April
01, 2014
Tuesday
Year II-091
Tuesday
Year II-091
3w-w. Abril na, at
dalawang buwan pa bago ang pasukan kaya naman hangga't di pa pasuka'y mag-e-Enroll na
sa eskwelahang gustong pasukan at kailangang buo na ang desisyon sa kursong
iyong kukunin. Ako, siguradong BS Psychology na
ang aking kukunin at wala ng bawian iyon. Sarap pa sana ako sa pagtulog ng
biglang gisingin ni Mama, ngayong araw pala ako mag-e-enroll sa Our Lady of Fatima
University kaya matapos kumain ng agaha'y kaagad na akong naligo't
nagbihis. Litrato na lamang ang kulang sa hinihinging requirements kaya
bago magtungo, nagpa-picture pa ako. Kahit kailan, ang pangit ng
hitsura ng aking Photo, po-posting pero ang sagwa
naman. Matapos magpakuha't ipa-develop ang litrato, nagtungo na
kami ni Mama sa school. Kung tutuusi'y mas malayo pa ang Our Lady of Fatima University kaysa
sa Collegio de San Lorenzo pero
dalawang sakay lamang at malapit din ito sa SM Fairview, kaya anytime that
I want, makakapag-mall ako. Dami palang ipapagawa bago ka officially
enrolled, bukod sa pupunan mo ang application form,
itatanung rin sayo ang Health appraisal mo at sasailalim ka pa
sa examination.
3w-x. Ganun pala kapag
magkokolehiyo ka na, daming papeles na kailangang asikasuhin. Dahil Freshmen ako't
di pa alam ang gagawin, lahat ng kailangang asikasuhin at kompirmahi'y si Mama
ang umaaksyon. Matapos punan ang form at ipasa ang lahat
ng requirements, tinanong ako ng Councilor kung
magte-take ba ako ng exam para sa Scholarship,
di ako siguradong papasa pero di naman masama kung magbakasakali. Maya-maya’y
nagtungo na kami ni Mama sa clinic at nagpa-blood pressure,
matapos ako ipa-blood pressure, sumailalim naman ako sa stethoscope examination at
sinabi ng Doctora na mahina raw ang baga ko. Kahit may
kalayuan, kuntento na ako na sa Our Lady of Fatima University idaos
ang pagiging college level.
3w-y. Bukod sa malawak
ito at nagtatayugan ang gusali ay de aircon pa ang
bawatclassroom at maayos ang kanilang facilities.
Matinding init ang sumunggab sa katawan pagkalabas at sa gutom ay ninais kong
kumain kami ni Mama sa Chowking ngunit di ito pumayag. Saka na
lang ako kumain pagdating sa bahay, natapos rin ang dapat gawin upang
makapagkolehiyo. Mga ikatlo ng magtutungo ako sa WAKI Therapy subalit
pinagbawalan na ako ni Mama pagkat bukod sa malayong lakara'y mainit pa ang
panahon at sakit lang ang aabutin. Kaya nga ako nagti-therapy upang
guminhawa ang pakiramdam. Anumang paliwanag ko kay Mama, bigo akong makumbinsi
siya. Kinagabihan, nanood ako ng telebisyon at matapos ay natulog na.
April 02, 2014
Wednesday
Year II-092
3w-z. Sa pagdilat ng
dalawa kong mata'y may kagaanan sa loob akong naramdaman, hinuhudyat na marahil
ay tapos na ang suliranin o nakapagpahinga lang ng maigi ang katawan kaya
maginhawa ako. Minsan, kapag may sulirani'y huwag kaayawan at takasan, bagkus
ay kaharapin ito't hanapan ng solusyon, hindi solusyon sa problema ang talikdan
ito pagkat nandiyan pa rin pero pwede mong tumawanan ang problema. Kung
mayroong hindi magandang nangyayari sa buhay, hindi naman sa lahat ng oras ay
ganun pagkat balanse tayong binuhay ng panginoon. Kung sino pa nga mahirap iyon
ang masaya’t malaya samantalang ang taong ipinanganak sa limpak limpak na
salapi, lukot naman ang mukha at minsa'y kontrolado pa ng kanyang magulang,
maging perpect na anak lang sila. Nobody’s perpect.
3x-a. Hitsura mo'y
pinagpala, kasing-ugali mo naman si Satanas at kung sino pa
iyong pangit at kakaiba, sila pa yung bukal ang kalooban. Matalino ka nga't
malakas, sa kasamaan naman ginagamit at mahilig pang manlamang, nadudulas naman
sa huli. Binuhay tayo ng panginoon na balanse't pantay pantay. Kahit anung
problemang dumaan, isiping parang bagyo na agad umaalis. Kahit ano ka pa sa
Mundo, huwag mahiyang magpakitang gilas, sila lang ba magaling at
may karapatan? Pagkabango’y kaagad
akong humigop ng mainit na kape. Matapos mainitan ang sikmurang nangangasim,
tambak muli ang hugasin sa lababo't iyon ang inatupag ko. Maya-maya'y nagwalis
at nagpunas naman ako, dami kong nawalisang alikabok at luminis ng husto ang sahig,
bukas ay dudumi uli iyan na katulad ng isang problema na kahit nasolusyonan
na'y darating pa rin, iba nga lang.
3x-b. Pagsapit ng
tanghaling tapat, anung init sa labas at halos ikatusta na namin ang matinding
init. Upang di maubusan, kahit di nauuhaw ay inum ako ng inum at nakailang
lagok na ng baso. Bahagyang kumulimlim naman pagsapit ng hapon at nagbabadya pa
ngang umulan. Sana’y umulan na't sa ganun ay maibsan ang init. Sa kadahilanang
may iki-claim akong mapa na naipa-reserve ng huling
linggo sa Northridge plaza, nagtungo ako dun kahit anung pigil ni
Mama. Siguro nga, tama
sila na itigil ko na ang therapy kung malayo naman. Labag man
sa kalooban na huwag ng mag-therapy, kailangan ko ng magpaalam kina Sir Nick,
sobra ko silang mami-miss pagkat kahit paano'y naging malapit sila
sa akin.
3x-c. Tutungo sana ako
sa WAKI Therapy pagkakuha
ng mapa upang makapagpaalam sa kanila subalit pinangunahan ako ng hiya. Di pa
ko kaagad umalis at nagtingin-tingin pa ng mga libro't
mapa. Hindi ko maabot ang mga libro para sa Psychology pagkat
napakatayog. Naisipan kong tumungtong subalit sa di inaasaha'y nagiba ang
lagayan ng mga libro't nagsilaglagan. Sa sobrang taranta ko, may pagmamadali
kong inilagay ang mga libro subalit bumibigay pa rin ang lalagyanan nito,
tinawag ko na ang mga Assistant at sila na mismo ang nag-ayos
at nagbalik ng mga libro. Matinding hiya ang naramdaman ko pagkauwi sa bahay
dahil sa nangyari kanina subalit masaya pa rin pagkat nabili ko na ang ibig
bilhin, ang mapa at binasa ko ang mga labels and details,
iyon ang inatupag ko hanggang sa antukin.
April 03, 2014
Thursday
Year II-093
3x-d. Maganda muli ang
umaga sa aking paggising, parang ang gaan ng aking kalooban at walang
pag-aalinlangang gawin ang gustong gawin. Hindi lamang minsan maiwasang kabahan
pagkat malapit na ang test para sa scholarship,
paano ako makakapasa kung wala naman akong mga reference na
aking rerepasuhin, ni di ko nga batid kung ano ang lalabas sa Exam at
paano makakapagsimula. Si Lord na ang bahala sa akin.
Pagkabangon na may sigla, humigop kaagad ako ng mainit na kape't lalo pang
sumigla ang pakiramdam pagkahigop nito hanggang sa huling pagsalok ng kutsarita
sa tasa. Maya-maya’y naisipan kong magpatugtog para magbigay aliw sa sarili.
Parang lumulutang ako sa sobrang saya kapag nakakarinig ng magagandang awitin,
minsa'y naapektuhan ang damdamin ko lalo na kapag sentiments subalit
kadalasa'y nagiging iba ang pakiramdam ko sa tuwing nakikinig ng musika at
naalala ko rin ang naging nakaraan ko.
3x-e. Iyon nga lang,
gustusin ko man magpatugtog ng matagal kailangan ko ng patayin sapagkat
kagaling lang ng ate mula trabaho na buong magdamag na dilat ang mata, marunong
naman ako makiramdam, hindi lang niya nakikita pagkat sarado ang kanyang puso. Kasabay ng pagkawala
ng awitin ang paghahari ng kalungkuta, upang hindi mabato't tuluyang lamunin ng
lungkot ay naisipan kong maglaro sa computer. Hangga’t bakasyon at
maraming pagkakataong gawin kung anung gusto, ituloy lang basta't wala kang
damdaming nasasaktan. Sa sobrang pagkaadik ko sa paglalaro, tanghaling tapat
na't muntikan ng makaligtaang kumain. Muli nanaman naranasan ang nakakapasong
init ng araw kaya todo paypay kami kahit bukas na ang bentilador. Iba
talaga ang init ngayong araw at nakakabigay pa ng sakit.
3x-f. Matapos kong
kumain, natulog muna ako. Mga ikatlo na ng hapon ako nagising at inilaan ang
oras sa pagbabasa ng Mapa't dictionary. Kahit sumapit na ang gabi,
mainit pa rin kaya nagpahangin sa labas kasama si
Mama, nag-usap kami hanggang sa maikwento ko na sa kanya ang tungkol sa
nangyari kahapon. Sa halip na magningas ang kanyang reaksyon at pagalitan,
parang wala lang sa kanya't pinagsabihan lamang ako. Hindi naman talaga ako
uulit pagkat mali iyon, baka problema pa ang sapitin kapag nahuling ako ang dahilan
kung bakit gumuho ang lagayan ng libro sa bookstore. Buti na lamang
at hindi. Maya-maya’y pumasok na ako't nanood ng telebisyon. Naging mainit ang
gabi't marami ring lamok na umaatake, dahilan kung bakit di makatulog.
April 04, 2014
Friday
Year II-094
3x-g. Dalawang araw ko
ng nararanasan ang maginhawa't magaan na pakiramdam sa tuwing nagigising,
ngayong araw lamang ang hindi pagkat inuubo ako't nagbabadya pang sipunin.
Upang hindi tumuloy ang aking pinangangambahang mauwi muli sa gastos, hangga't
di pa malala'y idinaan ko sa pag-inum ng maraming tubig. Bukas na rin ang
aking examination for scholarship kaya di dapat
ako magkasakit. Balak sanang ilaan ang napakaraming oras sa paglalaba't gawaing
bahay, hindi ko itinuloy at baka lumala pa ang aking kalagayan. Bagkus ay
ginampanan ko na lang ang gawaing bahay na di nakakapagod at matapos ay
nagpahinga. Sa takot na mabungangaan, inilihim ko kila Mama ang nararamdaman
ko't ayaw ko silang mag-alala. Kung sumasailalim lang araw-araw sa therapy,
di sana'y hindi ako dumaranas ng ganitong uri ng sakit. Maaring dahil sa init
ng panahon pero di tamang isisi pagkat may pagkukulang rin ako.
3x-h. Halos buong araw
akong di lumalabas ng bahay sa takot na lumala, nabagot muli ako kaya maghapong
babad ang mata sa paglalaro ng Tablet na animoy walang
pagsusulit bukas. Ganun ako sa tuwing tinatamad mag-aral, naglalaro na lang
subalit may hangganan rin ang paglilibang. Nang masiguradong malilim na,
nagtungo ako sa bahay nila Cathy upang bawiin ang perang inihulog
ko para sa darating na youth concert subalit wala
sila ng datnan ko, umuwi na lang ako. Wala nanaman akong magawa at na-lowbatt pa
ang Tablet sa kakalaro kaya naupo ako't nanood ng telebisyon.
Sa kadaldalan, naikwento ko rin kila Ate ang nangyari kahapon. Hindi ko
inaasahan na magiging ganun ang reaksyon ng ate't daig pa ang mabangis na tigre
kung magalit.
3x-i. Sa bawat salitang
binibitawa'y may katumbas na pagmumura't pang-iinsulto kaya nayamot ako't di ko
napigilan ang sariling sagutin siya. Okey na sanang pagsabihan ako, di ako
aalma pero di magaganda ang lumalabas sa
bibig na nakakasakit ng damdamin, nagpuyos tuloy ako sa galit. Akala kung
sinong matalim ang dila, may narating lang ay siya na ang may ganang magmataas.
Pilit ko siyang inunawa, pero nasasaktan na ang damdamin ko. Mainit pa ang
sitwasyon sa bahay kaya naisipan kong magtungo sa bahay ng kaibigan. Ibabahagi
ko sana kay Regine (Miano) ang saloobin ko, kaso ay busy siya
kay Baby Gian, nanahimik na lamang ako't hinayaan ito.
Si Shiela naman, tulog at kailangan ko ng adviced.
Minsan madaling humanap ng kaibigan subalit mahirap ang tunay. Saka lang ako
umuwi ng lumamig na ang loob.
3x-j. Nanonood ng video si
Papa kaya sa cellphone na lang ako nanood ng paboritong
programa. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nagtingin pa ko ng Photo
album. Hindi ko akalain na mapapaisip ako ng malalim sa Photo album,
napunta na dun ang libangan ko. Inalala ko ang masasaya kong nakaraan kasama
ang mga pinsan habang nagbabakasyon sa probinsya. Tila nawaglit ko ang sama ng
loob na dulot ng ate't maging ang alalahanin. Doon ko nadiskubre na kapag ikaw
ay malungkot o may hindi magandang pinagdaraanan, gunitain mo lang ang
masasayang pangyayari sa buhay pagkat iyon ang magpapasigla't magpapatatag
sayo. Bukas na ang exam kaya goodluck to me tommorow and
hope I can pass my exam to gain a scholarship. Deduction
for tuition fee is not enough for me because it’s very little but I’ll make
sure I will pass the test to proof that I am smart not Globe or TM. English Carabao pa
ba?
April 05, 2014
Saturday
Year II-095
3x-k. Ikasiyam pa ng
umaga ang schedule ng aming Exam subalit
ikaanim pa lamang ay ginising na ako ni Mama't nag-almusal. Mukhang mahihirapan
akong makuha ang tamang konsentrasyon mamayang exam pagkat panay
ang aking pag-ubo't dama ko rin ang pananakit ng lalamunan. Di pala ako
nakapaghanda ng lapis at pambura na gagamitin sa exam, walang
humpay na sermon ang inabot ko kay Ina ng paalis na kami. Masyadong apurado't
Alas-siete pa lamang kaya bumili muna ng lapis. Kaso’y naging mahaba ang pila
sa tindahan, napatagal tuloy ako't malaki ang posibilidad na mahuli. Sa takot
na mahuli, may pagmamadali akong naligo't nagbihis, si Mama nama'y hala ang
kanyang pagbubunganga kahit di ko na pinapansin. Hindi naman naging traffic sa
biyahe kaya tama lang ang pagdating namin.
