December
01, 2013
Sunday
Year I-335
Sunday
Year I-335
3c-w. Sumapit na ang
buwan ng Disyembre, hudyat na pumasok na talaga ang panahon ng Kapaskuhan kaya
naman marami na sa ating mga Pilipino ang abala na sa pagbili
ng regalo para sa ating hahandugan at kabilaan na rin ang pagbubukas ng Christmas
tree with light. Panahon na nga ng Kapaskuhan kaya dama ko na ang
simoy nito subalit naging napakakulimlim ng panahon, hudyat ba ito na magiging
malungkot ang darating na Pasko, huwag naman sana. Dahil inabot na ko ng hating-gabi
bago matulog, tinanghali na ko ng gising at dumeretso kaagad sa tindahan
nila Aling Nenita upang bumili ng poster
color. Pagdating sa bahay, pinintahan ko na kaagad ang di matapos-tapos na Figurine.
Sa wakas at natapos ko rin napinturahan subalit sa kasamaang palad na mukhang
may dalang malas, aksidente ko itong nabasag.
3c-x. Sa takot na
masermunan ng walang humpay, lihim ko itong itinago sa sakuhan. Kakabato ang umaga ko at saksakan pa ng ingay
sa labas kaya naisipang magpatugtog ng Christmas song. Sarap pakinggan sa
teynga ang awiting pampasko at parang dama mo sa loob ng bahay ang Pasko kahit
walang dekorasyon. Nang maubos ang awitin, pinatay ko na at sinimulan ko gawin
ang takdang-aralin sa AP. Ang iingay talaga ng mga bata sa labas
kaya itong si Mama panay ang saway at rinding-rindi na kami. Malas nga lang
nila ng mapunta ang bola sa bahay namin, di na namin ibinalik. Ilang saglit
pa'y tsibugan na at pagkatapos ay nag-siyesta ako. Kinahapunan,
nagtungo ako sa Computer shop, makalipas ang dalawang
oras ng ako'y umuwi. Kinagabihan at dahil sa kagustuhan kong makapunta sa Horror
House at makaranas ng katatakutan, niyaya ko sina Regine subalit
di sila pumayag.
3c-y. Nang makasalubong
si Ellen Joyce, siya ang niyaya ko at pumayag naman ito
subalit kailangang pang ilibre, sa kagustuhan kong magkaroon ng kasama sa
pagpunta sa Horror House, walang nagawa kundi ilibre ito.
Magtatawag pa sana kami ng iba pang kasama subalit kaming dalawa lang ang
nagtungo sa Horror House. Isang oras na kaming nakaabang sa pila at
ng malapit na kami, itong si Ellen Joyce, gusto ng
umatras pagkat pinangunahan na ng takot. Pagkapasok namin, samut-saring mga
maligno at aswang ang sumambulat sa amin kaya napatili ako ng de-oras. Si Ellen Joyce naman,
halos atakehin na raw sa sobrang takot at talagang napaiyak siya pagkalabas
namin.
3c-z. Mas nakakatakot
ang mga multo sa Horror house ngayon kaysa nung nakaraang
taon, palitan kami ng kwento habang papauwi at pagkarating sa Taniman,
saktong nakita namin sila Regine (Cebrero) na nakatambay,
naenganyo rin silang magpunta sa Horror House ng magkwento
kami at kahit lupaypay na sa sobrang pagod basta gusto ko pang maranasang
matakot ay sumama pa rin ako knla Regine subalit di na sumama
si Ellen Joyce sapagkat na-trauma na
ito, goodluck na lamang sa Curfew mamaya. Pagkarating
namin sa labas ng Horror House, naku at mahabaging laon pagkat
sinhaba ng Maharlika Highway ang pila at mukhang
aabutin kami ng siyam-siyam. Umambon pa habang nakapila at makalipas ang isa't
kalahating oras, sa wakas ay nakapasok na rin kami. Pangalawang pasok ko na ito
kaya di na ko gaanong nasindak. Sa gabing ito, puro takot pero masaya ang
naramdaman ko at pagkauwi sa bahay, Alas-dyis na pala ng gabi. Sa tindi ng
pagod, kaagad na kong natulog. Sa uulitin muli.
31 | 24 Dalawang pu't apat na araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
December 02, 2013
Monday
Year I-336
3d-a. Sa kadahilanang
nakaranas ako ng matinding pagod kagabi'y mga ikalima na ng umaga ako nagising
at medyo pupungas-pungas pa ng lagay subalit kailangan ko ng magmadali upang di
mahuli sa pagpasok. Pagdating sa labas ng eskwelahan ay di mahulugang karayom
sa dami ng estudyante at mistulang dagat na bumulwak pagkabukas ng gate.
Pagdating sa silid, what is new to my classmate, kung kailan nasa
eskwelahan na'y saka pa lamang gumagawa ng takdang-aralin at kumukopya pa ng
sagot sa iba. Pulasan sila ng takbo na parang hinahabol ng pulis ng dumating
si Ma'am Fabiana at kahit may guro na sa harapan
ay patuloy pa rin sila sa pakikipagdaldalan. Napapansin ko lang, karamihan sa
aking mga kamag-aral ko ay hindi na magawang irespeto si Ma'am Fabiana pagkat
parang wala silang naririnig sa tuwing nagtuturo si Ma'am at panay pa ang
daldalan, tapos may ilan pa akong kaklase na nahuli ni Ma'am na inaatupag ang
ibang asignatura kahit oras ng subject niya.
3d-b. Sa totoo lang ay
nahahabag ako kay Ma'am at dapat isang sabi lang ay makinig naman sila, may
edad na nga si Ma'am tapos kinukunsumi pa nila palagi. Pasalamat kami at mahaba
ang pasensiya ni Ma'am Fabiana. Ilang saglit pa'y
oras na ng TLE at
sa computer laboratory kami nagklase. Bumalik
lamang kami sa oras ng MAPEH at
magkakaroon sana kami ng mahabang pagsusulit subalit di natuloy. Nagturo lamang
si Ma'am Mina tungkol sa uri ng sayaw at drama.
Bago siya umalis ay ipinabatid sa amin ni Ma'am na wala na raw gaganaping Christmas party dahil
sa paghagupit ng Bagyong Yolanda at upang ipamahagi
ang pera sa lahat ng nasalanta. Kahit na walang Christmas party ay
ayos lamang sa akin iyon, mahirap ang buhay at nauunawaan ko naman.
3d-c. Hindi sumipot
si Sir Velarde sa oras ng Filipino kaya
sinamantala ni Mandy ang pagkakataon upang magtalumpati sa
harap ng pisara tungkol sa pinag-usapan nila ni Sir Arnulfo.
Parang SONA lang
ang nagaganap sa klase at ipinahayag ni Mandy ang lahat ng
saloobin ni Sir Arnulfo sa amin. Nang maipahayag ni Mandy,
labis kaming nabagabag ng konsensiya at nagplano kami ng paandar para humingi
ng tawad kay sir. Habang di pa dumarating si Ma'am Templanza,
nagsimula na silang magpraktis ng harana. Ilang saglit pa'y English time na
at si Ma'am Pascual muli ang naging guro namin sa
halip na si Ma'am Templanza. Gumawa kami ng biomontage at
bago umalis si Ma'am Pascual ay nagsalita siya sa
pisara upang magpaalam.
3d-d. Sa kanyang mga
sinabi ay lubhang mami-miss namin siya at parang napalapit na siya
sa amin, kung tutuusin ay parang ate na ang turing namin sa kanya pagkat naging
mabait ito at mapagpasensiya pa kahit na malilikot kami. Sa oras ng MATH, nagturo lamang si Sir Harren at
sa oras ng Physics ay nagrepaso lamang kami ng naging lesson namin
nitong nagdaang araw at pagkatapos ay nagkaroon ng pagsusulit. Maya-maya’y
uwian na at kahit tirik ang araw sa kagustuhang makatipid ay naglakad lamang
ako. Pagdaan sa De Gloria ay saktong namataan ko
si Pastora Anna at dahil batid kong hihikayatin
niya kong magsimba sa kanyang relihiyon kahit Katoliko na
ako'y lumihis ako ng daanan, nahihiya naman akong tumanggi kapag kinausap niya
ko at masama rin naman na di ko tutuparin ang ipinangako ko sa kanya.
3d-e. Napalayo pa ako ng
daan kaya inabot na ko ng Alas-dos bago makauwi. Diretso tulog matapos kumain
ng tanghalian. Nang magising ang katawang lupa'y nagkumpyuter ako. Sa kasarapan
sa pakikipag-chat sa Facebook at pakikinig ng
musika sa Youtube, hindi ko namalayang sumapit na ang gabi sa labas
at kinailangan ko ng umuwi. Habang naglalakad ay dama ko na talaga ang diwa ng
Pasko sa dami ng mga parol na nakasabit sa iba't ibang kabahayan at kumukutitap
na mga christmas light na kay gandang pagmasdan at
sarap kuhaan ng litrato. Pagdating sa aking bahay, nanood ako ng telebisyon at
ng dalawin ng antok ay saka pa lamang natulog.
30 | 23 Dalawang pu't tatlong araw na lang bago sumapit ang Pasko.
December
03, 2013
Tuesday
Year I-337
Tuesday
Year I-337
3d-f. Ramdam na ramdam
ko na ang napakalamig na umaga dahilan kung bakit tinatamad pa akong bumangon
subalit nilabanan ko ang katamaran alang-lang sa kaalaman na aking matatamo. Sa
panahon ngayon na malapit ng magpasko lalo na't malamig ay nakakatamad na
talagang pumasok subalit pinipilit ko lang ang sarili. Alas-singko pa lamang
pero tila gabi pa lang sa dilim. Pagdating sa eskwela'y madalang pa lamang ang
pagdating ng mga estudyante at ilang saglit pa'y lumabas na kami sa
kanya-kanyang silid pagkat may flag ceremony. Pagkabalik sa silid
at sa pagkukumahog na mapatawad ni Sir Arnulfo, habang wala pa ito
ay naglinis muna kami at ang ilan naman ay nagbasa. Saka lamang naging
matahimik ang silid ng dumating si Sir Arnulfo. Wala pa
ring pagbabago sa kanyang attitude at madalas ay nakakapagsalita
ng matatalim sa tuwing di nakakasagot ang tinatawag niya.
3d-g. Si Rommel nga
ay masyadong sinabon ni sir at binanlawan pa, sumusobra na si sir at daig pa
niya si Donya Ina kung magtaray. Buti na lamang at
di ako natawag pagkat papahiyain ka niya kapag di nakasagot. Sa oras naman
ng TLE ay
sa computer laboratory kami nagklase, hindi ko
matiis ang manatili sa computer laboratory pagkat
amoy paa ng kamag-aral ko ang nalalanghap, pinagtiyagaan ko na lang amuyin.
Halos himatayin kami sa sobrang baho. Bago dumating si Ma'am Mina ay
nagrepaso muna ako. Kahit nakapagrepaso'y hindi naging kagandahan ang resulta
ng aking pagsusulit at labis ko iyon ikinadurog. Aalis na sana si Ma'am Mina ng
kausapin siya ng kamag-aral ko tungkol sa naging pagtrato sa amin ni Sir Arnulfo.
Sa naging komento ni Ma'am ay di siya sang-ayon na pahiyain kami at dapat raw
magpakumbaba siya kahit estudyante lang kami at guro siya. Kung sa bagay at may
punto rin si Ma'am. Ilang saglit pa'y Filipino na at nagkaroon
rin kami ng mahabang pagsusulit.
3d-h. Kabwisit yung nasa
likuran ko pagkat ang gugulo at panay kanta pa, ang tsaka-tsaka naman ng boses
at madalas ay pinagtritripan pa ako, di ko sila pinansin sa kanilang
pangkukutya pero ng ako'y mapuno, nagpakita ako ng galit sa kanila at inihagis
ko ang lahat ng mga aklat sa pagmumukha nila, kakabwisit sila lalo na itong
si Cynt na kala’y kalakihan ang katawan. Di ako makapag-concentrate sa
pagsagot sa exam dahil sa kanila. Nandon pa naman
si Sir Velarde ng magpakitang galit ako subalit sa
halip na ako'y sitahin ay sinabi niyang dapat lang daw sa kanila iyon para
magtanda. Maganda rin minsan na magagalitin ka para walang mangahas na
pagkatuwaan ka. Sa oras ng recess, may isang gurong dumating at
kinausap sila Mandy at Denzel pati ang mga officer.
3d-i. Nakiusyoso ako
kung ano ang pinag-uusapan nila at narinig na nagsisisi na raw si Sir sa mga
nagawa niya sa amin pero di lamang niya magawang aminin pagkat nahihiya raw
ito. Matapos kaming kausapin ng di kilalang guro'y inumpisahan na namin
mag-enseyo para humingi ng tawad kay sir. Lahat kami'y gumawa ng apologize
letter bilang paghingi ng tawad sa kung anumang bagay ang nagawa namin
na labis na ikinasama ng loob ni Sir Arnulfo. Pati ang aming
kakantahin ay pinapraktis na rin para mamayang uwian kung kailan sabay-sabay
kaming hihingi ng tawad kay sir. Medyo kinapos lang kami sa oras kaya
hiniram namin ang oras ni Sir Harren upang lumawig pa ang oras
sa pagpapraktis, pumayag namin ito. Nang uwian na, nagtungo kaming lahat
sa covered court at ng dumating si Sir Arnulfo'y masigabo namin itong
sinalubong ng pagsasabi ng “sorry” na parang Chichay ang
akto at kinantahan pa. Daming paandar ng kamag-aral ko pagkat may cake pang
sinulatan ng "Sorry sir" at parang kaarawan lamang ni Sir
ang nangyayari.
3d-j. Matapos ay humingi
rin ng tawad sa amin si Sir at labis akong na-touch sa mga sinabi
niya kaya napaluha ako. Agaw eksena tuloy kaming lahat sa covered court at
parang ang drama namin. Masaya kami sapagkat nagkaayos na
kami ni Sir Arnulfo huwag na sanang maulit na magagalit siya
ng muli sa amin. Maya-maya’y nagsiuwian na kami at si Andrea ang
kasabay ko sa pag-uwi. Pagdating sa bahay ay napansin kong namamantal ang aking
kamay at nangangati pa kaya kinamot ko ito ng husto, sa di inaasahang
pangyayari, bigla itong namaga at di ko malaman kung anong insekto ang dumali
sa akin. Halos hirap kong igalaw ang aking kamay sa sakit at nakaramdam ako ng
kaunting sinat. Dahil sa pamamaga ng aking kamay na nawala na sa dati nitong
hugis ay iyon ang nagpawala sa sarap ng tulog ko kinagabihan.
29 | 22 Dalawang pu't dalawang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
December
04, 2013
Wednesday
Year I-338
Wednesday
Year I-338
3d-k. Sumapit na ang
hating-gabi subalit heto pa rin ako na nanatiling gising at di makatulog dahil
sa pamamaga ng aking kamay. Mainit-init at kung kamutin ay napakasarap. Mga
ikalawa na ng madaling araw na ako natulog at tiniis ang pananakit ng kamay,
marahil ay may surot na dumapo at kumagat sa aking kamay kaya namamaga at
sumasakit. Di pa man ako lubusang nakakatulog ng mahimbing ng gisingin ako ni
mama, Alas-singko na pala pero dahil sa pamamaga ng aking kamay at sa takot na
baka makahawa ako, lumiban muli ako sa klase. Bukod sa iniinda ko ang pamamaga
ng kamay ay sinisipon rin ako, kung ano-ano na lamang sakit ang dumadapo sa
akin at lapitin siguro ako ng sakit. Natulog pa mo ng matagal at mga Alas-otso
na nagising. Pagkatapos mag-almusal ay pinahiran ko ng Yee tiin ang
namamaga kong kamay.
3d-l Medyo tinamaan
nanaman ako ng pagkabato sa katawan kaya naisipang magpatugtog ng awiting
pag-ibig. Si mama naman, gustong gusto rin ang mga tugtog ko kaya nilalakasan
niya, ang ganda talaga ng kantang "Sana'y kapiling ka" at
napapatulala ako sa windang sa tuwing maririnig ko iyon. Isa pa sa paborito
kong awitin ang "Help me get over you", malamang yung mga
sawiang palad sa pag-ibig ay makaka-relate sila sa kantang iyon
pagkat para iyon sa lahat ng nagmo-move on. Ng dumating ang ate ko,
pinatay ko na ang tugtog ko at baka pakilaman rin niya. Masakit talaga ang
kamay ko kaya wala akong ginawa sa buong umaga kundi magpahid ng Yee tin sa
kamay. Nawala naman ang pamamaga ng aking kamay makalipas ang ilang sandali
kaya malaya ko ng nahahawakan ang mga bagay-bagay na walang iniindang sakit.
3d-m. Maya-maya'y
tanghalian na at dala ng ginugutom na ako'y karakaraka na kong kumain.
Pagkatapos lumamon at dahil mahaba nanaman ang buhok ko'y nanghingi ako kay
Mama ng pampagupit at nagtungo sa barberbshop pero sa halip na
dumeretso doon ay sa computer shop pa ako
nagtungo. Grabe ang mga naglalaro ng DOTA, kasing lutong ng
piniritong manok kung magmura at panay pa batuhan ng pang-aasar sa kalaro,
gusto ko sana silang sawayin pagkat labis na akong nababanas pero huwag na at baka
masayang lang ang panahon ko. Makalipas ang dalawang oras ay saka pa lamang ako
nagtungo sa barbershop. Habang naglalakad pauwi'y saktong nakita ko
si Merry Grace, sa halip na dumeretso sa bahay ay
kinamusta ko muna siya subalit nauwi sa mahabang kwentuhan ang kaninang
pagkakamustahan kaya napatambay ako sa kanila ng de-oras.
