May
01, 2013
Wednesday
(Labor Day)
Year I-121
Wednesday
(Labor Day)
Year I-121
V-J. Espesyal na araw
para sa lahat ng manggagawang walang sawang gumagawa ng produkto upang iangkat
sa ibang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibang bansa. Holiday ngayon
at day off ng ate ko sa opisina, may di
pagkikibuan pa rin kami subalit wala ng samaan ng loob, may oras na nakakausap
ako subalit matitipid ang bawat tinutugon ko. Tinanghali muli ako ng gising
kaya rush ako sa gawaing bahay. Ng makapaglinis at sa
pamamagitan ng I wantv sa Internet, nanood kami ng
missing you. Nakakaiyak ang palabas na iyon pagkat naghiwalay na ang matalik na
kaibigan dahil sa isang aksidente. Matapos ang Missing you,
nagtungo ako sa bahay ni Aling Jojit, ngayon ko kasi tuturuan
magbasa si Lauren Jay. Sa una'y nag-iinarte ang bata pero
nagawa ko pa rin turuan sa pagbasa. Sa halip na isang oras, naging isa't
kalahati kaya nakatrenta ako. Saya ang nadama ko ng dumampi sa palad ko ang
pera at agarang inilagay sa pitaka. Nagkakainan na sila ng makauwi ako kaya
nakisabay na rin.
V-K. Kinatanghalian,
matinding init ang naramdaman namin kaya kanya-kanyang paraan upang maiwasan
iyon. Si ate na nagrerepaso at binuksan ang Electric fan,
si Mama na nagputong ng basang damit sa ulo at sa duyan naman ako nanatili
upang magpahangin. Kahit mainit ay nakatulog pa rin ako at dakong Alas-tres na
ko nagising. Tirik pa rin ang sikat ng araw kaya tinatamad akong lumabas. Ng
bahagyang kumulimlim, nagtungo ako kila Arianna. Nasayang lang
pagpunta ko dun pagkat wala silang pambayad at dahil malapit lang, kina Regine
(Miano) ako sunod na nagtungo. Saktong nandun ang Shielang sakbit
ang anak maging si Ate Bing at Kuya Jun.
Inaliw ko sila at tawa sila ng tawa. Kahit mukha na kong loka-loka sa harapan
nila ay binalewala ko iyon basta't nagkakasiyahan kami.
V-L. Maya-maya’y
pinagaya ko sa kanila ang Spirit of Black and White lady, mangha
sila ng di mapigilang tumaas ang kamay habang nag-oorasyon. Maya-maya’y kila Angelica naman
ako nagtungo at nakipagkwentuhan sa matatandang babae. Habang nasakalagitnaan
ng pag-uusap, tinawag ako ni Ate Bing at nagpapasama sa 'kin. Di
naging kagandahan ang pagkakataon pagkat nadaanan namin si Cathy na
nagbabasa ng dyaryo. Di ko sana siya papansinin ng inudyok ni Ate Bing. Hi at hello lamang
kami tapos tuloy-tuloy na kami ni Ate Bing. Sa puntong
iyon ay wala na kong balak kaibiganin ang ganong tao. Ayaw ko ng
makipag-ugnayan sa kanila. Bago pa man ako tumulak pauwi, dumaan muna ako
kila Regine (Cebrero). Sinabihan ko siyang agahan
angpagpunta namin sa eskwela bukas pagkat batid kong mahaba ang pila. Naglalaba
nun si Regine ng kinausap ko.
V-M. Pagdating sa bahay
nadatnan kong nagkukumpyuter ang ate. Papatayin na niya sana subalit pinigilan
ko at nag-Google at Facebook ang inatupag ko. May
balak pa sana akong magtungo muli kina Regine subalit gabi na
at baka kung anong mangyari sa 'kin. Nakapagpatanggal sa pagkabato ko ang pag-compose
ng sariling kanta at nilapatanko ng tono. Iyon ang pinagkaabalahan ko bago
mahimlay sa kama. May na kaya lapit na rin ang kaarawan ko.
May 02, 2013
Thursday
Year I-122
V-N. Kakatamad pang bumangod
at sarap pang humilata sa kama subalit pinilit ko pa rin bumangon. Inagahan ko
sa pagbangon at dinamihan na rin ang almusal upang di magutom sa eskwela.
Matapos kumain ay nagtungo na ako sa likod ng bahay. Di pa nun nakakaligo
si Regine (Cebrero) ng muli kaming mag-usap at bagong gising
pa. Inumpisahan kong maligo matapos iyon at nagsuot ng School Uniform.
Tawa ako sa sarili pagkat walay na naisuot ang pantalon ng ate, nagtawanan
tuloy sila Mama at sinabing nagladlad na raw ako. Wala sa akin kung suot ko
iyon subalit sa takot na baka pagtsismisan, hinubad ko iyon at isinuot ang
bago. Sa katunayan ay feel ko talagang suutin iyon. Dahil magpapakuha
pa ako ng litrato para sa ID, nagpapogi nagkakamaling nagpapaganda
pala. Hati ang kasarian ko kaya lito ang isip ko kung nagpapaganda ba o papogi.
V-O. Sa wakas at bihis
na si Regine ng makalabas ako. Agad kaming dumeretso sa school.
Daming estudyanteng nakapila kasama ang mga magulang at lahat sila'y pawang
mga First Year. Ako lang marahil ang Senior ang
nakasuot ng uniform kaya nangangambang pagkamalang Freshmen.
Maya-maya’y umusad muli ang pila hanggang sa makapasok kami. Di ako pinalad makapasok
pagkat di Available ang pa-ID. Sinabing sa pasukan na
raw ang ID picture. Naghiwalay kami ni Regine at
matiyaga akong naghintay sa labas. Ang mga nanay na di matanggap na mawalay ang
anak sa enrollment, di na mapigilang maglabas ng hinaing sa gwardiya.
Sa dami ng nagrereklamo at galit ng mga nanay, mukhang world war na
ang nagaganap sa labas ng eskwela. Todo paliwanag ang gwardiya. Lumayo na
lamang ako sa gulo at naupo sa Garden.
V-P. Habang matiyagang
hinihintay si Regine, saktong nagkita kami ni Aling Catherine,
nag-usap kami at habang nag-uusap kami, bigla kong nakita si Regine na
papalabas kasama ang kaeskwelang nasa Gate. Pinutol ko muna ang
pag-uusap namin at tumungo dun subalit bigla siyang naglaho. Hinanap ko siya
saan-saan. nandun rin si Letty at nakipayong sa'kin. Nang
una'y deadma kami sa isa't isa subalit ng madaming tanong ay
nagkaroon na kami ng conversation. Sarap niya kausap at siya ang
nag-alis ng aking pagkainip. sahinaba haba ng aming pinag-usapan na kasing haba
ng EDSA, di ko namalayang nandun na si Regine sa
aming harapan. Nakapag-enroll na siya subalit babalik pa raw ng
Ala-una upang alamin ang seksyon na kanyang papasukan. Sa halip na maglakad at
matindi na ang init, sumakay na kami.
V-Q. Ikwinento ni Regine sa
akin ang tungkol sa karanasan niya habang nag-enroll, mukhang nahirapan
siya. Pagkauwi’y napagod ako at wala akong napala sa pagpunta sa eskwela.
Matapos kumain at dala ng matinding pagod ay natulog ako. Alas-tres na ng
nagising ako. Mag-tutor sana ako subalit sama ng pakiramdam ang
pumigil sa 'kin. Naupo ako at uminom ng tubig, ilang saglit ay guminhawa ang
pakiramdam ko. Wala nun si Mama pagkat may binayaran kaya nangutang ako kina Ate
Angelyn ng pang meryenda. Mainit sa loob ng bahay kaya nanatili pa ko
sa tindahan niya at nakipagkwentuhan. Ang mga paslit, walang humpay sa
pagpakyaw ng kanyang Street food at mangga. Di ko namalayang
takip silim na sa dami ngnapag usapan namin.
V-R. Balak kong tumungo
kina Regine (Miano) ng nasulyapan kong pinapabasa si Jimboy ng Kuya Christian niya.
Tumigil ako sandali at maayos na ngang nakakabasa, nagkakamali lang minsan pero
di sing gaya ng dati. Ang taimtim na pagbabasa, nauwi sa pag-aasaran. Umalis
ako pagkat batid kong mawawasak ang konsentrasyon ni Jimboy sa
pagbabasa. Pagkatawid sa tulay, nakita ko dun si Ate Bing kasama
ang anak na si Aira na pinapanood na nagba-basketball ang
asawa. Maya-maya’y umuwi na ang dalawa at sinamahan ko sila. Maghahapunan na
sila nun at sa hiya kaya di na ako nagtagal. Pagkauwi’y ipinagpatuloy ko ang
pag-compose ng kanta. Pinagpuyatan ko iyon hanggang sa makaramdam
ng antok.
May 03, 2013
Friday
Year I-123
V-S. Sampung araw na
lang at halalan na, puspusang pangangampanya na sa pamamagitan ng komeryal sa
telebisyon, radyo at maging sa pagkuha ng simpatya ng taong bayan sa iba't
ibang bayan. Ang mga campaign Paraphernalia ng may mukha ng
iba't ibang tumatakbo, lipana na sa daan at saan ka man lumingon, iyon ang
makikita mo. nakakainis pagkat tinanghali nanaman ako ng gising. Napapansin kong
nitong huling dalawang araw ay di pumapasok sa opisina ang ate. Di ko batid ang
tunay na dahilan at baka nag-leave upang matutukan ng husto ang
pagrerepaso niya. Isang linggo na lang kasi at Board exam na
niya. Panong di siya papasa kung di gaanong nagrerepaso at panay pa ang pag i-internet.
Katulad ngayong inunahan ako sa pagbukas ng computer.
V-T. Nanood kami ng Missing you sa pamamagitan ng I
WantTV. Di gaanong marinig ang pinapanood sa lakas ng pinapatugtog ng
kapit-bahay namin si Ate Melon na kanina pang umaga. Maingay
at sakit sa teynga. Matapos angpinapanood ay tumungo na ko kina Lauren
Jay. Bagsak pa ang mata at mukhang tinatamad pero nagawa pa rin namin
magbasa. Ng makaramdam na ko ng gutom, iyon at kinailangan ko ng magpaalam. May
pera nanaman ako at inilagay sa pitaka. Nadatnan ko silang nanonood ng Be careful with my heart,
matinding kilig ulit ang naramdaman ko habang pinapanood iyon at nawala ang
atensyon ko sa kain. nghapong iyon, narinig kong may nagkakagulo. Dumungaw ako
sa bintana at may pulis pala, di ko alam kung sinong dinampot. Nag-usap-usap na
parang bubuyog ang kapit-bahay namin samantalang inosente ang utak namin sa
tunay na nagaganap. Ilang saglit ay nagsiuwian na sila at bahagyang tumahimik.
Di na importante sa akin angmalaman ang balita ngayon basta't di ako sangkot.
Upang lalo pang lumago ang ipon, nagbenta ako ng bote at bakal sa Junkshop,
tinulungan ako ni Amor at Robert sa pagsasako
nun.
V-U. Nang ibigay ang
kaukulang halaga at bilang gantingpala, binahagian ko ang dalawa. Nagtungo
naman ako sa bahay ni Ate Angelyn pagkat may
usapan kami kahapon na ngayon ko tuturuan ang anak niya. Tulog ito at sinabing
mamaya na lamang. Nagmeryanda ako ng Macapuno na ginawa ni
mama at kila arianna naman ako nagtungo. Sayang nanaman ang naipunta ko pagkat
tulog rin ito. Dumeretso na lang ako kila Regine. Nadatnan kong
naglalaba sa aling gina at tinanong kung pwede ba si James. Hapon
na raw kasi at di kami magtatagal pag tinuruan ko siya pagkat aantukin raw
iyon. Naunawaan ko ang dahilan ni Aling Gina at nag-usap kami.
Abala ito sa paglalaba kaya di ako nagtagal.
V-V. Aalis sana ako ng
tawagin ni Shiela, nagkwentuhan kami. Gusto ko pasanang kausapin
siya subalit may tutor pa ko sa anak ni Ate Angelyn at
sayang ang pagkakataong magkapera. Gising na nun si Yahaira ng
bumalik ako kay Ate Angelyn. Sa labas sana ako magtuturo sa kanya
subalit may mga kalalakihang nakatambay at disturbo lang sa amin.
Nakapag-umpisa lang ako ng sa loob kami at dahil apat na taon pa langito, hirap
akong turuan siya. Puro pagsasaway lang ginawa ko kasama ang mama niya. Ng
kinalaunan ay nakinig naman ito subalit saan-saan ito nagpupunta. Sa labas na
kami ng umalis ang mga tambay. Ipinagpatuloy ko ang pag-train sa
kanya at ginagawa naman nito. Sa katunayan ay marunong ng kumilala ng
bawat shape at letters.
V-W. Matapos ang oras
ng pag-tutor, nanatili pa ko sa kanila at nakipagkwentuhan, andun rin
ang mga paslit kaya naging masaya na rin ako. Tinulungan ko na rin si Ate
Angelyn sa pagtitinda. Maya-maya’y pumasok ako sa bahay ni Rachel at
binawi angballpen kay Regine (Cebrero). Maloko ang Regine kaya
tinapatan ko ng kalokohan. Tawanan kami at May isang lalaking papansin.
Kaninapa tinatawag ang pangalan ko at ang lakas mang-trip. Umasang
magugustuhan ko atdi siya pasado sa taste ko. Ng di kopinansin
ay tinigilan niya ko at panira sa usapan namin ni ate angie at Ate Edith.
Yung dalawa, nakatawa lang sa mga pabanat kong lines sa
lalaking iyon. Madilim na ng umuwi ako at saka pa lamang naghapunan. Matapos
manood ng telebisyon ay kaagad ng natulog.
May 04, 2013
Saturday
Year I-124
V-X. Madaling araw ng
Ala-una ng magising ako dahik sa ingay ng tahol ng aming aso. Nakakabingi at
nakakairita ang tahol nila. Lumabas ako at sinaway ang aso subalit tumatapang
pag nagalit at sa takot na malapa o makagat, hinayaan ko na lang at nagtakip ng
teynga. Nilagyan ko ng alarm ang Cellphone bago
matulog, kaya Alas-sais pa lamang ay gising na ko. Nag-almusal ako at matapos
ay naghugas ng Plato. May tutor pa ako kay James
(Miano) at inagahan kongtumungo sa kanila. Hinahanap pa nun si James kaya
naghintay muna ako, upang di mainip ay nag-usap kami ni Regine (Miano). Maya-maya’y andiyan
na si James at inumpisahan ko ng mag-tutor sa
kanya. Hirap na hirap ako kay James at nasasayang ang oras sa
kakasalita pagkat ito'y di nakikinig. Tinulungan na nga lang ako nina Shiela na
pakiusapan siya subalit di ito patinag. Sa di inaasahang pangyayari'y nagpuyos
ng galit si Aling Gina sa dalawa niyang anak pagkat ang mga ito'y
nag-aaway sa text. Sunod-sunod niyang hinataw ng pamalo ang dalawa at
pinagsisigawan pa. Matindi pa lang magalit si Aling Gina at
natakot na si James ng sigawan rin ito kaya nagseryoso na
siya.
V-Y. Matapos magbasa'y
nagbilang kami. Mga Alas-dyis ng matapos ang tutor ko
kay James at tumungo naman ako sa bahay ni Arianna. Nakikinig naman ito
pag pinagbabasa at di saan-saan lumingon subalit madaldal ang batang iyon kaya
laging napuputol ang pagtuturo ko sa kanya. Ng matapos ang tutor ko
kay Arianna, tinawag ako ng Lola Norma niya
at ako'y kinausap. Iibahin na raw niya ang pagbabayad sa akin pagkat lingguhan
na, mabuti na rin iyon para isang bayaran na lang ng diretso at araw-araw kong
matuturuan si Arianna. Matapos ang masinsinang pag-uusap ay
kay Lauren Jay naman ako nagtungo subalit kakain pa raw ito.
Umuwi muna ako at lumipas ang ilang sandali'y bumalik ako sa kanila. Saka ko pa
lamang inumpisahang tutoran si Lauren Jay. Ganyan
talaga pag Teacher ka, matinding stress ang
makukuha mo sa kakasaway plushalos maubusan ka ng boses sa kakasalita.
Kailangan ko na lang pagtiyagaan at baka mawala ang pagkakataong kumita.
V-Z. Bahagyang
kumilimlim ang kapaligiran at may pag-ambon ng matapos ako kay Lauren Jay kaya
di ako pinawisan. Sa kakasalita ng walang humpay, napagod ako at nagpahinga. Pagkagising tila
gabi na sa dilim ng kalangitan at nagbabadyang bumuhos ang ulan. Maya-maya’y
humangin ng malakas at gumuhit ang talim ng kidlat sa langit. Sa takot
makarinig ng nakakabinging kulog, nagtakip ako ng teynga hanggang sa bumuhos na
ang ulan. Lumabas ako at hinayaang magpabasa sa ulan subalit dagliang tumigil.
Naliligo rin sila Regine (Cebrero) at Poypoy kaya
nakisabay ako. Kasabay ng malakas na hangin ang kantiyawan namin sa isat isa,
di pa man ako gaanong nababasa at parang na-blower ako sa lakas ng
hangin. Ilang saglit pa'y bumuhos muli ang ulan, mas malakas pa sa kanina. Party-party kami
sa pagliliwaliw sa ulan.
W-A. Habang sinasagupa
namin ang malakas na ulan, ang baklang si Julius kita naming
malanding rumarampa subalit niloloko ito ng mga tambay, sumaglit kami at grabe
ang pang-ibaba niya, ang maikli at kita ang likod dahil naka-tube siya. Feeling babae
talaga si Julius.
Natawa ako sa sinabi ni Poypoy na bakla rin na
"Anu ba yan at mas tukmol pa siya sa akin". Sa lakas ng halakhak
namin, halos mabulabog ang buong Taniman. Maya-maya pa'y tumila ang ulan
at saka pa ko nagbanlaw. Alas-kwatro ng muling sumilip ang araw kasama ang
makulay na bahaghari. Tumitig ako sa bahaghari at talaga ba namang mahalina ka.
Nagtungo ako kila Ate Angelyn subalit di muna raw ipapa-tutor ang
anak niya. Nagtsikahan na lang kami, ang dalawang batang si Trisha at Trixie,
naisipang bunutan ako ng uban.
W-B. Maya-maya’y
binalak kong tumungo kila Regine (Miano) at pagdating sa
kanila, si Regine na nagbabantay ng baby ang
nadatnan ko. Nagtsikahan kami.