3x-l. Nakapila na pala
ang kasabayan kong kukuha ng exam at napakadisente’t
supistikada ng kanilang kasuotan. Marahil ay ako lang ang pinakapangit na suot
at kinukutubang pinagtitinginan na. Nakakapanibago sa pakiramdam, bagong
eskwela, bagongclassroom at bagong kaklase. Bago magsimula
ang exam ay pinapila kami upang mag-register. Nanlaki
ang mga mata ko pagkat ang tatayug ng kanilang grado. Nang makapag-register na
ang lahat, isinagawa muna ang sitting arrangement at
habang di pa nagsisimula ang exam ay tumitindi na ang kaba sa
dibdib. Ilang saglit pa'y nagsimula na ang test. May ibang aytem na
madadali, yung ilan ay di pa nagpaaralan sa tana ng buhay estudyante kaya halos
mangamote ako. Dalawang oras ang palugid subalit sa dami ng kailangang basahin
at i-shade ay tila kakapusi't naghula-hula na lamang ako ng
sabihing limang minuto na lamang ang natitira. Over-pressure ako
at Hayahay ang peg pagkatapos.
3x-m. Bago kami
magsialisa'y inanunsyo ng Propesora na sa susunod na linggo pa malalaman ang
resulta. Di pa rin maalis ang aking kaba't mukhang magkakasakit ako sa
lamig ng silid-aralan. Paglabas namin ni Mama, nabigla ang katawan ko sa init
ng panaho't pagkahaplos sa mukha'y kumapit ang init. Nagtungo muna kami ni Mama
sa Chowking. Habang naghihintay ay may isang babaeng lumapit sa
akin at nagtanung, kahit di pa magkakilala'y nagkwentuhan na kami't
nagpakilalang Nica. Sa hitsura palang at pananalita ay mukhang di
ko kayang makipagsabayan sa isang matalino't masinop. Ilang saglit pa'y kumain
na kami ni Mama. Nang kami'y papauwi na, hindi na sumabay sa akin si Mama
pagkat may bibilhin pa ito.
3x-n. Sa wakas at
natapos rin, natulog akong may kapanatagan. Nagising ako dahil sa ingay ng mga
bata, mga pinsan ko pala iyon at bumisita ang mga kamag-anak ko. Pagkabango’y
nagtungo ako sa bahay ni Cathy upang bawiin ang pera. Di ako
kaagad nakapunta pagkat may tinanong pa sa akin si Aling Catherine.
Napahaba ang aming usapan kaya napatagal pa ko. Matapos ang pag-uusap, nagtungo
na ako sa bahay ni Cathy subalit wala pa rin ang mga ito.
Dumeretso kaagad ako sa computer shop. Ang bagal mag-access ng Internet pati
magbasa, tapos saksakan pa ng ingay. Nagpasya akong lumipat na lamang.
kabaligtaran ng nilipatan ko sa kanina. Bukod sa tahimik, mabilis rin ang Internet connection.
Balak ko pa sanang magtungo sa bahay nila Tita Jean,
subalit sa takot na abutin ng dis-oras ng gabi't mabungangaan ng walang puknat,
umuwi na ko. Saka pa lamang naghapunan at nanood ng telebisyon. Medyo sumasama
muli ang pakiramdam kaya humilata na agad sa kama.
April 06, 2014
Sunday
Year II-096
3x-o. Ang kagabing
napakasama ng timpla'y kabaligtaran ng paggising ko sa umaga, hindi na barado
ang ilong at tila lumuluwag na ang paghinga. Bumangon ako na may sigla ang
kalooban at naging maaliwalas rin ang panahon kahit may bagyong nagbabanta.
Walang nakahain na pang-agahan, humigop na lang ng mainit na kape at pagkatapos
ay naglipit ng higaan at naghugas ng plato. Matapos ang gawaing bahay, kahit
saksakan sa sungit ang pakiramdam kagabi’y nagtungo pa rin ako sa Taas upang
bumili ng Plastic Cover. Pagkauwi’y nilagyan ko ng Cover ang
Mapang Binili ko pa sa Northridge Plaza at iyon
ang pinagkaabalahan. Matapos lagyan ng Cover, tinamaan muli ako ng
pagkabato kaya naisipan kong libangin ang sarili sa paglalaro ng Tablet.
Sa kaadikan ko sa paglalaro't humaling na di maawat ang sarili, hindi
namalayang oras na ng tanghalian.
3x-p. Ang kaninang
umagang maaliwalas at maganda pa sa balat ang sinag ng araw, nakakapaso na
ngayong tanghali sa sobrang alinsangan nito at halos di ako makatulog. Nagbasa
na lang ng World atlas. Simula pagkabata'y hilig ko
talagang magbasa ng Geography kaya kabisado ko na kung saang
lokasyon ang bansang tinutukoy at kabisado rin ng utak ang hugis at lawak ng
bansa. Maski nga kabisera ng bawat bansa'y kabisado na rin. Kapag walang
magawa, pagbabasa minsan ng Geography ang pinagkakalibangan
ko. Sana sa aking pagtanda'y maranasan kong mangibang bansa. Sa kakabasa
ng World atlas maging ang mapang binili ko pa sa Northridge plaza,
hindi namalayang gabi na't dinig ko muli ang ligalig ng mga bata.
3x-q. Isa pa sa libangan
ko ang manood ng telebisyon tuwing gabi. Tuwing Linggo'y nanood ako ng Rated K at Kapuso mo Jessica Soho at
marami akong exploration sa dalawang programa, dalawang
programang masasabing matalinong documentary at interesting pang
panoorin dahil sa kakaiba nilang ipinapalabas at nakakapagbigay alam sa
manonood. Curfew time na kaya ang mga batang
siksik, liglig at umaapaw sa kaligaliga'y nagsiuwian na, maging marahas at
malakas na tugtog ng kapitbahay ay tumigil na rin. Ganito kami sa Sitio Taniman tuwing
gabi, maingay at kung minsa'y may nangyayaring rambulan.
April 07, 2014
Monday
Year II-097
3x-r. Lunes nanaman at
balik muli sa opisina ang mga empleyado, swerte pa rin kapag estudyante ka
pagkat sa haba ng iyong bakasyon ay tiyak na sulit na sulit ito, samantalang
kapag may trabaho ka na'y sa holiday ka lang walang pasok
subalit huwag magsaya't magpakasarap bilang buhay estudyante pagkat kumikita
naman ang trabahador at magagawa at mabibili nila ang gusto. Samantalang kapag
estudyante ka lang, masyadong limitado ang gawai't marami pang bawal. Sa aking
paggising, mukhang bumubuti na nga ang pakiramdam ko't di na tumuloy ang
pinangangambahan ko. Balak sanang maglaba, subalit inunahan na ko ni
Mama't naglalaba na siya. May mga nakatambak pang ibang labahin at
nagpresintang ako ang maglalaba subalit sinabihan ako ni Mama na huwag
mangialam. Nakaramdam ako ng kaunting tampo't ibinuhos ang sama ng loob sa
paghuhugas ng plato, buti na lang at di nabasag.
3x-s. Yaman at inalisan
ako ni Mama ng mapaglilibangan, lumayas ako't nagtungo sa bahay nina Cathy.
Sina Jaka at Janna (Portugal) lamang ang
nadatnan ko't nagkwentuhan kami.
Maya-maya’y dumating na si Cathy at silang tatlong
magkakapatid lang ang nandun sa bahay. May pagkakataon na akong bawiin ang pera
subalit wala pa raw pampalit si Cathy at bumalik na lang
mamayang gabi. Matindi na ang init sa labas kaya umuwi na ko. Wala pa ring
pinagkaiba sa tuwing lalayas ako't uuwi pagkat nasermunan muli ako ng mahaba't
madami. Bakit sa tuwing bumibisita ako sa bahay ng kaibigan ko't kamag-anak ay
nagagalit si Mama, minsan ko na nga lang gawin iyon at madalas ay nasa bahay
ako, kasawa rin kasing laging manatili sa bahay kaya nagagawa kong maglakwatsa
at kasalanan niya kung bakit naglakwatsa ako dahil inalisan niya ko ng
libangan.
3x-t. Pinabayaan ko na
lang siya sa pagbubunganga. Kapag siya naman naglayas at kasama ang Kuya Al,
wala naman siyang naririnig sa akin at lalayas na nga
lang, wala pang lutong ulam at sinaing. Matapos lumamon, nanood ako ng
telebisyon at dami kong tawa kay Ryzza mae. Buti pa
si Ryzza Mae, napapasaya pa ang araw ko't tanggal stress pa.
Matapos manood ng telebisyon, nag-siyesta muli ako. balak ko sanang
gumala't magtungo muli sa bahay ni Cathy upang bawiin ang pera
subalit malalaki't masasakit na tinig ni Ina muli ang mauulinig ko sa tuwing
uuwi kaya hindi ko na itinuloy pa. Iginugol ko na lang ang maraming oras sa
panonood ng telebisyon at paglalaro ng Tablet. Masama man ang loob,
napapawi naman kapag may nagpapasaya sayo.
April 08, 2014
Tuesday
Year II-098
Tuesday
Year II-098
3x-u. Sarap pang humiga
ng lagay sa kama ngayong bakasyong grande subalit kailangan ko ng bumangon
pagkat marami pa akong dapat atupagin. Ang kahapong saksakan sa init ay
kasalungat ng ngayong makulimlim ang panahon at nagbabadya pang umulan, sana
nga'y umulan na. Matapos kumain ng agahan, naghugas ako ng plato't
nagwalis-walis sa sahig. Nang masiguradong malinis at makintab na ang sahig,
saka pa lamang ako naupo at nanood ng telebisyon. Nakaka-overwhelm naman
ang show ni Ryzza pagkat ang kanyang
mumunting pangarap, natupad na't sana maging kagaya ko si Ryzza na
may pangarap sa buhay at di mo namamalayang natupad na. Maya-maya’y natulog
muna ako. Pagkagising, laking tuwa't gulat ko ng biglang bumisita sa aming
bahay ang Tita Susan na kagagaling lamang
mula Batangas at napakarami niyang pasalubong.
3x-v. Bukod sa
pasalubong nakakain ay baon rin ni Tita Susan ang
maraming kwento tungkol sa mga pinsan ko. Nakakatuwa’t dapat pala'y sumama ako
kay Tita Susan sa Batangas. Maya-maya’y
nagtungo ako sa computer shop. May hiyawan at tilian na
kala'y hinahabol ng multo, iyon ang nauulinig ko habang nagkukumpyuter at di ko
batid kong anung pinapanood nila. Dumungaw ako sa likuran at nakakatakot na may halong pandidiri
ang pinapanood nila't pamilyar sa akin ang Horror moviena
iyon. Imprint pala at nung elementary pa ako
ng mapanood ang nakakatakot na movie na 'yun. Halos isang
buwan akong nakaramdam ng panghihilakbot at di rin makatulog sa gabi matapos
iyon panoorin. Ng mapanood muli, bumalik ang dati kong takot at masyadong brutal ang
pag-torture nila sa babaeng napagbintangan daw na nagnakaw ng necklace.
3x-w. Matapos
magkumpyuter, nagtungo pa sa bahay nila Tita Jean.
Nandun na si Tito Elbong maging ang kanyang mga
magulang at kapatid. Nakipag-usap ako sa Lola Tinang na
lola ni Amihan at napakarami niyang naikwento sa akin. Nandun
rin si Tita Juliet at halatang
pinariringgan ako. Si Tita Jean nama'y hindi
maawat ang sarili sa paglalaro ng Zuma blitz sa laptop.
Inabot na ko ng gabi sa kanila at kahit nahihiya'y kinapalan na ang mukhang
maghapunan sa kanila. Malalim na ang gabi kaya kinailangan ko ng
umuwi. Dyesebel na pala pagkauwi't nakita kong nakahiga
ang Tita Susan. Hindi ko kaagad natapos manood ang
programa pagkat nagkwentuhan pa kami ni Tita Susan.
Pakiramdam ko, lahat ng gusto kong sabihin at ikwento, naikwekwento ko sa
kanya. Malapit ng maghating-gabi ng kami'y makatulog. Hindi nanaman ako
makatulog pagkat umatake muli ang lamok. Pesteng lamok na iyan talaga.
April 09, 2014
Wednesday
(Araw ng Kagitingin)
Year II-099
3x-x. Pag-alala sa
katapangan at katatagan ng mga mahal nating bayani laban sa Hapon na
mananakop at gunugunita rin ang pagbagsak ng Bataan sa kamay
ng Hapon. Matinding pagdurusa't pagod marahil ang dadanasin kung
nabubuhay ka lang sa panahong iyon, biruin at ilang milya ang nilakad ng mga
bihag ng Hapon na walang kain at pahinga nung
makasaysayang death march, pasalamat na lang at di ako
nabuhay sa panahong iyon. Bukod sa pinapaglakad ng malayo ang hukbong Amerikano at Pilipino,
walang awa rin nilang hinahalay ang mga kababaihan. Naging napakarahas at
malupit ng Hapon sa atin nung World War 2.
Pagkagising ng diwa, narinig kong nag-uusap si Mama at Tita, umaga na pala
subalit di pa ko bumangon at umidlip pa. Habang nag-uusap ang dalawa, bigla
ipinakita ni Mama kay Tita Susan ang report card ko.
Nakakahiya at sa sobrang hiya'y nagtaklob ako ng unan at di pinakinggan ang
naging reaksyon ng tita. Ipinagmamalaki pa naman ako ng tita sa mga taong
kausap niya at matalinong bata ang tingin sa akin, tapos ay makikita niyang
ganun ang grado ko, nakakahiya.
3x-y. Kahit hiyang-hiyang
iharap ang mukha, bumangon pa rin at nagpakita sa kanya. Hindi naman niya ako
kinuwestson kung bakit ganun ang marka ko, napanatag ang kalooban ko. Humigop
ng mainit na kape at matapos ay naghugas ako ng plato. Nagbibihis na ang Tita
pagkat ngayon na ang alis nito, dami niyang dalang mabibigat na bagahe. Naawa
naman ako kay Tita at bilang pagtanaw ng utang na loob nung siya ang sumagot ng
pamasahe namin patungong Quezon, tinulungan ko siyang magbuhat
patungong terminal ng tricycle. Sa bigat ng bagahe
na aking binuhat, labis akong napagod pagdating ng bahay. Tinamaan nanaman ako
ng pagkabato kaya naisipang manood ng telebisyon habang kumukutkut ng
manamis-namis na Panucha.
3x-z. Ilang sandali pa'y
oras na ng tanghalian. Naging napakaalinsangan ng tanghali kaya labis ang aming
pag-alma't kahit anung paypay, magpahangin sa bentilador ay dama pa rin ang
init. Summer is in the air and gives our life more suffer. Just
be patient and someday, we would feel the coldness by rain. Matapos kumain
ng tanghalian, naligo na ako. Kahit paano'y napreskuhan ako subalit panandalian
lamang iyon pagkat napakainit sa labas. Hindi ako makatulog kaya naglaro muna
ng Tablet.
Kinahapunan, sa wakas at bumuhos na rin ang ulan subalit daglian lamang
iyon. Kahit daglian lamang, nakatulong pa ito upang matanggal ang alikabok at
mabawasan ang init.
