Linggo, Marso 31, 2013

03. March 2013 Journal (Day 60-90)

March 01, 2013
Friday

Year I-060

K-H. Marso na at simula na ng pag-iingat upang di masunugan pagkat sa buwang ito ang fire prevention month at tatlong linggo pa bago magtapos ang panunurang paaralan, sana'y mairaos ko ang third year at kaunting panahon na lamang ang nalalabi na magkakasama kami, ako, mga kaibigan kong nanganganib na mapasali sa home study at yung mga teacher ko, mamimis ko sila kahit si Sir Sellona na kahapong na-badtrip ako sa kanya. Nang makapag-almusal, dumeretso na agad ako sa bahay ni Gelyn upang mag-tutor. Mukhang nasa mood siya't nakikinig sa mga tinuturo ko, nakakagalak na estudyante. Nang matapos akong mag-tutor, ang kinita ko sa pag-tutor ang pinanggastos sa pampa-print subalit kinulang, nanghingi pa ko kay Mama ng pera upang sumapat ang gastusin. Nangmakahingi ay tumungo na ko sa Computer shop ay nagpa-print. Nang matapos magpa-print, bumili naman ako ng Clearbook at isa-isang inilagay ang mga pina-print na essay sa cellophane. Solve na ang problema sa English at wala ng aalahanin pa, scrapbook sa MAPEH, kalipunan ng Noli Me Tangere sa Filipino at Worksheet sa Math pa ang dapat kong pagtuunan ng panahon upang tapusin at iyon ang magraraos sa akin sa Third year.  

K-I. Nang mailagay ang lahat ng pina-print sa clearbook, ako'y nananghalian na. Maya-maya’y pumasok na ko. Pagpasok ay nadatnan kong abala sa pagsagot ng Daloy Balita ang mga kaklase ko, Hiniram ni Jenny Mae ang Daloy Balita ko. Nang babawiin ko na sa kanya, ibabalik na nga lang di pa magawang isauli at kung makatanggi'y akala pag-aari niya, inutil siya! Nagsagutan kaming dalawa dahil dun. Upang di lumaki ang gulo, ako ang lumayo at naupo katabi ni Jonathan. Maya-maya'y dumating na si Sir Rombo at inanunsyong hanggang March 5 ang deadline ng worksheet. Sa oras ng AP, nagtsek kami ng Daloy Balita. Sinabi sa amin ni Ma'am Juanites na pagtungtung niyo ng Fourth year at puro bagsak, di raw kami makaka-graduate.

K-J. Pangit lamang ang nakukuha kong grade ngayong Third year subalit gagalingan ko na sa Fourth year. Nang English na, ipinasa ko na ang clearbook ng essay, kasama ang lahat ng nagbayad ang inilista ko sa harap ng clearbook. Kahit tapos na ang buwan ng mga puso, ang lahat ng Conditional grade kabilang ako ay dali-daling gumawa ng Valentine's card upang pumasa. Tingin ko, sa subject ni Ma'am Ramos mahirap pumasa subalit sa ibang subject naman, kahit di ka magpasa ng output basta nakakapasa ka ng project at matataas ang nakukuha mo sa periodical at quizzes, di ka babagsak.

K-K. Sa subject lang talaga ni Ma'am Ramos nagkakaganyan ang grade ko at kahit isang output ang kulang sayo, babagsak ka. Maya-maya'y ihip ng hangin ang nagpabago kay Ma'am Ramos at biglang binawi ang pagkakataong magpasa ng Valentines card, i-70 niya lang daw kami. Kahit i-70 niya ko, papasa pa rin ako at ayos lang iyon kaso panira sa imahe ng card ko pag may 70. Sa oras naman ng MAPEH, masaya kami pagkat lumawig pa hanggang Lunes ang pasahan ng scrapbook, may pa upang makagawa ako.

K-L. Maya-maya'y nagpraktis kami ng La Cacuracha. Sa oras ng Chemistry, gumawa kami ngmayonnaise. Mukhang nabawasan na ang pagiging high blood ni Sir subalit kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya dahil sa kahapon. Ng matapos gumawa ng Mayonnaise, kanya Kanya kaming kuha ng tinapay at ipinalaman ang ginawang Mayonnaise. Ilang sandali pa ay Values na subalit di pa dumarating si Ma'am Ruiz. Maya-maya ay tawanan kami, paano habang naglalaro ng sipa sila Patrick, aksidenteng na-shoot sa lagayan ng Mayonnaise nina Jayvie Ann. Ang masarap nilang kainan ng tinapay, nauwi sa pandidiri at di na magamit ang palaman. ng dumating na si Ma'am Ruiz, nagsimula na ang Job interview at isa-isa kaming tinawag. Nang ako na ang tinawag, kinakabahan ako at di ko pa naihanda ang sarili. Ang hihirap ng katanungan ni Ma'am at piniga ko na ang utak pero wala pa rin maisagot, sobrang nai-stress ako ng matapos ang interview.

K-M. Maya-maya'y TLE na, nagustuhan ko ang sinabi sa akin ni Ma'am Quimson na kahit ganyan akong malaking palembot lembot, balang araw magiging success ako at pagpaparlor pa ang nais niyangmaging trabaho ko. Sabi ko kay Ma'am, "Kapag kayo naging costumer ko, di lang buhok at mukha ang aayusin ko kundi buong katawan para bumata kayo at magiging kamukha mo si Bebe Gandanghari este Gretchen Barrerto pala pag nangyari yun". Natawa si Ma'am sa sinabi ko at magaling makipagbiruan si Ma'am, Maam Quimson, ikaw na. Ilang sandali'y uwian na, kasabay ko si Ma'am Jamero sa pag-uwi. pagsakay sa tricycle biglang may dumaang limang track ng bumbero patungong Payatas, naisip kong may nagaganap marahil na sunog. Nang nasa Morado na kami, may parada pala ng prusiyon. Natrapik kami at bumababa na lang. Nakipagsabayan ako sa mga nagpruprusisyong daan-daang deboto. Naging masikip ang daanan dahil sa prusisyon. Pagdating sa bahay, sa tindi ng gutom, napadami ako ng kain. Nagbasa pa ko ng bibliya bago matulog.



March 02, 2013
Saturday

Year I-061

K-N. Maliwaliwanag at mataas na ang sikat ng araw ng ako'y gumising, Alas-otso pasado na pala. Dahil Sabado at walang pasok, pagkatapos maghugas ng plato, gawaing bahay ang sunod kong inatupag. Inumpisahan ko na rin gawin ang Scrapbook sa MAPEH subalit di ko pa napapa-print ang RENAISSANCE ART. Daming gagawin at kailangang walang oras na masasayang. Kinatanghalian, pansamantala kong itinigil ang paglalagay ng Design sa Scrapbook at ako'y nananghalian. Ang ingay ng mga lalaking nagba-basketball sa labas, di tuloy ako makapag-concentrate sa ginagawa. Nakaramdam na ko ng antok atibigng matulog. Pagkagisi'y dumeretso ako sa computer shop upang mag-research ng Renaissance art at sabay I-copy-paste sa Microsoft.

K-O. Inabot ako ng mahigit sa isang oras pagkat ini-edit ko pa ang bawatpicture at nilagyanpa ng meaningang bawat larawan. Nang mai-save sa aking yahoo mail, sunod akong tumungo sa ibang computer shop upang magpa-print. Wala pa sa trenta ang nagastos ko sa pagpapa-print kahit colored. Nang makapag-print, tumungo ako sa tindahan ni Aling Nenita upang bumili ng materials. Pagdating sa bahay, sinabi sa akin ni Mama na ipinagpaalam ako ni Ate Ging na sumama sa outing bukas, lingid sa kaalaman ni Mama na ang outing namin bukas ay may paggaganapang-baptism. Buti na lamang at pumayag si Mama at buo ng desisyon kong sumama sa baptism bukas.

K-P. Di ko pa alam ang eksaktong lugar kung saan isasagawa ang Water baptism. Nang makausap ko ang nanay ni Cathy at pagkauwi, isa-isa ko ng idinikit ang picture sa bawat pahina ng scrapbook kasama ang Meaning at pangalan ng art. Maya-maya’y biglang may tumawag sa akin, niyayaya pala ako nina Cathy at Merry Grace na sumama sa Church subalit di ako pumayag pagkat marami akong gagawin. Sobrang naging abala ako sa paggawa ng Scrapbook. Alas-nuebe ng matapos ko ang scrapbook sa MAPEH. Sa halip na manood ng telebisyon, natulog na lamang ako pagkat may outing pa kami bukas para sa Baptism.



March 03, 2013
Sunday

Year I-062

K-Q. Ngayon ang araw ang Water baptismatupang di mapag-iwanan ng service, Alas-sais pa lamang ay gising na ko. Naging maulan ang umaga subalit kaagad itong tumila at nagpakita ang araw. Salamat sa panginoon pagkat pinatigil niya ang ulan upang matuloy ang Water baptism. Dinamihan ko ang kain sa agahan upang di gutumin mamaya. Nang makapag-almusa'y inihanda ko na ang damit at short na isusuot sa pool kapag nag-swimming kami. Si Mama naman, nagsaing at nagluto ng hotdog na babaunin ko, ang bait talaga ni Mama. Maya-maya'y naligo na ko. Mga alas-nuebe ako umalis ng bahay. Nagmamadali ako pagkat baka maiwanan ng service. Pagdating ng JOLIA church, nagtatalumpati pa si Pastora Anna. Kanina pa nandoon ang pamilya ni Cathy kasama si Merry Grace. Nang matapos ang bible study, tumungo na kami sa baba at inihanda na ang mga bagahe.

K-R. Ngayon pa lang sila magbibihis, parang pupunta sila ng beach sa kasuutan pero sa swimming pool lang. Nag-picture taking muna kami habang abala sina Pastora sa pagbibihis at pag-aayos. Nang maihanda na ang lahat ng kakailanganin, gora na kami patungong resort doon sa Montalban. Bago kami bumiyahe, Nagdasal muna si Pastora upang matuloy at ligtas ang pagtungo sa Resort. Maya-maya'y tumulak na ang dyip patungong Montalban. Sabik at tuwa ang aking naramdaman. Habang nabiyahe, kwentuhan at tawanan ang ginawa namin. Ang saya nilang kausap. Pagdaan ng Payatas, maalisangsang na amoy ng basura ang sumalubong sa amin kaya naman kanya-kanyang takip ng ilong. Paglampas ng Payatas, saka pa lamang tinanggal ang takip sa ilong. Tanaw na tanaw na ang bundok Sierra Madre at ang gaganda ng mga bahay doon. Maya-maya'y unti-unti na kaming bumababa ng pailalim. Mababa lang pala ang bayan ng Montalban at ang aming kinatatayuan ang nagsisilbing bundok sa kanila. Naisip ko na paano kapag umulan ng malakas di baha na sa kanila, Quezon city pa nga lang na di hamak na mataas sa kanila binabaha na pano pa kaya sa lugar nila. Sa hinaba ng biyahe, Alas-dose na kami nakarating ng Resort. Bago mag-swimming, nagsikainan muna kami ng sama-sama. Daming pagkain kaya busog much ako.

K-S. Nang makakain ay tampisaw na kami nina Cathy sa swimming pool. Natatawa ako sa sarili ko pagkat di ako murunong lumangoy at may kalaliman din ang pool. Nag-enjoy kaming lahat sa swimming pool at di maalis ang tuwa. Habang nasa pool, picture taking lamang kami. Grabe ang saya-saya at isaang araw naito sa di ko makakalimutan. Di pa nakuntento at pinagsasaboy namin ang tubig sa isa't isa at nagtatalon sa Pool.  Pagsapit ng Alas-dos, nagsimula na ang baptism at isa-isa kaming binaptist. Sa mababaw na pool ginanap ang baptism. Pipisilin ang ilong sabay ilulublub ang buong katawan sa tubig, ganon pala ang paraan ng baptism sa kanila at pinaniniwalaan nila na matatangal ang lahat ng kasalanan kapag ikaw ay na-baptist. Sa kada may maba-baptist, nagsisigaw kami at hahawian ang tubig ng pool. Basa na nga si Pastora Anna sa kakahawi nila sa Pool.

K-T. Nang ma-baptist kaming lahat, balik malalim pool at nag-party-party kami. Maya't maya ang pitsuran at sabay lublub sa pool, iyan ang ginawa namin sa maghapon. Natuto na nga kong mag-swimming dahil ilang oras na kong palangoy-langoy sa pool. Pagsapit ng Alas-kwatro, umahon na kami sa pool, nagbanlaw at nagbihis. Nang makapagbihis at nakapag-impake, umalis na kami ng resort. Sinigurado ko muna kung walang maiiwan sa gamit bago umalis. Bago kami tumulak pabalik, nagdasal si Pastora upang ipagpasalamat ang matagumpay naming baptism at bonding sa pool. Napagod ang halos lahat sa kakaliwaliw sa pool. Bye-bye Montalban. Madilim dilim na ng makauwi kami at natulog muna ako dahil sa pagod. Sobrang nag-enjoy ako at sana'y maulit pa. Sa pagod ay diretso tulog ako pagdating sa bahay.

K-U. Pagkagising, saka pa lamang ako naghapunan. Ng matapos maghapunan, dumeretso ako sa Computer shop at nag-upload ng aming mga picture. Ng makapag-upload, nanood ako sa Youtube ng Harlem shake. Dami kong tawa sa Harlem shake at ang lalaswa ng kanilang sayaw. Sa sarap manood ng Harlem shake, di ko namalayang nawawala na ang USB connector ko. USB connector pa naman ang nagsisilbing charger ng cellphone ko kaya todo hanap ako. Ilang sandali pa, di ko pa rin mahanap ang USB connector at halos problemado na ko sa kakahanap. Di ko batid kung sino kumuha ng USB connector. Sa halip na magpanik, umuwi na lang ako at binalewala ang pangyayari. Bibili na lang ako ng bago at habang di pa nakakabili, manghihiram muna ako ng Charger.



March 04, 2013
Monday

Year I-063

K-V. Di kagandahan ang umaga ko at para bang kaybigat ng aking pakiramdam, dala siguro na naiwala ko ang charger at nangangambang di na mapaginipan ang cellphone kailanman pag na-lowbatt. Sa halip na magmukmuk sa kakaalala ng charger, bumangon na ako at humigop ng mainit na kape. Mainit na kape ang pumawi sa mabigat kong nararamdaman. Manghihiram na lang ako ng Universal charger kung sakaling ma-deadbatt ang telepono ko. Nang makapag-almusal, dumeretso muli ako sa bahay ni Gelyn subalit sinabi sa akin ng kanyang bayaw na wala ito at nasa Tandang sora. Umuwi na lang ako. Ipinagpatuloy kong tapusin ang painting sa MAPEH. Nilagyan ko pa ng cover, pamagat ang painting maging kahulugan.

K-W. Sa kadahilanang walang gagawin sa eskwela, di na ko pumasok at ginawa na lamang ang worksheet sa MATH. Paggawang project sa MAPEH at worksheet sa Math ang pinagkaabalahan ko sa maghapon. Pagsapit ng Alas-tres, tumungo na ako sa eskwela upang ipasa ang painting at scrapbook sa MAPEH, dali-dali akong kumilos sa takot na makita ako ni Ma'am Ramos. Galit pa naman si Ma'am Ramos sa mga estudyanteng lumiban sa klase pero nasa eskwela upang magpapasa ng project. Pagtungtung ng paa ko sa harap ng classroom, isang matandang tinig ang narinig ko at nabanggit pa ang pangalan ko. Kinutuban ako at iniikot ang lingon upang hanapin kung saan nanggaling ang ganong tinig. Si Ma'am Ramos pala iyon at nakaupo sa harap ng ibang classroom. Yamot na yamot siya nun at halos Paliparin ang sandals sa aking kinatatayuan. Sa takot, dali-dali akong tumakbo palayo sa kanya at nagtago.

K-X. Saka ako bumalik sa harap ng Classroom ng pumasok si Ma'am Ramos. Kay Jayvie Ann ko ipinagkatiwala ang scrapbook at painting, sinabi niyang siya na ang bahala sa aking requirements at ipapasa kay Ma'am Petty. Laking pasalamat ko kay Jayvie Ann at ng mapanatag, umalis na ko sa eskwela. Naglakad lang ako pauwi. Nang makarating sa palengke ng Consti, nadatnan kong may nagsyusyuting, pansamantala akong tumigil at nanood ng shooting. Di ko kilala ang nateyping na artista at marahil ibang channel nila ipapalabas iyon. Ilang sandali, umalis na ko. Hinanap ko kung saan makakabili ng Charger. Nang makitang may nagbebenta ng charger, dali-dali akong tumungo sa tindahan. Abot kaya sana ng bulsa subalit di kasya sa unit ng cellphone ang charger. Nadismaya tuloy ako. Naghanap pa ko sa ibang tindahan ng Charger. Nang may masumpungan muli ay pumili ako ng charger na pwede sa unit ng cellphone ko subalit wala sila ganong charger.

K-Y. Sinabi nilang magpa-order ako at agad naman akong pumayag. Sa Biyernes pa nila mabibili ang charger at pinagkasunduang araw-araw akong maghuhulogmula sa allowance ko at binigyan ng resibo bilang patunay na bumili ako ng charger sa kanila. Nang makapaghulog umuwi na ko. pagdating sa bahay, ipinagpatuloy kong tapusin ang worksheet sa Math. Sa dami ng sasagutan, malabong matatapos ko ngayon. Kinagabihan, habang nanonood ay sakit ng ulo ang aking naramdaman. Nagbabadya ang sama ng pakiramdam. Upang di mauwi sa trangkaso, itinulog ko na lang ang sakit ng ulo.



