Huwebes, Enero 31, 2013

01. January 2013 Journal (Day 1-31)

January 01, 2013
Tuesday 
(New Year’s Day) 
Year I-001

A-A. Sa pagsapit ng Alas-dose ng hating gabi, masayang-masaya ang lahat sa amin sa pagsalubong ng Bagong taon, naging napakaingay ng buong kapaligiran likha ng iba't ibang uri ng mga paputok na sabay-sabay sinisindihan at mga pampaingay gaya ng torotot at busina ng mga sasakyan. Bukod pa riyan, nagliwanag din ang buong kalangitan dahil sa makukulay at mailaw na Fireworks display subalit ang pagsasaya ay pansamantalang nahinto ng biglang bumagsak ang Sky Lantern sa may puno at malapit pa ito sa aming bahay. Nagpanik ang lahat sa takot namaabutan ang kanya-kanyang mga bahay ng sunog at magkaroon ng malawakang sunog subalit kaagad naman iyon naapula. Nang matapos ang putukan, ang kapaligiran ay nababalot ng napakakapal na usok dahil sa mga paputok. Sa magdamagan naming pagpupuyat para salubungin ang Bagong taon, kami'y natulog na.

A-B. Sa sarap ng tulog, malapit ng sumapit ang Alas nuebe ng ako ay magising. Pagkagising ay ang mga natirang handa ang aking naging almusal. Kahit nakatulog na ay parang inaantok pa rin ako at tila pakiwaring kulang ang tulog ko. Wala akong ginawa sa maghapon kundi ang kumain at magpakabusog sa handaan. Maya't maya ako matulog. Gustuhin man namin magsaya at magdiwang dahil Bagong Taon subalit hindi maaari sapagkat ang aking Lola Trining ay namayapa na kahapon. Dahil kailangang walang tao ang maaring maiiwan sa bahay at walang magbabantay sa alaga naming mga hayop, kami ni Ate Leslie lang ang pupunta sa Batangas para makiramay sa pagkamatay ni Lola.

A-C. Bago pa man gumabi, nagtungo ako sa tindahan nina Aling Nenita upang bumili ng Garter, habang patungo ang yapak sa pag-uwi, saktong nakasalubong ko ang dating kamag-aral na si Gwen. Matagal-tagal na din kami di nagkikita buhat ng magtapos kami sa Elementarya, kaya kamustahan kaming dalawa. Maya-maya pa'y nagpaalam na ko sa kanya. Pagsapit ng gabi, nakakahilakbot na may kasamang awa ang aming naramdaman ng mapanood sa balita ang tungkol sa mga naputukan. Katakot-takot ang mga lasub-lasub at lapnos na daliri ang sinugod sa mga Ospital, ang iba naman ay nabiktima naman ng ligaw na bala.

A-D. Bukod pa sa mga naputukan at tinamaan ng ligaw na bala, mayroon ding apat na taong gulang na bata ang napaulat na namatay dahil sa ligaw na bala, ang pitong gulang naman na si Stephanie Nicole ay kritikal ang kondisyon matapos tamaan din ng ligaw na bala sa may ulo. Malaki ang pasasalamat ko sapagkat di ako napahamak na isa rin sa nagpaputok sa pagsalubong sa Bagong taon. Maging masagana, mapayapa at punong-puno sana ng pagmamahalan ang aking buong taon. Maya-maya’y kahit tapos na ang pagsalubong sa Bagong taon, may mangila-ngilan pa rin ang nagpapaputok. Dahil nabibingi na kami sa mga paputok, pinagsabihan namin sila na sa ibang lugar na lang isagawa ang pagpapaputok. Nanahimik naman ang kapaligiran ng wala na angmga nagpapaputok. Naging maulan ang gabi, unang ulan sa taong ito. Sa kadahilanang maaga pa kami magigising bukas sapagkat pupunta kami ng Batangas, pagkatapos manood ay natulog na ako.



January 02, 2013
Wednesday

Year I-002

A-E. Madaling araw pa lamang ng Alas-kwatro, ginising na ako ni Ate Leslie sapagkat ngayong araw kami tutulak sa Batangas. Kahit inaantok pa'y tiniis ko iyon at naging abala kami sa pag-iimpake ng mga gamit para sa ilang araw naming pamamalagi sa Batangas. Alas-singko na ng matapos kaming mag-impake at umalis na ng bahay. Dahil umaga pa ay naging maluwag ang daloy ng trapiko at wala pang isang oras ay nakarating na kami sa terminal doon sa Cubao. Bago pa man umalis ang Bus ay umihi muna ang Ate ko subalit sa kadahilanang hindi ako naiihi, ako na mismo ang nagbantay ng aming bagahe. Maya-maya pa'y nag-umpisa ng tumulak ang Bus patungong Batangas.

A-F. Habang umaandar ay nahalina ako sa tayog at ganda ng mga gusali sa EDSA at iyon ang nagtanggal ng aking pagkabato. Paglampas ng EDSA, kami ay nasa South Supper Highway na. Nang malapit na kami sa Lipa ay saka pa lamang ako nakaramdam na parang ihing-ihi na subalit tiniis ko iyon. Nang makarating sa terminal doon sa San Juan, sa wakas ay nailabas ko na rin ang kaninang kinikimkim na sama. Sa layo ng biyahe, kami ay nagutom at nauhaw. Bago kami kumain sa lomihan, saktong nakita namin si Papa at iba pa naming kamag-anak. Medyo nag-iba lamang sa bayan ng San Juan sapagkat mahigpit ng ipinagbabawal ang paggamit ng Plastik. Maigi na rin iyon upang maiwasan ang pagbaha. Maya-maya pa'y sabay na kaming kumain ng mainit at malinamnam na sabaw ng lomi. Sa naparami akong kain. Nang malamanan ang kumakalam na sikmura, tumungo na kaagad kami sa baryo ng Baluarte kung saan nakaburol si Lola.

A-G. Iba’t ibang kamag-anak ang aming nadatnan na nagkwekwentuhan. Sa dami nila, ang iba ay di namin makilala. Nakita ko rin si lola na payapang nakahimlay sa kabaong. Pagkalapag ng dalang gamit ay nagkwentuhan kami magkakamag-anak at Panay pa ang kilatis nila sa amin. Ang lungkot na umiiral sa kanya-kanyang dibdib ay pansamantalang napawi at di akalaing ang nakakatuwa kong pagsasalita ang nagpawala nun. Masaya ako dahil napatawa ko sila. Pagkatapos magkwentuhan ay natulog muna ako, sumunod na tumulog si Tita Melca. Pagkagising ay mga handang Biscuit at Candy ang naging meryenda ko. Ng maumay, sunod akong tumungo sa sasakyan at nakitang masayang nagkwekwentuhan ang aking mga pinsan, nakisali ako sa kanila Tumagal ng dalawang oras ang aming pag-uusap at di namalayang sumapit na pala ang dilim.

A-H. Sa pagsapit ng dilim ay ang pag-uumpisa ng dasalan. Matapos ang dasalan ay kainan na at kami'y nagsalo-salo magpipinsan ng hapunan. Sumunod namang kumain ang mga matatanda. Pagsapit ng Alas-otso at gawa na batong-bato, naisipang manood ng programa. Kasama kong nanood ng Telebisyon ang ate sa pamamagitan ng aking Cellphone at pinanood. Buti na lamang at maayos ang lagay ng signal rito kaya maayos kaming nakanood. Maya-maya pa at dahil dinalaw na kami ng antok, natulog na kami. Hati kaming tatlo sa iisang higaan.



January 03, 2013
Thursday

Year I-003

A-I. Pangatlong araw para sa taong ito at pangalawang araw naming pamamalagi sa Batangas. Madaling araw pa lamang ng Alas-Sais ay nagising na ko dahil sa ingay ng mga matatandang nag-uusap. Di naging maganda ang umaga ko sapagkat ako'y sinisipon. Sa sama ng pakiramdam, dinaan ko na lang sa pahinga. Habang nagpapahinga ay umiral nanaman ang antok ko hanggang sa maidlip subalit sandali lamang akong natulog. Nang ako ay magising, pinapunta ako ni Tita Susan sa baba upang magbantay sa burol ng lola. Habang nagbabantay ay di ako gaanong nabagot sapagkat nakakagalak ang mga kwinikwento ni Lola Natty. Naging masaya ang lahat ng nagbabantay sa burol ni lola at pati ako'y mamatay-matay sa kakatawa. Nang pansamantalang tumahimik, kaagad akong lumabas, naupo at nagmukmuk mag-isa habang pinapanood ang mga nagtotong-it. Gustuhin ko man sumali sa mga pinsan kong masayang nagkwekwentuhan sa loob ng sasakyan subalit di ko iyon magawa sapagkat masama pakiramdam ko. Naging pagkakataon ko ang pagpunta nila Papa sa bayan upang magpabili ng gamot para sa sipon. 

A-J. Maya-maya pa’y umalis na sila at nagtungo sa bayan, sumabay ang biglaang buhos ng ulan. Mga tanghali na ng makabalik sa bahay sina Papa. Lomi at ginataang monggo ang aming naging pananghalian, sa tabang at lamig ay di kaaya-aya sa panlasa at inuntian ko lang ang pagkain. Pagkatapos kumain, kaagad na kong uminom ng gamot. Maya-maya pa'y nagsimula na ang pangalawang dasalan. Nang matapos ang dasalan saka muli nagsikainan ang lahat ng naglalamay. Kahit kumain na'y sumabay ako sa kainan. Kasabay kong kumain ang aking mga pinsan. Pochero ang ulam saka may panghimagas pa ng Gelatin. Sa sarap at tamis, dinamihan ko ang pagkain. Nang mabusog, saka lamang ako naligo. Nang makaligo, bumuhos nanaman ang ulan. Masarap matulog tuwing umuulan kaya tumulog ulit ako at upang bumuti ang pakiramdam. Alas-dos ng hapon ng magising ako. Dahil sa walang magawa, nag-soundtrip na lang ako gamit ang aking cellphone, pagkatapos sabay lantak ng mani.

A-K. Ginawa ko yun hanggang sa sumapit ang dilim at nabusog ako ng labis. Pagsapit ng gabi ay muli nanaman bumuhos angmalakas na ulan at may kasabay pang pag-ihip ng hangin. Dahil sa sungit ng panahon, di ako makalabas at piniling mag-soundtrip na lang. Iyon pala'y may bagyo na ang pangalang “Auring’’. Ilang sandali pa ay tumila na ang pag-ulan, pumunta ako sa sasakyan kung saan madalas mamalagi ang mga pinsan ko. Nakipagkwentuhan ako sa kanila at nagtawanan kami. Habang masarap ang aming pagkwekwentuhan ay bumuhos muli ang ulan kaya bumalik na lang ako ng bahay.



January 04, 2013
Friday

Year I-004

A-L. Gawa ng nagpuyat kagabi sa kakabantay sa burol ng Lola, gising na ang halos lahat sa aking kasamahan maliban sa akin na natutulog pa rin. Mga bandang Alas-Siete na ng magising ako at bumangon. Pagkagising bigla akong nakaramdam ng pananakit ng tiyan, dala marahil ng ilang araw na di ko pagdumi kaya tumungo muna ako sa palikuran. Nang makabawas ay pumunta agad ako sa burol ng lola at nagbantay kasama ng mga matatanda. Sa kadaldalan ni Lola Tasing, sa halip na mabagot ay napakarami kong natutuhan sa mga kwento niya. Maya-maya pa'y lumabas na ko at nadatnang may pinagkakaabalahang iba ang mga pinsan ko. Paggawa ng kastilyo mula sa buhangin ang kanilang pinagkakaabalahan. Dahil walang magawa, naisipan kong sumali sa paggawa ng kastilyo. Mga ilang minuto pa'y natapos na din naminggawin ang kastilyo. Saka pa lang kami kumain ng almusal. Potchero at piniritong isda ang aming naging almusal.

A-M. Matapos mag-almusal, tumungo ako sa Kalibkiban upang manguha ng Saga. Walang ni isang bunga ng Saga ang aking nakita kahit sinuyod ko na ang buong kagubatan. Sa sukal ng aking dinadaanan at sa dami ng mga nakahambalang na mga patpat ay dahan-dahan ako sa paglalakad upang maiwasang masugatan. Ipinagpatuloy ko ang paghahanap subalit bigo akong makahanap ng mga Saga, bumalik na lamang ako ng bahay. Nadatnan kong puro matatanda pa rin ang makikitang nag-uusap ang nakaupo malapit sa burol, dumiretso ako ng kwarto, nag-soundtrip upang maalis ang pagkabagot. Ng magsawa ay tumungo ako sa sasakyan kung saan naroroon ang mga pinsan ko.

A-N. Kahit ako ang pinakamatanda sa kanila at di ko na sila kasing gulang ay nagawa ko pa rin makisama sa kanila at makipagkwentuhan, doon ko naramdaman na may kausap ako ng matagal, maya maya'y nagharutan kami at nagtawanan. Nagmistulan akong bata sa aking ginagawa at parang bumalik ako sa dati. Paano naman, puro matatanda na lang ang kasamasa bahay at walang kasing-edad ko. Di naman hiyang sa natura kong pag-iisip ang kanilang sinasabi. Saka mapuputi na ang kanilang buhok na malapit ng pumanaw katulad ng Lola Trining. Pagsapit ng tanghali, pansamantala akong natulog sapagkat ako ang magbabantay sa burol ng lola sa magdamag. Kainan na pala ng tanghalian ng ako'y gumising at sumabay na rin sa kanila. Habang masarap kaming nanananghalian, biglaan muling bumuhos ang ulan.

A-O. Pagkatapos kumain ay naligo ako. Matapos maligo ay sa silong ako dumaan sa halip sa pintuan, nandoon kasi ang lahat ng kaopisina ni Tita Cleo. Pagkalabas ng silong, nakita ko ang dalawang bata at ang kamusmusan ang nagpapakulit sa kanila, sadyang kay haharot at hirap pangsawayin subalit sila'y nakakatuwa lalo na ng sumasayaw ng Gangnam style. Sa tuwa ko'y nanatili muna ako sa sala at pinanood sila. Sunod ay biglang nagsidatingan ang mga pinsan ko. Wala kaming ginawa kundi ang magtawanan at ang iba ko pang pinsan, nagpakita rin ng gilas sa pagsasayaw.

A-P. Maging matatandang nag-uusap ay natuwa sa kanilang ipinakita. Maya-maya pa'y umakyat na ako sa kwarto at nag-soundtrip. Di ako mapakali at bumaba ako ng Silong, Sa Silong ko pinagpatuloy ang pagsa-soundtrip. Maya-maya’y tinawag ako ng Ate at sinabing kakain na. Pagsapit ng Alas-Otso ay nag-umpisa ng magmisa upang ipanalangin ang lahat ng pagkakasala ng Lola ng ito'y buhay pa at matagumpay na makaakyat sa langit. Nang matapos ang misa ay saka lamang nagkainan ang matatanda. Sa gabing iyon ang huling lamay kaya dumagsa na ang mga naglalamay at naging maingay ang gabi, sa ingay ay di ako makatulog. Naupo muna sa labas at nakipagkwentuhan. Sa wakas ay may kasing-edad na nagpunta sa lamay at sila'y kinausap ko. Pinakilala ni Giselle sa akin si Alvin na kasing-gulang ko rin at sadyang matangkad at may hitsura pa. Mga dakong Alas-dyis ng maisipang matulog.



January 05, 2013
Saturday

Year I-005

A-Q. Huling araw ng burol ng Lola, maaga pa'y abala na ang lahat ng matatanda maging si Papa, mga Tito at Tita ko sa pag-aayos ng kabaong. Bago pa man magbihis ay kumain muna kami ng almusal sa labas kasama ang mga naglalamay. Dinamihan ko ang kain upang mamaya'y di kumalam ang sikmura sa libing. Nang mabusog ay dumeretso ako sa burol at naupo. Habang nagbabantay ay doon na nag-umpisa ang aking kalungkutan at di ko inasahang na masasabon ng kasamahan kong matatanda ang lahat ng mga ginagawa ko noong nasa Maynila pa ko. Tulad ng ako madalas na nasa galaan, mababa ang grado at palasagot sa magulang subalit sa galing kong ito ay napagtakpan ko iyon.
Sa tagal kong tumira sa Batangas ay parang pakiramdam ko ay ibang-iba ang buhay at gawi kumpara sa Maynila, walang gaanong bahay, magubat, di komportable para sa akin, madilim at tahimik sa gabi. Bukod sa kapaligiran, ang mga tao ay ibang-iba din, sila yung tipong palakwento at may pinto ang paraan ng pananalita, at kung ika'y magkwekwento kahit korni ay matatawa pa rin sila di tulad sa Maynila na iirapan ka lang at higit sa lahat mahilig din sila makisalamuha sa kahit na sino.

