Martes, Abril 30, 2013

04. April 2013 Journal (Day 91-120)


April 01, 2013
Monday

Year I-091

P-V. Matapos ang mahabang bakasyon ng nagdaang Semana santa, balik nanaman sa dating gawi at may opisina muli. Pagkagising, si Mama at kuya na lamang ang nadatnan kong nasa lamesa at kakatapos lang mag-almusal. Sa halip na piniritong tuyo at itlog ang kainin, ang pinamiling tinapay sa Grocery ang aking agahan. Pang-umaga na rin ang duty ni papa kaya't wala ng maasahan sa panggastos ng tanghalian at hapon pa ang uwi nito. Matapos mag-almusal at magkape, kaagad ay sinimulan ko na ang gawaing bahay. Naghugas ng mga plato, nagwalis at nagpunas ng sahig, iyon ang inatupag ko sa buong umaga.

P-W. Pagsapit ng Alas-dyis ng makapagsaing na si Mama, wala pang ulam kaya inutusan ako ni Mama na bumili ng ulam. Nang makabili'y iyon ang naging pananghalian namin. Ayos lang naman ang lasa ng ulam subalit mas gusto ko pa rin ang luto ni Mama. Nang makapananghalian na, dahil maglalaba pa ang Mama, ako na ang nagligpit ng aming pinagkainan at naghugas. Ako na rin ang nagpakain sa alagang hayop. Ang init na nadarama na hatid ng Summer, mas uminit kaysa ng nakaraang araw. Todo paypay tuloy ako kahit nakabukas ang Ceiling fan, Sa katunaya'y gusto ko ng umulan ng sa gayo'y mabawasan ang hirap na dala ng init.

P-X. Maya-maya’y nakaramdam ako ng antok at natulog. Mainit pa rin, naligo na ako sa sariling pawis ng gumising. Dali-dali akong tumungo sa banyo at naligo. Presko sa pakiramdam ang naramdaman ko matapos maligo. Tirik na tirik ang araw, sa kagustuhang lumabas at tumungo sa bahay ng kaibigan ko, gagawin ko sana subalit tinatamad ako pagkat mainit. Pagbabasa na lang ng Pocket book ang pinag-ukulan ko ng oras. Nakakakilig ang istorya at halos di na ko tumigil sa kakabasa. Sa kasarapan magbasa, di ko namalayang Alas-sais na ng gabi, maliwanag pa ang paligid subalit padilim na rin. Nakaluto na rin si Mama para sa hapunan at dumating na si Papa galing trabaho. Sa wakas at natapos ko na rin basahin ang Pocket book at naghapunan ako kasama sila Mama.

P-Y. Masarap ang aming hapunan at ito'y fried chicken, nakadami ako ng pirasong manok at busog much ako. Di na ko makakilos sa kabusugan. Balak ko sanang lumabas labas, di na natuloy at nanood na lang ako ng telebisyon. Naku bukas na pala ang kuhaan ng Card, natatakot ako sa sasabihin ng aking magulang pag ipinakita ko ang aking Card, ang kaba sa dibdib, nararamdaman ko na. Ipinasadyos ko na sana'y di mababa ang grade ko at di sila magalit. Kung di lang ako tinamad ng panahong may pasok at kumpleto ang pinapasa ko di sana walang kabang mararamdaman at pananabik ang iiral. sa tindi ng kaba, di ako makatulog at parang ayaw ko pang sumapit ang bukas at tumigil ang pagtakbo ng oras. Tao lamang ako at kahit sino'y di mapipigilan ang paglipas ng panahon. Sana’y matanggap nila ang grado ko.


April 02, 2013
Tuesday

Year I-092

P-Z. Ngayong araw ang kuhaan ng Card, ang kabang kagabing naramdaman sumidhi pa lalo marahil malakas ang kutob ko'y puro mababa ang nakuha ko. Ayos lang naman sa akin kahit mababa kaso ang kinakatakot ko, ang sasabihin ni Mama at baka mabungangaan ako at sampigahin. Mas malaking problema nandahil lang sa kaba kaya di ko nakuha ang card at iyon pa ang mitsa kung bakit di ako makakapag-enroll. Iniisip ko ang aking kahihinatnan kapag ginawa yun at kahit tumitindi na ang kaba ko, nilabanan ko iyon at binalak pa rin tumungo sa iskul upang kunin ang Card. Ang bahala na, sumasagi na isip ko. Mga Alas-otso ng magsimula akong magbihis. Handa na ko sa kung anong sasabihin ng aking magulang at aking kamag-aral. Mababa na kung mababa basta't walang bagsak. Pagdating sa eskwela, di na mahulugan karayom ang eskwela sa dami ng estudyante at pawang nakusuot ng pangsibilyan. Kita kong puro mga kabataan na may hawak ng Card at envelope ang nasa eskwela kasama ang magulang, may mga palabas na at ilan naman ay papunta pa lamang.

 Q-A. Madami rin ang nagtitinda ng envelope at sobre, bumili ako. Pagdating sa klasrum, iilang kaklase ko pa lamang ang nandun at di pa nagsisimula ang Card distribution, nagkamustahan kami at tsikahan muna. Ang kabang umiiral sa dibdib napalitan ng saya ng ipaalam sa akin na kasali ako sa Honor student. Labis ang tuwa ko, maya-maya'y tumungo na ako sa bahay ni Noemi. Nadatnan kong tulog pa sila at hinintay pang magising. Nang gising na sila, sinabi sa akin ni Noemi na nanay niya ang kukuha at di siya pagkat nahihiya itong magpakita sa mga kaklase ko. Inintindi ko si Noemi at nadagdagan pa ang saya ko ng malamang di siya bagsak. Kasama ko ang nanay ni Noemi patungong iskul. Pagdating sa klasrum, may nakapaskil na sa Math department ang kuhaan ng Card.

Q-B. Tumungo kami dun at nadatnang mahaba na ang pila. Ng ako na ang nakasalang, laking tuwa ko pagkat di kababaan ang grado ko kaysa inaasahan at binati ako ni Sir Rombo, sinabi niya sa akin na top 6 ako. Ngumiti ako at nagpasalamat ako sa kanya. May line of Seven-pero kokonti lamang at karamihan ay puro line of eight at nine. pagkakuha ng card, tumungo kami sa seksyon 12. Iniwanan ko si ate at bumalik sa Math department. Saktong nakita ko si Jessa at Jenny mae kasama si Jobil na nakapila sa kuhaan ng Card. Hiyawan kaming apat pagkat di rin sila bagsak at magiging kaklase ko pa sila sa Fourth year. Ang sayang aking nadarama, di ko inasahan at basta na lang dumating. Ng makuha ang kanya-kanyang card, kasama ang nanay ni Noemi at tatlo kong Best friend, tumungo kami kila Noemi. Habang naglalakad ang saya naming apat dahil magklaklase pa rin kami sa pasukan. Sa sobrang ligaya, di na mapigilang magharutan.

Q-C. Si Noemi naglulundag sa saya ng malamang pasado rin sila. Bilang pagbubunyi sa pagkapasa nila, nagpa-blow out ang nanay ni Noemi at iyon ay manggang hilaw at softdrinks. Di ako sumali sa pagkain nila ng mangga pagkat di ako kumakain nun. Matapos nilang kumain, dumeretso kami sa taas at nagtsikahan. Doon na rin ako nananghalian kasama sila. Nainis ako kay Jessa pagkat napakapatay gutom niya, inilapag ko lang ang plato tapos kinuha na ang kanin, kumuha na lang muli ako ng panibago. Dakong Alas-dos na kami umalis kina Noemi.

Q-D. Di na ko natatakot ipakita ang card at sa katunaya'y sabik pa nga ko. Pagdating sa bahay, dali dali kong ipinakita kay Mama ang aking card at sinabi kong may honor ako. Normal lang ang naging reaksyon ni Mama ng makita angcard ko at sinabing mas galingan ko pa sa fourth year. Pagkatapos niyan ay natulog na ko. Mga alas kwatro na ko nagising, nagmeryenda at pagkatapos ay tumungo ako sa Computer shop. Wala akong ginawa kundi mag-Facebook at i-share ang aking happiness. Matapos magkumpyuter, biglang napigtal ang tsinelas ko. Naisipan ko munang manghiram ng tsinelas kina Tita Jean. Pagdating sa bahay nila, nadatnan kong naghihiwa ng bawang at sibuyas si Tita Jean. Ang inakalang si Jane na kasama ng Tita, kambal niya iyon. Si Itang pala iyon at kahawig niya halos si Jane.

Q-E. Isang taon na kong di gumagawi sa kanila kaya marami ng nagbago sa kanilang bahay, si Amihan nga, di na ko halos makilala at nakakalakad na rin ang kapatid niyang si Habagat na dati'y karga pa lamang. Panghihiram ng tsinelas ang ipinunta ko subalit nauwi sa kwentuhan at kamustahan, na-miss siguro nila ako. Nag-iba na rin ang ugali ni Amihan, naninigaw na ito kaya pinagalitan siya ng kanyang tatay at pinatayo sa harap at sinermunan, ganun pala magdisiplina si Tito Elbong sa kanyang anak at kawawa naman siAmihan. Maya-maya’y di na ko nagtagal pa sa kanila at umuwi na. Pumayag naman si Tito na hiramin ko ang tsinelas niya at bukas na lang isauli. Pagdating sa bahay, saka pa lamang naisipang maghapunan.


April 03, 2013
Wednesday

Year I-093

Q-F. Abril na subalit malamig pa rin tuwing umaga, kaya nama'y balot ang katawan ko ng makapal na kumot. Alas-otso na ko nagising. Walang makain kaya naglaga ako ng noodles at iyon ang naging agahan ko. Matapos mag-almusal, naupo ako sandali at nag-isip. Magaan na ang aking dibdib kaysa ng nakaraang araw na talagang mabigat at may takot bago ang araw ng kuhaan ng Card. Nang makapag-isip, saka ako nagwalis walis sa loob ng bahay. Isinauli ko na rin ang tsinelas na hiniram ko kina Tita Jean at maging Pocket book kay Ate Let. Sa buong bakasyon kasi, wala akong ibang aatupagin kundi ang magbasa ng books. Matapos mananghalian, nagsimula na kong magbasa ng books, kahit ingles binasa ko na ng sa gayo'y maging bihasa ako. Habang nagbabasa, biglang nagpunta sa bahay si Cathy.

Q-G. Sinabi niyang may bertdeyan mamayang gabi at iniinbitahan ako. Kaarawan pala ni Ate Jemma ang na anak ni Pastora Anna. Sa sabik at dahil wala namang gagawin mamaya ay di na ko nakahinde pa. Sa hinaba ng binasa, dalawang oras tutok ang mata ko sa libro. Inantok na nga ako sa kakaintindi pero wala pa rin at pinagpahinga ko muna ang utak. Pagkagising grabe ang init na naranasan ko at di ko na matiis kaya naligo na ko. Parang presko sa pakiramdam ng matapos akong maligo. Dahil walang magawa'y naisipang magpatugtug ng awiting sweet di rap.

Q-H. Maya-maya tinawag ako ni Mama at inutusan akong bumili ng halo-halo. Para malamigan ay tumungo agad ako sa naggagawa ng halo-halo. Di ko na tuloy napakinggan ang awit. Nang gawa na ang halo-halo, agad namin ito sinunggaban. Lamig sa pakiramdam at kung kailan mauubos na namin ang halo-halo, dumating si papa na may dalang Pizza. Kapwa busog na kami sa halo-halo kaya balak na lang gawin almusal bukas. Buti na lang at kumulimlim, nagkaroon ako ng pagkakataong gumala at kila Cathy ko naisipang pumunta. Tutok sila sa pinapanood at todo yaya sa akin si ate ging na dumalo mamaya sa birthday. Habang si Cathy, sinabi niyang nagpunta raw si Merry Grace sa bahay nila at kwinentong nililigawan ko raw siya. Nagbibiro lang si Cathy kaya ako natawa.

Q-I. Nag-text lang ako kay Merry Grace nun para mangamusta, di ibig sabihin na may gusto ako sa kanya at nanliligaw. Tinanong ko si Cathy, sinabi kong kailan niya balak magka-boyfriend. Sumabat si Ate Ging at binanggit ang pangalan ko. Napayak siya kaya mas lalo pa namin siya pinagtripan. Tawa kami ng tawa, ayun ang Cathy nagmaktol at lumayas, tutungo raw siya kay Merry Grace at sasabihing may gusto raw ako sa kanya. Nang nandun na kina Merry Grace, todo kwento si Cathy at lahat nun ay pawang kalokohan. Tinakpan ko ang bibig niya, hala't lalong napikon at hinayaan naming umalis. Ipinagtapat ko kay MerryGrace na kaibigan lang tingin ko sa kanya at kinontra lahat ng sinabi ni Cathy. parang kinekuryente sa kilig si Merry Grace, okey lang beki ka aman mare at yun tapat niya sa akin. Dahil Alas-Sais ang party, nagbihis na ko.

Q-J. Maya-maya'y nagpunta sila Cathy upang sunduin ako. Simple lang ang amin kasuutan. Si CathyMerry Grace, ang nanay niya at kapatid ang kasama ko, may dilag rin silang kasama na ngayon ko lang nakita. Precious Jane ang pangalan niya at sa Cagayan siya dati nakatira, nagpakilala ako at siya lang ang kakwentuhan ko ng mga oras na iyon. Pagdating sa bahay ng Pastora, abala silang lahat sa pag iihaw at pagluluto. Sila Thalia naman, gumagawa ng poster para kay Ate Jemma. Isa-isa kaming binigyan ng birthday card upang isulat ang message para sa birthday celebrant. Maya-maya’y dumating na siAte Jemmang naka-gown ng pink, malaprinsesang dating, akalaing anak mayaman pero may kaya lang.

Q-K. Isa-isa namin siya binati. Ilang sandali'y nagdasal na kami, kumanta ng christian song at nag-bible study. Ang sabik, di ko na maawat.  Matapos angbible study, ayan na ang kainan, kaya naman ako kaninang gutom, walang hiyang kuha ng palabok, barbeque at pitsi-pitsi ng madami. Si Precious Jane dahil newbie lang sa aming Christian Community, todo hiya siya at kahit yayain mo, di kaagad na sunod at kunti lang ang kinain niya. Matapos ang masayang salo-salo sa kainan at dahil alas-nuebe na, di na kami sumama sa videooke at umuwi na. Wala ng gaanong tambay na kalalakihan kaya panatag kaming nakapaglakad at nagkwekwentuhan. Pagdating sa bahay, tulog na ang halos lahat, di na ko nang istorbo pa. di ako makatulog kaya nag-text ako sa ka-textmate at padaan ng group message. naging mahangin ang kaya di maalinsangan.


April 04, 2013
Thursday

Year I-094

Q-L. Bagong umaga muli ang kakaharapin kasabay nito ang panibagong pagkakataon upang pagyamanin ang sarili pagkat bawat oras ay mahalaga at di dapat sayangin ng walang kabuluhan. Alas-otso na ng umaga'y nakakatamad pa rin bumangon, pilit man idilat ang matang kakagaling lang sa himbing subalit kusang pumipikit. Tuloy pinagsasampal ko ang mukha at nag-ehersiso. Naging banayad sa pakiramdam ang umaga at tila walang ni anung masamang pangyayaring darating, sana'y magkatotoo ang kutob ko at kung sakaling meron nga'y handa ko na itong kaharapin pagkat ang buhay, kakambal nito ang pagsubok. Totoo iyon.

Q-M. Sinimulan kong pagyamanin ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng English pocket book. Iba talaga ang talino mo pag may alam ka sa English speaking lalo na ngayong malapit na kong tumungtong sa kolehiyo. Masakit man ang ulo sa kakabasa'y pilit ko iyon nilabanan alang-alang sa aking ikakayaman. Ang init ng panahong patuloy sa pag iral, di ko alintana't matiyaga ako sa pagbasa. Alinmang words ang aking maingkwentro na bago lang sa pandinig, ginuguhitan at tinitingnan sa dictionary ang meaning. Di ko prinesyur ang sarili at sa focus sa pagbabasa ang pansamantalang pinagpahinga. Nananghalian muna ako. Balik ulit sa pagbabasa ng matapos at iyon ang inatupag ko hanggang sa sumapit ang tanghaling tapat. Naisipan munang magkumpyuter ako bilang pahinga at habang naglalaro sa kumpyuter, may isang babaeng kasama si Mama, nailang tuloy ako.

Q-N. Nang abala ako sa pagbabasa, dagundong ng tambol at may nag yell ang narinig ko na binabanggit ang pangalang di ko kilala. may nangangampanya pala at iyun ay mag asawang Winnie at Precious Hipolito Castelo at iba pang Politician. Ang kanilang poster, saan-saan na nakapaskil kahit sa kawad ng kuryente. Halos wala na ngang ibang makita kundi mukha nila kahit saang lupalop ng Talanay. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. Maya-maya’y tumahimik naman ang kapaligiran. ng matapos basahin ang Pocket book, tumungo ako sa bahay ni Ate Let upang manghiram subalit di ko ito nadatnan. Dahil wala ng mabasa'y at malapit na ang hapunan, nagsaing ako.