March 05, 2013
Tuesday

Year I-064

K-Z. Panibagong araw sa panibagong buhay. Di na masakit ang ulo ko subalit pumalit naman ang pananakit ng lalamunan ko at para bang may madigkit na plema ang di ko mailabas, nagbabadya na nga ang masungit kong pakiramdam. Upang di matuloy, uminom ako ng gamot at tubig. Kahit masama ang pakiramdam, Nag-tutor pa rin ako kay Gelyn. Ng makapag-tutor, pinag-recite ko siya ng Multiplication table at may usapang ibabawas sa aking sahod pag na-perpect niya iyon. Hinirapan ko nga at pati division table ay ipina-recite ko sa kanya. Nganga siya kapag division na. Kahit labas na sa aming lesson, itinanong ko sa kanya, tulad ng kailan namatay si Jose Rizal at ilang araw sa isang taon? nganga talaga siya at tuloy di niya na-perpect. Bente pa rin ang ipinangbayad sa akin. Natutuwa ako kay Gelyn pagkat ang dating anga-anga sa multiplication, agad ng nakakasagot pero kailangan pa ng ibayong pag-aaral sa Division at iba pang asignatura. Na-lowbatt na ang cellphone ko sa kakakumpyut ng sagot ni Gelyn sa times.

L-A. Nanghiram ako ng Universal Charger kay Ate Ging. Napakabait talaga ng panginoon at agad niya kong pinahiram ng Universal Charger. Medyo nangangapangapa pa ko at first time ko pa lang gumamit ng Universal Charger. Alas-dyis pasado na't nananghalian na ko. Nahihirapan akong lumunok pagkat masakit ang lalamunan ko, nagsisimula na rin akong sipunin. Kahit masama ang pakiramdam ko, nagawa ko pa rin pumasok para may maihulog mamaya para sa Charger. Nakita ko si Gangang at sinabi niyang half day lamang ngayon at walang pasok bukas. Di pa malaman kung bakit walang pasok bukas. Di na ko nagdala ng maraming gamit pagkat di na kami nagkaklase.

L-B. Pagdating sa eskwela, ibinalita sa akin ni Dennis na bagsak raw ako sa English, marahil dahilan ng pagbagsak ko ay di ako nakapagpasa ng Valentines card. Kahit nalaman kong bagsak ako sa English di na ko nalungkot at inisip na papasa pa rin ako basta't magtiwala ka sa panginoon, positibo ang aking pananaw na mairaraos ko ang pagiging Third year. Bagamat pangit ang naging grado ko ngayong Third year, pinapangako kong pagtungtung ng Fourth year ay gagalingan ko na. Matalino ako, di ko lang sinasamahan ng sipag. Anu pa ang silbi ng talino kung tatamad-tamad ka at daig ng masipag ang maaga. Kaya ngayo'y di lang talino ang paiiralin ko maging ang kasipagan. Pagpasok sa silid, biglaan na lamang kinuha ni Nataniel ang aking Worksheet tapos sabay kokopyahin. Basta kokopyahin ang sagot ng iba, diyan magaling ang mga kaklase ko at iyan ang pinagkaabalahan nila habang wala pa si Sir Rombo. 
L-C. Nang dumating si Sir Rombo, nagtilian ang mga Classmate ko at doble ang kaba pagkat ngayon na ang pasahan ng Worksheet. nagsigawan kami sa tuwa ng ianunsyo ni sir na hanggang Alas-singko ang pasahan ng Worksheet. Sa oras ng AP, may project pa palang di ako napapasa at iyon ay 50 words na may kinalaman sa fourth grading ang dapat ipasa sa AP. Sinabi sa akin ni Ma'am Juanites na hanggang Huwebes ang pasahan nun, makakagawa pa ko. Nang English na, kabado ako pagkat baka sermunan ako ni Ma'am Ramos kapag nakita niya ko. Nawala ang kaba ng si Ma'am Maicy ang pumasok kasama ang isa pang student teacher.

L-D. Sa halip na mag-lesson, nakipagkulitan ang mga kaklase ko kay Ma'am Maicy at sa isa pang student teacher, sa sama ng pakiramdam ko, di ako nakikulit at sinamantala ang oras na tapusin angWorksheet sa Math. Dami namin tawa kina Bacsal at Mandy ng magsayaw ng Harlem shake, palong palo at mukha silang mga tinakasan ng bait. Maya-maya nag-Harlem shake na rin kaming lahat. Harlem shake ang bagong usong sayaw ngayong taon at mas masahol pa sa Gangnam styleDougie at Nobody na napausong sayaw sa nakalipas na taon. Maganda ang Harlem Shake pagkat kahit anong sayaw, pwede. Pati sa oras ng MAPEH, nag-Harlem shake rin kami at kabog ang buong klase ng mag-Harlem Shake rin si Ma'am Petty. 

L-E. Maya-maya'y tumunog na ang bell. Biglang dumating si Sir Rombo at sinabing sa Lunes na ang pasahan ng Worksheet. Nagsigawan muli ang mga kaklase ko at sa tuwa, nag-Harlem Shake sila. Sama na talaga ng pakiramdam ko at kahit masama, naglakad pa rin ako. Pagdating sa bilihan ng charger, naghulog muli ako at 90 pa ang balance at 60 pa lang ang naihuhulog ko. Pag-uwi sa bahay at dala ng sama ng pakiramdam, natulog ako. Alas-siete na ko nagising, sinipon ako ng sunod-sunod at naglumagkit na ang bimpo sa kakasinga. Ng matapos ang pinapanood, natulog na ko at parang giniginaw ako. Sa ginaw kaya't nagkumot ako ng makapal.



March 06, 2013
Wednesday

Year I-065

L-F. Ang baradong ilong ang di nagpasarap sa aking tulog, sumama pa lalo ang aking pakiramdam at sunod-sunod akong binahing. Walang pasok ngayon kaya may pagkakataon pa upang makapagpahinga. Nahihirapan pa rin akong lumunok pagkat masakit ang lalamunan ko. Kahit masama ang pakiramdam, di ko ininda iyon at nagawa pa rin mag-tutor upang may panghulog ako mamaya. Di ako makapagturo ng ayos dahil paos ako. Tuloy ay di ako halos maintindihan ng aking estusdyante na si Gelyn. Na-lowbatt na ang cellphone ko kaya nanghiram pa ako ng Universal charger. Kay Ate Ging sana ako manghihiram subalit sa hiya, sa halip sa kanya ako manghiram, naisip kong baka may Universal charger rin si Jaypee at sa kanya ako nanghiram. Pagdating sa kanyang bahay, nadatnan kong nakasarado.
L-G. Manghihiram sana ako kay Ate Delfa subalit wala sa kanila. Hirap talaga ng sitwasyon kapag may isang bagay na nawala sa'yo. Konting tiis at makakaraos rin. Masama na ang pakiramdam ko subalit patuloy pa rin ako sa paglakad patungong palengke upang ihulog ang aking kinita. Nang makapaghulog, bago umuwi ay dumaan ako sa bahay ni Jaypee at nagbabakasakaling nandiyan na siya. Saktong bukas ang pintuan at pumasok ako. Sa bait ng pinsan ko, agad niya kong pinahiram ng Universal Charger. Natuwa ako pagkat magkakaroon muli ng baterya ang telepono at makakapag-text muli. Pagdating sa aking balor, dali dali kong isinalpak ang battery sa Universal charger sabay isinaksak.

L-H. Maya-maya'y dumating si Papa galing trabaho at may dalang Ponkan at Kalamansi. tamang tama para sa sipon ko. Itinimpla ako ni Mama ng kalamansi. Nang makainom ng Kalamansi, walang pagbabago sa aking nararamdaman, marahil di pa umeepekto. Mainit at maasim-asim na sabaw ng karne ang naging pananghalian ko. Matapos mananghalian, natulog muna ako. Halos apat na oras akong natulog at Alas-Kwatro na ko nagising. Bahagyang gumanda ang pakiramdam ko subalit patuloy pa rin akong binabahing at sinisipon. Isinauli ko na rin ang Universal Charger subalit di ko nanaman nadatnan si Jaypee. Sa kapitbahay nila na si Ate Rose ko na lang ipinasuyo ang charger at sinabing pakibigay kay Jaypee kapag dumating siya. Agad naman siyang pumayag sa aming napagkausapan at kami'y masarap na nagkwentuhan.

L-I. Di ko namalayang Alas-singko na pala sa hinaba-haba ng pinagtsikahan namin ni Ate Rose, sa sarap niyang kakwentuhan, di ko magawang magpaalam sa kanya. Pagdating sa bahay naghahain na pala si Mama. Batid ni Mamang may sipon ako kaya sinabawang karne muli ang aming ulam upang masuplementuhan ang kakulangan ko sa bitamina, mahal talaga ako ni mama at concern siya sa aking kalusugan. Nang makapaghapunan naupo ako sandali, Maya-maya'y tumungo ako sa Computer shop upang gawin ang takdang aralin sa AP. Mahigit sa isang oras rin ako nasa computer shop at natapos ko na sa wakas ang assignment sa AP at kailangan na lang ipaprint. Pagkalabas sa shop, medyo minamalas nga pagkat napigtal ang aking tsinelas, naglakad tuloy ako ng nakapaa. Di ko matiis ang di manood ng paboritong programa at kahit di kagandahan ang pakiramdam, nanood pa rin ako. Tumitindi na ang tensyon sa Sabah pagkat ayaw pa rin umuwi ng Pilipinas ang mga rebelde. Matapos manood ng telebisyon, ako'y natulog at sana'y tuluyan ng bumuti ang pakiramdam ko.



March 07, 2013
Thursday

Year I-066

L-J. Madaling araw pa lamang, gising na ko subalit dala ng antok at natulog ako. Mga Alas-siete na ng umaga muli ako gumising. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko at di na kasing sakit tulad ng nakalipas na araw ang lalamunan ko subalit patuloy parin akong sinisipon. Mabuti ng sipunin ng maubos na at mailabas ang lahat ng virus. Suminghot ako ng Vicks ng sa gayo'y lalo pang lumuwag ang aking paghinga. ang lamig sa loob ng katawan ang pakiramdam pag nasinghot ng Vicks. Pagkatapos mag-almusal, tumungo muli ako kina Gelyn upang mag-tutor. Nag-aalmusal pa siya nun kaya nagkwentuhan muna kami ng kanyang nanay. Nang matapos si Gelyn sa pag-aalmusal, sinimulan ko na siyang turuan. Sa kagustuhang sa labas kami mag-lesson, pinagbigyan ko siya. Maya-maya, habang tinuturuan ko si Gelyn tungkol sarotation and revolution of Planet in solar system, may mga sumasabat at nakipagdebate sa akin na araw daw ang gumagalaw sahalip na planeta.

L-K. Ibinahagi ko kung ano ang aking natutunan at sinabing baligtad sila. Dahil sa aking mga paliwanag, di na sila nakipagtalo pa. Tuwa ang naramdaman ko sa aking sarili ng sabihing ang talino ko raw at di silang nagkamaling kuhain ako bilang teacher. Pano mapa Math at Science magaling daw ako. Sobrang ikinagagalak ko ang kanilang mga papuri. Nang makapag-tutor, ang kinita ko ang pinanggastos sa pagpa-print ng assignment sa AP. Kailangan na talagang magpasa kung ano ang ipinapasa ng sa gayo'y pumasa. Konting panahon na lang ang bubunuin sa pag-aaral at bakasyon nanaman, sana di maging pasakit sa akin pagdating ng bakasyon. Ng makapag-print, parang wala ng aalalahanin pa kundi worksheet na lang sa Math ang ipapasa ko. Ayaw ko sanang pumasok pagkat wala namang klase subalit magpapasa ako at magkukumpyut pa ko ng grade sa Chemistry. 

L-L. Pagdating sa eskwela, kapansin-pansing di gasinong dami ang mga nagsipasok, nakakalungkot tuloy, habang wala pa si Sir Rombo, sinimulan ko ng kompyutin ang grade ko sa Chemistry. Di gaanong kataasan subalit ako'y nagagalak sa kinalabasan ng grado pagkat pasado ako, alam ko na ang grado ko sa Chemistry ngayong Fourth grading. Kaarawan rin ngayon ni Crislyn kaya nagsaya ang lahat ng kaibigan ni Crislyn, may pledge pa ngang sinusulat kung anong mensahe mo sa kanya at ito'y kanyang babasahin, daming alam ng Classmate ko na dati'y di ginagawa. Kapag may nagbebertdey kasi, kaugalian na nilang mang-isnab, pagtulungang harutin at babasagan ng itlog pag-uwian at siyempre di mawawala ang batian at bibigyan mo ng regalo.

L-M. Sa halip na makisali ako sa masayang harutan at kulitan nila, pagsagot sa Worksheet ang pinagkaabalahan ko at pagkumpyut ng grado ng kagrupo ko sa Chemistry. Si Jonathan, problemado sa Chemistry at Filipino pagkat bagsak siya, nakiusap siyang tulungan ko siyang makipag-usap sa teacher subalit dami kong inaasikaso. Ilang sandali'y AP na, di pumasok si Sir Rombo subalit nandiyan naman si Ma'am Juanites. Ipinasa ko na ang takdang aralin, solve na ang problema. Nagtsek lamang kami ng quizzes. Sa oras ng English, inanunsyo ni Ma'am Ramos ang lahat ng bagsak at kailangan ng mag-summer. Nakakaawa ang mga bagsak pagkat di na mababago ang naging desisyon ngteacher at talagang summer class sila. Salamat sa panginoon pagkat di niya kong hinayaang bumagsak at tuloy na tuloy ang mahabang bakasyon.

L-N. Maya-maya'y tumunog na ang bell hudyat na uwian na, naglulundag ang mga kaklase ko sa saya. Marami na ring Fourth year ang nasa covered court pagkat praktis nila ng Graduation. Ang bilis ng panahon at parang kailan lamang ng grumadweyt ako sa elementarya, heto at gragradweyt nanaman ako pero next year pa. Sa halip na sumama kila Andrea na niyaya akong mag-Ever, umuwi na lang ako. Bago umuwi, tulad ng ginagawa ko sa nakalipas na ilang araw, inihuhulog ko ang tirang allowance sa pabilihan ng charger. Sampung piso na lang ang kulang at mabibili ko na ang charger, matatapos na rin ang panghihiram ng universal charger. Pagdating sa JOLIA, nakita ko si Pastora Anna at binati ko siya.

L-O. Ang matamis niyang ngiti ang nagpagaan sa akin at kami'y nag-usap. Sa hinaba ng mga pinag-usapan, mga Alas-kwatro na ko nakarating sa bahay. Walang magawa Kaya nagkumpyuter na lang ako. Nilaro ko ang Plants versus zombie at Angry bird, dalawa sa sumikat na larong kinahihiligan ng kabataan. Pagkatapos magkumpyuter, balik sa dating gawi, ang manood ng telebisyon sunod ay matutulog na. Parang ang saya ko ngayon dala sigurong wala akong bagsak at di ko pa rin malimutan na nag-swimming kami



March 08, 2013
Friday

Year I-067

L-P. Malakas na tunog ng radyo ang nagpagising sa katawang lupa ko, Alas-siete y medya na pala at mukhang napasarap ang tulog ko. Medyo sinisipon ako sa umagang ito at uminom ng gamot. Nawala naman pagkalipas ng saglit. Patak patak Alas-Otso ng tumungo ako sa bahay ni Gelyn. Nadatnan kong nag-iigib si Angelica (Amacna). Namalik mata ako sa batang babae pagkat walang iniindang sakit sa katawan habang nagbubuhat siya ng balde. Kinamusta ko siya hanggang sa mauwi sa masarap na usapan. Sa hinaba-haba ng aming pinagkwentuhan, mukhang nainip na ang estudyante kong kanina pang nakaabang. Maya-maya'y namaalam na ko kay Angelica at pumasok sa bahay ni Gelyn. Saka pa lang kami nag-umpisang mag-aral. Tungkol sa Phases of the moon ang tinuro ko sa kanya.

L-Q. Ako'y di masiyahan pagkat ang lahat ng aking sinasabi'y parang ipapasok sa isang teynga labas sa kabilang teynga. Mas nilakasan ko pa nga ang aking boses ng sa gayo'y may maintidihan siya't may matutunan. Sa pagtatapos ng pagtuturo ko sa kanya, bilinan ko si Gelyn na kabisaduhin ang lahat ng tinuro sa kanya upang di agad makaligtaan. Ng mabilinan, tila dinaan sa biro at parang paslit na nakipagkulitan. Ako naman itong bugnot kaya't nakipagbiruan na rin ako kay Gelyn. saya ang aking naramdaman at napakakulit ng estudyante ko. Naudlot ang pag-uwi ko at nakipagtsikahan kina Angelica at Gelyn, kakabagan ako sa dalawa at ang lalakas magpatawang tila bagang maaring maging komedyante. Di pa't nakuntento'y kanya-kanya kaming step ng Harlem shake. Palong-palo ang dalawa at daig pa ko.

L-R. Nang Alas-dyis na kinailangan ko na umalis. May isang hiling na ipinahabol sa akin si Angelica at sinabing turuan ko rin siya gaya ni Gelyn. Nagagalak ako pagkat madadagdagan nanaman ang estudyante ko. Ang kinita ko mula sa pag-tutor ang pinanghulog sa Charger subalit tumanggi ang tindero pagkat di pa nila nabibili ang order kong charger. Tuloy ay tiis-tiis muna sa hiraman ng Universal charger. Ipinangkumpyuter ko na lamang ang kinita. Makalipas ang isang oras na pagbabad ngmata sa Computer, tanghaling tapat na at tirik na ang araw. Sa halip na mag-extend, umuwi na lang ako. Di ako papasok ngayon pagkat wala naman gagawin. Pagdating sa bahay, katakot takot na dakdak ang sumalubong sa akin, sa halip na sumagot, tikom ang bibig sabay lantak ng ulam. Ilang sandali, ang dumakdak ay napagod din, natapos akong mananghalian ng busog at tumulog. Mga Alas-Tres na ko nagdilat sa kagandahan ng panaginip na halos di maikintal sa aking ala-ala. Kabato sa bahay at walang maisipang gawin kaya gala-gala muli ako.