3d-n. Paglabas ng kanto
ay kita ko na nagkakagulo ang residente ng Taniman samantalang
naghihinagpis ng husto si Aling Tisay, di ko lubos
malaman kung ano ang mitsa ng kaguluhan kaya nakiusyoso ako. Kahit na
nakikiusyoso na'y hirap pa rin makakalap ng balita, magtatanong sana ako kung
ano ba talaga ang nangyayari subalit sa takot na masabihan ng tsismoso'y
ipinagsawalang bahala ko na lamang ang pangyayari. Nalaman ko lang ang tunay na
pangyayari kay Ellen Joyce. Kung iisipin ay di na
ligtas tumira sa aming baryo pagkat sunod-sunod na ang insidente ng barilan. Sa
takot na baka ako ang sunod na paslangin ay nanatili lamang ako sa bahay at
nanood ng telebisyon. Matapos panoorin ang paboritong programa at dahil maaga
pa ako magigising bukas ay kaagad na akong naidlip sa napakalambot na kama.
Salamat sa maykapal dahil di lumala ang pamamaga sa kamay at gumaling pa nga.
28 | 21 Dalawang pu't isang araw na lamang bago sumapit ang Pasko, lapit na.
December
05, 2013
Thursday
Year I-339
Thursday
Year I-339
3d-o. Hindi na gasinong
kasakitan ang kamay ko kaya naman wala ng dahilan pa upang lumiban sa klase.
Alas-singko pa lamang ng umalis ako ng bahay at kasabay ko muli si Regine
(Cebrero) sa pagpasok sa eskwela. Marami nanamang estudyante pagbaba
namin sa tricycle, yun pala inaawit na ang pambansang awit at
pinapasok lang kami pagkatapos. Ngayong araw rin pala ang opening ng Foundation ng
aming eskwelahan kaya naman inanunsyo muna ng aming head teacher ang
mga isasagawang aktibidad sa loob ng eskwela. Matapos ang naturang pag-aanunsyo
ay isa-isa naman pinangalanan ang mgaclassroom na maituturing na
pinakamalinis at maayos mula sa panglabing-limang pwesto subalit sa Grade 7 lamang
iyon at bukas pa malalaman sa fourth year. Bago pumasok sa
kanya-kanyang silid-aralan ay sumayaw muna kami ng Wellness dance.
3d-p. Ilang buwan na
namin sinasayaw ang Wellness Dance subalit hindi
ko pa rin ma-master ang steps. Dahil kinain na ng flag ceremony ang
oras para sa firstperiod, saglit lang namin na-meet si Sir Arnulfo at
di na siya nakapagturo. Sa oras naman ng TLE, sa wakas at sa silid
kami magkaklase di sa computer laboratory, naamoy ko kasi ang
nakakasulasok na amoy kapag sa computerlaboratory kami. Sa
oras ng MAPEH, nagkaroon muli kami ng Mini-Olympics.
Di man lang ako nag-enjoy sa mga palaro, paano naman ay sila-sila
lang ang naglalaro at sa kasamaang palad ay talo muli ang kagrupo ko kaya di na
kami nakapaglaro pa sa ikalawang laro. Sa totoo lamang kaya madalas natatalo
ang grupo namin pagkat walang pagkakaisa at di pa maganda ang mga pamamalakad
ng aming leader.
3d-q. Ang ganda-ganda ng
aming banner at pinakabongga sa lahat pero wala namang maibuga
pagdating sa laro, mga walang kwenta talaga ang mga kagrupo ko at hirap pang
pakitunguhan. Pagkapasok sa silid, di man lamang ako nakalasap ng saya.
Natigil lamang ang pagsasaya ng mga nanalong grupo ng dumating si Sir Martin at
nagrepaso lamang kami. Hindi ko gaanong alam pa ang naging lesson nila
kahapon kaya nagtanong ako. Sa oras ng English, nagkaroon kami
ng Group presentation at pagkatapos ay inanunsyo ni Ma'am Templanza na
may long test kami bukas. Sa oras ng Mathematics, logarithmic
function pa rin ang lesson namin na di makaalis-alis
at gaya ng lumipas na araw, pagkatapos magturo ni Sir Harren ay
magkakaroon kami ng seatwork. Sa oras muli ng Physics,
nagkaroon naman kami ng activity at kahit di ko pa lubos alam
ang formula ay nagkompyut pa rin ako, malay natin at baka
tsumamba. Tugma yung sagot ko sa naging sagot ni Perfecto kaya
kampante akong mataas ang makukuha ko na sana'y mangyari ng sa ganon ay
makabawi naman.
3d-r. Hindi nagtagal ang
oras at uwian na at dahil walang pamasahe, naglakad lamang ako. Dumaan pa ako
sa bahay ni Jacqueline at nakipagkwentuhan. Sa sarap ng aming pag-uusap, di ko
namalayang dalawang oras na kong nakatambay sa kanila, may kadaldalan kasi
itong dila ko. Pagdating sa bahay, ikatlo na pala ng hapon at dala ng sobrang
lupayay na ako sa pagod, saglit na akong natulog. Nang makalikom ng sapat na
lakas ay nagtungo ako sa Computer shop. Mukhang may
bumibirada sa bago kong profile picture kaya
nagkomento ako laban sa kanya. Ang simpleng asaran ay nauwi sa pakikipag-chat,
dahil napasarap ako sa pakikipag-chat, inabot na ako ng dalawag oras na
nakaupo kaharap ang Computer. Bago umuiwi'y nagpa-print muna
ako ngassignment sa English at nagbasabasa
pagdating sa bahay pagkat may mahabang pagsusulit kami bukas. Nang dalawin ng
antok ay saka lamang natulog.
27 | 20 Dalawang pung araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
December
06, 2013
Friday
Year I-340
Friday
Year I-340
3d-s. Nagising ako dahil
sa lintik na pagtulo ng aking uhog. Ikalawa pa lamang ng umaga subalit nawala
na ang antok ko kaya naupo ako sa sala at naglaro ng Tablet. Makalipas
ang ilang saglit ay kumain na ko ng agahan. Naging napakaginaw ng umaga kaya
naman sobra akong nangatog pagkatapos maligo. Pagdating sa eskwela'y masamang
balita kaagad ang ipinaalam sa akin ni Jayvie ann at sinabing
tanggal na raw ako sa grupo nila. Iyan na nga ang sinasabi ko, walang kwenta
talaga ang mga kagrupo ko at porket di lang ako nakadalo sa kanilang praktis,
ang lakas ng loob nilang tanggalin samantalang wala pang pahintulot ni Ma'am.
Paano naman ako makakadalo ng praktis, kahapon nga'y di man lang nila ako
sinabihan na may praktis pala at ikinapuputok pa ng butsi ko'y ikakatwiran
nilang di na raw kailangan pang sabihin, bwisit yang Ashley at Pinlac na
iyan!
3d-t. Masyadong
mapagmataas kaya di pinapalad ang kagrupo namin pagdating sa palaro! Habang
nakatayo sa labas ng silid, inisip ko na lilipat na ko ng ibang grupo pagkat di
ako komportable kapag kasama ko si Ashley at Pinlac,
kaso baka di pumayag si Ma'am Mina kaya ang dapat ko na
lang gawin ay tiisin sila. Habang nagpapraktis sila ng jingle, lumapit ako subalit di man lang ako pinansin o inanyayahan man lang para sa
praktis. Nabasag ang aking figurine nitong nakalipas na
linggo kaya bumili pa ako kay Ma'am Fabiana ng
bago. Bibigyan niya sana ako ng mataas na grado para di na ko gumastos pa pero
di ko tinanggap at gusto kong ipakita sa kanya kung ano ang paraan ng aking
pagpipinta. Ilang saglit pa'y MAPEH na
at kahit ayaw na kong isali nila Ashley ay nagbihis pa rin ako
at nakisama sa kanila. Kahit di ako kasali sa jingle, sa pagsali
man lang sa palaro'y makabawi ako subalit di nila ako binigyan ng pagkakataon
at lakas loob pa akong itinaboy.
3d-u. Sumama pa lalo ang loob ko sa kanila at ibinuhos ko ang lahat ng hinanakit kila Perfecto
subalit maski sila'y ayaw akong pakinggan. Nagmumukha na kong kawawa sa
kanila subalit hindi ako makapapayag at magpapakatatag ako. sa totoo lang
talaga, hindi ko na ibig ang ugali ng aking kamag-aral pero sinusubukan ko na
lang pagtiyagaan. Kung sa bagay ay tatlong buwan ko na lang sila makakasama
kaya kailangan ko ng tibay ng loob at wala na akong ibang kakampi kundi ang
sarili ko. Sa oras naman ng English ay ipinamudmud na
ni Pradez ang ticket para sa play at
pagkatapos ay pinag-usapan nila kung anong oras sila magkikita. Kakainis lang pagkat napunta ako sa pang Alas-singko sa halip na Alas-tres samantalang
maaga naman akong nagbayad. Sa oras naman ng Math, wala ulit
si Sir Harren kaya naman mistulang palengke muli
ang silid-aralan. Dahil wala naman akong matitinong kakwentuhan, pagbabasa ng
aklat ang inatupag ko.
3d-v. Sa oras naman
ng Physics, sa wakas at may guro na rin at nagtsek lamang kami
ng activity kahapon. Ang kaninang mabigat ang kalooban dahil
sa nangyari kanina'y napalitan ng saya pagkat perpect ako kaya
naman umuwi ako ng masigla at pakiramdam ko'y nakatira ako sa alapaap. Doon ko
natutuhan na gaano man katindi o kabigat ang iyong
pinagdadaanan, may naghihintay pa lang masasayang pangyayari. Kinagabihan,
hindi ako nakanood ng telebisyon dahil sa ingay ng Kuya, lihim kong pinintahan
ang bagong biling figurine at inabot na ko ng Hatinggabi bago
ito matapos. Bago matulog at sa takot na mabungangaan ni ina kapag nabistado,
palihim kong inilagay ang figurine sa ilalim ng lababo. Malas
nga lang pagkat aksidente kong nasagi ang arinola, dagdag gawain tuloy. Matapos
imisin ang natapong ihi'y saka pa lamang ako natulog.
26 | 19 Labing siyam na tulog na lamang at paggising niyo, Pasko na pala.
December
07, 2013
Saturday
Year I-341
Saturday
Year I-341
3d-w. Muli nanamang sumapit
ang araw ng Sabado, kaya magandang pagkakataon upang gawin ang dapat gawin at
mag-relax, kaso para sa akin ay wala munang relax pagkat
sa araw na ito'y may dapat akong gawin at tapusin at iyon ay gawaing bahay at
takdang-aralin, di ko sasayanging ang libreng oras na ibinigay para lang sa
walang kwentang gawain. Sarap pang matulog sa kama pero kailangan ng bumangon
pagkat may gagawin pa ko. Matapos kumain ng agahan ay sinimulan ko ng maglinis
sa bahay, pagkatapos ng gawaing bahay at dahil may takdang-aralin kami sa MAPEH at iyon ay manood ng mga
pelikula, kaagad akong nagtungo sa computer shop upang manood
ng pelikulang "Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros",
wala kasi kaming bala nun kaya sa Youtube ko na lamang pinapanood
at pinagtiyagaan na lang panoorin pagkat malabo.
3d-x. Buti pa si Maximo,
sa mura niyang edad ay niyakap na ng lubusan kung ano ang kasarian mayroon siya
at siya rin ang nagtama sa pamumuhay na kanilang kinasasadlakan tulad ng pagtutulak
ng droga at pagnanakaw. Kahit na dinededma ng maraming manonood ang mga Indie films,
kapag pinanood mo pala, di lang basta maganda kundi nagbibigay sayo ito ng
inspirasyon at marami ka rin aral na mapupulot. Nagbigay sa akin ng inspirasyon ang palabas
na iyon pagkat kung ano kayang gawin ng mga straight gender ay
kaya rin gawin o mas higit pa ng mgahomosexual na katulad namin at
napatunayan sa palabas na napanood ko. Makalipas ang dalawang oras ng panonood,
di muna ako umuwi at dumeretso sa bahay nila Gangang upang
udyukin siya na magsabay kami sa pagtungo sa SM North EDSA, kaso nagbibihis na siya at di pa ko
nakakapananghalian kaya ako na lang mag-isang tutungo dun.
3d-y. Ngayong araw
din ang stage play namin sa English na
gaganapin sa SM Cinema kaya naman matapos kumain at maligo'y
todo bihis at porma ako upang kaayahan naman nila ako di kahiyaan. Mga
Ala-una ako umalis ng bahay at mag-isang nagtungo sa SM. Pagdating sa SM ay
nadatnan kong pumapasok na sa sinehan ang mga first batch, nakakayamot
lamang at bakit nilagay ako sa pang-alas-singko, wala tuloy akong kakilalang
kasabayan sa panood. Kahit kakaunti at upang makanood sa unahan ng play ng Pedro Calungsod ay
pumila na ko. Ilang saglit pa'y biglang dumating sila Jessa kaso
di na sila makakanood pagkat naubusan na sila ng ticket, kawawa
naman ako at wala talagang kasabayan.
3d-z. Alas-singko pa
naman ang play kaya sumama muna ako sa kanila sa paggala.
Pagbalik sa Waiting Area, mukhang minamalas nga naman ang lagay pagkat di ko makapa sa bulsa ang ticket,
paano ako makakanood at sayang ang pinangbayad ko. Hinalughog ko ng husto
maging sa aking bag subalit di talaga masumpungan. Labis tuloy
akong natataranta at problemadong problemado. Kapag nalaman nilang
burara ako ay mawawala ang tiwala nila sa akin at iyon ang kinakatakot ko kaya
upang makasigurong di mabubunyag ay itinikom ko ang bibig kahit kanino,
kailangan ko talaga itong gawin at patawarin sana ako kung magagawang maglihim.
Di na ko tumuloy pa sa entrance ng sinehan at mag-isang
nagpagala-gala. Upang di mahalatang di nanood ng play ay itinuon ko ang oras sa pagbabasa na aklat sa bookstore. Pagsapit
ng Alas-sais ay naisipan ko ng umuwi kaso ang haba ng pila sa antayan ng jeep.
3e-a. Ilang saglit pa'y
tiyempo kong nakita sina Jobil, Jenny mae, Jessa at Noemi
na nakapila, kaso di ako makasabay pagkat bawal sumingit. Sa kanilang apat,
si Noemi lang ang nakadiskarteng sumingit sa pila kaya siya ang
kasabay ko sa pag-uwi. Sa takot na baka magkaroon sila ng hinala kung bakit maaga
akong umuwi, nagtungo muna ako sa computer shop at
nilibang ang sarili sa panonood ng pelikula. Mga bandang ikasiyam na ng gabi
ako umuwi at sa tindi ng pagod ay kaagad na akong nahimlay kaso di naman
makatulog pagkat inuusig ako ng konsensiya, alam kong mali ang ginawa kong
maglihim sa pamilya ko kaso natatakot akong baka magbago ang tingin nila sa
akin kaya tikom muna ang bibig.
25 | 18 Labing walong tulog na lamang at bukas ay Pasko na.
December
08, 2013
Sunday
Year I-342
Sunday
Year I-342
3e-b. Mababang temperatura
ng panahon ang gumising sa nahihimbing kong pagtulog, pagdilat ng matang galing
sa tulog ay tumama na ang nakakasilaw na sinag ng araw, umaga na pala at ako na
lamang marahil ang tulog kaya karakaraka na kong bumangon, gawaing bahay muli
ang inatupag pagkatapos magkape. Kahit medyo nabibigatan ako dahil sa
pangyayari kahapon na di kanais-nais ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pagwawalis,
paghuhugas at paglalampaso. Iba ang dating sa dibdib kapag may itinatago ka
pala at mawawala lamang ang kabigatan sa dibdib kapag inilabas mo iyon kaso
gusto ko pa rin itikom ang bibig.
3e-c. Dahil wala ng iba
pang gagawin, paglalaro ng Tablet ang inatupag ko hanggang sa
sumapit ang tanghali. Mukhang nagluluksa ang kalangitan at nagbabadya pang
umulan at sana nga'y umulan ng sa gayon ay magsiuwian na sa kanya-kanyang
lungga ang mga batang kapipilyo, ang ingay kasi ng baryo namin kapag nandiyan
ang mga batang makukulit at di mo pa masaway. Kakainggit lang isipin na buti pa
sila, nae-enjoy nila ang pagiging paslit samantalang puro
pagdurusa't hirap ang pinagdaraanan ko ngayon, minsan na nga lang ako magsaya,
may sumasama pa ang loob at pag-iinitan ka pa kapag di mo itinigil, katulad ng pagpunta ko sa bahay ng mga kaibigan ko, pagpapatugtog ng masasayang
awitin at iba pang nagpapasaya sa akin, nagagalit ang magulang ko kapag
ginagawa ko iyon kaya minsan nasasagot ko sila.
3e-d. Bakit kaya ganun
ang naging buhay ko, naghahanap ng kaaliwan at kailan ba ako magiging masaya ng
walang sasama ang loob at magagalit? Sa totoo lang ay natitigang na ko sa
kasiyahan at gusto ko ng maging masaya, pero paano? Matapos kumain ng tanghalian ay
natulog na ko kaso saglit pa lang ang tulog ko'y biglang nasira ng magpatugtog
ang aming kapitbahay, malakas at sakit sa teynga ang mga tugtugin, Budot-dance kasi
kaya ang tsakang pakinggan pero wala akong magagawa at diyan sila nagiging
masaya. Upang di maingayan ay naisipan kong magkumpyuter sa labas.
