February 01, 2014
Saturday
Year II-032
Saturday
Year II-032
3n-j. Kasing bilis ng
guhit ng kidlat ang takbo ng panahon at di akalaing nalagas nanaman ang pahina
ng kalendaryo, hudyat na nasa panibagong buwan na tayo ng taon. Nagising
nanaman ako dahil sa malakas na tugtog ni Papa na dumadagundong pa. Sa halip na
mabwisit ay nag-enjoy pa nga ako at sinabayan na rin ng
pag-eehersiso. Sa susunod na buwan, March na at masayang
isipin pagkat sa wakas, malapit na akong magtapos sa High schoolsubalit
kakapangambang isipin na baka hindi ko na maipagpatuloy ang pag-aaral sa
kolehiyo, ni isang eskwelahan o unibersidad ay di pa napupusuang pasukan at
sana bago magtapos ang buwang ito'y may eskwelahan pa ring tatanggap sa akin.
3n-k. Maya-maya pa'y
ipinagpatuloy ko ang paglikha ng kanta. Kinatangahalian ay nagtungo ako
sa Computer shop at nag-download ng
mga kantang bentang-benta sa pandinig ng madlang people, syempre
kailangang sumabay sa uso upang di magpag-iwanan. Ni hindi man lang nakalasap
ng pagkain ang sikmura ko pagkauwi at kaagad pinakinggan ang dinawn-load na
mga kanta. Nang makaramdam ng gutom, saka pa lamang ako kumain. Sa wakas at
nagkatubig na rin kaya bye-bye body odor at
pakiramdam ko'y napreskuhan ako. Maya-maya'y nag-siyesta muli ako
at sa tuwing sasapit ang ganoong oras ay dinadalaw talaga ako ng antok at di
mapigilang matulog. Gusto ko sanang lumabas at makagala-gala pero mas inuuna ko
ang kahihitnatnan ng kalusugan at magiging magastos kapag may sakit kaya
nanitili ako sa bahay at nag-compose na lamang ng kanta.
3n-l. Nang mabuo ang
nilikhang kanta'y siyempre, nilapatan ko ng tonong magbibigay kulay sa kanta
kaso di naman bumabagay at na-realize ko na minsan ay mahirap
maging songwriter kung may time limit ang
pagco-compose ng kanta atover pressure ka
pa. Inisip kong hayaan munang bigyang ng sapat na oras upang makapag-isip at
naglaro muna ako ng Tablet. Maya-maya'y hapunan na kaya itinigil ko
muna ang paglalaro. Matapos kumain, panonood ng telebisyon ang inutupag na
siyang madalas kong gawin tuwing gabi. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya
nilapatan ko ng tono ang lahat ng kantang nilikha, mukhang tumitinis na ang
tinig ko at sana'y magpatuloy pa pero rinding-rindi naman ang Ate kaya hininaan
ko na ang pagkanta.
February 02, 2014
Sunday
Year II-033
3n-m. Dahil nasarapan sa
pagkanta'y di ko napansing Hating-gabi na at kailangan ng matulog. Sumapit muli
ang araw ng Linggo, araw muli upang magsimba at makinig sa magandang balita ng
ating panginoon, kung may kakayahang magawa ang lahat, ang una kong gagawin ay
ang magsimba upang bawas kasalanan pero sa dami talaga ng iniisip at dala na
rin siguro ng katamaran, hindi na ako nakakapagsimba kaya heto ang buhay ko
ngayon, puro di magaganda at lapitin ng gulo at kapighatian. Iba talaga kapag
relihiyoso ka sapagkat kaya mong harapin kung anumang problemang mayroon ka
pagkat iniisip mong nariyan parati ang ating Diyos at walang problemang
ibinibigay sa atin na di kakayanin. Tinanghali muli ako ng gising at
nag-almusal upang iwas kalam ng sikmura.
3n-n. Pagkatapos ay ipinagpatuloy
ko ang paglikha ng awitin, sa dalas na ginagawa ko ito'y malamang mahigit sa
sampung kanta na ang nagawa ko at pwede na ako maging Batikang songwriter kung
papalarin, di ko pinapangarap na maging ganon sa tana ng buhay ko pero mukhang
iyon yata ang magiging kapalaran ko, nararamdaman ko na. Sa kakalikha muli
ng kanta ng walang humpay at puknat ay di ko namalayang tanghaling tapat na.
Nasisiyahan naman ako sapagkat mabilis ang oras, kaagad rin akong makakatapos
sa High school at Kolehiyo. Parang kailan lang nungfirst
time kong mag-aral sa Batasan, nakakapanibago sapagkat
bagong tao ang makakasalamuha ko at nahihiya pang makipag-usap sa mga kaklase,
pero ngayon ay halos matapos na ang pag-aaral ko sa Batasan at
lahat ng naging karanasan ko doon, maganda man o masama'y nalagpasan ko.
3n-o. Kakalungkot at
kaka-miss isipin na ilang Linggo na lamang pala ang itatagal ko na
kasama ang mga kamag-aral kahit hindi naging maganda ang pakikitungo nila sa
akin. I miss them so much ngayon pa lang. Kinahapunan naman,
naisipan kong magtungo sa bahay nina Cathy. Pagdating ko sa
kanila'y abalang-abala si Jaka sa pamamahala sa bunutan
samantalang himbing sa pagtulog ang kapatid niyang si Cathy at
ang mga magulang niya, hinintay ko munang magising sila. Maya-maya'y nagising
na nga si Ate Ging at ginising niya si Cathy sapagkat
dadalo ito sa Bible study. Pusong Katoliko ako
pero di naman sigurong masamang dumalo ka sa Bible study ng
ibang relihiyon sapagkat ang mahalaga'y matutuhan mo ang tungkol sa salita ng
Diyos at mai-apply sa pang-araw-araw na buhay kaya nagawa kong
samahan si Cathy.
3n-p. Pagdating sa JOLIA church,
nakita ko muli sina Thalia at sobra ko silang na-miss at
naging mainit muli ang pagtanggap nila sa akin. Ilang saglit pa'y nagsimula na
ang Bible study na pinangunahan nina Kuya Harold at Kuya
Ian, tumagal lang ng halos isang oras ang bible study. Di pa
kami kaagad umuwi ni Cathy sapagkat nag-ayos pa kami ng upuan at
nag-usap pa ni Ate Gemma. Maya-maya'y umalis na kami ni Cathy at
habang papauwi'y saktong naulinig namin na may nagkakagulo, iyon pala'y may
isang Manong ang nakabulagta at sugatan ang paa, marahil ay nabundol siya
ng Tricycle pero hinampas pala ng kaaway, si Cathy naman
ay halos matulala na sa nakita at todo react siya, talagang
dumanak ang dugo na halos ikamatay na niya. Sa halip na sa Hospitaldalhin
ay sa outpost pa ng Barangay pa at nakiusyoso pa kami.
3n-q. Maya-maya'y umalis
na kami. Papauwi na sana ako ng biglang makasalubong ang Ate at nagpapasama
siya sa akin, pumayag naman ako at nag-shopping kami. As
usual kaya naman niya ako sinama sapagkat ako tagabitbit, kaunti lang
naman ang nabili at nabibilang pa kaya kaya naman. Bago umuwi'y laking tuwa't
pasalamat ko kay Ate sapagkat nilibre niya ako ng Starbucks Coffee,
pangsusyal ang tema at ang sarap ng coffee choco nila with sprinkles kaya
halos di maawat sa pagsipsip. Ginabi na kami ng uwi ng ate at hindi na ako
naghapunan pa sapagkat ako'y labis nabusog. May pasok nanaman kinabukasan kaya
maaga akong natulog.
February 03, 2014
Monday
Year II-034
3n-r. Ikatlo pa lamang
ng umaga ng magising at dahil maaga pa naman ay natulog muna ako subalit
pagkagising ay Alas-singko na pala at kinailangan ko ng magmadali, mga Alas-sais
mahigit na ako nakaalis at pagdating ay nagtuturo na sa may pisara si Ma'am
Fabiana, bumati muna ako sa kanya bago pumasok. Sa oras naman ng TLE, group report muli
at pagkatapos ay Quiz, si Ma'am Sandra naman ay
uminit na ang dugo sa amin dahil parang wala raw kaming respeto sa pagre-report at ang
iingay pa. Sa oras naman ng MAPEH, nagtungo kami sa Rooftop ng
eskwela at nanood ng Theater play ng SPA,
iba't ibang play production ang nasubaybayan namin at
pinakamaganda sa lahat ay yung huli na, tilliin kaming mga manonood ng
magpakita ng Abs ang lalaking Character, si Nathaniel naman
ay halos maglaway na sa tindi ng humaling.
3n-s. Para sa akin ay ang huhusay nilang umakting
kahit mga Grade 7 pa lamang at pwede ng sumabak
sa Showbiz. Bumalik lamang kami ng Filipino time na
at nagsagot lamang ng Pre-test. Sa oras naman ng English ay
nagkaroon kami ng Activity, wala akong dalang papel kaya nanghingi
ako kay Nathaniel subalit daming pakulo ng bakla at sinabing
kumanta muna raw ako bago hingi, hindi ko sinunod ang gusto niya at kinulit ko
lang ng kinulit at ng makita kami ni Ma'am Templanza'y sinumbong ko sa kanya at
sinabing She is Selfish, nagtawanan ang lahat maging si Ma'am
Templanza at sinabing she naman siya kaya
pinagsabihang bigyan ako. Tawa ako ng tawa sa pangyayari kapag inaalala iyon.
Sa oras naman ng Math, pumasok na si Sir Harren at
nagturo ng Trigonometric Function, pagkatapos ay nagkaroon kami
ng recitation and seatwork. Sa oras naman
ng Physics, nagkaroon muli kami ng Pre-test at pagkatapos
ay nagturo si Sir Martin regarding sa Speed of
sound.
3n-t. Ilang saglit pa'y
uwian na. Hindi na malamig ang panahon at mainit na nga kaya labis ang
pagtagaktak ng pawis. Diretso kain at tulog pagdating sa bahay. Pagkagising ay
nagtungo ako sa Computer shop at nag-download muli
ng mga RNB songs, tuwa naman ako dahil mabilis ang internet kaya
nakarami ako. Madilim-dilim na ng mag-log-out ako at sa halip na
diretso uwi ay nagtungo pa ako sa bahay nila Tita Jean at
nakipagkwentuhan. Daming kwento sa akin ni Itang kaya napatagal pa
ako sa kanila. Mga ikawalo na ng Gabi ako umuwi at nanood ng telebisyon. Ang
ganda ng naging istorya sa Got to Believe sapagkat
nakita na si Chichay nila Tarantina at yari
siya kay Juliana, nagpapanggap pa siyang Foreigner na artist ni Ryan/Joaquin.
Matapos manood ng paboritong programa'y natulog na ako.
February 04, 2014
Tuesday
Year II-035
3n-u. Alas-singko
nanaman ako nagising kaya nagmamadali muli sa pagkilos upang di mahuli,
pagdating sa labas ng eskwelahan ay ang daming estudyante. Maya-maya'y
pinapasok na kami subalit hindi kami pinatuloy sa kanya-kanyang silid kundi
sa School Ground at pinapila. Habang nakapila'y saktong
nagkita kami nila Jobil at pumuslit kami sa pila kaya
nakapasok pa rin kaming tatlo sa silid. Kaya pala pinapila ang mga estudyante
upang sermunan sa pagiging late at buti na lamang at pumuslit
kami, kung hindi'y katakot takot na sermon ang ibabato sa amin. May punto rin
si Ma'am Lintag na 2014 na at February na,
kailangang iwasan ng mahuli sa pagpasok. Wala pa ring pagbabagong magaganap
kung ang estudyante ay hindi nagkukusa. Ilang sandali pa sa di inasahan ay
dumating na si Sir Arnulfo at nagturo siya hinggil sa
patakarang Fiscal, kalagitnaan ng pagtuturo ni Sir ay saka pa
lamang nagsidatingan ang mga late.
3n-v. Bago umalis ay
ibinahagi muna ni Sir ang naging karanasan niya sa pagkamatay ng kanyang ina at
sinabing kahit malungkot ay may aral kang mapupulot. Sa oras ng TLE ay
nagalit sa amin si Sir Balbin dahil parang niloloko raw namin
siya at talagang ibinuhos niya ang lahat ng saloobin na labis namin ikina-guilty.
Lahat ng mga bagsak ay ayaw talagang magkusa kahit binibigyan na sila ng Chance pumasa
at iyon pa ang kinasasama ng loob ni Sir Balbin. Matapos ang
mahabang sermon ay saka pa lamang nakapag-ulat ang mga nakatalaga. Sa oras
naman ng MAPEH, matinding kaba sa dibdib ang nadarama ko sapagkat
iaanunsyo na ni Ma'am Mina ang mga may Conditional
grade. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi mabanggit ang pangalan, thank
you God. Matapos mag-anunsyo'y saka pa lamang siya nagturo.
3n-w. Ang magandang
pagtuturo ni Ma'am Mina'y nauwi sa pagkukwento tungkol sa
naging karanasan niya. Sa haba ng kwento ni Ma'am, di namalayang Filipino time na
at nasacorridor na si Sir Velarde, nagsagot muli kami
ng Pre-test. Medyo nadalian ako sa mga aytem sapagkat Puro Tayutay at
talasalitaan kaya nakakuha ako ng mataas na marka. Sa oras naman ng English,
si Sir Buenventura ang humawak sa klase namin, habang
nagtuturo'y palihim akong gumawa ng assignment sa Physics.
Maya-maya'y Math time na at isa-isa kaming
nagsagot sa pisara ng Trigonometric Function, ng maubos ang
sasagutan ay saka pa lamang nagturo si Sir Harrenat nagkaroon kami
ng seatwork.
3n-x. Ilang saglit
pa'y Physics na at nagturo lamang si Sir Martin, pagkatapos
ang natitirang oras ay inilaan upang komopya ng lecture sa may
pisara, si John James naman sarap kurutin at
batukan pagkat ang lakas mang-trip, buti na lamang at mapagtimpi ako.
Pagkauwi at dahil di pa kumakain ay lumantak ako ng todo-todo kaya ang resulta,
parang buntis sa laki ng tiyan. Nang makaramdam ng antok ay saka pa lamang nag-siyesta. Kasarapan
ng aking tulog ng gisingin ni Mama, ngayong oras pa lang umuwi ang papa
sapagkat anibersaryo nila at may dala-dala pang KFC kaya
pinagpiyestahan naming kainin, ako na kahit busog ay sige din ako sa pagbanat
ng malutong at masarap na Fried Chicken at sinamahan pa ng
malamig na Coke. Sa tindi ng kabusugang nadarama sa tiyan ay
mukhang hindi na kakain ng hapunan mamaya at puputok na nga. Kinagabihan naman,
malapit ng sumapit ang Alas-onse ng ako'y makatulog sapagkat hindi ko namalayan
ang oras sa kaka-compose ng kanta.