L-S. Pumunta ako sa bahay ni Jaypee subalit wala siya. Sa halip na maghintay, kina Gelyn ako tumungo. Nakipagtsikahan ako sa kanila at grabe ang lakas mang-trip nina Kuya Jun. Namalagi ako sa bahay nina Gelyn hanggang sa sumapit ang dilim at doon na rin ako sa kanila naghapunan. Ang babait nila at nagmistulan akong reyna sa kakasilbi nila. Nang matapos makapaghapunan, tumungo kami sa labas malapit sa Sapa upang tumambay. Daming tanong sa akin ni Kuya Jun pati yun kasamahan niya at sa dami, di ko na magawang sagutin. Pinipilosopo naman pag nasagot ako kaya nakipagpilosopo rin ako. Dami rin niyang joke sa akin na labis naming ikinatawa. Maya-maya ang katuwaan naming lahat, nauwi sa sayawan.

L-T. Di ko akalain na magaling akong sumasayaw sabi sa akin at marami akong sample na ipinakitang tiyak na nakapag-antig sa kanila. Piling ko sa gabing iyon, ako yung taong kuminam ng husto at sobrang bilib ko sa sarili, naipakita kong may maibubuga ako pagdating sa sayawan. Dati kasi, ikinakahiya ko kungpaano ako sumayaw, ngayon sobrang maipagmamalaki ko na. Salamat sa kanila't sila ang nagbigayng inspirasyon. Sa tindi ng aming katuwaan, di ko namalayang Alas-otso na kaya nagpaalam na ko sa kanila at umuwi na. Natulog akong may nararamdamang saya at tuwa dahil sa sinabi nila.



March 09, 2013
Saturday

Year I-068

L-U. Kagising lamang at kagaling langsa Dreamland. Maganda nanaman ang panaginip ko, nasa kalawakan raw ako tapos lumilipad at nalilibot ang lugar na gusto kong mapuntahan tulad ng Boracay at iba pang panig ng mundo. Parang ayaw ko ng gumising pa at mabilanggo sa napakagandang panaginip subalit ang buhay ay tuloy pa rin at Diyos ang magtatakda kung kailan pa ang itatagal mo sa mundo. Medyo inaantok pa subalit kailangan ng bumangon at marami pang gagawin. Nang nakapag-almusal, ang nakatambak sa magdamag na plato ang pinag-ukulan ng pansin at ako'y naghugas. Nang makapaghugas at mailaga y sa tamang lalagyanan, pagwawalis ng alikabok at pagpupunas ng Parador, eskaparate at sahig ang aking inatupag. Sa dami ng aking ginawa, naubusan ng lakas at naupo sandali. Parang nakapakalinis na ng bahay at ako ang dahilan.

L-V. May isa pa kong estudyante na si Angelica na kailangan turuan kaya nagtungo na ko sa kanyang bahay. Pagdating sinabi sa akin ng kanyang nanay na wala siya. Sa halip na mag-tutor, nakipagkwentuhan nalamang ako sa kanyang nanay. Pagpasok sa bahay nila, kitang kita ko ang hirap na kanilang dinadanas at ako'y nahabag, sa habag, binabaan ko ang singil sa bawat araw na tuturuan ko si Angelica. Maya-maya'y umuwi na ko. Habang nagkwekwentuhan kami ni Mama, ang kuya kong kulang kulang sumisigaw pag naririnig ang boses ko at ayaw niyang mag-usap kami ni mama, di ko siya pinansin subalit di mapigil ang kuya ko at halos makapinsala sa pagwawala. Naputol ang usapan namin ni Mama at nagalit ako sa aking kapatid. Pano pag nag-uusap kami ni Mama, umaaya siya at sumisigaw subalit di ko magawang saktan siya dahil sa kalagayan niya. Ngayon na ko di makapagtimpi at napagbuhatan ko ng kamay ang aking kapatid sabay ibinulalas ang di magagandang salita.

L-W. Alam kong masama ang ginawa ko sa aking kapatid subalit dala ng yamot kaya nagawa ko sa kanya iyon. Pati si Mama na kaninang close, nakaaway na rin dahil sa ginawa ko sa aking kapatid. Sa tindi ng galit ko, nagwala ako. Parang pakiramdam ko kasi, kahit ang taong malapit sayo, di ka magawang intindihin o pakinggan pagkat nararanasan ko iyan sa lahat ng taong nakakausap ko. Parang galit sa akin ang sanlibutan, wala naman akong ginawang masama. Sa kakawala ko, napagod ako at tumungo sa kwarto, nahikbi ako at inisip na simula ngayon, di ko na kakausapin si Mama kung magkagayong kapalit ay away dahil sa kapatid kong kulang kulang. Itinulog ko na lang ang sakit at hapding nadarama.

L-X. Nang magising, deadma lang sa akin ang makita si Mama at parang wala siya. Hinayaan ko munang humupa ang galit. Ako yung tipong madaling magalit subalit di ako mapagtanim ng galit sa mahabang panahon. Galit man ako kay Mama at Kuya, bukas din ay mawawala na. Dapit hapon, tumungo muli ako sa taas upang kunin ang charger. Fully paid na ako nun at umaasang magkakaroon na ng charger subalit di pa nai-deliver. Mukhang niloloko na ko ni manong at balak ko ng bawian kinabukasan ang lahat ng naihulog kapag wala pa. Pagkagaling sa taas, dumiretso naman ako sa bahay nila Regine (Miano). Gusto ko kasi ng bagong environment hangga't may kainitan ako sa bahay. Ang galit na kaninang kinikimkim, napalitan ng saya pagkat pinasaya nila ako.

L-Y. Di ko ibinahagi sa kanila ang hinanakit ko kay Mama at kuya, mahirap na kasing masira ang buhay namin dahil sa tsismis. Ang Pinoy talaga, makasagap lang ng balita, itsitsismis agad sa iba at aminin natin iyan na likas ang pagiging tsismosa. Madilim-dilim na ng umuwi ako. di pa kami nagpansinan ni mama. Nagduyan ako habang nagsa-soundtrip. ng magsawa'y pagbabasa ng bible ang aking inatupag. Natawa ako sa sinabi ni Ate pagkat pwede raw ako magpastor. Ayaw kong magpastor at hilig ko lang talaga magbasa kapag walang ginagawa.



March 10, 2013
Sunday

Year I-069

L-Z. Lahat ng miyembro sa Pamilya ay gising na maliban sa akin na masarap na humihilata sa kama. Alas-sais pa lang ng umaga kaya umidlip muna ako ng saglit. Alas-siete na ng bumangon ako. Malakas na tugtug ng kapitbahay ang agad ko narinig at kaaga-aga, Gangnam Style agad ang Musika. Sa inggit, nagpatugtug rin ako at nilakasan ko ang tugtug para masapawan. Ng matapos sapag-aalmusal, gawaing bahay ang sunod kong inatupad. Mas lalo pa akong ginanahan sa pagwawalis dahil sa tugtog na nakakapagbigay sigla sa akin. Nang makapagwalis, pagpupunas naman ng sahig ang sunod kong ginawa. Nangamuti na ang sahig pagkat nilagyan ko ng kloroks ang pamunas. Nang matapos ang gawaing bahay, enjoy muna sa malakas na tugtugan. Maya-maya, pinatay ko na ang tugtog at tumungo sa taas upang bawiin ang perang inihinulog kung wala pang Charger.

M-A. Pagdating sa tindahan ng Charger, ang inakalang makukuha ang Charger, mamayang hapon pa pala at sinabing maling unit ang nabili nila. Sa pangatlong pagkakataon ay inintindi ko sila at babalik uli ako ng hapon upang kunin ang Charger. Lowbatt na ang Cellphone ko kaya si Manong pa mismo ang nagmalasakit na i-charge ang Battery ng cellphone ko gamit ang Universal. Nabaitan ako kay manong kaya kahit di kilala ay ipinagkatiwala ko muna sa kanila ang Battery ng Cellphone ko, hiling ko lamang na huwag papalitan dahil pag ginawa iyon, idedemanda ko ang tindahan nila at magsasara ng mahabang panahon. Paubos na rin ang pasensiya ko pagkat nung Biyernes pa ang usapan subalit Linggo na ngayon subalit di ko pa nabibili ang Charger. Swerte nila't naging mabait akong Costumer at pasensyoso. Pag-uwi sa bahay, kinamusta ako ni Mama kung nakabili na ba ako ng Charger, dahil sa nangyari kahapon, di ko muna siya kinausap at nahiga sa kwarto.

M-B. Alam kong di dapat ako magalit sa magulang ko subalit di ko kinaya ang nangyari kahapon na patiang Mama ko, ipapadama sa akin kung anong ginagawa ng iba sa akin, ganun rin niya gagawin sa akin. Parang pinamukha niya na ganun rin siya na katulad ng iba. Di niya maintindihan ang pinagdadaanan ko at ayaw ko ng sabihin pa sa kanya iyon sapagkat batid ng isip na di niya ko mauunawaan. Nang magising, dala ng walang magawa, naisipankongmanood ng Video. Pinanood ko ang tungkol sa Arko ni Noah. Medyo Suspense ang palabas na ito pagkat masasama ang mga tao sa bayan nila. Di nagtagal pinarusahan sila ng Panginoon sa pamamagitan ng paglipul at umulan ng apat na pung araw.

M-C. Ang palabas na iyan ay hango rin sa bibliya at makikita sa aklatng Genesis. Ganoon pala kamiserable ang buhay ni Noah. Ng matapos manood ng Video, tumungo muli ako sa taas upang kunin na ang Charger. Sa halip na fast-charger ang makuha ko ay Universal Charger na ang ibinenta sa akin at parehas din naman sa presyo angbenta. Di na ko nagreklamo pa at tinanggap ko kahit Universal, ang mahalaga'y magkaroon ng charger ang cellphone ko na ilang araw ng di mapakinabangan dahil low-batt. Solve na ang problema ko. Habang binabagtas ko ang kahabaan ng lansangan, Saktong nakita ko si Merry Grace kasama ang kanyang kapatid sa Grocery. Pauwi na rin sila kaya sumabay na ko. Sa dami ng kanilang pinamili, tinulungan ko na sila sa pagbitbit. Pagdaannamin sa JOLIA Church, Nakita namin si Pastora Anna at nag-usap kami. Humingi ako ng tawad kay Pastora pagkat di ako nakadalo sa Sunday mass. nginitian lang ako ni Pastora at ayos lang sa kanya.

M-D. Saktong lumabas si Cathy galing Church at sabay na kaming umuwi. Pagdating sa bahay, bigla ko na lamang nakita si Ate Nenita. Kanina pa niya hinahanap si Lilibeth Ramos at di pa niya masumpungan kung saan ang bahay niya. Buti na lamang at kilala ko iyong hinahanap niya kaya dali-dali ko siyang dinala sa bahay ni Charmlie. Di namin naabutan ang nanay ni Charmlie kaya tatay niya ang kinapanayam ni Aling Nenita. Ilang sandali pa umalis na ko kina Charmlie at bago ako umalis, nagpasalamat sa akin si Aling Nenita at iniwan ko na siya. Kinagabihan, ang saya-saya muli ng gabi ko pagkat daming tawa sa show ni Vice Ganda. Ngayon ko lang nalaman na kapag pangit ka at biglang gumanda ay gandang di inakala ang tawag sa iyo at kay Vice Ganda mismo nanggaling iyon. Isa pa may bagong term nanaman ang pauso ang bakla at iyon ay i-Kathryn Bernardo mo ako at i-Aryana mo ako. Daming pasikat na salita ni Vice Ganda at tiyak masasali nanaman iyan sa bokabolaryo ng mga kaklase ko bukas. Ng matapos ang pinapanood, walang nagbago at matutulog muli ako.



March 11, 2013
Monday

Year I-070

M-E. Sa dami ng nilalaman ng isipan, di ko namalayang Lunes na pala. Masaya nanaman ako pagkat huling linggo na ng pasukan at malapit na akong tumungtung sa Fourth year. Mukhang tinatamad na akong pumasok subalit kailangang pumasok pa pagkat ipapasa ko ang Worksheet sa Math. Buti na lamang at wala akong bagsak kaya pwedengmag-hayahay sa darating na bakasyon. Di na rin ako nakapag-tutor kay Gelyn pagkat Alas-otso y medya nang akomagising. Sa halip na mag-tutor, gawaing bahay na lang ang inatupag ko. Sayang ang kikitaan pero ayos lang iyan, magkakapera pa naman ako dahil sa baon. Tipid tipid rin pag may time. Pagsapit ng Alas-dyis, itinigil ko na ang gawain bahay at ako'y nananghalian. Dama ko na ang Summer pagkat ang alinsangan ng panahon, Madami tuloy akong nalagok na basong tubig dahil sa alinsangan.

M-F. Kinatanghalian, kapansin pansing manaka-nakang estudyante lamang ang nakikita kong pumapasok. Ang aga naman ng kanilang bakasyon at malakas ang kutob kong kukonti na lang ang papasok ngayon, last week na kasi at sabik na ang estudyante sa mahabang bakasyon. Ang kutob na aking napipisil, tumumpak at halos nabibilang ang estudyante ng Batasan sa kauntian. Malungkot na tuloy at parang gusto ko ng umuwi. Lalo pa kong nalumbay pagkat mukhang di papasok ang aking mga kaibigan. Mga lima pa lang ang pumapasok at malabong dadami pa. Ang lungkot na aking nadarama, napalitan ng saya pagkat pumasok silang lahat, sa tuwa, nagtititili na kami. Malapit ng mag-Alas-dos subalit wala pa si Sir Rombo. Dapat pala di na ko pumasok kung di naman ako makakapagpasa ng Worksheet.

M-G. Maya-maya'y sa di malamang dahilan, naging maingay ang buong eskwela sa dami ng natili, pati kaklase ko nagtitili na rin at tila nagkakagulo na. Dumating pala si Vince Tañada sa iskul namin at grabe, saksakan siya ng kapogihan kaya maski ako'y napatili na rin. Dahil walang teacher, wala kaming ginawa kundi tumili hangga't nasisilayan siya. Natigil ang tilian ng biglang humangin ng malakas at maya't maya ang buhos ng ulan. Mukhang nagalit sa amin ang langit. Panandalian lang ang ulan at nagpakita muli ang araw. Maya-maya'y dumating na si Ma'am Juanites at naku, may Periodical test pala kami. Dahil di ako nakapagrepaso, naging mahirap sa akin ang mga katanungan. Hula-hula tuloy ako. Bago umalis si Ma'am Juanites, inanunsyo niyang may magaganap na Recognition sa huling araw ng klase at sa mismong Recognition niya sasabihin kung sino ang napasali sa pinakamataas na nakakuha ng grado sa AP, kasali kaya ako dun? Sana nga.

M-H. Pagkaalis ni Ma'am Juanites, wala nanamang humaliling guro. Huling linggo na naming magkakasamang magkaibigan at mamimis ko sila, kaya naman sinulit na namin ang saya sa pamamagitan ng pangtri-trip sa isa't isa. Ang lakas mang-trip ni Jessa at sa sobrang kaharutan ay nakabasag tuloy kami ng bintana.  Kanya-kanya kaming sisihan subalit katuwaan lang. Lalo ko tuloy sila mami-miss at mami-miss ko ang kanilang kakulitan, di ko nga alam kung magkikita kita pa kami sa susunod na pasukanlalo na't ipinabatid sa akin na balak nilang lumipat. Wala talagang magawa sa iskul kaya gumala na lamang kami. Kahit malaki ang eskwelahan ng Batasan, halos lahat ng lugar dito ay nalibot na namin. Nang makita si Ma'am Ramos na paparating, kumaripas kami ng takbo, sa sobrang pagmamadali, nadulas kaming lahat. Grabe it so funny and we are clumsy too, sa halip na magmaktol, tawanan kami. Nang MAPEH na, saka pa lamang dumating si Sir Rombo at ipinasa na namin ang Worksheet.

M-I. Pumasok rin si Ma'am Petty subalit saglit lamang siya at agad umalis. Lumapit sa akin si Jonathan at nakiusap na samahan ko siya kay Ma'am Batara pagkat bagsak siya. Di lang si Jonathan ang bagsak maging sina NoemiDennis at magpinsang Bohol. Sinamahan ko sila kinausap si Ma'am Batara. Kung di man ipasa, nagmamakaawa silang bigyan ng special project. Nasa huli talaga ang pagsisi at kung nagsipag lang sila, di sana hahantong sa pagmamakaawa. Habang kinakausap sila ni Ma'am Batara, tumunog na ang bell at uwian na. kasabay muli ko si Ma'am Jamero sa pag-uwi bitbit ang anak niya. Pagdating sa bahay, saka pa lamang ako nag-recess. Maya-maya'y tumungo ako sa Computer shop upang mag-download ng kanta.




March 12, 2013
Tuesday

Year I-071

M-J. Alas-Siete na ng umaga subalit heto pa rin ako at sarap na sarap humilata sa kama. Katamad rin bumangon subalit marami pa akong dapat asikasuhin kaya bumangon na rin ako. Balak ko sanang maglaba ngayon subalit nakita kong naunahan na ni Mama at nagbabanlaw na. Kaines at wala naman maisipang gawin, naglinis na lang ako ng bahay. Kahit sa Biyernes pa ang huling araw ng klase, para sa akin, ito na ang umpisa ng bakasyon. Teacher ko na mismo nagsabing kapag wala kang bagsak, kahit di ka na magpakita sa kanya at pwede ng magbakasyon. Salamat sa maykapal at nairaos ko ang pagiging Third year. Bilis talaga ng panahon at heto nanaman si Long Vacation, nagpaparamdam na. Ng makapagwalis walis at matapos, gora nanaman ako kina Gelyn. Habang naghahanda, biglang naudlot ang aking balakin pagkat dumating si Ate Arlene at nagpapatulong sa akin kung paano i-block ang friend sa Facebook. Sa loob loob ko sayang nanaman ang kikitain ko at wrong timing ang paghingi niya ng tulong sa akin, nayamot tuloy ako.