3y-a. Pagsapit ng gabi, balak ko sanang bumisita sa bahay nila Auntie Caling ngunit
hiya ang umiral sa dibdib kaya di ako tumuloy. Sa bahay nila Jaypee ko
naisipang magtungo. Buti na lamang at gising pa sila. Labis ang takot ko sa
alaga nilang aso na si Jambo, makatahol ay parang lalapain ka pero
sabi ng Tita Arlene na ganun raw siya kapag
nakikipagkaibigan at lalandiin ka lang. Kahit mabangis, cute siyang
tingnan pagkat di na raw lalaki. Sa una'y labis ang pagkasindak ko pero nawala
ang takot kinalaunan at nahahawakan ko pa nga, grabe ang kakulitan ni Jambo.
Sa kanila na rin ako nanood ng telebisyon at pagsapit ng Alas-nuebe, nagpaalam
na ko pagkat baka mabagansya kapag naabutan ng curfew.
Kay tahimik ng kapaligiran at wala ng mga kabataang tambay. Di pa ko dinadalaw
ng antok kaya naglaro pa ng Tablet. Maya-maya’y natulog na ako.
April 10, 2014
Thursday
Year II-100
3y-b. Maliwa-liwanag muli ng magising ako,
pagkabango'y sumapit na pala ang ikawalo at nasa bahay na ang Papa galing
trabaho. Wala nanamang nakahaing agahan kaya humigop na lang ng mainit na kape.
Maya-maya’y paghuhugas ng plato ang sunod kong inatupag at nagwalis-walis kahit
paano upang tanggal alikabok. Pagkatapos ng gawaing bahay, nag-internet ako
gamit ang Tablet. Sa kaadikan ko sa paggamit ng Tablet,
hindi ko nanaman namalayang tanghaling tapat na at oras na upang kumain.
Matapos kumain, may balak sanang maligo subalit sa pandidiri ko sa napakalaking
dumi ng kuya na di mailubog sa inidoro, hindi ko muna
itinuloy at nag-ipon ng tubig. Grabe makadumi ang Kuya Al,
parang akala'y dumi na ng halimaw sa laki at nakailang timbang puno na ko
subalit di pa rin lumubog. Paano’y dalawang beses lang sa isang buwan kung
dumumi ang kuya.
3y-c. Ginawa ko na ang naisip na paraan, mapalubog
lang ang napakalaki't napakabahong dumi subalit wa effect. Upang di
mabahuan ay tinakpan ko na lang ng palanggana habang naliligo. Kahit nakatakip
na kung sa tindi naman ng baho'y naamoy ko pa rin. Nakaraos rin ng lagay
matapos maligo at presko sa pakiramdam. Maya-maya'y naisipan kong magkumpyuter.
Halos ikayamot ko ang napakabagal na pagresponde ng computer,
marahil ay marami ng Malicious software na
inaatake ang mga programs at di na kayang puksain ng Anti-virus.
Sa bagal, pinatay ko na't nanood ng telebisyon. Matapos manood, magtutungo sana
ako sa bahay nila Auntie Caling, subalit pagkadungo
muli ang nangibabaw sa dibdib kaya di ako tumuloy at kila Amihan ako
nagtungo.
3y-d. Kahit mabait ang pakikitungo sa akin ni Tita Juliet,
parang may ibig ipahiwatig ang mga sinasabi niya, parang nagpaparinig at
ipinapamukha sa akin na tinatapakan ko raw sila dahil sa mas angat ang buhay
namin kaysa sa buhay nila. Hindi ko intensyon na matahin sila pagkat wala sa
akin kung sino ang nakakaangat at pantay-pantay ang pagtingin ko. Hindi ko alam
kung anong nasabi ko't ganito lamang ako paringgan ng Tita Juliet. Pinakibagayan ko na
lamang siya at sinakyan ang mga patago subalit patamang salita habang nag-uusap
kami. Dahil sa kanya kaya saglit lang ako kina Tita Jean.
3y-e. Nararamdaman ko, mukhang di kami magkakasundo
ni Tita Juliet. Nahihiya man, kinapalan ko na ang mukha
sa pagtungo kina Auntie Caling. Wala sila Auntie Caling at Uncle
William at sina Tita Haydie lang ang nandoon. Bukod
sa malawak ang bahay, komportableng tirhan sa ganda ng
kanilang backgrounds at impressive sa
paningin. May ikalawa't ikatlong palapag pa sila subalit di ko inakyat pagkat
di ko maiwasang mahiya. Bukod sa malamansyong bahay, maayos at may
pagkamatikoloso silang tingnan. Sa tindi ng hiya, hindi ko na nagawa pang
magtagal sa kanila. Hindi pa ako makatulog gawa na napakaalinsangan ng panahon
kaya nagduyan muna ako. Mga Alas-onse na ako natulog.
April 11, 2014
Friday
Year II-101
3y-f. Kahit hindi makatulog gawa na malamok ang
kwarto at mainit ay naging kaaya-aya pa rin ang napaginipan ko. Sa ganda ng
panaginip, naikwento ko kay Mama at langit ang nasa loob sa tuwing maalala ko.
Sana’y mapaginipan ko ulit iyon sa muli kong pagtulog. Nakakabato ang naging
umaga ko kaya naisipang magpatugtog. Yamot lang ako kay ina pagkat pinapapatay
niya. Hindi sukat akalaing maririndi pa siya sa kabila na di naman kalakasan
ang tugtog ko. Habang nagpapatugtog, naglinis ako sa loob ng bahay,
madalas kong gawin tuwing umaga. Malapit ng sumapit ang Alas-nuebe subalit
di pa dumarating ang ate kaya ipinagpatuloy ko ang
patugtog. Ilang sandali pa'y umalis na si Mama pagkat kukunin niya ang
aking Form 137 para sa confirmation na ako'ytransfer na
sa Our Lady of Fatima University.
Kaming dalawa na lang ng Kuya Al naiwan at ako'y naligo.
3y-g. Matapos maligo, nagkumpyuter muna ako't ilang
saglit pa'y dumating na si Mama. Hindi man kataasan ang natamo kung marka sa
pangkalahatan, masaya pa rin ako pagkat makakapagkolehiyo pa rin. Sana sa
pagtungtong ko sa kolehiyo'y mapagtagumpayan ko na ang pangako, ang maging
maayos sa pag-aaral. Summer season na subalit anung lungkot ng
kalangitan at nagbabadyang ibagsak ang milagrong tubig. Sa kakakumpyuter,
Alas-dose na pala't kailangan ng kumain kahit di pa ko gutom. Hindi sana ako
tutulog subalit nakatulog pa rin. Pagkagising, panonood ng telebisyon ang
inatupag ko't maghapon akong nanood ng Meteor Garden.
Nung Pres school pa ko ng huling ipalabas ang
nakakakilig na Taiwanese Novela na iyon subalit
hanggang ngayo'y tinatangkilik pa rin at kinababaliwan ng mga manonood. Maski
ako'y labis ang pagkakilig at sarap ulit-ulitin. Kinagabihan, hindi muli ako
makatulog kaya nag-soundtrip muna ako. Parang kailan lang ng bata
pa ko't gusgusin, ngayo'y malapit na akong tumungtong sa hustong edad.
April 12, 2014
Saturday
Year II-102
3y-h. Naging maganda muli ang napaginipan ko't
sana'y palaging ganun upang maging masigla't masaya ang aking paggising. Kung
maari lang, mapaginipan na rin ang aking special someone. Balak ko
sanang maglaba ngayong araw para iwas pagkabagot subalit naunahan na ni Ina,
gawaing bahay na lang ang ginampanan ko. Bahagyang kumulimlim ang panahon kaya
magandang pagkakataon upang makapagpahinga sa init. Matapos ang gawaing bahay,
pagbabasa ang sunod kong inatupag at kahit hirap pa rin akong umintindi ng
teksto sa wikang English, atlis may natututuhan akong bagong
bokabularyo. Maya-maya’y oras na upang mananghalian, tamang lamon lang ng pagkaing
karami-rami't sa katakawa'y nakatatlong buong plato ako. Halos ikabundat ko na
ang kabusugan. Sa takot na pangit ang mapaginipan at mauwi sa pagkamatay kapag
natulog na puno ang Tiyan, hinayaan ko munang matunawan.
3y-i. Maya-maya’y nag-siyesta muna ako.
Kahit di maalinsangan ang panaho'y di naman ako makatulog. Bumangon ako kaagad
at nagtungo sa computer shop. Panonood ng mga sikat na
kantang ginagaya ang pinapanood ko. Sa kakatawa nilang parody at
saksakan ng kakulitan, labis ang aking paghalakhak na walang pakialam sa
sasabihin ng iba.
Ang galing ng kanilang production at gayang-gaya ang orihinal
na music video. Hindi masamang
tumawa't basta walang damdamin kang sinasaktan. Habang wiling-wili sa panonood
ng Youtube ang pagdating naman ni Amihan. Sayang
at di kami sabay sa pag-alis pagkat patapos na ko kung kailan pa ito dumating.
Matapos magkumpyuter ay nagtungo pa ako sa bahay nina Cathy subalit
di natuloy pagkat nalibang ako ng husto kay Baby Kalbo sa
aking pagdaan at nakipagkwentuhan pa kay Ate Lenlen.
3y-j. Pagdating sa bahay ng Cathy, kita
kong nagbibihis sila't mukhang may pupuntahan subalit di kasama si Jaka kaya
labis ang kanyang pagmamaktol. Di makuha si Jaka sa pakiusap
ng ate kaya napilitan si Cathy na pagbuhatan ng
kamay si Jaka. Naawa ako kayJaka habang ginagawa iyon
ni Cathy at pinigilan ko siya. Pinagsabihan ko si Jaka at
kinumbinsing magpaiwan na kasama ako subalit ito'y nagmatigas. Hirap talagang
pagsabihan ang batang iyon at kahit anong pakiusap ay ayaw kang pakinggan,
maski ako'y malapit ng di makapagtimpi. Sa pagpupumilit ni Jaka,
naisama rin nila ito. Kainis lang at napakaistupido ko pagkat nakaligtaan kong
bawiin ang pera. Sunod ay kina Regine ako nagtungo. Saktong
nandoon si Annie maging ang kanilang kaanak subalit wala
si Gelyn.
3y-k. Sa sarap nilang kausap ay nanatili pa ako sa
kanila hanggang sa magdilim. Habang kami'y nag-uusap ni Annie at Aling Gina at
mabanggit ko ang pangalan ni Berna'y hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang
reaksyon nila. Tinanong ko sila at naikwento sa akin ang tungkol kay Berna.
Di ko sukat akalain na magagawa iyon ni Berna, ang suutin ang
kasuotang di naman niya pagmamay-ari at grabe siya pagkat wala siyang
delikadesa. Bukod pa dun ay marami pang naikwento sa akin si Annie at
masasabing pinakitaan mo lang siya ng konting ginhawa, umaabuso na. Kaya pala
ganun na lang kalakas ang loob ng babaeng iyon na mangutang sa akin, di naman
ako makatanggi pagkat naawa ako sa kanya't
batid ko ang kanyang kalagayan. Sa pag-uusap namin ni Annie ang
pagdating naman ni Gelyn.
3y-l. Saglit lamang kami nagkita at di ko na siya nakamusta
pa pagkat kaagad silang umalis. Lumalalim na ang gabi't sa takot na abutin ng
panibagong araw sa kulunga'y umuwi na ko. Saka pa lamang ako naghapunan
pagkauwi't himala pagkat di ako nasermunan ni ina, iyon pala'y himbing na sa
pagtulog. Matapos kumai'y nanood ako ng telebisyon. Maya-maya’y bigla akong
nakaramdam na parang pigil ang aking paghinga, inatake nanaman pala ako ng
hika't kaagad lumanghap ng Inhaler. Bumalik naman sa normal ang
aking paghinga subalit di naman makatulog dahil sa sipon. Sa panahon na tag-init,
kailangan ng konting ingat upang di sakit sa bulsa. Muntikan ko ng ikalagot
iyon.
April 13, 2014
Sunday
(Palm Sunday)
Year II-103
3y-m. Linggo ng palaspas, hudyat ng pagsisimula
upang magnilay-nilay at pagsisihan ang lahat ng pagkakasalang nagawa. Kahit
nabuhay akong di banal at makasalanang nilalang, malaki ang pasasalamat ko sa
panginoon pagkat hindi niya ako pinabayaan at pinatunayan iyon kagabi lang.
Natakot ako sa hika ko, napakalala. Akala ko'y katapusan ko na ng sumikip ang
paghinga pero binigyan pa ko ni God ng pagkakataong mabuhay.
Sinipon man kagabi, kasalungat naman ng paggising ko sa umaga pagkat naging
maginhawa ang paghinga ko at tila walang nangyari. Bukod sa maganda ang
pakiramda'y naging maaliwalas rin ang panahon kaya perpect timing upang
makapagtuyo ng sinampay. Pagkabango’y kaagad kong tinanggal ang punda ng unan
at nilabhan maging tubal ko't kumot na kay kapal. Sa dami ng nilabhan at gawa
na di pa nakakapag-almusal, halos ikahimatay ko na ang matinding gutom.
3y-n. May agahang nakahain subalit naunahan akong
lantakan iyon. Gumawa ako ng paraan para malamnan ang sikmurang piping pipi na
sa pagkalam. Matapos kumai'y dumeretso kaagad ako kila Regine (Miano). Di tulad ng
kahapong umaapaw sa saya ang kanilang tahanan kahapon dahil sa kanilang kaanak
pagkat tahimik at sila-sila na lang ang nandoon. Buti na lama't nandun
si Annie at Regine kaya may nakausap ako.
Maya-maya’y nagtungo kami ni Annie sa Sapa. Tagal ko na rin
hindi nailulublob ang paa sa Sapa't walang pandidiri kaming nagtampisaw kahit
sabihing galing sa inidoro ng mayayaman. Biglang nawala si Annie kasama
ang nakakabatang kapatid sa di malamang dahilan kaya umapak na ko sa lupa. Ayaw
ko pang umuwi't nakipagkwentuhan pa kay Aling Kris.
3y-o. Daldal ni Aling Kris at
dinaig pa si Kris Aquino, puro kwentong barbero lang naman ang
sinasabi niya't paniwala naman ako. Maya-maya’y lumabas ang asawa niya't
magaling rin makipagbiruan kaya napatagal pa ko sa kanila. Pakiramdam
ko'y masaya nanaman ang araw ko, bukod sa napaligaya nila ako, hindi nila
maiwasang mailabas ang ngipin sa tuwing humihirit ako ng jokes.
Kahit nakakainsulto't masasakit na salita ang bitawan ng kapwa mo, idaan lang
sa biro't tiyak na palagi kang smile di stressful. Ngayong araw rin
ang laban ni Manny Pacquao kaya nanahimik nanaman
ang sambayanang Pilipino. Kahit di ko napanood ang laban ni Manny Pacquao kay Bradley pagkat
ako'y nakatulog, hanga pa rin ako sa naipakita niyang natatanging lakas na
nagpanalo sa kanya.
