Biyernes, Enero 31, 2014

13. January 2014 Journal (Day 366-396)


January 01, 2014
Wednesday
(New Year’s Day)
Year II-001

3i-f. Pumatak na ang Alas-dose ng hating-gabi kaya lalo pang umingay ang kapaligiran dahil sa iba’t ibang uri ng mga paputok na sabay-sabay ng sinisindihan. Naging napakaliwanag ng kalawakan dahil sa makulay at mailaw na fireworks display at kahit saan ka lumingon, iyon talaga ang makikita. Sinindihan ko na rin ang pinamiling mga Luces at Fountain subalit hindi ako nasiyahan sa Fountain sapagkat di gaanong nagpasiklab at puro buhangin lamang ang laman. Halos lahat sa amin ay naging napakasaya sa pagsalubong sa Bagong taon at sana'y huwag maulit yung nangyari nung nakaraang Bagong taon na bumagsak ang Sky lantern at nagresulta ng sunog. Habang nanonood ng fireworks display ay bigla akong nakarinig ng malakas na pagsabog at halos mayanig ang buong kapaligiran, marahil ay Super Yolanda o Napoles ang sinindihan.

3i-g. Sa dami ng paputok ng mga mayayaman ay labis kaming namangha. Matapos manood ng paputok ay saka pa lamang kami nagsikainan at nag-Selfie. Matapos ang pagsasaya, natulog na kami. Kinaumagahan at pagkagising ay nakakaramdam muli ako na giniginaw at napansin iyon ni Mama kaya di na ako nagpanggap pa na ayos lang. Hindi maganda ang unang araw ng 2014 para sa akin sapagkat nilalagnat ako subalit umaasa pa rin ako na puro magaganda at punong-puno ng kasaganahan sa taong ito. Nang bahagyang guminhawa ay saka pa lamang ako kumain subalit kaunti lamang. Matapos mag-almusal ay nahiga ako. Magpapahilot sana ako kay Aling Betty sapagkat masakit rin ang katawan ko subalit di ko siya nadatnan at nasa Caloocan raw. Kinatanghalian ng inapoy muli ako ng lagnat at nakadagdag pa sa pagtaas ng temperatura ko ang mainit na panahon.

3i-h. Kahit nilalagnat ay kumain pa rin ako ng tanghalian at pagkatapos ay umidlip. Hindi naman ako makatulog sapagkat masakit din ang ulo ko, ano nanaman kaya nangyari sa akin? Si Mama at ate na magkakampe, pinagtulungan akong sermunan at pinapalabas na kasalanan ko raw. Sa totoo lang ay di ko ginustong mangyari ito lalo na't New Year at walang sinuman ang iibigin na magkasakit. Maya-maya pa'y nakaramdam ako na tila naduduwal kaya sumuka ako sa banyo. Wala ring nangyari sa kinain ko at maghapon akong nakahiga. Dalawang beses akong nagsuka at talagang nahihilo ako subalit di ko ipinaalam kila Mama. Kinagabihan, kahit masagana at masigabo nating sinalubong ang Bagong taon ay marami-rami na ang bilang ng mga naputukan at tinamaan ng ligaw na bala.

3i-i. Mga daliring na nagkalasublasub at nagkulang kulang, iyan ang sinapit ng mga biktima ng paputok. Mayroon pa ngang tatlong buwang gulang na sanggol ang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo at sa kasamaang palad ay binawian siya ng buhay. Habang kami'y nanonood ng telebisyon ay saktong dumating na si Papa galing Batangas. Makikikain sana ako sa dala niyang masarap na pasalubong subalit wala akong gana at baka magsuka nanaman. Kahit na may sakit ako, mapalad pa rin ako sapagkat di nabawasan ang aking daliri sa pagsalubong sa Bagong Taon. Happy New Year!


January 02, 2014
Thursday

Year II-002

3i-j. Ang kahapong masaya sana sapagkat Bagong taon subalit labis kong ininda ang karamdaman. First time kong maranasan magkasakit sa mismong araw ng Bagong taon, pero ngayon ay mukhang maayos na at hindi na nilalagnat pa. Mga ikaanim pa lang ng umaga ako nagising. Dahil di kumain kagabi'y kaagad akong kumain ng agahan subalit di ko gasinong dinamihan, mahirap na at baka magsuka muli. Matapos mag-almusal ay nagkape ako para may pangtulak naman ang tiyan paibaba. Kahapon, ibig kong uminom ng malalamig na tubig at lagyan pa ng juice, ngayon gusto ko mamayang tanghalian ay maaasim at maaalat ang ulam namin, naglilihi marahil ako? Kagaling lang sa sakit kaya bawal pa akong magpagod. Nahiga at maya-maya'y nilibang ko ang sarili sa paglalaro ng Tablet. Halos ikayamot ko na ang sarili sapagkat lagi na lang ako bigo sa laro, frustrated na tuloy ako. 

3i-k. Matapos maglaro ng Tablet, panonood ng telebisyon ang sunod kong inatupag. Grabe ang sinapit ng mga batang naputukan, may isa pa ngang bata, kaawa-awa at kalunos lunos ang sinapit sapagkat lapnos ang mukha at halos lumuwa na ang mata, mayroon na rin ang napaulat na namatay dahil sa mga paputok kaya naman balak na ng Malacañang palace na i-total ban na ang firecrackerspara sa kaligtasan ng lahat, pero umaalma naman ang nagnenegosyo nito. Kakapasok pa lang ng 2014 ay may panibagong pagsubok muling kakaharapin at iyon ay pagkalat ng Measles virus sa iba't ibang bahagi ng bansa, nakakabahala lang sapagkat tumataas na ang tinatamaan nito at trumiple pa.

3i-l. Pasalamat ako at hindi ako nagkaroon ng ganong uri ng sakit sapagkat nakakamatay raw iyon. Ilang saglit pa'y tanghalian na at kahit di nasusuka, hindi ko pa rin dinamihan sa pagkain at hinayhinay lang. Walang magawa ngayong bakasyong grande kaya nag-siyesta na lamang ako subalit hindi naman makatulog sapagkat ang ingay nila mama. Nagkumpyuter na lang ako upang tanggal bato. Maya-maya pa'y pinatay ko na at nanonood naman ng Galema. Habang nanonood ng telebisyon ay nandoon pala si Tita Jasmin, wala ako samood kaya di ko siya nakausap. 

3i-m. Kinagabihan, bago matulog ay naglaro muna ako ng Tablet. Enero na ngayon at dalawang buwan na lamang ang nalalabi at magtatapos na ako sa Sekondarya, hindi ko pa alam kung saang unibersidad ako papasok at mukhang hindi na ako makakapagkolehiyo, subalit be positive at huwag mawalan ng pag-asa sapagkat God always be here at siya na ang bahala sa akin, lord sana'ymakatungtong ako sa kolehiyo at iyon ang christmas wish ko kahit di na christmas. Habang di pa makatulog at nakahiga'y bigla ko na lamang naisipan kung anong kurso ang kukunin ko at iyon ay Chemical Engineer, last decision na iyon at interesado akong malaman kung paano gawin ang gamot, pabango at paputok, lahat ng may kinalaman sa Chemistry ay gusto kong matutuhan kaya iyon na lang ang kukunin kong kurso, goodluck to me.


January 03, 2014
Friday

Year II-003

3i-n. Malakas na tinig tao ang gumising at sumira sa masarap kong tulog, nag-uusap pala sila Mama at Papa at ang lakas ng boses kaya sinabihan kong hinaan. Simula ng magising ako'y nawala na ang antok ko at bumangon na. Masarap at manamis-namis na French toast ang naging agahan namin. Matapos kumain ng agahan ay sinabi ko na kay Mama kung anong kurso ang napagdesisyunang kuhain. Nang una'y nag-aalinlangan si Mama sa kursong aking kukunin sapagkat baka raw magastos subalit dahil ako'y mapilit, wala na siyang magawa. Iyun nga lang ay hindi ko pa batid kung saang eskwelahan ako papasok at bahala na talaga, marami pang oras upang makapaghanda at isip at hindi ko na iyon sasayangin. Hindi pa man panahon ng tag-init ay naging matindi na ang sikat ng araw sa labas.

3i-o. Wala nanamang maisipang gawin kaya nagwalis ako at nagpunas. Matapos ang gawaing bahay ay nagbasa ako ng textbook ng Chemistry upang may matutuhan ako. Tigil muna ang pagbabasa ng tanghalian na at pagkatapos ay naligo na rin ako. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng makaligo at kahit di ko ma-gets ang bawat detalye ay buong tiyaga pa rin ako sa pagbabasa at pag-intindi. Sa kakabasa ng pagkahaba-haba'y inantok ako at natulog, sa aking pagtulog ang mga bagong aral na aking natutuhan. Mga Alas-tres na ako nagising at nakakatamad magbasa at mag-isip ng malalim kapag mainit ang panahon, nanood na lamang ako ng telebisyon.

3i-p. Matapos ang panonood ng telebisyon ay pagbabasa naman ng World atlas ang aking inatupag. Kahit naging napakainit sa maghapon ay naging napakalamig naman pagsapit ng gabi at animo'y ngayon pa lang magpapasko. Hindi pa ko makatulog kaya nagbasa muna ako.  Dakong Alas-dyis ng mahiga ako sa kama at talagang hindi ako makatulog. Ang kwartong nababalutan ng dilim ay lumiwanag na sapagkat may bago na kaming LED lights na pwedeng gamitin gabi-gabi. Maya-maya pa'y nakatulog na rin ako.


January 04, 2014
Saturday

Year II-004

3i-q. Naging napakalamig ng umaga kaya naman ibinalot ko nanaman ang buong katawan sa makapal na kumot. May pasok na sa Lunes at maaga nanaman magigising, paano iyan, sasabay pa yata itong malamig na panahon sa paggising namin kaya mukhang mahihirapan. Sumikat na ang bukangliwayliway ng ako'y bumangon. Walang maalmusal kaya binigyan ako ni Mama ng kwarta at ipinambili ng pang-almusal. Maya-maya at dahil nakakapa kong mahaba na ang aking buhok ay humingi ako kay Papa ng pera pampagupit, hangga't nag-aaral ako sa high school ay buwan buwan na lang gunugupitan ang buhok. Hindi bale at malapit na kong makapagtapos sa pag-aaral kaya malaya ko ng pahabain ang buhok ko ng bongang-bongga at kapag ito'y mahaba, siyempre pakukulutin ko ito sabay lalagyan ng matitingkad na kulay.

3i-r. Pagdating sa Barbershop, aba at mukhang new look ngayon si Mang Usman pagkat naka-high light ang hair niya, tinanong ko kung nagkukulay ba siya at sinabing ang kasamahang matandang babae ang nagkukulay. Dahil mura at abot kaya naman ang presyo'y sa kanilang barber shop na lang ako magpapakulay kapag summer vacation. Matapos magpagupit at sa halip na umuwi, nagtungo pa ako sa computer shop. Nag-research ako kung anong Unibersidad ang nag-o-offer ng kursong Chemical Engineer. Marami pa palang eskwelahan ang pwede pang pasukan at ang ilan doon ay sa Marso o sa Abril pa magbubukas para sa pasahan ng application form kaya napakalaki pa ng tiyansang makapagkolehiyo ako. Sa ngayon ay wala pa talaga akong mapili kung anong eskwelahang papasukan.

3i-s. Matapos mag-research, nanood naman ako ng pelikulang My Brother Romance. Sa ingay ng mga kabataang nagkukumpyuter at sa hina ng headset ay di ko mapakinggan ng maayos ang pinapanood ko. Magtatagal sana ako at may balak pang tapusin ang pelikula subalit sa kabagalan ng internet ay umuwi na ako. Habang naglalakad, halos tumagaktak ang pawis ko sa tindi ng init. Pagdating sa bahay, sumapit na ang Alas-dose ng tanghali at ako'y nananghalian na. Sila Mama at Papa, abala na sa pagbibihis sapagkat tutungo sila sa Quiapo upang bumili ng bagong sound system. Hinintay ko munang umalis sila Mama bago ako matulog. Ilang saglit pa'y umalis na sila Mama kaya natulog na ako. Malapit ng sumapit ang Alas-singko ng makarating sila Mama bitbit ang malaking sound systemkaya naman kahit sa malayo ka, dinig mo ang tugtog at halos mabingi ako sa lakas at dagundong nito.

3i-t. Pwede ng magpatugtog ng malakas tuwing may okasyon ng hindi pangit at basag pakinggan. Upang di ako marindi, nag-soundtrip ako gamit ang Tablet. Maya-maya’y oras na ng hapunan kaya itinigil ko muna ang pagsa-soundtrip. Matapos kumain, panonood ng telebisyon ang sunod namin inatupag. Naging maganda muli at makabuluhan pa ang kwento sa MMK sapagkat kahit binabae siya at hindi niya tunay na anak ang mga batang pinabayaan ng tunay nilang ina, inalagaan niya pa rin ito at itinuring na parang tunay na anak, kaya naman siya na ang itinuring nilang ina at siya na rin ang nagpalaki sa kanila at nagpaaral. Patunay ngang ang pagiging ina'y wala sa kasarian kundi kung paano niya ito pahalagahan ang responsibilidad niya sa kanyang anak at kung paano niya ipapakita ang pagmamahal. Matapos manood ng telebisyon, ako'y natulog na.


January 05, 2014
Sunday

Year II-005

3i-u. Naging napakalamig muli ng panahon sa umaga, kaya naman nasarapan ako sa pagtulog at mga ikawalo na ako nagising. Pagkagising ay kaagad akong nag-almusal, ayaw ko man uminom ng kapeng barakong pantulak sa aking kinain sapagkat mapait at mapakla pa pero no choice ako kundi iyon. Matapos kumain ng agahan, naglinis na ako sa loob ng bahay. May pasok na kinabukasan at sa dalawang Linggong bakasyon, dalawang linggo rin naka-stock ang bag ko kaya nilabhan ko ito. Naging napakaaliwalas ng panahon kaya magandang pagkakataon upang makapagpatuyo ng sinampay. May balak sanang lagyan ng shoe polish ang aking sapatos upang magmukhang bago at makintab subalit hindi ko itinuloy sapagkat walang shoe polisher.

3i-v. Batong-bato nanaman ang umaga ko kaya naisipan kong magtungo sa computer shop. Ipinagpatuloy kong panooring ang My Brother Romance, grabe at halos kabagin ako sa kakatawa. Ang mga batang patambay-tambay sa shop, naku at nakiusyoso kaya more tiis ako sa taglay nilang amoy. Matapos kong panoorin ang My Brother Romance, sumunod ay Bakit Hindi ka crush ng crush mo. May halong kilig at tawa ang pelikula nina Kim Chiu at mukha siyang taong grasa sa kanyang hitsura kaya di siya magawang mahalin ng naging kasintahan nito, pero ng makikila niya si Zian Lim, doon nagbago ang buhay niya at sa kalaunan ay naging gandang hindi inakala siya. Gandang-ganda sana ako sa kanilang pelikula na halos ikawindang ko na pero patigiltigil ang Video kaya nagpasya na akong mag-log out at ipagpatuloy na lamang panoorin next time. Gumawi pa ako sa bahay nina Regine (Miano).