Nandoon rin si Gelyn subalit di ito namamansin, mabigat ang
mukha at magagalitin pa. Di ko alam kung anong problema ng babaeng iyon. Di na
ko nagtagal pa at agad na umalis sa kanila. Naubutan ko naman sila Ate Bing at Aira na
namamasyal. Sinabi sa akin ni Ate Bing na may
nanira kay Gelyn kaya ganon na lamang ang ugali niya. Habang
naglalakad kami, may kakaiba akong naramdaman sa likod. May dalawang lalaki na
pala ang dumakma sa pwet ko, pabiro itong nag-sorry subalit
nabwisit ako at napagsalitaan sila. Ang lilibog nila at nilabag nila ang
pagkatao ko. Umuwi akong badtrip. Madilim na at mas piniling
manatili sa bahay. Alas-onse na ko natulog pagkat tinapos ko pa ang pag-compose ng
kanta.
May 05, 2013
Sunday
Year I-125
W-C. Umpisa nanaman ng
panibagong linggo, sa bilis ng takbo ng panahon na parang kidlat, di namalayang
isang linggo na lamang at eleksyon na. Di kagandahan ang gising ko pagkat ako'y
sinisipon. Wala akong ginawa kundi suminga. Guminhawa naman ang pakiramdam ng
magpahinga. Bawal muna sa akin ang magwalis kaya paghuhugas ng plato ang
inatupag ko. Pagkatapos ay gumawa muli ako ng panibagong kanta. Hirap talaga
gumawa ng love song kung di ka inlove at
parati akong nagkakamali. Maya-maya’y kapansin-pansin sa labas ang mga
nakahandang mga upuan at sound system. May mga supporters rin
ang may suot ng T-shirt ni Precious Castelo.
May Meeting de avance palang magaganap.
W-D. Nang dumami na ang
tagapakinig, saka pa lamang nag-umpisa ang speech na
pinangunahan ni Ramona. Hinihintaypa nun dumating ang mag-asawang Castelo kaya
sinabi muna nila ang plataporma ng dalawa. Ang mga bagong dating, nililista
upang mabunot mamaya sa raffle at isa sa sumali ang Mama ko.
Nakadungaw lang ako sa bintana ng maganap ang pulong nila. Nang dumating na
si Precious Castelo, saka pa lamang ako lumabas at
naghiyawan at palakpakan ang lahat. Saksakan ang kaputian ni Precious na
aakalaing di dumanas ng matinding hirap at balingkinitan pa. Kahit inuubo'y
nagawa pa rin magsalita upang ihayag ang kanyang plataporma kapag naluklok.
W-E. Isa-isa rin niya
inihayag ang kanyang proyekto. Matapos ang kanyang mahabang
talumpati, isa-isa niyang kinamayan ang mga residente samantalang namimigay naman
ng kanyang souvenir ang mga tauhan nito. Umalis siya at sunod
namang dumating ang may bahay niyang si Representative Winnie Castelo.
Palakpakan nanaman ang lahat at inihayag rin ang kanyang plataporma. Matapos
rin ang mahaba niyang talumpati, isa-isa niyang kinamayan ang mga residente at
binigyan ng kanyang souvenir. Nang makaalis si Winnie Castelo,
nag-umpisa na ang raffle. Ang mga nakaupong nag-aabang matawag ang
pangalan, di inalintana ang sikat ng araw at hinayaang magpabilad. Madaming
natawag subalit ni pangalan ni Mama ay hindi pa. mukhang di siya papalarin
hanggang sa matapos ang raffle.
W-F. Nalungkot ako
pagkat walang napalanunan si Mama. Nagsiuwian na ang lahat. Sa gutom ay
nananghalian na kami. Ang Papa naman, tutok ang mata sa kakanuod ng boksing. Sa
tindi ng init, naligo na ko. Kinahapunan, wala muna akong balak mag-tutor pagkat
masama ang pakiramdam ko. Sa halip na gumawi sa bahay-bahay ng mga kaibigan ko,
nag-soundtrip na lamang ako sa Radio. Maya-maya’y panonood
ng telebisyon ang inatupag ko hanggang sumapit ang dilim. Pinatay ng Alas-siete
at nag-compose muli ng kanta. Ng Alas-nuebe na ng muling buksan ang
telebisyon at nanood kami ng Gandang Gabi Vice. Dami namin tawa
kay Vice Ganda lalo na ng guest niya
sila Toni at Cathy Gonzaga. Palong palo ang
magkapatid sa kwento at talaga namang nakakatuwa ang kanilang pinagdaanan.
Matapos iyan ay pinatay na namin at ipinagpatuloy ko ang pag-compose ng
kanta. Alas dose na ng maisipang matulog.
May 06, 2013
Monday
Year I-126
W-G. Maliwanag na ng
muling dumilat ang mata ko. Inaantok pa subalit kailangan ng bumangon at baka
masayang ang oras ng wala pang nagagawa. Matapos mag-almusal ay ang nakatambak
na hugasin ang pinag-ukulan ko ng oras. Sa gabundok na hugasin, inabot ng 20
minutos ang paghuhugas ko at nagbalat na nga ang aking palad. Ng matapos,
nagpahinga muna ako. Makulimlim ang panahon pero tinatamad naman ako mag-tutor,
nag-compose na lang ako ng kanta. Di ko alam kung bakit iyon ang
hilig ko, di naman ako inlove. Ang inakalang makulimlim sa maghapon
ay nakakainis at umaraw nanaman. Mainit nanaman tuloy. Ni hindi ako makatulog
ng hapong iyon kundi mag-compose ng kanta ang inatupag. Mga Alas-tres ng
pumunta muli ako kina Arianna. Nang nandun pa ang kanyang nanay,
nakikinig ito sa akin subalit panay kwento ang batang iyon kapag umalis ang
kanyang nanay.
W-H. Pilit kong
sinasaway subalit pa maya-maya ang kwento't ang daldal niya. Natapos ang oras
na kaunti pa lamang ang napapabasa ko sa kanya. Sa Linggo pa ang bayaran kaya
sa ngayon ay di ko matatanggap ang kikitain. Nandun ang nanay ni Berna ng
masalubong at kinamusta ko ang anak niya. Maya-maya’y si Aling
Catherine ang nakita ko. Kinamusta ko si Jimboy kung
nakakabasa na ba iyon ng tuwid. May pagyayabang sinabi sa akin ni Aling Catherine na
nakakabasa na ito ng walang pagkakamali. Hiniling ko kay Aling Catherine na
pagbasahin si Jimboy upang may mapatunayan siya. Di pa ito gaanong
marunong bumasa at madalas ay nahihirap sapagbigkas.
W-I. Nagulat si Aling Catherine nang
malamang di pa bihasa ang anak kaya nagatungan niya ng kamay ang ulo ni Christian
(Libuna). Umalis ang nagtuturo kay Jimboy ay ako muna ang
humalili. Ang pagbabasa namin ni Jimboy, nauwi sa kwentuhan. Alas-sais
na nun kaya sa kanila na ko nanuod ng Little Champ. Ng matapos ang
programa, saka pa lamang ako umuwi. TV Patrol na kaya
naghapunan na kami. Matapos kumain at ng madilim-dilim na, tumungo naman ako
kila Regine (Miano). Si Ate Bing at iba pa niyang
kapatid ang nadatnan ko sa kanila. Nagtsikahan kami ni kumareng Ate
Bing at ng saglit ito umalis, ako muna ang nagbantay kay Aira.
Hinarot-harot niya ko kaya hinarot ko na rin siya't saya ng oras ko sa kanila.
W-J. Maya-maya’y
biglang dumating si Kaka at Jomer kaya lalo
pa kaming umingay. Maharot pa naman si Aira kapag nakikita
ako. Nang bumalik si Ate Bing, sinabi niyang tigilan na iyan at
matutulog na si Aira. Upang madaling makatulog ang batang iyon,
nagpaalam na ko kay Ate Bing. Paglabas sa Recrap,
narinig kong may nagaganap palang speech sa may basketball
court, dali-dali akong nagtungo dun. May meeting de avance pa
lang magaganap para sa pagkandidatura ni JV Ejercito sa
senador. Hinihintay pa nun si JV Ejercito kaya
pinangaralan muna ni Bantaya ang mga batang pasaway at
maingay. Maya-maya’y nagkaroon ng intermission number. Wala pa
naman si JV Ejercito at nakakapagod tumayo kaya umuwi
muna ako at nanood ng telebisyon. Kami lang dalawa ni ate ang nasa bahay.
W-K. Ilang saglit,
pinatay ko na ang telebisyon at bumalik sa basketball court.
Wala pa rin si JV Ejercito at biglang nagpakita ang tatlong
naggagadanhang dilag at kumanta sa stage. Akalaing may concert
nanagaganap.
Sa halip na si JV Ejercito ang maghayag ng kanyang
plataporma at maghikayat na iboto siya, ang kapatid nitong si Jojo Ejercito ang
nagtalumpati. Matapos ang talumpati, nagpahagis siya ng T-shirt, Calendar at Souvenir sa
madlang people. Nakipag-agawan kami. Sa dami ng nag-aagawan, bigo
akong makuha ang T-shirt. Umuwi na lang ako, saktong
naabutan ko sila Poypoy at nakisabay sa kanila. Kakauwi lamang
din nila Mama ng makadating sa bahay. Alas-onse na pala pagkatingin sa wall
clock kaya tumulog na kami.
May 07, 2013
Tuesday
Year I-127
W-L. Maginhawa't
mapayapang umaga sa aking paggising, nawa'y magpatuloy ang magandang nasimulan
at di mapurnada. Maaliwas na ang panahon ng ako'y bumangon. Katulad ng
nakagawian nitong nakaraang araw, ako'y nag-almusal at nagkape muna. Nang
makapag-almusal na ay naglinis muli ako sa loob ng bahay. Andiyan ang ate ko na
halos isang linggo ng di pumapasok sa opisina ang nakatulong ko sa gawaing
bahay. Ng masiguradong wala ng kalat na naiwan, nanood kami ng Missing
you sa Iwantv. Ang ganda talaga ng Missing You pagkat
ang inakalang patay na si Joy Lee, buhay pa pala at
patuloy siyang hinahanap ni Julius Han. Super napukaw
ang damdamin ko sa palabas na iyon. Matapos ang Missing you ay
ako muna ang gumamit ng Internet. Matapos ay si Mama naman, inutusan
niya ko bumili ng niyog.
W-M. Sa tindi ng init,
nagpayong ako. Walang mabiling niyog sa Taniman kaya sa Ison site
pa ko nagtungo. Habang naghihintay makayod ang niyog, nakita ko ang nanay
ni Gwen. Kinamusta ko si Gwen at nag-usap kami. Nang
makayod ang niyog ay saka lamang umuwi. Nagpahinga muna saglit at maya-maya'y
tumungo na ako sa bahay nina Lauren Jay. Sa oras ng tutor ko'y
wala kaming ibang inintindi kundi basahin ang bawat salita. Dahil ingles, hirap
kay Lauren jay ang bumigkas at katulad rin ni Jimboy.
Patak patak Alas-dose ng makauwi ako.
Nakita kong naiigib si Olah, wala namang magawa kaya
tinulungan ko ito. Nang makadating sa bahay ay saka pa lamang ako nananghalian.
Habang natsibog ng Tilapia, may biglang tumatawag sa pangalan ko.
Lumabas ako at yun pala'y ang mag-inang Gwen at kinausap ako.
Tinanong nila kung pwede pa raw mapakiusapan ang school napapasukan
ni Gwen. Wala akong kinalaman diyan kaya iniba ko ang usapan.
W-N. Sa tagal ng
panahong di kami nagkikita ni Gwen, nagkamustahan kami. Grade 4 pa
ng huli kaming magkita at ang laki ng kanyang pinagbago ngayon na halos di ko
makilala. Wala pa sa trenta minutos ay agad na silang umalis. Di pa
man nauubos ang ulam, mukhang di na ko gutom subalit inubos ko pa rin. Maya-maya’y
nanood na kami ng Baliwan Cinema, sobrang natawa ako ng husto sa
ipinakitang pagpapatawa ng bawatcast. Pagkatapos ay natulog ako. Mga
Alas-tres na ko nagising at kahit mainit ay tumungo pa rin ako sa Recrap.
Si Che-che ang tinuruan kong magbasa. Matapos ni Che-che ay
si Arianna naman subalit di na natuloy pagkat may pupuntahan
pa sila, umuwi na lamang ako. Saktong paglabas ng Recrap ay
madaming taong nakasuot ng kahel. Nangangampanya pala si Rannie
Ludovica. Sinundan ko ang kanyang mga tauhan na bawat madaanan ay
nagbibigay ng kanyang slip at hinihikayat na iboto siya.
W-O. Kung ako lang
botante at kahit isigaw nila ng paulit-ulit ang pangalan ni Rannie, Precious Castelo pa
rin ang sigaw ng loob ko. Sa halip na ipagpatuloy ko ang sumunod sa kanila,
umuwi na lamang ako. Nanatili ako saglit sa bahay at lumabas. Ipinabatid ko
kay Ate Angelyn ginawan ko siya ng Facebook account.
Maya-maya’y niyaya ko si Regine (Cebrero) na mag-internet.
Sayang-saya si Regine nang malaman niyang ililibre ko siya. Matapos
kumain at nang Alas-siete na, lihim akong umalis ng bahay at pinuntahan muli
si Regine. Wala pa ito kaya kina Cristy muna ako
tumungo. Sinabi niyang susunod na lang siya at ng makita si Regine,
dumeretso na kami sa computer shop. Kung kailan na magta-time,
saka pa lamang dumating ang Cristy. Sabay kaming tatlo sa pag-uwi,
ang harot ng dalawa at ang lakas pa ng loob ni Regine mangutang
sa akin muli. Nangako itong magbabayad bukas kaya pinautang ko na. Pag-uwi,
nanood ako ng telebisyon. Mgaalas-onse na ko natulog pagkat nag-compose pa
ko ng songs.
May 08, 2013
Wednesday
Year I-128
W-P. Dakong Alas-siete
na ako nagising subalit Alas-otso na ng magpasyang bumangon. Napakaganda ng
naging umaga at di pa nakakasunog ng balat ang sinag ng araw. Ang kalangitan,
namumutiktik sa kabughawan na walang makitang kaulapan. Bago pa man ako
mag-almusal, may naulinig muling tila nagtatambol, May nangangampanya nanaman
pala. Dahil di naman ako botante, balewala sa akin kung sinuman ang
nangangampanya. Matapos mag-almusal, ipinagpatuloy ko ang pag-compose ng
kanta. Samantalang ang ate na kakagising pa lamang, binuksan agad ang Computer at
nanood ng Missing you.
W-Q. Nagagandahan ako
Sa palabas na iyon kaya nakinuodmuna ako. Matapos ang programa, ipinagpatuloy
kong muli ang paglikha ng kanta. Sa sobrang abala ko na halos di matapos-tapos,
alanganin na ang oras upang ilaan ko sa pag-tutor kay Lauren Jay.
Iniisip ko na ipagpabukas na lang. Nakakatamad ang kumilos sapagkat ubod sa
init ang panahon.
Matapos namin kumain, lahat ng miyembro sa pamilya ay nagsitulugan. Di
pa ko inaantok subalit tumulog parin ako. Kahit nakabukas ang ceiling fan,
mainit na hangin lang ang dala nito. Sa halip na Alas-tres pa magising,
Alas-dos pa lang ay bumangon na ko. Kinain ko ang desert na
ginawa ni Mama at ate. Sa sarap, mukhang di na ibig ang magtira. Maya-maya’y
habang nagkukumpyuter, narinig ko ang usap usapan ng kapitbahay na magkakaroon
raw ng black-out mamayang gabi. Di sana ako maniniwala subalit ng
sa radyo ko na nalaman, saka ako naniwala. Mga Alas-tres ko na pinatay
ang computer. Tutuloy sana ako sa bahay ng estudyante ko ng biglang
makita ni Ate Bing.
W-R. Ngayon lang niya
nakita ang bahay namin at todo puri ito. Nagpakumbaba naman ako. Bukod pa dun
ay may mga bagay rin ang aming pinag-usapan. Sa dinamidami na halos di na
mabilang, nahuli ako ng isang oras sa pagpunta kila Che-che. Dahil
kapwa di marunong magbasa si Che-che at Arianna,
pinagsabay ko na ang dalawa sa aking tutor. Sa bahay nila Che-che namin
ginanap ang tutor. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ko sa kanila kung
paano magbasa, may isang batang salbahe at nangugulo pa. Sinaway ko ito at
tinakot. Di na muli pang nanggulo nang ginawa ko iyon. Bago pa man matapos
ang tutor ko sa dalawa, biglang nakarinig kami ng dagundong ng
kulog. Inisip kong mukhang uulan na hanggang sa bumuhos na nga ito. Kasabay ng
malakas na buhos ng ulan ang malakas ring ihip ng hangin. Parang bumabagyo
nanaman sa kapaligiran. Nanatili muna ako sa bahay nila Che-che.
Si Arianna at Che-che naman, nagsiliguan na
sa ulan. ng bahagyang humina, dali-dali akong tumakbo papauwi.
W-S. Pagdating sa bahay
nanibago ako pagkat iba na ang aming pintuan. Di hamak na mas madaling isara at
di agad makakapasok ang alaga naming hayop kaysa sa dating pintuan. Nanatili
ako sa bahay at nanoodng Little champ. Nang makapaghapunan, nahiga
ako sa duyan at maya-maya'y tumungo kila Regine (Miano). Dahil
walang kuryente, madilim na. Tulog na si Aira kaya di na ko
tumuloy kay Ate Bing. Si Regine naman,
todo bantay kay Baby Gian at pinapadede pa. Mahina hina lamang
ang aming pag-uusap upang di magising ang baby. Nakakatuwa lang sa
bata pagkat di ito naiyak. Ilang saglit ay dumating na sila Aling Gina
galing Rizal. Tinanong ko sa kanya kung magpapa-tutor ba
si James (Miano) bukas. Sa kawalan ng pambayad, tumanggi na ito at
malugod ko iyong narerespeto.
W-T. Malugod rin ang
pasasalamat ko kay Aling Gina sapagkat bigla niya kong
binigyan ng Mangga. Madilim na sa Sitio Recrap kaya
nagpasama na ko kay Annie. Dumeretso agad ako sa bahay ni Rachel upang
singilin si Regine (Cebrero) subalit wala ito. Ayaw ko pang umuwi
at nagpunta muna ako sa bahay ni Cristy. Pasyonable at
supistikadang manamit si Cristy na mariing kong pinuri.
Masayang kausap si Cristy kaya nagtagal ako. Bago pa man ako
umuwi, tiyempong nakita si Regine na kausap ang Ate
Rachel niya at ng paparating ako, biglang pumasok si Regine.