3y-p. Kung tutuusi'y bato-bato kalaban si Bradley pero
di panaig ang liksi't lakas ng ating pambansang
kamao. Gawa na ako'y tinamaan ng pagkabato't naiinitan sa loob ng bahay,
naisipan ko muling maglakwatsa't magtungo sa bahay ng kaanak. Kina Tita
Arlene sana ako tutuloy subalit wala sila kaya sa bahay nina Tita Jean ako
nagtungo. Kahit kailan, iba talaga ang kutob ko kay Tita Juliet,
parang may pagkamuhi sa akin na di ko lubos malaman ang dahilan. Nagkatotoo nga
ang kutob ko ng yayain niya ko't biglang sinabing huwag na lang at baka raw ako
mapagod, di raw ako sanay, may ganong pagsasalita't hindi ko alam kung matutuwa
ba o maiinsulto. Pagkaalis ni Tita Juliet at Itang,
kami lamang ni Lola Tinang ang naiwan at nag-usap.
3y-q. Maya-maya’y biglang dumating si Uncle William.
Sila-silang matatanda na lang ang nandoon kaya umalis na ko't hinayaan ko
silang mag-usap. Dumeretso ako kaagad kila Cathy upang bawiin
ang pera. Si Ate Ging at Cathy lang
ang nandoon subalit tulog si Cathy. Pagkabigay ay umuwi na ko.
Walang magawa sa bahay kaya nakinig ako ng mga awitin. Kinagabihan, kahit
papasok ang Mahal na araw ay di ko pa rin maiwasang mapahalakhak ng
maging guest ni Vice Ganda si Aling Dionesia.
Lalo pang sumidhi ang tuwa sa dibdib ng kantahin ni Aling Dionesia ang
“Wrecking Ball”, may pabirit pa sa huli. Mukhang mabenta sa
aking paningin ang pamilya Pacquao at malamang ay trending topics
Worldwide ang pagpunta ni Aling Dionesia sa show
ni Vice Ganda. Gawa na di pa dinadalaw ng antok,
nakipag-textmate pa ko kay Leonardo. Kahit anung panggap
ko'y di talaga paloko ang lalaking iyon. Kainis lang pagkat kung kailan di na
kami magkaklase, saka pa muling umiigting ang nararamdaman ko sa kanya, mukhang
tinamaan muli ako.
April 14, 2014
Monday
Year II-104
3y-r. Lunes santo o kahit di pa sumasapit ang
Biyernes santo ay alisin muna ang saya't bawasan muna ang kinakain sa araw-araw
bilang pag-aayuno. Maaga pa lamang ng ako'y magising at kahit di pa gutom ay
nag-almusal na ko para di tamaan ng pagkagutom sa pagpunta muli namin ni Mama
sa OLFU upang magpatahi ng uniform. Ngayong araw
rin malalaman ang exam kung sino ang nakapasa para sa scholarship kaya
di ko maiwasang kabahan. Sana’y maipasa ko iyon para menos gastos sa
matrikula't ikatuwa ako Ina. Mga bandang Alas-nuebe ng tumulak kami ni Mama
sa Our Lady of Fatima University,
pasalamat kami pagkat di naging mabigat ang daloy ng trapiko kaya kaagad kaming
nakarating. Pagkapasok ay nagpakonsulta na kami sa mananahi para sa
susuoting uniform. Matapos makipag-usap sa mananahi'y tumungo kami
sa admission office upang alamin ang test result.
3y-s. Habang lumalapit ang hakbang ko sa admission office ang
pagtindi ng kaba subalit sinabi ng babae na sa Guidance malalaman.
Nagtungo kami sa Guidance at naalis ang kaba sa dibdib ng
sabihing, sa Next week pa malalaman ang results.
Sunod ay sa Registrar Office kami nagtungo upang hingiin ko
ang Curiculum. Freshmen student ako kaya may hiya
sa dibdib ng hindi ako sinamahan ni Mama sa pagpasok sa Registrar. Pagkakuha, uuwi na
sana kami ni Mama subalit sa kagustuhan kong magtungo sa Bayan upang mag-therapy,
kinulit ko siya't walang sabi-sabi na itong pumayag. Bago kami dumako sa bayan
ay nagtungo muna kami sa SM Fairview at
kumain pagkat kanina pa kalam ang sikmura.
3y-t. Matapos kumain, sa National bookstore naman
kami nagtungo't nagtingin tingin ng mga libro. Dahil nawili na may kasamang
pagkahumaling sa pagbubuklat ng libro't mapa, mga bandang Ala-una na kami
nagtungo sa Novaliches bayan. Pagdating sa WAKI Therapy doon
sa Susano mall, di hamak na mas malaki ito kaysa
sa Northridge plaza subalit di ko naman dama ang
lamig at puro may edad na ang kasama ko. Lalo ko pang na-miss sila Ma'am Mary Jane ng
makita ko ang mga presintor ng therapy. Kahit may
kalakihan subalit mas maganda pa rin ang WAKI therapy sa Northridge Plaza kaso di
na ko makakapunta doon pagkat tatlong sakay pa tapos gagamitin pa ang paa. Ako
lamang ang sumalang sa WAKI therapy at
nagpamasahe naman si mama sa bulag na katabi lamang ng Metrowealth center.
3y-u. Halos ikawasak na ng eardrum ko
sa laki't lakas ng boses ng aming presintor, kala mo'y nagagalit.
Dahil first timer kami, sa unahan kami pinaupo. Sa
totoo lamang ay mas gusto ko pa sila Sir Nick ang
nagtuturo, sakit sa teynga ang inabot ko maging ang ulo matapos ang therapy.
Sana sa susunod na pagtungo ko roon at siya muli ang aming presintor,
konting diin lang ng boses. May hitsura pa naman siya't kaputian. Sa pagod ay
diretso tulog ako pagdating ng bahay at mga ikaapat na
nagising. Kinagabihan at dahil di pa-expired ang load ay
nakipag-text ako kay Leonardo't pilit kong
binibilog ang ulo niya pero sa talino ba naman niya, hindi magawang maniwala.
Tumawag ako't nagboses babae upang di mahalatang kaklase niya ito subalit patay
pagkat nahalata niya, Gameover na ang pakikipaglaro sa kanya.
Ng ma-expired, pagbabasa ng bibliya ang sunod kong inatupag. Sa ganda ng
istorya sa bibliya, hating-gabi na ko nakatulog. Di naman makatulog pagkat
naiisip ko siya’t sana’y magkita kaming muli.
April 15, 2014
Tuesday
Year II-105
3y-v. Martes santo, Mga ikaanim nq ako nagising
subalit dahil nagugustuhan pang humilata sa kama ng kay tagal, malapit ng
mag-ikawalo ng ako'y bumangon. Matapos humigop ng mainit na kape at gawa na
tinamaan muli ako ng pagkabato'y naghugas ng plato. Pakiramdam ko'y ang
sigla-sigla ko't animoy magagawa ang ibig gawin. Nang mahugasan at mailagay ang
lahat ng plato, pagwawalis naman ang sunod kong inatupag. Maging sa
kasulok-suluka'y hindi pinalagpas ang mga alikabok na nanonoot sa powers ng
aking Walis tambo. Maski nga ilalim ng katre'y nagawa kong walisan at nagbuhat pa ng bagaheng
inaagiw na sa tagal ng panahong nakaimbak. Halos bahingin ako ng sunod sunod ng
malanghap ang mga alikabok. Di man lang ako nahapo matapos ang gawaing bahay at
nagkumpyuter.
3y-w. Matapos magkumpyuter at dala na rin na kanina
pa kumakalam ang sikmura'y nag-atubili ng magtungo sa mesa't lakas loob na
nilantakan ang pagkain ng pagkarami-rami. Sa dami ng aking nakain, nakalimutan
kong panahon pala ng pagtitika. Maya-maya’t dahil sarap buhay ngayong bakasyon
grande, panonood ng telebisyon ang sunod kong inatupag. Magtutungo sana ako
sa WAKI Therapy doon
sa Novaliches bayan subalit katamaran ang pumigil
sa akin at mas piniling magsiyesta na lang. Hindi naman makatulog ng lalim pagkat
maalinsangan ang panahon kahit tago ang araw kaya agad na kong bumangon at
nagtungo sa computer shop.
3y-x. Halos tumindig ang balahibo ko sa tindi ng
hilakbo ng mapanood ang horror movie na Art of Devil,
mas masahol pa sa Imprint ang pag-torture sa taong
pinapahirapan at karimarimarim din ang aborsyon sa kanilang bansa. Isang buwan
nanaman akong hindi makakatulog at makakain ng maayos dahil sa nakakadiri't
katakot katakot na eksena, maging mga nagkukumpyuter ay napatigil ang mundo ng
makinuod sa video ko.
Maingay nga lang kapag naghihiyawan at kwentuhan sila. Grabe ang
paggawa nila ng production at masasabing parang totoo. Kung
sa Pinas lang iyan ginawa, sa halip na parangal ang hakutin ay
katakot takot na kontrebersyal, palibhasa'y hanggang katatakutan lang tayo.
3y-y. Naikwento ko kina Jaypee ang
tungkol sa napanood ko subalit di ko natapos o nasimulan man lang pagkat may
batang nakahubad at agaw eksena sa mga nagdaraan. Pinagsabihan kong magsuot ng
salawal at kita na ang ari niya pero binastos niya ko kaya ako'y na-badtrip.
Habang naglalakad pauwi'y saktong nakasalubong ko sila Regine atAnnie.
Todo udyok sa akin si Annie na samahan ko sila at sinamahan ko nga sila hanggang
sa pag-uwi namin. Kahit wala pa sa bente'y matanda ng mag-isip si Regine pagkat
marunong na siyang mamalengke. Laking pasalamat ko nga sa kanila pagkat
inilibre nila ako ng Fishball at Kikyam. Sa
kabusugan, kakarampot na lamang ang kinain ko sa hapunan sabay tutok ng mata sa
telebisyon. Kahit kakapanood lang ng horror movie kanina,
naging mahimbing pa rin ang pagtulog ko.
April 16, 2014
Wednesday
Year II-106
3y-z. Miyerkules santo na't biglang tumunog ang
alarma ng aking telepono mga bandang Alas-sais y medya kaya nagising na ako.
Masarap pang matulog na walang inaalala o pinoproblema kaya natulog pa ko't mga
ikawalo na bumangon. Pagkabangon, kaagad akong naghugas ng plato't
nagwalis-walis. Balak ko sanang lagyan ng pampakintab ang sahig subalit wala
akong kwarta't isa pa'y pinagbawalan ako ni ina. Si Mama nama'y kanina pa
nagdudumi kaya labis ang pag-aalala ko sa kung anong kanyang kahihinatnan.
Matapos malinis ang sahig, pagbabasa ng bibliya ang sunod kong inatupag.
Napaluha ako ng bahagya habang binabasa ang bibliya pagkat nakaka-touch ang
mga nilalaman at kapukaw-pukaw sa damdamin. Pagbabasa ng bibliya ang ginawa ko
bilang penitensya na rin ngayong Semana Santa hanggang sa magtanghali.
3z-a. Walang maulam kaya naisipan kong magluto kaso
ng tikman ko ang Sardinas, di kasarapan at marahil ay di pa ko bihasa sa pagluluto.
Habang ako'y naliligo ang biglang pagkatok ni ina sa pintuan. Duming dumi na
siya't di na kayang pigilan pa kaya walang anu-anung binuksan ko ang pintuan at
pinapasok siya. Pansamantalang naantala ang aking paliligo't nakita ni ina ang
maselan kong katawan. Bigla akong inantok matapos maligo at kahit di pa
natutuyo ang buhok ay nakatulog na ko. Sayang lang at ilalaan ko sana sa
pagbabasa ng bibliya ang oras sa pagsisiyesta. Mga ikaapat na ko nagising at
bago magtungo sa bahay ng kaibigan ay naghugas muna ako ng plato. Maya-maya’y umalis
na ko't sa bahay nila Cathy ko naisipang magtungo. Si Cathy at Janna lamang
ang nadatnan kong nakatira't labis ang paghalakhak sa panonood ng Meteor
Garden.
3z-b. Tama si Cathy pagkat iba na
talaga ang mundo ngayon, yung tipong mas masahol pa kaysa dati kaya masahol na
rin ang pagdating ng mga kalamidad upang ipamulat sa atin na kailangan ng
magbago, marahil ay mangilan ngilan na lamang ang may mabubuting loob at
karamihan sa atin ay natuto ng suwayin ang utos ng Diyos katulad ng huwag kang
papatay at magnanakaw subalit sa panahon ngayo'y talamak na. Marami pang bagay
na kadalasan tungkol sa nasusulat sa bibliya ang napag-usapan namin kaya inabot
na ko ng gabi. Di pa naman malalim ang gabi kaya naisipan ko pang magtungo
sa bahay nila Tita Arlene subalit habang nasa daan ay biglang
nagbago ang isip ko't mas maiging umuwi na lang. Matapos manood ng telebisyon,
pinagpuyatan ko ang pagbabasa ng bibliya. Hindi naman ako makapag-concentrate sa
pagbabasa pagkat samu't saring bibig ang mauulinig kahit sumapit na ang
Alas-dyis. Sa kusina ko ipinagpatuloy ang pagbabasa at dinig ko ang himig ng
nagpapasyon.
April 17, 2014
Thursday
(Maundy Thursday)
Year II-107
3z-c. Huwebes santo, sa hinaba-haba ng kwentong
nabasa ko sa bibliya simula ng ipanganak si Jesus hanggang sa
panahon na ipako siya sa krus, mga ikalawa na ng madaling araw ko iyon natapos.
Magaan at para kang nasa langit kapag nagbabasa ka ng bibliya at naramdaman ko
iyon sa aking pagtulog, isa pa'y napakaraming aral akong natutuhan. Ang
mataimtim na himig ng pasyon ang gumising sa akin, Alas-siete pa lamang at
kaagad na akong nagwalis at naghugas ng plato. Sa kagustuhang maging makintab
ang sahig ay lumabas pa ko upang mamili ng floorwax. Ilang tindahan
na ang napuntahan ko subalit walang ni isang floorwax akong
nabili. Matapos ang gawaing bahay at dahil malungkot ang araw ko kapag walang
pinagkakaabalahan, naisipan kong magkumpyuter.
3z-d. Sa pagsapit ng tanghali ang kakaibang init na
aming naramdaman at tila dumaranas na kami ng katakot takot na pinetensya, sa
init na hatid ng araw ay walang mangahas na manatili sa labas. Bukod sa mainit,
naging maingay rin ang kapaligiran dahil sa Karaoke ng kapitbahay at ligalig ng
mga bata, tuloy ay di naging masarap ang pagtulog ko. Tinamaan muli ako ng pagkabato
ngayong Semana Santa kaya naisipan kong magpa-load at tumawag
kay Tita Susan. Hindi naging kagandahan ang takbo
ng signal kaya madalas ay naaantala ang masarap naming
pag-uusap. Bukod sa pagtawag, naging libangan ko rin ang pakikipag-textmate at
maigi na ring minsang may kausap ka through cellphone ng sa
ganun ay mapaunlad mo pa ang iyong sosyal na aspeto.
