October
01, 2013
Tuesday
Year I-274
Tuesday
Year I-274
2T-Y. Maaga muling
magigising sapagkat may pasok na at upang di mahuli sa pagpasok sa eskwela.
Kahit medyo inaantok pa'y nagpatuloy pa rin ako sa pagkilos at pagkain ng
agahan. Oktobre na at dalawang buwan na lamang ang nalalabi bago sumapit ang
Pasko. Maliwaliwanag na ng ako makaalis ng bahay at kasabay ko muli si Regine
(Cebrero) sa pagtungo sa eskwela. Pagdating sa eskwela, sa halip na
magtungo ang mga estudyante sa kanya-kanyang silid ay sa School
Quadrangle at nagtipuntipon. May mahalaga pa lang iaanunsyo ang mga
guro at sinabing ngayon na ang pagsisimula ng buwan para sa Araling
Panlipunan. Pagkatapos ang mahalagang anunsyo'y biglang naghiyawan at
nagtilian ang mga estudyante. Nagtungo ako sa harapan upang makita kung sino
ang kinahihiwayan nila at pagkatingin, mga kalahok pala iyon para sa Miss
and Mister UN.
2T-Z. Naggagandahan at
naggagwapuhang mga kalahok ang nandun at ang gagara pa ng kanilang kasuotan.
Titig sana ako ng matagal subalit huwag na at baka matunaw pa. Nagtungo na ako sa
silid at abala ang aking mga kamag-aral sa paggawa ng takdang-aralin sa English.
Wala nun si Sir Arnulfo kaya sinamantala ko ang
oras sa paggawa ng assignment kaso wala akong workbook kaya
nanghiram pa ako kay Gwen. Itinigil ko lang paggawa ng
takdang-aralin ng biglang may narinig kaming hiyawan mula sa labas at dali-dali kaming lumabas. Parada pala iyon ng mga kalahok
sa MS. and MR. UN at talagang di magkandamayaw ang mga estudyante
sa kakatili. Paano naman ang kikisig ng karamihan sa mga kalahok lalo na
si Jasper and I like his outfit.
Balikan lamang sa silid ng matapos ang parada.
2U-A. Habang walang
guro, si Jenny Mae ang kakwentuhan ko. Maya-maya pa'y dumating
na si Ma'am Miranda at napansing tila ang uunti
namin. Sinabi niyang mas pipiliin pa raw ang panonood ng beauty
contest kaysa matuto.
Ako ang inatasan ni Ma'am na maglista kung sino ang mahuhuli sa kanyang
klase. Nang dumami na kami'y nagsimula na ang recitation subalit
ako'y pinaladpagkat di ako natawag. Pagkaalis ni Ma'am Miranda ang
siyang dating naman kaagad ni Sir Harren. Nagalit sa
amin si Sir pagkat marami sa amin ang di gumawa ng assignment.
Binigyan niya kami ng oras upang gumawa. Maya-maya’y dumating naman si Sir Martin na
may dalang Red Ribbon. Mistulang patay gutom ang ilan kung
kamag-aral pagkat panay kalikot sila sa cake at kalang di pa
nakakatikim.
2U-B. Maya-maya’y
ibinigay ni Sir Martin ang cake kay Pradez at
ang swerte naman niya dahil nanalo ito sa Cake Raffle. Ayos lang sa
akin pagkat sa tuwing may okasyon ay nakakatikim naman ako ng cake. Ilang saglit pa'y
nagkaroon kami ng group discussion about Magnetism at pagkatapos ay bumalik kami sa kanya-kanyang upuan at ibinahagi kung
ano ang aming nalalaman. Maya-maya, ang seryosong diskusyuna'y nauwi sa tawanan
ng mag-tongue twister kami at magkandabulol na nga. Maging sa uwian
ay mistulan kaming mga ulaga pagkat tawa kami ng tawa. Ang saya tuloy ng araw
ko dahil sa kanila at pagdating sa bahay, nananghalian ako at. Matapos
mananghalian ay natulog na ako. Dakong Alas-kwatro na ako nagising at pagbabasa
ng world atlas ang inatupag. Kinagabihan naman ay nanood ako
ng telebisyon at pagkatapos ay natulog na ako.
92 | 85 Walong pu't limang araw na lang bago sumapit ang Kapaskuhan.
October
02, 2013
Wednesday
Year I-275
Wednesday
Year I-275
2U-C. Dahil di nakatulog
kagabi gawa ng napakaalinsangan ng panahon ay tinanghali na ako ng gising.
Paano naman kasi, isa sa matinding kalaban ng pang-umagang estudyante ang
antok. Pagkatingin sa malaking orasan, sumapit na pala ang ikapito ng umaga at
nag-almusal, piniritong kamote lang ang aking agahan ngunit ako'y naumay.
Nakakabato ang naging umaga ko at parang walang kakulay-kulay kaya naisipan
kong magpatugtog. Dahil October na at dalawang buwan na lamang
bago magpasko'y awiting pampasko ang pinatugtog ko at grabe parang dama ko na
ang diwa ng kapaskuhan. Awiting pasko rin ang nagtulak sa akin upang gawin
ang project at medyo nakaka-relax sa isipan. Pagsapit
ng ikalabing-isa ng umaga'y sa wakas at natapos ko na rin ang Project sa Math.
pagpa-print na lang ang kailangan.
2U-D. Kinahapunan ng
binalak kong magtungo sa computer shop. Daming nagkukumpyuter
sa Taniman at walang bakanteng upuan para sa akin kaya
naisipan kong kila Giselle umupa. Salamat at kakaunti lang ang
nagkukumpyuter kaya di ako gasinong madidistorbo sa paggawa ng front
page ng project. Umingay lang ng dumating ang grupo ng
kalalakihan. Malapit ng dumilim ng ako ay makalabas at nagpa-print.
Dumeretso muna ako sa bahay nila Tita Jean pagkatapos
magpa-print. Kahit medyo nakukulitan kay Amihan at Habagat ay
hindi ako nairita pagkat napapakwela nila ako. Si Itang naman,
di maawat ang mata sa kaka-text at abala rin si Tita Jean sa
pakikipag-usap sa kapitbahay. Nagkaroon lang ng pagkakataong magkwentuhan at
kamustahan ng umalis na ang kausap ni Tita. Gusto ko pa sanang manatili pa sa
kanila subalit kinailangan ko ng umuwi pagkat gabi na. Diretso nood ng
telebisyon pagdating sa bahay. Ang alinsangan talaga ng panahon kaya hirap
akong makatulog.
91 | 84 Walong pu't apat na araw na lang bago sumapit ang Kapaskuhan.
October
03, 2013
Thursday
Year I-276
Thursday
Year I-276
2U-E. Maaga nanaman
akong magigising pagkat ayaw ko ng lumiban pa ng klase dahil lamang sa
tinatanghali ng gising. Alas-tres pa lang ng umaga kaya naupo muna ako. Saka pa
lamang naisipang mag-almusal ng sumapit na ang Alas-kwatro. Pagdating sa
antayan ng tricycle, saksakan sa haba ang pila kaya sa ibang terminal na
lamang ako sumakay. Di pa naman kasing dami ang mga nagsisipasukang estudyante.
Sa halip na makipagkwentuhan sa katabi'y tumulong ako sa mga cleaners.
Makalipas ang ilang saglit ay pumasok na si Sir. Kaba sa dibdib ang dumatal sa
akin pagkat ngayon na ang report. Todo handa ako ng
sasabihin subalit sa kaka-solve ni sir sa blackboard ng equation na
di matapos-tapos ay laking tuwa dahil di natuloy ang report at
may panahon nanaman upang makapaghanda.
2U-F. Habang nagso-solve sa
pisara ay nasa pintuan na si Sir Balbin na kanina pa pala
naghihintay. Ilang sandali pa'y
umalis na si Sir Arnulfo at pumasok naman si Sir Balbin.
Mukhang goodvibes si sir at natawa kami sa mga pahirit
niyang jokes. Lalo pa kaming nagtawanan ng si Ma'am Mina na
ang nagpatawa at sabihin ba namang si Lieutenant kolonel ay
may pinomonya at kinagat ng Dengue. Halos lumubo ang tiyan sa
kakatawa. Maya-maya’y Physics na subalit wala si Sir Martin,
sinamantala namin ang oras sa paggawa ng photography sa MAPEH. Kanya-kanyang diskarte kung
paano mapapalitaw ang hindi kapanipaniwalang litrato ng hindi ini-edit.
Grabe ang hirap at di ako magawan ng photography Effect pagkat wala
akong facial expression subalit nagkaroon pa rin ako, yun nga
lang ay ibang set-up.
2U-G. Maya-maya’y
bumalik na ako sa silid at pagbabasa ngDictionary ang inatupag ko.
Oras na ng English subalit wala pa ring teacher,
ang unti lang ng nasa silid at parang ang lungkot, sana'y di na lang ako
pumasok. Dahil walang
maisipang gawin, tinulungan ko si Jarito sa
paggawa ng project. Lumipas ang tatlong subject na
walang pumasok na guro at bago kami umuwi ay gumawa muna kami ni Perfecto ng music video para
sa Project sa Math. Dahil pagmamay-ari ni Denzel ang
ginagamit na Kamera'y nagpresinta na lang si Denzel na siya na
ang magpapa-burn ng CD,
naubos ang pera ko sa kakaambag sa kanya. Kahit walang pamasahe at dala ng init
ng panahon ay sumakay pa rin ako.
2U-H. Dali-daling kuha
ng pera sa bahay pambayad kay manongdriver pagkadating. Ang tindi
ng init sa labas kaya todo paypay ako at di makatulog. Kinagabihan, awa at
galit ang naramdaman ko ng mapanood sa balita na walang awang pinagmamalupitan
ng tatlong babae ang tuta.
Pinagtutulungan itong tapak-tapakan hanggang sa mamatay, di pa
nakuntento at patuloy pa rin itong tinatapakan kahit patay na. Marami ang
nagkomento ng negatibo at may nanawagan na sana'y maparusahan sila. Kahit hayop
lang iyan na hindi nakakapagsalita'y dapat ay minamahal rin at inaalagaan, di
pinagmamalupitan. Diretso hilata sa kama matapos manood ng telebisyon.
Alas-onse na subalit di pa rin ako makatulog, dami kasing palipad-lipad na
lamok tapos maalinsangan pa.
90 | 83 Walong pu't tatlong araw na lang bago sumapit ang Pasko.
October 04, 2013
Friday
Year I-277
2U-I. Sumapit na ang
Ala-una ng madaling-araw subalit di pa rin ako nakakatulog ng mahimbing.
Umidlip na lang hanggang sa sumapit ang Alas-kwatro. Pag-aalburoto ng tiyan ang
agad kong naramdaman pagkabangon, marahil ay kinakabag. Nabawasan lang ang
pananakit ng tiyan nung umutot ako kaya nakapasok pa rin. Ngayon ang
pagdiriwang ng World Teacher’s day na dapat sana'y gaganapin
pa bukas kaya naman pagdating sa eskwelahan, marami ng mga poster
message ang nakakabit sa may dingding at nakasulat na happy teacher’s
day. May umaawit rin sa Quadrangle bilang pasasalamat sa
mga gurong walang sawa sa pagtuturo kahit pagod na at minsan ay nauubusan ng
pasensiya. Masigabo’t pasigaw na pagbati ang sinalubong namin pagpasok niSir Arnulfo na
labis niyang ikinatuwa at dahilan iyon kung bakit nakangisi siya sa pagtuturo.
Maya-maya’y may nag-ulat na sa pisara. Nang ako na ang nakasalang, lakas ng
loob ang aking pinairal kaya naman nakapag-ulat pa rin ng maayos. Picture-taking kasama
si Sir Arnulfo pagkatapos ng klase sa AP at nagpaulan pa ng
inihandang confetti.
2U-J. Sa oras naman
ng Values ay masigabong pagbati rin ang isinalubong namin
kay Ma'am Fabiana ganon rin kay Ma'am Mina.
Kahit Teacher’s day ay tuloy pa rin ang lesson at
nagkaroon pa ng practical test. Sa oras ng Filipino,
pumasok na si Sir Velarde subalit di ito nagturo
at hinayaan kami sa gustong gawin. Lumabas ako kasama sina Jobil at Jessa.
Nang nasa Quadrangle ay sumali kami sa mga naglalaro ng
agawang bola. Kakainis dahil ako lagi ang taya, sa kakaagaw ng bola, napagod
ako subalit nag-enjoy pa rin. Nagpatuloy kami sa paglalaro ng bola
at ng si Jobil na ang taya, umayaw na ang mga boys,
paano napakaarte kasi at takot makipag-agawan, ang hinhin din. Balik kaming
tatlo sa silid, saktong sumasayaw ng Wellness Dance ang aking
kamag-aral. Kahit pagod ay nakisali pa rin ako sa sayaw subalit panay tawa
si Patrick at masyado nila akong pinagtatawanan, naupo na
lamang ako at kala kung sino magagaling sumayaw, parang bato naman ang
pagsayaw.
2U-K. Maya-maya, habang
nasa labas kami ay biglang namataang paparating si Ma'am Miranda kaya
pulasan kami ng takbo papasok ng silid. Sa halip na magturo, nagkwento lamang si
Ma'am tungkol sa napanood niya sa program at maging ang naging
karanasan niya bilang guro sa lumipas na mga taon. Naging payapa ang buong
silid habang nagkukwento si Ma'am. Bago umalis ay nag-iwan si Ma'am Miranda ng
takdang-aralin. Nang sumunod na asignatura, wala nanamang dumating na guro.
Parang ang unti lang namin at di malaman kung nasaan ang iba, tapos kakabato sa
loob ng silid, lumabas muna ako at hinanap sila Jobil. May balak pa
sanang manatili sa eskwela hanggang hapon upangmanood ng All teacher's program subalit
dala ng gutom, umuwi na lang ako. Ang ingay ng kasabay ko sa tricycle at
parang walang delikadesa sa pag-aaway, sasawayin ko sana sila subalit huwag na,
baka lumalala pa ang gulo. Pagdating sa bahay
ay nananghalian ako at natulog. Kinahapunan ay nagtungo ako sa bahay nila Cathy.
Kamustahan kami ni Ate Ging at todo udyok na
sumamba sa Linggo. Di ako pumayag pagkat di naman ako katulad nila. Ang
masinsinang pag-uusap, nauwi sa santuhang pangangaral. Gusto ko yung tinuturan
sa akin ni Ate Ging subalit masyado niyang
tinutuligsa ang paniniwala ng mga Katoliko, bagay na hindi ko sinasang-ayunan at mas sinaalang-alang ko pa ang kahihinatnan namin
kaysa ipagtanggol ang relihiyon, bahala siya kung ano ang gusto niyang
iparating basta Katoliko pa rin ako.