February 05, 2014
Wednesday
Year II-036
3n-y. Hirap talaga
makayang idilat ang mata kapag ika'y inaantok kaya sa halip na Alas-kwatro
bumangon ay Alas-singko na at labis na akong nagmamadali. Kaya ang
resulta'y late nanaman ako at nagbago na talaga ang patakaran
sa eskwelahan sapagkat pinapaglakad pa ng malayo ang mga late bago
pumasok sa kanya-kanyang eskwelahan na dati naman ay hindi ginagawa, buti na
lang at wala pa si Sir Arnulfo pagdating ko sa silid, hayahay
ang Moda. Minuto lang ang lumipas ng dumating si Sir Arnulfo at
itinuro niya sa amin ang Konsepto ng Pagbubuwis. Sa oras naman ng MAPEH,
bago magturo si Ma'am Mina ay inasikaso muna niya ang Class record at
binigyan niya kami ng tiyansang magpasa pa ng kulang na activity sapagkat
ayaw niyang mambagsak, dami ko pa naman hindi naipasa sa kanya at sa takot na
bumagsak ay gagawa ako ng paraan para makapagpasa.
3n-z. Hindi na
nakapagturo si Ma'am Mina kung anuman ang lesson namin
at inanunsyo niya na wala raw Toga Picture sa Graduation pero
tuloy raw angJunior Senior prom, iyon nga lang ay hanggang Alas-nuebe
lang at di pwedeng paabutin ng madaling araw. How sad talaga
sa aming batch, puro kamalasan ang nagaganap. Ayos lang na
walang JS prom para sa akin pero yung walang isusuot na Toga kapag Graduation at
wala pang Toga Picture ay hindi ko iyon
matatanggap, wala akong magagawa sapagkat estudyante lamang ako. Kaapelyido ko nga
si Armin Luistro pero di kadugo kaya wala akong
lakas loob na kumbinsihin ang Dep-Ed, buti pa sa Private school at
may Toga Picture.
3o-a. Sa oras naman
ng Filipino wala kaming ibang inatupag kundi ang magsagot sa Pre-test.
Pagkatapos ay nagtsek kami subalit hindi nanaman katayugan ang nakuha ko. Maya-maya'y recess time na
at sila Jessa ang nakasama ko patungongCanteen, ngayong
lang ako ginaganahang kumain tuwing recess. Pagkabalik sa silid ay
nasa pisara na si Ma'am Templanza at Sir Buenaventura at
nagkaroon muli kami ng activity, hindi ko natapos ang activity sapagkat
ang daming satsat ni Jessa at Jobil.
Maya-maya'y Math time na at recitation muli.
Habang hindi pa Physics time ay nagrepaso muna ako
ng lecture na kinopya sapagkat may Quiz kami pero ng Quiz na
at tseking, sobrang nalanta’t nanamlay ang kalooban ko sapagkat out of
10 items ay dalawa lang ang nakuha ko, ano ba ito’t puro di na
magaganda ang pangyayari sa buhay, wala na ngang magaganap na Toga picture tapos
nakadagdag pa sa pagkalumbay ko ang naging resulta sa Quiz,
kainaman naman!
3o-b. Hindi mapagsidlan
ng saya ang mukhang nilalamon ng kalungkutan at pagkadismaya pagkauwi at
itinulog ko na lamang iyon. Kahit naman nakatulog na ay waring di pa rin maayos
at ganon pa rin, parang downna down talaga ako sa
sarili na hindi alam kung magpapatuloy pa ba sa nasimulan, paano ako makakabawi
kung puro kahinaan na lang ang pairalin at walang tiwala sa sarili. Na-realize ko
kinalaunan na ilang beses mang madapa o magkamali, huwag matakot tumindig at
ipakitang makakatayo kang muli. Tibay at lakas ng loob ang kailangan.
February 06, 2014
Thursday
Year II-037
3o-c. Patak-patak
ikalima na ng umaga ako nagising at sa takot na baka mapagalitan kapag pumasok
ng late ay nagpasyang huwag na lang pumasok, umiiral muli ang
pananakit sa ngipin at pinili ko na lang matulog muli. Mga ikawalo na ng umaga
nagising at manamis-namis na Tikoy ang naging agahan ko. Kahit
kasakin ang ngiping kinakain na ng pagkabulok ay kumain pa rin ako ng Tikoy.
Pagkatapos ay bumili na ako ng materials na gagamitin sa
paggawa ng project sa MAPEH. Pagkabili'y sinimulan ko
ng gawin ang mga activity sa MAPEH sa
pamamagitan ng pag-retype. Gusto ko ng pumasa at mahirap na baka
bumagsak kaya desididong matapos at makapagpasa. Nang matapos gawin ang activity sa MAPEH ay
nagtungo ako sa Computer shop kaso nakalimutan
kong gawin ang Brochure kaya napatagal pa ako sa kanila.
3o-d. Sa totoo lang ay
nahirapan ako sa paggawa ng Brochure kaya napatagal pa ako at
isa sa nakadagdag ng paghihirap ko ang mga paslit na nagkukumpulan na kahit
hindi gumagamit ng Computer ay nandodoon at tumatambay, ang
iingay pa man din. Nahirapan na akong mag-concentrate dahil sa
ingay at gulo ng mga bata kaya kahit hindi tapos ay umalis na ako.
Ipapagpatuloy ko na lang mamaya. Pagdating sa bahay ay eksaktong alas-dose na
pala at saka pa lamang ako nananghalian. Hindi sana ako matutulog subalit sa
tindi ng antok na nararamdaman ay di ko na napigilan ang sarili na matulog.
3o-e. Hindi na tuloy
natupad ang balak ko na ipagpatuloy ang paggawa ng Brochure sapagkat
ikalima na ng hapon ako nagising at hindi na sapat ang oras sa paggawa.
Nanatili na lang ako sa bahay t nilibang ang sarili sa pamamagitan ng paglalaro
ng Flappy bird, kaso ang problema'y palaging Game over sa
simula ng laro na labis kong ikinayamot, uso itong laro subalit nakakagigil at
hanggang lima lang ang kinaya ko. Maya-maya'y nanood na ako ng Telebisyon. Mga
ikasampo na ako natulog sapagkat inendyoy ko pa ang paglalaro ng Flappy
bird, medyo naadik na rin.
February 07, 2014
Friday
Year II-038
3o-f. Ikaapat na ng
umaga ako magising sa lakas ng alarma ng aking telepono subalit malapit ng
mag-ikalima ako bumangon at sa kadahilanag ngayong araw magsisimula ang Review namin
para sa darating na NAT test ay kunti lamang ang
dinala ko. Inagahan ko talaga sa pagpasok at baka ma-late muli pero
pagdating sa eskwela'y kakaunti pa lamang mga kamag-aral ko. Habang tumatagal
ay unti-unti kaming dumarami at kasabay nito ang pagkawala ng katahimikan.
Ipinabatid sa akin ni Mothy na mag-uulat lahat ng lalaki
sa Math kaya pinag-aralan ko na kung ano ang iuulat ko. Maya-maya'y
bigla na lamang pumasok sa aming silid si Sir Harren at
biglang bumulaga sa amin ang malakas niyang pagsigaw. Sa naging reaksyon ni Sir
ay mistulang halimaw na ito kaya di maiwasang masindak ng higit pa sa labis.
Akalang siya ang guro namin ngayong NAT review day subalit
nagkakamali.
3o-g. Pagkaalis ni Sir
Harren ang pagpasok naman ng isang guro at nagpakilalang Ma'am Shiela.
Habang di pa ako nakasalang ay todo repaso ako at ng ako na, hinusayan ko sa
pagpapaliwanag. Ang seryosong Discussion, nauwi sa malakas na
tawanan ng biglang dumating ang mga Late at pinagsalita ni
Ma'am ng Knock knock. Talagang isinara ang pintuan sabay katok. Ng
wala silang maisip na sasabihin ay pinapasok na sila. Sumunod na
asignatura'y Physics at si Sir Martin pa rin
ang naging guro namin. Nakaroon kami ng Groupings at nirepaso
namin kung anong aytem ang nasa NAT reviewer booklet sa
pamamagitan ng pagtataas ng letter sa Flash Card at
kami'y paunahan sa pagtaas.
3o-h. Medyo pagkabilib
sa sarili ang naramdaman ko pagkat palaging tumatama kung anumang letra ang
idikta ko, sayang at walang iskuran. Sumunod naman na asignatura'y AP at
si Ma'am Myles ang naging guro namin. Bago magrepaso'y
pinasagot muna kami sa NAT reviewer booklet. Maya-maya'y nagturo
na si Ma'am Myles at bukod sa magaling magturo'y magaling rin
siya magpatawa, bumanat pa siya ng salita ng ako ang tawagin. Nasiyahan naman
ako sapagkat kasing tayog ng Mount Apo ang nakuha
ko saQuiz. Matapos ang AP ay recess time,
sinamantala ko ang oras na ito sa pagpa-print ng mga ginawang activity sa MAPEH kahapon.
Pagkabalik sa silid ay nandoon na si Sir Velarde at
siya pa rin ang guro namin sa Filipno. Pinagsagot niya lamang kami
sa NAT reviewer booklet at pagkatapos ay tseking.
Hindi kataasan ang nakuha ko. Wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-concentrate sa
pag-intindi ng mga matatalinghagang talata at halos lumuwa ang utak sa
kakaanalisa.
3o-i. Nagturo rin naman
si Sir kahit saglitan lamang. Ilang sandali pa'y English na at
si Ma'am Guevarra naman ang guro namin. Habang tsinitsekan
ang long test ay nirerepaso namin kung saan aytem
kami nagkamali. Sa oras na may makitang nakikipagdaldalan ay sinisermunan niya
kaya kain sa oras ang dapat sana'y ilaan sa pagrerepaso subalit natuloy pa rin
ang kanyang pagtuturo. Hindi pa oras ng uwian nun ng umalis si Ma'am
Guevarra kaya naghintay pa kami at nanatili. Mainit sa loob ng silid kaya
minabuting sa labas manatili at magpahangin. Maya-maya'y nagsilabasan ang ilan
kong kamag-aral at kwentuhan kami. Ito namang si Jobil ay
napakaharot kaya napalakas ang hampas niya ng kamay sa dibdib na halos ikamatay
ko na. Humingi naman siya ng tawad kaya di ako nagalit at nanumbalik muli sa
dati ang paghinga ko pagkaraan ng ilang saglit.
3o-j. Maya-maya pa'y
tumunog na ang Bell at uwian na. Sa aking pakiwari'y summer
season na sapagkat iba ang init ngayon. Diretso lamon ng ulam
pagkauwi. Hindi pa nakuntento ang sikmura ko at Bet yata ang
panghimagas kaya naisipan kong magluto ng Tikoy. Upang maiba naman
ang toppings ay matiyaga akong nagpirat ng Mani sabay budbud
sa Tikoy. Kaso napasobra yata ang lagay ko ng mantika at
napag-isip-isip kong di pa ko marunong magluto masyado. Matapos kumain ng Tikoy ay
natulog ako. Mga ikaapat na ng hapon ng muling dumilat ang mata at nanood ng
telebisyon. Sabado muli kinabukasan kaya nagpuyat ako sa paglikha ng kanta. Mga
hating-gabi na rin ako natulog.
February 08, 2014
Saturday
Year II-039
3o-k. Masaya nanaman ang
damdamin sapagkat sumapit muli ang Weekend kaya pwedeng
matulog anumang oras gustuhin kaso napaaga ang gising ko sapagkat nagpatugtog
muli ang Papa ko. Pagkatingin sa malaking orasan, ikapito na ng umaga at ako'y
nag-almusal. Habang napapakinggan ang tugtog na pangsayaw ay naaliw kami ni Mama
sa pagsayaw at iyon na ang nagsilbing ehersiso namin sa umaga. Maganda pala sa
takbo ng katawan kapag ginagalaw ng todo paminsan-minsan at parang ginaganahan
kang gawin kung anong gustong gawin. Maya-maya'y RNB songs naman
ang pinatugtog kaya lalo akong nag-enjoy sa pakikinig ng musika,
malamang ay sariling tugtog ko. Ang kaligayahang namamayani sa dibdib ay
nagwakas ng dumating ang ate. Nagpatuloy pa rin naman ako sa pagpapatugtog pero
di na sinlakas ng kanina at naiingayan pa rin ang ate.
3o-l. Bakit pa kasi
bumili ng Sound system kung hindi naman kakayanin
ng teynga ang malakas na tugtugan at isa pa'y hininaan ko na nga, nabibingi pa
siya hanggang sa muli kaming magbangayan. Ako pa iyong walang konsiderasyon,
kapag ako ngang himbing sa pagtulog samantalang nagbibidyooke siya kahit
malakas ay hinahayaan ko lang siya tapos siya pa ang may ganang magalit,
kamusta naman. No choice ako kundi hinaan talaga ng hinaan at
ang Enjoy ko sa sarili, nawala na. Palibhasa'y mga KJ!
Lumipas ang ilang saglit ng pinatay ko ang tugtog at ipinagpatuloy ang paglikha
ng kanta. Naging maaliwalas muli ang lagay ng panahon kaya pagdating ng dakong
tanghali'y halos ma-heat stroke na sa tindi ng init at
hindi rin ako makatulog ng ayos. Nagtungo ako sa Computer shop.
Matapos magkumpyuter ay naisipan kong bumisita kila Tita Cleng at
nagtungo nga ako sa kanila.
3o-m. Nandoon pala ang
Lola nila at abalang-abala ang tita sa pag-aalaga sa Sanggol niyang anak. Hanga
ako kay Auntie sapagkat kahit babagsak na ang mata niya sa
tindi ng antok, nagagampanan pa rin ng maayos ang lahat ng reponsibilidad niya,
may balak pa nga siyang maglaba kahit lumagom na ang gabi at di papigil kahit
sabihin kong ipagpabukas na lang. Inabot na ako ng gabi sa kanila sapagkat
sinagutan ko pa ang Slum book ni Samantha at
nanood ng Video. Saya ang nadarama ko ng bigyan ako ng pabango
ni Auntie kaya nangangamoy pabango pagkauwi. Alas-otso na pala
at saka pa lamang naisipang kumain kung kailan kalam na ang sikmura at malamig
na ang ulam. Bago matulog ay nagpuyat muli ako sa pag-compose ng
kanta. Sana'y pumatok sa mga listenerang nilikha kong kanta kapag
ini-launch ko na ito sa radyo.