3i-w. Nadatnan kong masyado silang abala sa pagkukumpuni ng bubungan ng kanilang palikuran kaya sa harap ako napadaan at dumeretso sa kwarto ni Ate Bing. Nag-usap kami at habang masinsinang pag-uusap ay di maiwasang magsaway ni Ate Bing sapagkat sadyang napakaharot ni Aira, isa pa'y may sanggol pa siyang inaalagaan kaya doble hirap ang pagiging ina. Ayaw ko ng maisturbo pa siya lalo kaya sa kwarto nila Shiela naman ako gumawi. Nadatnan kong tutok ang mata ni Annie sa kakanood ng pelikula kasama ang mga nakakabatang kapatid at bilang pampalipas oras ay nakinuod na rin ako sa kanila at tinapos. Sa sarap manood ng pelikula, hindi ko namalayang Alas-dose na pala at kailangan ko ng umuwi. Pagkauwi’y kumakain na sila Mama at inihaw na bangos ang aming tanghalian, kaya naman takam na takam ako at napadami sa tsibugan.

3i-x. May kasama pang Sprike kaya labis akong nabusog? Matapos kumain ng pagkarami-rami'y saglit akong nahiga sa duyan. Habang naka-relax sa duyan, nakita kong may mga Barangay tanod na dumating at may inirereklamo pala, hindi ko batid kong sino ang inirereklamo at nagtungo ang mga barangay tanod sa Recrap. Maya-maya’y may nadakip silang isang matandang lalaki at babae, hindi ko alam kung ano ang mga kasalanan nila sa lipunan. Dahil kinumbida ako ni Ate Ging na dumalo sa kaarawan ng kanyang anak na si Cathy, pagkagising ay kaagad na akong naligo at nagbihis. Pagkabihis at pagkalagay ng pabango ay tumungo na ako sa bahay nila Cathy.

3i-y. Ako pa lamang ang bisita ng magtungo sa kanila at abala na sa pagluluto si Ate Ging ng panghanda. Si Birthday celebrant naman, Panay kumbida sa mga kaibigan at ng magkita at magkausap ay karakaraka ko siyang binati. Dalawang oras pa bago ang kainan sa kanila at sa inip, nagtungo muna ako sa bahay nina Regine. Saktong nakatambay ito sa labas sakbit ang anak kaya sa labas na kami nagkwentuhan, maya-maya pa'y dumating pa si Shiela kasama si Valerie (Ocampo) kaya lalo pang sumigla ang usapan namin at habang nag-uusap ay saktong nakita ko na sila Thalia at nagpaalam na ako kila Regine. Sa muling pagkakataon ngayong 2014, muli ko nanaman makakasalamuha ang kasamahan ko sa JOLIA Church dahil sa kaarawan ni Cathy.

3i-z. Nagkaroon muna kami ng fellowship at bible study bago ang kainan, kahit di na ako isa sa kanila at bilang pakikisama'y nakinig pa rin ako sa kanilang biblestudy. Si Ate Ging naman, naku at Panay stolen shut sa amin. Masayang kasama sila Ate Gemma subalit dahil iba ang relihiyon ko sa kanila, hanggang ngayon na lang kami magkikita at magsasama kahit hikayatin pa nila ako. Matapos ang bible study, siyempre kainan na at sa dami ng handa kina Cathy, talagang nabusog ako at di na maghahapunan mamaya. Maya-maya’y picture taking kami at natuwa ako sa sinabi ni Ate Ging na mga anak niya raw kami. Sumabay na ako kila Ate Gemma pauwi at sa aking pakiwari, mukhang na-miss nila akong lahat at na-miss ko rin naman sila. Pagkapasok sa bahay, bumibirit pala sa karaoke ang Ate at kahit di kagandahan ang boses, napabirit pa rin ako. Matapos kumanta ng walang puknat, pansamantala akong nagpahinga. May pasok na kinabukasan kaya naman ay maaga ang aking pagtulog.


January 06, 2014
Monday

Year II-006

3j-a. Kapanibago lamang sapagkat matapos ang mahigit sa dalawang linggong bakasyon, heto muli at balik eskwela nanaman kaya makakasalumaha ko nanaman ang mga kamag-aral ko at makikita kahit sawang-sawa na sa pagmumukha nila. Dalawang buwan na lamang ang nalalabi kaya tiis-tiis muna sa ugali nila. Ikatlo pa lamang, dilat na ang mga mata ko subalit ikaapat ng umaga na ako bumangon. Kanina pa gising si Papa at nakaluto na kaya may pang-agahan na ako. Kahit malapit ng mag-ikaanim ng umalis ako at pagkadating, wala pa rin pagbabago sa aking mga kamag-aral pagkat di pa rin mapigilan ang bibig at ang iingay pa. Marami rin ang wala at kahit kailan, di pa rin maiwasan sa kanilang mahuli sa klase. 2014 na at kailangang magbago na sila. Kahit may guro na sa harapan, sige pa rin sa kwentuhan kaya walang natututuhan. Tama si Ma'am Fabiana, wala kaming pagkukusa sapagkat kikilos lamang kapag inutusan o pinagsabihan.  

3j-b. Maya-maya’y bigla akong ipinatawag ni Ma'am Fabiana, may ipapagawa pala sa akin si Ma'am Ruth at habang kami'y nag-uusap ay saktong papasok na si Sir Balbin at Ma'am Sandra kaya ipinagpaalam niya ako sa dalawa. Nang pumayag sila, kasama si Ma'am Ruth ay dali-dali kaming nagtungo sa guidance office at inutusan akong tawagin ang lahat ng enrollee na mga estudyante mula sa Tacloban, lugar na labis na binayo ng bagyo. Kahit may hiyang nadarama'y lakas loob akong naglibot sa buong SB building at inisa-isa ang mga silid. Sa buong oras na paglilibot at pagtatawag ay limang estudyante lamang ang napababa ko at halos kapusin ako sa paghinga sa paulit-ulit na pag-anunsyo. Hindi baleng kinakapos basta't nakatulong ako sa mga nasalanta ng bagyo sa ganong paraan. May isa pa ngang estudyante na galing naman ng Samar, halos mapayuko ako sa tindi ng awa pagkat grabe ang kanilang sinapit nung manalasa ang Bagyong Yolanda at pasalamat na lamang ako sapagkat di ko dinanas ang dinanas nila. Pagbalik sa silid, TLE time pa rin at nadatnan kong kumpulan ang mga kaklase ko, yun pala'y pinag-uusapan na ang tungkol sa gagawing proyekto at iyon ay pagbu-burn ng CD.

3j-c. Ilang saglit pa'y MAPEH na. Wala pa rin pagbabago si Ma'am Mina sapagkat teacher kengkay pa rin siya sa amin, sinabihan ba naman naputukan raw ang utak kaya di makasagot sa tanong at nalagyan ng pulbura. Patawa man si Ma'am Mina na nagpaalis sa kalungkutan, nagturo rin ito. Sa oras naman ng English, si Sir Buenaventura ulit ang guro namin at pinaggawa niya lamang kami ng sanaysay tungkol sa aming New year's resolution. Maya-maya’y Math time na at dahil buwan ng Mathematics ngayon ay inanunsyo sa amin ni Sir Harren ang mga aktibidad na maaring salihan. Sa kagustuhang pumasa, sumali ako sa isa mga aktibidad at iyon ay gagawa kami ng games na may kaugnayan sa Math.

3j-d. Sina JobilJenny MaeJessa (Bohol), Jayvie Ann at Noemi ang naging kagrupo ko sa pagsali sa aktibidad at as usual, I'm still leader. Nag-usap-usap kami kung ano ang gagawin at sa ngayon ay wala pang maisip na laro para sa entry. Hirap maging pinuno subalit kakayanin ko. Ilang saglit pa'y Physics na, nagtsek lamang kami ng quiz booklet at pagkatapos ay sinuma na namin ang markang nakuha sa bawat quiz. Iyon lamang ang inatupag namin sa buong oras ng Physics at maya-maya'y uwian na. Pagdating sa bahay ay kaagad akong nag-siyesta at sa kasarapang matulog, dapit-hapon na nagising.

3j-e. May naisip na akong entry sa Math gamekaya dali-dali akong nagtungo sa bahay nila Auntie Cleng at hiniram ang laruan nina Adie na Chinese checker. May pagkakahawig sa card na aming gagawin subalit iibahin ko ang Mechanics at pinag-isipan ko hanggang sa lumagom ang kadiliman. Buti na lamang at kaagad gumana ang utak kaya ang kailangan na lamang ay gawin at trabahuin ng maayos. Batong bato nanaman ako kaya nanood ako ng telebisyon. Mga ikawalo pa lamang ng maisipan ko ng matulog.



January 07, 2014

Tuesday
Year II-007

3j-f. Sa lamig ng panahon bitbit ng Hanging Amihan, mukhang tinatamad pa akong bumangon at masarap pang matulog. Medyo inaantok pa at sa sarap matulog, si Mama na mismo ang gumising sa akin. Alas-kwatro y medya na pala at kailangan ko ng magmadali. Malapit ng sumapit ang ikaanim ng umaga ng makaalis sa bahay subalit pagdating sa eskwela, ang dalang pa lamang ng pagdating ng estudyante. Naupo lamang ako at gumawa ng takdang-aralin sa Math. Sabay tago ng dumating si Sir Arnulfo at nag-discuss lamang siya tungkol sa Market basket. Sa oras naman ng TLE, lahat ng may kulang ay pinapunta ni Ma'am Sandra sa computer room.

3j-g. Dalawang quizzes and activities ang kulang sa akin kaya napasama rin ako subalit hanggang quiz number 1 to 4 lang ang pwedeng mag-take, wala tuloy akong napala. Nandoon na si Ma'am Mina pagkabalik at inanunsyo ni Ma'am ang tungkol sa mga proyektong dapat ipasa upang pumasa, sa pagkakaalam ko'y mukhang dami kong kulang pero gagawan na lang ng paraan. Habang malalim ang isip ay bigla akong inalok ni Jayvie ann na sumali sa kanilang film making, nakasalalay ang mataas na marka kaya sumige ako at sinamantala namin ang oras na wala si Sir Velarde sa pag-uusap.

3j-h. Sa oras naman ng Filipino, nagkaroon lamang ng pag-uulat at pagkatapos ay quiz. Sa oras naman ng English ay nagkaroon kami ng pagpapangkat at kahit ayaw ko man, ako pa rin ang napiling pinuno at nag-activity kami. Sa oras naman ng Physics ay nagkaroon kami ng mahabang pagsusulit, halos lumuwa na ang utak sa kakaisip ng tamang sagot at sana'y maging maganda pa rin ang makukuhang marka. Bago pa man umuwi, kasama ang iba ko pang kamag-aral ay nagtungo pa kami sa computer laboratory upang i-complie ang kulang na quizzes. Nang mapunan ang lahat ng kulang ay nagmadali na akong umuwi sapagkat maghahanap pa ng costume para sa film.

3j-i. Matapos kumain at ng makapagbihis ay nagtungo na ako sa bahay nila Jayvie ann. Pagkatungo'y saka pa lamang kami nagsimulang magpraktis. Dahil bakla ang role ko sa film at ang nakakatuwa pa, si Leonardo ang daddy ko, nagbihis pambakla ako with headband but no need to put a lipstick because I am still look pretty. Kahit na di beteranang artista at first timer lang ay hinusayan ko talaga sa pag-akting lalo na nung nag-away kami ni Leonardo at Jayvie ann, palong palo ang eksena. Ang seryoso at maladramang pelikula, nauwi sa komedya pagkat para kaming tanga kung umakto at nagkakamali pa sa lines kahit adlib.

3j-j. Tuloy ay inabot na kami ng magtatakipsilim pero natapos rin naman namin ang paggawa ng film at kailangan na lang i-burn. Picture taking muna sabay Whacky at look-up bago magkanya-kanyang uwi at grabe sapagkat ginabi na ko ng uwi, para tuloy akong naglayas pagkat bitbit ko ang bag habang nakapambahay. Siyempre balik sa bihis panlalaki bago umuwi pagkat baka pagkamalang babae at sa ganda kong, ito baka may bumaboy sa pagkatao ko. Hindi na ako kumain ng hapunan pagdating sa bahay pagkat busog ako, sa tindi ng pagod, matapos manood ng Honesto, kaagad na akong natulog. Goodluck sa Dreamland mamaya andhave a good dream.


January 08, 2014

Wednesday
Year II-008

3j-k. Lalo pang lumala ang nararanasang lamig kaya naman nahirapan ako sa pagbangon at tinamatamad ring maligo. Upang maibsan ang lamig ay humigop ako ng mainit na kape. Alas-singko na pero madilim pa rin sa labas kaya nagtagal pa ako sa bahay at ayaw kong pumasok ng maaga. Kahit ikaanim na ako pumasok, kakaunti pa lamang ang kamag-aral ko at wala pa si Sir. Ilang saglit pa'y dumating na si Sir Arnulfo at bago magturo, nagkaroon kami ng maikling pagsusulit. Ganon pa rin ang lesson namin na katulad kahapon. Sa oras naman ng TLE, dahil kulang ako sa ilang activity, nagtungo muli ako at sila sa computer laboratory. Lakas nila Britannica mang-trip pagkat inilagay ba naman sa likuran ko ang poster, kaya pala pinagtatawanan ako ng mga kaklase kanina pa pero di ko na sila pinatulan pa pagkat masasayang lang ang panahon ko at kapalaran na ang bahala sa kanila.

3j-l. Nag-hands on kami sa computer. Sinubukan ko pa rin mag-install kahit na di ko alam ang tamang paraan at sa di inaasahan, nagawa ko kaya may grade na ako sa kulang na activity. Sa oras naman ng MAPEH, masaya nanaman ang klase dahil kay Ma'am Mina at may balak pang i-discuss ang pang fourth grading kahit na di pa nagaganap ang Periodical test. Naku yung mga classmate ko, naglulundag sa tuwa at galak na kalang nakawala ang bait ng ianunsyo ni Ma'am Mina na may Junior Senior Prom. Ayos lamang sa akin kahit walang ganyan, ang mahalaga'y may graduation at makakagradweyt. Walang guro sa oras ng Filipino kaya ang ginawa ko'y nagbasa ng lecture sa MAPEH sa halip na ibuka ang bibig na wala naman kakwenta-kwenta ang lumalabas.

3j-m. Ilang saglit pa'y biglang dumating siSir Velarde at pinagawa niya lang kami ng sanaysay. Sa halip na gumawa, sumali ako sa laro nila Jessa na PANTS. Lalo pa kaming dumami kaya lalo pang sumaya ang laro at tawanan kami kapag mali-mali ang baybayin na naisusulat halos ikapunit na ng bibig ko sa laki ng buka at naging maingay ang silid dahil sa amin, grabe at ang saya-saya. Biglang tahimik ng pumasok si Sir Velarde, pasahan na pala ng sanaysay at diyos ko pagkat wala kaming gawa. Sa oras naman ng Recess, tiyaga ang pinairal ko kahit di kasarapan ang baon, tipid-tipid muna. Ilang saglit pa'y dumating na si Sir Buenaventura at nagkaroon kami ng games. Medyo pinapalad nga naman ako ngayong araw pagkat di akalaing tumutumpak ang mga sagot ko, sayang at walang premyo pero plus 5 naman sa test.

3j-n. Sa oras naman ng Mathematics, seatwork lamang kami. Halos di makapag-concentrate pagkat ang ingay ng nasa likuran ko, ganun rin sa Physics na halos ikabwisit ko na at gusto ko na silang pagsasampigahin. Nagtsek lamang kami ng long test at kahit di kataasan, dama ko pa rin ang kagalakang walang hanggan, masiyahing tao kung baga kahit may mga bagay na di magaganda. Bago umuwi, kasama ang mga kagrupo ko sa Math ay nagtungo muna kami sa Park upang mag-meeting. Itinuro ko sa kanila kung anong gagawin at mga materyales na dadalhin, kaso si Noemi lamang ang nakikinig at interesado, yung tatlong kasama namin, mga walang binatbat at panay chitchat.