3e-e. Nang mapansing
lumagom na ang kadiliman sa kapaligiran, nag-log-out na ko. Trip ko
pang gumala at maging masaya kaya nagtungo ako sa bahay nila Regine.
Saktong nakita ko si Gelyn na papauwi kaya sumabay na ko sa kanya.
Pagdating sa bahay nila, makulay at kumukutikutitip na christmas
lantern ang bumulaga sa muli kong pagbisita sa kanila. Tulog ang Regine
(Miano) pati ang Shiela kaya sa bahay nina Ate Bing ako
tumuloy at nakapagtsikahan. Kahit pilyang bata si Aira ay di
ako na-badtrip kundi natutuwa pa nga ako sa batang iyon, kahit
paano'y nakaramdam ako ng kaunting saya dahil sa kanya. Mga bandang Alas-otso
na ko umuwi ng bahay at pagdating, saktong nadatnan ang Tita Susan na
nakahiga, nagkamustahan kami. Sa kadahilanang maaga pa akong magigising
kinabukasan, kaagad na kong natulog.
24 | 17 Labing pitong araw na lang bago magpasko.
December
09, 2013
Monday
Year I-343
Monday
Year I-343
3e-f. Dakong Alas-kwatro
y medya ng madaling araw na kaya sa halip na magtagal pang humilata sa masarap
at komportableng kama'y bumangon na ako. Sumunod na bumangon si Tita Susan,
wala ako lagi sa mood tuwing umaga kaya katamad magsalita. May
kalamigan ang panahon pero nagawa ko pa rin maligo. Pagdating sa eskwela, flag
ceremony pala at pagkatapos ay inanunsyo nila na sa aming mag-aaral
na student teacher ang magtuturo sa amin at
pahinga muna ang guro namin ngayong araw. Nagsisisi ako sapagkat dapat
nagpresinta ako bilang student teacher kaso ayaw kong isipin
ng kamag-aral ko na bida-bida ako at bilib na bilib sa sarili kaya
di ko na lang itinuloy. Sa oras ng Values, mga estudyante ang
namahala sa klase namin at nagtsek lamang kami ng Ugaling Pilipino.
3e-g. Sa oras ng TLE, student teacher rin
ang nagturo sa amin kung paano magpa-burn ng CD, habang nakaupo't dahil nalilito
ay nagtanong ako kay Ma'am Sandra kung paano magpa-burn ng CD. Dami ko talagang natutuhan
kay Ma'am Sandra. Maya-maya, oras na ng MAPEH, si Ma'am Mina pa
rin ang naging guro namin at nagkaroon ng rehearsal sa play.
Sa oras ng Filipino, estudyante pa rin ng eskwelahan ang namahala
sa klase namin at kahit student teacher lamang ay kasing
galing niyang magturo ang mga guro, ilang
saglit matapos siyang magturo'y nagkaroon kami ng palaro subalit di ako
gasinong nasiyahan. Sinamantala namin ang oras na walang guro sa paglalagay ng
dekorasyong pampasko sa buong silid, ilang saglit pa'y dumating na si Ma'am Templanza
kasama ang napakakisig naming student teacher.
3e-h. Naku at may
mahabang pagsusulit pala kaso hindi ako nakapagrepaso kaya halos mangamote ako
sa pagsagot. Sa oras ng Math, wala ulit si Sir Harren kaya
sinamantala namin ng mga kagrupo ko ang pag-aayos ng Gas car na project namin
sa Physics kaso kapag pinapaandar, ayaw tumakbo. Triple ang kaba ko
sa dibdib ng Physics na pagkat baka mapahiya lamang kami kapag
sinubukang paandarin ang niyaring Gas car. Mukhang napahiya nga ako
sapagkat ang layo ng narating ng kalaban namin samantalang di makagalaw-galaw
ang Gas car namin, ayos na rin iyon kaysa walang gawa.
Pagkatapos ay bumalik na kami sa silid, medyo nababagot ako kaya naisipan kong
hiramin ang Rubics Cube na nilalaro ni Ibarra kaso
lang ipinagkait niya sa akin at kala kung sinong kapogihan kung umasta, may
tahi naman sa tiyan.
3e-i. Hindi ko lubos
mabatid kung bakit iba ang pakikitungo sa akin ng kamag-aral ko, yung tipong di
ko ramdam ang mainit nilang pakikisama sa akin at ako yung pilit na nakikisama pero sila naman ang lumalayo. Hindi lahat ng
kaklase ko ay marahil ay ganon ang pakikitungo sa akin, mangilan-ngilan lamang
at kung sa bagay, kailangan ko ng tibay at lakas ng loob upang matiis pa ang
pakikisama sa kanila, ang hirap kasi at nagmumukha lamang akong hangal kapag
ginagawa ko iyon at dahil diyan kaya umuwi akong masama't mabigat ang loob at
inis na inis. Bakit nila ako ginaganito, naging mabait naman ako sa kanila.
Balak ko sanang bigyang hustisya ang sarili dahil labis nila akong iniitsapwera
kaso huwag na lamang at baka lalo pa kong mapasama. Itinulog ko na lamang ang
lahat ng hinanakit sa dibdib.
Bahagya naman naibsan pagkamulat ng mata. Sa katunayan ay matagal ko na
iyon nararanasan pero tinitiis ko lang, kapag nagsalita naman ako, parang
teyngang kawali ang kausap ko kaya nanahimik na lamang ako.
23 | 16 Labing-anim na araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
December 10, 2013
Tuesday
Year I-344
3e-j. Maagang nagising
ang katawang lupa ko pero nagpatuloy ako sa pagtulog dahil wala namang
importanteng gagawin, minabuti kong huwag ng pumasok at sa Huwebes na lamang
balak pumasok. Mga Alas-otso na ko bumangon. kabagot-bagot nanaman ang araw ko
kaya naisipan kong magpatugtog ng Christmas song, ano ba iyan si Mama at
palagi na lang nangingialam sa tuwing nagpapatugtog ako, pinabayaan ko na
lamang siya at habang nakikinig ng awitin, ginampanan ko ang responsibilidad
bilang tagalinis ng bahay. Maya-maya’y paglalaro ng Tablet ang
sunod kung inatupag, kahit paano ay nawawalana ang aking pagkabato kaso kabanas
lang pagkat di ako maka-level up sa laro, iisa na nga
lang ang titirahin, pumapalpak pa pero magandang laruin ang Angry Bird.
Dahil kumakalam na ang aking sikmura'y itinigil ko muna ang paglalaro at
kumain. Di ko sanang balak mag-siyesta subalit dala ng inaantok
na'y napa-siyesta pa rin ako ng de-oras.
3e-k. Mga Alas-tres na
ko nagising at panonood ng telebisyon ang sunod na inatupag. Nakakatawa ang
pelikula at puro kakulitan at kalokohan pero sa huli, maganda at nakakaaliw
panoorin. Matapos ang comedy, Galema naman ang
sunod kong pinanood. Medyo nababato nanaman ako kaya pagkatapos manood ng
telebisyon ay naglaro muli ako ng Tablet, ako'y nagagalak pagkat
napagtagumpayan kong makaalis sa level na iyon. Nang maubusan
ng baterya ang magara pero mumurahing Tablet, isinaksak ko na muna
ito at nanood ng telebisyon, kahit nasa bahay lang at di makagala gawa nga na
delikado na dahil madilim na'y nalilibang pa rin ako.
3e-l. Matapos manood ng
telebisyon at gawa na di pa gasinong dinadalaw ng antok ay naisipan kong muling
maglaro sa Tablet, medyo naaadik na ko sa larong Angry bird.
Habang sarap na sarap ang buhay sa paglalaro, ang katahimikan sa aming
kapaligiran ay pansamantalang nabasag ng maulinig kong may nagwawala at sumisigaw, dumungaw ako sa may bintana at pagkatingin, nag-aalitan na
pala ang magkabiyak at pinaghahagis ang mga plato, labis akong natakot at baka
pati dito'y makapanakip, lasing pala siya kaya nagiging bayolente. Mga
Alas-onse y medya na ako natulog ng mapagod na ang aking mata sa kakalaro
sa Tablet.
22 | 15 Labing limang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
December 11, 2013
Wednesday
Year I-345
3e-m. Ngayong araw
ipinagdirwang ng aming eskwelahan ang ikalabing-lima nitong anibersaryo simula
ng itatag ito kaya naman mayroon kaming foundation day. Batid kong
masaya ang foundation sa aming eskwelahan subalit dala ng
napasarap ako sa aking tulog na halos di maawat, tinanghali na ako ng gising,
sayang subalit ayos lamang at marami pa naman pagkakataon upang magdiwang.
Idinaan ko na lamang sa patugtog ang pagkadismaya at sa bawat awiting aking
nauulinig ay nagbibigay ito sa akin ng kaluwalhatian sa dibdib. Nang magsawa at
sa takot na ireklamo ng kapit-bahay, di na ako nagdalawang isip pang patayin
ito. Nakakabato ang pakiramdam kapag nasa loob ka lamang ng bahay kaya naisipan
kong magtungo sa computer shop. Maaga pa kaya matumal
pa lang ang gumagamit ng personal computer, mabuti na
iyong kakaunti pa lang, atlis tahimik.
3e-n. Nasulit naman
kahit paano ang dalawang oras na pagtutok ng mata sa Computer. Sa
kadahilanang ayaw ko pang umuwi'y naisipang kong magtungo sa bahay ng aking
kaibigan na si Cathy. Si Cathy kasama ang dalawang
nakakabatang kapatid niya lamang ang nadatnan ko at ipinabatid sa akin na nasa
Ospital daw ang butihin niyang Mudra sapagkat nakunan raw ito,
sana ay nasa mabuting kalagayan si Ate Ging. Nagtagal
pa ako sa kanila hanggang sa sumapit ang tanghaling tapat, sarap kasing
kakwentuhan si Cathy. Saka pa lamang ako kumain ng tanghalian pagdating
ng bahay. Siyempre matapos kumain ay naghugas ako ng plato para walang masabi
si ina, talakera pa naman iyon kapag makalat at madumi sa loob ng bahay
pero love ko pa rin siya. Diretso tulog pagkatapos maghugas ng
plato. Naging maganda sana ang napaginipan ko kaso naputol, ang ganda pa naman
at sana matuloy ang naputol na napaginipan ko sa muling pagtulog ko mamaya.
3e-o. Medyo kumakalam
ang aking sikmura kahit natulog ng busog kaya bumili ako ng Meryenda. Di
lamang ako lalamon at iniisip ko rin ang kasamahan sa bahay kaya sa halip na
para lang sa akin ang pinamiling tinapay ay dinamihan ko rin para sa kanila
kaso pagdating sa bahay, hindi naman nila naibigan ang pinamili kong tinapay
sapagkat malamig raw kaya ipinamigay ko na lang sa alaga naming aso ang natira,
buti pa ang mga aso, di pihikan pagdating sa pagkain at babanatan kahit anu
pang pagkain ang ihain. Kung sa bagay iba kasi ang taste ng
tao kaysa mga hayop. Ilang saglit pa makalipas ay nagtungo naman ako sa bahay
ni Regine (Miano). Si Aling Gina at
iba pang kapatid ni Regine lamang ang nadatnan ko sa kanila at
wala ang mga batang maukulit, di tuloy masigla.
3e-p. Ilang sandali pa'y
saka pa lamang nagsidatingan ang mga tsikiting galing eskwelahan, sina Regine at Shiela lamang
ang nakakwentuhan ko.
Sa Pasko na rin ang binyag ng anak ni Regine at
nakapili na rin siya ng magiging ninong at ninang ng kanyang anak, sayang at di
ako kinuhang ninong este ninang subalit ayos lang iyan, baka di ko naman
mabigyan ng regalo ang anak niya kapag naging ninang ako sapagkat kapos sa
pera. Saksakan sa cuteness and handsomeness si Baby
Gian. Sa sarap ng aming kwentuhan magkumare, inabot na ko ng dilim sa daan
at diretso nuod ng telebisyon pagdating ng bahay. May pasok na bukas kaya
matapos manood ng telebisyon ay kaagad na akong natulog.
21 | 14 Labing apat na araw na
lang bago sumapit ang pinakahihintay ng lahat, ang Pasko.
December
12, 2013
Thursday
Year I-346
Thursday
Year I-346
3e-q. Matining na tunog
ng alarma ng aking telepono ang bumasag sa nahihimbing kong pagtulog, sayang at
ang sarap pa naman managinip pero kailangan ng gumising at bumangon ng maaga
sapagkat sa araw na ito'y balik sa dating gawi ang aming eskwela. Sa lamig ng
panahon at sa takot na baka atakihan muli ng katakot-takot at napakalapot na uhog,
di ako naligo at nagwisik-wisik lang. Pagdating sa eskwelahan, kakaunti pa
lamang ang nandoon. Habang wala pang guro'y sinamantala ko ang oras sa pagsagot
sa Daloy Balita, sabay tago ng dumating si Sir Arnulfo,
di pa rin nagbabago ang mga kamag-aral ko pagkat
bumabase pa rin sa sagot ng iba kapag ginagawa ang assignment.
Nagtsek lamang kami ng quiz, sayang at dapat pumasok ako ng Martes
pagkat nagkaroon pala sila ng maikling pagsusulit, sa bait at pagiging pusong
mamon ni sir ay binigyan niya ko ng tiyansang makapag-quiz pero
bago pa raw sumapit ang Periodical test.
3e-r. Maya-maya’y TLE na at pagbu-burn pa
rin ng bala ang aming topic. Sa oras naman ng MAPEH at dahil bukas na
magpapalaro si Ma'am Mina para sa Mini olympics.
Ibinigay niya sa amin ang kanyang oras upang makapag-isip at usap kung
anong strategy ang gagawin namin para magwagi sa palaro,
napakatagal pa bago sumapit ang susunod na asignatura kaya sinamantala namin
ang nalalabing oras upang makapag-ensayo ng jingle, madalas ay d
pinapalad ang grupo naming manalo sa nakalipas na palaro kaya naman todo ensayo
kami ng sa ganon ay makakuha ng awards pagdating sa banner at jingle,
sa banner lang kasi kami nananalo. Malas nga lang at di ako
pinayagan ni Ma'am Mina na sumali sa kanyang
palaro pagkat sinasaalang-alang niya ang kahihinatnan ng kanyang propesyon
kapag inatake raw ako ng hika, pinakausapan ko siya pero di tumalab.
3e-s. Nagkaroon pa kasi
ako ng ganitong uri ng sakit kaya di ko ma-enjoyang pagiging high
school ko, sa totoo lamang ay madalas
ay di ako pinapasali ng mga naging guro ko sa MAPEH pagdating sa Physical education pagkat
mahina raw ang baga ko at di sanay sa mabibigat na aktibidad. Nanahimik na lamang
ako sa isang tabi at nagsagot ng Daloy Balita. Sa oras naman
ng English ay si Sir Buenaventura ang
naging guro namin at pinagawa niya lamang kami ng sanaysay tungkol sa aming
inspirasyon. Sa oras ng Math, hindi nanaman sumipot sa aming klase
si Sir Harren kaya mistulang palengke muli ang
silid. Ilang saglit pa'y biglang nagpakita si Oliver kaya
kinamusta namin siya, kasarapan ng pakikipagtsikahan sa kanya ng magpulasan
kami ng takbo dahil biglaan ang pagdating ni Sir Martin,
nagturo lamang siya tungkol sa impulse and momentum.
3e-t. Sa halip na umuwi,
kasama ang mga kagrupo ko ay dumeretso kami sa Park upang
mag-ensayo ng jingle, makailang saglit pa'y naisipan namin magtungo
sa bahay nila Jayvie Ann upang mag-research ng
kakantahing yell at ng makahanap, balik muli sa Park.
Si Ashley ang naging choreographer namin sa jingle. Kanina'y medyo
seryoso pa kami pero ng kalaunan ay puro kami hagikhikan dahil sa kaartehan
ni Kathy, sa sobrang saya ko ay napatambling ako ng wala sa oras at
nasaksihan iyon nila Ashley kaya isinali iyon sa produksyon
ngaming jingle at halos magkarayuma ako sa kakatambling pero
ayos lang, atlis naaliw sila sa akin at di ako boring kasama.
Nagpatuloy pa ang aming tawanan at asaran at ako lagi ang puntirya pero di man
lang ako napikon at nasisiyahan pa nga.
3e-u. Akala ko'y mahirap
pakisamahan ang mga kaklase ko pero na-realize kong adjusment lamang
ang kailangan upang lalo pa kong mapalapit sa kanila. Dahil sa kaharutan at
tawanan na parang tinakasan ng bait, inabot na kami ng Alas-singko sa Park.
Malapit ng gumabi kaya umuwi na kami. Sa halip na umuwi'y nagtungo pa ko
sa computer shop upang maghanap ng sasayawin para bukas.
Minsan lang ako magpapakitang gilas sa kamag-aral ko at ayaw kong mapahiya kaya
todo ensayo ako pagdating sa bahay. Nakakaramdam na ng pagod at super
duper haggard na ang lagay kaya natulog na ko. This
is my unforgetable day that ever since in my life, kahit puro bigat at
paghati ang nararanasan ko'y may darating rin palang masasayang panahon at wala
man lang nasaktan, sana susunod ay wala ng taong killing joy sa
tuwing masaya ako.
20 | 13 Labing tatlong araw na lamang bago sumapit ang pinakamasayang araw, malapit na.