February 09, 2014
Sunday
Year II-040
3o-n. Sarap pa sanang
matulog ng napakatagal sa tindi ng antok na nararanasan subalit naibsan at nasira
iyon dahil muli sa malakas na tugtog na dumadagundong pa. Pagkabangon ay
nagpasayaw-sayaw ako bilang ehersiso at pagkatapos ay ginampanan ang
responsibilidad bilang tagalinis ng bahay. Kapag may tugtug talagang umaaliw
sayo at parang nagiging Relax ang pag-iisip mo at ginaganahan
kang gawin ang gusto, parang pangontra sa katamaran ang napakalakas na tugtog,
hindi lamang sa malas. Tamang kinig lang ng mga RNB songs habang
sumasayaw at nagwawalis. Napapansin kong tila lumalambot na ang malabakal kong katawan
kapag sumasayaw at tulad nga ng sinabi ko, kapag ang bagay ay mapurol,
tumatalas basta hasain lang. Ito naman si Mama'y walang ginawa kundi ang
magreklamo sapagkat malakas raw ang tugtog. Kahit kailan talaga
paminsan-minsa'y KJ si Mama, ang Ate naman ay nag-e-enjoy sa
tugtog ko at nilalakasan pa nga niya kapag naibigan ang tugtog.
3o-o. Mga ikasampo ko na
pinatay ang tugtog at tila yata napakatahimik ng kapaligiran, marahil ay kami
lang ang nagpapatugtog. Pinagkaabalahan ko muli ang paglikha ng kanta. Habang
papalapit ang tanghalig tapat ang unti-unting pag-init ng panahon subalit
salamat naman pagkat naging mahangin. Bukod sa init ng panahon ang unti-unti
ring pagkawala ng katahimikan kaya hirap na akong mag-isip kung anong liriko
ang kakasya sa tonong aking nilapat na. Maya-maya't sa bilis ng takbo ng oras
ay di namalayang sumapit na pala ang tanghaling tapat at kailangan ng kumain.
Alas-dose pa lamang subalit dinalaw na ako ng antok kaya diretso tulog
pagkatapos kumain subalit sadyang hadlang ang init sa sarap ng tulog ko at di
naman makatulog ng maayos kaya saglit lamang ako makatulog.
3o-p. Mahaba na rin ng
bahagya ang buhok ko at sa takot na magupitan ng Otso bukas ay nagpasya na
akong magpaputol. Pagdating saBarber shop ay may isang
taong biglang binara ako kaya binara ko rin, ang pangbabara'y nauwi sa tawanan
hanggang sa magtsikahan kami. Palibhasa'y bakla kaya halos ikamatay ko ang
pagtawa sa baon niyang Joke. Salot nga ang bakla para sa mata ng
iilan pero hindi mapagsidlan naman ang saya mo kapag kausap sila at sa totoo
lang ay mas magaling magpatawa ang mga bakla kaysa Straight, straight nga
pero mas maitim pa sa pwet ng kawali ang ugali. Nagpakilalang itong Renzy at
matagal na raw niya ako kikilala, ganon talaga kapag katankaran ka, maraming
nakakapansin at nakakakilala sayo na hindi sila namumukhaan o nakikila pa.
3o-q. Matapos magpagupit
ay nagtungo ay sa Computer shop. Isang buwan na rin hindi nakakapagbukas
ng Account sa Facebook kaya hindi mabilang sa dami
ang aking Friend request. Sa sarap mag-Facebook at
panonood rin ng Youtube ay di namalayang Nakadalawang oras na
at kailangan ng mag-log-out. Dumaan pa ako sa bahay nila Tita
Jean. Si Itang naman ay panay kulit na ilibre ko raw siya
sa pagrenta ng Computer upang mag-Facebook, naging mabait
naman siya sa akin kaya pinagbigyan ko na pati si Amihan na
gusto rin magkumpyuter.
Pinayagan naman ang dalawa ni Tita Jean basta isasama
si Habagat. Kahit alam sa sariling uto-uto at kaagad bumibigay ay
maganda sa pakiramdam ang magbigay ka at ganon ang naranasan ko kahit naubos na
ang pera sa kakalibre sa kanila.
3o-r. Hindi bale at
magkakapera pa naman ako na triple pa ang balik sa bilang ng hawak ko ngayon.
Habang nagkukumpyuter ang dalawa'y ako naman ang nagbantay kay Habagat.
Siyempre bata pa kaya panay ang saway ko sa kanya. Nagtagal pa ako kila Tita Jean hanggang
sa sumapit ang gabi at kahit nahihiya'y sa kanila na rin ako kumain, mas
nakakahiya naman kung inaalok ka nga, tanggi pa ng tanggi. Dadalaw pa sana ako sa bahay nila Auntie Caling subalit
sarado ang bahay nila kaya umuwi na lang ako. Manonood ng telebisyon pagdating
sa bahay at napakarami kong tawa sa Wow Mali pa rin. Sa
kakatawa'y halos ikapunit na ng lalamunan ko at grabe, sobrang saya ng naging
gabi ko kaya masarap ang pagtulog ko. Laughter is the best medicine.
February 10, 2014
Monday
Year II-041
3o-s. Nabibitin lamang
ako sa nagdaang weekend sapagkat parang hindi ko man lang
naramdaman at nasulit at may pasok nanaman kaya ikaapat pa lang, kailangan ko
ng bumangon kahit dama ko pa ang pagkaantok, kaunting panahon na lang at
mairaraos ko rin ang ganitong sitwasyon. Sa takot na mahuli, madilim-dilim pa
lang ng umalis ng bahay at nag-abang ng tricycle subalit ang
pagkakatao'y di kagandahan pagkat ang tagal dumating ng mga tricycle.
Naabutan na ako ng Liwanag subalit wala pa rin at late na ako,
ang haba na rin ng pila. Huwag sanang maubos ang pasensiya at kung hindi'y di
na lang papasok. Ilang saglit pa'y dumating na ang tricycle matapos
ang halos isang oras na pag-abang. Pagdating sa eskwelahan ay pinapila ang
lahat ng late sa Quadrangle at isa ako dun.
Pinayagan lang makapasok sa kanya-kanyang silid kung naisulat mo na ang
pangalan mo.
3o-t. Pagpasok sa silid,
nagtuturo na si Ma'am Fabiana at hiya ang nataros sa dibdib ko
pagkat ako'y nahuli, ang kukupad kasing dumating ng mga tricycle. Maya-maya'y
nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kaso hindi katayugan ang natamo kong
marka, bawi muli next time. Sa oras naman ng TLE ay
may group discussion muli kaso sa ingay ng mga kamag-aral ko,
hindi ko marinig kung anong tinuturan nila, parang mga bubuyog na bulungan ng
bulungan. Sa oras naman ng MAPEH ay nagkaroon kami ng Chapter
test at habang nagsasagot ng exam ay may isang gurong
nagtungo sa aming silid at ipinabatid na may libreng pabakuna sa Ikalawang
palapag ng gusali. Nagpaturok na ako ng Bakuna nung bata pa kaya walang balak
magpabakuna. Bago umalis si Ma'am Mina ay inanunsyo niya sa
amin na may Practical test kami ng Swing at Cha-cha bukas with costume pa.
3o-u. Maya-maya'y oras
na ng Filipino at pinayagan ni Sir Velarde ang
lahat ng magpapabakuna kaya lumabas ang halos lahat. Ang mga naiwan naman ay
pinagsagot lamang ng Pre-test. Sa oras naman ng English ay
nagkaroon kami ng Activity. Maya-maya'y Math time na
subalit hindi pa pumapasok si Sir Harren at sa
halip na makipagpalitan ng salita sa katabi'y nagrepaso ako. Makaraan ang ilang
saglit ay dumating na si Sir Harren at di ako
nakapaghanda sapagkat may mahabang pagsusulit kami, labis tuloy akong nahirapan
at di ko pa kabisado ang bawat Trigonometric Function ng Radian,
dahil desperado na ako ay kumapit ako sa patalim. Pasimple kong binuksan
ang notes at kinopya ang sagot.
3o-v. Sabay tago kapag
lumalapit si Sir Harren. May ilan pang hindi pa
nagpapabakuna at kahit nagpabukana na'y biglang nagbago ang isip ko at
nagpabakuna kasama ang ilan kong kamag-aral. Pananakit ng braso ang natamo ko
matapos angVaccination laban sa tigdas at tetanos at
labis ko iyong ininda.
Ilang saglit pa'y Physics na, nagkaroon rin kami
ng long test at mukhang sagana kami sa mga Exam,
ganon talaga kapag malapit na ang NAT. Hindi pa kami umuwi at
dumiretso pa sa Park upang magpraktis ng Cha-cha at Swing
para sa aming performance bukas sa MAPEH,
kahit nanakit na ang aking Braso dahil sa turok ng bakuna ay sige pa rin sa
paggalaw at gaya ng dati'y mas madali ang nasa unahang step kaysa
gitna, paano'y simple lang kasi at kahit di marurunong sumayaw ay kayang
gayahin iyon.
3o-w. Si Pammit ang
naging ka-partner ko at ang tigas din ng katawan kaya hirap
makasunod sa steps, ginawa ko na ang lahat pero wa-effect at
laging sablay. Mga ikatlo na ng hapon kahit di pa tapos ang Practice ng
magpasyang umuwi na kami at si Pammit ang kasabay ko. Ang sakit talaga ng braso ko kaya minabuting sumakay na lang kaysa
maglakad at labis ko iyong ininda hanggang sa pag-uwi kaya madalas wala
sa mood kapag kinakausap. Bahagyang naibsan naman ang
pananakit ng braso na gawa ng itinurok na bakuna pagsapit ng gabi kaya naging
masarap pa rin ang pagtulog ko. Makikita nanaman ako ng aking kamag-aral na
sasayaw kaya goodluck to me.
February 11, 2014
Tuesday
Year II-042
3o-x. Sa takot na baka
mahuli muli sa klase katulad ng kahapon, hindi na ako patumpik-tumpik pang
bumangon. Pagkatingin sa orasan ay kakapasok pa lamang ng Alas-kwatro. Hindi na
gasinong kasakit ang Braso ko kaya maayos ko na itong naigagalaw. Bago pumasok
ay inihanda ko na ang Costume na isusuot sa sayaw at dibdiban
kong sinaulo ang mga steps ng Sayaw upang di magkalat mamaya,
sa Quadrangle pa naman gaganapin ang sayaw kaya matinding kaba
ang dala-dala ko sa dibdib. Napasobra pa marahil ang pagpasok ko ng maaaga
sapagkat iilang kamag-aral ko pa lamang ang nandoon subalit dinig ko na ang
ingay. Si Ibarra naman ay sadyang napakatabil ng bibig at kung
makipag-usap ay ilang milya ang layo sa kaklase. Sa sobrang ingay nila'y di ako
makapag-concentrate sa aking binabasa.
3o-y. Ilang saglit pa'y
lumabas na kami para sa Flag Ceremony. Pagkabalik at
ilang saglit ang makalipas ay dumating na si Sir Arnulfo.
Inilaan niya sa amin ang buong oras nito upang sagutan ang Pre-test.
Maya-maya'y tseking at sana'y kasing taas ng takong ng aking mga kamag-aral ang
makuha ko. Sa oras na walang guro ang siyang pagkakataon namin upang mag-ensayo
at lalo pa akong kinakabahan, kung sa bagay ay last time na
namin upang sumayaw kaya kailangang husayan na. Habang di pa MAPEH time ay
panay na ang aming paghahanda. Nagmistulang JS prom na
ang silid dahil sa magagarang kasuotan ng aking mga kaklase, mukhang mamahalin
at iliganteng pagmasdan ang Gown ng mga babae with
high heels at Long sleeve with checkered and
nectie sa lalaki na lalong nagpapalutang kung gaaano sila ka-gentleman.
Ako lang marahil ang na-iiba sa kasuotan ng mga lalaki sapagkat naka-formal attire
ako na hindi long sleeve, ayos lang basta may Grade.
3o-z. Ilang saglit pa'y
nagsimula na ang performance na ginanap sa Quadrangle.
Kanya-kanyang nabuong steps ang nakita ko sa mga naunang grupo
at talagang pinag-isipan ng husto. Nang kami na ang nakasalang, pilit kong
nilalabanan ang kaba na halos magrosaryo na nga. Sa totoo lang ay ginawa ko na
ang lahat ng makakaya, ka-partner ko lang marahil ang nagkukulang
pero sa pangkalahatan ay nakasayaw naman kami ng walang mintis na mahahalata
kahit mayroon. Bago pumasok ay sinabi sa amin ni Ma'am Mina na
maglilinis lamang kami bukas ng campus. Sa oras naman ng Filipino ay
mukhang tinamaan na ng katamaran si Sir Velarde, paano puro pasagot
sa pre-test, ni hindi man lang kami tinuturuan o nirerepaso man
lang.
3p-a. Sa oras naman ng English,
halos antukin na ako sapagkat ang Boring magturo ni Sir
Buenaventura at mas maiging si Ma'am Pascual na
lamang ang magturo o si Ma'am Templanza, nakikinig talaga ako sa kanila
at may mga baon pang katatawanan.
Wala muling guro sa oras ng Math kaya kahit di ko ito
ugaling gawin ay nakipagkwentuhan ako kay Perfecto at
pinag-usapan namin ang tungkol sa unibersidad na papasukan, maski siya'y wala
pang napipili at mahirap talagang pumili kapag ganitong panahon na. Naudlot
lamang ang aming pag-uusap ng biglang dumating si Sir Harren.
Itinuro sa amin ni Sir Harren ang bagong lesson at
iyon ay Cosecant at secant.
3p-b. Pagkatapos ay
nagkaroon kami ngseatwork. Ilang saglit pa'y Physics time na,
nagtsek lamang kami ng test paper na isinagawa kahapon.
Hindi ako makapaniwala sa naging resulta sapagkat ako ang Highest sa
naturang pagsusulit kaya ang tuwa sa dibdib ay siksik, liglig at umaapaw na.
Naging maulan ang uwian at malas lang sapagkat hindi nakapagdala ng payong kaya
naman patakbo ako sa pag-uwi. Kaagad naman tumila ang ulan. Sa tindi ng gutom
na nadarama'y halos maubos ko na ang ulam pero nagtira pa rin naman.
Maya-maya'y natulog na ako at sa kasarapan ay ikalima muli ng hapon ako
nagising.
