Huwebes, Pebrero 28, 2013

02. February 2013 Journal (Day 32-59)

February 01, 2013
Friday

Year I-032

F-J. Ang bilis talaga ng panahon, Pebrero na at isang buwan na lang bago ang mahabang bakasyon. Nalagas na rin ang isang kalendaryo at abala nanaman ang magsing irog para sa darating na Valentine's day. Hangga't umaga pa, ginawa ko na ang Daloy Balita. Pagkatapos ay pagwawalis at paghuhugas ng plato ang aking inatupag. Sa dami ng gawain, napagod ako. Alas-dyis pasado na at ako'y nananghalian kasama si Papa sapagkat panghapon na ang duty niya at mas mauuna siyang umalis ng kaysa sa akin. Pagsapit ng Alas-Onse, umalis na Si Papa patungo sa kanyang trabaho, kami na lamang tatlo ang naiwan. Lumipas ang isang oras, di pa man panahon ng summer, dama na namin ang napakainit na panahon sapagkat tanghaling tapat na. Pumasok na rin ako sa Eskwela. Dami namin tawa sa pag-akting ni Nataniel, baklang bakla kung maka-English at akala mong sasali sa Contest ng Binibining Pilipinas, dinaig pa niya ako. Sa oras naman ng MAPEH, laking hanga namin sa napanood na Video ni Charice Pempengco sa laptop ni Ma'am Petty.

F-K. Ang pinapangarap niyang makatabi si Celine dion sa stage habang umaawit, nagkatotoo na. Sa nangyari kay Charice, inggit ako sa kanya sapagkat natupad ang pangarap niya at sana balang araw ang pangarap ko, makakamit at iyon ay yumaman, maipasyal ko sa iba't ibang bansa ang aking pamilya at magkaroon ako ng magagandang gadget at mamahaling kotse. Sabi nga ni Ma'am, patuloy mong isipin kung ano ang iyong dreams pero bago mo makamit iyan, dapat marunong kang humarap sa lahat ng pagsubok kahit gaano pa yan kaibigat sapagkat walang taong di nakakamit ang pangarap ng walang pinagdaanang pagsubok. Maya-maya, matapos manood ng video, binigyan kami ni Ma'am ng pagkakataon upang ipagdasal ang kanya kanyang pangarap. Pansamantalang nanamihik ang classroom at mataimtim kaming nagdasal. habang kami ay nagdadasal, pinatugtug ni Ma'am Petty ang Christian song na Still.

 F-L. Ipinagdasal ko ang lahat ng aking pangarap. ilang sandali, narinig kong umiiyak ang ilang kong kaklase, gawa siguro ng tuwa nila pag naiisip ang pangarap. Pagkadilat, parang napaginipan ko ang aking pangarap. Thank you very much Ma'am Petty, ikaw ang nagpapalakas ng aming loob tungo sa kanya-kanyang minimithi. Maya-maya recess na. Di na ko sumama kina Jenny Mae pakantin dahil may dala akong baon at iyon ay sweet corn. Sa oras naman ng Chemistry, di pumasok si Sir Sellona subalit tuloy pa rin ang report, di rin maingay ang klase dahil may nagsasaway. Nang si Melarion na ang nag-report, umingay na ang silid. Nabwisit si Melarion at nagawang suntukin ang black board. Sa lakas ng suntok, nasira ang Blackboard, wala tuloy kaming masulatan. Maya-maya, Values na. Sa oras na ito'y nagkaroon kami ng groupings.

F-M. Sa oras naman ng TLE, may dalang baby doll si Ma'am Quimson, baby management nanaman at itinuro niya sa amin kung paano palitan ng lampin ang baby. Pagkatapos ay first come first serve sa Practical test. Sa takot at hiya, di muna ako nag-perform, may Lunes pa naman. Kwentuhan kina Jessa ang inatupag ko. Sa dami ng nagkwekwentuhan, naging maingay ang buong classroom at halos di na magkarinigan. Ilang sandali pa, sa wakas at uwian na rin. Lalo pang umingay likha ng sigawan. Gawa na naghihigpit ng sinturon, naglakad lamang ako. Sa layo ng aking nilakad, umuwi akong gutom at pagod na pagod. Naghapunan muna ako, pagkatapos ay Mango float naman ang aking binanatan. Sa tindi ng antok, kaagad akong nakatulog.


February 02, 2013
Saturday

Year I-033

F-N. Ako na lang pala ang hinihintay bumangon, mukhang tinatamad pa ko bumangon at humilata pa ng sarap. Pagkabangon, Alas otso na pala. Ipinagpatuloy ko ang pangongolekta ng white paper, sa dami ng aking nakulekta, mukhang nasa isang kilo na. Maya-maya, pagwawalis at paglalampaso ng sahig ang aking inatupag. Luminis linis naman ang sahig at kitang kita ang kintab, bukas balik muli iyan sa madumi. Sa dami ng aking ginawa, bigla akong nakaramdam ng antok. Di pa man nakakapagtanghalian, natulog na ko. Saglit lang ang aking tulog at kaagad akong nagising. Pagkagising ay nadatnan kong nananghalian na sila, sumabay na rin ako sa kainan. Nang mabusog, tamang upo lang at relaxs. Maya-maya, sa kadahilanang nabuburyong ako, tutungo ako sa Computer Shop upang mag-online sa Facebook subalit pinigilan ako ni Mama. Ilang sandali, dahil di ako papigil, Sa wakas at pinayagan ako ni Mama. Marahil ngayo'y Sabado at gawa ng walang pasok, maraming kabataan ang nasa kumpyuteran. Sa dami, wala nang bakanteng computer para sa akin. Naghanap ako ng computer shop na may bakante.

F-O. Saktong paglingon ko sa Jyrix, daming bakante at konti lang ang nagkukumpyuter kaya doon ko piniling magkumpyuter. Pagkapasok, nakita ko si Vinalay na nagkukumpyuter at mukhang pawisan, di ko siya pinansin. Maya-maya habang nagtatanong ako kay Evan kung saan ako pwede, may narinig akong may nagsasayd comment at sumasabat sa usapan. Si Vinalay pala iyon. di lang yan, niloloko niya ako at pag nilolo ako, humahalakhak siya. Di ko siya pinansin subalit maloko talaga si Vinalay. Pinagtatawanan na nila ako at ng di ko matiis ang ginagawa niya, kalmado akong nagsalita. Maya-maya tila naghahamon ng away si Vinalay at pabungisngis pa ang mukha. Minura mura niya ko ng sunod sunod at binastos. Sa puntong iyon, nabwisit na ko at nakapagsalita ako ng di magaganda, sigawan kaming dalawa. Grabe itong si Vinalay, wala naman akong ginagawa, gaganyanin pa ko at siya pa ang may ganang mapikon.

F-P. Para di lumaki ang gulo, ako na ang umalis at nagpunta sa ibang kumpyuter shap. Sobrang naimbyerna ako kay Vinalay, asar talo naman sa akin. Pagdating sa computer shop, buti na lang at may bakante kaya nakapagkumpyuter na ko. Isang oras din ako nasa shop. Pagkauwi, ikwinento ko kay Mama ang ginawa sa akin ni Vinalay. Ng makapagkwento, nabwisit si Mama subalit di naman siya basagulera at pinayuhan niya ko. Hanggang ngayon ngitngit pa rin ako kay Vinalay. Pagsapit ng dilim, di na ko lumabas at piniling manood ng telebisyon. Nang Maala-ala mo na kaya, tutok na tutok kaming lahat sa telebisyon sapagkat tungkol iyon sa buhay ni Grace Poe ang pinapalabas. ng matapos ang pinapanood, pinatay namin ang telebisyon at sabay natulog.


February 03, 2013
Sunday

Year I-034

F-Q. Linggo at dinig ko na angpagmimisa. Kahit gising na, nahiga pa rin ako sa kama, sarap pa kasing humilata at dama ko rin ang lamig. Mga malapit ng mag-Alas-otso ng ako'y bumangon. Pagkabangon ay nag-almusal muna ako. Ng makapag-almusal, tila nabusog ako at masusuka na. Di muna ako masyadong nagkikikilos-kilos. Nang di na makaramdam na parang nasusuka, inumpisahan ko na ang paglilinis ng bahay. Nang makapagwalis, paghuhugas ng plato naman ang aking inatupag. Daming gawain pero buti na rin iyon kaysa mabato ka.

F-R. Pagsapit ng Alas-onse, nananghalian na kami. Sa tindi ng gutom, mukhang makakasampung platong puno ako. ng makakain, sunod ay naligo ako. Dahil Alas-dos pa naman ang usapan para sa praktis sa Values, natulog muna ako. Ala-una y medya na ko nagising. Nagsipilyo, naghilamos at nagbihis ako ng pangsibilyan. ng makapagbihis, si Mama na mismo ang nagbigay ng aking pamasahe at baon. Patak-patak Alas-dos na ko umalis ng bahay. Matindi na ang sinag ng araw kaya nagpayong ako. Pagkababa ko sa IBP road, tila tahimik at kokonti lang ang mga tao. Sinuyod ko ang kahabaan ng IBP road hanggang sa makarating ako kina Noemi.

F-S. Pagdating sa kanila, napatingkayad ako ng tayog. Nakita ko si Noemi na nakapan-gangster at cholang chola ang pananamit. Pinuna ko siya, sabi niya iyon daw ang uso ngayon. Pupunta sana kami kina Jenny mae kaso baka magkasalisi kami. Nagpa-load ako upang i-text sila na pumunta sa Park. Hinintay namin sila. Makalipas ang isang oras, di pa sila dumarating. Umuwi na lamang si Noemi subalit lingid sa kaalaman ni Noemi na may balak akong tumungo kina Jenny mae. Batid kong sa Payatas pa ang bahay nila pero sa tikas ng paa ko, kahit ilang kilometro pa iyan, kinaya kong lakarin. Binagtas ko ang kahabaan ng Freedom park hanggang sa makarating sa Ilang-ilang. Pagdating sa Ilang-ilang, sumakay na ko ng tricycle. Pagbaba sa may palengke, naglakad ako pansamantala hanggang sa matanaw ko ang Saint Joseph street, palatandaan patungo sa kanila.

F-T. Buti na lang at kabisado ko ang daan papunta sa kanila. Pagdating kung saan nakatira si Jessa, nadatnan ko ang dalawang pinsan niya. Tinanong ko sila at tinawag si Jenny mae. Ng tinawag si Jenny mae, kasama ko siyang tumungo sa bahay nina Jessa. Pagdating sa bahay nila, nagkwentuhan kami at nagtawanan. Ang saya namin, ang harot kasi ni Jessa. Maya-maya, lumabas na kami upang magkumpyuter. Kasama namin ang isa pa nilang pinsan na si Jennifer (Bohol). May kamahalan ang renta sa computer shop kaya saglit lang kami. Yayain sana namin si Al Al na gumala subalit nadatnan naming naglalaro siya ng Volleyball. Sa halip na gumala, naglaro kami lang ng Volleyball.

F-U. Tawa ako ng tawa kina Jessa sapagkat di nila masalo ang bola at ang kukulit mag-spike. Maya-maya, pagkahagis sa akin ng bola, nakaramdam ako na parang mamasa masa. May udo pala, nalagyan tuloy ng dumi ang kamay ko. Tawanan sila at pabiro kong pinaghahabol sila Jessa at Jenny mae. Nakihugas na lang ako ng kamay sa kapitbahay. Maya-maya, nagsayawan kami. Kahit di ako marunong sumayaw, sige lang at katuwaan lang naman. Halos kabagan sila sa kakatawa ng mag-Dougie ako at Gangnam style, sabay Body language. Kahit sumapit na ang dilim, di pa ko umalis at naglaro pa kami ng Patintero at bente uno, parang wala kaming kapaguran. Pagkatapos maglaro, nagpaalam na ko sa kanila dahil uuwi na ko. Sumakay ako hanggang ilang-ilang, pagbaba ay naglakad ako hanggang taniman. Sa layo ng aking nilakad, napagod ako at kaagad umidlip. Di ako makatulog dahil sa lakas ng tugtug mula sa kapitbahay namin. Maya-maya, may narinig akong tila may nagkakagulo sa labas. May nagsasapakan pala subalit kaagad naman itong naawat. Ng matapos ang gulo, sa kadahilanang di ako makatulog, nag-soundtrip muna ako hanggang sa makatulog.


February 04, 2013
Monday

Year I-035

F-V. Lunes nanaman at balik muli sa kanya kanyang eskwela. Di pa ko bumangon. Sa tindi ng lamig, nagkumot muna ako at umidlip. Ilang sandali, bumangon na ko sunod nag-almusal. Maya-maya’y naglinis ako ng bahay. Tamang walis-walis lang ng mga naipong alikabok palabas, pagpupunas ng sahig at paghuhugas ng plato, iyan ang araw-araw kong ginagawa sa halip na maglakwatsa. Ng matapos ang gawaing bahay, nananghalian na ko at naligo. Kahit tirik ang araw, naging mahangin ang panahon. Sa lakas ng hangin, halos mabuwal na ako at nagkalat ang nalagas na mga dahon. Habang nanunuod, nakalanghap ako ng kakaiba na pampasakit sa ilong hanggang sa mapabahing ako. Napasukan na pala ng alikabok gawa ng hangin. Habang papasok ako pa-eskwela, kahit tanghali na at tirik na ang araw, di tumagaktak ang aking pawis gawa ng hangin. Pagdating sa eskwela, konti pa lang sila pero nandun na sina Jenny mae.

F-W. Habang wala pang teacher, ikwinento namin kina Jobil at Noemi ang tungkol sa ginawa namin kahapon. Ala-una omedya na subalit wala pa si Sir Rombo, tuloy ang aming kwentuhan at naging maingay ang classroom. Sa oras naman ng AP, nagkaroon ng halalan. Karamihan sa aking binoto ay taga Just do it. Nang matapos ang halalan, inanunsyo ni Ma'am Juanites na sa February 14 at 15 na ang DAT. Lumawig pa ang panahon sa pagrerepaso. Sa oras naman ng English, nagkaroon kami ng test. Maya-maya, tseking na. Ilan kaya ang nakuha ko? Sa oras ng MAPEH, nag-discuss si Ma'am Petty tungkol sa Depressant drugs, ilang sandali pa ay nakipagtsikahan na sa amin si Ma'am Petty. Sa ganda ng kwento niya, windang kaming lahat. Sa oras naman ng Chemistry, nag-swap ng room ang seksyon namin sa Seksyon 25. Sa room ng seksyon 25 namin ginanap ang Chemistry. Nanood lamang kami ng Video tungkol sa Hydrocarbons. May pagkagasgas nga lamang angvideo kaya minsan ay naaantala ang play.
F-X. Sa mga sandaling tumigil ang Video, kanya-kanyang kopya ng lecture. Isang oras ang makalipas, natapos rin ang video. Bumalik na kami sa sarili naming classroom. Pagkabalik, nadatnan namin nagtuturo si Ma'am Batara. Agad naman lumabas ang taga seksyon 25 at pumasok na kami. Sa oras ng Filipino, heto nanaman ang pinakakalmado at nakakabinging katahimikan, sapagkat mahina ang boses ni Ma'am Batara. Kabadong kabado ako sa mga oras na iyon sapagkat baka tawagin ako ni Ma'am Batara. Sa takot na baka magkamali ako at patayuin, kahit may isasagot ay di ko magawang itaas ang kamay at tila pinanghihinaan ako. Iniisip ko sana, TLE na para di na ko patuloy pang lamunin ng kaba. Ilang sandali, umalis na si Ma'am BataraTLE na at ang kabang kaninang namumutawi, biglang napawi.

F-Y. Tuloy ang praktikal at iyon ay pag-aalaga ng baby at habang di pa ko tinatawag, sa halip na makipagdaldalan ay nagbasa na lang ako ng Noli Me Tangere ng sa gayo'y may maisagot ako at di kakaba-kaba. Labis kong ikinadismaya ang aking sarili sapagkat di ako marunong mag-alaga ng baby. Sa ines ni Ma'am Quimson, hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataon upang palitan ng lampin ang baby doll at pinaalis. Sa totoo lang, di pala basta-basta mag-alaga ng Sanggol at ang hirap maging magulang. Bago pa man ang uwian, sinabi sa akin ng aming leader na may praktis bukas. Kahit may sugat, naglakad pa rin ako. Sa layo ng nilakad at bigat ng dala-dalang gamit, sobrang na-haggard ako.