3z-e. Nainis lang ako ng kaunti kay Jessa pagkat
laging dinadahilang busy siya, marahil ay ayaw makipag-textmate sa
akin. Ganoon naman siya na kala'y wala kaming pinagsamahan at ang bilis naman
niya makalimot. Si Leonardo naman, kahit pinaglaruan ko'y
pinatawad pa rin niya ko ng humingi ako ng tawad at bukas ang puso niya sa
kahit anong sabihin ko. Kaso ay saglit lamang kami nagkausap pagkat kaagad na-expired ang load niya. Maya-maya’y nanood
ako ng telebisyon. Tama siya, kahit ano pa man ang katangian at panlabas mong
kaanyuan na di katanggap tanggap sa paningin ng iba, maging bukal ka lang at
patunayang ikaw ay karapatdapat, tiyak na matatanggap ka nila kahit ano ka pa.
Ituloy mo lang kung anong mithiin mo, basta't siguraduhing wala kang pusong
nasasaktan at di mo nalalabag ang utos ng Diyos.
April 18, 2014
Friday
(Good Friday)
Year II-108
3z-f. Biyernes santo at araw ng paggunita sa
pagpapasakit ni Jesus. Sadyang napakadakila ng ating Panginoon
sapagkat naging napakalupit man sa kanya ng sanlibutan, nagawa pa rin niyang
tubusin ang ating mga pagkakasala at tunay siyang tagapagligtas. Malapit ng mag-ikapito
ng umaga ng ako'y magising. Habang naghuhugas ng plato'y pansamantala akong
tumigil ng makita ang prusisyon. Sa kada istasyon sila nanahan upang magdasal
at lahat sa mga kasama'y nakayapak ang paa na di alintana kung anung matapakan
at mahaba ang lakaran kahit tirik ng husto ang araw bilang pakikiisa sa
paghihirap ng Panginoon. Mukhang napakatahimik ng kapaligiran ngayong Biyernes
santo't bawal muna ang malalakas na tugtog, ang kailangan lang ay magnilaynilay
at pagsisihan ang lahat ng kasalanan.
3z-g. Maya-maya, habang nakaupo't may ka-textmate ay
bigla akong inutusan ng ate na bumili ng kape. Kahit may sama pa ng loob dahil
sa sinabi niyang di mawala sa isipan, sino ba naman ako upang tumanggi kaya
pumayag pa rin ako subalit di pa nga lubusang nagkakaayos ay may panibagong
hidwaan ang namuo sa pagitan namin. Pinagtaluhan namin ang sukli at akala'y
niloloko siya pero ang hirap sa kanya, hindi siya marunong makinig sa paliwanag
ko't agad tumatalak kaya pagkabwisit muli ang naramdaman ko sa kanya. Ang dapat
sanang araw ng katahimikan at maging mataimtim ang buhay dahil Biyernes santo,
naging maingay dahil sa aming pagtatalo. Kaagad naman naayos ng mabayaran ko
ang utang kay Ate Melon, sobra pala ang sukli. Wala
muling maisipang pagkaabalahan at ako'y batong bato na kaya kahit di oras ng
pagpapakasasa'y nilibang ko ang sarili sa paglalaro ng Tablet.
3z-h. Abot langit ang ngiti sa dibdib sa
pagkahumaling sa paglalaro ng Tablet subalit pansamantalang
naantala ng utusan ako ni Papa na bumili ng Longanisa. Bawal ang
karne tuwing Semana Santa at yari pa naman sa karne ang Longganisa kaya
walang nagtitinda, wala tuloy akong mabili kaya kahit sakit na sa ulo ang sinag
ng araw ay napalayo pa ko, maibili ko lang ang pinapabili ni ama subalit umuwi
akong walang dala. Iginiit ng papa na may mabibiling Longanisa kaya't
sige sugod siya sa ilalim ng arawan pero Imbutido naman ang naiuwi niya. Habang papalapit ang
tanghaling tapat ang umiigting na init na aming nadarama. Kinahapunan, nagtungo
ako sa bahay ni Auntie Caling. Nandoon na si Uncle William subalit
tulog raw ang Auntie Caling kung kaya't si Tita Haydie ang
nakakwentuhan ko.
3z-i. Maya-maya’y umakyat na kami ni Tita Haydie at
komportableng higaan ang kanilang kama sa ayos at lambot. Bukod pa dun ay akmang
akma ang kulay ng pintura sa background ng kwarto. Gising na
si Auntie Caling kaya nakipagtsikahan kami kasama
pa ang asawa ni Tita Haydie. Subalit di ko man lang
nasilayan sina Mervin at Nathan, marahil ay
mahiyain at nadudungong magpakita sa bisita. Nanitili pa ko sa kanila hanggang
sa mag-ikalima, di ko pa ibig manatili muli sa sariling tahanan at gusto pa ng
kakwentuhan kaya sa bahay nina Tita Arlene ko
sunod na dinalaw. Magbahay-bahay din kapag may time. Si Tita Arlene lang
ang nadatnan ko't wala si Jaypee at Gio, nag-usap kami.
3z-j. Maya-maya pa'y biglang dumating sina Tita Gladys at
siya naman ang nakakwentuhan ko, naaantala lang dahil sa kakulitan ni Jambo.
Madilim-dilim na ng makauwi sa bahay at saka pa lamang naghapunan. Naibigan ko
ang istorya sa Maala-ala mo kaya pagkat hinggil iyon sa
dalawang matanda na matindi kung magmahalan. Kahit na may sakit na sa pag-iisip
ang asawa niya at mawala, di pa rin niya ito nagawang talikuran at di sumuko sa
paghahanap. Napatunayan nila na kahit magka-edad man sila't magkaroon ng sakit
o problema, di iyon sapat upang matibag ang kanilang pagmamahalan, sobrang na-touch ako
ng sa aking napanood. Bago tuluyang mahimlay sa kamang kay lambot, nagbasa muna
ako ng bibliya. Natapos ko na ang isangbook ng bibliya at gawa na
di pa dinadalaw ng antok, nakinig muna ako ng awiting pangkristiyano. Lagpas
hating-gabi na ako nakatulog ng lubusan.
April 19, 2014
Saturday
(Black Saturday)
Year II-109
3z-k. Sabado de Gloria at malapit ng mag-ikawalo ng
ako'y magising at diretso ligpit ng pinaghigaan. Matapos mag-almusal, pagbabasa
ng dictionary ang inatupag ko hanggang sa mag-ikasampo.
Maya-maya’y nagkumpyuter na ako, habang abala sa pagkukumpyuter ay muli akong
dinakdakan ni ina at di ko sukat malaman kung bakit pati pagkukumpyuter ko'y
kailangan pa niyang pag-initan, marahil ay may dalaw muli kaya badvibes ang
araw niya. Inintindi ko na lang siya't di nagawang sagutin. Paano hindi iinit
ang ulo, kung ang panahon ay saksakan ng init na di na makaya ng balat at
kulang na lang ay matusta na. Kahit nasa labas ka na't nagpapahangi'y di pa rin
mawala ang init sa katawan.
3z-l. Maliligo sana ako subalit nagsisimento ang
Papa sa palikuran kaya sa labas ako naligo. Hindi na bale kung makita ng mga
nagdaraan ang katawan ko at pagtsismisan, ang mahalaga'y makaligo ako't maging
presko ang katawan. Matapos maligo'y nagtungo ako sa computer shop.
Tahimik sa mga unang minuto na ako'y umuupa subalit habang lumilipas ang
sandali'y ang unti-unting pag-ingay na halos ikabingi ko na kahit naka-headset na.
Kumpol-kumpol pa man din at karamihan ay nakikiusyoso lang kaya naging
pahirapan sa akin ang lumabas.
Dumeretso kaagad ako kila Amihan. Si Itang at Lola Tinang lang
ang nadatnan ko na abala sa pagtatahi.
3z-m. Naparaming naikukwento sa akin ng lola kaya
siya lang ang kausap ko ng panahong iyon. Ilang sandali pa'y dumating na
sila Amihan. Sa sarap manatili sa bahay nila't manood ng telebisyon
pagkat di gasinong mainit, madilimdilim na sa labas ng makapagpaalam ako sa
kanila. Habang naglalakad pauwi'y saktong nakita kong may nagtitinda ng pocket book sa
murang halaga't nagtingin-tingin muna ako. Wala akong pambayad kaya
ipinareserba ko muna ang napiling libro. Matapos ay sa bahay nila Cathy ako
nagtungo subalit tulog na ang mga ito. Nagpasyang umuwi na lamang. Di pa ko
inaantok nun kaya naisipan munang mag-soundtrip. Mga Alas-onse at dahil
may Easter vigil, binuksan ko na ang telebisyon. Hindi
pa ko nakatulog nun at sinalubong ang Pasko ng pagkabuhay ni Jesus.
April 20, 2014
Sunday
(Easter Sunday)
Year II-110
3z-n. Muling pagkabuhay ng ating panginoon at hudyat
ng pagwawakas ng pamamanata. Kita ko na ang liwanag sa labas kung kaya'y karakaraka
na akong bumangon at humigop ng mainit na kape. May balak akong maglaba ngayong
araw kaya matapos hugasan ang mga platong nakatambak ay agad akong naglaba.
Wala pang tanghaling-tapat subalit sakit na sa balat ang init ng araw subalit
pinagtiyagaan ko iyon matapos lang ang paglalaba't kahit paano'y ikatuwa ako ni
Ina. Sa dami ng aking nilabhan at sa ilang ulit na banlaw, naubos ang buo kong
lakas at matinding pagod ang inabot ko kaya saglit na nagpahinga. Maya-maya’y
nanood ako ng telebisyon. nakakapamangha ang mga eksperimentong ipinapakita
nila sa Believe it or not at mukhang di kapanipaniwala
ang naging outcome. Labis akong na-elib sa palabas na iyon.
3z-o. Ilang sandali pa'y oras na upang mananghalian.
Kainis lamang sa lagay ng panahon pagkat ang kaninang maaliwalas ang panahon
bahagyang kumulimlim at nagbabadya pang umulan, di ko batid kong matutuyo ba
agad ang aking sinampay. Habang ako'y nagsisipilyo, laking gulat ko ng sabihin
ni Ate na kanya raw ang pinangsipilyo ko. Kung siya nagmamay-ari dapat noon pa
lang ay ipinabatid niyang siya ang nagmamay-ari, hindi yung kung kailan gamit
na gamit ko na't halos mapudpod na. Dahil lang sa sipilyo kaya nagtalo muli
kami't katatalim ng kanyang sinasambit kaya hirap ko siyang irespeto, malabo na
nga kami ay magkaayos. Tumigil lang ang aming hidwaan ng umalis siya. Basta’t
sa aking pagkakaalam ay akin ang sipilyong iyon at paano magiging sa kanya.
Dala ng antok kaya nag-siyesta muna ako subalit anung init ng
panahon kahit kumulimlim kaya hirap ako sa pagtulog.
3z-p. Ang oras ng kagipitan, isiping panapanahon
lang iyan at balang araw, may ginhawa kang malalasap kaya kailangan ng tiyaga. Pagkagising ay
nagtungo ako sa bahay nila Regine (Miano). Nadatnan kong may
nagkakaraoke't sige sa tagay ang mga lasenggero, ipinagdiriwang pala ni Baby Gian ang
kanyang kaarawan at nakalibre ako sa meryenda. Naging marami ang kanilang
bisita't nandoon rin si Annie at Gelyn. May
kaunting hiya akong nadarama kaya karampot lamang ang aking nilantakan sa
kanilang handaan. Matapos kumain ay naupo ako kasama ng mga nagkakaraoke.
Habang nakaupo'y may isang binatilyong bago lang sa aking paningin at panay
pangti-trip ang ginawa sa akin. Bagwis pala ang
pangalan niya't nabwisit ako sa halip na matuwa sa kanya pagkat nanghihipo ito,
maski nga pang-ibaba ko'y di nakaligtas sa kamay niyang napakalibog at dinakma
ng husto.
3z-q. Naumbagan ko siya upang layuan ako pero hirap
niyang paalisin kaya ako na mismo ang umalis. Si Annie at Gelyn nama'y
panay ang pangbubulyaw sa akin at sinabing may pagtatangi ako sa kanya,
kadiring pag-ibig at kailanman kahit maging babae ako'y di ko siya type,
di naman siya kakisigan at hugis butiki pa ang mukha niya! Sa oras na magtatabi
kami ni Bagwis, paulit-ulit niya kong nababastos. Tumigil naman siya
kinalaunan ng makitang sisirit na ang mukha ko sa galit. Kahit di pinagpala ang
boses, nagawa ko pa rin kumanta't hiyawan sila. Habang lumilipas ang oras ang
unti-unting pagdami ng bisita kaya wala na akong maupuan.
3z-r. Pagkatayo ni Bagwis ay palihim
kong kinuha ang silya subalit paghakdaw niya'y saktong nabagok ang ulo niya sa
pader, kahit naimbyerna ako dahil sa kanyang kamanyakan, nag-alala ako't di ko
ginusto ang nangyari sa kanya. Buti na lamang at di gasinong kalakas ang
pagtama ng ulo niya sa pader kaya di naman nabarag. Baliw lang si Bagwis pagkat
siya na nga muntikang madisgrasya, siya pa humingi ng tawad. Kung nagkataong
matuluyan siya, matinding problema ang kakaharapin ko't di ko mapapatawad ang
sarili. Bumirit pa ko ng dalawang kanta bago umuwi. Habang naglalakad pauwi'y
saktong kinausap ako ng Lola ni Kaka at sinabing magpapa-tutor raw
ang apo niya bukas. Pagkakataon na itong muli upang magkapera kaya agad akong
pumayag. Dahil sa kabusugan, hindi na ako nakapaghapunan pa pagkauwi.
April 21, 2014
Monday
Year II-111
3z-s. Ngayong araw ipinagdiriwang ng ang aking
butihin at mapagmahal na ama ang kanyang ika-60 kaarawan at masaya ako pagkat
nakaabot pa siya sa ganong edad. Hindi ko lamang mabatid kung may handaan ba
mamaya pagkat sa aking paggising ay mukhang nagkakairingan si Mama at Papa na
di ko lubos maisip kung anong bagay ang naging mitsa, tumahimik lang ako habang
umiinom ng mainip kape. Panay ang pagtalak ni Ina na kahit sino'y walang
makakarinig at dinig ko iyon kahit nasa sala't nasa kusina sila. Matapos
humigop at mapaso ang lalamunan sa mainit na kape, naghugas ako ng plato at
nagwalis-walis na rin. May pinag-usapan kami ng lola ni kaka tungkol sa tutor kung
kaya nagtungo kaagad ako sa kanila subalit ipinabatid sa akin ng kanyang lolo
na wala sila, ayaw ko pang umuwi't nagtungo pa ko sa bahay nina Regine at
nakipagtsikahan.