3j-o. Nagsiuwian na kami matapos ang meeting at si Jobil lamang ang kasabay ko. Pagdating sa bahay kaagad akong kumain at natulog. Pagkagising ay nagtungo ako sa computer shop. Himala at ang tahimik pagkat dalawa lang kami ang gumagamit. Nabasag ang katahimikang nalalasap ng dumating ang napakaingay na babae, grabe pagkat walang preno ang bibig subalit nanahimik naman ng ilibre ng kaibigan. Habang sarap magkumpyuter ay may kumalabit sa akin, si Ate Sheryl pala iyon kasama si Clarisse at sila ang nakasabay ko pauwi. Kinagabihan, bukas na pala ang pista ng Poong Nazareno kaya naman marami ng mga deboto ang matiyagang pumipila, makahalik lang sa paa ng Nazareno. Naku at mabigat nanaman ang Buong Quiapo sa dami ng deboto. Matapos manood, siyempre ay natulog ako.



January 09, 2014
Thursday
Year II-009

3j-p. Mapalad ang taga Maynila ngayon sapagkat walang pasok ang mga estudyante maging ang mga empleyado dahil sa pista ng Nazareno. Bago pumasok ay nanood muna ako ng telebisyon, hindi pa man nagsisimula ang traslasyon ay kitang kita na ang dami ng debotong namamata sa Nazareno, may balyahan at tulakan, makahalik lang sa Poon. Kung ako ay nasa sitwasyon nila, di ko na kakayanin pa at baka mahimatay pa ako. Pagdating sa eskwela, thank God pagkat di ako late. Nagturo lamang si Sir Arnulfo tungkol sa Market basket at Consumer price index. Maya-maya’y nagkaroon kami ng aktibidad at kinumpyot ang given quantities sa bawat Market Basket upang makuha ang CPI. Matapos ang APTLE na subalit mukhang badvibes sa amin si Ma'am Sandra pagkat kaunti lang ang nagpasa ng CD burn.

3j-q. Dahil isa kami sa walang project, puspusan ang aming pag-iisip kung anong klaseng performance ang maari naming ipakita sa video subalit mukhang ako lang ang nag-iisip samantalang tsikahan lamang ang mga kagrupo ko, palebhasa'y mga Tsola. Maya-maya’y MAPEH time na at nag-discuss lamang si Ma'am Mina tungkol sadrugs. Ang kaninang pagtuturo tungkol sa drugs, biglang napunta ang usapan tungkol sa nakawan at holdapan na naranasan ni Ma'am noong kolehiyo pa raw siya. Parang ayaw ko na tuloy magkolehiyo dahil sa sinabi ni Ma'am. Sa oras naman ng English, kakagulat na may halong tuwa pagkat si Ma'am Pascual muli ang guro namin. Nagkaroon lamang kami ng Mock test. Sa oras naman ng Math, walang guro kaya may pagkakataon akong mag-compose ng lyrics para sa aming Performance sa TLE.

3j-r. Ako itong hirap sa pag-iisip ng liriko at paglalapat ng tamang tono samantalang sayang saya ang mga kagrupo ko sa kwentuhan, akala masarap magkadyowa pero ang di nila alam, kapag sumobra'y baka maaga silang mag-asawa at magkaanak, panay pantasiya ba naman kay boyfriend, sweetheart o beyb, ang lalanding nilalang nila. Kahit Physics na'y palihim akong gumawa ng liriko hanggang sa matapos. Maya-maya’y labasan na at dahil may praktis kami, di kaagad ako nakauwi. Sa totoo lamang ay iba ang kutob ko sa mga kagrupo ko sapagkat sa ipinapakita nila, mukhang di sila magpa-participate at mahihirapan lang akong mag-coachsa kanila subalit pinakitunguhan ko pa rin sila, nagbabakasakaling mali ang kutob ko.

3j-s. Nagtungo muna kami sa bahay nila Noemi, sa tagal ba naman niyang magbihis ay nagpasya na silang magtungo muna sa bahay ng magpinsang Bohol upang ipagpaalam sila sa kanilang magulang. Batid kong malayo ang bahay nila kaya di ako pumayag pero sila ang makulit at mapilit kaya sumama na ako sa kanila. Diyos ko itong mga kasama ko, parang nakawala sa Mental pagkat ang lalakas mang-trip at kung sinong makasalubong na lalaki lalo na't may hitsura, naku at loloko lokohin nila, ako naman sige sa tawa at mukha silang mga baliw. Dahil may pagka-crazy ang kasamahan ko, di na ako sumabay sa kanila at sumakay na lamang ako. Pagdating sa bahay nila Jenny Mae, saktong nakasalubong ko ang Mama niya at ipinagpaalam ko siya. Ilang saglit pa'y dumating na sina Jobil. Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay magbihis si Jenny mae.

3j-t. Pagbalik namin kila Noemi, ipinabatid sa amin ng kaanak niya na umalis ito kaya kami-kami na lamang ang magpapraktis. Pagdating sa bahay nila Jobil, kahit kailan ay napakatapang talaga ng nanay niya at napagsalitaan ng di magaganda si Jobil. Magsisimula na sana kami sa pag-eensayo pero mas inuuna nila Jessa at Jenny mae ang manood ng telebisyon. Sa inis ko, nag-walk out na ako pero pinigilan nila ako at panay kumbinsi si Jobil sa dalawa subalit habang nagpapraktis, ayan na nga ang sabi ko at di sila nagseseryoso lalo na ito si Jessa, wala naman akong mapapala sa kanila at hanggang bukas na lang ang pasahan ng CD kaya nagpasyang umuwi na lang ako. Sa layo ng nilakad, napagod ako at natulog. Takip-silim na ako nagising at binuksan ang telebisyon. Kahit gabi na'y di pa rin mahulugang karayom ang Plaza Miranda at sa mga oras na iyon ay di pa nakakapasok sa simbahan ang Poong Nazareno. Talagang siksikan sila at marami rami na rin ang nasugatan at nahimatay sa prusisyon.


January 10, 2014
Friday

Year II-010


3j-u. Sa lamig ng panahon, mukhang kakatamad ang pumasok subalit ayaw kong simulan ngayong taon ang lumiban sa klase kaya bumangon pa rin ako. Kahit na minsan ay napapagalitan at hindi napagsasalitaan ng maganda ay masuwerte pa rin ako na naging magulang ko sila sapagkat hindi naman ako pinagmamalupitan o sinasaktan samantalang kila Jenny maeJobil at Jessa, gaano man sila kasaya ay grabe kung magalit ang magulang nila at sinasaktan pa nga bukod sa pinagsasalitaan, marahil ay dapat lang sa kanila iyon para magtanda sila. Sa aming limang magkakaibigan, si Noemi at ako lamang ang masuwerte sa mga magulang pagkat yung nanay ni Noemi ay masiyahin at pwede na ngang maging komedyante pagkat magaling itong magpatawa.

3j-v. Bago pumasok, siyempre binuksan ko muna ang telebisyon upang alamin kung nakapasok na ba sa simbahan ang Poong Nazereno, mga Alas-dos na pala ito nakapasok at maraming mga deboto pa rin ang matiyagang hinintay ang pagpasok ng Nazareno. Kahit saktong ikaanim na ako pumasok ay hindi pa rin ako nahuli sa pagpasok. Sa yamot ko kina Jessa dahil sa kahapon ay di ako tumabi sa kanila at naupo malapit kila Patrick. Sa takot na masita ni Sir Arnulfo dahil wala ako sa tamang upuan, di ako pahalata at di nagre-recite. Ilang saglit pa'y Values time na at nagturo lamang si Ma'am Fabiana, habang di pa MAPEH, masakit man sa loob ko na di makinig kay Ma'am ay nagawa ko pa rin at palihim akong nagrepaso, recite-recite din pag natatawag. Nang oras na ng MAPEH, long test na at dahil saglit lang nakapagrepaso'y halos mangamote ako sa pagsagot, kaya ang resulta'y matamlay na grado ang nakamit ko.

3j-w. Sa oras naman ng Filipino, inanunsyo sa amin ni Sir na may long test kami sa Lunes kaya nag-group study kami pero sa halip na magrepaso'y puro kami kwentuhan, kahit kalalaking tao at mukhang tigasin ay napakadaldal ni Reynald at dami niyang kwento. Sa oras naman ng English ay si Ma'am Pascual muli ang guro namin at nagtsek kami ng Mock test paper, di ko batid kung magkano ang nakuha ko. Matapos magtsek, nagrepaso kami at itinuro sa amin ni Ma'am ang proper usage of tenses. Sa oras ng Mathematics, as usual pagkat wala si Sir Harren, itong sila Cynt at Britannica na kahit maloko ay dami kong tawa sa kanila pagkat lakas ng tama nila. Sina Cynelyn naman ay daming alam na biro kaya labis ang aming tawa, puro kabastusan naman ang lumalabas sa bibig. Iyon ang ginawa namin habang walang guro at labis akong nalibang. Balik sa kanya-kanyang upuan ng dumating si Sir Martin at itinuro niya ang tungkol sa Thermodynamics. 

3j-x. Ilang saglit pa'y uwian na. Pagdating sa house, sa tindi ng gutom ay naparami ako ng kain, sarap kasi ng ulam at ang ulam ay piniritong manok. Siyempre bago matulog ay hinayaan ko munang matunaw ang kinain ko. Ilang saglit pa'y tumulog na ako. Kinagabihan at matapos manood ng telebisyon ay di muna ako tumulog pagkat di pa inaantok. Nag-Tablet muna ako upang libangin ang sarili subalit mukhang malabo ng makatulog ng maayos mamaya sapagkat ang ingay ng mga kabataan sa labas at panay ang tili, kala ang gaganda at mabibingwit ang puso ng lalaking kinababaliwan nila. Tumahimik naman ng umalis sila. Mga Alas-onse na ng maisipan kong matulog.


January 11, 2014

Saturday
Year II-011

3j-y. Nagising na lamang ang katawang lupa ko dahil sa napakalakas na tugtog, nagpapatugtog pala si Papa gamit ang sound system kaya halos magulantang at marindi na. Kahit dilat na ang mata'y di pa rin ako bumangon. Kinukutuban ako ngayong araw pagkat mukhang may mangyayaring di maganda sa buhay ko, hindi ko alam kung kanino o kailan basta ramdam kong may masamang mangyayari. Kahit na ganito ang isip ko, ipinagsawalang bahala na lamang at nag-almusal. Labis akong nag-enjoy sa tugtog kaya ganadong-ganado sa gawaing bahay. Matapos ang gawaing bahay ay naisipan ko nanaman magkumpyuter. Sa sarap mag-chatmate, halos kinulang ako sa bayarin sa renta ng computer pero pumayag naman ang in-charge sa shop na mangutang ako. Pagbalik sa bahay ay nadatnan kong kumakanta ang ate at panay ang kanyang pagbirit, kahit batid kong hindi pinagpala ang boses ko sa ganda, kumanta pa rin ako.

3j-z. Sa kakakanta ng walang humpay ay mukhang nasarapan ako pero napapansin ko lang sa aking boses, parang palaging kapos at laging pinipilit sa biritan, marahil ay hindi ako biniyayaan ng magandang tinig. Sa sarap ng aming kantahan sa karaooke, di namalayang tanghaling tapat na at oras na ng tanghalian. Matapos mananghlian, nagtungo ako sa kwarto at saglit na nag-soundtrip gamit ang Tablet upang tanggal bato. Ilang saglit pa'y nakaramdam na ako ng antok hanggang sa makatulog. Pagkagising ay nagtungo ako sa Taas upang bumili ng materials na gagamitin sa paggawa ng project sa Math. Napakatindi ng sikat ng araw na halos ikapawis ko ng todo-todo at pahirapan pa ang paglalakad pero pagiging matiyaga ang pinairal upang may makarating sa bahay. Saka ko pa pala mang sinimulan gawin ang project sa Math pagdating sa bahay subalit bigo ko itong tapusin pagkat kailangan pang pagandahin ng bonggang-bongga.

3k-a. Pagkatingin sa malaking orasan, sadyan kay tulin ng takbo pagkat sumapit na ang ikaanim ng gabi. May balak pa sanang lumabas upang bumili pa ng materyales pampaganda sa project kaso'y kulang ang pera ko, nanatili na lamang ako sa bahay at nanood ng telebisyon. Matapos manood ng telebisyon at sa kadahilanang di pa makatulog ay naisipan kong libangin ang sarili sa paglalaro ng Tablet. Hayan muli ang mga tambay na kagabi pa at muling umingay ang gabi namin dahil sa kanila kaya labis kaming nadisturbo, paano mag-uusap na lamang ay matunog at parang nagpaparininig, may kasabay pang patugtog ng kantang kararahas na kala nakikipaglaban sa balagtasan, kay papangit pakinggan at sakit sa pandinig kaya dagdag ingay tuloy. Wala kaming nagawa kundi magtiis. Saka pa lamang ako natulog ng tumahimik ang kapaligiran.


January 12, 2014
Sunday
Year II-012

3k-b. Kung anuman ang pakiramdam ko kahapon ng umaga, kaparehas pa rin ngayon kaya labis na akong nababahala sa anumang mangyayari sa panghinaharap at sana'y mali ang kutob ko, dahil sa masamang kutob ay hindi kagandahan ang gising ko. Idinaan ko na lamang sa pag-inom ng kape ang kabang nararamdaman at pagkatapos ay naghugas ng plato at naglinis sa loob ng bahay. Sa tagal ba namang hindi napupunasan ang sahig, halos pwede munang masulat ang pangalan mo sapagkat labis na itong nanggigitata sa dumi, ginamitan ko nga ng bright solution para luminis at mamuti. Matapos ang gawaing bahay ay tumingin ako sa songbook upang mamili ng kakantahin. Nang makapili na ng kakantahin ay saglit akong naupo at may mga bagay na iniisip, Enero na ngayon at malamang ay dalawang buwan na lamang bago ang Graduation, anu kayang kapalaran ang naghihintay sa akin pagkatapos ko sa high school, magkapagkolehiyo pa kaya ako?

3k-c. Samantalang wala pa akong napipiling eskwelahan na pwedeng pasukan, ayos lang para sa akin kung hindi muna ako makakagkolehiyo ngayon pero magulang ko ang mapilit at isa pa'y mahihirapan na akong mag-enroll kapag naipagpaliban pa. Sa lalim ng iniisip na kasing lalim ng balon ay hindi ko namalayang kainan time na at oras na upang malamanan ang sikmura, si Lord na ang bahala sa akin sa Future. Matapos kumain, siyempre ay magsi-siyesta ako. Pati pa naman sa panaginip ay mukhang hinuhudyat sa akin na may hindi magandang mangyayari sa buhay ko, naging napakasama ng napaginipan ko at parang gusto kong makawala sa isang sitwasyon na aking kinakaharap pero di ko magawa sapagkat sadyang napakahina ng loob ko. May paparating sigurong matinding unos sa buhay ko, di ko alam kung bukas o baka sa mga susunod na araw.

3k-d. Pasalamat ako at panaginip lamang iyon at kaagad akong nagising. Kinahapunan, heto muli kami at kantahan sa karaooke, inihanda ko na ang listahan ng mga kantang pinili at lakas loob kong inawit, wala akong pake kung marinig ng kapit-bahay o makabuo sila ng komentaryo tungkol sa boses ko basta't kaligayahan kong kumanta at alam sa sarili na wala akong damdaming sinusugatan. Ang boses naman ng Ate, kahit anong kantahin ay bagay sa kanya at pwede na siya sumali sa the Voice of the Philippines pagkat maganda ang tinig nito. Kahit ako'y sintunado pwede rin naman ako sumali sa Music show, sa Singing bee nga lang pupwede. Pati si Mama at Papa, hala sa pagbirit ng old songs. Natawa ako sa sinabi ng Mama pagkat boses puke raw ako, kahit boses puke pa ako, di ko kinakahiya ang boses ko.