A-R. Pagsapit ng Alas-Nuebe dahil maraming nagamit ng palikuran at ilang oras na lang ay dadalhin na sa huling hantungan, di pa man tanghali ay naligo na ko. Pagkatapos maligo ay kaagad akong nagbihis. Di lang ako ang abala maging ang lahat ng makikipaglibing. Sa Pagsapit ng Alas-Onse ay tinawag na kami ng Tita Susan, magsisimula na pala ang hulingdasalan. Nang matapos ang dasalan, doon ng nagsimulang naging emosyonal ang lahat ng kaanak at parang babahain ang buong Batangas sa dami ng umiyak lalo na si Papa na tumatangis talaga. Maski ako'y naluha sapagkat mami-miss ko ang Lola. Maya-maya’y tumungo na kami sa sasakyan. Bandang Alas-Dose nang umalis ang labi ng Lola patungong sementeryo, sa layo ng sementeryo ay inabot kami ng isang oras sa biyahe. Malapit ng sumapit ang Alas-Dos ng makarating kami sa bayan. Bago pa man ihatid sa huling hantungan ang lola, nagtungo muna ang labi ng sa simbahan at nagmisa kami. Pagkatapos ng misa, ang lahat ng nagmamahal sa Lola pati ako ay mas lalo pang umigting ang pagluluksaat di na mapigilang ilabas ang luha habang inihahatid ang kabaong ng lola sa huling hantungan.

A-S. Bago pa man ilibing ay pinalipad muna namin ang lobo bilang tanda ng pamamaalam kay Lola Trining at kasabay ng paglipad ng lobo ang pag-akyat ng Lola patungo sa langit. Pinagsama sa iisang puntod ang bangkay ng Lola at ng Lolo na sampung taon ng namayapa. Kitang-kita ko ang bangkay ng lolo na bungo at buto na lamang ang natira. Matapos ang libing ay bumalik na kami papuntang Baluarte. Pagbalik at sa haba ng biyahe ay inantok ako at nakatulog. Pagkagising ay kaagad kong nilabhan ang lahat ng tubal upang may masuot ako sa pag-alis namin bukas. Habang naglalaba ay ang pagsungit ng panahon, buti na lamang at kaagad akong natapos kaya nakapagsampay ako. Sa takot na baka di matuyo bukas ay pinaypayan ko ang nakasampay na damit at salawal. Kaso nakakapagod kaya itinigil ko na at bumaba. Tamang Kutkot lang ng lutong chicharon habang nanunuod ng telebisyon. Natawa ako sa ginawa sa akin ni Tita Ethel sapagkat sinubuan niya ko ng kanin ng napakarami. Dahil dun kaya nabusog ako. Maya-maya’y inantok nanaman ako at natulog kasama sina Tita CleoTito Lito at mga pinsan ko.



January 06, 2013
Sunday

Year I-006

A-T. Madaling araw ng ako ay magising. Ramdam ko kaagad ang lamig sapagkat wala akong sapin sa katawan. Sa lamig ay di ako makatulog ng ayos. Di ko matiis ang nararanasang lamig, bumangon ako upang humanap ng maipansasapin. Di pa man ako nakakaakyat ay nakita ko ang twalya na nakasampay sa dalawang upuan, sa lamig na aking nadarama ay iyon ang pinangkumot ko. Nang magkakumot ay saka pa ko nakatulog ng maayos. Ilang sandali pa'y nagising na sina Tita Cleo.Yun pala'y malapit ng magbukang liwayway. Biglang hinugot ni Tita Cleo ang twalya mula sa aking katawan na nakabalot at sinabing sa kanya raw ang twalyang aking ginawang sapin. Maya-maya’y sumunod na bumangon ang mga pinsan ko, pagkabangon nila'y sumabay na rin ako, naupo at dahil Linggo ay may misa sa telebisyon, kasama kong nanood ng misa ang aking mga tita at tito.

A-U. Habang nanunuod ng misa ay para na rin ako nagsisimba. Nang matapos ang misa ay pinatay na namin ang telebisyon at lumabas. Maya-maya’y tiningnan ko ang aking sinampay at di pa gaanong tuyo, buti na lamang at nagpakita na ang araw kaya makakapagpatuyo pa ko. Mga dakong Alas-Siete ng kami ay mag-almusal. Ng makapag-almusal ay nag-impake na ko sapagkat pauwi na kami pa-Maynila. Sinabi sa akin ni ate na kami lang dalawa ang luluwas pa-Maynila at mananatili pa raw ng ilang araw sila papa upang dumalo sa pasiyam. Sa mga sinabi ni ate ay nagbago ang isip ko at naisip na sumabay na lang ako sa kanila sa Martes, subalit batid kong may pasok na bukas at maraming mga aktibidad ang mawawala sa akin kapag lumiban ako sa klase, saka may Recitation pa kami sa Chemistry. Sa takot na baka bumagsak dahil lamang doon, sumama na lang ako kay ate para makapasok bukas. Gustuhin ko pa man manatili sa Batangas subalit buo na ang aking desisyon.

A-V. Bago pa man namin lisanin ang probinsya, nagpaalam muna ako sa aking mga Tito at Tita maging sa aking mga pinsan. Ng makapagpaalam ay saka kami umalis. Mga Alas-Dose na nang kami'y umalis. Kasama namin sa pag-alis sina Lola SabeLolo Isko at Tito Marino na tutulak naman pa-Quezon. Inihatid kami ng Tito Lito hanggang sa terminal. Nang makarating sa terminal, di muna kami pinasakay sapagkat puno na ang bus. Nag-antay pa kami ng susunod na bus. Habang naghihintay, bumili muna kami ni ate ng Panutcha, Espasol, ShingalingCasoy at Banana Chips pasalubong kina mama. Tila kay rami ng aming binili at halos produkto ng Batangas, ang karamihan sa nabili. Sa init ng panahon at sa uhaw ay bumili rin kami ng inumin. Nag-antay pa kami ng ilang sandali at dumating na nga ang bus. Sa inip ng mga pasahero, dinagsa nila ang bus at sa dami nila ay di kami kaagad nakapasok. Mga Alas-Tres ng magsimulang lumakad ang bus.

A-W. Habang nasa biyahe, nakadungaw ako sa bintana at pinagmamasdan maigi ang kapaligirang aming tinatahak. May mga konkreto kang bahay na matatanaw subalit ang karamihan ay yari lamang sa kahoy. Iba’t iba rin ang mga ginagawa ng mga tao. Paglampas ng Batangas ay Laguna na. Sa Laguna naman ay matatanaw mo ang Bundok Makiling na parang nasunod sayo at mga puno ng mga niyog. Ng malapit na kami sa Metro Manila, unti-unti ko ng natatanaw ang mga nagtatayugang mga gusali at malalaking mall hudyat na nasa pook urban na kami. Hanggang sa makaapak na kami sa Maynila. Wala ka ng halos matanaw na mga barong-baro at puno ng niyog kundi mga nagtatayugang gusali na.

A-X. Nasa Maynila na nga kami subalit ang utak ko ay parang naiwan sa Batangas. Di ko kasi mapigilang maalala ang tao at kapaligiran sa Batangas pati mami-miss ko ang probinsyang iyon. Malapit ng magdilim ng makarating kami sa bahay. Pagdating sa bahay ay samu't saring kwento ang baon namin kila Mama at di lang kwento ang aming dala kundi masasarap at matatamis na pagkain mula sa Batangas. Pagkatapos kumain, kaagad na akong natulog.



January 07, 2013
Monday

Year I-007

A-Y. Unang Lunes ng taong 2013 at balik eskwela nanaman. Balik din sa dating gawi ang lahat sa ating mga Pilipino matapos ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Malapit ng mag-Alas-Otso ng gumising ako gawa ng matinding puyat kagabi. Pagkagising ay nag-agahan ako. Habang nag-aagahan ay sinabi ni Mama na kailangan ko ng magpagupit sapagkat mahaba na ang buhok ko at baka maukan pagpasok sa eskwelahan. Nang makapag-almusal ay naupo ako ng sandali at maya-maya'y pumunta na ko sa pagupitan. Habang nasa pagupitan ay naging palakwento ang akin si Mang Usman. Nang maubusan ng sasabihin ay ako naman ang nagkwento. Sa haba pinagkwentuhan, Alas-Nuebe na ako nakauwi. Pagkauwi ay binaksan ko ang telebisyon at nanuood ng paboritong programa. Pagkatapos manuod ay inihanda ko na ang mga gamit pang-eskwela. Malapit ng sumapit ang Ala-Una nang makarating ako sa eskwela.

A-Z. Unang araw ngayon ng klase kaya medyo nakakapanibago ng lagay at di lang taon ang nagbago, maging ang hairstyle ng aking mga kaklase ay nagbago din tulad nina Theresa at Nataniel na parang baguhan at di halos makilala. Wala pang teacher kaya naging maingay ang buong silid-aralan. Sinamantala ko ang oras na wala ang teacher sa pagkakabisado ng Gas law sapagkat may recitation kami mamaya. Habang nagkakabisado ay biglang tumungo si Ma'am Jamero at nakiusap na kumbinsihin si Jacqueline na bumalik na sa kanila sapagkat walang magbabantay sa dalawa niyang anak.

B-A. Dahil malaki ang utang na loob ko kay Ma'am, walang anu't ano akong pumayag. Di pa man tapos ang pag-uusap namin ay dumating na si Sir Rombo. Nag-discuss lang kami sa Math at ang topic ay about sa Circle. Sa oras naman ng English, sa halip na si Ma'am Ramos, si Ma'am Maicy ang naging teachernamin at pinagawa niya lang kami ng sanaysay tungkol sa Christmas vacation. Pagkatapos ay MAPEH na, ang pinakamasaya at interesting na subject sa buong klase. Walang ginawa si Ma'am Petty kundi ang magkwento, kahit labas sa lesson ay may nakikinig pa rin sa at tawa pa kami ng tawa lalo na ng ipakita niya sa amin kung paano kumilos si Mahal. Ang kulit ni Ma'am at parang tanga lang. Habang papalapit ang oras ng Chemistry ay ang pagsidhi pa lalo ng kaba sa aking dibdib, sa takot na mapahiya ay buong puso kong kinakabisado ang tungkol sa Gas law. Di na ako nag-recess at inilaan ang oras sa pagkakabisadosubalit ang kaba sa dibdib ay naibsan ng sinabi ni Sir Sellona na bukas pa ang recitation at discussion lang ngayon. Sa tuwa ay mas lalo pa ginanahan.

B-B. Sa Oras ng Filipino, walang teacher kaya ang iba kong kaklase ay nagharutan, nagkwentuhan at ang iba naman ay tumambay sa labas. Hinintay na lang namin mag-TLE. Nang TLE na, masaya ako dahil malapit ng mag-uwian at sa wakas ay may teacher na rin. Todo repaso ako sapagkat may maikling pagsusulitmamaya. Habang nagrerepaso ay tinalakay ni Ma'am Quimson ang tungkol sa kung paano makipag-date ang lalaki at babae saka kung mapapatagal ang pagsasama ng dalawa. Sa mga tinatalakay ni Ma'am, di ako masyadong maka-relate gawa siguro na kailanman ay di ko pa naranasang umibig pero hanggang crush lang. Maya-maya'y nagsimula na ang quiz. Nang matapos ang quiz at mag-check, di ako nasiyahan sa nakuhang resulta. Ilang sandali ay tumunog ang bell hudyat na uwian na. Bago umuwi ay hinintay ko muna si Ma'am Jamero sapagkat nangako ako sa kanya.

B-C. Maya-maya’y nagkita na kamini Ma'am at sabay kaming lumabas ng eskwela. Sinamahan ko si Ma'am hanggang sa kanyang bahay. Imbes na si Ma'am, ang asawa niya ang sumama sa akin papunta sa bahay ni Jacqueline (Mahinay) at alanganin para kay Ma'am ang daan pagkat gabi na. Ng makarating kami sa bahay ni Jacqueline, sinabi ng kapatid niya na tulog pa siya. Dahil tulog pa si Jacqueline, ang asawa ni Ma'am Jamero at ate ni Jacqueline muna ang nag-usap. Nanahimik muna ako sa isang tabi.  Maya-maya’y nagising na si Jacqueline at silang dalawa na ang nag-usap. Sana makumbinsi ni Sir na bumalik si Jacqueline kila Ma'am. Dahil malapit ng sumapit ang Alas-Nuebe at gabi na, nagpaalam na ko sa kanila at umuwi. Naglakad lang ako pauwi. Pagkauwi’y binuksan ko kaagad ang telebisyon bago kumain. Pagkatapos manood ng telebisyon, sa antok ay natulog na ako.



January 08, 2013
Tuesday

Year I-008

B-D. Dakong Alas-Siete ng magising ako subalit ang antok ay nananatili pa rin sa buong pagkatao. Sa antok ay pansamantalang umidlip ako. Alas-otso na ng tuluyan akong bumangon. Nakabukas ang radio nun at napakinggan ang balita tungkol sa naganap na shootout sa Atimonan, Quezon na kinasawi ng 20 katao at ngayon din ang bisperas ng pista sa Quiapo. Mamaya pang hapon ang aking pasok kaya ginawa ko muna ang assignment sa AP. Nang matapos ay nanuod na ko ng telebisyon. Pinanood ko ang paboritong programa at iyon ay Be Careful With My Heart. Ilang sandali pa ay inihanda ko na ang gamit at pumasok. Pagpasok at sa di inaasahan ay biglang dumaan sa aking harapan ang Crush ko at kasama ang barkada at di ko sasabihin kung sino siya. Parang tumindig ng husto ang puso ko ng makita ko siya at sa kilig di ako mapalagay. Maya-maya’y nagsilabasan na ang pang-umaga at nakapasok na rin kaming panghapon. Habang naghihintay ng teacher, biglang pumunta si Ma'am Jamero sa silid-aralan at sinabing di pumayag si Jacqueline na magkatulong sa kanila. Maya-maya’y may teacher na.

B-E. Sa oras ng MAPEH, pinakamasayang subject sapagkat mahilig magpatawa si Ma'am Petty, tulad ng kahapon ay tawa kami ng tawa subalit may lesson din naman at kinanta namin ang Si Patukaan isang kanta sa Indonesia. Habang kinakanta ay mistulan kaming nagriritwal sa di maintindihang wika sa liriko. Mas lalo pa kami natawa ng gayahin ni Ma'am Petty ang iba pa naming teacher kung paano sumayaw ng Si patukaan. Bago pa matapos ang MAPEH, ipinasa na namin ang project na Tawa-tawa. Sa oras naman ng Chemistry, tuloy na ang Recitation ng Gas law at isa-isa kaming nag-recite, buti na lamang at kabisado kona kaya di ako pautal-utal. Sa oras naman ng Filipino, bigla na lamang sumama ang pakiramdam ko, sa sama ay di ako makapag-aral ng maayos.

B-F. Pagsapit ng gabi, TLE na. Masaya nanaman kami dahil malapit na ang uwian. Nag-discuss lang si Ma'am Quimson at habang nagdi-discuss, biglang tumunog ang bell at hudyat na uwian na. Kasabay ko sa pag-uwi si Ma'am Jamero. Habang naglalakad ay napakarami niyang kwento tungkol kay Jacqueline. Pasado alas- Otso ng makarating ako sa bahay. Nakaraos din subalit napakasama ng aking pakiramdam at paos ako nun, sa sama ay nahiga ako at nanuod ng telebisyon. Matutulog na sana ako ng biglang dumating si Papa. Maraming dalang pasalubong Si papa galing ng Batangas at kami ay nagsikainan. masarap Buko pie ang nilantakan namin pati ang isdang Porak. Nang mabusog, tumungo na ako sa higaan, humilata at maya-maya'y napatulog na.



January 09, 2013
Wednesday

Year I-009

B-G. Pista ng Poong Nazareno, maaga pa lamang at di pa man nag-uumpisa ang transasyon ay di na mahulugang karayom ang Quirino Grandstand sa dami ng deboto na namamanata at upang makahalik sa Poong Nazareno. Alas Siete omedya ng mag-umpisang umandar ang andas ng Poong Nazareno. Pagkatapos manuod ng balita, gumawa na ko ng assignment sa English. Nang matapos ay nanuod muli ako ng balita. Nagmistulang dagat ang dating lansangan sa kapal at dami ng mga deboto sa Port Bonifacio subalit malayo pa ang Poong Nazareno sa Plaza Miranda. Maya-maya’y napansin kong alas dose pasado na at pumasok na. Parang tinatamad akong pumasok sapagkat medyo sinisipon ako at may pagbahing subalit nagawa ko pa rin pumasok alang-alang sa grado ko at malapit ng matapos ang ikatlong markahan. Pagkapasok ay inanunsyo ni Sir Rombo na may magkakaroon ng quiz bukas. Sumunod na asignatura ay Values, nag-check lamangkami ng Ugaling Pilipino.