February 05, 2013
Tuesday

Year I-036

F-Z. Kahit inaantok pa, nilabanan ko iyon at maaga pa lang ay gising na ko upang di mahuli sa ensayo. Mga dakong Alas-otso ng umalis ako ng bahay. Pagdating sa lugar kung saan magkikita kita, ni isa kong kagrupo ay wala pa, naghintay ako. Ilang saglit, dumating na si Jobil, kasama ko siyang tumungo sa bahay nina Noemi. Pagdating kina Noemi, pupungas pungas pa siya at mukhang bagong gising, di pa siya nun nakakabihis. Habang hinihintay si Noemi, nakipagkwentuhan muna kami sa nanay niya, nakakatuwa ang nanay ni Noemi at parang gusto ko nang ganong nanay. Ng makabihis si Noemi saka kami umalis at nagtungo sa Park. Papatawid pa lang kami'y nakita na si Jenny mae. Mag-uumpisa na sana ang praktis subalit kulang kami ng isa at iyon ay si Jessa. Imbes na magpraktis, nakipagtsikahan na lang. lalo pa kami sumaya ng dumating sina Ibarra, ang ingay namin. Maya-maya, para kaming paslit na nakikipaglaro sa maliliit na bata.

G-A. Kahit mga dalaga't binata na, nagawa pa makipaglaro sa mga bata at naawa ako sa musmus nilang itsura sapagkat ang dudungis nila at mukhang pinabayaan ng magulang, minsan nanlilimos pa. Swerte pa rin ako kahit minsa'y napapagalitan ako ni mama at papa atlis nagmamalasakit sila at pinapalaki nila ako ng maayos. Sumapit ang Alas-dyis, nagpaalam na sina Ibarra sapagkat pupunta sila sa San mateo, kaming apat na lang ang naiwan at malungkot na. Kahit di pa namin klase, pumasok na kami sa eskwela. Sa harap ng Shade kami tumambay habang di pa nag-uuwian ang pang-umaga. Nang mabugnot, kaming apat ay gumala sa Belmonte hall. Habang gumagala'y kinakawayan ko kung sinong kakilala ang aking matanaw, puro First year ang nagklaklase sa Sonny Belmonte hall. Ng malibot ang buong Belmonte hall. Hiniling ko kina Noemi na sa New building naman kami gumala. Gusto ko kasing makita ang Crush ko na ngayo'y nasa Fourth year. Nang sandaling makita si Crush kahit isang titigan Lang, kumaripas kami ng takbo at nagtititili.

G-B. Ang kukulit namin apat at grabe, kilig much ako nang makita ko siya. Di ako maka-get-over. Kahit makulit, masaya naman kami. Maya-maya’y bumalik kami sa Shade at nagpalipas. Saktong dumating ang mga bakla, kakilala pala iyon nina Jobil at ang lalandi nilang tingnan kala mo'y kagaganda. Umiwas ako at humanap ng kausap. ng makita ko sina Rhea at Aimee, sila ang tsinika tsika ko. Sa sarap ng aming tsikahan, di namin namalayan na uwian na ng Morning Shift at pasukan na ng Afternoon shift. Nag-antay pa kami sandali. Ilang sandali'y pumasok na kami ng Classroom. Sa oras ng English, nagkaroon uli kami ng long test. Palihim kong itinago ang test questioner bilang reviewer.

G-C. Sa oras naman ng MAPEH, pinagawa kami ni Ma'am Petty ng logic paper. Napakaimposible ang nakita kong porma sa papel at nagduda ako kung magagawa ko yun. Sampu na ang nakagawa niyon subalit di ko pa nagagawa. Ilang ulit na kong punit ng papel subalit di ko nagagawa, tumigil na lang ako. Sa oras naman ng Filipino, ang kaba sa dibdib ay umiral nanaman at nangagambang baka wala akong maisagot subalit tila kabaligtaran iyon sa iniisip ko sapagkat nakakapag-recite naman ako ng walang hiya hiya. Napalitan ng saya ang kaninang kabado. sa oras ng TLE, tuloy ulit ang practical para sa pag-aalaga ng baby. Kahit may teacher, naging maingay ang klasrum. habang sinasagawa ang practical test, biglang dumating si Sir Cariño na may dalang at nagtanung kung sino ang nakaiwan nun. Nanahimik ang klase. sinabi ni Ma'am Quimson na si Jed (Tanguan) at Poliquit ang nakaiwan nun sapagkat iyon ang nasaksihan niya.

G-D. Ilang sandali at nagpatawag si maam ng witness. si Jayvie ann at Cristina ang naging witness nila Poliquit. Maya-maya, pagkapasok ng dalawa, nakita Kong umiiyak si Cristina. sinabi niyang pinagbantaan siya ni Jed. Sa mga inilahad ni Cristina, kahit di direktang sinabi sa akin, dumugo ang puso ko at kumulo ang dugo ko kay Jed. Maya-maya, dahil sa ingay, nagalit na si Ma'am Quimson at nagwala. Halos maluha luha na si Maam ng magalit. Saka lang tumahimik ng magalit si Ma'am. Maya-maya, Sa tindi ng galit ni Ma'am, nag-walk-out siya at baka di na pumasok sa seksyon namin bukas. Ang iingay kasi ng kaklase ko. Ilang sandali't uwian na. Kasama ko si Ma'am Jamero sa pag-uwi. Di ako naglakad sa kadahilanang namamaga ang sugat sa paa. Pagdating sa bahay, napapansin kong nawawala ang aking uniform. Katakot takot na sermon ang ibinato sa akin ni Mama at panay ang kanyang pagputak. Sa halip na sumagot, nanahimik na lamang ako.


February 06, 2013
Wednesday

Year I-037

G-E. Pagkamulat pa lang upang kaharapin ang panibagong araw, bigat na may kahalong kaba ang aking naramdaman. Gawa siguro ng nangyari kahapon na napagalitan kami ni Ma'am Quimson at ni Mama o malakas ang kutob kong may di magandang mangyayari. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Mainit na kape at pandesal ang agahan ko. Nang makapag-agaha'y inumpisahan ko ng sagutin ang Ugaling Pilipino. habang sumasagot, biglang dumating si Gelyn at humihingi siya ng tulong sa takdang aralin. biglaan tuloy akong napasugod sa bahay nila Regine. Bago pa man tumungo, tinapos ko munang sagutan ang Ugaling Filipino. Tinulungan ko si Gelyn sa kanyang takdang aralin. Nagmistulan akong teacher habang tinuturo ko sa kanya tungkol sa polygons. Mukhang hirap na hirap siya kaya ako na mismo ang sumagot sa iba.

G-F. Napakadaming assignment at mukhang di namin matatapos. Alas-dyis na subalit di pa kami tapos. Dahil may pasok pa ko, namaalam na ako sa kanila at binayaran ako bago ako umalis bilang pambawi sa abala. May pera nanaman ako. Maya-maya’y sumapit na ang Alas-dose at tumungo na ko sa eskwela. Pagdating ay di pa lumalabas ang fourth year. Gumawa muna ako ng assignment sa Math. Sa takot na baka maparusahan, habang wala pa si Sir Rombo'y dali dali naming ginagawa ang takdang aralin. Ang iba naman, sa sobrang pagmamadali, halos di na alam ang gagawin. Ilang sandali'y dumating na si Sir Rombo. Tapos o di tapos ay ipinasa namin ang ginawang assignment. Ilang sandali'y nag-discuss siya. Sa oras ng Values, dami namin natutunan kay Ma'am Ruiz, halatang subok na subok at napagdaanan kung ano pa lang ang kakaharapin namin.

G-G. Sa mura kong edad, marami pa akong kakaharaping pagsubok, kailangang manatili kang matatag at di basta basta sumusuko ayon kay maam. sa mga tinuro niya'y iyon ang tinatak ko sa isipan ko. Dahil bukas ay National Achievement Test ng fourth year, Sa oras ni Ma'am Petty, wala kaming ibang inatupag kundi ang maglinis ng Classroom. Ang iba nag-floowax, naglampaso, nagwalis, nagpupunas sa bintana at nagbuhat ng upuan. Nagkaisa kaming mag-aaral na mapalinis ang buong klasrum. Sa dami namin, wala pa sa trenta y minutos ay tapos na. Upang malibang ay kanya kanyang share ng logic puzzle. Ako ang nag-volunteer at pinasagot ko sa kanila ang naisip kong logic puzzle. Sa hirap ng puzzle ko, kahit matatalino'y nangamote sa logic puzzle.

G-H. Isa isang nagpasa ng sagot at ni isa'y Quadrangel muna kami nanatili. Nang tumunog ang bell, parang hayop na nakawala ang mga estudyante palabas. Naglakad lang ako kahit may dinaramdam na sugat. Pagdating sa bahay, naghapunan ako. ng makapaghapuna'y diretso agad sa computer shop upang gumawa ng project sa MAPEH. Dahil wala naman pasok kinabukasan, nag-extend ako ng isang oras. Alas-nuebe na ng umuwi ako. Habang naglalakad, napansin kong wala ng gaanong kabataan ang nakatambay at sarado na ang ilang tindahan. Dinalian ko na sa pag-uwi at baka ma-curfew ako. Pagka-uwi’y nanood ako ng Telebisyon sabay natulog.



February 07, 2013
Thursday

Year I-038

G-I. Alas-otso na ng umaga ako nagising. Dahil malapit na ang Chinese new year, manamis namis na malagkit at may breadcrumps na Tikoy ang naging almusal ko. Ng makapag-almusal, tumungo na agad ako sa bahay nina Regine (Miano) upang tulungan si Gelyn sa kanyang assignment. Wala akong pasok ngayon kaya pagsagot sa assignment ni Gelyn ang pagkakaabalahan ko. Bilang utang na loob nila sa pagtulong ko, binayaran nila ako ng 30 piso at umuwi na ko. May pampa-print na ko para sa project sa MAPEH. Pagkatapos mananghalian, dumiretso agad ako sa Computer Shop upang ipa-print ang project. mga Alas-Onse na ng makarating ako sa bahay.

G-J. Habang nanonood ng telebisyon, biglang tumungo si Gelyn sa bahay at binawi ang kanyang textbook. Sinabi niyang ngayon ang pasahan ng kanyang assignment di sa Biyernes. Nanghinayang ako sapagkat natanggalan ako ng pagkakaabalahan. Matapos manood ng telebisyon, natulog na lang ako. Mga Alas-tres ako nagising at tila ngawit ang buo kong katawan. Mahirap man galawin ay sinubukan ko hanggang sa maibalik ang maayos kong paggalaw. Gutom na agad ako kaya nagmeryenda ako. Pagktapos ay nagpa-laminate ako. Ng mura at kahit malayo, basta makatipid ay ayos na sa akin. Sa layo ng aking nilakad, pinagpawisan ako at pagod na pagod.

G-K. Ngayong hapon lang ako naligo. ng makaligo, preskong presko sa pakiramdam na parang ang linis ko at komportable ako sa aking sarili kahit anong damit ang masuot. Kahit walang pupuntaha'y naglagay ako ng pulbo sa aking mukha at nagpabango upang maalis ang aking pagkabato. Ng maamoy at makita ako ni Mama, nakarinig ako ng di inaasahang salita mula sa kanya na ang hygienic akong tingnan at ang bango ko raw. Natuwa ako sa kanyang sinabi at sa kabila na minsa'y puro pamimintas na lang, nakapagbitiw pa siya ng maganda. Tumaba nang husto ang puso ko at nagpasalamat ako sa kanya. Pagsapit ng gabi, dahil nakakasawang laging manatili sa bahay, lumabas ako at nagtungo sa bahay nila Olah. Si Olah, ang kanyang ate at nanay ang nadatnan ko sa bahay kasama ang isang baby na anak ng kanyang ate subalit wala dun si Donald. Nagkwento ang nanay ni Olah tungkol kay Donald.

G-L. Habang masarap kaming nag uusap, di ko akalain na makikita ni Gelyn, lumabas ako saglit at sinabi niyang sa Lunes pa ang pasahan ng kanyang assignment. Ng matapos ang sasabihin, bumalik ako sa bahay nila Olah at nakipagtsika. Maya-maya, may narinig akong may nagsusutsut at tinatawag ang pangalan ko. Inisip kong si Gelyn iyon at kukulitin nanaman ako sa paghingi ng tulong kaya di ko pinansin. Patuloy ang pagtawag sa pangalan ko at lumabas na ako. Si Cathy pala iyon at humingi ng pahintulot na samahan ko siya. Nagpaalam na ko kila Olah at sumama ako kay Cathy. Habang naglalakad ay masaya kaming nagtsikahan. Kahit Alas-otso na, sinamahan ko si Cathy hanggang sa kanyang bahay. Nagkwentuhan kami subalit ang kulit ng kanyang kapatid na si Jaka. Sa kadahilanang magkakaroon ng curfew kapag Alas-dyis na, Alas-nuebe pa lang ay umuwi na ko.



February 08, 2013
Friday

Year I-039

G-M. Thank god it’s Friday, wala nanaman pasok bukas at kahit isang buwan pa bago ang bakasyon, sabik na ko subalit bago ang mahabang bakasyon may kakaharapin munang kanya kanyang problema sa eskwela. Ngayong araw ang Deliberation at hahatulan nakung sino na ang maaaring bumagsak o ipasa. Nangangamba ako sapagkat baka mapasali ang pangalan ko sa conditional grades. Kahit na nagpapasa ako at matataas ang nakukuhang marka, di pa rin ako pakampante. Lalo pang lumakas ang kaba sa dibdib ng iaanunsyo na ni Sir Rombo kung sino ang bagsak sa iba't ibang asignatura na kailangang kausapin ang guro upang makapagdesisyong ipasa. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng di matawag ang pangalan ko sa kondisyonal.

G-N. Ang aking mga kaibigan na sina JobilNoemiJenny Mae at Jessa ang nanganganib na mag-Summer class at mapunta sa home study program. Bukod sa kanila, marami-rami rin ang tinawag ang pangalan at karamihan ay puro lalaki. Sinabi rin ni Sir na walang Summer class sa taong ito sapagkat gagamitin ang Batasan Hills National High School bilang presinto para sa darating na Eleksyon. Sa Lagro at Commonwealth High School lang ang may offer ng summer class sa ngayon. Nakakalungkot isipin na kailangan mo pang gumastos ng pamasahe upang dumalo ka ng summer class sa nabanggit na iskul at ang layo pa niyon. Sa oras naman ng AP, puro lang kami test ganun din sa English sapagkat malapit na ang Division achievement test. Sa oras naman ng MAPEH, wala si Ma'am Petty.

G-O. Kahit wala si Ma'am Petty ay tuloy pa rin ang report. niyaya ako nina Rommel at Ibarra na sumali sa try out ng folk dance, di ako pumayag. Maya-maya pa'y nagmistulang palengke ang classroom, ang ingay at sakit sa ulo. Pakikipagdaldalan din naman ang ginagawa ng aking kamag-aral kaya iyon na rin ang ginawa ko. Birthday rin ngayon ni Pradez kaya nag-celebrate kami. Sa oras ng recess, sinamahan ko sina Jobil upang kausapin si Ma'am Batara, teacher namin sa Filipino. Sinabi ni Ma'am Batara sa kanila na di na niya maaring baguhin ang hatol na ibinagsak niya sila. Kailangang gawin ay umaayos at magpasa ng requirements hangga't di natatapos ang school year. Sa panahon ngayon talaga, maraming estudyante ang nagkukumahog na kausapin ang teacher at gagawin ang lahat, makapasa lang sila. 