December 13, 2013
Friday
Year I-347
3e-v. Matinding kaba
kaagad ang dumatal sa aking dibdib pagkat ngayong araw ako magpapakitang gilas
sa pagsayaw ng mag-isa at sana'y di ako kahihiyan sa paningin nila pagkatapos
nito. Bago pumasok at dahil may oras pa naman ay minaster ko ng husto ang
aking dance number. Maya-maya’y nagtungo na ko sa eskwelahan. Wala
pa akong magawa kaya nanghiram muna ako ng Rubics cube kay birthday girl Jobil at
nilaro. Habang nagbubuo ako ng kulay, bwisit na Ibarra na iyan
sapagkat pwersado niyang inagaw sa akin ang Rubics cube, naawa
naman ako sa tiyan niyang may tahi at baka bumulwak ang bituka kaya
nagpaubaya na ko, labis akong na-badtrip sa kanya, Isa pa’y
masyadong hambog at gwapong-gwapo sa sarili. Ilang saglit ng dumating si Sir Arnulfo at
nagtsek lamang kami ng Daloy Balita. Bago sumapit ang
oras ng MAPEH,
inihanda ko na ang aking sarili para sa ginawang dance number.
3e-w. Maya-maya’y nagtungo
na kami sa School Quadrangle upang isagawa ang Mini Olympics.
Kanya-kanyang pasabog ng jingle ang magkakalabang kagrupo,
lalo na sila Nathaniel na nag-pyramiding pa at
kalang sumasali sa cheerdance kaya lalo pang sumidhi ang kaba sa
aking loob. Ng kami na'y nakapwesto na ko sa gitna at maya-maya'y sumayaw na ko
ng "Whoops kiri"sabay tambling ng
tayog, palakpakan na may kasamang hiyawan ang aking mga kamag-aral pati
si Ma'am Mina at pakiramdam ko'y isa na akong professional
dancer. Hindi ko lang alam kung ano ang nasa isip nila at baka di naibigan.
Kaya pala di ako pinasali ni Ma'am Mina sapagkat
agaw buhay ang kanyang palaro at nakakahingal, sa huli'y White knight ang
nanalo sa Mini Olympics pero kami naman ang nakahakot ng
parangal para sa best banner at siyempre best jingle,
nakaagaw siguro ang pagtambling ko sa simpatya ni Ma'am na palanunin kami at
nagkaroon rin kami ng premyo kaya nadagdagan pa ang baon ko.
3e-x. Ang saya ng araw
ko't di iyon mapipigilan. Pagbalik sa silid, bakas sa mukha ng mga kamag-aral ko ang matinding pagod, nakaka-guilty lang
pagkat hirap na hirap na nga ang kagrupo ko samantalang nakaupo lang ako,
alanganin kasi itong baga ko. Ilang saglit pa'y
dumating na si Sir Velarde subalit di nagturo at
hinayahaan lamang kami sa aming gawain. Pagbubuo ng kulay sa Rubics
Cube ang inatupag ko. Sabay tago ng binubuong Rubics Cube pagdating
ni Sir Buenaventura. Sa oras naman ng Mathematics, absent
muli si Sir Harren at napapansin ko lamang
nitong mga nakalipas na araw ay palaging wala si sir, anu na kaya ang nangyari
sa kanya. Sa kadahilanang may quiz kami sa Physics,
nagrepaso ako subalit ng quiz na'y halos
dumugo na ang ulo ko sa kakaisip ng sagot. Nakakaramdam na ng antok pagdating ng
bahay subalit bawal naman akong matulog sapagkat may pupuntahan sila Mama at
wala magbabantay sa kapatid ko maging ang alaga naming hayop kapag natulog ako.
3e-y. Ilang saglit pa'y
dumating na si ate bitbit ang pinamiling produkto ng MCdonalds at
masaya namin iyon pinagsaluhan, labis akong nabusog sa hamburger at french
fries. Saka pa lamang ako natulog kaso di naman ako makatulog ng ayos dahil
kumakanta sa karaoke ang ate ko. Pagkagising ay bumalik na sila Mama at produkto
naman ng KFC ang
bitbit nilang pasalubong, mukhang bwinebwenas
ang tiyan ko ngayong friday the 13th at iyon ang
naging hapunan namin. Kinagabihan, nanood kami ni Papa ng pelikulang Four sisters
and a wedding, kahit may conflict ang bawat panig sa kanilang
magkakapatid, sa huli'y nagkapatawaran at nagkasundo pa rin sila, naiingit ako
sa pamumuhay nila pagkat masiyahin silang apat at matindi ang pagmamahal nila
sa bunsong kapatid na lalaki, sana ganun rin ang pamilya ko, masaya at
nagdadamayan. Tinapos ko muna ang pelikula at mga Alas-onse na nakatulog.
19 | 12 Labing dalawang araw na lamang bago sumapit ang Pasko.
December
14, 2013
Saturday
Year I-348
Saturday
Year I-348
3e-z. Maingay na sa
labas ng kwarto kaya bumangon na ako subalit pagkatingin sa malaking orasan ay
papasapit pa lang ang Alas-siete. Mainit-init na Sopas ang naging agahan ko at
iyon ang nagbigay init sa katawang nababalutan ng hamog, sa tindi ng lamig ay
halos mag-zero visibility na ang kapaligiran sa kapal ng hamog.
Matapos mag-almusal ay naisipan kong magpatugtog. Sayang-saya na nga ako sa
aking tugtog ng biglang umeksena nanaman si Mama at pinapapatay pa niya, sabi
niya'y malakas raw at hindi kaaya-aya sa pandinig, bagay na labis kong
ikinayamot kaya di ko napigilang sagutin siya. Kung sila nga kahapon na kahit
di ako makatulog dahil nagkakaraoke sila, wala akong sinasabi. Pinababayaan ko
na lamang, tapos kapag ako ang nagpatugtog ay sila pa ang may ganang
mag-inarte, pakiramdam ko tuloy ay parang di pantay ang pagtrato at pakiramdam
na nawawalan ako ng mga karapatan dahil dun, karapatan kong maging masaya at
aliwin ang sarili kaya huwag silang mangialam, wala naman akong ginagawang
masama!
3f-a. Bighaning-bighani
pa naman ako sa mga awitin pero dahil batid kong pagod ang ate galing trabaho,
pinatay ko na ang tugtog. Nakakaintindi naman ako kahit paano at sila yung
hindi. Naging napakaaliwalas ng panahon kaya magandang pagkakataon upang
tumambay sa bakuran. Habang nakatambay at pa-text-text ay saktong
namataan ako nina Pastora Anna at inanyayahan akong
dumalo sa sunday mass nila bukas, sa hiya'y di ako makatanggi
pero sa loob ko'y wala akong balak magpunta sapagkat di ko sila kaanib at isa
pa'y mahal ko ang pagiging Katoliko, inimbita rin nila ako sa
kanilang christmas party sa susunod na Linggo pero salamat na
lamang sa kanilang imbitasyon at talagang di ako makakapunta, sana'y
maintindihan nila.
3f-b. Dahil di ko naman
sila gaanong kinakausap ay umalis kaagad sila. Panay kantiyaw sa akin si Mama
pagkapasok at dapat ay di ko sila nakilala
kung palagi kang pupuntahan, nakakailang kasi iyon. Kinahapunan at
pagkatapos maghugas ng plato'y nagtungo ako sacomputer shop at
grabe ang mga kalalakihang naglalaro, parang tagabundok kung magpalitan ng
salita at halos malunod ako sa malulutong nilang mura, di tuloy ako nag-enjoy at
kaagad na umalis. Sa halip na umuwi'y dumeretso pa ako sa bahay nina Regine at
nakipagkwentuhan.
3f-c. Maya-maya pa'y kina Cathy ako
tumuloy subalit wala siya at nakatira sa kapit-bahay sila Jaka.
Hindi ako makapaniwala sa kwinento ng aleng tinitirhan nila Jaka sapagkat
ng makunan raw ang Ate Ging, sa halip na magluksa'y
mukhang nagbubunyi pa raw pagkat hindi siya sabik na magkaanak at hiniling pa
nga niyang huwag mabuo ang bata sa tiyan kapag lalaki, bagay na ipinagtataka ko
kay Ate Ging at di ko akalain na ganong klase siyang ina.
Marami pang ikwinento ang ale tungkol kay Ate Ging at
maging ang isa pang kapitbahay ay sang-ayon sa kwinikwento niya kaya naman
nagbago na ang pagtingin ko kay Ate Ging, sayang at ang
bait pa naman niya sa akin at aakalaing anak ng Diyos. Dahil di pa raw
makakauwi ang nanay nila galing hospital, ipinakausap sa akin ng
ale na sabihan si Cathy na agahan ang pag-uwi at walang
magbabantay kina Jaka.
3f-d. Nagtungo ako
sa JOLIA church at
sinabihan nga si Cathy, papauwi ako ng magkita ulit kami ni Pastora Anna at
panay pa ang pangungulit sa akin, nahihiya talaga akong tumangi kaya lakas loob
na akong nakipagplastikan sa kanya. Sumapit na pala ang ikawalo ng gabi
pagdating sa bahay at saka pa lamang naghapunan. Habang nagsusulat ng lecture sa
Physics, bigla kong naulinig ang mga pagputok sa kalawakan. May fireworks
display pala at kahalihalinang pagmasdan, ang bilis ng panahon at di
ko namalayang malapit ng sumapit ang panibagong taon. Ipinagpatuloy ko ang
pagsusulat at ng antukin ay saka lamang natulog.
18 | 11 Labing-isang araw na lamang bago magpasko, malapit na.
December
15, 2013
Sunday
Year I-349
Sunday
Year I-349
3f-e. Ikawalo na ng
umaga ng magising ang katawang lupa ko, sarap pang humilata sa kama at magmuni-muni
subalit kailangan ko ng bumangon. Pagkabangon ay dumeretso kaagad sa kusina at
mainit-init na pandesal ang naging agahan ko, napapansin ko lang dahil nung
bata pa ako'y mas malaki pa ang pandesal kumpara sa ngayon na halos kakarampot
na lamang, marahil ay nagmahal na ang harina at iba pang mga bilihin, sa
panahon ngayon ay taghirap na talaga at kailangan ng maghigpit ng sinturon,
patuloy ngang lumalago ang ekonomiya ng bansa pero di pa rin ramdam ang
kaginhawaan. Sa liit ng pandesal, halos ako
lang ang makakaubos pero dahil mahabagin ako'y nagtira naman ako kahit bitin na
bitin.
3f-f. Matapos
mag-almusal ay ipinagpatuloy ko ng isulat ang lecture sa Physics.
Bumirit nanaman ang ate sa karaoke at kahit may ginagawa'y di
ko pa rin napigilang kumanta pero anu ba 'tong boses ko, namamalat at namimiyok
pa kapag tinataasan ko. Hininaan ko na lang sa takot na baka marinig at
pagtsismisan ng kapitbahay ang ginintuan kong tinig. Sa dami at haba ng
susulatin, nagkapaltos na ang daliri ko pero di pa nangangalahati sa pagsulat
kaya itinigil ko muna. Ilang saglit pa'y oras na upang mananghalian, kahit
paano'y nakabawi rin sa gutom. Nahumaling pa ako sa paglalaro ng Tablet kung
kaya di ko naipagpatuloy pang magsulat ng lecture at tinatamad
na ako.
3f-g. Maya-maya pa'y
umatake nanaman ang pagka-antukin ko, ayaw ko pa sanang mag-siyesta pero
sa ayaw at sa gusto'y kailangan kong matulog. Mga Alas-kwatro na ako nagising
at paglalaro muli ng Tablet ang inatupag ko hanggang sa
sumapit ang dilim. Maya-maya, habang naglalaro'y bigla kong narinig ang balita
sa radyo, kakalungkot isipin na ngayong magpapasko'y may insidente ng nakawan
at sa SM North EDSA pa iyon naganap, may
ilang Jewelry kasi ang nasabat gamit ang martilyo at miyembro
sila ng Martilyo Gang. Ang lalakas talaga ng loob
nilang magnakaw at ang mamahaling alahas pa ang sinalakay, pasalamat na lamang
at walang nasaktan sa naturang krimen. Sa kadahilanang dadalo pa ako sa Simbang
Gabi kinabukasan ay maaga akong natulog.
17 | 10 Sampung araw na lamang ang nalalabi bago sumapit ang Pasko, maging makabuluhan at payapa sana ang darating na kapaskuhan.
December 16, 2013
Monday
Year I-350
3f-h. Unang araw
ng Misa de gallo, kaya kahit di pa man pumapatak ang ikaapat ng
umaga, kahit pa-ika ika pa'y bumangon na ako upang dumalo sa Simbang
Gabi. Taun-taun sa tuwing sasapit ang kapaskuhan ay kinagisnan ko ng
gumising ng umaga, makadalo lang sa Simbang Gabi, bigo man ako na
makumpleto ang siyam na Simbang Gabi nitong nakalipas na taon,
ngayong taon ay sisikapin kong makumpleto iyon sapagkat naniniwala ako na kapag
nakumpleto mo raw ang Simbang Gabi, kung anuman ang iyong
kahilingan ay matutupad. Pagdating sa Simbahan, mangilan-ngilang deboto pa
lamang ang naroroon.
3f-i. Ilang saglit pa'y
nagsimula na ang misa at ang tema ay tungkol sa pagkakapantay-pantay ng tao sa
daigdig. Maliwaliwanag na ng natapos angSimbang Gabi at karamihan
sa mga nagsimba'y puro kabataan. Sumapit na pala ang ikaanim ng umaga kaya di
na ako pumasok pa. Nanood ako ng telebisyon pagkauwi at maya-maya'y binawi ang
tulog. Mga ikawalo na ng umaga ako nagising. Naglinis sa loob ng bahay at
pagkatapos ay ipinagpatuloy kong sulatin ang lecture sa Physics.
Ilang saglit pa'y sa wakas at natapos ko rin. Dahil walang magawa, sinamantala
ko ang oras sa pagbabasa. Kinatanghalian ng maisipang buksan ang telebisyon at
di naging kagandahan ang balita ngayong magpapasko sapagkat may nangyaring
aksidente sa maySkyway na kumitil sa labing-walong buhay. Kahit di
namin kaanak ang nasawi'y nakakalungkot pa rin. Hindi talaga magaganda ang
nangyayari dito sa ating bansa. Kahapon lang ay may naganap na nakawan ng
alahas sa may isang mall tapos ngayon, nahulog naman ang bus sa Skyway,
mga balitang nakakalungkot kung panoorin subalit wala tayong magagawa sapagkat
ganyan ang kapalaran.
3f-j. Matapos manood ng
telebisyon, paglalaro ng Tablet ang sunod kong inatupag. Kinahapunan,
masyadong weirdow sa bahay kaya naisipan kong magkumpyuter.
Nakakailang lamang para sa akin sapagkat puro mga bata ang kasama kong
nagkukumpyuter subalit maigi na ring mga tsikiting ang kasama kaysa sa mga
binatilyong maglalaro na nga lang ng kinakaadikang laro, kapag natalo'y
mabahong salita ang sasambulat sa inosenteng teynga. Mas malutong pa sa
piniritong manok kung sila'y magmura. Dahil napasarap sa pagkukumpyuter,
madilim na sa labas ng ako'y lumabas at ngayong gabi rin ang pagsisimula
ng christmas caroling. Sa hirap ba naman ng buhay na aming
tinatamasa, gustuhin man naming magbigay kahit singkong butas pero puro kami
patawad at sa Bisperas na lamang ng Pasko. Habang naglalakad pauwi'y marami ng
bata at kabataan ang nangangapitbahay upang mangaroling, mga tambol, piniping
tanzan na kinakalansing at beatbox ang kanilang instrumento sa
pangangaroling.
16 | 09 Siyam na araw bago sumapit ang Pasko subalit dama ko na ang Spirit of christmas at labing anim na araw naman bago sumapit ang 2014.
December
17, 2013
Tuesday
Year I-351
Tuesday
Year I-351
3f-k. Ikalawang gabi
ng Misa de gallo kaya naman sakripisyo muli ako sa
paggising ng umaga. Pagdating sa Simbahan, sa dami ng dumalo na abot hanggang
labas ay wala na akong naupuan. Nagtiyaga na lamang akong tumayo. Dahil papasok
pa ako, di ko na tinapos pa ang Simbang Gabi at dumeretso na
sa eskwela. Pagdating sa eskwelahan, mangilan-ngilan pa lamang ang kamag-aral
kong nandoon. Seksyon namin ang mamahala sa flag ceremony subalit
wala pa ang iba kong kamag-aral na itinalaga ng aming presidente kaya
nagpresinta na ako para sa "Panunumpa sa watawat ng Pilipinas",
bahagya akong kinakabahan pero ng nasa harap na ng libo-libong estudyante,
nilakasan ko ang loob sa pagsasalita. Parang ang gaan ng pakiramdam ko matapos
ang flag ceremony at sa wakas ay nakaraos rin.
3f-l. Sa oras ng AP, itinuro sa amin ni Sir Arnulfo ang
tungkol sa Economic fluctuation. Sa oras naman ng TLE, sa computer laboratory kami
nagklase at pinagawa kami ni Ma'am Sandra ng
sanaysay tungkol sa natutuhan namin sa kanya. Habang gumagawa ng essay ay
isa-isa niyang binanggit ang mga pangalan na alanganin sa grado at isa ako sa
natawag. Labis ko iyon ipinagtaka kaya kinunsulta ko ang aking grado sa
kanyang record sheet. Hindi ko akalain na may kulang ako
subalit isa lang pala. Bumalik kami sa silid ng MAPEH time na subalit di pumasok
si Ma'am Mina pagkat may play ang
isang seksyon na hawak niya. Walang magawa kaya nag-soundtrip na
lamang kami. Nang tiyempong makita si Ma'am Fabiana,
ipinasa ko na sa kanya ang figurine kaso medyo minalas lang ng
bahagya sapagkat nabasag kaya 90 lang. Sa bait ni Ma'am Fabiana'y ginawa na niyang 95.