Q-O. Di ako sigurado kung ilang takal ng bigas ang ilalagay sa rice cooker. Ng maluto ang sinaing, iyan na nga't di ako nagkakamali, reklamo ni Mama at Papa ang narinig ko at sinabing kulang ang bigas. Di na lang ako sumagot pa at hinayaan sila. Kinagabihan, pumunta sa bahay si Ate Let. Nagpapasama siyang humiram ng pocket book at kinakamusta si mama. Sinamahan ko siya at ng makahiram ng pocket book, ipinatago niya muna sa akin ang kanya. Inuna ko munang manood ng telebisyon kaysa magbasa ng books. Nang matapos mapanood ang paboritong programa at pinatay, sinimulan ko ng basahin angPocket book. Sa haba na tila malanobela tulad ng Noli me tangere, tatlong oras na kong nagbabasa subalit di pa tapos. Di ko namalayang Alas-dose na ng gabi. Habang natutulog ako, kahit sarado ang bintana, ramdam ko ang hangin. Siguro may anghel na pumapaypay sa akin. Naging masarap tuloy ang tulog ko.


April 05, 2013
Friday

Year I-095

Q-P. Oh my god its Friday again, bilis talaga ng takbo ng panahon, mabilis tuloy akong tatanda niyan. Naging maaliwalas muli ang panahon na siyang nagbigay sigla sa aking paggising, ang sikat ng araw di pa nakakapaso subalit asahang matinding init ang hatid mamaya. Kakatapos lamang mag-almusal ni Mama at Kuya kaya nama'y ang ulam na kanilang itinabi'y iyon ang naging agahan ko. Matapos mag-agahan, heto nanaman at sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ako'y naglinis muli sa loob ng bahay. Daming alikabok ang natanggal ko at may mahahabang buhok pa, saan-saan nagkalat na di malaman kung sino ang nagmamay-ari. Nang matapos magwalis at matanggal lahat ng dumi, ako'y nag-floorwax, kintab toda max na ang sahig. Malinis na ang bahay at dahil tag-init, papasok muli ang mga alikabok sa bahay habang lumilipas ang oras. Ipinagpatuloy kong basahin ang pocket book.

Q-Q. Sa haba'y bigo talagang matapos ito. Nananghalian muna ako kasama sila Mama at pagkatapos kumain, balik pagbabasa muli. Mga Alas-dose na ko natapos basahin ang pocket book. Mainit na sa labas at parang nilalagnat ka sa pakiramdam, mala-impyerno pa ang dating. di ko na matiis ang init at naligo na ko. Matapos maligo, presko sa pakiramdam. Maya-maya’y inantok na ko at natulog. Sa sarap matulog, mga Alas-tres na ko nagising. Saktong kagagaling lang ni ate galing trabaho at may dala itong pizza, ang aga niyang umuwi na dapat ay gabi pa. Sa laki at dami ng slice ng pizza, nabusog ako ng labis.

Q-R. Matapos magmeryenda'y nahiga muna ako sandali sa duyan. Maya-maya’y tumungo na ko ng Recrap. Habang naglalakad biglang nakita ko si Gelynkasama si Inday na nakatambay malapit sa sapa. Ginulat ko nga sila at tawanan kami ng ginawa iyon. Niyaya ko si Gelyn na dun kami sa kanilang bahay pagkat maalinsangan talaga ang panahon, pumayag naman agad. Habang naglalakad kami, sa kabilang tulay naman ay may tumatawag sa akin. Dahil di ako nakasalamin at malabo ang aking paningin, di ko maaninag na sina Cathy at Precious Jane kasama si Ate Ging ang tumatawag pala sa akin. Iniwanan ko muna si Gelyn at nagtungo sa kanila. Inuudyok ako ni Ate Ging na sumama sa praktis nina Cathy para sa choir mamaya.

Q-S. Sa kadahilanang batid kong wala akong boses, di ako pumayag at ikinahihiya ko ito. Sa relihiyon nila, walang panget o maganda ang boses basta kinakanta mo ang tungkol kay God sabi sa akin ni Ate Ging. May punto nga naman siya subalit nahihiya ako. Dahil marunong akong magpyano, iyon na lang ang iprinisinta ko sa kanya kaso may taga piano na raw at si Kuya Ian iyun. Maya-maya’y tumungo kaming tatlo sa bahay ni Merry Grace. Di siya pinayagan ng kanyang magulang na lumabas kaya saglit lang kami dun at umuwi na rin. Habang naglalakad kami at nagkwekwentuha'y umuwi na rin si Precious Jane. Sinamahan ko si Cathy hanggang sa bahay nila at maya-maya'y tumungo ako kila Gelyn.

Q-T. Si Regine (Miano) at Gelyn lamang ang nandun kaya nagkwentuhan muna kami, ikwinento ko ang tungkol sa pagpilit sa akin ni Cathyna ligawan si Merry Grace. Di sila makapaniwala sa sinabi ko. Inamin kong wala akong nararamdaman kay Grace at kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Niyaya rin ako ni Gelyn na maglaro ng Dama. Mukhang talo ako ni Gelyn ng una subalit nakabawi. Labo kasi ng paningin ko kaya di ko kaagad nakitang nanganganib na ang pamato ko. Nang madilim na'y nagpaalam na ako. Bago umuwi'y inutusan ko si bilong na manghuli ng isda. Ang isdang kanyang nahuli'y inilagay ko sa fish pond at pinakain. Maya-maya’y naghapunan na ako at nanood ng telebisyon. Habang lumalalim ang gabi, tila may nararamdaman akong kakaibang di ko maipaliwanag. Nanghihina na pala ako kaya matapos manood ng telebisyon, kaagad na kong natulog.


April 06, 2013
Saturday
Year I-096

Q-U. Madilim-dilim pa lamang ng umaga'y tila nangangatog ako sa ginaw kaya nagkumot. Kahit nakakumot na, ginaginaw pa rin ako at namaluktot na nga. Nilalagnat na pala ako ng madaling araw na iyon. Nakakaramdam na rin ako ng pananakit ng katawan, marahil ay trinatrangkaso na. Ilang sandali'y bumaba naman ang lagnat ko subalit masakit pa rin ang katawan ko kaya nangangawit ako kapag di gumalaw. Dumadaing na ko ng sakit ng katawan at dinig iyon ni Mama. Sa halip na mag-alala't alagaan, sinermunan pa niya ko at sinisi ang pagiging layas ko.

Q-V. Hinayaan ko na lamang siya at muling natulog. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, nanghihina at masakit ang katawan. Pagkagising, bahagya akong pinagpawisan. Bumangon ako at sa pagkakataong bumangon, lalo pang nanakit ang katawan ko at di ko kayang tumayo ng matagal. Sa puntong iyon, nakaramdam na ko ng panghihina. Di na ko nakapaglinis pa ng bahay dahil sa kalagayan ko. Si mama naman, todo sermon sa akin. Di lang ako ang may sakit maging si Kuya Al na kagabi rin ay sinumpong ng lagnat. Mukhang nagkakasakitan na kami. Dala siguro sa init ng panahon. Matapos mag-almusal, nahiga ako sa kama hanggang sa makaidlip. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

Q-W. Parang dos por dos na Batuta ang paulit-ulit na humahampas sa katawan ko at ganon ang pakiramdam ko. Alas-dyis ng muli akong gumising, ang sakit ng katawan di pa rin nababawasan subalit pinawisan ako. Nagpalit ako ng damit at nagpunas. Matapos magpunas ay kumain ako at ang ulam ay sinabawang kalabasa. Di ako gaano katakaw sa pagkain dahil pag nasobrahan, ako'y masusuka. Matapos kumain, natulog muli ako. Wala nun si Mama Pagkat babayaran niya ang bill sa tubig. wala tuloy nag-aaruga sa akin. Si Papa nama'y abala sa paglalaba.

Q-X. Kinatanghalian, Doon na ko inaapoy ng lagnat at parang kinukumbulsyon na ko. Nakadagdag pa sa init na akin nararanasan ang init ng panahon. Kahit nilalagnat ako'y tumayo pa rin ako at kinuha ang thermometer, isinuksok ko ito sa kili-kili. Pagkatingin sa thermometer, umabot na sa 40o celsius ang temperatura ko. Kaya ganon na lang kainit ang naramdaman ko. Pakiramdam ko sa mga oras na iyo'y parang nasusunog ako sa impyerno. Ang aking paningin, parang nasusunog ang kapaligiran sa tindi ng init. Maya-maya’y nagsimula na ang aking pagkahilo at parang mabubuwal na ako. Kahit naiinitan ako, binalot ko ang buong katawan sa kumot upang pawisan at natulog. Pagkagising, bumaba na ang lagnat ko at bahagya akong pinawisan subalit nahihilo naman ako at parang naduduwal. Mukhang may Typhoid Fever ako. Maya-maya, sumuka na ko.

Q-Y. Parang guminhawa ang pakiramdam ko subalit ilang sandali pa'y nasusuka nanaman ako. Si Kuya Al naman, sinumpong nanaman ng lagnat. Pakiramdam ko'y mamatay na marahil ako, di ko na kaya ang nararanasan ko. Maghapon akong nakahiga at maya-maya ang tulog. Nang gabing iyon, dahil sa kakasuka ko, nakaramdam ako ng gutom. Nagluto si Mama ng Noodles at iyon ang naging hapunan naming dalawa na may karamdaman. Mukhang mauubos ko ang isang magkok ng noodles subalit ng makarami, suko na ko't ibig ng iluwa. Maya-maya’y nasusuka nanaman ako. Ang aking kinain, wala ring napatunguhan at wala muling laman ang aking sikmura. Habang ako'y natutulog, sinipon naman ako. Bahagyang nabawasan ang pananakit ng katawan ko ng sipunin subalit nasira naman ang tulog ko. 


April 07, 2013
Sunday

Year I-097

Q-Z. Ang aking pakiramdam, di pa rin nagbabago at nilalagnat pa rin. Ng umaga habang papasikat ang araw, balot na balot pa rin ako ng kumot pagkat giniginaw. Kinuha ni Mama ang thermometer at ipinasak sa kili-kili ko. Nang masukat ang eksaktong temperatura, abot hanggang 38oc ang lagnat ko. Pinainom ako ni Mama ng Biogesic. Maya-maya’y bumababa naman ang lagnat ko. Bumangon ako at nag-almusal. Medyo sinisipon ako ngayon subalit masakit pa rin ang katawan ko. Madalas ay laging nakaupo at minsa'y nakahiga. Dahil sa sakit ng katawan na kahapon ko pa iniinda, ipinanawagan ko kay Mama na ikuha ako ng manghihilot. Si Aling Betty ang aking tagahilot at hinilot ako kung saang katawan may nararamdamang sakit.

R-A. Ang sarap sa pakiramdam habang hinihilot subalit kapag diniina'y nasasaktan ako at tiniis ko iyon. Init na nananatili sa katawan ang dahilan kung bakit nanakit sabi sa akin ng manghihilot. Tila gumaan ang pakiramdam ko at naibsan ang pananakit ng katawan matapos mahilot. Sunod ay si Kuya Al naman ang hinilot ni Aling Betty. Ang langis na hinaplos niya sa katawan ko, nagpasarap sa aking pagtulog. Tanghaling tapat na ko nagising at grabe ang init ng panahon. May simba pa naman kami ngayong Linggo subalit dahil sa aking karamdaman ay di ako makakadalo, magpapahinga na lamang ako. Bumalik nanaman ang aking lagnat. Umupo ako upang pawisan. Saktong habang nakaupo ako, binuksan ni papa ang telebisyon at laban pala ngayon ni Villoria. Para di ma-boring, nakinuod na rin ako at iyon ang nagbigay aliw sa katawang nanrurupok sa karamdaman. Sayang natalo si Villoria, nakakahiya naman.

R-B. Matapos manood ay tinawag ako ni Mama upang mananghalian. Konti lang ang kinain ko pagkat pag nasobraha'y masusuka ako. Ng makakain, sa halip na maligo'y nagpunas lang ako. Parang nabawasan ang init ng madampian ng basang bimpo ang buo kong katawan. Maya-maya’y nanumbalik muli. Ipinasak ko ang thermometer sa kili-kili. Nang matantiya'y umabot sa 40oC ang temperatura ko. Mainit na nga ang panahon tapos nilalagnat pa ko. Mukhang masusunog na ko. Nanatili muna akong nakaupo. Maya-maya thank God pagkat pinawisan na ko. Upang mailabas pa lalo ang init uminom ako ng tubig at dinamihan ko iyon. Pinawisan ako ng todo-todo at ang aking pagpapawis ang nagpababa sa lagnat. Maya-maya’y sinipon muli ako. ng mawala ng tuluyan ang lagnat, tila wala na kong sakit subalit di pa lubos ang paggaling. Maghapon pa rin akong nakahiga at natulog. Kinagabihan, bumalik muli ang lagnat ko. Uminom ako ng gamot at nagpahinga. Balot na balot pa rin ako ng makapal na kumot at ngatog na gatog sa ginaw. 


April 08, 2013
Monday

Year I-098

R-C. Sayang at kung di lang pumanaw ang Lola Trining nitong nakaraang taon, di sana ipagdiriwang niya ngayon ang ika-82 kaarawan. Ang bata pa ni Lola para mamatay, naalala ko tuloy si Lola at binalik tanaw lahat ng pangyayari na kasama siya. Lahat ng aking naalala'y puro magaganda at napakabait niya. Siya pa nga ang nag-alaga sa akin pag nagkakasakit ako at nung musmus pa. Kaso di na niya magagawa sa akin iyon pagkat patay na siya. Kung nabubuhay lang si Lola at sa bahay namin nakatira, malamang ngayong may sakit ako, aalagaan niya ko ng husto. Ang kagabi lang na masama ang katawan, nawala na, di na rin ako nilalagnat subalit sa ginaw ay nagkumot pa rin ako. Mukhang gumaling na ko at salamat sa maykapal, Alas siete pa la'y bumangon na ko.

R-D. Kakagaling ko lang sa sakit kaya di ako masyadong nagkikilos. Sumakit naman ang tiyan ko. Tila malatubig ang aking naidumi, dahil siguro sa gamot na nainom ko. Si mama naman, abala sa pagpupunas. Malakas na ko at mukhang kaya ko na subalit di ako pinayagan ni mama sa gawaing bahay at baka raw ako mabinat. Naupo na lang ako at nagsoundtrip. Wala na kong lagnat subalit inuubo pa rin ako. Ipinagtimpla ako ni mama ng Calamansi juice. Ng maubos, bigla na lamang ako napapururot, balik muli ako sa banyo at naglabas ng laman, tubig pa rin.

R-E. Ilang sandali pa'y nananghalian na kami. di gaanong maaraw ngayon at bahagyang kumulimlim. Tumulog ako saglit sa higaan. Di ako makatulog pagkat di naman ako inaantok. Bumangon ako at nanood ng telebisyon. Dahil Summerat kailangan ng maraming tubig sa katawan, inom ako ng inom ng tubig. Kumain rin ako ng Pakwan pagkat narinig ko sa radyo na nakakatulong ito upang di ka ma-dehydrate. ng Showtime na, di na ko magkandamayaw sa halakhak lalo ngBaliwan Cinema na. Grabe ang kukulit umakting na parang kulang kulang. Sumakit tuloy ang tiyan ko sa kakatawa. Matapos manood ng telebisyon tumungo ako sa duyan upang makalanghap ng preskong hangin. Simula ng magkasakit ako, di na ko nakakalabas sa bahay. Dahil nababato ako, nagsoundtrip ako sa radyo. Dami kong kaalamang natutuhan. Ubo pa ko ng ubo at ihi ng ihi dahil sa dami ng tubig na nainom.  SI Aling Aying naman, abalang-abala sa pag-iihaw ng Barbeque at di niya alintana ang sikat ng araw na tumatama sa kanya.

R-F. Dahil ngayong lang ako nakita, tinanong niya ako. Sinabi kong nagkasakit ako kaya ngayong lamang ako nakalabas. Kinagabihan, laman ng mga balita at pahayagan ngayon ang tungkol sa pagdukot sa mga bata. Nakakaalarma lang ngayon pagkat sunod sunod ibinabalita ang pagdukot at pagkawala ng mga bata samantalang pagpapakamatay ng mga kabataan. Ibang iba na talaga ngayon ang balita, masyadong nakakalungkot tapos lumalalang tensyon sa pagitan ng North Korea at South Korea pati ng sa Sabah. Pagkapatay ng telebisyon, naupo ako sa sala at nagbasa ng pocket book, sinabihan ako ni Ate Leslie na bawal raw ako magpuyat at pinangaralan ng husto. Sa halip na matuwa ako, nabwisit lang ako. Paano paulit ulit na lang niya sinasabi iyon at nakakasawa sa pandinig. Nagsagutan kami. Kumukulo talaga dugo ko pag nandyan ang Ate ko, laging pa-epal daig pa si Mama.


April 09, 2013
Tuesday
(Araw ng Kagitingan)
Year I-099

R-G. Sa alinsangan ng gabi, di naging masarap ang tulog ko, kaya madaling araw na subalit di pa malalim ang tulog ko. Naabutan ko na nga si Papa na gumising at nagpe-prepare pagkat pang-umaga ang duty niya. Alas-otso ng umaga na ako nagising, mataas na rin ang sikat ng araw at marami ng gising, samut saring ingay na rin ang maririnig sa labas. Non-working holiday ngayon sa dahilang ipinagdiriwang ang Araw ng kagitingan. Nandito nanaman ang bwisit sa buhay ko. Aywan ko ba kung bakit sumisikip ang kalooban ko kapag nandito siya, sanay lamang marahil ako ng wala siya. Hinayaan ko na lang ang presensiya niya. Dahil bawal pa ko sa gawaing bahay, sinubukan kong mag-compose ng kanta para maiba naman ang gawain. sa bawat liriko tumutugma sa tono at nagustuhan ko yun. Magkaka-rhyming rin dapat sa hulihan ng taludtod. Bagong kanta na mismo ako ang naglikha.