G-P. Nakita ko kasing maraming estudyante ang nanganganib kay Ma'am Batara at may magulang pa. Ganun din sa Chemistry, ang lahat ng binagsak ni Sir Sellona, pila pila upang kausapin siya. Sa dami ng kakausap kay sir, tumanggi na siya sa ibang nahuli at sinabing sa Lunes na lang. Maya-maya inanunsyo na ni Sir Sellona ang aming grade sa third grading. Kinagagalak ko ang binigay na grado sa akin ni sir sapagkat line of 7 man ako noong second grading, bumawi naman ako ng third grading at 90℅ pa ang nakuha ko. Sa oras naman ng Values, pagkatapos mag-discuss ni Ma'am Ruiz, pila pila nanaman ang mga bagsak upang kausapin siya. Sa ingay, itinigil niya ang pakikipag-usap sa kanila at pinaulanan ng sermon. Naubos na ang oras ni Ma'am Ruiz sa kakasermon. Isang Subject na lang at malapit na ang uwian. Sa oras ng TLE, Buti pumasok si Ma'am Quimson at parang wala lang sa kanya ang nangyari nitong huling araw.

G-Q. Di na naging maingay kaya nakapag-discuss siya ng maayos. Ilang sandali’y tumunog na ang bell. Kasabay kong umuwi si Ma'am Jamero at hinatid ko pa ito hanggang sa kanyang Bahay. Ng Maihatid ko si Ma'am Jamero ay saka pa lamang tumungo sa Terminal ngTricycle upang at sumakay. Pagkauwi ay magalak kong ibinalita kila Mama na wala akong bagsak at malaki ang tiyansang ma-promote ako Bilang Fourth year. Masaya ang naging reaksyon nila. Salamat sa panginoon na kahit minsa’y di ko sineseryoso ang pag-aaral, di pa rin niya ako pinabayaang lumagapak at nakapasa pa ko. Sana’y mas lalo ko pang pagbutihan ang aking pag-aaral. Sa kadahilanang malapit na ang DAT, bago matulog ay nagrepaso muna ako. Mga bandang Alas-dose na ako nakatulog.



February 09, 2013
Saturday

Year I-040

G-R. Sabado at bisperas ng Chinese New Year. Tinanghali muliako ng gising gawa ng pagpupuyat ko kagabi sa pagrerepaso. Pagkatapos mag-almusal, pagbubuklat ng reviewer sa Chemistry ang aking inatupag sabay nagrepaso. Habang nagrerepaso'y naririnig kong may iba't ibang boses na lumilikha ng ingay. Dumungaw ako sa bintana at nakitang maraming kabataan ang nakasuot ng puting polo at itim na pantalon sa lalaki at palda sa babae. Mga estudyante sila ng University of Santo Tomas at nagpunta sila sa Sitio Taniman upang isagawa ang kanilang proyekto. Maya-maya pa'y nagsimula na ang kanila seminar na lalong ikinaingay. Ipinagliban ko muna ang pagrerepaso dahil sa ingay. Lumabas muna ako upang bumili ng glue stick. Saktong nagkasalubong kami ni Babylyn kaya sumama siya sa akin.

G-S. Habang naglalakad kaming dalawa, di namin namalayang sumama si Dianne (Mendioro) at nagdadagan pa ako ng kasama hanggang sa maging apat kami ng makasalubong ko si Ate Let. Dahil apat ang kasama ko, walang hiya hiyang kinaharap ang aking crush at bumili ng Glue stick. Di ako makatitig ng diretso sa kanya habang bumibili ako at para akong tinutunaw. Tuwa at kilig ang aking naramdaman ng iabot niya sa akin ang glue stick sa aking palad at sabay hinimas ko ng saglit. Kilig much tuloy ako at parang nanalo sa lotto sa labis na saya. Kahit naglalakad kami ni Babylyn, di ko pa rin makalimutan angpagmamagandang loob niya sa akin.

G-T. Nang dumaan muli kami kung saan ang school supply, pasimple akong tumingin sa kanya habang nagbabantay ng mga paninda. Pagdating sa bahay, nandon pa rin ang estudyante ng UST at patuloy pa rin sinasagawa ang seminar. Maya-maya, umalis na sila, tumahimik at saka ko ipinagpatuloy ang pagrerepaso. ng sumapit ang Alas-Dose, bigla akong nakaramdam ng masungit at panay ang tulo ng uhog. Upang mapawi ay ipinagpahinga ko ang aking sarili. Di na rin ako nakadalo pa ng practice gawa ng masama kong pakiramdam. Pagkagising ay wala akong ibang inatupag sa maghapon kundi ang magrepaso. Pagsapit ng gabi, dahil bisperas ng Chinese New Year, pagkatapos ng hapunan ay manamis-namis na Tikoy ang aming panghimagas. Sa lagkit, dumigkit ito sa kamay ko ng hawakan, pahirapan tuloy sa akin ang tanggalin.

G-U. Maya-maya, may narinig akong mangilan ngilang putok. May mangilan ngilang Chinese ang naninirahan sa subdibisyon na ngayo'y dinaraos ang pagsalubong sa Year of the Water snake. Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng sunod sunod na putok. Lumabas ako, yun pala'y sumasabog sa kalawakan ang makulay na fireworks. Di namin mapalabas ang aso gawa ng may takot sa putok. Kahit di ako Chinese, hinintay ko ang pagsapit ng bagong taon. Habang naghihintay ay nagrepaso ako. Tulog na silang lahat at ako na lang gising. Pagsapit ng Alas-dyis at sa di inaasahan, dumating na si Papa galing Batangas, nagsigising sila at may pananabik kainin ang dala dalang pasalubong. Kainan nanaman ito at talagang nabusog ako. Maya-maya’y dala ng antok, nakaidlip ako. Nagising muli ako ng nagpuputukan na. Sumapit na pala ang alas dose at Kung hei fat choi na. Kakaunti lang ang mga paputok kaysa sa sarili nating Bagong taon.


February 10, 2013
Sunday

Year I-041

G-V. Gawa ng Ala-una na ko natulog, tinanghali na ko ng gising at maaliwalas na ang paligid. Galing Batangas na dala-dala ni Papa ang aking almusal at iyon ay Colettes Buko pie. Nang mabusog ay ipinagpatuloy ko ang pagrerepaso. Puro ako sunog kilay ng sa gayo'y makadali ng matataas na marka para sa darating na DAT. Nang matapos magrepaso, tumungo ako kina Regine upang turuan si Gelyn. Ako muna kasi ang magsisilbing guro niya tuwing Sabado't Linggo at maging sa umaga habang di pa oras ng kanyang klase subalit naitigil ko iyon gawa na may ibang pinagkakaabalahan at ngayon ko lamang siya matuturuan. Umabot sa dalawang oras ang pagtutsutor ko sa kanya. Natututo naman siya sa mga tinuturo ko subalit napapansin kong inaantok siya kapag tinuturuan ko.

G-W. Maya-maya’y sa halip na bente ang ibayad sa akin ni Aling Gina, triple pa ito. Tuwang tuwa akong umuwi sapagkat nagkapera ako ng ganung halaga, mas malaki pa sa binibigay na allowance sa akin ni Mama. Ginamit ko ang aking napagkakitaan sa pambili ng intermediate pad paper at ballpen. Bago pa man ako umuwi, dumaan muna ako sa bahay nina Jaypee at nangamusta. Abalang abala ang mag-ina sa paglalaba. Habang naglalaba ay nag-usap kami. Sa hiya, tutulungan ko na sana sila sa paglalaba subalit tumanggi sila. Ang daming kwinento sa akin ni Tita Arlene. Inabot tuloy ako ng halos isang oras pero nagpapasalamat ako sapagkat inilaan ni Tita Arlene ang oras upang kausapin ako at iyon ang kinasapatan kahit di nila ako pinagmeryenda.

G-X. Tirik na tirik ang araw nang umuwi ako at tumagaktak ng husto ang pawis. Pagkauwi’y naligo agad ako upang mapreskuhan. Inumpisahan ko na rin gawin ang Project sa Filipino. Maya-maya’y natulog muna ako upang makapagpahinga at humugot ng lakas. Sa sarap ng tulog, Alas-tres na pala ngako'ymagising. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng project sa Filipino. Sobrang naging abala ako at sa dami ng susulatin, nangaubos na ang tinta ng ballpen. Iyon lamang ang inatupag ko sa maghapon. Malapit na ang bakasyon kaya todo sikap upang di bumagsak. Inabot hanggang Alas-singko ang paggawa ko ng project sa Filipino. Nangatog ang aking daliri sa dami ng sinulat. Pagkatapos ay nagrepaso ulit ako. ng matapos magrepaso, sa gutom ay naghapunan ako. ng makapaghapunan ay nahiga ako saglit sa duyan. Kagagandang masdan ang mga bituin na nagkalat sa kalawakan at tila malanis ang kalangitan. Ng magsawang magduyan, tumungo ako kina Gelyn subalit nadatnan kong tulog na sila.

G-Y. Umuwi na lang ako. Dahil walang makausap, ang kinita ko sa pag-tutor ang pinangload ko. Wala akong ginawa kundi text text at iyon ang nagtanggal ng aking pagkabato. bukod sa unli text, unli calls din ako kaya one to sawa ang tawagan. Sina Leonardo at Jessa ang nakakwentuhan ko. Sa hinabahaba ng tawagan, na-lowbatt ang Cellphone ko at itsinards ko muna. Pananonood ng telebisyon ang aking inatupag para tanggal bato. Dami kong tawa sa Gandang gabi Vice at halos mapunit ang lalamunan ko sa kakatawa. Sa sobrang lakas ng tawa ko, para akong nasisiraan ng bait. Nagising si Mama gawa ng malakas kong halakhak at kahit ganun ako makatawa, sumaya ang gabi ko. Laughing is the best medicine, maiging minsan tumawa ka ng sa gayo'y malayo ka sa sakit. Dahil Pinoy ako, likas talaga sa Pilipino ang tumatawa kahit simpleng bagay at pasok ang Pilipinas sa top 10 na happiest country in the world. Kahit may problemang kinakaharap, nagagawa pa rin ngumiti at minsan tumawa. Kahit di ako mayaman, basta masaya, doon ako. Ilang sandali, napagod ako sa kakatawa at natulog. Salamat kay Vice Ganda dahil napatawa niya ko ng todo-todo at napasaya ng husto.




February 11, 2013
Monday

Year I-042

 G-Z. Alas-siete pa lamang ng umaga ay gising na ko. Pagkatapos mag-almusal ay tumungo ako sa bahay nina Gelyn upang turuan siya. Nakakalimutan niya ang tinuro ko sa kanya kahapon kaya balik aral kami. Walang nagbago kay Gelyn at di pa rin itatak sa isip ang lahat ng tinuturo ko sa kanya. Nang matapos magturo, kahit nagkape ako'y pinagkape pa rin nila ako at pinag-almusal. Ang bait ng nanay ni Gelyn at bago ako umuwi, binigay muna ang bayad. Pinagpawisan ako at biglang sumama ang pakiramdam ko. Mukhang di ako makakapasok dahil sa sama ng pakiramdam. Pinainom ako ni Mama ng gamot at pumasok pa rin. Bumuti naman ang pakiramdam ko ng nasa eskwela na. Sa oras ng Math, inanunsyo ni Sir Rombo sa amin na sa February 21 at 22 na ang Division achievement test sa halip na ngayong Linggo. sumigaw kami sa sobrang saya at lumawig nanaman ang panahon para makapagrepaso. Maya-maya pa, AP na.

H-A. Nagrepaso lamang kami. Gawa ng maraming nagkwekwentuhan kahit nandon si Ma'am Juanites, nagalit ito at sunod ay nag-walkout. Nanahimik ang klase ng gawin ni Ma'am iyon at ilang saglit ay bumalik si Ma'am Juanites. Ipinagpatuloy muli namin ang pagrerepaso. Maya-maya’y nagkaroon kami ng quiz. Dahil kinabisado ko ang lahat ng tanong, naging madali sa akin ang pumili ng choices sa mga katanungan. Kasiya siya ang resulta na nakuha ko subalit kalahati at may kalahati pang aytems para bukas. Sa oras ng English, nagkaroon rin kami ng quiz. Hindi si student teacher Ma'am Maicy ang namahala sa klase kundi si terror teacher Ma'am Ramos. Sa oras ng MAPEH, wala pa rin si Ma'am Petty subalit tuloy pa rin ang class report, habang class report ay patuloy kong tinatapos ang assignment sa Filipino na Noli me tangere. Ilang sandali'y Recess na. Ang sariling baon ko lang ang aking kinain. Sa oras ng Chemistry, Report class uli at kapansinpansin kay Sir Sellona ang makulay niyang buhok. Pagkatapos ni Mary Joy mag-report, si Nataniel na.

H-B. Habang nagre-report si Nataniel ay palihim na natawa ang iilan kong kaklase at pati ako'y napapatawa. pano, kung magkasalita'y slang at maarte magsalita si Nataniel pag nagbabasa ng English, baklang bakla subalit, may isang bagay kaming di inaasahan kay Nataniel at talagang napanganga kami sa gulat. Ni isang pagkakamaling sagot ay di pa nangyari at puro tama. Mukhang mape-perfect niya ang report. Nakakatuwa si Sir, may lifeline pang nalalaman at parang Who wants to be a millonaire lang at si Sir si Bossing. Sa apat na lifeline ay di pa nagagamit ni Nataniel. Mangha-mangha kami kay Nataniel at siya na ang matalino. Lalo pang nagkaroon ng buhay ang klase ng bigyan ng give check ni sir si Nataniel pag na-perpect niya iyon. Malalaman na sana kung mape-perpect ni Nataniel subalit kinapos na sa oras at ipagpatuloy na lang bukas. Ang kaninang masaya at maingay na classroom, tumahimik nang Filipino na.

H-C. Ipinasa na namin ang ginawang assignment. bago pa man umalis si Ma'am Batara, inanunsyo niya ang magre-report. Napasama ang pangalan ko sa magre-report subalit sa Miyerkules pa ko. Ang paunti-unting pag-alis ni Ma'am Batara ang paunti unting pag-ingay. Tumahimik lamang ng dumating si Ma'am Quimson. Sinabi ni Ma'am Quimson kung sino ang mga bagsak. Nagagalak ako sapagkat di napasali ang pangalan ko sa mga bagsak.

H-D. Maya-maya, tinanong ni Ma'am Quimson si Britanica kung bakit madalas itong lumiban sa klase. Inamin ni Britanica ang dahilan ng pagliliban niya sa klase. Sinabi ni Britanica na lingid sa kaalaman ng kanya magulang na pumapasok siya, yun pala'y pumupuntalamang sa kabarkada at nagkakating. Nadamay sa usapin sina ValerieNoemi at Mothy. Tilian ang lahat ng ibunyag ni Mothy na naging sila ni Valerie (Salinas) at ano Yun, Wala kaming alam? Bago pa man mag-uwian, pinayuhan ni Ma'am Quimson ang apat. Pagkauwi'y ibinalita ko kay Mama ang tungkol sa pinaggagawa nina Britanica. Marahil kahit di anak ni Mama, di niya magugustuhan ang pinaggagawa ng classmate ko. Sa palagay ko, maari silang mapariwara kung patuloy nilang gagawin iyon at dapat ay iwanan na nila iyon.


February 12, 2013
Tuesday

Year I-043

 H-E. Dahil may praktis pa kami ng Alas-Siete, Alas-Singko pa lang ng umaga'y gising na ko. Pupungas pungas pa ko, nilabanan ko ang antok. Naging maulan ang umaga kaya lalo pang nakaramdam ng lamig. Nag-almusal ako at inihanda na ang mga gamit na dadalhin. Alas-siete y medya ng umalis ako ng bahay. Tumigil na ang ulan pero basang-basa ang kapaligiran at napakaputik. Pagdating sa Park ay muli nanaman bumuhos ang panaka-nakang ulan at sumilong muna ako. Ako lang mag-isa at wala pa ang aking kaklase. Ilang sandali'y dumating si Esther. Nagkwentuhan muna kaming dalawa. Maya-maya’y sunod na dumating sina PatrickLeonardo at Anod.