Tinataguan yata ako pagkat batid niyang sisingilin ko siya. Naisip kong huwag
ng singilin si Regine at sa kanya na iyon, basta't huwag na
siyang makautang sa akin. Badtrip na badtrip na
umuwi ako. Masakit din ang ulo ko nun kaya di na ko nagpaabot pa ng madaling
araw na dilat ang mata.
May 09, 2013
Thursday
Year I-129
W-U. Alas-tres pa
lamang ng madaling araw, ginulantang ang masarap kong tulog dahil sa matinding
sipon. Bumangon ako at hinanap ang mabisang gamot laban sa sipon subalit di ko
ito masumpungan. Lumanghap na lang ako ng Yee Tin at
suminga-singa. Naupo ako sa sopa ng pasinga-singa at binahing rin ng
sunod-sunod. Mga pasado Alas-kwatro ng humiga ako hanggang sa makatulog.
Alas-otso ng magising ako, medyo sinisipon pa rin subalit di na kasing sama ng
kagabi. Sipon pala ang nagpasakit sa ulo ko kagabi at di ko iyon sinabi kila
mama pagkat batid ng isip na sesermonan lamang ng katakot-takot. Nag-Water therapy ako.
Nang dumating si Papa galing duty, humingi ako sa kanya ng kwarta
pambili ng Neozep.
W-V. Nang makabili
ng Neozep, nilunok ko ang buong tableta nito at sinabayan din ng
tubig. Guminhawa naman pakiramdam ko matapos uminom ng gamot. Pagsapit ng
Alas-dyis, tumungo ako kila Lauren Jay. Nadatnan kong
naliligo pa lamang ito, bumalik muna ako ng bahay. Naligo muna ako at mga
Alas-onse ng tumungo muli sa kanila. Hinayaan ko munang kumain si Lauren
Jay upang di gutumin kapag pinagbabasa. Habang kumakain si Lauren
Jay, nakipagkwentuhan muna ako kay Aling Flor.
Maya-maya’ysini mulanko na angtutor kay Lauren Jay.
Nandun rin sila Allyson at Ezekiel kaya
nakisabay sila kay Lauren Jay. Grade 2 pa
lang si Ezekiel sa pasukan subalit aakalaing nasa Grade
6 na sa laki ng katawan. Naging masaya ang bahayni Aling Jojit pagkat
puro patawa si Ezekiel, pati ako'y napatawa. Umuwi ako ng kumakalam
na ang sikmura at napatsibog ako ng bonggang-bongga.
W-W. Nahinlaki ang
tiyan matapos kong kumain.
Kinahapunan ay biglang nanakit ang tiyan ko, dala sigurong naparami ang
kain. Napasugod tuloy ako sa banyo. Nagmistulan na kong banyo king pagkat
ilang ulit na kong pabalik-balik sa banyo. Anong nangyari sa akin at mukhang
nausog marahil ako. Kahit masama ang tiyan, nagawa ko pa rin mag-tutor kilaArianna at Cheche,
sayang kasi ang kikitain. Bago sumapit ang dilim, di na sumasakit ang tiyan ko.
Di ko malaman kung anong pumasok sa isip ni Mama at biglang tinanong kung anong
kurso ang balak kuhain ko. Lakas loob kong inamin kay Mama ang naiibigang kurso
at iyon ay Education.
W-X. Nang marinig ni
Mama at ate, tutol silang dalawa at sinabing mapapagod ka lang raw. Bukod pa
dun, di ko rawikakayaman ang pagiging Teacher pagkat maliit
ang sahod. Kahit ano pang sabihin nila tungkol diyan, wala silang magagawa
pagkat iyon na ang nais ko na dapat nilang irespeto at suportahan. Dapat pa nga
silang matuwa pagkat may kamag-anak silang makakatulong Sa kapwa mangmang. Para
sa akin, kung ano ang nasa puso ko, susundin ko, listen to your heart.
Sa halip na tumungo kina Regine (Miano), nanatili na
lamang ako sa bahay at baka sipunin muli. Himala pagkat ang tahimik sa lugar
namin at kumikinam din ang kalangitan sa dami ng bituin.
May 10, 2013
Friday
Year I-130
W-Y. Biyernes na,
tatlong araw na lang bago mag Eleksyon. Ang kapaligiran ng buong Taniman o
saanman panig ng lugar, kaliwa't kanang campaignpharaphernalia na ang
makikita na halos matadtad na. Sa telebisyon at radyo, kung magkakomersyal man
ay puro pag-eendorso sa bawat kandidato ang mapapanood o mapapakinggan.
Kaliwa’t kanan rin ang pangangampanya upang makuha ang simpatya ng taong bayan
na iboto sila. Hindi bale at babalik rin sa dati pagkatapos ng eleksyon.
Nakakainis pagkat malapit ng mag Alas-nuebe ng magising ako. Kukonti tuloy ang
magagawa ko. Matapos ng saglitang pagwawalis, binuksan ko na ang computer.
W-Z. Malapit na pala
ang Mother's day kaya nag-post ako sa Facebook ng Message para
sa lahat ng mga mother with picture. Dedicated ko
rin iyon para kay Mama na walang sawang minamahal ako kahit na nagawa niya na
kong saktan sa salita. Hindi bale na iyon at kalilimutan ko na. Sumunod ay si
Mama naman. Maya-maya’y sinipon
muli ako at iyon ang pumigil sa akin upang magtungo kina Lauren Jay.
Sa halip na maligo at sa takot na lumala ang sipon, nagpunas na lamang ako.
Hinayaan kong ipagpahinga ang sarili matapos mananghalian at ininom ang Neozep.
Kinalaunan ay gumaling naman ako. Matapos magmeryenda ay tumungo naman ako
kila Cheche. Katulad ng nakaraang araw ay ipinagsabay ko ang dalawa
sa aking tutor. Di sana papayagan si Arianna ng Mama
Kristal niya subalit sinabi ko sa kanya ang napag-usapan namin
ni Lola Norma at ipinaalala na masasayang ang isang araw ng
walang matutuhan si Arianna.
X-A. Biglang nagbago
ang isip ni Aling Kristal sa mga sinabi ko. sa
oras naiyon na malapit ng masayang, inumpisahan ko ng turuan ang dalawa.
Nakikinig naman ang dalawa at sumusunod kapag pinapabasa ko, yung nga lamang ay
sadyang madaldal si Arianna. Nasasayang lamang ang oras pag
tsinitsika niya ko, todo saway naman ako sa kanya. Di pa ko ganap na Teacher
subalit dama ko na ang tungkulin nito. Matapos ang tutor ko
sa dalawa, binayaran ako ni Ate Rowena. Tapos na nga
ang oras ko sa dalawa subalit patuloy ang sunod nito sa aking pag-uwi at
inaalam talaga ang aking bahay. Sa sobrang kulit ng dalawa, di ko na ipinaalam
kung saan ang bahay ko at walang hiyang pumasok sa bahay nila Kim upang
mapaniwala sila na doon akonakatira. Ng umalis ang dalawa, humingi na lamang
ako ng paumanhin sa tindera, lubos naman niya iyon nauunawaan.
X-B. Habang naglalakad
ako, sinundan pa rin ako ng dalawa. Pilit man pagsabihang umuwi na pagkat uulan
na subalit katitigas ng ulo. Naisipan kong magtungo kilaJaypee. Nang
maisipan nilang nakakalayo na, saka pa lamang ang mga ito umuwi. Sarado ang
bahay nila Jaypee ng datnan ko kaya umuwi na ko. Pagdaan sa
bahay nila Aldrian, may pag aatubiling tinanong ako. Magtatagal pa
sana ako sa kanila subalit papatak-patak na ang ulan. Dali-dali akong tumakbo
papauwi. Maliligo Sana ako sa ulan subalit baka sipunin nanaman ako. Maya-maya’y
nagliwanag ang kalangitan sa talim ng kidlat at kumulog ng malakas. Sa phobia ko
sa dalawang elemento, tumungo ako sa kusina at nagtago. Sunod-sunod ang
malalakas na kidlat at kulog habang bumubuhos ang ulan. Di na kami nakanood pa
ng telebisyon dahil kumikidlat.
X-C. Matagal rin ang
ulan na halos umabot ng dalawang oras. Tumila naman ang ulan pagsapit ng
Alas-siete. Wala noon si Mama pagkat dumalo ito sa Meeting de avance kay
Rannie Ludovica kaya si Papa ang nagluto. Maya-maya’y nagkainan na
kami. Alas-nuebe na ng gabi at habang nanonood ng Ina kapatid anak,
dumating si Mama na may dalang Lechon manok. Pinagpyestahan namin ang kanyang
pasalubong. Sobrang nabusog ako ng gabing iyon sa dami ng nalantakan. Sa takot
na baka mabangungot kapag natulog ng busog, hinintay ko munang matunawan ang
kinain. Maya-maya pa, natulog na ko.
May 11, 2013
Saturday
Year I-131
X-D. Nagising ako sa
lakas ng kulog, umiral muli ang takot kaya nagtaklob ako gamit ang unan.
Nasundan pa ng mga pagkulog subalit mahihina na lamang. Maya-maya’y bumuhos
muli ang ulan. Mga pasado Alas-dos na ko nakatulog. Di naging maaliwalas ang
umaga at nagbabadya pa nga ang pag-ulan. Ang kapit-bahay naming si Ate
Melon, sobra-sobra kung magpatugtug at halos mabingi na kami, di niya
inintindi sina Ate Aying na katabi lamang nila na nabibingi na
rin. Ang gugulo ng tugtog ni Ate Melon at sakit pa
sa teynga. Para di ko marinig ang nakakasakit na tugtog ay nagpatugtog rin ako.
Atlis sa akin kahit malakas, masarap naman pakinggan at banayad din,
nakakakilig pa kapag pinakinggan lalo ng “Pusong Bato” na
at “Buko”. Nanahimik naman ang bahay nila Ate Melon kinalaunan.
X-E. Kasabay nito ang
pagbuhos ng ulan subalit saglit lamang. Ayaw kong nakaupo lamang kaya
pinag-ukulan ko ng oras ang paghuhugas ng plato at pagwawalis. Ng masiguradong
malinis na ang sahig, ini-map ko ito. Matapos ang gawaing bahay ay
binuksan ko na ang Computer at nag-Facebook at Google.
Ilang minuto ang lumipas ay pumalit naman si Mama. Tiwala kay Mama na alam na
kung pano i-shut-down kaya hinayaan ko siya. Bago magtungo kina Lauren
Jay, naligo muna ako. pagkadating ay nadatnan ko si Aling Jojit na
abala sa paglalaba, di ko pa makita si Lauren Jay at
tinawag ko ito, lumabas naman ito mula sa kwarto at doon pa lamang kami
nakapag-umpisa. Pinag-Speling ko muna siya bago ipabasa ang textbook.
May ilang words na Correct subalit karamihan ay
puro mintis. Mahina pa nga si Lauren Jay sa spelling at
ibayong pagsasanay pa. Sa kalagitnaan ng aming pagbabasa, bigla itong
nag-inarte at sinabing nagugutom. Hinayaan ko muna siya kumain ng Bisquit.
X-F. Sa halip na isang oras,
sinabihan ako ni Aling Jojit na gawing dalawang
oras upang may mas matutunan pa ito. Bago umuwi ay pinagbaybay ko muli siya
ng numbers. May tama subalit karamihan ay mali. Umuwi akong
kumakalam ang sikmura kaya di ko maiwasang kumain ng marami. Matapos kumain,
naupo ako saglit at maya-maya'y natulog. Uminit nanaman kinahapunan kaya
Alas-dos pa lang ay gising na ko. Nadatnan kongnanonood si Papa ng Juan Dela cruz sa Iwantv.
Nakinuod rin ako at matapos ang programa ay saglit akong nag-internet.
Maya-maya’y tumungo na ko kila Che-che. Tulog si Arianna sabi
ng kanyang kapatid kaya si Che-che lang ang naturuan ko.
X-G. Ang mga batang
pakalat-kalat sa kanilang balay, pinaalis ko. Ng malamang gising na si Arianna,
saka ko pa lamang sila pinagsabay subalit matatapos na ang oras ko kay Che-che.
Nawawala ang Abakada Book ni Che-che kaya sa
bahay nila Arianna namin ginanap ang tutorial.
Tinuruan ko sila kung paano bumasa. Ng matapos kay Che-che, naiwan
si Arianna at pinagpatuloy ang pagbabasa. Kakikitaang malapit
ng matuto si Cheche sa pagbabasa subalit di pa makilala
ni Arianna ang bawat baybayin ng salita. Nang matapos
ang tutor ko sa dalawa at sa halip na umuwi na, nilambing
lambing ko pa ang anak ni Ate Len-len.
X-H. Ang
palambing-lambing ko sa sanggol niyang anak, nauwi sa tsikahan at katuwaan.
Kahit ganto ang kasarian, tanggap pa rin niya ko bilangkaibigan. Maya-maya’y
kina Regine (Miano) ako nagtungo, nadatnan kong todo alaga si Regine
sa kanyang uniko iho at pinapadede pa niya ito ng maayos. Pinaypayan ko ang
Baby Gian at kinausap usap. Sa puntong iyon, kahit may gatas pa
sa labi ay nararamdaman ko na kung paano maging magulang. Sunod na aking
pinuntuhan ay si Ate Bing. Nagbibihis silang dalawa ni Aira pagkat
magsisimba sila sa Saksi ni Jehova. Si Aira naman,
mukulit nanaman ng makita ako. Nilaro laro ko ang batang iyon at harot niya.
Nanatili ako sa kanila ng isang oras at ng mapansing dumidilim na, nagpaalam na
ko sa kanila. Gusto ko pa sanang lumabas subalit sa ganda kong ito, baka may
mangahas na mang-rape sa akin kaya nanatili na lamang ako sa loob.
Habang masarap na nanonood ng telebisyon, bigla na lamang kumidlat kaya agad
namin pinatay.
X-I. Nagpunta ako sa Basketball court,
nagbabakasakaling may Disco party subalit tahimik ng madatnan ko.
Narinig ko si Aling Laura habang may kausap sa
telepono na bawal ang kasiyahan at alak ngayon pagkat umiiral na ang Liquor Ban para
sa darating na Eleksyon sa Lunes, umuwi na lamang ako. Anumang oras ay
magkakaroon muli ng Thunderstorm kaya takot muli ang
naramdaman ko. Habang nagte-text, kumidlat muli at mas maliwanag pa
kaysa kanina. Nagtakip ako ng teynga at kasabay ng pagkulog na malabomba ang
lakas hanggang sa bumuhos na nga ang ulan. Ng tumila ang Thunderstorm,
saka paclamang napanatag ang aking pagtulog. Mother’s day na
bukas.
May 12, 2013
Sunday
(Mother’s Day)
Year I-132
X-J. Bisperas ng
Halalan at ngayong araw ang espesyal para sa lahat ng mga nanay sa buong
mundong walang sawang nakakaantabay sa kanilang anak at di matatawaran ang
kanilang pagmamahal. Pagkagising at ng makita si Mama, binati ko siya agad ng
happy Mother’s day. Natuwa siya ng binati ko at nagpasalamat, kahit
kaarawan niya, abala pa rin siya sa paglalaba. Matapos mag-almusal, naghugas
ako ng plato at nagwalis, gusto ko kasing bawasan ang gawain na nakaatang kay
Mama. Ng matapos ang gawaing bahay, binuksan ko muli ang Computer at
dahil Mother's day, si Mama ang pinauna kong gumamit. Habang
nagkukumpyuter kami, biglang dumating si Auntie Kaling at
nangungumbidang pumunta sa kanila pagkat may binyag raw. Nahihiya si Mama kaya
di ito pumayag at kahit kumbisihin ni Auntie, kagustuhan pa rin ni
Mama ang masusunod.
X-K. Kinumbida rin ako
subalit pag-iisipan ko pa kung makakadalo. Ng matapos si Mama, ako naman ang
gumamit. Umalis si Auntie Caling at bumalik na may
dalang salad na naka-bowl, ipinapalagay niya ito sa aming Refrigerator.
Maya-maya’y naligo ako pagkat may tutor pa kay Lauren Jay.
Pagdating sa kanila, nadatnan kong sarado ang bahay nila. Ayaw ko pang umuwi
kaya nagtungo muna ako sa bahay ng kamag-anak ko. Kina Tita Jean sana
ako pupunta subalit sinabing kanilang kapit-bahay na nasa Cagayan pa
sila. Dumeretso na lang ako kina Jaypee, nandun si Auntie Arlene kaya
siya ang nakakwentuhan ko. Inuudyok ko sila na dumalo sa handaan kila Auntie
Kaling upang may kasama ako at di nahihiya. Maski sila'y hiya ang
pinairal at di raw sila makakapunta. Tinanggap ko na lang kung ano ang desisyon
nila.
X-L. Habang nag-uusap
kami ni Auntie Arlene, biglang dumating si Uncle Boy,
naantala ang aming pag-uusap at di ko lubos maunawaan ang pinag-uusapan nila
pagkat Ilocano. Ng matapos ang kanilang pag-uusap, nagulat ako sa
tanong ni Uncle Boy kung sasama raw ba ako
patungong Cagayan. Tinanong ko si Uncle Boy kung
kailan ang tulak niya at sinabing nitong araw. Sa sobrang sabik ay di na ko
nag-dalawang isip pa na sumama subalit hihingin ko muna ang pahintulot ng aking
magulang. Tuwang-tuwa akong tumungo sa aming bahay at ipinag-paalam ko kay Mama
ang aming pag-alis. Napalitan ng panlulumo ang kaninang nakangiti ng tumanggi
si Mama, kay Papa ako nagpaalam at maski ito'y di pumayag. Wala raw silang
maibibigay na pamasahe sa akin at mahal daw ang papunta dun. Batid kong may
panggastos si Uncle Boy para sa akin subalit nahihiya naman
ako. Naghimutok ako sa kanila subalit wala akong magagawa kundi tanggapin na di
ako pinayagan.
X-M. Sayang ang
pagkakataong makita at makapiling ang kamag-anak ko dun sa Cagayan, nagtungo
muli ako kila Jaypee at ipinabatid kay Uncle Boy na
hindi ako sasama. Nagtungo ako kila Auntie Kaling at
sa kanila na ko kumain, matapos kumain sa kanila'y di na ko nagtagal. Pagkauwi
at sa antok, natulog ako. Alas-tres ng hapon na ako dumilat. Matapos
magmeryenda'y agad akong tumungo kila Cheche. Tulog Nanaman
si Arianna kaya si Cheche lang ang naturuan
ko. Matapos ang tutor kay Cheche, napansin kong
may binabalak sa kanya ang mga kapatid pati ang nanay, kunwaring may iuutos
para lumabas ito. Nang lumabas si Cheche, nakita kong babasagan
siya ng itlog pagkat kaarawan pala niya ngayon. Pilit itong nagpupumiglas
subalit itinuloy pa rin, sa halip na masaya, nalungkot kami pagkat nagmaktol
ang bata ng basagan ng itlog. Binati ko si Cheche at maya-maya'y
tumungo naman ako kina Lola Norma upang maningil.
