March
01, 2014
Saturday
Year II-060
Saturday
Year II-060
3r-x. Ilang milya na
lamang ang tatahakin, ilang pagsubok at karanasan na lang ang bubunuin bago ko
mairaos ang pagiging High school student. Gaano man ako naging
matatag ay maging ganon rin sana ako ngayon na papalapit na ang buhay sa
paginating kabanata ng pag-aaral at iyon ay ang kolehiyo. Masaya naman ako at
malaki na ang tiyansang makatungtong pa sa kolehiyo sapagkat may napili na
kaming eskwelahan ni Mama na papasukan at iyon ay NCBA o TIP pero
di pa ako sigurado kung iyong eskwelahan na ba ang papasukan ko. Habang
lumilipas ang panahon ang unti-untinh pagbabago ng isip ko at sana'y matahimik
na ang aking kagustuhan sa mga nabanggit na eskwela.
3r-y. Ngayon pa lamang
kahit sa katapusan pa ang Graduation ay mamimis ko na ang
lahat ng kamag-aral ko maging ang Eskwelahang naging pangalawang tahanan ko sa
loob ng apat na taon. Kahit hindi na ako sa Batasan mag-aaral
ay patuloy pa rin nakatanim sa isipan ko ang lahat ng naging karanasan ko at
hindi iwawaglit kailanpaman.
Marahil nga'y College ang pinakamahalaga't
pinakamasayang Estado ng buhay estudyante pagkat iba't iba na ang
makakasalamuha mo at may mga karanasan na maaring pagdaanan na di mo pa
napagdaraanan. Umaga na at tirik na ang haring araw kaya kinailangan ng
bumangon, uminom ng kapeng mainit at pagkatapos ay naglinis ng bahay.
3r-z. Upang magkaroon
naman ng buhay ang umaga ko, nasipan kong magpatugtog at lalo pa akong
ginaganahan sa gawaing bahay kapag may tugtog. Maya-maya'y nagbasa muli ako
ng English pocket book, di ko pa rin ma-gets ang
nilalaman sa dami ng mga salitang bago lang sa paningin pero sinubukan ko pa
rin kayanin ang sakit ng ulo. Kinatanghalian ng itigil ko ang pagbabasa, sa
kapal ba naman ng libro'y bigo akong matapos iyon. Nakakaramdam na ng matinding
gutom sa tiyan kaya lumamon muna ako. Matapos lumamon ay siyempre, nag-siyesta ako.
March 02, 2014
Sunday
Year II-061
3s-a. Sumapit na ang
madaling araw pero hirap pa ring makatulog dahil sa mga pesteng lamok na walang
habas kung pumapak ng dugo, siguro nga'y yummy ang dugo
kaya type ng mga lamok. Nakatulog naman pero saglit lamang at
saglit na lamang ang kadiliman na lumalagom sa kapaligiran. Mga ikapito na ng
umaga ako nagising at kaagad na humigop ng kape. Maya-maya'y nagwalis ako at
pagkatapos ay nagbasa muli ng English pocket book.
Si Papa naman ay kanina pang abala sa pagbabaklas ng bubungan sa kusina, kaya
naman lalo pang uminit ang pakiramdam dahil natatamaan na ng sinag ng araw.
Nang tamarin ako sa pagbabasa, pakikinig naman ng musika ang sunod kong
inatupag, itinigil ko lang ang pakikinig ng tanghalian na.
3s-b. Matapos
mananghalian ay muli ako nakinig ng awiting pampasigla at pampa-relax sa
isipan, tila nawawala angeeos ay nakinig muli ako ng musika, bahagyang naibsan
ang sakit ng ulo ko habang masayang nakikinig ng musika pero pumalit naman ang
antom na nadarama kaya nag-siyesta ako.Kaagad kong ipinirito ang
kaninang naudlot na Tikoy at iyon ang naging Meryenda ko. Sa
dami ng nalutong Tikoy ay di ko makayang maubos mag-isa kaya
inlaok ko si Mama subalit humindi ito dahil masama raw ang tiyan, kaming dalawa
lang ng kuya ang lumantak sa malagkit na Tikoy.
3s-c. Maya-maya'y
binuksan ko ang Telebisyon at nanood ng Galema. Kawawa naman
si Gina pagkat kung kailan malapit na silang ikasal ng kanyang
iniirog ay saka pa binawian ng buhay dahil sa pagkakatuklaw ng ahas, galit at
paninisi ang umiral sa dibdib at ibinunton kay Galema na lalong
nagpaatikabo sa eksena kaya hindi maalis ang mata sa panonood at talagang
sinubaybayan ko.
Matapos ang Galema, Face the people ang
sunod kong pinanood at kahit hindi kaaya-ayang panoorin pagkat puro away sa
pagitan ng magkabilang panig, maraming aral kang mapupulot sa huli at parang
gabay sa ating buhay ang palabas na iyon dahil sa pangaral ng Trio Tagapayo o
Konsensiya ng bayan. Maya-maya'y sumapit na ang gabi at habang unti-unting
dumidilim ang unti-unting pagdami ng lamok. Hindi tuloy ako makatulog dahil sa
mga pesteng lamok. Ayos lang kung palipad-lipad lang sila at huwag mangangagat
pero hindi at talagang dugo namin ang hapunan nila. Bukas na rin ang NAT kaya goodluck sa
aming lahat at sana'y maging maganda ang resulta.
March 03, 2014
Monday
Year II-062
3s-d. Nagising ako dahil
sa maagang paggising ni Papa at na-appreciate ko ang pagiging abala
niya sa pagluluto ng aking agahan, di ko na kinailangan pang magluto at diretso
kain na. Marso na pero dama ko pa rin ang malamig na panahon, tinatamad man
maligo pero ginawa ko pa rin alang-alang sa magiging pang-amoy ng maarte kong
kamag-aral. Daming mga estudyanteng nag-aabang papasukin pagdating sa eskwea at
di pa rin mahulugang karayom ang mag-aaral sa Batasan, mistulang
tubig na bumulwak papasok ng buksan ang Gate. May assignment pala
sa Values kaya habang di pa dumadarating si Ma'am, ginawa ko
na subalit ng sabihin ni Ma'am na pwede pa magpasa hanggang mamaya, hindi muna
ako gumawa at nagturo lamang si Ma'am. Habang nagtuturo si Ma'am ang biglang
paghapdi ng sikmura ko, tiniis ko iyon.
3s-e. Bahagya naman
nawala ng TLE na. Si Ma’am Sandra ang
pumasok at hinayaan niya lang kaming magpraktis ng Cha-cha at Swing.
Yaman at walang gagawin ay Umupa ako sa Computer shop upang
gawin ang Front-page ng Project sa MAPEH.
Kaagad naman akong bumalik matapos gawin ang Front page. Habang nanonood
nagpa-praktis ng sayaw ang aking kamag-aral ang panunumbalik muli ng pagsakit
ng Tiyan at parang gusto kong ilabas kong anuman ang laman. Di ko na matiis
kaya nagpasya ng magtungo sa palikuran. Kasama ko si Noemi at Jessa at sa
palikuran sa loob ng Clinic ako nagbawas. Hayahay ang moda ng
makapagbawas subalit pamaya-maya ang pagsakit ng tiyan at mukhang na-LBM ako,
di na lang sana ako pumasok. Sasama sana ako sa Practice ng
Sayaw sa Oras ng MAPEH subalit hindi ko magawang gumalaw ng
maigi pagkat nasakit ang tiyan ko.
3s-f. Nagpaiwan kami
nila Noemi at ginawa ang Assignment sa Values.
Bahagyang naghari ang katahimikan sa silid sa pagkawala ng presensiya ng aking
kamag-aral pero muling nanumbalik ang nakakabinging ingay sa pagbalik nila.
Ipinagpatuloy nila ang pag-eensayo at habang sinsagawa ang pag-eensayo ang
biglang pagpasok ng di kilalang guro at sinermunan kami, sinabihan niyang di
dapat sayaw ang atupagin kundi ang pag-aaral sapagkat sa ikalawa na ang NAT,
sa tapang ng tono ng kanyang pananalita'y walang mangahas na sumagot sa kung
anong itatanong niya.
Lumipas ang mahigit sa sampung minuto ay umalis naman siya at dumating
naman si Sir Velarde. Kabadong-kabado siya at inisip na
baka ipunagkanulo namin siya sa gurong iyon pero si Ma'am Mina ang
sinambit namin.
3s-g. Nagrepaso lang
kami at habang nagsasalita si Sir ay lihim kong ginagawa ang takdang aralin
sa Values. Hindi na rin ako kumain at naging abala talaga ako sa
paggawa ng takdang aralin. Ang mga kamag-aral ko'y hindi maawat sa paglamon ng
masasarap na pagkain samantalang dama ko na ang pagkalam ng sikmura, tiniis ko
na lang iyon alang-alang sa pambayad sa naiwalang NAT reviewer,
kung di lang burara'y di sana'y pakasasa din ako. Ilang sandali pa'y dumating
na si Slang Girl Ma'am Templanza kasama si Sir
Buenaventura. Nag-discuss lamang si Sir about Popular
people in the Philippines o yung mga idolo natin at
pagkatapos, nagkaraoon kami ng Groupings para sa Group
presentation bukas.
3s-h. Sa oras naman
ng Math, inanunsyo ni Mandy na di papasok si Sir Harren
pagkat pinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan, may time pa akong tapusin
ang takdang aralin sa Values. Ang lalaki na ng kamag-aral ko
subalit daig pa ang mga Grade one kung magdagasaan
lalo na si Marco na nagkakalat at sa Mismong harapan ko pa,
pinagsabihan ko pero bingi-bingihan kaya nasigawan ko hanggang sa namura ko.
Bastos kasi. Physics time na subalit di pa
pumapasok si Sir Martin, nag-soundtrip muna ako.
Maya-maya pa'y dumating na si Sir Martin at
nagtsek lamang kami ng Kwaderno. Sa kagustuhang makaipon ng pera upang sumapat
ang babayarin sa NAT reviewer, naglakad lamang ako
pauwi at kasabay ko si Jessa sapagkat pupunta siya sa bahay ni
Jobil. Panay soundtrip ang ginawa ko habang naglalakad
kaya hindi man lang ako na-stress pagkauwi. Labis na ang aking
gutom kaya halos makasampong manok na buo na ako. Maya-maya pa'y natulog na
ako. Pagkagising at gawa na labis ang aking pagkabato, naisipan kong manood ng
telebisyon. Hindi pa makatulog kinagabihan gawa ng mga pesteng lamok na
nagliliparan kaya nag-soundtrip ako. Malapit ng sumapit ang hating
gabi ng ako makatulog.
March 04, 2014
Tuesday
Year II-063
Tuesday
Year II-063
3s-i. Naging maganda ang
napanaginipan ko kaya ng paggising ay ikalima na pala ng umaga at yamang half day lang
kami ngayon araw upang paghandaan ang darating na NAT ay
nagpasyang huwag ng pumasok, ipinagpatuloy ko ang pagtulog sa malambot na kama
at tirik na ang araw ng muling dumilat ang mata. Magagawa ko sanang magrepaso
upang ihanda ang sarili sa darating na National Achievement Test bukas
pero paano ko magagawa samantalang nawawala ang aking NAT reviewer.
Napakaliit na bagay lang kung iisipin ang pagkawala niyon pero maraming
problema ang hatid sa akin, una'y hindi na ako kumakain at naglalakad pa para
lang makaipon ng perang ipangbabayad kung saka-sakaling babawiin na ng
aming Adviser ang NAT reviewer at
ikalawa'y di ako makakapagrepaso.
3s-j. Mga ikawalo na ng
umaga ako nagising, naghiwa ng Tikoy at ipiprito ko na sana subalit
pinigilan ako ni Mama, sinabing may naprito na siya. Nag-agahan ako at
pagkatapos ay naghugas ng mga Plato.
Sa halip na magrepaso sana, pagbabasa ng English pocket book ang
inatupag ko. Sa totoo lang ay di ko maintindihan ang nilalaman ng kwento at sa
halip na maging madali sa akin ang umunawa'y tila sakit lang sa ulo ang dala
pero nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa sa kagustuhang matutong magsalita ng English,
masyado kasing broad and Intelligent ang English ng
libro ng ate at pang matalino lang ang nakakaintindi. Naka-ilang kabanata na
ako sa pagbabasa subalit naguguluhan pa rin ako. Itinigil ko lang ang pagbabasa
ng tanghalian na at matapos ay nakinig muli ako ng musika, bahagyang naibsan
ang sakit ng ulo ko habang masayang nakikinig ng musika pero pumalit naman ang
antom na nadarama kaya nagsiyesta ako.
3s-k. Kaagad kong
ipinirito ang kaninang naudlot na tikoy at iyon ang naging Meryenda ko. Sa dami
ng nalutong Tikoy ay di ko makayang maubos mag-isa kaya inaok
ko si Mama subalit humindi ito dahil masama raw ang tiyan, kaming dalawa lang
ng kuya ang lumantak sa malagkit na tikoy. Maya-maya'y binuksan ko ang
Telebisyon at nanood ng Galema. Kawawa naman si Gina pagkat
kung kailan malapit na silang ikasal ng kanyang iniirog ay saka pa binawian ng
buhay dahil sa pagkakatuklaw ng ahas, galit at paninisi ang umiral sa dibdib at
ibinunton kay Galema na lalong nagpa-atikabo sa eksena kaya hindi maalis ang
mata sa panonood at talagang sinubaybayan ko.
3s-l. Matapos ang Galema, Face
the people ang sunod kong pinanood at kahit hindi kaaya-ayang panoorin
pagkat puro away sa pagitan ng magkabilang panig, maraming aral kang mapupulot
sa huli at parang gabay sa ating buhay ang palabas na iyon dahil sa pangaral
ng Trio Tagapayo o Konsensiya ng bayan. Maya-maya'y
sumapit na ang gabi at habang unti-unting dumidilim ang unti-unting agdami ng
lamok. Hindi tuloy ako makatulog dahil sa mga pesteng lamok. Ayos lang kung
palipad-lipad lang sila at huwag mangangat pero hindi at talagang dugo namin
ang hapunan nila. Bukas na rin ang NAT kaya goodluck sa
aming lahat at sana'y mataas ang makuha namin.
March 05, 2014
Wednesday
(Ash Wednesday)
Year II-064
Wednesday
(Ash Wednesday)
Year II-064
3s-m. Hindi ako
nakapagrepaso pero dama ko pa rin ang pananabik at sa kasabikan, mas maaga pa
sa pangkaraniwang oras kung ako'y nagising subalit pagdating sa eskwela, di pa
pinapapasok ang mga estudyante kaya naupo ako sa Garden.
Maya-maya'y biglang sumagi sa isipang magtungo kina Noemi at
nagtungo nga ako sa kanila. Maliligo pa lamang ito pagdating ko't matiyaga ko
siyang inabangan. Maliwa-liwanag na ng lumarga kami ni Noemi patungong
eskwelahan. Tiningnan ko sa Master list kung
saang room ako mag-eeksam at ng malaman ay gora na ako.
Saktong nakita ko si Francis pagkapasok ko at magka-room
mate pala kami, buti na lamang at may kakilala ako kaya hindi ako
gasinong naiilang sa iba kong kasamahan. Sa totoo lang ay naiilang ako kapag
puro lalaki ang kasama tapos ay di mo naman sila kilala.
3s-n. Bukod kay Francis ay
kasama ka-roommate ko rin si Perfecto, di ko naman
makausap pagkat napakatahimik niya kaya si Francis ang
kadaldalan ko habang di pa dumarating ang magbabantay sa amin. Kasama rin
ni Francis ang dalawa niyang kamag-aral at nakipagkilala ako
sa kanila. Hindi ko ibig pakitunguhan ang mga kasamahan ko pagkat maloloko at
kahit sino'y lakas loob pinagtitripan, buti na lamang at nandiyan sila Francis dahil
kung hindi'y kasuklam-suklam sa akin ang makasama sila, parang mga walang
pinag-aralan. Ilang sandali pa'y dumating na ang gurong magbabantay sa amin at
bago magsimula'y nag-sitting arrangement muna kami. Matapos
ang sitting arrengment in alphabetically order, saka pa lamang
nagsimula ang National Achievement test.