2U-L. Nagpakaplastik
akong nakitungo sa kanya at dahil di masikmura ang lahat ng sinasabi niya,
umalis na ako at kina Regine ako kaagad tumungo. Buti pa si Regine,
kahit kaanib ng Saksi ni Jehova'y naiintindihan niya ang paraan ng aming pananampalataya at
kaugalian, ito si Ate Ging, mali raw iyon pagkat di raw
nakabase sa bibliya ang lahat ng ginagawa namin. Wala na siyang magagawa sa
mamayang Katoliko kung nakakapit na kami sa ganong paniniwala. Ang mahalaga'y pinapapasok mo si God sa heart mo
at naniniwala ka sa kanya. May mga ilang bagay pa kaming napag-usapan ni Regine
(Miano)at ng sumapit na ang Alas-otso'y kinailangan ko ng umuwi. Pagdating
sa bahay, nadatnan kong nanonood ng video si Papa, di na tuloy
nakanood ng Muling Buksan Ang Puso pagkat ngayon
ang ending nun. Nagsulat-sulat muna at ng antukin ay natulog
ako.
89 | 82 Walong pu't dalawang araw na lamang bago magpasko.
October
05, 2013
Saturday
Year I-278
Saturday
Year I-278
2U-M. Maganda at malamig
na umaga para sa akin na bagong gising lang at ang aga kong magising. Diretso
lantak ng almusal pagkabangon at ako na mismo ang nagligpit ng aking
pinaghigahan. Matapos kumain ng almusal ay nagtungo ako sa computer shop subalit
sarado pa ito. Nagtungo muna ako kila Tita Jean at
nadatnan ko si Tita na abala sa paglalaba. Kahit di kasing edad at di hamak na
mas bata sa akin ay nakipagkwentuhan pa rin kay Amihan. Si Itang naman,
walang ginawa kundi ang alagaan si baby Habagat.
Makalipas ang isang oras ay nagpaalam na ako sa kanila at dumeretso ako kaagad sa computer shop. Mga Alas-dyis na
ako nakauwi sa bahay at grabe ang alinsangan sa labas.
2U-N. Ngayong araw rin
pala ang selebrasyon ng ABS-CBN para
sa ika-60 taon nilang pamamayagpag sa telebisyon at sa Quezon Memorial Circle nila
iyon gaganapin, kaya naman mamayang hapon ay pupunta kami ni Mama sa Circle
upang makakita ng mga naglalakihang bituin. Kinatanghalian ay nanood kami
ng showtime at di na mahulugang karayom ang dami ng mga taong
nanonood kahit napakainit ng panahon.
Nandoon ang mga Showtime family na sila Vice Ganda at
iba pang mga sikat na artista. Pupunta na sana kami ni Mama subalit baka ma-heatstroke lang
kami kapag nakipagsiksikan. Mga hapon na kami nagpunta ni Mama sa Circle
at pagdating doon ay talagang dagsaan ang mga taong sabik makakita ng
artista, tiyempo ko pa ngang nakita ang ilan kong kamag-aral. Nagpatuloy kami
ni Mama sa paglalakad hanggang sa makalapit sa stage. Nandoon rin
sila Tita Jean na kanina pa nanonood at ilang saglit pa'y
nagbukas na ang entrancepapuntang stage.
2U-O. Matiyaga kaming
pumila hanggang sa makaupo. May isang baklang komedyante nagngangalang Negi ang
panay patawa sa mga manonood at maya-maya'y nagpakita na ang mga artista.
Mapababae o mapabakla'y hindi magkandamayaw sa pagtili ng makakita ng artista. Nandoon sa stage sila Piolo Pascual, Bea Alonzo, Liza
Soberano, Coleen Garcia at siyempre ang
napakapoging si Papa Francis AKA Enrique Gil. Saksakan pala sa
kakisigan si Enrique Gil kapag sa Personal at
napakaputi pa kaya lalo pang lumakas ang tilian sa Circle, gusto ko
sanang tumili rin sa sobrang pagkakilig subalit hiya ang pumigil sa akin. Saglit lamang
nagpakita ang mga artista at kaagad na umalis. May free movie ng It takes
a man and a woman subalit di ako nanood pagkat napanood ko na iyon.
Inabot na ng gabi ng matapos ang movie at pinaalis na kami sa
aming kinauupuan.
2U-P. Di kami nakabili
ng ticket ni Mama upang manood ngconcerts kaya umuwi na lamang kami pero bago umuwi at dala na rin ng gutom na
nararamdaman, bumili muna kami ni Mama ng pagkain at kumain. Busog much na
ako pagkauwi. Sa halip na pumasok sa bahay ay nakipagtsikahan pa ako kila Burgot at
ikwinento ang tungkol sa kanina. Maya-maya’y kina Regine (Cebrero) naman
ako nakipagtsikahan at sa sarap ng usapan, hindi ko namalayang sumapit na pala
ang Alas-onse at kinailangan ko ng umuwi. Dala ng matinding antok, kaagad na
akong natulog. Hindi ko malilimutan ang araw na ito na sa tana ng buhay ko,
itong araw lang ako nakakita ng mga artista sa personal.
88 | 81 81 days na lamang at malapit na ang Pasko.
October
06, 2013
Sunday
Year I-279
Sunday
Year I-279
2U-Q. Sumikat na ang
haring-araw ng magising ako mula sa mahimbing na tulog at mukhang maganda ang
gising ko, marahil ay di pa rin nakakalimutan ang kapogihan ni Enrique Gil at
patuloy pa rin sumasagi sa isipan ko. Hindi ko talaga malilimutan ang kahapon
at isa na iyon sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko sa taong ito. Pagkabangon
ay kaagad ako nag-almusal. Pagkatapos ay naglinis ako ng bahay, mukhang
ginaganahan akong magkikilos-kilos kaya ng malinis ang bahay ay nagtungo ako sa
bahay nina Regine (Miano). Habang ako'y patungo ay
saktong namataan ko si Berna na kausap si Babylyn at
sila ang nakasabay ko.
Pagdating ay nadatnang abalang-abala si Regine sa
paglalaba kaya si Ate Bing ang kinausap ko.
2U-R. Maya-maya’y
dumating na ang kaanib ng Saksi ni Jehova upang
turuan sila Ate Bing ng salita ng Diyos. Gusto ko
sanang maging katulad ng kanilang relehiyon subalit huwag na at baka malito na
si Lord kapag paiba-iba ako ng relehiyon, ayos na sa akin ang
manatiling Katolikohabang buhay. Upang di makaisturbo sa pagba-bible
study nila Ate Bing, lumabas muna ako. Nandoon
sila Shiela, Berna at Regine at
nagkwentuhan kami. Maya-maya’y nauwi na sa asaran
at harutan ang kaninang seryosong pag-uusap. Maitim si Berna kaya
madalas ay siya ang napagtitripan subalit katuwaan lamang iyon. Si Kuya Putot naman,
kanina pa ako tinutukso sa mga lalaki at kala naman niyang magugustuhan ko
sila, may taste ako at di basta basta pumapatol.
2U-S. Matapos ang
asaran, balik muli sa pag-uusap subalit tungkol na sa mga maligno o kulam kulam
ang aming pinag-uusapan at labis akong kinilabutan. tirik na tirik na ang araw
sa labas kaya kinailangan ko ng umuwi. Kasabay ko siBerna sa
pag-uwi at pagdating sa bahay, ako'y nananghalian. Ang ganda-ganda ng araw ko
kanina tapos napalitan lang ng takot ng magkwento sila tungkol sa mga
nakakatakot na nilalang. Amoy araw at putok na ako kaya di na nagdalawang isip
pang maligo. Grabe ang alinsangan dito sa Kalakhang Maynila subalit
sa Kabisayaan, halos malubog na sila sa baha sa tindi ng buhos ng
ulan. Maya-maya’y nag-siyesta na ako at pagkagising, naisipan kong
magtungo sa computer shop. Madilim-dilim na akong umuwi
ng bahay at dahil may pasok nanaman kinabukasan, maaga akong natulog.
87 | 80 Walong pung araw na lang bago sumapit ang Pasko.
October
07, 2013
Monday
Year I-280
Monday
Year I-280
2U-T. Sumapit nanaman
ang araw ng Lunes hudyat ng panibagong buhay para sa buong Linggong punong-puno
ng pag-asa at saya na maaring kaharapin at balik muli sa kanya-kanyang trabaho
at eskwela matapos magpahinga at mag-bonding magkakapamilya
nitong weekend. Ikalawa na ng umaga ng magising ang diwa ko subalit
hinintay ko munang pumatak ang Alas-kwatro. Parang ang gaan ng pakiramdam ko sapagkat
walang aalalahaning problema o marahil ay di ko pa rin nalilimutan ang saya
noong nakakita ako ng iba't ibang bituin sa Circle, doble ang
makakamtang saya kung mangyari sa buhay mo iyon na bihira lamang mangyari. Sa sobrang sigla ko'y napaaga ako sa pagpasok. Tahimik at
madilim pa sa silid kaya ako na mismo ang nagbukas ng ilaw. Lumipas ang ilang
sandali ay napalitan ng samu't saring boses ang kaninang saksakan ng tahimik ng
magsidatingan ang mga kamag-aral ako.
2U-U. Bahagyang
tumahimik ng dumating si Ma'am Fabiana na bakas sa
mukha ang pagka-goodvibes kahit kupas na ang pagkabata. Ako ang
napagkatiwalaang kumuha ng test paper sa may Photocopy
center. Sa dami ng test paper na kasing bigat
ng sako ay kinailangan kong magpatulong. May mahabang pagsusulit pala kami at
nagsimula lamang iyon ng madala ko angtest paper. Lalo pang
nadagdagan ang kaluwagan ng loob ng purihin ako ni Ma'am Fabiana at
pakiramdam ko, gumagaan ang aking sandali kapag si Ma'am Fabiana ang
aming guro, ako rin ang pinamahala niya sa bayarin. Sa palagay ko'y may mga tao
ring kayang pagkatiwalaan ako sa kabila ng minsan ay pumapalpak ako.
2U-V. Sa oras ng TLE, kahit naghihingalo na ang
bulsa'y sige pa rin ako sa bayad, magkaroon lang ng practical test at
naging abala ang mga kamag-aral ko sa pagkonekta ng wire sa RJ 45. Hindi naging
madali sa akin ang naturang pagsusulit at kinailangang pagsunurin ang kulay
ng wire depende sa itinakdang pagkakasunod nito. Sa sobrang
abala'y di namin namalayang MAPEH na
pala at nag-overtime na si Sir Balbin.
Hindi na pumasok si Ma'am Mina at ipinabatid
ni Mandy sa klase na nagalit na raw ito pagkat nag-overtime raw
kami sa TLE.
Sinamantala ko ang oras sa pagsagot ng CAT lecture habang
walang guro.
2U-W. Maya-maya’y Filipino na
at nagpatuloy pa rin ang pag-uulat hinggil sa El Filibusterismo.
Dahil natuluyan ng mabutas ang bulsa, hindi na ko nag-recesspa at
hinintay ko na lang ang pagdating ni Ma'am Miranda.
Balikan sa kanya-kanyang upuan pagkadating ni Ma'am at nagkwento siya tungkol
sa buhay ni Oedipus rex. Lahat ng teynga ng kaklase ko'y
natuon sa pagkukwento ni Ma'am at talagang maraming aral ang mapupulot. Balik
muli sa pagiging iskwater at palengke ang silid ng umalis si Ma'am Miranda at
hindi pumasok si Sir Harren. Kahit nagkakaedad na'y naglaro
kami nila Jessa ng Nanay-tatay, Ketchup at Bato
batopik, nakakaines lang pagkat ako ang madalas na taya. Ang masayang
laro'y nauwi sa harutan at biruan subalit walang nagkapikunan. Tigil ang
pagsasaya at party-party ng dumating si Sir Martin at
nag-discuss siya about magnetism.
2U-X. Kahit seryoso sa
pagtuturo ay di pa rin maiwasan ni Sir Martin ang tumawa kapag
binibiro siya at lalo siyang kumikisig kaso lang may kulo rin. Nagkaroon kami
ng quiz matapos ang discussion at lalo pang
nanlubag ang kalooban ng makitang masigla ang natamong marka. Pulbo time ng
umalis si Sir Martin at uwian nanaman. Naging
makulimlim ang panahon kaya magandang pagkakataon upang maglakad. Tagaktak ang
pawis pagdating sa bahay at pagkatapos lumamon ng sandamukal ay diretso Computer
shop upang mag-search. Limbag-limbag din ng documents matapos
magkumpyuter at pagbabasa ang inatupag ko sa maghapon. Nagrepaso na rin ako
sa MAPEH pagkat
may long test bukas. Nahirapan ako sa pagkuha ng masarap na
tulog gawa ng napakaingay sa labas dahil may
naglalamay. Nagtakip na lang ng unan upang di maingayan.
naglalamay. Nagtakip na lang ng unan upang di maingayan.
86 | 79 Pitong pu't siyam na araw na lang bago sumapit ang Pasko.
October
08, 2013
Tuesday
Year I-281
Tuesday
Year I-281
2U-Y. Medyo inaantok
pa't pupungas-pungas subalit di ako panaig sa antok at nagpatuloy sa pagkilos.
Ang lamig at ramdam ko na ang simoy ng Pasko kaya tinamad nanaman maligo.
Kasabay ko si Regine (Cebrero) sa pagpasok at dahil
nitiyempuhan niya ang Tito na naka-motor, sumakay kami sa motor at
nakalibre pa sa pamasahe. First time ko lang sumakay sa motor sa
tana ng buhay ko kaya ganon na lamang ang takot ko kapag mabilis tumakbo
ang motorat mukhang mahuhulog sa kinauupuan. Sa takot ay humawak
ako ng mahigpit kay Regine. Kaagad kaming nakarating sa eskwela sa
bilis magpatakbo ni manong. Wala pa si Sir Arnulfo pagdating
ko at nanalaytay na sa kapaligiran ng silid ang ingay ng aking kamag-aral, sa
halip makipagdaldala'y nagrepaso ako sa MAPEH.
2U-Z. Ilang sandali ng
dumating si Sir Arnulfo at tuloy pa rin ang
pag-uulat. Sa oras ng TLE,
mukhang nasorpresa ako pagkat may quiz rin kami at sa takot na
muling bumagsak ay sobrang na-pressure ako sa pagsagot. Rebyu-rebyu
rin habang di pa dumarating si Ma'am Mina. Maya-maya'y
dumating na ito at nagsimula na ang long test. Dahil nakapagrepaso'y
sisiw na sisiw lang sa akin ang test. Sa oras ng Filipino, long
test muli at dahil nakalimutang magrepaso, napakamot ako ng ulo sa
sobrang pangangamote. Dami rin ang halatang di nag-aral kaya pahabaan ng leeg
at patalasan ng mata sa pagtingin ng sagot sa katabi kapag umaalis si Sir Velarde.