X-N. Sinabi niyang
mamaya niya ako babayaran, kinunsidera ko ang aming pinag-usapan basta't
hanggang gabi lamang. Kinagabihan, walang magawa sa bahay kaya inumit ko ang
perang inipon at para maiba'y nagkumpyuter ako sa labas. Mabaho, maingay,
tiniis ko iyon.
Maya-maya’y dumating si Rhea. Sabay kaming umuwi at ng
makarating sa Taniman, kita ko sina Julius na malanding
pasayaw-sayaw at may isa ring Beki na baguhan lamang sa aking
paningin. Nagulat ako ng biglang tinawag ang pangalan ko, napagtanto kong
guni-guni lamang pero ng inulit, doon ako nagtanong kung sino siya. Si Jherome pala
iyon at bumigay na rin na dati nag-aalangan pa kung bakla ba siya ng magkaklase
pa kami. Sa halip na magkamustahan, may pagtataray na inukray ang katauhan ko.
Tinapatan ko ang kanyang sinabi sa wikang Beki at basag siya.
Humirit pa siya subalit di ko na pinatulan pa at mas piniling umuwi na lamang.
Mga alas-onse na ko natulog pagkat nanood pa ko ng Gandang Gabi Vice.
Bwisit na baklang iyan at naisipan pang bumalik samantalang nasa probinsya na
siya.
May 13, 2013
Monday
(Senatorial Election)
Year I-133
X-O. Sino-sino kaya sa
mga kandidatong tumatakbo sa iba't ibang posisyon ang papalarin sa kamay ng
taong bayan upang mahalal at sino ang mabibigo? Eleksyon na ngayon, sana walang
karahasang maganap at maging perpekto ang pagdaraos nito. Pagkagising ay balita
agad ang sumalubong sa akin ukol sa halalan. Pagkamumug ay sumali ako sa
panonood nila ng balita upang malaman kung ano-ano ang kaganapan sa buongbansa.
Di pa man nagsisimula ang botohan, may mga ilang patayan na ang naganap dahil
sa Ambush, marahil ay puro may kinalaman ito sa politika.
Alas-siete ng opisiyal na magsimula ang botohan. Makalipas ang isang oras, samu't
sari ng problema ang nagsulputan dahil sa pagpalya ng ilang PCOS
Machine. Ang mga balotang ipinapasok,
isusuka at may ilang PCOS Machine ang di gumagana.
X-P. Nagpatuloy kami sa
panonood ng balita at kita na sa telebisyon ang dagsa ng milyong-milyong
botante sa iba't ibang presinto. May mga ilang artista rin ako nakitang
bumoboto din tulad nila Susan Roces. Mga Alas-nuebe ng pinatay
namin ang telebisyon. Naghugas muna ako ng plato at matapos ay ginampanan ang
gawaing bahay. Gusto kong maging shiny ang sahig kaya bumili
ako ng Floorwax. Nang makabili'y ikinalat ko sa sahig ang Wax nito
at pinunasan upang kumintab ang numingning ang sahig. Makintab na sana ang
kalalabasan subalit walang bunot kaya di ako nakapaglampaso. Matapos magpakapagod
sa pagpapakintab ng sahig, ang mga kagamitan at eskaparate sa bahay naman ang
pinunanasan ko. Di pa man sumasapit ang tanghali, nadagdagan pa ang mga reklamo
at problema ukol sa PCOS Machine.
X-Q. Buti na lamang at
naging makulimlim ang halalan at di maiinitan ang mga botante sa pagpila.
Maya-maya’y dumilim ang kapaligiran hanggang sa bumuhos ang malakas naculan.
Nagkakainan na kami nun ng umulan. Pagkatapos kumain, binuksan muli ang
telebisyon at kitang-kitang nagkakagulo na sa eskwelehan dahil ayaw silang
papasukan ng pulis. Ang Baguio at Compostella Valley,
nagdeklara na ng Election Failure dahil maling balota ang
naibigay sa kanila. Mukhang palpak ang pagdaraos ng automated election at
mauuwi sa manualang bilangan mamaya.
Nanood kami ng telebisyon ng biglang kumidlat at sa takot masira,
pinatay namin ito. Umaraw ng bahagya subalit sumama nanaman ang panahon.
Natulog kaming lahat pagkat wala namang gagawin. Alas-dos ng magising ako,
nadatnan kong nagbibihis na si Mama at Ate pagkat boboto na sila. Sunod na
umalis si Papa at bago pa man ay binilinan niyakong bantayan ang kuya at huwag
pababayaan.
X-R. Mukhang may tiwala
sa akin si Papa kaya iniwanan na kaming dalaw. Kami na lang dalawa ang nasa
bahay at dahil nababato ako, naisipan kong magkumpyuter. Ng makaramdam ng
gutom, pinatay ko ang Computer at nagpainit ng tubig. Makalat sa
kusina dahil sa kagagawan ng amin aso at inimis ko ito. Ng kumukulo na ang
tubig sa takure, isinalok sa Thermos. Ang natirang tubig ay
ibinuhos ko sa naka handang Instant noodles. Abala ako
sa paglalagay ng seasoning ng biglang dumating si Mama,
tinanong ko siya kung kamusta ang kanyang pagboto at sino-sino angkanyang
binoto. Nagkwento naman siya subalit matipid. Malambot na ang Noodles kaya
kinain na namin ni Kuya Al. sunod na dumating si Papa
subalit wala pa si Ate, nag-usap sila kung sino ang kanilang binoto.
X-S. Malapit ng dumilim
ng dumating si Ate. Nang buksan ni Papa ang telebisyon, samu't saring kaguluhan
at problema ang nangyari nitong halalan. May nagbalyahan at patayan pa nga,
Alas-siete ng gabi ng matapos ang botohan. Sumunod ay canvassing subalit
di muna agad isinapubliko ang resulta ng botohan. Mga Alas-nuebe na ng malaman
namin kung sino ang lamang at kulelat. Nangunguna sa bilangan para sa
pagkasenador si Grace Poe at sumunod naman sa
kanya sila Loren Legarda at Chiz Escudero,
dikit ang bilang ng boto at malaki ang tiyansang mabago pa. Kapansin-pansing
puro nanalo ng 2007 sa Senatorial Election ang
nakapasok sa Magic 12 subalit may baguhan rin naman. Sa
kakanood ng balita na buong araw ginawa, Alas-onse na ko natulog at kay tahimik
ng gabi na nawa'y parating gayun.
May 14, 2013
Tuesday
Year I-134
X-T. Pagkagising ay
kaagad kong binuksan ang telebisyon upang malaman kung may nagbago ba sa ranking sa Senatorial
race at nangunguna pa rin sa bilangan ang anak ni Fernando Poe na
si Grace Poe at malaki na ang lamang niya sa mga
sumunod pang kandidato. Kakatapos lang ng eleksyon kaya ngayon pa lang nag
uulputan ang iba't ibang balitang naganap kahapon. Mga Alas-otso ng pinatay ko
ang telebisyon at sunod na inatupag ang gawaing bahay. Matapos ang gawaing
bahay ay nag-online muli ako. Di naging mainit ang lagay ng panahon
at madalas pa ang pag-ulan, marahil ay simula na ngRainy Season.
Maya-maya sa radyo, Ibinalita na ang tungkol sa pagproklama sa mga nanalong
kandidato sa iba't ibang lugar na tumakbo. Kukonti pa lamang ang naiproklama
pagkat di pa lubos natatapos ang bilangan subalit inaasahang madadagdagan pa.
Maaga akong nananghalian pagkat may tutor pa ko kay Lauren Jay.
X-U Mga Alas-onse ng
magtungo ako kina Lauren Jay, ang inakalang makulimlim sa maghapon
ay nagkakamali pagkat sumilip pa ang bukangliwayway, mainit nanaman muli.
Hinintay ko munang matapos kumain si Lauren Jay at ilang
saglit pa ay nag-umpisa na kami. Aalis sila Aling Jojit kaya
binilinan niya si Lauren Jay na siya ang magbayad sa
akin. Tumatawa lamang at nanloloko si Lauren Jay habang
pinapabasa ko, sinaway ko pero parang wagas ng tumawa. Si Aling Flor naman,
kapansin-pansing mag-isang nagsasalita at di maintindihan ang turan. Araw-araw
ko iyon napapansin sa kanya at may pagkasinto talaga siya, sinabi sa akin
ni Lauren Jay na na-depress raw ito
dahil iniwan ng asawa. Sa halip na pagtawanan, naaw aako sa kalagayan ni Aling
Flor.
X-V. Nagpatuloy kami
ni Lauren Jay sa pagbabasa at makalipas ang isang
oras ay umuwi na ko. Naidlip pagdating at mga Alas-tres na ko nagising.
Tinatamad akong magturo kila Cheche at di ako nagtungo dun.
Nakita ko si Mama na may pupuntahan at sinundan ko nga. Ibinigay niya pala
kay Ate Cheche ang bill ng
kuryente at habang nag-uusap sila, tiyempo ko silang binulaga. Tinanong ako ni
Mama at maya-maya ang alis nito. Nandun ang Angelie na Junakis ni Ate
Cheche at palambing na kinakusap. Sumasagot ang bata pero Bulol pa.
Ilang saglit ay pumatak muli ang ulan, sa kadahilanang di pa naliligo ay
nagpabasa na ko sa ulan.
X-W. Malakas ang
resistensya ni Angelie kaya pinayagan itong maligo sa ulan,
kasama rin namin si Olah sa pagliliwaliw. Ang kulit ng batang
iyon at masaya kaming naglalaro. Nang papasukin na si Angelie ng
nanay, umalis na ko sa kanila at nagbanlaw na si Olah.
Kinalaunan at ng humina ang ulan ay
saka pa lamang pumasok sa aming bakuran. Magbabanlaw na sana ako ng tawagin
ni Rona, parang basang sisiw siya at nangangatog na, nagawa pa rin
namin magkwentuhan. Habang masarap ang aming usapan, biglang nasigawan ako ni
Mama pagkat di pa raw ako nagbabanlaw. Pinutol ko na ang aming pag-uusap at
dumeretso sa banyo. Presko sa pakiramdam ng makapagbanlaw at makalipas ang
isang oras, kami'y naghapunan na at sinumpong nanaman ng hyper-activity si
Kuya. Sa huling resulta ng bilangan ay di pa rin nagbabago ang ranking.
X-X. Nang hustong
kumagat na ang dilim, nagtungo ako kina Regine (Miano).
Nadatnan kong abala sila sa paghiwa ng bawat sangkap at sinabing may magaganap
na binyag bukas.
Dahil malapit kami sa isa't isa ay inimbitahan ako ni Shiela,
nanay ng batang bibinyagan bukas. Pumayag ako sa kanilang alok, sa kagustuhan
makatulong sa kanila, tinuruan ako ni Shiela kung pano maghiwa
ng Carrots, stream beans at sayote at madali ko naman
iyon natutunan. Nagpatuloy ako sa paghihiwa hanggang sa matapos. Ng matapos
mahiwa ang lahat ng sangkap, nagtungo naman ako kay Ate Bing,
nandun si Annie at Kaka kaya naging maingay
kami. Nang maubusan ng lakas ay nanahimik sila at nagkwentuhan kami ni Ate Bing.
Ng mapansing umaambon na, naisipan ko ng umuwi na. Pagdating sa bahay ay
binuksan ko ang telebisyon subalit panandalian lamang pagkat kumikidlat muli.
Walang maisipang matinong gawin at ayaw ko pang matulog kaya pag-composeng
kanta ang aking inatupag. Naging maulan ang buong magdamag kaya naging malamig
at masarap ang aming tulog.
May 15, 2013
Wednesday
Year I-135
X-Y. Medyo di
kagandahan ang umaga ko pagkat umatake nanaman ang sipon ko. Alas-siete na ko
bumangon at pinagsabay ang almusal. Matapos uminom ng mainit na kape, naupo ako
sandali upang magpagaling at ng makaramdam ng konting ginhawa, sinimulan ko na
ang gawaing bahay. Nagwalis ako at nag-floorwax ng sahig, dahil
walang bunot na mailampaso ay ginastos ko ang naipong pera pambili ng bunot.
Sa Lovely Joy store ako sana bibili subalit out
of sell, napilitan akong lumayo pa. Ng makarating sa taas ay saktong
nakasalubong sila Kaka na papauwi na rin at sinamahan ako. Ng
makabili ng bunot, ang natirang sukli ay ibinigay ko sa kanila at binilinang
maghati. Sabay na kaming umuwi at bago pa man tumuloy sa Taniman ay
bumili muna ako ng gamot para sa sipon. Si Kaka ay todo yaya
sa akin na magtungo kila Shiela dahil binyag, pupunta naman ako
kahit di niya yayain.
X-Z. Pagdating sa bahay
ay inumpisahan ko ng maglampaso ng sahig. Bago pa man sumipot sa binyag, naligo
muna ako at nagpabango kasunod ay nagbihis. Di man ako ninong sa binyag kaya simple
lang ang kasuotan ko. Pagdating sa kanila ay nadatnan kong wala pa sila Shiela,
ipinabatid sa akin ni Aling Gina na nasa simbahan pa raw sila.
Hinintay ko sila. Habang naroroon sa kanila ay inaya ako ni Aling Gina na
makikanta sa Videooke subalit hiya ang pumigil sa akin pagkat
duda ako sa aking tinig. Si Annie naman, todo pangungulit sa
akin na kumanta na subalit nahihiya talaga ako. Inirekomenda sa akin
ni Annie ang kantang aking kakantahin at di ko na siya
napigilan ng i-post sa videooke ang number code ng
kanta. Sa puntong iyon ay kinakabahan na ko pagkat first time ko
lang bibirit sa videooke.
Y-A. Nang malapit ng
ma-play ang number code ng kanta, lalo pang
lumakas ang kaba sa dibdib, si Annie naman ay todo kantiyaw sa
akin at masaya kaming nagkulitan hanggang sa ma-play ang na-insert na number. Hiyawan sila Kuya Eric ng
kumanta ako at para di piyok na parang basag ay nagboses babae na lamang ako,
iyon kasi komportable sa akin at nakakanta ako ng maayos. Parang malaking tinik
ang nabunot sa akin ng makakanta at tumingin pa ko sa songbook. Nang
makapili ng kakantahin ay ini-insert ko ito. Maya-maya ay napakanta
nanaman ako at habang kumakanta, ang pagdating naman nina Berna at Shiela galing
simbahan. Inaya na kami ni Aling Gina pagkat magkakainan na at bago
kami kumain ay nagkuhaan muna ng litrato. Talagang picture trip lamang
kami upang ma-i-upload sa Facebook at walang
hiyang nag-waki o pumowsing. Ilang saglit ay salo-salo na ang lahat ng bisita
sa handaan.
Y-B. Todo ingat ako sa
bawat kinikilos at baka makabasag. Nabusog ako ng husto sa dami ng handang
kinain at pagkatapos niyan ay nagkuhaan muli ng litrato. Buti pa sila Aling Gina kahit
dukha lamang sila ay masaya ang kanilang pamumuhay, mas masaya pa sa amin.
Nandon rin sila Ate Ajhing at iba pang kamag anak. Maya-maya’y bumalik
ako sa videoke, si Berna naman kahit maitim ay
murunong pa rin manamit at parang gintong kumikinam sa ganda ng boses. Tamang
tingin lang ako sa songbook. Mukhang nasarapan na ko sa pagkanta at
Nakadalawa pa ko bago umuwi. Alas-dos na pala ng makarating sa bahay at
nadatnang tulog silang lahat. Natulog muna ako at Alas-kwatro ng magising,
upang di masermunan ng walang humpay ay naghugas muna ako ng plato bago umalis.
Y-C. Nang matapos ang
hugasin ay nagtungo muli ako sa binyagan. dami ng bisitang nag-uumpukan
sa videoke at may inuman na rin, dahil malapit ako sa videooke at
di makapunta ang nasa dulo sa sakit ng daanan ay ako na mismo ang taga-post ng number code ng
kantang kanilang napili, ini-insert ko rin ang number natinandaan
ko. Malapit na kong kumanta subalit nautusan si Annie at
nagpapasama sa akin. Nang makabili ng ipinapabili ni Aling Gina ay
dali-dali kami ng naglakad.
Pagkabalik ay di ko na nakanta pa ang aking ini-insert pagkat
ini-stop nila ng wala ako.
Y-D. Kinagabihan, ang
mga nag-inuman talaga ay lasing na at kung ano-ano ng sinasabi, may lasing na
gustong tabihan ko siya pero di ako tumabi at baka anu pang gawin sa akin.
Si Kuya Putot naman ayun at nagiging bayolente na
at kung ano-ano na rin sinasabi, umalis na ko. Uuwi na sana ako ng makitang
nagkukuhaan ng litrato sila Berna, itong Berna porket
hawak ang camera ay kung sino sino ang pinipityuran. Nag-picture taking kami
kung saan saan. Maya-maya ng makarami ng litrato ay kinailangan ko ng umuwi. Haggard
ako ng labis at busog na busog sa kinaing handaan sa kanila.
May 16, 2013
Thursday
Year I-136
Y-E. Tinanghali ulit ng
gising at pagkabangon ay nakabukas ang Computer na may litrato
ng isang Desert. Si Mama at Ate na dati walang kibuan ay mukhang
nakaligtaan na at abala silang nag-uusap tungkol sa gagawing desert.
Mas inuna ko munang mag-almusal kaysa itutok ang mata sa Computer.
Nang makapag-almusal ay naupo ako sa sopa at hinihintay na magsawa ang ate sa Internet.
Nang ipaubaya ay ako naman ang siyang sabik. Maingay ang tugtog ng kapit-bahay
at upang di marindi ay nag-soundtrip ako sa pamamagitan ng Speaker subalit
panay ang paninita sa akin ni Ate. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos na
nagpapatugtog ako, lagi siyang pakilamera at di ko ma-enjoy ang
tugtog.
Y-F. Mabuti pa kung wala
siya at walang mangingialam sa akin, isa pa'y wala akong ginagawang masama.