R-H. Pwede na marahil ako maging composer ng mga kanta at sana'y maging epektibo sa mga mambabasa. Maya-maya, nananghalian na kami. Nagagawa ng kumain ng marami kaysa ng nakaraang araw. Mukhang maalinsangan ngayon, matapos kumain ay naligo na ko. Dami namin tawa sa bagong show ni Ryzza mae, makulit na bata pero bibo at iyon ang nagpatawa sa amin. Pano, ang cute niya magsalita't nakakatuwa. Lalo na ng Showtime, wala kaming ginawa kundi tumawa. halos gumaling na ko ng tuluyan sa kakatawa because laughter is the best medicine. Matapos manood ng telebisyon, nagbasa ako ng pocket book na pinamagatang Calle Pogi, isang barangay na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna. Ang ingay ng tugtug ng kapitbahay namin na di maintindihan ang lyrics sa bilis. Ang tambay talaga dito bakit ang hihilig nila sa pangit na kanta. Tuloy ang pagbabasa ng pocket books, naging pahirapan at di ako makapag-concentrate. Ipinagpatuloy kong basahin ang pocket book sa kabila na nuknukan sa ingay ang kapaligiran at nangakong tatapusin ito.

R-I. Sa maghapon kong pagbabasa nito, Alas-kwatro na pero di ko pa tapos. In fairness lang pagkat may kabalukyutan sa unang bahagi pero nakakakilig naman sa gitna hanggang wakas ng kwento. Alas-sais na ng matapos ko ang pocket book. Ang tindi ng ingay sa labas lalo na si Ate Lorlie na walang ginawa kundi tumawa ng paimpit. Naghapunan kami, matapos maghapunan, nanood ako ng telebisyon. Nakaka-shock ang mga temperatura ngayong summer, may lugar na ibinalita na umabot sa 37oC ang init at yung isa nama'y 36.5, pagkainit naman sa lugar nila at todo paypay ang mga residente dun. Matapos mapanood ang paboritong programa, pinatay ko na agad ang telebisyon at nagbasa muli ng panibagong Pocket book. Maya-maya’y natulog na ko.


April 10, 2013
Wednesday

Year I-100

R-J. Magandang umaga sa matang kakamulat pa lamang dahil sa aliwalas nito, ang kagabi na saksakan ng ingay dahil maraming batang naglalaro, tila malayo ngayon pagkat nakakabingi ang katahimikan. Magaling na ko subalit patuloy pa ring inuubo at sinisipon. Pagkatapos mag-almusal, ako na mismo ang nagligpit ng higaan at naglinis na rin sa loob ng bahay. Di pa ko masyadong nagbanat at baka mabinat. Matapos ang gawaing bahay, ako'y nagkumpyuter at pagta-type ang inatupag. Habang abala ako sa pag-retype, biglaang nabasag ang katahimikan sa lakas ng pagdagundong ng tambol at paulit-ulit na may sinisigaw na pangalan. Muli nanaman pala nangangampanya si Precious Hipolito Castelo. Itinigil ko ang aking pinagkakaabalahan at lumabas upang makiusyoso. Dami ng lumabas na tao, yun pala'y personal na nangangampanya si Precious Hipolito at napakaganda niya kahit sa malayuan.

R-K. Nakikipagkamay siya sa kahit sinong makasalubong at nagbibigay ng campaign poster. Ni paglabas pa ngala'y kinawayan niya na ko at ipinakita ang matamis na ngiti. Parang napakalapit niya sa mga residente at maalalahanin pa, dahil lang ba nangangampanya siya o likas na sa ugali niya iyon. Ang katahimikan, di na naibalik at umingay nanaman ang paligid, narinig ko nanaman ang paimpit na tawa ni Ate Lorlie na parang wala ng bukas. Subalit dahil matindi ang sikat ng araw kapag tanghali, pumasok naman ang mga ito sa kanya kanyang bahay at matahimik muli. Nang makapagpananghalian at naligo, nanood kami ng telebisyon at pinanood muli ang Baliwan cinema, sasakit nanaman ang tiyan namin sa kakatawa.

R-L. Iyan na nga at tawa kami ng tawa na halos mapunit ang bibig, pano sino ba naman ang di matatawa sa makulit at baliw baliwan action nila, lalo na si Vice Ganda na ang kulit sumayaw, palong palo pa at baklang bakla manamit. Matapos tumawa sa kakanood ng telebisyon, tumulog muna kami. Pagkagising, tagaktak ng pawis ang sumalubong sa akin at ang tindi ng init sa labas. Tuloy todo paypay ako at inom ng maraming tubig kahit bukas na ang ceiling fan. si Mama naman, nakaupo habang kumakain ng halo-halo. Sa tindi ng init ng araw, walang lamig na kong maramdaman, dahil inuubo pa ko, bawal pa sa akin ang halo-halo. Humingi na lamang ako kay Mama ng pera upang bumili ng meryenda.

R-M. Habang naglalakad, biglang tinawag ako ni Kuya Gordon at sinabing hinahanap ako ng kanyang asawa. Di niya alam kung bakit at pumunta na lang ako sa bahay nila. nangangamusta lang pala siya sa akin pagkat di na niya ko nakikita, ni napagkamalan na nga niya na nagbabakasyon ako sa probinsya. Sinabi kong nagkasakit ako kaya di ako nakakalabas, ang pangangamustahan, nauwi sa masarap na usapan. Daming kwento ng nanay ni Rhea at sa tono ng boses niya, mukhang na-miss ako. Maya-maya’y bumili na ko ng pangmeryenda. Kinagabihan, thank God at nakaraos rin sa init. Mainit pa rin pero di na kasing init ang kanina. Hindi naman ako makagawi sa bahay ng mga kaibigan dahil baka mabinat, nanood na lamang ako ng telebisyon.

R-N. Maya-maya ng kakatapos ko pa lang manood, ngayon pa lamang dumating si ate galing trabaho. Sakto ng pinagbuksan ko siya ng pintuan, tinawag ba naman niya kong Baluga, balugang kanino naman niya nakuha? Di ko siya pinansin nagbabakasakaling nagbibiro lamang ito. Nang paulit-ulit na bigkasin ay parang ibig akong tamaan, nainis na ko subalit di ako nagpahalata. Nagtitimpla ako nun ng Milo at ng biglang makarinig ako ng di kagandahang pananalita. Sinabihan niya ko na bakit nakalimutan ko naman isara ang taklob ng kutsara, parang yamot na yamot na siya sa maliit kong pagkakamali at dahil kanina pa ko bwisit, nakapagsalita na ko ng di maganda. Ayaw niyang magpatalo at lalo pa kong inalipusta. Nagsagutan kami at inilabas namin ang kanya kanyang baho. Banas siya sa mga pahirit kong pananalita at di dapat galangin ang ganyang kagaspang na ugali.

R-O. Ang pag-aasaran nauwi sa sapakan at nagpang-abot na kami. Sinapak niya ko at nahulog ang salamin ko at inundayan ko siya ng sampal. Sa laki ng katawan ko sa kanya, di siya makapalag pagkat todo salag ako. Sa sobrang galit ko, nakapagbitiw na ko ng maanghang na salita at ibinunton sa kanya. Tama bang tawagin niya kong baluga at bago siya makapanghusga'y manalamin muna siya! Bwiset ang bruhang yan! Maya-maya’y dahil sa ingay namin, nagising na si Mama at Papa. Sinermunan kaming pareho at talaga naman ako pa ang lumalabas na masama dahil raw di ko naisasara ang lagayan ng kutsara. Hindi iyon ang dahilan kung bakit nagalit ako kundi sa pang-aasar niya ng baluga ng walang dahilan. Nagpapaliwanag ako pero ayaw akong pakinggan at mas pinaiiral ang galit sa puso. Sa pagod sa kakasigaw natulog ako agad. Nawalan na rin ako ng ganang ubusin ang Milo.


April 11, 2013
Thursday

Year I-101

 R-P. Napakabigat ng kalooban ko at di pa rin mawaglit kagabi ang nangyaring nag-away kaming magkapatid, umiinit pa lalo ang ulo ko kapag naalala ko yun lalo ng ako pa ang lumabas na masama at ipagtanggol pa ni Mama si Ate, parang tuloy niyan pakiramdam ko'y di pantay ang pagtingin sa amin. Sa yamot ko, nakakapagsalita ako ng kung ano-ano at inisip lahat ng konting pagkakamaling aking nagawa na ikinagalit nila ng husto. Sa tagal kong mabuhay, parang wala pa kong nagawang tama para sa iniisip nila at lagi na lang ako mali, mga epokrita sila at di nila naiisip ang mga shortcomings nila kundi laging shortcomings ko. Pakiramdam ko'y lagi nila akong nagpaiinitan pag nakagawa lang ako ng konting pagkakamali, bakit sila ganyan? Pilit ko mang pinahuhupa ang galit sa puso pero patuloy pa ring nararanasan. Matapos mag-almusal, nagtungo ako sa bahay ni Ate Nessie at isinauli ko na ang mga pocketbook, may balak pa kong manghiram kung meron pa siyang bagong Pocket book, hilig niya rin pala magbasa ng sabihin sa akin.

R-Q. Maya-maya’y tumungo na ako sa bahay nina Precious Jane. Marami siyang ginagawa noon at di na nagtagal pa sa kanila. Dumeretso na agag ako sa bahay ni Gelyn upang mag-tutor muli. Dahil tinatamad na talaga si Gelyn na magpaturo sa akin, ang nakakabatang si James (Miano) ang ipinalit. Tinuruan ko siya kung paano magbilang at magbasa. Dahil may tsart ng numbers at abakada na nakapaskil sa dingding, naging madali sa akin ang turuan siya. Mga Alas-dyis na ng matapos ko itong turuan at dahil bawal akong abutan ng tanghali sa labas, agad na akong umalis. Habang naglalakad papauwi, biglang tinawag ako ni Aling Catherine at sinabing balak rin ipa-tutor sa akin ang mga anak niya. Kahit na mas may kaya sila kaysa amin, kung magkano ang sinisingil ko kina Gelyn, kaparehas lang sa kanila pagkat ako'y mahabagin, kaso lang sa Mayo ko pa raw sila maaring turuan pagkat wala pa silang pambayad ngayon.

R-R. Matapos ang aming napag-usapan, tirik na nga ang araw ng umuwi ako. May pera nanaman ako subalit di ko muna ito gagastahin at iipunin pa. Maya-maya’y nananghalian na kami at nanood ng telebisyon. Bibong bibo talaga si Ryzza Mae ng maging guest sa show niya si Maricel Soriano at ang cute niya talaga. Sa Showtime naman, sumakit nanaman ang tiyan namin sa kakatawa. Kahit dito lamang ako sa bahay, masaya na ang long Vacation at sulit. Matapos manood ng telebisyon, saka pa lamang naisipang maligo sunod ay matulog. Pagkagising at dahil walang magawa'y nagkumpyuter ako. Ng takip-silim na, nagtungo ako sa bahay nila Cathy, pagkapasok pa lamang, kakulitan na ni Jaka ang sumalubong sa akin at hinarot harot ng walang humpay na tila walang kapaguran.

R-S. Si Ate Ging naman, ayun at hirap na hirap sa pagbabasa, natatawa ako kay Ate Ging kapag nagkakamali siya, tapos yun pala nakakaintindi naman ng ingles at siya pa mismo ang magtatama kapag di makabasa si Jaka. Masyadong nag-iinaso si Ate Ging. Kung tutuusin ay matalino siya. Hiniram muna ni Cathy ang Cellphone ko at irerekord niya ang mga kanta ko. Pagkabawi sa kanya, ayun deadbat na ang Cellphone, tampalasan kasi makagamit. Nagpatuloy sa pagbabasa si Ate Ging, parang Grade 1 siya kung magbasa. Maya-maya’y dahil kinaugalian nila kumanta ng Christian song tuwing gabi, kumanta kami at sinabayan ng pagpadyak at palakpak. alas otso at sa takot na di mapanood ang paboritong programa, umuwi na ko. Nanonood na nun ng telebisyon si ate ng aking madatnan at deadma kami sa isa't isa.

R-T. Siyempre nag-away at wala akong balak na makipag-ayos sa kanya kung ganya parati ang ipapakita niya. Naging maingay ang gabi dahil may naglalaro pa. Ayaw kong maging KJ sa kanila at sa halip na sawayin, nanood na lang ako at nakitawa. May bago silang laro at iyon ay “Magkano ang trigo, mahal o Mura”. Para silang mga eng eng na paulit ulit magtatanong at sasagot kung sino ang mura at mahal. Ang saya nila Ate Melon at gusto ko makisali kaso'y ni-lock na ni mama ang gate. Maya-maya, dumaan si Myca at tinanong ko sa kanya ang pangalan ng anak niya sa tiyan. Diana Rose raw ang pangalan at napakagandang pangalan. Inaantok na ko ng gabing iyon kaya natulog na ko.


April 12, 2013
Friday

Year I-102

R-U. Maaliwalas na umaga para sa araw na ito at hinuhudyat nito ang magagandang pangyayari na posibleng maganap mamaya, sana nga at ramdam ko iyon. Alas-otso na ko nagising at nag-almusal. Habang nalantak ako, May kakaibang tinig nanaman akong narinig na mula sa labas at paulit ulit na pinapatugtug ang "What makes me beautiful" kaso iba ang liriko. Nalingat ako saglit at pagdungaw, nangangampanya pala si Winnie Castelo. Ang kanyang mga supporter’s naman, kanya-kanyang dikit ng mga Campaign Posters na may larawan niya. Sa ngayon ay madami ng mga posters ang nakadikit kung saan-saan at asahan talsganh dadami pa habang papalapit ang eleksyon. Isang buwan na lang pala at eleksyon na. Matapos mag-almusal, nagtungo muna ako sa banyo at naghilamos. Maya-maya’y tumungo muli ako kila Gelyn upang mag-tutor kay James (Miano). Wala pa nun si James pagkadating ko at ipinabatid na nagpa-check up pa sila.

R-V. Nakipagkwentuhan muna ako kay Ate Bing na abala sa paglalaba, dumami pa ang aking kausap ng makisali si Gelyn at Kaka, pakikipagkwentuhan kasi ang libangan ko habang wala pa ang estudyante ko. Sa sarap at sa dinami-dami ng aming pinag-usapan, di ko namalayang nakauwi na sila. Ang may sigla naming pag uusap, nauwi tungkol sa pagpapalit nila ng relihiyon. Doon ko nalaman na Saksi ni Jehova pala ang asawa ni Ate Bing samantalang mag papabaptist pa siya bilang kaanib ni Jehova. Bukod pa dun, ibang iba rin ang paniniwala nila sa Katoliko tulad ng paraan ng pagbibinyag at di sila kumakain ng dugo pagkat kasalanan iyon sa diyos. Siguro nga't tamang magpalit ako ng relihiyon pagkat sinabi sa akin ni Ate Bing na silang lahat ay tatalikdan na ang pagiging katoliko at aanib na sa Saksi ni Jehova o Iglesia ni Cristo. Pansamantala munang naputol ang aming pag-uusap at sinimulan ko ng turuan si James.
R-W. Sa kalagitnaan ng aking pagtuturo kay James ng pagbabasa at pagbibilang, may dalawang babaeng bigla na lamang dumating at nagpakilala sa akin. Mga Saksi ni Jehova pala sila at nagtungo sila upang ituro kila Ate Bing ang salita ng Diyos. Habang nag-uusap kami, pinabasa sa akin ang bible at ipinaliwanag sa akin ang Verse na aking binasa. Bukod sa nakakatuwa silang kausap, lalo pa kong nagalak pagkat di raw totoong may impyerno at maibigin ang Diyos. Kahit naging masama ka pa ng ika'y nabubuhay pa, di raw hahayaan ni Jehova na maparusahan ka ng habang buhay sa impyero pagkat siya'y maibigin at di iyon nasusulat sa bibliya. Di ko alam kung totoo't di pa rin magawang maniwala. Di rin sila naniniwala sa mga kaluluwang gumagala.

R-X.  Dami kong natutuhan sa kanila subalit di ko iyon sinaisip pagkat iba ang relihiyon ko. Dahil ayaw nilang makiistorbo sa pag-tutor ko kay James, sa kwarto ni Ate Bing at Kuya Lance nila isinagawa ang bible study. Lagpas na sa isang oras ang pagtuturo ko kay James kaya minabuting bukas na lang ipagpatuloy ang iba. Lihim akong nakikinig sa kanilang bible study, sa kakulitan ni Gelyn, naputol ang pakikinig ko sa kanila. Ako naman itong di papigil, nakipagharutan na ako sa kanila. Saglit lamang ang katuwaan ko sa kanila at dahil bawal akong maabutan ng tanghali, agad na kong umuwi. Pagkadati’y saka pa lamang ako nananghalian. sa di inaasahang pangyayari, inutusan ako ni Mama na paloadan ang broadband ng internet. sa saya, di na ko nakatanggi pa at dali-daling tumungo sa tindahan. Makaka-Facebook nanaman ako at twitter. Si Mama muna ang naunang gumamit ng Internet.