Hayahay ang buhay matapos ang napakahirap na pagsusulit at ipinagpatuloy
ni Ma'am Miranda ang pagkukwento tungkol kay Oedipus Rex.
2V-A. Ang seryosong
pagkukwento, nauwi tungkol sa nanay at tatay pati sa mga anak. Halos mayanig ang
buong Batasan ng magtawanan kami sa mga pahirit na jokes ni Ma'am Miranda at
iba rin pala ito kung magpatawa na pwede ng tawaging Ms. Joker.
Nanamlay ang sigla ng classroom ng dumating si Sir Harren at
nagkaroon kami ng seatwork. Sa oras naman ng Physics,
nagkaroon muli kami ng quiz. Sa dami ng aytem na kailangang sagutan
sa quiz booklet ay pinauwi na sa amin at kailangang tapusin
bago ipasa. Maya-maya’y tumunog na ang kampana, di hudyat na kailangan ng
lumikas kundi kailangan ng umuwi sa kanya-kanyang bahay at saktong nakasabay
ang papasok na mga panghapon sa paglabas.
2V-B. Dami kong ngiti at
saya pagdating sa bahay at iyon ang nagpabusog sa akin kahit di pa kumakain. Matapos
matulog ay sinimulan ko ng sagutan ang quiz booklet sa Physics.
Dama ko ang maalinsangang hapon kaya matapos sumagot sa quiz booklet ay
naligo ako. Nakakaawa ang sinapit ng tatlong taong gulang na bata matapos
hambalusin ang katawan sa pader ng sarili nitong ama, yun pala ay wala sa
katinuan ang ama kaya pala nagawa niya ang ganong krimen. Kinagabihan ay di
nanaman nakanood ng telebisyon pagkat umuulan. Nang tumila ang ulan ay saka pa
lamang ako nakanood ng telebisyon. Hindi ko na nga tinapos pa ang Maria Mercedes pagkat
maaga pa akong magigising bukas.
85 | 78 Pitong pu't walong araw na lang bago magpasko.
October 09, 2013
Wednesday
Year I-282
2V-C. Malapit ng sumapit
ang ikalima ng umaga ng magising ako, medyo mahuhuli na kaya dinalian ko sa
pagkilos. Napakabait talaga ng maykapal dahil ang inakalang mahuhuli sa
pagpasok ay nagkakamali at kakaunti pa lamang ang kamag-aral kong nadatnan.
Dumating na si Sir Arnulfo subalit parang ang unti
pa lang namin at marami yatang absent. Nagkaroon kami ng seatwork subalit
iyon ay pangkatan at kahit di oras ng Math ay parang Math na
rin sapagkat nagkompyut kami ng equations. Maya-maya’y tila hina-highblood si Sir Arnulfo
at naging terror teacher sa amin. Lahat ng kalat sa silid
ay winalis-walis niya palabas, di lang iyan at pinagtatanggal niya ang kurtina
at pinaghahagis ang mga walis tambo palabas.
2V-D. Sa puntong iyon ay
napupuno na ng galit si Sir at nakakatakot na siya. Marami rin ang nahuli sa
pagpasok kaya lalo pa siyang sumiklab sa galit at pinapila sa labas ng silid.
Makakapasok lang kung sino ang
makakapagbigay ng magandang reasonkung bakit sila nahuli. Sobrang
pasalamat talaga ako dahil di ako nahuli at may kalalagyan rin ako kapag
nagkataon. Sa oras naman ng TLE ay
nagkaroon kami ng long test. Kahit hindi nakapagrepaso,
naging madali lang sa akin angexam subalit may ilang mga aytem ang
nag-aalangang sagutan. Nang makita ang resulta ay may halong lungkot at tuwa
ang naramdaman ko pagkat kalahati lamang ang nakuha. Ilang sandali pa'y oras na
ng MAPEH at
inanunsyo ni Ma'am Mina na pwede pang magpasa ng kung
anong kulang na activity bukas.
2V-E. Bukod pa dun,
mukhang challenging ang pinapagawa sa amin pagkat iyon ay feeding
program at kailangan namin pakainin ang mga malnourished na
bata. Siyempre kapos sa pera panggastos sa pambili ng sahog kaya naisipan
naming ituro na lang sa mga bata ang kalinisan. Naputol lang ang pag-uusap namin ng
dumating si Sir Velarde at tuloy ang long test.
Nang recess na'y tinanong ko si Denzel kung
gawa na ba niya ang record sheet sa Math at
sinabing gagawin pa lang raw, nataranta tuloy ako at dali-daling bumili
ng index card pagkat ngayon na ang pasahan nun. Abala si Denzel sa
pagtetsek kaya ako na mismo ang nagrekord ng aming marka at pinagsabay ko na
iyon sa pagkain. Sabay tago ng index card pagkadating
ni Ma'am Miranda at may long test kami,
dahil sa kwento ng Oedipus Rex nakatuon ang Coverage ng exam,
naging sisiw lang sa akin ang test kahit di nagrepaso subalit
hindi kagandahang marka ang nakuha ko, bawi na lang next time.
Habang di pa dumarating si Sir Harren, ipinagpatuloy ko
ang pagre-rekord at paggawa ng column sa index card.
2V-F. Mabilis pa sa
Alas-kwatro kung itago ng bigla dumating si Sir Harren at
nagtsek kami ng long test. Sa oras ng Physics ay
iwinasto na namin ang lahat ng quiz aytem at pagkatapos ay
sinuma na namin ang lahat ng iskur. Nagtatalo ang kaba at sabik sa aking
damdamin at palaisipan kung ilan kaya ako. Nang malaman ang resulta, nanlumo
ako pagkat di ako pasado, yun pala nagkamali ng bilang si Mothy kaya
nadagdagan pa ang iskur ko subalit di pa rin pasa. Umuwi tuloy akong lugmok na
lugmok at matamlay subalit di nawawalan ng pag-asang makakabawi rin. Pagkatapos
mananghalian ay diretso ako sa computer shop upang gumawa
ng activity sa MAPEH.
2V-G. Nang magawa lahat
ay ipina-print ko na ito. Sobrang nai-stress na ako at
madami akong kailangang ipasang activity upang di bumagsak.
Maghapon akong palakadlakad at nanghiram ng pa color pen kina Amihan
subalit wala raw, buti na lang at nagmagandang loob ang kapitbahay nila. Sa
sobrang abala sa paggawa ng activity, inabot na ako ng gabi at sa
wakas ay natapos din. Maya-maya, habang ginagamit ko ang cellphone ay
aksidente kong nabura ang lahat ng files kaya sobrang nanlumo
ako at iniisip kong maibabalik pa ba? Hinang-hina na ako at pagod na pagod na rin kaya kaagad ng natulog.
84 | 77 Pitong pu't pitong araw na lang bago magpasko.
October
10, 2013
Thursday
Year I-283
Thursday
Year I-283
2V-H. Sa sobrang dami ng
ginagawa at iniisip dahil aksidenteng nabura ang files sa memory card,
hindi ko pala lubos maisip na Periodical exam ngayon at hindi
ako nakapagrepaso kaya naman pagdating sa eskwela'y dibdiban ang aking
pagrerepaso at nagkabisado. Sa kaingayan ng aking kamag-aral na walang humpay
sa pakikipagdaldalan, nawawala na ako sa focus. Kahit nasa pisara
na si Sir Arnulfo ay nagpatuloy pa rin ako sa
pagrerepaso subalit inanunsyo niyang bukas pa ang periodical test sa AP.
Sa oras naman ng TLE,
iyan na nga at nagkaroon kami ng periodical test. Dahil
kaparehas lang ng long test ang test sa Periodical exam at
sinabi na ang tamang sagot noong nagtseking kami, hindi ko na binasa ang tanong
at binara ko na lang ang pagbilog sa letra.
2V-I. Pagkatsek ng exam,
abot langit ang tuwa ko pagkat mataas ang nakuha ko at mukhang makakabawi na
ako sa TLE. Sa oras
naman ng MAPEH ay
nagkaroon kami ng quiz bee competition at sa tuwing may tanong
na ibabato si Ma'am Mina regarding to our
lesson in second grading, brainstorming kami sa pagsagot
at paunahan sa pagtaas ng illustration board. Sobrang nakaka-tense sa
oras na sabihin ni Ma'am na go. Ang hindi nga lang maganda sa
laro'y tumatama nga ang sagot namin subalit lagi naman nauunahan kaya nagiging
mailap ang makakuha ng puntos, paano kasi siAshley ang tagasulat
kaya mabagal kami sa pagsagot subalit di naman masisi kung sadya lang talagang
mabibilis ang kanilang kamay.
2V-J. Sa huli, talo kami
at panalo ang kagrupo nila Nathaniel, okey lang iyan at marami pang
pagkakataon upang manalo. Kahit paano sa mga sagot ay nare-reveal sa
bawat tanong ni Maam Mina at parang narerebyu na
rin ako at di na mangangamote sa pagsagot ng pagsusulit. Maya-maya’y Physics na
at nagtsek lang kami ng seatwork. Sa oras ng English, dahil
may meeting na dadaluhan si Ma'am Miranda ay student teacher
niya muna ang namahala sa klase at
nagpakilala itong Ma'am Jennifer, maitim siya subalit
litaw na litaw ang kagandahan niya at may pagkakahawig kay Liezel Garcia.
Bukod sa panlabas na anyo'y palakibo din siya sa amin at pwede mo siyang maging
kaibigan. Sana nga kung sakaling magreretiro si Ma'am Miranda, siya
ang ipalit pagkat masaya siyang maging teacher.
2V-K. Sa oras naman
ng Math ay nagkaroon kami ng Periodical test,
dahil kinapos sa oras at wala pang nakakatapos ay ipapagpatuloy na lang bukas.
Sa oras muli ng Physics ay ipinagpatuloy namin ang pagtetsek
ng seatwork at activity. Maya-maya’y tumunog na
ang bell, hudyat na uwian na. Naging napakaalinsangan ng tanghali
subalit ibinalita sa telebisyon na may paparating raw na bagyo. Kinahapunan,
bahagyang dumilim ang kapaligiran at maya-maya pa'y bumuhos na ang napakalakas
na ulan na sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat. Tumagal ang thunderstorm hanggang
gabi at ng tumila'y saka pa lamang ako nakanood ng telebisyon. Sinabi ng PAGASA na lumakas raw ang
bagyo at nagbabantang manalasa sa Hilagang Luzon,
manonood pa sana ng Maria Mercedes subalit pinatay ko
na at maaga pa ang pasok bukas.
83 | 76 Pitong pu't anim araw na lang bago magpasko.
October 11, 2013
Friday
Year I-284
2V-L. Pagkadilat ay
kaagad kong kinuha ang radyo at binuksan upang alamin ang pinakasariwang balita
tungkol sa paparating na bagyo. Nakataas na sa babala bilang isa ang Kalakhang
Maynila subalit di pa ramdam ang epekto ng bagyo at kalmado lamang ang
kapaligiran. Dahil nasa Signal number one lamang
ang Kalakhang Maynila, suspendido lamang ang klase sa pre-school at
ano ba ito, may pasok pa rin kami. Hindi kaagad kami nakapagsimulang mag-take ng
pagsusulit sa AP sapagkat di pa raw napapa-zerox.
Dumating lamang ang mgatest paper at nakapag-exam kung
kailan malapit na ang oras ng Values at sinabi sa amin ni Sir
na ipapagpatuloy na lamang namin pagkatapos ng last period. Sa oras
naman ng Values, nagkaroon rin kami ng Periodical test at
kahit di gaanong nakapagrepaso'y may naisagot pa rin ako. Habang di pa
dumarating si Ma'am Mina, nagrepaso muna ako sa MAPEH.
2V-M. Naging madali
lamang ang exam para sa akin sa MAPEH at ng
tseking na, nanlubag ng husto ang kalooban ko pagkat matayog ang nakuha ko.
Tilian na may kasama pang hiyawan ng malaman ng buong klase ng ipamalita
ni Mothy na magkasintahan na sila ni Stephanie at
nagkataong monthsary pa nila ngayon, ang taray. Sa loob-loob
ko, chickboy si Mothy pagkat kung sino-sinong
babae ang napapasakanya, di naman nagtatagal. Sa oras naman ng Filipino,
nagkaroon rin kami ng Periodical test at kakatamad
basahin ang mga konteksto pagkat kahahaba at nangangain pa ng oras.
2V-N. Maya-maya'y breaktime na,
ang paboritong asignatura ng karamihan sa kaklase ko. Sa oras ng English,
halos lumuwa na ang utak ko sa kakaintindi ng pangungusap, may masagot lang
pagkat saksakan ng hirap, idagdag pa ang ingay ng aking kamag-aral kaya lalo pa
akong di nakapag-concentrate. Ilang saglit pa'y biglang nagpakita sa
amin si Crislyn at malaki na ang kanyang dinadadala. Sayang
rin ang Crislyn at kung di siya lumalandi'y malamang may
tiyansa siyang makapagtapos, welcome na lang sa pagiging
batang ina't makapag-aral pa rin sana siya. Sa oras ng Math,
ipinagpatuloy namin sagutan ang pagsusulit na naudlot kahapon, kanina pa
sumasakit ang ulo ko sa kakaintindi at kakabasa at sa wakas ay natapos ko
rin, Physics na lang ang kulang.
2V-O. Dahil nagbasa-basa
rin naman ako, Hindi gasinong naging mahirap sa akin ang test. Bago pa man kami
umuwi, nagtungo muli si Sir Arnulfo sa silid at ipinagpatuloy
namin ang pagsagot sa pagsusulit. Nang matapos ay saka pa lamang kami umuwi.
Buti na lamang at may dala akong pananggalang sa ulan. Pagdating sa bahay ay
nananghalian ako at pagkatapos ay natulog. Pagkagising ay naamoy ko kaagad ang
aroma ng Spaghetti at iyon ang naging meryenda namin. Dahil sa
papalapit na bagyo'y naging maulan sa maghapon at lalo pang sumungit ang
panahon pagsapit ng gabi. Itinaaas na pala sa ikalawang babala ang Kalakhang Maynila at
wala ng humpay ang pag-ulan.