Mahina na nga ang tugtog ko subalit pilit pang pinahihinaan na parang
nambubwisit na. Di ko na nga marinig ang aking tugtog sa lakas ng tugtog ng
kapitbahay pagkat mahina, sa puntong iyon ay di ko napigilan ang emosyon at
nagalit na sa kanya. Pag siya naman magpatugtog ay hinahayaan ko lamang pero
kapag ako ang lakas ng loob mangialam. Muli ay nagsagutan kami at mukhang
pinapalabas na ako pa ang masama. Di pa nakuntento ang bruha at nagparinig pa
sa kapitbahay kung gaano raw ako kabastos, mas bastos siya kaysa inaakala sa
akin at pati pagiging layas ko ay idinawit niya! Sinabihan pa ngang lumalandi
raw ako kaya madalas ay nasa layasan, bagay na ikinapuyos ng aking damdamin.
Makapagsalita’y kala siyang banal, mas daig pa si Lucifer kung
umasta.
Y-G. Para di lumaki ang
gulo ay nanahimik na lamang ako. Simula ng nag-away kami nitong huling buwan,
nag-iba na ang tingin ko sa kanya at di na ko komportable kapag kasama siya.
Nagagalit ako pagkat ang hilig niyang mangialam at manghusga. Para makahinga sa
sama ng loob, naisipan kong lumabas at nag-tutor kay Lauren Jay.
Sa puntong iyon habang nandon ako kila Lauren Jay parang
gumagaan ang loob ko pero nandoon nakatira ang kasamaan ng loob at di naman
maaring paalisin. Pagkatapos ng tutor ay saka pa lamang ako
nananghalian, sa lalim ng iniisip tungkol sa alitan naming dalawa, di ako
ganadong kumain. Mabait akong tao pero huwag abusado pagkat masama ako magalit.
Y-H. Kinahapunan ay
nagtungo ako kina Regine (Miano), ibabahagi ko sana sa kanila ang
hinanakit sa kapatid subalit nanghina ang loob ko at ibang Topic ang
pinag-usapan namin. Para mabawasan ang bigat ng loob ay nilambing lambing ko
ang kanilang anak. Maya-maya ay kila Angelica ako nagtungo, di
ko na napigilan pa ang sarili at heto na nga at bumigay na ko, nasabi ko
na kina Angelica ang tungkol sa sama ng loob kay Ate at maging
tungkol sa sinabi niya. Maski sila di makapaniwala na ganon pala ang ugali ng
kapatid ko pagkat mabait raw ito, kung sa bagay wala akong balak na siraan siya
pagkat totoo iyon at pinaalalahanan na huwag ng ikalat. Si Aling Leleng na
nanay ni Angelica, pinayuhan ako at salamat sa kanya pagkat pinagaan
niya ang loob ko. Kahit hikahos sila sa buhay ay nagagawa pa rin nilang tumawa.
Nabawasan man ang sama ng loob subalit andiyan pa rin at tulala akong naupo.
Y-I. Iniisip ko na
kapag dik o kinayang makisama sa kanya, naku at lalayas ako subalit ayaw kong
padalos dalos pagkat masisira ang kinabukasan. Naglalaro ang isip ko
at di malaman ang hakbang na gagawin ko. Marahil ay lilipas rin iyan. Ngayong
gabi rin ang proklamasyon ng anim na nanalong senador na sila Grace Poe, Loren Legarda, Allan Peter Cayetano, Chiz Escudero, Nancy
Binay at Sonny Angara. Si Sonny Angara,
ang lakas raw ng sex appeal sabi ni Miriam at
totoo naman, maski ako'y bighani sa kanya at isa pa'y maganda ang pagmumukha
niya at matangos ang ilong. Super I like him na as our
Philippine Senator. Nang Alas-dyis na ay biglang bumuhos
muli ang napakalas na ulan na sinabahan pa ng ihip ng hangin. Makakatulog sana
kaming masarap subalit on duty ang mga mata namin
sa takot na mabahaan. Dalawang oras lumipas ng tumigil ang ulan.
May 17, 2013
Friday
Year I-137
Y-J. Hindi ko maunawaan
na sa kabila ng pagiging mabuting anak o kapatid sa kanila'y parang ibang tao
ang tingin sa akin. Masama at parang kriminal, aywan at nagalit lamang ate ko
kaya nasabi ang ganung salawikain. Kahit malakas ang kutob na bugso lamang ng
damdamin ay ayaw ko pa rin ikonsidera iyon at nakulo ng husto ang dugo kapag
nakita siya. Ayaw ko rin lumaki pa ang gulo at minabuting manahimik na lamang.
Tinanghali muli ng gising at pagkadungaw sa bintana ay kitang kitang abala ang
mga Metro Aid sa pagtanggal ng mga Campaign Poster at slip na
bakas ng nagdaang Eleksyon. Tapos na ang paghahanda sa Eleksyon at malapit
nanaman pala ang pasukan.
Matapos mag-almusal ay nagwalis ako at nagpunas. Tiningnan ko ang laman
ng aking pitaka at marami na nga akong kwartang naipon, naisip kong na
magtungo sa Ever mamayang hapon upang ipangbili ng fast Charger ng
Cellphone. Goodbye na sa de-tanggal na bateryang Universal Charger.
Y-K. Magtutungo sana
ako kina Lauren Jay subalit bumalik nanaman ang
init at iyon ang nagpatamad sa akin. Matapos mananghalian ay kaagad akong
natulog pagkat may pupuntahan pa mamaya. Nagising ako sa lakas ng dagundong ng
kulog at maitim na ang kalangitan. Kahit mukhang uulan ay tuloy pa rin ang
balak kong mag-Ever at upang di maabutan ay may pagmamadali na ako
sa pagkilos. Nagtanong si Mama kung saan ang punta ko at di ako nagsabi ng
totoo, sa takot na baka di payagan.
Nang makapagbihis ay nagmamadali na ko at sobrang natataranta na pagkat
natatakot maabutan ng ulan. Salamat sa maykapal at agad nakaalis ang Tricycle.
Nang makarating sa Sandigan, ang inakalang uulan ay tila nagbago
ang panahon pagkat umaliwalas muli.
Y-L. Panatag akong
naglakad mula Sandigan hanggang Ever Gotesco Mall. Ng makarating
sa Ever at kahit kinakabahan sa akin ginagawa'y lakas loob pa
rin pumasok. Sa dami ng tao ay dahan-dahan akong tumuloy at di inintinding walang
kasama. Nang makarating kung saan bilihan ng Charger ay
nagtanong ako. Buti na lamang at may Charger na kasya sa unit ng cellphone ko,
duda akong baka hindi gumagana kaya pina-testing ko at ng gumana'y
binili ko na sa halagang dalawang daan. Sunod ay nagpunta ako sa Toms World,
di sapat ang perang dala-dala kaya nagtingin tingin lang ako. Ilang minuto lang
ako sa Toms world at kahit di makapaglaro'y Enjoy pa
rin ako.
Y-M. Naglibot-libot
sa Ever at ng mapagod ay saglit na naupo. Naiingit ako sa
ibang taong may kasama pagkat may kausap sila at upang di lamunin ng
pagkabato'y nagtingin tingin ako ng pocket book sa Expression.
Gustuhin man bilhin dahil magaganda ang kwento subalit di kaya ng bulsa. Bukod
sa mga Pocket book ay marami pa kong makikita tulad
ng mga Chart at mapa. Sa hilig magbasa ng mapa'y
nagtingin-tingin ako at pumili. Tumagal rin ng isang oras ang pagpili ko ng
mapa at ng makapili ay tumungo na ko sa Cashier. By region
of country ang nabili ko kaya maraming mapa ang nabitbit ko.
Y-N. Gumala pa ko sa Ever at
ng mapansing dumidilim na ay kinailangan ko ng umuwi. Sa halip na maglakad ay
namasahe na lamang ako para iwas-pagod. Pagdating sa bahay ay agad ko ng
ginamit ang Charger at gumagana naman ito. Ang mga mapang
pinamili, binasa kong husto at pinag-aralan. Di ko na nga namalayang hapunan na
sa kakabasa. Nahiga ako saglit katabi si Mama at nagkwentuhan kami, na-appreciate ko
na kahit napapagalitan ay mahal niya pa rin ako ng masahiin ako. Ngayong gabi
na rin iproproklama ang tatlong nanalong senator. Matapos manood ng telebisyon,
pagbabasa ng mapa muli ang inatupag ko. .
May 18, 2013
Saturday
Year I-138
Y-O. Dahil sa malakas
na pag-ulan kagabi ay hindi naging maaliwalas ang panahon ng umaga at
nagbabadya pa nga ang pag-ulan. Magaan sa pakiramdam ang gising ko na wari'y
nalampasan na ang lahat ng problemang napagdaanan, ang sugat na nilikha sa pag-aaway
namin ni ate ay tila naghilom na rin at parang wala ng peklat na naiwan. Dakong
Alas-otso na ko bumangon at agad na nag-almusal. Matapos ang agahan ay gatambak
muli ang hugasin sa lababo at iyona ng pinag-ukulan ko ng oras. Maya-maya’y
pagwawalis at pagpupunas ng sahig ang sunod kong inatupag, samantalang si Ate
pagkatapos linisan ang sariling kwarto ay binuksan ang computer at
kami'y nanood ng Missing You.
Y-P. Kakatapos lamang
ng gawaing bahay kaya nakinuod ako. Mga dakong Alas-dyis ng tumulak ang
sariling paa patungo kila Lauren Jay. Saktong nandoon
si Rona at sinabing kamag-anak niya sila Lauren Jay,
binati ko siya at kinamusta. Si Lauren Jay, malungkot na nagbabasa
at pilit man pinapaupo kung nasaan ako subalit nag-iinarte pa rin. Sinabi sa akin
ni Aling Jojit na pinalo niya si Lauren Jay pagkat
tamad itong magbasa. Naisip ko ang pakiramdam ni Lauren Jay ang
ginawa sa kanya ng nanay at baka di makapag-concentrate sa
pagbabasa kaya sinabi kong sa Lunes na lamang. Pauwi na sana ako ng biglangtawagin
ako ng matandang babae pagkat may sasabihin sa akin. Curiosako sa
matandang iyon kaya inalamko ang Personal Background niya.
Nagpakilalang siya si Aling Ruby at dahil sa
mahaba niyang salaysay ay napasarap ang aming usapan.
Y-Q. Nang umalis siya
kasama ang apo, ang anak naman niya ang nakausap ko at nagpakilalang Mang Robin,
matagal na niya raw kakilala ang Mama ko pagkat magkakabayan sila. Gusto ko pa
sanang kilalanin ang tunay nitong pagkatao subalit kinailangan ko ng umuwi.
Nananghalian muna at matapos ay natulog. Nagising ako dahil sa kulog. Ang
akalang uulan na, nagkakamali pagkat sumilip muli ang araw. Ang init tuloy sa
paligid at dahil walang magawa ay nagkumpyuter muli ako. Habang nagkukumpyuter
ang biglang pagpasok ni Ate Aying at nakipagtsikahan kay Mama.
Y-R. Maya-maya’y si
Mama naman ang gumamit at pinatingin niya kay Ate Aying ang
kanyang mga photos. Nang maayos ni Papa ang Antenna ay
pinatay na namin ang Computer at binuksan naman ang telebisyon
upang matingnan kung may nagbago ba sa Reception nito. Nang sa una'y
malabo ang program subalit ng maikot ang Antenna ay
doon pa lang luminaw. Kabato sa loob ng bahay kaya naisipan kong lumabas,
tutungo sana ako kina Regine subalit di natuloy ng ako'y
tawagin ni Ate Angelyn. Nag-usap kami ni Ate Angelyn at
nagpapasuyong i-upload ang kanilang photo sa Facebook.
Wala naman akong maisip na masamang mangyayari kaya pumayag ako. Tuwang-tuwa
siya ng pagbigyan ko. Habang nag-uusap kami, biglang tinawag ako ng Ate. Kahit
may sama pa ng loob ay nagawa ko pa rin sundin ang kanyang ipinag-uutos,
mahirap na at baka sumiklab muli ang gulo at saka di siya papaawat. Ng
makapagpa-load para kay ate, nanatili muna ako kila Ate Sheryl at
kami'y nagtsikahan. Dahil maraming kostumer ang bumibili sa kanya, paputol-putol
ang aming pag-uusap.
Y-S. Pagkauwi sa bahay,
nanibago ako sa sala pagkat ang dating sopa na inuupuan, napalitan ng kahoy ng
upuan at mas komportable pa. Dahil bagong bili, amoy na amoy ko ang
humahalimuyak na varnish. Nadatnan kong naghahapunan sila kaya
nakisabay na rin. Nagpalipas ng ilang sandali na matunawan at maya-maya'y ako'y
lumabas. Piyesta bukas sa Taniman kaya naman may Coronation Night doon
sa covered court. Sila Precious Jane, naka-gown at
sinabing kasali ang pinsan niya sa Coronation. Di panagsisimula ang
gabi ng kokoronahan at naisipang bumalik ng bahay. Habang naglalakad ay nagkita
kami ni kumareng Rona kasama rin si Babylyn.
Porket ako'y matangkad ay todo pang-ookray ang ginawa sa 'kin subalit iyon ay
katuwaan lamang para sa akin. Ilang sandali pa'y nagtungo kami ni Rona kila Regine
(MIano), kahit madilim na'y di kami patinag.
Y-T. Pagdating sa kanila ay si Kuya Putot ang
nadatnan namin. Kahit di magkakitaan sa isa't isa'y nagkwentuhan pa rin kama.
Magkasintahan ang dalawa at hinayaan ko muna ang moments nila.
Puro pangangantiyaw lang ang ginawa ko pero di sila napipikon. Pumasok ako sa
bahay at nadatnang tulog na ang lahat ng kanyang mga kapatid maliban sa kanya
na gising pa at binabantayan ang anak. Ng marinig na pumapatak ang ulan,
kinailangan ko ng umuwi. Habang mag-isang naglalakad, nakasalubong ko
sila Ate Bing, sinamahan ko sila hanggang bahay. Tumila
ang ulan kaya nakapunta pa ko sa Basketball court. Tapos na ang coronation night at
nadatnang puro mga Performers na sumasayaw ang nandun. Saglit akong
nanood at maya-maya'y umuwi na. Alas-dyis na pala ng makita ko sa orasan at
natulog.
May 19, 2013
Sunday
Year I-139
Y-U. Piyesta ng San
Isidro de Labrador na ngayong inaganap sa halip noong isang araw pa
dahil sa halalan. Dahil piyesta ngayon, ingay ng tugtog ng aming kapitbahay ang
nagpagising sa akin. Maaraw na subalit matamlay ang pakiramdam ko. Ang mga
kasali kagabi sa Coronation Night, abala na sa paglalagay ng
desenyo sa kanya-kanyang Parade float. Nakiusyoso ako
at ang gagandang tingnan ang mga kalahok ng Taniman. Hapon sana
gaganapin ang bonggang Santacruzan subalit ginawa itong maaga
sa takot na di matuloy dahil sa ulan. Ilang saglit pa'y nagsimula na ang Santacruzan.
Sa halip na sumama sa Parade, binalak ko na lang maglaba. Hinayaan
ko munang matapos si Mama sa paglalaba at ng makapagsampay, sinimulan ko ng
maglaba. Kahit
piyesta, Busy day pa rin ako sa gawaing bahay at
sa hirap ng buhay, di namin nagawa pang maghanda.
Y-V. Makalipas ang
halos tatlong oras na paglalaba, sa wakas at natapos rin kaso ubos na ang aking
lakas. Sa pagod, nakaramdam ako ng matinding gutom. Buti na lamang at nakaluto
na si Mama kaya todo banat ako sa pagkain. Dinig ko ang nakakabinging tugtog ng
kapitbahay kaya nag-soundtrip ako. Makalipas ang ilang minuto,
bigla akong nakaramdam ng pananakit ng tiyan at dali-daling sumugod sa
banyo. Maya-maya’y pinatay
ko ang Computer at natulog. Bahagyang tumindiang init
kinahapunan kaya naisipan kong magsorbetes ng sa ganon mabawasan anginit at
naligo. Dahil walang magawa kaya binuksan ko muli ang computer at
malaya akong gawin angnaisin pagkat nagteteyk ng Board Exam ang
ate, makapasakanya kaya sa pagiging CPA. Habang abala sa
pakikipag-chat, saktong dumating si Mama galing Grocery at
may dalang pasalubong. Iyon ang meryenda namin ng kuya at talagang naumay ako
sa Jumbo Hamburger.
Y-W. Medyo bwinebwenas
nga naman sa pagkain pagkat pagdating naman ng Ate galing sa Board exam, Pizza naman
ang pasalubong niya at pinagpyestahan namin iyon. Kahit di naghanda si Mama
para sa piyesta, nabusog pa rin ako dahil sa Pizza at hamburger. Kinagabihan, sa mga
nagdaang piyesta ng Taniman na puro Santacruzan at coronation lang
ang ginaganap para sa mga babae, ngayon first time na
magkakaroon ng Miss gay. Pagkakataon na ng mga bakla ibandera sa
naghihiwayang madlang people ang natatanging ganda nila. Curious ako
kung sino-sino ang mga kandidata kaya pagkatapos maghapunan ay lumabas ako.
Saktong tutungo rin dun si Poypoy at nakisabay ako sa kanya.
Di pa naman nagsisimula ang gabi ng patimpalak para sa naggagandahang binabae
kaya naisipan namin magtungo sa taas, nagbabakasakaling nag-remit na
sila Regine (Cebrero) at Rachel.
Y-X. Pagdating sa Remittance
Center, di namin nadatnan ang magkapatid kaya umuwi na lang kami. Kaagad
kaming nagtungo sa BasketballCourt upang subaybayan ang Miss Gay Pageant. Kalat kalat na ang
mga baklang nakikita ko subalit di sila kasali at mga audience lang
pala. Nang makita si Regine at iba pa niyang kasama, nakigrupo kami
sa kanila. Dahil parehas kaming bulaklak, todo udyok sa amin si Regine at Berna na
dapat ay sumali kami. Inaamin ko na nais ko rin sumal idiyan kaso baka tutol
ang mga magulang ko para diyan. Ayaw kong idaan sa ganda lang at kailangan may
utak ka rin kung lalaban ka sa ganyang contest. Maya-maya’y
nagsimula na ang pageant, ang mga audience, tiliin ng
makitang malanding rumarampa ang bakla at halatang tunay na babae dahil sa
kasuotan.
Y-Y. Sa puntong iyon,
naiisip ko na ang mga bakla, ayusan mo lang sila ay magmumukha ng babae at
pupwede iyon sa isang katulad kong binabae. Nang sumunod pang kandidata, lalong
lumakas ang hiyawan ng manonood pagkat ang baklang rumarampa ay si Jolius.