R-Y. Maya-maya’y ako naman. ang tindi ng init sa labas at pinagpapawisan na ko. Manonood pa kami nun ng The Ryzza Mae show at Showtime kaya isang oras lang kami nag-internet. Mga alas tres kakagaling lamang sa tulog ng mag-internet kami, Unlisurf ang internet kaya sinulit nanamin hanggang sa magsawa. Alas singko na ng pinatay ang computer. Jackpot ako ngayon pagkat nakalibre ako sa net, may bukas pa ang one to sawa. Kinadiliman, kaabang abang ang Ina Kapatid Anak pagkat malalaman na ni Margaux kung ano ang pagkatao niya. Sobrang namangha ako sa bawat eksena, masyadong dramatic at di maalis ang mata ko sa telebisyon. Ng matapos panoorin ang paboritong programa, di pa pinatay ang telebisyon pagkat nanood pa ang Papa. Di pa ko natulog at nakinuod pa. Kahit di tinapos sa kadahilanang hating-gabi na, pinatay na namin at natulog.


April 13, 2013
Saturday

Year I-103

R-Z. Happy weekend again, maingay muli sa baryo Taniman pagkat marami nanaman ang day off at tatambay ngayon. Himala pagkat ang kahapong napakatindi ng init na halos ikasunog na namin, bahagyang kumulimlim at nagbabadya pa ng pag-ulan. Mabuti na ring iyon ng makapagpahinga sa init. Habang nag-aalmusal ako, tumunog bigla ang Cellphone ko. Bigla nabasa ang text sa akin si Jessa at sinabing sa Pangasinan na siya mag-aaral, di ko na siya magiging Classmate pa sa pasukan. Nalungkot ako pagkat wala ng mangungulit at magpapasaya sa akin sa araw-araw at kakwentuhan na rin. Gusto ko sanang mag-reply sa kanya upang makapagpaalam kaso walang load. Goodbye, my dear best friend Jessa and I wish you are in good situation now and I’m glad to see you soon. Sana may time na magkita pa kami at makapag usap.

S-A. I know sometimes God will let me to get over this. Sa lungkot na parang namatayan, halos maluha na ko. Dahil may internet pa at di pa na-expired, nagkumpyuter ako at dun ko idinaan ang pagluluksa ko kay Jessa. Kahit paano nabawasan ang dalamhati ko ng makapag-post sa Facebook ng pamamaalam ko kay Jessa. Makalipas ang mahigit sa isang oras na pag-Internet, si Mama naman at isinama pa si Ate Aying. Dahil moments nila magkumare, hinahayaan ko na lang sila hanggang sa ma-expired. Nakaluto na nun si Papa ng ulam at sa gutom, kumain na ko. Maya-maya’y tapos na sila mag internet at ipinapa-shut down sa akin ang computer. Kumakain ako nun kaya pinag-extend ko pa sila. Matapos kumain at manlaki ang tiyan, shinat-down ko na ang computer and switch the television on. I watched the Baliwan Cinema and it is funny that is why I am laughing all around. Galing ko mag-Ingles, its improving pa yan. After I watched television, because I am getting tired, that is why I am going to sleep now.

S-B. Pagkagising ko, daming hugasin muli sa lababo at iyon ang pinagtuunan ko ng oras. Matapos ang hugasin ako'y kumain ng Halo-halo. Nakakaboring at walang maisipang gawin kaya ang kinita sa tutor ang pinangkumpyuter ko. Habang naglalakad, dinig ko na ang sunod sunod na putok sa kalawakan. Piyesta pala ngayon sa Ison Site at nakita ko ang mga dilag na nakasuot ng magagara at makukulay na gown samantalang nakaamerikana with necktie ang kanilang partner. Nakiusyoso ako saglit at maya-maya'y nagtungo na ko sa Computer shop. Habang nanonood ako ng Zombading: Patayin sa Shokot si Remington sa kumpyuter, nakarinig muli ako ng putok. di ako nagpabingi at ipinagpatuloy ang panonood ng movie.

S-C. Kahit paano'y naalis ang lungkot ko ng ako'y matawa. Sa hinaba haba ngmovie na tinapus ko pa. Mahigit sa isang oras ng babad ang mata ko sa kumpyuter. Matapos magkumpyuter, nagtungo ako sa bahay ni Auntie Cleng. Nakakatuwang bata naman sila Samantha at Adie pagkat mas pipiliin pa nilang magsulat kaysa maglaro. Sa katunayan, dami nilang medal at ribbon at sinabi sa aking kokolektahin nila iyon hanggang sa makatapos. Daming ikwinento sa akin ni Auntie Cleng tungkol sa anak niya at lahat noon ay puro papuri at sobrang maipagmamalaki niya talaga sila. Sana ganun rin ako ng bata ako, yung tipong mahilig sa medal at iyon ang dahilan ng pagpupursigi sa pag-aaral. Di lang iyan, gumagawa rin si Samantha ng kwento at ipinapabasa sa akin.

S-D. Nakakatuwang bata pagkat bihasa na siyang gumawa ng kwento. Ginabi na ko sa pag-uwi pagkat napasarap ang usapan kay Auntie Cleng. Pagdating sa bahay, inabutan na pala ako ng Maala ala mo kaya at di pa man nabubuksan ang kaldero, nuod agad ako, ayaw ko kasing ma-missed ang programa dun. Nakaka-shock lang sa kwento pagkat magpinsan sila na naging mag-asawa at labag iyon sa batas ng Diyos. Ng makapag-anak ang babae, taong bangus ang lumabas na tipong namamalat at nagsusugat ang katawan. Kahit may pagkakamali sila, naawa pa rin ako sa kalagayan ng mga anak niya at gusto ko silang tulungan kaso wala akong kakayahan. Langit na ang bahala sa kanila at di akong naniniwalang langit ang sumumpa sa kanila dahil maiibigin ang Diyos. Matapos manood ng telebisyon, kahit maingay ang paligid ako'y natulog na at maaga pa magigising bukas.


April 14, 2013
Sunday

Year I-104

S-E. Nakakalungkot na balita agad ang sumalubong sa aking paggising pagkat narinig ko habang nagkukwentuhan si Mama at Papa na patay na raw ang Tito Echo. Dahil kapatid iyon ni Mama, luluwas nanaman siya sa Cagayan at biglaan pa. Sinabi ko kay Mama na kung pwede akong sumama sa pag uwi niya upang masilayan sa huling pagkakataon ang tiyuhin. Another lungkot nanaman ang aking nadarama. Pumayag naman agad si Mama sa aking kahilingan subalit di na makakasama kapag sa Ilocos ibuburol ang Tito Echo. Sana sa Cagayan. Matapos mag-almusal ay tumungo muli ako sa bahay ni Gelyn. Nasa Tandang sora pala si James kaya wala akong matuturuan. Uuwi na sana ako kaso pinigilan ako ni Regine at sinabing pupuntahan niya si Berna mamaya. Ngayon pala ang kaarawan ni Berna.

S-F. Maya-maya biglang nagbago ang ihip ng hangin at tinatamad na siyang pumunta. Umalis saglit si Ate Bing at dahil abala ang asawa niya, ako muna ang inatasan niyang mag-alaga sa anak niya. O kay sarap naman mag-alaga ng bata at lahat ng gusto mong sabihin, nasasabi mo sa kanya. Maya-maya ay bumalik na si Ate Bing, umalis na rin ako pagkat may Sunday mass pa kami. Tumungo ako kila Ate Ging at sinabing daanan ako bago pumunta sa church. Habang nagbibihis ako, di ko namalayang nandun na si Cathy at Grace sa harap ng bahay na naghihintay. Mukhang matatagalan pa ko kaya pinauna ko na sila. Pagdating sa JOLIA church, nagtatalumpati pa lang si Sister Flory. Ilang saglit pa'y nagsimula na ang worship at ganon kainit ang pagkamay namin sa iba pang kaanib. Masaya naming inawit ang iba't ibang Christian song na may kasamang pagpalakpak at sigawan, parang natanggalan ako ng lungkot habang kumakanta.

S-G. Matapos ang worship, kanya-kanyang share ng nangyari sa buhay at pasasalamat na rin kay God. Unang nagsalita si Ate Ging na sinundan naman ni Sister Violy at Sister Belinda. Nang si Sister Belinda na, ipinalandakan niya na sa amin ang tungkol sa pinagkaiba ng aming church sa iba pang christian church pati ang mga instrumentong ginagamit, masakit na raw sa pandinig. Sa kanyang mga sinabi, nanlumo ako at kailangan pa siguro ng maraming pagbabago para matulad kami sa iba. Alas-onse na subalit di pa nakakapag-bible study ang Pastora Anna, pagkatagal naman kasi at ang dami nilang sinasabi, inip na ko. Ilang saglit pa'y nakapagturo na si Pastora Anna. Itinuro niya sa amin ang pagbibigay ng ikapo sa panginoon maging sa kapwa.

S-H. Mukhang overtime kami pero Ayos lang. Mga Ala-una na ng makauwi kami at kasabay ko sila CathyPrecious JaneMerry Grace at Ate Ging sa pag-uwi. Saka pa lamang ako nananghalian ng makarating sa bahay. Maya-maya’y natulog na ko. Pagkagising at dahil batong-bato, naisipang magkumpyuter muna at naglaro ng Plants Versus zombie. Sa kalagitnaan ng aking paglalaro ang biglang pagdating nila Cathy kasama si Ate Gemma at niyayang sumama sa kanilang fellowship youth bible study. Tinatamad ako sumama kaya nag-imbento ako ng dahilan subalit di ko sila mapaniwala, sobrang mapilit sila at tatlong beses ng bumalik sa bahay. Sa hiya, hindi na ko nakahindi pa't dali-daling nagbihis. Sa bahay ni Kuya Harold ginanap ang fellowship at dahil kaarawan niya ngayon, masigabo namin itong binati.

S-I. Ang saya pala kapag Born-again Christian ka pagkat meron ring bible study na kami-kami lamang mga teenager. Sa katunayan dahil sa fellowship na yan, may nakikilalang bagong kaibigan, doon ko nakilala sila Evangeline atHansel, ngayon ko lamang sila nakilala subalit mainit na ang pagtanggap sa akin. Nagsimula na ang bible study at pinangunahan ni Kuya Ian. Matapos angyouth bible study, umawit kami ng Happy birthday at isa-isa nagpahayag ng mensahe kay Kuya Harold. Nang makapaghayag ang lahat, tsibugan na. Kunwa-kunwaring nahihiya pero sa pagkuha ng pagkain ay madami at nagkukwentuhan pa. Sa dami ng kanilang handa, nabusog ako ng bonggang bongga. Nakadagdag pa sa aming saya dahil sa kapilyuhan ng batang si Kiyumi na ang cute at sarap kalaro.

S-J. Maya-maya pa, naging maingay na ang bahay ni Kuya Harold dahil sa kasiyahan at ako pa ang ginawang entertainer. Kahit mukha nang loko-loko at uto-uto sa pinagagawa, ayos lamang basta mapatawa ko sila. Nag-isip na rin ako ng Jokeat pick up lines, kahit korni ay tawanan pa rin sila. Puring puri ako pagkauwi at may nag-request pa na pumunta raw sa bahay nila pagkat nakakatuwa raw ako. Ginawa pa talaga nila akong komedyante sa lagay na yan, kaloka. Ng mabawasan, kaming tatlo ni Cathy at Grace na lang ang magkasabay sa pag-uwi. Pagdating sa bahay, napansin kong nawawala ang Card reader. Di ako mapakali at patuloy ko iyon hinanap subalit di pa rin masumpungan. Nagdasal ako kay God ng gabing iyon at sobrang balisa dahil problemado ako. Sa sobrang problemado, di ko na naibahagi pa kila mama ang Hapiness ko, at makatulog ng ayos.


April 15, 2013
Monday

Year I-105

S-K. Walang maganda sa umaga sapagkat problemado pa rin ako sa pagkawala ng card reader kagabi at di ko alam kung paano ito mahahanap. Nagwalis muna ako sa sala at habang nagwawalis ay pasimple kong hinahanap sa bawat sulok ang card reader. Sobrang panlulumo na ang naramdaman ko ng di pa masumpungan ang card reader, marahil nga't may purpose si God kung bakit hinayaan niyang mawala sa kamay iyon, di ko alam kung anu yun. Sa kagustuhang makabili ng card reader, nagtungo ako kila Gelyn upang mag-tutor at makalikom ng pambili. Pagdating sa bahay, di ko nadatnan ang estudyante ko at sinabing nasa Tandang Sora pa rin sila at sa miyerkules pa raw ang uwi. Sa sinabi sa 'kin ni Ate Bing, nanglupaypay ako sa pagkadismaya at inisip na tanggapin na lang ang pagkawala ng card reader, di niyo alam kung gaano kahalaga iyon sa akin. Dahil wala naman akong matuturuan, umalis kaagad ako sa kanilang bahay. Ayaw ko pang umuwi at tumungo muna ako sa bahay ni Angelica.

S-L. Habang abala si Angelica sa gawaing bahay, nagbigay aliw sa akin ang maamong mukha at nakangiting sanggol na kalong-kalung ng kanyang nanay, binati ko siya at nilambing ng husto. Christian ang pangalan ng bata at sa kaamuhan ng mukha niya, tila gusto ko na siyang ariin subalit may ina ng nag-aalaga sa kanya. Maya-maya pa'y lumabas na si Angelica, siya ang naging sandalan ko sa problemang aking kinakaharap. Sa masarap naming kwentuhan, ang problemang kinikimkim, parang bulang naglaho. Ilang saglit pa ay dumating si Regine (Miano) at nakisali sa aming usapan. Dahil kulob kila Angelica, di kami gaanong tinatamaan ng sikat ng araw, masarap tuloy tumambay sa kanila at makipagkwentuhan.

S-M. Sa dinami dami ng usapan na mukhang ayaw akong paalisin, di ko namalayang sumapit na ang Alas-dyis, kinailangan ko ng umuwi at sana sa muling paghahanap ko'y makita na ang card reader, nakasuksok pa naman dun ang memory card ko at pag di ko talaga mahanap, laking pera ang mawawala. Saktong pagdating ko sa bahay, nakita ni mama ang card reader ko at ibinigay sa akin. Parang nabunutan ako ng tinik at laking pasasalamat ko kay mama at lalong lalo na sa panginoon na dininig ang aking panalangin, napakabait niya. Kaso panandalian lang ang saya ko pagkat sa Ilocos na ibuburol ang Tito Echo at di na ko makakasama pa. Sayang at di ko na makikita sa huling pagkakataon ang tiyuhin. Nauna na kong nananghalian pagkat may kausap pa sa telepono si Mama.

S-N. Matapos mananghalian, nanood kami ng telebisyon, di ako gaanong natawa sa Baliwan Cinema pagkat wala si Vice Ganda, tuloy ay agad kong pinatay ang telebisyon. Kinahapunan at kahit alas kwatro na'y dama pa rin ang init, nagtungo ako sa duyan at nagpahangin. Sarap pagmasdan sa mabughaw na kalangitan ang mga lumilipad na saranggola, summer vacation na naman kaya madami nanaman saranggolang palipadlipad sa kalawakan. Gustuhin ko man magpalipad ng saranggola subalit di sapat ang aking kagamitan para makagawa ng kite. Nang madilim-dilim na, pumasok na ko sa bahay at nanood ng telebisyon. Sobrang bugnot ko ng gabing iyon at di pa makatulog, nagbasa muna ako ng mga newspaper.


April 16, 2013
Tuesday

Year I-106

S-O. Alas-otso na ko nagising, mukhang inaantok pa rin subalit nilabanan ko iyon. Para di antukin, humigod ako ng mainit na kape. Sa halip na si mama ang maglaba, ako na ang magprisintang labhan ang gatambak na labahim sa humper. Pati mga punda at kumot, di ko pinalagpas sa kusutan. Sa dami ng lalabhan, mukhang aabutin ako ng siyam siyam. Habang abala ako sa paglalaba, biglang dumating si Auntie Andrea, nakikibalita siguro sa pagkamatay ni Tito Echo. Ang daldal ni Auntie Andrea at halos di na ko makapag-concentrate sa paglalaba, pagkalabas niya ay pinuri ako at ang sipag ko raw, nakakataba ng puso ang sinabi niya.

S-P. Tuloy na tuloy na rin ang pagbiyahe nila mama patungong Ilocos at di ako kasama. ayos lang basta pag uwi niya'y may dalang pasalubong. Nang malabhan lahat ng tubal at punda, ako'y nagbanlaw. Ubos na ang lakas ko subalit ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbanlaw. Matapos magbanlaw, nagpalit na ko ng damit at si Mama na mismo ang nagsampay. Sa sobrang pagod, nakaranas ako ng matinding gutom kaya nananghalian ako. Maya-maya pa'y inantok na ko, Alas-onse pa lang ay tumulog na ko. sa sarap ng tulog, ayan at halos malapit ng sumapit ang Alas-dos nang ako ay nagising, di na tuloy ako nakanood ng Baliwan Cinema. Saka pa lamang ako naligo pagkagising. Mainit pa rin sa labas at nakakatusta sa katawan ang init nito. Pagkatapos maligo, nanatili lang ako sa bahay kaso umiral nanaman ang aking pagkabato, nagkumpyuter ako upang makapagbigay aliw. Ng papalubog na ang araw, saka pa lamang ako lumabas.