3s-o. Filipino ang
unang subject na aming naging pagsusulit at ang hahaba ng mga
talata bukod sa malalalim kaya kahit Tagalog ay sumakit ang
ulo sa kakaintindi. Hindi ko batid kong tama ang pagpili ko at sa bawat pag-shade ay
kung anong kaba ang gumuguhit sa dibdib. Naging madali lamang ang AP at Math kaya
kumpiyansang mataas ang makukuha ko pero ng Physics na'y doon
na ako tinamad magsagot pagkat gutom na ako. Bawal ang pagala-gala sa labas
sabi ng guro kaya paisa-isa ang nagtutungo sa Canteen. Nakakain rin
naman ako kahit paano subalit sa ingay ng aking kasamahan, nahirapan na ako sa
pagsagot lalo na yung isang lalaking kung titingnan ang hitsura'y kala'y kayang
pumatay ng sampong katao kaya nasindak ako at di magawang pagsabihan.
3s-p. Kahit may guro'y
palihim itong gumagamit ng telepono at kung ano-ano ang sinasambit, inisip ko
na baka lango sa droga ang lalaking iyon. Hindi lang siya ang pinaghihinalaan
ko na ganon, marami sila at ano ba itong mga kasamahan ko, tila sakit sa ulo ng
lipunan at adik. Ng mapansing ako na lang ang sumasagot, inapura ko na ang
pagsagot at sa wakas ay natapos rin. Alas-dos ang labasan samantalang sasapit
pa lang ang Ala-una kaya di muna kami pinalabas kahit tapos na. Nagkwentuhan
muna kami ni Francis kasama ang dalawa niyang kamag-aral. Ang
lalaking kanina ko pa pinagtitinginan ng di maganda ay panay trip kay Francis at
walang hiyang binabastos, kaibigan ko si Francis kaya
ipinagtanggol ko siya. Parehas na kaming binabastos bastos niya at pang-asar
talaga ang mga pahirit niya kaya pikon na pikon ako. Kahit nakaupo ang guro ay
tila walang pakialam sa nangyayari at patuloy niya kaming ginagawang katuwaan,
dahil sa kaming dalawa lang ang bakla kaya ganon na lamang kami paulanan ng
pamimintas.
3s-q. Ayaw ko namang
umuwing kawawa kaya ipinagtanggol ko maging ang sarili at di ko akalaing sa
isang salitang masasambit ko'y iyon ang magwawakas sa panghahamak niya pagkat
basag ito at pahiyang-pahiya. Hindi pu-pwede sa akin ang mga taong walang
ginawa kundi dumungis sa pagkatao namin pagkat makakarinig sila ng hindi
magaganda. Ilang sandali pa'y tumunog na ang bell at uwian na.
Naglakad lamang ako at pagdaan ng Consti ay may isang lalaking
tambay na bigla na lamang ako pinagtaasan ng boses at sinabihang bawal dumaan
ang bakla, sinigawan ko siya at sinabing hindi ka hari dito! Aywan ko ba kung
bakit may mga taong sadyang di na mababago ang pag-uugali kahit pag-aralin mo
pa, iniintindi ko na nga sila pero sila ang hirap umintindi sa amin. Kaagad
akong natulog pagdating sa bahay at madilim-dilim na nagising. Hindi ko pa rin
malimutan ang mga pangyayari itong araw at naiinis talaga ako.
March 06, 2014
Thursday
Year II-065
3s-r. Katapos lamang ang
matiding kalbaryo sa utak at iyon ay NAT na ginanap kahapon.
Hindi naman kagandahan ang nangyari sa akin kahapon na labis kong ikinayamot
dahil sa may mga taong pinuri ako ng hindi maganda pero past is past at
ang mahalaga'y ngayon. Kahit batid kong wala ng gagawing masyado sa eskwela'y
pumasok pa rin ako. Si Patrick at iilang kamag-aral ko pa
lamang ang nasa silid at maya-maya'y Flag Ceremony na. Natapos
na nga ang NAT pero di pa tapos ang Journey ng
buhay estudyante dahil kakaharapin naman namin ang Practice para
sa nalalapit na Graduation day. Habang inaawit ang Graduation
song ay lubos ang aking saya pagkat di ko akalaing magtatapos na ako
at parang nagtagumpay na rin kapag nagtapos. Matapos ang Flag Ceremony ay
bumalik na kami sa silid. Pumasok si Sir Arnulfo subalit
hinayaan niya lang kami sa kung anong gustong gawin.
3s-s. Sa halip na
makipagdaldalan ay nagbasa na lamang ako ng Pocket book.
Maya-maya'y TLE na, nagturo pa rin si Sir Babin kahit
tapos na ang exam.
Matapos ang TLE ay nagtungo kaming lahat sa Covered
court pagkat may orientation para sa nalalapit
na Graduation. Wala man kaming isusuot na Toga sa aming
pagtatapos ay di na mahalaga sa akin pagkat ang mahalaga'y makatapos ako sa
pag-aaral at may tiyasang malayo ang marating sa buhay, di ko lang alam kung
ayos lang sa iba na walang Toga at talagang iginiit pa nila
ang Toga kaya pinapili kami, kung Toga ba o Graduation?
Siyempre, Graduation. Matapos ang orientation, umawit
kami ng Graduation song.
3s-t. Malas nga lang pagkat
pang-umaga ang aming Graduation at Alas-kwatro ng madaling
araw magsisimula ang Graduation para sa pang-umaga. Nang
mahubog ng maayos ang aming boses sa pag-awit, saka pa lamang kami pinayagang
mag-take ng snacks.
Pagkabalik sa silid at gawa na walang magawa'y naisipan kong mag-soundtrip. Ilang
saglit pa'y dumating na si Ma'am Templanza subalit saglit
lamang siya at kaagad na umalis. Sa pag-alis ni Ma'am Templanza ang
siyang pagpasok naman ni Sir Martin na may dalang kahon
ng Tamiya Car subalit di pa iyon buo at kami mismo
ang mag-a-asemble. Hindi
ko alam kung paano mag-assemble ng Tamiya car kaya
sila Poliquit at Villaresis lang ang
kumikilos sa aming magkakagrupo, paano ba naman ako makakatulong kung sa
bawat suggestion ko'y laging sinasalag ni Poliquit at
ni Villaresis at sila na ang tama at ako ang mali, nanahimik
na lang ako sa tabi at pinanood na lamang sila.
3s-u. Sa tuwing ako'y
magtatanong, may pagtataray ba namang ipinalit sa akin at parang di ako
kakilala kung ako'y lait-laitin. Sumapit
na ang dalawang oras subalit di pa natatapos nila Poliquit ang
pagbuo ng Tamiya Car, paano'y nagmamarunong kaya yan
tuloy at di matapos-tapos. Itong si Villaresis, kung makapag-utos
ay kala siya ang Boss ko na may paninigaw pa kaya lalo akong
nabwisit sa kanya. Sa pagkabwisit ko sa dalawa'y naupo na lamang ako at
nakipagkwentuhan kila Britannica. Ilang saglit pa'y uwian na at bago
ako umuwi'y ipinasa ko muna kay Ma'am Fabiana ang Assignment sa Values.
Kahit late na at sa bait ni Ma'am ay tinanggap niya
pa rin.
3s-v. Naglakad lamang
ako pagkauwi kahit katirikan ng araw. Pagdaan sa De Gloria'y saktong
nakita ko sila Itang na papauwi na rin at sumabay ako sa
kanila. Ang lakas pa man din ng loob nilang magpalibre sa akin at dahil
tinulungan naman ako ni Itang sa paggawa ng Project sa Math,
pinagbigyan ko na sila. Sinamahan ko sila hanggang sa bahay nila Tita Jean subalit
hindi na ako nagtagal pa sa kanila. Matinding pagod ang naramdaman ko pagdating
sa bahay kaya matapos kumain ay diretso hilata sa Kama. Pagkagising ay
nagtungo kaagad ako sa Computer Shop subalit ang
bagal ng Internet sa kanila kaya lumipat ako. Sa Computer
shop nila Aling Flor at doon ako umupa sa kanila.
3s-w. Habang
nagkukumpyuter ay biglang may tumawag sa pangalan ko, si Roxie pala
iyon at panay tanong sa akin, sumagot ako at nagkamustahan kami. Umalis
si Roxie at pagkabalik ay kasama na niya si Jeff Bryan.
Ang harot ni Jeff sa akin kaya nauudlot ang gusto kong gawin,
ang ingay tuloy namin. Nang mapansing dumidilim na'y nagpasya na akong mag-log-out.
Napatagal pa ako sa Computer shop pagkat kinausap
pa ako ni Aling Flor. Matapos kausapin ay saka pa lamang ako
lumarga pauwi. Pag-uwi'y mababagsik na sermon ang sumalubong sa akin mula sa
bibig ni Ina at panay sumbat. Hindi na lamang ako umimik at nagpatuloy sa
paglamon ng hapunan na para kunwari'y di makapagsalita. Wala akong ganang
makipagtalo sa kanya kaya tikom ang bibig. Bago matulog, nag-soundtrip muna
ako.
March 07, 2014
Friday
Year II-066
3s-x. Gawa na sobrang
nasarapan sa pagtulog, Alas-singko y medya na ako nagising at batid kong
mahuhuli na ako sa praktis ng Graduation kaya nagpasyang huwag
ng tumuloy at matulog na lamang. Maliwa-liwanag na ng magising ako at
nag-almusal. Matapos mag-almusal at dahil medyo ka-boring ang umaga
ko'y naisipan kong magpatugtog ng awiting pag-ibig. Mukhang nakikiayon ang
panahon sa mga sentiments kong kanta dahil hindi naging
maaliwalas kundi maulan. Buti naman at umulan na upang matanggal ang alikabok,
matagal-tagal na panahon na rin kasing hindi umuulan simula ng pumasok ang
taong ito. Habang nakikinig ng awitin ay sinabayan ko na rin ng gawaing bahay.
3s-y. Matapos ang
gawaing bahay, pinatay ko na ang tugtog at nagbasa ng English pocket book.
Ilang linggo na akong nagbabasa ng English pocket book pero
parang hirap pa rin akong umintindi, palibhasa'y sadyang kalalalim at di mo
kaagad makuha ang tamang kahulugan. Lahat ng mga bagong salitang aking mabasa'y
tinitingnan ko sa Dictionary, kahit paano'y may mga bagong
bokabolaryo akong natutuhan. Itinigil ko lang ang pagbabasa ng tanghalian na.
Gutom na rin ako kaya kumain na ako. Matapos kumain ay nag-soundtrip ako
hanggang sa antukin. Kinahapunan, sa di inaasahan at malas na pangyayari'y
tinangay ng alaga naming pusa ang inihaw na Bangos na dapat sana'y magiging
hapunan namin.
3s-z. Takaw ng pusa at
talagang mag-isa niyang nilalantakan ang buong bangus at kumukulo na ang dugo
namin. Naghanda pa naman si Mama ng sawsawan at sayang. Gutom na kami at sa kagustuhang
malamnam ang sikmura, piniritong itlog na lamang ang ulam. Gusto ko sanang
sipain, pagbuhatan ng kamay ang pusa sa sobrang muhi ko subalit nakakaawa naman
siya kaya napigilan ko ang sarili. Si Mama naman, hindi maipinta ang mukha at
makikita ang yamot, sino ba namang hindi magagalit kapag may isa kang bagay na
pinaghirapan, tapos ay kukunin lang ng iba.
3t-a. Kinagabihan, buong
tiyaga kong inabangan ang pagtatapos ng Got to believe, the
best ending ever. Talagang tutok na tutok ang aking mata ng mag-propose si Joaquin kay Chichay at
hanga ako sa pagmamahalan nila pagkat sa kabila ng mga pagsubok at makabagbag
damdaming pinagdaanan, sila pa rin sa huli, nabitin lang ako sa ending pagkat
hindi sila ikinasal, kung sa bagay ay may Magnolia Milk pa sa
labi at tama naman yung ginawa ng director pero mas masaya
kasi ang ending kung ikakasal sila. Maya-maya'y natulog na
ako, hindi naman ako makatulog pagkat daming nagliliparang lamok at nakakaasiwa
sa pandinig ang kanilang pag-ungol. Nakadagdag pa disturbo sa pagtulog ko ang
pag-alulong ng aso, mukhang hindi ako makakatulog. No choice ako
kundi tiisin sila at huwag na lang intidihin, ano pang silbing patayin ang
lamok kung di naman mauubos at patuloy pa rin sa pagsipsip ng dugo, ano pang
silbi kung patahimikin ang aso kung maya-maya'y aalulong muli.
March 08, 2014
Saturday
Year II-067
3t-b. Masarap pa sana
ang aking pagtulog subalit kailangan ko ng gumising at bumangon. Pagkatingin sa
malaking orasan ay sumapit na pala ang ikawalo ng umaga. Matapos kumain ng
agahan ay naglinis ako sa loob ng bahay at ng masiguradong wala ng kalat,
saglit akong naupo kaso kabato kapag palaging kukuya-kuyakoy ang paa kaya
naisipan kong magtungo kina Regine (Miano). Abala sa paglalaba
si Regine ng datnan at sa dalawang buwang hindi ko pagbisita
sa kanila'y pabaon ko ang maraming kwento. Nagkwento rin naman si Regine kahit
abala sa paglalaba kaya lalo pang tumagal at sumarap ang aming usapan. Si Aling Gina naman
ay sinabing balang araw ay aasenso raw ang buhay ko at kapag nangyari iyon,
huwag ko raw sila kalimutan, sana nga'y dumating iyon sa buhay ko pagkat
matagal ko na iyon minimithi at lahat tayo'y mithiing gumanda o tamaas ang
antas ng pamumuhay.
3t-c. Makalipas ang
ilang saglit ay biglang dumating si Gelyn, laki na ng pinagbago
ni Gelyn pagkat dalaga na siya. Nagpapasama kay Shiela patungong Lingap subalit
hindi ito pumayag pagkat may pupuntahan raw ito, gusto kong magamit ng husto
ang mahabang biyas kaya nagpresintang samahan si Gelyn. Bukod kay Gelyn ay
may kasama rin kami na di hamak na mas bata sa amin at kung naging miyembro ako
sa Lingap ay malamang palagi akong nabibiyayahaan ng aming
pangangailangan tulad ng damit, pagkain atSchool supply at
makakatanggap rin ng Aguinaldo tuwing Pasko. Sampung taong
gulang pa lang ako ng itayo ang Center na iyon at siyam na
taong gulang pababa lang ang tinatanggap nila kapag magpapalista ka para saMembership kaya
hindi na ako napabilang. Pagkapasok namin ay puro maliliit na bata ang makikita
ko at may mangila-ngilan ding kasing gulang ko, medyo kailang lang pagkat ako
lang marahil ang matanda pero ayos lang pagkat nag-enjoy ako sa
pamamasyal.
3t-d. Itong si Gelyn,
hala't hirap sa paggawa ng Letter kahit Tagalog kaya
inabot na kami ng Tanghali sa Lingap. Pagkauwi at dala ng gutom ay
di ko nahindian pang kumain, si Mama naman ay muli akong dinakdakan, di ko na
lang siya pinansin upang iwas away.
Matapos mananghalian, naglaba ako. Mga ikalawa na ng hapon ako natapos
sa paglalaba at malas lang pagkat di maaliwalas ang panahon at nagbabadya pa
ang ulan, mukhang di kaagad makakatuyo. Medyo bagsak na ang mata kaya saglit
akong natulog. Pagkagising, sa bahay naman nila Cathy ko
naisipang dumalaw.
3t-e. Sa tuwing makikita
ako ni Jaka'y di mapigilan ang sarili sa pagharot pero gusto
ko siya pagkat napakabibo, si Ate Ging naman,
kanina pa abala sa pagte-text at natatawa siya kapag ako'y
nagkukwento, di ko alam kung anong mali sa bibig ko. Nagkwentuhan kami ni Cathy tungkol
sa kanya-kanyang karanasan, maya-maya'y nauwi ang usapan tungkol sa pelikulang
napanood, naparami ang kwento ko kaya di naming namalayang gabi na. May praktis
ng banda si Cathy tuwing Sabado ng gabi sa kanilang Church kaya
Sumabay na ako sa kanya. Alas-otso na pala ng ako'y umuwi at nanood ng
telebisyon habang sarap sa paglamon ng ulam. Bago matulog ay nakinig muli ako
ng musika sa pamamagitan ng telepono.