February 12, 2014
Wednesday
Year II-043
3p-c. Muli nanamang
nagparamdam ang malamig na panahon at marahil ay bumalik nanaman ang Hanging Amihan kaya
halos tamarin na ako sa pagbangon subalit pinilit ko pa rin at baka mahuli na
sa pagpasok sa eskwela. Mukhang napaaga ang pagdating ko sa eskwela sapagkat
iilang kamag-aral ko pa lamang ang nandoon. Ngayong araw pala In-charge ang
seksyon namin para sa flag ceremony kaya naman kaagad ay
nagtungo na kami sa may Quadrangle at umawit ng iba't
ibang anthem. Tawanan kami ng mabaligtad ng mga kamag-aral ko ang
tamang liriko ng Lungsod Quezon at parang nag-mash up lang.
Wala pa ang butihing guro namin pagbalik sa silid kaya may pagkakataon pa upang
makagawa ng takdang-aralin sa Physics maging sa English.
Halos duguin na ang ilong sa paggawa ng essay.
3p-d. Ilang saglit pa'y
pumasok na ang aming Guro sa Economics at itinuro niya ang tamang
pagbubuwis ng pamahalaan. Ang ganda sana ng lesson pero bwisit
ako sa mga katabi ko na walang preno ang bibig sa pagtalak kahit may guro na.
Pinagsabihan kong makinig pero nagpatuloy pa rin sa pagkukwentuhang na wala
namang kakwenta-kwenta. Sa oras naman ng TLE ay mga kamag-aral
ko pa rin ang nagsilbing guro sa harapan. Sa ingay talaga ng mga kamag-aral ko,
hindi na lang ako nakinig at gumawa ng Assignment sa English.
Sa oras naman ng MAPEH, nagsalita sa amin si Ma'am Mina hinggil
sa mga nagrereklamo sa Contribution, 25 pesos na
nga lang ang hinihingi para sa gaganaping JS prom pero
mabigat pa raw sa bulsa. Kaya ang resulta'y ibabalik na ang lahat ng aming
iniiambag at walang kabuhay buhay ang JS prom dahil walang
palamuti at stage, lalong-lalo ng walang Catering, ang
lungkot naman.
3p-e. Matapos
magtalumpati ni Ma'am Mina'y nagtungo
kaming lahat sa labas ng silid at nilinis ang buong school campus,
mistulan kaming mga mutyatya sa ginagawa ni Ma'am pero enjoy kapag
may ginagawa at masaya kami pagkat nalilinis namin ang paaralang siyang aming
pangalawang tahanan. Sa oras naman ng English, si Ma'am
Templanza muli ang naging guro namin at nag-discuss tungkol
sa Poetry, matapos ay nagkaroon kami ng seatwork. Wala
muling guro ng sumunod na asignatura kaya naman daig pa ng aking kamag-aral ang
mga hayop na nakawala sa kulungan kung magharutan. Sa takot na baka mangyari sa
akin muli ang nangyari nung nakaraang taon, naupo lamang ako at nagbasa
ng NAT Reviewer booklet. Kanya-kanya silang
balikan sa upuan ng biglang dumating si Sir Harren at
sinermunan niya kami, ang iingay kasi kaya napagalitan pero panandalian lang at
nakapagturo pa siya.
3p-f. Sa oras naman
ng Physics, may bago nanamang lesson sa aming
itinuro si Sir Martin na interesting at iyon
ay electronics, pagkatapos ay uwian na at parang napakailap ng
oras. Sa kadahilang hindi pa inaantok ay naisipang kong magkumpyuter. Nang
dalawin ng antok ay natulog ako. Pagkagising ay nagtungo ako sa Computer shop upang
mag-research ng assignment. Ginabi na ako ng uwi
sapagkat nasarapan sa pagkukumpyuter. Bago matulog at upang malibang ay naglaro
ako ng larong nakakapaglagablab sa damdamin pero nagbibigay ligaya naman at
iyon ay Flappy bird, hanggang lima lang ang
pinakamataas ko kahit ilang ulit mag-try out at talagang na-hastle ako.
Maaga pa ako magigising kaya di na ako nagpakaadik pa sa paglalaro.
February 13, 2014
Thursday
Year II-044
3p-g. Bandang ikalawa ng
madaling araw magising ang katawang lupang nahihimbing sa pagtulog subalit
maaga pa naman kaya umidlip muna. Sadyang kay bilis ng oras sapagkat
pagkatingin muli sa telepono'y Alas-kwatro y medya na at kinailangan ko ng
bumangon. Mahaba nanaman ang pila sa tricycle kaya may
pangamba muling mahuhuli pero di pa man nasisikatan ng bukangliwayway ay
nakaalis na ako. Bukas pa ang Valentine's Day subalit
marami ng street vendors ang nagtitinda ng Roses at Bouquet sa
harapan ng eskwelahan, kaya ang resulta'y siksikan na. Sa oras naman ng AP ay
ipinagpatuloy ni Sir Arnulfo ang pagtuturo ukol sa
paraan ng pagpataw ng buwis at ang natitirang oras ay inilaan upang isagawa
ang activity. Natutuhan ko na hindi mo pala basta-basta malalaman
kung magkano ang buwis na iyong babayaran sa loob ng isang taon sapagkat
maraming proseso at halos maloka na ko sa pagkompyut, sana'y ma-perpect ko
kahit di sigurado sa sagot.
3p-h. Sa oras naman
ng TLE, sa wakas at si Sir Balbin na
ang nagturo sa amin at sa oras ng MAPEH ay nag-ensayo lamang
kami ng tamang pag-awit ngGraduation song. Kaunting panahon
na lang at malapit ng magtapos sa pag-aaral, goodluck to me in College.
Ang seryoso at matunog na kantahan ay nauwi sa tawanan ng pakantahin ni Ma'am
Mina sila Cynt, dami nilang galaw at dapat lang iyon sa
kanila pagkat di sila nagseseryoso. Maya-maya'y Physics time na
at ipinagpatuloy ni Sir Martin ang pagtalakay
hinggil sa Electronics, ang hirap talagang maging Electrical Engineer pagkat
hirap isaulo ang lesson. Nakadagdag pa sa pagkalito ng utak ang
ingay ng katabi ko at panay ang tsikahan, lahat kami'y tutok ang mata't teynga
kay Sir Martin maliban kina Jobil at Jessa na
panay kwentuhan kaya madalas ay bumabagsak, sinabihan ko sila pero di talaga
makuha sa masinsinang pakiusap kaya sumigaw na ako. Parang walang konsiderasyon
sa katabi at halabira talaga sa pagkwento.
3p-i. Maging sa English time ay
hindi ako natutuwa sa ilan kong kamag-aral sapagkat ang iingay nila kahit may
guro sa harapan. Tama si Ma'am Templanza na magsipag-asawa na
lang ang ayaw makinig, basta ako'y ipapagpatuloy ko ang pag-aaral at wala pa sa
isip ang mag-asawa.
Bahagya akong nakaramdam ng antok kaya ng umalis si Ma'am
Templanza ay umidlip ako. Hindi naman ako makatulog sapagkat nuknukan
at saksakan talaga sa ingay ang aking mga kamag-aral, wala akong magagawa
sapagkat sakit na nila iyon. Ginising na lang ako ng katabi kung kailan
nakapasok na si Sir Harren at nagkaroon kami ng quiz.
Maging sa oras ng Physics ay nagkaroon rin ng quiz at
kahit di ako nakapagrepaso basta nakikinig sa guro'y alam mo pa rin ang
isasagot, nanlubag ang kalooban ko sapagkat mataas ang natamong marka.
3p-j. Nabwisit lang ako
sa aking kamag-aral pagkat walang hiyang binaboy ang mukha ko kahit sabihing katuwaan
lamang lalo na 'tong si Ashley na halos labasan na ng ribs sa
tindi ng tawa, nakisakay na lamang ako sa kanilang pangti-trip. Bago
umuwi ay nagtungo kami ni Perfecto sa TLE department dahil
ipinabatid niya sa akin na lahat ng bagsak nitong First grading ay
blangko ang grado sa card subalit pagkadating ay di namin
nadatnan si Sir Balbin kaya umuwi na lang kami. Kinahapunan ay nagtungo ako sa computer shop upang mag-online sa
mga Social media sabay bati ng Happy
Valentine's. Ang oras talaga'y sadyang kay bilis kaya di ko namalayang
kumagat na ang dilim. Diretso kain ng niluto pagkauwi kaya naman si Mama'y
nabungangaan ako. Minsan na lang maging maligaya'y nagagalit pa at ganon ang
pamamaraan ko upang lumigaya. Goodluck na lamang sa mga single para
sa darating na ValentinesDay bukas.
February 14, 2014
Friday
(Valentine's Day)
Year II-045
3p-k. Sumapit muli
ang Valentine's day kaya araw rin ito ng
pagmamahalan hindi lamang sa magsing-irog kundi sa lahat ng ating kapwa, kahit
na ako'y single at wala pang balak magkaroon ng katuwang sa
buhay ay masaya pa rin sapagkat ako yung tipong nilalang na may kakayahang
magmahal na kahit na sino basta alam niya sa sarili na handa rin akong mahalin.
Ikaapat pa lamang ng ako'y magising at dama muli ng katawang lupa ang malamig
na panahon kaya naman heto't madalas ang pamamaluktot. Madilim-dilim pa lamang
ng ako'y umalis at kitang-kita ko ang dami ng mga street vendors na
nagtitinda ng mga Rosas at tsokolateng hugis puso. Bibili sana ako pero hindi
ko magawa-gawa pagkat kulang ang allowance ko. Kahit saan ka
lumingon ay puro mga estudyanteng may hawak ng Rosas ang makikita, mapalalaki
man o babae. Pagpasok sa silid ay sila Patrick at Rommel pa
lamang ang nadatnan ko na nagdidikit ng palamuting puso sa may pisara.
3p-l. Ilang saglit
makaraan ay dumating na si Ma'am Shiela at
nagkaroon kami ng Regional Achievement Test,
paglalapat ng itim sa mga letrang may kalakip na bilog na iyong napiling sagot
gamit ang lapis at iyon ang naging sistema ng naturang pagsusulit. Naging
mahirap sa akin ang sumagot sa bawat aytem pagkat di sanay, naging tuloy
mabagal ako sa pagsagot. Nang malapit ng matapos ang oras ay nanghula-hula na
ako. Maging sa oras ng Physics hanggang oras ng AP ay
nagkaroon rin kami ng Regional achievement test. Hindi
ko lamang natapos sagutan ang test sa AP sapagkat
masyadong kapos ang ibinigay na oras sa amin ni Ma'am Myles.
Ilang saglit pa'y recess na at sila Jobil at Jessa
ang nakasabay ko patungong canteen, may mangilan-ngilan na ring
mga estudyanteng lalaki ang nagpo-propose sa kanilang iniibig kaya
kilig much to the bone kami.
3p-m. Nang sumagot ang
babae'y halos di na magkarinigin sa ingay ng mga nagtitilian. Nakiusyoso pa
kami kahit nakapasok na ang dalawa sa silid. Maya-maya pa'y dumaan na si Sir Velarde at
saka pa lamang kami pumasok sa silid. Nagkaroon rin kami ng RAT sa subject niya
at talaga namang nahirapan ako sa pag-intindi ng bawat teksto kaya halos lumuwa
ang mata ko sa kakabasa ng mahahabang teksto at dumugo ang utak sa kakaintindi,
sana nama'y maging maganda ang makuha ko. Kung hindi lang araw ng mga puso'y
malamang nasapok na ni Sir Velarde ang mga
kamag-aral kong walang ginawa kundi maging pasaway at ang iingay talaga nila.
Lalo pa tuloy ako nawala sa pokus.
3p-n. Ilang saglit
pa'y English time na at si Ma'am Guevarra pa
rin ang in-charge sa nangyayaring RAT. Kahit anong
pursigi ko sa pag-intindi'y mahina talaga ako pagdating sa Reading
comprehension. Matapos ang test ay nagrepaso kami at
isa-isang pinagbasa. Paano ako magiging mahusay na guro kung sa pagbabasa pa
lamang ay boses palaka na, marahil ay paos lang. Nasiyahan naman ako kay Ma'am Guevarra sapagkat
sa tuwing may pinapakuha siyang gamit sa kanyang department, ako
ang nauutusan. Ibig sabihin ay may tiwala siya sa akin at mas iigihan ko pa
para lalo pang mapagkatiwalaan, ni answer key nga'y
sa akin din pinapakuha, sa pigiging matapat ko naman ay siyempre di ko
tiningnan ang sagot. Dahil uwian na, dumeretso na ako na ako sa paglabas.
3p-o. Sa wakas at
natapos din ang RAT. Pagdating sa may Ison site ay
laking nganga ng bibig sa nasilayan pagkat ang laki ng sawang nahuli nila na
walang habas na pinaghahampas hanggang sa mamatay. Sa hitsura pa lang kahit
kalayuan ay nakakahilakbot pagmasdan. Saktong nandoon si Monica na
matiyagang binubunot ang kaliit-liitang buhok ng mama pagkauwi. Kinagabihan
naman at dahil walang pasok kinabukasan ay nagpuyat ako sa paglikha ng kantang
aking naiisip. Dahil Valentine's day ngayon, ang
tema ng kantang naisip ay tungkol sa pag-ibig. Dalawang oras rin akong naggugol
matapos lang ang awitin. Dakong Hating-gabi na ako natulog.
February 15, 2014
Saturday
Year II-046
Saturday
Year II-046
3p-p. Sa sobrang lamig
ng panahon na halos umabot na sa kaibuturan ng buto'y napaaga ang gising ko
subalit umidlip pa rin gawa ng antok na nananatili. Mga ikapito na ng umaga ako
bumangon at nag-almusal. Matapos kumain ng agahan ay naisipan kong gumawa muli
ng panibagong kwento. Hindi ko lang naituloy sapagkat inalok ako ng Ate na
manood ng Frozen. Kahit na animatedlamang ang mga Character ay
halatang totoo kaya maeenganyo kang panoorin ito at sarap pakinggan sa boses
ang kanilang pag-awit na akalaing nanonood ka ng Teatro, Lalo na
nung kumanta si Elsa ng “Let it go”. Malamig din sa pakiramdam ang panoorin ang Frozen sapagkat
nakapaloob sa panahon ng tagniyebe ang kwento at ito'y napapanahon lalo't
ngayon ay taglamig. Napukaw ng husto ang damdamin ko sa naging eksena ng
iligtas ni Anna si Elsa laban sa lalaking
nagtraydor sa kaharian nila, pero sa kasamaang palad ay tuluyang naging yelo
si Anna dahil sa sumpang nilikha ng kanyang kapatid.