B-H. Pagkatapos mag-check, dahil sa bilin ni Ma'am Ruiz na huwag ng tatayo pag ibabalik sa may-ari ang Ugaling pilipino, pinasuyo na lang namin sa katabi ang Ugaling Plipino upang makarating sa may-ari. Nakarating na sa lahat ang Ugaling Filipino subalit yung kay Ashley ay di pa dumadating. Maya-maya’y pumunta sa akin si Ashley at tinanong kung bakit di pa nakakarating sa kanya. Sinabi kong pinasuyo ko sa kanila at sil na ang may kasalanan. Hininalang baka may nagtago kaya di makarating sa kanya. Nalinawanagan si Ashley sa sinabi ko at agad siyang umalis. Masama pa rin ang pakiramdam ko at singa pa ng singa. sa oras ng MAPEH, di pumasok si Ma'am Petty, sa halip na mag-ingay ay naging abala ang aking kaklase sa paggawa ng assignment, maski ako ay sinamantala ko ang oras sa paggawa ng asignment subalit di ko pala dala ang Batikan. Nanghiram ako ng Batikan kay Charlotte subalit tumanggi ito.

B-I. Alam kong di sapat na dahilan na di lang pinahiram ng Batikan ay sumama na agad ang loob subalit yang si Charlotte kapag nangangailangan, di ko magawang tumanggi at tinutulungan ko pa siya. Naiines lang kasi ako sa taong tinulungan mo na nga pero di niya ibabalik at parang siya pa ang may ganang magdamot. Kay Stephanie na lang ako nanghiram. Mabilis pa sa Alas-kwatro kung pahiramin niya ko ng aklat at ng pahiramin, tila gumaan ang loob ko. Maya-maya’y nag-umpisa na ko sa pagsagot. Sa oras naman ng Chemistry ay nag-quiz kami. Habang isinasahawa ang Quiz ay sarap na sarap si Sir Sellona sa pagsa-soundtrip gamit ang kanyang laptop. Pagkatapos namin mag-quiz ay palihim kong ginawa ang assignment sa Filipino. Sabay tago ng aklat kapag lumalapit si Sir Sellona. Ilang sandali pa, natapos na ang oras ng Chemistry at Filipino na. Di ko pa natapos ang assignment.

B-J. Buti na lamang at may pinakanta si Ma'am Batara sa harap ng pisara dahil sa nahuli nitong nakikipagdaldalan, nagkaroon ako ng pagkakataong tapusin ang assignment. Natapos din at nakapagpasa ako. Sa oras naman ng TLE, pinag-aralan namin ang tungkol sa kasal kung null and void. Habang nagdi-discuss si Ma'am Quimson ay naantala ito ng magpunta ang gwardya at kasama nito si Poliquit. Sinabi ng gwardya na kanina pa niya nakitang pagala-gala si Poliquit at di pumapasok sa lumipas na ilang subject. Sa di makapagtimpi, pinatawag ng gwardya si Sir Rombo subalit wala ito. Bukod kay Charlotte, nabwisit na rin ako kay Poliquit sapagkat sa halip na humingi ng tawad, harap-harapan niyang sinagot ang gwardya pati si Ma'am Quimson.

B-K. Kala ko kay Poliquit magalang, yun pala parang walang pinag-aralan kung umasal, dapat sa kanya'y isailalim sa Guidance Councilor. Pagkatapos ay ipinagpatuloy ang lesson. Maya-maya’y tumunog ang bell at uwian na, masaya na naman sila at sa galak, sumigaw at naglululundag sila. Pag-uwi ng bahay, di pa man nakakabihis ay hinahanap kaagad ang ulam. sa gutom, napadami ako ng kain. Maya-maya’y nanuod na ko ng telebisyon. Ng matapos ang paboritong programa, balita naman ang pinanuod ko. Kitang-kita pa rin sa Quiapo ang dami ng deboto at di pa nakakapasok ng Plaza ang Poong Nazareno. Sa antok at sama na rin ng pakiramdam, tumulog na ko.



January 10, 2013
Thursday

Year I-010

B-L. Ang bilis ng takbo ng panahon, di sukat-akalaing sampung araw na kaagad ang lumipas at mangangalahati na ang Enero. Kahit tapos na ang Pasko, dama pa rin ang simoy nito dahil sa malamig na umaga. Sa lamig, napasarap ang tulog ko. Malapit ng sumapit ang Alas-Otso ng ako’y bumangon at mag-almusal. Nang makapag-almusal, inumpisahan ko nang gawinang assignment sa AP. Pagsapit ng Alas-Dyis ng matapos ko iyon at nanuod na ng telebisyon. Malapit ng matapos ang Two Wives kaya tutok na tutok ako sa panonood ng palabas na iyon. Ilang saglit pa ay pumasok na ko, suot lamang angpulang PE Uniform.

B-M. Mabuti na lamang at kumulimlim ang langit kaya pamasok ako ng di pumapatak ang pawis. Sa oras ng Math, nagkaroon kami ng quiz. Sa hirap ng pinapasagot, di kaagad namin natapos. Dahil marami pa ang di tapos sa quiz, sinabi ni Sir Rombo na pwede magpasa hanggang break time. Abalang-abala ang halos lahat sa pagsagot ng biglang di namalayang nasa pisara na si Ma'am Juanitez, Araling Panlipunan na pala at dali-daling tinago ang mga papel. Parang sagana kami sa quiz sapagkat may quiz kami maging sa AP subalit ang pinagkaiba ay pwedeng magbukas ng aklat. Lumipas ang tatlumpung minuto, tapos o di tapos kailangan ng makipagpalitan sa katabi. Nang maiwasto, di ko pa na-perpect subalit nagagalak pa rin at apat lamang ang mali. Maya-maya, English na pero wala pa si Ma'am Ramos.

B-N. Habang walang teacher, nagmistulang palengke ang silid-aralan sa ingay ng aking kaklase. Naines lamang ako sa magpinsang Bohol sapagkat ang kay haharot nila, pati ako'y di nakaligtas sa kanilang kaharutan. Ang lalakas pa man din mang-trip. Para di mapagtripan, umalis ako sa tabi nila at lumipat ng upuan. Parang nawalan ako ng kaibigan sapagkat silang dalawa lang ang nakakapalagayan ng loob at kakwentuhan kapag walang teacher subalit mabuti munang lumayo ako sa kanila para di masangkotsakaharutan. Ilang saglit ay dumating na si Ma'am Ramos. Sinabi ni Ma'am na hanggang ngayon na lang pwede magpasa ng Project at bawal ng humabol. Nangangamba akong baka bumagsak ako sa English dahil di ako nakagawa. Sa sobrang kaba ay napayuko ako, subalit parang dumaan lang ang kaba at kaagad naman napawi ng sabihin ni Ma'am na may project pang kailangang ipasa hanggang Lunes at iyon ay ang portfolio.

B-O. Nabuhayan ako at parang nabigyan pa ko ng isa pang pagkakataon. Maya-maya bigla kaming nagkaroon ng maikling pagsusulit at iyon ay tungkol sa napanood namin sa play. Ng matapos at nakapag-check, maganda nanaman ang nakuha kong marka kaya labis na ang tuwa sa dibdib. Sa oras ng MAPEH, wala nanaman si Ma'am Petty kaya maingay nanaman ang silid aralan. Di ko pinansin sina Jenny mae at Jessa (Bohol) at baka mangharot muli. Ilang sandali pa ay recess na. Di na ko pumunta sa canteen sapagkat may dala na kong baon na skyflakes. Maya-maya, Chemistry na. Pinag-aralan naming ang tungkol sa Boyle's law, Charles law at combine gas law.  Pagkatapos ay nagsagot na kami ng problem. Nakakaloka ang tanung sa amin ni Sir Sellona ng tanungin niya kami "Anung problema sa problem”. may sumagot pero mali hanggang sa naglabas ng pera si Sir na nagkakahalagang 200 piso. Muntik-muntikan na si Oliver subalit di pa rin niya nakuha.

B-P. Sasagot na sana kami pero umalis na si Sir. Parang kala mo matindi ang pangangailangan sa pera. Maya-maya, Filipino na. Nagkaroon rin kami ng quiz. kahit di alam ang sagot sa ilang katanungan, sinagutan ko pa rin baka sakaling makatsamba. Sa oras naman ng TLE, nag-discuss lang si Ma'am Quimson tungkol sa family type at patterns. Pagkatapos, pinagawa niya kami ng essay. Ilang sandali, tapos na ko sa essay at tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Sumama muli ang pakiramdam ko at naging malamig pa ang gabi. Dahil may recitation pa kami sa TLE, nagrepaso ako at ito aydibdiban. Alas-dyis na subalit di pa dumadating si Ate Leslie, baka kung ano ng nangyari sa kanya. Mabuti na lamang at nakauwi na siya kaya naging panatag ang kalooban namin.



January 11, 2013
Friday

Year I-011

B-Q. Thank God It’s Friday again, wala nanamang pasok kibukasan. Mukhang di pa rin kagandahan ang pakiramdam ko at pasama pa ito ng pasama. Malamig din ang lagay ng panahon at walang sumisilip na araw kaya mas lalo pa kong sinipon. Giniginaw ako at parang gusto pang humiga. Kahit masama ang pakiramdam, ipinagpatuloy ko ang pagrerepaso sa TLE upang di magkalat mamaya sa recitation. Bukod sa sinisipon, ilang ulit na rin akong dumudumi at tubig pa. Sa nangyayari sa akin, natatakot akong baka kung anung sakit ang nakuha ko. Habang nagrerepaso, may narinig akong isang sigaw na nagmula sa labas. yun pala, nag-aaway sila Ate Lorlie at kuya Junior na kapwa mag-asawa. sa lakas ng boses ng dalawa, dinig na dinig hanggang sa bahay. Di pa natatapos ang hidwaan ng dalawa ng may narinig nanaman akong panibagong ingay. Nagwawala pala si Aling Candy. Dahilan ng kanyang pagwawala ay ang pagkakalat ng mga bata sa daanan na kanyang winawalisan. Ngitngit na ngitngit sa galit si Aling Candy. Sa galit, nakapagbitaw siya ng di magagandang salita.

B-R. Kapag umaga kasi siya ang naglilinis ng kalat na iniwan ng mga walang disiplinang tao, paano naman siya di magagalit, siya na nga ang naglilinis tapos may nagkakalat pa. Maya-maya, pumasok na ko. Makulimlim muli ang panahon at may pag-ambon pa. Bukod pa roon, mukhang masama pa ang pakiramdam ko. Pagpasok, wala pang teacher at dahil walang magawa, pagsasagot ng problem sa Chemistry ang aking inatupag. Habang abala, bigla ko na lang narinig na malakas na nagtitilian ang mga classmate kong babae. Hindi ko batid kung sinong lalaki ang kanilang tinitilian.

B-S. Kahit kailan, basta may nakitang poging lalaki, titili agad na parang nasisiraan ng bait ang mga kaklase ko at ang haliparot pa lalo na si Jayvie Ann at Crislyn. Ilang sandali, pumasok na si Sir Rombo at tumigil ang tilian ng mga classmate ko. Dumungaw ako sa bintana, pagkakita sa lalaki. Matangkad ito at medyo may kaputian, nakikipag-usap sa mga babae na mukhang ayaw siyang paalisin subalit parang may naamoy akong di karapatdapat, yun palaisa siyang paminta. Sa oras naman ng MAPEH, wala muling teacher. Napagtantong ninakawan ako. Ang nakakatuwang isipin, di pera, di libro at lalong di Cellphone kundi ang baon kung Fita ang nanakaw.

B-T. Nakakainis ang magnanakaw na yun at sana mabulunan siya kapag kinain. Dahil walang mabaon, ang ipon kong pera ang pinangbili ng pagkain. Sa sobrang gutom, sige lang ako sa paglamun ng pancit canton with buns. Pagkatapos ay Chemistry na. nadatnan kong tutok na tutok ang mga kaklase ko sa laptop ni Sir Sellona. Pinapanood nila ang video ni Beyoncè knowles habang bumibirit ng kantang “Listen”. Sa taas ng tinig ni Beyoncè, kahit sino man ay wala makaka-break sa kanya. Maski ako ay mapipiyok kapag high pitch ang kanta. Pagkatapos ay nag-lesson kami. Sa halip na si Sir Sellona ang nagturo, ang lalaking nasa laptop ang nagmistulang guro naming subalit American style at slang pa ang accent. Nang matapos ay sinagutan na namin ang Gas law problem.

B-U. Sa oras naman ng Values, di pumasok si Ma'am Ruiz sapagkat may sakit ito. Bumalik nanaman sa kaingayan ang mga kaklase ko subalit sa sama ng pakiramdam, nanahimik lang ako at nag-nap. Makalipas ang isang oras, TLE na kaya bumalik na sila sa kanya-kanyang upuan. Ang akalang recitation nauwi sa Long test. Di ako masyadong nakapaghanda kaya konti lang ang aking nasagutan. Ilang sandali, tumunog ang bell at uwian na. Naging maulan ang uwian. Kasabay ko si Gangang sa pagsakay sa tricycle at kami’y nagkwentuhan. Sa lakas ng ulan, nabasa kami. Umuwi akong basang-basa, kaya lalo pa kong sinipon at nanginginig pa. Humigop ako ng mainit na sabaw para maalis ang ginaw at maya-maya, nagpahinga na ko.



January 12, 2013
Saturday

Year I-012

B-V. Sabado at walang pasok ang mga estudyante. Pagkagising, nakaramdam ako ng pamamaga ng lalamunan. Hirap din ako sa paghinga dahil sa baradong ilong. Sa sama ng pakiramdam, tumulog muna ako. Mga dakong Alas-otso na ng bumangon ako. Panay ang singa ko at bahing pa ng bahing. Masama na talaga ang timpla ko at mukhang sisinatin pa. Sa sama ng pakiramdam, di na ko nakadalo ng practice at nagpahinga na lang. Ipinabatid ko sa aming leader na di ako makakapunta, kaagad naman niya iyon kinunsidara. Maya-maya, sunod-sunod akong inubo at di lang sisinatin kundi lalagnatin pa. Upang bumuti, uminom ako ng gamot at sinabayan rin ng pag-inom ng kalamansi. Sinigang na isda ang aking naging pananghalian at upang magkaroon ng sapat na bitamina sa katawan. Pagkatapos kumain ay natulog ako. mga Alas-Dos ng gumising ako. Bahagyang bumuti ang pakiramdam ko subalit sinisipon pa rin. Inumpisahan ko na ang paggawa ng portfolio sa English. Sa tindahan sana ni crush ako bibili ng materials para sa portfolio subalit nahihiya akong makaharap siya. Napalayo pa ko at kina Aling Nenita na lang ako bumili.

B-W. Sa bait ni Aling Nenita, nakautang ako ng glue subalit nangako akong babayaran iyon. Pagkauwi sa bahay, inumpisahan ko na ang paggawa. Old magazine ang ginawa kong portfolio. Nagkulang ako sa scatch tape kaya bumili pa ako. Habang nasa labas ay bigla na lamang umambon. Kitang-kita ko sa kalawakan ang bahaghari subalit malabo ito. Maya-maya, hapunan na, itinigil ko muna ang paggawa ng portfolio at naisipang mamaya ko na lang iyon gawin. Sinigang muli ang aming ulam at sadyang inasiman at dinamihan ng sabaw ni Mama para ako'y gumaling at mapuksa ang taglay na sakit.

B-X. Ilang sandali, dahil sa napakakulit ng aming alagang aso, nagsagutan si Mama at Papa. Aksidenteng nabuksan ni Mama ang pintuan kaya nakapasok ang aso at nanitili nanaman sa ilalim ng katre subalit ang kanilang alitan ay nauwi sa pagkwekwentuhan, buti naman at nagkabati rin sila. Pagsapit naman ng Alas-Otso, Maala-ala mo kaya na. Napakaganda ng kwento sa Maala-ala mo kaya sapagkat tungkol iyon sa may kapansanan. Simula pagkabata kasi, may kapansanan si April na Cerebral palsy at dala-dala niya iyon hanggang sa magdalaga. Ang kanyang kapatid na si David ang laging nakaalalay sa kanya saan man magpunta. Habang nanunuod, doon ko naisip na mas mahirap pa pala ang pinapagdaanan ng iba kaysa napagdaanan ko sapagkat nakita ko kung paano tuksuin ng kanilang kamag-aral si April.

B-Y. Sa kabila ng kanyang kapansanan, nagawa pa rin niyang mag-aral at ipinakitang siya ang pinakamagaling sa buong klase.  Sa huli, lumaban siya sa Quiz bee at nagwagi. Punong-puno talaga ng inspirasyon ang palabas na iyon at ipinapakita niya sa atin na kaya niyang mangingibaw at magtagumpay kahit ganyan lamang siya. Patunay nga na hindi sukatan sa pagiging normal ang kagalingan ng isang tao kundi sa masikap at may pagpupunyagi. Katulad ko rin siya na nasa Third year na ngayon. Pagkatapos manood, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng Portfolio sa English. Alas-onse na ng matapos ko iyon at sabay natulog.