March 09, 2014
Sunday
Year II-068
3t-f. Sa sarap at
naenganyo na ring makinig ng awiting pag-ibig, mga bandang Ala-una na pala ng
madaling araw at kailangan ko ng tumulog. Hindi naman ako makatulog pagkat
daming lamok na palipad-lipad. Nakatulog naman ako kinalaunan at mga ikapito na
ng umaga ako nagising. Mukhang kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, di
pangkaraniwan at may ibig ipahiwatig, dala ba ito ng sinabi sa ni Aling
Gina na bumuhay sa natutulog kong loob o baka naman malapit ko na
talagang maabot ang minimithi, ang Makapagtapos. Ang tulin ng takbo ng panahon
at parang kailan lang nung ako'y nasa mababang antas tapos heto na ako nagyon
at malapit ng magtapos. Hiling ko'y maging matagumpay ako sa lahat ng pagsubok
na aking tatahakin. Nagkape lamang ako, wala kasing nakahandang pagkain sa mesa
pero ayos lang, atlis nalamnan kahit paano ang kumakalam na sikmura.
3t-g. Matapos humigop ng
kape, ano pa nga ba ang aking gawain tuwing umaga kundi ang magwalis at
magpunas sa sariling bahay. Matapos ang gawaing bahay, nag-access ako
ng Internet sa pamamagitan ng Tablet. Kahit
paano'y di ko nagawang mayamot pagkat naging mabilis ang pagkonekta sa Internet.
Ng ma-lowbatt, siyempre'y isinaksak ko. Wala nanaman akong
maisipang gawin kaya naisian ko muling magtungo sa bahay ng kaibigan ko subalit
matinding init ng araw ang pumigil sa akin at baka makakuha pa ng sakit,
nagbasa na lang ako ng English pocket book at
kada may salitang bago sa aking paningin, nililista ko at inaalam ang kahulugan
gamit ang Diksyonaryo. Kahit paano'y natututo rin ako at nawa'y magtuloy-tuloy
pa.
3t-h. Kinahapunan,
binalak kong magkumpyuter sa labas. Kina Ate Flor sana ako
magkukumpyuter subalit walang raw ibang unit na pwede sa akin at mukhang di
niya ko pinapansin, bakit kaya? Hindi ko Alam kung bakit ganon na lamang siya
makitungo sa akin, parang may sama ng loob na di ko lubos malaman kung ano ang
dahilan samantalang sa pagkakaalam ko'y wala naman akong ginawa sa kanya,
marahil ay may pinagdadaraanan lang. Kina Giselle na lang ako
nagkumpyuter na di hamak na katapat lang nila. Bwisit ang nadama ko sa batang iyon,
grabe at puro kabastusan ang lumalabas sa bibig, kahit di direkta sa akin ang
pinapatama basta't mababanggit niya ang pangalan ng kaasaran niya na mismong
kapangalan ko pa, umiinit ang loob ko at gusto kong patulan. Hindi ko na
nasikmuraan pa ang di magagandang katagang naririnig mula sa bibig ng bata at
nag-log out na ako.
3t-i. Marahil ay hindi
natuturuan ng magandang asal. Ang kaninang bwisit na bwisit ay biglang napawi
ng magkamustahan kami ni Giselle hanggang sa may bagay na
napag-usapan na labis naming ikinatawa. Lalo pang sumaya ang kwentuhan ng dumating
at sumali si Roxie, yung panloloko niyang pahirit sa akin hindi
kakainsulto at natatawa pa nga ako. Napatagal tuloy ako dahil sarap at masaya
silang kausap, parang na-miss namin ang isa't isa at medyo matagal
na ring di nagkikita simula ng Gramadweyt kami sa elementarya at matapos nun ay
di pa kami nagkikita.
Dumaan pa ako kila Tita Jean, may takdang-aralin
na hirap gawin ni Amihan at tinulungan ko siya. Si Tita
Jean naman, di maawat ang sarili sa paglalaro ng Zuma Blitz sa laptop at
may konting tawanan kapag matatalo siya, paano'y natataranta. Kaagad rin akong
umuwi pagkat madilim na. Halos mapunit na ang bibig ko sa kakatawa ng manood
muli ng Wow mali pa rin at Gandang Gabi Vice,
ang gagaling nilang mang-trip at magpakwela. Pakiramda'y ko'y ang saya-saya
ko at nakalimutan ang lahat ng hindi magagandang naging karanasan ko. Sana'y
laging masaya ang maramdaman ko kahit sukdulan na ang problema.
March 10, 2014
Monday
Year II-069
3t-j. Three weeks to
go before the most unforgetable moments that ever since in my whole life and
that is Graduation day, kahit walang togang isusuot at walang sumbrerong
ihahagis, masaya pa rin ako pagkat malapit na akong magtapos. Mga ikalima na ng
umaga ako nagsing at nagtungo pa rin sa eskwela pagkat may praktis kami para
sa Graduation. Pagdating sa eskwela, marami ng mag-aaral ang
matiyagang nakapila sa School Quadrangle sa kabila ng
pag-ambon, buti na lamang at may baon akong payong kaya di nabasa, sa bait kong
ito'y pinayungan ko rin ang ilan kong kaklase. Bwisit lang ako pagkat ang
iingay nila. Ang mga Class President naman, hindi
na magkandaugaga sa pagsasaway at pag-aasikaso ng Attendance.
3t-k. Ilang saglit pa'y
nakapila kaming lumipat sa Covered court. Practice pa
lang iyon ng Graduation pero pakiramdam ko'y parang Graduation day na
sapagkat may Flag ceremony at isa-isa namin inawit ang Graduation song with
heart and respect. Talagang dibdibang pag-eensayo na ang ginawa namin.
Pagkaupo'y doon ko naramdaman ang hirap ng mag-aaral sa Public school tuwing Practice ng Graduation pagkat
wala kaming inuupuang silya at sa madumi't mabuhanging sahig lamang. Bukod pa dun ay
halos di ako makagalaw pagkat masyado kaming dikit-dikit at nagsisiksikan sa
limitadong espasyong aming sinasakop. Ganun man ang karanasan ko at kondisyon,
determinado pa ring makapagtapos at di ako aayaw. Inensayo na rin namin ang
tamang pagkuha ng Diploma kasama ang pag-shake hands sa stage.
Sa dami ba naman ng mag-aaral na isa-isang tinatawag at aakyat sa stage,
naku at inabot kami ng tatlong oras na nagtitiis sa pagsisiksikan, nakadagdag
pa ang init ng panahon.
3t-l. Maya-maya'y
nakaramdam na akong ihing-ihi kaya pansamantala akong umalis. Naiinis lang ako
kay Melarion pagkat hinarangan niya pa ako at anumang paalam
ko'y talagang nagmamatigas siya at ayaw akong padaanin samantalang babagsak na
ang katas ko. Pasalamat ako at pinagtanggol ako ng CAT na
babae at pinayagan.
Habang naglalakad ay saktong nakita ko si Jacqueline,
sinamahan niya ako at nag-usap kami pero saglit lamang ang aming pagkikita
pagkat baka mahuli na sa pila. Sa wakas at seksyon na namin ang aakyat sa stage,
anung kaba at saya ang nadarama sa dibdib. Ng makaakyat na kaming lahat
sa stage, saka lamang kami nag-recess, hindi ko na muli
nakita si Jacqueline kahit saan ko man hanapin. Makalipas ang
tatlumpung minuto ay bumalik kami saCovered Court at umawit
ng Graduation song.
3t-m. Lahat ng hindi
nakasuot ng White t-shirt at uniporme, pinaakyat sa Stage at
sinita maging ang mga may kulay ang buhok. Buti na lamang at di ako nakaakyat
sa stage sabay sisitahin at pahihiyain, masunuring bata kasi
ako kahit minsa'y sumasagot sa magulang. Pinoproblema ko lang pagkat mahaba ang
buhok ko at baka mauukaan na bukas, pinagsabihan ang lahat ng nasa stage na
di papayagang makamartsa kapag may kulay ang buhok, as usual ay
bawal talaga iyon at kailangan presintableng tingnan. Mga dakong Alas-onse na
ng matapos ang practice, di muna ako kaagad umuwi pagkat nagsauli
pa ako ng libro kay Mandy. Pagdating sa bahay at gawa na inaantok
na, kaagad akong natulog. Hindi naman ako makatulog pagkat saksakan sa init ang
panahon maging sa gabi, idagdag pa ang mga lamok na walang habas kung
sumipsipsip ng dugo.
March 11, 2014
Tuesday
Year II-070
3t-n. Alas-kwatro pa
lamang ng umaga ng ako'y magising at sa aking paggising ay panibagong araw na
magbibigay ng maraming karanasan muli ang kakaharapin ko at sa bawat karanasan,
maginhawa man o pagdurusa'y sana'y laging matatag ang kalooban. Pagdating sa
eskwela'y di pa pinapapasok ang mga estudyante, nag-abang pa ako saglit.
Maya-maya'y sa wakas at pinapasok na rin kami. Pumila sa Quadrangle at
ilang saglit makalipas ay nagtungo na kami sa Covered court upang
isagawa ang dibdibang pag-eensayo. Habang umaakyat sa stage ay
isa-isang inukaan ni Sir Garren ang mga lalaking
may kahabaan ang buhok at ang ilan sa kanila'y may buntot pa sa likuran, kaba
na ang namutawi sa dibdib pagkat baka maukan rin ako. Walang ligtas ngayon ang
mga Emo Boys sa matalas na gunting, sa bawat
pangyayaring di kanais-nais at katawa-tawa'y di maiwasang maghiyawan.
3t-o. Lahat ng naukan ay
hiyang-hiyang ipakita ang mukha at ang iba'y napapangiti na lang. Bukod sa
mahaba ang buhok ko'y labas din ang buhok sa ilong at baka iyon ay di makalusot
sa matalim na gunting pero ang pangamba sa dibdib ay biglang napawi ng
nilagpasan ako ni Sir sa pang-uuka, may ilan kamag-aral akong nasampulan ng
pang-uuka at karamihan ay inukaan sa likuran o yung naghuhugis buntot ng Pagi
sa likod, wala rin ligtas ang pa-hair style. Pangit tuloy sa paningin kapag
nauukaan ka. Kailangan daw sa Graduation ang gupit sa
lalaki'y two by three, di nagmukha naman kaming Army at
naranasan ko ng maging ganon ang gupit ko, di ko gusto at parang Ex
convict ang dating pero 'nung magagawa't iyon ang patakaran.
3t-p. Buti pa ang mga
Babae, pagtatali ng buhok lamang ang kailangan samantalang daming bawal sa
lalaki. Mga ikasiyam ng pansamatalang itigil ang ensayo at pang-uuka. Medyo
kumakalam na rin ang sikmurang tigang sa masarap na pagkain at kumain na nga
ako kahit mag-isang nagtugo sa Canteen, ayos lang kung mag-isa ka
atlis walang mangungutang sayo at mabuti rin ang mag-isa ka para kapag dumating
ang panahon na nawala ang mahal mo sa buhay, handa ka at kayang-kayang mong
kaharapin ang lahat ng di nangangailangan ng tulong ng iba. Hindi naman siguro
mangyayari sa buhay ko iyon dahil alam ko na maraming nagmamahal sa akin kahit
di ko minsan dama.
3t-q. Matapos ang Recess time ay
bumalik kami sa Covered court at by section inawit
ang Graduation song with action.
Kakapanghilakbot lang sa loob pagkat sa stage kami aawit
habang kumukumpas ang kamay, di ko pa naman kabisado ang Hand Action kaya
umaasa ako lagi sa mga estudyanteng nakaharap sa amin at sa kaunting
pagkakamali'y asahan na ang Tsismisan, madalas gawin at ugali ng mga Pinoy. Matapos ang Praktis
ng Graduation, inanunsyo sa amin ng mga gurong namamahala na sa
Hapon na ang Schedule ng aming Practice. Malapit
na rin ang Culminating Activity o JS prom kaya
nagkaroon ng rehearsal ng Cha-cha at Swing.
Laking nganga ng bibig pagkat ang gagaling umindak at gumiling ang mga
kamag-aral ko, sayang at di ako kasali, di ko tuloy maipapakita kung anong
gilas ko, kung sa bagay ay parehas kaliwa ang paa ko at isa pa'y wala na akong
balak sumali sa Culminating activity, magugutom ka lang pagkat
walang catering.
3t-r. Naglakad lamang
ako pagkauwi at dumaan pa kina Jacqueline, may practice rin
ng Graduation sina Jacqueline kaya di tumagal
ang aming pag-uusap. Sa layo ng nilakad, halos hinihingal na ako. At kahit mag-isang
naglalakad, di ko inasahang may makakasama ako pagkat naglalakad rin sila. Dami
kong tawa sa mga kwento nila, lahat ng bagay ginagawang biro. Pagdating sa
bahay, di ko man lang naibigan ang ulam na nakahain sa mesa kaya nagluto pa.
Matapos kumain ay nag-siyesta ako. Kinagabihan at dahil di naman
ako maagang magigising bukas, nagbasa muna ako ng English pocket-book pampatulog,
di ako makatulog talaga at sumasakit pa ang ulo sa kakabasa at kakaintindi.
March 12, 2014
Wednesday
Year II-071
3t-s. Hindi ako maagang
magigising sapagkat sa hapon pa gaganapin ang aming Practice sa
Graduation. Mga ikapito na ng umaga ako nagising at humigop lamang ng
mainit na kape. Maya-maya'y tambak ang hugasin sa lababo at iyon ang
pinag-ukulan ko ng panahon upang masiyahan naman sa akin si Ina maging si
Ateng. Matapos maghugas ay biglang sumagi sa aking isipan ang magkumpyuter at
sinunod ko ito. Nagtungo pa ako sa bahay nila Regine (Miano) matapos
magkumpyuter subalit ipinabatid sa akin ni Aling Gina na
nagtungo sila sa Taas. Hindi na ako nanatili pa't kila Cathy ko
naisipang sunod puntahan subalit nasa eskwela ito sabi ni Ate Ging,
ano ba'to at kung kailan kailangan ko ng makakausap, saka naman sila wala.
3t-t. Hindi muna ako
umuwi at si Ate Ging ang dinaldal ko, open naman
siya sa kung anong kwinekwento ko sa kanya. Abala sa pag-Facebook si Ate Ging at
ikwinento niya sa akin ang tungkol sa mga Foreigner na kanyang
nakaka-chat. Gusto ko pa sanang manatili pa kila Ate Ging pagkat
sarap niyang ka-kwentuhan pero ayaw ko namang mahuli sa practice at
baka ipatanggal ako kaya kinailangan ko ng magpaalam. Alas-dyis pa lamang pala pagdating sa
bahay at ako'y nananghalian na. Mismong tanghaling tapat na katirikan ng
bukangliwayway ako umalis. Pagkamaharot nila Jessa at Jobil ang
bumulaga sa aking pagdating sa eskwela na ikinapikon ko, malapit-lapit na
kaming maghiwalay kaya nakipagharutan na ako kahit di ko gusto. Iyon ang mami-miss ko
sa kanila kapag grumadweyt na kami, ang pagiging maharot at utangera.
3t-u. Mga Ala-una na
nagsimula ang ensayo ng Graduation at habang isa-isang
tintawag ang pangalan upang kunin ang nagkukunwaring diploma'y nagbasa ako ng
Diksyonaryo, gusto ko kasing matutong magsalita ng wikang English at
iyon ang naging Fast time ko. Ng kami na ang
nakasalang, kaba muli ang namayani sa dibdib kaya ng pag-bow ay
nagkamali ako at pinaulit kami, ang babaw ng kanilang kaligayahan at si tawa
naman sila. Malas ko lang pagkat bago ako umakyat sa stage ay
naiwan ko ang sakbit na Pocket bag sa may Motor.
Kaagad ko naman kinuha pagdating ng Break time at
pasalamat ako pagkat walang ni isang kamay ang nangahas na umitin ang Bag ko. Grabe at saksakan
sa kaharutan sila Jessa’t Jobil,
malapit na kaming maghiwalay kaya sinulit ko ng makisama sa kanila. Maski
kinakain ko’y di nila pinaglagpas sa pangti-trip.