Tawanan lahat at nagbubunyi naman ang mga bakla ng sabihing kaming mga bakla ang
titikim sa mapaklang saging ng lalaki at iyon ang tumatak sa utak ko sa lahat
ng sinabi niya. Nang swimsuit competition na, patalbugan ang
mga bakla sa suot nilang Two Piece. Ang pangangatawan
ni Jolius, sexy at flawless ang legs at
saka matangkad siya kaso dry pa rin tingnan. Nang ianunsyo na
ni Ramona kung sino ang Miss gay 2013,
kanya kanyang sabi ng pambato ang mga audience and the
winner is Jolius aka Maria theresa Akira Regina, ang
habang pangalan. Di pa kami umuwi pagkat may intermission
number pa, nagulantang ang lahat ng may maskuladong lalaki ang sumayaw
at ang lulupit ng mga Moves niya. Sa lahat ng nag-perform,
siya lang ang bukod tanging Havey and the rest is Waley na.
Pagkauwi, Alas-onse na pala kaya minabuting matulog na.
May 20, 2013
Monday
Year I-140
Y-Z. Nagising ako dahil
sa alarm ng aking telepono. Pilit ko pa rin idinilat ang mga
mata subalit nauuwi pa rin sa pagkahimbing at nagising muli ang diwa ng mag-alarm muli ang
aking telepono. Matindi talaga ang aking antok kaya pinatay ko at umidlip.
Sa katakawan ng tulog, halos mga Alas-otso na ko nagising. Naupo saglit habang
humihigop ng mainit na kape. Matapos uminom ng kape ay agad ko ng inatupag ang
paghuhugas ng plato. Naging makulimlim ang panahon at nagbabadya pa ng pag-ulan,
nanaisin na ganito ngayon ang kalagayan ng panahon kaysa tagaktak ang pawis sa
tindi ng init. Pagkatapos maghugas ay pagwawalis naman ang sunod inatupag ko. Wala si Ate pagkat
may Exam pa sila, walang maninita at mang-uutos sa akin. Ang
mga Metro Aid naman, ipinagpatuloy ang pagtatangal
sa mga Campaign Poster at isang tonelada na ang
nahakot.
Z-A. Matapos ang
gawaing bahay, ako'y nagkumpyuter. Nakakainis lamang pagkat mabagal ang Internet
Connection, di tuloy makapag-acess sa ibang Social network.
Makalipas ang tatlumpong minuto, si Mama naman ang gumamit at binilinan ko siya
na i-shutdown ng maigi ang Computer pagkatapos
gamitin pagkat may tutorial pa ko kay Lauren Jay.
Bahagyang sumilip ang bukangliwayway kaya napiliting magpayong patungo sa
kanila. Kumakain pa lang si Lauren Jay kasama si Princess at
saglit akong nag-abang.
Maya-maya’y nagsimula nackaming magbasa. Gayun pa rin, may konting improvements subalit
kailangan paniyang i-enhance ang paraan ng pagbigkasin every
word that we have encountered while reading. Inabot kami ng dalawang oras
sa pagbabasa at ng matapos, agad siyang dumeretso sa kama at natulog. May pera
nanaman ako at isinuksok ito sa Kalupi.
Z-B. Pagkatapos kumain
ay umidlip ako. Mga Alas-dos na ko nagising at dama ng husto ang init subalit
may pagkulog muling nauulinig. Pagpunta kila Che-che, nadatnan kong
nanonood sila ng telebisyon. Nagsi-alisan lahat
ng nag-uumpukan sa sala matapos ang pinapanood at saka lamang nakapagsimula
sa tutor. Si Isay ang panibago kong estudyante
kapalit ni Arianna at pinagsabay ko sila sa tutor. Medyo bulol
si Isay at mahirap talagang ituwid kahit ilang ulit
pagbigkasin. Ang mga bata, saksakan ng kulit at puspusang saway ang ginawa ko,
ng di makuha sa santong usapan ay sinigawan ko na. Sabi ni Ate Rowenna at
nanay ni Isay, sa linggo ko matatanggap ang kanilang bayad. Pumayag
naman ako ng sa gayo'y isahang bayad na lamang raw. matapos sa dalawa ay
tumungo ako kina Regine subalit nasa Tandang Sora ang
mga ito.
Z-C. Kina Angelica ako
gumawi at nakipagtsikahan sa matatandang paistambay sa tabi ng sapa. Si Baby
Christian na ang Cute, pinisilpisil ko ang pagmumukha
bilang paglalambing.
Nang makita si Angelica, ay saka lamang nagsimula ang
kwentuhan. Abala ito sa pagpapaningas ng kalan. Nang mapansing kumakagat na ang
dilim, kinailangan ko ng magpaalam sa kanila. May ngiting nagpaalam sa akin at
sinabihang bumalik pa raw. Pagkauwi at dahil walang magawa, nagtunaw ako ng
krayola at inilagay ang Melting wax sa canister upang
mamuo. Pinagkaabalahan ko iyon hanggang sa mawala ang init ng kalan.
Nagkakainan na sila ng matapos ko iyon kaya sumabay na rin. Nanood ng
telebisyon at ng matapos panoorin ang paboritong programa ay nahimlay na sa
kama. Di ako makatulog ng komportable dahil Sa init ng panahon subalit
nakakabingi ang katahimikan sa lugar namin.
May 21, 2013
Tuesday
Year I-141
Z-D. Dalawang linggo na
lamang pala ang nalalabi bago ang pagbabalik eskwela at bilang na rin ang mga
araw bago ang aking kaarawan. Ang takbo talaga ng panahon, napakabilis at
madadagdagan nanaman ng isa ang edad ko. Ang kagabing saksakan ng kalmado,
kasalungat ng umaga pagkat maingay na dahil sa mga Metro Aid na
naglilinis sa aming baryo. Nagmumug at matapos ay nag-almusal, iyan ang madalas
kong gawin sa pang araw-araw. Matapos mag-almusal ay iniligpit ko ang higaan at
naghugas ng plato. Si Mama naman, abala sa paglalaba at appreciate ko
ang pagiging masipag na ina niya sa amin. Siya ang naglalaba at sa tanghali't
hapon, nagluluto. Talagang mahal kami ni Mama at ipagmamalaki ko iyon. Matapos
ang gawaing bahay, binuksan ko ang Computer. Habang abala sa pagkukumpyuter,
biglang dumilim ang kapaligiran hanggang sa bumuhos ang ulan.
Z-E. Basa pa ang
sinampay kaya hinayaang maulanan. Ang mga batang uhaw sa haplos ng ulan, iyon
at masayang naliligo at nagtatampisaw sa rumaragasang tubig. Marahil nga'y
simula na ng Rainy Season. Nang tumila ang ulan, dumeretso ako
kila Lauren Jay. Maski silang magkapatid ay kakaligo
lamang sa ulan. Si Princess lang nadatnan ko at di mahagilap
si Lauren Jay. Todo hanap si Aling Jojit kay Lauren
Jay at habang hinahanap ito, kinausap ko muna si Angelie na
nakadungaw sa bintana kasama si Ate Che-che. Maya-maya ng makita
si Lauren Jay ay saka pa lamang nagsimula angtutor ko
sa kanya. Isang oras na pagbabasa at para maiba'y itinuro ko na rin sa kanya
kung paano mag-solve ng times at divide.
Maski sa Mathematics ay mahina ito at ang bagal sumagot.
Z-F. Nang Ala-una na ay
sinabi ko na kay Aling Jojit na tapos na ang tutor ko
kay Lauren Jay. Binayaran niya ko at sabay umuwi, saka
pa lamang ako nananghalian pagdating ng bahay. Matapos lumamon ay saglit akong
nagpahinga. Madilim-dilim nanaman ang kalangitan ang sumalubongcsa akin na may
kasamang kulog, hinuhudyat na babagsak muli ang ulan. Mukhang di ako
makakatuloy sa bahay nila Cheche dahil sa nagbabanta ng
pag-ulan subalit ng lumipas ang ilang sandali'y bahagyang lumiwanag at
nagpakita pa ang makulay na bahaghari. Tuloy ang Tutor ko kay Isay at Cheche. Pagdating sa
kanila, nadatnan kong nanonood muli sila ng telebisyon kaya ako'y naghintay. Nang
matapos ang kanilang pinapanood ay saka pa lamang ako nagsimulang mag-tutor sa
dalawa.
Z-G. Alas-singko na ng
matapos ang tutor ko sa dalawa at humihirit pa hanggang
Alas-sais subalit di na kayang bayaran ng kanilang nanay. Dideretso sana ako
kila Shiela subalit ako'y tinatamad. Pagkauwi, kalunos-lunos
na balita ang aking napanood na ngayon lamang nangyari sa kasaysayan pagkat
nagkaroon ng malaking buhawi sa America na ikinapinsala ng
maraming ari-arian. Sa sinapit ng kanilang lugar, mukhang mahihirapan silang
makabangon at napakatindi talaga ng pinsalang iniwan ng dambuhalang buhawi.
Nagpapasalamat ako sa maykapal pagkat hindi dito tumama ang ganitong delubyo at
kung nagkataon ay paano na kaya tayo. Sa Ina Kapatid Anak naman,
ang ganda-ganda ng eksena pagkat nagkaayos na sila Margaux at Celyn at
sana di na sila mag-away pang muli. Matapos manood ay saglit na nagbasa at ng
dalawin ng antok ay natulog na ko. Naging kalmado muli ang gabi na nagpasarap
sa tulog ko.
May 22, 2013
Wednesday
Year I-142
Z-H. Alas-singko pa
lamang ng umaga ay dilat na ang dalawang mata at nawala na rin ang antok kaya
bumangon na ako mula sa kama. Ang kahapong maulan at makulimlim ay kasalungat
ng ngayon pagkat malinis ang kalangitan at mukhang maaliwalas sa buong
maghapon. Matapos mag-almusal ay naghugas ako ng plato at sunod na aking ginawa
ay maglaba. Mukhang ang taas ng energy ko kaya ako'y sinisipag.
Upang di mabato habang naglalaba, ako'y pakanta-kanta hanggang sa magbanlawan.
Mistulang Karaoke Queen na ko sa kakabirit at keri
pa ang maraming awitin. Sa huling banlaw ay doon ako napabirit ng todo-todo at
halos mabulabog na ang buong Universe sa mala-Songbird kong
tinig. Si mama ang nagsampay at saglit akong umupo upang mag-ipon ng lakas.
Z-I. Maya-maya’y
nagkumpyuter muli ako. Matapos magkumpyuter ay nananghalian muna ako bago mag-tutor kay Lauren
Jay. Tinolang manok ang ulam namin at sa lagkit ng kanin, mistulang Aruzcaldo ang
ulam ko at nilagyan pa ng Patis. Sa sarap ay nakatatlong plato ako kaya sobrang
nabusog ako. Pagkatapos ay nagtungo na ko kila Lauren Jay.
Pinabasa ko sa kanya ang textbook at mukhang bumibilis na ito.
Pansamantalang natigil ang tutor kay Lauren Jay sapagkat
kakain sila ng pancit na inuluto ni Aling Jojit.
Sa kabusugan ay todo tanggi ako ng aluking kumain subalit ayaw kong isipin nila
na matapobre ako kaya napasubo na rin. Nagpasalamat ako kay Aling Jojit.
Birthday pala ng kanyang kapatid kaya siya naghanda ng pansit.
Z-J. Instead of taking
2 hours in tutorial for Lauren Jay, it
has been one any half hour only because I feel stomachache and I cannot teach
him anymore. Marahil ay napadami ang kain kaya nanakit na ang tiyan at di
ko na matiis ito. Pagkaalis ay dumeretso agad sa banyo at inilabas ang masamang
laman. Hayahay ang moda pagkatapos magbawas at ako'y natulog. Kahit mainit ang
panahon ay naging masarap pa rin ang tulog ko at sa kasarapan ay Alas-kwatro
na nagising. Muntik ng di matuloy ang tutor ko kila Che-che at Isay pagkat
Alas-kwatro na nagising subalit tumungo pa rin ako. Nakakabasa naman ng ilang
baybayin si Cheche subalit pagdating kay Isay,
ngongo sa kabululan at dahil siyam na taong gulang na, pinapatuwid ko ng husto
ang kanyang pagbigkas.
Z-K. Matapos ang tutor ay
nagpagupit ako. Si Kuya Putot sana ako magpapagupit subalit di
niya kaya ang Style ng gupit ko. Umakyat pa ko at kay Mang
Usman pa nagpagupit. New look nang magupitan at may
pagmamadali ako sa pag-uwi pagkat nagbabadya nanamang umulan. Di kami nakanood
ng telebisyon pagkat kumikidlat at kumukulog. Kidlat at kulog lang, di pa
umulan at kitang-kita sa kalawakan ang pagguhit ng matatalim na kidlat. Habang
nasa duyanan, nakita ko si Melanie kasama sila Junjie.
Tinanong ko siya kung tuloy ba ang bible study nila at “Oo” ang tugon. Dahil
wala akong kakilala sa Bible study, sinamahan ko si Melanie sa
pag-akay sa mga kakilala ko. Inakay namin sila Poypoy, Regine, Rachel at Ate Angie.
Nag-akay rin si Melanie ng iba pang kakilala at ng kumpleto na
kami, nagsimula na ang bible study.
Z-L. Pareho kaming lalaki ni Poypoy pero
pusong babae kaya sa Bible Study ng girls kami belong.
Because the girls are separated from boys as well as Adult separated from Youth.
Ang topic ay di ka aksidenteng ginawa ng maykapal. Parang
si Pastora Anna kung mangaral si Melanie at
dami namin natutunan sa kanya. Sinabi niya na once papasukin
si God sa puso mo, sa kanya mo mahahanap ang ligaya na
hinahanap mo sa iba at na-realize ko iyon. Sa kalagitnaan ng
kanyang pagtuturo ay dumating si Babylyn kasama ang mgakatropa nito.
Mukhang dumadami kami at matapos ang Bible Study, ang mga baguhan ay pinagsagot
sa slip at isa ako dun. Dami namin tawa kay Babylyn pagkat
lakas mang-trip at puro kabalbalan ang sinasabi. Pagkalabas ng
kapilya, humupa na ang pagkidlat kaya nakanood pa ko ng Ina Kapatid Anak.
Nakakainis ang kapatid ko pagkat gabi-gabi na lang sa tuwing nanonood kami,
sigaw ng sigaw. Madalas ay nasasaktan namin siya. Matapos manood at dahil di pa
inaantok ay nakipagtiktikan muna ako kay textmate.
May 23, 2013
Thursday
Year I-143
Z-M. Madaling araw ng
magkamalay ako dahil sa ingay ng alaga naming aso. Si Jayson, tahol ng
tahol at di malaman kung sino ang tinatahulan. Pinabayaan ko na lang sila at
muling natulog subalit nawala na ang antok ko. Maya-maya’y nagising si Mama at
sinaway ang dalawang aso, nakakairita na ang ingay nila. Tumigil sa pagtahol
ang dalawa subalit di naman ako makatulog. Alas-kwatro na ng umaga at di pa rin
ako inaantok, umidlip pa rin hanggang sa makaramdam ng antok. Tumunog ang alarm ng
aking Cellphone subalit sa kakulangan ng tulog, pinatay ko
iyon at pumikit. Mga Alas-otso ng muling magising. Kalmado na ang kapaligiran,
malayo sa napakaingay kagabi dahil sa tahol ng mga aso. Inaantok pa rin na
siyang nilabanan ko upang kaharapin ang responsibilidad na nakaatang sa akin.
Humigop lamang ng mainit na kape at matapos ay naghugas ng plato.
Z-N. Para sumigla-sigla
ang nararamdaman ay nagpatugtog ako. Di man lang napagod ang katawan matapos
magwalis at magpunas. Naupo pansamantala sa upuan at maya-maya dahil di
makatiis ay binuksan ko ang Computer. Nanood ako ng Missing You sa Iwantv,
nakakikilig ang bawat eksena ng sundan ni Julius si Zooey at
pinapaaming siya si Joy Lee. Tatlong episode ang
pinanood ko kaya inabot ako ng isang oras. Nanood rin si Papa ng paborito
niyang programang Juan Dela Cruz at grabe
pagkat ang kisig ni Coco Martin. Sa pagsapit ng tanghali pa lang
namin naisipang patayin ang Computer. Alas-dose na at di na ko
nakapag-tutor kay Lauren Jay. Nakakabato sa bahay kapag
walang magawa kaya nagtunaw muli ako ng colors at inilagay
sa Canister.
Z-O. Matapos ang
antukin ay nahiga ako sa matigas na kama at natulog, di inalintana ang init na
hatid ng haring araw. Pagkagising ay dumeretso ako sa bahay ni Cheche upang
mag-tutor. Dinala ko ang Text Book at ballpen upang
gamitin sa oras ng pagtuturo ko sa kanila. Nakakabasana ng tagalog si Cheche
kahit di senyasan at lubos ko iyong kinakatuwa subalit nabubulol pa rin
si Isay. Matapos ang tutorial sa dalawa, nagtungo
ako kila Regine (Miano). May kuryente na sila kaya tutok ang mga
mata nila sa kakanood ng pelikula, si Regine naman ay abala sa
paghehele sa anak at maaga rin silang naghapunan. Maya-maya’y sa bahay ni
Kumareng Shiela na di kalayuan kila Regine naman
ako nagtungo. Nagtsikahan kami at nakakakilig pagkat pinag-usapan namin ang
tungkol sa lovelife ni Shiela.
Z-P. Nagkatotoong naging sila na ngayong
asawa niya. Kung tutuusin ay may hitsura si Kuya Eric at
di siya magagalit kung magka-crush ako dun. Bukod sa pogi, swerte
si Shiela pagkat magalang, mabait at responsable ang asawa
niya. Sa dinami-dami ng aming pinagtsikahan magkumare, inabutan na ko ng dilim
kaya naisipan ko ng umuwi. Bago pa man umuwi ay nagpapagawa sa akin si Shiela ng Facebook account.
Pumayag naman ako at ng maibigay ang E-mail at Password ay
umuwi na ko. Matapos maghapunan at dahil nanonood sila ng telebisyon ay lihim
akong lumayas patungong Computer Shop. Naging mahirap
sa akin ang gawan siya ng Facebook account pagkat mabagal
ang net. Bumilis ito kinalaunan kaya success ang
paggawa ko ng account sa kanya. Alas-otso na ng makauwi ako,
manood sana ako ng palabas subalit sa ingay ng kapatid ko nasumisigaw, di
natuloy at naisipang manood sa iwantv bukas. Nagbasa lamang ako ng mapa at nag-compose din
ng kanta, ng makaramdam ng antok ay natulog na ko.
May 24, 2013
Friday
Year I-144
Z-Q. Kaarawan ng
pinakamamahal at paborito kong tiyahin na si Tita Susan.
