatro ang aming dismissal time at
habang free time, Wala kaming ginawa kundi lumamon ng street
foods at magkwentuhan. Daming patawa itong si Mica at
wagas kong makahalakhak kaya ang ingay tuloy namin. Nagtuturo na si Sir Jasper pagtungo
namin sa silid. Nakikinig ako sa turo niya subalit tila walang pumapasok sa
utak ko. Mahirap pala ang Chemistry kapag nasa kolehiyo ka
na't iyon ang bagay na di ko inasahan.
4k-b. Maya-maya pa't uwian
na. Todo udyok muli sila Cathlyn na sumakay sa bus subalit
di na ko sumabay pa sa kanila't tama na palaging sila ang nasusunod. Sa dyip
lamang ako sumakay at si Joshua at Anika ang
nakasabay ko. Pagsakay ko sa tricycle ay di ako mapalagay sa
kasamahan kong pasahero pagkat sa kilos at pananalita'y kahinahinala na't
mukhang may gagawing masama. Bilang pag-iingat ay bumaba na ko, Isa pa'y
napakayabang niya kung makaasta, kala'y kayang gawin ang lahat at walang
makakapigil sa kanya. Buti na lamang ang nasakyan kong tricycle,
naging mabait ang manong driver at hinatid pa mismo ako sa
bahay. Dapat sa taong may pusong banal, pinagpapala at walang humpay na
kaparusahan sa taong halang ang kaluluwa. Matapos manood ng telebisyon ay
diretso hilata na ko sa kama.
June 27, 2014
Friday
Year II-178
4k-c. Ang kagabing
maluha-luha ang kalangitan ay kabaligtaran naman sa paggising ko ngayong
umagang animo'y nakangiti't walang pagbabadyang pag-ulan. Dahil free
day, saktong ikawalo na ng umaga ako bumangon. Medyo kumakalam pa ang
sikmura kaya dumelehensya ako ng maalmusal. Matapos mag-almusal ay diretso
hugas ako ng plato. Matagal tagal na ring di nawawalisan ang sahig at
namumutiktik na sa kaitiman kaya ready for the action ako sa
pagwawalis at punas. Nakakasilaw sa pagkaputi ang sahig matapos kong magpunas.
Wala muling magawa kaya paglalagay ng plastic cover sa
aking workbook ang napagkaabalahan.
4k-d. Sumunod ay
pagpapakintab ng sapatos ang aking inatupag upang di lamang shiny kundi
bagong bili sa paningin. Dahil isa sa requirements sa
asignaturang Filipino'y ang one by one photo ay diretso
tungo agad ako sa computer shop upang magpa-develop.
Nakakaasar lang pagkat wala akong magandang litrato, tuloy ay naging pahirapan
sa akin ang pumili, ibinase ko na lang sa dami ng nag-like. Bukod sa
aking litrato, ipina-develop ko rin ang photoskasama
ang malapit kong kamag-aral sa High school. Naisip ko lang, saang
unibersidad nila nairaraos ang kolehiyo't labis na ang pagka-miss ko
sa kanila. Diretso lamon ako
pagdating sa bahay. Nilagang karne ang aming tanghalian, tamang-tama sa
sikmurang nangangasim kaya nakailang plato ako sa pagkain.
4k-e. Matapos kumain ay
kaagad akong nanood ng telebisyon bilang pampalipas oras. Nakakaalarma ang
balita tungkol sa biglaang pagtaas ng pangunahing bilihin tulad ng bigas at
bawang. Kung malaginto man ang bilihin sa panahong ito, huwag na sanang tumuloy
pa bagkus ay magmura na pagkat maraming mamamayang Pilipino ang
kapus palad na tanging mga pangunahing pagkain lamang ang ikinabubuhay. Paano
na kaya ang isang kahig isang tuka kung nagmahal na ang lahat ng bilihin, that
is unfair at mahuli sana ang mga nasa likod ng pagho-hoarding ng
produkto. Gawa na ako'y inaantok na, di ko natapos pa ang pinapanood at
nag-Siyesta. Malapit ng mag-ikaapat ng ako'y magising at paglalaro agad
ng Tablet ang aking inatupag hanggang sa dumilim. May pasok
nanaman ako kinabukasan kaya di ko na tinapos pa ang Ikaw Lamang at
natulog.
June 28, 2014
Saturday
Year II-179
Saturday
Year II-179
4k-f. Napasarap ng husto ang aking tulog kung kaya si Mama na mismo ang
gumising sa akin at pagkatingin pa lamang sa malaking orasan, ikapito na pala
ng umaga't kailangan ko ng magmadali upang hindi mahuli sa pagpasok. Pagdating
sa eskwelahan, di pa naman nagsisimula ang aming klase kung kaya naglibot-libot
muna kasama sila Jaimarri. Ilang saglit pa'y nagtungo na kami sa
silid at nagturo lamang si Sir Arnold tungkol sa teorya ng
pagsasalita. Bago kami umalis, ipinasa muna namin ang kanya-kanyang litrato at
pagkapasa, lumakad na kami patungo sa kabilang silid. Gamit ang Screen
projector, nagturo lamang ang di pa nagpapakilalang guro sa amin tungkol
sa Verb. Bago siya umalis ay may kamag-aral akong naglakas loob na
tanungin kung ano ang kanyang pangalan at nagpakilala na nga ang guro namin
at siya si Ma'am Mactal ang kanyang pangalan.