3z-t. Mga ikasampo na ako nakauwi't sinabihan ako ni
Mama na samahan ko raw ang ate sa pagbili ng panghanda. Tekang hindi kami
magkaayos ng Ate at batid kong matitikman ko ang kanyang pagmamataray kapag
kami ang nagsama kaya sa loob ko'y di ako makakapayag at bahala siya. Kung di
lang siya masungit sa akin, mabilis pa sa guhit ng kidlat ang pagpayag ko
subalit sadyang napakagaspang ng ugali niya't kung pagsalitaan ako'y parang di
niya ko kapatid.
Inaamin kong may pagka-swapang rin ang ugali ko subalit marunong akong
makiramdam di tulad niya na walang pasintabi sa kung anong mararamdaman ko
kapag nakakapagsalita siya ng masasakit. Nang ako'y tinawag ng ate't sinabihang
samahan ko siya, kaagad kong pinatay ang telebisyon at nagkunwaring natutulog.
Walang sapilitan kung ayaw ko siyang samahan pero pinilit ako ni Mama't
ginigising. Di ako nagpadala sa pagpupumilit ni Mama at ako'y nagtulog-tulugan.
3z-u. Mas gugustuhin ko pang hindi kumain ng pizza kaysa
makasama siya, may sinabi pa si ina at binalaan huwag raw akong kakain pero di
ko na iyon inintindi. Kahit di pa antok ay nakatulog ako hanggang sa kanilang
pagdating. Kahit sarap sila sa paglantak ay di ko man lang ninais na hawakan at
isubo sa bibig subalit laking tuwa't gulat ko ng alukin ni ina na kumain na
ako. Napakabait nga ni Ina kahit tagus sa dibdib kung magsalita at pinayagan pa
rin akong kumain kahit di ko sinamahan ang ate. Sa dami ba naman ng Pizza na
dalawang kahon tapos may fried chicken at palabok pa, di
kayang ubusin iyan ng apat na katao lamang. Matapos kumain, tamang Selfie lang.
Maya-maya'y kinumbida ni Mama si Ate Let at
nakikain sa handaan. Labis akong nabusog sa dami ng kinain. Bukod sa
ipinagdirawang ni Papa ang birthday, may isa ring kapitbahay ang
nagdiriwang kaya naging maingay ang mundo namin sa kanilang videooke.
3z-v. Dahil may bata pa akong tuturuan, kahit
kainitan ang sinag ng araw sa kagustuhang kumita'y nagtungo ulit ako sa bahay
ni Kaka. Sinabi ng lola na bukas na raw at pagod daw sila. Matapos
naming mag-usap ay nagtungo ulit ako kila Regine. Sina Regine at Shiela lamang
ang nakatira kasama ang anak at asawa pagkat lumipat na sina Aling Gina.
Hindi na ko nagtagal at saglit lamang ako. Pagdating sa bahay ay nanood ako
ng Meteor Garden subalit di ko marinig ang aking
pinapanood pagkat ang ingay ng kanilang karaoke, bukod sa ingay ng karaoke ay
maingay rin ang mga bata. Sayang at nakakakilig na may halong katatawanan ang
bawat eksena.
3z-w. Sumapit na ang gabi subalit saksakan pa rin
ang ingay sa kapaligiran at halos ikarindi ko na, gusto ko na ng katahimikan
kaya umalis ako't kina Jaypee ko naman naisipang magtungo.
Kasama ang kanyang kabarkada’y nagkakatuwaan sila't sadyang napakaloko
subalit sa halip na mapikon ay natuwa pa nga ako, ang ingay tuloy
namin. Bahagyang tumahimik ng umalis sila't nakanood ako ng paboritong
programa ng matiwasay, kung sa bahay lang ay malamang di ko madinig ang
pinapanood sa ingay. Nandoon rin si Jambo na sadyang
napakaharot at panay dila sa aking hita. Maya-maya’y dumating na si Tita Arlene galing
trabaho't kami'y muling nagkwentuhan. Sa sarap ng aming kwentuhan, di ko
namalayang ilang minuto na lang bago mag-ikasampo kaya kinailangan ko ng
umuwi't baka mabagansiya. Di pa rin nagbabago ang ingay ng kapaligiran dahil sa
kapitbahay na nagkakaraoke, pilit na lang iniintindi pagkat may nagbebertdey.
Bahagyang tumahimik makalipas ang ilang sandali kaya natulog kaming payapa't
walang bumabagabag.
April 22, 2014
Tuesday
Year II-112
3z-x. Ilang araw na lamang bago sumapit ang
napakahalaga't di malilimutang araw at iyon ay Reunion ng
aming buong angkan na gaganapin sa Sabado doon sa Batangas kaya
labis na ang aking pagkasabik. Dati’y wala lang sa akin kung may Reunion ang
kaibigan o kaklase ko pero di ko inasahan at hiniling na sa isang iglap ay
mangyayari. Kaso’y kami lang ni Papa at Kuya Al ang
makakadalo at di makakasama si Mama at Ate, pamatay saya talaga ang Mama kahit
kailan. Kahit gustuhin kong magising ng umaga na tipong di pa nasilip ang
haring araw pero tirik na ang haring araw pagkadilat ko. May pagmamadali akong
nag-almusal at ginampanan ang gawaing bahay sapagkat may tutorial pa
ko. Hindi ko ipinabatid kay Mama na may bata akong tuturuan pagkaalis at lihim
akong umalis. May konting pagkamuhi akong nadama ng sabihin ni Kaka na
bukas na raw pagkat may pupuntahan daw ito.
3z-y. Sa aking pakiwari'y inuulol na nila ako't
marahil ay nagdadahilan lamang, pwede namang sabihin na huwag ng magpaturo kung
ayaw, hindi yun laging pinapaasa ako't pinapapunta sa wala. Kapag bukas at nag-alibi muli
ang Kaka, kahit dumanak pa ang dugo sa pagmamakaawa'y magmamatigas
ako. Mabait ako subalit masama ang ugali ko sa taong mapang-abuso. Buti na lamang
at inirekomenda sa akin ni Ate Nene na magpaturo
ang anak niya, masaya ako pagkat may kwenta ang pagpunta ko sa Recrap at
kaagad na kaming nagsimula.
3z-z. Si Regine nama'y ginigiit
niyang bente na lamang ang singil ko sa isang oras at kinatwirang kaibigan ko
naman sila at pumayag naman ako, alang-alang sa ikakatuto ng batang si Juniel,
subalit matapos kong turuan si Juniel sa pagsusulat ay trenta
pa rin ang naibigay sa akin. Kahit matindi na ang sikat ng araw ay dumeretso pa
rin ako sa nagbebenta ng pocket book at
ipinangbili ko ang aking kinita. Sa kapal ng librong aking binili'y mukhang
aabutin ako ng isang linggo sa pagbabasa't ilalaan ko ang natitirang araw ng
bakasyon sa pagbabasa hindi sa paglalakwatsa. Kaagad na akong naligo pagdating
sa bahay at di pangkaraniwan ang init sa labas. I think the centegrade
of temperature is increasing again and it feels like the human body who
suffer from convulsion, thus I cannot handle that record-breaking temperature
anymore.
4a-a. Kahit matindi ang init sa labas na tipong
malaimpyerno at nagreresulta ng matinding dehydration, nakatulog pa
rin ako't mga ikaapat na nagising. Katamad gumala kaya panonood na lamang ng
telebisyon ang aking inatupag hanggang sa kumagat ang dilim. Upang matuto pang
magsalita ng ingles, nagbasa muna ako ng dictionary bago
matulog. As my younger age than right age, I have a determination and
to become proficient in English speaking. Also to get
away from embarrassing by someone if I have a statement infront of them. No
matter if my grammar is wrong, the important is I tried and they
understand what I’ve said. Napa-ingles ako dun.
April 23, 2014
Wednesday
Year II-113
4a-b. Sa kadahilanang inabot na ko ng hating gabi sa
kakabasa ng English dictionary, tirik na ang haring araw ng ako'y
dumilat at kaagad nag-almusal. Matapos mag-agahan, sinimulan ko ng basahin ang
pagkakapalkapal na pocket book alang-alang sa aking
ikakatuto. English ang nakasulat kaya malamang ay halos lumuwa
ang utak sa kakaintindi subalit binasa ko pa rin. Kahit di gasinong naunawaan
ay nagandahan ako sa kwento't parang binuhay niya ang natutulog kong damdamin.
Sa sobrang abala sa kakabasa, hindi ko namalayang tanghaling tapat na at dahil
dun kaya ako ginutom. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa matapos mananghalian at
habang tumatagal ay nagiging intense ang takbo ng kwento.
4a-c. Maya-maya’y tinamaan na ko ng antok subalit di
ako panaig at ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa. Sa kapal at dami ng
nakasulat, wala pa sa kalahati ang nababasa ko kahit halos anim na oras ng
nagbabasa. Mahaba na rin ang buhok ko at bukas na rin ako magpapakuha ng
litrato para sa ID picture kaya
nagpagupit ako, ang sagwa sa paningin at mukhang Ex Convict kapag
makapal ang buhok. Sa barbershop na di hamak na mas malapit
sana ako magpapagupit ngunit wala doon ang barbero kaya napalayo pa ko at kay Mang Usman nagpagupit.
Napapansin kong mukhang tahimik si Mang Usman at
di palakwento na dati'y ginagawa niya kapag nagpapagupit ako sa kanya, marahil
ay may pinagdaraanang pagsubok subalit nagkamali ako't naging makwento siya
kinalaunan. Kaya ako humaling at naeenganyong magpagupit sa kanya pagkat
makwento siya't marami akong bagay na nalalaman sa kanya.
4a-d. Matapos magpagupit, dumeretso na ako sa
nagbebenta ng pocket book at namili. Hindi ko alam kung anong
pumapasok sa kukote ko at bakit bumibili ako ng napakakapal na pocket
book ngayon na di naman ako palabasa. Sa kapal ay di ko batid kung
babasahin ko ba iyon lahat at kung sinisipag lang, malamang ay matatapos ko
nga. Dahil sa may kapitbahay na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, maingay muli
ang paligid dahil sa karaoke. Kahit saksakan sa ingay ang karaoke'y
ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa. Sa haba ng istorya'y mukhang malabo kong
matapos ngayong araw at tinamaan na ako ng antok. Umidlip ako pansamantala at
pagkagising ay nanood ako ng telebisyon. Labis kong ikinagigil ang palabas
sa Mirabella pagkat porket naibaba lang ang kutis ng balat
niya'y may lakas loob na silang apihin ito at pagkatuwaan.
4a-e. Naiinis ako sa taong mahilig manghamak sa
kapwa niyang kakaiba at di dapat sila pinagpapala bagkus ay turuan ng leksyon!
Sabi nga sa kanta, kung sino ang mapagmataas ay siyang nadudulas at ang
mabababa ang siyang itinataas. Kung anong ginawa nila sa kapwa ang siyang
dadanasin nila sa huli. Bilog ang mundo at babalik sayo yan kaya maigi ang mga
inaapi pagkat umaasenso sa huli. Patunay nga na di basehan ang kagandahan sa
panlabas na anyo kundi ang nasa loob nito. Maganda nga ang hubog ng Mangga kung
pangit ang lasa, magugustuhan mo pa rin ba? Di tulad ng Durian na
mabaho nga ang amoy, masarap naman pagdating sa lasa kaya isa ang prutas na
iyon na patok sa panlasa ng masang Pilipino. Dahil sa antok,
matapos manood ng telebisyon ay natulog na ko. Buti naman at tumahimik na ang
kapaligiran.
April 24, 2014
Thursday
Year II-114
4a-f. Masarap pa sanang humilata ng lagay sa kamang
kay lambot subalit ginising na ako ni Mama, may lakad pala kami kaya dali-dali
na akong bumangon kahit inaantok pa at nag-almusal. Hinintay pa namin dumating
sila Papa at Ate bago umalis. Pagdating ng Ate, saka pa lamang kami naligo at
nagbihis, medyo namumuo muli ang kaba sa dibdib sapagkat baka ngayong araw ko
na malalaman ang magiging kapalaran sa scholarship. Habang
nabiyahe'y laking gulat namin ng biglang inilihis ni Manong driver ang
daan at laking pangamba namin na baka mali ang nasakyan subalit sinabi ng
manong na dadaan pa rin sa OLFU sa pamamagitan ng Lagro loob.
Nawala ang aming pangamba ng may isang istranghera na aming kaharap ang
nakausap.
4a-g. Maya-maya’y nakarating na kami sa Our Lady of Fatima University at
kaagad kaming dumeretso sa admission office upang magpaturo
ng discriptive subject. Sumunod ay sa Guidance na
kami nagtungo. Habang papalapit ang yapak ko sa Guidance ay
lalo pang sumidhi ang kaba sa dibdib at may pagkadungong nagtanong subalit sa
susunod na linggo pa raw ang announcement para sa mga nag-take ng scholarship
test, sana'y makapasa ako. Bago umalis ay nagpasukat pa ko ng unipormeng
nayari na't mukhang sakto naman sa size ng aking katawan
subalit mukhang kakailanganin ng sinturon sa pang-ibaba sa luwang nito. All
white pa naman ang aking uniporme maging ang pang-ibaba kaya kailangan
ng puspusang pag-iingat upang di madumihan.
4a-h. Sa halip na umuwi, nagtungo pa kami sa SM Fairview upang
magpalamig. Naupo saglit sa foodcourt habang sige sa pagkuha
ng litrato at maya-maya'y nagtungo kami sa National bookstore at
naghalungkat at buklat ng mga aklat. May isang aklat akong naibigang bilhin
subalit sa malaginto nitong presyo, hanggang tingin na lamang ako. Inabot kami ng
isang oras sa National bookstore, gawa na kumakalam na ang
sikmura, kinailangan ng lumantak. Sa sarap ng Lasagna Supreme,
naparami ng husto ang aking nakain kaya naman hindi ako makakilos sa kabusugan.
Namasyal-masyal pa kami ni Mama at maya't maya ang kain, masaya sa pakiramdam
kapag nililibre ka ng mahal mo sa buhay, siyempre dapat lang pagkat obligasyon
subalit di ko maiwasang maramdaman iyon. Sa kakapamasyal, bigla akong tinamaan
ng antok. Antukin talaga ako kahit kailan. Ibig ko na sanang umuwi na subalit
mukhang gusto pang manatili ng Mama sa mall at di nakakabigay ng
lamig ang aircon.
4a-i. Napakainit na hangin ang sumalubong sa amin
pagkalabas at habang naandar ang dyip pauwi'y halos ikaluto na ng balat ang init.
Dala na kanina pa hinihikab sa kapaguran ay diretso tulog ako pagdating sa
balay at malapit ng mag-ikalima ng magising. Pasalamat kami sa maylalang pagkat
nagbagsak siya ng milagrong tubig. Kahit panandalian lamang ay bahagyang
naibsan ang init. Dalawang araw na lamang at malapit na ang reunion ng
aming angkan kaya pinag-usapan kung sino ang maaring makadalo sa aking pamilya
subalit di maintindihan ang desisyon sapagkat pabago-bago. Isasama sana
ang Kuya Al sa reunion sapagkat
sampung taon ng di nakakapunta sa Batangas subalit awa ang
nagpabago sa aming isip pagkat namamanglaw ang Mama kapag mag-isa sa bahay.