Ipinapagsalamat ko sa Diyos pagkat nakaabot pa sa ganong edad ang aking tiyahin
at sana ay mabuhay pa siya sa mahabang panahon. Sayang at di ako makakapunta,
di ko tuloy siya mabati-bati. Malapit na rin ang aking kaarawan, ano kayang
handa ko sa aking kaarawan? Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ko, di na
nakakaramdam ng antok kaya bumangon na rin. katulad ng nakagawian tuwing umaga,
nag-almusal ako at matapos ay naghugas ng Plato. Sunod na gumising sina Ate Leslie at Kuya Al,
marami na kong nagagawa ng gumising sila. Ang ate talagang kabado na pagkat
lagumang pagsusulit nanaman sa Linggo at Lunes. Kahit na masama pa ang loob ay
nagawa ko ng kalimutan iyon at nag-usap kami.
Z-R. Parang gumaan ang
loob ko sa kanya at iniisip na magkakaayos na kami, katulad lang ng nangyari sa
buhay nila Celyn at Margaux na mortal na magkaaway
pero nagkaayos sa huli. Matagal na panahon na rin di kami nag-uusap at
nagkikibuan. Maya-maya matapos magwalis at magpunas ng sahig ay binuksan namin
ang Computer at pinanood ang Missing You at Ina
Kapatid Anak. Dalawang programa ang pinanood namin na itinagal ng isang
oras. Sa puntong iyon ay mukhang close na kami sa isa'tisa
subalit mahirap pang ipangako na di na muling mag-aaway. Matapos ang Ate ay
ako namanvang nagkumpyuter. Pumasok ito ng kwarto at tulad ng ginagawa niya sa
loob ng ilang buwan ay puro repaso siya. Iyon ang ikinakahanga ko sa kanya na
kahit maytrabaho, nagagawa pa rin mag-aral at pursigidong makapasa sa Exam.
Z-S. Habang
nagkukumpyuter, dumating si Lauren Jay at sinabing di muna
magpapa-tutor pagkat wala silang pambayad. Naiintindihan ko kung
wala talaga sila ngayon at kausapin na lang ako kapag handa na muling magpa-tutor pagkat
di ako mapilit. Nakaluto na si Mama ng ulam ng pinatay ang Computer.
Matapos kumain ay dumeretso ako sa kusina at nagtunaw muli ng krayola.
Maya-maya pa, nakaramdam na ng antok kaya natulog ako subalit inatake nanaman
ako ng Insomia at di makatulog. Bumuhos ang ulan ng ako'y
dumilat at sinabayan pa ng pagkulog, nadatnan ko rin na papaalis si Mama. Sa
takot sa napakalakas na kulog, nagtakip muli ng teynga.
Z-T. Sandali lang ang
ulan at puro kulog kidlat lamang ang nangyari. Bumangon ako at nagmeryenda,
maya-maya ay dumating na si Mama at may dalang pasalubong. Busog na ko kaya
kukonti lang nakain ko. Matapos magmeryenda'y gora na ko sa bahay nila Cheche.
Sa dalawa kong estudyante, si Isay ang napakakulit kaya naman
nasumbong ko siya kanyang nanay. Tumino naman ng pagalitan at makalipas ang
isang oras, natapos rin ang aking tutorial sa dalawa at agad
na dumeretso kila Shiela upang ipabatid nanagawan ko na ng Facebook account.
Laking tuwa niya ng sabihin iyon at saglit lamang ako sa kanila pagkat may
lakad pa ako. Balak kong tumungo sa bahay nila Tita Jean upang
manghingi ng plastic cups, ng nasa Ison Site ay
saktong nakita ko sila Tita Jean na namamalengke at
kasama niya rin si Mama at Kuya.
Z-U. Sinamahan ko sila
hanggang sa bahay at kasama rin sila Mama. Nagtsikahan si Mama at Tita Jean samantalang
abala sa pagluluto si Itang. Dahil kasing edad ay siya ang nakausap
ko. Si Amihan naman ay mistulang uling na sa kaitiman at
nag-iba rin ang boses, marahil ay dahil nagbakasyon sila sa probinsyang
saksakan sa init subalit lutang pa rin sa kaputian si Tita Jean.
Saglit lang sila Mama at kaagad na umalis, nagpaiwan ako at nanatili sa kanila.
Nagkwentuhan at kamustahan ang ginawa namin ng Tita. Balot na sa kadiliman ang
buong kapaligiran ng umuwi ako at ilaw lamang mula sa street light ang
siyang nagbigay liwanag. Saka pa lamang ako naghapunan pagdating ng bahay. Habang nanood ng
telebisyon, biglang may narinig kaming sigawan. Dahil kalmado ang kapaligiran,
boses ni Ate Lorlie at Kuya Junior ang
maaulig na nangingibabaw sa pakikipagtalo. Sa dalas mag-away ng mag-asawa,
sanay na kami sa ingay nila. Tumagal pa ng isang oras ang pag-aaway nila at
nasundan pa ng batuhan at pagwawala. Humupa ito kinalaunan at nasira tuloy ang
panonood ng telebisyon. Intidihin na lang sila siguro pagkat may pinagdadaanan
ang dalawa at di sa amin nakasalalay kung sila magkakaayos, wala kaming pake.
May 25, 2013
Saturday
Year I-145
Z-V. Naging malamig ang
umaga na nagpaginhawa sa gising ko. Alas-siete ng umaga ng ako'y magising at
agad ng bumangon. Humigop ng mainit na kape upang maibsan ang lamig na
nadarama. Maingay na sa kapaligiran at samu't saring boses na ang maririnig.
Apat na tulog na lamang ang nalalabi at bukas ay kaarawan ko na. Di ko hangad
ang maraming handa at ang mahalaga ay makakaabot ako sa ganong edad. May balak
sanang maglaba subalit naunahan na ni Mama na nagkukusot na. Naghugas na lamang
ako ng plato at habang naghuhugas ay nakaramdam ako ng pananakit ngs ikmura,
napasugod tuloy ako sa banyo ng wala sa oras. Bahagyang guminhawa kaya
naipagpatuloy pa ang gawaing bahay subalit sumakit nanaman ang aking tiyan.
Ilang beses na kong pabalik-balik sa banyo at malatubig na dumi lang ang
nailalabas. Naupo ako at nakaramdam ng panghihina, marahil ay nausog ko ang
anak ni Tita Jean kahapon ng di namamalayan. Bumalik
naman ang dati kong lakas ng makapagpahinga.
Z-W. Maya-maya’y
tumungo na ako kina Aldrian upang manghingi ng patapong plastic
cup. Marami sila nun kaya nakarami ako sa pangongolekta ng Cups,
nagtsikahan pa kami saglit at maya-maya ay nagpaalam na ko. Kulang pa ang
nakukolekta ko at nagbahay-bahay pa. Kakarampot lamang ang ibinibigay sa akin
kaya napilitang magtungo sa Taas. Hindi ko inalintana ang init sa pagpunta doon
at ng makarating, thank God sapagkat limpak limpak na plastic
cups ang naipon ko na halos di na magkasya sa bulsa, Pagdating
sa Taniman ay may tumawag sa akin, si Rhea pala
iyon kasama si Ate Rochelle at Ate Ruby Ann.
Tsinika nila ako ng husto at nakipagtsikahan na rin ako sa kanila, grabe pagkat
nakakatuwa silang kausap. Sa dami ng napag-usapan ay nalipasan nang gutom kaya
kinailangan ko ng umuwi. Ako na lang pala ang hindi nakakapananghalian kaya
kaagad akong bumanat.
Z-X. Nang matapos
kumain at dahil walang magawa'y naisipan muling magkumpyuter at nang
magsawa'y saglit akong natulog. Hindi kasarapan ang tulog ko dala ng init. Bahagyang namab
kumulimlim at mukhang uulan na pagsapit ng hapon. Kakabato talagang manatili sa
bahay kaya lumamyerda muli ako sa Recrap. Saktong nakita ko
sina Aicelle at Angelica na nakatambay sa
tabing sapa at nakipagdaldalan ako. Dami nilang tanong sa akin kaya nawala sa
preno ang aking pananalita. Si Ate Lenlen naman,
abala sa pagsisilong ng mga sinampay pagkat uulan na. Dahil kakilala ko siya ay
walang hiyang pumasok sa kanyang bahay. Nagbigay aliw sa akin ang mga maliliit
niyang anak. Kahit nasa hustong gulang na ay nagawa ko pa rin makipagharutan sa
kanila at ng mapagod ay umuwi na rin ako.
Z-Y. Madilim-dilim na
ang kalangitan at hinahampas na ng malakas na hangin ang mga puno subalit hindi
pa umuulan. Habang kumain ng hapunan ay biglaan na lamang kumidlat, di tuloy
kami makanuod. Habang nakaupo ay saktong nakita ko si Ate Nene at
tinawag ko siya. Inuudyok niya ko na sumali sa pinapasukan niya at katwiran
nitong yayaman daw ako. Di ako basta pasilaw at malay ko sa business na
sinasabi niya at wala akong alam hinggil diyan. Ilang ulit niya kong
kinukumbinsi subalit ayaw ko talaga at baka Pyramid scam iyon.
Di ako nakasisigurado sa hinala ko subalit malakas ang kutob ko. Maya-maya’y
inutusan ako ni Mama na bumili ng ulam para sa mga alagang hayop.
Z-Z. Habang naglalakad,
may isang lalaki ang humarang sa dinadaanan ko at pangiting tinananong kung
anong pangalan ng kausap ko kanina. Sinabi ko ang pangalan at may pakantiyaw na
sinabing may gusto raw siya dun. Sa mgap angiti-ngiti niya at sa maamong mukha
ay mukhang biningwit niya ang kalooban ko. Matagal ko na siyang nakikita pero
bakit parang umiinit ako? Ng makabili at pabalik sa bahay, nagkita nanaman kami
at todo pangungulit ito. Sa halip na mapikon ay nasisiyahan pa nga ako. Iniwas
ko ang lingon sa kanya at direderetsong umuwi. Maski sa aking pagtulog ay di ko
maintindihan kung bakit ganon ang naramdaman ko sa kanya. Batid kong bakla ako
na normal umibig sa lalaki subalit parang may mali pagkat di ko pa siya
lubusang kilala, ni pangalan nga'y di ko pa alam.
May 26, 2013
Sunday
Year I-146
2A-A. Nang madaling araw ay
maaga akong nagising dahil sa ingay ng sipol ng aking dibdib. Mukhang inaatake
nanaman ako ng hika at bumabalik ito. Sila Mama at Ate na nasa kabilang katre,
dinig ang pagsipol ng aking dibdib. Hirap rin ako sa paghingacna parang
hinahabol at nagsimula na kong ubuhin. Marahil ay dahil sa weather
condition anytime will change kaya ako hinika o dili kaya dahil sa stress,
simula pa kasi pagkabata ay hikain na talaga ako subalit guminhawa naman ng
ako'y lumaki. Natatakot ako na baka bumalik nanaman ang sakit na dinanas ko sa
loob ng apat na taon at iyon ay Tuberculosis. Nawala naman ang
pagsipol ng aking dibdib kinalaunan kaya nakatulog pa ko.
2A-B. Sumikat na ang
haring araw ng magising muli at himala pagkat ang kaninang hirap sa paghinga'y
guminhawa na ngayon, di na rin ako inuubo subalit nag-iingat pa rin at baka
bumalik. Habang humihigop ng mainit na kape, kapansin-pansing maraming mga
matatanda ang mayhawak ng walis-tambo. Maglilinis pala sila ng kalsada habang
abala sa paghahakot ng basura ang iba, maingay tuloy sa aming lugar dahil sa
kanila. Matapos magkape ay nagtungo ako kina Rhea upang alamin
kung anong unibersidad ang nag-aalok ng kursong Education at alam
nila iyon. Sinabi ng nanay ni Rhea na sa Philippine Normal
University ang unibersidad para sa Teacher at
doon rin mag-aaral ang anak niya pagtungtong ng kolehiyo. Ipinaalam rin niya
na exam na sa November at ikukuha raw ako
ng form, ngayon pa lamang ay umiiral na ang kaba ko pagkat
hati ang pananaw ko kung papasa ba o hindi. Sa sobrang kaba'y kinausap ko na
si God at hiniling na tulungan sa darating na exam. Sinabi ko kay Mama
ang school na aking papasukan at di naman ito tutol basta't
huwag pakatanga.
2A-C. Masaya na rin ako
sa naging reaksyon ni Mama at matapos ang pag-uusap ay sinimulan ko na ang
gawaing bahay at sunod ay nagkumpyuter. Isang linggo na lamang ang bakasyon
kaya dapat ng sulitin sa pagta-tag at chat. Ng sumunod
ay si Mama naman ang gumamit. Naging mainit kinatanghalian kaya kami'y todo
paypay at di din nakakabigay lamig kahitelectric fan, matapos kumain ay
natulog muna ako.
Pagkagising ay umuulan na subalit panandalian lamang ito. Nagtungo ako
kay Ate Rowenna upang singilin siya sa tutor.
Nagbayad naman ito subalit kulang at sinabing bumalik na lang mamaya, wala raw
kasi itong panukli. Pagkauwi’y saktong dumating si Papa galing Batangas at
may dalang maraming pasalubong, pinagpyestahan-namin ito at ng maumay ay sabay
lagok ng tubig. Kakabato sa loob ng bahay kaya naisipan kong magtungo
kila Shiela. Nadatnan kong nagkakantahan sina Kuya Eric at
nandun rin sila Ate Ajhing. inuudyokcnila akong kumanta
subalit ako'y nahihiya.
2A-D. Si Annie naman,
panay pang-aasar sa akin at kami'y nagkatuwaan sa labas. Ilang saglit pa'y
narinig ang pagdagundong ng kulog at madilim na ang kalangitan. Si Berna na
nagla-laptop sa labas ay walan gpasubali sa kidlat na maaring tumama sa
kinauupuan niya kasama sina Gelyn at Ate Ajhing. Sa takot na baka
madamay pagtinamaan ng kidlat ay lumayo ako at nagtungo kina Angelica.
Liblib kina Angelica kaya doon ako nanatili hanggang sa
bumuhos ang ulan. Niyaya nila akong sumali sa larong unggoy-unggoyan at kahit
mga bata ang kalaro'y nakisama pa rin ako at naaliw naman. Tumila ang ulan
subalit matatalim pa rin ang guhit ng kidlat at malabomba ang lakas ng kulog,
sa takot na abutan ng nagbabadyang bagyo ay umuwi na ko. Habang nasa kama'y may
tumawag sa akin at si Isay iyon na ipinapaabot ang natirang
bayad. Kinagabihan habang nagpapatugtog sa telepono'y nagkita kami ni Ate
Ging at tinanong kung bakit di na raw ako nagsisimba sa kanila.
2A-E. Hindi ko sinabi na
si Cathy at Merry Grace ang
dahilan at idinahilan na kina Melanie na ko dumadalo. Maya-maya’y
naghapunan na kami at dahil nakulog nakidlat ay di kami makanuod ng telebisyon.
Mga Alas-nuebe na ng tumigil ang Thunderstorm kaya binuksan
namin ang telebisyon. Gandang Gabi Vice na pala at halos
kabagan ang tiyan sa kakatawa. Habang nanunood ay dinig namin na may
nagsisigawan at iyon ay mag-asawa. Nakiusyoso kami at nakita kung paano
hiwalayan ng lalaki si babae kasama ang mga anak. Grabe at sa harap pa ng bahay
sila nag-iskandalo. Hindi pa ko natulog nang patayin ang telebisyon at ako'y
nagbasa, mga Alas-onse ng maisipang matulog.
May 27, 2013
Monday
Year I-147
2A-F. Sumisipol muli ang
aking dibdib na labis kong ipinangamba. Kahit rinding rindi na sa sipol ng
dibdib ay nagawa pa rin matulog. Dakong Alas-sais ako nagising subalit
Alas-siete na bumangon. Maluwag na ang aking paghinga at sa katunayan ay parang
ang sigla ko. Walang makaing pagkain kaya humigop na lamang ako ng kape.
Matapos magkape'y naghugas ako ng plato. Mukhang sinisipag ako kaya lahat ng
gawaing bahay ay nagampananvko ng maayos at di man lang nahahapo. Hindi ko
maintindihan sa sarili kung bakit ang lakas ko pa rin sa kabila na ako'y
hinihika na. Di pa ko nakuntento sa papunas-punas lamang at naisipan pang
lagyan ng floorwax ang sahig.
2A-G. Habang papalabas
ng gate ay biglang tinawag ako ni Ate Aying na
kausap si Ate Nene. Sinabi sa akin ng Ate Nene na
may seminar sa darating na Sabado at kasama dun si Ate
Aying, panay ang kanyang panghihikayat sa akin subalit gawa na di ako
interesado sa alok niya, di ako pumapayag. Matapos ang napag-usapan ay dumeretso
na sa tindahan upang bumili ng floorwax. Nang makabili'y sinimulan
ko ng i-polish ang sahig to make it shiner and
clean. Doon pa lamang ako napagod matapos maglampaso ng sahig at saglit na
nagpahinga. Maya-maya’y sa kadahilanang ayaw kong kainin ng pagkabato'y
naisipan muling mag-Computer. Nanood ako ng Missing you sa Iwantv.
2A-H. Mga Alas-onse ko
na pinatay ang Computer at sabay nananghalian. Naging mainit
pa rin sa tanghali kaya naman pagsapit ng hapon ay nagbadya muli ang pag-ulan.
Nagising ako sa lakas ng kulog na nakakabingi subalit hindi pa naulan. Puro
kulog-kidlat lamang ang naganap at ambon lamang. Nakakainis at hindi pa umulan
ng malakas ng sa gayo'y matanggal ang alikabok. Alas-kwatro pa lang ng hapon
subalit mistulang gabi na dahil sa napakaitim na ulap na umiiral sa
kapaligiran. Habang pinagmamasdan ang kapaligiran ay saktong dumating ang Ate Leslie galing Maynila at
may dala itong cake. Di muna namin ito kinain at napag-isipang sa
mismong kaarawan ko ng sa gayo'y may panghanda.
2A-I. Maya-maya’y bumuhos na ang ulan
subalit tikatik lamang ito at hindi nakakapawi ng init. Katakot-takot
na'pagkulog at pagkidlat pa rin ang nagaganap. Lumabas ako at naupo sa may
harapan. Wala akong makukot nun kaya naisipan kung bumili ng tsitserya. Habang
sarap sa kakakutkot na halos di maawat ang sarili ay may dalawang batang dumaan
at may balak pa kong paltikin ng sumpak. Sinigawan ko sila pero itinuloy
angcpamamaltik at buti na lang at ako'y nakailag. Kahit mga bata'y nagawa kong
mainis at pinagbabato sila, takbo sila pabalik ng batuhin. Ipinagpatuloy ko ang
pagkutkot hanggang sa maubos. Matapos ay nag-soundtrip ako hanggang
sa kumagat na ang dilim. Tumigil na ang pagkulog at kidlat kaya nanood kami ng
telebisyon. Habang naghahapunan, kitang kita ang taas ng baha bunsod ng malakas
na ulan at umulan pa raw ng yelo sa ibang lugar. Bakit dito tikatik lamang ang
ulan na di nagdulot ng pagtaas ng sapa. Matapos mapanood ang paboritong
programa tulad ng Ina kapatid anak at Juan Dela
Cruz ay nagbasa muna ako ng Dictionary hanggang sa
antukin.