M-K. Nasa bundok lang, may Facebook account pero di marunong mam-block. nakabawi naman si Ate Arlene ng siya ang nagpa-load ng aming internet. Pinapasok ko siya bilang pasasalamat at dahil sa kanya kaya nakapag-internet ako, download nanaman ng kanta ang ginawa ko. Ang mukha ni Ate Arlene, di maipinta sa laki ng problema, atat na kasi siyang i-block yung friend sa Facebook. tinuruan ko siya kung paano mam-block subalit di niya sinabi sa akin na wala pala siyang Facebook account, paano mai-block kung naman wala siya nun. Natatawa ako kay Ate Arlene pagkat magpapagawa siya akin ng account at pag nakagawa na, saka niya i-add yung gusto niya i-block, in-add pa niya kung ibla-block rinnaman pala, nagsayang lang ng panahon at ang kitid mag-isip. Di rin siya marunong mag-internet at sa muling pagkakataon, teacher nanaman ako at tinuruan ko siya kung paano mag-log-in at log-out, ginawan ko na rin siya ng account.

M-L. Laking tuwa niya ng may Facebook na siya. Madali naman siya matuto sa mga tinuro ko at sana pag mag-i-internet na siya'y di na ko abalahin pa upang magpaturo, ayaw ko kasi sa taong di madaling matuto. Ang bagal ng internet kaya tiyaga tiyaga kami sa mabagal na koneksyon. Maya-maya'y umalis na siya. Kahit may internet ang sariling computer, nag-internet pa rin ako sa labas at nag-download ng mga RNB Songs. Kahit yung mga kantang sumikat ng dati, dinawnlod ko rin. Nang mai-download ang lahat ng kanta, saka lamang ako umuwi. Alas-dose na at matindi na ang sikat ng araw at kahit tanghali na, di pa rin ako nag-aayos ng gamit na dati nama'y ginagawa ko pagkat di na ko papasok.

M-M. Pagdating sa bahay, amoy ko ang di kanais nais at maasim na amoy mula sa katawan ang malalanghap kaya naligo na ko ng sa gayo'y maging fresh. Ang kaninang maaliwalas na panahon, bahagyang kumulimlim. Maya maya'y bumagsak ang katiting na patak ng ulan. Ng makaligo, gamit ang card reader, nag-save ako ng dinownload na kanta sa Computer. Walang magawa talaga kaya ako'y nag-soundtrip. Kahit umulan ay dama ko pa rin ang maalinsangang panahon. Mayroon pang-load ang Computer kaya nag-internet ako. Pagsapit ng gabi, maalinsangan pa rin kaya nagtungo ako sa labas at nagduyan habang nagduduyan, kita ko si Mama na nakikipagtsikahan sa kaedad niyang matatanda.

M-N. Kahit Menor de edad ako, nakisali ako sa kanila dala ng pagkabato. Nag-iihaw ng barbeque ang katsikahan ni mama kaya bumili ako at si Mama ang nagbayad ng barbeque. saktong bumili rin ng barbeque si Regine (Cebrero) at nakipagtsikahan ako sa kanya, na-badtrip ako ng bahagya pagkat may lalaking papansin at sumasabat sa usapan, malakas mambara kaya binara ko rin. Basag siya sa malulupit kong mga salita at di na muli nagpakita pa. Masyadong nagpapansin at ako pa ang nais pagtripan, di naman kapogihan. Nang Alas-otso na, pumasok na ko sa loob ng bahay kasama si Mama at nanood kami ng telebisyon. Sa puntong ito'y mukhang nagkaayos na kami ni ina, sabi ko naman na di ako mapagtanim ng galit pagkat di ako marunong magtanim, magbungkal lamang.



March 13, 2013
Wednesday

Year I-072

M-O. Two days to go before the starting of long vacation. Malapit na at sabik na ko. Anu kayang maaring gawin ko kapag bakasyon na maari kong matutunan, abangan na lamang. Sa ngayon hangga't wala pang maisip gawin sa panahong ito, gawaing bahay ang pag-uukulan ko ng oras ng sa gayo'y ikatuwa ako ni Mama at lalo pa kaming magkaayos. Kakaayos lang namin kagabi at ayaw kong muli kaming mag-away dahil lamang sa sermon. Palasermon pa naman si Mama kapag nakikita niyang nakaupo lang ako at ayaw niya ng batang batugan. Kapag tumalak si Mama, sunod-sunod at walang prenong pumuputak. Hayain na, ganyan naman ang ugali niya at malugod ko iyong tatanggapin. Kung ano ngang ugaling naipapakita ko sa kanya, napapalagpas niya at dapat ko rin siyang palagpasin, tapos na ang away at lalong ayaw ko ng gulo.

M-P. Pautay-utay akong nakain sa upuan at ng malamanan ang kumakalam na sikmura, Walang bago at tumungo ako sa bahay ni Gelyn upang mag-tutor. Nadatnan ko ang kanyang nanay kaya binati ko siya pati ang kapatid na sina Shiela at Regine (Miano) na kapwa matalik kong kaibigan bago pumasok.  Sinamahan ko ng matamis na ngiti ang pagbati kaya mas lalo silang natuwa. Abala nun sa paghuhugas ng plato si Gelyn kaya naghintay muna ako. Kita ko sa mukha ni Gelyn ang kabigatan na may pagka-ines at tinanong ko siya kung kinaka-ilangan ba niya ang madalas kong pagtungo sa bahay. Hindi ako ang kinakainisan niya kundi iba. Sinabi niya sa akin na nag-away daw silang magkaibigan pagkat siniraan raw ito. Sobrang may hinanakit si Gelyn kaya may pagmumurang ibinahagi niya sa akin ang pangyayari at bakas sa mukha ang pagkamuhi.

M-Q. Inintindi ko si Gelyn sa kanyang pinagdaraanan at sa halip turuan ko siya tungkol sa pinag-aaralan sa eskwela, pinangaralan ko siya at sinabi kong huwag mong intindihin ang sinasabi tungkol sayo kung di naman totoo, natauhan si Gelyn ng sabihin ko iyon. Nang mahimasmasan saka pa lamang kami nagsimulang mag-aral. English subject naman ang pinag-aralan namin kaya English speaking ako.  Natatawa ako kay Gelyn pagkat habang na-ingles ako, bigla na lamang dumugo ang ilong niya. Nosebleed yata siya sa Ingles ko. Walang malinaw na dahilan ang pagdugo ng ilong dahil may nagsasalita ng wikang ingles kundi dala siguro ng init ng panahon, iyon kasi ang naikintal sa isipin ng iba na musmos pa lamang ang isipan kahit biro lamang at paniniwalaan na. Sa bait kong ito, pinagpahinga ko si Gelyn. Kahit di natapos ang tutor ko sa kanya dahil Nosebleed, binayaran pa rin nila ako. Tumungo na agad ako sa Computer shop upang mag-download ng kanta.

M-R. Malas nga't ang bagal ng Internet connection na nagpabagal sa pag-download ng kanta tapos ang iingay pa ng mga bata at amoy araw. Di ko nakayanan ang sitwasyon kaya lumipat ako ng ibang Computer shop. Sa shop na aking nilipatan ay laking pasalamat ko pagkat walang mga batang makukulit, may bata subalit behave at mabilis rin ang internet kaya nakarami ako ng na-download na kanta. Pagkauwi, nakita kong abala si Mama sa pag-iimpake ng damit at nakabihis na siya nun. Tinanong ko kung saan ang tungo niya. Pupunta raw siya ng Airport upang salubungin si Ate Wenang galing Singapore at tapos nun ay dideretso na sila sa Cagayan. Limang araw wala rito si Mama at sa Linggo pa ang kanyang balik. Bago umalis ay nagpaalam na ko sa kanya at kaming tatlo na lamang ang naiwan sa bahay. Sinabi ko sa kanyang huwag kalilimutan ang pasalubong pag-uwi.

M-S. Sa kadahilanang walang magbabantay sa Kuya kong may kapansanankapag wala si Papa, di na ko pumasok. Naging maalinsangan ang tanghali kaya kinahapunan ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang matatalim na pagguhit ng kidlat at malalakas na dagundong ng kulog. May takot ako sa kulog at kidlat kaya todo takip nanaman ng unan sa teynga ang ginawa ko at nagtago. Iyon kasi ang ginagawa ko kapag nakulog at nakidlat.

M-T. Napapansin ko lang, dapat sa Mayo pa ito mangyari, pero Marso pa lang ay may Thunderstorm na at di pa pumapasok ang panahon ng tag-init. Climate change na nga talaga. Kinagabihan, ng matapos ang unos, panonood ng telebisyon ang inatupag ko. Wala ang ilaw ng tahanan kaya ang haligi ng tahanan ang tagaluto ng hapunan. Balita ngayon ang tungkot sa pagpili ng bagong santo Papa sa Simbahang Katolika at kakaumpisa pa lang ng Conclave kahapon subalit itim na usok pa rin ang nalabas, nangangahulugang wala pa rin bagong Santo Papa. Ng matapos manood ng telebisyon, di ako makatulog at nag-soundtrip muna. Ang alinsangan pa rin kahit wala ng araw at gabi na.


March 14, 2013
Thursday

Year I-073

M-U. Nakakapanibago pagkat wala si Mama, ganto pala ang pakiramdam pag wala sa piling natin ang nanay subalit ang panahon ay lumilipas at darating ang araw na magkakaroon rin tayo ng sariling buhay nadi kakailanganin ang tulong ng magulang. Umpisa lang iyan at masasanay rin. Nakikinig nun si Papa ng radyo at ibinalitang may bago ng hinirang na Santo Papa at iyon ay si Pope Francis. Kahit di si Cardinal Tagle ang naging Santo papa, masaya pa rin ako pagkat sa wakas ay may bago ng Santo Papa. French toast ang naging agahan ko. Pagkatapos ng almusal ay gawain bahay ang sunod kong pinagkaabalahan. Wala si Mama kaya ako ang nag-asikasong maglinis ng bahay. Nang matapos ang gawain bahay, ako'y nagkumpyuter at nag-download muli ng kanta. Nakarami na ko ng kanta kaya tama na ang pag-download at nag-edit na lang ng title ng kanta. Nang makapag-edit ay isineyb ko na sa aking Memory card. Walang magbabantay sa aking kapatid pag umalis si Papa kaya di na ko pumasok.

M-V. Nananghalian at ng makapananghalia'y ako ang naghugas ng mga pinagkainan. Madagdagan pala ang aking gawain pag wala si Mama. Nang makahugas ay nag-soundtrip ako. Bahagyang kumulimlim at mukhang babagsak nanaman ang malakas na ulan. Walang magawa at gusto kong gumala subalit inaalala ko ang aking kapatid at kakaalis lang ni papa. Maya-maya'y tumulog na ko. Pagkagising ay pinatugtug ko na ang kantang aking na-download sa Loud speaker. Parang may Party lang ang nagaganap sa lakas ng aking tugtug at napapasayaw ako sa tugtug. Sa pasayaw sayaw ko, mukhang natututo ako at lumalambot pa ang katawan. Magpatuloy sanang lumambot ang katawan at di sila magkamaling sabihang magaling ako sa sayawan. Naalala ko lang, dati kapag iginagalaw ko ang katawan, laging sinasabing daig pa ng bato ang katigasan ng aking katawan at parang Robot kung sumayaw. Minsan nga'y kinakahiya ko ng sumayaw at di ko na sinubukan pa. Inggit ako sa mga kaibigan kong binabae pagkat parang walang buto kung sumayaw, samantalang ako Waley at karumaldumal kung sumayaw.

M-W. Tulad ng sumayaw ako ng Chacha, maraming humusga sa akin kaya napanghinaan ako ng loob at di na pumasok pa. Pero ngayon, Improving na at kering keri ng humataw. Kahit si Papa'y enjoy sa mga Musika ko habang kumakain ng Saba. sumabay na rin ako at nagmeryenda. Nang Alas-singko na, malapit ng maghapunan, tulog nun si Papa kaya di ko na ginising pa. Ako na mismo ang nagpa-apoy sa kalan at nagsaing. sa tana ng buhay ko, First time ko lang magsaing at medyo naguguluhan pa sa paraan ng pagsaing subalit di ako papigil at tinuloy ko pa rin. Tao ako at darating ang panahong tatanda rin, sa aking pagtanda ay naisip kong kailangan kong matutong magsaing at magluto, sa mga ganyang gawaing araw-araw upang mabuhay, sisimulan ko na ngayong matutunan at pag-iibayuhin pa.

M-X. Ang pangamba sa aking puso, di maalis. Kakagising ni Papa at natatakot akong baka magalit siya sa aking ginawa subalit hindi, dinagdagan niya ng tubig ang sinaing ko at pinalakasan ang apoy. May kaunti lang akong pagkakamali sa pagsaing. Maya maya'y inihanda ko na ang Tocino. Di ako nagmarunong at si Papa pa rin ang nagluto nun. Ng makaluto'y nanood kami ng telebisyon. Maya-maya'y naghapunan kami. Mukhang di pa nga ako gasinong murunong magsaing pagkat mamasa masa ang kanin at malambot at ang kalambutan ang nagpadismaya sa akin. Umpisa lang naman nito at matututo rin ako. Di pa ko makatulog ng gabing iyon kaya nag-soundtrip ako. Sa sarap ng soundtrip ay di ko namalayang hating gabi na pala. Kahit di pa antok ay pumikit na ko hanggang sa makatulog.



March 15, 2013
Friday

Year I-074

M-Y. Last day of Class for school year 2012-2013, sa huling pagkakataon ko na lang makikita ang mga kaibigan ko subalit malabong mangyari iyon pagkat di ako makakapasok at walang magbabantay sa kapatid ko pag umalis muli si Papa. Ng makapag-almusal ay gawaing bahay muli ang sunod kong inatupag. Napakatahimik ng paligid kaya nagpatugtug ako para maging masigla ang umaga ko at ganahan sa pagwawalis. Sunod ay inimap ko ang sahig gamit ang Kloroks. Mula sa harap hanggang sa likod ng bahay. Kahit medyo Napapagod na'y patuloy pa rin ako sa gawaing bahay pagkat may gampanin ring iba ang papa ko. Nang matapos mag-map, paglilinis sa ilalim ng katre ang sunod kong ginawa. Medyo may katagalan na ng huling nilinis ang ilalim ng katre kaya napakaraming bulto ng alikabok ang aking natanggal. Sa dami ng aking ginawa, naubusan ako ng lakas hanggang sa magutom. Habang wala pa si Mama, si Papa ang tumayong ina't ama pagkat siya ang tagaluto at nagpapakain sa alaga naming hayop. Di ako batugang tao at inaako ko ang responsibilidad na naiwan ni Mama.

M-Z. Nang makakain ay panonood ng telebisyon ang sunod kong pinagkaabalahan. Kilig muc hako sa aking pinapanood pagkat ang sweet ni Maya at Ser Chef at kahit yaya lang si Maya, malaki ang tiyansang makatuluyan niya ang kanyang amo. Sa kadahilanang di ako makakapasok ngayon, nagpa-load ako upang tawagan si Jessa. Di maganda ang takbo ng signal kaya halos di kami magkaintindihan. Ipinabatid ko sa kanyang di ako makakapasok dahil sa sitwasyong aming kinakaharap. Pilit niya akong sinasabihang pumasok subalit di ako pumayag. Maya-maya'y naputol ang tawagan namin kaya idinaan ko na lang sa text ang aking katwiran. Ngayong araw rin ang Recognition, mas lalong di ako papasok pagkat batid kong wala akong award. Di bale at babawi ako sa Fourth year. Ayos lang sa akin kahit di ka gandahan ang gradong aking nakukuha mahalaga'y nakapasa ako. Inaamin kong may pagkukulang ako kaya humantong ang grado ko sa gantong resulta.

N-A. Pagkatapos pa ng mahal na araw ang kuhaan ng Card at habang palapit ng lapit ang araw na iyo'y palakas ng lakas ang kaba sa aking dibdib. Alam kong di ako bagsak subalit kinakatakot ko ang sasabihin ng aking magulang pag nakita nilang ganon ang mga grado ko. Sana'y magkamali ang aking kutob. Sa halip na pumasok, natulog na lang ako. ng magising ay saka pa lamang ako naligo. Habang nagbibihis ako, malakas na hiyaw ang aking naulinig mula sa labas at nagkakagulo, may sunog palang nagaganap at nagkakagulo ang mga tao. Ng makabihis ay lumabas ako subalit huli na at kaagad naapula ang sunog. salamat sa panginoon at di niya hinayaang lumawak pa ang sunog at may masawi. Sobrang nababato ako sa bahay at di makalayas kaya nagkumpyuter ako, nilaro ko ang Plants versus Zombie, pambatang laro subalit inaaliw ko lang ang aking sarili. Sobrang naadik ako sa larong iyon at sa tagal nakababad ang mata sa kompyuter,

N-B. Alas-singko na pala at magsasaing pa ko subalit inunahan na ko ni papa at nagsasaing na. Maya-maya'y nanood ako ng telebisyon. pinanood ko ang Juan Dela cruz at Ina Kapatid Anak. Super pogi talaga ni Coco Martin ang I Love Him, bagay na bagay sa katulad niyang maging action star. Sa Ina kapatid anak, sobra na si Margaux ayaw paawat at patuloy na inaaway si Celyn kapag nagkikita sila. Magkaayos pa kaya ang dalawang iyon? Ng matapos ang pinapanood ay nagsoundtrip ako. Tatlong araw ng di nakakaduty si papa pagkat wala si Mama na nasa probinsya. Ng dalawin ng antok ay natulog na ko. Yehey at Fourth year na ko, malapit na ko sa kolehiyo.