Sa sumunod na asignatura, sa wakas at may guro na rin.
3f-m Nagkaroon lamang
ng pag-uulat ang ilan kong kamag-aral at pagkatapos ay quiz. Walang
ginawa ang katabi kong mga Chola kundi magtsika-minute. Sa oras naman
ng English, mukhang badvibes si Ma'am Templanza sa
amin. Sinermunan niya kami subalit di ko naman maunawaan ang ibig niyang
iparating sapagkat pa-british accent ang pagsasalita niya ng English,
pa-islangan lang ang peg. Matapos niyang manermon, ang nalalabi niyang oras ay
ibinigay sa amin upang gumawa ng sanaysay tungkol sa tunay na kahulugan ng
Pasko. Habang palakad lakad si Ma'am Templanza, hindi
ko akalain na kakausapin niya ako at sa bawat words na kanyang
binibigkas, may arte talaga kaya napapasusyal ang usapan namin ni Ma'am.
3f-n. Ilang saglit pang lumipas,
Math time na but Sir Harren is
not around, he is busy for his love ones, I think. Sa oras naman ng Physics,
pumasok naman si Sir Martin at nagturo. Bago
umalis ay inanunsyo niya sa amin na bawal lumiban ng klase bukas sapagkat
may long test kami. Ilang saglit pa'y uwian na at
pagdating sa terminal ng tricycle, may isang
manong drayber ang kinausap ako pero sa wikang ingles, kahit di bihasa'y
napasabak ako sa pagsasalita ng ingles at inglesan kaming dalawa. Pagdating sa
bahay, binalinguyngoy ako ng husto, dami ko rin natutuhan sa kanya at kahit
di professional ang trabaho niya, he is good in
speaking English. Bago matulog, nilabhan ko muna ang sinuot
na PE uniform sapagkat
iyon pa rin ang isusuot ko bukas.
3f-o. Maaliwalas ang
panahon kaya perpect timing upang makapagpatuyo ng
sinampay. Matapos maglaba at gawa na inaantok na, natulog na ako. Mga bandang
Alas-singko na ako nagising. Maya-maya, habang nanonood ng telebisyon ay
biglang niyaya ako nina Regine (Cebrero) upang mangaroling
subalit di ako pinayagan ng aking ina sapagkat baka raw ako atakihin ng hika,
di na lang tuloy ako sumama sa kanila. Ang wish ko, ngayong
magpapasko, kung anumang karamdaman ang taglay ko, sana'y mawala ng sa ganon
magawa ko kung ano ang naisin ko at sana'y matupad iyon.
15 | 08 Walong araw na lamang bago magpasko.
December
18, 2013
Wednesday
Year I-352
Wednesday
Year I-352
3f-p. Mukhang hindi
kagandahan ang napaginipan ko na halos bangungutin ako, pasalamat na lamang at
di ako natuluyan. Pagkagising at pagkatingin sa telepono'y Ala-una pa lang kaya
tumulog muna ako. Sadyang ay tulin ng oras, kasing tulin ng kidlat at sa aking
muling pagdilat ay malapit ng sumapit ang Alas-kwatro. Dinalian ko na sa
pagkilos upang makadalo pa sa Simbang Gabi. Pagdating sa Simbahan
ay wala na akong maupuan sa dami ng nagsisimba at ang bigat pa ng bag ko.
Maya-maya pa'y nagsimula na ang Misa de gallo at hinintay ko
munang matapos bago pumasok. Pagdating sa Eskwela'y wala palang halos gagawin
at inanunsyo sa amin ni Sir Arnulfo na maglilinis lamang kami
bukas at may Christmas program na gaganapin. Kung
wala lamang longtest sa Physics ay di sana,
di na lamang ako pumasok. Dahil walang klase'y sinamantala ko ang oras sa
pagrerepaso.
3f-q. Ilang saglit
pa'y TLE na at isa-isang tinawag ni Ma'am Sandra ang
bungi ang grade sa kanyang record sheet. Sinabi
niyang gagawa kami ng Video na may kaugnayan sa naging lesson namin
at ia-upload sa Youtube sabay ibu-burn sa
bala. Masyadong nagmamadali si Ma'am sapagkat sa January 6 sa
susunod na taon na ang pasahan. Maya-maya'y biglang pumasok si Ma'am Fabiana upang
maningil, pinapautang na nga sila ni Ma'am, tapos kung kailan singilan ay di
man nagbabayad. Karamihan sa mga Pinoy, kapag alam nilang mabait
ka, aabusuhin ka lang, kapag naman masama ka ay kakaayawan ka nila at pagsasalitaan
pa ng kung ano-ano kaya di maintindihan ang Pinoy kung anong
gusto nilang makita sayo na ikagagalak naman nila't di ka sasamantalahin. Naawa
lamang ako kay Ma'am Fabiana sapagkat parang
inaabuso nila ang kabaitan niya.
3f-r. Wala kaming Guro
sa oras ng MAPEH kaya naisipan kong magtungo sa Admin upang
tulungan si Ma'am sa kanyang gawain kaso ay wala naman ginagawa si Ma'am. Yaman
at kausap ko na siya, humingi na ako ng tawad sa kanya sapagkat palagi namin
siya nakukunsumi. Lahat ng masasabi ni Ma'am sa aking mga kamag-aral ay
inilahad niya talaga. Naaliw ako masyado kay Ma'am Fabiana sapagkat
palakwento talaga siya. Sa dami ng aming pinag-usapan ay mukhang nasayang ng
ilang sandali ang oras ni Ma'am upang magturo pero sinabi niyang ayos lang daw
iyon. Pagbalik sa silid ay Filipino time na.
Pumasok si Sir Velarde subalit di naman nagturo at
dahil walang magawa kaya natulog na muna ako. Habang sarap sa patulog ay
biglang gumagalaw sa akin at pinagtatawanan pa ako, mga bwisit sila at pati pa
naman natutulog ay di nila pinapalagpas sa kanilang pangti-trip. Buti na
nga lang at nandoon si Mary Joy at pinagsabihan sila.
3f-s. Maya-maya'y bigla
na lamang ako nagising dahil sa paninigaw ni Melarion, wala pa
palang guro kaya ipinagpatuloy ko ang pagtulog. Nagising na lamang ako
nung recess time na at dahil walang mga gurong
sumisipot sa aming klase, sinamantala ng ilan kong kamag-aral upang mag-ensayo
ng play sapagkat bukas na ang performance nun.
Naging matahimik lamang ang buong klase ng dumating si Sir Harren at
nagtsek lamang kami ng long test. Habang wala pa si Sir Martin ay
nagrepaso muna ako. Ilang saglit pa'y dumating na si Sir Martin at
nagsimula na ang long test, iba talaga kapag nag-aral ka, sisiw
lang sayo ang long test pero talamak pa rin sa aming seksyon
ang pangongopya. Ilang saglit pa'y natapos ko rin ang long test ng
walang kahirap-hirap.
3f-t. Bago kami umuwi ay
may inanunsyo sa amin si Stephanie tungkol sa playat
dadalhin ng mga propsmen mamaya para sa paggawa ng props.
Ako ang nagresintang magdala ng poster color kaya matapos
kumain ng tangahalian ay dumeretso ako sa bahay nila Stephanie kung
saan ginaganap ang praktis para sa play bukas. Sina Perfecto ang
tagapinta ng iginuhit na puno na gagamitin sa background stage samantalang
abala naman sa paggawa ng Sash ang mga babae kong kamag-aral.
Naging abala halos lahat sa amin sa paghahanda para sa nalalapit na play.
3f-u. Nang wala na akong
halos ginagawa at dahil medyo boring silang kasama, naisipan kong
magtungo sa bahay nila Noemi subalit wala siya ng datnan ko.
Kahit malayo-layong lakaran at tibay ng paa ang kailangan ay nagtungo ako
sa Payatas kung saan nakatira sila Jenny Mae at Jessa.
Si Jenny mae lamang ang nakakwentuhan ko sapagkat
himbing sa pagtulog si Jessa. Maya-maya'y umalis
na ako sa kanila at umuwi na pero bago magtungo sa sariling bahay, naisipan ko
pang magkumpyuter. Madili-dilim na ng makauwi ako at sa nilayo-layo ng aking
nilakad ay nakaramdam ako ng matinding pagod kaya di ko na tinapos pang
panoorin ang paboritong teleserye at kaagad ng natulog.
14 | 07 Eksaktong isang linggo na lamang ang nalalabi bago sumapit ang Pasko
December
19, 2013
Thursday
Year I-353
Thursday
Year I-353
3f-v. Hindi gasinong
kalamigan ang lagay ng panahon sa umaga kaya naman walang pumipigil sa akin
upang dumalo sa Simbang Gabi. Ikatlo pa lamang ng umaga kaya
nag-almusal muna ako. Pagdating sa simbahan, iilan pa lang ang nandoon at
marami pang bakanteng upuan kaya malaya akong nakaupo. Ilang saglit pang
lumipas ay dumami na ang nagsipagdalo at nagsimula na ang Misa. Sarap pakinggan
ang himig koro na umaawit ng awiting pampasko, parang nasa paraiso kang puro
kapayapaan at walang kaguluhan, sana'y ganito sa ating mundo. Yung tipong
payapa at walang karahasang nagaganap. Ang ganda rin ng homily at
ang tema ay tungkol sa buhay na natin. Tama si Father, life
is gold at kailangan habang nabubuhay tayo'y gawin na natin kung ano ang
dapat nating gawin sapagkat ang buhay ay ipinahiram lang sa atin ng panginoon
at huwag natin iyon aksayahin sa walang kabuluhan. Binigyan niya tayo ng buhay
upang ipadama sa atin na may Diyos na handang nakaantabay sa atin sa tuwing may
suliranin at ipalasap sa atin ang pinakamasaya at malungkot.
3f-w. Binigyan tayo ng
Panginoon ng buhay upang makaranas ng iba't ibang adventure, matutuhan
natin ang bagay-bagay na mayroon sa daigdig at ipagawa sa atin ang kanyang
misyon. May purpose ang panginoon kung bakit niya tayo
binigyan ng pagkakataong mabuhay at may dahilan naman siya kung bakit niya ito
binabawi. Maliwa-liwanag na nung natapos ang Simbang Gabi at
si Queenie lamang ang kasabay ko sa pag-uwi. Hindi na ako
pumasok pa sa eskwelahan pagkat batid kong wala namang importanteng gagawin at
saka'y inaantok pa ako. Malapit ng sumapit ang ikasiyam ng umaga ng ako'y
gumising, kapansing-pansin nanggigitata na sa alikabok ang makinis na sahig
kaya iyon ang pinag-ukulan ko ng oras habang walang ginagawa. Mula sa harapan
hanggang sa likuran kung linisin ko ang bahay upang walang masabi si ina at
matuwa naman siya. Matapos ang gawaing bahay ay pansamantala akong naupo at
nagbasa. Nang mangawit ang likod, naisipan kong magkumpyuter pero di sa labas
kundi sa sarili naming computer.
3f-x. May diperensiya
ang monitor subalit ayos pa naman ang CPU, kaya
magagamit pa naman ang kumpyuter. Malabo ang monitor sa unang
bukas pero kapag tumagal ay asahang lilinaw ito at mapapakinabangan muli.
Makapit na ang songwriter competition para sa Himig Handog
2014 at dahil may mga kanta na akong nalikha na noong summer vacation,
balak kong sumali sa songwriter competition, malay natin at palarin
manalo ang nilikha kong kanta at kung nagkataong mangyari iyon, gaganda ang
buhay namin subalit may isang salitang binigkas ang ate na nagpahina sa loob ko
at pumigil sa aking balakin. Sinabi niyang kailangan ay marunong akong
maggitara kung composer ka ng kanta, kaso di ako marunong
maggitara kaya nanghina pa lalo ang loob ko.
3f-y. Hindi naging
mabigat sa aking dibdib ang sinabi ng ate pero yung sabihin niyang mayabang
ako, iyan ang di ko matanggap kaya nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan at nauwi
muli sa mainit na sagutan. Inaamin kong di ako magaling sa Gitara pero magaling
sa Piano, anu naman sa kanya iyon at totoo naman ang sinambit ko. Humupa lamang
ang aming hidwaan ng di na ako umiimik. Hindi naman masama kung mangarap ka.
Kinahapunan, habang abala ako sa paglalaro ng Tablet ay may
bigla akong narinig na ingay mula sa labas, mayroon palang parada ng mga christmas
lantern at puro yari sa recycle materials ang mga
iyon at napakalikhain ng mga gumawa.
3f-z. Sumidhi ang kaba
sa dibdib ng tanungin ko at sabihin ng bata na taga-JOLIA school sila
at si Pastora Anna ang kanilang Principal, anu
kayang sasabihin ni Pastora sa akin ngayon na di ko tinupad ang pangakong
dumalo saSunday mass, nakakahiya. Hindi ko pa naman namataan sila Pastora Anna
kaya nakiusyoso muna ako sa mga naggagandahang parol na napipintong ibida
sa madlang people. Sabay pasok sa loob ng bahay ng tiyempong makita
sila Thalia at sa takot na makita rin ni Pastora Anna,
naisipan kong manatili muna sa bahay ng aking kaanak hangga't di pa sila
umaalis, Katoliko na kasi ako kaya umiiyas na ako sa mga
Kristiyanong gaya nila. Sa bahay nila Tita Jean ako
tumuloy at inabot na ng gabi sa kanila. Pagbalik sa bahay, bumalik sa dating
tahimik ang aming kapaligiran at wala na yung mga naggagandahang parol na
nakaparada. May nangangaroling nanaman pero puro mga tskiting naman kaya puro
kami patawad, may ibibigay naman kami kung mayroon.
13 | 06 Anim na araw na lang bago sumapit ang Pasko, malapit na.
December
20, 2013
Friday
Year I-354
Friday
Year I-354
3g-a. Awiting Pasko na
maririnig mula sa Simbahan ang gumising sa akin kaya naman napaaga muli ng
gising. Pagkagising at dahil wala akong nadatnang nakahaing pang-almusal, kahit
di marunong ay nagluto ako at piniritong itlog ang naging agahan ko na
sasamahan pa ng mainit na kape. Habang mag-isang naglalakad patungong simbahan
ay saktong nakasalubong ko si Cristy na bihis na bihis.
Magsisimba rin pala sila ni Regine (Cebrero) at sinamahan ko
pa siya patungo kay Regine. Kasing bagal ni Regine ang
pagong kung kumilos kaya di ko na sila hinintay pa. Pagdating sa Simbahan, wala
muling maupuan kaya nagtiyaga na lamang ako sa pagtayo habang nakikinig ng mahalagang
aral ni father. Saka pa lang dumating sina Regine kung
kailan kalagitnaan na ng misa.
3g-b. Dami ring mga
kabataan ang nagsisimba pero mas pinili pang magsimba sa Saint Peter,
ang layo-layo pa naman nun sa amin. Nagsisimba nga ang iilang kabataan, ang
kasuotan naman ay di kaaya-ayang pagmasdan at nakakabastos pa. Buti pa si Cristy,
kahit daming burloloy na kumikinam sa katawan, dami rin pala niyang alam
tungkol sa bibliya at ako pa ang pinangaralan. Sa mga tinuran niya sa
akin, lahat raw ng aking pagkakasala'y kailangang ikumpisal kay father upang
maging ganap kang tao at malayo sa demonyo. Dahil
inaantok pa ang lagay, pansamantala akong umidlip at tirik na ang
bukangliwayway ng ako'y dumilat. Wala nanamang gasinong magawa kaya
nagkumpyuter muli ako sa bahay.
3g-c. Parang nangangati
ang lalamunan ko at nagbabadyang sumama ang pakiramdam pero binalewala ko iyon
basta't idaan lang sa pag-inom ng maraming tubig at pahinga. Maya-maya’y inubo
na ko ng sunod-sunod, sa takot na lumala'y idinaan ko sa pag-inom ng tubig at
natulog pagsapit ng hapon. Kahit nagbabanta ang sama ng pakiramdam ay nagtungo
pa rin ako sa labas upang magkumpyuter muli. Habang nagtatayp ay nataong
namatay pa ang kumpyuter. Inakala kong may nagalaw lang ako kaya namatay pero
nagkakamali sapagkat brownout na pala, sa halip na dalawang
oras ay halos isang oras lang ako sa computer shop. Ayaw ko pang
umuwi kaya nagtungo muna ako sa bahay nila Tita Jean. Ginawa
na naming pagkakataon ang brownout
upang magtakutan sa isa't-isa, si Amihan, muntikan ng umiyak dahil
sa takot. Ang saya tuloy ng gabi ko dahil sa kanila.
3g-d. Maya-maya'y bigla
na lamang bumuhos ang ulan kaya napatagal pa ako sa kanila. Nang masigurong
wala ng ni patak ng ulan ang bumabagsak, saka pa lamang ako nakauwi. Ang kapaligiran
na aking tinatahak na puno ng makukulay na Christmas lights at
kasiglahan ng mga taong naglalakad, kadiliman ang nanalaytay ngayon at
matahimik ang buong kapaligiran, ang lungkot tuloy at parang di Pasko. Pagdating sa bahay
ay katakot-takot na sermon ang inabot ko kay ina at nagawa pa akong insultuhin.
Nasagot ko siya ng bahagya at ng di na ako umimik, tumahimik naman ito. Habang
nakahiga sa duyan at pinagmamasdan ang kapaligirang balot sa kadiliman ay
biglang nagkaroon ng liwanag, sa wakas at may kuryente na rin kaya makakanood
pa ako ng Honesto. Medyo sumasama na ang pakiramdam ko kaya natulog
na agad.