January 13, 2013
Sunday
Year I-013

B-Z. Matapos ang ilang araw na maulan ang panahon dahil sa Bagyong Bising, sa wakas ay nagpakita na rin ang haring araw. Kasabay ng pagbuti ng panahon ang pagbuti rin ng aking pakiramdam. Salamat sa maykapal sapagkat magaling na ko. Sinamantala ko ang mabuting pakiramdam sa gawaing bahay. Ako na ang nagwalis ng mga naiwang kalat at alikabok, pagkatapos hinugasan ko ang nakatambak na mga plato sa magdamag at ini-map ko ang sahig upang matanggal ang nakidikit na itim-itim. Sa dami ng ginawa, napagod ako subalit masaya ako sapagkat parang nagkaroon ako ng silbi sa pamilya.

C-A. Tirik na tirik na ang araw, hudyat na tanghali na pala. Bago ko ipagpatuloy ang paggawa ng portfolio sa English, natulog muna ako. Hapon-hapon, kapag walang pasok o dili kaya bakasyon, kinagisnan ko ng matulog. Alas-dos na ng magising ako. Nadatnan kong tutok na tutok sa panonood ng video si Papa. Ilang sandali pa, ng makapag-utay-utay ay nag-umpisa na ko. Nasa kalagitnaan ako ng paggawa at malapit ng matapos ng umalis si Papa papuntang palengke at sinabing bantayan si Kuya Al. Alas-kwatro na ng matapos kong gawin ang portfolio. Sa di inaasahang pangyayari, nakita kong nasira ni Kuya Al ang pintuan papasok ng kwarto. di maitulak ang pintuan papasok ng kwarto kaya naging mahirap sa akin ang pumasok.

C-B. Sa yamot, napagsalitaan ko ng di magandang salita ang kuya ko. Hinintay ko pang dumating si Papa. Pagkadating, sinabi ko kaagad kay Papa ang nangyari sa pintuan. Dahil si Papa ang nag-kukumpuni kapag may sirang gamit, kaagad niyang nabalik sa dati ang pintuan. Ilang sandali pa'y dumating na si Mama galing kila Tita Cleo at dala niya ang Death Certificate ng lola. Maya-maya pa'y inumpisahan ko ng sagutang ang Problem sa Chemistry. Sa gutom, di ko kaagad natapos at piniling maghapunan muna. Piniritong isda at Longganisa ang aming hapunan. Sa tindi ng gutom, mukhang napadami ako. Pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ng sagutan ng problem sa Chemistry. Sa dami ng sasagutang Problem, malabong matatapos ko iyon ng isang gabi. Mukhang tinatamad na ko at sa inip ay nanuod ako ng telebisyon.

C-C. Ang dami kong tawa sa Gandang Gabi Vice at parang kakabagan ang aking tiyan. Pano may nauso kasing term na "i-Dawn Zulueta mo ako" na nangangahulugang bubuhatin ka sabay iaangat ng tayog at iyon ang pinausong salita ni Vice Ganda. Kagaya rin ng ginawa ni Richard Gomez kay Dawn Zulueta sa Walang Hanggan. Noong 2012, may isa ring salitang pinauso si Vice Ganda at iyon ay PBB teens, pero ngayong 2013, i-Dawn Zulueta mo ako. Pakiramdam ko napasaya ako ngayong gabi sapagkat talagang nakakatawa si Vice Ganda at napakakulit malakas mang-trip nung naging guest niya sina Janine Tugunon at Grace Poe. Idol ko kasi siya sapagkat pareha kami ng kasarian, inaamin ko. 

C-D. Pakiramdam ko, karamihan sa mga Beki, magagaling magpatawa at napapasaya nila tayo sa kabila ng kakaibang tingin ng ibang tao. Mali ang husguhan na sila ay salot sa lipunan, sapagkat kung salot sila, di sana marami ng namatay dahil sa kanila. Sabi ni Vice Ganda, ang mga Beki at Tibas, dapat ring pahalagahan di pinupurga katulad na ginagawa natin sa Lalaki at babae.


January 14, 2013
Monday

Year I-014

C-E. May pasok nanaman. Alas-siete na pala ng ako'y magising, kaagad akong bumangon at nag-almusal. Pagkatapos, nagrepaso ako sapagkat malapit na ang Lagumang pagsusulit. Bukod sa malamig, naging mahangin ang umaga dala ng Hanging Amihan. Sa lakas ng hangin, nagkalat ang mga dahon sa lansangan at nabalot ng makapal na alikabok ang kapaligiran, parang Sandstorm ang nangyari kaninang umaga. Pagpatak ng Alas-dose, huminana ang ihip ng hangin subalit kasabay nito ang pag-ambon. Habang papasok, bahagya akong nabasa sapagkat umaanggi. Pagkapasok sa eskwelahan, napansin kong parang ang unti ng aking kaklaseng dumalo. Maya-maya, saka pa nagsidatingan ang karamihan ng aking kaklase. May dala-dalang damit na nakasupot at props. Bukod pa dun, naka-make-up pa sila at pulang-pula ang labi ng kolerete. Naisip ko na ngayon pala ang Performance sa MAPEH. Wala pang teacher sa mga oras na iyon kaya sinamantala ng mga kaklase ko ang pagkakataon para makapagpraktis. 

C-F. Ako naman ay pumunta sa aking kagrupo at tinanung sa leaderkung may pumalit sa aking karakter. Sa bait ni Pradez, kahit di ako nakadalo, di niyang ginawang palitan ako at siya pa mismo ang nagbigay ng script sa akin. Pagkabigay, pwersado kong kinabisado ang Script. Hindi naging biro ang role ko sapagkat gaganap ako bilang Friar. Kailangang may feelings ang akting ko kung paano ang maging isang Friar, di lang sa pagkakabisado upang masabing may ibubuga ako pagdating sa aktingan. Habang nagkakabisado, ang biglangpagdating ni Sir Rombo. Nagkaroon kami ng long test sa Math. Sa sobrang abala para sa paghahanda sa MAPEH, di nakapaghanda ang halos lahat ng kaklase ko sa long test. Marami sa amin, nangangamoteng sumagot at marahil babagsak. Maski ako'y mukhang mapupuruhan sa hirap ng long test. Nang malapit ng mag-time, nanghula-hula na lamang ako hanggang sa magpasahan na. Sa oras naman ng English, ipinasa ko na ang ginawang Portfolio.

C-G. Dahil isang oras lamang ang MAPEH, nakiusap kami kay Ma'am Ramos na hiningiin ang oras ng subject niya para makapaghanda. Kaagad naman pumayag si Ma'am Ramos. Habang English pa at di pa MAPEH, nagkabisado ulet ako. Lumipas ang ilang minuto ay MAPEH na subalit wala pa si Ma'am Petty. Maya-maya, dumating na si Ma'am Petty at kabadong-kabado na ang lahat, subalit ang kaba sa dibdib ay napalitan ng galak ng sabihin ni Ma'am na di tuloy ang play at bukas na lang. Lumawig pa tuloy ang oras para makapagpraktis. Ilang saglit pa, recess time na. Sa oras na ito'y wala akong ginawa kundimagkabisado ng Script.

C-H. Maya-maya’y Chemistry na. Parang na-badtrip si Sir Sellona, dahil lumabas sa Periodical test ang di pa niya naituro. Bago pa man sumapit ang oras ng Filipino, may dumating na tatlong estudyante at ibinalitang pumanaw na ang kanilang kaklase, Fourth year student na ito at nanghingi sila ng konting limos para sa abuloy. Sa awa ko, nag-ambag ako kahit limang piso. Maya-maya’y Filipino na. Sa halip na makipagdaldalan sa katabi, pagkakabisadomuli ng script ang aking inatupag habang wala pang Teacher. Nang ako'y makapagbisado, nagrepaso ako sa TLE sapagkat may long test kami. Naging sisiw lang sa akin ang long test at kaagad ko iyon natapos. Pagkatapos at bags mag-uwian, inanunsyo ni Ma'am Quimson ang mga dadalhin bukas para sa paggawa ng Project.

C-I. Maya-maya’y tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Pagkauwi’y binuksan ko kaagad ang telebisyon at inabangan ang teleseryeng Ina kapatid anak. Halos tutok na tutok ang mata ko sa palabas na iyon ng malaman ni Celyn na siya ang nawawalang anak nina Julio at Beatriz. Bukod pa doon, nagsapakan sila ni Beatriz at Theresa maging sina Margaux at Celyn. Talagang umaatikabo na ang eksena sa palabas at parang di ako maka-move on sa aking napanuod. Pagkatapos, niratsadahan ko ang aking script. Kabisado ko na ang aking script subalit di ko maipakita ang Facial Expression kaya kailangan pa ng kaunting ensayo. Maya-maya pa, natulog na ako at laking gulat na lamang pagkat katabi ko sa higaan si Papa, di pala ito pumasok gawa na may rayuma siya.



January 15, 2013
Tuesday
Year I-015

C-J. Mga dakong Alas-singko nang magising ako at may praktis kami ng Alas-otso. Tinatamad pa kong bumangon dahil sa lamig ng panahon subalit kailangan kong labanan. Bago umalis ay inihanda ko muna ang lahat ng Materials na gagamitin sa TLE project making. Maaga rin akong naligo at dama ko ang ginaw dulot ng Amihan. Di pa man sumasapit ang Alas-otso, nakabihis na ko at nakahanda na ang lahat ng aking dadalhin. Mabuti na lamang at kaagad na napuno ang Tricycle kaya nakaalis kami kaagad. Pagdating sa Park, marami pa ang wala sa amin. Ang iba pa nga, abalang-abalang kinakabisado ang kanya-kanyang script. Ilang saglit makalipas, unti-unti ng nagsidatingan ang aming kagrupo.

C-K. Nang makumpleto na ang kagrupo, doon na kaming nag-umpisang magpraktis. Tawang-tawa ako sa aking sarili habang sinasayaw ang Good time, parang robot akong sumayaw. Nang ako na ang aakting, kabisado ko na ang aking script at di na ko pautal-utal sa pagsasalita. Alas-dyis, pumunta kami sa bahay nina Jobil. may takot na ko sa kanyang nanay kaya di na ko pumasok sa kanila at hinintay na lang sina Noemi. Buti na lamang at pinayagan si Jobil ng kanyang nanay. Pagkadating muli ng Park, ang pagpapraktis, nauwi sa paghaharutan. Minabuti muna naming pumunta sa bahay nina Noemi at manatili. Abalang-abala sa pagme-make-up sina Jenny mae sa bahay nina Noemi.

C-L. Sa di namalayang oras, halos malapit ng sumapit ang Ala-una. Bago kami pumasok, dumaan muna kami sa Park. Kahit tirik na tirik na ang araw, di kami pinawisan dahil sa mahanging panahon. Tulong-tulong ang mga kaklase kong babae sa paglalagay ng make-up. Nang matapos sa make-up, parangdadalo lang sila sa Junior Senior prom. Pagpasok sa silid-aralan, nakalagak na ang lahat ng mga props, Costume at speaker na gagamitin sa sound effect. Handang-handa na nga kami para sa play pero bago ang play, may tatlo pang subject na pagdadaanan kaya may oras pa para makapaghanda. Sa oras nang English, ibinigay na ni Ma'am Ramos ang oras para makapagbihis kami ngcostume. Ng makapagbihis, di pa nga sumasapit ang buwan ng Mayo ay parang Flores de Mayo na sa ganda at napakailagante ng suot na Gown ng mga babae, ang iba pa nga naka-tube, nagtatankaran ang mga takong at suot ang makikinam na hikaw at kwintas. Grabe!  Sobrang namangha ako sa kanilang kasuotan at ibang-iba na ngang manamit ang mga kaklase ko, mukhang kayang makipagsabayan sa mga susyalin.

C-M. Ang mga lalaki naman, nakasuot ng formal attire with necktie at black pants pang-ibaba. Kahit di kapogihan, litaw pa rin at kala mong anak mayaman. Pakiramdam ko nga parang di public school ang pinasukan ko kundi sa mamahaling school, kahit ikaw, iisipin mong supistikadang silang tingnan at umasta. Maya-maya’y handa na ang lahat at nag-umpisa na ang Stage play. Kagrupo ko ang naunang nag-perform sa harap. Kahit di pa ko ang nakasalang sa harapan, malakas na ang aking kaba at bakaako pa ang mitsa ng aming pagkabigo. May mga ilang lines lang na-miss ang mga naunang umakting subalit detelyado ang kanilang performance. Romeo and Juliet ang naging play namin. Habang sinasagawa, Doon ko nalaman ang istorya ng Romeo and Juliet.

C-N Nang malapit na kong sumalang, palakas ng palakas ang kaba subalit pilit ko iyon nilabanan alang-alang sa aking grado. Hanggang sa ako na nga ang nasa harapan. Suporta ng aking kaibigan na nasa upuan ang nagpalakas ng aking loob kaya nakaakting ako ng maayos at di ako nautal. Ako na marahil ang pinakamasayang tao sa mundo kahit mababaw sapagkat nagawa ko ng maayos ang aking Role. Ilang saglit pa natapos na kami at sunod na grupo naman ang nag-perform. Phantom of the Opera Naman ang sa kanila. Sa nakita ko sa kanilang Performance, talagang nasa teatro ka sapagkat ang galing ng kanilang konsepto. May kumakanta pa at may sumasayaw habang umaakting. Mukha ngang nakuha nilang pagsabayin. Piling ko kabog kami sa kanila.

C-O. Hanggang sa inanunsyo ni Ma'am Petty ang aming grado. 92 ang nakuha namin samantalang 95 sa kabila. Sabi pa nga ni Ma'am Petty, maliit lang ang lamang nila sa amin at nakakatuwa pagkat labis siyang na-satisfied. Matapos ang MAPEH, Recess time na. Sa oras ng recess ay balik sa dating anyo ang mga kaklase ko. Parang bumalik sa dating kasuutan ang kaninang napaganda sapagkat balik sa Uniform kaming Lahat. Maya-maya, napansin kong may nag-sisiiyakan di dahil sa Over Whelm kundi may nawalan ng Digicam. Si Eljean ang nagmamay-ari ng nawawalang Digicam at binigay sa kanya iyon ng kanyang magulang. Di pa man nakakalayo ang oras, May pangalawa pang insidente ng pagnanakaw at iyon ay ang sapatos ni Theresa subalit nakakatawang isipin na ang kanyang sapatos na nawawala ay natagpuan sa Male Comfort Room. Nakita na ang sapatos ni Theresa subalit di pa Naibabalik ang Digicam ni Eljean, mukhang malabo na marahil iyon maibalik. Maya-maya, TLE na at sa oras na itoay gumawalamang kami ng Project. Thank You Card ang aming ginawa na ibibigay para sa aming magulang. Dahil kapos na sa oras, sa bahay na naming ipinagpatuloy gawin at bukas ang pasahan.


January 16, 2013
Wednesday
Year I-016

C-P. Pagkadilat ng parehong mata, dama ko kaagad ang malamig na umaga at nakakatamad pang bumagon. Maya-maya’y bumangon na ako at gumawa ng project sa TLE. Nilagyan ko ng iba’t ibang palamuti ang aking Card upang lalo pang maging impressive sa paningin. Nang matapos ay pinabasa ko iyon sa akingmga magulang at pinapirmahan. Natuwa naman si Mama sa aking ginawang Thank You Card. Maya-maya’y nagrepaso na ako sa Chemistry. Mga Alas-dose y medya na ng pumasok ako sapagkat tinapos ko munang panoorin ang paboritong Teleserye na Be Careful With my Heart. Mistulang palengke ang silid sa ingay ng kamag-aral at maya-maya, pumasok na si Sir Rombo.

C-Q. Sa oras ng Math, tsinekan lang namin ang Long test. Pagkatapos ay di ako gaanong nagalak sa resulta sapagkat di ako pasado. Itinago ko ang aking long test paperupang gawing reviewer. Sa oras naman ng English ay nagkaroon rin kami ng long test. Dahil puro tungkol sa figure of speech, naging madali lang sa akin ang pagsusulit at kaagad ko iyon natapos. Ganoon din sa Values. Sa oras naman ng MAPEH, ang inaakalang may Long test, recitation lang pala. Medyo kinakabahan ako sapagkat baka wala akong maisagot kapag ako ay natawag. Nang ako na ang tinawag at tinanong sa recitation, naging madali sa akin ang tanong at mabilis ko iyon nasagot. Kumpiyansa ako sa aking sarili na tama ang aking sagot kaya di nagawang magduda. 

C-R Sa oras naman ng Chemistry, nagkaroon kami ng Group review. Habang sinasagutan ang bawat set ay tulong-tulong kaming magkakagrupo sapagsagot. Nang tsekan, sa naging resulta, lahat ng aking kagrupo ay magkakaparehas ang nakuhang marka at isa lang ang aming mali. Masaya kami sa naging resulta at dahil nagkaroon kami ng soliditary. Sa oras ng Filipino, nagtsek kami ng long test. Di rin ako gaanong nagalak ng malaman ko ang aking iskor. Maya-maya ay TLE na at maagang dumating si Ma'am Quimson. Pagkadating ay kaagad naming ipinasa ang gawa naming Project subalit sa lalaki muna ang mauuna. Sa bawat tsinetsekan ni Ma'am Quimson ay sinasabi niya ang bawat na aming pagkakamali at ibinabawas sa anumang grado na kanyang ibinigay.