S-Q. Isinauli ko na rin ang Pocket book kay Ate Nessie subalit nadatnang sarado ang bahay niya, ipinasuyo ko muna kay Ate Arlene ang mga iyon at agad naman siyang pumayag. After that moment I went to Gelyn's house, when I was coming, I saw Regine busy to prepare the foods. Dahil wala ang kanyang nanay, siya na mismo ang nagluto ng kanila ng ulam. Sa bait ni Regine (Miano) at dahil sa kwikwento ko sa kanya na di ako marunong magluto, she taught me the proper way how to cook the food well and I am easily to get that. Parang nagmistulang chef si Regine sa akin. Habang abala si regine sa pagluluto, tumungo muna ako sa beranda at nakipagkwentuhan kay Shiela. Sa hilig kong manlambing ngbaby, ang bitbit niyang anak ang umaliw sa akin.

S-R. Maya-maya, dumami na kami at nauwi na sa katuwaan ang kaninang kwentuhan. Sumayaw na naman ako ng parang nasisiraan at natuwa sila, galing ko raw sumayaw at nag Harlem Shake kami. Ang mga bata, kalalambot ng katawan at bigay todo sumayaw. Napagod ako sa kakasayaw at ng tuluyan ng dumilim, tumungo naman ako sa bahay ni Angelica. Nakita ko nanaman si Christian at nilambing lambing ng husto. Maya-maya't dala na nababato, nagharutan kami, ang kulit tumawa ni Angelica at sayang dahil wala si Gelyn, doble saya sana ang makakamtan. Ilang sandali pa ng matapos ang talakan naming dalawa, kinailangan ko ng umuwi. Pagdating sa bahay, ganap ng Alas-otso at nakakain na pala sila. Di pa ko makatulog nun kaya nagbasa munang muli ng pocket book. Ng kinahating gabi, saksakan pa rin sa ingay dahil sa mga alagang aso at ang lalakas pang tumahol, sakit pa man di sa teynga.


April 17, 2013
Wednesday

Year I-107

S-S. Ang iingay talaga ng alaga naming aso at nawala na ang tulog ko. Lumabas ako saglit at sinaway sila. Maya-maya muli, nakarinig ako ng pagkahol. Nagtakip na lang ako ng teynga at umidlip. Di pa rin ako makatulog, pasado Alas-dos na ng makatulog na ko ng tuluyan. Kahit inabot na ko ng madaling araw sa pagtulog, nagising pa rin ako ng maaga. Payapa ang kapaligiran at tirik na ang araw. Naging panatag sa akin ang mag-almusal subalit panandalian lamang ito at muling umingay ng may nangangampanya. Siyempre humaling na humaling na maluklok sa trono kaya puspusan ang kampanya. Sila Toto Medalla at Star Valmocina pala ang nangangampanya, di ko iyan pinag-aksayahang makiusyoso sa kanila at tumungo na kila Gelyn.

S-T. Wala pa si James nun kaya habang naghihintay, nagkwentuhan muna kami ni Shiela at Regine. Maya-maya, dumating ang kanilang Mama at biglang kinausap ako. Kinausap ako ni Aling Gina tungkol sa kuryente at sinabing pakiusapan raw ang Mama ko na magpakabit sila ng kuryente sa aming linya. Sa awa ko naman sa kanila at isang taon ng nagtitiis na walang kuryente, bumalik ako sa bahay at dagliang kinausap si Mama. Masinsinan ko siyang kinausap at ilang ulit ko man siyang pilitin, nagmamatigas pa rin ito at kinatwiran ang maliit na naming wire. Lahat na ng makakaya ko, sinubukan ko na subalit patuloy siyang nagmamatigas. Nirespeto ko na lang kung anong pasya niya. Bumalik ako kila Gelyn at sinabi sa kanilang bigong mapapayag si Ina na pakabitin sila. Lugod naman nilang nauunawaan iyon at ang nakakalungkot pa'y si Mama na ang huling pinakausapan nila upang magpakabit, tapos ay tinanggihan pa.

S-U. Kawawa naman sila pagkat lalawig pa ang pagdurusa nila sa brownout. Nandun na si James subalit di ako makapag-umpisa pagkat sinumpong muli ng katamaran. Pinangaralan ko siya at tinakot subalit lahat ng sinasabi ko'y balewala sa kanya. Dahil bata pa, wala pa sa hilig niya ang mag-aral kundi laro lang. Ilang ulit ko siyang pinangaralan subalit wa effect. Ang matatamis na Jelly aceHansel at kumakalansing na baryang dumampi sa kanyang palad ang nagtulak upang magpursigi sa pagbabasa. Kahit hirap na hirap bumigkas, patuloy pa rin siya sa pagbasa't naging inspirasyon niya ang pagkain. Sinubukan ko rin ipasulat sa kanya ang mga letra. Lubhang di katinuan ang sulat at minsa'y namintis pero kita ko kung paano siya nagpupursigi. Masipag na bata. Nang biglang nagsipasukan ang mga bata at naglaro ng text, sa halip na mapunta sa aking pagtuturo, ang atensiyon niya'y nahatak sa paglalaro. Nagsaway muli ako.

S-V. Alas-dyis na ng matapos ko itong turuan at kinailangan ko ng umuwi. Ng makadating sa bahay, saka pa lamang nananghalian at naligo. Maya-maya pa'y nakaramdam muli ako ng antok, kahit dama ang init na hatid ng araw, napasarap pa rin ang tulog ko. Mga Alas-tres na ko nagising, my favorite time to wake up and because of heat came from outside, I prepare my own money to buy Halo-halo. My body feels cool when i ate halo-halo. Before the night coming on, nakita ko si Mama na may kasamang dalawang lalaki. They are computer technician and fix our globe broadband to resume internet connection without Monthly payments. Tagal rin walang internet matapos ng bumagyo late 2011.

S-W. Nang maayos ng technician at siniguradong di ma-trace, one to sawa nanaman ang internet ng di nilalagyan ng karga. Laking pasalamat ko kay Mama. si Mama ang naunang gumamit bago ako at tinuruan ko siya sa Google atYoutube. Nang Alas-sais na, we put the computer off and turn television on. I am seriously shock for that news tonight, the Middle East experienced strong earthquake last time and its magnitude reached about 7.8 and maybe if that disaster occurs in Philippines, many people were died. Thank God because he does not allow occurring that disaster. Habang Nanonood ng telebisyon at dahil ang bahay na ipinapatayo sa katabi ng bahay namin ay nagiging church tuwing Miyerkules, lumabas ako saglit at pinanood ang kanilang Worship, parang katulad din sa aming church ang kanilang aktibidad at sila’y mga Born-again rin. Sa susunod na Linggo, sa kanila na ako dadalo ng mass at di na sa JOLIA church, pagkat malayo ito.


April 18, 2013
Thursday

Year I-108

S-X. Ang takbo ng panahon ay sadyang kay tulin, akalaing malapit na angweekend at malapit na rin ang Mayo. Alas-otso na ng umaga ako dumilat, inaantok pa rin ako subalit pilit ko iyon nilalabanan. Ilang araw ng di nalilinisan ang bahay at nagdulot na ito ng matinding kalat at alikabok. Sa halip na igugol ang oras sa pag-tutor, inilaan ko ito sa paglilinis ng bahay, si Mama naman, abala sa paglalaba. Ang gatambak na hugasin, inaksyunan ko. Dami kong ginawa at buti naman at luminis rin ang bahay ng di man lang nahapo. Dahil may internet ang computer all the time, naisipan kong magkumpyuter. Tamang-tama at di na ko magkukumpyuter sa labas sapagkat mabaho at nakakasakit pa ng teynga ang ingay. Wala akong ibang ginawa kundi ang magsave ng Photos ng bawat probinsya sa Pilipinas, hilig ko kasing pag-aralan ang tungkol sa heograpiya. Nang matapos si Mama sa labahin, siya naman ang gumamit ng internet. Tinuruan ko siya kung paano gumamit ng Google.

S-Y. Mahabang pasensiya ang pinairal ko pagkat hirap itong turuan. Nag-Facebook na lang muna siya, iyon lang kasi ang alam niya. Pagpatak ng Alas-onse at dahil tumataas na ang konsumo, pinatay na namin ang computer. Saka pa lamang nun nagsaing si Mama. Dahil Rice cooker ang gamit naging madalian ang pagsasaing at agad kaming kumain. Maya-maya pa ay inatake nanaman ako ng kaantukan kaya natulog muna. Naligo nanaman ako sa sariling pawis pagkagising at para akong tinutusta sa alinsangan. Naligo ako at naibsan ang init na nadarama. Ng makaligo, sa halip na lumabas ay nagkumpyuter muli ako. Ang init talaga at habang nag-i-internetako'y talaga namang tagaktak ang pawis. Bago mag alas-singko'y pinatay ko na ang computer.

S-Z. Makalipas ang isang oras muli nanaman nabuksan ang compute rat si Ate Leslie ang gumamit. She early to go home now, bakit kaya. Agad naman niyang pinatay ng malamang TV patrol na. Grabe ang mga terorista sa Amerika, nanghasik muli ng lagim at sa Boston Marathon pa nagpasabog. Nakakatakot naman pagkat ikaw na nakatayo upang panoorin ang marathon tapos biglang may sumabog sa likuran mo, ay tigok ang buhay at lasub-lasub pa ang katawan. Kakaiba na talaga ang nangyari sa mundong ito. Kahit gabi na'y dama ko pa rin ang init at gusto ko ng umulan. Maiingay rin ang mga bata sa labas kaya pinagsabihan ko nga. Tatahimik at ng makabalik muli'y iingay nanaman, nagalit na tuloy si Mama at pinagsisigawan na sila. Di pa makatulog nun kaya paghahalungkat ng basura sa kusina ang inatupag ko. Hinahanap ko kasi angdirectory na tinapon, ng makita ay saka ko pa lamang inimis ang nilikhang kalat at ibinalik sa sako. Inumpishan ko ng basahin ang directory.


April 19, 2013
Friday

Year I-109

T-A. Thank god it's Friday again, katamad pang bumangon at sarap humilata sa kama subalit bumangon na ko at nag almusal. Ngayong araw rin ang alis ni Mama patungong Ilocos subalit sa hapon pa, sayang at di ako makakasama, di ko tuloy madadalaw ang Tito Echo sa huling pagkakataon. Matapos mag-almusal ay nagpunta ako sa palikuran upang maghilamos, nakaranas rin ako ng pananakit ng sikmura kaya sinabay ko na. Pagkatapos ay nagsipilyo ako. Nakabihis na ko noon pagkat may estudyante pa kong tuturuan subalit pinigilan ako ni mama at binigyan na lang ng bente na kasing halaga ng kinikita ko sa tutor. Magpapatulong kasi si Mama sa akin upang i-search ang bus terminal na patungong Ilocos at di niya iyon batid kung saan iyon matatagpuan.

T-B. Si Mama muna ang nag-internet at sa kaka-train ko sa kanya ang nagpatuto sa kanya upang mag-internet. Marunong na siya sa Google subalit di pa alam kung paano ang Youtube. Hinayaan ko muna siya at makalipas ang ilang minuto ay ako naman ang sunod na gumamit. Wala akong ginawa kundi ang mag-search ng political division ng bawat probinsya. Di pa sumasapit ang tanghali subalit tagaktak na ang pawis. Habang babad sa computer, may nangampanya nanaman ngunit di ko pinansin. Mga dakong Alas-onse na namin pinatay ang internet. Nakasaing na nun si Mama kaya agad akong nananghalian. Sa kadahilanang mamayang hapon na ang tulak ni Mama pa-Ilocos, todo bilin siya sa akin na huwag kong pababayaan ang kuya at bantayan maigi at baka kung anong kalikutin.

T-C. Pagkatapos kumain at dahil walang magawa, pagbabasa ng bibliya ang aking inatupag. Maya-maya’y binuksan ko ang telebisyon, sa tatlong araw na di nakanuod ng showtime ngayon lamang nakanood. Dami ko talagang tawa sa Baliwan Cinema, puro kabaliwan ang inaakting nila at parang kulang na la'y ma-posess ng husto pero kahit ganon ay nakakatuwang panoorin. Nang matapos ang pinapanood ay pinatay ko ang telebisyon at natulog. Si Mama, abalang-abala na sa pag-iimpake at nagsusukat na rin ng damit na isusuot sa pag-alis. Mga bandang Alas-tres ng umalis si Mama at kaming dalawa ni kuya al ang naiwan sa bahay. Kakaiba ang init ngayon na mas matindi pa kaysa ng nakalipas na araw.

T-D. Naligo na ko at pagkatapos ay muli kong binuksan ang computer at nag-internet. ng malapit ng mag-alas singko ay saka pa lamang dumating si papa. Hangga’t wala si mama ay si papa muna ang tatayong ama at ina sa bahay. Nagtungo ako sa labas upang bumili ng Krayola. Nang makadating sa bahay ay pinagpuputol ko ito at inilagay sa plastic cup. Hinihintay ko munang matapos sa pagsasaing at pagpriprito ang papa bago ko ilagay sa mainit na kalan ang cupsupang matunaw ang crayola. Ng matunaw na parang tubig ay isinalin ko ito saceramics cups at pinatigas sa refrigerator. Saka pa lamang ako naghapunan ng matapos iyon. Ka-shock ang temparatura ngayong araw pagkat naitala ng PAGASA na pinakamainit sa buong taon ngayon at pumalo sa 36.6o celcius ang init, kaya ganon lamang katindi ang init kanina at sana'y umulan na. Di pa ko makatulog ng gabing iyon pagkat maalinsangan. Gumawa na lang ako ng paraan upang antukin at iyon ay mag-soundtrip. Mga Alas-dose na ng hating gabi ng makatulog ako.


April 20, 2013
Saturday

Year I-110

T-E. Nakakapanibago lamang ang umaga pagkat wala si Mama, kamusta kaya siya? Nasa mabuti kaya siyang kalagayan at sana naman ay ligtas ang pagpunta niya sa Ilocos. Nakabukas pa rin ang ceiling fan at pinatay ko ito. Lahat sa kanila'y gising na maliban sa akin na nakahilata pa rin sa kama at di maawat ang sarili. Kita ko na ang sinag na nagmumula sa bintana hudyat na mataas na ang sikat ng araw. Bumangon na ko at nag-almusal, kaunti lang kinain ko at baka maempatso. Dahil wala ang ilaw ng tahanan si papa ang umako ng naiwang responsibilidad at abala siya ngayon sa paglalaba. Ako naman sa pang araw-araw ay gawaing bahay pa rin hanggang ngayon.

T-F. Ako na ang naghugas ng mga tambak na plato at pagkatapos ay siniguradong nakasarang mabuti ang taklob ng kutsara't tinidor, baka mabungangaan pa ng isa na nagkakape. Sunod ay nagwalis ako at nag-map. Matapos ang lahat ng iyan, naubusan na ko ng gawain kaya gumawi na lamang kina Gelyn. Si Gelyn at Ate Bing lang ang nandoon. Napakagandang balita nga naman ang ipinabatid sa akin ni Gelyn pagkat nanganak na si Regine (Miano). Madadagdagan nanaman ang aking inaanak. Kahit di na ko mag-asawa basta sa pamamagitan ng paglalambing at kinausap sina Valerie, Aira at Janna parang may anak na ko. Subalit di ko intensyong angkinin sila pagkat may kanya kanya silang magulang at hanggang pangarap na lang ako. Kung sa bagay mapalad pa rin ako kaysa kay Regine at Shiela pagkat di ako maagang magkaanak at di ko pa iyon kakayaning buhayin sila pag nagkataon.

T-G. Maya-maya’y nagkusa na si James na pumunta ng kwarto upang makinig sa akin kung paano bigkasin ang bawat baybayin. Sa una'y medyo active subalit kapag malapit ng matapos dun na tinatamad. Nagpunta na lang ako sa bahay ni Ate Bing at nakipagtsikahan. Habang nandun ako sa kanila, si Aira ay sadyang kay kulit ay hinarot ba naman ako masyado, nanlalambing siguro. Maya-maya’y dumating si Berna at pinuntahan si Shiela subalit saglit lamang siya.

T-H. Sa kasarapan ng pagkwentuhan namin, di ko namalayang tanghali na at kinailangan ko ng umuwi. Kita kong nagpapalipad ng mga saranggola ang kabataan sa kalawakan at di alintana ang nakakapasong init. Pagdating ay Ginisang ampalaya na walang itlog ang aking tanghalian. Babalik sana ako kila Gelyn subalit umiral na ang katamaran ko pagkat mainit. Nanatili ako sa bahay hanggang sa dumilim, ayaw ko kasing mangitim at mangamoy baktol pag expose parati sa heat from the sun. Nang madilim na ang paligid, pumalit naman ang ingay, may nagbidyookeng kapitbahay at maingay din ang disco sa Coveredcourt. Di ko tuloy maintidihan ang pinapanood na programa, matapos manood ay nahiga ako sandali hanggang sa makaidlip. Sumapit na ang Alas-dyis subalit dinig pa rin ang noise pollution at dinaig pa ang nasa palengke.