May 28, 2013
Tuesday
Year I-148
2A-J. Sumisipol muli ang
aking dibdib na nagpapahirap sa aking paghinga. Tatlong beses na ito nangyayari
sa akin tuwing umaga at kailangan na ng ibayong pag-iingat upang di lumala.
Marahil nga'y bumalik nanaman ang aking hika na sinapit noong musmus pa lamang
at ayaw ko ng muling maranasan pa iyon sapagkat gastos muli. Sinabi sa akin ng
ate na kaya ako di tumataba kahit malakas ako kumain ay dahil may
pinangangapitan. Ayaw ko sanang maniwala sa kanya subalit napapansin ko ngang
parang ang payat ko at mukhang dahilan iyon ng Asthma. Ipinagpasadiyos ko kung anuman ang aking karamdaman ay pagalingin niya
ko. Di ko natapos ang panalangin dahil sinigawan ako ni Mama at sinabing
pupungas-pungas raw ako. Sinabi ko ang totoo at ipinagpatuloy ang paghigop ng
kape. Medyo inuubo pa rin ako na may kasamang sipon kaya minabuti ko ng
magtungo sa botika ng gamot. Ayaw ko ng problemahin pa nila Mama ang pampagamot
sa sakit kaya mag-self-medication na lamang ako. Nang makabili ng
gamot ay kaagad ko ito nilunok kasama ang maraming tubig. Pahinga muna at
isasantabi muna ang gawaing bahay ng sa gayo'y gumaling.
2A-K. Si Ate at Mama ay
abala sa paggawa ng Salad, handa siguro sa aking kaarawan bukas subalit
sinabing walang kinalaman ang kaarawan ko kung bakit sila gumagawa. Maya-maya’y
nananghalian na kami at kahit masama ang pakiramdam ay nagawa ko pa rin lumabas
upang bumili ng softdrinks. Nang makabili'y ipinagpatuloy ko ang
paglamon at sinadyang damihan. Napakarami namin tawa kay Ryzza mae pagkat
makulit ito at maraming tanong, si Kean Cipriano naman parang
tahimik kung manalita at walang Energy subalit mapormado siya. Kilig to the bones naman ang
naramdaman ko sa Be careful with my heart sapagkat boyfriend na
ni Maya si Ser Chief. Matapos manood
ng telebisyon ay daglian akong umidlip. Pagkagaling mula sa Dreamland at
dahil walang magawa ay nagkumpyuter ako subalit sa labas sapagkat nanonood
ng Video si Papa. Ayaw basahin ng Computer ang
aking card reader kaya naisipang palitan ito ng panibago.
2A-L. Mabibili ko na
sana ang Card Reader sa may Area B subalit
di kaya ng aking budget at naisipang sa Consti bumili.
Buti na lang at nakabili ako na swak sa budget at matibay pa. Habang naglalakad
ng tulin ay sa kamalasang pangyayari ay nakaapak ako ng dirty cake, Birthday ko
kasi. Dinalian ko sa paglakad at ng makarating kilaTita Jean ay
tumigil ako. Nakihugas ako sa kanila ng paa. Nagbatian kami niTita Jean at
dali-dali itong umalis. Si Itang, Amihan at Habagat lamang
ang naiwan dun. Napansin nila ang hawak kong card reader kaya
di na ko patumpiktumpik karakarang ipina-testing sa kanilang DVD kung
gumagana ba. Gumagana nga at enjoy kami sa tugtugan. Si Amihan naman
ay walang kapaguran sa kakasayaw lalo na nung Gentleman at Kiyomi,
palong-palo at kabog ako sa batang iyon, daig pa si Vice Ganda.
Nanatili ako sa kanila hanggang sa sumapit ang dilim.
2A-M. Maya-maya’y kinailangan ko ng umuwi.
Pagdating sa bahay ay nadatnan kong nagkakainan na sila at nakisabay na rin.
Nang mabusog sa dami ng nilamon ay saglit akong naupo upang matunawan at nag-soundtrip sa
duyan. Ng Alas-nuebe na, binuksan ko ang telebisyon at nanood ng Ina
Kapatid Anak. Ang kapatid kong may kapansanan, napakaingay at rinding-rindi
na kami kaya naman napipilitan kaming pagbuhatan ito ng kamay kahit labag sa
kalooban. Kahit paulit-ulit ng paluin, walang kadala-dala at patuloy pa rin
nasigaw. Hindi namin alam kungp aano mapapatahimik ang Kuya Al.
Kahit di pa tapos ang pinapanood ay napilitan na akong patayin ang telebisyon
at nag-soundtrip na lamang. Maya-maya'y tumulog na ko at bukas, sa
wakas at kaarawan ko na.
May 29, 2013
Wednesday
Year I-149
2A-N. Today is my
Precious day because it’s my bornday and my age turns 17. Kahit na walang
handa o anumang salo-salo na karaniwang ginagawa kapag may kaarawan ay
nagpapasalamat pa rin ako sapagkat nakaabot ako sa ganong edad at sa loob
ng 17 years na puro pasakit at pagsubok ay nagawa pa rin
lampasan dahil kay God na walang sawang tinutulungan ako at
pinatibay niya ang loob ko. Sa aking paggising ay pagbati ni Mama agad ang sumalubong
sa akin. Sinabi niya sa akinna mamasyal kami mamaya sa SM na
labis kong ikinagalak. Bukod kay Mama ay binati rin ako ni ate at maging
kapitbahay na makakakita sa akin. May iba pa ngang kinakantiyawan ako subalit
natatawa na lamang ako.
2A-O. Maging sa Facebook ay
marami rin ang bumati na aking kamag-anak maski hindi kakilala, labis ko iyon
ipinagpapasalamat. Talagang naramdaman ko na hindi ordinaryo ang araw na ito sa
dami ng hindi nakalimot sa aking kaarawan. May handa naman kami at iyon
ay Fried Chicken na ulam namin sa tanghalian at
pinagsalu-saluhan ang cake. Dakong Alas-dos ng kami ay
magbihis-bihis at tumungo sa SM North EDSA. Ang perang nalikom mula
sa tutor, ipinatago ko kay mama upang di mawala at may pamblili
nang gusto kong bilhin at iyon ay Philippine Atlas, mahilig
kasi akong magbasa ng mapa. Isang oras kaming naghintay sa traysikelan kaya
minabuti na ni Mama na bayaran ang kulang ng sagayo'y makaalis na. Madilim nanaman ang kalangitan at mukhang uulanin pa ang kaarawan ko.
2A-P. Paglampas ng Tandang Sora ay
kitang-kitang basa ang kalsada maging mga sasakyan at kapunuan dahil umulan sa
lugar na iyon. Nakapagpabigat sa daloy ng trapiko ang mabasang kalsada kaya
inabot kami ng isang oras bago makarating sa SM. Pagdating sa SM North
EDSA ay kaagad kaming dumeretso sa National bookstore upang
mamili ng school supply. Nahirapan kaming kumilos sapagkat
napakaraming mga mamimili ang dumagsa, last minute back to school shopping na
kasi. Nang mabili ang lahatngschool supply ay nagpunta naman kami
sa pabilihan ng mga mapa.
Ilang minuto rin ako nagtingin-tingin
at ng makapili kahit may kamahalan ay isinuko na namin lahat ng pinamili
sa cashier. Binati pa nga ako ng babaengcashier at
pangiti akong nagpasalamat sa kanya.
2A-Q. Maya-maya’y
namasyal kami ni Mama at nagtingintingin na rin ng mga kagamitan hanggang
makarating sa SM North EDSA Annex. Mas malamig
subalit kukonti lamang ang mga taong namamasyal kung ikukumpara sa Main.
Wala kaming ginawa ni Mama kundi mamasyal, magkuhaan ng litrato at
magtingingin. Pagdating namin sa may Skydome, doon talaga namin nakita
ang kapal ng mga tao at may nagla-launch pala sila ng bagong Star Mobile Android,
tumigil kami at nanood. Maya-maya’y sa di inaasahang pangyayari ay takbuhan ang
mga tao at nagsigawan. Hindi namin alam kung ano ang pinagkakaguluhan at
sumunod na lang kami. Mukhang ito na marahil ang pinakamasayang birthday sa
kasaysayan ng buhay ko sapagkat nandoon si Unkabogable Queen Vice Ganda.
Dinumog talaga ng husto ng maraming fans si Vice Ganda at
sapalaran lahat sa pagkuha ng litrato niya. Nang malapitan ay binalak kong
hawakan ang kamay niya subalit may mga gwardiya at tiling-tili ang lahat sa
tuwa lalo na ang mga kabaro niya. Kahit na bigo akong maki-picture together
with Vice Ganda ay kuntento na rin ako
sapagkat nakita ko siya ng personal, malapitan at matagalan ang idolo ko. Sana
kung anuman achievements ang tinatamasa niya ay matamasa ko
rin balang araw. Sa kakatili ng walang humpay, sumakit ang lalamunan at nagutom
ako kaya kumain na kami.
2A-R. Pagkatapos ay
nagtungo pa kami sa Skygarden at kanyang kanyang kuhaan ng
litrato. Mga Alas-otso na kami umuwi at sa halip sa bahay tumuloy, sa bahay
nila Ate Melon ako tumuloy sapagkat may Bible
study pa kami. Nadatnan ko sila Melanie na nagkakatuwaan
sa kanilang games at hindi pa pala nagsisimula ang bible
study. Habang taimtim na nagdarasal ay nagpasalamat ako kay God sapagkat
bukod sa nabili ko ang gusto ko at kahit na di ko hiniling makita ang idolo
dahil imposible ay nangyari pa rin at naniniwala na ko na basta kay God ay
walang imposible. Matapos ang bible study ay binasa ko muna
ang atlas na binili at ng antukin ay natulog na ko. Sana sa
susunod na birthday ko ay makasama ko na si Vice Ganda sa
pityuran at gagawing profile picture o dili kaya
iba pang artista na makita sa personal like AiAi Delas,
Paulo Avelino, Coco Martin, Daniel Padilla and many more.
Superduper saya talaga ng birthday ko.
May 30, 2013
Thursday
Year I-150
2A-S. Bandang Alas-sais
pa lamang ng umaga'y gising na ang katawang lupa ko subalit ay nananatiling
nakapikit ang mga matad ala ng matinding puyat kahapon. Alas-siete na ko
bumangon at salamat pagkat masaya kong nairaos ang aking kaarawan. Ang saya ko
pa rin at maituturing ko na iyon unforgettable and unbelievable
experience as I ever seen sapagkat nakita ko sa personal
ang Idolo ko at sa mismong birthday ko pa yun naganap. Iniisip
ko na si Vice Ganda na sa kabila ng kontrobersyal niyang biro
tungkol sa gang rape at na-offend si Jessica Soho dahil
sinali niya sa usapin sa kanyang comedy concert, marami
pa rin siyang mga fans at napatunayan iyon kahapon ng dagsain
ito ng husto. Kahit na maraming bumabatikos sa kanyang mga Joke,
sigurado akong kaya niya iyon i-handle at malalampasan ang lahat ng
iyon.
2A-T. Kung gaano man
siya ka-Success ay sana ganon rin ang maging kinabukasan ko kahit
alam ko na hindi ko siya magiging katulad na isang sikat na komedyante sapagkat
magkaiba kami ng pangarap at hilig. Sa halip na umaninag ang araw ay biglang dumilim
ang kalangitan at naghuhudyat ng pagbuhos ng ulan. Maya-maya’y bumuhos na ang malakas na
ulan, nanatili lamang ako sa loob ng bahay sa takot na magkasakit. Mukhang
nagsimula na ang tag-ulan subalit kasabay nun ang pagbubukas ng klase,
masusupende nanaman kung nagkataong masungit ang panahon. Habang nagkukumpyuter
ay siyang pagdating naman ni Papa galing trabaho, lalo pa ko sumaya pagkat
nakabili pa si Papa ng bala ng Concert ni Vice Ganda at
mapapanuod ko na iyon. Kinatanghalian ng panoorin namin sa Video ang i-Vice Ganda mo
ko sa Araneta at maski si papaay tawang tawa.
2A-U. Dami kasing alam
na joke ni Vice Ganda na ikinatawa ng
maraming manunuod sa Araneta at hindi mahulugang karayom ang
mga nanuod. Sa kakatawa'y parang nawala ang gutom ko at kakaiba talaga kung
magpatawa si Vice ganda, palong-palo. Parang siya na ang sunod sa
yapak nila Dolphy at Ai Ai Delas Alas na
kilalang comedy queen and king.
Sa tagal ng concert ni Vice Ganda na halos
abutin ng limang oras, Alas-kwatro na namin natapos ito. Laking kilig ko sagad
hanggang sa kailaliman ng buto ng maki-jamming si CocoMartin kay Vice Ganda pero
sa huling sandali na iyon konsyerto naganap. Nakatulog pa ko at Alas-singko na
nagising, nag-soundtrip at pagsapit ng Alas-sais ay binuksan ko
muli ang telebisyon. Ng matapos manood ng paboritong
programa ay agad ng natulog. Hindi gaanong mainit ang gabi o maingay kaya may
kapanatagan akong natulog.
May 31, 2013
Friday
Year I-151
2A-V. Huling araw na
para sa buwan ng Flores de mayo at Santacruzan o
Sagala man yan, malapit na rin ang pasukan, excited na
ko sa darating na pasukan sapagkat bagong Teacher, bagong classmate ang
makikilala at madadagdagan muli ang aking mga kaibigan. Maski sa
paggising ay sinasanay ng gumising ng maaga at kakabato ang umaga ko. Para
tanggal bato ay naisipang magpatugtog ng OPM hits. Si Papa naman,
abala sa pag-iimpake ng bagahe sapagkat tutulak muli ito patungong Batangas.
Ng umalis ang Papa ay kaming tatlo na lamang ang naiwan at sinimulan ko na ang
gawaing bahay. Nagwalis, nagpunas at naglampaso ng sahig, iyon ang
pinagkaabalahan ko sa buong umagang iyon at matapos ang lahat-lahat ay naglaba
naman ako.
2A-W. Pakiramdam ko ay
parang biniyayaan ako ng energy dahilan kung bakit
nagagampanan lahat ng gawaing bahay. Alas-dyis ng matapos ang labahin at ubos
na ang natitira kong lakas. Nagbihis at naupo saglit at ng mangawit ay
nagkumpyuter naman ako. Tawa much nanaman ng mapanood sa Youtube ang
nakakatawang star cinema spoof. Maya-maya ay naisipan kong panoorin
sa Youtube ang mga joke ni Vice Ganda tungkol
sa Gang Rape sapagkat naka-cut iyon sa
aming bala. Napanood ko rin ang paghingi ng tawad ni Vice Ganda
kay Jessica Soho at sa lahat ng di natuwa sa kanyang biro.
Sa kanyang mga joke ay umani ito ng samu't saring pambabatikos at
panlalait sa mga komento subalit may mga nagtanggol din naman sa kanya at isa
na ko dun sapagkat number 1 fan niya ko.
2A-X. May mga nagsabing
di sila natuwa at may mga nagsabing si Vice Ganda ay
baklang salot sa lipunan. Naiinis ako sa lahat ng nag-comment sa
kanya ng ganon at hindi nila alam ang mga sinasabi nila palebhasa mga
sawsawerang inggitera! Nag-apologize na nga siya at anu
pa ba ang pinuputok ng mga butsi nila, past is past and be move on na.
Mga dakong Alas-dos ko pinatay ang Computer at saglit na tumulog.
Hindi pa nga ako nakakarating sa Dreamland ay napurnada iyon
dahil sa malakas na kulog. Nabulabog ako kaya naman maikling oras lang
nakatulog. Maya-maya’y bumuhos na ang malakas na ulan at dahil walang magawa'y
ang mga nakatambak na hugasin ang pinag-ukulan ko ng panahon. Matapos ang
hugasin ay nagmeryenda ako at iyon ay mainit nanoodles. Hindi ako
makanguya ng komportable dahil sa masakit kong singaw. Dahil sa kakulangan sa
tulog ay nakaranas ako ng antok at natulog muli.
2A-Y. Madilim-dilim na
ng magising ako at naghahapunan na sila Mama. Kakaunti lamang ang kinain ko
sapagkat busog pa ko at nanakit talaga ng husto ang aking singaw. Mga
Alas-nuebe ng gabi, maganda na sana ang pinapanood ko sa Ina Kapatid
Anak sapagkat umaatikabo na ang eksena ng malaman ni Mio ang
pinaplano nila Celyn na makakalap ng ebidensya para sa
hustisya ay sa di inaasahan ay biglaang nag-brownout. Hindi lang kami
nawalan maging ang mga kapit-bahay at dumilim ang kapaligiran na halos di
magkakitaan dahil sa dilim ng kapaligiran. Sa halip na tumahimik ay bigla pa
ngang umingay ng magsilabasan sa kanya-kanyang mga bahay ang mga tao at
nagtatakbuhan ang mga tsikiting. Lumabas ako at nagbabakasakaling may kuryente
sa ilang lugar subalit napakalawak talaga ng blackout. Sa dami ng
mga taong may hawak ng mga pampailaw na nagbibigay liwanag sa dilim na umiiral
ay hindi mahirap sa akin ang maglakad. Ang ingay talaga sa kapaligiran na halos
ikabingi ko na.
2A-Z. Pagdaan kina Aldrian ay
saglit akong nanatili sa kanila at nakipagkwentuhan. Maya-maya’y nauwi sa
pagpapakwela ang ginawa ko at masaya ako sapagkat napasaya ko sila kahit
mukhang tanga na. Parang Vice Ganda lang ako sa harapan nila
at hindi ko inasahan na kaya ko rin magpatawa maski mga nag-iinuman ay
napalabas ko rin ang ngipin. Kahit mag-isa lang ako sa paglalakad sa
kalagitnaan ng dilim ay hindi ako natakot sa anuman pwedeng mangyari sa akin at
napapanatag pa nga ang loob ko. Sana ganon na lamang palagi at hindi
napanghihinaan ng loob sa kabila ng mga problemang dumaraan. Mga bandang
Alas-onse na ng bumalik ang kuryente, nagbunyi ang lahat ng madlang people ng
magkakuryente na. Maya-maya pa, natulog na ko.