March 16, 2013
Saturday

Year I-075

N-C. Ingay ng mga batang paslit ang gumising sa akin at sakit sa ulo ang tunog nila. Sinaway ko nga subalit maya maya'y bumabalik at maingay nanaman. Ang mga bata talaga dito, di masaway at parang mga walang magulang. Para di marinig ang ingay ng mga bata ay nagpatugtug na lang ako. May balak sana akong maglaba subalit inunahan na ko ni Papa at naglalaba na. Naglinis na lamang ako sa loob ng bahay. Medyo ginaganahan ako sa pagwawalis pagkat nakakaaliw ang aking mga tugtug, sa sobrang aliw at di ko mapigilang kumendeng lalo nung Halo na. Parang landi ko sa aking sayaw. Ng makapagwalis, ako'y nag-map at pinunasan ang lahat ng kagamitan sa bahay na balot na ng alikabok sa tagal ng panahong di napupunasan. Matapos ang lahat ng gawain, di pa ko pagod at gusto ko pang may gawin.

N-D. Abala nun si Papa sa paglalaba kaya sinabi ko sa kanya na ako na ang magpapatuloy ng paglalaba at magluto na siya. Mukhang di makakatuyo pagkat di kagandahan ang sikat ng araw. Ng makapaglaba at magbanlaw, ako'y nagsampay. Gumaganda naman ang sikat ng araw at sana'y magpatuloy ng sa gayo'y matuyo agad. Sa dami ng aking ginawa, ngayon pa lamang ako napagod at nagpahinga. Alas-onse palamang ng umaga at di pa tapos sa pagluluto si Papa, kumakalam na ang aking sikmura subalit wala akong magagawa kundi maghintay.

N-E. Idinaan ko na lang sa pagkukumpyuter ang gutom na aking nararamdaman at naglaro ako ng Plants Versus zombie. Grabe at matinding aliw ang aking naranasan pagkat taob sa aking Plants ang mga Zombie, nakakaadik talaga maglaro ng Zombie. Sa sobrang aliw, naalis ang aking gutom subalit kumain pa rin ako. Hangga't wala si Mama, di ako makakagala kaya tamang soundtrip ang inatupagko. Maya-maya, bahagyang dumilim sa kapaligiran at heto na nga't bumuhos nanaman ang ulan. Dahil may mga sinampay ako, kahit malakas ang ulan ay isinilong ko ang mga damit at short. Hinayaan ko na lang magpabasa sa ulan pagkat di pa ko naliligo. Maraming mga bata at kabataan ang nagliliwaliw sa malakas na buhos na ulan. Buti na lamang at walang kulog at kidlat kaya walang takot akong naligo sa ulan.

N-F. Maya-maya'y humina na ang ulan hanggang sa tumila ito. Umuwi na ko at nagbanlaw. dahil basa pa ang aking buhok, di pa ko natulog pagkat baka ako'y sipunin. Nang matuyo'y saka pa lamang ako natulog. Pagkagising ay nadatnan kong may pupuntahan si Papa. Alas-singko na kaya nagkusa na kong magsaing. Medyo may alam na ko sa paraan ng pagsasaing subalit nalilito pa rin. Ng maluto ang sinaing, sunod ay sinubukan kong magluto. Iprinito ko ang Longganisa, mukhang nalilito pa ko sa pagprito nito at kinailangan ko pang magpatulong kay Ate na naglalaba. Itinuro niya sa akin ang tamang pagpriprito at madali ko iyon natutunan. kailangan ko ng matutunang magluto hangga't di pa ko tumatanda. Masarapan kaya sila sa niluto ko? Ng makapagluto'y tumungo ako sa sala at nanood ng telebisyon.

N-G. Maya-maya'y naghapunan na kami. Ng matikman ang aking niluto, hati ang aking naramdaman at mas sasarap pa ang lulutuin ko sa susunod na araw, kung sa bagay ay nag-uumpisa pa lang ako. Pagsapit ng Alas-otso, Maala-ala mo na kaya. Sinubaybayan ko talaga ang programang iyon pagkat tungkol ito sa taong kinamulatan ang pagiging bakla. Nainggit ako sa buhay niya pagkat naipapakita niya ng harapan kung anong kasarian niya kahit bata pa siya at ladladan talaga kumilos. Ang ending ng programa, naging matagumpay ang buhay niya kahit bakla siya at di nagpatinag sa sinasabi ng iba. Sobrang Inspired ako sa kanya at balang araw ay sana maging katulad ko siya. Ng matapos ang pinapanood na programa at sa kadahilanang di pa ko makatulog, ako'y nag-soundtrip muli. Alas-dose na ng gabi ako natulog.

March 17, 2013
Sunday

Year I-076

N-H. Dumating na si Mama galing Cagayan ng madaling araw kaya naman ng magising ang katawang lupa'y boses niya agad ang narinig ko na nagkwekwento tungkol sa ginawa niya nung nasa probinsya pa. Ang pasalubong na Tupig at Shingaling ang aking naging agahan at nag-usap kami ni Mama. Ikinuwinento niya sa akin ang tungkol sa pinsan kong si Renel Julian na Seaman ang kinuhang kurso at siyempre'y kinamusta ko rin ang kamag-anak sa Cagayan. Dahil nandito na si Mama, makakapag-tutor na ko at maari ng gumala. Nang matapos mag-almusal ay tumungo na ko sa bahay ni Gelyn. Ilang araw rin ako di nakakapunta sa bahay nila kaya nangamusta ako. Abala nun sa pagpapakain ng alagang hayop si Gelyn kaya hinintay ko muna siya at nakipagkwentuhan muna kay Aling Gina. Maya-maya'y nag-umpisa na kong mag-tutor sa kanya. Tinuro ko ang tungkol sa Solar system at globo.

N-I. Pakiramdam ko, engot akong dada ng dada pagkat parang di nakikinig sa akin si Gelyn at saan-saan natingin. Nabwisit ako ng kaunti sa kanya. Nasasayang lang tuloy ang aking pagsasalita kung wala namang napasok sa kanyang utak. Lipad kasi ang utak. Kundi dahil may kinikita ako kapag nagturo ay di ko magawang lisanin ang estudyante ko kaso siya naman itong ayaw makinig kaya balak ko ng umalis. Sa inis, naputol ang pagtuturo ko at sinermunan ko siya. Tila ginawa niyang biro ang lahat ng aking pangaral subalit nakikinig siya muli. Kawawa naman si Aling Gina, sayang lang ang ibinabayad niya sa akin kung ganon katamad si Gelyn na ayaw matuto. Maya-maya pa'y itinigil ko na at nawalan na ko ng gana. Habang wala pang pambayad ay nakipagkwentuhan muna ako kila Berna at Regine (Miano).

N-J. Ayos si Berna pagkat may kasintahan na siya at ipinakilala niya iyon sa akin. Laking buka ng bibig ko pagkat Moreno ang kasintahan ni Berna hamak na mas matanda sa amin. Nakipagkilala rin ako. Kahit negra si Berna, may lalaki pa ring pumatos sa kanya. Ang taray ni Berna at ganong lalaki pa ang nais. Ng ibigay sa akin ni Aling Gina ang bayad, umalis na ko at nagpaalam. Si Angelica naman ang sunod kong tinuruan. ibang iba si Angelica kay Gelyn pagkat nakikinig siya sa akin at natutunan agad ang mga tinuro ko. Ni di ko na nga sa kanya itinuro ang multiplication at division pagkat magaling siya dun at sisiw lang kahit malalaki. Mas mahirap ang buhay ni Angelica kaysa kay Gelyn subalit mas matuturuan ko siya ng ayos at mas masipag. Dahil kay Angelica kaya nawala ang stress ko na nilikha ni Gelyn.

N-K. Tanghaling tapat na kaya itinigil ko muna ang pagtutor sa kanya at ipagpatuloy sa hapon. Sa kakasalita kaya nakaranas ako ng gutom. Grabe si Gelyn, ginutom ako. Maya-maya'y nagkumpyuter ako. Nang magsawa at antukin ay saka pa lamang ako natulog. Dakong Alas-kwatro na ng hapon ng muli akong mamulat mula sa pagkahimbing. Tumungo muli ako sa bahay ni Angelica upang mag-tutor. Bukod sa masipag na bata, pakabait ni Angelica pagkat binigyan niya ko ng tinapay at super na-appreciate ko yun. Ng matapos mag-tutor, bibili siya nun ng patuka sa manok, sinamahan ko siya. Habang naglalakad ay nakita namin si Julius na kilala bilang si Juliana, ang pinakamagandang bakla sa balat ng Taniman at nagpapasama ito sa akin. Mga kumikinam na burloloy, naka-backless, makapal ang kolerete niya sa labi at babaeng babae kung kumilos, iyan ang nakita ko kay Juliana na labis kong ikinatawa, sinabi kong di maaring iwanan ang aking kasama.

N-L. Nagtaray ang bruhang bakla sa aking sinabi at dali-daling naglakad na kala mo'y sinalihang patimpalak pagkat tila narampa. Kahit mag-cross dresser siya, mukha pa rin siyang lalaki. Ako naman na kahit babakla bakla, kahit kailan di ko naranasang magsuot ng pambabae at maglagay ngmake up, umibig lang sa lalaki ang naranasan ko. Sa takot ko ba naman sa kung anong sasabihin ng aking magulang, lahat ng lalaking aking inibig ay di ko pa nagawang ipagtapat sa magulang at sa mga kaibigan ko lang iyon nasasabi. Tanggap nilang ganto ako subalit ang di pwede sa kanila'y lumandi ako. Maya-maya'y ng mabayaran ako ni Angelica ay umuwi na ko. may andakels nanaman akey, Ang saya- saya.


March 18, 2013
Monday

Year I-077

N-M. Ngayong araw ang Graduation ng mga magsisipagtapos. Ang bilis talaga ng takbo ng panahon at Fourth year na ko sa pasukan tapos kasunod ay gragradweyt na rin ako. Mabuti na lamang atalam ko na ang kursong kukunin ko kapag tungtung ko ng kolehiyo subalit wala pa sa aking isipan kung saang unibersidad ako mag-aaral. Kung sa bagay, may isang taon pang nalalabi at makakapag-isip pa ko. Sana sa pasukan, kaklase ko pa rin sila Jessa, mamimis ko na sila at kapag wala na sila, malulungkot na ko at mamimis ko ang kakulitan nila. Bago ang mga iyan, kailangan munang mag-tutor. Inihanda ko na ang Globo pagkat iyon ang ituturo ko sa aking estudyante. Nang makarating kila Gelyn, tinanong ko siya kung ano ang dala ko. Agad naman siyang nakasagot at sinimulan ko ng magturo sa kanya. Ang nangyari kahapo'y tila naulit pagkat habang nagsasalita ako, itong si Gelyn ang siyang di nakikinig at kung saan-saan lumilingon. Nawalan na tuloy ako ng gana sa pagtuturo at gusto ko ng umayaw. Mahabang pasensiya ang aking pinairal at sinaway ko siya.

N-N. Nakadagdag sa init ng ulo ko ang kakulitan ng maliliit niyang kapatid at pinagsabihan kong sa labas maglaro upang di madisturbo, nasaway naman. Maya-maya'y tuluyan na kong umayaw. Sinabi sa akin ng nanay ni Gelyn na pagpahingain muna siya at sa susunod na linggo ko na lang siya turuan. pumayag ako at mabuti na ring magpahinga muna siya ng sa gayo'y ma-refresh ang utak. Lipad kasi ang utak. Ang kapatid niyang si James (Miano) ang tinuruan ko at tinuruan ko siya kung pano magbilang. Madali naman matuto si James at nakakabilang kaagad ng ayos. Sunod ay ituturo ko sa kanya kung paano magbasa. Alas-onse na ng umaga kaya nagpaalam na ko at umalis. May pera nanaman ako at nakadami na ko sa pag-iipon. Pagdating sa bahay, ako'y nananghalian na.

N-O. Pagsapit ng tanghali'y nakaramdam kami ng matinding init. Idineklara na pala ng PAGASA na official ng nagsimula ang panahon ng Summer ngayong araw na ito. Hapon na subalit dama pa rin ang napakainit na panahon at di ako makatulog. Lumabas na lang ako at nagpahangin habang na-soundtrip. Maya-maya'y tumungo ako sa kusina at ang natirang kanin, ginawa kong Pop rice. Ng makaluto ng Pop Rice, may meryenda na at pinapapak ko iyon. Ang tigas subalit masarap. Sa kakapapak ng Pop Rice, aksidenteng tinamaan ng tipak ng Pop rice ang nabutas kong ngipin sa kabulukan at bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ngipin. Sobrang sakit at halos mamatay-matay ako sa sakit nito.

N-P. Itinigil ko ang pagpapak at nahiga. Ininda kotalaga ang sakit ng ngipin at sakit ay di na ko nakapag-tutor kay Angelica. Pinagsisihan ko na dapat ay di na ko nagluto ng Pop Rice. Kinagabihan, nakakalungkot at awa ang naging balita pagkat nagpakamatay ang isang kolehiyo na si Kristel Tejada dahil lamang sa di pinayagan ng up na pag-enrolin siya at mag-leave of absent. Dahil sa pagkamatay ni Kristel, ang mga estudyante sa PUP at UP, nagprotesta upang tutulan ang pagtaas ng matrikula. Ang mga upuan pa nga, pinaghahagis at sinunog. Grabe pala sila magprotesta at tila walang inuurungan. Sa isip isip ko, di dapat sinayang ni Kristel ang buhay sa isang bagay na di niya nakamtan at kung di lamang nagpakamatay, wala sanang magkakagulo at malalampasan pa niyang ganitong pagsubok. Matapos manood ng telebisyon, makirot-kirot pa rin sa sakit ang ngipin ko at itinulog na lamang upang di na maramdaman.



March 19, 2013
Tuesday

Year I-078

N-Q. Kapag malamig nga naman ang panahon, nagkukumot, pag mainit ay nagpapaypay. Sala sa init sala sa lamig. Malamig kasi tuwing umaga at mainig pagdako sa tanghali. Mukhang maaliwalas ang umaga at walang nagbabadyang sama ng panahon kaya nama'y naging masigla ang aking pagbangon. Lalo pa akong sumigla ng magpatugtug muli. Sa palagay ko, Energetic ako ngayon kaya sinipag ako sa gawaing bahay. Nagwalis, nagpunas ng sahig at paghuhugas ng plato, iyon ang pinagkaabalahan ko sa umagang iyon at marami na akong nagagawa, di pa rin ako napapagod dahil sa malakas kong tugtug. Napapabigay todo pa nga ako sa pagsayaw subalit natigil iyon ng mayamot si Mama at atat na patayin ang tugtug.

N-R. Matanda na kasi at di niya nagugustuhan ang pang RNB kong tugtug. Nabwisit ako kay Mama at nagsugutan kami. Ayan at mukhang di nanaman kami magkasundo. Idinaan ko na lang sa pagkumpyuter ang aking inis. Anung gusto niyang tugtug, pangmatanda. Wala nga kong ma-download nun at di ko iyon hilig dahil ang tipo kong kanta ay ngayon. Sa Computer na lang ako nagpatugtug at naglaro ng Plants versus Zombie. Nang Alas-Dyis na'y pinatay ko na ang computer at nananghalian. Maya-maya'y bigla akong inantok kaya natulog ako. Kahit mainit, naging masarap ang tulog ko at sa kasarapan, Alas-tres na ako nagising. Nag-away man kami ni Mama kanina, nagkasundo naman kami ng magluto siya ng pang meryenda.

N-S. Naintindihan kong naingayan si Mama sa tugtug ko, ang kinagalit ko'y minsan na nga lang ako maaliw, di pa niya pinagbigyan at sa tugtug ko naibubuhos ang kaligayahan. Kung anong kinakaaliwan ng iba, di ko madalas maranasan iyon at kanikainggitan ko pa. Di naman masama kung maaliw ka. Dahil may tutor pa ko kay Angelica, tumungo ako sa bahay nila subalit di nagpa-tutor sa akin si Angelica dahil wala silang pambayad at sinabing sa linggo na lang. Sa halip na mag-tutor, pinag-solve ko na lang siya ng multiplication atdivision at kaagad naman niya iyon natapos. Nandun rin si Gelyn at kinantsawan ko siya. Sinabing panis ka kay Angelica. Maya-maya'y niyaya nila akong sumali sa laro subalit sa edad kong ito, di ako nakisama at tumungo na lang bahay nila Regine (Miano).

N-T. Halos lahat ng pamilya ni Regine ay nakatambay malapit sa sapa at masayang nag-uusap. Ikwinento sa akin ni Ate Bing na nabuntis daw si Berna at yung syota niya ang ama. Di ako makapaniwala at natawa lang ako subalit ng silang lahat na ang nagsabi, saka pa lamang ako naniwala. Naglalaro nun ng Dama si Ate Bing kaya niyaya ako. Duda akong di magaling diyan sa dama subalit ng masubuka'y ang dali lang pala. Nakailang-round kami sa paglalaro ng dama at madalas ay tabla. Maya-maya'y nanalo ako at bumawi naman si Ate Bing sa sumunod na round. Napasarap ang laro namin ng dama at ng mapansing dumilim na, nagpaalam na ko sa kanila at umuwi na. Malapit na palang mag-Alas siete ng makadating ako sa bahay. Ngayong araw rin ang Inaugural mass ni Pope Francis na dinaluhan ng milyon milyong deboto.

N-U. Bukod run, laman rin ng balita ang pagkamatay ni Kristel Tejada at tumitinding tensyon sa Sabah. Ng matapos ang TV patrolJuan dela Cruz na at Ina kapatid anak, ang paborito ng programang aking sinusubaybayan gabi-gabi. Malamang ay hataw sa rating ang Ina kapatid anak pagkat nagugustuhan ko siya at lahat ng palabas na aking sinusubaybayan, napapabalitang mataas ang rating tulad ng Be careful with my heart na nag-extend pa ng isang taon dahil bukod sa kinakikiligan, kinapupulutan rin ito ng aral at maraming inspirasyonang makikita sa eksena. Ng matapos manood, di ako makatulog pagkat mainit. Nagbasa muna ako ng dyaryo. Ng antuki'y saka pa lamang ako natulog.