3t-v. Maya-maya’y balik
muli sa ensayo at ang daming estudyanteng pasaway ang nasita ni Sir
Garren. Malapit ng dumilim ng lubusang matapos ang aming ensayo at dahil
bukas na ang Culminating Activity, lahat ng section Apacible ay
nagtipon-tipon sa may hagdanan at pinag-usapan kung sino sa amin ang
magpresintang magdadala ng pagkain pagkat walang Catering. Naging
napakagulo ng kanilang pag-uusap at nagkanya-kanya pa sila ng opinyon. Bwisit
ako kila Cynt sapagkat binabara nila si Mandy habang
nagtatalumpati ito, sinaway ko sila’t dahil di makuha sa saway ay di na ko
nagdalawang isip pa’t sinigawan ko sila subalit ako pa ang napasama’t
pinapaalis ako ng President.
3t-w. Siya na nga ang
pinagtanggol ko, tinarayan pa ko at napakawalang utang na loob niya. Napahiya
ako sa marami kong kamag-aral sa ginawa ng presidente’t kala kung sinong
makaasta. Wala ring napuntahan ang kaninang masinsinang pag-uusap at
magkanya-kanya na lang raw kami. Todo pag-uudyok si Noemi na
dumalo ako sa Culminating Activity at siya na ang
bahala sa isusuot ko kaya pumayag ako. Kahit hindi ako siguradong makakasali
sa program, sumama ako kila Ashley sa Practice ng Cha-cha at Swing subalit
biglang nagbago ang isip ko ng nasa Consti na kami at pasimple
akong pumuslit palayo sa kanila. Dadalo ako sa Culminating activity bukas
subalit hindi ako sasayaw at baka ako pa ang dahilan ng pagbagsak ng
kanilang Production number. Sa sobrang sabik ko, hindi
ako makatulog at minsan lang ito mangyari sa buhay estudyante kaya sunggaban na
ang pagkakataon.
March 13, 2014
Thursday
Year II-072
3t-x. Kahapon
pagkagaling mula sa ensayo ng Graduation ay gayak na gayak
akong sumali sa Culminating Activity subalit sa
aking paggising ay tila nagbago at naisip ko na baka hitsapwera lang ako kapag
dumalo. Dama ko pa rin ang pagkamuhi sa aking kamag-aral lalo na yung president na
lakas loob akong pinahiya, akala kung sino mapagmataas, di pa nga
nakakapagtapos. Medyo sinisipon din ako ng umagang iyon at sumasama rin ang
pakiramdam kaya nagpasya na akong huwag ng sumali. Naghugas pa rin ako
ng plato at nagwalis sa kabila na masama ang kalagayan at matapos ay nahiga ako
saglit. Hindi mahalaga sa isang katulad ko ang dumalo sa ganyang ka-formal na
okasyon kung hindi ka pa naman asensado, ang mahalaga'y makakapagtapos ako.
Sayang lamang sapagkat hindi ko mararanasan ang pinakamasayang buhay estudyante
at may suot na mumurahin lang naman pagkat nagtitipid ang eskwelahan subalit
ayos lang, marami pang happy moments ang darating
sa buhay ko na mas masaya pa diyan.
3t-y. Upang hindi mabato
sa kakaupo'y naisipan ko na lamang magbasa, hindi kainitan ang panahon at
nagbabadya pa ngang umulan kaya lalo pa akong sinipag sa pagbabasa. Kinatanghalian,
oras na upang malamnan ang kumakalam na sikmura, pagkatapos lumantak ng
pagkaing kasing sarap ng handaan ng mayayaman, nanood ako ng telebisyon. Atlis
kapag dito ka lang sa bahay, mabubusog ka pa samantalang masaya nga ang Culminating activity,
pipi naman ang sikmura sa kagutuman pagkat walang catering, may
pagkain sana kami subalit ang problema'y di sila nagkasundo.
3t-z. Kahit na sabihin
kong okey lang pero di ko maiwasang malumbay kaya idinaan ko na lamang sa
pananonood ng Comedy shows, kitang kita na ang madilaw kong
ngipin sa tindi ng aking halakhak ng panoorin ang Baliwan Cinema at
pakiramdam ko'y ako na ang pinakamasayang nilalang kahit mababaw, labis akong
naindak sa panonood ng telebisyon at pagkatapos ay nag-siyesta. Kinahapunan, lalo pang sumidhi ang lagay ko kaya nasira ang plano kong
lumabas ng bahay. Naglaro na lamang ako sa Tablet ng Flappy bird at
pagsapit ng dilim ay panonood ng telebisyon ang sunod kong inatupag. Kamusta na
kaya ang mga kamag-aral kong nagliliwaliw sa saliw ng sayaw? Gutom na ba sila?
Bago tuluyang matulog ay naglaro muna ako ng Tablet. Mga ikalabing
isa na ng dalawin ng antok at ako’y natulog.
March 14, 2014
Friday
Year II-073
3u-a. Wala pa ring
pagbabago sa pakiramdam kong napakasama at mukhang sumisidhi pa marahil. Mga
ikawalo na ng umaga ako nagising at kaagad akong uminom ng Kalamansi ng
sa gayo'y umalsa ang sipon. Walang kabuhay buhay at kakulay kulay ang umaga ko
kaya naisipan kong magpatugtog ng RNB songs, kahit
masama ang pakiramdam ay sumigla naman ako at para akong nasa masayang bar.
Maya-maya'y nag-usap kami ni Mama tungkol sa eskwelahang aking lilipatan, kahit
anong sambitin ko'y mukhang di lubusang payag si mama na kunin ko ang Edukasyon
sapagkat garapal lamang daw ang pasuweldo na labis kong ikinaapekto kaya sa
isip-isip ko'y mukhang magbabago nanaman ang kursong kukunin ko. Makalipas ang
ilang saglit ay biglang sumagi sa isipan ko na Psychology na
lamang ang kuhain kong kurso sapagkat sa buong buhay ko'y napapansin kong tila
may iba sa mga kapwa ko sa tuwing kausap ko sila, yung tipong kaunting kibot
mo'y natatakot ka sa kung anong magiging reaksyon nila, pakiramdam ko ay
maiinis sila sa akin kahit di ipakita.
3u-b. Sa karamihan ng
kausap ko'y parang teyngang kawali na ako yung si dada ng dada pero wala man
lang imik, bagay na iniintindi niya ba ang sinasabi ko o lipad ang pag-iisip.
Gusto kong alamin ang nilalaman ng kanilang isipan at saloobin kaya Psychology na
lang ang kukunin ko. Isa pa'y gusto kong tulungan ang Kuya kong may kapansanan
sa pag-iisip, gusto kong alamin kung bakit iba ang ikinikilos niya sa
ikinikilos namin at gusto ko siyang intindihin. Hindi ko muna kaagad sinabi kay
ina na ganong kurso ang kukunin ko sapagkat natatakot ako sa magiging reaksyon
niya at di pa ako totally sure. Sa panahon kasi
ngayon ay hirap ng ispelengin ang pag-uugali, kinikilos at reaksyon ng
nakapaligid sayo. Hindi rin natin alam kung sinong tao ang dapat pagkatiwalaan.
3u-c. Kinahapunan ng
Alas-dos ay nagkaroon ng maikling dasalan sa aming bahay na siyang kaugalian ng
mga Katoliko tuwing sasapit ang Kwaresma. Habang isinasagawa ang dasalan ay mataimtim kaming
nanalangin habang matibay ang aming pagpikit, may kung anong ispirito ang
nadama ko habang nakapikit kaya nanghilakbot ako at parang ang tahimik na
walang sinuman ang gugulo sa iyo. Matapos ang dasalan, gaan sa pakiramdam ang
namutawi sa buo kong pagkatao at parang relax lang ang isipan
kahit may problemang dadaan. Iba talaga kapag dama mo ang kapangyarihan ng
panginoon, para kang nasa langit at magiging maginhawa ang isipan at pakiramdam
mo. Hindi nanaman ako makalabas ng bahay pagkat umalis ang Mudra at
Kuya kaya paglalaro ng Tablet ang inatupag ko. Paglagom ng
kadiliman ay saka pa lamang umuwi sila Mama at naghapunan. Mga ikasampo na ng
gabi ako natulog.
March 15, 2014
Saturday
Year II-074
3u-d. Nawala na ang
aking sipon subalit pumalit naman ang pananakit ng lalamunan na tila nagbabadya
muli ang panibagong sama ng pakiramdam na huwag naman sanang maganap pagkat
magtatapos na ako. Kahit medyo masama pa rin ang timpla'y nagawa ko pa rin
maglaba't magbanlaw. Mukhang hindi marahil ako makakapagtuyo ng sinampay gawa
na nagtatago si haring araw. Sumilip naman ang haring araw kinalaunan subalit
panandalian lamang. Matapos magsampay ay saglit akong naupo at maya-maya'y
nagsulat. Pagsapit ng tanghali'y oras muli ng tanghalian, tamang-tama sa
kumakalam na sikmura kaya mabilis pa sa Alas-kwatro ang pagsugod ko sa
hapag-kainan, masarap sana ang pagkaing nilalantak sa bibig subalit hirap ako
sa paglunok gawa na masakit ang lalamunan. Upang hindi na lumala, idinaan na
lamang sa pagpapahinga.
3u-e. Mahaba na rin ang
buhok ko at sa takot na maukaan ay dali-dali akong nagtungo sa Barber
shop. Mukhang umaasenso na si Mang Usman pagkat
lumaki na ang kanyang Barber shop at gumanda pa,
may katulong rin siya sa panggugupit at may tagakulay rin ng buhok, para
tuloy beauty parlor na angshop niya at kinabog pa
ang beauty parlor ni Madam Lorie. Napatagal pa ako
sa kanila pagkat sarap katsikahan ni Mang Usman, open siya
kahit anong ikwento ko at di siya nauubusan ng bala. Maski sakit ng lalamunang
kanina ko pa nadarama'y nawaglit sa sarap at saya ng aming pag-uusap.
Maya-maya’y nagpaalam na ako sa kanya, ayaw ko pang umuwi kaya naisipan ko
munang magkumpyuter. Panay ang aking ubo't singa kaya bago ako umuwi'y bumili ako
ng gamot. Nagtungo pa ako sa bahay nila Cathy subalit wala
sila kaya tuluyan na akong umuwi.
3u-f. Pagkauwi’y Women's Volleyball tournament pala
na ginaganap sa MOA Arena sa pagitan ng Ateneo de Manila at Dela
Salle. Sa unang set ay naging dikit ang laban at kampante
akong Dela Salle ang makakapuntos pero hindi naman
pala at lumamang ng husto ang Ateneo. Ang gagaling tumira ng mga
manlalaro at iisipin mong hindi kakayanin ang ginagawa nila pero madalas
ay out. Sa huli'y Ateneo de Manila ang
nanalo't kawawa naman ang Dela Salle, kung sa bagay ay
sila naman ang nanalo sa kakatapos lang na Men's basketball tournament
and give chance to others naman. Patuloy akong sinisipon
kaya nanatili lang ako sa bahay at upang hindi mabagot, nagbasa na lamang ako
ng world atlas. Sa sama ng pakiramdam, maaga akong
natulog.
March 16, 2014
Sunday
Year II-075
3u-g. Matinding sipon na
nanlalagkit ang gumising sa akin, Alas-sais pa lamang at sa antok ay umidlip
muna pansamantala. Makalipas ang dalawang oras ng ako'y dumilat at matinding
sinag ng araw ang sumalubong sa matang kakadilat pa lamang, hinuhudyat ng
pagsisimula ng gawaing kay ganda at huwag sanang maging Ningas-kugon. Lapit na
ng aming Graduation day at ilang araw na lamang
ang nalalabi'y lilisanin ko na ang Batasan hills National
High School. Habang nakatingin at nagbibilad sa sinag ng araw ay humihiling
ako na maging maganda ang darating na kinabukasan ko't makakamit lamang kung
magsusumikap. Inaamin ko na pinahihintulutan ko ang katamaran at iniisip kung saang
bagay ako komportable kaya lahat ng naisip kong plano'y hindi kaagad natatapos
at nauudlot.
3u-h. Hindi ako naging
matiising tao kaya naging ganito ang kinahinatnan ko, parang walang kabuhay
buhay pero hangga't may buhay, may pag-asa kaya hangga't ako'y nabubuhay ay
gagawin ko ang lahat ng bagay na sa tingin ko'y ikagaganda ng kinabukasan ko. Siyempre’y kapag
nasa rurok ka na ng tagumpay, huwag kalimutang tumingin sa pinanggalingan dahil
walang pagpapalang matatamo ang taong nalulunod sa karangyaang ayaw ipamahagi
sa nakakababa sa kanya. Batid kong kapag ako'y nakapagtapos ng High
school, hindi ibig sabihin na tapos na ang hamon sa buhay, nagsisimula pa
nga at lahat ng iyan ay kakayanin basta't nandiyan ang Panginoon. Matapos
magmuni-muni sa sinag ng araw ay saka pa lamang humigop ng mainit na kape.
Daming hugasin sa lababo kaya naghugas ako. Magwawalis sana ako subalit hindi
ako pinayagan ni Mama dahil sa kalagayan ko. Ayaw ko ng walang ginagawa kaya
nilibang ko ang sarili sa paglalaro ng Tablet.
3u-i. Maya-maya’y
pagsusulat naman ang sunod kong inatupag. Naging mainit ang lagay ng panahon
dahilan kung bakit labis ang pagdanak ng aking manamis-namis na pawis. Hindi pa
ako nakakapag-agahan kaya diretso lamon ako ng sabihin ni Mama, kakain na. Matapos kumain,
ako'y pansamantalang nag-siyesta subalit gawa ng matinding init na
nararanasan kaya di kasarapan ang aking pagtulog. May balak sanang maglakwatsa
ngayong papalapit na ang bakasyon subalit sa takot na baka sipunin at mauwi sa
pagkakasakit ay nanatili na lamang ako sa bahay. Labis akong nababagot kaya
naisipan kong mag-access ng Internet gamit ang
mumurahing Tablet. Labis akong nawili sa pananonood ng comedy show sa Youtube at
kahit paano'y naging masaya ang buong araw ko kahit nakakulong lamang sa bahay.
Sa pagkahumaling ay iyon na ang naging gawain ko hanggang sa sumapit ang gabi.
3u-j. Kawawa na
ang Tablet sa kakagamit habang nagkakarga ng baterya kaya ng
oras muli ng kainan ay saka pa lamang ako kumain. Sarap talaga ng buhay ko,
upo, kain, tulog at pagkatapos ay maadik sa paglalaro ng Tablet,
may oras rin na gusto kong magsulat at iyan ang kadalasang gawain ko kapag
walang magawa. Habang masarap kaming kumakain ng hapunang pinaghirapang iluto
ni inay ay biglang sumagi sa aming pandinig ang audio voice,
marahil ay may Barangay meeting bukas subalit nagkakamali
sapagkat inanunsyo ng isa sa kasapi ng barangay ang ordinansang ipapatupad sa
aming baryo. Natutuwa kami sapagkat may curfew na mula
Alas-dyis hanggang Alas-kwatro kaya hindi na makakapaghasik ng kaingayan ang
mga kabataang tambay at isa pa'y madidisiplina rin sila pagkat bawal bumili ng
alak at sigarilyo ang wala pa sa hustong edad. Naging mapayapa ang gabi simula
ng ipatupad ang ordinansa. Ako nama'y sarap sa panonood ng telebisyon at muli ko
nanamang nailabas ang ngiping kay dilaw pero pantay ng manood ng Wow
mali pa rin at Gandang Gabi Vice, lumaki't sumakit ang
tiyan ko sa kakatawa. Maaga pa akong magigising bukas kaya kaagad ng natulog.
March 17, 2014
Monday
Year II-076
3u-k. Ngayong araw muli
ang aming practice para sa Graduation subalit
tinanghali mulo ng gising. Mga ikasiyam na ako nagtungo sa eskwelahan. Nadatnan
kong unti-unting lumalabas ang mga ka-batch mate ko
galing Covered court at hinintay ko pang lumabas ang aking
kamag-aral. Recess time na pala namin at kahit may dalang
kwarta'y sa kagustuhang makapag-ipon ay tiniis ko ang gutom. Maya-maya’y
nagtungo na kami sa Covered court upang
ipagpatuloy ang praktis.