4k-g. Ilang saglit pa'y lumabas na kami't kina Cathlyn muli
ako sumabay sa kainan. Hindi kumpleto ang kanilang lunch break kung
hindi hihithit ng sigarilyo at nakakaasiwa na silang kasama kung palaging ganoon
ang kanilang gawain. Maging si Hanna na akala ko painosente'y
marunong rin palang manigarilyo.Sa Hilltop square na
kami nagpalipas ng oras at maya-maya'y nagtungo na kami sa laboratory. Magkakaroon pala kami ng experiment sa Chemistry at
nakalimutan kong dalhin ang aking laboratory gown, buti
na lamang at nagmagandang loob sa akin si Kyle na pahiramin
ng Laboratory gown at kahit medyo nahihiya'y sinuot ko pa
rin. Psychology student kami subalit mistulan kaming
mga Scientist dahil sa suot naming laboratory gown. Abalang-abala na
ang mga kagrupo ko sa pag-organisa ng mga chemicals samantalang
kami ni Kyle, nakatunganga lamang at pinapanood sila.
4k-h. Paano ko sila matutulungan kung opinyon ko pa lamang ay ayaw na nilang
dinggin, dahil di ko pa sila lubos na kilala, inunawa ko na lamang sila't di na
nagtanim pa ng hinanakit. Matapos ang aming experiment, nagkaroon
ng pangkatang pag-uulat. Ilang saglit pa'y lumabas na kami at sinamantala ang
oras ng break sa pagtuhog at lantak ng itinitindang street
foods at in fairness masarap naman ito. Ilang minuto
pa ang makalipas, nagtungo na kami sa silid at anong lamig ang aking nadarama.
Nagturo si Sir Jasper at maya-maya'y uwian na.
Pagdating sa bahay at diretso lantak ako ng nakahaing ulam sa mesa at matapos ay
nanood ng telebisyon. Malapit ng mag-ikasampo ng maisipang matulog at
nawa'y maging maganda ang mapaginipan ko’t pati ang tatahakin ko pang landas.
June 29, 2014
Sunday
Year II-180
4k-i. Pananakit ng sikmura ang sumira sa masarap kong tulog at sa sobrang
sakit, halos mabuwal na ako habang naglalakad patungong banyo. Di ko malaman
kung ano ang nakain ko't nasira muli ang sikmura. Bahagya akong nakaranas ng
ginhawa ng mailabas ang itinatagong sama ng laman subalit panandalian lamang at
muling sumiklab ang sakit. Tumigil naman ang aking LBM ng
pumutok ang liwanag at di ako nakapaglinis sa loob ng bahay dahil sa
panghihina. Ng manumbalik ang lakas at sa kadahilanang makapal na ang buhok ko,
nagtungo na ako sa Barber shop. May tatlo pang kliyenteng gugupitan
si Manong barbero bago ako kaya hinabaan ko ang pasensiya subalit ang tagal
talaga kung kaya naisipan kong kay Mang Usman na
magpagupit. Pagkatungo sa kanyang barber shop ay di ko akalain
na naroroon si Huelar at kami'y nagkamustahan. Sa dami ng napagkwentuhan
namin ni Huelar, di ko namalayang ako na pala ang gugupitan.
4k-j. Matapos magpagupit at sa halip na dumeretso sa bahay ay naisipan ko
pang magtungo sa Computer shop. Pagkasalpak ng aking Flash
drive sa central unit ay laking taka ko pagkat di
makita sa monitor ang aking mga importanteng files,
marahil ay na-corrupted o na-hide ng lintik na Virus.
Medyo pagod na ako't nakakaranas pa ng pagdurumi kung kaya umuwi na ko. Matapos
kumain, nagtungo ako sa bahay nila Auntie Caling upang
ipakonsulta kay Kuya Boyet ang aking flash
drive na nagloloko subalit wala siyang magawa't sinabihan na ipayos ko
na lamang sa mga computer shop. Ilang shop na
ang napuntahan ko at sinabing na-delete automatically ang
aking files subalit di naman nila mai-recover.
4k-k. Dahil may recover system kina Aldrian,
naisipan kong magtungo sa kanila. Habang naglalakad patungo sa kanila'y bigla
na lamang sumakit ang aking tiyan at di ko na makayang pigilan pa kaya may
pagmamadali ako sa pagkilos. Duming-dumi na ako kung kaya pagdaan sa bahay
nila Tita Jean, kinapalan ko ang mukha sa pagpasok at
dumeretso agad sa kanilang banyo. Saktong walang tao at nakabukas ang pintuan
kung kaya naging madali sa akin ang pumasok. Ni-lock ko naman
ang gate bago umalis at delikado ang bahay nila sa mga
manloloob pagkat hinayaan lamang nakabukas ang pintuan habang wala sila.