3k-e Alam kong lahat ng bagay na wala ka at gusto mong makamit, makakamit mo basta't pinagsusumikapan. Sa sarap ng aming kantahang magpapamilya, ikapito na namin pinatay ang Karaooke at saka pa lamang naghapunan. Naging maingay muli sa labas dahil sa mga kabataang saksakan ng ligalig, may balak sanang pagsabihan pero ng makitang naglalaro sila at nasiyahan, nagbago ang isip namin, takot akong maging KJ sa kanila. Dahil maaga pa ako magigising bukas, ako'y natulog na pero ang ingay talaga sa labas kaya hirap akong tumulog. Pasalamat ako kay Ate at sinaway niya sila, tumahimik ang kapaligiran ng magsialisan ang mga ito.


January 13, 2014

Monday
Year II-013

3k-f. Sumapit nanaman ang araw ng Lunes, kaya naman kahit may kalamigan ang panahon ay tuloy pa rin ang aking paggising. Kahit Lunes na Lunes ay di ako naligo at nagpunas lamang pagkat sobrang lamig talaga. Malapit ng sumapit ang Alas-sais ng ako'y umalis subalit pagdating sa eskwelahan, matumal pa lang ang pagdating ng estudyante. Ngayong oras pa lang magsisimula ang Flag Ceremony at pagkatapos ay bumalik na kami sa kanya-kanyang silid. Mukhang madaming late o baka naman absent pagkat kakaunti lang kami. Ilang saglit pa'y dumating na si Ma'am Fabiana, mayroon pala kaming long test at sa bait ni Ma'am Fabiana, binigyan niya kami ng ilang minuto upang makapagrepaso. Naging madali lang sa akin ang pagsusulit pero hindi kataasan ang nakuha ko. Maski sa oras ng TLE ay may long test rin kami, may mga ilang aytem lang akong hirap sagutan pero sa pangkalahatan ay naging madali rin ang pagsusulit, sana'y magandang marka ang makuha ko, kasing ganda ni Ma'am Sandra.

3k-g. Dahil may long test rin sa MAPEH at habang di pa dumarating si Ma'am Mina, todo repaso ako kaso hirap akong mag-concentrate pagkat nuknukan ng ingay sa silid. Maya-maya pa'y dumating na si Ma'am Mina at nagsimula na ang pagsusulit. Sa PE lamang ako nadalian samantala sa Arts, hirap ako pagkat di lumabas sa test ang aking nirepaso. Sa oras naman ng Filipino, magkakaroon sana kami ng test subalit di natuloy, ako ang inatasan ni Sir Velarde na mangolekta ng pera pambayad sa Long test. Ilang saglit pa'y breaktime na at kahit may pera, di pa rin ako kumain pagkat di naman ako nagugutom. Sa oras naman ng English, si Sir Buenaventura muli ang naging guro namin, nag-discuss lamang siya about Technology.

3k-h. Ang ingay talaga ng magpinsang Bohol pati si Jobil na panay tsikahan kahit may guro kaya lumipat ako ng upuan. Habang nakikinig sa guro, bigla akong tinawag ni Jessa, yun pala'y ininom na pala niya ang tubig ko ng walang paalam at siya pang may ganang tanungin kung malinis raw ba? Ang kapal ng mukha at sa inis ay namura ko siya. Pagkabalik ko sa pinag-alisan, takang taka ako ng biglang gumaan ang bag na nakabukas at nawawala ang mga kwaderno ko, iyon pala'y sinusulatan na pala nila Jessa ng kung ano-ano, nabwisit na ako sa kanila at sa yamot ay napagsalitaan ko sila ng di magaganda, labis talaga akong naimbyerna sa mga Tsolang iyon.

Itinuring ko silang mga kaibigan pero sinasabutahe nila ang gamit ko, ang kakapal talaga ng mukha! Lumipat na ako ng ibang upuan kasama ang bag, baka kasi may mawala pa at babuyin.

3k-i. Sa oras ng Math, wala muli si Sir Harren kaya naging Maingay muli ang silid. Tumahimik lang ng dumating si Sir Martin at nag-discuss lamang siya tungkol sa Thermodynamics, matapos ang discussion ay binigyan niya kami ng time para komopya ng lecture. Ilang saglit pa'y uwian na, lumabas akong napupuno ng galit dahil sa nangyari kanina. Habang naglalakad pauwi'y saktong may nakita akong isang binatilyong pilit inaagaw ng barangay tanod ang hawak nitong Cellphone, di ko alam kung anong mayroon sa telepono at baka ninakaw niya. Sadyang napakatibay niya at kahit dalawang tanod na ang sapiliting agawin ang telepono'y ayaw pa rin ibigay. Heto naman mga papauwi'y nakiusyoso pa at isa ako roon. Kawawa yung binatilyo ng kaladkarin siya patungong presinto pero dapat lamang iyon sa mga taong masasama ang loob katulad niya. Nagsialisan lang kami ng paalisin ng iba pang barangay tanod na nagpapatrolya. Pagdating sa bahay at pagkatapos kumain ay ipinagpatuloy kong gawin ang proyekto sa Math pero sa kaantukan ay di ko natapos.

3k-j. Saka ko muli ipinagpatuloy ng gumising at naging abala ako sa maghapon na inabot na rin hanggang gabi, grabe labis akong na-stress sa paggawa ng project pero ayos lang basta may grade. Habang abala sa paggawa ng project ang walang humpay na pagkahol ng aso namin na labis namin ikinabubulahaw. Iyon pala'y may mga adik palang nanloloko sa kanila, sinuway ko nga pero sadyang katatalas ng pananalita nila at puro pangkanto ang mga kataga, pinagsisigawan ko nga hanggang sa umalis, ano sila dito, hari? Maya-maya pa'y umingay muli ang kapaligiran dahilan kung bakit di nanaman makatulog, pinagsabihan ko nga sila subalit di man lang ako pinansin, pinabayaan ko na lang sila at bukas ay huwag na silang tumambay pa sa harapan ng bahay namin kung mag-iingay lang.


January 14, 2014

Tuesday
Year II-014

3k-k. Dala ng malamig na panahon, lalo pang napasarap ang tulog ko dahilan kung bakit malapit ng mag-ikalima ng kami'y magising ni Mama, maaga pa naman kaya hindi ako nagmamadaling kumilos. Kahit maliwanag na ng umalis, hindi pa rin ako nahuli at habang wala pang guro, naningil ako sa iba ko pang kamag-aral na di nagbayad kahapon para sa long test sa Filipino. Maya-maya'y inanunsyo ni Mandy na di raw makakapasok si Sir Arnulfo subalit may aktibidad siyang iniwan sa amin. May Assignment rin pala sa English at sa halip na makipag-usap, iyon ang inatupag kong tapusin. Tumahimik lang ang mundo ng kamag-aral ko ng dumating si Ma'am Sandra at nagtsek lamang kami ng Long test. Galak na may kasamang kalubagan ng loob ang umiral sa dibdib pagkat sa wakas, nakapasa ako sa Long test. Sa oras naman ng MAPEH, may ilan akong kamag-aral ang nag-ulat sa may pisara subalit nagalit si Ma'am Mina sapagkat ni isa sa amin ay walang gawang Assignment. Matapos ang napakahabang sermon, nakapag-discuss naman siya tungkol sa droga at talagang tutok na tutok kami sa kanya.

3k-l. Maya-maya pa'y tawanan nanaman kami sapagkat sadyang palabiro si Ma'am, ang saya muli ng klase. Habang wala pa si Sir Velarde ay ipinagpatuloy ko ang paniningil. Nagsimula lamang kaming sumagot sa mahabang pagsusulit pagkadating ni Sir Velarde at labis akong nahihirapan dahil di ako nakapaghanda. Sana'y may makuha naman ako kahit paano. Umingay muli ang silid pagkaalis ni Sir Velarde. Itong sila Jessa na kahapong ikinabwisit ko, pinakelaman muli ang aking kwaderno, magagalit nanaman sana ako sa kanila subalit ng basahin kung anong nakasulat, napukaw ako sa sinabi nila na tila bagang gusto na nilang bumalik ang aming pakikipagkaibigan at sinabi pang "Sorry and I love you Friend", parang inutakan nila ako para lang di ako magalit pero pinatawad ko na sana kung anuman ang atrasong nagawa nila sa akin. Nakaka-touch ang sinabi nila.

3k-m. Sa oras naman ng English, nag-discuss lamang si Ma'am Templanza. Sa kadahilanang lalaban ang seksyon namin para sa Human Damath, saglit lamang nagturo si Ma'am Templanza at kaagad kaming nagtungo sa covered court, ibang seksyon pa lang ang naglalaban kaya todo paghahanda ang ginawa ng ilang kamag-aral na kalahok sa naturang laro. Si Jobil naman ay di mapagsidlan ang mukha pagkat kanina pa siya kinakabahan. Habang di pa sumasalang ang seksyon namin, Panay trip kami sa mga naglalaban sa pamamagitan ng pagsigaw, ang ingay tuloy namin at para kaming tanga. Lalo pang sumaya ng magpakita sa amin si Ma'am Pascual, sa sobrang pagka-missay nakipagtsikahan kami sa kanya.

3k-n. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon kami lang ni Ma'am Pascual ang mag-usap, kahit di na Teacher ang kukunin ko'y sinabi niya sa akin na masaya raw maging guro sa kabila ng hirap at stress na kinakaharap nila araw-araw. Maya-maya'y bumalik kami sa silid upang kunin ang kanya-kanyang bag. Sa lakas mang-trip nila Britannica at dahil nakakatuwa sila kakwentuhan, napatagal ako. Pagkabalik muli sa Covered court at kahit di pa kami ang lumalaban, di na maiwasang kabahan, kaya itong si President Mandy, sinabihan niya kaming magdasal bago lumaban. Matapos ang isang kompetisyon sa pagitan ng dalawang seksyon, ang seksyon naman namin ang nakasalang. Wala na kaming ginawa kundi mag-cheer at paulit-ulit na sinsigaw ang pangalan ng seksyon bilang pagsuporta.

3k-o. Hinintay ko munang matapos ang laban bago umuwi at ng matapos, ang saya at parang nabuhayan kami ng loob ng ideklarang ang seksyon namin ang nagwagi, nagbunyi kami sa pagkapanalo at umuwi akong sobrang saya. Pagkatapos kumain at dahil wala namang gagawin ay natulog ako. Kinagabihan, matindi talaga ang sinapit ng mga taga-Mindanao sapagkat binaha sila bunsod na walang tigil na pag-ulan bitbit ng Low pressure area. May mga daanan na di na madaanan sa kapal ng putik, nawasak rin ang ilang tulay at may nawalhan ng tirahan. Mapalad kami pagkat di sa amin nangyari iyon at kung mangyari man, tibay ng loob ang pairalin. Naging malamig muli ang gabi kaya naman balot na balot ang sarili ko sa makapal na kumot.


January 15, 2014

Wednesday
Year II-015

3k-p. I feel the cold air breeze again because of existing the Northeast monsoon continuously came from the land that experience snow weather, thus I covered my whole body and probably by the use of blanket. Sa kadahilanang may isang bagay akong aasikasuhin at iyon ay paggawa ng project sa Math, nagpasya muna akong huwag pumasok upang magkaroon ng sapat na panahon sa paggawa, kahit ilang ulit gisingin ni Mudra, di talaga ako bumangon at dakong Alas-otso na ako nagsing sapagkat nagpapatugtog muli si Papa. Sa ganda ng tugtog ay talagang sumigla ang araw ko at nakakatangal siya ng bad energy na nanalaytay sa buong pagkatao dahilan kung bakit laging wala sa mood.

3k-q. Matapos kumain ng agahan, naghugas ako ng plato at nagwalis-walis kahit paano. Maya-maya'y nagtungo na ako sa Palengke upang bumili muli ng materials na gagamitin sa paggawa ng project sa Math, sa sobrang abala ko na halos ikasakit na ng likod sa kakayuko, hindi namalayang sumapit na ang Alas-onse. Tanghalian na pala kaya itinigil ko muna ang paggawa. Upang lalo pangenjoy ang paggawa ng project at pagkatapos lumamon ay binuksan ko ang telebisyon, medyo matagal ko na rin hindi napapanood ang Be Careful With My Heart kaya na-miss 
 ko ito. Laking kilig ko kina Maya at Ser Chief pagkat ang sweet nilang mag-asawa at pinagsisilbihan pa ni Ser Chief si Maya na dati ay katulong lamang nila. Mga Alas-dos ko na natapos ang Project sa Math at sa ganda ay di ko maalis ang tingin at iniisip kong kapag may tiyaga may nilaga, nagsipag ako kaya nararapat lang na ganito ako kasaya. Cause I feel sleepy then I would sleep even I don’t like to sleep.

3k-r. Pagkagising, binuksan ko muli ang telebisyon upang manood ng Galema. Naging malakas ang hangin sa labas kaya matapos manood, naupo ako at nagpahangin. Tinamaan muli ako ng pagkabato kaya naisipan kong lumabas at magtungo sa bahay ng kamag-anak. Kina Tita Cleng ako gumawi at nadatnan kong tutok ang mata nila sa panonood ng English Movie, ang mga anak niya hala at kagugulo at laging napuputol ang aming pag-uusap pero gusto ko sina Adie at Samantha pagkat nag-aaral sila ng mabuti. Maya-maya'y inalok ako ni Tita Cleng na kumain, nakita kong bahaw ang kanin at ang mga ulam nila'y kanina pang tanghali kaya halos umayaw na ako. Sa hiya at ayaw ko naman isipin ni Tita na maarte ako kaya napasubo na pa rin at kahit di tipo ng sikmura.
3k-s. Napakarami nilang ulam at imperness ang sarap ng niluto niyang laeng subalit sa siningang na isda, halos di ko na maubos ang kinakain sapagkat ang lansa at isa pa'y malamig, gusto ko sanang magpakatoo pero sinasaalang-alang ko ang magiging damdamin ng Tita kaya tinikom ko ang bibig. Salamat pa rin kay Tita Cleng pagkat labis akong nabusog, iyon nga lang pagdating sa bahay, kumain pa ako ng hapunan. Parehas masarap magluto si Tita Cleng at Mama pero ang problema, dapat pinainit niya yung kaninang tanghalian nila to make their health safe cause health is Wealth. Tamang nood muli ng Telebisyon when I got home at pagkatapos ay higa sa kama upang makatulog.


January 16, 2014
Thursday
Year II-016

3k-t. Kahit na malamig ang panahon, nilabanan ko pa rin ang katamaran upang makapasok sa eskwela. Maaga pa naman kaya naisipan kong manood ng Telebisyon matapos mag-agahan. Maya-maya'y nagpunas ako. Buti na lamang at kasabay ko si Regine (Cebrero) sa pagpasok kaya tsika-minute muli ng walang puknat. Wala pa si Sir Arnulfo ng dumating sa eskwelahan at dahil ngayong araw ang Periodical test ay nagrepaso muna ako. Ilang saglit pa'y dumating na si Sir Arnulfo at nagkaroon ng mahabang pagsusulit. Hindi ako nagagalak sa naging resulta ng aking Long test pagkat kakaunti lang ang nakuha. Sa oras naman ng TLE, isinagawa na pala nila ang Periodical test kahapon lang at dahil hindi nakapag-eksam, pinakiusapan ko si Ma'am Sandra.