Sa dami naming mag-aaral na magsisipagtapos ay talagang naging mahirap
sa amin ang kaharapin ang sitwasyon pagkat bukod sa siksikan ay mainit din ang
panahon. Bago kami magpaalam at umuwi'y umawit muna ng "Tagumpay Nating
Lahat" with action by section. Kaba't takot sa
dibdib ang nadama ko sapagkat hindi ko pa gasinong kabisado ang tamang
pagkompas ng kamay, upang hindi pagtawanan ay lumingon na lamang ako sa harapan
at ginaya sila. Naging matiwasay at maayos naman ang aming ensayo.
3u-l. Nanatili pa rin
ang bwisit at muhi ko sa ilan kong kumag na kamag-aral dahil sa ginawa nila
nung isang Linggo na labis kong kinimkim kaya diretso uwi na ako sa halip na
manatili pa sa silid na wala namang mahalagang gagawin. Naglakad lamang ako
kahit mainit ang panahon.
Hindi pa ako kumakain kaya matinding pagod at gutom ang inabot ko pagdating
ng bahay subalit hindi ko naibigan ang nakahandang ulam kaya nagdilihensya pa
ako. Nang wala mabili'y naisipan ko pang lumayo subalit wala talagang mahanap
kaya umuwi na ako. Nagluto na lamang ako't pagkatapos ay saka pa lamang kumain
at sarap na sarap. Antok na antok na ako kaya nagsiyesta muna. Malapit ng
sumapit ang Alas-sais ng ako'y magising at nadatnang walang tao sa bahay, muli
nanaman pa lang gumala sila Mama at kainis pagkat wala pang sinaing.
3u-m. Maski ate ko na
kagagaling lamang sa tulugan na mayroong panggabing trabaho’y labis na
nayamot pagkat wala siyang nadatnang kanin, buti na lamang at may luto ng ulam
pero di na makakain ang ate pagkat mahuhuli na siya, nagsaing pa ako't
pagdating nila Mama'y naging kasing init ng baga ang kanilang sagutan. Sa inis
ko'y maski ako'y di naiwasang masagot ang Mama. Tama bang basta na lamang
umalis ng wala pang nasasaing at isa pa'y kapag ako ang naglakwatsa'y matinding
sermon ang abot subalit tikom ang bibig kapag siya. Ayaw talagang patalo ni Ina
kahit mali na nga siya kaya nanahimik na lamang ako pagkat wala naman
patutunguhan ang aming bangayan. Kahit tag-init pa lamang at di pa tag-ula'y
dami ng lamok sa bahay kaya kamot ako ng kamot pagkahiga sa kamang kay lambot
pero magaspang. Kung kailan malapit ng magmadaling araw ay saka pa lamang
nakatulog. Sa totoo lang ay napagod ako dahil sa kakaputak na wala namang
napuntahan.
March 18, 2014
Tuesday
Year II-077
3u-n. Dakong ikalima na
ng madaling araw ng magising ang katawang lupang himbing sa pagtulog at
panibagong umagang kay ganda muli ang kahaharapin. Pagdating ko sa eskwela'y
nakita kong pumipila na sila patungong Quadrangle. Nakita ako
ni Sir Arnulfo at pinapunta niya ako sa pila, akala ko'y
papagalitan ako pagkat ako'y nahuli subalit naman pala. Sa School Quadrangle namin
ginanap ang practice ng Graduation sa halip
na sa Covered court. Matinding init ang aming sinapit
pagsapit ng ikapito kaya di maiwasang mamayong. Siksikan na nga'y ang haharot
pa ng katabi ko at pinagsabihan ko sila pero parang di ginagamit ang teyngang
ipinagkaloob at panay pa ang buka ng bibig at kampayan ng kamay na kala'y daig
pa ang binabae. Si Ibarra na naturingang Vice
President ng aming klase'y siya ang puno't dulo ng harutan. Dama ko na
ang sinag ng araw kaya namayong na rin ako.
3u-o. Makalipas ang
dalawang oras ng pansamantalang magpahinga sa ensayo't sila'y nag-isnak. Balak
ko ngayong mag-inquire sa Collegio de San Lorenzo kaya
sa halip na ipambili'y inipon ko na lamang sa aking pitaka para may pamasahe
mamaya. Saglit lamang ang recess at nagtungo agad kami
sa Covered court. May mga estudyante palang
galing Access College at laking tuwa namin ng
mapamahagian ng pagkain, mukhang makakalibre ako sa pagkain mamaya kapag
ginutom. Sa dami naming mag-aaral ay naging mahaba ang pila. Matapos nilang
mamahagi'y fliers naman ang ipinamigay at nanghikayat na
mag-aral sa Access College. Puro business at computer
lamang ang courses at walang Social and Behavioral
Science kaya wala akong balak mag-aral dun. Pagkaalis nila'y umakyat
naman si Sir Diego Amid at nagsalita. Lalo pang sumidhi ang tuwa sa
dibdib ng kami'y kanyang purihin.
3u-p. Matapos ang
ensayo'y kaagad na akong umalis at nagtungo muna sa Cebuana Lhuiller upang
isangla ang cellphone subalit di sila tumatanggap. Ilang pawnshop na
ang pinuntahan ko pero hindi talaga pwede kaya dumeretso na ako patungong Collegio
de San Lorenzo. Hindi ko kabisado ang patungo dun kaya pagdating sa Luzon
Avenue ay nagtanong-tanong pa ako sa mga tricycle driver kung
saan ang tamang sakayan. Nalito ako sa kanilang turan kaya umalis na ako.
Nilakad ko ang kahabaan ng Luzon Avenue hanggang
makarating ng Congressional at nagtanong muli sa isa
pang tricycle driver. Matapos niyang
magpaliwanag ay inihatid niya ako patungong Collegio de San
Lorenzo pero special at magbabayad pa tuloy ng
malaki, habang bumibiyahe'y tinuruan ako manong driver tungkol sa
pagbiyahe't may natutuhan naman sa kanya.
3u-q. Hanggang Visayas
Avenue lamang niya ako inihatid pagkat hindi na siya pwedeng bumiyahe
roon at naglakad ako't nagtanong tanong. Ilang sandali pa'y narating ko na
ang Collegio de San Lorenzo't ako'y
nag-inquire, bukod sa malawak ay De aircon pa ito and
the professors teaching their students by using technology,
parang masarap mag-aral sa eskwelahang iyon. Matapos mag-inquire ay
daglian akong umuwi. Pagdating sa bahay ay di ko sinabi kay Mama na nag-inquire ako
sa takot na maulanan ng sangkatutak na sermon kapag nalamang bumiyahe ako
mag-isa. Labis akong napagod kaya ako'y natulog. Pagkagising ay malapit ng
dumilim at ako'y nanood ng telebisyon. Hindi nanaman makatulog pagkat daming
lamok na namamapak ng dugo, marahil ay yummy ang dugo ko
kaya type sipsipin.
March 19, 2014
Wednesday
Year II-078
3u-r. Sa kasarapan ng
tulog ko at ganda ng aking napaginipan ay tinanghali muli ng gising, dahilan
kung bakit hindi ako nakadalo ng maaga sa practice ng Graduation.
Pagkabangon ay ikapito na ng umaga at ako'y kumain ng agahan. Matapos kumain ng
agahan ay pansamantala akong naupo. Habang nakaupo't yamang nag-uusap na kami
ni Mama, walang anu-ano'y ibinunyag ko na sa kanya na nag-inquire ako
sa Collegio de San Lorenzo at sinabi ko na ring BS Psychology na
ang aking kukunin. Sa halip na magalit ay natuwa pa siya pagkat marunong na raw
ako bumiyahe mag-isa at payag siyang ganong kurso ang aking kuhain basta’t
mag-aral ng mabuti. Dinagdagan niya ang aking allowance ng
ako'y patungo sa eskwela pagkat mag-i-inquire pa ako sa ibang
eskwelahan ng ako lang mag-isa. Pagdating sa eskwela'y saktong kakatapos pa
lang ang practice at masarap na kumakain ng snacks ang
aking mga kamag-aral.
3u-s. Maya-maya pa'y
nagtungo na kami sa Covered court at inensayo
ang Graduation song. Bago kami umuwi'y sinita lahat ng
may tatlong absent at binalaang hindi na makakapagmartsa kapag
nakaapat na, pasalamat ako't iisa pa lamang ang aking absent subalit
madalas ay nahuhuli naman ako sa pagdalo. Diretso biyahe na ako patungong Southeast
Asian College doon sa Mabuhay Rotonda.
Pagkababa’y pinasok ko ang Southeast Asian College ng walang
hiya-hiya't kaagad akong nagtungo sa may registrar upang mag-inquire subalit
ipinabatid sa akin na temporarily close ang Psychology,
sayang lamang ang ipinunta ko't wala namang napala. Ayaw ko pang umuwi kaya
naisipan kong magtungo sa Sangandaan, Novaliches, kung
saan kami dati naninirahan. Halos isang oras akong nag-abang ng masasakyan
patungo dun at sa wakas ay nakasakay na rin.
3u-t. Pagkababa’y halos
manlaki ang mata ko pagkat ang laki na ng pinagbago ng Novaliches sampung
taon mula ng lumisan kami. Naglibot-libot ako't luminga linga kung saan-saan,
bukod sa malaki ang pinagbago'y marami na ring mga gusali't estableshimento ang
nakatatag. Sa layo ng aking nilakad ay nagutom ako't bumili muna ng halo-halo.
Maya-maya’y nagtanong ako kung kilala nila ang dati naming kapitbahay. Sinabi
ng ale na dito sa kanilang baryo nakatira sila Ate Joan at Ate
Julie. Pagkarating ay halos di na nila ako makilala't maraming bagay kaming
nagpag-usapan. Sumunod ay kina Aling Iming naman ako
nagtungo't kamustahan kami. Nandoon din sila Kuya Iking, Ate
Dodoy, Kuya Dado at marami pang iba na dati naming
kahanggan at halata sa mukha nila ang pagka-miss sa akin, sampung
taon na ang lumipas magmula ng hindi kami magkita't maliit pa ako nun. Nakita
ko rin si Nonoy na binata na’t may kasamang barkada ng umuwi,
hindi niya rin ako makikila halos.
3u-u. Sa sarap ng aming
kwentuhan ay Alas-tres na ako umalis, sobra ko rin sila na-miss maging
ang dati kong mga kalaro na ngayo'y nagsilakihan na't may kanya-kanya na ngang
kasintahan. Ayaw ko pa talagang umuwi't naisipan pang dumalaw kila Tita Cleo.
Si Harvey, Angelle at Tito Lito lamang
ang nadatnan ko sa bahay at nagkwentuhan kami. Kahit nahihiya dahil bisita'y sa
kanila na ako nagmeryenda. Mga Alas-singko ng umalis ang Tito Lito patungong therapyat
isinama niya ako. Lingid sa aking isipin kung bakit ako isinama at pagdating
doon ay nagkita kami ni Tita Susan kasama ang mga matatandang
hindi ko lubos maintindihan kung bakit nakaupo ngayo'y sinasabing nag-ti-therapy na
raw sila. Maya-maya’y laking gulat ko ng paupuhin rin ako, di naman masakit ang
paa ko. Akala ko nung una'y para lang sa may Rayuma ang kanilang therapy pero
pwede sa lahat ng may sakit. Hindi na ako nakahindi pa't nanatiling umupo
sa black pad na dinadaluyan ng kuryente at di
naman kapani-paniwalang nag-ti-therapy na pala ako.
3u-v. Sa Therapy mismo
ko nakilala si Sir Nick, isang Therapist at
pinaniwala niyang nag-a-undergo na 'ko ng therapy ng
hawakan ko ang kamay niya't makuryente. Marami pa siyang ipinaliwanag at ako'y
talagang tutok na tutok. Naisip ko na maganda palang mag-therapy pagkat
pinapagaling nito kung anong sakit ang mayroon sa katawan at
nakakapagpalakas pa subalit hindi nila maipapangako iyon kung di
ipapagpatuloy, WAKI therapy ang tawag sa kompanyang
pinagti-terapihan ko. Bukod sa magaling at malinaw magpaliwanag ay parang mga
batikang komedyante rin sila kaya nama'y sayang saya ang mga pasyente maging
ako. Matapos ang therapy ay saka pa lamang ako umuwi't inabot
na ng gabi. Sinabi ko kay Mama na nagtungo pa 'ko sa pinag-alisan namin kaya
ako ginabi. Di naman siya nagalit at sa katunaya'y marami akong naikwento
tungkol sa dati naming kapitbahay at maski si Mama’y na-miss sila.
Sa haba ng biyahe't lakara'y karakaraka na akong natulog.
March 20, 2014
Thursday
Year II-079
3u-w. Mga ikalima na ng
madaling araw ng ako'y magising subalit nahuli pa rin ako sa pagdalo para Graduation practice at
lahat ng nahuli'y pinapila't pinaupo sa gilid. Pagsapit ng ikapito'y doon na
nagsimulang tumama ang sikat ng araw sa amin kaya naman di maiwasang mamayong.
Buti na lamang at nandoon si Jamella at nagkwentuhan kami.
Habang lumilipas ang bawat minuto'y unti-unti naming nararamdaman ang
nakakapasong sinag ng araw na halos ikatusta na namin. Ganito pala ang
kaparusahan sa mga estudyanteng latecomers, ang ibilad sa ilalim ng
sikat ng araw. Kung sa bagay maging ang mga estudyanteng nakaupo sa gitna ay
naarawan na rin kaya pantay-pantay lang. Kahit nasa gilid ng Quadrangle ay
nakaakyat pa rin ako sa stage, yun nga la'y doon ka muli uupo sa
gilid. Maigi na rin maupo sa gilid kaysa maupo sa gitna, siksikan naman at ang
haharot pa ng katabi ko.
3u-x. Makalipas ang
halos tatlong oras na nakabilad sa arawan, nagtungo kaming lahat maging ang
nasa gitna sa covered court at ipinagpatuloy namin
ang ensayo. Habang umaawit ng Graduation song ay
kanya kanyang kuha ng bidyo't na-pressure kami sa pagkumpas ng
kamay, sa bawat pagkakamali kasi'y baka batikusin pa ni Diego Amid at
di kami pagmartsahin. Maya-maya’y recess time na
subalit hindi ako kumain. Habang naglalakad papasok sa silid ay may isang
babaeng tumawag sa akin at ibinigay ang panyo, naiwan ko pala ang panyo.
Nandoon rin sina Gangang sa ikalawang palapag at
nakipagkwentuhan sa kanila. Saglit lamang ang aming pag-uusap at kaagad na
bumaba dahil may Graduation practice pa. Habang inaawit
ang Graduation song ay nagkaroon ng kompetisyon sa
pagitang ng mga babae't lalaki. Unang pinakanta ang lalaki, malaki't mukhang
nilalaro ang kanta, nagnumingning ang aking pandinig ng mga babae na, banayad
at mahina subalit anong ganda ang kanilang tinig.
3u-y. Inayos naman ng
mga lalaki ang pag-awit sa ikalawang pagkakataon, bilugan at malaki kaso
nagsasapawan. Sa bawat pagpiyok at nahuhuli ay may kantiyawang nagaganap at
mukhang mauuwi sa alitan. Sa huli'y naging maganda ang pag-awit na kaaya-ayang
pakinggan, may dating na animo'y pang high class pagkat
napipilitang pagandanhin kahit di naman magawa. Maya-maya’y uwian na't kasabay
ko si Aldrian. Laking tuwa't pasalamat ko kay Aldrian pagkat
nilibre niya ako sa pamasahe, nakatipid ako. Kaagad akong natulog pagdating sa
bahay. Nagising lamang ako ng gisingin ni Papa't sinabing bantayan raw ang kuya
pagkat paalis na siya't nasa palengke naman si Mama. Wala akong magawa kaya
nagkumpyuter ako. Ilang saglit pa'y dumating na si Mama at may dalang
pasalubong. Mga bandang Alas-tres ng magbihis at tumungo sa WAKI therapy,
di pa dumarating sila Tita Susan kaya naupo muna ako. Habang
nakaupo'y medyo minamalas ako pagkat natapon ang tubig, lumipat ako sa ibang
upuan.
3u-z. Makalipas ang
ilang saglit, dumating na sina Tita Susan at Tito Lito at
saka pa lamang nakapag-therapy. Si Sir Nick muli
ang naging presentor namin habang nakaupo sa Iron pad at
panay patawa siya. Parang itinuro na niya ang itinuturo ngayon at ganon talaga
sa tuwing may bagong salta. Lihim kaming nagkwentuhan ni Tita Susan at
makalipas ang trenta minutos ay natapos rin ang therapy. Di na ako
sumabay pa kila Tita Susan pauwi't nilakad ang
kahabaan ng Congressional Avenue hanggang sa makarating
ng Tandang sora Market. Di man lang ako napagod kahit malayo ang
nilakad subalit ako'y ginabi muli sa pag-uwi. Mabilis pa sa Alas-kwatro ang
pagbanat ng pagkain pagdating sa bahay pagkat matindi na ang kalam sa sikmura.