3p-q. Dahil sa labis na
pagmamahal ni Elsa kay Anna ay naalis ang
sumpa at naging makabuluhan ang ending ng story. Sa ganda ng Frozen,
kahit ilang beses ulitin ay di ka magsasawa at sarap pang ulit-ulitin. Matapos
manood ng Frozen ay ipinagpatuloy ko na ang paglikha ng kwento
at mga tanghali ko ito pansamantalang itinigil pagkat manananghalian pa. Sana'y
maging kasing ganda ng Frozen ang aking kathang Kwento na
kaadikan panoorin o basahin ng lahat at gusto ko'y maging emsyonal ang mga
mambabasa sa aking kwento na nangangahulugang naging effective ito.
Matapos kumain ay nanood ako ng Telebisyon.
3p-r. Kahit paminta'y di
mahahalata sapagkat saksakan sa kapogihan ang halos lahat ng kalahok ng I
am pogay at titili kahit mga kabaro nila. Maski nga ako'y naakit sa
hitsura nila at daig pang pomorma kaysa sa straight pero mga
binabae pala. Matapos manood, ginawa ko na ang madalas gawin tuwing hapon at
iyon ay matulog. Mga bandang Alas-kwatro na ko nagising at ipinagpatuloy ang
paggawa ng kwento. Medyo naantala lamang sapagkat di ko mapigilan ang sarili sa
panonood ng Telebisyon at iyon ang hilig ko. Matapos manood ng paboritong
programa'y paggawa pa rin ng kwento ang inatupag at hating-gabi na ako natulog.
February 16, 2014
Sunday
Year II-047
3p-s. Naging napakagaan
at masaya sa pakiramdam ang naging umaga ko sa muling paggising sapagkat
lumipas ang maraming araw at dumating nga ang araw na ito na nanatiling buhay
at di pinababayaan ng maykapal kahit alam kong marami na akong kasalanang
nagawa, sadyang napakabait ng maykapal sa atin kahit gaano ka pa kasama at
handa ka niyang patawarin kapag nagsisisi ka sa lahat ng masamang nagawa mo.
Dahil sa maganda ang umaga ko'y umaasang magiging maganda ang buong araw at
maging sumunod na araw. Pagkabangon pa lamang ay kaagad akong kumain ng agahan,
siyempre ilang oras ba namang hindi nasusuplayan ng pagkain ang sikmura kaya
kailangan malamnam at sinabayan din ng maraming tubig matapos magkape para iwas toxic sa
katawan.
3p-t. Maya-maya'y
nagwalis na ako at nagpunas at kay sarap ng buhay kapag may gingawa ka kaysa sa
nakaupo lamang at buhay alamang pag lumukso naman patay. Ng masiguradong
malinis ang bahay, ipinagpatuloy ko na ang paggawa ng kwento at sa dami ng
imahinasyong kailangang isulat ay halos mapudpod na ang ballpen sa
kakasulat ng maraming salita. Bakit kaya hindi na lang Writer ang
kunin ko at tutal ay hilig naman gumawa ng kwento at kanta pero hindi na pwede
pagkat nakapagdesisyon na ako. Saka pa lamang ako tumigil sa pagsusulat ng
kwento kung kailan ubos na ang tinta. Ilang saglit pa'y oras na upang kumain na
tamang-tama sa tiyang kumakalam na.
3p-u. Matapos kumain ay
naisipan kong libangin ang sarili sa paglalaro ng Flappy bird. Tuwa
ang nadama ko sa sarili pagkat 30 na ang kaya kong abutin at umaasang
mahihigitan pa iyon. Muli nanaman akong dinalaw ng antok na kahit ayaw pang
matulog ay kailangan na kaya waka akong nagawa kundi tumulog. Pagkagising ay
saka muli ako gumawa ng kwento at ang dami kong naiisip na sitwasyong pwedeng
idugtong sa kwento kaya sige lang sa pagsulat hanggang sa abutin ng gabi.
Maya-maya'y paglalaro muli ng Flappy bird ang
sunod kong inatupag at saya ang namutawi sa dibdib na kaninang kinakabahan
pagkat 45 na ang kaya kong abutin at talagang naadik na sa larong iyon. Sa
uulitin muli kapag may time at ilang saglit pa'y natulog na
ako.
February 17, 2014
Monday
Year II-048
3p-v. Parang dumaan ang
araw na walang pasok ng isang iglapan lamang at may pasok nanamang muli. Medyo
inaantok pa at hinihikab ng lagay na ibig pang matulog ng matagal pero pinilit
ko pa rin bumangon at nag-almusal. Malapit ng sumapit ang Alas-sais ng makaalis
ng bahay at pagdating sa hintayan ng tricycle ay napakahabang pila
ang sumalubong sa akin kaya naman malaki ang posibilidad na mahuli muli sa
pagpasok kung di kaagad dadating ang mga tricycle. Naging masuwerte
naman sa akin ang araw na ito at kaagad na nakasakay. Pagdating sa eskwelahan
ay ang daming estudyanteng nagsiksikan sa labas ng gate. Matapos
ang Flag ceremony ay saka pa lamang kami pinapasok
at di naman sinita sa pagpasok. Sa oras ng Values, nagtsek lamang
kami ng Ugaling Pilipino.
3p-w. Kahit naging
masuwerte ang araw na ito'y pumalit naman ang kamalasan sapagkat di ko nadala
ang Ugaling Pilipino, todo hingi tuloy ng tawad ang
ginawa kay Ma'am Fabiana.
Matapos magtsek ay nag-discuss si Ma'am at may mga sandaling
kami'y nagre-recite. Kahit nga medyo nahihiya'y nagawa ko pa rin ituro
sa kanila ang Seven deadly sins, nakakawalang respeto lamang sa
sarili sapagkat di sila nakiking at panay daldalan. Hindi sana maging katulad
nila ang magiging estudyante ko kung sakaling Education ang
kunin ko. Sa kadahilanang ayaw naman nilang matuto tungkol diyan ay hindi ko na
ipinagpatuloy pa ang pagsasalita at naupo. Maya-maya'y oras na ng TLE at
nagturo lamang si Sir Balbin tungkol sa Topology of internet.
Parang sarap magkaroon ng sariling computer shop kapag
alam mo ang Topology at pwede mong ma-transmitt ang
iyong Data kahit sa anong Personal computer.
3p-x. Ilang saglit pang
makalipas ay MAPEH na at sa oras na ito'y itinuro sa amin
ni Ma'am Mina ang tungkol sa Baroque Period, ang
kaninang pagtuturo hinggil diyan ay nauwi muli Personal experience at
todo kinig kami kahit labas sa lesson sapagkat masaya ang
kwento ni Ma'am. Kahit sinabi ni Ma'am na mahirap maging guro minsan ay hindi
pa rin nagbabago ang kagustuhan kong maging tulad ni Ma'am. Sa oras ng Filipino ay
nagtsek lamang kami ng RAT na itineyk nung Biyernes at
pagkatapos ay nag-aytem analisis kami. Hindi ako nasiyahan sa aking nakuha
pagkat mababa. Ganon rin sa oras ng English at sobra na akong
na-frustrate sa nangyayari, sineryoso ko naman ang Exam at
bakit hindi pa rin ako makakuha ng mataas?
3p-y. Maging sa oras
ng Math ay nagtsek kami at ang naging resulta ay hindi maganda
pagkat lahat kami'y mababa ang nakuha, paano naman makakakuha ng mataas kung
sakit sa ulo ang hirap ng test sa Math at
kahit Math ang Favorite subject ko'y
sa totoo lang ay nahihirapan na ako sa subject na ito. Sa oras
naman ng Physics ay nagtsek rin kami ng test paper at
talagang hindi ako pinapalad na makakuha ng mataas na marka kahit nagseseryoso
na. Buti pa si Leonardo at palaging Highest at
ang gaganda ng markang nakukuha, anu kayang natatagong sikreto ng lalaking
iyon? Kung makapag-isip ay walastik at talagang Jimmy Neutron ang
dating ng utak.
Gulat ako sa sinabi ni Perfecto pagkat blangko pala ang
grado namin sa TLE at maging ang lahat ng bumagsak
nitong First grading kaya dali-dali namin pinuntahan
si Sir Balbin.
3p-z. Sinabi ni sir na
lalagyan naman niya iyon bago kami grumadweyt. Sa wakas at may kasabay na rin
ako sa pag-uwi at iyon ay si Perfecto at napakabait niyang bata
pagkat naiintindihan niya kung sino ako at naaawa pa nga, doon ako nakaramdam
na may halaga pa pala sa kapwa ko. Pagdating sa bahay at dahil medyo bagsak na
ang mata'y natulog na muna ako pansamantala. Mga ikaanim na ako nagising at
nanood ng Telebisyon. Masaya ako sa sinabi ng MMDA na gagawin
na lamang 4 days per week ang pasok sa eskwela pero sa mga
lugar lang iyon na maapektuhan ng Pagtatayo ng Skyway 3 at
upang makaiwas na rin sa mabigat na trapiko. Nawa'y guminhawa ang bansang Pilipinas kapag
natapos ang project na ito.
February 18, 2014
Tuesday
Year II-049
3q-a. Sadyang
napakabilis ng takbo ng oras at sumapit muli ang madaling araw kaya kahit
inaantok pa ang matang galing sa tulugang napakalawig ay kailangan ng idilat
upang kaharapin ang panibagong buhay sa araw-araw at iyon ay pumasok sa
eskwela. Pagdating sa eskwela'y saktong nadatnan kong nagsisiksikan ang mga
estudyante sa labas at di pa kami pinapapasok. Buti na lang at nandoon sina Mary Joy kaya
may kakilala ako at may kasabay sa pagpasok. Sa oras ng Ekonomiks ay
itinuro sa amin ni Sir Arnulfo ang paraan ng pagpapataw
ng pagbubuwis, maya-maya'y isa-isa niyang inanunsyo ang nakuha naming marka
nung nagkaroon ng activity at marami ang nakakuha ng itlog,
buti na lamang at sampo ang nakuha ko kaya lahat ng nakakuha ng ganong marka'y
tuturuan ang mga kamag-aral sa kung paano magkompyut ng buwis. Feel na feel ko
na talagang maging guro at habang tinutulungan ko ang aking mga kamag-aral ay
nahahasa na ang aking kasanayan at mas gusto ko pang magturo sa mga taong bukas
ang teynga.
3q-b. Tumigil lamang
kami sa pagtuturo ng oras na ng TLE at nagkaroon kami ng
maikling pagsusulit. Kahit di ako nakapagrepaso'y masaya pa rin ang loob ko
pagkat mataas ang nakuha ko, parang bumabawi lang sa mga naging marka kong
laging lagagpak. Sa oras ng MAPEH ay hindi pa pumapasok
si Ma'am Mina kaya maingay muli ang silid lalo na yung nasa
likuran ko. Maya-maya'y dumating na si Ma'am Mina at sa di
inasahan ay nagliyab ang mata sa amin pagkat pinapabayaan raw ang aming silid
na madumi. Nakapagturo pa rin naman si Ma'am kahit nasermunan kami. Sa oras
ng Filipino'y nagsagot lamang kami ng Pre-test,
malas at di ko dala ang Test paper ng Pre-test kaya
naging pahirapan sa akin ang maki-share sa katabi.
3q-c. Sa oras naman ng English
ay nagkaroon kami ng Group review. Tuwang-tuwa ako
sa dalawang anak ni Ma'am Templanza pagkat ang haharot.
Nung bibili ng Candy ang isa niyang anak ay ako ang naatasang
sumama sa kanya at halos mapagod ako sa kakasaway pagkat takbo ng takbo, doon
ko naisip na masarap na magkaroon ng batang kapatid pagkat naaliw ka sa kanila.
Sa oras ng Math ay inanunsyo sa amin ni Sir Harren ang
tungkol, sa magiging project namin sa Fourth grading at
talagang napakahirap gawin, sa susunod na linggo pa ang pasahan kaya over
pressure na ako ngayon pa lang.
3q-d. Maya-maya'y Physics time na,
itinuro sa amin ni Sir Martin ang Logic
gate of Circuit at kahit anong kinig ko'y wala pa ring pumapasok sa
utak kaya ang naging resulta, itlog ang nakuha ko nung nagkaroon kami ng
maikling pagsusulit at nakakahiya kay Sir Martin,
babawi ako next time at ipapakita mo kay Sir
Martin na Deserving akong makakuha ng mataas na
marka. Umuwi akong lugmok at di maipinta ang pagmumukha. Upang maibsan ang
pagkabigong nararanasan ay nilibang mo ang sarili sa paglalaro ng Flappy
bird. Kinagabihan at dahil may Long test muli
sa MAPEH at Physics ay nagrepaso ako. Mga
ikasampo na ng gabi ako tumulog. Hindi naman ako makatulog ng maayos pagkat
nagsabay ang mainit at malamok na sitwasyon, ang iingay ng ugong nila na sakit
sa teynga, ang Mama naman ay walang ginawa kundi patayin ang mga pesteng
nanghahasik ng kati at sakit.
February 19, 2014
Wednesday
Year II-050
3q-e. Madaling araw na
subalit hindi pa rin ako makatulog ng maayos gawa na napakalamok sa kwarto at
panay kamot pa sa balat, nakaidlip ako subalit pansamantala lang. Pagkagising
ay eksaktong Alas-singko na pala kaya nagmamadali na ako sa pagkilos at baka
mahuli. Buti na lamang at wala pa si Sir Arnulfo pagdating
ko sa Eskwela. Ilang saglit pa'y dumating na nga siya at nagturo hinggil sa
pagbabadyet ng pamahalaan. Natutuhan ko kay Sir na ang pera'y umiikot lang
sapagkat una matatangap mo ito mula sa sweldo, pagkatapos ang ilang bahagi'y
ibabayad sa buwis at ang buwis ang magiging pondo ng pamahalaan upang
makapagbigay ng pampublikong serbisyo sa atin at pamahalaan rin ang
nagpapasweldo sa lahat ng kanilang kawani kaya napakahalaga ng pera pagkat siya
ang nagpapagana sa sirkulasyon ng bansa. Parang dugo lang ang salapi na
paikot-ikot.