March 20, 2013
Wednesday

Year I-079

N-V. Medyo nakakaramdam pa ng antok at gusto ko pang humilata sa kama ng tagal subalit naghihintay sa aking ang maraming gawain kaya nilabanan ko iyon at bumangon. Siyempre bago ang gawaing bahay ay kailangan munang malamanan ang sikmura subalit nakapagwalis na si Mama at nakapagpunas. Maya-maya'y binigyan niya ko ng nagkakahalagang dalawang daang piso at sinabing ibigay kay Tita Jasmin pagkat may pagkakautang ito. 140 pesos ang utang ni Mama at ang sukli'y sa akin na raw at panggastos sa pampagupit. Di na ko nakahindi pa at kaagad sinunggaban ang pera at dali-daling umalis. Pagkadating sa kanilang bahay, buti na lamang at nandoon si Tita Jasmin at kaagad kong ibinigay ang pera. Ang kanyang isinukli ay pinampagupit ko na. Sarado pa nun ang Barbershop kaya naisip kong mamaya na lang magpagupit subalit pinigilan ako ng babae at sinabing magbubukas na sila.

N-W. Naghintay ako saglit. Maya-maya'y dumating na si Mang Usman at nag-umpisa na kong gupitan. Naging matanong sa akin si Mang Usman kaya ako'y naging madaldal. Ng magupitan, new look na kong tingnan at bye bye curly hair. Dumaan pa ko sa bahay ni Jaypee upang itanong kung kailan kuhaan ng Card. Sinabi niyang sa Lunes subalit di pa tiyak tiyak kung anong oras. Sumidhi ang kaba sa aking dibdib pagkat di ko alam kung anong sasabihin ng mga magulang ko kapag nakita ang mga grado ko. Masaya na sana ako kahit mababa ang mahalaga'y di bagsak kaso pinoproblema ko ang sasabihin nila.

N-X. Nanatili pa ko sa kanila ng ilang minuto. pagsapit ng Alas-dyis, nagpaalam na ko sa kanila at umuwi na. Tagaktak ang pawis ko ng umuwi dahil sa tindi ng sikat ng araw at naparami ako ng nalagok na tubig. Maya-maya'y nag-umpisa na kaming mananghalian. Habang masarap kaming nagkakainan, Nag-grouptext sa akin ang kaibigang si Charmlie at sinabing Graduation nila ngayon. Buti pa sila't magsisipagtapos na sa High school, samantala ako ay may isang taon pang bubunuinbago tumungtong sa kolehiyo, ayos na rin na may isang taon pang bubunuin atlis makakapaghanda pa ko para sa pagtungtung ko sa kolehiyo at iyon ay ang kailangang matutong umingles, masanay sa maraming gawain at kailangan, alam ko na ang kursong kukunin ko at dapat ay final na yun.

N-Y. Ang bilis talaga ng takbo ng panahon at sana'y makatapos ako. Ng makapagpananghalian, ako'y nanood ng telebisyon. Grabe ang mga kabataan ngayon, kaya ng magpatiwakal matapos ibalita na may Labing pitong taong gulang na babae ang nagpakamatay dahil lamang nadismaya ito sapagbaba ng kanyang ranggo. Honor student pa naman iyon na dating Top 1 at naging Top 5 na lamang at iyon ang kanyang kinadismaya. Dapat siguro sa mga kabataan kapag nakaramdam ng matinding depresyon ay payuhan at damayan. Maya-maya'y natulog na ko. Pagkagising ay tumungo ako sa bahay nila Gelyn. Nadatnan kong maraming prutas at gulay ang nakabunton sa bahay nila, Kakarating pa lang daw ni Shiela galing Nueva Ecija at gusto ko sanang kamustahin siya subalit tulog ito. Habang si Shiela tulog ay tumungo muna ako sa bahay ni Cathy. Nadatnan kong abala si Cathy sa pag-aalaga sa kanyang nanay na may sakit. Binati ko siya ng sabihing Best in Science and English siya.

N-Z. Maya-maya'y umalis na ko at bumalik kila Gelyn, buti na lamang at gising na si Shiela kaya nakapag-usap kami. Ng matapos ang usapan ay niyaya ako ni Regine (Miano) na maglaro ng Dama. Mukhang tinalo niya ko subalit nakabawi ako. Sumunod na nakalaban ko'y si Kuya Erick. Ang galing niya at di ko siya matalo. sinasali nila ako sa dama, di naman ako magaling. Maya-maya'y pumasok ako sa loob at nakitang naghihiwa ng gulay si Regine samantalang nagluluto ang kanyang nanay ng dinindeng. Hiniling ko kay Aling Gina na turuan kung pano magluto at itinuro nga niya. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya pagkat kung di dahil sa kanya'y matututo akong magluto. Madilim-dilim na ng makauwi ako ng bahay at naghapunan. Matapos maghapuna'y ako'y nanood ng telebisyon. Naayos na rin ang Street light sa labas na ikinaliwanag ng kapaligiran at naging maingay nanaman dahil sa mga tambay. Sa halip na magbabad ng magdamag sa telebisyon, naisipan ko ng matulog.



March 21, 2013
Thursday

Year I-080

O-A. Ang bilis ng takbo ng panahon at matatapos nanaman ang isang linggo. Dahil maaga akong nakatulog kagabi, maaga rin ako nagising at nag-almusal. Matapos mag-almusa'y naghugas ako ng plato at naglinis sa loob ng bahay. May balak sana akong maglaba subalit mamayang hapon na lang. Maya-maya'y nagtungo ako sa Computer shop at nag-Facebook. Natatawa ako sa Video na pinows ng Classmate ko sa Facebook pagkat gumawa sila ng video ng Harlem shake. Sayang, di ako nakasama, di sana'y kasali ako sa Harlem shake at sa Circle pa ginanap. Siguro natatawa ang mga taong nakakakita sa kanila. Naiingit man ako subalit ayos lang yan, di naman nakakamatay at lalong di ako magpapakamatay tulad ng ginagawa ng ibang kabataan. Tuloy ang buhay at Diyos ang bahala dun. Dahil naadik sapag-comment at pag-post, Alas-onse na ko nakauwi sa bahay. Di lamang Facebook ang inatupag ko at nagsasanay na rin akong magsalita ng Ingles.

O-B. Pagsapit ng hapon, nilagyan ko ng karga ang broadband ng Computerupang magka-internet. Nang malagyan ay nag-log-in ako sa Facebook at binasa ang mga Comment sa aking mga pinows. Bukod pa dun, inedit ko rin ang aking mga Photos at pinalitan ng Background. Sa mga oras na walang magawa, salamat at may pinagkakaabalahan ako. Ang kasuutan ng isang Pope, nilagyan ko ng mukha ko at ginawang Profile Picture. Ang paglalagay ng mukha ko sa mukha ng isang pope ay di lamang katuwaan kundi ipinapakita ko ang pagiging suportado sa bagong santo papa. Nasiyahan ako sa mga nagkomento at maraming nagsabing bagay raw iyon sa akin. Bukod pa sa mukha ng Pope, nilagyan ko rin ng aking litrato ng mga Billboard sa ibang bansa at ginawang pang Cover Magazine. Sa aking mga nagawa'y pakiramdam ko'y creative ako at sa pamamagitan ng pag-edit, nagmumukhang di kapanipaniwala't animoy sikat ka na kung pagmamasdan.

O-C. Ang nakakainis lang sa Internet ay ang mabagal nitong serbisyo kaya minsa'y nayayamot ako. Sumunod na gumamit ng Internet ay si mama. Mukhang nainggit si Mama sa mga kakaiba kong Edited photos at atat magpagawa. Inedit ko nga ang kanyang litrato at inilagay sa Cover magazine. Laking tuwa niya ng makitang nasa Magazine ang kanyang litrato at ginawang Profile Picture. Maya-maya'y pinatay ko na ang Computer at natulog. Di ako makatulog dahil sa init ng panahon. Mga dakong Alas-singko na ng hapon ako nagising. Nakakabingi ang ingay sa labas kaya naglagay ako ng Headset sa teynga at nag-soundtrip. Maya-maya’y oras na ng hapunan at ako'y kumain. Nang makakain at makalipas ang ilang saglit ay tumungo muli ako sa Computer shop. Dami ng nag-like ng photo kong nakapam-Pope, sana dumami pa. Bukod sa di kagandahan amoy dahil kulob, Ang iingay ng mga binatilyo sa shop at konti na la'y mayayamot na ko. Maya-maya’y may biglang kumalabit sa akin.

O-D. Si Ellen Joyce pala at May balak rin magkumpyuter subalit kaagad umalis at iniwanan ako. Naabutan ko pang naglalakad si Ellen Joyce at sinundan ko siya subalit bigla siyang lumingon sa likuran at nakita ako. Binilisan niya sa paglakad hanggang sa maglaho. Di ko malaman kung bakit ganyan siya sa akin. Pagdating sa bahay at pagkabukas ng telebisyon, saktong Ina Kapatid Anak na at nanood ako. Matapos manood ng programa'y nag-ayos na ko ng higaan. Kahit gabi na'y dama ko pa rin ang init at iyon ang nag-alis sa antok ko. Mukhang na Insomia ako. Dakong Alas-dos na ng madaling araw ng makatulog ako.



March 22, 2013
Friday

Year I-081

O-E. Sa kadahilanang madaling araw na konatulog, mga Alas-otso na ko gumising. Malapit na ko sa kolehiyo at kung tutuusin nga'y alam ko na ang kurso na aking kukunin at iyon ay Education. Bukod pa roon ayalam ko na rin ang mga unibersidad na posible kong pasukan tulad ng UP o PUP, subalit lingid pa sa kaalaman ng aking magulang na magte-teacher ako at ang pagkakaalam nila na Engineering ang kukunin ko. Dati Engineer ang ibig kong maging kurso subalit nabago iyon ng madiskubreng may angking kakayahan rin ako pagdating sa pagtuturo pagkat araw-araw ba naman akong nagtu-tutor. Kahit sabihin nilang ang pagiging guro'y di magdudulot sayo ng kaunlaran dahil sa mababang sahod subalit marangal ang ganung trabaho pagkat marami kang matutulungan. Matalino naman ako, bakit di ko ibahagi sa iba. Di ko batid ang sasabihin ng aking mga magulang pag nalaman ang kursong kukunin depende sa kalooban ko.

O-F. May tamang panahon para sabihin ko sa kanila pero di muna ngayon. Nang makapag-isip isip ay saka pa lamang ako nag-almusal. Maya-maya’y naglinis na ko sa loob ng bahay. Dahil mamaya pa ang expiration ng load, di ko sinayang ang pagkakataong mag-internet sa sariling computer. Pag-e-edit ng picture at pag-research sa Tagalog Phrases na may katumbas sa ingles, iyon ang ginawa ko. Maya-maya’y ikinapi peys ko ang lahat ng tagalog phrases na may katumbas na English at pinag-aralan ko. Ng ikumpara ang parirala sa isa pang lenggwahe, doon ko nalaman na ganon ang correct usage pag isinalin mo sa wikang ingles. Alam kong di by Words kalalabasan ng sentence pag isinalin sa English subalit napakahirap unawain ang bawat salita. Marahil ay nag-uumpisa pa lang ako at matututo rin pag nagsanay pa. Hangga’t wala pa ko sa kolehiyo, kailangan ko talagang matuto magsalita sa wikang ingles. Maya-maya’y umalis si Mama at binilinan ako na magbantay ng kanyang niluluto.

O-G. Sa ngayo'y kasi abala si Mama at Papa sa pagkukumpuni ng kable ng kuryente pagkat sa Meralco na kami makikikabit, sa ibang salita'y may sarili na kaming kuryente. Pinatay ko na ang kompyuter pagkat babantayan ko ang niluluto nila. di naging maalinsangan ang panahon. ng dumating na si mama, saka pa lamang kami nananghalian. Maya-maya’y bigla na lamang nag-brownout, dahilan ng brownout ang pagtanggal nila Papa sa aming kawad mula sa kinakabitan at ikakabit sa Meralco. Di tuloy ako makatulog dala ng init. Di naging maramot ang panahon at bumuhos na ang napakalakas na ulan. Tamang tama at di pa ko nakakaligo. Ang init sa paligid na nararanasan, naibsan at masaya akong nagliliwaliw sa malakas na buhos ng ulan. Maya-maya’y nakita ko rin si Rhea na naligo sa ulan at sumabay ako sa kanya. May bago akong kaibigan na pinakilala niya at nag-usap kami.

O-H. Sa dinamirami ng pag-uusap, di na ko pa nakabanlaw at marami ng naligo ang nasa bahay. Nagpaalam na ko sa kanya at nagbanlaw. Nang makapagbanlaw, hinintay ko munang matuyo ang buhok bago matulog. Mga Alas-tres, natutuwa kami pagkat nakakabit na kami sa Meralco kaya bababa ang bill namin sa kuryente. Kahit One to sawa ako sa Computer at telebisyo'y pwedeng pwede. Malaki talaga ang idudulot kapag nakakabit ka sa Meralco, bukod sa makakatipid, malakas rin ang kuryente at pwedeng paganahin ng sabay ang lahat ng Appliances. Pagsapit ng gabi, kahit sa susunod na Linggo pa ang Semana Santa, marami ng pasahero ang dagsa sa mga terminal at pantalan. Buti pa sila at makakapag-out of town. Dahil sa malakas na buhos ng ulan, binaha ang mga lansangan sa ilang bahagi ng Kalakhang Maynila. Nang matapos manood ng telebisyon, ako'y natulog na.



March 23, 2013
Saturday

Year I-082

O-I. Napakabait ng Panginoon pagkat buhay pa ko para sa araw na ito. Pagkagising, magandang sikat ng araw ang sumalubong sa aking mga mata at di pa nakakapaso. Napakaganda ng panahon at tila bagang di muling uulan mamayang hapon. Medyo inaantok pa subalit kailangan ko ng bumangon dahil sa gawaing bahay. Nang makapag-almusal, nagsimula na kong magwalis mula harap hanggang likod ng bahay at minapan. Habang abala ako sa gawaing bahay, tinawag ako ni Mama. May matandang estrangherang kausap si Mama at nagsusukat ng mga salamin. Dahil ako 'tong malabo ang paningin, naging pagkakataon sa akin ang ipa-check-up ang mata at magsukat ng salamin. Pagbabasahin ka ng Optalmologist sa Snellen chart at kada pagkakamali mo o di mo na kayang basahin mula sa pinakamalaki hanggang maliliit na letra, ang lente'y kanyang papalitan at ganon ang ginawa sa akin.

O-J. Nang matapos ang Check up, sinabi ng Optalmologist na tumaas ang grado ng mata ko. Nearsighted ako samantalang farsighted si Mama subalit malalabo na ang paningin namin. Medyo may kamahalan ang Lens na pwede sa mata ko kaya Frame lang ang gusto kong bilhin at pumili ako. Nang makitang bumagay sa akin, iyon na ang frame na nirekomenda ko sa Optalmologist subalit bukas pa niya ilalagay ang lens na mula sa lumang frame na suot ko ngayon. Nang makapag-check-up kaming dalawa, nakakapanibago sa paningin ang itsura ni mama na nakasalamin. Dahil may edad na, kailangan na niyang magsalamin. Dalawa na kaming nakasalamin sa bahay. Maya-maya’y ipinagpatuloy ko ang gawaing bahay.

O-K. Nang matapos, tamang tama sa kumakalam kong sikmura pagkat may naluto na at oras na ng tanghalian. Nang mabusog, natulog ako subalit dala ng alinsangan ang di nagpasarap sa tulog ko. Nagising muli ako at saka pa naligo. Nabato ako kaya't ang mga tambak na labahin ang pinagtuunan ko. Sa gitna ng init, naglaba pa rin ako. Maya-maya, habang ako'y naglalaba, nakaramdam ako ng pagkahilo. Di ko na kaya at halos gusto ko ng magpahinga subalit di ako sumuko at ipinagpatuloy ang paglalaba. Ng matapos maglaba at magbanlaw, dahil sa hilong-hilo na ko ay nahiga muna sa kutson. Ng bahagyang bumuti, saka pa lamang ako nagsampay. Pagsapit ng gabi, tumungo ako sa bahay ni Cathy subalit wala ito. Magaling na ang kanyang nanay at nakakausap ko na ng maayos. Sinabi sa akin ni Ate Ging na nasa JOLIA church si Cathy at dali dali akong tumungo run. Habang naglalakad, nakasalubong ko si Gangang at sinabing sa April 2 pa ang kuhaan ng Card. Lito ang umiral sa aking isipan at ang pagkakaalam ko'y sa Lunes na ang kuhaan.

O-L. Nang makarating sa JOLIA, nadatnan kong nagprapraktis sila ng Worship kasama si Cathy. Naupo ako sa hagdan habang hinihintay matapos ang praktis. Nang sumunod na sandali, lumabas si Pastora Anna at binati ko siya hanggang sa mauwi sa magandang usapan. Ang saya kausap ni Pastora pag nababanggit si God. Pagsapit ng Alas-nuebe, matapos ang matagal na paghihintay ay natapos rin ang praktis. Magkasabay kaming umuwi ni Cathy at sinamahan ko siya hanggang sa bahay niya. Isang oras na lang bago mag-curfew at sa takot na maabutan, umuwi na ko. Di pa ko makatulog nun kaya nagsoundtrip ako.