12 | 05 Limang tulog na lang bago sumapit ang Pasko.
December
21, 2013
Saturday
Year I-355
Saturday
Year I-355
3g-e. Mukhang malabo ko
ng makumpleto ang Simbang Gabi sapagkat napakasama ng timpla
ko at ramdam ko ang pananakit ng aking lalamunan kaya sa halip na labanan ang
antok at bumangon, natulog muli ako. May punto si Cristy, kahit di
mo makumpleto ang siyam na Misa de gallo, matutupad pa
rin naman kung ano ang hiniling mo sapagkat ang Diyos ay mapagmahal.
Pagkagising ay kaagad akong suminghot ng Yee tin at
nagmumog ng maligamgam na tubig na may asin upang umalsa ang sipon. Sipon ang
dahilan kung bakit sumasakit ang lalamunan ko. Sa sakit ng aking lalamunan ay
nahirapan ako sa paglunok ng kinakain at nagpasya na akong bumili ng Strepsils pampawala
ng sakit ng lalamunan. Bahagyang naibsan ang pamamaga ng lalamunan subalit
makalipas ang ilang saglit ay nadama ko muli ang sakit, mas masakit pa kaysa
kanina.
3g-f. Magpapasko na pero
mukhang magkakasakit naman ako. Idinaan ko na lang sa paglalaro ng Tablet upang
makalimutan ang hapding aking kinikimkim sa lalamunan. Maya-maya’y
nakaramdam na ako ng panghihina at mukhang lalagnatin pa kaya nahiga ako hanggang
sa makatulog. Gumising ako ng tanghalian na at sakit talaga ng lalamunan ko na
nagpahirap sa akin upang lumunok. Sa paglapit ng hapon ay doon na ako
nakaramdam na tila giniginaw at gusto kong ibalot ang buong katawan sa makapal
na kumot. Halos mamaluktot na ako sa ginaw na aking nadarama at di naman ako
makabangon sapagkat inaapoy na ng lagnat. Sobrang sama na talaga ng pakiramdam
ko ng oras na iyon at anung sakit kaya ang dumapo sa akin?
3g-g. Ang inakalang
simpleng sipon lamang, trangkaso na pala. Bukod sa nilalagnat, nakaramdam rin
ako ng pananakit ng ulo kaya maghapon akong nakahiga at balot sa kumot habang
nanginginig. Si Mama naman, wala
pa ring pagbabago at sa kabila na masama na ang aking pakiramdam ay nagawa pa
rin akong sermunan, pinapamukha niya sa akin na pabigat
ako, hindi lang naman ako ang may sakit maski si Papa na kahapon pa sinisipon
at namamaos na nga. Bumaba ang temperatura ko mga bandang magdidilim na at
mainit-init na Batchoy ang naging hapunan ko, kahit na ganun
sa akin si Mama'y naipaghahanda pa rin niya ako ng Batchoy.
3g-h. Siguro nga kaya
ako sinesermunan ng Mama ko sapagkat ayaw niya lang makakuha ako ng sakit at
mapahamak. Hindi ko naman ninais na magkasakit at sana sa pagsapit ng Pasko ay
gumaling na ko. Sa dami ng nakain kong Batchoy, nakaramdam ako ng
pagkabusog. Pagsapit ng Alas-otso, dumating naman si Papa galing Sandigan bitbit ang fried chicken. Pinagsalusaluhan
namin iyon magpapamilya at kahit umay na ay kumain pa rin ako. Maingay sa aming
lugar dahil may nagsasagawa ng Christmas party. Maya-maya’y
nakaramdam nanaman ako na tila nilalamig, nilalagnat nanaman pala kaya sa halip
na itutok pa ang mata sa panonood ng telebisyon, natulog na ako habang balot ng
makapal na kumot sapagkat nilalagnat muli.
11 | 04 Apat na araw na lang bago sumapit ang Pasko.
December
22, 2013
Sunday
Year I-356
Sunday
Year I-356
3g-i. Madaling-araw na
ng ako'y magising at sakit ng ulo ang agad kong naramdaman. Sa tindi ng sakit
ng ulo, hindi na ako makatulog pa at galaw pa ako ng galaw sapagkat nangangawit
din. Maya-maya'y nagsuka na ako, anu na kayang nangyayari sa akin, katapusan ko
na ba? Huwag naman sana. Kahit hirap sa pagtulog dahil masakit ang ulo, nahiga
pa rin ako hanggang sa makatulog. Hindi nanaman ako nakadalo sa Simbang
Gabi gawa ng masama ang pakiramdam ko. Maliwaliwanag na sa labas ng
ako'y dumilat, naibsan na ang sakit ng aking ulo at unti-unti ng bumubuti ang
pakiramdam. Kahit paganda na ang pakiramdam ko, hindi pa rin ako pakampante at
nagpahinga, baka kasi binatin ako. Salamat sa maylalang sapagkat binigyan niya
pa ko ng pagkakataon upang mabuhay sa Daigdig.
3g-j. Mainit-init muli
na Batchoy ang naging agahan ko at sa tindi ng anghang,
pinagpawisan ako ng husto at saka pa lamang umalsa ang uhog kong kasing lapot
ng Gelatin. Maigi na rin yung lumabas ang sipon ko kaysa naman
lagnatin muli. Nahiga lamang ako at nagkulwit ng hi-tech na gadget hanggang
sa sumapit ang tanghaling-tapat. Maingay muli sa aming baryo gawa ng mga batang
naglalaro, kahit mga gusgusan at mukhang pinababayaan ng kanilang magulang na
magbabad sa arawan, hindi naman sila tinatamaan ng anumang uri ng sakit at ang
sisigla pa nila habang naglalaro. Mga kabataan naman, masaya at malayang
gumagala kasama ang kani-kanilang barkada. Bagay na kinaiingitan sa panahong
matamlay ako at kahit naman gumaling ako, hindi ko naman magagawa ang ginagawa
nila sapagkat pabalik balik ang sakit ko.
3g-k. Nang magsawa
laging nakahiga, naupo naman ako at nanood ng telebisyon, relax-relax rin
kapag may time. Upang magkaroon ng sapat na bitamina, uminom ako
ng Kalamansi at maraming tubig ng sa ganon ay lumabas pa lalo
ang sipon. Sa hirap ng buhay, di na kailangan pa ng mamahaling gamot kundi
tubig at prutas lang ang katapat. Matapos mananghalian, natulog ako
saglit. Pagkagising ay nilibang ang sarili sa pagkukumpyuter. Kinagabihan,
balak ko sanang magsimba upang mabawi ang lumipas na Simbang Gabi na
di ko nadaluhan subalit sa takot na bumalik na dapuan muli ng sakit, hindi ko
na lang itinuloy.
3g-l. Naiintindihan
naman ako ni God kung bakit di ako makapagsimba. Malapit na rin
sumapit ang Pasko kaya naman kaliwa't kanan na ang christmas
party at christmas carols. Hindi pa talaga ako makatulog
kaya nagpatugtog muna ako ng awiting pampasko upang malibang. Habang nag-sa-soundtrip ay
may biglang akong narinig na sigawan sa labas, may nag-aaway pala kaya
nakiusyoso pa ako. Ano ba ito, magpapasko na nga, tapos may nag-aaway pa. Nang
matapos ang kaguluhan sa labas ay saka pa lamang ako pumasok at ipinagpatuloy
ang pag-sa-soundtrip. Dahil magsisimba pa ako bukas, kaagad na akong
natulog.
10 | 03 Isa, dalawa, tatlong araw na lamang ang nalalabi bago sumapit ang Pasko.
December
23, 2013
Monday
Year I-357
Monday
Year I-357
3g-m. Hindi nanaman ako
nakadalo sa Misa de gallo sapagkat tinanghali na
ng gising, nakakaasar pero di bale at susubukan ko na lang kumpletuhin ang Simbang
Gabi sa susunod na taon, ang mahalaga'y nakapagsimba ako at nakarinig
ng salita ng Diyos. Kahit kagagaling lang sa sakit, parang ang sigla sigla ng
araw ko at parang gusto kong gawin ang lahat ng gusto ko tulad ng paglalaba at
paglilinis sa loob ng bahay subalit pinigilan ako ni Mama. Magaling na nga ako
subalit di ako pakampante at naupo na lang. Kakabato kapag nakaupo ka lang kaya
naisipan kong magkumpyuter. Nang magsawang maglaro sa computer at
makaramdam ng bahagyang gutom, pinatay ko na at nakisabay na sa kasamahan kong
nananghalian na. Matapos kumain, paglalaro ng Tabletang sunod kong
inatupag.
3g-n.
Habang abala sa paglalaro ng Tablet ay saktong dumating si
Papa bitbit ang pinamiling DVD player at
malaking sound system, kahit di pa nao-organize ang songbook,
ang ate'y kating kati na sa pagbirit. Dahil wala naman akong gaanong ginagawa,
binigyan ako ng Ate ng pagkakaabalahan at iyon ay ang paglalagay ng pahina
ng song book sa clear book. Sa dami ng
pahinang dapat ilagay, inabot ako ng isang oras at kalahati. May balak
sanang kumanta sa bago namin karaoke subalit inaantok na ng lagay at mas
piniling matulog. Patuloy pa rin sa pagtulo ang malakondesada kong uhog kahit
na dalawang araw na akong magaling at sa takot na baka bumalik ang sakit,
nanatili lamang ako sa bahay at nagpaduyanduyan.
3g-o. Pagsapit ng gabi
ay ang pagsisimula muli ng pangangaroling. Medyo inaatake muli ng pagkabato kaya
naisipan ko muling pagdiskitahan ang Tablet, mahina ang dating
ng signal sa loob kaya sa labas ako nag-internet gamit
ang mahiwaga't hi-tech na gadyet. Ang
bahay na saksakan ng tahimik, naging maingay muli ng pinapadama sayo ang tunay
na kahulugan ng Pasko, hindi namin magawang ipagkait ang natatagong Aguinaldo at
gusto pa namin umawit muli sila bukas, kaso si Mama'y kakuripot kung magbigay,
atlis nagbigay. Bago umalis ang Papa patungo sa kanyang trabaho'y tiyempo kong
nakitang binabalasa ang de papel na pera, may tiglilimang daan at may isang
libo pa nga.
3g-p. Pabiro kong inumit
ang limang daang piso at di ko akalain na di ako sisitahin ng Papa at di na
binawi pa, pamasko na raw niya iyon sa akin. Labis akong nagpasalamat kay Papa
sapagkat binigyan niya ko ng limang daan, ang saya-saya. Mabibili ko na kung
anong ibig kong bilhin. Si mama naman ay mukhang sumasama ang loob ng
bigyan ako ni Papa ng pera at parang kontrabida siya sa akin. Pamaya’t maya ang
mga nangangaroling at kahit ang Pasko'y para sa mga bata, puro na kami patawad.
Balik na lang sila bukas ng gabi. Ang saya ng pasko ko dahil nabigyan ng pera.
09 | 02 Isa, dalawang araw na lamang bago sumapit ang Pasko at siyam na araw naman bago ang 2014.
December
24, 2013
Tuesday
(Christmas Eve)
Year I-358
Tuesday
(Christmas Eve)
Year I-358
3g-q. Huling Misa
de Gallo na at Bisperas ng Pasko. Hindi nanaman ako nakadalo sa Simbang
gabi sapagkat tinanghali muli ng gising, ang sarap kasi ng tulog ko,
kasing sarap ng Hamon at Queso de bola na
aming handa mamaya sa Noche buena. Marami na sa ating
mga Pinoy ang abala na sa paghahanda ng putahe para sa munting
salo-salo ng Noche buena. Kitang-kita ko na sa mga
kapitbahay kung gaano na sila kaabala at yung iba pa nga'y namimili na ng
panregalo sa kanilang inaanak bukas. Hindi na nga mapipigilan ang Pasko dito
sa Pilipinas at hindi kumpleto ang Pasko natin kung hindi
sama-sama at buklod-buklod. Ang perang pinamaskuhan mula kay Papa, naisipan
kong ipangbili ng school supplies ng sa ganon, sa pagbubukas
ng klase'y bago lahat ng aking mga kwaderno, lapis at iba pang kagamitang
pang-eskwela, malapit ng magbagong taon kaya dapat ng magbago at iwanan na ang
lumang kinagawian at kaharapin ang pagbabagong magbibigay ng pag-asa sa iyong
buhay.
3g-r. Habang namimili
ako sa tindahan nina Aling Nenita'y saktong nakita ko sina Regine (Cebrero) na
pauwi na rin. Sasabay sana ako sa kanila, pero ng tawagin ni Auntie Andrea at
kausapin, hindi man lang sila Marunong maghintay. Buti na lang at may nasakyan
akong tricycle kaya laking taka nila kung paano ko sila
naunahan. Sumunod ay nagtungo ako sa bahay nina Regine (Miano),
pagkapasok pa lang ay mainit na nila akong binati at siyempre, binati ko rin sila.
Abalang-abala rin sila sa paghahanda ng putahe sapagkat may binyagang magaganap
bukas. Nandoon rin sila Annie at Gelyn maging
ang mga batang apo ni Aling Gina kaya naging maingay at magulo
sa kanilang bahay pero masaya, di tulad sa bahay namin, tahimik nga pero boring naman.
Nanatili ako sa kanilang bahay hanggang sa sumapit ang tanghaling-tapat.
3g-s. Pagbalik sa bahay,
hindi pa man sumasapit ang gabi'y malakas na ang tugtog ng aming kapitbahay at
tila napakaaga naman nilang magsaya, hindi tuloy ako makatulog dahil sa lakas
ng tugtog na puro Budot Dance lang ang trip
pakinggan. May isa namang kapitbahay, awiting pampasko ang tugtog kaya doon
ko itinuon ang pandinig at kaaya-aya pang pakinggan. Mga Alas-tres na ako
nagising at hindi na nagmeryenda, baka kasi maempatso ako kapag Noche buena.
Si Mama at Papa, kanina pa abala sa pagluluto ng handa samantalang nagbabalot
naman ng regalo ang aking ate para sa kanyang inaanak. Maya-maya, sa di
inaasahan ay biglang dumating ang aming bisita. Nandiyan sila Tita
Arlene, Ate Anne kasama ang sanggol pa niyang anak at
si Tita Yetet. Si Ate Anne lamang ang namasko kina
Mama, ang laki rin ng napamaskuhan niya na umabot sa kulang-kulang isang libo.
3g-t. Ang bahay na
walang kabuhay-buhay tuwing Pasko, sumaya dahil sa aming mga bisita. Ilang
saglit pa'y nagsikainan na sila ng handang pinaghirapan ng aking mama, medyo
nakakaramdam na rin ako ng gutom kaya sumabay na ako sa kanilang kumain.
Madilim-dilim na ng umalis sila at sa pagsapit ng dilim ang kaliwa't kanang
selebrasyon ng magkakapit-bahay upang salubungin ang Pasko. Mga batang
nangangaroling ngayon at bawal na ang magsabi ng patawad dahil Pasko. Nang
magbigay naman kami ng Aguinaldo, mukhang bwisit na bwisit kami
ngayong magpapasko di dahil gusto naming magkait kundi abusado kasi yung ilang
mga bata. Mangangaroling ang
isang grupo tapos may kasabay pa at susunod muli ang ibang kagrupo, maya-maya
pa ang di namin namamalayan ang grupong nangaroling ngayon, nangaroling na pala
sa amin kanina, porket kasi di namumukhaan ay sinamantala na nila kami, parang
katamad tuloy magbigay ng Aguinaldo at di dapat bigyan ang mga
batang abusado.
3g-u. Sa ingay ng tugtog
ng aming kapit-bahay, hindi ko na napanood ang paboritong drama na
sinusubaybayan gabi-gabi. Mga Alas-otso ng gabi ng magbihis ako sapagkat ako'y
magsisimba, bago magtungo sa Simbahan ay nagtungo muna ako sa bahay nila Ellen
Joyce upang ayain siya sa pagsisimba. Hinintay ko pa si Ellen
Joyce na matapos kumain. Maya-maya'y bigla na lamang akong
pinangaralan ng nanay niya at sinabing hangga't nabubuhay ang kapwa natin,
matuto natin iparamdam kung gaano siya kahalaga at dapit natin siya minamahal
dahil kung nagkataong kunin ng Diyos ang buhay niya, hindi na natin masasabi
kung anong gustong sabihin sa kanya at baka pagsisihan pa nga natin iyon, may
punto naman yung nanay ni Ellen Joyce.
3g-v. Habang nag-uusap
kami ng nanay niya ay bigla na lamang dumating sila Regine (Cebrero) at
nangaroling sa bahay nila. Sa hirap ng buhay nina Ellen Joyce,
limang piso lang ang naibigay niya at tsusi pa sina Regine, atlis
nga at nagbigay yung nanay ni Ellen Joyce. Natapos na
rin si Ellen Joyce sa pagkain at sa wakas ay may
kasabay na ako sa pagsisimba. Di lang si Ellen Joyce ang
kasama ko, sumama rin sila Charmlie at iba pa nilang kaibigan
kaya Merrier na ang aming Christmas, the more
the merrier kasi.
Yayayain sana namin sila Poypoy at Rachel
(Cebrero) upang magsimba pero hindi sila pumayag.
3g-w. Mga patak-patak
ikasiyam na ng gabi ng magsimula ang Misa at nagtagal ang misa hanggang sa
umapit ang ikalabing-isa ng gabi. Delikado na sa daan sapagkat marami ng mga
pasaway na kabataan ang nagpapaputok at hinahagis kung saan-saan kaya todo ang
pag-iingat namin. Pagdating sa bahay ay saktong nakita ko sina Melanie na
nagkakasiyahan, kahit di ko kabarkada ang ilan niyang kaibigan at dahil Pasko
naman ay sumali ako sa kasiyahan nila. Ako na lamang ang gising sa aming
magkakapamilya sapagkat tulog na silang lahat, ganyan sila tuwing magpapasko,
tinutulugan at marahil ay ako lang ang sumasalubong ng Pasko taon-taon. Iyan
ang Dahilan kung bakit hindi kami nagdaraos ng Noche Buena taon-taon.