 3k-u. Sa bait ni Ma'am ay pumayag naman ito at hindi lang ako ang nakapag-eksam marami kami kaya may kasama ako sa Computer Laboratory. Kahit di nakapagrepaso, bast't nakikinig sa guro'y alam na alam ko ang isasagot. Maging sa oras ng MAPEH ay nagkaroon din kami ng Periodical Test at naging sisiw lamang sa akin ang katanungan, iyon nga lang ay medyo istrikto si Ma'am Mina pagdating sa makukuhang marka pagkat ibabagsak na niya ang hindi makakuha ng Line of 4, sana'y makakuha ako ng ganong marka. Sa oras naman ng Physics, nag-discuss lamang si Sir Martin ng Pressure, mangha at nganga kami sa itinuro ni Sir Martin pagkat once na may bagyo, kailangang buksan ang mga bintana at pintuan pagkat mas magiging mataas raw ang pressure sa ibaba kaysa sa itaas na siyang makakatulong upang di raw liparin ang bubong, ganon pala iyon at ibig sabihin kapag bumabagyo, kailangang bukas ang bahay para di liparin ang bubong?

3k-v. Mababasa naman ang kagamitan nun. Buti sana kung hangin lang at walang ulan. May iba pang ikwinento si Sir na labis naming ikinamangha kaya hiyawan kami. Gustuhin pa man manatili si Sir Martin dahil nakakatuwa ito magturo pero kapos na sa oras. Sa oras naman ng English, nagkaroon rin kami ng Periodical test, halos lumuwa ang utak ko sa hirap ng mga sentence, very broad and it’s hard to get, goodluck na lamang sa magiging marka. Sa oras ng Mathematics, sa wakas at pumasok na rin si Sir Harren. Another mangha nanaman ng ituro niya sa amin ang Trigonometry and that lesson is very interesting, yun nga lang ay kailangan isapuso raw. Sa oras muli ng Physics, nagkaroon rin kami ngPeriodical test.

 3k-w. Mahigit sa isang taon na akong galit kay Charlotte dahil pinagdamutan niya ako pero ng kami'y mag-usap at pahiramin pa ng Calculator, mukhang nawala na at marahil ay kailangan ko na siyang patawarin. Maya-maya'y uwian na at saka lamang ako naligo, nagpatuyo ng buhok at ng masiguradong tuyo na, ako'y nag-siyesta. Pagkagising ay nanood naman ako ng Galema at makamandag talaga sa ganda ng programa, honest 'to promise. Tamang kinig lamang ng OPM love song matapos manood at kahit wala pang taong nagpapatibok ng puso ko, mukhang nakaka-relate ako sa kanta, kailan kaya ako magkakaroon ng kalaguyo? Huwag muna siguro. Maging gabi ay iyon ang libangan ko ang makinig ng OPM hits at ng antukin, syempre ako'y matutulog na.


January 17, 2014
Friday

Year II-017

3k-x. Kahit kalamigan ang panahon ay maaga pa rin ako nagising upang di mahuli sa klase. Katamad muling maligo kaya nagbanlaw lamang ako. Ikalima na ng umaga subalit madilim pa rin ang kalangitan at labis akong giniginaw. Pagdating sa labas ng eskwelahan ay saktong nakita ko sina JessaLovely Ruth at Bacsal na mukhang may inaabangan. Kaarawan pala ngayon ni Bacsal kaya masigabo ko itong binati, sinasama nila ako sa kanilang balakin subalit di ako sumama at pumasok na sa Classroom. Habang wala pang guro'y nagrepaso muna ako sa AP at Values, hirap akong mag-concentrate sapagkat naging napakaingay ng silid. Kaasar lang pagkat di pumasok si Sir Arnulfo, wala nanaman akong panibagong kaalaman na matutuhan. Maya-maya pa'y dumating na si Ma'am Fabiana at nagsimula na ang pagsusulit, naging madali lang sa akin ang pagsusulit subalit di kataasan ang nakuha ko, marahil ay kailangan pa ng ibayong pag-aaral.

3k-y. Sa oras naman ng MAPEH ay nagtsek kami ng Periodical test, sayang lang ako sapagkat dalawa na lang at pasado na subalit di nanaman ako pinalad. Sa oras naman ng Filipino'y nagkaroon din kami ng exam, kahit Tagalog basta't malalalim ay naging mahirap sa akin ang umunawa ng talata na nagbigay ng stress sa akin ng husto, masyadong matatalinghaga. Sa oras naman ng English ay nagwasto lamang kami ng test paper at pagkatapos ay isinagawa namin ang aytem analisis. Hindi nanaman ako nagagalak sa nakuha ko sapagkat wala pa sa trenta ang marka. Buti pa si Leonardo, laging highestkaya nag-atubiling tinanong ko siya, nagbabasakaling may sikreto ito subalit sinabi niyang kailangan ko lang i-analyze ang binabasa upang makapili ng tamang sagot.

3k-z. Habang nag-uusap kami ni Leonardo, itong si Cynt ay masyadong papansin sa akin at pa-cute, lalo namang tsumaka kung titingnan. Habang wala pa si Sir Harren, naku at mistulan muling palengke ang silid, si Cynt naman ay panay pakitang gilas sa mahika pero puro kalokohan naman at walang kadating-dating, iyong ilan kong kamg-aral makatawa'y parang wala ng bukas. Tumahimik lang ang silid ng dumating si Sir Harren at nagkaroon rin kami ng Periodical test, iyon nga lang at kalahati lang ang sasagutan at sa Lunes pa ang kalahati. Umingay muli ang silid ng wala muling guro at itong si Cynt at Huelar, walang sawang pinagtitripan ako at inuulol pero di ako pauto sa kanila at manigas sila. Tawanan yung mga kamag-aral ko ng ipagawa ko sa kanila ang Spirit of Black and White lady at para silang tanga at uto-uto pa.

3l-a. Sa sarap ng tawanan, di namalayang nasa harapan na si Sir Martin at nagtsek lamang kami ng test paper, ang kaninang sayang-saya naging malungkot pagkat ang baba ng nakuha ko. Umuwi akong lugmok ang mukhang binudburan ng pulbo at habang naglalakad ay may naramdaman akong tila may humihimas sa pwetan ko. Lumingon ako patalikod at sinigawan ang humipo sa akin na animo'y baguhan lang sa paningin at kumarpas siya ng takbo. Laking kaba ko pagkat muntik-muntikan na akong madukutan ng pitaka at Cellphone pero pasalamat na lamang at hindi nangyari iyon.

3l-b. Pagdating sa bahay ay ikwinento ko kay Mama ang nangyari sa akin at maski siya'y nag-aalala. Kinagabihan at dahil walang pasok kinabukasan ay nagpuyat ako sa pagbabasa pero iyan muli ang mga tambay at naghahasik nanaman ng kaingayan. Ikasampo na ng gabi pero maingay pa rin sa labas dahil sa kanila, pinagsabihan ko nga pero parang may tutuli sa teynga at parang walang naririnig. Buti pa nung si MS Bantaya ang purok namin, kapag may mga kabataang pakalat-kalat sa lansagan ng dis-oras ng gabi, hinuhuli niya pero yung bago naming purok parang walang pakialam sa nangyayari. Ibalik na ang curfew para iwas gulo at ingay sa lansangan.


January 18, 2014

Saturday
Year II-018

3l-c. Mga madaling araw ng ako'y magising at grabe, para akong nasa freezer ng pridyider pagkat sobrang lamig. Dahil giniginaw ay ibinalot ko ang buong katawan sa makapal na kumot. Maliwanag na sa labas ng ako'y dumilat at mukhang matamlay ang panahon, marahil ay may Bagyo. Bukod sa makulimlim ang panahon at malamig ay naging mahangin rin. Wala akong maisipang pagkaabalahan kaya gawaing bahay muli ang aking inatupag. Matapos ang gawaing bahay ay nanood ako ng Video. Mangha-mangha ako sa aking pinanood na Video sapagkat parang totoo yung pagtubo ng maladambuhalang Bean stalk, maging ang higante'y kikilabutan ka sa hitsura nila, iba talaga kapag foreign movie ang mapanood mo, wala kang makikitang mintis, lahat detelyado maging sa Effects at pag-e-edit at di dapat mahalata at kailangang magmukhang totoo. Pero ipinagmamalaki ko pa rin ang pelikulang Pilipino sapagkat pumapatok ito kahit sa ibang bansa.

3l-d. Nang kalagitnaan na ng movie, ang mata ko'y talagang tutok na tutok sapagkat very suspense na ang eksena ng maglaban ang mga Higante at mga nakatira sa palasyo, para totoong binalutan ng tutumutubong beans ang buong palasyo at nawasak ito. Matapos manood ng Jack and the Giant slayer, ako'y nananghalian na. Dahil kakabato kapag walang mapaglibangan ay nanood muli ako ng telebisyon. Ang ganda ng bagong programa sa Showtime at iyon ay I am Pogay na ang mga kalahok ay mga bakla pero kung titingnan, parang hindi naman dahil ang popogi nila na maski babae at kabaro nila'y abot langit ang kilig.

3l-e. Maya-maya pa't dala ng antok ay natulog na ako. Nagising na lamang ako dahil naging napakaingay sa labas, nawala na ang antok ko kaya bumangon na at naghugas ng plato. Medyo mahangin sa labas na nagbibigay lamig sa pakiramdam kaya katamad ang lumabas. Lumabas lang ako ng gabi na nung utusang bumili ng softdrinks, walang kasing lamig ang nararanasan ko pero tiniis ko iyon. Pagdating sa bahay, saka pa lamang lumamon ng hapunan kasama ang softdrinks. Maya-maya'y naisipan ko muling manood ng Video at parang nawiwili na akong manood ng Foreign movies, natututo na rin akong magsalita ng English. Habang sarap kami ni Papa sa panonood ay may sigawan akong narinig mula sa kapitbahay, may pinagagalitan pala at naging malupit siya sa panenermon.

3l-f. Ang ate naman, kanina pa tulog at di pa nagigising, ano na kayang nangyari sa kanya at sana'y di binangungot. Maya-maya pa'y sa wakas at nagising na rin ang ate, nagkainan kaming magpapamilya ng manamis namis at masarap na Doughnut. Sana'y ganito kami palagi na nagsasama at nagkakasiyahan kahit sa simpleng bagay lamang, di pa nakutento at hala sige pa sa pagbanat hanggang sa maubos. Matapos manood ng Video at gawa na di pa inaantok, naisipan kong mag-compose muli ng panibagong kanta at nilapatan ko rin ng sariling tono. Kilig much ako ng basahin ang liriko ng ginawang kanta at di akalaing pwede na ako maging songwriter na sana kung papalarin. Mga Alas-dose na ako natulog at ramdam namin ang ginaw. 


January 19, 2014

Sunday
Year II-019

3l-g. Hindi muli kagandahan ang taya ng panahon at mukhang uulan pa subalit ang lamig na aming naranasan nitong lumipas na mga araw ay dama pa rin at lalo pang lumala kaya naman mainit na kape ang naging agahan ko kasama ang malutong na tinapay. Matapos mag-almusal, balik muli sa gawaing bahay at dahil mag-iisang buwan ng di umuulan ay maraming alikabok akong nawalisan. Matapos ang gawaing bahay, nagpatuloy ako sa pag-compose ng mga kanta at iyon ang inatupag ko hanggang sa sumapit ang tanghali, wala naman akong inspirasyon at lalong lalong walang minamahal o crush pero nahihiligan kong lumikha ng awiting pag-ibig. Maya-maya pa'y oras nanaman ng tanghalian at kami'y tsumibog na ng sarap at saya kaya pagkatapos, halos wala ng mapaglagyan ang tiyan, paano ang takaw kasi. Kahit may kalamigan pa rin ang panahon kahit tanghaling tapat na, gawa na amoy anghit na ang pangangatawan ay buong tapang kong ibinuhos ang napakalamig na tubig sa katawan, salamat at napreskuhan ako pagkatapos.

3l-h. Maya-maya pa'y nagtungo muli ako sa bahay ng Tita Cleng upang isauli ang hiniram na bala, hindi na ako nagtagal pa sa kanila pagkat napakatapang ng alaga nilang aso at mukhang susunggabin ka pa kapag tinangkang pumasok. Habang naglalakad pauwi'y biglang pumasok sa isipang magkumpyuter at nagtungo na nga ako sa Computer shop. Malapit ng sumapit ang Pebrero at dalawang buwan na lang ang nalalabi bago ang Graduation pero wala pa kong napipiling Unibersidad na papasukan, paano naman at malaginto ang tuition fee sa eskwelahang ibig pasukan. Sa ngayon na malapit ng tumungtong sa kolehiyo'y tiwala na lang ang panghahawakan ko. Matapos magkumpyuter, nagtungo ako sa bahay nila Amihan subalit wala ang mga ito at si Itang lamang ang nadatnan ko, kanya-kanya kaming kwentuhan at habang nag-uusap ang siyang dating ni Amihan.

3l-i. Lumipas pa ang ilang saglit ay dumating na rin si Tita Jean bitbit si Baby Habagat at kamustahan kami. Umalis na ako sa bahay nila ng lumagom ang kadiliman at habang naglalakad ay di ko mapigilang ginawin at ang hangin pa. Pagdating sa bahay, nadatnan kong nakikinig ng Old song sila Mama at kahit sabihing old song, maganda naman pakinggan. Sa tindi talaga ng lamig, nagmedyas na ako. Maya-maya pa'y naghapunan kami at pagkatapos ay nanood ng telebisyon. Naging napakasaya ng gabi ko at halos ikamatay ko na ang tawa dahil sa Wow Mali Pa rin, ang lalakas mang-trip ng mga tauhan ni Joey kay Juan Dela Cruz, kaya nawiwili akong panoorin at walang ginawa kundi humagikhik ng labis. Matapos manood ng telebisyon at dahil may pasok nanaman kinabukasan, maaga akong natulog.


January 20, 2014

Monday
Year II-020

3l-j. Medyo nabitin lamang sa bakasyon pero ayos lang kung kapalit naman nito ang maginhawa't marangyang buhay na naghihintay sa hinaharap kaya kahit katamad bumangon gawa ng napakalamig ng panahon ay sige pa rin ako. Pumasok ako bitbit ang pinaghirapang Project sa Math at pagdating sa eskwelahan, napakatumal ng pagdating ng mag-aaral. Siyempre habang wala pang guro'y itinuro ko sa kanila ang mechanics ng naisip na games sa Math project, kahit itodo ang boses kung sadyang maingay ang paligid ay di pa rin ako madinig kaya nanahimik na lamang muna. Maya-maya pa'y laking tuwa namin ng libreng mabigyan ng sabon ng Vaseline at kaadik amuyin sa bango. Hindi pumasok si Ma'am Fabiana kaya sa halip na ituon sa pagbabasa, walang ginawa ang mga kamag-aral ko kung hindi ibuka ng ibuka ang bibig, di ko sila masisi kung Hobby na nila iyon.

3l-k. Sa oras naman ng TLE ay sa Computer laboratory kami nagklase at isa-isa kami tinawag ni Ma'am Sandra upang ipakita ang grade namin. Sa kasamaang palad, bagsak ako at dahilan ng pagbagsak ko ang di pagpapasa ng project at iyon ay CD burning. Marami-rami rin ang lumagapak ang grado kaya binigyan kaming muli ni Ma'am Sandra ng pagkakataon upang makagawa ng project at pinag-pangkat pangkat niya kami, sa kasamaang palad muli ay kina Ibarra ako napabilang pero ayos lamang, sanayan lang sa pakikisama sa kanila. Wala muling guro sa oras ng MAPEH kaya What is new in our room? Sa halip na makipagdaldalan ay sinamantala ko ang oras sa pag-compose ng Music. Sabay tago ng dumating si Sir Velarde at nagkaroon kami ng Mock test. Kahit wikang pambansa ang gamit kung sadyang kalalalim ay naging mahirap sa akin ang pag-unawa at halos sumakit na ang ulo ko. Hula-hula na lang sa pagpili ng Choices.