2V-P. Kahit sa kalupaan
ng Aurora mananalasa ang Bagyong Santi ay
damang-dama na dito ang epekto nito. Maya-maya pa'y bigla naming naranasan ang
malalakas na pagbugso ng hangin. Halos mabuwal na ang mga puno at matuklap na
ang bubong sa lakas ng hangin. Malakas ang hangin subalit di naman kalakasan ang
ukan. Hindi ako natulog at panay kinig ako sa radyo. Mga bandang Alas-onse ng
mag-landfall raw sa kalupaan ang bagyo at dinig na dinig ang
pagsipol at kung paano hagupitin ng malalakas na hangin at ulan ang lalawigan
ng Aurora. Mga hating-gabi na ako natulog.
82 | 75 Pitong pu’t limang araw na lang bago magpasko.
October
12, 2013
Saturday
Year I-285
Saturday
Year I-285
2V-Q. Boses ni Mama at
Ate ang gumising sa akin. Pagkatingin sa telepono'y Alas-tres pa lang ng
madaling araw. Tumigil na ang ulan subalit naririnig ko pa rin ang
pabugso-bugsong hangin. Maaga rin nakabukas ang radyo at sinabing nag-landfall na
ang bagyo. Marami ng mga lugar ang napaulat na nalubog sa baha at napinsala ng
husto mula sa pananalasa ng Bagyong Santi. Maaga pa naman at medyo
inaantok pa kaya natulog muna ako. Maliwaliwanag na sa labas ng bumangon ako.
Tonetoneladang basyo ng dahon ang nagkalat sa bakuran at kitang-kita rin ang
mga punong malapit ng mabuwal. Pasalamat na lamang kami
pagkat di napinsala ang aming tinitirhan at buhay pa rin ang kuryente.
Maya’t-maya ang mga pag-ulan subalit ito'y pabugso-bugso lamang. Hindi naman
makalabas ng bahay dahil masungit pa rin ang panahon kaya naisipan kong
paglibangan ang pagwawalis.
2V-R. Kinatanghalian ng
manood kami ng balita at napalaki ng pinsalang idinulot ng bagyo. Kuhang-kuha
din sa pinalabas na bidyo kung paano bayuhin ng bagyo ang lalawigan ng Aurora at
iba pang mga lalawigan. Maraming mga ari-arian ang nawasak. Pasalamat na lang
ang mga Manilenyo at di direktang tumama ang bagyo kaya normal
pa rin ang pamumuhay. Matapos manood ng
telebisyon ay umidlip ako. Kinahapunan, kahit masungit ang panahon ay natuloy
pa rin ang uaap Men's basketball na ginanap
sa MOA Arena.
Dito ay magtutuos ang dalawang unibersidad na Dela salle at UST upang tanghaling kampyon
para sa taong ito. Grabe ang naging laban sa unang kwarter pagkat dikit at
natambakan ng UST ang
kalaban sa mga sumunod pang kwarter, sa isang iglap ay biglang nakahabol
ang Dela salle hanggang sa nanalo. UST ang
gusto kong magwagi pero mas magagaling ang taga La-salle.
2V-S. Kung masu-shoot pa ang
bola sa huling pagkakataon, malamang ay USTang palaring manalo. Ilang sandali pa'y Maaa-ala mo na kaya.
Masyado akong nakaka-relate sa kwento pagkat tungkol iyon sa taong
nagkaroon ng Tuberculosis at napagdaanan ko rin kung ano ang
napagdaanan niya. Sa kabila ng kanyang karamdaman ay di pa rin niya sinuko ang
pagmamahal sa kasintahan at patuloy niya itong nilabanan, hanggang sa wakas ay
gumaling na siya ng tuluyan. Sa puntong iyon ay naalala ko ng panahong
nagdurusa ako mula sa Tuberculosis at ganong kahirap ang
naging buhay ko. Sa awa naman ng Diyos ay di niya hinayaang habang buhay ko danasin
ang sakit na iyon. Goodbye Tuberculosis and welcome
new life without other sickness.
81 | 74 Pitong pu’t apat araw na lang bago magpasko.
October
13, 2013
Sunday
Year I-286
Sunday
Year I-286
2V-T. Sumapit nanaman
ang araw ng Linggo at araw kung kailan magkakasamang buo ang pamilya at
magkaroon ng pagkakataong makapamasyal sa iba't ibang lugar. Siyempre sa araw na
ito'y huwag tayong makalimut sa pagsisimba upang magpasalamat sa ating butihing
panginoon na di dahil sa kanya'y namumuhay tayo ng ligtas at payapa, bukod sa
pagpapasalamat ay nabibigyan rin natin ng oras ang panginoon upang makausap at
makasama. Sayang lang at hindi ako nakakapagsimba, napakarami ko na sigurong
kasalanang nagawa subalit alam kong mapagpatawad ang Diyos kapag pinagsisihan
ko ang lahat ng pagkakasala.
Alas-singko pa lamang ng umaga ng magising ako at mukhang magiging
maaliwalas ang panahon sa maghapon, marahil ay lumabas na ang Bagyong Santi subalit
ayon sa balita'y may paparating pa raw na bagyo at pinangangambahang tumama
muli.
2V-U. Hindi pa man lubos
nakakabangon ang mga hinagupit ng bagyo at may panibagong dagok nanamang naghihintay.
Naging magandang pagkakataon ang magandang panahon upang maglaba kaya binalak
kong maglaba subalit huli na at naunahan na ako ni Mama, matapos humigop ng
mainit na kape'y gawaing bahay pa rin ang pinagkakaabalahan ko. Malapit ng
magtanghali ng matapos ako sa pagwawalis, paghuhugas ng plato at pagpupunas ng
mga kagamitan. Sa dami ng aking ginawa'y naubos ang natatago kong enerhiya at
diretso bagsak sa kama.
Malapit ng maluto ang kakainin kaya tumindig agad ako at ng maluto'y
sige ako sa pagsubo dala ng matinding gutom. Ako na mismo ang naghugas ng plato
matapos ang tanghalian.
2V-V. Kinahapunan at
dahil masyadong nakakabatong manatili sa bahay, upang magkaroon ng
mapaglilibanga'y naisipan kong magpa-load. Naka-unli na rin
sa wakas at one to sawa na ang pagte-text kaso
nasira ang aking kaligayahan ng dumating si Mama at paulanan ako ng maanghang
na salita. Hindi muna siya pinansin at hinayaang magbunganga, mapapagod rin
iyan alam ko subalit napakadami talaga niyang sinasabi at panay pa ang panunumbat
kaya di ko na napigilang sagutin siya. Nagte-text lang ako tapos
parang ang laki ng kasalanan ko kung magalit siya, marahil ay dala na iyon na
nagkakaedad na siya kaya ganon na lamang kung magalit. Ng tumigil ako at hindi
na pansini'y tumigil rin si Mama sa pagbubunganga. Nataon pang walang pasok
kinabukasan dahil may Medical mission ang
mga Iglesia ni Cristo kaya magdamagan
akong nakipag-textmate at sinulit ng husto ang unli service
load. Mga Alas-dyis na maisipan kong matulog.
80 | 73 Pitong pu’t tatlong na araw na lang bago magpasko.
October 14, 2013
Monday
Year I-287
2V-W. Wala nanamang
pasok ang mga estudyante gaya ko kaya may oras pa upang makapagpahinga o dili
kaya'y makagawa ng mga takdang-aralin. Oktubre pa lang subalit nagpaparamdam na
ang Hanging Amihan dahilan kung bakit naging
malamig ang umaga. Pagkabango’y halos di na maaninag ang kapaligiran sa kapal
ng hamog at grabe ang lamig, para kang nasa Baguio. Sobrang
giniginaw ako kaya diretso inom ng mainit na kape upang malamnan ang sikmura
kahit paano ng init. May alikabok nanamang pakalat kalat kaya nagwalis-walis
ako at matapos ay nilagyan ko na ito ng floorwax. Dahil maaga pa’y binalak
kong magkumpyuter sa labas ng ganong oras upang di na makipagsiksikan at
magtiyaga sa di kanais-nais na amoy kapag dumami na ang mga tsikiting at
tinedyer na rumerenta ng computer.
2V-X. Pagdating sa computershop,
ang daming bakante at kakaunti pa lamang ang nagkukumpyuter kaya maayos kong
nagagawa ang dapat gawin subalit maya-maya'y bigla ng umingay. Nanatili pa ko
ng computer shop hanggang isang oras. Bago pa man
umuwi'y dumaan ako kila Aldrian at tinanong kung may kakilala
ba siyang computer technician sapagkat ipapa-recover ko
ang na-Format na files. Mukhang pinapalad nga naman at
may kakilala nga sila. Sinamahan ako ni Aldrian patungo sa bahay ng
kakilalang Computer technician at ng masulyapa'y
kaagad na akong nagtanong. Hindi pala niya dala ang laptop kaya
minabuti namin sa computer nila Aldrian ipa-recover ang files.
Nabunutan na sana ako ng tinik pagkat na-recover na ang lahat
ng files subalit balik sa pagkakalukot ang pagmumukha ng ito
naman ay ma-corrupted.
2V-Y. Sayang ang effort sa
pagrekober kung sa huli'y corrupted naman. Hindi pala alam na
may virus ang Memory card ko at dali-dali pa akong
umuwi upang kunin ang isa pang Memorycard. Pagkasalpak sa computer,
talagang may balat nga sa puwet dahil na-corrupted rin ang
mga files. Computer pala nila Aldrian ang
mayvirus at kailangan ng maibalik sa lalong madaling panahon ang dating
anyo ng files pagkat naka-save dun ang mga projects ko.
Wala ring sinabi ang kinuha kong computer technician pagkat
pumalpak siya sa mga pinapagawa ko, sayang at may pangmeryenda pa kami.
Nagtagal pa ako kila Aldrian hanggang tanghaling tapat at nakipagtsikahan
pa. Malapit ng sumapit ang Ikauna ng hapon ng maisipang umuwi at umuwi akong
dismayado at nauubusan ng pag-asa.
2V-Z. Maya-maya’y kina Auntie Caling ako
nagtungo upang kausapin si Kuya Boyet na isa
ring computer technician subalit nasa Libis raw
ito, dahil matagal na akong di nakakabisita sa kanila'y sinulit ko na ang mga
oras upang magkamustahan kami at mag-usap. Laki na rin ng pinagbago ng kanilang
bahay at ito'y may ikalawang palapag na dati'y wala. Sa sarap ng aming
kwentuha'y di ko namalayang ikaapat na pala ng hapon at nagpaalam na ako sa
kanila. Sunod ay sa bahay ni Ate Melba ako
nagtungo upang ipagawa sa asawa niya na isa ring computer technician ang
corrupted files subalit di ko ito nasumpungan. Sa
puntong iyo'y di ko na alam ang gagawin at namomoblema na ng husto. Nilibang ko
ang sarili sa pagkukumpyuter upang maibsan ang stress.
Madilim-dilim na ng nakauwi sa bahay. Hindi na ako nagtagal pa sa panonood ng
telebisyon at kaagad ng natulog pagkat pagod na. Masaya muli ang buhay bilang estudyante
dahil wala muling pasok bukas dahil Edil Adha ng
mga Muslim.
79 | 72 Pitong pu't dalawang araw na lang bago magpasko.
October 15, 2013
Tuesday
Year I-288
2W-A. Ilang araw ng
nakakalibre ang mga estudyante gaya ko ng bakasyon kaya naman enjoy na enjoy ang life ng
walang pagsusunog kilay at mga alalahaning may kaugnayan sa eskwela subalit ang
lahat ng paglilibang nitong long weekend ay dapat din
limitahin at isagawa sa tamang oras. Gawin muna kung ano ang mga mahahalaga
bago ang sariling kagustuhan ng sa ganon ay umangat ang life. Kaya
ako, tatapusin ko muna ang lahat ng takdang-aralin bago maglakwatsa. Maingay na
sa labas at maliwaliwanag na ng ako'y magising at diretso tungo sa kusina upang
mag-agahan. Pagkatapos mag-agaha'y sinimulan ko ng tapusin ang takdang-aralin. Maya-maya’y
nag-alburoto nanaman si Mama at panay ang panenermon sa akin. Pagiging layas ko
pala kahapon ang kinapupuyos ng damdamin niya at napakarami nanaman niyang
sinasabi.
2W-B. Porket lumayas
lang ako'y hindi na ako nakakatulong sa bahay at iyon ang ipinamukha niya sa
akin, bagay na ikinadurog ng damdamin ko kaya kahit mali'y nagawa ko siyang
sagutin. Hindi pa nakuntento at nagtawag pa ng resbak si Mama, ikwinento ba
naman kay Ate ang lahat ng ginagawa ko. Puro lagay siya ng malisya habang
nagkukwento at paniwala naman itong si ate kaya pinagkaisahan nila ako. Upang
di lumaki ang gulo at ako lang naman ang lalabas na masama kapag nagsalita pa,
ako'y nagtakip na lamang ng teynga. Napapansin ko lang nitong mga nakalipas na
araw ay parang iba ang pakikitungo sa akin ni Mama at mas matimbang ang
pakikihalubilo kay ate, bagay na di ko lubos maunawaan at kahit walang
ginagawang masama'y napapagalitan pa rin.
2W-C. Kaya habang
masayang nag-uusap si Mama at Ate samantalang nakaupo ako sa isang sulok na
masamang-masama ang loob, di ko mapigilang magtampo ng husto. Idinaan ko na
lang sa pakikinig ng tugtog sa radyo subalit lalo pang nadagdagan ang
pagkayamot ko ng pahinaan ni ate.
Sa puntong iyo'y di ko na napigilan ang emosyon ko at lahat ng aking
saloobin ay inilabas ko ng buong tapang at harapang ibinulalas. Doon ako
nakaramdam ng kagaanan ng loob ng maibulalas ko sa kanila ang lahat ng gusto
kong sabihin subalit parang may namuong sugat sa pagitan ko at nila. Grabe at
di ko namalayang si Shrek na ako kung magwala. Nang mapagod
kaming tatlo sa kakatalak, Tila walang nangyari at sobrang guminhawa ang
kalooban ko.
2W-D. Maya-maya’y dahil
nabubugnot ay naisipan kong buksan ang telebisyon. Hindi kagandahang balita
agad ang aking nalaman pagkat lumindol sa Visayas at kahit
tapos na ang lindol ay nanatili pa rin ang mga residente sa labas, sa
pangambang yumanig muli ang kanilang kinalalagyan. Kaawa-awa at kalunos-lunos ang
kanilang sinapit pagkat marami sa mga establishimento at kabayahan ang
napinsala ng husto, may ilan pa ngang mgatourist attraction tulad
ng mga simbahan ang hindi rin nakalitas sa lindol. Kung nagkataong dito
mangyari ang ganong kalakas na lindol, malamang ay libo-libo ang masasawi at
hindi namin alam kung saan kami pupulutin. Nadagdagan pa ang bilang ng mga
nasawi mula sa lindol kinahapunan at lalo pang lumawak ang nalilikhang pinsala
dahil sa mga aftershocks. Alam kong tayong mgaPilipino'y
hindi kaagad sumusuko sa tuwing kaharap ang mga kalamidad at hindi pa rin
mawawalan ng pag-asang makakabangon muli kaya ang dapat sa mga nasalanta ng
lindol ay magdasal at magpakatatag. Sa kadahilanang may pasok na bukas, mga
Alas-nuebe pa lamang ay pinatay ko na ang telebisyon at kaagad na natulog.