3q-f. Matapos magturo'y
nagkaroon kami ng seatwork. Dahil kinapos na sa oras ay naging
takdang-aralin na lamang iyon. Sa oras naman ng TLE ay
nagkaroon kami ng Long test, nakinig naman ako sa
tinuro niya kaya kahit di nakapagrepaso'y naging sisiw pa rin sa akin ang mga
katanungan. Habang hindi pa dumarating si Ma'am Mina'y todo
pagrerepaso na ang ginawa ko at pagkakabisado ng bawat kataga. Pagkapasok pa
lang ni Ma'am Mina ay sinabi niyang bukas na raw ang Long test pagkat
manonood kami ng Musical performance ng SPA.
Nagtungo kaming lahat sa kabilang gusali at matiyagang pumila. Ilang saglit
pa'y pinapasok na kami at nagsimula ng tumugtog ng instrumento ang lahat ng
kasapi. Parang totoong radyo ang kaharap ko habang nakikinig ng magandang
awitin sapagkat walang mintis ang pagtugtog ng iba't ibang instrumento at bagay
na bagay sa inaawit ng isa.
3q-g. May ilan pa akong
kamag-aral na napasabak sa biritan lalo na si Denzel na halos
ikayanig na namin ng bumirit ng “Roar”, di niya malaman kung
kakanta ba ng taas o babaan na lang kaya nawawala na tamang intonasyon. Maya-maya'y bumalik
na kami sa silid at kasabay namin si Sir Velarde sa
pagpasok. Nagrepaso lamang kami sa oras ng Filipino at
si Sir Velarde na habang nagtuturo'y may pahirit
na patawa kaya labis ang aming paghagakhak, sumakit tuloy ang tiyan ko sa
kakatawa at ganyang guro ang gusto ko, yung magaling magpatawa. Sa oras naman
ng English ay nagrepaso rin kami at maya-maya'y nagkaroon kami
ng Activity. Masaya nanaman ako pagkat mataas muli ang nakuha ko.
Sa oras ng Math, si Ma'am Shiela ang naging guro
namin at nagtungo kami sa kanya-kanyang kagrupo.
3q-h. Nagkaroon kami ng Group study.
Todo pagrerepaso na ang aming ginawa at sana'y mataas ang makuhang marka sa
aming batch sa darating na NAT. Habang di pa dumarating
si Sir Martin at sa takot na magitlog muli'y
nagrepaso ako. Ilang saglit
makalipas ay dumating na nga si Sir Martin at kami
nga'y nag-long test. Kahit ilang ulit kong inintindi ang Logic gate ay
wala pa rin at di kataasan ang nakuha ko, atlis di itlog. Kinahapunan ay
dumating na si Mama galling shopping at sinabing nagpunta raw siya
sa New Era University upang alamin ang
ipapasang requirements, mukhang may tiyansa pa talaga ako
makatungtong sa kolehiyo kahit bali-baliko ang aking Marka, yun nga la'y
kailangang 85 pataas ang General average na makuha ko ng Third
year o Fourth year para makapag-take ng exam sa New Era,
gusto ko pa naman mag-aral sa unibersidad na iyon, bukod kasi sa malapit ay magandang
pasukan ang eskwelahan na iyon at mukhang Friendly pa ang
magiging kaklase ko. Wish ko lang na umabot sa 85 ang General average ko
kapag nakompyut at yun na lang ang tanging pag-asa ko. Dala ng matinding antok,
di ko na tinapos pang panoorin ang paboritong programa at kaagad ng natulog.
February 20, 2014
Thursday
Year II-051
3q-i. Sa sarap ng aking
tulog at pagkagising ay kita ko sa malaking orasan na Alas-singko na pala at
kailangan ko ng magmadali. Ang haba pa ng pila sa hintayan ng tricycle at
talagang mahuhuli na ako sa pagpasok. Ilang saglit pa'y dumating na ang tricycle at
saktong nakasabay ko si Bernadette kaya may kakwentuhan muli.
Pagdating namin sa eskwela'y daming estudyanteng nagsisiksikan sa labas ng
eskwelahan at pagkabukas ng gate ay hindi maiwasang
maggitgitan, ang resulta'y gusot-gusot na uniporme ang inabot ko. Buti na
lamang at wala pa yung mga kamag-aral ko na mahilig mamintas kaya ako'y
napanatag sa pagpasok, gawa-gawa din ng assignment sa Physics at Review naman
sa MAPEH habang di pa dumarating si Sir Arnulfo.
3q-j. Minuto lang ang
pagitan nang dumating na nga si Sir Arnulfo at
itinuro ang tamang paggatos ng pamahalaan sa kaban ng bayan. Sa pag-alis ni Sir
at bago pa man ito makalayo'y kinausap ko na siya pagkat kukuhain ko na ang
aking Report card noong Third Year ako.
Sinabi niyang sa uwian ko na lang kukunin. Sa oras ng TLE ay
hindi magandang balita ang ipinahayag sa amin ni Sir Balbin pagkat
karamihan sa amin ay lumagapak ang Marka sa naging pagsusulit kahapon at
nirepaso kami matapos niyang magsalita. Habang daldal ng daldal si Sir
Balbin ay lihim akong nagrepaso sa MAPEH. Wala pa nun si Ma'am
Mina kaya lumawig pa ang pagkakataong makapagrepaso. Ilang saglit pa'y
dumating na nga si Ma'am Mina at nagsimula na ang pagsagot
sa Long test at sa paraan ng pagsagot ay iitiman ang bawat
bilog ng Letra upang masanay raw kami sa pag-itim kapag NAT na.
3q-k. Naging madali lang
sa akin ang test kaya kaagad akong natapos at ng Tseking na'y saya
sa dibdib ang nadarama ko pagkat mataas na marka ang nakamit ko, nawa'y
magpatuloy na ito hanggang sa ako'y magtapos sa Kolehiyo. Ng oras ng recess ay
nagtungo ako sa Guidance office upang kunin
ang NCAE result pagkat kasama rin iyon sa requirements ng New Era.
Abala pa ang guro sa pangangaral sa estudyanteng nagpalitan ng lakas kaya
naghintay pa ako ng matagal. Ng matapos siya sa panenermon ay ibinigay na niya
sa akin ang NCAE result pero photocopy lamang.
Pagbalik sa silid ay nasa pisara na si Ma'am Templanza at Sir
Buenaventura. Nagkaroon kami ng Seatwork sa English at
kahit di ako magaling sa wikang Ingles,
naging madali sa akin kung paano gamitin sa pangungusap ang mga Conjunction words kaya
ang resulta'y isa lang ang mali ko out of 15.
3q-l. Sa oras ng Math,
nagkaroon kami ng Group review, malas ko lang at tanga
pagkat di ko nadala ang NAT reviewer kaya
nanghiram pa ako sa ibang seksyon. Buti na lang at dala ni Justine ang
kanyang NAT reviewer kaya nakapagrepaso pa ako ng
maayos. Ako at si Rommel ang tumulong sa mga kamiyembro naming
mahina sa Math at grabe pagkat hirap turuan ni Villaresis,
mahabang pasensiya ang pinairal ko at di ko nagawang sigawan pagkat batid kong
lalo pang di siya magseseryoso kapag dala-dala ang kabigatan ng loob. Natigil
lang ang aming Group review ng dumating si Sir
Martin at nagrepaso kami. Di muna kami umuwi at sinamahan ako ni Perfecto sa
pagtungo sa AP deparment upang kuhain ang report card.
3q-m. Ang kabang
nanalatay sa dibdib ay di ko na maiwasan ng mahawakan ko ang Card at
sana'y umabot sa 85 ang average grade ko pero di naman
pala pagkat kinapos ng isang puntos, sayang at goodluck na
lamang sa paghahanap ng bagong eskwelahang papasukan. Maya-maya'y nagtungo kami sa Ikaapat
na palapag ng kabilang gusali pagkat may tutorial kami
sa Math. Mga ikatlo na ng hapon kami umuwi at dahil walang available na tricycle,
ayaw ko man maglakad pagkat mainit ang panahon pero ginawa ko pa rin makarating
lang sa bahay. Hindi ko ibig ibalita kay Mama na hindi umabot sa 85 ang grado
ko ng Third year pero nasabi ko pa rin upang
makapaghanap pa siya ng ibang school, katakot takot na sermon ang
inabot ko sa kanya at sising-sisi ako. Kung maibabalik ko lang ang nasayang na
panahon, babaguhin ko ang lahat para di ako mahantong sa gantong kapalaran. Ang
mahalaga'y nagsisi ako sa naging nakaraan, matuto sa kasalukayan at kaharapin
ng buong loob ang kinabukasan na may pagbabago.
February 21, 2014
Friday
Year II-052
3q-n. Hindi nanaman ako
maagang nagising pero hindi naman ako na-late sa pagpasok at may
bakante pang oras upang magrepaso pagkat ngayong araw ang aming Post
Test ng NAT. Ilang saglit pa'y dumating na ang aming review
teacher na si Ma'am Shiela at ang inakalang sa answer
sheet na may apat na bilog na kailangang itiman sa pagsagot,
nagkakamali pagkat sa papel sasagot at di ako nakapagdala ng Papel, kinailangan
ko pang lumabas upang bumili kaso pagkabalik sa silid ay kailangan may pahirit
kang knock knock o Pick up lines para
makapasok, may ilan rin akong kamag-aral ang nahuli at kailangang mag-isip ng
pahirit upang papasukin. Buti na lang at kaagad akong nakapag-isip at napabirit
ako na wala sa oras kaya halos mayanig ang buong silid sa labis na pagtawa ng
aking kamag-aral.
3q-o. Grabe at ang saya
ng klase at umaga namin kapag si Ma'am Shiela ang magbantay sa
amin, daming ka-eklabuhan.
Matapos ang tawanan ay nagsagot na ako sa Post test. Ang
hirap talaga ng Math at sakit sa ulo. Maging sa oras ng Physics ay
nagkaroon rin kami ng Post test at naging madali naman sa akin
ang test. Sa oras naman ng AP, matapos ang pagsagot
sa post test ay nagsagawa kami ng item analysis. Kainis at nakakawalang gana sa loob pagkat ang baba
ng nakuha ko, inintindi ko na nga ang bawat tanong bago sumagot, pambihirang
utak na iyan at palaging palpak. Maya-maya'y recess time na
pero di ako kumain at nagrepaso lamang. Hindi naman ako makapagrepaso ng maayos
pagkat ang iingay ng aking kamag-aral, sila Cynt naman ay
panay pang-aasar ang ginawa sa akin, di ko na lang sila pinansin at lumayo sa
kanila.
3q-p. Lumipas ang
maraming minuto'y pumasok na sa silid si Sir Velarde,
kahit saang angulong titingnan maging ang asignaturang Filipino'y mahirap
na rin o sadyang mahina lang ang ulo ko sa pag-unawa. Pagkatapos sagutan
ang post test, si Bacsal naman ay di ko sukat
akalaing sasabihing naging Crush raw ako pero batid ko sa
sarili na nagbibiro lamang siya, sinakyan ko na lang ang pangloloko niya at
kung totoo man, may nagkakagusto pa pala sa isang katulad ko na bulaklakin ang
puso. Kahit paano'y natuwa naman ako kay Bacsal maging
kay Rommel, asa naman siRommel na may gusto ako sa
kanya, di kami talo.
Sina Cynt naman ay talagang papansin sa amin kaya lalo
pang kumulo ang dugo ko sa kanila at may time na nangtatapik.
3q-q. Natigil lang ang
aming pag-uusap tungkol sa lovelife ng pumasok si Ma'am
Guevarra. Hindi naging sakit sa ulo ko ang mga Grammar at
mas madali pa nga ang naging pagsusulit sa English kaysa sa Filipino.
Sa dali ng pagsusulit, kaagad ko rin naman natapos. Saglit na umalis si Ma'am
Guevarra at habang nagsusulat ako sa may pisara'y bigla na lamang ako
hinubuan ni Cynt, napahiya ako sa marami kong kamag-aral ng gawin
iyon ni Cynt, di ko naman pwedeng palagpasin ang di makataong
pagtrato sa akin ni Cynt kaya di ako nagdalawang isip na
magsumbong kay Ma'am Guevarra. Pasalamat ang mokong hindurukot na iyon
dahil di ko ipinarating sa Guidance. Parang nabiyayahan ako ng
hustisya ng pagalitan siya ni Ma'am at di lang basta pinagalitan kundi dinuro
pa.
3q-r. Laking pasalamat
ko may Ma'am pagkat ipinagtanggol niya ako laban sa mga taong mahilig manghamak
ng kapwa. Kahit paano'y
nabawasan ang hiyang nadarama sa dibdib pero andiyan pa rin. Sa hiya'y di na
ako nakadalo pa sa tutorial. Ilang araw ng di pumapasok si Jenny
mae at Jessa kaya naisipan kong dalawin sila. Kasama
ko si Jobil sa pagtungo sa kanila at pagdating, tsikahan ang
ginawa namin. Ilang saglit pa'y nagtungo na kami sa bahay ni Jenny mae,
kaya pala di ito makapasok gawa raw na nabati ito.
3q-s. Kahit na di
maganda ang nangyari sa akin kanina, naging masaya ako dahil sa kanila lalo na
nung nakipaghabulan kami sa salbaheng bata, masyadong maligalig at sisipain ka
niya kapag nahuli. Pagsapit ng patak-patak Alas-dos ay kinailangan na namin
umalis. Sa harot at pagiging Hyper ni Jobil ay
nawala ang pakikisama ko sa kanya sa pag-uwi kaya pinalabas ko sa kanya na
pupunta ng Bagong Silangan at kailangan naming maghiwalay.
Paniwala naman siya. Nang masiguradong nakakalayo na ay
saka pa lamang ako kumilos pauwi. Labis akong na-haggard pagdating
ng bahay kaya matapos kumain ay kaagad akong natulog. Hindi ko na sinabi kay
Mama ang tungkol sa nangyari sa eskwelahan pagkat iinit nanaman ang ulo
nito. Weekend nanaman kinabukasan kaya nagpuyat ako sa
pakikinig ng tugtog gamit ang telepono. Nang dalawin ng antok ay saka pa lamang
ako natulog.
February 22, 2014
Saturday
Year II-053
3q-t. Kahit na lumipas
na ang maraming oras simula ng mapahiya ako sa harapan ng aking mga kamag-aral
at pinagtanggol na ni Ma'am Guevarra, hindi ko pa rin maiwasang
lamunin ng hiya at naiisip ko sa aking utak na malamang ay pinag-uusapan na
nila ako, pinag-uusapan nila ang maitim kong singit at pinag-uusapan na nila
ang makapal na buhok sa aking likuran, nakakahiya at di dapat nila makita iyon
lalo na't itinakda ang parteng iyon na maselan at di dapat ipakita, loko-loko
talaga si Cynt at di ko alam kung bakit ganito siya sa akin.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang nangyari kahapon at inisip na lilipas
din iyan. Pagkabangon at upang sumaya-saya naman ang aking kalooban ay
nagpatugtog ako.