Habang nakaupo'y tamang nuod muli ng telebisyon. Maaga akong natulog pagkat
ayaw ko ng danasin muli ang init ng araw kapag nahuli.
March 21, 2014
Friday
Year II-080
3v-a. Pagkagising ay
sakit ng ulo kaagad ang aking nadarama, hindi ko kayang bumangon at lalo pang
nasakit kaya nagpasyang lumiban muli sa praktis ng Graduation. Marahil
ay nangyayari na ang improvement reaction na aking
pagti-therapy o dala lamang ng sipon na di mailabas. Bahagyang
nabawasan ang sakit pagsapit ng ilang oras at ako'y bumangon. Humigop ng mainit
na kape upang mainitan ang sikmura. Hindi muna ako masyadong nagkikilos kilos
at baka mapano pa. Maya-maya’y nahiga ako at bumangon kung kailan tanghalian
na. Hindi ko ibig lustayin ang oras na paupo-upo lamang at gawa na rin na
batong bato'y nanood ako ng telebisyon. Dami ko nanamang halakhak sa Baliwan Cinema at
kahit makulimlim ang panahon ay mukhang sisilip ang haring araw. Matapos manood
at gawa na inaantok na'y natulog ako. Himbing ako sa pagtulog ng gisingin ni
Mama't ikatlo na pala ng hapon.
3v-b. Magtutungo sana
ako sa WAKI Therapy subalit naudlot pagkat
katamaran ang umiral sa 'king katauhan. Wala akong ginawa sa maghapon kundi
maglaro ng Tablet. Mga ikaanim ng telebisyon naman ang naging
pampalipas oras ko't talagang sinubaybayan ko ang pagtatapos ng Annaliza,
akala ko'y mamatay ang character na si Annaliza sa ending at
kaluluksaan maging ang mga manonood subalit hindi pala't kasalan ang naganap
kaya di kapukaw-pukaw sa damdamin ang katapusin pero maganda naman. Sumunod
ay TV Patrol, sa panahon talaga ngayon ay kailangan ng
mag-ingat pagkat dami ng masasamang loob na nandurukot at marami na ring taong
humahamak sa katawan ng mga babae, kaya tayo dumaranas ng matinding kalamidad
dahil maraming masasama ang loob at marahil ay kailangan ng magbawas at
magsisi. Matapos manood ng telebisyon ay kaagad na akong natulog.
March 22, 2014
Saturday
Year II-081
3v-c. Tirik na ang
haring araw ng ako'y dumilat at dinig ko na ang malakas na tugtog ng kapitbahay
subalit ako'y nagkakamali pagkat nagpatugtog nanaman si Itay at halos ikayanig
na ng buong tahanan sa sobrang lakas. Pagkaalis ni Itay, mga kanta ko naman ang
aking pinatugtog, Sweet and solemn if you hear that's why
you'll enjoy my sentements song. Iyon nga lang pagdating ni ate'y kailangan
ng tumigil sa pagpapatugtog o pahinain pagkat siya'y matutulog, di na tuloy
masaya kapag wala ng tugtog kaya lumayas muli ako sa bahay at nagkumpyuter. Ano
ba 'tong mga kasamahan ko sa computer shop, di na
nahiya't nuknukan sa ingay, pwede namang mag-DOTA ng hindi
nagsisigawan at ang lulutong pang magmura, parang mga walang magulang at hindi
iginugol ang buhay sa pag-aaral.
3v-d. Sa ingay ay halos
marindi na 'ko. Buti na lamang at may naglakas loob na nagsaway kaya bahagyang
tumahimik. Sumunod ay kina Regine (Miano) ako nagtungo,
abalang-abala kay Baby Gian maging si Shiela na
panay alaga kay Valerie (Ocampo) kaya laking hanga ko sa
dalawa pagkat di sila pabayang ina kahit di pa husto ang kanilang gulang upang
mag-anak. Maya-maya’y biglang
dumating si Bernang black beauty at
babaeng di natitinag sa matinding sikat ng araw at nakipagtsikahan sa amin.
Sumunod ay kay kumareng Angelica naman ako nagtungo'y
nakipagpalitan ng kuro-kuro. Limang buwan na akong di nakagagawi sa kanila kaya
hindi nasilayan ang paglaki ni Baby Christian.
3v-e. Habang kami'y
maligayang nag-uusap may pamilyar na tinig ang dumaplis sa 'king pandinig at
tinatawag ang pangalan ko. Si Cathy pala ang natawag pero di
ko marinig ang sinasabi niya kaya nagtungo na ako sa kanilang bahay. Masaya
nanaman si Ate Ging dahil gumawi muli ako sa
kanila lalo na si Jaka na hindi mapagsidlan ang mukha sa tuwa.
Ngayong araw pala ako mag-i-inquire sa Our Lady of Fatima
University para sa kursong BS Psychology kaya
di na ko nagtagal pa sa kanila. Pagdating sa bahay ay sinabi sa akin ni mama na
hindi na pupwedeng mag-inquire pagkat half day lamang
daw sila tuwing Sabado, sa ibang araw na lang tuloy ako mag-i-inquire pagkatapos
grumadweyt. Mukhang tinanghali
ako ng pag-uwi.
3v-f. Pagsapit ng ikatlo
ng magtungo muli ako kasama si Mama sa WAKI therapy. Naging mainit ang panahon kaya
tinamaan ng kaartehan si Mama habang naglalakad kami subalit tila ayos lang sa
paa ko kahit malayo, exercise pa nga. Makalipas ang ilang
saglit ay narating na namin ang Northridge Plaza. Di pa
dumarating sila Tita Susan kaya di muna kami nag-therapy.
Upang hindi mainip sa kakahintay, nagtungo kami sa National Bookstore at
nagtingin-tingin. Si Tita Susan lamang ang
dumating at ipinabatid sa akin na pumanaw raw ang kapatid ng Tito Lito na
si Tito Marino kaya wala ito. Sabay kaming tatlo sa therapy at
si Ma'am Grace ang nagturo, mukhang baguhan lamang
pagkat madalas ay nauubusan ng sasabihin.
3v-g. Makalipas ang
tatlumpung minuto'y natapos rin ang aming WAKI therapy at kasama namin ang Tita Susan sa
paglalakad. Si mama na kaninang ayaw maglakad ng malayo'y tila nagbago ang ihip
ng hangin at habang kasama ang tita'y may mga bagay kaming napag-usapan.
Pagdating sa Tandang Sora Market ay
saka pa lamang kami naghiwalay at dama ko na ang pagkalam ng sikmura kaya bago
umuwi'y kumain muna kami sa KFC.
Sa sarap at crunchiness ng manok, naparami ang kain ko kaya
pagtayo't biyahe'y halos ikamatay ko na ang pagkabundat. Sa tindi ng kabusugan
ay di na 'ko nakapaghapunan pa sa bahay at nanood na lamang ng telebisyon. Ang
ganda't interesadong panoorin ang kwento sa Magpakailanman pagkat
tungkol iyon sa taong tinakasan ng bait. Kawawa naman siya't dahil sa
kabaliwa'y lahat ng mahal sa buhay ay iniwan siya, gusto ko siyang tulungan
subalit di pa ko ganap na Psychologist. Hindi ko alam kung bakit
ganung kurso ang napili ko, di ko naman hilig pag-aralan ang pag-uugali ng mga
tao pero gusto kong makatulong lalong lalo na si Kuya na may kapansanan.
March 23, 2014
Sunday
Year II-082
3v-h. Sa sarap ng aking
tulog ay halos mag-ikasiyam na ng umaga ako dumilat at gising na ang lahat ng
aking kasamahan. Matapos kumain ng agahan at gawa ng kakabatong nakaupo lang sa
matigas na silya'y kumusa akong maghugas ng plato. Sumunod ay paglilinis sa
ilalim ng katre ang ginawa ko, maraming bulto ng alikabok ang aking nalikom at
sinipon ako ng husto pero ayos lang kaysa naman nakaupo ka nga, binubukbok
naman ang katawan at dapat ko rin gamitin ang malaking katawan sa pagbubuhat ng
kargamento. Pakiramdam ko'y sinisipag ako't marami pang bagay ang makakayang gawin.
Matapos maglinis ay nagtungo na ako sa computer shop.
Wala pa ring pagbabago at kahit saan ako magtungo'y madidinig mo ang
nakakabinging bulahaw at tinig, pwede namang mag-usap ng mahina't bakit
kailangang pasigaw pa, parang nagyayabang lang.
3v-i. Matapos
magkumpyuter ay nagtungo ako kina Aldrian at pinag-usapan ang
tungkol sa eskwelang papasukan. Ang kaninang seryosong pag-uusap, nauwi muli sa
biruin kaya napatagal ako sa kanila, iba talaga ang mararanasang emosyon kapag
si Aldrian ang kausap, matalino na nga, magaling rin
magpalabas ng pangil.
Tinanghali muli ako ng uwi kaya naman nasermunan ni Ina subalit
panandalian lamang pagkat di ko siya sinagot. Natulog muna ako at mga ikatlo ng
hapon nagising. Kaagad na akong nagbihis maging si Mama pagkat may therapy pa
kami, kahit sa palagay kong wala namang pagbabago sa ilang araw kong pag-undergo ng therapy ay
nakasisigurado ako't umaasang gagaling kung anumang sakit ang aking taglay.
3v-j. Pagdating sa Northridge plaza,
gaya ng nakagawian ay nagtungo muli kami sa Book store at
nagtingin-tingin ng mga librong napakakapal. Maya-maya'y umakyat na kami
subalit di muna kaagad pumasok sa WAKI Therapy Center pagkat
hinihintay pa namin si Tita Susan. Pagdating ng tita'y
saka pa lamang kami nagsumite ng card at naupo sa iron pad.
Si Sir Renan naman ang naging presentor namin
at dahil bakla, naging masaya ang kanyang pagtuturo at lalo kaming na-eenganyo.
Pagkaalis at bago sumakay sa dyip ay laking tuwa ko kay Tita Susan pagkat
binigyan niya ako ng pera, hindi ko lubos malaman kung bakit ang bait niya sa
akin simula pa ng musmus pa ako at magaan ang loob ko sa kanya, parang siya
yung ikalawang ina ko sa buhay.
3v-k. Habang kami'y
nakasakay ng Mama sa tricycle ay medyo di ako pinapalad pagkat
nabangga ang aking paa sa isa pang tricycle ng prumeno ang
manong tsuper, buti na lamang at di matindi ang aking natamo, ingat-ingat na
lang sa susunod para iwas disgrasya. Pasalamat ako kay God pagkat
nakakalakad pa 'ko. Saka pa lamang kami naghapunan
pagdating sa bahay at sinamahan na rin ng panonood ng telebisyon. Masaya muli't
may kasamang ningning ang gabi ko ng manood ng Gandang Gabi Vice,
matindi ang patutsada't pang-ookray ni Vice Ganda sa
kanyang guest at doon ako natatawa. Sa kadahilanang may Baccalaureate mass pa
kami bukas ng Alas-otso, mga ikalabing isa na ako natulog.
March 24, 2014
Monday
Year II-083
3v-l. Malapit ng
mag-ikawalo ng magising ang aking katawang lupa mula sa mahimbing na pagtulog,
ang masama nga'y hindi na ako nakadalo pa Baccalaureate mass pagkat
tinaghali na ng gising. Diretso kain ng agahan at pagkatapos ay gawaing bahay
ang ginampanan ko. Sa dami ng aking ginawa'y may anung pagod ang bumalani sa
buo kong katawan na siyang dahilan na pansamantala kong pagpapahinga. Habang
sarap ako sa pag-upo'y tinanong ako ni Mama kung Psychology na
ba ang kukunin kong kurso. Wala ng agam-agam sa dibdib na ganung kurso na ang
kukuhain ko't wala ng bawian. Sa Collegio de San Lorenzo sana
ako mag-aaral malapit sa aking pinagteterapihan subalit hindi pumapayag si Mama
kahit kumbinsihin ko pa pagkat malayo raw.
3v-m. Maya-maya’y
paglalaro ng Tablet ang naisipan kong gawin at makalipas ang
ilang oras ay kainan na at pansamantala ko iyong itinigil kahit humaling na
humaling na. May balak sana kami
ni Mama pumunta ng therapy mga ikalawa ngunit inaantok ako't
sinabing sa ikalima na lang, nagdesisyon si Mama na ako na lamang ang magtungo
sa WAKI Therapy. Mukhang makulimlim ang panahon na hinuhudyat na
babagsak ang milagrong tubig na magwawakas sa init na nararanasan, ilang saglit
pa'y bahagyang umambon. Pagkagisi’y di lang ambon kundi sumusungit na ang
panahon. Sa kagustuhang gumaling ay di ako patinag sa malakas na ulan at
nagtungo pa rin sa WAKI therapy.
Halos magmukhang basang sisiw pagdating sa Northridge Plaza't matinding
lamig ang sumalubong sa 'kin. Wala pa ang Tita kung kaya't nagtungo muna ako
sa national bookstore at nagtingin tingin ng mapa.
3v-n. Pagpatak ng
ikalima'y saka pa lamang dumating si Tita't kami'y tuluyan ng sumailalim
sa WAKI therapy.
Sa oras na magdikit ang siko'y tila may kumukuryente sa 'kin at si Sir Nick muli
ang presentor namin.
Matapos ang therapy, nagtungo kami ni Tita Susan sa
kabilang kwarto at nagpamasahe naman gamit ang makina di kamay. Sa una'y
nakaka-relax ang paghagod sa likuran subalit habang tumataga'y
unti-unting dumidiin kung kaya't di na masarap kundi nasasaktan na ako. Gusto
ko na sanang umalis sa kinauupuan subalit kailangang tapusin at may takot sa
dibdib sa t'wing hihipuin ni Sir Bryan pagkat baka
ako'y makuryente pero di naman pala, kada tanong niya at kapag sumasagot ako'y
palaging may pabanat na punch lines kaya labis ang
aking paghalakhak.
3v-o. Si Tita Susan nama'y
kanina pa ang pagtawa. Maya-maya’y biglang nagsidatingan si Ma'am Grace at Ma'am Mary Jean at
nakisali sa aming lokohan, ang lakas talaga mang-trip ni Sir Bryan at
dami niyang tanong na akala'y iniimbestigahan ako, maski nga kung sino raw
syota ko'y di nalimutang tanungin.
Hiyang hiya ako sa sarili ng ipagmalaki ako ni Tita Susan sa
kanila't kita ko sa mukha nila ang tuwa sa 'king ipinapakitang kakayahan,
pakiramdam ko'y ang tali-talino kahit hindi naman. Sa sarap ng aming usapan at
pagkakatuwaa'y di namalayang Alas-sais y medya na't kailangan na namin umalis.
Maulan pa rin sa labas at naging pahirapan ang biyahe dahil bumabaha. Summer season na't
pero iba ang ulan itong buwan. Hindi naman ako gasinong nabasa pagdating sa
bahay at diretso nuod ng paboritong programa matapos kumain. Maaga nanaman
magigising bukas para sa huling ensayo ng Graduation kaya
kaagad na kong natulog. Malamig nga ang gabi subalit di makatulog pagkat panay
ang kagat ng mga pesteng lamok.
March 25, 2014
Tuesday
Year II-084
3v-p. Sa pagkasabik ko
para sa huling araw ng aming pag-eensayo'y napaaga ang aking gising. Tumila na ang
ulan at mukhang sisikat na ang araw, magandang oras upang makapag-ensayo ng
ayos. Maliwa-liwanag na ako ng makaalis at buti na lamang at may kasabay ako sa
pagpunta sa eskwelahan. Sa takot na mabilad muli sa arawa'y may pagmamadali
kaming apat sa paglalakad hanggang sa marating ang Covered court kung
saan gaganapin ang huling Graduation practice. Habang
di pa nagsisimula ang practice ay may mga masasaya't
nakakatawang eksena ang ipinakita sa screen projector habang
kami'y nagpapraktis, may ilang natutulog, naghahampasan, nagtsitsikahan at
marami pang akward na stolen shuts ang
ipinakita. May ilan rin sa 'king kamag-aral ang na-stolen shuts at
panay ang aming paghalakhak. Lalo ko pang mami-miss ang Batasan dahil
sa ipinapakita nilang masasaya't di malilimutang sandali bilang High school student.