78 | 71 Malapit ng magpasko at sana bago sumapit ang Pasko'y bumalik na sa dati
ang kanilang pamumuhay upang maging masaya ang pagdiriwang nila.
October 16, 2013
Wednesday
Year I-289
2W-E. Matapos ang apat
na araw na maikli subalit sulit na bakasyon ay balik nanaman sa dating gawain
sa pang-araw araw at iyon ay ang maagang magigising upang pumasok sa eskwela.
Tutuloy na sana ako patungong eskwela ng may isang di inaasahang pumigil sa
akin. Wrong timing naman pagkat hindi ko makayanan
ang sakit ng tiyan kaya dali-dali akong napasugod sa bahay at inilabas ang
natatagong sama ng laman. Hayahay ang moda ng mailabas ang dapat ilabas subalit
dinig pa rin sa sikmura ko ang pagkulo at nagbabadyang lumabas muli ang
panibagong masamang laman. Sumapit na ang Alas-sais at sa takot na masita
ni Sir Arnulfo kapag dumating akong nahuli sa
klase'y tiyak ay katakot takot na sermon ang ipupukol sa akin kaya minabuting
lumiban na lang sa klase.
2W-F. Dala ng
nakakaramdam pa ng konting antok ay umidlip muna ako at ikapito na ako
nagising. Sumakit nanaman
tiyan ko kaya napabanyo muli ako, ano kayang nangyari sa tiyan ko at mukhang
may Diarrhea na. Upang tumigil ang pagdudumi ng walang humpay
ay sinabihan ako ni Mama na kumuha ng Oregano pagkat mainam
iyon pagtanggal sa pag-ikot ng tiyan. Kahit nagkasamaan ng loob kahapo'y
sinunod ko pa rin ang mga tagubilin niya at kaagad ng gumora sa taniman
ng Oregano. Diretso dikdik at inom pagkakuha, medyo di kagandahan
ang lasa at mapait subalit kailangang tiisin ang pait upang gumaling. Maayos na
sana ang araw ko ng sabihan ba naman ako ng ate na kaya raw ako nagkakaganito
pagkat masama raw ang ugali ko, bagay na di ko nagustuhan at sa halip na
lumamig na ang ulo'y tila nag-iinit muli ako. Pinigilan ko na lang ang emosyon
at pagkatapos maghugas ng plato'y nanood ako ng video.
2W-G. Kinatanghalian ng
bahagyang dumilim at ilang saglit pa'y bumuhos na ang ulan, mukhang magaling
ang ininom kong Oregano at napigilan na ang aking pagdumi.
Dahil nakakabato'y naisipan kong mag-aral at mag-solve ng mga Mathematical expression.
Gustuhin man na dilat ang mata sa maghapo'y di ko nagawa sa tindi ng aking
antok kaya nakatulog pa rin. Pagkagising at lamon ng inihandang meryenda'y
nagtungo ako sa bahay nina Regine (Miano). Tulog nun si Regine at
abala sa pagbabantay ng anak si Shiela kaya kay Ate Bing ako
tumuloy at nakipagkwentuhan kaso itong si Aira ay napakakulit
na bata at masyadong maharot kapag nakikita ako kaya di ako nagtagal at kaagad
na tumungo kay Regine, eksaktong gising na ito kaya nagkaroon
ng time upang makipagtsikahan.
2W-H. Sa dinarami ng
bagay na napag-usapa'y di ko namalayang madilim
na sa labas. Umalis ako kung kailan kakain na sila ng hapunan. Pagkadating sa bahay, pumatak na ang ikawalo ng gabi at kaagad na naghapunan,
buti na lamang at may tira pa kaya nakalamon pa. Diretso bukas ng telebisyon
pagkatapos lumamon at ang ganda ng palabas sa Juan Dela Cruz
pagkat umaatikabo na at masyadong nakakasabik ang bawat eksena, sa Got to
believe, kakaawa si Chitchay pagkat pinahiya siya sa party ng
kontra bida niyang kamag-aral sa buhay subalit kilig kiligan na may halong
kaiswitan ng isalba siya ni Joaquin. Diretso hilata sa kama
pagkatapos manood ng telebisyon.
October 17, 2013
Thursday
Year I-290
2W-I. Gusto ko pa sanang
matulog ng matagal pagkat ako'y nabibitin pa subalit kahit pumipikit ang mata'y
pilit ko itong dinidilat upang makakilos ng maayos, isa talaga sa matinding
kalaban ang antok kapag pang-umaga ka. Sa kadahilanang malamig ang umaga'y
nagpunas lamang ako, bumawi na lang sa inisprey na pabango. Quarter to
six na ako umalis subalit kakaunti pa lang ang nadatnan kong kaklase
sa silid. Maya-maya’y dumating na si Jessa at nagkwentuhan
kami. Naputol lang ang aming pag-uusap ng dumating si Jobil na
saksakan sa kadaldalan at habang dumadami'y umiingay ang silid. Tumahimik lang
ng dumating si Sir Arnulfo at wala kaming ibang
inatupag kundi magtsek ng ginawang seatwork. Malapit na ang kuhaan
ng card kaya naman todo asikaso na kami sa grade.
Sa oras ng TLE,
ipinagpatuloy namin ang tamang pagkokonekta ng cable wire sa RJ 45 upang gumana
ito.
2W-J. Nakailang beses na
akong putol ng wire subalit di pa rin gumagana. Iyan pa naman
ang project na magpapaangat sa grade ko
sa TLE kaya
ibinuhos ang lahat ng best ko. Tigil ang paggupit at pagkabit
ng cable wires sa RJ 45
pagdating ni Ma'am Mina. Nagkompyut lamang kami ng
natamong grade sa lahat ng aming activity at
isa-isang tinawag ni Ma'am ang mga pangalan na may kulang sa activity.
Maya-maya’y umalis na si Ma'am Mina at Physics na.
Pumasok si Sir Martin subalit nagkompyut lamang
siya ng aming grado gamit ang laptop. Kahit na may teacher ay
naging maingay ang klase, si Jessanama'y kanina pa kuha ng kuha
ng ballpen ko ng walang paalam. Dahil walang modo ang kanyang
paghiram ay sinigawan ko siya pero ang nangyari ay nauwi hanggang sa pag-aaway
namin. Para di lumaki ang gulo, ako na mismo ang lumayo at naupo katabi
nila Jayvie Ann. Para maalis ang pagkaimbyerna'y
nakipagkwentuhan ako kila Jayvie Ann at ang
lilibog ng napapag-usapan namin. Ako naman itong tawa ng tawa hanggang sa
makalimutan ko ang inis.
2W-K. Ilang saglit pang
lumipas ay recess time na, dahil nagtitipid ay
hindi na ako kumain pa. Sa oras ng English, wala si Ma'am Miranda kaya
naging pagkakataon sa aking mga kamag-aral ang mag-ensayo para sa gaganaping stage play.
Dahil walang magawa'y nagkwentuhan lamang kami ni Jenny mae.
Lipatan sa kanya-kanyang upuan ng Mathematics time na
subalit di pumasok si Sir Harren kaya nag-extend ang
kanilang practice. Maski sa oras ng Physics ay nakiusap
sina Rommel kay Sir Martin na
ibigay na ang oras para sa practice. Sa bait ni Sir Martin ay
pumayag naman ito kaya tatlong sunod na subjectsilang
nakapagpraktis. Ang kaninang practice lang sa play ay
nauwi sa kulitan at tawanan kaya mukha na kaming nakawala sa mental,
baliw baliw kasi kapag naakting sina Mothy, parang tanga lang.
Ilang saglit pa'y uwian na.
2W-L. Dahil di kumain
ng recess at sa tindi ng gutom ay dali-dali akong napalamon.
Sa dami ng kinain, sobrang nabanat ang laki ng tiyan ko kaya ilang oras pa ang
makalipas ay nagbawas nanaman ako. Buti na lamang at hindi iyon tuloy-tuloy
katulad ng kahapon. Kinagabihan ay nanood ako ng telebisyon. Sa tindi at lakas
ng lindol na tumama sa kanilang lugar, mukhang aabutin pa ng taon bago sila
makabangon. Ang mga simbahang pang-akit sa mga turista dahil sa katanyagan
nito, nakakapanghinayang pagmasdan pagkat napulbos ito. Ang Chocolate Hills na
isa rin sa tourist attraction ay di rin
nakaligtas. Grabe at napakatindi talaga ng lindol sa kanila. Matapos manood ng
telebisyon ay kaagad na akong natulog.
76 | 69 Anim na pu't siyam na araw na lamang bago magpasko.
October
18, 2013
Friday
Year I-291
Friday
Year I-291
2W-M. Kakatamad pang
bumangon pagkat giniginaw ako sa sobrang lamig subalit tiniis ko ang ginaw.
Hindi lang para kang nasa Baguio kundi nasa ibang bansa ka na
pagkat napakalamig ng umaga. Kitang-kita ang makapal na hamog sa labas at pati
bubunga'y mamasa-masa gawa ng hamog. Humigop ako ng mainit na kape subalit ang
ginaw na aking nararanasa'y di pa rin nawawala. Ayaw ko man maligo subalit
itinuloy ko pa rin. Madilim-dilim pa sa labas ng makaalis ako. Pagdating sa
silid, kami pa lamang ni Patrick ang nandoon. Maya-maya'y
dumami na kami at umingay. Naupo ako katabi ni Patrick pagkat di
pa rin magkaayos ni Jessa. Balikan kami sa kanya-kanyang upuan ng
dumating si Sir Arnulfo at nagpatuloy kami sa pagwawasto. Nang
wala ng maiwasto'y nagkaroon kami ng group activity.
Habang di pa dumarating si Ma'am Fabiana ay tinapos
kong sagutan ang Ugaling Pilipino. Habang may oras pa'y
kopyahan ang aking kamag-aral at ng nasa pisara na si Ma'am, sinimulan na namin
iwasto ang Ugaling Pilipino.
2W-N. Yung iba na
katulad ko'y kahit di bumili ng Ugaling Pilipino'y sumagot pa rin sa papel at
dahil unfair iyon sa mga bumili, siningil kami ni Ma'am
Fabiana ng bente at ako ang pinamahala sa pangongolekta ng
pera. Ang lahat ng malilikom na pera'y ipangbibili ng materials na
gagamitin sa paggawa ng bulletin board. Dahil naasahan ako, ako na
mismo ang inutusan ni Ma'am na bumili ng materials at kahit
magkagalit kahapon, katulong ko pa rin si Jessa sa pamimili.
Sinuyod na namin ang kabuuan ng eskwela subalit di namin mabili ang styrofore kaya
ang natirang pera'y ibinigay namin kay Marco pambili ng styrofore pagkat
malapit lamang siya sa Ever Gotesco mall.
2W-O. Maya-maya’y oras
na ng MAPEH at
tila iba ang mode ni Ma'am Mina,
nakabusangot at matigas kung magsalita. May nakikita pala siyang nandurugas sa
iskor ng ikumpara ang record sheet niya sa record sheet ng
mga leader at ito'y di tugma. Iniisa isa niya ito at walang
ligtas kung sinuman ang mandurugas sa grade. Buti na lamang at di
ako natawag pagkat alam kong hindi ako mandaraya. Sa oras naman ng Filipino,
hindi naiiba ang araw pagkat puro pasagot sa Batikan si Sir Velarde at
di man lang nagtuturo. Sa oras naman ng English ay nagkaroon
kami ng remedial test pagkat ni isa sa amin ay
walang nakapasa sa Periodical test at karamihan pa'y
mabababa ang nakuha.
2W-P. Sa kagustuhang
makabawi'y pwersado kong inintindi ang bawat pangungusap at di basta ang
panghuhula. Lumuwag ang paghinga ko matapos ang napakahirap na test.
Mistulang Balintawak Market ang classroom sa
ingay ng kaklase ko. Nakipagkwentuhan nga rin ako subalit paepal si Poliquit at
masyado niya akong pinagtitripan. Hindi ko na lang siya pinapansin subalit
lumalapit ito at minumura ako sa pamamagitan ng pagtaas ng panggitnang daliri.
Ayaw kong magwala subalit sumosobra na siya at di na nakakatuwa kaya nasigawan
ko ito. Hindi pa ito tumigil at pinagloloko ako kaya dumating sa puntong
pinagbuhatan ko na siya ng kamay. Tumigil naman ito ng makitang nanggigil na
ako.
2W-Q. Maya-maya’y dumating na si Sir Harren at
nagtsek kami ng assignment. Sa oras ng Physics ay
nag-Snake and ladder review test kami at
nahati kami sa sampung grupo. Si Mandy, Britannica at Denzel ang
naging kagrupo. Naging challenge sa amin ang mag-isip ng malalim sa
tuwing may itatanong si Sir. Makakagalaw lamang ang pamato kapag tumama ka at
paunahan kami sa finish line. Dahil kinapos sa oras, walang
ni isa sa amin ang nakarating sa finish line at uwian na.
Diretso kain at tulog pagkauwi sa bahay. Pagkagising ay pagbabasa ng Dictionary ang
inatupag ko. Sa umaga malamig subalit mala-summer ang init sa hapon
kaya naligo ako. Kinagabihan, as usual sa mga hobbies ko
ang manood ng telebisyon at papatayin pagkatapos ng paboritong programa. Hindi
pa inaantok kaya nagsulat muna ako. Mga Alas-onse na ako natulog.
75 | 68 Anim na pu’t walong araw na lang bago magpasko.
October 19, 2013
Saturday
Year I-292
2W-R. Kumikislap na ang
sinag ng araw sa bintana ng magising ako. Alas-sais pa lamang pagkabangon at
nakahain na rin ang almusal sa mesa kaya kaagad ko iyon sinunggaban. Kakabato
ang umaga ko at walang kabuhay buhay kaya naisipan kong magpatugtog. Ang mga
magagandang awitin ang nagbigay sigla sa akin at ganado akong gampanan ang
tungkulin at iyon ay magwalis, maghugas at magpunas ng sa gayo'y matuwa naman
sila sa akin. Gawaing bahay na kasi ang libangan ko tuwing umaga o dili kaya
walang magawa kaya ayos lang sa akin kahit matrabaho. Kasabay ng pagtatapos ko
sa gawaing bahay ay pinatay ko na rin ang tugtog. Kapalit naman ang ingay na
nagmumula sa labas, may nangangampanya palang isang kandidatong tumatakbong
kagawad at panay hikayat sa mga residenteng iboto ito. Di pa natapos at may
sumunod muling nangangampanya kaya lalo pang umingay sa lugar namin.