 C-S. Pagkatapos sa lalaki, sa babae naman. Dahil sa harapan ako nakaupo, nasaksihan ko kung paano nag-away ang magpinsang Bohol sa pagpapasa ng Project. Sa pagbabangayan ng dalawa, nakapagsabi si Jessa ng di magandang salita kay Jenny Mae. Ang di alam ni Jessa, ang salitang kanyang binitiwan ay dumaplis sa teynga ni Ma'am Quimson. Pinatayo ni Ma'am Quimson si Jessa at pinagalitan. Sobrang nasita ni Ma'am Quimson ang pagmumura ni Jessa kaya ito umiyak.  Maya-maya uwian na. kaibigan ko si Jessa kaya dinamayan ko siya hanggang sa paglabas naming sa gate. 

C-T. Pagkauwi’y kumain ako at nanood ng Telebisyon. Pagkatapos manood ay nagrepaso ako sa Filipino at Chemistry. Todo pagsusunog na ng kilay ang ginagawa ko ngayon sapagkat bukas na ang aming Periodical Test. Malapit ng Mag-Alas-dose ng ako’y matulog at goodluck sa exam bukas.


January 17, 2013
Thursday

Year I-017

C-U. Alas-singko pa lamang ng umaga, gumising na ko. Parang mas lalo pang lumamig ang umaga kaya ginaw na ginaw ako. Di pa man ako nakakapag-almusal, pagbubuklat ng reviewer sa Chemistry ang aking inatupag. Nakalimutan ko na rin inumin ang Vitamins sa dami ng inaalalang sagot. Pagkatapos magrepaso sa Chemistry, saka pa lamang ako nakapag-almusal. Ng mabusog sa pag-aalmusal ay ipinagpatuloy ko ang aking pagrerepaso. Math naman angsunod na aking nirepaso. Para sa akin gusto ko ng makakuha ng mataas na marka kaya todo pagrerepaso ako. Mga Alas-dyis ng pansamantala kong itinigil iyon sapagkat manananghalian pa. Habang nanonood ng telebisyon, pasimple akong nagbabasa at tinatandaan ang bawat sagot. Marami na akong narepaso sa Chemistry at Math kaya sigurado akong marami rin akong maisasagot para sa Periodical Test mamaya. 

C-V. Alas-dose y medya na ng pumasok ako sa eskwela. Pagpasok, nadatnan kong marami na kong mga kaklase ang nag-aabang sa harap ng classroom at ang tagal lumabas ng mga Fourth year. Habang nag-aantay, sa halip na makipagdaldalan ay nagrepaso muna ako. Maya-maya pa, lumabas na ang Fourth year at sa wakas, nakapasok na kami. Habang wala pang teacher, pag-aayos ng upuan ang aming inatupag. Nakakapanibago lamang sa Periodical test sapagkat sa mga naunang Periodical test ay Half day lamang subalit ngayon ay Whole Day. Lumipas ang ilang sandali, dumating na Si Sir Rombo. Sa bawat aytem na aking sinasagutan, mukhang di naging kalito-lito sa akin ang mga Choices at alam agad ang aking isasagot. Sa dali ng exam sa Math. Wala pa sa trenta Minutos ay tapos ko na.

C-w. Maya-maya, biglang nakita ko sa Blackboard na Bonus ang Number 6 at 21. Dahil automatic Check ang isang aytem pag bonus, tsinekan ko ang Number 6 at 21. Namaling-akala ako ng sabihin ni Jobil na sa Fourth Year iyong bonus. Ayaw kong madumihan ang aking answer sheet kapag binura ko ang tsek kaya ipinagpatuloy ko ang pagtsetsek kahit wala pang answer key. Pagkatapos ay naglagay ako ng Note na “Pakigitling na lang kung mali”. Palagay ko ang aking pagkakamali, natapalan ng aking pamamaraan subalit kaagad na isinumbong ng kaklase ko kay Sir ang aking ginawa.

C-x. Ang akalang nagbibiro na si Sir ay nauwi sa totohanan. Naninisik na mga mata ang ipinakita niya sa akin at sa bawat na sabihin niya sa akin, parang espadang sumasaksak sa aking puso at ito'y tagos hanggang likod, masakit at nakapagdurugo. Sa mga sinabi ni Sir, labis ang aking pagsisi sa aking padalus-dalus subalit nandiyan na. Ang di ko lang matanggap ay yung sasabihin niya sa akin na manduruga ako kahit hindi. Oo tsinekan ko ang aking answer sheet kahit wala pang answer key subalit di na nangangahulugan na nanduga ako at di ko ugaling manguna sa Teacher. Lalo pang dumugo ang aking puso ng pagbantaang niya ibabagsak niya ako at harapan niyang ipinakita sa akin kung paano punitin ang aking answer sheet. Nanlumo ako at di ako makapaniwalang mangyayari ang bagay na iyon.

C-Y. Kahit tapos na ang MATH, dama ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Sir Rombo. Tanging mga kaibigan ko lang ang nagpalakas ng aking loob at sinabing joke lang na ibabagsak niya ako. Napalitan ng kapanatagan ang aking kalooban subalit di pa rin naghihilom ang sugat na nilikha ni Sir Rombo. Nagawa ko pa rin tumawa dahil sa mga kaibigan ko. Oras ng English, walang Teacher kaya maingay nanaman ang aking mga kaklase. Sa oras na iyon ay mas lalo pa nila ako pinasaya at pinadamang kakayanin ko iyon. Maya-maya, MAPEH na. Nagkaroon kami ng Unit Test subalit Dictation lang. Madali lang ang Tanung, syempre iba talaga kapag nag-aral ka. Sa oras naman ng Chemistry, nagkaroon rin kami ng Periodical test. Ang kakaiba sa Periodical test, open Notes at pwedeng tumingin sa Reviewer. I like Sir Sellona but I hate Sir Rombo. Dahil nakapagrepaso ako, di Ko ginawang tumingin sa reviewer at galing mismo sa aking sarili ang mga sagot. Halos lahat ng aking kamag-aral, puro buklat ng reviewer kaya parang di na exam ang nangyari. 

C-Z. Maya-maya natapos ko na ang exam at ako pa mismo ang nauna. Ako ang pinagkolekta ni Sir ng mga Answer Sheet ng aking mga kaklase. Sa oras naman ng Filipino wala pa Si Ma'am Batara, dahil napahiwalay nanaman ako sa aking mga kaibigan, lumungkot nanaman ako at kinimkim ang sinabi ni Sir Rombo. Sa Sobrang Dama ko, palihim akong lumuha. Maya- maya dumating na si Ma'am Batara at Nag-umpisa na ang exam. Natapos ang Periodical ng buong araw at uwian na. Kabado akong umuwi sapagkat kapag sinabi ko kila mama ang nangyari sa akin kanina, di ko alam ang magiging reaksyon nila at baka ikagalit nila. Pagkauwi, sa takot na baka mapagalitan ay tikom muna ang aking bibig. Sasabihin ko naman talaga sa kanila subalit di pa ko handa. Ang malamig na gabi pa lalo ang nagpabigat sa aking nararamdaman. Ang sakit ng sinabi niya.



January 18, 2013
Friday

Year I-018

D-A. Malapit ng sumapit ang Alas-Otso ng magising ako. Di ko pa rin makalimutan ang mga sinabi sa akin ni Sir Rombo at parang napanghihinaan ako ng loob na pumasok, ang problema ay di ko iyon maaring gawin sapagkat may Exam pa kami. Bukod sa ramdam ko pa rin ang sakit, hindi pa ko handaupang sabihin kay Mama ang tunay na nangyari kahapon. Nadatnan kong naglalaba si Mama, darating na nga sa puntong sasabihin ko sa kanya subalit takot ang pumipigil sa aking balakin. Kahit kaharap ko na si Mama at may pagkakataong sabihin, di ko pa rin magawa. Saka lang ako nagkalakas loob habang naghuhugas ako ng plato.

 D-B. Di ko akalain na matatawa lang pala si Mama sa aking kwinento at pinagsabihan niya lang ako. Sa aking ginawa, parang gumaan ang aking nararamdaman. Mas lalo pang gumaan ang aking loob ng binigyan pa ako ni Sir Rombo ng isa pang pagkakataon upang makapag-exam subalit may penalty at iyon ay di ko maaaring sagutan ang Number 6 hanggang 21. Mabuti na rin iyon kaysa piliin kong sagutan ang 6 hanggang 21 pero ibabagsak naman niya ako. Inantay pa ako ng aking mga kaklase matapos bago tsekan. Nang matapos ako, tsinekan na namin ang test at nag-aytem analysis. Kahit mababa ang aking nakuha dahil sa pangyayari, ayos lang iyon sa akin, ipapasa naman ako ni Sir.

D-C. Nang matapos ang Math, AP na. Sa wakas at natapos na rin ang aking problema subalit di pa tapos ang Periodical Exam. Kahit Tagalog, Naging mahirap sa akin ang Exam sa AP. Nang matapos ang exam, inanunsyo ni Ma'am Juanites sa amin kung sino ang walang project, Notebook at booklet. Laking tuwa ko ng di ko marinig ang aking pangalan. Pagkatapos, English na. Madali rin at kaagad kong natapos kaso nga lamang ang daming nangongopya. Ganun din sa MAPEH kaya nung natapos ako, pinapunta ako ni Ma'am Petty sa likod upang bantayan kung sino ang nangongopya. Maya-maya Recess na, habang wala pang Teacher, masaya kaming nagharutang magkakaibigan. Parang lalo pang naibsan ang aking nararamdaman hanggang sa tuluyan na itong nawala habang nagkakatuwaan. Ilang sandali, dumating na si Sir Sellona. Ako ang naatasan niya upang ianunsyo sa harap kung ilang ang nakuha namin sa periodical. Marami ang naka-40 at isa na ako dun subalit kaya naman sila nakakuha ng mataas dahil tumingin sila sa Reviewer. 

D-D. Ilang sandali, Values na Subalit wala pang Teacher. Naging maingay ang aming Section dahil marami ang naghaharutan. Inuudyok nila akong makisali sa kanila subalit di ko iyon tinanggap at piniling magrepaso sa TLE. Hanggang sa Dumating na si Ma'am Ruiz. Pinakamadaling exam na aking Tineyk ay ang Values. Sumunod na Asignatura ay ang TLE. Nagkaroon rin kami ng Periodical testsa TLE. Dala ng magdamagan kong pagrerepaso sa TLE, mukhang mape-perfect ko na ang Exam. Natapos din ang Periodical sa TLE at uwian na. Sa wakas nalampasan ko na ang Periodical test, hayahay nanaman! Kasabay nito ang problema ko. Sa uulitin muli. Pagkauwi, diretso kain agad ako ng hapunan. Maya-maya'y naisipan kong manood ng Les Misarables. Balak sanang tapusin subalit di ko iyon itinuloy sapagkat Alas-Onse na ng gabi.



January 19, 2013
Saturday

Year I-019

D-E. Nagtataka ako kung bakit bigla na lamang ginising ni Mama, masarap pa nga sana ang tulog ko subalit sa kakagalaw ni Mama sa akin, Nasira ang aking tulog. Pagkagising, umaga na. Iyon pala may ipinapanood sa akin si Mama at iyon ay ang fantasy na Hansel and Grettel. Habang pinapanood ko ang Fairy tale na Hansel and Gretel, naalala ko ang aking pagiging bata. Noong nasa pitong taong gulang pa ko hanggang walo, hilig ko ng manood ng mga fantasy kaysa Cartoons tulad ng CinderellaSnow WhiteSleeping BeautyJack in the beans stalkWizard of Oz at Alice in Wonderland. Parang na-miss ko ang dati kong pinapanood noong bata pa ako. Pagkatapos manood ay naglinis ako sa loob ng bahay. Habang naglilinis ako, kitang kita ko ang bultong mga alikabok na halos isang linggo rin di natanggal. Ng matapos ang gawain bahay, parang luminis at wala ng naiwang dumi. Maya-maya, ipinagpatuloy ko ang panonood ng Les Misarables gamit ang USB ni Ate Leslie.

D-F. Pang teatro ang palabas na ito na ginawang movie sapagkat ang kanilang pag-uusap ay dinadaan sa pakanta minsan sumasayaw pa ng Ballet at lahat ng cast sa Les Miserables ay ang gagaling kumanta. Namangha ako sa aking napanood at parang gusto ko pang ulitin. Ng matapos mapanood ang Les miserables ay nananghalian na ako. Nang mabusog sa panananghalian, natulog ako. Alas-tres na ako nagising at napasarap ang tulog ko. May balak rin akong magkumpyuter kaya nanghingi ako kay Mama ng pera. Habang nanghihingi ako kay Mama, sinabi niyang sasamahan ako sa pagkukumpyuter. Maya-maya naglamyerda na kami patungong computer shop. Matagal-tagal rin kaming di nakapagkumpyuter magkasama at matagal ko rin di nabuksan ang aking Facebook account. Pagkabukas ng Facebook account, marami ang nag-Friend Request. Kahit di kilala, kinompirma ko na rin. Matapos ang mahigit isang oras na pagkukumpyuter, malapit na pa lang mag-alas singko. Nagpaiwan na si Mama sa labas sapagkat bibili na siya ng panghapunan.

D-G. Ilang sandali, ang naipon kong pera mula sa aking allowance ang ipinangbili ko ng Big notebook sapagkat gagawa na ko ng Project sa MAPEH. Kila Aling Nenita ako bumili ng Big notebook at bago pa man ako umuwi, binayaran ko na ang utang ko sa kanila. Saktong nakita ko si Berna na pauwi na kaya sumabay ako sa kanya. Ang aming pag-uusap nauwi tungkol sa kanyang nanay. Ikwinento niya sa akin na palagi raw siya pinapagalitan at sa mismong harapan pa ng ibang tao, bukod sa pinapagalitan, nagagawa rin siyang saktan. Sabi pa nga niya sa akin, pag di niya matiis ang kanyang nanay, lalayasan niya ito. Pinayuhan ko si Berna at sinabing huwag niya iyon gagawin. Pakiramdam ko sa mga kwinento sa akin ni Berna ay parang naawa ako sa kanya at gusto ko siyang isalba mula sa pang-aalila sa kanya ng nanay pero buhay niya iyon.

D-H. Maya-maya pumunta ako sa bahay nina Regine (Miano) doon sa Recrap. Pagpunta ko sa kanila, nadatnan kong wala sila at sinabing nagpunta sila sa Resort. Si Ate BingKuya Eric at ang kanilang tatay ang naiwan sa bahay. Dahil wala sina Regine, si Ate Bing ang nakakwentuhan ko habang madilim at tanging kandila lang ang nagbibgay liwanag sa buong bahay nila. Hapunan na rin nila. Ayaw ko man kumain sa kanila dahil sa hiya subalit sa pauli-ulit na pang-uudyok ni Ate Bing di ko na nagawang tumanggi at doon na rin ako naghapunan. Pagkatapos ay nagpasalamat ako sa kanila sapagkat binusog nila ako at umuwi na ko. Sa aking kabusugan, di ko na nagawang maghapunan sa sariling bahay at nanood na lamang ako muli ng Movie. Malapit ng mag-Alas-dose ng matapos ang Movie.



January 20, 2013
Sunday

Year I-020

D-I. Linggo at Puro Oldies ang napapakinggan ko sa mga Radyo, bumangon na rin ako at dama ko ang napakalamig na umaga. Wala akong magawa sa oras na iyon kaya pakikinig ng mga awiting pang-oldies ang aking inatupag. Masarap pakinggan, banayad at parang nasa 1950 ka lang. kung nabubuhay ako sa panahong iyon, malamang iyon ang kinakahiligin ng mga nabubuhay sa panahong iyon. Ibang-iba na kasi ang mga kanta ngayon, puro mga RNB at Rap, na kinakahiligin ng mga kabataan. Masayang pakinggan subalit ang di natin alam, may pagkademonyo ang ilang lyrics tulad ng kanta ni Lady Gaga at tungkol sa pagkagunaw ng Mundo tulad ng Gangnam style, 2012 at Till The worlds end

D-J. Ang mga kabataan talaga, makarinig Lang ng bago, iyon na ang tatangkilikin kahit masama. Kungbaga sumasabay sa uso. Kahit 2013 na, patuloy pa rin pinapatugtug ang mga oldies sa mga Radio station tuwing Linggo. Pagkatapos makinig ng Oldies, inumpisahan ko ng gawinang Project sa MAPEH. Sa dami ng aking sinusulat, sumakit ang aking hintuturo. Sa pagod, nagpahinga ako. Mga Alas-dos na ng Hapon ako gumising. Maingay ang bahay nila Ate Melon sapagkat ngayong araw nila ipinagdiriwang ang kaarawan ni Angel na dapat sana’y noong isang araw pa. May nakita akong maraming lobo na nakabitin sa harap ng bahay nila at marami rin silang mga bisita, sa dami ng bisita, siksikan na halos sila sa iisang bahay sapagkat di naman gasinong kalawak ang bahay ni Ate Melon.