April 21, 2013
Sunday

Year I-111

T-I. Ika-59 na kaarawan ngayon ni Papa, kahit walang handaan basta magkakasama ay masaya pa rin at masaya ako pagkat nakaabot sa ganong edad ang ama ko. Naglinis muna ako sa loob ng bahay at pagkatapos ay naligo at nagbihis na ko upang dumalo sa aming Sunday mass. Ng makabihis ay tumungo muna ako sa bahay ni Merry Grace. Bihis na rin si Merry Grace nun at naghihikaw na lamang. Habang kinakausap ko siya'y parang allergy siya sa boses ko at gusto akong manahimik. Di na lang ako nagsasalita. Ng nasa labas na kami at muli akong magsalita ay may pagsusungit na ang pinakita sa akin. Di ko alam kung bakit ang init ng dugo sa akin at marahil ay may regla ito. Hinayaan ko na lang siyang maglakad at di na kinibo pa. Tumungo pa ako kay Precious Jane subalit iyon ay tulog. Nakisabay na lang ako kila Ate Ging patungo church, maski si Jaka ay sinusungitan ako. Doon na ko nag isip kung ano bang kasalanan ang nagawa ko sa kanila at bakit ganon ako tratuhin. Nanahimik na lang ako habang kasabay sila Grace.

T-J. Bago pa man pumasok sa JOLIA church ay saktong nakita ko si Papa galing palengke. Kinausap ko siya saglit at walang anu ano'y binati ito bago tuluyang pumasok. Nagtatalumpati pa nun si Sister Lilia at ng worship na parang iba ang nararamdaman ko at di ako nasisiyahan, gusto ko pa rin umanib bilang Born-again subalit kung may taong nanlalamig na pakisahamahan ako ay sa ibangchurch na lang ako sasamba. Dalawang buwan na ako sa Born-again subalit parang hirap akong mag-adjust. Ng matapos ang Sunday mass, iyan na nga't di ako nagkakamali, si Cathy at Grace na isang taon ko ng kakilala ay tila iba ang pakikitungo sa akin. Sila lang ang nag uusap at di ako magawang isali. Parang hitsapwera na lamang ako sa kanila. Mainit pa nun at dahil wala na akong mapayungan ay kay Grace sana subalit ayaw akong pasaluhin at gusto ay si Cathy.

T-K. Parang ayaw ko na silang kaibiganin at wakasan na ang pakikipagkaibigan sa kanila. Mabuti na lang at nilibre kami ni Ate Ging ng Ice cream kaya laking pasalamat ko sa kanya subalit kay Jesus raw ako magpasalamat. Dahil nahihirapan akong makisama kapag nandun ang dalawa, pagkadaan sa bahay ni Tita Arlene ay doon ako nagpaiwan. Nagkamustahan kami at ng makalayo na sila'y saka ako kumilos. Saktong habang mag-isa akong naglalakad ay nakita ko si Aldrian kasama ang mga katropa nitong nakatambay. Sa kanila ko itinuon ang oras at nagbigay aliw sila sa akin. Pakiramdam ko'y nawalan man ako ng dalawang kaibigan subalit may pumalit at sila iyon. Doon ko nakilala si Toning at Nica at iba pa nilang kasama.

T-L. Masaya silang kasama lalo na ng tagisan kami sa pagsasalita ng Ingles. Nosebleed ako pagkat talo niya ko sa inglesan. Parang ayaw na nila akong pauwiin subalit kailangan na. Ang saya ko habang naglalakad at dagdagconfident pa. Nakita ko sa wall clock na Ala-una na at tinanong ako ni papa ba't ang tagal ko raw. Kalam na ang sikmura ko kaya halabira ako sa pagbanat ng Adobo. Buti na lamang at di mainit ang panahon kaya nakagala pa ako. Tumungo ako kina Gelyn. Sinabi sa akin ni Shiela na on the spot ay darating na si Regine na kakapanganak lang. Habang hinihintay ay nagbigay aliw muna ako sa kanila. Di nila mapigilang humalakhak habang ginagawa ko 'yun. Maya-maya’y tumungo na ako kay Ate Bing at nagtsikahan kami. Sa inip ko sa paghihintay kay Regine (Miano) ay umalis muna ako at nangakong babalik mamaya. Ayaw ko pang umuwi kay tumungo muna ako sa bahay ni aldrian. Nagtsikahan kami, di ako makaentra pagkat daming satsat ni Aldrian.

T-M. Sa mga kwinento niya'y parang hinahabol sa oras ang gawain. Dami pala nilang ginagawa. Nagkwento rin ako tungkol sa nangyari't ginawa bilang buhay estudyante. Ang masarap na kwentuhan, nauwi sa lokohan at grabe, si Aldrian na ang kaibigan ko. Masarap kausap at masaya. Maya-maya’y pumasok si Aling Delfa na may dalang pagkain. Pinakain ako at talagang busog much ako. Patuloy kaming nagbibiruan tungkol sa kanya kanyang Crush. Nasabi ko na nga kay Aldrian kung sinong crush ko at kilala niya pala iyon, nandun rin si Kuya Dennis at tsinismis iyon ni Aldrian. Okey lang sa akin na malaman nilang dalawa kung sino crush ko basta huwag nilang ikalat. Ng madilim na'y umuwi na ko. Pagdaan sa Ison site at kahit malayo pa lamang ay kita ko na siya, nakahubad ito't at muntikan ng maglaway pagkat ang ganda ng hubog ng katawan nito't matso. Ultimo pawis nito'y ibig kong amuyin.

T-N. Pasimple ko siyang tinitigan habang dumadaan sa harap niya at ay! Mukhang tinamaan ako't kilig na kilig. Pagdating sa bahay ay nadatnang may lutong Pancit Bihon, handa siguro iyon ng papa ko. Dahil busog ako'y kukonti lamang kinain ko. Madilim na pero tumungo pa rin ako sa bahay ni Regine upang tingnan ang baby niya. Bago kami nag usap ay naghulog muna ako ng pera sa kanilang alkansya, swerte raw kasi iyon pag nagbigay ka sa bagong panganak. Maya-maya’y dumating din si Berna kasama si Rona. Mahinang inilahad sa amin ni Regine ang tungkol sa kanyang panganganak at talagang masasabing mahirap ang napagdaanan niya. Mahirap talaga sa babae ang maging ina dahil sa labor. Malalim na ang gabi ng magpasyang umuwi sa bahay.

April 22, 2013
Monday

Year I-112

T-O. Ngayon ay Earth day, harinawa magpahinga muna ang Earth sa mga pollution para di masira ang atmosphere. Wala pa rin si Mama at si Papa pa rin ang tumatayong haligi at ilaw ng tahanan. May balak sana akong maglaba ngayong Lunes subalit naunahan na ko ni Papa. Sipag talaga ni Papa at ang bait pa, okey na rin minsan sa akin kahit wala si Mama basta nandiyan pa si Papa. Gawaing bahay muli ang inatupag ko at para magkaroon ng gana sa gawaing bahay ay nagpatugtog ako ng sweet songs at inspired songs. Ganadong ganado ako tuloy sa pagwawalis ng alikabok na naipon at ako na rin naghugas ng mga plato. Matapos iyan ay inimap ko ang sahig maski ang ilalim ng katre ay di ko pinaligtas sa linis ng punas ko.

T-P. Kaso napagod ako at sinipon pa pagkat nagbuhat ako ng sako sa ilalim ng katre. Pansamantala akong umupo at maya-maya pa'y nag-internet ako. Kukonti lang ang Online sa Facebook kaya nag Google na lamang ako at you tube. Dahil walang maisip na kantang mapatugtog sa You tubeIlocano song ang tripkong patugtugin. ng marinig ang tugtug kahit di maintindihan ay doon ko naalala na ngayon ang libing ni Tito Echo. Kamusta kaya si Mama nun, malamang ay puro hagulhol ng kaanak na ang mapapakinggan habang inilalagak sa hukay ang labi ng Tito Echo. Dakong Alas-onse ng pinatay ko ang Computer, di pa nun nakakaluto si Papa pagkat abala ito sa paglalaba subalit may natira pang kanin ng pangkahapon at naglaga na lang ako ng noodles.

T-Q. Kahit noodles ay nabusog pa rin ako, maya-maya'y nakaramdam na ko ng antok. Ang init ng panahon kaya bumili ako ng Halo-halo upang maibsan ang init na nadarama. Habang hinihintay matapos gawin ang halo-halo, ibinalita sa akin ni Rhea ang tungkol sa pagbabago ng seksyon sa eskwela. Sinabi niyang magsasama na ang regular sa homestudy at maghihiwalay na ang dating magkaklase sa pasukan. Ikinalungkot ko ang sinabi ni Rhea pagkat di ko na magiging kaklase sa pasukan ang dating kaklase at ang kinakatakot ko pa'y baka maging mahirap sa akin mag-adjust sa bago kong kaklase. Watak-watak na kami. Kahit kumakain ng halo-halo, di ko lasap ang sarap at lamig nito sa lalim ng iniisip ko. mahirap talaga mawalay sa taong matagal mo ng kasama tulad ng classmates ko.

T-R. May balak sana akong gumawi sa bahay ng kaibigan subalit sa init ng panahon ay nakakatamad na. Nagbasa muna ako ng books at ilang saglit pa ay muli kong binuksan ang computer. Nakipag-chat ako kay Jayvie Ann at sinabi ang tungkol sa pagbabago ng seksyon. Maski siya'y nagulat at lubhang nalungkot, humingi siya ng goodbye sa akin kung sakali ngang di na kami magkaklase. Sana di iyon totoo. Bukod pa dun ay sa Huwebes na ang enrollment at habang papalapit ay saya at kaba ang nadarama ko. Saglit lang ako nagkumpyuter at binuksan naman ang telebisyon. Habang nasa palengke si Papa ay ako ang nagbantay sa kanyang sinasaing. Bigla akong nasabik sa balita pagkat sinabi ni kim atienza na magkakaroon raw ng shooting star mamayang hating gabi. First time ko lang iyon makikita sa tana ng buhay ko kaya nag-abang ako magdamag.

T-S. Para di ma-boring sa kakaabang ay nag-soundtrip ako. Ang akalang sa Martes pa ang uwi ay napaaga pagkat biglang dumating na si Mama ng gabing iyon at may dala pang pasalubong. Nakahanda na ang itatanong ko sa kanya at gusto kong kamustahin ang kamag-anak sa Ilocos subalit batid kong pagod ito marahil sa haba ng biyahe. Hinayaan ko na lamang siya matulog. Nanood na lang ako ng telebisyon at ang ganda ng bagong palabas na Missing you. Maya-maya at pagsapit ng Alas-onse ay lumabas ako at inabangan ang magaganap na shooting star. Malinis ang kalangitan, laganap ang bituin at kumikinam ang liwanag ng buwan. Kahit wala pang shooting star ay todo mangha na ko pagkat kay gandang masdan ang kalangitan. Sumapit na ang kalagitnaan ng Alas-dose subalit ni isang shooting star ay di ko man lang masulyapan. Naghihintay lang ako sa wala kaya tumulog na ko.


April 23, 2013
Tuesday

Year I-113

T-T. Sa kakahintay ng shooting star kagabi na wala namang nangyari at gawa ng puyat, mga Alas-siete y medya na ko nagising. Ang ganda ng aking paggising pagkat ligtas na nakauwi si Mama at aliwalas pa ng panahon ang nagbigay sigla sa akin. Gising na nun si Mama kaya nagkataon akong kausapin ito at kamustahin ang kamag-anak. Mukhang di kagandahang sagot ang itinugon sa akin at may pagtataray pa. Marahil ay stress si Mama subalit ng magtanong muli ako ng maayos, Doon ko na siya di maintindihan at nagsimula ng sumama ang loob ko sa kanya. Paano ang ayus ng tanong ko tapos pag sumagot ay pasigaw pa. Parang di ako narespeto. Sa puntong iyon ay napagsalitaan ko si Mama. Hindi ko alam kung bakit napakainit ng ulo niya sa akin na kay aga-aga at manenermon agad sabay tatarayan pa. Habang sagutan kaming dalawa, may words siyang binato sa akin na labis kong dinamdam. "Mamatay ka na nga, wala kang kwentang anak, pabigat ka pa at bastos pa!" salitang binitiwan niya ng pagkadiin diin.

T-U. Nagpakabuti akong anak, mabuti kaysa iba tapos iyang salita ang humamak sa akin. Sobrang sakit ng sinabi niya at dama ko yun. Lalo pang sumama ang loob ko sa kanya. Sa sobrang sakit, nagtungo ako sa bahay nina Regine (Miano). Inilahad ko kung anuman ang nasa saloobin at kahit paano'y si Shiela ang kaibigang nakinig sa aking saloobin. Maya-maya’y kinausap ko si Aling Gina at lahat ng hinanakit kay Mama ay ibinahagi ko sa kanya. Parang si Aling Gina ang aking sandigan habang ako'y nakakaramdam ng sakit. Pinayuhan niya ko at kahit paano'y nabawasan ang bigat ng loob subalit nandiyan pa rin, nagpasalamat ako sa kanya pagkat pinakinggan niya ko. Maya-maya’y si Ate Bing naman ang napagbahagian ko ng aking saloobin. Habang nagbabahagi ay doon ko naramdaman na may tao pa ring handang pakinggan ka at kahit di mo sila kaano-ano ay makakarinig ka ng payo mula sa kanila.

T-V. Lahat-lahat ng ginawang sakit na likha ni Mama ay binahagi ko at napaluha na nga dahil di makaya ang sakit. Nang magpatawa si Kuya Jun, napalitan ng saya ang lungkot ko. Salamat sa kanila pagkat ang kaninang mabigat, binawasan nila at tunay silang kaibigan subalit ng makita muli si Mama, naalala ko nanaman ang sakit na sinabi niya at bumalik nanaman ang hapdi ng loob. Sa sama ng loob, nasusuklam akong kausapin ito. Kahit na sino, banal man o makasalanan ay masasaktan kapag narinig iyon. Mamatay ka na at wala kang kwentang anak, tama bang sabihin sayo yun? Habang nananghalian ay lihim akong umiyak at kahit tanungin ni Mama ay di ako kikibo. Nanood na lamang ako ng Baliwan Cinema ng sa gayo'y matapalan ng band aid ang sugat na patuloy na nadarama sa dibdib. Kahit nagpapaturo ay hinayaan ko siya, pinatigas na ng sakit ang puso ko. Pinipilit ako ni Mama na buksan ang computer subalit di ko siya pinansin at sinabing bahala ka diyan. Palasagot akong anak pero kahit kailan di ko napagsasalitaan ng masasakit si Mama o nagmumura man. Para maibsan ang sakit ay nagkumpyuter ako,

T-W. Napapansin niyang natatarayan ko siya, dapat lang iyon sa inang tinarayan ka na nga, sinabihan pang mawala sa mundo. Nagsagutan kaming dalawa at ipinaalala ko sa kanya ang sinabi niya kanina. Wala raw siyang pake kung masaktan ako at tama lang daw iyon. Baluktot ang katwiran niya sa akin. Lalo pang nadagdagan ang sakit ng loob sa halip na maghilom na. Hinintay kong si Papa dumating pagkat manghihingi ako ng pampagupit. Ilang sandali pa'y nandiyan na siya at nanghingi ako ng pera. Walang anu-ano'y binigyan niya ko ng pera, habang naglalakad ay nakita ko si Regine (Cebrero) kasama ang kaibigan na mukhang may kinakasiyahan. Sumabay ako sa dalawa at nahawa ako sa saya nila. Parang naaliw ako sa kanila at nagtsikahan kami.

T-X. Doon ko nakilala si Cristy, ang harot kasama subalit masaya. At that moment, nakalimutan ko ang sinabi sa akin ni Mama at pagkadating sa barbershop pansamantala nila akong iniwan. Bumalik ang dalawa kung kailan patapos na kong gupitan at new look na ko then bye bye emo hair. Nag-shake ang dalawa at inanyayahan ako subalit dahil sa kalagayan ko, tumanggi ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad at kinikilala ko si Cristy. Sayang kausap ni Cristy at tawa kami ng tawa. Nang nasa Taniman, ayun at harutan na ang dalawa. Pilit kong sinasaway pero ayaw papigil. Lalo pa akong sumaya dahil sa kakulitan ng dalawa. Sa halip na dumeretso ng bahay, kila Regine muna ako nanatili. Nandun rin si Poypoy kaya nagtsikahan kami.

T-Y. Pagsapit ng dilim, sinamahan ko sina Regine sa taas upang mag-remit. Kasama din namin si Ate Angie na ko umuwi ng bahay at nanermun muli si Mama. Sa halip na sumagot ay nanahimik na lamang ako. Habang nakahiga sa kama'y bumalik nanaman ang sakit at lihim akong lumuha. Kahit pala tapalan mo ng band-aid ang sugat, hangga't di nagaling ay patuloy mong mararamdaman ang hapdi. Katulad iyon ng sinabi sa akin ni Mama, ang sakit at tagus-tagusan hanggang likod. Nalungkot nanaman ako kaya itinulog na lang ang nararamdaman. Nawa'y maghilom na at maparam na ang sakit pagkagising.