Kinatanghalia’y makasunog balat na ang init at akala'y summer season.
2W-S. Sa dami ng ginawa
ko, nakaramdam ako ng gutom subalit hindi pa luto ang ulam. Wala akong ginawa
kundi ang maghintay at ng maluto'y halabira ako sa pagsubo. Maya-maya’y
bahagyang kumulimlim, marahil ay uulan na at sana nga subalit di naman natuloy.
Medyo kurap kurap na ang mata kaya natulog
muna ako. Mga Alas-tres na ako nagising at sa tindi ng init, halos maligo na
ako sa sariling pawis. Nagpalit pa ako ng damit at sabay binudburan ng pulbo sa
likuran. Iba talaga ang pakiramdam kapag nababato ka kaya hiniram ko ang cellphone ni
Mama at naglaro ng Candy crush, ka frustated lang
dahil lagi akong failed, Temple run na
lang ang nilaro at sobrang nag-enjoy ako lalo na nung mahuhuli na
ako ng halimaw, parang takot mahuli. Halos maadik na nga ako sa kakalaro
ng temple run.
2W-T. Sa sobrang abala
sa paglalaro'y di ko napansin na hapunan na pala at tinatawag na ang pangalan
ko. Last try ko na sa Temple run kaya
tinapos ko muna at ng matalo'y saka pa lamang ako nakisalo sa hapagkainan.
Kahit kumakain na ako, yung utak ko'y parang naiwan sa Temple Run at
naiisip ko pa rin iyon. Sunod at dahil deadbatt na ang cellphone Android ni
Mama, hindi na ako nakahiram. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganong cellphone?
Nakakainggit naman pero sinisigurado kong darating araw, nasa palad ko na ang
ganung cellphone o mas bongga pa diyan. Manonood sana ng maala
ala mo kaya subalit manonood si papa ng bidyo, pinagbigyan ko na lang. nagtungo
ako sa kusina at nagsulat ng kwento. Sa sobrang abala sa pagsusulat ay di ko
napansing Alas-dose na pala. Ako na lamang pala ang gising kaya kinailangan ko
ng matulog.
74 | 67 Anim na pu't pitong araw na lamang at bukas ay Pasko na.
October
20, 2013
Sunday
Year I-293
Sunday
Year I-293
2W-U. Magandang tinig
koro ang sumalubong sa aking pagdilat, nanonood pala sila Mama at Papa ng misa
at kahit di nakakapunta sa mismong simbahan, manood ka lang ng misa'y parang
nagsimba ka na rin at matatanggal ang kasalanan mo. Kaagad rin akong bumangon
at naupo sa sala kasama sila Mama upang manood ng misa. Matapos ang
misa'y Salamat Dok na at sa kasarapang manuod ay
mga Alas-otso na namin pinatay ang telebisyon. Daming nakatambak na hugasin sa
lababo, ayaw ko naman na may masabi sila kaya kusang loob akong naghugas ng
plato. Sunod ay nagwalis ako at nagpunas. Maya-maya’y naisipan kong
magkumpyuter. pagdating sa computer shop, puro mga
maliliit na bata ang naglalaro at ang iingay at ang babaho pa nila, wala
akong choice kundi pagtiyagaan iyon. Nawala ako sa konsentrasyon ng
magsidatingan ang mga kalalakihang mas masahol pa sa mga bata. Grabe at parang
walang katahimikan ang mundo kaya di na ako nagtagal at umuwi na.
2W-V. Maaliwalas ang
panahon at kay gandang masdan ang mabughaw na kalangitan subalit kakapaso ang
sinag ng araw. Eksaktong Alas-dyis na ng umaga at nagkainan na sila Mama kaya
ako na lang mag-isang nananghalian. Matapos malamnan ang sikmura, nuod muli ng
telebisyon at ng magsawa'y papatayin, tapos magsisiyesta,
iyan ang gawain ko tuwing weekend. Halos mawasak na ang Eardrum ko
sa tindi ng ingay sa labas. May nangangampanya muli. Umalis nga ang
nangangampanya subalit pumalit naman ang ingay ng mga tsikiting nagka-Cara y
Crus, dahil di matiis ang ingay ay nagtungo ako sa Recrap kung
saan payapa at presko pa ang hangin. Sa bahay nila Regine (Miano) ako
tumuloy, nadatnan kong masaya silang nag-uusap at nakisali ako. Maya-maya’y pumasok
ako sa bahay at nakitang naghihiwa ng sangkap siShiela, tinulungan ko
siya at ako na mismo ang naghiwa ng hotdog.
2W-W. Habang abala sa
paghihiwa'y dumating sila Tantan bitbit ang mga inuwing
handaan. May ice cream, cake, Pansit at Spaghetti, iyon ang pinagpiyestahan
nila, gusto ko sanang makikain subalit hiya ang umiiral sa aking dibdib at
umaasang aalukin nila. Saka lamang ako nakikain ng alukin ako at sa dami ng
kinain ay nabusog ako. Mukhang right timing ang
pagpunta ko sa kanila pagkat nakabuenas ako sa meryenda. Sunod ay kasama ko
si Shiela patungo sa kanilang house at dahil
isang buwan na rin di nagkikita, kamustahan kami at nagkwento. Maya-maya’y dumating na sila Ate Bing subalit
batid kong mga pagod ito kaya di ko na sila kinausap pa. Madilim-dilim na ng
umuwi ako at dahil kumain na ko sa kanila,
kaunti lang ang kinain kong pagkain at nanood ng telebisyon. Maaga akong
natulog pagkat may pasok nanaman kinabukasan.
73 | 66 Anim na pu't anim na lamang bago sumapit ang Pasko.
October
21, 2013
Monday
Year I-294
Monday
Year I-294
2W-X. Sa kasarapan ng
tulog ay mismong si Mama na ang gumising sa akin. Mukhang humahadlang muli ang
lamig sa pagkilos ko at sarap mamaluktot. Dahil ayaw kong pumasok na kakaunti
pa lang ang madadatnan kong kaklase'y sinadya kong pumasok ng Alas-sais.
Pagdating sa eskwela, wala pa si Ma'am Fabiana subalit kaagad
na itong dumating. Nagkaroon ng individual report at
pagkatapos ay nag-discuss siya. Kahit may edad na, malakas pa rin
ang kanyang boses at kaya pang magturo sa maghapon. Sa oras ng TLE ay ipinagpatuloy namin ang
pagkakabit ng cable wire sa RJ 45. Maya-maya’y
dumating na si Ma'am Mina at may mahalaga siyang
inanunsyo. Pagkatapos ng kanyang talumpati at dahil wala pa kaming grade sa PE, pinagsayaw niya kami ng Wellness
dance by groupings. Kahit parehas kaliwa ang paa'y
sige pa rin ako sa pagsayaw ng hindi nahihiya.
2W-Y. Hindi baleng
magmukhang tanga sa paningin nila basta may grade at tama
si Rommel, hindi ko dapat pinapababa ang tingin sa sarili at
kailangang be positive. Sa oras naman ng Filipino,
si Sir Bugate ang aming guro at masyado itong istrikto. Bukod
pa dun ay ang lalalim ng kanyang Tagalog at magaling rin itong
magpatawa kaya ang klase walang sigla'y napalitan ng saya. Mas gusto ko pa
ngang maging guro si Sir Bugate kaysa kay Sir Velarde,
atlis nagtuturo talaga siya samantalang puro pasagot lang sa Batikan si Sir
Velarde. Sa oras naman ng English at dahil bukas na
ang performance para sa stage play, naging abala ang
halos lahat sa paghahanda. Maya-maya’y dumating si Ma'am Miranda at
pinag-usapan ang tungkol sa konsepto at settingng play,
pagkatapos magsalita, inatasan ako ni Ma'am na isulat sa papel ang lahat ng
naiambag na tulong ng aking kamag-aral, may trabaho na ako at kahit di kasali
sa stage play ay magkaka-grade pa rin ako dahil
dun.
2W-Z. Ilang sandali'y
dumating na si Sir Harren subalit may inanunsyo
lamang ito at nag-iwan ng takdang-aralin. Nagpatuloy ang practice at
paghahanda sa play pagkaalis ni sir.
Tumigil lang ang lahat sa pag-aayos
ng setting at kurtina ng dumating si Sir Martin.
Nagsimula na ang third grading kaya may bago nanaman kaming lesson na
maaring matutuhan. Pagkatapos mag-discuss ni sir ay komopya kami sa
pisara. Parang Elementary lang kami sa ginagawa ni Sir Martin,
paano ay hindi makakauwi kapag di ka pa tapos magsulat, talagang inisa-isa
niyang itsek ang kwaderno namin at kahit tapos na basta laktaw-laktaw ay hindi
makakauwi. Sa inip, dinalian
ko na lang sa pagsusulat upang makauwi na pero binawi ni sir ang ultimato sa
amin at pinayagan rin umuwi kahit di tapos, pambihira at pinahirapan pa kami sa
pagsusulat.
2X-A. Pagdating sa terminal ng tricycle,
madalang na lang ang dumadating na mga pasahero, paano nagsiuwian na ang
karamihan sa mga estudyante at matagal pa bago umalis. Alas-dos na pala ng
makarating ako sa bahay. Mga Alas-kwatro, muli nanamang umingay sa baryo namin
dahil may nangangampanya. Di lang iisa ang kumukuha ng simpatya ng taong bayan
na iboto siya kundi iba't iba. Dahil may takdang-aralin pa ko, tinapos ko muna
at inabot na ko ng gabi. Pagkatapos gawin ang takdang-aralin ay nanood ako ng
telebisyon. Himala at napakatahimik naman yata sa baryo namin, bagay na
ikinakatuwa ko at mapapanatag ang aking pagtulog.
72 | 65 Anim na pu't limang araw na lang bago sumapit ang Pasko.
October 22, 2013
Tuesday
Year I-295
2X-B. Inaantok pa ako
masyado at gusto ko pang mahiga ng matagal subalit ayaw ko ng lumiban pa sa
klase kaya kaagad na akong bumangon at naghanda ng almusal. Hindi gasinong
kalamigan ang umaga dahilan kung bakit sabik akong maligo. Mahaba na rin ang
pila sa terminal ng tricycle sa Taniman at
sa takot na mapagalitan kapag nahuli'y naisipan kong sa Ison site na
lang sumakay ng sa gayo'y mapadali ang pag-alis. Pagdating sa silid, nadatnan
kong abala ang iilan kong kamag-aral sa pagguhit ng background na
gagamitin sa play. Maya-maya’y tulong tulong naming inilabas ang
mga upuan. Dahil mamaya na angplay, naging
abala ang halos lahat sa amin sa paghahanda. May iba pa ngang nilagyan ng
dyaryo ang bawat bintana upang di makaapekto ang liwanag salight production samantalang
ang mga tauhan sa naturang play ay puspusan na ang
pag-eensayo. May taga gawa rin ng mga props, taga-organize ng
kurtina, tagasuot ng gown, may nagme-make up rin
at ako ang tagatala ng naitulong nila sa paghahanda, ganon kahanda ang seksyon
namin sa araw na iyon, tulong tulong at tiyak na magiging bongga ang play mamaya,
parang Phantom of the opera ang
dating.
2X-C. Tumigil lamang
kami sa pagkilos ng dumating si Sir Balbin at
inanunsyo kung sino ang walang project, isa ang pangalan ko sa nabanggit na
walang Project at lahat ng natawag ay kailangang ipasa ang cable wire bago
mag-uwian. Dali-dali kong kinuha ang cable wire at crimping tool sabay
pinutol angwire. Mabuti na lamang at nandiyan si Villaresis na
kahit minsa'y pinagtitripan ako, nagpresinta siyang tulungan ako at dahil sa
kanya kaya gumana ang cable wire ko by straight over subalit
kailangan ko naman paganahin ang cable wire by cross over,
may gagawin pa si Villaresis kaya mag-isa ko na lamang
inasembol ang wire sa RJ 45 para sa cross over reaction.
Tumigil lang ako sa pag-asembol ng dumating si Ma'am Mina.
Sa oras ng Filipino'y nagpunta kami nina Jobil sa computer
room upang tapusin ikabit ang wire. Halos maubos na
ang allowance ko sa kakabili ng RJ 45 at ilang
ulit ko ng tinesting sa Lan tester subalit ayaw pa rin gumana.
Maya-maya’y ang seryosohang pagkakabit at paggupit ng wire ay
nauwi sa lokohan at tawanan, nawala na tuloy ako sa focus at
sadyang napakaharot ni Jessa, kung makatawa pa parang di na makakatawa
kailanman. Buti pa sina Jobil at Noemi tapos
na sa pagkakabit ng wire at iyon ay success kaya
may project na sila. Ilang ulit na ko sa pagputol at pagkonekta
subalit failed pa rin at parang gusto ko ng sumuko.
2X-D. Pagbalik sa silid,
nagsimula na pala ang play at ibinigay ko kay Ma'am Miranda ang
papel kung saan nakatala ang lahat ng naitulong ng aking kamag-aral.
Napakaganda ng konsepto sa play at talagang pinaghandaan
talaga ang bawat sasabihin kaya naging kapukaw pukaw sa damdamin ang
nangingibaw sa halip na kilig. Pagkatapos ang play ay halos
magdiwang ang lahat ng sabihin ni Ma'am Miranda ang
napakagandang komento at sarap pakinggan sa teynga. Pagkaalis ni Ma'am, back
to normal na ang classroom at tulong tulong kami sa
pagtatanggal ng dyaryo at pagpapasok ng upuan. Wala pa nun si Sir Harren
kaya party party ang mga kamag-aral ko at may sumayaw pa ng Wellness at tawanan ang buong klase
ng sumayaw ng Whoop kiri si Mandy at Bacsal,
parang nasisiraan lang ng bait subalit kahit may asaran dahil katuwaan lang
naman ay naging napakasaya namin pagkat tagumpay kami sa play production.