H-F. Pagdating ng tatlo'y naglaro sila ng sipa. Marami rami na kami sa Park subalit wala pa ang aking kagrupo. Habang hinihintay ang kagrupo'y nagrepaso muna ako sa AP. Alas-otso na subalit di pa dumadating ang kagrupo ko. Sa inip ay ako na mismo ang pumunta sa bahay nila Noemi. Nadatnang natutulog pa si Noemi at ginigising ng kanyang nanay. Si Noemi pa lamang ang kasamang kagrupo ko na nasa Park at di pa kami makapagpraktis sapagkat di pa kami kumpleto. Nag-umpisa na ang ibang grupong magpraktis subalit wala pa kaming nasimulan. Naiinis na ko sa sobrang tagal nilang dumating. Sa inis ay parang gusto kong magwala subalit pinipigil ko lang. Ilang sandali ng pag-aantay ay dumating na sina Jessa at Jobil subalit wala pa si Jenny mae. Sa halip na magpraktis, nagtsikahan pa ang tatlo. Sa takot na baka walang maipakitang performance bukas, pinagsabihan ko silang tigilan na ang tsikahan at magpraktis na subalit tila bingi-bingihan.

H-G. Tingin ko sa aking mga kagrupo, mga wala silang kwenta at inuubos nila ang panahon sa pakikipagkwentuhan, ang pinag-uusapan walang kakwenta kwenta. Nagsimula na kong mabanas sa kanila. Nakapagpraktis naman kami at tinuro sa akin ni Jobil ang step ng Chacha. Sa tigas ng katawan ko, tawanan ang mga kaklase ko subalit di ko sila pinansin. Totoo ang sinabi sa akin ni Jessa na ang badoy kong sumayaw. Nahiya ako at sa hiya, humingi ako ng pabor kay Jobil na kumanta na lang kami. Di pumayag sina Jobil at mas gustong sumayaw. Para sa akin, parehas kaliwa ang paa ko at mas gusto ko pang kumanta sapagkat alam ko sa sarili ko na may boses ako at may ibubuga pagdating sa pag-awit. Sinunod ko na lang kung ano ang gusto nila at parang tanga akong sumasayaw sa Park. Ang di namin alam, habang nasayaw ako ay kinukuhaan na pala kami ni Leonardo ngvideo.

H-H. Pinagsabihan namin siya. Dahil maraming bumabatikos sa sayaw ko, umayaw na ko at naupo sa isang tabi. Nabwisit na ko ng husto kay Jobil sa di niya pagpayag sa pabor ko na kumanta na lang kami. Pakiramdam ko'y parang nakakahiya ang pinapagawa nila sa akin at parang puppet na pinaglalaruan nila. Di sila kaibigan at parang nagsisi akong naging kagrupo ko sila. Dahil sa kahihiyan, di na ko nagpakita kila Jobil at sa mga classmate ko at sumabayna lang sa pang-umaga na umuuwi. Lugmok na ko sa kahihiyan, di na ko pumasok at minabuting manatili na lang sa bahay. Di ko sinabi kay Mama ang tunay na dahilan kung bakit umuwi ako ng maaga at gumawa ako ng kwento upang di na siya magduda. Sa hiyang nadarama, itinulog ko na lang. Halos tatlong oras rin ako natulog.

H-I. Pagkagising, ang kaninang hiya, unti-unti ng nawawala at unti-unti ko ng natatanggap ang nangyari sa akin kanina. Na-realize ko na di ko dapat ikahiya ang ginawa ko sapagkat wala naman akong ginagawang masama at nagsasanay lang naman ako. Ang hiya sa sarili ang pipigil sa mga pangarap mo. Nahihiya pa rin ako kapag naalala ko na pinagtatawanan ako ng aking mga kaklase kanina subalit pinigilan ko iyon at inisip na lilipas rin yan. Maya-maya, binigyan ako ni Mama ng pera pampagupit. Habang kakwentuhan ko si Mang Usman na isang manggugupit, naging madaldal ako at ang pagiging madaldal ko ang nagpalakas ng aking loob na kaharapin ang hiya. Wala na kong hiya at makapal na ang aking mukha. Umuwi akong parang ang gaan-gaan sa pakiramdam marahil siguro'y di na ko nahihiyapa. Alam kong may report ako bukas kaya papasok ako at kakapalan ko pa lalo ang mukha kung alam ko sa sarili na wala akong ginagawang masama. Gumawa ako ng report sa Filipino at nag-aral ako. Mga Alas-Otso ng matapos ko iyon at naghapunan.


February 13, 2013
Wednesday

(Ash Wednesday)
Year I-044

H-J. Ash Wednesday, hudyat na pagsisimula ng kwaresma at bisperas din ng Valentine's Day. Gawa ng di na ko inaantok, Alas-singko pa lang ay gising na ko. Medyo nakakaramdam pa rin ng konting hiya subalit kahapon pa iyon at ang nakaraan ay di na dapat isipin, ang mahalaga ay kaharapin ang ngayon. Malamig pa rin ang umaga at madilim-dilim pa. Humigop muna ako ng mainit na kape upang maibsan ang lamig. Ng makapagkape'y naupo muna ako at nakinig ng radyo. Maliwaliwanag na ng ipinagpatuloy kong gawin ang Visual aid sa Filipino. Nagsa-ulo ako ng buod ng Noli me tangere na aking ire-report at mga tauhan na nito. Halos dalawang oras rin ako nagkabisado. Handang handa na ko mamaya sa report at sanay maging mahusay ako sa pagre-report ng sa gayo'y mataas ang ibigay na grado.

H-K. Nang matapos magsa-ulo, Alas-dyis na pala at ako'y nananghalian. Maya-maya, nag-text sa akin si Britanica at sinabihing magdala ng white t-shirt. Nagpa-load ako upang replayan siya. Tanghali na ng tumungo ako sa eskwela at naging mabigat ang aking dalahin. Di pa man sumasapit ang araw ng mga puso, marami ng street vendor ang naglalako ng Rosas at Valentine’s heart. Kahit inaatubili'y di ako bumili. Gawa ng maraming street vendor, naging masikip ang daraanan. Pagpasok sa classroom nadatnan kong abala ang aking mga kaklase sa pag-aayos ng, mga lalaking nagbubuhat ng upuan at mga babaeng nagme-make-up. Ngayon kasi ang perfomance namin sa Values. Nilagyan nila ng red cellophane ang ilaw upang magkakulay at nilagyan ng mga dyaryo at Manila paper upang di pumasok ang liwanag na nagmumula sa labas. Ang blackboard, nilagyan naman ng banner.

H-L. Ang iba ko namangmga kaklase abala sa paggawa ng group poster gamit ang cartolina. Sa palagay ko, mukhang may magaganap na program. Sa puntong iyon, tineks ko sila Jobil kung nasaan sila. Pagdating nila, naka-costume na sila at sinabi sa akin ni Jobil nagpraktis sila kaninang umaga. Humingi ako ng pabor kay Jobil na pwede ituro sa akin ang kanilang step subalit parang naulinig sa kanyang teynga. Inulit ko ang aking sinabi at nilakasan. Parang bombang sumabog ang tugon sa akin ni Jobil na parang ayaw akong pasalihin at sinisi ang di ko pagpunta. Pano ako pupunta, ni isang text di niya ginawa, dadalo naman ako ng praktis subalit di niya sinabi na may praktis pala. Di ko nagustuhan ang inasal sa akin ni Jobil. Nagliyab ng husto ang aking damdamin at napagsalitaan ko siya ng masasakit na salita. Masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin gawa ng sitwasyong di ko kayang i-handle.

H-M. Nilamon ako ng inggit at poot sapagkat nakita kong bihis na bihis na ang aking mga kaklase at abala sa pagprapraktis habang wala pa si Ma'am Ruiz. Parang kawawa ako sapagkat ako lang ang naka uniform samantalang naka-costume na ang halos lahat. Gusto ko rin magsuot kung anung nasusuot nila kaso di naman ako magpe-perform. Sa tana ng buhay ko, ngayon lang ako di makapag-perform dahil di ako pumasok at nagsisi talaga ako. Kahit kailan, walang maidudulot na maganda ang hiya. Mali rin na nasisihin ko sina Jobil sapagkat di ako pumasok. Kung pumasok lang ako, di sana kasali pa ko sa kanilang performance. Nanahimik na lang ako sa isang tabi at pinapanood ang aking mga kaklase. Parang gusto kong umuwi sapagkat hitsapera lang ako subalit may report ako sa Filipino. Ilang sandali'y dumating na si Ma'am Ruiz at nagsimula na ang program. Pinangunahan nila Bacsal at Mandy ang Opening number. Pagkatapos ngopening, nagsimula na ang performance. Grupo nina Crislyn ang nauna. Sunod kina Anod at kina Andrea.

H-N. Nang matapos ang program at dahil magaganda at kalugodlugod, ang poot na aking naramdaman ay napalitan ng saya. Nanghinayang ako sapagkat di ko naipakita kung anong talentong mayroon ako. Sa oras na lang ng MAPEH ako bumawi at iyon ay ang pag-akting, sa aking pag-akting, doon ko pinatunayan na may ibubuga ako at mapapabilib ko ang aking kaklase subalit saglit lang iyon. Dahil sa nangyari kanina, simula ngayon ipapakita ko na kung sino ako at dadalasan ko na ang pagsali sa mga patimpalak na nakasuot ng magagarang damit. Sa aking pagsali, doon ko mababawi ang saya, batid kong masayang ipakita ang iyong kagalingan. Maraming hahanga sayo. Sa naman oras ng Chemistry, wala si Sir Sellona subalit tuloy pa rin ang report hanggang sa mag-Filipino na. Buti na lang at wala si Ma'am Batara kaya bukas pa ang aking Report. Daming, aalahanin at magre-report rin pala ako sa TLE tapos gagawa pa ko ng Resume sa Values. Pag-uwi, sa halip na manood ng telebisyon, nagtungo ako sa computer shop upang gumawa ng Resume. sa hirap ng sample ng Resume, di na ko nakagawa pa at umuwi na lang. Di pa ko makatulog nun kaya nag-soundtrip muna ako ng mga love songs habang nagduduyan. Mga dakong Alas-onse na ko nakatulog.

February 14, 2013
Thursday

(Valentine’s day)

Year I-045

H-O. Valentine’s Day at ngayong ang araw ng pagmamahalan. Karaniwan sa ating mga iniisip ang valentine’s ay para lamang sa magkasintahan o may asawa nasubalit nagkakamali tayo ng iniisip sapagkat ang Valentine’s day para sa lahat, sa lahat na nagmamahal at may minamahal sa buhay kahit single. Di porket na single ay di ka nagmamahal, ang mga magulang mo, kapatid at kamag-anak, di ba natin sila minamahal? Ako kahit wala akong kasintahan, espesyal pa rin sa akin ang araw na ito dahil may mahal ako sa buhay at sila Mama at Papa iyon. Pagmamahal sa isa't isa ang tunay na diwa ng Valentine’s day.

H-P. Pagkatungo ko sa palengke, kaliwa't kanan ang bentahan ng Rosas at chocolate heart at maraming mga kasing edad ko ang pumapakyaw sa mga ito, nagbabatian rin sila sa isa't isa. Ang natirang pera ang pinambili ko ng rosas para ibigay ko kay Mama at Papa. Isang Rosas lang ang bibilhin ko subalit dinalawa ko na at baka may magselos. Natuwa sina Mama at Papa ng binigyan ko sila ng rosas. Kahit rosas lang iyan, ganon naman kalaki ang pagmamahal ko sa kanila. Pagpasok sa eskwela, mas marami pa kaysa kahapon ang mga nagbebenta ng mga rosas, ang iba pa nga'y Bouquet at Chocolate na hugis puso ang binibenta. Sa dami ng mga estudyanteng nagsisibilihan, naging siksikan ang labas ng eskwela na animo'y di mahulugang karayom.

H-Q. Bumili rin ako ng bulaklak upang ibigay ko sa favorite teacher ko tulad ni Ma'am Petty at siyempre kahit di ko na siya teacher, bibigyan ko pa rin siya ng rosas at iyon ay si Ma'am Jamero. Napakalaki rin ng utang na loob sa akin ni Ma'am kaya naisipan kong bigyan siya. Bumili rin ako ng Rosas para kay Jessa at Jenny Mae. Halos maubos ang aking allowance sa dami ng bulaklak na nabili. Ng makapasok ako sa eskwelahan, bawat classroom ay may palamuting hugis puso at nakasabit sa kisame. Wala pa nun si Sir Rombo kaya kanya kanyang bigay ng Rosas at Valentines heart sa kaibigan. Nagbigayan rin kami ng Rosas sa isa't isa at masaya kaming nagbatian. Si Jenny mae pa nga, nagbigay ng Valentines Card sa akin subalit binilin niya sa akin na huwag munang basahin hangga't di pa uwian.

H-R. Sa dami ng mga rosas na hawak hawak ng aking kaklase, damang dama ko na ang Valentine’s day at naging maingay ang classroom. Maya maya'y dumating na si Sir Rombo at binati namin siya ng pasigaw. Natuwa naman sa amin si Sir Rombo at matapos makipag-usap ay nag-discuss ito. Sa oras ng AP, binati rin namin si Ma'am Juanites at may nagbigay din sa kanya ng Rosas. Sa oras ng MAPEH, tumungo kami sa covered court at sumayaw ng La Cacuracha. Naging madali lang ang step at madali ko itong nakuha. Sa kakagalaw at kakaikot, napagod ako at nahilo. Di ko na naibigay ang Rosas kay Ma'am Petty sapagkat ayaw kong makipagsiksikan sa mga estudyante. Maya-maya’y recess na, habang patungo kami ni Jessa sa canteen, nadatnan namin na maraming estudyante ang nagkukumpulan sa iisang umpukan at nagkakagulo. May nagpro-propose pa lang isang lalaki.

H-S. Tilian kaming lahat ng sabihin niya sa babae na "Can You be my girlfriend" at sabay bigay ng bouquet. Natuwa ang babae at sa tuwa'y napasabi siya ng yes. Nagtilian na naglulundag ang mga estudyante. Ang sweet nila sa isa't isa at kilig much kaming lahat. Sinundan pa ng harana. Di na namin tinapos panoorin ang panghaharana at pumunta na kami sa canteen. sa oras ng Chemistry, ngayon na pala ang pasahan ng Project. Madalang lang ang nagpapasa kaya sinabi ni Sir na hanggang bukas na ang pasahan. Buti na lang at may nakalakal na kong white paper. Maya-maya'y tawanan kami ng subuan ng candy ni Sir si Bacsal. Nagbatian rin sila at ang sweet. Sa oras ng Filipino, inihanda ko na ang biswal sapagkat ngayon ang aking pag-uulat. Sa hinaba-haba ng discussion ni Ma'am Batara ng Noli me tangere, di na ko nakapag-ulat at sa Lunes pa. Ilang sandali'y tumunog ang bell. Bago pa man ako lumabas ay hinintay ko muna si Ma'am Jamero. Ng makita si Ma'am ay patakbo akong pumunta at ibinigay ang rosas. Nagpasalamat siya sa akin sapagkat di ko pa siya nakakalimutan.

H-T. Magkasabay kaming dalawang umuwi at naglakad lang ako. Nang nasa Consti ako, may bumangga sa akin isang lalaki. Laking kilig ko sapagkat napakakisig nito at matangkad pa. Lalo pa kong kinilig ng itanung niya sa akin na "Okey ka lang pare", at ang maamo niyang boses ang nagpakilig sa akin. Sa kilig, pautal-utal akong sumagot. Titili sana ako subalit nakakahiya. Parang pinaglalaruan ako ni Kupido na magkakagusto sa kung sino-sino at love at first sight marahil ako. Di ko makalimutan ang mukha niyang kay pogi. Ang saya talaga ngValentine’s ko at sana maulit pa iyon sa susunod pang-Valentine’s.