April 24, 2013
Wednesday

Year I-114

T-Z. Di ko batid kung magpapatuloy pa ba ako sa buhay na nasimulan matapos dumampi sa teynga ang masasakit na salita. Sa katunayan ay pinakamasakit ang salitang binitiwan ni Mama kung ikukumpara sa ibang taong napagsalitaan ako ng masasakit tulad kay Sir Rombo pagkat magulang ko siya, ang inakalang mamahalin ako ng higit pa sa iba ay siya palang magbibigay ng pinakamatinding sakit. Ngayon lang niya iyon sinabi sa akin na kailanma'y di pa nagawa kapag nagsasagutan kami kaya nama'y nabulaga ako ng marinig iyon at nabigla. Habang iniisip iyon ay di ko mapigilang umiyak. Hindi mapigilang kimkimin ng husto ang sinabi niya. Iniisip ko na wala akong kwentang anak di sana'y nakapatay na ko at nagnakaw, bukod pa dun di sana'y lango ako sa droga, sigarilyo at alak katulad ng ginagawa ng iilang kabataan. Di ko kailanman napagsalitaan ng masakit si Mama kahit sumasagot ako pero balewala sa kanyang sabihin iyon, ang sakit! Kay bigat talaga ng nasa loob at di mapigilang ibuhos ang emosyon, napaiyak ako ng katakot takot.

U-A. Maya-maya’y tinanong ko si Mama kung gaano na ba ako kasama para sabihin iyon. Sa halip na sumagot at sa di inaasahan ay humingi na siya ng paumanhin sa lahat ng nasabi sa akin at nangakong di na uulitin. Ang dilim na aking tinatahak ay parang nalagpasan ko at gumaan ng biglaan ang aking loob. Di na ko nagawang magtampo pa't agad pinatawad si Mama dahil batid kong ang Panginoon nga na di hamak na makapangyarihan, nagpapatawad, ako pa kayang mortal lamang at saka di ka patatawarin ng Diyos kung di ka marunong magpatawad. Ang kahapong may tampuhan at malaunos ang pakiramdam, sa isang iglap ay naayos na at napalitan ng kagihawaan sa dibdib. Bilang tanda ng aming pag-aayos, kami'y nagkumpyuter. Bago ako'y si Mama muna ang gumamit ng Internet. Maayos ko na rin siyang kinakausap pag magtatanong.

U-B. Maya-maya’y ako naman ang gumamit. Magkasundo na kami kahit sa tanghalian. Ang hapding aking nadarama'y parang napawi at guminhawa na ang pakiramdam ko na parang walang nangyari. Medyo ginaganahan ako at parang ang sigla ko ngayon, di ko alam kung pano iyon nangyari sa akin na sobrang sakit ang naranasan tapos biglang ginhawa. Parang kasing bilis ng kidlat ang biglaang pagbabago ng aking nararamdaman. Matapos maligo'y umidlip ako saglit. Pagkagising, matinding init agad ang sumalubong sa akin. Nakakabagok ang hapon ko kaya naisipan kong manood ng movie.

U-C. Walang magandang mapanood sa bala kaya agad kong pinatay. si mama na kanina pang atat sa Facebook, nagpaturo sa akin kung pano buksan ang Computer. Di na tuloy ako makagala pagkat walang magbabantay kay mama sa Internet, natatakot kasi siyang gumamit pag wala ako. Nang dumating si papa, ako na ang nag shutdown ng computer. Tumungo ako sa bahay ni Aldrian, pagdating ay nadatnan ko siyang nanonood ng telebisyon. Di ko naman siya makausap ng matino pagkat nanood siya ng telebisyon at sa hiya, di ako nagtagal sa kanila. Siya lang ang tao sa bahay nila. Binalak ko na lang tumungo sa bahay ni Gelyn. Bago pa man ako tumulak sa kanila, thank God pagkat may isang babaeng nag-offer sa akin na tutoran ang anak niya, sa saya ay agad akong pumayag.

U-D. Di na importante sa akin kung sino ang nagsabi na nagtuturo ako basta't dadami pa ang kikitain. Matapos ang aming napag-usapan, tuluyan na kong tumulak sa Recrap. Si Ate Bing at Regine (Miano) na nag aalaga ng kanya-kanyang anak ang nandun.  Mahina lamang ang aming pag-uusap pagkat may anghel na natutulog. Nang dumilim na at dahil wala silang ilaw, nagpaalam na ko sa kanila. Saktong paglabas ko sa Recrap ay pinabatid sa akin ni Ate Angie na may mass mamayang Alas-siete at inuudyok akong dumalo. Dahil sa Kristiyano ako, di na ko nakahinde pa. Naghilamos at nagbihis agad ako pagdating sa bahay. Kumain muna ako habang di pa nagsisimula ang mass. Ng dumami na ang kaanib sa labas ng kapilya, bigla akong tinawag ni Regine (Cebrero).

U-E. Bago ako lumabas ay nakipagkilala pa kami sa isang Pastor. Di pa nag-uumpisa ang mass kaya sinamahan ko sina Regine sa remit. Si Poypoy ang katsikahan ko habang naglalakad kami. Pagbalik ay tinanong ko si Sister Melanie tungkol sa mass. Nakipagkilala rin siya sa akin at ganun rin ang ginawa ko. Habang nag uusap ay nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan. Dali-Dali akong napasugod sa banyo. ng makapagbawas, nakita ko si Junjie na nakatambay sa harap ng kapilya. Pumasok kaming dalawa sa bahay at nag-bible study. Parang pastor si Junjie habang tinuturuan ako at may nadagdagan akong kaalaman ukol sa salita ng diyos. Bago pa man mamaalam si Junjie ay nagkaroon kami ng munting dasal. Ilang saglit pa'y lumabas na siya at saktong pagpasok ko'y Ina kapatid anak na. Matapos manood ng telebisyon ay agad akong natulog at may Enrollment pa bukas.


April 25, 2013
Thursday

Year I-115

U-F. Isang buwan pa bago matapos ang summer vacation subalit ngayon pa lang ay dama ko na parang malapit ng magpasukan pagkat ngayong araw angenrollment para sa Fourth Year. Parang kailan lang ng nasa First Year pa lamang ako tapos biglang Fourth Year na, pinakamataas na antas at huling pag aaral para sa High School. Iniisip ko ngayon pa lang kung sino-sino ang magiging guro ko at saang section ako mapapabilang. Kinakabahan ako. Bago pa man ako magtungo sa eskwela, inihanda ko ang lahat ng Requirements tulad ng report Card. Mga dakong Alas-nuebe na ko nakaalis. Pagdating ay kita ko ang dami ng estudyanteng mag-e-Enroll at ang haba pa ng pila. Buti lamang at kaagad kong nakita ang mga kaklase ko at sa kanila nakisama.

U-G. Maingay, mainit at mabaho iyan ang pinagtiyagaan ko habang nakapila papasok sa school. Sa di inaasahan ay biglang pinadaanan ako ni Jessa nggrouptext at sinabing nasa loob na siya ng Batasan. Masaya ako pagkat doon pa rin siya mag-aaral at magklaklase pa rin kami. Sa galak ay kaagad akong nagpa-load upang i-text ito. Puspusang pagtitimpi talaga ang ginawa ko pagkat mabagal ang pag-usad ng pila papasok ng eskwela at dagdag pa sa pagpupuyos ng init. Ng malapit na sa gate, bigla akong nasabik at isa-isang binigay ang form. Sa bungad pa lang ng school, tanaw ko na sila Jessa at pasigaw kaming nagbatian. Sinabi sa akin ni Jessa at Jobil na magkaklase pa rin kami sa pasukan at Apacible ang seksyon namin. Nagtungo kami sa roomkung saan itinakda ang enrollment subalit iilang kaklase pa lang namin ang nandoon at walang ring teacher. Sir Arnulfo Alonzo raw ang bagong adviser sabi ni Pradez.

U-H. Habang hinihintay ang teacher, sinamantala ko ang oras sa pag fill up ngform. Di ako sigurado kung Apacible ako kaya tiningnan ko ang pangalan samaster list at totoo nga sa seksyong iyon ako mag-e-enroll. Sa AP departmentang Enrollment. May pagmamadali kaming nagtungo roon. Isa-isa kaming pumila sa labas ng department at ang inakalang makikita sa personal angAdviser, babae pala ang namahala sa enrollment ng Apacible. Ibinigay ko ang card at form tapos sinabing magtungo sa room 105 upang magpakuha ng litrato para sa ID. Nagtungo kami dun subalit kitang kitang napakahaba ng pila, tinamad na tuloy kaming pumila at naisipang sa ibang araw na lang. sa kadahilanang nakapag-enroll na kami, umuwi na kami ni Jessa. Inabutan na ko ng tanghali at ramdam na rin ang sobrang init. Di ako naglakad at mas piniling sumakay. Pagdating sa bahay, ibinahagi ko kay mama ang tungkol sa pag Enrollko at sinabi ko ang aking section.

U-I. Di nakaluto si Mama nun ng ulam at inutusan akong bumili kay Aling Lolit. Pagkabili, sa halip na kumain ay nagkumpyuter muna ako. Maya-maya’y si Mama naman ang gumamit at nananghalian na ko. Nang mabusog sa dami ng kinain, naupo ako saglit at nag-Internet. Kahit di ako masyadong nagkikilos ay tumagaktak pa rin ng husto ang pawis at kakaiba ang init na nararanasan. Kinahapunan ng Alas-kwatro, sa kadahilanang ngayong araw ako mag-tutor sa anak ni Aling Catherine, tumungo ako sa bahay nila. Si Jimboy ang naging estudyante ko, di pa siya marunong magbasa ng ingles kaya ipinabasa ko sa kanya ang textbook. sa kada pagkakamaling bigkas sa words, tinatama ko at kahit Grade 5 na sa pasukan, hirap pa rin siya sa pagbabasa. Habang kami ay nagbabasa, biglang narinig ko ang pagdagundong ng kulog.

U-J. Madilim na pala ang kalangitan at mukhang uulan na nga. Ipinagpatuloy ko ang pagtuturo ko sa kanya. Maya-maya'y dumating si Sarah Jane na may dalang pansit at tinapay. Inimbitahan niya ko pagkat birthday ngayon ni Gangang. Matapos ang pag-tutor ko kay Jimboy, tumungo agad ako kila Gangang. Nadatnan kong may nagbidyooke at ng makita si Gangang ay binati ko siya. ang mga handa nilang Pansit at Spaghetti ang nilantak ko at sa dami na halos di ko maubos, naumay ako. Bago ako umalis ay nagpasalamat ako sa kanila pagkat binusog ako sa kanilang handa. Debut pala ni Gangang kaya ganoon na lamang kabongga ang kanilang pagdiriwang at marami rin itong handa.

U-K. Madilim na ang kalangitan, matatalim na kidlat at malalakas na kulog na ang mauulinig. Ang mga tsikiting, di na magkandamayaw sa paparating na ulan at ang iingay nila. Paulit-ulit sinasabing "umulan ka na". Sumasayaw na rin ang puno sa lakas ng hangin at mukhang uulan na nga subalit nagkamali kami sa hinala pagkat umambon lamang na di nakapagtanggal ng alikabok. Kakabwisit at di pa umulan ng todo, lalo pa tuloy nagdusa sa init. Ng mapawi ang pagkulog at kidlat, saka pa lamang binuksan ang telebisyon at naghapunan na rin. Sa dahilang maalinsangan ang gabi, di masarap ang tulog ko.


April 26, 2013
Friday
Year I-116

U-L. Maliwanag na sa labas at maingay na sa kapaligiran ng dumilat ang dalawa kong mata. Pilit man idilat ng maigi ang mga mata subalit napapapikit pa rin. Alas-otso na kaya kinailangan ko ng bumangon. Totoo nga ang tinuro sa amin ni Pastora Anna na kapag nagbigay ka sa panginoon o kahit na sino, higit pa ang balik sayo at nangyayari na ngayon pagkat tatlong ina na ang nag-offer sa akin na turuan ang kanya-kanyang anak. Tiba-tiba ako ngayon at dahil tatlong bata na ang tuturuan ko sa magkakahiwalay na oras, kakailanganin ko ng time management. Kakatapos lang nila Mama mag-almusal at ang tirang pagkain ang aking agahan. Matapos iyan ay naghilamos ako at nagbihis. Maya-maya pa'y tumungo na ako kila Gelyn upang turuan si James subalit di ko ito nadatnan. Kinailangan pa hanapin siya ng kanyang mga kapatid.

U-M. Bumalik muna ako sa bahay at habang naglalakad, may dalawang babaeng tagasuporta ni Joy Belmonte ang nagpapamudmod ng Campaign fliers kung sinuman ang makasalubong. Inakalang isa ako sa botante kaya binigyan rin ako at nang-indorso pa. Ngumiti na lamang sa kanila at sabay umalis. Nagwalis muna ako pagdating sa bahay at makalipas ang ilang sandali, muli akong nagtungo sa kanila. Saktong nakita ko si James kasama ang mga paslit na naglalaro sa tabing sapa, kaagad ko siyang isinumbong kay Aling Gina at pasigaw nitong tinawag si James. Pagpasok ay saka pa lamang kami nag umpisa sa pagbabasa. Kaya niyang basahin ang bawat baybayin ng sunod sunod subalit pag random, iyan ang di niya magawa. Mahabang pasensiya talaga ang pinairal ko, matuto lang si James. Ang mga estudyanteng inirekomenda sa akin, puro di marunong magbasa pero kakagat ako basta ang mahalaga'y kumikita.

U-N. Mga Alas-onse na ng matapos kami ni James magbasa at dahil tatamad-tamad ang bata, muli siyang pinagalitan ni Aling Gina at pinagbawalang maglaro hangga't di na natututo. Si Regine (Miano) naman, walang ibang inintindi kundi bantayan si Baby Gian na natutulog. Nilambing lambing ko ito at puro ungol at piglas lang ginawa nito. Dahil walang barya'y inutusan ako ni Aling Gina na bumili ng bleach at klorok. Ng makabili'y ang sukli ang ipinangbayad sa akin. Naging maalinsangan muli ang tanghali kaya naman kinahapunan ay bumuhos na nga ang malakas na ulan. Kahit marami ang nagsiligo, di ako nakisabay pagkat baka bumalik ang sakit ko.

U-O. Nanood na lamang ako sa labas ng ulan at kitang masayang nagliliwaliw ang mga kabataan, nakakainggit tuloy. Buti na lamang bago mag-Alas-kwatro'y tumila ang ulan at nakapag-tutor pa kay Jimboy. Wala kaming ibang ginawa kundi pabasahin si Jimboy at lubhang aabutin pa ng isang taon bago ito matuto tapos nandun pa si Aicelle at Kakang kaya disturbo sa amin, pinaalis ko nga. Nang dumating si Aling Catherine, puro pagtataray ang ginawa kay Jimboy sa tuwing nagkakamali na halos umiyak na. Naawa ako kay Jimboy subalit dapat lang iyon para matuto pa lalo. Paglabas sa Recrap, karumaldumal na balita agad ang sumalubong sa akin pagkat nasagasaan ng humaharurot na motorang paa ni Dianne, salamat sa maykapal pagkat di malala ang kanyang sinapit at nakakalakad pa naman. Maya-maya’y biglang dumating si Auntie Andrea at nakipagtsikahan kay Mama.

U-P. Ang naipong pera ang pinangbili ko ng pentel pen, pad paper at cartolina at habang patungo kila Aling Nenita, saktong nakita ko si pastora anna na may bitbit na pinamiling gulay. Binati ko siya at nagkamustahan kami. Saglit lang ang pag-uusap naming dalawa at agad kaming naghiwalay. Pagdating sa bahay ay kadaldalan ni Auntie at Mama ang sumalubong sa akin. Takip silim na kaya naghain na ng ulam at nag-udyok na kumain. Matapos maghapunan ay panonood muli ng telebisyon ang inatupag ko. Naging maulan muli ang gabi na nagbigay lamig sa amin at kay sarap matulog kahit di bukas ang ceiling fan. Di pa man tapos ang panahon ng Summer pero dumadalas na ang mga pag-ulan.


April 27, 2013
Saturday

Year I-117

U-Q. Bilis ng takbo ng panahon at panibagong araw muli ang kakaharapin. Mukhang magaan ang aking loob sa nakalipas na ilang araw maging ngayon matapos maranasan ang sakit na hatid sa pagsasalita ni Mama. Hudyat na bang may magandang pangyayaring naghihintay sa akin o more problems to come as long as I live pa rin. Panginoon na ang magdidikta ng magiging kapalaran ko at mahalaga'y kaharapin ang ngayon. Sa gaan ng pakiramdam, ginanahan ako sa pagbangon at nag-almusal. Matapos kumain, ang pinamiling kartolina ang pinagsulatan ko ng abakada upang makatulong kay James sa pagbabasa. Nang makagawa ng visual ng abakada, may pananabik akong nagtungo sa kanila. Bilang pagtanaw sa utang na loob kay aling gina na naging sandalan ko sa panahong may samaan kami ni mama ng loob, ang ibiniling padpaper ang pinangtubos ko kay aling gina. Tinawag niya si James at sinabihang magpatutor sa akin.