3q-u. Bukod sa nangyari
kahapon ay lalo pa akong nalulugmok pagkat di ko pa alam kung saang eskwelahan
ako mag-aaral, Pebrero na. Sabi sa akin ng Mama na sa QCPU na
lamang mag-aaral pagtungtong ng Kolehiyo pagkat sila lang ang tatanggap sa
grado ko pero hindi ko nais mag-aral doon dahil parang sa Batasan lang
nag-aral at kailangan ay makalayo-layo naman ako, yung parang bagong place o Environment.
Sasama sana ako kay Mama sa paghahanap ng Eskwela pero sinabing manatli na lang
sa bahay. Matapos magpatugtog ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng Kwento. Mga
tanghali ng pansamatala kong itinigil at nananghalian.
3q-v. Ilang araw na rin
hindi naliligo gawa na malamig ang lagay ng panahon kaya giniginaw man ay
kailangan ng mabanlian ng tubig ang katawan. Feeling Presko
matapos maligo. Maya-maya'y naisipan kong manood ng telebisyon. Ang gugwapo
talaga ng mga kalahok sa I am pogay at marahil kung di ako pa-girl kumilos
at magpakalalaki'y malamang mapapabilang rin ako sa ganong patimpalak. Di ko
nga akalain na may nagkakagusto pala sa akin at kahapon lang niya inamin, hindi
ko lang alam kung dahil ba sa hitsura ko oAttitude. Saksakan sila sa
kakisigan pero Beki pa rin. Habang nanonood ng telebisyon ang
pagdating naman ni Mama at sinabing baka sa TIP ako mag-aaral
pagkat wala raw entrance exam doon at pupwede
ang grade ko sa unibersidad na iyon, tuwa ang nadama mo sa
dibdib pagkat sa wakas ay may malilipatan na akong eskwelahan pero di pa buo
ang desisyon kung doon ba ako mag-aaral pagkat marami pang eskwelahan ang
pagpipiliin.
3q-w. Nang antukin ay
pansamantala akong natulog. Pagkagising at dahil kabato kapag sa loob ka lang
ng bahay, naglaro muli ako ng Flappy bird. Tuwa sa
dibdib ang nadama ko pagkat naka-78 ako, sa uulitin muli kapag may time.
Kinagabihan ay muli nanaman namin nadama ang simoy paskong panahon at dahil
malamig, halos imaluktot ko na ang katawan. Di pa ako inaantok ng gabing iyon
kaya naisipan kong ipagpatuloy ang nasimulang kwento. Sa dami ng imahinasyong
pumapasok sa aking utak, di ko matapos-tapos ang kwento. Mga Alas-onse na ako
natulog.
February 23, 2014
Sunday
Year II-054
3q-x. Mga bandang
ikapito ng umaga ng magising ang katawang lupa ko. Di ko batid sa sarili na
bakit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, gawa ba nung nangyari ng Biyernes
pero parang iba ang ibig ipahiwatig, ipinagsawalang bahala ko na lang at
bumangon. Nag-almusal at pagkatapos ay sinimulan ko ng sagutan ang Ugaling Filipino.
Matapos sagutan ang Ugaling Pilipino'y sinimulan ko ng gawin ang proyekto
sa Math subalit hindi ko masimulan gawin dahil hindi ko lubos
malaman kung paano Kompyutin ang Trigonometric identities at
nakakalito. Naisipan kong magpaturo kay Aldrian pero wala ito
sabi ng nanay niya. Naisipan ko na lang magpaturo kay Itang kaya
nagtungo ako sa kanila. Hindi naman niya ako maturuan sapagkat abala ito sa
paglalaba kaya pinaiwan ko na lang sa kanya ang workbook at textbook,
maski siya'y hindi rin alam kung paano sagutan ang trigonometric identities ngunit
susubukan niya raw. Hindi na ako gaanong nagtagal pa at kaagad umuwi.
3q-y. Kinatanghalian ng
magtungo kami ng Ate sa SM North Edsa sapagkat manonood kami
ng Sine na pinamagatang Starting over again, hindi pa
man nagsisimula ang naturang palabas at upang hindi mainip sa kakahintay ay
naisipang magtingin-tingin ng mga napakapal na aklat sa National Bookstore.
Sa dami ng mga librong nakahilera'y mukhang ginaganahan akong magbasa
kahit English pa ang nilalaman pero wala akong sapat na pera
upang bilhin ang ibig basahing aklat kaya hanggang kapa-kapa lang. Buti na lang
at di gasinong dagsa ang mga tao kahit Linggo kaya di kami nahirapan sa
pagkilos. Makalipas ang isang oras ay bumalik na kami sa Cinema at
matiyagang pumila. Mukhang hataw sa takilya ang palabas na aming papanoorin
pero mas gusto ko pang panoorin ang Abnkkbsnpl ako yung
kay Bob ong, kaso nakapagbayad na si ate ng Ticket kaya
bawal ng mamili.
3q-z. Ilang saglit pa'y
pumasok na kami sa sinehan. Panay kutkot sa pinamiling Popcorn at Nachos habang
di pa nagsisimula ang Movie at ilang saglit ay nagsimula na.
Kahit pang-romantic ay may halong Comedy ang show nila Toni
at Piolo at daming kakulitan. Noong napapanood ko lang
ang trailer nito, inisip ko na boring at
hindi ako makaka-relate pero ng mapanood ang full movie nito,
nagkamaling akala ako at laking nganga ng bibig sa sobrang ganda ng pelikula,
nakakakilig at nakakatawa lalo na nung Ending, daming ka-leading man ni Toni.
Inabot kami ng halos apat na oras sa panonood at kaagad kaming nagtungo sa SM Annex pagkat
bibili ng bagong phone ang ate. Laking pasalamat ko sa kanya
dahil nilibre niya ako sa panonood.
3r-a. Pagkatungo sa
bilihan ng Cellphone, kahit di na bago sa paningin ang mga gadget na android na
aking nakikita kahit sa bahay lang, di ko pa rin maiwasang mamangha. Habang namimili
ang ate ng telepono, sige lang ako sa paglalaro ng mga Gadget at
nag-Enjoy ako ng husto.
Sa sobrang kaaliwan sa paglalaro'y di ko namalayang nasa labas na ang
ate at kailangan ng umalis. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganong kagarang Cellphone.
Bago kami umuwi'y bumili muna kami ng Items sa Supermarket at
sa dami ng pinamili, grabe at parang kasing bigat ng kalahating kaban ng bigas
ang bitbit kong supot. Pagdating sa bahay ay labis kaming nakaramdam ng
kapaguran pero masaya ako pagkat nilibre ako ng ate, sa uulitin muli. Hindi pa
ako makatulog kaya naisipan kong magbasa ng English Pocket book upang
maging bihasa naman sa pagsasalita ng Ingles.
Sa sobrang lalim ng mga sentence na kasing lalim ng balon,
nahirapan ako sa pag-intindi at sumakit ang ulo ko, mahina pa nga ako pagdating
sa Reading Comprehension at dapat ko iyon
mapaglinang.
February 24, 2014
Monday
Year II-055
3r-b. May pasok nanaman
at wala namang pasok kinabukasan pagkat ipagdiriwang ang Anibersaryong People
Power Revolution, kaya naisipan kong idiretso na lang ang pagbabakasyon at
huwag na lang pumasok. Isa pa'y magtsitsek lamang kami ng test paper.
Ginising ako ni Mama pero sinabi kong hindi ako papasok, kakatamad kasi
pagkat ipit ang araw na ito sa mga araw na walang pasok. Ipinagpatuloy ko ang
pagtulog at mga Alas-siete na nagising. Tirik na ang araw sa labas pero dama ko
pa rin ang lamig ng panahon kaya mainit-init na Tsamporado ang
naisipang agahan. Matapos kumain ay nagtungo ako sa bahay nila Tita Jean.
Walang tao sa bahay nila ng datnan ko pero bukas ang Radyo maging ang gate kaya
kaagad akong nakapasok. Naghintay ako at makalipas ang ilang saglit, dumating
na si Itang. Buti na lang kahit paano'y may alam si Itang kung
paano i-solve ang Trigonometry equation pero
sa hirap ng ibang aytem, maski siya'y sumuko na sa pagpapaliwanag sa akin,
hindi ko pa rin Gets at sa hiya ko naman sa kanya na hirap na
hirap na rin ay nagpasya akong aralin na lang mag-isa.
3r-c. Pagdating sa bahay
ay buong loob kong inalam at inintindi ang procedure sa pag-solve ng Trigonometric Identities pero
sakit na ng ulo ko, sa ikalawa na ang pasahan pero dalawa pa lang nasasagutan. Isa ang Mathematics sa
paborito kong asignatura pero ngayon lang ako naka-ingkwentro ng ganong kahirap
na Lesson, palibhasa'y hindi itinuro ng Guro naming walang ibang
ginawa minsan kundi magpapogi, hindi naman kakisigan. Minsan di pa pumapasok sa
klase namin. Makalipas ang ilang oras na pagtutok sa Trigonometry
identities, ayaw ko na at suko na. Medyo wala nanamang kulay ang buhay at
nakakabato kaya naisipan kong magpatugtog.
3r-d. Party party lang
ang aking peg habang umiindak sa saliw ng musika at kahit paano'y natanggal ang
aking stress likha ng kakaaral sa Trigonometric
Identities. Ganap ng tanghaling tapat at sa takot na baka marindi na ang
kapit-bahay na siyang dahilan pa ng hidwaan, labag man sa aking kalooban ay
pinatay ko na at natulog.
Ang ganda ng naging panaginip ko, para akong nasa ibang mundo na payapa
at makulay ang pamumuhay, sana ganon sa totoong buhay, walang away at palaging
pagmamahal sa kapwa ang pinapairal. Sa kasarapan ng tulog, Alas-singko na ako
nagising at di pa ko nakakagawa ng Project sa Math.
3r-e. Maya-maya'y
nagtungo muli ako sa bahay nina Aldrian pero tulog naman ito
sabi ng kanyang ina. Kay Charmlie ako magpapaturo pero maski
siya'y di alam ang Lesson sa Math at di raw
itinuro sa kanila. Mukhang wala na akong maasahan kundi sarili ko at dahil wala
namang pasok kinabukasan, iyon ang inatupag kong aralin matapos manood ng
Telebisyon. Paano ako magiging mahusay na guro sa Mathematics kung
ngayon pa lamang ay walang-wala na ang aking utak para diyan. Sa totoo lang ay
nahihirapan pa rin ako at di pa rin makuha. Ng sumapit na ang hating-gabi, saka
pa lamang ako natulog.
February 25, 2014
Tuesday
(People Power Revolution)
Year II-056
3r-f. Anibersaryong
pagdiriwang para gunitain ang pag-aalsa ng mamayang Pilipino sa
pagpapatalsik kay Marcos at makalaya ang bansa mula sa Martial
law. Kung ako lamang nabubuhay sa panahong iyon malamang ay makikiisa rin
ako sa pagpapatalsik sa pinunong hindi naman maayos ang kanyang pamumuno at may
bahid pa ng pagiging tiwali, nangangahulugan na sa kabila ng pagiging
ordinaryong tao, may laban tayo sa mga makapangyarihang walang ibang hinangad
kundi sariling kagustuhan lamang hindi pangangailangan ng kanyang nasasakupan.
Sa kadahilanang walang klase ngayon ay hindi ako maagang nagising. Pagkagising
pa lamang ay kaagad ko ng narinig sa balita mula sa Telebisyon na ipapanukala
na ng Dep-Ed na gawin sa Trenta mil ang Pasweldo ng mga guro,
tuwa naman ako sa panukalang iyan at sana'y ituloy nga ang pagpapatupad upang
dumami pa ang mga taong maenganyong maging Guro.
3r-g. Kaagad kong
binuklat at inintindi ang Lecture sa Math matapos
kumain at kahit paano'y nakukuha ko na kaya nakapagsimula na ako subalit
nahihirapan pa rin sa sumunod na aytem. Madumi at marami ng alikabok sa bahay
kaagad, naisipan kong maglinis muna. Matapos maglinis ay ipinagpatuloy ko ang
pagsagot. Maya-maya'y pagbabasa ng English book ang
sunod kong inatupag, sa totoo lang ay ginawa ko na ang maisip na paraan pero
wala pa rin at ipinapahiwatig na mahina talaga ang ulo ko pagdating sa Reading
Comprehension, naku at magkokolehiyo na ako. Ng tamarin na sa pagbabasa
gawa na ako binabalingoyngoy na, panonood ng Telebisyon ang sunod kong
inatupag. Medyo nakakaramdam na rin ng gutom kaya nakisabay na ako sa kanilang
mananghalian.
3r-h. Kinahapunan ding
iyon ay naisipan kong magkumpyuter sa labas, tagal na ring hindi nabubuksan
ang Account sa Facebook. Inabot na ko ng dilim sa
pagkukumpyuter at dahil kakangawit na ang umupo ng matagal, nag-log-out na
ako. Sa halip na dumeretso sa sariling bahay, sa bahay nila Cathy ko
pa naisipang puntahan. Kahit kailan talaga ay sarap kakwentuhan ang Mama ni Cathy pagkat
daming alam na biro, sa Cathy naman ay masyadong busy kahit
gabi na kaya di ko siya gaanong nakakausap. Nang sumapit na ang ikawalo ng
gabi, kinailangan ko ng magpaalam sa kanila. Diretso kain at nuod ng telebisyon
pagdating sa bahay.
3r-i. Kahit matagal na
nangyari sa akin ang hindi kanais-naisi at nakakahiya sa dibdib na pangyayari,
hindi ko lang alam kung kakayanin pa ng kalooban kong pumasok kung alam sa
sariling marami akong makakasalamuhang mukhang hindi katanggap-tanggap at
madalas laging may nakikitang negatibo sa akin, marahil kaya iyon nagawa ng
kamag-aral ko na pahiyain ng ganun ganun lang sa dahilang nakikita niyang iba
ang paraan ng pakikisalamuha ko sa kanila. Bakit kasi ang hilig ng mga Pinoy na
hamakin at pagtinginan ng hindi maganda ang kakaiba? Bakit hindi na lang
pabayaan na lang o pakisamahan? Hindi naman nila ikakamatay kung kaibiganin ang
kakaiba at kakaiba sila dahil sa kanila ipinagkatiwala ng panginoon ang
natatanging kakayahang di kayang gawin ninuman. Sorry siya
dahil ganito ako at wala siyang karapatang husgahan ako.