2X-E. Natigil lamang ang
pagsasaya at kaguluhan sa silid ng pumasok si Sir Harren. Sa oras
niya'y nagkaroon kami ng activity. Sa oras ng Physics,
nag-discuss lamang si Sir Martin about scalar
and vectors at habang nagtuturo'y pasimple kaming komopya ng lecture sa
takot na di nanaman pauwiin kapag di tapos subalit taliwas ang aming isip at
pinauwi pa rin kahit di tapos. Pagkauwi at dala ng matinding gutom ay napadami
ang lamon ko. Nanonood nun sila ng telebisyon kaya nanood muna ako bago
matulog. Naging maalinsangan ang hapon kaya di kasarapan ang tulog ko. Sa tindi
ng alinsangan, bago magdilim ay naligo ako. Sobrang alinsangan talaga ng
panahon at parang di magpapasko subalit maya-maya'y bumuhos na ang ulan. Di
naman ito kalakasan subalit nakatulong na rin ito upang maibsan ang init.
October
23, 2013
Wednesday
Year I-296
Wednesday
Year I-296
2X-F. Umiihip muli
ang Hanging Amihan na nagpalamig ng umaga namin
kaya nagkumot ako ng makapal. Alas-kwatro y medya na ako nagising at binilisan ko na sa pag-aalmusal,
pagdating sa terminal ng tricycle, ang haba na ng
pila pero ayos lang iyan, Maaga pa naman. Pagkarating, kakaunti pa lamang ang
kamag-aral ko na nasa silid. Ilang saglit pa'y pumasok na si Sir Arnulfo at
nagkaroon kami ng groupings. Pakiramdam ko kapag sila Mary Joy, Charlotte at Bacsal
ang kagrupo ko, tila di ko magawang maging komportable at madalas ay
sila-sila lang ang nag-uusap, nahihirapan akong makisalamuha sa kanila subalit
ipinagsiksikan ko na lang ang sarili alang-alang sa grade. Di bale
at limang buwan ko na lamang pagtitiyagaan ang mga ugali nila. Bumalik lang
kami sa kanya-kanyang upuan ng dumating si Sir Balbin at
dahil di ko pa natapos iasembol ang cable wire,
nagtungo ako sa Computer laboratory kasama
sila Jenny Mae.
2X-G. Sa wakas at gumana
na rin ang cross-over project ko kaya
nakabalik na ako sa silid. Di magandang balita ang sumalubong sa akin pagdating
ng silid pagkat bagsak raw ako sa MAPEH, another problema
nanaman ito lalo na't sa Sabado na ang kuhaan ng card. Bakit pa ako
lumagapak sa MAPEH samantalang
nagpapasa na nga ako ng mga activity and projects,
kuripot talaga magbigay ng grado si Ma'am Mina. Sa oras
naman ng Filipino, pumasok nanaman si Sir Velarde upang
magpasagot sa Batikan. Dahil di ko dala ang Batikan,
nakipagkwentuhan na lamang kila Noemi at Jarito.
Sa oras ng English, wala si Ma'am Miranda subalit may
humalili sa kanya at iyon ay si Ma'am Reyes. Nagbigay
lamang ito ng activity sa amin, pagkatapos ay umalis na ito. Sa halip na maging
abala sa paggawa ng activity, pakikipagkwentuhan lang ang inatupag
ng aking mga kamag-aral.
2X-H. Tumahimik lang ng
bumalik si Ma'am Reyes at nagtseking kami. Sa oras naman
ng Math ay nagkaroon rin kami ngactivity kahit di
pumasok si Sir Harren. Sa oras naman
ng Physics, nagkaroon kami ng quiz at kahit di
nakapagrepaso basta nakikinig sa guro, naging sisiw lang sa akin ang mga tanong
kaso nga lang, sa likuran ako pinaupo ni Sir Martin pagkat may
nangongopya raw. Hindi natuloy ang tseking pagkat kapos na sa oras. Kasabay ko
muli si Gwen sa pag-uwi at kwentuhan kami. Diretso lamon
pagdating sa bahay at nuod ng Showtime. Kakakilig ang mga tomboy sa
sobrang kopogihan at aakalaing tunay na lalaki kahit pambabae ang
pangangatawan. Hindi na ako natulog dala ng init. Kinagabihan, di ako
nakanuod ng telebisyon sapagkat kumikidlat, maya-maya pa’y bumuhos nanaman ang
ulan, dahilan kung bakit naging napakalamig muli ng panahon na nagpasarap sa
tulog ko.
70 | 63 Anim na pu’t tatlong araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
October
24, 2013
Thursday
Year I-297
Thursday
Year I-297
2X-I. Di pa rin
nagbabago ang temperatura sa umaga at ganon pa rin kalamig kumpara sa mga
nakaraang araw. Maaga pa naman kaya naisipan kong pumunta sa bahay nina Regine
(Cebrero) at hinintay ko siya. Maliwaliwanag na ng tumulak kami
paeskwela. Pagdating sa eskwela, nagtataka ako kung bakit hinihingi ni Perfecto ang
pina-print ko. Doon ko lang naalala na may pinapagawa siya sa akin
at tanga ko lang pagkat nakalimutan ko iyon. Wala pa naman si Sir Arnulfo
kaya nagtungo ako sa computer shop at nagpa-print.
Pagbalik sa silid, mukhang kalat-kalat ang mga kamag-aral ko at may ilan ang
naglalaro ng bola. Di pala dumating si Sir Arnulfo kaya
naging maingay nanaman ang klase, kaagad ko ng ibinigay kay Perfecto ang
pina-print ko na gagamitin sa group performance,
halos walang matira sa allowance ko dahil ginastos ko na iyon
sa pampa-print. Lumipas ang ilang sandali, TLE na at sa computer room kami
nagklase.
2X-J. Sa oras ng MAPEH at dahil labis kong
ipinagtataka kung bakit bagsak ako sa MAPEH,
kinausap ko si Ma'am Mina at sinabi niyang wala
raw akong long test sa Health. Tuloy ay pinahiram
ako ni Ma'am Mina ng original copy ng long
test at ipina-zerox ko. Wala rin palang long test si Mary Joy sa Music kaya
sabay kaming nagpa-zerox, pagkadating sa silid ay sinimulan na namin
mag-take ng long test. Maya-maya’y umalis
na si Ma'am Mina subalit di ko pa tapos sagutan
ang long test at dumating naman si Sir Martin.
Sa kadahilanang malapit na ang National achievement test,
nagrepaso kami. Ng magkaroon ng pagsusulit, dismayado ako pagkat kakaunti
lamang ang nakukuha ko. Dahil wala na kong allowance, hindi na ako
nag-recess pa at tiniis na lamang ang gutom. Sumasakit na ang tiyan
ko kaya nangutang na ako sa aking kamag-aral.
2X-K. Buti na lamang at
pinautang ako ni Noemi at Perfecto kahit
katiting kaya nakapag-recess pa ako. Dahil nagmagandang loob sila
sa akin, taos puso akong nagpasalamat. Maya-maya’y kinausap ako ni Mary Joy at
pinapakuha na ang original copy ng test
paper. Naku at mukhang sasamain ako kay Ma'am Mina pagkat
nawawala ang copy ng long test sa Health at Music,
hinalughog ko na ang aking bag subalit hindi ko makita, ang shunga-shunga ko
naman at yari talaga ako kay Mina niyan. Balak ko sanang
pumunta sa MAPEH Department
upang aminin kay Ma'am na naiwala ko ang test paper subalit
pinangunahan ako ng takot. Umuwi akong problemado at nangangamba akong baka
tuluyang ibagsak ni Ma'am Mina. Bakit ko pa kasi
naiwala iyon, tanga-tanga ko talaga.
2X-L. Pagdating sa
bahay, kaagad kong binuksan ang telebisyon at nanood ng Showtime. Performance na
pala ngayon ni Vice Ganda kaya inantabayanan ko ng
husto subalit pangkaraniwan na ang performance niya kaysa sa
mga naunang nag-perform. Sayang at
napakalaki pa naman ng expectation ko kay Vice Ganda, kinabog
pa siya nila Karylle. Kinahapuna’y nagtungo ako sa Computer shop.
Ginabi na ako sa pag-uwi at nadatnan kong nasa bahay si Auntie Andrea na
nakikipagdaldalan kila Mama. Kahit naiingaya'y pinabayaan ko na lang sila sa
pag-uusap. Tumahimik lang ang paligud ng umalis si AuntieAndre a at
naririnig ko na ang aking napapanood. Mga Alas-onse na ako natulog.
69 | 62 Anim na pu't dalawang araw na lang bago sumapit ang Pasko, ang bilis ng araw at malapit na ang sembreak.
October
25, 2013
Friday
Year I-298
Friday
Year I-298
2X-M. Dama ko pa rin ang
kaba sa dibdib pagkat di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Ma'am Mina kapag
inamin kong naiwala ko ang long test. Hindi pa ako handang
kaharapin si Ma'am at makita kaya naisipan kong isakripisyo ang araw na ito sa
pagpasok. Parang Bulkang Pinatubo pa naman siya
kung magalit at iyon ang kinakatakot ko. Dahil di ako pumasok, malapit ng
sumapit ang Alas-otso ng ako'y nagising at kaagad na kumain ng almusal.
Pagkatapos ay nagwalis ako at naghugas ng plato. Maya-maya’y nagtungo ako sa
labas at nilabhan ang bag. Naging maaraw ang panahon kaya mukha madali
sa akin ang magpatuyo subalit dala ng Hanging Amihan,
naging mahangin ang panahon. Ang bilis ng oras at di namalayang oras na ng
tanghalian.
2X-N. Pagkatapos
mananghalian, nanood kami ng Showtime. Ang ganda ng performance nina Jhong at Anne curtis,
talagang pinag-isipan at nakaka-appreciate. Halimaw si Anne Curtis pagkat
nakaya niyang buhatin si Jhong, bato-bato pa naman ang katawan
ni Jhong. Maalinsangan nanaman ang panahon kaya di nanaman ako
nakapag-siyesta at nanood na lang ng Galema, makamandag
talaga ang kagandahan ni Andy Eigenmann, kinagabiha'y
Annaliza naman ang pinanood ko tapos TV patrol.
2X-O. Matatapos na rin
ang Juan Dela Cruz kaya sinubaybayan ko talaga ng
husto. Galing ni Tagabantay at natalo pa niya si Anak ng dilim at Peruha, ang
lakas talaga ng dating ni Coco Martin. Sa Got to Believe naman,
kilig much ang moda ng ligawan si Chichay ni Dominique,
ang kisig rin ng lalaking iyon at mas bagay si Kathryn Bernardo
kay Jon Lucas kaysa kay Daniel Padilla,
di naman ako napopogihan sa kanya. Maya-maya’y Maria Mercedes na,
ang ganda talaga ni Jessy Mendiola at ang lakas ng
kanyang karisma, lalo na kapag sumasayaw. Matapos ang maghapong babad ang mata
sa kakanood ng telebisyon, pinagpahinga ko na ito sa takot na matuluyang
mabulag.
68 | 61 Anim na pu’t isang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
October
26, 2013
Saturday
Year I-299
Saturday
Year I-299
2X-P. Dahil di na ako
inaantok pa, kahit Alas-sais pa lamang ay gumising na ako. Damang-dama ko ang
napakaginaw na temperatura kaya naman halos mamaluktot ako sa sobrang
pangangatog. Hindi nagpakita ang haring araw at naging makulimlim ang panahon.
Upang maibsan ang lamig sa katawan, idinaan ko sa pag-inom ng kape kasama ang
paglantak ng malambot na tinipay, sa sarap ng aking agahan, labis akong naumay.
Sa Lunes na rin gaganapin ang Halalang pambarangay kaya naman puspusan na ang
pangangampanya ng mga tumatakbong kandidato sa pagka-kagawad. Maya-maya, habang
nagwawalis ng alikabok sa loob ng bahay, bigla na lamang sumungit ang
pakiramdam ko at binahing ng sunod sunod subalit tinapos ko pa rin ang gawaing
bahay.
2X-Q. Wala na akong
maisipan pang pagkakaabalahan kaya gumawa na lang ako ng kwento at ang tema'y
tungkol sa pag-iibigan, kakakilig naman ang naiisipan kong eksena sa kwento
kaya mas lalo pa akong ginanahan sa paggawa. Masaya na nga ako sa aking
ginagawa ng biglang tawagin ng ate at pansamantala kong itinigil ang pagsusulat
ng kwento. Magpapatulong pala ang ate sa pagkukulay ng buhok at dahil di maabot
ang nasa likuran, hindi man ako marunong kung paano magkulay ng buhok ay
sinubukan ko pa rin. Dakot ng cream mula sa lagayan at sabay
ipapahid sa maitim na buhok, ganon lang kadali ang pagkukulay sa buhok at
nagmistulan naman akong parlorista sa aking ginagawa kaso di ko minsan gusto
ang ugali ng ate ko pagkat tinatarayan niya ako.
2X-R. Pasalamat nga siya
at pumayag pa akong tagakulay ng buhok niya, naku at kapag naubos ang pasensiya
ko, masasabunutan ko na siya ngunit di ako nagpanaig sa aking emosyon.
Bahagyang umulan habang kinukulayan ko ang buhok ng ate at makalipas ang isang
oras, natapos rin ang pagkukulay sa buhok, kaso parang di nagbago ang kulay at
maitim pa rin tingnan. Hala at sinipon na ako ng todo kaya saglit akong
nagpahinga. Nanonood nun sila Papa ng Conjuring sa video at
upang matanggal ang pagkabagot, nakinuod ako at sobrang kinilabutan ako sa
takot. Ilang sandali pa'y oras na ng tanghalian at Sinabawang karne ang ulam,
tamang tama para sa akin na lubhang sinisipon ngayon. Dagdag pa sa dahilan ng
pagkakaroon ko ng sipon ang pabago-bagong panahon, maulan kanina tapos biglang
aaraw pagsapit ng tanghali. Pagkatapos mananghalian ay natulog kami.
2X-S. Ala-una na ako
nagising at dahil may iba akong naamoy sa aking katawan, karakaraka na akong
naligo. Ang fresh sa katawan kapag bagong ligo ka. Maya-maya’y sobra
kaming naaalinsanganan kaya nagpabili kami kay Mama ng sorbetes. Pagkabili’y
nagsalo-salo kami at iyon ang aming meryenda. Busogmuch pagkatapos
magmeryenda at upang matanggal ang pagkabato, naisipan ko naman magpa-load at
mag-text. Maghapon kong pinagpipindot ang keypadsa Cellphone at
hintay ng reply ni textmate. Kinagabihan ay nanood
naman ako ng telebisyon. Naging maingay sa lugar namin kaya sa kusina ko
ipinagpatuloy ang paggawa ng kwento. Sa hinaba-haba't dami ng kwento sa aking
isipan, inabot na ako ng hating-gabi na dilat ang mata subalit di ko pa rin
natatapos ang kwento. Malalim na ang gabi at ako na lamang ang gising kaya
natulog na ako.