D-K. Kahit kaharap lang namin sila Ate Melon, di ako dumalo sapagkat di ko naman sila kaano-ano. Mas pinili ko na lang ipagpatuloy na gawin ang Project sa MAPEH. Sumapit na ang dilim, mas lalo pang umingay ang bahay nila Ate Melon. Di tuloy namin marinig ang pinapanood. Para di maingayan, sinarado na lang namin ang bintana at pati pintuan. Di ako makanood kaya gumawa na lang ako ng Project. Mga Alas-Dyis na ng Gabi ng Tumigil ang Videoke nina Ate Melon. Malamig na ang naging Gabi. Sa lamig, nagpainit ako ng tubig sabay ibinuhos sa timba na may malamig na tubig upang maging maligamgam. Inilublub ko ang aking paa upang mabawasan ang nararamdamang lamig. Halos malapit ng mag- Alas-dose ng ako’y matulog.



January 21, 2013
Monday

Year I-021

 D-L. Sa paggising ko, malamig na umaga muli ang sumalubong sa akin. Nakita ko ang kapaligiran na nababalot ng napakakapal na hamog dulot ng lamig na dala ng Hanging Amihan.  Ang lamig na aking nararamdaman, pansamantalang napawi ng ibilad ang sarili sa papasikat na araw, di pa nakakapaso at nakakapagbigay pa ito ng init sa katawan sapagkat Alas-otso pa lamang.  Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng project sa MAPEH. Malapit ng sumapit ang Alas-dyis ng matapos ko iyon. Ng matapos ko ang project, nagpahinga ako sandali. Habang nakaupo, naramdaman ko na tila humahapdi ang tiyan ko. Inisip kong dala marahil ng lamig ang pananakit ng tiyan pero iba at parang ibig kong ilabas ang kung ano ang nasa loob.

D-M. Hanggang sa dumumi na ko, ng matapos dumumi, parang guminhawa ang aking pakiramdam subalit panandalian lamang iyon at muli nanaman sumakit ang tiyan ko. Nakatatlong beses na kong dumumi, marahil ay lose bowel movement ako. Sa paulit-ulit kong pagdumi mukhang di ako makakapasok. Upang matigil ang paulit-ulit na pagdumi, uminom ako ng gamot. Panatag akong di na muling sasakit ang tiyan dahil sa gamot at pumasok pa rin ako. Pagpasok ay oras na ng Math, sumakit muli ang aking tiyan. Sa sakit, parang nagsisi ako at todo pagpipigil ang aking ginawa. Maya-maya, ang sakit na aking nadarama ay nabawasan hanggang sa mawala na. Ang kaninang ako na tahimik, umingay nanaman.

D-N. Sa oras naman ng English, wala kaming ginawa kundi ang itsek ang test paper sa periodical. Nang matapos ang tseking, ako'y nagagalak sa resulta sapagkat di kababaan ang aking nakuha. Sa oras naman ng MAPEH, nagkaroon kami ng practical test. Habang di pa ko tinatawag, todo repaso ako. Ng ako na ang nasa harapan kasama ang dalawa ko pang kaklase, kaba na may halong excitement ang aking nadama. Isang puntos lang ang aking nakuha samantalang mas mataas na puntos ang sa kanila, kahit isa lang, masaya pa rin ako at lalo pang sumaya ng magkamali si Jenny mae at kung ano-ano ang sinasagot sa practical test. Ang laki ng aming tawa. Bago, mag-breaktime, ipinasa ko kay Ma'am Petty ang project.

D-O. Oras na ng Chemistry subalit wala pang teacher, naging maingay ang buong classroom sa dami ng nagkwekwentuhan, ang iba pa nga, naghaharutan na parang bata. Ilang minuto ang lumipas, dumating na si Sir Sellona. Inanunsyo ang tungkol sa aming project para sa Fourth grading at mga kailangang ipasang requirements. Ng matapos magsalita ni Sir, inasikaso namin kung anong seatwork ang kulang kami. Nang malaman ang kulang, agad kong hiniram ang notebook at kinopya. Habang nagtuturo si Ma'am Batara, palihim kong ginagawa ang seatwork sa Chemistry. Ilang sandali pa ay TLE na. Wala kaming ginawa kundi magtsek at mag-aytem analysis. Habang nag-aytem analysis, naging maingay ang klase at puro sigawan na lang sapagkat marami ang nabwisit. Paano, iipunin ang test paper, tapos ibibigay sayo kapag marami na. Mahirap pa naman tingnan ang tama na sarili mong number at minsan ay nakakalito. Ilang sandaling lumipas, uwian na. Di gaanong malamig ang gabi. Pagkauwi, nanood ako ng telebisyon.  Pagkatapos di ako makatulog kaya text-text muna sa ka-textmate ko. Ng inantok, saka pa lamang ako natulog.



January 22, 2013
Tuesday

Year I-022

 D-P. Di ko pa gaanong dama ang lamig subalit dinig ko ang pagaspas ng bubong. Iyon pala ay umuulan. Dala ng ulan kaya napasarap pa lalo ang tulog ko subalit di na ko inaantok pa. Alas-sais ng umaga ay bumangon na ko. Kahit umulan ng madaling araw, sumikat pa rin ang araw pagkatapos nito. Nakapagbilad pa rin ako. Maya-maya ay nag-almusal ako ng masarap na french toast at mainit na kape. Pagkatapos, inumpisahan ko ng kumpletuhin ang seatwork sa Chemistry, habang inaayos ko ang aking notebook, napansin kong nawawala ang booklet ko sa AP at notebook sa Chemistry.  Nanlumo ako na parang gustong magwala subalit ang anumang problema na iyong kayayamutan ay patuloy mong dadanasin habang buhay at kailangang solusyunan. Gumawa ako ng paraan para may maipasang seatwork. Ang di gamit na notebook ang ginamit ko bilang Chemistry notebook. Pinunit ang may sulat na at saka ko nilagyan ng pangalan ng asignatura sa harap.

D-Q. Ang nawawala naman na booklet, papalitan ko na lang ng bago. Ilang sandali, inumpisahan ko na ang paggawa ng seatwork.  Malapit ng sumapit ang Alas-dyis ng itigil ko ang paggawa ng seatwork at ipapagpatuloy na lang mamaya. Nananghalian at pagkatapos ay naligo na ako. Mga dakong Alas-dose na ng tanghali ako pumasok. Habang wala pang teacher, abala ang lahat sa paggawa ng World problem at seatwork sa Chemistry.  Sana ay makapasa ako ng Third year.  Ngayong araw rin ang kaarawan ni Jenny Mae. Ilang sandali, AP na. Wala kaming ginawa kundi sagutan ang booklet, dahil nawawala ang aking booklet, kahit paubos na ay nakabili pa rin ako. Ng makabili, sinagutan ko kaagad ang ilang pahina. Solve na ang problema at may booklet naman ako.

D-R. Maya-maya ay nagtsek na kami. Sa oras naman ng English, gumawa kami ng sanaysay ukol sa problemang maaring kaharapin ng mga kabataan. Team work kaming gumawa ng sanaysay pagkat kopyahan ng Essay. Sa oras naman ng MAPEH, kapansinpansin kay Ma'am Petty ang mahaba niyang pilik mata at makulay pa ang buhok. Naka-false eyelashes si Ma'am ng blue. Inanunsyo rin ni Ma'am Petty ang tungkol sa project na ipapasa namin sa fourth grading. Pagdadala ng piniping tin can, Painting mula sa Illustration Board at magse-search kami ng Depressant Drugs. Sa oras naman ng Chemistry, kung kalian malapit ng mag-Filipino saka pa dumating si Sir Sellona. Dahil kapos sa oras, bukas na lamang ang Tseking ng Seatwork. Ilang sandali pa, TLE na. Sa oras na ito, masaya nanaman ang halos lahat dahil malapit na ang favorite subject nila, iyon ay uwian. Kahit may teacher, palihim kaming apat na nag-uusap tungkol sa gagawin kay Jenny Mae. Di lang ako nagdala ng Itlog kundi si Jobil, mas lalong magiging masaya at kapanapanabik ang mamaya. Pinagsama namin ang kanya-kanyang itlog at inilagay sa bulsa. Nang uwian na, pinapunta ni Noemi si Jenny sa maycampus at kinausap.

D-S. Habang kinakausap, ang di alam ni Jenny mae nakaabang na kami sa likod hanggang sa sabay naming ipinukol ang itlog sa kanyang ulo.  Nagmukhang basang sisiw ang Jenny Mae at grabe, sobrang saya namin. Nakaagaw tuloy sa atensiyon ng mga nagsisiuwian ang ginawa namin kay Jenny Mae.  Masayang-maya kaming lumabas ng eskwela at paulit-ulit na binate si Jenny Mae. Kami sigurong lima ang pinakamaingay na estudyante sa buong Batasan Hills National High school sa gabing ito. Pagkauwi, nakaramdam ako ng matinding gutom kaya napadami ang aking kain. Kahit nakatatlong plato na ako, di pa rin maalis ang aking gutom at gusto pang lumantak ng dami subalit baka maubusan ko ang Ate at mag-amok ng rematch. Parang wala akong Kabusugan tuloy.



January 23, 2013
Wednesday

Year I-023

D-T. Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na ang aking diwa subalit gusto ko pang itulog. Pagkadilat muli ng aking mga mata, kita ko sa bintana ang liwanag at nakakasilaw sa paningin. Umaga na pala at kailangan ng bumangon. Di pa man ako nakapag-almusal, paggawa agad ng seatwork sa Chemistry ang agad kong inatupag. Sa dami ng kailangang tapusin, bahagyang nagutom ako at piniling mag-almusal. Hinurnong tinapay na pinalamanan ng mantikilya ang aking agahan. Sa sarap ng gawa ni Mama, napadami ako ng kain. Saka ko ipinagpatuloy gawin ang seatwork ng mabusog. Habang abala kong tinatapos ang seatwork, may narinig akong parang may nagtatambol. Inilibot ko ang aking teynga saan mang panig upang malaman kung saan nagmumula ang tunog ng tambol. Galing mismo sa hilaga ang tunog at binagtas ko iyon.  Nakita kong may nangangampanya pala at iyon ay si Al Tolome, ipinamimigay ang mga fliers at campaign poster na may mukha niya, bukod pa dun, walang arte-arteng nakipagkamay si Al Tolome sa mga residente ng Taniman.

D-U. May kapogihan siya at maputi, di gaanong pinagkaguluhan sapagkat di naman kasikatan. Marahil, kapag sa eskwelahan namin siya nangampanya, naku at asahan mong magiging maingay ang buong kampus dahil sa dami ng magtitiliin at dudumugin ng husto upang magpa-autograph. Ang mga estudyante pa naman sa Batasan Hills National High School, makakita lang ng pogi, di na magkandamayaw. Saksakan kasi siya ng pogi at maningning pa ang kanyang ngipin. Sa panahong ito, laganap na ang pangangampanya sapagkat ilang buwan na lang bago ang eleksyon, asahang magpapatuloy pa ito hanggang sa matapos ang eleksyon. Nang sumapit ang Alas-dyis, natapos ko rin sa wakas ang seatwork. Dahil naglalaba si Mama at walang naglilinis, nagwalis muna ako. Pagkatapos ay nananghalian. Ang paborito kong piniritong manok ang aking pananghalian. Sa krantsines at lasa nito, napadami nanaman ang aking kain hanggang sa sumakit ang aking tiyan. 

D-V. Akala ko kailangan lang ilabas ang dumi, yun pala naimpatso na ko. Di lang isa kundi maraming beses akong dumumi at ang sakit talaga ng sikmura ko. Di na tuloy ako nakapasok at nagpahinga na lamang. Kahit nagpapahinga ako, dama ko pa rin ang pananakit ng tiyan at patuloy ang aking pagdumi, dala ng walang tigil ko sa pagdumi, nanghina. Uminom ako ng gamut upang mapatigil ang aking pagdumi, dinamihan ko rin ang inom ng tubig para di ma-dehydrate. Pagkatapos ay natulog ako. Malapit ng mag-Alas-kwatro ng magsing ako, naibsan ang pananakit ng aking tiyan subalit kumukulo pa rin. Inilabas ko na lang ang natitirang laman. Nang mailabas, nakahinga ako ng maluwag at nanumbalik ang aking dating lakas. Wala akong magawa sa bahay sapagkat di ako pumasok. Nilagyan ko na lang ng karga ang aking Cellphone upang may pang-text. Si Jayvie Ann at ang kanyang kapatid ang nakatiktikan ko, naalis ang aking pagkabato. Sarap ng aming pagte-text, di ko namalayan na sumapit na ang Alas-sais at oras na upang maghapunan.

 D-W. Itinigil muna namin ang pagte-text at naghapunan. Di ko gaanong dinamihan ang kain sapagkat baka sumakit nanaman ang aking tiyan. Ng makapaghapunan, nanood ako ng Telebisyon. Laman ng balita ngayon ang tungkol sa pagsad-sad ng American Ship sa Tubataha reef, pag-aaway ng dalawang senador at ang di matapos-tapos na balita tungkol sa Shootout sa Atimonan, Quezon. Marahil, marami ng pangyayari sa Pilipinas ang hindi ko alam sapagkat panghapon ako at di nakakanood ng Balita. Maya-maya, Pinatay ko ang Telebisyon at Nagkumpyuter ako sa labas. Mag-isa akong nagtungo sa Computer Shop at nakita kong puro mga binatilyo ang nagkukumpyuter, di ako naging kumportable, buti na lamang at nandoon si Elisa kaya sabay kaming nagkumpyuter. Pag-e-edit ng aking photos ang aking inatupag at pakikipag-chat sa Friends sa Facebook. Ilang sandali, Dumating si Ellen Joyce at Poypoy.

D-X. Mas lalo pa akong naging komportable at walang hiya-hiyang nakipagtalakan. Dumami pa ang aking kausap ng dumating si Jennifer (Gamale), dami ko ng kakilala. Alas-otso na ng gabi kami umuwi. Dami naming tawa sa mga joke ni Poypoy kahit di ko maintindihan, mas malala tumawa si Ellen Joyce. Sa lakas ngaming tawanan habang naglalakad pauwi, kami na marahil ang pinakamaingay magbabarkada.  Pagdating sa bahay ay nanood ako ng Telebisyon. Nang matapos ang paborito kong programa, ako’y natulog na at salamat sa maykapal sapagkat di na sumasakit ang tiyan ko.



January 24, 2013
Thursday

Year I-024

D-Y. Mas lalo pang lumamig ang umaga, sa tindi ng lamig nito na aking nararamdaman, balot na balot ako ng kumot. Kahit makapal na ang kumot, giniginaw pa rin ako. Nagpandoble ako upang di malamigan ang aking tiyan. Pagkagising ko, ngatog na ngatog ako sa lamig. Kakaiba ang lamig ngayon kaysa mga lumipas na araw. Siguro bumaba pa lalo ang temperatura. Upang maibsan ang lamig, naisipan kongibilad ang aking sarili sa papasikat na araw. Mas ramdam ko pa rin ang lamig kaysa init dala ng araw. Maya-maya, uminom ako ng mainit na kape upang mawala ang lamig sa katawan. Grabe, medyo giniginaw pa ako. Dahil wala namang takdang aralin sabi sa akin ni Jayvie ann, inumpisahan ko na ang pangongolekta ng mga papel na project sa Chemistry. Wala na kong makulektang papel at nananghalian na. Tirik na ang haring araw subalit nilalamig pa rin ako.

D-Z. Bago maligo nagpainit muna ako ng tubig. Malapit ng mag-ala una ako pumasok at naka pang PE lang ako. Pagsakay ng tricycle, kita ko ang mga estudyanteng nagsisiuwian. Pagkadating sa eskwela, di pa lumalabas ang mga Fourth year at nag-antay pa kami. Ilang sandali, dumating si Sir Rombo at ipinakita ang Doodle T-shirt. Makulay at kaaya-ayang bilhin subalit wala akong pera. Kahit naman may pera ako ay di ko interesadong bilhin. Ang unti pa lang ng pumasok at wala ang aking mga kaibigan, naupo ako mag-isa habang nagte-text. Maya-maya, dumating na si Jobil sumunod si Jenny mae subalit di pumasok si Jessa at Noemi.

E-A. Habang wala pang teacher, abala ang lahat sa pagkakabisado ng tulang sonnet 43. Kabisadong kabisado ko na ang halos lahat ng saknong subalit di natuloy at nagpa-aktibi lang si Ma'am Ramos. Sa oras naman ng MAPEH, sa halip na mag-lesson, kanya kanyang share ng problema ukol sa pamilya ang ginawa namin. Naging emosyonal ang iilan ng marinig ang kwento Ibarra, paano kasi sabi niya ang madrasta nila ang nagmamalupit sa kanila at ito pa ang masaklap, sinunog pa ng madrasta ang mga damit nila Ibarra sa mismong Bagong taon. Sa kanyang ikwinento ay talagang na-touch ako at naawa. Di lang si Ibarra ang nagbahagi ng problema ukol sa pamilya pati sila Rommel, Mandy at Jayvie ann. pagkatapos, pinasulat kami ni Maam Petty sa pad paper ng aming mga goals.