3v-q. Buti na lamang at
di ako nakunan ng litrato, kundi ay sangkaterbang pang-uukray mula sa
mapamintas kong kaklase ang aanihin.
Matapos ipakita ang akward but unforgetable moments sa screen projector,
nagsimula na ang aming ensayo ngunit di na aakyat sa stage kundi
kakanta na lamang. Habang umaawit ay doon ko narinig na may ibubuga sila sa
kantahan at buo na di pumipiyok o nababasag kahit mataas. Hindi man lang ako
kinakapos sa hangin o pumipiyok na dati'y madalas mangyari sa t'wing nakanta,
marahil ay dulot na ito ng pagsailalim ko sa WAKI therapy.
Matapos mag-ensayo'y nagtungo muna kaming lahat sa silid at isa-isa kaming
binigyan ni Sir Arnulfo ng ribbon. Bukas na
ang Graduation day, hudyat na pagtatapos namin sa
pag-aaral alinsabay na rin ang paghihiwalay sa kamag-aral na naging malapit
sayo kaya puro yakapang mahihigpit ang nakikita ko na kala'y hindi na magkikita
o lilisanin na ang mundong ibabaw.
3v-r. Ang iba ko naman
kaklase, hinahayaang sulatan ng lagda ng kamag-aral ang kanilang malinis
na T-shirt, hindi lang sa kaklase ko iyon ginawa maging sa
iba't ibang section. Bawat lagda kasi'y yun ang kanilang remembrance.
Yaman at ginagawa na rin ng halos lahat ng aking kamag-ara'y gumaya na rin ako.
Babuy babuy na ang damit ko sa dami ng sulat pero ayos lang kung sa pamamagitan
nu'y iyon ang magpapaalala sa aming pinagsamahan. Talagang sinusulit na nila
ang nalalabing oras na magkakasama. Pauwi na sana kami ng biglang pumasok
si Sir Balbin at isa-isang ibinigay ang diploma para
sa awarding sa TLE.
Kumpiyansa na'ko sa sarili na walang award matapos akong
bumagsak ng first grading pero nagkakamali't
pagkat isa rin ako sa nabigyan. Abot langit ang aking saya.
3v-s. Habang naglalakad
ay sakto kong nakita sina Jenny mae na mukhang may
pupuntahan. Inudyok nila akong sumama sa Ever at kaagad akong
pumayag pagkat iyon na ang huling araw na magba-bonding kaming
magkakaibigan, graduatee student kami kaya ingat
ingat na lamang mula sa takaw aksidente. Ang inakalang pupunta sa Ever
Gotesco Mall, di naman pala't nakita kong humihithit ng sigarilyo si Noemi.
Hindi ko alam kung ipapagpatuloy ko pa ba ang makisama sa kanila, ngayo't
nabatid kong puro kabalukyutan ang kanilang pinagkakaabalahan kaya maigi ng
umuwi na lamang at baka matulad ako sa kanila na patapon ang buhay. Kinahapunan
ng magtungo muli ako sa Northridge Plaza. Hindi pa
dumarating ang Tita Susan kaya pumasok muli ako
sa national bookstore. Pasok ako ng pasok pero di naman
nabili ng items.
3v-t. Maya-maya’y
dumating na nga si Tita Susan at habang di pa
nakasalang ay tinanong ako kung sasama ba 'ko patungong Quezon upang
makiramay sa burol ng Tito Marino. Hindi pa 'ko nakakapunta sa
lalawigang iyon sa tana ng buhay kaya kaagad akong pumayag. Naging kakwentuhan
rin namin si Ma'am Mary Jane habang di pa
natatapos ang WAKI therapy ng
ibang batch. Maski siya'y natatalinuhan sa 'kin at labis niya 'kong
pinuri. Sa daldal kong ito'y di maawat ang bibig sa pakikipagkwentuhan sa
kanya. Tumigil lang ng kami ni Tita ang isasailalim sa therapy.
Kahit ayaw ko ng tanggapi'y binigyan muli ako ng pera ni tita't napakadakila
niyang tiyahin. Bukas na ang aming Graduation at habang
papalapit ang oras ay lalo pa akong nanabik. Mga Alas-tres pa kami magigising
kaya lalo ko pang inagahan sa pagtulog. Goodbye high school life and to
all my classmates, teachers, Principal, classrooms and most of all
my second shelter, Batasan Hills National High School.
March 26, 2014
Wednesday
Year II-085
3v-u. Sa sobrang
pagkasabik sa araw ng aking pagtatapos bilang high school,
mas maaga pa sa Alas-tres ang aking paggising. Di na ko inaantok pa't naupo
muna. Maya-maya’y si Mama naman ang sunod na nagising at nagluto ng agahan.
Bawal kasing kumain kahit gutom habang isinasagawa ang Commencement exercises kaya
kaagad na naming nilamnan ang sikmura. Wish ko lang na sana'y
makulimlim pagkat sa School Quadrangle gaganapin ang
martsa. Sa tana ng bilang buhay estudyante'y ngayon lang ako gragradweyt na di
nakasuot ng Toga, ang mahalaga'y nakapagtapos na hinuhudyat na
nalampasan mo na ang lahat ng hamon sa buhay. Sabi nga nila, kapag may tiyaga,
may nilaga. Madilim-dilim pa lang ng makarating kami ni Mama sa eskwelahan.
Kaliwa’t kanan na rin ang mga naglalako ng Coursage na
isasabit o ididikit sa uniporme. Bago pumasok ay nagpakabit muna kami ng Coursage at ribbon.
3v-v. Maya-maya’y
pumasok na kami't pinapunta lahat ng estudyante sa covered court.
Ako pa lang ang nandoon at ni isa kong kaklase'y di ko pa maaninag. Ilang sandali'y
si Patrick pa lang ang nakikita ko at sa huling pagkakataon ay
nag-usap kami. Kasabay ng paglipas ng oras ang pagdami ng estudyante't umiingay
na. Bago magsimula ang Commencement ay nagyakapan, beso-beso
ang mga kamag-aral ko't saksakan kami sa ingay, lahat ng gustong sabihin
hangga't may oras ay kailangan ng sambitin. May nagbigayan rin ng letter at remembrance,
grabe't tila mahal nila ang isa't isa, hindi pa handang mawalay. Maliwaliwanag
na ng magsimula ang seremonya.
3v-w. Matapos angflag ceremony at prayer,
isa-isa kaming tinawag upang umakyat sa stage. Sa dami naming
mag-aaral, ikapito na ngunit matatagalan pa bago ang seksyon namin. Maya-maya’y
dumating na ang panauhing pandangal na sila Joy Belmonte, Star Valmocina at Winnie Castelo,
ngunit di pa dumarating si Herbert Bautista. Pansamantalang
natigil ang pagmartsa ng magtalumpati si Winnie Castelo.
Nakakabigay ng inspirasyon ang kanyang sinabi't laking tuwa namin dahil labis
niya kaming ipinagmalaki. Ang inakalang makulimlim ay nagkakamali pagkat
sumilip ang haring araw, magtatapos na nga lang ay tila parusa pang mabilad sa
araw. Napakainit ng sinag subalit tiniis ko iyon at halos maligo na sa sariling
pawis, yung iba'y di mapigilang mamayong at mamaypay, sa init ba naman ng
panahon at itong Graduation day ang di ko
malilimutan na nabilad sa arawan.
3v-x. Natigil muli ang
martsa ng si Joy Belmonte naman ang magtalumpati,
di kaaya-aya ang kanyang tinig ngunit nakakapagbigay din ng inspirasyon, bukod
dun ay inilahad niya ang naging buhay bago siya maging Vice Mayor. Rags
to riches. Tumitindi na ang sikat ng araw subalit di pa kami natatawag. Maya-maya’y kami na
ang nagmamartsa, overpressure ako sa pag-akyat not overwhelm kaya
mukha ni Herbert ang naipakita ko sa Diploma sa
halip na pangalan ko, di pa siya dumarating. Marahil ay masaya ang magiging Graduation kahit
tusta na ang balat kapag dumating si Noynoy, wish ko
lang. Matapos ang martsa, makapagbagbag damdamin namin inawit ang "Tagumpay
nating lahat", yung ilan pa nga'y naging emosyonal. Bago mag-uwian, nagkuhaan
muna kami ng litrato at kakikitaan sa mukha ang pagkalumbay, ganun talaga ang
buhay estudyante, kahit ayaw mo pa'y kailangan ng lisanin, panibagong kabanata
nanaman bilang buhay estudyante ang kakaharapin. Ayos lang iyan kung kapalit
nama'y magandang buhay.
3v-y. Salamat sa
maykapal pagkat nairaos ko rin, saka pa lamang kami ni Mama kumain pagkauwi't
naging simple lang ang handa.
Maya-maya’y laking gulat ko ng biglang sabihin ni Mama na madaldal raw
ako at ipinapamukha niyang wala akong karapatang magsalita, dahilan kung bakit
nagsagutan kami ng matagal. Wala namang magandang patutunguhan ang
bangayan kaya di na ko umimik. Sa pagod, matapos kumai'y natulog muna ako.
Kinahapunan ng magtungo kami ni Mama sa WAKI therapy. Hinintay muna naming dumating
ang tita't pagkarati'y ipinabatid niya sa akin na sa Biyernes na raw kami
tutulak sa Quezon. Kasabay namin si Tita sa pag-uwi't walang pagod
kami naglalakad habang nag-uusap, naghiwalay lang kami ng nasa Tandang sora bayan
na. Batid kong ang pagtatapos ay di tanda ng pagtatapos na rin ng pakikibaka sa
buhay, bagkus ay simula pa nga ng mas matindi pang hamon at handa akong
kaharapin iyon sa tulong ng Panginoon. Maligayang pagtatapos at nawa'y makamit
ang magandang bukas na naghihintay.
March 27, 2014
Thursday
Year II-086
3v-z. Sumapit na ang
madaling araw subalit di ako makatulog pagkat daming lamok pa rin ang
nagliliparan at walang habas kung mamapak ng dugo. Mga ikalawa ng madaling araw
na ako nakatulog at ikaanim naman nagising. Sa aking paggising ay bigla kong
naramdaman ang pananakit ng tiyan at dali-daling napasugod sa banyo. Medyo
guminhawa ang pakiramdam ko matapos magbanyo subalit maya't maya ang pagdumi
ko, marahil ay isa rin ang LBM sa improvement reaction sa
ilang araw kong pagsailalim sa WAKI therapy. Maigi na ring madalas
dumumi, atlis ay nailalabas ang toxic waste kaso
pagsapit ng tanghali'y bigla akong nakaramdam na tila nanghihina, upang hindi
mauwi sa dehydration ay wala akong ginawa kundi uminom ng
tubig. Hindi ko makayang umupo ng matagal kaya madalas akong nakahiga, mukhang
di ako matutuloy sa pagsama kila Tita Susan patungong Quezon,
batid kong lalakas rin basta't itulog lang kaya saglit akong natulog.
3w-a. Pagkagisi’y may
nalutong Spaghetti si Mama at kahit masarap na manamisnamis ay
kakarampot lang ang kinain ko, di ko lubos malaman kung ano ang diperensya sa
katawan at parang nawawalan ng ganang kumain. Ilang saglit pa'y napasugod muli ako
sa banyo at upang matigil na ang pagdurumi, nagpasya ng uminom ng gamot. Hindi naman
ako magkakasakit kaya matutuloy pa rin ang pagsama ko sa kanila patungong Quezon,
di ako nagpahalata kay Mama't Papa na may nararamdamang di maganda at baka di
nila ako payagan. Habang nakaupo'y biglang ipinaalam ni Mama na nawawala ang
aking card para sa therapy, halos manlumo ako't di
ko alam ang gagawin, panibagong problema nanaman ang kakaharapin at baka di ako
makapag-therapy.
3w-b. Kahit nakakaranas ng malimit na pagdumi, mga
bandang Alas-tres ng magsimula akong mag-impake't tinulungan ni Mama. Ang bigat
ng aking bagahe na mukhang di lang probinsya kundi sa abroad tutungo,
medyo nanghihina pa ako subalit sa kagustuhang makasama'y nakaya ko pa ring
pasanin ang napakabigat na bag. Nilakad ko ang kahabaan ng Luzon habang
pasan ang mabigat na bagahe at matinding pagkahapo ang aking naramdaman
pagkasakay sa dyip. Kaagad akong bumili ng card kay Ma'am Mary
Jane pagdating sa Northridge plaza bilang
kapalit sa nawawala kong card, sa bait niya'y pumayag naman ito.
Hinintay ko muna siTita Susan bago ako sumailalim sa therapy,
maya-maya'y dumating na nga siya.
3w-c. Matapos ang therapy ay
sumabay na ako sa kanya sa pag-uwi sa Novaliches at kina Tita
Cleo ako pansamantalang tumuloy. Si Kuya Darrel at Angelle lang
ang nandun. Nag-usap kami ni Kuya Darrel at bawat
pahirit kong jokes ay nagagawa nitong tumawa. Ilang sandali
pa'y dumating na rin si Harvey na mukhang kagagaling lang
sa computer shop. Ang tipid naman nila sa paggamit ng
kuryente pagkat sabay na gumagana ang telebisyon at computer,
may refrigerator pa, laki siguro ng billnila
buwan-buwan. Si Tita Cleo nama'y panay ang tanong
sa 'kin kaya napaparami ang kwento ko't nalilimutan ng maghapunan. Maaga pa
kami magigising bukas kaya maaga akong natulog, sa ingay ni Harvey at Angelle na
humaling sa paglalaro'y nahirapan ako sa pagtulog.
March 28, 2014
Friday
Year II-087
3w-d. Sarap sana ng
pagtulog ko sa komportable't malambot nilang kama ng biglang gisingin na
ni Tita Cleo, Alas-kwatro na pala at gising na ang
kasamahan ko patungong Quezon. Kumukulo nanaman ang tiyan ko kaya
bago umalis ay nagbawas muna ako, puro hangin lamang ang nalabas. Kasama ko ang
Tita Susan, Tita Cleo at Angel patungong Quezon at
maiiwan sila Kuya Darrel at Harvey pagkat
may inaasikaso pa raw sa paaralan. Maliwa-liwanag na ng umalis kami sa bahay at
sa dami't bigat ng dalang bagahe na mukhang pang-isang linggo ang pamamalagi,
halos ma-overload na ang Taxi, buti na lamang at kaya
pa ng gasolina. Nanumbalik na ang dati kong sigla kaya di man lang ako napagod
sa pagbubuhat ng mga bagahe papasok sa bus. Medyo kinakabag lamang
ako kaya madalas ay nauutot.
3w-e. Grabe ang daloy ng
trapiko sa EDSA,
kahit maluwag ay di pa rin sapat upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng
trapiko, usad pagong tuloy kami at upang di mainip ay tiningnan ko ang mga
nagtatayugang gusali't kinuhaan pa ng litrato, dapat isa sa maging proyekto ng
pangulo ang paluwagin ang daanan ng EDSA upang
sa gano'y di naiipit ang mga biyaherong magbabakasyon sa mabigat na trapiko.
Saka lang nakausad ng mabilis ng nasa South Supper Highway na
kami. Habang nabiyahe'y
wala akong ibang ginawa kundi tumingin sa mga lansangang aming binabagtas.
Inabot kami ng limang oras sa biyahe bago marating ang Lucena, bago
kami magtungo sa bahay ng pumanaw na Tito Marino'y dumaan muna kami sa bahay
nila Tita Melca at doon na nananghalian.
3w-f. Sa sarap ng
piniritong isda't Pinakbet, nawalan ako ng hiya sa paglamon ng marami.
Maya-maya’y biglang naalala ni Tita Susan na
naiwan niya ang bagahe sa bus kaya todo alala kami. Habang nag-uusap
silang mga matatanda'y naupo naman kami ni Angelle sa labas at
nakinig ng awitin. Dakong Ala-una na kami umalis at tumulak na patungong General Luna.