O-M. Nang makahiga sa kama at Alas-onse na ng gabi, may ingay akong narinig sa labas at pagsilip sa bintana, may nakikipagbasag ulo pala. Maraming kapit-bahay ang nakiusyoso at isa na ko dun kasama si mama. Grabe ang tao rito pag nalasing, nagiging Super hyper at nanghahabol ng itak sa taong makakaaway. Sa dami ng barangay tanod, kaagad naman naawat ang lasenggero at natapos ang gulo. Ang mga nakiusyoso, umuwi na sa kanya-kanyang bahay. Linggo ng Palaspas bukas kaya kahit gabi'y walang humpay sa paggawa ng palaspas ang mga tindero't tindera sa amin.



March 24, 2013
Sunday
(Palm Sunday)
Year I-083

O-N. Linggo ng palaspas, hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa. Maaga pa lang, may mga Katoliko na may hawak ng palaspas ang nakatayo sa harap ng bahay namin at hinihintay ang iba pang kasama. Maya-maya'y dumami pa ang sila na may hawak ng Palaspas at nagsimula na ang misa. Ang ipinagtataka namin kung bakit sa harap ng bahay pinagdaraosan ang misa. Nang mabasbasan ng pari ang kanya-kanyang palaspas, lumakad na sila patungong simbahan. Parang namimis ko ng magsimba sa Katoliko at iwanan na ang pagiging Born-Again subalit nangako ako kay Pastora Anna na dumalo sa aming pagsamba mamaya.

O-O. Di ko alam kung ano ang nagtulak sa akin kung bakit umanib ako sa ganong relihiyon. Nagkakape ako nun ng magmisa sila sa harap ng bahay namin. Matapos magkape'y nagsimula na ko sa gawaing bahay. Habang nagwawalis, bumalik muli ang Optalmologist upang ibenta sa akin ang piniling Frame kahapon. Mula sa dating frame ng salamin ko, tinanggal niya ang Lens at inilagay sa panibagong Frame. Matagal tagal pa ang paglalagay ng lens sa Frame at di basta basta kaya minabuting iuwi niya muna at mamaya na lang ibigay pagyari na. Malabo tuloy ang paningin ko pag di nakasuot ng salamin. Pagsapit ng Alas-nuebe at dahil may Sunday mass kami, naligo na ko at nagbihis. Labag man sa aking kalooban na dumalo sa Mass ng ibang relihiyon pagkat may pusong Katoliko ako, ginawa ko pa rin alang-alang sa pinangako ko kay pastora.

O-P. Nang makarating sa JOLIA Church, di pa nagsisimula ang worship. Maya-maya’y nagsimula na ang worship. Dagundong ng tambol, magagandang boses ng tatlong dalagitang umaawit sa harap ng awiting pang-Kristiyano at sound speaker, iyon muli ang aking napakinggan na labis na nagbigay sigla sa aking buhay. Habang inaawit ang Christian song, Enjoy lang ako sa pagpalakpak at pagwagayway ng may simbolo ng papuri sa Panginoon. Si Ate Ging naman, nagdadasal ng pasigaw pagkat nagpapasalamat siya sa kanyang paggaling at pinagsisihan ang nagawang kasalanan. Matapos ang Worship, kami'y nag-bible study. Ibang iba talaga ang paniniwala ng relihiyong aking pinasukan pagkat sinabi ni pastora na isang beses lang namatay si Jesus, di taon-taon at di mahuhugasan ang kasalanan kahit na ika'y nagpenitensya kung pagkatapos niyan ay gagawa ka muli ng kasalanan at di magbabago, ang dapat gawin ay tanggapin mo ng buo si God at iyong paglingkuran. Wala tayong magagawa, paniniwala na ng iilan iyan.

O-Q. Saglit lang ang Bible study pagkat may bibinyagan pa si Pastora. Anak ni Ate Arlene pala ang bibinyagan at kasama ang mga ninong at ninang. Matapos mabinyagan, umuwi na kami, kasama ko si Merry Grace at Cathy sa pag-uwi. Pagdating sa bahay, nandoon muli ang Optalmologist na kanina pa ko hinihintay. Yari na ang aking salamin at may bago na kong salamin. Dahil imbitado ako, tumungo ako sa bahay ni Ate Arlene at nakikain sa kanilang mga handaan para sa binyag. Sa dami ng mga bisitang dumalo, siksikan na sa loob ng bahay habang nakuha ng mga nakahaing putahe. Nandoon rin sila Ate Ging sa handaan subalit wala si Cathy. Sa dami ng aking nakain, sobrang nabusog ako. Maya-maya’y dumating sina Pastora Anna at sila'y nakisalo sa handaan. Binati ko sila at ako pa mismo ang naghanda ng kanilang upuan. Naupo ako sandali habang pinapanood ang nagbidyooke at umalis na. Tumungo ako sa bahay ni Merry Grace at niyayang dumalo sa handaan. di siya pumayag kaya nagkwentuhan na lang kami. Maya-maya’y lumabas ang kanyang nanay. Nakipag-usap rin ako sa kanya.

O-R. Sa dinami rami ng aming pinag-usapan ng Kung ano-ano, Ala-una na pala. Uuwi na sana ako subalit pinigilan ako ng nanay ni Merry Grace kasama ang matandang babae pagkat masaya raw ako kausap. Gustuhin ko pa man manatili sa kanila subalit kailangan ko ng umuwi. Kinagabihan, bumuhos ang napakalakas na ulan. Sa dami ng ulan, kaagad tumaas ang agos sa sapa. Ng Alas-otso na, tumila na ang ulan at di ko naririnig ang pagakpak nito. Pumalit naman ang himig ng mga nagpapasyon. Di pa ko makatulog nun at sa halip na makinig ng kanta sa Cellphone, ang himig ng mga nagpapasyon ang aking pinang-soundtrip. Hating-gabi na subalit tuloy pa rin sa pagkanta ang mga nagpapasyon. Kahit na malayo ang simbahan ay dinig na dinig pa rin ang kanilang pagpapasyon.



March 25, 2013
Monday
Year I-084

O-S. Lunes santo, himig ng mga nagpapasyon mula sa simbahan ang agad na sumalubong sa aking paggising. Kahit magdamagan silang umaawit ng pabasa, di nakakabingi at masarap pakinggan sa pandinig. Sa banayad nitong tono, parang ibig nitong ipakahulugan na kailangan nating magnilay nilay ngayong Mahal na araw. Alalahaning sa linggong ito ang panahon para tayo'y mag-ayuno. Ngayong araw rin ang kuhaan ng Card at todo na ang kaba sa dibdib, anu kaya ang grado ko sa card? Matapos mag-almusal, tumungo ako sa bahay ni Gelyn. Pagdating ay si Shiela at Regine (Miano) kasama ang kanya-kanyang asawa ang nandoon lamang sa bahay, sinabi nilang wala si Gelyn kasama ang mga magulang at iba pang kapatid pagkat nasa Batangas sila. Ng malaman ang balita, di na ko nagtagal pa at agad ng umalis. Tumungo naman ako sa bahay ni Angelica. Sa kawalan ng pambayad para sa Tutor, hiniling ng nanay niya sa susunod na linggo ko na lang siya turuan. Dahil di pwede ang mga estudyante ko, umuwi na lang ako at nagbukas ng kumpyuter.

O-T. Nag-internet ako at naglog-in sa Facebook, saktong nakita ko sa Wall na ipinaskil ni Jayvie Ann na sa April 2 na ang kuhaan ng Card. Buti na lang at kaagad kong nalaman ang Announcement at sa chat ni Sir Rombo mismo nanggaling iyon. Matapos ay nag-edit ako ng Photos, dahil di makapaghintay si Mama na atat ng mag-Facebook siya muna ang pinagamit ng internet. Makalipas ang ilang sandali, umayaw na si mama at ako muli ang nag-Internet, ipinagpatuloy ko ang pag-edit sa Photo. Ng matapos mag-edit, bumagal na ang Internet at minabuting i-shutdown na lang. Alas-onse na pala at oras na ng tanghalian. Nang makapananghalian, nanood ako ng telebisyon. Kahit Lunes santo pa lang, kita na ang kapal ng mga pasaherong nagsidagsaan sa mga Terminal.

O-U. Kung mapera lang kami'y sa ibang lugar gugunitain ang Mahal na araw. Naging maalinsangan ang tanghali kaya di ako makatulog. Mag-i-internet sana ako subalit expired na ang load. Nakakabato ang araw na ito at gusto kong gumala subalit matindi ang sikat ng araw at baka ma-dehydrate ako. Nakatambak ang hugasin sa lababo at iyon ang pinag ukulan ko ng oras. Ng matapos ang hugasin, ang mga pagkain sa Refrigerator ang naging meryenda ko. Alas-kwatro ng hapon, di na matindi ang sikat ng araw kaya lumabas ako. Nagtungo ako saComputer shop. Nagagalak ako pagkat may nag-like sa Photo edited ko at magaganda ang mga comment. sa sarap mag-Facebook, halos dalawang oras babad ang mata ko sa Computer. Madilim dilim na ang paligid at minabuting maglog out na. Ayaw ko pang umuwi nun kaya tumungo ako sa bahay ni Jaypee. Saktong nandun si Tita Arlene at siya ang nakakwentuhan ko. Maya-maya’y nagpaalam na ko kay Tita Arlene.

O-V. Sunod ay tumungo ako sa bahay ni Gelyn. Wala pa rin siya at si Regine (Miano) lang ang nandun. Walang ilaw nun sa kanila at sa labas kami nagkwentuhan. Sinabi ko sa kanilang magpakabit na ng kuryente subalit tugon niyang wala ng pumapayag na magpakabit sa kanila. Maya-maya’y tumungo si Regine sa kapit bahay at sinamahan ko siya. Nandun pala si Aling Gina na nakikinood ng bidyo. Nagandahan ako sa bidyo pagkat horror. Sa sarap manood ng bidyo, di ko namalayang Alas-otso na kaya di ko na tinapos ang bidyo at umuwi na. Pagdating sa bahay, saka pa lamang ako naghapunan. Nang makapaghapunan, nanood ako ng telebisyon. Naging maalinsangan ang gabi kung kaya't di naging masarap ang tulog ko, Insomnia marahil ito.



March 26, 2013
Tuesday

Year I-085

O-W. Martes santo, napakakalmado ng paligid kaya nama'y nagpatugtug ako ng kantang pampasigla. Bawas bawas muna sa pagkain ng almusal pagkat ako'y nagpa-fasting. Ng makapag-almusal, ang nakatambak na plato ang pinagkaabalahan ko. Ng matapos ang hugasin, kapansin pansing maraming alikabok at nagwalis ako. Ini-map ko rin ang sahig para matanggal ang dumi at pumuti. Ng matuyo'y nilagyan ko ng floorwax at nilampaso upang kinis kintab sabay madudulas. Dami kong ginawa at tagaktak na ang pawis. Di pa ko nakuntento't nag-ehersyiso pa. Push up, Curl up at sit and reach na karaniwang ginagawa tuwing PE time ang ginawa ko. Naubusan ako ng lakas at sumakit pa ang katawan. Sobrang pagod na ko kaya pansamantalang namahinga ako. Maya-maya’y nananghalian na kami. sa sobrang gutom, di ko na nagawa ang pag-aayuno at naparami ako ng kain.

O-X. Nang mabusog, dinalaw ako ng antok at natulog. Mga Alas-dos na ko nagising at matinding init ng araw ang sumalubong sa akin. Halos maligo na ko sa sariling pawis sa init kaya naligo na ko. Matapos maligo, nakaramdam ako ng presko sa katawan. Ipinahid ko rin ang lotion sa buong katawan para still smooth even directly hit from sunlight. Nang palubog na ang araw, tumungo ako sa tindahan ni Aling Nenita at bumili ng krayola upang gawing oil pastel. Iyon ang naisipan kong pagkaabalahan. Pagkatapos ay tumungo ako kila aldrian at nanghingi ng Plastic cups. Swerteng marami nun sila aldrian kaya naka isang supot ako. Pagdating sa bahay, isa isa kong pinutol ang krayola at inilagay sa plastic cups.

O-Y. Habang nagluluto si Mama, ang init ng kalan ang nagsilbing pangtunaw sa krayolang nakalagay sa Plastic cup. Nang matunaw, sunod kong inilagay ang mantika at pinaghalo. Hinayaang nakapatong sa kalan hanggang sa totally liquid na siya. Inilagay sa baso upang mahulma at hahayaang mabuo. Nang mabuo'y oil pastel na. sa kakagawa ng Oil pastel, di ko namalayang hapunan na at nagkakainan na sila kaya nakisabay na ko. Matapos ay nanood ako ng telebisyon at laman ng mga balita ngayon ang pagdagsa ng mga pasahero sa Terminal at airport pati ang paghahanda para sa Semana Santa. Ng matapos mapanood ang paboritong programa'y natulog na ko.



March 27, 2013
Wednesday

Year I-086

O-Z. Miyerkules santo, tirik na tirik nang husto ang haring araw sa sanlibutan subalit heto pa rin ako at nakahilata sa kama. Alas-otso na pala ng umaga at minabuting bumangon na. Dahil Holy week, mga kantang di gaano magulo at solemn lamang ang pinatugtug ko upang makisabay sa paghihirap ng Panginoon. Alisin muna ang tuwa at magnilay-nilay pagkat Mahal na araw. Matapos mag-almusal, naglinis ako sa loob ng bahay. Nagwalis at naglampaso, iyon ang ginawa ko sa buong umagang iyon. Matapos maglampaso, luto na ang lalamunin kaya nananghalian na ko. Maya-maya’y nanood na ko ng telebisyon at pinanood ang Minute to win it at Be careful with my heart. Dahil magkakabit ng breaker para sa Kuryente sila Mama, pinapatay muna nila ang telebisyon at kaagad ko naman iyon sinunod.

P-A. Saka pa ko naligo at naging maalinsangan ang tanghali. Maya-maya’y wala ng kuryente pagkat kinakabit na ang breaker. Dala ng init kaya di ako makatulog at nagduyan muna. Ang shell ng tahong ang pinag-ukulan ko ng oras at pinagtatagal ang mga nakadikit na laman. Nang matangal ay hinugasan ko at ibinilad sa arawan. Ang init talaga ng panahon kaya todo paypay akong nakahiga. di rin ako makatulog at bumalik sa duyan upang makalanghap ng sariwang hangin. Dahil nakakabato magduyan, ako'y nag-soundtrip na lamang. Saktong dumating ang ate ko galing trabaho na may dalang Cake kaya iyon ang pinangmeryenda namin. Ng mabusog sa matamis at masarap na cake, bumalik muli ako sa duyan at nag-enjoy sa soundtrip. Maya-maya’y nakaramdam ako ng pananakit ng ulo kaya tumungo ako sa kwarto at nahiga. Mainit talaga pagkat walang kuryente.

P-B. Alas-kwatro na subalit wala pa ring kuryente at di ko na matiis ang init kaya bumalik ako sa duyan. Habang nagduduyan, dumaan si Sister Malou at sinabing may Bible study kami ng Alas-siete. Di pa ko sigurado noon kung makakapunta ako sa bible study mamaya. Ilang sandali'y naibalik na ang kuryente at sa wakas ay nahanginan na rin sa pamamagitan ng ceiling fan. Pagsapit ng gabi matapos maghapunan ay tumungo ako sa bahay nila Sister Minerva at Sister Malou. Sinabi ko kay Sister Malou na payag na kong sumama sa bible study. Masayang masaya nun si Sister Malou at sa sobrang tuwa, bigla niya kong natapik. Natuwa naman ako sa kanyang mga sinabi.

P-C. Maya-maya’y umalis na ko sa kanila at tumungo naman sa bahay ni Regine. Madilim at mainit ang sumalubong sa akin pagkat wala silang kuryente subalit tiniis ko iyon pagkat natitiis nila iyon. Si Regine (Miano) at ang kanyang nanay lamang ang nandun. Sa init ng aming usapan, napatagal ako ng pamamalagi sa kanila kaya nagpaalam na ko. Saktong habang naglalakad ay nakita Kong Berna na nakaupo sa malaking tipak ng bato habang nagsa-soundtrip at kinamusta ko siya. Wala siyang kaalam-alam sa sinasabi kong buntis siya, di ko na pinagdiinan pa't iniba namin ang usapan. Dahil madilim ang aming tinatambayan, lumipat kami sa lugar kung saan may street light at dun namin ipinagpatuloy ang pag-uusap. Nangako ako kay Sister Malou na dadalo ako kaya tumungo na sa JOLIA Church. Nahuli ako ng dalawang oras at Alas-nuebe na ko nakarating dun, puro matatandang babae lang ang nandun na masayang nagbabahagi ng kanya-kanyang kwento at nadatnan kong nagkwekwento si Ate Ging.

P-D. Tungkol sa holy spirit ang pinag-uusapan nila kaya todo kinig ako. Ng mapakinggan, kakilakilabot na may halong takot ang naramdaman ko sa kanilang kwinikwento at grabe parang ayaw ko na at gusto ko ng umalis. Napaka-imposible ng kanilang nakwento at sa tana ng buhay ko, di pa nangyayari yun. Ganun pala ang epekto ng holy spirit, makakaranas ka ng kakaiba. Sa takot, bumaba ako. Nandun sa labas ang asawa ni Ate Ging na mukhang kanina pa hinihintay at bitbit si Janna nahimbing sa pagtulog. Alas-dyis na nung gabi subalit di pa tapos ang kanilang kwentuhan at di pa bumababa si Ate Ging kaya minabuti na naming umuwi. Kasama ko ang tatay at mga kapatid ni Cathy sa pag-uwi.  Habang naglalakad, saktong nakasalubong namin ang Papa ko, sinabi niyang pupunta siya ngayon sa Quezon, sasama sana ako kaso di na ko nakapaghanda. Kulit ni Jaka, sobrang pinagod ako sa kakasaway sa kanya subalit nasiyahan ako sa kanya. Ng makarating sa bahay, tulog na ang lahat ng nasa bahay maliban sa akin. Pagkatapos magkape'y natulog na rin ako.