08 | 01 Isang oras na lamang at Pasko na.
December
25, 2013
Wednesday
(Christmas day)
Year I-359
Wednesday
(Christmas day)
Year I-359
3g-x. Himbing na sa
pagtulog ang lahat sa kasamahan ko sa bahay maliban sa akin na nanatiling dilat
ang mata habang sinasalubong ang Pasko. Halos lahat sa kapitbahay amin ay
nagkakasiyahan na, mga matatandang sumasayaw ng Cha-cha at Tango samantalang
pagpapaputok ng Piccolo ang pinagkakatuwaan ng mga kabataan.
Maya-maya pa'y biglang nagliwanag ang kalangitan dahil sa makulay at maningnin
na Fireworks display, hudyat ng pagsalubong sa
Pasko. Noche buena na pero di uso para sa pamilya
namin ang okasyong iyon at tinutulugan na lang. Matapos manood ng Fireworks
display at dala na mugto na ang mata sa antok ay natulog na ko. Dakong
ikapito ng umaga na ako nagising, araw ng Pasko ngayon at gunugunita rin natin
ang araw ng kapanganakan ni Hesus kaya marami sa atin ang
masaya sapagkat ito ang pinakaespesyal na araw at araw rin ng pagsasaya,
pagbibigayan at pagmamahalan, minsan lang naman sa isang taon ang Pasko.
3g-y. Mga handang pang-Noche
Buena ang naging
almusal ko, Fruit salad, Piniritong Hamon at Graham cake,
iyan lamang ang handa namin ngayong Pasko at kahit kakaunti lamang at di
magarbo, ang mahalaga'y buo kaming magpapamilya at sama-samang naipagdidiwang
ang Pasko. Sabi ng iilan ang Pasko ay para sa mga bata pero sa aking pakiwari,
para sa lahat ang Pasko pagkat ito ang araw ng pagbibigayan, pagmamahalan sa
isa't isa at sa araw rin ito natin nakakalimutan ang atraso ng ating kapwa at
nagagawa pa nga natin sila patawarin, kahit gaano pa kabigat. Sana'y araw-araw
ang Pasko para laging ganito ang buhay. Sa dami ng aking nakain, nabusog ako ng
husto ngayong kapaskuhan.
3g-z. Maya-maya'y
nagsunod-sunuran ng dumating ang mga bata sa bahay upang humingi ng Aguinaldo,
nandiyan rin ang mga inaanak ng Ate at Mama ko na upang kunin ang inihandang
regalo. Naalala ko, ganun rin ako noong kasing gulang ko sila, mahilig rin
akong mamasko sa mga Ninong at Binang ko pero ngayong teenager na,
kuntento na akong idaos ang Pasko na may handa, basta sulit sa tiyan at
mabubusog ako ng husto. Ilang saglit pa'y hindi man lang kami nakapaghanda
sapagkat biglaan ang dating ng aming bisita. Marami rin akong pinsan at
pamangking mga bata ang namamasko at nagmistulang may birthday party sa
aming bahay sa dami ng bisita, lalo pang sumaya ang Pasko ko dahil sa kanila.
Kahit gurang na at di sila kasing gulang, Pasko naman kaya walang hiyang
nakipaglaro sa kanila, tulad ng Snake and the ladder at Dama.
3h-a. Marahil ay isa ang
Pasko ng taong ito ang pinakamasaya sa kasaysayan ng buhay ko kahit hindi
naging maganda ang pangyayari sa akin nitong mga nakalipas na panahon. Ako'y
nagpapasalamat sa maykapal sapagkat nakaya kong kaharapin at lampasan ang mga
pagsubok na dumating sa buhay.
Makalipas ang dalawang oras, gustuhin man namin sila manatili pa sa
bahay upang magkasiya't magkwentuhan pa subalit kinailangan na raw nilang
umuwi. Balik muli sa pagiging tahimik ang bahay. In fairness at
halos maubos ang handa namin dahil sa kanila. Sa lakas ng tugtog ng aming
kapitbahay na kagabi pa naririnig, hindi ako makatulog at idagdag pa ang mga
batang nagpapaputok, nakakagulat.
3h-b. Mga ikalawa ng
hapon na ako nagising at dumeretso sa bahay nina Regine (Miano). Ngayong
araw rin bininyagan ang anak ni Regine kaya may okasyong
nagaganap sa kanila at may kantahan rin. Balak ko sanang sumali sa karaokehan
pero pinangunahan nanaman ako ng hiya, nakipagkwentuhan na lang ako kay Regine at
doble ang bati ko sa kanya. Nandoon rin si Berna at iba pa
nilang mga kamag-anak. Si Annie at mga nakabata niyang
kapatid, Panay hingi sa akin ng Aguinaldo subalit wala naman
akong maibigay. Saglit kaming nanatili nila Annie sa labas.
Habang nakatambay, tiyempo namin nakikita ang mga batang nagpapaputok ng
ipinagbabawal na paputok.
3h-c. Wala kaming magawa
at kahit may peligrong hatid ang pagpapaputok sa parte ng katawan, iyon ang
pinagkatuwaan namin. Paputok dito at paputok doon at kasama rin namin ang mga
bata sa pagpapaputok. Sabay pulasan ng takbo sa oras na masindihan ang Piccolo at
parang ang aga naming salubungin ang Bagong taon. Tumigil lang kami sa
pagpapaputok ng maubusan ng Piccolo at Baby rocket, sa
pagsalubong muli sa Bagong taon. Mga Alas-singko na ng magpaalam na ako sa
kanila at habang papauwi'y saktong nakita ko si Jessa (Balon). Kaarawan
niya rin tuwing Pasko, doble ang pagbati ko sa kanya, nagkwentuhan muna kami at
ng mapagod ay saka pa lamang nagsiuwian. Kahit gabi na, marami pa ring mga bata
ang namamasko.
3h-d. Naubos na ang pera
namin sa kakapamigay ng pamasko kaya walang humpay patawad na kami da mga
sumunod, pinangbibili lang naman nila ng paputok. Maya-maya habang ako'y
nasa duyan, halos mabingi ako sa lakas ng mga paputok at kanit sawayin mo'y
patuloy pa rin sila, titigil lang ang mga teroristang bata kapag nadisgrasya
na. Marami pa rin ang mga pinoy ang namamasyal sa theme park tulad
ng Luneta at MOA, buti pa sila at ganon nila ipagdiwang
ng Pasko, may balak sana kaming manood ng Sine subalit kapos ang pera at ido-donate na
lamang sa mga nasalanta ng kalamidad. Matapos manood ng telebisyon ay kaagad na
akong natulog.
07 Merry Christmas at pitong araw na lang bago sumapit ang 2014.
December
26, 2013
Thursday
Year I-360
Thursday
Year I-360
3h-e. Celebrating the
Christmas and birth of Christ is over but the coming of New Year is soon. Sarap pang humiga
sa kamang kay lambot at komportable subalit kailangan ng bumangon sapagkat marami
pa akong gagawin. Ang tira-tirang handa namin nitong nagdaang Pasko ang naging
agahan ko, sa sarap ng Graham cake na medyo creamy and sweety,
labis akong naumay kaya hirap ng makakilos sa kabusugan. Saka lamang ako
kumilos para gampanan ang responsibilidad bilang Janitor ng
bahay ng matunawan. Matapos ang gawaing bahay ay panonood ng telebisyon ang
sunod kong inatupag. Nakakaalarma na ang sitwasyon ngayong papalapit naman ang
Bagong Taon sapagkat madami-dami na rin ang nasugatan dahil sa paputok at sana'y
huwag ng madagdagan pa.
3h-f. Sa ngayon ay
matumal pa rin ang bilihan ng firecrackers subalit asahang
dadagsa na ang mga mamimili sa susunod na araw. Ang panahon ay sadyang
napakatulin, kasing tulin ng kidlat kaya di namalayang papasok nanaman tayo sa
panibagong taon na puno ng pag-asa sa kabila ng kalamidad na kinaharap natin
nitong taon. Nakakatuwang isipin
na kahit puro pagsubok ang napagdaanan nating mga Pilipino, heto pa rin
tayo at patuloy na lumalaban kaya nakaalpas pa sa panahong ito at sa mga
darating pang mga taon dahil di tayo pinababayaan ng Panginoon. Sa oras ng
kagipitan, sa oras ng pagdurusa at kapighatian, laging nandiyaan ang panginoon
upang gabayan tayo tungo sa magandang kinabukasan. Sa kadahilanang ako'y nawili
sa panonood ng telebisyon, hindi ko namalayang tanghali na at kailangan ng
kumain. Marami pa akong kakaining bigas kaya di dapat magmalaki. Heto muli ang
antok at nagbabadyang sumanib sa katawang lupa ko kaya kahit ayaw matulog,
nakatulog pa rin. Ang ganda ng napaginipan ko at sana ganun rin ang buhay ko
katulad sa napaginipan ko, masaya, payapa at walang kaguluhang nagaganap,
walang nag-aaway at laging nagmamahalan, kaya hiling ko'y always Christmas
here.
3h-g. Kinagabihan naman,
dahil tapos na ang Christmas at sasalubungin naman ang New Year,
sa halip na piniping tansan ang pagkaabalan at tambol, Piccolong kasing
lakas ng Five star ang pinagdidiskitahan ng mga paslit, kaya
naman kami'y gulantang na gulantang sa bawat putok, titigil lang ang mga
teroristang bata kapag nadisgrasya na. Pagkatapos manood ng telebisyon,
sinimulan ko ng sagutan ang quiz booklet sa Physics.
Halos dumugo na ang utak ko sa kakabasa at kahahanap ng tamang sagot kaya kahit
tatlong oras ng nasa kusina at nagsasagot ay bigo ko pa rin natapos. Sumapit na
ang hating-gabi kaya kinailangan ko ng matulog.
06 Anim na araw na lang bago sumapit ang Bagong Taon.
December 27, 2013
Friday
Year I-361
3h-h Kahit inabot na ng
hating-gabi sa pagtulog, hindi pa man sumisikat ang haring araw ay gumising na
ako at bumangon. Sa aking pagbangon at dahil nanonood ng telebisyon sila Mama
at Papa'y iyon ang agahan ko. Maagang nagising ang Papa at abala na ito sa
pag-iimpake ng gamit sapagkat ngayong araw ang tulak ni Papa patungong Batangas upang
ipagdiwang nila ang unang anibersaryong pagkamatay ng butihin kong Lola
Trining na kung tawagin sa kanila'y Babang luksa.
Oo nga’t mag-iisang taon ng patay ang Lola at marahil ay Masaya na siya dahil
kapiling na niya si God. Walang maalmusal kaya inutusan ako ni
Papa na bumili ng pandesal. Pagkabili’y tila ako lang ang kumakain at marahil
ay di nila nagustuhan. Labis na akong nadismaya at palagi na lang may reklamo
sa binili ko.
3h-i. Maya-maya’y
nagpatugtog si Papa ng Disco Moonlight gamit ang bagong DVD Player.
Kahit 90's pa ang mga tugtugin, nag-enjoy pa rin ako at parang
may Disco party sa aming bahay. Si Mama naman, hataw na hataw
sa pagsayaw at kalang di pa siya nagkakaedad. natigil lamang ang disco ng
dumating ang Ate ko, pagod kasi iyon pagkat magdamag dilat ang mata sa
kakatrabaho kaya pinatay ko na upang makatulog siya ng maayos. Ipinagpatuloy ko
ang pagsagot sa quiz booklet sa Physics.
Grabe at halos sumakit ang ulo ko sa kakabasa at kakaintindi ng lecture,
iba pa rin kapag si Sir Martin ang nagturo sayo. Kahit paano'y
natapos ko rin naman at sunod na ginawa'y ang take home long test sa TLE. Sa unang bahagi ay mas maliit
pa sa sisiw ang katanungan pero ng huling bahagi, halos mangulangot ako sa
sobrang pangangamote sa sobrang hirap ng katanungan, iba na talaga ang hirap
kapag graduatee ka na, sagad sagaran hanggang sa kaibuturan ng
buto ang hirap.
3h-j. Kahit lumuwa na ang
mata sa kakabasa'y natapos ko rin naman ang long test. Maya-maya’y
dumating na ang paborito kong oras sa araw-araw at iyon ay tanghalian. Matapos
kumain ng tanghalian, tulog time na. Himala at Alas-tres pa
lang ay gising na ako. Matapos magmeryenda'y nagtungo ako sa computershop at
nanood ng pelikulang "Bekikang ang nanay ko". Puro
halong comedyang eksena sapagkat mga bakla ang gumaganap at dami
kong tawa, pero may aral rin maiiwan sa huling eksena at labis na napukaw ang
damdamin ko. Panoorin niyo na lang ang Bekikang ang nanay
ko, tiyak na maantig rin kayo. Sa sarap manood ng pelikula'y di ko
namalayang madilim na sa labas, kumakain na ng hapunan sila Mama pagdating sa
bahay, kalam na kalam na ang kalamnan kaya nakikain na rin ako.
3h-k. Matapos bumanat ng
dami, panonood ng telebisyon ang sunod kong inatupag. Hindi pa man sumasapit
ang pagsalubong sa Bagong taon, sing dami na ng buhangin ang nasugatan at
umabot na sa daan-daan. Sinabi rin kung anong zodiac sign ang
suswertihin sa pagpasok ng taon at iyon ay ang mga ipinanganak sa horse at pig subalit
di papalarin ang mga ipinanganak sa year of the Rat, ibig sabihin
ay mamalasin pala ako sa darating na taon subalit hindi ako naniniwala sa
mga Feng shui expert sapagkat nasa kamay natin ang kapalaran.
Walang ipinanganak na taong masuwerte o malas, kakagawan natin kung bakit
swerte at malas tayo. Ang mahalaga'y maging positibo pa rin tayo sa darating
na Year of the wood Horse.
05 Limang araw na lamang bago sumapit ang Bagong Taon.
December 28, 2013
Saturday
Year I-362
Saturday
Year I-362
3h-l. Madaling-araw ng
ako'y nagising at nakaramdam na tila nangangatog sa ginaw kaya ibinalot ko ang
buong katawan sa kumot. Iyon pala may konting sinat ako at dama ko rin ang
pananakit ng ngipin na siyang dahilan kung bakit di na ako makatulog. Nakatulog
naman ako at maliwaliwanag na ng magising, bumuti-buti na ang lagay ko at di na
nilalamig subalit ramdam ko talaga ang sakit ng ngipin kaya hirap ako sa
pagnguya ng agahan. Matapos mag-agahan ay saglit akong naupo. Maya-maya, habang
nagmumukmuk mag-isa'y bigla akong inutusan ni Mama na bumili ng Patatas. May
balak sanang angkinin ang sampung piso ngunit di siya pumayag at pinagsalitaan
pa ako. Ayos lang naman sa akin na hindi siya pumayag, tatanggapin ko pero kung
ano-ano pang lumalabas sa bibig kaya humaba ang bangayan naming dalawa. Di pa
nakuntento at nanumbat pa si Mama, para naman pinaghirapan niya ang limang daan
na ibinigay sa akin ng Papa kung makapagsalita ito at masama pa sa loob niya.
3h-m. Malapit ng
magbagong taon subalit mukhang di kami magkakaayos ni Mama. Hiyang-hiya naman
ako sa sarili ng sabihin niyang di raw ako magkakaroon ng kaibigan pagkat
uhugin daw ako, panapanahon itong sipon ko at di naman pang-habang buhay, akala
niya ay di rin siya sinisipon. Para wala ng masabi sa akin ang Mama, lahat ng
panyong pinaglagakan ko ng uhog at damit at short na aking
pagmamay-ari ay nilabhan ko. Sana lang sa pagsapit ng panibagong taon, magbago
ang ugali ni Mama. Kaagad rin akong natapos sa paglalaba at naging magandang
pagkakataon upang makapagpatuyo ng sinampay ang maaliwas na panahon. Masakit pa
rin ang ngipin ko kaya hirap pa rin sa pagnguya at di ma-enjoy ang
masarap na ulam. Matapos mananghalian, paglalaro ng Tablet ang
inatupag ko bilang pampalipas oras. Nang makaramdam ng antok, ako'y natulog na.
3h-n. Pagkagising ay tila
giniginaw nanaman ako at mukhang lalagnatin pa. Kaya ko pa naman
kumilos kaya ibinilad ko ang sarili sa arawan upang maibsan ang panlalamig
subalit wa-effect.
Humigop na ako ng mainit at maanghang na sabaw ng Batchoy subalit
di pa rin ako pinagpawisan. Marahil ay di balanse ang temperatura ng aking
katawan kaya ako nilalamig at kahit nagbabadyang lagnatin ay naligo pa rin ako
subalit maligamgam lamang. Pagsapit ng gabi, lalo pa akong giniginaw at parang
gusto ko laging mamaluktot, yun pala'y sinisinat nanaman ako at di ko alam kung
bakit ganito ang pakiramdam ko. Kahit masamang masama ang timpla dahil
nilalagnat, nagawa ko pa rin manood ng telebisyon at ang ganda ng istorya sa MMK,
kahit na di niya iniluwal ang bata, nagawa pa rin niya itong alagaan, mahalin
na parang tunay na anak at pinalaki pa niya ng maayos.