Naging napakatagal muli ng biyahe bago namin marating ang General Luna,
pataas-baba ang daanan at madalas ay pa-zigzag. Dakong Alas-kwatro na
kami nakarating sa bahay ni Tito Marino. Pagkarating
doon ay kita ko kung gaano kahirap ang kanilang kalagayan sa bahay pa nga lang.
Walang semento o tiles man lang ang kanilang sahig kundi lupa
mismo ang apakan subalit may dalawang katre sila.
3w-g. Samantalang kasing
laki lamang ng kwarto namin ang kusina at yari lamang sa yantok at
pinagtagpi-tagping yero ang bahay. Pagkalapag ng bagahe'y kaagad akong
nakipagkilala sa mga pinsan ko, doon ko nakilala si Meryll, Lowell at Ate Mae na
kapwa malapit na kamag-anak ni Tito Marino. Matapos kong
makipagkilala'y lumabas ako't kahit hayop ay laking awa ko ng makitang
kinakatay ang baboy. Kahit mahirap ang kanilang pamumuhay ay masaya naman,
masayang kausap sila Meryll at kakikitaang wala sa kanila
kahit dumanas ng paghihirap. Naupo ako katabi ng kabaong ni Tito Marino.
Ilang saglit pa'y biglang bumuhos ang ulan. Maski mga matatandang nakaupo'y
nakipagkilala rin ako't matagal na pala akong kilala niTita Letty at Tita Lennie nung
musmus pa raw ako. Bukod sa mga matatandang naglalamay ay may bata rin at
nakipagbugtong pa ako sa kanila, kada may tanong ako'y alam nila ang isasagot
lalo na si Paco pero malokong bata.
3w-h. Pagsapit ng
Alas-Sais at sa pagod ay natulog muna ako subalit saglit lamang pagkat ang
ingay. Habang nakaupo sa sala katabi ang Tita Susan ay
may matandang tila tinakasan ng bait ang kausap nina Meryll,
si Lolo Kabakab raw siya't nanghihilakbo ang
kalooban ko nang ako'y kausapin niya, pasigaw at kung ano-ano ang sinasambit,
parang laki ng kasalanan ko kung makasigaw sa 'kin, ganun raw siya tuwing
malalasing. Pagkaalis ng matanda, inalam ko kay Tita kung sinong matandang
iyon. Habang lumalalim ang gabi'y ang unti-unting pagbagsak ng mata't sa dami
ng mga batang natutulog, naging pahirapan sa amin ang makahanap ng matutulugan,
ganito pala sila sa Quezon tuwing tulugan, ang hirap at
malasardinas na ang sitwasyon. Upang di antukin ay nagkwentuhan muna kami. Maya-maya’y pumasok na sila Ate Ivy at Kuya Jasper at
sila'y nakisali, lalo ko pang naramdaman ang saya dahil sa kanila. Hindi na
sana ako matutulog pagkat walang matulugan subalit napupungas na 'ko, gumawa
ako ng paraan upang makatulog. Kumuha ako ng tatlong upuan at pinaghilera,
kahit di komportable't sakit sa likod ang higaan, nagtiyaga na lamang ako,
makatulog lang. Bag na kay tigas ang nagsilbing unan ko. Di naman
ako makatulog pagkat malamok at malamig.
March 29, 2014
Saturday
Year II-088
3w-i. Kahit mahirap ang
kanilang kalagayan, nanatili pa rin silang nakangiti yung ilan sa mga
nakahalubilo ko, malungkot lang siyempre pagkat may patay. Pagkagising ay
nangawit ng husto ang paa sa kakabaluktot, haba kasi ng kalis ko kaya di
makaunat at limitado lang ang haba ng aking hinihigaan. Bukod sa nangangawit,
sa tagal na di gumagalaw ay sumakit ang likod ko. Kaagad na akong bumangon
upang mabatak ang katawan. Lumabas ako't naglibot-libot. Dahil magubat, puro
huni lamang ng ibon ang mauulinig at kay gandang pagmasdan ang kapaligiran.
Matapos kong maglibot libot ay bumalik na ko't saka nag-almusal. Habang
ngumunguya, sa tigas ba naman ng karne'y biglang sumakit ang ngipin, tumigil
ako sa pagnguya. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya ng di na malasardinas
ang higaa'y nagkaroon ako ng pagkakataong makatulog ng maayos.
3w-j. Sarap ako sa
pagtulog subalit sa harot nila Henson at Merilou,
nagising ako. Panay arung-ungan ang dalawa hanggang sa magkapikunan na. Ngayong
araw na ang libing ni Tito Marino kaya abala na
ang lahat sa pagbibihis at paghahanda.
Maging sa pagligo'y pahirapan pagkat napakalimitado ng tubig at sa bayan
pa sila kumukuha, nagwisik na lamang ako. Kahit paano'y maalis ang baho't idaan
na lang sa pabango. Kahit maraming wala sa mumunti't di konkeretong tahanan,
may pabango rin naman sila, maski telebisyo't ilaw ay mayroon rin sila, iyun
nga la'y di maganda ang reception ng kanilang telebisyon. Mga
bandang tanghali ng tumulak ang lahat ng makikipaglibing sa bayan. Bago ilagak
ang labi ng Tito Marino sa huling hantunga'y
nagtungo muna kami sa simbahan at nagmisa.
3w-k. Matapos ang misa'y
nagtungo na kami sa sementeryo't kahit di naging parte ng buhay ko si Tito Marino'y napaluha ako pagkat dama ko
ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Nang ipapasok na sa nitso'y wala ng
humpay ang pag-iyak ng kanyang kaanak at kasabay ng pagpapalipad ng lobo ang
pagtungo niya sa langit. Sa tindi ng init ng panahon kahit nakapayong ay di na
kami nagtagal pa ng Tita Susan at nagtungo na sa dyip. Habang
nasa dyip ay sinabi ko kay Tita na di na ko makakasama pa sa kanya bukas
patungong Batangaspagkat mag-e-enroll pa ko subalit
ito'y nagmatigas at naging pahirapan sa akin ang kumbinsihin siya, di ko tuloy
maiwasang sumama ang loob sa kanya, bakit niya ko pinagbabawalang bumalik
sa Maynila na wala namang sapat na dahilan at kagustuhan
lamang niya ang masusunod.
Pagkabalik sa bahay, masamang balita agad ang bumulaga sa amin ng may
batang aksidenteng napasubsob ang labi sa pinagbagsakan.
3w-l. May halong takot
at awa ang naramdaman ko ng makita ang batang iyon, nahiwa ang kanyang bibig at
mangiyakngiyak sa sakit. Walang ginawa ang nanay niya kundi gamutin ang
napinsalang bibig ng bata. Buti na lama't di ulo ang nadale kundi'y baka
sumunod siya kay Tito Marino. Sa kalam ng sikmura,
kaagad akong nakisalo sa kainan at sa paglipas ng oras ang unti-unting pag-alis
ng mga bisita maging sila Meryll. Pinapasama sana ako ni Tita Susan patungong Batangas subalit
buo na ang desisyon kong babalik na sa Maynila't ako'y
nagpaiwan.
3w-m. Sa pag-alis
nila Meryll ay naghari na ang kalungkutan, upang di malumbay
ay nag-soundtrip ako't di ko malilimutan ang masasaya kong
karanasan sa Quezon kahit mahirap ang buhay nila. Matapos
kumain ng hapunan ay natulog na kami at sa balkonahe kami natulog. Matino na
ang higaan subalit di naman makatulog sa dami ng lamok. Ang Tita Cleo nama'y
nagpatugtog upang antukin at samantalang todo kinig ako sa ganda ng kanyang
awitin. Sa dami namin ay malasardinas tuloy kaming nahiga sa papag at dahil may
nakahiga pq sa paanan ko, hindi ko magawang umunat, pahirapan muli sa pagtulog
at di komportable.
March 30, 2014
Sunday
Year II-089
3w-n. Sa tagal ng oras
na nakabaluktot upang di matamaan ang natutulog sa paana'y nangawit ng husto
ang paa ko, dagdag pa ang malamig na panahon at wala man lang ako makumot,
tiniis ko na lang ang ginaw. Maya-maya’y narinig kong malakas silang nag-uusap,
maliwanag na pala't kami na lamang ang tulog kaya bumangon na ko. Sobrang
nanakit ang paa ko't halos ikalumpo ko sa pagtayo pero naibsan naman ng maiunat
ng maayos. Medyo kumakalam ang sikmura kaya kaagad akong nag-agahan. Sa sarap
ng Sinangad na nilahukan pa ng iba't ibang sahod ay napasarap ang aking kain.
Magsisimba ngayong araw sina Henson, matagal na rin akong di
nakakapagsimba tuwing Linggo kaya sumama na ako sa kanila. Habang binabagtas
ang lubak-lubak at bako-bakong daan, wala akong ginawa kundi pagmasdan ang
natatanging kapaligiran sa Quezon at kahali-haligid.
3w-o. Di pa naman
nagsisimula ang misa pagdating sa mumunting simbahan. Ilang saglit pa'y
nagsimula na ang misa't naging banayad ang pagsasalita ng pari. Habang dinaraos
ang misa'y sumabay ang kakulitan ng mga bata't sa halip na maibigang makinig ng
misa'y sakit sa teynga ang kanilang kaingayan. Bago tumulak pabalik ng bahay,
nagpa-blessed muna kami kay father. Saktong nanonood ng
telebisyon sina Paco kaya nakinuod ako habang nagpapahinga.
Si Red na anak ni Ate Ivy, labis ang
kasutilan kaya sa halip na mayamot dahil bata't di nakakaintindi'y natuwa kami.
Si Red ang naging libangan namin ng mga oras na iyon habang
batong-bato't saksakan sa kaharutan. Si Ate Ivy lamang
ang halos kasing edad ko kaya siya lang ang nakausap ko, maski pala siya'y
matagal na akong kilala maging ang ate ko na kalaro niya raw dati, napakarami
naming napagkwentuhan kaya di na niya masaway si Red, bukod sa
maharot na bata'y marunong rin kumanta't manggaya si Red kaya
labis ang aming pagkaaliw, iyon nga la'y bulol.
3w-p. Maya-maya’y
nagtungo ako sa Kalibkiban at nilanghap ang preskong hangin ng Quezon,
ang sarap at malamig sa pakiramdam. Habang mag-isang nagpapahangi'y nakita ko
si Jericka na pagala-gala mag-isa, dahil bata't baka mawala'y
sinundan ko siya't pinauwi. Gusto kong manguha ng Saga kaya
sinuyod ko ang napasukal na kagubatan subalit bigo akong makita iyon, isang
oras na akong nasa kagubatan subalit walang makitang ni isang Saga,
umuwi na lang ako. Saktong kararating lang nila Henson galing
bayan at nakiusyoso ako sa pinamili nila. Tanghaling tapat na ngunit di katulad
ng init sa Maynila ang init dito sa probinsya. Ngayong araw
rin ang ikasiyam na araw ng pagkamatay ni Tito Marino kaya
nagdaos sila ng dasalan.
3w-q. Matapos ang
dasala'y salo-salo kaming mag-anak sa hapagkainan. Habang sarap at napaparami
ang kaina'y napansin naming nawawala si Paco. Labis ang pag-aalala
ni Tita Lucita at dali-daling nitong hinanap si Paco.
Lumipas ang mahigit sa isang oras, sa wakas at natagpuan rin si Paco at
nakipaglaro lamang siya sa bagong kabarkada. Buti na la't nakita kong gumagala
mag-isa si Jericka, kundi'y doble problema ang dala-dala ni Tita Lucita.
Gustuhin ko pa man manatili sa Quezon ng ilang araw dahil
masasayang mga kaanak ko pero kailangan ko ng sumama kina Tita Cleo pabalik
ng Maynila.
3w-r. Mga bandang
Ala-una na ng lisanin namin ang Genaral Luna at sa
hinaba-haba ng biyahe, inabot na kami ng Alas-singko ng makarating sa Grand terminal doon
sa Lucena, di hamak na mas malamig ang bus kaysa
sa unang bus na aming sinakyan. Si Tito Lito nama'y
hindi kayang manatili sa iisang posisyon at galaw ng galaw, masakit raw ang
kanyang balakang. Ginabi na kami ng marating ang Kalakhang Maynila,
sa limang oras na nakababad ang paa sa matinding lamig bitbit ng aircon,
sumakit ang paa ko't tila pumasok ang lamig. Hirap tuloy ako sa paglalakad
pagkababa at dakong Alas-onse na ng makarating sa bahay nina Tita Cleo.
Kahit alukin na kumain, sa haba ng biyahe'y napagod ako't pinili ng matulog.
Sana’y makapunta ulit ako sa Quezon.
March 31, 2014
Monday
Year II-090
3w-s. Sa sarap ng aking
pagtulog at dala na rin na komportableng higaan ang double bed nila
Tita Cleo, maliwanag na sa labas pero di ko pa magawang
bumango't gusto pang humilata. Sa hiya ng sabihang bumangon na, ako'y bumangon
na nga't nilamnan ang sikmurang buong magdamag na walang laman. Matapos
mag-agahan, tumingin ako ng Photo album ng
ni Tita Cleo, ganon pala ang hitsura niya nung kabataan
pa niya't talagang itinago kahit naluluma na sa tagal ng panahon. Habang
tumitingi'y ang paggising ni Kuya Darrel subalit
hindi naging maganda ang umaga niya pagkat ito'y nasermunan. Mukhang parinig sa
akin ang Tita Cleo ng kausapin ako't sabihin ba
namang di na niya ako maililibre nung bumiyahe kami, di naman ako
nagpapalibre't kaya nga ko humingi kay Papa pagkat may delikadesa ako, isa rin
sa dahilan kung bakit di ako sumama kay Tita Susan pa-Batangas pagkat
di ko ibig na madagdagan ang gastusin niya sa pamasahe, babayaran ko nga siya
para sa gastusin niya sa pamasahe ng tumulak kami pa-Quezon, ayaw naman
niyang tanggapi't sinabing pamasahe ko na lang sa therapy.
3w-t. Kahit kilala ko
si Tita Cleo na tipong di nagbabalatkayo, di pa
rin tama na iparinig sa akin iyon dahil di ako ganun. Sasabay sana ako
kina Harvey pagkaalis nila subalit pinapauwi na ako nina Tita Cleo,
huwag na raw hintayin pang tumirik ng husto ang araw. Inihatid ako ni Tito Lito hanggang Lantine Hospital at
naging napakabigat ng dala-dala ko. Sa bigat ng aking dalahin, pahirapan tuloy
akong sumakay lalo na sa tricycle pero pinagtiyagaan ko iyon,
makauwi lamang. Pagdating sa sariling bahay, bukod sa dalang pasalubong
galing Quezon, marami rin akong naikwento kila Mama subalit sa
halip makaramdam ng tuwa, naawa sila sa akin ng malaman ang naging tunay na
kalagayan ko ng manuluyan sa Quezon at ayaw na akong pabalikin
pa.
3w-u. Kung sa bagay ay
naranasan ko rin kung paano maging buhay mahirap at hindi batayan ang dami ng
salapi sa kaligayahang hinahanap mo, nasa iyo na iyan kung paano mo ito
papakiramdaman. Matapos ang aming kwentuhan, nananghalian ako't saka lamang
nakaligo ng maayos matapos ang ilang araw na wisik wisik. Na-miss ko
rin ang paglalaro ng Tablet kaya kaagad akong naglaro hanggang
sa antukin. Sa tindi ng init, tagaktak ng husto ang pawis ko pagkagising. May balak pa sana
akong magtungo sa WAKI therapy pero
ipagpabukas na lamang at napagod ako sa biyahe.
3w-v. Nagtingin ako ng
dati naming photo album, ang puti ko pala ng bata ako
at makikita sa mukha na walang iniisip na problema. Habang tumitingin ng photo album,
naalala ko ang pagkabata ko maging mga pinsan ko na dati ko ring nakalaro.
Masaya’t enjoy pero iba na talaga ang buhay kapag lumalaki ka
na, nagbabago ang isip mo maging hobbies mo. Dati hilig kong
maglaro, ngayo'y magkumpyuter at manood ng telebisyon. Matapos magtingin
ng album, siyempre balik muli sa dating gawi at iyon ay panonood ng
telebisyon. Dala ng napakaalinsangan ng panahon kahit malalim na ang gabi,
hindi pa rin ako makatulog subalit ayos lang kaysa naman di maiunat ang paa
dahil sa siksikan.