E-B. Makalipas ang ilang minuto, isa-isa kaming pinagbasa ng kanya kanyang pangarap sa buhay. Sa pamamagitan ng laptop ni Ma'am Petty, ipinakita niya sa amin ang gusto niya balang araw. Ang magkaroon ng magandang bahay, makapasyal sa ibang bansa, magkaroon ng mamahaling kotse, mapalapit kay God at iba pa. Sa nakikita ko kay Ma'am Petty, mukhang ang dami niyang pangarap, karamihan pa nga, matataas na bihirang magkatotoo. Susyal ka Ma'am Petty iyon pa ang nais. Sa oras naman ng recess, di lang ako kay Ibarra nakaramdam ng awa maging kay Jobil. Tungkol sa problema sa pamilya ang kanyang ikinuwento sa akin. Sabi niya, madalas raw siyang pagalitan ng kanyang nanay, kahit konting pagkakamali lang niya, isa pa sinabi niyang dumating sa puntong nagawa siyang saktan at pagsalitaan ng kung ano-anong masasakit na salita. Pakiramdam niya raw, ampon siya. 

 E-C. Sa ikwinento niya sa akin, napaiyak ako at hinagodhagod ko siya sa likod. Ang drama tuloy namin dalawa. Naisip ko, ang problema ko minsan, mas mabigat pa sa iba at pasalamat ako dahil di iyon nangyayari sa akin. Maya-maya, pumasok na kami sa silid-aralan sapagkat nandoon na Sir Sellona. Ipinasa ko na rin ang aking seatwork. Ng matapos magtsek si Sir Sellona, sinabi niya sa amin na wala ng Lesson sa Fourth Grading at puro kami repaso sapagkat may DivisionAchivement Test sa Pebrero. Nakapanlumo sapagkat di na kami makakapag-experiment. Fourth grading kasi ang puro Experimentation. Sa oras naman ng Filipino, di ako makapaniwala sa sinabi ni Jayvie ann sapagkat nawawala raw ang Test Paper ko sa Periodical sa Filipino. Panibagong problema nanaman ito. Kinausap ko si Ma'am Batara. Sinabi niya sa akin na hahanapin na lang niya iyon. Napanatag ang aking loob ng sabihin niya iyon. Sa oras naman TLE, ang ganda ng aming Lesson sapagkat tungkol iyon sa pag-aalaga ng Baby. Halos Tawa kami ng tawa sa mga itinuro ni Ma'am tungkol sa pag-aalaga ng Baby. Di pa nga kami mga nanay at tatay subalit kailangan ngayon pa lamang ay marunong na kami mag-alaga ng bata. Ilang sandali’y tumunog na ang Bell hudyat na uwian na. Kasabay kong umuwi si Camille. Di pa ko makatulog noon kaya text-text muna sa ka-textmate.


January 25, 2013
Friday

Year I-025

E-D. Madaling araw ng ako'y magising. Sa tindi ng lamig, binalot ko ang aking katawan sa kumot at natulog. Mga Alas-siete na ng umaga ako gumising. Maginhawa ang umaga ko at parang walang problemang darating, gawa siguro na wakas na ang problema subalit batid kong may yayabong pang panibagong problema hangga't nabubuhay ako. Nawa manatili akong matatag sa lahat ng pagsubok. Corn flakes na may gatas ang aking agahan at sinamahan ko na rin ng mainit na kape. Pagkatapos, gumawa na ko ng assignment sa Math. Alas-dyis ng matapos ko ang assignment at nanood ng telebisyon. Bago pumasok, tinapos ko munang panoorin ang paboritong programa na Be careful with my heart. Alas-dose y medya ng umalis ako ng bahay. Nabwisit ako sapagkat Ala-una na, di pa umaalis ang tricycle at mukhang mahuhuli ako sa klase. Paano, may dumadating ngang pasahero, ora-orada at di isa isa. Apat na kami sa tricycle at isa na lang ang hinihintay.

E-E. Lalo pa kong nabwisit ng may isang babaeng nakadilaw, parang kulang kulang at maarte, pinapasakay na nga siya ng manong, ayaw pa at pinili pang sumakay sa likod. Tuloy mas nauna pa ang nasa likod kaysa sa amin. Naubos na ang pasensiya ko at pag tumagal pa yan, di na ko papasok. Inip na inip na ko at halos isang oras na kaming nag-aantay. Sa wakas natapos rin ang aming pag-aantay ng may dumating na isang binatilyo at sumakay. Buti na lang at di niya kasama ang kakambal, kung nagkataon, lalo pang tatagal ang aming pag-aantay. Nakaalis na rin at habang umaandar, malakas ang kutob kong leyt na ako. Hanggang sa magkatotoo, leyt na nga at nadatnang nagtuturo na si Sir Rombo. Di ko na tuloy naipasa ang assigment. Sandali pa lang ako sa eskwela, second period na at iyon ay AP. Sa oras na ito'y abala kami sa pagsagot ng aralin. Maya maya'y tseking na. Sa oras ng English, nagkaroon kami ng aktibiti, tulong tulong kaming lima sa paggawa ng aktibiti. Maya maya, MAPEH na subalit wala pa si Ma'am Petty. Di ako masaya sapagkat wala ang aking best friend na si Jessa. Ilang sandali pa, dumating na si Ma'am Petty.

E-F. Dahil biyernes, nagkaroon ang lahat ng estudyante ng Flag gretrit.  Sandali lamang iyon at kaagad kaming pumasok. Sa oras ng Chemistry, inutusan ako ni Sir Sellona na ayusin ang mga test paper na gagamitin para sa repaso. Si Jayvie ann at Leonardo ang nakatulong ko sa pag-aayos ng test paper. Naging abala kaming tatlo at sa dami ng test paper na kailangan ayusin, pinagpawisan ako. Ng matapos ang trabaho, mission accomplished at hayahay muli ang aking moda. Pila-pila kaming bumili ng reviewer paper. Pagkatapos ay inanunsyo ni Sir Sellona kung sino ang mag-uulat sa susunod na linggo. Ako at si Leonardo ang inatasan ni Sir na mag-ulat sa lunes. Ngayon pa lang, nag-iisip na ko ng strategyna gagawin sa aking pag-uulat.

E-G. Sa oras naman ng TLE, kanya-kanya ng labas ng baby doll ang mga kaklase ko na gagamitin sa demo. Nagmistulang ampunan ng mga baby ang silid aralan sa dami ng baby doll. May dalang baby doll si Jenny Mae at sinubukan kong hiramin yun. Wala nun si Jenny Mae at si Jobil ang nagbabantay sa Baby doll niya. Nagpaalam ako kay Jobil subalit di siya pumayag. Pabiro kong tinankang kunin ang baby doll at pinigilan niya ko. Di ko inasahan sa ugali ni Jobil na ganon pala siya kabastos at di niya kong magawang irespeto. Di nakakatuwa ang sinabi niya at ikinagalit ko iyon. Sa yamot ko sa kanya nasigawan ko siya, hanggang sa nagsagutan kami. Labis kong dinamdam ang sinabi niya at nagpuyos ang aking galit.

E-H. Sa galit, parang gusto kong magwala subalit may Teacher. Stressful ang araw na ito, sapagkat nabwisit na nga ako sa tricycle tapos kay Jobil. Kala kung sino makapagsalita, di aman sa kanya iyon. Lumamig ng bahagya ang init ng ulo ko kay Jobil ng magtawanan kami tungkol sa baby. Mas lalo pa ko natawa sa ginawa ni Nathaniel na may baby na pinapadede pero unggoy pala. Sa kakatawa, nawala ang galit ko kay Jobil subalit di ko pa siya napapatawad. Ilang sandali at uwian na, kasabay ko muling umuwi si Gangang. Pagdating sa bahay, dahil gutom na ang sikmura, di pa man nakakabihis ay pagkain na agad ang nasa isip ko. Pagkatapos, nanood ako ng telebisyon. Mga Alas-Onse na ko natulog.



January 26, 2013
Saturday
Year I-026

E-I. Gising na ang halos lahat ng pamilya ko maliban sa akin na nakabulagta pa rin sa kama at masarap na natutulog. Sa lakas ng boses nila habang nag-uusap, nagising na ko at bumangon. Sakto sa aking pagbangon ay pinapanood nila ang Salamat Dok. Ang tema ng programa ay tungkol sa paglabo ng mata at kailangan mapangalagaan. Tutok na tutok agad ako sa telebisyon sapagkat isa ako sa malabo ang mata. Kung tutuusin, mahigit sa isang taon na ako nakasalamin. Ang masama pa, bata pa ako at habang tumatagal ay patuloy na tumataas ang grado ng mata ko. Simula pa ng elementarya ako, dala ko na ang sakit sa mata, ang pagiging nearsighted. Alas-siete na at malapit ng mag-Alas-otso, pinatay ko na ang telebisyon at nagtungo sa kusina. Pangongolekta ng patapong white paper ang aking inatupag agad. Dahil sa February 21 na ang pasahan nun, kailangan ko ngayon maka-isang kilo.

E-J. Ang kailangan sa pasahan ay limang kilo. Mukhang isang guhit pa lang ang bigat ng nakokolekta ko. Maya-maya, pangongolekta naman ng patapong lata ang pinagkaabalahan ko. Nagtungo ako sa Recrap dahil batid kong maraming lata akong mahahakot. Nagmistulan tuloy akong palubi. Katulong ko si Regine (Miano) at mga bata sa pangangalakal ng lata. Sinuyod namin ang kabahayan, sa bawat bahay ay may naibibigay silang lata. Ang iba pa ngang lata, sa sapa pa nahakot. Nang makarami ng lata, bumalik na ako ng bahay. Nagpasalamat ako kay Regine at bilang tanaw ng utang na loob, binayaran ko sila kahit katiting. Hinugasan ko ang lata at tinanggal ang brand label na nakadikit. Sa aking nakalakal, kapos pa sa isang kilo at isang guhit pa lang ang bigat. Mas dadalasan ko pa ang pangangalakal ng may maipasa akong project. Ng matapos kong linisan ang lahat ng lata, isinilid ko sa isang tabi. Namahinga at maya-maya'y nanood ako ng movie na pinamagatang Life of Pi. 

E-K. Sa kwentong ito, laking hanga ko sa ipinakitang katapangan at katatagan ni Pi Padel ng makipagsapalaran siya sa karagatan. Mahigit sa isang buwan siyang namuhay sa karagatan at kahit wala ng minsan makain, sige pa rin siyang gawa ng paraan at naging kaibigan niya ang matapang na tigre. Ilang unos rin ang kinaharap niya na halos ikasawi na niya, Subalit heto pa rin siya at buhay. Kung ako ang nasa kalagayan niya, malamang di ako abutin ng tatlong araw sa dagat at patay na ko. Ang ganda talaga ng Life of Pi at asing Lebel niya ang Titanic. Ng matapos ang movie, nananghalian ako at natulog.

E-L. Pagkagising ay binilanan ako nila mama na bantayan ko si Kuya Al sapagkat pupunta sila ng Ever upang bumili ng Refrigerator. Sabi nila saglit lang sa Ever Gotesco mall subalit mga Alas-Singko na ng Hapon, wala pa sila. Ano na kaya ang nangyari sa kanila. Malapit ng mag-Alas-sais ng makarating sila, bitbit nila ang pasalubong kaya nakapagmeryenda pa kami subalit bukas pa raw nila makukuha ang refrigerator. Pinagsabay ko na ang Meryenda at hapunan. Sa dami ng aking nakain, nanlaki ang aking tiyan. Walang maisip gawin, kaya text text muna. Nang maubusan ng baterya ang cellphone, saka ko tinigil ang pagte-text. Inumpisahan ko na rin gawin ang Report ko Sa Chemistry, mga dakong Alas-onse na ko natulog. Di naging malamig ang gabi at mainit pa nga kung tutuusin.



January 27, 2013
Sunday

Year I-027

E-M. Pag-uusap nina Ate at Mama ang nagpagising sa akin. Kahit pabulong, narinig kong pinag-uusapan nila ang tungkol sa ka-textmate ko. Sabi nila, Kung sino-sino raw ka-text ko, di naman kilala at alam rin ni Mama ang pangalan ng ka-text ko. Ang dudumi ng kukote, sinabing kumerengkeng na ko. Dala ng di ko matanggap ang mga pinagsasabi nila, bumangon ako at sinabing kaklase ko iyon. Ng masabihan ko, bumalik ako ng katre at natulog. Alas kwatro pa lang ng umaga nun. Ilang sandali, maliwanag na pala sa labas, gawa ng kasarapan sa pagtulog ang di ko mamalayang paglipas ng bawat oras. Nakatutok na ang maliit na kamay sa numero pito at ang mahaba ay sa 12.  Bumangon na ako at nag-almusal. Kakabato ang naging umaga ko, ang tahimik tuloy malungkot.

E-N. Nagpapatugtug na lang ako ng mga OPM Song upang maalis ang pagkabato. Maya-maya, lumabas si Ate Leslie mula sa Kwarto. Di pala siya dumalo sa Review class.  May konting inis akong naramdaman sa ate sapagkat pinakelaman niya ang pagsa-soundtrip, ang kantang di niya maibigan, ililipat ng ilang ulit. Ang lakas ng loob niyang pakilaman iyon. Pati ang paborito kong kanta, di ko napakinggan dahil nililipat niya. Dapat kasi pumasok na lang siya kung ganto naman ang gagawin niya, ang mangi-alam. Kahit napupuno na ko, tiniis ko iyon, ayaw ko kasing masira ang araw ko sa pag-aaway namin. Ang kapwa mo talaga, pinakitaan mo lang ng bait, aabusuhin ka. Kaya minsan mabuti rin ang masungit ka, ng sa ganon walang mang-aabuso sayo. Bakit pa kasi may mga taong handang lokohin ka kahit mabait.

E-O. Maya-maya, bumalik sa kwarto si Ate at nagrepaso. Wala ng mangingialam ng soundtrip ko. Ipinagpatuloy ko rin gawin ang report sa Chemistry. Di na rin ako pumunta sa MATHO Contest, di dahil tinatamad, nandoon kasi ang kagalit ko nung Biyernes na walang modo kung umasta, baka mam-badtrip pa. Pakiramdam ko, para ako yung taong buhay, pero multo ng ituring, di nakikita, di naririnig at deadma parati, madami kasi sa mga taong nakakausap ko di ka magawang pansinin at di na naimik para malaman kung nakikinig ba siya sa sinasabi ko. Di rin ako maintindihan. Madalas ganon ang nararamdaman ko at paulit-ulit. Dahil sa pakiramdam ko, itinulog ko na lang at sana sa aking paggising bumalik sa dati. Mga Ala-una ng gumising ako. Pagkagising, ipinagpatuloy ko ng tapusin gawin ang report sa Chemistry. Todo-todo na ang aking paghahanda sapagkat bukas na ang aking report.

E-P. Mga Alas-tres ng matapos ko ang report. Ilang sandali, dumating na ang taga-deliver ng refrigerator, may refrigerator na kami. Mailalagay na namin kung ano ang gustong palamigin. Pagsapit ng dilim, wala akong magawa at tumungo ako kina Regine. Ng makapunta ako, nadatnan kong tila nagkakagulo sa kanila, pagkapasok ko sa kanilang balay, may ahas pa lang pumasok. Mahaba at mukhang makamandag. Sa takot na manuklaw ang ahas, nagpanik kaming lahat. Ang mga kalalakihan, tulong-tulong na pinagpapatay ang ahas. Sa laki at haba, naging mahirap sa kanila ang paslangin ang ahas. Sa pangamba ko na baka manuklaw, bumalik ako sa aming bahay. Year of the snake kasi, malamang ay madami ang aahasin at mga Taong mang-aahas. Di na ko bumalik at piniling manood ng telebisyon. Rated K ang aming pinapanood.

E-Q. Nang matapos ang Rated K, pinatay ko muna ang Telebisyon sapagkat manonood pa ko ng Gandang Gabi Vice mamaya. Makalipas ang dalawang oras, binuksan ko muli ang Telebisyon, yun pala Sarah G. Pa lang, hinintay ko na lang iyon matapos. Ilang sandal pa ay Gandang Gabi Vice na, dami namin tawa kay Vice ganda, lalo na yung sabihin niyang"kilig Much", ang haliparot niya pag sinasabi niya iyon. Habang nanonood, may narinig kaming may nag-aaway. Nagwawala pala si Kuya Jobert. Maya-maya, biglang dumagundong ang yero. Dahilan ng pagdagundong ng bubong ang pagdaan ni Kuya Jobert sa bubungan. Huhulihin kasi siya ng barangay kaya nagtago. Mga Alas-onse na noon kaya tumulog na ko.