3l-l.  Ipinagpatuloy ko ang pag-compose ng kanta sa oras ng Recess. Sa oras ng Math ay ipinagpatuloy namin ang pagsagot sa Periodical Test, ipapakita ko sana kay Sir Harren ang ginawang proyekto pero bigo ako pagkat kaagad itong nawala, si Mandy ang namahala sa aming answer sheet. Sa oras ng Physics, nagkaroon kami ng panibagong sitting arrangement. Nagkataong nakatabi ko si Kristel kaya may katsikahan ako. Maya-maya pa'y uwian na at sa halip na dumeretso sa kanya-kanyang bahay ay nagtungo pa kami sa bahay nila Villaresis pagkat doon kami gagawa ng Jingle para sa CD burning. Halos di ko ka-close ang mga kasamahan lalo na si Ibarra na banas na banas kasama pero pasalamat na lang pagkat nandoon si Patrick at siya lang ang malapit sa loob ko.

3l-m. Kalagitnaan ng aming paggawa ng Jingle ang siyang biglaang pagsakit ng ngipin ko na halos mamilipit na. Buti na lamang at kaagad kaming natapos sa paggawa ng Jingle kaya kaagad kaming nakauwi. Habang nakasakay sa tricycle ay nakita kong maraming taong nagkukumpulan sa gitna ng kalsada at may mga pulis pa, iyon pala'y may binaril at kita ko ang duguang bangkay na nakabulagta. Kakaawa naman siya't labis ang aking sindak. Pagdating sa bahay ay labis kong ininda ang pananakit ng ngipin dahilan kung bakit di makakain. Itinulog ko na lamang pero dama ko pa rin ang pananakit pagkagising at parang damay maging ulo ko. Kinagabihan naman, ang ganda ng eksena sa Got to believe kaso naimbyerna naman ako pagkat daming Commercial, pinatay ko na lamang at natulog, sayang at kilig much pa naman ako sa palabas na iyon.


January 21, 2014

Tuesday
Year II-021

3l-n. Alas kwatro y medya na ng madaling araw ng gisingin ako ni Mama at di na gasinong sumasakit ang ngipin pero ng pagkanguya ng agahan ay biglaan na lamang itong sumakit at halos nahirapan na sa pagnguya, bukod sa pananakit ng ngipin ay apektado rin maging ulo ko kaya minabuting huwag ng pumasok. Absent muli ako pero ayos lang kung may nararamdaman namang di karapatdapat. Si Papa naman, kanina pa dumadaing sa kanyang rayuma at maski siya'y di rin makakapagtrabaho, parehas na kaming absent. Nahiga ako sa kama hanggang sa makatulog. Malapit ng sumapit ang Alas-nuebe ng ako'y magising at di pa rin naiibsan ang pananakit ng ngipin at parang sumisidhi pa nga na halos paiyakin na ako.

3l-o. Mas masakit pa ang nararanasan ko ngayong taon kaysa nung nakaraan at parang iba ang sakit pagkat napakahapdi na animoy patuloy na tinutusok ng walang humpay hanggang sa kailaliman at ganon ang aking nararamdaman. Nilibang ko na lang ang sarili sa pamamagitan ng paglalaro ng Tablet upang makalimutan ang sakit. Kahit nagmumug na ng maligamgam na tubig at uminom ng pain reliever ay wa effect pa rin at patuloy sa pagsakit. Sinilip ko sa salamin ang ngipin at laking gulat ko ng makitang nabubutas na at unti-unti ng nabubulok ang ibabaw, sa puntong iyon ay doon na ako nabahala at minabuting magpakonsulta na sa Dentista mamaya.

3l-p. Maya-maya'y oras na upang kumain subalit dala ng walang humpay na pananakit ng ngipin, nawalan ako ng ganang kumain. Idinaan ko na lamang sa panonood ng telebisyon ang gutom at super sweet nila Maya at Ser Chief. Matapos manood ng telebisyon at kahit ayaw kumain sa takot na lalo pang sumakit pinilit ko pa rin. Wala nun si Mama at Kuya Al ng hapong ding iyon kaya nagpasyang ako na lamang mag-isang magpakonsulta sa dentista. First time ko lang magpa-check up ng mag-isa kaya labis akong kinakabahan sa aking gagawin. Natuwa naman ako pagkat mura lang ang bayad at sinabi ng Dentista na kailangan ko lang uminom ng Antibiotic at Mefenamic acid upang mamatay ang mikrobyong sumisira sa ngipin. May balak sanang ipa-Root canal upang mamanhid ang sakit subalit sadyang napakamahal.

3l-q. Ang bait ng Dentista at sa halip na 150 ay 100 na lamang ang siningil sa akin. Matapos iyan ay nagtungo naman ako sa Drugstore at bumili ng iniresetang gamot. Malapit ng dumilim ng ako'y umuwi subalit di pa dumadating sila Mama kaya naman wala kaming makain sa hapunan, ang ate naman ay panay na ang reklamo. Sa halip na magsalita'y gumawa na lang ako ng paraan upang may makain. Kahit di pa bihasang magluto, nagluto pa rin ako at Pancit canton ang ulam namin. Di ko akalaing masarap ang luto ko kaya lalo pang nahuhumaling sa pagluluto. Habang ako'y naghahain ay siyang dating naman nila Mama at mukhang kinulang yata sa niluto, paano'y nasa layasan kaya iyan at binitin sila pero ayos lang sa kanila. Dahil sa iniinom na gamot ay bahagya namang nawala ang sakit kaya naging masarap pa rin ang tulog ko.


January 22, 2014
Wednesday
Year II-022

3l-r. Sumasakit muli ang ngipin ng ako'y nagising kinamadaling araw kaya naman todo pagtitiis ang ginawa ko, idagdag pa ang napakalamig na panahon kaya lalo pa akong tinatamad bumangon, pansamantala akong umidlip subalit ng gisingin ni Mama, saka pa lamang nagkaroon ng lakas loob na bumangon at sagupain ang mantinding ginaw na namamayani sa kapaligiran. Nagawa ko pa rin pumasok sa kabila ng iniindang sakit sa ngipin. Sa tindi ng lamig ay mistulang nasa Baguio ako sa kapal ng hamog. Wala pang guro ng ako'y dumating kaya pinagkaabalahan kong gawin ang piyesa para sa Math project. Ilang sandali pa'y may guro na sa harapan subalit hindi si Sir Arnulfo kundi si Ma'am Janet at ipinagpatuloy nilang sagutan ang Periodical test. Dahil wala kahapon ay pinakiusapan ko si Ma'am Janet na bigyan ng Special Exam.

3l-s. Sa bait ni Ma'am ay pumayag naman ito at pwede ko raw ipasa bago mag-uwian. Tapos na sila sa pagsagot maliban sa akin na patuloy sa pagbabasa at pagsagot. Sa oras naman ng TLE ay si Sir Balbin muli ang guro namin at may inanunsyo lamang siya. Matapos ang Announcement ay nagkaroon rin kami ng Groupings. Sa oras ng MAPEH, nagpraktis lamang kami ng sayaw na Swing. Si Jessa ang naging ka-partner ko at kuha ko sa una't pangalawang step pero ng sumunod pa'y di ko na makuha, madalas ay nagkakamali kami at mukhang mauubos na ang pasensiya ng ka-partner ko. Pagdating siguro sa mga ganyang sayaw, wala akong maibubuga at di maiwasang maging kaliwa ang paa. Sa oras ng Filipino, nagkaroon kami ng Pre-test, walang pinagkaiba sa naunang pagsusulit pagkat napakahirap ng katanungan at malalalim pa ang bawat salita.

3l-t. Sina Cynt na sisiga siga at walang magawa, ako muli ang pinagtripan na labis kong ikinayamot subalit pinigil 
ko ito at lumayo sa kanila. Lintik lang ang walang ganti at kinakarma ang mga taong mapamintas katulad nila. Hindi na rin ako kumain ng snacks at nag-compose ng kanta. Sa oras naman ng English ay nag-discuss lamang si Sir Buenaventura at pagkatapos ay nagkaroon kami ng Quiz. Sa oras ng Math ay ipinamudmod naman ng ilan kong kamag-aral ang MATHO cards, sinabi sa amin ni Sir Harren na bukas na ang launching ng ginawang project sa Math doon sa AVR, kaya naman doble na ang kaba ko. Muli nanamang sumakit ang ngipin ko na halos ikangisay ko na.

3l-u. Dadalo sana ako sa birthday party ni Jenny mae subalit gawa ng sumasakit ang ngipin ay di ako makakapunta, babawi na lang ako sa kanya. Kasabay ko si Gangang sa pag-uwi at may balak sanang maglakad pero nilibre ko na siya sa pamasahe. Diretso tulog pagdating sa bahay at sa kasarapang matulog, Alas-singko na ako nagising at di na nakanood ng Galema. Naging abala ako sa paggawa ng piyesa hanggang sa sumapit ang gabi at sana'y mapili ang Math project namin bukaa para sa Math exhibition. Goodluck!


January 23, 2014

Thursday
Year II-023

3l-v. Wala pa ring bago sa umaga pagkat dama pa rin malamig na panahon ang sumalubong sa aking paggising kaya heto tinatamaan muli ng pagkatamad at pansamantalang naidlip ngunit ng gisingin naman ni Papa, saka pa lamang bumangon at kumain ng piniritong itlog, ang aga pala magising ng Papa kaya nakapagluto ito. Habang nakasakay sa tricycle ay pinagmamasdan ko ang buwan sa kalangitan at tila naalala ko ang aking pagkabata dahil madalas kong sinusubaybayan ang pagsikat ng buwan sa kalawakan lalo na kapag Full moon at masaya ako kapag nakakakita ng buwan, pero ngayon ay di ko nahihiligin iyon. Sa tindi ng lamig ng panahon at upang di kapitan ng sakit, nagpasya na akong magsuot ng Jacket ngunit sa aking pagpasok ay katakot takot na pangungutya ang sumaubong mula kina Cynt na walang pasubali sa pang-aasar. Ayaw kong masira ang pinakaiingatang araw kaya di ko sila pinapansin. Nagpatuloy ako sa paggawa ng piyesa. Kahit na walang guro'y nagtsek pa rin kami sa pamamagitan ni Mandy.

3l-w. Hindi pa sila nakuntento't pinagkatuwaan pa ang suot kong Jacket, tao lang ako at may damdamin kaya di ko napigilan ang sarili at ipinamalas ko sa kanila ang inipong galit na kahapon pa. Namumuro na sila at punong puno na ko. Tumigil naman sila at labis na nasindak. May tapang lang si Cynt kung may alipores pero kung wala, malamang ay walang lakas loob na dustahin ako, di naman kalakihan ang katawan at isa pa'y manalamin muna siya bago mamintas ng kapwa. Habang nagpapamalas ng galit ay siyang dating ni Ma'am Janet. Laking tuwa ko pagkat sa halip na ako ang pagalitin ay si Cynt pa at tinarayan talaga ng husto. Tila nakamit ko ang hustisya at butinga sa kanya. Sa kakasermon ni Ma'am Janet ay naubos na ang oras para sa aytem analisis at kaagad na humalili ang butihing guro na si Sir Balbin. Itinuro niya sa amin ang tamang pag-shade sa pagsagot sa NAT test at dahil walang dalang lapis ay lumabas kami. Ng tiyempong nakita si Sir Jeff ay kinapalan ko ang mukha sa paghiram ng lapis.

3l-x. Ang bait talaga ni Sir Jeff at di lang pinahiram kundi ipinaubaya na sa akin ang lapis at may ballpen pa na remembrance raw niya sa akin. God bless Sir Jeff. Sa oras naman ng MAPEH, dibdibang pag-eensayo muli para sa Swing at parang kandilang nauupos na ang pasensiya ng katuwang ko pagkat hirap kong makuha at lalo pang humirap ang mga sumunod na steps. Sa oras naman ngPhysics, nagrepaso kami. Dahil di ako nakadalo sa Birthday party ni Jenny Mae, nilibre ko siya ng pang-recess at tuwang tuwa naman siya, si Noemi naman hala at panay hingi ng pera sa akin. Hindi naman ako mapera kaya kakarampot lamang ang naiambag ko sa kanya. Sa oras ng Math ay ipinakita ko na kay Sir Harren ang gawa naming project at sinabi ang mechanics ng naisip na laro.

3l-y. Nagustuhan naman niya ang konsepto kung paano laruin pero masyado raw mahirap ang expression na nailagay sa piyesa, goodluck na lang sa amin mamaya. Sa oras naman ng Physics ay nagpatuloy kami sa pagrerepaso at pagkatapos ay pre-test. Sa halip na umuwi, kasama ang ilan kong kagrupo ay nagtungo muna kami sa may AVR subalit di pa nagsisimula ang launching ng project. Bukod sa amin ay kasali rin sila Pradez sa naturang contest at talagang naghintay pa kami ng isang oras. Makalipas ang isang oras ay nagsimula na ang launching at isa-isa nilang tiningnan ang mga project at sabay huhusgahan. Isa si Sir Rombo sa mga hurado na nagpagalit sa akin noong last year kaya doble kaba ang nadama ko at baka laitin pa.

3l-z. Nang kami na'y nilakasan ko ang loob sa pagpapaliwanag at sinabing maganda raw ang konsepto ng laro pero sadyang mahihirap raw yung nasa piyesa, sayang at kinulang pa. Nakahinga lang kami ng maluwag matapos anglaunching at maya-maya'y umuwi na kami at sinabing bukas pa malalaman kung alin sa gawa namin ang mapaasali sa exhibition.  Kasabay ko si Jayvie Ann sa pag-uwi at naglakad lamang ako. Pagkauwi'y diretso kain ako at pagkatapos ay natulog. Madilim-dilim na rin ako nagising at nanood ng telebisyon. Mga ikasampo na ng gabi ng ako'y muling matulog.


January 24, 2014

Friday
Year II-024

3m-a. Ang takbo ng panahon ay sadyang napakalibis at di namalayang Biyernes na at wala muling pasok bukas, lalo pang naging malamig ang panahon kaya nagsuot muli ako ng Jacket sa pagpasok. Pagkapasok sa eskwela'y nadatnan kong isa-isang pinapamudmod ni Mandy ang NAT reviewer. Kaasar lang sapagkat di ko pala dala ang MATHO card at ngayon pala ang tseking nun. Maya-maya'y isa-isa rin kami binigyan ng ticket para sa Math Fair, hindi pa man nakakalayo ang oras na kung kailan pupunta kami sa Math fair ay biglang nawawala ang ticket ko, di tuloy ako nakapasok at nanatili na lamang sa classroom. Ang malas naman ng araw na ito para sa akin, nakalimutan ko na ngang dalhin ang MATHO cards tapos naiwala ko pa ang ticket. Lumipas ang ilang saglit ng bumalik ang mga kamag-aral ko galing Math Fair, kainggit lang pagkat labis silang nag-enjoy sa mga palaro. Maya-maya'y pumasok na si Ma'am Fabiana at nagturo lamang siya ng panibagong lesson.

3m-b. Sa oras naman ng MAPEH ay practice muli ng sayaw ng Swing pero sa labas namin ginanap, pangit ka-partner si Jessa at alam kong wala sa akin ang diperensiya kundi sa kanya kaya si Pammit na lang ang naging ka-partner ko. Kay Pammit ay ayos lang at nakakasunod kami sa steps pero ng maglaon ay doon na kami nahihirapan at madalas na ang pagkakamali. Sana'y Filipino na para di na kami magdusa pa sa napakahirap na sayaw. Sa oras ng Filipino'y nagkaroon kami ng Pre-test at ang NAT reviewer ang naging test questionernamin. Medyo natagalan lamang ako sa pagsagot pagkat labis kong inintindi ang bawat talata, makakuha lang ng mataas na marka. Sa panahon ngayon ay dibdibang pagrerepaso ang kailangan ko ng magseryoso upang makapasa.