February 15, 2013
Friday

Year I-046

H-U. Tapos na ang araw ng Valentine’s, di pa rin mawaglit sa aking isipan ang nangyari sa akin kagabi na labis kong kinakilig. Kilig much pa rin ako at madalas iyon ang sumasagi sa aking utak at puso. Maski si Mama'y nagtataka na sa aking mga kinikilos. Pakiramdam ko'y iba pag tinamaan ka at wala ka ng magawa kundi sundin ang tinitibok ng puso. Natapos akong mag-almusal at sinimulan ko ng gawin ang visual ng report ko sa TLE. Nang matapos gawin ang report sa TLE, paggawa ng Valentine's Card ang sunod kong ginawa. Maambon-ambon pa ang panahon at sa lapit ng tindahan, di na ko namayongat tumakbo na lang.

H-V. Sa tindahan ni Aling Vangie ako bumili ng mga materials na gagamitin sa paggawa ng card. Di si Aling Vangie ang nagtitinda kundi ang matandang babae. Mukhang mabigat ang mukha at sa isang pagkakamali mo lang ay tiyak na tatarayan ka. Naging matanong ang babae hanggang sa mag-usap kami. Nagkamali ako ng panghuhusga sa kanya at mukhang magkakasundo kami pagkat mabait ito. Pagdating sa bahay, sinimulan ko ng gawin ang Valentine's Card. Mga dakong Alas-nuebe na ng matapos ko iyon at sunod kong ginawa ay ang Resume. Madami na kong nagagawa at pakiramdam ko'y kay sipag ko, gawa siguro ng kilig at maganda marahil kapag inlove ka. Kinatanghalia’y pumasok na ko sa eskwela bitbit ang kinalakal na white paper.

H-W. Pagdating, kakikitaang abala ang mga kaklase ko sa paggawa ng Valentine's card, ngayon palang sila nagawa ng may pagmamadali. Makalipas ang ilang saglit, pumasok na si Sir Rombo dala ang worksheet. Sa halip na magklase, pagsagot sa worksheet ang aming pinagkaabalahan. Sa oras ng AP, katulad ng nakalipas na araw ay puro kami test at repaso para sa nalalapit na Division Achievement Test. Nang English na, wala pa si Ma'am Ramos kaya kwinento ko kina Jessa ang nangyari sa akin kagabi. Palong-palo sa tili ang naging reaksyon nila at umalingawngaw sa buong klasrum, ang ingay tuloy namin. Maya-maya’y dumating na si Ma'am Ramos at ipinasa ko na ang ginawang Valentine's Card.

H-X. Sa di inaasahang kaganapan, nanghinayang ako pagkat di tinanggap ni Ma'am Ramos ang Card at agad na ibinalik. Maluwag kong tinanggap ang desisyon ni Ma'am Ramos at walang sama ng loob. Bawi next time. Sa oras ng MAPEH, wala si Ma'am Petty, ang engkandiyosang lutang sa ganda ng buong Batasan subalit tuloy ang pagsayaw ng La Cacuracha at si Bacsal ang aming choreographer. Di ako sumali pagkat kailangan kong magrepaso para sa aking report sa TLE. Namoot ako kay Jessa at Jenny Mae pagkat kahaharot nila, nasigawan ko nga. Sa halip na mag-recess, ipinagpatuloy ko ang pagrerepaso. Sa oras naman ng Chemistry, ipinasa ko na ang kinalakal na white paper at ipina-check na kay Sir ang Chemistry DAT reviewer. Ako ang Naatasan ni Sir Sellona sa pagtsi-check ng reviewer habang si Leonardo naman ang tagalista ng mga nagpapasa ng project. Sa dami ng tsinekan, nangatog ang aking daliri.

H-Y. Nang matsekan lahat, nag-usap kami ni Sir Sellona. Natuwa ako sa aking sarili ng sabihin sa akin ni Sir na magaling ako sa Math. Sa mga sinabi sa akin ni sir, bilib sa sarili ang aking naramdaman. Bilang ganti'y nagpasalamat ako na pinuri niya ko at sinabi kong kasing bait niya si Ma'am Jamero. Di ko akalain na mag bestfriend pala si Sir Sellona at Ma'am Jamero. Ng mabanggit ko ang pangalan ni Maam, namis ko ang kanyang kabaitan at malaki talaga ang utang na loob ko sa kanya. sa oras ng TLE, oras na para mag-report pero bago ako, si Jessa marie at Perpecto muna ang nag-report. Nang ako na, kaba sa dibdib ang aking naramdaman. Binawi ng pangbabatikos ni Ma'am Quimson ang magandang tingin ko sa aking sarili pagkat sinabi niyang ang pamamaraan ng aking pananalita ang hahadlang kapag mag-aaply ako sa trabaho. Sobrang down ako sa sinabi ni Ma'am. Ilang saglit pa at uwian na. Kasabay ko si Gangang sa pag-uwi. ng makababa sa tricycle, nadatnan naming may program sa Covered court. Inuna ko muna ang maghapunan at manood ng telebisyon bago makiusyoso. Ng matapos manood ng telebisyon, nanood na ko ng program. Mga Alas-Onse ng matapos ito.



February 16, 2013
Saturday
Year I-047

H-Z. Nang magisi'y parang mabigat ang agad kong nadama na di alam ang tunay na dahilan. Naipagsawalang bahala ko na lamang iyon at nag-almusal. Dahil sa kalagayan ni Mama, sa halip na siya ang maglaba, hiniling kong ako na lang ang maglaba subalit siya'y tumanggi. Nag-aalala akong baka kung ano ang sapitin niya kapag naglaba siya. Pagwawalis at paglalampaso ng sahig na lamang ang pinag-ukulan ko ng oras. Nang matapos ang gawaing bahay, naupo ako sandali't tumungin ng Photo album. Kitang kita ko ang litrato nung bata pa ako at kung ikukumpara'y malaki na talaga ang pinagbago ko. Dati madalas ay lagi akong nasa labas upang makipaglaro at naisip kong gayun pala ako kakulit. Ngayong teenager na ko, may nagbago na din sa kinagawian kong gawain. Pamaya-maya’y nagtungo ako sa taas upang mag-download ng kanta. Malas at walang Internet.

I-A. Sinubukan ko sa ibang Computer shop subalit maski sa kanila'y walang internet. Di na tuloy ako nakapag-download at minabuting umuwi na lang. Pagdating ay nananghalian ako. Ng maumay, natulog ako. Nakakabinging ingay mula sa labas ang nagpagising sa akin. Mga batang nakasuot ng kakaibang costume ang kanilang pinagkaguluhan at sabay kuha ng litrato. Di ko masyadong pinansin at nagmeryenda na lang. Maya-maya'y dala ng kabagukan, nagtungo ako sa bahay ni Gelyn. Kapansin pansing kagagaling lang sa tulugan si Gelyn at bagsak pa ang mata. Di ko muna siya masyadong kinausap at umalis na ko. Sunod ay nagtungo ako sa bahay ni Cathy. Kahit lalaki'y nadatnan kong abala ang kanyang tatay sa paglalaba at sinabing naliligo pa si Cathy. Habang hinihintay na lumabas sa banyo, nakipagkulitan muna ako kila Jaka. Nang makalabas galing banyo'y kami'y nagkwentuhan magkumare. Tawanan kami sa mga pasabog kong istorya. Abala siya sa pagbibihis pagkat may pupuntahan siya.

I-B. Humingi siya ng pabor sa akin na samahan ko. Iniisip ko ang kasuutan kong pambahay na aking kinakihiya at dahil dun kaya di ko matutupad ang kanyang hiling. Pinagkaisahan ako ng mag-ina at napapayag akong samahan ko siya. Pagdating sa JOLIA Church, malakas na tugtug ang sumalubong sa amin. Di pa nag uumpisa ang kanilang praktis kaya nag-usap kami. Maya-maya’y inayos na ang upuan na para bagang may magaganap na pulong. Kahit baguhan lang ako sa kanilang paningin, nagawa pa rin nila akong entertain. Masaya silang kausap at sila ang nagpagaan ng aking loob. Doon ko nakilala sina Pastora AnnaSister Marlene, Thalia, IanJaysonJohn paul, Gemma at Mykee. Mukhang may bago na kong friends at ramdam ko ang mabuti nilang presensiya. Maya-maya’y kumanta kami ng Christian song. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng munting panalangin.

I-C. Ipinagdasal ni Pastora Anna sa maykapal na payagan ako ng aking magulang na dumalo parati sa kanilang relihiyon at kasagaanang darating sa amin ng walang hanggan. Ipinagdasal niya rin ang lahat ng aking kasalanang nagawa Sa isip sa salita at sa gawa maging ang lahat ng kanilang kapatiran. Sa hinaba-haba ng pagdadasal, mukhang maraming maambunan ng biyaya mula sa langit at parang nalinis ang aking kasalanang nagpapadungis sa aking katauhan. Simula sa gabing iyon ay ganap na kong isang Born-Again at di ko pinagsisihang talikdan ang kinagisnang relihiyon. Pagsapit ng alas otso, bago pa man ako mamaalam ay isa isa silang nakipagkamay sa akin.

I-D. Pagkauwi’y nakasalubong ko sila Ellen Joyce patungong taas. Sinamahan ko sila sa pagre-remit. Ng makapag-remit, tumungo kami sa computer shop subalit wala raw internet. di na kami patumpik-tumpik karakarakang umuwi na lang. Saktong nagkakagulo ang mga kabataan at dinalian namin sa paglalakad upang magbakasakaling may artistang dumaan tulad ni Coco Martin at Daniel Padilia. Wala pala at rambulan sa pagitan ng dalawang grupo ang naganap. Sa takot na baka madamay sa rayot, umuwi na lang kami. Pagdating sa bahay saka pa lamang ako naghapunan. Mga Alas-onse na ko natulog.


February 17, 2013
Sunday

Year I-048

I-E. Alas-Sais ng umaga ng ako'y magising. Ng makabangon at masilayan si Mama, agad kong pinabatid sa kanya na nagpalit na ko ng relihiyon. Di nagalit si mama at natuwa pa nga basta't magpapakabait ako subalit ang reaksyon ni Mama ay kasalungat sa naging reaksyon ni Ate at mukhang itatakwil ako pag pinagpatuloy ko ang pagiging Born-Again. Kapatid ko lang siya kaya marapat niyang respetuhin kung ano ang Kagustuhan ko. Sa halip na makipagtalo sa kanya, tumungo ako sa bahay ni Gelyn upang magturo. Alas-nuebe ng matapos ako sa pagtuturo at may kinita nanaman ako. Nagtungo ako sa bahay ni Cathy upang ipabatid na mahuhuli ako sa pagsamba. Pag-uwi’y agad akong naligo at sunod ay nagbihis.

I-F. Habang nagbibihis, kita kong maraming residente dito sa Taniman ang nagpapanik at sumisigaw na may sunog. Ng makabihis ay tumungo ako kung saan pinangyayarihan ng sunog. Napakalaki na pala ng apoy na bumabalot sa kabahayan at marami ng ari-arian ang natupok. Kanya-kanyang salok ng tubig ang mga mamamayan at sabay isasaboy subalit sa laki ng apoy ay nahirapan silang maapula ito. Naalala ko tuloy ang nangyaring sunog sa Ison site noong 2010 at sunog noong Bagong taon dahil sa pagbagsak ng sky lantern.

I-G.  Kakilakilabot ang bawat pangyayari. Umalis na lang ako at hinintay sina Cathy. Ilang sandali'y dumating na si Cathy kasama si Merry Grace. Wala silang kaalam-alam na may nagaganap ng sunog. Habang naglalakad, dumating na ang trak ng bombero at ambulansya. Mabilis talaga kumalat ang balita at pati mga residente ng Ison site at De gloria ay pumunta sa Taniman upang makiusyoso sa sunog. Kahit nasa Ison Site na kami'y kitang kita pa rin ang kapal ng usok at iyon ang nagpadilim sa kalangitan. Pagdating sa samabahan ng mga Born-Again, dagundong ng tambol, malakas na sound system at ginintuang tinig habang kinakanta ang Christian song ang agad na sumalubong sa amin. Kanya-kanya kaming palakpak habang naawit. Pakiramdam ko ang malakas na tugtug ang nag-alis ng nalalabing kalungkutan at nagpapasok ng mabuting ispiruto.

I-H. Si Pastora Anna, nakahalik sa sahig habang nagdadasal at nakapikit ang lahat ng kasapi ng kristiyano, pumikit na rin ako habang naawit. Pagkatapos ng Workship, nag-bible study na kami. Tinalakay sa amin ni Pastora Anna ang tungkol sa Speak and tongue, iyon ay salitang di maunawaan ni Satanas subalit isang wika sa pagitan mo at ni god habang nag uusap kayo. Mukhang maganda ang Speak and tongue, masubukan nga. Sinabi rin sa amin ng Pastora na wala ka dapat ikatakot kay Satanas basta't manalangin ka at kakampi mo ang panginoon na kaaway ni Satanas. Pagkatapos ng bible study, nanalangin kami at nakipagkamay at beso sa lahat ng kapatiran. Doon ko naramdaman ang saya sa piling nila. Mga dakong Alas-dose ng kami umuwi. Inaaya nila ako na sumama sa Baptism na gaganapin sa March upang mahugasan ang aking mga pagkakasala. Hati pa ang aking desisyon at di pa sigurado kung makakasama ba ako.

I-I. Pagdating sa bahay, salamat sa maykapal at naapula na ang sunog. Sa pagod na aking nadarama’y pagkatapos mananghalian ay tumulog ako. Mga Ala-una y medya na ko gumising. Pagkagising, sinimulan ko ng gawin ang takdang aralin sa Filipino. Sa dami ng kailangang isulat, mukhang Malabo kong matapos sa araw na ito. Pagsapit ng Alas-kwatro’y tumungo ako sa Computer shop upang magpaprint ng resume. Pagkauwi’y itinago ko iyon sabay nagduyan sa labas habang nagsa-soundtrip. Di ko malimutan ang sinabi sa akin ni Ma'am Quimson kung kaya’t sa pamamagitan ng pakanta-kanta’y parang naprapraktis ko ang aking boses. Wala akong ginawa sa gabi kundi ang bumirit na animoy nagko-concert at di inalintana ang sasabihin ng kasamahan ko. Nang mapagod sa kakabirit, haggard na ko kaya tumulog na ng sa ganon makakuha ng lakas.


February 18, 2013
Monday

Year I-049

I-J.  Boses ni Mama at Ate ang agad kong naulinig sa aking paggising na mukhang masarap na nag-uusap. Maya-maya’y nasali sa kanilang topic ang tungkol sa pagpapalit ko ng relihiyon. Dinig ko mula sa bibig ng ate na di dinaraos ng Born-Again ang Pasko at pati ang iyong kaarawan. Sa kanyang mga nasabi’y mukhang pinagsisihan ko ang pagiging Born-again at di ko mahanap sa relihiyon nila ang aking kinagisnan. Masaya pa naman kapag may Pasko at iyon ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong buhay ko, pero mali na agad akong tumalikod sa aking bagong relihiyon at bumalik sa pagiging Katoliko pagkat di ko pa lubusang kilala ang aking mga kaanib at sila ang aking ligaya. Sa ngayo’y Born-Again muna ako at saka ako babalik sa pagiging Katoliko kapag wala ng saya ang aking maramdaman. Tama nga ang ate ko, madali akong mahikayat at saya ang nanguna sa akin kaya pinili kong maging Born-Again. Di naman siguro masamang pumili ka ng relihiyon basta’t wala kang ginagawang masama. Ang iba pang sinabi ng ate’y di ko na masyadong inintindi.

I-K.  Nang makapag-almusal ay tumungo na ko sa bahay ni Gelyn upang turuan siya. Pagdating sa kanilang bahay ay nadatnan kong sinisermunan sila ng kanilang nanay at sinabihang mga batugan. Abala nun sa pagwawalis ang Magkapatid na Gelyn at Annie pagkat nasermunan sila. Dahil tsutsuturan ko siya, pinatigil muna si Gelyn ng kanyang nanay sa pagwawalis at nagsimula na kaming mag-aral. Medyo nakakasunod naman siya sa lahat ng aking tinuturo subalit makakalimutin. Mga alas-nuebe na ng umalis ako sa kanilang bahay dala ang aking kinita. Ipinagpatuloy kong tapusin ang takdang aralin sa Filipino subalit di pa rin matapos hanggang nasa Eskwela na ako. Ng dumating si Sir Rombo’y itinago ko ang takdang aralin sa takot na baka punitin niya. Nagkaroon kami ng Long test sa Math. Naging matanung si Bacsal at pati kasarian ko’y di niya pinalagpas. Sinabi ko ang tunay kong kasarian na ako’y isang silahis.