3h-o. Hanga din ako sa
ipinakita ng babae pati ang pamilya niya, masuwerte ang bata sapagkat kahit na
ipinamigay lamang siya at inabanduna sa bahay ampunan, may isang pamilya pa rin
na handang ipalasap sa kanya ang maayos na buhay. Hindi sukatan ng pagmamahal
ng isang ina at ama kung kadugo ba nila ito o hindi, ang mahalaga'y naipapakita
natin kung gaano natin siya kamahal, tanggap pa rin natin siya kahit ano pa
siya o sino pa siya at iyan ang tunay na diwa ng pagmamahalan. Bahagyang nawala
ang sinat ko kinalaunan kaya naging masarap pa rin ang tulog.
04 Apat na araw na lamang bago sumapit ang 2014.
December
29, 2013
Sunday
Year I-363
Sunday
Year I-363
3h-p. Mukhang hindi
kagandahan ang gising ko sa umagang ito sapagkat sinusumpong nanaman ako na
parang nilalagnat kaya balot muli ako sa makapal na kumot. Sinisipon pa ako ng
pagkalapot lapot na animoy unlimited na di maubos-ubos at dama ko
rin ang pagsakit ng ngipin, malapit ng magbagong-taon subalit mukhang
magkakasakit muli ako. Marahil ay maituturing kong Year of the most
sickness ang taong ito sapagkat naging sakitin ako sa loob ng taong
2013, mula sa pagkakaroon ng sipon, pag-atake ng hika, pananakit ng tiyan,
pagkakaroon ng galis at pagkabulok ng ngipin, lahat ng iyan ay naranasan ko
subalit heto pa rin ako at nanatiling buhay at may tiyansa pang abutin sa 2014
sapagkat laging nandiyan si God at di ako pababayaan. Kahit
suki ako ng mga sakit, heto ako at patuloy na lumalaban at di susuko kahit
anuman ang dumaan. Kahit na puro pasakit ang naranasan ko, dapat ko rin
ipagpasalamat ang taon na ito sapagkat may mga magaganda rin namang pangyayari
sa aking buhay na hindi ko malilimutan at nagpatatag sa akin.
3h-q. Sa sama ng
pakiramdam ko, Alas-otso na ako bumangon at kahit may dinaramdam akong sama,
lakas loob pa rin akong bumangon at nag-almusal. Hindi ako nagpahalata kila
Mama na may karamdaman at ipinapakitang ayos lamang sapagkat ayaw kong
masermunan ng sandamukal at isa pa'y ayaw kong mag-alala sila ngayong malapit
na ang Bagong Taon. Matapos mag-almusal, nahiga ako at ininda ang pananakit ng
ngipin. Pakikinig ng radyo lamang ang inatupag ko sa buong umaga at napakarami
kong natutuhan, kaso itong si Mama ay nag-alburoto nanaman at ako muli ang
napagbalingan, bagay na di ko lubos matanggap subalit di ko na ito sinagot pa
at tikom lang ang bibig.
3h-r. Sa dalas ba naman
na pagalitan ni Mama, marahil ay nasanay na ako at dapat ko na lang lawakan ang
pag-unawa sa kanya, ganyan talaga kapag nagkakaedad na, madalas may kulo. Sa
aking pakiwari, bakit ako lang ang pinag-iinitan niya, bakit yung ate ko ay
mukhang close sila at sa napapansin ko, hahanapan niya ako ng
butas at baho para lang mapagalitan, parang nanadya, ano bang problema sa akin
ni Mama? Lahat ng aking
haka-haka at hinalang nabubuo sa isipan, ipinagsawalang bahala na lamang at
sana'y mali ang hinala ko. Nang magsawang makinig sa radyo, panonood naman ng
telebisyon ang sunod kong inatupag.
3h-s. Kalunos-lunos na
may halong awa na ang nangyayari dito sa Pilipinas sapagkat
habang papalapit ang pagsalubong sa Bagong Taon, marami ng naitalang mga
naputukan at may mga kabahayan na rin ang napaulat na nasusunog. Sana ang
ganyang mga insidente'y mabawasan na para Happy ang New Year.
Ilang sandali pa'y tanghalian time na subalit dahil sa sakit
ng ngipin ko, kakarampot lamang ang nilamon ko at idinaan na lang sa pag-inom
ng gabaldeng tubig. Kawalang ganang kumain talaga kapag masakit ang ngipin.
Kinahapunan ng bahagyang bumuti ang pakiramdam ko subalit di pa rin ako
pakampante at nanatili sa loob ng bahay, upang di mabato'y nilibang ko na lang
ang sarili sa paglalaro ng Tablet.
3h-t. Kinagabihan nama'y
nahiga ako sa duyan at tamang relax relax lang.
Maya-maya’y halos atakihin ako sa puso ng makarinig ng malakas na pagputok sa
kalawakan. Ito namang alaga naming aso, nginig na sa sobrang takot. Sa takot na
tamaan ng ligaw na bala, di ako nagtagal at ilang saglit pa'y pumasok na ko sa
bahay at nanood ng telebisyon. Ang ganda ng palabas na Kimmy Dora: Ang
temple sa kiyeme at ang dami kong halakhak sa kakulitan ng magkambal.
Mga Alas-onse na ako natulog sapagkat nanood pa ng Yearender News.
Kahit puro delubyo at matitindi ang mga pagsubok ang napagdaanan natin nitong
taon, umaasang punong-puno pa rin tayo ng pag-asa na gaganda ang buhay natin sa
pagpasok ng 2014.
03 Tatlong araw na lamang ang nalalabi at sasapit na ang 2014.
December
30, 2013
Monday
(Rizal Day)
Year I-364
Monday
(Rizal Day)
Year I-364
3h-u. Himala at mukhang
napakaaga kong nagising, mukhang masigla ang araw ko ngayon, marahil ay
magaling na ako at sana'y di na ako lagnatin pa. Ngayong araw rin ginugunita ng
mga Pilipino ang pagkamatay ng ating pambansang bayani na
si Doctor Jose Rizal, kaya naman nagdaraos
na ngceremony ang mamamayan sa iba't ibang panig ng bansa upang
sariwain kung paano paslangin si Rizal ng mga Kastila.
Hanga rin ako sa kabayanihang ipinakita ni Doctor Jose Rizal sapagkat
hindi siya gumamit ng dahas laban sa mga Kastila kundi idinaan
niya sa paggawa ng kwento tulad ng Noli metangere at El Filibusterismo upang
ipabatid sa ating mambabasa kung gaano pinahirapan ang mga Pilipino noong
namamahala ang Kastila. Pagkabangon, kaagad akong kumain ng
almusal, mukhang ganado akong kumain. Pagkatapos kumain ay nagwalis ako at
naghugas ng plato.
3h-v. Medyo tinamaan
nanaman ako ng pagkabato kapag walang ginagawa kaya naisipan kong mag-internet sa
labas. Matapos
magkumpyuter, nagtungo ako sa bahay nila Tita Jean at
doon ko nakilala ang isa pa naming kamag-anak na si Tita Juliet.
Ang daming kwento sa akin ni Tita Juliet tungkol
sa naging karanasan niya nung magtungo sa iba't ibang bansa. Napakaraming bansa
na pala ang napuntahan niya at naranasan na rin niya kung anong kulturang
mayroon doon. Sa kanyang mga ibinahagi sa akin sa mga karanasan sa iba't ibang
bansa, parang gusto ko rin mangibang bqnsa pero matagal pa marahil iyon. Sa
bait nila Tita Jean, sa kanila na ako nananghalian at
ang sarap ng ulam nila. Napapansin kong nawawala ang card reader at
naalalang naiwan sa computer shop kaya kaagad na
akong nagpaalam sa kanila at bumalik sa computer shop.
3h-w. Pagdating doon ay
nadatnan kong wala na ang card reader na nakasalpak sa CPU, sinabi sa akin ng mga
nagkukumpyuter na kinuha raw ng pinsan ko. Laking pasalamat ko at na kay Jaypee ang
napakahalagang Card Reader ko kaya kaagad na
nagtungo sa bahay niya. Pagkadating ay isinauli sa akin ni Jaypee ang Card reader. Nandoon din
si Tita Arlene at nagkwentuhan muna kami. Sa
dinamirami ng aming napag-usapan ay napatagal ako sa kanila. Sarap kasing
kakwentuhan si Tita, interesting at malakas ang impact sa
isipan. Sa kadahilanang matagal na akong wala sa bahay, kinailangan ko ng
magpaalam sa kanila. Pagdating sa bahay, sumapit na pala ang ikalawa ng hapon
at kaagad na naligo. Matapos maligo at ng masiguradong tuyo na ang aking buhok,
saka pa lamang ako nag-siyesta.
3h-x. Mga ikaapat na ng
magising at panonood muli ng telebisyon ang inatupag. Habang nanonood ng
telebisyon ay saktong dumating si Mama at may dalang panghanda para sa Medya Noche bukas.
Upang suwertihin sa pagpasok ng Bagong Taon, may handa rin kaming bilog na
prutas. Sa dami ng pinamili ni Mama, halos magkandaubos ang lakas ko sa
pagbuhat ng mga prutas at panghanda na nakasupot. Matapos manood ng telebisyon,
paglalaro ng Tablet ang sunod kong inatupag. Pagsapit ng gabi
at matapos maghapunan, pansamantala akong nag-relax sa duyan.
Habang masarap akong pa-sway-sway sa duyan ay saktong may nagsutsut
sa akin at pamilyar sa pandinig ko ang boses, si Tantan pala
iyon at nakipaglokohan pa siya sa akin kaya nakipaglokohan rin ako, lakas
talaga mang-trip sa akin ng Tantan na iyan
at feeling niya, ang pogi niya atcrush ko raw
siya, bagay na halos ikaubos na ng pasensiya ko at gusto ko ng tirisin ang
tigidig niya. Ilang saglit pa'y pumasok na ako sa bahay. Nilibang ko muna ang
sarili sa paglalaro ng Tablet upang antukin.
02 Isang tulog na lamang at 2014 na.
December 31, 2013
Tuesday
(New Year’s Eve)
Year I-365
Tuesday
(New Year’s Eve)
Year I-365
3h-y. Huling araw ng
taong 2013 at Bisperas ng Bagong Taon. Alas-Sais pa lamang ng umaga ng magising
ako at karamihan sa aming kapitbahay ay naghahanda na upang salubungin ang
Bagong Taon mamayang gabi. Napakabilis rin ng panahon at biruin, lumipas
nanaman ang isang taon na ligtas sa kabila ng mga trahedyang nagdaan. Ayaw ko pa
man magpaalam sa taong ito sapagkat makasaysayan at makabuluhan ang nangyari sa
buhay ko pero kailangan na at kaharapin ang papasok na panibagong taon na may
saya. Iwanan na ang mga di magagandang gawain sa nakaraang taon at mas
pagandahin pa ang buhay sa panibagong taon. Nakakaiyak kapag inalala mo ang
nangyari sayo sa loob ng isang taon sapagkat hindi mo akalaing kaya mo palang
lagpasan ang lahat ng iyon, sabi nga nila, tuloy ang buhay kahit anong
mangyari. Pagkabangon ay kaagad akong nag-almusal. Matapos mag-almusal at dahil
magbabagong taon na, nagwalis ako upang umalis ang malas.
3h-z. Maya-maya’y humingi
ako kay Mama pambili ng paputok subalit hindi ito pumayag. Ilang beses na akong
nakiusap sa kanyang bigyan ng pera pero nagmatigas pa rin. Kaya ang ginawa ko,
naghanap hanap ako ng barya at ng makumpleto ang halaga na aking hinihingi kay
Mama, kaagad akong nagtungo sa Palengke. Karamihan sa tininda sa palengke
ngayong Bisperas ng Bagong Taon ay mga bilog na prutas, kaliwa't kanan na rin
ang nagtitinda ng mga Polka dots at siyempre di mawawala ang
pampaingay gaya ng Paputok at Torotot. Sa kadahilanang may hatid na peligro
ang Piccolo at iba pang paputok na sumasabog, mga pampailaw
lang ang naisipang bilhin. Kahit may kamahalan ang Aerial Fountain,
binili ko pa rin maging Luces. Pagdating sa bahay ay palihim kong
itinago ang mga pampailaw upang masorpresa sila Mama mamayang hating-gabi sa
makulay at kahalihalinang Fountain. Ilang saglit pa ay nakaramdam
nanaman ako na tila nilalamig kaya ibinilad ang sarili sa arawan. Kahit na
ibilad ko ang sarili sa arawan ay di pa rin mawala ang pagkaginaw at mukhang
lalagnatin nanaman marahil ako. Si Mama at si Ate naman, kanina pa abala sa
pagluluto ng panghanda. Gusto ko sanang tumulong subalit sama ng pakiramdam ang
pumipigil sa balakin.
3i-a. Nahiga ako saglit
sa kama at labis talaga akong giniginaw, hindi ko alam kung anong sakit nanaman
ang dumapo sa akin at mukhang di masaya ang pagsalubong sa Bagong Taon mamaya. Mukhang lumulubha
na at maya-maya’y nagpasya na akong uminom ng Biogesic at
nagpahinga. Ng bahagyang bumaba ang lagnat ay nanood ako ng telebisyon. Lalo pa
raw nadagdagan ang bilang ng mga nasabugan ng paputok at mas mataas na raw
kumpara noong nakaraang taon. Bago pa man magsara ang taon na ito, kaawa-awa
ang sinapit ng isang pamilya ng mabagsakan ng malaking debris ng
pader ang kanilang kaanak doon sa Maynila, masaya sana ang
pagsalubong nila sa Bagong Taon pero mukhang mukhang mauuwi sa pagluluksa.
3i-b. Matapos manood ng
telebisyon, naglaro ako ng Tablet sabay natulog. Hindi ako
makatulog ng maayos sapagkat naging maalinsangan ang panahon. Saglit lamang ang
tulog ko at nagpahangin sa labas habang nagduduyan. Maya-maya’y saka pa lamang
ako naligo. Pagkaligo ay tila nilalamig muli ako, hindi ko maintindihan sa
sarili kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi pa man sumasapit ang dilim
ay nagsimula ng magpatugtog ng pagkalakas-lakas ang aming kapitbahay at dinig
ko na rin ang busina ng Torotot. Nang bahagyang bumuti ang pakiramdam, naisipan
kong bumisita sa bahay nila Regine (Miano). Si Gelyn, Regine at
iba pa nilang kaanak ang nadatnan kong nakatambay sa labas. Abala si Regine sa
pag-aalaga ng kanyang anak kaya si Gelyn ang nakakwentuhan ko.
Maya-maya’y pumasok na kami at nandoon rin pala si Annie, tsika-minute kaming
dalawa.
3i-c. Nakakakilig ang
aming pag-uusap sapagkat tungkol sa kanya-kanyang crush ang topic.
Abala rin sila sa paghiwa ng mga sangkap na gagamitin sa panghanda para
sa Media Noche, sa hiya ay tumulong ako. Maya-maya at habang
naghihiwa ng carrot ay biglang sumakit ang mata ko at napaluha
ng labis, iyon pala'y naghihiwa pala ng sibuyas si Kuya Jun.
Nndiyan muli si Tantan at panay ngiti at kindat pa sa akin,
parang sinusubukan niyang mahulog ako sa puso niya pero di ako makapapayag.
Dahil napaluha ako, biglang tumulo ang sipon ko at sa hiya, nagpaalam ako sa
kanila. Pauwi na sana ako ng makita ni Jaka at yayain. Hinatak
ba naman ako patungo sa kanilang bahay, dahil bata at sa tagal na di ako
nakakadalaw sa kanila kaya nagpahatak na ako.
3i-d. Si Ate Ging lang
ang nadatnan kong nasa bahay at wala si Cathy. Nagpasama siya sa akin
upang hanapin ang anak niya pero pagdaan sa bahay namin, naghiwalay na kami.
Pagkapasok, wala pala sila Mama at Kuya kaya hinanap ko sila. Nang tiyempong masumpungan,
sumabay na ako sa kanila sa pag-uwi. Sumapit na ang gabi kaya marami na ang
nagpapaputok sa daan.
Pagdating sa bahay ay saka pa lamang kami naghapunan. Sa lakas ng
patugtog ng aming kapitbahay at sa dami na rin ng mga nagtutorotot, di na namin
marinig ang aming pinapanood at tila wala ng katahimikan sa kapaligiran. Sa
gabing iyon ay naging napakaingay ang kapaligiran, isang beses lang
naman sa isang taon at lilipas rin iyan.
3i-e. Sa halip na
magpaputok, idinaan ko na lang sa paghipan ng torotot at palakasan kami
ni Amor sa Torotot. Kumpara noong nakaraang taon ay parang
kakaunti lamang ang nagpapaputok, kung sa bagay ay di pa naman sumasapit ang
hating-gabi. Maya-maya’y biglang may nangangampanyang Barangay Tanod at
pinaalalahanan ang mga residente na huwag ng magpaputok upang iwas disgrasya.
Pagpatak ng Alas-dyis, kahit delikado na sa labas ay lumabas pa rin ako upang
bumili ng Luces. Habang papauwi'y bigla kong nakasalubong si Annie at Michael.
Pagkalagay ng Luces sa bahay ay sumabay ako sa kanila
patungong Recrap. Niyaya sana ako nina Regine na
kumanta sa Karaoke subalit hiya ang pumigil sa akin, next time na
lamang kapag kumapal na ang mukha. Maya-maya pa'y bigla na lamang sumiklab ang
kalangitan dahil sa mailaw na fireworks display subalit
mangilan-ngilan pa lamang. Wala na kaming ginawa kundi magpaputok. Sumapit na
pala ang Alas-onse kaya nagsisimula na ang putukan at isang oras na lang bago
sumapit ang Twenty-Fourteen.