January 28, 2013
Monday 

Year I-028

E-R. Alas-Sais pa lamang ng umaga, gising na ko subalit dala ng antok, natulog pa ko. Mga dakong Alas-siete pasado ng ako magising. French toasted muli ang aking naging agahan. Pagkatapos mag-agahan, binuklat ko na ang aking reviewer upang repasuhin ang aking report. Kahit mamaya na ang aking report, di ako kinabahan sapagkat handang handa na ko. Bago pa man sumapit ang tanghali, inihanda ko na ang lahat ng biswal na gagamitin para sa pagre-report.  Mga patak patak Alas-dose na ko pumasok. Buti na lamang at kaagad napuno ang tricycle kaya kaagad kaming umalis, di na ko male-late

E-S. Mabigat ang aking dalahin sapagkat ngayong araw ko na isasauli ang libro. Ng makita si Sir Rombo, walang anu't ano'y sinauli ko na kaagad ang mga libro. Sa oras naman ng AP hanggang English, may dalawang grupo ang nag-cheer sa loob ng aming classroom, iyun ay ang Never give up at Just do it. Unang nag-cheer ang Never give up. Malakas at may energy ang kanilang cheer, parang nangangampanya lang yung batang maliit sa amin nung nakikipagkamay siya. May kanya-kanya ring awitin sabay lalapitan na kahit sino. kasunod ay may hirit na pick up lines. Ganoon din sa Just do it subalit mas nauna ang kanilang plataporma bago mag-cheer. Grabe ang ingay namin, lalo na yan si Jobil, sakit sa teynga. Kaagad nawala ang ingay ng matapos mag-cheer ang dalawang grupo. Sobrang ikinadismaya ko ang naging grado ko sa English ng inanunsyo ni Ma'am Ramos. Kampante ako na sanang papasa sa English matapos ang dalawang grading na ang line of 7  ko. Di ako naniniwalang bagsak ako sapagkat nagpapasa naman ako ng mga aktibiti at matataas naman ang nakuha ko sa long test at Periodical.

E-T. Di ko matanggap ang resulta ng aking grado at nagreklamo ako kay Ma'am Ramos. sinabi ni maam ang di ko pagpapasa ng 4C long folder ang nagpabagsak sa grado ko. nanahimik ako sandali at malalim ang aking isip. naisip kong maglalakad ako mamaya ng sa gano'y makaipon, panggastos sa project. pano sinabi ni maam na di na pwede magpasa ng 4C long folder, tuloy di na nakapagpasa. labis ko talagang ikinadismaya. Maya-maya, MAPEH na. Isang subject pa bago ang aking report, lalo pang lumakas ang aking loob na may halong pananabik dahil sa tinuro ni Ma'am Petty na kailangan positive ka di laging negative, always smile never sad because all blessings will unto you. Tama nga naman si Ma'am na kailangan laging nakingiti kahit may problema ka. Kaya Nakangiti pa rin ako kahit may problema ako sa English. Ilang sandali, Recess na.

E-U. Di na ko kumain sa kadahilanang naging abala ako sa paghahanda sa report. Tinulungan ako ni Jayvie Ann idikit ang lahat ng aking visual. Maya-maya, inumpisahan ko ng mag-report. Nilakasan ko ang boses upang marinig nila at ginalingan ko sa pagpili ng choices.  Ng matapos mag-report, palakpakan sila at masaya ako sapagkat dalawa lang ang aking mali, nakakataba ng puso. Humalili sa pagre-report si Leonardo. Di pinalad si Leonardo, di hamak na mas marami ang mali kaysa tama. Mahirap kasi ang sa kanya marahil. Bakit ganon, nakakaramdam pa rin ng kaunting kilig kay Leonardo, sadyang napakakisig kasi niya at matalino pa. Di ko maiwasang mailang kapag siya'y kaharap ko. Sa oras naman ng Filipino, walang guro at naging maingay nanaman ang buong klase. Habang di pa TLE, lumabas muna kami Noemi upang manghiram ng baby doll.

E-V. Nanghiram kami kung kani-kanino subalit sa kasawiang palad, wala kaming nahiraman hanggang sa dumating si Ma'am Quimson. Wala tuloy kaming grade sa performance pero okey lang, marami naman ang walang Baby doll kaya wala silang grade. Ilang sandali pa, tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Kahit gaano kalayo ang bahay, naglakad na lamang ako. Sa layo ng nilakad ko, mga 20 minutos ang inihuli ko kaysa nung sumasakay pa ko. Sa halip na manood, pagkatapos kumain ay inasikaso ko kaagad ang 4c long folder. Mga dakong Alas-onse na ko natulog subalit di pa tapos ang 4c long folder.



January 29, 2013
Tuesday

Year I-029

 E-W. Panibagong problema nanaman ang kakaharapin ko sapagkat lagagpak ako sa English subalit may pag-asa pa para maipasa ko at iyon ay ang 4c long folder. Nag-almusal muna ako, ng makapag-almusal ay ipinagpatuloy ko ang paggawa ng 4c long folder. Sa dami ng isusulat sa folder, inabot ako ng halos dalawang oras subalit di ko tapos, sa Huwebes ko pa naman ipapasa at mahaba pa ang oras. Pagsapit ng Alas-dyis, nananghalian ako, nilagang karne na may repolyo ang aking kinain, sa lasa at sarap, naumay ako. Ng mananghalian, ginawa ko ang assigment sa Math, sagot lang ang aking nilagay at walang solution. Saglit ko lang gawin ang assigment sa Math. Sa oras ng Math, mukhang kakaiba ang mode ni Sir Rombo, galit sa mga estudyanteng di gumawang assigment. Nagpanik ang iilan at sabay kuha ng notebook at ballpen, natatakot na baka maparusahan.

E-X. Ligtas na sana ako sa parusa ni Sir kasi may assigment ako, kaso sagot lang at walang solution. Walang solution ang nagpahamak sa akin sa kaparusahan. May assigment man o wala basta walang solution, pinalabas ni Sir. Isa na ko sa pinalabas at binukod ang babae sa lalaki. Buti na lang kasama ko sina Jenny mae at Jessa, nandiyan naman itong asungot sa araw-araw ko. Habang nanatili sa labas, bigla na lang humangin ng malakas, nagsitaasan ang palda ng mga kakabaihan at muntik ng makita ang tinatagong sikreto. Dahil babae, nagtiliian sila, nagtawanan kami sa nangyari. Ilang sandali, sa wakas at pinapasok na kami ni Sir Rombo. Parang umistrikto pa lalo si sir na dati hindi naman.

E-Y. Maya-maya, AP na. Nagrepaso lang kami tungkol sa napag-aralan namin simula first grading sapagkat next week na ang DAT. Maya-maya, English na at si Ma'am Maicy ang naging Teacher namin. Nagkaroon kami ng groupings sapagkat may play. Kina Crislyn ako napabilang at ang tema ng aming play ay tungkol sa friendship. Habang pinag-uusapan ang tungkol sa gagawin, bwisit sina Cynt, ang lalakas mangtrip at ako pa ang nais pagtripan. Di ko sila pinansin at mas piniling makinig na lang sa sasabihin ng leader. Sinabi ng aming leader na bukas ang praktis. Sa kadahilanang gagawa pa ko ng 4c long folder sa English at project sa Filipino, mukhang malabong makadalo ako ng praktis. Sa oras naman ng MAPEH, wala si Ma'am Petty subalit tuloy pa rin ang pagre-report. Di sineryoso ni Charlotte ang pagre-report at nakipagharutan pa kina Crislyn. Tuloy ang iingay ng nasa likuran namin at sigawan pa sila.
E-Z. Narindi kami at lumipat sa ibang upuan. Maya-maya ang pag-iingay, biglang tumahimik ng magkwento si Bacsal tungkol sa Angelica Zembarano testimony, na napanood sa Youtube. Ikwinento niya kung ano-anong nakalibot sa kapaligiran, tao man o sa salita ang Illuminati. Parang bible study lang ang naganap at pastora si Bacsal. Ilang sandali at recess na, di ako sumabay kila Jessa sapagkat nandiyan si Jobil at di pa kami magkaayos. Katulad ng kahapon, puro report class lang at sasabihin ni Sir Sellona ang tamang sagot. Sina Pradez at Mark Ashley ang nag-report. Maya-maya tila uminit ang dugo ni Sir ng sunod sunod na magkamali si Ashley at madiin diin kung manalita. Parang halimaw si Sir, nakakatakot. Sa oras naman ng Filipino, wala pa si Ma'am Batara kaya balik aral kami.

F-A. Maya-maya dumating na Si Ma'am at ipinasa na ang mga project. Malakas ang aking pangambang pati sa Filipino'y lumagapak ako, di kasi ako nakapagpasa. Ng makaabot kay Maam, pinuna niya na marami silang pagkakamali sa project kaya binalik niya at sinabing bukas ang pasahan. Makakagawa pa ako ng project sa Filipino. Di na ko sumakay at piniling maglakad na lang upang may pambayad mamaya sa renta ng Computer. Sa halip na manood, pagkatapos kumain ay tumungo ako sa Computer Shop upang gumawa ng Project. Alas-dyis na ng gabi, kahit di ko pa natapos ay umuwi na ko. Pagkauwi ay kumatok ako sa pintuan subalit wala pang nagbubukas. Kinatok ko ng kinatok hanggang sa may nagbukas. Nainis ako sapagkat basta basta isasarado ang pintuan ng wala pa ko. Sa pagod, tumulog na agad ako.



January 30, 2013
Wednesday

Year I-030

F-B. Panibagong araw muli ang kakaharapin. Alas-siete pa lamang nang magising ako at nag-almusal. Maya-maya, ipinagpatuloy kong gawin ang 4c long Folder sa English haggang sa wakas, natapos kona. Tumungo ako sa Computer Shop upang iprinta ang ginawang Project. Sa kadahilanang may kamahalan kapag iprininta ko ang 4C long folder dahil sa dami ng pahina, inuna komuna ipa-print ang project sa Filipino. Pagdating sa bahay, itinago ko ang project sa Filipino upang di magusot at nananghalianako. Mga Alas-dose ng tanghali na ko umalis ng bahay upang pumasok. Tirik na tirik ang haring araw at nakakasakit na sa balat.

F-C. Kaagad naman napuno ang tricycle kaya kaagad kaming nakaalis. Pagdating sa may Sinagtala Road, di na makausad ang Tricycle gawa ng mabigat na trapiko. Iyon pala’y may nakahamabalang na malaking trak. Maya-maya nainis na ang mga Tricycle driver at sa ines ay nag-sisigaw na sila. Ilang sandali, lumuwag bahagya ang trapiko at mabilis kaming nakausad, pagdating sa IBP road, maayos ng nakaandar ang tricycle hanggang sa makarating ako sa eskwela. Buti na lang at di ako Nahuli. Sa oras naman ng Math, ibinigay na ni Sir Rombo ang NCAE Result sa amin. Pagkatingin ko sa resulthindi ako makapaniwala sapagkat Environmentalist ang bumagay sa aking kurso. Ang magpinsang Bohol naman, Fishery at Pagmamadre naman kay Jobil. Kahit na iyon ang lumabas sa NCAE, Mas pipiliin ko pa rin ang aking pangarap at iyo’y pagiging Engineer.

F-D. Sa oras naman ng Values, halos nakatayo kaming lahat sa dami ng di gumawa ng Assignment.  Nakaupo lang kami ng makapag-recite ng tama. Sa oras ng English, ipinagpatuloy namin ang pag-uusap tungkol sa Play, ng wala ng dapat pang pag-usapan, bahagya kaming nanahimik. Sa oras ng MAPEH, mukhang blooming si Ma'am Petty at mataas ang Energy. Daming joke ni Ma'am at tawanan kami ng tawanan. Maya-maya, isa-isa kaming pinag-recite sa harapan tungkol sa aming dreams. Nang matapos ay nag-discuss. Kahit kailan dami kong natutunan kay Ma'am Petty at nagbibigay inspirasyon para sa amin na patuloy na nangangarap ang kanyang tinuturo. Ikwinento rin ni Ma'am ang tungkol sa kanyanglove life nung nasa high school pa siya. Sa oras naman ng Chemistry, report class nanaman, sina Jayvie ann at Bacsal ang nag-report sa amin.

F-E. Nakakagulat ang bawat reaksyon ni Sir Sellona kapag nagkakamali sila. Biglang sumisigaw at nasa likod pa namin si Sir. Ngayong ko lang nalaman na ang Aluminum foil ay pwedeng ma-attract sa magnet at pangtanggal sa mapait at maasim ang asin. Dahil sa Chemistry, dami ko pang di nalalaman na ngayon pa lamang nalalaman. Ilang sandali at Filipino na. Parang boses ipis si Ma'am Batara, sa sobrang hina, umupo ako sa harap upang marinig ko siya. Tungkol sa Noli Me tangere ang kanyang tinalakay. Ang tahimik talaga ng klase kapag si Ma'am Batara ang Nagtuturo. Sa oras naman ng TLE, habang komokopya'y nagdi-discuss si Ma'am Quimson ukol kay Baby. Bwisit yung nasa likod, ang iingay. Nang matapos komopya saktong tumunog ang Bell. Kasama ko muli si Ma'am Jamero sa pag-uwi. Sumakay ako sapagkat katamad maglakad at sumasakit na ang paa. Pagdating sa bahay, tulog na silang lahat at di ko na binulahaw pa. Ang sarap ng aming ulam at iyon ay Adobo. Matapos maghapunan, tulad ng kinagawian, manonood ng telebisyon at matutulog. Naging malamig muliang gabi kaya balot na balot ako ng kumot.



January 31, 2013
Thursday

Year I-031

F-F. Huling araw para sa buwan ng Enero. Pilit ko man idilat ng idilat, pumipikit pa rin at sa antok kahit alas siete na'y tumulog pa rin ako. Mga Alas otso na ko nagising at nag-almusal. Pagkatapos ay tumungo ako sa Computer Shop upang iprint ang 4c Long folder. Sarado pa noon ang computer shop kaya pumunta na lang ako sa taas. Pagkadating sa taas ay may program na nagaganap sa may Covered Court. Nanatili muna ako dun sandali at nanonood ng Cheerdance at Duxology. Iba't iba rin ang mga Costume at namangha ako, ang kukulay at ang gaganda pa. mukhang pinagkagastusan. Ang moves ng sayaw, sabay-sabay at kala mong walang buto sa kalambutan.

F-G. Sobrang napabilib ako sa pinakitang galing nila sa pagsayaw. Maya-maya, tumungo na ko Sa Cyber Peer at nagpa-print. Mukhang minamalas nga naman ako, di naka-save sa documents ang Files ng 4c long folder. Tuloy napahiya ako sa tagapamahala ng computer shop sapagkat wala akong ipapa-print, sayang ang effort niya sa paghahanap. Sa hiya, dalidali akong lumabas ng Computer Shop at nagtataka ako kung bakit wala yung files ng 4c long folder. Wala akong maipasa tuloy sa English, nanlumo ako at inisip na balewala ang hirap at tiyaga na aking ginawa, matapos lang iyon. Sa takot na baka matuluyan ako, gumawa ako ng paraan. Di na rin ako pumasok sapagkat masyadong alanganin ang oras at baka di ko matapos. Inulit ko i-type sa computer ang lahat ng nakasulat sa bond paper. Gutom at kahit nangangatog na ang aking diliri sa kakatayp, tiniis ko matapos ko lang iyon.

F-H. Mga dakong Alas-kwatro ng matapos ko ang 4c long Folder at isineyb sa aking Cellphone. Natapos rin ang hirap at hayahay nanaman. Umakyat na ko sa taas upang magpa-print. Pag-akyat, di ako makadaan sa dami ng tao. Di pa pala tapos ang program sa Covered Court at tuloy tuloy ang saya. Sa wakas at natuloy rin ang aking pa-print. Masaya ako sapagkat may ipapasa na ko at papasa na sa English. Madilim-dilim na ng dumating ako sa bahay. Wala si Mama kaya hinanap ko Siya. Pumunta ako sa bahay ng pinsan ko at nagbakasakaling nandoon si Mama. Wala si mama at nadatnan kong nag-iisa lang si Jaypee. Sinabi niya sa akin na siya lang ang nakatira sa bahay na iyon at wala ang nanay niya o mas matanda sa kanya. Bukod pa roon, siya na raw ang nagluluto, nagsasaing at nag-aalaga sa kanyang sarili. Mas bata pa siya sa akin subalit kaya na niyang maging dependent at buhayin mag-isa ang sarili. 

F-I. Nag-aalala ako sa kanya na baka may mangyari sa kanya at nanatili muna ako ng ilang sandali.  Bago umalis, tinanong ko muna sa kanya kung okey lang na iwanan. Sinabi niyang Oo at umalis na nga ako. Kinagabihan, habang nanood ng telebisyon, bigla na lang nagkaroon ng Brown-out. Short circuit ang sanhi ng brown-out at naganap iyon sa Ison Site. Buti na lang at di malubhang naapektuhan ang kable ng aming kuryente at kaagad naman nanumbalik iyon. May ilaw nanaman at nuod muli ng telebisyon. Ang iba naming kapitbahay di pa bumabalik ang kuryente at sinabing bukas pa sapagkat naapektuhan ng husto ang kanilang kable. Ilang sandali pa at gawa na dinalaw ako ng antok, ako'y natulog na.