I-L. Laking gulat niyang malaman niya iyon subalit matagal ng batid ng mga kaklase ko na ako’y isang silahis. Tilian ang ngayon pa lamang nakakaalam. Sa ingay ni Bacsal, maski kay Sir Rombo’y napaamin ako at malugod niya iyong tinanggap. Di pa nakuntento si Bacsal at pinagtripan ako. Sinabi niyang gusto ko raw si Leonardo. Oo Inaamin kong na nagkaroon ako ng pagtatangi sa kanya, paano ka naman magkakagusto sa kanya, may itsura siya, matalino at tahimik subalit di iyon at tanggap ko na hanggang kaibigan lamang ang pwede niyang ibigay sa akin. Tameme si Bacsal ng sabihin ko iyon sa kanya. Sa kadahilang malapit ng mag-time, pinauwi na lang sa amin ni Sir Rombo ang long test. Sa oras ng AP, wala kaming ginawa kundi ang magrepaso ganun rin sa oras ng English. Sa oras ng MAPEH, sa pamamagitan ng mahiwagang laptop ni Ma'am Petty, pinanood namin ang Impressionism at Expressionism. Nakakamangha ang bawat nakapinta na animo’y pang sculptre at three dimensional ang dating. Sa oras naman ng Chemistry, inanunsyo ni Sir Sellona ang tungkol sa paggawa namin ng activity. Manamis-namis at malinamnam ang activity namin pagkat tungkol iyon sa paggawa ng ice cream.

I-M. Tinuro sa amin ni Sir Sellona kung paano gumawa ng Ice Cream. Sa ingay ng katropa ni Cynt, naputol ang discussion ni Sir at siya’y nagalit. Nang maibulalas ang galit ay ipinagpatuloy niya ang discussion. Ilang sandali’y nagpunta na kami sa kanya-kanyang kagrupo upang mag-usap-usap. Pinagkasunduan naming sa bahay ni Crislyn gagawin ang ice cream. Malapit lang ang bahay ni Crislyn sa bahay ko kaya nagpaalam ako sa kanya na alas-nuebe na ko dadating at ako na rin ang magdadala ng Coolman. Ng alam na kung ano ang gagawin ay bumalik na kami sa kanyan-kanyang upuan at inihanda ko na ang aking visual pagkat ngayon ako mag-uulat. Habang ako’y nag-uulat, pansamantala kong itinigil pagkat may sasabihin si Ashley.

I-N. Sinabi niyang magkakaroon kami ng long test. Malaki ang pasasalamat ko sa long test pagkat di na ko nakapag-ulat. Sa kakabahasa ko ng Noli me tangere’y mukhang madali lang ang exam at yakang-yaka ko. Sa oras ng TLE, sila Valerie at Tanya ang nag-ulat. Dahil wala si Mylene ay ako ang pinagbasa ni Ma'am Quimson ng kanyang ulat. Sa maimpis kong boses ang nagpatawa sa kanila subalit di ko iyon pinansin. Ilang sandali’y tumunog na ang bell at uwian. Pagkauwi’y tinapos ko ng gawin ang takdang aralin sa Filipino na aking di pa napapasa. Maya-maya’y dumating na si Ate Leslie mula sa kanyang trabaho. Di pa man nakakabihis ay tsokolate kaagad ang kanyang napansin at ngitngit sa galit kung sino ang bumawas. Sa kanyang mga sinabi ang nagpaliyab sa amin nararamdaman at doon na nagalit si Mama. Nagsugutan silang dalawa at nakapagsalita si mama ng di mgagandang salita tulad ng lumubog na sana ang nagbigay ng tsokolate. Mali na sabihin ni Mama iyon subalit sa ines kay ate, di ko siyang magawang tuligsain ang sinabi ni Mama. Hinayaan ko na lang silang magbangayan at piniling matulog na lang.


February 19, 2013
Tuesday

Year I-050

I-O. Nakakapanibago lang sa umaga pagkat ang tahimik at ni pag-uusap ni Mama at Ate’y di ko maulinig. Gawa siguro ng hidwaan nila kagabi ng dahil sa tsokolate. Dati-rati’y boses kaagad nila ang agad kon naririnig pero ngayo’y tila nagbago ang ihip ng hangin at kabaligtaran ang ngayon. Alas-sais palang ay gising na ko pagkat magtsu-tutor pa ko at pupunta pa sa bahay ni Crislyn. Ng makapag-almusal ay tumungo na ko sa bahay ni Gelyn.Teacher nanaman ako sa umagang ito. Kakagising lang ni Gelyn at may muta muta pa. Nag-umpisa na kong magturo sa kanya. Wala pa sa Alas-nuebe ay tapos ko na siyang turuan. Ilang sandali pa’y inihanda ko na angCoolman na gagamitin upang di matunaw ang Ice cream. Pagdating sa bahay ni Crislyn, nadatnan kong ngayon pa lang sila gagawa ng Ice cream. Inihalo namin ang all purpose cream at saka Vanilla. Si Reynald naman ay abala sa pagdikdik ng Cookies. Ang kinita kong pera sa pag-tutor ang pinang-ambag ko.

I-P. Maya-maya’y umalis na si Crislyn at Mandy upang bumili ng Chocolate syrup. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik sila, pagkabalik ng dalawa, halos mabulabog ang buong Universe pag pinagsama ang kanilang ingay. Mga Alas-dyis ay umalis na ko sapagkat manananghalian pa. Mga Alas-Onse y medya ako bumalik sa kanila. Tapos ng lagyan ng Yelo ang Coolman at tapos na rin gawin ang ice cream. Ang kailangan na lang gawin ay ang buhatin. Ako at si Reynald sana ang magbubuhat ng coolman subalit sinabi nina Crislyn na silang dalawa na lang ni Mandy ang magbubuhat ng Coolman. Pinauna na kami sa pagpasok at naiwan silang dalawa sa bahay. Pagdating sa eskwela’y nadatnan naming nakapila pa lang ang mga estudyante at di pa sila pinapapasok. Sinamantala ko ang oras sa pagsagot ng long test.

I-Q. Maya-maya’y pinapasok na kami. Abalang-abala ang mga kaklase ko sa pagsagot habang nangogopya sa sagot ng iba at naglikha ng iba’t ibang ingay ang kanilang pangongopya.  Ang mga kaklase ko talaga, laging nakabase ang sagot sa sagot ng iba kahit mali. Pagdating ni Sir Rombo, dali-dali silang nagsibalikan sa upuan at kami’y nagtsek. Di naman kataasan ang nakuha ko sa long test subalit pasado naman. Oras na ng AP subalit di pa dumadating sina Crislyn, nanngangamba ako na baka kung ano na ang nangyari sa aming ice cream. Maya-maya’y dumating na sina Crislyn buhat ang Coolman. Sa dami ng mga styrofore na nakabunton sa may pisara ng hile-hilera’y nagmistulang nagtitinda kami ng ice candy.

I-R Pagdungaw sa may bintana’y abalang-abala ang mangilan-ngilang estudyante sa pag-aayos ng stage pagkat may magko-concert mamaya. Inanunsyo rin sa amin ni Ma'am Juanites na maaga ang uwian mamaya. Nakarinig lang ng maaga ang uwian mamaya’y naglulundag na ang mga kaklase ko saya. Sa oras naman ng English, Biglang dumating si Sir Sellona at Sinabing walang Chemistry, Nanghinayang tuloy kami pagkat di niya matitikman ang ginawa naming Ice Cream. Tiningnan lang ni Sir kung tama ba ang prepreserve naming sa Ice Cream. Maya-maya’y umalis na siya at sinabing pwede ng Kainin ang ginawa naming Ice Cream. Nagsaya ang halos lahat sa Kinaing Ice Cream at parang may Party. Nang makakain ng Ice cream, Marami ng Estudyante sa Campus ang nakasubaybay para sa mangyayaring Concert. Nakahanda na ang iba’t ibang Instrumentong gagamitin. Maya-maya’y Nagsimula na ang Concert at hiyawan sila. 

I-S Ang gagaling Mag-perporm ng mga kalahok at makinam-kinam ang kanilang tinig. Habang nagaganap ang concert, marami pa ring mga kaklase ko ang nasa Clasroom at nag-uusap. Pumasok na rin ako. Maya-maya’y ang simpleng pag-uusap, nauwi sa paghaharutan at pagsasayawan. Wala kaming ginawa kundi ang magsisigaw, maglulundag at magharutang parang Grade 1. Ang iba pa nga’y nagsasampalan at nagbabatuhan ng yelo at pinagbabalibag ang mga upuan. Naging makalat at magulo na ang silid dahil sa amin. Ganon man kami ka-hyper subalit masaya. Maya-maya’y ng matapos ang concert ay uwian na. dagsa ang dami ng mga Estudyante sa paglbas. Ako lang mag-isang nagbuhat ng Coolman at nagpa-espesyal na lang ako sa pagsakay. Pagdating sa bahay, pagod ako kaya tumulog ako. Pagkagising at dahil may Exam bukas, wala akong ginawa sa magdamag kundi ang magrepaso.


February 20, 2013
Wednesday

Year I-051

I-T. "Ting-ning-ting-ting-ting-ning, ting-ting-ting-ning", ganyang himig agad ang sumalubong sa akin hudyat ng iyong pagtatapos sa pag-aaral. Ang bilis ng takbo ng panahon, malapit nanaman ang graduation, sabik na ko subalit next year pa ang aking graduation. Sabik ako kasi malapit na ang mahabang bakasyon pero bago iyan, sunog kilay muna ako dahil ngayong araw ang DAT. Sa kagustuhang makapasa ako at di masakripisyo ang pagbabakasyon, todo repaso ako. Sa dami ng aking nirepaso ay tiyak na magiging sisiw sa akin ang mga exam. Pagkatapos magrepaso, ako'y nananghalian upang di ako ma-mental block mamaya. Sa kadahilanang exam ngayon, mga Ala-una na ko umalis ng bahay. Pagkaupo pa lang sa motor ng tricycle, pinalipat kami sa ibang tricycle.

I-U. Nakakaines lamang pagkat nakapagbayad na ko. Nagkainitan ang dalawang tricycle driver dahil sa pag-aagawan ng pasahero. Sa hinaba-haba ng sagutan sa pagitan ng dalawa, mukhang napabayaan kaming kanina pang naghihintay at mahuhuli na ko. Di pa nakuntento at naghamon ng away ang isang driver. Di niya iyon pinansin at sa wakas ay nakaalis na rin. Pagdating sa eskwela, sa halip na makipagdaldalan, nagrepaso ako. Palit ang teacher ngsecond year at third year sa pagbabantay sa DAT. Ang dati naming guro na si Ma'am Abad ang pansamantala naming adviser sa DAT. Maya-maya'y nagsimula na ang exam at unangsubject na aking tineyk ay ang Values. Kasama ang anak ni Ma'am Abad sa pagbabantay. Ilang sandali ay lumabas ang mag-ina at ng lumabas sila, naging maingay ang klassrum. di tuloy ako nakapag-concentrate ng ayos sa test. Ng matapos ako sa Values, nakipagpalit ako sa katabi ng questioner at math ang sunod kong tineyk. Dahil nag-aral ako, naging sisiw sa akin ang exam.

I-V. Nang English na, sumakit ng husto ang ulo, ang hihirap ng mga tanong at duda ako sa pagpili ng choices. Pagkatingin sa taas ng questioner, pang-Fourth year pala ang tineteyk namin. Third year pa lang kami at di pa fourth year. Maski matalino'y hirap sumagot sa English at halos mangamote na. Maya-maya’y dumating na sila maam abad dala ang supot ng Jolibee na naglalaman ng coke at spaghetti. Naging ignorante ang mga kaklase ko ng makita nila ang pinamili ni Ma'am at di maalis ang pagtingin sa kanilang kinakain. Sa bango ng spaghetti, kahit di ako tumingin, napapatulo talaga ang laway ko at napapagutom. Buti pa sila at sarap na sarap sa pagkain ng spaghettihabang kami ay hirap na hirap sa exam na aming tineteyk. Ng matapos ko ang English, ako'y nag-recess.

I-W. Pagkatapos mag-recess ay nag-exam na ko at ang sunod na subject na aking tineyk ay ang Chemistry. Sa ilang araw naming pagrerepaso, halos karamihan sa aming reviewer ay lumabas sa exam kaya naging madali sa akin ang pagpili ng choices. Nang matapos ay inutusan ako ni Ma'am Abad na ibigay ang answer sheet kay Ma'am Ramos. Kasama ko sina JobilJessaJenny Mae at Noemi sa paghahanap kay Ma'am Ramos. Nalibot na namin ang buong Belmonte hall subalit di pa rin nakita si Ma'am. Bumalik na lang kami at ipinatago kay Ma'am Abad. Maya-maya’y uwian na. Naging mahangin ang maghapon at halos mabuwal ako habang naglalakad. Pagdating sa bahay ay umidlip ako pansamantala. Mga bandang Alas-sais na ko nagising. Nang makapaghapunan ay wala akong ginawa sa magdamag kundi ang magrepaso. Mga dakong Alas-Onse uli ako natulog.


February 21, 2013
Thursday

Year I-052

I-X. Di pa man sumisikat ang haring araw, ang aking mga mata'y dilat na at bumangon na ko. Gising na rin si Mama at Ate subalit mukhang di sila nagkikibuan. Nakakaawa si ate pagkat ni isa sa amin ay di siya magawang kausapin. Gusto ko man siya kausapin upang mag-ayos subalit baka matulad kami sa Ina kapatid anak na habang kinakausap mo'y bigla kang pagsasalitaan ng kung ano ano tulad na lamang ang nangyari kina Celyn at Margaux. Pagkatapos mag-almusal ay tumungo ako sa bahay nina Gelyn upang magturo. Di siya pwede ngayon sabi ng kanyang nanay pagkat may check up sila. Sa halip mag-tutor ay umuwi na lang ako. Pagkauwi’y ipinagpatuloy ko ang pagrerepaso. Maya-maya’y tumungo ako sa tindahan upang bumili ng poster color na gagamitin sa paggawa ng project sa MAPEH subalit wala akong mabili. Umuwi na lang ako at nananghalian. sa parehong oras rin ako umalis ng bahay upang pumasok.

I-Y. Pagdating ng Sinagtala, kapansin pansin may nagkakagulo at muntik ng makasagasa ang aming tsuper. Hinahabol pala nila ang taong nagnakaw ng dalawang tandang. Pagdating sa eskwela'y masayang masaya ang mga estudyante na nagbabasagan ng itlog. Nandoon na agad si Ma'am Abad kaya agad kaming nakapag-umpisa ng Exam. Ako ang pinamahala ni Ma'am Abad na magbigay ng test questioner. Upang di magkopyahan ang mga kaklase ko, nakaisip ako ng strategy sa pagbibigay. Magkaibang subject ang ibinigay ko sa magkatabing row at iyon ay alternate hanggang last row. Ng mabigyan lahat ay saka pa lamang ako nag-umpisang mag-exam. Panatag na ko sa pagsagot ng di tinatakpan ang answer sheet pagkat magkaiba kami ng subject sa mga katabi ko. Filipino ang una Kong tineyk. Ng matapos ang Filipino, mapeh naman ang sunod kong tineyk. Medyo madali lang ang MAPEH pero pagdating sa PE at music ay doon talaga ako nahirapan, gayun rin sa TLE pagkat di ako nakapagrepaso sa subject na iyon. Nang AP na, ang inakala kong madali, kabaligtaran pala.