3m-c. Maging sa oras ng English ay nagkaroon rin kami ng Pre-test, sila Cynt naman naku at muling umingay sa oras na lumalabas si Sir Buenaventura, di tuloy ako makapag-concentrate at kahit pagsabihan ay di naman sila makikinig kaya walang mangahas na magsaway sa kanila. Sa oras naman ng Math ay wala si Sir Harren at karamihan sa aking mga kamag-aral ko ay nagtungo muli sa Math Fair, kami-kami na lang ang naiwan pero naging maingay pa rin ang silid dahil sa pagdating ni Crislyn na pawang buntis, lumabas muna ako kasama sila Jessa. Papasok sana sa Entrance ng Math fair pero nag-aalangan naman ako pagkat walang ticket, buti na lang at nandiyan sina Jessa kaya madali akong nakapasok ng walang kahirap-hirap at nagtungo kami sa iba't ibang station ng palaro. Sayang at di naman ako pwede maglaro pagkat wala akong ticket. Nakakalungkot pang isipin sapagkat di napili ang aming project para sa exhibition pero ayos lang at may Grade din naman, bawi next time at baka palarin.

3m-d. Ang sayang kasama nila Jobil at Jessa at kahit walang dalang ticket ay nakapaglaro pa rin ako, iyon nga lang ticket nila ang ginamit ko pero enjoy naman. Sa sobrang enganyo namin sa paglalaro'y di namalayang Physics time na at nandoon na si Sir Martin pagkabalik sa silid, malas malas lamang pagkat di kami pinayagang papasukin. Wala tuloy kaming Pre-test sa Physics, ang saya-saya. Di lang kami ang di pinapasok maging sina Perfecto kaya naging masaya pa rin kami sa pamamagitan ng kwentuhan at lokohan. Pumasok lanang kami kung kailang uwian na. Pagdating sa bahay, hindi ko gasinong naibigan ang luto ni Inay kaya nagluto pa ako. Sarap na sarap sa paglamon pagkaluto at sa katakawan ay halos maumay na ako.

3m-e. Maya-maya pa'y nag-siyesta ako at pagkadilat ng mata, nagtungo ako sa Computer shop at nanood ng Movie hits na Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Napakarami kong tawa sa pelikulang iyon pagkat masyadong akward ang action dun ni Vice Ganda lalo na yung Gay Character niya na ang lakas mambara at comatose na nga, kailangan pang nakapowsing. Yung Girl character naman ay ang arte-arte at ang landi-landi pa. Halos kinabagan ako sa kakatawa at maganda ang pelikula niya, basta kay Vice, sasaya ang araw mo. Dahil opentime naman at di pa ko nakuntento pagkat nanood rin ng My Little Bossing subalit di ko tinapos dahil gabi na. Diretso lamon nanaman pagkauwi ng bahay kaya nalintikan ako kay inay at kahit kailan talaga, napakarami niyang sinasabi. Sabado muli kinabukasan kaya gumawa muna ako ng kanta bago matulog. Naging napakalamig ng gabi.


January 25, 2014
Saturday

Year II-025

3m-f. Tila lalo pang lumamig ang lagay ng panahon ngayon, mas malamig pa kung ikukumpara nitong mga nakalipas na araw kaya naman giniginaw pa rin kahit balot na ng makapal na kumot. Nagising na lamang ako dahil sa lakas ng tugtog ng aking Papa at kumabog ang dibdib ko sa pag-ugong nito. Sa halip na mayamot ay naging masigla pa nga ang araw ko at iyong ang nagsilbing ehersiso ko. Parang ginaganahan ako ngayong araw kaya todo ang aking pagsayaw at paggiling ng walang kapuguran, kahit di marunong sumayaw alam kong matututo rin basta't magsanay lang. Di pa ako napagod at nagwalis pa sa loob ng bahay habang pasayaw-sayaw. Huwag muna sanang dumating ang ate galing trabaho sapagkat tapos ang kasiyahan at di na pwedeng mag-ingay pagkat matutulog na ito.

3m-g. Sayang-saya na sana ako sa pakikinig ng RNB songs ng dumating na nga ang Ate. Di ko naman siya masisisi kung pahinaan niya sapagkat batid kong pagod iyon. Nag-enjoy pa rin naman ako pero di na kasing saya ng kanina pagkat mahina at weird ng pakinggan hanggang sa pinatay ko na lamang. Ipinagpatuloy ko ang pagwawalis. Maya-maya'y nagtungo ako sa taas upang magpa-burn ng CD para sa kanta. Kahit tirik na ang araw ay di ko dama ang init nito kundi lamig pa rin ang naghahari. Nagtungo ako sa isang Computer shop at ng malamang may kamahalan ay sinubukan ko sa iba kaso'y mahal rin. Minabuting bumili na lang ng blank CD at sa bahay na lang ipa-burn. Laking tuwa ko pagkat mura lang at apat pa nga ang binili.

3m-h. Di ko alam sa sarili kung bakit nahihiligan ko ngayong magpa-burn. Hindi ko alam ang tamang paraan ng pa-burn kaya nanood muna ako sa Youtube ng tutorial at ng matutuhan, dali-dali na akong umuwi kaso ng subukan sa sariling computer ay parati na lang palpak, pagkabwisit tuloy ang nadama ko pero ayos lang at ipapa-burn ko na lang kay Sir Balbin. Dahil walang maisipang importanteng gagawin ay pagko-compose na lang ng anta ang inatupag ko. Sumasakit na rin ang tiyan ko, dala na rin siguro ng gutom kaya sumabay na ako sa kanila sa tanghalian. Inaantok naman ako pagkatapos kumain na kahit anong paraan ng pagpipigil ay inaantok pa rin kaya natulog muna ako. Kinahapunan ay sinumulan ko ng sagutan ang Pre-test sa AP at labis kong inaanalisa ang mga katanungan bago sumagot kaya sa anim na pu't aytem na katanungan ay inabot ako ng gabi.

3m-i. Diretso nood ng telebisyon matapos sagutan ang pagsusulit at parang narebyu na rin ako. Ang ganda ng istorya sa MMK, isang nanay na at may anak na magiging textmate at Callmate ng isang binatilyong di hamak na mas bata pa sa panganay niya, ang taray ng lola mo at bata pa ang tinutuhog pero sa huli, nagawa naman niya iyon pagkat di siya pinapansin ng kapamilya at parang wala siyang halaga sa kanila. Minsan talaga na kahit kadugo mo pa'y di ka magawang pansinin at kausapin at iyon ang masakit sa damdamin kahit mababaw sapagkat may damdamin at isip naman tayo. Kahit sabihing pinapakain ka pa o pinapag-aral kung wala ka namang puwang sa puso nila at di ka pa pinapahalagahan, di mo talaga mararamdaman ang pagmamahal. Bago matulog ay ipinagpatuloy ko ang aking libangan at iyon ay pagko-compose ng kanta, mga Alas-dose na ako natulog.


January 26, 2014
Sunday

Year II-026

3m-j. Wala pa ring pagbabago sa temperatura ng panahon sapagkat dama pa rin namin anglamig nito. Eksaktong Alas-otso na ng umaga ako nagising at nag-almusal. Ngayong araw rin ang MATHO games subalit mukhang malabong makakapunta sapagkat hindi ko pa nasasagutan ang MATHO cards, pero di bale't may grade din naman ako. Naglinis sa loob ng bahay at pagkatapos ay muli akong nag-compose ng kanta. Maya-maya'y nagtungo ako sa bahay nina Regine (Miano). Abala si Regine sa pagsasampay habang may nag-iinuman, halos kasing edad ko lang siya pero nanay na at sayang ang pagkakataon niyang makapag-aral. Nagtulo-tuloy ako at kinausap si Aling Gina na abala naman sa pagluluto. Gusto kong matutong magluto pagkat malapit na akong magdisi-otso kaya nagpaturo ako sa kanya at marami akong natutuhan kahit papano.

3m-k. Nang sumunod na oras matapos namin mag-usap ay nagtungo naman ako sa bahay ni Ate Bing at masaya silang mag-asawang nanonood ng Borrowed Wife. Dahil naenganyong manood ng Borrowed Wife ay nakinuod na rin ako. Si Aira naman, walang kapaguran sa kakulitan at panay harot sa akin. Ilang sandali pa'y naantala ang panonood namin ng Borrowed wife dahil biglang dumating ang kaanib ng Saksi ni Jehova subalit di naman sila nagtagal. Hinintay ko munang matapos ang Borrowed wife at ng matapos ay nagpaalam na ako sa kanila. Inanyayahan pa nga nila akong sumali sa karaoke subalit hiya ang nangingibabaw sa aking dibdib. Habang naglalakad ay saktong nakita ang pamilya ni Cathy na kakagaling lang sa Church.

3m-l. Tagal ko na rin hindi nakakapagsimba sa relihiyon nila kaya kinamusta ko ang mga kasamahan ko dun at sinabing nami-miss na raw ako, bagay na tumutulak sa akin na magsimba muli sa kanila kahit napagdesisyunan ko ng bumalik sa pagiging Katoliko, hindi naman raw masama kung makikinig ka sa turo ng ibang relihiyon at may punto naman sila. Ang masinsisinang pag-uusap ay nauwi sa tawanan at ang saya nilang kakwentuhan lalo na si Ate Ging, si Jaka naman ang cute-cute kapag tinatamaan ng pagkakulit. Gustuhin ko pa man sanang manatili sa kanila subalit kailangan ko ng magpaalam. Pagdating sa bahay, Ala-una na pala at saka pa lamang kumain ng tanghalian. Matapos kumain ng tanghalian ay nanood ako ng My Little Bossing. Sa totoo lang ay I expect more in My Little Bossing than Girl, Boy, Bakla, Tomboy pero hindi at mas enjoy panoorin yung movie ni Vice Ganda kaysa kina Vic Sotto at Kris Aquino, hindi ako gaanong natawa.

3m-m. Marahil ay kaya humataw ng ganon sa takilya ang My Little Bossing dahil sa full trailer nila pero kung sa full movie, waley naman pala at gusto ko sa pelikula yung mapapabuka ng laki ang ngalangala ko sa kakatawa. Matapos manood ng My Little Bossing ay natulog ako. Bago sumapit ang gabi at dahil Linggo ngayon at Family day ay naisipan naming ng magkaraoke. Kahit basag at boses puke raw ay darating ang araw na magiging sing ganda ng boses ng mga naglalakihang singers ang boses ko, magtiwala lang. Habang kumakanta'y bigla na lamang kami nakarinig ng pagputok sa kalawakan, yun pala'y may fireworks display, marahil ay hinuhudyat na malapit na ang Chinese new year.

3m-n. Maya-maya at dala na nagugutom na'y kumain muna ako ng hapunan. Matapos kumain at kahit tirik na ang gabi'y nagtungo muli ako sa bahay nila Cathy. Gabi na pero nadatnan kong naglalaba si Cathy. IIang sandali pa'y nanood kami ng Wow mali pa rin at wala kaming ibang ginawa kundi ang tumawa at iba pala ang saya kapag di ka lang mag-isang tumatawa kundi may kasama ka pa. Sa kasarapang manood ng Wow mali ay di ko namalayang sumapit na pala ang Alas-nuebe at kinailangan ko ng umuwi. Pagdating sa bahay, pagkayamot ang naramdaman ko sapagkat sinaraduhan ba naman ng pintuan. Binuksan rin naman pero huli na at nakapagsalita na ako, tuloy ay nabuo ang aming bangayan pero di naman nagtagal. May pasok nanaman bukas kaya kaagad na akong natulog.


January 27, 2014
Monday

Year II-027

3m-o. Malakas na tunog mula sa alarma ng aking telepono ang gumising sa akin, Alas-kwatro y medya na pala't kinailangan ko ng bumangon. Medyo maaga pa kaya nanood muna ng telebisyon at laman ng balita ngayon ang tungkol sa pagkakabugbog kay Vhong Navarro, kawawa naman siya at puro galos at pasang itim sa gilid ng mata ang tinamo niya na halos ikamatay na nga. Sayang at ang gwapo pa naman niya, bawas pogi points lang iyong black eye. Mga ikaanim na ako umalis at pagdating sa labas ng eskwela'y ang daming estudyanteng nagsisiksikan at halos di na makahinga. Nagtataka lang pagkat hindi naman ganon karami ang estudyante kapag pumapasok ako, iyon pala'y naipon na at ilang sandali'y pinapasok na kami. Habang wala pang guro'y gumawa muna ako ng takdang-aralin sa English. Maya-maya pa'y dumating na si Ma'am Fabiana at nagkaroon ng pag-uulat, recitation kami matapos ang pag-uulat at lakas loob pa ring sumasagot kahit di siguradong tama.

3m-p. Sa oras naman ng TLE, si Sir Balbin na muli ang naging guro namin at itinuro niya ang tungkol sa networking. Sa oras ng MAPEHCha-cha naman ang itinuro sa amin ni Ma'am Mina. Pagkatapos ay itinuro niya sa amin ang steps kaya sasayaw muli ako ng Folkdance, sa katunayan ay mas madaling sayawin ang Chacha kaysa sa Swing, masyadong kumplikado ang steps. Maya-maya'y Filipino na at nagtsek lamang kami ng test paper sa pre-test, maya-maya pa'y nag-aytem analisis kami. Sa oras ng English ay wala kaming guro, dahil walang maisipang matinong gawin ay nakipagkwentuhan ako kina Jayvie Ann at Patrick, ang sarap nilang kausap at para bagang lahat ng gusto kong sabihin ay nasasabi ko at nakikinig talaga sila, si Leonardo naman kapag kausap mo ay parang ang dami niyang alam sa mundo na hindi namin alam, para tuloy siyang Genius at ang talino talaga niya.

3m-q. Maya-maya'y nagtungo kami ni Jayvie ann sa Computer laboratory upang magpapa-burn ng CD, kaso nga lang ay hanggang 18 songs lang ang pwede at di pwedeng MP3, sayang lang ang pinambili ko sa CD at nadismaya ng husto. Sa oras naman ng Math ay di pa rin pumapasok si Sir Harren at kahit wala kaming guro'y nagkaroon pa rin kami ng pre-test sa pamamagitan ni Mandy. Hirap akong mag-concentrate at umintindi sa aking binabasa sapagkat saksakan ng ingay sa silid lalo na yung tropa ni Cynt. Nang maramdamang malapit na ang Physics ay naghula-hula na lamang ako.

3m-r. Sa oras ng Physics ay nagkaroon muli kami ng pre-test, naging mahirap sa akin ang naturang pagsusulit sapagkat di namin napag-aralan ang coverage ng exam at ang hihirap pa ng katanungan, nanghula-hula na lamang ako. Ilang sandali pa'y uwian na at kahit tirik na ang araw ay di ko dama ang init. Di ako kumain ngrecess time kaya naman napalamon ako ng dami at nabusog ng husto. May balak pa sanang magtungo sa Taas upang isauli ang pinamiling CD subalit antok ang pumigil sa akin hanggang sa makatulog na. Pagkagising ay panonood kaagad ng telebisyon ang inatupag ko at sinubaybayan ang paboritong programa ng Galema.