March 28, 2013
Thursday
(Maundy Thursday)
Year I-087

P-E. Huwebes Santo, ngayong araw ang huling hapunan ni Jesus kasama ang kanyang mga alagad bago ipako sa krus at iyon ang pag-alala para sa araw na ito. Mataas na ang sikat ng araw ng ako'y magising. Kapansin pansing matahimik ang paligid, gawa sigurong mataimtim na ginugunita ang Semana Santa at bawal ang mga mararahas at maiingay na tugtug. Binuksan ko ang radyo, karamihan sa mga istasyon, puro hangin ang mapapakinggan. Buti na lamang at may istasyong pwede ngayong Semana santa kaya iyon ang pinakinggan ko. Puro sweet at solemn lang ang mga tugtug ngayon at minsa'y pang makalangit na pamilyar sa aking pandinig. Dahil holiday, naging katulong ko ang Ate sa gawaing bahay. Siya ang tagawalis habang ako'y naghuhugas ng plato. Matapos ang gawaing bahay, bilang penitensya'y ako'y nag ehersyiso at binawasan ang kain sa almusal.

P-F. Tao lang ako at di katulad ng panginoon kaya di madali sa akin ang magpenitensiya. Sobrang napagod ako at nakaramdam ng matinding gutom kaya napadami ang kain ko ng tanghalian at sa puntong iyon, nabali na ang aking pag aayuno. Ayos lang, di na kailangang pahirapan ang sarili para mawala ang kasalanan, ang kailangang gawin, magsimba ka at pagsisihan ang kasalanan. Matapos mananghalian, saka pa lamang ako naligo. Ang pang araw-araw na palabas, di mapapanood ngayon at puro pelikula ang mga palabas minsa'y drama at walang komedya, upang ipaalala sa lahat ng mga manonood ang pagninilay at pagiging banal para sa araw na ito. Dahil walang magandang mapanood, pinatay ko kaagad ang telebisyon.

P-G. Nagtungo ako sa kama at natulog. Kahit maalinsangan ang panahon, naging masarap ang tulog ko at sa katunayan, Alas-kwatro na ko nagising. Takaw tulog kasi at ang ganda ng napaginipan ko. Nasa gubatdaw ako kung saan punong puno ng mga rosas na nakatanim at dun raw kami nakatira. Bukod sa mga bulaklak, may mga makukulay na paru-parung lumilipad sa kagubatan, minsa'y nadapo sayo at mataimtim ang lugar na iyon. Tapos ang daming pagkain sa mesa na parang di nauubos at maaliwalas ang kalangitang punong puno ng bahaghari. What a wonderful dream even when I was sitted upon the chair, nakatatak pa rin sa isipang di ko magawang mawaglit.

P-H. Maya-maya’y inutusan ako ni Ate upang bumili ng isaw at iyon ang aming meryenda. Nang makapagmeryenda'y tumungo ako sa bahay ni Merry Grace. Di ko nadatnan dun si Grace kundi mga kabarkada ng kanyang kapatid at sinabing nasa Montalban siya. Mga dakong Alas-sais pa ang dating niya kaya naghintay muna ako. Para di mabato ay nakipagkwentuhan ako sa kanyang nanay. Matapos ang isang oras, di pa dumadating si Grace at minabuting umuwi na lamang. Dahil walang magawa'y nagpa-load ako at nakipag-text. Ng magsawa'y nanood ako ng telebisyon. Nagandahan ako sa palabas pagkat tungkol iyon sa taong dating pangit, saksakan na ngayon ng ganda ngayon, parang gandang di inakala.

P-I. Sa tagal matapos ang pinapanood, Alas-onse ko na pinatay ang telebisyon. Habang nag-aayos ako ng higaan, sa di malamang dahilan, nagising ang kuya ko at pinagpapatay sindi ang ilaw. Sa takot na masira, pinigilan ko siya at ni Mama. Ng pigilan ito'y biglang humagulhol at nagwala. Naging hyper ang kuya ng gabing iyon at ako pa ang sinisi ni Mama. Di ko matanggap ang paratang niya at ipinagtanggol ko ang sarili. Sinabi niyang "Matutulog ka na nga lang, nanggugulo ka pa, dapat raw kasi'y di ka na matulog ng gantong oras, tuloy nagising pa kami". May ganong panunumbat. Alam kong mali ang sumagot subalit mali ang paratang niya sa akin at nagsagutan kami. Aywan ko ba kung bakit mainit muli ang ulo ni Mama. Hinayaan ko na lang dumakdak si Mama at natulog na ko. 



March 29, 2013
Friday
(Good Friday)
Year I-088

P-J. Biyernes santo ng umaga. Di na ko makatulog at bumangon na agad ako. alas sais ng umaga nun, dama ko na ang diwa ng biyernes santo. matahimik na kapaligiran na halos di mo marinig ang iba't ibang ingay, ang kaligayahan isantabi muna at magnilay-nilayna pagkat ngayon ang kalbaryo ni Jesus Christ. Maya-maya’y biglang nagsidagsaan ang mga debotong Katoliko galing simbahan na nagprusisyon at paulit ulit na binibigkas ang mga kataga. Ang bawat sa kanila'y may hawak na tirik na kandila at di alintana ang matinding sikat ng araw. Ang ilan pa nga'y nakayapak, ilan nama'y paluhod maglakad at ilan nama’y may buhat na Krus. Tila nagpepenitensiya ng husto ng sa gayo'y pagsisihan ang nagawang kasalanan. Madami ang nakilahok sa prusisyon at gustuhin ko man sumali sa prusisyon subalit di magawa pagkat iba na ang relihiyon ko.

P-K. Parang pinagsisihan kong talikdan ang pagiging Katoliko at mababago ng relihiyon ang aking mga gawi tulad ng pag-aayuno tuwing Holy week at pagdalo sa Simbang gabi tuwing kapaskuhan, mukhang bawal kung gagawin ko pa pagkat iba na ang aming paniniwala. Nang maubos ang mga nagprusisyon, bumalik sa katahimikan ang kapaligiran. Matapos mag-almusal, ako'y nagwalis ng duming iniwan ng kahapon at pinunasan gamit ang map. Samantala ang ate, halos di matapos ang libro sa kakabasa, pano kagabi pa niya iyon ginagawa at sa kapal ba naman ng libro, malabong matatapos kung tatamarin. Tinanong ko siya. Sa halip na tumugon, ako pa ngayon ang pinangaralan ng pagkahaba at sinabing kailangan kong magbasa ng mga Ingles para matuto ako at di English carabao.

P-L. Sa sinabi ni Ate, parang di ako marunong mag English subalit may punto siya at iyon ang nagbukas ng isip para simulan na ang pagbabasa ng ingles at di puro tagalog. Nakakaintindi ako ng ingles subalit pag malalim at mahirap intindihin, naku sumasakit na ang ulo at duduguin na ang ilong. Sinubukan kong basahin ang libro, sa lalim ng ingles, ni isang line ng sentence ay di ko lubos maunawaan. Siguro nga't kailangan ko ng matutong mag-English. Matapos magbasa, dahil may load ay text sa ka-textmate. Kakaunti lang ang naging ka-textmate ko. Ng tanghaling tapat, grabe sobrang init sa labas kaya nagpalipas ako ng oras sa duyan. Pagsapit ng alas dos kasama si ate, nanood kami ng Passion of the Christ sa Channel 5.

P-M. Nakakaawa ang sinapit ni Jesus ng panahong iyon pagkat pinagbubugbog siya ng mga Israelita at pinagduduraan pa. Pagkatapos pinahirapan ng katakot takot ang gagawin sa kanya na halos ikamatay. Bukod sa nilatigo, pinagbuhat pa siya ng krus at ipinako. Duguan na nun si Jesus ng ipako sa krus. Sa naranasang hirap ni Jesus kahit sino'y di iyon kakayanin at mamatay agad maski ako. Halos maiyak ako sa awa. Kinagabihan, kahit lumubog na ang araw, dama ko pa rin ang init kaya naligo ako. Matapos maligo ay nanood ako ng telebisyon. Nanood ako ng ikaw ay pag-ibig at You change my life kasama ang ate. Matapos manood, sa antok ay natulog na ko.



March 30, 2013
Saturday
(Black Saturday)
Year I-089

P-N. Sabado De gloria, bilis ng panahon at parang kailan lang nung nagsimula ang Semana santa, ngayon patapos na kasabay nito ang Long weekend para sa mga Employer, kami hanggang June pa ang bakasyon. Umaga pa lang subalit nakakapaso na ang sinag ng araw, ang init at pwede ka ng magluto ng itlog sa bubungan. Ang kapaligiran, tahimik pa rin. Medyo nakakaramdam ako ng konting sipon at sasamain. Matapos ang gawaing bahay, pansamantala akong naupo. Habang nakaupo ako, nakarinig ako ng pamilyar na boses at dada ito ng dada. Nag-alburoto nanaman si Mama at sakit sa teynga ang mga pinagsasabi, pinapalabas niyang batugan kami. Yamot na yamot siya sa kalat na di namin malay kung sino ang may lalang at kung ano-ano ang sinasabi, hiyaan ko muna siya. Maya-maya’y may malakas na dagadag ang narinig namin. Nagdadabog pala si Mama at mukhang nagwawala na. Siguro ay stress na sa gawain kaya naging ka wild.

P-O. Para di mapagalitan, hinugasan ko ang kaldero at ako na mismo ang nagsaing. Di ako siguradong tama ang ginagawa kong pagsaing subalit batid kong di ako papalpak. Di pa rin matapos ang kakatalak ni Mama at aminin ko, napakabungangera niya kaya di minsang mapigilang sagut-sagutin siya. Di ko na matiis ang pinagsasabi niya at pati ginagawa ko, pinapamukhang mali. Mas iniintindi ko pa nga ang pagsasaing pero naririnig ko pa rin ang sinasabi niya. Dala ba siguro ng summer ang pagiging mainitin ng ulo sa amin o Menopause. Pagkatapos bumunganga ng sunod sunod, umalis si Mama. di ko alam kung saan nagpunta. ng makapagsaing, nagprito ako ng hotdog at itlog. Buti na lang at nandiyan ang ate ko kaya nagagabayan ako sa pagluluto. Mabuti na rin ako ang magluto kaysa siya para matuto ako. Nang maluto ang kakainin, sumabay ang pagkalam ng aking sikmura kaya kumain na kami. Ilang sandali'y dumating si Mama Hatid ang ulam. Iyon ang pinananghalian nila ni Kuya.

P-P. Ang mukhang kaninang puno ng poot, tila naging payapa na at kinakausap niya na ko. may konting tampo lang akong naramdaman kaya di ko pa siya kinausap. Aywan ko ba kay Mama kung bakit paiba-iba ang ugali niya. Minsan mabait, minsan putak ng putak. Epekto na nga siguro ng global warming. Nang makakain, lumaki ang tiyan ko sa kabusugan at masarap pala ang niluto ko. Di ko lang alam kung nasarapan sila. Sunod ay nanood kami ng telebisyon. Nakakamanghang panoorin ang Magnifico pagkat may isang batang mapagmahal at bukal ang kalooban, sa musmus nitong edad, nakagawa na siya ng kabaong para sa kanyang lola na malapit ng pumanaw subalit sa huli, nasagasaan siya ng trak at ang kabaong na kanyang ginawa para sa lola niya ay mismo siya ang inilagay dun. Maraming nagluksa at pati ako'y maluha luha na, di kasi malilimutan ang kabutihang kanyang nagawa at napakabait na bata.

P-Q. Matapos manood ng telebisyon, naidlip ako pansamantala. Pagkagising ay naligo ako, dama ko ang panlalagkit na hatid ng init. Saka lang fresh ang pakiramdam ng makaligo. Maya-maya’y nilagyan namin ng karga ang broadband para magka-internet. Ang bagal ng internet at halos ikayamot ko na. Pinagtiyagaan ko na lang. makalipas ang ilang sandali, umayaw na ko at si ate naman ang gumamit. Naisipan kong magkumpyuter sa labas. Nang Nasa shop na, thank God cause it's fast. Nakadami ako ng na-download na kanta. May isang lalaking kanina pa nakatingin sa ginagawa ko, nakahubad at amoy pawis. Sa halip na bugawin, hinayaan ko na lang siya. Maya-maya pa'y umalis na siya. Makalipas ang isang oras, time na kaya umuwi na ko. Sa pagsapit ng gabi, tumungo ako bahay ni Gelyn. Si Regine (Miano), Gelyn at Annie lang ang nandun na nasa lamesa at kakatapos lang kumain, inudyok nila akong kumain subalit sa busog ko, tumanggi na ko. Ang masarap naming kwentuhan, nauwi sa asaran at pangtri-trip, kahit maloko si Gelyn at Annie at pinagtritripan ako. Di ako napikon at nang-trip rin ako. Naging maingay ang bahay dahil sa paghaharutan namin. Ang lalaking kanina pa natutulog, nagising at nakipagharutan din. Adik 'tong si Gelyn, sinabihan niyang may gusto raw ako sa lalaki. Mukhang pinagloloko ako ng Gelyn na iyan. Yung lalaki naman, nilapitan ako at kung anong pinagsasabi. Tinarayan ko nga at kala niyang sasagutin ko siya. Lahat nun ay pawang biruan lamang. Sakit ng tiyan ko sa kakatawa. Pagdating sa bahay, tulog na silang lahat at aga naman nilang matulog, natulog na rin ako.



March 31, 2013
Sunday
(Easter Sunday) 
Year I-090

P-R. Happy Easter Sunday! Matapos ang isang linggong pag-aayuno at paghahanda para sa Semana Santa, panibagong pagdiriwang nanaman ang dumating. Masaya ako pagkat buhay na ang ating tagapagligtas at malamang ay masayang ipinagdiriwang ang Pasko ng pagkabuhay sa iba't ibang panig ng bansa. Mayroong, magtatago ng itlog at hahanapin, nakakasabik iyon. Siguro nga't isa sa pinakamasayang pagdiriwang ang Easter sunday pagkat malapyesta kung ganapin pero ordinaryong araw lang Easter sa lugar namin. April na bukas, medyo inaantok pa subalit bumangon na ko.
Matapos mag-almusal, naghugas ako ng Plato at nagwalis. Nilampaso ko ang sahig upang kumintab ito. Sunday mass namin ngayon pero mukhang di ako makakadalo sa dami ng gawain. Di naman ako interesadong magsamba pagkat may pusong Katoliko ako. May balak rin manood ng sine si ate ngayong linggo at inudyok niya kong sumama. Matagal tagal na rin ako di nakanuod ng sine simula ng Pasko kaya pumayag ako.

P-S. Alas-dyis pa lang ay nananghalian na kami upang di gutumin sa mall. Mga dakong Alas-onse kami umalis ng bahay, matindi na ang init kaya todo punas ako upang di mabaho sa pawis. Pagdating sa SM NORTH EDSA, di pa naman gasinong kadaming tao. Dalawang movie ang aming panonoorin, iyon ay It takes a man and a woman at The host. Lahat ng gastusin ay sagot ni Ate, madaming pera kasi. Pagdating sa bayaran ng ticket, doon namin nakitang madaming tao at mahaba na ang pila. Mga Ala-una pa magsisimula ang movie kaya gumala kami ni ate. Tumungo kami sa National bookstore at nagtingin-tingin ng mga books. Dahil nakacover, alinman sa libro'y di maaring basahin pag di mo nabili. Masarap bilhin subalit ang mamahal, ang kakapal pa mandin at tila nawiwili akong magbasa. Makalipas ang dalawang oras ng pagtingin at pagbubuklat ng books, tumungo na kami ni ate sa Cinema 6.

P-T. Bago pumasok bumili muna ng popcorn si ate. Maya-maya’y pumila na kami hanggang sa makapasok sa sine. Ang lamig sa sinehan subalit iyon nagpapakomportable sa upo ko. Habang di pa nagsisimula, papak ng Popcorn ang aking ginawa, inaalok ko si Ate subalit tanggi siya, nagdadayet kasi. Nang magsimula na ang movie ng It takes a man and a woman, pinatay na ang lights, ang mga manonood nanahimik at kita ang pananabik pati ako'y sabik na. Di lang pang romansa ang movie iyon kundi pang komedya. Tawa kami ng tawa sa pinapakitang aksyon ni Sarah Geronimo. Nagmistulang comedy bar ang sinehan dahil sa dami ng natawa. Nang patapos na iyon, talaga nagandahan kami, kilig much ako ng mag-propose si John lloyd kay Sarah at sinagot naman ito hanggang sa ikasal sila at iyon ang naging ending. Sana’y may Part 4 pa ng Sarah-John Lloyd movie, nakakakilig kasi at bagay sila. Mga Alas-kwatro ng lumabas kami ng sine. Di agad kami makausad sa dami ng tao, mukhang box office na ang It takes a man and a woman, ganda kasi at tatawa ka pa. Sunod ay tumungo kami sa Cinema 3 upang panoorin ang The Host. Bago pumasok sa sine, nag-Jolibee pa kami.

P-U. Nabusog ako sa dami ng kinain at superthankful ako kay ate sa panlilibre niya sa akin. Nang makapasok sa sine, maliit ang studio at konti lang ang nanonood. Mas masaya pa ang naunang sine kaysa ito. Mukhang di na ko interesadong manood. Makalipas ang tatlong oras, natapos din ang The host. Madilim na sa labas subalit di pa kami umuwi. Na-grocery pa kami. ang yaman talaga ni ate at pati gusto ko'y nabibili namin. Di naman kamahalan ang gusto ko. Bilang utang na loob, ako na ang nagbitbit ng aming pinamili. Ginabi na kami sa pag-uwi. Sobrang saya ng araw ko pagkat dalawang sine ang pinanood namin at itong araw ang di ko malilimutan. Salamat kay Ate. Sayang at di sumama si Mama, Papa at Kuya, di sana'y mas masaya pa at buo ang pamilya. Hanggang ngayo'y di pa magkasundo si Mama at Ate dahil lang sa chocolate. Kailan kaya sila magkakabati? Sa pagod, kaagad ay natulog na ko.