4a-j. Sa huli'y kaming dalawa lang ni Papa ang
tutungo. Gusto ko sana sumabay na kina Tito Lito upang malibre
ang pamasahe subalit sinabi ni Ama na mag-commute na lamang.
Nakakagimbal na may kasamang pagkapoot ang palabas sa Legal Wife ng
makita ni Monica na nangangaliwa si Adrian at
katakot takot na sakit ang kanyang naramdaman. Kahit wala pang kabiyak ay dama
ko ang hapdi at kirot kapag may taong pinagkatiwalaan ka at akalang
ipagtatangol ka pero lolokohin ka pala sa huli. Kaya minsan, mahirap ibigay ang
tiwala kahit kaano-ano mo pa, mabuti na rin magpaiwan ang Mama sa bahay kaysa
ipagkatiwala sa kaanak ang kagamitan sapagkat di natin alam kung anong takbo ng
kanilang isipan at mabuti na ring mag-ingat kaysa magsisi sa huli. Maaga pang
magigising bukas kaya matapos ang Legal Wife ay
kaagad akong natulog.
April 25, 2014
Friday
Year II-115
4a-k. Sa sobrang pagkasabik ko para sa aming reunion magkakamag-anak
ay di pa nagpapakita ang haring araw ay gumising na ako. Sa kabila ng saya't
sabik na nadarama sa dibdib ay may lungkot rin sapagkat di makakasama sila Mama
at Kuya Al at kaming dalawa lamang ng Papa ang
tutulak sa Batangas. Malapit ng mag-ikawalo ng makaalis kami ng
bahay. Pagdating sa terminal ng bus ng ALPS, libre ang Wi-fi kaya
pag-i-internet ang inatupag ko para iwas inip habang di pa nabiyahe
ang bus. Inabot ng mahigit isang oras bago bumiyahe ang bus at
mga ikalabing-isa na ng umaga ng makarating kami sa San Juan. Bago
magtungo sa bukid ay bumili muna kami ni Papa ng pasalubong o di kaya'y
pang-ilang araw naming pananatili sa Batangas.
4a-l. Pagkasakay ng dyip ay may kamag-anak akong
nakasabay at nakipagkwentuhan, mukhang kakikitaan sa mukha nila ang pagkasabik
sa muli kong pagbabalik. Pagdating sa bukid, si Tita Susan lamang
ang nadatnan kong sayang-saya sa panonood ng telebisyon at wala doon ang mga
pinsan ko. Maya-maya’y
nagsidatingan na sila Harvey galing sa bahay ni Butchok at
ang kaninang kalmadong nanalaytay sa buong bahay ay napalitan ng ingay dahil sa
aming kwentuhang magpipinsan. Sa haba ng biyahe, tinamaan ako ng antok subalit
di makatulog sapagkat maalinsangan, gayunpaman ay binuksan ko ang bentilador.
Halos ikalaki ng dalawa kong mata ang malaking pagbabago sa bahay ni Lola
pagkat ang dating yari sa patpat ang sahig ay de tiles na ang
maapakan at maging ang inidoro'y na-upgrade rin, mula sa pabuhos
buhos ata pagbubuhat ng timba buhat sa tungaan ay de-flash na
ngayon at dinaig pa ang aming palikuran sa ganda at laki.
4a-m. Parang sarap tuloy manatili ng matagal sa
bahay nila Lola Trining at Lolo Hilarion at
sayang ang kanilang pagpanaw pagkat di na nila iyon masisilayan pa ang malaking
pagbabago sa kanilang bahay. Nakaramdam nga ng konting lamig dahil sa ihip ng
bentilador subalit di pa rin makatulog gawa ng kaligaligan nila Harvey kaya
bumangon na ako. Naupo sa isang sulok saglit at ilang sandali'y mag-isa akong
lumabas upang gumala.
Habang papaalis ay may nakita akong isang binatilyo na tila pamilyar sa
aking paningin na nakaupo't nginisian ako, tiningnan ko ng maigi at si Lowell pala
iyon. Bukod kay Lowell ay may kasama pa siyang bata na akala
kong kapatid niya subalit pinsan pala at ipinakilalang Ampoy.
Nagkamustahan kami at matapos ang pangangamusta'y itinuloy ko na ang paggala.
Kahit daming nakahambalang na mga ligaw na patpat ay walang pag-iinaso ko iyon
sinuong at naghanap na rin ng Saga subalit wala ni isang
nakuha, bumalik na lamang ako.
4a-n. Maya-maya’y nagtungo ako kasama sina Angel, Lyka at Lowell sa
tindahan ni Ate Nene at iyon ang nagsilbing meryenda namin.
Sumapit na ang dapit hapon subalit ang init na nadarama'y walang pagbabago
maging gabi. Matapos kaming maghapuna'y panonood ng telebisyon ang sunod namin
pinagkaabalahan. Kaabang-abang ang palabas sa Ikaw Lamang at
halos lahat sa aming nakatira'y talagang tutok ang mata sapagkat umaatikabo't
kasukdulan na ang palabas. May balak sanang manood ng Legal Wife subalit
kailangan ng patayin pagkat kanina pa raw. Sa telepono ni Lyka ko
na lamang inantabayanan ang isang palabas na trending sa
masang Pilipino. Ng antuki'y natulog na ako. Naging
napakakomportable ng tulog ko kahit nasa sahig lamang kami.
April 26, 2014
Saturday
Year II-116
4a-o. Ang kagabing halos ikatigang na ng balat sa
labis na alinsangan ng panahon ay kabaligtaran naman ngayong madaling araw na
napakalamig, wala naman akong maipangkumot sa katawan kaya tiniis ko na lang
ang lamig at namaluktot. Ganito pala kalamig sa Batangas tuwing
madaling-araw. Dala ng antok, pansamantala akong naidlip at nagising dahil sa
mga nag-uusap na mga matatanda. Dumating na pala sila Tita Cleo kasama
ang Kuya Darrel kani-kanina lamang at halos
ikaliyo ko ang masangsang na amoy, may dala palang Durian si Tita Cleo galing Davao.
Maliwa-liwanag na sa labas kaya bumangon na ako at humigop ng mainit na kape.
Matapos magkape ay naupo ako saglit sa napakakomportableng katre at nakinuod sa
mga pinsan kong humaling sa panonood ngvideo na di naman maunawaan
ang wika. Gawa na ako'y nababato, naisipan kong gumala.
4a-p. Sarap gumala kung mag-isa ka lang at dahil
pook rural ay naging magandang pagkakataon upang gawin ang gusto pagkat walang
makakakita. Kahit nakakapaso ang sinag ng araw at di na halos madaanan ang daan
dahil sa mga nakahambalang na ligaw na patpat, nagpatuloy pa rin ako sa
paglalakad. Ng makaramdam ng pagod, naupo ako pansamantala at pinagmasdan ang
mamang abala sa pagkokopra, marahil ay pangunahing hanapbuhay ng Batangueño ang
pagkokopra. Habang naglalakad pauwi ay saktong nakasalubong ko sila Angelle at
mukhang may bibilhin, sumama ako sa kanila hanggang sa pagbalik.
4a-q. Mamaya na ang reunion naming
mag-aanak kaya naman puspusan na ang aming paghahanda, maging Tito't Tita
ko'y di na magkandaugaga sa pagluluto ng dadalhing panghanda. Maya-maya’y
nagbihis na kaming lahat, kahit simple lamang ang gawang T-shirt para
sa reunion ay doon ko naisip na espesyal ang araw na ito para
sa amin at maging masaya at matagumpay sana ang pagdaraos nito. Isa pa'y
pagkakataon din upang makilala pa ang ibang kaanak. Matapos magbihis ay
siyempre nagtungo na kaming lahat sa Laiya at walang ni isa
ang naiwan sa bahay. Pagdating sa mismong pinagdarausan ng reunion ay
di ko akalain na ganun karami ang magsisipagdalo at di ko akalain na silang
lahat ay kadugo ko. Sa dami namin, nagsiksikan na kami sa iisang cottage.
Dahil katabi ang mala-asul na dagat sa paningin, sa halip na makipagkilala sa
ibang kaanak ay tila inaakit akong maligo. Ilang saglit pa'y isa-isa kaming
ipinakilala ng kanya-kanyang magulang at naging masigabo ang kanilang pagbati,
pakiramdam ko'y isa ang araw na ito sa di ko malilimutan at very
special ito. Karamihan sa mga pinsan kong ngayon lang nakilala’y may
hitsura at likas marahil sa angkan namin ang magagandang katangiang
maaring maipagmalaki.
4a-r. Matapos makipagkilala, nagsalo-salo na kami sa
malaking kainan. Sa sarap ng mga putaheng nakahain, halos pumutok na ang
sikmura sa kabusugan sa dami ng naiimbak sa tiyan. Matapos kumain, tumambay
kaming magpipinsan sa beach sabay nag-Selfie. Habang
nakaupo sa ilalim ng matinding sikat ng araw, bahagyang sumakit ang ulo ko.
Upang mawala'y umidlip muna ako. Hinintay muna namin lumilim bago maligo sa
dagat at ng lumilim, buong pagkatao akong nasabik sa pagtatampisaw sa dagat
subalit di lahat ay nagsiluguan katulad nila Harvey, di ko alam
kung bakit ayaw nilang maligo't masyadong KJ. Wala kaming ginawa kundi magsabuyan ng tubig alat sa
isa't isa, kakatawa lang sa sarili pagkat di ako marunong lumangoy at dinaig pa
ko ni Maymay.
4a-s. Matapos ang tatlong oras na pagbababad sa
dagat, umahon na kami't nagbanlaw. Sa kadahilanang walang magawa, kanya-kanya
kaming gawa ng kastilyong buhangin at di pa nakuntento pagkat gumawa pa
kami ng mga patibong, mga loko kaming magpipinsan at baka may mapahamak subalit
katuwaan lang naman. Ilang saglit pa'y tumulak na kami pabalik at habang
nabiyahe'y di mawaglit sa utak ang masasayang pangyayari ng aming reunionat
sana'y maulit pa. Sa dami ng nakain nitong reunion,
mukhang isang buwan akong hindi kakain sa labis na kabusugan. Sa halip na
maghapunan, nanood na lamang ako ng telebisyon. Maya-maya’y natulog na ako at katabi sa
muling pagkakataon ang mga pinsan ko sa pagtulog.
April 27, 2014
Sunday
Year II-117
Sunday
Year II-117
4a-t. Ang takbo ng panahon ay sadyang napakatulin,
sintulin ng guhit ng kidlat kung kaya sa bawat minuto o kahit segundo lamang ay
kailangang pahalagahan upang di ka mapag-iwanan at di magsisi sa huli. Daig ng
maaga ang masipag at kung ito'y babalewalain ay baka mauwi sa salawikaing
"Aanhin pa ang damo kung wala naman kabayo". Masarap pa sanang
humilata katabi ng mga pinsan ko subalit kailangan ng bumangon upang sa ganun
ay magkaroon ng maraming oras upang gawin ang gusto, huwag patamad tamad at palaging
ilaan ang nalalabing oras para sa makabuluhang gawain. Matapos magkape, kasama
ang Tita Sabel at Papa ay nagtungo kaming magpipinsan sa Ilaya upang
manguha ng Mangga.
4a-u. Sa labo ng paningin kahit nakasalamin,
muntikan ko ng masungkit ang bahay ng hantik, buti na lamang at hindi.
Tulong-tulong kami sa pangunguha ng Mangga at ng makarami, buong lakas namin
itong binuhat. Halos naubos ang lakas ko pagbalik ng bahay. Ang mga pinsan ko
naman na hapong-hapo rin, walang ibang pinagkaabalahan kundi ang magkulwit ng
kanya-kanyang Android Phone kaya nganga ako habang
pinagmamasdan sila at walang sinabi ang cellphone ko sa
kanila. Hindi bale, magkakaroon rin ako niyan at mas higit pa sa kanila, hindi
naman masama ang mangarap at sana dumating ang araw na lahat ng aking
pinapangarap ay matupad, hindi lang magkaroon ng sariling touchscreen nacellphone kundi
ang umasenso ang buhay.
Hanggang tingin at hiram muna ako. Sa bait ng mga pinsan ko, nakakahawak
naman ako ng Android phone at nakakapaglaro pa nga.
4a-v. Iyon ang inatupag namin hanggang sa
magtanghali. Sasama sana ako kila Papa pabalik ng Maynila subalit
mas pinili ko pang magpaiwan at mamalagi pa sa probinsya ng ilang linggo.
Sasama naman talaga ako kung uuwi na rin si Tita Susan.
Hindi ko maiwasang malungkot sapagkat nababawasan na kami, itinulog ko na
lamang ang kalungkutan subalit di ako makatulog ng ayos dahil sa kakulitan ng
mga pinsan ko. Bumangon na ako, oras na pala upang busugin ang sarili sa
tanghalian kaya kumain na ako. Dami ko na ring mga damit na tubal at sa takot
na hubo't hubad na sa susunod na araw, wala akong ginawa sa maghapon kundi ang
maglaba. Maganda naman ang sikat ng araw kaya malaki ang posibilidad na
matutuyo kaagad ang sinampay. Papaalis na rin sila Harvey pabalik
ng Maynila at dahil dadaan pa sila sa bahay ng Lola Natty,
kaming mga magpipinsang maiiwan ay sumama sa gayak.
4a-w. Habang sila-silang matatanda'y masayang
nakikipagdaldalan, kami naman ay nakatambay sa daanan at lahat ng bagay na
makapa, bato man o bunot ay winawasiwas at binabato kung saan-saan at talagang
wala kaming magawa ng mga oras na iyon, kanya kanya rin trip sa
isa't isa at bawal ang mapikon, saya ang mamumutawi kapag andiyan sila Harvey at Kuya Darrel pagkat
lakas nilang magpatawa subalit hindi iyon nanatili ng matagal pagkat umalis na
sila. Ako ang pumalit sa kanila bilang tagapagbigay aliw at halos ikasakit ng
tiyan sa hagalpakan, kahit abala sila Tito Lito sa
di matapos na kwentuhan, di man lang kami naiinip sa paghihintay.
4a-x. Ilang sandali pa'y lumabas na si Tito Lito kasama
ang Tita Connie, ang inakalang uuwi na subalit dumaan
pa sila sa bahay ng Lola Pasing, muli nanaman kami
naghintay ng matagal. Sila Lowell at Ampoy, naging
libangan ang paglalaro ng basketball at kami naman ang
nanonood. Maya-maya’y nagtungo kami sa tindahan ni Aling Nene upang
maghalo-halo. Ang bait talaga ng pinsan ko dahil nilibre nila ako ng Halo-halo,
sa yaman ni Lyka ay siya ang sumagot sa lahat ng bayarin. Sumapit na ang
dilim subalit di pa lumalabas sila Tito Lito, upang di
mainip ay wala kaming kapaguran sa hagalpakan at lampungan at marahil ay kami
na ang bukod tanging masayang nilalang ng Batangas.
4a-y. Ang tagal nilang lumabas kaya nagpasya na
kaming pumasok sa bahay ng Lola Pasing. Nagmano kami sa
kanya bago dumeretso at ipinakilala. Maya-maya pa’y nagpaalam na kami sa kanila
at umuwi na. Gawa na di pa ko dinadalaw ng antok ay inantabayanan ko pa ang
pagbubukas ng Pinoy Big Brother all in.