3m-s. Matapos manood ay tumungo na ako sa Taas at isunauli ko nga ang CD. Makaka-jackpot na sana ako sa ontsenta peso ng magkamali ang manong sa pagbalik ng pera pero konsensiya ang namayani sa aking kalooban at isinauli ko ang sobra sa kanya. Hindi baleng kaunti na lang ang pera na nasa palad ko, huwag lang manloko dahil masama iyon. Magpapa-burn sana ako ng kanta sa ibang computer shop pero sadyang kay mahal kapag MP3, naisip ko, bibili na lang ako ng Memory card kaso tagos sa bulsa ang presyo at naisipang pag-ipunan na lamang bago bilhin. Sa layo ng aking nilakad ay inabot na ako ng gabi at sobrang napagod ako. Wala na akong iba pang ginawa sa buong gabi kundi humiga at mag-relax hanggang sa makatulog.


January 28, 2014
Tuesday

Year II-028

3m-t. Hindi na gasinong malamig ang panahon kaya naman hindi naging mahirap sa akin ang bumangon. Sinadya kong umalis ng Alas-sais dahil batid kong di ako mahuhuli. Wala pang guro ng ako'y dumating at gumawa ako ng assignment sa Physics. Sa di inaasaha'y pumasok na si Sir Arnulfo matapos ang ilang araw na di nakakadalo sa aming klase sapagkat inatake raw sa puso ang nanay niya. Nagtsek lamang kami ng Pre-test at pagkatapos ay nakapag-discuss pa siya subalit saglit lamang pagkat kinapos sa oras. Ngayon pala ang reporting namin sa TLE kaya di ko na maiwasang kabahan. Sa Computer laboratory kami nagklase't isinagawa ang aming presentation.

3m-u. Kahit hindi ako nakapaghanda sa aking sasabihin ay lakas loob pa rin akong nag-ulat. Nakahinga lang ng maluwag ng matapos ang aming report presentation. Sa oras ng MAPEH ay practice muli ng sayaw ng Cha-cha at medyo madadali lang talaga ang steps. Humirap na ng sumunod pang steps. Sa oras naman ng Filipino'y nag-aytem analisis kami. Saktong nakatabi ko si Kathy kaya naglakas loob akong kausapin siya. Ang gandang kakwentuhan talaga ni Kathy at may matutuhan ka pa sa kanya sapagkat tungkol sa bibliya ang ikwinento niya. May nalalaman rin ako tungkol sa mga kwento sa bibliya kaya ibabahagi ko sana sa kanya kaso naudlot lang ng biglang nagpakita sa amin ang Punong Guro na si Diego Amid at tumahimik ang napakaingay na silid. Hindi nanaman ako kumain ng snacks sa oras ng Recess at upang di gutumin ay nilibang ang sarili sa pakikipagkwentuhan kay Patrick.

3m-v. Basta talaga kay Patrick ay walang hiyang naisisiwalat ang nasa loob ko di katulad ng iba na kakailang kausap. Tumigil lang ang aming pag-uusap ng dumating si Ma'am Templanza at nag-discuss lamang siya. Maya-maya'y isa-isa niya kaming binigyan ng Group presentation at nagpulong-pulong kami. Sa kakulangan ng oras ay bukas na lang kami magpe-perform kaya may timepa para makapagpraktis. Wala muling guro sa Oras ng Math kaya naging maingay muli ang silid. Sa halip na makipagdaldalan ay nag-compose na lamang ako ng panibagong kanta. Sa oras ng Physics ay nag-discuss lamang si Sir Martin about Sound. Medyo interesting ang lesson sa sound kaya todo pakinig ako sa kanya.

3m-w. Pasimpleng kopya ng lecture kinalaunan at makalipas ang ilang sandali'y tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Grabe yung manong tsuper na nasakyan ko pagkat walang pakundangan kung magmaneho at aksidente niyang nabangga ang aso pati yung ginang na naglalakad, labis yung galit ng babae pero di na makagante pagkat nakalayo na kami, sabi ng manong na kaaway niya raw iyon. Pagkababa ay may isang aleng nagtanong sa akin kung may kuryente ba sa amin, laking gulat ko pagkat Brownout pala pero di bale at di naman mainit. Gawa na nalalagkitan na sa sarili, matapos kumain ay naisipan kong maligo upang presko kaso pagdating ng hapon ay bigla na lamang ako sinipon subalit ang maganda sapagkat nagkaroon na ng kuryente. Nakadagdag pa sa pagsama ng pakiramdam ko ang malamig na panahon. Habang lumalalim ang gabi ang siyang pagsama pa lalo ng pakiramdam at parang lalagnatin ako, ipinagpahinga ko muna ang sarili.


January 29, 2014
Wednesday

Year II-029

3m-x. Hindi na ako sinisipon pa subalit pumalit naman ang pananakit ng ulo dahilan kung bakit nahirapan ako sa pagbangon subalit pinilit ko pa rin at isa pa'y ayaw ko ng lumiban pa sa klase. Pagdating sa eskwelahan ay nag-nap lang ako. Hindi muling pumasok si Sir Arnulfo kaya may pagkakataon muli ang mga kamag-aral ko na kating-kati na ang dila sa pagdaldal. Tumahimik lang ng pumasok si Sir Balbin at Ma'am Sandra at sa di inaasahan ay nagkaroon muli kami ng Periodical Test sapagkat puro raw mababa ang nairerekord nila at sa bait ni Sir Balbin ay mukhang gusto niyang lahat kami'y pumasa. Kahit iniinda ko ang pananakit ng ulo'y naging madali pa rin sa akin ang pagsusulit sapagkat ilang ulit ng nabasa ang mga tanong at isa pa'y alam ko na ang mga sagot.

3m-y. Laking tuwa ko ng tseking na sapagkat mataas ang nakuha. Mayroon muling practice ng Swing sa oras ng MAPEH kaya lumabas muli ang mga kamag-aral ko na maliban sa akin na piniling manatili sa silid at magpahinga. Hindi naman ako makapagpahinga ng maayos dahil ang ingay nila Britannica. Maya-maya pa'y may isang di kilalang guro ang pumunta sa aming Silid. Laking gulat namin ng ibalitang pumanaw na ang nanay ni Sir Arnulfo at kahit di kaano-ano'y nakaramdam ako ng lungkot. Alam ko ang sakit kapag namatayan ka ng mahal sa buhay. Muling nanumbalik ang nakakasakit sa teyngang ingay pagdating ng mga kamag-aral ko.

3m-z. Ilang sagit pa'y pumasok na sa amin si Sir Velarde at nagkaroon kami ng Pre-test. Masakit pa rin ang ulo ko kaya naging mahirap sa akin ang umunawa ng babasahing sadyang napakalalim, kaya ang resulta'y di kataasan ang nakuha ko. Bahagyang naibsan naman ang sakit ng ulo sa Oras ng English at dahil may presentation kami, wala kaming ibang inatupag kundi ang mag-ensayo at pwersado kong kinabisado ang aking linya. Ng kami na ang magpe-perfom ay hinusayan ko talaga kaso ng ako ang mag-e-explain ng aming ipinakitang situation ay dumugo ang ilong ko, mahina pa ako pagsasalita ng English. Maging sina Denzel at Mandy ay ma-nosebleed na rin pero sige pa rin sa pagsasalita. Sa oras naman ng Math, sa wakas at pumasok na si Sir Harren at inanunsyo niya sa amin na magkakaroon raw kami ng Math review sa next week pero pagkatapos pa raw iyon ng klase at hanggang Alas-tres raw ang itatagal ng session.

3n-a. Nagkaroon rin kami ng class recitation at habang kami'y may recitation at di pa umaalis si Sir Harren ang siyang biglang pagpasok ni Sir Martin na dire-diretso at halos mayanig ang buong silid sapagkat tawa kami ng tawa sa kanya, minuto lang ang lumipas at Physics time na. Ipinagpatuloy ni Sir ang pagtuturo tungkol sa sound at pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang upuan. Ang saya ng araw ko dahil sa nangyari kanina at kapag inaalala'y tawa pa rin ng tawa. Grabe talaga si Sir Martin, di ako maka-move on. Pagkauwi'y tila guminhawa na nga ng tuluyan ang pakiramdam ko pero di pa rin pakigurado at matapos kumain ay natulog ako pansamantala. Sa sarap ng tulog, mga ikalima na ng hapon ako nagising. Wala ng iba pang ginawa kundi mag-soundtrip at pagkatapos ay manonood ng telebisyon. Sinubaybayan ko pang panoorin ang The Legal wife, matapos panoorin ang naturang palabas ay natulog muli ako. Hindi naman ako makatulog at mukhang inatake marahil ng Insomnia.


January 30, 2014
Thursday

Year II-030

3n-b. Sa kasarapan muli ng tulog ay malapit ng mag-ikalima ng ako'y magising. Wala naman kaming guro sa ikaunang period kaya ayos lang kahit mga ikaanim na ako makapasok. Naging napakaingay ng silid pagdating ko at kahit wala kaming guro'y nagkaroon pa rin kami ng aktibidad na pinangunahan ng aming presidente. Ilang sandaling lumipas, TLE na at nag-ulat ang grupo nila Mandy. Kahit may nagtuturo sa harapan ay di pa rin mapigilan ng ilan kong kamag-aral sa pagbuka ng bibig, kaya ang naging resulta'y maingay at di ko marinig ang sinasabi ng mga mag-uulat. Sa oras naman ng MAPEH, kaasar lang isipin sapagkat may practice muli ng Swing at may Tango pa, minamalas lang ang lagay dahil wala akong ka-partner kaya pinili ko na lang manatili sa silid hanggang sa sumapit ang Physics.

3n-c. Maya-maya'y Physics na, sa buong oras na ito'y wala kaming ibang ginawa kundi ang komopya ng lecture sa pisara. Kaagad rin akong natapos sapagkat kamay ang ginagamit ko sa halip na bibig. Dahil nagtitipid para makapag-impok ng malaki'y hindi na ako kumain kundi nag-compose muli ako ng panibagong kanta. Sabay tago ng dumating si Ma'am Temlanza at nagkaroon kami ng Activity sa kanya. Kahit kailan at madalas ay di makita ang galak sa dibdib sapagkat kakaunti lang ang nakuha ko, nakakainis. Wala muling guro sa oras ng Math kaya may pagkakataon muli ang mga kamag-aral ko na gawin kung anong ibig nilang gawin. Kahit High school level ay di rin naman masamang magpaka-isip bata at naglaro pa kami nila Jessa ng Cherry the Apple at Do Re Mi, si Jessa na ang lakas mang-trip kaya halos lamunin na kami ng saya sa kakatawa.

3n-d. Ang masayang paglalaro magkabarkada'y nauwi sa lampungan. Hindi ko alam kay Jessa kung bakit palagi niyang kinukuha ang panyo ko kahit na pinagsingahan ko na. Kanya-kanya kaming gusto ng gawain dahilan kung bakit mistulan ng Playground ang silid, ang tropa naman nina Cynt ay di mapigil ang sariling mang-trip sa isa't isa at kahit sino-sino pa, kutong ang abot kapag ako ang pagtripan. Biglang natigil ang kasiyahan sa silid ng dumating si Sir Martin, mayroon pala kaming maikling pagsusulit at patay, hindi ako nakapagrepaso. Ang ilan kong kamag-aral lalo na sila Jobil, kasing haba na ng leeg ng Giraffe sapagkat lingon ng lingon sa sagot ng katabi at nagsesenyasan pa, rinig naman at iyan ang madalas gawin ng karamihan sa mga kamag-aral ko tuwing mayexam.

3n-e. Hindi baleng mababa ang makuha huwag lang mangopya. Habang nagte-take ng Quiz ang siyang dating naman ni Sir Balbin at inanunsyo niya kung sino ang tagilid ang grade, nag-uumapaw ang tuwa at pumalakpak ang teynga ko sapagkat di nabanggit ang pangalan ko, thank you Lord. Ilang sandali pa'y uwian na. Habang nasa tricycle ay bigla na lang kami nakarinig ng sirena ng track ng Bombero. Pagkabagtas sa kahabaan ng Sinagtala, may nagaganap pa lang sunog. Buti na lamang at di nadamay ang katabing mga kabahayan. Diretso lantak at lamon ng tanghalian pagkauwi. Matapos kumain ay nagtungo ako sa Taas upang bumili ng Memory Card. Naubos ang naipong kwarta sa paggasta ng Memory card at ng kaninang hirap sa paglalakad dahil sa bigat ng bulsang lulan ay sangkatutak na barya, gumaan.

3n-f. Sabay salpak ng Memory Card with Card reader sa Unit ng Computer at save ng mga kanta. Soundtrip rin ako kapag may time. Kinagabihan, ngayong gabi pala sasalubungin ng mga Tsinoy ang ang pagpasok ng Year of the Wooden horse kaya naman nonstop na ang saya sa Binondo at naglipana na rin sa merkado ang mga pampaswerteng prutas at kagamitan. Hindi naman masamang maniwala minsan sa pamahiin pero laging isaisip na tayo ang gumagawa ng kapalaran, walang ipinanganak na swerte at malas sapagkat lahat tayo ay pantay-pantay. Kahit hindi ako Chinese nagtiyaga pa rin akong nag-abang, baka sakaling makakita ng makulay na Fireworks display mamayang hating-gabi para salubungin ang Bagong taon. 


January 31, 2014
Friday

Year II-031

3n-g. Sa pagsapit ng Alas-dose at habang tutok ang mata sa panonood ng telebisyon ang mauulinig na sunod-sunod na putok na animo'y may nagaganap na pagsabog sa kalawakan subalit iyon ay may Fireworks display, hudyat na pumasok na ang Year of the Wood horse. Maya-maya pa'y natulog na ako gawa na magdamag na nag-abang sa pagsalubong sa Chinese New year kahit di Tsino. Dahil Chinese New Year, walang pasok kaming ngayon kaya maliwa-liwanag na sa labas ng ako'y gumising at manamis-namis at malagkit na Tikoy ang naging agahan. Sa sarap at tamis ay naparami ko ng subo na di na inisip pa na may kakain pa ngunit nagtira pa rin naman. Mukhang hindi kagandahan ang pasok ng Chinese New year pagkat nasira ang tubo ng tubig namin kagabi, wala tuloy kaming magamit at tiis-tiis sa pag-iigib sa balon.

3n-h. Ni hindi na nga ako naligo pero ayos lang pagkat wala naman pasok kinabukasan maging sa ikalawa. Matapos magwalis at magpunas ng sahig, paglikha ng kanta muli ang sunod kong inatupag hanggang sa sumapit ang tanghali, maya-maya pa'y panonood na ng telebisyon ang naging libangan ko matapos lumamon ng tanghalian. Halos di na mahulugang karayom ang dagsa ng mga tao doon sa Binondo at sa tingin ko'y mukhang napakasaya ng Selebrasyon nila ng Bagong taon. May Dragon dance pa na sinabayan ng mga paputok at kaliwa't kanan na rin, saan ka lumingon ang mga ibinebentang Lucky Charm. Matapos manood ng balita'y Baliwan Cinema naman, kahit amoy anghit na ang katawan at amoy imburnal na ang bibig dahil sa kawalan ng tubig ay masaya pa rin ang araw ko dahil ang lalakas nilang magpatawa.

3n-i. Sa kakatawa'y nakaramdam ako ng antok at anumang pilit idilat ang mata, pumipikit pa rin, natulog na lamang ako. Kasiglahan sa kalooban kaagad ang namutawi pagdilat ng mata. Sa kadahilanag wala nanamang maisip gawin, nilibang ko na lang sarili sa paglalaro ng Tablet. Kinagabihan, matapos panoorin ang paboritong programa'y nag-compose ako ng kanta. May balak na sana akong matulog ng biglang dumating si Papa at may dalang piniritong manok. Kahit ako'y bundat na sa dami ng kinain, nilantakan ko pa rin ang manok. Sa takot na bangungutin, hinintay ko munang matunawan bago mahimbing ng matagal at managinip nawa ng maganda!