I-Z. Di lumabas sa exam ang aming mga nirepaso at iyun ang nagpahirap sa akin. Wala raw tayo magagawa, di naman natin alam kung ano ang lalabas sa exam anya ni Ma'am Juanites. Natapos rin ang exam at kasabay nito ang pagtatapos ng sakit ng ulo ko. Marami kasing dapat aalalahanin. Sana’y matataas ang makuha ko. Tapos ng mag-exam ang mga estudyante ng Batasan subalit di pa kami pinapalabas. Ilang sandali'y tumunog na ang bell at sa wakas ay nakauwi na rin.

J-A. Ako lang mag-isang umuwi at naglakad lang ako. Nang nasa De Gloria extension na, may kumalabit sa akin. Yun pala'y si Gangang na may kasamang tatlong babae, di na ko mag-isa sa pag-uwi at may kasama na ko. Di ako nag-recess dala ng pagtitipid kaya pagdating ng bahay ay nagmeryenda ako. Nang maumay ay natulog. Mga Alas-Sais na ko nagising at kain nanaman. Sa dalawang gabi kong di panonood ng telebisyon dahil sa pagrerepaso, ngayong gabi'y malaya na kong manood at wala na kong aalahanin. Naging maulan rin ang gabi, dahilan kung bakit lalo pang lumamig. Maya-maya’y natulog nanaman ako.


February 22, 2013
Friday

Year I-053

J-B. Pagkagising ay tunog ng pagbagsak ng ulan ang agad kong narinig. Malamig rin ang umaga sa magdamagang pag-uulan. Alas-Siete na ng umaga na dapat sana'y maliwanag na subalit sa dilim ay tila papabukangliwayway pa lang. Ang madilim na kalangitan ang nagsasabing magbabadya ng malakas na buhos ng ulan. Ilang saglit pa'y bumuhos na ang malakas na ulan. Bunsod ng walang tigil na ulan ang pagtaas ng agos sa sapa. Di na ko nakapag-tutor at nanatili na lang sa bahay dahil sa sungit ng panahon. Ang pinaigting na Hanging Amihan ang nagdala ng pag-ulan dito sa Kalakhang Maynila at karatig nitong probinsya. Akalaing may bagyo subalit monsoon rains lang ang nararanasan ngayon. Naalala ko tuloy ang pananalasa ng Hanging Habagat na nagdulot ng matinding pagbaha at pinsala ng nakaraang taon.

J-C. Sinasabing magkaiba ang Amihan sa Habagat pagdating sa direksyon ng hangin subalit wala silang pinagkaiba sa dami ng ulan. Sa patuloy na buhos na ulan, nakansela na ang klase. Wala ng pasok kaya hayahay ako ngayon. Dahil di makalabas ng bahay, wala akong ginawa kundi ang manood ng telebisyon at matulog. Nang magising ay masarap na Tikoy na luto ni mama ang aking naging meryenda. Nang makapagmeryenda'y nag-soundtrip ako sa maghapon at pa-text text. Mistulan akong preso na di makalabas sa bahay dahil sa ulan. ang ulan ay biyaya, huwag mo itong sisihin ko anuman ang maidudulot nito. Pag walang ulan, walang tubig at magkakaroon ng taggipit. Sige pa't umulan ka pero huwag magbaha.

J-D. Pagsapit ng dilim pansamantalang tumila ang ulan subalit bumuhos pamaya-maya.  Nakaramadam ako ng pananakit ng ngipin kung kaya’t nagmumug ako ng maligamgam na tubig na may asin. Kahit nagmumugmog ay dama ko pa rin ang sakit subalit tiniis ko na lang iyon. Naging maulan sa magdamag at ang ulan ang nagdulot ng malamig na gabi. Natulog ako nama’y saplot na makapal na kumot.



February 23, 2013
Saturday

Year I-054

J-E. Wala ng ulan at sumilip na ang haring araw subalit dama pa rin ang lamig. Pagkadungaw sa labas, kitang kita kong nababalot sa hamog angbuong kapaligiran at kapag nagsalita ka'y animoy nasa Baguio ka dahil may usok na lumalabas sa bibig. Upang maibsan ang lamig na nadarama'y humigop ako ng mainit na kape. Ramdam ko rin ang pananakit ng ngipin. pagtingin sa salamin, kita kong nabubutas na sa kabulukan at iyon ang nagpapasakit ng ngipin ko. Nagmumug ako ng maligamgam na tubig na may asin. Maya-maya'y tumungo na ko sa bahay ni Gelyn. Wala dun ang kanyang nanay pagkat nasa hospital. Sinabi sa akin ni Gelyn na nahulog sa sapa ang nakakabata niyang kapatid at siya'y napilayan. Sa mga oras na iyon ay stable na ang kanyang kalagayan at maari ng i-discharge.

F-F. Saglit ko lang naturuan si pagkat may pupuntahan pa sila. Pagkauwi'y pinagsamasama ko ang kinitang pera at natirang pera mula sa allowance upang ipangbili ng poster color. Di pa nakakabili ng poster color ang tindahan ni Aling Nenita kaya nagbakasakali ako sa iba. Saktong paglampas ng De Gloria ay may mga nagpaparada na taga Fairhope. Nanood ako saglit. Nang magsawa'y pumunta na ko sa tindahan upang bumili ng color. Nakakaapat na tindahan na ko subalit wala pa kong mabili. nagpakalayolayo pa ko haggang sa makarating sa palengke ng Consti. buti na lamang at may nabili ako kaya umuwi na ko. Ang mahal ng poster color nila at halos maubos na ang pera ko. Pagkababa galing Consti, saktong nakita ko si Papa galing pamilihan ng isda at gulay kung kaya't nanghingi ako sa kanya ng pera pambili ng illustration board.

J-G. Wala akong mabiling one fourth illustration board kila Aling Nenita. Pagkabili sa Ison site saktong mayillustration board kaso one half. Hinati ko na lang ang one half para magingone fourth. Isip-isip rin pag may time. Nang mahati'y saka inumpisahan ang pagguhit. Sa sakit ng ngipin ko, pansamantalang itinigil ko ang pagguhit. Sakit talaga ng ngipin ko at sisinatin pa. Maya-maya’y nananghalian na kami. Sa bawat nguya'y pintig ng kirot ang aking naramdaman at tiniis ko. Saka lamang nawala ang sakit ng magsipilyo ako. Maya-maya’y natulog ako. Pagkagising ay ipinagpatuloy ko ang pagguhit. Nang matapos ang pagguhit ay sinimulan ko na ang pagpinta gamit ang poster color. Habang abala ako sa pagpipinta’y nagpunta sa bahay Si Pastora Anna kasama sina Sister Marlene. Sa sobrang abala ko’y di ko na sila nakausap.

J-H. Inabot na ko ng gabi sa pagpipinta subalit di pa tapos. Nanood muna ako ng Maala-ala mo kaya. Napanood ko na may isang Babaeng ilang taon pinagdusahan ang panghahalay at ang humahalay sa kanya ay mismong kanyang kapatid. Hanggang sa pagtanda'y dala-dala niya ang bangungot ng nakaraan hanggang sa siya'y takasan ng bait. Dahil sa mapag-aruga niyang anak ng una'y di maintindihan ang mga kinikilos ng kanyang nanay dahil sa nakaraan, siya'y gumaling at tinanggap ng anak ang nangyari sa kanyang nanay. Patunay ngang ang paglilihim ay katumbas ay kabigatan ng loob pag di ka nagsiwalat at maaring ikasira ng buhay mo at ng ibang tao. Marapat sabihin natin ang katotohanan kahit masakit. Ng matapos manood, nakatulog na ko.



February 24, 2013
Sunday

Year I-055

J-I. Linggo at araw nanaman upang magsimba. Pagkamulat, liwanag na nagmumula sa bintana ang agad na tumama sa aking mga mata at labis akong nasilaw. Umaga na pala kaya't bumangon na ko. Mainit init na French toast ang aking naging agahan. Nang makapag-almusal, pag-aayos ng higaanagad ang aking inatupag. Ng makapagligpit, gawaing bahay ang sunod kong inasikaso. Sa kadahilanang sasamba pa ko, Mga Alas-Nuebe pala'y naligo at nagbihis na ko. Nang makibihis, tumungo ako sa bahay nina Cathy subalit di ko sila naabutan. Dumeretso na lang ako. Saktong naabutan ko sila sa daan at sumabay na ko patungo sa church.

J-J. Di pa nag-uumpisa ang pagsamba at worship. Bago pa man mag-umpisa, inanunsyo sa amin ni Pastora Anna ang tungkol sa baptism na gaganapin sa susunod na linggo. Todo yaya sa akin ang nanay ni Cathy subalit di ako sigurado kung makakasama ako. Maya-maya'y nagsimula na ang Gospel. Kami'y umawit ng Christian song. Sa paghampas ng tambol at sound system na pagkalakas lakas na tugtug, parang naalis ang lahat ng masasamang ispirito na umiiral at nakaramdam ako ng kagaanan. Masaya talaga ang maging Born-Again. Habang masaya kaming umaawit, taus puso namang nakahalik si Pastora Anna sa banig. Pagkatapos namin umawit, kami'y Nag-Bible study. Tinalakay sa amin ni Pastora Anna ang tungkol sa Nine holy fruits. Iyon ay ang love, joy, peace, long suffering, gentleness, goodness, faith, meekness at temperance. 

J-K. Doon ko nalaman na mayroon pala tayong siyam na prutas na ipinagkaloob sa atin ng panginoon subalit di natin nakikita at napaglilinang. Sumapit na ang Alas-Dose subalit di pa natatapos ang bible study, nakaramdam na ko ng gutom. Pagkatapos ng bible study, kami'y nanalangin at umawit. Lumapit kay Pastora Anna ang lahat ng may karamdaman at kanya itong pinanalangin sa maykapal. Napakabuti talaga ng Pastora pagkat nakakausap niya ang panginoon pag humihiling siya. Sa wakas at nakauwi na rin. Pinag-usapan namin ang tungkol sa Baptism. Kahit anong pilit nila, mukhang di ako makakasama. Ilang sandali'y tinanong ko sa nanay ni Cathy kung nagdiriwang sila ng Pasko at Kaarawan. Ang Pasko ang kaligayan nila at nagpa-party pasubalit di nila pinagdiriwang ang Mahal na araw at maling magpapako ka sa krus o magpahampas pagkat di naman nakasulat iyon sa bibliya. Kaya nga nagpapako sa krus si Jesus para masalba tayo sa kasalanan at wala ng maghirap sabi sa akin ni Ate Ging di naman raw sinabi na kung anong ginawa ni Jesus, gagayahin mo. may punto nga naman si Ate Ging subalit di ako nasiyahan sa sinabi niya pagkat kaugalian na iyon ng Katoliko na kailangang irespeto.

J-L. Di rin sila nagsisindi ng kandila tuwing undas pagkat tinatawag mo ang kamatayan at mali ang pamamaraan na iyon. Sa loob ko, di nirerespeto ni Ate Ging kung anong paniniwala namin. Ibang iba nga ang paniniwala ng Katoliko sa Born-Again. Di ko tanggap ang kanyang komentaryo at gusto kong mangatwiran sa paniniwala namin pero di ko nagawa pagkat ayaw kong magtalo kami. Nakinig na lang ako sa kanya kahit di ako sang-ayon. Irerespeto ko kung anong paniniwala nila basta's irespeto nila kung anong paniniwala ng Katoliko. Mahal ko ang pagiging Katoliko kahit na Born-Again na ko at mukhang gusto ko ng bumalik sa dati kong relihiyon pero di ngayon sa tamang panahon. Sa isip-isip ko, matagal ko ng pinapasok ang panginoon sa puso nung di pa ko Born-Again at iba iba man ang paraan ng pagsamba sa diyos sa iibang relihiyon, ang mahalaga'y naipapakita nating gaano tayo kabukas para kay God.

J-M. Saka pa lamang ako nakapanghalian pagdating sa bahay. Niyaya pa ko ni Cathy na sumali sa Fellowship subalit di ako pumayag. Pagsapit ng hapon, tumungo ako sa bahay nina Cathy at kami’y nagkuhaan nglitrato. Pagkatapos ay tumungo ako sa Computer shop upang ipa-upload ang photo naming dalawa sa Facebook. Madilim-dilim na ko nakauwi pagkat nakipag-chat pa ko sa aking friends. Pagkatapos maghapunan ay ipinagpatuloy ko ang pagpipinta sa illustration board. Malapit ng mag Alas-dose ng matapos ko iyon. Hating-Gabi na kaya tumulog na ko.


February 25, 2013
Monday

(People Power Revolution Anniversary) 
Year I-056

J-N. Wala muling pasok pagkat ngayong araw ipinagdiriwang ang makasaysayang People power revolution, hango iyon sa pagpapatalsik ng mga mamamayan sa diktador na si Ferdinand Marcos na umabot ng dalawang dekada ang kanyang pamumuno dahil sa siya'y naging ganid sa kapangyarihan. Kahit di pa ko buhay sa panahong iyon, batid ko ang bawat kaganapan sa EDSA nung pinapatalsik nila sa tungkulin ang diktador at humalili sa diktador, ang ina ng demokrasya na si Former President Cory Aquino at siya rin ang kauna-unahang babaeng naging pangulo. Salamat sa magaling na aklat pagkat nababatid ko ang kasaysayan nung people power at tunay kang kaibigan. Pagkatapos mag-almusal, mga Alas-otso ng tumungo ako sa bahay ni Gelyn. Halos liparin ako sa lakas ng hampas ng hangin.

J-O. Sa kadahilanang maraming gagawin ang estudyante ko, di ko na siya naturuan, sayang at ituturo ko pa naman ang technique sa Multiplication para di na siya mahirapan. Sinabi niyang bukas ko na lang siya turuan. Tumungo na lang ako sa bahay ni Cathy at kami'y nagtsikahan. Dahil di apektado ng K to 12 kapag nag-aral ka sa pribadong pampaaralan, pinapalipat na si Cathy ng kanyang nanay sa private sa pasukan. Di sang-ayon si Cathy sa kagustuhan ng ina at mas gusto pang mag-aral sa Public. Sa ngayo'y nasa First year na si Cathy at dahil naabutan ng k to 12, Grade 7 na ang tawag sa kanila. Sabi niyang sa third year na siya lilipat ng private at may balak pa rawniyang mag-SPA subalit ang kagustuhan ng ina ang masusunod. Abala si Cathy sa pagsagot sa kanyang takdang-aralin at sa dami'y tinulungan ko na siya. Alas-dyis ng umalis ako sa bahay nila. Pagso-solve ng multiplication by using technique ang aking inatupag.

J-P. Sinusubukan kong idiskubre ang iba pang technique sa pag-solve sa multiplication subalit lagi pa rin palyado. Masakit na ang aking ulo at nanood na lang ng telebisyon. Bandang hapon ng ipagpatuloy ko ang pagdiskubre ng technique sa multiplication. Tiyaga ang aking pinairal hanggang sa madiskubre ko ang tamang Technique sa pag-solve sa multiplication at kung susumahin sa calculator ay laging tugma. Mukhang pwede na akong maging mathematician pagkat nakaimbento ako ng technique upang mapadali ang pag-solve sa multiplication ng di pa nadidiskubre ng iba.

J-Q. Tama nga ang sinabi sa akin ni Sir Sellona na magaling ako sa Math. Dahil dun kaya sabik ko ng ituro kay Gelyn at sa iba ang naimbento kong Technique. sunod ko naman ididiskubre ang technique sa division, addition, subtraction at maging fraction. Ba't kaya di na lang ako maging Math teacher at ibahagi ko sa aking mga estudyante ang naimbento kong Technique, wala naman masama kung gagawin ko iyon saka nakatulong pa ko. Sobrang naging abala ako sa pagso-solve. Nang malapit na ang gabi, sa gutom ay naghapunan na kami. Maya-maya'y nagduyan ako habang nagso-soundtrip. Maaliwalas ang kalangitan at kay gandang masdan ang buwan na nagbibigay liwanag sa kalawakan at mga kumikinang bituing nakapalibot sa buwan, sa dami ng bituin, kahit anung constalletion maari mong mabuo. Ng magsawa'y pumasok na ko sa loob ng bahay at nanood ng telebisyon. Mga Alas-onse na ko natulog.