Ilang sandali pa'y dinalaw na ako ng antok subalit di naman makatulog pagkat
panay ang hagalpakan ng mga pinsan ko, sa halip na sawayin ay nakisali na rin
ako sa kanilang ingay at dami namin tawa kay Lowell. Sa ingay
naming magpipinsan, parang di alintana kung may natutulog na. Maaga pa kami
magigising bukas sapagkat tutulak pa sa Quezon upang makiisa
sa pagdaraos ng Ika-40 araw na pagpanaw ng Tito Marino kaya
kaagad na akong natulog.
April 28, 2014
Monday
Year II-118
4a-z. Sa sobrang sabik ko sa pagtungo namin sa Quezon,
madilim-dilim pa lang at di pa man sumisikat ang haring araw ng ako'y magising.
Di ko lang batid kong papayagan ako ni Tita Susan at kailangan
ko siyang kumbinsihin. Lumipas ang ilang saglit ay maging mga pinsan ko'y
gumising at bumangon na. Kaagad akong nagsipilyo at nagbihis matapos mag-almusal.
Ang Tita Susanat Tita Mildred naman
ay panay pagpipigil ang ginawa sa aming maggagayak at pinaalalahanang magiging
mahirap lamang ang aming kalagayan kapag sumama. Sa ginagawa ng Tita
Susan, di ko ibig na suwayin siya pero mukhang mapipilitan ako. Gayunpaman
ang sabihin nila'y di pa rin nagbabago ang isip ko na sumama sa kanila. Wala
naman sa akin ang dumanas ng hirap basta di nakakabato at masaya. Sa una'y
mahirap pakiusapan si Tita Susan at kinumbinsi ko
siya ng husto na payagan subalit ng papaalis na ang sasakyan ay di na nito
nagawa pang magmatigas at isa pa'y nakabihis na ako't bitbit na ang bag kaya
pumayag naman ito.
4b-a. Malapit
ng sumikat ang haring araw ng umalis kami. Pansamantalang natigil ang biyahe
pagdating sa pamilihang bayan doon sa Sariaya. Sa takot na walang
makape pagdating sa bahay ng namayapangTito Marino'y nag-atubili na akong bumili.
Kasama ko ang Tita Olivia sa pagbili ng kape at
nagpalagay na rin ako ng karga sa aking telepono. Ng makapamili ng
kakailanganing pagkain ay nagpatuloy kami sa pagbiyahe. Habang nasa biyahe, si Tita Olivia ang
kakwentuhan ko ng mga oras na iyon at ang dami kong nalaman sa kanya tungkol sa
aking mga kaanak. Dumagdag pa sila Meryll kasama ang kanyang
kapamilya pagdaan namin sa Grand terminal doon sa Lucena at
maingay nanaman si Lowell, parang pinagbiyak na bunga kung sila’y
magsama ni Meryll.
4b-b. Halos ikabulahaw ng aking pandinig ang ingay
nila Tita Olivia at Tita Lenny at
parang di maubusan ng sasabihin, sila lang ang maingay sa kasagsagan ng biyahe.
Sa hinaba-haba ng biyahe, malapit ng magtanghali ng makarating kami sa General
Luna. Sa bahay ng Lola Sabe kami tumuloy
pansamantala at nananghalian. Tama nga sila Tita Susan,
talagang kapos sila sa tubig at kailangan pang mag-igib. Sa init ng panahon
ay gusto ko ng maligo at isa pa'y ang lagkit ko na subalit wala akong magagawa
kundi ang mag-antay ng madidilehensyang tubig. Ganito sila sa Quezon at
waring mas mahirap pa sa Daga. Bukod sa walang tubig, wala ring bentilador kaya
sumakit ang ulo ko sa init. Pasalamat na lamang kami at umulan pagsapit ng
dapit hapon kaya nakalibre kami sa pampaligo ng di na kailangan pang mag-igib.
4b-c. Muli kong nadamhin ang pagiging malinis sa
katawan matapos maligo at dahil wala ring mapag-abalahang panoorin, sa telepono
ko sinubaybayan ang paboritong programa gabi-gabi. Kahit may kalabuan
ang reception gawa na di kagandahan ang pasok ng signal,
tutok pa rin ng husto ang mata ko. Di ko marinig ang aking pinapanood gawa na
napakaingay ng mga mang-iinom lalo na si Lolo Kabakab at
kung ano-ano ang kanyang nasasambit. Sa bawat salita niya'y palaging may
katagang "Hoy" at rinding rindi na kami maging ang Lola Sabe.
Sa lahat ng kanyang kainuman ay siya lamang ang bukod tanging malakas ang
epekto ng alak. Matapos manood ng programa'y natulog na ako. Di naman ako
makatulog dahil sa kaharutan nila Meryll at Lowell.
Di ko malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Si Ampoy naman,
nakapatong na ang kanyang paa sa aking tiyan kaya ako'y nasasaktan at anumang
pilit alisin ay pinapatong pa rin, pano'y maliit at masikip ang kwarto kaya
siksikan kami. Ang hirap ng karanasan kapag naririto ka sa Quezon pero
ayos lamang pagkat ginusto ko ito.
April 29, 2014
Tuesday
Year II-119
4b-d. Madaling araw ng magising ako dahil sa lamig
ng panahon. Buti na lamang at may nagbigay ng kumot sa amin kung kaya hindi ako
namaluktot subalit pilit iyon inaagaw ni Ampoy kapag di ko
nahihigpitang ibalot sa katawan. Nawala na ang antok ko at humiga akong dilat
ang mata, hinihintay ang liwanag. Maya-maya’y nagising na ang kasamahan naming
matatanda at nag-usap-usap. May iba lang sa intonasyon ng kanilang pananalita
pagkat malalalim silang managalog at may punto. Saka lamang ako bumangon ng
sabihin ni Tita Connie na bangon na. Hindi naging
kagandahan ang ang umaga na dapat sana pagkat naubos lahat ng binili kong kape,
wala tuloy akong makape at inisip ko na ang tao rito sa Quezon na
kapag may pagkakataon, susunggaban kaagad at walang ititira, laking pagsisisi
ko na nailapag ko pa ang kape sa lamesa, akala naman may ititira sila.
4b-e. Matapos kumain ng agahan ay pinapapunta na
kami ni Tita Connie sa kapitbahay upang maligo
subalit di kami naligong tatlo ni Lowell at mga babae lamang
ang naligo. Pagdating nila Meryll galing sa liguan ay naupo
kaming magpipinsan sa harap ng mumunting bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping
yero at patpat at nagkwentuhan. Si Lolo Isko naman
ay kanina pang nakaupo at walang kaimik-imik, ulyanin na pala siya at lahat
kami'y di niya makilalang lubos maski sila Meryll at Lowell. Nakaramdam ako ng
habag sa tuwing makikita ang Lolo Isko pagkat
madalas siyang nag-iisa na palakad lakad at walang kamuwang muwang. Maya-maya’y
biglang naupo sa aking tabi si Tita Olivia at sa
kanyang kadaldalan, lahat marahil ng kanyang naikkwento'y naipapasok ko sa
aking isipan.
4b-f. Bukod sa madaldal, nakakatawa ang kanyang
hagikhik pagkat malakas at paimpit pa. Si Meryll naman, walang
ginawa kundi ang bumirit subalit sa oras na kapusin sa boses at pumiyok, asahan
ang malakas na tawanan. Ganyan kami na walang maisip gawin at batong-bato.
Habang ako'y sarap na sarap sa pag-upo at pakuyakoy ang paa, di ko inasahan na
biglang bibigay ang silya't napadausdos ako sa sahig ng wala sa oras, buti na
lamang at di gasinong matindi ang tinamo ko at nakakalakad pa rin. Dahil sa
nangyari sa akin, parang wala ng bukas kung humalakhak ang mga pinsan ko.
Tanghaling tapat na kaya't wala nanaman kapaguran sa pagpaypay, malamigan lang
ang buong katawan. Malakas na rin ang putok ko sa kilikili kaya nagpasya na
akong makiligo sa kapitbahay. Pagbalik ay nakita ko sina Meryll na
nakaupo sa sasakyan ng Tito Lito, ngayong oras na pala
kami tutulak sa bahay ni Tito Marino at sa dami ng
mga kagamitang naisilid, naging pahirapan sa amin ang gumalaw.
4b-g. Kaagad kaming sinalubong ni Henson na
sabik sa sariling mahagkan kami at naglaro kami ng batohang bola. Sa
kakatakbo'y halos ikalupaypay ko na ang pagkahapo pero ayos lang basta't
masaya. Nadaragdagan pa ang aming aliw dahil kay Red at sa
bawat iutos sa kanya'y ginagawa niya ito, gayang gaya nga niya kung paano
magsabi ng “Hoy” si Lolo Kabakab. Pagsapit ng dilim at
habang nakaupo kaming magpipinsan sa balkonahe'y biglang sumugod sa amin ang
sangkatutak na gamu-gamu't sadyang napakarami nila. Upang mapuksa lahat ng
gamu-gamu'y pinatay lahat ng ilaw at nagsiga ang Tita Letty.
Bahagyang nabawasan ang mga gamu-gamu kinalaunan. Maya-maya’y oras na ng
hapunan at sa kabilang kubo ako kumain kasama sila Ate Ivy.
Kahit ganito ang kanilang kalagayan ay may nasabi naman sila pagdating sa
pagkain, ang sarap-sarap. Yaman at kasama ko na sila sa iisang kubo, sila ang
kakwentuhan ko.
4b-h. Pakiramdam ko tuloy, di lang basta bisita ang
turing sa akin pagkat marunong silang makisama at marunong makinig sa iyong
sasabihin. Sa sarap ng aming pag-uusap, di ko namalayang ikawalo na ng gabi at
oras na upang manood ng telebisyon sa telepono. Nakanuod naman ako
ng paboritong programa sa pamamagitan ng kanilang telebisyon kaso may
kalabuan. Nang dalawin ng antok ay nahiga na ako sa kanilang kamang limitado
lamang sa lawak at malasardinas ang sitwasyon pagkat kami'y nagsusumiksik pero
ayos na iyon na di tulad ng dati na sa kadahilanang walang mahigaan,
kinailangan ko pang ihilera ang silya. Komportable na sana sa pagtulog ng
makaramdam na tila ginuguyam ako, ginuguyam na nga ako't panay ang aking
pagpapagpag.
April 30, 2014
Wednesday
Year II-120
4b-i. Madaling araw muli ng ako'y magising, sa
aking paggising ay halos ikalagot na ng hininga pagkat nakapatong ang hita
ni Meryll sa aking leeg at sadyang napakabigat nito, inalis ko
nga ito't dama ko rin ang napakalamig na panahon kaya dahan dahan kong
tinangkang kuhain ang kumot mula sa katawan ni Meryll kaso sa
higpit ng pagkakayupos niya'y bigo ko itong maumit, namaluktot na lamang ako't
taus pusong pinagtiyagaan ang ginaw. Naidlip ako saglit at sa muling pagdilat
ay ako na lang pala ang bukod tanging nakahiga samantalang kumakain na ng
almusal ang mga pinsan ko. Bumangon na ako't kaagad nagsandok ng pagkain.
Ngayon araw rin idaraos ang ika-40 araw ng pagkamatay ng Tito Marino kaya
naging abala sila Lola Anda sa pagluluto. Gusto ko
sanang tumulong kay Lola Anda sa paghuhugas subalit sinabi sa
akin na siya na ang bahala. Wala tuloy akong magawa't batong bato na ako,
lilibangin ko nga ang sarili sa paglalaro ng cellphone subalit
ito'y nagloloko naman.
4b-j. Buti pa ang mga pinsan ko, walang ibang
inatupag kundi maglaro ng de-kulwit na cellphone ng walang
pakialaman at kanya-kanya samantala ako itong nakatunganga at pinagmamasdan
sila. Sa aming
magpipinsan, ako marahil ang naiiba. Nahiga na lamang ako sa duyan at
habang relax ako sa pagduduyan ang siya namang inaagaw
ni Ampoy at guguluhin ka niya kapag di mo pinagbigyan. Dahil
bata, ipinaubaya ko na ang duyan at nagmukmok sa iisang tabi. Nakapaglaro naman
ako ng pahiramin ni Ate Mae ng kanyang dekulwit na cellphone kaso
panandalian lamang pagkat na-deadbatt. Maya-maya’y umalis na sila Tita Letty kasama
si Henson patungong bayan at kami-kaming mga Menor de edad na
lamang ang naiwan.
4b-k. Kaagad naman bumalik sina Tita Letty at
sa kanilang pagbalik ay dala nila ang maraming kaanak na magsisipagdalo mamaya
sa dasalan. Maraming bisita ang nasa labas na nag-aabang samantalang
abalang-abala na sila Ate Ivy at Ate Mae sa
paghahain ng pagkain. Ilang sandali pa'y nagsimula na ang dasalan bilang
pagdaraos sa ika-40 ng Tita Marino at pansamatalang tumaimtim
ang kapaligiran. Matapos ang dasalan ay salo-salo na kaming lahat sa kainan at
talagang nabusog ng husto. kahit na inakala kong di magiging madali ang
kalagayan ko ay sulit naman ang pagparito ko pagkat parang tulad pa rin ng
pamumuhay ko nung nasa Maynila pa ako't walang nag-iba. Maya-maya’y inaya
ako ni Henson na maglaro ng agawan at batuhang bola, kahit
bundat ay pumayag pa rin ako't nakipaglaro sa kanila upang sa ganun ay di
amagin ang katawan sa kakaupo. Tila wala kaming kapaguran sa paglalaro at
nadagdagan pa ang aming kasiyahan dahil kay Red na pakwela sa
madla. Gustuhin ko pa man sanang manatili kila Tita Letty subalit
kailangan na namin magpaalam pagkat babalik na kami sa bahay ng Lola Sabe.
4b-l. Habang nabiyahe'y inaalala ko ang masayang
sandali habang nakatira kila Tita Letty at doon
nahanap ang kakaibang saya. Pagdating sa bahay ng Lola Sabe ay
kaagad kaming naglakwatsa magpipinsan at bumili ng pagkain. Sa kadahilanang
hindi ko magamit ang cellphone sa pagsubaybay sa paboritong
programa pagkat ito'y nagloloko. Naisipan kong makinuod sa kapitbahay at
kinapalan ko talaga ang mukha sa pagpasok, makanuod lang. Kaagad naman pumayag
ang may-ari ng bahay at hinayaan akong makinuod sa kanila. Sa katunaya'y
matagal ng kilala ng matandang babae na nagpakilalang Lola Felina ang
mga kamag-anak ko't dati pala siyang residente ng Batasan hills.
Sa bait ni Lola Felina'y nakanuod pa ko hanggang Legal Wife subalit
di ko natapos panoorin ang palabas sapagkat sinusundo na ako nila Tita
Lenny. Bago umalis ay nagpasalamat ako kay Lola Felina sa
kanyang kagandahang loob.