U-R. Medyo naninibago siya sa biswal na nakadikit sa dingding at nalilito pa sa bawat baybaying bibigkasin ng tama. Kahit mahirap turuan si James, di ko iyon ikinareklamo basta't matuto ito. Di ako satisfied sa kinikita lang kung aalis akong wala pang laman ang utak ng estudyante ko. Matapos pabasahin, pinagbilang ko naman siya at kuha hanggang number 50. Nang matapos magturo at bayaran ni Aling Gina, agad akong tumungo sa bahay ni Ate Bing at muling nakipagtsikahan. Abala siya nun sa paglalaba. Matinding sikat ng araw ang dumampi sa makinis at free from hair na balat ko kaya tagaktak ang pawis ko ng umuwi. Dahil hinihintay kong umulan, di muna ako naligo kahit amoy araw na ko. Luto na ang kakainin at nakakain na sila kaya mag isa akong nananghalian. Matapos kumain ng kasing dami ng bigas, saglit akong umidlip. Mga Alas-dos na ko nagising. Mainit pa rin at pakuwari ko na di uulan kaya minabuting maligo na, amoy pawis na kasi ako at nangangamoy na ang putok. Pagkaligo’y binuksan ko ang kumpyuter at nag-internet.

U-S. Bahagyang kumulimlim ang kapaligiran hanggang sa magbadya na ang pag-ulan. Nagsimula ng humangin at kumulog ng sunod sunod. Sa takot sa kulog, nagtakip ako ng teynga at pinatay ang Computer. Maya-maya’y bumuhos na ang napakalakas na ulan. Marami ang nagsiligo at sayang pagkat di na ko nakaligo pa sa ulan. Ang malakas na buhos ng ulan at kulog, sinabayan pa ng malakas na ihip na hangin. Inaakalang may bagyong kasing lakas ng Signal no. 4 at gayun ang aming naranasan. Sa lakas ng hangin, maraming dahon ang nagkalat at natumba ang marurupok na puno. Sa sapa naman, mabilis tumaas ang tubig at inanod pati mga sangang binali ng malakas na hangin. Matapos ang unos, katakot takot na pinsala ang bumulaga sa amin, sa tindi ng pinsala at dami ng nagsitumbahang puno ay parang dinaanan ng buhawi.

U-T. Mabuti na lamang at walang nasaktan. Natutulog nun si Papa kaya ako ang nagwalis ng mga nagsihulugang mga dahon at itinabi sa sunugan. Nang maimis ang buong bakuran, nagtungo muli ako kila Jimboy. Bago pa man ako magtungo may isang ale ang kinausap ako at inalok na isama ang apo niya satutor. Sa sabik magkapera, pumayag naman ako sa alok niya at sa Lunes ang umpisa. Habang nagbabasa kami ni Jimboy, ang kanyang nanay ay bantay sarado sa kanya at may pagtataray pag naloko. Matapos Kong tutoran si Jimboy, ibinigay ang bayad at sa halip na umuwi ay nakipagkwentuhan pa ko kay Jennyca, pati nanay niya nakatsikahan ko rin.

U-U. Makalipas ang ilang saglit, tumungo muli ako kina Gelyn. Nadatnan kong nagbibihis sila Ate Bing pagkat may mass sila sa Saksi ni Jehova. Todo lambing ako kay Aira at kwentuhan kami ni Sisturet Bing, maya-maya'y umalis na sila. sa dami ng nakahambalang na sanga sa daanan, naging pahirap sa akin ang umuwi. Sumapit ang dilim ng magkakuryente na, maliwanag na nanaman sa lansangan. Naging maingay ang gabi dahil sa overnight disco at matapos manood ng telebisyon ay tumungo ako dun subalit kukonti lang ang nasa diskuhan, bumalik ako sa bahay at saktong tinawag ako ni Ate Let, nag-usap kami at kamustahan na rin. Dadalo pa sana ako sa sayawan ng Alas-onse subalit umiral na ang antok at nakatulog na ko.


April 28, 2013
Sunday

Year I-118

U-V. Sunday mass again in JOLIA church pero wala sa kagustuhan kong dumalo, di dahil isusuka ko ang pagiging Christian ko kundi pinangako ko sa sarili na iyon na ang huling pagkakataong makikita nila ako at kailanman di na dadalo saka nandiyan si cathy at baka mambwisit muli. Katabi lang naman ng bahay namin ang Christian church ba't di na lang diyan ako dumalo at saka mas marami akong kakilala pag may bible study kami kaysa dun. Bukod pa riyan, di na kailangang lakarin pa ng malayo subalit gabi lamang iyon ginaganap di sa umaga. Naglaba na lamang ako sa halip na dumalo. Matapos ang paglalaba, nakaramdam ako ng gutom. Di pa nun nakakaluto si Mama kaya ang nilutong sinukat ang aking nilantakan. Matapos kumain ng sinukat at dahil walang magawa'y bumili muli ako ng cartolina. Habang bumibili ako sa School Supply, saktong nakita ko si Crush at dumaan pa sa harapan ko.

U-W. Sa kilig, di ako makatingin ng diretso sa kanya at damit na kulay light blue na suot niya ang tiningnan ko. Laking kilig ko pa ng siya mismo ang nag abut ng sukli. Dahil nakita ko siya, saya ang naramdaman ko at parang ginaganahan ako. Pagdating sa bahay, ang nilutong Pancit Bihon ang aming tanghalian with sprike. Busog na ko dahil sa si nukat kaya unti lang ang nakain ko. Sunod ay nag internet ako. Kabanas ngayon pagkat nagparamdam nanaman ang tindi ng init. Kinahapunan, bahagyang umulan. Ang mga sinampay, dali-dali kong isinilong. Naging mabait ang panahon pagkat di kasing bagsik ng kahapon ang naranasang ulan ngayon at daglian lamang ito. Nagsa-soundtrip ako nun ng may tumatawag sa akin.

U-X. Naku naman at si Cathy pala iyon kasama sina Ate Gemma at Ate Jenny. Ayaw kong sumama sa fellowship pagkat batid kong mampraprangka muli si Cathy kapag kasama ko siya at di ko siya friend pero sila ang mapilit. Kinulit nila ako ng kinulit at para matapos na, nagbihis ako saglit at sumama na sa kanila. Sa oras na iyon ay parang nalabag ko ang aking kalooban at di ako masaya sa piling nila. Sinasabi ko na nga ba kaya ayaw ko ng kasama ang Cathy iyan pagkat puro pambabara ang ginawa sa akin. Pabiro man subalit di ako natutuwa, masyadong taklesa sa dalawa. Pagdating sa JOLIA Church, kukonti lang ang dumalo sa fellowship at maya-maya'y nagtipon na kaming mga kabataan. Katabi ko nun si Hansel at siya ang nag-lead ngprayer.

U-Y. Matapos ang prayer, nagsimula na ang Youth bible study na pinangunahan ni Ate Gemma. Bait ni Kuya Ian pagkat pinahiram niya ko ng Bible. Itinuro sa amin ni Ate Gemma ang tungkol sa pinagmulan ng Bible. Matapos iyan ay nagkaroon kami ng Games at sina Kuya John Paul ang nanalo. Wala ako sa moda nun kaya tamad akong makipagkwentuhan. Napansin nilang ang tahimik ko kaya may nangahas na kausapin ako. Napakwento tuloy ako at himala pagkat todo kinig sila sa akin. Naikwento ko na rin maging ang tungkol sa buhay ko at lovelife. Napaangat sila ng mukha sabay bulalas ng malaman ang tungkol kay Crush at matagal na nilang kakilala iyon. Tuloy ay ang daldal ko na at dami ko ng nailahad. Biglang pumasok si Pastora Anna at kinausap kami.

U-Z. Maya-maya’y tumungo kami sa church ni Pastor George. Pagdating ay di pa namin siya nadatnan kaya kwentuhan ang ginawa nila, si Cathy ang pinakamaingay. Ako tahimik lang at Maya-maya'y biglang may nag-text sa akin na di naka-register sa phonebook ko. Una di ko siya pinansin subalit ng magpakilalang siya si Juan Click, doon na talaga ako naghinala. Pano niya ko mate-text di ko naman binibigay ang cellphone number ko. Nagpa-load ako at tinanong siya. Tinanong ko kung kailan niya ko huling nakita, anung binili ko sa tindahan nila at anung kulay ng suot ng damit niya. Ang lalayo ng sagot at ang tagal mag-reply kaya di nga siya ang ka-text ko, may nanloloko lang sa akin at isa sa mga kasamahan ko marahil. Sinubukan kong tawagan at ng may sumagot, di boses ni Juan Click ang narinig ko kundi boses ni Paul. Sinabi ko sa kanilang si Paul ang nagte-text sa akin at maang-maangan pa siya.

V-A. Parang pinagkakaisahan nila ako at kanya-kanyang gawa ng dahilan. Buko ko na nga pero natanggi pa rin at mga Born-again pa man din sila, bakit nila binibilog ulo ko? Sa yamot ko sa kanila, umuwi na ko mag-isa. Ayaw ko na silang makasama pa pagkat niloloko lang ako. Ang hinala ko, nagkatotoo nga at umamin kung sino ang nag-text sa akin. Si Paul nga at humingi naman siya ng tawad sa akin. Tinanong ko kung bakit niya iyon ginawa sa akin at sinabi niyang gusto lang nila ako pasayahin, parang guminhawa ang pakiramdam ko ng marinig iyon kaya tinanggap ko na agad ang apologize niya. Wala akong ginawa sa magdamag kundi makipag-text sa kanya. Masaya ako pagkat bati na kami. 
 


April 29, 2013
Monday

Year I-119

V-B. Liwanag na nakakasilaw sa paningin ang agad na sumalubong sa aking pagmulat. Umaga na pala at mataas na ang sikat ng araw kaya kinailangan ko ng bumangon. Medyo ginaganahan ako at parang masigla na gustong gawin ang lahat. Matapos kong mag-almusal ay tumungo ako sa likod ng bahay kung saan nakatira si Regine (Cebrero). Imbes na si Regine ang makausap ko, yung nanay niya at tinanong ko kung kailan siya mag-e-enroll upang may kasama ako sa pagkuha ng litrato para sa ID. Sinabi niyang sa May 1 at ng malaman ang takdang araw, bumalik ako sa bahay at saglit na nagwalis. Nang makitang wala ng alikabok na pakalat kalat sa sahig, naisipan kong magkumpyuter. Sa hilig kong tumingin ng mapa, Google map ang inatupag ko at nagfacebook rin. Sunod ay si mama naman ang nag internet.

V-C. Mga Alas-dyis na namin pinatay angcomputer. Habang hinihintay maluto ang ulam pangtanghalian, sumulat muna ako sa white cartolina ng words at ipapabasa iyon kay Jimboy mamaya. Sa tindi ng gutom ko, di ko na iyon natapos pa at piniling makisabay kila Mama. Matindi nanaman ang init sa labas kaya nakadami ako ng lagok ng tubig. Kahit tanghaling tapat na, may mga ilang tambay sa amin pa rin ang naglalaro ng basketball. Saglit akong natulog at pagkagising ay di ko na hinintay pang umulan at naligo na. Sa linis ng kalangitan ay mukhang malabong umulan. Mga Alas-tres ng tumungo ako kila Gelyn, tatlong linggo na rin ng di ako nakakagawi kina Cathy, todo pangpapatus at pambabara lang ang gagawin sa akin kapag dumalaw ako at di ko na siya kaibigan para bisitahin pa. Nadatnan ko si Regine na abala sa kakaalaga ng anak at malumanay na kinakausap nito. Nagtagal pa ko sa kanila hanggang sa sumapit ang Alas-kwatro. Sumunod ay tumungo naman ako kila Jimboy.

V-D. Sinabi ng kanyang nanay na di siya pwede ngayon pagkat wala silang pambayad. Nang mag-usap kami'y aalis na sana ako ng may babae muling kinausap ako. Ang anak niyang si Arianna ang nirekomendang ipa-tutor sa akin at pumayag naman ako. Tinawag niya si Arianna at sinimulan ko ng turuan ito. Pinagbasa ko siya at talagang di makabigkas. Kasing edad lang ni Arianna si James at mukhang challenging ang pagtuturo ko sa kanya. Nang isang oras na'y wala pa ang nanay niya, kahit bataay kinausap ko. Maya-maya’y nandiyan na siya at binayaran ako. Pagdating sa bahay, isinalpak ko sa pitaka ang pera at nasiyahan ako pagkat marami na kong naiipon. Mag-iipon pa ko para mabili ang gusto ko.

V-E. Kinagabihan, matapos kumain ay tumungo muli ako kina Regine. Nadatnan kong nakahiga si Regine sa papag at mahinang hinihele si Baby Gian. May isang dalagita rin nakaupo at binabantayan ang sanggol. Nagpakilalang si Rona ang dalagitang iyon at dami kwento kay Regine. Di ako makasingit kaya gumawi ako kay Ate Bing. Wala silang ilaw at balot na ang kadiliman sa kapaligiran ng magkwento sa akin si ate bing tungkol sa aswang. Nagpunta din si Jovan at Jomer at todo pakinig kami kay Ate Bing. Kahit di ako naniniwala sa aswang, sa kwento niya ay sobrang nasindak ako. Madilim pa naman patungong bahay kaya matinding takot ang naramdaman ko. Saktong nasa kwarto ni Regine (Miano) si Berna at nagpasama ako sa kanya dahil natatakot ako. Paglabas ng Recrap ay liwanag mula sa street light ang sumalubong sa akin kaya naibsan ang takot ko. Juan dela Cruz pa lang pagdating ng bahay at ilang sandali'y Ina kapatid anak na.


April 30, 2013
Tuesday

Year I-120

V-F. Wala pa rin pagbabago pagkat tinatanghali pa rin ako ng gising. Mukhang di kagandahan ang pakiramdam ko at sunod-sunod ang aking pagbahing, dala siguro ng alikabok sa labas at maya-maya'y tumulo na ang sipon ko. Sa halip na gampanan ang gawaing bahay, naupo muna ako. Ng medyo bumuti buti'y saglit akong nagwalis. Matapos maimis ang alikabok sa bahay, naisipan ko muling buksan ang computer. Nag-Facebook ako, Youtube at Google, trending na nga sa Youtube ang Dance with my father na kinanta ng isang batang Ibaloi at patuloy na lumulobo ang hits. Madaling sisikat ang batang iyon. Habang abala sa pag-i-internet, nagkumbida si Mama ng kanyang kumare at iyon ay si Ate Aying. Napansin niyang puro research ako si internet kaya kagalak galak na papuri ang ibinato niya sa akin na lubos kong ipinagpapasalamat.

V-G. Sunod ay si Mama naman ang nag-online sa Facebook. Tiningnan nila ang photos ng Ate ko at itong si Ate Aying, gustong makita ang boyfriend ng Ate ko. Napanganga siya ng laki at sinabing napopogihan siya. Todo tanggi naman si Mama. Hinayaan ko na lang sila at mag isang kumain ng piniritong isda. Matapos mananghalian ay panghimagas naman ang tsinibog ko. Sa dami ng nakain, iyon at laki na tuloy ng tiyan ko, naghahanda para sa napipintong pagdumi di panganganak. Pilit man ilabas subalit masamang hangin ang nalabas. Tiniis ko na lang ang sakit sa tiyan at tumulog. Di na masakit tiyan ko pagkagising subalit matinding init ang naramdaman ko. Kumain ako ng halo-halo. habang sarap na sarap sa paglantak ng halo-halo, may dalawang ina ang nagpunta sa bahay at tinanong ako.

V-H. Pinasabing gusto nilang ipa-tutor ang anak nila sa akin. sa tuwa'y agad akong pumayag. Mukhang binibiyayaan ako ni God ng maraming estudyante, bait niya talaga. Ngayon ko naisip, bakit di pagguguro na lang ang kunin ko, tutal may kasanayan na ko sa trabahong iyon. Mga Alas-dos ay tumungo ako sa bahay ni Ate Che-che pagkat magpapa-tutor ang anak niya. Laking gulat ko pagkat ang inakalang mga 6 years old na batang ipapa-tutor sa akin, 2 years old pa lamang at inisip kong di pa pwedeng isabak sa tutor ang batang ganoong gulang pagkat wala pa silang isip. Sa loob-loob ko iyon sinabi at sa takot na mawala ang opurtunidad na kumita, tinanggap ko na lang. hirap man turuan si Angelie dahil makulit, gawa gawa ako ng paraan para makinig ito. Di naman makikinig ang bata kahit paulit ulit mong sawayin. Makalipas ang isang oras, tapos na ang kalbaryo sa pagtuturo.

V-I. Sinabihan ako ni Ate Che-che na mamaya ibibigay ang bayad at daanan ko na lang siya. Pagkauwi’y sinabi ni Mama sa akin na di raw magpapa-tutor si Jimboy. Malugod ko iyon tinanggap at bahala na silang turuan sa pagbabasa si Jimboy, di ko na siya kargo at kausapin na lang ako pag gusto pa. Maya-maya’y nagtungo ako sa bahay ni Arianna upang turuan ko siya. Pinabilang ko siya at pinagbasa, habang tinuturuan ko ng husto, biglang nagsidatingan ang mga bata. Sinaway ko sila pagkat nadidisturbo kami. Natapos ang pagtuturo ko sa kanya at himala sapagkat nakakabilang ito up to 20 subalit di pa kayang bumasa, masaya na rin ako. Pagkauwi'y inihulog ko muli ang kinita sa pitaka. Madami na kong naipon at ng mabilang, aabotin ng halos dalawang daan. Sana ay dumami pa ang aking nakokolektang pera.