Pagkarating kila Aldrian ay kaagad kong ipinasalpak kay Kuya Dennis ang Flash
drive at ni-recover.
4k-l. Ang inakalang matutuldukang problema'y nagkakamali pagkat na-corrupted naman
ang mga files na nai-recover at laking hinayang
ko. Salot talaga ang virus, di lamang sa kalusugan maging sa
teknolohiya at ngayon ko lamang natutunan na di dapat binabalewala ang virus sa
iyong SD system. Umuwi akong nakabusangot ang mukha't lumong-lumo.
Kaagad akong natulog pagkauwi. Sa init ng panahon, naging pahirapan sa akin ang
makatulog kaya nagbasa na lamang para tanggal pagkabato. Ang bilis ng araw at
sa bilis nito'y di ko man lang naramdaman ang weekend pagkat
may pasok muli kinabukasan. Kahit na may problemang dumarating sa buhay, huwag
panghinaan ng loob pagkat lilipas din iyan.
June 30, 2014
Monday
Year II-181
4k-m. Huling araw para sa buwan ng Hunyo't unang araw na may pasok para sa
linggong ito kaya kahit inaantok pa't nabibitin sa weekend,
kailangan ng kumayod upang sa gano'y maging asensado ang buhay, marahil ay
kakambal na ng buhay ang magbanat ng buto. Walang taong nakakalasap ng
marangyang buhay kung palaging pinaiiral ang katamaran. Mga ikalima pa lamang
ng ako'y magising at nag-agahan, medyo busog pa ko kung kaya kararampot lamang
ang nakain ko. Mga dakong ikaanim na ng umaga ako umalis at habang naglalakad,
May pagkailang sa dibdib akong nadarama pagkat sa bawat taong makakasalubong
ko, tumitingin sila at di maalis ang tingin sa akin kahit nakalayo na at ayaw
ko sa taong ignorante. Di pa pumapasok sa silid ang mga kamag-aral ko pagdating
sa eskwela't naisipan muli naming maglibot libot. Maya-maya'y pumasok na kami't
saktong nasa pisara na si Sir Dalope.
4k-n. Nagturo lamang siya about polynomial at
ng recitation na, kahit madadali para sa akin ang mga expression ay
di ako nagtataas.
Ayaw ko kasing maulit ang nangyari nung high school ako,
nagiging palaasa ang kamag-aral ko sa tuwing may assignment o quiz,
minsa'y wala kang kamalay-malay na ninanakaw na ang iyong sagot pagkat batid
nilang magaling ka't sasamantalahin ang 'yong kakayahan. Sa halip na ipakita
ang kakayahan ko sa Math, nanahimik na lamang ako't isa pa'y
nakikita kong maraming mapagsamantala. Sa oras naman ng General
Psychology, tungkol pa rin sa Human development ang
aming lesson, ang matahimik na pagtuturo ni Ma'am Joyce at
tutok ang mga mata sa pakikinig, nauwi sa tawanan ng tungkol na sa pagbubuntis
at regla ang pinag-uusapan.
4k-o. Maingay na tuloy ang klase't di na magkarinigan. Maya-maya pa'y lumabas
na kami't nagsikainan, maghihigpit muli sana ako ng sinturon subalit napamahal
pa rin ang inorder na pagkain at gustong makipagsabayan sa kanila. Matapos ang
salo-salo sa kainan, kami'y nagbidyooke muli. Di ko na ibig pang iparinig ang
boses subalit dahil sa pamimilit ng kasamahan ko na kumanta, nahikayat ang
sarili ko't napabirit ng todo. Di ko lang alam kung naibigan bang kamag-aral
ang aking boses pagkat di talaga pinagpala ang boses at kailangan ko pang
pag-ibayuhin, sana balang araw, maging mahusay akong mang-aawit at kahangaan ng
marami. Bumili pa kami nila Cathlyn ng shake bago
pumasok sa silid.
4k-p. Pagkapasok sa
silid, wala pa si Sir Marvin kaya mistulang Divisoria ang
aming silid sa ingay at ang gugulo pa may isang professor ang
pumasok at pinagsabihan kami. Bahagyang tumahimik pero ng maglaon ay nanumbalik
muli ang ingay at parang di kolehiyo kung makaasta ang mga kamag-aral ko. Buong
oras na wala si Sir Marvin kung kaya nagkanya-kanyang na kami
sa paglabas. May practice pa sana kami ngayon para sa Aerobics dance subalit
nagsiuwian na ang aking mga kagrupo kung kaya di na natuloy. Pgdating sa bahay,
wala palang kuryente kung kaya tiis-tiis kami sa init ng panahon. Sa antok,
diretso tulog ako at malapit ng gumabi ng magising. Sa aking paggising,
nanumbalik na ang kuryente kung kaya panonood agad ng telebisyon ang aking
inatupag at bago matulog, pinaalalahanan ko ang aking mga kagrupo na may
pagsasanay bukas at nawa dumalo silang lahat.