February 26, 2014
Wednesday
Year II-057
3r-j. Bahagyang naging
maulan ang umaga at kahit hiyang-hiya sa sarili buhat ng pahiyain ng maloko
kong kamag-aral ay di pa rin ako paapekto sa aking nararamdaman at nagawa ko pa
rin pumasok. Mangilan-ngilan pa lamang ang kamag-aral na nasa silid at salamat
naman pagkat wala pa sina Cynt, kaya walang bubwisit sa umaga ko.
Hindi na nila siguro uulitin ang katulad na ginagawa sa akin pagkat napagalitan
na sila at alam kong natauhan na sila, sana nga. Habang di pa dumarating
si Sir Arnulfo at gawa nga na ngayong araw na rin
ang pasahan ng Proyekto sa Math, hindi man ito tama ay nagawa ko ng
kopyahin ang sagot ng aking kamag-aral, disperado na kasi. Sabay tago ng
ginagawa at baka itapon sa basurahan pagdating ni Sir Arnulfo.
Itinuro niya sa amin ang tungkol sa patakarang pananalapi, kakainis lang sa
sarili pagkat laging mali ang sagot ko sa tuwing Recitation.
3r-k. Sa oras naman
ng TLE at dahil hindi ako nakapag-test gawa na
lumiban ako sa klase nitong Lunes, lahat ng hindi nakapag-eksam ay binigyan
ni Sir Balbin ng Chance at sa
likod kami nagsagot. Naging madali lang sa akin ang naturang test,
natagalan lang dahil kailangan pang itiman ang bilog na may kalakip na
pagpipiliang letra. Sa dalas namin iyan gawin sa tuwing may Post-test o Pre-test ay
hindi na kami magkakamali sa pagsi-shade ng bilog kapag boboto na. Sa oras naman
ng MAPEH, nagpraktis lang kami ng Graduation song at
matapos ay sayaw ng Cha-cha at Swing. Sa
halip na magsayaw ay sinamantala ko ang oras sa pangongopya ng sagot ng aking
kamag-aral, may maipasa lamang.
3r-l. Sabay tago muli ng
pumasok si Sir Velarde.
Muli ko nanaman nakita ang pagmumukha nila Cynt at buti na
lang at di na nila ako niloloko, subukan muli nila at makikita nila ang
kanilang hinahanap. Nagtsek lamang kami ng Test paper sa
oras ng Filipino. Kahit nagugutom na'y tiniis ko na lang at mas
piniling gawin ang Project sa Math. Ilang sandali
pa'y pumasok na si Ma'am Tenplanza, nagturo ito at pagkatapos ay
nagkaroon kami ng maikling pagsusulit. Kainis lang na may halong pagkadismaya
pagkat dami kong mali, mas madami pa sa tama samantalang nakikinig naman ako
kay Ma'am. Kung sino pa yung madadal at di nakikinig, sila pa yung nakakuha ng
mataas na marka.
Sa oras naman ng Math, nagbunyi ang hindi nakagawa ng project at
mga ngayon pa lang gagawa ng ianunsyo ni Sir Harren na pwede
pa magpasa hanggang bukas. May pagkakataon pa upang pagandahin ang Front-page ng
aking project. Another saya muli sa dibdib ng
ianunsyo rin ni Sir na walang tutorial mamaya.
3r-m. Matapos ang
mahalagang Announcement ay nagtungo na kami sa kanya-kanang
kagrupo at nag-Group review. Kahit mahirap turuan at sa kagustuhang
makakuha ng tamang sagot ay buong pagpapasensiya kong tinuruan Si Villaresis. Maya-maya'y Physics time na at nagkaroon
kami ng Pre-test. Wala nanamang papel kaya bibili muli ako, kung di
lang madadamot ang aking kamag-aral di sana'y hindi na ako manghihingi. Ang
bilis ng oras at di akalaing uwian na. Sasali pa sana ako sa Practice ng Swing at Cha-cha pero
sa sakit ng tiyan ko dala ng gutom, nagpasyang umuwi na lamang. Sige lang sa
paglantak ng hapunan at di alintana kung mabulunan man. Matapos kumain ay
natulog ako pansamantala. Nang magising ang katawang lupa, nagrepaso ako sa Physics subalit
hindi natuloy pagkat nawawala ang aking NAT reviewer,
kailangan kong mahanap iyon sa lalong madaling panahon dahil kung hindi,
magbabayad ako ng malaki. Dahil problemado ako sa pagkawala ng NAT reviewer,
hindi ako makatulog ng maayos. Sana'y mahanap ko iyon.
February 27, 2014
Thursday
Year II-058
3r-n. Kahit kailan
talaga ay ugali ko na ang ang pagiging burara, saan ko kaya huling nailagay
ang NAT reviewer at di ko makita, malakas ang
kutob ko na baka naiwan ko sa School kaya pagdating sa School ay
todo halughog ako sa drawerat nagtanung-tanung sa kamag-aral. Maski
sila'y hindi nakita ang NAT reviewerko. Kapag di ko
nahanap, malaking problema ang abot ko. Pinahiram lang sa amin ng pamahalaan
ang librong iyon para may marepaso sa darating na NAT, tapos
wawalain ko lang. What a stupid I am! Hinanap ko na kung
saan-saan pero di ko pa rin masumpungan. Hindi ako mapakali at labis akong
namomoblema. Saka pa lamang ako naupo ng dumating si Sir Arnulfo.
Ipinagpatuloy niya ang pagtuturo sa amin ukol sa patakarang pananalapi.
Gustuhin pa man naming manatili pa siya sa patuturo at malaman ang iba pang
bagay tungkol sa Ekonomiks pero time na. Sa
oras naman ng TLE, nagturo lamang si Sir Balbin,
dinadaga nanaman ako ng problema kaya hirap ipokos ang atensyon sa kanya. Sa
oras ng MAPEH, nagtungo kami sa Quadrangle upang mag-ensayo
ng sayaw ng Cha-cha at Swing.
3r-o. Nung una'y inakala
kong mas madali ang Cha-cha kaysa sa Swing pero
mas mahirap pala at kaya naging mahirap pagkat may halo iyong Tango,
bukod sa pagiging burara'y parehas kaliwa ang paa ko pero kahit ganon, nakisali
pa rin ako sa pagpapapraktis. Marami talagang nahirapan sa pagsayaw ng Cha-cha mix
with Tango kaya lalo pang lumakas ang loob ko at naging
determinado akong balang araw ay matuto ring sumayaw. Bago sumapit ang Physics time ay
pinapasok na kami ni Ma'am Mina sa Silid, inanunsyo niya na
hanggang bukas na lang ang pasahan ng Project. Ilang saglit pa'y
dumating na si Sir Martin, nagrepaso lamang kami gamit ang
pinahiram na NAT reviewer at halos lahat sa aking
kamag-aral ay may hawak nun, kainis talaga pagkat naiwala pa iyon. Tuloy ay
naging pahirapan sa akin ang maki-share sa katabi. Bago tuluyang
umalis si Sir Martin ay inanunsyo niyang magkakaroon kami
ng Post-test mamaya sa oras muli ng subject niya
kaya naman sa halip na ilaan ang paglamon sa oras ng Recess ay
nagrepaso lang ako at tiniis ang gutom na nadarama. Sana'y ma-perpect ko
mamaya ang test. Maya-maya pa'y dumating na si Ma'am
Templanza, maging sa subject niya'y nagrepaso lamang kami
at pagkatapos ay nagkaroon ng Pre-test. Sa oras naman ng Math,
pinapunta lahat ni Sir Harren ang mga kamag-aral
ko na pasok sa Top ten samantalang sa likuran nila kami
pinaupo.
3r-p. Habang may tutorial ang
ilan kong kamag-aral ay binigyan naman kami ni Sir ng pagkakaabalahan at iyon
ay ang pagsagot sa Test paper, maraming hindi
nakakaalam sa naging mga lesson namin kaya naman hala sila sa
kopyahan, maski ako na anong takip sa test paper,
nagagaya pa rin ng kamag-aral ang sagot ko. Sa hirap ng mga Equation na
kailangang i-solve, naipasa ko ang testpaper na di pa
nasasagutan lahat. Bago pa man dumating si Sir Martin ay
naging puspusan na ako sa pagrerepaso. Wala nanaman akong dalang papel kaya
bumili muli ako sa labas. Pagkabili'y ipinagpatuloy ko ang pagrerepaso at
tinandaan ang mga sagot.
3r-q. Kaba sa dibdib na
ang nadarama ko ng pumasok si Sir Martin at sinimulan
namin ang Post-test, wala pa sa isang minuto kung ako'y pumili ng
letra kaya naman kaagad akong natapos, may ilang aytem lang ni di kumpiyansang
tama ang sagot. Nang iwinasto na namin ang kanya-kanyang papel ng kamag-aral,
kaasar pagkat dami ko pa rin mali. Anu ba 'tong utak ko at masyadong
malilimutin. Sa kabuuan ay marami ang nakakuha ng mataas na marka. Saktong
nakasabay ko si Jayson (Alfaro) sa Tricycle pagkauwi
kaya walang hiyang sinabi ko sa kanya ang salooobin tungkol sa nangyaring exam namin
sa Physics.
3r-r. Pagdating sa bahay
ay kaagad akong kumain at matapos ay nagtungo na sacomputer shop,
hindi ko mahanap sa iba't ibang website ang pinapahanap ni Ma'am
Mina kaya nagtagal pa ako, gawa na dumarami na ang nagkukumputer na
nareresulta ng siksikan at mainit, di ko natiis pang manatili pa at
umalis na kahit hindi pa tapos ang project. Mga ikaapat na ng
hapon ako nakarating sa bahay at sa layo ng nilakad, nakaramdam ako ng antok at
natulog. Saglit lamang akong natulog at pagkagising ay panonood agad ng
telebisyon ang inatupag ko na akalang walang pinoproblema, sana mahanap ko na
ang NAT reviewer ko. Bago matulog kinagabihan ay
nakinig muna ako ng mga tugtog. Nang dalawin ng antok ay saka pa lamang
napagpasiyahang matulog.
February 28, 2014
Friday
Year II-059
3r-s. Gaano man kainit
ang nagdaang gabi'y ganon pa rin kalamig sa pagsapit ng madaling araw na tila
pinipigilan akong bumagon pero nagawa pa rin at di nagpanaig sa ginaw na nadarama.
Medyo minamalas lang ako ngayong araw dahil habang matiyagang nakapila sa
hintayan ng tricycle ay di ko namalayang nakaapak na ako sa
duming kay lagkit, panay kaskas ng sapatos ang ginawa ko pagkababa at ng
masiguradong wala ng naiwang dasto ng dumi'y saka pa lamang pumasok sa silid.
Hindi pa iyon nagtatapos ng mapansin kong tila may naamoy ako, may naiwan pa
palang dasto ng dumi at ang malas pa'y dumikit pa sa pantalon. Kinailangan ko
tuloy magtungon sa iniduro at binanlawan ang laylayan ng pantalon. Mabuti na
lamang at mangilan-ngilan pa lamang kami kaya walang gasinong nakaamoy.
3r-t. Regular class na
pala at wala ng Review day, sayang at may baon pa naman
akong Pick-up lines kay Ma'am Shiela na tiyak
na ikawiwindang niya pero di ko na maipapakita ang sarili sa pagpapakitang
gilas sa kanya maging sa kamag-aral ko. Ilang saglit pa'y dumating na
si Sir Arnulfo, nagrepaso lamang kami. Sa oras naman ng Values,
mayroon pala kaming long test at di ako nakapagrepaso subalit
sa kabukalang loob ni Ma'am Fabiana'y binigyan niya kami ng oras
upang makapagrepaso. Nakapagrepaso nga ako subalit di katayugan ang nakuha ko
pero tanggap ko na kung ganon ang naging marka ko, atlis hindi nangdugas.
3r-u. Dahil malapit na
ang aming JS prom ay puspusan na ang aming
pag-eensayo ng Sayaw ng Cha-cha at Swing. Para sa
akin ay di pa ko sigurado kung sasali ba sa JS prom,
bakit hindi at minsan lang sa isang taon. Sa school Quadrange namin
isinagawa ang pag-ernsayo. Ipapasa ko sana kay Ma'am Mina ang
pinaghirapang proyekto pero kulang pa sa Front page.
Bago umalis ay inanunsyo sa amin ni Ma'am na sa March 13 na
raw ang JS prom sa halip na March 6,
may pagkakataon pa upang mamili at makaisip ng susuotin. Sa pag-alis ni Ma'am
Mina ang pagdating naman ni Sir Velarde, sumagot
lamang kami ng Post test sa pamamagitan ng NAT reviewer,
sa pagkawala ng NAT reviewer ay nakiki-share nanaman
sa katabi sa halip na hindi na dapat.
3r-v. Dahil may long test mamaya
sa Physics, inilaan ko ang oras ng recess sa
pagrerepaso, kahit paano'y gusto ko man lang umangat-angat ang makukuhang marka
at determinado akong makamit iyon. Itinigil ko lamang ang pagrerepaso ng
dumating si Ma'am Templanza. Nagkaroon kami ng test sa
oras ng English at kahihirap unawain ang mga tula't kwento. Sa
kakaintindi'y di lang sumakit ang ulo kundi inantok pa ako kaya ng oras
ng Math ay pansamantala akong naidlip, di naman makaidlip
pagkat ang iingay ng kamag-aral kong saksakan pa sa harot kaya nag-soundtrip na
lamang ako, palibhasa'y walang guro.
3r-w. Bago pa man
makaapak ang paa ni Sir Martin sa silid ay panay repaso ang
ginawa ko. Nang oras na ng long test, naging madali sa
akin ang mga katunungan kaya kaagad akong nakakapili, subalit ang inakalang
mape-perfect ay nagkakamali dahil namintisan ako ng anim na aytem
sa kabuang Anim na pung aytem. Kakaasar at di ko pa na-perfect. May
pagkadismaya akong umuwi, idinaan ko na lamang sa pakikinig ng musika ang
nararamdaman at kahit paano'y lumalakas ang kalooban ko. Maya-maya pa'y natulog
ako at mga ikaapat ng hapon nagising, naging mainit ang lagay ng panahon nitong
hapon kaya labis ang pagdanak ng pawis mula sa katawan. Kinagabihan at bago
pumikit ang dalawang mata ay nilibang ko ang sarili sa pakikinig ng musika,
para nakakatanggal ng stress at nakakapagbigay pa ng Good
spirtit sa katawan kaya naging banayad at mataimtim ang pagtulog ko.