February 26, 2013
Tuesday

Year I-057

J-R. Malapit na ang Marso subalit malamig pa rin tuwing umaga, gawa siguro ng pagbabago ng klima. Medyo sinisipon-sipon ako sa umagang ito. Kahit may dinaramdam na sama, nagawa ko pa rin makapagturo kay Gelyn at itinuro ko sa kanya ang Technique sa Multiplication. Habang itinuro ko sa kanya ay parang kung saan-saan siya nakalingon at di ko makita sa kanya ang pagkamangha sa tinuturo kong technique. Parang di interesadong malaman ang technique at mukhang tinatamad na. Sabi niyang masakit daw ang ulo niya. Inintindi ko na lamang siya kahit sa palagay ko'y nagdadahilan lang siya. Di pa rin niya nakukuha ang tinuro ko kahit paulit-ulit. 

J-S. Malapit na kong mabwisit sa kanya pagkat di niya sinasaisip ang tinuturo ko subalit pinahaba ko ang aking pasensiya ng sa gayo'y mas marami pa siyang matutunan sa akin. Bago pa man ako umuwi'y sinabi ko sa kanya na kabisaduhin ang Multiplication table upang di na siya mangapa pag pinagpag-solve ko siya. Naisip ko na bilhan ng Chart ng multiplication si Gelyn upang mas mapadali ang kanyang pagkakabisado at kung sakali'y makalimutan niya, sa chart siya titingin ng kasagutan. Sana'y pagbalik ko kinabukasa'y kabisado na niya iyon.

J-T. Masakit ang aking ulo at parang nagbabadya ang sama ng pakiramdam na gaya ng sama ng panahon. Parang karayom na may tumutusok sa ulo at sa sakit, halos di na ko makatayo. Madalas ay nakahiga na lang ako at mukhang di na ko makakapasok. Ipinagpahinga ko nalang ang aking sarili. Ng makapagpahinga'y medyo nabawasan ang sakit at nakakatayo na ko ng matagal subalit patuloy ang paglabas ng sipon. Suminga ako ng suminga hanggang sa mawala. Maya-maya'y tumawag sa akin si Jessa at kami'y nag-usap. Di din daw siya pumasok pagkat wala naman gaanong gagawin kundi ang magtsek. Wala pa sa sampung minuto ang aming pag-uusap at kaagad naputol. Di na muli pang tumawag si Jessa. Ilang sandali'y nag-text sa akin si Pradez. Pinapatanung niya sa akin kung nasa akin ba yung DAT test paper sa Values. Nagpa-load ako upang tumawag. Sinabi kong wala sa akin pagkat wala naman binibigay sa akin si Ma'am Abad. Naging palaisipan sa amin kung kanino kaya napunta ang test paper. Di ako gaanong nangamba pagkat alam kong mahahanap rin iyon at maibibigay kay Ma'am Ruiz.

J-U. Naipagsawalang bahala ko na lang iyon. Dahil walang magawa, pagbabasa ng bibliya ang aking inatupag at tungkol iyon tungkol kay Moises, ang Israelitang naglabas sa mga Israelita mula sa pang-aalipin ng mga Egipcio.Masarap magbasa ng bible at marami kang bagay na matutunan. Sa kakabasa ko ng bible, di ko namalayang sumapit na ang dilim at oras na ng hapunan. Bago maghapunan ay binasa ko muna ang tungkol kay Moises, sa librong Exodo ko rin nabasa ang sampung utos ng Diyos. Pagkatapos magbasa ng bibliya, ako'y naghapunan at sunod nanood ng telebisyon. ng matapos manood ng telebisyon, pagdiskubre muli ng technique sa multiplication ang pinagkaabalahan ko. Sinubukan ko sa tatlong digit subalit madalas ay napalya. Dahil malapit ng mag-Alas-dose ng gabi, sa halip na pagpuyatan ang pagdiskubre ng technique, ako'y natulog na.


February 27, 2013
Wednesday

Year I-058

J-V. Di ko pa rin marinig na nag-uusap si Mama at Ate at deadma sila sa isa't isa. Marahil di pa magkasundo. Mataas na ang sikat ng araw kaya bumangon na ko. Iniligpit ko ang higaan at dahil sa utos ni Mama na tanggalin ko ang mga punda, sinunod ko iyon at pagtatanggal ng punda ang aking pinagkaabalahan. Matapos magtanggal ng punda, saka pa lamang ako nag-almusal. Ako ang nagwalis at nagpunas ng sahig pagkat abala si Mama sa paglalaba, di na rin ako nakapagturo kay Gelyn pagkat sobrang abala ako sa gawaing bahay. Sa dami ng gawaing bahay, ako'y napagod at nagpahinga. Dahil sumapit na ang Alas-dyis at papasok pa ko, ako'y naligo na at nananghalian. Nakakatamad ng pumasok pagkat malapit ng magtapos ang panunurang paaralan subalit di na ko pwedeng lumiban at baka mabagsak pa. Mga dakong Alas-dose na ko pumasok, tagaktak ang pawis ko dala ng matinding sikat ng araw. Pagdating sa eskwela, si Jenny mae at Eljean pa lang ang nadatnang nag-aantay sa harap ng classroom. Ibinalita sa akin ni Eljean na nagalit daw si Sir Sellona sa kanila kahapon. Buti na lang at di ako pumasok pagkat natikman nila ang bagsik ni Sir. "I don't like to see your face and get out of it”, iyan ang sinabi ni Sir kay Huelar ng magkamali ito sa pagbibilang sa item analysis.

J-W. Maya-maya'y lumabas na ang Fourth year at kami'y nakapasok na. Nagkaroon lang kami ng Activity sa Math gamit ang graphing paper. Habang nasagot, isa-isang tinawag ni Sir Rombo ang mga tinuluyan na. Sa oras ng Values, laking pasalamat ko pagkat nahanap na ang Test paper at kami'y nagtsek lamang, gayon rin sa oras ng English subalit sa ibang seksyon nga lang. Nang matapos magtsek, kami'y nag-item Analysis. Sa oras ng MAPEH, nag-aytem analysis rin kami at habang pinapasa ang Test paper sa katabi. Nang matapos ay pila-pila kami upang ipatsek kay Ma'am Petty ang ginawa naming painting sa illustration board. Kakaunti lamang ang nagpatsek kaya kakaunti lang ang maaring magpasa sa Lunes. Bukod pa dun, sinabi sa amin ni Ma'am na hanggang March 1 na lang pwede magpasa ng scrapbook. 27 na ngayon at wala pa kong nauumpisahan, sa Biyernes pala'y March na. Daming gagawin at di ko na alam kung anong uunahin. Mag-uulat pa ko sa Filipino kaya sa halip na mag-breaktime, ako'y nagsaulo ng buod.

J-X. Maya-maya'y Chemistry na. Ngayon ang Demo nina Jobil sa pag-experiment kaya nakahanda na ang mga ito sa mesa. Mukhang di Goodvibes si Sir at nakakatakot ang kanyang boses. Sa kakulangan nila sa materials, nagsimula ng magalit si Sir Sellona at ang kahapong maanghang, naging mapait na ang salita ni Sir na halos ikinadurog ng aming damdamin. Parang dinaig pa ang tigre kung magalit si Sir subalit ang pagtingin ko sa kanya'y di nagbago at siya pa rin ang pinakamabait na guro na nakilala ko.

J-Y. Sabi nga nila'y ang mababait ay masamang magalit. Nagpatuloy pa rin ang kanilang Experimentation kahit may kakulangan sa Materials. Sinabi rin sa amin ni Sir na may Deliberation bukas. Maya-maya'y inanunsyo ni sir na Automatic 10/20 na ang mga di nakapag-report. Batid kong may nakakuha ng mas mababa pa sa 10 sa iilang nag-report. Naisip kong di patas para sa mga nag-report ang ginawa ni Sir kaya umapila ako. Sinabi ko kay Sir yung totoo. Sa mga sinabi ko ang nagpabago sa isip ni Sir at di ko akalain na Automatic zero na ang lahat ng di nakapag-report. May aangal sana subalit walang nangahas dahil galit na si Sir. Sa akin ginawa'y mukhang marami ang magagalit pero di ko iyon kinakatakot pagkat nagpakatotoo lang ako.

J-Z. Nang oras na ng Filipino, sa wakas at ako'y nag-ulat na. Ang di nila pakikinig sa akin na naghuhudyat na galit na sila sa akin. Minsan na nga lang magpakatotoo, may nasasaktan pa. Nang oras na ng TLE, dinagsa ako ng samu't saring reklamo ng mga hindi nakapag-report at galit na galit sila sa akin. Sinabi ko lang na gusto ko maging patas ang lahat kaya ko iyon ginawa. Nagpaliwanag ako sa kanila ng maayos subalit ayaw nila akongpakinggan at patuloy ang reklamo. Doon na ko nagsimulang mabwisit at sa inis aynagawa kongmag-walk-out.

K-A. Masyado silang Sensitive at parang yun lang, babagsak na agad. Kung gustong pumasa, huwag tatamad-tamad at gumawa ng paraan. Kung gusto ay may paraan at kung ayaw may dahilan. Ng uwian na, hinintay ko si Ma'am Jamero. Ikwinento ko sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina at sinabing tama lang daw ang ginawa ko. Napanatag ako pagkat si Ma'am na mismo ang nagsabi nun. Ano sila, siniswerte dagdag pa niya. Pagdating sa bahay at dahil deliberation bukas, sa halip na manood ng telebisyon, tumungo ako kina Aldrian upang manghiram ng Workbook. Sa bait ni Aldrian ay agad akong pinahiram at nagpa-zerox. Sa dami ng kailangang i-zerox kaya bukas ko na lang isasauli sa kanya. Hirap talaga ng buhay kapag wala kang aklat at kailangan mo pang manghiram.


February 28, 2013
Thursday

Year I-059

K-B. Huling araw para sa buwan ng Pebrero. Alas-sais pa lamang ng umaga'y gising na ko at nag-almusal. Deliberation na pala mamaya at sa takot na baka'y mapagalitan ni Sir Sellona kapag walang ginawang Activity, pagkatapos mag-almusal, sinagutan ko na ang pina-zerox mula sa workbook ni Aldrian. May assignment rin ako sa Math subalit mas inuna ko ang Chemistry. Todo asikaso na ko ngayon pagkat ayaw kong bumagsak. Dami kong gagawin at sobrang nai-stress ako. Dumagdag pa sa aking gawain ang sangkatutak na Assignment ni Gelyn. Dahil binayaran niya ko, pumayag akong gawin ang kanyang assignment kahit madami akong ginagawa't grab the opportunity kasi.

K-C. Masyadong napakabilis ng oras at sa sobrang abala ko na halos di na magkandaugaga, nakaligtaang Alas-dyis na pala. Di pa nakakapagluto si Mama kaya di pa ko nananghalian. Maya-maya'y naluto na ang kakainin at nakapanghalian na ko. Mga bandang Alas-dose na ko pumasok sa eskwela. Di ko pa tapos ang lahat ng Activity sa Chemistry at habang walang Teacher, iyon ang pinagkaabalahan ko. Naging abala rin ang mga kaklase ko sa paggawa ng activity. Maya-maya'y may lumapit sa akin at nagpatulong. Mukhang di na yata sila galit sa akin ukol sa ginawa ko kahapon, sa tuway di ko na sila tinanggihan at tinulungan. Maya-maya'y dumating na si Sir Rombo at dali-daling itinago ang Workbook, sa takot nalumipad at walang maipasa. Buti na lang at may gawa ako kaya nakapagpasa ako ng Assignment. Sa oras naman ng AP, pwedeng bumili ng Daloy Balita. Dahil kasali iyon sa requirements na dapat ipasa, bumili ako at sinagutan. Dami talagang gawain at halos mawala na ko sa sarili. Habang nagdi-discuss si Ma'am Juanites, dinig ko ang pag-uusap nina Crislyn patungkol kay Sir Sellona.

K-D Labis nilang ikinasakit ang mga sinabi ni Sir kahapon at naghihimutok na. Di ko lang alam kung kasali ako sa kanilang pinaghihimutukan. Tama nga sila, di dapat sa estudyante ipagawa ang item analysis sapagkat gawain iyan ng isang guro at kopyahin ang tanung sabay sagot. Di ko na inintindi pa ang hinanakit nila at nakinig kay Ma'am Juanites. Sa oras naman ng English, di pa dumadating si Ma'am Ramos at ipinagpatuloy ko ang paggawa ng activity. Maya-maya'y dumating na si Ma'am Ramos at kanya-kanyang tago ng Workbook sa Chemistry. Sinabi ni Ma'am Ramos sa amin kung ano pa ang kulang na kailangang ipasa. Valentine’s card at Essay na ilalagay sa Clearbook ang kulang sa akin. Lahat ng di nagpasa ng Valentine's card, nagsigawa sila subalit ipinagpatuloy ko ang paggawa sa activity. Mukhang matatapos ko na. Essay na lang ang ipapasa ko. Hirap talaga pag walang workbook. Ilang sandali ay MAPEH na, bukas na pala ang deadline ng scrapbook.

K-E. Sa March 7 na ang performance ng La Cacuracha kaya nagpraktis kami. Ilang sandali'y recess na. Ipinagpatuloy ko ang pagsagot ng activity sa Chemistry hanggang sa matapos ko ito. Nang Dumating na si Sir Sellona, kaba sa dibdib ang aming naramdaman pagkat nakakatakot pa rin siya ngayon, ibang-iba sa nakita namin ng makalipas na araw. Maya-maya’y Nagsimula na ang Deliberation, sa konting pagkakamali’y nagagalit siya at nakakapagsabi ng mabibigat na salita, habang di pa nakaupo si Sir sa aming Kampo, nagmamadaling sumasagot ang mga kagrupo ko at kita ko sa kanila ang takot at kaba. Ng kami na ang nag-deliberate, napakasungit ni Sir at tinunong niya si Esther “What do you expect in making mayonnaise tomorrow?” Sa takot ay di maka-imik si Esther hanggang sa magalit na si Sir. Pano naman, Kung magtanong, pasigaw pa. Umiyak si Esther sa ginawa ni Sir.

K-F.  Sa isip-isip ko, irereklamo ko na tung teacher sa DepEd pagkat masayado na siyang terror sa amin at di na tama ang pinapakita niya sa amin. Nang ako na ang nakasalang sa Deliberation, bigla niyang sinabi sa akin ng ganito, "Using a Paper is not allow at simula ngayon, yung mga walang workbook bawal ng magsagot ng activity at lalong-lalo nang di na pwede sumali sa Deliberation!” Sa sinabi ni Sir, tila nadurog na ang damdamin ko at sumosobra na siya. Nakipagdebate ako sa kanya at ganto ang sinabi niya, "Ilang grading ko na kayo pinagbigyan?” Sinagot ko ang tanong ni Sir. “Pwede ba ako na lang ang pagbigyan niyo at di ko na problemang wala kayong Workbook o di ko rin kasalanang naiwala mo ang iyongworkbook!” May pagtataray na sambit ni Sir. Doon na ko nag-umpisang ma-badtrip kay Sir at maling ituring ko siyang pinakamabait na teacher, pinakamasungit na teacher, pwede siguro.

K-G. Sinarili ko ang yamot kay Sir at labis akong nasaktan, kung galit siya dahil lang sa nangyari sa Item analysis, huwag niyang ibunton ng husto sa amin at Move-on na pagkat wala kaming kamalay-malay at ginawang kasalanan sa kanya! Sobrang nayamot ako kay Sir at halos isumpa ko siya pero di ko ginawa. Nang TLE na, naging Emosyonal ang mga kaklase ko pagkat di nila makalimutan ang mga sinabi ni sir, may umiyak at ilan ay nagdamdam, tama sila, walang kasingsungit si Sir at sumosobra na siya. Ng uwian na, bago ako dumating sa bahay ay dumeretso ako sa Computer Shop upang gumawa ng Essay. Mga dakong Alas-nuebe na ko nakauwi sa bahay. Dami talagang gagawin at puyat much na ko. Mga Alas-dose na ko nakatulog.