67 | 60 Anim na pu't araw na lang bago magpasko, pero Undas muna bago Pasko.
October
27, 2013
Sunday
Year I-300
Sunday
Year I-300
2X-T. Nagising ako dahil
umaatake nanaman ang uhog ko at nahirapan ako sa paghinga pagkat barado pa ang
ilong. Mukhang bumabalik nanaman ang dati kong sakit o baka naman dala lang ng
pabago-bagong panahon. Pagkatingin sa bintana, umaga na pala at kinailangan ko
ng bumangon pagkat marami pa akong aasikasuhin. Matapos mag-almusal ay naghugas
ako ng plato at nagwalis kahit sinisipon. Parang wala ng katahimikan pagkat
samu't saring ingay ang maririnig. Nakinig na lamang ako ng music sa
radyo kahit oldies, atlis masarap pakinggan sa teynga. Matapos
magtrabaho'y ipinagpatuloy ko ang paggawa ng kwento. Maaraw sa labas subalit
halos liparin ka naman sa lakas ng hangin kaya naging maalikabok ang
kapaligiran. May sipon ako nun at baka pa lumalala kapag nalanghap ko ang
alikabok kaya isinarado ko ang bintana.
2X-U. Maya-maya’y
tanghalian na kaya itinigil ko muna ang pagsusulat ng kwento at kumain. Medyo
nakakaramdam ako ng antok kaya natulog ako at dakong Alas-dos na dumilat ang
mata. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng kwento at inabot na ako ng kadiliman ng
matapos ko iyon, binasa ko ang nilikhang kwento at perpect,
talagang nakakakilig nga, pwede ng i-publish sa Wattpad.
Maya-maya’y nanood na ako ng telebisyon at pagkatapos ay gumawa ulit ako ng
panibagong kwento. Katulad ng isang gabi ay inabot nanaman ako ng hating-gabi
na dilat ang mata at natulog na. Masaya nanaman ang mga estudyante na kagaya ko
pagkat walang pasok bukas, simula na ng bakasyong grande at bukas na rin ang
hatol ng taumbayan sa mga tumatakbong kandidato.
66 | 59 Limang pu't siyam na araw na lang bago sumapit ang Pasko.
October 28, 2013
Monday
(Barangay Election)
Year I-301
2X-V. Maaga nanaman
akong nagising at bumangon. Ngayong araw rin ang Halalang Pambarangay kaya
puspusan na ang paghahanda ng mga guro sa inaasahang dagsa ng mga botante
pagsapit ng Alas-siete. Alas-siete na ng umaga ng magbukas ang botohan. Matapos
manood ng telebisyon ay saka pa lamang ako nag-almusal, medyo sumusungit
nanaman ang aking pakiramdam kaya uminom ako ng Kalamansi. Sa
kabila na masungit ang pakiramdam, nagawa ko pa rin magwalis at magpunas. May
balak pa sanang maglaba subalit nakalaba na si Mama kaya paggawa ng kwento muli
ang aking pinagkaabalahan hanggang sa sumapit ang tanghali, mainit sa labas
subalit di naman dama pagkat mahangin. Naubos na ang papel ko sa kakasulat ng
kwento kaya matapos mananghalian at matunawan ang tiyan, bumili ako ng papel.
2X-W. Balak ko sanang
hindi matulog upang magkaroon ng oras sa paggawa ng kwento subalit di ko
napigilan ang aking antok at nakatulog pa rin. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng
kwento pagkagising. Parang pwede na akong maging writerpagkat
nahihiligan ko ng gumawa ng kwento at kailangang may mapusuan na akong kurso
bago magtapos ang taon. Maya-maya’y pinag-usapan namin ni Mama ang tungkol sa
kursong kukunin ko, lubhang tutol si Mama kapag Education ang
kukunin ko at di iyon para sa akin dahil hikain akong tao. Kinagibiha’y nanood ako ng telebisyon, naging mapayapa naman ang
pagdaraos ng halalang pambarangay subalit may ilang kaso pa rin ng Electionfailure.
Kakabato kapag nasa loob lang ng bahay at parang gusto mo ng kausap. Nang
makita ko si Anna na patungong Ison site,
sumabay ako sa kanya at nagtsikahan kami. Habang naglalakad kami'y saktong
nakasalubong sina Regine (Cebrero) at ang ingay nila pagkat
ipinagsigawan kung sino ang crush ko.
2X-X. Malas nga lang ng
dating at nakatambay ang crush ko, malay ko lang kung marinig
niya iyon. Dumeretso ako kina Jaypee at ang gulo ng kanilang bahay. Di pa pala nakakaligpit si Tita Arlene pagkat
pagod ito. Tutulong sana ako sa pagliligpit subalit pinigilan ako ni Tita,
nakakahiya raw kasi.
Nagkaroon kami ng pag-uusap at maya-maya'y nauwi tungkol sa kurso ang
kukunin ko at tinanong ko kay Tita kung pwede ba sa akin ang maging guro. Hindi
naman tutol si Tita at lahat pa nga raw ng kurso ay pwede sa akin pagkat
matalino raw ako, kaya nga lang kapag pagiging guro ang kukunin ko'y may
kaakibat na responsibilidad ang maari kong makasagupa, mas mapipilyo pa naman
ang mga estudyante ngayon kaysa dati at bahala na. Dahil napasarapang aming
pag-uusap, di ko namalayang Alas-otso na pala at kinailangan ko ng
magpaalam. Honesto na pala pagdating ko sa bahay. Matapos
manood ng telebisyon ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng kwento. Mga bandang Alas-dose
na ng maisipang matulog subalit di pa tapos ang aking kwento.
65 | 58 Limang pu't walong na araw na lang bago sumapit ang Pasko.
October 29, 2013
Tuesday
Year I-302
2X-Y. Nagising ako
pagkat umaatake nanaman ang aking uhog at napapansin ko lang nitong mga huling
araw ay dumadalas na ang pagkakaroon ko ng sipon. Pagkatingin sa orasan, ikatlo
pa lamang ng umaga at dahil barado ang aking ilong, hindi na ako nakatulog pa
at nagtungo sa kusina. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng kwentong pag-ibig.
Inabot na ako ng liwanag sa paggawa subalit di pa rin tapos at itinigil ko muna
upang mag-almusal. Mainit na lugaw ang aking naging agahan at dahil medyo
sinisipon ay nilagyan ko iyon ng maraming Kalamansi. Ipinagpatuloy ko
ang paggawa ng kwento pagkatapos mag-almusal at mga Alas-nuebe ko na ito
natapos. Nagpahinga sandali at maya-maya'y nagtungo ako sa computer shop. Tagal-tagal ko ng
di nag-online sa Facebook kaya sinusulit ko na ang
bawat sentimong nagagasta. Nanonood na sila Mama ng The Ryzza mae show pagkauwi ko at nakapananghalian na
sila.
2X-Z. Mag-isa na akong
nananghalian at pagkatapos ay nanood na rin ako ng telebisyon. Nagsitulugan na
ang lahat ng aking kasamahan maliban sa akin na dilat pa rin ang mata kahit
maagang nagising. Gumawa muli ako ng panibagong kwento. Maya-maya’y nakaramdam
na ako ng antok at natulog. Mga Alas-kwatro na ako nagising at naisipang manood
ng Galema.
Kinagabihan, di pa man sumasapit ang araw ng Undas subalit dagsa na ang
mga pasahero sa iba't ibang terminal upang magbakasyon sa
kanya-kanyang probinsya. Buti pa sila at makakapag-bonding ng buo
ang pamilya sa probinsya, samantala kami'y dito lang magpapalipas ng Undas. May
paparating pang bagyo at nagbabantang manalasa sa mismong araw ng mga patay.
Pagkatapos manuod ng telebisyon ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng kwento.
Dakong Alas-onse na ako natulog.
October 30, 2013
Wednesday
Year I-303
2Y-A. Medyo sinisipon pa
rin ako kaya maaga muli ang aking paggising at naupo sa sala upang mailabas ng
maayos ang uhog. Nang di na sipunin at sa kadahilanang inaantok pa'y natulog
muna ako. Patak-patak Alas-otso na ako nagising. Kahit may naiwan pang
natitirang uhog ay di iyon naging hadlang at nagwalis pa rin, di baleng
makalanghap ng alikabok basta't maging malinis sa loob ng bahay. Pagkatapos
maglinis, ipinagpatuloy ko ang pagsulat ng kwento. Itinigil ko lang ito nung
tanghalian na at sa tindi ng gutom, halos makasampung buong plato na ako. Sunod
ay nanonood ako ng telebisyon upang malibang ang sarili ngayong long weekend at
ng antukin ay natulog ako. Mga Alas-dos na ako
nagising at inutusan ni Papa na bumili ng gamot para sa kanyang rayuma. Bumili
ako ng gamot sa Ison Site subalit wala kaya
napalayo pa ako at sa Taas na nakabili. Ng makabili at dahil amoy araw na ako,
kahit batid kong maari nanamang atakihin ng uhog ay naligo pa rin ako
alang-alang sa aking kalinisan at kabanguhan.
2Y-B. Dumeretso ako
sa computer shop pagkatapos maligo at nag-Facebook.
Matapos magkumpyuter ay dumaan ako kina Tita Jean subalit
si Itang lang ang nadatnan ko. Maya-maya’y dumating na sina Tita Jean kasama
si Habagat subalit wala si Amihan. Kasama ko si Itang sa
pagpunta kung nasaan si Amihan at sinundo namin ito. Tuloy ang
kwentuhan at katuwaan ng makumpleto na kami at inabot na ko ng gabi sa kanila.
Pagdating sa bahay, nainis ako sapagkat wala akong nadatnang ulam. Bumili ako
ng delata at pinainit. Pagkatapos ay iyon ang naging hapunan ko. May balak sana
kaming magpunta ni Regine (Cebrero) sa Horror House doon
sa Consti subalit sinabi niyang wala raw. Umuwi na lang ako at
nanood ng telebisyon. Saktong nagtatalumpati ang ating pangulo tungkol sa
nangyayaring nakawan sa pondo ng bayan at tumagal ang kanyang talumpati ng
kinse minutos. Matapos manood ng telebisyon ay ipinagpatuloy ko
ang paggawa ng kwento. Sumapit na ang Alas-onse kaya kinailangan ko ng matulog
at di na nagpakapuyat sa magdamag, baka kasi magkasakit.
63 | 56 Limang pu't anim na araw na lang bago sumapit ang kapaskuhan at dalawang araw naman bago sumapit ang Undas.
October
31, 2013
Thursday
Year I-304
Thursday
Year I-304
2Y-C. Bisperas ng Undas
at huling araw para sa buwan ng October, tinanghali muli ako ng
gising. Paano kung tagalikha ng kwento na lang ang kunin kong kurso sa
kolehiyo, total diyan ako magaling at hilig ko na talaga iyon simula ng
elementarya pa ako subalit marami pang nalalabing oras upang mamili ako at
maari pa iyon magbago. Mainit-init at umuusok na kape lang ang aking almusal,
pagkatapos mag-almusal ay nagwalis ako sa loob ng bahay, medyo masigla ang araw
ko ngayon kaya sinisipag ako sa gawaing bahay, ng masiguradong malinis na ang loob
ng bahay ay ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng kwento subalit sa dami ng
detalye na maari kong maisulat sa kwento, mukhang aabutin pa ako ng ilang oras
sa paggawa kung ipapagpatuloy. Sumapit na ang oras
ng tanghalian kaya itinigil ko muna ang paggawa ng kwento at kumain, hindi
naging maaraw ang panahon at nagbabadya pa ngang umulan.
2Y-D. Habang kumakain ng
tanghalia'y inutusan ako na bumili ng softdrinks upang sa
ganon ay mas lalo pang sumarap ang aming kainan, pagkabili at sa halip na ngiti
sa mukha ang makikita'y labis labis na pagkadismaya ang nakita ko sa kanila at
pinaulanan pa ako ng sandamakmak na sermon. Nawalan na tuloy ang pagiging
magana ko sa pagkain.
Kahit bukas pa ang pagdiriwang ng Undas ay marami ng mga tao ang dagsaan
sa iba't ibang sementeryo, kabi-kabila na rin ang katatakutan lalo na mamayang
gabi na kung saan ay gaganapin ang Halloween party.
Bukod sa dagsaan ang mga tao'y may isang bagyong nagbabantang manalasa sa Norte.
Nagtagal ang panononood namin ng telebisyon Hanggang Alas-dos at pagkatapos ay
nagsipasukan na kami sa kanya-kanyang kwarto upang matulog. Sa kasarapan ng
tulog ay hindi ko namalayang sumapit na ang Alas-kwatro ng hapon at binuksan ko muli ang telebisyon upang manood
ng Galema.
2Y-E. Kinagabihan at
kahit batid kong laganap na ang mga espirito sa kapaligiran at kahit madilim
ang papunta kina Regine (Miano) ay walang takot akong tumuloy.
Sina Annie at iba pa nilang kaanak ang nadatnan kong masayang
nag-uusap sa gitna ng kadiliman. Itong si Annie ay panay
pangbubulyaw sa akin lalo na si Kaka na labis kong ikinabwisit
ang bibig niya, paano puro kabastusan ang lumulabas at lokong batang iyon,
hindi ako gasinong nagtagal at lumabas ako ng Recrap. May
pinag-usapan pa kami ni Regine (Cebrero) tungkol
sa pagpunta namin sa Horror House kaya di muna ako umuwi.
Mangilan-ngilan lang kaming pupunta sa Horror House at di
hamak na mas kaunti kaysa nung nakaraang taon kaya di masaya.
2Y-F. Ilang saglit pa'y
umayaw na ang dalawa naming kasamahan subalit nagpatuloy pa rin kami sa
pagpunta hanggang sa sabihin sa amin ni MS. Bantaya na walang magaganap na horror house.
Di matanggap ni Cristy ang mga sinabi ni MS. Bantaya at
kahit purok leader ng Taniman ay lakas loob
na sinagot-sagot ni Cristy si MS Bantaya, pinangaralan na namin siya
subalit di ito nakinig at panay pa ang pagsagot sa matanda, sa puntong iyon ay
wala na siyang modo at di man lang niya nirespeto ang purok leader.
Nagpumilit pa si Cristy at nagpatuloy sa pagpunta subalit
natigilan lang nung sina Burgot na ang nagsabi, umuwi na
lamang kami at pagkadismaya ang umiral sa kanya-kanyang mga dibdib. Nanood ng
telebisyon pagkauwi at pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng kwento.
Inabot na ko ng Undas sa kakagawa ng kwento at sa wakas ay natapos ko rin.